You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
Sangay ng Camarines Sur
PUROK NG MAGARAO
Bell -San Francisco Elementary School

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Taong Panuruan 2021-2022
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
UNANG MARKAHAN PLACEMENT OF ITEMS (DOMEYN)
Bilang ng PAG -ALALA PAG -UNAWA PAGGAMIT PAGSURI PAGTAYA PAGLIKHA Bilang ng
% Item Placement
Mga Kasanayan (MELC's) Araw (Remembering) (Understanding) (Applying) (Analysing) (Evaluating) (Creating) Aytem
30% 20% 20% 10% 10% 10%
1. Napahahalagahan ang katotohanan sa
pamamagitan ng pag susuri sa mga;
a. balitang napakingan
6 3 1 1 1 1 1 15.00% 8 1-8
b. patalastas na nabasa/narinig
c. napanood na programa sa telebisyon
d. nabasa sa internet
2. Nakasusuri ng mabuti at dimabuting maidudulot sa
sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin,
napapakinggan at napapanood
a. dyaryo
b. magasin 7 3 2 1 1 1 1 17.50% 9 9-18
c. radyo
d. telebisyon
e. pelikula
f. Internet
3. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong
saloobin sapag aaral
a. pakikinig
b. pakikilahok sa pangkatang gawain
c. pakikipagtalakayan
7 3 2 1 1 1 1 17.50% 9 19-25
d. pagtatanong
e. paggawa ng proyekto (gamit ang anumang
technology tools)
f. paggawa ng takdang-aralin
g. pagtuturo sa iba
4. Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga
5 2 2 1 1 12.50% 6 26-31
proyektong pampaaralan
5. Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa
5 2 1 1 1 1 12.50% 6 32-37
pagtatapos ng gawain
6. Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling
opinyon/ideya at saloobin tungkol sa mga sitwasyong 5 1 2 1 1 1 12.50% 6 38-43
may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan.
7. Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit
sa kalooban gaya ng:
a. pagkuha ng pag-aari ng iba
5 3 12.50% 6 44-50
b. pangongopya sa oras ng pagsusulit
c. pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya,
at iba pa
40 14 10 9 6 5 3 100% 50

Inihanda ni:

NOEL B. AVILA JR.


Guro 1

Iwinasto ni:

DIANA D. ABIOG
Dalub Guro-II

Nabatid ni:

MA. ROWENA B. VILLEGAS


Punonggurong
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng Camarines Sur
PUROK NG MAGARAO
Bell -San Francisco Elementary School

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

PANGALAN: _____________________________________ ANTAS: _________ ISKOR: ____ _

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay ang kakayahang magsuri ng mga ideya at lumutas ng mga suliranan.
A. Mapanuring Pag-iisip C. Magandang Balita
B. Mapaghamong Balita D. Mapaghusgang Balita
2. Ito ay isang ulat ng positibong pangyayari tungkol sa ginagawa ng tao na inaakalang pananabikan o mabatid at
mapaglibangan ng mambabasa, nakikinig o nanonood.
A. Mapanuring Pag-iisip C. Magandang Balita
B. Mapaghamong Balita D. Mapaghusgang Balita
3. Ito naman ay tungkol sa mga pangyayaring may karahasan, droga, sekswal na hindi angkop sa mga batang nanonood
nakikinig.
A. Mapanuring Pag-iisip C. Magandang Balita
B. Mapaghamong Balita D. Mapaghusgang Balita
4. Ang pagiging mapanuri sa narinig o nababasa ay nagpapakita lamang ng ________________.
A. Mapanuring Pag-iisip C. Magandang Balita
B. Mapaghamong Balita D. Masusing Pag-iisip

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) sa patlang ang naglalarawan ng pagiging mapanuri at ekis ( ) sa hindi naging mapanuri.
________5. Naipapaliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol sa lindol.
________6. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o internet.
________7. Naiisa- isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
________8. Naisasagawa ko ng sunud-sunod ang pamantayan sa pagbabasa ng balita

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon. Isulat ang salitang Nakabubuti kung ang gawain ay nagpapakita ng magandang dulot
sa paggamit ng media at internet, Hindi Nakabubuti kung Ito ay walang kabutihang dulot. Isulat ito sa sagutang papel.
______________9. Nakapagsasaliksik sa Agham at teknolohiya para sa takdang aralin.
____________ 10. Napipili ang mga programa at pelikula na ang hatid ay kaalaman at aral sa buhay.
____________ 11. Nakapaglalaro sa kompyuter ng barilan at patayan ng mga zombies.
____________ 12. Nakukumpara ang tama at mali sa nabasang balita sa pahayagan.
____________ 13. Nakikipagchat gamit ang hindi mabuting mga salita.

