You are on page 1of 410

------------------------------

TITLE: Hopeless Romantic (TO BE PUBLISHED)


LENGTH: 2310
DATE: Jun 16, 2012
VOTE COUNT: 3280
READ COUNT: 673508
COMMENT COUNT: 521
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: strawberry008
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2012-07-22 03:43:55

------------------------------

####################################
PROLOGUE (PANINDIGAN KO NA!)
####################################

PROLOGUE:

IN LOVE AKO...

In love ako sa mga LOVE STORIES SA INTERNET, SA MGA MOVIES, BOOKS, lalong lalo
naman sa mga KOREANOVELAS at mga TELESERYE.

I love happy endings kahit sinasabi nila na wala naman talagang ganun.

Masama bang mangarap na may lalaking magmamahal sa akin at hindi ako sasaktan?
Masama bang maging masaya dahil nakikita kong masaya at nagmamahalan ang dalawang
tao kahit sa teleserye lang yun? Masama ba silang kainggitan?

Bitter: Hindi naman sa masama. Pero maghihiwalay din naman sila kaya why bother
watching and reading?

Alam ko namang wala sa vocabulary ng mga bitter at open minded ang Forever.
Pero sa hopeless romantic, MERON!

Bitter: Alam mo, sa panahon ngayon wala ng permanente. Pagkain nga nabubulok,
halaman nga, namamatay. Pag-ibig pa kaya? Lahat ng tao ngayon madaling magsawa.
Hindi naman siguro lahat. Pati pag mahal mo talaga, hinding hindi ka magsasawa.
True love ang tawag doon. Pero depende lang naman sa tao yun eh.

Ang gusto lang naman kasi namin ay yung lalaking magmamahal sa amin ng tapat at
hindi kami lolokohin. Yung parang sa movies?

Bitter: Meron pa bang lalaking ganun? Wala na! Yung mga nasa movies, pinapaasa lang
nila tayo.

Hindi siguro. Gusto lang nila tayong mapasaya kahit sa panahon lang na yun. Gusto
lang nila tayong sabihan na wag mawawalan ng pag-asa sa kabila ng mga heart breaks
na natanggap natin. Pati may natututunan naman tayo kahit papaano.

Atsaka alam mo, sa laki ba naman ng mundong to, meron yan. Naniniwala akong meron
talagang nakatadhana sa atin.

Bitter: Bakit ba kasi dapat pang masaktan pag nagmamahal? Alam mo, paulit ulit lang
tayong masasaktan. Pati sa laki ng mundong to, wala ng matinong lalaki. Madami na
kasing babae, madami na rin silang lolokohin, madami na silang magpapalit.

Bakit ba ang bitter mo?

Bitter: Bakit ba ang hopeless romantic mo? Wag ka ng umasa pang makakatagpo ka ng
lalaking di ka sasaktan dahil lahat sila sasaktan ka lang.

Bahala na si Batman!

Basta ako...

Isang baliw na babaeng naghihintay pa din ng para sa akin. Yung lalaking di ako
sasaktan at aalagaan ako magpakailanman.

Kahit madami ng nakasakit sa akin, alam ko darating din siya.

I just have to wait. After all, HOPELESS ROMANTIC naman ako diba?
PANINDIGAN KO NA!

####################################
CHAPTER 1 (Is this the sign?)
####################################

Chapter 1

"Aish! Gising na! Papasok na tayo sa school."

"Rylie naman. Mamaya na!"

"Eeeeeeh? Gumising ka na oh? May flag ceremony kaya ngayon. 1st day pa ng class.
Makikita ko na si Josh sa wakas. After blank months masisilayan ko na ulit siya."
Nag evil laugh ako. Bumangon naman siya at binatukan ako.

"Ikaw, bruha ka talaga! May girlfriend na yung tao. Wag ka ng umasa. Okay?"

"Tsss... Kung asawa nga naaagaw, syota pa kaya." Tiningnan niya ako ng masama.
"Joke lang! HAHAHAHA! Hindi naman masamang mangarap ah? Makita ko lang kagwapuhan
niya, okay na okay na ako."

"Are you that desperate? Mahal na mahal niya girlfriend niya, hindi mo ba
nakikita?" Hayy. Alam ko naman na mahal na mahal niya si Selena eh. Crush lang
naman kasi, pinagdadamot pa niya! Ito talagang bestfriend ko na 'to oh. Intindihin
ko na nga lang, bagong gising eh.

"Alam ko, Aisha. Alam ko," I sighed.

"Hayy Rylie. Masasaktan ka lang pag pinagpatuloy mo pa yan." Sabi niya habang
minamassage forehead niya, nahihilo ata.

"Hindi no. Mas nasasaktan pa ko sa mga pinagsasabi mo eh. Bangon ka na nga at


malelatetayo!"

"Hindi mo ba nakikita, 5:30 pa lang oh? OA. 7am pa naman pasok natin." Tinuro niya
yung clock. Ako naman, tiningnan ko siya ng masama pero pabiro lang naman.
"Oo nga. Tapos 30 minutes ka pa magreready and 30 minutes din ang papuntang school.
Umalis pa si kuya driver kaya magbabus tayo. 55 minutes na ang papunta sa school.
So ano, magreready ka ba o kukuryentihin kita?"

"Alam mo..." Sabi niya pero pinutol ko kasi alam ko na gusto niyang sabihin.

"Alam ko ang daldal ko."

"Buti alam mo."

"ANO BAAAAAA!"

"ito na nga." Nagpunta na siya sa banyo, sa wakas.

Ako nga pala si Jamilah Rylie Hao. Half Chinese. Sabi nila napakamasiyahin ko daw.
Anyway, 4th yr highschool pa lang ako. Best friend ko si Aisha Hera Dela Cruz at
nandito kami ngayon sa bahay ng pamilya ko at nag over night siya. Minsan naman ako
nago-over night sakanila. Friends din naman ang family ko at family niya eh.

After 1 hour and 15 minutes. Nakarating na kami sa school. 20 minutes lang siya
gumayak. Naawa siguro sa akin. 6:50 kami dumating sa school. Nagdaldalan pa kasi
kami sa bahay eh.

Hindi naman ako masyadong TC no? Time conscious. Kumbaga sa alice in wonderland,
ako yung rabbit. Okay ang corny mo na Rylie, tumigil ka na. LOLOLOL. Sorry ang
hyper, excited eh. Intindihin niyo na lang ako guys. Heehee!

Anong section kaya ako? Pagtingin ko sa list, section I pa din ako.

Hay. Kailan kaya ako magiging section III para naman classmate ko si Josh.

"Miss, ano ba! Excuse me sabi eh," Natulala ako.

"Ha?" Ang gwapo niya.


"Sabi ko EXCUSE ME! Kanina pa ko nageexcuse. Bingi ka ba?" Di bale ng masungit
siya, okay lang. Magiging kami din balang araw. Wala namang imposible sa mundong
ito. Libreng mangarap.

NABABALIW NA TALAGA AKO

"ANO KA BA?!" Sigaw niya.

"Ay butiki!" Nagulat ako. Pag nagugulat ako yaan ang nasasabi ko. Ewan. Hindi
mapigilan ee.

"Sorry po. Sorry talaga!" Sabi ko sakanya. Ako nga pala ang babaeng mukhang thank
you at sorry. Ewan ko, nasanay na kasi ako.

"Tabi nga diyan, di ko makita yung listahan eh. Nakaharang ka." Mukhang badtrip ah?
Dahil sakin kaya?

"Section I ka din? 4th yr ka din?" Tanong ko sakanya.

"Paki mo. Malay ko, di ko pa nakikita diba? ALIS!" Ang sungit naman oh. Meron
siguro to? Masama na pala magtanong at maging friendly ngayon T____T

Aalis na sana ako ng biglang nagdagsaan yung students sa may listahan. Mas lalo
tuloy akong nasiksik.

Ayan tuloy, para na siyang nakayakap sa akin. :">

Lord, isang tanong lang.

NASA HEAVEN NA BA AKO?

Sana ganito na lang forever. Para kaming nasa teleserye kaso doon, sa elevator or
kaya naman sa train. Yung samin kasi, dito sa tinginan ng sections. Oh diba,
unique?! Hay. Umandar na naman ang pagkabaliw ko sa mga series. Sorry po! Pero
promise talaga! He's really handsome tapos ang bango bango pa.

Mapapasakin ka din balang araw MR. POGI! Joke lang!

After ko makaalis sa tinginan ng sections, nakahinga na din ako. Ito ang advantage
ng maliit eh. Nakakalusot ako. Kung pwede lang sana doon na lang ako habang buhay.
Pero hindi pwede kasi ang dami kong ginagawa.

7:15 na. Bakit kaya hindi nag flag ceremony?

Of fugde. Nakalimutan ko! Wala nga pala kaming flag ceremony pag 1st day of class.
Aww, sorry Aisha. Hahahaha, love naman kita. Nevermind, okay lang, at least
makikita ko na si Josh. Pero paano si POGI? Nagtutwo time na ako?

"Hi, Rylie right?" Si Josh. Kilala niya ako?

"Ah eh - ano- oo. Paano mo alam?" OMG, kilala niya ako!

"Ano ka ba! Section I, president ng music and science club. Sino ang hindi
makakakilala sa'yo?" I'm so flattered. I'm really really really flattered :">

"Kamusta na kayo ni Leo?" Tanong niya. Si Leo ang ex ko. Nakita ko kasi siyang
nakikipag halikan sa iba. Wait, kilala niya si Leo?

"Kilala mo si Leo?" I asked.

"Ex mo siya, diba?" Tanong ni Josh. Wait. Is he stalking me? Josh ha, wag kang
ganyan. Kinikilig pwet ko.

"Di pa rin kami naguusap eh. Pero okay na kami," Sagot ko sa tanong niya.

"Ah. Eh si Harold?" Yun naman, ex ko din. Nakita ko naman yung cellphone niya na
may mga malalanding-sorry for the term-messages pero di naman galing sa akin. Siya
pa nga yung nagalit kasi pinakeke-alaman ko daw cellphone niya. Binabasa ko lang
naman yung sweet messages ko sakanya. Hindi ko naman sinasadya na makita yun no!
"Wala. Di rin kami nagpapansinan. Pero nakalimutan ko na yung mga ginawa niya. Okay
naman na din kami,"

Paano kaya niya nalaman ang lahat ng to?

Stalker ko kaya talaga siya? Uuuuy, asuuuuming!

"Ah ganun ba? Paano naman si Jake?" Sabi naman sa akin ng friend ni Jake nakikipag
three letter word siya kay Faye. Lahat sila niloloko ako, ako naman si tanga
nagpapaloko.

I don't know why, pero kahit na pagod na pagod na ako masaktan, naniniwala pa din
ako na makakahanap din ako ng para sa akin. Gets? Hindi ako napapagod magmahal.

"Break na din kami. Pero okay na din ako. Napatawad ko na rin siya kahit di siya
nagsorry at basta na lang niya akong iniwan." Ayoko magtanim ng galit. Hindi ako
ganun at isa pa, papagurin ko lang sarili ko. Mas affected nga lang si Aisha kesa
sakin. Umiiyak ako pero patago. Ayoko ipakita sa iba na heart broken ako kasi ayoko
naman sila malungkot dahil nalulungkot ako dahil lang sa isang lalaki.

"Ang bait no naman," He sighed. "Oo nga pala, pwede ko bang makuha number mo?"
Malay ko ba kung si Josh na yun? Ito na yun?

WHAAAAAT?! Kinukuha niya number ko?!

Kaso...

"Ha? Nasaan ba si Selena?" May girlfriend siya. Hindi pwede.

"Break na kami eh. So, pwedeng makuha number mo?" Diba dapat masaya ako? Bakit
parang nalulungkot ako? Ang tagal na kaya nila.

"Ah. Sige." Inabot niya cp niya at tinype ko naman number ko.


Mukhang magsisimula na naman ang love life ko.

LORD,

Ito na ba ang SIGN na matagal ko ng HINIHINTAY?

SANA NGA!

####################################
CHAPTER 2 (Imposible na LALO.)
####################################

CHAPTER 2

Habang nasa kalagitnaan si Josh sa pagbuo ng aming maligayang fairytale este


pangunguha ng aking numero, may isang babae, na nagngangalan na Aisha, ang
dumating.

"Ry! Ry! Ra-" Napahinto siya at hindi na natapos buuin pangalan ko dahil sa gulat
niya. Nakanganga lang siya habang tinitingnan niya kaming dalawa ni Josh my love.

"Uy Aish, bakit?"

"May sasabihin sana ako pero nevermind. Bakit magkasama kayo?" Tanong niya.

"Ah. Ano kasi-"

"Kinuha ko kasi number nitong kaibigan mo. Okay lang ba?" Sabi ni Josh. Yan ang
fighting spirit! GO JOSH!

"Hindi pwede!" Nanlaki mata ko sa narinig ko. Aish naman, don't tell me, ikaw
sisira ng fairytale ko?

"Bakit naman, bestfriend?" Tanong ko.

"May girlfriend yan!" Sabi niya habang masama tingin niya kay Josh. Nakakatakot
talaga 'to pag nagsusungit.

"M-m-makikipagkaibigan lang naman?"

"So?"

"Wala na kami ni Selena."

"So?"

"Anong so?" Naguguluhan na yata si Josh kay Aisha. Baliw kasi eh.
"Pag yan sinaktan mo, baka hindi ko lang ilublob yang ulo mo sa drum na punong puno
ng mainit na tubig, hindi ko lang paplanstahin ang mukha mo, hindi lang kita
mapapatay, MAPUPUNTA KA PA SA IMPYERNO!"

Ang creepy naman ng best friend ko. Natrauma na siguro siya sa mga lalaki ko dati.
Yeah, siya talaga ang natrauma. Hindi ako. Siya!

"Wag kang mag-alala. H-H-Hindi ko sasaktan ang bestfriend mo. Friends lang naman
kami eh diba?" Tumango ako habang nakangiti kay Aisha.

"Joke lang yung kanina. Baka isipin niyo ang weird ko. Pero pag may nanakit ulit sa
bestfriend ko, baka pwedeng mangyari yung sinabi ko kanina." Tumawa na lang ako.
Ang weird nga niya. Tumawa din si Josh, pero parang fake. Natakot ata?

"Ano nga pala sasabihin mo?" Tanong ko kay Aish. Parang may sasabihin kasi siya
kanina eh pero hindi natuloy dahil sobrang gulat siya na magkasama kami ng crush
ko. LOL :">

"Wala. Mamaya na lang sa bahay niyo." Ay? Nagtampo?

Nasa loob na kami ng classroom. Sympre orientation pa lang ngayon. Isa na lang yung
vacant na seat. Yung isang katabi ko si Aish. Pero yung isa, blanko! As in walang
nakaupo. 3 seats kasi bawat row. Ayaw ba nila akong katabi? Whyyy? Mabait naman ako
ah?

May pumasok naman na lalaki. Mukhang bad trip. Ay! Si Mr. Pogi na masungit kanina,
classmate ko?

Huminto siya sa aisle. Tumitingin siguro ng upuan.

Tumingin ako sa chair na katabi ko. Yun na lang ang vacant.

Meaning, uupo siya sa tabi ko.

Kaso...

Biglang may tumabi sa akin na girl. Kasamahan to nila Selena ah? Yung kasama sa
limang witch. Bale si Rhea, Lea, Selena, Dianne and Trina. Si Selena naman ang
leader, yung girl friend ni Josh. Ay ex na pala. I feel bad for her. Siguro sobrang
sad siya ngayon?

Ay wait! Nagulat ako...

Bigla naman tumayo si Selena at sinalubong si Mr. Pogi.

"Hi I'm Selena. And you are?" Inabot niya yung kamay niya kay Mr. Pogi pero si Mr.
Pogi hindi siya pinansin. Tumitingin pa din siya ng seats. Kawawa naman si Selena.
Ang sungit naman kasi ni Mr. Pogi eh.

"Uhmm..."

"You can sit beside me." Sabi na naman ni Selena. Inggit ako!

"Sure.. thanks." Ngumiti naman si Selena pero si Mr. Pogi parang wala lang.

Magkatabi na sila. Nasa unahan ko pa. Tsss...

Di ako nagseselos ah? Hanggang crush lang ako. Sigurado, sila din naman ni Selena
ang magkakatuluyan.

Si Selena pa, maganda, mayaman, at popular. Ako? Cute, masiyahin at mayaman. Yaan
lang ang meron sa akin. Ay meron pa pala ako na wala siya no. Virginity.

Paano ko nalaman? Proud kaya siya. HAHAHAHA! Okay Rylie, stop na! Bad yan!

Dumating na ang teacher. Yay! Makikilala ko na si Mr. Pogi.

Inisa isa na kami ng teacher. Siya na, malapit na.

"I'm Justin Tyler Dela Cruz." YAAAAN ANG NAME NIYA? WHY SO GANDAAA?

"Ah. Why did you transfer here? 4th yr ka na, di ka ba natatakot na walang mag
accept sa'yo pag college na."

"Excuse me sir but I have my personal reasons." Bakit kaya?

"Okay. I respect your privacy."

"Thank you sir." Nakita kong kumunot noo niya. Wow. Plastic ah. Lalo pa tuloy
nabadtrip si Mr. Pogi. Si Sir naman kasi eh, tanong ng tanong. Pshh. Pero nakakaya
niyang hindi ngumiti? Hindi ko kaya yun. Galing niya, in fairness.

Tapos yun na nga, bukas na daw yung nomination for class officer. Tapos sa isang
araw, magaayos ng clubs, kung ilan tapos kung anu anong name ng clubs. Then the day
after tomorrow naman yung mga mago-audition para makasali sa club na gusto nila.
Ang busy naman.

Okay. Tapos na! Since half day lang kami ngayon, nakauwi kami ng maaga ni Aish.

Bigla naman akong kinabahan nung nagvibrate yung cellphone ko...

Sender: 09271234567

Hi Ry. This is Josh.

Shiz. Ano sasabihin ko? Waaaaaa! Ay? Ang OA ko naman ata? Nag 'hi' lang yung tao
tapos ganito na yung panic ko. Paano pa kaya pag... pag... pag... WALA!

Sender: Rylie

Hi din Josh.

Okay. Ang lame! Yaan lang nasabi ko? Nakooo. Baka hindi magreply!

Sender: Papa Josh

Kamusta? Pwede ba kitang ihatid bukas pauwi? I wanna say something.

Lord, dito nagsisimula ang lahat diba? HAHAHAHA! Hindi kaya aayain niya ko makipag
date or liligawan niya ko? Okay. Ang assuming ko naman. Never mind.

Sender: Rylie

Sure.

Natotorpe na naman ako.

Ay? Hindi man lang nagpahard to get? Sure agad, Rylie? PEEBEE TEENS?

Sender: Rylie

What time? Sige, let's meet sa front gate.

Pahabol ko. Ang kapal talaga ng mukha ko no?

At yun na nga, nalowbat ako. Wala naman akong pakielam kung nalowbat ako eh. Si
Josh lang naman katext ko diba? Diba?

"AAAAAAIIIIIIIIISSSSSSSSSSHHHHHHHHHH!" Sigaw ko. May narinig naman akong mabilis na


footsteps papunta sa room ko at may nagbukas ng pinto. Hinihingal hingal pa...

"Tongue-ina!!! BAKIT?!" Well yeah, nasabi ko naman na dito pa rin siya magoover
night diba? Bukas sa bahay na nila siya matutulog at ako? Dito pa din sa bahay
namin. Ang dami na nga niyang damit sa bahay at may sarili na din siyang kwarto.

"Pahiram ng charger? Please! Emergency talaga! Please please please?" Nagpuppy face
ako. Hehehe. Pag ganito ako, alam kong di niya ako matitiis. Bakit ba naman kasi
ang burara at careless ko eh. Kung hindi ko nawawala yung charger ko, nasisira ko.

"Ginagamit ko. Katext ko si Drei." Si Drei ang dakilang boy friend niya na pinsan
naman ni Lynne. Si Lynne naman ang pakipot kong kaibigan. Tsk. Mahal na mahal siya
ni Brylle hanggang ngayon. Grabe no? Hard to get! Buti nga hindi sila PEEEBEEE
TEEENS eh.

"Wag na muna si Drei. Love life ko muna pwede?" Sabi ko sakanya.

"Sige na nga. Katext mo ba si Josh? Nakooo talaga! Pag yan sinaktan ka ah."

"Sige na, pahiram na!" Inabot na niya sa akin yung charger.

"Salamat." Tapos kiniss ko siya sa cheeks.

"Kaya love na love kita eh." Sabi ko naman sakanya.

"Pwede ba! Baka mamaya natitibo ka na sa akin ah?!" Tapos tumawa siya ng malakas.

Tapos nag pout ako at dumila siya.

Nag reply na si Josh. Sabi niya...


Sender: Josh

Sure. Kita na lang tomorrow. BYE :*

Ano kaya irereply ko?

MUUUUUD! Napakalate reaction ko talaga. May kiss oh?

Oo, inaamin ko na. Hindi ko na idedeny pa. Kinikilig ako. Halata naman yata eh...
Diba? Halata ba?

Oh my. Lord pwede na talaga akong mamatay.

Knock on wood. Joke lang po! Gusto ko pang mabuhay.

Natulog na ko then gumising ako ng maaga. Quarter to 7 pa lang nasa school na ko.
Pag pasok ko, may nauna sa akin? Weh? Di nga? Simula 1st yr, ako ang pinakamaagang
pumasok sa amin.

Pero ngayon...

Woah.

Nakalagay yung dalawang braso niya sa desk niya tapos nakalagay ulo niya sa mga
braso niya na parang natutulog. Nakatagilid naman yung mukha niya kaya kitang kita
mo.

Natutulog si Mr. Pogi? Ay si Justin pala. Tyler na lang para mas cute. Teka, name
ng pusa namin yun ah? Oh well, cute pa din. Bagay sakanya. Gwapo, mabango...

Tiningnan ko siyang mabuti. Alam mo yung anghel? Siya yun. Eh yung feeling ng akala
mo nasa heaven ka or nasa dream land? Ito din yun eh. Ang pogi talaga. Ang gwapo
gwapo gwapo.

Nakatitig pa din ako sakanya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang dumilat kaya
tumingin ako sa ceiling tapos sa left side then sa right side. On the spot. Hindi
ko na alam gagawin ko. Help?

"Wag mo ko masyadong tingnan, baka malusaw ako." Tsss... Di mo lang alam, pero
kanina pa ko nakatitig sa'yo. Di ka naman nalulusaw ah? Heehee. Corny mo na naman
Rylie eh.

"Ang yabang mo! Di kita tinitingnan no." Nakakahiya kaya umamin. Sige, kung kayo
nasa posisyon ko, ano gagawin niyo? Nakakahiya talaga!

"Hindi mo nga ako tinitingnan kasi tinititigan mo ako." Aba! Ang yabang ah.

"Alam mo kahit tinititigan kita dahil para kang anghe-" Lecheng dila. Kung pwede ka
lang putulin, pinutol na kita. Speaking of putol, pinutol niya yung sinabi ko.
Hayy. Ang corny talaga. Ayokooo naaa. Pinaglihi siguro ako sa mais? Ang corny ko
kasi eh. Hayy. Corny ko na naman T____T
"Tsss..." Tapos natawa siya. 1st time ko siyang nakitang tumawa. Okay. Ang saya ko.
Kaso naiinis pa din ako sa dila ko at sa lalaking nasa harap ko. Napahiya kaya ako
sakanya. Nasaktan ego ko.

Wait. Meron pa ba ko nun? Meron pa naman no! Kung wala ako nun edi sana di na ko V.
Gets niyo na yun, ano ba!

"Anghel nga mukha mo pero ang evil naman ng ugali mo, wala din." Bulong ko.

Teka, bakit ko ba sinabi yun? Sumeryoso ulit yung mukha niya.

Oooops. Did I hurt his ego?

"Wag kang magsalita na para bang kilalang kilala mo na ako. For your information
Ms. Butiki, wala kang alam tungkol sa akin so you better keep your mouth shut kung
ayaw mong ako ang magsara niyan."

Natulala ako. Nakakatakot. Mahina ako sa mga ganito. Hindi ako sanay makipagdebate,
I mean yung personalan na debate.

Ako na naman ba ang mag...

"Sorry." Ako nga. Ako naman lagi ang humihingi ng tawad kahit hindi ko kasalanan
eh. Pero this time, kasalanan ko naman kasi.

Then pooof! He walked out! Hindi niya lang pinansin sinabi ko tapos umalis na siya
ng room. Naku po. Nabadtrip ko na naman siya.

May nagawa na naman ba akong mali? Mali ba ang mag sorry? Or hindi lang niya
tanggap ang sorry ko dahil nakabitaw ako ng masakit na salita? Rylie naman kasi
eh! Paminsan minsan nga, magisip muna bago magsalita? Puputulin ko dila mo eh!

Ang palpak ko talaga kahit kailan. Iiyak na naman ba ako? Ang iyakin ko talaga. I'm
such a crybaby. Hindi naman siya mahalaga sa akin pero bakit nasasaktan ako?

Siguro nga, masyado lang akong natamaan sa sinabi niya. May point naman kasi talaga
siya.

Don't judge the book by its cover. Gusto ko siya kilalanin.

Pero paano?

Dahil sa mga nasabi ko,

mukhang imposible na...

LALO.
####################################
CHAPTER 3 (PEE BEEBEE TEENS?)
####################################

CHAPTER 3

"I nominate Justin Tyler Dela Cruz for President." Sabi ni Selena.
Yes, nomination na ng class officer. Pero wala akong gana. Magang maga, ang lungkot
lungkot ko.

"I nominate Jamilah Rylie Hao for President." At mas lalo pa kong lumungkot.

Syempre. Si Aisha ang nagnominate sa akin. Baliw talaga to.

"Bakit mo ko ninominate? Ayaw ko!" Bulong ko sakanya.

"Sshhh.." Kinakausap ko ng maayos eh. Nice talking, bestfriend!

"I closed the nomination." Sabi ni Levi.

"I second the motion." Sabi pa ng isa naming classmate.

"Third." Sabi naman ni Selena.

What?! Kaming dalawa lang yung maglalaban? Syempre panalo na diyan si Tyler. Hindi
ako umaasa at ayaw ko din maging president.

Kaso mukhang ayaw ata ng mga lalaki sakanya at hindi siya binoto. Mga babae at
bakla yung karamihan na bumoto sakanya. At yung mga bumoto naman sa akin, karamihan
lalaki, science club members at music club members.

Section 1 kaya to kaya halos lahat ng science club members nandito.

"So its a tie? Kailangan niyong mamili ng isa." Sabi ng adviser namin.

Hindi pwede yun.

"Sir, si Justin na lang po. Okay lang po ako. Since transferee siya, mas okay kung
maexperience niya to." Then he nodded. Looks like...

"No sir. Siya na lang po. Since, transferee lang ako, mas madami siyang alam kung
paano imamanage-" Sabi niya pero hindi ko pinatapos sasabihin niya dahil...

"But sir, he can-"

"Sir siya na la-"

"Pero-"

"You two! Come here in front. Kayong dalawa ang magiging president ng classroom na
to. Unfair din naman sa mga bumoto kung may magbibigay sa inyo."

"Sir siya na lang po. Okay lang naman sa inyo diba?" Tapos umiling yung mga club
members ko at yung iba pa.

"Nooo." Sabay sabay nilang sinabi.

"Alright." Sabi ko ng mahinahon then nag sigh ako. Ano pa nga ba magagawa ko?
Nakita ko naman si Aisha na tumatawa tawa. Siniko ko nga siya at tiningnan ng
masama.

Pumunta na kaming dalawa sa harapan. Ang awkward ng position namin ngayon dahil sa
nangyari kanina.

Kami na nagpanominate tapos si Selena yung secretary. Sigurado magkakasama silang


dalawa ni Tyler lagi. Ay. President nga din pala ako? Magkakasama kaming tatlo
lagi. Oh nooo.

Vice president pala si Aisha. Si Aish? Maganda, matapang, pero mysterious pag hindi
mo siya kilala. Pag nakilala mo siya, masarap kasama pero mature siya in her own
way. I'm proud that she's my best friend.

Si Lynne at Brylle ang business manager. Destiny nga naman oh. Biruin mo, parehas
pa silang natapat sa business manager. Tinukso tuloy sila ng mga classmates namin.
Okay, kasama kami ni Aisha doon sa nanunukso. Isa lang naman ang walang reaction
eh... Si Tyler. Parang walang pakielam sa paligid. Napakafriendly naman niya
talaga. I'm so proud!

Si Gia at Rachelle naman yung P.R.O. Magaganda pa talaga ang natapat sa P.R.O ah.
Si Gia at Rachelle? Magbestfriends yan! Parehas silang mabait at matalino.
Malamang, section 1 nga eh. Pero sabi nila, yung ibang tiga section 1 daw, hindi
naman daw talaga matalino eh. May pera lang daw kaya syempre yung mga magulang,
pinalipat yung mga anak nila sa section 1. Ewan ko ba kung maniniwala ako. Wala
naman akong pekielam sa ganyan eh.

Si Tyler kaya? Ang galing niya naman kung napunta siya sa section 1?

Ay. Muse and Escort na pala.

"So class, dalawa dapat ang muse and escort. Kung sino ang 1st pair na may
pinakamataas na votes, sasali sa Mr. And Ms. Campus. Next year pa naman yun. Yung
2nd pair naman, sa Mr. And Ms. Intramurals. So yun nga, you may now start the
nomination."

Sa escort muna, nominated si Tyler (again), Joseph, Jake(ex ko), Leo (ex ko), and
Marvs. Okay. Nanalo si Mr. Pogi at ang magaling kong ex na si Leo. Mas mataas
nakuha ni Leo kaya naman siya ang sasali sa Mr. and Ms. Campus next year.

Sa muse naman...

"I nominate Jamilah Rylie Hao for Muse." Isa sa mga science club member ang nag
vote sa akin. Nakakainis naman! Pinagtitripan pa ata ako ng ibang boys kasi alam
nilang ex ko si Leo. Whuuut is their problem? Sabihin lang nila kung may problema
sila sakin, hindi yung ganito.

"I nominate myself for Muse." Biglang sinabi ni Selena. Nagulat kaming lahat at
binoto niya ang sarili niya pero oh well, she deserves it.

Ang nominated sa girls ay ako, Selena, Lea, Rhea. Ayoko manalo! Please. Ghad! Ano
gagawin ko pag si Leo yung naging partner ko? Mas okay na ako kay Mr. Pogi pero
teka, hindi pala. Nahihiya ako sakanya eh. Pakiramdam ko, end of the world na T___T

Tie pala kami ni Selena. Bakit ba ang daming nagtatie?!

Dahil napagod na yata ang teacher sa kakatie namin, nagtoss coin na lang kami.
Heads napili ko at syempre, tails naman yung kay Selena. Pag heads, ako ang sasali
sa Mr. and Ms. Campus kaya sana tails ang lumabas!

Inikot na ni Sir yung toss coin tapos heads ang lumabas meaning...

Kapartner ko ang ex kong nahuli kong nakikipaghalikan sa iba...

SI LEO! At oo, sasali ako sa Mr. and Ms. Campus next year!
Ang lungkot lungkot ng araw ko, buti na lang at ihahatid ako ni Josh ngayon. Yes,
hindi kayo nagkakamali, uwian na kasi. Finast forward ko lang ang happenings dahil
sobrang lungkot ng araw ko para sabihin pa sa inyo. Biruin mo, iniripan ako ni
Selena kanina sa cafeteria kasama ang girlies niya. Nag pout na nga lang ako eh.
Nagguilty tuloy ako. Parang ayoko na lang na ihatid ako ni Josh. Ayoko na lang kaso
naka yes na ko eh.

Nandito na ako sa front gate.

Ay patay! Naiwan ko Physics notebook ko sa room. Shiz. Masyado kasing excited


kanina eh.

Papunta na ko sa room ng makita ko si Mr. Pogi na nagtatago sa halamanan at parang


may pinagtataguan. Gusto ko matawa kasi hindi bagay. Tinabihan ko na lang siya...

"Uy, sorry sa kanina." Ayaw niya ko pansinin.

"Uuuuuy! Sooorry na! Alam ko naman kasalanan ko kasi I judged you. Gusto pa kita
makilala kung pwede lang sana. Sorry na nga kasi. Friends? Uy ano-" Tinakpan niya
yung bibig ko.

Tapos may dumaan na magandang babae.

"Ms. Nakita mo ba yung pogi, maputi, tapos matangkad na lalaki. Transferee siya
dito. Tapos 4th yr student." Mas lalo siyang nagtago sa halamanan kaya super close
na naming dalawa. Sheeet. Ayaw ko mag two time!

Kaya naman pala nandito sa halamanan dahil may pinagtataguan.

Tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko nung pagkaalis ng babae.

"Bakit mo siya pinagtataguan? Girlfriend mo?"

"Hindi ko siya girlfriend. Tumahimik ka nga, pwede? Naiirita ako eh. Ang sakit sa
tenga."

Tumawa ko. "Sorry naman." Kaso may dumaang grupo ng lalaki, may pinaguusapan sila.

Nandoon sila Josh, Leo, Harold, Jake at hindi kilalang lalaki. Magkakasama ang exes
ko? Oo, alam ko magkakilala si Jake at Leo kasi magkakasection kami pero...

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero hinawakan ko si Tyler at
sinundan ko yung mga lalaki. Papunta sila sa isang room.

"Uy, bakit mo ba ko hinahatak? Close ba tayo?" Hindi ko pa rin binibitawan kamay


niya. Hindi ko alam. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano istura ni Tyler ngayon
pero ang alam ko, badtrip na naman siya sakin.

Pumasok na sila sa room. Nakasilip lang ako.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako." Sabi ni Tyler.

"Shh... Pagkatapos nito. Hindi na kita iistorbohin kahit kailan." Sabi ko.

Nag sigh na lang siya at nakalingon na lang sa isang side. Hawak hawak ko pa din
kamay niya. Ang sama ng pakiramdam ko...

"Mga tol, 3 years na natin siyang pinaglalaruan. Pre, easy to get masyado."
Natatawang sabi ni Leo. Sino ba pinaguusapan nila?

"Ihahatid ko siya mamaya. Mamaya, panalo na ako. Oy, yung 500 pesos ko ah?" Sabi ni
Josh. Tapos nag tawanan sila.

Tumulo luha ko. Mas lalo kong hinigpitan yung hawak ko sa katabi ko.

"Wag na wag kang maiinlove dun pare. Sinasabi ko sa'yo. Masyadong mabait atsaka
feeling niya, nasa isang pelikula kayong dalawa. Masyadong mag imagine. Masyadong
isip bata. Masyadong err hopeless romantic." Sabi ni Jake tapos nag agree naman
silang lahat. Yung isang kasamahan nila na hindi ko kilala, nakatahimik lang. Hindi
siya tumatawa at seryoso ang itsura. Mysterious!

"Pare imposi-" Hindi ko na narinig yung sinabi ni Josh dahil hinatak ako ni Tyler.

"Saan *sob* ba *sob* tayo *sob* pupunta? *sob*"

Hinahatak pa din niya ko. Ang tanga tanga ko! All these time pinaglalaruan nila ko.
Bakit ba hindi ko nalaman na magkakakilala sila at worse, magkakaibigan sila.
Pakiramdam ko, isa akong chewing gum na basta na lang niluwa at bola na, pinagpasa
pasahan na lang. Ang sakit.

Nakarating kami sa corridor malapit sa front gate tapos pinaupo ako ni Tyler sa
bench. Umupo din siya.

"Oh." Inabot niya sa akin yung panyo niya. Kinuha ko naman yun. Tapos suminga ako.

"Ano bang problema mo?!" Galit ba siya dahil sininahan ko panyo niya? Dapat di na
lang niya pinahiram sa akin yung panyo niya kung magagalit din pala siya. Hayy,
labo ng buhay.

"Ha? Bakit?" Tanong ko. Umiiyak pa din ako habang nagsasalita. Feeling ko tuloy ang
pangit ko lalo. Turn off 'to kay Pogi! Kainis naman e. T___T

"Bakit ka nagpapaG@GO sa mga G@gong yun?!" Narinig din pala niya yung pinaguusapan
nila? Malamang, Rylie! Hinatak mo siya diba? Magkasama kayo diba? Isip isip din!
Sabaw mo talaga forever! Hayyyy. Nakakababa naman kasi ng confidence ginawa nila sa
akin e.

KINAKAUSAP KO NA NAMAN SARILI KO >.<

"Ang tanga ko ba? Alam ko naman yun eh." Nilobo ko yung pisngi ko at kinagat labi
ko para di ako maluha pero wala eh. Hagulgol pa din ako!!!

"Alam mo naman pala eh." Sabi niya. Hindi man lang siya nakalingon sa akin.

"Hindi ko naman kasi alam na lolokohin nila ako. Hindi ko rin alam na magkakaibigan
sila."

"After 3 years? Hindi mo pa din alam?! Tanga ka ba o bulag ka lang talaga?!"

"Parehas?" I sighed.

"Pucha naman pala eh," Tumayo siya.

"Bakit ka ba masyadong apektado? Hindi naman ikaw ang naloko. Ako naman diba?"
Napatigil siya sa sinabi ko. Napansin kong nakaclose yung both fists niya.
Nagpipigil ng galit T_T
"May kapatid ka ba? Kung kapatid ko niloko ng tatlong lalaki at malapit ulit
maloko, baka hindi ko alam magawa ko sakanila,"

"Sorry na. Salamat ah. Ito na panyo mo oh." Hindi pa din ako tumitigil kakaiyak.

"Salamat ka diyan! Sa'yo na yan. H'wag ka na ngang umiyak. Kundi ka ba naman


pumayag na maging kayo eh. Pinagpasa-pasahan ka nila. Baka nga easy to get ka lang
talaga katulad ng sinabi nila. Kasalanan mo din yan." Ang sakit nun ah? Tinamaan ko
sa lahat ng sinabi niya. Akala ko ba don't judge the book by its cover. Hindi naman
sa easy to get pero akala ko kasi, seseryosohin nila ako. Nadadala ako sa sweetness
nila. Geez!

"Oo na! Tanga ako. Bulag ako! Ano pa ba? Manhid? Ano pa? Butiki. Ano pa? Easy to
get. Ano pa? Lahat na lang kaya, no? Kasalanan ko kung bakit nila ko pinaglalaruan
kasi nga madali akong maniwala! Dahil naniniwala akong may matinong lalaki. Yung
hindi ako sasaktan. Hindi ko naman alam na madami ding manloloko... pero kahit na,
alam ko meron pa ding matinong lalaki. Alam ko!" Tumayo ako. I wiped my tears pero
hindi ko talaga mapigilan eh. Siguro nagipon ipon na yung sakit hanggan sa ito na
nga, hindi ko na kayang pigilan kasi napuno na...

"Tandaan mo. Wala ka sa movies o kahit na anong series. Hindi ka naman artista eh.
Pero alam mo, hindi mo naman kailangan magtiwala ng sobrang bilis. Madami pang
matitino diyan pero dapat isipin mo din na madaming ding manloloko," Siya ba talaga
yun? Parang hindi siya yung nagsabi nun. Nakahawak pa siya sa dalawang shoulders
ko. Feeling ko nakuryente ako sa ginagawa ng lalaking 'to sa akin.

"At parang gusto ko ng maniwala na konti na nga lang ang matitinong lalaki... Even
you! Kawawa naman yung babae kanina. Hirap na hirap sa paghahanap sa'yo tapos ikaw
pinagtataguan mo lang? Bakit hindi mo sakanya sabihin yung totoo para layuan ka
niya, diba? Hindi yung pinagtataguan mo siya ng ganun. Sayang effort niya," Totoo
naman eh. Sayang effort ng babae na pumunta dito. Biruin mo, nagpunta siya dito
para lang kay Tyler? Iba pa naman ata school niya at mukhang sa south pa eh north
kami.

"Gusto mo ba talaga malaman kung ano yung totoo?"

"Hellooooo? Malamang!"

Napatingin ako sa left side ko. Nakita ko na naman ang babae na pinagtataguan niya
tapos nakita ko din yung mga lalaking lumoko sa akin sa right side ko naman.

Palapit na silang lahat. Bakit sila nandito?

Nakita ko na din si Aish. Bakit ba sabay sabay silang lumalapit? Kung kailan
umiiyak ako? ANO BA KAYO! Timing nga naman talaga!!!

"Sabihin mo na sakanya ang totoo ngayon. Tingnan mo, papalapit na siya-I mean
sila."

THEN HE KISSED MY LIPS.

Ano ba ang totoo sa ginagawa niya ngayon? Ni hindi nga niya yata alam pangalan ko
eh.

Ano 'to?! PEEEEBEEEBEE TEEEEENS?


####################################
CHAPTER 4 (SIGE NA NGA PAYAG NA!)
####################################

CHAPTER 4

Ano ba tong nangyayari? 2nd day ng 4th yr ko, ang dami dami ng nangyayari.

UNA: Naiwan ko Physics notebook ko!

PANGALAWA: Nakasagutan ko si Mr. Pogi. FC kami parehas eh. Or ako lang?

PANGATLO: Nalaman kong niloko ako ng mga past boyfriends ko. Whyyy? What did I do
to them?

PANG-APAT: A stranger is kissing me, right here right now.

HINDI BA NIYA ALAM NA SA BABAENG TULAD KO, IMPORTANTE ANG 1st KISS?! Hindi nga ako
nagpapahalik sa mga naging boyfriends ko dati eh. Tapos itong gwapong mokong na to!
Ugh.

AT ANG PANGLIMA...

ITO:

Inalis na niya yung pagkakahalik niya sa akin na hindi ko alam kung masusuka ba ko
dahil sa hindi ko siya kilala, magagalit ako dahil hindi ko nga siya kilala o
KIKILIGIN AKO DAHIL GWAPO SIYANG NILALANG?! Hindi eh. Naguguluhan at naiinis ako at
the same time. Hindi ko nga siya kilala tapos ganito?

"J-J-Justin?" Sabi ng maluha luhang babae sa harap namin.

"So... Totoo ngang may girlfriend ka? SIYA NA BA ANG IPINALIT MO SA AKIN?! I mean,
siya lang?!" Pagpapatuloy niya.

Hindi ako makasagot. Hindi ako makareact. All I know is, ayaw tumigil ng luha ko.

"Yes. She's also the reason why I transferred here so please, back off. And also,
hindi siya 'siya lang' dahil yung 'siya lang' na sinasabi mo ay girlfriend ko."
Sabi niya na parang wala lang sakanya. Pinigilan ko na yung luha ko pero halata pa
din na umiyak ako. Siguro ang haggard haggard ko na ngayon.

Hayy. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sakanila, sa akin, sa amin...

Narinig ko yung mga exes ko na sinasabing, 'Diba hindi naman siya nagpapahalik.
What happened?'

Nakita ko si Josh at ang mga syota-syota-an ko dati.

"Rylie? Hindi mo sinabing may boyfriend ka na. Bakit ka pa pumayag na ihatid kita?"
Si Josh.

"Paano ba yan Josh. Talo ka na! 500 namin ah?" Bulong ng mga kasama niya pero
rinig na rinig ko pa din.

"Rylie, akala ko ba ihahatid kita? What happened? "


"Hindi pa tayo tapos Justin Tyler. Humanda sakin yung babae na yan!" Umiyak na yung
babae at naglakad na paalis. Gulong gulo na ako!

"Babe, wag mo silang intindihin. Ako bahala sa'yo. Bati na tayo ha? Hindi mo naman
ako masisisi kung magselos ako dahil niyaya ka ng isang lalaking hindi mo kilala.
Masyado ka kasing mabait para i-reject siya eh. Pati hindi mo naman ako masisisi
kung nagaalala ako, baka may gawin pa siyang MASAMA sayo. Hindi ko alam gagawin ko.
Sorry na," Nagulat ako sa mga sinabi niya.

WHAT?!

"Pare! May pinapatamaan ka ba?" Sabi ni Josh.

"Bakit? Natatamaan ka?"

"Ako yung lalaki na sinasabi mo eh,"

"Talaga? Bakit nga ba gusto mong ayain GIRLFRIEND ko?"

"GIRLFRIEND nga ba talaga?"

"H'WAG MONG SAGUTIN ANG TANONG NG ISA PANG TANONG. Sagutin mo ako, bakit mo siya
niyayaya?"

"Gusto ko siya!"

"Mahal ko siya. Sino niloko mo?!"

"Pare kanina ka pa ah. Nakakalalaki ka na!"

Susuntukin na niya sana si Justin pero...

"Hep! Girlfriend ko siya. Ako ang may karapatang magalit, not you!"

NI HINDI KO NGA ALAM NA MAY BOYFRIEND AKO EH! AT SA ISANG STRANGER PA!

"Hindi ako naniniwalang may boyfriend siya. Halata naman sa mukha niya kahapon kung
gaano niya kagustong ihatid ko siya eh."

"TEKA NGA, GULONG GULO NA AKO! ANO BA ANG NANGYAYARI DITO?!" Si Aisha! Hayy Aisha,
hindi ko din alam kung ano ang nangyayari. Nasspeechless na nga ako eh.

Sa kagustuhan kong umalis, nag walk out ako.

Ang naintindihan ko lang sa nangyari ay yung niloko ako pero the rest, wala na.
Hindi ko na magets.

Pumunta ako sa room namin at buti na lang, wala ng tao. Nagulat nga ako kasi
nakabukas pa din yung aircon. Kinuha ko yung physics notebook ko sa desk ko at yung
pen ko sa pocket ko. Sinulat ko na lang yung pangalan ko sa likod ng notebook ko...

Nagulat na lang ako kasi may pumasok sa room.

"Don't cry," Ano na naman ang ginagawa niya dito? Oo, sino pa ba? Si Tyler.
Pinunasan ko yung luha ko na gamit yung panyo niya.

"Hindi naman masamang umiyak ah?"


"Pero pag pinakita mong umiiyak ka sa harapan ng kaaway mo, iisipin nila mahina
ka."

"Wala naman akong kaaway pati mahina naman talaga ako. Hayaan mo na lang ako
please?"

Sobrang hina ko talaga.

"Langya! Bakit ba ganyan ka?" Sabi niya pero mahinahon lang. Nababadtrip na talaga
siya sakin.

"Hindi ko rin alam. Hindi ko mapigilan."

"Alam mo bang, pag pinakita mo sakanilang mahina ka, mas lalo ka nilang aapihin."

"Tama!" May biglang nagsalita...

Pumasok si Aish sa room, sinara ang pinto, nilock ito at lumapit sa amin.

"Kaya kung ako sa inyo, sabihin niyo sa akin ang mga nangyari."

Teka, bakit parang ang close ni Aish at Tyler? O baka FC lang talaga si Aish.

Kinwento ko ang mga nangyari. Nakatahimik lang si Tyler.

"But ang dami kong hindi maintindihan. I don't understand why this stranger kissed
me and why did he say that I'm his girlfriend," Tinuro ko naman si Tyler kaya
natawa si Aish pero si Tyler, walang expression. Hindi yata marunong mag express ng
emotions 'tong tao na 'to eh.

"Pasalamat ka nga, pinagtanggol pa kita eh," Sabi niya. Ooooh. So ginawa niya yun
para ipagtanggol ako or para gamitin ako para lumayo sakanya yung babae kanina?
See? Hindi ko talaga alam kung ano talaga ang totoo. Pagong ako forever.

"Tumahimik ka nga!" Sabi naman ni Aish kay Tyler.

"I don't understand why did they do this to me. I didn't do anything wrong. I don't
what's their problem. Kung may problema sila, they should have told me. Hindi yung
ganito na kailangan pa nila akong pagpustahan at lokohin. Nakakasira ng bait eh,"
Tumulo na naman luha ko pero tumatawa at the same time. Weird ko no?

"Kasi masyado kang mabait. That's why," Sabi ni Tyler. Kung makapagsalita siya,
parang kilang kilala na ko ah? Astig ka din, bro.

"Salamat sa kanina ha? Thank you kasi pinagtanggol mo ako sakanila pero di ko lang
talaga magets. Why did you kiss me? You didn't have to. Pwede mo naman sabihin
sakanila na girlfriend mo ako without kissing me. Hindi ba importante sayo yun?
Ginagawa lang yun ng mag-asawa o kaya naman ng dalawang taong nagmamahalan. Hindi
naman kita mahal eh at sigurado ako na hindi mo ako mahal. Ni hindi mo nga ako
gusto eh. Ni hindi mo nga yata alam pangalan ko eh," Diretsang tanong ko sakanya.
Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko. Ako kasi yung taong sinasabi kung ano yung
nasa isip ko. Kaya nga gusto ko na talaga putulin dila ko eh.

Nakita ko si Aish na tawa ng tawa. Ang labo talaga ng babae na 'to. Namomroblema na
nga ako, tawa pa ng tawa.
"You think maniniwala sila kung hindi ko ginawa yun? At least hindi ko na kailangan
mag explain pa ng mas mahaba sakanila kasi nakita naman na nila," Sabi niya pero
wala pa ding expression.

"At dahil na din sa babae kanina," Dagdag ni Aish. "Siya ang girlfriend ni Justin,"

"Ex." Sabi naman ni Tyler.

Ano kayang meron sa dalawang to? Bakit alam ni Aish tapos di ko alam eh bestfriend
ko siya ah?

"Hindi no. Ganito kasi yun, girlfriend siya ni Justin nung grade 6. Mabait pa siya
nun,"

"Tapos?"

"Wait lang kasi. Tapos binreak siya ni Justin."

"Bakit?" Tanong ko.

"Bakit nga ba?" Tiningnan ni Aish si Tyler. Nakatingin na kaming parehas kay Tyler.
Napakunot nga yung noo niya eh.

"She asked me to be her boyfriend so I said yes. You know me, Aish. Ayoko makasakit
lalo na pag babae dati kaya naisip ko na laro laro lang naman siguro kasi syempre,
batang bata pa naman kami nun. Nakipagbreak ako dahil napapansin kong sobrang
nagiging seryoso na siya at lahat na ng babae na lumalapit sakin kahit sobrang
close ko eh napapalayo niya. Pati nga kaibigan niya, inaway niya."

Kasalanan din naman pala ni Tyler pero good naman yung intention niya eh. Nagkamali
lang siya and ayaw lang niya makasakit. Yun nga lang, kabaliktaran yung nangyari.
Napamahal sakanya ng sobra yung girl hanggang sa parehas na silang nasasaktan.
Hayy. Dami mong alam, Rylie! Nakuha mo lang yan sa movie na napanood mo kagabi eh!

"Tapos?" Tanong ko.

"Simula nung nakipagbreak si Tyler, naging freaky b!tchy witch na siya. Naging
maarte siya. Tapos kapag ayaw niya sa isang tao, gagawin niya lahat para ma-
expelled or kusang magdrop ang student."

"Grabe naman!" Wala na kasi akong masabi eh. Nagreact na lang ako. Nakakagulat
naman kasi talaga yung ginawa ni girl. Biruin mo, totoo palang nangyayari yun?
Akala ko sa palabas lang yun eh. Astig! Ay hindi pala. Nakakaawa yung mga
naexpelled at nagdrop dahil sakanya at kawawa din naman yung girl. Alam ko may
pinagdadaanan siya.

"Katulad yung isang nerd, sabi sa akin ni Justin, nabunggo lang siya. Tapos ang
ginawa ng bruhilda, pinahiya sa buong school at hindi tinigilan, kaya ayun. Nagdrop
kusa yung tao." Pero hindi naman tama na ipahiya ng girl yung tao diba? Hindi niya
dapat dinadamay yung ibang tao pero ano bang alam ko? Wala! Wala naman ako sa
posisyon ng babae eh pero nakakaawa talaga...

"Kawawa naman pala. Tapos ano pa?" Tanong ko. Naccurious kasi ako. Pagdating talaga
sa mga usapan na ganito, sobrang nagcoconcentrate ako...

"Nung 3rd yr, binalaan niya yung girls sa buong school na kung sino ang mang-aagaw
sakanya kay Justin..."

Kumunot noo ni Tyler. Ako naman, nagugulat pa din sa mga naririnig ko...
"Susunugin niya yung buhok tapos hindi niya titigilan. Pati pamilya niya,
madadamay. Oh well, buti nga hindi pa naman nangyayari. Hmm. Kaya niya kaya
talagang gawin yun?" Sabi na naman ni Aish na nakalagay pa yung index finger sa
mukha niya na parang nagiisip talaga.

Teka, kung sino ang mangaagaw sakanya kay Tyler? Shocks! O___O

"PINAHAMAK MO AKO?" Shoot! Paano pag sinunog niya buhok ko? O kaya naman... Waaaa.
No no no no. Hindi pwede. Hindi talaga pwede madamay family ko. Noooo.

"Ako bahala sa'yo. Wala na din akong choice kanina. Ikaw ang babae na nasa harap ko
kaya nga sorry kung nadadamay ka sa gulo ko kahit hindi naman dapat," Naks!
Marunong mag sorry !

"Kami bahala sa'yo, bestfriend!"

"AAAISH?!" Sabi ko. Kasi naman eh! Kamping kampi siya. Labo talaga nito.

"Yun kasi dapat ang sasabihin ko sa'yo."

"Ano?" Tanong ko.

"Magkunwari kang girlfriend ni Justin kasi wala na din akong maisip na way para
mapalayo si Alexa pati sa ibang school naman siya nag-aaral, nandito naman kami, at
alam kong iba ka sa ibang babae sa tabi tabi. Kaso nung sasabihin ko na, bigla
naman kitang nakita na nakikipag-usap kay Josh tapos sa bahay niyo naman, sobrang
busy at saya mo sa pakikipagtext sa lalaking sira ang bungo,"

Natawa ako sa sinabi niya pero di ko pa din maintindihan. Bakit ako pa? Bakit hindi
na lang siya?

"Bakit hindi na lang ikaw? Close naman kayo ah!"

Kumunot noo nilang dalawa. Sabay pa talaga sila ah. Natatawa ko sa mga mukha nila.
Naisip ko lang kasi na bagay naman sila. Actually, may hawig pa nga sila eh. Tapos
okay naman sila, mukhang magkasundo nga sila hindi gaya namin, mukhang di kami
magkakasundo kahit gwapo siya. Pati iba din naman yung school ni Aisha.
Mapprotektahan ko siya! Oo tama, sila na lang. Hayy. Pogi ka pa naman sana Tyler
kaso kay Aish ka na lang. Wait. Paano si Drei, yung boyfriend ni Aish?! O___O

"YUUUUUCK! Unang una, hindi ako incest. Pangalawa, may boyfriend ako. Pangatlo,
sabi ni Tyler, ikaw ang girlfriend so wala ng way para makatakas ka pa," Sabi ni
Aish. Meron kayang way! Sasabihin ko na hindi totoo yun! Kaso baka pagtripan na
naman ako ng mga lalaki. Leche naman oh. Teka...

"Incest?" Tanong ko. Bakit naman incest eh hindi naman sila magkaano ano? Don't
tell me, kambal sila? Hindi hindi. Imposible kasi matagal ko ng kilala si Aish at
nagpupunta ako lagi sa bahay nila. Wala din siyang nababanggit na may kambal
siya...

"Magpinsan kami," Sabi ko nga.

Whaaaaat?!

"What the heck?! Di ngaaa? Akala ko may something kayo," Sabi ko sakanila. Tumatawa
lang ako pero sila halata mong nandidiri.

"Kadiri ka namaaaaan!" Sabay pa sila. Magpinsan nga...


Ngayon alam ko na ang lahat pero...

"Pero hindi eh. Binenta mo ko Aish. Binenta mo koooo!" Nakahawak ako sa mukha ko.
Moooommy oh gooolly! Ano gagawin ko ngayon? Nakakatakot! Ayoko talaga masunugan ng
buhok. Mahal ko ang buhok ko, oh Diyos ko ave maria napupuno ka ng grasya T____T

"Hindi ah. Una sa lahat, noong nakita ko kayo, may ginagawa na kayong kababalaghan.
Pangalawa, malay mo dahil dito, magkadevelopan pa kayo nitong PINSAN ko. Tamang
tama! Bagay kayo! Yikeee." Kilig na kilig naman si Aisha. Hay nako naman Aisha.

"HINDI NO!" Sabay naman kami ni Tyler. Uso na ba ang sabay magsalita ngayon?

Pakipot pa talaga ako eh gustung gusto ko naman. Natatawa ako sa imagination ko.
Ayoko nga ipakita sakanila na natatawa ako, baka isipin nila... NO WAY! Nagwoworry
pa din ako sa situation ko. Paano pag ano... Waaa! Hindi pwede! Ayoko masunog buhok
ko. Ayoko madamay pamilya ko >.<

Tumawa si Aisha na halata mong kinikilig. INIS!

"Uy saka mo na isipin yan! Paano ako?" Hinihila hila ko yung dulo ng damit ni Aisha
since nakatayo naman siya sa tabi ko. Tiningnan nga niya ako na parang nakukulitan
na sakin eh.

"Kami nga bahala sa'yo." Sabi ni Aish.

"Ipagtatanggol kita kaya ikaw, wag kang masyadong humiwalay sakin," Sabi ni Tyler
O_O

Ngumiti naman siya.

At dahil sa ngiti niya na yun...

"Sige na nga. May magagawa pa ba ko?" Sabi ko na parang napilitan. Ang bilis
mapapayag eh. Hindi man lang nagpapapilit pa ng mas matagal. Napaghahalataan tuloy!

"So ano, deal na ha?" Sabi ni Aish. Napakabait niya talaga kaibigan. IDOL!

But since ipinagtanggol naman ako kanina ni Mr. Pogi, alam nila na boyfriend ko
tong gwapong to, pati yun na din ang alam nila Josh, para di na din ako lapitan
nila josh, at kawawa din naman si Tyler...

PARA LAYUAN AT TIGILAN SIYA NG KAWAWANG BABAE...

"SIGE NA NGA PAYAG NA!"

####################################
CHAPTER 5 (Nakakarami na talaga siya!)
####################################

Chapter 5

AISHA'S POV
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na bestfriend mo magiging fake girlfriend ko? Bakit
di mo sinabi sakin na Rylie pangalan niya? Ha? Akala ko naman kung sinu sino lang.
Hindi tama yung ginawa mo Aisha. Bestfriend mo siya. Paano pag napahamak siya?"

Yeah, matagal na niyang kilala si Rylie dahil kinikwento ko lagi si Rylie sakanya
pero di pa naman niya nakikita at di rin niya alam yung pangalan. Kinikwento ko
lang yung pagiging hopeless romantic niya at kahit na ilang beses siyang lokohin,
ang lambot pa din ng puso. Tuwing naiinis kasi ako sa mga nanloloko sa bestfriend
ko, pinsan ko ang nilalapitan ko. At ayun nga, naiinis din siya. Pati kay Rylie,
inis na inis siya. Ang tanga tanga daw. Sabi ko naman, bestfriend ko yun kaya wag
niyang pagsabihan ng ganun. Anyway, hindi ko pa nakkwento si Justin kay Rylie kaya
di niya kilala si Justin...

Akala nga niya may something kami eh. Kadiri.

"Paano pag napahamak siya pati yung pamilya niya? Paano pag nasaktan ko siya? Hindi
yun kaya ng konsensya ko. Paano pag nain-love ako sakanya?"

Hindi ko naintindihan yung huling tinanong niya. Napaparanoid na siguro si Justin.


Sino naman kasi kaya yung humalik kay Rylie? Diba siya naman? At wala din naman
akong sinasabi na halikan niya si Rylie no! Bakit ako sinisisi niya?!

Nandito nga pala kami sa bahay nila. Sabi ko kasi sakanya sabay na kami pumunta sa
school. Mas malapit yung house nila and on the way na rin kaya ako na nagpunta
dito. Ewan ko ba, iba't ibang bahay na tinutulugan ko. Ayoko na nga umuwi sa bahay
namin eh.

"Pwede isa isa lang yung tanong. Okay. Una sa lahat, dapat sasabihin ko na.
Ipapakilala ko na sana kayo sa isa't isa nung isang araw kaso nakita ko siya na
kausap si Josh, kaya hindi ko na itinuloy." Totoo naman lahat ng sinasabi ko...

"Tapos?"

"Dapat din hindi ko na itutuloy ang plano ko na si Rylie maging fake girlfriend mo
kasi naisip ko din na, bakit ko naman ibebenta bestfriend ko, kaso nakita ko naman
kayo na nagkikiss,"

"Hindi ko naman kasi alam na siya yung kinwento mo. Kung alam ko lang, hindi ko na
ginawa yun. At isa pa, pwede kasing hindi na ipaalala yung nangyari kahapon. Hindi
ko lang talaga alam gagawin ko that time dahil malapit na samin si Alexa," Sabi ni
Justin.

"1st kiss mo ba?" Tanong ko. Ang sarap niyang lokohin eh.

"Ha?" Sus. Sure naman akong narinig niya tanong ko.

"Amiiiiinin. Don't worry 1st kiss ka din niya." Tapos tumawa na ako ng tumawa.

"Wala akong pakielam at wala din akong aaminin sa'yo."

"Kung ganoon, sino 1st kiss mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng
nakakalokong ngiti.

"Si mommy."

"Sino nga?"
"Si daddy."

"Ano ba! Ang bakla mo naman eh!" Sabi ko sakanya sabay hampas.

"Si Rylie nga! Ang kulit mo!" Sabi niya na halata mong naiirita na.

"Sabi ko na nga ba meant to be kayo. Parehas kayong pakipot. Hopeless romantic


siya. Ikaw naman, hindi ko alam eh. Basta may tiwala ako sayo,"

Actually, gusto ko talaga sila para sa isa't isa. Parang ang bagay kasi. May tiwala
naman ako dito sa pinsan kong to. Kahit pogi siya, hindi siya chickboy... ATA.

"Tsss... Hindi pwede." Sabi niya.

"Bakit naman?"

"Masyado siyang mabait. Hindi siya marunong lumaban. Hindi niya kayang ipagtanggol
ang sarili niya. At higit sa lahat, iyakin. Sa tingin mo, bagay kami? No way.
Kilala mo naman ako Aisha, she's not my type. Hindi ko din maiiwasan na masaktan
siya verbally dahil sa ugali niya. Gets mo ba?"

Gets ko naman yun. Masyado kasing honest si Justin eh. Siguro natrauma na talaga
kay Alexa. Dati kasi, hindi niya sinasabi yung mali sa isang tao or kung ayaw niya
ito pero simula ng itago niya yung true feelings niya kay Alexa at akala ni Alexa
na mahal siya nito, nagkandaleche leche na buhay niya. Basta, ayaw na niya maulit
yung dati.

"Kaya ka nga nandiyan para ipagtanggol siya diba?"

"Na-uh."

"Sinabi mo kaya sakanya, ipagtatanggol mo siya." Sabi ko sakanya.

"Fine! But I can't promise. I'll try my best not to hurt her and hinding hindi ko
siya hahayaang mainlove sa akin. Okay? Ayoko na mangyari yung nangyari samin ni
Alexa. Ayoko na maging masyadong mabait sa babae," See? Sobrang natrauma na talaga
siya.

"Sira ulo ka ba?! Make her fall for you." Sabi ko.

"And why?"

"Cause I know that you'll fall for her too." Sobrang cheesy ko ba? Sorry, I can't
help it!

"Whatever. Stop it or else, I'll stop this game."

"Don't scare me. I don't need a fake boyfriend because no one's obsessed with me
and I have a real boyfriend. Remember Drei?" Sabi ko sakanya habang nakangiti. Nasa
sofa kasi siya at umiinom ng tubig. Nahihigh blood na yata sakin eh.

"I'm not asking."

"I'm just saying. And by the way, this is not a game."

"Then tell me, what do you call this?"

"Your love story."


"Oh please, Aish. Kadiri ka, nakakasuka na."

"Why? Wanna call doctor love?" Naiinis kasi yan pag cheesy ako lalong lalo na
pagdating sa lovelife niya. Siya yung klase ng tao na madaming sweet bones sa
katawan, patago nga lang.

"ERRR... AISHA!" Sabi niya. Tawa ako ng tawa. Hmm! I have an idea!

"Wanna bet?" Sabi ko.

"Ayoko."

"Sige na!"

"No."

"Pleaaaase?"

"Ano bang bet yan?"

"Pag nag date kayo ni Rylie tapos naging sweet kayo, gagawin ko lahat ng gusto mo.
Pero hanggang lima lang ah? Pag hindi naman, gagawin mo lahat ng gusto ko. Pero
hanggang 10."

Sana effective tong gagawin ko. I really want them for each other.

"Ang unfair naman ata?" Sabi niya.

"Hindi mo kaya? Alright. Sabi ko na nga ba, you're scared. What a coward!"

"Whatever Aisha. Kaya ko."

"Alright. Don't say it, show it."

"Fine!"

Isang tao lang naman ang nakakatalo pag dating sa debate at barahan kay Justin eh.

AKO!

Kilalang kilala ko na kasi yan. Sa aming magpipinsan kasi, siya lang yung ka-age
ko.

"Tara na nga alis na tayo at melelate na." Sabi niya. Time conscious din kasi yan
parang si Rylie. Bagay talaga!

Kinuha na niya yung bag niya at kinuha ko na din bag ko.

"Gusto mo lang makita si Rylie eh. Yikee." Inis ko sakanya. Nakakatawa nga itsura
niya eh.

"Hindi ko siya type. Tsh." Nandito na kami sa door pero bago pa man niya buksan
yung pinto...

"Kids! Bye na. Aalis na si kuya."

Ganyan talaga si Justin. Sobrang family oriented. Hindi niya ipagpapalit ang
pamilya niya sa kahit na ano o sino. Nakita ko naman na tumakbo na yung mga kapatid
niya sa hagdan at lumapit na kay Justin...

"Bye kuya! Ingat. Pasalubong namin ah? Balik ka agad ng maaga yaaah?"

"Ikaw talaga! Sige na. Bye!" Kiniss niya sa forehead si Jenine, sister niya.

"I love you kuya!"

"I love you too Janine." Kiniss din niya sa forehead si Janine, kambal ni Jenine.
Super cute ng twins na to.

"Mag-iingat kayo ha? Wag niyo papasakitin ulo ni Yaya."

"Opo kuya! " Sabay nilang sinabi. Sa kuya lang naman sila sumusunod eh. One time
nga ako nagbantay sa dalawa, sumakit lang ulo ko.

"Oh please Justin. May bukas pa!"

"I know. Tara na! Bye kids!" Ginulo naman niya yung buhok nila.

"Bye kuya!" Sabay nilang sinabi.

Hay salamat, nakaalis na kami sa wakas!

After 10 minutes, nakarating na kami sa school.

"Pinsan, puntahan ko lang si Drei ah. Bye!" Si Drei ang boyfriend ko. 9 months na
kami at malapit na mag 10 months next week.

"Sige, una ko sa room." Sabi ni Justin.

"Suuuus. Pupuntahan mo lang si Rylie eh." Pangiinis ko sakanya. Halata mo naman na


naiinis na siya. Nakakatawa talaga...

"SHUT UP!" At umalis na siya. Hot-tempered talaga!

RYLIE'S POINT OF VIEW

Nandito na ako sa school. As usual, quarter to 7 na naman ako nakarating. Wala


akong magawa kasi ako lang magisa dito. May nag open ng door. Hay salamat, may
kasama na din ako.

"Ry, usap tayo."

Si Josh?! Ano ginagawa niya dito? Hindi naman dito room niya ah?

Hay. Okay na pala akong mag-isa na lang dito sa room.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"About doon sa kahapon."

"Oh?" Sabi ko. Hindi ako makatingin sakanya.

"Galit ka ba?" Hindi naman!

BAKIT NAMAN AKO MAGAGALIT EH PINAGLARUAN NIYO LANG NAMAN AKO? I'M JUST YOUR TOY! SO
BAKIT AKO MAGAGALIT?
"May dapat ba akong ikagalit?"

"Wala. Bakit ang cold mo na sa akin?" Sabi niya.

Bakit? Naging sweet ba ko sakanya? Hindi naman kami close eh.

"Hindi naman ah. Ano ba kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

"Pwede bang mag-usap tayo mamaya?" Ano naman paguusapan namin?

"Naguusap na tayo ngayon."

"I mean diba hindi natuloy yung paghatid ko sa'yo, pwede bang ituloy natin mamaya?"
Sabi niya. Hindi naman masyadong makapal yung mukha niya. Uhmm. Slight lang siguro?
Mga mas makapal lang ng konti sa encyclopedia. Pwede na siguro yun no?

"Ah eh ano kasi, magseselos na naman si Tyler. Nagaway na kasi kami kahapon dahil
doon eh. Sorry," Sabi ko na lang kasi wala na akong maisip. Ayoko talaga siya
kausapin. Para saan pa? Paglalaruan lang naman nila ulit ako eh. Ayoko na no.

"Hindi ako naniniwalang may boyfriend ka." Sabi niya.

"Hindi naman kita pinipilit maniwala." Sabi ko naman sakanya pero hindi pa din ako
nakatingin. Nakatingin lang ako sa board...

"I just can't believe it."

Naiiyak na naman ako.

"Then don't believe it," Sabi ko.

"Josh? Rylie?" Si Selena. Ang aga niya yata ngayon?

"Why Ho- ah ano. Bakit Selena?"

Honey ba gusto niya sabihin? Ang alam ko kasi, Honey tawagan nila. Ang sweet
no? :"> Tsss. Nakakairita kasi. Hindi ko naman siya minahal. Crush, sobrang oo pero
hindi ko siya minahal. Nasasaktan lang naman ako dahil sa ginawa nila eh. Mali ba
'tong kinikilos ko ngayon? Ang sama ko na bang tao?

"What are you doing here? Section III ka diba?" Sabi ni Selena kay Josh.

"Gusto ko lang kausapin si Rylie. And yes, section III ako. Why?"

"Wala lang. Ry, sagutin mo na si Josh. Okay naman na ako kay Justin eh. So cute."
Hindi naman po kasi nanliligaw si Josh. Alam kaya ni Selena na pinagpustahan din
ako? Hayy. Ewan ko. Ayoko na mag-isip.

"Bakit ba gusto niyong lahat yung g@go na yun. Ugh." Sabi naman ni Josh. Eh hindi
naman kasi kasalanan ni Tyler na maging ganun siya kagwapo so sorry ka na lang,
Josh. LOLOLOL. Ang sama ko.

"Lahat? Sinu sino? Okay lang. Sure naman na ako ang gusto niya. Pumayag nga siya na
maging seatmate ko eh. How sweet," Sabi ni Selena.

"Gaano ka kasigurado, Selena?" Tumawa si Josh.

"101 percent sure." Sagot ni Selena.


Sige, kayo na lang magusap total wala naman ako dito eh...

"Eh ikaw ba Rylie? Siguro wala pang nangliligaw sa'yo. Josh kasi, ang bagal ah?"

Sabi na naman ni Selena. Ang gulo niya ah? Kanina sabi niya, nanliligaw si Josh
sakin tapos ngayon, walang nanliligaw sakin. Ang gulo talaga niya.

Nagulat kami kasi biglang may pumasok sa room. Nakayuko, walang expression ang
mukha. Tuluy tuloy lang siya papunta sa akin at hinalikan ako sa cheeks? Geez.
Nagulat at kinilabutan ako.

"What the?!" Sabi ni Selena. Nagulat din siguro si Selena at Josh. Err...

Ano ba yan :"<

"Hi Babe, sorry nalate ako. Sabay kasi kaming pumasok ni Aisha eh. Alam mo naman
yun, ang tamad gumising. So ano, tuloy pa ba date natin mamaya?" Oooh. Sabay pala
silang pumasok ni Aisha. Naiimagine ko. Ginigising din kaya niya si Aish tulad ng
paggising ko sakanya?

Pero anong date pinagsasabi niya?

"H-ha?" Pinandilatan niya ako ng mata na parang sinasabi na makiride na lang ako.

"Oo naman!" Pinandilatan ko din siya.

"K-k-kayo na?" Tanong ni Selena.

"Obvious ba? Why?" Sagot ni Tyler.

"S-siya ba ang dahilan kung bakit ka nag transfer dito? Diba sabi mo kay Sir, may
reason ka kung bakit ka nagtransfer dito? Is she the reason why you transferred
here?" Tanong ulit ni Selena.

"What do you think? Anyway, kailangan ko bang sabihin sayo? Close ba tayo?"

"Hindi pa din ako naniniwala." Sabi naman ni Josh.

"Babe, may sinabi ba sayo yung sira ulo na yan?" Tanong ni Tyler sakin. Ang galing
galing niya talaga umarte!

"W-w-wala naman." Sagot ko. Ang hirap maki-ride ah.

"Ah. Mabuti naman," Kiniss niya ulit ako sa cheeks.

Tiningnan ko siya ng masama. Kinindatan naman niya ako. Ano kaya problema nito?

Teka! Aba! Nakakarami na to ah? Wala naman kaming pinagusapan na ganito ah.
Sabagay, wala din naman kaming pinagusapan na bawal niya 'to gawin. Err? Kailangan
na namin mag-usap mamaya.

"FCUK!" Nagdabog si selena at nag walk out.

"Ano problema nun?" Tanong ni Tyler.

"Pwede bang tigilan niyo na paglalandian niyo?!" Sabi naman ni Josh na halata mong
naiinis na.

"Ano masama dun? KAMI naman eh." Sagot na naman niya. Galing talaga umacting! Pwede
na mag artista! Woohooo! Bravo, Tyler!

"BULL$H!T!!!!" Nag walk out din siya.

"Ano ba problema ng mga tao ngayon? Uso na ba magmura at mag walk out?"

Tumawa na lang ako.

Napahinto ako ng maalala ko yung mga ginawa niya kanina.

"TEKA NGA PALA." Sumeryoso ako ng mukha, "HOY WALA NAMAN TAYONG PINAGUSAPAN NA
GANOON AH?"

"Anong ganun?"

"Yung ano." Paano ko ba sasabihin sakanya na wala naman kaming pinag-usapan na may
kiss kiss na mangyayari?

"Ano nga?" Tanong niya na parang nalilito na. Ang slow din naman pala ng lalaking
'to o baka naman, alam na niya? Baka naman iniinis lang niya ako.

Nag pout ako.

"Ahhh.Ito ba?" Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Inatras ko naman mukha ko.
Epal ba siya? Ano ba sa tingin niya ginagawa niya? Kahit gwapo siya, hindi tama
'to.

"H-h-ha? Ano? Tigilan mo nga." Sabi ko sakanya pero nilapit pa niya lalo yung mukha
niya.

Kaya ang ginawa ko...

"OUCH!"

Inuntog ko yung ulo niya sa ulo ko. Ouch! Ang sakit nun ah! Hindi ko na lang
pinahalata na nasaktan din ako...

"Buti nga! Ano ka ngayon?" Tawa lang ako ng tawa. Bakit ba parang ang tagal na
namin magkakilala? Parang ang tagal na niya akong kilala. Parang ang tagal ko na
siyang kilala pero hindi naman eh. I don't remember na nameet ko na siya
somewhere...

Hinalikan na naman ako sa cheeks ni Tyler. Woooaah. PEEEBEEE TEEEENS?

Tiningnan ko siya ng masama.

Magsasalita na sana ako kaso...

"ANONG GINAGAWA NIYO?" May nagsalita...

"LYNNE?" Yan na lang nasabi ko sa gulat. OH EM GEE! Nakita kaya niya?

"BAKIT DI MO SINASABI SAKIN NA MAY BOYFRIEND KA NA? Kung hindi ko pa narinig sa mga
classmates and schoolmates at kung di ko pa nakita, di ko pa malalaman. Sira ulo ka
din talaga eh no? Transferee pa ha? Teka, bakit parang ang bilis naman yata? Don't
tell me, dati ka pang may boyfriend pero di mo lang sinasabi? Anong klase kang
kaibigan? Ha?!" Sabi ni Lynne ng tuluy tuloy pero pabiro lang naman. Ganyan naman
yan eh kaya sanay na ko sakanya. Sigurado naman akong kalat na naman sa school 'to
at kung anu ano na naming chismis maririnig ko.
"Ano kasi. I'll explain it later, Lynne. Chill ka lang pwede?" Sabi ko na lang na
natatawa tawa pa.

"Babe, bakit hindi mo pa sinasabi sa mga friends mo na tayo na?" At nagpout naman
siya.

Ang cute pero naiinis ako. Inirapan ko na nga lang eh. Ganito na nga situation,
pinalala pa niya. Anong karapatan niya para sabihin yun? Tumawa tuloy si Lynne at
lalong nacurious. Hay nako!

Bakit niya ba to ginagawa? Ano kayang iniisip niya? Ano na naming pakulo 'to?

Ano ba yan! Ang gulo na ng mundo ko!

Pero hindi eh.

Nakarami talaga siya!


####################################
CHAPTER 6 (ANG WEIRD!)
####################################

CHAPTER 6

Nagklase na kami. Okay naman yung nangyari kaso pati yung mga teachers, iniintriga
kami. Sabi nga ni Sir, alam na daw niya yung dahilan kung bakit lumipat si Dela
Cruz dito. Sabi niya, iba na talaga mga kabataan ngayon. Diyos ko Sir, tama ka.
Ibang iba na nga!

Nung break naman, pinauna ko na sila Aish at Tyler sa canteen. Mali nga ako eh.
Dapat nagpahintay na lang ako sakanila kasi hindi pa man ako lumalabas ng room, may
mga nagtatanong sakin. Paglabas ko naman, lalong dumami nagtatanong sakin. Tinanong
lang naman ako ng mga classmates, batchmates, and pati schoolmates namin ng kung
anu ano. Hindi ko pa nga kilala yung iba eh kaya lalong sumakit ulo ko.

Gusto niyo malaman mga tanong nila? Paano daw ba kami nagkakilala ni Justin, totoo
daw bang kami na ni Justin, ilang seconds, minutes, hours, days, months, or years
na daw kami, ilang taon na daw si Justin, ano daw ba ang favorite food ni Justin,
kailan daw ba kami magbbreak at kung anu ano pa.

Sabi ko naman sakanila, totoo na kami na ni Tyler. Yung ibang questions, bukas ko
na lang sasagutin kasi sumasakit na ulo ko at nagugutom na din ako. Hayy Tyler,
kailangan na natin talaga mag-usap. Paano nga ba kami nagkakilala kunwari? Paano
nga ba naging kami kunwari? Hirap naman pala nito eh. Hindi pa ako nakakaisip ng
magandang love story. Shiz! Mag sulat na nga ako mamaya ng love story namin 'kuno'.

Dahil sa sobrang tagal ko siguro, sinundo na ako ni Tyler at hinila papunta sa


canteen. Nagulat nga sila eh. Yung iba, kinikilig dahil siguro sa kagwapuhan ni
Tyler, yung iba halata mong naiinis siguro dahil sakin, at yung iba, walang
reaction. Si Tyler naman, wala na naman expression. Tsshhh.

Natapos na nga ang klase. Buti na lang, kasama ko si Tyler kaya walang
nagiinterview sakin. May nakatingin nga lang sakin or samin or SAKANYA LANG
anywhere and everywhere. Yung iba, tinatanong kung sino daw ba yung gwapong lalaki
na dumaan sa harap nila kasi mukhang bago daw at bakit ko daw siya kasama. Rinig na
rinig sila ng eardrums ko eh. Malakas yata ang hearing skills ko pagdating sa
chismis. Oh well, girlies! Sorry na lang kayo. Taken na siya. Nyenye, feel na feel
ko naman.

"Favorite color?" Tanong ni Tyler.

"Red."

"Why?" Kailangan pa bang itanong kung bakit?

"Kailangan pa bang itanong yan?"

"Nope. Gusto ko lang. Sabihin mo na, dali!"

Para siyang bata. Natatawa tuloy ako...

"Kasi red symbolizes love."

Nandito nga pala kami ngayon sa Mcdo. Err. Di ko naman alam na totoo yung sinasabi
niyang date. Kaso sabi naman niya, hindi ito date. Getting to know each other lang
daw para hindi kami mabisto kung sakaling tanungin kami kung gaano naming kakilala
ang isa't isa at kung ano kwento ng love story namin. Syempre, basics muna! Mamaya
na yung love story chorvaness na yan. Ay! Mageenjoy ako nito. Magaling ako mag
imbento ng love stories. You know naman, hopeless romantic ang lola niyo.

"Really?" Sabi niya in a sarcastic voice.

"Bakit?"

"For me, yellow symbolizes love." At kailan pa naging yellow ang heart?

"Bakit?" Tanong ko. Malay mo, may pinaghuhugutan siya.

"Kasi yellow symbolizes jealousy." Talaga?

"So?"

"Kapag nagseselos ka, ibig sabihin mahal mo yung isang tao. Well, depende naman sa
tao. Pananaw ko lang naman yun. Nevermind na lang,"

Oo nga no? May point siya doon, in fairness! Yellow na lang kaya favorite ko?
Happiness din naman ang meaning ng yellow diba? Nakita ko naman sa kandila ng
church, pasasalamat naman daw ibig sabihin nun. Yellow na lang kaya talaga favorite
color ko?

"Ikaw ba?" Tanong ko naman sakanya.


"Wala." Wala siyang favorite color? Kakaiba siya ha.

"Nyiieee. Pwede ba yun."

"Yup.Okay. Favorite food?" Okay, sabi mo eh. Nagtanong naman siya...

"Sinigang na Hipon at sisig. Ikaw?" Ang sarap sarap kaya ng sinigang na hipon at
sisig. Nagugutom tuloy ako kahit kumakain na kami ngayon.

"Chicharong bulaklak."

Mayaman naman siya. Pero bakit yun favorite food niya? Sabagay, masarap naman yun.

"Bakit?"

"Masarap eh." Sabi sa inyo masarap eh.

Nakita ko siyang naghikab.

"Ang boring naman!" Sabi niya. Grabe, ang boring ko ba kasama? Ouch!

"Ano gusto mo gawin natin? Ito naman talaga ang plano diba?"

Nagisip isip ako ng konti.

"Alam ko na! Let's play a game."

"Ha?" Sabi niya. Narinig naman niya eh!

"Magsasabi ako ng isang bagay or tao, specific or in general. Tapos idedescribe


natin pero using one word lang and vice versa. Kung sino ang hindi makapagdescribe,
magtatanong yung nanalo ng kahit anong tanong tapos sasagutin ng natalo. Kailangan
sagutin ah! Game?"

"Game!" Sabi niya. Himala, pumayag! Sobrang bored na siguro niya kaya napapayag ko
siya?

"Mauna ka." Bakit ako ang mauuna?

"By the way, bawal magreact or kumontra. Or else, talo." Dagdag ko naman.

"Okay."

"Kids." Ako na ang nagsimula.

"Cute." Mahilig siguro siya sa mga bata? Usually kasi pag guys, sasabihin nila
makulit. Diba diba? Eh siya, cute yung sinabi niya meaning gusto niya ng kids?

"Adorable." Sabi ko.

"Guys." Siya naman ang nagsimula ng topic this time.

"Jerks."

"Hindi naman lahat." Ang galing ko talaga. Sabi na nga ba't mapapareact siya eh.

"Bawal magreact." At tumawa na nga ako.


"Fine fine! Ask me anything."

"1st kiss? Bawal yung mommy, daddy, kahit sino na related to family and friends. Or
kahit nung bata ka pa. Bawal yun." Bakit ko ba tinanong yun? Wala, curious lang
ako.

"WHAAAAT?!" Sabi niya na nagulat talaga. Kinabahan tuloy ako...

"Bakit?" Tanong ko naman. Bakit ba ayaw niya?

"Ayoko."

"Ang daya mo naman pala eh?"

"Hindi ako madaya."

"Sino nga?"

"Ikaw." Sabi niya. Oh-kay?

Gusto kong ngumiti pero hindi pwede at baka magfeeling. Hindi ko nga din alam kung
maniniwala ako o hindi eh.

Silence...

Silence...

Silence...

My first kiss went a little like this.


And twist.
And twist.

Badtrip na cellphone yan. Ang akward tuloy lalo. Oo, cellphone ko yun! Si Kesha
kasi eh! BV!

"Hello!" Sinagot ko na yung phone..

"Bakit ka nagagalit? Itatanong ko lang naman kung nasaan kayo. Kasama ko si Drei
ngayon." Si Aisha pala. Hindi ko kasi tinitingnan kung sino yung tumatawag sakin e.

"Nasa mcdo."

"Okay. Di ko na kayo iistorbohin. Bye!"

"Teka-"

At binaba na niya yung cellphone.

Nakita kong tumatawa si Tyler. Nakakunot pa din yung noo ko.

"Why are you laughing?" Hindi naman ako naiinis sakanya dahil tumatawa siya.
Naiinis ako kasi parang wala lang sakanya yung nangyari at naiinis din ako sa
sarili ko kasi na-aawkward ako pero siya, pinagtatawanan lang yung itsura ko habang
naaawkward ako...

"Wala." Tapos tumigil siya sa kakatawa.


"Alam mo, ikaw yung babae na kahit hindi pa nagsasalita, nakakatawa na."

Medyo nainis ako sa sinabi niya. Pero tanggap ko naman yun.

"Alam ko namang hindi ako maganda. Pero sana wag mo naman sanang sabihin na para
akong clown. Hindi pa nagsasalita, tumatawa na?" Pakiramdam ko tuloy, ang pangit
pangit ko.

Tumawa ulit siya.

SERYOSO KASI AKO DITO.

"Kung tatawa ka lang diyan, wala tayong mararating."

"Hindi naman kasi yun yung ibig kong sabihin. Atsaka mararating? Saan naman tayo
pupunta?"

Pilosopo pa. Alam naman niya ibig kong sabihin eh. Hayyy. Oo, inaamin ko pikon ako
pero grabe, bakit ganito siya?

"Hindi ko alam. I mean wala tayong mapupuntahan."

"Ha?"

"Walang mapupuntahan yung usapan na to."

"Ano ba pinaguusapan natin?"

"EWAN KO SAYO!"

Kinuha ko na yung bag ko, tumayo na ako, at umalis na sa Mcdo. Nakakainis naman
kasi siya eh pero teka, saan naman kaya ako pupunta nito?

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan ako. Ang laki
naman kasi ng mall na 'to. Hindi naman kasi ako mahilig gumala kaya hindi ko
kabisado 'to.

"Oh, look who's here." Nagulat na lang ako kasi may nagsalita sa harapan ko...

"Ha?"

"Hindi mo ako natatandaan?"

Tiningnan ko siyang mabuti.

"Ah. Ikaw yung girl sa school." Oo, siya nga! May kasama siyang apat na girls. Siya
yung babaeng nagsabi na susunugin daw niya yung buhok ng babaeng aagaw kay Tyler at
siya din yung babaeng idadamay yung pamilya ng aagaw kay Tyler...

"Yes. Ako din yung girlfriend ni Justin na inagaw mo. Hindi ako makapaniwala na
pinagpalit ako ni Justin sa isang hamak na... Ughh!" Tiningnan niya ako na parang
nandidiri.

Hindi ko alam sasabihin ko. Takot ako sa mga ganito. Bakit pa kasi ako umalis dun?
Hindi man lang kasi ako sinundan ni Tyler. Hmmp! OO NGA NAMAN PALA! Sino ba naman
ako para sundan niya? Isa lang naman akong fake girlfriend and stranger para
sakanya. Ni hindi pa nga kami magkakilala masyado. Nung isang araw ko lang siya
nakita. Hindi ko pa nga siya natatawag sa name niya at hindi pa din niya ako
natatawag sa name ko...

Ano pa nga ba ang dapat kong asahan? Ang tanga ko naman talaga oh. Paano ba ako
napunta sa Section I?

Pero kasalanan ko naman eh, umalis pa kasi ako doon.

"Oh, bakit hindi ka makapagsalita ngayon?" Sabi na naman niya. Nakatingin lang ako
sakanya kasi natatakot na talaga ako. Malay mo, maawa sakin pag ginamit ko puppy
face ko.

"..."

"WHAT THE FCUK?! Bakit ba ayaw mo magsalita? Nasaan si Justin? Kasama mo ba siya
ngayon?" Okay. Hindi effective puppy face ko.

"Alam mo Alexa, wag mo na siyang patulan." Sabi ng babae sa likod niya.

Alexa pala name niya.

"Wag mo kong pakielaman Jessa! Alalay lang kita," Ang sakit naman ng sinabi niya.
Nagtataka lang ako kasi mangiyak ngiyak na si Jessa pero hindi pa din siya umaalis.
Nag sorry pa nga siya eh...

"S-s-sorry. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon." Sabi ko na lang kasi hindi ko
naman talaga alam kung nasaan si Tyler ngayon eh. Kung alam ko edi sana,
pinuntahan ko na siya. Diba?

"Liar!" Pagkatapos niya sabihin yun, sinampal niya ako. Ang sakit nun ah. Kahit
parents ko, never ako sinaktan. Maski si Aish. Oo, sinasampal ako ni Aish pero
mahina at pabiro lang. Lambing lang niya yun at ganun din naman ako sakanya.

Pero grabe 'to, ibang klaseng lambing 'to kasi masakit eh.

Nasasaktan ako verbally and physically.

"Girls, ano pa tinutunga-tunganga niyo diyan!"

Sinampal naman ako ng apat na babae. Yung Jessa, mahina lang yung sampal sakin pero
the rest, malakas na.

I won't cry.

I won't cry.

HINDI AKO IIYAK!

Binuhusan niya ko ng juice na may yelo.

Ang lamig! Ang daming taong nakatingin.

Akala ko ba ipagtatanggol niya ako?

Hindi ko na alam kung nasaan ako. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao. Nakakahiya.
Ayokong kinakaawaan ako. Naaawa din kasi ako sa sarili ko. Hayy grabe, ang baba
kasi ng self confidence ko.

Ah, alam ko na! Tatawagan ko na lang si Aish.


Kring. Kring.

Walang sumasagot. Busy na naman kay Drei. Text ko na nga lang.

Sender: Aisha Hera Dela Cruz

Aish, di ko alam kung nasaan na ko. Lowbat pa ako. Wala din pala akong dalang pera,
naubos na. Di ko rin alam number ni Justin. Malayo pa uuwian ko, late na. Magagalit
si papa sakin. Aish, please help me.

Pagkatapos ko siyang itext, umupo na ako sa bench at umiyak. Ano kaya gagawin ko?
Wala namang mangyayari sa akin kung iiyak lang ako dito. Pero as of now, ito lang
magagawa ko. Gusto ko na sana umuwi pero nahihiya din naman ako magtanong dahil sa
itsura ko ngayon.

May nagsalita naman sa harap ko...

"Hi Ms."

Napatingin ako. May grupo ng lalaki sa harap ko na nakauniform pa. Binilang ko,
lima sila.

"Sino kayo?" Tanong ko sakanila.

"Ms. Okay ka lang ba? Nakita kasi namin yung nangyari kanina. Classmate namin yun.
Sorry di ka namin naipagtanggol ha? Huli na kasi nung nakita namin," Sabi ng isang
lalaki. Ang bait naman nila! Teka, yung uniform nila, yun yung laging kakomptensya
ng school namin sa halos lahat eh. Mapa-academic man yan o sports. Basta, laging
cinocompare school nila sa school namin. Pati balita ko, mahal din ang tuition doon
pero worth it naman daw dahil sa system ng pagtuturo and other stuff. Mayayabang
nga daw eh pero ughh, I hate stereotyping.

"H-ha? Salamat ah. Sige aalis na ko."

Kinuha ko na yung bag ko. Tatayo na sana ako pero...

"Teka lang miss." May humawak sa braso ko...

"B-bakit?" Tanong ko.

"Wag kang matakot sa amin."

Tapos biglang nag ring yung phone ng isang guy.

"Hello... Yup... Oo... Nakapony... Tapos yung uniform, maiksi yung skirt at may
vest... Cute tapos katamtaman yung height, yung hair color black diba... Badtrip
siya? Hindi eh. Umiiyak."

Tapos binatukan siya ng kasama niya. Wait, ako ba yung pinaguusapan nila?
"TONGEK! Ganun na rin yun!" Sabi naman ng lalaki na bumatok sakanya.

"Tol! Yung hinahanap mo, tinapunan ni Alexa ng juice at sinampal... Oo eh... Lima
silang babae, harsh nga eh..." Grabe, parang hindi ko naririnig yung pinaguusapan
nila ah? Wala na naman ako dito? Invisible ulit ako?

"Uh? Nandito kami ngayon sa bench tapat ng starbucks... Ge... Walang anuman, bye!"
Binaba na niya yung phone.

ANG WEIRD!
####################################
CHAPTER 7 (My dirty little secret.)
####################################

CHAPTER 7

SINO BA SILA?

Ayaw talaga nila ako paalisin dito kanina pa. Nagkkwento lang sila ng mga bagay
bagay na hindi ko naman naiintindihan. Nagtatanong din sila ng kung anu ano pero
sinasagot ko naman...

"Uhmm, ano pala pangalan niyo?" Tanong ko sakanila.

"Ako si Terence. Siya si-" Hindi niya natapos sasabihin niya dahil may nag tap sa
shoulder niya...

"Pre, pasensya na sa abala ah." Tyleeer? Kilala niya sila?

"Wala yun tol. Buti na lang nandito pa kami. Kung hindi, baka kung ano nangyari sa
girlfriend mo."GIRLFRIEND? Hindi ba nila alam yung about sa pagpepretend namin?
"Sabagay, nandito naman kami everyday,"

"Hindi pa din kayo nagbabago,"

"Sige, magaarcade lang kami."

"Ge. Pasensya na talaga sa abala. Salamat na din,"

"Walang anuman. Cute naman girlfriend mo eh." Sabi nung isa sabay wink sakin.

"Layas na nga!" Sabi ni Tyler. Nag bye na sila sakin at nag thank you naman ako
sakanila. Umalis na nga sila pero nandito pa din kami ni Tyler malapit sa bench,
tapat ng starbucks.

"HOY! Ikaw! Saan ka ba kasi nagpupunta? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?
Hindi ko pa alam number mo! Tinawagan ako ni Aisha, lowbat ka na daw at hindi niya
alam kung nasaan ka. Malayo pa daw uuwian mo at magagalit daddy mo. Hindi mo pa daw
kabisado to kasi hindi ka naman mahilig gumala. Next time, wag ka na ngang lumayo
sa akin. Tingnan mo tuloy yung nangyari sa'yo. Nasampal ka na, tinapunan ka pa!"
Galit ba siya?

Naiiyak ako T___T

"Oh." May inabot siyang paper bag...

"Ano yan?" Tanong ko.


"Bumili ako ng damit. Obvious ba?"

"Para saan?"

"Diba tinapunan ka ng juice ni Alexa?"

"Ah- paano mo alam?"

"Sinabi ng mga lalaking kasama mo kanina."

"Sino sila?"

"Dali na! Magpalit ka na."

"Ikaw bumili nito?"

"Oo nga. Magbihis ka na nga! Dali na!"

Yinakap ko siya at umiyak ako. Ay hindi pala. Humagulgol pala ako. Wala akong
pakielam kung madami bang nakatingin sa amin. Nagulat siya sa ginawa ko, sino ba
naman kasing hindi magugulat doon?

"Hey. Bakit?" Tanong niya ng mahinahon pero nagtataka...

"Sorry." So friends niya yung mga guys kanina na ayaw ako paalisin? Pinapahanap ako
ni Tyler? Grabe. Touched ako ng sobra! I feel sorry din kasi napagsalitaan ko na
naman siya ng masama. Bakit ba kasi ang pikon ko masyado eh.

Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko.

"Teka R-" Hindi na niya natuloy sasabihin niya...

"Sorry umalis ako. Sorry naabala ko pa mga kaibigan mo. Sorry kasi napikon ako.
Sorry kung napagalala ko kayo. Sorry talaga." Kasalanan ko naman talaga eh T___T

"Teka nga, wala ka namang dapat ipagsorry eh."

Inalis niya yung yakap ko at hinawakan niya ko sa shoulders ko.

"Ako ang dapat magsorry." Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Bakit ganito
siya makatingin?

"H-h-ha?"

"Una sa lahat, ako ang may dahilan kung bakit ka nasampal."

Hinawakan niya yung mukha ko.

"Tingnan mo tuloy, namumula na mukha mo." Hinahawakan pa din niya mukha ko.

He wiped my tears.

"Pangalawa, sabi ko ipagtatanggol kita. Pero hindi kita naipagtanggol."

"Dahil wala ka sa tabi ko. Kasalanan ko naman eh. Umalis ako. Sorry!"

"Pangatlo, ako din naman ang may kasalanan kung bakit ka umalis. Sumobra ata
pambabara ko eh."
"Hindi. OA lang talaga ako. Sorry ah."

"Sawa na ko sa sorry mo. Atsaka pwede ba, wag mong masyadong i-down sarili mo."

"Salamat. Sorry."

Tumulo luha ko.

Yinakap naman niya ako.

"Tahan na. Hindi ka na ulit mahahawakan ng babae na yun. Humanda siya,"

"H-ha? Ano gagawin mo?" Umalis ako sa yakap.

"Basta! Wait, saan ba bahay niyo? Hatid na kita."

"Wag na! Basa ka na rin eh. Sorry ah. Ito oh, gamitin mo na yung damit na binili
mo."

"Wag na! Bili na lang ulit tayo."

"Pero wala akong pera."

"Ako na bahala."

Pumunta kami sa isang store.

May nakita akong shirt. Ang ganda.

"Sir, ma'am. Buy one take one po for 300 pesos only"

Only? Wala nga akong pera tapos only? Ang yaman naman ng saleslady! Nilalang lang
yung 300 pesos T__T Sorry, desperada lang yata ako magkapera.

"Ano to? Couples tee?" Tanong ni Tyler.

"Yes sir. Last na po to. Limited edition po kasi."

"Sige, bibilin namin." Sabi niya.

WHAT?! Siya na nga ang nagbayad ng Mcdo namin, siya pa nagbayad ng Tshirt. 2 shirts
na pala yung nabibili niya sakin. Bale 3 shirts na kasi kasama na yung sakanya.
Yung totoo, gaano ba kalaki allowance niya?

"Wag na, ang mahal." Sabi ko.

"Ngayon lang to."

"Sabi mo eh!" Yun na lang nasabi ko dahil wala na akong masabi.

"Tingnan mo oh, gwapo ng lalaki. Sayang may girlfriend na."

Napangiti ako sa narinig ko.

"Ikaw lang ang babae na nakangiti pa din pagkatapos masampal, matapunan at


mapahiya."

Sumimangot ako. Masama na bang ngumiti ngayon?


"Salamat ah. Babayaran na lang kita. Dami mo ng nagastos dahil sakin." Sabi ko
naman. Nakakahiya naman kung di ko siya babayaran no.

"Wag na." At hinatak na nga niya ako papuntang cr.

Pumasok na ako sa women's at siya naman sa men's. Malamang! At yun nga, nagbihis na
kami.

Pagkalabas ko, nagulat ako kasi nakita ko siya na nakasandal sa wall at nakalagay
yung isang paa sa pader. Malapit siya sa door ng women's comfort room. Grabe,
aatakihin yata ako sa puso...

"Ang tagal mo naman." Sabi niya.

"Haba ng pila eh." Sabi ko. Totoo naman eh, madami talaga yung nakapila. Siksikan
na nga sa loob eh. Buti maganda yung CR...

"Sige na tara na!"Sabi niya pero wala pa ding expression. Cool, huh?

"Okay." Sabi ko. Inakbayan naman niya ako kaya nagulat ako.

Masaya ako. Hindi dahil sa gwapo ang nakaakbay sa akin... Well, isa na rin yun sa
mga dahilan. Pero masaya ako dahil 1st time kong naramdaman na secured ako. Sa mga
past boyfriends ko kasi, walang naging gentleman sa akin. Lahat sila, puro sa
umpisa lang palagi. Pag sinagot ko na, parang ako na yung nanliligaw. Parang ako na
yung naghahabol. Sabagay, pinagpustahan nga lang pala nila ako. Napapaisip tuloy
ako kung may seseryoso pa ba sakin. Iniisip ko din kung mag-iba kaya ako ng ugali
para hindi ako naloloko...

"Ang sweet naman nila. Ang gwapo pa ng lalaki."

"Ang cute nung girl. Bagay sila."

"Ang swerte naman nila. Sobrang sweet."

"What a lucky girl. Ang gwapo ng boyfriend tapos napasuot niya ng couples tee? Wow
huh?"

Mas lalo akong sumaya at napangiti sa mga narinig ko. Tiningnan ko yung katabi
ko...

Seryoso siya. Ano kaya iniisip niya?

"Bakit ka nakatingin?" Tanong ni Tyler.

"Wala. Nakucurious lang ako kung ano iniisip mo ngayon."

"Sobrang honest mo naman. Tara na!"

Lumabas na kami ng mall at kinausap yung tricyle driver kung may bus pa or jeep na
dumadaan. Gabing gabi na kasi.

"Pate, wala ng bus ngayon papunta sa lugar niyo." Sabi ni manong. Hala!

"Eh sa jeep po?" Tanong ko.

"Wala na rin. Gabing gabi ka na pate," Sabi ko nga wala na ding jeep eh. Ang weird
naman kasi ng tirahan ko. Masyadong malayo sa kabihasnan. Nag thank you na ako kay
manong at umalis na kami.

"Ano na gagawin mo?" Tanong ni Tyler.

"Pwede patext si Aish?"

"Sige, tawagan mo na lang." Sabi na nga ba't mayaman siya eh. May patawag tawag
pang nalalaman. How cool is that? Ako nga, hindi na ako nagloload well except nung
katext ko si Josh pero ngayon, hindi na naman ako magloload pero lagi naman akong
ma extra for emergency kaso wala din eh. Lowbat din phone ko lagi.

Kring. Kring.

"Hello? Aaaaish!" Sumakit yata tenga ni Tyler kasi sumigaw ako.

"Uy Rylieee. Nasaan ka na? Kamusta ka na? Ano nangyari sa'yo? Saan ka nakita?" Yan
ang bestfriend kong over protective. Daig pa nanay ko minsan pero ayos lang.
Touched nga ako diyan eh...

"Bukas ko na ikekwento sa'yo. Pero kasi ngayon, wala akong masakyan na bus or jeep.
Papagalitan na ako ni papa."

"Ha? Uh? Ibigay mo yung phone kay Justin."

Binigay ko yung phone kay Tyler...

"......................"

"Ha? Eh?"

"......................"

"Oo na, sige na po."

"....................."

"Oo nga. Sige. Bye!" Binaba niya yung phone.

"Sabi ni Aish, sa bahay ka daw namin muna matulog ngayon tapos siya na daw bahala
mag explain sa mommy at daddy mo kung bakit di ka nakauwi."

"Paano yung uniform ko?"

"Papahiramin ka daw muna niya. Madami naman extra yun eh. Dadaanan daw niya tayo sa
bahay bukas."

"Ah. Eh. Thank you ah. Thank you talaga!"

Naiiyak na naman ako.

"Ang iyakin mo talaga. Sorry ah. Hindi din kasi kita mahahatid eh. Wala driver
namin at hindi ako marunong mag drive."

"Okay lang yun. Ako dapat magsorry kasi naabala na naman kita. Sorry for the nth
time. At sobrang thank you."

"Tara na nga! Gabi na oh."

"Okay."
"Ay. Wait. Sandali lang ah. May bibilin lang ako. Wag kang aalis diyan. Okay?" Sabi
niya. Nag 'okay' naman ako. Ano naman kaya bibilin niya? Hmm.

After 15 minutes siguro. Medyo nangawit ako pero okay lang. Bumalik na siya at may
dala dalang donuts. Ang dami naman. Para kanino naman yun? Sa girlfriend kaya niya?

"Tara na!" Sabi na naman niya. Kanina pa siya tara na ng tara na eh siya lang naman
hinihintay ko.

Sumakay na kami sa tricycle.

"Manong dito na lang po." Sabi niya.

After 15-20 minutes, bumaba na kami.

Pagtingin ko sa bahay nila, isang floor tapos medyo maliit. Saan kaya ako
matutulog? Hmm. Don't tell me, tabi kami? Joke lang po. Joke lang yon! Kalimutan
niyo na yung nabasa niyo, okay? Forget it!

"Pasok na tayo sa loob."

Nag 'okay' na naman ako. Maglalakad na sana ako kaso...

"Saan ka ba pupunta?" Tanong niya.

"Ha?"Ang gulo naman ng lalaking 'to?

"Tumalikod ka kaya. Hindi yan bahay namin." Sabi niya ng nakangiti.

"Hindi ito bahay niyo?"

"Nope. Tara tawid na tayo."

Tumawid na kami...

WOOOOOW!

Ang laki ng bahay nila. Bahay pa ba to? Mansyon na to eh.

Nag doorbell siya tapos kusang bumukas yung gate. May sumalubong naman sa amin na
lalaking nakacostume. Teka, may bodyguards sila? Oo, madaming nakabantay na
nakacostume eh.

"Goodevening sir, ginabi po kayo ah? Saan po kayo galing?" Sabi ni manong.
Nakatulala pa din ako...

"Kuya, ilang beses ko na pong sinasabi sa inyo na wag niyo na akong tawaging sir.
Sige, pasok na po ako."

"Sige Justin! Sino pala kasama mo? Girlfriend mo?" Nakita kong ngumiti si Tyler.

"Kaibigan lang ho, kuya. Dito siya matutulog kasi wala naubusan ng sasakyan pauwi,"
Nahiya naman ako. Bakit ba niya sinabi yun? Nahiya tuloy ako lalo.

"Ahhh. Ganun ba? Kawawa naman pala. Sige iha, enjoy your stay."Ngumiti naman ako at
nagpasalamat. Ang bait naman ni manong. May enjoy your stay pang nalalaman. Pag may
bisita nga kami, nasa kwarto lang ako eh...
Naglakad na kami papunta sa bahay nila. Pagod na ako. Ang layo ng gate sa bahay ha?
May kung anu ano ka pang madadaanan. Biruin mo, may fish pond, may garden, may
swimming pool, at kung anu ano pa. Ano ba 'to, subdivision? Napansin yata niya na
hinihingal na ako kaya naupo muna kami tapos go na ulit. Tawa nga siya ng tawa eh
pero nagaalala at the same time...

Nandito na kami sa wakas. Nag doorbell ulit siya at pagbukas ng pinto...

"KUUUUUUYA!" May dalawang cute na bata na sumalubong sakanya. Yinakap siya at


hinalikan siya sa cheeks ng sabay.

"Bakit hindi pa kayo natutulog? Nasaan si yaya?" Tanong ni Tyler.

"Nandoon oh." Tinuro naman nila parehas...

Pawis na pawis yung yaya nila. Hala!

