You are on page 1of 9

>sa lahat poh ng magbabasa, sana magustuhan nio and palagay nmn poh ng comments pls..

salamatz<<

SiMpLy kAtE

Im Kate. A simple girl with a simple life. Di ako yung tipo na hinahabolhabol ng boys o
pinagkakaguluhan. Di ko nga alam kung kilala nila ko eh. Basta Im Kate. Plain and simple. Kung baga
sa funshots, walang flavor. Yun nga, plain lang. What you see is what you get.

Well, everything changed when my senior year came. From a loner na walang pumapansin, naging
center of attraction ako. Oh db, bidabidahan ang lola mo?

Ganito kc un 4th yr, senior. Xempre may prom. Weeks before the prom, lahat na sila ngpaplano
damit, makeup, hairstyle. Take note, pati prospect dates nila. Lahat cla excited maliban sakin. Prom?
Its just a night na magfifiling prinsipe at prinsesa kame. Its just a night na magsasayawan kayo
hanggang sa magkandakalyo-kalyo yang mga paa nio

Sabi ko sa sarili ko, di ako pupunta unless imbitahin ako ng all-time crush ko na maging ka-date nia.
Magilusyon daw ba? Alam ko na imposible un. Kasing imposible na mabuhay ako ng walang tv. Well,
fyn. Imposible na kung imposible. Eh anong magagawa ko kung tinamaan ako sa kanya? Ok lang un.
Libre lang nman ang mangarap eh. Pero kala nio ba ako lang?! HAH! May mas desperado pa sakin na
nagtapangtapangan talaga at sila na mismo ang nag-invyt sa kania. Oh, carry nio un?!

Pero, di ko din nmn cla masisisi. Papable at crushable sya talaga! Star player ng basketball varsity
team, vocalist ng banda, magaling magsayaw, matalino. Lahat na ata ng talent nasa kania. Di pa jan
nagtatapos yan! Nung nagsabog ang Diyos ng kagwapuhan, sinalo nia lahat! Matangkad, matangos
ang ilong tapos super nakakatunaw ang mata. Yung tipong ang sarap himatayin pag tinitignan ka nia.
Pero para sakin, pinakanakakadagdag sa pogi points nia ay ung hikaw sa tenga! Astig talaga! Lalakeng
lalake ang dating nia!

Uhm, Ill let you in on a secret. Atin atin lang ha. Alam nio ba, I prayed every single night na sana iinvyt
nia koh na maging ka-date nia. Kulang na lang magnobena ko ng paluhod sa Quiapo. But you know
what? Prayers do work. Sabi ko na nga ba eh, malakas akoh sa Diyos!

Nasa library akoh nun. Nagpapaka-studious. Naghehenyohenyohan. Pero sa totoo, wala lang akong
matambayan. Out of the blue, he knelt in front of me at hinawakan ang kamay ko. Grabe! Lumuhod
xa sa harap koh! Tapos, aun, tinanong nia koh kng pwede partner nia ko sa prom. Sa sobrang kilig ko,
napatango na lang ako. Un na lang ang nagawa ko. Sobrang di ko inaasahan. Feeling ko nga, pwede na
ko kunin ni Lord!

That nyt, di ako makatulog. Xa lang ang nasa isip koh. Parang pirated vcd na nagppley ng paulit ulit sa
utak koh ung pagluhod nia sa harap koh! Nasa gitna ako ng pagiilusyon ko ng biglang nagring ang
fone..

>>nxt tym na poh ung cont.. pki sb kng gsto nio pa mabasa ung cont. kc bka di nio type ung story eh..<
Aaaaaaah..! ITS HIM! Gusto ko ng tumambling-tambling sa sobrang tuwa. He invited me
to watch a movie, kain, kwentuhan. Para lang magkapalagayan kami. Magpapakipot pa ba
ko? Xempre hindi na! Oo na kagad!

The following nyt was a dream come true. Sya lang at ako. Nanood kme ng sine,
kumain at nag-Starbucks. Dun kame ngkwentuhan. Get to know each other. Ang saya nia
kasama. Ang saya nia kausap. Feeling ko long tym frends na kmi. Feeling ko, close kme
kagad. And when that nyt ended, I knew that it would be one of the happiest moments of
my lyf...

