You are on page 1of 85

My Pink Bicycle

by: Yhukie


Characters

Farrah Gwyneth Bautista

Charles Yuan Villa III

Earl Harry McAdam

Elisha Beatrice Villa

Prince Axel Cojuangco

Anjela Reyes

Rubii Uy

Han Lee

Adrian Chan

Alicia Lopez

Veronica Hernandez


Others

Fajardo Bautista

Aneth Bautista

Chapters

Chapter 1~ Endearment
Chapter 2~ HHWW
Chapter 3~ Paint My Bike
Chapter 4 part 1~ Free ride, free hug!
Chapter 4 part 2~ First Half Day of Yuan
Chapter 5~ Sweet Rainy Day
Chapter 6~ Kiss, kiss, kiss
Chapter 7~ The Past
Chapter 8~ Be Ready Baby
Chapter 9 part 1~ The Big Surprise
Chapter 9 part 2~ Happy Monthsary
Chapter 10~ Unknown Caller
Chapter 11~ Mysterious Guys
Chapter 12~ Harry Potter, is that you?
Chapter 13~ The Big Revelations
Chapter 14~ Roses For Breakfast





Prologue:

One Thursday afternoon...

"Aargghh! Ano ba namang hangin yan! Nagsitumbahan ang mga bike dito. Pati yung
sakin nadamay pa."

Parating ganyan ang nangyayari sa mga bike dito sa school pag mahangin. Tapos
madalas nadadaganan yung kulay pink kong bike. Huhu.

Tulad ngayon hindi ko maitayo tong bike ko. Nadaganan nanaman.

"Hahaha! Ang cheap kasi!" tss. Ayan nanaman ang dalawang maldita.

"Oo nga. They don't have car kasi. Kaya bike lang meron. How cheap!" sabi naman nung
isa na nakacolor orange na top at miniskirt na violet at nakashoulder bag na yellow at
nakasneakers na blue. Siya si Alicia Lopez.

"Ang yaman nga ang baduy naman." ang sabi ko na medyo mahina.

"Anong sabi mo?!" sabay nilang sabi.

"Sabi ko ang ganda niyo sana kaso ang babaduy niyo naman." mukhang nairita sila sa
sinabi ko. Away na to.

"Sinong baduy? Kami? Ikaw nga mukha kang basura. Ewee!" mga mayayaman nga
naman. Kala mo kung sinong perpekto at maganda.

"Basura pala ako eh. Bakit kayo nalapit sakin? Paewe-ewe ka pa. Kala mo ang bango
mo!" haha! Inamoy naman nila yung sarili nila. Sa totoo lang ang baho ng perfume nila.
Ang tapang ng amoy. Ayon, mukhang naiinis na sila sakin.

"Pasalamat ka at may pictorial pa kami ngayon. Humanda ka sa amin sa susunod." sabi
naman nung isa na nakashort short at spaghetti strap at nakaflipflops lang. Halos kita
na buong kaluluwa niya. Ano siya nasa bahay? Siya pala si Veronica Hernandez.

"Thank you! Kahit hindi ako maghanda, I'm always ready naman. See you again!" nainis
nanaman sila. Kaya ayun tinumba nila ng tuluyan ang aking pink bike. Sabay alis nila.

Pag nasira talaga to kayo ang humanda sakin. Mga walang magawa sa buhay. Hmpf!

"Ang bigat naman!" kasi naman yung bike na nakadagan sa bike ko may nakadagan din
na isa pang bike. Parusa ito. Help naman oh!

"Miss, tulungan na kita." sabi ng isang guy. He's around my age I think.

Wow! Ang lakas ko talaga sa itaas. Thank you Lord.

"Oh sige. Pero mamaya na ako magpapasalamat pag natulungan mo na ako." ang sabi ko
sakanya. Hindi ko siya kilala pero malamang dito siya nagaaral. Describe ko ha?

He's tall, white complexion, pointed nose, chinito pero nakaeyeglasses siya, may
mapuputi at pantay pantay na mga ngipin, red lips, may isang hikaw sa left ear, walang
pimples. Naka white cap na adidas at nakacollar shirt na pink at dirty white short at
nakarubber shoes na adidas din. Mukhang magtetennis lang ah? Haha.

Ang galing ko no? Napagmasdan ko siya agad. Hehe.

"Miss, ito na yung bike mo. May gasgas nga lang." ano daw? May gasgas yung bike ko?!

Tinignan ko naman agad yung bike ko. May gasgas nga. Nawala yung pintura. Huhu!
Malas talaga!

"Salamat ha? Sige una na ako." nakasimangot kong pagkasabi.

"Pwede bang sumabay sayo?" ang sabi niya tapos ngumiti.

"Sure. Taga saan ka ba? Isa lang ba way natin?" sagot ko naman sakanya.

"Taga green forest ako. Eh ikaw?" hawak-hawak na niya yung mountain bike niya. Wow
sosyal, Hummer yung tatak. Samantalang yung akin, Michiko London lang.

"Sa green pasture ako. Magkatabi lang pala yung street natin." sa green forest sila?
Mayayaman nakatira dun ah. Pero hindi naman lahat. May mayaman din naman sa
street namin. Hindi nga lang kami belong dun. Nasa average level lang kami.

"Tara."

Sabay kaming nagbike. Ako sa daan lang nakatingin, pero siya tumitingin-tingin sa akin.
Nakikita ko kasi sa peripheral vision ko. Bakit kaya?

"Gusto mo pinturahan natin yang bike mo?" ano daw? Hindi ko narinig masyado dahil
sa mga sasakyan sa kalsada. May sariling daanan kasi ang bisikleta dito. Para walang
disgrasya.

"Anong sabi mo?" pasigaw kong sabi.

"Sabi ko, kung gusto mong pinturahan natin yang bike mo. Halata kasi yung gasgas."
ahh. Yun pala sabi niya. Kaya pala tumitingin-tingin siya sa akin, Ay hindi paka sa akin.
Sa bike ko. Assuming ko talaga.

Ngumiti lang ako sakanya. Nakarating na din kami sa loob ng subdivision. Huminto
kaming dalawa.

"Hatid na kita hanggang sa inyo. Mauuna naman yung street niyo sa amin."

"Huwag na lang. Nakakahiya naman. At saka, malapit na din naman yung sa amin dito."

Actually malayo-layo pa yung street namin. Ayoko naman magpahatid pa sakanya no.
Malalaman niya pa bahay namin. Stranger kaya siya.

"Malapit ka diyan. 2 streets pa ang dadaanan bago yung sa inyo. Tyaka delikado na dito,
lalo na sa panahon ngayon. Hayaan mo na akong ihatid kita." okay. Mapilit siya at may
point din. Delikado na nga ngayon.

"Sige na nga." pumayag na din ako. Mukhang mabait naman siya at hindi nangangain
ng bata. I mean tao, hindi na pala ako bata. Haha.

Nung malapit na kami sa green pasture, naisipan namin na maglakad na lang. Syempre
kasama pa din namin yung bike namin.

"Uy salamat ha? Dito na pala yung bahay namin." nasa harap na kami ng bahay ko.

"Wala yun. Malaki din pala ang bahay niyo." sabi niya habang tinignan niya mula
bubong hanggang lupa yung bahay namin.

"Maliit lang yan. Compare mo naman sa mga kapitbahay namin." tumingin-tingin siya
sa mga bahay sa paligid.

"Malaki pa rin kung tutuusin." hindi rin siya makulit no?

"Sige pasok na ako sa loob. Salamat sa pagtayo ng bike ko at paghatid sakin." papasok
na sana ako sa loob. Kaso nagsalita siya.

"I'm Charles nga pala." napangiti tuloy ako nung nagsalita siya.

"Bakit ka nakangiti?"

"Kasi kanina pa pala tayo magkasama at nagkakausap hindi pa pala natin alam ang
pangalan ng isa't isa." ngumiti ulit ako. Ngumiti din siya.

"Kaya nga. And you are?"

"Gwyneth. You can call me Gwen if you want." inilahad niya yung kamay niya.

"Nice to meet you. Call me Yuan na lang. Much better I think." Yuan? Ang cute naman
ng name. Nagshake hands na kaming dalawa.

"Okay. Nice to meet you too Yuan."

Sumakay na siya sa bike niya.

"See you tomorrow Gwen." nagwave pa siya pero nakatalikod na sa akin.

Ang nice naman niya. May new friend nanaman ako. Pero bakit parang hindi ko siya
napapansin sa school? Hindi na rin ako magtataka. Sa laki ba naman ng school namin
eh.

Anyways, hindi niyo pa ako kilala right? I'm Farrah Gwyneth Bautista. Just an average
girl. Hindi ako tulad ng ibang girls na mahilig sa mga cute boys (sa mga hot boys lang.
Haha. joke.). Hindi ako ganun kaganda, pero maappeal naman. Wala nga lang
nakakapansin sa sex appeal ko. Haha. In short hindi ako habulin ng guys. Mas okay na
yun no, baka masabihan pa akong flirt. Ewee! Di bale na lang. Unica hija lang pala ako.
Wala akong kapatid. Anak ako ni mama at papa. Malamang. Haha. Si papa isang
engineer at si mama naman housewife. Pero paminsan may work din siya. Sila ay sina,
Mr. Fajardo Bautista and Mrs. Aneth Bautista. Sa name nila nakuha ang pagkaganda-
ganda kong name. Haha. At least sa name man lang may maganda sakin.
Dicieseis na pala ako, 4th year high school sa International University of the Universe.
(fictional lang po) Never been kiss never been touch. In short never pa akong
nagkaboyfriend. Bata pa naman ako, hindi ko pa kailangan nun. Ni crush nga wala ako
ngayon eh. Bigyan niyo nga ako. Haha. Just kidding. So that's it.

Halina at samahan niyo ako sa aking kwento. With my pink bike of course! That's my
ride! ^_^

Chapter 1
Endearment



"Yehey! Friday na ngayon. Walang pasok bukas. Rest day!"

Pasigaw kong sabi sa sarili ko. Kasi nasa room pa ako ngayon. Kagigising ko lang.
Magpeprepare na muna ako. Maya-maya lang papasok na ako sa school.

"Gwen!" sigaw ng aking mother dear yun ah.

"Bababa na po ako. Wait lang." sigaw ko din sakanya. Hindi naman kasi niya ako
maririnig pag bumulong lang ako. Haha.

"Farrah!!" si papa naman ang tumawag sa akin ngayon. Siguro inaantay nila ako para
sabay-sabay kaming mag-agahan.

Si papa nga pala, Farrah ang tawag sakin. Di ba nga sakanya nanggaling yung 1st name
ko. Si mama naman, Gwen ang tawag sakin.

Ayan, tapos na din ako magbihis. Ang suot ko ngayon, simpleng tshirt lang na color
skyblue and jeans. Nakalugay ang aking pagkaganda-gandang buhok. Hindi po iyan
rebonded. Natural yan. Haha.

Pagkababa ko, si papa nagsusuot na ng sapatos. Si mama naman nakatayo sa tabi ng
door.

"Pa, papasok na po kayo?" lumapit ako kay papa.

"Oo. Ang tagal mong bumaba kaya nauna na akong kumain. Sabay na kayo ng mama
mo. Mauna na ako." tumayo na siya at palabas na ng bahay.

"Ingat po kayo papa." I kissed him on his cheek.

"Mag-ingat ka din sa school mo. Ingat sa pagbibike ha?" tumungo lang ako. "Alis na
muna ako hon." he kissed mama.

"Ingat ka." pahabol na sabi ni mama. "Kain na tayo Gwen."

Dumeretso na kami sa hapagkainan at nagsimula ng kumain.

After namin kumain ng agahan, nagpaalam na din ako kay mama para pumasok sa
school.

Kinuha ko na din yung bisikleta kong pagkaganda-ganda. Haay. Halatang-halata nga
yung gasgas. Nakakainis talaga. Pag ako binangga ulit nung dalawang yun,
masasabunutan ko na talaga sila.

Naalala ko tuloy yung nakasabay ko kahapon na chinito. Ano nga ba ulit name nun?
Hmm..? Charles ba? O Yuan? Ay tongeks! Parehas pala niyang name yun. Papinturahan
ko kaya sakanya to? Siya naman nagoffer eh. Tama! Sana magkita kami mamaya.

Nagsimula na akong magbike. Mga 10 minutes din mula sa bahay papunta dun sa
school. Tapos mga 5 minutes naman bago ako makarating sa classroom ko.

I feel something... weird. Someone's following me. I stopped. Tingin sa likod, tingin sa
kanan at kaliwa. No one is around. Baka guni-guni ko lang.

Nagpatuloy na ako sa pagbibike. Pero feel ko talaga may sumusunod sa akin eh.

Aha! Alam ko na. Magamit nga ang cellphone ko na may mirror. Makikita din kita kung
sino ka. Nagpatuloy ulit ako sa pagpedal. Ginamit ko na ang aking mahiwagang
cellphone.

"Aha! Gotcha boy!" ikaw lang pala.

"Waaaaaaaaaaaa!!"

~Blaaaaaaaaagg!!~

Gad! Muntikan na akong tumilapon ah! Bumangga ako sa isang poste. Grr!!
Kashungahan.

"Ouch!" arrgghh! Natamaan nung isang pedal ang aking legs. Huhu!

"Gwen ayos ka lang? Tulungan na kita." hmpf! Dahil sayo nabunggo ako!

"Sa tingin mo okay lang ako?" mahinahon kong sabi.

"Hindi. Sorry, it's my fault." ang sabi niya habang inaayos yung bike ko sa daanan.

"Kasi naman, pwede mo naman sabihin sakin kung gusto mong sumabay. Hindi yung
palihim mo pa akong sinusundan."

Alam ko naman na sinsundan niya ako. Kaya wag niyo isipin na assuming ako. Kasi
totoo naman yun.

"Sorry po ulit. Hindi na mauulit. Nahiya kasi ako." hindi siya nakatingin. Nakatungo
lang siya.

"Sus! Nahiya ka pa? Eh samantalang kahapon, ikaw pa yung nagtanong kung pwede
bang sumabay. Oh sige ganito na lang..." naputol yung sasabihin ko kasi nagsalita siya
bigla.

"Pwede bang sumabay sayo araw-araw? Pagpasok sa school at paguwi?"

Napangiti tuloy ako. Parehas pa kasi kami ng naisip.

"Sure yun lang pala." I smiled again.

"Hindi ka na galit?"

"Sino bang may sabi na galit ako? Tyaka okay na din yung araw-araw tayong sabay. Para
hindi ako nadidisgrasya."

Napakayuko ulit siya. Anu ba yan, napakamahiyaan naman nito.

Nandito na kami sa school. Nung bumangga ako sa poste kanina, malapit na yun sa
school namin. Kaya habang magkausap kami kanina, naglakad na lang kami.
Naiimagine niyo naman siguro kung paano kami naglalakad with our bike right?

Naiparking na namin ang bike namin. Si Yuan ang nagayos sa tabi ng bakal. At doon
niya ikinadena yung bike namin. Pinagtabi niya si pink at si blue. Hehe. Ang cute!

Sabay kaming naglakad papunta sa classroom ko. Teka, saan pala classroom niya? Ka-
year ko ba siya? Same building ba kami? Ano ba yan, bakit ba sa sarili ko tinatanong?

"Yuan, dito na classroom ko. Saan ba yung classroom mo? 4th year ka din ba?" tumingin
siya sa akin at tumingin dun sa sign board ng class section namin.

"Dito din classroom ko. A-4 di ba?" ano daw? Dito classroom niya? Pinaglololoko ata
ako nito eh.

"Paano mo naging classroom to eh hindi naman kita classmate?"

Ngumiti lang siya. Weird nito ba.

"Hoi Faneth!! Andiyan ka na pala." wth! Tama bang tawagin akong Faneth sa harapan
ni Yuan? Loko talaga tong si Rubii. Galing siya sa loob ng classroom. Siya si Rubii Uy,
one of my bestfriend.

"Panget ka din. Don't call me Faneth nga in front of everyone." tumawa lang siya. Loko
talaga.

"Ui, Farrahpot alam mo na ba ang latest? May new classmate daw tayo." naku naman.
Isa pa tong si Anjela. Yan kasi endearment nilang dalawa sakin. Ang kulit lang. Siya
naman si Anjela Reyes, cousin ni Rubii and she's my bestfriend too.

Wait! Ano ulit sabi niya?

"May new classmate tayo?" mukhang nasesense ko na kung sino ah.

"Yap! Ang sabi nila, brother daw siya ni Elisha. Si..." tumingin si Jela kay Rubii.

"Si... Hindi ko maalala yung name eh. Hehe." toink! Sira talaga tong dalawa na to.

"Charles Yuan Villa III. Tama ba?" nagulat naman ako dito kay Yuan. Bigla-biglang
nakikisingit sa usapan.

Oh my gad!!

"IKAW??!!" sabay turo ko kay Yuan. Si Anjela at Rubii naman nagulat sa pagsigaw ko ng
"ikaw" at tumingin kay Yuan.

"Ikaw si Charles Yuan Villa III?!!" kailangan bang magchorus?

"Yap. Hi!" nagkiller grin naman si Yuan. Kaya yung dalawa...

"Kiyaaaa~!!" grabe sa tili! Muntikan ng masira ang eardrums ko.

Asahan niyo, pag tumili silang dalawa, ang mga boyfriend nila magsisisulputan.

"What happened bhie?" siya si Adrian Chan ang hearthrob ng classroom namin. Oo sa
classroom lang namin. Haha! Joke. Boyfriend siya ni Anjela.

"Pate!! Anong nangyari? Nasaktan ka ba?" asus! Kung makaconcern naman tong si Han
Lee kala mo nadapa yung gf niyang si Rubii. Magcousin sila ni Adrian.

Swerte nung dalawang bestfriend ko. Akalain mong may magkagusto sakanilang boy
next door ang dating. Haha.

"Ang gwapo mo!"
"You're so hot!"

Naman! Kinikilig-kilig pa yung dalawa. Tama bang deadmahin ang mga boyfriend?

Ngumiti lang si Yuan sakanila. Ngayon ko lang napansin, madami pala ang nakatingin
kay Yuan ngayon. Bakit kaya?

Matitigan nga si Yuan...

Ow.. he's... hot nga!! Nakakadrool...

"Gwentot, andiyan na teacher niyo."

"Huh?" nu sabi niya?

"Sabi ko andiyan na teacher niyo. Antayin kita mamayang uwian. Sa monday pa ako
papasok. Study well Gwentot. n_n" naglakad na siya papalayo.

Ahh... Anooo~??!! Gwentot tawag niya sakin??!! My golly..



"Yuanitooo~!!"
Chapter 2
HHWW


Uwian na din namin sa wakas. Gustong gusto ko ng umuwi sapagkat nakakapagod ang week na
to. By the way, month po ng August ngayon.

"Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi samin na friends pala kayo ni Mr. Hot!" sabi ni Anjela
habang nagaayos ng gamit niya sa locker.

"Kahapon lang kami nagkakilala nun. Tyaka wag niyo ngang tawaging Mr. Hot yung tao. May
name siya no." ang sabi ko naman kay Anjela. Nakasandal ako sa locker ko.

"Bakit? Hindi ba siya HOT para sayo??" sabi naman ni Rubii. Talagang inemphasize niya pa
yung word na HOT.

"Oo nga. He's so hot kaya! Talo niya pa bf ko. Haha" dugtong naman ni Jel.

"Kayo talaga. Buti na lang sanay na mga bf niyo sa kalokohan niyo."

"Minsan nga nagseselos na ako sa ginagawa ni bhie ko eh." asus. Nagdrama naman tong si
Adrian.

"Tama. Magselos ka, tapos awayin mo si Anjela. Ikaw na din Han, awayin mo yang si Rubiipot."
ang biro ko sakanila.

"Ang bad mo Faneth! Masama bang magkacrush?"

"So you mean, you have a crush on that guy??!" o away na yan oh. Tama bang umamin sa harap
ng bf? Haha.

"Bakit? Crush lang naman ah. Di ba Jelpot?" don't tell me crush na nila agad si Yuan?

"Yah right. Crush lang naman yun no. Kaya wag kayong magselos. Kasi, kahit gaano pa kadami
ang crush namin, hinding hindi kita ipagpapalit bhie." kacheesy naman nitong si Jelpot. Haha.
Sabay hawak niya sa braso ni Adrian.

"Talaga bhie? Ako lang?" tama bang dito pagusapan yan?

"Oo ikaw lang bhie ko." aw. How sweet!

"Ikaw din ba pate, hinding hindi mo iiwan?" ay nakakaloka. Isa pa tong si Han. Nakisali sa
kasweetan nitong dalawa.

"Ikaw pa. Ni hindi ko nga hinahayaan na may makalapit sayong girls eh, ang iwan pa kaya kita?"

"Ang sweet talaga ng pate ko. Pahug nga." maghuhug na sana sila, kaso pinigilan ko.

"Tigil niyo nga yang PDA niyo. Uwi na tayo. Magdidilim na. Kailangan ko ng makauwi."

"Hatid ka na namin Gwen."

"No thanks. Ayoko ngang iwan yung bike ko. At tyaka..." ano nga ba sasabihin ko??

"At tyaka???"

"At tyaka sabay kaming dalawa pauwi. Kaya hindi niyo siya pwedeng ihatid." si Yuan nanaman?
Anong ginagawa niya dito?

Naku, yung dalawa kong bestfriend kinikilig kilig nanaman. Grabe makatitig kay Yuan ha.

"Hoy Yuanito! Anong ginagawa mo dito ha??"

"Di ba sabay tayo pauwi? Everyday?" ay oo nga pala.

"Uuyyy!!" kantyaw naman nung apat sakin. Mga loko talaga.

"Che! Magsiuwi na nga kayo. Tara na Yuanito." tumalikod na ako sakanila at hinatak ko si Yuan.

"Uuyy!! HHWW sila!" pahabol na sabi ni Rubii.

HHWW???!!

Napatingin ako sa kamay ko. Oo nga HHWW kami. Ano ba naman yan. Kahiya.

"Sorry." inalis ko na yung kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. Napatungo tuloy ako.

"It's okay. Hindi lang naman para sa magboyfriend yung pag HHWW eh." hinawakan niya ulit
kamay ko.

Napatingin ako sakanya. Tatanggalin ko na sana...

"Wag mo ng tanggalin. Holding hands lang naman. Para safe ka." ngumiti siya sa akin.

Hindi ko na nga tinanggal. And feel ko naman na safe ako pag kasama ko siya. Ahihi.

Habang naglalakad kami sa quadrangle, pinagtitinginan kami ng mga tao. Naku, ito na nga ba
sinasabi ko eh.

"Pwede bumitaw na sa kamay mo? Ayoko kasi yung pinagtitinginan ng mga tao."

"Sino bang may gusto? Ayoko din kaya. Hayaan na lang natin sila. Wala naman silang alam eh."
nakahawak kamay pa din kami.

Teka.. Villa din siya di ba? So kapatid niya si Elisha?? Ang pinakasikat sa junior level. New
classmate namin siya? So anong section niya dati?

"Kapatid mo si Elisha Beatrice?"

"Oo. Kilala mo siya?" lahat ata kilala siya eh.

"Yah. Popular kaya si Elisha dito. Ano pa lang section mo dati? Alam mo, kahapon lang kita
nakita dito sa school. Si Elisha sikat, pero bakit ikaw parang hindi?"

"First time ko pumunta dito kahapon. Kahapon lang din ako nagtransfer dito. Nakakasawa na
kasi mag home school. Kaya hindi din ako sikat. At ayokong maging sikat. Sikat na nga buong
family namin, dadagdag pa ba ako? Ayoko nun. Mas masaya maging ordinary. Yung normal
lang." kaya pala kahapon ko lang siya nakita. Mukhang nakakasawa nga ang home schooling.
Naku, kahit ayaw niyang maging sikat, malamang hindi maiiwasan yun. Sa gwapo ba naman
niya. Baka matalo niya pa si Prince Axel.

"Ngayon pa nga lang pinagtitinginan ka na. For sure, sa lunes kalat na name mo. Tapos
malalaman pa ng lahat na magkapatid kayo ni Elisha. Wala kang kawala."

