You are on page 1of 278

a CHEATER

VS
a MAN-HATER

PROLOGUE:

JOURNAL:
http://itscorr.journal.com (this is not true, obviously.)

Quote
Date posted: March 21, 2007
Title: Stick to one ako, kaso ikaw hindi. (Bato bato sa langit, Tamaan sapul.)

STICK TO ONE. Masarap makilala as stick to one, try niyo maging, one of the best
compliments ever!

#1
Kapag ikaw, may pagtingin ka pa sa ex mo,
wag ka munang magpaka-attach sa panibago. Automatic REBOUND ang bago mo!
Utang na loob! Alam mo yung 3-month rule? USO YUN! Sa 3 months na yun try
mong maging SINGLE.. Yung as in wala ka munang kiber sa kahit na sinong opposite
sex, may commitment man o wala basta putangina 3-month rule sabi eh!

Okay sabihin na nating wala ka nang pagtingin, pero gusto mo pang pagtripan,
papampam ka, tantanan mo na siya lalo na kung ikaw naman ang dahilan ng break up
ninyo. Tapos may bago ka na, o kaya may bago na siya, basta nagmmove on na ang isa.
Spell the word H-I-Y-A!

#2
BEST FRIEND. BES. BEST. BESZ. BEZ. BESH. PUTANGINA WHATEVER
YOU CALL IT.
There's no such thing as best friend. Oh walang kokontra, applicable lang naman to sa
mga taong alam na ngang may malisya sa kanilang sariling so-called best friend ayaw
pang aminin kahit mismo sa sarili nila. Apir tayo kung may kilala kang ganito ang
sitwasyon! Ganito kasi yan, si girl at si boy may sari-sarili silang jowa, pareho silang
committed kaya dinadaan nila sa BES !@#$ para hindi halata. Hainako ang dami kong
kilalang ganito! Kung alam niyo lang, yung mga jowa niyo maytinatagong selos sa
mga bes niyo! HAHAHAHA. Hindi sila tanga, nakakaramdam sila. DUH.

#3
SAMANTALAHIN ANG BAWAT PAGKAKATAON. GRAB EVERY
OPPORTUNITY.
Hay nako marami din akong alam na ganitong kwento ng buhay! Pareho silang
committed, kaya naman kapag may pagkakataon silang makawala sa mga jowa nila,
magkikita at magkikita yang dalawang yan tapos magdedate, magmomoment,
magffeeling magjowa, and all that. Pwede ring isa lang ang committed sa kanila, basta
bawat pagkakataon di nila palalampasin yan pramis!

#4
INUMAN.
"Bhe, lasing lang ako." !@#$ YOU! Isa pa, !@#$ YOU! Ieexplain ko pa ba to? Sige
sige. (Sabi to ni Kambal:) In my YEARS of drinking alcohol, I've tried many kinds of
alcoholic beverages. DUDE, kahit may amats ka alam ko at alam mong imposible na 0%
ang awareness mo sa pinaggagagawa mo.
There's still something inside of you na alam na mali ang gagawin mo pero dahil
psychologically speaking, iniisip mong nakainom ka, kaya GO KA LANG! In the first
place, hindi ka rin dapat nakikipag-inuman sa kung kani-kanino lalo sa mga HOT. Or
else gusto mong patayin sa nerbyos at pag-aalala ang jowa mo.

Para sa mga lalaki, "Lalaki ako, I have my needs!". LINTEK KA, hindi girlfriend ang
kailangan mo. SEX is one of the biggest aspects in cheating. Oh well, pwede rin pala sa
mga babae ito. Ganun na ang henerasyon natin ngayon.

#5
LIWALIW.
You're just having fun, when the cat is away, the mouse will play. Mahal mo siya kapag
nandyan siya, kapag hindi mo siya kasama automatic single ka. Parang ayaw mong
palampasin lahat nang isda sa dagat.

BITTER NA KUNG BITTER. I HATE YOU LIKE HELL CHEATER!


BLOG KO 'TO!
Mkay??
(Author's Note: ^ yan po yung blog na sinasabi ko anyway may tinanggal akong parts,
nagdagdag at nagayus, pero yan parin yun. So kudos ulit to her. )

CORR's:

!@#$. Ganito ba ko kabaliw sa kanya nuon? At nagawa ko 'tong blog slash parinig na
blog na 'to? Nakakatawa talaga. Naalala ko Pagdating na pagdating ko sa states, ginawa
ko agad 'tong blog na 'to. Ganun ko ba sya kamahal nuon?

Naalala ko pa, Pagdating na pagdating ko dito. Oras oras yata akong tinatawagan ni
Kambal. Masyadong nagaalala ang mokong, Pero kasalanan din naman nya! Hinayaan
nya kong magmahal sa hinayupak nyang kaibigan.
Anu ka ba naman Corr? Pinagsabihan ka naman ng Kambal mo, Ikaw 'tong tatanga
tanga at hindi nakinig. Ayan tuloy! For almost a year mukha kang buhay na patay.

Siguro? Nagtataka kayo sa mga pinagsasabi ko? Kung anu 'tong blog ko? Okay im going
to explain it...

FLASHBACK
(refer to the blog.)

It was October 8, 2006 nang maging kami ni Presbi. After few months of panliligaw,
nun ko lang sya sinagot 2nd year High school kami noon. He is my first boyfriend
and...first love. Kung anu anung kaewanan pa ang ginawa ko para payagan lang ako nila
Mom and Dad pati na rin si Kambal(Kuya ko.) na magkaroon ng boyfriend. Ilang beses
ko silang sinuyo suyo bago ko sagutin si Presbi.

Nang sinagot ko na si Presbi.

"Nako. Sinasabi ko sayo Socorro, pag nasaktan ka nya. Ewan ko na lang.


Pinagsabihan na kita." Sya nga pala si Leandro, *batok* este Steve. Kambal kami,
Yun nga lang sya ang kuya kasi nauna sya sakin ng ilang minuto. Anyway,
Magkabarkada kasi sila ni Presbi, simula nung grade school, kaya close sila.
"Anu ba 'LEANDRO'? Kelan ko ba sasabihin na wag na wag mo kong
tatawaging Socorro." I hate it whenever they call me Socorro. Naman.

Sumama lalo tingin sakin ni Kambal.

"Kambal" nagpuppy eyes ako.


"Trust me, everything will be okay. Hinding hindi nya ko lolokohin at
hinding hindi ako magpapaloko"

He sighed.

"Sana..."

#1
Kapag ikaw, may pagtingin ka pa sa ex mo

1 or 2 months palang after magbreak ni Presbi at ni Monic nang tanungin nya ako...

"Pwede ba kitang ligawan?"

Nagaatubili pa ko nun, alam nyo na? I have this feeling na gagawin lang nya kong
panakip butas o baka naman lokohin nya ko? Kasi balita ko chickboy daw 'to. Maraming
girls ang umaaligid.. Pero...
I like him, sobra... He is a basketball player of our school, Marunong syang tumugtog ng
musical instruments(Nagbabalak pa nga sya bumuo ng banda.), He is tall, Handsome,
Rich, A famous student of our school kahit freshman palang kami nuon sa high school
sikat na sikat na sya kasi may mga nagkakagusto din sa kanyang mga seniors dahil daw
sa cute sya. Hay naku.. He's perfect. Kaya wala akong nagawa kundi...

"Ah--Eh? Su-sure..."

#3
SAMANTALAHIN ANG BAWAT PAGKAKATAON. GRAB EVERY
OPPORTUNITY.
A week after kong sagutin si Presbi...

NICS: "Corr! I saw Presbi and Monic a while ago, sa may school garden.
Naguusap na sila, do you know anything about this?" Nagulat ako sa sinabi ni
Nics, pero syempre i tried to calm down...Pero--

Ayaw talaga.

KITEL: "Naku, sinasabi ko na nga ba. Baka naman tinwotwo time ka nya!"
"Girls, hindi ganyan si Presbi." I try to convince them or... I'm trying to convince
myself.

Dahil hindi ako mapakali...


Pumunta kami ng school garden...and...

"See? I told you."

#2
BEST FRIEND. BES. BEST. BESZ. BEZ. BESH. PUTANGINA WHATEVER
YOU CALL IT.

Ilang araw na kong di mapakali. After kong makita sila Presbi at si Monic na nagusap sa
may school garden, Hindi ko mapigilang mainis, magtaka, magselos, at...masaktan.

"Anung problema?" Magkasama kami ngayon palabas ng school.


"Uh--Eh Wala."
"I know merong problema. Anu yun?" Anu ba naman kasing mukha yan? How
could I resist you? Panu kita matitiis kung... Simpleng tingin mo lang sakin...

Natutuliro ako.
"Si Monic..."
"Ahh..." Then nagsmile sya ng parang wala lang.

HOY ANU BA. NAGSESELOS AKO.

"Siguro may nakapagsabi na sayo no?...may communication na ulit


kami..." WOW. Talaga? CONGRATS.
"Nagseselos ka no?" Nilapit nya yung muka nya sakin...

OO! SELOS NA SELOS AKO. LINTIK. kung alam mo lang, lahat ng tao tinatanong kung
break na ba tayo kasi nagkabalikan na daw kayo.

"Ako? Ba't naman ako magseselos?" I manage to answer.


"Tama, wala ka naman dapat pagselosan. Kasi ikaw ang girlfriend ko... at
Bestfriend ko na lang sya..."

"B-B-Be-Bestfriend?"

#4
INUMAN.
and
#5
LIWALIW.

Ewan ko ba, pero ka-babata pa nitong mga 'to eh natuto na agad uminom. Grabe
kakaiba talaga ang mga kabataan ngayon.

Birthday non ni JJ, at dahil kakauwi lang ng Daddy nya galing abroad eh maraming
pera ang mokong. Kaya ayun, nagpainom ang daddy nya sa bahay nila.

Nagpaalam ako sa Mommy at Daddy ko kung pwede akong sumama. Kaso ang
napakagaling kong Kambal...

"Ma, wag nyong pasamahin si Lyzzie" Lyzzie nga pala ang tawag sakin sa bahay.
Pero sa school pinauso ko ang Corr.
"Inuman yung birthday ni JJ"

Ang napakagaling kong kambal talaga. Kaya ayun, hindi ako pinayagan. Lintik! Andun
pa naman si Presbi.
Hayyy...Anu na kaya ang ginagawa dun sa birthday ni JJ?

Kanina ko pa tinetext si Presbi pero ni isang reply wala. Ay nak ng tokwa.

Pero syempre. TRUST. Inisip ko na pagenjoyin muna sya dun sa party ni JJ. Kaya di ko
na kinulit. Sabihin pa nya possesive ako.

1
message
received

Quote
From Nics:
OMG Sis, Monic is hr. :|

Trust him Corr. TRUST.

kinabukasan...

"Oh? What happen to your face?" Tanong ko kay Presbi pagkakita ko sa kanya
sa may corridor.

May pasa kasi sya sa mukha.

"Ahh...Wala 'to, nauntog lang sa may kama ko."

*SCHOOL BELL*

"O sige mamaya na lang tayo magusap ah? Baka malate ka pa. Bye Love
you." Pumasok na sya sa room nya, First section kasi ako habang sya, Eh Class D,
Alam nyo na.

NICS: "Corr!" Tawag sakin ni Nics pagkapasok na pagkapasok ko sa room.


"Oh bakit?"
KITEL: "Have you seen him?" They're talking about Presbi.
"Yeah, kanina lang"
KITEL: "Nagsorry na ba sya? Nagapologize? Or anything? About what he
did?---"
"Teka. Teka. Ano?"
NICS: "Hindi mo pa ba alam?"
KITEL: "Hay nako. That guy!"

Ilang beses ko ng tinanong ng tinanong sila Kitel at Nics kung anu yun. Pero wala ni isa
sa kanila ang nagsabi, Mas okay pa daw na sa bibig ng "magaling" kong boyfriend
manggaling.

Argh! Anu ba kasi yun?!

Nung break time...I waited for him sa labas ng room nila.

"Pres---"
"Corr! may biglaang meeting for varsity I need to go there agad. Sumama ka
muna kila Nics. See you later"

At don, ayun tumakbo na sya. Wala pa nga akong nasasabi eh.


Anu ba kasi yun?! Hindi tuloy ako mapakali!

Then nakita kong lumabas si Kambal sa room nila. (Magkaklase kasi sila ni Presbi.)
Nalate kasi sya ng gisng kaninang umaga kaya hindi ko na sya nakita sa bahay.

"Kambal!"
"Oh?" Ba't ang sungit neto?
"Meron ka ba? Ba't ang sungit mo?"
"WALA! Tanungin mo yung boyfriend mong magaling!" He looks really
mad. At pwedeng pwede nang pumatay.
"Damn it. Anu ba kasi nangyari? Lahat kayo may alam na, Ako 'tong
'girlfriend' Ako pa ang walang alam!" Then hinawakan ako sa magkabilang
braso ni Kambal.
"Socorro," He's serious. Tinawag nya kong Socorro eh.
"You better break up with him, He's cheating on you." Teka teka.

Anu daw??

"Nakipaghalikan sya kay Monic kagabi...That's why i punch him on his face"

Ilang araw kong hindi pinapansin si Presbi...Halos isang linggo din yun ng di namin
paguusap. Pero wala. WALA.

WALA SYANG GINAWANG EFFORT PARA KAUSAPIN AKO.

"Pres! Teka nga!" I grab his arm, nandito kami sa may papasok ng GYM, may
training kasi sila ngayon sa basketball.
"Oh? Buti kinakausap mo na ko." Aba sya pa may ganang magtaray?! Aba!
"Hinintay kitang kausapin ako...Hinintay din kitang lapitan ako...At
hinintay kitang magsorry sakin... Pero...Wala..." Inalis nya ang kamay ko at
hinawakan ito.
"Ano bang problema?" At ngayon? Hindi mo alam ang problema? IKAW. IKAW
ANG PROBLEMA! NAKIPAGHALIKAN KA LANG NAMAN KAY MONIC.
"Ah...Eh...Nabalitaan ko yung nangyari sa b-b-birthday ni JJ." Medyo
nagulat sya...Pero tumingin sya sakin...

Yung tingin na naman nya na yun. Hay nako.

"Hindi ko sinasadya yun...Im drunk. Okay?"

*WHISTLE*

"Sige, tawag na kami ni Coach eh. See you tomorrow. Love you Bye."

At yun na nga...Yun lang ang natanggap kong words from him...

Nasan na yung sorry?

CHEATER: THE END

Halos isang buwan akong hindi kinausap ng matino ni Kambal after nung nalaman nya
na hindi ko hiniwalayan si Presbi after nung nangyari sa birthday ni JJ. Pero ako, ayus
lang alam ko hindi nya ko matitiis at... Mahal ko si Presbi eh...

It was March 16, Last day ng pagiging sophomore ko sa high school nang mangyari na
ang inaasahan ng lahat... Maliban sakin.

"Nakita mo ba si Presbi?" Gusto ko sana sya mahug manlang, Kasi sa summer, alam
ko mamimiss ko sya ng sobra. Hindi ko na sya makikita araw araw. At magiging busy
din sya kasi may Summer training ang basketball team ng school namin. at saka may
ibibigay ako sa kanyang baller. Remembrance ba?

"Nasa may school garden ata? Dun ko sya iniwan kanina eh."
"Ahh o sige. Puntahan ko na lang sya dun"

Nagmamadali ako sa pagpunta sa school garden namin, excited na kasi akong ibigay kay
presbi 'tong baller. Alam ko magugustuhan nya 'to. Syempre ako nagbigay eh

Nang makarating ako sa school garden...


Nakita kong magkayakap si Presbi at si Monic.

Syempre ayoko mageskandalo kaya eto nagtago muna ako at nakinig sa pinaguusapan
nila...

"Pagdating ng Summer, babalik na ang dati sa lahat di ba?" Sabi ni Monic


habang bumitaw sa pagkakyakap ni Presbi.
"Oo, araw araw na tayong magkikita. Wala ng istorbo." Istorbo?!? Sino?
Ako? Ako pa ang istorbo ngayon.
"Nahihirapan na kasi ako sa patago na relasyon natin. Gusto ko maibalik
yung dati."
"Tomorrow, babalik na ang lahat sa dati. Dont worry."
"I love you My Presbi..."
"I love you too My Monic" My My kayo jan! Putek. ang kokorni nyo---

Bigla na lang sila nagkiss.

As in kiss...

Ang tagal kong pinanuod yung eksenang yun,..Ang tagal ko din para tumayo at para
pulutin yung nadurog kong puso...

Niloko nya ko. He cheated, He cheats, and He's cheating on me.

Lumabas ako sa pagkakatago ko...

"CHEATER!!!" Sabay bato nung daladala kong box na pinaglalagyan nung baller.

Tumakbo na ko paalis...

Umiiyak...

Pucha. Ang sakit. Ang sakit sakit.

After everything that I have done...

Lahat ng sakripisyo ko...

Pagttyaga sa kanya...
Pag iintindi...

Pagmamahal...

at

Pagtitiwala ko sa kanya...

NASAYANG.

NASAYANG LAHAT.

SINAYANG NYA!

Niloko nya ko...

Niloko nya ako, habang ako...

Etong tanga't nagpatuloy sa pagtitiwala sa kanya...

Ang sakit...

Ang sakit sakit masaktan...

Ganito pala yung pakiramdam...


Parang dahan dahan kang tinotorture...

Kaya yung sakit....

Ramdam na ramdam mo...

ITAGA MO SA BATO...

HABANG BUHAY KITANG KAMUMUHIAN JOHN PRESBITERO CORPUZ!

I HATE YOU CHEATER!!!

Read
more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.0.html#ixzz24X6I
JAsvROUND 1.1:

"A new beginning at its end "


The only way to love is not finding the perfect person but by loving the imperfect person
perfectly.

CORR's:

(It's still part of Corr's kwento.)

At yun nga, after nang nangyari. Sinabi ko or should I say nagmakaawa pa ko sa parents
ko para payagan muna akong magstay sa states. Panandalian lang, para makalimot,
makapagisip at the same time sabi ko pa 'para na rin maparusahan' sa mga ginawa ko.

Pagkatapos ng ilang araw kong pagpapakapako sa krus, eh pumayag din sila Mommy at
Daddy...
"Ikaw talaga, magiingat ka anak ah?" Sabi ni Mommy habang nasa airport na
kami.

Ako lang kasi ang pupunta ng states, kay Tita muna ako titira. Pumayag naman din si
Tita kasi gusto rin nya ng may makasama. Dalaga pa rin kasi si Tita, eh since favorite
nya ko sa lahat ng pamangkin nya. Ayun napapayag. At aba, sagot pa daw nya ang lahat
ng gagastusin ko.

"Opo Ma, Dont worry. Pag balik ko. Iba na ko ill change for the better, Ive
learned my lessons."
"Lyzzie, pwede pa naman magbago ang isip mo, you dont have to do
this." Sabi naman ni Daddy na nalulungkot sa naisip kong pagalis.
"Dad, babalik naman ako agad eh. Ilang buwan lang naman ako dun. Don't
worry im going to take care of myself. I'll be more responsible." Then I hug
him.
"Basta wag ka makakalimot tumawag, magtext o magemail ah?"
"Syempre po Dad. lagi ko kayong iuupdate."
"Mamimis kita Anak." I also hug my mom.
"Mom, I'll miss you too"
"Magingat ka ah? at magaral kang mabuti."
"Opo, you'll be proud of me. Kayong lahat--" Napatingin ako sa may gilid.

Nandun si Kambal, walang imik.

Hayy nako. hanggang ngayon ba naman nagtatampo parin 'to? Tumakbo ako papunta sa
kanya.

"Miss na kita...at Mamimis kita lalo." I hug him from his back.

humarap sya sakin, at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Lyzzie...Sorry ah? Kung sumama ang loob ni Kuya. Mamimis din


kita." Then he hug me.
"Sabi na nga ba eh, hindi mo ko matitiis." Naiyak na lang ako bigla, kasi
naman. Ang tagal talaga naming nagkatampuhan ni Kambal.
"Oh pano? baka malate ka pa sa flight mo, magingat ka ah? Lagi mong
tawagan si Kuya. Magaral kang mabuti. Wag kang magpapalipas ng gutom,
kumain ka ng gulay at ng fruits, magtake ka ng vitamins, wag kang
papaulan, magdala ka lagi ng payong o kaya ng sweater---" Ayan na si parent
number 3

"Opo" Then he tapped my head and ginulo yung buhok ko.

"Pag magbboyfriend ka dun, magpaalam at magsabi ka muna kay Kuya


okay?"
"LEANDRO?!"
"Hehe. Joke lang."

END OF FLASHBACK

Yun ang nangyari. [:

Kaya I spend a year and few months here sa States. At mission accomplished naman,
After few months...

*Tinigilan ko na ang pagvview ng facebook ni Presbi. (Ilang beses ko kasing tinry na


idelete sya sa list of friends ko, kaso di ko talaga magawa. Aba sayang no.)

*Tinigilan ko na din ang pagaattempt na mag PM sa kanya sa YM.

*Tinigilan ko na din ang pagpunta punta sa journal site nya (Kahit wala namang
laman.)

*At kahit pano, naiiwasan ko na syang mailagay sa isipan at sa utak ko.

Ginawa kong busy ang sarili ko simula ng nakarating ako dito.

Nagaral ako lalo ng mabuti. At sinikap na maka A sa lahat ng Subjects ko.

Nagshopping ako ng nagshopping. (Sagot ni Tita, hindi kasi nya ko pinayagan may
working student. Hindi naman daw kailangan)

Sobrang inimprove ko yung sarili ko.

Nag diet ako,

nagpaputi (lalo.)

Nag paayos at nagpakulay ng buhok (Nauso kasi yung wavy dito sa states kaya ayun,
nagpaganun din ako)

Pagbalik ko...

Luluhuran ako ni Presbi.

mali mali mali.

Luluhuran ako ni Presbi.

Pag balik ko.

ibang iba na ko.


I'm the better "Corr Benitez."

Quote
Date Posted: May 27, 2009
Title: I smell PINAS.

I'll see you soon Lovies [: I miss you so much.


Gimme a BANG when I got home. aryt?
mwaaa!

comments:
Quote
Posted by: NicsNics

OMG! I couldnt wait any longer. I'm so excited to see you na!

Quote

Posted by: sKITELs

I miss you BIGTIME! I'll see you soon Babe :*

Quote

Posted by: SteveBenitez

Kambal! Paguwi mo baka di na kita kamukha ah?

Quote
Posted by: Some random persons.

Uuwi ka na? Oh My, so you're going to CVM(Author's Note: eto yung school nila. at
hanggang ngayon nagiisip padin ako ng meaning.lol) padin?

Quote

Posted by: Some random persons

Ill see you soon!

see 57 more...

Grabe, ang daming nagcomment sa latest blog ko. LOL.

i click the "see 57 more"

comments
comments
comments
comments
comments

.........

Puro schoolmates ko lang sa CVM kaya ayun, naghome ulit ako.

Quote
You have received a new comment/s

Quote
Posted by: PresbiCorpuz

See you soon.


See you soon see you soon ka dyan! See you soon your face!

Grrr.! Bwisit. After 1 year and few months ngayon lang ako nakareceived ng something
from Presbi. Pagpunta ko dito sa states, naiwan ko na sya.

Pati ang communication namin naiwan na din. AND WALA AKONG PLANONG
MAKIPAGCOMMUNICATE sa gagong yun!

Teka teka.

Bat ganito? ba't naapektuhan ako?

Simpleng comment lang nman yun eh?

ANU KA BA NAMAN CORR! Isang "See you soon" lang nagkakaganito ka na.

CHILL.

CHILL.

CHILL.

Breath in Breath out...

I don't love Presbi.

Presbi love don't I.

I.

dont.

love.

Presbi.

Presbi.
is.

not.

love.

I'm.

not.

inlove.

with.

him.

again?

Read
more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.0.html#ixzz24X6P
FXm7

ROUND 1.2:

"A new beginning at its end"


You should not be saying 'past is past', especially when you know flashbacks do exist.

CORR's:

NAIA, Philippines.

"Kambaaaaaaaaal!" tumakbo ako patungo sa kanya at niyakap sya ng sobrang higpit.


Pinabayaan ko na sa sahig yung mga baggage ko.
"Namiss kita sobra!" Naiyak ako sa sobrang kasiyahan. Amf, I'm such a cry baby.
"Grabe, Lyzzie you look so different. Mas maganda ka pa sa mga pictures
mo!"
"Kambal wag mo ko bolahin. Ibibigay ko naman mga pasalubong mo
eh."
"No, Seriously. You look good...No...You look Better" Ayy nako, I know.
Kaya ang dami kong napaiyak na mga kano eh.

Kinuha na nya yung mga dala dala ko.

"Bilisan natin, Mom and Dad couldnt wait any longer." Kakauwi palang kasi
nila Mommy and Daddy from a business trip kaninang umaga. Kaya I told them na
magpahinga muna, And Nagvolunteer naman si Kambal na sya na ang sumundo sakin.

Nasa sasakyan na kami, and para akong bata na after 48 years na pagkakakulong sa
bahay eh nakalabas din.

"Grabe, Namiss ko ang Pinas."


"Yeah theres no place like home." Ano daw?
"Namiss ko 'tong traffic... Yung mga kable ng poste... Those street
vendors...Yung usok---"
"Walang ganyan sa states!" Adik talaga 'tong kambal ko. Di mapagkakaila na
kakambal ko nga sya.

"MAAAAAAAAAAAAAAAA! PAAAAAAAAAAAAA!" I hug him both so


tight. Grabe... I miss them so much.
"Anak, miss na miss ka namin."
"Yeah, Lyzzie. Its good that you're home na."
"Namiss ko din po kayo ng sobra."

After ng madramang moment naming pamilya, Isa isa ko ng binigay yung mga
pasalubong nila...
Halos puro kay Kambal pala ang nabili kong pasalubong.
Nautakan ako ah? pagkatapos ko kasing ibigay yung mga pasalubong, lumuwag ng
bonggang bongga yung maleta ko.

"Lyzzie! Lyzzie! Bumaba ka bilis!" Sigaw ni Kambal sa labas ng pinto ko habang


panay ang katok.

Binuksan ko agad ang pinto.

"Why?! What Happened?!" Kabadong tanong ko.

Nakita ko sa mukha ni Kambal...Seryoso sya...


"Si Dad, sa baba Bilis!" Agad syang tumakbo pababa ng hagdan.

Kinabahan ako, My complications kasi ang puso ng Dad ko. Minsan inaatake sya ng
biglaan.

Nagmadali akong bumaba ng hagdanan namin.

Baka napano na si Dad, Natatakot ako. Anu ba naman 'to? Kakauwi ko lang tas ganito?

"Dad! Dad! Dad!" Panay ang sigaw ko habang bumababa ng hagdanan, grabe naiiyak
na ko. Kung anu anu ang naiisip ko. Baka napano na si---

"Welcome Home!"

Nagulat ako, Nakita ko sila Mommy, Daddy, Kambal at ang dalawa kong bestfriends na
sila Kitel at Nics.

"OH MY GOSH!!!" Agad kong niyakap ang dalawa.


"Namiss ko kayong dalawa."
NICS: "Oh, Corr. Stop crying like a baby. Nandito kami para isurprise ka.
Not to make you cry."
KITEL: "Ikaw talaga Corr, hindi ka parin nagbabago. Iyakin ka parin."

Nagtawanan silang lahat, While ako tumawa din na may kasamang pagpunas ng luha.
Baliw ba?

"Pero, seriously Sobrang namiss ko kayo."


NICS and KITEL: "Namiss ka din namin!"

Sabay sabay na kaming kumain ng dinner sa bahay.

"Yaya! Grabe, Namiss ko 'tong sinampalukan na manok na luto mo"


"Namiss ka din nyan Lyzzie. Ikaw kasi laging sumisimot eh."
"Oo! Madamot pa sa madamot si Lyzzie pag yan ang ulam. Kala mo wala ng
makakain bukas." Nagtawanan silang lahat.
Ay nako. Kambal talaga oh.

"Che! Basta---Yaya, extra rice please?"


"Sabi ko sainyo eh!"

I just rolled my eyes to him. Si Kambal talaga, hindi parin nagbabago.

After namin kumain, pumunta muna kami nila Nics and Kitel sa room ko so that I could
give them there pasalubongs.

"Here Girls!" Habang inaabot sa kanila ang dalawang paper bag.

Sabay nila itong binuksan.

NICS and KITEL: WOW!

Niyakap nila ako...At after...

1 minute...

2 minutes...

3 minutes...

4 minutes...

"Girls, could you stop saying thank you? I know nagustuhan nyo talaga
yung uwi ko. Pero wag nyo naman ako iharass."
KITEL: "We really love it! Superb!"

Binigyan ko kasi sila ng PRADA bag. It's really expensive. Though, Nung nagstay ako sa
states eh umuulan ng PRADA sa house ni Tita. She's working kasi in one of them
PRADA's Companies sa states...
"Anyway, Girls meron pa pala dito."

Bumalik ako sa maleta ko and I get a medium size box. I opened it infront of them...

NICS and KITEL: WHOA!

May laman yung box na tatlong charm bracelets, One is Pink, One is Blue and the other
One is Purple. Nics loves color Blue while Kitel loves Purple.

Isa isa kong isinuot sa kanila yung mga bracelets then, isinuot din nila sa akin yung
bracelet na Pink.

NICS and KITEL: "We love you Corr!" Then they give me a big hug.

"Kamusta na kayo?" I asked them while were lying on my bed.

Lagi kaming ganito nung nandito pa ko sa Pinas, We used to lie on my bed na tabi tabi,
nakatingin sa ceiling at nagkkwentuhan.

NICS: "I'm okay, Medyo naging hassle yung third year ko because of Trigo.
You know? Im not that good in Math. Good thing I'm not the lowest rank in
our class." Since grade school kasi magkakasama na kaming tatlo and we're always
classmates, lagi kasi kaming first section. Like what Nics have said, she's not that good
in Math but She's damn good in Science.

"Ikaw Kits?"
KITEL: "Ganun parin, Lagi naman kitang kinikwentuhan nung nasa states
ka pa. Palibhasa si Nics, she's too busy with her Pep thing. Kaya medyo
hindi sya nakakapagupdate sayo."
NICS: "Hey! Its not that!"
KITEL: "Yeah it is... You're always practicing for next year's 'rally' kahit
sobrang tagal pa. and--"
NICS: "Yeah yeah! Masaya naman kasi talaga sa Pep ewan ko ba sayo
kung bat ayaw mong sumama. You're too stick to your News Paper 'Thing' "
KITEL: "Hey, Wag mo ilayo ang usapan. Masaya ba? or---"
NICS: "Hey! Shut up Kitel."

Natatawa ako sa kanilang dalawa. Asus...As if naman that I dont know.


"Or it's because of My twin brother?" Napatayo si Nics sa pagkakahiga at
nauntog sya sa may pole ng bed ko.
NICS: "Ow. Teka? H-How...P-Pano mo nalaman?"
"Anung pano ko nalaman? Nics, 'We're TWINS' "

Then humiga sya ulit.

NICS: "Uh-- Sorry, If i didnt told you. Kasi naman---"


"It's okay Nics, you dont have to say sorry just because you fell in love with
my Twin."
KITEL: "Nics was just afraid that you'll be mad at her. Hindi sya sigurado
whether to tell you or not."
"Wala naman akong magagawa dun, Its your feelings. Not Mine. But stil--
Though he's my Twin...Still...He's a guy--"
KITEL: "Hayy eto na naman si Miss Socorro the Man-Hater"
"Hey Satan" I used to call her Satan nung gradeschool kami. Santillan kasi surname
nya. Wala lang Wala kasi akong panginis eh.
"I'm not a Man-Hater...and dont call me Socorro"

She looked at me and then rolled her eyes.

KITEL: "I told you before, that guys are different from one another. Hindi
sila tulad ni Pres---" I looked at her.
KITEL: "Uh--I mean...They're not all the same...Some of them were
good...and some of them were just...Uh--

Cheater."

Yeah...I know...Pero unfortunately ang napunta pa sakin was yung 'Cheater'---


STOP THIS CORR!

"Whatever." That's all I could answer.

Natahimik kami...

For few minutes... it gets awkward.

"Anyway, so ikaw ba Kitel? Kamusta na yung crushy crush crush mo na si


'Mr. Perfect' na sinasabi mo?"

Then bigla na lang naglighten up yung mukha nya and I saw her blushed.

NICS: "Asus! Yung isa jan natameme na naman. No wonder, why you're
sticking with that News Paper League."

Base sa mga kwento ni Kitel sakin nung nasa states pa ko, may transferee samin nung
third year sila and this guy daw is 'Mr. Perfect' for him. Since si Kitel ang Editor-In-
Chief ng school paper namin nameet nya yung transferee because that guy daw was
applying for the League.

NICS: "At napaka Bias nung isa jan, Bigla na lang naging 'Assistant Editor-
in-Chief' yung kakaapply na guy na yun nung third year. Walang awa.
Tinanggal si Sarah sa pwesto"
KITEL: "Parang hindi ka naman nakinabang sa ginawa ko?" Si Sarah kasi
eh may HUGE HUGE HUGE CRUSH kay Kambal. And balita ko, Sarah is using her
position sa School Paper para dun ilathala ang kanyang pagibig para sa aking kamukha
(ayus na sana yung tagalog biglang pumangit sa huli)
NICS: "Sya naman kasi! Puro kabaduyan sinusulat nya sa section nya. Puro
about kay Steve!"
KITEL: "Nics! Puso mo, ayun na oh? Chill lang. Wala na nga sa pwesto
eh. Ganyan ka pa. Sya'y isang dakilang treasurer na lang." Haha. Lokaret
talaga 'tong dalawang 'to.
NICS: "Nako! No wonder bat sila magkaibigan ni---" Nilingon ko si Nics, then
humarap ulit sa ceiling.
"Nics, don't say bad words."
Magkaibigan kasi si Sarah at yung 'Babaeng purple yung font color sa story na 'to' (di
ba nga? dont say badwords)

Natahimik na naman kami...

after few minutes...

Hindi ako mapakali...

Hayyy gusto ko talaga 'to tanungin sa kanila ngayon...Gusto ko magtanong ng


magtanong sa kanila about it...

Since pigil na pigil ako magtanong nung nasa states pako... Nahihiya kasi ako
eh...Basta...Parang feeling ko...
Gustong gusto ko magtanong...pero...

TAKOT NA TAKOT AKO SA MARIRINIG KONG SAGOT.

Err....

"Uh?---"

Humarap sila sakin pareho.

"Uh---"

"K-Ka-Kamusta na S-Si-Sila....? " I know nagets na nila kung sinong 'Sila'


yung tinutukoy ko...
Tumingin ulit sila sa ceiling....

They both sighed at the same time.....

NICS: "Ayun....I think..."

KITEL: "Going strong..."


Ouch...

Read
more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.30.html#ixzz24X6
g14zw

ROUND 2.1:

"Meet the Poet"


Our attitude towards love could be influenced by a soul stirring love saying that we come
across in a song, book, or film.
Many of these love sayings are universally accepted truths and cliches. a few love sayings
that have become truisms in their own right.

CORR's:

It's Sunday, kakauwi lang namin from the Mall. Nagmass kasi kami nung umaga then
nagMall. Medyo natagalan kami dun, Namiss daw ni Mommy ang shopping bonding
namin. Kaya ayun, si Dad and si Kambal pagod na pagod sa pagbubuhat ng pinamili
namin at pagbuntot samin.

Nang makauwi na kami, It was 7:45 pm na. I went straight to my room and open my
laptop. I'll just check my site muna.

Quote
WELCOME TO JOURNAL.com!

Since your last visit:


3 posts by your contacts

i clicked it...

Quote
Date posted: June 7, 2009
Album: "Welcome home BFF!" -143 photos-
by NicsNics your Girlfriend
Quote
Date posted: June 7, 2009
Album: "its SOCORRO atlast in PINAS yo. lol!" -143 photos-
by sKITELs your Girlfriend

lokaret talaga 'tong si Kitel After 48 years na upload din nila yung pictures namin
nung umuwi ako---
Quote
Date posted: June 7, 2009
Journal: "Period in-between Goodbye"
by frustratedpoet your online buddy

Agad kong ki-nlick yung link.

JOURNAL:
http://frustratedpoet.journal.com (this is not true, obviously.)

Quote
Date posted: June 7, 2009
Title: Period in-between Goodbye

Sigh, I guess its time for me to wave goodbye again. I’ll be back in school by tomorrow,
and I think I couldn’t post for a meantime here. You know, I’ll be busy with stuffs in
school, I have some obligations there, so till next time. :-)

This one is for someone-who-knows-who-she-is. ;-)

When a man and a woman have feelings for each other, it does not
necessarily need to have a formal relationship as boyfriend and girlfriend.
While both of you are still busy with your personal life it's possible that you
could make each other as an inspiration. No commitment, just a romantic
bond. Isnt it much sweeter and nicer when you both accomplish everything
that you want in life? and yet,

You still end up together.

Don't do anything crazy okay? Take care of yourself, you know I’m worry about you.
Don’t make me stay up all night.

Agad akong nagonline sa Y.M...

Quote
itscorrbenitez
Signing in...

Agad kong iniscroll down at hinanap si...


Quote
frustrated poet (frustratedpoet)

BUZZ!

Nakaoffline yung I.D nya pero binuzz ko parin...

Quote
frustrated poet (frustratedpoet)

BUZZ!
BUZZ!
itscorrbenitez: Hey! I know you're there!
BUZZ!

Hindi parin sya nagrereply, Pero hindi ko tinigilan. I flood him with BUZZ

Quote
frustrated poet (frustratedpoet)

....
BUZZ!
BUZZ!
BUZZ!
BUZZ!
BUZZ!
BUZZ!
BUZZ!

frustratedpoet is typing a message

Quote
frustrated poet (frustratedpoet)
frustratedpoet: You're such a hard-headed.
frustratedpoet: slash Man-Hater.

Yeah, you read it right, Alam nya ang kwento ng lovelife ko...Wondering?

FLASHBACK

It was a normal-day-that-im-still-crazy-with-Presbi in states, And alam nyo yun?


Depress pa din ako sa nangyari, pero eto ako. Naghahanap pa ng mga heart-breaking
quotes. Talagang pinaparusahan ko sarili ko nun. When I was browsing the net and
searching for some quotes. May nagpop in na sobrang daming list of quotes. But one
link caught my attention.

Quote
I’m a frustrated poet so don’t read it.

Pagkaclick ko, nagopen ang isang Journal.com site. It's just a black and white layout.
Yung default na layout ng Journal.com

JOURNAL:
http://frustratedpoet.journal.com (this is not true, obviously.)

Quote
"IT"

About Me:

I’m a frustrated poet so don’t read it.

Journal:

Title: Heaven has no rage, like love to hatred turned, Nor Hell a fury, like a
woman scorned.
876 comments
Title: Hatred paralyzes life; love releases it. Hatred confuses life; love
harmonizes it. Hatred darkens life; love illumines it.
879 comments

Title: Of all forms of caution, caution in love is perhaps the most fatal to
true happiness.
834 comments

...

At napakarami pa nyang lists of Journals...Pero habang binabasa ito isa isa...one caught
my eye---

Quote
Title: The only measure of your worth and your deeds will be the love you
leave behind when you're gone.
1576 comments

So I'm not worthy...

Bigla na lang gumalaw yung mga fingers ko at nagtype ng comment.

Quote
Posted by: itscorr

Ganun ba talaga? Parang hindi naman. Ako na nga naloko, ako pa ang hindi worthy.
Ang saklap naman yata nun?

Quote

COMMENT POSTED.

Oh syet. I forgot, Nakalogin pala yung Journal ko. Ayan napost tuloy na ako yung
nagcomment...

Binalik ko ulit sa site nya, then niremove ko agad yung comment ko.

Quote
Comment removed by the author

After few minutes of pagbbrowse ng mga quotes sa net, bumalik ako sa Journal ko. I'm
thinking to post something---

Quote
You have received a new comment/s

Quote
Date posted: March 21, 2007
Title: Stick to one ako, kaso ikaw hindi. (Bato bato sa langit, Tamaan sapul.)

Comments:

May nagcomment sa blog ko about My-Cheater-Ex-Boyfriend.

Quote
Posted by: frustratedpoet

Bitterness imprisons life; love releases it. Bitterness paralyzes life; love empowers it.
Bitterness sours life; love sweetens it. Bitterness sickens life; love heals it. Bitterness
blinds life; love anoints its eyes. :-)
You shouldnt have removed your comment ;-)
END OF FLASHBACK

At dun nga nagsimula ang pagiging online buddies namin ni FP. Yung mga panahon na
nasa states ako, sya ang naging kaibigan ko. Nagkkwentuhan kami lagi tungkol sa mga
nangyayari sa araw araw ko, Lagi nya akong ginagawan ng quotes and poems...

Buong buhay ko na yata eh nakwento ko na sakanya, lagi nyang kinakamusta ang puso
ko alam nya kasi kung ganu yun nadurog.

Masasabi ko na kilalang kilala na nya ko.

Pero sya?? Hindi...

si FP??

FP meaning frustrated poet...

yun lang yata ang alam ko tungkol sa kanya.


Ni-Pangalan nya hindi ko alam...
Kung saan ba sya nakatira...
Kung tao ba talaga sya...
Kung anu itsura nya...
Ni picture nya na 1x1 hindi ko pa nakikita,
Ni boses nya hindi ko pa naririnig...
Ni Anino hindi ko naaninag...

Ni kasarian nga nya hindi ko alam...

Pag tinatawag ko naman syang "Dude, Boy or Bro"

"Hahaha" - Yan ang sasabihin nya.


Pag tinatawag ko syang "Sis, Girl or Sweetie"

"LOL" - Yun lang ang irereact nya.

Nung tinawag ko naman syang "Gay or Bakla"

"Hehe." - Yan naman sasabihin nya

Nung tinawag ko naman syang "Tomboy or Lesbo"

"LMAO." - Yan naman ang tanging reply nya.

Sabi ko sainyo eh...

Hindi ko parin sya kilala...

to be continue...

Read
more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.45.html#ixzz24X6
oAwVo

ROUND 2.2:

"Meet the Poet"

CORR's:

Quote
frustrated poet (frustratedpoet)

frustratedpoet: You're such a hard-headed.


frustratedpoet: slash Man-Hater.
Itscorrbenitez: Whatever 'It.'

Nagtataka siguro kayo kung bakit It?

Well, maliban sa yan ang title ng Journal site nya, eh Yun din ang naisip kong kasarian
nya Honestly, i really dont have any idea kung ano sya.
He or She is too masungit to be a girl. And...

He or She is too mushy to be a guy.

That's why I always think that he or she is a BI. a LESBO. or a GAY.

Quote
frustrated poet (frustratedpoet)

frustratedpoet: I told you to stop calling me It.


Itscorrbenitez: Well Alam na nya ibig sabihin nitong "Well" ko, It means
SABIHIN NA NYA SAKIN YUNG MGA HINIHINGI KONG INFORMATION ABOUT
HIM.
frustratedpoet: I will not tell you.
Itscorrbenitez: Well bear with IT. Haha. As long as you dont give me a Bio-Data I
wont stop calling you It.
frustratedpoet: *sigh icon*
itscorrbenitez: Anyway, Whats with your journal?
frustratedpoet: You know, i'll be inactive posting there for a while.
itscorrbenitez: Why?
frustratedpoet: As if you dont know. Well, last June naginactive din sya. Tuwing
magpapasukan lagi syang inactive. Sa Y.M na lang kami nagaabot, minsan hindi pa, Kasi
naman magkaiba ng oras sa States at Pinas no? and...

Palibhasa "He'll be busy daw"


frustratedpoet: I'll be busy with stuffs.
itscorrbenitez: You'll be busy with stuffs. Nagkasabay pa magpop in yung message
namin. I told you readers
itscorrbenitez: I'm going to miss you and your heart warming quotes.
frustratedpoet: I told you, Not to make me stay up all night.
itscorrbenitez: Too bad, I really dont know anything about you. I wish I knew where
you live so that I could send postcards or gifts. You gave me a lot before. Yeah, Lahat
yata ng occassion eh may binigay sya sakin. Letters, Accesories, Paintings, Sketches at
kung anu ano pa. Hay nako. Kaya lalo akong nagtataka. Kung anu ba talaga sya. Eh kasi
naman MAGKATASTE KAMI sa mga Accesories. I mean lahat ng binigay nya sakin
before eh, SUPER NAGUSTUHAN KO. Then, basta alam nyo yun? I could feel a
sisterhood from "It"
frustratedpoet: You cant get me by sad faces. Tignan mo ugali nito.
itscorrbenitez: Even a clue or something? Napanguso ako bigla. Tss. This person.
frustratedpoet: I'm actually imagining you're puppy face Napatingin tuloy ako sa
paligid ko.
itscorrbenitez: Wait! How did you know?
frustratedpoet: You know, I kinda feel it. Psychic pa ata to?
itscorrbenitez: See, You know a lot of things about me, But me.
frustratedpoet: Stop the drama Corr.
itscorrbenitez: Nah, seriously. I just wanna know just a bit. Name? Location? Maybe a
picture will do.
frustratedpoet: You'll know everything soon.
itscorrbenitez: I waited for that soon for a year now. Dont you think its unfair for
me?

Then, wala na kong nareceive na reply...

Sigh, I have a good relationship with FP. Though were just online buddies, Still FP
became a good friend and adviser to me.

Napatingin ulit ako ng maigi sa laptop ko, Online pa pala sya.

Quote
frustated poet (frustratedpoet)

frustated poet is typing a message.

I waited for few minutes para mareceive yung sabi ng YM na tinatype daw ni FP.

5 minutes...

6 minutes...
7 minutes...

8 minutes...

Pero wala parin...

I look at my Laptop's time

Quote
09:24 pm

Inayos ko na lang muna yung mga pinamili ko...

Damit...Shoes...Notebook...at kung ano ano pang school supplies...

Bukas na kasi yung pasukan ng mga private school dito sa Manila...

Naglagay ako ng isang notebook, pen, my wallet, purse, at kung ano ano pa sa dadalhin
kong bag for tomorrow's first day.

4th year na ko bu---

may nareceive akong PM

Quote
frustratedpoet: A part of you has grown in me. And so you see, it's you and me.
Together forever and never apart, Maybe in distance, but never in heart.
frustratedpoet: Sorry, Mahal na yata kita. Sana hindi ka magalit.
Quote
frustrated poet has signed out. (7/6/2009 9:36 PM)
processing...

Nagtatagalog si FP

Meaning?

PILIPINO SYA! *batok*

MALAMANG! Ano ba naman Corr?

So malamang sa marami...

NASA PILIPINAS SYA?!

Teka--

Teka--

S-Sa-Sabi pa nya...

Mahal na daw nya ko.

Meaning...

He's a he.
Author's Note:

Nako Corr baka LESBO

Dahil nawala at nawawala sa sarili si Corr Si Kambal Leandro *batok* FINE! edi
Steve! Oh Si Steve daw muna ang mag p-POV. CHE! Jan ka na nga LEANDRO!!! *sabay
takbo*

LEANDRO's:

Author's Note: Anu ba naman? Bat ba pinapakeelaman nyo yung mga pangalan nyo.
Nambubulahaw kayo ng story eh! (Kudos to hera11 for the new word.) Magaganda
naman ah?

STEVE's: oh di ba? COOL!

Kakatapos ko lang magshower, Grabe nakakapagod magshopping, este nakakapagod


magbuhat ng mga pinamili at gawing alalay nila Lyzzie at Mommy

Nang nakapagbihis na ko, inayos ko na yung gamit ko for tomorrow's first day.

Binukas ko yung drawer sa may study table ng kwarto ko at kumuha ng isang filler at
isang ballpen at inilagay sa pouch ko.

Nang mapansin ko yung Handbook ng school namin.

Binago na kasi yung rules and regulations sa school namin nung nag3rd year na kami.
Nagiba na kasi ng principal eh. Si Mrs. Militante na ngayon yung principal namin. Cool
sya when it comes to school programs pero mahigpit sya sa attires and curfews.

Naisip kong ibigay 'to kay Lyzzie. Baka kasi manibago sya bukas kasi di pa sya sanay sa
rules ng new admin ng school.

May kulay pa naman buhok nun,

Sinadya kong di sabihin para mainis


*KNOCK KNOCK KNOCK*

Kanina pa ko katok ng katok pero hindi nya binubuksan.

Kaya ayun, binuksan ko na lang agad at pumasok na agad sa kwarto nya.

Natanaw ko sya sa may study table nya nagla-Laptop.

Nang lapitan ko sya. Nakatingin lang sya sa screen ng Laptop nya. Pero wala naman
syang ginawa.

Nakatitig lang sya sa Laptop at blanko ang ekpresyon.

Anu na naman ba meron dito sa kakambal ko?

Kanina pa ko nasa likod nya pero hindi parin sya umiimik parang hindi pa nga nya
napapansin na nasa likod na nya ko.

Pinalo ko sa ulo nya yung handbook na daladala ko.

*PAK!*

Ayy napalakas yata.

"Ouch!" Sabi nya habang hinihimas yung ulo nya.


"Ba't mo ko hinampas?!?"
"Kanina pa ko dito, hindi mo man lang ako iniimik"
"Ba't di ka kasi nagsasalita?!?"
"Eh seryoso ka yata jan eh." Nang bigla nyang tinakpan yung screen ng laptop
nya.

Aba. Anung Meron?

"Hoy. Anu yan?"


"Ah-Eh...W-Wala." Asus, Kahit kelan. Hindi talaga marunong 'to magsinungaling.
Nauutal pa
"Anu nga yan?!"
"Wala nga sabi eh!" At sinara nya bigla yung Laptop nya nang parang nagdadabog.

Buo pa kaya yun?

"Ba't ka ba nandito?"
"Bat ba ang sungit mo?" Tinaasan lang nya ko ng kilay then tumalikod.

Pumunta na sya sa may kama nya at humiga.

Binato ko sa kanya yung handbook. Ang sweet namin no?

"Oh. Basahin mo yan. Ngayon hindi na sapat ang matalino ka lang. Dapat
disiplinado ka." Look whos talking?

At naglakad na ko papuntang pintuan...

"Anyway don't go to sleep without taking a shower. Eww Lyyzzie ah."

Hawak hawak ko na yung door knob ng...


"Kambal...
Pano kung magmahal ulit ako?"

Read
more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.60.html#ixzz24X6
viKSj

ROUND 3.1

"Hello Class B"


In the course of our life we come across many people.
We remember some and forget the others.
However, we never forget the people who break our hearts.
Those who have suffered heartbreaks know that it takes a lot of effort to pick up the
shattered pieces.

CORR's:
*YAWN* Hayy. Inaantok pa ko.

Naman kasi, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi--

"Lyzzie may tae!" Agad akong pahinto at napaatras. Kaya---

*BLAG!*

Aray ang sakit ng pwet ko.

Narinig kong tumatawa si Kambal ng sobrang lakas. Parang wala ng bukas.

Tss. Wala namang tae ah?!

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Anu ka ba naman kasi? Kanina ka pa tulala jan."

Hindi na ko umimik. Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng school.

FLASHBACK

"Kambal, Pano pag magmahal ulit ako?" Lumuwag yata ang dibdib ko ng
tinanong ko 'to sa kanya.

Nagulat na lang ako nang lumapit sya sakin at ginulo ang buhok ko.

Then ngumiti lang sya sakin at aktong palabas na sya ng kwarto.

Nasa may pintuan na sya.

Tss. Naman eh gulong gulo na ko--

"Wag ka magaalala, Pprotektahan parin kita." Napangiti na lang ako sa sinabi


nya.

Pero nung aktong palabas na sya.

"Pero...Pwede favor?"

Hinintay ko lang sya magsalita.


"Magmahal ka na ulit at lahat. Wag lang si Presbi." At lumabas na sya.

END OF FLASHBACK
Kainis naman talaga 'tong si Leandro eh, hanggang ngayon hindi parin sya naniniwala
na hindi na si Presbi ang laman ng puso ko...At ibang tao na ang laman... Yata?

Alam nyo yun? Parang may feelings ka sa isang tao, pero dahil sa hindi mo sya ganun
kakilala eh hindi mo masigurado. Alam nyo naman yung sitwasyon namin ni FP.
Chatmates lang kami eh! Kaya parang maling mali. Pero hindi ibig sabihin may
pagtingin parin ako kay Presbi.

Aba! Isang taon ko yatang pinaghirapan yun no! Isang taon akong naghirap para
kalimutan sya. At mission accom---

"Steve Pare!"
Lintek. Parang nagwawala sa loob yung puso ko. Parang gustong tumalsik palabas.
Langya. Anu ba 'to? Ang bilis bilis.

Alam ko kung kaninong boses yun.. Boses yun nung taong ang tagal kong hinintay
marinig... Boses yun nung taong isang taon na laman ng isip ko na pilit kong tinatanggal
hanggang sa ngayon... Boses yun nung taong minahal ko ng lubos... Pero...

Boses yun nung taong nanloko sakin... Nanakit sakin...

at boses yun ng isang...

CHEATER!!!

"Presbi!"
"Ah, sige kambal punta lang ako sa register's office. Kita na lang tayo
mamaya." Bulong ko sa kanya---

Sabay takbo.

Nagtatakbo ako hanggang sa may Grade school building, ewan ko ba. Pero malapit lapit
din naman dito yung register's office ng school kaya hindi naman ako medyo napahiya
sa pagtakbo ko. Aba papunta talaga ako dito. Kukunin ko yung section ko. Ako lang daw
kasi ang transferee sa batch namin. Usually hindi pumapayag ang school to accept
transferees pero since dito naman talaga ako nagaral before, except for my 3rd year eh
tinanggap nila ko. Well

"Class B lang?!?" Gulat na gulat kong tanong slash sigaw dun sa register.

Dont get me wrong pero, hindi naman sa nagmamaasim ako. Except for the fact na
halos buong buhay estudyante ko eh sa Class A ako,

Kasi naman eh nasa Class A sila Kitel at Nics.

So Obviously, ina-out of place ng mga hetero(Class B-D) kaming mga homo(Class A)


kaya wala kaming mga Homo na kaibigan sa Hetero. Alam nyo na? Yung rivals chuchu.