Days before the prom, lagi kami magkasama. Feeling ko nga kmi na eh. Sabay kmi
naglulunch, nagmemerienda tapos hinahatid pa nia ko. Talk of the town nga eh! Pano daw
na ang isang kagaya ko ay magugustuhan ng isang kagaya nia. Oo nga naman, ang laki ng
difference namin. Parang Shancai at Daomigze. Mayaman, mahirap. Sikat, di kilala.
Parang nasa Milky Way galaxy xa at akoh, nandun sa Andromeda...

Prom nyt, sinundo nia ko sa bahay dala ung chedeng nia with matching bouquet of
red roses. Grabe, the whole nyt was magical. Parang ako si Cinderella. We danced and
laughed the whole nyt. Ang sweet nia, gentleman pa. Super kilig lalo na pag tinitignan nia
akoh at sinasabing, you know what? Youre the most beautiful girl I ever laid my eyes
on.. Etoh na talaga, pwede na talaga koh mamatay. Before we left, nagpapicture kmi.
Souveneir daw. Un nga lang, I never got the chance to see it. Kinuha nia kc kagad. Di bale,
alam ko naman na picture perfect un eh

Tapos na ung prom, hinatid nia koh

Pinark nia ung koche sa tapat ng bahay namin. Being such a gentleman that he is,
pinagbuksan nia ko ng pinto at inalalayan akoh sa pagbaba. Nakatayo lang kme, nakatitig
sa isat isa. Nabingi na ko sa sobrang katahimikan kaya nagsalita na koh

Galaw galaw baka mastroke.

Ngumiti xa tapos nagbuntonghiniga. thanx for sharing this nyt with me. Tnx dahil
napasaya mo ko. Salamat dahil ikaw ung nkasama ko ngaung gabi.

Napangiti ako. Tama bang maging super sweet xa. dapat nga akoh ung mag-thank
you eh. Kc di magiging masaya ung prom koh kung hindi dahil sayo. Alam mo-

Napatigil akoh sa pagsasalita Niyakap nia ko bigla.

I love you Narinig ko na lang na sinabi nia. Inulit nia ulit, I love you Kate. Alam mo, 1st
yr pa alng tayo, crush na kita. Noon di pa ko sigurado pero ngaun, cgurado na koh. Sana
bigyan mo koh ng pagkakataon na patunayan un sayo. I love you talaga

Di ko alam kung pano ko magrereact. Yakap pa din nia ko. Ang higpit higpit. Bakit
pa nia kailangang sabihin to sakin?! Ok na naman kame ngaun db?! Masaya na naman
kame ng ganito lang. Bakit pa ba nia kylangang gawing komplikado ang lahat?! Di pa ba
xa kontento sa ganito?!

Gusto ko na sumigaw. Di ko na alam kung anong ngyayari sa kanya. Yakap pa din
nia ko. Ako, tulala lang. Naramdaman ko na lang, tumulo na yung mga luha ko. Kala ko
nga naiyak na din xa, may pumatak kc sa balikat koh. Ulan pala.

Bakit ka umiiyak? Narinig ko na lang na cnabi nia. Di akoh mkapgsalita. Ayaw mo ba
sakin? Handa naman akoh maghintay. Ano pa bang gusto mo? Ikaw lang ang mahal ko. Di
pa ba sapat un?

Gusto ko ng isigaw na mahal koh din xa. Mahal ko naman talaga xa simula pa noon. Pero
parang may mali. Di ko alam kung ano. Cguro dahil sa mga iniicp ng iba na hindi kami
bagay at wala pang isang buwan, wala na. Itatapon na lang nia ko. Iiwan. Pagsasawaan
at maghahanap ng iba. Takot lang ako masaktan.