"Kung ganun nga ang mangyari, wala na akong magagawa. Ganun talaga ang buhay. Pero hindi
ako pumasok sa school na to para maging sikat. Tandaan mo yan ha? Andito ako para magaral
at magkaroon ng madaming kaibigan. At ikaw ang una kong kaibigan." napasmile naman ako
dun sa sinabi niya.

"Thank you." nagthank you na lang ako. Parang ang bait-bait niya. Nakakatuwa.

Habang naglalakad kami malapit na sa parking lot, may humarang sa amin. Sino pa ba eh di
yung dalawang maldita. Naku!!

"Look who's here. The cheapest girl in town." nakacrossed arms pa siya ha.

"And she's with a handsome guy ha. Cheap na nga flirt pa!" hindi naman nila ako nilalait niyan
ano?

"May paholding hands pa sila." lumapit siya kay Yuan. "You know what, wag kang didikit dikit
diyan sa cheap na yan. Hindi kayo bagay." so, anong gusto mong sabihin? Kayo ang bagay? Duh!
Nakakapang init ng dugo ha.

"Miss, hindi ako pumapatol sa girl. Pero kung ipagpapatuloy niyo pa yung panglalait niyo sa
friend ko, baka magiba ang ihip ng hangin at may magawa pa ako sa inyo." wow taray ni Yuan
ha! Go Yuan! Ipagtanggol mo ang 1st friend mo.

"Ang suplado mo ha! Akala mo kung sino ka. Di hamak na mas gwapo si Axel sayo."
nakikipagkompitensya ba si Yuan? Hmpf!

"Hoy mga baduy! Tumabi na nga kayo diyan. Haharang harang kayo sa dadaanan namin."

"Pano kung ayaw namin umalis?"

"Eh di wag! Sinong tinakot mo? Manigas ka diyan kung gusto mo. As if ito lang yung daanan
no!"

"Kahapon ka pa nangpipikon ah!" susugod na sana siya..

"Ituloy mo lang yan, kakalimutan kong babae ka." napatulala na lang kami sa sinabi ni Yuan.

"Let's go Gwen. Don't waste your time to a person like them."

Iniwan na namin yung dalawang maldita dun na nakatayo at asar na asar. Grabe talaga sila.
Wala silang magawa kung di insultuhin ako. Well buti na lang at sila pa ang napipikon sa mga
pinaggagagawa nila. Asa pa silang magpapatalo ako sakanila. Duh! Never!


Nandito na din ako sa harap ng bahay namin. Ay, kami pala ni Yuan. Hinatid nanaman niya ako.
Sabi niya, hahatid din daw niya ako parati. Ang bait lang.

"Thank you pala kanina ha?"

"Wala yun. Syempre kaibigan kita. Ayoko naman hayaan na may mangapi sayo. Kahit sino pa
sila, basta kaibigan ko na ang natatapakan, hinding hindi ko sila uurungan." akala ko sakin lang
eh. Haha.

"Ahmm.. Yuan?" papapinturahan ko na bukas yung bike ko sakanya.

"Magpapasalamat ka nanaman ba? Naku, wag na. You're always welcome."

"Hindi. Tinatanggap ko na yung offer mo.. Na pinturahan yung bike ko." sana hindi niya isipin
na sinasamantala ko yung kabaitan niya.

"Akala ko hindi mo na sasabihin yan eh." ibig sabihin inaantay niya na sabihin ko yun? "Sure.
Tomorrow morning, sunduin kita dito."

Haay.. Ang bait niya talaga.

"Salam.."

"Basta ikaw Gwentot, walang problema. n_n"

Wag ka ngang ngumiti. Nakakaloko lang eh. Haha.

Pumunta na siya dun sa kabilang side ng kalsada.

"Gwentot??!"

Ooppss.. May sasabihin papala siya. Papasok na sana ako sa loob eh.

"Yeah?"

"Can you..."

"Can you??"

"Can you be.. my.."


Brooooooooooooooooooooooom~.....
Chapter 3
Paint My Love Bike


Hindi ko narinig kung ano yung sasabihin ni Yuan dapat sakin kanina. Kasi naman, ang
epal nung truck. Tama bang dumaan sa harap ng naguusap? Hindi na tuloy inulit ni
Yuan yung sasabihin niya. Ano nga kaya yun??

Kesa isipin ko pa kung ano yun, itutulog ko na lang kasi maaga pa ako bukas.

Nakatulog na din ako at pagkadilat ko ng mata ko, umaga na.

Tinignan ko ang aking relo. My golly! 9:30 na! Napasarap ang tulog ko ha.

Nagmadali akong bumangon at dumeretso agad ako sa bathroom para maligo. Inabot
ako ng 35 minutes sa morning routine na ginawa ko. Tss! Makababa na nga.

Habang pababa ako ng hagdan, napatigil ako ng di oras. Si Yuan, andito sa loob ng
bahay namin at nakasitting pretty pa siya sa sofa namin at nanonood ng tv. My gulay!
Feel at home na feel at home ang loko.

"Gwentot, gising ka na pala." ngumiti naman agad siya sa akin.

Bumaba na ako at tumayo malapit sa sofa.

"Anong ginagawa mo diyan? Upo ka dito." aba ayos to ah. Parang bahay niya lang kung
magpaupo.

Umupo naman ako sa tabi niya. Masunurin akong bata eh. Haha.

"Good morning! n_n" ayan nanaman siya. Ngiti ng ngiti.

"Good morning din. Kanina ka pa ba andito?" tumingin siya sa relo niya.

"Mag 1 hour na din."

"Ano?! 1 hour?! Bakit hindi ako ginising ni mama?" grabe isang oras siyang nagantay
dito.

"Kasi po, hindi na kita pinagising kay tita Aneth. Tyaka mahaba pa naman ang oras.
Bakit, may lakad ka ba ngayong araw?" aba, at tita Aneth na ang tawag niya kay mama.

Dapat pinagising mo na lang ako kay mama. Nagantay ka pa tuloy."

"Ayos lang yun no. Buti na lang nakita ko mama mo sa labas ng bahay niyo na nagdidilig
ng halaman. Pinapasok niya ako dito.

"Anong sabi mo kay mama?" baka kasi iba sinabi niya eh. Maninigurado lang.

"Tinanong ko kung nasaan ka, sabi niya tulog ka pa daw. Sino daw ako? Sabi si Yuan,
friend po ni Gwentot. Natawa naman ang mama mo sa sinabi ko. Kaya pinapasok niya
muna ako dito sa bahay niyo."

"Ahh.." tumayo na si Yuan.

"Tara na."

"Wait hindi pa ako kumakain." nagugutom na ako.

"Sa bahay ka na lang kumain. Ipaghahanda kita, para sabay na tayo."

"Eh??" hindi pa din siya kumakain?

"Eh, eh ka diyan. Paalam na tayo sa mama mo. Nasa may likod siya."

Nagpaalam na nga kami kay mama. Infairness mukhang gusto siya ni mama. May iba
kasi akong friend na hindi nagugustuhan ni mama.

Nagbike na kami papunta sa bahay nila. Ang gaganda talaga ng bahay dito sa green
forest. Sosyal.

Napatigil ako sa harap ng isang malaking mansion. Hanep! Gate pa lang pang mayaman
na.

Oh my gulay!!

"Villa's Residence?!" kila Yuan to? Eh bakit andun siya sa kabilang dulo? Hindi siya
tumigil dito.

"Hoy Yuanito! Andito ang bahay niyo. Bakit ka andiyan? Lumagpas ka na!" sigaw ko.

"Hindi diyan ang bahay ko. Dito!" hindi daw niya bahay to. Pinaglololoko nanaman ako
nito.

Nagbike na ako papunta dun sa kabilang dulo. Binuksan ni Yuan yung gate.

"Ladies first."

"Okay."

"Magbike ka na. Medyo nasa dulo pa yung bahay ko. Tago kasi."

Grabe, ang ganda naman dito. Puro halaman at puno ang dinadaanan namin ngayon.
Mga 3 minutes din ang inabot ng pagbike namin.

"Whoah!!!" nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Bakit parang nagulat ka?" sabi ni Yuan habang pinapark niya yung bike niya sa garahe.

"Bahay mo to?"

"Oo. Bakit ba? Ngayon ka lang ba nakakita ng bahay?"

"As in sarili mo tong bahay?" hindi pa din ako makapaniwala.

"Opo nga. Akin na nga yang bike mo. Pasok ka na sa loob." kinuha niya yung bike ko.

Pumasok na ako sa bahay niya. Hindi lang ordinaryong bahay. Modern house ito. My
gosh! Napakaaliwalas ng bahay niya. Ang liwanag sa mata kasi puro salamin.

Naglakad-lakad na muna ako dito sa loob. Napakaorganized lahat ng gamit. Parang
hindi lalaki ang nakatira ha.

May mga paintings na nakasabit sa mga dingding. Ang ganda ng pagkakapinta. Mahilig
ata sa nature ang nagpinta nito. Pero may isang painting na naiiba.

Dalawang tao, babae at lalaki na nakaupo sa grass field. Nakaharap sila sa river at may
dalawang bike sa bandang kanan nung lalaki. Tapos sunset pa. Ang ganda..

"Maganda ba?"

"Oo. Ikaw ba ang nagpinta ng mga yan?"

"Yah. Maupo ka na muna sa sofa. Magluluto lang ako." pumunta na sa kusina si Yuan.

Tinignan ko ulit yung mga paintings. Ayun may signature. Siya nga ang nagpinta. Ang
husay! Parehas pala kaming mahilig magpinta. Ang simple ng signature niya. Yuan V.
lang nakalagay at yung date.

Pero dito sa painting na naiiba, ang signature na nakalagay ay Yuanito at ang date....
Kahapon!!

Ibig sabihin nun, kaming dalawa yung nasa painting? Pero paano mangyayari yun eh
hindi naman kami nagpunta sa ilog kahapon. Naku Gwen, wag assuming!

Ilan sandali lang at kumain na din kaming dalawa ni Yuan. Ang sarap ng luto niya
infairness.

After namin kumain, nagpahinga lang saglit at dumeresto na kami sa garahe. Kung
hindi niyo naitatanong, sa garahe niya, walang kotse. Puro bicycle lang. Iba't ibang
klaseng bisikleta.

"Umpisahan na natin ispray yung bike mo." spray?

"Akala ko ba pipinturahan?"

"Kaya nga po. Spray paint ang gagamitin natin." ahh! Haha! Ang shunga ko naman.
Hihi.

Nilabas na niya yung mga gamit na gagamitin. Pinagsuot niya ako ng working apron
baka daw kasi mapinturahan yung damit ko. Siya din nagsuot.

"Buong body ng bike yung ispray natin. Okay lang?" hmmm...

"Sige ikaw bahala."

"Para magmukhang bago. Kumukupas na din kasi yung color." nagstart na siya
magspray.

Hala! Bawal pala ako sa amoy ng spray. Paano na to? Napatakip ako sa nose ko.

"O bakit?" tumigil siya sa ginagawa niya.

"Bawal pala ako sa amoy ng spray. Sorry." magagalit kaya siya?

"Hindi mo naman sinabi agad. Sige maupo ka na lang diyan muna. Ako ng bahala dito."

"Ahmm.. Pwede bang mahiram yung painting tools mo?"

Kinuha naman niya agad yung painting tools niya at ipinahiram sa akin. Hindi niya
alam ipapaint ko siya. Haha.

"Pwede bang magpatugtog? Kung okay lang?"

"Sure." talagang nagpaalam pa sakin. Sakanya naman tong bahay.

Nagpatugtog na nga siya.

*music starts here*

Nagulat ako, kasi sinabayan niya yung kanta.

From my youngest years
till this moment here
I've never seen
such a lovely queen

Alam ko tong kanta na to ah. Habang kumakanta si Yuan at nagsspray ng bike,
nagpatuloy ako sa pagpapaint.

From the skies above
to the deepest love
I've never felt
crazy like this before

Chorus na! Masabayan nga siya sa pagkanta. Hihi.

Paint my love
you should paint my love
it's the picture of a thousand sunsets
it's the freedom of a thousand doves
Baby you should paint my love

Habang kumakanta kami, tumitingin-tingin siya sa akin tapos ngumingiti ngiti siya. Aw,
ang cute niya! Hihi.

Been around the world
then I met you girl
It's like coming home
to a place I've known

Paint my love
you should paint my love
it's the picture of a thousand sunsets
it's the freedom of a thousand doves
Baby you should paint my love

Since you came into my life
the days before all fade to black and white
Since you came into my life
Everything has changed

Tumingin ulit siya sa akin... Ngumiti nanaman siya.. Bakit ba parang bawat ngiti niya
may laman para sakin?

Paint my love
you should paint my love
it's the picture of a thousand sunsets
it's the freedom of a thousand doves
Baby you should paint my love

Paint my love
you should paint my love
it's the picture of a thousand sunsets
it's the freedom of a thousand doves
Baby you should paint my love


Nakakainlove naman yung boses niya. Haha! @_@

Ngayon ko lang napansin ha! Bakit parang eksakto sa ginagawa namin yung kanta?
Kanta niya kaya yun para sakin? Wahaha! Ito nanaman ang pagiging assuming ko.
Nakakaloka na.


"Tapos ko na maspray yung bike mo. Ikaw tapos ka na din ba diyan sa ginagawa mo?"
tapos na pala siya.

Naku! Ayaw ko ngang ipakita sakanya yung pinaint ko. Wahaha!

"Ah.. eh oo tapos na din. Hihi." nakakahiya naman.

Pinakita ko sakanya yung pinaint ko. Abot hanggang langit yung ngiti niya.

"Ako to?" nakangiti pa din siya.

"Oo. Panget ba?"

"Hindi ah. Ako kaya pinaint mo. Paano papanget di ba?" napataas yung isa kong kilay.
"Hehe. Joke lang yun. Maganda yung pagkakapaint mo. I love it. n_n"

"Thanks."

"Anyways, kailangan pang patuyuin yung bike mo. Kaya dito na muna tong bike mo.
Tyaka may onting damage yung ibang part. Siguro dahil sa pagkakabangga mo sa poste
kahapon. Kaya wala kang gagamitin sa lunes."


"Anooooooo~?!! Hindi pwede yun!!"

Chapter 4 Part 1
Free ride, free hug!



"Ano ba Yuanito?! Anong gagamitin ko bukas?!!" inaalog-alog ko si Yuan.

"Sabi ko nga sayo maglakad ka na lang. Tapos ako nakabike habang sinasabayan ka."
grabe tong lalaking to. Ang damot-damot kasi.

"Ang dami-dami kasing bike nung isa diyan, ayaw man lang magpahiram. Ang damot-
damot talaga!"

Napapailing lang si Yuan sa sinasabi ko. Hmpf! Kainis! We're here nga pala sa bahay.
Nandito nanaman siya.

"Kahit pilitin mo pa ako ng ilang beses, hindi ko ipapahiram sayo yung bike ko. Alam
mo na kung bakit di ba?"

"Ang sabihin mo madamot ka lang!!"

"Gwyneth, nagaaway ba kayo?" oopss! Napataas ata ang boses ko.

"Hin.."

"Inaaway po niya ako tita." loko to ah! Ako pa ang nangaaway ngayon?

"No mama."

"Ikaw Gwen ha.. Nangaaway ka agad ng bagong kaibigan mo. Alam mong bad yan." at
naniwala naman tong si mama kay Yuanito.

"Mama, hindi nga po. Itong kasing lalaking to, mukhang sinadya lahat ng nangyari nung
isang araw para wala akong magamit na bike bukas!!" napalakas nanaman yung boses
ko.

"Totoo ba lahat ng sinasabi ng anak ko, hijo?"

"That's not true tita." seryoso talaga mukha niya.

"Gwen ha!" pinandilatan ako ng mata ni mama.

"Haay nako! Whatever!" lumabas ako ng bahay.

Sinundan naman ako ni Yuan-damot.

"Galit ka ba?" sabay hawak niya sa right shoulder ko. Inalis ko naman agad yun.

"Hindi. Naiinis lang." ang sagot ko sakanya pero nakatalikod ako kay Yuan.

"Sorry na. Hindi ko naman intensyon na ganun ang mangyari. And besides, tomorrow
lang naman. Sa Tuesday okay na yung bike mo." tumabi siya sa may left side ko.

"Oo na. Ano pa nga bang magagawa ko? O sige na. Umuwi ka na. Gagawa pa ako ng
assignments ko. Bye." pagkabukas ko ng gate, sabay hawak niya sa braso ko. Napatingin
ako sakanya.

"Hindi ka talaga galit?"

"Naiinis nga lang ako."

"Concern lang ako sayo kaya hindi pwede. Bukas sabay tayo ha? Susunduin kita."
ngumiti lang ako sakanya ng pilit. Pumasok na ulit ako sa loob.

Bahala siya sa buhay niya. Isabay niya yung anino niya kung gusto niya. Hmpf!

Tapos ko na kagabi pa yung mga homework ko. Kaya nagdrawing na lang ako at
nagbasa-basa ng mga magazines ko dito. Hanggang sa nakatulog na ako at nag-umaga
na.

"Ma, pa, alis na po ako. Papasok na po ako sa school." nakaready na ako.

"Anak, ang aga pa ah. Isang oras pa bago magstart ang klase mo." nagtatakang
pagkakasabi ni papa.

"Maglalakad lang po kasi ako ngayon. Yung bike ko po nasa bahay ng classmate ko. Baka
abutin pa ako ng siyam-siyam pag mamaya pa ako umalis."

"Ganun ba? Kung gusto mo sumabay ka na lang sa akin." alok ni papa.

"Hindi na po pa. Sige po, bye bye na. Ingat po kayo sa work niyo mamaya." I kissed
papa. "Sige ma." I kissed mama.

Lumabas na ako ng bahay at nagsimula ng maglakad. Nakinig na din ako ng music sa
ipod ko. Masarap palang maglakad pag ganitong oras. Ang sarap ng simoy ng hangin.
Mamaya kasi, mainit na panigurado.

"I'll be your dream I'll be your wish I'll be your fantasy..." buti na lang wala pang
gaanong tao sa dinadaanan ko. Kasi napapasabay ako sa tugtog ng ipod ko.

"Gwen!!"

......

"I want to stand with you on the mountain.."

"Gwen!! Gwen!!"

......

"I want to bathe with you on the sea.."

"Gwentot!!"

......

"I want to lay like this forever.. Until the sky falls down on me.."

"HOY!!"

"Ay anak-araw!!" langya naman oh! Tama bang tanggalin yung earphone ko na nasa
tenga ko. At ginulat pa ako. Tss! Napatigil tuloy ako sa paglalakad.

"Anong anak-araw?"

"Nasilaw kasi ako sa kaputian mo. Sa susunod nga wag kang bigla biglang susulpot at
nanggugulat." hmpf!

"Kanina pa kasi kita tinatawag. Akala ko naman, dinededma mo lang ako. Yun pala
nakaearphone ka." napatingin ako sa bandang likod niya.

"Bakit andun yung bike mo?" tinuro ko ng nguso ko yung direksyon kung asan yung bike
niya.

"Hinabol kasi kita. Bakit ba hindi mo ako inantay sa bahay niyo? Bakit ka naglakad?"
naiinis nanaman ako sakanya.

"Anong gusto mo? Lumipad ako para makapunta sa school? Tyaka kung aantayin pa
kita baka mamaya pa akong tanghali makarating sa school."

"Halika nga!" sabay hawak niya sa kamay ko at hinatak ako papunta dun sa bike niya.

"Magdahan-dahan ka naman sa paghatak sakin." sumakay siya sa bike niyang magara.
Akala mo bago, kasi kumikinang-kinang pa.

"Loko ka pala talaga eh! Anong gusto mo?! Sabayan kita sa pagbibike mo? Ewan ko sayo
Yuan! Nakakapanira ka ng araw!" lalayas na sana ako, bigla naman akong hinatak ulit sa
braso. "Aray! Ano ba?!"

"Akin na yang bag mo." seryoso nanaman yung mukha niya.

"At bakit?!"

"Basta akin na. Wag ka ng matigas ang ulo. Malalate tayo sa school niyan. Hindi pa tayo
nakakalabas ng subdivision oh." gosh! Napatingin ako sa relo ko, 7:30 am na. Tss!!

Binigay ko naman sakanya yung bag ko.

"Angkas na!" huh??!!

"What?"

"Sabi ko angkas na. Dali!"

"Ehhh??!! Ayoko nga! Mahulog pa ako."

"Ayaw mo? Oh sige bahala ka diyan. Maglakad ka na. Bye." pinaandar na niya yung bike
niya.

"I hate you Yuan!! Yung bag ko akin na!!" hinabol ko pa siya. Grr!!

"Akala ko pa naman aangkas ka na yun pala kukunin mo lang yung bag mo. Hmpf!!"
nagtatampo na siya niyan? Umandar na ulit siya.

"Teka!! Sandali!" huminto siya at tumakbo ako papunta sakanya.

"Ano? May nakalimutan ka pa ba?"

"Oo. Ikaw."

"Huh?" anong huh? Adik ata to eh.

"Aangkas na ako. Basta dahan-dahan ka lang sa pagbibike ha?" nilagay ko sa front
basket yung bag ko at umupo na ako ng patagilid sa likod. Yung pambabaeng upo ha?

"As if naman hahayaan kong mahulog ka."

"O sige na. Andar na. Malalate na tayo. Dami mo pa sinasabi." nakatigil pa din kami.

"Hoy, tulog ka pa ba? Sabi ko andar na."

"Hindi mo ba ilalagay yang kamay mo sa waist ko?"

"At bakit?"

"Mahuhulog ka talaga pag hindi ka nakakapit sakin. Kapit na." hmpf! Kaya lang naman
hindi ko nilagay kamay ko sa waist niya kasi baka isipin niya tsinatsansingan ko siya.

"Heto na. Tara na." humawak ako sa polo shirt niya. Pumedal na siya.

Nagulat ako bigla nang hinawakan niya yung kamay ko na nakakapit sa polo shirt niya.

"Masisira damit ko sa ginagawa mo." ipinunta niya sa may tyan niya yung 2 kamay ko.
"Higpitan mo ang pagkakakapit sakin."

Para na akong nakayakap sakanya. Infairness, wala siyang tyan. Abs ata ang meron.
Haha!

"Libreng sakay na nga, libreng hug pa."

"May sinasabi ka?" di ko masyado narinig kasi bumulong lang siya.

"Wala po."


..............


"Ang bango mo.." hmm.. I love his scent.

"What?" aw. Narinig niya ata.

"Sabi ko ang bango mo."

"Pero...." he paused.

"Pero??" ang ulit ko naman.

"Pero, mas mabango ka."




Chapter 5
Sweet Rainy Day



After 1 week...

Uulan daw bukas. Magpapasundo ako kina Jelpot. Actually, pag maulan kasi, sinusundo
talaga ako nila Anjela. Hindi ako nagbibike. Delikado kaya. Lalo na pag basa yung
kalsada.

Tinawagan ko na si Anjela at susunduin niya daw ako tomorrow. Ayoko ng rainy days
eh. Nakakatamad at nakakainis.

Natulog na ako...

Beep! Beep!

Adik talaga driver nila Anjela. Nagbusina pa. Aga-aga eh. Nambubulabog sila ng
kapitbahay. Lumabas na ako at dali-daling pumasok sa loob ng kotse nila Jel.

"Good morning Farrah!" bati ni Anjela.

"Good morning Jel, good mo.." hindi ko na natuloy sasabihin ko kasi si Rubii tulog.
Nakanganga pa! Hahaha.

"Puyat yan kagabi eh. Inabot kasi sila ni Han na magkausap sa phone hanggang 2 am.
Musta naman yun di ba?"

"Haha! Adik talaga yan. Hindi ba sila nagkakasawaan sa isa't isa? Araw-araw.. ay erase!
Every miniseconds magkasama sila eh at nguusap."

"Pinagtyatyagaan lang ni Han yan si Rubiipot. Haha! Joke!" chikahan lang kami ni
Jelpot habang nasa car.

Sumulyap ako sa labas ng bintana..

"Si Yuan yun di ba?" turo ni Jelpot sa labas.

