You are on page 1of 441

------------------------------

TITLE: Hopeless Romantic 2: Bitter (COMPLETED)


LENGTH: 3529
DATE: Dec 20, 2012
VOTE COUNT: 1706
READ COUNT: 318169
COMMENT COUNT: 316
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: strawberry008
COMPLETED: 1
RATING: 0
MODIFY DATE: 2013-01-10 04:32:06

------------------------------

####################################
PROLOGUE
####################################

Bakit nga ba nagiging bitter ang isang tao?

Una: Nasaktan sila ng bonggang bongga. Yung sakit na THE BEST talaga! Yung sakit na
okay na sayo turukan ng injection o bunutan ng ngipin, wag lang maulit yung sakit
na dinulot sayo ng taong minahal mo ng sobra sobra.

Pangalawa: Sawa na sa pagiging hopeless romantic. Sawa na sa mga paulit ulit na


once upon a time, happy ending, at forever kahit wala naman talaga ganon. Actually,
lagi namang merong once upon a time e, pero happy ending? Psh. END OF THE WORLD
pwede pa! Isa pa, wala naman talaga prince charming o knight in shining armor!
C'mon! Yung prince charming na inaakala niyo? Sila ang sisira sa buhay niyo!
*insert evil laugh here*

Pangatlo: Naloko ka. Napagpustahan ka! Pinaasa ka! Pinahulog ka pero di ka naman
sinalo! Nagmukha kang tanga! EPIC FAIL, diba? Mag-aral ka na lang, tatalino ka pa.

Pang-apat: Natrauma sa experiences ng mga kapatid, kaibigan, magulang, at mga tao


sa paligid mo na nasaktan o niloko. Ikaw ang affected sa mga nangyari sa kanila at
imbis na siya ang magalit, ikaw! Ikaw na talaga! The best ka eh.

Panglima: Trip trip lang! Masaya ang buhay at hindi natin kailangan ng mga SHOTA!
Sho means short and ta means time! Short time!!! Oh ano, magshoshota pa kayo? Wag
na! Masisira lang buhay niyo. Ang saya kaya maging single! Mas makikilala niyo
sarili niyo. Mas makakapagconcentrate ka sa studies and anything chorvanesses niyo.

C'mon! Lolokohin lang naman nila kayo e. Pare-parehas lang naman sila no!
Oh ano, agree ba kayo sakin? Kung yes, apir!

Kung no, uhmm. Opinyon niyo yan e. May magagawa ba ko? Naging hopeless romantic na
ko dati kaya oks na oks lang sakin maging HR kayo. Pero walang sisihan ah. I warned
you!

TEKA MUNA PALA! Naccurious ba kayo kung alin sa mga limang sinabi ko ang dahilan
kung bakit ako naging bitter? Ha? Kung oo, okay. Sasabihin ko na...

ALL OF THE ABOVE! Oo! Una sa lahat, pinagpustahan ako ng mga lalaki for THREE SOLID
YEARS. Yung tatlo, naging boyfriend ko. Yung isa, muntik na. Nag break din ang mga
magulang ko pati na din ang mga kaibigan ko. Ang saya saya lang no? Teka lang!
Medyo okay pa ko doon eh pero yung pagpustahan ka ng bestfriend mo at pinakaminahal
mong lalaki?

AYOS NA AYOS!

Kaya ayun! I promised myself na kahit kailan, di na ulit ako magpapaloko sa kahit
na sino. Pinangako ko sa sarili ko na, never in my entire life na akong magtitiwala
at magmamahal ng buong buo dahil naniniwala akong endangered species na ang mga
lalaking matino. Ay! Meron pa bang matino? Hindi ko alam eh. Don't worry, pag may
nakita ako, sasabihin ko sa inyo pero mukhang matatagalan pa yon. Baka nga ugod
ugod na ko noon with matching tungkod pa!

Hayy. Kung pwede lang pakasalan ang mga gwapong bading. Why not? At least sila,
kahit hindi tunay na lalaki by heart, nagmamahal sila ng buong buo! Eh yung mga
lalaki ba? Puro sila manloloko! Hindi rin sila tunay na lalaki. Daig pa sila ng mga
bading!

Sabi nga sa quotable quotes na nabasa ko habang nagttwitter ako kanina eh, "Just
because you were born male, it doesn't automatically make you a man." Ibig sabihin
ba nito, wala ng man sa mundong ito? Mukhang wala na eh. Muahaha!

Sexist na kung sexist! Eh ano naman? Bawal na na ba maging bitter? Ineexpect mo pa


ba kong matuwa, magtiwala, at magmahal ulit pagkatapos ng mga nangyari sakin, sa
pamilya, at sa mga kaibigan ko? Ayoko na. Ughh. I'm freakin' tired! Freakin' tired
of everything!

So, do you expect me to act like nothing happened?


Let's see.
####################################
HR2: Bitter
####################################

####################################
CHAPTER ONE
####################################

After 29047324 years...

Kidding. After 2 years...

"What is love?" Professor Villasor asked. Love kasi topic ngayon sa personal
effectiveness course ko. Pag college nga pala, course na yung tawag hindi na
subject. Anyway, tinatawag kami ngayon one by one. What is love nga ulit?

"Love is blind."