Kumawala akoh sa yakap nia. Ayoko na. Tumakbo na lang ako sa bahay at dun na
sa kwarto nagmukmok. Bakit ba to ngyayari? Umiiyak pa din ako hanggang ngaun.
Napaisip ako. Di ba ko nasasaktan sa ginagawa kong to?! Tinakbuhan ko xa. Para kong
sira. Siguro di na nia ko kakausapin. Malamang galit xa. Ano ba kc ang problema koh?
Paulit ulit na lang sa utak ko ang ngyari. Mahal daw nia koh. Handa xang maghintay.
Gagawin nia lahat.

Oo nga, kulang pa ba un? Napagisip-isip ko, wala ng kulang. Mahal ko xa, mahal
daw nia ko. Di naman cguro masama kung susubukan ko db? Tama. Magsosorry akoh sa
kanya bukas.

tuloy pa poh or nde?? >senxa na kng maqulet.. gusto k lng poh mlmn kng interested pa kau..<<

>>sa lht ng ngaksaya ng panhon na basahin toh. tenchu beyi mats.. salamt poh sa mga
reply nio.. etoh na poh ung kasunod.. malapit na matapos.. commentz3.. tenchu..<<<

Kinabukasan, halos di ko na maidilat ang mata koh. Ayoko na bumangon. Kinakabahan
akoh. Ano kayang mangyayari pag kinausap koh xa?

Pagpasok ko ng skul, xa kagad ang nakita ko. Parang gusto kong mawala sa
kinatatayuan koh dahil sa nakita ko. Nakaupo xa. Kasama si Jane, ang impaktita kong
kaklase. Nakakandong at nakayakap sa kania.

Ako lang pala ah?! Handang maghintay! Tang ina nia! Bakit ba kc ako naniwala
na mahal nia ko?! Tama pala cla, panong magugustuhan ng isang kagaya nia ang isang
kagaya ko?!

Bumalik ako sa realidad ng may tumawag sa pangalan ko. Si Siege. Siguro sobrang
lakas na ng pagiyak koh kaya narinig nia koh. Patay malisya lang akoh. Pinunasan koh
ang luha ko at naglakad. Chin up, stomach in, chest out. Dedma lang. Hinawakan nia ko sa
kamay. No choice,. Kylangan koh xang kausapin. Hinarap koh xa at tinanong kung bakit.

Sorry Kate. Sorry sa kagabi. Chaka ung nakita mo.. Its not what you think it is.

Talaga lang ah?! Sabi koh habang pinipigilang umiyak. Eto na, tinutubuan na ko
ng sungay. Galit talaga ko. Galit ako sa sarili ko, sa kanya, kay Jane! Galit akoh sa buong
mundo!

Di talaga un yun. Mali ang iniisip mo..

Hello?! Anong gusto mong icpin koh?! Na wala lang un?! Anoh? Pagkatapos mong
sabihin na mahal mo ko, un ung makikita koh. Di ko na napigilang umiyak. Tama na,
Siege. Ayoko na. Sabi ko sabay walk-out.

Oo, alam koh na kung anong sasabihin nio. Drama princess at walkout queen na ko.

Sa CR na koh umiyak ng umiyak. Para na kong baliw nun. Kulang na lang sumigaw
akoh ng Crispin, Basillio, nasaan na kayo? Pu+@ng ina talaga! Nakakainis!
Nakakagalit! At higit sa lahat masakit. Sh!t xa, leche xa. Pinaniwala nia koh na mahal nia
koh.

Siguro nga ganito talaga. Di na ko mgkakaron ng matinong luvlyf.. Kung sa bagay,
sino ba naman akoh?! Db nga, Im Kate, plain and simple. Im just Kate. Nothing more,
nothing less.

Bumukas ung pinto sa CR.. Sino? Si Jane.

Masakit ba? Sabi nia. Gusto koh xang sampalsampalin! Anoh sa tingin nia?!
Nageenjoy akoh?! Muka ba kong masaya?! Gusto koh syang ingudnguod sa inidoro! Ang
kapal ng muka niang magpakita sakin! Dagdagan pa natin yan. It was just a game.
Pustahan. And its all over kaya tama na yang pag-iilusyon moh.

Pasalamat sya at maxado kong nasaktan sa cnabi nia. Pasalamat sya dahil kung
hindi, finlush koh na xa sa inidoro.