"Sir, ayaw po nila matulog. Hihintayin daw po kayo."Sabi ni ate habang hinihingal.

"Kayo talaga! Diba sabi ko sainyo wag niyong papagurin si yaya? May pasalubong ako
sa inyo."

"Talaga po?" Sabay na naman nilang sinabi.

Tumango siya at pinakita yung donuts.

"WOOOW!" Sabay nung isa.

"DOOONUTS!" Sabi naman nung isa pa.

"Thank you kuya." Sabay nilang sinabi at kiniss ulit siya sa cheeks.

"Sige na, matulog na kayo." Sabi niya habang ginugulo yung buhok nila. Grabe, ang
sweet niya. Plus plus plus pogi points! Para sa mga lalaking katulad niya na
suplado, very unusual yung mga mahihilig sa bata. Yung iba kasi, sobrang
nakukulitan.

"Wait. Kuya, sino po siya?"

"Ah. Siya si Ate Rylie." First time ko yatang narinig na binanggit niya name ko.
Kilala pala niya ako? Btw, hindi ko pa pala nababanggit name niya.

"Hi ate Rylie!"Sabi ng isa.

"Hello."Sabi ko naman.

"What's your name?" Tanong ng isang bata. Twins pala sila

"I'm Jenine. You like my kuya?" Nakakagulat naman 'to magtanong.

"Stop it Jen. I don't like you for my kuya."Sabi naman nung isa na hindi ko pa alam
yung name. Ang cute talaga nila parehas.

"Jenine and Janine!" Nuxx. Kuyang kuya! Astig...

"Opo, matutulog na po."

Pumasok na sila sa loob habang nakayuko. Umakyat na din sila sa taas. Cool nga eh,
sabay na sabay sila pati sa paglalakad. Parehas din sila ng pantulog. Magkaiba nga
lang yung color...

"Kapatid mo?" Tanong ko sakanya. Obvious naman eh bakit ko pa tinatanong?

"Yes. Sorry ah? Medyo makulit talaga sila." Sabi ni Tyler. Bakit parang bumait siya
sakin ng sobra? Parang... ewan eh. Parang iba!

"No. I love kids. Seriously. Sobrang cute nila."

"I know. Let's go?"

"Okay."

"Wait." Sabi niya habang nakahawak sa wrist ko.

"Ano yun?" Tanong ko naman.

"Pag may nagustuhan ka or nainlove ka na, sabihin mo lang ha?"

"Bakit naman?"

"Kasi iistop ko na to. Ayokong maging hadlang sa lovelife mo eh. I want you to be
happy. Okay? Kahit pa lapitan ulit ako ni Alexa. Okay lang." Ngumiti naman siya.

"Sige, ikaw rin ah? Sabihin mo lang sa akin." Sabi ko naman tapos ngumiti din ako.

"Okay. "

Paano kung sa'yo ako nainlove?

Sasabihin ko pa rin ba sa'yo?

No.

Hindi pwede.

I'll just keep this to myself.

Haaaay.

My diry little secret.


####################################
CHAPTER 8 (To be continued...)
####################################

CHAPTER 8

6:00 am.

Ang sakit ng katawan ko. Tapos yung ulo ko parang sasabog na. Hindi ako makatayo.
Sheeeeet. Since, nakapag-ayos na kami ng clubs kahapon, hindi ako pwedeng
magkalagnat kasi may audition pa ng music club. Hindi ako pwede mawala...

Pinilit kong tumayo at magpunta sa kusina para kumuha ng tubig.

"Good morning." Si Tyler, naka-apron?! Siya ang nagluto?


Nasa kusina na ba ako? Medyo makalat ah, in fairness.

Ang laki naman kasi ng bahay nila!

"Eat your breakfast, missy." Sabi niya pero seryoso lang siya habang nilalagay yung
plates sa table. Tinanggal na niya yung apron at sinabit sa sabitan. Nakatayo lang
siya...

"Thank you." Sabi ko naman.

Dumire-diretso ako papunta kay Tyler. Malapit na ko sakanya. Hindi ko napansing...

"Ay butiki!"

May nakakalat pala na laruan sa kusina, hindi ko napansin. Nadapa tuloy ako ng
pabaliktad tapos nahila ko si Tyler kaya ayun na nga. Nakapatong siya sa akin
ngayon.

"S-s-sorry. Hindi ko nakita yung laruan." Sabi ko. Clumsy ko talaga!

Nag blink siya ng dalawang beses.

Bigla naman may nagsalita...

"Yaya, what are they doing? Are they playing? Gusto ko sumali!" Sabi ni Janine
yata? Ewan ko, nalilito ako.

Then tinakpan ng yaya yung mata ng dalawang kids using her hands.

"Yaya! Stop it! Dirty yung hands mo! Jenine, you're so innocent. They're not
playing. They're hugging each other! KUYA, I DON'T LIKE HER! I. DON'T. LIKE.
HER!!!" Sumigaw naman siya. Nakakatakot naman pero wala eh, ang cute pa din. Cute
cute!

Tumayo na si Tyler. Inalalayan naman niya ako tumayo...

"Janine wag kang maingay." Sabi ng yaya.

"Well, I like ate Rylie." Sabi ni Jenine then dumila siya sa kambal niya.

"Jenine and Janine, go to your room. We'll talk about this later, okay?" Sabi ni
Tyler.

Nagpout lang sila at umalis.

Nagbreakfast na ako pero hindi naman ako sinabayan ni Tyler. Pinulot lang niya yung
mga laruan na nakakalat tapos hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Iniwan na
lang ako basta doon. Bakit ba sobrang sipag niya? Madami naman yata silang katulong
pero bakit siya gumagawa lahat ng 'to? Hmmm.

Dumating na si Aisha at kung anu ano na namang panunukso yung ginawa. Lakas
talaga!!! Buti naman hindi siya masyadong late ngayon.

After namin gumayak papunta sa school, umalis na kami ng bahay. Nagulat nga ako
kasi bago umalis si Tyler, nagpaalam pa yung kambal sakanya. Sobrang sweet nga eh.

Pagdating namin sa school, malapit na magtime kaya madami ng tao. Pinagtitinginan


naman kami. Ano ba yan. Ngayon lang ba sila nakakita ng 3 students na magkakasama
at sabay sabay maglakad?
Noong klase naman, pinaexcuse na yung mga kasama and magau-audition sa music club.
Yung iba, nag audition lang para makaskip ng klase pero yung iba, halatang gustung
gusto nila na makasama kasi may props pa sila...

"Next!"

Pumunta na yung girl sa gitna ng stage at...

"It must have been love, but its over now!"

Nagulat ako ng bigla siyang kumanta pero pasigaw. Nagulat nga pati yung mga katabi
ko eh. Yung isa, napahawak pa sa kamay ko.

"It must have been good, but I lost it somehow!


It must have been love, but it's over no-!"

"Broken hearted siguro siya." Sabi ng babae sa likod ko.

Ngayon nga pala yung 1st day ng audition para sa music club. President pa din ako
kahit hindi pa naman nila ako naririnig kumanta. Patient daw kasi ako at magaling
ako magjudge. As if naman. If I know, binobola lang nila ako. Ganyan naman sila eh.

"NEXT!" Hindi ata nakatiis yung secretary kaya pinapasok na niya yung susunod na
magau-audition. Umalis na yung girl na kumanta ng it must have been love, kawawa
naman. Mukhang napahiya pa yung istura niya. Magsosorry na lang siguro ako sakanya
mamaya...

May pumunta na guy sa stage. Ang cute niya kaso mukhang malungkot. Dito pa ata
maglalabas ng hinanakit eh pero ayos lang, malay mo may golden voice.

Narinig ko naman na may nagsalita sa likod ko...

"Ang pogi naman ni Christian."

"Bestfriend siya nung transferee diba?"

"Yung poging transferee? Si Justin? Hindi nga? Stalker mo ah?"

"Excuse me. Rylie, are you listening?" Sabay sabi ng secretary.

"Sorry sorry. You may now start." Sabi ko naman.

Nagstart na siya kumanta...

"I'm lying alone with my head on the phone


Thinking of you till it hurts
I know you hurt too but what else can we do
Tormented and torn apart
I wish I could carry your smile and my heart
For times when my life feels so low
It would make me believe what tomorrow could bring
When today doesn't really know, doesn't really know

I 'm all out of love, I'm so lost without you


I know you were right believing for so long
I 'm all out of love, what am I without you
I can't be too late to say that I was so wrong"
Nagpalakpakan yung mga tao.

"Ariza, sorry na. Alam kong mago-audition ka sa music club, kaya kahit hindi naman
ako kumakanta sa harap ng ibang tao, nandito pa din ako para mapatanuyan na sobrang
nagsosorry ako. Hindi na talaga mauulit. Please forgive me. I love you." Sabi ng
lalaki kanina. Coolness! Napanganga ako sa mga sinabi niya...

Nag 'aawww' yung mga tao at nag palakpan. Bumaba naman siya at pinuntahan yung
magandang girl sa likod. Nag hug silang dalawa.

Haaaay. Gusto ko na din mainlove. Gusto din ng ganung lalaki. Ang sweeeet sweeet!

After 1 hr, natapos na din ang audition. 4th year students lang naman yung mga nag
audition ngayon eh. Tomorrow yung 3rd year, sa isang araw yung 2nd year tapos
susunod na yung 1st year. Hmm. Saan kaya mago-audition si Tyler? Curious lang ako,
bakit?

By the way, nandito na pala ako sa garden ng school. Ang sakit na kasi talaga ng
ulo ko. Nakita ko naman si Lynne at Brylle na naglalakad.

Saan kaya pupunta yun?

Nakarating kami sa may dalawang swings sa likod naman ng school. Pero syempre,
hindi ako nagpapakita. Wala kasi akong magawa eh kaya susundan ko na lang sila...

"I can wait." Narinig ko na sinabi ni Brylle kay Lynne.

"Ang tagal mo ng naghihintay. Hindi ka pa ba napapagod?" Feeling ko ang fishing ng


sinabi ni Lynne. Alam naman niya yung sagot pero tinatanong pa niya. Nakooo,
nagpapalambing lang yan eh. Ayaw pa kasi sagutin. Pag yan, totoong napagod, ewan ko
na lang.

Biro lang. Ayoko masaktan si Lynne.

"Nope. I love you." Ang sweet naman ni Brylle.

"Thanks." Ang pakipot talaga nitong si Lynne. Kung ako siya, sinagot ko na si
Brylle. 2 yrs na siyang nangliligaw pero thanks pa din ang sagot niya sa I love you
ni Brylle? Ampness. Hindi na sila PBB teens kahit papaano kasi ang tagal naman ng
nanliligaw ni Brylle...

Bakit ba ang dami kong nakikitang lovers ngayon? Iba iba ng sitwasyon pero lahat
sila in love. Ako kaya? Ewan ko ba. Patient naman ako eh pero nakakainggit pa din.

Saan kaya ako pwedeng pumunta? Yung walang magiistorbo? Gusto ko talaga magpahinga.
Gusto kong matulog! Nahihilo na din kasi ako. Break naman namin so pwede pa ako
matulog. Oo. excused ako dahil nga sa music club.

Nasa roof top na ako. Ang tahimik dito, ang lamig nga lang.

"Hey pretty." Akala ko pa naman ako lang magisa dito. Gusto ko na umalis...

"Oh?" Malamig kong sinabi...

"Bakit ka ba nagagalit sa akin?" Tanong ni Josh. Oo, si Josh nga. Hayy ewan. Ayoko
magalit sa kahit na sino pero ngayon kasi, ang sama ng pakiramdam ko.

"H-ha? Di naman ah?"


"Obvious naman na iniiwasan mo ako. Sinundan talaga kita dito." Sabi niya. Nawawala
na yata ako sa sarili ko kasi hindi ko na masyadong maintindihan sinasabi niya.
Ayaw mag sink in sa brain cells ko. Ang weird nga eh...

Nakatingin ako sa clouds. Ang ganda naman.

"Bakit?" Tanong ko kahit hindi ko alam kung ano yung sinabi niya...

"Date tayo."

Grabe! Nakakagulat naman to!

"Hindi pwede!" May nagsalita...

Tumayo siya at lumapit sa akin.

Tyler? Bakit ba bigla bigla na lang silang sumusulpot?

"Sinusundan mo ba ko?" Tanong ko sakanya.

"Hindi. Natutulog ako kaso nagising ako dahil sa pinagsasabi niya." Sabi niya ulit
ng walang expression sa kanyang face. "Ano ba gusto mong unggoy ka? Ha?" Tanong
niya pero mahinahon lang at as usual, wala pa ding expression ang kanyang face.

"Tyler, tama na," Hinawakan ko sa braso ni Tyler. Ngumisi naman si Tyler. Feeling
ko tuloy, magaaway yung dalawa na 'to. Nakuu, wag naman sana. Nasa rooftop pa naman
kami, delikado. Baka mamaya, may tumalon. At sigurado, ako na yung tatalon na yun
pag nag-away pa sila. Biro lang. Hehehe.

"Ano ba gusto mo sakanya? Ha? Pera lang naman habol mo diba? Oh, 3000. Siguro naman
masaya ka na? Naghihirap na ba pamilya niyo kaya pati inosenteng babae,
pinagpupustahan niyo? Ano ba problem niyo? Ang kapal ng mukha niyo. For 3 years?
Nagawa niyo siyang paglaruan? May konsensya pa ba kayo? Ngayon, kung ayaw mo ng
gulo, umalis ka na dito at wag ka ng lalapit sakanya, kahit kailan! Maliwanag ba
yon?" Sinabi niya ng tuluy tuloy pero mahina lang. Yun nga lang, halata mong
pinipigilan niya yung galit niya kasi nakita ko yung fist niya, nakasara at medyo
nanggigigil.

Naiiyak ako...

"Hindi ko kailangan ng pera mo. Ngayon, lumabas na din ang katotohanan.


Nagpapanggap lang talaga kayo. Kahit halikan mo siya sa harap ko, hinding hindi ako
maniniwala."

"Talaga?" Then he kissed my lips... AGAIN.

Hindi naman ako makapalag kasi nanghihina na ko. Medyo matagal nga eh. Pinapatigil
na din kami ni Josh pero yung lalaki na nasa harap ko, ayaw tumigil. Geez. Mukhang
affected na affected siya sa mga nangyayari eh hindi naman siya ang
pinagpustahan...

"Ughh," Napansin ko na umalis na si Josh.

Tumigil na din siya/kami.

"S-sorry." Sabi niya.

"Para saan?" Tanong ko naman. Wala naman siyang dapat ipag-sorry kasi pinagtanggol
lang naman niya ako kay Josh. Kung hindi niya ginawa yun, hindi naman ako titigilan
ni Josh.

"Sa ngayon pati na rin kanina." Sabi niya.

Kanina? Ahhh! Yung nangyari kaninang maga? Ako nga yung may kasalanan nun eh. Bakit
siya magsosorry?

"Ah. Ako naman may kasalanan nun. Ako dapat mag sorry," Sabi ko.

"Bakit ba ang bait mo?" Mabait? Ako? Pinagloloko ba niya ako? -_____-"

"Wala din naman mangyayari kung magagalit ako. Lalo pang lalala diba? Nakakapagod
din magalit, wala din naman mangyayari. Lalo lang akong mai-stress," Totoo naman
diba? Nakakapagod yung may kagalit ka. Hating is tiresome...

"Okay ka na ba?" Tanong niya.

"Ha? Anong ibig mo sabihin?" Labo talaga niya. Bakit naman niya tinatanong kung
okay ako eh wala naman akong sakit?

"Alam kong may lagnat ka," Ako? May lagnat?

Tumawa naman ako...

"W-w-wala kaya!" Ako? May lagnat?

Parang inulit ko lang yung sinabi ko kanina eh. Abnormal lang, Rylie?

"Wag kang magsinungaling sa akin. Hindi effective. Tara, uuwi na kita." Sabi niya.
Ang kulit naman nito. Sabi ng wala akong sakit eh.

"Eeeeh? Ayoko. May ano pa kami sa physics." Ayoko makaskip ng klase sa Physics.

"Ano?"

"Discussion." Sagot ko.

"Wag mo ng pasukan yun." BI ba 'to? Bakit ayaw niya ako papasukin eh sayang kaya
yung tuition fee. Ang mahal mahal tapos hindi ako papasok. Psssh.

"Uto ka ba? Hindi pwede."

Sabi ko pero binuhat naman niya ako na parang nagbubuhat ng sako ng bigas. Bale
yung katawan ko nasa likod niya. Yung paa ko nasa harap niya.

"Bitiwan mo nga ako." Sabi ko.

Bumaba na siya sa hagdanan pero hindi pa din niya ako binibitawan.

"Uy, please naman oh?"

Ang dami ng taong nakatingin. Grrr... Yung mga chismoso't chismosa, nagsilabasan na
naman. Epal nga eh, may nagpicture pa. Nakakahiya talaga...

"Oh? Saan mo dadalin si Rylie?" Tanong ni Aish habang nakaturo sa aming dalawa at
nagtataka...

"Aaaaaiiiiish! Tulungan mo ako!" Sabi ko sakanya kasi alam kong tutulungan niya
ako. Yan pa! Bestfriend ko yan eh, diba?
"May lagnat siya. Ayaw niyang umuwi kaya binuhat ko siya." Sabi na naman ni Tyler.
Shocking banana ka Tyler, ano bang pinagsasabi mo? Wala akong laaaagnat. Sobrang
tigas ng bungo mo ah? Grabeee. Ayoko naaa, nahihilo ako laloooo.

"Ah. Sige. Get well Rylie. Byebye." Ano? Did she just... Whuuuut?! Seryoso, Aisha
Hera Dela Cruz? Akala ko ipagtatanggol niya ako...

"Sa akin hindi ka magbababye?" Tanong ni Tyler.

"Hindi." Hindi na lang siya pinansin ni Tyler at umalis na.

Sumigaw naman ako...

"Aiiiisssh! Binenta mo na naman akoooo! "

Nakarating na kami sa sasakyan nila at sinakay naman niya ako...

"Manong drive na po kayo." Sabi ni Tyler.

"Saan po tayo pupunta?" Hayy manong, wala po. Wala po tayong pupuntahan. Grabeee,
hindi talaga ako pwedeng makaskip ng Physics class. Sobrang weak ko nga sa subject
na yun tapos ikacut ko pa? There's no way...

"Sa bahay nila." Sabi ni Tyler. As if alam ni manong bahay namin...

"Saan po bahay nila?" Tanong ni Manong. Tiningnan naman ako ni Tyler...

"Saan ba bahay niyo?"

Shinrug ko lang shoulders ko...

"Saan nga? Isa!" Sabi niya na parang naiirita na. Grabe, ako dapat mairita diba?

"Dalawa!" Sabi ko.

Sumandal ako sa bintana at pumikit.

"Kuya, sa hotel nga."

Nabuhay ata lahat ng kaluluwa ko at tumaas lahat ng balahibo ko sa sinabi ni Tyler.

"Ano ba yung pinagsasabi mo diyan?" Tanong ko sakanya.

"Ayaw mo sabihin kung saan bahay niyo eh."

"Eeeeh. Ayoooko! Nakakahiya."

"Ang arte mo, alam mo yun? Tss." At sinabihan pa ako ng maarte? Grabe na siya. Ang
sakit na ng mga pinagsasabi niya ha.

"Eeeh? Si mama at papa." Baka magalit sila sakin kasi umuwi ako tapos may kasama pa
akong lalaki eh ayaw nga nila ng may kaibigan akong lalaki e. JUSKO LORD.

"Ano meron?" Tanong niya.

"Magagalit sila sa akin." Sabi ko na lang...

"Hindi yan."
"Ang sama mo!"

"Ang bait ko nga eh."

"Bababa na nga ako."

Grabe! Mas lalo akong nahilo. Bumaba na ako ng car tapos pumunta sa room.

"Oh Rylie? Bakit nandito ka pa?" Tanong ni Aisha.

"Ayoko umuwi. Makakaskip ako ng discussion sa physics." Sagot ko naman.

"Ang arte naman nito. Umuwi ka na nga! Lynne oh." At nagsumbong pa kay Lynne? Hay
nako. Pagtutulungan na naman nila ako...

Buti na lang busy si Lynne makipagusap kay Brylle. Parang sila na talaga oh.

"ROSEMUND!" Sigaw ni Aisha. Lumingon naman si Lynne...

"Yuuuuck!" Sabi niya kaya natawa ako.

"Tingnan mo to, gusto pa niyang matawag na rosemund." First name niya kasi yun eh
pero sobrang ayaw niya na tinatawag siya nun. Ang pangit daw...

"Kadiri kaya. Bakit ba?" See? Kadiri daw.

"Ang ganda nga eh. Hahaha. Eeeeh? Ito kasing si Rylie ayaw umuwi. Nilalagnat pa
naman." Sabi ni Aisha na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. Katakot.

"Shhh. Ayoko nga." Sabi ko ulit.

May pumasok na naman ng room...

"Wag niyo siyang pilitin kung ayaw niya. Sino ba mapapahamak? Kayo ba, siya naman
diba?"

Oo nga. Ako naman mapapahamak diba? Hindi naman sila diba? Pero bakit nasaktan yata
ako sa sinabi niya?

"Ano bang problema mo Justin? Kanina lang concern na concern ka sakanya ah?" Tanong
ni Aisha. Nagtitinginan na nga mga classmates namin eh...

"Wait nga lang, ano ba kasi meron sa kanila?" Tanong ni Lianne. Classmate namin...

"Obvious ba, sila na!" Sabi ni Aisha.

"Hindi kami." Sabi naman ni Tyler.

"Oo nga. Hindi kami." Sabi ko.

"Sinasabi ko na nga ba hindi sila eh." Biglang sinabi ni Selena.

"Ano ba yan? Ha? LQ?" Si Lynne naman yung nagsabi...

"Hindi." Sagot ni Tyler. Ang guloooo ng mundoooo.

"Ewan ko sa inyong dalawa! Mukhang nagkamali ata ako,"


"Nagkamali saan?" Tanong ni Lynne.

"WALA!" Umalis naman si Aisha pagkatapos niya sabihin yun.

Hahabulin ko sana siya kaso...

^*&^%^$%&)(*)*&^*%^%

To be continued...
####################################
CHAPTER 8.5 (BIG NO-NO! Okay?)
####################################

CHAPTER 8.5

Nagising ako at ang bigat pa din ng pakiramdam ko pero di naman na sobra. Kahapon
kasi para tinutusok ng madaming karayom at cinucrumple yung utak ko sa sobrang
sakit ng ulo ko. Anyway, nakapikit pa din ako.

"Ano kaya sila ni Jamilah?" Narinig ko naman na tinanong ni mama. Syempre, nanay
ko yan. Alam na alam ko boses niya kahit siguro natutulog pa ko.

"Baka boyfriend ng anak natin." Sagot naman ni Papa. Ayoko pa dumilat at baka pag
dumilat ako, hindi kaaya aya makita ko. Kinakabahan na ako sa pinagsasabi nila eh.
Mas lalo nga palang sumakit yung ulo ko sa narinig ko. Nagtatawanan pa sila na
parang kinikilig. Ano ba pinagsasabi nila?

"Kagabi pa siya nandiyan diba?" Si Papa yun, hindi ako pwedeng magkamali.

"Oo sweetheart. Binabantayan niya si Jamilah sabi ni Aisha. Kawawa naman."

Jamilah nga pala talaga tawag sa akin ng parents ko, kung di ko pa nasasabi. Oh
well, di na importante yun. Ayoko naman na Jamilah tawag sakin eh. Okay na ko sa
Rylie. Hindi rin naman ako sanay sa Jam.

"Magaan loob ko sa batang ito eh. Parang... Parang nameet ko na siya somewhere?"

Dumilat naman ako para malaman kung ano sinasabi nila...

"Oh ayan! Gising na pala." Sabay nilang sinabi habang tumatawa.

Nakita ko si Tyler, nakadukdok sa gilid ng bed ko. Hmm, parang ito yung nakikita
ko sa mga movies eh. Ito ba yung nasa hospital yung babae tapos binabantayan siya
ng lalaki? Kaso hindi eh, wala ako sa hospital at isa pa, hindi ko alam pero medyo
naiinis ako kay Tyler. Siguro kasi, nasaktan ako sa sinabi niya kahapon pero totoo
naman kasi yung sinabi niya eh...

Speaking of, dumilat na si Tyler. Halata ngang gulat siya dahil kay mama at papa
kasi lumaki mata niya tapos napatayo na lang bigla.

"Oh gising na din pala." Napakunot naman noo ko nun.

"Good morning po,"

Nakakaloka naman kasi sila mama't papa. Sa unang tingin, mukhang silang mga
seryosong tao pero pag nakilala mo, sobrang kalog. Yun nga lang, lagi silang
nagaaway dahil sa babae ni Papa. Para ngang mga bata eh. Pero si Papa naman,
pagdating sa boys na lumalapit sakin, sobrang strict kaya nga nagtataka ako kung
bakit iba kinikilos nila ngayon eh.

Weird lang kasi. Hindi nila papalayasin si Tyler?

"Tito, Tita, sige po. Aalis na ko. Gising na pala si Rylie eh. Sige na Rylie, alis
na ko. Pagaling ka." Naguguluhan pa din ako. Ano ba kasi nangyari at bakit nandito
siya sa tabi ko eh parang kahapon lang inaaway niya ko... Hindi naman pala inaaway.
Ano ba tawag doon?

Hindi kaya... Hindi eh. Hindi naman ako nahimatay diba? -____-

"Nakoo iho. Wag ka munang umalis. Dito ka na maligo at kumain."

Si Papa ba talaga nagsabi kay Tyler nun? Sobrang weird naman talaga oh.

"Wag na po. Pati wala din akong dalang damit. Salamat na lang po." Sinabi niya na
winiwave pa yung hand as a sign of his 'no'. Ang plastik nga eh. Hindi naman siya
palangiti pero nakangiti siya ngayon sa parents ko. Weird? Hell yeah. Gwapo? Hell
yeah. Teka, inisip ko ba talaga yun?

"Pahihiramin na lang kita. Late ka na rin naman. Kakausapin ko na lang teacher


niyo."

"Okay lang po. Wag na tito. Si-" Hindi naman niya natapos sasabihin niya...

"Isa!" Nagulat naman ako kay Papa.

Okay, wala ulit ako dito. Bakit ba pati sa pamilya ko, invisible ako? Lagi na lang
akong hindi pinapansin. Hmmp. Ako ang may sakit pero hindi man lang nila ako
tinanong kung okay lang ba ako. Oh jusko, may lagnat yata si mama't papa.

"Ma, Pa. Wag niyo na siyang pilitin kung ayaw niya. Tyler, sorry sa kahapon ah."

Ngumisi naman si Tyler. Tuwing babanggitin ko ba yung name niya, kailangan talaga
ngumisi? Weird pala talaga ng lalaking 'to no? Ewan, baka di lang siya sanay na
Tyler tawag sakanya. Ako lang naman kasi 'tong pauso eh. Napataas naman kilay ko sa
mga naiisip ko.

"Tingnan mo nga, kahit may ginawa kang masama sakanya kahapon, siya pa nagbantay
sa'yo."

At ano naman ang ginawa kong masama kahapon? Bakit mukhang mas may alam pa sila
kesa sakin? What is happening? Pwedeng paki-explain? Excuse me.

"Tyler pala pangalan mo iho, dito ka na muna mag stay pati para mabantayan na rin
si Rylie, wala siyang kasama dito. Kawawa naman anak natin Hon." Sabi ni Mama.

Umagree naman si Papa. WHUUUUT? Pag boyfriends ko, tinatanggihan nila pero pag
ito, yung gwapong 'to pero hindi ko pa naman mahal (Kailangan talaga may 'pa'? Asa
ka Rylie, that won't ever happen!) at kakakilala ko lang, pinapastay pa nila sa
bahay? Iiwan nila ako kasama ng stranger na 'to? Anong kadramahan yan mama at papa?
Hindi man lang ba sila nagwoworry sakin? -______-

Umupo naman ako sa bed ko...

"Maaaama! Paaaapa! Ang drama niyo. Hindi naman kayo ganyan sa ibang lalaki ah." Nag
face palm ako. Totoo naman eh, ang drama nila. Nakakahiya tuloy kay Tyler.
"Eh siya nga gusto namin eh." Sabi na naman ni Mama na mukhang nakikipagtalo pa.
Nakita ko naman si Tyler na ngumisi pero hindi yun nakita nila mama at papa dahil
nakatingin sila sakin. Why so plastic?

Nag sigh na lang ako. May magagawa pa ba ko? Si Tyler na lang naman pag-asa ko eh.
Sakanya naman nakasalalay yung decision kung gusto ba niya magstay or not pero sure
ko naman sasabihin niya eh-

"Sige tito at tita. Babantayan ko siya. Dito na muna ako." Sabi naman ni Tyler.

Ano? Si Tyler ba talaga yun? Kanina lang ayaw niya tapos ngayon, ganito na siya?
Ano din bang drama niya? May sakit ako pero feeling ko, lalo pa akong magkakasakit
sa mga nangyayari sa paligid ko. Ang wiweird nila... o baka naman ako yung weird
kasi kung anu ano iniisip ko?

"Wag na Tyler." Tutol ko naman pero si mama eh bigla na naman nagsalita...

"Anong wag na? Wag kang makinig diyan Tyler iho. Call me mama na lang. Tapos call
him papa. Okay anak?" Hayy. Sa family talaga namin, kami ni mama yung close pero
kami lagi yung nagdedebate sa mga bagay bagay. Psh.

"Sige po tita." Sabi naman ni Tyler.

"Mama." Sabi na naman ni mama. Ang kulit! Gusto ko sana magsalita kaso baka mas
lalo pang dumami yung sasabihin ni mama at baka kung ano pang hindi kaaya aya ang
masabi... Ayoko nga mangyari yun. Not in front of this handsome guy.

Lagi ko na lang ba siyang sasabihan na gwapo? I'm getting weirder.

"Mama po pala." Biglang namula si Tyler. Napansin ko yun! Kung ako din naman nasa
kalagayan niya, ganyan din magiging itsura ko.

Nakakahiya naman to.

Pero on the other side,

Parang kinikilig ako? Sus. Tayo tayo na nga lang, maglolokohan pa ba tayo dito?

Umalis na sila mama at papa kaya kami na lang ni Tyler ang naiwan sa bahay. Hindi
nga nagbilin eh. Hindi man lang nagpaalam. Kung magtiwala sila, parang ang tagal na
nilang kilala si Tyler. Nagiging weird na ba talaga parents ko? Kahit na strict
sila sakin pagdating sa guys, okay na sakin kasi alam kong concern lang sila pero
bakit ito? Hayayay. Oo nga pala, pinahiram siya ng damit ni papa habang ako,
nakahiga pa din.

Napatingin naman ako sa lalaki na katabi ko. Somehow, nakokonsensya ako kasi siya
na nga lang itong concern sa akin kahapon pero tinanggihan ko pa. Instead, naging
sobrang makulit pa ako at kung anu ano yung sinabi kong hindi ko na matandaan
masyado dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Umupo na si Tyler...

"Sorry ah?" Sabi ko naman sakanya.

"Para saan?"

"Dahil naging makulit ako kahapon." Nag pout naman ako. Totoo naman eh. I was
so... Childish?
"Para ka talagang bata!" Tapos tumawa siya. I thought so. Sabi sa inyo eh, para
akong bata. Hay nako Rylie! Oh well, kuntento naman ako sa ugali at kung anong
meron ako. Diba kung mahal naman ako ng mga tao sa paligid ko, tatanggapin nila ako
kahit ano pa ko? Yun ang pananaw ko.

"Alam ko." Sabi ko naman tapos humiga na ulit kasi parang biglang may kumurot sa
ulo ko.

"Masama pa din ba pakiramdam mo?" Concern ba siya or what?

"M-m-medyo." Sabi ko naman na medyo kinakabahan. Bakit nga ba ako kinakabahan?


Dahil 1st time merong lalaki sa kwarto? Well except for my dad. Oo, tama nabasa
niyo. 1st time may nakapasok na lalaki sa kwarto ko. Hanggang labas lang kasi yung
mga naging boyfriends ko dati eh. Takot yata sila or di pa man din sila pumapasok
sa loob, pinapalayas na sila nila mama't papa. Oh well, baka both.

"Sorry ah." Huuuh? Bakit siya nagsosorry?

"Bakit naman?"

"Dahil sa akin kung bakit ka nag collapse."

"Nag collapse ako?"

Kakasabi lang niya diba? Tsss...

"Yup. Kasalanan ko." At paano naman niyang naging kasalanan?

"Wala kang kasalanan. Paano mo nga pala nalaman house namin? Paano ako napunta sa
bahay namin? At higit sa lahat, nagcut ka ba?"

"Alam mo, ikaw lang yung nakita kong may sakit na nga, hyper pa din!" Sabi niya na
tumatawa tawa pa pero mataray pa din yung dating. It's kinda... cute.

"HIHIHI... SAGOT!" Tinatanong ko kasi ayaw sumagot. Kung anu anong pagpapacute pa
yung sinasabi...

"Okay. Okay. Nung nagcollapse ka, binuhat kita agad papuntang clinic. Kinausap ko
yung nurse kung pwede iuwi ka na lang kasi at least mas maaalagaan at mas safe ka
dito sa bahay niyo. Pumayag naman siya. Hinatid ka namin ni Aish dito kagabi. Siya
na bahala magexplain sa kambal. Tapos-"

"Tapos?"

"Tapos dito ako natulog. Nakonsensya kasi talaga ako. Isa pa, inexplain na daw ni
Aisha lahat sa parents mo kaya siguro hindi na sila nagulat nung nakita nila akong
natutulog...dito."

Nakonsensya lang pala eh. Akala ko pa naman, nagalala siya sa akin. FEELER?!

"Ah" Yun na lang nasabi ko. Bakit ka nga naman magaalala sa hindi mo ka-ano ano?
Hahahaha! Patawa ka din Rylie ah. Nice one.

"Kaya ako magaalaga sa'yo BUONG ARAW. Hindi na ako papasok sa school. Sabi naman
ng parents mo, sila na bahala magexplain sa school eh." Eh? Bakit ba kailangan
buong araw? Ang labo nga naman. Kaya ko naman sarili ko kasi nasa pamamahay ko
naman ako. I can rest whenever and wherever I want to. Di na kailangan ng bantay.
Diba?

"Wag na. Nakakahiya naman sa'yo." Sabi ko naman sakanya pero hindi ako nakatingin.
Ewan ko din kung bakit hindi ako makatingin. Nahihiya lang siguro ako sa ginawa ng
mga magulang ko kanina.

"Magpahinga ka muna. Kukuha lang ako ng food."

Hindi man lang pinansin sinabi ko.

SNOB?

"Ah eh Okay." Tatayo na sana siya kaso hinawakan ko yung wrist niya.

"B-b-bakit? Ano gusto mo?" Tumayo ako at niyakap ko siya.

"Thank you." Sabi ko. Kahit sabihin pa niyang nakonsensya siya or nagalala siya,
thankful pa din ako kasi inaalagaan niya kahit alam kong hindi naman niya ako gusto
alagaan. Alam ko naman na napilitan lang siya dahil kila mama't papa eh.

Ngumiti naman siya at bumalik na ako sa pagkakahiga ko.

Kinuhanan na niya ako ng food. Lugaw tapos may "maho".

Umupo ulit siya sa upuan sa tabi ko tapos hinalo yung lugaw. Kinuha niya yung
spoon tapos sumandok gamit yung kutsura. Hinipan niya to at...

"Aaaah." Inangat niya yung spoon at tinapat sa bibig ko. Pumikit pikit naman ako
na parang nagtataka kung ano ba ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Susubuan kita. Dali na!" Sabi niya na paran naiirita na.

"Kaya kong kumain magisa."

"Hindi pwede! Mabibinat ka."

"OA ka. Kaya ko nga." Oo na, ako na pakipot!

"ISA!" Parang ang hilig niya yata bilangan ako ah? Hmm. Ano meron?

Since ayaw ko ng away, hinayaan ko na lang siyang subuan ako. Grrr. Nakakahiya
naman. Di naman niya kasi kasalanan kung bakit ako nagkalagnat.

After 93284739257295, natapos na din niya akong subuan.

"Wait lang ah?" Sabi niya at umalis na. Pagbalik na pagbalik naman niya, may dala
siyang tubig, basin at bimpo. Ehhh? Hindi naman matindi yung lagnat ko -____-

"Uminom ka muna ng gamot mo." Umupo ako at uminom ng gamot.

"Higa ka." Sinunod ko na lang yung sinabi niya...

Binabad niya yung bimpo tapos pinisil. Finold niya ng maayos at nilagay sa noo ko.

"Salamat." Sabi ko. Kanina pa ako nagtthank you sakanya. Hindi ko rin naman kasi
alam kung paano siya papasalamatan. Inaamin ko na naging brat ako pero ni saglit,
hindi niya ako pinabayaan. How sweet is that? Syempre biro lang. Hindi ko naman 'to
nilalagyan ng malisya eh. Promise!

"Wala kang dapat ipag-thank you. Kasalanan ko kung bakit lumala yung lagnat mo.
Isipin mo na lang, ginagawa ko to kasi ako ang nurse mo. This is my job. Sige,
matulog ka na. Maliligo lang ako." Kinuha na niya yung damit at naglakad...

"Okay." Yun na lang nasabi ko.

Ang saya na ang lungkot. Alam ko malabo. Pero mixed emotions talaga e.

Ginagawa niya lang to kasi this is his job. WALA NG IBA! Okay? Don't expect. Don't
assume. Masasaktan ka lang Rylie. Eh bakit naman ako masasaktan?
He's.just.a.stranger.

Aalis na sana siya pero...

"Saan CR niyo?" Tanong niya.

"May CR sa kwarto ko, ayun oh." Tinuro ko naman yung CR sa room ko, "Meron din sa
room nila mama, papa, ate at kuya. Saan mo gusto mag CR?" Nagisip naman siya pero
mukhang nahihiya siya kaya...

"Wala bang ibang CR?" Tanong na naman niya.

"Sa baba. Hanapin mo na lang. Wala kasi si ate Kristy, nag day off."

Si Ate Kristy yung katulong namin. Ang sipag nga niya eh at mabait din. May
pagkamadaldal nga lang pero ayos lang naman...

"Ge." Pagkasabi niya nun, umalis na siya ng kwarto.

Gusto ko ding maligo! Wala naman sigurong masama diba? Nakakahiya din naman kay
Tyler. Siya mabango na pero ako, ewww. Hindi naman ako mabaho no. Baka kasi... Alam
niyo na. Nakakahiya sa bisita aka nurse ko.

Tumayo naman ako. Ouch! Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang puti na nga lang yung
natira sa mga mata ko nung tumayo ako eh. Nakakahilo kasi kaya pati yung mga mata
ko eg blurry na.

Pero maliligo pa din ako at walang makakapigil sakin. Pumasok na ako ng mabilis sa
loob ng CR kasi baka mahuli pa ako ng nurse ko at mapagalitan ako. May twalya naman
ako doon eh...

Shampoo. Conditioner. Sabon. Sabon. Sabon. Toothbrush. Kung anu ano pang ritwal.
Kanta dito, kanta doon. Woooo. Party party. Parang wala akong sakit ah? After mga
12345 days, natapos na din ako maligo at nagtwalya na.

Pagkalabas ko ng CR...

Biglang may nagbukas ng pinto at nagsara nito.

Pagtingin naming dalawa...


"AAAAAAAAAAAAAH!" Sigaw ko. Tumalikod naman ako sakanya. Shet. Shet. Shet. Waaa,
mooommy! Gusto ko na umiyak!

Nakita ko siya. Nakita ko mukha niya. Nanlaki mata niya dun at napanganga siya.
Nakita ko din siyang naka... Waaaa! Whyyyy mommyyy? Whyyyy?

"Takte! BAKIT NAKATWALYA KA LANG?!" Tanong niya sa akin. Halata mong nainis or
nagalit siya sa akin. Ewan ko, baka nahiya lang din siya.

"NASA CABINET YUNG DAMIT KO E!" Totoo yun! Nasa cabinet damit ko. Malay ko ba
kasing papasok siya sa kwarto at malay ko din bang hindi niya sinara yung pinto.
Isa pa, ang alam ko naliligo siya pati hindi ko naman alam na bibilisan niya
pagligo niya...

"BAKIT KA NALIGO?!" Masama na bang maligo ngayon? Ha? Makukulong na ba ako pag
naligo ako? Kung ganun pala, hindi na ko maliligo kahit kailan. Yun lang pala eh.
Bakit ba galit na galit siya eh naligo lang naman akooo?

"EH GUSTO KO MALIGO EH!" Sigaw ko naman sakanya. Medyo naiinis na din kasi ako
eh...

"ALAM MO NAMANG MAY SAKIT KA! T@NG!NA NAMAN EH!" Sumisigaw pa din siya. Well, pati
ako. Nagsisigawan ba kaming dalawa?

"PAKIELAM MO BA! GINAGAWA MO LANG NAMAN TO KASI TINGIN MO, TRABAHO MO KO DIBA?
ATSAKA TEKA NGA, AKO LANG BA ANG NAKATWALYA? NAKATWALYA KA DIN NAMAN AH? BAKIT KA
BA NAKATWALYA?!" Diba? Akala ba niya siya lang ang naaawkward dahil nakatowel ako?
Hindi no. Ako din! Kitang kita ko naman kasi yung muscles, biceps, at abs niya.
Sht, I should've stared. Kidding!

"Naiwan ko dito yung damit na pinahiram sakin ni papa." Sabi naman niya.

Kumalma na kaming dalawa sa wakas.

"Papa ka diyan!" Sabi ko na medyo natatawa.

"Sabi ni mama e." At lalo pa nga akong natawa.

"Siya sige na. Giniginaw na ako. Alis ka na!" Ginaw na ginaw na kasi ako. Huhuhu!
Nakatalikod pa din kami sa isa't isa. Yihess, back to back.

"Paano ako aalis, eh nasa tabi mo kaya damit ko."

Tumingin ako sa kama na katabi ko. Nasa tabi ko nga!

"Ako na kukuha." Sabi niya ng mahinahon pero halatang naiilang pa din.

"Teka, ako na kukuha. Kuhunan mo na lang ako ng damit sa cabinet." Sabi ko naman,

Nasa tabi niya kasi yung cabinet ko e. Oo, malapit cabinet ko sa pintuan.

"Ano, nakakuha ka na?" Tanong ko sakanya kasi nilalamig na talaga ko.

"Yeah." Sagot niya.


Humarap na kami sa isa't isa. KBYE. Ang awkward naman nito. Sobra!

"Pagbilang ng tatlo, magpapalit tayo." Sabi niya.

"One" Sabi niya. Lumapit siya sa akin ng konti...

"Two" Turn ko naman magbilang. Lumapit naman ako sakanya ng konti...

Yaan. Malapit na kaming dalawa sa isa't isa. Turn naman niya magbilang ngayon...

"Three!"

Sabi niya ng mabilis tapos bigla niya akong hinalikan sa cheeks ko. Kinuha niya ng
sobrang bilis yung damit niya sa akin at binalibag naman niya yung damit ko sa
kama. Tumakbo siya papaalis ng kwarto, hindi man lang sinara yung pinto.

Napanganga na lang ako at napa-upo. What was that?

Grrrr. Ang bilis ng heartbeat ko. Hindi naman sana ako tumakbo. Hindi ako
makahinga. NOOOO! May gusto na ba ako sakanya? Like lang naman eh. Pag love kasi,
iba ng usapan yun.

My first kiss went a little like this


And twist
And twist

Hi Kesha, Eff you! Wrong timing ka lagi e.

Kinuha ko na yung phone ko. Sino naman kaya tumatawag sakin? For sure si Aish yun!

Mapalitan na nga si Kesha...

"Aish?" Sabi ko.

"Kamusta ka na? Kasama mo pa din ba si Tyler? Nasa school ako." Sabi niya na
parang nagaalala. Aww, sweet ni bestfriend.

"Aisha, sorry kahapon ah? Kasama ko pa din siya. Nasa baba siya ngayon,
nagbibihis. Medyo okay na ako."

"Kayong dalawa lang?" Tanong niya na parang nanloloko.

"Oo. Wala si mama at papa e."

"Ano nga pala sabi ni tito at tita?"

"Ewan ko ba dun kasi-" Pinutol ni Aisha yung sasabihin ko...

"Bakit? Nagalit? Hala! Sorry Rylie. Sabi ko naman kasi kay Tyler ako na maghahatid
sa'yo kasi alam ko namang strict si tito at tita. Pero ang kulit kulit pa din niya,
ihahatid kaw daw niya. Sorry talaga, inexplain ko naman kahapon kila tito at tita.
Parehas ko pa nga silang tinext eh kaso-" Saka ko naman pinutol yung sinabi niya.
Masyado kasing paranoid eh hindi pa nga ako tapos magsalita.

"Aisha, hindi nagalit. Actually, gusto siya ni papa at mama." Nag sigh naman ako.
"Sorry tala-What?! Woah. 1st time? Napopossess na ba nanay at tatay mo, Rylie?"
Tingnan niyo nga. Hindi lang ako ang naweirdohan kila mama't papa eh. Ano kayang
gayuma ang pinainom ni Tyler sakanila?

"Ewan ko ba. Nagdrama pa nga para lang hindi umalis si Tyler eh. Weird huh?"
Tumawa naman siya ng tumawa. Aba ang loka, tuwang tuwa. Aisha, may bukas pa.

"Iba na yan Rylie." Tumatawa pa din siya. Hala?

"Anong iba na?"

"Sige bye na. Time na namin eh." Sabi naman niya.

"Eeeh? Sige na nga, byebye."

"Get well. Babooosh."

We ended the call.

Tingnan mo nga naman. Nambitin pa si Aisha. Ganyan naman yan eh, laging
nambibitin. Gusto niya kasi suspense palagi. Baliktad talaga kami kasi ako, ayoko
ng suspense.

Sinara ko na yung pinto at nagbihis na.

Hay. Nakakaantok naman. Humiga na ako sa kama at nakinig sa ipod ko. Pinatong ko
naman cellphone ko sa stomach ko ng biglang...

It's still too soon to call it love


I know it's more then just a crush

Ano ba namang kanta yan! Ang sarap ilipat pero syempre hindi ko pa din nilipat.
Mahilig kasi talaga ako sa love songs kahit di naman ako in love. Nagiimagine na
nga lang ako ng kung anu ano eh. Yung mga nabasa ko sa wattpad, pocketbooks, at
creative corner pati yung mga koreanovelas, teleserye, at movies na napapanood ko
eh nagsama sama sa utak ko. Iisa nga lang ang leading man at yun ay si... HECK NO.

we're getting closer every day


and when you look at me that way
all I can say.

Hindi ko siya pwedeng mahalin. Wag ko na nga lang siyang tititigan. Ang tanong...
Kaya ko kaya? Kaya ko yan. Di pa naman malala yung nafifeel ko at kakakilala pa
lang namin. Ano 'to, peebee teens? Ayoko nga. Parang ang bilis nga kung sasabihin
kong I like him eh. Ano ba tawag sa more than crush but less than like?

Is if I open up my heart to you


I just need to know you feel it too

Pero alam niyo, gusto ko pa siya makilala. Parang ang sarap niyang maging kaibigan
kasi alam mong safe ka palagi at hindi ka papabayaan. Nakita ko kasi yung care niya
sa mga kapatid niya eh, wagas. Nararamdaman ko din yung care niya sakin ngayon
kahit na sinusungitan pa din niya ako.

will you be the one


to make my DREAMS come true
if I, if I open up my heart to you

Siya na kaya yung guy na hinihintay ko? Yung hindi ako sasaktan? Yung iba sa ibang
lalaki na sinasabi ng mga bitter? Ayoko na masaktan pero ayoko din tumigil
magmahal. Sabi nga nila, hindi naman love ang dahilan kung bakit nasasaktan yung
tao kung hindi dahil sa ginagawa ng taong mahal mo. Bakit mo sisisihin yung love eh
yun nga yung dahilan kung bakit tayo nabubuhay?

I got a feeling this could be


something I thought I never see
you're on my mind
night after night
something keeps telling me
it's alright
so give me a sign..so

Is if I open up my heart to you


I just need to know you feel it too
will you be the one
to make my dreams come true
if I, if I open up my heart to you

Imposible naman siyang magkagusto sa akin e. Sa teleserye, madalas nasasaktan ang


mga nagaassume at ayokong mag assume. Ang hopeless romantic ko masyado, sabi nga ng
mga exes ko pero masisisi niyo ba ako kung gusto ko lang naman eh yung mahalin ako?
Naiinggit ako sa mga matatandang sumasakay sa jeep at halata mong mahal na mahal pa
din nila yung isa't isa. Nakakainggit. Gusto ko din maexperience, kahit papaano.

Ayoko din naman maging naive forever. Sabi nga ng teacher ko sa literature, if
hindi pa daw namin nararanasan mainlove or magkaboyfriend, go for it daw. Siguro
kasi gusto niyang matuto din kami. Yeah, somehow, I learned my lesson although
hopeless romantic pa din ako.

You could be everything


that I've needed
but I can't take that chance
till I know that you're with me
till I know what your feeling
till I know where you stand

Till I, till I till I know where you stand


will you be the one to make
my dreams come true
if I,if I open up my heart to you
will you be the one there
to help me get though

If I...

If I open up my heart to you...

Makakatulog na sana ako ng biglang..

Nagvibrate CP ko. Grrr. Wrong timing palagi e.

Sender: Lynne my loves

It Takes a Minute to have a Crush on Someone


An Hour to like Someone

And a Day to love Someone

but It Takes a Lifetime to forget Someone.

Goodmorning. Sobrang BV. Hello Loves (Rylie), Ang boring dito. Nag take over si
Ma'am Joanne sa Math e. Pasok ka na nga. Daya mo e!

A DAY TO LOVE SOMEONE?

Weh? Paalisin ko na kaya siya ngayon ng hindi ako mainlove sakanya? Feeling ko
naman hindi totoo yun eh. Ano 'to, PBB Teens? Pansin ko lang, kanina pa ko PBB
TEENS ng PBB TEENS dito. Sila kasi eh! Nakakahawa tuloy. Pero paalisin ko na kaya
siya talaga para di na magtuluy tuloy? Sa pagkakaalam ko, mabilis akong ma-fall
kaya nga pag nagtuluy tuloy pa 'to, baka magdilang anghel ako. Baka ma-fall ako at
baka hindi niya ako saluhin pag nangyari yun. Yikes, nakakatakot.

Kaso sabi niya sa akin...

"Kaya ako magaalaga sa'yo BUONG ARAW. Hindi na ako papasok sa school."

Nakakainis naman to.

Ano ba gagawin ko?

Pinatay ko yung cellphone ko at binalibag yung ipod sa kama.

"Heeeeelp!"

Umupo ako sa sahig. Nakayakap ako sa legs ko. Nababasa pa nga ako kasi basa pa
naman yung hair ko. Parang bata lang talaga posisyon ko ngayon. Para akong bata na
naagawan ng candy...

Kailangan ko na talagang umiwas sakanya.

Nasisiraan na ko ng bait.

Narinig ko na may nagbukas ng pinto at tumakbo papunta sakin...

"Oh bakit ano nangyari sa'yo?" Sinabi niya ng mabilis.

Speaking of...

Grabe! Halatang ang bilis ng takbo niya kasi hinihingal siya. Nilapitan niya ako
at hindi na naman sinara ang pinto.

KAKASABI KO PA LANG EH! LEEEECHE!

"Ganyan ka ba talaga? Ha?" Sabi ko na lang. Hindi kasi siya nagsasara ng pinto eh.

"Bakit?"

Umupo siya sa harap ko. Ginaya niya yung upo ko, pero hindi siya nakahawak sa legs
niya. Sa buhok ko siya nakahawak para makita mukha ko. Nakaharang kasi bangs ko sa
face ko e.
"Hindi ka nagsasara ng pinto pag papasok o lalabas ka?" Tanong ko pero mahinahon
lang. Nanghina yata ako ng hawakan niya hair ko at makita ko yung mukha niya
completely eh.

"Hindi. Hindi ako nagsasara ng pinto lalo na sa bahay. Para pag may kailangan yung
mga kambal, dire-diretso na lang sila papasok. O kaya naman may nangyaring masama
sakanila, tatakbo na lang ako para siguraduhin na safe sila."

Nakatitig lang ako sakanya. Nakatingin lang din siya sa akin.

If I open up my heart to you


I just need to know you feel it too
will you be the one
to make my dreams come true
if I, if I open up my heart to you.

Kumakanta talaga ako sa isip isip ko.

After 10 seconds...

Umiyak ako.

"HOY IKAW UMALIS KA NA NGA! Doon ka sa school. Pumasok ka kung gusto mo." Siguro
iniisip na niya ngayon, ang weird weird ko. Turn off, Rylie. Turn off! As if naman
may mangyayaring milagro pag kinausap ko sarili ko...

"Bakit naman? Ayoko. Sinabi na ng parents mo na hindi ako papasok sa school eh."

"Edi sa bahay niyo, walang kasama yung kambal." Excuse ko na naman. Sana effective
na!

"Nandoon yung dalawang katulong at iba pang guards." Sabi niya habang walang
expression pero napansin ko na medyo nagtataka na siya at naiirita na din at the
same time...

"Edi sa friends mo." Hala sht, parang pinagtutulakan ko na siya palayo.

"May pasok kaya. Nasa school sila," Naiirita na siya, alam ko. Nagtitimpi na lang
siya eh.

"Sabihin mo magcut,"

Pakiramdam ko, ang sama sama ko namang tao.

"Hindi ako BI no!" Sabi niya.

"Doon ka na lang sa baba. O kaya sa sala. O kaya naman sa room nila kuya o kaya
ate. O kaya naman ni mama at pa-" Hindi niya pinatapos yung sasabihin ko.

"Okay. I get it. Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo akong kasama kesa sa
pinaparamdam mo sa akin na gustung gusto mo ako lumayo sayo."

Tatayo na sana siya. Pero hinawakan ko wrist niya.

*Heart... beats faster*

"Hindi naman sa ganun pero kasi-" Sasabihin ko ba?

"Pero kasi?"
"Pero kasi ano eh." Ano nga ba, Rylie? Tounge tied ka ngayon.

"Ano?" Naiirita na siguro talaga siya T___T

"Hindi kasi pwede na ano eh."

Hindi ako pwedeng mainlove sa'yo or kahit magkagusto man lang. Crush siguro okay
na kasi yun naman ang plano ko, umpisa pa lang. Isa pa, pinsan ka ng bestfriend ko.
No no no no way. Bakit ba kasi ang bait mo eh!?

"Hindi pwede ang alin?" Tanong na naman niya na halata mong litong lito na.

"Basta."

"Ang labo mo talagang butiki ka." Tinulak niya yung forehead ko using his index
finger. Hinawakan ko naman yung forehead ko...

"Pwede hayaan mo na lang muna ako ngayon? Hindi kita ayaw kasama. Gusto ko nga eh.
Nasisiraan lang talaga ako ng bait. Wag ka ng umalis. Salamat ah. Sorry talaga."

Hindi ko siyang kayang paalisin. Nakakahiya ako T____T

"Sige. Hahayaan lang kita. Basta magpahinga ka na. Wag ka ng umiyak. Kung ano man
yung problema mo o dahilan kung bakit ka nasisiraan ng bait, maaayos din yan.
Okaaay?"

Tapos ginulo niya buhok ko.

Lalo akong naiyak. Hindi dahil sa ginulo niya buhok ko. Pero dahil natouch ako sa
mga pinagsasabi niya. Like what the fudge, sinong lalaki ang magsasabi ng ganito sa
isang babae? Siguro kung ibang lalaki ang nasa harap ko, matagal na akong
nilayasan. Pero siya? Wala eh. Parang 1st time ko naramdaman na may nakaintinding
lalaki sakin...

Ang babaw ko talaga.

Tumango ako then tumayo siya. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at inalalayan
humiga. He touched my forehead...

"Sobrang init mo naman. Next time, wag ng makulit ha?" Sabi niya kaya siguro
nagbblush na ako ngayon. Sana naman wag.

"Opo itay." Sabi ko.

"Hindi mo ko itay. Baby mo ko."

Bakit naman siya naging sanggol? Mukha naman siyang mature ah? Mature na isip
bata!

"Okay baby."

WHAAAAAAT?!

Tumawa siya ng tumawa.

"Yiiieeee. Baby daw oh. Siguro dahil sa akin kung bakit ka nasisiraan ng bait?
Ikaw ha." Then he started poking me sa tagiliran ko.
"Hindi no. Ang yabaaaaang! Lalagnatin ako lalo niyan e. Haaay. Ouuuch. Sakit ng
ulo ko."

Tumalikod ako sakanya.

"Uy Uy Uy!" He's poking me again.

"Joke lang naman eh." Di pa rin siya tumitigil kakapoke!

Humarap ulit ako sakanya.

"Hindi magandang joke."

"Pero hindi rin imposible. "

Kumindat siya sa akin.

ANO YUN?

This time, hindi na ko makasagot.

Brain: Alam mo kasing kanina pa totoo yung mga sinasabi niya.

Heart: Agree!

Wow! Nag agree si heart at brain? See? Nababaliw na ko. SABAAAAW!

"Matulog ka na lang para paggising mo, kakain na ng lunch. Tapos magpalit ka ng


damit. Tapos matutulog ka ulit at magmemerienda. Tapos matutulog ka ulit at
magdidinner na." Tatay na tatay talaga oh? NOOOO. Pag naging tatay ko siya, NOOOO.
Hindi pwede. Incest yun! What am I saying? Baka hilo lang 'to, itutulog ko na lang
mamaya.

"Kain tulog talaga? Baka naman lumobo ako ah." Sabi ko ng pajoke.

"Okay lang yun. Butiki ka naman eh. Imposible ka ng maging baboy." At sinong
butiki? Grabe, ang sakit naman nito magsalita. Ouch yun T___T

"Hindi naman ako ganun kapayat ah?"

"Sige na. Wag ka ng makipagdebate. Mabibinat ka lang. Basta MAG-PA-HI-NGA KA NA!


Kanina ko pa sinasabi pero ayaw mo naman makinig. Naligo ka pa ayan tuloy, lalo
kang inapoy ng lagnat at hyper na hyper ka pa din." Ngumiti naman siya. NGUMITI
SIYA.

Mas lalo akong uminit kasi nga nandito ka. Double meaning yun pero parehas na
totoo.

UNA: Uminit ako dahil sa kakaisip sa'yo at sa sobrang pakikipagdebate sa'yo! Lalo
akong nilalagnat kasi gusto kong kausap kita kesa naman matulog ako eh nandyan ka.
Sayang naman ang time. Eh bakit ang landi ko naman ata?

PANGALAWA: Lalo akong naging mainit kasi ang HOT mo. Lalo na nung nakita kitang
nakatwalya!

That was a joke by the way. Pero sabi nga nila, jokes are half meant. Boo!

"Ano ba iniisip mo diyan? Kanina ka pa nakatingin sa akin."


IKAW! IKAW INIISIP KO!

"Huy. Naging habit mo na ata ang tumitig sa akin." Oo nga eh, kahit forever pa ko
tumitig sayo okay lang. Ang gwapo kasi eh. Ang tangos ng ilong, ang haba ng
pilikmata, red lips, ang ganda ganda ng mata...

"Oo nga eh."

Sabihin niyo sa akin na hindi ko sinabing OO. Please? I'm begging you. Nakakahiya
ako! Err.

"Ang ibig kong sabihin ano. Ang kapal mo!"

"Nadulas?" Bigla siyang tumawa pero mahina lang.

"Bakit ba?" Tanong ko na naiinis. Kunwari pa eh. Alam niyo na, medyo pakipot kasi
ako.

"Matulog ka na nga." Sabi niya.

"OPO!"

I closed my eyes.

Hindi ako pwedeng mainlove. Hindi sa mataas na uri ng nilalang...

I heard him laugh a little bit. Siguro kasi pilit yung pagkapikit ng mata ko.

NOOOOOO!

BIG NO-NO! Okay?


####################################
CHAPTER 9 (You want war? I'll give you war!)
####################################

CHAPTER 9

"Justin, gusto mo ba si Rylie?" Tanong ni Selena.

"Uh?"

"Kung ako sa'yo, hinding hindi ko siya magugustuhan. Hello? Look at her. So Gross.
She's so clumsy, careless and most of all, immature." Ouch, sinisiraan ba ako ni
Selena? Wala naman akong ginagawa sakanya ah?

Ganoon na ba ako kakilala ni Selena? Bakit sinisiraan niya ako kay Tyler?
"Hindi ko siya gusto!" Sigaw naman ni Tyler at tuluy tuloy na nga siyang umalis...

"OUUUUUUUUUUUUCH!" Sigaw ko.

Ang sakit ng braso at legs ko. Thank you Achi. You saved me from a very creepy
nightmare pero hindi mo naman ako kailangan saktan diba? Grabe, ano bang klaseng
panaginip yun? Sino naman kayang alien ang nagimbento ng panaginip ko na yon? Saka
ba't nasama si Tyler?

"Ano ba gumising ka na! Kanina pa kita ginigising eh." Pinapalo pa rin niya ako.
Hala, ano ba naman 'to. Kung makapalo, wagas.

By the way, she is my violent sister. Her name is Janna Reugene Hao. May pagka-
AMAZONA to eh. Obvious ba? Tingnan niyo yung ginagawa niya sa akin ngayon. Well,
she is a college student. Every weekend lang siya umuuwi dito. Nakacondo kasi siya
kasama yung bestfriend niya. Pero since sem break nila ngayon, wala siyang pasok at
magsstay siya dito sa bahay namin.

Well, she's my bestfriend. Parehas sila ni Aisha. Ang kaibahan lang eh blood-
related kami ni Achi. Syempre, kapatid ko siya. Pero parehas ko naman silang love
eh. Love na love!

"Tinatamad ako pumasok." Sabi ko sakanya na nakapikit pa din.

I buried my head under my pillow pero pilit niya tong inaalis.

"Dali na, sasama ako sa'yo sa school." Bigla niyang sinabi.

Napabangon naman ako bigla.

"WHAAAAT?! Bakit?" Tanong ko. Bakit naman siya sasama sa school? Ano naman gagawin
niya doon? Hindi porkit pwede siya sa school namin, pupunta na siya doon. At para
saan naman? Wala naman na siyang friends doon. Meron pala, yung mga friends ko.

"I want to see Tyler again." So si Tyler lang pala? Si Tyler lang ang reason kung
bakit niya gusto pumunta sa school. Hayy, naalala ko na naman nangyari kahapon. Oo,
nameet na niya si Tyler. Hindi naman kasi sinabi ni mama't papa na dadating si
Achi. Hay nako! Sumasakit na talaga ulo ko.

"Kayo na lang kaya ni Tyler?" Sabi ko sakanya pero halatang bad trip pa din ako.
Pinakaayaw ko kasi sa lahat ay yung ginigising ako or iniistorbo pag tulog ko.

Pati ba naman ang kaiisa isa kong kapatid, trip si Tyler? Jusko naman. Ang dami ko
naman kaagaw. Syempre, biro lang yun... half-meant actually.

"Pwede rin." Nagulat naman ako sa sinabi niya kahit alam kong nagbibiro lang siya.
Err.

By the way, Achi means sister or ate. Half chinese nga kami diba? Kaya ganyan. Ang
weird nga namin kasi chinese kami pero hindi namin alam kung paano magsalita ng
chinese. Mga simple words lang like ni hao ma. Eh kahit naman siguro sinong
pilipino, alam yun eh. Or NOT.

Gumayak na nga ako at kumain na kami. Okay naman na yung pakiramdam ko. Hindi naman
kasi ako yung OA magkasakit. Sandali lang naman ako magkasakit. One day na pahinga
lang, oks na oks na ko. Nakarating na kami sa school at sumalubong agad sakin si
Aisha na hanggang ngayon eh nagwoworry pa din. OA kasi 'to pagdating sakin.
Pagpasensyahan niyo na.

"Hi Aisha! Kamusta? Namiss kita!" Sabi ni Achi sakanya. Naghug naman sila at
nagkiss sa cheeks. Yeah, close talaga sila. Pag magkakasama nga kami, parang sila
pa yung magkabatch ni Aisha. Mukha kasi akong bata eh.

"Ako din achi. Namiss kita!" See? Achi din tawag niya. Natatawa nga ako eh. Hindi
kasi bagay pero sanay naman na ko kaso natatawa pa din ako. Okay. I'm so mean.
Nabbwisit nga siya sakin pag iniinis ko siya na hindi bagay.

"Where's Tyler?" Tanong agad ni Achi. Loka loka talaga 'to.

"Wait. Kilala mo si Tyler? OMG! Absent siya ngayon eh." Gulat na gulat si Aish.
Mukhang disappointed naman si Achi kasi wala yung crush niya. Sorry, parehas kami
ng type eh.

"Yup. He stayed in our house yesterday. Actually, nahuli ko pa nga silang..."


Tinakpan ko naman yung bibig ni Achi. Ang ingay ingay kasi eh...
"Ano yun? Ano yun?" Tanong ni Aisha.

Kinwento naman na ni Achi kay Aisha yun. Hindi ko na rin pinigilan kasi alam kong
kukulitin lang ako nito all day. Oo, 24/7. Hindi yan titigil hangga't di niya
nalalaman. Gusto niyo ba malaman kung ano nangyari kahapon?

Nahuli lang naman kami ni Achi na kiniss ako ni Tyler sa forehead. Nashock nga ng
bonggang bongga eh. Si Tyler naman, nanlaki yung mata kasi nagulat yata kay Achi
pero wala lang naman sakanya kung may nakakita na kinikiss niya ako sa forehead.
Normal lang naman siguro yun sakanya kasi may mga kapatid siya. Malay mo, tingin
niya sakin kapatid.

Yung reaction ko naman, ewan ko. Basta ang sabi ni Achi, pulang pula daw yung
pisngi ko. Nagtakip nga ako ng kumot bigla bigla eh tapos natawa daw si Tyler at
tiningnan ako gamit yung weird look niya.

Dapat nga din daw, papaluin niya ng walis tambo si Tyler kaso nung papaluin na
niya, napatigil siya kasi ang gwapo daw. Sabi nga ni Tyler, halatang halata daw na
magkapatid kami. Tawang tawa nga si Achi eh pero si Tyler, halata mong naiirita na
kasi lapit ng lapit sakanya si Achi. Kinukulit kasi siya eh alam niyo naman yun,
ayaw ng makulit at maikli yung pasensya pagdating sa mga gurang katulad ng ate
ko...

Hindi na nagtagal si Achi sa school, masaya naman siya kahit di niya nakita si
Tyler. Namiss daw niya si Aish eh. Si Aisha naman, tumatawa pa din at hindi
makamove on. Tanong nga sila ng tanong kung bakit ako hinalikan ni Tyler sa
forehead ko. A kiss is still a kiss daw. Weird nga nila. Normal lang naman yun
diba?

Tekaaa. Bakit nga ba wala si Tyler?

Tapos na yung flag ceremony namin. Pinaglead pa nga ako ng prayer kaya sobrang
kinabahan ako. Yung teacher kasi namin na yun, kung sino na lang magustuhan
tawagin. Natapos na din ang first subject, ang dami naming ginawa. Since absent ako
kahapon, pinakopya naman ako ni Aisha at tinuruan din niya ako. Never talaga ako
minahal ng math..

Second subject na at wala akong magawa. Wala din naman kasing ginagawa yung teacher
namin kung hindi magsalita sa harapan. Sabagay, yun naman talaga role niya. Pero
hindi eh, kinikwento niya kasi yung buhay niya. Hindi yung ab't sa subject namin.
Nakakaawa nga eh, nambabae daw asawa niya kaya sila nagkahiwalay...
Nagsulat ako sa paper at binigay kay Aisha...

Aish. Bakit wala si Tyler? Ano nangyari sakanya? Saan siya nagpunta? Bakit siya
absent?

Yan yung sinulat ko. Naccurious kasi ako eh. Ito naman reply niya sakin:

Alam mo Ry, masyado kang obvious.

Obvious saan? Tanong ko sakanya...

Wala. Yiieee... Concern.

Parang tinatanong ko lang naman kung bakit absent si Tyler, nilalagyan na agad ng
malisya

"Bakit ba kasi absent si Tyler?" Bumulong ako sakanya.

"May-" Hindi niya natapos sasabihin niya kasi may nagbukas ng pinto.

"Goodmorning Mr. Dela Cruz. Ang aga mo for snacks." Sabi ng teacher namin...

Nagtawanan classmates ko habang si Tyler, walang reaction or expression. Bakit


parang ang tamlay niya? BV kaya? Ano kaya nangyari? Sabagay, lagi naman siyang BV.
Dapat masanay na ko kasi classmates kami for the whole year. Kung BV ako habang BV
siya, baka sumabog kaming dalawa. Dumiretso na si Tyler sa upuan niya na walang
nililingon na kahit na sino.

"Oh. Ayan pala hinahanap mo eh." Sinabi niya sakin sabay tawa. Siniko ko na lang si
Aisha. Hindi ko naman siya hinahanap ah? Tinatanong ko lang kung nasaan siya at
bakit hindi siya pumasok. Teka, hinahanap ko nga yata.

Dumila naman siya sa akin.


I glared at her.

Ang sweet namin no?

Natapos ang 2nd subject ng hindi man lang siya lumilingon sa akin. Hindi ako
mapakali. Hindi ko naintindihan yung diniscuss ng teacher namin abt sa buhay niya
kakaisip kung ano nangyari kay Tyler. The heck. Ano bang iniisip ko? Okay, back to
Earth. Makikinig na nga ako sa teacher ko at baka i-quiz namin yung story ng buhay
ng teacher namin...

"Rylie, snacks na! Kumain na tayo." Hinihila hila ni Aisha yung sleeves ng uniform
ko habang nakahawak yung isang kamay niya sa tiyan niya. Nagugutom na nga yata...

"Ha? Snacks na?" Tanong ko sakanya. Ang bilis naman kasi, snacks na pala ng lagay
na yun?

"Ay hindi. Hindi. Joke lang yun. Hindi pa snacks." She said sarcastically.

"Ah. Okay." Yun na lang sinagot ko. Lumakad lakad ako na parang wala sa sarili.

"Rylie! Lasing ka ba o lula ka lang talaga?!" Sinigawan ako ni Aish.

Umupo ako sa chair doon sa teacher's table at bigla kong nakita si Tyler na
nakadukdok sa desk niya. Woah, ano ba kasi nangyari kay Tyler?

"Aish, ano ba nangyari kay Tyler?" Tanong ko.

"Sinasabi ko na nga ba eh!" Huh? Anong sinasabi niya?

Umupo siya sa teacher's table at bumulong sa akin.

"In love ka na no?" Ang weird nitong si Aisha. Anong feeling niya, nasa PBB TEENS
kami? Joke lang. Pero kung makatanong naman kasi 'to, wagas. In love na agad? Hindi
ba pwedeng naccurious lang naman ako or crush muna bago yung love love na
pinagsasabi niya? Masyadong mabilis eh, hindi ko mahabol. Okay, ang corny.

"Ha? Ano? Di ko naintindihan eh." Umarte naman ako na hindi ko narinig. Hindi ko
naman na din binulong yung sinabi ko kasi hindi naman maiintindihan ni Tyler kung
ano pinaguusapan namin...

Pero sa totoo lang. Naintindihan ko naman ng sobra sobra yung sinabi ni Aisha. Mas
malinaw pa sa liwanag ng araw. Mas malinaw pa sa matang 20-20 ang grado.

Lumingon lingon ako sa kung saan saan. Si Tyler, nayuko at nakahiga na naman sa
desk niya. Umalis naman si Aisha sa teacher's table...

"Ewan ko sa'yo." Then she smiled at me. Parang alam ko yung ngiti na yan ah?
Feeling ko naman, alam niyang naintindihan ko yung sinabi niya eh pero dinedeny ko
lang kasi wala lang. Pero sure naman ako, 10000000 percent, di ako in love sakanya.
Nababaitan at nagagwapuhan lang ako. Hanggang crush lang ako. Hirap kaya niya
abutin. Yung mga taong katulad niya, hindi nababagay sa taong katulad ko...

Pag lingon ko sa side ni Tyler, nakaupo na siya sa chair ko at binabasa niya yung
paper na sinulatan namin ni Aish kanina.

"HOOOY!" Sigaw ko. Nakakashock, nakakaawkward, at nakakahiya naman kasi.

Tumayo siya at itinaas yung paper.

"Akin na yan!" May doodle doodle pa yan eh. Nakakahiya tuloy. Tumalon talon ako
pero hindi kaya. Super liit ko. Super tangkad niya. Ano pa nga ba magagawa ko?

"Akin na yan! Please?" I'm already pleading. Nagpapuppy face at nagpapacute na nga
ako dito eh pero...

"Kiss muna?" He pouted his lips and closed his eyes. Tsk. Hoy, hindi naman ako easy
to get no. Oo, gwapo siya pero hindi ako easy to get! Hindi nga ba? Hindi talaga
no! Nadadala lang naman talaga ako sa sweetness ng past boyfriends ko na
pinagpustahan ako eh...
"Ayoko nga. Tyler naman eh. Please?"

"Osige. Sabihin mo na lang: Tyler, I love you!" Nag girl voice siya nung sinabi
niya yung Tyler, I love you. Nakakatawa nga eh. Hindi bagay.

Ano ba naman to!

"Ayaw. Di naman kasi ako nakikipag joke eh." Nakakahiya naman kasi. Baka mamaya,
kung ano isipin niya at baka itanong niya kung bakit ko siya hinahanap. Baka lalong
yumabang at lumaki yung ulo. At baka lalo niya akong lokohin sa sarili niya.

"Hindi rin naman kasi ako nakikipag joke." Seryosong sabi niya. Tumawa naman siya
nung itinaas niya pa lalo at tumalon din ako lalo. Hanggang sa napasubsob ako sa
chest niya.

1 second.

2 seconds.

3 seconds.

"Rylie, may langgam oh?" Si Aisha. Paano niyang nakita yung langgam eh ang liit
liit nun tapos ang layo layo niya sa amin. Umalis ako kay Tyler...

"Nasaan?" Tanong ko na hinahanap pa din kung nasaan yung langgam...

"Ayan oh!" Tinuro niya yung daliri niya floor at sa gitna naming dalawa ni Tyler...

Tumingin ako sa baba. Wala naman ah?

Tumingin ako kay Tyler pero siya ngumingisi lang. Tinaas ko naman yung kilay ko...
"Ang slow mo talaga!" Pinitik niya ako sa ilong ko kaya napahawak ako sa pinitik
niya. Mahina lang naman pero nakakagulat pa din. Hindi ko pa din maintindihan yung
ibig nilang sabihin eh. May langgam? Eh ano ngayon?

"Ano ba ang kinakain ng langgam?" Tanong niya.

"Mahilig sila sa matamis diba?" Sabi ko.

"Yeah, they love sweets. Err, sige na nga. Hug na lang." Ang sweet naman niya yata?
Oh-kay. Gets ko na ibig sabihin ni Aish. Gets ko na. Ibig sabihin nun, sweet kami
ni Tyler. Ang slow ko naman talaga oh. Namental block naman kasi ako kasi ang gwapo
ng kaharap ko eh pero alam ko yun. Duuuh.

He hugged me. Yung hands niya, nasa waist ko. Yung kamay ko, nasa braso niya. Ang
init niya, grabe.

"Ang init mo." Nakahawak pa din ako sa braso niya.

"Alam kong hot ako."

"Ang kaaaapal!" Tumawa naman siya. Ako naman, pinipigilan ko para syempre, hindi
halatang kinikilig ako. Epal talaga nito.

Nakayakap pa din siya sa akin.

Ang init niya talaga. May lagnat siguro siya. Kasalanan ko na naman eh for sure.
Kung hindi niya ako binantayan, edi sana hindi siya nahawa sa akin.

Nagsidatingan na yung mga classmates namin...

"Look at them oh. OMG!" Sabi ni Rachelle.

"They're so sweet." Sabi naman ni Lynne.


Nakita ko naman sila Rhea, Selena, and others.

"That B!tch!" Sabi ni Selena. Naalala ko na naman yung panaginip ko kanina.


Sinisiraan daw niya ako. Pero feeling ko naman, kahit ganyan si Selena, hindi niya
magagawang manira ng tao eh.

Pero ano na naman nagawa ko? Bakit niya ako tinawag na 'B!tch'???

Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan...

Di talaga ako makapagconcentrate. Lumingon bigla sa akin si Tyler...

"Ry, pahiram ng ballpen." Sabi niya sakin. Kukuha na sana ako pero...

"Justin, meron ako Blue or Black?" Si Selena.

"Black na lang uhh thanks?" Namimilkmata ba ako o mukhang disappointed talaga


itsura ni Tyler? Para nga siyang nairita nung binigay sakanya ni Selena yung
ballpen eh, ewan ko lang, baka nagiimagine lang ako...

Hindi nagtagal, lumingon na naman si Tyler sa likod namin...

"Ry pahiram ng correction-" Hindi naman niya natapos kasi...

"Justin, meron ako! Pen or tape?" Nag offer na naman si Selena. Student ba talaga
si Tyler? Bakit mukhang wala siyang kahit ano? Ballpen? Sobrang halaga kaya ng
ballpen sa buhay ng mga estudyante.

"Kahit ano." Sabi ni Tyler na plain na plain yung expression pero parang naiirita
na talaga dahil sa tono ng boses niya...

"Ry-" Lilingon na sana siya kaso...


"Justin!" Sigaw ni Selena pero pabulong lang naman kasi yung teacher, nakatingin na
sa amin. Tiningnan naman siya ni Tyler na parang tinatanong kung ano problema ng
babaeng 'to.

Bumulong sa akin si Aisha...

"Ry, pigilan mo ako. Makakasapok ako ng babae sa class ni Sir terror ngayon din!"
Parang gigil na gigil na siya kasi ang higpit ng kapit niya sa braso ko...

"Aish, wag na." Sumagot ako pero pabulong lang din. Hinawakan ko lang yung kamay
niya para i-calm down siya.

"Ano bang problema mo? Tigilan mo nga ako." Sabi naman ni Tyler. Ang sungit.
Nahalata ko naman na natuwa si Aisha sa ginawa ni Tyler at bumulong pa ng, "Buti
nga sakanya."

Break time na sa wakas. Inaantok at nagugutom na kasi ako eh. Isa pa, naloloka na
din ako sa mga nangyayari sa classroom. Galit na galit kasi si Aisha habang si
Tyler naman, naiirita na. Si Selena naman, lapit ng lapit kay Tyler. Ako naman,
hindi makapagconcentrate dahil sa kanilang tatlo. Napagalitan na nga sila ng
teacher eh. Buti na lang, angel ako that time at hindi ako nadamay sa kanila. I
feel bad for Aisha though. Pinagtatanggol lang naman niya yung pinsan niya eh...

"Justin, sabay ka sa amin mag lunch." Aya ni Selena kay Tyler sabay irap samin ni
Aish. Nakita ko naman si Aish na kumunot yung noo at nagdikit yung kilay. Hinawakan
ko lang yung kamay niya kasi anytime soon, pwedeng sabunutan ni Aisha si Selena. Si
Tyler naman, ano pa ba aasahan niyo, malamang wala na namang expression.

"Ayoko, wag ka ngang makulit. Ayoko sayo." Sagot nito. Nakita ko na sumaya na naman
expression ni Aish. Tiningnan ko nga ng weirdong tingin eh. Nakakaawa kaya pero
parang sumaya din ako kasi tumanggi si Tyler. Meaning, sa amin siya sasabay?
Yiiee...

"Sige na Justin, pumayag ka na." Sabi na naman niya sabay kapit sa braso. Inalis
naman niya yung kamay ni Selena sa braso niya...
"Girlfriend beside me." Nagulat na naman ako sa sinabi niya. Ano ba yan, nakapa-
unpredictable naman kasi ng lalaking 'to kaya lagi akong nagugulat sa mga ginagawa
o sinasabi niya. Ang labo niya mag-isip eh pero I admit, he's a genius. Nagalit na
kasi si Selena eh...

"Hindi mo naman yan girlfriend eh. Stupid! Akala mo ba maniniwala pa ko eh sa


mismong bibig niyo nanggaling na hindi kayo?"

"In case na hindi mo alam, may salitang Lover's Quarrel at siguro naman alam mo na
ibig kong sabihin diba?" Sabi niya. Kalmadong kalmado ah?

"I don't believe you. You're lying." Magsasalita na sana si Tyler kaso...

"Haaaay nakooo! Bakit kaya ang daming makakapal ang mukha sa mundo? Yung tipong
kulang na lang ipagtabuyan mo na, pero lapit pa din ng lapit. Excuse me lang ha? Sa
amin sasabay si Justin. He's my cousin and you all know that. Wag makapal masyado
'te at baka magsisi ka lang sa huli." Si Aisha talaga. Hindi na siguro
makapagtimpi. I guess, Aisha's smarter than his cousin. Napaalis niya kasi sila
Selena eh...

"Humanda ka sa akin Dela Cruz. Hindi pa ako tapos sayo at pati na din sayo." Tinuro
niya ako. Hala, ano bang ginagawa ko sakanya? Ang tahimik ko nga eh tapos nadamay
ako? "Makikita niyo. Come on girls!" Lumakad na sila at nilakasan pa yung pagsara
ng pinto.

"Whatever." Aisha rolled her eyes. Ang taray talaga nito. Nagpunta naman na kami sa
canteen. Pinagtitinginan na naman kami. Si Aisha at Tyler, halata mong badtrip pero
ako, pilit na pinapaganda yung atmosphere. Si Brylle, Lynne, and Rach kasi, iniwan
kami. Naiwan tuloy ako sa mag pinsan.

Bumili na kami ng pagkain ni Aisha kasi ayaw daw kumain ni Tyler. Binilan ko na nga
din ng pagkain eh pero tinapay lang naman. Sorry and thank you gift na din siguro.
Pagbalik namin, umupo na kami. Bale magkatabi kami ni Tyler ngayon at kaharap ko si
Aisha. Inunahan niya kasi ako sa upuan na yun eh, dapat doon ako uupo. Lakas talaga
ng trip.

Binigay ko na yung bread kay Tyler at tiningnan niya ako na parang tinatanong kung
para saan yun...

"Tyler, sorry and thank you. Kunin mo please? Sorry and thank you gift ko sayo.
Peace offering na din dahil doon sa nangyari nung isang araw... Sorry talaga!"
"Tatanggapin ko 'to pero wag kang mag sorry." Sabi naman niya.

"Pero kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit." Sagot ko. Mukhang nagulat naman siya
kasi alam kong may sakit siya.

"Sige, sayo na lang." Sabi na naman niya sabay usog ng tinapay papunta sakin...

"Okay sige, hindi na ko magsosorry. Kainin mo lang 'to." Inusog ko naman yung
tinapay papunta sakanya...

"May isa pa pala..." Ano na naman???

"Ano na-" Naputol sasabihin ko dahil niyakap na naman niya ako. Nagtinginan na
naman yung mga tao sa canteen. Hindi naman ako nakayap sakanya eh, siya lang. Ang
sama ng tingin ng mga babae sakin, napansin ko. Yung iba naman, nagbubulungan.
Huhuhu. Awkward.

Pinagbigyan ko na lang si Tyler kasi sure akong masama na pakiramdam niya...

"Ano yan ha?"

Biglang may nagsalita at tinulak naman ako ni Tyler.

Bwisit na to. Yayakapin ako tapos itutulak din naman pala. Dapat di na lang niya
ako niyakap. Nasubsob tuloy ako. Napansin ko na namula si Tyler... or baka
nagiimagine na naman ako??? Lagi na lang ako nagiimagine ah. Pagkatingala ko...

"IKAW?!" Sabay kami na nagsabi nung lalaking nagsalita kanina. Tinuro naman namin
yung isa't isa. Nagulat yata si Tyler eh. Naaawa na nga ako kay Aish kasi hindi na
siya makarelate...

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Tyler.


"Nag audition kasi siya sa music club." Sabi ko kay Tyler. Teka, ba't ako
nagpapaliwanag?

"Akala ko ba ayaw mo doon?" Sabi naman ni Tyler. Naalala ko na naman yung usapan
ng mga babae. Bestfriends daw sila ni Tyler. Coolness! What a small world.

"Dahil kasi dito." Tinuro niya yung girl na katabi niya, ang ganda. Siya yung
kinantahan ng lalaki na 'to eh. Nakalimutan ko na yung pangalan niya eh...

"Hi. I'm Ariza." Sabi nung girl na kinantahan tapos inoffer niya yung kamay niya...

"I'm Rylie." Sabi ko naman at nakipagshake hands sakanya. Ang higpit ng


pagkakahawak niya. Medyo sumakit at nanghina nga kamay ko eh pero baka ganun lang
talaga yung kamay niya, mabigat. Diba? Hayy, parang bumigat din pakiramdam ko eh.

"I know you! Wooaah, ikaw pala si Rylie. Crush ka kaya ni Christian." Sino si
Christian?

"Ha?" Tanong ko naman.

"2nd yr pa yun. Past is past." Sabi naman ni... Oh wait. Siya si Christian???

"Wait. Siya ba yung babaeng nakita mong umiiyak nu-" Hindi naman natapos ni Tyler
sasabihin niya kasi...

"Oo na oo na! Crush na kita... DATI." Sabi ni Christian.

"Okay sige kayo na. Tara na Tyler, tayo na lang!" Sabi na naman ni Ariza.
Nagseselos ba siya? Bakit pakiramdam ko, tinataboy niya si Christian papunta sakin?
Weird thoughts.

"Ayoko nga. Si Jamilah lang gusto ko." Nagulat naman ako. Paano niya nalaman na may
Jamilah sa pangalan ko. Grabe, nakakahiya. Ayoko nun! Ayoko ng Jamilah.
"Sino yun?" Tanong naman ni Christian at Ariza.

"Ito." Tinuro naman ako ni Tyler. Err. Kailangan ba talaga nanunuro? Hindi ba
pwedeng sabihin na lang yung second name ko? Ayoko talaga ng Jamilah eh.

"Buti ka pa sweet." Sabi ni Ariza. Naawa naman ako kay Christian kasi halata naman
na love na love niya si Ariza. Biruin mo, ayaw pala niyang sumali sa music club
pero sumali siya para kay Ariza. Kinantahan pa siya sa harap ng madaming tao. How
sweet was that?

"Kinantahan na kaya kita." Sabi ni Christian.

"Yun lang. Pshhh." Sabi na naman ni Ariza. Ako yung nasasaktan para kay Christian.

"Ang hirap kaya nun. Sige, kiss na lang kita." Sabi ni Christian.

He kissed Ariza on her cheeks. Sumama naman yung tingin ni Ariza sakanya...

"HOY MGA LOVE BIRDS! Baka gusto niyong maglunch?! Kung gusto niyo lang naman???
Hindi ako makakain dahil sa inyo eh. Naguguluhan na nga ako sa mga nangyayari,
naglalambingan pa kayo. Baka nakakalimutan niyong may nagsosolo flight dito? Kayong
dalawa..." Tinuro niya sila Christian at Ariza.

"Aisha nga pala... At kayong dalawa!" Tinuro niya kaming dalawa ni Tyler, "Kain na
tayo please?" Sabi naman niya habang nakahawak na siya tiyan niya. Nawala nga gutom
ko pero si Aisha naman ngayon ang gutom na gutom. Kawawa naman bestfriend ko...

Pero nakakatawa. Oo, tumawa kaming apat habang siya, ang sama ng tingin sa amin.
Nagbibiro lang naman yan eh kaso half meant talaga mga jokes niya.

Matagal na kaya silang magkakaibigan na tatlo?

I guess so...

"Sige na, sige na. Kawawa naman si AISHA eh. Christian nga pala, Aisha. Nice name."
Tumingin naman siya kay Ariza, "Hon, Ano gusto mong kainin? Ako na oorder sa'yo."
How sweet.

"Kung ano na lang yung sayo. Thanks, Chris." Casual na casual na pagkakasabi ni
Ariza. Ito na naman yung pakiramdam ko. Bakit kaya hindi siya sweet kay Christian?
Or baka ganun lang talaga siya, diba?

"Uhmm Tyler, bibilan kita ng soup. Please kainin mo." Sabi ko kay Tyler at
naglakadna kami ni Christian. Habang nakapila kami...

"Uy kwento ka naman diyan." Sabi ni Christian sabay siko sa braso ko.

"Ha? Ano kikwento ko?" Tanong ko.

"Kung paano at kailan kayo nagkakilala ni Justin. Wala kasi siyang naikkwento
sakin. By the way, he's my bestfriend. Si Ariza, girlfriend ko yun." Lumungkot
naman itsura niya. Bakit kaya?

"Paano kami nagkakilala? Long story eh. Kailan? Nung 1st day of school." Nanlaki
naman yung mata niya sa sinabi ko. Oh well, sino bang tao ang di magugulat doon?
Siguro nga kahit alien, magugulat eh.

"1ST DAY OF SCHOOL???" Tanong niya na gulat na gulat pa din.

"Sshh." Nilagay ko naman index finger ko sa lips ko, "Oo. Kayo ba ni Ariza? Kailan
pa kayo nagkakilala?" Tanong ko.

"Since grade 4 pa. Actually, crush nga niya si Justin nun eh or I'm not sure kung
hanggang ngayon. Best friend ko naman siya hanggang sa tumagal ng tumagal, nainlove
ako sakanya at nainlove na siya kay Justin kaso may ibang gusto si Justin nung
grade 2 pa. Hinihintay nga niya yun eh pero ewan ko, nandiyan ka na eh. Pero
totoong naging crush kita nung 2nd yr."

ANG BATA NAMAN MAGKAGUSTO NI TYLER?! PEEBEE TEENS? Okay, ito na naman ako.

"Ha? Paano naman? Bakit di kita nakikita dito sa school? Alam ko namang kahit
kailan, walang sumeryoso at nagkagusto sa akin. Tanggap ko naman yun."
"Noong 1st yr kami ni Ariza, nagtransfer kami dito. Pagkatapos ng klase, aalis na
agad kami ni Ariza kasama si Justin. Kung saan saan nga kami nakakarating eh.
Lumipat si Justin dito dahil sa girl na sunod ng sunod sakanya. Ako nga nagsabi
sakanya na dito na lang lumipat para at least magkakasama kami. By the way, wag
mong sabihin yan sa sarili mo. Di mo alam sinasabi mo. Basta yun nga, natutunan
naman ako mahalin ni Ariza eh. Yun ang alam ko. Pero wait, kailan pa naging kayo ni
Justin kung 1st day of school pa lang kayo naging magkakilala?"

"Nung 1st day kasi magkaaway kami tapos nung 2nd day naman, naging kami." Sabi ko
na walang expression. Hala, nahahawa na ko kay Tyler.

"Okaaaay. Sige. Uh? Hindi ko pa din gets." Sabi ni Christian na naguguluhan na


talaga.

Bumulong ako sakanya...

"Kunwari lang na kami okay?" Since siya ang bestfriend, may karapatan siyang
malaman.

"WHAT?! Paano? Bakit?" Nakakatawa expressions and reactions niya, in fairness.

"Teka, wag kang magreact ng ganyan. Baka kung anu ano sabihin ng iba. Alam mo naman
sa school natin, ang daming bibig na nagkalat kahit mali rinig nila o kahit di nila
alam yung totoong story. Okay ito na nga, you know Alexa right? Siya yung reason
kung bakit umalis si Tyler diba?" Ewan ko kung bakit natawa si Christian sa sinabi
ko.

"Yeah. She's very scary. Nung grade 6 kami, mabait yun eh. Pero nung naghiwalay
sila ni Justin, ewan ko ba. Sobrang arte! Oh, what about Alexa?" Tanong na naman ni
Christian.

"Yeah. Nasabi na sakin yan nila Aisha. Nagpanggap kami na KAMI para tigilan na siya
ni Alexa. Hindi ba nasabi sayo ni bestfriend mo na naghahanap siya ng fake
girlfriend? Ako naman, pumayag para tigilan na rin ako ng mga lalaking ginagawa
akong bola." Tumatawa ako habang sinasabi ko yan.

"BOLA? Bakit naman?" Tanong ni Christian.


"Pinagpapasa pasahan at pinaglalaruan. Actually, pinagpustahan ang tamang term."

"What the Fu-" Hindi natapos ni Tyler yung mura niya dahil dumating si Tyler.

"Hoy kayong dalawa! Wag na kayong umorder! Ako na lang oorder. Christian, balik ka
na dun. Walang kasama si Ariza." Aalis na sana kaming dalawa kaso biglang hinawakan
ni Tyler kamay ko...

"Samahan mo ako..." Sabi niya. Ngumiti naman si Christian...

"Galit ka ba, Tyler?" Ngumisi siya. Hindi naman pala siya galit...

"Hindi!" Sabi naman niya.

Galit nga yata? Ano na naman nagawa ko?!

"Selos lang yan!" Biglang sinabi ni Christian. Hindi pa pala siya umaalis???

"Asa ka!" Sabi naman ni Tyler. Asa pa ko! Sinuntok ni Tyler si Christian pero
pabiro lang. Tumawa naman si Christian pero si Tyler, nakahawak pa din sa kamay ko.
Uhmm...

"Tyler, kamay ko." Sabi ko.

"Pansin ko lang, bakit kay Rylie nagpapatawag ka ng Tyler. Bakit sa amin nila Ariza
at sa iba, ayaw mo?" Tanong ni Christian na nakahawak pa sa chin niya at nagiisip.
Kaya pala ngumingisi siya pag sinasabi ko yung name niya. Pero...

Bakit hindi niya ako pinagbabawalan?

"Takte, umalis ka na! Walang kasama si Ariza!" Sabi niya tapos tumawa na naman si
Christian. Concern na concern siya kay Ariza no? Ni minsan kaya, hindi siya
nagkagusto kay Ariza? Ang ganda kaya niya.
"Bye Rylie." Then kinindatan niya ako at umalis na.

"Ano meron doon? Ano pinagusapan niyo?" Tanong ni Tyler na para bang curious na
curious.

"Secret." Sabi ko sabay tawa. Ano naman kasi isasagot ko, siya pinaguusapan namin?
Baka bigla akong bugbugin nito pag nalaman niya. Tumahimik na lang si Tyler pero
nakakatakot kasi badtrip siya. Naffeel ko na badtrip siya T___T

"Umorder ka na." Sabi niya.

Umorder na ko. Nakita ko naman sila Selena na nagtatawanan kasama friends niya.
Nandoon nga din si Josh at yung mga lalaking pinagpustahan ako. Babalik na sana
kami pero...

Pinatid ako ni Selena at nadapa ako kaya...

Tumapon sa damit at mukha ko yung pagkain na dala ko. Nashock naman lahat ng tao at
nagtinginan sa eksena. Parang nakita ko na yung scene na 'to ah? Ah, alam ko na! Sa
koreanovela na pinapanood ko kagabi pero hindi naman ganito kalala na pati uniform
at mukha ko may soup, spaghetti, at kung anu ano pa. Kung tatanungin niyo ako kung
ano reaction ni Tyler, hindi ko alam. For sure naman, wala na naman siyang
expression.

"HAHAHAHAHA! Tama lang yan sa'yo!" Sabi niya.

May lalaking lumapit sa'kin.

Pagkatingala ko...

"Josh?" Sabi ko sakanya.

"Halika! Tatayo na kita." Sabi niya.


"Wag mo akong hawakan. Please? Kaya ko sarili ko." Sabi ko sakanya. Hindi ako iiyak
kasi sabi nga ni Tyler, pag umiyak ako, lalo nila akong ibubully kasi pinapakita ko
lang sakanila na pwede nila akong kayan kayanan.

"Ah. Sorry. S-s-sige." Sabi ni Josh pero halatang nagaalala...

"Ano ba Josh! Bakit mo ba kinakampihan yan? Tapos na ang dare diba?" Sabi naman ni
Selena. So alam pala talaga niyang may dare sila? Bakit ba sa school na 'to, uso
ang pustahan? Nattrauma na tuloy ako sa dare dare na yan.

"Wag ka ng magsalita Selena! Break na tayo!" Sabi ni Josh kaya mas lalong
nagbulungan yung mga tao sa canteen. Buti nga walang teacher eh. Magttime na kasi
atsaka sa faculty sila kumakain.

"P-pero-" Hindi natapos ni Selena sasabihin niya kasi...

"Oo! Itigil mo na yang kaartehan at kasamaan mo. Hindi ko na kayo kayang


pakisamahan. Ang sasama niyo at inaamin ko, naging masama ako. Hindi ako
nagmamalinis pero nakokonsensya na ako. Ayoko na pero kayo, grabe kayo! Nakakaya
niyong ganituhin ang isang inosenteng babae na puro kabutihan ang pinapakita sa
inyo??? Kinakahiya ko kayo! Kaya lang naman ako pumayag sa pustahan na yun dahil
sayo, Selena! Hindi naman ako pumayag dahil sa pera dahil hindi ko naman kailangan
nun. Minahal kita and you took me for granted. From now on, I'm out of your group.
Wala akong pakielam kung maging loner ako kesa naman kayo ang kasama ko."

Grabe! Nagspeech talaga si Josh? Hindi ko na napigilan yung iyak ko. Natouch kasi
ako eh. Parang nawala na lang ng parang bula yung galit ko. Isa pa, hindi naman
natuloy yung pagpupusta sakin ni Josh. Grabe, yun pala yun. Kaya pala siya
nakipagpustahan dahil ayaw niyang mawala sakanya si Selena. Si Selena pala yung
mastermind pero... Ano bang ginawa ko sakanya?

"Pagsisisihin mo to!" Sabi ni Selena at umalis na. Kahit ayaw ko, itinayo pa din
ako ni Josh. Nag sorry naman siya sa akin at umalis na...

Hindi na ako tumingin kay Tyler. Nasaktan ako kasi akala ko ipagtatanggol niya ako.
Oo nga naman pala, wala kami sa movies kung saan yung bida, laging pinagtatanggol
yung bida. Pero diba sabi niya ipagtatanggol niya ko? Oh well. Life goes on...

BRAIN: Wag kasing umasa kung alam mong wala ka ng aasahan. Hindi naman talaga kayo
eh. Kakakilala niyo pa lang, wag kang OA. Malamang hindi ka niya ipagtatanggol kasi
you're just a stranger to him. No more, just less.

HEART: Hindi nga si Rylie at Tyler pero nangako siya diba? Nangako siya kaya umaasa
pa din ako. Umaasa pa din ako na ipagtanggol niya ako kahit hindi naman ako
mahalaga sakanya. Isa lang akong bestfriend ng pinsan niya pero umaasa pa din ako.

May lumapit na babae sa akin. Ang ganda niya, sobra! Tumingin naman ako kay Tyler,
nakatitig lang siya. Sige, go lang Tyler, tumanganga ka lang diyan. Okay lang naman
ako dito eh. Sure, no problem.

"Miss, okay ka lang ba?" Tanong ng babae sabay punas sa mukha ko gamit panyo niya.
Nag thank you naman ako sakanya.

"No problem. By the way, I'm Janilyn." Sabi niya tapos nakipagkamay siya. Ang bait
naman. Kahit ang baho na, di pa din siya maselan.

"I'm Rylie." Sabi ko sabay abot ng kamay ko sakanya.

Binigay niya sa akin yung handkerchief...

"Sa'yo na yan. Mauna na ko ah. Ingatan mo sarili mo, madaming hindi katiwa-tiwala
sa mundong 'to. Dapat matuto kang lumaban, Rylie. By the way, mauna na ko ha?
Byebye!" Sabi niya. Ang bait naman.

She winked at me.

Sakin nga ba or kay Tyler?

Baka naghahallucinate lang ako. Baka sakin yun?

Tumingin naman ako kay Tyler, nakatingin lang siya kay Janilyn.

Nagpunas na ako ng mukha ko at bumalik sa table.


"Uy Rylie, ano nangyari sa'yo?" Tanong ni Aisha.

"Wala. Nadapa lang ako. Sorry ah. Natapon ko pagkain niyo. Bibili ko na lang ulit
kayo." Sabi ko. Tumakbo na ako at pumunta sa CR. Ayoko umiyak. Hindi pwede.

Sanay na ko mapahiya! Kailangan ko na ding masanay na hindi umiyak. Lumabas ako ng


canteen ng nagtitinginan sa akin yung mga tao. Pag punta ko sa CR...

Nakita ko si Selena na nakaharap sa mirror at umiiyak.

"Uy, bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Common sense naman Rylie!

"Tinatanong mo pa kung bakit eh tingnan mo nga, ang loser loser ko na." Sabi niya.
Naawa naman ako...

"No, you're not." Sabi ko.

Ayoko talaga makakita ng may umiiyak.

"Nakipagbreak na sa akin si Josh. Mahal na mahal ko siya. Sa totoo lang, yung kay
Tyler, crush ko lang siya. Pero si Josh ang mahal ko. Nagseselos nga ako sa'yo eh."

Hindi pa talaga sila break ni Josh. Sinabi lang nila na hindi na sila dahil nga sa
dare nila.

"Ngayong alam mo na, pwede mo na akong pagtawanan." Sabi na naman niya.

"Bakit naman kita pagtatawanan?" I wiped her tears.

"Hindi ka ba naiinis sa akin?" Tanong niya.


"Naiinis. Pero hindi ako galit sa'yo." Sagot ko naman...

"Bakit ba ang bait mo? Wag mo nga ako kaawaan! Just stay away from me."

Tumulo na naman yung luha niya kaya she wiped it.

"I gotta go. Kahit papaano nailabas ko na mga hinanakit ko. Bye!" Sabi niya.

"Bye, Selena."

"Thanks."

Umalis na siya.

SI MS. POPULAR?

NAG THANK YOU SA AKIN?

WHAT A MIRACLE!

Pinunasan ko na yung mukha ko. Pumunta din ako sa locker ko kasi may PE uniform ako
doon. Pumunta na ulit ako sa CR at nagpalit na ng damit. Bumalik na ako sa canteen
at nakita ko silang may pagkain na...

"Oh? Nakabili na kayo?" Tanong ko sakanila.

"Yup. Ano ba ginawa mo dun? Ganun pa din?" Alam kasi ni Aisha na pag pupunta ako sa
CR ng malungkot ako, iiyak ako doon. Mukhang di pa nila alam yung nangyayari pero
alam ni Aisha na malungkot ako, for sure.

"Wala. Thank you. Sorry." Sabi ko naman sakanila kasi


Tiningnan ko si Tyler. Bakit ba ang tahimik niya.

"Uy. Galit ka ba?" Tanong ko sakanya. Naiinis na ko. Bakit ba ayaw niya ako
pansinin?

"Hindi." Sabi niya. See? Kasing lamig siya ng yelo kung sumagot.

"Selos lang yan. Wag kang magalala pare! May Ariza na ko." Sabi ni Christian sabay
akbay kay Ariza. Inalis naman ni Ariza yung kamay ni Christian sa balikat niya...

"Yuck. Corny mo." Kawawa naman si Christian.

Hindi pa rin nagsasalita si Tyler.

Wag pilitin kung ayaw!

Tapos na kaming lahat kumain at nagpaalam muna ako sakanila na mag-CCR lang ako.
This time, call of nature na. Hindi na kung anu anong kadramahan...

Naglalakad na ko sa hallway papuntang CR...

Hay nako!

Ano bang problema niya?!

Wala naman akong ginawang masama ah?!

Sabi nga sa magkaribal:

"YOU WANT WAR? I'LL GIVE YOU WAR!"


"Ha? Ba't mo kinakausap sarili mo?"

Pagtalikod ko...

Si Tyler.
####################################
CHAPTER 10 (Butiking nangitlog!)
####################################

CHAPTER 10

"Ha? Bakit mo kinakausap sarili mo?" Nagulat naman ako kasi biglang may nagsalita.
Alam na alam ko na yung boses na yun eh. Pagtalikod ko...

"Ano ba sinabi ko?" Tanong ko kay Tyler.

"Tsss. Narinig ko yun." Ginulo niya yung buhok ko. Narinig naman pala niya eh,
tinatanong pa! Sus.

"Bakit ka ba kasi nagagalit?" Tanong ko.

"Sino ba may sabing nagagalit ako?" Tama bang sagutin yung tanong ko ng isa pang
tanong? Atsaka tanungin kaya niya sarili niya. Siya nga 'tong hindi namamansin eh.

"Hindi ka galit?" Tanong ko.

"Hindi. Sumakit lang ulo ko kanina." Sabi naman niya. Ahhh, sumasakit lang pala ulo
eh. Grabe kasi Rylie, ang OA mo magreact. Dahil kaya sayo kaya nagkasakit yung tao.
Wala kang karapatan mainis man lang no...

"Akala ko nagagalit ka. Sorry." Sabi ko sakanya.

"Bakit naman ako magagalit?" Tanong niya. Bakit nga naman siya magagalit?

"Wala wala." Sabi ko.

Tumawa siya at ginulo na naman buhok ko. I fixed my hair tapos may narinig kaming
ingay sa likod namin. Sila Ariza, Christian, at Aisha lang pala. Iniinis na naman
nila kami. Kaya daw kami lumabas para daw mag solo...

"Kaya pala lumabas ka, TYLER. Akala ko ba, iinom ka lang sa fountain? Hmm." Sabi ni
Christian. Sinuntok na naman ni Tyler si Christian pero pabiro lang ulit.

Bumalik na kami sa room. Nakasalubong nga namin group nila Selena eh. Wala nga lang
doon si Selena at Josh. Inirapan ako ng mga babae tapos yung mga lalaki naman, di
tumingin sakin. Tss. Naiinis pa din ako kahit ayokong mainis sakanila...
Oo nga pala, may audition na naman ng music club ngayon kaya pinatawag na naman
yung mga officers sa music club like President, Vice President, etc. Yung vice
president ng music club yung pumalit sa akin kahapon since hindi ako nakapasok. 1st
year students na lang yung mga pwedeng mag audition ngayon since tapos na ang
audition for fourth, third, and second year students. Pinagsabay na kasi kahapon
yung third and second year eh...

Sa monday na nga pala ilalabas yung results.

"Ate Rylie, add kita sa Facebook mo ha?" Tanong ng isang cute na freshman sa akin.
Nag sure naman ako. Oh c'mon, ang cute cute niya kaya. His name is Gelo pala and
natulala kaming lahat kasi parang anghel yung boses niya nung kumanta siya. Sure
pasok na nga siya eh.

Natapos na yung audition pero bago ako bumalik sa classroom, kumain muna ako kasama
yung mga kamembers ko sa Mcdo. Friends ko naman sila eh pero hindi sila yung
friends ko na parang Aisha. Si Aisha kasi, one and only.