"Love is loving someone despite of his/her imperfections." Gasgas na yan.

"Love is Michael." Pucha ang corny!

"I believe in endless love just like in movies, books and stuff."

*In love ako sa mga love stories sa INTERNET, MOVIES, BOOKS lalong lalo naman sa
mga KOREANOVELAS at mga TELESERYE. Nagsusulat din naman ako ng mga love stories.
I love happy endings kahit sinasabi nila na wala naman talagang ganun.

Masama bang mangarap na may lalaking magmamahal sa akin at hindi ako sasaktan?
Masama bang maging masaya dahil nakikita kong masaya at nagmamahalan ang dalawang
tao kahit sa teleserye lang yun? Masama ba silang kainggitan?*

Wala, nag-flashback lang yung mga sinasabi ko dati tungkol sa love. Tungkol sa mga
paniniwala ko na 1/8 true, the rest false na. Ang paniniwala kasi ng Rylie ngayon:

Hindi naman sa masama. Pero maghihiwalay din naman sila kaya why bother watching
and reading?
Yeah, nanonood pa din ako ng teleserye and movies about love pero hindi na ako
nangangarap. Madalas nga, naiinis ako.

"Hey Ry, ikaw na." Siniko ako ni Katy.

"Oh, sorry... Uh.. Love? I don't believe in love."

Ano nangyari sa akin? After niya akong lokohin at paglaruan, after maghiwalay ng
mom and dad ko, after mabuntis si Aisha at iwan ng boyfriend niya, after sasagutin
na sana ni Lynne si Brylle tapos biglang nagkababae si Brylle, and after ako i-
betray ng bestfriend ko, sa tingin niyo maniniwala pa ko sa love?

Psh. Pagmamahal. Pag-ibig. Love. WHAT THE HELL?!

Napapataas na lang yung kilay ko or no comment na lang ako pagdating diyan.

"Paano mo naman nasabi Ms. Hao?" Tanong ni Ms. Villasor.

"Experience is the best teacher, Miss."

Yeah, walang wala na si hopeless romantic Rylie. Walang wala na.

Sinunog ko na siya at pinatay. Joke lang! Muahaha!

Bitter siguro, ayos pa.

"Rylie, sige na please. Tell me what happened to your life. Why are you that...
bitter? Ang ganda ganda mo naman, talented pa! Kung may perfect lang talaga, ikaw
na yun!!!" I rolled my eyes at Katy. Nakikita ko sa kanya yung dating Rylie... yung
dating ako.

Hay. Naalala ko na naman tuloy yung video...


"Oo. Gusto ko nga si Janilyn! Maganda, matalino, at mabait. Si Rylie? Careless,
Clumsy, Ulyanin, at mahina masyado. Ayoko sa ugali at kilos niya. Gustung gusto ako
ni Aisha para sakanya kaya pinilit niya ako makipagdare."

2 years na! It's been 2 years, mas mataas na self-confidence ko, mas maganda na
ako, mas talented, mas matapang, mas hindi clumsy, mas hindi forgetful, and basta,
mas hindi na yung dating Rylie. Ibang iba na ko pero hindi ko pa din makalimutan
yung pesteng lines na yun! Hindi ko pa din makalimutan na pinagpustahan ako ng best
friend ko at ng lalaking minahal ko.

Love? The hell!

You know what's wrong with love?

All of it.

"Katy, let's not talk about my life. Okay okay?" I smiled. Nag sigh lang siya as
usual.

What happened to my life? Well, I'm now bitter and better. Sabi nila, don't get
bitter, be better! Bawal ba pagsabayin parehas? I can get bitter and be better at
the same time, people! Ha! Multi-tasking at its best. Ugh, what am I saying?!

Natapos na ang klase at nag silabasan na lahat.

"Ry, labas tayo mamaya ah." Ang dora talaga ni Katy kahit kailan. Everyday yan
lumalabas e. Pareho pareho lang naman ng pinupuntahan.

"Sorry-"

"Sorry ka diyan. Pupunta ka sa ayaw or sa gusto mo. Rylie, please? Ngayoooon lang?
Ngayon lang ako magrerequest oh. Sige naaa! Maganda ka naman e. Don't worry, di ko
kasama si Danny."
Ngayon lang daw? Lagi nga siyang nagrerequest sa akin e pero dahil ayoko makita
puppy face niya, napapapayag niya ko. By the way, Si Danny yung sunod ng sunod sa
akin. Pare pareho lang naman silang mga lalaki e. Sa umpisa lang sweet tapos pag
nainlove ka na, wala na, sawa na sila. Nakakaloka no? Ginawang chewing gum ang mga
girls.

Before ako umalis, chineck ko muna mga gamit ko if ever may naiwan ako o wala.
Fine! Ulyanin, careless, and clumsy pa din ako pero minsan na lang. Iba na ko,
ibang iba na ko, sawang sawa na ko maging under sa mga tao. Kaya ko ng ipaglaban
sarili ko. Hindi na ko weak.

"Hindi naman sa ganun pero-" Bigla siyang nag puppy face. Err, ayan na naman siya.

I sighed, "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"YAY! Basta after ng next class punta na tayo ah. Ako bahala! Promise?"

"Wag mo ko dadalin sa bar," I raised my left eyebrow.