"Shocks!! Siya nga! Ang lakas-lakas ng ulan kaya. Loko talaga yun. Pag siya nagkasakit..
Naku!" napatingin sakin si Jel. Ngumingiti-ngiti pa siya. "Bakit?"

"Uuyy! Concern! Umamin ka nga sakin Gwen. May gusto ka na ba kay Yuan?"

"I like him as a friend. He's nice.. And.."

"And??"

"And yun lang. Basta like ko siya. Pero hindi ko siya gusto. Gets?" gulo ko. Haha.

"Talaga lang ha? Baka mamaya malaman ko na lang inlove ka na sakanya at kayo na."
bilis naman nun.

"Duh!! 1 week pa lang kami magkakilala nung tao no. Sa totoo lang wala pa nga akong
alam masyado sakanya eh. Kasi naman puro asaran at kulitan lang ginagawa namin
parati."

"Eh di kilalanin niyo ang isa't isa. Suz naman. Gwen, bagay kayo ni Yuan no."

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Feel ko lang. Magkakatuluyan kayong dalawa.. Pero sa tingin ko.. Matagal pa siguro
mangyayari yun."

Sa tingin niyo bagay kami ni Yuan?? Ako sa tingin ko.. Hanggang friends lang kami nun
ni Yuan.

Dumating na kami sa school. Lakas talaga ng ulan. Ginising nanamin si Rubiipot. Tag
isa-isa kami ng umbrella.

Andito na kaya si Yuan? Sana hindi siya sobrang nabasa ng ulan.

Naglalakad na kami sa corridor papunta sa room namin.

Good morning Anjela..

"Good morning too!"

Morning Rubii! Ganda mo talaga.

"Matagal na no. Haha!" yabang! Haha!

Anjela, sabay tayo maglunch mamaya.

"Sorry. Hindi pwede. Magagalit si bhie ko." nagwalkout effect pa yung guy na kumausap
kay Anjela.

Hindi ko pala nasasabi sa inyo. Sikat yung dalawa kong bestfriend. Sosyal no? Haha!
Syempre pati boyfie nila sikat dito sa school.

Gwyneth!! I love you!!!

"Hala! Sino yun??!!"

"Gwen, sikat ka na din pala."

"Naks! May nagmamahal na kay Farrah! Haha!"

"Baka kapangalan ko lang yun. May pag I love you pa siya ha." sino kaya yun?

"Ikaw lang kaya may pangalan na Gwyneth dito. Duh!"

May kumalabit sakin..

Siya yung sumigaw kanina.

Tinuro niya kung sino...

"Hahahahaha!!" hala! Tama bang tumawa sila?

Kasi naman! Gusto niyo malaman kung sino yung nagsabi nun??

"Si Nerdy Boy pala yun eh!! Wahahahaha!! Bagay na bagay!!" asar ha!

"Haha! Pwedeng pwede!" ginatungan pa!

"Sige asarin niyo pa ako! Hmpf!!"

Pumasok na ako sa loob ng room. Umupo na ako sa upuan ko.

"Ui Gwen, joke lang yung kanina."

"Oo nga. Joke lang yun. Wag ka mapikon ha?"

Sasagutin ko na sana yung dalawa. Nabaling yung atensyon ko kay Yuan na kapapasok
lang sa loob ng room. Agad akong lumapit sakanya.

"Basang-basa ka." sabi ko na nga ba eh.

"Okay lang ako. Biglang lumakas kasi yung ulan kanina." hinawi nga yung buhok ko.
"Ikaw ba hindi ka nabasa?"

"No. Okay lang ako. Sumabay kasi ako kila Anjela. Ikaw ang hindi okay. May extra shirt
ka ba?"

"Nakalimutan ko nga magdala eh. Pero okay lang."

"Anong okay lang. Halika dito, kailangan mong magpalit ng damit. Magkakasakit ka
niyan eh."

Nanghiram ako ng shirt kay Adrian. Ayun yung pinausot ko kay Yuan. Inantay ko siya sa
labas ng men's room.

Lumabas na siya.

Napatulala ako...

He looks so HOT with his wet hair! Kahit magulo pa yung hair niya, ang hot talaga!

"Gwentot? Okay ka lang?"

"Ah.. Oo naman. Tara na. Baka andun na si Sir."

Bumalik na kami sa room. Tamang-tama yung pagbalik namin. Dumating na din si Sir.
Ayon, nagpaquiz lang si Sir. Sa ibang subjects naman, puro discussions lang. Activities
and whatsoever. Hanggang sa naguwian na.

"Umuulan pa din. Ang sarap tumambay sa coffee shop. Di ba bhie?" nasa harap kami ng
locker ngayon.

"So daan na muna tayo sa coffee shop?" tanong niya sa aming lahat.

"Sure!! Basta ba treat niyo eh." sabi naman ni Rubii.

"Okay. Ikaw Charles sama ka samin?" Charles tawag nila kay Yuan pag madaming tao.
Charles Villa lang pala talaga siya. Hindi ko alam kung san nanggaling yung Yuan. Kung
bakit ayun ang gusto niyang itawag ko sakanya.

"Kayo na lang. May bike ako eh."

"Iwan mo na lang bike mo. Hatid ka na lang din namin paguwi."

"Hindi na. Ayokong iwan dito bike ko. Sa susunod na lang."

"Ganon ba? Oh sige. Kami-kami na lang. Sama ka Gwen ha?"

"Hindi na ako sasabay sa inyo."

"Huh?! Paano ka uuwi? Umuulan pa kaya."

"Kay Yuanito na lang ako sasabay." napatingin silang lahat sa akin.

"Sasabay ka sa akin? Loko ka. Sakanila ka na sumabay. Hindi ka pa mababasa."

"Eh sayo ko nga gustong sumabay! Walang makakapigil sa akin!!"

"Naks naman! Gumaganun si Gwen ngayon. Haha!" nangaasar nanaman to.

"Hayaan na natin yung dalawa. Mag momoment sila under the rain. Haha!"

"Sige na.. Chupi na kayo. Let's go Charles."


"Are you sure na sa akin ka sasabay?" nasa parking lot na kami ngayon ng bike.

"Ayaw mo ata eh."

"Hindi naman sa ayaw. Maulan po kaya. Tyaka hindi kita maiaangkas."

"Sino bang nagsabi sayo na aangkas ako? Maglalakad lang tayo. Wag ka na sumakay sa
bike mo."

"Bakit? Pinapagod mo lang sarili mo."

"Malakas pa yung ulan ngayon, pag nagbike ka, baka kung anong mangyari sayo. At
mababasa ka lang ulit. Kaya maglalakad na lang tayo. Kaya hindi na ako sumabay
sakanila. Para mapayungan kita."

"Ang bait naman. Kaya gusto kita eh.. n_n"

"Huh?"

"Sabi ko I like you! Ang bingi mo!"

"Weh??!!" he likes me daw??!!

"Haha! Whatever! Tara na nga!" hmpf! Tama nagjojoke lang siya.


Palabas na sana kami sa school. Kaso may humarang nanaman sa amin. Akala niyo yung
dalawang jologs niyo? Akala ko din eh. Haha!

Hindi pala. Ang sikat na couple sa buong campus ang humarang sa amin.

"Who is she?" tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Talagang ako pa yung unang
napansin ha.

"A good friend of mine. She's my classmate too."

"Good to hear that. Hindi ka naman pala mahihirapan magkaroon ng friends dito."

"Yah. Nice naman silang lahat. Except the two girls." tinutukoy niya ata yung dalawang
jologs.

"Sino naman sila?"

"Don't mind it. By the way.. Elisha, si Gwyneth. Gwen, si Elisha younger sister ko." kilala
ko na siya no.

"Hi Gwyneth! Nice name ha! I like it! I'm Elisha. I think you know me na?"
nakipagshake hands naman siya.

"Yah. Sino bang hindi nakakakilala sayo. Nice to meet you."

"And I think kilala mo na din si Axel."

"Ah.. Yah." naglahad ng kamay si Axel.

Oh my! Si Axel?? Mahahawakan ko yung kamay?? Totoo ba to?

"Axel here. It's nice to meet you."

"Ahmm.. Gwen.." hindi ko mabitaw-bitawan yung kamay ko sa kamay niya.

"Ahem!!" si Yuan yun. Tinanggal ko na yung kamay ko. "Inaalagaan mo ba kapatid ko
dito?"

"Of course bro. Mahal ko yata kapatid mo."

"Good. Hindi ko siya mababantayan. Kaya ikaw ng bahala sakanya."

"Don't worry bro." sa tingin ko mabait naman silang dalawa. Uber sikat nga lang.
Nakakailang silang kasama.

"Una na kami ha? Kita na lang tayo next time sis. I missed you."

"I missed you too kuya." she hugged her kuya. "Ate Gwen, wag mo din pabayaan kuya ko
ha? Pinapaubaya ko na siya sayo." ano daw??!! Tama ba yung narinig ko?

"Loko ka talaga sis. Sige na.. Ingat. Axel ha?!"

"Sige bro!"

Elisha winked at me. What's the meaning of that?


Naglakad na kami ni Yuan. Medyo humina na yung rain. Tahimik lang kami habang
naglalakad.

"Ahmm.. Gwen?"

"Yah?" lumingon ako sakanya. Ang cute niya. Ano kaya itsura niya pag walang
eyeglasses? Siguro mas hot siyang tignan. Haha!

"Di ba.. Si Axel, sikat sa school natin?"

"Oo. Why mo naitanong?" palingon-lingon lang kami sa isa't isa. Kasi naglalakad kami
eh.

"Ahmm.. Eh di ibig sabihin, maraming nagkakagusto sakanya?"

"Oo. Sobrang dami! Kahit nga mga college students nagkakagusto dun eh. Kahit nga ako
may crush dun eh.." oopss.. Nadulas ako!

Biglang lumungkot yung mukha niya.

"Dati yun. Nung hindi pa sila ni Elisha. Kaming tatlo nila Anjela at Rubii may crush dun
dati. Pero ngayon wala na."

"Talaga?" bumalik ulit yung sigla ng mukha niya. Adik lang.

"Oo nga. Bakit ba?"

"Eh kasi.. Ano.. Hmm. Buti na lang hindi mo na siya crush. Kasi hindi kayo bagay nun."

"Hala! Ang sama!"

"Totoo kaya! Ang panget mo masyado para sakanya!" aba! Nilait pa ako ha!

"Panget pala ako ha! Hmpf!!" pinatakan ko siya ng tubig ulan. Yung galing sa payong.
Ayun natuluaan yung ulo niya.

"Waaaa! Ang lamig! Ano ka ba! Magkakasakit ako niyan eh. Tama bang basain ulo ko."

"Ikaw kasi eh! Tyaka asa naman ako na magkakagusto sakin yung si Axel no. Kaya nga
crush ko lang siya dati. Tyaka ayokong pumatol sa mas bata sakin."

"Eh sa kaage mo pumapatol ka?" nyek. Bakit naman niya naitanong yun?

"Pwede din."

"Haha! Good! Basta, hindi mo na siya crush ha?"

"Oo nga! Kulit nito!"

"Ahmm.. Gwentot?"

"Yah??"

Nagpaused pa siya ng pagkahaba-haba. Hindi niya alam kung itutuloy niya ba yung
sasabihin niya o hindi.

"Say yes muna."

"Nye! Para saan naman?"

"Basta! Gusto ko, mag yes ka muna."

"Para saan nga??!"

"May itatanong kasi ako. Dapat yes sagot mo." tama bang siya ang sumagot sa itatanong
niya. Loko talaga.

"Ayoko nga! Baka kung ano pa itanong mo no. Tapos yes pa ipapasagot mo sakin.
Ayoko!!"

"Please?? Just trust me."

Mukhang hindi naman karumaldumal yung itatanong niya. Magyeyes na lang ako.

"Oo na. Sige, yes ang sagot ko. Dapat kasi una yung tanong kesa sa sagot di ba? Baliktad
na talaga mundo ngayon. Nakakaloka!"

"Haha! Ganun talaga.."

"So ano na?"







































































"Can you be my bestfriend??"

Chapter 6
Kiss, Kiss, Kiss




"Bestfriend lang?!" sakit sa tenga ha. talagang sabay pa sila.

"Oo. Akala ko nga kung ano yung itatanong niya. Yun lang pala."

"Dapat sinabi mo kay Yuan, hindi mo na kailangan ng bestfriend."

"Oo nga. Ang dami-dami mo na kayang bestfriend. Dapat ang sinabi mo..."
nagkatinginan si Rubii at Anjela.

"Ano?" tanong ko.

"Hindi ko kailangan ng bestfriend. Boyfriend ang kailangan ko!" nagchorus nanaman
sila. Parang kambal lang eh. Tawa pa ng tawa.

"At sino naman may sabing need ko ng boyfriend?"

"Eh di kami!"

"Err. Sabi ko nga, kayo." loko talaga tong mga to.

"Pero sayang ha. Dapat nilubos-lubos na niya yung pagtatanong niya. Kung yes din
naman pala sagot mo."

"Alam ko na kung bakit yun ang tanong ni Yuan. Hahaha!" hala baliw na si Rubii.
Natawa na, wala pa naman sinasabi. "Haha! Kasi hindi ka niya type! Wahaha!"

"Ang hilig niyo talaga akong asarin." mahinahon kong sabi.

"Wahaha! Isang tulad lang ni Nerdy Boy ang nagkakagusto sayo. Wahaha!" lakas tama
talaga oh.

"Alam niyo, minsan parang gusto ko na kayong pagtatadyakin sa mukha eh."

"Hahahaha! Peace girl!!" nagpeace sign naman yung dalawa. Mga baliw talaga.
Napailing na lang ako.

"Anong petsa na kasi no. Wala ka pa ding boyfriend." napagiiwanan na ba ako? Madami
din naman diyan, wala pang boyfriend since birth ah.

"Wala pa eh. Hindi pa siya dumadating."

"Loka! Dumating na no!" sabi ni Rubii habang kumakain ng chocolate.

"Sino naman?" alam ko si nerdy boy nanaman yung sasabihin niya.

"Siya!!" turo niya sa may pintuan. Tumingin naman kami ni Jel sa may pintuan.

"Ako??" nagtatakang tanong ni Yuan na nakatayo sa may door kasama yung bf nung
dalawa kong bestfriend na loka-loka.

"Oo ikaw!!" sabay ngiti ng nakakaloko si Rubii. Na ngumangata pa din ng chocolate.
Hindi man lang nangalok.

"Bakit ngayon lang kayo bhie?"

Lumapit na yung tatlo sa amin na dala-dalang mga pagkain na pinabli namin.

"Itong si Yuan kasi. Ang daming pinamili. Sana lang magkasya sa ref to lahat."

Oo nga no? Ang dami-dami nilang pinamili. May box pang dala si Yuan.

"Hoy Yuanito. Bakit may dala-dala ka pang box?" nilapag niya yung box sa tabi ng ref.

Ay hindi ko papala nasasabi, andito kami ngayon sa bahay ni Adrian. Half day lang kasi
kami ngayon. Nagyaya si Adrian at Jel na tambay daw muna kami dito.

"Ikaw kaya nagpabili nito. Bumili ako ng madami kasi favorite mo daw to." eh ano ba
yun? Nasa entertainment room kami ngayon.

"Melon soda yan Gwen. 1 month supply. Haha!" sabi ni Han na palabas ng pinto. "Kuha
na muna ako ng mga baso at plates."

"Samahan na kita kuya ko." sumunod si Rubii kay Han.

"Bakit naman isang box binili mo?" nag-aayos pa din sina Yuan at Adi ng pinamili. Si Jel
naman, tinurn-on yung music player.

"Dalawang box ba dapat? Sorry. Bibili na lang ako mamaya." tongeks talaga to.

"Sira ka talaga. Sana dalawang bottle lang binili mo. Sinong iinom lahat niyan?"

"Eh di share tayong dalawa. Baunin natin sa school. Sa tingin ko masarap naman siguro
to."

"Hindi ka pa nakakatikim niyan?" umiling lang siya. "Mas masarap pag may vanilla ice
cream sa ibabaw nung soda."

"Teka, bibili lang ako ng ice cream." baliw talaga to.

"Maupo ka na nga dito. Tama na yung pinamili mo. Thank you. Bayaran na lang kita
mamaya."

"Hindi naman kita pinagbabayad. Libre ko na yun."

Yes libre! Haha! Wala din naman kasi akong pambayad. Haha! Tumabi na sa tabi ko si
Yuan.

"Ano gusto niyong patugtugin ko?" sabi ni Jel.

"Nood na lang tayo ng dvd bhie."

"Okay. Hanap lang ako ng magandang movie." naghanap na ng dvd si Jel.

Nakabalik na din sina Rubii at Han na may dala-dalang mga plates, cups, and bowl
lalagyanan ng mga junkfoods.

Hinanda na namin yung mga food. May dalawang family sized pizza pa silang binili.

"Ano ng gagawin natin?" tanong ni Rubii na nauuna ng kumain ng pizza.

"Manonood daw tayo ng dvd." sabi ko. "May napili ka na bang dvd Jel?"

"Wala pa. Kayo na lang magsuggest."

"Wall-E na lang!" sabay na sabi ni Adi at Han.

"Huh??" ayan ang naging reaction naming tatlong girls.

"Wall-E?! Gusto mo nun bhie ko?"

"Oo naman. Hindi ko pa yun napapanood."

"Ang ganda kaya nun. Yun na lang panoorin natin."

"Para ka namang bata kuya ko."

Ang kulit lang. Hilig ko din mga disney movies.

"I like that movie." pabulong na sabi sakin ni Yuan.

"Have you watched it already?" ui english yun. Haha!

"Yah. Ang cute nila Eve at Wall-E."

"Sinabi mo pa. Ang sweet ni Wall-E." napanood ko na din kasi yung movie.

"Mas sweet ako kay Wall-E."

"Tinatanong?"

"Sinasabi ko lang. Para alam mo." ngumiti siya sa akin. Kumuha siya ng pizza at inilagay
niya sa plato ko. Kumuha din siya ng sakanya.

"Guys, ready na kayo? Iplaplay ko na yung dvd. Papatayin ko na din yung ilaw."
tumango lang kami.

Pinatay na ni Adi yung ilaw. Pumwesto na siya sa tabi ni Jel. Si Rubii at Han naman
nasa may carpet. Ewan ko sa dalawang yun. Mas gusto daw nila sa carpet umupo. Kami
naman ni Yuan nakaupo sa may sofa.

Nagsimula na yung movie. Hindi na lang namin sinabi ni yuan na napanood na namin
yung movie.

Tanging liwanag lang ng flat screen tv nila Adi ang ilaw namin. Wala kasing binatana
dito sa entertainment room nila. Si Adi, nakaakbay kay Jel. Si Han naman nakahawak sa
waist ni Rubii na parang nakayakap ito sakanya. At kami ni Yuan...

"Sweet nila no?" nagulat naman ako sa tanong niya.

"Yah. Natural na sakanila yun." napansin niya din pala yun.

"Hindi ka ba naiinggit sakanila?" haha! Question ba yan?

"Bakit naman ako maiinggit?"

"Hmm. Ako kasi.. Naiinggit." naiinggit siya? hala!

"Shh!! Ang ingay niyo." saway ni Adi at Han samin.

"Sorry." sabay naming sabi ni Yuan.

Nanood na kami ulit ni Yuan. Baka kasi sawayin nanaman kami nung dalawang bata.

Yung scene ngayon, si Wall-E at Eve andun sa bahay ni Wall-E. Pinapanood ni Wall-E
kay Eve yung fave niyang video tape.

"Nanginginig pa talaga yung kamay ni Wall-E. Haha!" sabi ni Adi.

"Aw! Sayang! Ang suplada naman ni Eve!" sabi naman ni Han.

Nagrereact talaga sila dun sa movie ha. Haha!

"Ang sweet ni Wall-E!!" yung kambal nanaman nagsabay.

Kiniss ni Adrian si Jelpot sa cheeks. Nabatukan tuloy si Adi. Haha! Nainggit ata si
Rubii..

"Kiss mo din ako kuya ko."

"Mwuah!!" kiniss ni Han si Rubii sa lips. Smock lang naman.

Napatulala na lang ako sa pinaggagawa nila.

"Excuse guys.. Labas lang kami ni Gwen."

"Huh? Saan tayo pupunta?" hinawakan niya kamay ko.

"Sa terrace na muna tayo."

"Hindi na kayo manonood?"

"Hindi na. Enjoy na lang kayo diyan."

Nakita ko sina Jel at Rubii nakatingin sa kamay namin ni Yuan.

"Kayo ang magenjoy." sabay wink.


Bago kami lumabas sa room, kumuha muna si Yuan ng dalawang bottle ng melon soda
sa ref at dalawang straw.

Pumunta na kami sa terrace. Ang sarap ng hangin dito. Ganda ng view.

"Anong gagawin natin dito?"

"Papahangin."

"Yun lang?"

"Hindi."

Inabot niya sakin yung melon soda na nakabukas na at may straw.

Nagsip ako.

"Ang sarap." sabi ko.

"Masarap?"

"Oo. Buksan mo kaya yang sayo."

Inagaw niya sakin yung soda ko. At nagsip.

"Ang sarap nga!"

"Hala! Ang bad mo! Akin yan eh!"

"Share na lang tayo. Sayang tong isa, hindi ko naman mauubos." binalik niya sakin yung
soda.

"Akin na yung isang straw."

"Ayoko nga."

"Ehh!! Akin na kasi! May laway mo na to oh."

"Wala akong sakit. Yan na gamitin mo." arggh!! nakakainis tong lalaki na to.


Katahimikan ang bumalot sa amin. Napatingin ako sakanya. Yung buhok niya,
hinahangin.. Ang shiny.

He smiled at me.

"Gwentot, pakiss din ako."

My gad!! Nawindang ako sa sinabi niya!!!

"Baliw!! Anong pakiss ka diyan!! Ewan ko sayo!"

Ngumiti lang ulit siya sa akin. Nakakaloko na ha!


Papalapit siya ng papalapit sa akin..

"Anong gagawin mo?" palapit pa din siya ng palapit sa akin. Ako naman napapaatras.

"Yuan ano ba!!"

5cm na lang layo ng mukha namin sa isa't isa. Napalunok ako habang nageeye contact
kaming dalawa.


Nagsmile siya.. at naramdaman kong hinawakan niya ang kanang kamay ko. At itinaas
niya malapit sa mukha naming dalawa.


Then...


















































"TSUP!"











































He kissed my hand.

Chapter 7
The Past



"Hey flirt!!" medyo napahinto ako sa paglalakad ko..

Parang narinig ko ang boses ng isa sa mga jologs.. Nagpatuloy ako sa paglalakad..

"Hoy!!" napatigil ako bigla..

"Are you talking to me?" pagtataray ko sakanya.

Nasa harapan ko na sila ngayon.

"Oo sino pa ba ang flirt dito? Di ba ikaw??!!" tae!! Kelan pa ako naging flirt? Grr!
Inuumpisahan nanaman ako ng dalawang to ha.

"Mukhang mali kayo ng kinakausap. Hindi ako yon." binangga ko yung braso nilang
dalawa. Sa gitna nila ako dumaan.

"Huwag mo nga kaming tinatalikuran." hinawakan nila ng mahigpit ang mga braso ko at
iniharap sakanila.

"Ouch!! Bitawan niyo nga ako." nagpupumiglas ako pero ang higpit ng pagkakahawak
nila sakin. "Aray sabi eh!!"

"Namumuro ka na samin flirt ka ha!!" mas hinigpitan pa ni Alicia yung pagkakahawak
sakin.

"Kung flirt ako, eh ano pa kayo!! Ha?!! You're the best slut in the whole wide world!! Not
just in this town!!" shocks! Lalamunin na ako ng buong buo ng dalawang to sa sinabi ko.

"Ah ganun pala ha!! Etong bagay sayo!!" waaaaaaaaa!!!

My hair!!! Sinabutan ako ng dalawa! Aba syempre hindi ako makakapayag na sila lang
ang manabunot sakin.

"Galawin niyo na lahat wag lang ang buhok ko. Inuubos niyo talaga pasensya ko ha!!!"
naiinis na ako sa dalawang to. Sinabunutan ko na sila!!

Nagrarambulan na kami dito.. Lugi ako dito.. Dalawa sila isa lang ako. Lord.. I need
your help!! Please help me..