Tinatanong nga pala nila ako kung ano meron sa amin ng gwapong transferee student.
Sabi ko naman, boyfriend ko. Lord, patawarin niyo po ako. Huhu. Wala naman po
kaming naaapakang tao diba? Pinagtatanggol lang po namin ni Tyler mga sarili namin
sa masamang espiritu. AMEN.

"Jam, paano kayo nagkakilala ni hanbie?" Tanong ni Jessica. Siya kasi yung Vice
president ng music club and yeah, siya yung pumalit sa akin kahapon. Jam tawag nila
sa akin since Jamilah yung first name ko at parang mas bagay daw yun sa club namin
kasi daw parang jamming, ganun. Ewan ko ba, naguguluhan din ako eh. Hanbie nga pala
tawag nila kay Tyler kasi 'HANDSOME NEWBIE' daw. Sus! Lahat na lang ah?! Lahat na
lang nagkakagusto doon.

Anyway, ano ba sasabihin ko?

"Bestfriend ko kasi si Aisha diba eh pinsan niya si Tyler so meaning, dati pa lang
magkakilala na kami. Grabe 5 pa lang yata? I forgot eh. Sobrang tagal na kasi.
Noong una, akala ko ako lang may gusto sakanya kasi I was an ugly duckling back
then. Ewan ko kung hanggang ngayon eh ugly duckling pa din ako. But I don't care
kasi alam kong tanggap ako ng mahal ko." Proud kong sinabi. Nag yiee naman sila.
Nice one Rylie! Pero grabe, all eyes on me talaga? Hindi tuloy ako makaconcentrate.

"Tapos?" Sabay sabay naman nilang sinabi. Nakakaba naman sila.


"Tapos yun nga, hearthrob siya sa school nila at masungit siya sa halos lahat ng
tao. Snob din kasi eh. Pero alam niyo ba, kahit Grade 1 o kaya nagtatrabaho na,
nagkakagusto sakanya kaya nga lalo akong nawalan ng pag-asa." Sabi ko na naman. By
the way, sa It Started With A Kiss ko nakuha yun. Diba yung bidang lalaki doon,
sobrang hearthrob na kahit sinong bata o matanda eh naiinlove pero sobrang sungit
din? Lagot ako kay Tyler kasi sabi ko masungit siya.

"Tapos???" Sabay sabay na naman nilang sinabi...

"So yun, ginawa ko lahat para mapansin niya ako kasi nga may gusto ako sakanya.
Nag-aral ako ng mabuti, sumali ako sa music club, nagpaganda ako. Lahat yun ginawa
ko para sakanya," Makakasuhan na ba akong plagiarism? Kinopya ko lang yan sa Crazy
Little Thing Called Love na Thai movie eh...

"Wow Ate Jam! Parang Crazy Little Thing Called Love lang ah? Diba si Nam ginawa
lahat para kay Shone? Nakakaiyak nga yun eh. Nangyayari pala yun sa totoong buhay?
Ako kaya, may pag-asa pa kaya ako na mapansin ng crush ko?" Sabi naman ni Raissa
kaya binatukan naman siya ni Renz.

"Tumigil ka nga diyan." Sabi ni Renz. Ehem, I smell something fishy. Tinukso naman
sila ng mga kasamahan namin sa music club...

Sophomores nga pala sila. Actually, si Raissa at Renz lang ang nakapasok na
sophomore sa officers ng Music club. Bale silang dalawa yung muse at escort namin.
Bagay na bagay nga sila eh. Pati nga sa classroom nila, muse and escort sila.

"Mamaya na nga yan. Pagsalitain muna natin si Ate Jam. Ano na nangyari after mo
pagbutihan yung academic and extra-curricular activities mo Ate?" Si Zaphire naman
yung nagsalita. Third year highschool at siya naman yung treasurer namin. Yeah,
halos babae kami sa music club.

Tumingin na naman sila sa akin at nag focus. Hay nakooo. Akala ko makakatakas na ko
eh. Nasaan na ba ako? Ah, okay. Grabe, kailangan ko mag-isip ng magandang story.

"Uhmm, yun nga. Naging close kami." Sabi ko kasi wala na akong maisip. Sabi nga
nila, buti daw naging close kami eh masungit pa naman siya. Hala, natakot yata sila
kay Tyler dahil sa akin. May nagtanong naman na hindi ko inaasahan...
"Diba ate, nagkatatlong boyfriends ka na? Ibig sabihin ba nun, hindi mo sila
minahal kung si Kuya Hanbie yung minahal mo since elem ka pa lang?" Tanong naman ni
Freah. Siya nga pala yung secretary ng club namin...

Oo nga pala, nakalimutan ko yung tatlong nanloko sa akin.

"Hindi ko sila minahal. Akala ko lang na minahal ko sila kasi syempre, sobrang bata
ko pa. I mean, akala ko mahal ko na sila dahil lang sa konting sweetness na
pinakita nila. Infatuation is the right word." Yan lang siguro ang katotohanan sa
lahat ng mga sinabi ko. "Pero nagtataka nga ako eh kasi everytime na iiwan ako ng
mga boyfriends ko, si Tyler pa din naiiisip ko." NOT. Natatawa nga ako sa comments
nila eh. True love daw ek ek. Nagaadvice pa nga sila sa akin. I feel sorry for them
though.

"Eh paano naging kayo ni Hanbie?" Tanong naman ni Jessica (Vice President)

"Noong nalaman niya na nagbreak na kami ng last boyfriend ko last school yr,
niligawan niya agad ako kasi baka daw mamaya, maunahan na siya hanggang sa naging
kami. Sabi pa nga niya, noon pa lang, may gusto na siya sa akin pero lagi naman daw
siyang nauunahan tuwing magcoconfess siya." Grabe, ano bang pinagsasabi ko? Paano
ko nasasabi lahat ng 'to? Weird.

Natapos na ang usapan kaya bumalik na kaming lahat sa mga classrooms namin. Pati
nga sa pag-alis namin sa Mcdo, hindi sila makamove-on. Hanggang sa pagbalik sa
school, yun topic namin. Sabi ko, magwa-one yr na kami ni Tyler, sabi ko din na ako
lang ang pwedeng tumawag na Tyler kay Tyler kasi ako lang daw may karapatan tumawag
sakanya noon, sabi ko din na kaya hindi siya pumupunta sa school kasi lagi kaming
sa bahay or sa mall nagkikita at kung anu ano pang kwentong barbero para maging
kapani-paniwala kaming dalawa. LORD, FORGIVE ME.

Pagpasok namin ni Jessica sa room, nagtinginan classmates namin at hindi ko alam


kung bakit. Kaming dalawa nga lang pala ni Jessica yung officers sa section namin.
Pagkaupo ko...

"Aish, ba't sila nagtitinginan?" Tanong ko.

"Eh hot issue pa din kasi yung nangyari sa canteen kanina. Nakipag-away pa nga ako
sa labas kanina eh, nakakainis kasi! Ughhh! Buti favorite ako ni Mr. Andres at sila
yung pinatawag sa Guidance, hindi ako kasama. By the way, nag cut na ng classes si
Selena. Buti nga sakanya." I guess, alam na nilang lahat yung nangyari. Nakarating
na nga kay Aisha eh. Kaya nga hindi ko sinasabi 'to kay Aish kasi sigurado,
magiinit na naman yung dugo niya.
"Uy, wag ka naman ganyan. Nakakaawa nga yung tao eh." Sabi ko.

"Wag ka nga masyadong mabait! Pinahiya ka niya sa maraming tao tapos kinakampihan
mo pa? Abnormal ka ba talaga???" Sabi ni Aisha. Sanay naman na ako sa babaeng 'to.
Touched nga ako sakanya kasi sobrang nagaalala siya sa akin pero hindi naman niya
dapat pagsabihan ng ganun si Selena lalong lalo na sa likod nito.

"Ang sa akin lang naman kasi, napahiya din naman si Selena. Mas nakakahiya pa nga
yung nangyari sakanya eh. Although naiinis pa din ako, I'm okay. Ginawa lang naman
yun ni Selena kasi nabulag siya eh or maybe naimpluwensyahan. We don't know her
story kaya we shouldn't conclude." Sabi ko. Tumahimik naman si Aisha pero naiinis
pa din siya sa nangyari. Gusto daw niyang ilublob sa kumulong tubig si Selena dahil
sa ginawa niya sa akin. Sinermonan nga niya ako kasi di daw ako lumaban...

Natapos na ang buong klase at nagpunta na ako sa locker ko para iwanan yung mga
gamit na di kailangan at dalin yung mga kailangan dalin. Habang nasa kalagitnaan
ako ng aking pagaayos ng magulo kong locker, bigla akong nakarinig ng boses sa
likod ko.

"Sorry." Sabi ng isang lalaki na sobrang familiar ang boses. Pagtalikod ko...

"Ay butiking nangitlog!" Nahulog lahat ng gamit ko sa locker ko.

Hayy, ito na naman ako.


####################################
CHAPTER 11 (Face Palm)
####################################

CHAPTER 11

Nahulog yung mga gamit ko sa locker ko kaya sabay namin pinulot. Nag sorry naman
ako at nag thank you. Grabe kasi, ang burara ko forever. Kung saan saan na lang
nilalagay yung mga gamit...

"Ano ba yan, babae ka ba? Ba't ang kalat ng gamit mo?" Tanong ni Tyler.

"Sorry naman ha? Lalaki kasi ako eh," Sabi ko in a sarcastic way.
"Ughh! Fine! I'm sorry." Sabi niya.

"Sorry saan?" Tanong ko habang nagaayos ako ng gamit ko na tumapon. Hindi naman ako
tumitingin sakanya...

"Sorry sa kanina. Hindi naman talaga ako galit." Sinabi naman na niya yun diba?

"Hindi nga. D-diba masakit yung ulo mo nun?" Sabi ko na nagaayos pa din. Nahuhulog
kasi yung mga books and notebooks ko habang nagaayos ako kaya di ako matapos tapos.
Natataranta din ako kausap 'to. Ewan ko ba kung bakit...

"Yeah. I wasn't lying but I didn't tell everything. Masakit ulo ko at naiinis ako
kasi-" Kumunot yung noo niya. "Hindi ko din alam eh. Basta! Naiinis ako siguro kasi
nararamdaman kong pinaguusapan niyo ako ng kaibigan or should I say, 'bestfriend
ko' behind my back at tuwang tuwa pa kayo. Naiinis ako kasi hindi pa kita
nakikitang tumawa ng ganun at naiinis ako dahil may pa secret secret ka pang
nalaman. Yung totoo, hindi ka ba masaya na kasama ako? Err. Nevermind." Nagulat
naman ako sa sinabi niya at natawa kaya bumagsak na naman lahat ng gamit ko sa
locker ko. Natahimik naman ako at siya naman yung tumawa. Kainis naman oh.

"Ano ka ba. Wag mo ngang sabihin yan! That's not true. Pero Tyler, totoo bang ayaw
mo magpatawag na Tyler sa iba?" Tanong ko sakanya.

"Yeah, that one. Actually, yes. Pag sinasabi nila yung Tyler, naiinis ako. Hindi ko
din alam kung bakit eh. I just find it weird pero pag ikaw naman yung nagsasabi, I
don't know but I find it... cute? I mean, the way you say 'Tyler', it's cute kaya
hinayaan ko na lang. Kaya kung napapansin mo, nagrereact ako everytime na tinatawag
mo akong Tyler kasi hindi ako sanay na tinatawag ako sa pangalan na yun. And yeah,
you're the only person who's allowed to call me, Tyler." OMG! Nagkatotoo yung
kinwento ko sa music club members. Sabi ko sakanila, ako lang ang may pwedeng
tumawag na Tyler kay Tyler kasi yun yung gusto niya something something blaaaah.
Nakalimutan ko na eh.

"Oh? Talagaaa? Thank you, Tyler. Thank you! Ang saya saya ko. Pero may kasalanan
ako sayo..." Sabi ko.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Ano kasi- Sabi ko kasi-" Sasabihin ko na sana kaso...


"OMG! Ang gwapo niya! Shocks talaga." Sabi ng babae sa gilid.

"Oo nga eh. Sayang may girlfriend na! Alam mo ba, kinwento sa akin ni Zaphire
kanina kung paano sila nagkakilala ng babae na yan. Grabe pala, ang dami na nilang
pinagdaanan. Ang sweet nga ng lalaki eh kaso... Suplado at masungit. Snob pa daw!
Justin yung name. Hindi siya pwedeng tawaging Tyler or else... Tsk tsk." Sabi nung
katabi niya. Nakuuu, baka isipin niya sinisiraan ko siya o kaya naman nagyayabang
ako. Hayy nakooo.

Nag ayos naman ako ng locker ko ng mabilis. Naayos ko nga eh, ang galing. Walang
kahirap hirap samantalang kanina, halos abutin ako ng siyam siyam. Hindi ko nga
alam kung paano ko naayos eh. Ang alam ko lang, napagkasya ko lahat ng books and
notebooks ko sa locker ko at naubos laman ng bag ko. Nilagay ko pa nga sa floor bag
ko para mapabilis na yung pagaayos ko ng locker.

Nakatingin lang sa akin si Tyler. Hindi ko nga alam kung ano expression niya eh.
Kainis kasi na babae yun! Sasabihin ko sana kay Tyler kanina kaso inunahan naman
ako...

"Bye Tyler!" Sabi ko sakanya ng hindi lumilingon. Aalis na sana ako kaso hinila
niya yung collar ko sa likod kaya napaatras ako...

"B-bakit?" Tanong ko. Inalis niya yung kamay niya sa collar ko tapos hinarap niya
ako sakanya.

"Naiwan mo," Oo nga pala, yung bag ko! Speaking of, yung bag ko hawak hawak niya.
Kinuha ko naman tapos tumalikod na ulit kaso pumunta naman siya sa harapan ko kaya
tumalikod naman ulit ako...

"Humarap ka nga sa akin." Sabi niya ng mahinahon.

"Eeeeh? Galit ka eh," Sabi ko na halatang kinakabahan.

"Humarap ka na, dali." Humarap naman ako sakanya ng dahan dahan...

"SORRY! SORRY TALAGA! FORGIVE ME. WALA NA KASI AKONG MAISIP NA STORY EH KAYA GINAYA
KO NA LANG YUNG MGA NAPAPANOOD KO SA TV. SIGE NA TYLER, SORRY NA. PATAWARIN MO NA
KO! HUHUHU!" Sabi ko sakanya na nakapikit pa yung mata tapos yung kamay ko eh
parang nagdadasal.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry," Dahan dahan ko naman dinilat yung mata ko.
Nakangiti siya?

"Huh? What do you mean? Pinapatawad mo na ko?" Sabi ko na tuwang tuwa.

"Nope." Sabi niya. Ang gulo naman niya. Akala ko ba wala akong dapat ihingi ng
sorry?

"Unang una, wala kang dapat ihingi ng sorry kasi wala ka naman ginagawang masama.
Alam ko naman na sinabi mo lang yun sakanila dahil kailangan eh. Oh well, wala
akong magagawa pero pwede bang ikwento mo sa akin yung story nating dalawa para pag
may nagtanong sa akin, alam ko sasabihin ko?" Ahhh. Ganun pala yun. Shocks! Oo nga
pala! Paano pag tinanong nila si Tyler at iba yung sabihin niya. Hala, deads na.

"Pangalawa, thankful pa ako kasi sinabi mo na masungit, suplado, at snob ako. At


least hindi na maghahabol yung ibang babae at sayong sayo na ako. I mean, bilang
fake boyfriend mo." Mahina yung pagkakasabi niya sa last sentence kaya ako lang
nakarinig. Natahimik naman ako. Ewan ko ba kung mainit ba talaga o kinikilig lang
ako. Shiz.

Hindi nagtagal, dumating na din si Aisha. Kinwento ko naman sakanilang dalawa yung
kinwento ko sa music club members na love story namin 'kuno'. Tawa nga sila ng tawa
kasi sobrang obvious daw na ang hopeless romantic ko. Ang sweet nga daw namin sabi
ni Aisha pero sa love story 'kuno' lang naman kami sweet no. Inaapi na nga nila ako
eh. Naaawa na ko sa sarili ko kasi pinagtutulungan ako ng mag pinsan. Hayy, mag
pinsan nga sila.

Natapos na din sa wakas ang nakakapagod na araw. Matutulog ako kila Aisha ngayon.
Makikita ko na naman sila Tito Anton and Tita Maricar, parents ni Aisha. Sure na
may ipapadala na naman na pagkain si Tita Maricar sa amin. Ang bait bait talaga.
Nahihiya na nga kami eh kaya nagpapadala din sila Papa ng pagkain sakanila...

"Rylie, magtapat ka nga sakin, may gusto ka ba sa pinsan ko?" Tanong niya habang
nagdidinner kami dito sa dining table. Nasamid naman ako at naibuga ko lahat sa
mukha niya yung kinakain kong adobong manok at rice. Napayuck at napasigaw naman
siya at dali daling pumunta sa CR.
"Oh Rylie anak, ano nangyari doon?" Tanong ni Tita Maricar. Anak nga pala tawag
nila sa akin. Minsan naman, mommy at daddy na din tawag ko sakanila ni Tito Anton.
Oo nga pala, kakarating lang nila dito sa dining area kasi may inaayos pa silang
papers kanina kaya mauna na daw kami ni Aisha kumain.

"Hindi ko po alam eh," Sabi ko. Naaawa at nakokonsensya naman ako sa nagawa ko kay
Aisha. Kung ako din naman kasi yun, madidiri talaga ako ng bonggang bongga. Pero
nangingibabaw talaga yung tawa ko eh. Pinipigilan ko lang kasi baka akalain ng
parents ni Aisha, nababaliw na ako.

Bumalik na si Aisha at sobrang sama ng tingin sa akin. Tinatanong nga sila nila
Tito kung okay lang siya. Sabi niya, okay lang naman. Nahilo lang daw siya ng
konti.

"Humanda ka talaga mamaya sa akin, Rylie!" Bulong niya. Bale magkatabi kami ngayon
ni Aisha dito sa right side. Nasa left side naman si Tita Maricar at syempre, nasa
dulo ang padre de pamilya na si Tito Anton. Kahit tatlo lang sila sa pamilya nila,
masaya sila.

"Oh, kamusta sa school niyo?" Tanong ni Tito Anton.

"Okay naman yung school namin ni Rylie, Papa. May Aircon pa din every room, ayos pa
naman yung mga computers sa comp lab kaso kulang kulang na yung mga gamit sa lab
kasi nabasag ng mga tiga kabilang section nung nag experiment sila. Yung library
naman-" Hindi natapos ni Aisha yung sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Tita
Maricar.

"Aisha, ano ka ba. Sumagot ka nga ng maayos." Sabi ni Tita. Loka loka kasi si Aisha
eh, ginawang literal yung tanong Tito. Yung school talaga yung sinagot, hindi yung
pagaaral niya.

"Opo Papa. Okay lang yung pag-aaral namin ni Rylie. Medyo madaming requirements eh
pero so far, ayos naman. Eh yung work niyo po? Kamusta?" Wow. Naihipan yata ng
hangin at biglang bumait 'tong si Aisha. Workaholic kasi parents niya kaya nga
kadalasan, wala siyang kasama sa bahay nila since wala naman siyang kapatid. Mas
nakikita pa nga niya si Manang Cora kesa sa parents niya. Kaya nga din lagi siya
natutulog sa amin kasi ayaw daw niya umuwi sa bahay nila kasi wala naman daw siyang
kasama at ginagawa doon.

"Mabuti naman and yeah, about that! Mawawala kami ng mommy mo for two weeks kasama
sila Tita Carmina at Tito Jimmy mo. Okay?" Bumulong naman si Aisha ng 'lagi naman
eh' pero hindi naman narinig nila Tito. Mabuti kung ganun or else, away na. Biro
lang.
"May kailangan kasi kaming tapusin sa Australia eh pero babalik naman kami. Sa
Sunday na nga pala alis namin." Hindi nagsasalita si Aish. Hayy, malulungkot na
naman bestfriend ko pero ganyan talaga kung ang parents mo eh hindi mabubuhay ng
hindi nagtatrabaho sa bawat segundo ng buhay nila. OA lang, Rylie?

"By the way, nakausap na namin parents ni Rylie at pumayag naman sila na doon muna
magstay habang di pa kami nakakabalik ng mommy mo. 1 month din kasi mawawala si
Manang Cora dahil may sakit yung apo niya. Naisip din namin na magiging happy ka
pag nakasama mo bestfriend mo. Kasama nga din pala yung mga pinsan mo..."

Nanlaki naman mata ni Aisha, "Talaga Ma? Talaga Pa?" Tumango sila ng sabay kaya
tumili si Aisha. Niyakap pa nga ako eh kaya tawa din ng tawa sila Tito Anton at
Tita Maricar. Sino ba naman ang parents na hindi matutuwa kung yung anak nila eh,
masayang masaya?

"Pero wait lang, kasama talaga MGA PINSAN ko? Yung anak nila Tito Jimmy at Tita
Carmina?" Tanong ni Aisha. Tumingin siya sa parents niya tapos tumingin naman siya
sa akin. Teka, yung mga pinsan ba na sinasabi niya ay sila... No. Imposible. Hindi
talaga.

"Oo. Alam ko naman na sanay na sila na wala sila Tito Jimmy at Tita Carmina mo sa
bahay kasi nasa ibang bansa sila palagi kaso naisip namin na mas okay kung
magkakasama kayo. Yung mommy at daddy naman ni Rylie yung nag suggest nito eh. Isa
pa, may sakit yung kambal at nag-aaral pa naman yung kuya nila kaya hindi din sila
maalagaan masyado. Wala naman akong masyadong tiwala sa katulong nila eh. Sobrang
bata pa kasi hindi gaya ni Manang Cora. Atleast doon kila Rylie, sure safe kayo
kasi nandoon parents niya." May point naman si Tito Anton doon. Ang cool talaga ng
parents ni Aisha forever kaya nga love na love ko sila eh. Sobra silang magtiwala
sa family namin.

After ng pag-uusap na yun, kung anu ano pa yung mga pinagusapan namin. Feeling ko
nga, isa na ako sa pamilya nila. Natapos na ang dinner at dumiretso na ako sa
kwarto ni Aisha. Natatakot kasi ako mag-isa sa kwarto pag hindi ko naman bahay kaya
tabi kaming natutulog pag nandito ako sa bahay nila. Naglinis na ako ng katawan at
nagbihis na. Ready to sleep na nga ako kasi nakahiga na ako sa bed. Pipikit na sana
ako kaso...

May babaeng lumabas mula sa CR na parang kakainin ako. Nakatwalya pa yung buhok
niya. Siguro mga 1 hour and 30 minutes siyang naliligo. Nagtulug-tulugan naman ako
kaso mukhang hindi effective kasi...

"JAMILAH RYLIE HAO!" Sigaw niya at pinagpupukpok ako ng unan niya. Nakapikit pa din
ako...

"Hoy! Alam kong gising ka kaya if I were you, bumangon ka na diyan at harapin mo
ako." Sabi na naman niya. Dumilat na ako kasi alam kong hindi matatahimik yung
kaluluwa nitong si Aisha.

"Ano na naman, Aisha?" Tanong ko na parang inosente. Galing ko umarte no?

"Hoy! Bakit mo binuga sa akin yung kinakain mo??" Tanong niya.

"Ayusin mo kasi yung mga tanong mo no." Sabi ko.

"Maayos naman yung tanong ko ah? Pwera na lang kung ayaw mo sagutin dahil
nagkakagusto ka na nga sa pinsan ko or gulity ka lang talaga. Nakooo, Rylie ah.
Don't cha lie to me. I know you too well." Sabi naman ni Aish. Teka, ang labo ng
choices niya ah.

"Hindi nga. Wait nga pala, sino ba yung mga pinsan na tinutukoy nila Tito Anton?
Kilala ko ba?" Tanong ko sakanya. Iniba ko na yung usapan para di awkward para
sakin. Pero naccurious naman kasi talaga ako. Syempre, hindi ko naman alam kung
sino yung titira sa bahay namin pero for sure naman, mapakakatiwalaan kasi pinsan
yun ni Aisha.

Nagulat ako kasi tumawa si Aish.

"Oh, ba't ka tumatawa diyan?" Tanong ko.

"Kasi naman, kilalang kilala mo yun tapos tinatanong mo pa. Tama yung nasa isip mo
kanina pa, okay? Si Tyler mo aka Justin na pinsan ko kasama yung pinakamamahal
niyang kambal ang titira sa bahay niyo." Sabi niya. Talaga bang kahit anong topic
ang itanong o sabihin ko, babalik at babalik pa din kami sa pangalang Tyler? At
anong sinasabi niyang 'Tyler ko'? Weird talaga nitong taong 'to. Ipagpilitan daw ba
ko sa pinsan niya. Awesome, dude.

1 AM na nga pala kaming natulog dahil ang daldal ni Aisha. Dati pa pala akong
kilala ni Tyler dahil kinwento niya ako ni Aisha sakanya everytime na nabbwisit
siya mga nagiging boyfriend ko at pati na din sa akin. Masyado daw kasi akong
mabilis maniwala yada yada yada.
******

"Aishaaa! Wag naaaaman kasi." Mangiyak ngiyak na ko dito. Si Aisha naman pati mga
kasama namin, tawa ng tawa. Sira talaga 'to. Ako na naman ang nakita. Walang
mapagtripan.

"Kiss muna?" Ngumiti naman siya ng nanloloko kaya tumawa naman mga kasama namin.

"Akin na nga kasi yung phone ko. Wag mo naman i-send yan oh? Pleeaase? Pag sinend
mo yan, FO na tayo! Sobrang FO na tayo! Aishaaa, hindi naman kami cloooose! Baka
isipin pa niya, may gusto ako sakanya. Aishaaaa!" Sabi ko sakanya habang medyo
nanggigilid na yung luha ko. Ayaw niya kasi ibalik yung phone ko sa akin tapos
itetext pa niya si Tyler. Baka mamaya, sabihin ni Tyler, stalker ako kasi pati
number niya inaalam ko. Eh nung 2nd day of school nga, nahuli niya ako na
tinititigan ko siya. Nakakahiya talaga.

Sa mga hindi nakakaalam, FO means Friendship Over. Hay nakooo, tawa pa din ng tawa
'tong si Aisha kasama ang magaling kong ate. Kasama nga pala ni Achi yung boyfriend
niya. Kasama din ni Aisha si Drei. Si Lynne naman kasama si Brylle. Wow! Ano ako?
Chaperone ng tatlong lovers? On the other side, medyo naiinggit ako kasi ako lang
yung walang kapartner. Biruin mo, ang gegentleman nila sa girlfriends nila. Habang
ako, laging nasa huli nilang anim. Kawawang bata.

"Hello lang naman itetext ni Aisha, Rylie. Wag kang OA, please? Sige na Aisha,
ituloy mo na yan!" Sabi naman ng napakabait kong kapatid. Pinagtutulungan na naman
ho ako dito. Nasa mall nga pala kami ngayon kung saan ako nawala dati. Pag talaga
umuuwi yung ate ko na 'to sa bahay namin, hindi pwedeng hindi kami maglibot kasama
friends ko. Kabaliktaran ko siya kasi taong bahay ako. Lagi lang akong nasa bahay,
nagiinternet at nagbabasa ng love stories o nanonood.

Nasa Shakey's nga pala kami to be exact at kami lang ang maingay dito.
Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh. Nakakahiya na kami. Nakita ko naman na
sinend ni Aisha yung text.

"Aishaaa, bakit mo ginawa yun?" Tanong ko. Nakakainis naman eh.

"Alam mo Rylie, hindi naman ganun si Justin at isa pa, matutuwa pa yun kung ikaw
talaga yung nagtext. Pero dahil din matalino si Justin, malalaman at malalaman din
niyang ako yung nagtext sakanya at hindi ikaw." Sabi na naman ni Aisha sabay wink.
"Bakit? Ano meron kay Tyler este Justin? May gusto na ba siya sa kapatid ko? Malas
naman niya." Tanong ni Achi. Nalaman niya kasi na ayaw ni Tyler na tinatawag siya
nun. Nalaman niya din na ako lang daw pwede tumawa kay Tyler ng ganoon kaya ayun,
todo loko na naman sila sa akin. Ang daldal kasi ni Aisha eh.

Nakapout lang ako.

"Actually, hindi ko din alam. Labo kasi mag-isip ng tao na yun. Napakamoody daig pa
babae at napaka-unpredicatable pero mabait naman yun eh. Sobrang bait at family-
oriented kaya go go go Rylie! Kaya mo yan." Kung anu ano talaga pinagsasabi niya.
Nagtawanan na naman sila.

"Teka, si Justin oh!" Napalingon naman ako sa gilid. Wala naman eh. Pagtingin ko
sakanila, pinagtatawanan nila ako. Sabi na nga ba, dapat di na lang ako tumingin.
Ugh. Obvious na daw na may gusto ako kay Justin, wag ko na daw i-deny kasi obvious
na obvious daw. Grabeee.

"Guys, wait lang. Diba si Justin yun?" Sabi ni Lynne sabay turo sa transparent
window. Nandito kasi kami sa pinakagilid ng shakey's kaya nakikita namin kung sino
yung dumadaan. PERO, hindi ako tumingin kasi baka mamaya, niloloko na naman nila
ako.

"Oo nga no? Teka, bakit may kasama siyang babae? Parang familiar yung mukha eh pero
ang ganda." Sabi naman ni Brylle sabay akbay kay Lynne. Siniko naman siya ni Lynne
sa tagiliran kaya napa-ouch siya. Tumawa din sila pagkatapos. Ang sweet sweet
naman.

"Baka date yun nung isang lalaki, hindi kay Justin." Sabi ni Kuya Iel (Ee-yel),
boyfriend ni Achi. Ang chichismosa't chimoso naman ng mga kasama ko ngayon.

"Ahhh! Kilala ko yan! Si Ariza at Christian. Oo, sila nga yung magkadate!" Sabi
naman ni Aisha. Bakit parang totoo na yung panloloko nila? Tumingin ako sa window,
wala naman. Nevermind, iinumin ko na lang yung strawberry shake ko.

"Talaga? Eh bakit parang ang tahimik ni Justin at nung Christian na sinasabi mo


tapos si Ariza lang yung dumadaldal? Tapos hindi naman nakatingin si Ariza kay
Christian kasi kay Justin siya nakatingin tapos nakahawak pa yung babae sa kamay ni
Justin? Abaaa." Sabi na naman ni Achi. Ang daldal talaga nito. Naalala ko tuloy
yung kinwento sa akin ni Christian. Originally daw, may gusto daw si Ariza kay
Tyler pero nabigo (nabigo talaga???) si Ariza kaya naman tinry niyang mahalin si
Papa Christian.
Sooo, hindi talaga sila nagloloko? Nandito nga sila Tyler? Namaaaan, bakit ngayon
pa?

Tumingin ako sa windows. Di ko naman makita. Baka naman niloloko lang talaga nila
ako?

"OMG, guys! Papasok na." Sabi na naman ni Lynne.

Nakita ko naman na tumayo si Achi. Nagulat na lang ako kasi pinuntahan niya si
Tyler. Si Tyler nandito sa Shakey's? Tingnan mo nga naman. Naniniwala na tuloy ako
ngayon na maliit talaga ang mundo... kung kayo ang nakatadhana.

Kidding aside, nagulat na lang kami pati yung boyfriend ng kapatid ko sa ginawa ni
Achi.

He hugged Tyler. Si Tyler naman, halatang nagulat.

"Hello brother-in-law! Long time no see." She said.

For the nth time, nagulat na naman kaming lahat.

Simula ngayon, wala na akong kapatid.

*FACE PALM*
####################################
CHAPTER 12 (SPLASH)
####################################

CHAPTER 12

Nakakahiya talaga kapatid ko, sobra. Kung pwede lang ibuhos ko na yung strawberry
shake sa ulo ko ngayon para may dahilan ako umalis dito, ginawa ko na kaso sayang
eh. Favorite ko kasi ang strawberry masyado kaya hindi ko magagawa yung only way ko
para makatakas.
Hinarangan ni Ariza si Tyler at humarap sa kapatid ko.

"Excuse me, who are you?" Tanong ni Ariza.

"Ako lang naman ang future sister-in-law niya. Bakit, girlfriend ka ba ni Justin
Tyler Dela Cruz? Ang alam ko kasi, kapatid ko ang girlfriend niya." Sabi na naman
ni Achi. Ayoko na talaga, naiiyak na ko. Hiyang hiya na talaga ko. Teka, alam niya
buong pangalan ni Tyler? Grabe, lalong nakakahiya. Tiningnan ko naman ng masama si
Aisha kasi tawa siya ng tawa.

Hindi naman sila pinansin ni Tyler at pumunta sa side namin. Nagtatalo pa din
silang dalawa doon. Grabe naman talaga oh. Si Christian nga, halatang hindi na alam
gagawin niya sa dalawa eh. Nakakaawa talaga.

"Number mo ba 'to?" Tanong ni Tyler sabay pakita ng phone niya sa akin. Nagulat
naman ako sa message kasi hindi lang pala 'hello' ang nakalagay kung di 'Hi Tyler.
Rylie here! Nandito kami sa Shakey's ngayon. Punta ka dito please?'

Pambihira naman talaga oo!

"Ang ganda naman ng phone mo." Sabi ko. Ang ganda kasi talaga ng phone niya eh.
Sabagay, ang laki ng bahay nila tapos ang konti konti pa nilang nakatira doon.
Narinig ko din kagabi na lagi pa palang umaalis parents nila. Kawawa naman siya
pati yung kambal. Kaya pala love na love niya yung twins kasi buong buhay niya,
siya nag-aalaga sa mga kapatid niya.

"Is this your number, Jamilah?" Nagulat ako kasi binanggit niya yung 1st name ko.
Oh nooo, he didn't. Ngayon ko lang narealize na parehas kaming may issues sa mga
pangalan namin. Makapagpalit na nga ng pangalan pag yumaman ako ng bonggang bongga.

"Wag mo nga banggitin yan! Pangit!" Sabi ko, "Oo nga, number ko yan pero hindi ako
ang nagtext niyan. Okay? So wag ka magfeeling." I added. Nakakahiya naman na talaga
ako oh. Ano ba yung pinagsasabi ko? Err. Wala naman expression si Tyler. Duuuh
Rylie, duuuh.

"Ang unfair naman ata? You can call me Tyler but I can't call you anything I want?
Isa pa, your parents call you Jamilah and I find Jamilah, beautiful." Nag yiiee
naman yung mga kasama ko. What did he mean by that? Ako ba yung maganda o yung
pangalan ko? Nyenye, feeler ka Rylie. "By the way, hindi ako nagfifeeling. I was
just asking you. Alam ko naman kung sino nagtext nito eh. Diba Aisha?" Tiningnan
niya si Aisha.

"Tama ka diyan, pinsan!" Sabi ni Aisha. Tinaas naman niya yung thumb niya kaya
binatukan siya ni Lynne. Nagtawanan naman sila Drei, Brylle, at Kuya Iel. Ang
pasaway talaga ni Aisha kahit kailan. Tumahimik naman kami sabay tingin sa likod
namin...

"Ano bang alam mo? Eh ano naman kung may gusto ako kay Justin?" Nagulat naman
kaming lahat sa narinig namin. May lumapit naman na waiter sakanila...

"Excuse me lang po mga miss pero bawal po mag-" Hindi na natapos ng waiter
sasabihin niya dahil...

"Wag ka ngang epal." Sabi niya. Mukha ngang napahiya yung tao eh. Nakakaawa.

"At bakit mo naman ginaganyan si Kuya Pedro? Ha?" Alam ni Achi pangalan ni Kuya
waiter?

"Ma'am, alam niyo po pangalan ko? Nagkakilala na po ba tayo dati?" Tanong ni Kuya
Pedro.

"Hindi Kuya. Nakalagay sa damit mo oh." Tinuro naman ni Achi yung tag na nakalagay
sa damit ni Kuya. Sabi ko nga eh, may tag. Mukhang lalong napahiya si Kuya kaya
umalis na lang siya. Nakakaawa talaga. Kanina pa din awat ng awat si Christian kaso
walang nangyayari. Speaking of Christian, halata sa mukha niya na nasaktan siya sa
sinabi ni Ariza. So may gusto pa din pala si Ariza kay Tyler? Or baka naman nabigla
lang siya dahil sa ate ko?

"Wala ka bang gagawin, Tyler?" Tanong ko kay Tyler na nakatayo pa din sa tabi ko at
wala pa ding expression yung mukha. Wow, hindi man lang ba siya nag-aalala? Eh
kulang na lang magsabunutan yung dalawa kahit kakikilala pa lang nila.

Hindi niya ako pinansin. The best talaga. Ang sarap kausap!

Tumayo naman ako at binawal sila. Noong una, ayaw pa nila ako pansinin pero
ngayon...
"Nakakainis ka naman Rylie eh. Patunayan mo nga sa babaeng yan na you're better
than her." Sabi ni Achi sa akin.

"Teka la-" Hindi ko natapos sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Ariza.

"Hindi ka naman mahal ni Justin eh. At anong karapatan mong tawagin siyang Tyler?
Ayaw niya ng tinatawag siyang Tyler!" Sabi na nga ba. Dapat di na lang ako nakielam
sa away nilang dalawa. Teka nga, bakit ba sa akin sila nagagalit eh referee lang
naman ako? Kahit sa boxing, hindi pwedeng madamay ang referee kung hindi,
disqualified yung boxers.

"Hindi naman sa ga-" Hindi ko na naman natapos sasabihin koooo.

"Ano? Ha? Ang sabihin mo, isa lang yan sa mga strategies mo para mukuha si Justin
eh. PF ka kasi. Patagong flirt. Sorry na lang pero ayaw niya ng tinatawag siyang
ganyan. Isa pa nga pala-" Naputol naman sasabihin ni Ariza hindi dahil may
nagsalita kung hindi dahil hinawakan ni Tyler yung kamay ko. Hinawakan ko din naman
ng mahigpit yung kamay niya kasi pinipigilan ko luha ko.

Ang sakit naman niya magsalita. Akala ko nung una, magiging friends kami pero bakit
ngayon, tinatawag niya akong patagong flirt? I don't get her. Sino ba talaga gusto
niya?

"J-justin?" Sabi ni Ariza.

"I love her and I guess, that already explains everything. Let's go, Jamilah." Sabi
niya. Hinila naman niya ako pero huminto naman siya. Hindi ako makapagsalita, "By
the way, Rylie's not a flirt. She will never be like you." At tuluyan na nga niya
akong hinila. Naaawa ako kay Christian. Naaawa din naman ako kay Ariza. Siguro kasi
nakita kong tumulo luha niya bago kami umalis.

Pagkatapos ng scandal na yun, wala ng kumikibo sa aming dalawa ni Tyler. Itetext ko


sana sila Achi kung nasaan na sila kaso nakalimutan kong na kay Aisha yung phone
ko. Sira talaga yun.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya.

"Uhmm, kahit saan." Wala akong maisip na kainan eh. Wala ako sa sarili ko ngayon
kasi ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ako makahabol sa sobrang bilis.
"Kahit saan? Ang hirap naman ata hanapin nun?" Sabi niya. Natawa naman ako kaya
hinampas ko siya. Hinawakan naman niya mukha ko...

"Pinapatawa lang kita, JAMILAH." Pinagdiinan talaga niya yung Jamilah ah. Nananadya
ba siya? Hinayaan ko na nga lang eh kasi una, ayoko ng away. Pangalawa,
pinagtanggol naman niya ako (first time!) at pangatlo, unfair nga naman kasi
natatawag ko siya na Tyler kahit ayaw niya.

"Wag ka na kasing malungkot, okay? Sorry kasi these past few days, hindi kita
napagtatanggol kahit kasalanan ko naman kung bakit ka nila inaaway. Okay sige,
ganito na lang. Para makabawi ako sayo, I'll treat you." Treat ba sabi niya?

"Treat?!" Tanong ko. Naninigurado lang kasi baka mali yung pagkakarinig ko eh.

"Ayaw mo?"

"Of course, NOT. Tara na nga, kain na tayo. Gutom na ko eh." Sabi ko sabay hila ng
kamay niya. Isa lang naman ang naiisip ko kanina pa na kainan kaso nahihiya naman
ako sa tatlong lovers na kasama ko kaya sabi ko, sila na lang mag decide.

Nakadating na nga kami sa...

"Jollibee? Sure ka?" Tanong niya sakin na halatang nashock. Akala niya siguro sa
mamahalin na restaurant ko siya dadalin o sa usual places na pinupuntahan ng mga
mag jowa sa mga pelikula o kahit sa totoong buhay. Ewan ko, favorite ko talaga
chicken (thigh part) ng Jollibee eh.

"Oo naman. Favorite ko 'to ever since I was a kid."

"Mukha nga eh." Umupo na siya tapos binigay na niya sa akin yung 1000 pesos niya.
Woohoo, akin na lang yung sukli. Pagpasensyahan niyo na nga pala si Tyler ha,
masyadong gentleman eh. Kakatouch. Ako talaga yung mago-order para sa aming dalawa.

Habang nakapila ako, may nagsalita sa likod ko.


"Hindi ka ba magrereklamo na ikaw yung pinaorder ko ng pagkain?" Nakakagulat naman
'to. Parang mushroom lang ah, bigla na lang susulpot. Nagkamini-heart attack pa nga
ako sa ginawa niya. Ang layo kasi ng iniisip ko eh. Hmp.

"Nakakagulat ka naman!" Sabay hampas ko sakanya, "Hindi. Sa akin naman yung change
ng 1000 pesos mo I mean ko diba? Ayiiee. Yaman yaman talaga. Sige na, umupo ka na
doon. Baka mawala yung mga gamit natin sa table oh. Ang dami pa namang tao ngayon."
Sabi ko.

"What makes you think na hahayaan kita umorder mag-isa? Inaamin kong nakakasakit
ako ng babae pero hindi naman ako ganun kabastos at ungentleman tulad ng iniisip mo
sa akin ngayon." Paano niya nalaman iniisip ko? Mental telepathy? May bluetooth?

"Isa pa, para sakanila din naman yung sinasabi at ginagawa ko eh. Ayoko sila
paasahin at paghintayin sa wala. Kasalanan naman nila kung bakit sila nasasaktan."
Sabi niya. Ang hirap talaga pag hearthrob no? Makakasakit ka kahit wala ka naman
ginagawa.

Ang hirap din pag average girl ka tapos gwapo kasama mo. Pinagtitinginan ng mga tao
sa paligid niyo yung gwapo mong kasama at para ka nilang inoobserbahan, sobrang
nakakailang. Kulang na lang, sabihin nilang hindi kami bagay eh.

"Umupo ka na doon. Pahawak na din yung phone ko." Hinawakan ko naman kaya bigla
akong kinabahan. Baka mamaya, mabagsak ko 'to ah. Katakot. "Sabi ni Aish, careless
ka daw kaya please, wag mong ibabagsak yan. Okay?."

"Okay, boss." Sabi ko at bumalik na sa upuan. After blank minutes, nakaorder na


siya. Nilapag ko naman yung phone niya sa table naming dalawa. Hayy. Gutom na gutom
na ko. Kukuhanin ko sana yung gravy sa tapat ko kaso...

*SPLASH*

Tumapon yung juice sa phone niya.

"Sht." Sabay naming sinabi.


####################################
CHAPTER 13 (Oh, stress! Lubayan mo ko, please.)
####################################
CHAPTER 13

Ano ka ba naman Rylie, kahit kailan ka talaga. Ang ganda ganda ng phone niya,
mukhang bago pa tapos matatapunan mo lang ng juice? Hindi mo nga nabagsak,
natapunan naman ng juice. Great Rylie. Just... GREAT.

Ano na bang gagawin ko ngayon?

Wala na akong ihaharap na mukha dito sa kasama ko. Saan ka nga naman kasi
makakakita ng pinagtanggol ka na nga at nilibre ka pa tapos sisirain mo lang phone
niya?

Tumayo ako at kumuha ng tissue.

"Sooorry Tyler. Sorry talaga! Ipapagawa ko na lang." Sabi ko habang nililinis yung
phone niya gamit ng tissue kaso sa sobrang pagpapanic ko, nabagsak ko naman yung
phone niya. Ayoko naaa. Lunurin niyo na lang ako sa dagat please. Nag bilin pa
naman siya na wag kong ibabagsak.

Tyler and I: O____________O

Pinulot ko naman yung phone niya na naghiwa-hiwalay na yung mga body parts.

"Nakuuu Tyler. Sorry talaga. Ang clumsy ko kasi eh, sobra. Galit ka ba? Okay lang
naman na magalit ka eh kasalanan ko naman. Sorry talaga. Ang ganda ng phone mo pero
sinira ko lang. Ang palpak ko talaga kahit kailan. Kainis! Kainis! Kainis! Sorry,
Tyler!" Pinukpok pukpok ko naman yung ulo ko gamit yung kamay ko kaso hinawakan
niya yung kamay ko...

"One sorry is enough." Ngumiti naman siya at pinunasan yung luha ko. Umiiyak pala
ako, hindi ko namalayan. Siguro nag ipon ipon na yung sadness ko kaya yun, nag
transform into tears.

He hugged me.

Patay! Paano na namin macocontact sila Aisha nito?


"Gusto mo na bang umuwi? Hindi na rin naman natin matatawagan sila Aisha eh."
Biruin mo yun, parehas kami ng iniisip? Tumango naman ako.

"Wait lang ha. CR lang ako, babalik din ako agad. Dito ka lang, ok?" Tumango ulit
ako.

Nag CR na siya kaya ang ginawa ko, tinago ko yung phone niya sa bag ko tapos kumuha
ako ng notebook sa bag niya. May sinulat ako doon tapos pinasok ko ulit sa bag
niya. Umalis na ako after nun. Nahihiya na kasi talaga ako kay Tyler...

Nahanap ko naman ng mabilis yung exit kasi tinandaan ko na talaga kanina.

Lalabas na sana ako pero biglang may nagsalita sa likod ko...

"Rylie?" Sabi niya. Pagharap ko sakanya...

"Christian? Oh, bakit ka nandito? Nasaan sila Ariza?" Tanong ko sakanya. Halatang
umiyak siya. Grabe, naaawa talaga ako.

"Umalis na si Ariza after niyo umalis kaya umalis na lang din ako. Alam kong
kailangan niya mapag-isa ngayon kaya hindi ko na siya sinundan. Nakakapagod na din
eh. Okay ka lang ba?" Ang bait naman. Tinatanong pa niya ako eh siya nga 'tong mas
malaki ang problema sakin. Tumango na lang ako at nag smile. Nag smile din naman
siya,

"Mabuti naman, okay ka." Sabi niya at saka ngumiti ulit.

"Ikaw, alam ko hindi ka okay." Tinuro turo ko siya sa dibdib niya. Natawa naman
kami parehas. Ang galing nga eh kasi hindi namin napansin na nasa Timezone na
kami...

"Gusto mo maglaro?" Tanong ko sakanya. Nag 'game' naman siya kaya pumasok na kami.
Buti na lang may dala akong card ngayon. Medyo may laman pa naman pero sabi ni
Christian, dagdagan na namin para hindi bitin. Libre naman daw niya eh kaya
syempre, gustung gusto ko naman. Hindi lang obvious...
Basketball una naming nilaro ni Chris. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang
magpatalo o wala lang talaga siya sa mood. Sana wala na lang sa mood para at least,
mas ramdam ko pagkapanalo ko. Hinila ko naman siya...

"Damn! 5 tickets?!" Sabi niya kaya natawa ako. Oo, 5 tickets lang nakuha namin sa
deal or no deal. Tinry pa namin ng isa pang beses...

"OMGGG! Jackpot tayo, Christian! Ang sayaaa!" Sabi ko. Tuwang tuwa din naman siya
at nagsisigaw kaming dalawa doon tapos nag hug kaming dalawa. Whuuut? Umalis na
kami sa pagkakahug namin. Awkward.

"Cute girl?" Nagulat ako kasi bigla biglang may limang lalaki na nakapaikot sa amin
ni Christian. Ano ba 'to, lalong naging awkward. Tekaaa...

"Kayo yung kaibigan ni Ty- I mean Justin diba?" Tanong ko sakanila. Sila yung mga
lalaking ayaw ako paalisin kasi inutos pala ni Tyler sakanila na wag akong paalisin
hangga't di siya dumadating. Ang sweet sweet nga eh. Hehehe.

Tumango sila ng sabay sabay. Hindi nagtagal, ang dami dami ng nilang tanong. Oo at
hindi na lang ako ng oo at hindi. Syempre sabi ko kaibigan ko lang si Christian
dahil yun naman ang totoo at sabi ko din na hindi ko niloloko si Tyler. Naloka nga
ako kasi hinila ba naman kami ni Christian sa KTV. Buti na lang, malaki yung KTV
dito sa timezone na 'to. Sa iba kasi, maliit.

Pinipilit nila ako kumanta pero hindi naman nila ako napilit. Si Christian, napilit
nila. Halatang depress nga eh kaya siguro napapayag. Tuwang tuwa naman yung lima.
Alam ko na nga pala pangalan nila eh. Sila Terence, Richard, Jecko, Jonas, and
Adrian. Sana lang wag kong makalimutan.

***********

"Christian, favor naman oh?" Sabi ko.

"Ano yun?"

"Pwede mo bang kunin mo phone ko kay Aisha ngayon? Sure naman akong nandito pa din
sila. After mo makuha, pakilagay naman sa bag ni Tyler pero please, dapat di niya
mapansin. Thank you!" Binigay ko na sakanya number ni Aish. Siya ang bestfriend
kaya for sure, alam niya kung saan madalas tumatambay si Tyler.

Tinanong naman niya kung bakit kaya inexplain ko na lang sakanya. Hinatid naman
niya ako hanggang terminal. Sabi ko nga wag na eh kasi sayang pamasahe. Sabi niya,
okay lang daw. Siya pa nagbayad pati ng pamasahe ko. Pagkasakay ko sa bus, umalis
na siya.

Nakauwi na ko sa wakas. Nakakapagod naman!

Nag check ako ng Facebook at Twitter ko. Wow, ang daming friend requests at new
followers. Inaccept ko naman silang lahat sa facebook kasi sayang naman effort nila
mag add. Ang dami ko ring messages at notif. Nanghina naman ako sa mga nabasa ko...

Hate mails lang pala. Grabe, ang dami kong hate mails pero madami din namang PRO-
RYLIE kahit papaano. Madami naman nagtatanggol sa akin pero ang dami talagang hate
mails eh, hindi ko mabilang. Bakit ba sobrang judgemental nila? Sabagay, ganyan
talaga ang buhay.

6:54 PM ng dumating si Achi sa bahay. Kung anu ano pa nga sinabi sakin tapos nakita
daw niya yung kanina. Sabi nga pala ni Achi, nag decide daw si Aisha na doon muna
mag stay sa house nila since aalis na parents niya bukas. Hmmm. Nagawa kaya ni
Christian yung pinapagawa ko? Sana naman nagawa niya. -______-

*************

"Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan, at tugtugin ang gitara at ang kaaya-
ayang lira. Hipan natin ang trumpeta..."

Sunday na ngayon! May pasok na naman bukas. Hayy. Ayoko na magpakita kay Tyler eh.
By the way, kung inaakala niyong nasa simbahan ako, doon kayo nagkakamali. Nandito
ako sa bahay namin at kumakanta lang ako. Siguro kung hindi mo ako kilala, iisipin
mo weird o baliw ako pero uhmm medyo nga pero kasi, habit ko na 'to. Nakasanayan ko
ng kumanta ng mga kakaibang kanta everytime na wala akong magawa. Sabi nga nila,
walang basagan ng trip.

"Ano ba yan Rylie, ang aga aga ang ingay ingay mo." Sabi naman ni Achi na lumalabas
na ng kwarto namin. Maaga kasi talaga akong nagigising kahit walang pasok eh kaya
nga lagi akong inaantok pero hindi din naman ako makatulog. Ewan ko ba ang labo.
Kumain na kami ng kapatid ko. Ang ingay nga niya eh. Mas maingay pa sa akin.
Grabeee!

"Achi, ang aga aga ang ingay ingay mo." Sabi ko sakanya. Yan tuloy, nakatikim ako
ng pagmamahal also known as sapok mula sa pinakamamahal kong kapatid.

Wag ko daw siyang ginagaya. Wag daw kasi akong pa-obvious na idol ko siya. Gusto ko
tuloy isuka lahat ng kinakain ko or pwede rin namang gawin ko na lang sakanya yung
nagawa ko kay Aish nung tinanong niya sa akin kung may gusto ako sa pinsan niya.

DING DONG.

Grabe, ang aga aga may nagdodoorbell? Sino naman kaya yun? Ahh. Baka bill lang yun
or kukuha ng basura? Or baka may nagpadala sa akin ng love letter? Sige Rylie, mag
imagine ka pa diyan. Aga aga nagdday dream ka. Eh kaya nga DAY dream diba? DAY?

Binuksan naman ni manang yung gate namin.

"Sino kaya yun? Ang aga aga eh." Sabi ni Achi. Parehas pala kami ng iniisip.

Wala nga pala parents namin. Maaga kasi silang pumapasok para sa work tapos gabi na
din umuuwi. Magkahiwalay pa nga sila ng work eh. Si Papa, sa car company namin. Si
mama naman, sa interior designing.

Si Papa, hanggang 6 PM lang naman talaga work niya pero lagi siyang inaabot ng
madaling araw kakainom. Sumasakit na nga tagiliran niya eh, ayaw naman magpacheck-
up. Si mama naman, 8 PM siya nakakauwi ng bahay kadalasan tapos paguwi, pagod pa
kaya diretso tulog agad. Maswerte na ko pag naabutan ko sila dito sa bahay parehas
ng magkasama katulad na lang nung may sakit ako. Hindi naman ako nagrereklamo kasi
naiintindihan ko naman sila.

"Hulaan ko, gardener natin yan." Sabi ni Achi.

"Hindi, electricity bill natin yan." Sabi ko naman.

"Bet?" Sabay kaming dalawa tapos tumawa.


Narinig naming dalawa na sinara na ni manang yung pinto pero teka, parang ang dami
kong nariring na foot steps tapos may naririnig akong familiar na bata na
nagrereklamo. Ayaw daw niya dito. Narinig ko naman yung isang bata na sinasabing
wag na siya magreklamo kasi ito naman gusto ng parents nila at gusto din ng Tita
Maricar at Tito Anton nila.

"Bakit parang may mga bata akong naririnig?" Sabi ni Achi kaya natawa ako. Kawawa
naman siya, walang kaalam alam na may titira sa amin.

"Ate, sila Janine at Jenine yun and hindi parang, mga bata talaga naririnig mo."
Tawa naman ako ng tawa sa expression niya. Para kasi siyang nanalo sa lotto. Tulad
ko, gusto din niya ng mga bata. Mga batang mababait sakanya.

"Teka teka, bakit may mga bata dito? May hindi ba ako nalalaman? Day care na ba
bahay natin ngayon? Ano Rylie, sumagot ka. What is happening?" Hindi ako makasagot
sa kakatawa.

"H-hindi Achi." Tumatawa pa din ako. Nung sobrang seryoso naman na ng mukha niya,
nag seryoso na din ako tapos tumawa ulit. Hayy Rylie. Ang sarap mo din kausap eh?

"Okay, ganito kasi yun-" Hindi ko na tapos sasabihin ko kasi biglang dumating sa
dining area sila manang kasama yung kambal at yung yaya nila. Natigil naman ako sa
kakatawa nung sumama tingin sa akin ni Janine.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" Sabi ni Janine sakin.

"Bahay niya 'to. Got a problem with that, little missy?" Sabi ni Achi. Tiningnan ko
naman siya, nabadtrip yata sa bata. Hinawakan ko na lang kamay niya para pakalmahin
siya.

"Yuuuuck. Yaya, uwi mo na ko pleeaase? Ayoko talaga ditooo." Hala, mukhang iiyak na
si Janine.

"Janine, wag kang umiyak. Mabait naman sila Ate Rylie." Sabi naman ni Jenine.

"Ma'am Ryleh (Rylie), Ma'am Reyogin (Reugene). Binilin pu ng mame't dadeh niyu at
sabe den ng pirints (parents) nela, sabe den ng pirints ni Ma'am Ay-sha (Aisha),
detu daw pu sela magii-stiy (stay). Se Ser Jasten daw pu, bokas na lang daw pu
magi-isti (stay) ditu kase de pa daw pu seya nakakaridi. (di pa daw po siya
nakakaready)" Si Manang talaga kahit kailan tuwing nagsasalita, pakiramdam ko, nasa
ibang planeta kami. Hindi ko kasi masyadong maintindihan eh.

"Opo Ma'am. Si Sir Justin po kasi, hindi pa siya nakakaready. Hindi niya po kasi
alam na magsstay siya dito kasi lagi po siyang late nakakauwi kaya wala pong
nakapagsabi sakanya. Kanina lang po niya nalaman nung nakita niyang paalis na yung
kambal. Sabi niya, mauna na daw yung kambal dito. Kaso, may problema pa po tayo."
Tuluy tuloy sinabi ng yaya ng kambal.

"Ano yun, ate?" Tanong namin ni Achi.

"Uhmm ehhh. Kasi po, hindi po alam ni Sir Justin na dito po siya magsstay. Ang alam
po ata niya, sa relatives nila o kila Ma'am Aisha o basta sa iba. Hindi po niya
alam na sa inyo, Ma'am Rylie. Hindi ko naman po kasi nasabi yung address kasi
nakalimutan ko po sabihin sakanya." She added. Buti pa 'tong si ate eh, ang linaw
magsalita. May parelatives relatives pang nalalaman.

"Nakooo, paano yan ate?" Sabi ko.

"Uhmm naisip ko po kasi na uhmm..." Nag-isip si ate.

"Ano yun, ate?"

"Kayo na lang po kaya magsabi kay Sir Justin bukas? Classmates naman po kayo diba
tapos close naman po kayo? Sabay na din po kayo pumunta dito kasi hindi po siya
marunong mag drive eh. Yung driver naman po nila, nandito po. Sakto nga pong
pagpasok sa parking lot niyo, bumigay po yata yung makina ng kotse." Ano bang
kamalasan ang meron ako? Baka hindi ko nalalaman, may balat pala ako sa pwet.

Ano ba naman. Plano ko ngang hindi siya pansinin kasi nahihiya ako sakanya tapos
ito naman ngayon? Pagkaganda ganda naman pala ng start ng school yr ko as a SENIOR.
Last yr of highschool ko na po, Lord. Gusto ko po sanang maging memorable last yr
ko as a SENIOR... in a good way. Not in an embarassing and depressing way.
Pakiramdam ko, mababaliw na ko.

"Achi, gusto mo ikaw na lang magsabi?" Tanong ko.


"Huuu. Ayoko nga. Isa pa, may pupuntahan ako bukas. Excuse me, hindi ako pupunta sa
school para lang sabihin sakanya na dito siya titira kasama yung mga kapatid niya.
Okay naman yung isa niyang kapatid eh, mabait... Pero ito." Tinuro niya si Janine
na inirapan naman siya.

"Itong bubwit na 'to! Ang saraaaap tirisin. Ughhhh! Dudukutin ko na mata nito eh."
Sorry ah. Medyo kulang kasi sa pasensya 'tong kapatid ko na 'to. Masyadong hot.

"Ano ka ba Achi, bata yan."

"Nag-aaral na yan. May isip na yan." Sabi naman niya at umalis na.

"Sorry Janine. Sorry Jenine. Pagpasensyahan niyo na ate ko ah. Mabait naman yun eh.
Medyo badtrip lang ngayon. Gusto niyo ba kumain?" Tanong ko sakanila.

"Magsama kayo ng ate mo." Cute pa din siya kahit anong mangyari. Ang liit liit kasi
ng boses tapos ang taba taba tapos ang sungit sungit. Naiintindihan ko naman na
over-protective lang siya sa kuya niya. Umalis naman si Janine kaya sinundan siya
ng yaya nila.

"Manang, pwede po pasundan sila Janine? Pakituro na din po kung saan kwarto nila
para makapaghinga na din po siya. Balita ko po kasi, may sakit yung kambal." Sabi
ko kay manang nag okay naman siya at umalis na. Tumingin naman ako kay Jenine.
"Ikaw Jenine, gusto mo na ba magpahinga?" Tanong ko.

"Hindi na po Ate Rylie. Salamat na lang po. Oo nga po pala Ate, ako na po yung
magsosorry para kay Janine. Labs na labs niya po kasi masyado si Kuya. Gusto niya
po, kaming dalawa lang naglalabs kay kuya. Eeeeh, sabi ko sakanya di pwede yun."
Natawa ako kasi parang matanda magsalita si Jenine. On the other side, bilib ako sa
batang 'to. Ang bait at ang lawak ng pag-iisip. Daig pa yung ibang matatanda.
Siguro paglaki nito, madaming magkakagusto dito.

"Tama! Binigyan tayo ni Lord nito..." Humawak ako sa dibdib niya. "Para magmahal at
mahalin ng hindi lang ng iisa o dalawang tao kung di lahat ng tao. Love your
enemies, your friends, your siblings, your parents, and everyone. Love God." AMEN!
Pakiramdam ko, naging pastor ako ng di oras. Praise the Lord. Allelujiah.

"Agree po ako sa inyo, Ate." Sabi niya. Nag-usap na kaming dalawa. Magkasundung
magkasundo nga kami eh. Pinagusapan lang nama kasi namin kung sino crush niya sa
school, ano favorite color niya, sino favorite cartoon character niya. Nagkwento pa
nga siya sa akin about kay Spongebob. Cool. Sabi ko nga sakanya, nakikita ko Kuya
niya kay Patrick the Star. Ang sweet kasi eh. Yun nga lang, matalino kuya niya.

Hinatid ko na si Jenine sa kwarto nila nila. Teka, paano kaya si Tyler?

Nag-isip na naman ako. ALAM KO NA! Kay Aisha ko na lang ipapasabi na itext niya si
Tyler sa number ko at sabihin na dito siya magsstay, hindi sa relatives niya.
Kabisado ko naman number ni Aisha eh. Makikitext na lang ako sa kahit sino dito sa
bahay. Kaso nung itetext ko na...

DING DONG.

Ako na yung nagbukas ng gate at hindi nga ako nagkakamali... Si Aisha nga!

"Ryliieee, umalis na sila Papa." Sabi niya sabay hug sa akin. Hindi na nga sila
nagkikita masyado, pumunta pa sa ibang bansa. Grabe. I feel bad for Aisha pero
parehas naman namin silang naiintindihan eh. Ganun daw talaga pag workaholic ang
parents...

Pumasok na kami sa bahay at kinwento ko yung mga nangyari kahapon at kanina. Pati
yung pag-aaway nila. Pati nga mga hate mails ko eh. Dapat idede-activate ko
facebook ko pero sabi naman ni Aisha, mas maganda kung hindi para hindi halata na
affected. Galit na galit nga siya eh.

"Aisha, pwede ikaw na lang mag sabi kay Tyler?" Tanong ko.

"Ayoko nga! Kaya mo yan, Rylie. Para makapag-sorry ka na din. Ano ka ba naman kasi,
kahit ako yun maiinis ako sa ginawa mo. Sabi niya, maghintay ka. Hindi niya
sinabing iwanan mo siya."

Natapos na ang araw at gabi na naman. Ang bilis naman ng panahon. Bakit Monday na
agad bukas? Hindi ba pwedeng take it slow, ha? Ayoko pa mag monday eh, kinakabahan
ako kausapin si Tyler. Isa pa, alam kong may kasalanan ako sakanya. Narealize ko
kasi na mali din yung iwan siya sa ere. Kung sa akin din ginawa yun, maiinis talaga
ako. Kinakabahan tuloy ako lalo. Pinagtanggol na nga ako, nilibre na ko at lahat,
natapunan at nabagsak ko na din yung phone niyang mamahalin at bago pero anong
ginawa ko? Iniwan ko pa siya.

Naalala ko pa yung mga hate mails ko. Galing pa nga yata sa school niya dati yung
iba pero madami din sa school ko. Ang plastik ko nga daw eh. Ano bang problema nila
sa akin? Gusto ba nilang sungitan ko sila? Kung yun gusto nila... Hindi ko yun
magagawa.

Sabi nga nila, yung best revenge mo sa mga umaaway sayo is... SMILE. Hindi naman
kailangan makipag-away. Pag nakipag-away ako, ibig sabihin, kasing baba na nila
ako. Kasing shallow na nila ako. Oo, madali akong magtiwala, hopeless romantic ako,
ulyanin, careless at kung anu ano pa pero hindi naman makitid utak ko... gaya nila.

"Akin na nga yaaan. Akin yan eh." Guess who?

"Hindi nga! Ako unang nakakita eh. Sakin na 'to!"

"Bastos kang bata ka ah?"

"Di ako bastos no. No no no no no." Sabi naman ni Janine.

Nandito kami ngayon malapit sa CR at katabi ko ngayon si Jenine. Oo, hindi si


Janine at Jenine yung nag-aaway kung di yung ate ko at si Janine. Si Ate naman
kasi, pumapatol pa eh ang tanda tanda na. Mas mature pa mag-isip si Jenine sakanya
eh compact powder lang naman kasi pinagaawayan nila. Ang dami dami niya nun sa
kwarto niya eh.

Si Aisha nga pala, natutulog na. Nakalock na nga kwarto nun eh. Pag nautulog pa
naman yun, parang mantika. Ahh basta, hindi yun matitinag pag nakatulog. Halatang
pagod siya kasi hinatid niya parents niya sa airport. Kawawa naman talaga
bestfriend ko...

"HOY! Wag mo-" Hindi natapos ng ate ko sasabihin niya dahil sumigaw ako.

"TAMA NA NGA!" Hinawakan ni Jenine yung kamay ko para siguro kalmahin ako. Yun din
pala ginagawa niya pag gusto niyang magpakalma ng tao. Parehas kami.

"Achi, daig ka pa ni Jenine ah. Wag ka na nga makipag-away. Bata yan eh. Intindihin
mo na lang." Nakita kong dumila si Janine kay Achi. Si Achi naman, inirapan siya.

"Janine! Diba turo sa atin ni Kuya, bad sumagot sa mga matatanda. Ano ginagawa mo
ngayon? Pag makikita 'to ni Kuya, sa tingin mo matutuwa ba siya? Hindi naman diba?
Madidisappoint lang siya sayo kasi sinusuway mo siya. Bad girl! Tara na nga, Ate
Rylie!" Sabi ni Janine sabay hila sa akin papunta sa kwarto nila.

"Ate Rylie, may naisip ako." Sabi sakin ni Jenine.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Ano kaya kung pagsamahin natin sila sa isang kwarto? I-lock natin lahat ng rooms
niyo except sa isang room. Sure naman ako, hindi matutulog si Janine sa sala kasi
matatakutin yun eh." Sabi na naman niya. Hmm.

"Pwede din." Okay naman idea niya diba? Nag apir naman kami ni Jenine at nilock na
namin lahat ng kwarto. Sa kwarto namin ni Achi matutulog si Jenine. Yep, tabi kami
sa bed. Tapos si Achi naman, kasama si Janine. Baka sakaling magkasundo sila sa
gagawin namin. Hindi rin naman matutulog si Achi sa sala kasi gaya ni Janine,
matatakutin din yun.

Nakahiga na kami sa bed ni Jenine. Nakatulog na nga siya eh pero hindi din
nagtagal...

TOK TOK TOK.

"Hoy Jamilah Rylie Hao! Buksan mo na nga yung pinto!" Narinig kong sinabi ni Achi.
Nagising naman si Jenine pero sabi ko, wag na niyang pansinin. Mukhang nanghihina
na siya kasi may lagnat nga pala siya. Nabinat siguro...

TOK TOK TOK

"JENINE! Susumbong kita kay Kuya, sige ka!" Napabangon naman ng mabilis si Jenine
pero after mag sink in sa utak niya mga sinabi ng kapatid niya sakanya, humiga na
naman siya at bumalik sa pagtulog.

Hindi namin alam kung gaano sila katagal kumakatok doon, basta ang alam ko,
nakatulog na kami ni Jenine at nakayakap siya sa akin. Sweet little girl.

*********
Monday na pala. Kahit early person ako, ayoko bumangon. Bigla ko namang naramdaman
yung mga paru-paro na lumilipad sa tiyan ko. Geez, ayoko naaaa. Hindi rin nagtagal,
bumangon na ko. Mas importante pa din yung pag-aaral ko...

Kinatok ko si Aisha at ginising siya. Himala, hindi siya mahirap gisingin ngayon.
Sabagay, ang aga niya natulog kagabi. Gumayak na kami, naligo, at nagbreakfast na.
12:30 PM pa naman pasok ng kambal kaya hindi na naman sila ginising. Sinilip naman
namin si Achi at Janine na wow, magkatabi silang natulog. Mukhang effective yung
ginawa namin kagabi.

Kaso... Nagaagawan naman sila ng kumot ngayon. Err. Ramdam ko pa din ang tension
kahit sa pagtulog nila. Tawa naman kami ng tawa ni Aisha.

Since gagamitin yata ni Achi mamaya si Manong driver, nag commute na kami ni Aish.
Pinagbibigyan na namin since malapit naman na siya bumalik sa condo niya...

"Aisha, ayoko na." Nandito na kasi kami sa school. Lukot na nga uniform niya dahil
sakin eh. Ang higpit kasi ng hawak ko kanina pa. Pinagtatawanan naman niya ako...

Pumasok na kami sa room at wala kaming nakitang sign ni Tyler. Dapat nga pala,
pupuntahan niya si Drei pero hindi natuloy kasi nagaalala siya sa akin. Baka daw
sugurin ako ng mga babaeng nagkakagusto kay Tyler.

May nagbukas ng pinto. Napahinga ako ng maluwag. Si Lynne lang pala...

"Oh. Rylie, ano nangyari sa inyo ni Ty-I mean Justin nung Saturday? I saw him a
while ago eh. Pupunta yata sa CR...Err. Nevermind. But ughh, mukhang badtrip yata."
Sabi niya. Tinatamad na ako magkwento kaya sabi ko na lang sakanya, mamaya ko na
lang ikkwento. Nag 'okay' naman siya. Understanding naman si Lynne eh. Umupo na
siya sa chair niya. Nasa kabilang side kasi siya eh. Medyo malayo samin...

Pumasok naman si Brylle na parang nagmamadali pero imbis na pumunta siya kay Lynne,
pumunta siya sa akin. Nagulat nga kaming tatlo eh.

"Brylle, bakit ka hinihingal? Ano nangyari sayo? Ayun si Lynne oh!" Tinuro ko naman
si Lynne.

"Alam ko pero kasi Rylie... Rylie ang daming chismosa." Sabi ni Brylle. Alam ko
madaming chismosa, matagal na. Pero bakit niya sinasabi sakin 'to? Kinabahan tuloy
ako lalo.

"Anooo?? Anong pinagsasabi mo diyan?" Tanong ko.

"Look!" Pinakita niya sa akin yung phone niya. Nagulat naman ako kasi may picture
kami ni Christian na nakahug sa isa't isa. Di naman namin sinasadya yun. Natuwa
lang talaga kami na nanalo kami ng 200 tickets. Jackpot yun no! Hindi ko pa nga
napapalitan eh. Ano kaya ipapalit ko sa 200 tickets? Stuff toy? Naaah. Eh ano?

May mga nagsidatingan na...

"Oh look, the flirt is here." Sabi ni Rhea, kasamahan ni Selena.

"At magbestfriend pa talaga?" Sabi naman ni Trina. Nag oo nga naman si Dianne.

"Una, si Leo, Jake, at Harold. Pangalawa, si Josh. Pangatlo, si Justin. Ngayon


naman pati yung bestfriend ni Papa Justin? The heck?! She's a slut." Si Lea naman
nagsabi nun. Wala na naman si Selena sa group nila. Don't tell me, hindi na naman
siya pumasok??

Teka! Akala ba nila, hindi ko sila naririnig o baka naman nagpaparinig talaga sila?

Buti na lang, busy si Aisha sa katext niya at hindi niya narinig or else, baka nasa
detention na siya ngayon.

Hindi ko alam na may ganito palang issue. Maaga kasi kaming pumasok kaya wala naman
masyadong tao. Kaya siguro badtrip si Tyler. Nakita niya kaya? Sa ugali niya, ayaw
siya ng kinakaawan siya pero yun na yung nangyayari ngayon. Ako yung nagiging
kontrabida at siya yung nakakawawa. Kasalanan ko naman kasi eh. Patay na talaga ako
kay Tyler nito.

Pumasok na si Tyler ng hindi tumitingin sa paligid niya. Kasunod niya yung teacher.
Nakita ko naman na may sugat yung labi niya. What?! Nakipag-away ba siya? Waaa, ano
bang nangyayari? Ayoko na ng ganito. Umupo na siya sa upuan niya. Vacant nga yung
seat kasi wala si Selena eh kaya siguro si Rhea yung umupo sa seat na yun. Grrrrr.

Break time na! Umalis naman agad si Tyler. Galit kaya siya? Hay nako. Hinila ko na
lang si Lynne, Brylle, at Aisha sa canteen. Sa sobrang stress ko nga, halos bilin
ko na yung buong canteen.

"Rylie, mauubos mo yan?" Tanong ni Aisha. Nashoshock pa din kasi siya sa mga binili
ko eh. Sinimulan ko naman na kainin mga binili ko. Sinimulan ko sa 2 appetizers
tapos tatlong rice na may madaming ulam....

"Oo nga Rylie. Ano, okay ka lang ba? Ganyan ka lang naman pag stress ka ah?" Sabi
naman sa akin ni Lynne na katabi si Brylle. Binuksan ko naman yung cream-o bar at
sinimulan na din itong lamunin.

"Nakuuu, stress yan!" Sabi naman ni Aisha. Alam na nga pala ni Lynne yung mga
nangyari. Kinwento kasi ni Aisha sakanya eh. Buti naman, pagod na kasi ako
magkwento. Hindi pa ako pinapansin ni Tyler. Errrr. Nakakadepress.

"OMG! Si Tyler, pumasok sa canteen." Sabi naman ni Lynne kaya nabilaukan ako.
TUBIG, PLEASE?

"Namumutla ka, Rylie. Wala ka bang biniling tubig?" Hindi ako makahinga, tubig!

May naglagay naman ng tubig sa table ko pero umalis na din. Inunim ko na 'to agad.
Grabe, pinagpasiwan ako doon ah. Bakit naman kasi sa dinami dami ng makakalimutan
kong bilin, tubig pa nakalimutan ko? May apat pa nga pala akong chocolates dito
tapos may 3 yemas.

Naubos ko nga eh.

Si Tyler nga pala yung nagbigay ng tubig sa akin. Nakonsensya tuloy ako lalo.
Siguro ang dami na niyang naririnig na kung anu ano ngayon?

Nakita ko si Christian, kasama niya si Ronnie, ang nerd na classmate ko.

"You heard the news, right?" Tumango naman ako.

"Nabigay mo ba?" Tumango din naman siya.


Mukhang naguguluhan na yung mga kasama namin sa mga pinaguusapan namin kaya nga
ikwento na niya lahat. Habang kinikwento niya, nguya lang ako ng nguya.

"Para kang kambing." Sabi ni Aisha. Tumayo naman ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lynne.

"Bibili ng ice cream sa labas." Nag alok pa si Christian na sasamahan daw niya ako
pero hindi ako pumayag. Lalo lang kaming pagchichismisan.

Paglabas na paglabas ko sa canteen...

Nakita ko na may lalaking nakikipag-away.

"Sabi ng bawiin mo yung sinabi mo eh! Rylie's not a firt at lalong lalo ng hindi
siya SLUT. Kayong lahat, tingnan niyo nga mga sarili niyo." Tinuro niya yung mga
tao. Ang dami na ngang tao eh.

"Ano bang alam mo?" Tanong nung lalaking kaaway niya.

"Eh ikaw, ano bang alam mo? Do you know her story? Nandoon ka ba? Hindi ba pwedeng
magyakapan ang magkakaibigan dahil sa tuwa? Palibhasa kasi, ang dudumi ng utak
niyo! And also, Leo, Harold, at Jake, diba kayo 'tong tuwang tuwa nung niloloko
niyo si Rylie? She's so innocent. At anong ginawa natin? We broke her heart.
TIGILAN NIYO NA NGA!"

Tumulo na naman luha ko...

I guess, yung taong inaakala kong mananakit sa akin...

yun pa yung nagtanggol sa akin.

Kung sino pa yung hindi ako masyadong kilala at kasama sa mga pumusta sa akin,
yun pa yung nakikipag-away para sa akin.

"Josh, tama na. Hayaan mo na sila." Sabi ko.

Next thing I know, kasama ko na si Josh ngayon na kumakain ng icecream.

Oh, stress! Lubayan mo na ako, please.


####################################
CHAPTER 14 (ANG CUTE CUTE KASI.)
####################################

Hi Ate Weng! This is for you. Thanks for supporting this story kahit sa CC pa lang.
Mwa mwa chup chup! Hahaha!

CHAPTER 14

"Wag mo na lang silang isipin, Rylie." Sabi ni Josh habang kumakain kami ng
icecream. Syempre, strawberry sakin. May icecream parlor kasi sa school namin kaya
syempre, strawberry icecream pinili ko. Ang sarap sarap nga eh lalo na kung libre.
Abot nga yung thank you ko kay Josh kaya sabi ko sakanya, babawi ako next time.

*PRUUUT*

Patay kang bata ka. Ang sakit ng tiyan ko! Buti na lang hindi malakas. Hindi
narinig ni Josh.

"Rylie, may problema ba? Ba't parang pinagpapawisan ka?" Natetense na ko.
Nakakahiya pag naamoy niya. Ang timawa ko naman kasi. Ang dami ko masyadong nakain
pero hindi pa din ako nabusog. Ganito lang talaga yata ako pag stress. Ganun pa
man, di naman ako tumataba kaya eat all I can lang ang peg ko.

"Uhmm Josh, mauuna na ko ha? Kailangan ko kasi mag CR." Mukhang naintindihan naman
ni Josh ibig kong sabihin kaya tumayo na ako tumakbo papunta sa building namin. Ang
sakit na talaga ng tiyan ko. Nung malapit na ako sa CR, may nabunggo naman ako sa
hallway pero hindi siya natinag sa pwesto niya dahil matangkad at machi siya kaya
para akong bola na nag bounce at napaupo na lang sa floor.
Pagkatingala ko...

"Tyler?" Sobrang poker face niya talaga forever. Tinulungan naman niya ako tumayo
pero hindi niya ako kinakausap. Aalis na sana siya kaso hinawakan ko siya sa braso
niya. Magkatabi kami ngayon pero nakatalikod siya, ako naman nakaharap.

"T-Tyler, pwede ba tayo mag-usap?" Tanong ko.

"Ano paguusapan natin?" Ang cold naman niya.

Sumakit na naman yung tiyan ko.

"SA AMIN KA MAGSSTAY! OUCH!- WAIT! HINTAYIN MO AKO! DI PA TAYO TAPOS!" Tumakbo na
ko papuntang CR. Malapit na lang namin eh. Ewan ko kung hihintayin ba niya ako or
hindi. Sana hintayin niya ako. Sana hindi niya gawin yung ginawa ko sakanya kasi
kailangan talaga namin mag-usap. Hindi ako pwedeng magstay sa school na 'to ng may
kaaway.

Mabilis lang naman ako sa CR kasi alam niyo na. After nun, naghugas na ako ng kamay
at kung anu ano pa. Agad agad naman ako lumabas ng CR at tumakbo papunta sa
position namin kanina kaso hindi si Tyler ang nakita ko kundi si...

"A-Ariza?" Bakit siya yung nandito? Pinapunta kaya siya ni Tyler dito?

"What do you think you're doing?" Tanong niya.

"H-ha? Sorry pero di ko gets."

"You already stole Justin away from me and now, si Christian naman? Who else do you
want? My parents? My siblings? What else? Who else? Tell me para maready ko naman
sarili ko." Siguro nakita na niya yung picture. Grabe, sino naman kasi kaya
nagkalat ng picture na yun?

"Sinasabi mo bang dalawa ang gusto mo? You want Tyler and Christian? Di naman pwede
yun diba? Ariza, Christian and I are just friends. Sana naman maniwala ka. Isa pa,
sobrang nasaktan siya sa mga sinabi mo kahapon sakanya. Si Tyler ang gusto mo pero
sinabi mong gusto mo si Tyler in front of him? Did you ever consider Christian's
feelings?" Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil ayoko ng away kaya tumalikod na
ko. Pagtalikod ko...

"So iniisip mo, maniniwala kami sa'yo?" Dahil nga maliit ako, tumingala pa ko.

Si Rhea, Dianne, Lea, at Trina. Wala na naman si Selena??

"You're a slut!" Sabay tulak sa akin ni Rhea. Napasubsob tuloy ako kay Ariza. Nasa
likod ko kasi siya eh. Teka, magkakasama sila? I don't think so?

"Kung hindi pa niya kayo sinundan ni Ariza sa mall nung Saturday, hindi pa namin
malalaman pinagagawa mo." Sabi ni Trina. Padami na ng padami yung mga tao sa
hallway.

"First of all, you stole Justin away from her tapos ngayon namang napatawad ka na
niya, si Christian naman inaagaw mo. Ughh. Pati nga si Josh, hindi na sumasama sa
amin dahil sayo!" Sabi na naman ni Rhea.

"Si Selena, sobrang depressed siya kasi ang sama ng tingin ng mga tao sakanya. Buti
na lang, nalinis na pangalan niya at alam na ng lahat kung ano ang totoo at kung
sino ang dapat paniwalaan." Si Dianne naman yung nagsalita this time. Nagbulung
bulungan naman yung mga tao. Kinikwento nila yung mga nangyayari sa kaibigan
sakanila kahit hindi naman nila alam kung ano yung totoo. Yung iba nga na naririnig
ko, sobrang exaggerated.

"Dapat lang pala talaga yung ginawa niya sayo sa canteen. Dapat lang yung ginawa
namin sayo. You deserved it. Sabi na nga ba, una pa lang, delikado ka. Plastic ka
kasi kaya madaming gustong makipagkaibigan sayo. Ewan ko na lang ngayon." Sabi ni
Lea.

Sasampalin na sana ako ni Rhea kaso pinigilan siya ni Tyler.

"Ano sa tingin niyo ginagawa niyo?" Sabi ni Tyler. Halatang nasaktan si Rhea sa
pagkakahawak ni Tyler sa kamay niya kasi napa-ouch siya. Sobrang higpit siguro kasi
nanggigigil na yung kamay ni Tyler.

"Justin, niloloko ka na niya. Magbubulug-bulugan ka na naman ba? Hindi mo pa ba


nakikita, nilalandi na niya bestfriend mo." Sabi ni Lea. Halatang lalong nanggigil
si Tyler.

"Eh kayo? Ano bang alam niyo? Nabubulag na kayo sa insecurities niyo, hindi niyo pa
alam? Naive girls." Nag smirk siya. "I know Rylie too well. From head to toe. I
know every bit of her. Walang ginagawang masama si Rylie dahil di siya katulad
niyo. Kasama ko sila nun, ya'll didn't know? Ngayon ko lang nalaman na bawal na mag
hug ang magkaibigan? Oo nga pala, ang dami niyo kasing alam eh. Actually, kung sino
pa yung mga mas nakakaalam, siya pa yung nagsisinungaling. Diba Ariza?" Tumingin
siya kay Ariza. Napalingon na lang si Ariza sa kabilang side. Si Ariza yung kumuha
ng picture namin ni Christian pero bakit niya yun ginawa? Ganun na lang ba siya
kagalit sa akin na kailangan pa niya ako siraan?

"Ariza, walang ginawa si Christian kundi mahalin ka pero anong ginagawa mo? Paulit
ulit mo lang siyang sinasaktan. Walang inaagaw si Rylie dahil umpisa pa lang, I'm
already hers and she's mine and mine alone. She's not a slut. Paano mangyayari yun
eh araw araw kaming magkasama? Ngayon pang we're already living under the same
roof?"

Nagulat yung mga tao at lalong lumakas yung mga bulung-bulungan. Bakit naman kaya
niya sinabi na parehas na kami ng titiran? Lalong lalaki na naman yung issue eh.
Hay nako, kailan ba matatapos 'to? Bahala na nga, wala na akong pakielam sa
sasabihin ng iba. Pero err. Oo na inaamin ko na... medyo kinikilig ako. HAHAHAHA.
Medyo lang!!! :""">

"At ikaw!" Hinawakan niya wrist ko, "I waited for you kaya sasama ka ngayon sa akin
kahit saan ako pumunta. Ok? Tara na!" Hinila na niya ko. Nagsigawan naman yung mga
tao. Hala, nakakahiya. Im fairness, ang ganda ng scene na yon. Ano ka ba naman
Rylie, hanggang ngayon ba naman yan pa din iniisip mo eh ang laki na nga ng
pinoproblema mo diyan.

"Uhmm Tyler, where are we going?" Tanong ko sakanya. Nandito na kasi kami sa labas
ng school eh tapos na kaya yung break time. Don't tell me, magkacut kami. Nakoooo.
Bad bad bad. Hindi na naman niya ako sinagot. Magsasalita sana ako kaso bigla naman
akong natakot. Ang seryoso naman kasi ng itsura niya eh. T____T

"Sakay na." Sabi niya pero seryoso pa din istura niya. Oo nga at hindi niya ako
sinisigawan pero sht ang bilis na ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa itsura
niya kahit...gwapo siya. Okay ang landi. Oo na aminin ko na, medyo kinikilig talaga
ko. -____-

Sumakay na ako kasi natatakot talaga ako. Nagulat na lang ako kasi nakarating kami
sa isang familiar na place which is...
"Bahay niyo? S-s-sa bahay niyo t-tayo mag-uusap?" I covered my body. Shocks. Hindi
ito pwede. Bata pa ako. Pinapangalagaan ko ang... Mwehehe.

Tinaasan niya ako ng isang kilay, "For your information, missy. Wala akong gagawin
sa'yo. We're still strangers. Mag-uusap lang tayo." Tumawa naman ako na parang
napahiya. Hindi parang kasi napahiya naman talaga. Eeeh. Ayan kasi Rylie, yan ang
napapala mo pag kung anu ano nababasa mo sa wattpad at teentalk. Juskoday!
Nababaliw na yata ako. Medyo nahurt naman ako sa 'we're still strangers' niya eh
noong saturday nga, hinug pa niya ako para lang i-comfort. Kakalurkey ha.

Bumukas na ang gate, bumati na naman sila kuya, at as usual, naglakad na naman kami
ng pagkahaba haba. Seryoso, bahay ba 'to o subdivision? Ang sakit sa head, legs,
feet, at kasu-kasuan ha. Ang init init pa ng panahon. Akala ko ba tag-ulan naaaa?

Nakapasok na kami sa bahay nila ng walang nagsasalita sa amin. Dahil nga lahat ng
tao sa bahay nila ay nasa bahay namin, syempre walang tao sa bahay nila. LOL.

Umupo siya sa sofa kaya umupo din ako. Medyo malayo nga lang sakanya. Bale nasa
dulo ako ng sofa at siya din, nasa kabilang dulo ng sofa. Ang sarap talaga niya
titigan *_*

"Ano tinitingin tingin mo diyan?" Sungit naman!

"Akala ko ba mag-uusap tayo?" Ang labo talaga nito. Sabi niya mag-uusap kami pero
hindi naman siya kumikibo. Haller. Try ko kayang makipag-usap sa sarili ko, hindi
kaya ako pagkamalang baliw nito. Sabagay, kinakausap ko naman talaga sarili ko
lagi. The weirdness of Rylie.

"Hindi ko alam sasabihin ko." Sabi niya.

"Sige ako na lang magsstart." Sabi ko. May kinuha naman akong papel sa bulsa ko...

"Ano yan?" Tanong niya na parang nawiweirdohan na naman sakin.

"Papel. Duuuh. Tyler talaga oh." Hindi ko alam kung imagination ko lang na ngumiti
siya o imagination ko lang talaga? Ano daw, labo. >.<
"Ano ba kasi yan?" Tanong na naman niya na halata mong naiirita na.

"Papel nga!" Sorry, kinakabahan kasi ako kaya yan na lang nasasabi ko. Mukhang
nabbwiset na nga siya kakapapel ko eh. By the way, papel nga pala 'to. Hindi siya
love letter! Apology letter lang no. Ginawa ko nga pala 'to after namin mag-usap ni
Aisha kahapon nung wala na akong ginagawa.

Tumayo ako sa harap niya. "Hmm. Okay okay." I cleared my throat. Natawa naman siya
kaya napapout na lang ako. Is he making fun of me? Anyways, tinuloy ko pa din.

"Dear Tyler, sorry sa nangyari kahapon. Hindi ko naman talaga sinasadya eh. Hindi
talaga, promise! Unang una, sorry, hindi ko sinasadyang masira phone mo. Pangalawa,
sorry kasi iniwan kita. Sorry talaga! Kung ako man siguro yun, maiinis din ako.
Kakasabi mo lang kasi na wag kitang iiwan pero iniwan naman kita. Kaya nga gumawa
ako ng kasunduan pero valid for two weeks lang para makabawi naman ako sa nagawa
ko. Ako may gusto nito. Nakokosensya kasi ako kaya sana tanggapin mo ang alok ko. 2
weeks ko lang naman susundin lahaaaat lahaaat ng gusto mo. Kayang kaya ko yun. Isa
pa, para pagbalik ng parents niyo pati parents ni Aisha, bati bati tayong lahat.
May kapayapaan tayo... Diba?"

Tumingin ako sakanya. Nakatingin lang din siya sa akin. Oo na, gwapo na siya. Hindi
naman niya kailangan impamukha sakin pero wala ba talaga siyang balak magsalita?

At dahil mukhang wala naman siyang balak magsalita...

"Wala ka man lang bang sasabihin? Comments? Suggestions?" Seryoso kong sinabi
sakanya. Hindi ko alam kung iniimagine ko bang ngumiti siya o ngumiti talaga siya
pero sana ngumiti na lang siya. Ayiyiieee. Mas bagay kasi sakanya ang smiling peys.

"I wasn't mad and I'm not mad at you. Nainis lang ako pero hindi dahil nasira mo
yung phone ko na hindi ko na alam ngayon kung saan na napunta." He glared at me.
Mukhang kailangan ko ng ibalik sakanya phone niya kasi importante sakanya yun.
"Hindi din dahil iniwan mo ako. Well, partly yes but hindi nga dahil doon. Ughhh."
Sinapo niya kamay niya sa forehead niya. He looks so frustrated.

"Eh bakit nga?" Naguguluhan na kasi ako sakanya. Kung hindi siya naiinis dahil
doon, eh bakit hindi niya ako pinapansin? Bakit siya naiinis sa akin? Ang gulo
naman pala ng taong 'to. Gwapo pa naman. Mwehehe.

"Naiinis ako sa sarili ko." Naiinis din ako sa sarili ko! Ang slow ko kasi. Hindi
ko siya maintindihan.

"Naguguluhan na ako ah? Bakit ka naiinis sa sarili mo eh wala ka namang kasalanan?


Dapat ka lang magalit sa akin dahil nasira ko phone mo and iniwan kita. Hindi tama
yung ginawa ko."

"Sa hindi nga ako nagagalit sayo e. Ano bang gusto mo? Magalit ako kahit hindi yun
yung nararamdaman ko? Ughh. Labo mo." He looks really frustrated. Grabe, feeling ko
ang slow slow ko dahil hindi ko magets mga sinasabi niya. Heeelp? Gusto kong
malaman iniisip niya. I really want to know what's on his mind right now.

"Eh ano nga?" Tanong ko na naguguluhan na din.

"Wala." Wala daw?

"Ano ngaaaaaa? Tae ka naman Tyler eh. Sabihin mo na lang kasi yung nasa isip mo.
Alam mo naman na slow ako at wala akong maiintindihan sa mga sinasabi at sasabihin
mo hangga't di mo dinidiretso sa akin." Siguro parehas na kaming naffrustrate sa
happenings. Jusko. Ano ba kasi gusto niyang iparating?

"Fine!" Tumayo siya. "Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko kayang magalit sayo.
Hindi ko alam pero hindi ko kayang magalit sayo. Masyado ka kasing mabait. Masyado
ka ng madaming pinagdadaaanan para dagdagan ko pa. Ewan ko kung yun lang ba yun o
meron pa pero sana yun na lang yun." Nakahawak na siya sa parehas na shoulders ko.

"Naiinis ako hindi dahil iniwan mo ako kundi dahil sumama ka sa bestfriend ko.
Hindi ako naniniwala sa mga chismis pero hindi ko maiwasang mainis. Siguro, ayoko
lang talaga ng kinakaawaan ng mga tao. Ayokong nagmumukhang kawawa."

"Nagseselos ka ba?" Diretsang tanong ko.

"No. Kaya nga naiinis ako sa sarili ko diba? Kasi hindi ko alam kung bakit ako
naiinis nung naririnig ko yung mga chismoso't chismosa sa school. Hindi ko alam
kung bakit hindi ako nainis nung nasira mo phone ko pero nainis ako nung narinig ko
yung mga chismis sa inyo. Naiinis ako kasi pakiramdam ko, iniwan mo ako para
sakanya kahit hindi naman. Nagegets mo na ba? Naguguluhan din ako so please
Jamilah, don't make this hard for me."

"O-oh-kay."
I smiled.

Next thing I knew,

I'm already hugging Tyler.

ANG CUTE CUTE KASI.


####################################
CHAPTER 15 (TYLEEEER, PLEASE REPEAT?)
####################################

CHAPTER 15

It's been a week simula ng nagsstay sa bahay sila Tyler, Aisha, at yung kambal.
Pati na din si Achi. Ang gulo nga eh. Parang ayaw na niya bumalik sa condo niya.
Nageenjoy na yata dito sa bahay kahit na lagi silang nag-aaway ni Janine. Oo,
nagaaway pa din sila kahit halata mong gusto na nila yung isa't isa. Nakakatuwa nga
eh.

It's been a week din since walang tigil ang hate mails ko. And landi ko daw, slut
daw ako, etc etc etc. Nasanay na nga ako eh. Syempre nasasaktan pa din ako sa mga
pinagsasabi nila kasi alam ko sa sarili kong hindi totoo mga yun pero hindi na ako
nagpapaapekto. Nginingitian at tinatawanan ko na lang. Ako naman si Rylie diba? Ang
masiyahing si Rylie.

"Tyler, gawa na phone mo!" Sumigaw ako sa hallway habang nakatalikod si Tyler kaya
nagtinginan yung mga tao sa akin. Nagulat naman ako kasi imbis na ikahiya niya ako,
humarap siya sa akin at ngumiti. Tumakbo ako papunta sakanya at binigay yung phone
niya with matching key chain na ginawa ko.

"Ano 'to?" Tinuro niya yung keychain habang hawak hawak phone niya.

"Ayaw mo? Akin na nga!" Kinuha ko naman phone niya para kunin yung keychain pero
hindi niya ito binalik sakin. Inakbayan niya lang ako habang nilalaro niya yung
keychain sa isang kamay niya. Tiningnan ko naman siya, aba ngiting ngiti ang loko.
Aaminin ko, these past few days, naging close din talaga kami. 24/7 mo ba naman
kasama ang isang tao, di kayo maging close?
Si Aisha naman kasi, puro si Drei. Si Lynne, puro si Brylle. Mukhang may pinaplano
nga yung apat na yun eh. Pati si Achi at boyfriend niya! Ughhh. May time nga,
ikinulong nila kami ni Tyler sa iisang kwarto kaya ang ginawa na lang namin, nag
jack em poy kami. Kung sino talo, pitik sa noo. In fairness, namula noo ko. Biruin
mo, nakuha niya pattern ko sa jack em poy samantalang hindi ko nga alam na may
pattern ako sa jack em poy.

Pero di na ko umaasa kay Tyler. Halluuuur. Ang hirap niyang abutin 'te. Tama na
'tong pagpapanggap namin na kami. Masaya naman ako eh. Kahit hopeless romantic ako,
realistic pa din naman ako. Oh well, that's life.

"Bro, tingnan mo oh. Si Rylie kasama na naman yung boyfriend niya. Buti nakakatagal
sakanya no?" Narinig ko si Leo kasama si Jake, Harold, at yung isang lalaking hindi
ko kilala. Mga exes ko talaga oh. Maguusap na nga lang, rinig na rinig pa ng mga
tao sa paligid.

"Sus, di tatagal yan. Mga 1 week siguro, break na yan." Sabi naman ni Harold.

"4 days." Si Jake naman nagsabi nun. Hoy, di ba nila alam na nakakasakit na sila?

"Bro, balita ko naglilive in na sila eh? Siguro mga 3 months? Gamit na eh." Kumulo
yung dugo ko sa narinig ko. Gusto kong sumabog sa harapan nila nang masunog sila
pero hindi ko magawa. Masyado kasi akong... duwag. UGHHH.

Kaya nga nagulat ako kasi hindi ko napansin na umiiyak na ako. Hindi ko din
napansin na yung katabi ko kanina eh nasa harap na ng mga lalaking nanloko sakin...

"Ano pangalan mo?" Seryosong tanong ni Tyler. Nakita ko yung fist niya na
nanggigigil and anytime, pwede na niya silang suntukin pero halata mong pinipigilan
niya. Hindi naman war freak si Tyler. Hindi siya yung lalaking nagpapadala sa
emosyon niya. Halatang mature na siya mag-isip hindi gaya ng iba na konting inis
lang, ginagamit na agad yung lakas nila.

Tama na nga, lalaki na ulo ni Tyler pag nabasa niya 'to eh.

SANA DI NIYA MABASA OR ELSE, MALALAMAN NIYA NA UMPISA PA LANG, PINAGNANASAHAN KO NA


SIYA. OH NOOEES! T____T
"Leo. Bakit, may problema?"

"Leo? Oooh. Ikaw yung nagsabi na easy to get girlfriend ko diba? Cool. 4 years ko
na kasi siyang nililigawan eh, di nga lang niya alam. Oo, matagal ko na siyang
gusto. Bago niya pa kayo sagutin. Wanna know our story? Akala niya ayoko sakanya
kaya sinagot ka niya. Cool no? Naging rebound ka ng di oras." Tyler smirked.
Nagulat naman si Leo. I can't believe na naniwala siya kay Tyler. Gusto ko tuloy
matawa. GO TYLER! Tumingin naman siya sa tabi ni Leo...

"Ikaw, ano na nga pangalan mo?" Tanong niya kay Jake habang nakalagay pa yung kamay
niya sa chin niya na parang nagiisip. Ang gwapo gwapo tologooo.

"Jake. So? Ano naman sasabihin mo? Hopeless romantic kasi ng pinagmamalaki mong
girlfriend eh. Ni ayaw magpahalik kasi importante daw sakanya yun. LOL" Sabi ni
Jake.

"She is a hopeless romantic after all. Bakit? What's your ideal girlfriend? Yung
bitter para everyday magtatalo kayo kasi hindi siya sure kung mahal mo siya?
Tingnan ko lang kung maging sweet ang bitter sayo. Bitter nga diba? Nagpapatawa ka
ba?" Tumawa naman si Tyler. Natatakot na ko T___T

Bago pa man magsalita si Tyler....

"Harold nga pala pare. Alam mo, wag kang magpapadala sa babae na yan. Kunwari pa
kasi siyang paconservative type, eh gamit naman na. Nagalaw mo na diba?" Epal
naman ni Harold.

"T@NG!N@ M0!" At nasuntok na nga ni Tyler si Harold. Hindi na siguro niya


napigilan. Tumama pa nga ulo ni Harold sa locker eh. Lumapit naman ako para pigilan
si Tyler...

"Tama na po." Sabi ko sakanila.

Hindi ako nagmumura eh. Hindi talaga pero walangya sila mga PI nila! Gusto ko
talaga silang sunugiiiin! Nanggigil ako pero ughhh. Ang duwag duwag ko T___T

"I respect her and she respects herself! Pero kung di niyo siya kayang respetuhin,
hindi ko din kayo kayang respetuhin! We're living under the same roof with my
cousin, siblings, and her PARENTS because my parents asked us to. Palibhasa ang
dudumi ng mga utak niyo, kasing dumi niyo!" Hinawakan ko si Tyler sa kamay niya
para pakalmahin. Hinawakan din naman niya ako ng mahigpit. Gigil na gigil na talaga
siya kaya lalo kong hinigpitan yung hawak ko sa kamay niya.

"And yes, pinapahalagahan niya ang 1st kiss niya. You know why?"

Nakatulala lang sila.

"Because of this."

He kissed me. Nakahawak pa din yung isang kamay niya sa isang kamay ko. Yung isang
kamay naman niya, nasa mukha ko.

"See? Maybe that explains everything. He never loved you kaya ayaw niya magpahalik.
In a hopeless romantic's point of view, para lang sa nagmamahalan ang halik. You
thought you knew everything? I guess not." Umalis na kami. Nakahawak pa din kamay
niya sa kamay ko. Hindi ako nakapagsalita sa nangyari. Halata din na nagulat sila
sa ginawa ni Tyler. Sht. Pulang pula na siguro ako. Mooooommyyyyyyyy! Walang
kumikibo sa amin. Ako kasi, dahil sa nerbyos, kilig, takot, at inis. Siya, ewan ko
lang. Ang seryoso pa din kasi ng itsura niya.

"T-Tyler, o-kay ka lang?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin ng diretso...

"Diba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo?"

"O-okay lang naman ako eh. Ay! Yung kamay mo pala." I held his hand and blew it.
Namamaga kasi eh. Napalakas ata talaga pagkakasuntok niya kasi nakita kong dumugo
yung mukha ni Harold. Mukha ngang nahilo si Harold dahil nauntog din yung ulo niya
sa locker. Nagulat naman yung mga kasamahan niya dahil di nila akalain na lumalaban
pala si good boy Tyler. Yiiee.

Pagtingin ko kay Tyler, nakangiti siya. Napatigil naman ako sa pagboblow at


nabitawan yung kamay niya. Napapikit ako ng ilang beses kasi hindi ko alam gagawin
ko. Pakiramdam ko, nalusaw ako. Pakiramdam ko, sasabog puso ko. Jusko! Kung bomba
lang puso ko, ang tagal ko ng nag explode. Hehehe anlandeee.

"G-gusto mo ng tubig?" Ano daw? Bakit ko siya inalok ng tubig? Natatanga na ata
ako.
Ginulo niya buhok ko, "Jamilah, you're enough."

"H-ha?" Hindi ko na naman magets!!!

"You're already enough para maging okay ako." Nauna na siyang naglakad...

Nakuuu. Naglue na naman ata paa ko sa kinakatayuan ko.

What did he just say? Gusto ko ulit marinig!

"TYLEEEER, PLEASE REPEAT?"

But he didn't stop. Instead, he left me hanging here... NOT!

He stopped for a while, turned his head, smiled, and winked at me.
####################################
CHAPTER 16 (JANILYN T___T)
####################################

CHAPTER 16

TYLER'S POINT OF VIEW

Ayoko na! Gusto ko na itigil yung dare namin ni Aisha. Nakokonsensya ako. Natatakot
ako. Natatakot ako na mahulog siya sa akin at hindi ko siya masalo. Natatakot ako
na masaktan siya! Hindi pwede. Natatakot ako na masaktan siya ng dahil sa akin.
Natatakot ako kasi baka saktan siya ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Biro
lang! Pero seryoso, natatakot ako na saktan siya ni Alexa.

"Aisha." She smiled.

"Why oh why my dearest cousin?" Tanong niya habang nakaholding hands sila ni Drei.
Nandiri naman ako. Hindi naman pangit si Drei eh. Hindi nga lang siya kasing gwapo
ko pero pwede na din. May itsura? Eh lahat naman ng tao may itsura. Sus!
Nakakatamad i-explain mukha niya eh basta! Kidding aside, ayoko lang talaga sakanya
para kay Aisha.

"Kailangan natin mag-usap." Kailangan ko ng sabihin sakanya na talo na ako sa


pustahan namin at wala na akong pakielam sa sasabihin niya. Ayoko na sumakay sa mga
trip niya. Syempre bestfriend niya yun at alam kong ayaw din niya masaktan si Rylie
pero ughh ganun ba kalaki tiwala niya sa akin? Damn sht!

"Mamaya na lang. Ihahatid ko kasi si Drei sa bahay nila. Mauna ka na din pala kasi
nauna na umuwi si Rylie. Napagod kasi siya eh." Tumalikod na ako. See? Sino bang
matinong lalaki ang magpapahatid sa babae lalo na kung girlfriend niya ito?
Gagabihin pa si Aisha niyan since malayo bahay nila Rylie sa kabihasnan. Damn! Kung
hindi lang talaga siya mahal ni Aisha.

Nakarating na ako sa bahay nang may narinig akong nag-uusap sa sala...

"Ate Rylie, bakit gustung gusto mo si Kuya Patrick?" Si Jenine. Teka, sino si Kuya
Patrick?

"Hehehe. Wala lang. Kahit hindi kasi siya nageeffort, napapasaya niya ako eh."
Ngumiti naman si Rylie at tumawa si Jenine na parang kinikilig. Sht! Anong ginawa
ni Rylie sa kapatid ko? Atsaka wala naman nababanggit si Rylie na may gusto siya
ah. Langya! Hindi naman niya kailangan itago sakin eh. Diba una pa lang sinabi ko
naman sakanya na pag nagkagusto siya, sabihin niya?

"Gusto ko din siya para kay Ate Rylie eh. Sabi mo kasi pinagtatanggol ka niya diba?
Ayiieee." Tumawa si Rylie at ginulo buhok ni Jenine. Mukhang nagblush naman yung
babaeng kausap ng kapatid ko. Damn! Mukhang enjoy na enjoy sila ah? Ang saya saya
nila eh. Pero kailangan ba talagang kasabwat pati kapatid ko? Sa dinami dami ng
pagkkwentuhan niya ng pagkagusto niya kay Kuya Patrick, kapatid KO pa??? Langya!

"Yup. I feel safe when I'm with him." Leche! Ano ba tinuturo niya sa kapatid ko?
Ang bata bata pa ng kapatid ko, pinpollute na niya yung utak? At bakit ba ako
nagrereact ng ganito? Ughh. Sht! Paano pag naging hopeless romantic kapatid ko ng
dahil sakanya?! Ughh.