"Of course not. Basta kasi, trust me."

"Okay promise, I won't ditch you," I sighed again.

Ayoko talaga lumabas.

I wanna go home.

After our next class...

"Leggo Rylie." Excited na excited na aya ni Katy sa akin habang sinusuot yung black
na bagpack niya sa likod niya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Kila Dylan."

"Whaaaaaaaaaaaat?! Are you kidding me?"

"Bakit naman kita ijojoke. Alam mo, matagal ng may gusto sayo yun. Gwapo naman siya
tapos captain pa ng swimming team,"

"Diba sabi ko naman sayo na ayoko ng kahit sinong lalaki. Ayo-"

Biglang may dumaang lalaki. Parang familiar?

"Omgsh! Wag mong sabihin na siya ang type mo?" Tanong ni Katy dahil napatingin ako
sa dumaang lalaki kaya as usual, napataas naman kilay ko.

"Of course not psh," I rolled my eyes at her.

"Ewwwwww Rylieeee."

What the hell?! Parang familiar lang naman kasi yung guy no. Excuse meee? Oo nga
nagagwapuhan pa ko sa ibang lalaki diyan pero hanggang doon lang. Wala na kong
tiwala sakanila. WA-LA!!!

"Tara na nga. Don't worry, di ka nila liligawan or kung ano pa man. Basta ako
bahala sayo! Ipapakilala lang naman kita sa suitor ko no!"

"Sa bahay ni Dylan? Sure!" *insert sarcasm here*

"ANO KA BA RYLIE, HOUSEMATES SILA NG SUITOR KO!!!"

"Haaay okay fine. Let's go."


"Taray mo ever hmp!" She pouted tapos biglang sumaya na naman, "Leggo?"

I smiled.

Oh well, as you can see...

This is just the beginning! Never na ko magpapaunder sa kahit na sino kahit lalaki
pa. Sabi nga ng professor namin sa kaspil, superior ang women sa men. I won't let
them hurt me... AGAIN! Never na ko magiging clumsy, careless, ulyanin, weak, and
ugly duckling. Hinding hindi ako magpapatalo sakanila. NEVER AGAIN! Masyado na kong
nasaktan! Ayoko na.

Anyway, nandito na kami sa LRT station. Habang nag-aabang ng train...

"Hi, Miss!" Sabi ng lalaking nasa likod ko sabay kiss sa cheeks ko

*SAMPAL*

Who the heck is he?!

Hinawakan niya yung sinampal ko.

"You don't know me? Srsly?"


####################################
CHAPTER ONE
####################################

####################################
CHAPTER TWO
####################################

Nakasakay kami ngayon ni Katy sa train, nakatayo pero hindi naman masikip. Di naman
kasi rush hour. LOOOL! By the way, pumunta kami sa women's corner kasi baka may
manghalik na naman sa akin. Kidding!!!

Hindi ko kilala yung nanghalik sa akin pero sabi ni Katy, Paul ang name niya. Sabi
naman ni Paul, akala niya ako yung girlfriend niya. Hawig daw kasi pag nakatalikod.
BV ako doon -_- Buti may itsura naman si Paul kahi papano pero kahit na ba. Ang
tagal ko na kayang di nahahalikan ng isang lalaki na di ko naman kaano ano kahit sa
cheeks lang. Geez!

"Talaga? Ano na nangyari kay Ariza at Christian?" She asked. Kiniwento ko kasi sa
kanya yung past ko pero hindi naman lahat. Uhmm summary lang. Hahaha! Ewan, iba si
Katy e. Okay fine!!! Nakikita ko si old Rylie sa kanya. Hmp!

"Sila pa din until now pero di ko na sila nakakausap."

"How 'bout kay Lynne and Brylle? Naguusap pa din ba sila until now?" Ang daming
tanong ng babaeng 'to, wagas!

"Naaah. I don't think so. Sobrang nagiba na si Lynne e. Playing with boys is her
new hobby and sa lahat ng naging friends ko, siya lang ang nakakausap ko until now.
Lahat kasi ng may possible connections kay you know, pinakawalan ko na,"

"Ganun ka ba talaga kabitter? Ano ba kasi talaga nangyari? Ang tagal na nating
magblockmates pero until now di mo pa din kinkwento. C'mon. Kung talagang nakamove
on ka na, sasabihin mo sa akin kung ano nangyari. Trust me."

"Hay fine, I'll tell you! But first things first... Can I trust you?" Alam kong
masakit for Katy na itanong ko 'to kasi since first year first term, kami na ang
magkasama. Siya lang ang nagtiyagang sumama sa isang studyholic, workaholic, and
mataray na babaeng tulad ko.

"Of cooouuurse. I won't promise kasi promises are made to be broken. Instead,
gagawin ko siya. Walang makakaalam. Just the two of us," She winked. Lakas talaga
ng tama nito. Hahaha!

"Okay ganito kasi yun..."

(Kinwento ni Rylie mula chapter one ng book 1. Hahahahaha!)

"Wait wait wait. Ang bilis mo. Tinawagan ka ni Selena para ipakita yun? Grabe
naman! Ang daming gustong sumira sa inyo. Baka naman fake lang yung video na yun?"
"Nope. It's not fake," I said while shaking my head.

