You are on page 1of 1

Michaela L.

Parro -Avila
Girlfriend
San Jose Bula, Camarines Sur
Aka “Dragon Girlfriend”

Dear Babe,
Humihingi ako ng paumanhin sa mga nabitawan kong salita kagabi. Dala na siguro ng
madaming ginawa sa paaralan, nagkapatong patong na yung pagod ko,at hindi makakain ng
maayos. Babe, Sorry sa nagawa ko. Sorry din sa nagawa ko kahapon na hindi pagreply agad
agad saiyo. Hindi ko alam o sadyang nakalimutan ko lang talaga na malaking bagay pala sayo
yun. Kahit anong paliwanag ko sayo, mali talaga ako Babe. Sana mapatawad muna ako sa
nagawa ko. Babe, hindi ako perpektong boyfriend mo, makakalimutin ako, antukin, at minsan
gusto mapag-isa. Babe kahit na may mga pagkukulang at pagkakamali ako sayo bilang boyfriend
mo, isa siguro sa itataas kong bangko ng upuan ko ay yung Loyal at Faithful ako sa taong mahal
na mahal ko at IKAW lang! yun Michaela L. Parro.
Hindi ko inaasahan kahapon na magkakaganun ako saiyo. Pakiramdam ko kasi Babe,
hindi mo man lang ako sinusupurtahan sa bawat may ganap ako sa paaralan. Ayoko magsumbat
saiyo babe pero sana mas nilalawakan mo pag-unawa m osa sitwasyon natin.Ayokong sabihin ito
sayo pero nagsisimula ng maging toxic Babe ang relasyon natin.Habang hindi pa ka-sobrang
toxic, bawasan o iwasan na natin ito dumating sa ganung sitwasyon. MAHAL NA MAHAL
KITA BABE -hindi lang yan sa pasalita at pasulat na paraan kundi yan ang aking nararamdaman
saiyo matagal na. Babe, suporta at pag-intindi sana hinihingi ko sayo. Hindi na epektibo saiyo
Babe yung pagiging tahimik ko kapag nagsisimula ka ng away o di kaya nagiisip ka ng ikaaaway
natin. Babe, seryoso ako sayo, sapat na ikaw saakin, Sana ganun ka din saakin.
Hindi muna kita kakausapin ngayong umaga babe, mamayang gabi nalang kita
kakausapin, Sana mabasa mo itong liham ko sayo, hindi dahil hindi kita kinausap ngayon hindi
na kita mahal kundi gusto ko lang manahimik para maiwasan kong makipagsagutan sayo.
Naririndi na kasi ako kagabi sayo Babe, alam ko naman ang punto mo na Hindi kita iniintindi sa
chat, kahit dalawang segundo ng oras di man Lang kita mareplyan, wala akong oras sayo
kahapon, iniignore kita. Alam ko na yun Babe, pero kagabi nakakarindi lang na gusto mo
ipagdikdikan sa sarili ko na maling mali ako. Oo alam ko yun Babe, maling mali ako. Sana
naisip mo, pagod boyfriend mo, busy siya sa trabaho niya, may sarili din siyang problema. Sana
inintindi mo naman ako sa sitwasyon ko. Babe, kung may dalaw ka, huwag mo naman gawin
yung daan para iklian mo pagintindi mo sa sitwasyon natin. Mahal na mahal kita kahit na
nakakarindi na minsan, mahal na mahal kita kahit na nakakapikon ka na, at higit sa lahat Mahal
na mahal kita Dragon kong Girlfriend. I Love You Babe.

Nagmamahal at patuloy na Mamahalin ka hanggang Dulo,


Noel B. Avila Jr.
Your Boyfriend

You might also like