"Ouch!!" napahawak ako sa right side ng neck ko.

"Hey!!" napatigil kaming tatlo sa pagsasabunutan. Napatingin kami dun sa direksyon
kung saan nanggaling yung boses.

Axel??

"Axel??!" sabay na sabi nung dalawa.

Papunta na sa direksyon namin si Axel.

"Axel, hindi kami yung nauna.. Siya!" tinuro ako ni Veronica.

"Oo siya!! Tinawag niya kaming slut." what??!! Binaliktad nila ang mga pangyayari.

"Pwede ba, Veronica and Alicia. Huwag niyo ng baliktarin ang pangyayari."

"Hindi namin binabaliktad no. We're just telling the truth." my gad!! Alin ang
katotohanan dun?

"Sa tingin niyo ba, susugod si Gwen ng magisa dito? Eh dalawa kayo. As if may laban
siya sa inyong dalawa. At ang galing niyo pa pumili ng lugar ha. Dito pa talaga.. Kung
saang walang tao at walang makakatulong sakanya." OMG! Pinagtatanggol ako ni Axel!

"Pero.." naputol yung sasabihin ni Alicia.

"Pag hindi pa kayo umalis sa harapan ko, ipapaalam ko to sa principal's office. Alam
niyo naman kung ano pwedeng mangyari sa inyo diba?"

"Hindi pa tayo tapos Gwyneth!! And you!!" tinuro ni Veronica si Axel. "Nagkamali ka ng
binangga mo."

Nagwalkout na yung dalawa.

Ano kaya yung ibig sabihin ni Veronica dun sa sinabi niya kay Axel? Hmm??

"Are you alright?" humarap na si Axel sakin.

"Ahh.. Yah. Okay lang ako." ang sabi ko habang inaayos ang buhok ko.

"Are you sure?" I nodded. "Ginugulo ka ba parati nung dalawang yun?"

Umupo muna kami sa isang bench dito. Andito kami sa isang part ng school na bihira
lang ang tao. Napadaan kasi ako dito kanina. Gusto ko kasing mapagisa. Malay ko bang
dadating yung dalawang yun.

"Hindi naman.."

"Bakit ka ba ginugulo ng dalawang yun? May nagawa ka ba sakanilang dalawa?"
ikwekwento ko nga kay Axel.

"Sa totoo lang.. Classmate ko sila dati nung elementary pa lang. Close kaming tatlo.
Halos magkakapatid na nga yung turingan naming tatlo eh. Kaso isang araw.. May
nangyaring hindi ko inaasahan." napatigil ako sa pagkwekwento.

"Ituloy mo lang. Makikinig ako." seryosong nakikinig sakin si Axel.

Nagpatuloy na ako sa pagkwekwento.

"2nd year kami nung mangyari yun. Nasa isang engrandeng party kami nun. That time..
May bf si Alicia at Veronica. Na close din sa akin..."


Flashback


"Wow! You look so wonderful tonight Gwyneth." sabi ni Shane. Then he hugged
me.

I blushed...

"Yah.. Shane is right. Ibang iba ka sa mga girls dito. I think you're the
prettiest among them." William sweetly smiled at me.

"Kayo talaga. Pinapalaki niyo ulo ko."

"Hahahaha!" we laughed.

"Totoo kaya sinabi namin."

"Mas maganda ka pa nga kay Alicia eh." bulong ni William sakin.

"Uy! Ano ka ba. Baka may nakarinig sayo." siniko ko siya.

"Anyways, nasaan na ba yung dalawa?" tinutukoy ni Shane si Alicia at Veronica.

"Oo nga. Kanina pa tayo andito, pero sila wala pa din hanggang ngayon."
dugtong naman ni Will.

"Baka natraffic lang."

Tumuloy na muna kami sa may garden para magpahangin. May mga upuan dun at doon
kami naupo.

"Pinagtitinginan ka nila oh." napatingin naman ako sa paligid ko.

"Sira! Hindi ako. Kayo ang tinitignan. Asa naman na pagtinginan ako ng mga tao no."

"Haha! Dinadown mo naman sarili mo. Sabi ko sayo, maganda ka eh. Hindi
mo ba alam yun?"

"Alam ko! Hahaha! Aba malay ko bang alam mo din. At alam nila. Hahaha!"

"Haha! Loko ka talaga! Kaya crush kita eh." parang nabilaukan ako ng di oras sa
sinabi ni..

"Crush mo din si Gwen? Crush ko din kaya siya." sa sinabi nilang dalawa.

"Hoy! Ano ba yang pinagsasasabi niyong dalawa. Pag kayo narinig ng mga girlfriend
niyo.."

"Shane?!"

"William?!"

Oh ow!! Sinasabi ko na nga ba eh. Lagot na!

"O andiyan na pala kayo.." tumayo si Shane at hahalik sana sa pisngi ni Veronica
ngunit..

Slaaaaap!!!

"Aw! Para san yun?" napahawak si Shane sa pisngi niya.

"Wait, what's going on here?" tanong naman ni Will.

Slaaaaaaap!!!

Nasampal din si William ni Alicia.

"Ano bang problema niyong dalawa??!!" sabay na sabi ni Shane at Will.

"Mga walang hiya kayo!! Lalo ka na Gwen!! You're such a flirt!!"

Slaaaaaaaap!!!

Nasampal din ako ni Veronica. Sasampalin din sana ako ni Alicia pero napigilan siya ni
Will.

"Don't you ever call her flirt."

"Yun na nga ginagawa niya di ba?! Fineflirt niya kayong dalawa. Para maagaw niya
kayong dalawa sa amin. Para magkagusto kayo sakanya."

"Kaya pala nanlalamig na kayong dalawa these past few days sa amin. Dahil
nagkakagusto na kayo sa babaeng niyan!!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Hiyang hiya na ako. Ako ang sinisisi nung
dalawa.

"Ganyan pala pagkakakilala niyo kay Gwen?! Akala ko pa naman close
friends kayo. Tssk!! Mapanghusga kayo masyado."

"At kinakampihan mo pa talaga siya??!!"

"Dahil hindi mo alam ang sinasabi mo!! Mahiya ka nga Veronica!"

"How could you say that to me?!!"


End of FB


"Bago pa lumala ang gulo.. Umalis na yung apat. Naiwan akong mag-isa dun sa garden.
Umuwi na din ako kasi pinagtitinginan ako ng mga tao. Simula nun hindi na kami
nagpansinan. Yun nga, parati nila binubwisit araw ko. Nabalitaan ko na din na break na
sila. Nawalan na din ako ng communication dun kina Shane and Will." medyo
malungkot ako habang nagkwekwento.

"Ganon pala ang nangyari. Grabe naman pala yung dalawang yun. Jinudge ka nila agad.
Napaliwanagan ba sila nung mga bf nila na wala kang kasalanan dun?"

"Sabi naman sakin ni Shane nagexplain siya kay Veronica. Kaso hindi daw siya
pinakinggan. Napuno na din siguro si Shane kay Ica.. Kaya nagsplit na sila."

"Walang magtatagal sakanila kung ganon sila kaimmature. Anyways.. Pag ginambala ka
ulit nila, tawagan mo lang ako ha? Akong bahala sakanila." pinat niya yung shoulder ko.

"Thanks." I smiled.

"Wait! May sugat ka sa neck. Dumudugo."

"Whaaat?!!" napahawak ako sa magkabilang side ng neck ko.

Tinanggal ni Axel yung right hand ko sa neck ko.

"Wag mong hawakan. Akin na gamutin ko."

May inilabas siya sa bag niya. Isang maliit na tube at bandaid. Ito ata yung nakamot ni
Veronica kanina. amp!

"Ointment to. Wag kang magalala, hindi to mahapdi."

"Ako na lang maglalagay.."

"No. Ako na." at nilagyan na niya yung sugat ko ng ointment at bandaid.

"Thank you ha?"

"No problem." we smiled. "So tara na?" I nodded.

Tumayo na kami at inalalayan niya ako. Yung kamay niya nasa may likod ko.




Pero bigla kaming napatigil...














































































"Axel?! Ate Gwen?! Anong ginagawa niyo dito? Bakit kayo magkasama?"


Chapter 4 Part 2
First Half Day of Yuan



Run! ... Run! ... Run!

Late na ako ng 2 minutes! Gosh!!

Pagpasok na pagpasok ko sa classroom namin...

"I'm sorry. I'm.." wala pa si sir? "pretty." lahat ng classmates ko nakatingin sakin.

"Weh?!" sabay-sabay na sabi ng mga classmates ko.

"Haha! Oo kaya!" I winked!

"Sige na nga! Ikaw na ang maganda! Hahaha!" we laughed.

Woo.. I can't breathe.

"Bhie, get the mineral water please." sabi ni Jelpot kay Adrian habang papalapit siya sa akin.

"Kuya ko, please turn on the ceiling fan." sabi naman ni Rubii kay Han na papunta din sakin.

Napahawak ako sa dibdib ko.. Tss!

"Tumakbo ka no?" halatang nagaalala si Jel sakin. I just nodded.

"Hindi ka naman late dumadating dito ah. May nangyari ba?" umiling lang ako.

"Bhie ko, ito na yung mineral water." Adrian looked at me. "Are you okay?"

"I think she's not okay. Tingin mo okay siya? Hindi di ba?" napatingin na lang sila kay Han.

Binigay ni Jel sakin yung bottled water. Uminom na din ako.

Pagkatapos nun... Sabay-sabay silang nagsalita ng..

"Inhale, exhale! Inhale, exhale!" ako naman naginhale exhale.


Dumating na si Yuan dito sa room. Hingal na hingal din siya. Mukhang tumakbo din ang loko.

"Gwen!!" hinahanap niya kung nasaan ako. "Bakit hindi mo man lang ako inantay?" papalapit siya sa kinauupuan ko.

Nakatingin lahat sakanya mga classmates ko. Sina Rubii at Anjela naman ang sama ng tingin sakanya.

"Bakit namumutla ka?" makakalapit na sana siya sakin kaso..

"Hep!! Diyan ka lang! Wag kang lumapit dito." pagpapatigil ni Rubii kay Yuan.

"I thought you're a nice guy. Hindi pala!" mukhang sinisisi nilang dalawa si Yuan sa nangyari.

"Lagot ka!!" mga classmates ko talaga. Alam din nila kasi.

Takang taka na yung mukha ni Yuan.

"What did I do? Gwen, what's wrong? Anong meron?" naguguluhan na siya.

I was about to answer his question but suddenly our teacher came.

"Sorry guys, I'm late." napatingin agad si Sir sa ceiling. "Bakit bukas ang ceiling fan? Hindi pa ba kayo kuntento sa tatlong aircon?"

"Sir!!" tinuro ako nung isa kong classmate.

"Tsk!! Nagpunta ka na ba sa clinic?"

"No need Sir. I'm fine."

"Are you sure?"

"Yes sir."

"Okay. Anytime pwede kang magexcuse pag naramdaman mo ulit."

"Thank you sir."

"Wait!! Hindi ko po kayo maintindihan. Ano bang nangyayari dito?" gulong-gulo na talaga si Yuan.

"You must be Mr. Charles Villa III. Am I right?" tanong ni Sir.

"Yes Sir. Please tell me anong meron?" Yuan looked at me curiously. "Gwen?"

"Don't mind it Mr. Villa. Mukhang kilala ka naman nilang lahat. You may seat down na."

"But Sir.."

"No buts Charles." natahimik si Yuan. "Seat beside Mr. Lee."

"Sino po yun?"

"My drop dead gorgeous boyfriend!!" haha! Loko talaga to si Rubii.

Umupo na si Yuan dun sa tabi ni Han. Magkaseatmate sina Yuan-Han-Rubii. Nasa bandang likod sila. Sina Jel at Adrian naman yung magkatabi. Nasa second to the last row sila. Ako naman, nasa bandang gitna.

Nagstart na maglesson si Sir Natividad. He's our Math teacher. Uber bait niyan ni Sir. May pagkakwela. Close kami niyan eh. Hehe. Tapos ang galing pa magturo. Kaya nga I love math eh.


Tapos na ang half day ng class. Lunch time!!

Sabay-sabay kami nila Jel at Rubii lumabas ng room. Kasunod namin sina Adrian at Han.. at si Yuan.

Nasa cafeteria na kami. Ang laki ng cafeteria namin. Air conditioned pa. Dami tao.

Lakad-lakad...

"Guys, may vacant dito. Dito na tayo maupo." napahinto kami sa paglakad.

Nakita namin na vacant yun. Pero hindi namin pinansin. Kasi nga..

"Reserved yan. Doon yung place namin." sabi ni Adrian.

"Ganon ba dito?"

"Oo dude. Mas maganda naman di hamak yung pwesto namin kesa dun."

"Ahh. Okay." nagtataka nanaman si Yuan.

Nareached na namin yung precious place namin. Haha. May pagprecious eh no? Sabay-sabay na kaming umupo. Ilan sandali lang dumating na yung food namin. Parang restau kasi dito. May waiter.

Nagstart na kaming kumain.

"Ouch!" sakit nun ah. Tinignan ko ng masama si Yuan.

"O bakit Gwen?"

"Sorry." tumungo si Yuan.

"May itatanong ka no? Ano yun?" tanong ko naman sakanya.

"May sakit ka ba?" alam ko yun ang tatanungin niya.

"Wala akong sakit Yuanito. Ganun lang talaga ako pag napasobra sa pagtakbo. Okay lang ako." wala talaga akong sakit.

"It's my fault again. I'm so sorry." nagsosorry nanaman siya.

"Wag ka ngang magsorry diyan. Ikaw pa nga yung nagsabi sakin kanina na wag akong tumakbo, pero nagpumilit pa din ako. Kasalanan ko yun. Napatakbo ka din tuloy." napatingin sina Jelpot at Rubiipot sakin.
"Bakit?"

"Akala ko pa naman kasalanan ni Yuan. Hindi pala!"

"Nasabihan ko tuloy siya na hindi siya nice."

"Wahaha! Ayan kasi! Sinisisi niyo agad siya kanina. Magtanong kasi kayo. Haha!"

"Ui, sorry Yuan ha?"

"Sorry din. Itong Faneth pala to ang may kasalanan kung bakit siya hiningal-hingal kanina. Pasaway talaga."

Yuan just smiled at them.

"Ahihi. Pasensya naman. Alam niyo naman na ayokong malate eh."

"Eh bakit ka nga ba nalate?"

"At sabay pa kayo ha! Uuyyy!!" asar naman ni Adrian sakin. Baliw lang.

Kinuwento ko naman sakanila yung nangyari. Ayun, as usual, kinilig-kilig yung dalawa. Parang ewan lang. Haha.

Medyo mahaba pa naman ang oras bago ang 1st class sa another half of the day, pumunta na muna kami sa garden.


"Talaga bang wala kang sakit? Baka naman dinedeny mo lang sakin?" magkatabi kami ni Yuan sa may bench malapit sa fountain.

"Wala nga po. Kulit."

"Bakit alam ng tito ko?" tito niya?

"Sinong tito? As if naman magkakilala kami ng tito mo."

"Si Sir Natividad. Uncle ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit ganun yung pagwelcome niya sakin kanina. Haha." tito niya pala si Sir. Haha. Akalain mo yun. "Anyways, nagalala ako ng husto sayo kanina." he
sounds so concerned.

"Thanks. Kaya ngayong alam mo na. Wag ka ng mag-alala ha? I'll be fine." I smiled.

"Hindi mo maiiwasan sakin ang hindi mag-alala sayo."

"Bakit naman?"

Hinawakan niya yung kamay ko na ikinagulat ko naman.

"Basta. n_n" ayan nanaman yung smile niya.


May lumapit na limang girls sa harap namin. Mga freshmen siguro. Parang yung kay sailor moon yung mga buhok nila. Pare-parehas talaga sila ng hair style. Ang cute nila. Hehe.

"Kuya, pwede po bang magpapicture??" ang cucute ng voice nila. Hahaha!

"Uy, picture daw oh. Ayiie~! First day mo pa lang dito may nagkakacrush na sayo. Haha!" nagpout si Yuanito. Ahihi! Ang cute!!

"May bayad ang papicture sakin."

"Kahit po magkano basta pumayag lang kayo." mga desperada ang mga lola niyo. Haha.

"Haha! Joke lang yun no. Kayo naman. O sige, picture picture na tayo. n_n" tuwang tuwa naman yung limang girls.

"Ate, pwede po bang ikaw ang magpicture samin?" hindi pwede. Haha.

"May bayad din."

"Okay lang po." desperada talaga. Haha.

"Hindi, okay lang. Akin na yung digicam."

Naka 5 shots din. Iba't ibang pose yung ginawa nila. Si Yuan, enjoy na enjoy sa ginagawa nila. May pag-keemchee pa sila and peace sign. Haha!

"Request po namin. Kayong dalawa naman po. Picturan namin."


"Huh?!!" sabay pa kami ni Yuan.

"Please po?? Kasi, kanina po.. Habang papunta kami dito.. Nakita po namin magkahawak kamay kayo. Tapos yung titig niyo sa isa't isa... So inlove!!" hala! Itong mga batang to, mga malisyosa ever ha!
Haha!

"Kayo ha, may painlove inlove na kayong nalalaman. Dali picturan niyo na kami."

Umakbay naman agad sakin Yuan.

"Hoy tsansing yan."

"Pagbigyan mo na yung mga bata. Tyaka magtime na oh."

So ayun, picture picture ulit. May pose kami na wacky, magkahawak kamay, magkatalikod..

At ang pinakahuli...

"Kuya, can you hug ate from her back?"

Nagkatinginan kami ni Yuan.

"Okay lang sayo?" wala na akong nagawa. Last shot na daw yun. Pumayag ako.

"Thank you po!! Sa uulitin." chorus nilang lima at umalis na sila.

"Parang ginawa tayong model kanina ah. Haha."

"Oo nga eh. Ang kukulit ng mga bata."

"Half day pa lang ako dito, ganda na agad ng araw ko." abot hanggang langit ang ngiti niya.

"Dahil may mga nagkacrush agad sayo? Kanina pa nga lang sa cafeteria dami na tumitingin sayo eh. Sisikat ka talaga niyan."

"Hindi dahil dun..."

"Nyek. Hindi dahil dun? Eh dahil saan naman?"

"Dahil sayo. n_n" I'm melting!! My golly! What a feeling!!


"Uuyyyy!!!" sumulpot bigla yung tatlo sa likod namin. Mga loko talaga.

"Kayo ha! May chuvachuchu na agad. Ayiie!! Ang sweet!!"

"Infairness, bagay kayo."

"Tao kami!!" nagkasabay kami ulit.

"Nice naman! Sabay pa sila magsalita. Haha!!"

"Inggit lang kayo!! "

"Blushing silang dalawa.. Ayiie!!"

Waaaaaa!! Nagbublush na kaming dalawa ni Yuanito. Sa tuwing nagkakasabay kami, napapatingin kami sa isa't isa. Tapos kakantsawan pa kami nung apat. Nakakahiya.



But at the same time...


Nakakakilig...

Chapter 8
Be Ready Baby




"Axel?! Ate Gwen?! Anong ginagawa niyo dito? Bakit kayo magkasama??!"

Si Elisha? What is she doing here? heck! Mukhang...

"Elisha? Ikaw, ano ang ginagawa mo dito? Hindi ka naman nagpupunta dito ah." ayos! Sinagot din ng patanong yung tanong.

"I was looking for you kanina pa. Buti na lang may nakapagsabi sakin na andito ka daw. And you're with someone. At hindi ko i neexpect na si Ate Gwen yung tinutukoy nilang flirt na kasama mo." demn!! Sila Ica pala
ang nagsabi! Naiinis na talaga ako sa dalawang yun!!

"Tss! Ang sama talaga nila. Gwen is not flirt."

"Kilala mo kung sino yung nagsabi sakin?"

"Of course I know them. Sila kaya yung nangaw.." hindi na naipagpatuloy ni Axel yung sasabihin niya.

"Axel.." tinignan naman nila akong dalawa.

"Sabihin na natin kay Elisha yung nangyari. Para hindi na siya makipagusap dun sa dalawang yun." tumango lang ako.

"Ano ba yun?"

"Kanina.. May narinig akong ingay na nagmumula dun sa bandang gitna. Nacurious ako kung ano yun kaya pinuntahan ko. Nang makarating na ako sa pinagmumulan nung ingay. Kitang kita ko na sinasabunutan ni
Alicia at Veronica si Gwen."

"What??!! Ginawa nila sayo yun?!" nabaling ang tingin ni Elisha sa akin.

"Oo."

"Grabe ha!! Ano! Resbakan natin gusto mo?!! Mga loko pala sila eh! Tapos tatawagin ka pa nilang flirt?! Duh! As if they know you!"

Aba nahighblood ng di oras tong lil sis ni Yuan ah.

"They know her Elisha." napataas ang isang kilay si Elisha. "Pero mali ang pagkakakilala nila kay Gwen."

"Past is past. Wag na lang natin pagusapan. Tyaka, sanay na ako sa dalawang yun. Don't worry." ayoko na kasing pagusapan pa.

"Pero buti na lang dumating ako kanina. Kundi baka kung ano pa ang nagawa nila kay Gwen."

"So hero ka na niyan?"

"Wala akong sinabi ah. Hehe."

"Hmp! Sira ka talaga."

Pero alam niyo.. Nung humingi ako ng tulong kay Lord kanina.. Iba ang inaasahan kong tutulong sa akin. Sana, siya na lang.. *sigh*

"Ipapaalam ko to kay Kuya Charles." sa kuya niya daw??!!

"No!!" napahawak ako sa braso ni Elisha.

"Why?!"

"Ayoko ng malaman pa niya. Kasi baka kung ano pa yung magawa niya dun sa dalawa. May binitawan kasi siyang mga salita dati."

"Ahh. I know what you mean. Kilala ko si Kuya. Hindi malabong magawa niya nga yon. Oh sige. Hindi ko na lang sasabihin."

"Thanks."

"Kami na lang ang bahala sakanila." sabay wink.



Haaay!! Bakit ba kasi humantong pa sa ganito eh. Yung dalawang mangkukulam na yun!! Naimpluwensyahan na din kasi kaya nagbago na ng ugali at personality. Sayang lang..

But I'm happy that I have a bestfriends like Anjela, Rubii, Adrian and Han.


and of course..


si Yuan.



"Siraulo ka kasi eh! Sino ba namang loko-loko na pupunta sa lugar na yun ng mag-isa lang??!! Tignan mo yang nangyari sayo!!"

Sinasabi ko na nga ba sesermunan ako ng mga to eh.

"Eh malay ko bang hanggang dun haharangin pa din nila ako. Hindi naman nagpupunta yun dun eh." sagot ko naman.

"Hayaan mo na yang si Faneth no! Malaki na yan. Kaya na niya sarili niya. Don't mind her."

Nabatukan si Rubii ni Anjela ng di oras.

"Aba. Parang hindi ka concern kung makapagsalita ah."

"Concerned naman ako. But look Jelpot, not all the time magkakasama tayo. Hindi sa lahat ng oras maipagtatanggol natin ang isa't isa. Tyaka, hindi ka na ba nasanay na sa tuwing magisa lang si Gwen umaatake
yung dalawang yun?"

Ow! Si Rubii ba talaga ang nagsasalita ngayon? Himala!

"You have a point. Pero.. Sumosobra na sila eh!!" galit na talaga si Anjela. tss!

"So, what do you want to do?! Attack them?! Revenge?! Jelpot, wake up! Don't be so immature."

"Hanep! Nosebleed!!!" sabay naming sabi ni Jelpot.

"Hahaha! Ayos ka Rubii magalit ah. Nagiging american girl ka. Haha."

"Mga sira! Ganda-ganda ng acting ko dito sinira niyo naman. Hmpf!"

Lakas ng tama talaga nitong dalawang bestfriend ko. Buti na lang parati silang andiyan para bigyan ako ng advice, at damayan ako sa mga problema ko.

"Hmm.. Anyways, alam na ba ni Yuan?"

"Hin.."

"Alin ang dapat kong malaman?"

Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko.

"Ah.. Wala yun." naghahand gestures pa ako.

"Meron di ba? Ano yon?"