"Sorry Miss Benitez, But the school's principal didnt allow any transferees
na pumasok basta basta sa CLass A."
"But, I'm not really a 'transferee' I mean--"
"I know Miss Benitez, but the school already changed its regulations."

Lumabas na lang ako ng register's office habang humihinga ng malalim at malungkot na


tinanggap ang katotohanang ito---

*BLAG!*

Tumalsik lahat ng dala ko.

Okay, araw ba ng pagtalsik at pagbagsak ko ngayon? Tae pangalawa na 'to ah!

"Oops. Miss I'm really sorry." Sabi nung lalaking nakabunggo ko. Habang
nagpapagpag ako ng damit ko.
"Ayus lang ako." Sabay tayo.

Nakita kong pinulot nya yung tumalsik kong slip.

"L-Lyzette S-Socorr-ro Benitez? Class B?"

Pagtayo ko nakita ko na ang mukha nya,


He's wearing the school's uniform.

Agad kong kinuha yung slip. Aside sa di ko matanggap ang nilalaman ng slip ko, ehh--
Ayaw kong makipagusap sa mga LALAKI!

Nagulat yata sya sa ginawa ko.

"Oops sorry." Kanina ka pa sorry ng sorry anu ba naman yan?


Naglakad na ko.

"Wait." He said habang humahabol sakin.

Tinignan ko lang sya and I raised my eyebrow.

"You forgot your bag." Napatingin ako sa mga kamay nya. And yes, hawak hawak
nya yung bag ko.

Shoot. Pahiya naman si Corr nun

"Thanks" I muttered.

Nagpatuloy na ko sa paglalakad...

Palabas na ko ng grade school building, pero nararamdaman ko sumusunod parin sakin


yung lalaki.

Huminto ako, at tiningnan sya ng masama.

Huminto naman sya, Kaya nagpatuloy na ko sa paglalakad.

"Ba't ka ba sunod ng sunod sakin?!" Nandito na kami sa may 2nd floor,


nandito yung rooms ng 4th year. At hanggang ngayon eh nasa likod ko pa rin sya.
"I'm not following you." Inirapan ko na lang sya, Tss. Anu ba namang first day
'to oh? Nakakairita!

Quote
4-B

I just sigh. Tss. This is it. Wala na talaga. Isang taon ako dito sa Class na 'to Although di
naman ganun kasama, since Class B 'to and 2nd to the highest. But...

I dont have friends here.


"Are you going to come inside or not?" Tss. Nandito parin sya sa likuran ko.

Tinignan ko lang sya ng masama, pero he just rolled his eyes then...
Pumasok sya sa room KO-este room NAMIN.

Tokwang baboy with toyo and onions! Magkaklase pa pala kami nitong ungas na 'to?

Ilang minuto pa at nandun parin ako sa tapat ng pinto ng room namin.

Lintyak talaga.

Teka nga? Bat ba ang init ng dugo ko dun sa lalaking yun? Eh hindi naman nya ko
inaano eh!

Eh kasi naman, mamaya saktan nya ko. Mamaya lokohin nya ko. O kaya pagtripan---

ANU BER CORR?! hindi pa nga kayo magkakilala eh kung anu anu na iniisip mo.

Binatukan ko ang ulo ko. Tama na nga! Bahala na si Batman!

*SCHOOL BELL*

Wala nang urungan eto na talaga! No choice na! Papasok na ko.


Binuksan ko yung pintuan ng room namin.

Lahat sila nakatitig sakin.

Nakatingin lang ako sa floor pero feeling ko lahat ng mata ng mga nasa room na 'to eh
nasa akin.

Tsss.. Anu ba, Anung gagawin ko?---

"Lyzzie!!!"

Itinaas ko yung ulo ko, at hinanap ang boses na iyon.

Boses ni Kambal yun! hinanap ko sya pero sa dami ata ng mukha di ko sya makita.---

"Kambal dito!" Nakita ko syang tumayo, mula sa may sulok nung room. At dahil yata
sa sigaw nya na 'Kambal' eh lalong napatingin yung mga tao sakin...

Nagbubulungan sila, kaya di ko mapigilang yumuko ulit.


Anu ba naman 'tong first day na 'to

"Kambal! Tara dito!" Patuloy na pagtawag sakin ni Kambal, at ayun nga nilapitan ko
sya.

Hayy nakahinga na rin ako ng maluwag, atleast nandito si Kambal may kakilala na ko,
may makakausap na ko. at mukhang magiging okay na ang lahat---

"Mga Pre! Dito yata sa Class-B si Lyzzie eh?" Mga pre?!?

Nang humarap yung nasa upuan na nasa harap ko,


OMG!!
Hind 'to pwede.
"Hi Corr! Long time no see"

Read
more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.90.html#ixzz24X7
2Y9ZJ

ROUND 4.1

"Seating Arrangement"
It feels good NOT being committed into relationship.
No crying moments,
No mind bugging quarrels,
No partner to think about.
But it feels BETTER when you have SOMEONE taking care of you,
Thinking about you,
HONESTLY, SWEETLY, FAITHFULLY and SECURELY loving you.

CORR's:

NICS: "Hey Corr! Whats with that face?"


KITEL: "Oo nga Corr! Kanina pa di mapinta yang mukha mo, Hello?
Respect the food."
NICS: "Oo nga Corr, kung nakakapagsalita lang yan. Naku pinagmumura ka
na nyan."
KITEL: "At hindi madidigest yan kung tititigan mo lang."

Nagtawanan pa 'tong mga bruha kong kasama.

Nandito kami ngayon sa canteen ng school, recess kasi eh.

Nabalitaan nila Nics and Kitel sa mga tsismoso at tsismosa naming schoolmate na nasa
Class B lang ako. At ewan ko ba kung maiinis o talagang maiinis ako sa naging reaction
nila.

NICS: "Aww, destiny na talaga naglalapit sa inyo ni Presbi"


KITEL: "Oo nga, sabi nga nila 'babalik at babalik din sya sa iyo' .You
see?"

Should I cut their heads off or just tape their mouths?


Simula nung nakita nila ako, di na sila tumigil kakaasar sakin.
Grr! Nakakainis!

What the F? Napaka What the F talaga ng First day ko.

FLASHBACK
"Hi Corr! Long time no see" Hi Corr Hi Corr ka jan! Nek Nek mo!
"Uh---He-Hello." Paatras na yung kaliwa kong paa, at handang handa ng tumakbo
palayo.
"Oh? Lyzzie? San ka pupunta?" Ngumiti pa yung kambal kong pangasar. hay
nako! Unggoy ka!
"Ah-Ehh-- U-Uupo na ko. Tama uupo na ko, baka maabutan pa ko nung tea--
-" Nang kumalabog bigla yung front door ng room.

Napatingin kaming lahat sa door.

"So, I heard it right. I have a transferee here." Sabi nung matandang babae na
nakasalamin na malaki at mukhang si Miss Minchin habang nakatingin sakin.

I just nodded.

Hindi ko kasi alam kung anu isasagot ko, Natutuliro ako kasi nandito sa tabi ko yung
lintyak na Sorbetero este Presbitero na 'to. Habang nakikisabay pa sa kaba ko 'tong
teacher kong mukhang kakainin ako ng buhay.

"Yes, you really look like a transferee." Tinignan nya ako ulo hanggang paa.

Puchaks. Floor eat me na!

"Go to the Discipline's Office later" Then inalis na agad nya yung tingin nya
sakin.
"Everyone please settle down."

Nagmamadaling umupo ang lahat.


Nang nakaupo na ang lahat, Naiwan akong nakatayo at tulala.

WHAT THE F?! SA TANANG BUHAY KO. NEVER AKO NA D.O!


Ay mali, sa tanang buhay ko pala until yesterday di pa ko na D.O.

"Lyzzie. Anung ginagawa mo? Umupo ka na." Bulong ni Kambal habang


hinahatak hatak yung kamay ko pababa.

Napatingin ako sa kanya, at napagisip isip kong umupo na.

Pero nung paupo na ko----

Kinuha ni Presbi yung bag nya na nakapatong dun sa uupuan ko sana.


"Dun na lang ako uupo.hehe." Kabadong sagot ko sabay turo sa may kabilang dulo.
Muntik pa kong mapatabi sa mokong na Presbi na yun!

Nang makaupo ako sa chair ko, tinignan ko yung lugar nila kambal.

Nagngingisian ang mga mokong

Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanila at nagfocus sa teacher kong kamukha si Miss
Minchin na nagdidiscuss ng handbook---

"And dyed hair is not allowed in this institution." Then tumingin sya sa lugar ko
at nagtaas ng kilay.

KAMBAAAAAAL! HOW DARE YOU! BAT DI MO KO SINABIHAN?!?!

Tinignan ko ulit yung lugar nila kambal at nakita kong nagtatawanan sila.

Kambal ba talaga kami nun?!

END OF FLASHBACK

"Hay! Leandro! Nakakainis ka!" Sabi ko habang binaba yung fork na kanina ko
pa pinapantusok ng pasta ko.
KITEL: "Corr wag kang ganyan nasasaktan si Nics" Sabay himas sa likod ni
Nics.
"Naku Nics! Anu ba nagustuhan mo sa mukhang unggoy kong
Kambal?" Teka parang mali yung sinabi ko
NICS: "So mukha ka ding unggoy?"
"Hindi! Ampon lang yun si Leandro!"
KITEL: "Sus! Nakita lang si Presbi, lumabo na kausap 'tong si Corr." Nagapir
at nagtawanan pa ang mga bruha.

Nagulat na lang ako ng may umakbay sakin.

"So? Nakapunta ka na ba ng D.O My little twin sister?" Buysit! speaking of


the devil.

Inalis ko yung pagkakaakbay nya sakin, tumayo sa kinauupuan ko at naglakad na paalis


ng table namin.

"Lyzzie! Akin na lang 'tong pasta mo ah?" Sigaw ni Kambal mula sa table namin.
Hay naku, bat ba ang PG ng kambal ko?
JJ: "Ako din Corr! Enge din ako!" Pahabol na sigaw ni JJ.

Nang medyo malayo na kami from the table.

KITEL: "Solid parin yung barkadahan nila Steve no?"


NICS: "Yeah and ang ironic no? Kung sino pa yung mortal enemies nung
2nd year, eh silang magbest buds parin hanggang ngayon."
KITEL: "Masyado kasing dakila 'tong kaibigan natin. Pinagtanggol pa yung
nanloko sa kanya."

Kasi, nung nalaman ni Kambal na niloko ako ni Presbi, naglalagablab sa galit si Kambal.
Halos gusto ng patayin si Presbi. Pero syempre dahil deds na deds ako kay Presbi
NOON (Wag kayong magside comments) Sinabi ko kay Kambal na wag nang
mangielam dahil labas sya sa relasyon namin ni Presbi.

Ayoko namang masira yung AGES of friendship nila ni Presbi.


Tama naman yung ginawa ko di ba??

Pero ngayon, napapaisip ako kung tama ba talaga---

BLAG!

Aray, pwet ko.


Okay, may world record na ko nang pagbagsak at pagtilapon ngayong araw na 'to.

Agad agad kong pinagpagan yung uniform ko---

Nang makakita ako ng kamay.

"Sorry." Habang inaabot yung kamay nya para tulungan akong tumayo.

Nang tignan ko yung nagabot ng kamay.

Sya yung kanina ko ding nakabangga! Yung lalaking kala ko sumusunod sakin, na
kakalase ko pala.
Aba, syempre di ko pa nakakalimutan na ilang beses akong napahiya dito. Ang pride
Corr. Ang pride!

Tinry kong tumayo, pero nadulas ako sa sahig.


Saka ko lang napansin na may juice palang natapon.

Inextend lalo nung guy yung hand nya para magalok ng tulong.

Pero tinignan ko lang sya ng masama. At napayuko sya.


Dun ko lang napansin na natapunan din pala sya ng juice. Medyo basang basa yung polo
nya.

Ooopps.

Aktong iaalis na nya yung kamay nya pero agad kong hinawakan yun. Or should I say
hinablot?

Halatang nagulat sya sa ginawa ko.

"Thanks" I muttered.

"Ahem" Napatingin ako sa likod ko. Nakita ko na naman yung demonyo kong
kakambal.
"Kelangan bang may eksena pang ganito? Ang clumsy clumsy talaga
nitong si Lyzzie." I just rolled my eyes.
"Sorry, nakakastrike two na yata ako." Sabi nung guy habang kinakamot yung
nape nya.

Nagulat na lang ako ng akbayan ni Kambal yung guy.

"Anung strike two strike two ka jan?"


"Magkakilala kayo?"
"Obvious ba?"
"Kristian Miguel Arellano, Migs for short" Sabay alok nang kamay nya sakin.

Tinanggap ko naman yun at nakipagshakehands.

"Corr Benitez"
"Socorro Benitez" Sabat ni Kambal.
"LEANDRO?!?!"

Napansin kong hindi parin natatapos yung shake hands namin ni Migs.

"Ehem."
Nagulat ako ng lumitaw si Presbi sa may gilid ko, while holding a can of coke.

"Kelangan bang may eksena pang ganito?" Then nakatingin sya sa mga kamay
namin ni Migs.

Bigla ko nalang binawi yung kamay ko mula sa pagsshake hands namin ni Migs.

Nanigas yung katawan ko sandali---

NICS: "Uh? Corr I think we should go to the D.O now?"


KITEL: "Yeah" Sabay hatak sa kamay ko.
"Teka teka!"

Nilapitan ko ulit si Migs at may kinuha ako sa bulsa ng uniform ko.


"Sorry, but here." while handing him my handkerchief.
"Uh- Thanks." I smiled at him and left.

Nang nakalayo na kami ng konti narinig kong naghihiyaw si Kambal.


"Woohoo! Kawawang Coke, napagbuntunan pa ng SELOS!"

Anu daw??

Hindi ko na sila nalingon kasi hinatak na ko ni Kitel at magbebell na daw.

Sa wakas, after 48 years natapos nang idiscuss nung teacher namin na kamukha ni Miss
Minchin na Miss Dela Cruz daw ang pangalan yung handbook namin.

At nakapagusap na kami regarding my hair dye. Magpacolor daw ako ng black as soon
as possible.

"So class, Tomorrow is the start of our STAR week. I hope you'll join and
lead few organizations on our department."

Yeah, tuwing kakastart pa lang ng School year. Every first week, May STAR week yung
school namin. It's like a time for recruiting new members to join clubs or organizations.

"For all the seniors, You're required to participate atleast 2 clubs or


organizations, Its needed for your clearance before graduation." New school
rules I guess.

"Anyway, I think I shouldnt explain it further. So let's go to the Seating


Arrangement."
Seating Arrangement?? Anu kami Grade School?

"Since I'm new here in your school, and I still dont know you guys. I'll
arrange you Alphabetically so that, i will able to memorize your names."

Nakahinga ako ng maluwag, since I'm sure. Kilala ko na kung sino makakatabi ko.

Syempre, dalawa kaming Benitez ng kakambal ko dito. kaya MALAMANG sya na yun.

Nagstart na magtawag yung teacher namin ng mga students.

"Abacan Joyce, Aguirre Angelica, Alfonso Venice" Oh! Shoot ngayon ko lang
napansin, kaklase ko pala yung pinsan ni Badword Monic

Oh well hindi naman kasi sya kapansin pansin

"Alley Andrea and Amparo Bea"

Natapos na yung sa kabilang side ng first row.

"Arellano Kristian Miguel" Nakita ko si Migs na tumayo from nowhere habang


nakasukbit sa katawan nya yung body bag nya at umupo sa right side nung aisle sa first
row.

"Benitez Leandro Steve" Lumapit naman agad si Kambal at nakipag high five pa kay
Migs na mukhang mga bata sa tuwa dahil sa magkatabi nga sila.

"Benitez Lyzette So---"


"Corr nalang Miss" Nag puppy eyes pa ko.
"Oh, well then, 'Corr' Take your seat besides your twin."
"Come here, Lyzzie Baby" Sigaw ni kambal, Ang kapal talaga ng mukha nitong
lalaking 'to
"Stop it, its disgusting.----" Nagulat na lang ako nang may tinawag si Miss Dela
Cruz na...

PANGALAN NA HINDI KO GUSTONG MARINIG SA MGA ORAS NA 'TO.

"Corpuz..."
Oh Lord, Please wag naman oh? Wag naman sya? Please, Jusko po. Baka hindi ako
makapag aral ng mabuti. Maygad! Please please?

Halos tinawag ko na yata lahat ng tao sa langit, Kakahiling na sana. Sana hindi SYA
yung tawagin.
"John Pres---"
"Just Presbi"
"Okay, so 'Presbi' sit besides 'Corr' Tamang tama, magtabi kayo ni 'Corr'
Pareho kayong maarte sa pangalan."

Jeezus, bat ang hina ko sa taas?

Naalala ko bigla yung sinabi nila Nics and Kitel...

NICS: "Aww, destiny na talaga naglalapit sa inyo ni Presbi"


KITEL: "Oo nga, sabi nga nila 'babalik at babalik din sya sa iyo'. You
see?"

Destiny ba talaga 'to? o sadyang mahina lang ako sa itaas?

Read
more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.120.html#ixzz24X
79E7j4

ROUND 5

"E-mail"
Those that go searching for love, only manifest their own loveless ness.
And the loveless never find love,
Only the loving find love, And they never have to seek for it.

CORR's:

"I really dont know whether, masama lang talaga yung first day ko o
talagang masama yung first day ko"
NICS: "Corr, just deal with it." Sabi ni Nics while handing Kitel some decorations.
KITEL: "Yeah wala na tayong magagawa." Sagot naman ni Kitel while putting the
decorations on the wall.
"Eh kasi naman. I think, mahihirapan ako sa ganung lagay. I mean, for the
whole quarter magkatabi kami" Napaupo na lang ako sa may chair sa gilid ng
booth nila Kitel. And just sighed.

We're here kasi sa booth ng School News Paper, Eh di ba nga si Kitel yung Editor-in-
chief slash President nitong organization na 'to. Nagpprepare na kasi siya and her org.
for tomorrow's STAR week.
And shinare ko sa kanila yung nangyaring Seating Arrangement.
NICS: "Corr, alam mo hindi mo naman kailangan pahirapan yung sarili mo.
Kasi sa tingin ko, You're making simple things complicated. I mean, dont
take it a big deal. It's just a Seating Arrangement" Then she tapped my shoulder
"Yun na nga eh, Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito. It's just a
fcuking Seating Arrangement."
KITEL: "Corr, kung ako sayo. Hindi ko ipapakitang naapektuhan ako sa
mga nangyayari. I mean, Wag mo ipakita sa kanya or sa kanila na you're
affected. Keep your head up I know you're strong. Ipakita mo kung anu
yung pinakawalan nya" Sabi ni Kitel pagkababa nya sa tinutungtungan nyang chair.
Then she hugged me.
"Thanks Kits. You're the best!"
NICS: "Hey! Pano naman ako?"
"Si Nics talaga oh." Then naggroup hug kami.

Aww Im thankful that I have friends like them.

KITEL: "Anyway, may naisip ka na bang sasalihan na organization or


club? Sabi ni Kitel pagkabitaw sa grouphug namin.
"Uh--Yun ba? I really don't have any idea. Sabi pa ng teacher namin we need
2 organizations."
KITEL: "Yeah. Kailangan daw kasi sa clearance natin before graduation."
"Kayo may naisip na ba kayo?"
"KITEL: I have the School's Paper na, all I need is one na lang. Same with
Nics."
NICS: "Yeah, so Isa na lang kailangan namin. Why dont we join same
organization? Para naman magkakasama parin tayo di ba?"
KITEL: "Yeah! Tama! Thats a good idea."
"Yeah, Pero kailangan ko pa ng dalawa." It sucks to be a transferee.
NICS: "Why dont you join the CVM Ensembles?"
KITEL: "Right! Para naman hindi masayang yang boses mo no."
"Err. Nakakahiya."
NICS: "Ba't ka naman mahihiya? You got the voice Corr!"
"Erm--O--"
KITEL: "So okay na yung isa. Isa na lang na org."
"Wait. Wait I havent decided yet."
NICS: "Basta kaming bahala sayo Kaklase naman namin yung President
nun."
"Pero---"
KITEL: "Why don't you join the School's Paper?"
NICS: "Hey! That's unfair! Kala ko ba dapat sama sama tayo?"
KITEL "Err. right. Well if that so... Nics magjoin ka na rin sa School's
Paper"
NICS: "Ako?? NO WAY! Wala nga akong katalent talent jan eh!"
KITEL: "Yeah. Wala nga"
NICS: "Ang yabang talaga neto!" Sabay palo sa arm ni Kitel.
"Erm... So san tayo sasali?"

"Huy! Anu na naman problema mo?" Sabi ni kambal habang naglalakad kami sa
may village namin.

We're on our way home na pala. Half day lang kasi kami, since It's our first day.
Natagalan lang kami kasi nga tinulungan ko pa magayus si Kitel sa booth nila and
hinintay ko din si Kambal na nagayus din sa booth nila.

"Wala"
"Suss. Si Presbi na naman yan no?"
"LEANDRO?!? Will you Shut Up?!"
"Fine, Fine. 'to naman di mabiro." Then she pinched my cheek
"Ouch!"
"So anung organizations or clubs ang sasalihan mo?"
"Uhmm... Di ko pa nga sure eh... Pero baka sa Ensembles."

Naalala ko na naman yung usapan namin nila Kitel and Nics.

FLASHBACK

"Erm... So san tayo sasali?" Nagtinginan yung dalawa, then nagngisian pa.
NICS: "Sa PEP ka na lang sumali!"
KITEL: "Tama, Dun na lang tayo sumali. Para sama sama tayo. Matagal
tagal na rin akong kinukulit ni Nics about sa PEP na yan"
"Pero---"
KITEL: "So okay na ang lahat? Yey!" Then nagapir sila ni Nics.
"Pero---"
NICS: "Magtry out na kayo bukas na bukas, para di kayo maubusan ng slots.
I'm sure madaming applicants na frosh."
"Pero---"
KITEL: "Jogging pants, Shirt and rubber shoes lang naman diba?"
NICS: "Yep."
"Pero---"
NICS: "So Okay na? GREAT!"

Bullsh!t! Si Monic ang cheerleader ng PEP squad eh!

END OF FLASHBACK
"Oh?? Talaga?" Ewan ko pero may something sa mukha ni Kambal.
"Bakit?--"
"Mukhang nakabalik na sila Migs!" Sabay turo dun sa malaking bahay na katapat
yung bahay namin na may van sa harapan ng gate.

Tumakbo agad si Kambal papunta dun sa Bahay.

Sinundan ko naman sya.

"Migs!! Yow Migs!!"


"Kuya wag ka ngang magsisigaw, 'to talaga. Nakakahiya oh."
"Anung nakakahiya? Hindi no! Madalas yata ako dito.---"

Bumukas bigla yung gate nung bahay.

"Migs! Kaya pala nawala ka sa booth bigla. Umuwi na pala kayo."


"Ah yeah, Saka dinaanan ko pa yung Booth namin. Tinulungan kong
magayus si Kitel." Booth? Ni Kitel? Huh?

Napatingin sya sakin. Then nag smile na naman sya. Cute. Lintik na dimples ba't ang
lalim.

"Hi Corr"
"Uh--Hi Migs" Sumingit naman bigla si Kambal.
"Migs! Wag ka mawawala sa try out bukas ah? Pag ikaw hindi ka pa
nagtryout naku! Iisipin ko talagang bading ka."
"Gag0." Nagtawanan na lang kami.

"Anyway, Pasok muna kayo oh?"


"Uuwi na muna ako, magpapalit muna ako ng damit. And magpapaalam
muna ako kila Mommy."
"Sige, Dito muna ako Corr ah? Paki sabi din kila Mommy."
"Sige sige."
"Balik ka din agad ah?"
"Okay."

Pumasok na sila ng bahay nila Migs. At ako naman tumawid na papunta sa bahay
namin.

Hayy. Ewan ko ba? Pero bat parang nakakalma ako sa presence ni Migs. Ngiti pa lang,
natatameme na ko.

AY CORR MALANDI KA.


"I'm home Mom!" Bati ko kay Mommy nang makapasok ako sa bahay. Kiniss ko sya
agad sa cheek.
"Nasa kapit bahay lang si Kambal."
"Yeah, nakita ko nga. Mukhang nakauwi na sila Migs. Eh? Anyway your dad
left a while ago may meeting lang sila."
"Ahh...Ganun po ba? Ah. Magpapalit lang po ako ng damit, then susunod po
ako kila Kambal sa bahay nila Migs. Ininvite po kasi ako na pumasok sa
house nila. Ayus lang po?"
"Oo naman no. Buti nga at nakikipagkaibigan ka na." Sabi ni Mommy na
may halong pang aasar. If I know ang gusto nyang sabihin is "Buti naman,
nakikipagkaibigan ka na sa mga guys."
"Mom?"
"Oh Hija, Joke lang. Onga pala yung laptop mo. Tunog ng tunog.
mukhang may messages. Pero hindi ko yun ginalaw no!" Sa states kasi
naugalian kong iwan na lang lagi yung laptop kong nakaon. Kaya ayun nadala ko
hanggang Pinas yung habit na yun.
"Mommy talaga defensive."

Umakyat na ko agad sa room ko. Agad akong naghilamos, toothbrush at nagpalit ng


damit. Then chineck ko yung laptop ko.

Nagcheck muna ako ng E-Mail.

Quote
Welcome, Corr!
You have 2 unread messages:

Quote
From: Frustrated Poet (Via Journal)
Subject: My Version of Love

Chineck ko agad kung anu yung laman,


Kala ko ba magiging busy sya?

Quote
Date Posted: June 8, 2009
Title: My Version of Love
For Individuals Only: itscorr

There are two kinds of sparks, the one that goes off with a hitch like a match, but it
burns quickly.
The other is the kind that needs time, but when the flame strikes.
It's eternal, don't forget that.
I love you and there's no words could say how much I do.

Kinikilig ako

Pero syempre, chineck ko muna yung isa bago ako himatayin sa kilig

Quote
From: Frustrated Poet
Subject: For the one I love

Quote
From: Frustrated Poet
To: Corr Benitez

Time will come and I will not be a coward anymore.


I'll see you real SOON.
OMG. Makikipagmeet na sakin si FP

Nagreply ako agad.

Quote
From: Corr Benitez
To: Frustrated Poet

When? Where? How?

Quote

SENT

Author's Note: Since maraming nagmamahal kay FP eh. Eto ang unusual POV. Limited
Edition lang 'to LOL.

FP's:

Quote
Welcome, Frustrated Poet!
You have 1 unread messages:

Quote
From: Corr Benitez
To: Frustrated Poet

When? Where? How?


Be brave man. Be brave.
Eto na siguro yung right time para magkita na TALAGA kami at magkakilala.
Ang tagal ko ding hinintay 'tong time na 'to.
Everything will be worth it.
Be brave man. Be brave.

I manage to reply, though parang naghihina yung mga daliri ko sa pagttype.


Quote
From: Frustrated Poet
To: Corr Benitez

STAR week.

Quote

SENT
"Pare! Anu ba? Maglalaptop at maglalaptop ka na lang ba jan?!"

Read
more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.135.html#ixzz24X
7GHuqo

ROUND 6.1

"FP's watching"
(STAR week: Thursday)
It is wrong to think that love comes from long companionship and persevering
courtship.
Love is the offspring of spiritual affinity and unless that affinity is created in a moment,
It will not be created for years or even generations.

CORR's:

Grabe, di ako makapag-move on. Magpapakilala na sakin si FP Nakakaloka. Parang


nawala yung kaluluwa ko sa katawan ko at laging naiiwan sa bahay.

Kasi naman eh, hindi ko alam kung anung araw sya magpapakita. Basta ang sabi nya:
Quote
From: Frustrated Poet
To: Corr Benitez

STAR week.

Pero sa twing naiisip ko na by any day or time, makikita ko na sya. Di ko mapigilan yung
saya na nararamdaman ko.

"Hoy! Socorro! Hanggang Kelan ka ba magmumukhang baliw kakangiti


magisa jan?"

"Basta" Wala akong balak mawala sa mood dahil lang sa pang aasar ng kambal ko.

Nandito na kasi kami sa street ng school namin.

Siguro napansin din ni Kambal yung kasiyahan ko these past few days.
Oh well. Masaya ako eh.

"Ewan ko ba sayo, simula nung di mo kami binalikan sa bahay ni Migs eh


nagkakaganyan ka na. Buti hindi nagtampo sayo yung tao." Pabirong sabi
ni Kambal.

"Nagsorry naman kasi ako sa kanya nung Tuesday. And inexplain ko naman
kasi sa kanya kung ba't hindi ako nakasunod, Di ba nga that day, tumawag
si Miss Minchin sa bahay natin. Kaya nalaman ni Mommy yung about sa
hair color. Kaya ayun agad agad akong hinila papuntang salon."

"Wow, Lyzzie. That was long."

"Huh?"

"Simula nung Monday, puro 2-4 words lang sinasagot mo sakin. Pero
ngayon, WOW, Those were sentences."

"So, you're counting huh? Baduy mo!"

Place: Corridor

"Kasi, the last time na nakita kita, with that aura" Winave-wave pa nya yung
kamay nya to picture my body shape.
"Eh, Nung naging kayo ni P---" I place my index finger on his lips.
"Leandro.Will.You.Shut.Up" Then I turned my back on him and pumasok na ng
Room namin.

Panginis talaga 'tong si Kambal.

Corr, Breath In, Breath Out. Ang Good mood bawal mawala. Bawal---

"Good Morning Corr" Bati ni Migs with matching wave, nang magkasalubong
kami sa may room.

Ako'y papasok, sya naman yata ay palabas.

"Good morning din Migs." Then lumakad na ko papunta sa seat ko.


"Good morning Corr" What's good with the morning? Puchaks! Teka Ba't
ang aga neto?

"Uh-Morning." I said, without looking at him.

Well, I never looked at him naman eh. Ayoko nga tumingin sa mga mata nya. ERR?!

"Ang daya, pag yung iba ang naggoodmorning---"

*SCHOOL BELL*

May minurmur si Presbi, pero di ko narinig dahil nag School Bell bigla. And What's
common with School Bell? Eh yung nakakatililing ng eardrums.

Pagkatapos ng Bell, Pumasok na agad si Miss Minchin Miss Dela Cruz our DEAR
adviser.
Agad agad namang bumalik sa seats nila yung mga nagkakagulo kong kaklase

"Good Morning Class"

"Good Morning Miss" Minchin.

"I have received the draft-list from your organizations, and I found out that
some of you lack 1 organization. So as said by the head of High School
department, The Homeroom Period will be use by the students in order to
apply on their choice/s of organization or club. " Oh-Sh!t. Hindi pa pala ako
nakakapagapply.

"Another thing, Miss Benitez." I'm dead.

"Among the class, Ikaw lang yata ang wala pang nasasalihan. So When do
you plan to apply?"

"Err--Yes Miss. Later."

Eeh--Kasi naman naschedule kami sa PEP for Friday's Tryout.

Alam ko na, Ngayon na lang ako mag aapply sa Ensembles, I'm sure wala na masyadong
magaapply kasi nagapply na sila nung first day of STAR week.

"Siguraduhin mo lang"

Tama! At Ngayon, Mas konti ang manunuod. Yeah! Tama! Good Idea Corr.

"So, what Org do you plan to join?"

"Eh--Miss.. I'm still thinking about it."

"Ano?? So, You dont have any idea??"

"Erm...---"

"No Miss! Sabi nya sakin nung isang araw, sasali daw sya sa
Ensembles!" Tokwa't Baboy with Lugaw! Pambihira!

Sinamaan ko ng tingin si Kambal at siniko,

Ngumiti lang ang mokong.

"Ah, So we have another singer here on our class?"

"No Miss, Actually. I'm planning to join the--- Ermm--- Book lover's club."
from --> faces, their faces turned to -->

Anu ba naman Corr?. Sa lahat ng pwedeng sabihin. Bat yun pa.

"Well," While she's flipping the papers she's holding.


"I think, the Booklover's Club is now full with Freshman
applicants." Miss Dela Cruz said while holding her laugh.
"No Miss, She was just kidding. She's really joining the CVM
Ensembles." Kambal said, then he turn to face me.
"Ayoko magkaron nang nakakahiyang kakambal." He whisper, while holding
his laugh.

At wala na kong nagawa kundi, tumango kay Miss Dela Cruz.

"Goodluck for the audition Miss Benitez, as far as i know. Sa Auditorium


yung audition for CVM Ensembles."

Place: CVM Ensembles Booth

Nandito ako ngayon sa booth ng CVM Ensembles sa labas ng Auditorium, Kung saan
magssign up para sa audition.

I'm holding my pen and super nanginginig.

Jusko po. Please help me. Floor and tiles, EAT ME PLEASE!

"Miss? Are you going to sign or not?"


"Uh---"

Nang may sumulpot na kamay na may hawak na pen sa gilid ko, at sa ilang iglap, nakita
ko na lang...

Quote
Name & Section:

Lyzette Socorro Benitez 4-B

Nang lumingon ako sa likod ko, nakita ko ang magagaling kong kaibigan.

"Nics?! Kitel?!" Agad naman nila ako hinatak paalis ng pila sa booth.
NICS: "Goodluck sayo sis"
KITEL: "Yep, will cheer for you"
"Feeling ko di ko kaya"
KITEL: "You have the voice Corr, Trust Me."

Speaker: "For all the applicants of CVM Ensembles, Please go inside the
Auditorium. Auditions will start after 5 minutes. Thank you. For all the
applicants of CVM Ensembles, Please go inside the Auditorium. Auditions
will start after 5 minutes. Thank you."

Hinug na lang ako nila Nics and Kitel, then sabay sabay na kaming pumasok sa
Auditorium.

Place: Auditorium

Nanlaki yung mga mata ko pagpasok,

Nakita ko yung mga classmates ko. Lintek. 2 rows of bleachers yung nasasakop nila sa
Auditorium. Walangya! Manunuod yata silang lahat

Nakikita ko silang nagch-cheer, pero---

Hindi pala ako ang chinicheer nila.

NICS: "Magaaudition din pala si Venice no?"

Nakita ko yung mga kaklase kong may hawak na cartolina na may nakalagay na "GO
Venice!" "Venice!" "Go Venice! Go!" at

"B1tch!" Joke lang

KITEL: "All support yata sila kay Venice ah?" Yeah, alam ko namang ayaw ng
mga kaklase ko sakin eh. Ang alam nila, maarte ako, nagmamagaling, mayabang, at
kung anu anu pa. Kung wala lang akong kakambal na pinagkakandarapaan nila di
naman nila ako kakausapin ng casual.

NICS: "Corr, Cheer up. Papatalo ba tayo?" Then tinuro nya yung nasa kabilang
side ng auditorium.
Nakita ko yung mga ex-classmates ko from 4-A may mga hawak din silang cartolina at
illustration board.

Nakalagay "Go Corr!" "Make 4-A Proud!" "Where you belong!" "Go Go Corr!"

"Aww. Grabe." Hinug ko silang dalawa, then kumaway ako sa mga ex-
classmates ko. Nagsigawan naman sila. Wow, para akong may fans

KITEL: "Oh sya, pumunta ka na sa may gilig ng flatform, nandun yung mga
applicants."

NICS: "Dun kami uupo, malapit sa harap. Katabi nung 4-A----"

"GO LYZZIE!!! GO KAMBAL!!!"

Sabay sabay kaming napatingin kung san nangggaling yung malakas na sigaw.

Nakita namin si kambal, may winawagayway na yellow paper. at may parang nakasulat.
Pero dahil parang ballpen lang ang pinangsulat, hindi masyado mabasa. Basta nakita ko
may "Lyzzie" dun sa papel. At saka yung iba kasi, parang siniksik na lang sa yellow
paper.

Nasa tabi nya sila Presbi, Migs and JJ. Na mukhang naiirita sa ginagawa nya pero
parang nagpipigil naman ng tawa.

Kambal talaga oh.

KITEL: "Tss. Hindi man lang nageffort na sa malaki laking papel


nilagay."

NICS: "Ang sweet nga eh."

"Ewan ko sa inyo."

KITEL: "Dalian mo at pumunta ka na dun."

"Yesir!" Nagsalute pa ko.

KITEL: "Gaga!" At tinulak na nila ko para maglakad papuntang harapan.


Pagdating ko sa may gilid ng stage, kung saan nakaupo ang mga applicants. Tinawag
ako ni Nikki (President ng CVM Ensembles na ex classmate ko din.)

NIKKI: "Corr, Eto pala number mo. Kanina pa kita hinahanap eh."
"Ay, Sorry. Nagusap pa kasi kami nila Kitel at Nics---"

"Number 2?!"
"NIKKI: "Yan na lang kasi yung natira, nung nagbunutan ng numbers yung
applicants. Sorry"
"Uh--Erm--"
NIKKI: "Don't Worry, alam ko namang maganda boses mo eh Kaya hindi
na rin ako nagaalala. Mas maganda pa nga boses mo sakin eh."
"Hey, Hindi ah!"
NIKKI: "Pa-Humble pa. O sige, punta na ko sa chairs, Magsstart na yung
audition proper. Goodluck ah? Galingan mo." She tapped my shoulder, I just
smiled.

Pumunta na ko sa mga chairs, kung saan nakaupo yung ibang magaaudition.

Pagkaupo ko---

"So, Magaaudition ka pala talaga?" Hinarap ko yung nagsalitang babae sa


left side ko. Its...

"Erm Obviously, Venice." Tss. Nakakairita pagmumukha nitong babaeng 'to.


Kamukha kasi nya yung Badword nyang pinsan.

VENICE: "Well, Goodluck. Wag mo ipapahiya ang sarili


mo." B1tch. Sasagot na sana ako pero---

Speaker: "Please settle down, we're going to start the audition proper.
Thank You. Please settle down, we're going to start the audition proper.
Thank You."

"Goodluck din, Dont worry I wont tell you the same thing. Co'z Alam ko,
Mapapahiya ka talaga." She's about to tell something pero---

Speaker: "Let's call the first one, Miss Venice Alfonso of Class 4-B" Nginitian
ko lang sya, then sya naman umirap bago umalis.

Tss, dukutin ko iris mo eh.


Nagcheer slash nagsigawan na yung mga DEAR classmates ko for her.

Nang makaakyat na sa stage si Venice, Bigla na lang kaming nakarinig ng drum roll sa
likod ng auditorium.

Lahat napatingin sa likod.

And there, Nasa likod yung CVM PEP Squad, And syempre nasa bungad ang magaling
nilang Cheerleader. Tss.

"Go Venice! Go go Venice Venice!..." They start cheering for Venice.

After 1 minute or 2, tumigil din sila. Tss. Napaka Bias talaga.

VENICE: "Gusto ko sana 'to idedicate..."

"Yiheeeee!" Nagsigawan sa kakiligan yung mga kaklase namin.

"VENICE: "Dis is por, Migs Arrelano." Nagblush pa si bruha

Lalong nagsigawan yung mga kaklase namin.

Ahh...So crush pala nito si Migs? Oh well, cute naman kasi si Migs.

Then Venice started singing:

"Love moves in mysterious ways"

Venice: Hu hab tot dis is haw da pises pit.


Yu en Ay shudent eben tray meyking sens op it.
A porgot haw we eber keym dis par.
A Bilib wi had risons bat ay dont know wat dey ar. So
dont bleym it on ma hart Ooooohhh...

See readers? I told you, without me saying na mapapahiya sya. There pinapahiya nya
yung sarili nya

Venice's mom is a korean, kaya ayan. Medyo hindi sya fluent sa english nya. Pero nasa
tono naman sya. Maybe its better for her to sing korean songs di ba?

After 4 minutes or so, ayan tinapos na ni Venice yung kalokohan este pagkanta
nya Sorry po. I'm so mean. Hindi na po---
Speaker: "Thank you Miss Venice Alfonso, For that...uhm...Wo-wonderful
song. Let's give her a round of applause"

Nagpalakpakan naman sila---

Speaker: "Let's all welcome, Miss Lyzette So-- Corr Benitez." Said the speaker,
while holding her laugh. She's also my ex-classmate kasi, kaya alam nya na ayaw ko ng
"Socorro" -----

WAIT!.

AKO NA PALA.

Agad akong tumayo, at nagsimula ng maglakad papuntang stairs ng stage.

Narinig ko yung audience na nagsisigawan, Tumingin ako. Nakita ko yung mga 4-A,

Sila nga pala yung nagch-cheer sakin.

Pero-- Natuon yung pansin ko sa dami ng tao.

Inabot na sakin yung mic. At nanginginig ko naman 'tong kinuha.

Nagccheer parin yung mga ex-classmates ko, then napatingin ako sa pwesto nila
kambal, nakita ko si Presbi na nakatingin sakin

Lalo tuloy akong kinabahan.

Ang lakas talaga ng karma oh---

NIKKI: "So Miss Benitez kanino mo naman dinededicate yung kakantahin


mo?" Biglang nagsalita si Nikki sa mic, na nasa judges table then she winked.

Alam nyang kinakabahan ako. Alam nya na takot ako sa crowd. Dati pa kasi nya ko
inaaya mag CVM Ensembles pero nahihiya talaga ako.

Nagulat ako nang tumahimik yung crowd. Para bang hinihintay nila kung anu ang
sasabihin ko. Alam kasi ng lahat yung nangyari samin ni Presbi noon. Syempre, sikat si
Presbi then sikat din yung pinalit nya sakin.

Tumingin ulit ako sa mga tao, lahat sila nakatingin lang sakin.

Feeling ko, wala ng lalabas na boses sakin, feeling ko mapapahiya ako. Katapusan ko
na Sheeez... Anu ba, nasan na yung tapang mo Corr?!

Napatingin ulit ako kila Kambal.

Then kay Presbi, Nakita ko sa mga mata nya. Hinihintay din nya yung sagot ko. Err---

"Erm--'tong K-Ka-kakantahin K-ko..." Napatigil ako dahil sa sobrang kaba.


Feeling ko tuyong tuyo yung throat ko.

Binaba ko yung mic...At nagpplano na kong bumaba ng stage. Napatingin ako sa mga
paa kong nangininig na sa kaba...

Gusto kong tumakbo pero parang nadikit na yung mga paa ko sa stage.

WAAAAAA Anung gagawin ko----


"Hey Hard-headed! You can do it! Dont feel nervous! Kaya mo yan!"

Napatingala ako, at napaharap sa crowd nang marinig ko yung sigaw na yun.

Hinanap at hinanap ko kung san nanggaling yung sigaw na yun---


"Make me proud Man-Hater!"

Nagulat ako nang makita ko na si Migs yung sumisigaw, nakatayo sya sa bleachers.

Nakatingin na rin sa kanya lahat ng tao.

Teka--

Hard-Headed??

Man-Hater??
OMG.
"It's STAR week remember?!"

Read
more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.165.html#ixzz24X
7cFhdf

ROUND 7

"You got it all over him"


(You got me over him)
The art of love... is largely the art of persistence.

MiGS':

"It's STAR week remember?!"

Then bumalik na ko sa pagkakaupo ko.

Everyone is staring at me, Parang ako yung kakanta.


Is it really embarassing? I mean, yung pagsisigaw ko?

Well, Since I told her that I'm going to meet her this STAR week, I couldnt sleep well.
Yeah. It looks like I'm too d@mn excited with this STAR week.

Since that day, I kept on thinking what to do and how to do it.

But nung wednesday, Gallons of courage suddenly splash the hell out of me.

FLASHBACK

I was roaming around the school garden because I'm posting our fliers for our
organization. When I accidentally saw two people:

Presbi and Monic.

I think medyo matagal na silang may "confrontation" period. And--

Hindi naman masama mag eavesdrop right?

"-I'm really sorry Monic--"


"B-But...Why...W-Why No-Now?" She said between her sobs.

Wait. Are the two of them---

"I just don't love you no more." Presbi said with a firm voice.

Wait, Kanta yun di ba?

Presbi turned his back to her, But Monic immediately hug her from his back.

"P-Pl-Please...D-Dont leave me...P-Please..." While tighting her hug.

Pero tinanggal agad ni Presbi ang pagkakayakap nyang yun.

"Sorry...I couldnt fool myself anymore, It hurts like hell you know." Then
he started walking away from her.
"But, You cheated on her!" Sigaw ni Monic, na halatang may halong galit.

Napahinto si Presbi, Then hinarap nya si Monic with a distance.

"And thats the foolish thing I did." Then he start walking away from her again.

"Hindi pa tayo tapos! Babalik ka din sakin, At lolokohin mo lang sya


ulit!" She said at the top of her lungs. (isnt that a song again?)
Kung di lang 'to babae nasapak ko na to kanina pa eh

Sumagot naman si Presbi, This time nagpatuloy pa rin sya sa paglalakad.

Pero parang hindi ko gusto yung sagot nya.

No, Actually.

Na-alarm ako sa sagot nya.


"NO! Co'z this time, I'll be true"

END OF FLASHBACK

Alam kong si Corr yung dahilan ng lahat ng 'to.


Hindi na bago sakin yung feelings nya towards Corr.

Since, kakambal ni Corr si Steve. He couldnt share his feelings to him. Kasi in-off limits
na sya ni Steve with Corr. Eh kung si Jj naman ang pagsasabihan nya, I'm sure
pagtatawanan lang sya nun. Kasi nga, ang alam ng lahat eh si PRESBI-IS-PRESBI-THE-
GREAT. Period.

But, yun ang naging problema nya, Masyado nyang pinanindigan yung EGO, PRIDE and
his "TITLE".

Kaya pati sarili nya, niloko nya na.

Kaya Mapahiya na kung mapahiya. Pero, Hindi ko hahayaang mabulag na naman sa


kanya si Corr.

I wont let her hurt her. AGAIN!

Sobra sobra na yung mga kwento sakin ni Corr nung nasa states pa sya, To prove how
STUPID and FOOLISH Presbi is.
So this time...
It will be my turn.

"Hey!" Nagulat ako ng niyugyog ako ni Steve.

Napatingin naman ako sa kanya.

"I'm asking you tol kung para san yun?" I think, kanina pa nya ko tinatanong.
"What?"
"Sabi ko, para san yung pageeskandalo mo?" Ah--That--Eh--
"Uh--" Napatingin ulit ako sa stage kung saan nakatayo si Corr.

What the hell is she doing? Hanggang ngayon, hindi parin sya kumakanta.

"L-Look at her!" Sabay turo sa stage.


"Siguro sobrang kabado yan, Kaya ayun Nagcheer na lang ako sa kanya.
Para naman malaman nyang sumusuportra tayo di ba? Eh kung ikaw
naman kaya?" I said then I raised an eyebrow on him.

Mukha namang naniwala ang mokong at tumayo din sa Bleachers.

"GO LYZZIE!!! MAKE BENITEZ PROUD!!!"

Magkakambal nga sila. Pareho silang---Uh (Kayo na bahala sa term readers)

Tumingin ulit ako kay Corr na nasa stage parin, Nakita kong inangat na nya yung
Microphone na kanina pa nya hawak hawak. Then--

"Uh--I-I--" Her voice is still shaking, halatang kabado sya.

Corr, kaya mo yan! Show them what you got! I know matapang ka! Cor---

I just heard her took a deep breath from the mic, Then I saw her---

Wait, did I just saw her-- Smiling?

"I dedicate this song..." She stopped, Like she's searching for someone.

The crowd suddenly stop from murmuring.

Then we suddenly meet each other's gaze.

"To someone who's really special..." Is she talking to me??

Then she smiled. Like she's just smiling at me.


"This one is for you...."

Author's Note: Please do listen to the song while reading the lyrics

I'm imagining Corr's voice like Juris' of MYMP.

You got it all by MYMP

CORR's:

"This one is for you...." Then I close my eyes.

FLASHBACK

Quote
frustrated poet (frustratedpoet)

itscorrbenitez: Gaadd. I'm really nervous about the upcoming play.

It was the day before our school play in the states.

I'm going to sing kasi, It's kinda broadway-type kaya were going to sing.

Quote
frustrated poet (frustratedpoet)

frustratedpoet: Trust yourself Everything will be okay.


itscorrbenitez: Gaad, I'm really DEAD nervous.
frustratedpoet: Just close your eyes, Feel the rhythm. Sing from the heart and
everything will be just fine.

END OF FLASHBACK
Then she started singing...

"I, I was a game he would play


He brought the clouds to my day"

Its nuts to say but I'm thinking about Presbi, when I'm singing that line.

I suddenly remember every little thing he did to me.

When he hurted me...


When he fooled me... And
When he CHEATED on me...

Wait---
Anu bang ginagawa ko??

This song is for Migs.


NOT FOR THAT CHEATER!

STEVE's:

Alam kong namis nyo na ko readers kaya eto ako ngayon


ILABSYOU ALL

"Then like a ray of light"

With that line, she open her eyes.

And her eyes were on us.---

No-- Actually.

Nakatitig siya kay Migs.

At ang mokong naman eh nakatitig lang din sa kanya.

ABA. ABA.

Anung meron? Parang may something ah?


"You came my way one night
Just one look and I knew
You would make everything clear
Make all the clouds disappear
Put all your fears to rest
Who do I love the best
Don't you know, don't you know"

Tahimik yung crowd habang nakikinig sa Angelic voice ng kambal ko.

Aba kambal kami syempre!


San pa ba mag mamana di ba?

"You got it all over him


You got me over him
Honey it's true
There's just you
You must have been heaven sent
Hearing me call you went
Out on a limb
And you're all that he's not
Just look what I got
Cause you got it all
Over him"

Nagulat na lang ako ng mapatingin ako kay Presbi.

His eyes were lock on Corr.

I couldnt read his eyes. Pero--

I could see... Sadness...

Then napansin ko na lang na nagfform na into fist yung isa nyang kamay na nakapatong
sa lap nya.

What's wrong with this guy?


"No, don't let him worry you so
Once I met you I let go
Oh you can surely see
You're so much more to me
Just one look and I knew
You would make everything clear
Make all the clouds disappear
You're better than all the rest
Who do I love the best
Don't you know, don't you know"

Nagulat na lang ako ng may tumugtog na guitar bigla.

Napatingin lahat ng tao sa gilid ng stage.

And there, yung members ng CVM Ensembles eh nagback up na sa pagkanta ni Kambal.

Napatingin din si Kambal, pero tuloy parin sya sa pagkanta nya then she smiled to the
CVM Ensembles na nagba-back up sa kanya.

Then, pagtapos nya tumingin dun. Bumalik na naman sya sa titigan moment nila ni
Migs.

Eww. This is so cheesy

At ang mokong, nakangiti pa habang nagtititigan sila. Eww.

"You got it all over him


You got me over him
Honey it's true
There's just you
You must have been heaven sent
Hearing me call you went
Out on a limb
And you're all that he's not
Just look what I got
Cause you got it all
All over him
Honey it's true there's just you
You must have been heaven sent
Hearing me call you went
Out on a limb
And you're all that he's not
Just look what I got
Cause you got it all
All over him"

Pagtapos na pagtapos ni Corr sa pagkanta nya, nag bow sya then ngumiti na naman sya
sa lugar namin.

Nagpalakpakan naman ang crowd with matching sigaw pa lalo na sa side ng mga 4-A

Nagulat na lang ako ng tumayo yung dalawang katabi ko:

Si Migs na tumayo at pumalakpak habang abot tenga ang ngiti.

At si Presbi naman na...

Sinuntok ang bleachers sa gilid nya


at Nagwalk out.

Honestly, What's wrong with this guy?

Read
more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.210.html#ixzz24X
7kZOdt

ROUND 8.1
"Try Outs"
Love is a thing, well, its kind of like quicksand:

The more you are in it, the deeper you sink.

And when it hits you, you've just got to fall.

CORR's:
NICS: "Oh my God Corr!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Nics, Kaya napatayo ako sa pag ta-tie ng shoes ko.

We're here sa locker room ng GYM. Ngayon kasi kami magttraining for the screening of PEP. At dahil sa sigaw ni Nics
eh napatingin yata lahat ng magttraining sa kanya.

"Bakit??" I said facing her.


NICS: "OMG." Then, lumapit sya sakin ng konti and bumulong.

NICS: "My ano ka--May--" Sinamaan ko lang sya ng tingin.


"Ano?"
"Me-Meron kang...Y-You have a flag of japan." Flag?? Japan?? Anu daw?
"Anung flag of Japan?"
NICS: "Err-- Anu ba...May blood stain sa jogging pants mo."

"WHAT?!?!" Napatingin ako agad sa may jogging pants ko sa butt part.


OMG. Meron nga.

"Shoot." Agad naman bumalik si Nics sa Bag nya then kumuha sya ng coins sa purse nya.

Tumakbo sya papuntang vendo ng mga tissue, napkins and liners.

Pagkakuha nya inabot nya agad sakin yung napkin.

NICS: "May dala ka namang extra undies no? Dalian mo magpalit ka na agad." With that kinuha ko na
yung dala dala kong extra undies then pumunta ng cubicle.

"Uh---Nics??" Tawag ko sa kanya habang nasa loob ng cubicle


NICS: "Anu yun?"
"Panu 'to wala na kong dalang extra jogging pants, may dala ka pa ba jan?"
NICS: "Sorry Corr. Wala eh."
"Pwede kaya kung yung maong pants na pamalit ko?"
NICS: "Hindi ko lang alam kung papayagan ka magtry out with maong pants, and besides hindi ka
makakagalaw ng maayos dun." Shoot. I'm really dead.

NICS: "Pero...Pwede siguro kung yung cycling shorts ko dito? Eto lang kasi yung dala ko." Then bigla
na lang syang may inabot sa itaas ng cubicle na kinalulugaran ko.

Isinuot ko na agad yung shorts, pero---

"Uh--Nics?"
NICS: "Yeah?" Lumabas ako ng cubicle.
"Parang masyadong maikli sakin yung shorts mo."
NICS: "Ayus lang naman ah? Saka, Anu ka ba ganyan talaga ang fit nyan."
"Pero parang nakakahiya."
NICS: "Anu ka ba Corr, Tignan mo sila." Then tinuro nya yung mga ibang magttraining din.

Mga nakacycling shorts lang din sila. Pero GRABE.

Parang naka undies na lang sila sa lagay na yun

NICS: "If I know mga nagpapcute lang yan sa mga players naten. Pssh. Naku! Tara na nga Corr. Baka
malate ka pa sa try outs." Agad naman akong hinatak agad ni Nics palabas ng locker room.