Nung gabing yun, wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Ang sakit
talaga. Kala ko may nagmamahal na sakin. Pero anoh?! Pinagpustahan lang pala nila
akoh! At ang tangang ako, naniwala!

Kinabukasan, iniwasan ko na xa. Di ko sinasagot lahat ng tawag nia. Di ko rin xa
nirereplyan.

For one whole month, kahit masakit, kahit mahirap, kinaya koh syang tiisin. Dati,
masaya na ko makita ko lang xa. Ang baduy, ang corny pero totoo. Ngaun, kahit anino nia,
ayaw ko na Makita. Dahil sa twing nakikita ko xa, lalo lang akong nasasaktan.

Ganun na nga lang ang ginawa ko hanggang graduation, ang pinakahihintay kong
araw. Kahit gabi gabi akong umiiyak, tinuloy koh pa din. Kala ko kc pag dating ng
graduation, matatapos na lahat. Wala ng Siege sa buhay ko. Pero mali pala koh..

Unang unang araw ng bakasyon, may pasakit na. May nag-doorbell at pagbukas ko
ng pinto, may bulaklak at teddy bear na may hawak na balloon. Sorry kate, Please let me
explain. Pls give me another chance. Miss na Miss na kita.. ung nkalagay. Ang masakit pa
dun, natanaw ko xa sa malayo, nkatayo, naghihintay.

Yung teddy bear, un ung nakita koh nung nanood kmi ng sine before the prom. Un
ung sinabi ko na maganda, sana meron din akong ganun. Roses, ganun ung binigay nia
sakin nung prom. bakit ba nia kylangang ipaalala lahat?

Lagi synag ngttxt ng mga kowtz. Lagi syang tumatawag pero di ko cnasagot.
Answering machine namin, para ng sirang plaka. Puro boses nia, puro Siege, puro I love
you.

Oo, nakakakilig. Pero nangingibabaw pa din ung galit. Araw araw na lang ganun.
May flowers, card, chocolate. Araw araw din nandun xa, nakatayo, naghihintay. Nasanay
akoh, mejo wala na ung sakit. Ewan ko, imyun na lang akoh cguro.

Nasanay na nga akoh ng ganun. Kaya nagulat akoh isang araw. Pagbukas koh ng
pinto, sya na yung nandun.

>>2nd to da last na poh ito.. cnxa n kng ntagalan me sa pgpost.. ngpnta kc akoh sa burol ng lolo
ng frend koh..<<
>>tenx ng po pla sa mga ngrereply at ngpopost,,, comments poh uley.. salamtz,,,<<

Wala akong masabi. Napatitig lang akoh sa kanya. Di pa rin xa nagbabago. Gwapo pa din
hanggang ngaun. Napatingin ako sa mata nia. Nakakatunaw pa din. Pero nakakaawa.
Parang naiiyak. Parang ang bigat ng problema nia. Naiyak na naman akoh. Lahat ng sakit
na akala ko wala na, biglang bumalik. Parang nadudurog ang puso koh. Gusto ko xang
yakapin.

Sorry, sabi nia. Sana kahit ngayon lang, hayaan mo kong magpaliwanag.

Umalis ka na. Parang awa mo na. Ayaw na kitang makita kc nasasaktan lang
akoh. Pinagsaraduhan koh xa ng pinto. Napaupo na lang akoh at naiyak. Kala koh ubos
na luha ko. Kala ko wala na kong iiiyak pa. Pero etoh ako, umiiyak na naman. Ganito na
lang ba lagi? Lagi na lang ba akong iiyak twing makikita ko xa?

Pero, Oo. Aaminin ko, mahal ko pa din xa. Mahal na mahal.

Kate, pls kahit 5 minutes lang. Kausapin mo koh..

Di akoh sumagot.

Sabi ng isip koh, wag ko na sya kausapin.

Sabi na puso ko, bigyan ko sya ng chance na magpaliwanag.

Naalala ko sabi ng mommy ko, follow ur heart.

Sabi ng daddy ko, wag akong tanga. Kaya nga nilagay ang utak sa taas ng puso
para un ang sundin.