"Sabihin mo na kasi Gwenpot. Remember, he's one of your besfriends!"

Haay.. Ano ba yan. Bigla bigla kasing nasulpot tong lalaki na to eh.

"Na ano yan? Sino may gawa sayo niyan?" dinampi niya yung kamay niya sa leeg ko. Nakaponytail pala ako! Geez!

"Ito ba? Ano.. Kasi.. Kanina.. Hmm.." waaaa! Hindi ko masabi!

"Nakalmot ni Veronicang mangkukulam yan."

Napatingin ako kay Yuan. Nagiba yung expression ng mukha niya. May mga galit na sa mga mata niya.

"Yuan.." yun lang nasabi ko kasi..

Bigla siyang ngumiti.


"Hayaan mo na yung mangkukulam na yun. Makakarma din sila. Basta ang payo ko lang.. Pag di mo na kaya, lumaban ka. Wag kang papaapi. Wag mong hayaang maapakan nila pagkatao mo. Okay?" biglang
hawak niya sa magkabilang pisngi ko.

I just nodded and smiled.


But suddenly...

He hugged me and whispered...

"Gwentot, malapit na.. Ihanda mo sarili mo ha? Mwuah!!" sabay alis ni Yuan.



"Uuuuyyyy!! Iba na yaaan~!"


"Whew!! Ang init!! Aircon nga!!"


Chapter 9 Part 1
The Big Surprise!



Ang bilis ng panahon.. 3rd week of September na. Tapos mag October na, matatapos nanaman ang isang grading period. Excited na ako magsembreak para makapagrest naman ang beauty ko. Haha!

1 month na din simula nung una kaming nagkakilala ni Yuanito. Ang bestfriend kong walang ginawa sa araw-araw kung hindi mangulit, mang-asar, manglibre, sunduin at ihatid ako sa bahay, at manglambing. Oo,
napakalambing niya. Tama nga yung sinabi niya dati.. Na mas sweet nga daw siya kay Wall-E. Napakamaalaga pa at maalalahanin. Swerte ng magiging gf niya. Speaking of that! Nagkaroon na kaya ng gf yung loko
na yun? Tae!! 1 month na, onti pa lang din alam ko sakanya.


"Hooooooy Yuanito!!" sinigawan ko siya sa tenga.

"Ouuccch~!!" napaupo siya bigla at napahawak sa right ear niya. Nakahiga kasi siya kanina, natutulog.

Nasa ilalim kami ng isang napakalaking puno dito sa school namin. Nagmumuni-muni kaming dalawa.

"Ahihi! Sorry." aw ang cute ni Yuan! Nagkukusot kasi siya ng mata niya.

"Bakit ka ba sumigaw?" hahaha! Ang cute talaga! Nakakindat yung isa niyang mata.

"Wala lang. May itatanong lang ako." sabay ngiti ko.

"Dapat hindi ka na lang sumigaw. Sakit tuloy sa tenga."

"Sorry po. Hmm.. Nagkagirlfriend ka na ba?" mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Kasi biglang lumaki yung singkit niyang mata. Haha! "Ano? Nagkagirlfriend ka na ba?"

"Hindi pa."

"Owws?!!" hindi kapanipaniwala.

"Oo. At ni minsan hindi ako nanligaw."

"Bakit?" tumingin siya sa langit. Ako naman napatingin din sa langit pero tumingin ulit ako sakanya.

"Hindi ko pinangarap na magkaroon ako ng girlfriend." aw!! Bigla akong nalungkot na ewan. Weird!

Napatungo ako. Nakatingin ako sa mga damo...

"Masaya na ako na may isa akong bestfriend na tulad mo. Wala na akong mahihiling pa simula nang dumating ka sa buhay ko. Kaya..." he paused.

Hinawakan niya yung chin ko at ibinaling sakanya. Nagkatinginan kami. He's serious.

"Kaya.. Huwag kang mawawala sa buhay ko ha? Kasi hindi ko kakayanin."

Dug dug.. Dug dug.. Dug dug... Dug dug...

Ang heartbeat ko!! Pakihabol!! Bago pa makapasok sa puso ni Yuan.

"Mawala na ang lahat.. Wag ka lang Gwen. Wag ka lang.."


Blaaaaaaaaaagg!!!


"Aray ko po!!" ang sakit!! Nahulog ako mula sa duyan nila Anjela. Natutulog kasi ako.

"Uy, okay ka lang Gwen?" tinulungan akong itayo ni Anjela.

"Okay lang. Ano ba yan.. Ganda-ganda ng panaginip ko bigla naman akong nahulog." umupo na kami dito sa kubo-kubo nila Anjela sa may garden nila.

"Ano ba yung panaginip mo?" sasabihin ko kaya? Wag na lang. Baka asarin lang ako nito. At kiligin pa siya. Haha!

"Wala. Sakin na lang yun."

"Ay ang daya naman nito!"

"Ilang minutes ba ako nakatulog?" antok na antok kasi ako kanina nung dumating ako dito kina Jel. Kaya nakaidlip ako.

"Mga 35 minutes din siguro? Uy, nu ba talaga yung napanaginipan mo?" ay makulit! Sabihin ko na nga.

"Napanaginipan ko yung nangyari samin ni Yuan nung nakaraang araw."

"Whhhhhaaaaaaaat~??!!!" hala! Windang na windang naman tong si Jelpot. "May nangyari na sa inyo ni Yuan??!!"

"My goodness Anjela!! Ano ba yang pinagiisip mo?! Hindi yun ang ibig kong sabihin."

"Kasi naman ikaw. Linawin mo. Kung anu-ano naiisip ko eh."

"Haha! Sira. Basta may unforgettable moment kami under the tree."

"Sinasabi ko na nga ba eh! May gusto ka na kay Yuan no?" lumapit pa talaga si Jel sakin. Kukulitin nanaman ako nito.

Dumating pa bigla si Rubii.

"Ano tong naririnig ko na may gusto ka kay Yuan??" join force pa ang dalawa. tss!

"Wala akong gusto sakanya okay? Wala!!"

"Oowws??!!" ito nanaman tong kambal na to.

"Wala. Sasabihin ko naman sa inyo if ever meron. Kaso wala talaga."

Wala ba talaga? Hmm.. Hirap sagutin niyang tanong na yan.

"Oh sige na nga. Asan na kaya yung tatlong kumag?" tama bang tawaging kumag yung tatlo? Haha.

"Padating na din yun. Siguro bumili ng mga materials and whatsoever things." tumayo na si Anjela.

"Miss ko na kasi si kuya ko eh." tumayo na din si Rubii.

Tumayo na din ako.

"Ilang oras pa lang wala yang kuya mo namimiss mo na agad? Adik ka talaga." sabi ko kay Rubii habang sumusunod sakanila papunta sa loob ng bahay.

"Ganon talaga pag inlove Faneth. Magkakaganyan ka din pag nainlove ka na kay Yuan." kailangan bang parating extra si Yuan sa sasabihin nila?

"Tigilan niyo nga ako."

"Ayaw nga namin!! Bleh!" adik talaga si Rubii oh.

Makailang minuto lang.. Dumating na yung tatlo na may dala-dalang materials para sa project na gagawin namin. Lahat kami andito sa may sala at nagusap-usap tungkol sa project namin. Hanggang sa sinimulan
na namin gawin yung project.


1 hour..

2 hours...

3 hours....

4 hours.....


TULOG!!


zzzzzZZZZZ

Nakatulog kaming tatlong babae sa sobrang pagod sa paggawa ng aming proyekto. Sa kwarto kami ni Jelpot nakatulog. Umakyat kasi kami kanina dito, hindi namin namalayan nakatulog pala kaming tatlo.

"Anong oras na?" tanong ni Jel na medyo antok pa ang boses.

Tumingin naman ako sa wrist watch ko.

"Oh my gosh! 8:09 pm na." gabi na pala masyado. Baka hinahanap na ako ni mother dear.

"Kaya pala nagugutom na ako. Alas otso pasado na pala." pagkain nanaman nasa isip nitong si Rubii.

"Baba na tayo.. Baka nakatulog din sila Adrian."

"Hala! Si Kuya ko!!"

Agad na bumangon si Rubii sa kama at nagayos ng sarili at nauna ng bumaba sa amin ni Jelpot.

"Si Rubii talaga.. May sanib parati. Hahahaha!"

"Hahaha! Sinabi mo pa!"

Lumabas na din kami ng room ni Jel. Bago pa kami makababa sa hagdan. Si Rubii nakita namin nakatayo dun at katabi si Han. Lumapit na kaming dalawa ni Jel sa kinaroroonan nila.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito?"

Hindi kami pinansin ni Han.

"Adrian! Yuan! Andito na din yung dalawa. Halina kayo dito!" sigaw ni Han.

Umakyat na nga din yung dalawa. Tapos...


"Waaaaaa!! Bakit??!"

"What the heck?!"

"Mga baliw!! Wala akong makita!!"


Tama! Wala kaming makita. Kasi piniringan kami nung tatlo. Wala kaming kaalam-alam sa gagawin nung tatlong kumag.

Natatakot nga kami sa bawat hakbang na ginagawa namin. Kasi naman.. Baka kung saan kami dalhin nung tatlong to.

"Saan niyo ba kami dadalhin?" tanong ni Anjela..

"Basta bhie.. Trust me." sabi naman ni Adi.

Boses lang naririnig ko sakanila. Hanggang sa pinatigil na kami nung tatlo.

"Ayan.. Andito na tayo." sabi ni Yuan.

"Pwede na ba namin tanggalin to?" tatanggali ko na sana.. Hinawakan naman bigla ni Yuan kamay ko.

"Kami ang magtatanggal."

"Ready guys?" sabi ni Adi.

"Yah!!"

Tinanggal na din yung piring sa mga mata namin. Medyo hirap kong imulat yung mga mata ko dahil sa pagkakapiring sakin.

Nung nakatingin na kami ng maayos..

Yung tatlo nakangiti saming tatlong babae.

Ako pala yung nasa gitna. Tapos nasa kanan ko si Jel at sa left naman si Rubii.

"Ready??!!" sabay sabay na sabi nila Adi, Han and Yuan.

At kaming tatlong girls..

"Huh??!!" ready for what? Pagtatakang tanong namin.

Sabay-sabay silang nagpoint ng finger dun sa may likuran namin. At syempre kaming tatlo.. Lumingon naman sa likod..

Pagkalingon namin...


"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!"


Splaaaaaaaaaaaaaaaaash~!!!


Oh my gosh!! Tama bang itulak kaming tatlo sa pool???!!

"Hahahahahaha!" tawa ng tawa yung tatlong kumag.

"Shocks!! Bakit niyo kami tinulak?"

"Haaaaaaan~!! Nakakainis ka!! Baliw baliw baliw!!"

Andito kaming tatlo sa pool ngayon.. Basang basa. Ang lamig!!

Aahon na sana kami..

"Hep! Girls! Diyan lang kayo.. Hindi pa nga nagsisimula ang live show eh."

"LIVE SHOW??!!" nagulantang ang utak naming tatlo sa sinabi ni Adi.

"Ano bang kalokohan to ha?" sabi ko.

"Gwentot.. Hindi to kalokohan. Basta. I know.. Magugustuhan mo to." then he grinned!

Pumwesto na yung tatlo sa malaking space sa tabi ng pool. At tumalikod na sila samin. Nag-uusap-usap sila habang nakatalikod. Ano kaya binabalak ng tatlong to?

"Gwentot!!" sigaw ni Yuan.

"Ano??!!" pasigaw ko ding sabi.

"Wag na wag kang kukurap ha?!" what?!!

"Ikaw din bhie ko.. Para makita mo ng buong buo.."

Napatingin kaming tatlo nila Jel at Rubii sa isa't isa.

"Bhie, ano ba yang pinagsasasabi mo?"

"Basta.."

"Pate!! Minsan lang to mangyari. And for sure.. Mas maiinlove ka sakin."

"Kuya ko!! Ano ba talaga gagawin niyo?? Magsesexy dance kayo no?"

"Basta.."

Nakakaloka na sila ha! Nawiwindang na kami sa mga pinagsasasabi nila.

"And one thing is for sure ladies.."

"Hinding hindi niyo to makakalimutan at sobrang sasaya kayo sa gagawin namin."

After that line..

Sinimulan na nilang tanggalin ang mga tshirt nila.

My gaaaaaad!! Hindi pa po ako handa sa ganitong bagay. Bata pa po ako!! >.<

Chapter 9 Part 2
Happy Monthsary



Napapikit ako bigla dahil ayokong makita ang susunod na mangyayari.

"Ui Gwen. Bakit ka nakapikit diyan?" ang sabi ni Jel malapit sa tenga ko.

"Akala mo siguro magtopless sila no? Hindi kaya. Idilat mo na mga mata mo." tama ba yung narinig ko? Hindi sila magtopless?

Idinilat ko ng kaunti yung isa kong mata. Hindi nga sila nakatopless. Nakat-shirt pa din sila na white.

"Lights on please!" sigaw ni Han sabay palakpak ng isa.

Sabay-sabay naman na nagbukas ang mga ilaw sa paligid ng pool area kasama na din ang ilaw sa ilalim ng pool.

"Mukhang pinaghandaan ng maigi ng tatlo to ah."

May narinig na kaming music...

*music starts here*
click here

Sabay-sabay na kumanta yung tatlo sa intro..

After ng intro..

I will never find another lover sweeter than you, sweeter than you

Humarap na sa amin si Han na kumakanta at may hawak hawak na red rose.

Si Rubii naman todo ang ngiti.

and I will never find another lover more precious than you, more precious than you

Si Adrian naman ngayon ang humarap sa amin na may hawak naman na white rose.

Asahan na natin na abot hanggang langit din ang smile ni Anjela.

Girl You are Close to me just like my mother,
Close to me just like my father,
Close to me just like my sister,
Close to me just like my brother

At ang huli, si Yuan na ang humarap na may hawak din na rose. It's color pink.

Narinig ko nanaman ang boses niyang nakakainlove. Hay naku!! Hindi ko din mapigilang hindi ngumiti.

You are the only one my everything and for you this song I sing

"Oh my gosh! Look at their shirt."

Shirt of Han- I
Shirt of Yuan-
Shirt of Adi- U

Ang dami naman kaekekan ng tatlong to.

All my life I pray for someone like you
And I thank God that I, that I finally found you

All my life I pray for someone like you
And I hope that you feel the same way too

Yes, I pray that you do, love me too

Inabot na ni Han yung rose kay Rubii and kissed her on the lips.

Sumunod naman si Adi and he kissed Anjela on the forehead.

Tapos si Yuan naman. He just smiled and winked at me.


I promise to never fall in love with a stranger,
You're all I'm thinking of I praise the Lord above,
For sending me your love, I cherish every hug,
I REALLY LOVE YOU!!!

Grabe ngayon ko lang napansin, giniginaw na pala talaga ako.

All my life, I pray for someone like you,
And I thank God that I, that I finally found you

"Ang kulit nilang kumanta. With hand gestures pa talaga. Hehe." tama si Jel, ang kulit nila kumanta.

All my life I pray for someone like you
And I hope that you feel the same way too

"Ang sabihin mo ang cute nila. Lalo na si Han. Go Haaaaaaaaaan~! I love you!!" ala~ma! Hyper na hyper si Rubii ngayon ah. Hindi pa kumakain yan. Hahaha!

Yes, I pray that you do, love me

Ibig sabihin mahal ako ni Yuan? Sira! Syempre as bestfriend. Naman!!

You're all that I've ever known,
when you smile my face always seems to glow,
You turn my life around,
You pick me up when I was down,
You're all that I've ever known,
when you smile my face glows,
You picked me up when I was down,
You're all that I've ever known,
when you smile my face glows glows,
You picked me up when I was down
and I hope that you feel the same way too,
Yes I pray that you do love me too!

All my life, I pray for someone like you,
And I thank God that I, that I finally found you
All my life I pray for someone like you
Yes, I pray that you do, love me too

Hindi na nila tinapos yung kanta kasi nagsalita na si Adrian.

"Girls, akala niyo ba ito na yung surprise namin?"

"Bakit bhie? Hindi pa ba to?"

"Nope. Hindi pa. Patikim pa lang to."

"Ano? Patikim pa lang to?! Eh ano ba talaga yung surprise niyo ha? Kasi nilalamig na kami dito no." ang sabi ko na medyo nangingig ang boses ko.

"Marunong ba kayong sumisid na tatlo?"

"Oo bakit?"

"Good! Doon sa dulo ng pool. Andun yung surprise namin para sa inyong tatlo."

"Tama! At kailangan niyo yun sisidin."

"Ang dami niyo talagang pakulo."

"Haha! Well.. Para sa inyo naman yun weh. n_n"

"Tara na girls! Naeexcite na ako sa surprise nila."

Binigay na muna namin kina Yuan yung rose. Mababasa kasi.

Lumangoy na kaming tatlo papunta dun sa dulo ng pool.

"1, 2, 3!"

Sabay-sabay na kaming sumisid sa ilalim ng pool at kinuha na yung bagay na nasa tubig.

"A mini box?" nagkasabay kaming tatlo sa pagsabi.

"Nakuha niyo na ba? Ahon na kayo dito!" sigaw ni Han mula dun sa kabilang dulo.

Agad naman kaming lumangoy ulit papunta dun sa kinaroroonan nila.

"Girls.. Alam niyo na gagawin niyo ha?" bulong ko dun sa dalawa.

Nagnod lamang sila at ngumiti ng nakakaloko.

Inilahad nung tatlong guy ang mga kamay nila para matulungan nila kaming makaahon.

When we reached out their hands...

Hindi nila alam na may binabalak kami. Kaya ang ginawa namin..

Hinigit namin yung arms nila at inihulog din namin sila sa pool.

"Ang lamig!!" ang sabi ni Yuan.

"See! I told you!"

"Kaya gumanti kayo? Hahaha!"

"Oo no! Unfair naman ata kung kami lang yung naligo dito. Dapat kayo din."

"Haha! Oo na! Buksan niyo na yung plastic."

Nasa harapan lang namin sina Adi habang binubuksan namin yung plastic.

Nabuksan na ni Rubii at Jel yung sakanila.

Samantalang yung sa akin hindi pa. Mukhang ayaw talagang ipabukas eh.

"Wooooooow!! Couple ring?!" bakas na bakas sa mukha ni Rubii na nasurprised siya.

"Yept! Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman no! Engagement ring na din ba to?"

"Aba! Bakit? Gusto mo na akong asawahin agad?"

"Bakit ayaw mo?"

"Syempre gusto. Pero bata pa tayo. But I promise you ikaw ang pakakasalan ko."

"Ang sweet mo talaga kuya ko! I love you!"

"I love you too."

At nagkiss sila.

Hindi ko pa din mabuksan yung plastic. Sisirain ko na lang. Peste!

Nagulat ako bigla sa tubig na humampas sa harap ko.

Bigla pa lang napayakap si Anjela kay Adrian.

"Thank you so much bhie! Sobrang nagustuhan ko."

"I'll do everything just to make you happy."

"Look guys!" winagayway ni Jel yung kwintas na may heart-shaped na pendant.

"Anong nakalagay sa pendant?"

"I love my bhie ko"
"Adrian"

"Meron din ako niyan." ipinakita din ni Adrian yung necklase niya.

"I love my bhie ko"
"Anjela"

"Nice naman! Bagay na bagay! Ayiiiie!!"

"Akin na bhie, ikabit ko sa leeg mo."

"Thank you bhie."

Ikinabit na ni Adrian yung kwintas sa leeg ni Anjela.

And finally.. Nagkiss na din sila sa lips.

Kiligness talaga silang apat.

I'm happy for them.

"Sa wakas! Nabuksan ko na din to! Kaloka sa pagkabuhol ha!"

"Buksan mo na Gwen!"

"Oo nga dali na!"


"Gummi Bear?!!!!!"

Hindi ko inaasahan na isang gummi bear yung makikita ko sa loob ng box.

"Ang cute no?" todo ngiti pa talaga siya ha.

"Oo nga ang cute! Hehe!" I said sarcastically.

"Alam mo ba Gwen, nahirapan si Yuan sa pagiisip kung ano ireregalo niya sayo."

"Oo nga. Ang dami nga naming sinuggest eh. Pero ayan yung naisip niya. What a brilliant mind right? Hahaha!"

"Hahaha! Mga sira. Uy Gwen, hindi mo ba nagustuhan?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay. No comment ako.

"Tara na. Magkakasakit na tayo nito. Ligo na tayo."

Umahon na kaming lahat at nagsipagligo na.

Kumain na din kami bago kami nagsipaguwi.

Hinatid kami nila Adrian hanggang sa street namin. Hindi kami binaba sa mismong harap ng bahay ko.

Eto kasing si Yuan gusto munang maglakad-lakad. Asar talaga. Pagod na pagod na nga ako eh.

"Bakit ka ba nakasimangot diyan?"

"Wala."

"Wala daw oh. Bakit? Hindi ka ba nagenjoy kanina?"

...

"Gwen wag ka naman ganyan. Dahil ba dun sa regalo ko sayo?"

"Ewan."

"Haay nako."

Napatigil ako sa paglalakad. Biglang sumakit yung paa ko.

"Napano ka?"

"Sakit ng paa ko."

"Ahh. Okay. n_n"

"Bakit ka nakangiti diyan?"

"Hehehe! Pikit ka. May magic ako."

"Ayoko nga."

"Dali na."

"Ayaw."

"Please?"

"Oh sige na nga."

Pagkapikit ko...

"Waaaaaaa!! Yuan ibaba mo ko!!"

"Haha! Hindi pwede. Masasaktan ka lang. Ayoko kaya ng nasasaktan ka."

Huhu! Binuhat niya ako na parang sako ng bigas na pinasan sa likod niya.

"Andito na tayo!"

"Kaya ibaba mo na ako."

"Okay po. Hehe."

"Kainis ka!"

Inayos ko sarili ko at yung damit ko.

"Mukhang may bisita ka oh."

"Huh? Bisita? Saan?"

"Ayon oh sa may rocking chair niyo sa labas."

"Asan?" hindi ko masyado makita kasi madilim dun banda.

"Pasok tayo. Mukhang kanina ka pa inaantay niyan."

Pakulo niya siguro to.

Pumasok na kami sa loob. Pero hindi sa loob ng bahay.

Lumapit kami dun sa rocking chair.

"Human sized bear?"

"Hehe! Obvious po ba?"

"Che! Adik mo."

"Hmm.. Hindi na siya bisita. Kasama mo na siya habang buhay."

"Eto talaga gift mo sakin?"

"Opo. Hmm.. Okay lang ba? Nagustuhan mo?"

"Kaya ba gummy bear yung andun sa mini box kasi hindi magkakasya itong bear dun?"

"Tama! Tampo ka pa din ba? Sad? Ahm-"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

I hugged him so tight and he hugged back.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong araw na to. Sobrang thank you."

"Wala yun no. Ikaw nga napapasaya mo ako ng walang kaeffort effort eh."

Kumalas na ako sa pagkakayakap.

"Paano naman nangyari yun?"

"Sa pangalan mo pa nga lang masaya na ako eh. Pag nakikita pa kaya kita?"

"Nakakainis ka Yuan!" tae ramdam na ramdam ko na naginit ang mukha ko.

"O bakit?"

"Wala!"

"Haha! Kahit madilim nakikita kita no. Ang cute cute mo!"

"Ewan ko sayo Yuanito."

"Hawakan mo kaya yung bear tapos tignan mo yung likod ng damit niya."

"Ay oo nga pala."

Binuhat ko yung bear at tinignan yung dami niya sa likod.

"Picture nating dalawa to ah."

"Naalala mo pa kung saan yan?"

"Oo naman. Eto yung pic natin nung pinicturan tayo nung limang girls."

Kung natatandaan niyo. Yung last shot namin yung nakahug sakin si Yuan from the back.

"Pinaprint mo?"

"Yah. Hehe. Isipin mo na lang ako yang bear na yan. You can hug him anytime you want. Pero hindi siya tulad ko na kaya kang yakapin. Hehe."

"Thanks talaga. Pero nagtataka lang ako. Ano bang meron ngayong araw? Bakit may gift ka sakin?"

"Pwede bang bumulong sayo?"