Panuto: Suriin ang mga pangungusap, Isulat ang Tama kung ang gawain ay tumutugon sa mapanuring pag-iisip at may
kabutihang dulot at Mali kung hindi at walang kabutihang dulot. Isulat ito sa sagutang papel.
_____________14. Pinag-iisipang mabuti ni kyla ang kanyang gagawin bago magdesisyon.
_____________15. Si Mang Caloy ay laging nanonood sa telebisyon sa programang “Mag Agri Tayo” dahil
kinapupulutan ito ng aral tungkol sa pagtatanim.
_____________16. Nagkukuwento si Obet tungkol sa napanood kahit ito ay mali.
_____________17. Araw araw nagbabasa ng dyaryo si Lolo Jose dahil gusto niyang malaman ang nangyayari
sa kapuluan.
____________ 18. Laging nagsasaliksik ng pang edukasyong gawain sa Internet si Myla.

Panuto: Lagyan ng ✔ kung ang pahayag ay nagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral at (X) kung
hindi. Isulat ito sa sagutang papel.
_____________19. Sumasali sa pagbuo ng plano kung paano gagawin ang proyekto.
_____________20. Ginagawa ang takdang aralin kasabay ng paggawa ng proyekto.
_____________21. Di tinatapos ang gawain sa paaralan.
_____________22. Hinihikayat ang mga kapangkat na huwag gumawa ng mga pinagagawa ng guro.
_____________23. Hinihikayat ang mga kapangkat na magtulong-tulong mula sa umpisa hangang matapos.
_____________24. Inaalam ang bawat detalye ng gagawing proyekto.
_____________25. Laging hindi tinatapos ang dinaluhang pagpupulong sa paggawa ng itinakdang mga gawain ng guro.

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Lagyan ng  ang nagpapakita ng wastong gawaing pampaaralan at  kung hindi.
_________26. Ikaw ay nasa Top Ten ng klase. Gusto mong magtapat sa iyong guro na ang ulat na iyong
ibinigay sa kaniya ay kinopya mo lamang sa internet.
_________27. Ipinagtapat mo sa iyong mga magulang na pinatawag ka ng punung-guro dahil sa pandaraya sa
pagsusulit.
_________28. Sinabi mo sa inyong guro na ang kaklase mo ang nakabasag ng kanyang plorera gayong alam mo na
ikaw ang nakatabig nito sa mesa.
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng Camarines Sur
PUROK NG MAGARAO
Bell -San Francisco Elementary School
_________29. Sadyang itinulak ng matalik mong kaibigan ang isa ninyong kamag-aral kaya ito ay natumba sa
pasilyo.
_________30. Minabuti mo na lamang na makakuha ng mababang iskor sa pagsusulit kaysa mangopya sa katabi
sapagkat hindi ka nakapag-aral
_________31 . Kinuha mo ang proyekto na gawa ng kaklase mo at ipinagyabang mong gawa mo ito.

Panuto: Lagyan ng (✔) ang patlang kung ang sinasabi ng pangungusap ay nagsasaad ng gawain ng pakikiisa at (X) kung hindi.
________32. Nakikipagtulungan ako sa pagsasagawa sa layunin ng pangkat.
________33. Sinisiguro ng mga kasapi ng pangkat na maging mabuti ang simulain ng bawat Gawain
________34. Nagmumula lamang sa lider ng grupo ang desisyon.
________35. Kailangan alamin ng bawat kasapi ang layunin ng pangkat.
________36. Hindi pinapansin ang mungkahi ng isang kasapi ng samahan.
________37. Hindi pinahalagahan ang opinion ni Jose ng magpulong sila tungkol sa proyektong isasagawa.