Anoh ba talaga? A part of me wants him back. A part of me says tama na.

Pero, wala namang cgurong mawawala sakin kung kakausapin koh xa.

Tumayo akoh at nagbuntonghininga.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto pero pagbukas ko

Wala na sya. Bakit ganun? Sa twing kakausapin ko xa, di natutuloy. Sign ba un na
di talaga kame para sa isat isa?

Buong gabi, xa lang ang nasa isip ko. Nagpapakabaliw sa kakaicp sa kania. Puro na
lang si Siege. Siege dito, Siege dun. Puro sya na lang.

Luha pumatak na naman ang luha koh. Walang katapusang pagiyak. Walang
katapusang sakit.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa doorbell. Sya na un. Cgurado akoh, si Siege na
un. Tumakbo akoh pababa. Halos nagkandadapadapa na ko pero ok lang.

Binuksan ko ung pinto, nakangiti. Kaya lang, Joinks! Si Jane. Anong ginagawa
nitong impaktitang to dito? Tinanong ko sya kung anong ginagawa nia dito.

Nagulat akoh, umiiyak sya.

Kate, wala na sya. Wala na. Si siege wala na.

Puro un ang naririnig ko sa kania.

Kate, si Siege, patay na. Nabunggo yung koche nia. Lasing sya habang nagddrive. Kate, si Siege,
wala na.

Si Siege? Patay? Anoh to? Joke?

Sinampal ko si Jane ng malakas. Inaasahan ko gaganti sya pero di sya kumibo. Sinampal ko ulit
sya ng sobrang lakas.

Ano to? Biro na naman? Tama na Jane. Sawa na ko.

Hindi akoh ngbibiro Kate. Wala na talaga sya.

Di akoh makapaniwala sa narinig koh. Paran biglang tumigil ang lahat. Pakiramdam ko, lahat ng
lakas ko nawala. Kahapon lang nakatayo siya dito sa may pintuan. Pinagsaraduhan ko pa nga sya eh.

Dalawa na kaming umiiyak ngayon. Di ko mapaliwanag kung anoh ung nararamdaman ko. Ang
sakit. Ang sakit sakit.

Etoh, hawak daw nia sabi ng mga pulis. Para daw kay kate. May inabot syang recorder at
kwintas.

Nirewind koh ung recorder at pinley. Walang kadudaduda. Boses un ni Siege.

Kate, kung nakikinig ka man, sorry. Yung nakita mo, di ko gusto un. Oo, pustahan lang un nung
una. Pero nagsisisi na ko kung bakit ko pa ginawa un. kc mahal na kita. I fell for you. It may sound
weird pero totoo. Ang saya mo kasama. Ang saya mo kausap. Napapatawa mo ko. Nung gabi
pagkatapos ng prom, dapat sasabihin ko na sayo ung totoo kaya lang natakot ako na mawala ka sakin.
Yung nakita mo nun, Jane was just trying to win me back. Sa totoo lang, sya ung nagumpisa nun.
Gusto daw nia koh, mahal. Pero sabi ko, I dont lyk her. Ayaw nia ko tigilan hanggang sa cnabi nia na
titigilan lang nia koh pag napasagot kita. Kaya pumayag akoh kc sobrang naiinis na talaga ko sa kanya.
Aayusin ko na dapat lahat ng katangahan ko kaya lang nakita mo un. Iba ung intindi mo. Alam ko
nasaktan kita. Sorry talaga Kate. Alam ko na malabong mapatawad mo koh. Nasaktan ka, nagalit. Sa
totoo lang nasaktan din akoh. Lahat na ng paraan ginawa ko. Di ko naman kc alam na hahantong sa
ganito. Ngaun, napagisip-isip ko na kung wala ka sa buhay ko, wala na ding saysay un. Basta ipangako
mo na lang na pag nawala na ko, aalagaan mo yang sarili moh. Wag ka magmumukmok. Cge ka,
masisira yang ganda mo, di na ikaw ang pinakamaganda. Ipangako moh din na mghahanap ka ng iba
para may magaalaga sayo. Para may magmamahal sau. Para may pumuno ng mga pagkukulang ko.
Life is short so you should make the most out of it. Nakilala kita, nagmahal ako ng totoo. Kontento na
koh dun.