"Yiieee. Lumalovelife si Ateee." She poked her ate Rylie sa tagiliran nito. Geez.
Kinikilabutan ako. Bakit ba ako naiinis sa pinaguusapan nila? Hindi kaya... HINDI.
Imposible! Hindi naman ako nagseselos diba? Bakit naman ako magseselos? Tsss. Sino
bang may sabi na nagseselos ako? Toungena! Pati ako, naguguluhan na sa sarili ko.
O.o
Pumunta na ako sa sala at sabay naman silang napatayo sa pagkakaupo nila sa sofa.
Halata mong nagulat sila kasi parehas silang napatakip ng bibig nila. I looked at
Rylie and smirked.

"K-k-kuya, n-nandito k-ka n-na p-pala." Jenine was stammering. Kilalang kilala ko
siya kaya alam na alam ko pag nagsisinungaling o may tinatago siya sa akin. Masyado
kasing mabait 'to eh kaya siguro halata pag nagsisinungaling. Parehas sila ng Ate
Rylie niya.

"K-kanina k-ka p-pa b-ba?" Sabi naman ni Rylie na nagsstammer din. See? Sabi naman
sa inyo eh. Parehas sila ng ugali.

I looked at Jenine.

"Jenine, ayoko ng nagsisinungaling ka sakin ha."

"O-opo."

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad ng marinig ko na naman silang mag-usap.

"Narinig kaya niya, Ate?" -Jenine

"Alam na kaya niya?" -Rylie

They both sighed.

"Jenine, meron ba kuya mo ngayon? Bakit mukhang badtrip?"

Humarap naman ako sakanila. Again, nagulat na naman sila at sabay na nagtakip ng
bibig nila. Parehas na parehas sila ng expression at reaction. Para na nga silang
kambal eh.

"Hoy ikaw! Wag mong isama kapatid ko sa mga kalokohan mo. Wag mong turuan ng kung
anu ano. Stay away from her." Tumalikod na ulit ako at pumunta na agad sa kwarto
ko. Ayoko na makita yung itsura niya. Sht, nasaktan ko na naman siya. Why did I say
that? The hell!

Bakit ba kasi ako inis na inis? Dahil ba hindi ko kilala si Patrick at hindi sinabi
ni Rylie sa akin na may gusto siya o dahil sa mga tinuturo niya sa kapatid ko? O
baka naman none of the above. Ughh. Sabi naman sa inyo eh. Hindi pa man, nasasaktan
ko na siya. Una pa nga lang naming pagkikita, nasaktan ko na siya. Nabuhay ba ako
para saktan siya? Langya naman oh!

I punched the wall.

****

Kinagabihan, halata mong malungkot pa din si Rylie at hindi niya din ako
pinapansin. Hindi rin ako pinapansin ni Jenine. Hindi ko din sila pinapansin.
Walang nagpapansinan sa amin. Nagiguilty ako sa sinabi ko. Gusto ko mag sorry
pero... di ko magawa.

"Jamilah, may problema ba?" Mommy ni Rylie yung nagsalita. Nakatulala lang si Rylie
habang nilalaro yung pagkain niya. Ano ba 'tong babae na 'to. Parang bata!

Nandito nga pala kami sa dining area. Magkakasabay kami kumakain nila mommy ni
Rylie, si Aisha, Ate Reugene, yung kambal, at ako. Mamaya pa daw madaling araw uuwi
daddy nila sabi ng mommy ni Rylie eh.

"Huy!" Sabay na pinush ni Ate Reugene at Aisha si Rylie para matauhan.

"P-po?" Napatayo si Rylie. Mukhang wala sa sarili 'to.

"Tinatanong ko kung may problema ka, anak."

"Ah. W-wala naman po. Sige po, mauuna na po ako sa kwarto. Pagod kasi ako eh."
Umalis na siya. Umakyat na siya at siguro pumunta na sa kwarto niya.

"Justin anak, may problema ba?" Tumingin naman mommy niya sa akin.
"Wala po. Sige po, mauuna na po ako. Madami pa po kasi akong gagawin eh." Umalis na
ako pero bago pa man ako makaalis ng tuluyan sa dining area, narinig ko silang
lahat na nag...

"Ooooh."

"Yung isa pagod." Sabi ni Janine.

"Yung isa naman, madami pang gagawin." Sabi naman ni Jenine.

"Tsss. Excuses!" Sabay sinabi ng ate ni Rylie at ni Aisha. Tumawa sila. Tuluyan na
nga ako umalis doon at pumunta na sa pansamantalang kwarto ko.

Paano ba mag sorry???

RYLIE'S POINT OF VIEW

Yesterday wasn't my day. Nag-away na naman kasi kami ni Tyler. Biruin mo, sinabihan
niya ako na layuan ko si Jenine. Ibig sabihin ba nun, ayaw niya akong maging close
kay Jenine? Kung ayaw niya maging close ako sa kapatid niya, ibig sabihin ba nun
ayaw din niya maging close sa akin? Ayaw niya sa akin? Naisip ko tuloy kung
pinagtititiisan lang niya ugali ko dahil kailangan namin magpanggap.

"HOY, JAMILAH RYLIE HAO, ANG PANGIT PANGIT MO!" Sinabi ko sa salamin na nasa harap
ko. Nandito naman ako sa kwarto ko eh, wala naman makakarinig.

*TOK TOK TOK*

"RYLIE, ANO BANG GINAGAWA MO DIYAN? AALIS NA TAYO!" Sigaw ni Aisha. Nakakadepress
naman oh. Nagsisimula ng magtubig mga mata ko. Noooo! Lalo akong papangit! Ay
hindi, maganda ako! Maganda ako kahit ano mangyari!

"SORRY! BINABAWI KO NA SINABI KO! JAMILAH RYLIE HAO, PARA KANG ANGHEL DAHIL SA
IYONG TAGLAY NA KAGANDAHAN." Sabi ko sa salamin. Sige lang Rylie, comfort yourself.
I wiped my tears at nag powder na din. Lumabas na ako ng kwarto. Nakatikim naman
ako ng hampas kay Aisha. Ang tagal tagal ko daw kasi sa loob. Nabalitaan ko pala na
nauna ng umalis si Tyler. Pshh. Di man lang nag wait. Ganun ba siya kagalit sakin?
Haaa?

Nakarating na kami sa school. Nakasalubong ko nga pala sila Selena sa hallway. Buti
naman pumapasok na siya. Himala nga kasi hindi niya ako pinansin pero yung mga
kasamahan niya, ang sasama ng tingin sa akin. Yung mga exes ko naman, hindi
tumingin sa akin. Si Harold nga may pasa pa din sa mukha. Maaawa ba ako o matatawa?
Joke lang.

Naalala ko tuloy si Tyler. Nyikes.

"Rylie!" Tumingin ako sa likod ko.

"Ikaw lang pala Josh! Kinabahan naman ako." Hinampas ko siya.

"Bakit? Sino ba akala mo? Hmm." Nagisip isip naman siya. Nakahawak pa kamay niya sa
chin niya. "Siya ba?" Tinuro niya yung nasa gilid ko. Luuuh. Si Tyler. Teka, bakit
kasama niya si Janilyn? Close sila? Say whuuut?

Nakita ko na nakangiti si Tyler sakanya habang si Janilyn naman, kwento ng kwento.


Pumasok ba siya ng maaga at INIWAN kami para makita at makausap si Janilyn? Err.
Bakit parang may kumirot sa bandang chest ko? LOLOLOL.

"Hey!" Nagulat naman ako kay Josh kaya nahampas ko ulit siya.

"H-hindi ah. Uy Josh, una na ko ah. Punta ka na sa class mo. Byebye!" I waved my
hand. Aalis na sana ako pero...

"Teka lang Rylie!" Sabi niya sabay hawak ng wrist ko. Nagulat naman ako! Napatingin
din ako sa gilid. Shocks! Bakit hawak hawak ni Janilyn wrist ni Tyler? Nakita ko si
Tyler. Waah, nakatingin pala siya sa amin. Agad ko naman nilingon yung mukha ko.

"B-bakit Josh?" Tanong ko sakanya.

"Hahatid na kita. Hindi ka pwedeng maglakad ng mag-isa dito. Anytime, pwedeng may
sumabunot sayo. Ano ba kasi ginagawa ng boyfriend mo at bakit niya kasama yung
babae na yun? In fairness, maganda ha." Tiningnan ko naman si Josh ng masama.

"Pero mas maganda ka pa din. Hehehe. Tara na nga!" Napakamot siya sa batok niya.
Naglakad na kami. Leche! Hindi ako makaconcentrate! Lalo na nung narinig ko yung
mga bulungan ng students at yung iba pa eh masama yung tingin sa akin.

"Nasaan ba yung bestfriend mo, Rylie? Hindi pala pwedeng ako yung kasama mo. Lalo
ka nilang pagiinitan. Hindi din pwede si... Christian ba yun? Ah basta, yun! Ang
dudumi naman kasi ng mga isip ng mga tao eh. Ang sarap paguuntugin. Alam mo na,
baka sakaling mahulog yung mga maduming isip nila." Yan na nga ba ang sinasabi ko
eh. Hearthrob din kasi si Josh kaya ayan. Nakooo. Patay na talaga. World war 10 na
ito! X___X

"Kasama niya boyfriend niya eh. Magkaiba kasi sila ng building."

"Eh bakit siya pa yung pumupunta doon? Ang bastos naman ata?"

"Oo nga eh pero ganun lang talaga siguro pag mahal mo ang isang tao. Siguro ngayon,
iniisip mo na mysterious si Aisha, palaban, at mature na mature pero siguro pag
nakilala mo yun, magbabago tingin mo sakanya. She's not what you think she is.
She's really soft and kalog. Sige na Josh, dito na ko. Thanks sa paghatid. Bye!
Ingat!" I tapped his shoulder at pumasok na sa loob ng room. Nag bye na din siya.
Ngitian ko lang yung mga tumingin ng masama sa akin. Lalo atang nabwisit? Hehehe.

Umupo na ako. Sheeet! Wala si Aisha. Wala pa si Tyler. Si Lynne at Brylle naman
nasa kabilang side. Yung iba, walang reaction. Yung iba, sama ng tingin. At yung
iba, kinakamusta kami ni Tyler. Anak naman ng nangitlog na tipaklong oh. Hot seat
na naman ako...

Parang nag stop naman yung mundo naming lahat ng may sumigaw...

"Tumigil nga kayo!"

OMGGG! Tyler baby, I miss you! LOLOLOL!

Kaso uminit yung dugo ko nung may humawak sa kamay niya...


JANILYN! T_____T
####################################
CHAPTER 17 (Umiiyak si Janine!)
####################################

CHAPTER 17

"Tumingin nga kayong lahat sakin!" Sigaw ko kaya napatigil sila Lynne, Brylle,
Christian, at Aish sa paghigop ng noodles nila at tumingin sa akin. Nagulat ata
sila eh.

"Makinig kayo sa itatanong ko. Gusto ko, sagutin niyo ng maayos ah! Be honest!"
Sabi ko sakanila kaya tumango naman sila. Si Aisha naman at Lynne, ang weird ng
tingin sa akin. Tinaasan pa ako ng pamatay nilang left kilay. Meygesh!

"Ready na ba kayo?" Tanong ko sakanila.

"Yeah." Sabay sabay nilang sinabi habang ngumunguya.

Nag inhale exhale naman ako.

"Pangit ba ko?"

Nagulat naman ako ng bigla silang tumawa ng malakas at binatukan ako ni Aisha. Si
Brylle naman muntik pang maibuga yung iniinom niya kay Lynne. Ang lapit lapit naman
kasi ng mukha eh. Araw araw naman niyang kasama pero grabe reactions nila ha! Ouch
naman! Pwede naman sana nilang sabihin na pangit ako eh hindi yung tatawanan agad
at babatukan pa. Hayy. What a friend talaga.

"You're pretty, Rylie. Bakit mo naman naitanong?" Sabi ni Christian. Oo nga pala,
these past few days, hindi ko na nakikita si Ariza. Sabi ni Christian, lagi daw
nasa room nila. Parehas kasi silang section 2 eh. Kinakausap nga daw niya pero ayaw
daw talaga siyang kausapin. Define Martyr?

"Kung binobola mo ako, shoo away na lang. Okay?" Sabi ko sabay irap ng mga mata ko.

"Tingnan mo 'to, magtatanong tanong tapos di naman maniniwala. Pasapak nga Rylie?"
Sabi ni Lynne. Ang harsh naman niya. Ito namang manliligaw niya, kunsintidor.
Umagree pa! Geez! Shet ha! Bakit ba nila ako pinagtatawanan?

"Rylie, gusto mo maglaslas? Teka, bibili ako ng blade." Sabi naman ni Aisha. Ang
babait naman nila sa akin. What a friend talaga.

"Ewan ko nga sa inyo!" Nag pout na lang ako.

Hayy. Ilang araw na lang, aalis na sila Tyler sa bahay namin pero hindi pa din kami
nagpapansinan. Grabe kasi, ano bang kasalanan ko? At bakit nga ba hindi ko siya
kinakausap eh nasaktan lang naman ako sa sinabi niya? Oo, hindi ako galit. Nahurt
lang ako.

Dumating kami sa bahay ni Aisha ng sabay habang si Tyler eh hindi ko alam. Baka
nakikipagdate kay Janilyn. Pssh. Magsama sila ng Janilyn niya. Mabait naman si
Janilyn eh. Bagay sila.

Kinwento ko naman kay Aisha yung nangyari. Kinikilig pa nga ang loka loka.
Nagseselos daw si Tyler. Sabi ko naman hindi kasi ayaw lang niya ako maging
kaibigan ng kapatid niya. Ayan tuloy, nabatukan ako ni Aisha. Dumating na sa bahay
si Tyler at dumiretso sa kwarto niya...

Ilang oras lang...

"Ate Ry! Ate Ry!" Excited siyang lumapit sa akin.

"Bakit Jenine?" I smiled at her. Cute cute talaga ng batang 'to. Manang mana sa
kuya niya. Hehehe!

"Kasi po may assignment kami. Pwede pong paturo... sa room ni Kuya Justin?"

"Bakit naman sa kwarto niya pa Jenjen? Pwede naman dito. Isa pa, nandoon siya sa
kwarto niya ngayon."

"Hindi po ate. Lumabas na po siya..." Lumabas? Eh bakit parang wala naman akong
narinig na pagbagsak ng pinto? Niloloko ba ako ng batang 'to?
"Hindi pwede Jen. Isa pa, baka matutulog na yun."

"Eeeeh? Sige na Ate Rylie! Gusto ko dun sa room ni Kuya Justin eh! Wala namang
study table doon sa kwarto namin! Pleeeaaase ate? Pleeeaaase?" Nag puppy face naman
siya.

"Hayy. Sige na nga! Pero pagdating ni Kuya mo, aalis na tayo. Okay?"

Nag yay naman siya at kiniss ako sa cheeks.

"The best ka talaga Ate Ry!" Nagblush naman ako sa sinabi niya.

Pumunta na kami sa room ng kuya niya. Wala naman si Tyler sa loob pero bakit
kinakabahan ako? Huhuhu. Hindi naman siguro magagalit si Tyler kung nandito kami
diba? Hindi naman kami magkakalat sa napakalinis niyang kwarto eh. Behave kami O:-)

"Ate Ry, nauuhaw ako."

"Ah, ganun ba? Sige, ikukuha kita ng tubig."

"Wag na ate, ako na. Nakakahiya naman sayo. Pinapatira mo na nga kami dito tapos
uutusan pa kita. Wag na ate. May kamay at paa naman ako eh. Hehehe." Sabi niya kaya
pumayag na ko. Ang bait talaga ng batang yun!

Tumayo na siya sa upuan niya. Inalalayan ko pa nga kasi hindi abot ng mga paa niya
yung floor. After blank minutes, ang tagal naman kumuha ng tubig ni Jenine. Nasaan
na ba yung batang yun?

Tatayo na sana ako pero...

"Anong ginagawa mo dito?"

Pagtingin ko sa likod ko...


"Fudge!" Yan na lang nasabi ko at tumalikod na. Nakita ko naman na abs niya dati
pero bakit mas malala yung impact ngayon sakin? Gusto kong sumigaw kaso hindi naman
pwede eh. Ayayay. Kinikilabutan ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ulit niya.

"B-bakit ka nakahubad? Magbihis ka nga!"

"Hindi mo 'to kwarto kaya okay lang na nakatowel ako. Subukan mo kayang lumabas?
Tss." My eyes are starting to water. Kainis, di ko kayang pabalikin luha ko. Mas
napipigilan ko pa nga yung ihi at pupu kesa sa tawa at iyak eh! Kainis namaaan
T___T

Pero may point siya eh. Oo nga naman kasi! Hindi ko nga naman yun kwarto. Grabe,
ba't ba nagagalit siya sa akin? Hindi talaga ako sanay ng may kaaway eh lalo na
kung mahalaga sa akin yung tao na yun. Teka, mahalaga? Si Tyler? LOLOLOL. Patawa ka
Rylie!

"N-nagpapaturo kasi si J-jenine. G-gusto daw niya sa kwarto mo eh pero ano, sorry."
Inayos ko na yung table niya at naglakad na papunta sa pinto. "W-wag kang mag-
alala, pag nakaalis na kayo dito, d-di ko na lalapitan y-yung mga kapatid mo. S-
sorry ulit."

"T-teka-" Naputol sasabihin niya dahil pag ikot ko ng door knob...

"Sht!" Napamura ako. Sabi na nga ba! Sabi na nga ba! Sigurado si Aisha na naman may
pakana nito. Hindi naman niya kailangan idamay o ikasabwat si Jenine eh. Magbabati
din naman kami ni Tyler someday diba? Hayy. Sigurado ako, lalong magagalit si Tyler
nito.

"Nilock nila sa labas." Pangalawang beses na nilang ginagawa 'to samin. Hindi na
kami pwede mag jack em poy this time kasi galit siya sa akin.

"What?!" Tumango ako.

"Ugh. Sabi na nga ba!" Sabi niya.


Umupo na lang ako sa floor at sumandal sa pintuan.

"Not again?" Sabi ko habang nagfface palm. May tumulo ng luha sa mukha ko pero
hindi naman nakikita ni Tyler since nakaface palm ako.

"Damn it!" Naramdaman kong naglakad siya papunta sa akin. Teka, nakatowel lang
siya! Aba, hindi naman siya pwedeng mag fashion show sa kwarto ng nakaganyan siya
no. Nagulat naman ako kasi nilagpasan niya ako. Ahhh, sus! Kukuha lang pala ng
damit sa cabinet.

Pumasok na siya sa CR at lumabas na ulit. Buti naman nakabihis na siya. Anyway,


nakaupo pa din ako sa floor. Inaantok na nga ako eh.

Lumapit naman sa akin si Tyler at may nilagay siya sa kamay ko...

"S-sorry na, wag ka ng umiyak... Please?" Tumingin ako sakanya ng diretso. Ang
gwapo niya. Basa pa yung buhok niya. Nagulat naman ako kasi biglang tumulo ng sabay
yung luha ko pero mas nagulat ako nung nagsalubong yung dalawang kilay niya.
Napahigpit yung kapit ko sa panyo na nasa kamay ko at tumulo na naman luha ko.
Bakit ganito 'tong luha ko ngayon? Ayaw paawat?

"Ughh!" Halata mong naffrustrate na siya kaya kinuha niya yung panyo niya sa kamay
ko at siya na yung nagpunas sa luha ko. Tinakpan ko naman mukha ko para di niya
makita kaso inalis niya yung kamay ko sa mukha ko at niyakap.

"Sorry Jamilah. Hindi naman kita ayaw sa mga kapatid ko. Hindi talaga. Tulad ng
reason ko dati, naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi lagi kitang nasasaktan.
Naiinis ako kasi may mga nasasabi akong hindi naman tama at hindi totoo. At isa pa,
naiinis ako kasi hindi ko alam kung bakit ako naiinis o bakit ko nasasabi yun. Kaya
sorry kung nadadamay ka. Hindi naman ako galit sayo eh."

"T-talaga?" Umalis na siya sa pagkakahug at hinawakan shoulders ko.

Tumango siya, "Kaya nga wag ka ng umiyak. Okay?" Tumango na din ako.

"Sorry Tyler. Sorry talaga." Umiling siya habang nakangiti.


Magsasalita na sana ako kaso may narinig akong sumigaw...

"Ate Aishaaaa! Buksan mo na nga kasi yung pintoooo! Pleeaase? Baka kung anong gawin
niya kay Kuyaaa!" Si Janine yun! Napatayo naman kami ni Tyler dahil sa narinig
namin. Iilang saglit lang, parehas na kaming tumatawa. Katok ng katok at sipa ng
sipa sa pinto si Janine.

"Behave ka nga diyan, bulilit!" Si Achi naman yun. Grabe ha. Nandiyan sila? Don't
tell me, magaaway na naman sila?

"Epal ka talaga. Epal epal epal!" Sabi na naman ni Janine.

"Ano ka ba Janine. Bad yan." Sabi naman ni Jenine.

"Sorry ka na lang pero marerape na ang Kuya Justin mo! Wala ka ng Kuya!" Sabi na
naman ni Achi. Loka loka talaga 'to. Umiiyak na nga yung bata eh.

"Kuyaaaaaaaaaa. Huhuhuhu!"

Nagtinginan naman kami ni Tyler at sabay na tumakbo papuntang pinto...

"Jaaaanine! Okay ka laaaang?" Sabay naming tinanong. Hala! Umiiyak na si Janine!


####################################
CHAPTER 18 (Wow.)
####################################

CHAPTER 18

"Baliw ka na talaga, Jamilah Rylie Hao!"

"Matagal na akong baliw, Aisha Hera Dela Cruz." Sabi ko ng nakangiti.

"Ano ka ba! Creepy ka na. Last na nagkaganyan ka, dahil kay Josh. Ngumingiti ng
walang dahilan and out of the blue? Ughh." Narealize kong may hawig pala ng ugali
si Tyler at Aisha. Nangiti na naman ako. At oo nga no, parehas sila ng surname.
Magpinsan nga sila.

"And... and... and... kahapon!" Tinuro niya ako kaya napataas naman kilay ko pero
nakangiti pa din. Nakakagulat naman 'tong si Aisha.

"Ano meron kahapon, Aish?" I'm still smiling.

"Nanood tayo ng movie! SAD MOVIE!" Yung itsura niya parang nagaalala, nagpapanic,
na napaparanoid, na naC-CR, na nababaliw kaya lalo akong nangiti.

"Oh tapos?" Nakangiti pa din ako.

"Ughh. Namatay na yung bida pero nakangiti ka pa din? Yer scary, Rylie. Dati naman
pag nanonood tayo, hindi pa man namamatay yung bida, humahagulgol ka na. What is
happening to my bestfriend? Ibalik mo siyaaa! Kahit abnormal yun, hindi yun sobrang
baliw. Ibalik mooo! Saan mo siya dinalaaa?" Inalog alog niya ako. Binatukan ko nga
siya.

"Ano ka ba naman Aisha! Masaya lang ako!"

"Hindiii. Gusto mo ba ihatid kita sa mental? Alam mo naman na bestfriend mo ako


Rylie diba? I'm just worried. Okay? Tara na, bilisan na natin." Hinawakan niya
kamay ko. Teka! Pupunta talaga kaming mental hospital?

"Teka naman Aish! Love doctor kailangan ko, hindi mental." At dahil sa sinabi ko,
nahampas niya ako ng sobrang lakas kaya napatili ako.

"Aisha naman eh. Ang sakit kaya nun!"

Nasa CR nga pala kami ngayon. Ewan ko pero hinatak na lang niya ako bigla. Weird
talaga nito oh. Masaya lang naman ako eh. Hehe! Ang sweet kasi ni Tyler. As in!
Pinagbubuksan niya ako ng pinto, sinasabayan niya ako maglakad, pinapauna niya ako
sa pagpasok ng pinto pati sa paglabas ng bus, at kung anu ano pa!

Lumabas na kami ni Aish sa CR kasi masyado na kaming matagal. Babalik na sana kami
ng room kaso may nakita ako kaya pinauna ko na si Aisha sa room. Tinanong pa nga
kung kaya ko daw ba mag-isa. Baka daw kasi mamaya, bigla akong mauntog o madapa.
Tshhh.

Sinundan ko yung nakita ko...

Si Tyler at Janilyn lang pala na magkasabay na naglalakad. Nakahawak na naman si


Janilyn sa braso ni Tyler. Kwento lang siya ng kwento pero si Tyler, di
nagsasalita. Walang reaction. Sinundan ko na naman sila hanggang sa nakarating sila
sa mini canteen...

Bakit pinagbubuksan ng pinto ni Tyler si Janilyn? Waaaa! Tapos pinauna pa siya


pumasok! Sht! Sinundan ko pa sila. Buti na lang may dala akong cap ngayon. Umuulan
kasi eh. Sana hindi ako mahalata! Papasok na sana ako sa mini canteen nang may
gumulat sa akin...

"Huy!" May nag poke sa magkabilang tagiliran ko sa likod ko...

"Ay butiki!" Ito na naman ho ako.

"Anong ginagawa mo? Spy ka na ba ngayon?" Sabi ni Josh na natatawa tawa.

"Sira ka talaga. Wag kang maingay. Sumama ka na lang sa akin. Teka, may cap ka ba
diyan o kahit salamin man lang?" Tanong ko sakanya.

"Meron ako parehas. Natutulog kasi ako pag nagcocommute ako so kailangan ko.
Bakit?" Tanong ni Josh.

"Wear your cap and glasses! Now na!" Sabi ko kaya kinuha naman niya sa bag niya at
sinuot agad. Nagtataka nga siya sa akin eh pero sabi ko mamaya ko na e-explain.
Uwian na kasi namin kaya nagkalat na ang mga students. Yung bag ko nga nasa
classroom pa namin eh.

Hinatak ko na siya. Since mini lang 'to, madali kaming makakakita pag gumitna kami
so nandito kami sa dulo at gilid just to make sure na hindi kami makikita. Isa pa,
madami namang students ngayon since uwian na. Nakakaawa nga si Josh eh. Walang
kaalam alam sa ginagawa namin.

"Shocks." Yan na lang nasabi ko nung nakita kong si Tyler nagbayad sa food ni
Janilyn tapos nung nakakita na sila ng uupuan nila, inayos ni Tyler yung chair ni
Janilyn para makaupo siya. Napakagentleman naman ng taong 'to. After umupo ni
Janilyn, siya naman umupo. Siya pa nagbukas ng bottled water ni Janilyn. T______T

"Ooooh. Kaya pala." Sabi naman ng katabi ko. Nalungkot naman ako. Hayy.

"Grabeee. Akala ko ako lang. May mas malala pa pala yung sakanya." Sabi ko sa
sarili ko.

"Ano ka ba Rylie. Baka naman kasi gentleman lang talaga si Justin? Wag mong lagyan
ng malisya." Alam ko naman na pinapagaan lang ng mokong 'to yung loob ko eh.
Nakokonsensya pa din siguro siya. Hayy. Di naman niya kailangan makonsensya eh.

"Eh bakit magkasama sila?" Di ko na mabilang kung nakakailang buntong hininga na


ako. Nakapalumbaba na nga ako eh. Konti na lang, sasandal na ulo ko kay Josh kasi
nanghihina na ko. Isa pa, inaantok na din ako! Magcocommute pa ako, ang lakas lakas
ng ulan.

"Eh bakit nga magkasama tayo oh?"

"Kaibigan at stalker mate kita. Hehehe. Ehhh basta. Iba yung sakanila eh. IBA!"

"Yun naman pala eh, friends tayo. Friends lang din sila. Hindi yun magkaiba, pareng
Rylie. Wag ka ng magdrama diyan." He tapped my back. Nakooo, kung crush ko pa 'to
hanggang ngayon, ewan ko na lang. Baka siya na talaga ang tuluyang mahalin ko.
Nyek!

"Hindi eh. Di naman ginagawa yun ni Tyler sakin. Di naman niya ako pinagbubuksan ng
bottled water. Di naman niya inaayos yung upuan ko pag uupo ako. Di naman ako
nakahawak sa braso niya pag naglalakad kami... IBA! I-B-A! IBA TALAGA!" T______T

"Ano ka ba. Rylie naman eh. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ba ako sayo o
matatawa." Tiningnan ko ng masama si Josh. Kasi naman eh, magcocomfort na nga lang,
mangiinis pa.

"Biro lang. Kasi naman, wag mong lagyan ng malisya. Malay mo, they're just friends.
Isa pa, kayo naman ni Tyler eh. Trust him na lang." Yun nga eh, hindi kami!!! Baka
may gusto na siyang iba. Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Diba sabi namin, pag
nagkagusto kami ng iba, sasabihin namin sa isa't isa. Tsss. Di naman niya kailangan
itago na gusto niya si Janilyn eh.

"Bahala na nga. Uy Josh, pahiga lang sandali ah. Inaantok na ako eh. Salamat!"
Humiga na ako sa balikat niya. Alam niyo yung feeling na pakiramdam mo eh puting
puti na yung mga mata niyo dahil sa sobrang antok? Ito yun eh.

Sa kalagitnaan ng aking pagtulog, nagulat na lang ako ng bonggang bongga nung may
nag-alis ng cap ko. Ayan tuloy, napatayo ako. Pagtingin ko kung sino...

"A-Ariza? Kamusta ka na?" Tanong ko sakanya kaso nag smirk lang siya at inirapan
ako. Halaaa.

"Ahhuh! Sinasabi ko na nga ba eh! Three-timer!" Sabi niya kaya nagtinginan yung mga
tao sa side namin. Grabe, mini canteen pa naman 'to. Tiyak, rinig na rinig nila
lahat ng sinasabi namin.

"Anong karapatan mong sabiha-" Naputol sasabihin ni Josh nung nagsalita si Tyler...

"Tounge-na! Hindi totoong kami ni Rylie! Sinabi lang namin yun para tulungan niya
ako. Kailangan ko pa ba sabihin kung bakit? Alam mo naman yung dahilan kung bakit
lumipat ako dito diba? Ano Ariza, happy?!" Umalis na siya sa mini canteen...

At hinabol siya ni Janilyn.

Wow.
####################################
CHAPTER 19 (Sweetdreams...)
####################################

CHAPTER 19

"Ngayong alam na nilang lahat ang totoo, pwede ka ng magkagusto sa iba." Ikaw lang
naman gusto ko eh. Ano daw? Ano daw iniisip ko? LOLOLOL. Labo!

Diba dapat masaya ako kasi free na ko and di na namin kailangan magkunwari? Bakit
parang disappointed pa ko? LOL. Patawa ka talaga forever, Rylie. Sa sobrang patawa
mo, ang sarap mo ng sakalin! -_____-
Nandito nga pala kami sa bus ngayon. Nauna na daw umuwi si Aish at dala dala na rin
niya yung bag ko. Ang ulyanin ko daw talaga poreber and eber. Buti na lang talaga,
dala ko phone ko at natext niya ako. Di ko nga lang nareplyan. Wala akong load eh.
Hehehe. Understood na yun!

"Paano si Alexa?" Hindi siya tumitingin sa akin kanina pa.

"Hindi ko alam pero hindi naman na siya nang-gugulo diba?" Tumango naman ako.

Oo nga, hindi na kami ginugulo ni Alexa pero ang dami ko pa ding hate mails
hanggang ngayon. Ewan ko na lang mamaya since alam na ng lahat yung totoo. Mas
mabilis pa sa lightning ang balita kaya panigurado, alam na yun ng buong universe.
Syempre, si Tyler pa! Sikat kahit saan! Ang bago bago pa nga lang niya, mas kilala
na siya sa mga lumang students eh. Mas kilala pa siya sakin. Pshhh.

"Tama tama! Congrats. Free ka na. Pwedeng pwede ka na magkagusto sa iba. Pwede na
maging kayo ni Janilyn." Siguro ang saya saya na niya ngayon. Alam ko naman na
sinabi niya yung totoo dahil gusto niya si Janilyn eh. Tanggap ko na yun. Kitang
kita ko naman sa mga kilos niya eh. Gusto niya si Janilyn.

"Ano nga huling sinabi mo?"

"Wala." Ang awkward namin, bakit ganito? Huhuhu. Diba nga dapat mas okay kasi di na
kami nagpepretend? Eh bakit ganito? Whyyyy?

After many minutes ng hindi namin paguusap, bigla naman siyang nagsalita...

"Jamilah..." Jamilah, Jamilah, Jamilah, ewan ko ba pero pag siya yung nagsasabi ng
Jamilah... Uhmm. Ewan. I think... I think lang naman ha. I find it sexy.
*blushblushblush*

"B-bakit?" Nangungutal na ko. Bakit ganito? Ano naman kaya itatanong niya?

"Sino si Patrick?" Patay kang bata ka. Hindi niya pwedeng malaman na siya yun kaya
nga ang ginawa ko, tumawa ako ng tumawa. Pero nung nakita kong naiirita na siya,
sumeryoso naman ako. Deads na talaga. Narinig niya siguro usapan namin ni Jenine.
Alam na niya kayang siya yun kaya nagagalit siya???
"Crush ko." I tapped his back tapos tumayo na. "We're here." Sabi ko tapos bumaba
na kami. Feeling ko naman hindi niya alam eh. Bakit naman niya itatanong yun kung
kilala niya? Waaa. Nininerbyos pa din ako.

Pagdating naman sa bahay, mukhang badtrip na naman siya. Hala!

"Tyler, bakit mo natanong kung sino si Patrick?"

"Wala." At yun nga, umalis na siya. Nakita ko naman si Aisha na papalapit. Hindi pa
man nakakaalis ng tuluyan si Tyler, nagsalita na agad siya ng malakas...

"LQ NA NAMAN KAYOOOO???"

AWKWARD. Sobrang awkward lang ng araw na 'to. Kill me now! =____=

********

Friday na! Ang bilis naman ng araw. Pwede bang hinay hinay lang muna? Di pa ko
ready sa mga happenings eh. Di pa nga tapos yung isang problema, ayan na naman yung
isa. Sobrang busy kasi sa music club at science club ngayon. Shocks. Bakit ba ako
naging president eh ang irresponsible ko naman? Nakalimutan ko ngang may program
next week eh. I need to move!

Oo nga pala, nakapasok si Christian sa music club. Ang galing kaya niya,
imposibleng di siya makapasok no. At naalala niyo yung batang nag add sa akin sa
facebook? Syempre, nakapasok siya. Mommy na nga tawag sakin nun eh. Mommy? Mommy na
batang isip? LOOOL.

"Rylie, Aisha, sama kayo mamaya." Si Christian yun! Nasa gitna namin siya ni Aisha
tapos nakaakbay siya sa aming dalawa.

"Saan naman?"

"Sa *insertplacehere*. Sama na kayo, treat ko naman eh. Nakapasok ako sa varsity ng
basketball team. Ano, di niyo ba ako susuportahan?" Nag puppy face siya.

"Susuportahan pero helloooo? Hindi kami umiinom!" Sabi ni Aisha.

"Okay lang basta sumama kayo. Isama mo na din boyfriend mo kung gusto mo. Pumayag
na nga si Lynne at Brylle eh. Kasama din yung mga kaibigan namin ni Justin sa
dating school. Wag kang mag-alala, wala si TYLER MO doon Rylie. Nga pala, may hate
mails ka pa din ba?" Alam nga pala ni Christian yung about sa hate mails. One time
kasi dinala niya laptop niya tapos hindi ko nailog-out facebook and twitter ko,
ayun di DAW sinasadyang mabasa.

"Meron pa din eh pero I don't care anymore. Titigil din naman siguro sila diba?" I
smiled.

"Sabagay. Okay, sama kayo ah?" Nag 'yes' na lang ako at umalis na siya. Tingnan mo
nga naman, napakabait talagang kaibigan nitong si Christian! >.<

Sht. Ngayon lang nag sink in sa brain cells ko na bar pupuntahan namin!

Waaaa!

Hindi ako umiinom!

TYLER'S POINT OF VIEW

Natapos ang klase at umuwi na ako agad para makapagpahinga. Natanggap nga pala ako
sa varsity ng basketball team. Parehas kami ni Christian. Ayaw ko naman talaga
sumali doon eh. Siya lang may gusto! Inaaya nga niya ako kanina sa bar pero sabi
ko, ayoko. Di naman ako umiinom eh, minsan lang.

Wala naman masyadong nangyari ngayong araw pero nahihilo ako. Damn! Masyado na ata
akong madaming iniisip. Bakit ko ba kasi iniisip yung babaeng yun? Lalo lang
sumasakit ulo ko eh. Bakit ba kasi itinago pa niya sa akin na may gusto siyang iba.
Ughhh. At bakit naman ako nagrereact ng ganito?!? Linchak!

Kumulo pa yung dugo ko nung magkasama sila ni Josh sa mini canteen kanina.
Kailangan ba talagang nakacap? Ano yun, para walang makakita sakanila? Pakiramdam
ko nga, si Josh si Patrick na sinasabi niya. Nakita ko pa siyang humiga sa balikat
ni Josh. Langya! Ba't affected ako?!? DAPAT hindi!

Lumabas ako ng kwarto. Mukha namang wala ng tao sa labas. Nakasarado pa ilaw sa
room ni Rylie at Aisha. 8 PM na ah. Tulog na yung kambal pero wala pa din silang
dalawa. Saan naman nagpunta yung dalawang yun?

*cellphone vibrating*

Sinagot ko yung phone ko.

"Hello?" Iaantok antok pa ko.

"Justin! Justin! Punta ka dito. Dali, emergency!" Si Aisha talaga! Ano na namang
kailangan nito? Last time na tumawag siya sa akin dahil emergency daw,
pinagtitripan lang niya kami ni Rylie. Eh ano naman pakulo nito ngayon?

"Ano na namang pukulo 'to Aish?"

"Ano ka ba! Hindi 'to pakulo! Pumunta ka na kasi dito!!! PROMISE, hindi ako
nagjojoke. Di kita pinagtitripan!!! JUSTIN TYLER DELA CRUZ!"

"Don't shout, okay?! Saan ba and bakit?" Tanong ko pero inaantok pa din ako.

"Si Rylie!" Nabuhay naman ako at tinanong ko kung anong nangyari. Mamaya na lang
daw niya eexplain pag nandoon na kami kaya sinabi na ni Aisha sa akin kung nasaan
sila. Leche, bakit bar pa?! Kung alam ko lang na pupunta yung dalawang 'to, sana
sumama na lang din ako. Bakit ba kasi inaya ni Christian si Rylie eh alam naman
niyang good girl yun?!

Nakarating na ako sa bar gamit yung sasakyan. Syempre, si manong yung magddrive
since hindi pa naman ako marunong. Malapit lang naman at pwedeng lakarin kaso
nagmamadali na talaga ako. Nakita ko si Ariza na lasing na, yung mga kaibigan at
classmates ko sa school ko dati na nagsasayawan at umiinom, at kung sinu sino pa...

Wala pang 3 minutes...


"Ay buteke! Lumayo ka shakin! AYAW KO SHAAAAYOOOO!" Narinig ko naman na may
nagwawalang babae doon sa may bandang gitna. Alam ko na kung sino yun. Kahit lasing
siya, butiki pa din lumalabas sa bibig niya. Sa dinami dami ng insekto o hayop sa
mundo, butiki pa ang paborito niya. At oo, ayoko sa butiki. Pumunta na ako doon at
nakita ko na si Rylie. Tumutumba tumba. Lasing talaga siya?!

Hawak hawak siya ni Christian.

"Puntahan mo na si Ariza. Ako na bahala dito." Sabi ko sakanya. Oo, inimbitahan


niya si Ariza. Nakita ko nga eh, lasing na din. Ewan ko ba kay Christian. Masyadong
martyr kay Ariza. Naghahabol siya sa isang babae eh ang dami daming nagkakagusto
sakanya.

"Sige pre! Kanina pa siya umiinom e. Ayaw magpapigil. Kanina pa din siya sigaw ng
sigaw e. Nakakaawa. Hindi ko naman alam na favorite word pala niya akong butiki."
He tapped my back tapos umalis na siya. Hiniga ko naman si Rylie sa sofa na mahaba.
Syempre, pinaalis ko muna yung mga nakaupo. Umalis din naman sila dahil tiningnan
ko sila ng masama.

*cellphone vibrating*

Si Aisha pala yung tumatawag...

"Justin, kinausap ko na mama at papa ni Rylie. Ikaw na maguwi sakanya. Thanks.


Malapit lang naman bahay nila diyan eh. Kaya mo na yan. Ginamit ko na kasi si
manong." Grabe talaga si Aisha! Ughhh.

"Pe-" Hindi ko pa natatapos sasabihin ko, binaba na niya yung phone.

"HOY! IKAW!" Tinuro ako ni Rylie habang nakahiga siya sa sofa at nakaupo naman ako
sa tabi niya.

"Ano?" Tanong ko sakanya. Halatang na sigurong naiirita na ako. Bakit ba kasi


naglasing 'tong babae na 'to? Damn.

"LALAKWE KA JIN JIVA?!" (Lalaki ka din diba?)


"Oo naman."

"Alam mooooo baaaaa? AAAAAANG TAAAANGA TAAAANGA KOOOO!" Bigla siyang tumawa pero
may luha na sa sides ng mata niya.

"Bakit naman?"

"BIRUIN MO! NALOKO AKO NG TATLONG LALAKI! AY APAT PALA! BUTCHI NGA YUNG ISHA,
BUMAIT. MEHEHE. TINGIN MO, MEEEERON PA KAYANG MATINOOONG LALAKI?"

I shrugged my shoulders.

"Ewan ko."

"AY MEROOON! KASHO BADING! Shayang nga eeeeh! Shayang yung lahi! Hindi man lang
naparaaaami! Ay meron pa pala!"

"Sino?"

"SHI BRYLLE, CHRISTIAN, AT PATRICK!" Tumawa na naman siya. Lasing na nga 'to.

Yan na naman yung Patrick na yan. Ibig sabihin ba nun, hindi ako matino para
sakanya? Sabagay, lagi ko kasi siyang sinasaktan. Ughh. Should I hate myself?

"Kilala mo ba shi Patrick?" Tanong niya.

"Hindi. Sino ba yun?" Hindi na rin pala masama na nalasing 'to. Magkakachance ako
na itanong sakanya kung sino yung Patrick na yun.

"SI Chyler yun eh! HAHAHAHA!" Ano daw? Tama ba pagkakarinig ko? Kailan pa naging
Patrick pangalan ko at higit sa lahat, bakit Patrick???
"Bakit naman?"

"SHEEECRET!" Tingnan mo yung babaeng 'to. Ang labooo kahit lasing.

"Lasing ka na. Uuwi na kita." Bubuhatin ko na sana siya kaso...

"OH MY GHAD!" Tinakpan niya ng dalawang braso niya yung katawan niya.

"Re-rapin mo ako?! Waaaaag! Batcha pa ko! *hik*"

WTH?! Tumayo naman siya kaya napatayo din ako. Naglakad siya papunta sa dance floor
na tumutumba tumba pa at syempre, sinundan ko siya.

"Hi Ms." Sabi ng lalaki. Eh mukha pa lang nito, hindi na katiwa-tiwala eh.

"Heeelloooo!" Baliw talaga si Rylie!

"Tara sayaw tayo!" Sabi na naman nung lalaki.

"Shigeee ba! Gusto ko yaaaan." Napakunot yung noo ko.

Naglakad ako ng mabilis at hinila ko siya.

"Bastusan ba pare?! Ako nauna sakanya." Nainis ako sa sinabi niya kaya...

"Hindi siya binibili. Walang 1st come 1st serve dito. Girlfriend ko tong
pinagtitripan mo!" Gusto ko siyang suntukin pero may nagsabi sa akin dati na hindi

"WALANGYA KA!" Susuntukin na niya sana ako ng biglang tinulak siya ni Rylie.
"Hoy ikaaaaw mishter(mister)! Wag mong inaaway tong boypren boyprenan ko ah?! Baka
gushto mong ako umumbaaaag shaaayo! Abaa!" I smirked. Palaban din pala 'tong si
Rylie eh.

"Rylie uwi na tayo." Sabi ko pero hinatak naman niya ako papuntang dance floor.

"HINDEEEEE! SHASHAYAW TAYO! SHASHAYAW!"

Tinitingnan ko lang si Rylie habang sumasayaw siya. Mukhang ang dami nga niyang
problema. Grabe, nababaliw na siya.

"SHASHAYAW KA BA O HINDEEEE?! SHAYAW KA NA! NAKAKAWALA NG STRESH(stress) CHRY MO!"


Bigla naman siyang napatingin ng diretso sa akin na parang inaanalyze ako. Tumigil
siya sa pag sayaw. Nakahawak pa siya sa chin niya na parang nagiisip.

"SHABAAAGAY! Wala ka namang problema!" Naglakad siya na gumegewang gewang pa din at


umalis sa maraming tao. Sinusundan ko lang siya hanggang sa labas. Gumitna siya sa
kalsada at humiga.

Good thing, walang dumadaan na sasakyan.

"Kashalanan koooo! Kashalanan kooo kung bakiit walang nagkakagushto *hiiik* sa


akin. *hiiik* Isip bata ako. *Hiiik* Cluuuumsy! *hiiik* at burara *hiik*"

Nilapitan ko siya sa gitna ng kalsada. Hahatakin ko sana siya patayo kaso ako naman
ang hinatak niya pababa. Niyakap niya ko at umiyak siya. At ngayon, parehas na
kaming nakahig sa daan. Damn.

*heart beats faster*

"Bakit ba kailangan masaktan? Ako na nga ang nagmamahal. Ako na nga ang walang
ginawang masama, ako pa masasaktan! Sabagay, sino nga naman ang magmamahal sa isang
katulad ko. Ay teka, minahal ko nga ba sila? Shinubukan ko namang mahalin shila e.
Binigay ko shakanila time and caaare ko! Pero bakeeet? Bakeet nashashaktan pa din
akooo?!" Tumulo ng tumulo yung luha niya.

"Bumangon ka na nga." Sabi ko habang inaalis ko yung braso niya sa katawan ko kaso
sobrang higpit ng pagkakayakap niya sakin.

"Hopelesh romantic, iship bata, clumshy, at carelesh. Wala bang magmamahal sha akin
dahil ako to. Shi Rylie to!"

"Alam kong si Rylie ka and yes, you're different. Bumangon ka na." Nakayakap pa din
siya sa akin.

"Booola ba ako? Chewing gum? Laruan? Aaaaah. Alam ko na, all of the abooove. Galing
ko no? Hahaha! Pinagpasha pashahan ako tapos iluluwa kung kailan nila gushto. Meron
paaaa! PINAGLARUAN NILAAAA AKOOOO! SHINIRA NILA TO!" Tinuro niya yung chest niya.
Masyado na siyang nasasaktan. Bakit hindi ko alam?

"Bumangon ka na Rylie. Tara na."

"SHALAMAAAT AH! GUMAAN PAKIRAMDAM KO! THE BESH KA TALAGA!"

She kissed my cheeks. WTF?! Ang kulit niya. Aisha, humanda ka talaga sa akin!

Dahil nga walang dumadaan na kotse or kahit tricycle man lang. Pinasan ko na siya
sa likod ko. at naglakad na. Malapit lang naman yung bahay kung may sasakyan eh
kaso si Aisha, tinangay si Manong at yung kotse. Ang itim talaga ng mga balak nun.

"Hoooy Brylle! Bakit ikaw, matino? Bakit ayaw ka pa sagutin ni Lynne eh ang perfect
perfect mo na nga oh? Inggit meee."

Pati ba naman problema ng ibang tao pinoproblema niya?

"Hindi ako si Brylle."

"Aaaaay ganuuun ba? Shooorry namaaan! Alam mo na, shira ulo ako eeeh! *hiik*"

"Ang baho ng hininga mo." Sabi ko sakanya pero di naman niya pinansin yung sinabi
ko.
"Hoooy Christian!" Ang kulit talaga!

"Hindi ako si Christian."

"Bakit ganuuun beshpren mo shakin?" Ako ba tinutukoy niya?

"H-ha?" Ako ba yung tinutukoy ni Rylie?

"Si Tyler!!! Baket ganun siya shakin?!" Sabi na naman niya.

"Bakit? Ano meron kay Tyler?" Nakisakay na lang ako since ang kulit kulit naman
niya.

"MASYADONG MABAIT! MASYADONG GWAPO! MASYADONG PERFECT! Paano pag nalaman niyang
gushto ko siya? Mashashaktan na naman akooo! Pakisabi nga wag na siyang maging
mabait sa akiiiin! Ayoooko mainlove shakanya! OKAAAAY?!"

Nagulat ako sa mga narinig ko. Ako nga si Patrick?! Bakit Patrick???

"Wag kang magalala. Gusto ka rin niya." Sinabi ko bang gusto ko siya? Bakit parang
nagkaroon ng bibig yung utak ko at nasabi ko yun? Lasing na din ba ko?

Tiningnan ko siya sa likod ko, nakapikit na.

"CHRISTIAAAN! Alam mo ba hehehe ang shwerte shwerte ni Ariza shayo. Bakeeet ba


kashe ang haba haba ng hair ni Chyler at kajameng nagkakagusto shakanya! Ang dami
ngang umaaway shakin e lalo na sha feyshbook(facebook) kasho naman ayaw ko shabihin
kay Chyler. Ang daaaami na niyang problema!"

Sobrang laki na pala ng kasalanan ko kay Rylie. Di ko man lang siya naipagtanggol
sa mga umaaway sakanya. Bakit pa kasi sa dinadami ng babae, si Rylie pa. Inosente,
mabait at hindi marunong lumaban.
Nandito na kami sa bahay nila. Pinasok ko siya sa kwarto nila at hiniga sa kama.
Paano ko kaya papalitan to ng damit? Tulog na mga yaya, si Aisha naman ayaw
gumising at nakalock pa yung pinto, hindi naman pwede sa parents ni Rylie kasi di
naman nila alam na iinom si Rylie. Lalong hindi naman pwede kay manong guard at
manong driver. Hayaan mo na nga, hindi naman siya sumuka. Ganyan na lang siya.

*throws up*

Ano ba yan! Sumuka siya sa damit niya. Pati na din sa bed sheet! Paano na 'to?!

Kumuha ako ng towel at pinunasan ko siya. Bahala na nga! Teka, bakit ba


pinagpapawisan ako eh ang lamig lamig? Langya talaga, Rylie! Kumuha ako ng warm
water at pinainom ko sakanya. Kumuha naman ako ng malaking tshirt para hindi ko na
siya kailangan suotan ng shorts. Inalis ko na yung vest niya. Tapos yung 1st button
ng blouse niya.

*lunok*

2nd button.

*lunok*

3rd button.

*lunok*

4th button.

*lunok*

5th button.

and so on and so forth... *lunok*


Okay. Time to close my eyes.

"RAAAAAAAPE!" Bigla siyang sumigaw kaya tinakpan ko yung bibig niya. Ano ba 'to!
Buti malayo room niya sa room ng parents niya. Inalis ko na yung kamay ko sa bibig
niya...

What the heck?! Wala akong balak pagsamantalahan siya no.

"SHINO KA?! PATAY KA SHAKIN BUKAAASH! WAHAHAHAHA!" Dinilat niya yung mata niya ng
dahan dahan tapos tinitigan niya akong mabuti.

"GWAPOOOOO! SHINO KA?! LOOOORD, NASA HEAVEN NA BA KO AT NAKAKAKITA AKO NG ISHANG


ANGHEL?! SHIGE. ITULOY MO LANG YAN. HEHEHE. TUTULOG NAAA KO! GOODNIGHT!" Bumangon
siya saglit at kiniss ulit ako sa cheeks. O_O

Sa hindi ko alam na rason, napangiti ako. Kakaiba talaga 'to lalo na pag lasing.

Tapos ko na siyang bihisan sa wakas. WALA AKONG NAKITA. Konti lang. Biro lang!!!
Wala talaga akong nakita. Pramis mamatay man lahat ng langgam sa mundo! Pero
pinagpawisan talaga ako dun kahit nakabukas yung aircon. Sht! Teka, paano ko ba yun
nagawa nang walang nakikita? Weird. Adrenaline rush, I guess?

Binuhat ko na siya at hiniga sa sofa sa kwarto niya. Nagulat nga ako kasi sabi siya
ng sabi ng Patrick. Ano ba 'tong babaeng 'to. Lalo akong nacucurious eh. Bakit ba
Patrick?!

Pumunta ako sa kwarto at binuksan yung cabinet niya. Buti may bed sheet dito.
Nilagay ko sa labahan yung sinukahan niya pati uniform niya. Pinalitan ko na yung
bed sheet ng bed niya at binuhat ko na ulit siya mula sa sofa, papuntang bed ko.
Umupo ako sa side niya at tinitigan siya. I combed her hair using my hands...

"Goodnight Rylie. Wag kang magalala. Hindi na ako magiging mabait sa'yo. Sa totoo
lang, hindi naman ako mabait sa'yo e. In fact, lagi nga kitang nasasaktan. Mas
mabait ka lang talaga. Wag mong isipin na, walang magkakagusto sa'yo. Tanga ang
lalaking pinakawalan ka at papakawalan ka. Kaya nga tanga ako e. Kasi natatakot
akong mainlove sa'yo. Natatakot akong mainlove ka sakin. Natatakot akong masaktan.
Natatakot akong masaktan kita. Sweetdreams, Jamilah. Tomorrow is another day. I
really like you though."

I kissed her forehead.


Aalis na sana ako kaso bigla niya akong hinatak at niyakap...

"Dito kaaaa lang sa tabi ko." Narinig kaya niya?!

Tinabihan ko na siya.

"I'm sure, hindi mo na 'to maaalala bukas. I'm gonna miss you Jamilah.
Sweetdreams!" Sabi ko. Yumakap siya sa akin.

"HIHIHI." Natawa ako kasi may pahabol pa siyang tawa.

I kissed her cheeks.

Sweetdreams...
####################################
CHAPTER 20 (I'm doomed!)
####################################

CHAPTER 20

"Rylie, ano nangyari sa'yo?!" Boses agad ni Aisha ang bumungad sa akin pagkagising
ko. Grabe, nahihilo ako. Waaa! Gusto ko na lang ibaon yung ulo ko sa kung saan.
Nyikes, pwede patanggal na lang ng ulo ko? Huhuhu. Di ko na carry eh T___T

"Bakit?" Tanong ko.

"Namumula buong katawan mo pati mukha mo." O_______O

Tumingin ako sa mirror. May allergy ata ako? Yung mom and sister ko kasi, allergic
sa alak. Ako din? HINDI AKO PWEDENG MAKITA NILA MAMA AT PAPA NG GANITO! Mapapatay
ako ng wala so oras!!! Anyway, nag kwento na sa akin si Aisha.

Si Tyler pala ang naghatid sa akin at piniggy back ride niya ako pauwi. OMGGG!
Kilig naman ako. Yun yung nakikita ko sa mga koreanovelas eh. LOLOLOL. Ito na naman
ako. Tinanong ko din pala kay Aisha kung sino nagpalit ng damit ko at kung anu ano
pa pero sabi niya, pinsan na lang daw niya tanungin ko. May malaking question mark
tuloy ngayon sa utak ko.

"Ako na bahala sa parents mo. May date kami ni Drei ngayon eh. Don't worry, babalik
ako ng maaga para maasikaso kita."

"Thank you."

Umalis na si Aisha at naiwan ako dito sa bahay. Buti na lang Saturday ngayon at
wala akong pasok. Buti na lang din talaga umalis na sila mama at papa. Buti na lang
workaholic silang dalawa. Nakuuu, kung nagkataon, deads talaga ako. Pero ano naman
excuse ko kung bakit ganito? Waaa! Hindi ko pwedeng uminom ako! Hindi talaga.

Si Tyler naman, hindi ko alam kung nasaan eh. Sabi nila, umalis daw at hindi namin
alam kung saan nagpunta. Di man lang nagpaalam. Hmp. Eh bakit naman siya
magpapaalam? Ano ka ba niya, Rylie? Loka loka ka talaga!

Natulog lang ako maghapon. Pinilit kong matulog, baka sakaling gumaling ako.
Lumabas ako ng room at nagpunta sa kitchen pero nagulat at naawa ako at the same
time dahil nakita kong umiiyak si Janine. Katabi nga niya si Jenine eh, cincomfort
siya. Sweet talaga! Si Janine nga pala yung mas over-protective kay Tyler. Nasabi
ko naman na sa inyo ng ilang beses diba? Hehehe. Anyway, nakita kong nagppaint
siya...

Lumapit naman ako sakanya.

"Pwede ko bang makita?" Tanong ko.

"UMALIS KA NGAAAA! AYOKO SA'YO!" Sabi niya na umiiyak pa din. Naaawa talaga ko.

"Wag mo ngang ginaganyan si ate Rylie, Janine. Bad yan sabi ni kuya." Sabi ni
Jenine.

"I don't care!" Sabi na naman niya.

"Bakit siya umiiyak, Jenine?"

"Kasi po iniinsulto siya ng classmates namin na pangit mag paint kaya sumali po
siya sa poster making contest kaya nag papractice po siya ngayon."
"Ahhh." Yun na lang nasabi ko. Kawawa naman pala si Janine.

"Pwede niyo po ba siyang turuan? Sabi po ni kuya, nakita niya yung paintings niyo
sa room mo. Ang galing mo daw po." Patay na! Paano at saan naman niya nahagilap
yun? Sobrang tinatago ko yun eh. Ano ba naman. Talas pala ng mata ni Tyler. Pwede
na siya sa matanglawin. Joke!

"Oo naman."

"Hndi ko kailangan ng tulong mo!" Sabi na naman ni Janine.

"Janine, kung gusto mo manalo. Magpatulong ka na kay Ate Rylie."

"Hmp. Chige na nga! Pero ngayon lang ah?"

Tinulungan ko mag paint si Janine. Ang galing nga eh kasi napapatawa ko na siya
kahit papano. Mabait naman pala siya eh. Masyado lang niyang mahal kuya niya. And
truth to be told, may talent naman pala siya sa pagpepaint. Kulang lang sa feelings
and emotions...

"Janine, who's your favorite cartoon character?" Tanong ko sakanya.

"Spongebob!" Parehas pala kami nitong si Janine.

"Bakit mo natanong ate Rylie?"

"Wala. Quiet lang kayo ah? Nasabi ko na kay Jenine 'to eh pero sasabihin ko ulit
para alam din ni Janine. Alam mo bang naaalala ko yung kuya niyo kay Patrick sa
spongebob?" Nagtawanan naman sila.

"Bakit naman?"

"Eh kasi siya yung star na nakakapagpasaya sa mga mga tao ng hindi niya alam.
Maalaga siya at mabait. Matalino nga lang kuya niyo di gaya ni Patrick the star."
Nagtawanan ulit sila. Actually, kung anu ano na nga napagusapan namin eh.
Nakikitawa na din si Janine at nag sorry siya sa mga inasal niya sakin pero sabi ko
naman, walang problema doon at naiintindihan ko.

"Basta tandaan mo palagi, pag magpepaint ka kailangan mong lawakan imagination mo.
Dapat maging creative ka. Isipin mo, magiging proud lalo si kuya Tyler mo. Diba
he's your inspiration? So yun, galingan mo! We're here for you! Wag mong isipin
yung sasabihin ng classmates mo sayo. Prove them wrong! AJAAA!" Nagulat naman ako
kasi hinug niya ako.

"Sorry ate. Thank you." Naluha naman daw ako. Ang babaw ko talaga!

"Sabi sa'yo mabait si ate Rylie eh."

"Ikaw na lang yung girlfriend ni kuya ah?"

Wala akong nasabi. Tumawa na lang ako. Sorry kids, kailangan ko ng layuan kuya
niyo. Hindi lang talaga ako makaalis ngayon dahil sa allergy ko.

*JUSTIN TYLER'S POINT OF VIEW*

Ano kaya nangyari kay Rylie? Sabi sa akin ni Aisha, nasa bahay pa din daw siya at
may allergy. Bakit pa kasi siya uminom eh. Ang aga ko kasing umalis kaya hindi ko
alam kung ano balita sakanya. Nagtataka ba kayo kung saan ako pumunta? Wala. Nag
practice lang. Aalis na nga pala kami bukas sa bahay nila Rylie. 2 weeks na kasi
ang nakalipas. Nabibilisan ba kayo? Ako din eh.

Pag dating ko sa bahay nila, ang tahimik. Nasaan kaya si Aisha? Nagpunta ako sa
room ni Rylie, wala siya. Wala din si Janine and Jenine sa room nila. Nasaan na ba
mga yun? Pumunta ako sa kitchen. Nakita ko na magkakatabi si Janine, Jenine, at
Rylie.

Teka? Oo alam ko si Jenine, mabait sa halos lahat ng tao lalo na kay Rylie pero si
Janine??? Itinakwil nga niya si Alexa at gumawa pa ng trap dati para lang paalisin
siya sa bahay namin eh. Oo, nakapunta na doon si Alexa pero wala namang nagaaya
sakanya. Pinilit lang niya ako na sumama sakanya. Grabe na si Rylie! Grabe na ang
charisma ng babaeng yan!

Narinig ko naman si Rylie na nagsasalita...

"Wala. Quiet lang kayo ah? Nasabi ko na kay Jenine 'to eh pero sasabihin ko ulit
para alam din ni Janine. Alam mo bang naaalala ko yung kuya niyo kay Patrick sa
spongebob?" Nagtawanan silang tatlo. Pinaguusapan ba nila ko?

"Bakit naman?" Tanong ni Janine.


"Eh kasi siya yung star na nakakapagpasaya sa mga mga tao ng hindi niya alam.
Maalaga siya at mabait. Matalino nga lang kuya niyo di gaya ni Patrick the star."
Nagtawanan ulit sila. Pagkatapos nun, hindi na ako nakinig. Pumunta na lang ako sa
living room at umupo sa sofa. I guess, I already found the answer. Di na ako
makucurious kung bakit Patrick tawag niya sa akin. Tingnan mo nga naman yung isip
niya. Kakaiba talaga!

"Oh my. Ate! Ate! Nandito na si kuya." Sabi ni Janine na tumatalon talon pa at
hawak hawak yung isang kamay ni Rylie. Si Jenine naman, hawak hawak yung isa pang
kamay ni Rylie. Ano meron at ang saya saya ng mga batang 'to?

Pero teka, si Janine na walang gustong babae para sa akin, close na sa babaeng
gusto ko? Teka, ano ba naman yan Tyler! Ang corny mo! At kailan pa naging Tyler ang
pangalan mo? Your name is Justin! Not Tyler! OK? Ughh. Ano bang nangyayari sakin?!?

Nakatulala lang ako sakanila. Nakatayo na kasi silang tatlo malapit sa akin. Sht,
ang pula pula ni Rylie. Mukhang allergic nga siya sa alak.

"Tyler, paano nga pala naging ganito suot ko?" Tanong niya.

"Binihisan kita." Tinakpan niya yung katawan niya using her hands at tinakpan naman
ng mga bata yung mga tenga nila. Gusto kong matawa sa reactions nila pero hindi
pwede. Baka isipin nila, may ginawa akong kakaiba...

"Wag kang magalala. Wala akong nakita." Sabi ko dahil yun naman ang totoo.

"Wheew." Mukhang nanghina si Rylie. Kinabahan siguro siya. Lalo ko tuloy gustong
matawa pero wala eh, kailangan kong pigilan kasi baka akala nila, hindi ako seryoso
sa mga sinasabi ko. Teka nga, bakit ba masyado akong defensive eh wala naman talaga
akong nakita? Diba?

At paano ko kaya 'to lalayuan? Pwede bang wag muna ngayon?

Nagulat naman ako ng lumabas si manang mula sa kwarto niya. Oo nga pala, tatlo na
yung yaya na nandito. Si manang lourdes yung nanay ng baby sitter ng kambal.

"Ser, yung gelpren mo ang baet baet. Hindi man lang aku napagud magalaga sa mga
bata. Tapus sumusunud pa sakanya. Ang galeng galeng! Pwede ng mag baby setter. Sege
po, maglulutu na po aku." Weird lang kasi ang fluent mag tagalog ng anak niya pero
siya, sobrang bisaya. Sabagay, lumaki sa manila anak niya. Siya kasi, umuuwi pa din
sa probinsya.

Nagulat naman ako kasi pagtingin ko sa kabilang side, nakita ko si Janine na


tumatakbo papunta sa akin. Teka, nasaan si Rylie at Jenine? Kanina lang nandiyan
sila ah?

"Kuya luhod ka, may sasabihin ako sa'yo." Sabi ni Janine.

Lumuhod ako tapos bigla niyang tinakpan yung mata ko gamit yung handkerchief.
Hinatak naman niya ako. Ano na namang pakulo ito?

"Janine, saan mo ako dadalin?" Tanong ko.

"Basta, sumunod ka na lang Kuya Patrick." Kuya Patrick? Pati ba naman si Janine?!
Narinig ko naman si Janine nagpipigil ng tawa. Ano kaya binabalak nito? Naramdaman
kong pumasok kami sa isang kwarto.

"Bye kuya, bye ate Rylie. Enjooooy!" Narinig kong tumawa yung kambal at narinig ko
din sumara ang pinto. Narinig ko din na...

"Haaaaachu!" Narinig ko din na may bumahing.

Inalis ko yung blind fold. Nakita ko si Rylie na nakablind fold din tapos nakaupo
sa floor sa isang corner. Lumapit ako sakanya at inalis yung panyo na nakalagay sa
mata niya. Nagulat naman siya nung nakita ako pero ngumiti din. Weird talaga.

"Sorry ah? Napagtripan tayo ng kambal eh." Sabi ko sakanya.

"Nakooo. Okay lang yun no. *Haaaachu* Ikaw talaga. Sanay na ko. *Haaachu* Excuse
me!" Nakita ko siyang namumula pero yung lips niya, namumutla. Sinandal niya yung
ulo niya sa wall at pumikit. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam niya.

"Nahihilo ka ba?" Tanong ko. Umiling naman siya pero nakapikit pa din. Ang obvious
niya talaga. She keeps on pretending that she's okay when in fact, she's not.
Binuhat ko siya.
"Uy, ibaba mo ko." Mahinahon niyang sinabi. Hiniga ko siya sa kama.

"Magpahinga ka na lang muna." Pumikit na siya. Pumunta naman ako sa pintuan at...

"Janine! Jenine! Buksan niyo 'to. Pag hindi niyo to binuksan in 5 seconds, humanda
kayo sakin mamaya." Sabi ko at nagsimula ng magbilang...

"OOOONE!"

"TWOOOOO!"

"THREEEE"

"FO-"

Binuksan na nila yung pinto. Pagkakita ko sakanila, magkatabi sila at nakapout


parehas. Magkaholding hands pa nga sila eh.

"Sooorry kuya " Sabay nilang sinabi at sabay din silang yumuko.

"Maguusap tayo mamaya." Sabi ko sakanila.

"Patay!" At sabay na naman nilang sinabi. Kambal nga sila.

Tumakbo ako ng sobrang bilis para mag punta sa drug store. Pagbalik ko sa kwarto,
pinakain ko siya at pinainom ng gamot. Nakatulog na rin siya habang ako,
tinititigan ko lang siyang matulog. Hindi ko din alam kung bakit pero ang sarap
niyang titigan. ANOOO?! Langya, di ko na maintindihan sarili ko!

Pero naghalo halo na yung sakit ni Rylie. Nakakaawa na siya...


"Don't worry, Jamilah. Bukas wala ng aaway sa'yo."

I kissed her forehead. Napatingin naman ako sa may pinto at nakita ko si Aisha na
nasa gitna ng kambal. Para silang naparalyze na tatlo. Nakanganga nga lang sila...

"OH MY GOD?! Did I just see what I think I just saw?" -Aisha

"Did kuya kiss ate Rylie on her forehead?" -Jenine

"Ate Aish, diba you told us na when a guy kisses a girl on her forehead, it means
he likes her?" -Janine Wow ha! Ang daming alam!

Si Aisha pala ang nagtuturo ng mga ganun sa mga bata. Tsk.

"Yes. It means she's special to him." -Aisha

"Yeah. And he cares about her." -Janine

"Wait. Diba pag may care may love?" -Jenine

Sige. Ang babata niyo pa gumaganyan na kayo. Bakit, nainlove na ba kayo? Pero hmmm,
okay din yung theory nila ah. See? Sabi naman sa inyo eh. Sabi sa inyo nababaliw na
ko.

"Shh.. Natutulog oh. Baka magising?" Yun na lang sinabi ko.

"Ayiieee. Iniiba yung usapan. Aamin na yan! Aamin na yan!" At nag cheer na nga
silang tatlo.

I'm doomed!
####################################
CHAPTER 21 (Pagiisipan ko.)
####################################
CHAPTER 21

It's been two weeks since nag stay sila Tyler sa bahay namin. Namimiss ko na nga
yung kambal eh. Okay fine, namimiss ko na din si Tyler. Kasi naman, hindi niya ako
pinapansin since umalis sila. As in, hindi talaga. Alam mo yung kausap na... ay
ewan! Puro about school works and other stuff. Nakakabaliw. Buti na lang talaga,
madaming ginagawa sa school.

On the brighter side, wala ng nagpapadala ng hate mails sa akin. May mga nagsosorry
pa nga eh. Syempre, pinatawad ko na dahil mabait naman akong anghel. LOLOLOL. At
isa pa pala, wala na rin akong naririnig na pangalan ko sa hallway. Ay, meron pa
pala pero konti na lang.

On the worst side naman, naloloka ako! Hindi ata naisip ni Tyler na kapag sinabi
niya yung totoo sa lahat, iisipin ng iba, barbero ako kahit totoo naman. Kasi eh,
ang haba ng kinwento ko sakanilang love story namin ni Tyler. Ayan tuloy, kinukulit
nila ako kung gawa gawa ko lang ba yun o baka naman isa na naman sa kasinungalingan
namin. Ito naman ang sabi ni Tyler sakanila...

"Most parts are true. Actually, isa lang naman yung kasinungalingan doon eh. Yun ay
yung girlfriend ko siya pero the rest, totoo na. Kayo na bahala kung maniniwala
kayo o hindi. But don't blame her. It's all my fault. She just saved me from a
witch."

In fairness, sinabi niya yun para di na ako guluhin ng mga tao. Gusto ko nga na
may umaaway sakin eh kasi lagi niya akong pinagtatanggol. Pag wala kasing umaaway
sakin, di naman niya ako kinakausap. Hehehe. Syempre, biro lang. Ayoko ng may
kaaway no!

"Rylie, may napapansin ka ba kay Justin?" Tanong ni Lynne. Nandito kami ngayon sa
bench. Hindi pa naman time kaya tumambay muna kami ni Lynne. Wala kasing magawa sa
loob ng room at isa pa, nandoon si Tyler.

"Lately naman kasi, iba't iba na kasamang girls ni Justin. Labo nga eh. Sinulat ko
pa nga yung mga names nila oh. Look!" Tiningnan ko naman. May maliit kasing
notebook si Lynne na lagi niyang dala. May pagkanerd yan eh pero hindi naman
halata. And journalist din yan sa school namin. Lumalaban nga siya sa kung saan
saan eh. Galing!

Janilyn

Ariza
Britney

Cindy

Georgina

Rhea

"Ikaw talaga Lynne! Baka friends lang sila." Sabi ko sakanya.

"Ah. Okay. Bahala ka! Basta pag niloko ka ng lalaking yun, wag mo ng sagutin ha."
Alam na nga pala niya LAHAT LAHAT! Pati yung tungkol kay Alexa. Ahh basta, lahat!

"Hindi naman nangliligaw e. Eh bakit nga si Brylle? Hindi ka naman niloloko pero
ayaw mo sagutin?" I poked her side stomach at tiningnan ng nakakaloko kaya
tiningnan niya ko ng masama.

"Ibang sitwasyon na yun no. Naghihintay lang ako ng right time." She smiled. Yung
smile na kinikilig? LOL. Ito talagang si Lynne, pakipot kahit kailan!

"Kailan ba ang right time?" I asked para mawala yung topic sakin.

"Sa tamang panahon. Basta kasi. Teka, ikaw yung topic ah? Bakit napunta sa akin?"

Ang sabihin niya, gusto lang niya pahirapan si Brylle. Joke lang! Anyway, if you're
looking for Aisha, kasama niya si Drei. If you're looking for Tyler, hindi ko alam
kung nasaan siya. Hindi na nga kami nagpapansinan diba? Except na lang pag may
kinalaman sa school...

"Rylie, can we talk?" Tanong ni Christian na nasa gilid ko ngayon at nakatayo.


Tumingin naman ako kay Lynne at nag sign siya ng 'go lang'

"Sure." Sagot ko.

"Sige Rylie, mamaya na lang. See you! Pupuntahan ko pa si Papa Brylle. Text me if
tapos na kayong magusap." Tumayo na si Lynne.

"Okay. Byebye!"
Umalis na siya tapos si Christian naman ang umupo sa tabi ko.

"Ano pala sasabihin mo?" Tanong ko.

"Si Ariza, hindi niya ako minahal." Nakakagulat naman 'tong si Christian. Ganun
talaga ang intro 'te? Sobrang straight to the point eh.

"Whaaat?!" Bakit ba niya sinasabi sakin 'to?

"She tried but she can't. Her heart won't let her. Para kay Justin lang talaga yung
puso niya. Ang corny ko ba? Sorry ah. Wala na talaga akong masandalan. Ikaw na
lang, Rylie. Hindi naman pwedeng si Justin, diba? Naaalala mo ba nung may sugat sa
lips si Justin? Ako may kasalanan nun. I punched him. Ayoko ng masaktan si Ariza."

"Pero mas nasasaktan ka..." Naaawa ako sakanya. I tapped his back.

"Pero mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Mahirap pilitin ang
ayaw. Mahirap ipilit ang sarili mo sa taong may ibang mahal. Mahirap makita ang
mahal mo na umiinom lagi at walang ibang bukang bibig kundi ang bestfriend mo. Mas
nasasaktan ako kung ako nga lagi ang kasama niya pero ang isip at puso niya, nasa
iba." Sabi niya ng tuluy tuloy.

"Sabagay. Bakit ba kailangan pang masaktan yung mga totoong nagmamahal? Ang sakit
naman! Hayy." Nalungkot naman ako.

"Ganun talaga eh. Wala tayong magagawa. Dadating din naman yung time na, tayo na
ang sasaya. Wag kang malungkot. Hindi mo 'to problema." Sabi niya tapos ngumiti.

"Ano na gagawin mo ngayon?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko alam. Sige, una na ko. Ano nga pala number mo?" Nilabas niya yung phone
niya at syempre, binigay ko na number ko. Tetext na lang daw niya ako.

"Sige! Text mo na lang ako. Bye. Alam mo Christian? Isa ka sa matinong lalaki na
nakilala ko kaya nga sana hindi ka magbago. Kung wala ka, siguro iniisip ko ngayon,
may matitino pa kaya talagang lalaki sa mundo? Pero naisip ko naman, ang daming
lalaki sa mundo, sure ako madaming kagaya mo." I winked at him tapos tumawa kaming
dalawa.

"Thank you Rylie." Umalis na siya. Tinext ko na si Lynne para puntahan ako...

Ilang saglit lang...

"TAE!" Sabi ko.

"Bakit?" Tanong naman ni Lynne.

"Si Alexa. Ayun oh." Sabay turo sa garden...

"Tae nga! Mas maganda ka pa diyan eh. Para siyang..." Binigyan niya ako ng isang
nakakalokong ngiti. Sira talaga 'to.

"Para siyang?"

"Parang siya yung christmas tree namin sa bahay last yr." Nagtawanan kami. Sobrang
benta ng sinabi niya. Tawang tawa kasi talaga ako ng bonggang bongga.

"Ang sama mo." Sabi ko.

"IKR?! Kung masama siya, mas masama ako. Kung pangit siya, hamak na mas maganda
ako." She rolled her eyes. Taray!

Nakarating na kami sa garden. Nakita kong kausap ni Alexa si Tyler. Ano ba yan,
sila na ba ulit? Nagkacut ba si Alexa? Bakit nandito siya? Medyo malayo school nila
dito ah?

But anyway, ginawa ko na ang karaniwan ko ng ginagawa...

EAVESDROPPING.
Nagtago kami sa may halaman ni Lynne.

"Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa babae na yun? Lahat naman ng meron ako, wala
siya. Lahat naman ng meron siya, meron din ako." Sabi ni Alexa.

"Mali ka. Sakanya ako. Pero hindi ako sa'yo. Yun ang meron siya na wala sa'yo. Gets
mo ba, Alexa? Please layuan mo na ko!" Sabi ni Tyler. Kawawa nga siya pero kawawa
din naman si Alexa.

"HAAAACHU!" Lynne, pahamak ka talaga! Sumilip silang dalawa at patay, nakita nila
kami. Tiningnan ko ng masama si Lynne and nag sorry pero she just mouthed it.
Hinatak naman ako ni Tyler kaya katabi na niya ako ngayon at kaharap na namin s
Alexa. Katakot!

"Hindi pa din ako makapaniwala na siya ang pinili mo." Sabi ni Alexa.

"Sino bang may sabing siya ang pinili ko?" Sabay turo sakin.

"Hindi siya? Diba siya? Akala ko ba, siya?" Tinuro naman ako ni Aelxa.

"No?" Nakita kong dumaan si Ariza at napalingon si Tyler.

"Then who?" Tanong ni Alexa.

"Siya!" Tinuro niya si Ariza. Gusto siya ni Justin. Si Justin, gusto si Ariza. Wala
silang kaalam alam. Pero bakit parang hindi ako makahinga? Parang kinacrumple yung
puso ko. OUUUUCH!

"What the heck? Pagsisisihan mo talaga 'to, Justin!" Sabi na naman ni Alexa.
Nakakaawa talaga siya.

"Sure, bye!" Sagot naman ni Tyler. Baliw talaga 'to. Papalapit na dito si Ariza.
Ano kayang meron?
"Tyler, can we talk?" Napatingin sa akin si Ariza then tumingin ulit siya kay
Tyler.

"Privately?" Dagdag nito. Hmppp.

*JUSTIN'S POINT OF VIEW*

Umalis na sila Rylie. Nandito kami ngayon sa may swing ni Ariza. I feel bad. Alam
kong gusto ako ni Rylie dahil ilang beses ko ng naririnig yun sakanya. Hindi man
niya sinasabi sa akin pero sinasabi niya sa mga tao kahit sa kapatid ko. Pero
ginagawa ko naman 'to para sakanya eh. Para hindi siya masaktan ng mga babae lalo
na si Alexa at para din hindi ko na siya masaktan.

"Naalala mo ba nung grade 4 tayo?" Biglang nagsalita si Ariza.

"Ano meron doon?" I asked her coldly. Alam naman niyang naiinis pa din ako dahil sa
ginawa niya kay Rylie at Christian pero kaibigan ko pa din naman siya diba? Sa
tingin ko naman, nasasaktan din siya.

"Crush kita nun pero natatakot akong malaman mo kasi alam kong hinihintay mo pa din
yung childhood friend mo na iniwan ka." Oo, si TJ. Ano na kaya nangyari sakanya
ngayon? Ano na kayang itsura niya ngayon?

"Ariza, bakit mo ba sinasabi sakin to?"

"Grade 5 Grade 6, 1st yr, 2nd yr, 3rd yr, 4th yr... Minahal kita at mahal pa din
kita, Justin."

"P-pero si Christian?" Mahal na mahal siya ni Christian hanggang ngayon.

"Alam niya lahat. Pumayag siyang maging rebound. Sinubukan ko siyang mahalin pero
hindi ko kaya. Ikaw ang mahal ko. Naiinggit nga ako kay Rylie eh."

"Huh? Ano ba yung pinagsasabi mo? Magkaibigan tayo diba?"

"Ang manhid mo talaga kahit kailan! Simula noon, mahal na kita. Umamin na ko sayo
dati diba? Manhid ka talaga. Please, Justin. Mahal na mahal kita. Kahit subukan mo
lang akong mahalin. Okay na sakin yun. Basta bigyan mo ako ng chance."
"Si Christian?"

"Break na nga kami. Okay lang daw sakanya kahit maging tayo."

"Pero si Rylie?"

"Si Rylie na naman?! Wala na kayong bukang bibig kundi si Rylie!"

"Gusto ko siya. Ayaw kong may makaalam. Ayaw ko siyang masaktan, Ariza."

"Kaya nga layuan mo na siya para hindi siya masaktan. Para hindi ka tuluyang
mainlove sakanya at para hindi siya tuluyang mainlove sa'yo."

"Pagiisipan ko."
####################################
CHAPTER 22 (Akala ko ba magkakampi tayo?)
####################################

CHAPTER 22

Guess what? It's the 2nd week of July already! Hehehe. Okay naman ang mga
pangyayari nitong mga nakaraan na buwan. Gloomy nga lang kasi maulan pero ayos
naman. Ang saya nga eh. Ang saya matulog. LOL! Sa katunayan nga niyan, kasama ko si
Christian ngayon sa bench...

"Selos na yan!" Sira talaga 'to. Nasa may garden kasi sila Ariza at Tyler ngayon.
Hindi nila kami nakikita pero nakikita naman sila. Kami pa!

"Si Christian naman. Baka ikaw?" Alam ko kasing hindi pa siya nakakamove on kay
Ariza eh. Ayaw niya atang mag move on.

"Asa! Ba't ko pagseselosan ang babaeng hindi ko mahal. I mean hindi ako mahal."
Tingnan mo nga! Pag kasi kaming dalawa lang ang magkasama, nagkukulitan at parang
wala naman kaming maitatago sa isa't isa. Pero pag may iba ng tao, hush hush lang
kami sa true feelings namin.
"So heartbroken ka pa din? Haaa? Yiiee." I poked his side. Nakakatuwa nga eh kasi
kalalaking tao, may kiliti sa tagiliran. LOLOLOL.

"Hindi na. Nandiyan ka na eh." He smiled.

I blinked once. No. Twice. Fine! Thrice.

"Kung anu ano iniisip mo. Nandiyan ka na, may karamay ako. Naisip ko kasing, kung
magiging broken hearted ako ngayon, eh ano ka pa?" Iniinis na naman niya ako -____-

"Mas malala kaya yung nangyari sa'yo." Sabi ko sakanya.

"Hindi ah. Atleast naging kami. Eh kayo? Nagsisimula pa lang, wala na agad." Oo nga
naman. Nakakatawa naman! Pero hindi naman kasi ako umasa sa simula pa lang na
magtutuloy tuloy yun. Wait. Hindi nga ba? Ang hirap pag magulo ang isip eh. Sorry.
Magulo ang isip ko palagi. Mwehehe.

"See? Yaan ang obvious!" Sabi na naman niya. Weird nito. Anong obvious na
pinagsasabi niya?!

"Obvious?" Tanong ko naman kasi hindi ko magets!

"Oo. Nagseselos ka oh?"

"Ako? Nagseselos? Ha? Nagjojoke ka ba?" Pinilit kong tumawa pero hindi eh. Halatang
fake!

"Eh bakit ka nagbablush?" Tanong na naman niya. Sira talaga 'to!

"Ako? Nagbablush? Ha? Nagjojoke ka ba?" Ay? Parang inulit ko lang yung sinabi ko
kanina. Anyway, ayun nga. Pinilit ko ulit tumawa pero halatang fake na naman.

"Asaaa! Obvious na nga eh. Idedeny pa. Tingnan mo nga oh, kanina mo pa sila
tinititigan. Tsss..." Nag pout lang ako. Hindi ko naman kasi mapigilang hindi
mapatingin eh. Tingnan mo nga oh, ang sweet sweet nila. Hindi nga sila naghoholding
hands o nagkikiss pero halata mong masaya sila. Si Ariza kwento ng kwento tapos si
Tyler, tahimik lang pero nakangiti.

"Wag kang mag-alala, ikaw pa din gusto niyan." Sabi na naman ni Christian.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko maganda ka. Alam ko kung sino iniisip mo."

"Hindi si Tyler ah." Sabi ko. Hindi naman talaga siya ang iniisip ko dibaaa?! OH
LORD!

"Defeeensive. Wala pa kong sinasabi." Binigyan niya naman niya ako ng nakakalokong
ngiti. Sapakin ko kaya 'to no? Kakagigil eh.

"Eh sino?" Tanong ko.

"Ako!" Lumayo ako sakanya.

"Uy, ano ginagawa mo?" Tanong ni Christian.

"Woah. Ang galing. Tingnan mo oh. Napunta ako dito. Ang kapal mo kasi e. Napausog
tuloy ako. Baka kasi pag tumabi ako sa'yo, alam mo na, mag bounce ako sa kakapalan
ng mukha mo! Alam na!"

"Anong alam na?"

"Ano pa? Edi hindi tayo magkakasya. Masyado ngang makapal diba?" Pagkatapos kong
sabihin yun, tumawa na ako ng tumawa. Nakakatawa naman kasi yung joke ko eh.
Muahaha! Tumawa kayo plsss. Lumapit si Christian sa akin at nilagay niya yung hands
niya sa waist niya at tinitigan akong mabuti. Nakakatawa naman itsura ni Christian
oh. Muahaha!

"Aba! May alam ka din palang kayabangan. Corny mo!" Alam ko naman eh. Hindi na niya
kailangan ipamukha sakin, okay?
"Mas ka. Balik ka na sa room niyo." Tumawa kami. Ang close namin no? Simula kasi
nung naging si Tyler at Ariza, hindi na kami naguusap ni Tyler. Maguusap kami kung
kailangan lang. Pag nakakasalubong ko naman siya, ngumingiti at kumakaway ako
habang siya, tumatango lang. Nagkakailangan din kami pag magkatabi kami. Masungit
siya sa akin, mabait pa din ako sakanya.

Bakit kaya may mga bagay na hindi mo na kailangan pang sabihin?

Parang kami lang, hindi niya sinabi sa akin na layuan ko siya pero bigla kaming
naging cold sa isa't isa. Umasa ba ko? Siguro nga. Nahihiya ako na nasasaktan.
Akala ko kasi matatagpuan ko na. Sablay pala!

Mas okay na siguro to para iwas sakit. Eh bakit nasasaktan pa din ako? Ang labo
namaaan!

"Oy Rylie! Tinatawag ka ni Sir." Sabi ng isa kong kaklase. Physics class nga pala
'to. Hala, di pa man din ako nakikinig. Paano na yan! Nakooo. Di ko alam isasagot.

"Ha? Po? Bakit po, Sir?" Halatang kinakabahan na ko. Nakoo. Physics pa man din 'to!

"Ipapadala kayo ni Mr. Dela Cruz mamaya sa Section V ng Grade VI. Usually,
president and vice president pinapadala pero dahil dalawa kayo ni Mr. Dela Cruz na
president, kayo na lang. Since section I din kayo, mas okay kung kayo ang
maiincharge section V at ang mga tiga Section V naman ng 4th yr ang maiincharge sa
Section I ng grade VI." Akala ko naman tatawagin na ako. Buti na lang, hindi.
LOLOLOL. Busy kasi ako mag doodle kanina eh.

"Bakit po?" Tanong ko kasi hindi ko maintindihan sinasabi niya.

"Magdidiscuss kayo sakanila about highschool. Kung ano meron, ano ang kailangan
nila paghandaan. Bibigyan niyo sila ng guidelines and yung mga subjects na
kailangan nila paghandaan, etc. Kayo na bahala! Tatanungin nila kayo after niyo mag
discuss. Then they'll rate you based on your performances. Kaya goodluck sa inyong
dalawa. Project niyo din 'to sa Religion kaya pagbutihan niyo."

"Thank you po." Yun na lang nasabi ko. Grabe, nakakahiya naman! To think na si
Tyler pa ang kasama ko eh ang awkward nun! Shizzz wizzz naman!
"Ipapaalala ko lang sa inyo na mahirap ihandle ang Section V. Kaya pagbutihin niyo,
sa inyo nakasalalay ang grades ng buong klase. If ever na kayo ang may pinakamataas
na ratings, maeexempt kayong dalawa sa 1st qtr exam sa Physics. Ako ang adviser
niyo kaya nakasalalay din sa inyo ang image natin. Okay?"

PHYSICS?! Kailangan kong maging mabait sakanila. Sht! Hatest subject ko is Physics.
Waaa! Kailangan ko talagang pagbutihan. Kailangan ko maging professional ng
bonggang bongga!

"By the way, class? Christmas in July next week. Ididivide ko kayo into four groups
para maghanda ng intermission number. May feeding program kayo. Bukas niyo na
malalaman kung sino ang group mates niyo. Ms. Hao and Mr. Dela Cruz, kayo ang
iaassign ko sa food, services, and kung magkano ang kailangan icontribute." Ang
hirap naman maging president tapos ang kasama mo pa lagi eh yung gusto mo na hindi
ka naman gusto. Bitter? Hindi no. Di naman naging kami eh. Sayang, gwapo pa naman.
LOL JOKE!

LUNCH BREAK!

Nandito kami ngayon ni Aisha sa table ng school canteen kasama si Christian, Drei,
Lynne, and Brylle. Minsan nga pala, sumasama si Josh sa amin. Nakakaawa kasi eh.
Buti nga ngayon, may nakakasama na siya. Yung kasama niya palagi eh yung isa sa
kagrupo niya dati. Hindi ko alam yung pangalan eh. Bahala na! Ang tahimik naman
kasi nun eh.

"Oy Lynne kailan mo ba sasagutin si Brylle? Parang ang tagal na niyan ah?" Napansin
ko naman na medyo nabulunan si Lynne.

"Napakachismosa mo talaga Christian!" Sabi ko. Hala, bakit ko ba nasabi yun?

"Babae ako? Babae ako?"

"Oooy, ikaw may sabi niyan." Sabi ko naman. Tumawa naman kaming lahat habang si
Christian eh tiningnan ako ng masama.

"Chismosa kasi eh. Dapat chismoso." Sabi niya sabay tap ng balikat ko.

"Sorry po Ms. Este Mr. Perfectionist." Sabi ko naman.


"Halikan kita diyan eh!" Sira talaga 'to. Kaya kami nachichismis eh!

"Ba't parang may umaamoy na isda?" Sabi ni Aisha. Sira ulo talaga 'tong si Aish!

"Oy pare! Camera ba kayong dalawa?" Si Brylle naman ngayon.

"Bakit naman?" Sagot ni Christian.

"Nagkakadevelopan na kasi kayo eh." Sira talaga si Brylle! At ilang beses ko na ba


nasabi ang sira sa isipan ko? Sira talaga ako. LOLOLOL.

"Alam mo, dapat kay Lynne mo sinasabi yan, hindi sa amin." Sabi na naman ni
Christian kaya nag blush naman si Lynne. Yiieee. Kilig!

"Nakooo. Christian, kailan mo ba kasi liligawan itong bestfriend ko?" Sabi na naman
ni Aisha. Nakakaloka naman kasi sila. Ayoko talaga ng napupunta sa hot seat!
Sheesh.

"Oo nga naman Christian. Kailan mo ba kasi liligawan si Rylie my loves. Ay sorry.
Selos ka?" Bumanat na naman si Lynne. Ano ba naaaaaaman!

"Hoy Lynne, hindi kita ni-aano ah?" Sabi ni Christian kaya natawa na naman kami.

"Para kang bata! Hindi ka pa nasanay sakanila. Simula ata last month, palevel up ng
palevel up yung pangaasar skills nila eh." Sabi ko.

"Naglelevel up din naman yung kalandian skills niyo eh." Sabi naman ni Lynne kaya
tinakpan ni Brylle yung bibig nito. Ayaw kasi ni Brylle na nagsasalita si Lynne ng
ganun. I mean yung malandi, tanga, or curses. I find it sweet.

"Hay. Buti pa si Rylie, naiintindihan ako." Sabi ni Christian.

"Tayo na nga lang magkakampi dito, hindi pa kita ipagtatanggol? Atsaka


naiintindihan mo din naman ako eh." Sabi ko sakanya kaya tumingin na naman ng
nakakaduda yung mga loko lokong 'to. Sira talaga sila. LOLOLOL. Ito na naman ako sa
sira. Nagiging habit ko na magsabi ng sira ah.
"So M.U. na pala tayo?" Bigla namang sinabi ni Christian. Anong pinagsasabi nito?

"Bakit?"

"Nagkakaintindihan tayo oh?"

"Coooooorny!" Sabay sabay naming sinabi. Tumawa kaming lahat. Kawawa talaga si
Christian pag bumabanat, it's either kasi na iinisin siya o babarahin siya. Kawawa
nga eh pero tanggap naman niya at natatawa din naman siya. Kasiyahan lang naman eh.

Biglang may lumapit sa amin kaya natahimik lahat.

"Uy guys, mukhang ang saya niyo ah? Pwede bang makiupo?" Sabi ni Ariza na kasama si
Tyler. Si Tyler naman, mukhang naiirita eh sus naman, lagi namang ganyan yan eh.

"Ah. Ano. Oo naman." Sabi ko.

"Ayaw ata ni Christian eh. Wag na." Sabi na naman niya. Ano bang gusto niyang
palabasin? Okay na nga sila ni Tyler diba? Bakit kailangan pang madamay si
Christian? Naaawa na nga ako sa tao eh.

"Riza, wag na tayo dito. Nakakaistorbo lang tayo sakanila. Dun na lang tayo sa
kabilang table." At kailan pa naging Riza ang tawag ni Tyler kay Ariza? Tss. At
gusto pa niyang magsolo sila ni Ariza ng table? Okay. Sige. Ang sweet naman nila!!!
Hindi naman ako nagseselos eh. Bakit? Sino ba may sabing nagseselos ako? Ang feeler
niyo ah?

Baka si Christian ang nagseselos. Not me. Na-uh. Never!

Okay fine. Nagseselos nga ako T____T

"Pare! Umupo ka nga diyan. Tadyakan kita eh." Sabi ni Christian. Ang bait talaga!
Syempre, close pa din si Christian at Tyler. Mag bestfriends nga diba?

"CHRIS, kung gusto ni JUSTIN magsolo sila ni RIZA, hayaan mo sila para magkaroon
naman sila ng QUALITY TIME." Sabi ko.
"Jus, sige. Sa kabilang table na tayo." Sabi naman ni Ariza. Jus? Hmpp. Ang pangit
naman ng Jus. Mas cute pa din yung Tyler. Diba guys?

Lumipat na sila sa kabilang table na katapat namin kaya kitang kita ko silang
nagtatawanan. Nakakainis. Teka, bakit ako naiinis?

"Oy Chris, gumagwapo ka ata ngayon? Libre ka naman diyan." Sabi ko sakanya.

"Oy Rylie, nagbago ka na." Sabi niya ng seryoso kaya naging seryoso din yung mukha
ng mga kasama namin. Nagtataka ata sila.

"H-ha?" Yan na lang nasabi. Nagbago na ba talaga ko?

"Gumaganda ka lalo." Tumawa naman sila Aish habang ako, napangiti na lang pero
masama pa din yung tingin kay Christian. Kinabahan naman kasi ako eh!

"Corny mo, dude." Sabi ko.

"Parang siya hindi." Sabi na naman ni Christian. Nagtawanan naman ulit kami...

"Ayaaan na namaaan sila." Sabay sabay nilang sinabi.

"Ano na naman kami?" Sabay naming tanong ni Christian.

"Kayo. Kayo na!" Sabi ni Drei, boyfriend ni Aisha. Pati ba naman siya?!

"Cooorny." Sabi ko kaya tumawa na naman kami.

"HA HA HA HA HA!" Narinig namin yung tawa sa kabilang table. Ano kaya problem nila
doon?

"YIIIEEE. NAHIYA NAMAAAN AKO. SALAMAT AH?" Sabi ni Ariza. Teka, sigaw ata yun eh.
Ang lakas naman kasi ng boses. Napatigil tuloy kaming lahat.
"Ha? Anong sinasabi mo?" Sabi ni Tyler. Nakita kong sinipa ni Ariza si Tyler sa
ilalim ng table.

"Ah. Oo nga. Ang ganda mo." Sabi ulit ni Tyler pero parang nanggaling sa ilong niya
yung sinabi niya. LOL. Napilitan? Okay. Hindi ako pwedeng tumawa. Hindi talaga!
Hahahaha!

"Hahahahahaha!" Sorry. Hahaha! Di ko talaga mapigilan hindi tumawa eh! Hahahaha!

"Rylie, bakit ka tumawa bigla? Para kang baliw!" Sabi ni Aisha.

"Aisha, may kwento ko sa'yo mamaya! Hahahaha!" Sabi ko ulit.

"Hoy daya! Share ka naman diyan!" Si Lynne naman yun!

"Sige na nga. Ganito kasi yun........*boksh kish tish*" Pinipigilan kong tumawa.
Ang hirap talaga pigilan ng tawa ko. Hahaha! Nasabi ko naman na sa inyo na mas
napipigil ko pa ang ihi at pupu kesa sa tawa at iyak diba? Hindi ko talaga
mapigilan tawa ko eh. Muahahahaha!

"Dali na! Tawa kasi ng tawa e. Kabungisngis na bata." Sabi naman ni Christian.

"Sorry naman ha? Ganito kasi yun. HAHAHAHAHA!" Nakita ko silang lahat na nakatingin
sa akin ng nagtataka na parang nag woworry na nawiweirdan. Eh sa natatawa ko e?
Bakit ba? Muahahaha! Nag seryoso naman na ako kasi ang seryoso talaga ng mga itsura
nila...

"Okay. Uh? May babae kasi at lalaki..." Sabi ko.

"Tapos?" Sabay sabay nilang sinabi.

"Tapos na!" Sabi ko tapos tumawa ulit ako.

"Tae ka Rylie!" Sabi naman ni Aisha na natatawa tawa na din.


"Tama ka Aish." Sabi ni Christian kaya tumigil na naman kaming lahat. "Tae ka
Rylie. Hindi kasi kita kayang tiisin eh." At nagsimula na naman silang tuksuhin
kaming dalawa. Tumatawa nga sila eh habang ako...

"Ha Ha Ha Ha!" Nag fake laugh ako. Baliktad ata. Pag masaya sila, ako yung hindi.
Pag ako yung masaya, sila yung hindi. Amp. Unfair ng life!

"Chris, don't mind Rylie. Kinikilig lang yan!" Sabi ni Aish.

"Yiiieeeeeee." Sabay sabay nilang sinabi.

"Akala ko ba magkakampi tayo?" Sabi ko sabay hampas sa balikat niya. Oh well.


####################################
CHAPTER 23 (Ang kulit naman!!!)
####################################

CHAPTER 23

Pumasok na kami sa room at tinawag na kami para pumunta sa section V. Kinakabahan


ako. Hindi dahil kasama ko si Tyler, sige, isa na rin yun. Pero dahil sa kagustuhan
kong maexempted sa physics.

Pagpasok namin...

"Class, greet them na." Sabi ng Teacher.

"Goodafternoon Visitors." See? Mababait naman pala sila eh.

"Good Afternoon. I'm Jamilah Rylie Hao. But you can call me Ate Rylie."

"Ate! Ate! Sino yung poging katabi mo? Pakilala mo namaaaan!" Sabi nung isang babae
na nakapig tails pa.

"Oo nga po!" Sabi ng katabi niya.


"Hi, I'm Justin Tyler Dela Cruz." Then he smiled at them.

"Ang poooogi namaaan." Sabay sabay nilang sinabi.

HOY ANG BABATA NIYO PA!

"Ate Rylie, baka napapagod ka na. Upo ka muna."

"Huh? Wag na. Nakakahiya naman. Thank you na lang."

"Sige na ate! Si ate namaaan!"

Kailangan kong maging mabait. Okay?

Umupo na ako. Kaso bigla akong may narinig na parang fart. Pag tingin ko sa inuupan
ko. Oh my. Nakakahiya. Tingingnan ko si Tyler. Halatang pinipigilan niyang tumawa.
Tumayo ako then I glared at him. He glared at me too. Gaya gaya puto maya!

Nagtawanan silang lahat. Namumula na siguro ako :"(

Nagdiscuss na kami. Naging maayos naman kaso minsan, nagkakasabay kami ni Tyler ng
sinasabi. Tapos sabay din kaming tumitigil.

"May questions ba kayo?" Tanong ni Tyler. In fairness, ang galing niya mag discuss.

"Kuya kuya! Masarap bang mangchicks?"

"Ah eh. Hindi naman ako nambababae eh." As if.

"Kuya, tingnan mo oh. Nagbablush si ate. Kayo ba?"


"Hindi ah. May girlfriend yan." Sabi ko sakanila.

"Hindi kami ni Ate Rylie niyo." Sabi naman ni Tyler. Ang chichismosa't chismoso
naman ng mga bata na 'to. Sabagay, may isip naman na sila. Yung iba nga, may
boyfriends at girlfriends na. Actually, malalaki na sila. When I say malalaki,
literal! Yung iba nga, mas matangkad sa akin. Grabeee, bakit ang tatangkad na nga
mga bata ngayon? Nanliliit ako eh.

"Ay. May girlfriend na pala si kuya. Sayang naman." Sabi nung babaeng nakapig tails
kanina.

"Wala akong girlfriend." Sabi ni Tyler.

"Diba kayo ni Ariza?" Diba sila?

"No? Who told you that?" O__________O

"Hindi kayo? Eh ba't lagi kayong magkasama? Atsaka narinig ko kayong naguusap
dati."

"Yiieee. Nagseselos si ate." Sabi naman ng mga Grade VI. Geez!

"Eh bakit kayo ni Christian? Lagi ding magkasama? Kung ganun pala, kayo na ni
Christian? I didn't know that." Sabi ni Tyler pero mahinahon pa din. Ang seryoso
nga niya eh.

"Nagseselos din si Kuya?" Sabi na naman nila. Nakakatawa nga eh kasi titingin sila
sa akin pag nagsasalita ako tapos pag si Tyler na yung nagsasalita, sakanya naman
sila titingin. Palipat lipat.

"Kasi nga wala siyang kasama. Nakipagbreak si Ariza sakanya dahil sa'yo." Sabi ko.

"Alam ko. Pero hindi kami." Sabi na naman ni Tyler.


"Eh ano kayo?" Tanong ko. Sasagutin na sana niya pero sayaaaang kasi inawat na kami
ng teacher! Sayang talagaa!

"Excuse me? Nandito kayo para magdiscuss sa mga bata. Hindi para asikasuhin ang
love life niyo." Sabi ni Ma'am. Halaaa. Patay na ang Physics ko nito!

"Sorry Ma'am" Sabay naming sinabi.

"So, may tanong pa ba kayo?" Sabi ulit ni Tyler.

"Meron po! Masaya po ba magkaroon ng love life? Okay lang bang magkaroon ng
boyfriend kapag highschool na ako?"

Grabe! Nung Grade VI ako, may sarili kaming mundo ni Aisha. Madami naman kaming
friends pero wala talaga sa isip namin yung love love na yan. As in, wala talaga!

"Okay lang magkaroon ng boyfriend or girlfriend as long as hindi makakaapekto sa


studies mo and alam ng parents niyo." Sabi ni Tyler.

"Ah. Eh kayo ate, ano masasabi niyo?" Sabi na naman nila. Kailangan ba talaga, may
opinion ako? Ano ba naman T____T

"Ako? Uh? Don't lose hope. Makakahanap ka ng para sa'yo. Pero sa takdang panahon.
If it's meant to be, it will be. Basta wag kang magmamadali. One step at a time
lang. Alam mo, sobrang konti lang ng nagkakatuluyan sa high school sweethearts.
Minsan wala pa nga eh." Sabi ko sakanila. Totoo naman yung sinabi ko diba? Konti
lang talaga ang nagkakatuluyan sa mga highschool sweethearts. Bilib nga ako kay Ate
Denise at kay Kuya Hans eh. Biruin mo, highschool sweethearts sila tapos 7 years na
sila ngayon. Galing! Anyway, music club members sila.

"Tama! Kaya ingatan mo yung puso mo kasi once na masaktan yan, mahihirapan ka na
magtiwala." Sabi ni Tyler. Nuxx. Magkasundo kami ngayon ah? Astig! B-)

"Atsaka pag magmamahal ka, wag mong ibibigay yung puso mo ng buog buo. Pero wag
kang magpapaasa ng kahit na sino kasi nasasaktan din sila." Hala? Naging love
doctors na ata kami ni Tyler? What happened?
"Oo nga. Dapat matututo ka ding lumaban. Hindi puro kapakanan ng iba iniisip mo."
May pinapatamaan ba siya? HOW DARE HIM! Natahimik ang buong klase.

"Aaaah. Ganun pala yun?"

"Grabe! Ang dami na nilang experiences. Maeexperience din kaya natin yan?"

Nagtanong naman sila ng kung anu ano pa like nakakastress daw ba maging highschool?
Ano daw maeencounter nila? Totoo daw bang magulo ang highschool? Totoo daw bang
masaya at the best ang highschool? Ang daming tanooong.

"Ate, Kuya, may tanong po ako."

"Ano yun?" Sabay naming tinanong.

"Broken hearted po ba kayong dalawa?"

"Siya oo, ako hindi." Sabay naming sinabi.

Aba! Kailan pa ko naging broken hearted? At kanino namaaan?

"Broken hearted nga." Sabay sabay nilang sinabi.

Ang kulit naman!!!


####################################
CHAPTER 24 (Tinamaan na nga ata talaga ako.)
####################################

CHAPTER 24

TYLER'S POINT OF VIEW

"Mas makakamura tayo kung bibili na lang tayo ng ingredients kesa magpadeliver.
Tayo na lang magluluto." Sabi ko. Kami kasi yung in charge sa finance, food, and
service para next week. Nagccram kami ngayon dahil next week na yun! Buti na lang,
nakiusap kami na wag na kaming isama sa intermission numbers at iba pa dahil
sobrang dami na naming ginagawa. Isama niyo pa yung practice sa basketball.

"Magkano ba yung contribution?" Tanong niya.

"Kita mong hindi pa nacocompute diba? Hindi pa nga natin alam yung prices ng
ingredients eh." Sinasadya ko talagang maging masungit sakanya nung una para di na
niya ako pansinin pero ngayon, hindi ko mapigilan na hindi maging masungit sakanya.
Naiinis ako dahil lagi silang magkasama ni Christian? Hindi siguro? Ughh ewan!

"Sorry naman ha?" Then she whispered, "Suungit!"

I heard the 's' word again. Hindi ko alam kung binulong niya yun o nagpaparinig
lang siya.

"Pupunta ka ba sa mall mamaya?" Tanong ko sakanya.

"Hindi." Sabi niya.

"Pumunta ka. Tingnan mo yung prices ng ingredients. Ililista ko na lang."

"Tingnan mo 'to. dapat hindi na lang niya ako tinanong, diba? Tsss..." Bumulong na
naman siya. Ang hilig niya bumulong pero naririnig ko naman. Ewan ko ba dito sa
babaeng 'to.

"May sinasabi ka?" Sabi ko.