"Hmm.. Okay."


"Happy 1st Monthsary."

Chapter 10
Unknown Caller



"Yuan, anong monthsary pinagsasabi mo diyan?" monthsary daw? Bakit? Kami ba?

"Hindi mo ba alam kung anong date ngayon?"

"September 25. And so?"

Bago niya sagutin yung tanong ko, kinuha niya sa akin si teddy tapos pinasan niya sa likod niya. Teddy na lang muna itatawag ko sa teddy bear. Wala pa akong maisip na ipapangalan sakanya eh.

"August 25 kasi tayo naging magbestfriend. Kaya ngayong araw ang 1st monthsary natin." ano kayang ginagawa nito sa teddy ko?

"Dapat pa bang icelebrate ng magbestfriend yun?"

"Oo naman no. Alam mo, para sa akin kasi, mahalaga ang araw na yun. Sa totoo lang... Ako ang nagplan lahat nung mga nangyari kanina. Naaalala mo pa ba yung sinabi ko sayo dati? Yung sabi kong maghanda
ka?" tumango lang ako. "Ayun yun. Naalala ko tuloy yung kiss."

"Anong kiss?!" medyo nagulat ako sa sinabi niya.

"Yung whispered kiss ko." ahmpf! Pinaalala niya pa! Ayoko na ngang alalahanin yun eh.

"Ahh yun ba.. Haha! No comment."

"Hahahaha! Kinilig ka no?"

"Che! Hindi no."

"Eh bakit sabi mo aircon nga?"

"Waaaaa! Ano ba Yuan? Kainis ka! Wag mo ng ipaalala okay?" namumula nanaman ako ngayon.

"Haha! Oo na. Nakikita mo ba tong ginagawa ko kay teddy ngayon?"

"Oo. Tinotorture mo siya."

"Torture ka diyan. Hindi ko kaya magagawa sayo yun. Alam mo ba tong pagpasan ko kay teddy.. Gusto kong gawin sayo. Hehe.. Pag nagpunta tayo sa beach."

"Ewan ko sayo Yuan. Aning-aning ka na. Sobra na yang pagkasweet mo."

"Sayo lang ako sweet no. At.. Ah wala." hindi na niya itinuloy yung sasabihin niya. Ano kaya yun? Bigla din kasi siyang nalungkot.

"Yuan, gabi na masyado. Umuwi ka na. Maglalakad ka pa." kinuha ko na si teddy sakanya.

"Okay. Sige Gwen. Salamat ha? Happy monthsary ulit. Goodnight." nasa labas na siya ng gate namin.

"Happy monthsary din. And thank you so much. Ingat sa pag-uwi. Hug ka muna kay teddy." inabot ko si teddy sakanya at niyakap naman niya ito agad.

"Naamoy mo ba si teddy?"

"Oo. Kaamoy mo siya. Mukhang binuhusan mo ng pabango eh."

"Haha! Para hindi mo makalimutan amoy ko." tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Oh sige na. Uuwi na ako. Thank you ulit. Eto na si teddy. Itabi mo siya sa pagtulog ha? Para mabantayan ka niya habang natut ulog ka."

"Oo na. Sige na umuwi ka na. Magkikita pa naman tayo tomorrow."

"Okay. Wala bang goodbye hug?"

"Bakit nagpapaalam ka na ba?"

"Hindi. Eh goodnight kiss na lang kaya?"

"Eh kung sapak na lang kaya?"

"Haha! Wag! Masakit yun." kulit talaga ngayon ni Yuan.

"Umuwi ka na nga. Ang kulit-kulit mo."

"Opo. Eto na nga. See you tomorrow."

"Bye!"

Naglakad na din pauwi si Yuan. Pumanhik na din ako sa loob at umakyat na sa room ko. Nagpalit na ako ng pajama at nahiga na. Tinabi ko si teddy sa may left side ko.

Napapangiti tuloy ako ng di oras sa tuwing nakikita ko si teddy. Naaalala ko kasi yung mga nangyari kanina.

Nagbeep yung cellphone ko.

Sino naman tong nagtext sakin? Gabi na may nagtetext pa din. Pagkabukas ko ng mail ko.. Si Yuan lang pala yung nagtext.

"Mwuah!"

Baliw na talaga to. Magtetext mwuah lang nakalagay. Hindi ako nagreply.

After 5 minutes may nagtext ulit. Siya nanaman.

"Goodnight Gwentot. Mwuah is for goodnight kiss. Wag ka na reply. Sleep ka na."

After kong mabasa yung last message niya, natulog na ako.


Kinabukasan...


"Haay! Ang sarap matulog!" sabi ni Rubii na nag-inat at yumuko sa may desk niya.

"Puyat ka nanaman no?" tanong ko sakanya habang naglalaro ako ng game sa cellphone ko.

"Parang ganun na nga. Nakakatamad."

"Parati naman kasi kayong puyat ni Han no." sabat naman ni Jelpot na nasa harap namin Rubii. Hinarap niya kasi yung upuan niya dito samin.

Free time namin ngayon, kaya eto kami, may kanya-kanyang mundo. Yung ibang classmates ko nasa labas, gumagala kung saan-saan. Yung iba naman, andito sa loob ng room. Nagppsp, nakikinig sa ipod,
natutulog, may nagpapakadalubhasa, may nagwawala at may sinasaniban. Haha! Joke lang yung huli.

"Pate, punta tayo sa canteen." oh si Han pala andito.

"Wag mo nga muna akong lapitan at kausapin. I'm so sleepy." aba himala!

"Hmm. Okay. Sorry pate. I love you." aba may pag-i love you pa. Lumabas na ng room si Han.

"Gwen? Bakit ka pala binigyan ng gift ni Charles? Ano daw meron?" pati pala si Anjela napansin niya kung para saan yung pagregalo ni Yuan sakin.

"Monthsary daw kasi namin kahapon."

"Monthsary? As what? As bestfriends?"

"Yap."

"Nakikiuso si Charles ah. Haha! Infairness ang sweet niya talaga. So, yung gummi bear talaga yung gift niya sayo?"

"Nope. Human sized bear yung gift niya sakin. Pagkadating ko sa bahay kagabi, ayun andun sa rocking chair yung teddy bear. Inaantay daw ako. Baliw no?"

"Ayiie! Ang sweet talaga. Oo baliw! Baliw na ata siya sayo."

"Che! Wag ka nga diyan."

"Haha! Eto naman hindi na mabiro. Pero alam mo.. Kutob ko, way lang ni Yuan yung pagiging magbestfriend niyo para mas mapalapit siya sayo. Ramdam ko mahal ka nung tao eh. More than bestfriend ha." ayos
naman sa kutob tong si Jel. Pero, tama kaya yung kutob niya? Kasi parang ganun din yung nafefeel ko eh.

"But you know what Anjela. Sinabi niya sa akin before na ayaw daw niyang magkagf. Ni minsan hindi daw siya nanligaw at manliligaw."

"Ano siya bading? Wag naman no! Sayang ang kagwapuhan niya."

"Haha! Oo nga." lumapit sakin si Anjela at sumilip sa nilalaro ko.

"Ang adik mo talaga sa Othello. Ni minsan hindi kami nanalo sayo."

"Well.. Tsambahan lang to."

"Weh. Yabang nito."

"Wag nga kayong maingay! Tignan niyong may natutulog eh." natutulog na pala si Rubii ng lagay na yun.

"Mind your own business Rubii!" ang tarush! Haha! "Palaro nga ako Farrah."

"Sure." iniabot ko na sakanya yung cp ko.

Nilibot ko yung mata ko sa buong classroom. Wala si Yuan at Adrian. Asan kaya sila? Siguro kasama ni Han.

"Gwen, may tumatawag sayo." iniabot sakin ni Jel cp ko.

"Sino to?" unknown number kasi. Sino kaya to? Sinagot ko na.

"Hello?" tahimik yung kabilang linya. "Hello? Who's this?"

"I missed you." pabulong na sabi nung nasa kabilang linya.

"Huh? Who's this?"

"I missed you so badly Farrah Gwyneth." sh!t! He knows my name!

"Hello?! Sino ba to ha?! Hello! He.." Damn! He hang up the phone.

"Ui Gwen, sino kausap mo? Sino yung tumawag?"

"Unknown caller. Pero alam niya name ko."

"Waaaaa! Katakot naman yan. Baka stalker?"

"Ewan ko."

"Ano sabi sayo?"

"I missed you. Yun lang sabi niya tapos yung name ko."

"Hindi mo ba siya nabosesan? Baka naman sina Yuan lang yan? Pinagtritripan ka."

"Sa tingin ko hindi si Yuan yun. Hindi boses ni Yuan yun. Pero.. Parang narinig ko na yung boses niya before." Oo, familiar nga yung boses nung tumawag sakin kanina.

"Eh kung tawagan mo kaya yung number na tumawag sayo?"

"Oo nga no? Wait.." dinial ko yung unknown number.

"The number you have dialed is not yet in service... Please try your call later."

Ilan beses kong sinubukang macontact yung number pero ganun pa din ang response nung operator.

"Matalino yang uknown caller mo ha. Sa tingin ko sa susunod ibang number naman ang gagamitin niya."

"Sana nga caller lang siya. Dahil hindi ko pinangarap na magkastalker ako."

"Alam mo sa tingin ko, dapat parati kayong sabay ni Yuan sa pagpasok at sa paguwi. Para incase na may stalker ka nga, hindi ka malalapitan."

"Haay. Paano kung tumawag ulit yun?"

"Pakinggan mo lang siya. Irecord mo yung bawat call niya."

"Tama. baka sakaling malaman ko kung sino siya. Kasi familiar talaga voice niya."

"Gwentot!"

Napatingin kami ni Jel sa pinanggalingan nung malakas na sigaw.

Si Yuan pala, kasama si Adi at Han. May dala-dala silang juice na nasa pack.

"Hoy Charles!! Pwede ba, bago ka sumigaw tignan mo na muna kung may natutulog o wala. Nakakabastos lang eh."

Teka, galit ba tong si Rubii? Lumapit na sa amin yung tatlo.

"Pate, wag ka naman magalit. Hindi naman kasi alam ni Yuan."

"Ano bang sabi ko kanina? Di ba tignan niyo muna kung may tulog o wala. Paano niyo malalaman kung hindi niyo naman tinignan."

Nakatingin lang kami sakanilang dalawa. Minsan lang sila magusap ng ganyan eh.

"I'm sorry Rubii. Promise hindi na mauulit. Hindi ko na iistorbohin ulit ang tulog mo."

"Ewan ko sa inyo! Dahil sa pagsigaw mo sumakit tuloy ang ulo ko."

"Sorry na po. Wag ka ng magalit."

Hindi sumagot si Rubii. Lumabas na lang siya ng room.

"Guys, pasensya na. Wala kasing tulog yun. Kinulit ko kasi kagabi. Pati kayo nadamay sa init ng ulo niya."

"Eh ikaw naman pala ang may kasalanan eh!!" sabay-sabay naming sabi kay Han.

"Ahehe! Peace! Sige, sundan ko lang siya."

At sinundan na nga ni Han si Rubii sa labas.

"Katakot si Rubii magalit ha. Ngayon ko lang siya nakita ng ganun." umupo na si Yuan at Adrian sa tabi namin ni Jel.

"Ngayon lang yan. Mamaya okay na din yun. Konting lambing lang ni Han, bibigay agad yun. Hahaha!"

"Sira ka talaga bhie. Para kanino pala yang juice na hawak niyo kanina pa?"

"Ay! Sa inyo to. Hehe." iniabot ni Adi yung juice kay Jel.

"And this one is for you Gwen."

"Thanks."

Nagvibrate ang phone ko. Akala ko may tumatawag. Naisip ko agad yung caller ko.

I checked my phone. 2 messages received.

Isa galing sa classmate ko na mahilig magsend ng quotes, at yung isa galing sa unknown caller ko.

"I really love your voice.
I missed it.
But of course, I missed the whole you.
Hope to see you soon."

Sh!t naman oh! Sino ba talaga siya?

Pinabasa ko kay Jelpot.

"Baka naman kilala ka na niyan dati pa? Baka stalker mo nga. May secret stalker ka."

"Stalker? May stalker ka Gwen?"

Naku! Narinig ni Yuan!

"I have an unknown caller a while ago. But I don't know if I'll consider him as my stalker."

"Why? What did he say to you?"

Kinuwento ko sakanya yung nangyari kanina at pinabasa ko sakanya yung text sakin nung stranger.

"Gusto mo palit na muna tayo ng cellphone?"

"Oo nga no. Palit na muna kayo ng cp ni Charles."

"Paano ko malalaman kung sino siya?"

"Ako ng bahala dun Gwen. Simula ngayon hindi na kita hahayaan na mag-isa lang. Babantayan kita parati."

"Salamat. Pero pwede simcard na lang? Wag cellphone?"

"Haha! Oo. Simcard nga. Nagkamali ako ng pagkakasabi."

Uwian na din namin. Okay na ulit si Rubii. Pinakain kasi ni Han kanina ng madaming chocolates. Alam na din nila yung tungkol dun sa unknown caller ko. Mukhang naeexcite pa nga si Rubii kung sino yun. Feeling
niya kasi gwapo daw yun. Kulit lang eh.

Sabay-sabay kaming naglalakad ngayon sa may hallway. Pero nasa may likuran ako, medyo nauuna sila sakin.

Napansin ko wala yung isang keychain ko sa bag. Kaya napahinto ako at lumingon sa may likuran ko.

"Ay!!" shocks! Nagulat ako.

"Looking for this?" hawak-hawak niya yung key chain ko. Sino siya?

"Ah, yeah. Thanks." kinuha ko sakanya yung keychain ko.

Tumalikod na ako sakanya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. Syempre napalingon ako sakanya at nagtataka ang expression ng mukha ko.

"Ahm.. bakit?"

Nilapit niya yung mukha niya malapit sa tainga ko at bumulong.

"Don't you remember me?"

Kinilabutan ako bigla after niyang sabihin yun. Siya na kaya?

"Gwen!" sigaw ni Yuan yun ah.

Nilingon ko si Yuan. Tumatakbo siya papunta dito sakin.

Nang lumingon ulit ako sa kausap ko kanina.. Wala na siya dito sa harap ko. Saan siya nagpunta?

"Ano bang ginagawa mo dito? Akala ko kasabay ka lang namin naglalakad kanina. Bigla ka naman nawala."

"Ah kasi.. Yung keychain ko nahulog. Kaya hinanap ko."

"Nahanap mo na ba?"

"Oo. Sila Rubii asan na?"

"Nauna na sila. Tara na."

"Sige.."

Hinawakan ni Yuan ang kanang kamay ko. Napatingin ako sakanya.

"Wag kang bibitaw sakin ha? Parati tayong maghawak-kamay para maging safe ka. Gusto kasi kitang protektahan. Ayoko kasing may mangyaring masama sayo. Ayokong mawala ka sa akin. "

Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Kulang na lang ikulong niya ako sa mga bisi g niya para sure na walang mangyayaring masama sakin.

Bakit kaya ganun si Yuan sakin? Bakit ganun ganun na lang yung pagtrato niya sakin? Normal lang bang gawin ng isang bestfriend yun? Haay Yuan, nakakapagtaka ka na.

At yung lalaki kanina. Ang weird niya. Lalo na yung sinabi niya sakin kanina.

Siya...

Siya na kaya ang unknown caller ko? Kung siya nga...

Isa lang ang masasabi ko..


"Hindi siya gwapo."

Chapter 11
Mysterious Guys



Saturday ngayon at walang pasok. Pero maaga pa din akong gumising para magjogging at magbike sa malaking park dito sa loob ng subdivision namin. Gawain ko to pag may free time sa schedule ko.

Nagpaalam na ako kina mama at papa. Kinuha ko na yung bike ko sa garahe at nagsimula na akong magbike papunta sa park.

Madami din akong kasabayan na nagbibike ngayon. Yung iba kakilala ko. Yung iba naman naglalakad kasama yung dogs nila. May mga nageexercise din sa labas ng bahay nila.

Patuloy pa din ako sa pagbibike hanggang sa makarating na ako sa park.

Ang daming tao. Dinadayo din kasi tong park ng mga taga ibang lugar. Nakakarelax kasi dito at nakakaengganyo talagang magexer cise.

Para sa warm up, nilibot ko na muna yung buong park for about 2500 m. Nakatatlong ikot ako at nagpahinga na muna sa isang bench for about 5 minutes. After that, ipinark ko na yung bike ko sa parking ng mga
bicycle.

Hindi ko pala nadala yung cellphone ko. Ipod lang tyaka susi ng bahay ang nadala ko. Wala naman sigurong haharang sakin dito at dalhin na lang ako sa kung saan. I feel safe naman kahit wala si Yuan sa tabi ko
ngayon. Pero for sure magagalit yun sa akin.

Ikinabit ko na sa tenga ko yung earphone ng ipod ko at nagsimula na akong magjogging.

Okay na siguro ang makalimang ikot ako sa isang 1800 m. Nakakaisang ikot pa lang ako pero pinagpapawisan na ako.

Sa ikalawang ikot ko, nakaramdam na ako ng uhaw. Kaya pumunta ako sa isang vendo machine. Bumili ako ng Aquarius sports drink. Halos nangalahati yung laman ng Aquarius nung uminom ako. Hindi naman
halata na gusto ko ng ubusin agad yung iniinom ko.

Nagstart na ulit akong magjogging. Alam niyo ba, sa dalawang ikot ko, napapansin ko na yung isang guy na nakaupo sa isang bench eh panay ang tingin sa akin. Ewan ko kung ako lang yung tinitignan niya ng
ganun. Nakakailang kaya. Kahit gusto ko man na umiwas ng tingin sakanya, hindi ko magawa kasi nakaka-agaw pansin siya masyado.

Ayan na! Malapit na ako dun sa bench na kinauupuan nung guy. Sana wala na siya dun.

Yes! Wala na siya dun! Buti naman! Whew!

Eh teka! Bakit parang may kasabay ako ngayon sa pagjojogging? What I mean is kapantay ko lang sa pagjojog ngayon.

Tumingin ako ng dahan-dahan sa may kanan ko.


Whoah!! Bakit andito siya sa tabi ko? at nakangiti pa talaga ang loko!

Syempre hindi ko pinahalata na nagulat ako. Nung ngumiti siya, umiwas agad ako ng tingin na para bang wala akong nakita.

Malapit na akong matapos sa ikalimang ikot ko pero kasabay ko pa din tong lalaking to. Kinakabahan na tuloy ako.

Huminto na ako isa isang tabi at doon nagpunas ng pawis. At ininom ko na din yung natitirang aquarius. Nauuhaw pa ako kaya bibili ulit ako sa vendo machine. Pero may humarang sa harapan ko. Sino pa ba eh di
yung kanina pang lalaki.

"Here!" ibinibigay niya sakin yung Aquarius na hawak niya.

Tinignan ko lang siya saglit at nilagpasan siya.

"Hey, hey! Wait."

"What?!" irita kong pagkasabi.

"Kunin mo na to. Please?"

"I don't know you okay?! Kaya kung pwede lang, wag mo na akong sundan."

"But I do know you." bigla akong kinilabutan.

Tinalikuran ko na siya at naglakad ako ng mabilis papunta sa bike ko.

Sinusundan pa din niya ako. Waaaaa! Natatakot na ako!

Teka... Baka...

"Ikaw ba yung unknown caller ko?!" dineretsa ko na talaga siya.

"Unknown caller? Or a stalker?" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

Nagmadali akong sumakay sa bike ko at pumedal agad.

"Take care Gwyneth." sigaw nung guy.


Sunday


Maaga ulit akong nagising ngayon kasi magsisimba kami nila Papa at Mama.

Pagkadating sa simbahan, medyo madami na ang tao. Kaya naghanap na kami ng mauupuan sa loob.

"Wala na ata tayong mauupuan." sabi ni papa.

"Meron yan, tara dun sa may bandang gitna." ang sabi naman ni mama.

Bago pa man kami makarating sa may gitna. May tumawag sa pangalan ko.

Hinanap ko naman kung sino yung tumatawag sakin.

"Farrah!"

"Anak, may tumatawag sayo oh." tinuro naman ni Papa kung sino yung tumatawag sakin.

"Dito oh, may upuan pa."

Hindi ko alam kung susundin ko ba siya o hindi.

"Tara, dun na tayo maupo. Buti na lang at may kakilala ka dito Gwen."

Yun na nga po eh. Hindi ko siya kilala.

Lumakad na kami patungo dun sa kinaroroonan nung guy.

"Salamat hijo." sabi ni papa dun sa guy.

"Walang anuman po."

Ako ang nasa huli pero..

"Gwen, dito ka na sa tabi ng kaibigan mo."

"Po?" waaa! Stranger siya mama! Hindi ko siya kilala!

"Dito ka na sa tabi niya."

No choice ako kung di tumabi sakanya.

Ngumiti siya sa akin, nginitian ko naman siya. Pilit nga lang.

"Ang ganda mo talaga. Lalo na sa malapitan." pabulong niyang sabi.

Bakit ganun?! Don't tell me isa din siya dun sa mga strangers na kumausap sakin?

Waaaaaaa!! Sino ba kayo ha?!!

"Wag mo akong kausapin. Hindi tayo magkakilala."

"Bakit mo ako kinausap kung hindi tayo magkakilala?"

Pasalamat siya andito kami sa simbahan ngayon. Naku!! Hindi ko na siya kinausap.

Hanggang sa matapos ang misa, hindi ko siya tinignan at kinausap.

Lumabas na kami ng simbahan.

Malapit na kaming makalabas sa may gate ng inutusan akong bumalik ni mama dun sa harap ng church para bumili ng sampaguita.

Agad naman akong bumalik doon para bumili.

"Ate, pabili nga po ng sampaguita."

"Ilan?"

"Lahat na po iyan ate."

Siya nanaman?!! Bakit ba di nila ako tinatantanan?

"Kunin mo na to."

Hindi ko siya pinansin.

Tumalikod na lang ako at pabalik na ako kina mama. Inubos na kasi niya yung sampaguita.

"Farrah, just take this. Hindi na kita ulit kakausapin."

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Please?" para naman pulubi tong nagmamakaawa.

"Akin na nga! Wag mo na akong kakausapin ulit ha?!" tinaas niya yung kanang kamay niya.

"I promise."

Tumalikod na ako sakanya at naglakad na ako papunta kila mama.

Pero may sinabi pa siya.

"Pero magkikita pa din tayo."


Monday


Nasa school na ako ngayon. Please lang, sana wala ng strangers na lumapit at kumausap sakin simula ngayon.

Siguro wala na ngang makakalapit sakin, kasi kasama ko si Yuan ngayon.

"2 days and 1 night na sa akin tong simcard mo. Wala naman nagtetext at tumatawag na iba. Sinubukan ko din contact-kin yung number. Kaso out of service parati." hindi pa alam ni Yuan na may mga kumakausap
saking strangers.

"Ganun ba? Haaay." napahalumbaba na lang ako dito sa desk ko.

"O bakit? May problema ka ba?" umiling lang ako. "Kamusta pala weekend mo?"

"Okay na hindi." tipid kong sagot.

"Bakit hindi?"

"Simula kasi nung Friday, may mga lalaki na biglang sumusulpot tapos kinakausap ako. At ang nakakapagtaka dun, kilala nila ako. At ang weweird nila!"

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin? May ginawa ba sila sayong masama?"

"Wala naman. Nalilito na nga ako eh. Hindi ko alam kung stalker ba meron ako o unknown caller."

"Baka naman mga admirer mo sila Gwen? Tulad ni nerdy boy."

"Nangaasar ka ba Adrian?!"

"Hahahaha! Pag naasar ka, malamang nangaasar ako. Pero pag hindi. Hindi ako nangaasar."

"Haha! May point ka dun Adrian ah."

Bago pa man sundan ni Adrian ng isang halakhak yung sinabi ni Yuan. Pinagbabatukan ko na silang dalawa.

Mga walang hiya lang eh. Nagawa pang mang-asar.

"ARAYYYYY~!!" daing nung dalawa. Napahawak sila sa ulo nila.

"Aasarin niyo pa ba ako?"

"Hindi na po! Takot na lang namin sayo."