Habang naglalakad papuntang GYM. Naalala ko si Kitel.

"Nics, asan pala si Kitel? I thought ngayon din sya magttry out?"
NICS: "Ewan ko ba dun. Mukhang may PMS. Since yesterday hindi pa nya ko kinakausap ng
matino." Yeah, hindi pa nga sya nagpakita nung uwian.
NICS: "Then I texted her last night. I remind her about the try outs. Pero sabi nya, hindi na daw sya
magttry out."
"What?!"
NICS: "Tumawag ako sa bahay nila, but sabi natutulog na daw sya. Eh hello, it's like quarter to 8
palang nung tumawag ako." Anu kaya problema ni Kitel? Hindi rin sya nagrereply sakin.

Lahat yata ng tao nagcongratulate sakin about sa nangyaring audition. Pero si Kitel ni "Congrats" or "hey" or
whatever. WALA.

Kaya nga ako sasali dito sa PEP eh kasi nandito silang dalawa ni Nics tapos hindi sya magtry out? Tsss. Maybe I'll---
NICS: "CORR!!!!" I heard Nics' scream, but its useless---
*BLAG!!*

Now, this is the "THRILL" we're talking about.


It's Presbitero's time to shine

PRESBI's:
Hindi ko alam kung sadyang sinisipag akong gumising ng maaga (Na sa tingin ko naman eh imposible din.) para
pumunta sa training ng ganito kaaga. O, sadyang naiirita ako sa pagmumukha ni Migs. dahil sa kabaklaan nya
kahapon.

Imagine 4 am palang eh nandito na ko. Pero 5:30 am talaga yung training ng varsity every Friday. Pero ba't ganito?---

EWAN!---
D@mn! Anu ba nangyayari sakin? Kanina pa 'to ah?

Simpleng Free throw- kanina ko pa di mashoot shoot--

"Mukhang ang aga ni Presbi ngayon ah?" Lumingon ako and I saw Lee. (Ang pinaka maarte sa lahat ng Varsity
Players, Kulang na lang eh magdala ng baby powder.)
"Oo nga eh, siguro may problema yan. Ganyan naman yan pag maaga sa training eh. Dinadaan sa
basketball." Sabat naman ni Dro (Pedro in long Ang pinaka lampa samin, Pero ang pinakamalakas mang asar.)
"Tsong, Problema mo? Nagaway na naman ba kayo ni Monic?" And that one is Drei. (Ang pinaka mayabang
sa lahat ng pinaka mayabang, Pero sya lang yata may sense kausap sa kanilang tatlo.)

Pagkababa nila ng gamit nila sa bleachers pinuntahan na nila ako agad sa court.

I try to shoot a free throw again---

Plak. wala. Lumabas ng ring.

D@MN. Anu ba 'to?

DRO: "Looks like wala talaga sa mood si Pres."

Then, I pass the ball to Dro..

We started playing.

After a while, may mga nagdatingan.


Puro babae, pero may nararamdaman akong mga bading sa paligid. P0ta. Kadiri.

Mga magttryout siguro yun sa PEP? Tss. I dont care.

Napansin kong huminto yung ibang babae para manuod ng laro naming apat.
Tss. Mga pacute.

DRO: "Paps, trip ka yata nung babae oh?" Sabay pasa ng bola sakin, Napatingin naman ako sa tinuro ng nguso
nya.

Nakakita ako ng 4 na babae.


1. Matangkad na mukhang anorexic.
2. Stout na naka make up.
3. Chubby.
4. Maliit. Sobrang liit. Mukhang grade school.
Nang nakita nila akong nakatingin sa kanila, agad silang naglabasan ng mga salamin at Nagsimulang magayus.
Pssh. Arte.

Nagdribble ako, then I'm about to shoot the ball--

Pero someone caught my eyes---

Corr.

I saw her with Nics, papasok sila ng locker room at mukhang nagmamadali sila.

DRO: "Pres! Anung ginagawa mo?!" He shouted at me.

Dun ko lang napansin, wala pala sa tamang anggulo yung pagsshoot ko.
So I pass it agad kay Dro.

DREI: "Pres? Kung anu man yang problema mo, wag mo dalin sa court. Mapapagalitan ka pa ni
Coach." I just sighed.

Then we start playing again.

Anu ba talaga problema ko? Naapektuhan ba ko ng break up namin ni Monic? Pero ako naman ang may gusto nito.
Sumosobra na kasi sya. Basta. Parang hindi na sya yung dating Monic na kilala ko. Simula ng naginig Cheerleader
sya ng lintik na PEP na yan, nagbago na sya. As in nagbago na ng sobra---

"PRES YUNG BOLA!" Nagulat naman ako sa sigaw nilang lahat.

Napatingin agad ako sa kanila, at nakita yung bola na patama na sakin.

Good thing nakaiwas ako---


"CORR!!!!"
When I heard her name, ewan ko biglang lumingon yung ulo ko kung san nanggagaling yung sigaw na yun.

And there, nakita ko nagkakagulo yung mga tao sa GYM.

Tumakbo agad kami dun nila Drei.

And when we got there, I saw her lying sa gilid ng court.


Inangat ni Nics yung ulo nya--

"Corr! Corr! Are you alright? Hey! Corr! Open your eyes!" Sabi ni Nics habang pinapalo palo nya yung pisngi
ni Corr.

Napansin naming nagdudugo yung ilong ni Corr

NICS: "Oh.My.Gosh. Your nose is bleeding." Nadilat ni Corr yung mga mata nya dahan dahan, Pero ng
mahawakan nya yung ilong nya. At Nakita yung dugo---

FLASHBACK

Nung 2nd year kami may activity sa Biology. We need to know our Blood type. Kaya lahat ng 2nd year sabay sabay na
pumunta sa clinic.

At dahil arrange kami Alphabetically 3 tao lang ang pagitan namin ni Corr.

Kami pa nun. That's why sinabi nyang sa likod na lang nya ako pumila. Hindi sya mapakali nun. Tinatanong ko
naman kung bakit, pero lagi lang nya sasabihin eh "Wala lang." And nung turn na nya, sinabi nyang samahan ko daw
sya sa loob ng room.

Pero, since sa tingin ko eh nagiinarte lang si Corr. Hindi ko na sya sinamahan sa loob.

Pagpasok nya...
After few minutes.

Sumigaw yung in charge sa loob. At nahimatay daw yung estudyante na kinukunan nya ng dugo.

And there. I conclude: Takot sya sa dugo.

END OF FLASHBACK

Agad nawalan ng malay si Corr pagkakita na pagkakita nya sa dugo na nahawakan nya.

At nagfreak out naman agad 'tong si Nics.

Without a second thought---

"TABI!" Sigaw ko sa mga nakaharang sa daan.

Agad kong kinuha yung kamay ni Corr, at binuhat sya.

Napatingin ako kay Nics, na nanlaki yung mata pagkakita sakin.

NICS: "Eh-- P-Presbi..Ano-- Sa-Saan mo sya d-dalin?" Pagkabuhat na pagkabuhat ko kay Corr, Hinarap ko si
Nics.

"Clinic..--Takot siya sa dugo." Sabay naglakad na ko at nilayo na sya sa mga taong nakapalibot sa kanya.

Sa dami ng tao dun, masu-suffocate lang si Corr.

Dirediretso ako palabas ng GYM nang makasalubong ko sila Steve at Migs. May hawak hawak silang softdrinks at
hawak naman nila sa kabilang kamay nila yung mga bag nila.

Nagulat sila ng makita ako na buhat buhat si Corr. Pero hindi ko na lang yun pinansin. Tuloy parin ako sa paglalakad.

Nagmamadali ako.

"Ano nangyare sa kanya?!" Tanong ni Steve na may halong pagaalala.

Habang hinahabol ako sa paglalakad.

"Hinimatay sya. Dadalin ko sya sa Clinic. Mamaya ko na ikkwento. Mauna na kayo sa GYM baka
mapagalitan pa kayo ni Coach." Nang bigla na lang humarang sa harap ko si Migs.

"Ako na magdadala sa kanya." Sabi nya habang nakatingin lang kay Corr.
Ayoko nga---Este.

"Gusto mo pa bang makapag try-out? Hindi tumatanggap ng late si Coach." Then nilagpasan ko na lang
sya.

"Eh Ikaw hindi ka ba malalate sa pagdala sa kanya sa clinic?"

"Nagmamadali ako." Wag ka ngayon mandaldal.

Nilagpasan ko sya at nagmadaling maglakad.


Nang sumigaw si Steve---

"Bilisan mo Pres! Hindi tumatanggap si Coach ng late!"

Napangiti ako...
"WALA AKONG PAKIELAM."

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.240.html#ixzz24X8V0wf1

ROUND 8.2
"Try Outs"
(Coke-Abuse)
A bell is no bell 'til you ring it,

A song is no song 'til you sing it,

And love in your heart

Wasn't put there to stay

Love isn't love

'Til you give it away.

CORR's:
Naramdaman kong nakahiga ako, Pero---Ba't parang gumagalaw yung kinahihigaan ko?

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko.

OMG.

"AAAAHHHHHH!!!!!!!!!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakabuhat sakin ni Presbi.


"Ibaba mo ko! Ibaba mo ko!" Patuloy parin ang pagsigaw ko.

"Pwede bang wag kang sumigaw?!"

"Basta! Ibaba mo ko! Ibaba mo ko! BILIS!"


"Tss."

Binaba nya naman ako agad. NO. Binagsak nya ko.


Kaya tumama yung braso ko sa semento. Ouch.

"Anu ba! Bat mo ko basta basta binaba?" Sabay tingin sa kanya ng masama habang hinihimas yung braso kong
namumula.

"Labo mo naman eh. Bahala ka nga jan." Sabay talikod at naglakad na pabalik, siguro pabalik ng GYM.

Tss. Tignan mo 'to. Bastos talaga.

Nang makalayo na sya ng kaunti nagmadali na rin akong bumalik sa GYM.


Baka mapagalitan pa ko ng coach ng PEP at late ako---

"TRAINEE PA LANG, LATE NA!" Trainee pa lang late na. WTF. The hell that I care.
"Tss. I was unconcious a while ago. 'SORRY'." Sagot ko kay Monic na may halong sarcasm. Patience Corr.
Kahit naiirita ka sa mukhang lamok na yan. Wag mong patulan. Alalahanin mo cheerleader yan.
CHEERLEADER your face!

"Opo ate, nahimatay sya kanina."


"Natamaan po kasi sya ng bola."
"Totoo po yun."

Napatingin ako sa mga nagsabi nun. Mga lower-classmen yata sila. Sila yung mga halos naka undies na lang kanina.
Oh well forget it pinagtatanggol ka nila Corr oh.

Agad ko naman silang nginitian. They smile back naman.

"Kung mahina resistensya mo, Dapat hindi ka nag PEP hindi kita tatanggapin kung nahihimatay ka
na lang bigla bigla-"
"Look, hindi ako hinimatay because of low-resistence. May phobia ako sa dugo, and I bet wala
namang blood-related-trainings dito sa PEP right? Is this Biology?"
"Hey Socorro! Wag kang magtataray sakin--"
"Then don't speak nonsense"
"Aba! Akala mo kung sinong maganda--" See? Sobrang Nonsense kausap.
"Kumapara sayo?" Then I stare at her from head to toe. Then I smile. "Talagang Oo" I was about to leave her
face, pero she grabbed my arm. Awch. dun pa sya humawak sa may braso kong bumagsak kanina.
"Dont be a !@#$--" Look who's talking?
"Then, get out of my face." Then I turn my back to her.
"Wag kang maginarte dito! This is my Territory!"
"It's all yours, you could start mopping the whole GYM" I said, without looking at her.

Narinig ko pang may sinigaw si lamok, pero hindi ko na maintindihan. Whatever.

As I reach Nics na nasa kabilang Corner ng GYM. Napansin ko si Presbi na nagj-jogging sa may gilid ng GYM. (He's
roaming sa bawat gilid ng GYM) Napansin ko ding nasa kabilang side ng GYM yung mga varsity ng school. I guess,
It's Basketball. Nakita ko kasi sila Kambal and Migs. Kinawayan ko na lang sila from a far

"Corrr!!!!" Sigaw sakin ni Nics, nang makita nya ko. "Okay ka na ba? Huh?"
"Okay na ko dont worry."
"May binigay ba sayo sa clinic na something?"
"Err~Clinic?"
"I thought dun ka dinala ni Presbi?"
"Ako? Dinala nya sa clinic?" Napaisip ako ng konti...So dadalin pala nya ko sa clinic kaya nya ako buhat buhat?
Naalala ko na nagdugo pala yung ilong ko. Hinawakan ko agad yung ilong ko...Erm...Wala ng dugo..

Err- Pwede ba yun? Si Presbi? Dadalin ako sa clinic---


"Yeah, nalate pa nga sya eh.." Sabay turo sa kung saan. There, nakita ko si Presbi na nagj-jogging ulit. Ba't ba 'to
nagj-jogging? Nakita ko naman sa kabilang dulo ng GYM, sa may gilid ng court na naglalaro yung mga varsity. Nakita
ko pa ngang nagshoot si Migs eh. Aww "Nalate nga sya eh, kaya ayan pinarusahan nung coach nila, 15
minutes jogging. Grabe talaga magalit yung coach na yun, parang jurassic park!"
"Naku! Hayaan mo sya, matapos nya kong ibagsak kanina."
"Corr talaga oh? Teka~~ Nagthank you ka ba naman?" T-Thank you??
"Uh--Ehh--" Naalala ko na naman yung pagsigaw sigaw ko sa kanya. Tsk sya naman kasi eh!
"Ay nako Corr. Ikaw talaga oh--"

*WHISTLE*
Napatingin kami bigla kung san nanggagaling yung whistle, and there may nakita akong naka uniform na pang P.E na
lady. Maybe 23-25 years old lady. Pamilyar yung mukha eh---
"Mamaya ka na lang magthank you Tara magpakitang gilas ka na!" Then hinatak na ako agad ni Nics
papunta dun sa lugar ng PEP.
Habang papalapit kami...Unti unti ko ng naalala kung sino sya~~
"...-lcome new applicants I'm so glad~~~" Napahinto sya ng napatingin sya sakin.

OMG. Kelan pa sya naging coach dito ng PEP---

"Corr??" Sabay titig sakin. "It's really you!!" Nilapitan nya ako agad. Ako naman ngingiti ngiti lang...Panu mo ba
naman kasi haharapin yung---
"Uh--Hi Ate Rafi~~ Hehe..." Si Ate Rafi. (Preserafica for long. Hulaan nyo na lang kung kaninong ate sya.)
Obvious naman
"Long time no see! Kelan ka pa umuwi??"
"Uh--Eh--Nito lang po. Hehe." Kinakabahan ako ng konti, pano ba naman kasi. Hindi man lang ako
nakapagpaalam sa kanya nung pumunta ako ng States. Ehh di ba panu ba naman ako magpapaalam, eh sigurado pag
nagpaalam man ako, magkrus landas namin ng magaling nyang kapatid.
"Grabe ang laki ng pinagbago mo! You look so pretty! Dalagang dalaga ka na talaga." Tinitignan parin
nya bawal detail sa mukha ko. Naman~~ Napapansin kong nakatingin lang samin yung mga PEP cheerers kaya~~
"Ahh--Ehh...Ate Rafi, mamayang break na lang tayo magkamustahan...hehe..." Sabay nguso sa mga PEP
cheerers
"Ay, O sige sige." Bumalik na ulit si Ate Rafi sa harapan ng mga PEP, Isip bagets talaga 'tong si Ate Rafi oh.

"Nic-Naks, Kelan pa naging coach si Ate Rafi dito?" Sabay siko kay Nics, na tahimik na nakikinig sa usapan
namin ni Ate Rafi kanina.
"Uh--Eh? Ewan ko, basta nung nagtraining ako for PEP hindi sya yung naabutan kong coach,
Summer after nung second year tayo bigla na lang pinalitan yung coach, and tada sya na."
"Ah?? Ganun ba??" Yun na lang yung sinabi ko, since hindi ko parin maabsorb na yung magiging coach ko sa PEP
eh yung Ate ng Ex boyfriend kong CHEATER (Syempre mawawala ba yan)

Si Ate Rafi, ang alam kong course nya nung college is dance, Magaling nga syang magballet eh, at syempre kahit
anung sayaw, na sasayaw nyan. May ari sya ng Dance School dito sa Manila. Madalas nanunuod kami ng recitals nya
nuon, kaya masasabi kong magaling talaga syang dancer.

Pero ba't sya nagc-coach ng PEP ngayon? Tamang trip ba 'to?

MiGS':
*WHISTLE*
"Nice freeplay guys, Water break muna." Napahinto kaming lahat sa paglalaro nang marinig yun.

"I'm so glad you join the Martians" (Author's Note: Naisip ko kasi na Cultural school of the Virtues Martians ang
maging school nila, Pinagpilitan ko yung CVM LOL.) Then our coach tapped my shoulders. Nginitian ko na lang si
coach.

Napatingin ulit ako sa kabilang side ng GYM kung saan dun nagttraining ang mga PEP. Mukhang water break din
nila. Nakita ko si Corr na kausap yung Coach ng PEP.

Kanina ko pa sya tinitignan everytime na mapapalingon ako sa side nila. She's graceful. Well, She's not that flexible
pero she's graceful.

She's beautiful inside and out. Naalala ko kagabi magkachat kami.


(I forgot, gamit ko na yung personal YM ko ngayon, not the FP's YM. Sya lang din naman kasi contact ko dun)
FLASHBACK

Quote
Corr Benitez (itscorrbenitez)

kmarellano: Hey song bird!


itscorrbenitez: Ang yabang mo! Wala man lang thank you.
kmarellano: Thank you? For What?
itcorrbenitez: Tss. I'll be back, i'll just pack my things.
kmarellano: Ok.

Then I call her cellphone.

Fake low voice: "Thank you for the wonderful song my princess" I heard her laugh.
"Stop it. It's creepy."

END OF FLASHBACK

Then we talked like for 3 hours, Hindi ko nga alam kung bakit naging ganun katagal.
This girl makes me talkative like a girl

"Eww...Migs, Could you stop smiling like that? Nakakadiri." Sabay palo ng towel nya sa braso ko. "Sabi ko
pa naman, kaya kita sinali dito kasi nababakla ka na sa School's Paper na yan!"
"Hey! Hindi ah! At hindi ako bakla okay?" I said without looking at him.
"Tinamaan ka talaga sa kambal ko no?" Napangiti lang ako sa sinabi nya. "Nakakabading
kayo. Teka nga, matanong kita?" Napatingin ako sa kanya, since nagseryoso bigla yung boses nya.
"Ano?"
"Pinagnasaan mo na ba ako dahil kambal kami ni Corr?" Then tumayo sya at nagtatakbo palayo
sakin.

Baliw talaga 'to!

STEVE's:
Alam kong namiss nyo ko kaya eto ako ulit ILABSYOU PANS. *batok* Author: Tama na nga yan! Magtrabaho ka
na! Yes Boss!
Kakatapos lang namin magshower. Time check: 7:30 na. 8 am pa naman classes namin. Pag Friday kasi. excuse lahat
ng Varsity and PEP sa Flag Ceremony, yun kasi yung time para makapagtraining pa kami. Hassle naman kung
papasok kami ng hindi man lang naligo or what Ambaho Mehn!

Nagpopolo na ko ng makita ko si Migs at Presbi na naguusap. Napaka seryoso ng mga mukha nila habang naguusap.
Anu meron?

"Basta yung mga sinabi ko sayo. Wag mo kalimutan" Sabi ni Presbi habang tumalikod at lumabas na ng
shower room.

"Anu sinabi nya sayo?" Tanong ko kay Migs.


"Out of nowhere, bigla na lang nya sinabi yung mga Likes, Dislikes, Phobia at kung anu anu pa ni
Corr." Sabi nya na may mukhang naguguluhan.
"Ba't naman nya sinabi yun?"
"Ewan ko ba dun, Lakas na naman ng topak. O sya labas na ko, sabay kami papasok ni Corr
eh." Kinuha na nya yung back pack nya at akmang palabas na. Teka, pagkakataon ko ng maging kuya.

"Eh, Migs, Teka." Napahinto naman sya nung sinabi ko yun. Nakatingin lang sya sakin na para bang hinihintay
kung anu yung sasabihin ko. "Hindi ko alam kung anung meron sa inyo ni Corr, at kung panu kayo
nagkaroon ng bond sa maikling panahon. Pero kung anu man yun, Sana---" Nagsalita na sya agad.
"Alam ko, Alam kong nasaktan na si Corr ng sobra noon. Alam ko kung gaano sya naghirap at
nasaktan ng sobra noon. Kung kaya't wala akong balak na gawin sa kanya yung mga ganung bagay
ulit. Ang hirap din kasi na maramdaman yung sakit na nararamdaman nya...Parang ako yung
nasasaktan hindi sya---" Sabi nya na nakatingin sa mga mata ko.

Teka?? Ganu na ba sila katagal magkakilala? Ehh magiisang linggo pa nga lang. Tss. Ang Cheesy talaga nitong si Migs
oh.

"Basta...Paki-ingatan sya...Paki-alagaan sya... At pag nalulungkot sya...pasayahin mo sya"


"Ginawa, ginagawa ko na...Wag kang magaalala hinding-hindi ako magsasawang gawin
yun." Napangiti na lang ako sa sinabi nya.

Sabay na kaming lumabas ng shower room---

"BAT KA BA NANGINGIELAM HA?!" Nagulat ako ng makita ko sila Corr at Presbi sa labas ng shower room, Si
Corr may hawak hawak na gatorade, while si Presbi. AS USUAL COKE na naman. Magkatapat at mukhang kanina pa
sila naguusap---
"BAT KA BA SUMISIGAW HA?! SINABIHAN NAMAN KITA NG MAAYUS HA?!" este nagsisigawan.

"Teka-Teka, anu ba problema nyong dalawa?"


"SYA KASI!" Nagkatinginan silang dalawa, Umirap lang si Corr, si Presbi naman umiling na lang.
"Bahala ka jan!" Sabi ni Presbi kay Corr. Sabay harap samin. "Sige pasok na ko." Then, sabay tumalikod na sya.

"Bwisit talaga yun!" She hissed.

Bigla na lang huminto sa paglalakad si Presbi~


"MIGS! TUTAL SAYO NAMAN YAN NAKIKINIG! PAGSABIHAN MO NGA NA WAG MAGSUSUOT NG
GANUNG KAIKLING SHORT ULIT." Then nagpatuloy na sya sa paglalakad.

"Problema nun?" Sabay na tanong nila Corr at Migs.

Nginitian ko na lang sila.


"PMS lang yun, Sige sundan ko lang yun ah? Kawawa naman pag nang gulpi ulit ng coke eh"

Tsk tsk... Hay.. Presbi kilala na kita...Ngayon ka pa nagga-gaganyan ah?


Ang tagal kong hinintay na bumigay ka...Ngayon ka pa bibigay kung kelan may Migs na...tsktsktsk...
OI! TEKA!TEKA! WAG KAYO MAGISIP NG KUNG ANO ANO AH! HINDI AKO
BAKLA!

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.285.html#ixzz24X8aiIpE

ROUND 9
"Friends and Siomai"
My bounty is as boundless as the sea,

My love as deep;

The more I give to thee

The more I have,

For both are infinite.

NICS':
Its been a week, At hindi parin kami nagkakasabay na tatlo. Err~ I hate it. Eto kasing si Kitel kahit kelan may
pagkaimmature magisip. SUS.

Naguusap kami ni Kitel at alam ko kung anu yung nagpapalayo sa kanya kay Corr. Actually hindi naman talaga sya
lumalayo saming dalawa ni Corr, Kay Corr lang talaga sya umiiwas.

Nalaman ko na ang ikinagagalit nya eh yung bali-balita at kumakalat na nanliligaw na nga si Migs kay Corr. Syempre,
sino ba naman ang hindi maniniwala? Eh sa ginawa palang nilang dalawa nung STAR Week di ba? Parang
pinagsigawan narin nilang dalawa na may SOMETHING sa kanila.

Pero ang di ko talaga maintindihan ay si Migs. Ba't ba ganun yung lalaking yun? Parang ang bilis bilis magdecide?
Parang kelan lang close na close sila ni Kitel. Parang kelan lang sinabi ni Kitel na they're dating. Parang kelan lang
kakasabi lang sakin ni Kitel that M.U na daw sila? Hayy Ang labo! Ako naiipit eh!

"Hey! What's wrong with you?" I asked Kitel, when she's about to leave the room (Nagmamadali na naman.)
"Sinabi ko na right?" She answered like I asked her in a WRONG manner.
"Di ba nga sinabi ko na sayo? Hindi nya alam kung anu talgang meron kayo ni Migs, before sya
dumating." I said like talking to a 5 years old girl who doesnt know how to tie her shoes.
"And di ba? I told you to TELL HER! Para ALAM NYA. at hindi sya mukhang tang@ng walang alam--"
"Anu ba Kitel? Anung Problema mo? Ba't ka nagkakaganyan? Ba't ka nagsasalita ng ganyan?
Kaibigan natin si Co--"
"Kaibigan? HAH. May Kaibigan palang nanunulot ng guy ng kaibigan nya? How Sweet." She said
glaring at me.
"Kitel, Listen to me, wala akong kinakampihan sa inyo ni Corr. Pareho ko kayong kaibigan pero, Anu
ba. lalaki lang yan? Anu 'to? Masisira lang yung Friendship nating talo dahul sa lalaki? At isa pa hindi
naman naging kayo ni Migs at the first place--"
"Shut Up! We're almost there! At kung hindi lang nakielam yang Malanding Babaeng yun! Edi sana
kami na--"
*SLAP*
Natahimik sya at mukhang nagulat din sa pagkakasampal ko.
Gusto na kaming awatin at paghiwalayin ng mga kaklase ko. Pero sinenyasan ko sila na wag munang makielam.

"Kristelle Anne, Hindi ko alam kung anung demonyo ang sumapi sayo at nagkakaganyan ka. Pero ito
lang ipapaalala ko sayo. Si Corr nasaktan na sya dati. Nasaktan na sya ng sobra at alam mo yun.
Pareho tayong witness sa pagsu-suffer nya. Could you give her a chance to be happy naman? Kahit
this time lang. Sya nga ilang beses nagparaya for the two of us to be happy remember? Kung gusto
mong isaisahin ko yun ngayon para lang marealize mo kung anu anu yung ginawa nya for us, Para
lang maging masaya tayo. Kahit alam nyang sya naman ang hindi magiging masaya. Ginawa nya
parin yung mga yun kahit nasasaktan sya---"
"Hindi lang naman sya ang nakakaramdam ng sakit at Hindi lang naman sya ang nasasaktan eh! Ako
din! Ako din! Nasasaktan ako! FINE! KAMPIHAN MO SYA! MAGSAMA KAYONG DALAWA!" Then
tumakbo na agad sya palabas sa room namin.

Argh. Nagui-guilty ako. Naman kasi! Ako ang naipit dito eh

Anu ba? Kailangan pa bang may piliin ako sa kanilang dalawa?


Pareho ko silang kaibigan at pareho silang importante at special sakin pero...Ba't ganito ang nangyayari?

Hindi naman sa kinakampihan ko si Corr, Pero alam nyo yun?

Pag naalaa nyo yung mga tulong na ginawa ng isang tao sa inyo. Gusto nyo naman suklian kahit papano.

Kaya hindi ko masabi sabi kay Corr yung kung anung meron kila Kitel at Migs nuon kasi naman...Alam ko pag naging
okay at naging sila ni Migs. May assurance na kong masaya na sya.. I mean hindi na sya broken hearted dahil dun sa
nangyari sa kanila ni Presbi.

Alam kong by this time, Eh meron paring HURT sa puso ni Corr. Kahit na sinasabi nyang nakapagmove on na sya.

STILL, ALAM KO. DEEP INSIDE NASASAKTAN PARIN SYA TUWING NAKIKITA ANG MUKHA NG CHEATER NA
YUN.

KiTEL's:
Umalis na ko sa room ko bago pa maginit yung dugo ko lalo kay Nics. I dont wanna ruin our friendship just because of
that CORR.

Nakakainis! Mangaagaw! Sulutera! Malandi! B!tch!

"Forget that were Friends B1tch!" I screamed as I reached the Comfort Room.

Grrr! Nakakainis! Nung nasa states sya kinakwento ko naman sa kanya yung about kay Migs ah? Then bakit ngayon
didikit dikit sya kay Migs nang ganun! Errr! Ang landi!

"So what's with the drama?" Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. At nung hinarap ko sya.

Its...

"Oh...Monic, Kanina ka pa jan?" So you heard something eh?


"Yeah, Kanina pa. and Wait? Did I heard you calling your friend a 'b1tch'?" Then she laugh a little.

Tss. Nakikisabay pa 'tong bruhildang 'to :|


"Err...Yeah---"
"Oh Great, Now may natauhan din na kaibigan nya. Wait, You two are no longer friends right?"
"I-I think..."
"So we're friends now?" Err? Friends?
"Teka? Ba't nakikipag kaibigan ka sakin ngayon?" She just smile and cross her arms
"Kung magkagalit kayo ni Corr, Meaning you're on my side." Uh?
"Your side?"
"Yeah. Sweetie I'm doing a favor for you" Favor?
"Favor? Huh---"
"Youre so innocent talaga, Sa tingin mo? After Annica slapped your face makakabalik ka ng ganun
ganun lang sa grupo nyo?" Nang marinig ko yun, naalala ko na naman yung convo namin ni Nics. WTH. I hate
them!!! "Oh chill my dear, wala dito ang mga b1tch." Ngumiti lang sya sakin. And I dunno why I smiled
back.

"Friends?" Inabot nya sakin yung kamay nya.


"Friends"

Tinignan ko lang sya,


I'm thinking why I learned to hate this girl?

Hmmmm.....Maybe because the Corr-B!tch told me so.

This is a good start---No.

This is the "evil start"

CORR's:
Magiisang linggo na pagkatapos nung STAR week. Magiisang linggo na rin yata akong nililigawan ni Migs. I dunno,
pero parang M.U na kami? Sabay kami tuwing lunch break since pag recess si Nics ang kasama ko (Yun kasi ang sabi
nya sakin, kasi pag lunch break si Kitel naman ang sinasamahan nya. Ewan ko ba sa kanya ba't di na lang kami
magsabay na tatlo di ba?) Hatid sundo nya ko sa bahay at sa school, Pag may meeting or training naman sa mga org
namin, hinihintay nya ko. Aww. He's soooo sweet talaga :"> Err-- At Magiisang linggo na rin akong nagttyaga sa
pagiging seatmate 'tong Presbitero na 'to

"Anu daw?" Tanong ni Presbi sakin. Social Studies kasi namin ngayon, and tinatanong sya ng teacher namin kung
anu daw masasabi nya sa government namin ngayon.
"Ewan." And I rolled my eyes. Ilang beses na nya kong ginaganito. Pag sya ang tatanungin o tatawagin lagi nyang
pinapaulit sakin. Wala ba syang tenga? Tss. EPAL.

Habang sumasagot ng mali si Presbi (lol) Wala na kong ginawa kundi mag-doodle ng mag doodle sa notebook ko.
Ewan ko ba? Nakakahawa yata ang katamaran ng mga kaklase ko

"Anu yan?" Tanong na naman sakin ng DAKILA kong seatmate pagkatapos nya magrecite.
"Alam mo ba yung word na Privacy??" Still doodling. Not looking at him.
"Ah Oo bakit?" T@tangang tanong na naman nya. Tss.
"Pwede bang bigyan mo ko nun?!" Pagkasabi ko nun, naramdaman kong di na sya ganun kalapit sakin. I mean,
naramdaman kong di na sya tumitingin sa kung anu ang ginagawa ko.

HAY! Buti naman at nagets nya yun!

Nang bigla na lang syang may iniipit sa gilid ng notebook ko.


A small piece of paper.

Tinignan ko lang sya with this kind of face --->


But he just smile. No. He grin.
Tss. Epal talaga neto!

Pero kinuha ko parin yung papel, at binasa:


Quote
Privacy

HONESTLY? WHATS WRONG WITH THIS GUY?!?!

"Anu ba---"

*SCHOOL BELL*

Teacher: "Okay, you may go. Have a nice day."

Nagmadali syang kunin yung mga gamit nya at sa isang iglap wala na sya sa harapan ko.

Argh! Anu ba! Nakakairita talaga yung lalaking yun!

Kinuha ko yung mga notebooks at books ko sa ilalim ng arm chair ko and---

*BOOG*

"Ouch." Liliit yata ako kakauntog dito sa armchair ko eh.

Narinig kong tumawa si Kambal sa may likod 'to. 'tong lalaking 'to! Walang awa!

Nagulat na lang ako ng may lumapit sakin. Its...

"Corr, Are you okay? Pangatlo mo na yan na untog ah?" Superman.


"Uh--Eh~~ Masyado yata akong matangkad para sa armchair na 'to" Sige Corr, mautal ka pa. Mukha
kang ewan.
"Be careful okay?" Then he tapped my head. Aww---
"E-engot engot lang talaga yang si Lyzzie, Hayaan mo na lang sya Migs." Sinamaan ko sya ng tingin. "Err-
-I mean, bilisan mo jan. Mauna na ko, sumunod ka na lang sa south park" Then umalis na sya sa may
likod namin at naglakad palabas ng room.

S.P or SouthPark = Tambayan = Bilyaran = Computeran = Inuman = Studio = Food stands = Dorms = SEx Okay it
means "Sinangag Express" Author's Note: Mala U.M or Taft 'tong S.P na 'to

"Gusto mong sumama sa S.P?" Alok ni Migs.


"Erm??..." Usok? Yosi? Polusyon?
"Dont worry, dun tayo sa may mga food stands."
"Erm..Sige sasama na lang ako."
"Sure ka?" Err. Hindi--
"Yeah, Dumaan muna tayo ng lockers ayus lang?"

Dumaan na nga kami ng lockers then I saw Nics...


"Nics! Uwi ka na?" Uwi ka na para naman may kasabay ako oh?
"Buti na lang nakita kita. Sorry Corr, may meeting yung O.V ngayon eh...Hindi ako makakasabay sa
back gate." O.V(Optic View: Photography Club)
"Ah ganun ba? Anyway...Si Kitel? Balita?" Good news??

Then nakita ko syang napatingin kay Migs.

"Ah, Migs anjan ka pala. Hello" Then she face me again. "Wala pa nga eh...Baka busy lang? Alam mo na
naman yun, Anyway Sige nagmamadali na ko eh baka malate pa ko sa meeting" Nagbeso na kami and
then she left.

Hayyy..May problema kaya si Kite? Sana okay lang sya.

Habang naglalakad kami sa stairs, pinagtitinginan kami. Tss. Nakakairita. Alam nyo yun? Titingin tas
magbubulungan parang mga ewan.

Tahimik lang si Migs, Tinitignan ko sya sa corner ng mata ko, Mukhang may iniisip sya..
Ayoko naman gambalain syempre, nakakahiya.

Nakarating na kami sa S.P at hindi parin sya nagsasalita. Err. Malamang tahimik naman kasi 'to pag kami ang
magkasama.

"Ang tahimik mo..." I said out of nowhere.

Nandito na kami sa tapat ng S.P

"Ganun ba? Pasensya na ah..." Hala naoffend ko ba?


"No I didnt mean anything---"
"Ang boring ko talagang kasama eh. Pasensya na."
"Nah, ayus lang. For a change ba? Hehe." Ngumiti na lang din sya sakin.

Yeah. Sobrang tahimik namin ni Migs pag magkasama kami. Alam nyo yun? Parang nagmomoment lang kami
lage?

"Oh? Nandito na pala si Migs eh. Kasama pa si Corr" Nakita ko si JJ na sinabihan sila Kambal.
"Oh? Bat ka nandito?"
"Asa ka naman na ikaw ang pinuntahan ko?"
"Ay, Oo nga pala." I dunno, but thers a change in his tone. "Si Migs na pala ang bagong kinalolokohan ni
Lyzzie ko." He's smiling at JJ, then bigla silang naghigh five. Problema neto?
"Isa ngang Coke in Can." And there, Nakakita ako ng familiar na imahe. Nasa likod pala ni Kambal si Presbi.

Nagshakehands(CVM version. LOL. Alam nyo yun? Guy stuffs) na sila Migs, JJ, Kambal, Presbi at iba pang kakilala ni
Migs na nasa S.P

O.P Ako.

Nagulat na lang ako ng may tumayo sa harap ko.

"Anung ginagawa mo jan?" It was my superman. *blush*


"Ah-Eh.."
"Tara. Kain tayo." Then he holds my right hand.

Yikeee :">
Feeling ko my butterfly farm na ko sa stomach ko

"Mukhang may girlfriend na si Migoy ah?" Sabi nung isang lalaki. Na mukhang kabatch yata namin o kaklase?
Ewan. di ko sya kilala.

Dinala ako ni Migs sa food stand ng Siomai House, Nagulat ako at nandun na sila Kambal, JJ at Presbi.

"Kuya, Dalawang orders po" Then umupo na kami.

Paikot kasi yung upuan sa Siomai House, so ang Seating Arrangement eh:

Ako
|
Migs
|
JJ - Kambal - Presbi

Iniabot na sakin ni Kuya yung order namin ni Migs. Nilagyan ng Toyo at konting Chilli ni Migs yung Siomai ko.
Tsss. Gusto ko marame!!!
Kaso pagkalagay nya ng toyo at chili sakin, inabot na agad nya sa kabila (Kila Presbi) Yung toyo at chilli.

Nakatingin lang ako sa Siomai ko...

Mukhang Pale yung Siomai ko. Kaawa awa.

Gusto ko kasi sa Siomai eh yung natatabunan ng Chilli tas binabaha ng Toyo


Hindi ko nga alam kung bakit kahit anghang na anghang na ko eh gusto ko parin ng maraming chilli
Ang wirdo talaga ng panlasa ko

"Lyzzie, Ba't di mo pa nire-rape yung Siomai mo?" Alam din kasi ni Kambal na sobrang takaw ko sa
Siomai.

Napatingin na lang ako sa side nila, lahat sila nakatingin sakin. Pati si Migs.

"Bakit? Akala ko favorite mo ang Siomai sa Siomai House? Ayaw mo ba? May dumi ba?---"
"Ah Hindi Hindi, Wala Wala---" With matching hand gestures pa. "Favorite ko talaga ang Siomai---"

Nagulat na lang ako ng may kumuha ng Siomai ko sa harap ko.


Si Presbi.

Nilalagyan nya ng maraming Toyo at Chilli yung Siomai ko.

Napatingin lang kami sa kanya.

STEVE:
JJ & MIGS:
AKO: *Naglalaway na* LOL.
Then inabot na sakin ni Presbi yung Siomai ko na kinuha nya.
"Ang gusto kasi nya, Natatabunan ng Chilli at Binabaha ng Toyo yung Siomai na kakainin nya." Then
he continue eating his Siomai and leaving our mouth half open.

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.330.html#ixzz24X8hVYrM

ROUND 10
"Meet Taylor"
For every beauty there is an eye somewhere to see it.

For every truth there is an ear somewhere to hear it.

For every love there is a heart somewhere to receive it.

STEVE's:
Tss. Tignan mo 'tong si Presbitero. Hindi man lang talaga marunong tumiming. Tss. Ngayon pa nagiinarte ng ganyan.

"Anu ba yang si Pres?" Bulong ni JJ sabay siko sakin.


"Ewan ko ba dito. Tss." Sabay lang kaming napatingin ni JJ kay Presbi na kumakain parin ng Siomai.

Seriously, napaka insensitive talaga nitong taong 'to.


Napatingin naman ako kila Lyzzie at Migs. Si Lyzzie sarap na sarap sa pagkain ng Siomai while si Migs naman kakain
tas susulyap sulyap kay Lyzzie.

Tss. Kaya ayoko ng lovelife eh. Sakit lang yan sa ulo.

"Teka?? Ba't andito ka nga pala?" Tanong ko kay JJ.


"Huh? Bakit? Ayaw mo ba na magkakasama tayong tropa?" Sagot ni JJ habang nagsasad face pa.
"Uluul! Ba't wala ka sa buntot ng girlfriend mo?" Oo may girlfriend na tong si JJ. Nung summer yata
naging sila. Ewan ko ba dito hindi naman pala kwento tungkol sa girlfriend nya ngayong panahon na 'to (Yesss
playboy kasi yan!) "Anu nga ba pangalan nun?? Net-Net ba?-Teka?? Nettie? Tama! Nettie!" Author's Note:
Oha! May lumabas nang NEW CHARACTER haha.
"Argh. Ewan ko ba dun! Nakakairita na kung minsan. Hindi ko nga alam kung bakit ko naging
girlfriend yun eh!"
"Eh sino ba kasi nagsabing ligawan mo yun?"
"Hindi ko yun niligawan no! Parang nagka summer fling lang kami, Hindi ko naman alam na aabot
pa pala ng school year. Mantakin mong schoolmate pala natin yun!"
"Teka? San mo ba nakilala yun? Sa inuman? Sa party? Sa club?"
"Gagu! Hindi ako pumupunta sa club!"
"Andumi mo magisip. Ibig kong sabihin sa club, eh sa bar! Tungaks!"
"Eh pag ikaw ang nagsasabi kasi nagmumukhang madumi agad."
"Ulul! So san nga? San mo nakilala?"
"Sa resort nila Mommy, nung summer nagbakasyon din sila dun ng family nya. Kaya ayun."
"NAGING KAYO NA AGAD NUN?!" Napatingin sakin sila Lyzzie. Napalakas yata pagsigaw ko. "Hehe.
Sorry."
"Eh ang hot naman kasi nun eh! Sobrang sexy pa! Hindi ko naman alam na ganun pala yun
kapossesive. Tas nalaman ko na lang na tiga-CVM lang pala sya. Kaya ayun. BINGO."
"So? Anung balak mo sa iba mo pang girlfriends? At sa mga schoolmates mong girlfriends?" Tama.
Each batch yata may girlfriend 'tong mokong na 'to eh
"Ehh yun nga eh. Nahihirapan na ko. Mahirap din namang mabuko."
"So? Anung plano mo?"
"Eh ewan ko nga din eh. Hindi ko naman ma-bbreak yung mga yun dahil baka magsuicide yung mga
yun " Lakas mo tsong! "At hindi ko naman mabbreak 'tong girlfriend ko na 'to kasi nga kabatch natin
sya. Alam na yata ng buong batch na kami eh."
"Puro problema lang sinasagot mo sakin eh. Anu ngang plano mo?" Naku. Kung di ko lang 'to kaibigan
sinapak ko na 'to eh.
"Ah...Eh...Paps...Baka naman?" Nako. Parang masama 'tong ngiting 'to ni JJ. Parang....MALI.
"Pwede mo kong tulungan?"

CORR's:
Nagkaayaan na umuwi, dahil nagkaubusan na kami ng pera kaka-siomai

Sabay ng umuwi sila JJ at Presbi since pareho sila ng way. While kaming tatlo sabay sabay ng umuwi since magkapit
bahay naman kami nila Migs.

Nasa gitna lang ako nila Kambal ang Migs.

Si Kambal nakasimangot lang at nasa pockets yung kamay. Si Migs naman, diretso lang ang tingin.

Hayy ang tahimik na naman. Ayoko ng ganito.


Tss. Pero hindi ko naman magulo 'tong si Migs. Syempre nakakahiya.

Pero sa tuwing tinitignan ko sya sa corner ng mata ko, parang nakatingin sya sakin. Pero pag haharapin ko na sya,
iiwas na agad sya ng tingin.

Tss.
"Sige mauna na ko sa loob Lyzzie ah? Wag kayong masyadong magtagal dyan."
"Uh??" Nandito na kami sa tapat ng bahay namin, Kaharap ko ngayon si Migs na kanina pa walang imik. Oh well,
wala naman talagang imik 'to pag magkasama kami eh. Pero, feeling ko kasi may sasabihin sya sakin eh? Err---
Parang wala naman. "Sige papasok na ko ah? Salamat sa treat kanina and sa paghatid. buh-bye---"
"Sandali." Napahinto ako sa pagtalikod ng marinig ko yung boses nya.
"Ah..Eh? Anu yun?" Tss. Sige mautal ka pa Corr.
"Ah...Ehhh..." He's not looking at me, Left right left right yung tingin nya. Wait. Is he blushing? "C-Co-
Corr??"
"Yes?" Anu ba yun? spill it out meyn!
"I-I-I k-know y-you know..." Labo. Anu daw?
"May problem ba Migs?"
"Tss. Anu ba 'to" he whispered. (Rinig ko parin.)

I hold his arm and shinake ito. "Are you okay?" Nanlaki bigla yung mata nya sakin.

Erm..Whats wrong with this guy? He's freaking me out.

"Corr..."
"Yes?" For the second time.
"C-Could.I--I--I."
"Could you??" Err. Migs anu ba?

Then he sighed.

"Dont make this hard for you Just tell me na lang if youre really ready." Then I tapped his shoulder. "I
had fun Thanks ulit." I turn my back on him, Waiting na baka masabi na nya this time...

....

....

But wala syang sinabi.


So I open our gate at pumasok na sa bahay.

MiGS':
She turned her back, then she stopped for a while. I think she's waiting for me to say something.
I want to spill it out. But i cant. I just cant.
I sighed.

And there she opened there gate and go inside.

Naiwan ako sa labas ng bahay nila na mukhang ewan.


Napayuko na lang ako sa katorpehan ko...

"Corr, Could I officially court you?" I muttered.

Damn! Ganun lang hindi ko pa masabi. Where's the courage Migs?! Kelangan pa ba ng something to provoke you
again? Asan na yung tapang mo nung STAR Week? Anu yun? For STAR Week na lang talaga?

Damn.

After 10 minutes or so..


I decided to leave...

Naglakad na ako at tumawid na pauwi ng bahay namin.

When I got there---

"Antagal mo naman! Nauna pa ko sayo dito, San ka ba nagpunta?"

And there I saw Presbi, nakaupo sya sa isa sa mga bench sa may terrace ng bahay namin, holding a plastic bag of 7
eleven.

"What brings you here?" Pamilyar na 'to eh. pupunta lang naman 'to dito pag magddrama sya. "You'll tell me
that you want Monic back?" Then binato nya sakin yung laman ng plastic bag na hawak hawak nya. and yeah
i was right magddrama talaga 'to. "Inuman?" Habang pinapakita sakanya yung SanMig Light na binato nya.

Hindi sya sumagot, he just open his SanMig then uminom na.

umupo na lang ako sa may kabilang bench, then sinenyasan si Manang to give us snacks/pulutan.

Uminom lang kami ng uminom. Walang nagsasalita samin. Hanggang sa napapansin kong dumadami na yung mga
lata na nasa paanan namin.

"Bat parang di nauubos?" I asked out of nowhere. Habang nakatingin sa mga lata ng SanMig sa paa namin.
"Nagpadala ako kay Manang ng redhorse. Anu ka ba? SanMig pa lang ininom mo tinatamaan ka
na?"
"Hindi kasi ako lasinggero tulad mo."
"Oo alam ko, goodboy ka. kaya ang daming nagkakagusto sayo eh, hindi nila alam bading ka."
"Sinabi na kasing hindi ako bading." Lagi na lang nila akong inaasar na bading, kesyo ang tahimik ko daw,
kesyo walang bisyo, kesyo walang chicks. kesyo kesyo.
"Oo alam ko, kaya nga pumoporma ka kay Corr eh." Inom pa din sya ng inom.
"Si Corr yun eh teka, Si Monic ang dahilan kung bakit ka nandito di ba? Okay, spill it out."
"Yeah si Monic nga siguro ang dahilan kung bakit ako nandito. Teka kamusta na kayo ni Corr?"
"Bakit? gusto mo syang balikan? Nagsisi ka na no?, Kami? Ewan ko."
"Yeah. sising sisi na ko. I want her back." Then he open another can.
"Bat ka ba kasi nakipagbreak sa kanya?"
"Hindi ako yung nakaipagbreak sa kanya, SYA ANG NANGIWAN." Huh? Anu daw? Labo.
"Huh? Eh ang balita ikaw ang nakipagbreak kay Monic." Yeah. Yun ang nakita ko sa school garden. Sya ang
nakipagbreak kay Monic.
"Pare ang labo mo naman kausap eh." Ako pa naging malabo. Tss.
"Madami ka ng nainom Pres."

"I want her back." He said after finishing the can he's holding.
"Then, get her back."
"Ganun?" Parang nagulat si Presbi sa sagot ko.
Okay. Basag na ba to?

"Uh?" Then he stood up. Medyo naoout of balance pa.

Then nakipaghand shake na sya sakin. and naglakad na sya papuntang gate.

Nang makatapat sya sa may gate. Tinaas nya yung kamay nya. and shouted:

"So may the best man win pare!"

So, he was talking about Corr?


Sh!t.

"Special Child Round"

Author's Note:
This is the cause of my pausong auditon
PAALALA:
I'm really happy for all of you who participate and also to those who didnt participate for my pausong audition
Since, medyo madami kayo hindi ko po kayang ma-approve lahat lahat ng yun, Since pag ginawa ko yun magbabago

yung story ng bonggang bong bong So sana po walang sasama ang loob Pero, gusto ko pong malaman nyo na
natutuwa talaga ako sa inyong lahat Thaaaaaaaaaaaaaaaaanks! hindi ko na ito pahahabain pa so
*group hug* hehe.

Sya (yung nasa baba) muna ang ipapakilala ko sainyo since dadagdag sya sa "LEAD
CHARACTERS" ng CVM
sa susunod na ROUND makikilala nyo na silang lahat [/size]

Quote

This character/idea is from/made: princessgraxxie & elkdude

TAYLOR's:
FLASHBACK
2 years ago...
Cabanatuan City

Guess who: "Taylor...Don't leave me please...I'm begging you..." He said in between of his sobs.

We're here sa usual meeting place namin. Sa park dito sa may village namin.

"Sorry, but I really have to do this." I said firmly. I dont want him to feel, that I dont want to leave also.
"You told me you love me so much...How come-...How sudden-..." He couldnt speak properly. Geez. Dont
make this hard for me.

"Sorry...--No sorry..I just dont love you anymore...Goodbye..." With that I left him.

END OF FLASHBACK
That's the BIGGEST mistake I've done in my entire life...
Leaving him in exchange for my certain hell life.

RECENT FLASHBACK
1 week...

"Are you ready?" My Mother The witch asked me.


"Uhuh. As if i had a choice"
"Aren't you excited about it? You're going home."
"I'm not going home. I told you! I want to go home in Cabanatuan not in !@#$ Manila" Gusto ko na
syang uwian...Gusto ko na syang balikan...
"You'll be better in Manila, you'll be in a prestigious school unlike in Cabanatuan. And its your
school's choice we cant do anything about it."
"You have connections! You can---"
"My decision is final Taylor."Then she left me.

Literally, THAT MOTHER-!@#$!

I hate her like hell!!! ARGH!!!

I went back to my bags and again fix my things.


I'm staying here(school's dorm), and that witch came from nowhere and gave me stupid goodbyes.

While fixing my stuffs---


I dropped a little notebook..

Quote
To my Romeo:
And there, I saw every piece i have written for him. Though he never received any of these.
I saw every paper's tear I made because of the bullshiit tear drops.

Daaamn. Did I lose this much?

She's Taylor Ronquillo, 17 years old.


She WAS a kind, cheerful and loving person.
But now, She's a self-centered, conceited, rude and "a brat" kind of person. in short:
she's BiiTCH-ER THAN MONIC (lol.)
She stayed in France for almost 2 years. And now, she's going home.
And when she gets home...
She'll take "HER EVERYTHING" back.

HIS ROMEO.

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.375.html#ixzz24X8mzcHv

ROUND 11
"Si Steve may LOVELIFE NA!"
A lot of the trials and tribulations of adolescence can be attributed to teenage love.

Seemingly insignificant,

teenage love can in fact mark the beginning of great,

mature,

and everlasting love.

CORR's:
"Hay! Naiinis na talaga ako sa kanya! He's sooo torpe!" I said then I drink my water.
"Oh, Chill lang Corr."

We're here sa canteen and kakakwento ko lang kay Nics nung mga katorpehan ni Migs this past few days or should I
say THE ENTIRE DAYS THAT WE'RE TOGETHER.

"Sa tingin mo? Seryoso ba talaga sya sakin?"


"Hmm...Hindi kasi kami ganung ka-close ni Migs pero, Sa tingin ko naman seryoso sya sayo...Di ba
nga ginagawa ka pa nya ng mga poems?"
"I dunno..." Para sakin ba talaga yun? "Feeling ko nagaassume lang ako na for me yun, but i dunno..."
"Ha? Di ko gets? Ang labo."
"Ehh... Ewan, Pero sa tingin mo ba para sakin yung mga yun??"
"Eh? di ba sabi mo, parang nagdededicate sya sayo ng ibang poems nya---"
"Yun ang sa tingin ko..."
"Na ano?"
"Na para sakin yung mga yun..."
"Bakit? May past ba---" I cut her off as i saw Migs walking towards us.
"He's here--- HI MIGS!" I said in my usual HYPER VOICE.

AS USUAL he just smile politely and scratch his nape.

UGH. kung di ka lang cute MIGUEL!

"Uh--"
"Kaya pala ako nandito, erm.. We'll having our club meeting. Pull out kami sa class. I dont know why,
biglaan din." Mabilis nyang sinabi.
"Ah ganun ba---"
"Dinaanan lang kita dito para masabi yun and sorry di kita mahahatid later. Anyway nagmamadali
na rin ako I'll text you na lang Corr. Bye. Bye Nics!" Then off he go.

*sigh*
"Torpe nga..."
"Hay naku. Ewan ko ba jan. Naku tara na nga. Then umalis na kami sa table namin at naglakad na paalis ng
canteen.

"Oh Corr, wag ka ng sumimangot dyan"


"Nakakafrustrate lang. Alam mo yun? Parang gustong gusto nya ko sa mga poems nya pero sa
personal parang hindi naman...Alam mo yun, Iba kasi pag sinabi ng harapan yung mga nakasulat
dun... Basta di ko maexplain. Para bang iba yung satisfaction na mararamdaman mo? Something like
that... Argh!"
"Chill Corr. Anu ka ba? Wag ka na ngang ma-ewan jan. Darating ang araw na hindi na sya matotorpe-
-"
"Kelan pa?? Pag nainip na ko..."
"Be patient Corr"
"Argh! Panu ako magiging---"

*BLAG!*

NiCS'
*BLAG!*
I suddenly heard a LOUD BLAG. And there...