"Wala po BOSS. Ako lang po ba mag-isa?" Tanong niya.

"Ayaw mo?"

"Sige. Aayain ko na lang si Christian." Eh ano naman kung ayain niya si Christian?
Ano bang pakielam ko?
"Bahala ka!"

"Bakit ba ang sungit mo? Ang cold mo pa!" Sabi niya. Naluluha na nga siya eh.
Nasaktan ko na naman ba siya? Ano ba naman, Justin! Hinawakan ko wrist niya and
started walking...

"Tyler, saan ba tayo pupunta?" Tanong niya.

"Sa mall."

"Akala ko ba iniiwasan mo ko?" Ang dami niyang tanong!

I stopped.

Oo! Iniiwasan kita. Sabi mo kasi sa akin ayaw mong mainlove sa akin. Masyado ka ng
nahihirapan. Pero ano yung nakikita ko sa inyo ni Christian? Naiinis ako. Teka,
hindi naman ako nagseselos eh. Diba? Hindi naman diba?! Damn! I'm getting weird.

"Hindi kita iniiwasan. Sino ba ang unang umiwas, diba ikaw? Bakit mo nga ba ako
iniiwasan?" Sabi ko. Oo, hindi lang ako ang umiiwas sakanya, siya din. Akala ba
niya hindi ko yun napapansin?

"Baka magselos si Ariza. Diba sabi mo at sabi ko pag nagkagusto na tayo ng iba,
ititigil na natin yung pagpapanggap? Diba kayo na?" Anong klaseng excuse yun? At
bakit naman magseselos si Ariza? Nakakairita na.

"Ang kulit mo, alam mo yun? Hindi nga kami! Paano mo nasabing kami?" Narinig kaya
niya pinagusapan namin ni Ariza? Pero kahit na narinig niya, sabi ko pagiisipan ko.
Hindi ko sinabing oo. Isa pa, bestfriend ko si Christian. Hindi ko siya kayang
taluhin.

"Lagi kaya kayong magkasama. Pati diba sinabi mo kay Alexa na gusto mo siya? Tapos
saktong kakabreak lang nila ni Christian. So..." Sinabi ko yun para tigilan ka na
ni Alexa! Ang slow at ang manhid naman pala talaga ng babaeng 'to.

"Ganun ba kababaw tingin mo sakin? Kaibigan ko si Christian, alam kong masasaktan


siya. Hinding hindi ko aagawin ang hindi sa akin." Kaya hindi ka rin pwedeng agawin
ni Christian sa akin. Taena! Naisip ko nga ba yun?

"Pero nasasaktan na siya..." Alam naman ni Christian na hindi ko gusto si Ariza!


Alam na alam yun ni Christian. Nag-usap na kami tungkol dito eh. Sabi ko kay
Christian, aalagaan ko si Ariza para sakanya. Hindi ko sasaktan si Ariza para
sakanya kahit gustung gusto ko na siyang layuan ngayon.

Nag-away pa nga kami nung napahiya ko si Ariza hallway pero hindi ako nag sorry
sakanya dahil sa tingin ko naman eh tama lang yung ginawa ko. Tama lang na
pinagtanggol ko si Rylie. Kaya ayun, nasuntok niya ako.

"Alam mo, kung magcoconclude ka sa isang bagay, gumamit ka muna ng scientific


method." Sabi ko kay Rylie.

"Ikaw na nerd " She laughed. Tingnan mo 'to. Kinakausap ng maayos, biglang tatawa.
Ugh. Nakita kong papalapit si Christian sa amin. Of course, pupuntahan niya si
Rylie. Bakit ba inis na inis ako? Wala naman silang ginagawang masama ah? Diba?!

Hindi kaya nagsesel- HINDI! HINDI TALAGA!

Nakita kong nag 'hi' si Rylie kay Christian. Tapos nag ngitian silang dalawa. Ano
ba meron sa kanila? Dapat pala hindi na ko lumayo kung kay Christian lang din naman
siya mapupunta kaso kung hindi naman ako lumayo, hindi titigilan ni Alexa and yung
iba pang babae si Rylie. Nakakaawa nga si Ariza kahit papaano kasi siya naman
ngayon ang pinupuntirya ni Alexa.

"Uy, ano yan ha? Muling ibalik?" Sabi ni Christian.

"Sira ka talaga Chris! Wala namang ibabalik eh." At kailan pa naging Chris ang
tawag ni Rylie kay Christian? Pati tama si Rylie, wala naman talaga ibabalik. Hindi
pa nga nagsisimula eh.

"Sumesexy ka yata?" He poked Rylie thrice. Christian! Chansing na yan ah?

"Alam mo Chris, wala akong pera ngayon." Sabi ni Rylie. Maglambingan daw ba sa
harap ko? Taena! Ang sakit sa mata!
"Wala din akong pera ngayon eh. Libre mo na ko." Sabi ni Christian.

"Pupunta pa ako sa mall mamaya." Sabay ngiti ni Rylie.

"Bakit naman?" Tanong niya kay Rylie.

"Titingin ako ng prices ng ingredients eh."

"For what?"

"Feeding program."

"Sino kasama mo?"

"Ako lang."

"Ikaw lang?"

Ang daming tanong ni Christian! At oo nga pala, nandito pa ko ah? Bakit parang
silang dalawa na lang yung naguusap? Taena!

"Yessir. Ayaw ako samahan ni Justin eh." Justin? 1st time niya akong tinawag na
Justin? Dapat maging masaya ako pero bakit... ganito?

"Pre, ba't ayaw mo samahan 'tong si Rylie?" Tanong ni Christian. Sasagot na sana
ako kaso biglang sumabat si Rylie. Ikaw yung tinatanong?!

"Sasamahan niya kasi si Ariza."

SILENCE...
"Joooke!" Dagdag nito. Sira talaga 'tong si Rylie.

"Samahan na kita sa mall. Lilibre kita!" Sabi ni Christian sabay akbay. AKALA KO BA
WALA SIYANG PERA?

"Akala ko ba wala kang pera?" Tanong ni Rylie.

"Joke lang yun no. Gusto ko lang magpasama kanina kaso wala kang pera." May gusto
ba si Christian kay Rylie? Bakit di niya sinasabi sakin?

"Sige na nga. Sandali lang tayo ah? Mauubusan ako ng bus eh. Alam mo na, ang layo
ng bahay ko sa katotohanan." Sabi ni Rylie kaya tumawa naman si Christian.

"Ihahatid kita."

"Taaalaga? Thanks. The best ka talaga!" Napakunot yung noo ko.

"Anything for you Ms. Beautiful." WTH?! WTF?!

"Wala nga sabi akong pera eh."

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah? Oh Justin, bakit ang tahimik mo?" Sabi ni
Christian. Tumingin silang dalawa sa akin.

"Wala. Sige. Aalis na ko." Aalis na sana ako nang may tumawag sa akin. Nafreeze
yata yung paa ko sa kinatatayuan ko. Nakakabingi!

"JUUUUSTIN!" Si Ariza.

*RYLIE'S POINT OF VIEW*

"JUUUUSTIN!" Ariza? Lumingon si Tyler.


"Bakit?" Tanong ni Tyler nung nakalapit na si Ariza.

"Mall tayo!" Aya ni Ariza kay Tyler. So totoo ngang magmamall sila???

"For what?"

"Shooopping?"

"Yun lang?"

"Birthday kasi ng sister ko tomorrow. Bibili ako ng gift."

"Sige." Sige? Sige daw? Abaa! ANG DAYA! Bakit si Ariza sasamahan niya. Bakit ako,
hindi? Nakakainis na 'to ah. Ang sungit sungit niya na nga inutusan pa ako. Hindi
pa ko sinamahan.

"Yaaay! Punta kayo bukas ha, Christian and Rylie? Hmm... Anyway, mukhang may lakad
yata kayo ah?" Sabi ni Ariza na tuwang tuwa pa. Ang saya naman niya. Kakainggit.
Teka, masaya din naman ako ah? Diba?

"Meron nga! Pupunta din kaming mall." Sabi ni Christian.

"Woow! Double date tayo?" Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi makasama
sakanila. Alam kong masasaktan si Christian. (Si Christian nga lang ba?)

"Wag na. Alam ko naman na gusto ni Tyler na magsolo kayo eh atsaka may gagawin din
kasi kami." Sabi ko. Hindi ako makatingin kay Tyler kasi alam kong nakatingin siya
ng masama sa akin. Very good Rylie. What an excuse!

"Oo nga. Wag na! Gusto rin ata masolo ni Rylie si Christian eh." Sabi ni Tyler.

Spell epal.
T-Y-L-E-R

"Sabagay. Kailangan nila ng quality time. Kailangan din natin ng quality time. Sige
na nga. Hahaha." Sabi ni Ariza.

Bakit parang may sumakit. Hindi ako makahinga bigla. Leche!

Inakbayan ako ni Chris.

"Naku Ry. Gusto mo lang pala mag solo tayo eh. Sobrang gwapo ko ba?" Tumawa ako ng
malakas. Wheeew. Best way to breathe. Ang kaaaapal! Nakahinga ako dun ah? Chris is
really the best. Best guy I have ever met. But in my heart, he's not. Kahit na he
is, it's still impossible. He loves Ariza very much and sino ba ako? Hindi naman
ako kagandahan. Bakit pa kasi nung nagpasabog si Lord ng confidence, natutulog ako?

Lumayo ako kay Christian. Mukhang alam na niya yung gagawin ko...

"Wo-" Naputol sasabihin ko dahil...

"Wow Rylie. Ang galing. Napunta ka diyan. Ang kapal kasi ng katabi mo eh. Hindi
tuloy kayo nagkasya." Ang epal talaga ni Tyler. Wait. Alam niya yun? Tae talaga
'tong si Tyler. Dakilang EPAL! Inakbayan ako ni Tyler kaya nabitawan ako ni Chris
then he started walking.

Syempre naglakad na din ako. Alangan namang kaladkadin pa niya ako. What's his
problem? Ang gulo gulo niya. Sobraaaang hirap iexplain ng ugali niya pati mood
niya. Kung hindi siya lalaki, iisipin kong araw araw siyang meron. WTH?!

"Oh. Saan tayo pupunta?"

"Sa mall, saan pa ba?"

"Juuuustin, akala ko ba kailangan natin ng Quality time?" Sigaw ni Ariza. Ayaw pa


din huminto ni Tyler sa paglalakad. Ano ba naman 'tong taong 'to? Saan kaya 'tong
planeta nagmula?

"Akala ko ba kailangan niyo ng quality time ni Ariza?" Pagkatapos kong sabihin yun,
tumawa ako ng tumawa. LOLOLOL.

"Gusto mo bang i-electric tape ko bibig mo o putulin ko dila mo?!" I didn't answer
him. Mukha kasi siyang seryoso at naiinis. BV ba? Napatingin ako kay Ariza.
Malungkot siya. Naawa naman ako. Napatingin naman ako kay Chris.

Oh no. Wait!

Did I just see him smirk?

"Diba sabi mo sasamahan mo si Ariza?" Tanong ko kay Tyler.

"I've changed my mind. Narealize kong kailangan kong maging responsible na


president baka isipin pa nila inaalila kita." Tsss.. Akala ko naman nagseselos na.
Hirap talaga mag assume.

LYNNE'S POINT OF VIEW

Guess what? Kanina pa kami nandito ni Aisha, Papa Brylle, at Drei. Kanina kasi
nakahiga lang kami sa grass. Eh may narinig kaming kakaiba kaya tiningnan namin.
Sila Ariza, Christian, Rylie, at Justin lang pala. Ewan ko ba, ang mamanhid at
totorpe nila!

By the way, we're hiding behind the bushes.

"Tae talaga Lynne!"

Parehas na parehas ng expression ni Rylie at Aisha. HAHAHA. Ang cute.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi ba nila maramdaman na gusto na nila ang isa't isa? Tae naman." Naffrustrate
naman si Aisha. "Kailangan natin ng plan A at plan B." Grabe talaga 'tong si Aisha.
Di nawawalan ng balak.
"For what?" Tanong ko.

"Papaaminin natin ang torpe at aalisan natin ng anesthesia ang manhid. Papaluwangin
natin ang mga pakipot." Sabi niya.

"Ang labo mo! Pero gets ko. Alam ko may plano ka."

"Kailan ba nawalan?" Iba talaga mag isip si Aisha.

"Kailan natin sisimulan ang JR plan 101?" Tanong ko.

"JR plan 101?" Tanong din niya.

"JustinRylie plan 101!" Ngumiti naman siya na parang may masamang binabalak.

"Oooh. Maganda yan. Muahaha! Bukas na bukas din." In fiarness, no coment si Drei at
Brylle sa plano namin. Sanay na ata sila eh.

TYLER'S POINT OF VIEW

Nandito kami ngayon sa car kasama si Rylie at yung twins. Hindi ko alam kung bakit
ko ginawa yung kanina. Bakit nga ba? May sariling utak yung katawan ko?

"ATE NAMISS KITA!" Sabi ni Janine.

"Ako din ate! Namiss kita!" Sabi naman ni Jenine.

"Namiss ko din kayo."

Hinug nila si Rylie. Nagsisiksikan kami dito sa likod. Ang position namin from left
to right ay, ako, Janine, Rylie, and Jenine. Nasa harap kasi si manang.
"Alam mo ba ate, pinapapunta ka namin ni Janine dito kaso sabi ni kuya, ayaw mo
daw. Umiyak pa nga si Janine eh kasi gusto niya sabihin sa'yo na..." Hindi natuloy
ni Jenine sasabihin niya dahil tinakpan ko yung bibig niya kahit malayo siya sa
akin. Siya kasi nasa pinakadulo.

"Hindi. Busy lang talaga ako. Sorry ah? Ano sasabihin niyo?" Tanong ni Rylie. Buti
naman at nakiride siya at hindi niya sinabi na gawa gawa ko lang yun. Tumingin ako
kay Rylie. Pinandilatan niya ako. Umayos na ko ng upo at sinandal yung ulo ko sa
bintana.

"Wag mo akong pinandidilatan, hindi bagay. Para kang trying hard." Sabi ko.

"What do you mean trying hard?" Ang sarap talaga niyang pikunin. Pigilin ang tawa
Justin!

"Maliit mata mo. Trying hard ka kasi pinapalaki mo kahit hindi mo naman kaya." Nag
puppy face siya. Hindi naman niya kailangan magpacute diba?

"Ano ba kuya! Ang cute kaya ni ate! Hmp. Bad ka! Janine, mas okay kung ikaw na
magsasabi." At kailan pa naging kakampi ng kambal si Rylie? Nakita kong ngumiti si
Rylie. Dinilaan niya ko at ngumiti. I just glared at her. Nag pout naman siya...

"Ano ba pinakain mo sakanila at gustung gusto ka nila?"

"Secret!" Tumawa siya.

"Sige na nga. Ate! Alam mo ba, nanalo ako sa poster making contest! Yaaay!" Sabi ni
Janine.

"Taaalaga? Wow naman! Ang galing ah?" Sabi naman ni Rylie. Halatang mahilig talaga
siya sa bata. Biruin mo, hindi niya sinukuan ang katarayan ni Janine sa mga babae
na nakikilala niya.

"Sayang talaga ate, wala ka! Gusto kong ikaw yung sumama sa akin sa stage eh.
Ayoko kay kuya!" Ano? Bago yun ah? Langya. Pinagpalit na ako ng mga bata kay Rylie.

"Bakit naman ayaw mo kay kuya?" Tanong ni Rylie sakanya.


"Sawa na ko e. HAHAHAHAHAHAHA!" Tiningnan ko siya ng masama...

"Joke lang kuya." At tumawa na naman silang tatlo.

JAMILAH RYLIE'S POINT OF VIEW

Nakarating na kami sa house nila. Bumaba kami ni Tyler sa car. Mag tricycle na lang
daw kami para tipid. Hmp. Ang yaman yaman eh. Anyway, namiss ko yung twins ng
bonggang bongga, sobrang cute talaga nilaaa. Kakagigil.

"Sige. Diyan ka na lang sa loob. Ako na dito sa labas." Sabi ko at umupo na ako sa
labas ng tricycle.

"Kababae mong tao tapos uupo ka sa labas habang ako, nandito sa loob? So gay and
ungentleman so please get inside. Ako na sa labas!" Sabi ni Tyler. Pinagaawayan
namin kung sino ang uupo sa loob at labas ng tricycle. Naiinis na nga ata si Manong
eh pero nung tiningnan ko naman, natatawa pa siya. Nag sorry nga ako eh.

"Sige. Ako na lang sa loob." Sabi ko. Pumasok na ko sa loob ng tricycle. Siya naman
sa may motor nakaupo sa tabi ng driver. Aandar na sana pero...

"Kuya wait lang po!" Nagulat naman si manong driver kaya hininto niya ulit yung
makina. Nag 'sigh' nga si manong tricycle driver eh. Hala, kakahiya. Tumayo naman
ako at hinila ko si Tyler.

"Oh? Ano ginagawa mo?" Tanong niya.

"Bumaba ka diyan! Madami pang space sa loob. Doon lang tayo umupo." Sabi ko.

"Sure ka?"

"Oo naman."

At ayun nga, nakaupo na kami sa loob.


"Sigurado na ba kayong diyan na kayo? Wala na bang lilipat?" Tanong ni Manong.

"Opo manong!" Sabay naming sinabi at tumawa.

JUSTIN TYLER'S POINT OF VIEW

Nasa tricycle na kami ni Rylie. Sobrang hangin! Sa sobrang hangin napupunta na sa


mukha ko yung buhok niya.

"Rylie, yung buhok mo!" Pag tingin ko sakanya, natutulog na siya. Napatitig ako
sakanya. Yung ulo niya ang likot. I feel like laughing. Hahahaha!

Tang!na! Nahulog yung ulo niya sa balikat ko. In other term, nakasandal na siya sa
akin. Bigla akong hindi nakahinga. Shet! Pero napansin ko lang... Habang
tinititigan mo siya lalo siyang gumaganda. Naalala ko tuloy yung 1st day ng klase.

***FLASHBACK***

Sobrang badtrip talaga! Sabi ni Aisha, may flag ceremony. Ang aga ko tuloy pumasok.
Leche, badtrip talaga! Wala naman palang flag ceremony, nagmadali pa tuloy ako! Nag
away pa yung kambal. Idagdag mo pa yung mga babaeng nagtitilian. Toungue in a
glass! May mga nanghihinga pa ng number ko pero di ko naman pinansin. Ito pang
babae na nasa harap ko, kanina ko pa pinapatabi, ayaw tumabi! Bingi ata 'to eh?

"Miss, ano ba! Excuse me sabi eh. Bingi ka ba?" Napatingin siya sa akin. She looks
familiar.

"Ha?" Baka bingi talaga to?

"Sabi ko EXCUSE ME! Kanina pa ko nageexcuse. Bingi ka ba?" Nakatulala lang siya sa
akin. Ano bang problema nito?

"ANO KA BA?!"

"Ay butiki!" Pinipigilan kong tumawa. Butiki pala ah.


"Sorry po. Sorry talaga!" Sabi niya.

"Tabi nga diyan, di ko makita yung listahan eh. Nakaharang ka." Badtrip na nga,
gagatungan pa leche! Badtrip lang diba?!

"Section I ka din? 4th yr ka din?"

Tatanungin niya ako kung section I ako eh hindi ko pa nga nakikita yung listahan e.
Tae talaga! Nasaan ba ang common sense nitong babae na 'to?

"Paki mo. Malay ko, di ko pa nakikita diba? ALIS!"

Bago pa man siya umalis nagdagsaan na yung mga tao kaya naipit kami at syempre,
lalo akong nabadtrip.

***END OF THE FLASHBACK*

I thought meeting her was the worst thing that happened in my life. I guess...

I was wrong.

Napapangiti niya ako kahit hindi niya alam. Napapatawa niya ako kahit hindi siya
nagpapatawa. Lula lang talaga siya pero bakit kahit naiinis ako, hindi ko siya
matiis? Hindi ko makuhang magalit sakanya?

Bigla akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit eh nakasandal lang naman siya sa
balikat ko. Nakatitig lang naman ako sakanya diba? Naalala ko na naman yung sinabi
niya sa GRADE VI...

"Ako? Uh? Don't lose hope. Makakahanap ka ng para sa'yo. Pero sa takdang panahon.
If it's meant to be, it will be. Basta wag kang magmamadali. One step at a time
lang. Alam mo, sobrang konti lang ng nagkakatuluyan sa high school sweethearts.
Minsan wala pa nga eh."

She's really something.

Isip bata siya pero ang dami niyang alam.


Nasasaktan na siya pero ibang tao pa din iniisip niya.

Masarap siyang kasama pero hindi siya trying hard.

I guess...

Tinamaan na nga ata talaga ako.


####################################
CHAPTER 25 (9 dares to go!)
####################################

CHAPTER 25

AISHA HERA'S POINT OF VIEW

"Aisha, tigilan mo na nga ako!" Sabi ni Rylie. Kanina ko pa kasi siya pinipilit na
makipag dare ako sakanya pero ayaw naman niya. Natrauma na ata sa dare yung babaeng
'to eh. Hmm. Ah basta, di ko siya titigilan. Kailangan nilang magkaaminan ni Tyler.
Alam ko naman na may gusto na sila sa isa't isa eh. ANG MANHID AT TORPE KASI!

"Sige naman na Rylie. Pleeaase?" Sabi ko. Nandito nga pala kami sa mga lockers. Ang
kalat nga ng gamit ni Rylie eh. Magkakatabi nga pala kami ng locker ni Rylie at
Lynne. Pinakausapan namin yung principal na pagtabi tabihin kami eh para ayos. Oha?
Malakas ata kami sa principal. LOL.

"Sige na Rylie, pagbigyan mo na si Aish. Ang KJ naman eh." Sabi naman ni Lynne.
Naks! Buti nandiyan si Lynne. Magiling kasi mamilit si Lynne eh. Hehehe.

"Oo nga naman Rylie. Okay naman idea ng labs ko ah?" Sabi naman ni Brylle. Naku
naku nakuuu! Kung di lang talaga ako hopeless romantic, baka nabatukan ko na sila.
Kaso hindi eh, ang sweet kasi. Kakainggit!

"Oo na! Oo na! Alam ko namang bored ka lang eh at kayong dalawa, ughh. Ewan ko sa
inyo!" Sinarado ko na yung locker ko...

"Yay! Okay okay, ayain mo si Justin sa Timog mamaya. Wala ng bawian, Rylie.
Naka'yes' ka na!" Sabi ko. Sobrang desperada ko ba? Sorry. Ayoko lang mapunta sa
iba bestfriend ko eh. May tiwala ako kay Tyler at masaya ako na gusto niya
bestfriend ko.

"Teka, ano naman gagawin natin sa Timog?"


"Birthday ni Drei, ano ka ba! Punta tayo sa Timog. Basta resto bar siya. Ano, game
na yan ha. 5 wishes pag nanalo ka, 5 wishes pag nanalo ako." Sabi ko habang
nakaakbay ako sakanya.

"Ano ka ba naman Aish, alam mo naman na hindi ako pwedeng uminom diba? Naman eh!
Pati ang bata bata pa natin. Highschool pa lang tayo, Aisha Hera Dela Cruz!"
Coservative naman yung bar na pupuntahan namin. Resto bar nga eh. Pwede namang
kumain lang.

"OA nito. Sino bang may sabi na iinom ka? Ha? Ikaw talaga! Kung anu ano iniisip mo.
Hindi po tayo iinom. Pupunta na lang tayo at kakain. Okay? Para may kasama din ako.
Nagpaalam na ako sa parents mo pati sa parents ko. Ano, deal na yan ha. Sorry
Rylie, wala ng bawian." Sabi ko saka ko hinila si Lynne. Syempre, kasama niya si
Brylle. Iniwan ko na si Rylie doon at baka mamaya, magbago pa isip. Sa barkada
namin, bawal yung walang isang salita. Muahaha!

Tumili naman ako kaya nagulat si Lynne at Brylle pati yung ibang students na nasa
gilid at gitna ng hallway. Who caaares? Masaya ako!

"Lynne! Panalo na tayo!" Sabi ko.

"Panalo saan?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"You'll see." Nakangiti lang ako habang papasok kami ng room. Kinindatan ko pa nga
si Justin kaya kumunot yung noo niya. Napansin ko naman na ginugulo siya ng mga
babae doon kaya pinalayo ko sila sa pinsan ko. Excuse me, property ata yan ng best
friend ko. LOL!

JUSTIN TYLER'S POINT OF VIEW

Yesterday wasn't my day. Biruin mo, ako ang kasama ni Rylie pero puro si Christian
lumalabas sa bibig niya. Kaya ang nangyari, si Ariza ang naging kasama ko tapos si
Christian naman ang kasama niya. Speaking of Ariza, invited ako sa celebration ng
kapatid niya mamaya. Hindi naman ako makahindi kasi nandoon si Rylie nung inaya
niya ako. Akala niya siya lang may Christian? Pwes, nagkakamali siya.

Nandito nga pala ako sa court at nagppractice mag-isa. Ishooshoot ko na sana yung
bola pero...
"Juuuuustin!" Nabitawan ko tuloy! Pagtingin ko...

"Tangina Aish!" Yun na lang nasabi ko. Ang hilig kasing mang gulat eh.

"G@g0 ka Justin!" Sabi naman niya. Ano na naman ba kasalanan ko?

"Ano na naman ba?" Tanong ko tapos pinulot ko yung bola na nahulog ko.

"Nagdedate na ba kayo ni Rylie?" Tanong niya kaya tinaas ko yung isang kilay ko.

"Hindi." Puro si Christian naman nasa isip niya. Shinoot ko na yung bola. BINGO!
Tumakbo naman ako para kunin yung bola...

"Nagiging sweet ka na ba sakaaaanya?" Ano bang klaseng tanong yan? Bestfriend niya
si Rylie kaya alam niya lahat. Bakit tinatanong pa niya?

"Alam mo, ang hyper mo! Itigil mo na nga." Sabi ko sakanya. Pumunta naman ako sa
side habnag dinidribble yung bola. Pumwesto na ako na ishooshoot ko yung bola
kaso...

"SAGUTIN MO AKO!" Shinoot ko ulit yung bola at naglakad papunta kay Aisha...

"Fine. Hindi! Paano mangyayari yun eh puro si Christian iniisip niya? Tangina! Alam
mo naman yung sagot pero tinatanong mo pa." Sabi ko. Alam naman niya kasing badtrip
ako, ginagatungan pa niya. Pasalamat siya pinsan ko siya.

"Selos ka? PAGONG KA KASI! Wala ka bang naaalala, TYLER?" Ano naman aalalahanin ko?

"Wag mo nga akong tawaging Tyler. Takte! Ano ba! Diretsahin mo na nga ako!" Sabi
ko.

"Ba't ba super bad trip ka? Meron ka 'te?" Hindi ako nagsalita. Ayaw ko magsalita.
"Hindi mo ba naaalala yung dare natin?" Biglang sinabi ni Aisha.

"Pag nag date kayo ni Rylie tapos naging sweet kayo, gagawin ko lahat ng gusto mo.
Pero hanggang lima lang ah? Pag hindi naman, gagawin mo lahat ng gusto ko. Pero
hanggang 10."

Oo nga pala! May dare nga pala kami. Bakit ko ba nakalimutan yun tsaka bakit ba di
pa niya kinalimutan yun? Ughh. Talas talaga ng memorya ng babaeng 'to pagdating sa
ganito. Dapat kinalumutan na lang niya eh. 'Tong babaeng 'to, mukhang pinaglihi sa
pustahan! Langya.

"Talo ka na! 1 month na wala pa ding pagbabago! Pag hindi mo yun sinunod, sasabihin
ko kay Alexa, sundan ka pa! Sasabihin ko gusto mo siya. Syempre, maniniwala yun.
Duuuh, alam niyang ayoko siya at pinsan mo ako so syempre, maniniwala siya."
Ngumiti na naman siya ng nakakaloko at proud.

"Fine! What do you want?" May binabalak na naman 'to!

"Lahat ng sasabihin ni Rylie, tatanggihan mo!" At ano na naman kayang binabalak


niya?

"Tsss. Yun lang pala eh." Tumakbo ulit ako para kunin yung bola at nag shoot ulit.

"Lahat din ng sasabihin niya, babaligtarin mo!"

"Yun lang ba? Psh." Umalis na ako at nagpunta sa CR para magpalit ng uniform.
Madali lang pala yung dare eh at sigurado naman akong di kami maguusap ni Rylie.
Ngayong araw lang naman 'to. After nito, wala na. Nakita ko na si Rylie. Mukhang
papalapit na siya... DITO?

Kinawayan niya ako. Hindi ako nag react.

"Ty, galit ka ba?" Tanong niya.


Kailangan tanggihan. Kailangan baliktarin.

"Hindi." Sabi ko. Aalis na sana ako pero nagsalita na naman siya. Para nga siyang
nahihiya eh kasi nakayuko siya.

"Sorry sa kahapon ah?" Hindi ako nagreact at nag lakad lang ako. Sinundan niya
naman ako.

"TYLER!" Tumigil naman ako sa paglalakad. "T-T-Timog tayo mamaya? R-resto bar d-
daw." Sino naman kaya ang nag utos sakanya na mag aya sa Timog? Ano naisipan ng
babaeng 'to? Bawal nga siya uminom eh. "B-birthday d-daw ni D-Drei." Dagdag ni
Rylie. Langya! Sinasabi ko na nga ba. Aisha talaga! Humanda sakin yung babaeng yun!

"Hindi ako pwede." Sabi ko.

"Pleeeaase?"

"Bawal ka."

"Hindi naman ako iinom. Sasamahan mo lang ako." Hinawakan niya braso ko.

"Hindi nga ako pwede. Alam mo ba ibig sabihin ng hindi pwede? May birthday
celebration kila Ariza mamaya. Kung gusto mo, ikaw na lang." Sumimangot naman siya.
Ayoko na makita yung expression niya kaya tumalikod na ako at naglakad.

"I hate you." Narinig kong sinabi niya ng mahina.

Lahat ng sasabihin niya babaligtarin ko?

Tumakbo siya ng mabilis.

"I love you." I whispered.

Yun lang ba Aisha? Yun lang ba? Tsh.


9 dares to go! Ughh. Gusto ko na matapos 'to!

####################################
CHAPTER 26 (ISHA PA PLEEAASH!)
####################################

CHAPTER 26

*AISHA*

"Shiguro nga gushto na ni Chyler shi Arizha. Shila na nga talaga. Dinedeny lang ni
Chyler para hindi ako mashaktan! Ganoon ba ko kaobvious Aish? Ang malash ko naman.
Bakit ba kasi pinanganak akong hindi maganda? Maganda naman shana si Achi. Maganda
naman shana si mama at gwapo shi papa."

Si Rylie... Lasing na naman! Tae! Alam kong magtatagumpay si Justin sa Dare 1 pero
hindi, hindi ko alam na maglalasing si Rylie! Ganito pala kalakas yung tama ni
Rylie kay Tyler. Teka, pati ako nakiki-Tyler na din. Bawal nga pala! Anyway, oo,
alam kong masyado pang maaga para magmahalan silang dalawa pero kitang kita naman
diba? They like each other. Hindi ko naman ginagawa yung dares na 'to for fun eh.
Ayaw kasi gumawa ng move ni Justin, kaya ako na gumagawa ng move para sakanilang
dalawa. TORPEEE!

"Maganda ka Rylie. Itigil mo na nga yaaan." Sabi ko sabay kuha ng bote. Akala ko
ba, hindi siya iinom. Siya pa nga yung nagbawal sakin tapos siya pa pala
maglalasing. Err. Nakakainis naman eh. Lumingon ako, nakita ko si Lynne at Brylle
na sobrang sweet. Teka, nasaan na ba si Drei?

"Hindi Aish! Hiiindi talaga! Kung maganda ako, ede shana kadami ng nagkakandarapa
sa akin! Pero hindiiii! ANG PANGET PANGET KO! HUHUHUHU!" Kung alam lang niya sana,
ang daming nagkakagusto sakanya. Ewan! Hindi ko alam pero natatawa ako dito kay
Rylie.

"Rylie naman e. Umayos ka nga!" Sabi ko na nakapamewang pa. Napapagod na ko dito sa


babaeng 'to ah! Nawawala na nga boyfriend ko pero siya pa din inaatupag ko.

"HINDI AISH! ANG MANHID NIYA!" Pulang pula na si Rylie pero in fairness, maganda pa
din siya. Oo, madaming nagkakagusto kay Rylie, di nga lang niya alam.
"Manhid ka rin naman."

"GUSHTO KO SIYA! GUSHTONG GUSHTO! Akala ko magsheshelosh siya kay Christian! Pero
bakit ganooon? Ako yung nagsheshelosh shakanila ni ARIZHA!"

"Bahala ka. Hindi ka na naman makakapasok bukas kapag hindi mo itinigil yan."

"ALAM MO BA AISH?"

"Hindi pa."

"Alam mo e."

"Tangina! Ano ba yung alam ko?" Nabbwisit na ko ah! Mas makulit pa 'to kesa yung
dati na nalasing siya eh. Hayy. Jusko po!

"Alam kong alam mo na gustung gustong gustong gustong gustong gustong gusto ko
siya!"

Alam ko na yan.

"WHAAAAAT?!" Akala ko naman simpleng like lang. Bakit, napasobra naman ata?

"Oo! Kabaet kashi ng pinshan mo! Ayayay. Mashungit siya, oo, pero mabait pa jin.
Muahaha! Naiinlab tulooy ako! HAHAHAHAHAHA!" Ang labooo! Masungit daw tapos mabait?
Nakakabaliw kausap 'to!

Lumakad lakad siya tapos humiga sa floor... HALA!

"Ang sharap sharap matulog!" Pinikit niya yung mga mata niya. Hala talaga!!!

"What the?! Rylie, bumangon ka na nga diyan!" Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Nasaan na ba si Drei?!?! Nasaan na ba mga kaibigan ko?!?! Bakit ako lang yung
nagbabantay sa babaeng 'to?!?!

"Goodnight bestfriend! Besprensh poreber tayo waah? Okii? Mwa!" Nakapikit pa din
mata niya. Grabeee! Paano ba ako nagkaroon ng weird na bestfriend?

Hayy. Tama si Justin! Ganito nga siya pag lasing...

"I like like like you berry berry much Tyler!" Okaaaaay? Dapat pala pinapunta ko si
Justin dito ng magkaaminan na!

"Goodnight! Mwaaa!" Alam ko na! Tatawagan ko na lang si Justin! Nilabas ko na yung


phone ko at hinananap siya sa contacts ko. Na kila Ariza ata siya ngayon eh? Pati
si Christian. Matagal na silang magkakaibigan kaya close na rin nila pati kapatid
ni Christian...

Ilang saglit lang, may sumagot na...

"Hello Justin pumunta ka dito. Dalian mo! Sasabihin ko na sa'yo yung dare 2!"

"Ano yung dare 2? Gabi na ah! Pati nandito ako kila Ariza..."

"Basta pumunta ka muna dito! Rylie needs you!" Sinabi ko na sakanya kung saan at
binaba ko na yung phone. Hiniga ko naman si Rylie mahabang upuan. Payatot naman
siya kaya magaan lang. Tsk. Dapat pala hindi na ko pumayag na uminom siya. Hindi ko
naman alam na maglalasing siya eh. Di ko naman napansin na nakadami na siya ng
inom. Ano na naman excuse ko kay Tito't Tita?

Oh my Ghad! Nakita ko na si Justin! Ganun na ba siya kaatat tapusin yung dare


namin? O baka naman nagaalala lang siya kay Rylie? Eheeem. Ang seryoso ng mukha
niya...

"Ano na yung dare tw-" Napatingin siya sa upuan kung nasaan si Rylie at nanlaki
yung mga mata niya. "TANGINA! Ano ginawa mo kay Rylie?" Aba, concern si tsong!

"Mwa! Mwa! Mwaaa!" Si Rylie hinahalikan yung baso! Tiningnan ko siya na parang
nandidiri...
"AISHA! BAKIT MO SIYA HINAYAANG UMINOM?!" Galit na pinsan ko dahil hinayaan kong
uminom bestfriend ko? Hmmm. I smell something fishyyy.

"Bakit? Masama ba?" Tingnan ko kung ano irereact niya. Sorry, curious lang!

"TANGNA AISHA HERA DELA CRUZ!" WOW! O_____O

"Bakit ba?"

"May allergy siya sa alak, nakalimutan mo na ba?" WOWOWOW! O____O

"POOOOOCHA! OO NGA PALA!" *FACE PALM* Nag inhale exhale si Justin. Nakalimutan ko
naman talaga eh, sorry Rylie! Wala akong kwentang bestfriend but you'll thank me
for this, soon!

Grabe! Lakas din pala ng tama nito kay Rylie! Nakalimutan na niya yung dare agad
agad oh. May naidagdag na naman tuloy ako sa dare number 2! :>

JUSTIN TYLER'S POINT OF VIEW

"Anong klaseng bestfriend ka?! Palibhasa, puro kasiyahan mo iniisip mo! Hindi na
naman 'to makakapasok bukas!" Ano ba 'tong si Aisha! Alam naman niya na allergic si
Rylie sa alak eh tapos hahayaan niyang uminom.

Bakit ba ganyan ka kaconcern?! Haaa?" Oo nga, bakit nga ba? Hindi ko din alam eh.

"Wala kang pakialam!"

"May pakialam ako, bestfriend ko siya."

"Kung may pakialam ka talaga, sana inisip mo muna yung epekto ng alak kay Rylie."
"Sorry na nga! Eh bakit ikaw, ano pakialam mo? Ano mo ba siya?"

"Gusto ko siya! Masaya ka na ba? Ha? Ako na bahala dito! Sundan mo na boyfriend mo.
Nakita ko siya sa labas. May katawagan ata." Sinabi ko ba talagang gusto ko siya?!
Hindi hindi. Nadala lang ako ng emosyon ko. Diba yun yon? Ughh bahala na!

Lumapit ako kay Rylie, umupo ako sa tabi niya at inalis yung baso sa kamay niya.

"Uuuuuuy! Ano bei! Akin yan eh! MAGNANAKAAA-" Tinakpan ko yung bibig niya ng isa
kong kamay, habang nasa kabilang kamay ko yung baso...

"Hindi hinahalikan ang baso!"

"Akin na si Chyler koooo!" Ano daw?! Akala ba niya, baso ako? Pwede naman yung
totoong ako na lang... Di ko na lang itutuloy. Lasing siya. I respect her. Kung
yung ibang lalaki, hindi siya nirerespeto. Ako, sobra sobra respeto ko sakanya.
Hindi siya dapat inaabuso o tinitake advantage. Tekaaaaa...

"Mo?" Tanong ko.

"Cheee! Oo ngaaa! Chyler KO. Patrick KO. Mehehe! Blush akuuu. Akin na nga kashe
yaaan!" Shet. Hindi ako makagalaw. Ano ba pinagsasabi nito? Bakit parang natutuwa
ako? Takte, ang bakla!

Umupo siya habang inaabot yung baso kaya tinaas ko naman lalo...

"Ano ba! Lasing ka na Jamilah!"

"Ibalik mo muna si Chyleeer ko!"

"Justin, kiss mo na daw si Rylie!" Tumawa siya. Tumingin ako sa likod ko, nandiyan
pa pala si Aisha. Hindi niya pinuntahan si Drei?!
"Tumigil ka Aish!" Sabi ko.

"Sorry na nga! Sige na. Hindi na mauulit. Promise!" Tinaas niya yung right hand
niya.

"May magagawa pa ba ko?"

"Wala." She laughed.

Bago pa ako lumingon, nakuha na ni Rylie yung baso at ininom. Takte! Ang bilis ah?

"Weee. Chalap Chalap!" She wet her lips using her toungue. Nak ng, this girl is
tempting me. Umupo siya ng maayos kaya inalalayan ko siya. Nagulat na lang ako ng
bigla niya akong hinalikan sa lips.

"Yumyum. Mash masharap pala yoooon! Oh meeeen! HAHAHAHA! ISHA PA PLEEAASH!"

Nak ng! Wala akong masabe!


####################################
CHAPTER 27 (I'm the happiest slave!)
####################################

CHAPTER 27

*SIGH* Sobrang daming ginagawa sa school. Sa sobrang dami, wala na akong time para
sa ibang mga bagay. Kasi naman, may school event next next week! Magpeperform yung
ibang mga clubs kasama club namin at since ako yung president, ako yung
nagoorganize. Nasabi ko naman na hindi ako kumakanta diba? Nagoorganize lang ako
and other stuff.

Bukod doon, may Christmas in July pa sa Friday na kaming dalawa ni Tyler ang
nagoorganize so kasama ko siya lagi. Oo, kasama ko siya lagi! Meron pa pala, tambak
din ako sa assignments, papers, and projects! Hindi ko pa kasi ginawa kahapon eh,
nagccram tuloy ako ngayon...

"Hoy ikaw. Wala ka bang balak pansinin ako?" Si Tyler yun also known as Patrick.
Pag talaga malayo iniisip ko, hindi ko namamalayan na may kumakausap sakin. Tsh,
from his tone, mukhang kanina pa niya ako tinatawag.
Sabihin ko kayang siya si Patrick? Kaso, pag sinabi kong siya si Patrick, para na
rin akong nag confess sakanya? Diba? Sabi ko kasi, gusto ko si Patrick. Eh siya yun
eh! At ayokong malaman niya na gusto ko siya no. Hindi naman ako yung lalaki eh!
Pati, baka mabasted ako.

"Kanina pa kita kinakausap ah! Bakit ba ayaw mo ako pansinin?" Nangiti naman ako
pero hindi niya nakita kasi nakatalikod ako. Nandito kasi ako sa library ngayon at
gumagawa ng essay sa laptop ko. Hindi kasi ako makaconcentrate pag sa bahay eh.
Nadidisturb ako pati maaga pa naman...

"Jamilah!" Lumingon naman ako pero seryoso yung itsura ko. Syempre, kailangan
magpakipot muna no. Wag papahalata...

"Ano?" Seryosong tanong ko.

"Ewan ko sayo." May nilapag siya sa table kung saan ako nagsusulat... Nagalit?

"Text me if you already have TIME for me." Umalis na siya. Ang sungit talaga nun!
Atsaka, time para sakanya? Ano ba kaming dalawa at kailangan ko ng time para
sakanya? In fairness, kinilig na naman ako. Ughh. Pero wala naman akong phone eh.
Na sakanya nga diba? Teka, bakit nga ba hindi pa niya binabalik phone ko? Hmp.

Tumingin ako sa gilid ko....

OMG! Yung phone ko! Yun pala yung nilagay niya kanina sa table. Namiss ko yung
phone ko! Kinuha ko na yung phone ko at mas nagulat ako kasi may keychain na
nakasabit. Wait nga, bakit parang ito yung keychain na nilagay ko sa phone niya?
Ba't niya binalik sakin?

Tinapos ko na yung essay ko sa english at tinext ko kung nasaan siya. Naamaze ako
kasi nung chineck ko yung load, 200 tapos unli call and text pa. Yaman naman! Ilang
saglit lang, tinext ko na si Tyler...

Sender: Me

Message: Wru?
Sender: Tyler

Message: Basketball court. Punta ka dito.

Sender: Me

Message: Kk. Wait for me! :)

Sender: Tyler

Message: Bilisan mo.

Inayos ko na yung gamit ko at pumunta sa locker. Si Aisha kasi, nandoon sa building


ni Drei, naghihintay. Grrr. Ihahatid na naman ba niya boyfriend niya? KAKAINIS!
Habang papunta ako sa basketball court kung nasaan si Tyler, madami ng students na
nagkalat kasi uwian na. Since friendly ako at masiyahin, madami akong kinawayan at
nginitian.

Nakita ko din yung ibang music club members at tinanong ako kung kailan daw yung
practice. Hinug nga ako ni Gelo eh. Kung naaalala niyo, si Gelo yung freshman na
nagtanong kung pwede daw ba niya ako i-add sa facebook. Nakasalubong ko naman si
Josh kasama yung hindi ko kilalang lalaki na kasama ng mga exes ko dati. Hindi ko
talaga alam pangalan niya eh.

"Uy Rylie, uwian niyo na?" Tanong ni Josh.

"Oo eh. Early dismissal. Kayo?"

"Swerte niyo ah. Si Sir Valdez teacher niyo no? Tamad talaga nun! And yeah, uwian
na namin. In fact, pauwi na kami ngayon. Gusto mo sabay na tayo?" He smiled. Ang
pogi talaga ni Josh!

"Uhmm ano kasi eh-" Hindi ko naman nasabi yung sasabihin ko dahil bigla kong nakita
si Ariza na kasama si Christian. Para silang nag-aaway. Hindi nga ako nakita ni
Christian eh pero sure akong nakita ako ni Ariza kasi inirapan niya ko.

"S-sorry Josh. May pupuntahan pa kasi ako eh. Sige ha, bye! Ingat kayo!" Pero hindi
naman ako nakatakas kay Josh kasi ihahatid na daw niya ako sa pupuntahan ko. Hatid
lang naman daw eh, di naman daw siya magtatagal kaya pumayag na ko. Umalis na nga
yung kasama niyang hindi ko kilala eh. Napakamysterious nun! In fairness, may
itsura.

Nang malapit na kami sa pinto ng court, nakita ko si Janilyn na kakalabas lang ng


door...

"Uy Rylie, nandito ka pala." Sabi niya. "H-hi Josh." Dagdag nito. Nag smile lang si
Josh sakanya. Magkakilala sila? What a small world, after all.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko.

"Hindi ko siya kilala." Josh whispered. Nagtaka naman ako kaya pinabayaan ko na
lang. Paalis na pala si Janilyn kaya sabi ko kay Josh, sabayan niya kasi papasok na
ako sa loob. Nag okay na lang si Josh. Si Janilyn naman, no reaction.

Pumasok na ako sa loob...

Nakita ko si Tyler na nag three point shot! Grabe ang galing! Nashoot niya, sakto!
At wow ha, bagay sakanya mag jersey. He's so hot. Okay, tama na Rylie. Woaah, ang
init. Di ako makahinga. Pinagpapawisan na siya. Halatang kanina pa siya nandito.
But why is he alone?

Mukhang nakita na niya ako kasi nakatingin na siya sa akin. Tumakbo siya papunta
sakin.

"Bakit ang tagal mo?!"

"Sorry ah, ano kasi eh, may mga kumausap sakin kanina. Sorry."

"Di bale na. Umuwi ka na lang. Bye!" Sabi niya tapos tumakbo na siya papuntang
locker room. Maliligo na siguro. Hindi man lang ako hinintay makapagsalita. Hmp.
Sabagay, kasalanan ko. Kung anu ano pa kasi pinagagawa ko. Sabi pa naman niya sa
text, bilisan ko.

Hindi naman ako umalis sa court at umupo sa bleachers. Kailangan kong itanong
sakanya kung bakit niya ako kailangan kausapin at kung galit ba siya sakin.
Lumabas na siya! Ang gwapo talaga! Wet look pa tapos nakacivilian. Simpleng shirt
at pants lang pero mukha pa din siyang hot. Pwede na nga siya mag model eh.
Nakalagay yung backpack niya sa likod niya pero sa isang side lang ng shoulder niya
nakasuot yung strap nito. Hawak hawak naman niya yung towel niya. Grabe, tumutulo
yung tubig galing sa buhok niya...

Halata namang nagulat siya nung nakita niya ako sa bleachers. I smiled at him.
Naglakad siya papunta sakin at umupo sa tabi ko...

"Bakit nandito ka pa? Hapon na ah. Gagabihin ka ng uwi niyan eh. Ang layo pa ng
bahay niyo. Ang tigas talaga ng ulo mo!" Sa hindi mo malamang dahilan, kinuha ko
yung towel sa kamay niya at pinunasan yung buhok niya. Why did I do that?!

"Thanks sa concern!" I smiled tapos binalik ko yung towel sakanya.

"A-anong concern sinasabi mo? Hindi." Sabi niya habang nagbblush. I pushed him
slightly...

"Kunwari pa e. Concern ka! Yiiee." Tumawa ako pero nagulat ako kasi yumuko lang
siya. Ano ba yun? Hindi man lang siya kumontra. Concern talaga siya? Uuuuy,
assuming!

"Uy joke lang!" I poked his biceps. Biceps talaga? Hahaha!

"Ano ba kasi ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Diba sabi mo kausapin kita pag may time na ko sayo? Ito na nga oh, sobrang free
na! Sayong sayo na oras ko. Basta wag masyadong gabi ha. Magagalit sila mama eh.
Alam mo naman, kakagaling ko lang sa allergy." I pouted.

"Sino ba kasi may sabing uminom ka? Wag mo na nga ulitin yun. Nag-aalala ako e."
Binulong niya yung last sentence pero narinig ko yun. Feeling ko tuloy, lahat ng
dugo ko, napunta sa mukha ko. Bakit ang sweet niya? Nag 'opo' na lang ako sakanya
at kung anu ano na napag-usapan namin.

Oo nga pala, it's been almost a week since nalasing ako. Nagulat nga ako kasi sabi
ni Aisha, si Tyler naghatid sa akin sa bahay. Nalaman nga ni mama at papa kaya
pinagalitan ako. Hindi naman ako grounded pero pag naulit yun, baka mas malala pa
sa grounded pagdaanan ko. Buti na lang daw, kinausap sila ni Tyler.

Ang sweet nga ni Tyler kasi kinabukasan, siya na naman nag-alaga sakin. Pinagluto
at dinalan pa niya ako ng paborito kong ulam na Sinigang na Hipon. Di naman niya
sinabi sakin na siya yung nagluto at nagdala nun. Binulong lang ni Aisha sakin. At
syempre, dagdag pogi points na naman si Tyler sa mga magulang ko! Iniwan na naman
kasi nila kaming dalawa sa bahay!!!

"Wait lang Tyler, galit ka ba sakin?" Tanong ko.

"Mukha ba akong galit? At kung galit man ako, ano naman yung dahilan?"

"Uhmm ano kasi eh. Bakit mo sinoli sakin 'to?" Tinaas ko yung phone ko na may
nakasabit na keychain. Tiningnan ko siya at nagulat ako kasi bigla siyang ngumiti.
Nababaliw na siya? Labo talaga ni Tyler.

"I made that." Huh? Di ko gets! Ako kaya gumawa nito!

Nalinawagan naman ako nung tinaas niya phone niya...

"Parehas?" Tanong ko tapos ngumiti na naman siya.

"Yeah. I know it's gay pero naisip ko lang na for sure, magiging masaya ka pag
binigyan kita nito. Well, I was very happy when you gave this to me" Tinuro niya
yung keychain na ginawa ko na nakasabit sa phone niya. Wala pang gumagawa nun
sakin. Siya pa lang. "Kaya nagpaturo ako kay Janilyn gumawa ng ganito since sabi
niya dati, mahilig siya gumawa nun. Siya rin nagbigay ng materials. He also told me
that you're beautiful." All this time, nagpapatulong lang si Tyler gumawa ng
keychain kay Janilyn? Waaa!

Sa sobrang touched ko...

I hugged him, "Thank you Tyler! Thank you talaga!" I'm still hugging him. Ayoko na
siya pakawalan dahil bukod sa mabango siya, touched talaga ko sa ginawa niya. Kahit
amoy ewan na ko dahil sobrang naging busy yung araw ko, wala akong pakielam.

Nagulat na lang ako kasi he put his hands around my waist habang nakayakap ako sa
neck niya. Grabe! Ang lakas ng tibok ng puso ko kaya bago pa niya mahalata na
sobrang lakas ng heartbeat ko, umalis na ako sa pagkakahug namin. Waaa, nakakahiya
ako.

"M-may tanong pa pala ako, Tyler."

"What?"

"Ano dapat yung sasabihin mo kanina sakin and bakit mo ako pinapunta dito?"

"Wala... Fine! Gusto ko lang manood ka sa game namin next next week. Start na kasi
yung inter highschool tournament kaya gusto ko, manood ka sa 1st game namin...
And... That's an order." Yun lang pala eh pero...

"Heyy! Anong order ka diyan! Am I your slaaave?"

"Nakakalimutan mo na ba yung sinabi mo sakin nung akala mo na galit ako sayo? Yung
nasira mo phone ko and iniwan mo ako sa mall? Still remember it, Lola Jamilah?"
Sino lola? Ang sama talaga nito! Hmp.

"Dear Tyler, sorry sa nangyari kahapon. Hindi ko naman talaga sinasadya eh. Hindi
talaga, promise! Unang una, sorry, hindi ko sinasadyang masira phone mo. Pangalawa,
sorry kasi iniwan kita. Sorry talaga! Kung ako man siguro yun, maiinis din ako.
Kakasabi mo lang kasi na wag kitang iiwan pero iniwan naman kita. Kaya nga gumawa
ako ng kasunduan pero valid for two weeks lang para makabawi naman ako sa nagawa
ko. Ako may gusto nito. Nakokosensya kasi ako kaya sana tanggapin mo ang alok ko. 2
weeks ko lang naman susundin lahaaaat lahaaat ng gusto mo. Kayang kaya ko yun. Isa
pa, para pagbalik ng parents niyo pati parents ni Aisha, bati bati tayong lahat.
May kapayapaan tayo... Diba?"

"Oo nga, naaalala ko na pero ang tagal na nun ah? And isa pa pala, don't call me
Lola. Ulyanin lang ako no pero mas gurang ka pa sakin." Tumawa ako.

"But still, hindi mo pa nagagawa so yeah, our contract is still valid. Maybe not on
paper, but in our minds and memories. Sabi mo susundin mo lahat ng gusto ko diba?"

"Yeah." I pouted.
"And I want you to cheer for me. Also, kailangan mo din akong lapitan everday so
yeah, kasama dapat kita palagi. Hayy. Nakakasawa na..."

"Anong sabi mooo? Nagsasawa ka na ba sa mukha ko? Ha?!"

"Joke lang! Never kitang pagsasawaan, okay?" He laughed tapos ginulo niya buhok ko.

On the brighter side...

Makakasama ko si Tyler everyday!

"Halika na! Sumama ka na sa bahay namin kasi namimiss ka na ng mga bata. Ewan ko ba
kung anong gayuma pinainom mo sa am- I mean sa kanila." Miss na miss ko na din sila
eh.

"Pero gabi na." Siya kaya nagsabi na umuwi na ako kasi gagabihin ako. Bakit ganito?

"Tumingin ka sa watch mo. Mukha bang may dumadaan pang bus papunta sa place niyo
ngayong oras? Baka kung ano pang mangyari sayo. Pupunta ka sa bahay namin at
ihahatid kita." Oo nga no? Gabi na pala talaga! Hindi ko napansin! Ganun ba kabilis
yung oras? Hala, ang dami ko pang kailangan gawin.

"Pero di ka marunong mag drive..." Sabi ko. Mukha namang naiirita na si Tyler...

"Para saan pala yung driver kung hindi siya magddrive?"

OO NGA NAMAN!

Oh well, I'm the happiest slave! =^____^=


####################################
CHAPTER 28 (Need a shoulder, miss?)
####################################

CHAPTER 28
Ayoko na! Nasstress na ko. Masyado na akong busy! Wala na kong social life! Ang
social life ko na lang eh si Tyler. Yung mga kabigan ko kasi, busy din. Busy sa
lovelife, school works, at clubs nila. Kailangan din namin mag exam sa mga college
entrance exams. Hindi ko nga alam kung saan o ano gusto kong course at school eh.
*SIGH*

Pero alam niyo, sobrang laking pasasalamat ko kay Lynne kasi ginawa niya yung
quizzes, seatworks, pati lecture ko nung nagkaallergy ako. Ang laking bagay nun sa
grades ko! Hayy. Ililibre ko nga dapat siya eh kaso tumanggi naman.
Nakakapanibago...

"Jamilah!"

"Ay butiki!" Bakit ba sobrang magugulatin ko?

I saw him smile. Err. Oo, si Tyler nga yung tumawag sakin. Siya lang naman yung
tumatawag sakin na Jamilah. Ayoko nga eh kaso nahiya naman ako kasi Tyler tawag ko
sakanya. Eh diba ayaw nga niyang nagpapatawag ng ganun sa iba? AKO LANG DAW! AKO
LANG!

"Bakit boss?" Tanong ko. Bakit ba? Boss ko siya eh.

"May utos ulit ako." Seryosong sabi niya.

"Ano po yun?" I smiled.

"Samahan mo ako sa mall. No ifs no buts. Let's go!" Kinuha na niya yung bag ko at
hindi na ako nakaangal. Sumunod na lang ako sakanya at ito, pinagtitinginan na
naman kami ng mga estudyante lalo na yung mga chismosa. Leche! Sabi naman sa inyo
diba? Siya na lang ang social life ko! Buti na lang, gwapo siya kaya hindi ako
nagsasawa sa pagmumukha niya...

Next thing I knew, nasa spa na kami!

"Akala ko ba mall?" Tanong ko na halatang nagtataka...


"Masyado ka na kasing stressed. You need it, trust me." He smiled again tapos
pumasok na kami. Syempre kung anu ano yung ginawa namin. Nag hubad, nag bathrobe,
naligo, bumabad sa mainit na pool, nag sauna, and last but not the least,
nagpamassage. Kumain din kami pero since matagal akong kumain, inabot na kami ng
sobrang gabi. 5 PM kasi kami umalis sa school eh.

Grabe! Kung hindi lang ako si Rylie at kung hindi lang siya si Tyler, iisipin kong
nanliligaw siya sakin. Biruin niyo, slave ako ha. SLAVE, KATULONG, UTUSAN, HUANAPO
(Chinese of katulong), YAYA, AT KUNG ANU ANO PA pero parang ako yung
pinagsisilbihan niya.

Gets niyo ba? Uutusan niya akong ibigay sakanya yung mga librong hawak ko para siya
yung maghawak, uutusan niya akong kumain kasabay niya tapos libre pa niya, at kung
anu ano pa. Everyday yun, almost 24/7. Akala tuloy ng madami, nanliligaw siya
sakin.

Ito pa! Ito pa! Lagi siyang nasa bahay namin at lagi din akong nasa bahay nila.
Kulang na lang, mag live in kami pero syempre joke lang yon. Pero walang halong
biro ah, hindi pa ba nagsasawa si Tyler sa mukha ko?! O_______O

"Ano, ayos ba?" He winked. Naramdaman ko naman na nagblush ako kaya I looked away.

"Thank you." I smiled.

"Tara na. Iuuwi na kita. Hinahanap ka na sakin ni Mommy."

"MOMMY?" Ayan na naman siya! Hindi niya mommy ang mommy ko. Hindi kami magkapatid!
Hindi pwede mangyari yooon! LOLOLOL.

"Oo, sabi niya tawagin ko siyang mommy diba?" He smiled.

8:37 PM nang makarating ako sa bahay. Hinatid ako ni Tyler gamit yung kotse nila.
Syempre may driver kasi di naman siya marunong mag drive. Kung anu ano nga
pangeentertain ginawa ni Mama eh. Ughhh. Kung hindi ko pa sabihin na madami pang
gagawin si Tyler, di pa niya papaalisin. Akala ko nga kanina, papagalitan ako pero
kabaliktaran ang nangyari. Nakangiti lang si mama sakin at mukhang good mood.
"Mama, magkatext kayo ni Tyler?!"

"Oo, masama ba? Napakabait na bata kaya ni Tyler."

*FACE PALM*

*********

Kinabukasan, nanibago ako kasi wala si Tyler. Nagppractice na pala sila para sa
inter highschool competition. Ang bilis naman ng panahon. Parang last last week
lang, sabi niya sakin, kailangan ko manood ng first game nila sa Friday. Ngayon,
Tuesday na! Teka, Friday? Magpeperform ang music club sa Friday. Senglooot ka
Rylie! Waaa! Hindi ako pwedeng mawala doon. Pero paano yung game ni Tyler? Sa
Friday na din magtatapos yung pagiging slave ko eh...

"Huy, nakatulala ka na naman diyan." Siniko ako ni Aish.

"H-ha?"

"Lutang ka na naman. Pinsan ko na naman ba iniisip mo? Gusto mo ba panoorin siya


mag practice ngayon? Tara, nandoon din si Drei at Christian eh. Sakto! Ayain na din
natin si Lynne at Brylle. Sabihin natin, doon na sila mag date." Tumawa siya. Ilang
saglit lang, nasa court na kami ni Aish kasama si Lynne and Brylle. Umupo kami sa
bleachers. Nakita ko naman si Tyler na nag wave sa side namin kaya tinukso na naman
ako ng mga kasamahan ko. Amp.

"Rylie, nanliligaw na ba si Justin sayo?" Tanong ni Lynne.

"Oo nga. Lately, hindi ka na namin nakakasama ah. Puro si Justin kasama mo. Kulang
na nga lang, matulog na kayo sa bahay ng isa't isa. Nagseselos na nga ako eh..."
Nag pout si Aish. "Joke lang syempre! I'm happy for you!" She laughed.

"Aish naman. Ano ba kayo. Friends lang kami ni Tyler. Slave lang niya ko." Kinwento
ko na nga pala sakanila dati yung slave thingy na yan kaya nga ngayon, ewan ko kung
bakit nila ako tinatanong kung bakit lagi kong kasama si Tyler eh alam naman nila.

"Showbizz mo, Rylie!" Sabi ni Brylle. Bakit ba pinagtutulungan ako ng mga 'to?!
"Hoy, Rylie! May gusto ka ba kay Justin?" Tanong ni Aish.

"Wala." LIAR! Tiningnan naman nila ako ng masama. Nakataas pa kilay nila. Err.

"Talaga? Gusto mo ba ikwento ko sakanila yung mga ginawa at sinabi mo nung dalawang
beses kang nalasing? Ha? Ay. Alam na pala nila. Pero gusto mo ba, ulitin ko
sakanila? Sabi mo lang naman, I like like li-" Tinakpan ko yung bibig ni Aish.
Nakakahiyaaaa! Oo nga pala, kinwento ni Aisha sakin yung mga ginawa't sinabi ko
nung nalasing ako, nakakahiya talaga! Di nga ako naniniwala pero wala naman akong
magagawa. Ewan ko nga kung narinig ni Tyler kasi wala naman siyang naikikwento
sakin. Ayoko naman itanong kasi baka sabihin niyang 'oo, narinig ni Tyler'. Patay
na, baka hindi ko kayanin T____T

"Oo na oo na gusto ko na siya. Sobra. Sobrang gusto ko siya. Masaya ka na?" She
nodded tapos inalis ko na yung kamay ko sa bibig niya. Nakita ko naman siyang
ngumiti ng sobra. Alam naman kasi niya, itatanong pa. Gusto ata niya ulit ulitin ko
na gusto ko si Tyler. Hmp.

"Yun nga lang, hindi ko alam kung gusto niya ko. Parang malabong mangyari eh..."
Tumaas na naman yung kilay nila.

"Rylie, makinig ka nga!" Hinawakan ako ni Aisha sa dalawang shoulders ko kaya


nanlaki mata ko. Nakakagulat naman kasi si Aisha eh.

"Sino nag-alaga sayo nung nagkasakit ka dati?" Tiningnan niya ako ng mabuti habang
nanlilisik yung mga mata niya.

"Si Tyler."

"Sino nag-alaga sayo nung nagkaallergy ka ng dalawang beses?"

"Si Tyler."

"Sino sumalo sayo sa Christmas in July last last week?"


"Si Tyler... Pero... Hayy. Fine. Si Tyler."

Oo nga pala, nakalimutan kong ikwento yung Christmas in July last last week.
Tatlong beses akong sinalo ni Tyler. Una, nahulog ako sa upuan habang nagdedecor.
Pangalawa, muntik na akong mahulog sa hagdan sa orphanage dahil sobrang dami kong
dala pero buti na lang, nayakap este nahawakan niya ko. Pangatlo, nagalit sakin
adviser namin sakin dahil nakita niya akong nakaupo sa swing doon sa orphanage eh
nagpahinga lang naman ako sandali at syempre, SINALO ULIT AKO NI TYLER. Siya tuloy
naparusahan. Nakokonsensya ako! T___T

"Sino nag luto ng favorite dish mo, gumawa ng keychain para sayo, nililibre ka
everyday, ginagawa lahat para marelax ka dahil alam niyang sobrang nasstress ka na
sa school at sa iba pang mga bagay? Sino naghahawak ng mga mabibigat mong libro
everyday? Sino nag ayos ng locker mo dahil sobrang gulo? Sino nagpapasaya sayo
tuwing wala kami at malungkot ka? Sino ang nagtatanggol sayo sa mga babaeng
nagkakagusto sakanya? Sino yung halos tumira na sa bahay niyo kahit malayo yon sa
bahay nila? Sino ang nagtututor sayo sa Physics at Calculus? Sinoooo?" Inalog alog
ako ni Aish.

"Si Tyler?" I faked a smile. Tiningnan ko si Lynne at Brylle, nakatingin ba naman


ng nakakaloko sakin. Amp. Hawak hawak pa din ako ni Aisha sa dalawang shoulders
ko...

"Sino kasama mo everyday?" Tanong niya na halatang napapagod na...

"Kayo?" Tumaas ulit kilay nila, "Fine, si Tyler." I sighed and they all smiled.

"Uhmm Rylie, may aaminin ako sayo. Wag kang magagalit ha." Kinabahan naman ako sa
sinabi ni Lynne. Amp. Tama bang mag intro ng ganun? Dapat wala ng ganyang sentence
eh. Dapat diretsahan na lang.

"Ano yun, Lynne?"

"Ano kasi. Yung sa homework and lectures mo, hindi ako yun. I mean hindi ako ang
may gawa nun." She smiled.

"Kung hindi ikaw, sino?"


"Si Tyler."

"That explains everything. So, sino ngayon ang gusto ni Tyler? Ha?" Sabi ni Aisha
na nakapamewang pa at nakataas yung isang kilay.

"H-hindi ko alam." Sabi ko tapos sabay sabay silang nag face palm.

"Sa totoo lang, hindi ko alam. Well, I think he's just being kind. Tyler will never
like a girl like me. Look at him..." Tumingin ako kay Tyler habang nagbabasketball.
Saktong nashoot niya yung bola nung tumingin ako kaya napangiti ako, "Look at him.
He's so perfect and how about me? I'm nothing but a good-for-nothing girl. GOOD FOR
NOTHING. I'm just a hopeless romantic type of girl who loves watching and reading
love stories. Hanggang doon lang. Hanggang pangarap lang." My tears started to fall
and went outside the court. Alam naman ni Aisha na pag ganito ako, ayoko ng
sinusundan ako. So yeah. Hayy. I'm such a loser! Why am I like this? Sometimes, I
hate myself for being like this.

Pumunta ako sa lobby ng elementary building since wala naman masyadong tao dito at
naghanap ng mauupuan. Bakit ba ganito? Ang daming mali sakin. Sa sobrang daming
mali sakin, hindi ko na alam kung ano ang tama. Alam kong may positive sides ako
pero sapat ba yun? Hayy.

I don't deserve Tyler and I don't think he likes me. Well, he likes me as a sister
or a friend siguro but not anything more than... that. Gets? Ang bagay sakanya or
mga type siguro niya ay sila Ariza, Janilyn, Selena, at basta mga popular and kind
girls. Not a typical and weird girl like me...

Isa pa, ayoko din mag assume. Kaya nga pinipilit kong i-deny feelings ko sakanya
kahit obvious na at kaya pinipilit kong paniwalain sarili ko na walang gusto sakin
si Tyler dahil ayoko umasa. Mahirap na. Baka mamaya, masaktan na naman ako.
Nakakapagod din pala.

Well, don't get me wrong. Hindi naman ako napapagod magmahal eh,In fact, gustung
gusto magmahal. Masarap sa pakiramdam pero minsan, napapaisip talaga ako...Pag
nagmahal ka kasi, hindi mo maiiwasang masaktan at yung ang kinakatakot ko.

In short, Hindi ako napapagod magmahal, napapagod lang ako masaktan. Ang gulo ko
no? Gusto ko magmahal pero ayoko masaktan kahit alam kong hindi pwede mangyari yon.
Hayy. Ba't ba kasi hindi pwedeng walang masaktan eh.
"Need a shoulder, miss?" I stiffened. Alam na alam ko yung boses na yun! I wiped my
tears pero tumutulo pa din. Ang hirap naman kasi pigilan eh. Napatingala ako...

He smiled, wiped my tears, brushed my bangs away from my face, kissed my forehead,
and hugged me, gently.
####################################
CHAPTER 29 (AYOKO NA! T____T)
####################################

CHAPTER 29

"So tell me, what's your problem?" Tanong ni Tyler. He doesn't have to be this
sweet. Pag nahulog ba ko sakanya, sasaluhin niya ko? Come to think of it.
Masasaktan lang talaga ako. Hayy. Bakit ba kasi pinangungunahan ko yung mga
pangyayari eh.

"N-namatay kasi p-pusa namin." Sana maniwala. Sana maniwala. Sana maniwala.

"Talaga? I didn't know na may pusa ka pala." Tingnan niya ako ng nakakalokong
tingin. "C'mon Rylie, akala mo ba hindi ko alam na sobrang ayaw mo sa pusa?" He
smiled.

"Ganyan ka ba talaga?" I poked his forehead using my index finger...

"Huh? What do you mean?"

"Sobrang sweet mo... Ganyan ka ba sa lahat ng babae?"

"Uhmm. I-I don't know? Bakit?" Sabi na nga ba! Ganito siya sa lahat ng babae.
Nakakaselos naman! LOLOLOL! T____T

"Wala. Bakit ka ba nandito? May practice kayo diba?" He nodded.

"I saw you a while ago. Umiiyak tapos tumakbo palabas ng court. Nag-alala ako kaya
sinundan kita dito. Malapit naman na matapos yung practice eh so okay lang. They
also told me na sundan ko yung girlfriend ko. Nakita ka din nila..." He chuckled.
"Girlfriend???" Tinaas ko isang kilay ko.

"Yes, girlfriend. Akala nila girlfriend kita. Actually, akala ng lahat." Sumimangot
siya. Amp. Kung ayaw naman niya isipin yun ng mga tao, willing naman akong layuan
ko ulit siya eh.

"Tara na nga. Kung ano man yung problema mo, okay lang kahit ayaw mo sabihin sakin.
Basta, nandito lang ako. I'm your friend, ok? You can count on me. You can tell me
anything. At isa pa pala..." Napahinto siya. Bakit parang may kumirot sa chest ko
nung sinabi niya yung salitang 'friend'? Hindi hindi. Naghahallucinate lang ako.
Tama tama! Naghahallucinate ka lang, Rylie. Gutom lang yaaan!

"Ano?" Tanong ko.

"Nevermind. Tara na nga. Hindi ka pa kumakain diba? Hintayin mo ako maligo tapos
sabay na tayong kumain. Ako na lang mageexcuse sayo sa teacher. Hindi pwedeng hindi
ka kumain. Butiki ka na nga eh. Ano na lang maitatawag ko sayo pag mas mapayat ka
na sa butiki?" He laughed kaya tiningnan ko siya ng masama. Okay na sana eh! Hindi
naman niya kailangan banggitin yung butiki thingy na yun eh. Tsssh. Ganun ba talaga
ako kapayat? Anyway, I feel better. Grabe! Tama nga si Aisha. He can make me happy.
He really makes me happy.

Bumalik na kami sa court at wala ng tao. Pumunta na siya sa locker room. Sa loob
kasi ng locker room, may CR. Malaki naman yung locker room eh. Separate din yung sa
girls and sa boys... MALAAMANG. Sakto naman habang naghihintay ako sa bleachers,
may nakita akong bola. Kinuha ko yon at naglaro mag-isa na parang tanga. After
blank minutes, saka lang ako nakashoot. See? Pati sa sports wala akoooo! Naglaro pa
ulit ako. Wala namang nakakakita eh kaso...

May narinig akong tumawa sa likod ko.

"Hindi ko alam na nagbabasketball ka." He said sarcastically tapos tumawa siya kaya
binato ko sakanya yung bola pero nasalo naman niya. Natawa naman ako sa tawa niya
kaya parehas na kaming tumatawa.

Lumabas na kami doon. Nakasalubong namin si Ariza. Pupuntahan dapat niya kami pero
pinigilan siya ni Christian kaya ayun, nag-away na naman silang dalawa at hinila ni
Christian si Ariza sa hindi ko alam na place. Ano kayang ginagawa nila sa labas?
May pasok ah? Hmm. Kung makapagsalita ako, parang nasa klase ako ah!
Pumunta kami ni Tyler sa cafeteria at bumili ng pagkain. Sabi ni Aisha sakin dati,
kuripot si Tyler. Eh bakit ganito? Araw araw niya akong nililibre pero okay lang
kasi nageenjoy naman ako. Sino bang tao ang ayaw ng libre? LOLOLOL.

Nung natapos kaming kumain, nagpahinga muna kami saglit. Nalaman kong umuwi na pala
sa Philippines parents ni Tyler. Cinongratulate ko nga siya eh kaso napalakas
pagkakasabi ko kaya pinagtinginan na naman kami ng mga tao doon. Nag sorry ako
sakanila. Si Tyler naman, tinawanan ako ng tinawanan. Nakakahiya daw ako. Amp. Alam
ko naman yun eh!

"Tyler, open the door. Mauna ka ng pumasok tapos after 5 minutes, susunod ako.
Nahihiya ako." I gripped his sleeves kasi kinakabahan talaga ako. Tumawa naman siya
at pinoke yung noo ko.

"Heyy! Wag ka nga kabahan. Di ka naman mamamatay eh. Pati, kinakahiya mo ba kong
kasama? Ha? Ouch ha!" Umarte siya na nasaktan. Nakahawak pa talaga sa dibdib niya.
Natawa tuloy ako...

"Hindi no!" Hinampas ko siya habang tumatawa pa din.

"Aray!" Humawak siya sa braso niya na hinampas ko. "Ganito na lang, hold my hand."
Hinawakan niya kamay ko.

"Now, sabay tayong papasok." Hindi na ako nakaangal dahil binuksan na niya yung
pinto at sabay kaming pumasok sa room. Halatang nashock naman yung mga classmates
namin. Nagbulung bulungan, nagtutuksuhan, at kung anu ano pa. Ang ingay nga nila
eh!

"Good afternoon, Sir. Sorry, we're late." Sabi ni Tyler. Nakakatense naman 'to oh.

"Mr. Dela Cruz and Ms. Hao, why are you la- Ooooh." Napatingin siya sa kamay naming
dalawa. Aalisin ko na sana kaso masyadong mahigpit pagkakahawak niya. Waaa!
Nagiinit na mukha ko!

"ALAM NA!" Sabi ng isa kong classmate.

"Yung dalawang presidents natin oh. Ehem ehem!" Sabi na naman nung isa. Amp!
Napatingin naman ako sa side nila Jake (ex ko). Wala silang reaction. Are they mad
at me? Diba dapat ako ang magalit sakanila? Weird.
"Sabi na nga ba!!!" Sabi ni Aisha na nakatayo pa at tinaas yung index finger niya.
Tuwang tuwa sila ah. Err. Are they making fun of us? Nahihiya na talaga ako.

"Sir, mali po kayo ng iniisip. Sinamahan lang po ako ni Ms. Hao na kumain since
she's my..." Natahahimik naman lahat at parang nagaabang ng katuloy.

"She's my???" Tanong ng mga kaklase ko.

"S-she's my s-slave." OUCH! Natahimik yung buong klase tapos may nag 'awwww'.
Nakita ko naman na nagtawanan sila Jake pati sila Rhea. Si Selena, walang reaction
kanina pa.

"And I can't live without my slave." At nagsimula na naman magtuksuhan yung mga
kaklase ko.

"Because..." Lalong hinigpitan ni Tyler hawak niya sakin. Pinagpapawisan na nga


kamay naming dalawa eh. Teka, kinakabahan ba siya?

"Because???" Tanong na naman ng mga kaklase ko.

"Because... S-she's my friend." Nag 'awww' na naman yung mga iba tapos sila Jake,
Rhea, and others, nagtawanan na naman. Err. Nakakahiya naman 'to! Nakita ko itsura
ni Tyler. Parang naguguluhan din siya sa sinabi niya at the same time, naiirita.

Binitawan ni Tyler yung kamay ko at pumunta na sa upuan niya kaya pumunta na din
ako sa upuan ko. Nakita ko siyang nag sigh. Nag sigh din ako.

"Ano ba yun, papasok na nga lang, kailangan nakaholding hands pa? Kayo ha." Tanong
ni Aisha habang pinopoke yung tagiliran ko. Tiningnan ko na lang siya ng masama.
Amp.

Natapos na ang buong klase at dumiretso na sa little theather ng school namin. May
practice kasi sa music club. Sa Friday na yung performance so kailangan everyday na
yung practice. Nung natapos yung practice, binigyan ako ni Gelo ng buko juice para
daw marefresh naman ako. Sweet talaga nun!
And as usual, nagpakwento na naman yung mga music club officers sakin. Kinwento
kasi ni Jessica yung nangyari kanina sa room namin! Amp. Muling ibalik daw.
Kumakanta kanta pa na sila eh.By the way, kahit alam nilang hindi totoo yun,
kinikilig pa din sila. Nakwento ko naman na sa inyo yung sinabi ni Tyler sa lahat
diba? Yung sabi niya, most parts are true tapos yung di lang daw totoo was yung
'kami' part.

**********

Mag-isa na akong bumalik sa locker ko dahil naiwan ko na naman Physics book and
notebook ko eh may assignment nga pala kami doon. Hindi ko napansin na gabi na
pala. Ang dami kasing tanong ng mga kamembers ko eh, Di tuloy ako agad nakaalis!

Sht, naalala ko yung mga kwentong multo sa school namin. Aaaaaah!

Sinara ko na ng mabilis yung locker ko at tumakbo. Nagulat naman ako kasi biglang
namatay yung mga ilaw sa hallway. Promise, last na 'to! Sinusumpa ko, hindi na ako
magsstay sa school ng ako lang mag-isa. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nadapa
ako. Tumayo ako para tumakbo pero may humawak sa paa ko...

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Tumili ako.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Sumigaw din yung multo. Patakbo na sana ako kaso may
nabunggo na naman ako...

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" DALAWA YUNG MULTO T__________T

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Sumigaw din yung multo sa likod ko.

AYOKO NA! T___________T


####################################
CHAPTER 30 (I love my bestfriend! <3)
####################################

CHAPTER 30
Ayoko na talaga! Ayoko na dito! Hindi lang isang multo, kundi dalawa! DALAWANG
MULTO! Can you imagine that? Yung isa, nakabangga ko at hinila yung paa ko. Yung
isa naman, nakabangga ko kaya ito, nakaupo na ako sa floor. Yumuko ako, yinakap ko
legs ko at umiyak ng umiyak.

Pag nakita ko talaga si Aisha, sasakalin ko yung babaeng yon! Tama ba kasing mag
movie marathon ng horror movies. Kakapanood ko lang eh! T____T Naaalala ko si
Shomba, ang multong artista. Si Sadako, lumalabas sa TV. Yung nasa Shutter, The
Grudge, at iba paaa! Kung kayo kaya nasa kalagayan ko, hindi ba kayo iiyak? Ay. Ako
lang pala 'tong sobrang duwag. Nagpapasama pa nga ako maligo sa CR eh T___T

Teka, nahahawakan na ang multo ngayon? Naramdaman ko naman na nagkailaw na kaya


unti unti kong tinaas ulo ko habang tumutulo yung luha ko sa mukha ko. Nakita ko na
may dalawang gwapong lalaki na nakatayo sa harap ko...

"Rylie/Tyler/Josh?" Sabay sabay naming sinabi habang ako, humihikbi pa din.

"Magkasama kayong dalawa?" Sabay sabay naming tanong.

"Hindi." Sabay sabay din naming sagot.

"ANO BA!" Sabay sabay ulit kami.

Grabe, nanginginig pa din ako sa takot. Hindi ako makaget over sa kanina! Akala ko
talaga multo! Akala ko multo na! Yumuko na lang ako, yinakap ulit legs ko, at
umiyak ulit. Hindi ko mapigilan, natatakot talaga ako. Hindi ko naman kasi alam na
dalawang anghel pala nasa harap ko! Kung alam ko lang, edi sana ginrab ko na yung
opportunity na yakapin sila! LOL!

"Uy, Rylie. Okay ka lang?" Naramdaman ko naman umupo si Josh tapos inakbayan ako...

"Mukha ba siyang okay? Tabi nga diyan." Inalis ni Tyler kamay ni Josh sa balikat ko
at hinug ako.

"Jamilah..." I'm still sobbing. Ang duwag duwag ko naman kasi eh! Siguro lahat na
lang ng kahinaan sa mundo, sinapo ko. Jusko! "Heyy, don't cry. You're safe. Hindi
kami multo, ok?" Dagdag ni Tyler.
Inalis niya pagkakahug niya sakin at hinawakan dalawang balikat ko. Yumuko naman
ako...

"Hey. Look at me." Tumingin ako ng dahan dahan sakanya habang humihikbi pa din. He
wiped my tears and smiled. Nakakalusaw ::)

"Ang cute cute mo!" Pinisil niya pisngi ko, "Aaaaaw!" Napasigaw ako at hinampas
hampas ko siya. Hooong sakit kaya!

"Ano ba pre, nasasaktan si Rylie." Sabi ni Josh kaya tiningnan siya ni Tyler...

"Pinapatawa ko lang siya." Pinapatawa daw. Neknek niya! Hindi porkit gwapo siya,
pwede na niyang hawak hawakan ang makinis na face ko. Paano na lang pag
nagkapimples ako? Wala na ngang nagkakagusto sakin tapos dadagdagan pa niya! Amp.

Binalik ni Tyler yung tingin niya sakin at muling hinawakan yung dalawang balikat
ko...

"Listen to me, Jamilah. Tandaan mo lahat ng sasabihin ko sayo." I just nodded. Di


ako mapagsalita, ewan ko kung bakit. Akala ko talaga multo eh. Naiimagine ko si
Shomba o si Sadako. Pati yung bata sa The Grudge! Ayokoooo naaa!

"Alam mo naman na ayoko na nakikita kang umiiyak diba?" I shook my head. Hindi ko
alam yun eh. Hehehe. *evil grin* Pero no joke, ayaw niya akong nakikitang umiiyak?

"Now you know. Ang manhid mo talaga no? Jamilah Rylie Hao, I never wanted to see
you cry. I don't want to see cry. I hate seeing you cry. Ayaw kitang nakikitang
natatakot o nasasaktan lalo na kung dahil sakin. Walang multo. Mukha ba akong
multo? Sa mukha kong 'to, mukha akong multo?" I shook my head again dahil yun naman
ang totoo. Mukha siyang anghel, hindi multo!

"Yun naman pala eh. Halika nga dito!" He wiped my tears again, kissed my forehead,
and hugged me very very very tight. I feel safe. "Don't be scared. Nandito ako." I
hugged him back.

"S-sorry and t-thank you." Sabi ko. Gusto ko sana silang hampasin para sa pananakot
sakin kaso wala naman silang kasalanan eh. Pero kung ibang tao yun, hahampasin ko
talaga! Joke! Nagkataon lang naman na nandito din sila at namatay yung ilaw.
Nagkataon lang na duwag talaga ako forever and ever. At nagkataon lang na
kakapanood lang namin ni Aisha ng madaming scary movies. Sasakalin ko talaga yon!
T______T

"Tama si Tyler, Rylie. Nandito lang kami." Sabi ni Josh sabay tap ng likod ko.
Akala ko ba ako lang may karapatan magsabi ng Tyler? Kidding. Si Josh naman yan eh.
Oks lang!

"Thank you! *hikbi* Sorry. *hikbi*Sorry talaga. *hikbi* Ang duwag ko kasi. *hikbi*
Sorry! *hikbi* Natakot ko ata kayo dahil sa sigaw ko. *hikbi* Don't worry about me.
*hikbi* Ganito lang talaga ako. *hikbi* M-masyadong... masyadong duwag." Naiinis
talaga ko sa sarili ko T____T

"Shhhh." Lalong hinigpitan ni Tyler pagkakahug niya sakin. Naramdaman ko naman na


hinalikan niya buhok ko. Grabe, ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

Ilang saglit lang, humiwalay na kami sa pagkakahug namin. Nakita ko yung mukha ni
Josh, nagalala talaga siya. I feel bad. Si Tyler naman kasi eh, ang sama ng
treatment kay Josh. Hindi ba niya nakikita? Nagbago na si Josh. Isa pa, ginawa lang
naman niya yun dahil kay Selena. Dahil sa pagmamahal niya kay Selena kaya niya
nagawa yon. Ang sweet kaya!

Naglakad na kami papalabas. Hawak hawak ni Josh yung mga gamit ko habang nakahawak
naman si Tyler sa kamay ko. Ayaw niya bitawan eh kaya ayan, magsawa siya sa kamay
ko. Libre naman eh. LOLOLOL. Walang bayad. Walang tax. Walang vat! GO LANG NG GO!

"Hatid na kita." Sabay nilang sinabi. Anong trip nilang dalawa? Kanina pa yan ah!

"Hoy hoy hoy! Kayong dalawa!" Tinuro ko silang dalawa.

"Bakit?" Sabay nilang tanong.

"Ako ba'y niloloko niyo?!"

"Ha?" Sabay na naman sila.

"See? See? Pinlano niyo ba 'tong lahat? Teka, kambal ba kayo?!" Nagulat naman ako
nang tiningnan nila ako ng weirdong tingin. Amp. Bastos! Kasi naman eh. Kanina pa
sila nagsasabay na dalawa.

"Ano ba kasing ginagawa niyo sa school ng ganito kalate?" Tanong ko.

"Nag practice..." Sabay na naman sila pero hinayaan ko na lang.

"Ng?"

"Tennis/Basketball. Ikaw?" Sabay na naman sila. Ano ba yan! Pinagtitripan ba nila


ko? Anyway, captain si Josh sa tennis. Heeehee. Crush ko siya dati diba? Malamang,
alam ko yung mga bagay na yon! Stalker niya ko dati eh. Yun nga lang, di ko naman
napapansin na magkakasama sila ng mga ex ko. Magkakaiba kasi sila ng section kaya
di ko din alam...

"WAG NGA KAYONG MAGSABAY! Nawiweirdohan ako sa inyo eh. May practice sa music club
kaya ako nalate. Okay? Kaya ko na sarili ko kaya wag niyo na ko ihatid. Bye!"
Naglakad naman ako kaso narealize kong wala na palang bus papunta sa lugar namin
pag ganitong oras. May jeep pero natatakot ako sumakay sa jeep ng gabi eh. Define
DUWAG.

Napahinto naman ako tapos naglakad si Tyler papunta sakin at inakbayan ako...

"Sabi naman sayo eh. Ihahatid na kita. Wala ng bus sa lugar niyo ng ganitong oras.
Isa pa, hindi kita hahayaang mag jeep. I can't afford to lose you." Mawawala ako
sakanya? Kailan pa ba ko naging sakanya? LOLOLOL. Alam ko naman ibig niyang sabihin
eh. Lampa ako at di ko kayang ipagtanggol sarili ko kaya for sure, may mangyayaring
kakaiba sakin sa jeep. Baka ang ibig sabihin niya eh ayaw pa niya akong mamatay.

"Loko ka ah. Kaya ko sarili ko no!!!" Hinampas ko siya at naglakad na. Nag sigh
naman ako pero hinabol na naman niya ako at binuhat ng pabaliktad. Ano ako, sako?
Abaaa!

"Hoy, baba mo ko!" Sabi ko ng paulit ulit pero ayaw niya. Pwede naman lakarin yung
bahay nila mula sa school eh. Don't tell me, ganito kami hanggang sa bahay niya.
Grabe, para akong lantang gulay sa posisyon ko. Di na nga ako nagcocomplain eh...

"Tyler, put me down?" Mahinhin kong sinabi. Ang liit na nga ng boses ko oh. I'm
such a weakling.
"Uy pre, baka mahulog si Rylie. Kung gusto mo Rylie, ako na lang maghahatid sayo.
May sasakyan ako!" Napatingin ako. Nandiyan pa pala si Josh?

"JOOOOOOSH! Nandito ka pa pala!" Sumigaw ako.

"Tyler, ibaba mo na si Rylie! Napapagod na siya." Di siya pinansin ni Tyler pero


binaba naman niya ko ng dahan dahan. Tumingin siya sakin ng diretso at ngumiti...

"Sige, sumama ka na sakanya. Ingat kayo." Mahinahon niyang sinabi at nag simula ng
maglakad. Parang may glue yung paa ko kasi hindi ako makagalaw. Nalungkot naman
ako. Kasi naman eh, ang pakipot ko eh gusto ko naman na ihatid niya ko. T____T

Akala ko pa naman ipaglalaban niya ko.... ASA!

"Tara Rylie. Hatid na kita." Nag nod naman ako pero nakatingin pa din ako Tyler.
Nagulat ako kasi huminto si Tyler at nagsalita...

"Oo nga pala. Josh, don't call me pre 'cause we're not close and I don't like you
at lalong wag mo akong tawaging Tyler dahil isang tao lang ang pwedeng tumawag
sakin niyan." Tumingin siya sakin at tumalikod na. Naglakad na ulit siya.

Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko?

Nandito na kami ni Josh sa sasakyan niya nang may nagtext...

Sender: Tyler

Message: FRIDAY. WAG KANG MAWAWALA.

Kailangan ba talaga nakacapital letters?

Ano na nga meron sa Friday? Ang ulyanin ko naman eh!


*********

Wednesday na! Magkasama kami ni Aisha ngayon at tulad ng sinabi ko sa inyo kagabi,
sinakal ko nga siya. Tiningnan nga niya ako ng masama eh pero kinwento ko naman
yung nangyari sakanya kaya ayun, ang bruha, wagas kung makatawa. Amp.

"Hayy. Ba't ba ako nagkaroon ng bestfriend na manhid?" Bulong niya. Nakaupo nga
pala kami ngayon sa grass dito sa school habang nagsusulat ako ng story para
itatype ko na lang mamaya sa wattpad at CC. Hehe!

"Anong sabi mo?" Nakatingin pa din ako sa notebook ko. Grabe, bakit puro si Tyler
pumapasok sa brain cells ko? Hala! Masama ito. Ano ba kasi meron sa Friday? Bukod
sa music club performance... AH ALAM KO NA! May date kaya kami? Hindi eh.

"Wala, sabi ko ang haba ng hair mo!" Hinampas ko siya. Alam ko namang hindi yun
yung sinabi niya eh. Grrr. Loka loka talaga 'to.

"Aisha, ano meron sa Friday?"

"Madami. Magpeperform yung mga clubs like music club, dance club, chorale, at kung
anu ano pa. Oo nga pala, sama tayo bukas!" Hinawakan niya wrist ko kaya napatigil
ako sa pagsusulat at tumingin sakanya...

"Saan?" Hinampas niya ko. Aray ko naman!

"Ano ka ba! Para ka namang hindi nag-aaral sa school. Sabagay, ulyanin ka at walang
pakielam sa mundo. Okay, basta sama tayo bukas!"

"Saan ngaaa?"

"Sa rally!" Nanlaki mata ko...

"ANO?! SA RALLY? AKTIBISTA KA NA BA NGAYON, AISHA? AYOKO NGA! Wag ka din sumama
diyan. Masasaktan ka lang. Ayaw pa kita mawala no kahit ganyan ka..." She gave me
her weirdest look at binatukan ako. Porkit ba nagtaas na naman yung tuition namin,
sasama na siya sa mga nagrarally? Ang yaman yaman nila tapos sasama siya sa rally
na yon?
"Ano ba pinagsasabi mo?! Rally! School rally! May inter-highschool competion sa
friday diba? Wag mong sabihing nakalimutan mo..." Tiningnan niya ako ng masama.
Sht! Nakalimutan kong may laban si Tyler ng basketball sa Friday. Paano nga pala
yon! Hindi ako pwedeng mawala sa event kasi president ako ng music club.

Speaking of Tyler, di ko pa siya nakikita ngayong araw. Malapit na mag uwian pero
di ko pa din siya nakikita. Si Christian nga lang kasama kong nag snacks eh. By the
way, hindi pa rin sila okay ni Ariza pero wala naman daw akong dapat ipagalala kasi
gagawin niya lahat para maging okay sila. Bilib talaga ko sa lalaking yon.

"Hi Rylie, long time no see!" Pagtingala ko...

"H-Hi Rhea!" Si Rhea kasama sila Dianne, Trina, Lea, at yung tatlong ex ko!
Tiningnan ko si Aisha, ang sama ng tingin niya sakanila. Wala na naman si Selena?

Nagulat naman ako kasi tumayo si Aish at sinampal si Rhea. Napatayo din ako. She
grinned habang si Rhea, halatang nagulat at ewan, di ko maexplain yung itsura eh.
Indescribable. LOL. Joke.

"How dare y-" Sasampalin sana ni Rhea si Aisha. Buti na lang napigilan ko yung
kamay niya. Hindi niya pwedeng saktan bestfriend ko! Nagulat naman ako kasi
sinampal ulit siya ni Aisha kaya pinigilan ko na siya...

"Aish, tama na! Umalis na lang tayo dito." Pero bago pa man kami makaalis,
hinawakan na niya yung braso ko at sinampal.

"You know that I like Justin, right?" Sabi ni Rhea. I grinned...

"Well, everyone likes HER COUSIN." Sabi ko pero bago pa man ako umalis...

"Thanks for that slap, Rhea! You just made me realized that I also like Tyler... a
lot. At least ako, may chance. Eh ikaw?" Dinilaan ko siya at umalis na. Nakita ko
silang lahat na nagulat. Narinig ko pa si Rhea na tumili.

Ang saya ko maybe because for once, napagtanggol ko bestfriend ko and yes, I saw
her smile secretly. I love my best friend! <3
####################################
CHAPTER 31 (Ano daw? :o)
####################################

CHAPTER 31

"Sayang naman talaga! Bakit ba kasi wala ako doon eh. Amp." She crossed her arms
with her chest while pouting.

"Okay lang yan Lynne, may next time pa naman." Aisha smiled and winked at her.

Yung dalawa na yan, kanina pa yan. Si Aisha kasi eh, kinwento yung nangyari
kahapon. Yung about sa group nila Rhea at paano ko sila sinagot? Natatandaan niyo
pa? Pang MMK na nga daw eh. Amp! Ano pang MMK doon? About sa babaeng hindi
lumalaban na natutong lumaban dahil sa isang lalaki? Desperada much?!

"Porkit broken-hearted kayong dalawa, ginaganito niyo na ko. Ewan ko sa inyo!" I


pouted. Oo, broken-hearted silang dalawa.

Si Lynne naman kasi, ang tagal tagal ng nanliligaw ni Brylle tapos ayaw pa din
maniwala na mahal siya nito. Kawawa naman yung tao. Sabi ko nga mag sorry siya pero
wala eh, napanganuhan ng pride. Si Aisha naman, wala ng pride! Basta pagdating kay
Drei, lulunukin niya. Parang siya nga yung lalaki eh. Nakakainisss!

"Wow, nagsalita ang hindi broken-hearted. Hoy hoy, if I know, kahapon ka pa namin
di makausap ng matino kakatingin kay Justin. Buti nga ngayon medyo okay na eh pero
kahapon, leche!" Nagtawanan at nag apir silang dalawa. Tae, ano na naman ginawa ko
sa dalawang 'to?

"Bakit? Ano nangyari?" I asked.

"Oh tingnan mo. Nakalimutan mo na agad! Tinatanong kita kahapon kung gusto mo
kumain tapos ang isasagot mo sakin, 'Oo, gusto ko si Tyler.' Sht Rylie. Muahaha!"
She laughed really hard. Ginaya pa niya pagkakasabi ko ha. Err. Grabeee, ang bait
talaga nila sakin. Define friendsss!

"Oo nga! Tama ka diyan! Tapos kanina, inaaya ko siya sa cafeteria tapos hulaan mo
Lynne kung saan kami nag end up?" Aisha said. Tumawa na naman sila. Nahihiya na ko.
"Where?" They're still laughing.

"SA QUADRANGLE!"

"At anong meron sa quadrangle?" Tumingin si Lynne ng nakakaloko.

"Justin, talking to college girls." Nag apir na naman sila at tumawa. Bakit ba
dinadamay nila ko sa pagkabroken-hearted nila? Pwede naman sila mag partner o kaya
solohin na lang nila. Hindi na nila ako kailangan idamay. MASAKIT KASI EH.

Yumuko naman ako kasi nararamdaman ko ng nagiinit mukha ko.

"Speaking of.... Ehem." Sabi ni Lynne at sabay sabay kaming tumingin sa gilid
namin. Si Tyler, kinakausap na naman siya ng mga college girls.

Nandito nga pala kami sa gym, nakaupo sa bleachers. Pag hs pep rally kasi, dito sa
gym pero pag college, sa elementary quadrangle. Sa school kasi namin, may tatlong
fields/quadrangle. One for elem, one for high school, and one for college. Lahat
malaki and mahaba pero sa elem dept yung pinakamalaki. May church pa nga doon eh.
Hindi chapel ha, church talaga.

Padami na ng padami yung mga tao dahil sa pep rally mamaya. Sobrang busy ng mga tao
ngayon lalo na ang seniors. Tapos na kasi ang compe ng college students eh. Oo, may
college sa school namin. Talo nga school namin sa basketball so kailangan bumawi ng
mga highschool students. Kasama na doon sa mga lalaban sa basketball sila Tyler at
Christian. Nalaman ko din na isa sa mga lalaban sa tennis competition si Josh.

Sa mga di nga pala nakakaalam kung ano yung pep rally, ito yung magchcheer kayo,
may mga magsasayaw, may mga cheerleaders na magchcheering, and other stuff. It is
designed to bring the whole school together to build up school and team spirit at
sa buong stay ko dito sa school na 'to, first time ko makakasama sa pep rally. Dati
kasi, uuwi na lang ako at magcocomputer.

"Oh, natulala ka na diyan. Nakita mo lang si Justin na nakikipag-usap sa mga girls,


natulala ka na naman! Psh. Rylie ha, lakas na ng tama." Siniko ako ni Lynne. Lech
naman!

"Oo nga eh. Pero kasalanan din naman ng mga college students na yan eh. Nakakainis!
Porkit hindi kayo magkasama ni Justin, lapit na sila ng lapit sakanya at ito namang
si Justin, bakit niya pinapansin yung mga babae na yun?!" Sumama yung tingin ni
Aisha kay Tyler na ngayon eh kinakausap pa din ng mga babae.

"Hoy Rylie, nag-away ba kayo ni Justin? Bakit ba kahapon pa kayo di nagpapansinan?


Pagkatapos ka niyang agawin samin, hindi na kayo magpapansinan? Aba! LQ na naman ba
kayo? Ha?" Sabi ni Lynne.

"Oo nga! Pero asa naman yung mag college girls at CHEERLEADERS na yun kay Justin
no! Don't worry Rylie, ikaw lang ang gusto ni Justin. Wala naman silang pag-asa kay
Justin eh. Feeling nila ha. Takot lang nila sayo. Hahaha! Akala talaga ng buong
mundo, girlfriend ka na ni Justin." Aisha grinned. Loka loka talaga mga kaibigan
ko. Sabagay, ako din naman.

"Tigilan niyo nga ako. Amp. Teka nga, CR lang ako. Bye! Wag kayong magpapaupo ng
kahit sino diyan ah. Diyan ako! Baka mamaya makita kita ko, wala na kong upuan." I
said. Tumawa naman sila tapos tiningnan nila ng nakakaloko yung isa't isa na parang
may binabalak.

"Wala ka na talagang upuan mamaya, Rylie. Muahaha! Joke! Sige na, mag CR ka na."
Sabi ni Lynne. Tingnan mo 'to. Halatang affected sa pagaaway nila ni Brylle.
Nabaliw na eh. LOLOLOL

Tiningnan ko sila ng masama at umalis na.

Hindi naman talaga ako pupunta sa CR eh. Lalabas lang ako para magpahangin. Masyado
na kasi akong nasusuffocate sa loob. Hindi ako makahinga! Una, dahil sa dalawang
katabi ko. Pangalawa, dahil sa pangit na view na natatanaw ko sa loob. In fairness,
ang gaganda ng mga college girls na yun. Isama mo pa yung mga hs students na nasa
cheering squad. T____T

"Oh, ba't ka na naman nakasimangot?" Paglingon ko...

"Oh Christian. Ikaw pala." I smiled.

"Ako nga. Sorry, hindi ako si Justin eh. You were expecting him, right?" Yumuko
lang ako. Well, totoo naman kasi yung sinabi niya.

"Namimiss mo na siya agad no?" I nodded. Tumingin ako sakanya...


"Kamusta na pala kayo ni Ariza?" I asked while smiling.

"Well, I'm still trying my best. Hindi na ko umaasa na makukuha ko siya pero
ginagawa lahat para maipakita ko na mahal ko siya at ginagawa ko din lahat para di
niya magulo love life mo." He winked at me. Ang labo talaga ni Christian pero in
fairness, kinilig ako doon. Ang sweet kasi eh. Sana naman makita na siya ni Ariza.
Sana naman.

"Loko ka talaga, Chris. In fairness, namiss kita." He smiled.

"Namiss din kita! Namiss ko kasabawan mo." Nagtawanan kami, nagkwentuhan, at sabay
na kaming pumasok sa loob. Pagpasok namin sa loob, pinuntahan na niya agad si Ariza
habang ako, hindi ko na alam kung saan ako uupo! Nakita ko si Rachelle at Gia na
yung katabi nila Lynne at Aisha. Remember Gia at Rachelle? Kasama sila sa class
org. Pero hindi eh, wala na akong upuan!

SAAN NAMAN AKO UUPO?

"Jamilah..." I stiffened. Isang tao lang tumawag ng 'Jamilah' aside from my family.

"Pssst." Lumingon ako. Hindi ko siya makita.

"Tumingin ka dito. Sa right." Tumalikod ako. Teka, saan ba yung right? Kanan? Yung
kanan, pangsulat ko. Yung kaliwa, pang tinidor. Tama! Paglingon ko sa right...

Nakita ko siyang nakatago malapit sa CR. Pinuntahan ko siya...

"Bakit ka nandi-?!" Tinakpan niya yung bibig ko. Ang bango!

"Wag kang maingay. Tara, labas na tayo." Bumilis naman tibok ng puso ko. Saan naman
kami pupunta? Don't tell me, hindi na kami aattend sa pep rally? Grabe, first and
last time ko na nga aattend sa hs pep rally tapos hindi pa kami pupunta? Isa pa,
kailangan siya doon kasi kasama siya mga magrerepresent ng school. BIGATIN!
LOLOLOL.
Noong nasa labas na kami, hinawakan niya kamay ko at ako naman, hindi na lang
nagsalita at nagpahila na lang sakanya. Sympre naman. LOLOLOL. Ilang saglit lang,
nakapara na siya ng taxi. TAXI??? Binuksan niya yung door na nasa unahan at may
sinabi sa driver. Nakita ko pang tumango yung driver tapos sinara na niya yung
pinto sa unahan at binuksan yung pinto sa back seat.

"Sakay na." Utos ni Tyler.

"Ayoko." Hindi pwede. Pag sumakay ako diyan, hindi ko mawiwitness ang hs pep rally!
First and last time ko na yun! 4th year na ko. 1st year college na ko next year!
Hindi pwede.

"Jamilah, sakay na." Hindi talaga pwede. Hindi talaga niya ko mapipilit! Hindi ko
pwedeng malagpasan yung 1st and last hs pep rally ko. Hindi talaga.

"Tyler, ayoko." Tiningnan niya ako ng mabuti. Napalunok naman ako...

"Saksakay na ko. Tara, sakay na tayo." Agad agad akong sumakay sa taxi at hinila ko
siya papunta sa loob. Naramdaman ko siyang ngumisi. Amp. Naisahan ako doon ah.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked.

"Basta." He's smiled.

After 1 hour and 15 minutes, nakadating na kami sa dapat naming puntahan. Sumakit
yung pwet ko doon! Ang sakit ng ulo ko! Ang layo! Sa QC po kami, hindi sa MAKATI.
Paano kami nakarating ng makati? Ang layo na nga ng bahay ko sa school. Mas lalo
pang napalayo...

"TYLER, BAKIT GREENBELT?" Naglalakad na kami ngayon at hindi ko alam kung saan kami
pupunta. Tae, ang laki laki ng greenbelt at ang layo layo. Pag ako talaga nawala
dito, ewan ko na lang. Amp. Buti dala ko phone ko...

"Bakit hindi greenbelt? Hindi ka pa nagsasawa sa malls satin?"

"Paano naman ako magsasawa eh hindi ako gala? Tyler naman eh. First and last time
ko na makakaattend sa pep rally. First and last time, Tyler." Yumuko ako.

"Wag ka na nga malungkot. Kasama mo naman ako eh. Mas importante 'to kesa sa pep
rally na yun. Oo nga, masaya yung pep rally pero mas masaya ako pag kasama kita..."
I looked away kasi nararamdaman ko ng nagiinit mukha ko.

"Paano naman ako?" I asked. Nakarating na kami sa Greenbelt 3, 2nd floor, sa may
fountain...

"Hindi ka ba masaya na kasama mo ako?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Pero pwede naman sana sa ibang malls na mas malapit? Bakit greenbelt? May SM
manila pa, robinson's place, trinoma or SM north, SM sta mesa, SM san la-" Hindi ko
na natapos yung sasabihin ko kasi hinalikan niya ako sa forehead ko.

"B-b-b-bakit mo ginawa yun?" Yumuko ako.

"Importante pa ba kung saan tayo pupunta? Importante pa ba kung malayo o malapit


pupuntahan natin? Importante pa ba yung time, place, events... kung magkasama naman
tayo?" Bakit bigla siyang naging sweet ng sobra sobra? Oo nga, sweet na siya dati
pa pero hindi ganito kasweet. Ano nakain niya? Parang kahapon lang at kanina, di
niya ko pinapansin.

"Namiss kita, Jamilah." He hugged me very very very tight again. I miss him, too.

"Bakit ba kasi hindi mo ako pinapansin kahapon at... kanina?" I asked. Hinawakan
niya yung kamay ko at naglakad na naman kami. Ayiieee, HHWW. LOLOLOL!

"First, I'm pretty busy. Second, last last night, sumama ka sa Josh na yun kesa
sakin..." Tumingin siya sakin pero inalis naman agad niya yung tingin niya at
yumuko.

"Hindi ah! Ikaw kaya yung nagsabi na sumama ako sakanya!"

"Dahil naramdaman kong mas gusto mo siya kasama kaya ni-let go na lang kita. Err,
nevermind." Nakayuko pa din siya.
"H-hindi naman totoo yan eh." Inangat na niya yung ulo niya pero di pa din siya
tumitingin sakin.