Tumahimik bigla si Yuan tila may malalim na iniisip.

"Yuan, maiwan na muna kita. May naiwan pala ako sa locker ko. Kukunin ko lang."

"Teka! Sasamahan na kita."

"Andiyan lang yung locker no. Diyan ka na lang."

"Ayoko. Sasamahan kita kahit saan ka man magpunta." over naman tong lalaking to.

"Kahit sa ladies room?" napaisip siya bigla. Haha!

"Kahit doon pa. Basta, sasamahan kita." ay ang kulit ng lahi!

"Yuan, wag kang ewan diyan okay? Saglit lang ako. Walang mangyayari sakin." lumakad na ako palabas ng room. Sumunod pa din si Yuan, pero sumilip lang siya sa may pintuan.

Binuksan ko na yung locker ko. Madaming sobre ang bumungad sakin.

Kanino naman nanggaling lahat ng to?

Kinuha ko lahat yung sobre at yung librong naiwan ko dito sa locker. Bumalik na ako sa room at andun pa din si Yuan na nakatayo sa may door.

"Kanino nanggaling yang mga yan?" tanong niya.

Umupo na muna ako bago ko siya sinagot.

"Hindi ko alam. Tulungan mo nga akong buksan lahat."

Isa-isa na naming binuksan yung sobre.

Pare-parehas lang ang mga nakalagay sa sulat. Pero magkakaibang penmanship.



[ Farrah Gwyneth Bautista,

"Always missing you..."

Anonymous ]


"Mukhang miss na miss ka niyang unknown caller mo ah. Eh kung nagpapakita ba siya sayo ng hindi ka na niya mamiss eh. Bwiset!! Nakakabulabog lang siya."

Eh?? Naiinis ba si Yuan? O nagagalit?

"Akin na nga yang mga sulat. Itatapon ko na." kinuha niya sa mga kamay ko yung sulat.

"Teka, baka magamit natin to.."

"Hindi mo na magagamit yan. Sa dami-dami ng tao dito sa campus hindi mo sila maiisa-isa lahat kung kaninong penmanship yang mga yan."

"Kagagawan kaya to nung dalawa??!!"

"Huh?!"

"Si Alicia tyaka si Veronica." I was about to leave the classroom pero dumating na yung next teacher namin. Mamaya na nga lang lunch.


Lunch break...


"Dude, siya ba si Gwyneth?"

"Yah. Ganda pala niya no?"

"Hindi pare, she's cute!"


WTH?!! Bakit pinagbubulungan na ako ng mga lalaki dito?


"Siya ba yung new crush mo bro?"

"Ganda niya no?"

"Barkada pala siya nila Anjela at Rubii."

"Bakit ngayon ko lang napansin na maganda pala siya?"


Waaaaaaaaaa!! Ayoko ng ganito!! Hindi ko naman po hiniling sa inyo na maging sikat ako at mapagusapan dito sa school. Huhu. Why Lord?


"Shet Gwen! Sikat ka na! Congrats!" nagawa pa akong icongrats nitong si Rubii.

"May ice pick ka ba diyan Adi?"

"Wala. Bakit?"

"Eh ballpen?"

"Meron."

"Pahiram nga. Pagtutusukin ko lang ng ballpen yung mga mata nila!" aamba na sana si Yuan, buti napigilan siya agad ni Han at Adi.

"Hahaha! Nagseselos si Yuan. Uuyyy!"

"Hindi ako nagseselos. Naiinis ako. Tama bang tignan nila si Gwen ng ganun? Mula ulo hanggang paa?"

"Anong magagawa mo eh maganda si Gwen. Don't tell me, hindi ka nagagandahan sa bestfriend namin?"

Biglang namula si Yuan. Ewan ko kung bakit.

"Adrian, Han tabihan niyo nga si Gwen."

"Bakit hindi ikaw ang tumabi sakanya? Di ba ikaw naman ang hero niya?"

Tumabi bigla si Yuan sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Pahawak lang." bulong niya.

Hindi lang ako ang pinaguusapan ngayon, kaming anim na. Damay na si Yuan dun.


"OMG! Sila ba ni Charles?!"

"I guess so. Look at their hands oh."

"Woaaaa! So sweet!"


"Naunahan na ako ni Charles kay Gwen."

"Matagal ng sila no. Hindi mo ba alam?"


Ano daaaaw?!! At sino naman ang nagkalat ng balitang yun?! My golly!!

"May kutob akong taga dito sa school natin yung unknown caller mo." sabi ni Jel.

"You think so?"

"Yah. Kung hindi naman.. Sa tingin ko, may mga friends siya dito na ginagamit niyang way para mapuzzle ka sa mga nangyayari."

"Sino naman kaya ang gagawa nun? At gumawa pa siya ng ganitong eksena. Haay buhay!"

Nasa loob na kami ng cafeteria. Buti naman at walang nagbubulungan dito, di tulad nung nasa HS building pa kami.

Nakita ko agad sina Alicia at Veronica. May kausap silang tatlong lalaki. Malamang nakikipagflirt nanaman sila.

Dinaanan lang namin sila pero sinundan ako ng tingin nung dalawa. Kaya napatingin din yung tatlong lalaki sakin.
"Hi Gwyneth!! "


The three mysterious hot guys!!

Chapter 12
Harry Potter, is that you?




Masama ang tingin sakin nina Alicia and Veronica. Ano nanaman ba ang nagawa ko sakanila? Geez!

Lalapit na sana yung tatlong lalaki kaso biglang humarang sa harapan ko si Yuan.

Sila ba? bulong ni Yuan sakin.

Oo. Sagot ko naman ng mahina.

Mukhang may nasesense akong hindi maganda.

Ahmm. Excuse me lang. Nakaharang ka kay Gwen. Sabi nung isang guy.

Hindi ba halatang sinadya kong harangan kayo? medyo galit na pagkasabi ni Yuan.

Ano bang problema pare? Hindi ka naman namin inaano.

Sino ba kayo ha? Bakit niyo ginugulo si Gwen?!

Dude, wala kaming alam sa sinasabi mo. Kaya kung pwede lang, wag kang humarang diyan kasi kakausapin namin si Gwen.

Papunta na sana dito sa kinatatayuan ko yung tatlo, kaso pilit pa ding humarang si Yuan.

Teka, nakakabastos ka na ah!

Hindi kayo pwedeng makalapit sakanya.

Nagsisitaasan na yung mga boses nila. Wag naman sana sila gumawa ng eksena dito sa cafeteria.

At bakit? Sino ka ba ha? Si Charles ka lang naman di ba? Bakit? Boyfriend ka ba ni Gwyneth? Hindi di ba?

Hindi nga niya ako boyfriend. Pero bestfriend niya ako. Kaya may karapatan ako na protektahan siya mula sa inyo.

Eh loko ka pala eh. Hindi kami masamang tao tulad ng iniisip mo. Gusto lang namin makipagkaibigan. Yun lang.

What?! Gusto mong makipagkaibigan sa babaeng yan? hala! Bigla-bigla na lang nakikisingit sa usapan tong si Alicia.

Why? May masama ba dun?

Oo naman. Hindi siya karapatdapat kaibiganin. Because shes a garbage.

Hahaha! Ayos ka magpatawa. Laughtrip talaga.

Napataas ng kilay si Alicia at Veronica sa sinabi nung isang guy.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Nakakahiya.

Anong nakakatawa sa sinabi ko?

Kay gandang basura naman ni Gwen kung ganun. Haha! Kung basura siya? Eh ano ka pa?

Ayos ka din manglait ng kapwa mo. Di ba, close friends kayo noon? Tssk. Sayang lang. dugtong pa nung isang guy.

Wait! How did you know that?! napatanong ako ng di oras. Walang ibang nakakaalam ng kwentong yun kundi mga close friends ko lang. Sino ba talaga kayo ha?!

Malalaman mo din sa takdang panahon Farrah Gwyneth. Sa ngayon.. Okay ng ganito muna.

Ano bang kailangan niyo sakin ha? Kasabwat ba kayo nung unknown caller ko?

Wala kaming sasabihin. Pero eto, dahil samin.. Kilala ka na dito sa campus.

Mas okay ng kilalanin ang isang tulad mo, kesa naman.. hindi ko na siya pinagpatuloy pa sa pagsasalita.

Shut up! Wala kang karapatan para ijudge sina Alicia at Veronica. Hindi mo sila kilala.

Napatingin silang lahat sakin.

Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Gwen? Tingin mo mapapatawad ka namin diyan sa ginawa mo? No way!

Sinabi ko bang patawarin niyo ako? At isa pa, wala akong atraso sa inyo.

Nagmamalinis ka nanaman. inuumpisahan nanaman ako nito.

Pwede ba Veronica, tama na. Hindi ka ba napapagod sa kakainsulto at kakaaway sakin?

Hindi. Dahil bagay lang sayo yan.

Ewan ko sayo. Tyaka nga pala, pwede kumain naman kayo? Mukha na kayong stick ng barbecue sa sobrang payat niyo.

Anong payat? Were sexy.

Yan ba ang sexy? Wala nga kayong dibdib o!

Sabay tingin ng dalawa sa mga dibdib nila at napatingin din sina Jel and Rubii.

Hahahaha! Flat chested pala kayo. Ewee!! sabay na sabi ni Jelpot at Rubii.

Arrghh!! sabay walk out.

See. Mga pikon talaga. Haha.

Galing mo mamikon ah.

Nakakainlove ka naman Gwen.

Hoy, hindi na pwede yan.

Huh? Anong hindi na pwede?

Kayong tatlo! Kung sino man kayo, pwede bang, wag na kayong magpapakita sakin?

Hindi pwede. Magkikita at magkikita pa din tayo.

Anong hindi pwede? Hoy mga kumag! Wag niyo nang antayin pa na manghiram kayo ng mukha sa mga aso. Kaya lubayan niyo na tong bestfriend ko.

Owww. Matatakot na kami niyan? Mr. Villa, wag ka na pong umasta ng ganyan. May magagalit. Hahahaha!

Sinong magagalit?

Secret! Haha! galit na mukha ni Yuan.

Sige Gwen, see you again. Sabay wink nilang tatlo sakin.


Ginutom ako dun ha. Langya naman kasi yung tatlo na yun. Nakaupo na kaming anim.

Grabe, ang hot pala nung mga stalker mo Gwen.

Hot nga, panget naman ng ugali.

Ayun hot? Sus! Mga bulag talaga kayo. sabat naman ni Yuan.

Selos ka lang Yuan eh. Haha! asar ni Adrian sakanya.

Ako magseselos sa mga kumag na yun? Hindi no. Pag ayun talaga nakita ko pa, hindi na ako magdadalawang isip na bugbugin sila.

Ayan ba ang hindi nagseselos?

Hindi nga sabi! Kulit niyo ah. sabay subo niya sa sandwich na kinakain niya. Bigla siyang namula.

Aminin mo na lang kasi na nagseselos ka. Ayiie! inasar ko din si Yuan. Haha. Wala lang.

Pati ba naman ikaw Gwen? Hmm.. tumaas yung isa niyang kilay. Gusto mo siguro akong magselos no? Yikiee!

Aray! tusukin ba ang tagiliran ko? Sakit ha!

Hahaha! Si Gwen, gusto akong magselos. Haha!

Gustong gusto mo naman? tanong ko.

Napatigil siya bigla.

Halatado si Yuan oh! Hahaha! Aminin na kasi. May gusto ka kay Gwen no? tanong ni Han.

Oo nga. Ayaw pa kasing aminin. Halata ka na Yuan. Aminin na! kantyaw naman ni Jel.

Sige, pagtulungan niyo pa ako.

Guilty ka no? tanong ko naman sakanya. Sarap asarin talaga. Namumula kasi.

Hindi. hindi siya makatingin sa mga mata ko ng deretso.

Aha! Hindi mo gusto si Gwen. Kasi.. You love her. Tama di ba?

Yihiee! Mahal ni Yuan si Gwen. Bagay! Haha!

Hindi namin inaasahan na tatayo bigla si Yuan.

Tapos na ako kumain. Una na ako. Malamig niyang pagkakasabi.

Ei Yuan. Galit ka ba? tanong ko.

Tumingin lang siya sa akin ng deretso. Walang makikitang expression sa kanyang mukha. Sabay talikod.

Napikon ata satin. sabi ni Adi.

May binulong si Jelpot sakin.

Sabi ko sayo eh. Tama ako. He likes you.

Sana.. Wala na lang siyang gusto sa akin. Kasi, ayoko siyang masaktan. Hanggang bestfriend lang ang turing ko sakanya. At hanggang dun na lang yun.


Mag-iisang linggo na simula nung nagtampo si Yuan sakin. Hindi pa din niya ako kinakausap ng maayos. Sumasabay lang siya sakin sa pagpasok at pag-uwi. Yun lang. Haay.


Hindi pa din namamansin si Yuanito ah. Mukhang dinamdam masyado yung pang-aasar natin sakanya. sabi ni Rubii.

Sabay-sabay kaming tatlo na naglalakad ngayon sa loob ng indoor gym namin. Makikinood lang sa mga nagbabasketball. Half day lang kasi kami ngayon.

Baka nagpapamiss lang siya kay Gwen? Haha! sabi naman ni Jel.

Hayaan na lang muna natin siya. Sino-sino ba naglalaro ngayon? umupo na kami sa may bleachers.

Mga junior ata eh. Baka andiyan si Axel!

Uy, ang ingay mo.

Haha. Sorry naman. Naexcite lang ako eh. Tagal ko na kasi siyang hindi nakikita.

Asus! Nagsasawa ka na sa papa Han mo no?

Slight.

Slight? Hala! Sumbong ka namin Rubii.

Eh di sumbong niyo.

Aba..

Galing sa kung saan, may tumawag sa maganda kong pangalan. Haha.

"Ate Gwen!" ow. Si Elisha! Malamang andito nga si Axel.

Lumapit si Elisha sa kinauupuan namin. Todo ngiti naman ito sa amin. She's so pretty talaga. Ewan ko na lang pag pinagpalit pa siya ni Axel sa iba.

"Elisha! Kumusta na?" tumayo ako.

"I'm fine Ate. How about you? Ngayon na lang ulit tayo nagkita ah."

"Okay lang ako. Medyo busy kasi kami. Hehe. Anong ginagawa mo dito?"

"Ahh. Kami din eh busy. May practice kasi sila Axel ngayon. Eh kayo?" umupo na kaming dalawa.

Bago ako makasagot binati na muna ni Elisha sina Rubii at Anjela.

Nagkwentuhan na muna kami. Inaantay lang pala ni Elisha si Axel na matapos yung practice nila. Kami naman, walang ibang gagawin kaya tambay mode na muna.

"So.. Musta na kayo ni Kuya? Ano ng status niyo?" nagulat kami nila Rubii at Anjela sa tanong ni Elisha.

"Huh? Status? Ahh.. Hehe. Bestfriends kami. Hindi mo alam?"

Nagiba yung timpla ng mukha ni Elisha. Para siyang na disappointed sa sinabi ko.

"Bestfriends lang??! I hate Kuya talaga when it comes to that thing. So torpe! Is he gay?" whaat?!

"Seryoso ka ba sa tanong mo? Syempre hindi gay kuya mo no."

"Gay nga ata si Charles eh." sabat naman ni Rubii.

"Oh di ba? Siguro nga gay siya. Tssk! Sayang ang looks niya. Hindi naman kasi nagkwekwento yun eh."

"Hindi kayo close?"

"Honestly.. We're not. Kasi.. Let's just talk about this some other time." tumango ako. "It's too personal kasi." she whispered.

Nag-beep yung cellphone ko. May nagtext.

Unknown number nanaman? Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Hmm. Binasa ko na yung message.


"Gwen, mama mo to. Nakitext ako sa kapitbahay natin. Nawalan kasi ako ng load. Samahan mo ako sa grocery store naubusan na pala tayo ng stocks. In 30 minutes dapat andito ka na sa bahay ha. Ingat."


Si mama pala. Naku kailangan ko ng makauwi.

"Girls, I need to go home na. Nagtext si mama ko. May lakad pala kami."

"Aww.. Sayang. Napapasarap na kwentuhan natin eh."

"Sorry. Sige ha. Kita na lang tayo bukas."

"Hindi kayo sabay ni Charles?" pahabol ni Jel.

"Hindi na lang. Pakisabi na lang sakanya. Bye."


Nauna na nga ako sakanila.

Nakasakay na ako sa bike ko ngayon. Tinatahak ko na ang daan papunta sa bahay namin.

Dug dug.. Dug dug..

Bigla akong kinabahan. Hindi mapakali ang mga mata ko. Patingin-tingin ako sa paligid ko. Whew!

Beep! Beep!

Ang ingay naman nung bumubusina.

Beeep! Beeep!

Nakakairita ha!


Owwwwwwwww, geeeeeez!!


"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! HELP!!!"


Wala akong makita sa paligid ko. Ang dilim masyado. Nasaan ba ako? Bakit ang lamig? Patay na ba ako? Pero.. May naririnig akong nagbubulungan. Nakapiring ata ang mga mata ko. At ang aking mga kamay..
Nakagapos.

Shocks! Naalala ko na kung anong nangyari sakin. May mga humarang saking lalaki. Pilit akong pinapapasok sa loob ng van. Sh!t!


"My bike!!"


"Hoy! Shut up!"


Napalakas pala yung boses ko. Ibig sabihin, walang takip yung bibig ko.

"Sino kayo?! Nasaan ako? Pakawalan niyo na ako! Hinahanap na ako ng mama ko!"

Nagpapapalag ako dito sa kinauupuan ko.

"Yung bike ko? Nasaan?!"

"Don't worry dear. Ligtas ang bike mo. There's nothing to worry about."

"Arrghh! Please lang.. Pakawalan niyo na ako. Hindi kami mayaman. Wala kayong makukuha sa amin."

"Alam namin. Hindi pera habol namin sayo okay?"

Hindi pera? Eh anong gagawin nila sakin?

"Kung may binabalak kayong masama sakin.. Please lang wag niyo ng ituloy. Gusto ko pang mabuhay ng matagal. Huhuhu!"

Naiiyak na ako dito. Ang sakit na ng mata ko.

"Is she crying?"

Hmm? Familiar yung voice sakin ah.

"I think so."

Hindi ko na naririnig yung pinaguusapan nila dahil sa kakahikbi ko.

Basta ang alam ko na lang.. Tinanggal na yung piring sa mata ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

May lalaking nakaupo sa may harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali..


Siya si....

"Harry?"

Chapter 13
The Big Revelations



Harry?

Nakaramdam ako ng kaba, lungkot at galit nang makita ko ulit siya ngayon mismo sa harapan ko.

Lumapit siya sakin at nagkneeled.

Baby.. Im sorry. Tumulo na lang bigla ang mga luha ko.

He wiped my tears using his thumbs.

Gusto ko siyang sapakin ngayon ng sobrang lakas. Pero di ko magawa kasi nakagapos pa din ako.

Nagsenyas siya dun sa kasama niya na tanggalin na ang lubid sa kamay ko.

Nang matanggal na ito, hindi ako nagalinlangan na sampalin siya.

Paaaak!!

Sobrang lakas ng pagkakasampal ko kaya napahawak siya sa pisngi niya.

Namula nga ito agad.

Nakita kong umiiyak na din siya ngayon.

Hindi ako makapagsalita. Umiiyak lang din ako ngayon. Bakit? Bakit pa siya bumalik dito?

Im so sorry. niyakap niya ako ng mahigpit habang nagiiyakan pa din kami.

Bakit? Bakit andito ka ngayon? Sana hindi ka na lang bumalik!

Bumalik ako dito para sayo. Kailangan kong ipaliwanag sayo lahat ng nangyari. Ayokong habambuhay tayong ganito.

Alam mo ba kung gaano mo ako nasakatan noon? Sa pag-alis mo ng walang paalam sakin? Sa pag-iwan mo sakin sa ere?! Walang araw na hindi ako umiyak noon ng dahil sayo. pinagpapapalo ko na yung dibdib
niya sa sobrang galit na nararamdaman ko.

Parehas lang tayo. Simula nang magpunta ako sa Canada, parating mugto ang mga mata ko. Sabi nga ng mga doctor, kung magiging depress ako parati, hindi daw ako gagaling at hindi na daw kita mababalikan.
Kaya tinatagan ko ang loob ko at lumaban para sayo. Ginawa ko lahat ng to dahil gusto kong mabuhay pa ng matagal kasama ka."

Bigla akong napalayo sakanya. Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Ano? Hindi kita maintindihan."

"3 months before ako umalis.. Nalaman ko na may leukemia ako. Itinago ko yun sa parents ko. Pero narealized ko na kailangan kong magpagaling at magpagamot. Hindi ko sinabi sayo dahil ayokong makita kang
umiyak. Ayokong kaawaan mo ako. Kaya umalis ako ng bansa ng walang pasabi at paalam. Naiiyak nga sina Mommy nung nasa airport pa lang kami. Kitang kita nila kung gaano ako kalungkot at kadepress."

Nakatayo lang ako, nanginginig ang katawan at hindi makapagsalita sa mga binitawan niyang salita ngayon.

"Sana.. Naintindihan mo ako Farrah. Sorry for what I have done. Ang pinakamasakit lang kasi sa ginawa ko.. Mismong anniversary natin ako umalis. Iniwan lang kita sa ilalim ng puno na natutulog. Hindi man lang
ako nag-iwan ng notes. Pero.. Yun lang talaga ang alam kong paraan. Sana, mapatawad mo ako. Sorry talaga." tumungo lang siya at naririnig ko siyang humihikbi.

"Huhuhuhu!" hala! Sino naman yun?

Ay oo nga pala, may isa pa kaming kasama dito.

Ehhh? Kilala ko to ah. Oo! Siya nga! Siya yung isa sa mysterious guy. Yung nakapulot sa keychain ko. The heck! Magkakilala sila??!

"Guys, tama na. Naiiyak na ako dito. Magbati na kayo oh. Para happy na tayo. Sige na Farrah, patawarin mo na si insan ko. Alam mo bang masakit din sakin ang mga nangyari? Kasi alam ko yun, tapos hindi ko
man lang nasabi sayo. Dahil kailangan kong maglihim."

Ow goodness gracious!!

"Calvin??!!"

"Oo. Ako nga. Akala ko hindi mo na ako makikilala eh. Sorry din ha?"

Shocks! Hindi ko siya nakilala talaga. Eh kasi naman no, huling kita naming tatlo, 6 years ago pa ata? Tapos ang tanda nila sakin 3 years.

Grabe, hindi ko pa din alam ang ireresponse ko sa mga sinabi nila.

"Magaling ka na ba ngayon?" yun na lang ang nasabi ko.

"Oo. Kaya bumalik na ako dito. Lahat ng sakit tiniis ko. Ikaw ang naging lakas ko nung mga sandaling yun."

"Okay."

"Ako din yung unknown caller mo. Kasabwat ko yung tatlong misteryosong lalaki. Isa na nga dun si Calvin. At.. Alam na din nil a Mama at Papa na bumalik na ako dito. Nagkita na nga kami. Actually, andiyan lang sila
sa labas ngayon."

"Ibig mong sabihin setup lahat ng nangyari ngayon??!"

"Yah. Hmm.. Sorry talaga baby ha?"

"Wag mo na nga akong tawaging baby. Hindi na ako baby no."

"Kaya ba hindi mo na din ako tinatawag na Kuya Harry?"

"Hmm.. Gusto ko ng umuwi. May pasok pa ako bukas."

Palabas na ako ng room ng humarang siya sa pintuan.

"Bago ka lumabas sa kwartong to. Gusto kong marinig mula sayo ang pagpapatawad na hinihingi ko."

"Oo na. Apology accepted. Ano pa bang magagawa ko eh nangyari na? And besides, matitiis ko ba naman ang Kuya ko?" ngumiti ako ng bahagya.

"Yes!! Thank you baby!" he hugged me and I hugged back.

Sabay na kaming lumabas ng room kasama si Calvin.


Malamang naguguluhan kayo ngayon kung sino nga ba si Harry sa buhay ko. Kung bakit baby tawag niya sakin, na may anniversary kami, na Mama at Papa din ang tawag niya sa parents ko. Well, he's my
childhood friend. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. Dati nga, sabi pa ng parents namin na gusto nila kaming ifixed marriage. Pero nagbago din isip nila. Kung kami daw para sa isa't isa, kami daw.