Tumahimik sandali tapos narinig ko uli ung boses nia. Kumakanta, umiiyak. Kasabay ng
pagkanta nia ay ang tunog ng busina, gulong, preno.

Mahal kita. Sobrang mahal kita

wala na kong pwedeng sabihin pang iba

kungdi sorry talaga

di ko sinasadya.

Talagang sobrang mahal kita

Wag kang mawawala

Sorry na

Habang naririnig ko un, dahandahang bumabaon sa utak ko ang katotohanan. Bakit ba nia to
ginagawa? Ang tanga tanga nia.

Tinignan ko ung kwintas. Laket pala un. Binuksan koh, picture naming dalawa nung prom.
Napangiti akoh sa gitna ng pagiyak at mga luha. Ito ung mga panahon na mgkasama kami, masaya.
Nandun sya, nakangiti. Buhay na buhay. Pero ngaun, wala na sya. Nagpakamatay sya at kasalanan ko.
Ang tanga tanga ko. Tanga, bobo, inutil, mangmang! Bakit ba kc hindi ko sya hinayaang
magpaliwanag? 5minutes lang naman ung hinihingi nia db?!

Wala na kong ibang magawa kung hindi ang umiyak. Ang sakit sakit. Hindi ko man lang nasabi
sa kanya na mahal ko sya. Pano ko pa un masasabi sa kanya? Wala na sya. At kahit anong iyak ko,
kahit lumuha ako ng dugo, kahit magnobena pa ko sa lahat ng simbahan sa buong mundo, kahit anong
gawin ko, di ko na uli sya makikita. Di na sya babalik. Kahit anong gawin ko, di ko na sya uli makikitang
sumayaw, kumanta, magbasketball. Wala na kong titilian at ichicheer twing may basketball game.
Kahit anong gawin ko, di ko na ulit maririnig ung boses nia. Di ko na makikita ung nakakatunaw niang
mata, ung ngiti nia. Wala na sya talaga



Etoh na ko ngaun sa harap ng libingan nia. Nakaupo. Nakatulala. Umiiyak. Isang buwan na din
ang nakalipas.

Siege still remains in my heart, I still cant get over him. Hanggang ngayon sya pa din. Gabi
gabi, pinakikinggan ko ung tape. Kahit masakit, tinitiis ko marinig ko lang ung boses nia. And I have
this feeling na Ill never get over him hanggat di ko sinusubukan. I tried to forget him but I never did
coz I didnt want to.

Pero napagisipisip ko, dapat makapagmove-on na koh. Hindi pwedeng lagi na lang akong
ganito. Nilagay ko sa isang box ung recorder at laket. Dadalin koh to at di iwawala pero ibabaon ko
muna sa limot ang lahat as I start to live a new life. Lilipat na kami sa Manila. Sa UST na ko
magcocollege. Magkakaron na ng brand new Kate.

Pinunasan ko na ang mga luha ko. Tama na ang pagiyak. Ibinulsa ko ang kahon at huminga ng
malalim. Maguumpisa na koh ng bagong buhay. New house, new school, at sana new friends. Hell
always remain in my heart pero byebye muna sa memories ni Siege. Byebye muna sa lahat ng sakit.
Alam kong hindi ko pa kakayaning magmahal ulit. Alam kong habang buhay koh toh dadalin. Pero
pipilitin ko pa ding sumaya. Pipilitin kong hindi na umiyak dahil pag nagmukmok akoh ng nagmukmok,
masisira ang ganda ko. Di na akoh ang magiging pinakamaganda sa mga nakakatunaw na mata ng
unang lalakeng minahal ko si Siege
>>sa lahat ng ngbasa at ngpost ng comments, salamat ng madami.. sana naappreciate nio ung story na
gnawa koh...sana wg kau mgalet at pnatay ko si siege.. sa mga mgbabasa pa kng meron man, pls post ur
comments pa din.. i appreciate it very much.. chaka pla... mga sis, palagay nio, lagyan ko ng sequel?<<

You might also like