Nakita kong nasa sahig na si Corr at yung nakabanggaan nyang babae.


Pinapagpagan ni Corr yung uniform nya, while yung babae naman eh pinulot yung mga nahulog na papel na hawak
hawak nya.

"COULD YOU WATCH WHERE YOU WALK?!?" Nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Corr, Napatingin lang ako
sa kanya habang tumatayo sya.
"Sorry?" Tanung nung babae na parang sarcastic naman pagkatapos nya pulutin yung mga papers na nahulog sa
kanya.
"I SAID. COULD YOU WATCH WHERE YOU WALK?!?!" Corr said in a LOUDER VOICE. Okayy.. I smell
Catfight.
"IKAW 'TONG HINDI TUMITINGIN SA DINADAANAN MO" The girl replied in a "slang-way" like she doesnt
speak Filipino.

I saw Corr glaring at the girl.

"Sira na ang araw ko, so wag ka ng dumagdag." Then she left us.

Lumapit agad ako dun sa babae at...

"I'm sorry Miss. Bad---"


"Shut up!" Then she left.

PUTRESS NA BABAENG YUN!!!!

STEVE's
"Please Miss, wag ka ng umiyak jan." For the 5th time ko na 'tong sinasabi. Pero hindi parin tumitigil
sa kakaiyak kakahagulgol 'tong babaeng 'to.

Kanina pa kami dito sa may field ng school. Mag i-isang oras na yata kaming nakaupo dito. ANU BA! UWIAN NA!
DAPAT NASA SP NA KO EH!

"B-Ba-Ba't--sya G-ga-ganun." She said in between of her sobs.


"Hayaan mo na lang yun Miss. Loko loko talaga yung si JJ na yun." Hay! Lintek ka JJ! Ba't dinamay damay
mo pa ko sa gulo mo!

Patuloy parin sya sa pagiyak nya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, tas sabay nagbubulungan.
NAMAN. Iniisip yata nila na ako ang nagpaiyak dito eh.

Nagtataka siguro kayo kung anu ang nangyayari? Well eto ang nangyari.

Dismissal...

"Uy Paps! Ikaw ng bahala dun sa girlfriend kong 2nd year ah!" Nagkaron kasi kami ng usapan ni JJ, na
ililibre nya ko sa lahat ng gastos sa pagkain ko pag napakalma at na"AYOS" ko yung girlfriend na ibbreak nya. So ang
mangyayari, Makikipagbreak si JJ dun sa babae, tas ako naman ang Knight in Shining armor nung babae. Eventually
maf-fall na daw sakin yun at makakamove on na. Tss.
"Kelangan ba talaga 'to?"
"Oo naman no! Wala ng atrasan! At isa pa pumayag ka na di ba?" Niloko lang ako neto eh! Sabi nya
ililibre nya ko, yun pala may kondisyon. AYAN. "UMO-O daw ako." amf.
"Tss. Niloko--"
"Ops! Basta! Pumayag ka na eh! Wala ng bawian."
"Pero---"
"Oh! Ayan na sya! Quiet ka lang. Kunwari napadaan ka lang, basta yung plano naten!" Then, Boom!
Tinulak na nya ako palayo at nagtago sa may gilid ng corridor.
Sumilip lang ako ng kaunti para makita ko yung babae.

Whoa. MAGANDA YUNG GIRL!

I can't believe this. Etong girl na 'to ang iiwan ni JJ para kay Nettie---

"Sorry but I'm breaking up with you."


"B-But---" Hindi pa tapos magsalita yung babae, ay ki-nut na sya ni JJ.
"I dont love you anymore sorry." Sumenyas na sakin si JJ, Akmang paalis na sya sa harap ng babae at akmang
palabas na ko sa pinagkakataguan ko pero---

Niyakap sya nung babae from his back.

"D-Don't leave me JJ" Kaya napatago ulit ako. "P-Pl-lease d-dont leave me..." Nakita kong umiiyak na yung
babae. Sheez. JJ anu ba naman 'tong kalokohan mo?

Damnn. Alam nyo yun? Nanghihina ako pag nakakakita ako ng babaeng umiiyak. Lalo na dahil sa lalaki...
Naalala ko si Lyzzie.
Napatingin ako dun sa babae at parang nakita ko yung mukha ni Lyzzie sa kanya. Kaya't napalabas ako sa
pagkakatago.

Halatang nagulat yung babae, pero hindi parin sya umalis sa pagkakayakap kay JJ.
Sheez. MARTYR.

"Gagawin ko lahat, But please don't leave me..." She said it in a firm voice.
Pero agad namang inalis ni JJ yung pagkakayakap nyang yun, nang maramdaman nyang nasa likod na nya ko.
Kumaripas sya ng takbo---

Nagulat ako ng pagkaalis ni JJ, hinabol sya nung babae.


Wow. whatta scene.

END OF FLASHBACK
So ayun, pagkahabol ko "NOWHERE TO FOUND" na si JJ. Walangyang yun! At eto namang babaeng 'to eh sa field
pa napiling magkalat.

HAY BUHAY NGA NAMAN NI JJ.


Bat ba ako nadadamay?

"Miss. Tumigil ka na sa kakaiyak jan. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Pagkasabi ko nun, tumigil
naman sya sa pagiyak. Iniangat nya yung ulo nya at---
"WAAAAAA!!!!" Ay grabe nauubos na pasensya ko sa babaeng to.

After 48 years...

Tumahan naman sya kahit papano. Pero humihikbi hikbo parin. Tss.

Naalala ko na lang bigla si Lyzzie---

AHA!

"Gusto mo ng lollipop?" With matching pacute pa ko.

Napatingin sya sakin. At may namumuong ngiti sa mga labi nya.


Aww. She looks like my little Lyzzie (Nung mga bata bata pa kami)
"Lollipop??" Para talaga syang si Lyzzie.
"Yup! Gusto mo?" Bigla syang ngumiti ng abot tenga.
Haha. May pagkaisip bata talaga 'to. Oh well 2nd year? Bata pa nga naman no!

"Oh?" Sabay abot ng chupa chups sa kanya. Agad naman nya itong kinuha at binagyo ang chupa chups ng di
oras.

Nagulat ako ng pilit nyang tanggalin yung stick ng chupa chups at itinira yung pinaka candy nito.

"Anu ginagawa mo?"


"Nilalasap yung lollipop" She said, trying to speak clearly, pero malabo parin since may malaking candy sa loob
ng bibig nya.
"Yeah, LITERAL mong kinakain yung lollipop."
"Che!" She said while eating that supposedly LOLLIPOP turned out CANDY.
"Anu ba nagustuhan dito ni JJ?" I muttered.---
Then I heard her crying again. NO. HUMAHAGULGOL NA NAMAN SYA.

SPECIAL ROUND

Author's Note: This Character will also be ONE OF THE MAJOR CHARACTERS

Quote
This character/idea is from/made: jemsigua

I present to you my dear readers....

JAZZ's:
"Hay nako eto ka na naman." The guy with the chinky eye said. Hanggang ngayon di ko parin alam pangalan nya,
basta alam ko sumulpot sya from nowhere and boom! he gave me a lollipop.
Anyway, Naalala ko na naman yung mga sinabi ni JJ...

"Ouch..." I'm dying...


"Bakit? Anu masakit sayo?" His face full of concern asked.

I really dont know...


Anu ba ang masakit?
Yung tuhod ko na may sugat dahil sa pagkakadapa ko kakahabol sa Boyfrien--- Ex pala... kakahabol sa E-Ex ko sa
field... O yung eto... Etong nadudurog kong puso...

Bigla na lang tumabi yung lalaking 'to sa right side ko. Hinawakan nya yung right arm ko at inalog alog. "Ano
nangyayari sayo? Anu masakit?" He asked again. Anu nga ba---

"OUCH!!!!" Bigla nyang nasagi yung tuhod ko na may sugat.

Naluwa ko tuloy yung lollipop.


Napatingin na lang ako sa uniform ko at nakita kong may bloodstain na yung malapit na part sa tuhod. Hindi ko na
inangat at ayokong maamoy yung dugo ko... Eww...

"Anu nangyari dito??" He asked in a strict voice. (and while holding his laught nang makita nyang naluwa ko yung
lollipop. Wow. nice. TSS.)
"Nadapa ako eh..." In a snap I just found myself on his back, and karga na nya ko. "Err--- Anung ginagawa
mo?? San mo ko dadalhin?"
"Dadalhin kita sa clinic. Papalinis naten yung sugat mo." Clinic?? Err---Naku dugo--dugo... AYOKO!!!
"Ibaba mo ko!" I said habang umaakmang bumaba...But he's too strong... Kaya hindi rin ako makababa. Tss.
"Bat naman kita ibababa? At saka baka magkainfection pa yan."
"Ah...Kasi---"
"Hayaan mo na yun, Pagkatapos natin mapalinis sa clinic yang sugat mo ibibili kita ulit ng
chupachups." Okay.. For a heartbroken. PWEDE BA AKONG KILIGIN?

Meet CVM's Newest Character: Jasmine "Jazz" Aaron


She's a second year student in CVM, One of JJ's former girlfriend.
She's an adopted kid, No one knows anything about her past. She grew up in an
orphanage handled by terrible Counselors, Her past is full of misery. She experienced a
lot of painful things in her past.
That's why she easily gets hurt and cries a lot. SHE WANTS TO FEEL PROTECTED and
LOVED, that's why she's seeking for someone who could fulfill it for her.

She got the brains, the looks and...

WILL SHE GOT STEVE'S HEART TOO???

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.420.html#ixzz24X8tJG3j

ROUND 12
"LAX"
"We always deceive ourselves twice about the people we love - first to their advantage, then to their disadvantage."

CORR's
"Miss Benitez got the highest score in Physics! Lets give her a round of applause." Tumayo na ko at
kinuha na ang papel ko. Grabe! Nagbunga ang pagrereview ko! Yey!
"Tss. Nangopya ka lang eh." Bulong ni kambal pagkaupo na pagkaupo ko.
"Its not my fault kung pasang awa ka lang" I replied.
"Hey!---"
"Aminin mo na, talagang pasang awa lang yang score mo." Yeah Mike youre my savior!

This day kasi is the day after the Examination week, etong araw na 'to ay parang free day lang for the students.
Ibibigay lang kasi ng mga teachers yung mga test papers then...

"Okay Class See you on Monday, Have nice weekend!"


See?

Ang bilis ng araw no? Tapos na yunng 1st quarter namin.


Everything became "better"

"Lyzzie? Tara na?" Aww. Kinikilig parin ako everytime she calls me Lyzzie.
Yeah, isa na yata 'to sa mga okay na nangyari. Ewan ko ba? Pero weeks before Examination day bigla na lang
sumulpot sa kung saan si Mike at "hindi na nawala sa tabi ko" gets? haha. Basta, parang nawala na yung katorpehan
nya noon. Well, hindi naman sa ayaw ko pero in ways nakakagulat lang din kasi naman, parang dati lang
pinoproblema ko yung katorpehan nya at kung "ano" na nga kami.
"Corr!" Tawag sakin ni Nics habang naglalakad kami sa corridor ni Migs.
"Nics! Hows the exams?" Sabay beso.
"Well, okay naman. Anyway, Sama ka ba later tonight?"
"Huh?" Nakita kong napatingin si Nics kay Migs
"Di ko pa nasasabi sa kanya."
"Tss. Anyway Corr, yun nga. Everyone's going to LAX later, I mean most of our batchmates.
Nagkayayaan tas nagkapasahan na ng mga invites" (Author's note: haha i only got this idea nung
nagsuspend becoz of ah1n1. Platinum Wednesday)
"I dunno, if makakapunta ko...Tss.. Alam nyo naman si mommy---"
"Corr, hindi ka na sophomore okay? anu ba! And besides ako na bahala kay tita"
"You sure?"
"Yep! So see you later? Bye!" Then bumeso na sya sakin.

Okay. in ways im excited ngayon lng ako makakapagbar dito sa Pinas Well nung nandito kasi ako hindi ako
pinapayagan ni Mommy but nung nasa states ako. Yeaaaah! party kung party! Di naman kasi mahigpit sakin si
tita

"Migs!" May tumawag sa bandang dulo kay Migs, at sinenyasan syang pumunta dun.
"Wait lang Lyzzie ah?" Ngumiti lang ako then umalis na sya. Aww he's really cute---

"Lumi-Lyzzie na sya ngayon ah?"


"MADERPADER!" Bigla na lang sumulpot from the lockers 'tong si Presbi. "Papatayin mo ba ko sa
takot?!"
"Hindi." He said in a firm voice.
"Uh?-- Eh?? Bakit ka ba nandito?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ugh! Anu ba?!?! Ewan ko ba, Pero kahit
magkaklase kami nitong si Presbi eh parang ang tagal naming hindi nagusap o nagkita. Oh well, iniiwasan ko naman
kasi talaga na makausap sya---
"Alam mo? Hindi naman kita kakainin pag nagusap tayo eh."
"Wha-What are you talking about?" I stuttered.
"Haha" He laughed sarcasticlly. Alam nyo yun? as in "haha" lang yung narinig ko.
"Problema---"
"Are you going later?"
"Alin? Yung sa LAX?" He nodded. "Uh--Yeah---"
"Okay, wear something decent." Tumingin sya sa malayo, Then umalis na sya.

Okay Mr. Presbitero anu problema mo?

"Bakit?"
"MADERPADER! Anu ba naman? bat ba nanggugulat lahat ng tao ngayon--- Ow. Wala
lang" Si Migs pala
"Bakit mo kausap si Presbi?" He asked like I did something VERY WRONG His eyes are full of....
"Uh,wala nagtanong lang sya if pupunta ako mamaya."
"Eh---Uh ganun ba. Tara na." He was about to say something pero parang napahinto sya at nagdalawang isip.

Err... So anung meron?


Oh well. Nevermind. LATER IS PARTY TIME!!!! WOOOHOO!

PRESBI's
Weeks ago...

"Hay! Naiinis na talaga ako sa kanya! He's sooo torpe!" Dahil siguro sa lakas ng pagkakasabi nya narinig ko
from our table. I'm with the other varsity players kaya siguro di ako napansin ni Corr.
"Oh, Chill lang Corr." Nics said as she comfort Corr.
"Sa tingin mo? Seryoso ba talaga sya sakin?"

What the fvck---

"Whoa. Mukhang pinagtitripan lang ni Migs yung ex ng isa jan oh?" Sabi ni Dro. Sheez hindi lang pala ako
ang nakarinig.
"Uh?--"
"Oo nga. papayag ba naman yung isa jan?" Gatong naman ni Lee.
"Ano ba pinagsasabi nyo?"
"Tol we're not deaf." Sagot naman ni Drei.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko dala ang coke ko at umalis.

Habang naglalakad ako nakita ko si Migs sa malayo. Nasa may gilid sya ng school bridge (Brodge papuntang school
garden). Etong gag0ng 'to!

Ininum ko na agad yung natitirang coke at sabay tapon nito.

Nang makalapit ako kay Migs agad ko syang tinulak---

"Ano problema mo?"


"Ngayon pa lang, sinasabi ko na. KUNG HINDI KA SERYOSO KAY LYZZIE BACK OFF!" Tumalikod na
ko sa kanya.
"Bakit?---"
"Once na malaman kong niloloko mo lang sya at hindi ka seryoso sa kanya. HINDI LANG YAN
MATATANGGAP MO!"
"Sino ba nagsabing hindi ako seryoso sa kanya?" Tumayo na sya sa pagkaka bagsak nya.
"Miguel, nasasaktan mo na si Lyzzie. If hindi mo ititigil yang kaartehan mo. SINASABI KO SAYO.
KUKUNIN KO SYA. KUKUNIN KO SYA ULIT!" Naglakad na ko palayo sa kanya---
"HINDI MO NA SYA MAKUKUHA ULIT! KASI HINDI NA SYA SAYO! AKIN NA SYA!"
"Fvck up. SHE WAS NEVER YOURS!" Nagpatuloy na ko sa paglalakad at wala na kong narinig na kahit ano sa
kanya.

After naman nung confrontation na yun, Lagi ko na sila nakikitang magkasama ni Lyzzie. Buti naman natauhan sya.

But sh!t. It hurts like hell.

*BEEP* *BEEP* *BEEP*


"Teka? 10:30 palang ah? Ba't ang aga naman nila Drei?" Lumabas na ko ng bahay, and there nakita ko na
yung Crv ni Drei. Bukas yung window ng driver seat.

"Bat ang aga mo?" Tanong ko habang papasok sa passenger's seat


"Dumaan muna tayo sa Pier Inom muna tayo konti para sa LAX enjoy enjoy na."
"Game!

Time Check: 11:45 pm

"Dude, tama na nakakarami na tayo eh! Baka naman basag basag na tayo pagdating sa LAX. Baka
nandun yung mga hot na PEP!" Sabi ni Lee.

Yeah, nakakaramdam na ko ng panghihilo. Medyo dumami na kasi yung nainom namin. Pero si Drei hanep. Parang di
tinatalaban

"Fine Fine tara na!" Sagot naman ni Drei.

Binayaran na namin yung bill then umalis na kami sa Pier.

Ewan ko ba pero ang galing ang bilis namin. hahaha himala hindi traffic? O sadyang mabilis lang 'tong si Drei?

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!!!!*

Napahinto kami bigla ng malapit na kami sa Macapagal. May pa-uturn kasi na sasakyan. Muntik tuloy kaming
magkabanggaan.

"Drei Chill lang."


"Gag0! Sya kaya may kasalanan!"

Time Check: 12:54 am

Nang pumasok kami sa LAX. Hanep ang daming tao. Pero mostly sa mga nakikita ko mga tiga school namin, Pero
syempre may mga ibang tao din.

"Pare! Ang hot non oh!" Kalabit samin ni Dro.


"San?"
"Yung nakashorts na white, Tas nakablack!"
"Yeah ang hot nga!" Hinanap ko yung babae na sinasabi nila.

And there, nakita ko yung babaeng may konting kulot na nakatalikod sa may bandang gilid ng stairs. Naka Black sya
na butas yung likod hahahahaha anu ba tawag dun? Tas nakashorts sya na parang "nagshorts pa
sya" hahahahaha. Grabe ang puti nung babae----
"WHAT THE? SI CORR?!?!?!?!"
to be continue...

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.450.html#ixzz24X90Veri

ROUND 13
"One night only"
When i fell to the floor tonight, I was so scared, I was so terrified. Then i saw you, and i promised myself that if i could just get up, I'd walk over you... I'd tell how

much i need you and how much i want you.. and how nothing else matters.

DREi'S
"Seriously, you're freaking me out. Pwede bang magenjoy ka na lang dude?" I said like talking to a
criminal.
"I told her to wear something decent. And LOOK!!!" He said pointing at HER (Whos currently
dancing with Miguel)
"Dude? Anu ba, this is not a church. THIS IS A BAR." I said giving an impact with the last phrase.
"I know but---"
"Stop it pare, She's not your girlfriend." He just sighed and scratch his nape. "Let's enjoy na lang,
Maraming girls dito oh? See---"
VENICE: "Hi Drei!" Oh hell. Its Venice.
"Uh-- Hi"
"Kung yan lang din? Wag na lang Pare. " bulong ni Pres sakin. Gag0 to ah "Ill see you later na lang
pare, Enjoy" and he left me....
VENICE: "Wala ka bang kasama?" with this witch.
Obvious ba?? "Err~~ Sila Pres--"
VENICE: "Tara! Lets dance!" And wala na kong nagawa, I just found myself sa crowd with this witch.

She keeps on dancing, actually sinasayawan nya ko. Pero ewan ko? Hindi ko talaga trip 'tong babae na 'to. Sabi sakin
nila Dro matagal na daw akong trip nito eh simula nung nagtransfer sya. Pero ewan, may itsura sya pero masama
naman daw ugali--

Nagulat na lang ako ng kumapit sya ng mahigpit sa leeg ko. Sobrang magkatapat na yung mukha namin, Sheez~~

Naamoy ko yung alcohol galing sa bibig nya, at the same time yung pabango nyang umaalingasaw.

Kahit hindi ko trip tong babaeng 'to, aba LALAKI PARIN AKO NO! iba na takbo ng dugo ko

VENICE: "You're not dancing naman eh?" Sabi nya sakin.


"I dont know how to dance" What a lame excuse.
VENICE: "I know you can" She said "flirtly"
"Uh---" Before I can say anything, she holds my hand and put it on her waist.
NOW WE'RE REALLY FvCKING CLOSE. goddamnit! we're like hugging each other

VENICE: "Just be mine, Kahit tonight lang" She whisper, and kisses neck. Goodness. Help me, Im out of
my control----

I just found myself inside my car...

MAKING OUT.

PRESBI's
Langya, Eto yata "pinaka masayang" gimik ko ah, Nag mukha akong loner. Tss
Si Dro at si Lee ayun may kalandiang PEP si Drei naman na kaisa isang matino na kasama ko ayun at hindi ko na
makita. Nasan naman kaya yung lalaking yun----

"Hi Pres" That familiar voice, na kahit sobrang lakas ng tugtog eh maririnig ko.
"Hi" I waved at her na lang since medyo madilim, Then lumapit sya sakin.
"Magisa ka lang?"
"Im with my teammates...~~ kanina." Err. tumawa sya ng konti then she grabbed my hand at hinatak ako at
siniksik sa maraming taong nagsasayawan.

So wala na kong nagawa. Kesa magmukha akong tuod dito na nakatayo eh sumayaw na rin ako... Sakto ng may
matanaw akong babae---

Ayun sya. Nakikipagsayaw sa baklang si Miguel. Ewan ko ba dito kay Miguel, hindi man lang ba nya sinabihan si Corr
na magbihis ng medyo balot? Eh halos lahat ng lalaki sa paligid nya eh nire-rape na sya sa tingin. TSS.

"Are you ok?" Tumango na lang ako sa kanya. Haay badtrip talaga. nadidistract ako dun sa babaeng yun eh!

Bahala na nga! Mageenjoy na lang ako.

"TARA! LETS GRAB SOME DRINKS."


MONIC's:
This guy is really craaazy. Lalo na pag nakainom. Gaaad. He's dancing like F? and still drinking more, to think na
nalaman ko kila Dro that they went pa sa Pierre before they go here. Tss. Hassle. AYOKO MAGING TIGA BUHAT NG
LASING OKAY??

Nasan na ba kasi yung si VENICE? GADDAMNIT! Nakita lang si Drei hindi na ko naisip. WTF.

Oh si~~

"KITEL!" Kumaway ako para lumapit sya.


"Oh--"
"Could you accompany him muna? Ill just go to the powder room thanks!" Sinabi ko ng mabilis at
nagmamadali na kong umalis. Tss. nakakastress naman yun si Pres.

Yeah I like him. Coz he's sooo hot, basketball player, riiich and what else? I BADLY WANT HIM! BUT! ayoko maging
alalay nya pag lasing sya no.

*FLUSH*

Then narinig ko outside sa cubicle na may pumasok. And that voice is sooo familiar--- Corr at kasama nya siguro yung
alalay nyang si Nics.

"YEAH! KANINA LANG!" She screamed na may halong kakiligan--kalandian.


"Pano? Saan?"
"Basta kaina lang, on the way. Ayoko muna magshare kasi mawawala yung kilig and joy na
nararamdaman ko. HAHA. Sakin muna 'to pag naexpire saka ko ikkwento."
"Ang daya naman nun!"
"Aren't you happy for me?"
"I'm happy for you! Sa wakas after 48 years hindi ka na single!"
"Gaga!"
O sya tara na nga, tama na yang pagpapaganda mo at madilim naman. Naghihintay na si Mr. Arellano
sa labas MRS ARELLANO.

And there, narinig ko na yung pintuan na bumukas. maybe lumabas na sila.

Hmm?? So si Corr na at si Migs?

Magaling. Ngayon sakin na sakin lang si Presbi.


Teka-- hindi hindi rin to pwede.

HINDI PWEDNG SUMAYA SI CORR

STEVE's:
Oh? Alam kong namiss nyo ko. Oh teka, fans mamaya na. POV ko pa oh. HAHA. mamaya na yung autographs and
papictures nyo.

"Alam mo ang freaky-freaky mo?"


"Bat na naman?" 'Tong batang 'to kanina pa. Kanina kinakausap yung mga namamalimos na bata. Nag MMK na
sila sa gilid at aba 'tong si Jazz eh naluhaluha pa nung bumalik sa tabi ko. Tinanong ko kung ba't sya umiiyak, sabi
nya hindi rin daw nya alam? Tas kanina may pusa na dumaan, aba nagcrouch at nag meow meow sa pusa.
Nakakaloko din 'to kasama eh.
"Alam mo? Nakakaloko ka kasama." Aba? at ako pa ang nakakaloko kasama--- "Kanina may lumapit na
mga bata at nanghihingi ng barya. Ay nako. barya na nga lang pinagdadamot pa. tas kanina may
pusang dumaan, shinoo shoo mo pa. Tas nung bumalik ako na umiiyak tinanong mo pa ko kung bakit
ako umiiyak, tas ngayon nagssmirk ka magisa? "
Aba aba aba. Teka nga? Does she make sense?
"Uh?"
"Ang haba haba ng sinabi ko 'Uh?' lang ang sasabihin mo. Tss. Jan ka na nga" At ayun, nagwalk out na
naman sya. Hay nako. At eto ako hahabol naman.
"Anu ka ba? yan ka na naman. Tss. No wonder kung bat ka iniwan ni---"
"I KNOW! HINDI MO NAMAN KAILANGAN IPAGDIINAN SAKIN EH!" At ayan, umiyak na naman
sya..

Tss. I really dont know kung anu gaawin ko sa babaeng 'to. Ang hirap ispelingin. Pati ako nasstress na.

"Hey, stop crying na okay? sssh..." I touch her head pero inalis nya ito at nagtatakbo. "JAZZ!!!!!"

Hinabol ko sya hanggang mareach namin yung medyo liblib na lugar na puno ng cars and medyo madilim.

*LIGHTNING!*

Hindi ko alam kung ano nangyari... But ang alam ko...

WE KISSED.

KITEL's:
Uy si Migs yun ah!

"Presbi, dito ka lang ah. Wag kang aalis may titignan lang ako." Sabi ko sa mukhang wala na sa sariling si
Presbi. Umoo naman sya. at sinabing "Teyk yor taym!"
"2 Mix" Sabi ko sa bartender.

Pagkakuha ko ng drinks eh nilapitan ko na agad si Migs.

"Migs! Long time no see." Mukhang nagulat sya sakin, pero hello? No choice na sya nasa harapan na nya ko
eh. "Oh." sabay abot ng isang drink sa kanya.

Napapansin kong namumula na yung mukha nya at mga mata nya. MEANING NAKAINOM NA SYA.

Nagngingitian lang kami hanggang sa mabilis naming nainom yung drinks.

"Tara sayaw tayo!" Hinatak ko sya sa may 2nd floor sa may gilid. syempre para walang istorbo

Tipsy narin ako since nagbblurr na yung paligid ko.

We're too close. Nakahawak na nga sya sa butt ko habang sumasayaw.

He looks really naughty this time. Mukhang tinamaan na ang mokong.

He suddenly grab me closer. Super lapit na ng mukha namin sa isat isa. I could even smell his breath and perfume...

My heart skip a beat when he told me....

"Lets go somewhere else..."

CORR's:
Sang lupalop na ba ng L.A.X napadpad yung MAGALING KONG BOYFRIEND. Napowder room lang kami ni Nics aba
pag labas ko ng powder room wala na sya sa pinagiwanan ko. Text naman ako ng text di naman nagrereply. Tss.
Kaines. Alam nyo yun? Mamamatay na ko sa usok dito? gusto ko na ngang umuwi eh. Si Kambal naman hindi ko rin
makita. Nahihiya naman ako kay Nics kasi kasama nya si Lee, eh alam nyo naman yun minsan lang dapuan ng
lalaki

Haay gusto ko ng umuwi... Since wala na rin naman akong kasama.. Yeah uuwi na lang ako maybe ill take a cab na
lang.

Pumara na ko ng cab at nagmamadaling pumasok sa loob kasi medyo umuulan.

"Manong Sta. Cruz po."

Paalis na sana kami ng biglang may humarang sa harap.

Teka kilala ko 'to ah? Kahit umuulan kilalang kilala ko yang nakaharang na nasa harap.

Agad akong bumaba sa cab...


"PRESBITERO?! ANUNG GINAGAWA MO JAN?!?!"

and there... he passed out.

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.480.html#ixzz24X95ky3E

ROUND 14
"Sh1t Happens"
They say we leave this world just the way we came into it ---- naked and alone.

So, if we do leave with nothing, What then, is a measure of a life ? Is it defined by the people we choose to love ?

Or is life simply measured by our accomplishments ?

And what if we fail ? or are never truly loved ? What then ? Can we ever measure up ?

Or will the quiet desperation of a life gone wanting, Drive us mad ?

JAZZ's
Inihinto na nya yung sasakyan nya sa tapat ng bahay namin, after that 'incident' walang nagsasalita samin. That ki--
Argh! it was really embarrassing.
I should go now, I cant just stay here and wait for something from him. Grrrr JASMINE THINK!!!

Tinignan ko sya but, His face's blank and straight. Err.. awkward... Lalabas na ko. Tama! Lalabas na ko.

i try to open the door, but dang! why the hell its not opening??!

I tried...

and tried...

and tried...

ARGH! MAKISAMA KA NAMAN!

Im about to try it again, but the guy next to me suddenly...

"Anong problema?" Sa wakas nagsalita rin sya! Lumingon ako sa kanya, but he's still not looking at me. Pssh.

"A-Ayaw.. bu-bumukas-s ng pinto-o..." Now i'm stuttering Nagulat ako ng tumawa sya bigla. WTF? "Ba't
ka tumatawa?" I asked.

Nang bigla na lang syang may pinindot at...

"Hindi pa kasi bukas." He said his eyes still on the road.

My goodness, how can I be so stupid?


Nagmamadali akong buksan yung pinto, nagtatakbo na ko papunta sa bahay namin since umuulan. I thought he will
ran after me pero nagulat ako...

Tuluyan ng umalis si Steve. Without a word. Without a Goodnight at all. Tss.

"Hija! Anong ginagawa mo jan? Kanina ka pa ba jan? Nasan na si Steve? Hindi ka ba nya
hinatid?...." Bumalik ako sa diwa ko nang marinig ko si Yaya Mona na tawagin ako. Tumatakbo sya papunta sakin
na may dalang payong at twalya.

Basang basa na pala ako...

Patuloy pa rin sya sa pagtatanong 'Ano nangyari?' , 'Bakit ganon?' 'Nasan na sya?'.

Pero ako, wala BLANKO.

Teka? Bat ba ko nagkakaganito?...

Naligo na ko at nagbihis, pero wala si Steve parin ang nasa isip ko. ANU BA!!! Nababaliw na yata ako.

Kanina pa ko nakatitig sa cellfone ko na wala namang narereceive na kahit anong text galing sa kanya. Tss. San na ba
sya? Dapat by this time eh magkatext na kami.. eh Steve naman!

Ive decided to go online, Im sure online na yun!

Quote
jazzyjazz is now online

Quote
stevebenitez is offline

Steve? Nasan ka na ba? Galit ka ba? Iniiwasan mo ba ko?

Quote
jazzyjazz - My heart is breaking...

STEVE's
After ko maligo at mabihis I've decided to go online, ill just check my mails lang...

Quote
jazzyjazz - My heart is breaking...

What's wrong with this kid? Dont tell me, sineryoso nya yung 'accident kiss' na yun. Seriously, it was JUST AN
ACCIDENT.

Good-thing Ive signed in invisible.

Quote
stevebenitez - Invisible to Everyone

It was just a kiss. JUST a kiss.

*RING!*

Quote
Calling...
Lyzzie

"Lyz---"

"Kuya help me..." With that voice of my twin I immediately run outside...

And there, I saw my twin's silhouette, She's wet but...

Mas nagulat ako sa kasama nya...

CORR's
"Kambaaal. Promise! I'm saying the truth. I was left with no choice. Konsensya ko naman kung iiwan
ko sya dun without any companion--" I said as I explain everything for the eighth time. He butt in. (again.)

"Fine fine!" He said as he go outside his room's c.r

Pinalitan nya ng damit si Presbi. Oh? Alam ko na iniisip nyo. Kaya nga sa C.R Nagpalit eh
"Please dont tell mom & dad that I brought him home."

"Well, you actually brought him home." Tss.


"Alam mo naman kambal na baka magalit sila Mommy sakin if malaman nilang ako ang naguwi kay
Pres.. I really dont know kung san ko sya dadalin. Hindi ko naman alam kung san sya nakatira--"
"Shut up Lyzzie, I knew you went there when we were in 2nd year high school---"
"How?--- But kuya. Anu ba... please? This is the right thing to do. Kesa naman iwan ko sya dun
without anyone--" *achoo!*
"Fine. Ako ng bahala kila mommy, Pumunta ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit." Sabi na nga ba
hindi ako matitiis ni kambal.
"Thank you kuya! You're the best!" Then I hug him.
"Lyzzie! You're wet!"
"Ay oo nga pala Goodnight kambal" Then i give him a peck on his cheek.
"Goodnight."

Pagkatapos ko maligo at magpalit, Humiga agad ako sa bed ko at tumunganga sa cellfone ko.

Now, Kristian Miguel Arellano where the hell are you?

*KNOCK* *KNOCK* *KNOCK*

"Lyzzie, kakain na. Bumaba ka na daw."

Nagising ako sa pagkatok ni Manang.

"5 minutes..." I said as I grab my comforter.

...

"Lyzzie... Mamaya ka na daw bumalik sa pagtulog sabi ng mommy mo pagkatapos mo kumain. Para
sabay sabay na kayo.."

Argggghh.... IM STILL SLEEPY.

Tumayo na ko sa kama at hinahanap ng mga paa ko si bunny slippers...

As I walk downstairs mom and dad greeted me: "Goodmorning sweetie."

"Good morning mom, morning dad. morning kuya---"

"Good morning Lyzzie"

PRESBI's
She's still rubbing her right eye when she went downstairs.

Her hair is messy, her pajamas we're too big and she's wearing a bunny slippers na magkabaliktad naman
Oh well... She's soop cute. Adooooong!

She greeted everyone good morning, well except for me na hindi naman nya yata alam na nandito ako.

"Good morning Lyzzie"

"Good morning Pres---- WHAT ARE YOU... doing here?" At first, nagulat sya pero kumalma sya siguro ng
maalala nyang sya nagdala sakin dito sa bahay nila.

Well inexplain na sakin ni Steve ang lahat and I should play with them.

"Steve and I we're drunk, at hindi nya alam kung san ako dadalhin... he was left with no choice so
dito na lang nya ko dinala." I saw her making faces. HAHA. Eto yung sinabi sakin ni Steve na sabihin ko. Co'z eto
daw yung sinabi sa kanya ni Lyzzie. Tongue twister eh?

Wala na syang sinabi pang kahit ano, dumeretso na lang sya sa upuan nya which is sa harap ko.

Nagsimula na kaming kumain...

"So Lyzzie, hows the party last night?" Tanong ng dad nya. Aissh. Sa dad nya talaga ako natatakot, naalala
ko dati nagusap kami after ng flight ni Lyzzie to US (Wait. Nasabi ko na bang pumunta ko nung flight ni Lyzzie? Oh
well, hindi naman ako nagpakita sa kanya. I know sinusumpa nya ko nun.) Well, back to the story... Her father told
me: "Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa anak ko. Tandaan mo yan." He said that with a firm voice and
expression. And yeah, Pinagsisisihan ko na nga. NG SOBRA SOBRA

"It was fun..." Parang di naman...


"Pano ka umuwi? Hinatid ka ba nung anak ni Mrs. Arellano? Sabi ni Manang nauna daw ang kuya mo
ah?" Tanong naman ng mom nya.

I saw Lyzzie stopped chewing her food.

"Ah...Yeah hinatid ako ni Migs." Hindi talaga marunong magsinungaling 'tong si Lyzzie. Nagkatinginan na lang
kami ni Steve na nasa tabi ko. Umiling na lang sya sakin.

While eating lumabas si Manang co'z my nagdoorbell sa kanila.

Pagpasok ni manang...

"Lyzzie may bisita ka."

And there, the LEAST person na ineexpect kong makikita ko is standing next to Manang...

"Good morning po." B@stard.

And the next thing I knew...He was calling Mr. & Mrs. Benitez "Tito & Tita"

hours ago...
Note: Rated PG. hehe.
MIGS' && KITEL's
Random thoughts

"WHAT THE HELL AM I DOING HERE?!?!?!" I was really shocked when I saw Kitel sleeping next to me. We're
not in my house. We're here in a hotel-like room. "Why are we naked?!" Sh1t. Something happened. Fvck my head
hurts.
"You're drunk." Ikaw ang may gusto nito.. Pero kitel anu ba. Lasing sya, alam mo sa sarili mo na wala sya sa sarili
nya.
"Hinayaan mong mangyari 'to?!"
Mahal kita Migs... I said, like begging.
No... This is not true... Kami na ni Corr... May girlfriend na ko... No... This cant be...

Agad akong tumayo at nagbihis. "Walang pwedeng makaalam nito." I said firmly.
Huh? At bakit? Kinakahiya mo ba ko? Teka. Hindi pwede. Pano pag may nabuo? !@#$. This cant be. NO IM NOT
PREGNANT.
"WALANG MAKAKAALAM NITO. LALONG LALO NA SI CORR!" I said angrily.
Hindi na ko makapagsalita... bat parang ako ang talo dito? Teka... hindi to pwede... Pero baka pag pinagsabi ko
walang managot sa ginawa namin... Teka.. Hindi.. Wala... WALANG NABUO. WALANG MABUBUO.

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.495.html#ixzz24X9Bqlpw

ROUND 15
"Another torture for Socorro"

There were many who couldn't understand, and sometimes he walked among them.

But even in his darkest hours, he knew in his heart, that someday it would return to him.

And his world would be whole again.

And his belief in god and love and art would be reawakened in his heart.

MONIC's
"Oh, Wh*re? Whats the result?" Tanong ko kay Kitel.

Hindi muna sya sumagot...Tsss...

It was early in the morning (for me) ng may walang tigil na tumatawag sa phone ko.
Anu ba? Anung oras pa lang oh?
*RING!* *RING!* *RING!*

"H-Hello-o?" *yawn*
"You gotta help me!" Nakakakilabot yung pagsabi nya kaya medyo nagising ako.
"Sino 'to?"
"Its me.. Ki--Kitel...Something---H-happened. Migs and I--- Had s--s-se--x"
"WHAT?!?!"

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Kitel. Sobrang higpit.

"Moniiic. NEGATIVE! NEGATIVE! I'm not pregnant!"


"Anu ba?" Then, bumitaw na sya sakin. My goodness. Lalandi landi then matatakot sa consequences.
"Gosh kala ko talaga.. Gosh..."
"Could you just move on??" Nakakairita na 'tong babaeng 'to ah.
"Haay..."
"Wait. Hindi ka pa nagkkwento? Anu ba nangyari?? Iniwan lang kita sandali nagkaganyan ka na."
"Err... Basta Ang bilis ng mga pangyayari...Hindi ko naman alam na eepekto yung gamot..."
"Gamot? Anung gamot?"
"Basta..."
"Tss. I hate you. You're such a b1tch."

"But hey. I enjoyed it."


"HAHA. B1tch."
"I know."
"So panu yan, Kayo na ni Miguel?"
"Actually, sila na ni Corr."
"Huh? Kelan pa?"
"I dunno. Nakita ko lang kaninang umaga sa FB 'In a Relationship with Corr Benitez'" She quoted it pa.
"Ow.. Eh pano yan---Wait!" Bigla syang ngumiti.

Kung si Corr na at si Migs... Pero may nangyari kay Migs at kay Corr??...

"B1tch here"

I pity you Corr.

STEVE's
"Pano nangyari yon?"
"Paps pareho tayong nagulat. Ako din hindi ko alam kung pano at kelan pa."
"Hindi kaya sa L.A.X lang? Or nung nakaraan?" Umiling na lang ako.

"Good morning po." Nagulat ako sa kaaga-agang dalaw ni Migs sa bahay namin. At aba, may dala pang
dalawang bouquet of flowers.
"Oh hijo, Good morning din." Bati ni Mommy at ngumiti naman sa kanya si Daddy. Napaka good shot talaga
ni Migs dito kila mommy, palibhasa maganda ang pinanggalingang pamilya. Iniabot na ni Migs kay Mommy at
Corr ang mga bulaklak.

Napansin kong napahinto si Migs ng makita nya si Presbi na nasa tabi ko.

"Oh, nandito ka rin pala Pres."


Tinaas lang ni Pres ang kamay nya ng kanti at bumalik na sa pagkain. 'Tong dalawa talaga, kitang kita mo na
may gap na sa isat isa.

"Anyway, dahil nandito ka na rin lang hijo eh sumabay ka na samin sa pagkain." Alok ni Daddy.

Agad namang hinatak ni Lyzzie si Migs papunta sa upuan.

Panay ang ngiti ni Corr at Migs sa isat isa.


EHHKKK. Kadiri

"Mamaya na nga yan, kumain muna kayo." Sabi ko sa dalawa. "Bat ka nga pala nandito Migs? Ang
aga aga mong manligaw ah---"
"My boyfriend is visiting me."
Muntik na kong mabulunan ng sabihin yun ni Lyzzie, nailaglag din ni Presbi yung hawak hawak nyang kutsara
habang sila mommy naman at daddy at halatang nagulat pero ngumiti na lamang. "ANO??!"

"Bat nya sinagot si Migs?" May tonong inis sa boses ni Pres na may halong pagtataka. "See?"
"Huh?" Nagmamaang maangan pa.

"Edi nagsisisi ka ngayon."


"Gag*"
"Haha. May naiinis!"
"Loko, oh sya. Uuwi na ko kukunin ko na muna mga gamit ko. Baka hinahanap na ko sa bahay."
"Sinong maghahanap sayo sa bahay? Multo?" Tinignan lang nya ko ng masama tas umalis na.

Yung parents ni Pres nasa ibang bansa, Nandun kasi yung business nila. Tas parang iisang anak na lang sya(Since
humiwalay na si Ate Raffy = Nagpapakaindependent.), kaya ayun magisa lang sya sa bahay nila kasama yung mga
katulong nila. Marahil, mayaman sa luho si Presbi pero alam ko, at nakikita ko. Malungkot sya.

Kung pinapakita man nya satin yung mayabang, makulit at medyo sira ulong si Presbi (Medyo lang ba?) Haha.
Pero sa loob ng kayabangan nya ay isang taong naghahanap ng pagmamahal galing sa iba. Ang drama ko meyn
Siguro, kaya sya naging playboy noon dahil dun. Hinahanap nya kung sino yung taong magmamahal sa kanya yung
magaalaga at ipaparamdam na importante sya...

Nang umalis na si Presbi nagpaalam na ito at nagpasalamat, After a while nagpaalam na rin si Migs. (Hindi pa siguro

naliligo yun)

"Buhbye Ichan" Sabay kaway ni Lyzzie kay Migs. Ichan?


"Buhbye Lyzzie See you later" Nang mawala na sa paningin ko si Migs...
"Parang hndi naman kayo magkapitbahay."
"Inggit ka lang." Paalis na sana sya ng hawakan ko yung braso nya.
"May ie-explain ka sakin."
"I know."

CORR's
"Really? Okay na sa parents mo si Migs?"
"Yeah, You know naman my mom. Una pa lang gusto na nya si Migs. Since maganda background ni
Migs, Matalino, mayaman, galing sa magandang pamilya. Si daddy naman syempre wala na syang

magagawa pag nagsalita na si Mommy"


"Then, how about Steve?" Sabi na nga ba itatanong nya 'to.
"Well, as for my evil-twin-brother. Alam mo naman yun, after my break up with Presbi naging super
protective na when it comes to boys..."

"So tama pala ang hula ko, sa L.A.X mo sya sinagot... Bat naman ang bilis?" Naisip ko din 'to, na
parang ang bilis. Pero kasi matagal ko ng kakilala si Migs, well technically as FP pero alam nyo yun, We have this
connection slash communication nung nasa states pa ko.
"Kambal, Ayokong mawala pa sakin si Migs..." Isa na rin 'to sa mga rason. Ayoko naman na mag ala
Maria Clara na taon taon bago sagutin.

Maraming tao jan, Specifically BABAE. Hanggat maari, gusto ko ngayon palang na alam kong special na sakin si
Migs gusto ko masecure na sakin sya. NA SAKIN LANG SYA.
"Siguraduhin mo lang..."

"Lalaki parin sya" Sabay pa naming sagot ni Nics.


"O sya, I'll see you mamayang uwian. Baka malate pa ko kay Miles." Miles' our too-bad-i-got-her-as-my-
teacher teacher.
"Hala. Bilisan mo!" Nagwave na sya sakin at tuakbo papunta sa left wing ng h.s building since nandun yung room
niya ako naman naglakad na papuntang right wing.

"Lyzzie Baby"

Nagulat ako ng may humalik sa pisngi ko at umakbay sakin

"ICHAN NAMAN EH! papatayin mo ba ko sa gulat?"


"'Course not"
"Anung kinikindat kindat mo jan?"
"Eto ba? Eto ba? Eto ba?" Sabi nya habang kumikindat kindat.
"Tumigil ka nga, mukha kang ewan"
"Didnt you miss me?" Nagpuppy face pa ang mokong.

"Hindi Kung san san ka kasi pumupunta. Grabe namang school paper yan lunch break na nga lang
nangiistorbo pa."
"Daan na lang ulit ako mamayang dinner sainyo"

"Suuss makikikain ka na naman"


"Hey!--"

Pagpasok namin sa room agad namang nagsi kantahan ang mga kaklase ko ng 'Ten tenenen... Ten tenenen...' Gets nyo
ba? Basta yung sa pangkasal. HAHA.

Mga loko talaga 'to. Umupo na kami sa upuan namin, but as usual umupo muna si Ichan sa upuan ni kambal para
magkatabi kami.

"Kidding Isama mo na din sila Tita and Tito"


"Aww. Nasa Cabanatuan sila ngayon eh, May inayos sa Resort. Alam mo naman yung dalawang yun."
"O sige na nga, Ikaw na lang. No choice naman ako eh."
"Ikaw ha---"
"Hep! Mamaya na lambingan nanjan na si Ma'am"

Agad naman nagsi-ayus ang 'napaka ayus' kong mga classmates. Pumasok na si Miss Minchin--este si Miss Minchin--
- HAHAHA.

Homeroom kasi namin ngayon, tas mamaya ang napaka tiring na club day

"Good afternoon class" Bati ni Miss Minchin-- HAHA Anu ba.

Nag good morning naman kami. Nagsalita lang ng nagsalita si Miss ng kung anu ano na hindi naman pumapasok sa
isip ko. Pero wag kayoooo. Dumaan yung mga sinabi nya sa tenga ko...

at lumabas sa kabila

After few minutes of some blah blah from Miss may kumatok sa pintuan namin. Napahinto ako sa pagdoodoodle ng
narinig kong magreact ang mga kaklase ko. Pero hindi ko muna yun inintindi.

"Oh~ Ayan na siguro sya."

Pagkabukas ng pinto narinig kong may sumipol galing likuran. Tss. Anu ba yan. Where's the Manners
CVMers?

"Psst. Itigil mo muna yan, baka mahuli ka ni miss na hindi nakikinig" Bulong sakin ng seatmate kong si

Presbitero
"Fine." Agad ko namang ibinaba ang aking ballpen at umupo ng tuwid---

"Class, She will be you're newest classmate. Ms. Taylor Ronquillo."

Nagulat ako sa nakita ko.

Sya yung babaeng maldita na nakabunggo ko sa daanan non. SYET! At kaklase ko sya! Pero...

May isa pa kong ikinagulat...

Hindi ko alam kung bakit...

Pero may mali...

Nakatingin yung Taylor na yun.... NO!


Nagtititigan sila....

NG BOYFRIEND KO.

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.525.html#ixzz24X9HEE3j

ROUND 16
"His first Heartbeat"
It's the most important thing there is -- love, finding the right person to spend your life with.

That's where they get you, thinking you got a choice.

Love finds you. You don't find love.

Its got a little bit to do with destiny, fate,

whats written in the starts, and a lot to do with the simple fact that most women are smartter than we are.

NICS'
Nagbell na, meaning club/org time na.
I immediately went outside para puntahan si Corr, Nang makalabas ako, nandun na sya sa tapat ng room namin.
With his so-cute-boyfriend.

"Corr!... Hi Migs" Kaway ko naman sa kanya.


"Nics " Ngumiti naman si Migs at kumaway din, sabay humarap si Corr kay Migs. "Sige Ichan, nandito na si
Nics, pumunta ka na sa headquarters nyo"
"I'll see you later Lyzzie" Sabay kiss kay Corr sa cheek.
"Hey! Kayong dalawa, wag kayong PDA ma-didiscipline's office kayo nyan"
"Oh, sorry na" Tumawa lang kami at umalis na rin si Migs.

Naglakad na kami ni Corr papuntang GYM.

"Haaay, Training na naman."

"Baka dapat ganito 'Haaay, Training na naman~~ Makikita ko na naman si Monic.'" Tumawa lang
kaming dalawa. Ewan ko ba dito kay Corr, makulo talaga ang dugo pagdating kay Monic.

"Nics, San lakad mo tonight?" Tanong ni Corr, habang nagtatali ng rubber shoes.
"Uh~~ Di ko pa alam eh? Wala pa yata. Bakit?"
"Movie marathon tayo sa bahay"
"Later? GAME!"
"Namimiss ko na yung mga bonding moments natin nila Kit--- Uh naten..." Aww. I know affected si Corr
sa nangyari, Although wala namang malinaw na pangyayari sa kanila ni Kitel o samin. Pero ramdam nya, may gap na
sa kanila ni Kitel. Tss. Yung babaeng yun naman kasi, anung masamang espirito ang sumapi~~

"Aww... They're going to have a movie marathon mamaya. Just like the old days..." Speaking of the
'masamang espirito' biglang sulpot si Monic at kanyang mga alagad---
"K-K-Ki-itel??" WHATS THIS?!? Bakit kasakasama ngayon ni Monic si Kitel? Teka, parang may
mali.
"Kitel? Whats wrong with you? bakit kasama mo yang---"
"Sawa na daw kasi siya sa ka-baduyan nyo. Like those stupid dvd marathons and stuffs. Right
Kits?" Nung una, hindi sumagot si Kitel pero...
"YEAH." Sabay taas ng kilay. Aba aba aba.
"Tara na Corr, we're just wasting our time here." Then I grabbed my things and kinuha din ni Corr yung sa
kanya. We're about to leave ng...

"Just a reminder Socorro: Bantayan mong mabuti yang 'boyfriend' mo, at baka makawala

ulit." Napahinto si Corr sa paglalakad, to the point na nauna pang lumabas samin yung grupo ni Monic na mga
tumatawa pa.
Nang makalabas na silang lahat.

Its obvious na parang nagulat at naapektuhan si Corr sa mga binitawang salita ni Monic.

"Hey, Dont mind her. Naninira lang yun" I assured her. Pero parang di naman sya naassured.
"Baka makawala ulit? A-Anong ibig sabihin nya dun?" NAMAN TALAGA MONICA!
"Wag mo nang intindihin yun. Tara na malalate na tayo." Tulala parin sya hanggang hatakin ko na sya
palabas ng Shower room.

*WHISTLE*

"Corr! Hindi ganyan, Mali yang ginagawa mo" Sita ni Coach kay Corr, na kanina pa tulala at wala sa
konsentrasyon.
"Sorry Coach..." Mahinang sagot ni Corr.
"Sige water break muna. 15 minutes!"

*WHISTLE*

Agad kong nilapitan si Corr na papunta sa bleachers kung san nakalagay ang mga gamit namin.

"Corr, Anu ka ba. Wag mo ng isipin yung mga sinabi ni Monic."


"Hindi ko naman iniisip yun eh..."
"Obvious naman eh. You dont have to lie. Kilala kita Socorro."
"Shut up Maria Annica."
"Atleast, mine's sounds fine"
"Anu ka ba, Yan ka na naman. Alam mo namang walang laban yung pangalan ko eh." Then,
humagalpak sya sa tawa.
"Pangit naman kasi talaga"
"I hate you Nics" Then she hug me.
"Basta, wag ka na ma-bother. Inggit lang yun at naninira. Just be happy. You have Migs" Then bumitaw
na kami.
"Yeah. So... Movie Marathon later ah?"
"GAME!"

I hope, kung anu man yung sinabi ni Monic kanina. Sana... SANA TALAGA... Hindi yun totoo.

Nasaktan na si Corr nuon... I saw how hurt she was. Sana hindi na maulit... Sana hindi talaga...

JJ's
Pauwi na ko ng makita ko si Steve na naglalakad papuntang gate.

"Tsong!"
"Oh?"
"Uwi ka na?.... Aga naman." Hindi pa nga nakakasagot eh.
"Loko ka talaga. Hindi pa, baka tumambay muna ko sa SP."
"Tara! Sabay na tayo papunta rin ako dun eh."

Sabay na kaming lumabas ni Steve ng school, walang nagsasalita samin.


Na-medyo awkward, kasi naman pag kami ang magkasama. Sigurado: MAGULO at MAINGAY. Pero this time,
tahimik lang talaga kami.
Teka~~

"Hindi pa pala kita nalilibre no?" Nagopen ako ng topic. Remember yung usapan namin na kailangan nyang
samahan (or painlove-in) si Jazz. Yung ex ko nga.
"Ah.. yun ba? Kahit di na." Plain na sagot nya. Pambihira. Bat hindi yata magulo 'tong lalaking 'to?
"Hindi. Tara! Ililibre kita ng siomai!"

Halos nakaka-tatlong order na ko at si Steve eh hindi parin ubos yung isa nyang order.

"Hindi ka ba gutom? Kakainin ko yan" Biro ko.

Tumawa naman sya, pero yun nga parang di naman sya natawa talaga. Tss..