Kaya nagkaroon din kami ng condition dati ni Harry. Paglaki namin, habang wala pa kaming bf/gf, magfiance na daw muna kami. Kulit lang eh. Ewan ko kung naaalala niya pa yun.

Nasa rest house pala kami ngayon nila Harry. I mean Kuya Harry pala. Mukhang di kami makakauwi kaya di ako makakapasok bukas sa school.

Sama-sama kami ngayon dito sa living room. Mukhang may mahalagang pag-uusapan.

"Napagdesisyunan namin na sa school mo Gwen mag-aaral si Harry. At, nagpresinta din ang Mama at Papa mo na, sa inyo muna makikitira si Harry. Ayaw nga sana namin pumayag kasi pwede naman kami bumili
ng bahay doon sa subdivision niyo." sabi ng Mommy ni Harry.

"Pwede naman po kina Calvin siya makituloy di ba?"

"Hindi kasi pwede samin Gwen. Kaya sa inyo na lang." sagot naman ni Calvin.

"Ayaw mo bang sa inyo ako tumira?"

"Hindi naman, hindi lang ako sanay na may isa pang lalaki na titira sa bahay maliban kay Papa."

"Wala ka na din magagawa Gwen. Yun na ang naging desisyon namin."

"Okay po."

"Mukhang galit ka pa ata eh?"

"Ewan ko. May paganun-ganun pa kasi. Ang daming kaartehan. Alam mo bang, simula nung nagkaroon ako ng unknown caller at nagsisulpot yang mga stranger na yan hindi ako nakakatulog ng maayos sa gabi?
Tapos yung mga kaibigan ko nagaalala sakin. Alam mo bang nakakainis yun?!!"

"Gwyneth?!" sigaw ni mama.

"Sorry po." tumayo ako. "Excuse me. Lalabas na muna po ako."

Pumunta ako sa may seashore. Hindi ko alam, pero parang naiinis pa din ako sa mga nangyayari. Haay. Ang gulo ko no?

"Farrah..." sumunod pala siya.

"Hayaan mo akong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko bilang Kuya mo. Mali talaga yung ginawa ko. Kaya..."

"Tama na ang sorry mo Harry. Mag-umpisa na lang tayo ulit. Wag mo na akong tawaging baby at hindi na kita tatawaging Kuya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Let's be friends again."

"You mean, umpisa ulit sa umpisa?"

"Oo. Kaya, pakilala ka sakin ngayon. Hindi kita kilala."

"Eh??" kung makakunot ng noo eh. haha! Itsura lang.

"Gawin mo na lang."

"Okay.. Hmm. Hi Ms. I'm Earl Harry McAdam. I want you to be my friend. So friends?"

"Err! Okay. By the way, I'm Farrah Gwyneth Bautista." at ayun, nagshake hands naman kaming dalawa. Parang ewan lang kami. Haha! Okay, parang ewan ako dahil sa idea ko.

Bukas na bukas uuwi na kami at kasama na din namin si Harry. Ano na lang kaya ang sasabihin ng mga bestfriends ko pag nalaman ni la na sa iisang bahay lang kami ni Harry nakatira? Hmm.. Sabihin ko kaya,
bago namin siyang hardinero? Haha! Ang sama ko naman. Bahala na.


Kinabukasan...


Nakauwi na din kami sa bahay ng bandang tanghali. Nagpunta agad sa kusina si Mama para maghain ng aming tanghalian.

"Farrah, samahan mo si Harry sa itaas. Sa may guest room. Tulungan mo siyang mag-ayos ng mga gamit niya." sabi ni Papa.

"Okay po."

Ano pa bang magagawa ko kung hindi sumunod. Bakit kaya dito naisipan ng Harry na to makitira. Hmm..

Nasa may guest room na kami ngayon ni Harry.

"Sige, iwan na kita dito. May gagawin pa ako sa room ko."

"Wait. Sabi ni Papa tulungan mo daw ako."

"Malaki ka na. Kaya mo na yan. Madami pa talaga akong gagawin."

"Saturday naman bukas eh. Bukas mo na lang gawin."

"Hindi ka rin makulit no?" lumapit siya sa akin. As in sobrang lapit.

"Namiss kasi kita ng sobra sobra." haay. Ako din naman eh. Miss na kita. Kaso.. Hindi ko masabi-sabi.

"Oh sige na nga."

Wala naman masyadong inayos sa loob ng room. Yung mga clothes and other stuffs niya lang yung nadagdag dun.

Umupo na muna ako sa kama at ganun din siya.

"Galit ka pa no?"

"Medyo.."

"Sorry na ha?"

"Oo na nga."

"May tanong ako.." napataas naman ang kilay ko.

"What?"

"Are you taken or single?" nanglaki bigla mata ko dun ah.

"Eh ikaw?" ibinalik ko na lang sakanya yung tanong. haha.

"Ako unang nagtanong eh. Pero sige sasagutin ko. I'm single since birth." napatawa ako ng malakas sa sinabi niya. "May nakakatawa ba?"

"Oo. Sobrang nakakatawa. Ikaw?? Single since birth? Sinong maniniwala?"

"Why? Hindi ba kapanipaniwala?"

"Oo. Mukha ka kayang nagpapaiyak ng babae."

"Hahaha! Hindi porket ganito itsura ko ibig sabihin playboy or chickboy ako. Sa tingin mo ba sa isang tulad kong dumaan sa isang sakit magkakaroon pa ba ng oras para maghanap ng girlfriend?"

"Why not. Lahat sayo posibleng mangyari."

"Talaga? Eh kung ligawan kaya kita.. Posibleng maging tayo?"

Natameme ako dun sa tanong niya ah. Hmm.. Seseryosohin ko ba yung tanong niya?

"Ahmm.."

Wala akong maisagot! Ano ba yan?!

"Gwen, Harry! Baba na kayo dito. Handa na ang tanghalian."

Save by the bell!!

After namin kumain, dumeretso na agad ako sa room ko. Gumawa ng ibang homeworks. Ayokong makausap si Harry. Baka kung anu-ano nanaman ang itanong nun sakin. Nakatulog din ako agad.

Mag 5pm na ng magising ako. Tapos na ang class sa school ngayon. Haay. Sayang ang isang araw.

Ay oo nga pala. Yung cellphone ko drained batt na. Chinarge ko agad yung phone ko. For sure dami kong text galing kina Jel.

Inon ko yung cellphone ko at nakatanggap ako ng over 50 texts.

And a text from Yuan caught my attention.

"Let's meet here in the park. I have something to tell you personally. I'll wait for you no matter what."

Nagmadali akong naligo at nagbihis. Nagpaalam ako kina Papa agad na lalabas lang ako saglit. Hindi ko na napansin si Harry.

Nagbike na ako papunta sa park. Naku, mukhang uulan pa. Sana hindi bumuhos ang ulan ngayon.

Nakarating na ako sa park at hinanap siya. Ayun! Nasa ilalim siya ng isang malaking puno.

"Yuan?" nasa tapat na niya ako ngayon.

"Gwen!" mukhang nasurprised siya at napayakap siyang bigla sakin. "Sorry."

"Bakit ka nagsosorry?" bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin.

"Sa nangyari last week."

"Wala na yun no."

"Basta sorry. Hindi na ulit ako magtatampo sa inyo. Hindi ko pala kaya."

"Nakaya mo kaya."

"Hindi. Nahihiya lang ako kaya hindi ko magawang makausap ka. Namiss kita ng sobra Gwentot." ngumiti siya. Nakita ko nanaman ang ngiti niya. Haay. Nakakamiss din pala.

"Namiss din kita Yuanito. Ikaw naman kasi. Ang pikon mo masyado. Guilty ka talaga no?" natatawa kong sabi.

"Ay.. Yan nanaman. Wala nga akong gusto sayo." ouch!

Hala! Bakit ako nagouch?

"Ah. Okay." ngumiti na lang ako.

Nakatitig siya sa mga mata ko. Hindi ko mabasa kung anong nasa utak niya ngayon. Kung ano ba ang iniisip niya. Ang alam ko na lang, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagsalita ulit siya.

"Pero.. Mahal kita..."

"Aaaaaaaaaah!"

Biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Napapikit ako at tinakpan ng dalawang kamay ko ang tainga ko.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Yuan ng mahigpit.

"Alam ko hindi mo narinig. Hindi ko na lang uulitin. Hindi din naman ako sigurado. Ipapadama ko na lang siguro. Kasi alam ko dun din ako tutungo."
Last Edit: September 27, 2009, 07:18:34 pm by yhukie

Chapter 14
Roses For Breakfast


Isang malakas na katok mula sa pintuan ng kwarto ko ang gumising sa akin.

Ang sarap-sarap pa ng tulog ko eh. Istorbo lang. Siguro si mama to. Bumangon na ako at dumeretso sa tapat ng pintuan.

"Mama bakit po? Maaga pa masyado para magprepare for school..." biglang naputol yung sasabihin ko.

"Ui! Hindi ako si Mama no. Dumilat ka nga diyan. Ganyan ka ba makipag-usap? Nakapikit?" napadilat ako ng di oras. Si Harry pala yung katok ng katok. Anong problema nito?

"Eh bakit ba? Sa antok pa ako eh. Ano bang sadya mo ha? Ang aga-aga nambubulabog ka."

"Maligo ka na, tapos magbihis ka na din. Sa labas tayo kakain. Then hahatid kita sa school niyo."

"Nahihibang ka na ba?! Ginising mo ako ng ganito kaaga para lang sumabay sayo mag-agahan sa labas? Magisa ka!"

Isasarado ko na yung pinto pero hinarang niya yung kalahati ng katawan niya.

"Wait. Sige na. Nakaready na kasi dun. Sabay natin abangan yung sunrise. Please?" nagpuppy eyes naman siya. Naku!

"Haay! Oo na. Antayin mo na lang ako sa baba." napangiti naman siya ng todo-todo. Samantalang ako, nakakunot ang noo.

"Yes! Bilisan mo ha? Saka, wag kang sumimangot mas panget ka pa sa panget eh." tinaasan ko siya ng kilay.

"Ahaha! I'm just kidding. Shower ka na." then ayon, bumaba na siya at ako naman nagshower na.

After ko maligo at magbihis, kinuha ko yung phone ko at tinext si Yuan. Tinext ko na hindi kami magkakasabay ngayon.

Bumaba na din ako after at sumakay na kami ni Harry sa car niya.

Tahimik lang ako habang papunta kami sa pupuntahan namin. Inaantok pa kasi talaga ako.

Nakarating na din kami sa destinasyon namin. Ang Green Lake ng subdivision namin. Pero hindi color green yung water sa lake ha? Haha!

Bumaba na kaming dalawa sa car at naglakas patungo sa isang maliit na kubo.

"Paano mo nalaman tong lugar na to?"

"Kay Papa. Naitanong ko kasi kung may maganda bang pasyalan dito sa loob ng subdivision. Eto yung nirecommend niya. Ang ganda no?"

"Yah." maiski kong sagot.

"Upo ka na diyan. Kain na tayo."

Umupo na din ako. Akala ko pa naman sarili niyang gawa yung mga food dito. Yun pala breakfast meal from Mcdo.

"Matanong ko lang.. Sino pala yung pinuntahan mo sa park nung Friday?" tanong niya habang kumakain ng hotcake.

"Paano mo naman nalaman na may kinatagpo ako doon?"

"Sinundan kasi kita. Nakita ko kasi yung langit na madilim na at mukhang uulan nung mga oras na yun. Nagdala pa nga ako ng payong."

"Bakit hindi kita nakita doon?"

"Hindi na ako nagpakita. Kasi baka maistorbo ko yung pagyayakapan niyo dun. Haha!"

"Hoy! Walang meaning yun ha! Napayakap lang ako kasi kumidlat at kumulog."

Ngumiti ng nakakaasar tong si Harry. Batukan ko kaya to? Nakakainis eh.

"Hahaha! Defensive masyado oh. Pero narinig mo ba yung sinabi niya?"

"Huh? Alin?"

"So wala kang narinig? May sinabi kasi siyang kakaiba."

"Kakaiba? Eh ano ba yung sinabi niya? So narining mo nga? Asan ka ba nun?"

"Yah. I heard it. Andun lang ako malapit sa inyo."

"So what did he say?"

"Sakanya mo na lang tanungin. Hindi mo pa sinasagot tanong ko. Sino siya? Sino siya sa buhay mo?"

"Hes Charles. One of my bestfriend."

"Bestfriend lang? Yun lang ba talaga? Kasi sa tingin ko, hindi lang ganun ang nararamdaman niyo para sa isat isa." aba intrigerong to.

"Gusto mo maligo sa honey?"

"Hahaha!"

"Tawa ka diyan! Nakakainis ka!"

"Ipakilala mo ako sakanya ha? Gusto ko siyang kilalanin ng maigi para sayo."

"Bahala ka sa buhay mo. Hmpf!"

Naglast sip na ako sa juice ko at tumayo na. Bumaba na ako sa kubo.

"Ui teka!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa may bukana ng lawa.

Pinagmamasdan ko lang ang araw na unti-unting tumataas.

Napaisip ako sa sinabi ni Harry. Bukod sa pagkakaayos at kamustahan wala na kaming napagusapang iba ni Yuan. Wala din naman siyang nasabing kakaiba. Kung meron man, tungkol naman saan? Yun ang dapat
kong malaman.

"Wag mo ng isipin yun. Mahal ka naman nun eh."

Nasa likod ko na pala to. Bigla-bigla na lang nagsasalita eh.

"Tara na. Papasok pa ako sa school."

"Lets go my baby." batukan ko nga. "Ouch!"

"Peace!" I smiled.

Sumakay na kami sa car niya at nagdrive na siya papunta sa school. Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi pa siya papasok. After sembreak na siya papasok. College na kasi siya.

"Pwede ba kitang ihatid hanggang sa room niyo?"

"Huwag na. Baka kung ano pang isipin nila pag nakita nilang may kasama akong unggoy."

"Ang bad ha! Monkey na ba tingin mo sakin?"

"Haha! Syempre joke lang. Wag na kasi mapapagod ka lang. Umuwi ka na lang."

"Okay. Sabi mo eh. Ingat ka ha? Aral mabuti." hinawakan niya ang kamay ko.

"Opo Kuya." ngiti naman ako.

"Ayiie! Kilig naman ako. Haha!" parang baliw lang. Yun lang kinilig na.

"Sige baba na ako. Sunduin mo ako mamaya ha? Tetext na lang kita."

"Sure baby. Pahug muna."

"Hala. Bakit?"

"Pampaswerte."

"Che. Sige na, bye!"

"Daya nito. Lagot ka sakin mamaya sa bahay."

"Sige subukan mo lang may gawin ka mamaya, papalayasin kita."

"Hindi ako takot. Bleh!"

Kapikon to. Bumaba na ako sa car niya. Nagwave na lang kami pareho sa isa't isa.

Buti na lang nabawas-bawasan na yung mga tumitingin sa akin dito sa campus. Siguro narealized nila na panget talaga ako. Haha! Loko-loko kasi si Calvin eh.Speaking of him, hindi ko talaga siya nakilala. Mukha
kasi siyang uhugin nung bata. Haha! Pero seriously, ang laki ng iniba ng itsura niya. Maappeal na siya ngayon. Pero gaya nga ng sabi ko, hindi siya gwapo. Cute pwede pa.

Sasara na sana yung pinto ng elevator, saka may pumasok na dalawang babae. At yung dalawang babae na yun, sino pa ba eh di yung dalawang maldita.

Nagulat pa nga sila nung makita nila ako. Pero naging mataray ulit ang itsura ng mukha nila.

Ang panget lang eh. Sunugin ko kaya kilay nila ng hindi na nila maitaas pa. Kala mo bagay magtaray eh hindi naman. Kelan kaya sil a babalik sa dati? Minsan naiisip ko, kasalanan ko ata kung bakit sila naging
ganun.

"Flirt!" napataas din tuloy yung isa kong kilay. "Si Harry ba yung kasama mo kanina?"

Oh my gad. Hindi ko pala nasasabi sa inyo. Magkakakilala din sila. Eh di ba nga classmates kami and closefriends nung elementary days. Syempre, napakilala ko din sila kay Harry dati. Pero di sila close nina Harry.
Magkakilala lang.

"Bakit?"

"Ang flirt mo talaga. Ewee!" kung makapagewee naman tong si Alicia kala mo naiputan ng ibon.

"Look who's talking."

*Ting!*

Salamat naman at andito na kami sa 4th floor. Lumabas na ako agad at hindi ko na sila pinansin pa. Baka masabunutan nanaman ako eh.

Dumaan na muna ako sa locker ko at kinuha ang mga gamit na gagamitin naming ngayong araw.

"Roses for breakfast." tatlong roses ang bumungad sa harap ko.

Nilingon ko kung sino yung may hawak ng 3 roses.

"Charles?"

"Good morning Gwen. n_n" bakit hindi siya nakaeyeglasses?

"Morning too. Para san to?" kinuha ko yung roses mula sa kamay niya.

"For your breakfast."

"For my breakfast? Papakainin mo ako ng roses? Baliw ka ba?" tumawa siya ng bahagya.

"Walang halong biro. For your breakfast nga yan. Candy po yan Ms. Gwyneth. Hindi lang halata."

"Candy to?!" nawindang ata ako dun.

"Yah. Tara na. Ako na magdadala ng books mo. Kainin mo na lang yang candy." binigay ko sakanya ang mga libro ko. Pinagmasdan ko naman ng maigi yung roses. Candy nga. Napeke ako dun ah.

Eh para san naman tong 3 roses? Bakit niya ako binigyan nito? For my breakfast daw? May nagbrebreakfast ba na candy ang kinakain? Ang adik nun ni Yuan. May toyo din kung minsan eh no.

"Yuan wait lang."

Tumigil sa paglalakad si Yuan.

"Yes?"

"Bakit mo ako binigyan nito?"

"Hmm.. Dessert? Kasi for sure naman nakapagbreakfast ka na. Ayun, yun siguro yung reason. Hehe." ehh? Hindi siya sure sa sagot niya? Weird nito.

"Okay. Thanks kung ganon. Eh bakit hindi ka nakaeyeglasses?"

"Para maiba naman. Hindi ba bagay?" pinungayan naman niya yung mata niya. Nagpapacute?

"Hindi lang ako sanay. Nakakapanibago. Akala ko nga hindi ikaw yan."

"Haha! Gwapo no? Hindi. Nagtry lang ako magcontact lens."

"Ahh. I see. Tara na sa room."

Sa totoo lang, mas gwapo si Yuan pag walang salamin. Grabe, makalaglag panty eh. Haha!

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakarating na din kami sa room. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin isang nakakawindang na tanong agad ang bumungad samin.

"Ui! Kayong dalawa.. Kayo na ba? Ayiie!" tanong ng isa kong classmate.

"Hindi no. Napakamalisyoso niyo talaga." sagot ko naman.

"Hindi daw? Eh bakit parati kayong magkasama? Naghoholding hands? At ayan!" sabay turo sa roses na hawak ko. "Bakit ka binibigyan ni Charles ng roses kung wala lang?"

"Umamin na kasi!" sabat ng iba kong classmates. Naghihiyawan na nga sila eh.

Feeling ko namumula na tong mukha ko.

"Bakit guys? Bagay ba kami?" sabay akbay sakin ni Yuan.

"Yiheeeee!!"

"Oo. Bagay na bagay! Kiliiiig~!"

OMG! Ano ba naman tong si Yuan. Waaa! Nakakahiya! Inalis ko yung braso niya na nakaakbay sakin.

"Tumigil ka nga diyan."

"Tinatanong ko lang sila."

"Alam mo naman na kinakantsawan na nga tayo eh. Mukhang natutuwa ka pa diyan."

"Uuuuyyyy! Nagbubulungan silang dalawa. Share niyo naman yan. Ayiiie!" waaa! Ang ingay na dito sa room. Kasi naman eh!

"Haha! Enough na guys. Bestfriend lang talaga kami. Wag niyo na lang bigyan ng ibang meaning yung closeness namin. Sadyang sweet lang kami sa isa't isa."

"Awww! Sana kayo na lang. Ligawan mo na!" sabi nung isa kong classmate na guy. "Ako manliligaw diyan kay Gwen sige ka." nanakot ba daw?

"Haha! Sige lang. Pero dadaan ka muna sakin. Joke lang. Kayo talaga. Enough na ha?"

"Oo nga. Wag niyo na kaming intrigahin. At saka ako na din nagsasabi sa inyo. Kami ni Charles, never magiging kami."

"Aww..." nagsilungkot ang mga pagmumukha nila.

"Wag din magsalita ng tapos." bulong ni Yuan pero di ko naintindihan.

"Huh? May sinasabi ka?"

"Wala po."

Weird talaga nito. Mamaya pala tatanungin ko siya bout dun sa nabanggit ni Harry kanina.

Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan. Salamat na lang at dumating na si Sir.

Nagquiz lang kami at nagreview. Nakakapiga ng utak. Pero carry pa naman. Lunch break na kaya kailangan ng magrefill. Haha!

Napansin namin nila Jelpot na medyo tahimik si Rubiipot and Han. Mukhang may nangyaring di maganda. May LQ siguro ang dalawa.

"Kanina pa sila tahimik. Nakakapanibago." bulong ni Jel sakin.

"Baka nagkatampuhan?"

"Ui Han, Rubii! Bakit di kayo nagkikibuan diyan?" tanong ni Adrian sakanila.

Tumingin lang yung dalawa saming apat. Ano ba yan, nakakaloka naman.

"Kung nagkatampuhan kayo o nagkaaway kayo, ayusin niyo. Pag-usapan niyo. Hindi yung nananahimik lang kayong dalawa diyan."

"Oo nga. At saka andito kaming apat oh. Matutulungan namin kayo."

Hindi pa din kumikibo yung dalawa.

Malapit na kaming matapos kumain nang magsalita na si Rubii.

"Ayoko na."

Nagkatinginan kaming lahat sakanya. Pati si Han na nakayuko lang napatingin sakanya. Halatang nangingilid na ang luha nito.

Tumayo na si Rubii at nagakma ng aalis. Pinigilan naman ito ni Han.

"Pate!"

"Wag mo na akong tawaging Pate. Dahil wala na tayo."

Para kaming napipi sa mga nasasaksihan namin ngayon.

"Please, stay. Alam ko nagkamali ako. Pero hindi na mauulit. Patawarin mo ako."

Umiiyak na si Rubii ngayon at ganun na din si Han. Wala silang pakialam kung makita man sila ng mga tao dito sa loob ng cafeteria.

"Guys, pag-usapan niyo to sa tamang lugar."

"Hindi na. Wala na dapat pang pag-usapan. Pag sinabi kong wala na. Wala na. Period!" bumitaw na si Rubii. Tuluyan na siyang umalis.

"Han, ano bang nagawa mo? Nagloko ka ba?" tanong ni Adi.

Tumango lang si Han bilang sagot. Tssk. Akala ko pa naman hindi niya magagawa yun. Pero bakit? Anong nagawa ni Rubii para gawin niya yun? Mga lalaki talaga! Arggh!

Gusto daw munang mapag-isa ni Han kaya iniwan na muna namin. Kaming apat naman dumaan sa garden. Gaya ng nakagawian, tumambay na muna kami doon. Napagusapan namin saglit yung dalawa. Then,
nagkanya-kanya na.

"Yuan, may tanong ako."

"Hn?"

"Last Friday sa may park.. May kakaiba ka bang nasabi sakin?"

"Wala naman. Bakit?"

"Ah. Wala lang. Akala ko lang meron."

"Meron ata? Pero nakalimutan ko na. Hehe. Wag mo na lang isipin yun."

"Okay."

Ngumiti lang kami pareho. Nanahimik saglit.

"Yung roses pala.. Sa totoo lang, may meaning yun."

Sabi na nga ba eh. Hindi naman siguro siya magbibigay nun kung wala lang. Buti kung simpleng candy lang. Kaso hindi eh. Rose pa talaga.

"So, ano meaning nun?"

"Simple lang.."



"You are special."


Then he whispered...


"To me."

You might also like