"Hay. So, pinagpustahan ka ng bestfriend mo at ng love of your life mo tapos


pinagsabihan ka pa ng masasakit. Tapooos?"

"Pumunta ako sa bar nun dahil gusto ko makalimot. Yeah, nalasing ako tapos di ko na
alam susunod na nangyari. Pagkagising ko, nasa hospital na ako. Di ko pa din
maalala yung nangyari kasi sobrang nagpass out ako. Theeen, I saw HIM there."

"Tapoooos?"

"Wala. Nagtago ako sympre and sinilip ko kung sino yung binabantayan niya."

"Tapooooos?"

"Nakita ko na binabantayan niya si Alexa." At lalo kong na-feel na pinagtulungan


lang nila akong lahat.

"Then?"

"Tama naaaa."

"Sus, if I know..."

"Fine. Umalis ako ng hospital sympre tapos pinuntahan ko si Aisha pero hindi ko na
siya hinayaang mag explain kasi buntis siya and iniwan siya ng nakabuntis sakanya.
Until now, di ko pa din alam kung sino yung daddy. Basta ako, humiwalay ako sa
kanilang lahat."

"Omgsh."

"Yeah, ang tragic ba? Di ko alam kung paano ako nakasurvive. Sympre sinundan ako ni
Tyler pero lagi kong sinasabi sakanya na wala. Nakita pa nga niya yata ako na
nakikipagkiss sa friend ko. Psh. Naintindihan naman ni Josh e. Ginawa ko lang naman
kasi yun para layuan niya ko. Sobrang weak ko nun at yun lang ang alam kong way
para lumayo siya.

Sympre di pa din siya tumigil kaya nga para maniwala siya, lagi kong kasama si
Josh. Pumapayag naman siya kasi yun lang daw yung way para makabawi siya sa ginawa
niya sa akin dati. Di pa nga daw sapat yun sa sobrang laki. Di daw kasi tama
paglaruan ang puso ng mga babae."

"Nasaan na si Josh ngayon?"

"Si Josh? Nasa ibang bansa. Doon siya pinagaral ng parents niya e pero ang alam ko,
babalik siya dito. Di ko nga lang alam kung kailan."

"How 'bout HIM?"

"Wala akong news sakanya pero nung 4th yr kami, everyday iba iba yung kasama niyang
girls. Oh well, I don't care. Yung love naging hatred. Siguro kasi masyado akong
nagmahal kaya masyado din akong nasaktan. Biruin mo, sobrang importante ng 1st kiss
sa akin tapos kinuha lang niya basta basta."

Muahaha, what am I saying? Inisip ko pa talaga ang first kiss ko sa kalagitnaan ng


ganito?! LOOOOL! Joke lang, sinabi ko lang naman yun para hindi naman masyadong
down yung atmosphere. Affected kasi si Katy masyado e.

"Sus, hopeless romantic ka pa din pala. Mapagpanggap ka."

"Naaaah. I'm tired."

"Sabagay, pangit din kasi masyadong mabait e. Inuunder ka ng lahat or binubully.


Nakakainis yung mga mapangabuso no? Nakakarelate ako sayo e. Yun nga lang, until
now, naniniwala pa din ako sa LOVE. Alam kong naniniwala ka din. Alam ko," Sinabi
niya na parang sure na sure siya na naniniwala pa din ako sa salitang pag-ibig.
Hahaha! Yikes!

"I don't know. I don't wanna talk about it anymore."

"Haaay! Alam kong bumabalik yung sakit pag kinikwento mo yan."

"Nakakarelate ka talaga ah! Sino nga pala yung papakilala mo sa akin na suitor mo?
Is he handsooome?"
"E? Di pa kami nagkikita e?"

"EFF?!"

"Oo. Sa picture gwapo pero kasi ano e. Ganito kasi yun, si Dylan kasi may kasalanan
ng lahat e. Binigay niya number ko sa room mate niya. Nung una, nagalit ako pero
mukhang masaya naman siya kausap e and gwapoooo talaga 'te kaya bumigay din ako sa
huli. Sooobrang sweet. Pero aminin mo, gwapo si Dylan no?"

"Oo naman pero hindi ko siya gusto."

"See? Haha!"

"And sa mukha pa lang, mukhang womanizer na."

"Nakoooo. Mukha lang yun. Malamang gwapo. Pero alam mo ba, hindi pa siya
nagkakagirlfriend. NEVER! Nainlove siya once pero sinaktan lang siya nung girl. Ang
mas masakit pa, sabi ng girl gusto niya magconcentrate sa studies pero after three
days, omgsh, may boyfriend na yung girl. Galing no?"

"Ouch yun ah. Anyway, pag pumunta tayo doon at nakita natin si Dylan. Pleeaase
lang, wag mo ako irereto. AYOKO!"

"Okay okay. Pero wait, may question pa ko. Paano mo binago sarili mo? Ang ganda
ganda mo na kasi talaga e. And hindi ka naman mukhang clumsy, careless, and
ulyanin. Di ko maimagine!"

"Noong summer, nagpunta ako sa states. There, I met someone. He's a


filipino/vietnamese and he speaks french. Tinuruan nga niya ako e. Oh well, he's
handsome pero friends lang kami. Diba nga bitter na ko makipagrelationship sa guys?
Anyway, may girlfriend siya. Tinutulungan din ako ng girlfriend niya. From head to
foot, from brain to heart, and last but not the least, from being weak to strong."