Inubos ko na ang order ko at saka nagsalita.

"Tsong? May problema ba? Ang weird mo ngayon eh. Seryoso."


"Uh..Hehe ganun ba? Pasensya na.."
"Anung problema? Ngayon lang yata kita nakitang ganyan."
"Ako? hindi ko nga rin alam eh. Nakakabadtrip."
"Anu ba talaga yung gumugulo sayo?" Tanong ko sa kanya ng diretso.
"Pare...
Balikan mo na si Jazz. Please lang."

Balikan si...Teka...

ANO DAW?

"Tsong! Ilang oras ka pa bang maglalaro jan?" Tanong sakin ni Presbi na medyo kararating lang sa
Arena (Arena = Computer Shop)
Hindi ako sumagot. "Talagang seryoso ka jan sa paglalaro mo ah?" Asar ni Presbi.
"Maglaro ka na rin lang kaya? Kesa nangiistorbo ka."

"Ang sunget naman. PMS?"


"Gag0."
"Tss. Sunget talaga."
"Kuya nandito pa ba si Jj~~ Uuyy! Presbi."
"Hi Nettie" Sabi na nga ba, Nahagilap na naman ako ng magaling kong girlfriend. "Oh sige pare, Una na ko.

Nettie ikaw nga kumausap dito sa boyfriend mo. PMS eh"


"Ma-uuna ka na diba?"
"Hahaha. Joke lang. Sige Bye!" Lakas talaga manginis nung gag0ng yun.

"Jaaaay... Bat mainit na naman ulo mo?" Sabi ni Nettie sabay kapit sa leeg ko.
"Teka, di pa ko tapos maglaro."
"Anu ka ba, ilang oras ka na bang nagdodota jan?" Hindi ako sumagot. "Hatid mo na ko. Uuwi na ko,
gabi na rin oh?"
"Anu ba yan, Pwedeng next time na lang kita ihatid?"
"HUH?? At bakit? Dahil naglalaro ka?? SA AYAW AT SA GUSTO MO IHAHATID MO KO---" Ayan na
naman sya. Tss. Nakakahiya ang lakas lakas ng boses nya. Basta kabarkada ni Monic, langya. Ang lakas manigaw.
"Fine fine. Eto na. Pwede bang wag ka mageskandalo jan?"

Tumayo na ko at kinuha yung bag ko. Sabay labas ng comp shop. Author's Note: May account na kasi sya sa
compshop kaya di na nagbabayad hehe

"Pwede ba? Hintayin mo naman ako! Kanina pa ko habol ng habol...." Blah blah blah blah blah...

Grabe kanina pa 'tong babaeng 'to. Simula sa compshop hanggang sa lugar nila eh aba! Kakaiba hindi tumitigil.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila.

"Oh. ayan na. Nahatid na kita." Then naglakad na ko paalis.


"Hey! Jonathan Jord Martinez! What do you think youre doing?!?" Sigaw nya. Grabe talaga 'tong babaeng
'to.
"Uuwi na."
"Ba't ka ba ganyan? Ano bang problema mo? Baka nakakalimutan mo. Girlfriend mo ko!" Sana nga

nakalimutan ko.

"Nettie... You're my...


Ex-Girlfriend." At naglakad na ko pauwi.
"JJ!!!! COME BACK HERE!!!" Sigaw nya. Tss. Anu ba.

"Pare, Balikan mo na si Jazz. Please lang."


"Huh? Bakit? Uh- Ano?" Teka? Anung meron?
"Balikan mo na sya, Sobrang nasasaktan na sya. Yun lang ang naiisip kong sagot...Naguguluhan
na din ako..."
"Sagot? Saan?" Takte. Ang gulo.
"Basta, Balikan mo na sya... Nasasaktan na sya ng sobra sobra.. At ayokong dumagdag pa." At
umalis na sya.

Teka? Anu ba nangyayari? Ang gulo. Hindi ko maintindihan. Hindi ko sya maintindihan. Bakit nya gustong
makipagbalikan ako? Teka? Bakit sya apektado? Ngayon lang sya nagkaganito ah... Ayaw na nyang dumagdag?
Saan? Huh? Naguguluhan? Ano? Takte...

ANG LABO.

STEVE's
"Si Corr talaga everytime na magmomovie marathon tayo, laging nakakatulog agad." Biglang sabi ni
Nics.

Kakatapos lang naming panuorin yung pangalawang movie, simula kanina. Na wala naman akong naintindihan.
Nagulat na lang ako tatawa sila Lyzzie at Nics, tas sa huli iiyak. Ewan ang gulo gulo ng utak ko.

"Mahal na yata kita Steve..." Sabi nya out of nowhere, na ikinagulat ko


"Mahal na yata kita Steve..."

"Mahal na yata kita Steve..."

"Mahal na yata kita Steve..."

Badtrip paulit ulit na nagplay sa utak ko yang mga salitang yan. Argh---
"Uh--Steve? Ayus ka lang ba?" Tanong ni Nics.
"Uh- Oo...Uh--Oo laging nakakatulog 'tong si Lyzzie..."
"Uh...Yeah.." Tss. Nabother yata sya sakin.
"Sorry... I'm not paying attention."
"Ayus lang... Pero..Kanina ko pa nga napapansin eh. Simula nung nanuod tayo. Parang ang dami
dami mong iniisip. Paang ang dami daming gumugulo sayo."
"Ah.. Ganun ba? Masyado na bang obvious."
"Anu ba yun? Pwede mo namang ishare sakin yan di ba?." She assured me.

Ganyan lagi si Nics, Kilalang kilala na nya yata ako. Although hindi kami ganung nagbobonding or nagkakasama. We
still have communication sa text, chats etc.
Sya lagi kong kinakausap pag gusto ko maiexpress yung sarili ko, pag gusto ko may masabihan ng problema at
kelangan ng advice.
Maliban kay Lyzzie sya lang yata ang nakakaalam kung gano ko kabaduy, kasensitive at kaseryoso sa mga bagay
bagay.

Alam nyo na, ang hirap kasi magopen-up kila Pres, kila Migs or kay JJ. Tatawa lang yung mga kupal na yun.

"Its okay Steve May mga bagay talaga na minsan ang hirap iexpress or iexplain. Hindi mo alam
kung san ka magsisimula at kung anu yung mga salita na gagamitin mo. Hindi ka rin sigurado kung
tama ba yung mapipili mo. Its normal" She said.
"Nakakainis lang kasi. Hindi ko alam kung bat ako nagkakaganito. Kung bakit may ganito akong
nararamdaman. Hindi ko rin maintindihan sarili ko." Iniharap ako ni Nics sa kanya, then.
"Chill ka lang muna, wag mong hayaan na maoverpower ka ng mga iniisip mo..."

After few minutes... Nagsalita na sya.

"Now, sabihin mo sakin yung gumugulo sayo." Gumugulo? Anu ba yung gumugulo sakin?

"Natakot ako... Kala ko hindi mo na ko kakausapin... Na hindi ka na magpapakita sakin... Nung


isang gabi... Hindi ako mapakali... Mahal na yata kita Steve... Mahal na yata kita..." Napahinto ako
sa paglalakad ng marinig ito.
"H-Huh? A-Anong sabi m-mo?"
"Mahal na kita Steve. Mahal na kita." Then, she hugged me from my back.
"Hindi... Hindi mo alam yang sinasabi mo. Teka.. Anu ka ba. Wag ka ngang ganyan..." Hinigpitan pa
nya lalo yung yakap nya.
"Alam kong hindi mo ko gusto... Lalo nat alam kong hindi mo rin ako mahal... Pero Steve, Mahal
kita.. Hayaan mo muna kong mahalin ka... Kahit yun lang... Nahihirapan na kong itago 'to eh...
Ang hirap pigilin... Hayaan mo muna akong mahalin ka..."

Humarap ako kay Nics, na naghihintay parin ng sagot ko.


"Hindi ko alam kung tama... Pero...Love, Love yung gumugulo sakin... Love yung nagpaparamdam ng
kung ano sakin... Tama.. Love...

Nics, nagmamahal na ko... For the first time, may nagpatibok ng puso ko."

Hindi ako sigurado since yung TV na lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto...
Pero, Kung tama ang nakita ng mga mata ko. Parang may kung anung likwido ang tumulo galing sa mga mata ni
Nics.

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.555.html#ixzz24X9NB3HQ

ROUND 17
"Boggled Mind"
People so seldom say I love you And then it's either too late or love goes.

So when I tell you I love you,

It doesn't mean I know you'll never go,

Only that I wish you didn't have to.

JAZZ's
"Tuwing 2nd quarter sa ating paaralan, Nagkakaroon ng paligsahan sa bawat taon." Nagsigawan na
lahat ng marinig pa lang yung intro ng adviser namin. Pinatahimik muna sila ng adviser namin at saka nagsalita.

Tuwing 2nd quarter kasi namin nagkakaron ng Chant Competitions ang bawat taon. From 1st year to 4th year, lahat
kami maglalaban laban sa Chant na iyon. Nakagawian na ito sa school taon taon. Grade school pa lang ako
nakikiusyoso na kami sa mga high school tuwing Chant Day na. Inggit na inggit kami kasi may ganung klaseng
program sa high school. Pero nang makatungtong ako sa High school, parang hindi naman nakakatuwa yung Chant
na yan. Kadalasan. Ay hindi-- PALAGI PALA. Puro 4th year lang ang nananalo. Syempre, sila yung pinaka matanda,
kaya makakapagcome up sila ng cool na mga chants at exhibitions. Syempre kung sa liftings palang, talong talo na
yung mga lower levels. Hello?? Ang liliit kaya ng mga tao sa batch ko? To think na 2nd year palang ako. Kamusta
naman yung mga 1st year di ba?
"So please, makiordinate kayo sa ibang kabatch nyo. Galingan nyo para mataas ang makuwa nating
pwesto" See? Pwesto na lang, hindi na yung 'Champion' Susss.

Isa pa sa nakakainis dito sa chant chant na ito, ay lagi kaming pinangungunahan ng Class A. (Nasa Class C kasi ako.)
Pero hindi ako Bobo, Cool lang talaga ako

"Hay nako, siguradong sa bleachers na naman tayo magchcheer. Puro Class A na naman yung mga
mage-exhibition" Sabi ng best friend kong si Lianne.

Syempre sa mga chants, may mga Cheerers - Sila yung mga nagsasayaw, nagtutumbling at kung anu anu pa. Kung
baga sila yung magpeperform. May mga Drummers din - Kelangan ko pa bang iexplain 'to? At huli may mga
Chanters - (Pinaganda lang yung term) Pero ang totoo, kung baga sa basketball. Kami yung mga 'bangko' as in
LITERAL na nasa bangko lang. Kami yung sisigaw at magchachants. Kami yung tiga "Go Sophomores! G-O! Go
Sophomores!" Gets?

"Ayus lang din yun no. Sila ang mapipilayan." Sabi ko kay Lianne.
"Naku, sila na naman yung mga magpapacute sa upper batch. Palibhasa mga kulang ng lalaki yung
classroom kaya sabik na sabik." Hinampas ko ng pabiro si Lianne.
Loka-loka talaga 'tong babaeng 'to.

Si Lianne nga pala ay ang bestfriend ko, Kasama ko na sya simula grade school. Lagi kaming magkaklase, kahit na
magkaiba kami ng section sa enrollment nababago yun pagdating ng pasukan (Ganun talaga may mga koneksyon.
Bwahaha.) Sa lahat naming magbabarkada: Ako, Lianne, Alica at Chariz. Sya ang pinaka pinagkakatiwalaan ko.

"Either way naman, Chanters or Cheerers: Magppractice at magppractice tayo ng matagal at uuwi
lagi ng late." Tama, isa pa sa kinaiinis ko ay ang paguwi namin ng late tuwing practices. Buong high school kasi,
sineseryoso ang competition na ito. Ewan ko ba, its no Big deal. Pssh.

"Teka, anu na nga palang balita 'sainyo'?" Tanong ulit ni Lianne.


"Sinong 'samen'?"
"Kilala mo na yun." Sino ba? Si JJ ba?
"Si JJ?"
"Hindi, Yung isa pang gwapong basketball player ng 4th year? Si Steve Benitez? Yung tiga 4-B?" Wow
hindi masyadong detailed ah?
"Ahh... Yun ba..."

"Natakot ako... Kala ko hindi mo na ko kakausapin... Na hindi ka na magpapakita sakin... Nung


isang gabi... Hindi ako mapakali... Mahal na yata kita Steve... Mahal na yata kita..." Napahinto si
Steve sa paglalakad ng marinig nya kong nagsalita.
"H-Huh? A-Anong sabi m-mo?" Nagpuputol putol pa yung mga sinasabi nya sakin. Halatang nagulat sya sa
mga narinig nya.
Pero hindi, Eto na. Nasabi ko na eh. Pananagutan ko na.
"Mahal na kita Steve. Mahal na kita." Niyakap ko sya ng mahigpit galing sa likuran.

Ang sarap sa pakiramdam... yung ilang araw kong kinikimkim dito sa puso ko eh, nailabas ko na... Nasabi ko na..

"Hindi... Hindi mo alam yang sinasabi mo. Teka.. Anu ka ba. Wag ka ngang ganyan..." Parang
dinurog yung puso ko nang marinig ko yung sinabi nya. Tama. Tama ako. Hindi nya ko gusto. Lahat ng yun ay
bunga lang ng pag a-assume ko na gusto din nya ko. Pero hindi. Hindi ako susuko.

Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko sa kanya. "Alam kong hindi mo ko gusto... Lalo nat alam kong hindi
mo rin ako mahal... Pero Steve, Mahal kita.. Hayaan mo muna kong mahalin ka... Kahit yun lang...
Nahihirapan na kong itago 'to eh... Ang hirap pigilin... Hayaan mo muna akong mahalin ka..."

"...Ewan ko ba." Yun lang ang naisagot ko.

Magtatanong pa sana si Lianne pero nagbell na : RECESS na sa wakas.


Agad akong tumayo at kinuha yung mga gamit sa ilalim ng upuan ko.

"Lianne, mauna na kayo nila Alica at Chariz. Dadaan muna ako ng locker sandali."
"Sige bilisan mo ah?" Tumango naman ako at kinuha na yung mga gamit ko.

Nang mailagay ko na lahat ng dapat kong ilagay. At nang makuha ko na lahat ng dapat kong makuha (Ang haba. )
--

"Jazzy..." Kinilabutan ako. Parang naglue yung mga paa ko sa kinatatayuan ko. Gusto kong lumingon pero parang
ayoko. Gusto kong makita kung sinyo yung tumawag sakin na yun pero ayoko...

Natatakot ako...

Isa lang ang tumatawag ng 'Jazzy' sakin...

Dahan dahan akong humarap sa tao sa likod ko...


Hindi ko alam kung ano nangyari, Dumulas lahat yung daladala ko sa kamay ko...

"J~j...."

"CORR's"
Tss naman magC.R 'tong mga lalaking 'to. Ba't kailangan sama sama at sabay sabay pa? Pfft.

Hindi kasi ako masasabayan ni Nics ngayon, at may meeting daw yung section nila for the Chant Competition. Kaya
eto ako, kasabay ko sila Kambal.

Naunang lumabas si JJ. May pupuntahan daw kasi sya kaya hindi sya makakasabay samin.

Nang makalabas na yung tatlo.

"Wow, parang mga babae kung mag C.R"


"Kasalanan ba namin kung hindi ka naging babae?" Asar ni Kambal sakin.
"Anong--- Ichan oh! Si Kuyaaaa!" Sumbong ko sa knight in shining armor ko~~ Na tumatawa lang. Pssh. "Bat
ba kasi wala si Nics. Ang malas malas ko naman." Sabi ko habang pababa ng hagdanan.

Patuloy parin sa pagtawa sila Ichan at Kambal. Nagulat na lang ako ng akbayan ako ni Kambal. (Yung akbay na
hinihila ka pababa. Hindi yung PDA-Akbay)

"Aray! Anu ba Leandro? Kala mo ba ang gaan gaan mo?" Patuloy parin sa pagtawa si Ichan at si Kambal
naman, tuwang tuwa pa sa ginagawa nya.
"Sabi na nga ba eh. Lalaki yung kakambal ko. Nakuuu Migs, mali yata yung napili mong gawing
girlfriend eh?"
"NAKOOO! ikaw talaga Leandro Steve Benitez!--" Napahinto ako ng madaan kami sa floor ng mga second
year, Nakita ko kasi si JJ. "Hey! si JJ oh?" Sabi ko kila Ichan at Kambal, tumingin naman agad sila. "Hey!
JJ!" Tawag ko sabay kaway sa kanila.

Dun ko lang napansin na may kasama pala syang babae. Medyo maliit kasi yung babae eh

"Bago na naman ba yung girlfriend ni JJ?" Tanong ko kay Kambal.

Pero hindi sya sumagot, sa halip, parang nanlata pa sya at napabitaw sa pagkakasampa sakin (Ang-unggoy nung
term. HAHA)

"Dati na yata nyang girlfriend yan, Sya yung Jazz di ba Steve?" Sagot sakin ni Ichan.
"Talaga? Bat hindi pa satin pinapakilala ni JJ yang girlfriend nya?" Tanong ko kay Ichan, Umiling lang
naman sya. "Tara! Puntahan natin!" Papunta na kami ni Ichan ng napansin naming hindi pa rin gumagalaw si
Kambal, kaya ako naman ang umakbay sa kanya at hinila sya papunta kila JJ. "Ano? Narealize mo na ba ang
bigat na pinapatong mo sa balikat ko?" Pang inis ko kay Kambal. Pero sya NR lang. Tss Pikon talaga 'to.

Nang makarating na kami kila JJ, Nagulat ako na parang nagulat yung babae sakin. (Labo.)

"Corr, Migs... Steve. Si Jazz pala. Jazz, Si Corr, Migs at St-Steve.. Mga kaibigan ko." Sabi ni JJ, habang
tinuturo kami.
"Hi!" Bati ko kay Jazz, nag hi din naman si Migs.
"Hi." Mahina nyang sagot.

Mukhang mahiyain 'tong si Jazz ah?Teka...

"Tara! Sabay sabay na tayong pumunta ng Caf!" Aya ko sa kanila, Syempre wala na silang magawa ng hatakin
ko na sila papuntang hagdanan.

"Mr. Arellano, Good-thing at nakasubong kita. Pumunta ka sa headquarters may emergency meeting
tayo." Sabi nung Teacher head ng student paper.

Tss. Ayan na naman. Pumapapel na naman yung school paper na yan.

Ngumiti na lang ako kay Ichan at sinabing okay lang, kahit di naman. Umalis na sya agad kasabay nung teacher head.

Haaay.

Tahimik kaming kumain. Ni isa samin walang nagsasalita. Anu ba 'to? Sense of smell lang ba ang pagaganahin? Tss---

"Hoy!"
"AY~!!!" Nasamid ako habang umiinom ng Mineral Water. "Anu ba naman Presbitero?! Anung problema
mo?! Bat ka nangugulat?!" Hindi sumagot si Presbi, sa halip ay umupo na lang sila sa table namin kasama
yung 3 pa nyang buntot. (Ewan ko lagi nyang kasama yung mga yun)
Napapansin kong tawa parin ng tawa si Presbi sa nangyari. Pfft. Ang babaw. "Move on Presbitero."
"You shouldve seen your face. PRICELESS!" Asar nya. Tsss.
"Baaaaaaal oh!!!" Sumbong ko kay Kambal. Pero wala, NR pa sa NR 'tong si Kambal...

Anu problema neto??

Nilagay ko yung likod ng palad ko sa noo nya. "Okay ka lang?" Tanong ko. Nagulat si Kambal sa biglang
paglagay ko ng kamay ko sa noo nya. Tumango lang sya at ngumiti ng konti.

Tss. Mamaya ko na nga sya kukulitin.

Napansin kong panay ang tingin sakin nung Jazz, na ikina-bother ko naman.
"Uh?? Bakit?" Nagulat sya ng tanungin ko sya.
"Uh.. Huh?"
"Kanina ka pa kasi nakatingin eh, May dumi ba sa mukha ko?"
"Ah.. Sorry hindi wala... Teka, mauuna na ko ah? Baka kasi malate ako." Paalam nya samin, Tumango na
lang kami at nagpaalam. Habang si Kambal ayun nananatiling NR. Pssh.

Habang naglalakad sila JJ at Jazz nakita kong tinanaw sya ni Kambal.

Nang akbayan ni JJ si Jazz habang naglalakad, hindi ko alam pero parang sumama yung mukha ni Kambal.
Sumimangot na parang wala ng bukas at nagpaalam na.

"Teka! San ka---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi, nagmadaling umalis si Kambal.

Psssh. Ano ba? Wala na ba akong matinong makakasama dito??

"Oh, Teka san kayo pupunta?-- Huh??--" Nagulat ako ng magsitayuan yung mga buntot ni Presbi at umalis sa
table namin.

Bat nila kami iniwan dito ni Presbi?? Bat kaming dalawa lang? Teka-- Pinag kakaisahan ba nila ako? --- Teka?? WAIT.

Chill Corr, Chill ka lang... Breath in breath out---

"Ayus ka lang?"
"Oo naman no." Corr anu ka ba? Bat ka ba nagkakaganyan. Susss. Parang 'to lang eh.

Ang tagal bago may magsalita samin...

"Teka, akyat na ko ah. Baka malate pa ko." Sabi ko habang tumitingin sa relo ko.
"Teka sabay na tayo." Sabi ni Presbi sabay hawak sa kaliwang braso ko.

Hindi ko alam pero parang huminto yung daloy ng dugo ko ng hawakan nya ko. Napahinto na lang ako at natulala sa
kamay nyang nakahawak sa braso ko.

"A-Ay s-sorry..." Napakamot na lang sya ng batok nya. Pssh.

Habang naglalakad walang nagsasalita samin. Parang hindi kami magkakilala, Parang hindi naging kami.

Uy Corr umayus ka! Anu bang iniisip mo ha?

"Uy, sila na ba ulit?" Narinig ko sa isang kabatch ko habang dumadaan kami sa hallway.
"Di ba nag break sila nung 2nd year tayo? Kaya nga nagibang bansa sya eh." LECHE! BAT KAYO
UPDATED? >.<
"Malay mo kaya bumalik sya dito sa Pinas dahil kay Pres." Nappatingin naman ako sa kanan ko (Sa lugar ni
Pres) Alam ko naririnig nya yun, Hello? Obvious ba ang lakas lakas kaya.

Pasmirk smirk lang ang mokong.

Asa ka namang umuwi ako ng pilipinas para sayo!. Isip isip ko.

Mabilis na lumipas ang oras. Discussion, lectures, seatworks, group activities at quiz. Puro ganun lang, ng magbell na:
UWIAN NA!

Hala, parang mga bilanggo yung mga kaklase ko. Mga nagunahan sa pag labas.

"Lyzzie, may gagawin ka ba mamayang gabi?"


"Wala naman.. Wala namang homeworks di ba?" Ngumit lang sya. SHET. Kahit kami na, nakakainlove parin
yung ngiting yun.
"Daan tayo sa mall, okay lang? Dala ko naman yung sasakyan hindi tayo magcocommute." Ang tagal na
rin naming hindi nakakalabas eh. Huling labas yata namin eh... Sa labas ng bahay namin Joke. Sa L.A.X pa di ba?
Grabe. Lagi kasing busy eh.
"Sige." Nagmadali ako magayus ng gamit, syempre excited ako sa lakad namin.

Habang naglalakad kami papuntang parking lot, nakasalubong namin yung Taylor Ronquillo. Pssh. Hindi ko talaga
gusto dating nitong babaeng 'to.
Kung makatingin kasi kay Ichan parang sa kanya sya.

Nang makasakay na kami sa sasakyan nya at pinaandar na nya ito. Hindi ko mapigilang magtanong kay Ichan.

"Chan... Kakilala mo ba yung bagong lipat satin?" Tanong ko sa kanya habang naghahanap ng kanta sa Ipod
nya na nakasaksak sa stereo ng sasakyan nya. *tongue twister?
"Ah.. Si Taylor ba?.. Kakakilala ko lang sa kanya nung Org day. Sa School paper kasi sya sumali
eh..." Pahinto hintong sagot nya.

Hmm.. Kaya ba lagi syang nasa meeting or nasa headquarters ng org nya? Dahil dun sa babaeng yun? Teka... Anu ba
iniisip ko.. kakapasok lang nung Taylor na yun pinagsususpetsyahan ko na agad--

"Meron ka din nito sa Ipod mo?" sabay pindot sa kantang yun. "Nung nasa states ako, Narinig ko tong
kinakanta ng kaklase kong pinoy. Nagandahan ako sa lyrics, nagulat nga ako nung Spongecola pala
yung kumanta nito."

Quote
Sa bingit ng isang paalam - Spongecola
Author's Note: Ang baduy nung song pero super nagagandahan ako jan.

Habang tumutugtog yung kanta, walang nagsasalita samin. Marahil, nakikinig kami masyado dun sa kanta. Pssh
Drama--

"Nakakagulo ng isip yung kanta..." Bigla nyang sabi.


"Huh?"

"Sabi sa kanta...Di ko mahahayaan na walang magagawa. Ayaw kitang lumuhang nag-


iisa. Meaning lahat gagawin nya para hindi mag end yung kung anung meron sila. Gagawin nya lahat
para maglast yun.

Pero sabi din sa kanta: Kung meron lng ako ng pagkakataong. Sabihin sa’yo ang lahat. Parang
naiwan sya with no choice, parang hindi na nya ma put into words yung nararamdaman nya at hindi
na nya masabi sa taong mahal nya.

Parang ang contradicting din kasi, Mahal naman nya yung tao, ready sya gawin ang lahat para lang sa
kanya. Pero hindi parin sapat yun... Sa tingin mo ba pag binigyan sya ng 'pagkakataon para sabihin
lahat' Sa tingin mo ba sapat na yun?"

"Uh--" Medyo nalabuan ako. Wala akong masagot sa kanya.

"May mga bagay na kahit ayaw mong tapusin, kahit buong pagkatao mo pinipigil 'to at kahit tulungan
ka pa ng mga tao sa paligid mo. Kung matatapos ito. Matatapos.

Kasi, lahat tayo: May pagka irrational-side. Kahit isipin mong tama ang isang bagay. Kung mali ito.
Mali na talaga."

"Hindi ko maintindihan..." Seryoso. Gulong gulo na isip ko. Anu daw? Wala akong maintindihan. Teka. Bat ba
nya ko sinasabihan nitong mga bagay na to.
"Kasi at the first place hindi mapupunta ang dalawang tao sa 'Bingit ng isang Paalam' kung hindi nila
hinayaan. Kahit sabihin nilang hindi nila gusto yun. In some ways. GINUSTO NILA YUN.

Darating sa point na... Hindi mo na talaga alam, Na hindi na nagfufunction ng mabuti yung isip mo at
makapagisip ng paraan.

Darating sa point na kahit bigyan ka ng maraming pagkakataon...


Kahit ilang libong beses ka pa bigyan nun... May hahatak sayo... Hahatak sayo para sumuko...

Darating sa point na mapapagod ka na, Dahil sa dami ng hindi mo inaasahang bagay, Hindi mo na
makayanan.
Kaya wala ka ng magagawa....

kung hindi magpaalam na lang."

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.585.html#ixzz24X9ddMM4

ROUND 18
"Sila noon, Sila na ngayon."
Hindi kayang tumbasan ng isang libong mabait na tao ang pagmamahal ng isang taong gag0.

NiCS'
"Steve!" Agad naman syang lumingon ng tawagin ko sya.
"Uy Nics Musta?" Bati nya.
"Ayus naman, Eh ikaw? Kamusta?" Tanong ko sa kanya. Gets na nya yun kung anu ibig kong sabihin, nagbago
bigla yung mukha nya eh.
"Eh... Eto---" Nang bigla sya napahinto dahil natulala sya sa nasa likuran ko. Kaya syempre, napatingin ako.
Nakita ko si JJ, may kasamang babae. Lower year siguro yung babae kasi di ko sya kilala eh. At hello? Ang liit kaya

"Uyy! JJ! Whats up?" Bati ko kay JJ nang makalapit na sya samin.
"Ayus naman. Parang di naman tayo nagkikita nito Nics." Sabi nya.
"Sweet kaya buti nga naalala kita eh." Nagtawanan kaming dalawa, habang yung mga kasama namin
parang N.R lang. Tsss Ayaw makisakay.

"Err~ JJ sino yan?" Turo ko dun sa babaeng kasama nya.


"Ah...Si Jazz nga pala Nics, Nics si Jazz. G-g-girlfriend ko sya Nics..."
"Ohhhhh" Napa "ohh" na lang ako. Si JJ pa! Talamak na Play boy yan! Hahaha. pupusta ako, magbbreak din sila
o kaya di sila tatagal. Haha. "Tara! sa isang table na tayo." Aya ko, since magkakasama na rin kami, edi sabay sabay na
kaming kumain.

Pagupo namin.

"Asan nga pala si Corr? Bat hindi kayo magkadikit ngayon?" Tanong ni JJ.
"Eh kasi may meeting sya sa Ensembles, Alam mo na. May intermission yata sya sa darating na
Culminating Activity"
"Ah.. Edi kakanta na naman sya, Wow buti pa sya may talent no Steve?" Biro ni JJ.
"Uh?? Ahh--hh O-o-oo" Sagot ni Steve na kanina pa wala sa sarili.
"Ayus ka lang ba Steve?" Sabay hawak sa noo nya. "Wala ka namang sakit ah? Teka... Gutom lang
yan. Tara bumili na tayo ng pagkain muna" Aya ko.
"Huh? Ahh... Ako na lang. Ibibili na lang kita." Sabay tayo agad ni Steve sa kinauupuan namin.
"Sige bibili na rin ako, dito ka lang Jazz ah? Bili lang ako food naten. Madaldal naman yang si Nics
eh."
"Gagu." At umalis na rin si JJ.

Kaya eto naiwan kami ni Jazz. Errmm... Awkward naman. Hmmm~~~

"Hi!" Masayang bati ko sa kanya.


"Uh--- Hi..." Mahina nyang sagot.
"Wag ka ng mahiya sakin no" Ngumiti naman sya sakin at medyo tumingala na. "Ahh... If you dont mind
ganu na kayo katagal ni JJ?" Tanong ko. Okay naman yung tanong ko di ba? Haha. Mostly sa mga nakakausap
kong couple yun lagi unang tanong Gaya gaya lang
"Ah---Kami... Eh...Hi---O--One mo-month yata? Two-wo?" Anu daw?
"Ahh..." Kunwari may naintindihan. "Sooo... Anung year ka na pala?"
"Ah...A-ako.. 2nd Year." Ahh kaya pala mahiyain.
"Anu ka ba, hindi naman ako nangangain ng buhay eh." Tumawa lang sya. Tsss. Haha. Ang weird mo
ineng

Medyo natahimik kami sandali. Pano ba naman tinamad na ko magtanong tanong at sya naman mukhang hindi
magsasalita---

"Ate, kaano ano mo si Steve?" Natanong nya bigla.

Hmmm... Si Steve? Bat si Steve? Ehh... Ang weird lang di ba?

STEVE's
"Huh? Ahh... Ako na lang. Ibibili na lang kita."

Ako na lang ang bumili ng pagkain namin ni Nics kahit hindi ko naman sya dapat ililibre. Pano ba naman kasi, parang
hindi lang okay sakin yung makita sa harapan ko si JJ at Jazz na magkatabi man lang. Ewan ko ba, basta hindi ko
gusto.

"Ate dalawang burger po, Yung isa may cheese yung isa wala. Saka dalawang c2 na rin po isang apple
at lemon."

"Ate ako din. dalawang burger at dalawang c2 parehong lemon."

Nagulat ako ng makita ko si JJ sa gilid ko.

Bat nakikigaya sya ng bibilin? Tsss.

Hindi ko na lang sya pinansin. Pagkabigay ni ate sa binili ko agad ko na tong binayaran at tinanggap ang sukli.

Nagmadali na kong umalis dun. Ewan ko ba. Wala ako sa mood na makipagusap kay JJ.

Pagdating ko sa table namin, halos dumating na rin si JJ. Pagkaupo ko agad kong ibinigay kay Nics yung burger na
may cheese at yung c2 lemon.

"Thanks!" Sabi nya.

Natanaw ko rin na inabot na ni JJ kay Jazz yung binili nya.

"Jay, may cheese saka sana apple." Mahinang sabi ni Jazz. Pero syempre, malinaw ang tenga ko para sa boses
nya.
"Ah... Hindi ko alam sorry." Anu ba yan naturingang boyfriend walang alam sa girlfriend.
"Ayus lang dont worry." Sabay kagat sa burger nya.

Obvious na obvious na ang liit ng kagat nya, iniiwasan yung cheese

Ayaw ni Jazz sa cheese except sa mga junkfoods na cheese flavor. Ewan ko ba dito ang pait daw ng cheese hindi rin
naman daw sya daga.

Napansin kong hindi nya masyadong kinakain yung burger nya. Although kumakagat kagat sya ng maliit.

"Oh." Sabay abot ng c2 apple at burger ko.

Hindi ko pa naman nakakain yung burger at hindi ko pa naiinuman yung c2 eh.

Nagulat silang tatlo sa ginawa ko. Pero hindi ko na lang sila pinansin. "Tanggapin mo na."

"Eh..Ano kakainin mo?" Tanong nya.


"Bibili na lang ako ulit." Patayo na sana ako ng--
"Wa-wag na. Okay lang naman." Alam kong di na sya papapilit kaya...
"O sige. Palit na lang tayo."
"Huh? Eh nakagatan ko na---" Hindi ko na sya pinatapos sa halip kinuha ko na lang yung burger at c2 nya.

Sabay kagat sa burger at inom sa c2 nya.


CORR's
I feel so bothered dun sa mga salitang binitawan ni Migs nun. After nun parang napaka-awkward na ng mga nangyari.
Senyas senyas na lang, Tango, Iling o Deadma. (Para kaming Deaf) Haaay... Sabi naman sakin ni Nics wag ko na
lang daw pansinin, At masanay na lang ako may pagka-poet naman daw kasi naging boyfriend ko. POET POET ka jan.
PWET sya! Naguguluhan tuloy ako. Hindi ko alam kung anu yung ibig sabihin nya. Kung may kinalaman ba yun sa
kanyan, sakin or worst! SA AMIN.

Haaaay monthsary na monthsary namin ganito sya. Alam nyo yun, di naman sa galit kami pero may iba eh. MAY
SOMETHING. At yung something na yun hindi sya maganda. Basta parang may mali eh. Haaay---

"Huy! LYZETTE SOCORRO BENITEZ!"


"Huh? Uh--? Bakit??"
"Anu ka ba, kanina ka pa lutang jan! Nagets mo ba yung steps na kakaturo lang?" Sabi ni Nics na
nakapamewang pa.
"Ah--Teka? Pano ulit?"
"Ano ba Corr, Di pwedeng ganyan ka. Wag mo dalin dito ang personal mong problema. Look, malapit
na yung competition at nakakahiya naman na tayong mga seniors pa ang magkakalat. Malaki
expectations satin ng mga advisers natin since tayo ang mga matatanda dito."
"Sorry na po Lola."
"Aba-- Corr sinasabi ko lang 'to kesa pahiyain ka na naman ng Monic na yun!--- Speaking of the
devil."

"Pwede ka namang maging chanters na lang Corr eh, bat mo ba kasi pinipilit yung sarili mo
dito." Sabi nitong bruhildang 'to.
Abaaaa.
"Si Ma'am nagsa---"
"Whatever." At umalis na sila sa harapan ko. Tsssss. Papansiiiiin!

"Oh, tama na Corr. Wag mo ng patulan."


"Hay nako. Di naman kasi ako dapat sumali dito. Si Ma'am naman kasi. Pilit ng pilit na isali ako dito.
Kesyo kasali daw ako ng PEP. kesyo ayos daw height ko. Kesyo ganun. Kesyo ganyan. SUSSS eh
mabali bali na nga yung mga buto ko dito eh."
"Hay na ko Corr. Pabayaan mo na lang, Nandito ka na rin lang eh~~ Tekaaa." Sabay nguso sa likuran ko.
"Huh? Anung nginunguso-nguso mo jan?"
"Ayun." Sabay nguso. Ngumuso din naman ako

At pagtalikod ko nakita ko ang aking napakagwapong boyfriend. Na may dalang balloons at bouquet. OMG.
Agad akong lumapit sa kanya, Sya naman naghihintay lang sa kinatatayuan nya ng nakangiti. Syetttt. Ang gwapo mo.
Wag kang ganyan.

"Happy Monthsary Babe" Bati nya sakin. Hinug ko naman sya agad. Sobrang nakakagulat. Kasi parang hindi
kami okay kanina. Yun pala may surprise sya sakin. :">
"Grabe... I didnt expect this..." SOBRA! Alam nyo yun. Pinagtitinginan kami ng tao. Eh hello?? Sa dami ng
balloons na pink-red heart shape na hawak hawak nya may bouquet pa di ba. How sweet :"> "Grabe... Wala talaga
akong masabi..."
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman!" Agad kong sagot. Ay napalakas yata.
"I'm happy na nagustuhan mo." Then he kiss me on my left cheek. OMG OMG.

SERYOSO!
NGAYON LANG KAMI NAG KISS! Wait...
I'm so exagge. I mean, tuwing nandun na kami sa point ng pagkikiss. Alam nyo yun? Nagkakahiyaan pa. Ni beso-beso
WALA. Basta. Holding hands lang at hugs. OMG OMG.

"Babe? Are you alright?"


"Uh--Yeaah-- Yeahh. I'm j-just..." Dang it. Im stuttering.
"I know youre somewhat mad at me." Sabay lapag nung bouquet sa may bench sa gilid. (At hindi ko pa talaga
kinukuha yung mga dala nya)
"Hindi ah.. No..."
"Basta. Nararamdaman ko naman eh. Things were just mixed-up pero it will be fine din. I'm sure."
"Anu ba kasi yung gumugulo sayo?"
"Uh-- Wala naman... Busy lang siguro ako. Ang dami kasing kelangan gawin..." Gawin? Like?? Hayyy
"Ssssh. Dont worry. I trust you" Sabi ko. Ayoko namang masira yung moment namin. I mean its our
monthsary ayoko namang maspoil to di ba.
"Thanks Babe, Happy Monthsary." The he hug me.
"Thanks din. Happy Monthsary Babe." i hugged him back.
"You're my source of happiness - love you." :">
"I love you too."

"SENIORS, please go the GYM. Sophomores naman ang magooccupy ng grounds. SENIORS, please
go the GYM. Sophomores naman ang magooccupy ng grounds. Double time! Malapit na mag Curfew."

Ayan na, sumisigaw na naman sa megaphone yung president ng Class A. Tsss. Alam nyo yun? Panira ng moment.
Langya. Minsan lang eh.

"Mamaya na nga---"

"Double time!" Sabay tapat ng Megaphone sa lugar namin ni Migs (Isipin nyo ah? Kami lang nandun.)

"PAAAAAAAYN! Eto na nga eh." Leche, minsan lang eh. Ayaw pa kong pagbigyan. Pambihira.

Natawa lang si Migs sa reaksyon ko. "Anung nakakatawa?"

"You're tooo adorable. You're hot like 20's but cute like a kindergarten kid"

"Lyzzie? Di pa ba tayo pupunta ng GYM? Tara na. Wala nang tao, nasa GYM na silang lahat."
SOCORRO ANU BA NAMAN NATUTULALA KA SA SOBRANG KILIG NG DI ORAS EH.

PRESBI's
"Pano mo mababawi yung dating sayo?"
"Huh?" Tanong ni Lee.
"Ano na naman bang drama yan?" Gatong naman ni Dro.

Nasasabaw na naman ako. Kaya nitong mga nakakaraang araw medyo dumidistansya ako kila Lyz--Corr at Migs.
Hindi naman dahil, suportado na ko sa relasyon nila (Na halatang hindi naman mangyayari) at hindi din dahil gusto
ko.

Last week, bigla akong inaya sa SP ni Steve. Nung una nangopen-up sya tungkol sa kanila nung second year na
natitipuhan nya ngayon. Hindi daw nya maopen-up kay Migs, since busy nga daw sya lately with the school paper at
kung anu pang school activities at lalong hindi naman nya mashare kay JJ kasi somewhat involve si JJ.

"Haay, bat ba tayo nagkakaproblema ng ganito?" Biglang sabi ko. Ewan ko, yun na lang yung biglang
lumabas sa bibig ko.
Uminom na lang ako ng Coke. Haay nakakastress.
"Tayo? Bakit? Anu problema mo?"
"Uh-- Eh Wala."
"Si Lyzzie no?" Bumilis bigla yung tibok ng puso ko, nang marinig ko yung pangalan nya. Weh. Bat ganito?

Naalala ko yung mga pang iinis ko sa kanya nung first quarter.

"PRESBITERO? Anu bang trip mo?!" Lagi nyang sinasabi yung mabahong name ko pag naiirita sya sakin.
"PWEDE BA?"
"BUSY AKO."
"ANU NA NAMAN?" Lagi nyang sinasabi yan, tuwing napapatingin ako sa kanya. Alam nyo yun? Wala pa nga
akong ginagawa parang naiinis na sya agad

"Nagsisisi ka na no?" Biglang sabi ni Steve.


"Huh? Anong---"
"Na pinakawalan mo yung kambal ko." Sabay inom nya ng C2 nya.
"Ako-- Bat-Bat? Na naman?" Napainon ako ng Coke ng di oras. Pambihira. Bat pinagpapawisan ako?
"Pres, di naman sa hindi na kita gusto para sa kanya. Although hindi rin naman kita ganun
kagusto for her." Loko to ah? "Ang sakin lang, May boyfriend na ang kambal ko. I mean, In a
relationship na sya. Wag ka munang sumali sa eksena. Look, Hindi sa ino-offend kita or what. Ang
sakin lang, Nasaktan na si Lyzzie noon..." Napahinto sya.

Tama... Kasalanan ko 'to kaya eto, nagsisisi ako. Nagsisisi ako ng sobra sobra ngayon.

"Hayaan mo muna syang sumaya." Dagdag nya.

Natanaw ko si Lyzzie na pumapasok ng GYM, may daladalang maraming lobo at hawak kamay pa silang pumasok ni
Migs na may hawak namang mga bulaklak.

Nilalaro laro pa nya yung lobo ng pumasok sila. Mukha syang masaya. Ang saya saya nya tignan.

Naging ganyan din ba sya kasaya nung kami?

Nu ka ba naman Presbi. Bat mo pa tinatanong yan! MALAMANG SA MARAMI HINDI. Utak langaw ka pa nun. Puro
ka laro, Haay Tama nga siguro na mas mature ang mga babae kesa sa lalaki no?

Kasi noon, puro ako Ragna, Puro ako basketball. Pag nakahawak na ko ng bola, wala nakakalimutan ko na lahat. Na
may lakad pala kami, na susunduin ko pala sya, na birthday nya pala, na monthsary pala namin. Ako na yata yung
pinaka walang kwentang boyfriend sa balat ng lupa noon.
Ako yung boyfriend na maggreet ng happy monthsary a day after the date o kaya days after the date. Ako din yung
boyfriend noon na, yung susunduin ko pa yung magpapaalala na susunduin ko pala sya. Ako din yung boyfriend noon
na walang ginawang tama.

Porket may mas maganda na nakita. Hala sige, palitan na.


Yun pala, mukha lang ang maganda. Napaka sama naman pala ng ugali nya.

Pero ano ang ginawa ko? Nagpakadakila ako, Inisip ko na magiging masaya kami ni Monic kasi binago nya yung
gagong ako. At ako naman expect ng expect na mababago ko sya.

Yun pala, hindi sya ang nagpabago sakin...

Ang nagpabago sakin ay yung regret ko...

Nang lokohin ko yung magandang babaeng may hawak ng mga lobo...

Pero wala na yata akong magagawa, wala na kong pagasa.

Hawak hawak na nya kasi yung kamay nya...

Nawawalan na ko ng pagasa---

"Ipakita mo kung sino ang nauna, Ipakita mo kung sino ang nararapat, Ipakita mo kung para kanino
talaga sya. Hindi pa huli ang lahat. Kasi kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming
dahilan..." Diretsong sabi sakin ni Drei habang nakatingin sa kanina ko pa tinititigan. "Mahal mo sya di ba? Ba't
pinapanuod mo lang sila? Di ba mas masarap sa pakiramdam kung ikaw ang may hawak ng kamay
nya?"

KiTS'
"Pwede ba? Teka! Bahala ka mageeskandalo ako dito!" Sigaw ko sa kanya.
"Sige mageskandalo ko, tignan lang natin kung hindi ka paalisin ng guard." Sagot nya. Anu ba Kitel, di na
nagisip malamang past curfew na.

Dieretso parin sya sa paglalakad nya.

"Teka--" Hindi nya ko pinansin, sa halip binilisan pa nya lalo yung lakad nya. Kaya ako medyo tumakbo na para
maabutan sya. "Hindi ko lang 'to dapat palagpasin. Look----" Isip isip isip. "I'm delayed!" Napahinto sya

bigla sa paglalakad. Gotcha

"Anung sabi mo?"

"I said, I'm delayed..."

mukhang naabsorb na nya yung dapat nyang iabsorb. Medyo natulala sya saglit, Nanlaki yung mata at hindi mapinta

yung mukha.

"That's impossible"
"Posible. May nangyari eh." bigla syang napasimangot.
"Pero--"
"Kung ayaw mo 'to tanggapin. Fine! Ipapaabort ko na lang!"
"ANO?!?"
"Ayokong masira yung buhay ko ng dahil lang dito, lalo na kung di mo rin naman sya kikilalanin."
"Pero... Pero wag mo namang ipaabort..." Bumagsak yung mukha nya. Tipong may masakit na parusang
naghihintay sa kanya.
"Anong gusto mong gawin---"
"Fine! Papanagutan ko yan, Pero sa isang kondisyon...."
"Wag mo munang ipagsasabi kahit kanino. Lalong lalo na kay Corr--"

"Teka Ako din may kondisyon"


"Ano?" He asked, na parang pinagsisisihan nyang tinanong pa nya kung ano yung kondisyon.

"From now on, dapat tayo na." Nagulat sya, pero hindi na sya nagreact. Kaya ngumiti na lang ako sa kanya sabay
halik sa kanya :*

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.615.html#ixzz24X9kD3ej

ROUND 19
"Sweet Nothings plus Heartaches and Tears"
The worst thing is holding on to someone who doesnt want to be held on to.

JAZZ's
Palabas na kami nila Lianne sa classroom para pumunta sa grounds. Nagearly dismissal kasi kami dahil papalapit na
nga ang competition. At syempre yung mga teachers namin UMAASA pa na mananalo kami.

"We are the S. Sexy. O. Optimistic. P. Polite. H. We're Hot---" Cheer ni Lianne habang naglalakad kami
nagssteps steps pa ang loka.
"Pwede ba Lianne, tumigil ka na jan. Mukha kang ewan." Sabi ko. Nagtawanan naman kami nila Alica at
Chariz.
"Hay nako. Ang cute nga ng cheer naten no--- Jazz, Boyfriend mo oh." Napahinto kaming lahat ng may
ituro si Lianne.

And there nakita ko si JJ na nakatayo sa may gilid ng mga lockers ng 2nd year.

Whats wrong with this guy?

"Sige mauna na kami ah. Mukhang maguusap pa kayo eh." Sabi ni Lianne nang makita nyang naglalakad
palapit si JJ.

Anu na naman ba issue netong lalaking 'to? Last time kinausap nya ko ang sabi nya, magbalikan daw kami. Kahit 2
weeks lang daw. May tinetest lang daw sya kasi na magbebenefit din ako. Nang tanungin ko naman sya kung ano yun,
ang sabi lang nya. "Basta, alam kong ikakatuwa mo 'to"

Sana nga ikakatuwa ko.

Kasi ewan ko ba, simula ng makilala ko si Steve and you know nang mainlove ako sa kanya. Lahat ng charisma ni JJ
from head to toe, nawala na sa paningin ko

Alam nyo yun? Tuwing nakikita ko sya, hindi ko alam kung bakit ko sya kinukumpara kay Steve. Na bakit si Steve ang
alialiwalas ng mukha while si JJ naman is puro kayabangan. Hayy bat ngayon ko lang narerealize 'tong mga
bagay na 'to?

"Ano na naman?"
"Oh, nakasimangot ka na naman. Kanina lang tumatawa ka pa ah."
"Nakakasira ka kasi ng araw eh."
"Sa gwapo kong 'to?? Nasisira pa araw mo?" See? Hindi man lang maging humble kahit papano di ba?
"Whatever"
"Tss... Ewan ko ba sayo. Kung di ka lang maha---" Napahinto sya bigla.
"Huh? Anong sabi mo?"
"Wala. Sabi ko tara na, magppractice pa kayong matalo samen." Tas naglakad na sya ng mabilis.
"Hoyy! Ang yabang mo ah!!!!"

Nagmadali syang bumaba sa hagdanan, nagtinginan tuloy yung mga higher batch sakin. Pffft---

Nang makita ko yung Corr na pinakilala ni JJ sakin. Tsss. Sya yata yung bagong babae ni Steve - kaya nya ko iniwan.
Tss. Hindi naman maganda ah? Well.. May itsura, maputi, makinis--- CHE! Yan ba yung ipapalit nya---

"Hey!" Tawag nya sakin, Obviously ako yung tinatawag nya.

Hindi ko na lang sya pinansin, Inirapan ko na lang Whatever. Kala mo kung sinong maganda, pahey-hey pa.
Pagbaba ko sa grounds, Lahat ng h.s eh nandun. Hiwahiwalay.

Tinanaw ko kung nasan sila Lianne, Hanap ako ng hanap sa side ng mga sophies hanggang makita ko sila.

Lumapit ako agad sa kanila, sakto nagsalita na yung coordinator ng competition.

"Napasa na sakin ng mga head ng each batch yung mga music nyo sa exhibitions, Para wala nang
makakapagpalit or makakakopya sa iba. Since starting today until next week before the competition
wala na kaming ipoprovide na schedules for the use of the grounds or GYM. Kayo na bahala dun. So
thats all, for some reminders, sasabihin na lang namin sa mga advisers nyo." Sabi nya sa megaphone.

Nagmukhang free day dito sa grounds, kasi nagmeeting lahat ng mga h.s teachers para sa darating na competition.
Kaya naiwan lang dito eh yung mga students.

Tss. Wala namang nagppractice eh. HAHAHA Buti na lang at hindi maaraw, kung di BV yun.

Nagppractice na yung 1st year hanggang 3rd year. Pero yung mga seniors, mga nasa gilid lang sa may mga benches,
nakaupo. May mga nagigitara, nagpapasahan ng bola, mga nagiinarteng senior mga pulbos ng pulbos at suklay ng
suklay. Nang biglang may magsalita sa speakers. (Alam nyo yung rinig sa buong high school building? yung mga
nakakalat, kadalasang ginagamit sa mga 3 oclock prayer, angelus at kung anu ano pa.)

"Hi CVMers!" Bati nung nasa-speakers. Boses lalaki (Na pilit na pinapalaki at pinapababa. gets?). Pamilyar pero di
ko maalala.

Nagtigilan naman yung mga students sa mga ginagawa nila, at napatingin sa building (kung san nanggagaling yung
boses.)

"I just want to say that..." Nagpabitin pa yung nasa speakers

"I LOVE YOU CORR OF CLASS 4-B!! I LOVE YOUUUUU!!!!" Corr? Tsss. Teka! Si Steve ba 'to?? PAMBIHIRA.
Anu ba yang ginagawa nya nakakahiya.

Nagtilian yung mga seniors at yung iba naman mga nagsipag "Whoa." Mga kilig na kilig sa ginawa nung nasa
speakers.

"Wait, may gagaya din pala." Then, narinig naming tumawa yung nagsasalita...

"Ehem..Mic test" Sabi naman nung sumunod na nagsalita. Nagtawanan yung mga students kasi may voice-editing-
something yung nagsasalita. Boses baby tuloy

"I know this is really embarrassing.. but..." Huminto muna yung nagsasalita.

"I love you so much, I dont know when and why, Though you cry like a baby and pretend to be an
adult ,though youre obviously not. I love your flaws and all..." Ang swerte naman nitong babaeng 'to. Ang
haba ng hair. Pambihira, buti pa sila--
"JASMINE ARRON... I'm madly and crazy in love with you."

Ako??? Teka bat ako?

"Uyyy! Siguro si JJ yun. Ang sweet ah?" Inis sakin ni Lianne.


"Oo nga, grabe. Ang sweet sweet sobra. NAKAKAINGGIT." Gatong naman ni Chariz.

Nagtilian yung mga ibang students, lahat ng kabatch ko nakatingin sakin. Obviously alam nila kung sino yun.

Nang may pumalakpak bigla, right after tumigil yung ingay o tilian nila.

"Teka? Si JJ yun di ba?" Turo ni Alica sa may likod namin.

Syempre, napatingin kaming lahat. And there nandun sila JJ, kasama yung mga guys na naka jersey (Mga varsity
siguro na ka batch nila.) Lahat sila nagpapalakpakan.

Weh? Ano meron?

Nang magpalakpakan sila, nagsigawan na rin yung iba nilang ka-batch. Teka, naguguluhan ako.

"Kung si JJ eh nandito..." Sabi ko ng mahina.

"SINO YUNG UMAMIN SAYO?!?!?!" Sabay sabay nilang tanong.

STEVE's
"Sige naaaa Paps! Ang KJ mo naman eh."
"Ang baduy mo kasi! Sus, kahit ako ung kakambal ko hindi ako makikipag--miski date sa baduy na
tulad mo."
"Grabe ka naman.. Sige naaaa"
"Ayoko nga!" Pang sampung beses ko nang sagot 'to kay Presbi.

Aba, ayaw parin tumigil sa kakakulit sakin. Kanina pa nga yan nangungulit dito sa headquarters eh.

Kasi, nalaman nya magkakameeting daw lahat ng HS Teachers kaya students lang daw matitira outside the rooms.
Gusto sana nya gamitin yung school speakers. Mag-iiloveyou lang daw sya sa Kambal ko. Aba, pati ako dinadamay?
Umamin na din daw ako dun sa gusto ko.