"Nevermind. Third, hmm. Bakit nga ba?" He chuckled. "Ah, naalala ko na. Gusto ko
lang na... mamiss mo ko. Siguro nga, namiss talaga kita. Nasasabi ko kasi mga gusto
kong sabihin sayo ngayon." Tumingin siya sakin. "Dammit, nagiging cheesy na ata
ako." He looked away again. Umalis ako sa pagkakahawak ng kamay niya at tinulak
siya ng mahina. Halatang nagulat siya sa ginawa ko...

"Yun lang? Hindi mo ba alam na mababaliw na ko kakaisip kung bakit hindi mo ako
pinapansin? Kung ano ba ginawa ko sayo? Kung may ginawa ba ko? Sobrang lutang ko na
nga daw eh. Lutang na nga ako, lalo pa ako naging lutang. Sabaw na nga, lalo pang
naging sabaw." Sinuntok suntok ko siya pero mahina lang. Nakatingin lang siya
sakin...

"Bakit ba kasi ang laki ng epekto mo sakin? Tae Tyler. Hindi mo lang alam na simula
kahapon, naiinis ako. Naiinis ako kasi buti pa yung mga cheeleaders and college
students, kinakausap mo. Siguro kasi, maganda sila, sexy sila, hindi sila isip bata
katulad ko. Leche ka, Tyler. N-namiss kita." Yumuko ako. Pagtingala ko sakanya,
nakita ko siyang nakangiti. Yung totoong ngiti ha? Hindi yung ngisi o ngiting aso.
Totoong ngiti talaga! Malulusaw na ata ako...

Hinawakan niya ako sa dalawang shoulders ko...

"Wag ka ng magselos, Jamilah." Sabi niya ng nakakaloko.

"Sinong may sabi na n-n-nagseselos akooo?!" Tiningnan ko siya ng masama. Nakita ko


siyang ngumiti so I looked away again. Ang hirap naman magsinungaling eh. Nakahawak
pa din siya sa shoulders ko...

"Maganda sila, yes. Sexy sila, oo pero hindi sila ikaw."

"Huh?"

"Low gets mo talaga. Hindi sila si Rylie na g-gus-Nevermind. Alam mo ba sinasabi ko


sakanila tuwing lumalapit sakin at hinihingi number ko?"
"A-ano?" I asked.

"Sabi ko sakanila, magagalit girlfriend ko." He winked at me. "Pero ayaw nila akong
tigilan. Akala mo ba, ikaw lang ang naghihintay na kausapin kita? Hinihintay din
kita. Hindi naman ako galit sayo eh. Hindi talaga, believe me. Hindi ko kayang
magalit sayo. Hinihiling ko nga na sana, habang kinakausap ako ng mga babae,
dumating ka para lumayo sila." He smiled.

"E-eh? P-paano na yan? Mukhang di ka naman nila titigilan." Yumuko ako.


Nagpapakapossesive na ba ko? Friends lang kami diba? Ganito ba ang magkaibigan?
Nagseselosan at sobrang sweet sa isa't isa? Ang labo naman...

"Kaya nga ako nagtatago kanina diba? Ayaw na kitang nakikitang nagseselos..." He
chuckled. Nakita kaya niya akong nakatingin sakanya habang kausap siya ng mga
babae? Deads na. Alam na kaya niya na gusto ko siya?

"Lecheee, hindi nga ako nagseselos." Hinampas ko siya pero mahina lang tapos tumawa
na naman siya. Ibang klase din no? Hinahampas na nga, tumatawa pa. LOLOLOL.

"Sige na, di ka na nagseselos. NANINIWALA na ko. Pero Jamilah, okay na ko ngayon.


Ayos na ayos na ko kahit buong buhay pa kong di makaranas ng pep rally. Solve solve
na ko." Ngumiti na naman siya. He likes smiling.

"S-sayang kaya." Yumuko ako.

"Bakit naman sayang eh diba nga, mas masaya ako pag kasama kita? Tara na!" Naglakad
na kami. By the way, nakapants siya ngayon at nakavarsity jacket. Lalo pa siyang
gumwapo.

Pinagtitinginan nga siya ng mga babae eh. Err. At hindi ko alam na kilala siya kasi
kanina pa may nagwewave sakanyang mga babae eh. Nagssmile lang naman si Tyler at
nagno-nod. May mga nag hug pa nga sakanya. Galing ata sa dati niyang school. May
kumakausap pa nga sakanya tapos tinatanong kung kamusta na yung TJJT. Ano naman
kaya yung TJJT na yun?

Nakasalubong nga pala namin sila Terence. Naalala niyo yung mga lalaking nakahanap
sakin sa mall nung sinaktan ako nila Alexa at yung mga lalaking inaya kami ni
Christan sa karaoke? Sila yun. Ang kukulit pa din nila.
"Ano ba gagawin natin dito, Tyler?" I asked.

"Kakain. Hindi pa ko kumakain eh." Humawak siya sa tiyan niya.

"Kakain lang???" Tumango siya.

"Ano? Nagpunta tayo sa lugar na mas malayo pa sa bahay namin para lang kumain?
Nagpunta tayo sa kabilang dulo para lang kumain?! Nagbayad ka ng 350 pesos sa taxi
para lang kumain sa greenbelt? Wala bang pagkain sa school? Ang dami ngang pagkain
sa retiro eh, mura pa." At saka akala ko ba kuripot siya? Eh bakit ngayon, para
siyang nagtatapon ng pera?

"Doon kasi makakatakas ka pa. Dito, masosolo kita."

Ano daw? :o
####################################
CHAPTER 32 (65-64)
####################################

CHAPTER 32

FRIDAY na. Nakakainis! Bakit nila pinagsabay yung club performance and yung inter
high competition? Paano na lang yung mga gusto manood ng sakanila at yung gusto
manood ng samin? Hindi naman ata pwede mag multi-tasking no. Hayy. Kung pwede lang
sana hatiin yung katawan ko. Natetense na talaga ko...

"Uy Ate Jam, bakit parang kanina ka pa hindi mapakali diyan? Hindi ka naman
magpeperform ah." Sabi ni Zaphire, treasurer namin sa music club. Magkatabi kami
ngayon kasi hindi naman kami magpeperform. Sa isang side ko naman, si Gelo. Nandito
kami sa backstage. Madami naman kaming magaasikaso sa magpeperform eh kaya madami
kaming manonood.

"Oo nga, Ate Jam. Kinakabahan na nga ako tapos lalo pa akong kinakabahan dahil sa
itsura mo. Naman eh. Amp." Raissa pouted. Inakbayan naman siya ni Renz.

(A/N: CHAPTER 10! Si Raissa and Renz yung muse and escort. Hehehe!)
"Wag ka ng kabahan, honey ko." He winked at her.

"Honey koooo???" Sabay sabay naming sinabi at tinukso silang dalawa. Nawala ang
pagkatense ko kahit papano, in fairness. Siniko ni Raissa si Renz tapos tiningnan
ng masama. SI Renz naman, tawa lang ng tawa. Ang cute nila.

"Teka teka, ang bilis naman ata. Parang nung June lang, may lihim na pagtingin pa
si Renz kay Raissa at si Raissa naman, nangangarap ng prince charming niya. What
happened? Bakit di kayo nagkikwento? Ha? Ganyanan na ba?" Sabi ni Jessica pero
pabiro lang. Nagtawanan naman kami tapos nag agree yung ibang members.

"Ate Jess, ano kasi. Hayy ewan ko ba dito. Hindi pa naman kami eh pero di rin naman
siya nanliligaw. Ewan. Magulong ugnayan siguro? Hindi naman sinasabi kasi ano na
lang sasabihin namin? Na may something samin? Ang pangit naman ata nun!" Raisa
said.

"Eh ikaw naman kasi. Sabi ko, kung gusto mong ligawan kita, liligawan naman kita.
Ikaw 'tong ayaw magpaligaw eh." Nagtilian na naman yung mga kasamahan ko kaya
nabawal pa kami ng ibang club na magpeperform at teachers. Parang sila, hindi
maingay ah. Unfair naman.

"Hindi mo naman kailangan manligaw kasi..."

"Kasi???" Sabay sabay naming tanong.

"Kasi gusto mo, tayo na?" Renz asked and smiled playfully.

Nagulat naman kaming lahat pati si Renz nang yumuko si Raissa at nag nod.
Pagkatapos mag sink in samin yung respond ni Raissa, nagtilian na naman kami. Pati
ata yung members ng ibang club eh nagtilian. Tahimik kasi nung tinanong yun ni Renz
so narinig nila. Nakakakilig. Second time ko nakawitness ng babaeng nag yes sa
boyfriend niya. Syempre, si Aisha yung first. Hehe!

"Talaga? Totoo ba yan, Raissa? Totoo ba yan? Tayo na talaga?" Inalog alog ni Renz
si Raissa na halatang masayang masaya.

"Oo nga! Ayaw mo ba? Ha? Sabihin mo lang." Renz hugged Raissa na halatang masayang
masaya!
"Gusto ko! Gusto ko! Kami naaa! Ate Jam, kami naaa! August 14, 20**, 2:44 PM!"
Sigaw ni Renz. Kahit binabawal na sila ng teachers, wala silang pakielam. Ang saya
saya naman nila.

Teka! 2:44 PM? 2:30 start ng game nila Tyler. Oh sht!

"Ate Jaaaaam! OMGGG! Nagtext yung friend ko. Si Kuya Hanbie! Si Kuya Hanbie!
(Handsome Newbie)" Nagpanic naman ako ng bonggang bongga. Ang lakas ng tibok ng
puso ko...

"Bakit, Zaph? Ano nangyari kay Tyler?" Tanong ko na halatang nagpapanic.

"Wala lang, nakathree points daw. Ang galing daw." She smiled at me. Nag sigh naman
ako. Akala ko naman kung ano na nangyari.

"Ate, wag ka na maparanoid. Magiging okay lang si Kuya Justin." Gelo smiled habang
tinatap likod ko. Ang sweet naman talaga.

"Thank you Gelo." I said habang nakayuko. Nalulungkot ako kasi kahit gusto kong
panoorin si Tyler, hindi pwede. Err. I wanna cheer him.

"Ate, pwede ka naman manood eh." He added.

"What do you mean?" I asked.

"Diba gusto mo siyang panoorin? Manood ka na. Okay lang naman samin eh. Nandiyan
naman si Ate Jessica, siya na lang representative namin in case of emergency or
kailangan ng speech. Diba ate Jess?" Sabi ni Gelo. Nagsmile naman si Jessica at
ngumiti.

"Oo nga, Jam. Alam naman namin na gusto mo siyang panoorin eh. Kanina ka pa nga
tense na tense oh." Tumawa sila at nag agree.

"Pero paano kayo? Hindi ko kayo mapapanood..." Yumuko ako. Syempre. gusto ko
panoorin yung pinaghirapan namin for almost one month no. I wanna watch them
perform. Sayang nga wala si Christian eh. Kailangan niya kasi mamili between music
club or basketball so he chose basketball since napilitan lang naman talaga siya
sumali dito because of Ariza. We understand naman.

"Okay lang kami Ate Jam, kami na bahala doon." Zaphire winked.

"Ano?" I asked.

"Hay ang kulit. Gusto mo ba manood ng game ni Hanbie o ano? Dali na, go na Jam!
Bilisan mo na at baka wala ka ng maabutan." My eyes are starting to water. Bakit
ang sweet nila?

I hugged all of them.

"Thank you guys. Mauuna na ko ha? Goodluck sa inyo."

At nagsimula na nga ako tumakbo mula sa theather hanggang palabas ng school.


Sumakay ako ng jeep at nagpunta sa place kung saan naglalaro sila Tyler ngayon.
Hinihingal na ko ah! Pagdating ko, tinext ko agad si Lynne at Aisha kung nasaan
sila kaso di naman sila nagrereply. Baka busy kakacheer. Tinanong ko na lang yung
guard kung nasaan yung court, hinanapan pa ko ng ID pero ilang saglit lang din,
tinuro na niya sakin. Pinasamahan pa niya ko kay kuya janitor.

"Thanks, Kuya!" I said habang hinihingal pa din hanggang ngayon. Nakakahiya nga
kasi pati si Kuya Janitor, tumakbo na din.

"Walang anuman ho." He smiled.

Pumasok na ko sa gym since mababait naman sila Kuya Guards. Di na nga nila ko
chineck since halata naman ata nila na nagmamadali ako. Nung nakapasok ako, ang
daming tao, wala na ngang upuan eh, nakita ko yung iba na nagchicheer, nakita ko pa
si Ariza na nagchicheer, nakita ko din si Tyler na nakaupo at hingal na hingal.
Gusto ko siyang lapitan...

Napatingin naman siya sakin at mukhang nagulat. Tumayo naman siya, kinausap niya
yung coach ata nila tapos nakita ko yung coach nila na tumango. Nagulat naman ako
kasi tumakbo siya papunta sakin. Mas nagulat ako kasi nagtilian yung mga tao kaya
naman napatingin ako sa mga naglalaro. Wala namang nakascore ah? Ano nangyari?
Pagkakita ko sa mga tao, nakatingin sila samin.

"A-anong ginagawa mo dito? Bumalik ka nga doon." Sabi ko tapos yinakap niya ko.
OMG! Why did he hug me? Oo nga, mabango siya pero punung puno na siya ng pawis.
Aaaaaah.

"Thank you, Jamilah. Thank you!" He kissed my forehead kaya lalong nagtilian yung
mga tao. Hinawakan naman niya kamay ko at naglakad na...

"Saan tayo pupunta, Tyler?" I asked.

"Sa pwesto namin. Doon kita papaupuin. Gusto ko, ikaw mag asikaso sakin. Pati wala
ng upuan oh. Tara na, bilisan mo." Nung nakarating na kami, binigay niya sakin yung
towel at water jag niya tapos umupo na kami sa bench. Pinunasan ko yung pawis ni
Tyler gamit yung towel niya. Nahiya naman ako sa ngumiti si coach.

"Tyler, bakit di ka naglalaro?" I asked.

"Pinaupo ako ni Coach eh. Wala pa daw kasi inspiration ko." He winked. Tumibok na
naman ng malakas puso ko. Leche. Tyler, bakit mo ba ginagawa sakin 'to? Gusto mo ba
ko mabaliw? Ha? Hinampas ko siya...

"Joke lang." Tumawa naman siya. Pinakaba niya ko doon ah.

"And jokes are half meant, you know that?" Tumingin siya sakin ng malalim at
tumingin na ulit sa mga naglalaro pero yung ngiti niya, di pa din nawawala. Oh my
gesh. I'm melting.

Nanood na kami. Lamang na yung isang school ng 17 points at parang nawawalan na din
ng gana mag cheer yung supporters ng school namin. Madami pa namang time ah? Bakit
parang nawawalan na sila ng gana?

Nagulat naman ako kasi nakita kong ngumisi si coach hanggang sa pinapasok na si
Tyler na kanina pa nakangiti. Tumabi naman sakin yung ibang substitute players at
niloloko ako lalo na pag nakakashoot si Tyler. 63-54 na yung score. Lamang pa din
yung isang school. Hindi ko akalain na ganito siya kagaling. Kanina kasi 17 points
yung lamang, ngayon 9 points na lang. Wow. Syempre, hindi naman si Tyler nagshoot
ng lahat ng yon. Halos lang. Hehe!

"Alam mo ba kaya pinaupo si Justin kanina?" Sabi sakin ng isang player. Umiling
lang ako.

"Tinatarget kasi siya ng players sa kabilang team. Masyadong magaling boyfriend mo


eh." Sabi pa ng isang player.

"Hindi ko nga po siya boyfriend. Hindi kami." At nagsimula na naman nila akong
lokohin. Amp.

"Tss. Ganun din yun. Pero may iba pa palang reason..." He added.

"Ano yun?" I asked.

"Kahit lagi siyang nakakashoot, wala siya sa focus kaya ayun, lagi siyang
nabubunggo. Yung isip niya, parang lumilipad at tingin siya ng tingin sa mga
nanonood. Hmm, bakit kaya?" Ngumiti siya ng nakakaloko. Yumuko naman ako. Ano ibig
niyang sabihin?

"What do you mean?" I asked.

"Mag cheer ka na lang para ganahan boyfriend mo. Ikaw ang dahilan kung bakit di
siya makapagconcentrate kanina eh. Tingnan mo ngayon, ganadong ganado."

"Oo nga girlfriend ni Justin, i-cheer mo na boyfriend mo. Sige ka! Pag natalo kami,
ikaw sisihin namin. Sasabihin din namin yan sa buong school hanggang sa dumami ng
dumami haters mo. Ayos ba?" Sabi pa ng isa. Tumingin naman ako sa coach, ngumiti
lang siya at tumango.

Binablack mail ba nila ko? At ilang beses ko na bang sinabi sakanila na hindi ko
nga boyfriend si Tyler? Hindiii. Hindi talaga! Hindi... pa! LOL.

"Oo, ayos kayo mangblack mail. Ichicheer na nga eh. Chill lang kayo. Relax." Sabi
ko sakanila. Tumawa naman sila. Kanina pa sila tawa ng tawa ah. Pinagtitripan ba
nila ko?
Hawak hawak na pala ulit ni Tyler yung bola...

"GO TYLEEEEEEEER! WOOOOOOOO!" Tumingin siya sakin, kumindat, at sa sobrang bilis ng


pangyayari, di ko namalayan na nashoot na niya yung bola. 3 points pa! Saktong
kindat kasi niya sakin, may aagaw ng bola eh hindi ko alam ginawa niya para
malusutan yun. Naguluhan ako kasi umikot pa siya saka niya shinoot eh. Nashock
naman ako kaya...

"GO TYLEEER! KAYA MO YAAAAAAAN! GO PAAAAAAAAAATRICK!"

OMG! Para na akong nag confess sakanya. Did I just shout Patrick? Please tell me,
hindi. Nooooo! Hindi pwede! Hindeeeeeeeeeeee! Para na akong nagtapat sakanya! Sabi
ko sakanya crush ko si Patrick eh hindi naman niya alam na siya si Patrick. Waaaaa!

"Patrick? Akala ko Tyler lang? Patrick pa pala? Ang dami mo namang tawag sa boypren
mo!" Sabi pa ng isang team mate. Nagsitawanan lang sila at siniko siko. Ang sweet
ko daw. Lech!

Tumingin naman ako kay Tyler. Sobrang saya naman ng lalaking 'to.

6 points pa, pantay na! Kailangan nila makasix points and more! Hindi ako nanonood
ng basketball at wala akong hilig dito pero iba na ngayon. Ang lalaking gusto ko
yung naglalaro. Kailangan ko mag concentrate sa panonood...

"KAYA MO YAN, TYLER!" OMG! Nag three points na naman si Tyler! Three points na
lang, pantay na sila at four points na lang, lamang na sila!

"Ibang klase talaga!" Sabi ng mga team mates ni Tyler na tumatawa tawa pa. Pati si
Coach, nakikiloko na din. Ano ba naman.

Napansin ko naman na kung kanina, mainit na yung laban at tinatarget nila si Tyler.
Ngayon, mas mainit pa yung laban. Sa mga mata ko, halatang halata na gusto talagang
saktan ng ibang team si Tyler. Grabe, ano ba sa tingin nila ginagawa nila? Pagod na
pagod na si Tyler at sure ako, ilang beses na din siyang nasaktan pero di niya lang
pinapahalata.

Foul! Foul! Imbis na si Tyler yung may freethrow, yung kalaban pa! Nasasaktan ako.
Nafifeel ko yung sakit na nafifeel niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero
nasasaktan ako kasi nakikita ko siyang nasasaktan...

Hindi nashoot ng kalaban yung isa, yung isa naman nashoot niya.

After nun, nagtuloy na ulit sila sa game. 4 points na lang! 5 points para
malamangan! Kaya yan! Pinasa ni Tyler yung bola kay Christian. Nashoot naman ni
Christian. 2 points yun! Nakita ko si Ariza na nagcheer ng bonggang bongga.
'Christian, mukhang nagtatagumpay ka na ha.' I thought. Pinasa naman ni Christian
sa ibang players yung bola. Nahalata niya na rin siguro na nasasaktan na si Tyler.
OMGGG Tyler ko. Ay. Hahaha!

Intense na talaga! 18 seconds na lang. Lahat nakatutok. Pati yung mga makukulit na
katabi ko, nakatutok. Nagchicheer yung iba habang ako, nakaconcentrate lang sa
panonood ko. Pinasa na ng isa yung bola kay Tyler. Ang tahimik sa side namin kasi
nakatututok talaga kami. Nahalata na rin siguro nila na nasasaktan na si Tyler.
Malapit na niyang ishoot kaya tumayo na ko...

"GO TYLER! GO PATRICK! I LIKE YOU TYLER SLASH PATRICK!" He smiled.

3.....2.....

Shinoot na niya yung bola.

Tumigil yung mundo namin dahil hinihintay namin kung shushoot ba o hindi yung bola,
narinig na namin yung buzzer, at nagtilian na lahat ng tao pati ako.

65-64!

BIRUIN MO, NANALO PA KAMI NG 1 POINT!


####################################
CHAPTER 32.5 (OUR PARENTS???)
####################################

CHAPTER 32. 5

"Nanalo tayooooo! Aaaaaah!" Tumakbo kami sa gitna ng court para i-congrats sila.
Hindi ko pa makita si Tyler kasi ang daming babae na nakapaligid sakanya. Pero I
don't care! Wala namang pakielam si Tyler sakanila diba? Think positive! Wag
magselos!

Nagsigawan kami ng mga team mates ni Tyler at hinug nila ko. Yikes, pawis sila!
Binuhat pa nga ako ng isa tapos nagtatalon talon sila. Inannounce na din kasi kung
sino yung winner. Si Aisha at si Lynne, nagpunta sa amin at nakisama sa
pagchicheer.

"Ayos ka, Rylie!" Sabi nila Aisha.

"Galing ng girfriend ni Justin ah!" Sabi ng kateam niya.

"Hoy pre, ibaba mo si Jamilah." Si Tyler, ang sama ng tingin sa nagbubuhat sakin.
Binaba naman niya ko. Natahimik naman lahat at nagsimula na naman silang inisan
kaming dalawa ni Tyler.

"Ayan naaa. Patay!" Sabi nila.

Ngumiti lang si Tyler tapos biglang may tumugtog na music. Remix yung kanta eh so
nagsasayawan pa yung ibang mga tao pati yung mga nanonood. Nakita ko pa nga si
Ariza na papunta samin kaso bigla naman siyang hinila ni Christian at hinug nito.
Halatang nandiri si Ariza kasi sobrang pawis si Christian. LOLOLOL.

Lumapit siya sakin at nagtilian na naman yung mga tao...

"Okay ka lang?" I asked. Alam ko kasing masakit katawan niya. Ilang palihim na
siko, kalmot, at tadyak naman kasi natamo niya no. Natamo talaga?? Deep! Pinunasan
ko yung pawis niya gamit yung towel tapos inabot ko sakanya yung jag niya kaso
imbis na jag niya ang kunin niya, kamay ko ang kinuha niya and he pulled me into a
hug.

He hugged me very very very tight again.

"Ang ganda naman ng 'CONGRATS' mo." He chuckled. "I'm okay. Lahat ng sakit,
kakayanin ko basta nandito ka sa tabi ko. Basta, hinahug mo ako ng ganito." Lalo ko
pa siyang hinug since yun ang sabi niya. Gusto ko siyang gamutin. Ayoko siyang
masaktan.
"You saw me a while ago?" Nakahug pa din siya sakin kahit pawis siya at medyo
hinihingal pa.

"Yes. Of course? Malamang!" I smiled pero syempre, di niya nakikita na nakangiti


ako. Nafifeel naman niya siguro yun no? Diba? Nafifeel ko kasi na masayang masaya
siya ngayon eh.

"That was my first game and also my most memorable game. You know why?" First niya?
Seryoso? Weh? Ang galing kaya niya.

"First game? Niloloko mo ba ko? Ang galing mo kaya! And uhmm why? Bakit most
memorable?" I asked him. I felt him shook his head.

"I'm serious. You're my first- I mean that was my first game and it was for you.
Nanood ka din at ito talaga ang most memorable game ko. Isa pa, I heard everything
you said a while ago, clearly, loudly, and sweetly. For short, ikaw ang nagpanalo
sa game. Ikaw ang MVP namin." Mukhang narinig naman nila kaya nagtilian na naman
sila. May bumatok pa nga kay Tyler eh. Ang corny daw. Amp. Ang sweet kaya!

Wait nga!

Ano na status namin ngayon???

"Hintayin mo ako sa bleachers, maliligo lang ako."

"May pupuntahan ba tayo?" I asked.

"Just wait for me." He winked while smiling tapos tumakbo na.

Konti na lang yung tao. Nag bye na sakin yung team mates ni Tyler at tumakbo na
din. Maliligo na siguro sila. Sobrang pawis na nila no. Yung iba naman, di pa ata
makamove on. Nakita ko naman si Ariza na paalis na pero hindi naman ako pinansin.
Ngitian ko nga eh pero oh well, that's life.

At yung dalawang katabi ko ngayon, pusang gala! Tinitingnan ako ng nakakaloko...


"What was that all about?" Sabay sila Aisha at Lynne. Halata sa boses nila na
iniinis nila ko. Ngitian ko lang sila pero halatang fake.

"Hindi ko din alam eh. Hindi ko ineexpect na lalabas sa bibig ko yung mga yun."
Yumuko ako dahil sobrang nahihiya na ko. Umalis na kaya ako ngayon? Baka mamaya
ibalik pa ni Tyler yung topic na yun since narinig daw niya clearly, loudly, and
sweetly eh. Nakakahiya! Ako babae, ako nag confess! Err.

"Ano ka ba! Wag ka nga! Ang sweet kaya ng ginawa mo! Proud na ko sayo!" Siniko ako
ni Aisha tapos tumawa silang dalawa.

"Yes, ako din Rylie. Sobrang proud ko na sayo. Di ko nga kayong gawin ginawa mo e.
Tama ba kasing sumigaw ng ganun? Rinig na rinig kaya! Kayo nga center of attraction
kanina e." Sabi ni Lynne na kinikilig kilig pa.

"Oo nga, Ry! Sobra talaga! Tuwing magkakausap kayo ni Tyler o sisigaw ko, sa inyo
tumitingin ang mga tao. Sigurado akong deads na ang mga college girls and
cheerleaders na humahabol kay Justin. Muahaha!" Evil talaga ni Aisha kahit kailan.
Pero kahit evil yan, mahal na mahal ko yan and without her evil thoughts and plans,
hindi siya si Aisha na super bestfriend ko.

"Lynne..." Lumingon kaming dalawa ni Aisha. Hindi lumingon si Lynne.

"Uy ikaw pala Brylle. Kunin mo na si Lynne oh. Broken-hearted eh." Sabi ni Aish.
Ngumiti naman si Brylle but it didn't reach his eyes. Mukhang wala nga siyang
tulog. Kawawa naman. Sobrang puffy ng eyes niya eh. Mukhang umiyak...

He hugged Lynne from her back.

"Sorry and I love you, Lynne. Hindi na ako magagalit kung hindi mo talaga nafifeel
na mahal na mahal na mahal kita at hindi kita lolokohin. I won't get mad at you.
Instead, lalo ko lang ipapafeel na mahal na mahal kita. Wag ka ng magalit sakin,
please? Hindi ko kaya. 2 or 3 days pa lang pero hindi ko na kaya. Hindi ko na ata
kayang gumising ng hindi ka nakakasama." Nakita kong pumatak yung luha ni Lynne.
Shocks! Ang ganda ng scene.

Humarap siya kay Brylle...


"No. Wag kang mag sorry. Ang tanga-" Tinakpan niya yung bibig niya. Naalala niya
siguro na bawal siyang magsalita ng ganun dahil utos yun ni Brylle. "Joke lang yun.
Uhmm. Ayun nga, wag ka na mag sorry. Kasalanan ko. Kasalanan ko kasi pinipilit ko
sarili kong hindi maniwala sayo kahit nararamdaman ko naman talaga. Thank you,
Brylle. Thank you and sorry." Brylle smiled then they hugged each other. Sila na
talaga!

Hindi nagtagal, umalis na sila. Hindi rin nagtagal, umalis na din si Aisha. May
date daw kasi sila ni Drei ngayon. Nag bati na kasi sila kagabi eh. Enjoy na lang
daw kami ni Tyler. Amp.

Tumayo naman ako at kinuha ko yung bola...

Shinoot ko yung bola nang may nagsalita...

"School mo ba 'to at nakikielam ka ng belongings ibang school?" I stiffened. May


babaeng nagsalita. Pagtalikod ko...

She's quite familiar.

"Wag mo din kalimutan na hindi mo 'to school so wala kang karapatan sabihin yan."
Sabi ni Tyler habang lumalabas ng door. Basang basa pa buhok niya. Amp. Ito na
naman siya. Napalunok ako...

Why does he have to be so hot???

"Akala ko ba si Ariza girlfriend mo? Bakit siya ang kasama mo? Bakit ang sweet niyo
kanina? Ugh. Liar!" Sabi niya. Sino nga 'tong babaeng 'to? I mean ano pangalan
niya? Ulyanin ko talaga!

"Alexa, umalis ka na." Pinuntahan ako ni Tyler. Oooh, Alexa nga pala! "Tara na,
Jamilah!" Hinawakan niya kamay ko and we went out of the room. Narinig ko pa na
sumigaw si Alexa. Naawa naman ako sakanya. Kasalanan din naman kasi ni Tyler eh.
Kung hindi niya pinaasa si Alexa, hindi siya mafofall ng sobra sobra pero hindi
naman kasi masama ang intention ni Tyler. Ayaw lang niya masaktan si Alexa.

Naisip ko tuloy. Yun din kaya nafifeel niya sakin? Alam na niyang gusto ko siya
diba? Ayaw lang ba niya ako masaktan kaya hindi niya ako nilalayuan ngayon?
"Kanina lang, ang saya saya mo. What happened?" Yumuko ako at umiling.

"Alam ko meron kang problema pero sa ngayon, wag mo munang isipin problema mo.
Okay?" Tinaas niya chin ko at tiningnan mabuti. He smiled at me.

I'm melting again.

"Why?" I asked.

"Because I want you to meet my parents. Pupunta silang Europe bukas at mukhang
matatagalan sila doon. Isa pa, namimiss ka na ng twins." I blushed. Ipapakilala
niya ko sa parents niya? Nagffreak out na ko sa loob loob ko at ang lakas lakas na
ng tibok ng puso ko.

"Sorry Tyler. Kung anu ano kasi pumapasok sa isip ko eh." I pouted. Basa pa din
siya! Wala ba siyang balak magpunas? Ughhh.

"Alam ko naman na madami talagang pumapasok sa utak mo kaya wag ka na mag sorry
kasi sanay na ko." He smiled again. Hinampas ko naman siya.

"Teka nga, wag kang gagalaw! Kanina pa ko nababother eh." Tiningnan niya ko na
parang nagtataka at kinuha yung towel niya sa balikat niya. Napalunok naman ako at
pinunasan ko na yung buhok, mukha, pati leeg niya. Err. Nakatingin lang siya sakin
ng nakakalusaw at nakangiti ng bonggang bonggang pamatay na nakakahulog ng lahat
pati ng bra't panty...

"Yan oks na." Napalunok ulit ako at tumalikod na ko sakanya. Lumunok ulit ako
habang pinipigilan yung tibok ng puso ko. Nag inhale exhale na ko at nagsimula ng
maglakad.

I heard him laugh. I frowned kasi kahit anong pigil ko, hindi mapigil pigil kaba,
nerbyos, tuwa, saya, at lahat lahat na ng emotions ko. Grabe! Hindi niya pwedeng
mahalata kahit alam kong, alam na ng buong sambayanang pilipino ang nararamdaman ko
sakanya.

Hinabol niya ko at hinawakan yung dalawang kamay ko...


"So, ako pala talaga si Patrick?" He chuckled. Napakunot noo ko...

"J-joke lang yon. Ang kapal mo." Yumuko ako pero tumawa na naman siya.

"Hindi ako papayag na joke lang yun. Alam kong totoo yun at alam ko din na ako si
Patrick dahil napapasaya kita kahit hindi ko naman sinasadya. Yun yun diba?" Tinaas
baba niya yung kilay niya. Sheeet! Paano niya nalaman?

"P-p-paano mo alam?" I asked while stummering. Nakayuko pa din ako.

"Sinabi mo sakin nung nalasing ka." Tiningnan ko siya. He's still smiling.
Napalunok na naman ako. Nakakahiya! Ayoko na talaga maglasing. Ayoko na! Alam na
pala niya dati pa. Huhu! Wala na kong pride! Wala na.

"Tara na nga! Our parents are waiting. Wag ka ng mahiya. You have to be proud of it
and I want you to know na dahil sa ginawa mo, I look up to you at dahil din sa
ginawa mo kaya tayo nanalo." Inakbayan niya ko at lumabas na.

OUR PARENTS???
####################################
CHAPTER 33 (Loading failed!)
####################################

CHAPTER 33

Ito ako, kanina pa lunok ng lunok. Kinakahaban talaga ko. Nahalata nga ni Tyler eh
pero tinatawanan lang niya ko. Ipapakilala lang naman daw niya ko as his friend.
Nag blow ako ng malakas. Hindi kasi ako makahinga eh...

"Wag ka ngang matense pero uhmm just be prepared, Jamilah. Madami na kong friends
na nameet parents ko. Lahat sila natatakot." He sighed. Lumunok ulit ako.

"T-Tyler, uuwi na lang ako. Byebye!" Maluha luha na ko. Nakita ko naman siya na
pinipigilan tawa niya. Ang bait bait naman ni Tyler. Nakatulong talaga siya, grabe.
Nakatulong sa pagpapatense lalo sakin. Ang lakas tuloy lalo ng tibok ng puso ko...
Kaibigan ko naman si Tyler at madami na akong kaibigan na nameet ko na yung parents
nila tapos di naman ako kinakabahan pero bakit ngayon, sobrang kinakabahan ako?! Sa
lahat ng parents ng kaibigan ko na nameet ko, sakanya ako pinakakinakabahan. Shems.

"Hindi pwede. Nasabi ko na sakanila eh. Sige ka, gusto mo bang magalit sila sayo?"
Tiningnan ako ni Tyler ng seryoso kaya napalunok ulit ako. Ganun ba kastrict
parents niya?

Nag sigh na lang ako. Bakit ba siya ganito? Imbis na i-comfort ako, lalo pa akong
tinatakot.

Umiing iling ako ako at yumuko.

"Gusto mo na umuwi diba? Okay lang naman. Umuwi ka na." Bakit ba iniinis niya ko?
Kanina lang ang sweet sweet niya tapos ngayon naman, ganito na siya. Amp.

"Ang sama mo, Tyler! Ang sama sama mo." I said pero mahina lang. Mukhang narinig
niya kasi ngumisi pa siya. Bakit ba siya ganyan? T___T

"Nandito na tayo." Bumaba na kami ng jeep. Hinawakan niya kamay ko kaya napatingin
ako sakanya. Hindi siya nakatingin sa akin, nakayuko siya at nakangiti. Nung
aalisin ko na yung kamay ko, lalo pa niyang hinigpitan pagkakahawak sakin.

"Tyler, ano nakain mo? Kanina, sweet ka tapos nung medyo kanina, iniinis mo ko
tapos ngayon, sweet ka ulit. Hindi lang yun, ngumingiti ka ng walang dahilan. May
problema ba?" Tumingin siya sakin ng nakakaloko.

"Malaki. Malaki problema ko." Sabi ko na nga ba may problema siya. Naglalakad pa
din kami at nakahawak pa din kamay niya sa kamay ko... ng mahigpit...

Huminto ako at humarap sakanya...

"Ano? Nandito naman ako, I'm ready to listen." I told him and looked at him
sincerely. Ngumiti naman siya. Huuuh?

"Nababaliw na ko..." Pansin ko nga din eh, "sayo." Ha?


Muntik ng malaglag panga ko sa sinabi niya at pumikit pikit ako. Pagkatapos nun,
tahimik na kaming naglakad. Wala akong masabi, bakit ba?! Kailangan ko ng tubig!
Nalunok ko na lahat ng laway ko. Madedehydrate na ata ako.

Nilobo ko na lang pisngi ko para di ako mangiti. Tyler, bakit ka ba ganyan?

Nakarating na kami sa gate nila...

"Jamilah, we're here. Ready ka na?" Tumango ako pero halatang kinakabahan pa din.
Naubos na talaga laway ko kasi wala na akong malunok. Nalunok ko na ata lahat ng
ilulunok.

Humarap siya sakin...

"Hindi sila nangangain. Just be yourself!" Nag inhale exhale na ako at pumasok na
kami. Kanina pa siya nakangiti! Totoo ata yung sinabi niya na nababaliw siya eh.
Muahaha! Nababaliw dahil sakin? Nyenye, Tyler talaga. Pag ako talaga nainlove
sakanya ng bonggang bongga, baka di niya magustuhan gagawin ko sakanya. *evil
smirk*

Nag door bell na si Tyler at sumalubong sakin ang apat na tao. Nasa harapan yung
kambal na si Janine at Jenine, nasa likod nila ay *lunok* parents ata ni Tyler.
Kakatakot!

"G-G-Goo-Goo-" Siniko ako ni Tyler kaya tiningnan ko siya ng masama. Paano ba


sabihin yung good afternoon? Grabe, good afternoon lang di ko pa masabi! Huminga
ako ng malalim kaya tumawa naman silang lima kasama na si Tyler at yung parents ata
ni Tyler pati na yung kambal.

"Ate Rylie, kinakabahan ka ba?"

"Uhmm ano Janine. H-h-hindi."Lumunok ulit ako. Nakakahiya na ko, seryoso. At muli,
tumawa na naman sila. Ano bang problema ng mga taong to? Naiiyak na ko.

"Justin!" Sigaw ng mommy ni Tyler. Ayan na nga! Ito na! Parang galit...
"Bakit ma?" Tanong ni Tyler na natatawa tawa pa. Amp.

"Siya ba si Jamilah Rylie Hao?" Tanong ng mommy niya nag nod naman si Tyler na
nakatawa pa din. Nakakabwisit na si Tyler ah. Tawa siya ng tawa! Pero teka, alam
niya complete name ko?!

*Imagination starts here*

"What is that filthy thing doing here? I don't like her for you. Now, ilayo mo na
siya sa pamamahay natin bago ko pa kayo paghiwalayin at bago pa siya mapahamak!"
Kitang kita ko ang galit sa mga mata nila. Sila Janine at Jenine, naiiyak na din at
tumakbo na sa kani kanilang mga kwarto. Naiiyak na din ako. Ito yung mga napapanood
ko sa mga koreanovelas!!!

"But ma-" Si Tyler. Ipagtatanggol ako ni Tyler?

"Ilayo mo na siya at bumalik ka dito agad. Hindi pa tayo tapos! Ipapakasal kita kay
Alexa." Alexa? Bakit si Alexa pa? Bakit hindi na lang... sakin? T___T

"Ma, I love her." Sige Tyler, ipaglaban mo ko. GO! Kaya mo yan, Tyler.

"NO!" Sigaw ng mom and dad niya.

*Imagination ends here*

"NOOOO!" Napasigaw ako. Naiiyak na talaga ko. Umiling iling ako.

"Ma, Pa. Ganito talaga si Rylie. Pagpasensyahan niyo na, madami lang talagang
pinproblema 'tong babaeng 'to. Jamilah, ano ba iniisip mo?" Tumawa na naman siya
pati yung kambal. Nakangiti lang yung parents ni Tyler.

"Hoooy Justin, ano ba kasi pinagsasabi mo kay Rylie? Ha? Uy Rylie anak, wag kang
matakot samin. Kung ano man sinabi sayo ni Justin, kasinungalingan lahat yun." Sabi
ng mommy ni Tyler.
"T-talaga po?" They nodded.

Napatingin ako kay Tyler. Tiningnan ako ni Tyler habang nakangiti at biglang
tumango kaya naman tiningnan ko siya ng sobrang sama at hinampas siya ng hinampas.
Tumakbo siya kaya hinabol ko siya. Aaaah! Bwisit! Napahiya pa ko!

Noong nakalayo na kami at napagod na ko, huminto na ko. Pinuntahan niya ko. Nandito
na ata kami sa garden nila eh. Tumatawa pa din siya habang yung isang kamay niya,
nakahawak na sa tiyan niya at yung isa naman, nakahawak sa tuhod niya. Hinampas
hampas ko ulit siya.

"Bwisit ka Tyler! Tinakot mo koooooo!" Hinahampas ko pa din siya pero hinawakan


magkabilang wrist ko. Tiningnan niya ako ng malalim habang nakangiti.

Tiningnan ko siya ng masama habang hinihingal pa kami parehas.

He hugged me.

"Thank you for making me this happy, Jamilah."

"You're making fun of me again!!! Grrr." Hinampas ko yung likod niya kahit
nakayakap pa din siya sakin. Naiimagine ko yung mukha niyang nakangiti. Nalulusaw
ako! LOL.

"Sorry na. Sorry na, okay? Stop that. You're hurting your hands." Bumitaw na siya
sa pagkakahug niya pero ang sama pa din ng tingin ko sakanya.

"Grabe ka Ty, tinakot mo ko. Napahiya pa ko sa parents mo." Yumuko ako at nag pout.

"Stop pouting." He tilted my chin pero hindi pa din ako tumingin sakanya. Sa gilid
lang ako nakatingin. "Jamilah, look at me." Hindi pa din ako tumitingin. "Isa!" I
won't look. "Dalawa!" Hindi talaga! "Tatlo!" Para saan ba yung pagbibilang na yan?

"Ano ba Ty-" Hindi ko natapos dahil pagkatingin ko, ang lapit ng mukha niya sakin.
Nagtatouch na ilong namin at naduduling na ko. He smiled at me.
Napalunok na naman ako.

I can feel his breath. I can smell it. I can feel it. OMGGG!

Kasooo....

Biglang umulan. Hooraaaay!

Pero bago pa man ako makatakbo dahil sa lakas ng ulan...

Hinalikan na niya ako, ngumiti, at binuhat ako,,,

"Dalian na natin bago ka pa magkasakit!" He shouted habang tumatakbo papunta sa


loob ng bahay nila. Di makapasok sa brain cells ko lahat ng mga nangyari.

Hala, ayaw na mag load LALO ng utak ko T______T


####################################
CHAPTER 33.5 (I like you most, Tyler!)
####################################

CHAPTER 33.5

Mabait naman pala talaga parents ni Tyler. Sobrang iba sa imagination ko. When I
say sobra, SOBRA talaga! Biruin niyo, nag take out pa sila ng food para sa parents
ko tapos pinahiram pa ko ng damit kanina kasi nabasa daw ako sa ulan. Baka daw
magkasakit ako. Sabi pa nga nila Tita Carmina at Tito Jimmy kay Tyler, alagaan daw
ako.

"Nakuuu, hindi pa po kami ni Tyler." I said.

"PA???" Tanong ni Tyler kaya nanlaki mata ko. Oo nga no? Mali!

"JOKE! Hehe! Joke lang! Hindi po kami ni Tyler. Friiieends lang kami. Super
friends!" Tinaas ko yung kamay naming dalawa kaya nagtawanan naman sila. Agad ko
naman binaba ni Tyler pero nung aalisin ko na, ayaw naman niyang bitawan. Nye?

Tiningnan ko siya ng masama pero hindi siya natinag. LOL! Hayaan ko na nga lang.

"Ano nga pala apilido mo, iha? Sorry, makakalimutin na eh. Alam mo na, tumatanda na
din." Sabi ni Tita Carmina, mommy ni Tyler.

"Hao po. Half Chinese." I smiled.

"Ooooh. Ikaw nga! Sabi ko na nga ba!" Nakasmile lang siya. Anong ako nga???

"H-ho?" Tanong ko.

"Ikaw nga yun. Ikaw nga ba yun? Ewan, nakalimutan ko na talaga. Bahala na nga.
Hayaan mo, pag nakita ko o nalaman ko, iinform agad kita. Add mo kami sa facebook
ng Tito Jimmy mo ha." Sabay kindat sakin. Ang cool at cute at kulit talaga ng mommy
ni Tyler.

"Maaaa!" Sabi ni Tyler. Hehe! Nagbblush na siya. Ayiiieee.

"Sige po Tita, a-add ko po kayo." Tumawa kami. Hinigpitan naman lalo ni Tyler
pagkakahawak niya sakin habang nakakunot yung noo. Aww. My Tyler's so cute. Yiiee.
MY talaga, Rylie?!

"Oh, sige na Justin. Hatid mo na 'tong si Rylie sa bahay nila. Gabing gabi na oh.
Buti na lang mabait parents mo at buti na lang may tiwala sila dito kay Justin."
Sabi ni Tito Jimmy. Sabi sa inyo eh, sobrang bait nila.

Ilang minuto pa, nag bye na ako kila Tito't Tita pati sa kambal. Last night na nga
pala nila ngayon kasi bukas, pupunta na silang Europe. Hayy, malulungkot na naman
sila Tyler, Janine, at Jenine. By the way, mamimiss daw nila ko. Sweet nila no?

Nandito na kami sa kotse. Pinaupo ako ni Tyler sa front seat. Uhmm, ano na
nangyayari? Nagulat naman ako kasi umupo siya sa driver's seat.
DIBA HINDI SIYA MARUNONG MAG DRIVE?!

"T-Tyler, kung nagjojoke ka, di magandang joke." Ngumisi lang siya at siya na nag
suot ng seat belt ko. Wow, ang bango. Nag seat belt na din siya.

"Hindi ka nagjojoke?!" Sinabi ko ng malakas kaya napakunot noo niya.

"Don't shout, Jamilah. Ang lapit lang natin oh. Oo, ako magddrive. May problema
ba?" He smiled.

"Tyler, ayoko pa mamatay eh." Yumuko ako.

"Ano ba! Wala ka bang tiwala sakin? Nag-aral ako mag drive para sayo tapos ganyan
sasabihin mo? Wow." Nakayuko lang siya habang sinasabi niya yun. Hindi ko
naintindihan mga pinagsasabi niya. Ang hina eh! Nage-alien ba siya?!

"ANONG SABI MO?!" I asked loudly.

"Ang sabi ko, wag kang maingay. Sabi ko naman sayo diba, ang lapit ko sayo. Wag mo
akong sigawan kasi hindi ako bingi. Nag driving lessons ako, okay? Marunong na ko
mag drive. Madali akong matuto kaya wag ka ng magtaka kung marunong ako mag drive.
Magddrive ba ko kung hindi ako marunong? Rylie naman! Hindi kita hahayaan
mapahamak! WALA KA BANG TIWALA SAKIN? Kung wala, sige. Tawagin ko yung driver..."
Kinuha niya yung phone niya. Nalungkot naman ako at naguilty ng bonggang bongga.
Nanghihina ako. Naiiyak na ko.

"Uyy, sorry na Tyler. Sorry na." Yumuko ako at tumulo na luha ko. Natatakot kasi
ako T___T

Nakita kong tinago niya phone niya using my peripheral vision. Nakatingin siya
sakin. Umiiyak pa din ako. Nagguilty ako, nalulungkot, nasasaktan... Totoo kasi mga
sinabi niya eh. May tiwala naman ako sakanya eh, nagulat lang talaga ako. Naalala
ko tuloy yung nangyari samin nung 1st week of school, nag-away agad kami dahil sa
lecheng dila na 'to. Bakit ba kasi ganito ako mag react lagi? Amp. Nasasaktan ko
tuloy siya...

Pumikit ako pero ayaw pa din huminto ng luha ko. Jusko po! Naramdaman ko yung kamay
niya sa mukha ko at pinunasan ito.
"Sorry Rylie. Sorry. Wag ka ng umiyak. Diba sabi ko sayo, ayaw kitang nakikitang
umiiyak o nasasaktan. Ayoko. Please Rylie, stop crying."

"Mag drive ka na please. Sorry." He wiped my tears again, nodded, and kissed my
forehead. Ang sweet naman niya. Geez!

Nag drive na siya. Sobrang hindi ako kinabahan. Parang ang expert expert na niya
mag drive. Parang ang safe safe ko pag kasama ko siya. Sobrang nagsisi ako sa mga
nasabi ko kanina. Parang ang perfect ni Tyler. Bakit ganun? I feel so low.

Nakarating na kami sa bahay. Nag thank you ako sa lahat lahat ng ginawa niya para
sakin ngayong araw. Grabe na tibok ng puso ko, the best! Wooo! Bumaba ako ng kotse
niya at kinatok yung window sa side niya. Binaba naman niya ito...

"Gusto mo pumasok, Tyler?" I asked.

"Hindi na, Rylie. Bukas na lang." He winked. I blushed.

"Okay, bye Tyler! Nakalimutan ko palang mag congrats kanina no? Ayy. Nakalimutan ko
din gamutin mga sugat mo. Sigurado ka bang okay ka lang? Mukhang pinurahan ka ng
mga kalaban niyo kanina eh! Bad guuuuys!" Sumama tingin ko. Tumawa naman si Tyler.

"Okay lang ako. Sobrang okay ko nga eh. Pero mas okay sana kung... err. Never
mind." He looked away at yumuko. Umiling iling siya tapos ngumisi. Hala, nababaliw
na naman siya?

"Uhmm sabi mo yan ah? Sige! Congrats, Tyler. Ang galing mo kanina, sobra." I
smiled.

"Thank you for today and tonight, Rylie. You're the best. Pumasok ka na at baka
kung ano pa mangyari sayo. Alam mo na, I'm just protecting you." Nag wink siya.

Parang ayoko pa pumasok sa bahay. LOL!


Gagawin ko ba yung nasa isip ko? Err, wag na kaya? Kakahiya eh.

"Thank you. Sige, bye na. Ingat ka! Malayo ba bahay niyo eh. Gusto mo ihatid kita
sa inyo?" Ano ba naman yan! Nakakainis na talaga ako. Ano ba 'tong iniisip ko?
Bakit ayoko siya palayuin sa tabi ko? Magkikita pa naman kami bukas eh!

"Sira ka talaga! Pag hinatid mo ako, ihahatid din kita. Ano yun, maghahatidan tayo?
Paano pa ako makakarating sa bahay ko at paano ka pa makakarating sa bahay niyo? Di
tayo matatapos, Jamilah. Pumasok ka na sa loob, I'll be okay. Magkikita pa tayo
bukas." He smiled. Ayan tuloy, nagmukha akong desperada na makasama siya! Psh! I
wanna hurt myself for saying it! Err.

"Okay, bye!" Yumuko ako at tumalikod na. Nakakahiya eh. Huhu! Binuksan ko na yung
gate. Papasok na sana ako pero...

"By the way, I like you, more." I stiffened. Ano daw? 'I like you' tapos may
'more'? Ibig sabihin, mas like niya ko kesa sa like ko sakanya? Omo! >o<

Nagkaroon ng utak yung katawan ko at humarap sakanya. Naglakad ako papunta sakanya
na halatang nashoshock pa din sa mga sinabi niya. Nakita ko naman na tinataas na
niya yung window. Kinatok ko naman yung pinto at binaba niya ulit ito.

"T-talaga?" I asked O_O

"O-oo nga!" He looked away. Bakit ba siya nahihiya? Amp.

"Tyler, bumaba ka diyan. Now na! Dalian mo! Dali!"

"B-bakit? G-gabi na!" Nakayuko pa din siya.

"Pleeaase?"

Gagawin ko na talaga yung kanina ko pang gustong gawin! Sorry but I made my
decision.
Bumaba na siya ng kotse. Nag sigh pa nga eh. Hehe!

"What?! Why di-" Hindi niya natapos sasabihin niya.

I hugged him very very very tight sa waist niya kaya naman napataas yung dalawang
kamay niya sa gulat na parang sumusurrender sa police. Hindi nagtagal, yung kamay
niyang nakataas, nasa likod ko na. Yiiee. Kinikilig ako! *u*

"Better." He said softly.

"Thank you, Tyler! Thank you! Sobraaaang thank you!"

Lalo ko pang hinigpitan hug ko sakanya! Ayiiee!

"I like you most, Tyler! I like you most!"


####################################
CHAPTER 34 (Monkey Guy & Monkey Girl)
####################################

CHAPTER 34

(TYLER'S POINT OF VIEW)

"Tounge-na, Justin!" Aisha smiled at me. Nandito siya sa bahay namin at nagmumura
kahit na ang aga aga pa. Nakaupo kaming dalawa sa sofa, nanonood ng TV. Pag siya
narinig ng kambal, ewan ko na lang. Saturday nga pala ngayon. Umalis na naman
parents ko.

"Bakit?" I smiled.

"Parehas kayo ni Rylie pag in love!" Hinampas hampas niya ko.

"Ano?! Di ako in love!" Hindi naman talaga, diba? Nak ng! Nababaliw na talaga ko.
"Nakangiti lang kayo na parang tanga. Ang lungkot ng pinapanood mo kanina pero
nakangiti ka pa din tapos ngayon teka, kailan ka pa natutong manood ng Spongebob?!
Favorite cartoon yan ni Rylie ah. Nakooo." Oo nga no! Bakit ba ito pinapanood ko?!
Langya! Ano bang pinakain sakin ni Rylie at nagkakaganito ako ngayon?!

"Tigilan mo nga Justin Dela Cruz, hindi bagay! Hindi ako sanay na ganyan ka pero
oks na din. Nag work ang mga plano ko, di na kailangan ng mga dares. Hehe!" Sabi
niya kaya sumeryoso mukha ko at tumingin sakanya.

"Aish, tigilan mo na nga yung dares na yan. Pag yan nalaman ni Rylie, ewan ko na
lang. Kahit malinis intention mo, for sure, iba iisipin niya. Kahit sino naman, iba
iisipin. Kahit ako..." Yumuko ako. Nagigulty ako. Aminado ako na yung ibang ginawa
ko dati, dare lang. Nakulitan lang ako kay Aisha at knowing Aisha, competitive yan.
Hindi yan papatalo kaya syempre, hindi ako pwedeng magpatalo pero ngayon, hindi.
Hindi talaga! Natupad na nga mga plano ni Aisha!

"Sorry na. Amp. Pero aminin mo, nakatulong yung mga plano ko sa inyong dalawa."
Tumingin siya ng nakakaloko. Sira talaga 'tong babae na 'to.

"Oo na, oo na! Ano ba kasi ginagawa mo dito?" I asked.


"Masama na bang dalawin pinsan ko? Ha?"
"Tss. Magpapachismis ka lang eh." Sabi ko habang nanonood ng TV.
"Buti alam mo!" Ngumisi siya. Tss.

Pinatay ko yung TV at kinwento ko na kay Aisha yung mga nangyari.

Taena! Mali ata na nagkwento ako dito eh. Maghapon ba naman akong tinutukso.
Napapaisip tuloy ako... Torpe nga ba ko? I already told her that I like her diba?!
Anong torpe doon? Teka, like nga lang ba? Like lang diba as in gusto?!

"Hindi ba kayo lalabas ni Rylie ngayon? 1 PM pa lang oh. Wala ka namang ginagawa.
Dali na, ako na magaalaga sa twins." Sabi ni Aisha out of the blue.

"Ang kulit mo! Kanina ka pa!" I said.


"I know. Dali na!" Siniko niya ko.
"AYOKO. ISA!"
"K." She rolled her eyes at nag walk out.

"Dali na, Kuya Justin! Date na kayo ni Ate Rylie!"


Sabay sinabi ni Janine at Jenine mula sa likod ko.

"HINDI NGA SABI EH." They both pouted and walked out.

Like Aisha, like twins?!

(RYLIE'S POINT OF VIEW)

Nag end na pala slavery contract namin ni Tyler kagabi. Nalungkot tuloy ako. Hindi
ko na siya makakasama lagi kung ganon. Hindi na niya ko mauutusan buhatin niya yung
mga libro ko, hindi na niya ako mauutusan sumama sakanya. Narealize ko tuloy na
hindi naman talaga ako yung slave saming dalawa, kundi siya. -_____-

On the brighter side, I'm so happy! Like daw ako ni Tyler! Ang saya saya!

Ako din, like ko siya! I like him very very very much! I like him the most! I like
him the best! Hindi ko maexplain nafifeel ko pero gustung gusto ko siya at first
time ko 'tong nafeel. Yung parang may kuryente? Ito ba yung sinasabi ng mga tao sa
movies na... SPARK?

Kung ito yun, ito lang ang kuryenteng masarap sa pakiramdam.

Speaking of kuryente... *ehem*

Calling...

Patrick Dela Cruz

"Hello?"

"Rylie, mag ready ka. Lalabas tayo."

"Saan tayo pupunta?"


"Sa mall. Fast! Be there after 5 minutes." Binaba na niya yung phone. Di man lang
nag bye! Atsaka 5 minutes eh hindi pa ko nakakaligo? Amp! Grabe na 'to ah. Di ko na
carry! Pati ang layo layo pa ng bahay nila sa bahay namin no!

Humiga na lang ako sa bed ko at pumikit. It's Saturday today! Dapat sinusulit. Ang
dami kayang ginagawa sa school. Puro exams pa and papers. Pati sa music club! Hayy.
Ano kaya nangyari sa performance nila noong Friday? Amp. Wala man lang nagtext
sakin.

Haaaaaaayy. Ang sarap sarap. Ang lamig lamig! Kulang na lang halikan ko kama ko eh.
Ilang oras na din ang nakakalipas pero wala pa ding Tyler na kumakatok, tumatawag,
or something...

"What are you doing? Kanina ka pa pagulong gulong diyan ah?" Napaupo naman ako nung
narinig kong may nagsalita. Tiningnan ko... Si Tyler, nakaupo sa sofa at ang sama
ng tingin sakin.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ko pero halatang nagpapanic... O_O

"Watcha think? Sabi ko kanina, after 5 minutes nandito na ko. Kanina pa ko nandito,
ilang oras na din pero gumugulong ka lang diyan. Tsh." Umiling iling siya.

Waaa! Magtatampo na naman ba siya? Huwaaag naman! >.<

Napatayo ako sa kama at tumabi sakanya sa sofa. Kakahiya, di pa ko naliligo! >,<

"Uuuuy." Siniko ko siya. Nakayuko lang si Tyler. Ako naman, nakatingin ng diretso
pero hindi sakanya. Nag toothbrush naman ako kaninang maga after ko kumain no! Amp.

"Nagpapalambing ka lang ata Tyler eh. Yiieee." Siniko ko ulit siya. Tiningnan niya
ako ng masama. Hala! Wrong move, Rylie! Ano ba kasing pinagsasabi mo? Nahiya ako
lalo. Oh pareng lupa, lamunin niyo na ko. Now na dali, go!

"Nagpapalambing pala ah." He grinned as he grabbed my wrists and pinned me down to


the sofa. Oh noes! Ang lalim ng tingin niya kaya naman agad agad akong umiwas ng
tingin. Ramdam na ramdam ko hininga niya. Sabi ko kanina, ang lamig lamig. Ano
nangyayari? Bakit parang gusto ng lumabas ng pawis ko sa pores ko? Oh geez!
Napahinga ako ng malalim...

"Uhmm T-Tyler, s-sorry na nga eh. Akala ko naman kasi nagbibiro ka lang o kaya
naman malayo ka pa." I faked a smile. Kinakabahan na ko ng bonggang bongga.

"Wag na pala tayong lumabas. Dito na lang tayo sa kwarto mo." He said. Ang husky ng
boses niya. Oh my gesh! >o<

"H-ha?" I'm stummering!

May kinuha siya malapit sa may ulo ko, umupo, ngumisi, tumayo, naglakad, huminga ng
malalim, at binuksan yung TV. Ahhh. Kukunin lang pala yung remote. Taeeee! Kukunin
lang yung remote, kailangan pang may ganun?! Sht na malagkit naman Tyler! Why did
you have to do that?!

"Pwede naman palang dito na lang tayo manood. Ano mga CD's mo diyan?" Umupo siya sa
dulo ng kama ko at naglipat lipat ng channel. Feel at home na feel at home si
Pareng Tyler ah?

"Uhmm Barbie?" I said.

"Barbie?!" O_O

"Joke lang pero meron akong isa. Hehe! Korean series and movies?"

"Koreanovelas?!?!"

"Uhmm err, romantic movies?" Again, I faked a smile.

"UGH. May cards ka ba diyan?" I pouted.

"Uhmm oo. Teka kukunin ko!" Saan ko nga ba nilagay yung cards ko? Hala, ang ulyanin
ko talaga. Saan ko na nga nilagay yun?! Nagpapanic na talaga ko. Kasi naman eh.
Bakit ba hindi ako naniwala na pupunta siya dito after 5 minutes? Yan tuloy. Amp.
Masyado kaming nag bonding ng kama ko eh. Err. Nakakahiya ka, Rylie!

Mukhang nainip na si Tyler at nakitulog sa paghahanap ng cards ko...

"Burara." He said tapos umiling iling. Amp.

"Sorry na." I pouted kahit di niya nakikita.

"Wag ka ng maghanap, nahanap ko na. Nandito lang pala sa study table mo. By the
way, magaling ka pala talaga mag paint." Tumingin ako sakanya. OMG! Tinitingnan
niya yung paintings ko. Muahaha!

"Ayos ba?" Nilapitan ko siya.

"Crush na crush mo talaga ko no?" Ngumiti siya. Sht! Nakita niya si Patrick, yung
painting ko! OMG! Nakakahiya! Baka sabihin niya obsessed na ko sakanya.

"Jamilah, akin na lang. Thank you." He smiled pero bago pa man ako makasagot,
kinuha na niya. Oh-kay. Haha! "Tara, laro na tayo. Ano bang laro alam mo?"
Dumiretso na kami sa kama ko. Parehas kaming naka-indian seat tapos magkatapat.

"Ungguy ungguyan."

"Yun lang?!" Tumango ako. Sorry, ungguy ungguyan lang talaga alam ko.

He sighed. "Fine." He smiled again.

Shinuffle na niya yung cards at nag simula ng maglaro. After blank hours, naglalaro
pa din kami ng ungguy ungguyan. Imbis na mabored kami, lalo pa kaming naeexcite.
Hindi na kami natapos kasi walang gustong magpatalo. Walang gusto maging unggoy...

"Okay, last game!" Sabi ni Tyler.


"Okay!" Sabi ko na halatang excited.

Ilang sandali lang, OMG! Panalo si Tyler! T_________T

"Unggoy ka, Jamilah. Monkey girl." Pangiinsulto niya. Tiningnan ko siya ng


masama...

"Oh, wag pikon. Laro lang 'to."

"Ikaw naman kasi eh! Amp. Bwisit!"

"Unggoy ka naman talaga."

"Bakit ba?! Mukha ba talaga akong unggoy?!" Ang pangit ko ba talaga? Bakit biglang
ang sama na naman niya sakin?! Ngumiti siya...

"You know the song, 'unggoy ka ba kasi kasi, nakasabit ka sa puso ko, naman
kasi'???" Kinantahan niya ko. OMG! Kahit di maganda boses niya, nalusaw ako.

Oo na, unggoy ako! Unggoy nga ako!

"Unggoy mo na ko Tyler ha! I'm your monkey girl!" Hinawakan ko kamay niya. Tumawa
siya. Ako naman, ngiting ngiti pa din.

"Yes, you're my monkey. Am I your monkey?" Tiningnan na naman niya ko ng malalim


habang nakangiti. Oh shockers.

"OO NAMAN! Hindi lang monkey! Ikaw pa yung bangin, pustiso, picture, salbabida,
apoy, at kung anu ano pa." Ginulo niya yung buhok ko.

"Same here. Maligo ka na nga, ang baho mo na!" Tumawa siya.


"Talaga? Mabaho na ko?"

Nilapitan ko siya.

"A-anong ginagawa mo?" Lumayo siya. Lumapit pa ko lalo. Panahon na para makaganti
ako. Akala niya ha. Kinabahan kaya ako sa ginawa niya kanina.

"B-baka nakakalimutan mong nasa kama tayo?" I smiled. Mabaho pala ah!

I pushed his chest and pinned him down to the bed. He looked so serious but not
nervous. Bakit ganito? Ang daya naman!

Nilapit ko mukha ko sa mukha niya...

"Bakit ang daya mo? Hindi ka man lang kinakabahan." I said.

Nagulat ako nang hinawakan niya dalawang wrist ko at nabaliktad pwesto namin. He's
on top of me. He pinned my wrists to my bed.

"I respect you, Monkey girl." He kissed my forehead at tumayo na. Umupo din ako
agad at tumingin sakanya ng nakangiti dahil sa sinabi niya. Pumunta siya sa sofa at
huminga na naman ng malalim. Parang init na init siya. Ako nga din eh, naiinitan.

"I trust you. Thank you, monkey guy." I smiled.

Tumakbo ako papunta sakanya and hugged him.


####################################
CHAPTER 35 (TORPE)
####################################

CHAPTER 35

TOP 1 SI JUSTIN TYLER DELA CRUZ SA BUONG 4TH YEAR. Ang daya no? To think na
naglalaro pa yun ng bola ha. Galing! Highest nga siya sa math and physics exam eh.
Naka-110 over 100 siya sa math. Bonus kasi yung 10 pts kaya ayun, mas mataaas score
niya sa items. Naka-98/100 naman siya sa Physics. Amp. >______<

TOP 2 nga pala ako. Di ko nga din alam kung paano nangyari yun eh. Amp. Siguro kasi
science and music club president ako? May benefits din pala pagsasali ko doon no?
Hindi naman ako matalino. Err. Pero thankful ako kay Tyler kasi tinuruan niya ko sa
Physics and Math ko. Yep, until now lagi kaming magkasama ni Tyler pero lagi ding
nag-aaway ^_____^v

September na nga pala! Hindi pa tapos ang inter high competition pero malapit na
agad ang Intrams. Well, next month pa naman pero sinukatan na kami ni Jersey. May
teams na din kami and number. Syempre, number 13 ako! (・∀・)

Lahat nga ng mga kaklase ko, excited. Ako, AYOKO. Hindi naman ako athletic! Napunta
nga pala ako sa Green Bulls. Si Tyler at Christian, sa Red Wreckers. Si Aisha,
Brylle, at Lynne, sa Blue Sharks. Ang loner ko na naman pala! Hayy. Mag-aaral na
lang ako, pwede? >_<

"Ayoko na mag intraaaaams!" *face palm*

Lubdublubdub.

"Ano ka ba Rylie. Kanina ka pa ungol ng ungol diyan ah!" Sabi ni Aisha. Kulang na
lang batukan niya ko eh. Tinatakpan pa niya tenga niya. Amp. What a friend.

Oo nga pala, nasa room kami ngayon, hinihintay second to the last subject teacher
namin. Kanina pa tingin ng tingin ng masama sakin sila Rhea pero wala akong
pakielam. Yiiee, improving. Hehe! Wala pala si Tyler kasi nandoon siya sa
basketball court. Hindi ko siya namimiss kasi magkasama naman kami mamaya. Okay
fine, namimiss ko na siya. Ang adik ko na ba?! T______T

"Nakakainis naman kasi. Ako na naman magpapatalo sa team ko. Hindi naman ako
pwedeng umabsent kasi may attendance yun. Hindi naman pwedeng hindi ako maglaro.
Naku naman!" Nagpalumbaba ako at pinress ko yung mukha ko. Mukha na kong... EWAN.

"Tapos loner pa ko! LONER! Alone! May tinatagong galit ba yung nag-ayos ng teams
sakin at ganito? Last year din kasi loner ako eh. Buti na lang may mga kateam akong
nasa science and music club. Amp." Nilobo ko yung mukha ko.
"Rylie, di ka pa ba nasanay? Tama na nga ang pagpapacute mo diyan, hindi bagay eh!"
Pumalumbaba siya sa desk niya at tumingin sa may window.

"Gusto ko kayo kasama ko eh!" I pouted. Tiningnan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"Clingy ka ha." She said at dumating na ang 2nd to the last subject teacher namin.
Yehey, malapit na mag uwian. Malapit na. Konting tiis na lang, makikita ko na si
Papa Tyler, si Patrick, si Justin Tyler Dela Cruz KO! Amp. Inaangkin ko na naman
siya eh hindi pa naman siya sakin. Bakit ba ang hilig ko sa 'PA'? Mwehehe -______-

"Inaantok na ko. Di pa ba 'to matatapos?" I asked. Nakakaantok naman kasi talaga


TLE namin. Last subject na nga pala! Anyway, diba dapat productive kami dito sa
subject na 'to? Eh ba't inaantok ako? Nagulat na lang ako kasi nagkaroon kami ng
SURPRISE QUIZ. Oh my gesh!

"Pahingi naman ng length wise." Sabi ko kay Aisha kaya binigyan niya ko. Nagulat
naman ako kasi nanghingi samin si Selena. Dapat nga hindi bibigyan ni Aisha pero si
Selena naman yun. Mabait na si Selena ngayon no! Kaya yun, kinuha ko paper kay
Aisha at ako ang nagbigay kay Selena ng paper. Hehe. ^_______^

Natapos na sa wakas ang mahabang paghihintay! Umalis na si Aisha, Brylle, at Lynne.


Lagi na lang nangiiwan. Porkit may love life sila ah! Well, well, well...

Pumunta na ko sa locker ko at as usual, ang gulo gulo na naman!!!

"RYLIE!" May tumawag sakin.

"AY BUTIKI KA!" Nahulog na naman mga gamit ko sa locker ko! T____T

"Ay sht sorry!" Tumakbo siya papunta sakin at tinulungan akong mag ayos ng gamit
ko. Pagtingin ko sakanya...

"Uy Josh, ikaw pala. Long time no see ah!" Nakatayo na din kami sa wakas. Pinasok
naming dalawa yung mga gamit ko sa locker ko at agad ko itong nilock para di na
mahulog saka ngumiting pilit kay Josh. Nakakahiya ako sht! >____<

"Oo nga eh, masyadong busy seniors ngayon. By the way, nakapagexam ka na ba? Where
do you want to study?" He smiled. Inayos ko yung bag ko at naglakad na kami sa
hallway. Friends naman kami ni Josh. Pinagtitinginan nga kami ng mga students eh.

Wala naman masamang sumama kay Josh diba? We're friends.

"Uhmm yeah. Nag exam na ko sa DLSU, ADMU, UP, and USTe. Sobrang kinakabahan na ko.
Nakakahiya sa parents ko pag di ako nakapasa. Sobrang pinagaaral nila ko tapos err.
Ikaw ba?" I asked while smiling.

"Makakapasa ka, Rylie. 100 percent sure, di kita pinapaasa. Haha! Ako? Uhmm."
Nawala ngiti niya. Kinabahan naman ako. "Sa States na ko." Yumuko siya.
O__________O

"Seryoso ba yan?" Yumuko din ako. Nalulungkot ako. ToT

Nakarating na kami sa quadrangle ni Josh. Halaaa. Isusurprise ko pa naman sana si


Tyler. Speaking of surprise, birthday niya next week.

"Yep. Ayoko nga sana eh pero di bale na. Rylie, ingatan mo sarili mo ah. Wag kang
magpapaapi. Wag kang magpapaloko. Okay? Sorry ulit sa mga nagawa ko dati. Sobrang
pinagsisisihan ko na yun." My tears are starting to come out. Nakayuko lang ako...

"Josh naman eh." T______T

"Uy Rylie naman. Wag kang umiyak. Mahihirapan ako umalis niyan eh." Nag nod lang
ako at yinakap siya.

"Sorry Josh. Thank youuuu! Thank you!" I hugged him. Naging mabait naman kasi si
Josh sakin ng sobra sobra eh. Pinagtatanggol niya ko, nililibre niya ako ng ice
cream, at kung anu ano pa. Hindi man lang ako nakabawi sa mga pinakita niyang
kindness. (・へ・)

Hinug niya din ako...

"Rylie, baka may magselos..." Inalis ko hug ko sakanya. Ngumiti siya. Ako naman,
tiningnan siya ng nagtatakang look. Helloooo? Sino naman magseselos? Sa pagkakaalam
ko, wala akong boy friend. Hehe!
"JAMILAH!" Pagtingin namin ni Josh sa gilid namin... DEADS! Wait nga! Bakit naman
deads eh wala naman akong ginagawang masama? -______-"

Wait nga, bakit ang seryo-seryoso ng mukha niya? T____T

Hinila ko si Josh at nilapitan namin siya...

"Tyler, ikaw pala. Hehe! Kamusta?" Bakit pakiramdam ko may kasalanan ako kahit wala
naman talaga? Bakit feeling ko, ang sama ko kahit hindi naman?! Ano ba nangyayari
sakin? Hindi naman kami ni Tyler. Eh ano ba kami?

"Okay lang." After that, umalis na siya. Oh-kay?!

Ano na naman ginawa ko? T_______T

(JUSTIN TYLER'S POINT OF VIEW)

"Torpe." Sabi ni Christian sabay shot. Nandito ako sa condo niya kasama yung anim
na loko loko. Sila Terence, Adrian, Richard, Jecko, Jonas, at Dylan. Nagkayayaan
kasi uminom eh. Isang Tanduay Ice pa lang naman iniinom ko. Sila kasi, Jose Cuervo,
Milagro, at Patron. Hindi naman kasi talaga ako umiinom at alam nila yun. Iinom man
ako, light lang.

"Sino ba kasi yung babaeng yan? Ano bang gayuma pinainom niya sayo?" Tanong ni
Dylan. Hindi pa niya kasi nakikita si Rylie. Lagi siyang wala dahil busy siya sa
bago niyang banda. Lead guitarist and vocalist na nga siya ngayon eh.

"Hindi na kailangan ng gayuma, tsong." Sabi na naman ni Christian sabay shot. Teka,
nakakailang shot na ba 'to? Nak ng. Halatang depress eh.
"Taena pre, tipsy ka na. Langya. Yan kasi! Maiinlove kayo pero kayo ang nananakit
sa sarili niyo. Ikaw Christian, bakit ba di ka pa sumusuko kay Ariza? At ikaw
Justin, magseselos ka pero-"

"Hindi ako nagseselos." Pinutol ko sinasabi ni Adrian.

"Hindi? Wag mo nga akong lokohin. Tayo tayo na nga lang, maglolokohan pa tayo? Lul
mo! Patapusin mo muna ko pwede? Hindi pa tapos speech ko eh." Kinuha niya yung shot
glass at nilagyan ng Jose Cuervo.

"Fine. Ano ba yun?" I said. He licked the salt sabay shot tapos kinain yung lemon.

"Magseselos ka pero wala ka namang ginagawa. Ang bagal mo! Ang torpe mo! Pre, alam
kong mas perfect ako sayo pero-" Hindi na naman niya natuloy yung sinasabi niya
dahil binatukan siya ni Richard.

"Kupal! Top 1 ka ba? Scholar ka ba? Sobrang hearthrob mo ba? Talented ka ba?
Athletic ka ba? Wag ka ngang mag feeling diyan, Adrian. Taena!" Tumawa silang lahat
sa sinabi ni Richard. Si Richard na ata pinakamature sakanilang lahat.

"Pwede bang patapusin niyo muna ako?!" Sabi ni Adrian. "Yun nga. Justin, pre. Wala
kang dapat ika-torpe. Oo nga't pwede kang magselos pero ang tanong, may karapatan
ka bang magalit? Wala naman diba dahil hindi kayo. Dahil hindi ka pa gumagawa ng
move. Gumagawa ka man, di mo naman sinasabi. Mukhang siya pa naman yung babaeng
mahina pumick-up." May point naman si Adrian, diba?

"Hay salamat, may nasabi ka ring matino." Sabay sinabi ni Jecko at Jonas. Yung
dalawa na yan, parehas yang tahimik pero parehas ding manyak. If you know what I
mean...

"Ikaw naman kasi eh. Ang bagal bagal mo. Pag ikaw, naunahan pa ng Josh na yun, ewan
ko na lang. Ikaw na ang pinakagwapong pagong na nakilala ko." Sabi ni Christian na
halatang nahihilo na. Tongue-inuh. Ayoko mag-alaga ng lasing ngayon.
"'Tol, kailangan mo ba kasi balak mag tapat?" Tanong ni Richard.

"I already told her that I like her." Ininom ko ulit yung Tanduay Ice na nasa bote.

"Like nga lang ba??" Sabay sabay nilang tanong.

"Ewan ko." Yumuko ako.

"ULUL!" Sabay sabay na naman sila.

Bakit ako ang nasa hot seat?

Ako ba ang nag-aya uminom?

Sabagay, ako nga.


####################################
CHAPTER 36 (Mahal na ata kita.)
####################################

CHAPTER 36

(JUSTIN TYLER'S POINT OF VIEW)

Damn! I can't sleep! 2 AM na ko nakauwi dahil nag-alaga ako ng mga lasing.


Nakakaloko na 'to ah. Crap! Nakalimang T-Ice lang naman ako. Medyo nahilo pero
olats, di ako tinablan. 3:30 AM na. May pasok pa mamaya pero hanggang ngayon, di pa
ko natutulog. Ano ba kasing pinagiisip ko? Rylie naman! Wag mo namang gawin sakin
'to. Mukhang ito pa ikakasira ng buhay ko eh.
Kinuha ko yung phone ka at tinext si Rylie. Nag sorry ako dahil sa ginawa ko
kahapon. Was I being immature? Masama na ba magselos? Hindi naman diba? Pero wala
naman akong karapatan mag react ng ganun eh. Tama si Adrian, kailangan ko ng mag
make ng move kung ayoko maunahan pero paano? Eh hindi naman ako marunong manligaw.
Langya.

Nagulat na lang ako kasi nag reply siya. Napangiti ako. Bakit?! Bakit ako
napangiti?! Nababaliw na ba talaga ko... sakanya? Langya naman oh! Craaap!
Aaaaaaah!

4:00 AM. Hindi pa din ako makatulog...

"Okay, nakapag decide na ko." I said to myself.

20 minutes akong naligo at nag ready. Kinuha ko yung gamit ko sa school, car keys,
at nag drive. 4:52 AM ng makarating ako sa tapat ng gate nila. Ang bilis pala
makarating dito pag ganitong oras. Ano bang pumasok sa isip ko at pumunta ako dito?
Namiss ko agad siya? Isang araw lang naman kaming hindi nagkasama... Diba?

Teka, magdodoor bell ba ko, kakatok, o wag na? Ang labo naman eh.

Wait lang! Ano naman sasabihin ko?

*clears throat* "Hi Jamilah. Uhmm wala lang, namiss lang kita." Hindi pwede!
Masyadong halata pag yun ang sinabi ko pero... yun naman ang totoo diba? Aaaah! I
brushed my hair out of frustration. Bakit ba nagkakaganito ako? Sa lahat ng problem
solving na sinolve ko, ito ang pinakamahirap...

*clears throat* "Yo, Rylie. Hindi ako makatulog. Pumunta ako dito kasi ang boring
sa bahay. Wala akong mapagtripan. Hahahaha!" Nak ng! Mukha akong tanga! Ano ba
sasabihin ko? Bahala na nga! Dapat pinoproblema ko muna kung paano makakapasok nang
hindi naiistorbo yung mga tao. Itext ko kaya si Rylie? Gising pa naman siya diba?

HINDI. AYOKO. Umiling iling ako.

Taena! Mag-aakyat bahay na lang ako. Biro lang!


Teka! Akyat-bahay? Bakit hindi ko yon naisip agad! Bumaba ako ng sasakyan. Sakto,
meron pa akong susi sa mini door ng gate nila. Sa gate kasi nila, may mini door.
Binigyan ako ng duplicate ng mommy at daddy ni Rylie noong tumira kami sakanila
dati. In case of emergency daw since clumsy and careless si Rylie.

Kabisado ko na bahay nila Rylie kaya naman alam ko kung saan yung shortcut papunta
sa kwarto ni Rylie. Naglakad ako hanggang sa makarating na ko sa likod ng bahay
nila. Umakyat ako sa ladder at nakarating na sa balcony ng room ni Rylie.

I opened the glass door... OPEN?! BAKIT OPEN?! Paano na lang kung may nag akyat-
bahay talaga tapos pasukin siya? Ang careless talaga nitong babaeng 'to. Pero good
thing, open yung door kasi makakapasok ako sa loob.

*MUSIC STARTS HERE.*

(NOW PLAYING: SUDDENLY WANT TO LOVE YOU)

(A/N: Click na lang yung youtube sa right side. Hehe! SUPER NOTE: Ibang language
nga pala yung kanta! Kayo na po bahala. ^___^v)

Pumasok na ako at nilock yung door. Tulog na si Rylie, sure ako doon. I closed the
curtain sa glass door niya pati yung curtains sa windows niya.

"Ang careless mo talaga. Paano pag may manyak na manilip sayo tapos may gawing
masama sayo o kaya naman may akyat-bahay gang tapos may gawin ding masama sayo?
Tsk." Sinabi ko ng mahina. Napaparanoid na ata ako. Umiling iling ako, pinuntahan
siya, at inayos yung kumot niya. Langya, bakit ba nakangiti ako?!?!?!

"Dahil sayo, natuto akong kausapin sarili ko, natuto akong ngumiti out of the blue.
Nakakahawa virus mo, Rylie. Nakakahawa kabaliwan mo." Sinabi ko ulit ng mahina.
Pumunta ako sa side ng bed niya at nilapitan pa mukha niya. Ayoko siyang magising.
Mukhang kakatulog lang niya.

Hawak hawak pa kasi niya phone niya kaya naman kinuha ko ito para makatulog siya ng
maayos pero pagkakuha ko, biglang umilaw. May napindot ata ako. Pagtingin ko,
nakaopen pa yung message ko na sinend ko sakanya kanina. Pinanindigan talaga niya
yung Patrick? Patrick pala name ko sa contacts niya.

"Mahal na ba kita, Rylie?" I kissed her cheeks. Nagulat naman ako kasi dumilat siya
pero pumikit ulit. Nak ng. Nag smile at na 'hi' pa sakin. Maalala niya kaya 'to
mamaya paggising niya?

"Mahal na nga kita." I kissed her lips. Ngumiti siya pero nakapikit pa din.

Alam kong may gusto siya sakin at alam din niyang may gusto ako sakanya. GUSTO? Ang
alam niya, may gusto ako sakanya. Hindi niya alam na mahal ko na siya. Hindi rin
naman ako manhid para hindi maramdaman na may gusto siya sakin eh. Kahit di niya
sinabi na gusto niya ko, nararamdaman ko. Pero gusto lang ba talaga, Rylie? Hindi
ba pwedeng mahalin mo din ako tulad ng pagmamahal ko sayo ngayon. Nak ng. Ang
cheesy! -______-

There's a part of me na masaya dahil gusto ako ng taong mahal ko. There's a part of
me na natatakot dahil ayoko siya masaktan, and there's a part of me na malungkot.
Nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung yung pagkagusto niya sakin eh yung katulad
ng pagkagusto niya sa mga exes niya? Yung gusto na... dahil iniisip niyang ako yung
Prince Charming niya? 'Cause I'm not.

Nalulungkot akong isipin na yung babaeng mahal ko, nagustuhan lang ako dahil yun
yung nakikita niya sa mga napapanood niya. Sana naman hindi. Ayokong isipin niyang
nasa movies o koreanovelas kami dahil we're not. We're in the real world na hindi
uso ang forever at lahat may expiration date.

Isa lang naman ang hindi mageexpired eh... Yun ay yung pagmamahal sakanya. Ayoko
magsalita ng tapos pero possible? Yes? Ughh. Ang dami ko na namang iniisip.
Nahahawa na ba talaga ako kay Rylie? Dati naman, ang pinoproblema ko lang eh kung
paano tatakasan si Alexa.

On the other side, I want to make her feel na kahit wala siya sa mga movies na
nakikita niya, mahahalin ko siya ng totoo, na hindi na niya kailangan ng mga
napapanood niya, at may sarili siyang love story at ako ang bubuo nun para
sakanya...

Ayokong iba ang bumuo nun para sakanya.

Hindi ko ata kaya.


"Rylie, mahal na kita. Mahal na mahal ata eh. Ewan. Ang gulo. Naiimagine ko palang
kasi na may iba kang tinatawag na Patrick, naiimagine ko palang na may iba kang
kayakap at kahawak ng kamay... Sumasakit na 'to." Hinawakan ko yung kamay niya at
dinikit sa chest ko.

*SIGH* Ewan ko ba! Hindi ko din masabi sakanya na gusto ko na siya. Bigla na lang
ako mamemental block o kaya naman pag ready na ako, wrong timing. Naalala niyo ba
dati? Sinabi ko sakanya na akala ng mga team mates ko at akala ng mga tao, kami?
Nalungkot ako. Nalungkot ako kasi ayoko ng 'akala' lang. Pero paano naman magiging
kami kung yung pesteng dila na 'to, laging umuurong?

"Jamilah, ako lang... Please. Wait for me ok?"

There's always a right time for everything.

*MUSIC STOPS HERE*

Nagulat na lang ako kasi biglang tumunog yung alarm clock niya sa phone niya kaya
binaba ko yung phone. Umupo ako sa sofa malapit sa side ng bed niya. Kinuha naman
niya yung phone niya at mukhang ayaw pa niyang bumangon. Ilang sandali lang,
bumangon na siya ng nakangiti. Hawak hawak pa niya phone niya. O______O

Tumayo na siya sa kama at humarap sa salamin... Ang aga aga nagpapaganda?! Ano ba
yan! Parang baliw lang. Nakangiti lang siya. Nakakatakot ka na, Rylie!

"Alam mo, Rylie. Hindi ka naman maganda eh pero ang cuuuute cuuute mo!" Sabi niya
sa tapat ng salamin. Tama bang magbuhat ng sariling bangko? -________-"

"Ang sweeerte sweeerte mo pa!" Hinawakan niya yung salamin at tinitigan mabuti.
Confirmed: Nababaliw na 'to. "Heehee! Kahit hindi kayo bagay, swerte ka pa din! Sa
dinadami naman kasi ng lalaki sa mundo, gwapo pa ang nabingwit mo. Muahahaha!" Ano
ako, isda?! At paano kung hindi ako yung tinutukoy niya, paano kung si Josh?!

*SIGH* Bangag talaga 'tong babaeng 'to. Hindi man lang ako nakita? Siya ata ang
uminom eh, hindi ako. Siya siguro natablan ng mga ininom namin kagabi? Siya yung
nalasing eh. Mas lasing pa kay Christian. Biro lang pero seryoso, para siyang
lasing. Nakakatakot.

Tumalon talon siya papuntang CR habang naghihikab habang ako, pinipigilan ko


tumawa. Bakit ba sobrang sabaw niya? Why am I even wondering eh lagi naman?

After blank minutes, narinig ko ng umandar yung shower at narinig ko din siyang
kumakanta ng... HAHAHAHAHAHAHAHA! Taena! Hindi ko na kayang pigilin yung tawa.

"Nang mainlove ako sayo akala ko pag-ibig mo ay tunay pero di rin nagtagal, lumabas
din ang tunay na kulay!!!" Sobrang hyper ng babaeng 'to.

"ANG IYONG KILAY MAPAGMATAAS at laging namimintas pero nanana hmmm hmmm ang inyong
winawagtas. Para kang jkhghjg ugali mo nakakasphinx kung hiyain mo ko talagang
nakakashrink. Girly sjkhdfkjgds dsjfjfdlsjdfhskdhfdjkfhsklfhsdk!" Ano daw?! Wala
akong naintindihan. Ayoko na! Hindi ko na talaga kaya. Hahahahaha! Sasabog na ko
dito.

Ang lakas ng boses niya tapos mali mali lyrics niya. Nagiimbento at kung anu ano pa
yung sinasabi. Tongaks talaga 'to.

Teka, may naisip ako...

(JAMILAH RYLIE'S POINT OF VIEW)

Best morning ever! Oh my gawd. Kill me now! Jokessss!

Bakit ba ang saya saya ko ngayon? Dahil kaya maganda gising ko? Pero bakit naman?
Sobrang kulang ko nga sa tulog eh. Kasalanan ni Tyler! Hindi ako nakatulog kakaisip
kung bakit siya nagagalit. Nagseselos kaya? Kung nagseselos siya, dapat sinabi
niya! Hindi yung hindi na lang siya namamansin ng basta basta. Amp. Pero natuwa
naman ako kasi nag sorry siya at dahil doon, nakatulog ako. Hehe! ^_______^v

"LUNES, NANG TAYO'S MAGKAKILALA. BIYERNES..." Di ko na alam yung lyrics. Waa! Nasa
music club ako pero wala akong alam na kanta? Grr. Ah, alam ko na! Yung theme song
na lang ni Spongebob. Hehe! Alam na...( ̄ー ̄)

"Oh! Who lives in a pineapple under the sea?


SpongeBob SquarePants!
Absorbent and yellow and porous is he!
SpongeBob SquarePants!
If nautical nonsense be something you wish...
SpongeBob SquarePants!
Then drop on the deck and flop like a fish!
SpongeBob SquarePants!
Reeeeeaaaaaady?
SpongeBob SquarePants! SpongeBob SquarePants! SpongeBob SquarePants!
SpongeBob.... SquarePaaaaaaaaaaaaaants"

Thank you. Thank you. Sheeeet! Nababaliw na meee? -_____-"

Tumunog cellphone ko, may nagtext. Wow! Favorite song ko nga pala new ringtone ko.
Ayoko na sa My first kiss ni Kesha. Lagi akong nabibiktima. Hahaha! Mamaya ko na
titingnan ko sino nagtext. Sasabayan ko na lang yung kanta

"Like a Shock. To my Heart


When I Saw You Tonight
Like a Dream Come alive
For the Very first Time

When we Touch In the Dark


Baby you Blow in My Mind
Wish I Could Freeze
You and Me
In this Moment in Time

You Got It What I Want


Give It Up Shorty
Step it Up For Me
And i'll give you Everything
All My Life All My Love
I give you My Fortune and Fame
I'll even give you My Name

Girl you take me Higher


Than I've ever been Before
My feet don't touch the Floor
We'll flyyyyyyyyyyyyyy
The Sky's The Limit
The Sky's The Limit
Girl you take me

Up Up Up Uuuup Up Up Uuuup Up Up

Girl you take Me up


You take Me Higher
The Sky's The Limit
The Sky's The Limit

When We Dance
When We Kiss
Doesn't get any better than This
How You Shine
Trapped in the Spotlight
Finally Mine
Yeahhhh
Baby Let's Go
Lets Get Outta here
Baby Let Go
Got nothing to Fear
And now that We're here
Let's disappear
Into the Night

You Got It What I Want


Give It Up Shorty
Step it Up For Me
And i'll give you Everything
All My Life All My Love
I give you My Fortune and Fame
I'll even give you My Name

Girl you take me Higher


Than i've ever been Before
My feet don't touch the Floor
We'll flyyyyyyyyyyyyyy
The Sky's The Limit
The Sky's The Limit
Girl you take me

Up Up Up Uuuup Up Up Uuuup Up Up

Girl you take Me up


You take Me Higher
The Sky's The Limit
The Sky's The Limit
Ohhhh Wooooow

Uuuup Uuuup girl you take uuup


Ohh Yeahh Ohh
The Sky's The Limit
The Sky's The Limit

My feet are on the ceiling


They don't wanna touch the ground anymore
Oh what a Feelin
I can Feel It
Can You Feel It (Feel It, Feel It)

Girl You take me Higher


Than i've ever been Before
My feet don't touch the Floor
We'll flyyyyyyyyyyyyyy
The Sky's The Limit
The Sky's The Limit
Girl You take Me

Up Up Up Uuuup Up Up Uuuup Up

Girl You take Me Up


Girl You take Me

Up Up Up Uuuup Up Up
The Sky's The Limit
The Sky's The Limit
Ohhh Woooow"

Shems! Napagod ako.With matching sayaw pa yan ah. Masisisi niyo ba ako? Masaya nga
ako eh! Ano ba! Pinunasan ko na yung kamay ko. Tiningnan ko na yung nagtext. Si
Tyler? Nagtext si Patrick!

Sender: Patrick Dela Cruz

Message: Where are you?

Sender: Me

Message: House. Why? Good morning ah!!!

Sender: Patrick Dela Cruz

Message: Hindi nga ako makatulog e. Ano gawa mo?

Sender: Me

Message: Ligo! :))

O__________________O

Sender: Patrick Dela Cruz

Message: Ge, enjoy!

Amp. Ano ba 'to! Nakakahiya! Binaba ko na phone ko at pinagpatuloy yung concert ko


dito sa CR. Eeeeeh, nakakahiya talaga. Baka sabihin nun ang weird ko kasi nagtetext
ako habang naliligo. Nyikes! Pero hehe, weird naman talaga ako.

Nag towel na ako at lumabas ng kwarto ko. Nakita ko si Tyler na nakaupo sa sofa ko.
Kinuha ko na yung uniform ko sa cabinet ko pero sinoli ko ulit. PE uniform nga pala
ka-

"Butiki ka nga naman!" Hanggang dito ba naman sa bahay namin, naiimagine ko si


Tyler? Patay na patay na ako sakanya? Ha? Kinuskos ko yung mata ko...
"Good morning." He smiled. Sinampal sampal ko ng mahina sarili ko. Hindi naman ako
nananaginip? Bakit may gwapo sa harapan ko?

"Good morning di-LECHE! TAE! ALIS!" So hindi talaga ako nagiimagine? Bakit siya
nandito?! Nakatowel lang ako ngayon sa kwarto ko. Aaaaaaah!

Pulang pula na siguro ako. Bakit ba kasi ang bagal mag sink in sakin yung mga
pangyayari? To think na inakala ko pang nagiimagine ako ha? Ang baliw ko talaga!
T_______T

"ALIS NAAAA!" Pumunta ako sakanya at hinila ko siya patayo pero ayaw niya talaga
tumayo.

"MAGBIBIHIS AKO, ANO BA!" Hinihila ko pa din siya.

"Ok." Sabi niya na parang wala lang sakanya. Hindi siya nakangiti pero ang seryoso
ng mukha niya. Niloloko na naman ba niya ko? Ba't ba ang galing galing niya umarte
at ang galing galing niyang mang-inis?!

"Tyler namaaaaaan!" Hinila ko siya lalo pero dahil bato siya at mas malakas siya
sakin, hindi siya natinag. Instead, ako ang nahila niya. Bale nakakandong na ako
sakanya ngayon. Napayakap naman ako sa neck niya at ang lapit na naman ng mukha
naming dalawa. OMO! Hindi ko na carry 'to. Naloloka na me! Ang lakas ng tibok ng
puso ko... Inhaaaaale. Exhaaaaale.

Yung kamay niya, inikot niya sa waste ko ng dahan dahan. Parang nakahug na ata kami
sa isa't isa. Nakatingin lang siya sakin at ngumiti. Lusaw na ako!

After blank minutes ng pagtititigan, pag nginig, hindi pag hinga, at lahat lahat
na. Ewan, mixed emotions eh. Yun basta. After non, bigla siyang nagsalita...

"Alam mo bang Martes ng kasunod ng Lunes at hindi Biyernes?" He grinned.

"What do you mean?" I asked tapos yumuko. Nahihiya ako ToT


"Lunes, nang tayo'y magkakilala. Martes, bla bla bla." OMG! Narinig niya... Teka!
Kumanta na naman siya. Hindi talaga siya pang music club member. Muahaha! Ang sama
ko. Mas malala pa nga ata ako sakanya eh.

"EWAN KO SAYO!" Inuntog ko yung ulo niya gamit ulo ko. Aray ko! Nagtinginan kami ng
masama at sabay kaming tumawa. Ayyy. Parang baliw lang?

"Sige na, magbihis ka na." Sabi niya. Nakahug pa din kami sa isa't isa. Nakakandong
pa din ako sakanya. Err. Awkward naman nito.

Aalis na sana siya pero...

"Teka!" Pinigilan ko. Baka kasi pag mamaya ko pa itatanong, makalimutan ko na.
Ulyanin nga ako diba? Err. Bakit nga ba ulyanin ako? Siguro kasi noong napagbuntis
ako ni Mama, yung epekto ng anesthesia sakanya eh napunta sakin. Sabi kasi nila,
pag nilalagyan ng anesthesia, nagiging ulyanin. Eh hindi naman ulyanin si mama eh.
Baka nga sakin napunta. T___T

"Paalisin mo na ko at magbihis ka na bago pa ki- Ugh. Nevermind." He looked away


pero nakahug pa din siya sa waist ko para siguro di ako mahulog.

"Ano?" I asked innocently.

"Basta! Pag hindi ko napigilan, magsisisi ka." Seryoso talaga siya o baka naman
umaarte na naman? Ano ba 'to! Daig pa niya babae eh. Ang hirap i-spellengin! -
_____-"

"Mapigilan ang alin?" Nakakafrustrate na 'to ah. Ano ba gusto niyang sabihin?

Hala!! Mukhang naiirita na siya! O_O

"BAKIT KA BA KASI NAG TEKA?!" Galit na yan! O__________O

"Eeeeeeeeh?" Yumuko ako at nag pout. I bit my lower lip and accidentally licked my
upper lip. Pumikit naman na siya na parang nag cocontrol ng galit. Galit na siya
eh! ToT
"Dali na, Rylie." Huminga siya ng malalim.

"Kasi ano, anong ginagawa mo dito?" I asked sabay lunok.

"Yun lang?! Ugh. Bored ako sa bahay, hindi ako makatulog." Kumunot yung noo niya.

"Anong oras ka pa nandito??" I asked.

"Five."

"FIVE AM?!" Dahan dahan naman akong tumayo at tumayo sa harap niya. Ingat ingat
din. Pero teka! Ang aga aga naman ata?! Bakit hindi na lang siya natulog? Grabe!
Pag ba nabobored siya, pumupunta na siya sa bahay ng may bahay ng walang permiso?
Hala!

"FIVE PM!" He said sarcastically. Amp.

"Tyler naman. So narinig mo yung mga sinabi ko sa salamin at mga kinanta ko sa CR?"
Sabihin mo, hindi. Please naman. Sabihin mo, hindi! T____T

Ang seryoso lang ng mukha niya. Hindi yung nakakatakot na seryoso ah. Hindi lang
nakatawa pero di rin galit. Tumayo siya sa sofa.

Lumapit siya sakin at yinakap niya ko.

"Magbihis ka na. Mahahanginan likod mo, magkasakit ka pa." He kissed my cheeks at


lumabas na siya ng kwarto ko.

Parang mas okay na atang hindi niya sinagot last question ko no?

Hayy Tyler, bakit ba ang sweet mo?


Ano na ba talaga tayo?

Gusto mo lang ba ako? Napayuko ako.

"Mahal na ata kita." I said to myself.


####################################
CHAPTER 37 (Hindi pa ba nagsususpend ng klase??)
####################################

CHAPTER 37

(JAMILAH RYLIE'S POINT OF VIEW)

Pinagtitinginan kami ni Tyler ngayon sa school. Ngayon lang ba nila kami nakikitang
magkasama? Lagi naman kaming magkasama ni Tyler ah? Yun nga lang, sabay kaming
pumasok ngayon. Kumindat pa nga sakin si Gelo eh. Fan daw kasi siya ng love team
namin ni Tyler. Amp. Anong love team pinagsasabi niya? Pero ang sweet talaga niya.
*ehem* Tiningnan nga pala siya ng masama ni Tyler at tinanong kung sino yung bago
kong lalaki. Sabi ko na lang, 'wala'.

"Kayong dalawa haaa? Anong ginawa niyooo?" Hinarang kami ni Lynne. Si Lynne talaga!
Parehas silang chismosa ni Aisha. Fine, ako din! Pare parehas kami. Hehe! Speaking
of, nasaan na ba si Aisha? Lagi ko na lang siyang nakikitang wala ah.

"Ha?" I asked.

"Sabay kayong pumasok diba?" Tiningnan niya kaming dalawa ng nakakalokong tingin at
ngiti.

"Ah. Nagpunta kasi si Tyler sa bahay kaninang maga. Bored daw kasi siya." I smiled
at her. Tumaas naman isang kilay ni Lynne...

"Oooh. Bored pala ah?" Nagtinginan si Lynne at Tyler. Nakangisi lang si Lynne na
parang hindi naniniwala. Pinandilatan naman ni Tyler si Lynne. May tinatago ba sila
sakin? Ano meron? Di ko sila gets! Amp.
Pumasok na lang ako sa room at umupo.

Nakita ko naman si Tyler na may binulong kay Lynne. Ang dayaaa! Teka, nasaan ba si
Aisha? Absent siya di man lang nagsasabi. Hmp. Bakit ba pakiramdam ko lahat ng tao
ngayon eh may nililihim sakin? Nakakaloko na ah.

Tinabihan ako ni Tyler sa upuan since wala si Aisha. Tinukso pa nga kami ng mga
kaklase namin. Geez! Wag kayong ganyan, kinikilig ako. LOL! Landi.

Natapos na ang 1st and 2nd subject pero wala atang nakinig saming dalawa ni Tyler.
Nag tic tac toe, SOS, Flames, at Smash lang kami. Syempre, ako ang pasimuno! Hindi
nga alam ni Tyler yun eh. Kawawa naman. Walang childhood. LOL! Pero kahit na ganun,
natalo pa din niya ako ng bonggang bongga sa tic tac toe at SOS. Hindi rin kami ang
nagkatuluyan sa SMASH at FLAMES. Nakakalungkot nga eh pero wala naman akong
magagawa... Hayy.

"Wag ka ng malungkot. Hindi naman hawak ng flames at smash puso natin diba?" He
winked. Mukhang naweirdohan siya sarili niya kasi kumunot yung noo niya at umiling
iling. Nawala naman ang lungkot sa mukha ko nung sinabi niya yun at hinug siya ng
mahigpit. Tinukso nga ulit kami kasi madaming nakarinig saming dalawa.

"Nakakainggit talaga kayo! Kainis!" Sabi ni Gia pero pabiro lang at umalis na
kasama si Rachelle. Anong dapat ikainggit niya eh ang ganda ganda kaya niya pati si
Rachelle.

"Kain na tayo." Aya ko kay Tyler.

"May kailangan pa ko kausapin eh. Pasama ka muna kay Christian." Tumango naman ako
at umalis na siya. Tinext na ako ni Christian tapos pinuntahan ako sa classroom.
SECTION II lang naman siya kaya magkatabi lang kami ng room.

Tumambay muna kami ni Christian sa room at nagkwentuhan. After ilang minutes,


sobrang nilamig na ko kaya napagdesisyunan na namin lumabas ng room pero paglabas
ng room, mas malamig pa pala! Ang lakas naman ng ulan.

Pagbaba namin ni Christian...

Nakasalubong namin si Josh at Janilyn. Wow. Magkasama sila?


"Hi Josh. Hi Janilyn. Kayo ha." Inis ko sakanila. Kumunot naman noo ni Josh.

"Ikaw talaga, Rylie. Nasaan si Justin?" Tanong ni Josh. Ginulo niya buhok ko.
Nakita ko naman si Janilyn na nakayuko at nagbblush. Tyler, bakit ba ang haba ng
hairlaloo mo?

"Ewan ko eh. May kakausapin daw. Sige na Josh, nagugutom na ko. Bye!"

Umalis na kaming dalawa ni Christian pero habang papunta kami ni Chris sa


cafeteria, nakita ko si Tyler na kasama si Ariza sa school veranda...

Hindi pa ba magsususpend ng klase?? >____<

TO BE CONTINUED...
####################################
CHAPTER 37.5 (JEALOUS)
####################################

CHAPTER 37.5

(JUSTIN TYLER'S POINT OF VIEW)

Ariza hugged me. She hugged me because she's already willing to let me go. Sinabi
ko sakanya lahat lahat pati yung pagpapanggap namin ni Rylie dati. Noong sinabi ko
yun, awang awa siya kay Rylie. Napagpustahan na nga daw ng mga apat na lalaki,
nagkaroon pa ng instant boyfriend na hindi pa naman niya mahal at madaming
nagkakagusto.

Yung mga nagkakagusto pa naman daw sakin eh brutal. Kabilang na daw siya doon.
Sinisi pa nga ako eh. Nadamay pa daw si Rylie! Dapat daw sinabi ko agad. Anak ng!
Kung makapagsalita, parang hindi siya naging masama kay Rylie eh. -_________-

"Gusto mo kumain?" Tanong sakin ni Ariza.

"Hindi na. Rylie's waiting for me. Kasama niya nga pala si Christian ngayon." I
winked at her.
"Oh. Christian. That. I feel so bad." She looked down.

"You're not yet late, Ariza." I smiled kaya napatingin siya sakin.

"Really? I think he likes Rylie... a lot. Lagi niya kasing pinoprotektahan and
dati, naging crush na din niya si Rylie. Ewan ko. Siguro kaya inis ako sa babaeng
yun kasi she's so stupid! Ang daming nagmamahal sakanya!" I chuckled.

"Josh still loves you. Walang nagbago. Trust me. Importante lang talaga si Rylie sa
lahat ng tao. Hindi ko nga alam kung anong meron doon sa babaeng yun." Umiling ako.
Tumawa naman siya.

"Selos ka no? Haaayy. Aaminin ko, these past few days na hindi niya ako pinapansin,
sobrang narealize ko importance niya. But Justin, he doesn't deserve me. Masyado ko
na siyang nasaktan. Baka di na niya ko gusto..." Tumulo luha niya. I hugged her.

"Hindi ganun si Christian. For sure, ikaw na lang hinihintay niya. Nakakapagod din
mag habol no. Tara na!" Tumawa siya at nagsimula na kaming maglakad.

Nakita naman naming dalawa si Christian at Rylie na magkahug kaya binilisan ko yung
paglalakad ko. Tongue-ina! Paano pag totoo yung sinabi ni Ariza? Langya, wag naman
sana.

"HOY KAYO!" I shouted kaya naman napatigil silang dalawa.

"Tyler, ikaw pala. Bakit?" Sabi ni Rylie. Alam kong may halong sarcasm sa
pagkakasabi niya nun.

"Why were you hugging him?!" Tinuro ko si Christian.

"Then why were you hugging her?" She raised her left eyebrow tapos tinuro niya si
Ariza. Nakita niya kami? Ano kayang iniisip niya ngayon?

"LQ NA YAN! LQ NA YAN!" Tiningnan ko ng masama si Christian.


"Ah eh sabi ko nga eh, madami pa kong gagawin. Sige una na ko sa inyo ah. Ingat!"
Christian said and left us.

"Ay. Ako din pala! I need to go. Bye Justin, Bye Rylie. Good luck!" She tapped
Rylie on her back kaya naman halatang nagulat si Rylie. Umalis na si Ariza at
tiningnan naman ako ng masama ni Rylie. She clenched his fists.