"I wanna meet them. Gusto ko din maging ganyan sayo."

"You just have to be yourself pero don't let others belittle you. Don't let them
bring you down."
Sa totoo lang, hindi naman mabilis mag bago e. In fact, mahirap. Mahirap nga kasi
naman baguhin ang nakasanayan na...

Pero kung masyado ng masakit yung nangyayari o nangyari, hindi na natin mapipigilan
sarili natin. Sa ayaw natin o sa gusto, pag nasaktan tayo, magbabago't magbabago
tayo.

HAY RYLIE, DAMING ALAM!!!

(Dylan's house)

Nag doorbell kami tapos wala pa yatang 30 seconds, bumukas na agad yung gate.
Nakita namin si Dylan na hingal na hingal.

"Okay ka lang ba Dylan?" I asked.

"Ha? Oo naman! Ay pasok pala kayo!" Hinihingal pa din siya. Kawawa!

Pinagbuksan niya kami ng door tapos nakarating kami sa living room. Pinaupo kami ni
Dylan sa sofa at binuksan ni Dylan yung TV. Wow, Titanic on Star Movies. Hindi ko
maitatangging hindi magbabago ang pag-ibig ko kay Jack! Muahaha! Kidding!

Magkatabi kami ni Katy at si Dylan naman, umupo sa couch malapit sa amin at sa TV.

"Dylan, ilan pala kayo sa house niyo?" Tanong ni Katy.

"Six. Gusto niyo ba ng water or kahit ano?" Nakahiga na siya sa couch. Haha!
Mukhang napagod talaga sa pag takbo kanina.

"Sige, yung kahit ano na lang. Masarap ba yung kahit ano? Ay saan ba nakakabili
nun?" Natawa ko sa sagot ni Katy. Pilosopo kasi. Hahaha!
"ARAY!" Di ko sinasadyang mabatukan siya. Kasi naman e, sasagot na nga lang yung
nakakabaliw pang sagot.

"Mababaw ka din pala no? Cute," Biglang tinanong ni Dylan. Napapout tuloy ako.
Ayoko ng sinasabihang cute! Para kasing ang hina pakinggan, seryoso.

"Cute moooo." Sabi ni Dylan.

"Tagal na," I smiled.

Sus. Papadala ba ko sa pambobola niya?

Of course, not.

The best thing to do is maki-ride.

"Uy Dylan, nasaan na siya?" Tanong ni Katy out of the blue habang pinipigilan yung
luha ko kay Jack and Rose!

"Sino?"

"E sino ba pinunta namin dito?"

"Ako?"

"Sira ulo, wag ka ngang feeling!" Binato niya ng unan si Dylan kaya natawa ako,
"Ano ba kasi. Seryoso ako!" Nakakunot na noo ng babaeng katabi ko. Oh no, magbabrat
attack na yan!

"Oo na! Oo na! Hintayin mo na lang muna kasi di pa siya dumadating. May inaasikaso
pa kasi sa new school niya. Anyway, panik muna tayo sa taas. Papakilala ko muna
kayo sa housemates ko," Sabay tayo ni Dylan sa couch.
"Okay."

"Oh Rylie, bakit ang tahimik mo?" Bigla akong tinanong ni Dylan.

"Let's go na," I said. Bakit parang wala ako sa sarili ko? -__-

Di ko pa pala nadedescribe sa inyo place ni Dylan no? Okay okay. House siya. Meron
siyang 2 floors pero maluwang. Sabi niya sa akin, may 6 big rooms 'to. Yung
dalawang rooms na sa baba.

Room number 1: Entertainment room.

Room number 2: Ayaw niya sabihin.

Nasa baba din yung living room and dining room, malamang! Hahaha! The rest, nasa
taas na tapos kwarto na nila.

Humawak si Dylan sa door knob ng pinakamalapit na room, "Guys, this is my room.


Solo ko 'to kasi hindi ako sanay ng may kasama,"

Pag open niya ng room, parang kwarto ng babae sa sobrang linis!

"Pwede pumasok?" Katy asked.

"Sure. Go lang." Pumasok na kami ni Katy.

"Omgsh!" Katy squealed.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"HOOOOOOOOOOOOOOY!" Nagulat na lang ako ng biglang tumalon at sumigaw si Dylan.

"Ryliee-" Biglang tinakpan ni Dylan bibig ni Katy. Kinuha ni niya yung hawak ni
Katy tapos tinago sa pocket niya. Ano ba yun?

"Tara na nga!"
"K." Hay. Ang kulit ni Dylan and Katy. Di na ko magugulat if one day, maging sila.

How cliche!

Lumabas na kami ng room ni Dylan tapos naglakad lakad kami. Kumatok muna siya
before he opened the door sa room malapit sa kwarto niya. Dalawa yung beds tapos
magkahiwalay. Yung isang side, malinis tapos may nakita akong guy na nakadapa at
nagaaral. Sa isang side naman, may naghahalikan pero tumigil sila noong pumasok
kami.

"He's Carlo." Tinuro niya yung nakadapang guy.