"Dali na kasi. Pag di ka pa umamin kay Katorse wala na! Sawi ka na!" Sabay bato ko sa kanya ng bag ko.
"Gagu! Anung Katorse?"
"Bakit? Totoo naman ah!"
"Gumatong pa eh! Bahala ka lalo kitang di sasamahan!"
"Paps naman eh!! Sige naaa!"

Biglang bukas ng pinto ng headquarters.


And there nakatayo sila JJ, Drei, Dro at Lee.

"Anung meron?"
"Take it or leave it?"
"Huh?"
"Pare.. Its now or never" Dagdag naman ni Dro.
"Teka--Teka--" Napatingin ako kay Presbi na ngumingiti ngiti na. "IKAW LOKO KA! SIRAULO KA! SINABI
MO? "
"Steve tsong, Anu ba. Wag ka na kasing matorpe. Hindi ka aasenso nyan eh." Sabi naman ni JJ.
"May magagawa pa ba ako?!"
"AYOS!!!" Sigaw nilang lahat.

Pambihira, Pinagtutulungan naman ako nitong mga 'to

"Mamaya ha! Dont forget!" Paalala ni Presbi sakin. Tss.

So ayun nga, nagsibabaan na yung mga students sa grounds at nagpaiwan kami dito ni Presbi sa headquarters. Nang
mag 3 pm na (Meaning close doors/meeting na ng mga teachers) Lumabas na kami ni Presbi sa headquarters at
dahan dahang pumunta sa may STO.

Dali daling kinuha ni Presbi yung microphone na nakaconnect sa lahat ng speakers sa corridors at sa labas ng h.s
building.

Habang nakatingin si Presbi sa microphone ay nakaharap ako sa speakers kung saan pwede iadjust yung volume etc
sa phone. Hmmm...

ALAM KO NA!

"Hi CVMers!" Nagsalita na si Presbi sa mic pero nilakihan nya yung boses nya. Sus and baduy!

"I just want to say that..." Umi-english pa ang gagu. "I LOVE YOU CORR OF CLASS
4-B!! I LOVE YOUUUUU!!!!" Sumigaw si Presbi na parang bata sa mic. May spark spark pa sa mata
nya. Nakakaloko

Narinig naming may nagpapalakpakan sa grounds at nagtitilian.

"Wait, may gagaya din pala." Gagu talaga 'to. Babatukan ko sana kaso nakaiwas sya Ampf sayang!
Tawa pa ng tawa.

Bago ako nagsalita, inadjust ko muna yung mic para lumiit yung boses

"Ehem..Mic test" Haha. Wala akong maisip. nabablanko ako. "I know this is really embarrassing..
but..." Anu ba... naman... Pati si Presbi naghihintay sa sasabihin ko... uh...

"Sabihin mo lang yung totoo..." Bulong ni Presbi.

"I love you so much, I dont know when and why, Though you cry like a baby and pretend to be an
adult ,though youre obviously not. I love your flaws and all..." Dirediretso kong sinabi yun. Ewan ko, yun
ang lumabas sa bibig ko eh.

"JASMINE ARRON... I'm madly and crazy in love with you." Tama. Nababaliw na ko sayo Jazz...

Lumuwag yung dibdib ko nang masabi ko yun. Pakiramdam ko nawala lahat ng sikreto ko sa buhay. I mean, alam nyo
yun? Ang sarap pala sa pakiramdam.

Nag-high five kami ni Pres at tuwang tuwa yung mokong---

Nang may narinig kaming kung anung bumagsak. Kaya napatingin kami ni Presbi kung san galing yung tunog,
Syempre baka nahuli kami. Mahirap na---

"Nics?..."

NiCS'
"I LOVE YOU CORR OF CLASS 4-B!! I LOVE YOUUUUU!!!!"

Pinalaki pa yung boses eh for sure si Migs yun!

"Wait, may gagaya din pala." Sabi ulit nung nasa speakers.

Sino naman kaya may pakana nito? Lakas ng loob. HAHA.

Pababa na ko galing headquarters ng PEP, naiwan ko kasi dun yung rubber shoes ko kaya nagpaiwan ako kay Corr.
Nakakatakot dito sa hallway walang tao.

"Ehem..Mic test" Patuloy na nagsasalita yung nasa speakers.

Since nakakatakot sa hallway, dumaan ako sa stairs sa may gilid ng building. Atleast dun may sinag ng araw pa.

Napahinto ako nang may nakita akong dalawang lalaking nakauniform sa may gilid ng STO (Sounds and Technical
Office).

"I know this is really embarrassing.. but..." Teka, parang kilala ko 'to ah?

Lumapit ako pa ako ng konti para maaninag ko yung mukha.


"I love you so much, I dont know when and why, Though you cry like a baby
and pretend to be an adult ,though youre obviously not. I love your flaws
and all..." OMG... Si---

"JASMINE ARRON... I'm madly and crazy in love with you." Hindi yata ako makahinga...

Bigla ko na lang naramdamang nahulog na pala yung hawak hawak kong kahon ng shoes ko.

Omy! Napatingin dito si Steve. Sh1t. Nakita nya ko!

Kaya agad akong tumakbo, di ko alam kung san ako papunta sahil sa lumalabo kong mata na nalulunod sa mga luha
ko..

Bakit ganito? Ba't ako pa ang kailangang makakita sa kanya? Bakit kelangan ko pang malaman kung sino yung mahal
nya? at kung ganu nya yun kamahal? Ba't hindi ako? Bakit sya?---

"Nics!" Nagulat ako nang maabutan ako ni Steve. Omy. Di 'to pwede, nakatingin nya sa mga mata ko. Nakakunot
yung noo nya na may halong pagtataka. Agad ko namang pinunasan yung luha ako, na parang may magagawa pa
ko. "Teka? Anu nangyari sayo? Ba't? Ba't ka umiiyak?? Anu--"

"WAG MO NANG ALAMIN PA! I HATE YOU STEVE! I HATE YOU!!!" Tinulak ko sya kasi hinaharangan
nya ko, pero hindi ako makawala. Masyado syang malakas. Hinawakan nya ko sa balikat at isinandal sa pader.

"Nics... Wha-whats wrong with you? Ba't ka nagkakaganyan?.."

"Wala kang pakialam! " Patuloy ko syang tinutulak pero hindi sya natitinag. Hawak parin nya ako at
hinihintay ang sagot ko.

"NAGSISISI AKO KUNG BAKIT IKAW ANG MINAHAL KO!" Sa di malamang dahilan, nanghina si
Steve sa pagkakahawak sakin at natulak ko sya.

Tumakbo ako ng tumakbo palayo sa kanya.

Steve? Bakit sya? Bakit hindi ako? Nandyan naman ako sa tabi mo tuwing kailangan mo ko... Pero sya? Nasan sya?
Ba't sya Steve?? Di ba pwedeng ako na lang??
Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.645.html#ixzz24X9shBYd

ROUND 20
"Alapaap"
(Ang patikim)
Minsan talaga masaya maging sakim kaysa maging mapagbigay

CORR's
Quote
From: MyPrince<3

Princess, Sorry di kita mahahatid today. May emergency meeting kasi dito sa office. Hope you understand. Text me
when you get home okay? Take Care I love you.

For the nth time, hindi na naman nya ko masusundo because of the school paper group. Hindi na lang ako nagreply.
Para naman makahalata sya na naiinis ako sa kanya.

Grr! Di naman sa gusto ko lagi nya kong hahatid-sundo or lahat ng oras nya na sakin (Pero pwede din. HAHA) Pero
alam nyo yun? Masyado syang nagiging busy with that group eh! Alam nyo yun? Lagi na lang may meeting... may
emergency meeting... or may officers meeting. SUS! Lahat ng klaseng meeting eh narinig ko na. tss. Kung di lang sya
nag i love you kanina. Nakuuu wala syang pambawi. Pero infairness kinili ako dun :">

Tss. Pero nakakainis parin, magisa tuloy akong uuwi Isa pa yung si Nics, hindi man lang nagtext, ewan ko dun.
Sabi nya magpapalit lang sya ng shoes pero di na bumalik. I texted her naman pero wala. Walang reply or call man
lang. Haaay ang loner ko---

"Hi Coricorcor!"
"AY BULIMYA!!!!--- Anu ka ba! Bat bigla bigla kang sumusulpot?! Nangugulat ka pa!" Tawa pa ng tawa
si Presbi, Papatayin yata ako nito sa gulat eh. "Anung nakakatawa ha??!"
"Ikaw kasi eh! Ang kulit ng expression mo. 'bulimia??' HAHA. Ang dami daming word. Ba't
bulimia??" Patuloy parin sa pagtawa si mokong. Pfft! Nakakainis 'to oh!! Inirapan ko na lang sya, at
nagpatuloy na sa paglalakad.

Pero sumusunod parin sakin si Presbi. Nakuuu nakakainis!

"Ano ba kailangan mo?! Bat mo ko sinusundan?!"


"Feeling mo naman. Hindi kita sinusundan no."
"Eh ba't nakabuntot ka sakin?"
"Hindi kaya ako nakabunto sayo?" Sabay tingin sa likuran nya. Ampf, pilosopo pa si mokong.
"Eh ba't nasa likuran kita?"
"Eh malamang wala ako sa harapan mo."
"Pilosopo!" Inirapan ko ulit sya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Ang sungit mo naman! PMS!" Sabi nya sakin. Ngayon magkatabi na kami sa paglalakad.
"Sinong PMS?" Tanong ko.
"Ikaw!"
"Ako?" Hahaha. Kala mo ah? Mangiinis din ako!
"Oo ikaw ang init ng ulo mo!" Hinawakan ko yung ulo ko, at umarteng nagiisip.
"Hindi naman ah? Mainit ba?"
"Epal!" Asar nya sakin. Haha naiinis na syaaa
"Ikaw?" Tanong ko.
"Hindi, ikaw." Sagot nya.
"Sinong ikaw? Ikaw na ikaw? o ikaw?" Hahahahahaha.
"Magulo kang kausap!"
"Magulo?" Sabay suklay sa buhok ko at pagpag ng uniform ko. "Maayos naman ah?"
"Ayyyy socorro----"

*bzzzt*
Phone ko nagva-vibrate.

Unregistered number?

"Hello? Who's this?"


"Hello kaibigan ka ba nitong babaeng lasing?"
"Huh?"

"May babae kasi dito, magisa lang kanina pa inom ng inom. Eh hindi na gumigising. Knock out na
yata." Sabi nung lalaking nasa kabilang linya.

Agad naman akong nagworry kung sino yun.

"Teka- Kuya hindi kita magets." Sagot ko.

Napatingin naman ako kay Presbi na mukhang nakikichismis sa usapan namin.


"Eh kasi po Miss, may babae dito. Kanina pa inom ng inom. Eh kanina parin po ring ng ring yung
cellphone nya, di naman po sinasagot. Naka CVM uniform po. Eh nakita ko po na kayo yung huling
nagtext nakalagay 'Sis' So---" Teka manong! Ikaw magulo kausap! OMG! Si Nics yata 'to.

"Teka teka, san po ba yan manong??"


"Dito po sa IMNO(wala na kong maisip na name ng inuman. HAHA kaya yan na lang.) Sa gilid po ng
SP--"
"Okay manong! Papunta na ko jan!!!" Agad akong tumakbo palabas ng school namin, at nagmamadaling
maglakad papuntang SP.

"Huy! Corr San ka ba pupunta??" Tanong ni Presbi na sumusunod parin pala sakin. Hinahabol nya rin yung
paglalakad ko.
"Sa IMNO."
"HA?? Bat ka pupunta dun?!?!"
"Basta!" Anu ba, mahabang kwento. Ang labo pa magkwento ni Kuya.
"Sama ako!" Sabi ni Presbi.

At aba, mas bumilis pa yung lakad nya sakin.

Sa sobrang bilis naming maglakad eh nakarating kagad kami sa IMNO.

Papasok na sana ako sa loob nang may lumabas na lalaking nakauniform ng CC yung school na malapit lang din
samin, Buhat buhat ang kaibigan ko na walang malay.

"Hey!! San mo dadalin yang kaibigan ko?!?!"


"Uh?" Sagot naman nung lalaking tiga CC.
"Kaibiga---" Hinarang naman ako ni Presbi.
"Pare, friend kasi namin yang bitbit mong babae." PRESBI?! WHATTA TERM? BITBIT? Anu yan handbag?!

"Ah.. Ganun ba? Kanina pa kasi to lasing na lasing. Eh magisa lang sya sa table nya kanina pa...Sabi
nung waiter kanina wala daw kasakasama... Eh binabastos na sya nung mga lalaki sa loob kaya
binuhat ko na sya palabas." Mukha namang gentleman yung lalaki. Mukhang matino at mukhang maayos.
"Ah ganun ba--" Napahinto ako nang gumalaw si Nics.
"Ahh...Anu..." Bangag na bangag pa sya magsalita, halatang lasing. Sobrang pula.

"Nics! Nics!" Agad namang binaba nung lalaki si Nics na hindi pa makatayo ng diretso kaya inalalayan sya nung
lalaki "Nics, okay ka lang ba? Bat ka ba uminom?" Ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Dati naman kasi di
yan umiinom eh. Ewan ko ba~~ Mukhang madami talagang nagbago nung umalis ako.

"Huuuy! Corrrrr... Presbiiiii... Bat nandito kayo??..."


"Iuuwi ka na namin." Sagot ni Presbi.
"Bakit? Kayo na ba ulit? Kayo ha... Di nyo sinasabi sakin...hik... Oo, dapat ibreak mo na yang boypren
mo Corr... Lagi ka na lang iniiwan... Hindi man lang--- Ooooohhhh? Sino ka?" Tanong nya dun sa lalaki.

"I'm Kyle." Sagot naman nung lalaki na parang matino pa yung kausap nya.
"Hi Kyyyylee... Ako si Annica. Nics for short" Kumindat pa si Nics. Anu baaaaa.
"Tara na Annica, Uuwi na tayo." Sabay hila sa kanya. Inalalayan din sya ni Presbi pero humawak sya dun sa
lalaki.

"Mamaya na... Ayoko nga... Mamaya makita ko pa si Steve... Dito na lang ako kay Kyle... Di ba
Kyle??" Ngingiti ngiti na lang yung lalaki. Tsss. So naglasing sya dahil sa kakambal ko?? Soooowssss.
"Anu ka ba Nics, Tara na. Hindi natin sya kilala---"
"Wait, pano ba kayo uuwi? Magcocommute?" Tanong ni Kyle.
"Magca-cab siguro kami." Sagot ni Pres.
"Ihahatid ko na lang kayo. Dala ko naman yung Auto ko." Eh--- "Dont worry, you can hold my license
habang nagddrive ako. Trust me, hindi naman ako masamang tao."

Nagtinginan muna kami ni Presbi, nagsesenyasan kung papayag.

"Sige." Sagot ni Presbi.

Inalalayan ulit nung lalaki si Nics, Gusto sana namin na kami na yung humawak sa kanya pero ayaw nya eh. Lagi
nyang sinasabi na dito daw muna sya sa Kyle na yan. Tss. Nakoooooo ANNICA!

Habang kami naman ni Presbi eh nasa likod nila at sumusunod.

"Sigurado ka ba jan? Mamaya kidnapper pala yan, magnanakaw, masama, o kaya rapist---"
"Anu ka ba Corr. Wag ka nang magisip ng kung ano ano--"
"Eh hindi naman natin sya kakilala eh--" bulong ko.
"Ako naman bahala sainyo eh."
"Anung ikaw? Eh mamaya---"
"Hahayaan ko bang may masamang mangyari sa inyo? LALO NA SAYO?" Natahimik ako nang
sabihin nya yun.

Dati din kaya! Lagi mong sinasabi yan! Eh ano bang ginawa mo? Niloko mo ko di ba? Sinaktan--- Ayyy anu ba. yung
utak ko gustong gustong suntukin ng mga salita si Presbi.

Pwede ba Corr? Eto ka na naman ba? SHATAP!

Huminto kami sa tapat ng maroon civic. Inalalayan ni Kyle si Nics para makasakay sa harap at sya naman sa driver's
seat.

So kaming dalawa ni Presbi eh nasa likuran. Tss Awkward.

Pinaandar na agad ni Kyle yung sasakyan nya.


"San ba kayo nakatira?" Tanong ni Kyle.
"Ihatid mo na lang kami sa St. James subdivision." Dun kasi nakatira si Nics.
"Ah okay, hindi naman pala out of the way."

Yun lang ang usapan at natahimik na kami. Walang nagsasalita, Maliban kay Nics na kanta ng kanta.

Kami naman ni Presbi dito sa likod eh parang nagpapakiramdaman. Ewan ko ba, pero may something akong
nararamdaman. Ewan. Ilang? Goosebumps? Ewan.

PRESBI's
Nagulat na lang ako nang biglang sumandal si Corr sa balikat ko. Napatingin ako sa mukha nya, at ayun tulog na pala.
Siguro napagod 'to sa practice kanina. Grabe naman kasi si Monic, Pinapatay sa practice yung mga cheerers... Haaay,
pero atleast di ba? Nasa alapaap ako ngayon.

Lumapit ako ng kaunti kay Corr at isinandal ng maayos yung ulo nya sa balikat ko. Syempre eto namang si Corr eh
sarap na sarap sa tulog.

Ang alialiwalas talaga ng mukha nya. Alam nyo yun? Sobrang liwanag. Masyadong malinaw yung mukha nya sa mga
mata ko.

Nagulat na lang ako ng biglang yumakap sakin si Corr. Pilit nyang inaabot yung bewang ko, Naalala ko hindi pala sya
nakakatulog nang walang unan na kayakap. So inakbayan ko na lang sya at isinandal sa dibdib ko. Habang sya naman
nakangiti pa habang natutulog.

She's so beautiful...

Ang saya saya ko sa pwesto namin ngayon. Pakiramdam ko, nanalo ako sa lotto Alam nyo yun? Basta. Sana
ganito na lang kami... Sana ganito kami kalapit lagi... Sana ganito kami

Habang hinahaplos ko yung buhok nya... Iniisip ko yung dati... Yung kami pa..

Ba't ko ba sya niloko? Bakit ko ba sya iniwan? Bakit ko ba sya pinagpalit kay Monic? Dun sa ubod ng samang ugali na
Monic na yun. Hay. Kung pwede lang talaga ibalik ang panahon Lyzzie... Kung pwede lang i-rewind yung dati... Sa
panahon na tayo pa... Sa panahon masaya tayo... Sa panahong pinaramdam mo sakin kung gano ako kahalaga sayo...
At syempre, na pinaramdam mo sakin na totoo ang pagmamahal mo sakin...

Pero anu bang ginawa ko? Niloko kita. Sinayang ko lahat. Lahat lahat. Yung tiwala mo, yung pagkakataon at yung
'tayo' Ang tanga tanga ko.

Sorry Lyzzie, hindi na mauulit yun... Sorry talaga---

*bzzt*
Naramdaman kong may nagvivibrate sa bag ni Corr bna nakapatong sa lap ko.

Quote
1 missed call/s
10 message/s
Syempre hindi ko na chineck no. Hindi naman ako usisero---

Pero may tumawag na naman, Napinto ko yung answer :|

Quote
MyPrince<3

Teka-- Si Migs ba-- to?

"Hello Princess, Where are you? Kanina pa ko dito sa terrace namin hinihintay ko pagdating mo.
Pero mukhang wala ka pa. Dumaan ako sa bahay nyo pero si Manang lang nandun. Umalis daw
Mommy mo at si Steve---" Nahalata kong nagaalala yung boses ni Migs sa phone.

"Ah-- Migs si Presbi 'to."


"P-presbi?? Bat ikaw sumagot? Nasan si Corr? Magkasa---"
"Dont worry ihahatid ko sya sa bahay nila. May nangyari lang..." Mahina kong sabi. Baka kasi magising si
Corr, at alam nyo na. Mahinto yung alapaap moment ko
"Ano nangyari? Okay lang ba sya? nasan kayo??"

"Eto na ba yun?" Tanong ni Kyle


"Oo, yan dito na lang." Sagot ko.

Nakarating na pala kami sa bahay nila Nics.

"Mamaya ko na lang iiexplain. Bye." Binaba ko na agad. "Lyzzie... Lyzzie..." Tinatap tap ko yung braso nya na
nakayakap sakin para magising na sya. "Lyzzie... gising na nandito na tayo kila Nics..."

Gumagalaw galaw na sya... Nang idilat nya yung mga mata nya ng unti unti--- Bigla na lang nanlaki yung mga mata
nya at napaayos ng upo.

"Teka-- Anu--Anu--" Nakatingin sya akin pati sa kamay nyang nakawak parin sa bewang ko-- na inalis nya
pagkatingin ko. "Ay-- Nandito na pala tayo-- Tara--" Agad nyang binuksan ang pinto at lumabas ng sasakyan.

Inalalayan ni Kyle palabas ng sasakyan si Nics.

"Kami nang bahala. Salamat" Sabi ko kay Kyle.


"No problem."
"Thank you ha." Sabi naman ni Corr.
"Sige mauna na ko, late na rin kasi eh." Paalis na si Kyle nang biglang hinawakan ni Nics yung braso nya.
"Uuyyyy! Salamattt... Next time ulit aaaah!"
"Sure. Next time be careful okay?" Sabi ni Kyle habang humawak sa kamay ni Nics. Susss. 'tong lalaking 'to type
pa yata si Nics.
"Suuuure! Text me!" Sabay kapa ni Nics sa bulsa nya. At naglabas ng ballpen "Err... nawawala yata yung
phone ko..."
"Nope. Nilagay ko sa bag mo."
"Ah ganun ba. Eto na lang." Sinulat na lang ni Nics sa braso ni Kyle yung digits nya. "Bye! Take
caaaaare!" Then she gave him a peck.

Ngumiti na lang si Kyle at sumakay na sa sasakyan nya. Binaba pa nya yung bintana nya bago at kumaway bago
umalis.

Nang makaais na si Kyle---


"Hoy! BABAE! TAMA NA YAN!" Sigaw ni Corr sabay hila nya kay Nics papasok.

Nagstay ako sa sala habang si Corr naman eh sinamahang umakyat si Nics sa kwarto nya. Mga 10 minutes din bago
bumaba si Corr.

Buti na lang daw wala yung mom and dad ni Nics yung dalawang katulong lang nila Nics yung tao, Kundi lagot daw
ng 'bonggang bongga' si Nics.

Pagkatapos namin sa bahay nila Nics, nagabang naman kami ng cab ni Corr. Tahimik lang kami pareho, Umupo ako
sa harap at sya naman umupo sa likod.

Siguro nailang din sya sa nakita nya nung gumising sya. Suss sayang

Habang nasa cab.

"Manong sa Mt. Carmel po." Sabi ko sa driver.


"Huy. Bat di na lang muna tayo sa bahay nyo tutal sa kabila lang yun. Kesa pabalik balik pa." sa St Luke
lang kasi kami nakatira, medyo malapit sa subdivision nila Nics.
"Ikaw muna ihahatid ko. Bat ikaw ang maghahatid sakin? Ikaw ba ang lalaki? Pano kung may
mangyari sayo ha? Ano?"
"Eto naman sungit~~ kasi Out of the way eh."
"Basta manong sa Mt Carmel po."

No choice na si Corr kasi lumagpas na kami eh

"Anu kaya nangyari kila Kambal at Nics..." Bulong ni Corr (Rinig naman)
"Ha? Anung nangyare?"
"Kasi nung nasa kwarto ako ni Nics, nang makatulog sya... Steve sya ng steve... Tas parang humihikbi
pa..."
"Teka?! SILA BA?!?!" Syet. Kung sila, nako! Pinilit ko pang magtapat si Steve kay Ja---
"Hindi." Hayy kala ko naman-- "Pero mahal ni Nics si Kambal..."
"ANO!?"
"Yung ang alam ko..."

Ang labo. Si Nics mahal si Steve na mahal naman si Jazz tas ako mahal si Corr BIGLANG GANUN

Pero seryoso... Pakiramdam ko... may kasalanan ako...

Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila Corr, huminto na yung cab at bumaba na kami. Syempre ako nagbayad
nu!

Nang makababa kami, bumukas kagad yung gate ng bahay nila Migs. And there-- Lumabas yung tunay na boyfriend...

"Babe?! Where have you been? Text ako ng text sayo. Tumawag pa ko--"
"Ay... Sorry, nawala na sa isip kong i-check yung phone ko--" Napahinto si Corr ng tumingin si Migs sakin.

Ano tinitingin tingin mo? SARILI MONG GIRLFRIEND DI MO HINAHATID?!


"Ah sige una na ko ah..." WEAK KA PRESBI. yun lang nasabi mo?

Pasakay na ko ng cab ng tinawag ako ni Corr

"Pres-- t-thank you."


"Wala yun. Sige una na ko." Ngumiti na lang ako at sumakay sa cab.

Haay dito natatapos ang alapaap ko---

Teka---

Napatingin ako sa may likod ng puno sa gilig ng bahay nila Migs---

Teka...

Kilala ko yun eh...

Teka...

Lumapit pa ko ng kaunti sa bintana para mamukhaan kung sino yung nandun...

Teka---

Kilala ko talaga yan...

Si ano---
SI TAYLOR!!

Teka? Anung ginagawa nya dito?

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.645.html#ixzz24XA1JSqm

ROUND 21
"F.P is sorry"
There is no good in goodbye.

CORR's
"I'm welcoming you all to the CVM Chant Competition!"

Sabay putok ng mga paputok na pagkalakas lakas.

This is it. Eto na yung day nang ilang araw naming pagpa-practice. Excited kami at the same time kabado. Balita
namin sobrang career daw ang pagpa-practice nang juniors at sophomores. Lalo na daw kagabi. Umuwi na kami after
ng general rehearsals namin sila inabot ng 10 pm. Oh di ba? Kamusta naman. eh kami 7 pm pa lang umuwi
na (Mga tamad magpractice)

"Cheerers, Go to room 4-A. Nandun na yung costumes natin and the props.
Please pakibilisan ang kilos co'z after lunch break magsstart na yung
Competition." Sabi nung president ng 4-A.

Habang naglalakad papuntang stairs iniisip ko yung mga steps. Naku, mahirap nang magkamali. Lalo na sa backhand
ko. Kinakabahan ako, kasi baka tabingi or mababa. :|

"Hey Corr!" Sigaw sakin ni Nics.


"Ano?!"
"High blood naman neto. Wag kang kabahan no!"
"Haay nako. Matapos lang 'to wala nang problema eh. Next week, Maluwag luwag na yung scheds!"
"Kaya natin 'to no. For sure, tayo naman mananalo eh"
"Sana. Nakakahiya naman kung matalo pa tayo no." Sabay tawa namin pareho ni Nics---

"Hi my beloved Twin!" Bati sabay akbay sakin ng kamukha kong kambal. (Malamang.) "Goodluck mamaya
ah! Galingan mo. Wag kang lalampa lampa."
"Epal ka talaga. Ang yabang mo! Cartwheel nga lang di mo pa kaya eh!"
"Hindi ko naman kasi talent ang magbali ng buto eh."
"Whatever. Teka-- Bat magisa ka lang? Kawawa ka naman. LONER."
"Bakit? Hinahanap mo ba yung kasama ko? Si P-Pre---" Sinasadya pa nyang i-stutter yung boses nya.
"Whatever Leandro."
"Nasa headquarters, kinukuha yung mga drums. Alam mo na, sa batch lang naman natin may
malalaking katawan para bumuhat nun."
"Ang yabang mo! Eh ba't ka nandito??"
"Ayoko nga dun! Ang alialikabok dun! Saka mabaho. Eww."
"Yak! Nahahawa ka na kay JJ ng kaartehan!"
Well, if you guys dont know eh sa pagkakaalam ko. Sa barkada nila, si JJ ang pinaka maselan. I mean METIKOLOKO.
este METIKOLOSO

"Huy! Nics! Ayus ka lang jan??" Tanong ko kay Nics na kanina pa tahimik simula sa ground floor.

"Huh?-Uh? Ayus lang ako no." Parang di naman?


"Ah-- Sigeee Kambal una na ko! Mag-seset pa kami sa baba."
"Huh? Nang alin??"
"Nang instruments! Sige babay!" Sabay takbo ni Kambal.

Ahh.. Oo nga pala, Tutogtog pala sila mamaya sa after compe. ng chant. Parang victory party

Si Kambal sa Bass Guitar.


Si JJ sa Drums.
Si Pres sa Lead Guitar.
at syempre ang pinaka gwapo kong boyfriend sa vocals

Pagdating namin sa room, nagaayus na yung ibang cheerers, yung iba nakacostumes na and all.

"Naku Nics! Bilisan natin. Masigawan pa tayo"


"Oo nga! Tara!"

At nagstart na nga ang contest.

Nauna ang mga freshman, then sophomores, juniors... grabe parang pabilis ng pabilis yung mga chants. Parang
finafast forward. at eto na kami naaaaaaaa!
Una may dance number kami. Maayos naman. Mukhang sabay sabay naman at mukhang natutuwa yung mga judges!
Woohooo!

"GO SENIORS! GO SENIORS!" 1-2-3. Takbo dun! Change positions.

"SENIORS GOT THE BEAT!" *clap* *clap* *clap* 4-5-6.

"WE GOT THE BEAT!" roll-over.

"S-E-N-I-O-R-S GO SENIORS!" Cartwheel. woops! Muntikan na yun ah.

"Corr! Corr! Back hand mo na. Prepare!" Senyas nung isang ka-batch ko.

Alright Corr! Kaya mo yan Corr! Aja!

"YOU GUYS CANT DO THIS!" Tumbling yung isa.

"DO THIS!" Cartwheel naman yung isa.

"HOW 'BOUT THIS??!" AKO NA!!!----

baaaaacccccck haaaaaaand!

*BOOM* *SPLASH* *BOOM*

"SENIORS GOT THE BEAT!!" Sabay sabay na sigaw namin. Pagkatapos ng mga confetti na pinasabog
sa likod. hahaha.

*BOOM!*

"Congratulations Seniors!!" Panay na bati ng mga tao sa paligid. Tama! Kami ang champion! Anu pang
nakakagulat dun?

*music playing - Blame it on the Alcohol*

"You did great Ms. Benitez" Sabay besos sakin ni Miss Minchin (Mygod. Miss Minchin parin ang tawag ko sa
kanya. HAHA)
"Hindi naman po. Thanks po" Syempre pa-humble.
"Have fun okay? This is your batch's night. Well, I believe." Sabay kindat at umalis.
Lahat ng teachers na noon eh parang diring diri sa batch namin dahil magulo, pasaway, maingay, at kung ano ano pa
daw kami. Eh aba! mga proud na proud ngayon samin. Panay ang congratulate dito congratulate dun. Tss.

Mukhang nageenjoy naman ang lahat. Buong batch yata namin ay nandito, yung lower batch naman konti lang din
pumunta pero syempre may mga nakikisali din

Hay. Nakakapagtampo naman 'to. Hindi pa ko nacocongratulate ni Migs >.< Nah. scratch that! Hindi pa kami
nagkikita ni Migs after ng competition. Although nag goodluck hug sya sakin. Pero after naming mag-exhibition wala
na si Migs dun sa pwesto nya. Tss. Boyfriend ko ba talaga yu---

"Ano? Nasan na naman yang magaling mong boyfriend? Emergency meeting na naman ba sa school
paper? pinatawag ng kung sinong teacher na imbento nya? o---"
"Kambal. Stop that." Ba't ba bigla bigla 'tong sumusulpot?
"Anu ba Lyzzie--"
"Kambal, its fine---"
"Hindi. Youre not okay. YOURE NOT EVEN HAPPY AT ALL. Tss. Bahala ka na nga jan." Kahit malakas
yung music rinig na rinig ko parin yung inis sa boses ni Kambal. Sabay alis.

Hay nako, napapadalas 'tong tampuhan namin ni Kambal dahil kay Migs. Ewan ko ba. Ang alam ko naman friends
sila ni Migs ah?

Pero hindi ko rin naman kasi sya masisi, Lagi na lang kasi akong loner. Alam niyo naman wala akong friends sa room
namin kung hindi sila Kambal lang at yung mga ulupong nya (Fine si Presbi at JJ), then yung boyfriend ko nga si
Migs. Hindi naman kasi ako makasabay sa kanila since all boys sila. Si Nics naman minsan, nahahatak ng friends nya
sa 4-A. Ayoko din naman sya laging hatakhatak. I mean, iba kasi pag di kayo magkaklase. Iba yung homeworks,
projects etc niyo.

Then, dun nga nainis si Kambal. Yung parang wala akong boyfriend para mag accompany sakin during breaks,
practices at yung maghahatid sakin sa bahay. Well, all this time naman sabay kami pumasok pero ayun lang. THATS
IT. Ewan ko ba, anu bang pinagkakaabalahan nya? School paper lang naman yun ah? Hindi naman yun araw araw
nagre-release ng copies. I mean monthly lang or quarterly. Ewan.

Isa pang magulo. Ewan ko kung ako lang ang nakakapansin. Sa twing magkasama kami ni Nics tahimik o umiiwas si
Kambal. Pag si Kambal naman ang kasama ko ganun din si Nics. Nung tinanong ko naman si Nics kung okay lang sila
ni Kambal at baka may away bata na naman sa kanila ang sabi lang nya"May dapat ba kaming pagawayan?"

See? Defensive agad. Wala naman akong pinopoint out. HAHA.

"Huy! Tulala ka na naman jan." Eto pa isang mushroom. Si Nics na ewan ko kung pano sumulpot jan. "Ano?
yung boyfriend mo na naman?"
"Ewan ko ba Nics. Hindi ako makampante. Pero wala namang problema di ba--"
"May problema." Huh? Di ko nagets yung binitawan nyang salita. "Alam mo Corr kung anu ang problema?"
"Okay naman kami Nics, hindi naman kami nagaaway eh." Inunahan ko na syang magsalita.
"Yun na nga Corr. Hindi kayo nagaaway."
"Huh? Edi ba mas okay yun? Kasi walang gulo sa relationship namin."
"Yun nga eh. Hindi kayo nagkakagulo. Masyado kang kampante sa kung anung meron kayo. I mean,
Kaya hindi kayo nagaaway dahil, Hindi naman kayo nagkakasama. Gets?" Umiling lang ako. "Ganito
lang yun. Kayo nga, pero parang hindi naman kayo. Okay kayo, pero paranghindi naman kayo
okay." Okay. Mas lalo akong naguluhan. >.<

Naging okay naman yung party, na-meet ko yung iba kong kabatch at mga lower batch. May mga picture picture pa.
as in Literal ang dami.

"Hey Corr Benitez!" May biglang tumawag sakin. Nang lumingon ako, nandun si Taylor yung new girl na never ko
namang nakashare ng anino. (Hindi nakakasalamuha ng madalas) aside dun sa bunguaan scene namin before na
parang di na rin nya maalala.
"Sup?" Casual na bati ko sa kanya. Napansin kong may dala syang DSLR at may ID na nakatag sa kanyang "PRESS"
Meaning, tiga school publication sya or sa school paper-- ewan may pagkakaiba ba yun?
"1 shot lang" Plain nyang sinabi sabay pakita ng DSLR nya.

Syempre picture lang naman yun eh. So game na game ako. Nag-pose ako hawak hawak yung pom-poms ko.

"Thanks!" Then umalis na sya agad at nagkukuha naman sa iba.

Maya maya. Nagstop yung music nagsalita kasi yung emcee.

"So, for the higlight of the event lets all welcome! The hot guys from 4-B! From the batch of
champions!!"

Sabay bukas ng ilaw sa stage, at aba nagtakbuhan na ang lahat papunta sa baba ng stage. Mga nagtatalunan na kahit
wala pang tugtog.

Mga adik! Yang pinagkakaguluhan niyo, mga malalakas humilik yan!

At ayun na nga, nagassemble pa lang sila.

Si Kambal sa Bass Guitar.


Si JJ sa Drums.
Si Pres sa Lead Guitar.
at syempre ang pinaka gwapo kong boyfriend sa vocals.

Ayun! Kaya naman pala missing in action ang boyfriend ko eh kasi busy busyhan sa banda banda ek ek na yan Eto
namang kambal ko, kunwari walang alam. Ini-issue lang naman kami

"So since mahiyain ang vocalist namin-- ako na muna ang mageentertain sa inyo." Sabi ni Kambal sa
Mic. Ang kalog talaga neto. Nagbblush tuloy si Migs. Haha Cuteness!

Lumapit ako ng konti sa stage para naman makita nila na nandun ako. Hinatak ko na rin si Nics para wala syang
kawala.

"So Migs and I in vocals; well, we'll be exchanging later. JJ in drums, Presbi in Lead. Well we actually
need the help of this beat-box since we lack 1 member. And lastly, my name's Steve in bass." Tilian
naman yung crowd.
"NO ITS LEANDRO!" Sigaw ko. Tawa naman nung crowd. Well except si Nics na still na still.
"That girl there is my evil twin sister. Well maybe baka maging "was" pa" Then bigla syang tumuro sa
may North-East ng stage. (Mga sophomores nandun. Im sure) Pero mas napansin ko yung pagtingin sakin ni Migs.
Yung parang tingin na may guilt? Basta ewan.

"You heard it right my Princess. She's my twin-sister. Youre the only one here" Sabay lagay ng kamay
nya sa left chest nya. Omigod! Thats sooooooo sweeeeeeeeet! I'm jealous >.< Tumingin naman agad sakin si Kambal.
"Dont worry Lyzzie Baby you'll always be my number 2. Co'z mom will always be my number 1"

Nagcheer naman yung crowd.

Ganyan na talaga kami ni Kambal magkatampuhan man, magiging okay din kami maya maya

"So this first song is...... The Glory of Love"

CLICK

Sabay beat ng intro. COOOOL!

Tonight it's very clear


As we're both lying here
There's so many things I wanna say
I will always love you
I will never leave you alone

Sometimes I just forget, say things I might regret


It breaks my heart to see you crying
I don't wanna lose you
I could never make it alone

'Coz I am a man who will fight for your honor


I'll be the hero that you're dreaming of
Gonna live forever knowing together
That we did it all for the glory of love
You keep me standing tall
You'll help me through it all
I'm always strong when you're beside me
I have always needed you
I could never make it alone

'Coz I am a man who will fight for your honor


I'll be the hero that you're dreaming of
Gonna live forever knowing together
That we did it all for the glory of love

Just like a knight in shining armor


From a long time ago
Just in time I'll save the day
Take you to my castle far away

I am the man who will fight for your honor


I'll be the hero that you're dreaming of
Gonna live forever knowing together
That we did it all for the glory of love

Ang galing, sumali pa yung crowd sa pagkanta. Susss kung kasing gwapo ba naman kasi nila di ba? NAMAN.

Nagtitilian yung mga babae after nung song. Nagsisigaw pa sila ng "more"

Ganda kasi ng pagkakadeliver ni Kambal nung song. Super cool! at ayan panay ang pacute nilang lahat sa stage. Tss.

Nagpalit na sila ni Kambal. Ibinigay na ni Migs yung Bass kay Kambal at kinuha naman ni Migs yung stand ng Mic.
Nagtilian lalo yung crowd. Syempre-- alam ko namang maraming nagkakandarapa kay Migs. No wonder ang daming
nagvview ng site ko. Tss.

Nagsalita na si Migs. Seryoso yung mukha nya. Ewan ko pero, hindi maganda pakiramdam ko sa mangyayari---
Logged
porn

Czaaa
 cotton candy


 Posts: 1300
 Karma: +93/-70


o

Re: ||CHEATER VS MAN-HATER|| ROUND 21 "FP is sorry" page 47 UPDATED 120109


« Reply #677 on: December 01, 2009, 08:19:40 pm »

"Sa bingit ng isang paalam" Malungkot na sinabi ni Migs sa Mic.

Ano 'to. Teka--


(Author's Note: Check Round 17)

CLICK

Sa isang tingin ko lang


Agad ko nang napupuna
Sa likod ng ‘yong ngiti
At kung paano ka tumitig sa ‘kin

Nakatitig lang sakin si Migs, Ni Hindi nya binibigyan ng arte yung pagkanta nya. Still lang sya. Nakahawak yung
dalawa nyang kamay sa mic at yung mga mata nya na kahit sa malayo mapapansin mo yung lungkot, yung takot at...
pagsisisi
Tulad ng unang bituing
Iyong matatanaw
Sa nag-aambang dilim
Buong ningning pa rin kahit makain

Nakita kong may pumatak na luha galing sa mata nya.


Pero bigla nya itong ipinikit habang kumakanta.

Migs. Anu 'to? Bakit ganyan ka? Anung nangyayari?

Kinakailangan nga bang magtuos?


Wala tayong dapat simulan
Ako’y kaharap mo’t nandito ngayon
Sabihin kung naguguluhan

Dumilat na sya pero... Hindi sya nakatingin sakin.


Nakatingin lang sya sa kawalan.

Migs... Anu ba... Ano ba to...


Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?
Sa isang saglit lahat malilipol
‘Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa

"Sabi sa kanta...Di ko mahahayaan na walang magagawa. Ayaw kitang lumuhang nag-iisa.


Meaning lahat gagawin nya para hindi mag end yung kung anung meron sila. Gagawin nya lahat
para maglast yun."

Gagawin mo naman pala lahat para maglast 'tong relasyon natin.. Pero parang hindi nun yung nakikita ko? Migs. Anu
ba, ginugulo mo na naman yung isip ko

Pasensya na’t ako’y muling nauutal


Bumabagal ang pintig
Bumibigat laman ng aking dibdib

Hayaan mong hawakan ko


Ang ‘yong kamay
Upang mapawi ang lamig
Ng init pang nararamdaman

Kailangan nating isiping lubos


Ano nga bang ating dahilan?
Sa’n nga ba tayo nakatuon?
Kay rami nang mga nagdaan

Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?


Sa isang saglit lahat malilipol
‘Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa

Kung meron lng aq ng pagkakataong


Sabihin sa’yo ang lahat

"Pero sabi din sa kanta: Kung meron lng ako ng pagkakataong. Sabihin sa’yo ang lahat. Parang
naiwan sya with no choice, parang hindi na nya ma put into words yung nararamdaman nya at
hindi na nya masabi sa taong mahal nya."

Mahal mo ba ko talaga? O from the very start eh wala naman talaga...


Hindi mo ba masabi sakin yan ng harapan? Kasi natatakot kang hindi kita pakawalan?
Awa na lang ba yan? O may pagmamahal pa?
Di ko napansing tuluyan ng umagos yung mga luha ko.
Pina-path ni Nics yung balikat ko pero...
parang di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Nakatitig lang ako kay Migs. Baka kasi mawala na sya sa paningin ko.
Natatakot ako na hindi ko na sya makita.
Natatakot ako na baka hindi na nya ko mahal...
Natatakot akong masaktan ulit...
Hindi ko yata kaya...

Maya-maya’y
‘Di na rin magtatagal
Matatapos ang gabi’t
Ang nagdaa’y ‘di na mananatili

Saan nga ba tayo nakatuon?


Ano nga bang ating dahilan?

"Parang ang contradicting din kasi, Mahal naman nya yung tao, ready sya gawin ang lahat para
lang sa kanya. Pero hindi parin sapat yun... Sa tingin mo ba pag binigyan sya ng 'pagkakataon
para sabihin lahat' Sa tingin mo ba sapat na yun?"

Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?


Sa isang saglit lahat malilipol
‘Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa

"May mga bagay na kahit ayaw mong tapusin, kahit buong pagkatao mo pinipigil 'to at kahit
tulungan ka pa ng mga tao sa paligid mo. Kung matatapos ito. Matatapos.
Kasi, lahat tayo: May pagka irrational-side. Kahit isipin mong tama ang isang bagay. Kung mali
ito. Mali na talaga."
Kung meron lang ako ng pagkakataong
Kung meron lang ako ng pagkakataong
Sabihin sa’yo ang lahat

"Kasi at the first place hindi mapupunta ang dalawang tao sa 'Bingit ng isang Paalam' kung hindi
nila hinayaan. Kahit sabihin nilang hindi nila gusto yun. In some ways. GINUSTO NILA YUN.

Darating sa point na... Hindi mo na talaga alam, Na hindi na nagfufunction ng mabuti yung isip
mo at makapagisip ng paraan.

Darating sa point na kahit bigyan ka ng maraming pagkakataon...


Kahit ilang libong beses ka pa bigyan nun... May hahatak sayo... Hahatak sayo para sumuko...
Darating sa point na mapapagod ka na, Dahil sa dami ng hindi mo inaasahang bagay, Hindi mo na
makayanan.
Kaya wala ka ng magagawa....

kung hindi magpaalam na lang."

Anu bang nangyari?


Makikinig naman ako kung may problema ka.
Nandito ako.
Tutulungan kita.
Wag naman yung ganito, wag yung iiwan mo na ko.
Hindi ko kaya. Hindi ko pa kakayanin.
Please Migs, Kahit ilang chances ang hingin mo.
Ibibigay ko.
Wag ka lang mawala...

"F.P is sorry..."

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.675.html#ixzz24XA8lMKf

ROUND 22
"Ako pa ang lalapit sayo"
Don't deny yourself of the things you really want because what is denied becomes strongly desired.

CORR's
Bigla na lang gumalaw yung mga paa ko, Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sakin na umalis dito sa
kinatatayuan ko.

Corr, Nakatingin sayo ang lahat ng tao. Umalis ka na dito. Lumayo ka.

Nagtatakbo ako palabas ng GYM. Narinig kong tinawag ako ni Nics pero ayoko, ayokong lumingon.
Natatakot ako, natatakot ako na pag lumingon ako, haharapin ko na ang katotohanan. Hindi, Hindi to pwede. Hindi
'to maaari.
Nagtatakbo ako ng nagtatakbo hanggang sa makalabas na ko ng GYM.
Hanggang sa nakalabas na ko ng school.
Pag dating ko sa kabilang street nakaramdam ako ng pagod.

Pero unti unti, mas naramdaman ko yung sakit. Yung sakit na kanina ko pa dinedeny.
Hindi, hindi 'to pwede. Mahal ako ni Migs. Mahal ko din sya...
Hindi...

PRESBI's
Pagtapos na pagtapos namin magperform, nagpuntahan agad kami sa backstage kasi nagmamadaling bumalik sa
backstage yung gag0ng yun!

Nakita kong tumakbo si Steve papuntang backstage, halata sa kanya kanina pa na inis na inis na sya sa ginagawa ni
Migs. Pero hindi sya makapalag. Kaya hinayaan narin namin muna matapos yung huling kanta.

"TARANTAD0 KA TALAGA! ANUNG KAGAGUHAN YUN?!!" Galit na galit na sigaw ni Steve kay Migs
habang hawak yung kwelyo ng damit nya.

Nakayuko lang si Migs hindi sya nagsasalita. Tangna nitong gag0ng 'to nasan na yung dila mo?!?!

Nanginginig na ko sa inis ng akma ko ng sugurin si Migs, pinigilan ako ni JJ.

"ANO?! TANGNA! MAGSALITA KA!? KALA KO BA HINDI MO GAGAGUHIN KAPATID KO?! ANU
YUN?! HARAPAN MO PANG SINAKTAN! TANGNA! SA HARAP KO. SA HARAP NG MARAMING
TAO!!!"
"Mabuti na 'tong ganito..." Pagkasabing pagkasabi nya nun hindi ko na napigilan. Inunahan ko na si Steve sa
pagsuntok sa kanya.

"GAG0 KA PALA EH! ANUNG MABUTI?! SIRA UL0!!!!"

Susuntukin ko pa sana sya kaso ang dami ng pumigil sakin, Saka ko lang napansin na marami na palang taong
nakasilip sa backstage.

"IHANDA MO YANG KATAWAN MO MIGUEL!!! SINASABI KO SAYO! HINDI LANG YAN AABUTIN
MO!!! Pilit kong kumakawala sa mga hawak nila, pero sa dami nila hindi ko makaya---

"GUYS!! Si Corr tumakbo palabas, hindi ko naabutan. Nakalabas na rin sya ng school."

Biglang pasok ni Nics, lahat kami napatigil at napatingin sa kanya.

"Ano?! San sya nagpunta?!"


"Hi-Hindi ko alam..."

Tinignan ko ng masama si Migs

"PAG MAY NANGYARING MASAMA SA KANYA, HINDI KA NA MAGKAKARON NG BUKAS!" Sabay


takbo ko paalis

Tumakbo ako ng tumakbo palabas.


Hanggang sa naikot ko na yung buong street ng school. Pero wala si Corr...

Corr nasan ka na ba?


Nagaalala na ko...
Pangako, pag nakita kita... Hindi na kita hahayaang masaktan ulit...

CORR's
Napagod na ko sa kakalakad kaya umupo ako sa may sidewalk.
Tuliro parin ako. Hindi ko alam kung san ba dapat pumunta.
Babalik ba ko sa school? Hindi, hindi pwede nandun silang lahat.
Uuwi ba ko? Hindi rin... Kapitbahay lang namin si Migs.. Baka makita nya pa ko..

Iyak pa rin ako ng iyak. Hanggang sa nahihirapan na kong habulin yung hininga ko.
Hikbi ako ng hikbi, kahit alam ko sa sarili ko. Wala naman tong matutulong.

Migs bat mo ko ginanito?

Hanggang sa biglang may nagabot sakin ng mineral water.

Napatingin ako sa kung sinong tao yung nagabot sakin--

"Uminom ka muna." Sabi ni Kyle. Yung lalaking naghatid samin nung lasing pa si Nics. Nakauniform pa sya.

Nung una, nagdalawang isip pa ko kung tatanggapin ko yung mineral water. Pero kinuha ko rin ito. Kailangan ng
katawan ko 'to...

"Salamat."

Nag-squat sya sa harapan ko. Para maging pantay kami.

"Tahan ka na. Pagkakamalan ka nilang pulubi dito." Sira ulo to ah?


"Ba't ka ba nandito?"
"Ikaw ang dapat kong tanungin, ba't ka nandito? Nasa street ka ng CC. School ko."

Saka ko lang napansin na tama sya. Nasa tapat ko yung school nya. Ngayon lang ako napunta dito pero ewan ko din
bat dito ako napadpad.

Tahimik lang kami ng ilang minuto bago sya nagsalita...

"Ayus lang na umiyak. Basta, pagka-tahan mo. Hindi ka na ulit iiyak sa parehong dahilan." Tas
hinawakan nya yung ulo ko. "Sige mauna na ko. Mukhang may kasama ka na." Sabay tingin sa may kanan
nya.

And there nakita ko si Presbi. Mukhang hingal na hingal, pero ng makita nya ko agad syang nabuhayan. Tumakbo
kagad sya sa lugar ko.

"Iingatan ka nya, Nakikita ko sa mga mata nya. Noon pa." At umalis na sya, saktong dumating naman si
Presbi.

Agad syang nag-crouch at hinawakan ako sa balikat.

"Mabuti naman safe ka, buti na lang." Sabi nya na halatang hinihingal pa. Pero may ngiti na sa mukha
nya. "Kala ko kung san ka na napadpad, hinanap kita sa kabilang street at sa isa pa... Nandito ka lang
pala. Ang bilis mo naman tumakbo. Pwede ka na sa track and field nyan." Ngumiti lang sya. Nagulat na
lang ako bigla nya akong...

Niyakap.

"Sa susunod wag ka ng tatakbo kung saan. Nagaalala ako. Halos mabaliw na ko. Hindi naman
parating sswertehin akong mahanap ka. Promise mo sakin sa susunod; kung nalulungkot or
nasasaktan ka. Wag kang tatakbo palayo. Nandito lang naman ako eh... Ako pa ang lalapit sayo."

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.675.html#ixzz24XAEI5dZ

ROUND 23
"It's too expensive"
"You told me you loved me, I believed, yet I didn't feel it, I searched and found a new love, you looked back and you said I didn't
believe you, after that, you made me feel that you love me, but now it's too late, I'm sorry--because I've found what's best for me."

-inluvagal_08

STEVE's
Matapos kaming maka-recieve ng text galing kay Pres na nahanap na niya si Lyzzie nagsiuwian na kami.
Thanks goodness at safe naman sya.
Yung gag0ng Migs naman na yun eh, pinauwi na namin kasi nagdatingan yung mga teachers kaya nagtakbuhan yung
mga students. Good-thing wala naman yatang nahuli

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Jazz, sumama kasi sya sa paghahanap kay Lyzzie Oh di ba? Good-vibes na
sya kay Lyzzie.
Nga pala, nakakatawa Kala nya girlfriend ko si Lyzzie. Suss. Di ba nya napansin? Magkamukha kami? Kaya kanina
ko pa sya inaasar. Kaya eto mukhang napipikon na naman

"Joke lang naman ee"


"Ewan ko sayo Leandro." Aba at Lume-Leandro na sya ah?

Kaya hi-nug ko na lang sya. Ayun mukhang nanigas

"Starting tonight, lets be honest with our feelings okay?"


"Yup." Hinug back naman nya ko.
"I love you Jazz."
"I love you too"
JJ's
"Sige una na ko" Paalam ko kay Nics.

Ako kasi yung naghatid sa kanya, syempre naiwan syang balisa nang makita nya si Steve at si Jazz na holding hands.
Naman. Hindi ko kasi alam na may gusto pala to kay Steve eh. Naawa tuloy ako.
At syempre, kami nalang nila Drei ang naiwan kaya ako na naghatid kay Nics.
Hindi pa naman kasi sila gaanong close nila Drei.

"JJ." Napahinto ako nang tawagin nya ko.


"Yow?"
"Uh-- Sa-Salamat.." Nakayuko lang sya habang nagsasalita.

Sa pagkakaintindi ko sa kinikilos nya, hindi sya nagpapasalamat na hinatid ko sya - instead nagpapasalamat sya kasi
hindi sya naiwan sa ere. At dahil sakin yun

"Wala yun" Paalis na sana ako nang makarinig ako ng hikbi.

And there paglingon ko umiiyak na si Nics.


Agad akong lumapit sa kanya.

"Oh? Ba't ka umiiyak?"


"Uh.. Wa-Wala..." He said in between of her sobs.

Nakita kong nagt-turn into fist yung kamay nya--


Okay- I dont know bout this kind of girls drama pero Ive seen sa movies---

I hugged her.

I dont know, pero i suddenly feel na narelax na yung katawan nya.

And she hugged me back.

