You are on page 1of 3

Despedida de Soltera

Nina: Gregorio, Carl Malone at Javier, Jayvie.


*Sa isang reception ng Kasal*

Barbs: Asan na ba yun si Weng? Mga 30 minutes na di pa rin siya bumabalik. Kanina pa ako
walang kasama dito.
*kumuha ng telepono*

Barbs: Hello Weng asan ka ba? Diba sabi mo kukuha ka lang ng Juice? Ano? Bakit nandyan ka
na? Anong oras ka ba babalik dito? Hello, Hello? Bakit wala akong marinig? Lumabas ka
mahina signal mo?
*Binaba na ang selpon*

Barbs: Punyeta talaga tong si Weng. Bwiset nakakinis! Tangina? Teka lang, baka magtagal yon
kasama ng kaibigan niya.
*Akmang tatayo na ng makita ang kanyang ex-boyfriend*

Barbs: Putangina! kung kalian ka talaga minamalas oh, wala na ngang kasama mag isa dito
makakakita pa ng hayop sa reception. Tama ba nakikita ko? Ang ex-boyfriend ko ng si Mon?
Ang Matulungin, Control Freak at censor chef. Ok na sana siya noon kaya lang mula ulo
hanggang paa kailangan aprubado niya lahat ng susuotin ko. Hala ka, papalapit na siya. Ok, relax
relax.
*kumuha sumubo ng pagkain at kinuha ang phone na may akmang kakausapin*

Babs: Asan ka na ba ha? Kanina pa ako nag-aantay dito (biglang nag ring ang selpon) Shit
nakakahiya. Lupa kainin mo na ako.

Mon: Barbs? Ikaw ba yan? You look stunning. I mean ang ganda mo pa rin! Walang nagbago.
Ilang taon na ba mula ng huli tayong nagkita?
*kunyaring nag-iisip*
Mon: Hmm 5 o 10 years?
Barbs: Ha? Hehehe mga ganon nga? (may paga-alinlangan)
Mon: Ang tagal na ‘no? Anyways kamusta ka na? Nagtatahi ka pa ba ng gown katulad noon?
Barbs: Ahh oo
Mon: Kamusta ka na? Long time no see ah?
*Nakakita ng upuan sa harap ni Barbs*
Mon: Taken?
Barbs: Ha? Taken? Sino ako?
Mon: Ha? Hindi I mean the chair may nakaupo ba dito?
Barbs: Ah the chair hehhee oo may nakaupo dyan papunta na nga siya eh.
*Sabay turo sa kahit kanino*
Mon: Mukhang masaya naman siya dun eh. Tara usap muna tayo.
Barbs: Ha siya hindi siya masaya. Malungkot yan tignan mo.
*Sabay upo ni Mon*

Mon: Sorry I got it na. Hindi na siya ang nakaupo rito ako na. Kamusta na? Bakit ka pala
nandito sa reception?

Barbs: Nakikain lang HAHAHA Charot! Ako ang nagtahi ng gowns and entourage ni Mae at
June. Tapos nandito ako kasi 5 or 6 Months ago sila nagpagawa sa akin and nung isang araw
tumawag sakin si Mae may mga minimal na kailangang I fix sa mga entourage (pabulong na
sinabi) nagtatabaan daw kasi.

Mon: Ikaw talaga mapagbiro ka pa rin. You never failed to make me laugh. Pero anyways, small
world talaga ano? Nagkita pa tayo sa lugar na hindi natin ine expect.
Barbs: Oo nga eh. Coincidence. Ikaw? What do you do for a living?

Mon: Ahm ako? Nag-aral ako how to make steak and thank God after 5 years nakapagtayo na
ako ng restaurant that serves the best stake in town. Pero alam mo, sa ilang taon na iyon? A lot of
things have changed. Di pa nga tayo nag be break eh. Mas pinursue ko kasi ang career kesa sa
lovelife. Habang tayo pa, inaayos ko na ang papers ko papuntang Canada. Kinuha ako ng tito
para magtrabaho at para mag-aral ng culinary. Noong araw na sasabihin ko sa’yo I saw you sa
loob ng Restaurant na may kasamang iba. Akala ko niloloko o pinagpalit mo ako kasi that time
nagka-away pa tayo. Labis akong nasaktan noon tapos yung flight ko pa kinabukasan na kaya
wala na akong time makpagpaalam. Sabi ko ime message nalang kita sa social media kaya lang
nung ready na ako sabihin sayo ayun naka block na ako. Inantay ko ilang buwan baka kasi I
unblock mo na ako at kaya lang wala na eh. Our relationship just fade away. Hays.. ano ba ‘yan
wag na nga nating balikan to. Punta ka sa Restau ko sa may Tomas Morato ha.

Barbs:Siguro we’re not meant for each other kaya ayun ang nagkalayo tayo ng landas. Kalimutan
na nga natin yan. Basta libre ako sa restau mo ah.
Mon: Oo naman for you. Sayang naman yung past natin kung hindi natin ma ko continue.
Barbs: HAHAHA siraulo ka. Kalimutan na natin yun lets create a new memories nalang.
*Nagring ang selpon*
Barbs: Oh Weng bakit ano nangyari? Ano na aksidente kayo?
Mon: (Nagtataka) Oh ano nangyari? Diba nandito lang siya kanina?

Barbs: Si Weng yung assistant ko na aksidente raw nasa ospital siya. Sige na I have to go.
Actually hindi si Weng ‘yon. Mga ilang oras na rin siya wala dito. Yung Weng na tinuro ko
ibang tao. Yung totoong Weng nakipagkita sa kaibigan niya na malapit dito.
Mon: Okay sige ingat ka ha.
Barbs: Sige Salamat nice seeing you again. See you seen. Ito ng apala calling card ko.
Mon: Sige Salamat. Itext nalang kita.
*Sabay alis sa Venue*

You might also like