"I'M GONNA KILL YOU!" She said loudly at tumalikod na. Maglalakad na sana siya pero
I held her wrist kaya napahinto siya.

"Galit ka ba?" I asked. Inalis niya yung pagkakahawak ko sakanya at humarap sakin.

"Hindi. What do you think?" She said sarcastically.

"Are you jealous?" I asked.

"JEALOUS? Bakit naman ako magseselos, Tyler? Ha? Psh. Asa ka naman no, ang feeling
mo talaga!" Tumawa siya pero halatang fake tapos hinampas niya ko.

"Hindi naman ako nagseselos kung magkayakap kayo ni Ariza. Yun lang? Psh. Hindi rin
ako nagseselos kung nakikita kitang tumatawa nung kausap mo siya. Don't worry. You
can do whatever you like. You're free, TYLER!" She smiled pero halatang pilit.
Nakakainis!

"Pati hindi naman TAYO. Ano ka ba. I don't have the right to get jealous. Ano ba
TAYO? Wala namang TAYO, diba?" She smiled tapos biglang sumimangot. Gusto ko matawa
kasi ang cute niya everytime she does that.

"Ang slow mo. Ang manhid mo." Sabi ko. Sht. Wrong move! Mukhang nasaktan siya sa
sinabi ko.

"Talaga? Same to you!" He kicked my left foot and left me hanging here.

Now what did I do?!


####################################
CHAPTER 38 (Selos si Kuya)
####################################

CHAPTER 38

"Kuya Justin, sige na. Libot na tayo please?" Janine pulled the right sleeve of my
shirt habang nakaupo kami sa sofa.

"Oo nga Kuya! Pleeaase? Ang tagal na namin hindi lumalabas oh." And Jenine pulled
the left sleeve of it.

Kanina pa sila nagpapacute! Lukot lukot na damit ko kakahila ng sleeves ng damit


ko. Saturday nga pala ngayon at ngayon lang ulit ako makakapagpahinga. Next week
kasi, championship na para sa inter high competition ng basketball. Isa pa, may
test kami.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo, AYOKO. Next time na lang."

"Bahala ka. Si Ate Rylie aayain namin."

"You don't even know your Ate Rylie's number. You don't even have a phone so
please, magpahinga na lang kayo. Pagod ako." Nagulat na lang ako sabay silang
ngumisi. Walang duda, kambal talaga sila.

"AKALA MO LANG YUN!" Sabay nilang sinabi.

CRAP! Kinuha nila yung phone ko sa tabi ko at tumakbo palayo sakin pero nakikita at
naririnig ko pa din sila. Hinayaan ko na lang.

"Hello? Ate Rylie?" Teka, tinatawagan talaga nila? "Si Janine 'to. Samahan mo kami
maglibot please?" Kinuha naman ni Jenine yung phone kay Janine.

"Sige na, Ate! Please please please? Ngayon lang 'to. Please? Namimiss ka na din
namin ni Janine eh. Bad si Kuya Justin." Binulong niya yung last sentence pero
narinig ko pa din.
"Really? Opo opo. Okay lang kahit magsama ka... Opo... Oo nga eh... Ewan po, pagod
daw. Di naman siya sasama kaya punta ka na dito... Talaga ate?!.... Yaaaaaay!"
Nagbulungan silang dalawa. Teka, ano na naman yan?

"Yaaaaaaay! Sasamahan tayo ni Ate Rylie!" Sabay nilang sinabi habang maghakawak
yung kamay at tumatalon talon pa. Taena, baka niloloko lang ako ng mga 'to.

Nilapag nila yung phone sa tabi ko at dumila.

After 2 hours and a half, biglang may nag door bell. Bubuksan ko na sana pero
tumakbo yung kambal at inunahan ako sa pagbubukas ng pinto. Dumila pa sila kaya
napa-sigh na lang ako.

Aalis na sana ako nang...

"ATE RYLIIIIEEEEE!"

Napatigil at bigla akong napalingon...

"Hello Jenine! Hello Janine!" (DUGDUGDUGDUG)

Nginitian at kinawayan ako ni Rylie pero tumango lang ako.

"Ah! Oo nga pala. Siya si Kuya Josh. Sasamahan niya tayo kasi pag tayong tatlo
lang, baka maligaw tayo. Hahaha! Tennis player yan! Champion nga siya eh. Galing
no?" Tinuro niya si Josh na nasa tabi niya. Tumawa naman si Josh. I clenched my
fist and bit my lower lip dahil sa di malamang dahilan o alam ko naman pero
dinedeny ko lang.

Teka, bakit parang ang ganda niya ngayon? Taena! Nagpaganda talaga siya kasi kasama
niya yung Josh na yan?? Paano pag nawala yung kambal sa date nila? Ano na lang
mangyayari?!

"Wooooaaaah! Hi Kuyaaa Jooosh! Yaaaaay!" Sabay nilang sinabi.


"Kuya Justin! Review ka lang diyan ha! Goodluck sayo!" Sabi ni Janine.

"Ayaw mo ba talagang sumama, Tyler?" Yumuko siya. Hindi ko alam kung masaya siya o
malungkot pero bakit kahit anong tingin ko, ang ganda niya.

"Ate magrereview daw siya eh. Hayaan na lang natin. Nandiyan naman si Kuya Josh
eh." I saw Josh blush. Pucha!

"Sino ba may sabing hindi ako sasama? Sasama ako! Nakapagreview naman na ko e."
Hindi pa talaga ako nagrereview -_____-

"Weeeh?" Sabay na naman yung kambal.

"Justin, okay lang. Kaya na namin yung kambal. Diba Rylie?" Sabi ni Josh. Kita ko
naman na totoo yung sinasabi niya pero... KAHIT NA!

"Ha? Ah. Oo naman." Ngumiti na naman si Rylie at yumuko. Teka, nahihiya ba siya?

"Sasama ako. Baka maistorbo ko pa kayong dalawa eh. Mawala pa yung kambal."
Tiningnan ako ng masama ni Rylie. Psh. Bakit kasi kailangan pa niya isama si Josh?
Si Rylie talaga, parang mga Pilipino, ang bilis makalimot!

"If I know, selos lang si kuya." Pabulong na sinabi ni Janine.

"Oo nga." Sabi naman ni Jenine na bumubungisngis.

Pinandilatan ko silang dalawa.

Nginitian lang nila ako.

To be continued...
####################################
CHAPTER 38.5 (143443, Tyler)
####################################
CHAPTER 38.5

Nandito na kami sa sasakyan. Katabi ko yung kambal sa likod. Nasa harapan si Rylie
at Josh. Si Josh daw kasi yung mas gusto nilang driver. Wala naman akong pakielam.
Mas mabuti pa nga yun diba? Makakapagpahinga ako.

"Kuya, selos ka?" Binulungan ako ni Jenine.

"Hindi."

"Weh? Obvious ka kuya." Hindi ko na lang siya pinansin. Ba't ba ang kulit kulit
nila? Ilang beses ko ng sinasabi na hindi ako nagseselos kay Josh pero syempre alam
niyo naman na niloloko ko na naman sarili ko diba?

Pero teka, obvious ba talaga?

After 3 hours of waiting and listening to their small talks...

"Kids, nandito na tayo!" Sabi ni Josh after mag park.

"Yay! Enchanted Kingdoooom!" Sabay na naman yung kambal. Sus, lagi naman.

Pero bakit sa dinadami ng pupuntahan? Dito pa?!

"Kuya, halika na!" Sabi ni Janine habang hinihila kamay ko.

"Dito na lang ako." Nakasandal ako sa likod ng kotse dito sa labas...

"Psh. Bahala ka. Maaagaw sa'yo si Ate Rylie." Kaya naglakad na din ako. Magkatabi
at nagtatawanan si Josh at Rylie. Habang kami, nandito sa likod nila.
Bumili na sila ng tickets. Ako na lang ang nagbayad sa sarili ko at sa kambal.
Chineck na kami ng guards at nakapasok na kami sa loob. Nauuna pa din sila Josh at
Rylie. Buti na lang pala at sumama ako. Kung hindi, baka nawala na yung kambal.
Tsh.

"Bilisan nga natin maglakad." Sabi ko dahil masyado pang naaamaze si Janine at
Jenine sa mga nakikita nila at daig pa pagong kung maglakad. Ang bilis kasing
maglakad ng dalawang nasa harapan namin. Parang may hinahabol.

Pero pagbibigyan ko na yung kambal dahil first time nilang nakapunta dito.

"Kuya, gusto ko sumakay doon." Tinuro ni Jenine yung anchor's away.

May naalala na naman ako. Bakit ba naalala ko na naman siya? Sobrang bata ko pa nun
pero bakit hindi ko siya makalimutan? Siguro dahil siya lang naman ang naging
kaibigan ko bago pa dumating si Christian o baka naman dahil gustung gusto kong
malaman kung nasaan siya ngayon, kung kamusta na siya, ano kayang istura niya...

Gusto ko siyang makilala ulit.

*flashback starts here*

"JT! JT! Tara sakay tayo doon" Sabi ni TJ. Tinuro niya yung anchor's away.
Nakakalula naman. First time kong magpunta dito tapos kasama pa si crush/bestfriend
ko. Wee. Ang saya saya!

"Sige, tara!" Sumakay kami sa anchor's away at kung saan saan pa. Ang saya saya
talaga.

After ng ilang rides, huminto na kami dahil hinihintay kami ng parents namin sa
bench malapit sa may horse. Carroussel ata tawag doon? Nakita ko naman si TJ.
Mukhang takot na takot siya. Tumutulo na luha niya kaya humarap ako sakanya.

"JT, diba nagpromise ka na pag matanda na tayo, magkasama pa din tayo." TJ said.

"Oo naman!" I replied while smiling.


"Soooorry ha?" She pouted her lips.

"Bakit ka naman nagsosorry?" I also pouted my lips.

"Basta sorry. Mahal kita TJ. Friends forever and ever haa?"

Tapos nag hug kami.

Kinabukasan, hinahap ko siya sa play ground kung saan kami laging naglalaro. Hinila
hila na ako ng maid namin pero ayoko talagang sumama. Inabot kami ni 6 o' clock ng
gabi pero wala. Hanggang sa sumunod na araw, wala. Nabalitaan ko na lang na nag iba
na pala siya ng school.

*flashback ends here*

"Janylin?" Narinig ko si Rylie na nagsalita kaya napalingon ako.

"Hi Rylie. Hi Tyler. Hi Josh."

"Anong ginagawa mo dito? Ikaw lang mag-isa?" I asked.

"Ah, oo eh. Wala. May iniisip lang ako. Ngayon lang kasi ulit ako nakapunta dito
after a loooong looong time." Parehas pala kami.

Nagtataka ba kayo kung bakit TJ at JT? JT for Justin Tyler, TJ naman for Trisha
Jayne. Sabi ko kasi sakanya dati, si Trisha Jayne yung crush ko. Kaya sabi niya,
isipin ko daw muna na siya si Trisha hanggang sa nakasanayan na. Pati parents
namin, yun na din tawag samin.

"Gusto mo bang sumama samin?" Tanong ko.


"Wag na. Baka maistorbo ko lang kayo." Sabi niya habang winawave hands niya as a
sign of 'no' pero nakangiti pa din siya.

Maganda talaga si Janilyn... Mahinhin pa at matalino.

"Wag kang magalala, hindi ka nakakaistorbo. Since may sariling mundo yung dalawa at
ako lang yung nagaalaga sa kambal, sumama ka na." Sabi ko.

"Talaga? Sigeee!" Tiningnan na naman ako ng masama ni Rylie. Tsh.

Sumakay na kami sa anchor's away. Sobrang haba ng pila! Napansin ko naman si Rylie
na parang nanginginig or something? Ewan. Parang may mali sakanya eh. Sobrang pale
pa niya. May sakit ba siya? O baka naman natatakot lang siya sumakay dito?

Umupo na yung kambal tapos pinauna ko na si Josh. Pinauna naman ni Josh si Janylin.
Si Rylie, nasa likod ko. Nasa pinakalikod kasi siya simula nung pumila kami.
Natahimik nga siya eh. Tsk. Natatakot nga siya.

"Ay wala na palang space kuya Justin." Sabi ni Jenine na parang nanunukso.

"Oo nga pare. Doon na lang kayo sa kabilang side. Doon na lang may space e. Dalian
niyo baka maunahan pa kayo." Sabi naman ni Josh na halatang malungkot dahil siguro,
di niya katabi si Rylie. Nakakainis.

"Sige." Sabi ko.

Hinawakan ko yung kamay ni Rylie na mukhang ikinagulat naman niya. Sabi na nga ba't
natatakot siya e. Umupo na sa kabilang side. Binitawan naman niya yung kamay ko
kaagad pagkaupo at tumingin sa ibang side.

"Ba't ba ang sungit mo?" I asked.

"Wala." Nginitian niya si Josh sa kabilang side. Nginitian ko din si Janilyn.


Umandar na rin sa wakas! Naramdaman ko na lang na nakayakap na sa akin si Rylie.
Grabe! Ang sakit na ng tenga ko. Sigaw ng sigaw katabi ko. Mamamatay na daw siya.
Papatayin din daw niya ko eh nak ng, patay na ear drums ko sakanya.

Pagbaba namin, parang walang nangyari. Parang hindi nabasag yung eardrums ko dahil
back to silent treatment na naman kami. What do you expect? Si Rylie yan, kakaiba.
Hinanap na namin sila pero hindi naman namin sila makita. Tsk. Saan naman sila
nagpunta??

"Iniwan nila tayo?" Tanong ni Rylie at yumuko.

"Siguro?"

"Hanapin natin sila." Sabay tingin sakin.

Hinanap na namin sila pero wala talaga. Ilang oras na din kaming naglalakad.
Napapagod na din ako at sayang na din yung binayad namin dito dahil isa pa lang
nasasakyan namin.

Oo nga pala. hindi pa din ako pinapansin ni Rylie hanggang ngayon.

"Tara pasok tayong Haunted house."

(RYLIE'S POINT OF VIEW)

"Tara pasok tayong haunted house." Aya ni Tyler

"Ayoko nga. Magisa mo."

Kanina pa ako badtrip na badtrip kay Tyler. Biruin mo, kanina pa niya sinasabing
kailangan namin ng time ni Josh, na maiistorbo lang niya kami ganito ganyan. When
in fact, gusto ko siyang kasama. To think na nag-ayos ako para sakanya pero mukhang
di naman niya naappreciate. Amp. Nakakababa ng self-confidence si Tyler!
Dumagdag pa si Janylin. Sympre, inaamin ko nagseselos ako.

Isa pa, hindi pa kami nag-uusap ng ilang araw!!! He didn't even miss me habang ako,
nag-ayos pa talaga para mapansin lang niya. Pumayag pa ko sa request ng kambal
although gusto ko naman talaga makasama yung kambal pero syempre kasama doon si
Tyler! Hindi ko naman siyang ineexpect na sumama eh. Makita ko lang siya, okay na.
Pero hindi, sumama siya. Una, natuwa ako pero ngayon, hindi na! T___T

Bigla naman akong binuhat ni Tyler...

"Bitawan mo nga ako." Tss. Nakabili na pala siya ng tickets.

"Pupunta tayo sa horror house sa ayaw mo't sa gusto."

Kinikilabutan na talaga ako. Takot ako sa mga ganito.

Nakapasok na kami sa horror house. Nakayakap lang ako kay Tyler tapos nakapikit.

"MUAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Ay butiki!"

Tumawa si Tyler. AMPNESS!

"Tyler alam ko ang arte ko, pero ayoko na talaga." Umiiyak na ako.

"Umiiyak ka ba?" He asked.

Me: T___________T
"Hey. Please don't cry?"

Me: T____________T

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa buhok.

"I love you, Jamilah./MUAHAHAHAHAHA!"

"Ano sabi mo?" I asked. Nakisabay kasi yung multo eh.

"Wag kang magalala! Papatayin ko yung multong yan! Nak ng? Wrong timing eh." Natawa
ako bigla. Nacurious tuloy ako lalo kung ano yung sinabi niya. Hehe.

"Kahit hindi kita nakikita, masaya na ako dahil alam kong masaya ka." He said.

Hinug ko na siya. Nakapikit pa din ako. Nakakainis ka Tyler!

1st of all, I really really really really hate dark places, ghosts, something basta
connected sa ghosts, sound effects sa mga horror films or kahit ano at lalong lalo
naman na 'tong horror house na 'to. All in one eh. Isa pa naman akong dakilang
duwag!

2nd... Ang sweet niya na naman.

Nakalabas na kami. Umiiyak pa din ako.

"Bakit ka ba umiiyak? Nandito na nga tayo sa labas oh?"

Binuhat na naman niya ako at pinaupo sa mga kainan tabi ng flying fiesta.

"Lagi mo na lang ako binubuhat. Nasanay na tuloy ako."


"Dapat lang. Bakit ba umiiyak ka pa din?" Pinunasan niya yung luha ko.

"Alam ko iniisip mo na ang OA ko. Pero takot lang talaga kasi ako sa multo."

"Alam ko yun pero bakit nga umiiyak ka pa din hanggang ngayon?"

Fine! Yung iyak na 'to, may halong personal feelings. Hinalo ko na dito yung
nararamdaman ko kay Tyler. Ayoko kasi ng nag-aaway kami eh. Ang sakit sa
pakiramdam. Actually, kahit si Aisha kaaway ko, umiiyak ako. Iyakin eh. Naguguluhan
na din kasi ako kay Tyler! Hindi kami. Eh ano kami? Malamang tao pero err, hindi ba
pwedeng bagay na lang? LOL! -____-

"Kasi ikaw eh." Sabi ko while sobbing.

"Anong ako?" He smiled. Kakatunaw =____=

"Ang manhid mo!"

"Ha?"

"Tingnan mo nga! See?!?"

Tumayo ako at naglakad ng mabilis pero hinabol niya ako tapos hinawakan niya yung
kamay ko and he pulled me into a hug. Napaikot pa ko. Sweet na naman siya! >.<

"Sabihin mo lahat ng gusto mo sabihin sakin." Sabi niya.

Ang alam ko, 4 PM kami pumunta dito. Pero bakit sobrang dilim na?

"Naiinis ako sa'yo!" Pinukpok ko yung likod niya gamit yung fist ko pero lalo lang
niya hingpitan yung yakap niya sakin. Ang bangooo.
"Yun lang?" He asked.

"Naiinis ako sa'yo dahil ang sweet sweet mo sakin tapos makikita ko na lang, may
kayakap o kasama ka ng ibang babae. Naiinis ako sa'yo dahil pinapaasa mo ko. Akala
ko yun na, tayo na, tapos makikita na lang kitang masayang nakikipagusap sa iba
tapos pinagpipilitan mo pa na nagdedate kami ni Josh eh hindi naman kasi! Ikaw nga
yung gusto kong kasama eh! Inaya mo pa si Janilyn. Gusto ko siyang kasama pero ayaw
kong kasama mo siya. Selfish na kung selfish. Ano magagawa ko? Nagseselos nga ako!"

Nakayakap pa siya at naramdaman ko yung hininga niya sa leeg ko. I feel his smile.
Inalis niya pagkakahug sakin at hinawakan sa both shoulders ko.

"First and foremost, sweet ako sa'yo dahil hindi ko din alam. Teka, sweet ba ko?
Dammit." He brushed his hand through his hair. Naffrustrate na ata? Oh Tyler.
Binalik niya yung kamay niya sa shoulders ko tapos tumingin sakin. His intense
look! "Kung sweet man ako, ewan ko. Siguro dahil yun yung nararamdaman ko. Hindi ko
naman napapansin. Pangalawa, hindi kita pinapaasa dahil ikaw lang naman yung gusto
kong makasama. Wala ng iba. Ok? Don't be so dense, Jamilah." He's starting to call
me Jamilah again! Is he my parents? "Pangatlo, hindi mo ba nararamdaman?!
Nagseselos din ako! Pangapat, ikaw ang manhid!" I scowled at him. My heart's
pounding because of his mad-but-sweet confession and at the same time, SHOCKED.
Veeeery!

Please... Sana hindi niya marinig heartbeat ko. T____T

"Sweet ka dahil yun yung nararamdaman mo? Bakit may kayakap kang iba? Hindi mo ako
pinapaasa? Bakit ang saya saya mo habang kinakausap mo sila? Tapos yinaya mo pa si
Janylin kanina..." Kiniss niya ako sa cheeks ko kaya hindi ko na natapos sasabihin
ko. I was really shocked.

"Janilyn ka ng Janilyn wala namang ginagawa sa'yo yung tao." Pinagtatanggol pa niya
si Janilyn. Pakiramdam ko tuloy, ako yung kontrabida sa pagmamahalan nila. Hayyy.
"Yinaya mo din naman si Christian ah? Hindi mo ba inisip na, ako yung dinedate mo
pero kanina, parang kayo. Tapos naging chaperone ako?"

ako yung dinedate mo

ako yung dinedate mo


ako yung dinedate mo

"Nilalayuan kita kanina." I lowered my head.

"Bakit?" He lifts my chin. He's looking at me intenly...

"Dahil naiinis ako sa'yo!" Again, I scowled at him.

"Dahil?" He narrowed his eyes.

"Dahil sa mga pinagsasabi mo kanina bago tayo umalis ng bahay niyo!" His eyes
widened. Now what? He looks frustrated. I feel bad.

"Nagseselos ako. Jamilah, nagseselos ako! Alam mo, paulit ulit na lang tayo." He
lowered his head and sighed. Oh no. Ayoko siyang ganito...

"Jealousy kills." I smirked.

"So papatayin mo sila?" Kung pwede lang, Tyler. Syempre, joke lang. I don't blame
anyone for liking my Tyler. Well... What's not to like?

"Hindi, papatayin kita!"

"Kaya mo?"

"Oo. Papatayin kita sa pagmamahal ko." At tumawa na nga ako. "Joke lang!" Dagdag
ko.

"Mas okay kung wala ng joke eh."

"Bahala ka nga. Ikaw, ano ba gusto mo sabihin?"


Humarap siya sa akin.

"ONE"

Kiniss niya ako sa forehead ko.

"FOUR"

Kiniss niya cheeks ko.

"THREE"

Kiniss niya yung nose ko.

"FOUR" Akala ko hahalikan na niya ko pero hindi pala.

FIREWOOOOOOOOOOOORKS! O_O

Pumunta siya sa gilid ko at hinawakan yung waist ko. Sobrang ganda. Ang ingay pa ng
nasa harapan namin. Natapos na yung fireworks display pati na rin yung kanta pero
nakatingin pa din ako sa taas dahil ang ganda talaga...

"FOUR" Paglingon ko sakanya, bigla niya akong hinalikan pero smack lang...

sa lips.

Nagulat ako O_O

We both smiled...
"143443, Tyler."

Hindi ko alam kung like o love yung ibig sabihin ng 4 sakanya pero yung sakin...

It's 'I love you very much too, Tyler'


####################################
CHAPTER 39 (I'm just hurt, that's all)
####################################

CHAPTER 39

It's Monday today! Naglalakad kami ngayon sa hallway. Alam niyo ba, sinundo ako ni
Tyler kanina sa bahay namin. Hihihi. Kaso... Hindi ko pa din alam kung ano yung
status namin until now. Ano ba kami? Friends with lesser benefits? Bestfriends?
Exclusively dating? MU? Anooo?

Prince Charming na nga lang :">

"What are you doing?" Hinawakan niya kamay ko. I lowered my head while flustering.

"I'm holding your pretty and tiny hand. Bakit? Masama?" He smirked.

"No but err, nakakahiya." Yumuko ulit ako.

"Okay, wag na." Binitawan niya kamay ko tapos naglakad na at iniwan ako kaya ang
ginawa ko, I hugged him from his back. Pinagtitinginan na naman kami ng students.
Siguro iniisip nila PDA kami. So whuuut? Tyler's mine, girlies! Muahaha!

"Kinakahiya mo ba ko?" Yumuko siya. Waaa! Umiling naman ako ng bonggang bongga at
nag punta sa harap niya. Nakayuko pa din siya. He looks so sad. Oh myyy. Hinawakan
ko mukha niya para tumingin siya sakin...

"Ano ka ba! Hindi no! Of course, NOT! Ano ka ba! Nahihiya lang ako. Wala pa kasing
gumagawa nito sakin. Isa pa..." Laging ako yung nageeffort. Noong una, ang sweet
sweet nila pero pag sinagot ko na sila, wala na. Sabagay, my ex-es never loved me.
Lahat sila, niloko ako. Ang bilis bilis ko naman kasi mag tiwala... hanggang
ngayon.

"Isa pa... Ano?" He asked.

"Isa pa uhmm, err. Ang taas taas kasi ng level mo. Hindi kita mareach! Tapos ako,
wala. Don't feel bad. And... Tingnan mo nga sila oh. Nakatingin sila satin.
Nahihiya ako sa sarili ko."

"Jamilah, you're beautiful, wonderful, and lovely. Bakit mo kasi iniisip yung
sasabihin o sinasabi nila? They're worthless. They're nothing. And you, you're very
important to me."

"Err.. Fine!" Hinawakan ko ng mahigpit kamay niya. Di naman niya kailangan mambola
no! Excuse me?? In fairness, ang sweet ni Tyler.

Tuluy tuloy na kaming naglakad ni Tyler at kahit pinagtitinginan na kami ng iba, I


really don't mind. Mainggit sila hangga't gusto nila. Muahaha! I glanced at Tyler
and saw him smirking. Sobrang moody naman ng lalaking 'to. Muahaha! Hindi ko tuloy
mapigilan hindi ngumiti. Amp.

Pagpasok namin sa room...

"OH. MY. GOSH." Si Lynne. Hindi naman halatang nashock siya no? Natigilan yung mga
tao nung nakita kami. Kanina, ang ingay ingay nila. May nakaupo pa sa teacher's
table, sa desk nila, mga kanya kanyang groups pero ngayon... Parang huminto yung
mundo -___-

Bigla naman akong tinulak ni Tyler. Tiningnan ko siya ng masama. Grabe! Siya kaya
nagsabi na wag iisip yung ibang tao.

"Ay sorry." Mukhang nagulat din siya sa ginawa niya.

I rolled my eyes at him tapos nag lakad na papunta sa upuan ko sa tabi ni Aisha.
Tumatawa pa sila Rhea! Tae. Ano ba ginawa ko sakanila? Wala naman diba? T______T

"Kayo na ba?" Lynne asked. Tahimik pa din yung klase. Yung iba, nagbubulungan. At
sila Rhea, tumatawa. Si Selena naman, ang sama ng tingin.
"Sila na siguro. Sobrang sweet nila oh. Sinundo pa si Rylie sa bahay nila kanina
tapos nag date sila nung Saturday." Siniko ko si Aisha. Ang daldal niyaaa! -
________-

"Gusto ko kay Justin manggaling yung sagot para mas nakakakilig." Sabi ni Lynne.
Hayayay. Bigla naman akong kinabahan. Croo croo. Awkward.

"Dali. Sagutin mo na! Kayo na ba?" Aisha asked. Nakatingin lang silang lahat kay
Tyler. Ako naman, nakayuko. Oh myy. Gagawin ko lahat para lang makaalis lang ng
room na 'to.

"Hindi." OUCH! Oo nga naman!

"PA!" He added.

Huh?

"Huh?" Sabay sabay yung mga kaklase ko.

"Pero nanliligaw ka?" Tanong na naman ni Lynne.

"Hindi... pa din."

So hindi pa pala kami. Hindi rin siya nanliligaw. Okay. Hindi ko gets! Kung kayo
nasa situation ko, hindi ba kayo maguguluhan? Bakit ba ako nagkagusto sa taong
magulo? Sabagay, mas magulo pala ko. -_____-

Nahihiya ako na nasasaktan.


My tears want to come out. Rylie please, wag OA.

"Galit ka?" Pag tingala ko, si Tyler nasa harap ko.

Siguro nga may mga bagay talaga na kahit alam mo na ang sagot, mas gugustuhin mo pa
din malaman sakanya ang totoo. Yung kahit obvious na, magtatanong ka pa din.

I just shook my head kasi ayoko ng away.

I'm just hurt, that's all.

Pero pakiramdam ko, nareject or nadeny ako... kahit hindi naman.


####################################
CHAPTER 40 (Fine! Walang ilaw dapat.)
####################################

CHAPTER 40

(JUSTIN TYLER'S POINT OF VIEW)

"Hey you! You hurt my bestfriend! I hate you!" Si Aisha. Nak ng. Sigurado,
sesermonan na naman niya ko. Nag CR kasi si Rylie at wala din ibang tao sa room
kaya safe naman ata kami mag-usap.

"What do you want me to do?" I asked her kahit alam ko naman na dapat kong gawin.
Hindi ko lang talaga alam kung paano.

"I don't know pero feel na feel ko Justin Dela Cruz, you love her as much as she
does. You have to move, Justin. Stop being so sheepish! Wag kang torpe kasi alam na
alam mo sa sarili mo na Rylie's very fond of you. You know that and you know Rylie,
she thinks too low of herself." She looked away at nag sigh. She loves Rylie so
much. Sino bang hindi?

"I know. I know. I didn't mean to hurt her but Aisha, everything I said earlier was
true. She's not yet mine and I'm still not courting her. Alam ko hindi na uso
ngayon yung formal na ligawan but I want Rylie to be happy. I want to court her,
formally. That's what she likes, Aisha. Sa lahat ng minahal niya, walang nag effort
sakanya. You were the one who told me that. Aisha, I want her to feel that she's
special."

"Sabagay. Kailan ka pa naging ganyan kasweet?" Sweet ba ko? Tounge na! Sabi din ni
Rylie, sweet ako. WTF?!

"Ewan ko. Isa pa, exercise na din yun." I smirked.

"Abno! Paano naman yun naging exercise?" She laughed. Bentang benta ata sakanya
yung sinabi ko. Aisha talaga!

"Hindi naman namin sigurado kung kami talaga diba? Hindi naman lahat, nagtatagal.
Ayoko na siyang masaktan kaya gusto ko muna siyang ligawan. Siya magdedecide, siya
lahat. Gagawin ko lahat ng gusto niya and I will do everything just to please her."
I'm just being realistic.

Kaya nga isa pang dahilan kung bakit gusto ko muna ligawan si Rylie dahil malay ko
ba kung sinagot lang niya ako kasi akala niya, 'prince charming' niya ko. Malay ko
ba kung iniisip niya lang na mahal niya ko kahit hindi naman talaga. I want
assurance. Ayoko maging kami ng hindi kami sigurado sa feelings ng isa't isa and I
want her to make the decision that's why I want to court her.

"Yeah right. Sira ulo ka ba?! Para saan pa't naging kayo?"

"Kaya nga liligawan diba? Mahal ko ang bestfriend mo pero hindi lahat ng
nagmamahalan, nagkakatuluyan. Tingnan mo, hindi pa man nagaaway na kami. Paano pa
kaya pag naging kami diba?" Yumuko ako. Bakit ba iniisip kong maghihiwalay din
kami? Natatakot ba ko masaktan o natatakot lang akong masaktan si Rylie?
Naguguluhan na ko.

"Justin-" Hindi niya natuloy sasabihin niya dahil nagsalita na agad ako.

"Wag ka ng magsalita. Gusto ko lang, makasama siya. Ayoko siyang mawala sa akin.
Pero we must face reality Aisha. Kayo ba ni Drei, sure na kayo sa isa't isa?"

"E-e-ewan?" She lowered her head.


"Magsabi ka nga ng totoo. Kilala kita." I furrowed my forehead.

"Nagkakalabuan na kami ni Drei." She frowned.

"Sabi ko na nga ba. Tangina! Ano na naman ginawa niya, Aisha?!"

"Feeling ko may iba siyang gusto. Hindi lang niya sinasabi. Siguro nga tama ka,
hindi lahat ng nagmamahalan nagkakatuluyan. Pero anong exercise ba kasi yung
sinasabi mo?" She changed the topic. See? May problema si Aisha. Tss.

"Gusto kong matutunan niyang pahalagahan sarili niya. Dapat hindi siya nagyeyes
agad. Dapat isipin niya muna sarili niya bago yung iba dahil sa huli, siya din ang
mahihirapan."

"Sobrang concern mo naman!" She laughed pero alam kong malungkot siya. Alam na alam
ko. Hindi naman ako manhid para hindi ko malaman na nahihirapan siya.

"Aisha, mahal ko siya. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan, inaabuse, inaapi o kahit
ano. As much as I want to protect her from everything and everyone, hindi naman sa
lahat oras magkasama kami. Gusto ko matutunan niyang ipagtanggol sarili niya para
kahit wala ako sa tabi niya o kahit wala na ako, she can still handle herself,
perfectly."

"Sige na, ikaw na sweet. Kung hindi lang talaga kita pinsan! Nakooo!" She laughed
again. Tangina! Aisha's hurt. Napapansin kaya ni Rylie?

"Abnormal! Kadiri ka!"

"Incest tayo "

"Ikaw lang."

"Loko loko! Ay Justin, gusto mong ligawan si Rylie diba? May plano ka na ba?"

"Oo naman pero err, wala pa. Oo nga pala, alam din ni Lynne na gusto kong ligawan
si Rylie. I told her last week. Sabi niya tutulungan niya ko pero hanggang ngayon,
wala pa din siyang maisip. May naiisip ka ba? Langya, ang hirap pala manligaw."
May binulong siya sakin... Sht!

"Ayoko." I said.

"For Rylie?" She blinked while smiling.

"But-" I lowered my head.

"What?" She frowned.

"Fine! Walang ilaw dapat."


####################################
CHAPTER 41 (Mas mahal kita)
####################################

CHAPTER 41

Uwian na.

Pumunta ako sa rooftop ng building namin. Hapon naman na kaya wala ng masyadong tao
at malamig din. Nilalamig nga ako e.

"LECHE KA TALAGA, TYLER! AKALA KO TAYO NA! ITO NA! HINDI PA PALA! NAG 14344 KA NA
EH. BAKIT BA GANYAN KAAAAA? PINAASA MO NA NAMAN AKO!" Sinigaw ko na lahat ng dapat
isigaw. Hindi naman ako umiyak. Pero masakit kasi. Kanina pa niya ako hindi
pinapansin. Nagalit ba siya because I rolled my eyes at him? Or baka naman ayaw na
niya sakin? Paano kung hindi naman talaga niya ako nagustuhan? Or baka naman may
iba na siyang gusto.

Tama! Si Janilyn! Noong tinanong ko siya kanina kung saan siya pupunta, sabi niya
kay Janilyn. Baka nga... Baka pumunta na siya kay Janilyn at masaya na ang lovelife
nila.

Umupo ako at sumandal sa wall saka umiyak ng umiyak. Kinuha ko yung salamin ko sa
bag ko at tiningnan sarili ko...
"Ang pangit pangit mo, Rylie. Ang pangit pangit mo!" I'm still sobbing, "Nakakainis
ka! Bakit ba kasi ang childish mo? Ang ulyanin mo pa tapos careless tapos clumsy!
Kaya lahat na lang niloloko ka e. Kaya walang nagkakagusto sayo. Kaya walang
sumeseryoso sayo kasi hindi mo kayang ipagtanggol sarili mo. Mag madre ka na nga
lang!" I hugged my legs and put my head on my knees.

Naramdaman ko naman nag vibrate yung phone ko. May tumatawag sakin...

"Hello?"

"Rylie, nasaan ka ba? Malapit na mag gabi! Late na, ano ba! Wala ka bang balak
umuwi? Nasaan ka ba?! Kanina pa ko text ng text pero di ka sumasagot!"

"Sorry *sniff* Aisha!"

"Hoy, umiiyak ka ba? Ano ka ba, Rylie! Nasaan ka ba?"

"Nasa rooftop. Bakit ba? Kaya ko naman umuwi mag-isa, Aisha. You don't need to
worry about me. I'm safe. I'll be okay." I'm still sobbing. Ano ba naman! Iyakin ko
talaga.

"Tongaks! Nageemote ka na naman diyan eh. Alam mo, alam ko na yung solusyon diyan."
I can feel her grinning. Grrr. May evil plan na naman si Aisha Hera Dela Cruz.

Speaking of Aisha, hindi ko pa siya nacconfront. Napapansin ko kasi lately, kahit


na tumatawa siya ang lungkot niya. Ano kayang problema niya? Nag-away kaya sila ni
Drei? Isa pa, hindi ko siya masyadong nakikita lately. Hay Aisha. Sinasarili na
naman niya problema niya.

"Ano?" I asked. Tumayo na ako.

"Basta! Tara na! Now na! Nakikita na kita sa rooftop. Nandito ako sa baba!"
Tumingin ako tapos kumaway kami sa isa't isa. Mga abnormal lang.
*************

Pumunta kami ni Aisha sa bar. Inaya niya kasi ako at sympre pumayag ako dahil
nadedepress na naman ako. Isa pa, alam kong malungkot si bestfriend Aisha. Grabe,
ang daming tao pero nagtataka lang ako, bakit hindi yata sila wild ngayon? Walang
nagsasayaw tapos lahat, nakaupo lang.

"Ready ka na ba?" Aisha asked. Naguluhan naman ako.

"Huh?" Biglang may tumugtog na music.

Bright cold silver moon


Tonight alone in my room
You were here just yesterday
Slight turn of the head
Eyes down when you said
I guess I need my life to change
Seems like something's just aren't the same
What could I say?

Wow ang ganda ng kanta at boses! Sinong singer naman yung kumakanta? Ang ganda ng
boses! Kaboses ni Christian Bautista! Wait! Baka naman si Christian Bautista
talaga. Eh bakit walang ilaw? Silhouette lang nakikita ko.

Bigla naman bumukas yung ilaw. Mukhang nagulat din yung kumakanta...

I heard Aisha laugh kaya tiningnan ko ng weird look si Aisha.

Teka... Parang kilala ko yun ah?

I need a little more luck than a little bit


Cuz every time I get stuck the words won't fit
And every time that I try I get tongue tied
I'll need a little good luck to get me by

O______________________________________O
I need a little more help than a little bit
Like the perfect one word no one's heard yet
Cuz every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by this time

I stiffened. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maalis yung tingin ko sa lalaking


kumakanta sa stage. Lalo akong hindi makagalaw nung ngumiti siya at nag wink. Sakin
ba siya nag wink? Did he wink at me or baka nagaassume lang ako. Baka nandito si
Janilyn. Tumingin ako sa likod ko, ako lang naman nandito and si Aisha. Baka si
Aisha!!! Pero hindi eh, ang sama ng tingin niya kay Aisha.

I stare up at the stars


I wonder just where you are
You feel a million miles away
(I wonder just where you are)
Was it something I said?
Or something I never did?
Or was I always in the way?
(Was it something I did?)
Could someone tell me what to say to just make you stay?

I need a little more luck than a little bit


Cuz every time I get stuck the words won't fit
And every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by

I need a little more help than a little bit


Like the perfect one word no one's heard yet
Cuz every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by this time

I know it feels like the end


Don't want to be here again
And we could help each other off the ground so we never fall down again
What it takes I don't care
We're gonna make it I swear
And we could help each other off the ground so we never fall down again
Again

I need a little more luck than a little bit


Cuz every time I get stuck the words won't fit
But every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by

I need a little more help than a little bit


Like the perfect one word no one's heard yet
Cuz every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by this time

I know it feels like the end


Don't want to be here again
And we could help each other off the ground so we never fall down again

What it takes I don't care


We're gonna make it I swear
And we could help each other off the ground so we never fall down again

I need a little more luck than a little bit


Cuz every time I get stuck the words won't fit
But every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by

I need a little more help than a little bit


Like the perfect one word no one's heard yet
Cuz every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by this time

I know it feels like the end


Don't want to be here again
And we could help each other off the ground so we never fall down again

What it takes I don't care


We're gonna make it I swear
And we could help each other off the ground so we never fall down again.

Si Tyler ba talaga yun?! Hindi naman siya magaling kumanta ah? Pinagloloko ba niya
ko?! Baka naman lip sync lang!

"Hindi yan lip sync. Maganda talaga boses niyan. Vocalist siya sa band nila e.
Nadisband lang sila nung lumipat si Tyler sa school natin. Kasama niya yung mga
gunggong na sinasabi mong nakausap mo sa mall noong binuhusan ka nila Alexa ng
juice. Ngayon lang ulit sila tumugtog after nilang mag perform sa grad ball ng
seniors last school year." Aisha grinned. Wow! Sobrang proud naman niya sa pinsan
niya. Sabagay, kahit sino naman mapproud kay Tyler.

Nagpalakpakan yung mga tao. Umalis na yung mga kasamahan ni Tyler sa stage. Yung
mga kasamahan ni Tyler, sila nga yung mga lalaking nakahanap sakin sa mall noon.

"Good evening everyone especially to Mrs. Dela Cruz. Ay Ms. Hao pala. Ms. Jamilah
Rylie Hao." He smirked. Oh myy. He looks so handsome and hot. *drools*

Tumawa yung mga tao. I flustered.

"Ilang beses ko ng gusto sabihin sa'yo na gusto kita pero hindi ko masabi. Ewan ko.
Bigla na lang ako mamemental block o kaya naman ewan. Nak ng! Alam ko ang bakla
pero hindi eh. Remember last time? Noong sinabi ko sayo na akala ng team mates ko,
girlfriend kita tapos nalungkot ako? Nalungkot ako dahil ayoko ng akala lang. I
want you to be my girlfriend." Nashock ako! Hindi ko alam sasabihin ko. Gusto kong
umiyak. Pinagplanuhan ba 'to nila Aisha? Ha? Amp. Sasakalin ko talaga si Aisha
mamaya. Nagtilian yung mga tao...
"SAGUTIN NA YAN! SAGUTIN NA YAN!"

"Teka, ayaw kong sagutin mo ako. Pahirapan mo muna ako pwede? Gusto ko kasi, ikaw
ang boss ngayon. Ikaw ang masusunod. Ikaw ang magiging masaya. I want you to be my
girlfriend. But I want to court you first."

Kaya pala sabi niya kanina, hindi kami kasi gusto niya ako ligawan. Ganun ba yun?

"Aaaaaaw."

"Gusto kong matutunan mong mahalin ang sarili mo bago ang ibang tao, pwede ba yun,
Ms. Hao?"

"Yiieeee..."

"Do you know why I love calling you Jamilah?"

Huh? Bakit nga ba?

"In Arabian, the name Jamilah, means beautiful and it suits you. First time ko
kumanta para sa isang babae and I'm very happy because it's you. Sorry. Hindi ako
marunong mangligaw pero pagaaralan ko. I want to make you happy so please,
Jamilah... let me."

"OO NA YAN! OO NA YAN! WOOOO!" I saw him smile. Oh myy. I'm melting!

"I love you, may isang tao na akong sinabihan niyan pero sobrang bata pa kami nun.
Ang dami kong first time sa'yo, alam mo yun?"

Naiiyak na ko

"By the way, hindi ko naman talaga pinuntahan si Janilyn kanina. Ikaw lang ang
mahal ko, hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino kaya please, wag ka ng magselos
kasi ikaw lang. Ikaw lang talaga, Jamilah. Wala ng iba."

"Aaaaaaw."

"I won't promise you forever but I promise to love you each day, as long as we're
together. Kung hindi man tayo magkasama, mamahalin pa din kita. Pero c'mon, hindi
naman natin alam kung tayo talaga diba? Pero sana, tayo nga. If its meant to be, it
will be. Kaya nga cherish every moment dahil who knows? Baka end of the world na
bukas."

End of the world? End of the world na ba bukas? Sasagutin ko na pala si Tyler, now
na kung end of the world na bukas! O_____O

"Alam ko namang pagong ka. Hindi mo gets. Ang sinasabi ko lang naman, hindi natin
alam ang mangyayari bukas. Malay mo bukas, wala na pala ako o kaya naman may
nangyaring masama o kaya naman kailangan na natin maghiwalay. Diba? Kaya habang may
oras pa, gusto ko, ikaw ang kasama ko." Omooo! Tuluyan ng tumulo luha ko >.<

Pumunta ako sa stage. Ewan. Kusang naglakad yung paa ko. Kinuha ko yung mic.

"Mister Dela cruz. I love you, alam kong alam mo yan. Hindi ako manhid. Hindi lang
ako sure, kung ako ba talaga? I won't promise you forever too kasi oo nga naman,
wala nga naman salitang forever. Malay mo bukas, wala na pala tayong pagmamahal sa
isa't isa."

"Aww."

"Ops! Hindi pa kasi ako tapos. Sinasabi ko lang na, wala ako sa isang fairytale
kung saan ako si sleeping beauty na maghihintay ng prince charming. Wala ako sa
isang pelikula kung saan nagkakatuluyan ang bida at natatalo ang kontrabida. I was
a hopeless romantic. Until dumating yung araw na 'to. Oh well, I'm still a hopeless
romantic but mas realistic na. Hehe!"

Tiningnan ko siya.

"Narealize ko na I must face reality. Hindi lahat ng gusto natin, masusunod. Hindi
lahat ng ayaw natin, mawawala. Na dapat matutunan kong mahalin at pagtanggol sarili
ko dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon, may magtatanggol sa akin. You're not
perfect and so do I. I just want to be with you. I love you, Tyler."
I hugged him then he hugged me back.

They all clapped their hands.

"Diba ako naman talaga dapat ang magsusurprise? Bakit biglang bumaliktad?" He said
habang tumatawa kaming dalawa.

"Don't worry, kung nasurprise ka, mas nasurpise ako."

"I'm happy that you're happy, Jamilah. I'll do everything just to make you happy."
He kissed my forehead.

"Same here. Pero may kasalanan ka sa akin."

"Ha? Ano? "

"Hindi mo sinasabing magaling ka pala kumanta? Akala ko pa naman si Christian


Bautista na yung kumakanta. Tss..." I rolled my eyes while pouting.

"Ah. So gusto mo si Christian Bautista ang kumanta?" He pouted. Ang cute ni Tyler!

"Mas gusto kita." Sabi ko sabay yakap sakanya ng sobrang higpit!!! \(^____^)/

"Mas mahal kita." He murmured. I blushed while smiling.


####################################
CHAPTER 42 (Intramurals)
####################################

CHAPTER 42

End of october na! Magdadalawang buwan na din ang nakalipas simula ng official na
nanligaw sa akin si Tyler at syempre, lalong dumami yung mga nangchichismis sa
amin. Hindi ko naman kasi alam na sobrang sikat pala niya sa dati niyang school.
Err. Kaya pala ang daming umaaway sakin! Well, I can't blame them. Muahaha!
Intrams na nga pala! Yess! Ito na ang week na pinakakinakatakutan ko! First day ng
intrams namin at syempre, lalaban ang prinsipe ko sa Mr. and Ms. Intramurals. You
know who! Nyaks, landi. Hahaha! Syempre, nag parade muna kami tapos ilang oras
lang, nag start na.

Nandito kami ngayon ni Aisha at Tyler sa isang room dahil nagreready na si Tyler...

"Jamilah, are you happy?" Tanong sakin ni Tyler.

"Oo naman! Bakit mo naman natanong?"

"Paanong hindi sasaya yan, Justin eh araw araw mo pinapakilig?"

"HAHAHAHA! Shhhh. Ano ka ba, Aisha. Walang laglagan!" Tumawa kami.

"Alam ko naman na kinikilig yan kahit di niya sabihin. Psh. Ang hirap kaya mag-isip
ng way para mapasaya ka."

"Sus. Ikaw lang, ayos na." Mahina kong sinabi.

"I heard that." Ang lakas naman ng pandinig ng magpinsan na 'to. Sabay pa silang
nagsalita. "Rylie, I want to make it more special because I love you kaya hayaan mo
ko. Okay?" I blushed.

"Err. Ang sweet mo na naman! Basta ba wag mo ulit ako bibigyan ng pampatay na
bulaklak ha." Oo. Binigyan niya ako ng pampatay na bulaklak. Grabe! -____-

"Hay nako Rylie. Alam mo bang naisip pa niyang bigyan ka ng sampaguita?"

"Eh sa hindi ko na alam ibibigay ko eh and isa pa, hindi ko naman talaga alam na
pampatay yung bulaklak na yon. Sorry na ha. Ang perfect niyo e." Naku po. Ang taray
na. Yan na naman si Mr. Sungit. He's baaaack!
"Pero aminin mo naman, you like my surprises." He smirked. Proud na proud sa sarili
niya eh if I know, nag reresearch lang naman siya. LOL! Nahuli kasi siya ni Aisha
tapos kinwento sakin. Nahuli ko din siya one time. Muahaha! Walang originality pero
at least, may effort. Diba?

"Ang yabang mo ah?" I frowned kaya kiniliti niya ako bigla.

"Bakit, hindi ba? Ha?" Kinikilit pa din niya ako.

"TAMA NA! HAHAHAHAHA! Sakit na ng tiyan ko. HAHAHAHA!" Non-stop pa din siya
pagkikiliti niya. Oh myyy. Mamamatay na ata ako. Hahahaha!

"Tyleeeeeeer! Haaaaanuba!" Tawa pa din ako ng tawa.

"Sinong mayabang ngayon? Ha? Aminin mo na lang kasi. Pakipot ka pa e." Pinipilit
kong alisin kamay niya sakin pero masyado siyang malakas. Nawawalan na ko ng
hininga kakatawa. Malakas kaya kiliti ko everywhere. Ughhh.

"AKO NA! AKO NA MAYABANG! AKO NA PAKIPOT! OO NA NGA E. KINIKILIG NA KO! OKAY? TAMA
NAAAAAAA! KINIKILIG NA NGA AKO!" Tawa pa din kami ng tawa kahit tinigil na niya
yung pangingiliti niya sakin. Leche! Hiningal ako doon ng bonggang bongga.

After ko makarecover sa tickle attack niya, humarap ako sakanya at tiningnan siya
ng masama.

"Timang ka ba, Tyler?!" I pout.

"Hindi. Ano yun?" Ano nga ba ibig sabihin ng timang? -_____-

"Hindi ko din alam eh. Peace! Hahaha!" At nag peace sign ako. LOL! Sabaw lang.

Nagulat na lang ako kasi biglang tumahimik yung paligid and he hugged me from my
back. He planted a soft chaste kiss on my neck kaya napahinga ako ng malalim at
pumikit. Ang bango namaaaaan!
"Alam mo Tyler. Hindi ka maaamoy ng judges. Ba't ang bango mo naman? Dagdag points
ba yan sa judges? Ha? Sigurado ako, madami na namang girls na..." Yumuko ako. Hayy.
Ang insecure ko talaga! Hindi ko na tinapos yung sasabihin ko kasi baka mag-away
lang kami. Naiinis kasi siya pag nagseselos ako sa mga babae na nagkakagusto
sakanya. Wala daw ba akong tiwala sakanya? Meron naman pero sa mga babaeng yun,
wala. Natatakot lang din ako na baka pag nakakita siya ng mas lahat sa akin, iwan
niya ko. Bad Rylie!

Hinarap niya ako sakanya pero nakayuko pa din ako. He lifted my chin and looked at
me intently. Oh myy. Malulusaw na ko.

"Jamilah, ilang beses ko na bang sinasabi at sasabihin sayo ng paulit ulit na ikaw
lang at walang iba? NO ONE BUT YOU. Only you. Ikaw in tagalog. Ano ka ba! And yes,
hindi ako maaamoy ng mga judges, hindi man 'to dagdag points, dagdag points naman
sayo. Isa pa, mabango na talaga ako dati pa." Oo nga naman. Mabango na pala siya
dati pa. Ngayon kasi, sobrang gwapo na nga niya sobrang bango pa. Amp. Eh ako?
Wala.

"Err..."

"Also, wala akong balak manalo. Isa lang naman ang gusto ko mapalanunan eh."

"H-ha? A-ano?"

"Hindi ano. Sino! And alam kong alam na alam mo kung sino ang tinutukoy ko."

"But I want to hear it from you. Baka mamaya, iba pala yung nasa isip mo, mapahiya
pa ko." Yumuko ako. Sumimangot naman siya at tinaas yung mukha ko para magtinginan
kami.

"You. I wanna win your heart. I wanna win you." He smiled so I smiled back at
hinampas ko siya pero mahina lang.

"You already won my heart, matagal na." Gusto ko naman sagutin si Tyler eh kaso
nagiisip pa ko ng way kung paano. Sa buong time na nanliligaw siya, halos everyday
sobra sobra yung surprises niya. Gusto ko naman makabawi. Gusto ko, sweet din yung
pagkakayes ko para matumabasan naman yung efforts na ginawa niya para sakin.
Hopeless romantic talaga ang lola niyo, sorry!
"Aalis na nga ako. Nilalanggam na ko sa inyo e." Sabi ni Aisha pero hindi siya
pinansin ni Tyler. Instead, hinawakan ni Tyler yung both sides ng cheeks ko.

"Mahal na mahal kita, Rylie. Hindi ko man alam kung ano ang mangyayari bukas pero
sana bukas, ikaw pa din ang kasama ko at sa mga susunod pang bukas. I want, love,
and need you." He kissed my nose kaya napapikit ako. Oh geez.

"HOY KAYONG DALAWA! Itigil niyo na nga! Naiinggit ako e!" She crossed her arms with
her chest while frowning. Her brow furrowed.

"Just ignore Aisha. Bitter lang yan." Tumawa naman kaming dalawa. Nag break na kasi
sila ni Drei sa hindi naming malaman na dahilan. Ayaw sabihin ni Aisha eh pero I
respect her naman. Alam ko naman na one day, maikkwento din niya yun sakin.

"I know. Sige na po, pupunta na ko sa harap. Madami ng tao doon. Baka hindi ako
makasingit tapos di kita mapanood." I kissed his cheeks. "Byebye, Mr. Pogi slash
Monkey guy slash Mr. Sungit slash Tyler ko! Good luck!" I giggled.

"Makakasingit ka dahil sa size mo, Rylie kaya don't worry." Hinampas ko siya.

"I was just kidding." He scowled and after a few seconds, ngumiti ulit siya. Close
smile. Sht lang ang gwapo talaga! Pwede bang sumama ako sakanya sa stage para lang
hindi siya mawala sa mga mata ko? LOLOLOL! Cornyy.

"I love you." He kissed my cheeks at umalis na kami ni Aisha sa room.

"Pulang pula ka ah?" Sabi niya natatawa tawa pa. Amp. BLUSHING ALERT!

"Shhhh." Tumawa na naman kami.

Umupo na kami ni Aisha sa may bandang dulo. Madami na kasing tao since sobrang
tagal namin sa loob ng room. Siguro naman, maririnig yung boses ko mula dito? Well,
I'll try my best. Muahaha! Gusto ko ako ang may pinakamalakas na cheer. Ilang araw
din akong hindi uminom ng malamig para lang dito no! Woo! Ako yung kinakabahan eh
although alam kong sure win na si Tyler. Wala lang, kinakabahan lang ako. Masama
ba?
"Ladies and gentlemen..." Oh my God! Naiihi ako! Oh my. This can't be! May UTI ako.
Bawal ako magpigil ng pee! Inaaay.

"Aisha, ihing ihi na talaga ako. Dito ka muna ha tapos pag di ako nakaabot, ikaw na
kumuha ng video kay Tyler. Sige na Aisha! Please thank you!"

"Bumalik ka agad ha?" I just nodded and kissed her cheeks tapos tumakbo na papunta
sa rest room at umihi na. Pag labas ko ng cubicle, may babaeng nakasandal sa may
door ng CR at nakafold yung arms niya sa chest niya...

I stiffened with a horrified expression on my face, "Hello, Rylie my dearest dear.


How are you? Long time no see!" She kissed my both cheeks. Paano siya nakapasok
dito? Oh sht. Intrams nga pala so pwede ang outsiders! Sabagay, dati nga hindi
intrams nakapasok siya eh.

"Anong ginagawa mo dito?" My voice failed to hide my nervousnes. Nagsstutter ako,


no!

"I already told you last time na hindi pa tayo tapos diba?" Hindi ko matago yung
gulat, takot, lito, at kung anu ano pa dahil sa hindi ko malamang dahilan.

"MADAMI. Hindi mo ba napapansin na ilang buwan din akong wala sa scene niyo? Well,
I'm so sorry but dear, it's pay back time. I'll take what is mine and Tyler? He's
mine." She smirked. She's scary. Nakayuko lang ako.

"Dear, hindi porkit nawala ako sa paningin niyo, MIA na ko. I was spying and
stalking both of you. Syempre, sikat din si Tyler and sikat din ako kaya wala akong
hindi alam. I know... everything."

"A-a-alexa-"

"I knew it! You're that weak, Rylie? How poor. Hindi ka talaga bagay sakanya. Hindi
mo nga siya kayang ipagtanggol e. All you want from him is his face, brains, money,
and fame. How perfect!"

"No! That's not true. Alexa, stop this. Please? Let's talk, yung maayos."
"Shut the F*CK up! Alam ko kung ano yung mga bagay na sobrang halaga sayo although
mukhang hindi mo napapansin na nawawala yung mga yun dahil busy ka makipaglandian
sa property ko." Property?

"Tyler's not your property. He's not a property so please, back off and give me my
things. Alexa, please." I clenched my fist. I'm trying to look calm but I can't.

"Kinuha ko nga pala treasure box mo." Oh sht! Nandoon lahat ng importante sakin!
Nandoon yung diary, bracelet, picture namin JT, and yung kitchain na gawa ng mommy
ni JT.

"A-Alexa, I love him."

"I love him, more!"

"If you love him, you'll set him free." Sabi ko.

"Back at you! Wag kang tanga Rylie, I won't stop. I swear, si Tyler? Niloloko ka
lang niya. Hindi ikaw ang mahal niya. No, not you. Hindi ako titigil, Rylie.
Makikita mo. He's just playing with you."

"He won't do that. He loves me."

*DOUBLE SLAP*

Napahawak ako sa dalawang pisngi ko pero di ako umiyak. Hindi ko siya bibigyan ng
expression o reaction na gusto niya. I'm not weak!

"Nanggigil na talaga ako sayong babae ka!" He pulled my hair pero saglit lang. In
fairness, masakit yon.

"Alexa, give me back my things please? They're all important to me. Alexa..." No!
Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi pwede!
"I'll give you a choice, my dear Rylie. It's either you'll stay away from him or
else... GIRLS?" Sinabi niya ng malakas yung girls at may pumasok na apat na babae.

"Shoot! Mga gamit ko!" My tears are starting to come out. I need to choose!
Mamimili ako kung si JT ba o si Tyler? Well. JT's in the past already but still...
Paano pag nagkita kami? Ano na lang ang proof ko? Baka hindi siya maniwala na ako
'to. He's still my guy best friend after all. He's still my knight in shining armor
who was always rescuing me from my forever enemy, Lawrence Fiasco.

He was always rescuing me from my clumsiness and carelessness. Oo, bata pa lang,
lampa at burara na ko. Bata pa lang, ulyanin na ko. Alam kong di niya ko
makakalimutan. Alam ko kasi kaming dalawa lang naman ang magkaibigan noon.

"Your secrets are here, dearest Rylie. Hindi ko alam na patay na patay ka pala sa
isang lalaki noon at hanggang ngayon, nagsusulat ka tungkol sakanya. Oh myy. Your
diary's so cool, Rylie. Ano kaya ang itsura niya ngayon? Hmm." Ughh! No!

"Jessa, where's the filthy diary?" FILTHY?!

Ngumiti yung Jessa at inirapan ako saka binigay yung diary ko kay Alexa. Oh no.
Please. Bigay yan ng lola ko noong buhay pa siya! Diyan nakasulat lahat ng nangyari
samin ni JT. Diyan din nakalagay yung mga pagiimagine ko kay JT. Lahat lahat!

Pinunit ni Alexa yung diary ko kaya napaupo ako. Tuluyan na ding tumulo luha ko.

"HAHAHAHAHA! Umpisa pa lang yan. Hmm. Warm-up! Bye, Rylie! Oh wait! Di pa tapos."
Di pa tapos? Aghh. Tahimik lang akong umiiyak. Usually naman, malakas akong umiyak
pero ngayon... Ang sakit sakit. Ang sakit ng dibdib ko.

Kumuha si Alexa ng tabo na may tubig at binigay kay Jessa. Si Jessa naman nagbilang
pa ng 1 to 3 at ibinuhos sakin yung tubig. Sabay sabay silang tumawa. WTH?! What
kind of monsters are they? I clenched my fists sa sobrang gigil. Basang basa na ko
pati yung mukha ko ng dahil sa non-stop na luha ko. Pinulot ko yung diary ko at
iningatan na hindi mabasa. Hindi ako matutulog mamayang gabi. Bubuuin ko 'to.
Bubuuin ko 'to.

Umalis na sila habang tumatawa. Narinig ko pa silang naguusap.

"Alexa, bukas yung bracelet naman."


"Jessa, next time na. Wag kang excited."

Sobra na sila. May mga taong palang ganoon? Nasaan yung konsensya nila? Nakakatakot
sila. They're all selfish brats. Nakakaawa. Sobrang desperate nila. Hindi nila
inisip yung ibang tao. Kawawa naman si Tyler. Kailangan ko ng gumawa ng paraan para
hindi siya masaktan.

Tama! Hindi ko sasabihin yung mga nangyari sakin kay Tyler. Okay na ako yung
masaktan, wag lang siya. Pag sinabi ko sakanya, baka layuan niya ko at masstuck
siya forever kay Alexa. I won't let that happen. I won't let him get hurt just
because of Alexa. I'll fight for him.

Pinulot ko yung diary ko na punit punit at nilagay sa gilid ng sink. Umupo ako sa
corner ng CR. Nakasandal lang ako sa wall at nakayap ako sa sarili ko. Please
Rylie, tumigil ka na sa pag-iyak. Baka may makakita pa sayo.

Ughh. Tatayo na sana ako pero hindi kaya ng katawan ko. Namamanhid at
nanginginig... maybe sa takot? Ewan. Nanghihina ako. Gusto ko na lang matulog pero
hindi... Hindi ako makakatulog sa mga nangyari at mangyayari.

May bumukas ng pintuan...

"Rylie, bakit ang tagal- TANGINA! Sino gumawa sayo nito?" Nakatulala lang ako
habang tumutulo luha ko. "Rylie, answer me. Talk to me! Sino?!" I hugged her.
Lalong lumakas iyak ko.

"A-A-Al-Alexa." Sa wakas, nabuo ko din pangalan niya. Wala na kong boses.


Hinigpitan ko yung yakap ko Aisha. All I need is my bestfriend. All I need is
Aisha. Nakahug lang ako sakanya buong time. Alam niyang pag ganito ako, hindi ako
makakapagsalita. Aisha knows me too well. Minsan nga, mas kilala pa niya ako sa
sarili ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal kami ni Aisha sa loob ng CR pero ang alam ko lang,
medyo bumuti na pakiramdam ko. Inalalayan niya ako tumayo.

"Aisha, sa inyo ako matutulog mamaya ha? And please please, wag mong sasabihin kay
Tyler 'to. Mamaya ko na lang ikkwento yung mga nangyari sa bahay niyo. Okay?
Please." Pinunasan ko yung luha ko. She hugged me again.

"I understand, Rylie. I understand. Sige na, magpalit ka muna ng damit at ayusin mo
yung sarili mo. Dinala ko yung bag mo oh." Inabot niya sakin yung bag ko.

"Nagtaka kasi ako kanina kung bakit ang tagal tagal mo sa CR kaya ayan, kinuha ko
na lang gamit natin. Nagdala ka naman ng extra shirt diba?" Nag nod lang ako at
pumasok na sa cubicle para magpalit ng damit. Paglabas ko, I tied my hair into a
ponytail. Hinugasan ko yung mukha ko tapos nag powder at nag pabango. Tinago ko na
din yung punit punit na diary ko sa bag ko.

"Yan, okay na ba?" Tanong ko kay Aisha. She smiled.

"Okay na. Fresh ka na! Buti na lang intrams ngayon at nakajersey tayo kaso paano na
mamaya? Wala ka ng extra shirt?" She looks concerned. Oh. My bestfriend.

"Psh. Wala naman masyadong kukuha sakin sa mga sports eh and kung meron man,
pinagtataguan ko sila." I smirked. Hindi ko pwedeng ipakita sakanya na malungkot
ako kasi alam ko, mas malulungkot siya.

"Loka loka ka talaga!" Binatukan niya ko then we both laughed.

Bumalik na kami pero tapos na pala yung program. Humarang na lang kami ng kakilala
namin ni Aisha at nagpakwento kung ano yung nangyari and as usual, humakot ng
awards ang lolo niyo. Mr. Intramurals si Tyler. Wow!

Nagpaalam na ako kay Aisha para puntahan si Tyler. Pupuntahan daw niya kasi sila
Gia at Rachelle since may date sila Brylle at Lynne. Oo, hindi sila papasok para
lang mag date. Amp. Doon na lang daw siya sa mga single ladies like her.

Nag start na din pala yung mga games like basketball, volleyball, badminton, ek ek
at madami pang iba. Ang ingay ingay na nga e. Basta! Wala akong gusto. Si Tyler
lang gusto ko! Muahaha! Joke! Pero seryoso, ayoko talaga. Mabuti pang sa room na
lang ako, malamig pa tapos kasama ko pa si Tyler pero sure ako, madami namang
kukuha kay Tyler eh. Tsk tsk.

Pagpunta ko sa room, nakita ko doon si Tyler...


NAGBIBIHIS! O.o

Bigla ko na namang naalala yung kanina. Geez! Hindi ako pwedeng umiyak kaya ayun,
tumakbo ako at yinakap ko siya na parang bata. Umupo siya kaya napaupo ako sa lap
niya. My hands around his neck and his arms around my waist. He kissed my cheeks.

"Heyy, what happened? Bakit ka umiiyak?" Umiiyak pala ako leche! Yan tuloy, lalo
kong hindi napigilan. "Rylie..." I shook my head.

"I love you, Tyler. I love you. Do you love me?"

"Sobra! Ano bang problema?"

"Sabihin mo mahal mo ako. Sabihin mo seryoso ka sakin." Sabihin mo, hindi totoo
yung sinabi ni Alexa na pinaglalaruan mo ako. Hindi ako naniniwala sakanya, Tyler.
Just tell me you love me and I'll believe it. Sabihin mo Tyler, hindi ka katulad ng
mga lalaking nanloko sakin at pinagpustahan ako. Sabihin mo, ibang iba ka sakanila.

"Jamilah, I love you very much. Now tell me, what's your problem?" See? Mahal ako
ni Tyler. May tiwala ako sakanya!

"Hindi ako nakapanood ng game mo."

"Nice excuse, Rylie. Alam kong may dahilan kung bakit ka umiiyak. Don't worry,
kahit di mo sabihin, malalaman at malalaman ko din yan." He kissed my hair.

"Sorry, hindi kita napanood." Umalis na ako sa lap niya at yumuko. Tumayo na din
siya. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko ng mahigpit at nilagay sa both cheeks
ko. He bends down a little para magkapantay na yung mukha namin. Ang lapit ng mukha
niya sakin, oh myy.

"Ano ka ba. Okay lang. Hindi naman importante sakin yun eh. Ang importante, nandito
ka sa tabi ko." I hugged him.

"Hanggang kailan kaya tayo ganito?"


"Ba't mo ba iniisip yan? Ha? Just trust me. I'll protect you. Ughh. Kadiri naman!
Tingnan mo nga ginawa mo sa akin, nagiging corny ako dahil sayo."

"Sorry na." I chuckled. "Ayaw mo ba?" I added.

Umalis na kami sa pagkakahug namin.

"Wala akong sinasabi." He shrugged his shoulders at tumawa.

"Tss. Ikaw talaga! Alam ko naman na nagresearch ka pa sa internet eh." Tumawa ako
ng malakas. Muahahaha! Naalala ko na naman kasi. Hahahahaha!

"Research ng?" He asked. Halatang confused.

"Kung paano manligaw. MUAHAHAHAHA!" Binatukan niya ko pero mahina lang.

"Nababaliw ka na ba? Atsaka, tumahimik ka nga. Di kita inaano ah!" He frowned.


Tumawa naman ako ng tumawa tapos kiniliti na naman niya ko. Oh no. Ito na naman.
Pinipigilan ko yung tawa ko pero grabe talaga, di ko kaya. Muahaha!

"TOTOO NAMAN KASI. HAHAHAHAHA!" Kinikiliti pa din niya ko. Nakahiga na ko sa


teacher's table. Tumayo naman ako at tumakbo papalayo sakanya. Lalapit na sana siya
pero...

"WAIT LANG WAIT LANG, MAY SASABIHIN AKO! TIME FIRST!" Sabi ko habang nakaform ng
letter T yung dalawang kamay ko at hinihingal. Huminga ako ng malalim.

"Game!" He smiled.

"Ice ka ba?" I asked sweetly.

"And why?" He raised his left eyebrow.


"Gusto mo CRUSH kita?" Tapos tumawa ako. In fact, ako lang yung tumawa. He looked
away tapos yumuko siya then may binulong siya sa sarili niya... "Crush lang?" I
blushed. Bubulong na lang kasi, yung maririnig ko pa eh. Amp.

"Ano! Sinong corny ngayon?" He chuckled. Nilapitan naman niya ako at yinakap. Oh
myy. Kiniliti na naman niya ko kaya tumawa na naman ako at lumayo ulit sakanya.
Mauubos kiliti ko ng dahil sakanya eh.

"Ako naman." Sabi niya. OMG! Hindi ko siya maimagine na nagpipick up line!

"Ipablood test mo nga ako?"

"Bakit? Ano meron?" Tanong ko kaya tumawa ako. Nakangiti lang siya.

"Para malaman mong ikaw ang type ko." He flustered. Tumawa ako ng tumawa. Siya
naman, halatang nahihiya at nagsisisi kung bakit niya pa sinabi yun. He's biting
his lower lip. Parang siyang nagsstruggle. OMG! Sht ang cute ni Tyler!

"Saan mo natutunan yan? Ha?" Tumatawa pa din ako. Ang benta kasi! Isa pa, ang cute
pala pag sakanya nangagaling yung banats.

"Wala, nabasa ko lang si newspaper." Sabi niya ng mahina.

"Akala ko sa internet eh." Tumawa ako. "Sinong nerd ngayon? Ha?"

Ngumiti lang siya. "Halika nga dito. Napapagod na ko eh."

"Ayoko nga. Magbihis ka muna!" He frowned. Oo nga, wala pa nga pala siyang damit.
Oh golly. To think na kanina ko pa siya kasama. O.o

"Niyakap mo nga ako kanina e. Yakap na parang walang bukas. Masyado ka bang nag
enjoy sa muscles at abs ko? Come here, baby." He grinned. Nagulat naman ako. Paano
niya nalaman yon? Sabagay, may point naman siya. Baliw ka talaga, Rylie. And he
called me baby. Gusto ko ng malusaw. >.<
"Ang yabang nito." Nag pout ako.

"Are you being cute with me, Jamilah?" He raised his left eyebrow while grinning.
Hmp.

"Hinde!" Naglakad na ko...

"Bilisan mo kaya. Para kang pagong." Napakaimpatient naman ng lalaking 'to.


Napalunok ako ng makita ko yung abs niya. Oh sherry. >.<

Nakadating na ko sakanya then he hugged me very very very tight. Tyler's hug! I
wanna be in his arms forever. Please please please, Lord?

"I love you and I will love you more each day. Just please... trust me." I nodded.

"I trust you, Tyler." I feel his smile on my neck.

Nagbihis na siya at lumabas na kami ng room. Napagkwentuhan namin si Aisha. Hayy.


Wala pala talagang nakakaalam kung ano nangyari kay Aisha at Drei. Should I
confront Drei? No! Hindi yun magugustuhan ni Aisha at isa pa, sabi nga ni Tyler
sakin, kahit bestfriend niya ko, wala ako sa lugar gawin yon. Same with Tyler.
Kahit pinsan niya si Aisha, wala daw siya sa lugar para makielam. Hayy. I'm really
worried.

"Stop worrying." He kissed my hair and gave me a quick hug. He put is left arm
around my shoulder at naglakad na kami.

"Oo nga pala!" Huminto ako at humarap sakanya. "Congrats! Nanalo ka. Sabi ko na nga
ba eh! Hayy sayang talaga di ko napanood! Hayaan mo, babawi ako sayo next time." I
winked. Tumawa siya.

"Are you making fun of me, Justin Tyler Dela Cruz?!"

"Nope, Jamilah Rylie Hao. Hindi ka lang talaga marunong kumindat and I find
it...cute." He chuckled. 'Let's go!"

"JUUUUUUUUUUUUUSTIN!" May tumawag sakanyang lalaki naka-red na jersey. Oh no! Red


wreckers! Wrecker talaga! Panira siya ng moment! >.<

"Oh?" Tyler answered coldly. Tumakbo yung lalaki papunta sa side namin!

"Basketball! Ngayon na!"

"Ngayon na talaga?" Tumingin siya sakin. Nag nod lang ako. Alam ko naman na
mahalaga sa team ng basketball si Tyler eh. Pssh. Sure ako, madaming kukuha sakanya
sa kung saan saang sports. Eh sakin? Nevermind na lang. Ayoko din naman no!

"Hindi. Mamaya, mamaya." He answered sarcastically. Aba! Loko 'tong lalaki na 'to
ah >.<

"Lul! Sige na, mauna ka na. Susunod ako." Sabi niya. Tumingin naman sakin yung
lalaki.

"H-Hi, Rylie. Ge, enjoy! B-Bye Rylie!" At tumakbo na yung lalaki. Kilala niya ko?
Nakita ko naman si Tyler na nakangiti at umiiling. Psh. Nang dahil kay Tyler, ang
dami ng nakakakilala sakin.

"What is it?" I asked.

"You."

"Me?" Tinuro ko sarili ko.

"Yes, you." Ngumiti na naman siya.

"Tyleeeer! Ano ngaaaa?"


"Wala! Ang daming nagkakagusto sayo." He narrowed his eyes.

"Ha? Nagjojoke ka ba? Nakilala lang naman ako ng mga tao dito ng dahil sayo eh."
Hinampas ko siya. Umiling naman siya.

"Nope. 1st day of class pa lang, naririnig ko na pangalan mo. Isa pa, bakit ikaw sa
dinadami ng students dito, ang pagttripan pagpustahan nila Selena? Because they're
insecure. Madami kasing nagkakagusto sayo and you're so blind to see all of them.
You're beautiful, Jamilah, just like your name, in and out. Why can't you see
that?" He kissed my nose. "See you later, beautiful. Wait for me, okay?" He winked.

I stiffened.

"Ate Rylie!" Someone called me.

Pagtingin ko... Oh no! May tatlong babaeng nakasuot ng green na jersey! Green
bulls!

"Volleyball po. We need you!"

Ano?!

Last time na naglaro ako ng volleyball...

walang pumasok na bola sa net kahit isa! >.<


####################################
CHAPTER 43 (Christmas Party)
####################################

CHAPTER 43

Napagdesisyunan ko ng sagutin si Tyler sa January 13. Malapit naman na yun e.


Naisip ko na rin kung paano. Mehehe. Secret muna yun sa ngayon. Anyway, December na
nga pala. Ang bilis ng panahon, grabe! Pero okay lang kasi masaya naman kaming
lahat.
Syempre, may mga problema pero naaayos din naman katulad na lang ng pag-aaway nila
mama't papa at hindi nila pagpapansinan ng ilang linggo. Ayaw ko naman makielam
kahit gusto. Ano daw? Ehhh kasi. Ayaw nila mama na makielam ako sa away nila eh.
Hmp. Alam niyo yun? All Saint's day na All Saint's day last month tapos magkaaway
sila. Hayy. Labo ng mga magulang ko.

Ramdam na ramdam ko tuloy ang All Saint's Day ng dahil sakanila at ng dahil na din
kay Tyler. Bwisit na yon! Kung hindi ko lang siya mahal eh. Yihess naman, proud na
proud lang ang lola niyo. Well, sino bang hindi mapproud kay Tyler?

EXCEPT NA LANG TALAGA LAST MONTH! Hinding hindi ako naproud sa ginawa niya last
month. Ughh. Tama bang takutin ako? Oo! Pagkatapos namin manood nila Aisha, Tyler,
Brylle, Lynne, Christian, at Ariza ng horror moviesss sa bahay nila Aisha, tinakot
niya ko! Puuuuusang nilaaaga talaga! Ayoko na balikan yon kasi natatakot ako pero
grabe, hindi talaga mawala sa memories ko.

*FLASHBACK*

"Aisha, samahan mo na ko please?" All Saint's Day kasi. Alam niyo na, madaming
pagala gala na kaluluwa. Emegesh! Tapos kakapanood lang namin ng horror movies.
Maluha luha na nga ako eh. Aaaaah! Pero wala! Ayaw pa din niya ako samahan maligo
sa CR. Pero syempre, dahil love ako ni best friend, napapayag ko na din siya.

"Bestfriieend?" Tawag ko sakanya habang nagsusuklay ako at nakaupo sa kama.

"Ano na naman?" Tinaasan niya ko ng kilay. Alam niya kasing may irerequest na naman
ako sakanya.

"Well... Err... Tabi tayo matulog ha? Pleeaase?" Tumabi ako sakanya at niyakap siya
ng mahigpit.

"Ughh. Fine!"

Ilang oras lang, humiga na kami ni Aisha at nakatulog ako. Paggising ko, tiningnan
ko agad yung digital clock na nasa bedside table. Wow! 3 AM pa lang! Teka, 3 AM?!
Diba doon gumagala yung mga maligno? Shoot! Nagtakip agad ako ng kumot ko pero
pagtingin ko sa tabi ko...
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" I cried. Uwaa! Huhu! May multo sa tabi ko! Magkasama
pa kami sa iisang kumot! Aaaaah! Nasaan si Aisha? Nananaginip ba ko? Kanina lang
yakap yakap ko si Aisha ah? Sht. Nasaan si Aisha?! At... At... Waaaaaaa! Ayoko na!

Dahil sa takot at gulat ko, napaikot ikot ako sa kumot hanggang sa mahulog na ko sa
kama. Ouch! My back hurts! And also my butt! Sht.

Ilang minuto lang, may nagbukas na ng ilaw. Pag tingin ko...

Si Aisha, nakatayo sa may switch ng ilaw. Siya yung nag open! OMG! Savior ko talaga
si Aisha forever pero nasaan na yung multo?

Tumayo ako habang may uhog at luha pa ang mukha ko. Pinunasan ko ito gamit yung
likod ng kamay ko. Eww. Kadiri ako pero wala akong pekialam.

Lumaki yung mata ko dahil pagtingin ko sa kama. Inalis ng multo yung maskara
niya...

"TYLER?! IKAW?! SHT KA! TINAKOT MO KO!" Hinampas hampas ko siya. Siya naman,
tumatawa lang. Si Aisha naman, tumatawa din pero halatang inaantok. Actually, after
niyang tumawa, umalis na siya at nilock na niya yung door. Psh. If I know, pakana
na naman 'to ni Aisha. Hmp! Pinagtutulungan na naman ako ng mag pinsan na 'to!

"ALAM MO NAMAN NA DUWAG AKO E. TYLER NAMAN EE!" Hinampas hampas ko pa din siya
habang nakatayo ako nakahiga siya. Nagulat na lang ako kasi bigla niyang hinawakan
yung dalawang wrists ko. Tinry ko makaalis sa hawak niya pero wala. Asa pa ko eh
ang lakas lakas niya.

"Sorry na, Jamilah." He smiled slightly and pulled me. Yan tuloy, nakahiga na ko sa
bed. My head's resting on his chest and his hands are wrapped around my body. He
hugged me very very very tight. Mukhang sincere naman pala sorry niya pero wow, ang
lakas ng tibok ng puso ni Tyler.
"Tyler, ako ba may gawa niyan?" Sabay hawak sa dibdib niya. I chuckled. Natawa
naman siya.

"Hmm. Maybe?" Hinampas ko siya ng malakas.

"Anong maybe?! Hmp. Che! May kasalanan ka pa sakin!"

"Sorry na nga e. Nakakatawa ka kasi pag naduduwag ka. Just... Just don't cry."
Napapikit ako ng halikan niya yung both eyes ko. Ang sweet ni Tyler! Huhu! Wag niya
lang talaga uulitin yung ginawa niya or else, baka iyon pa ang ikamatay ko!

"I love you. Sleep well." He murmured. I closed my eyes and... sleep.

*END OF FLASHACK*

"Ano na naman kaya ang pakulo ng teachers para sa Christmas party bukas? Last
Christmas party, ang boring masyado." Tanong ni Lynne na nakapalumbaba. Nag-away
nga pala sila ni Brylle kaya ayan, balik sa amin ang tambayan niya. By the way,
yung teachers ang nagaayos ng Christmas party namin and magkakasama din yung 1st to
4th year students.

"Paano naman kasi, hindi naman natin feel ang senior last year. Hmp. Konti lang
mabait sakanila e. Yung iba, ang aarte. Nakakainis! Lalo na yung Eula na yon.
Ughhh!" Si Eula nga pala ang worst enemy ni Aisha. Ex kasi yon ng ex niyang Drei.

"Psh. If I know, until now di ka pa din nakakamove on." Sabi ko. Yumuko naman
siya... Hala!

"A-ang hirap e. Sorry naman. Hindi naman kasi ganoon kadali mag move on, Rylie.
Palibhasa kasi, you're already happy with my cousin." Yumuko ako. May point siya.

"Ano ba kayong dalawa. Aisha, nasaktan na din naman si Rylie. Pinagpustahan siya ng
apat na lalaki. Yung tatlo, naging boyfriend niya. Yung isa, muntik na. Buti na
lang bumait na si Josh." Napilitan lang naman kasi si Josh dahil kay Selena e. I
understand him. Isa pa, tama si Lynne, bumait siya ng bonggang bongga. Kaso, di ko
siya nakakasama kasi nagagalit si Tyler tuwing nandiyan siya. Hmp. If I know,
nagseselos lang siya. Yiiee. Hehe! Assuming lang.

"Hayy ewan. Sige na. Aalis na muna ako. Kita na lang tayo bukas." Sabi ni Aisha na
nag hug and kiss muna samin bago umalis. Nasaktan ko nga si Aisha. Pero nagbibiro
lang naman ako eh. Hay Rylie, bad joke.

"Tsk tsk. Ano kaya ginawa ni Drei kay Aish, no Rylie?" Tanong ni Lynne habang
umiiling iling pa at nakalagay yung cross pa yung arms.

"Kung ayaw sabihin satin ni Aisha, let's not force her. Basta, promise natin ha,
we'll always be here for her. Alam kong nasasaktan na yung babae na yun e. Amp.
Drei naman kasi!" Nag face palm ako. Tumawa naman si Lynne.

Waaa! Namimiss ko na si Tyler! Christmas party na at ang dami dami ng tao pero
simula kahapon, di ko pa siya nakikita. Baka ito na din ang last naming pagkikita
dahil bukas, bakasyon na. Ilang linggo din kaming di magkikita no. Nakakadepress
pala pag iniisip kong ang tagal naming hindi magkikita. Hayy. Ano ba Tyler,
magpakita ka naman oh. Ibibigay ko pa yung gift ko eh.

I texted him ---> WRU?! :( :))

He didn't reply! Tyler naman eh. Nananadya ka ba? Nagpapamiss ka ba? Effective eh!

"Huy!" Someone poked me kaya... "Ay butiki!" -_____-

Pag lingon ko sa gilid ko...

"Uy Josh, ikaw pala!" Hinampas ko siya pero mahina lang.

"I have a gift for you. Sorry and thank you gift. Okay lang ba?" Binigay niya sakin
yung box.
"Nakakahiya..." I look down.

"Magiging sobrang saya ko pag tinanggap mo 'to, Rylie. Promise!" Tumingin ako
sakanya at ngumiti. Ngiting uhmm, nahihiya. Tama! Ngiting nahihiya.

"Ehh? Sige na nga! Thank you!" I smiled sweetly sabay abot ng gift sa kamay niya.

"Teka wait, may ibibigay ako sayo!" Pinahawak ko muna sakanya yung box at may
kinuha ako sa bulsa ko...

"TADA!" Pinakita ko sakanya yung kitchain na gawa ko at inabot sa kamay niya.


Kinuha ko naman na yung box sakanya kasi baka mamaya, bawiin niya. LOL! Biro lang.

"Gawa mo 'to, Rylie?" He said with his amused face. I just nodded.

"May talent ka pala sa ganito ha, hindi ko alam."

"Thank you thank you! Tama na at baka lumaki ulo ko." We both laughed.

Nagulat naman ako kasi biglang lumapit si Tyler samin ng nakangiti. Ang gwapo gwapo
niya kahit naka-white v-neck shirt and jeans lang siya. Ang hot niya! Bakit ganito?
Naglalaway ako. Ito ba epekto ng 37 hours na hindi niya pagpansin sakin? Oo,
binilang ko talaga. May angal? Ha? Nakakainis eh. Tapos ngayon, ngayon... UGHHH!

Humawak siya sa waist ko.

"Hi, beautiful. Miss me?" He murmured. Nakiliti naman ako.

"Hindi. Mukha mo! Diyan ka na nga. Hmp." Aalis na sana ako pero lumingon ako kay
Josh.

"Josh! Thank you dito ah?" He smiled and nodded. "Thank you din dito." Tinaas niya
yung kitchain kaya lumaki yung mata ni Tyler. Ha! Dapat lang yan sayo, Tyler.
Muahaha! Joke!
Umalis na ko doon at kumuha ng tubig. Amp.

"Madami daw games na inihanda ngayon ah? Sasali ka ba?" Sabi ng nasa likod ko. Holy
cow! Sasali ba ko? Gusto ko sana pero nahihiya ako. Amp.

"Oo naman. Pera yung prize e!" Crap! Pera yung prize?! Ayoko pa din.

"Ano ba yung mga games?"

"Mostly kailangan ng pair. Hindi KJ yung mga teachers na nag organize nito. Mga
bata pa kasi. Anyway, yun nga. May newspaper dance, apple eating contest..." Umalis
na ko doon.

"Rylie! Rylie!" Si Aisha.

"Bakit? Bakit?" Tanong ko! :o

"Eeeh kasi. Eeeh kasi..." She looks like she's struggling.

"Ano? Ano?" Anong merooooon?

"Si Justin, kasi!" Nagpapanic na ko ah! Ano ba!

"ANO MERON KAY TYLER?!"

"Ano, pinagaagawan ng mga babae. Ayun oh!" Tinuro niya si Tyler. Sht. Oo nga!

Bakit nila pinagaagawan si Tyler ko? -_______-

Narinig ko pa yung isang babae...


"Noooo! He's my partner!"

Anong partner partner? Ako partner niya!

Naglakad ako papunta kay Tyler ng walang pakundangan at...

"ANONG PARTNER PARTNER PINAGSASABI NIYO." Nilakasan ko talaga boses ko ng bonggang


bongga para marinig lahat ng babae. Nilapitan ko si Tyler na nakaupo habang hawak
hawak siya ng mga babae. Amp. "Babe, akala ko ba partners forever? What happened?
Sino sila? Ano 'to?" I kissed his forehead. Muahahaha!

Halatang nagulat si Tyler at napatigil din lahat ng tao. Yung mga babae, nakahawak
pa din sa braso, kamay, at kung anu anong parte ng katawan ni Tyler pero gaya ng
lahat ng tao, napatigil din sila. Parang nafreeze ang mundo nilang lahat.

OH MY GOD. WHAT HAVE I DONE?! NAKAKAHIYA! >.<


####################################
CHAPTER 44 (Thank you lang?)
####################################

CHAPTER 44

Sa awa ng Diyos, bumitaw na ang mga babaeng daig pa ang tuko kung makakapit kay
Tyler at umalis na. Ang sama ng tingin nila sakin. Huhuhu! Kakatakot. Bakit ko ba
kasi ginawa yon e! Paano ako nagkaroon ng ganoong kalakas na loob? How?! Paano na
lang pag kinalbo nila ko paglabas ko o kaya naman... o kaya naman worse,
waaaaaaaaa!

Si Tyler naman, uhmm. Oh well, he looks so satisfied, surprised, shocked and


amused. Ughh. Ang saya saya pa niya ha? Ang saya saya pa niyang pinagaagawan siya
ng mga babae! To think na ang gaganda at ang sesexy pa nila. Huhuhu! Sabagay, sino
ba naman ako? </3
Katabi ko nga pala si Tyler ngayon. Actually, kaming dalawa lang yung nasa table na
'to. Ayaw ba nila kaming samahan? Err. Nahihiya na nga ako sa inasta ko kanina e.
=____=

"Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig no, PARTNER?" Umiling iling siya pero
grabe! He has a big big big grin on his face! Pusang kinalbo! He looks so satisdied
with himself. Epal! Huhuhu! Why did I do that? Whyyy?

"I missed you, Jamilah." He whispered. Omo! Kasing pula ko na siguro yung red shirt
ko. C'mon! It's Christmas! Bagay na bagay oh. Muahaha!

"Err. I missed you, too, Tyler. Pwede hug?" Ay biglang ganon? Hahaha! Mahiya ka
naman sa balat na tinalupan, Rylie! Ano daw? Sige nga, ano yung tinalupan? Ha?
Bakit ba lagi ko na lang pinapagalitan at kinakausap sarili ko? Pakiramdam ko
tuloy, anytime, mababaliw na ko.

Pinisil niya cheeks ko, "Aaaaw! Ang sakit!" Inalis ko yung kamay niya pero noong
bibitawan ko na yung kamay niya, lalo pa niyang hinigpitan yung pagkakahawak niya
sa kamay ko. Wow! Holding hands na kami. In fairness, namiss ko talaga si Tyler.

"Tyler, may gift ako sayo. Wait, kukunin ko lang. Na sa kabilang table e." Tatayo
na sana ako pero hinila niya ko pati yung upuan ko papalapit sakanya. Sht. Ano ba
'to. We're too close!

"Uyy. Ano bang ginagawa mo, Tyler?" Sinabi ko na medyo natatawa. Ngumiti lang siya.

"Baby, please don't go..." If I wake up tomorrow will you still be here? Muahaha!
Kumanta?! LOL! Nag sigh na lang ako at nag 'okay fine'. Yiiee. Pakipot pa eh
gustung gusto ko naman. Syempre, ganon talaga. Kailangan magpa-hard to get minsan.

Nagulat naman ako kasi bigla siyang sumimangot...

"Oh, anong mukha yan?" Tinaas ko isang kilay ko. May mood swings na naman ba 'tong
si Papa Tyler? Ene be nemen!

"I saw you earlier... with him." He pouted. Oooooh. Jelly jelly.
"Selos ka?" He nodded.

"Ano ka ba naman Tyler! Hahahaha!" Sabay hampas. Lalo pa siyang sumimangot. Oooops.
Patay! Ano bang sasabihin ko? Err.

"What's so funny?" OMG! He's serious?! O_O

"Saan ka ba kasi nagseselos? Be specific, please." I asked, bothered.

"Wala." Yumuko siya. Aww! Tampo na! Kaya ang ginawa ko, hinawakan ko yung both
cheeks niya at hinarap sakin para eye to eye na kami. Yiiee. Kilig na ko.

"Tyler, halos lahat ginawan ko ng kitchain. Christmas kaya? Iba yung sayo! Yun ba
yung pinuputok ng butchi mo diyan? Hmp. Ano ka ba naman! Wag ka ng magselos. Sus!
If I know, nagpapalambing ka lang." Tinaasan niya ko ng kilay. "Joke lang! Muahaha!
Sorry na. Uy!" Siniko siko ko siya pero wala siyang imik.

"Ewan ko sayo. Langya, ba't ba hindi kita matiis?!" I giggled tapos naramdaman kong
umakyat lahat ng dugong meron ako sa mukha ko noong nakita ko siyang ngumiti. And I
know it's because of me. Ang sarap ng feeling non diba? CLOUD 9!

"Pero kasi... Tara nga sa labas! Kailangan natin mag-usap." Ano pa bang dapat pag-
usapan? Okay na kami diba? Hayy. Don't tell me, hindi pa tapos world war 10 namin
ni Tyler? Amp. I don't want a fight! It's Christmas! Give love on Christmas day!

Hinawakan niya wrist ko pero noong tatayo na ako, biglang may tumawag samin...

"Rylie! Justin! Ano ba kayong dalawa. Tama na muna ang lambingan! Kanina pa kayo
tinatawag ng emcee! GAME na daw!" Sabay kaming tumingin ni Tyler sa hindi namin
kilala. Uhmm, ibang section ata? At yun nga, sabay din kaming tumingin ni Tyler sa
isa't isa. Halatang nagulat kami. Kanina pa kami tinatawag? Di nga?

"Pwede bang di na lang sumali?" Tanong ko habang si Tyler naman, ang sama ng tingin
sakin. Nyikes! Sinisisi ba niya ko? Waa! Leeeeeeeche! Kasalanan 'to ng mga babae
kanina eh. Kung di nila nilapitan si Tyler, di aatake yung adrenaline ko! Sht.
Hindi pwede! Tyler, please cooperate. Please? -___________-
"Hindi pwede! Agaw eksena ka kaya kanina! Hindi nila kayo palalampasin no! I
mean... namin! Muahaha! GAME NA! Ano? Ano? Dali!" Halatang excited si school mate!
Actually, mukhang type nga niya si Tyler. Eh sino bang hindi? Pshhh.

Mukha namang naiirita si Tyler pero noong tumingin na ulit siya sakin, nag smirk
siya tapos umakbay sakin. Ano ito? Whuuuut izzz ze meaning of thizz?

"Okay. Let's do this, partner. We can't afford to lose." He winked while grinning.
OMG! Makalaglag mmm! Oh sht. Oh sht. Oh sht. Tae tae tae! Leche leche! Craaaap!

"Tsk tsk." With matching iling pa yan ha. "Hay nako, Mr. Dela Cruz! Pag ako,
inatake sa puso, kasalanan mo. Wag ka ngang gumaganyan. Lalo akong naiinlove e."
Ha? Ano daw? Pakiulit?

At mas lalo siyang ngumiti. OMG! Nooooooo!

"Don't worry. Ikaw nga, matagal mo na kong inatake sa puso. Let's go, beautiful!"
Naglakad na siya na halatang masaya. Tama bang iwan ako? "Ano ba, ang bagal?! Ano
pa ba hinihintay mo, Jamilah? Next Christmas? Biyernes santo? All Saint's Day? Dali
na!" Amp. BIPOLAR! Binalikan niya ko, hinawakan yung kamay ko, at sabay na kaming
naglakad papuntang stage. Sorry. Speechless ako. Ayaw mag sink in sakin mga
nangyayari e. Sorry!

Noong game na, masyadong madaming nangyari para idetalye ko pa. Muahaha! Basta,
nanalo kami ni Tyler sa err. Ano na nga name ng game na yon? Ulyanin ako e. Basta,
yung sa parang kung gaano mo kakilala yung tao. Muahaha! In fairness, galing ni
Tyler.

Natalo nga lang kami sa apple eating contest pero nanalo kami sa newspaper dance.
Nagulat nga ako kasi binuhat ako ni Tyler na parang pangkasal. Sanay naman na ko na
binubuhat niya ko pero not in front of 1st-4th year highschool and teachers. Oh
well. It was only a game and muahaha, nanalo kami. I wasn't surprised though.
Duuuh! Si Justin Tyler Dela Cruz slash Mr. Perfect ba naman kasama ko?

Natapos na ang party ng mga uhmm anong oras na ba? Ayown! Quarter to 5! It's been a
looooong day for me. Ang daming nangyari. Sobrang saya ko kasi ang dami palang
nagmamahal sakin. Muahaha! Ang dami kasing nagbigay sakin ng gifts!

Syempre, nandoon na si Aisha, Lynne, Christian, at Brylle. Pero nagulat ako ng


bigla akong kausapin ni Ariza. Nag sorry siya and binigyan din niya ko ng sorry and
Christmas gift. Syempre, tinanggap ko naman yon. Binigyan din pala ako ni Gelo ng
gift, yung anak ko sa music club, remember him? And may mga iba pa. Ang sweet nga
ng music club officers eh. They also gave me a gift. Iba yung individual and
exchange gifts ha. Kaya ito, ang dami kong dala!

"Sooo, saan na tayo?" Nandito na kami sa sasakyan ni Tyler. Syempre, siya na naman
magddrive. Oh myy. He looks sooo... Hehehe! Alam niyo na yun eh. :"""">

Nauna na nga pala si Aisha samin kasi may gagawin pa daw siya. Si Lynne naman at
Brylle, muahaha! Alam na! Si Ariza at Christian, hmm. Mukhang okay naman na sila.
Err. Kami na lang naiwan ni Tyler! Ano naman gagawin namin ni Tyler? Don't tell me,
maguungguy ungguyan na naman kami?! Tae! Wala na ba kaming magawang matino? -
______-

"Keep quiet." Napakunot naman noo ko. Amp. What did I do?

"Hoy, Tyler! Sabihin mo nga, ano bang problema mo, ha?! Una, hindi ka nagparamdam.
Hindi ka pa nagrereply! Pangalawa, umaatake na naman yung SSS mo!!!"

"SSS?" Nag drive na siya.

"Sumpong! Ano ka ba! Hmp. Don't change the topic! Sagutin mo ko, whyyyy? Nalalabuan
na ko, ha. Hindi na kita magets." I crossed my arms with my chest.

"Una sa lahat, hindi ako nagpaparamdam sayo dahil gusto kong mamiss mo ko..."

"Tigil tigilan mo nga ako sa reason na yan, Tyler! Grabeeee ka! Gasgas na yan
pero... Ughh. Oo, namiss kita ng bonggang bongga! Pero kahit na, gasgas na yung
excuse mo na yan eh. Alam ko, hindi yan totoo." I pouted.

"Ughh. Malalaman mo din mamaya, okay? Wag kang atat. Pero seryoso, gusto kong
mamiss mo ko. Aaah! Takte, ang bading." Umiling iling siya. "Pangalawa, YOU! Bakit
mo siya binigyan ng gift? Bakit ka tumanggap ng regalo mula doon sa manlolokong
ahas na yon?! Nakalimutan mo na ba yung ginawa niya sayo? Langya. Concern lang
naman ako, Rylie. Malamang, mahal kita at- Ughhh! Nevermind. Nagiging cheesy ako ng
dahil sayo e. Badtrip!" Mukhang badtrip nga si Tyler but still...

"NO! Continue... Sige pa. Gusto ko pang marinig..." Gusto ko pang marinig si Tyler!
"Fine!" Dumidilim na pala. Golly! Huminto kami sa condo tapos sumakay sa elevator
hanggang sa makarating sa roof top. Juice ko! Ba't naman nandito kami?

"Why are we here?" I asked.

"Let's talk. You see, Jamilah. I'm pissed. Very very very pissed." He looks like my
dad when he's mad. Oh no!

"And why? Because you're jealous?" Unexpectedly, he nodded. Niloloko ko lang naman
siya ah. Bakit siya tumango? Omgsh. He's jealous? For real na ba? OMG lang?!
Tyler's jealous? He doesn't have to! Ano beeey!

"Why did you give him..."

I KISSED HIM.

TYLER: O____________O

Me: =^________^=

"Hindi mo naman kailangan magselos, Tyler. Una pa lang, alam mo na feelings ko


sayo. Sorry na kung binigyan ko siya ng kitchain. Ang bait lang kasi niya sakin
after noong nangyari. He already apologized, Tyler. You made me avoid him na nga e.
Binigyan niya lang ako ng gift kanina so... yun. Binigyan ko din siya." Dinilaan ko
siya.

"Itatapon ko na yung kitchain na binigay mo sakin. Ang dami ko palang kaparehas."


Sinimangutan ko siya."Joke lang!" Sus! Hindi ako tumatanggap ng joke!

"Hindi naman kasi parehas e. Yung sayo nga lang naiiba e! Hindi kaya ako natulog ng
1 week para i-design at gawin yung kitchain mo. Yer lucky!"

"Actually, hindi naman talaga dahil doon kung bakit ako nagiging ganito e. Josh is
your ex crush so meaning, there's a probability na... ewan. I'm not insenstive,
Rylie. I'm not dense! I know that he likes you. Well, the way he looks, moves,
whatever. I could see that! I'm not blind, Rylie. Tapos kanina, you were still
laughing...
Akala ko pag wala ako sa tabi mo, malulungkot ka kahit sandali pero hindi! I saw
you... sharing laughters with him. I hate it when you're sad but I hate it the most
when you laugh with other guys especially with that douchebag. I hate it when you
smile or even look at them, Rylie.

Shallow na kung shallow pero hindi ko naman alam na ganito ako kaseloso simula
noong dumating ka! Minsan nga, parang gusto na lang kita itago sa bag ko nang wala
ng makakita at makaagaw sayo...

Sorry na kung possessive kahit di pa naman tayo pero... Ughh. Ito yung nararamdaman
ko... Sinasabi ko lang para malaman mo. Sinasabi ko lang kasi I trust you. Alam
kong maiintindihan mo. Alam mo ba kung gaano kasakit makita yung mahal mo na may
katawanan na iba? Naisip ko na... Masaya ka naman pala kahit wala ako. Ang sakit
pala, tangina!

Kanina kasi, parang mas pinili mo siya. Nilapitan kita tapos parang di mo naman ako
namiss kahit konti. Ang sungit mo sakin habang siya, binalikan mo pa talaga para
lang mag thank you. How cool was that? How ironic was that?"

NOBELA! ESSAY! O_________________O

"W-w-wala akong masabi." Nakatulala lang ako sakanya. Gulat pa din.

"You don't have to say anything, actually. Gusto ko lang malaman mo na may basis
kung bakit ako nagkakaganito. You know what I mean. I know what you're thinking,
Rylie. Iniisip mo siguro, bipolar ako o may mood swings? I know you too well. Kaya
nga tayo nanalo sa 'how well do you know each other' kanina diba?" He smirked. Ang
yabang ni Tyler pero may point naman kasi siya.

"Pero Tyler... Sorry!" I hugged him, yung sobran higpit. Naluluha ako.

"Sorry... for what?"

"Sorry! I was being so selfish. Hindi ko man lang inisip yung nafifeel mo. Oo nga
naman! Kahit ako din yun, masasaktan ako. Magseselos ako. Pero Tyler, one thing's
for sure... Loyal na loyal ako sayo. As in bonggang bongga talaga. Kebs na kebs!"
Kinatok niya yung ulo ko.

"Aw. Ba't mo naman ginawa yon?"

"Baka kasi sakaling umayos yung structure ng utak mo pag naalog e kaso mukhang
imposible na. Acute na e. Wag kang magalala, hindi naman kita iiwan kahit gaano pa
kalala sakit mo sa utak e." Hinampas ko siya.
"Leche ka, Tyler!" Tumawa kaming dalawa.

Mga 7:48 nang dumating kami sa bahay nila Tyler. Syempre, sinalubong ako ng kambal.
May gift nga daw sila sakin kaso next time na lang daw nila ibibigay. Kailangan daw
kasi nilang ibalot yun. Ang kulit nga eh, nakakatuwa. Si Tyler naman, inis na inis
pa din kasi inaagaw ko daw mga kapatid niya sakanya. Behlat! Love talaga ako ng mga
bata e.

"Tara na, Rylie! Late na."

"KJ naman nito! Amp. Naglalaro pa kami e."

"Oo nga, Kuya Pat- Ooops!" Sabi ni Janine. Shocking Banana! Napataas yung kilay ni
Tyler.

"Kuya Pat?? Hmm. Sino yun?" Patay na! Jeez! Alam naman niya e. Amp. Ito na naman
tayo sa patrick na 'to. Nooooo! Nakakahiyaaaaaa!

"Ah eh-wala wala." Sabay na nagsalita yung kambal pero di sila makatingin kay
Tyler. Nakatingin lang ako sa kambal. Ayoko nga tumingin kay Tyler.

"Ah Tyler, alis na tayo. Bye, Janine! Bye, Jenine! Take care!"

"Bye, Ate Rylie! Balik ka-"

"Hoy hoy! Kambal, wag niyo nga akong pinagloloko. Ano na? Walang aalis!"
Nakakatakot naman si Tyler ee! -_______-

"Ate Rylie???" Mukhang natatakot na sila. Nag nod na lang ako...

"Ikaw yun, Kuya Justin! Napapasaya mo kasi si Ate Rylie kahit wala ka namang
ginagawa. Matalino ka nga lang. Hehe! Okay na ba? Tara na Jenine, akyat na tayo sa
taas. Bye, Ate Rylie!" At tumakbo na nga sila papunta sa taas. Kaming dalawa na
lang ni Tyler. Awkward meeen! Ngumiti naman si Tyler at hinila ako papalapit
sakanya. Nakahawak pa din kamay niya sa wrist ko. *LUNOOOOOK*

"Oh. Ba't ganyan itsura mo, Jamilah?" Oh myy. He called me Jamilah, again. Nakoooo!
Ano na naman ba 'to? Sineseduce na naman niya ko!!! "Bakit parang kinakabahan ka?
Tayong dalawa na-"

"Aaaaaaaaaaaaaah! Shoo! Shoo! Justin Tyler Dela Cruz! Are you seducing me?!" Mukha
namang nanlaki yung mata niya. Oh Lord. Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

"Am I, Jamilah Rylie Hao? I don't think so but..." Papalapit na naman siya ng
papalapit sakin, pastep backward lang din ako ng pastep backward.

"But???" I asked.

"But... Come here!" Hinila niya ko. Nakapikit lang ako pero nagulat ako ng bonggang
bongga noong may sinuot siya sa wrist ko. Sht! Ang ganda! Bracelet siya tapos may
nakalagay na monkey, omg pati si patrick. Tapos letter T symbolizes for Tyler
siguro tapos tapos tapos heart. Shocks! May 14344 din pero maliit lang! May iba
pang nakasabit eh pero ughhh. Ang gandaaaaa! Silver pa! Magkano naman kaya 'to? -
__________-

"A-ano 'to?" Tanong ko.

"Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nagkita."

"Ito ba?! Itapon na! Ito pala ang dahilan kung bakit-" Binatukan niya ko.

"ANO KA BA?! Customize yan no!" Halata naman ee.

I hugged him very very very tight!

"Oh. May bukas pa, Rylie."

"I love you I love you I love you!" I feel his smile on my head.
He kissed my hair...

"Thank you, Tyler! Thank you! Sorry and-" Hindi na natapos dahil hinalikan niya
ko... sa lips pero sadali lang.

"Shhh. Quiet! Ang ingay mo eh." Sabi niya habang tumatawa. Maluha luha na ko dito
dahil sa tuwa. OMG! Hindi pala maluha luha, lumuluha na ko. Pinunasan niya yung
luha ko tapos kiniss niya both eyes and both cheeks ko.

"Tama na iyak. Pumapangit ka lalo niyan e." Tinulak ko naman forehead niya.