Quote
Saturday...
Quote
Sunday...
Quote
Monday...
Quote
Tuesday...
Quote
Wednesday...
Quote
Thursday...
Quote
Friday---
NiCS'
"Corr!!!" Agad ko syang hinatak ng may nag-overtake na motorcycle (nasa tapat kasi kami ng school)- na muntik ng
masagasaan 'tong babaeng wala sa sarili.

Nang maharap ko sya sakin-- ABA! NAKAKAINIS.


Parang walang nangyari?! So...

I slapped her.

She was shocked.

"I dont care kung magalit ka sakin, but Corr STOP THIS NONSENSE! Pwede ba? I couldnt take
another week of your foolishness! He's not worth it! Iniwan ka na nya! So please MOVE ONE! TAMA
NA TO! Hindi na to TAMA! MALING MALI NA!"

"Do you even know how I feel?" Tell me I didnt do that. She's teary eyed. "Did somebody dumped you
after someone dumped you?!" I felt dumped when Steve--- Wait its totally different. "I feel like
dying...inside and its bullsh!t that I cant do anything about it." Then she walked away...

Omigod. I'm sorry Corr I didnt mean to.

PRESBI's
Nasa locker room ako ng varsity, kakatapos lang kasi ng training namin.At wala dun si Migs. Ewan ko, pero maliban
sa classrom hindi na namin sya nakikita. Good-thing din, pero parang nakakataka lang co'z nung nagpalitan na kami
ng seating arrangement mukhang na mamaga yung mata nya. Yung parang gabi gabing umiiyak? Ewan ko pero mas
maga pa yung mata nya kay Corr. Di lang siguro pansin co'z ngayon pareho silang naka-reading glasses.

Palabas na sana ako nang makarinig ako nang naguusap sa labas ng pinto. Hindi sana ako makikinig kaso narinig ko
pangalan ko. So I eavesdrop

"Nako! Because of you mukhang hahabol na naman si Presbi kay Corr! Stop this nonsense okay?!"
"If ill stop this, mawawala si Migs sakin at babalik sya kay Corr!" What the nagbubulungan sila ng pasigaw.
Teka? Anu daw Labasin ko na kaya? Teka makikinig muna ko--

"Itigil mo 'to! Wala 'to sa usapan natin Kitel!" Teka si Kitel??


"Hindi. Hindi pwedeng malaman ni Migs ang totoo. Hindi!"
"Im not yet done-- Arggggh!!!!"

Lumabas na ko, since pakiramdam ko tapos na yung usapan nila. And I was surprised when I saw Monic. Pati sya
mukhang nagulat.

"Oh-- Ka-Kanina ka pa jan?" She looks nervous.


"Hindi naman."
"Sige, I gotta go na." Whoa? So not her. Pag nakikita ako neto, parang mababaliw na eh.

She's about to go, pero I grabbed her shoulder

"I think you have something to tell me"

MiGS'
I knew you guys have all the curse to bash me. Dont worry, I'm worth it.
Ive been the assh0le of the week.

"Dumaan ka sa bahay ah?" Then she gave me a peck and immediately left.

I was stunned when I saw a silhouette of the person I'm longing so much.

I look in her eyes, it was filled with shock, confusion-- and hatred. D@mn it.

She ran away, Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba sya o hindi. Pero kusa ng gumalaw yung mga paa ko at
tumakbo para habulin sya.

And there huminto sya sa may kiosk, Palapit na sana ako sa kanya nang--

"Leave me alone!" She is crying. Darn it. Hindi ko to kaya.


"Lyzzie I'm really sor--"
"Shut up! I dont want to hear anything from you! Or even see you! I hate you! Youre smell! Youre
look! Youre existence! I wish Ive never met you!" I'm dying...
"If I could just explain everything...--"
"I dont care. I hate you so much!" And then she ran away. again.

I wish I could turn back time To make everything right...


To make everything back to where it suppose to be...
For me to live again.

I went home and saw a familiar car outside.


It was a yellow jazz. Taylor's

I dont know what to feel. Be sad coz Corr doesnt want me to her life anymore. Or be happy co'z Taylor is finally
here. Here.

Yeah. She's staying here in my house. My parents will be out of the country for a while~ Again for some business trip.

"Good-thing youre home na, I helped manang to cook adobo." I saw manang made a face to her back.

Since Taylor left me my life was a mess.

Yeah. Naging kami. When we still live in Cabanatuan in Nueva Ecija. We're childhood friends or shall I
say sweethearts. We're neighbors back then, my family knew hers and vice versa.
Naging kami nung grade six pa. She's my first love. My first everything. But when we're in second year, she left for
abroad and go somewhere else. Hindi ko nga alam kung san talaga sya pumunta eh. Kung sa Thailand ba, Singapore,
France o Ewan. Basta sabi niya its for her dream and family. May magagawa pa ba ko?

"Lets eat"

Ang gulo gulo na.


Niloko ko si Corr at iniwan. Ngayon buntis si Kitel. Masama pa, biglang dumating si Taylor. Tang!na.

Anu ba namang buhay 'to oh?

CORR's
Kinabukasan, tinry ko ng maging maayos. Tinext ko na rin si Nics para mag-apologize sa nangyari samin.

"Good morning!" Bati ko sa kanilang lahat na nasa dining are na.

They are all like ->

Agad akong umupo at kumuha ng hotdogs, bacons, hams and eggs. And dami

Habang kumakain lahat sila nakatingin sakin. Si Dad na nagco-coffee, si Mom at Kambal na kumakain.

"Uh? Whats up?" Lahat sila nagsi-iwasan ng tingin. Anu ba? Weird ng mga 'to "Omigosh! 7:00 am na,
we'll be late Kambal!" Agad akong tumayo at nagkiss kila Mommy and Daddy.

Habang nasa shuttle kami ni Kambal, nakatingin lang sya sakin na parang ewan.

"Alam kong ang hot ko. Hindi mo kailangan ipahalata"


"Eh--"

"Pero wag mong sabihing hot ka din kasi kambal tayo. NO WAY."
"Aa---"

"Ako lang ang hot satin. Kasi ampon ka." Parang ang labo ng sinasabi ko?
"Oh--
"At saka, I'ts a-e-i-o-u not e-a-u? Teka what did you said? Is it u or o?"
"Alam mo kung di lang kita kapatid-worse-kambal sinipa na kita palabas." Kahit ganyan yan
magsalita, He's the best twin EVER Hi-nug ko yung arms nya.
"Kaya love kita eh. Pero kahit may Jazz ka na wag mo ko pagpapalit dun ah?"
"Oo naman. Ikaw parin number 2"
"Eh--"
"Kasi number 2 ka lang talaga."
"Weh--"
"At never kang magiging number 1"
"Eeee---"
"Kasi si Mommy parin number 1 " Weh. Epal talaga 'to "And Lyzzie, its a-e-i-o-u not e-we-ee. Wait.
Kelan pa nagka 'weh' sa vowels? I wonder.. Hmm" Nagstop na bigla yung shuttle nasa school na pala kami at
agad-agad syang bumaba.

Mokong talaga yun

"Lyzzie!!!----" Nagulat na lang ako ng hatakin ako ni Kambal palapit sa kanya. Then nakarinig ako ng screech ng
motor.

It was a black-big-motorcycle.

May dalawang sakay. Isang babaeng naka-helmet (Mahaba kasi buhok kaya alam kong babae. HAHA) at isang lalaki
na messy ang buhok na naka shades. Pareho silang nakauniform ng CVM.

Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si kambal.

"TARANTAD0 KA AH! MUNTIK MO NG MASAGASAAN YUNG KAPATID KO!!!" Galit na galit na


sigaw ni Kambal. Grabe namumula sya sa galit. Lahat ng tao sa labas nakatingin na samin.

"Kambal tama na... Ayus lang ako..."


"HINDI MO BA NAKITA NA MAY TAO?! O BULAG KA LANG?! SHADES SHADES KA PA EH HINDI
NAMAN TIRIK YUNG ARAW!!" May point naman sya.

Nagulat na lang ako ng bumaba yung sakay ng motor, nagtanggal ng helmet yung babae. Teka----

Si Taylor.

Pero mas ikinagulat ko nang magtanggal ng shades yung lalaki.

TEKA?!

Anu nangyari?

Ba't ganyan na...

Si Migs. Pati si kambal halatang nagulat din nang makita niya si Migs.

"Next time kasi tumabi kayo. Buti na lang hindi nagasgasan yung bagong motor ko. It's too
expensive."

Aba. tarantad0 nga!


Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.705.html#ixzz24XANQTPW

ROUND 24
"Karma is a b!tch"
"I am the one you denied, brushed off every time I tried
But I'm alright, I'm able to swallow my pride
And put all the bullsh!t to the side, if you're ready to ride
I'm down for a one night stand, I'll accept it anyway that I can
'Cuz I ain't your man, I'll try for whatever it's worth
Just remember who played who first."
- KARMA, Lloyd Banks

PRESBi's
Pilit ako ng pilit kay Monic na sabihin niya yung mga narinig ko, pero ang tindi ayaw niyang umamin. Pambihira.

Wala lang siya ng wala. Tss nakakairita. Alam ko kasi na damay ako dito, at damay din si Corr. TSS!

Obvious na obvious naman na meron siyang alam tungkol sa tinatanong ko pero deny sya ng deny. Ganito ba talaga
ang mga tao pag nahuhuli deny ng deny?

Malalaman ko din yan. Kahit ganu niyo pa yan itago. Malalaman ko din yan.

NiCS'
Recess na namin at naglalakad ako magisa sa corridors.

Alam niyo na after nung nangyari samin ni Corr sa labas ng school, Nagtext lang siya sakin pero pinili kong wag
magreply Nagtatampo ako na ewan, nagtatampo cause ako na nga ang nagaalala sa kanya pero parang ako pa yung
mali.

Pero ewan, naiintindihan ko siya, ganyan din sya nung niloko sya ni Presbi nung second year pa kami. Kaya parang
there is this part of me na gustong i-hug na lang siya dahil alam kong kailangan niya ng makakausap ngayon.

Pero in this case, feeling ko wala syang makausap about this. Well obviously di pwede si Kitel-Co'z she under a mental
illness. Whatever. Kaya ako na lang ang natitira niyang girl-best-bud.

Napahinto ako ng makasalubong si Corr sa corridors. Magisa lang din siya, nung nakita ko sya nakasimangot siya-
parang may sinusumpa sya sa isipan nya
Pero nang makita niya ko, nawala yun. Parang nag-iba na yung expression niya.

Nag-dadalawang isip pa ko kung lalapitan ko ba siya or what. Pero pareho kaming dinala ng mga paa namin sa isat
isa.

Nag-sigh lang siya...

"Im sorry..." Ngumiti lang ako sa kanya, Co'z atleast narealize din nya na may mali syang nagawa. "Uh...
Friends?" Aww..
Then we hug each other na parang walang nangyari.

1 month and few days later...

CORR's
This is really stupid.

"Who the hell wrote this stupid article?!" I asked Nics.

We're here inside the ladies comfort room holding this piece of trash. The school's paper.
Every start of the month and a start of a new quarter is-scheduled to be the release of our school paper.
At sa halip na maging excited at matuwa dito - for the fact na malamang nandito ang batch namin because we won the
chant competition. Eh hindi. Why?

I'm in the front page.

Okay pa sana kung dahil sa recognition of something, pero HINDI.

Nakapost ang picture ko with my cheering outfit na may animated tears pa sa mata with a caption of: "Boys always
dumped me SAD FACE." WTH!?

Then may isa namang shot, kuha nung nagusap kami ni Migs sa kiosk. Wtf? Sino ba 'tong paparazzi na 'to. Iniimbento
ang storya.

Nakalagay kasi: Na nagmamakaawa daw ako kay Migs para balikan ako. Which is SO NOT TRUE.

Grrr!

"Campus hottie Migs Arellano DUMPED our campus sweet heart Corr Benitez"?! What the heck?!
"Corr, Calm down. Its been a month but I know you're still hurt--pero ssshh. Maririnig ka nila."
"I dont care! That assh0le!"
"Alam kong galit ka sa kanya, but Corr... Wag mo nang patulan."
"HINDI! Sumosobra na sya!" Then I went out of the comfort room holding our school's paper.

Pupuntahan ko na talaga siya.

Gadd! Tama na ang pagtitiis ko.

Isang buwan ko ng pinipigil to.

Sa pagiwan nya sakin...


Sa muntik nyang pagsagasa sakin...
Sa araw araw na pagpapahiya nila sakin nung Taylor niya...

Wala akong pakielam sa pagbabagong nangyari sa kanya.


Pinilit kong intindihin siya-dahil may feelings pa ko sa kanya. Pero hindi.

SUMOSOBRA NA.

"Hey! Arellano!!!" Sigaw ko nang makarating ako sa room namin.

Naabutan ko siyang nakikipag-flirt kay Taylor na naka-kandong sa kanya ngayon. ERASE ERASE. Galit ako!
Naglakad ako papalapit sa kanila at ibinato sa kanila yung school's paper.

"Could you stop playing games?! Anu 'tong nakalagay dyan?! Puro imbento! Puro
kalokohan!" Tinignan niya lang ako na parang wala lang. Tsss Bwiset!

Tas biglang tumayo yung babae niya.

"Alam mo Benitez? If this is part of your pagmamakaawa to Migs. Stop it, it's really pathetic--"
"I'm not talking to you so shut up." Then tinignan ko si Migs, na umiwas naman agad ng tingin. "Alam mo
Arellano? Wala akong pakialam kung anu pinagiisip isip mo sa mga pinag gagagawa niyo. Wala rin
akong pakialam kung nagkakaganyan ka na or nagbago ka na. Pero please lang LEAVE ME ALONE!
Hindi kita inaano, So please lang dont be a GAY okay? Kasi kung iniwan mo na talaga ako, STOP
PLAYING YOUR STUPID GAMES! Co'z I'M SO OVER YOU ASSH0LE!" Sabay suntok sa kaliwang pisnge
nya.

Nagulat lahat ng kaklase ko ng suntukin ko si Migs. Papalag sana siya pero bigla sya huminto. Ewan ko, para bang
nagising siya.

Nang maaninag kong sasampalin ako ni Taylor, kaya agad ko itong sinalo.

"Wag kang makisampal. Hindi ka kasali." Sabay sampal sa kanya. Fine nagiging brutal na ko ah. "Alam
kong ikaw ang may pakana nung headline na yun. Wag ka magmalinis." Oo, Alam kong siya. Siya ang
kumuha ng litrato na nasa headline eh. At kung di ba naman sya Tang@ ang codename na nilagay. T.R edi Taylor
Ronquillo. Ay sus.

"Why did you---?!" Galit na galit na sabi sakin ni Migs. Kitang kita ko sa mga mata niya na galit na galit sya.

Natatakot ako. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan.

*SLAP!*

He slapped me.

PRESBI's
Dismissal na. At simula nung dumating ako galing cafeteria tahimik na si Corr sa upuan niya. Lalapitan ko na sana
siya, pero pinigilan ako ni Steve. Sabi niya hayaan ko muna siya. Sya ang kakambal kaya alam niya yun di ba?

Habang inaayus yung mga gamit ko napansin kong namumula yung mata niya--- Umiyak ba siya? Hays.

Nilapitan ko agad siya.

"Lyzzie ayus ka lang ba?" I asked really worried.

Tumingin lang siya sakin. Mga 5 seconds


Punong punong puno yung mata niya ng galit-puot at lungkot. Pero wala siyang sinabi kahit ano.

Instead nagpatuloy siya sa paglalagay ng mga notebooks sa bag niya. Then naglakad na siya papuntang pintuan.

Agad ko namang kinuha ang mga gamit ko at hinabol siya.

Habang naglalakad sa corridor, nakarinig ako ng bulong-bulungan habang nilalagpasan sila ni Lyzzie.

"Nakakahiya siya."
"Oo. Biruin mo nasa news paper na siya. Ganyan pa inaasal niya." What news paper?

Then napatingin ako dun sa hawak nung babae.

Quote
Campus hottie Migs Arellano DUMPED our campus sweet heart Corr Benitez

Anung kalokohan 'to?!

"Biruin mo, sinampal pa siya ni Miguel grabe nakakahiya--" Napahinto ako dun sa narinig ko.

Si Miguel? Sinampal si Lyzzie?! Tarantad0 talaga yun!

Binilisan ko ang lakad ko para maabutan si Lyzzie.

"Sandali." Pero parang wala parin siyang naririnig. Dirediretso lang siya sa paglalakad.

Kaya no choice na ko kundi hawakan yung kamay niya hatakin siya para sumama siya sakin.

Mabilis akong naglalakad, naririnig kong nagrereklamo siya pero di ko sya pinapansin. After a while di na rin siya
nagsalita.

Nagulat na lang siya ng huminto ako sa tapat ng head quarters ng school paper.

"A-Anung g-gagawin natin di-dito?" Hindi ko na sya pinansin sa halip binuksan ko ng padabog yung pintuan ng
head quarters.

Halatang nagulat yung ibang students na nasa loob.

Napansin kong nakaupo si Migs sa dulong chair na nasa head quarters tas naka upo sa table niya yung Taylor.

Maya maya tumayo na siya at sinenyasan si Taylor na lumayo.

"Oh, Pres napadaan ka yata? Anung meron---" Bago pa siya matapos sinuntok ko na agad siya dun sa parte ng
mukha niya na mukhang may pasa.

Ayun tumba ang gag0.

"A-ANO--" Mabilis siyang tumayo pero sinuntok ko ulit siya. Kaya tumba ulit

"Yung una para kay Corr yun. Sa lahat ng katarantaduhan mong ginawa sa kanya." Napahinto siya sa
akma nyang pagsuntok sakin. Si Corr naman napahawak sa braso ko at bumulong ng tama na.

"Yung pangalawa sa pagsampal mo sa kanya." Sa pagsabi kong yun, napabitaw si Corr sa pagkakahawak sa
braso ko. Si Migs naman kalmadong tumayo.
"Bading ka pala talaga Miguel eh. Babae na lang ba kaya mong patulan?!" Umamba siya ng suntok pero
sinuntok ko ulit siya.

Binigay ko yung pinaka malakas.

Kaya dumugo na yung ilong niya.

"At yang huli... Para sakin..." May halong galit at pagtataka sa mukha ni Migs habang tinatayo siya ni Taylor.

"Para mapagbigyan ko naman yung sarili kong saktan ka."

Pagkatapos nun hinatak ko na palabas si Corr sa head quarters.

Hawak hawak ko lang yung kamay niya, hanggang makalabas kami ng school.

Paghinto na paghinto ko sa paglalakad. Huminto din siya. Tinignan ko lang siya. Nung una blangko lang yung mukha
niya, pero maya maya tumatawa na siya. Parang tumatawa siya na hinahabol yung hininga niya. Napabilis yata
paglalakad ko

Habang tumatawa siya, napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Kaya huminto siya sa kakatawa-NOT natatawa
parin siya, pinipigil lang niya

"Haha- Pasensya na- Haha di ko mapigilan eh."


Baliw talaga 'to. Pero atlast nakita ko rin siyang hingalin kakatawa.

Gets niyo ba? Iba kasi yung tumatawa lang o humahalakhak sa hinihingal kakatawa. Pag hinihingal ka sa kakatawa,
ibig sabihin sobrang saya mo na Okay, ang epal ko

"Pero salamat ha. Kung di dahil sayo siguro hindi parin ako nakabawi sa gag0ng yun. Ewan ko ba ang
weird nga eh kasi nung si Kambal yung gusto na manakit kay Migs ayaw ko, pinipigilan ko pa siya.
Pero nung ikaw na. Ang weird, parang hinayaan na lang kita. Parang mas may tiwala ako sayo. Pero
hindi rin." Then tumawa siya ulit. Adik talaga 'tong babaeng 'to.

Teary eyes siya pero parang mas makikita mo na masaya siya - Pero hindi parin parang gusto parin niyang umiyak.
Labo.

Naglakad na siya paalis ng school, sinabayan ko naman siya.

"Nakakagutom yung nangyari."


"Siomai?" Sabay pa kaming nagsalita.

Natawa naman kami dun Kasi pareho pala kami ng iniisip.

"Tara! Libre mo ah!"


"Ikaw nagaya! Dapat ikaw manlibre."
"Kuripot."
"Basta eat all you can ah? Treat mo!" Magrereklamo pa sana siya pero hinatak ko na siya papuntang S.P

Nang makarating na kami sa Sioma-an

Umupo na kami at umorder, nang ibibigay na kay Corr yung Siomai niya may sasabihin pa sana siya - Pero ako na

"Kuya pa-add ng chilli garlic. Yung madami ah. Salamat!" Tumingin lang sakin si Corr at ngumiti.

Sana ganito na lang palagi.

Just like the old times.

KiTEL's
Balibalita na na si Taylor at Migs na daw. Si Taylor daw ang dahilan kung bakit binreak ni Migs si Corr nung victory
party. HINDI KAYA. DAHIL SAKIN kaya nakipagbreak si Migs kay Corr HINDI DAHIL kay Taylor.

At isa pa, sino ba yang Taylor na yan ha?! Biglang pasok sa eksena! Dati si Corr ang panira ngayon naman si
Taylor?!

Napagdesisyunan ko nang i-confront si Migs about sa balita at aba, lantaran naman kasi sila. Matapos makipagbreak
si Migs kay Corr, in a relationship agad status niya sa FB niya. At alam niyo kung kanino?

Kay Taylor Ronquillo.

Pumasok na ako sa bahay nila Migs, Walang tao. Anag alam ko nasa business trip ang parents niya at day off ngayon
ni Manang.

Dirediretso lang ako kasi nga may susi ako.

Dahan dahan kong ibinukas yung kwarto ni Migs and to may surprise...

I saw Taylor sitting on the couch while drinking her coffee. Naka-loose shirt lang siya (Obviously shirt ni Migs) and
nakaundies.

Nakatingin lang siya sakin na parang wala lang. Like "Huh?" Hindi man lang siya nagulat na nandito ako.

And to surprise me more, biglang gumalaw yung comforter na white na nasa kama ni Migs. And there I saw Migs
rubbing his eyes, mukhang tulog pa rin.

He's topless, and I could see his legs na nakayakap sa unan. More like yung comforter yung nag-cocover sa part na PG
(Author's note: HAHAHAHAHA. Hindi ko alam yung term eh )
Omigod. What the heck is this?!

Maya maya, nagising din si Migs. At first he was shocked ng makita ako sa pintuan. Ewan ko pero mukha akong ewan
na na-glue dito sa kinatatayuan ko.

Pero tumingin tingin si Migs sa paligid na parang may hinahanap-more like binabelawala ako. ANd there huminto
yung mata niya kay Taylor.

Si Taylor naman, lumapit lang sa kanya and Migs cupped her face and shared a WILD KISS.

In my face.

I was stunned of what I saw. Hindi ba nila ako nakikita?

Sinenyasan lang ni Migs si Taylor, then bumangon na si Migs sa kama and wear his boxers. Habang si Taylor,
naglakad papunta sakin.

Gustong gusto ko siyang sabunutan sa ginagawa nila. Pero there is this part of me na parang walang magawa.

"Follow me." She said without even


looking at me.

Patuloy siyang naglakad papunta sa isang kwarto, habang ako sinusundan lang siya.

Huminto kami sa harap ng isang pinto-Mini theatre room nila Migs.

Pumasok siya dun at tinuro yung upuan. Umupo na ko.

Halo halo yung nararamdaman ko. Ewan parang gusto ko silang saktabn pero di ko magawa, gusto ko umiyak sa mga
nakita ko pero ayoko. Ayokong ipakita na talo ako.

Tumayo lang si Taylor sa likod ng upuan ko, at nakita kong pinindot niya yung remote control.

And there I saw my pictures with Migs,

Una nag-flash yung mga pictures na sumasayaw kami sa LAX.


Sumunod naman yung sumakay kami ng cab.
Sumunod din yun pumasok kami sa Motel.

And there.

Halos napatayo na ko sa kinauupuan ko ng makita ko yung mga sumunod.

It was our pictures-Migs.

doing it.
"I'm p-pregnant... At si-si Migs ang ama."

"Hindi. Alam ko ang totoo, sinabi sakin ni Monic." That b!tch!

"So kung may kahihiyan ka pa. Drop out. Get out of Migs' life.....

Or gusto mong ikaw naman yung headline?"

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.720.html#ixzz24XAUbKo8

ROUND 25
Yessss 25 Christmas na Christmas
"The Goodbye in Hello"
(Hello and Goodbye)
Motion creates emotion

Quote
The Christmas Special
Pero hindi Christmas sa story

STEVE's
After that incident (Yung pagsugod ni Pres kay Migs) tinry naming lahat maging okay. Syempre kambal ko si Lyzzie at
friends nadin naman niya yung mga kabarkada ko.

Although gigil na gigil ako kay Migs at gusto kong durugin yung pagmumukha niya gamit yung mga kamay ko eh
pinigilan na nila ako. At saka, ayoko narin ma-brought up yung issue.

Lumipas ang ilang araw at nawala narin ang mga bulong bulungan everytime na naglalakad kami sa corridors. Alam
niyo na, its a school paper. Malamang 99.9% ng population ng students eh nakakita nun.

This past few days din eh nagla-lighten up na rin yung mukha ni Corr. Yung bang di tulad dati na parang lahat ng
tawa at ngiti eh fake. Sana magtuloy tuloy na 'to.

Lahat naman kami ay tulong tulong eh (Ako, sila Jazz, Drei, Dro, Lee, Nics at syempre si Presbi) Lagi na nga kami
magkakasama ngayon, kasi nagiging close na rin yung mga girls sa mga kabarkada ko.

Well about Nics medyo nabawasan yung ilang namin - pero were not yet friends like before. I mean iba parin yung
pakikitungo namin sa isat isa. Di naman in a bad way pero alam niyo yun? Parang may mali padin. Although we're
trying to be friends, I mean friends ulit.

"ARAY!"

Pano ba naman? may nagbato ng unan sa ulo ko.

"OI LEANDRO! KUNG TUTUNGANGA KA LANG JAN EH ABA WAG KANG SASALI SA MOVIE
MARATHON MAMAYA!" Ayun, si Boss pala yung nagbato

Agad naman akong tumayo at lumapit sa may dining area, nasa may living room kasi ako.

"Ano bang gagawin ko?" Tanong ko habang nakatingin sa mga pagkain na nasa table.
"Haluin mo yang pancit canton, tas maglabas ka ng forks. Tas yang mga yan iakyat mo sa kwarto
niyo."
"Yezir!" Nagsalute pa ko

Agad naman akong pinalo sa tyan ni Jazz.


Amazona talaga 'tong babaeng 'to

"Nakakadalawa ka na---"
"Yung pancit canton." Ayan na naman siya. Yung boses na dapat sundin mo na
"Eh--"
"Forks."
"Amp--" Napahinto ako kasi nakatingin na sya ng masama Ang kyut talaga netong mainis.

"Hahaluin ko na yung pancit canton at maglalabas ng forks. Tapos ilalagay ko na yang mga yan sa
taas."
"Very good."
LEE: "Haaaa! Under ka pala Steve eh!" Sabi ni Lee sabay tawanan silang lahat. Si Jazz naman napapangiti na
lang.

Loko tong mga 'to ah!

"Oii! Kayo ah! Wag kayong kakain nito mamaya!"


DRO: "Kami kaya nagluto nyan?!" ;D;D Tae.

Tumawa lalo sila nung di ako naka imik. Amp. Pahiya ako dun ah.

Umakyat na ko sa kwarto namin (its a vacant room dito sa bahay) nilapag ko na yung mga pagkain na nasa tray.
Nagulat na lang ako ng may nagsara ng pinto.

Si Jazz.

Lumapit siya sakin. Sabay yakap.

Nung una nagulat ako, pero nag hugback na lang din ako. Masarap sa pakiramdam eh

"I love you more." Sabi ko pagka-let go ko sa hug.


"Wala pa kaya akong sinasabi?"
"Naiisip ko na kasi sasabihin mo."
"Sooo si B1 at B2 tayo ngayon? Ang baduy mo talaga." Tumawa na lang kami dun, kasi naman alam niyo
yun? ang baduy din ng pagkakadeliver ng joke?

Then nung napagod na kami kakatawa.

Nanahimik lang kami.

Na nakatingin sa mata ng isat isa.

Tapos dahan dahan ng lumapit yung mukha ko sa kanya. Ganun din sya.

Tae. Di ako marunong nito.

Palapit na ng palapit.

Hinawakan nya yung kaliwa kong pisnge... At binrush...

Pumikit na lang ako....


Pero wala. Walang nangyari? Walang Kiss?

Tas nakita ko na lang sya na nagbukas ng pinto nung kwarto.

Then napatingin sya sakin ng ganito ->

"Oh? Jan ka lang ba?" Di ako nakasagot.


"O sige baba muna ako, baka kumunat na yung nachos dun." And there, sinarado na nya yung pinto.

Kelangan bang ako pa. AKO PA? ang mapahiya sa ganitong scene Ms. Author?

Author:

CORR's
Nagsi puntahan na kami sa vacant room para sa movie marathon Nagkaayaan kasi yesterday para daw maiba naman
daw, hindi daw puro siomai

Nang pumunta kami sa vacant room dinala ko yung laptop ko. Syempre FB FB at Teentalk Nag online narin ako sa
Y.M.

Quote
Hello, Lyzette Socorro!
Inbox(1)

Quote
Socorro its been a long time
Sat, Month, Day, Year 04:59:19 PM
From:
Kristelle Anne Santillan <kristelleannesantillan@yahoo.com>
To:
lyzettesocorrobenitez@yahoo.com

Hey Alam ko this is a big surprise for you. Anyway, I just want to say sorry.
Sorry for everything, for every stupid and crazy thing I did to you.
Sorry kung dito ko lang sa e-mail mapapadaan ang lahat hindi ko kasi alam kung pano 'to sasabihin sayo eh.
Once and for all gusto ko ng maging honest sayo. Kaibigan parin naman kita right? I hope so...

It was all my fault kung bakit nagkagulo gulo kayo ni Migs. Kasalanan ko, napaka b!tch kong kaibigan. Finlirt ko na
yung boyfriend ng kaibigan ko, hinayaan ko pang may mangyari samin. Pero ano nangyari? Iniwan parin niya ko.
Kung anu anong kalokohan na ang ginawa ko para lang maagaw siya sayo Corr. Pero wala... Sayo padin talaga ang
puso niya.

Pero dumating sa picture si Taylor at biglang nagbago si Migs. Kahit ako naguguluhan, kung anu ang nangyari. Kung
anu anu na ang naisugal. Pero wala natalo parin ako.

Alam ko Corr ngayon, galit na galit ka na sakin. Ngayong nalaman mo na ang totoo. Pwede mo na akong isumpa
habang buhay...

Sorry talaga, inuna ko ang puso ko bago ang utak. Hindi na naman ako nakinig sayo. Na-inlove ako Corr sa gag0ng
yun.

Please kahit galit na galit ka sakin... Maniwala ka sa lahat ng sasabihin ko.


Wag mo nang babalikan si Migs and stay away from Taylor.
Take care of yourself.
I'm really sorry...
Sorry for everything...

Note:
And Oh, I'm leaving for Europe nga pala 7 pm. I'll stay there for a while. Till next time..

"I need to go to NAIA. NOW!" Lahat sila napatingin sakin like "What are you talking about" look. "NOW!"
"What are you talking about?"
LEE: "Oo nga, saka mag si-six na oh?"
"Kitel is leaving!" I ran out from our room at nagmamadaling lumabas.

"Teka sasama ako!" Tumango na lang ako, at nagmamadali kaming lumabas---

And there, nakita namin si Presbi na kakababa lang ng cab.

Agad kaming sumakay sa loob.

"Teka?! San kayo pupunta?!"


"SA AIRPORT!"
"Bakit?!" Di na namin siya inimik, sumakay na kami sa cab at sinabing sa NAIA ang punta. "TEKA TEKA!
SASAMA NA KO!"

Ayun nga, habang nasa cab kami. Kinwento na namin kay Pres kung bakit nga kami pupunta airport. Eto namang si
Sorbetero nagalitagad. Bat daw namin pupuntahan yung "malditang" yun - yun pa yung term nya
Pero inexplain ko na din sa kanya.
Traffic pa talaga oh.
Malapit lang kami sa NAIA pero pag traffic nako.

"Manong may iba pa bang route papuntang NAIA? Kasi kailangan na po talaga namin makapunta
dun."
"Chill ka lang Corr, ganito talaga dito."
"Pag di ko naabutan si Kitel, wala na"
"Ba't ba kayo ganyan mga kabataan oh oh. Lagi na lang sa huli hahabol. Kung kelan aalis na saka lang
kayo pupunta." Sabi ni Manong with a look na gusto na kaming ibaba - este ako lang pala

After ilang minutong nangawit yung pwet ko kakaupo. nakarating na kami sa NAIA.

Bumaba na ko pagka-kita ko sa entrance.

Hindi ko na rin alam kung sino ang nagbayad

Maya-maya nakarating na ko sa entrance. Hinarang ako ng mga lalaking nakauniform--Pfft.

"Miss. Passport?" Sabi sakin nung mga nakauniform na lalaki, na tumitingin sa likod ko na "Nasan maleta mo?"

Tumingin din ako sa likod ko and there nakita ko sila Presbi at Nics na tumatakbo papunta sakin.

"Sir, I just need to go inside. My friend is leaving tonight and i'll never see her again after
this!" Mangiyak ngiyak kong sabi sa mga lalaki.
"Sorry ma'am, but we cant let you pass. Restricted area na po ito. Wala po ba kayong valid
I.D?" Nangapa pa ko sa bulsa ko, to found out nothing. I'm only wearing a shirt, shorts and a pair of flops. Saka
nagmamadali na ko. Maiisip ko pa bang magdala ng I.D? NAMAN.

Nakiusap pa lalo sila Presbi dun sa lalaki, pero wala wala paring nangyari. Dumami na nga yung mga naka uniform na
nasa harap namin. Parang mga terorista naman kami---

Napatingin ako sa malaking clock sa loob ng airport--

Syet! 6:48 pm na!

Naglakad ako dirediretso, pero hinarang parin ako.---

"Whats happening here?" May familiar na boses akong narinig sa likod.

At paglingon ko-- nakita ko si Kyle. Yung tiga CC na lalaking tumulong samin ni Presbi nung nalasing si Nics.

"Hey, you're the students from CVM right? You're Corr" Tas ngumiti siya sakin, na parang di pinapansin
yung mga kasama ko. Kami naman parang nagulat lang---

"Good evening Mr. Elizalde, your mom will arrived at exactly 8 pm." Teka? Kilala siya dito?

"Thanks!" Then dirediretso na syang pumasok sa loob. Teka? Ba't siya pinapasok?!
Malamang kilala nga siya eh.

Nang makalagpas siya sa entrance, huminto siya at lumingon samin.

"Dont you guys have plans to go inside?" With that, nagmadali kaming pumasok. Pinalagpas naman kami nung
mga naka uniform. Behlat

KiTEL's
I was about to go to the departure area as I grab my bags sa weighing machine ng airport when I heard someone
screaming.

"KITEL!!!" Nung una di ko na lang pinansin, malay ko ba kung sino yung Kitel na tinatawag nito.---

"STOP THERE B!TCH! HINIHINGAL NA KAYA KAMI." With that napahinto ako bigla.
Kilala ko na sila.

Dahan dahan akong lumingon nang makita ko yung kanina pa na tumatawag sakin.

Nakita ko si Corr, Nics at si Presbi. Lahat sila nakangiti sakin. Aahhhh..

Lumapit si Corr sakin and gave her sincerest smile.

"Kala ko di ka na namin maabutan." Then she threw me a hug. I hugged her back din. Grabe I miss this girl
sobra.

After a while, nag-group hug na rin kami nila Nics. Aww...---

"Pasali na din sa group hug mukha naman akong others." Tumawa naman kami at Naki-hug na rin si
Presbi.

When we let go of our group hug. Nagsimula nang tumulo ang mga luha naming tatlo.

"Sabi ko di ko iiyakan yang malditang yan eh." She said in between of her sobs.
"Oo nga eh. Bat ba tayo umiiyak?"
"Hindi ko rin alam eh. Ganito napapanuod ko sa TV. Dapat umiiyak din tayo." Nagtawanan naman
kaming lahat sa sinabi ni Corr

"Girls... I'm really sorry---"


"Cut it out Kits, theres no enough time for sorrys... Right Nics?"
"Kung anu man yung nangyari satin dati... Lets forget it Alalahanin na lang natin yung
pinagsamahan nating tatlo"
"Hahayaan ba natin na masira yung maraming magagandang memories natin, dahil lang sa isang
mali? Syempre hindi."
Lalo akong naiyak sa sinabi nila. Grabe, after everything that I've done.. Still they remained as my good and true
friends.
"Hindi lalaki ang magiging rason ng pag aaway away natin ulit Wala nang magiging reason.
KAHIT ANO."
"I love you girls!" Then I hug them both ulit. Ill surely miss them

Napabitaw na lang ako ng may magsalita na sa speakers at tinatawag na yung mga passengers ng flight no. ko.

"Girls, I know mamimiss niyo si Kitel but she's going to miss her flight pag di niyo siya pinaalis."
"So, ill be leaving na" I kiss them both sa cheeks at nakipag apir naman kay Presbi sabay bulong sa
kanya: "Take good care of my friend I know you love her so much."
"I will. Trust me"

"Alis na ko" Sabay kuha ng bag ko. Sabay pakita kay Corr nito. "You know, this is my lucky bag
eh." Gamit ko yung Prada bag na binigay ni Corr nung umuwi siya.

Naglakad na ko papuntang Departure entrance, at lumingon sabay kaway sa kanila.

"Kits! Balik ka ha!" Sabay flying kiss sakin. Kumaway na rin silang tatlo.

Sure, Babalik ako. At pagbalik ko:

I'll make that Taylor kiss my feet for forgiveness.

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.750.html#ixzz24XAbYHjH

there are parts here na napatawa ako.

Kelangan bang ako pa. AKO PA? ang mapahiya sa ganitong scene Ms. Author?

HAHAHA. nice one naman `to!

"STOP THERE B!TCH! HINIHINGAL NA KAYA KAMI."

lol! may b.tch pa talaga e. HAHA

"Hindi ko rin alam eh. Ganito napapanuod ko sa TV. Dapat umiiyak din tayo."

i soo love this line. HAHAHAH.

Merry Christmas Czaa~

and btw..

naquote ko kasi `yung update mo. nakita ko na parang ang hirap ata ng code mo.

ganito na lang gawin mo:


[color= red][size =14pt][ b]CORR`s POV[/b][/size]
Nagsi puntahan na kami sa vacant room para sa movie marathon Nagkaayaan kasi yesterday para daw maiba naman
daw, hindi daw puro siomai

[ b]"I need to go to NAIA. NOW!"[/b] Lahat sila napatingin sakin like "What are you talking about" look. [
b]"NOW!"[/b]
[ b][ color=maroon]"What are you talking about?"[/color][/b]
[ color=black][ b]LEE: "Oo nga, saka mag si-six na oh?"[/b][/color]
[ b]"Kitel is leaving!"[/b] I ran out from our room at nagmamadaling lumabas.

[ b][ color=teal]"Teka sasama ako!"[/color ][/ b] Tumango na lang ako, at nagmamadali kaming lumabas---[/ color]

kung makikita mo, parang ang closing nung pinaka unang red color ay `yung nasa huli. pag tinanggal
mo `yung mga spaces sa code na `to.

eto magiging itsura:

CORR`s POV
Nagsi puntahan na kami sa vacant room para sa movie marathon Nagkaayaan kasi yesterday para daw maiba naman
daw, hindi daw puro siomai

"I need to go to NAIA. NOW!" Lahat sila napatingin sakin like "What are you talking about" look. "NOW!"
"What are you talking about?"
LEE: "Oo nga, saka mag si-six na oh?"
"Kitel is leaving!" I ran out from our room at nagmamadaling lumabas.

"Teka sasama ako!" Tumango na lang ako, at nagmamadali kaming lumabas---

ayun, hope nagets mo ang magulo kong paliwanag at para hindi ka mahirapan maglagay ng color sa
bawat pov

HAHA. teka. parang ang dami kong sinabi :/

MERRY CHRISTMAS!
Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.750.html#ixzz24XAlsWpP

ROUND 26
"The Corpuz's"
Strangers making the most of the dark.
-Crazy For You, Madonna
PRESBI's
Nasa cab na kaming tatlo nila Nics at Corr pauwi - Medyo malapit na rin kami sa bahay nila Corr hindi naman ganun
kalayo yun sa NAIA.

"Presbi, ba't nga pala nalate ka? Hindi ka tuloy nakatulong sa pagluluto. Hmf." Pabirong sabi ni
Nics.
"Ah-- Umuwi kasi si Dad... Eh sige tulong na lang ako sa paghugas mamaya"
"Kung may maabutan pa tayo, mamaya tapos na sila---TEKA? Umuwi dad mo? asan pasalubong
ko?"
"Hinihintay nila tayo, di pa sila naguumpisa nagtext sakin si Kambal-- OO NGA PASALUBONG
NAMIN?!" Natawa naman ako dun, kasi ibat ibang topic yung nasa sentence nila

Pero di yata nakakatuwa yung topic- Na paguwi ng dad ko.

"Ah eh, itatanong ko sila kung meron. Hehe."


"Bigay mo A.S.A.P ha?"
"Ay, anu na nga ba ang balita kay ate Raffy? Simula nung nawala sya sa pagcocoach ng PEP wala na
kong nabalitaan tungkol sa kanya. Ba't nga pala sya umalis?" Ang dami mong tanong Lyzzie... Parang di ko
kayang sagutin...
"Ah--Ehh... Alam mo naman yung si Ate Raffy... Uh... Madaming gustong iexplore... Ehh... Baka
nagiba lang ng trip. Tama! Nagiba lang ng trip!" Phew!
"Ah... ganun ba..." Di sya mukhang naconvinced ng sagot ko. Tss.
"Kamusta nga pala yung business niyo? Eh nakwento sakin ni JJ bihira lang daw umuwi dad mo. AS
IN BIHIRA like once a year or twice?"
"Oo nga, naalala ko nung 2nd year tayo ang PMS mo sakin nung Christmas kasi wala dad and mom
mo si Ate Raffy lang nasa bahay niyo."
"Ang dami niyo namang tanong" Sinungitan ko na lang sila. Mahirap na, baka madulas pa - Masyadong
matalino 'tong mga kausap ko. Pero mas matalino ako

Okay, so sigurado ako na nagtataka kayo at nacu-curious sa kung anu ang business ng pamilya namin.

Teka--- Pwede ko bang ishare 'to sa inyo? hmmmm....

Pwede naman siguro?

or NOT?

"Who is that girl?" The man asked the lady pointing to the picture frame on the bedside table. In his son's room.
"He's your son's ex-girlfriend." The lady replied coldly.
"Then why its still here?"
"C'mon dad, stop asking questions about your son's life." She replied with bitterness.
"He is still in love with this girl" The man said with an annoyed expression on his face while flipping the paper he
got from the back of the picture. It was a letter with a handwriting of his son.

Quote
Forever and Always
My heart is still yours

"He can't love. He shouldn't be in love." He continued.


"For Pete's sake he's still 17, He's still a minor. You can't do anything about it. You can't control him
for now."
"Yes I can't control him... FOR NOW. But when he turns 18 he should know his responsibilities as my
son."
"Or his responsibilities in YOUR COMPANY? Oh? as your son?! C'mon. Or your future fvckin slave?!"
"Watch your language my daughter Cerafica."
"You can't control him like what you did to me. I will not let you!"
"Just tell him to enjoy his remaining months." Then the man left the room with a smile on his face.
"Screw you!"

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.765.html#ixzz24XAre6l3

ROUND 27
"Corr's Yes"
We fail to be happy because we're not satisfied with what we have.
So here, Few satisfaction guidelines:
1. Dont hold on to something the would never be yours.
2. Don't fight for someone not worth fighting for.
3. Don't cry for something lost, gone and inevitable.
4. Appreciate what you have and be thankful for whatever things people give you.

Happiness is a mere construction of the mind.


Everyone can be happy as long as they really want to.

MiGS'
Wala ngayon si Taylor sa bahay, Lumabas muna may kukunin lang daw siya sa condo niya.

So ako lang magisa ngayon, Wala din kasi si manang. Lalong wag niyo na i-expect ang parents ko.

Sobrang boring dito sa bahay. Tanghali na kasi ako nagising.

Nakita kong nagiwan na ng food si Taylor sa lamesa. With a note.

Quote
Pupunta muna ako ng condo ko ah?
I'll be back asap.
Iniwanan na kita ng food.
Iloveyou. :*

Kinain ko na agad yung iniwang food ni Taylor. Menudo with soup yung niluto niya. Masarap.

Pagkatapos ko kumain, nabored ako kaya nanuod ako ng TV sa sala.


Maya maya nakarinig ako ng mga tawanan sa labas ng bahay. Ang lakas ng tawanan at usapan kaya tinanaw ko kung
sino yung mga yun.

And there they are. Sana pala, di na lang ako tumingin.

Jerk

Paulit ulit kong naririnig yan sa utak ko.


Yan kasi yung laging binubulong ni Corr everytime na binubwisit ko sya. Hindi na niya ko kinakausap, pero everytime
na nagkakasalubong ang landas namin at ginagawan ko siya ng di maganda. Yan ang parati kong naririnig sa kanya.

Haay. Pasensya na, Pero yan na lang yung way para somewhat makapagusap kami.
Yan na lang yung way para mapansin niya ko.

Nakita ko siya na may dalang grocery bags, nagtatawanan pa sila habang ibinababa sa sasakyan yung mga bags na
yun.

Naiinggit ako.

Masaya naman kami ni Corr dati...


Nung wala pa sa picture si Kitel at Taylor.

Hay ewan, naguguluhan ako.

Mahal ko parin si Corr, pero di ko kayang mawala ulit sakin si Taylor.


Kahit nalaman kong hindi naman pala totoong buntis si Kitel, Hindi parin gumaan yung loob ko para samin ni Corr -
Kasi binalikan ako ni Taylor.

Ewan ko, sobrang gulo talaga.

Unti unti na akong nilalamon ng pagsisi ko...

CORR's
Nang makabalik kami sa bahay lahat sila natuwa - Pano naman daw, makakapagstart na daw yung movie marathon
namin. HAHA. Kala ko pa naman nagalala sila samen. Tss.

Nagsimula na kaming manuod. Puro horror yung pinili namin.

The grudge and una.

Nakakatawa si Dro tili ng tili.


Titili siya pag may suspense na tunog na sa movie yun naman pala wala namang lalabas
Puro batok tuloy inabot niya kila Drei

Sumunod naman na isinalang sa DVD eh yung wrong turn.


Nagpalitan kami ng pwesto nang magcr sila Lee at Drei - Sila kasi yung nakaupo sa couch kami nasa carpet lang. SIla
Kambal naman at Jazz ayaw umalis sa carpet - Alam niyo na PDA

Kaya ang position:

Nics - Corr - Presbi - Dro


Kambal - Jazz - Lee - Drei - JJ

Ewan ko ha. Pero habang tumatagal, bumabalik na yung bond namin ni Presbi. Tulad nung 2nd year kami. WEH.
Scratch that. Hindi naman sa nagre-reminisce ako about our past pero, basta wala ng ilangan. Nagtatawanan,
nagaasaran at naguusap na kami just like the old times.

Dro: WAAAAAAAAAAA! Nagulat kaming lahat kaya napatingin kami kay Dro na nahalata ang tingin ng
lahat. Kaya yung mukha niya naging ganito --> "Ano? Sa nakakatakot na part lang ba pwede sumigaw?
Pwede naman kahit saan di ba?"

Sabi ko sainyo eh. Sabaw talaga yang si Dro

Maya maya, inabutan ako ng popcorn ni Presbi.

"Gusto mo?" Bulong nya.

Tumango naman ako at akma ng kukunin yung popcorn pero inilayo nya. Ako naman napa na lang.

"Subuan kita" Pagkasabi niya nun, itinapat na niya sa bibig ko yung popcorn. Nung una nagdadalawang isip
pako, pero nung tinignan ko siya desidido siya sa ginagawa niya kinain ko na yung hawak niya.
"Masarap?" Ako naman tumango na parang baby na nakakain ng gerber for the first time. Ewan. Presbi ba't ang
lambing mo? Tae.

Lumipas ang ilang oras na sinusubuan ako ni Presbi, tas aabutan ng juice o tubig. Nababaldado na ba ako?

Dahil napapansin na ng mga kasama namin yung paglalambingan daw namin. Bigla na lang may nagtext---

Quote

From: Ice-Cream Man

gus2 mo p ng popcorn? =)
Tinignan ko naman siya at akmang magsasalita na ng sinenyasan nya akong magtext na lang. HAHA. Anu ba? Ang
hirap kaya makipagcommunicate

Quote

To: Ice-Cream Man

busog n ko. ang dmi m kyang sinubo =))

Nang basahin niy yung reply ko nakita ko siyang ngumiti. SUS nababaliw na

Quote

From: Ice-Cream Man

eh watr gs2 mo? =)

Quote
To: Ice-Cream Man

no thanks, ikw my gus2 ka b?

Syempre nice kid naman ako, at bisita ko siya no. Kaya dapat asikasuhin.

Quote

From: Ice-Cream Man

hug? < dali nilalamig ako.

Nang tignan ko siya malaki na yung ngiti niya sa mukha nya.


ASA ka Kaya iniabot ko yung comforter sa kanya na nasa paanan ko at itinext siya.

Quote

To: Ice-Cream Man

oyan. pra di ka lamign. =))

Nakakatawa naman at nakikiride ako sa text pakulo niya

Nagulat na lang ako nang magkumot siya, sinama niya ko sa kinumutan niya. Tongue twister eh?

"Di ako nilalamig." Bulong ko sa kanya pagka lagay niya ng comforter. Well. Medyo nilalamig pero di
gaano LABO.
"Kunwari na lang nilalamig ka" Natawa naman ako dun Adik talaga 'to

Pagkatapos nun, nanuod na kami ng movie.

HAHA. Tama di ko napanuod yung nauna. Epal kasi tong si Ice-Cream Man eh

NiCS'
Magtatalong oras na kaming nanunuod ng movie at magtatalong oras ko na ding pinapanuod maglambingan yung
mga nasa harap ko. Sila Steve at Jazz.

Tss! KAIRITA!
Hindi naman sa may grudge ako kay Jazz or Steve. Pero alam niyo yun? It hurts parin pag nakikita ko silang ganyan.
Lalo na pag naiisip ko na sana ako na lang yung nasa pwesto ni Jazz.

Maya maya, nakita kong iniayus ni Steve yung ulo ni Jazz na nakahiga sa balikat niya. Followed by a kiss to her
forehead. Nakita ko pang inamoy ni Steve yung buhok ni Jazz.

TSS! I CANT TAKE THIS ANYMORE!

Bigla akong tumayo. Nagulat silang lahat sa pagtayo ko - Pati nga ako nagulat eh.

"Uh-- Kukuha muna ako ng water."


"Nics, meron pa oh?" Sabi ni Corr sabay turo dun sa isang pitcher ng tubig.
"Uh... Eh, gusto ko ng hindi malamig. O sya teka lang.." Nagmamadali kong sabi habang nagmamadaling
lumakad papuntang pintuan.

Paglabas ko ng pintuan huminga ako ng malalim.

Anu ba Nics, Let go. Hindi siya sayo. At kahit kelan hindi siya mgiging sayo. Let him go.

Dahan dahan akong naglakad sa hagdanan papuntang kitchen.

Anu ba 'tong lecheng feelings na 'to! Hindi marunong lumugar.


Bakit hindi kita macontrol ha?!
Taeee. Di ba pwedeng wag mong ipakitang nalulungkot ka...

Na nasasaktan ka...

Pagdating ko sa kitchen kumuha agad ako ng tubig.

Hindi na ko makahinga sa sobrang pagpipigil ng luha.


Pero hindi, malalakas yata pwersa ng mga luhang 'to at sabay sabay nalang silang nagsipagagos...

Pambihira...

Hindi pa napapasakin si Steve napunta na siya sa iba...


Hindi nga niya ako mahal eh. Pero ba't ganun? Mahal ko parin siya.
Ako na nga tong laging luhaan at nasasaktan ako parin 'tong nagmamahal.

PUTEK! Unfair.

Patuloy padin ako sa pagiyak... Hindi na yata 'to mauubos eh---

Naramdaman ko na lang na may humatak sakin at agad akong niyakap.

"Tahan na..."
"JJ?"

PRESBI's
Habang nanunuod nang movie, pasulyap sulyap lang ako kay Lyzzie. Pumipikit pikit na kasi siya eh. At medyo nagti-
360 degrees na yung ulo niya

Maya maya nakaramdam ako ng force sa couch.

And there, nakita kong nakahiga na sa side ng couch yung ulo ni Lyzzie. Lumabas kasi si Nics, kaya walang nakaupo
sa pwesto niya na pinagbagsakan ng ulo ni Lyzzie Parang ang brutal nung term

Napansin yun ni Dro at sinenyasan ako paturo kay Lyzzie.

OO ALAM KO.

Iniangat ko yung ulo ni Lyzzie, at medyo gumalaw siya ng konti pero di sya nagising.
Antukin talaga 'to.

Umusod ako ng kaunti at isinandal siya sa balikat ko.

Ang bango talaga niya.


Ang ganda niya.
At ang aliwalas ng mukha niya.

Hayy. Tuwing nakikita ko sya lahat ng regrets ko sa buhay nagsisilabasan.

Kung di ka ba naman kasi naging gag0. Edi sana masaya kayong dalawa ngayon.

Tama. Kung hindi ko siya niloko, Marahil, kami pa ngayon... masaya pa sana kami ngayon...

Hayy pero ewan, Wala na. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan.

Pero pwede ko pa naman ayusin yung ngayon di ba?

Lyzzie, Do I deserve a second chance?


Could I have a second chance?

Sige na.
Maya maya, naramdaman kong yumakap siya sakin.
Kala na naman niya siguro unan niya ko.

"I'll take that as a yes" Bulong ko sa kanya.

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.765.html#ixzz24XB91q2j

ROUND 28
"The Coffee with Sugar"
Serious relationship is not something anyone should really be actively looking for..
because sometimes,
the best relationships happens by accident.