"Hi," Sabi noong Carlo then he smiled. LOL!

"And he's Jammy,"

"Hi!" Jammy waved.

"She's Jellica nga pala," Jammy introduced his girl pero nagulat na lang lahat
dahil nanlaki yung mata ng babae. Sht?

"OMG! Who the heck is Jellica?" Sabi ng girl.

Uh-oh. I smell something fiiishy.

Cinlose na namin yung door. Hahaha! Ayaw namin ng gulo.

Naglakad kami tapos pumunta kami sa kabilang room.

"Third room. Off limits e. Hahahaha! Pero sila Christian and Ariza yung naka-room
diyan. Oo nga pala hindi niyo sila kilala. Uhmm basta, they're couple. Hindi nga
naghihiwalay yung dalawang yun e." OMG!

O_______O
Christian, best friend ni ano? Ariza na girlfriend ni Christian na dating kaaway ko
dahil nagseselos siya sa amin ni ano pero di nagtagal naging kaibigan ko din?

Pero wait, kung nandiyan si Ariza and Christian na bestfriend ni ANO. Di rin
imposibleng dito nakatira si ANO. Si ANO kaya yung nanliligaw kay Katy?! Omgsh!

Dumiretso na lang kami at pumunta sa 4th room. Napansin kong nakaopen lang yung
room. Hindi ba siya natatakot na nakawan? Seryoso lang?!

"Hi. Roses for you." Sabi ni ANO! O___O

"Oh Katy, nandiyan na pala yung manliligaw mo e," Biglang sinabi ni Dylan.

Tama nga hinala ko pero bakit gulat na gulat pa din ako? Sht hindi 'to pwede. I
can't see him! Ang sakit. Ang bilis na naman ng tibok ng pu- OKAY STOP!!!

"Aww. Thanks!" Sabi ni Katy na nagbblush pa.

Tumalikod ako. *clears throat* *changes voice*

"Uh, guys! Mauna na ko ah. May gagawin pa pala ako," I shouted while walking.
Nilakihan ko boses ko para di masyadong halata. OMG talaga. This can't be
happening. This can't be... NO!

"Wait R-" Hindi ko pinatapos yung sasabihin ni Dylan.

"Ah oo nga pala, nice to meet you all! My name is Rhea!"

What the eff?! ANONG SINABI KO?! Pakiulit niyo ngaaa?!

"ARAAAAAAY!"
Bigla akong nadapa. Puuuu!

Tumakbo sila papunta sa akin tapos nakita ko na naman si ANO so ang ginawa ko na
lang, nilagay ko yung buhok ko sa face ko na parang si Sadako. Ano ba 'tong
ginagawa ko? Iba na ko diba pero bakit nung nakita ko siya bigla akong natakot.

Natakot saan?

Natakot na baka masaktan niya ulit ako

o baka naman...

natakot na mahalin ko ulit siya?

NO WAY!

"Ms, okay ka lang? Tulungan na kita." Inabot niya yung kamay niya pero di ko
tinanggap. Tumayo lang ako.

*lunok lunok* *changes voice*

"Oo naman, okay lang ako! BAKIT NAMAN HINDI?!" Sabay takbo pero lecheng buhay,
hinabol ako ni Dylan. Ano ba naman 'tooooo?!

"RYLIE, teka nga, ano ba nangyayari sayo?" He shouted.

Gusto kong sabihin kay Dylan na 'TANGINA! KAILANGAN ISIGAW PANGALAN KO?!'

"Rylie?" Tanong ni ANO. Parehas kaming parang na-paralyze!

Haaaaaaaaay.
Inayos ko yung hair ko tapos humarap sa kanilang lahat.

Buti na lang nakapag ayos ako ngayon!

"Magkakilala kayo?" Sabay pa si Dylan and Katy.

"H-ha? Of course....... n-not," Sabay kami ni ANO.

"Ano kasi e. Kapangalan lang niya ex ko," Sabi ni ANO. Galing talaga umarte! Wag
kang papatalo Rylie, kaya mo yan!

"Ooooh. By the way, Justin meet Rylie, my closest friend," Sabi ni Katy.

"Hi." I said while shaking his hand. Seriously? How awkward!

"Rylie meet Justin, my suitor." Oh, how nice!!!

"Oh hello. Nice to meet you. TAKE CARE of my FRIEND. Don't HURT her kasi-" Hindi
niya ako pinatapos sa sasabihin ko. BASTOS!

"Of course, I WON'T hurt her. Di naman ako katulad ng EX ko e. NANG-IIWAN," The
hell is his problem? Fine, I was the one who left but diba tama lang naman na iwan
ko siya? Hindi naman ako ganun katanga. Okay fine, ang tanga ko dati pero grabe,
nakakapagod din naman maging tanga no.

"Really? Kawawa naman pala EX mo. Ay IKAW pala sorry."

GRABE WHAT A SMALL WORLD.

BAKIT NGAYON PA?! LECHE NAMAN!

PAANO KO SASABIHIN KAY KATY NA SIYA YUNG LUMOKO SA AKIN?


PAANO KO SASABIHIN NA SIYA SI JUSTIN TYLER...

AT AKO YUNG SINASABI NIYANG EX KAHIT HINDI NAGING KAMI?!