"Siraaaaaaa! Pero Tyler, thank you!"

"Thank you lang?"

I kissed his lips softly, slowly, and passionately. Oh well, he kissed me back and
I can feel that he's still smiling. What a day! =^_________^=
####################################
CHAPTER 45 (DING DONG)
####################################

CHAPTER 45

LYNNE AGAPITO'S POV

Napakabagaaaal naman talaga ng dalawang yon! Ilang months na silang ughh. PAKIPOT!
TORPE! Nakakafrustrate! Pang 45 na chapter na 'to pero grabe, ang tagaaal nila!
Hindi pa din sila pero ehem, nagaaway, nagkakaselosan, naglalambingan, at kung anu
ano pa sila. DAIG PA NILA MAG JOWA! Ay. Nagsalita! Muahaha! Malapit ko ng sagutin
si Brylle, don't worry! ;))

Tapos na nga pala ang Christmas at New Year. Hayy. 1 week na din simula ng magstart
ang pasukan! Di ko pa nakikita si Aisha. Si Brylle naman, hindi ko pa din nakikita!
Bakit ba laging absent yung dalawa na yun? Yung love birds naman, nasa harapan ko.
Ang daldal ni Rylie! Si Justin naman, inaantok tapos pinapatigil siya sa
pagsasalita.
Hay nakooo! Speaking of, nawala bracelet ni Rylie na bigay ni Justin kaya ayun,
nagkasakit ang bruha kakahanap! Buti nga nahanap pa e. Burara talaga yon!

"Hoy, love birds!" Sabay silang tumalikod. Naglalakad kasi kami ngayon papunta sa
lockers. Uwian na kasi namin, yes!

JUSTIN & RYLIE: BAKIT?

"Nakita niyo ba si Aisha and Brylle?" Tumaas kilay nila at sabay na nagshrug.

OH TINGNAN NIYO! Lagi na kasi silang magkasama kaya pati ata pagiisip nila, parehas
na! Ang daming nangyayari sa isang araw pa lang pero itong dalawa na 'to! 7 MONTHS
na silang magkasama pero shet! HINDI PA DIN SILA! Okay, nagsalita na naman!!! EH
HINDI NAMAN TORPE SI BRYLLE NO! Ako lang talaga 'tong... err. Hindi naman sa
pakipot ah pero... eeeeh! Sige na nga! Pakipot na kung pakipot. Amp!

"Nasaan nga ba sila, Tyler?"

"Malay ko. Diba bestfriend mo yun?"

"Diba pinsan mo yun... TEKA-" Tumingin sila sakin.

JUSTIN AND RYLIE: DIBA BOYFRIEND MO SI BRYLLE? BA'T SAMIN MO HINAHANAP?! (Malakas
yung kay Rylie, mahina lang yung kay Justin)

"Ano ba kayong dalawa! Kambal na ba kayo, ha? Sige na bye na! Wala talaga akong
kaibigan na matino kausap." Umiling iling ako at umalis na.

JAMILAH RYLIE'S POV

"Ano nangyari kay Lynne?" Tanong ko habang nag aayos ng locker. Leche! Hindi ko
pala naayos yung locker ko. ANG GULO GULO! Nakakatakot! Ang weird na nga ng tingin
ni Tyler e.
"Ewan. Baka namimiss si Brylle." Bumalik na siya sa locker niya kaya syempre,
sumilip ako. Wooooow! Ang linis. Daig pa ko!

"Siguro nga. Bakit kaya laging absent yung dalawa na yun?" Nagulat si Tyler sakin
dahil ang lapit ko kaya ayun, napaatras siya.

"Nagsalita! Umabsent ka nga ng 3 days e. 1st day na 1st day. Tsk."

"NAGKASAKIT KAYA AKO!"

"Kakahanap ng bracelet. Diba sabi ko naman sayo, mas importante ka sa kahit na ano.
Hindi naman ako magagalit kung nawala mo yung bracelet. Understood naman na burara
at ulyanin ka. Buti mabait katulong niyo."

"Oo nga. Amp. Sorry na nga kasi! Ito na naman tayo e."

"Ang pasaway mo kasi." Tinulak niya noo ko gamit index finger niya kaya hinawakan
ko yung forehead ko. Hayayay.

Sinara na niya yung locker niya...

"Oh, dalin mo 'to." Pinahawak niya sakin yung bag niya at box. Ang gaan! Hamak na
mas mabigat bag ko pero... napakagentleman naman! Nagulat naman ako ng kunin niya
yung bag ko...

"Ako na magdadala ng bag mo. Sht. Mukhang mas mabigat pa sayo 'to e."

"H-ha? Akin na nga yan! Mabigat yan." Hindi niya ako pinansin at nagsimula ng
maglakad. Kainis 'to! Napakamoody! Sa umaga, sweet. Sa hapon, daig pa yung nanay
kong nagmemenopause. Minsan naman, baliktad! Ang laboooo!

Sinundan ko na si Tyler. Ano ba yan. Di bagay sakanya yung bag ko! Hindi naman siya
actually pambabae but err, sira sira na kasi and madumi. HIndi din naman sa
naghihirap na kami pero careless kasi ako at tamad ako bumili ng bago... you know!
Hehehe! :D
Sumabay na ako maglakad kay Tyler. Pinagtitinginan kami... or siya lang! :P

Mukhang nagkamali ata ako sa pagsabay ko sakanya kasi...

"Ano ba 'tong bag mo?! Lahat ba ng books ang notebooks mo inuuwi mo? Bakit bagpack
yung bag mo, para kang elem?" Nakayuko at nakapout lang ako. Grabe siya manermon!
Daig pa niya si mama! Shet na malagket! Nakakahiya!

"Tingnan mo sira sira pa yung bag mo atsaka ang dumi dumi. Ang yaman yaman mo eh."

"Sorry mahal na hari ah? Sa pagkakaalam ko kasi, bag ko yan. Hindi mo yan bag."

"Wag mo nga akong tawagin ng ganyan."

"Sorry po."

"Wag ka nga mag po."

"OPO!" Tiningnan niya ako ng masama. Eeeeep!

"Sabi ko nga Tyler. Ahehehe!"

Nandito na kami sa sasakyan nila. Amp. Nagpapahatid kasi si Tyler. Shet! Ang kapal
ng face no? Siya nga 'tong may sasakyan! Anong oras na naman kaya ako makakauwi
nito? Hayyy! Pag ako talaga napagalitaaan!

"Baba ka na."

"Sabi ko nga. Bawal ako mag tagal sa bahay niyo ah?"

"Tssss..."
"Tyler, papagalitan ako."

"Ako bahala."

Hay nako naman talaga. Kung di ko lang talaga... Hehehe!

"ATE RYYYLIIIIIEEE!" Sinalubong ako ng dalawang bulilits. HInug nila ako

"Ate, may bibigay ako sa'yo!"

"Talaga Janine? Ano yun?"

"Ateeee! Ako din may bibigay ako!"

Ang hahyper ah. Ready na ba sila sa pagdating ko at may mga gifts sila sa akin? Oo
nga pala! Sabi nila sakin noong Christmas party, may gift sila sakin pero kailangan
daw muna nilang ibalot. Ang sweet talaga!!! =^_______^=

Sabay na silang umakyat na parang naguunahan pa. Cute talagaaa! Gusto ko silang
amponin.

"Pwede ko ba silang amponin?"

"Malamang, hindi."

"Please?"

"Dapat ako din amponin mo, kung aamponin mo sila o kaya naman dito ka na lang
tumira para magkakasama tayong tatlo." He grinned. OMG! Sure, why not?! HAHAHA!

"So kailangan talaga, kasama ka?"


"Bakit? Hindi ako pwede humiwalay sa kambal." Ampness! Akala ko naman gusto niya
lang akong kasama! Shet! Masama na talaga mag assume!

"Ate Rylie!" Sabay nilang sinabi. Ay sinigaw pala.

"Sabay na namin ipapakita gift namin sa'yo ah?" Nasa likod kasi nila gift nila.

"1

TADA!"

Hinarap na nila!

"Thank you Janine and Jenine." Sabay hug syempre!

"Yay! I looove you Ate Rylie."

"I love you too. Ang sweet niyo naman, ano nakain niyong dalawa ngayon?"

"Hoy teka, ako din naman sweet ah?" Tinaasan ko lang ng isang kilay si Tyler! Amp!
Pagkatapos niya akong ipag-assume!!! How dare he!

"Ang cute niyo talaga! Sige, mauuna na ko ah? Bye! Mawawalan na ako ng bus eh."

"Babalik ka ate Rylie ah?"

"Oo namaaan."

"Talaga? Kailan?"
"Basta ba hinayaan ako ng kuya niyo na amponin kayo, why not?"

"Dapat nga kasama ako." Seryosong sabi niya. Taray!

"Yiiieee." Sabay yung kambal. SHET! Nagbblush na ata ako!

"Hindi ako pwede humiwalay sa inyo. Baka mamaya lasunin pa kayo ni Ate Rylie niyo."
HAY NAKO! Yan na naman siya!!!

"Nakooo kuya. Kunwari ka pa eh."

"Ba't ba ang dami niyong alam?! Pumunta na kayo sa kwarto niyo." Nagpacute silang
dalawa. Puppy face! Ang cuuuuute!

"NOW!" Kiniss ko silang dalawa tapos hinug nila ako then umakyat na sila sa kwarto
nila.

"Uy yung box at bag mo, naiwan sa sasakyan."

"Sige, mamaya na."

"Uy Tyler, kailangan ko na talaga umuwi."

"Kumain ka muna."

"Pe-"

"That's an order!"

"Fine." NANLILIGAW BA TALAGA SIYA?! T_____T


Pumunta na kami sa kitchen tapos nakita ko yung mga MASASARAP na pagkain sa dining
table.

"Woooooow! Para sa akin ba 'to? Nagready ba kayo sa pagdating ko?"

May sinigang na hipon, chicharon bulaklak, sisig, crispy pata, at kung anu ano pa.
Hahi blood-in ata ako nito.

"Hindi ah. Pero kung nagugutom ka na, sige sa'yo na lang."

DING DONG.

May nag door bell sa pinto. Malamang alangan naman sa floor. Rylie ano ba! Konting
common sense naman diyan!

"Ikaw na magbukas ng pinto." UTOS ni Tyler.

"Opo seniorito." I bowed.

"Sabing wag ako pinopo eh. Kung sana babe, honey, baby, o sweetie tinatawag mo sa
akin, matutuwa pa ko."

"May sinasabi ka?"

"WALA!'

Kinikilig sino? HAHAHAHA.

Pagbukas ko ng pinto...

"G-G-Good evening po?"


Parents ni Tyler!!! Alam kong hindi ako dapat kabahan pero walangya ka Tyler! Hindi
man lang ako nakapagready! Sabog itsura ko. Napakahaggard ko! Tapos, kinakabahan
ako kahit nameet ko naman na sila. Tang-eight 'o clock naman oh! Anak ng butiki!

SHET KA TYLER! HUMANDA KA TALAGA SAKIN MAMAYA!


####################################
CHAPTER 46 (Wag kang ganyan, baka masanay ako!)
####################################

CHAPTER 46

Maayos naman ang dinner ko kasama si Tyler at ang pamilya nito. Maayos naman to the
point na hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Hindi man lang ako nakapagprepare.
Huhuhu! Kainis ka, Tyler! Kainis! -___-

"Anak, kain ka pa." Yihess naman, anak na tawag sa akin oh. Kilig pwet!

After namin kumain, nag usap usap pa kami. Iniinterview nga ako eh. Haha! Ikamusta
ko daw sila sa parents ko. Omgsh, I wish! Eh hindi nga ako nagpaalam sa kanila na
gagabihin ako. Hindi ko naman kasi alam na ganito! Shems! T___T

"Teka teka, ano na pala balita sa inyo? Kayo na ba?" Tanong ng daddy niya. Tyler
just shrugged his shoulders kaya ako tuloy yung tiningnan ng parents niya...

"Ay eh-" Pero di pa man ako nakakasalita...

"Nakuuu anak, wag ka na mahiya. Gusto ka nga namin for our son eh." Ngumiti at
inakbayan ako ng mommy ni Tyler. Shet, kinikilig ako, di ako makapagsalita! :"o

"Pero-"

"Okay lang naman no. Hihi. Sige na Justin, hatid mo na si Rylie at baka hinahanap
na siya ng parents niya. Gabing gabi na pala."

Nagpaalam na ako sa kanila at grabe, sobrang bait talaga! Nagpabaon pa ng pagkain


para daw sa family ko. OMG! Wala akong masabi! Saan ba nagmana si Tyler? Well,
mabait naman siya minsan pero madalas, mataray. Nadaig ang pagkababae ko 'te! >_<

Pagdating namin ng sasakyan...

"Ang bait ng parents mo, kainis!" Sabay hampas sa kanya.

"Saan pa ba ko magmamana?" He smirked.

"Whoaaa, wala na bang ikakapal pa mukha mo?" He shrugged his shoulders.

"Seat belt, Jamilah." Ikakabit ko na sana yung seat belt pero inunahan niya ko.
Siya ang nag seat belt sa akin. Ang baaaaaango! Nagulat na lang ako kasi hinalikan
niya noo ko. Hindi pa din siya bumabalik sa pwesto niya at magkalapit pa din mukha
namin...

"A-ano m-meron?" Bakit ang sweet sweet?

"Are you happy?" Tanong niya.


"Oo naman! Why shouldn't I be happy?"

"W-wala." Tumingin siya sa harapan niya at nag drive na siya.

Weird naman!

Pagdating namin sa bahay...

"We're here," He said, poker face.

"Thank you, Tyler! Sobrang mag-iingat ka please."

"Can I kiss you?" Tanong niya na ikinagulat ko naman ng bonggang bongga. Hala, ano
ba nangyayari? Kinakabahan ako ee.

"Ah eh-" Hindi natuloy sasabihin ko dahil hinalikan niya ko pero smack lang.

"Uhmm ano-eh-hehehe s-si-sige! B-bye Tyler!" Natawa naman si Tyler. Medyo nakahinga
ako dahil sa pagtawa niya, in fairness. Geeesh!

"Ano ka ba, chill ka lang. Haha! Sige na, mag-iingat ka."

"Ako? Mag-iingat ako eh isang step na lang, nasa loob na ko ng bahay. BAKA IKAW!
Sige na Tyler, bye na! Take care!" Bakit ang tagal namin mag bye? -____-

"Teka, dallin mo yung box at bag. Sayo na yan. Wag ka ng magtanong. Basta dalin mo
na lang, okay?" Tumango ako at kinuha ko na yung box at bag niya. Ang dami kong
dala dahil na din sa gifts ng kambal at yung pabaon ng parents ni Tyler.

Speaking of gifts, alam niyo ba kung ano niregalo sa akin ng music club? Sobrang
saya ko kasi binigay nila sa akin yung original copy ng performance nila. Sobrang
gagaling! I'm sooo proud kahit di naman ako kumakanta. Hehe!

"Thank you!" I kissed his cheeks at bumaba na. Gusto ko sanang itanong kung ano
laman ng box at bag kaso wag na daw ako magtanong so yan na lang. Achuchu,
nakachansing pa ko! Woohoo! Kasoooo, lagot ako sa nanay at tatay ko >,<

WAIT NGA! HINDI KO TALAGA MAPIGILAN HINDI MAG TANONG!

Pumunta ako sa side niya at kinatok yung window kaya naman binaba niya ito. Gwapo
naman ng view! Hehehehe!

"WAIT TYLER, ANO BA GAGAWIN KO SA BOX NA 'TO? Baka mamaya may ipis 'to o daga o
kaya naman BUTIKI! Tyler ah..." Tinaas niya kilay niya.

"Sa tingin mo ba, kaya kong gawin sayo yun?" Oo nga naman!!!

"Ehhh, eh ano naman gagawin ko sa bag?" I faked a smile. Baka kasi magalit eh.
Kinakabahan ako kasi ang dami kong tanong.

"Diba ang dami mong absences? Nandiyan na lahat ng homeworks pati ibang lectures.
May seatworks na din. Don't worry, may sagot na yan." O_______O

"May binigay na si Aisha sa akin ah?"

"Kumpleto ba?" Tanong niya na parang ako na ang pinakatangang nilalang sa mundo
pero syempre, OA lang ako. Hehehe!
"Hindi... Hindi ko alam." Tinulak niya noo ko gamit index finger niya kaya napa-
pout ako, "Yun naman pala eh. Sige na, pumasok ka na."

"T-talaga? Papasok na ko?" Bakit ba ayoko pa pumasok?

Natawa siya, "Lutang ka ba? Pumasok ka na. Gusto mo bang mapagalitan?"

Nanlaki mata ko sa sinabi niya, "SHT OO NGA NO?! KAINIS KA BAKIT NGAYON MO LANG
SINABI SAKIN? SIGE NA TYLER, BYE!" Sabay halik sa lips at tumakbo na kahit madami
akong dala. Muahahaha! Naka-score ako!

Nandito na ako sa gate at sinusian ito. Tae, kinakabahan ako. Sobra! Kung nandito
lang sana si Achi, mas madali kasi may kakampi ako pero wala siya eh. Huhu!

Pagpasok ko sa loob ng bahay...

"MAMA! PAPA! NANDITO NA ANG MAGALING NIYONG ANAK!" Si mama at papa, nakaupo sa
sofa.

"JAMILAH RYLIE HAO."

Si papa. Galit na sila sa akin.

"Jamilah, bakit ba kasi ang late mo umuwi!" Sabi ko sabay tadyak ng paa ko sa
floor.

Nagulat ata sila sa akin. Sige Rylie, ipagpatuloy mo lang yan.

"Masasapok ko na sarili ko. Ang late ko ng umuwi! Hindi ko man lang ba inisip yung
parents ko kung nagaalala sila? Hindi man lang ako nagpaalam o nagtext."

Nakataas lang yung kilay ni mama at papa. Shet, patay na talaga! Baka hindi na ako
palabasin ng bahay. Baka hindi na ako pag-aralin. Baka... Baka... Baka... Hindi na
kami magkita ni Tyler forever.

"Hay nako talagang bata ka Jamilah! Ang tigas tigas talaga ng ulo ko!" Kinatok ko
yung ulo ko, "Next time hindi na mauulit! Next time? Ha! Wala ng next time. Hindi
ka na pwedeng gabihin. Sige, mama at papa, mauna na ko sa kwarto ko ah?"

Tatakbo na sana ako papuntang kwarto nang nagsalita si Mama at Papa.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Bakit ang aga mo nga pala umuwi?"

"Haaaaa?" Anong pinagsasabi nila?

"Diba nagtext ka sa amin? Tapos tinawagan pa kami ni son-in-law."

NEVER AKO NAGTEXT. SWEEAAR! TEKA...

"Son-in-law?"

"Si Tyler."

"Ay pinapabigay nga po pala ng dad and mom ni Tyler. Si Mrs. Georgina and Mr.
Gregorio Dela Cruz. Sige. Pati na rin po si Tyler."

Inabot ko sakanila yung tinake out ko.

"Pakisabi maraming salamat."

"Friends daw kayo?"

"Hindi mo ba sila naaalala?"

"Hindi. Sino po ba sila? Kaano ano niyo po sila?"

"Hay. Sige na matulog ko na. Goodnight."

Bineso beso ko na sila tapos dumiretso na ako sa room ko. Binuksan ko na yung gift
ni Janine. WOW! Painting niya 'to. Dito siya nanalo ng 1st place. Hindi siya ganun
kaganda pero para sa elementary na katulad niya, MAGANDA siya.

Yung kay Jenine naman...

Naman! Kinikilig ako. STUFF TOY na PATRICK! Favorite niya 'to eh! Grabe, ang
sasarap naman nila maging kapatid.

LAST ONE...

Binuksan ko na yung box.

SLING BAG!

Kaya pala todo lait si Tyler sa bag ko kanina. Akala ko kung anong box na eh.
Talagang binalot pa. Shems! Ano ba nakain nila ngayon?

At bakit...

BAKIT ANG SWEET NIYA NGAYON?

(HAY NAKO TYLER! WAG KANG GANYAN, BAKA MASANAY AKO! SIGE KA, MAMAYA HINDI NA KITA
PAKAWALAN, PAGSISISIHIN MO PA! HEHEHE!)

-SABI NAMAN SA INYO EH! Mahilig talaga ako manood ng kung anu ano.

Naaapektuhan tuloy pati pagiisip ko! >.<


####################################
CHAPTER 47 (OMG!)
####################################

(3-10 chapters na lang! Woohoo, party party! \(^____^)/)

CHAPTER 47

"Uy, gusto mo pa ba?" Hindi siya nagsasalita at naiiyak na din ako.

Nitong mga nakaraang linggo, ang cold sa akin ni Tyler. January na at sasagutin ko
na sana siya sa 13 kaso ito na naman. Hindi ko alam kung ano ang problema. Pero
nitong mga nakaraang linggo, nakikita ko din sila ni Janylin na madalas na
magkasama.

Pero alam niyo ang pinakamasakit?

Nandoon lang ako pero hindi niya ako pinapansin...

"Ano ba yung problema natin?"

"Layuan mo na ako. Ayaw na kita makitang nasasaktan."

"Mas nasasaktan nga ako sa ginagawa mo e."

Umalis na ako. Umiyak ako ng umiyak. Ang sakit! Dahil ba 'to kay Janylin? Bakit
parang ang bilis ng pangyayari? Parang kailan lang ang sweet sweet niya sa akin.
Binigyan pa ko ng sling bag at pinakilala sa parents niya.

Ano nangyari? Wala akong kaalam alam. Dati hindi ako makapaniwala na mahal niya
ako. Pero ngayon, hindi rin ako makapaniwala na nangyayari 'to. Naipinaparamdam
niya sa akin na hindi na niya ako mahal. Ang sakit

Hindi naman ako nasaktan ng ganito sa mga ex ko ah?!

Dahil ba siya lang ang pinagkatiwalaan at minahal ko ng ganito?! Mahal? Mahal ko


nga ba siya Tyler? Tangsht oo!

"Uy Rylie, bakit badtrip si Tyler?" Tanong sa akin ni Aisha. In fairness, pumasok
siya ngayon pero may napapansin akong nag iba eh. Iba talaga!

"Tanong mo sa magaling mong Pinsan!"

Umalis na naman ako doon. Alam ko naiipit na siya sa amin. Pero ang hirap naman
kasi e. Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. Ako ang nililigawan pero ako ang
nanghahabol. Sht. Ang pangit tingnan.

Uwian na sa wakas...

Tuluy tuloy ako sa kwarto, binuksan yung wi'fi at binuksan ko yung laptop. Naglabas
muna ako ng saloobin kay Tumblr tapos chineck ko yung notifications ko sa TTalk.
Wow naman! Active na active si Lynne sa story niyang Recycled Hearts. Inspired
siguro dahil kay Brylle. Kailan kaya niya sasagutin yun? Kawawang lalaki. Pero why
not? Maganda naman si Lynne. Kapag pinakawalan niya yun, siya ang mawawalan.
Hahaha!

Wala na akong magawa. Facebook pa pala!

May 10 friend requests ako, puro hindi ko kilala kahit ang daming mutual friends.
Pero may isang nag caught ng attention ko.

Sht. Si Laurence Fiasco?! Sht talaga!

*Flaaaaashback*

"Hoy panget!"

"Sino panget?"

"Sino pa ba? Ede ikaw! Wahahahaha!"


"Ang sama sama mo talaga!"

Then my knight in shining armor came. Hay.

SI JT! <3

*end of the flashback*

Aaccept ko ba? Magagawa ko bang tanggapin ang lalaking sumira sa lovelife ko?!

"HOY! NAGDEDAYDREAMING KA NA NAMAN DIYAN?!"

"Achi naman e! Napakasadista mo talaga!" Batuhin daw ba ako ng unan. Kasalanan ko


ba kung hindi ko maitago yung feelings ko? Speaking of. Andiyan pala siya.

"Kailan ka pa nandito sa kwarto ko?"

"FYI. This is our room. Share share diba? Medyo kanina pa. Lalim kasi ng iniisip mo
e. Parang kinikilig kilig ka pa kanina. Tapos ngayon naman, sisima-simangot ka
diyan?!"

"E sa kinikilig ako sa story ni Lynne e. Try mong basahin yung Recycled Hearts!
Hahaha! Sumimangot naman ako dahil inadd ako ni Laurence."

"Laurence Sy?"

"Ano ba! Hindi yung ex mo! Laurence Fiasco! Yung lalaking sumira ng love life ko."

"Ang landi landi mo talaga. Diba ikaw yung sasali ng Search sa school niyo?"

"Ayaw ko nga e. Pero I have no choice. Si Sir and yung classmates namin yung namili
e. Nakakainis. Sure talo na ko dun." Yun yung beauty contest sa nalalapit na
Foundation day. Golly geez.

"Ang nega mo kasi kaya hindi ka nananalo e. Tingnan mo ako."

"Yabang mo talaga."

"Pero seryoso, maganda ka naman at matalino. Maliit nga lang pero may mas maliit pa
naman sayo no! Kaya mo yan! Ako bahala sa mga susuot mo at sa make up artist mo."
Fashionista kasi yung ate ko e. Kung icocompare mo sa akin, walang wala ako. Ganito
nga pala ako ka-nega. Ganito talaga ako.

"Excited na ko para sayo!"

"Ay ako hindi!"

Habang nagbobrowse ako sa FB. Bigla kong naclick yung profile ni Tyler. 1st time ko
siyang nakita na nagopen ng FB ah. As in. Pero ang nakalagay sa wall niya...

JANYLIN: Hey Tyler. See you tomorrow. Yung pinag-usapan natin ah. Kaya mo yan!

At kailan pa nagpatawag ng Tyler si Justin sa ibang tao? Or baka naman hindi na


ibang tao si Janylin sa kanya. TANGSHT ANG SAKIT WAAA! I HATE THIS FEELING!
JUSTIN: Alright. Thanks Janylin.

Wait. Meron pang nag post sa wall ni Tyler.

Quote

ALEXA: Take care of HER.

Hindi nagreply si Tyler.

Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako nilalayuan ni Tyler?

Dahil gusto na ba niya si Janylin o binablackmail lang siya ni Alexa? Pero bakit
naman take care of her? Sinong her? Ang guloooo!

Nagtext si Tyler sa akin, as if on cue.

TYLER: Sorry.

Hindi ko na nireplyan. Wala ako sa mood.

May one new notification pala ako.

Tinag ako ng mommy niya sa limang pictures? Hehehe, oo friends na kami ng parents
niya. Sosyal nga eh kasi may facebook parents niya eh yung parents ko ba? Ayun,
ginagamit lang ang computer para sa trabaho. Wait nga, check ko na yung pictures...

Wala talaga akong natatandaan may picture kami...

Hmm...

Pagkabukas ko...

OMG!
####################################
CHAPTER 48 (ANO BANG DAPAT KONG GAWIN?!)
####################################

OMG!

Nagulat ako sa nakita ko. Sobra! Sobra! Sobra!


Tinawagan ko si Aisha kaso hindi ko siya macontact. Tinext ko sila mama at papa
pero hindi sila nagrereply. Bakit di naman nila sinabi sa akin?! Alam naman pala
nila!

"Bakit ka ba nagpapanic diyan? Ha?"

"Achi, look!"

Pinakita ko sakanya yung pictures na tinag ng mommy niya.

"What the heck?! Sht. Paano nangyari 'to?"

"Hindi ko alam." Tumulo yung luha ko... SA SAYA!

Si TJ, yung kababata ko at si Tyler, yung mahal ko. Iisa! Bakit ngayon pa nangyari
'to kung kailan naman nagkakalabuan kami kahit hindi pa kami.

Oo, alam ni Achi. Alam nilang lahat na hinahanap hanap ko pa din si JT. Naccurious
ako kung na nangyayari o kung ano na itsura niya. Kung minsan nga, pag nagsusulat
ako ng stories, dinededicate ko sa kanya o siya mismo yung character. Adik ba?

Oh well.

"Achi, ang tagal ko siyang hinintay. Sobra! Akala ko hindi ko na siya makikita."

"Shh. Don't cry. Ang importante nakita mo na siya. Nakasama mo pa!"

"Yun nga e. Hindi ko alam kung magkakaayos pa kami. Nitong mga nakaraang linggo,
ang cold cold niya sa akin."

"Gusto mo resbakan natin?!"

"No. Please. I'll do everything para magkaayos kami."

"Sure. Basta wag kang magpapakatanga sa lalaking yan ah. Pag niloko ka, sabihin mo
sa akin. AKO PAPATAY DIYAN!"

"Achi naman e. Sige. Aalis na ko. Babye!"

Nandito ako ngayon sa bus. Kailangan ko siyang puntahan. Naaalala ko pa noon, yung
first meeting namin yung inaaway ako ni Laurence. Tapos dumating siya. Simula nun,
lagi na kaming naglalaro sa playground hanggang sa pati parents namin, naging
friends na din. Lagi ko sakanilang kinikwento si Tyler. Hindi ko alam na Tyler yung
pangalan niya. JT kasi yung tawag ko sakanya dati. Tapos TJ naman tawag niya sa
akin. Bakit ngayon ko lang nalaman lahat ng 'to?

Yung last meeting naman namin,

"JT! JT! Tara sakay tayo doon"

Tinuro ko yung anchor's away. I'm afraid of heights kasi feeling ko mahuhulog ako
atsaka bumabaliktad sikmura ko.

"Sige, tara!"

Pumayag siya. Sumakay kami sa anchor's away at kung saan saan pa. Ang saya saya
ko. Akala niya siguro natatakot ako pero hindi. Pag kasama ko siya pakiramdam ko,
lagi akong safe. Umiiyak ako dahil lilipat na ako ng school.

"JT, diba nagpromise ka na pag matanda na tayo, magkasama pa din tayo."

"Oo naman!"

"Soooorry ha?"

"Bakit ka naman nagsosorry?"

"Basta sorry. Mahal kita TJ. Friends forever and ever haa?"

Tapos nag hug kami.

Kinabukasan, lumipat na ako ng school. Nabankrupt kasi yung company na


pinagtatrabahuhan ni papa. Kulang na kami sa pera. Ayaw ko magpaalam kay JT. Alam
ko kasi na magkikita pa kami. Hahanapin ko siya, kahit anong mangyari pag laki ko.

Kaya nung pumunta kami nila Tyler dun sa Enchanted Kingdom kasama sila Christian at
yung kambal, lumalayo ako sakanya dahil ayaw kong makita niya na malungkot ako.

By the way, nakabawi na kami ngayon. May job na si papa pati na rin si mama.

Nandito na ako sa gate nila Tyler. Inhale. Exhale. Mga hundred times na ako
nagiinhale exhale. Ugh.

Pinagiisipan ko kung magdodoorbell ako. Err. Baka kasi nakalimutan na niya ako e.

May naalala akong sinabi ni Christian,

"Since grade 4 pa. Actually, crush nga niya si Justin nun e. Best friend ko naman
siya. Tapos hanggang sa nainlove ako sakanya at nainlove na siya kay Justin kaso
may ibang gusto si Justin nung grade 2 pa. Hindi naman sa gusto gusto. Uhmm parang
hinihintay ba? Pero totoong naging crush kita nung 2nd yr."

Err. Sige na nga! Go for the Diamond!

Nagdoorbell na ako sa gate...

"Hello po. Nandiyan po ba si Tyler?"

"Wala siya e. Sige pasok ka muna. Kanina pa siya umalis e."

Pumunta ako sa mismong house nila. Nagdoorbell naman ako.

"Hello po."

Tumakbo yung kambal...

Yinakap nila ako.

"ATE RYLIE!"

"Hi Janine. Hi Jenine. Saan nagpunta si Kuya niyo?"

Nakatahimik lang sila. Tapos nagbubungguan. May tinatago ba sila sa akin?


"Sino kasama ng kuya niyo?"

"Eeeeh kasi po. Si Kuya umalis kasama yung babae. Mabait yung babae atsaka maganda.
Pero ikaw pa din gusto namin para kuya ate!"

"Jenine! Maganda? Mabait? NO WAY! Walang tatalo kay Ate Rylie!" Sabi ni Janine.

"Ah. Oo nga!" Sagot ni Jenine.

"Sige sige. Dalawin ko na lang ulit kayo next time ha? May pupuntahan lang ako.
Thank you." Yinakap nila ako tapos umalis na din.

Cinontact ko si Tyler. Sympre, meron ding sumagot. Sht.

"Hello. Who's this?" Tanong ng babae, sabi na nga ba!

"Hi. I'm Rylie. May I know who's this?"

"Ah-eh. Oh R-r-rylie. I-ikaw pala yan." Si Janulyn 'to, di ako pwedeng magkamali.

Wala bang signal sa place kung nasaan siya o sadyang kinakabahan lang talaga siya?

"Nasaan kayo?" Mahinahon kong sinabi habang tumutulo yung luha ko.

"N-nasa bahay namin."

Tinanong ko yung address. Sinabi niya sa akin. Alam ko ang kapal ng mukha ko para
puntahan si Tyler pero hindi ko alam. Basta! Ito yung sinasabi ng isip at puso ko?

Kumatok ako. May nagbukas ng pinto.

"Rylie? Bakit ka nandito?" Si Tyler.

"Are you mad at me?" Hindi siya makatingin sa mata ko...

"No?"

"Bakit mo ako iniiwasan?"

"H-h-hindi naman kita iniiwasan ah."

"Look at me."

"Why are you here?" Tanong niya, lecheeee!

"Sasabihin ko lang sana sayo na- Sht." Napatingin ako sa picture at kitchain na
hawak hawak ni Tyler. Yun yung mga ninakaw sa akin ni Alexa. Bakit na sakanya yan?

"Alam mo na?"

"Oo. Alam ko na kung sino yung matagal kong hinihintay. Masaya ka ba para sa akin?"

"Sino?" Tanong ko na kinakabahan.

"Si Janylin." And there, gumuho ang mundo! End of the world na. BYE!

"Paano mo alam?"

"Yung picture namin nung bata siya pati yung kitchain na binigay ko sakanya. Kaya
pala siya lumipat ng school dahil nawalan ng job yung daddy niya. Kinailangan niya
lumipat sa mas murang school. Hindi pala niya ako iniwan. Hindi pa din niya
nakakalimutan na tawagin akong JT. Janilyn pala pangalan niya. Kaya pala nung
nagpunta siya sa EK, nalungkot siya dahil naaalala niya ako. Nalungkot din ako
dahil naaalala ko siya. I finally found her."

Tumulo yung luha ko dahil sa lungkot. Napakasakit.

"Oh, bakit ka umiiyak?"

Ang saya saya niya habang kinikwento niya yun. Paano nalaman ni Janylin lahat ng
yun?

SHT. Yung diary ko, nabasa ni Alexa! Wth?! Pero bakit naman nasama si Janilyn?

Plano lahat 'to ni Alexa.

Binasa niya yung diary ko kaya pala pinunit niya yun para wala akong proof na ako
yung kababata ni Tyler. Alam niya lahat.

Bakit ngayon ko lang naisip 'to?

"Rylie, why are you crying?" Tanong niya. COMMON SENSE, PLEASE?

"Sinungaling siya, Tyler."

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Sinungaling siya! Tyler, ako si TJ. Diba nga idol mo pa nga si Trisha Jayne? Kaya
yun yung tawag mo sa akin?"

"Paano mo nalaman yun? Ano bang nangyayari sayo?"

"Tyler, listen to me. Ako si TJ."

"What are you saying Rylie? Atsaka kung ikaw si TJ, bakit ngayon mo lang sinabi sa
akin lahat ng 'to?"

"Janylin, sabihin mo sakanya ako TJ. Hindi ikaw!"

"Ano bang sinasabi mo Rylie. Ako si TJ. Una pa lang, gusto ko na siya. Simula nung
ipagtanggol niya ako sa umaaway sa akin." Gusto kong sumabunot!!!

"SIGE! ANO PANGALAN NG UMAAWAY SAYO?!"

"Sa AKIN? Inamin mo din na hindi ikaw si TJ. Come on Rylie. Please don't do this."
OH MY, BAKIT SIYA GANYAN? DIBA MABAIT SIYA?!

"Tyler, ako pa din ba?" Nakayuko kong tanong.

"Rylie, ikaw ang mahal ko. Pero sa ginawa mong 'to. Hindi ko na alam kung kaya ko
pang maging tayo. Ay. Hindi nga pala tayo."

"Hindi ako maganda. Hindi rin ako sexy gaya ni Janylin. Hindi ako kasing talino ni
Janylin at kasing mature niya. 'mas' siya sa lahat. Pero sorry Tyler. Hindi din ako
sinungaling katulad niya. Kung hindi mo na kaya pang maging tayo at kung hindi mo
rin ako kayang paniwalaan. Hindi ko na rin alam kung dapat pa kitang mahalin!"

Tumakbo ako.
"Jamilah, wait."

Umiiyak ako. Bakit ko ba sinasayang ang luha ko sa lalaking nagdududa kung dapat pa
maging kami. Hindi nga kami pero mahal ko siya. Mas pinaniniwalaan pa niya yung
sinungaling na yun. Ngayon ko lang 'to naramdaman sa buong buhay ko.

Umuulan na. Gabi na rin. Wala na akong makitang dumadaan na Jeep at tricycle.
Kailangan ko pang mag bus. Ang layo pa ng bahay namin at nahihilo na din ako. Saan
ba ko dapat pumunta? Wala akong kakilala dito.

Gumitna ako sa daan. Umupo ako at yumuko na parang bata. Ang sakit sakit. Hindi ko
mapigil yung luha ko kahit na gusto ko na itigil yung pag-iyak ko. Palamig na ng
palamig.

ANO BANG DAPAT KONG GAWIN?!


####################################
CHAPTER 49 (Okay, nakapagdecide na ko.)
####################################

CHAPTER 49

Bakit ko pa kasi nasabi sakanya na di ko alam kung dapat ko siya mahalin?

"Sht!" Sinuntok ko yung wall.

"Alam mo, walang mangyayari kung susuntukin mo yan. Di ka naman susuntukin niyan
pabalik. Magmumukha ka lang tanga."

"Hindi ko na alam dapat kong gawin Janilyn. Gusto ko siya layuan dahil alam kong
hindi siya titigilan ni Alexa. Kinausap ako ni Aisha, ayaw daw tigilan ni Alexa si
Rylie. Kinausap ko si Alexa, hinding hindi daw niya titigilan si Rylie hanggang di
ako lumalayo sakanya. Gusto ko na siyang layuan pero hindi sa ganitong paraan..."

"Sundan mo si Rylie."

"Dapat naniwala na lang ako sakanya. Tang!na! Hindi ko na alam kung sino
paniniwalaan ko sa inyo." Sumakay na ako sa car at umalis na ako sa bahay nila
Janilyn.

Tinawagan ko si Rylie pero busy. I called Aisha, busy din. I called Lynne, di daw
niya alam. Last chance na 'to. Kapag wala, hahanapin ko siya!

"Ate, Si Tyler po 'to. Nandiyan po ba si Rylie? Gabi na po kasi at wala na rin pong
dumadaan na bus or jeep."

"Ah. Umalis kanina pa. Pinuntahan ka."

"Sige, thank you." Binaba ko na yung phone. Sht. Saan ba yun nagpunta? Ang lakas na
ng ulan! Jamilah, nasaan ka ba!?

*BEEEEEEEP*

May kotse sa harapan ko na biglang pumreno. Muntik na kaming magkabanggan konting


konti na lang! Bumaba ako ng kotse kaya bumaba na rin siya.

"Ano problema boss?"


"Pasensya na pate. May babae kasing nakahiga sa gitna ng kalsada. Ang lakas pa
naman ng ulan ngayon. Buti na lang nakita ko. Muntikan na kasing masagasaan..."

Pinuntahan ko yung babae...

"Rylie!" Binuksan niya yung mata niya. Half open.

"Magkakilala kayo?"

"Girlfriend ko manong. Sige ho, salamat!" Binuhat ko siya at pinasok sa likod ng


kotse para makahiga siya. Pero bago ko pa isara yung pinto, hinawakan niya yung
kamay ko...

"Wag mo akong iwan." Sinabi niya habang nakapikit...

"I won't leave you. Hahatid na kita sa inyo, nagaalala na parents mo."

"Di ka ba nagaalala?"

"Sobra..."

"Mahal mo ba ako?"

"Sobra..."

"Bakit di ka naniniwala?" Tumulo luha niya.

Tumabi ako sakanya then I hugged her tightly. Yung parang hindi na siya makakawala
kahit kailan. I love her. Sobra! Pero bakit nagdadalawang isip ako kung sino
paniniwalaan ko?

"Kahit naman si Janilyn yung friend ko dati at matagal kong hinintay, ikaw ang
mahal ko."

"Di ka pa din pala naniniwala." Binitiwan niya ako. Tumulo na naman luha niya. Mas
masakit pag nakikita mo yung mahal mo na umiiyak dahil sayo.

Pumunta na ako sa driver's seat at cinontact ko yung ate niya.

"Hello Tyler? Nahanap mo na ba si Jamilah? Nagaalala na pati si mama at papa."

"Nahanap ko na po siya. Basang basa siya ng ulan."

"Sige. Gabi na, sa inyo muna patulugin si Jamilah kung pwede? Baka mapahamak pa
kayo. Malapit lang naman bahay niyo diyan diba?"
"Sige. Ako po bahala."

"Sige Salamat." Ibaba ko na sana pero...

"Wait up- Tyler, I trust you. Please take care of my sister."

"Don't worry. I love your sister. Thank you for trusting me." Binaba na niya yung
phone at nag drive na ako. Nakarating kami sa bahay. Tulog na siguro yung kambal,
wala din pala si mommy at daddy. Tulog na si Manang. Paano ko bibihisan si Rylie?!

"Rylie, wake up. Kailangan mong magbihis kung hindi magkakasakit ka!" Nakapikit
lang siya. Nakakunot pa yung noo. Kumuha ako ng damit sa cabinet nila mommy.
Mapayat naman si mommy kaso matangkad. Kasya na siguro 'to.

Paano ko siya bibihisan?

Lumapit ako sa tenga ni Rylie, "Jamilah, come on! Wake up."

"Ayoko." Nagsalubong yung kilay niya. The fudge Rylie?! Hanggang sa pagtulog ba
naman, stubborn ka pa din?

Hinawakan ko yung neck and forehead niya and I was right, nilalagnat nga siya.
Sobrang taas! Kumuha ako ng towel, water, and basin. Pinunasan ko siya tapos kumuha
ako ng malaking damit sa cabinet ko, para maging dress pag sinuot niya. Hindi ko na
siya kailangan bihisan ng panjama.

Gagawin ko 'to para kay Rylie. WALANG MALISYA!

Pinaupo ko si Rylie at pinatalikod para wala akong makita. Teka...

Pinatay ko yung ilaw. Ang fail! Takte. Binuksan ko ulit.

Paano ba 'to?! Kailangan ko pang gisingin si Manang?!

Fine. ito na!


YES! SUCCESS! PINAGPAWISAN AKO! T@NG!N@!

Binaba ko na yung basin at towel. Nagluto ako ng soup, kumuha ako ng warm water at
medicine. Nilagay ko muna sa table tapos bumaba ulit. Nilaban ko yung towel at
pinalitan ko ng tubig yung basin. Umakyat na uli ako sa taas...

Pinaupo ko si Rylie at sinubuan ko ng soup. Pinainom ko siya ng tubig at gamot.


Then saka ko siya pinahiga at pinunasan gamit yung towel.

Nagpalit na ako ng damit. Kumuha ako ng upuan at tinabi ko sa bed ni Rylie este bed
ko kung saan nakahiga si Rylie.

I kissed her forehead...

"Sorry babe, I love you."

Gusto kong magalit kay Rylie dahil pinagalala niya kami at pinabayaan niya sarili
niya. Paano kung masagasaan nga siya? Hindi ko alam gagawin ko.

Umupo na ako. Dumukdok ako sa bed ko na hinihigaan ni Rylie at nagisip ng kung


anong pwedeng gawin. Wala akong pakielam kung sino si TJ. I just want to love and
take care of Rylie. That's all...

"I love you, Tyler."

Okay, nakapagdecide na ko.


####################################
CHAPTER 50 (If that's what you want)
####################################

CHAPTER 50
Tulog pa din si Rylie. Ang taas kasi ng lagnat niya.

Tinext ako ni Janilyn.

Justin, check your facebook asap. I pm-ed you.

Binuksan ko yung laptop at tiningnan agad yung facebook ko. Ano ba yung sobrang
importante na message na yun?

Binuksan ko yung message niya.

Justin Tyler Dela Cruz, I am Janilyn, Janilyn, and only Janilyn. I'm not TJ nor
Rylie. I'm sorry. I lied to you because Alexa told me so. Sobrang nakokonsensya na
ako. Hindi ko sinadyang masaktan ka at si Rylie. Pinuntahan ako ni Alexa. Sinabi
niya sa akin na magpanggap daw akong si TJ. Grabe yung babaeng yun, obsessed kung
obsessed.

Hindi ako pumayag pero may sinabi siya sa akin kaya napapayag niya ako. Sinabi niya
sa akin lahat lahat ng information. Sa diary yata ni Rylie yun nakuha? Sorry
talaga! Sobrang obsessed sayo si Alexa. Sobra! Too much of everything is bad. Alexa
loves you very much but in a bad way. Justin, kahit anong gawin sa akin ni Alexa,
don't worry. Wala kang kasalanan. This is my decision. This is my choice. Basta
kahit anong gawin at sabihin ni Rylie, paniwalaan mo siya.

PS: Check your notifications. Alam kong hindi ka nagoopen ng FB mo.

PS ulit: I like Josh. Please don't tell anyooone.

Chineck ko yung facebook ko.

Tinag ako ni mommy sa pictures ko nung bata pa ako. Nasa swing kami ni TJ tapos
nakaholding hands. Grabe ang bata pa, holding hands na? Sabagay, wala namang
malisya yun kasi bata pa naman talaga kami.

Nakatag din doon si Rylie. So alam pala ni mommy at daddy na si Rylie yung
childhood playmate or friend ko. Kaya pala ganun na lang nila i-welcome si Rylie at
ganun na lang din ako i-welcome ng parents ni Rylie.

Pinagluto ko si Rylie ng breakfast niya. Mainit pa din siya. Kasalanan ko 'to


lahat! Nilagay ko sa table pagkain niya at nagsulat ng note sa tabi.

Get well soon. Eat your breakfast! Sorry and I love you.

I texted Alexa. Magkita daw kami sa school namin dati. Nagmadali ako. Sobrang
desperate na ako. I really love Rylie. Nagsisisi akong hindi ko siya pinaniwalaan
pero half, hindi kasi kung yun lang ang way para layuan siya ni Alexa... Okay lang.

Ayoko na siya makitang nasasaktan...

Pero mukhang mas nasasaktan siya ginagawa ko eh.

"Justin!" She hugged me.

"Alexa, please?" Inalis ko siya sa pagkakayakap sa akin.

"What?! I love you!"


"I love Rylie. Ang immature mo, alam mo yun?! Kung sakaling maging tayo, hindi ka
rin magiging masaya dahil hindi ikaw ang mahal ko. Lalong hindi rin ako magiging
masaya Alexa! Mahal na mahal ko si Rylie. Ano bang kailangan kong gawin para layuan
mo siya?! Para tigilan mo na kami?!"

"Simple lang." She smirked.

"Ano?"

"Sabihin mong ayaw mo sakanya. Sabihin mong gusto mo si Janilyn?"

"Pag sinabi ko ba yan, titigilan mo na kami?"

"Maybe?"

"Oo. Gusto ko nga si Janilyn! Maganda, matalino, at mabait. Si Rylie? Careless,


Clumsy, Ulyanin, at mahina masyado. Ayoko sa ugali at kilos niya. Gustung gusto ako
ni Aisha para sakanya kaya pinilit niya ako makipagdare sakanya..." Nag smirk si
Alexa. Hindi pa din siya titigil, alam ko.

"Kinikwento siya ni Aisha sa akin before pa kami mag meet. Masyado siyang soft.
Madaling maawa, sobrang bait."

*FLASHBACK*

"Justin, naaalala mo pa ba yung kinikwento ko sayo dati? Yung bestfriend ko?"

"Bakit? Ano na naman nangayri sakanya?"

"Niloko na naman siya!"

"Na namaaaaan?!"

"Oo. Guess what?"

"What?"

"Pinatawad na niya ngayon. Sabi niya sa akin, masaya siya dahil masaya si Jake sa
iba. Masyado siyang mabait no? Gusto talaga kita para sakanya. Alam ko naman na
hindi mo siya sasaktan. Pinsan kaya kita, alam kong matino ka kahit papano!"

*END OF THE FLASHBACK*

"Inis na inis ako sakanya dahil hindi man lang siya lumaban. Kaya naman pala
naaabuso kasi hindi siya lumalaban. Lumipat ako ng school Hanggang sa nakilala ko
na siya nung 1st day of class sa school namin, hindi ko pa alam na siya si Rylie.
Badtrip ako nun at mas lalo pa akong nabadtrip dahil sakanya."

*FLASHBACK*

Badtrip na badtrip ako dahil akala ko late na ako. Tapos nag away pa yung kambal.
Ito pang babae na nasa harap ko, kanina ko pa pinapatabi, ayaw tumabi!

"Miss, ano ba! Excuse me sabi eh. Bingi ka ba?" Napatingin siya sa akin. She looks
familiar.
"Ha?"

Baka bingi talaga to?

"Sabi ko EXCUSE ME! Kanina pa ko nageexcuse. Bingi ka ba?"

Nakatulala lang siya sa akin.

"ANO KA BA?!"

"Ay butiki!"

Pinipigilan kong tumawa. Butiki pala ah.

"Sorry po. Sorry talaga!"

"Tabi nga diyan, di ko makita yung listahan eh. Nakaharang ka."

Badtrip na nga, gagatungan pa leche!

"Section I ka din? 4th yr ka din?"

Tatanungin niya ako kung section I ako e hindi ko pa nga nakikita yung listahan e.
Tae talaga! Nasaan ba ang common sense nitong babae na 'to?

"Paki mo. Malay ko, di ko pa nakikita diba? ALIS!"

Bago pa man siya umalis nagdagsaan na yung mga tao kaya naipit kami.

*END OF THE FLASHBACK*

"Naiinis ako sakanya pero hindi ko magawang magalit. Sobrang bait kasi. Lalo na
nung pinagpustahan siya ng mga lalaki na yun, l@ngya! Di man lang siya lumaban o
gumanti. Kaya ang ginawa ko..."

*FLASHBACK*

Hinatak ko siya.

"Saan *sob* ba *sob* tayo *sob* pupunta? *sob*"

Nakarating kami sa corridor malapit sa front gate tapos pinaupo ko siya sa bench.
Umupo din ako.

"Oh." Inabot ko yung panyo sakanya saka siya suminga. Hindi ko alam kung matatawa
ko o maaawa.

"Ano bang problema mo?!"

"Ha? Bakit?" Umiiyak pa din siya.

"Bakit ka nagpapaG@GO sa mga G@gong yun?!"

"Ang Tanga ko ba? Alam ko naman yun eh."

"Alam mo naman pala eh."

"Hindi ko naman kasi alam na lolokohin nila ako. Hindi ko rin alam na magkakaibigan
sila."

"After 3 years? Hindi mo pa din alam?! Tanga ka ba o bulag ka lang talaga?!"

"Parehas?"

"Leche naman oh." Susugurin ko na yung mga lalaki pero pigilan niya ako.

"Bakit ka ba masyadong apektado. Hindi naman ikaw ang naloko. Ako naman diba?"
Napatigil ako.

"May kapatid ka ba? Kung kapatid ko niloko ng tatlong lalaki at malapit ulit
maloko, mapapatay ko yung mga G@GO na yun!"

"Sorry na. Salamat ah. Ito na panyo mo oh." Hindi pa din ako tumitigil kakaiyak.

"Salamat ka diyan! Sa'yo na yan. H'wag ka na ngang umiyak. Kundi ka ba naman


pumayag na maging kayo eh. Pinagpasa-pasahan ka nila. Baka nga easy to get ka lang
talaga katulad ng sinabi nila. Kasalanan mo din yan."

"Oo na! Tanga ako. Bulag ako! Ano pa ba? Manhid? Ano pa? Butiki. Ano pa? Easy to
get. Ano pa? Leche. Lahat na! Kasalanan ko kung bakit nila ko pinaglalaruan kasi
nga madali akong maniwala! Dahil naniniwala akong may matinong lalaki. Yung hindi
ako sasaktan."

"Tandaan mo. Wala ka sa teleserye. Hindi ka artista. Sa mundong ito, konti na lang
ang matitino."

"Konti? Wala na! Wala na! Maski ikaw. Kawawa naman yung babae kanina. Hirap na
hirap sa paghahanap sa'yo tapos ikaw pinagtataguan mo lang? Bakit hindi mo sakanya
sabihin yung totoo para layuan ka niya, diba? Hindi yung pinagtataguan mo siya."

"T@kte naman! Gusto mo ba talaga malaman ang totoo?!"

"Sino bang T@ng@ ang ayaw malaman ang katotohanan?"

*END OF THE FLASHBACK*

"Pinagtanggol ka niya Alexa dahil hindi niya alam ang totoo. Hindi niya alam na
break na tayo at ayoko sayo. Hindi niya ako kilala... NOON. Nakita ko kayong
papalapit pati na rin yung mga lalaking ginawa siyang laruan. That was why i kissed
her. Gusto kong malaman nila na may nagmamahal kay Rylie. Babae siya and her heart
is very fragile. She is fragile."

Tumulo yung luha ni Alexa.

"Rylie is very lucky."

"Yung sinabi ko kanina na careless siya? Oo, totoo yun. Makahawak lang siya ng
importanteng bagay, its either mawawala, matatapunan, makakalimutan niya kung saan
nakalagay o masisira. One time nga pinahawak ko sakanya yung phone ko. Sabi ko
sakanya wag niyang ibabagsak. Hindi nga nabagsak, natapunan naman. Pero alam mo ba?
Nagsorry siya sa akin at ngumiti. Tapos pag uwi ko sa bahay. Nakita ko yung
cellphone niya sa bag ko. Pinalit niya yung cellphone niya sa cellphone ko na
nabasa niya. Nakita ko yung notebook ko na may sulat na 'Sorry, ang clumsy ko.'"

"What's your point?"

"Love is sacrifice. Kung mahal mo talaga ako, magiging masaya ka para sa akin."
Napayuko si Alexa.

"Clumsy siya. Sobra! Tumawid nga kami nun sa highway. Nadapa siya gitna ng daan
dahil may maliit na bato na nakaharang. Inabot ko yung kamay ko pero hindi niya
tinanggap. Nag sorry siya sa driver na muntik ng bumangga sakanya. Nag sorry siya
sa akin dahil hindi siya nagiingat."

"What's your point this time?"

"If you love me, kaya mong lunukin yung pride or ego mo. Kahit hindi mo kasalanan,
magsosorry ka dahil ayaw mong magaway kayo." Tumutulo na naman luha ni Alexa.

"Napakaulyanin niya. Namisplace niya yung necklace na binigay ko sakanya. Hindi ako
nagalit sakanya dahil alam ko naman na hindi niya sinasadya. Alam mo yung ginawa
niya, hindi siya tumigil sa paghahanap kahit na nagkasakit na siya. Nahanap niya
yung necklace."

"Saan nakalagay?"

"Sa bulsa ng uniform niya. Buti na lang mabait yung katulong nila at sinoli yung
necklace."

"Tapos?"

*FLASHBACK*

"BAKIT KASI HINDI MO INAALAGAAN SARILI MO?! NAGKASAKIT KA TULOY! DAPAT HINDI MO NA
LANG HINANAP YUNG NECKLACE! KAYA KO NAMAN BUMILI NUN ULIT PARA SAYO!"

She hugged me.

"Sorry dahil pinagalala kita. Hinding hindi ko na iwawala 'to. Ayoko na ibili mo
ako ng bago dahil lang nawala ko. Ayoko bumili ka ng bago dahil lang sa kasalanan
ko. May sentimental value 'to no! Pati alam ko na sasaya ka dahil di ko nawala
necklace na binigay mo. Please wag ka ng magalit sa akin?"

*END OF THE FLASHBACK*

"Again, what's your point?"

"Imbis na magsorry siya dahil nawala niya yung necklace, nagsorry siya dahil
pinagalala niya ko. Kakahanap kasi ng necklace na binigay ko, nagkasakit siya. If
you love me, hindi mo iisipin yung sarili mo. Iisipin mo kung ano o sino ang
nakakapagpasaya sa mahal mo."

"So, you mean.."

"Tama yung iniisip mo. Never niyang inisip sarili niya, kaaway niya o hindi, mahal
niya o hindi, kakakilala lang niya o matagal na niyang kakilala. Lagi na lang niya
iniisip kung ano ang mararamdaman at makakabuti sa ibang tao kahit sobrang
nasasaktan na siya. Ibibigay niya lahat kahit wala ng matira sakanya. Kahit na
pinunit mo yung diary niya at binasa siya sa CR, never niyang sinabi sa akin dahil
ayaw niya akong mag alala at ayaw niyang masaktan kita. Ayaw niya akong magalit
sayo."

Umiyak si Alexa.

"Paano mo alam?"
"Sabi ni Aisha sa akin ayaw daw pasabi ni Rylie. Pinapasundan mo daw kami. Sinabi
yun ni Aisha dahil yun daw kasi ang sa tingin niyang tama, kahit magalit pa sakanya
si Rylie. Masyado ng nasasaktan si Rylie. Pupuntahan ko na sana siya kaso tinext
naman ako ni Janilyn. Sinabi niya na siya yung nawawala kong childhood friend. Yung
matagal kong hinintay. Pinuntahan ako ni Rylie sa bahay nila Janilyn. Sinabi niya
na siya si TJ. Hindi ko alam kung sino yung paniniwalaan ko nun pero pinili ko si
Janilyn. Inisip kong baka yun na din yung way para layuan niya ako at tigilan mo
siya. Kaso hindi. Lalo ko lang siyang nasaktan."

"Pero sabi mo hindi mo siya gusto diba?"

"Hindi nga. Pati ikaw ang may sabi na sabihin kong hindi ko siya gusto. I don't
like her. I don't love her. I'm crazily in love with her. I can sacrifice my
happiness just for her even though she's my happiness. Kaya kung ayaw mo pa din
kaming tigilan, gagawin ko ang lahat ng gusto mo, tigilan mo lang siya."

"I sacrificed everything for you Justin."

"No, you sacrificed everything just to get me. You sacrificed everything just to
get your happiness."

"Was I selfish?"

" Yes."

"But I love you more than everything."

"How can you love me when you can't even love yourself. And no. You love me in a
wrong way. Love is not what you think, Alexa. Love is not all about you."

"Then what is love?"

"Love is Jamilah Rylie Hao. I'm in love with her but I don't know why. I'm in love
with her and I don't know how much I love her. I'm in love with her that I can't
even define the word love anymore because I don't want to question my love for her.
I thought love is blind? But I can see her clearly and I know what i'm doing. I
thought love is selfish? But I can give everything for her. I thought love is
unfair? How come I love her fairly? I thought I can define and measure it. I was
wrong. And Jamilah? Jamilah is not smart but she taught me how to love."

"You're so cheesy." She's crying while laughing.

"Hindi ko kinakahiya si Jamilah. I don't care kung cheesy ako. I don't care kung
ano man sabihin niyo. I just wanna prove to all of you especially to her that I'm
in love with her."

"What do you want me to do?"

"I want you to stay away from us." Yumuko ako, "Kahit na lumuhod ako sa harapan mo
ngayon."

"No, you don't have to kneel down, Justin. Hindi pa nag sisink in sakin lahat ng
sinabi mo but medyo natauhan na ko. Wala nga yata talaga akong laban," She sighed,
"If that's what you want, Justin. I'll sacrifice my happiness just to make you
happy."

I looked at her shoulders. Hindi ako makatingin sa mata niya...

"Thanks for telling me this and I'm sorry but I just want to let you know that I
love you. I still love you, Tyler." Then she hugged me.
####################################
CHAPTER 51 (Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa)
####################################

CHAPTER 51

Nakakalungkot isipin na yung taong mahal mo, yun pa ang hindi maniniwala sayo.
Nasaktan ako ng sobra sobra. Sobra sobra sobra talaga! Akala ko kasi siya na.
Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Pero ngayon lang din ako nasaktan ng ganito.
Mas masakit kesa pagpustahan ka ng tatlong lalaki. Hindi ko naman kasi talaga sila
minahal but I did like them. Akala ko lang mahal ko sila kasi ang sweet nila sakin.
Masyado lang akong nasabik. Masyado lang akong inosente. Masyado akong immature.
Masyado akong... BATA.

Handa na akong tapusin kung ano ang meron samin. Ayoko na. Hindi ko na kaya.
Masakit na masyado. Wala pala siyang tiwala sa akin. Kahit malaman niya yung totoo,
andun pa din yung sakit. Andun pa din yung katotohanan na una pa lang, di na siya
naniniwala sa akin. Hindi niya ako kayang paniwalaan. Paano pa kaya pag huli na?
Baka mas masaktan lang ako, diba?

Tanggap ko ng hindi ako importante para sakanya...

*FLASHBACK*

Habang nasa mall kami, aksidenteng napindot ko yung contacts ni Tyler...

"Teka, bakit pala may A.. sa unahan yung ibang names sa contacts mo."

"Kasi yung may mga A.., yun yung mga taong importante sakin."

*END OF THE FLASHBACK*

Aaminin ko, sobrang nalungkot ako. Pero hinayaan ko na lang. Ayoko ng gawing big
deal. Baka isipin niya, isip bata ako. Pero ang sakit.

Dumilat na ako. Nahihilo ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang init ko. Ang sakit ng
puso ko. Nasaan ako? Bakit ganito damit ko? SINO NAGBIHIS SA AKIN?! Ang bango.
Damit 'to ni Tyler ah?

Tumayo na ako. Aalis na sana ako pero may nakita akong pagkain! Wala akong gana
kumain. Wala talaga! May nakita din akong papel. May nakasulat...

Get well soon. Eat your breakfast, Jamilah! Sorry and I love you.

-JT

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Matutuwa dahil naniniwala na siya sa
akin o malulungkot dahil alam kong nakokonsensya lang siya. Hindi ko man matandaan
yung nangyari kagabi pero alam kong may nangyaring masama. Ba't ba kasi wala akong
matandaan?!

Bumaba ako at nakita ko si Manang.


"Hi Manang."

"Hi iha. Bakit ganyan yung damit mo? Saan ka natulog? Ooops."

Hindi si manang ang nagbihis sa akin? Baka naman yung mommy ni Tyler.

"Yung parents po ni Tyler?"

"Ah. Nasa ibang bansa sila."

Shoot. Si Tyler ang nagbihis sa akin! Nakita na siguro niya ang... YOU KNOW! Yung
alam niyo na, yung matagal ko ng iniingatan! T___T

JOKE LANG! May tiwala naman ako kay Tyler. Siya lang naman kasi ang walang tiwala
sa akin. Hay. Kakainin ko na nga lang yung hinanda niyang pagkain. Hihintayin ko
siya dumating dito sa bahay nila.

Fast forward ---> Gabi na. Hindi ako makaalis sa bahay dahil una, lowbat ako at
ayaw nila ako pahiramin ng charger. Pangalawa, dahil sa damit ko. Baka mapahamak
naman ako pag nag bus ako ng ganito ang damit dibaaa?! Baka isipin pa niya mama,
ano e. Ay nakoo!

Dumating na si Tyler. Define awkward. Di kami nagtitinginan. Bakit ako titingin


sakanya? Ayoko nga! Baka tumulo lang luha ko. Isipin pa niya, nababaliw ako.

"Oh." May inabot siya sa aking paper bag. Hindi pa din niya ako tinitingnan. Hindi
ko rin siya tinitingnan dahil nakatingin ako sa paper bag. Naalala ko tuloy nung
nasa mall kami.

*FLASHBACK*

"Oh." May inabot siyang paper bag...

"Ano yan?" Tanong ko.

"Bumili ako ng damit. Obvious ba?"

"Para saan?"

"Diba tinapunan ka ng juice ni Alexa?"

"Ah- paano mo alam?"

"Sinabi ng mga lalaking kasama mo kanina."

"Sino sila?"

"Dali na! Magpalit ka na."

"Ikaw bumili nito?"

"Oo nga. Magbihis ka na nga! Dali na!"

Yinakap ko siya at umiyak ako. Ay hindi pala. Humagulgol pala ako. Wala akong
pakielam kung madami bang nakatingin sa amin. Nagulat siya sa ginawa ko, sino ba
naman kasing hindi magugulat doon?
"Hey. Bakit?" Tanong niya ng mahinahon pero nagtataka...

"Sorry." So friends niya yung mga guys kanina na ayaw ako paalisin? Pinapahanap ako
ni Tyler? Grabe. Touched ako ng sobra! I feel sorry din kasi napagsalitaan ko na
naman siya ng masama. Bakit ba kasi ang pikon ko masyado eh.

Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko.

"Teka R-" Hindi na niya natuloy sasabihin niya...

"Sorry umalis ako. Sorry naabala ko pa mga kaibigan mo. Sorry kasi napikon ako.
Sorry kung napagalala ko kayo. Sorry talaga." Kasalanan ko naman talaga eh T___T

"Teka nga, wala ka namang dapat ipagsorry eh."

Inalis niya yung yakap ko at hinawakan niya ko sa shoulders ko.

"Ako ang dapat magsorry." Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Bakit ganito
siya makatingin?

"H-h-ha?"

"Una sa lahat, ako ang may dahilan kung bakit ka nasampal."

Hinawakan niya yung mukha ko.

"Tingnan mo tuloy, namumula na mukha mo." Hinahawakan pa din niya mukha ko.

He wiped my tears.

"Pangalawa, sabi ko ipagtatanggol kita. Pero hindi kita naipagtanggol."

"Dahil wala ka sa tabi ko. Kasalanan ko naman eh. Umalis ako. Sorry!"

"Pangatlo, ako din naman ang may kasalanan kung bakit ka umalis. Sumobra ata
pambabara ko eh."

"Hindi. OA lang talaga ako. Sorry ah."

"Sawa na ko sa sorry mo. Atsaka pwede ba, wag mong masyadong i-down sarili mo."

"Salamat. Sorry."

Tumulo luha ko.

Yinakap naman niya ako.

"Tahan na. Hindi ka na ulit mahahawakan ng babae na yun. Humanda siya,"

"H-ha? Ano gagawin mo?" Umalis ako sa yakap.

"Basta! Wait, saan ba bahay niyo? Hatid na kita."

"Wag na! Basa ka na rin eh. Sorry ah. Ito oh, gamitin mo na yung damit na binili
mo."

"Wag na! Bili na lang ulit tayo."


"Pero wala akong pera."

"Ako na bahala."

Pumunta kami sa isang store.

May nakita akong shirt. Ang ganda.

"Sir, ma'am. Buy one take one po for 300 pesos only"

Only? Wala nga akong pera tapos only? Ang yaman naman ng saleslady! Nilalang lang
yung 300 pesos T__T Sorry, desperada lang yata ako magkapera.

"Ano to? Couples tee?" Tanong ni Tyler.

"Yes sir. Last na po to. Limited edition po kasi."

"Sige, bibilin namin." Sabi niya.

WHAT?! Siya na nga ang nagbayad ng Mcdo namin, siya pa nagbayad ng Tshirt. 2 shirts
na pala yung nabibili niya sakin. Bale 3 shirts na kasi kasama na yung sakanya.
Yung totoo, gaano ba kalaki allowance niya?

"Wag na, ang mahal." Sabi ko.

"Ngayon lang to."

"Sabi mo eh!" Yun na lang nasabi ko dahil wala na akong masabi.

"Tingnan mo oh, gwapo ng lalaki. Sayang may girlfriend na."

Napangiti ako sa narinig ko.

"Ikaw lang ang babae na nakangiti pa din pagkatapos masampal, matapunan at


mapahiya."

Sumimangot ako. Masama na bang ngumiti ngayon?

"Salamat ah. Babayaran na lang kita. Dami mo ng nagastos dahil sakin." Sabi ko
naman. Nakakahiya naman kung di ko siya babayaran no.

"Wag na." At hinatak na nga niya ako papuntang cr.

Pumasok na ako sa women's at siya naman sa men's. Malamang! At yun nga, nagbihis na
kami.

Pagkalabas ko, nagulat ako kasi nakita ko siya na nakasandal sa wall at nakalagay
yung isang paa sa pader. Malapit siya sa door ng women's comfort room. Grabe,
aatakihin yata ako sa puso...

"Ang tagal mo naman." Sabi niya.

"Haba ng pila eh." Sabi ko. Totoo naman eh, madami talaga yung nakapila. Siksikan
na nga sa loob eh. Buti maganda yung CR...

"Sige na tara na!"Sabi niya pero wala pa ding expression. Cool, huh?

"Okay." Sabi ko. Inakbayan naman niya ako kaya nagulat ako.
*END OF THE FLASHBACK*

Naligo na ako...

Tae naman! Bakit ang iksi ng binili niyang damit? Di naman ako nagsusuot ng ganito.
Mas maiksi pa 'to kesa t-shirt kanina. Nananadya ba siya? Alam naman niyang ayoko
ng maiiksing damit. Tapos ang taas pa ng heels. So pinamumukha niya sa akin na
maliit ako?! Ugh. Anak ng toknene nga naman! Puro peklat pa naman ako T____T

Tinali ko na yung buhok ko tapos cinlip ko yung bangs. Wala e. Ang laki ng paper
bag pero kumpleto! Pati toothbrush meron! Pati sabon, make up, twalya. Aba! Ang
arte ng lalaki na 'to. Gusto yata may sarili akong gamit dito sa bahay nila.
(hehehehe)

Teka, may make-up ako? Gusto niyang mag make-up ako?! Fine. Naglagay ako ng konting
make-up. Konti lang naman e. Saan ba kami pupunta? Err.

Lumabas na ako...

"WOOOAAAAAAAH! O_O"

Nanlaki mata ni Jenine, Janine, pati mata ni Manang. Napangiti tuloy ako.

"WOOOOOOOOOOAAAAAAAAAAAAH!"

Mas lumaki pa mata nila. Ano ba yan, ngumiti lang naman ako ah.

"ATE RYLIE. ABA! NAPAKAGANDA MO NAMAN!" Sabi ni Jenine.

"OO NGA ATE! SHOOOCKS!" Sabi ni Janine habang nanlalaki yung mata nila.

"GOSH RYLIE! OO NGA!" Ano ba yan, pati si mamang nakikigosh na din.

"ATE RYLIE, MUKHA KANG BARBIE!"

"KAMUKHA MO NA SI KIM CHUY." Si Manang talaga! Hindi ko alam kung nagsasarcastic o


talagang di alam yung apilido ni Kim Chiu eh. Kim Chuy T____T

"Ate Rylie, sumakay ka na sa kotse. Hinihintay ka ni kuya."

"Huh? Saan?"

"Basta ate, lumabas ka na! Pumunta ka na sa kotse."

Lumabas na ako at wala akong nakitang Tyler sa labas. Hindi naman ako nagagalit
sakanya. Di naman niya kasalanan kung bakit hindi siya naniniwala sa akin pero
masakit lang kasi talaga. </3

"Manong si Tyler po?"

"Sumakay na lang po kayo Ma'am."

"Ano baaaaa manong! Wag mo kong tawaging ma'am."

Pinagbuksan ako ni manong ng kotse...

Gusto ko sanang sabihin na, manong may kamay po ako. Kaso nakakahiya naman. Hahaha!

"Saan po ba tayo pupunta?"


"Secret."

"Nasaan po si Tyler?"

"Secret."

"Ano po pangalan niyo?"

"Secret."

"Saan ho kayo nakatira?"

"Secret."

"Sa secret po? Saan po yun?"

"Secret."

Okaaay. Ayoko ng magsalita!

Nakarating na kami sa wakas. Pinagbuksan na naman ako ni manong ng kotse. Sasakay


na sana ulit siya sa kotse pero...

"Manong, paano po ako?" Tanong ko na halatang shocked.

"Sundan mo lang yung ilaw pate" Kumindat pa si manong. Buti naman hindi na secret
yung sinabi niya diba?

"Nagsawa na po kayo sa secret?"

"Hahaha, secret!" TAE SI MANOOOONG!

Sumakay na siya sa kotse at iniwanan ako. Tae naman, manong! Nakakatakot. Niloloko
ba ako ni manong? Wala namang ilaw eh. Naiiyak na ko sa sobrang takot. Tapos ang
tahimik pa. May naririnig ako, pero sht. Ayoko na! Babalik na sana ako pero
napakadilim kaya! Walang ilaw, as in wala!

SCARY SHT. MAMAYA SEMENTERYO 'TO EH!

"Tyler?" Tanong ko. Hehe, sorry umaasa lang.

K. Walang nagsasalita!

Napansin kong may bumukas na ilaw. Pero isa lang! Pumunta ako doon sa ilaw. Tapos
may bumukas na naman. Ngayon ko lang napansin na nasa wooden bridge ako. May
bumukas na naman na ilaw. Sinundan ko yung ilaw na bumubukas hanggang sa makarating
ako sa dulo ng bridge.

Wala na naman akong makita ngayon pero alam kong grass yung tinatapakan ko ngayon.
Naiimagine niyo ba? Mahirap kasi ipaliwanag e.

Ayun! May bumukas na naman na ilaw. Sinundan ko yun. Pagod na pagod na ako. Parang
umikot lang naman ako eh. Wala naman akong narating! Kahit sana kainan lang diba?
Nagugutom na kasi ako e.

"Nagugutom na kooooo!" Sumigaw ako. Pero wala, ang tahimik pa din. Eeep. Nag echo
lang yung boses ko eh. LALO LANG AKO NATAKOT. PUSANG KINALBO!

"Hindi na magandang joke 'to. Natatakot na ko." Naiiyak na ko nang...

May biglang nagpiring ng mata ko.

"Dahan dahan lang." KILALANG KILALA KO BOSES NA YUN NO!

"TYLER! PAGSISISIHAN MO 'TO!"

"Magsisisi kang sinabi mo yan." Ano ba yung pinaplano niya?

"Pag sinabi kong taas, itataas mo yung paa mo ah."

Umakyat na kami. Kahit na nadudulas ako at natatapilok, tuloy pa din ako. So


umaakyat na kami sa stairs ngayon? Ahehehe bakit kaya? Oyyy Rylie, wag mag expect!

Bakit ba, nagugutom na nga ako! Any, anong konek?!

Uuuugh. Pagod na pagod na ako. Ang taas ng inakyat namin!

Lalo akong nagutom.

Tinanggal na ni Tyler yung piring sa eyes ko, "Sige na, dilat na."

"Ah. Kain na tayo!"

Tingnan niyo nga, pati sarili ko niloloko ko. Ugh. Actually, nagulat talaga ako.
Sobrang naappreciate ko din. Sobra! Pero hindi ko kayang magpanggap na hindi na
masakit. Siguro iisipin ng iba na ang sama ko. Pati ang babaw ko. Pero kung kayo
yung nasa kalagayan ko, siguro maiintindihan niyo din.

Sobrang nasaktan siguro si Tyler sa sinabi ko? Pati mahal ko, nasasaktan ko na.
Nasasaktan tuloy ako. Kasalanan ko 'to

Kumuha ng madaming madaming rice at madaming madaming ulam.

"Rylie.."

"Kain ka na din Tyler!"

"Rylie, ano bang nangyayari sayo?"

Hindi ko din alam Tyler. Hindi ko din alam

"Akala ko ba nagugutom ka na? Bakit nakatulala ka pa diyan?"

Tumulo yung luha ko. Hindi ko na mapigilan. Sa totoo lang, kanina nagugutom ako.
Pero simula nung narinig ko siyang magsalita at simula nung maamoy ko na siya,
kinabahan na ako. Tumibok na ng mabilis yung puso ko. Corny ba? Yun kasi
nararamdaman ko e. Oo, simula nun, nabusog na ako. Wala na akong gana kumain.
Titigan ko lang siya, ayos na! Sulit na!

Yinakap niya ako.


"I love you, Jamilah! Please wag na tayong mag-away. Sorry kung hindi ako naniwala
sayo. Alam ko na yung totoo. I love you Jamilah." Pesteeee! >.<

Tamang tama! Sobrang lamig ng panahon, ayos 'tong hug na 'to. Mwehehe!

Naramdaman kong umiiyak na siya. OMG!

"Rylie..." Tinayo niya ako.

"Tingnan mo yung paligid mo. Tingnan mo ako."

Tumalikod ako and oh so sht. Kahit na takot ako sa heights, di ako natatakot
ngayon. Tumingin ako sa baba. Yun yung nilakaran ko kanina. Yung sobrang haba na
nilakad ko kanina pero wala akong napuntahan. Ito pala yun.

Sa wooden bridge, may ilaw na sunud sunod at dire-diresto. Doon sa river, pond, or
whatever. Basta tubig. May mga petals ng red and white roses doon. Sa dulo ng
bridge, may dalawang gazeebo tapos heart-shaped. At yung sinabi ko kanina na parang
umikot lang ako, umikot nga talaga ako.

Umikot ako sa puso ko. I mean puso yung inikutan ko.

Sa loob ng puso ko este puso na inikutan ko. May nakasulat na...

JAMILAH RYLIE HAO, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

So naimagine niyo na ba kung gaano kadaming ilaw ang nilagay niya dito? Naimagine
niyo na din ba kung gaano kahaba yung nilakad ko? Naimagine niyo ba yung mga sinabi
ko kanina? Naimagine niyo ba kung paano ako lumuha ngayon sa sobrang sweet ni
Tyler? Naiimagine niyo ba kung gaano ko siya nasaktan? Naiimagine niyo ba kung
gaano ako nasasaktan dahil nasasaktan siya? Mahal na mahal ko siya!

Naimagine niyo ba kung gaano ko siya kamahal? Wag niyo na lang iimagine. Masisiraan
lang kayo ng bait.

Okay. Wala akong masabi.

Sinuot niya yung coat niya sa akin at yinakap niya ako mula sa likod habang
tinitingnan namin yung mga ilaw. Inisip nga ba niya talaga 'to? Okay sige. Ayaw
talaga tumigil ng luha ko.

"Jamilah..." Nginitian niya ko.

"Ano bang gusto mo?" Iyak ako ng iyak.

"Ikaw."

Humarap ako sakanya. I kissed him passionately.

"Tyler, paano pag sinabi ko sayong ayoko?"

Tama si Ariza. Mahal ako ni Tyler pero nararamdaman ko pa din na walang seseryoso
sa akin. Siguro kailangan ko munang mahalin ang sarili ko. Kailangan ko munang
magbago.

Siguro pag dumating na yung time na alam kong deserving na ako para sakanya, yung
time na mataas na yung tingin ko sa sarili ko, yung time na may confidence na ako,
yung time na hindi na ako clumsy, burara, at isip bata, yung time na magiging okay
na ako.

SAKA LANG AKO BABALIK SAKANYA...

Kung makakabalik pa ako.

"Sorry Tyler."

Sana hindi ako magsisi sa desisyon ko.

"Rylie...."

Lord, alam ko pong humingi ako ng sign. Sorry po kung bibitawan ko na po siya.
Mahal ko siya pero hindi sapat yun. Una, wala siyang tiwala sa akin. Pangalawa,
wala na akong tiwala sa sarili ko.

"Mahal kita pero wala tayo sa pelikula. Hindi lahat ng gusto ng audience natin
dapat masunod. Nasa reality tayo Tyler. In reality, mahal kita pero ayoko na. Alam
kong alam mo na nagustuhan at naappreciate ko yung ginawa mo. Alam kong alam mo na
mahal kita. Alam kong alam mo yung nararamdaman ko. Pero sana maintindihan mo ako.
Mahal kita pero I don't deserve you. Ako lang naman kasi si Jamilah Rylie Hao.
Isang babaeng walang ginawa kundi umasa sa iba. Kundi umasa sayo. Lagi mo akong
pinagtatanggol pero yung sarili ko, hindi ko magawang ipagtanggol. Hindi ko kayang
tumayo mag-isa. Pati ikaw nasasaktan ko na! Nahihirapan ka na!"

Nakita ko na 'to sa movies. Oo, nakakakilig. Pero iba pala talaga pag ako na yung
bida. Siguro, tama sila, wala talagang happy ending. Paano ka nga kasi magiging
masaya kung tapos na diba? Siguro tama sila, wag madiliin ang love. Siguro, masyado
kong minadali. Ako tuloy ang nadali.

Tyler, hindi mo kasalanan 'to. Kasalanan ko.

"Sorry Tyler! Sorry talaga!" Umiiyak lang siya!

"Jamilah, tutulungan kita! Tutulungan kitang tumayo."

"Hayaan mo akong tumayo ng mag-isa. Pipilitin kong mag move on. Siguro kapag bagay
na tayo tapos mahal mo ako at mahal pa din kita. Siguro saka lang pwede maging
tayo. Pero Tyler, hanggang nandiyan ka pa, lagi na lang akong aasa sayo."

Siguro ang daming maiinis pero sana maintindihan niyo ako. Masyado na akong
nahihirapan hindi dahil kay Tyler, hindi dahil sa mga tao sa paligid ko, pero dahil
tuluyan na akong nilamon ng insecurities ko. Lalo na ngayong alam ko na pati si
Tyler, walang tiwala sa akin. Narealize kong hindi dapat ako kay Tyler dahil paano
siya maniniwala sa akin, e hindi nga ako naniniwala sa sarili ko. Ni hindi nga ako
naniniwala na maganda ako kahit sinasabi nila sa akin yun. Feeling ko kasi,
binobola lang nila ako.

Siguro nga alam na niya ang totoo, pero gaya ng sinabi ko kanina, nandun pa din
yung katotohanan na simula pa lang, wala na siyang tiwala sa akin.

"Mahal na mahal kita, wag mong kakalimutan. Pero masyado pa tayong bata. Highschool
pa lang tayo. Ipaprioritize ko muna yung studies ko at magiging matapang ako. Pag
nangyari yun, promise! Hangga't mahal mo pa ako, babalik ako sayo. Dahil ito..."
Hinawakan ko yung kamay niya at nilagay sa dibdib ko.

"Para sayo lang 'to. Hindi ikaw ang first boyfriend ko. Hindi rin tayo. Pero ikaw
ang unang minahal ko. Maniwala ka sana sa akin. Pero sabagay, paano ka nga naman
maniniwala sa akin kung hindi ko kayang pagkatiwalaan pati sarili ko."

"Pagsalitain mo ako pwede? Naiintindihan kita. Mahal kita, mahal mo ako pero may
problema pa din. Hindi dahil yung tao sa paligid mo pero ikaw sa sarili mo.
Kasalanan ko din dahil hindi ako naniwala sayo una pa lang. Lalo kang nawalan ng
tiwala sa sarili mo, alam ko yun. Sorry Jamilah. Mahal na mahal kita. Pero promise
me, babalik ka."

"I'm not sure. Yun ay kung mahal mo pa ako..."

"Rylie, last request na lang."

"Ano yun?"

"Pwede bang akin ka lang bukas?"

"What do you mean?"

"I want a date."

I kissed him. He wrapped his hands around my waist. He kissed me. I wrapped my
hands around his neck.

Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa.


####################################
CHAPTER 52 (Last date?)
####################################

"Rylie! Dalian mo magayos! Kanina pa naghihintay si Tyler."

Eh? Tama bang ilaglag ako ng ate kong 'to?

Kainis. Bakit kasi kailangan pang magdate bago maghiwalay. Edi lalo lang kaming
masasaktan. Wala nga kaming pinagawayan e. Kaya mahirap mag let go. Awayin ko kaya?
Hay nako! Kasi naman e. Baka mamaya hindi ko na siya kayang pakawalan...

Kailangan kong pakawalan ang isang taong mahal ko hindi dahil may kasalanan siya,
kundi dahil sa sarili ko! Kailangan ko munang mahalin ang sarili ko. Kailangan ko
munang matutunan itaas ang sarili ko.

Bumaba na ako...

"Nag-ayos ka pa talaga ah." Sabi ni Achi.

"Ako? Ayos? Weh? Neverrrr." Sorry, pakipot talaga ako e. Hahaha!

Tumatawa silang dalawa...

"Bakit kayo tumatawa?!"

"Wala! Ang ganda mo kasi e." Sabi ni Tyler, ahihihi.

"Talaga? Bola! Sa tingin mo, maniniwala ako sayo?"

Ito na naman ako... -__- Hahahaha!

"Maniwala ka, maganda ka talaga." He said seriously.


"Asaaaa!"

"Let's go?"

"Go! Dalian niyo!" Sigaw ni Achi sabay tulak sa amin palabas ng pinto. Mas excited
siya sa akin. Hahaha!

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa tabi tabi lang." Ayos din sasagot tsong ah? -__-

"Okay." Gusto ko sanang sabihin na nag ayos pa naman ako para lang dito kaya lang
ayoko. Baka lumaki ulo at magkaroon ako ng kadate na may hydrocephalus.

Lumabas na kami at sumakay sa tricycle papuntang terminal. Umupo na kami sa bus at


hinawakan niya yung kamay ko...

"Tingnan mo yung dalawa oh, lalanggamin na." Narinig ko sa likod. Bibitaw sana ako
pero lalo pang hinigpitan ni Tyler...

"Uy, nakakahiya." Lalo pa niyang hinigpitan.

Hinayaan ko na lang siya. Naiiyak ako. Tae! Tae! Tae! Please wag kang iiyak dito sa
bus Rylie. Control your tears! Wag kang iyakin. Wag kang crybaby! Ugh. Kinikilig
kasi ako. Pag kinikilig talaga ko, naiiyak ako. Pati naiiisip ko din na last na
'to. AYOKO SIYA PAKAWALAAAAAAN!

"Inaantok ka ba?"

"H-h-ha?" Hiniga niya ako sa dibdib niya. DIBDIB talaga, hindi balikat? Hahahaha!
Kaloka ka talaga Tyler! Ibang klaseeee.

"Naririnig mo ba yung tibok ng puso ko?"

"Oo?"

"Ikaw lang ang tinitibok nito."

At dahil diyan, "HAHAHAHAHAHAHA TAE TYLER! HAHAHAHAHA!" Hindi ko mapigilan matawa.


Hinampas ko siya. Nakatingin lang siya sa akin na parang nagtataka kung bakit ako
tumatawa. Hay na ko wala nga palang experience sa panliligaw 'to. Di marunong
mangchixx!

"Corny mo 'te!" Sabi ko kaya nag pout siya. OMG, his lips!!! Weakness ko yun e!
Buti na lang talaga hindi siya naninigarilyo. Hindi kasi itim labi niya unlike
other guys. Hehehe!

Napansin ko na lang na nakatingin na yung mga tao sa akin dahil siguro sa ingay ko.
Muahaha! Kaya tinakpan ko lang bibig ko.

"Ingay kasi e. Palibhasa, kinikilig." He rolled his eyes. Aba't niloloko ako ng
lokong 'to ah. Wag siyang ganyan at kinikilig ako. Pwede na kong mamatay!!!

"Corny mo kaya!" I rolled my eyes, too. Ha! Akala niya siya lang.

"Mahal naman kita."

"Ikaw na!"
"Tayo na." Hindi ko na mapigilang matawa at hinampas ko na siya ng bonggang bongga.
Hindi talaga mapigilan ng kamay ko e. Hahahaha!

"Saang site mo na naman ba nabasa yung mga yan o kaya saang bookstore mo nabili
yung mga cheesy lines mo na yan. Alam mo kasi, may technique diyan e. Hindi naman
sa lahat ng oras madadaan mo yung babaeng gusto mo sa cheesy lines kasi yung ibang
babae, talagang nakocornyhan sila sa mga ganyan."

"Dami mong alam ah." Of course! Nagsusulat at nagbabasa ata ako sa internet.
Nanonood ako ng movies at madami pang iba. Malamang madami akong alam dahil sa
pagka-hopeless romantic ko. Muahaha!

"Totoo naman e. Gusto mo ba malaman kung anu ano yun?" Tumango lang siya. Fail
talaga siya manligaw. Haaaay.

"Kung gusto mapakilig yung babaeng mahal mo, unang gawin mo, tumingin ng malalim sa
mga mata niya." With hand movements pa yah ah. Napatingin naman ako sakanya at
napakalalim ng tingin niya sa akin. Malagkit na ugghhh. Pag ako di nakatiis,
magagawa ko ang di dapat.

"Uhmm..." Umiwas ako ng tingin sakanya. "Tapos ngumiti ka sakanya." Sabay tingin sa
taas dahil iniimagine ko yung ngiti niya. "Yung ngiting pampalaglag... Ah basta.
Yung ngiting hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya."

"Ganito ba?" Tumingin ako sakanya and oh no. Mas masaklap 'to sa iniimagine at
ineexpect ko. Oh Lord. Killmenow! Hahaha! Napalunok ako. Kinalikot ko yung bag ko
at kinuha yung camera. Sabay picture sakanya.

"Gotcha! Pogi mo talaga!" Nakangiti pa din siya pero close yung mouth. Alam mo yung
parang kinikilig na pinipigilan tumawa. Napayuko siya. Tapos tumingin na naman siya
sa akin ng malalim at ngumiti na naman ng nakakapangakit. Pag yan ginawa niya sa
ibang babae, makakapatay ako. JOKE LANG PO. HAHAHA!

"T-t-tapos pag nakita mong nilalamig siya, ilagay mo yung jacket mo sa shoulders
niya! Ay nakooo!" Buti na lang hindi ako nilalamig ngayon. Kinikilig kasi ako e.

"Tapos hawakan mo din yung kamay niya ng biglaan or yakapin mo siya. Kiss her on
her forehead kasi doon niya mafifeel na iniingtan mo talaga siya and special siya
sayo. K? Tandaan mo yan ah. Wag mong ilagay sa tenga mo. Ilagay mo sa utak mo."

Hinawakan niya yung kamay ko...

"Hoy hoy! Binibigyan lang kita ng techniques." Sabi ko kahit na halata namang
nagbablush na ko. Jusko po, jusko po, jusko po.

"Sabi mo gawin ko 'to sa taong mahal ko." Sabay ngiti. Sineseduce ba niya ko? Yung
totoo? Medyo kasi effective, you know. MEDYO? HINDI MEDYO! HAHAHAHA labo ko sorry!

"Ah basta tandaan mo yan at ilagay sa utak mo para pag may iba ka na hindi ka na
poor manligaw..."

"Hopeless Romantic ka nga talaga!" Iniiba niya usapan.

"Oh yes. I'm in love with love," I smiled sweetly. Oh love. Love love love.

"And you're in love with me." Speechless.

Nakatulog ako ng konti dahil sa sobrang lamig at pababa na kami ng bus at nag
tricyle papunta sa...

"Nandito na tayo." Hinawakan niya yung kamay ko. Dumadamoves 'to ah.

"Sa bahay niyo?"

"Hindi, sa bahay niyo." Nag pout ako.

"Joke lang!" Sabay yakap. Ehem. Ginagawa niya yung mga sinabi ko kanina. Oo na!
Nakakakilig naman e.

"Abaaa! Nakakarami ka na ah."

"Hindi naman e." Kiniss niya ako sa forehead.

"You're too important to me. I love you that's why I'm ready to let you go even
though it hurts. Siguraduhin mo lang na ginagawa mo 'to dahil wala kang lalaki ah.
Or else, maghahanap ako ng babae. Babae na mas sexy at mas maganda sayo."

"Oo na!"

"Yun nga lang, di ko alam kung makakahanap pa ko ng babae na katulad mo. Hindi ko
alam kung magmamahal pa ko tulad ng pagmamahal ko sayo dahil ikaw lang ang mahal ko
at mahal na mahal kita."

Sobra sobra na siguro yung pagbablush ko ngayon. Umaapaw na yung dugo ko! Pumasok
na kami sa loob.

"Nasaan na yung kambal?" I asked.

"Tayong dalawa lang yung tao dito."

Dahan dahan niya akong yinakap mula sa likod ko.

"S-s-si Manang?"

"Wala si Manang." He buried his face on my neck at ramdam kong inamoy niya 'to kaya
shet kinikilabutan ako, "Kasama ng kambal." Nanlaki yung mata ko.

He bit my ears and whispered, "Tayong dalawa lang. Da-la-wa." Kiniss niya ako sa
cheeks.

Tae na 'to. Kung mamatay ako ngayon, dahil sa hi blood. Hindi ako makahinga tapos
ang bilis ng tibok ng puso ko. Ugh. Kinakabahan talaga ako at kahit imposible(dahil
singkit ako), nanlaki yung mata ko...

"Aray!" Binatukan niya ako pero mahina lang. OA lang talaga ako.

"Kung anu ano iniisip mo e. Aalis tayo! Kukunin ko lang sasakyan." Panira talaga
'to ng moment eh. Amp!

Tinadyakan ko siya..."WALA KA TALAGANG KONSENSYA!" Ngumiti lang siya ng mapangakit


niyang ngiti. I mean nakakamatay na ngiti.

Tumalikod na siya at naglakad...

Nagsigh na lang ako. Pinagpawisan ako doon ah. Nakayuko ako habang naglalakad...

"Sht namaan." Kinakabahan na talaga ko.


At dahil wala nga ako sa sarili ko, hindi ko napansin na huminto siya sabay
humarap, "Ay butiki." Kaya nauntog ako sa dibdib niya. Tumingala ako. Ang tangkad
kasi e!!! Tumingin ako sa kanya ng masama...

"Masakit yun ah." I said habang hinahawakan ko ulo ko.

"May nakalimutan kang ituro na technique."

"H-h-ha? A-ano?"

Bigla niya akong hinalikan sa lips.

"Hoy. Masama y-"

Kiniss niya naman ako sa forehead ko.

"Ano ka b-"

Kiniss naman niya ako sa cheeks.

"Nakakarami ka n-"

Kiniss niya ako uli sa cheeks.

"HOY!"

Kiniss niya ako sa nose.

"Mamimiss kita e."

He kissed my lips again. Napayakap na lang ako sakanya at napaluha na lang ako.

"Binabawi ko na yung sinabi ko kagabi na sa akin ka na lang ngayong araw." Sabi


niya. OMG! Binabawi na niya? Hindi na tuloy date namin?

"H-h-ha?" T___T

"Hindi ba pwedeng sa akin ka na lang habang buhay?" Niyakap niya ako. Shocks, gusto
ko nga din na sa kanya ako habang buhay and vice versa no.

Baka pwede pa naman pag-isipan. Diba? Pagbigyan niyo na ako. Ang hirap tanggihan
pag mahal mo talaga e. Bata man o matanda, Mali man o tama. Basta nagmamahal, ang
hirap tanggihan. Parang nauuna yung puso kesa sa isip ko. Abnormal! Hay nako Rylie!
Ang labo mo!

"Tara na nga! Saan ba tayo pupunta?"

"Saan ba yung gustung gustong puntahan ni TJ at JT dati?"

"Sa enchanted kingdom?" Pumikit pikit ako.

"Alam mo naman pala e." Ginulo niya yung buhok ko.

Kinagat ko yung labi ko at nag pout. Ang pilosopo talaga kahit kailan. As if namang
malalaman ko agad e. Psychic ba ko? Nakakabasa ba ko ng isipan? Tsk.

Nasa car na kami. Kbye. Ayaw niya magdrive. Nakangiti lang siya. Nakakainis.
"Uy, try mo kayang mag drive?"

"Password?"

"Wooo. Ayoko nga!"

"Dahil mahal kita, I'll respect your decision." Nakakailang pogi points na ba siya
sa akin ngayong araw? Eh araw araw naman may pogi points siya sa akin, bakit
binibilang ko pa? Hahaha!

Ngumiti lang ako tapos nag drive na siya. Yaan ang lalaki! Nirerespeto ang desisyon
ng babae. Nirerespeto ang babae. Bakit ba may ganyan pang lalaki? Pakiramdam ko
nananaginip lang ako e. Siguro pag pinakawalan ko pa 'to, pagsisisihan ko habang
buhay. Pero hindi naman pwedeng maging kami tapos lagi niya akong pinagtatanggol at
inaalalayan. Habang nandiyan kasi siya, di ko mapigilang umasa.

*TYLER*

Naiintindihan ko si Rylie kung gusto niyang mag mature, independent, at magkaroon


ng self confidence. Naiintindihan ko lahat ng sinabi niya. Kahit mahirap siyang
pakawalan, kung yun ang gusto niya, dahil mahal ko siya, papakawalan ko siya.

Tss. Ang bilis talaga niyang makatulog. Malamigan o mahanginan lang ng konti,
bagsak na agad. Nauuntog untog pa siya sa bintana. Kumuha ako ng maliit na unan at
hiniga siya sa dibdib ko. I kissed her forehead.

Nandito na kami...

"Rylie, gising na."

"Hmm..."

Sinampal niya ako pero mahina lang. Natulog ba 'to?

"Rylie, nandito na tayo."

"......"

"Ry..."

"......"

"Pag di ka bumangon, hahalikan kita!"

"Ano baaaa..."

Ayaw pa din niya bumangon.

I kissed her lips. Naramdaman kong dumilat siya tapos pumikit ulit.

Umalis na ako pero yinakap niya ako.

"Tyler..."

Umayos siya ng upo pero nakapikit pa din siya.


"Nagising ka din," Ngumiti ako.

"Ayaw ko gumising e."

"Bakit naman?"

"Baka kasi paggising ko, panaginip lang pala ang lahat ng 'to. Kung panaginip lang
'to, sana hindi na ako magising. Eeeeh? Gusto kitang kasama palagi."

Bangag pa yata si Rylie? Parang nakainom e. May hang over pa.

"Rylie, hindi 'to panaginip." I held her face.

"Talagaaa?" Nakapikit pa din -__-

"Dumilat ka na nga!"

"Ayoko."

"Gusto mo mahalikan ulit?" Dumilat siya. Nilakihan niya yung mata niya.

"Tara, baba na tayo!" Kunwari pa eh alam ko naman na gusto din niya, Pakipot talaga
'to kahit kailan. Haha!

Nauna na siyang bumaba. Napangiti na lang ako. Nilock ko na yung car at pumasok na
kami sa loob. Kumuha na kami ng ticket at pumila na kami. Tuwang tuwa siya.
Mahahalata mong excited siya hindi katulad nung last time na nagpunta kami dito.

Last time kasi eh bad trip kaming dalawa. Pero ngayon... Sana maging maayos.

Tumatakbo siya tapos umiikot ikot. Parang bata na ngayon lang nagpunta sa amusement
park. Naglalakad lang ako at tinitingnan siya. Bigla siyang napahinto...

"Bakit ka tumigil?" Tanong niya.

Tinaas ko yung kamay ko and shook it. Nagtaka naman siya pero di nagtagal, lumapit
siya sa akin at tinaas din yung kamay niya. Ngumiti siya, binaba ko ng konti yung
kamay ko at hinawakan niya. Magkahawak na kami ng kamay...

"Pagbiglang ko ng tatlo, tatakbo tayo," Para talaga 'tong bata pero tae, seryoso
siya?

"Teka Ry-" Di niya ako pinatapos dahil bigla siyang nag bilang.

"1"

"2"

"Wait lang."

"3/Rylie..."

Hinayaan ko na lang at nakitakbo na rin ako. Saan kami pupunta?

Huminto kami sa tapat ng anchor's away.

"Naaalala mo 'to?" Tumango lang ako.

"Ngayon, gusto ko ipikit yung mga mata mo." I closed my eyes. Ano na naman trip
nito? Haha! Dami niyang trip sa buhay eh.

"Ipikit mo yung mata para hindi mo makitang nasasaktan ako." I opened my eyes and
held her both hands.

"Nanood ka na naman ba ng one more chance kagabi?" May CD kasi siya nun at sa
tuwing pupunta ako sa bahay nila, lagi ko siyang naaabutan na nanonood ng one more
chance. Minsan nga naabutan ko may dala siyang malaking towel tapos iiyak. Kabisado
na nga niya yung mga lines e.

"E? Ang ganda kaya."

"Bakit? Nasasakal ka ba sa akin?" Makiride na nga lang ako.

"Hindi ah. Pero katulad ni Basha, kailangan ko din hanapin kung sino ako. Kung sino
si Jamilah Rylie Hao. Sino ba talaga ako?" Natawa siya sa sarili niya.

"Okay. Subukan mong iwan ako dito, humanda ka sakin."

"Oo na! Oo na! Jinojoke lang naman e."

Sumakay kami sa kung saan saan maliban sa space shuttle dahil ayaw niya. Sabi niya
sasakay daw siya doon pero sa tamang panahon. Nasaan na kaya si Janilyn ngayon?
Mabait naman siya e. Nagawa lang niya yun dahil binablack mail siya ni Alexa.

Mag gagabi na at nandito kami ngayon ni Rylie sa isang kainan.

"Rylie, CR lang ako." Sabi ko.

"Sige."

Tapos na ako mag CR pero pagbalik ko, wala na si Rylie. Hinanap ko siya kung saan
saan pero wala. Ang laki nito pero bawat sulok yata ng lugar na 'to, napuntahan ko
na. Gabi na rin at pagod na ako. Nasaan ba yung babaeng yun?

May tumawag sa akin. Tiningnan ko. Hindi si Rylie.

"Justin, si Alexa..." Si Josh.


####################################
CHAPTER 53 (Stay)
####################################

*RYLIE'S POV*

Kung kailan naman sasabihin ko ng ayoko na makipaghiwalay sakanya, may BAGO na


namang problema! Hay life. Kailan ba matatapos 'to?!

"Sorry Selena. I don't believe you and I won't," I just smiled at her. Remember
Selena? Siya yung ex ni Josh. Si Josh yung crush ko dati.

"You should believe me, Rylie. He really likes Janilyn. He's just using you!"

"Please stop Selena. I love him. I trust him,"

"But he doesn't love you. Let me show you something." May kinuha siya sa bag niya
and nilabas ito. Uh?

FVCK!
*TYLER'S POV*

"Justin, si Alexa. Nasa hospital siya ngayon. Please! She needs you!" Sabi ni Josh.
Josh? Magkakilala si Alexa at si Josh?

"Ano na namang palabas 'to?"

"Hindi 'to palabas! She wants you badly, alam mo naman yun diba? Justin, she
sacrificed herself. Sinubukan niya magpakamatay para lang maging masaya ka. Sobrang
obsessed, I know. Pero she needs you right now. Kahit ngayon lang."

"W-wait. Alam niyo ba kung nasaan si Rylie?"

"Pre, wag na muna si Rylie. Kaya niya sarili niya."

Pinuntahan ko na si Alexa. Totoo nga. Sinubukan niyang magpakamatay! Wala pa din


siyang malay until now. Nag vibrate yung cellphone ko. May tumatawag...

"Hello?" Sagot ko.

"Hoy ikaw! Yoko yoko ka! G@gO! Wag na wag kaaa ng magpapakicha sha akin!!!
BASHTARD! TSEEEEEEH! DI CHAYO BATI! PWEEEE!" Si Rylie.

Binaba na niya yung phone.

WHAT THE EFF DID I DO?!

Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Josh.

"Bro, stay. Kahit ngayon lang."

And yeah, wala akong choice kung hindi mag stay.

*RYLIE'S POV*

Ang sakit ng ulo ko. Nasaan na ba ko? Naparami ata ako ng inom kagabi eh
nakalimutan kong allergic nga pala ako sa alak. Ugh.

Sht. Nasa hospital ako.

Bumangon ako at naglakad palabas.

Habang naglalakad ako... someone caught my attention.

That someone is... Tyler.


Tyler beside Alexa. Sht, set up lang ba lahat ng 'to?
####################################
EPILOGUE
####################################

After 29047324 years...

Kidding. After 2 years...

"What is love?" Professor Villasor asked. Love kasi topic ngayon sa personal
effectiveness course ko. Pag college nga pala, course na yung tawag hindi na
subject. Anyway, tinatawag kami ngayon one by one. What is love nga ulit?

"Love is blind."

"Love is loving someone despite of his/her imperfections."

"Love is Michael."

"I believe in endless love just like in movies, books and stuff."

***In love ako sa mga love stories sa INTERNET, MOVIES, BOOKS lalong lalo naman sa
mga KOREANOVELAS at mga TELESERYE. Nagsusulat din naman ako ng mga love stories.
I love happy endings kahit sinasabi nila na wala naman talagang ganun.

Masama bang mangarap na may lalaking magmamahal sa akin at hindi ako sasaktan?
Masama bang maging masaya dahil nakikita kong masaya at nagmamahalan ang dalawang
tao kahit sa teleserye lang yun? Masama ba silang kainggitan?***

Wala, nag-flashback lang yung mga sinasabi ko dati tungkol sa love. Tungkol sa mga
paniniwala ko na 1/8 true, the rest false na. Ang paniniwala kasi ng Rylie ngayon:

Hindi naman sa masama. Pero maghihiwalay din naman sila kaya why bother watching
and reading?

Yeah, nanonood pa din ako ng teleserye and movies about love pero hindi na ako
nangangarap. Madalas nga, naiinis ako.

"Hey Ry, ikaw na." Siniko ako ni Katy.

"Oh, sorry... Uh.. Love? I don't believe in love."

Ano nangyari sa akin? After niya akong lokohin at paglaruan, after maghiwalay ng
mom and dad ko, after mabuntis si Aisha at iwan ng boyfriend niya, after nung
sasagutin na sana ni Lynne si Brylle tapos may girlfriend na pala si Brylle, and
after ako i-betray ng bestfriend ko, sa tingin niyo maniniwala pa ko sa love?

Psh. Pagmamahal. Pag-ibig. Love. WHAT THE HELL?!

Napapataas na lang yung kilay ko or no comment na lang ako pagdating diyan.

"Paano mo naman nasabi Ms. Hao?" Tanong ni Ms. Villasor.

"Experience is the best teacher, Miss."


Yeah, walang wala na si hopeless romantic Rylie. Walang wala na.

Sinunog ko na siya at pinatay. Joke lang! Muahaha!

Bitter siguro, ayos pa.

(A/N: HOPELESS ROMANTIC'S SEQUEL---> BITTER)


####################################
HOPELESS ROMANTIC BOOK 2
####################################

NOTE:

Guys, don't get mad at me. Huhuhuhuhu! May book 2 po ang Hopeless Romantic and I've
said it many times already. Anyway, for the nth time and para walang away or gulo,
here's the link for the book 2:

http://www.wattpad.com/6887674-hopeless-romantic-2-bitter-completed-prologue

Pero para mas madali, just click the external link (right side, below the tags).

PS: COMPLETED NA SIYA. HAHAHA!

Love,

T <3

You might also like