Author's Note: Click niyo yung naka bold & underline words to see the pictures

CORR's
Monday na naman at as usual papasok na naman ako >.<
Alam niyo yung feeling na pag may pasok gusto magbakasyon pag bakasyon naman gusto nang pumasok LABO.

Kakatapos ko lang magbihis at magayus pababa na ko ng hagdanan para magbreakfast. Pagdating ko dun...

Occupied na yung 4 seats sa 6 seats na dining table namin.

"Good morni----"

Si Presbi.

"Good morning" Bati ni Mommy and Daddy sakin


"Umupo ka na Lyzzie" Sabi naman ni Kambal.
"Good morning Lyzzie" Bati naman sakin ni Ice-Cream man with a big smile on his face.

Ako naman sobrang clueless parin. Ba't siya nandito? Teka. AT Good-vibes na ba sa kanya sila Mom and Dad?
Kumain na lang ako, habang kumakain eh nagkukwentuhan pa sila Dad, Presbi at Kambal tungkol sa basketball.
Kesyo nanalo daw yung ganitong team at ang galing daw ni ganitong player. Ewan. Di ako makarelate.
Nang matapos kaming kumain nagpaalam na kami at aba si Presbi nakipagkamay pa sa Daddy ko at beso sa Mommy
ko. Eh?

Paglabas namin ng bahay pumunta si Kambal sa car namin - Dadalhin niya siguro. (Car kasi yan ni Mommy na si
Kambal ang pumili, Since may sasakyan naman sila ni Daddy at nagbigay pa yung company ni Dad ng new car eh
hinayaan na niya kay kambal yun. Kaya ako ang walang car sobsob.)

Akma na akong papuntang sasakyan namin ng hawakan ako sa braso ni Presbi at kinuha yung shoulder bag ko.

"Susunduin ko pa si Jazz sa bahay nila. Medyo out of the way eh. Sumabay ka na kay Presbi, sinundo
ka talaga niya." Sabay sara ng pinto nung sasakyan.

Wala na akong nagawa kasi hinatak na ako ni Presbi papuntang sasakyan niya. Tinulungan pa niya akong
makaakyat kasi medyo mataas yung step alam niyo na long legs eh

Nang pinaandar na ni Presbi yung sasakyan niya, nagsimula ko na siyang ulanan ng tanong

"....Eh bakit ganun? Buti di good-vibes sayo sila Mommy at Daddy at saka pano mo nalaman na uuwi
sila? Eh teka ba't mo nga---"
"Lyzzie wala ba munang good morning?" Sabi niya sabay ngiti.

"Eh.. good morning.." Sabi ko ng mahina sabay ayus ng upo.

Nahiya din naman ako no. Siya na nga sumundo sakin tas...

"Eto ang first day ko." Sabay ngiti niya ulit, pero this time sa daan siya nakatingin. Aba syempre baka
mabangga kami
"First day? Bakit? Meron ka?" Natawa na lang siya dun sa sinabi ko at hindi na ko sinagot.

Sandali lang naman yung byahe. Di ko nga alam ba't pa siya nagdala ng sasakyan kung pwede naman kami
magshuttle na lang. Pero syempre, less hassle

Nang ipinark na niya sa gilid ng school yung sasakyan niya, bumaba na siya at inalalayan ulit ako bumaba, sabay kuha
ng bag ko sakin.

"Eh--"
"Pasok na tayo?" Tumango na lang ako sa kanya.

Habang naglalakad nakakaramdam na ko ng mga titig galing sa mga kabatch at schoolmates ko na nasa labas pa ng
school. Medyo maaga pa kasi kaya yung iba tumatambay sa labas.

Maya maya nakita na naming nagpark sila Kambal sa gilid din ng school, nagulat ako kasi ang dami nilang
bumaba

Sa harap nakaupo si Jazz habang yung three musketeers ay sa likod, sinundan naman yun ng isang white na car na
nagpark malapit kila Kambal.

Bago 'to ah? I mean, di ko to masyadong nakikita dito.


Nagulat kaming lahat nang makita naming bumaba sa harap si Nics at sa driver's seat naman si JJ. Nakiusisa narin
yung ibang estudyante.

Whoa as in whoa! sobrang bigtime talaga nitong si JJ. Lahat kami chinecheck yung bago niyang sasakyan.

Pero mas kinakagulat ko na nandun si Nics at dala ni JJ yung bag niya. Hmmm?

LEE: "Tae ka tsong! May bago ka na namang baby!" Okay, so he's not referring to Nics, He's referring
to the white bmw sedan na nasa harapan namin ngayon.
DREI: "Dude! Seriously? Wala na ba kayong magawa sa pera niyo?" I agree with Drei, kasi naman
si JJ na yata ang pinaka mayang tao na kakilala ko sa batch namin, I mean syempre konti lang yung kakilala ko
"Hindi no Advance birthday gift sakin ng daddy ko."
"!@#$! Oo nga pala! Legal ka na next week!"
"Tae to oh, nakalimutan pa."
"Joke lang naman paps eh. Pasakay jan ah!" Sabay akbay ni Kambal kay JJ.

Tawa naman kami ng tawa kasi sobrang makadikit si Kambal kay JJ.

Maya maya may narinig kaming ingay. Ingay ng tambucho. Lahat kami napalingon kasi disturbing na yung
tunog.

And there may naka bigbike na dumating. Yung nasa harap naka shades lang while yung isa naka pink na
helmet. Tss. Hindi ko pa sila tinititigan, alam na alam ko na kung sino.
"Tara na." Aya ko sa kanila lahat---

"Oh? Why leaving?" Tss. Taylor."Scared?" Patuloy niyang sabi habang lumalapit samin.

Sinundan naman siya ni Migs na hindi parin nagtatanggal ng shades.

"Ronquillo, We dont have time for this." Sabay talikod ko sa kanya. Inalalayan naman ako ni Presbi.
"So? Nakipagbalikan ka sa cheater mong ex? Just to save you from your headline?" Taylor go to hell.
Ayoko mabadtrip. Monday na monday at ang aga aga pa.

Ayaw ko na sana siyang patulan pero siya ang ayaw tumigil.

"Sayang ka naman Presbi, just because Monic dumped you naghanap ka na lang ng patay na patay
sayo." The nerve?!
"Ronqui---"
"Alam mo, Miss-- What's your name again?--Oh nevermind. If wala kang magawa, Just go and
wash your face. Nangangapal sa make up eh." Sabi ni Presbi with a calm and firm voice.

Medyo natawa kami at yung mga taong nakarinig. HAHAHA TAE. BENTA!

"And about Monic, She didnt dumped me. I dumped her...twice? Oh no. Thrice. So If youre gossiping,
make sure to get the right information. Too bad, thats why our school paper is a mess."
"Assh0le." She cursed.

HAHA Benta inis na inis na yung mukha niya

Napansin kong kinakalabit ni Taylor si Migs. Yung tipong. "Hoy! Ipagtanggol mo ko. Napapahiya na ko."

"That's not nice. Lalaki? Pinapatulan babae? So below the belt." Sabi ni Migs na walang kaexpre-
expression.

"Yeah. Like what you did to Corr. Ohh. Gay stuffs" He said emphasizing the gay word LOL. Alam ko
matagal na nilang iniinis si Migs na bading
"You---"
"Dude. Let go. I want to have a good Monday morning and besides, hindi kami ang nauna. We're

talking about cars not a bike."

Then we all left

JJ's
Mabilis lumipas yung oras at dahil walang teachers yung subject before recess humaba yung break namin. May
emergency meeting daw. Nung nalaman naming free-cut bumaba na kami sa cafeteria.

Tamang tama wala masyadong tao. Woohoo!


Sama sama na kami sa mesa. Ewan ko ba, Pero basta nagmerge bigla yung magkakaibang grupo. Pero ang saya na
din, kasi lagi na kaming magkakasama at ang gulo namin lagi

Nasa table na kami at tapos na bumili ng pagkain.

Drei - Dro - Steve -Jazz


Lee
Ako - Nics - Corr - Presbi

DRO: "So tsong! Anu plano sa birthday mo?!" Excited na tanong ni Dro.
"Oo nga Pre! For sure it will be one of a heck night ulit!" Dagdag naman ni Presbi.
"Well, Syempre. Same thing lang din, Siguro ang maiiba lang magaaya ako ng mas madami. Since it
will be my 18th Magiimbita ako ng MAS marami. Sa bahay parin ang venue, pool party."
DREI: "Coool! Chickasssss!"
"Basta maginvite lang din kayo It will be open for all" Lahat naman sila nagsigawan. Mga excited

Maya maya, nagsimula na kaming kumain.


Syempre, pag kainina GALIT GALIT
Mga seryoso sa kinakain eh
"Nikki" Tinawag ko si Nics, syempre medyo mahina lang.
"Ow?"
"Are you free later? I mean, wala ka bang gagawin?" Nagisip pa siya ng medyo matagal.

Iba talaga pag nasa 4-A ang sisipag ng tao

"Wala naman yata? Bakit?" Sagot niya.


"Erm... Mall ta-tayo?"
"Ta-tayo?" Ulit pa niya.
"Yeah, As in tayo. You and I" Sabi ko habang tumuturo pa. Ang sabaw kasi niya kausap eh
"Su-Sure." Then nag blush sya. Aww

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.780.html#ixzz24XBFEHqG

PRESBi's
Uwian na. Hindi ko namalayan. Ang sabaw kasi ng Filipino LOL. (Para maiba, laging Physics eh)
Binilisan ko ang ayus ng gamit ko at pinuntahan ko na agad si Lyzzie.

Nang nasa harap na ko ng upuan niya naabutan ko siyang nagaayus ng mga papel papel. Mga Handouts.

"Ang sabaw ng Filipino" Sabi niya habang inaayus parin yung mga papel. "Ang bibigat ng mga tagalog sa
El Fili. Tss. Ba't ba kasi gumaganun pa si Crisostomo Ibarra?" Kausap parin niya sarili niya. Hindi parin
niya ko napapansin Adik talaga 'to
"Tapos yung mga pari aba parang hindi mga pari. Ang sasama ng--- Oh?"
"Chill" Sabi ko sa kanya with a pat on her shoulder.

Ngumiti na lang siya at ipinagpatuloy yung pagaayus ng gamit niya.


Nang matapos na siya...

"May iniintay ka ba?" She asked while searching for something inside her bag.
"You." Napahinto siya nang sabihan ko siya nun - more or less Natulala. Hindi siya nagsasalita, kaya kinuha ko
na yung bag niya at hinatak siya palabas ng room.
"Eh? Bakit?" Tanong niya habang naglalakad.
"Day 1 ko nga kasi ngayon" Mukhang lalo siyang nalito sa sinabi ko. "Basta! Tara Siomai tayo!" At
ayun, nang sabihin ko ang magic word eh nagspark na yung mga mata

Dinala na namin yung sasakyan ko hanggang S.P at dun na ako nagpark. Baka makalimutan eh

Pagpasok namin ng S.P Aba, ang daming tao?


Syettt. Nadiscover na yata ng ibang batch 'tong S.P

"Ang daming tao." Sabaw pout.

Oo, sobrang dami ng tao. Tipong hindi Monday?

"Bumalik ka na sa sasakyan. Eto susi oh, magttake out na lang ako"


"Eh--Sure ka?---"
"Yup. Sige na, Maglock ka ng pinto ah. Sandali lang ako."
Pumunta muna ako ng Zagu para umorder. Medyo maraming tao pero nakaorder naman ako.
Pagdating ko sa Siomai House. Jampacked.

Buti na lang kilala ako ni ate na nagbebenta ng siomai. Aba sa dalas ko ba naman dito no hindi ba niya ako maalala?
At syempre, nadaan sa charm

Alam na alam na rin ni ate yung sa extra garlic ni Corr, Nahalata na rin niya sa dalas kumain dito ni Corr simula noon.
Ewan ko ba jan kay Corr kakaiba trip

Nang magbayad ako---

"Aaaaaah! Kuya Sorry po. Sorry, hindi ko po sinasadya, Sorry." Sh!t. Natapunan ako ng toyo sa polo
ko. Amf badtrip. Punas ng punas yung babaeng nakatapo sakin. Mukhang lower batch ng CVM.
"Tama na tama na. Okay lang." Sabi ko sa kanya habang inaalis yung kamay niya sa pag punas sa polo ko.

Tss. Ayoko masira ang good mood ko. Okay?

Umalis na ako ng S.P at dali daling pumunta sa sasakyan kung san naghihintay si Corr.

Pagbukas ko ng pintuan nakatingin na si Corr sa Siomai, pero nang makita niya yung mantsa sa polo ko---

"Hala? Ba't nagkatoyo yan?" Pagkasabi niya nun, agad niyang hinablot yung bag niya at naglabas ng wet
ones. Yung tissue na basa? Tas pinunasan niya yung polo.
"Hayaan mo na yan okay lang." Sabi ko sa kanya, kahit medyo hindi Badtrip kaya yung ganito.
"Anung hindi? Ikaw pa. Napakaselan mo sa mantsa. Ultimo kasing liit ng period na font 12 bold arial
mababadtrip ka na." Medyo natawa naman ako dun. Specified pa Pero touch ako, naalala niya

Hinubad ko na lang yung polo ko, para mag t-shirt na lang. Pero wala, pati t-shirt may toyo.

"Tss. Amoy toyo na yung sasakyan. Sorry."


"Sira. Ako nga dapat magsorry eh Dapat di na lang tayo nag Siomai."
"As if naman gusto mo na hindi mag Siomai" Sabay pinch sa ilong niya Totoo naman ah?
"Ah! Alam ko na!" Sigaw ni Corr na parang naka solve ng Algebra problem

May hinanap siya sa bag niya...


Then nagulat na lang ako ng ilabas niya ito at iniabot sakin.

Anung gagawin ko dito?

Pano ba naman kasi, inabutan niya ko ng White shirt na may Piglet print sa harap. Yung sa winnie the pooh na size
XXS pa yata.

"Isuot mo para di ka magamoy toyo. Mabango yan! Amoy Ariel with downy" Sinimangutan ko naman
siya. Hindi ko alam kung tulong 'to o trip eh? "Dali naaaa para di ako maguilty." Parang di naman?

Tumingin lang siya sakin na nakangiti. Tipong hinihintay na niya ako magpalit.

Tss. FINE!

Magpapalit na!

So ayun nga...
SA DI MALAMANG DAHILAN. Nagkasya sakin yung t-shirt nya.

"Ayaaaan! Kasya naman pala. Kahit medyo bitin at masikip." Pano naging kasya yun?!

After nun nagdrive na ko pauwi sa kanila.

Nagkkwentuhan lang kami sa byahe, tungkol kila Steve at Jazz, dun sa tatlong itlog at kila Nics at JJ na napapansin
naming nagiging close. Shuuu.

Nagpark na ko sa tapat ng bahay nila.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayan pababa.

"Pasensya na ah. Next time hindi na 'to yung dadalin ko" Sabay sipa sa mugs nung sasakyan ko.
"Sira ayus lang. Ang cool nga ng view eh ang taas" Sabi niya habang nag ti-tip toe pa siya to show the
word "taas" CUTE

Natahimik kami sandali.

"Uh.. Lyzzie... About dun sa sinasabi kong first day."


"Ah... Oo nga pala, Anu ba yun?"
"Ah... Eh..."
"Hmmm??"
"Ano... kasi..."
"Kasi?"
"Erm... Ano..."
"Ano??"

BEEEEE"First day 'to ng panliligaw ko sayo." EEEEPPPP!!


Saktong may dumating na sasakyan, at bumusina sa gate na malapit lang kila Corr.

"Ano yung sinabi mo?" Kaasar naman.

"Sabi ko good night, pumasok ka na at nahahamugan ka pa"


"Ah. Okay Salamat sa pagsundo at paghatid ah? Good night Ingat ka ah!" Nagwave na siya, sabay
kaming naglakad papuntang gate nila.

"Bukas ulit" Sabay atras papuntang sasakyan ko.


"Sure! Thanks ulit!"

Sumakay na ako, at ibinaba ko muna yung bintana ko.

"Goodnight" Nagwave naman siya, at pinaandar ko na yung sasakyan sabay busina.

"Bukas ulit Lyzzie Second day ko naman"


Sa bahay nila Corr...

"LYZETTE! NGINGITI KA NA LANG BA JAN AT HINDI PAPASOK??! ISASARA KO NA YUNG PINTO!"


"Papasok na!"

NiCS'
Quote
From: JJ

Im on my wy der na. Sorry napaaga

Usapan kasi namin 7 pm pa. Hello? 5:57 palang.


Napaaga nga siya

Nagpalit na ko ng damit, nag ayus at kung ano ano pa. Sandali lang naman 'to. Kasi kanina pa ko ready.

Maya maya may nagdoor bell.

Walang tao ngayon, lahat umalis. Si Yaya naggroceries, Parents ko nagdinner. Nagpaalam kasi ako na aalis ako kaya
di na nila ako sinama. Yung Older Brother ko naman nasa Canada na nagttrabaho

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si JJ na nakatayo may hawak na bouquet of flowers.

"Hi" He said, while giving me the flowers.

Sya ang playboy ng grupo nila Steve. Bawat batch na yata ng CVM eh may naging girlfriend na 'to. Pero ewan,
nakaka inlove naman kasi talaga siya eh.

"Pasok ka muna" Tutal maaga pa naman. "Juice, Tea or Coffee?"


"Coffee"

Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng coffee, sumunod din pala siya.

Inabot ko sa counter yung coffee, sugar at cream.

"With sugar?"
"Yup"

Patuloy lang ako sa pagtimpla, pagkatapos nun iniabot ko na sa kanya yung coffee.
Ewan ko pero whenever hes around nanlalata ako. Naglilighten yung paligid. Ewan.

Maya maya, iniabot ko na sa kanya yung coffee hinawakan niya yun at nagpasalamat. Inamoy muna niya yung coffee,
then nagsip.

"Masarap ba?"
"Oo naman" Tahimik na ulit kami.

Nakatayo lang kami sa counter.

Maya maya, nagkadikit bigla yung kamay namin.

Para akong nakuryente.

Nagkatinginan kami.

Feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa pisngi ko.

"erm..." Nagulat na lang ako, hindi na namin maalis yung tingin sa isat isa.

Naramdaman ko na lang, hawak na niya yung kamay ko...

Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang nagwawala sa loob.

1 inch away na lang yung mukha namin sa isat isa and I could feel his breath. Kahit uminom siya ng coffee mabango
parin. Parang mint.

Ngumiti siya sakin, Ewan ko pero ngumiti din ako sa kanya.

Pag nasa tabi ko siya, feeling ko bumabaliktad yung mundo. YUng nagsslow motion na ewan. Pinapagaan niya yung
pakiramdam ko. Tuwing kailangan ko ng sasalo sakin tuwing may nangiiwan sakin sa ere, sya yun. Sya yung laging
nasa tabi ko.

Naramdaman ko na lang yung malambot niyang labi.

He's kissing me.

Hindi ko alam kung tama ba 'to o mali, pero ang alam ko. Magaan at masarap sa pakiramdam yung mga halik nya.

Then I kissed back.

Naramdaman ko na humawak na siya sa waist ko ako naman humawak sa leeg nya at binuhat ako paupo sa counter.

We're still kissing. This time, its passionate.

Lumulutang na yung isip ko, ewan ko pero parang walang pumipigil sakin para huminto. Parang pag iisipin ko na
hihinto 'to, mawawala na yung pakiramdam na 'to.

Feeling ko lumulutang ako...

Now he's kissing my jaw, down to my neck and to my shoulder.

Then, binuhat na niya ako at ibinaba sa counter.


And grab me to a hug.

Then he whisper something to my ear.

"Nikki, Could you learn to love me? Could you be mine? or atleast; even if you just act that you love
me. Co'z I think I'm madly and going crazy in love with you."

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.780.html#ixzz24XBL30TO

ROUND 29
“Let’s talk about regrets”
Jealousy in romance is like salt in food.
A little can enhance the savor,
but too much can spoil the pleasure and,
under certain circumstances,
can be life-threatening.
-Maya Angelou

Corr’s
"Corr!" Tawag sakin ni Nics paglabas ko ng room.
She's wearing a red headband at hanggang tenga ang ngiti.
"Oh?"
"Nahihiya kasi si JJ..." I could see na nag-bblush sya sa pag sabi nung pangalan ni JJ. "Gusto sana niya, kumanta ka
sa birthday nya---"
"Eh? ?" Gulat kong sabi.
"Oo!" Tas hinawakan niya yung wrist ko with her both hands. "Sige naaaa! He realy wants you to sing on his
birthday!"
"Weh, bakit naman masyadong late yung pagsabi. Grabe eh tomorrow na birthday niya---"
"Kasi baka daw taguan mo kami pag sinabi namin ng a week before, I know you Corr." Then tinaas taas pa niya yung
dalawa niyang kilay.
"Eh---"
"Sige na! Birthday gift mo na lang kay JJ" Pinipilit talaga niya ko.
"Eh----"
"Thaaaaaaank you Corr!" Sabay hug sakin. "The best ka talaga!"
"Eh----"
"Asahan ka namin ah!" Ano baaa! Hindi man lang ako pagsalitain. TSS.

Then naglakad na siya paalis. Tignan mo 'to, ang WAF (What a friend.) Tinignan ko lang yung likod niya habang
naglalakad habang iniisip kung ano ba kakantahin ko sa birthday ni JJ nang bigla siyang huminto---

"Nga pala Corr, pinapasabi ni JJ..." Then she smiled. "Anything from the heart daw." She winked at naglakad na ulit.

"Anything from the heart?----" Anything from the heart


"Hi Corr!" Bigla na lang sumulpot si Presbi sa harap ko.
"Oh?---"
"Pupunta ka bang canteen?" Tanong niya with his wide smile.
"Eh---" Parang nawala gutom ko.
"Pwede pasabay?" Ngumiti na naman siya. Nakakaloko. HAHA.
"Sige okay lang." Then naglakad na kami papuntang stairs.

Ba't kaya di magkasama 'tong mga mokong na 'to? I mean imposible naman na---

"Kasama ni JJ si Nics, si Steve naman kasama si Jazz sila Dro, Lee at Drei may imi-meet daw sa kabilang building.
Nakachat yata nila sa FB." Sabi niya na may halong pandidiri. HAHA. Nakakatawa yung reaksyon niya, parang naiinis
siya kasi mga kaibigan niya nakikipag eyeball.
"Kawawa ka naman. Loner ka ngayon?" Pangiinis ko.
"Mas kawawa ka." Sabay smirk "Kung di kita sinamahan magisa ka lang sa taas at hindi ka na bababa." Sabay tawa.
“May paa ako at may hagdanan, malamang makakababa ako.”
“Corny mo.”
"Leche."

Hanggang sa pagbaba namin sa ground floor iniinis lang niya ko. Parang bata. TSS.

"Ikaw kaya yun!" Sabay tapik sa shoulders ko. Natapos na kaming bumili ng pagkain at drinks pero di parin natapos
yung inisan namin.
"Ikaw! Mukha kang ilong na tinubuan ng mukha!" Pangiinis ko habang hinawakan ko ng mabuti yung dala dala kong
C2. Nagv-vibrate kasi yung katawan ko kakatawa eh.
"Ikaw! Mukha kang pisngi na tinubuan pa ng isang pisngi." Sabay tawa ulit.

Baliw talaga 'tong si Ice-Cream man. Pinagtitinginan na tuloy kami nung ibang students, ang ingay kasi namin.

“Nga pala nakausap ka na ba ni JJ about sa request niya?” Tanong ni Presbi.


“Yup. Si Nics yung kumausap sakin, nahihiya daw kasi si JJ eh. Iniisip ko pa nga kung ano yung kakantahin ko.”
“Suss. Madali lang yun no. Ikaw pa, kahit ano naman kinakanta mo.” Sabi niya.
“Hindi no. Alam mo na, hindi naman ako masyadong nagkakakanta ngayon. Walang program yung Ensembles
ngayon---”
“Sabi ni Steve, kumakanta ka daw sa shower.” Sabay smirk niya.
“Epal talaga yun---”
“Pero seryoso, Maganda talaga boses mo.” Mukha naman siyang seryoso dun.

Nagstart na ulit ang klase, Social Studies na yung last class namin.

“Okay class, May activity tayo today---” Hindi pa natatapos yung teacher naming magsalita nagsipag-Boo-han na
yung mga kaklase ko. “Wag kayong magaalala, this will be fun.”

Wala na din naman kaming magagawa kahit ano pang sabihin namin, sya ang teacher eh. So ayun nga, diniscuss na
ng teacher namin yung directions ng activity. Parang mag ge-getting to know each other daw kami. By pair daw kasi.
Nako? Hindi ba masyado ng late para sa getting to know each other na yan? I mean halos ilang buwan na ang
nakalipas at hello? Nung first day nga namin wala akong maalala na nag getting to know each other kami.
Yun nga lang, ang twist hindi samin manggaling yung mga tanong. Galing sa mga kaklase namin, depende sa mga
sagot namin kung ilang plus points ang makukuha. Kung ma-pplease ba namin sila sa pamamagitan ng nakuha nilang
sagot samin. So parang “truth or consequence” yung activity.

Nag-partner partner na. Maraming nagsipagreklamo sa mga partner nila. Gusto daw nila si ano at si ganito, ayaw daw
nila kay ano at kay ganito. Maya maya, hindi parin ako natatawag. Medyo kinakabahan na ko, syempre mamaya hindi
ko magustuhan kung sino yung makakapartner ko. Tinignan ko na lang sila Kambal sa may gilid, kapartner kasi niya
si Presbi – Ang daya, eh super magkakilala na sila eh---

“And Benitez---” Sabi ng prof ko. “I’m referring to Lyzette Socorro---”


“Ma’am Lyzette na lang.” Hehe. Pahabol ko.
“Whatever. You’re partner will be---” Shet. Ba’t ako kinakabahan.

Tumingin ako sa paligid ko, sino na lang ba ang natitira? Si Grace, Julius, Fatima---- NO WAY! PLEASE LORD!---

“Mr. Arellano. Miguel at Lyzette kayo ang magkapartner.” Nang sabihin yun ng teacher namin ang daming nagsipag
react. Mga nagbubulungan, mga natuwa, nainis at mga na-curious tipong na-excite pa lalo.

Hindi ko maiwasang tumingin kay Migs na nasa kabilang row, Teka---

Tama ba ‘tong nakikita ko?

He is smiling.

Presbi’s
“Pwede bang pumirmi ka? Kanina ka pa hindi mapakali eh.” Sabi ni Steve sa harap ko.

Inarrange kasi yung seats, magkakaharap lahat ng pairs. Nandito kami ni Steve sa first row kasi kami yung unang pi-
nair.

“Huh?” Tanong ko sa kanya.


“Tae. Wala pala akong kausap.” Then inilihis niya yung tingin niya.
“Anu ka ba, kahit anong itanong satin masasagot naman natin no. Kahit size ng sapatos mo alam ko.” Paliwanag ko sa
kanya.
“Hindi naman yun eh.” Sabay nguso sa may likuran namin. “Kanina ka pa kasi hindi mapakali jan, Baka matunaw na
yung kambal ko sa ginagawa mo.”

And there, nakaupo si Migs at Corr sa likod. Nakatalikod sakin si Migs habang si Corr naman kitang kita ko. Kitang
kita ko na ngumingiti siya sa kumag na yun. Leche. Di ba dapat sinusungitan niya yun? Naghahampasan pa sila
kanina. Kainis. Anu bang kinakatuwa nila o ikinasasaya? Wala namang masaya sa ginagawa namin ah? Kainis.

“Hindi ko sila tinitignan no.” Pahabol ko.

“Okay class, enough. Let’s start.” Sabi ng teacher namin.

Pinaayus na niya kami ng upo, at nagsimula ng magbunutan.


Lumipas ang ilang minuto at wala namang kaexa-exciting na nangyayari.

“Okay, Steve at Presbi kayo na.” Pagkasabi ng teacher namin agad naman kaming tumayo ni Steve ng matapos na.
“Okay.” Sabi ng teacher namin habang bumubunot ng papel. “Si Cassandra ang magtatanong sa inyo.” Excited
namang tumayo si Cassandra sa upuan niya.
Lintek. Ba’t eto ang magtatanong samin? Eh likas na chismosa ‘to sa batch namin. Sila ng barkada niya. Pambihira.

“So...” Sumoso-‘so’ ka pa jan. “Alam naming lahat na matagal na kayong mag kaibigan. Mag-best friends nga daw
kayo eh.” Pwede ba magtanong ka na? “So ang tanong ko... May pinagawayan na ba kayong dalawa? Yung tipong
ikinagalit niyo sa isat isa. Na halos hindi kayo nagpansinang dalawa? Ano? Sino? O Bakit?”

Napansin kong tumahimik yung klase namin, Napatingin naman ako kay Steve na walang anumang pagalala.
Masyado bang interesado ‘to?

“Erm... Oo may pinagawayan na kaming dalawa.” Panimula ko.


“Kakatapos lang ng second year noon.” Sunod naman na sabi ni Steve. “May ginawa kasing kalokohan ‘tong si
Presbitero eh.” Oi. Ayus ka ah. HAHA. “Teka? Kelangan ba talagang sabihin yung dahilan?”
“Oo naman, wala kayong points pag walang sense yung sagot niyo.” Sabi agad ng teacher namin na halatang chismosa
din.
“Eh--” Nahahalata ko sa mukha ni Steve na naghe-hesitate siya magsabi because I know it’s about her.
“Dahil kay Corr.” Blanko kong sagot.

Napansin kong nagulat ang lahat, lahat sila nakatingin samin then titingin kay Corr. Napatingin ako sa kinauupuan ni
Corr.
Alam ko kasi na ayaw na niyang ino-open ‘to since we’re in good terms na nga and ayaw na niyang maungkat pa.

“Alam niyo namang lahat yun no.” Pagpapatuloy ko. Nagsipag-nod naman yung mga kaklase ko.

Kalat na kalat yun noon, yung nangyaring break up namin ni Corr. Pati yung blog niya syempre.
Tumingin ako kay Steve na tahimik padin.

“Hindi ko na siguro kailangan ikwento pa ang detalye kasi kinalimutan ko na yun. kinalimutan na namin yun. Basta
ang alam ko, nagpakagag0 ako non. Sinayang ko lahat ng chances na meron ako. Na pinagsisisihan ko parin
hanggang ngayon.” Then tumingin ako sa kinauupuan ni Corr. Nakita kong nakayuko lang siya. Pero tinuloy ko parin
ang pagsasalita. “Nakapag-sorry na ba ako sa lahat ng ginawa ko noon?” Tanong ko habang nakatingin sa nakayukong
babae sa likuran. Si Corr “Hindi pa siguro no? Well... It’s better than late than never.” Sabay ngiti sa kanya, kahit
alam kong hindi parin siya nakatingin sakin. “Sorry. Sorry sa lahat ng masama kong ginawa sayo noon. Sa lahat lahat.
Kung nasaktan man kita noon, sorry. Alam ko hindi enough ‘tong sinasabi ko pero sana nararamdaman mo. I’m
trying my best to make it up to you.”

Natahimik lahat ng nasa klase. May mga nagulat, natouch at wala lang. Pero si Corr nakayuko parin. Napayuko na
lang ako.

“Pwede bang bigyan mo pa ko ng isa pang chance?” Bulong ko.

Steve’s
“Pwede bang bigyan mo pa ko ng isa pang chance?” Kahit binulong pa yun ni Presbi. Rinig na rinig ko parin yun.

Nang tignan ko yung mukha niya, nakatingin lang siya sa may bandang dulo ng room. Nang sundan ko yung tingin
niyang yun nakita ko si Lyzzie at si Migs. Si Migs mukhang kinakausap si Lyzzie si Lyzzie naman namumutlang ewan.
Alam ko, tinamaan siya sa lahat ng sinabi ni Presbi.
These past few days, napapansin ko na masaya na si Lyzzie. Tulad dati, may kung anong spark na makikita sa mga
mata niya. Lalo na pag ang topic eh si Presbi. Hindi ko alam sa kanya kung alam na niya sa sarili niya na may gusto na
siya ulit kay Presbi. Pero ako, kilalang kilala ko siya. Kambal kami eh. Lahat ng galaw niya, kabisado ko na.
Ewan ko, pero sa tingin ko sya mismo sa sarili niya nagde-deny ng feelings niya towards Presbi. Siguro ayaw niyang
aminin that after a year or so si Presbi parin ang mahal niya. Siguro din natatakot siya na baka lokohin lang siya ulit
ni Presbi. Tama, natatakot siya.
Pagbalik namin sa upuan natuwa naman yung teacher namin sa pag sagot namin. May realizations daw yung sinabi
namin.

“Now, moving on...” Napahinto yung teacher namin sa pagsasalita ng binuksan yung nakatiklop na papel sa bunutan.
“Miguel and Lyzette Socorro.”

Nagulat ang lahat ng sila naman ang tumayo sa harap. Kakaiba, kanina lang si Presbi ang nandyan. Ngayon si Lyzzie
naman. Awkward.

“Ang magtatanong sa inyo...” Bumunot ulit si Ma’am sa isa pang bunutan “Ronquillo, Taylor.”

Now, this is awkward

Corr’s
“So. My questions are...” Leche, nagg-grin pa ‘tong babaeng ‘to. BV. “For Migs.” Sabi ni Taylor na may halong
sweetness at flirt-ness sa boses niya. Tumahimik naman agad ang klase. Syempre lahat gusto marinig ang tanong
ng girlfriend niya sa boyfriend at ex-girlfriend nito. “For the two of you, We all know na you were ex-mates” Sabay
taas ng kilay niya. POOTS. “So, Ano yung ni-regret niyo sa isat isa? I mean when you we’re still a couple and when you
guys broke up.” May sarcasm pa dun sa pagsabi niya ng word na ‘broke up’.
“Erm...” Tae. Ano ba isasagot ko---
“Ms. Ronquillo, I think it’s more appropriate that I’ll be the one to answer your questions.” Sabi ni Migs na may
halong sweetness din sa boses. LECHE. Dun kayo maglandian sa labas. SHOO. “Regrets ba? When we were still a
couple, I regret na never ko siyang dinala somewhere far. I mean a beach or something like paradise. We never dated
thatromantically. Most of the time nasa street lang namin kami. Well we’re neighbors. Nagpapakagat lang kami sa
mga lamok sa street namin.” Then nagsipag tawanan yung mga chismoso naming kaklase. “But I consider
it romantic. Because I realized wala naman pala sa lugar yun, maganda man o hindi, expensive or simple. Ang
importante magkasama kayo, masaya kayo at mahal niyo ang isa’t isa.” Miguel?! What the F?--- “Well, kung
tatanungin niyo naman ako kung anu yung ni-regret ko when we broke up. I regret that...

we broke up.”

***

“Hindi mo ba ako papansinin?” Tanong ko kay Presbi habang hinahabol siya maglakad. Pambihira. Magka-group kasi
kami sa Filipino, Irereport namin yung susunod na chapter sa ElFili. Eto namang si Presbi kanina ko pa kinukulit
regarding sa hatian ng gagawin sa reporting. “Bahala ka nga! Kung ayaw mo magreport ikaw naman ang walang
grade! Sasabihin ko na lang kay Ma’am na wala kang kinotribute.” Dirediretso kong sabi habang huminto sa
paglalakad.

Grabe. Inabot namin ang waiting sheds sa paghabol sa kanya---

“Magrereport naman ako eh.” Masungit niyang sagot. “Kahit ako na lahat gumawa, nung visuals, video at kung ano
ano pang props. Ako na lang gagawa nang matahimik ka na.” Aba.
“Kaya nga group work di ba? Tayo ng group-mates natin ang gagawa. Hindi ako lang o ikaw lang.”
“Kaya ko naman gawin yun lahat eh. Kaya kong gawin yun kahit walang tulong ng ni isa man sa inyo.” Tae. Ba’t ba
napaka sungit nito?
“Ba’t ka ba ganyan ha?! Group work lang nagkakanda ganyan ka na? Ano bang ikinasusungit mo? Tinatanong kita ng
maayos! Halos matapilok na nga ako kakahabol sayo eh!” BV.
“Sinabi ko bang habulin mo ko? Sino bang nagsabi sayo na habulin mo ko hanggang dito?”
“Malamang! Hindi ka nakipag-cooperate sa meeting ng group natin kanina. At malamang walang
gustong umapproach sayo, kaya nga nandito ako eh! Pasalamat ka at kinakausap pa kita about this. Pwede ka naman
namin hindi isali.” This is really childish. BV.
“Ha! Salamat ha? Ano okay na?” Tae. Ang sungit talaga.
“Ano ba problema mo ha? Menopause ka na ba? Simpleng group work nagkakaganyan ka.”
“Ang kulit kulit mo kasi! Napaka kulit mo! Nakakairita ka! Dun ka na sa Migs mo! Magsama kayo! Bagay naman kayo
eh!---” Bigla siyang napatigil sa pagsasalita at napatingin sa baba.
“So? Eto yun? Dahil lang dun? Nagkakaganyan ka?” Hindi siya nagsasalita, hindi rin niya ako tinitignan. “Bakit?
Nung sinabi mo ba sa class kanina yung about dun may sinabi ba ko ha? Nagreact ba ko? May narinig ka ba sakin?
Nagreklamo ba ko? Wala naman di ba? WALA! Ta’s ngayon magiinarte ka ng ganyan dahil lang dun?!”
“Dahil lang?” Then tumingin na siya sa mga mata ko. Nagulat ako, kitang kita sa mga mata niya na galit na galit siya.
“Dahil lang dun?”
“Oo. Ano ba gusto mo? Di ba okay naman na tayo? Wala na nga akong sinasabing kahit ano di ba? Tas ngayon aarte
ka ng ganyan?!---”
“Hindi mo kasi naiintindihan.” Plain niyang sagot.
“Hindi maintindihan? Alin? Yang kaartehan mo?”
“Hindi mo maintindihan!---”
“Leche. Paulit ulit ka---”
“NAGSESELOS AKO!!!” Nagulat ako sa sinabi niya. “Dahil lang dun?! Hindi mo pa ba nahahalata? Nagseselos
ako. Alam mo ba yung pakiramdam ha? Naramdaman mo na bang manlumo? Yung tipong lahat binibigay mo na,
lahat ginagawa mo na para lang sa isang tao. Para lang mapangiti ng ganun yung isang taong
sobrang importante sayo? Then in the end makikita mo... Iba yung nagpapangiti sa kanya ng ganun. Yung ngiti na
ang tagal tagal mo ng pinagttrabahuhan. Yung sobrang binibigyan mo na ng effort. Tapos malalaman mo effortless
lang na magagawa ng iba yun? Naramdaman mo na ba yun ha Corr?”

Tinatanong niya ko, pero ewan naputol yata yung dila ko. I tried to say something pero walang lumabas na mga salita
sa bibig ko.

“See? Hindi mo alam. You dont have any idea kung gano kasakit yun. Now, Sabihin mo nga sakin kung
ganun lang yun?”

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.840.html#ixzz24XBQTEZu

ROUND 30
"Mind for Feeling and Heart for Thinking"
Love unlocks doors and opens windows that weren't even there before.
-Mignon McLaughlin

TAYLOR's
"Taylor, wag ka na ngang magsungit dyan---" He said for the nth time as we reached his house.
"What the hell are you thinking Miguel? What the hell was that" Then I threw my bag sa sofa.

I really can't believe this. Napahiya ako dun kanina ah!

"Ano ba, Di ba I told you that was nothing" He said irritated.

Aba at sya pa may ganang mainis ngayon?

"Don't lie to me Miguel." I said. "I saw everything., I heard every single word you said and the way you look at her.
C'mon."
"Bahala ka. I already told you. THAT WAS NOTHING. I'm just playing around her. Okay?"
"Seems not."
"I'm tired. You just tell Manang what you want to eat. I'll go to sleep na." Then umakyat na sya ng stairs.
"Miguel--- Hey! Hindi pa ko tapos---" Grrrrr!!!

I FCUKING HATE YOU CORR.

STEVE's
"Pre, Okay ka lang?" Pangilang ulit na tanong na namin kay Presbi.
We're here sa S.P - Ako, JJ, Drei, Dro, Lee and si Presbi na kanina pa pinanggi-gigilan yung can ng Coke.

"Kanina pa yan eh. Nakakailang Coke na nga yan eh. Di kaya malasing yan? HAHAHA." Birong sabi ni Dro.
"Gagu. Wag ka maingay wala sa mood oh." Nguso naman ni Lee.
"Ano ba nangyari jan? Kanina pa ba ganyan yan?" Tanong naman ni JJ.
"Ata. Palibhasa cut kayo ng cut - wala kayo sa eksena. Ayan." Sagot ko.
"Oo nga, nakakapanibago. Ganyan naman yan pag may kung anong nangyaring masama. Ano ba talaga nangyari?"
Dagdag ni Drei.
"Pwede ba? Magusap kaya kayo pag hindi ko kayo naririnig?" Biglang sabi ni Presbi.
"Nakakarinig naman pala eh." Sabi ko. "Kanina pa kaya kami nangangamusta?"
"Anong nangangamusta? Eh magkakasama tayo kanina pa." Masungit parin na sagot niya.
"Kaninang Break okay ka pa. Nang maguwian na - Ayan." Sagot naman ni Dro.

Sabi na nga ba eh - Sumama aura niya nang dahil dun sa lecheng activity sa Social Studies.

"Don't tell me hindi ka pa nakaka-move on dun sa activity kanina sa Social---"


"Shut Up." He said.
"So~~~ Tell me." Sabi ko na may halong pangiinis. "Selos ka no??"
"Tarantad0."
"Oh. Relax lang bayaw." Sabay smirk.
"Pwede ba?" Pananakot niya sakin.
"Oh~ Oo na. Tatahimik na." Sabay tawa.

So tama nga ang hinala ko? Nagselos ang mokong sa mga sinabi ni Migs kanina. Gag0 kasi yung si Migs halata
namang natutuwa siya na nakikitang nagseselos si Presbi sa mga sinasabi niya about sa kanila ni Corr noon. Hindi
lang ako nagre-react syempre may teacher pa eh - Mahirap na, masyado na kaming sikat sa D.O.

"Oh. Teka bago magkalimutan Presbi - Yung kakantahin mo bukas ah. Baka mapurnada pa." Paalala ni JJ.
"Oo naman, labas sa usapan yun. Umo-o na ko, may choice pa ba?" Sagot ni Presbi.
"Gagu."
"Joke lang. Syempre birthday mo. Ikaw boss."
"Anong kakanta?" Tanong ni Drei.
"Kasi..." Parang nagb-blush pa ang mokong. "Magpo-propose na ko kay Nics." Bulong ni JJ.
"ANO?!?!?!" Sabay sabay na tanong namin.
"Magpapakasal ka na JJ?!? WAG MUNA! BATA KA PA!" Sabi ni Dro na sumisigaw pa.
"Adik. Hindi kasal." Sabi naman ni JJ. "Tatanungin ko na siya kung pwede ko na siyang maging girlfriend." Medyo
nahihiyang sabi pa ni JJ.

Girlfriend?!? Si Nics?!?

"Ayos!!" Sabay sabay nilang sabi, nagsipag high five pa.


"Seryoso ka jan?" Bigla silang napatigil at napatingin sakin.
"Huh? Oo naman." Sagot ni JJ na medyo nagulat sa reaksyon ko.
"Ayaw mo non tsong, may girlfriend na ulit 'tong si JJ-Boy." Dagdag ni Dro.
"Pero..." Ano. Pero? Baka lokohin mo lang siya, tulad nang ginawa mo sa iba "Ah eh wala. Congrats tsong. Goodluck
para bukas." Sabay nakipag fist to fist ako sa kanya.

***

Nang magkayayaan ng umuwi. Nagpaalam na kami sa isa't isa.

Sabay sabay na sila sa sasakyan ni Presbi habang sumabay naman ako sa sasakyan ni JJ, susunduin kasi ni JJ si Nics
sa bahay - Magkasabay silang umuwi ni Corr pero nagpaiwan muna dun si Nics.

"Wag ka magalala, hindi ko sya lolokohin." Biglang sabi ni JJ out of the blue.
"Huh?"
"Alam ko ang iniisip mo - Iniisip mo, lolokohin ko lang si Nics tulad ng ginawa ko sa iba. Kay Jazz." Sabi niya habang
nag ddrive.
"Pare tapus na yun---"
"Alam ko nagwo-worry ka para kay Nics. Pero trust me, this time it's different." He said. "Alam ko this is bullsh!t - but
to compare Nics to Jazz... Nics is way better than Jazz. No offense pare, I'm just saying this because until now hindi ko
maisip yung dahilan kung bakit mas pinili mo si Jazz kaysa sa kanya" Sabi niya sa tonong hindi nagmamayabang -
Parang sinasabi lang niya yung totoo.
"Tama ka, Iba talaga si Nics. She's very caring to the point that she doesnt care anymore kung siya yung masasaktan.
Basta hindi masasaktan yung mga mahal niya." Bigla kong naalala nung nag movie marathon kami noon. Sa kanya ko
pa kinwento lahat, about kay Jazz at sa feelings ko about ka Jazz. Ang laki kong bobo. Sa kanya ko pa talaga sinabi.
"Tama ka. Yun ang nagustuhan ko sa kanya, hindi siya selfish. Kasi para sa kanya pag masaya na yung mga taong
mahal niya. Sasaya din siya. Kaya shes doing everything para maging masaya yung mga mahal niya." Tama siya.

Pero bakit nga ba hindi si Nics ang pinili ko? at si Jazz ang pinili ko?

Ewan ko din, Mahalaga sakin si Nics. Mahal ko siya, in a way na ayaw kong nasasaktan yung feelings niya. Kahit all
this time pala ako yung nananakit sa kanya.

Pero with Jazz, it's different. Pag kasama ko siya, gusto ko lagi ko siyang aalalayan, aalagaan. Basta di ko rin
maexplain. May something kay Jazz na nagpapagaan ng loob ko. Parang matagal ko na siyang kilala.

Pagkakita na pagkakita ko pa lang sa sa kanya - Nung umiiyak siya. Parang... gusto ko na


siyang protektahan at ipagtanggol sa lahat na nananakit sa kanya.

Although there is something weird - Everytime we kissed (Though 3 times pa lang kaming nagkikiss - since we feel
something different about our kiss) parang lagi kaming nagkakahiyaan. Hiya na - Awkward. Siguro hindi lang talaga
kami marunong humalik. HAHAHA--

Sandaling oras lang at nakarating na agad kami sa bahay namin.

"Pero tsong, sana hindi sumama loob mo sakin - kung sakaling magiging kami nga ni Nics. I hope you'll be happy for
us."
"Of course"

CORR's
"Talaga??! Sinabi na niya yun?!" Gulat na gulat na pagkukumpirma ni Nics.

We're here sa room ko. Since kanina pa ko bothered about sa nangyari kaninang uwian samin ni
Presbi. "NAGSESELOS AKO!!!” BV. Paulit ulit na nagp-play sa utak ko yung mga sinasabi ni Presbi. Nagseselos siya.

Kinwento ko lahat lahat ng nangyari kay Nics. Kailangan ko ng mapagsasabihan eh.

After magsalita kanina ni Presbi. Wala nang boses na lumalabas sa bibig ko. Ewan ko, na-blangko ako bigla. Kaya
ayun as usual nag-walk out sya.

"Tama naman ako di ba? Hindi naman dapat siya magselos." Sabi ko. Actually, paulit ulit ko na 'tong sinasabi kay
Nics at sa sarili ko. Pero parang kahit ako hindi naniniwala.
"Hay nako Corr." Sabi ni Nics - na mukhang nababagot na kaka-explain sakin paulit ulit. "Wag ka ngang
magpakatigas kasi." Then she poked my temple. "Wag mo masyadong pairalin yan." Sabi niya sabay turo sa noo ko.
"Minsan, hindi naman masama maging tao. Kaya nga tayo binigyan niyan." Sabay turo sa may tapat ng chest ko.
"Para gamitin natin pag hindi Math, Science o kung ano mang subject ang kailangan ng sagot. Dapat matuto rin yang
puso mo magisip." Sabi niya.
"Ginagamit ko din naman 'to eh." I said, kahit medyo naguguluhan ako dun sa sinabi ni Nics.
"But Corr, it doesnt mean that if your heart already learn how to think, Your mind will soon learn how to feel." Then
ngumiti siya. "Hindi ko alam kung dapat sakin manggaling 'to eh..."
"Alin?" Tanong ko agad. Nasa mukha niya na naghe-hesitate talaga siyang sabihin sakin.
"Dapat ikaw mismo ang maka-figure out Corr. Dapat ikaw mismo ang maka-realize."

Ngumiti siya sakin.

*KNOCK. KNOCK. KNOCK.*

"Sino yan?"
"Lyzzie, kami na 'to." Si Kambal.
"Sige pasok lang."

Kasama ni Kambal si JJ, hinubad muna nila yung sapatos nila bago pumasok ng kwarto ko.
"Hi" Bati ni JJ kay Nics.
"Hi."

Asuss. Gumaganun pa. Parang mga engot. HAHAHAHA.

"Oh pano Corr, Uwi na ko ah? Late na rin kasi." Sabi ni Nics.
"May magagawa pa ba ako? Nandyan na driver mo oh?" HAHA. Pangiinis ko.
"Oi. Sira." Sabi naman ni JJ.
"JOKE lang. 'to naman."

Sinamahan namin ni Kambal bumaba sila Nics at JJ. Hinatid namin sila hanggang gate.

"So pa'no, Twins una na kami ah? Tomorrow ulit! Uy Party ko na bukas ah baka makalimutan niyo." Sabi ni JJ.
"Ay. Shet. I forgot." Pangiinis ko.
"Luul." HAHAHA. Leche 'tong si JJ oh.
"O sya sya. Ingat JJ sa pag ddrive ah?" Then hi-nug ko si Nics. "See you tomorrow!

Thaaaaanks!"
"Wala yun." Then she winked.

Isinakay na ni JJ si Nics sa sasakyan at umikot naman siya ulit sa may driver's seat.

"Ingat!" Kaway namin ni Kambal.

Binaba ni JJ yung glass ng window niya.

"Corr." Sabi ni Nics na nakasilip. "Don't worry. Hindi na siya yung tulad ng dati."

Then she giggle.

Kumaway na ulit kami at umandar na yung sasakyan nila - Bumusina muna sila syempre.

"Hindi na siya yung tulad ng dati." I thought.


"Sinong siya?" Kambal asked.
"Wala. Chismoso ka talaga." At naglakad na ko papasok ng bahay. "Yung gate sara mo ah."

HAHAHA.

Pumasok agad ako ng kwarto ko. Nagpunas punas, nagtooth brush at naghilamos then nagpalit ng PJs.

"NAGSESELOS AKO!!!" BV. Hanggang ngayon, hindi pa rin mabura sa isip ko yung sinabi ni Presbi. Nagseselos
siya. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Humiga na ako sa kama ko at tumingin sa ceiling. Maya maya bumukas yung pinto ko.

Si Kambal.

"Ow?" Tanong ko sa kanya sabay bangon.


"Wala, chinecheck lang kita. Ayan ka na naman - lagi ko ng pinapaalala sayo. Bago matulog - i-lock ang pinto." Hawak
parin niya yung door knob habang sinesermunan ako.
"Opo."
"O sya sya. Matulog ka na, maaga pa tayo tomorrow." Tumayo ako papuntang pintuan.
"Okay po. Good night." Sabi ko sa kanya.
"Good---"
"Kuya..." Naalala ko bigla.
"May problema?" Tanong niya agad.

Nakatayo parin kami sa may pintuan ng kwarto ko habang nakahawak sa pinto.

"Lagi na lang bang problema dala ko?" HAHA. Alam niyo yun, imbis na ng itanong niya eh.

'Bakit?' o kaya 'Ano' ang tanong agad niya: 'May problema?' HAHAHA---
"Tinatawag mo lang naman akong Kuya pag may gumugulo sayo eh." Sabi niya.

Weh. Ganun ba ko? >.<

"Ano ba yun?" Tanong niya ulit.


"Ehh... Ano kasi..." Shet. Ano ba sasabihin ko? "Sabi kanina ni... Ano..." Ano ba Corr. Asan na naman ang dila mo. "Ni
Presbi---"
"Na nagseselos siya?" Agad na sabi ni Kambal. "Dahil dun sa nangyari kanina?" Nanlaki yung mata ko nang sabihin
yun ni Kambal. Paano niya nalaman? "Tama?" Nag nod na lang ako. "Hay nako Lyzzie..."
"Ano... Ano ba ibig sabihin nun?" Tanong ko.
"Gusto mo bang sabihin ko pa sayo?" Sabi ni Kambal na parang si Nics kanina - Bored na bored sa pag a-advice
sakin.

Hindi ako sumagot - hindi ako makasagot. Then he sighed.

"Nagseselos siya kasi..." He said then he hold my shoulders.

Wala siyang sinunod na mga salita. He just left his phrase hanging.

"Kasi?" Tanong ko. Then bumitaw na siya sa pagkakahawak sa shoulders ko.

"Ayokong i-ispoil ang moment ni Presbi." Then humawak na ulit siya sa door knob. "Ayoko din na sakin pa
manggaling." He winked. "Pairalin ang puso paminsan minsan.

Goodnight Lyzzie. Don't forget to lock your door." Then sinara na niya yung pinto.

"Pairalin ang puso paminsan minsan?" Eh?

Humiga na ulit ako sa kama ko. Tumingin ulit sa ceiling.

"..."

"..."

"Pairalin ang puso paminsan minsan."

Ano ba....

Ano bang ibig nilang sabihin?

Presbi...---

*bzzt*

Nagmamadali kong kinuha yung cellphone ko nang maramdaman kong nag vibrate ito... Sino

kaya yung nagtext??

Sana si ano... Si...

Quote
From: Nics

sis. anong plan mo ky Presbi? kakausapin mo ba tom? OMG. tell me ok? Gudnyt. (: mwa.

Hay nako Corr. Ba't mo ba iniisip na siya ang magtetext?


TSS. Kainis.

Oh. Teka? Ba't ka naiinis?

Kasi iniisip mong siya yung nagtext?

O dahil...

Hindi siya yung nagtext?

TAKTE. >.<

Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,186427.870.html#ixzz24XBWvsOJ

You might also like