BULLSHARK!!!!
####################################
CHAPTER THREE
####################################

"Ano ba ginawa ko para mangyari sa akin 'to?! ANO?!"

"Wala ka naman ginawa e."

"What the fuuuudge. Ano na gagawin ko ngayon?"

Hay. Nandito ako ngayon at kinakausap ang sarili ko sa salamin. Wala naman kasing
ibang sasagot sa akin kung hindi ako, ako, ako at ako lang. Ay meron pa pala, si...
AKO! Omgsh lang, forever alone! T____T

Iba na si Rylie. Ibang iba na! Hindi ako pwede bumalik sa dati dahil lang sa kanya!
This can't be! Caaaan't beeeee!

Nag jeep na ko then nag train para pumunta sa school. Hay. Until now talaga yun pa
din iniisip ko. Fuuudge. Hindi ko nga nagawa homeworks ko kagabi e. Nakakastress!!!

Pumasok na ako sa room...

Nandoon si Katy.

"Hi Rylie! Ikaw ah, may di ka sinasabi sa akin."


Alam na kaya niya? Oh sht. Paano ko ba sasabihin kay Katy...

"A-ano yun?" Tanong ko.

"Na may date pala kayo ni Dylan mamaya."

Nakahinga ako ng maluwag pero tae, yun pa yung isaaaaa!

FLASHBACK:

"Oh hello. Nice to meet you. TAKE CARE of my FRIEND ha? Don't HURT her kasi- "

"Of course. I WON'T hurt her. Di naman ako katulad ng EX ko e."

"Really? Kawawa naman pala EX mo. Ay. I mean IKAW pala."

"Of course, paano naman magiging kawawa yun? Inaway nga niya bestfriend niya for no
reason e. And isa pa, niloko niya ko. Ang dami kong sinacrifice para sakanya per-
Anyway, let's not talk about her na lalo na't nandito si Katy," He winked. Gusto ko
ng masuka!!!

Pigilan niyo kooo! Pag ako di nakapagpigil, masasapak ko 'to.

K.

I just smiled.

"Sabagay. Pero al-" Sasagot na sana ko pero leche si Katy, pinutol sasabihin ko.
Ughhh crap, he just smirked!

"Uh guys? Okay lang kayo?" On the brighter side, buti na lang di niya ko
pinagsalita dahil ayoko na makipag-usap sa isang taong non-sense kausap. TAO?!
HINDI SIYA TAO!

"Ha? Oo naman! Sige mauna na kami ni Dylan ah. Bye! Enjooooy!" Sabi ko sabay hila
kay Dylan. Sorry, Dylan. Haaay.

Nakalabas na kami ng bahay...

"Uy may problem ka ba, Rylie?"

"Dylan, si Ty- I mean si Justin. Ano kasi, mahirap iexplain. Ah basta! Bukas ko na
lang sasabihin sayo lahat lahat. Sa ngayon, gusto ko na umuwi. Gusto ko na
magpahinga. Pwede ba yun?" I asked.

"Wait. Are you asking me for a date?"

"Of course not. Alam mo namang di ako game sa ganyan diba?" I said timidly.

"Hay. Yeah, dahil ba sa kanya?"

"Kanino?" Tanong ko kahit alam ko naman na ibig niyang sabihin.

"Justin?" I knew it. Alam na niya...

"Oo-Hindi-Ewan-Ugh-HINDI KO ALAM!"

"Okaaaaay? Basta may date tayo bukas ah."

"Whatever. Hindi yun date!"

"DATE."
"HINDI NGA!"

END OF THE FLASHBACK!!!

"HINDI NGA YUN DATE. UGH."

"Wag ka na mag deny. Huling huli na e. Ikaw pa yung umaya sa kanya lumabas
yesterday e. Oh well, may date din kami ni Justin tomorrow. Double date tayo?" Ang
kulit ng budhi nitong babaeng 'to. Ang sarap tirisin!!!

"Hindi nga yun date. Ugh," I rolled my eyes out of frustration.

"Whatever. Basta ha? Mamaya!" Ang hirap lang pag sobrang kulit ng kausap mo.

"Ryliieee, pinapatawag ka ni Sir. Ano daw gagawin sa party?" Tanong ng isang


blockmate ko na kasama ko. Organizer kasi ako ng party for our organization. Oh
well, naging vice president ako sa org ng course ko.

Lumapit ako sa blockmate slash ka-member ko at iniwan si Katy. Hay salamat!

Katy attack free ako for 15 minutes!

"Hay ang tahimik niyo namang dalawa. Ano ba problema niyo?" Tanong ni Katy sa aming
dalawa ni ANO. Hahaha! Cinareer talaga yung code name na ANO e. LOOOL!

Nandito na nga pala kami sa mall kasama si Katy, si ANO, and si Dylan na self-
proclaimed date ko. Crap!

"Ano ba kasi pakielam mo kung tahimik sila? Kausapin mo na nga lang si Justin at
kakausapin ko si Rylie KO." Ano ba naman!
"Tigilan mo nga ako. Ugh. I'm leaving," I said. Nakakainis kasi e. This is not a
date. Wait nga, saan ba ako naiinis? Wala naaaaman akong dapat ikainis diba? Excuse
me, nakamove on na ko sa kanya matagal na. Excuse me talaga! Ugh. Concern lang ako
kay Katy.