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagapahiwatig ng katapatan at MALI kung hindi.
________38. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kinuha ang bolpen ng iyong kamag-aral kung kaya
sinabihan mo ito na isauli sa may-ari dahil mali ang kanyang ginawa.
________39. Pinilit mong sabihin ang katotohanan sa nangyari kahit alam mong may magagalit sa iyo.
________40. Natakot si Marlon na ipagbigay-alam sa magulang ang mababang markang nakuha niya sa pagsusulit
kaya hindi niya sinabi ang totoo.
________41. Hinanap ni Marion ang may ari ng napulot niyang payong.
________42. Naglalaro kayong magkakaklase nang mabasag mo ang isang paso. Agad mo itong sinabi sa guro at
humingi ng paumanhin sa nangyari.
________43. Nag- away ang dalawa mong kaklase, wala kang pinanigan at sinabi lamang ang katotohanan.

Panuto: Ipahayag ang katotohanan sa bawat sitwasyon. Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot
sa sagutang papel.
44. Nakita mong kinuha ng kapatid mo ang pera sa wallet ng tatay mo, ano ang gagawin mo?
A. Wag na lang pansinin C. Kumuha din
B. Isumbong sa magulang D. Wala sa nabanggit
45. Gusto mong tumaas ang iyong marka, ano ang nararapat mong gawin?
A. Mangupya sa katabi. C. Kausapin ang kaibigan na pakopyahin siya
B. Mag aral mabuti. lagi sa pagsusulit.
D. Gumawa ng kodigo
46. Kinain ng pusa ang paborito mong meryenda, dahil sa galit mo, pinalo mo ng malakas ang pusa at sa kasamaang palad
na pilayan ito, ano ang gagawin mo?
A. Sabihin sa magulang ang nangyari at mangangako na di na uulit sa kasalanang nagawa.
B. Tuluyang patayin ang pusa at itapon ito sa malayo
C. Magalit na sa lahat ng pusa dahil matatakaw silang lahat.
D. Wala sa nabanggit
47. Nagandahan ka sa bag ng iyong kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Purihin ang bag ng kaibigan at sabihing ingatan niya ito.
B. Apakan ito upang madumihan at mag mukhang pangit ang bag.
C. Pilitin ang magulang na ibili din ng magandang bag.
D. Nakawin ito sa iyong matalik na kaibigan
48. Natapon mo ang ulam na niluto ng iyong ina, ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa ina na natapon ito ng pusa at kinain ito.
B. Aaminin ang nangyari at mangangakong magiingat na sa susunod.
C. Magkukunwari na walang alam sa pangyayari.
D. Wala sa Nabanggit
49. Nagandahan ka sa laruan ng iyong kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Kunin ito pag di nakatingin ang kaibigan.
B. Hiramin ito sa kaibigan.
C. Pilitin ang magulang na ibili din ng laruan.
D. Sirain ang laruan ng kaibigan
50. Tinulak mo ang iyong nakakabatang kapatid, bigla itong umiyak kaya nagtanong ang iyong ina kung ano ang
nangyari, ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa ina na itinulak mo at hihingi ka ng paumanhin sa iyong kapatid.
B. Lalayo na lamang at di sasagutin ang ina.
C. Magkukunwari na walang alam sa pangyayari.
D. Magsinungaling at sabihin na siya ang unang nangtulak.
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng Camarines Sur
PUROK NG MAGARAO
Bell -San Francisco Elementary School

SUSI SA PAGWASTO

1. A 26. 
2. C 27. 
3. B 28. 
4. D 29. 
5. 30. 
6. 31. 
7. 32. 
8. 33. 
9. NAKABUBUTI 34. X
10. NAKABUBUTI 35. 
11. HINDI NAKABUBUTI 36. X
12. NAKABUBUTI 37. X
13. HINDI NAKABUBUTI 38. TAMA
14. TAMA 39. TAMA
15. TAMA 40. MALI
16. MALI 41. TAMA
17. TAMA 42. TAMA
18. TAMA 43. TAMA
19. ✔ 44. B
20. ✔ 45. B
21. X 46. A
22. X 47. A
48. B
23. ✔
49. B
24. ✔ 50. A
25. X

You might also like