"Ryliieeeee, wag. Ay alam ko na! Dito muna kayo ni Dylan tapos may bibilin lang
kami sandali ni Justin. Deal?"

I just nodded tapos umalis na sila...

"Ano ba kasi talaga meron sa inyong dalawa?"

Ang kulit kulit kulit ni Dylan kaya yun, kinwento ko lahat lahat lahat sakanya
since alam na din naman niya na si ANO yung sinasabi ko.

"Ooooh. That's why ang bitter bitter mo,"

"Pero hindi ko maimagine na clumsy ka and careless. Hindi halata! And ugly
duckling?! You kidding me?! Ang ganda ganda mo tapos popular ka pa lalo na sa
college of engineering ng school. Pero simple ka pa din. Buti na lang hindi ka
naging maarte. And yung pagiging childish? Hindi ko talaga maimagine!"

I shrugged my shoulders.

"Do you still love him?" He asked out of nowhere.

Where did that come from?!

I shook my head.

"Are you sure? Bakit ang tahimik mo pag nandiyan siya? Bakit nung nakita mo siya
kahapon, ginawa mo lahat para lang di ka niya makita? Kahit sobrang mukhang ewan mo
na?"
Bakit nga ba? Hindi ko din alam e.

"I don't know. Maybe because ayoko lang talaga siya makita kasi bumabalik lang yung
sakit."

Naaalala ko na naman yung mga sinabi niya...

"Oo. Gusto ko nga si Janilyn! Maganda, matalino, at mabait. Si Rylie? Careless,


Clumsy, Ulyanin, at mahina masyado. Ayoko sa ugali at kilos niya. Gustung gusto ako
ni Aisha para sakanya kaya pinilit niya ako makipagdare.."

Tang!ina ang sakit...

Akala mo yun na e. Akala mo nahanap mo na yung forever mo. Oo inaamin ko, hanggang
ngayon umaasa pa din ako na may lalaking magmamahal sa akin pero hindi forever at
hindi magtatagal. Alam mo yung feeling na pakiramdam mo magsasawa din naman sila at
di magtatagal, titikim ng iba.

Yaan siguro isa sa mga dahilan kung bakit ayoko na.

Magmamadre na lang ako at least doon, alam kong forever and ever kami ni Lord.
Walang kasawaan! Walang expiration date!

Mapupunta pa ko sa Heaven...

"Yun lang ba talaga?" Tanong niya.

Papunta na sila sa amin...

"Bumabalik nga ba talaga yung sakit dahil sa mga ginawa o nasasaktan ka lang kasi
yung close friend mo kasama ng ex mo? Pwede rin namang, nasasaktan ka kasi mahal mo
pa siya," Ang lungkot ng pagkakasabi niya. Parang nalungkot din ako. Tapos parang
may bato na tumama sa puso ko. Dahilan kung bakit napapout at napakunot yung noo ko
>.<
"Ryliiee, alam mo ba ang sweet sweet pala nitong si Justin. Approve ka na ba
sakanya? Haaa? Yiieee. Sana ganito everyday no?" Grabe! Bigla kong nakita yung
sarili ko kay Katy. Naiimagine ko na yung old Rylie yung nagsasalita sa harap ko
ngayon...

Napatingin sa akin si Dylan...

"Hoy ikaw, halika nga! Magusap tayo! Diyan lang kayong dalawa, may sasabihin lang
ako sa babaeng 'to!" Ang epal talaga ni Dylan. Alam naman niya yung sitwasyon ko
diba -__-

Alam niya kung gaano ko kinamumuhian yung lalaking nasa harap ko.

Ewan ko kung saan sila nagpunta or kung ano pinaguusapan nila basta kami sobrang
tahimik namin.

"Mauna na ko," Sabi ko at naglakad na. Oh well, I can't stand him! I don't want to
be beside him. I don't even want to see his UGLY face. Okay fine, hindi siya
pangit. Actually, gumwapo siya LALO. Siguro kasi ang dami na niyang chickssssss.

Ugh. Nabibwisit ako kasi bakit ko pa siya pinatulan? Anyway, past is past. Ang
importante, paano ko sasabihin lahat ng 'to kay Katy? Paano ko pipigilan 'to?

Hinawakan niya yung braso ko.

"Don't you dare touch me," I said while clenching my fist.

"Ano bang problema mo?" He looked at me. WHOA INTENSE!

"Ewan ko, wala naman akong problema sa pagkakaalam ko. Baka ikaw, meron? Pero kasi,
I don't talk to strangers. Sige una na ko. Ingat ka sa karma." Inalis ko yung braso
ko.

"Fcvk!" Hinila niya ulit ako sa braso.


"I said don't touch me! Ang kulit?" Aalisin ko na sana pero ayaw pa din niya
bitawan.

I sighed while rolling my eyes. Kainis!

"Hindi ko alam kung ano ang problema mo sa akin, sa sarili mo o sa mundo pero kung
ano man yun, wala akong kinalaman doon. I did my best to save our relationship. I
did everything but you just... broke my heart." WHAT?! WHAT?! WHAT?!

"Ha? What are you saying? Srsly. I don't get you."

So ngayon binabaliktad niya yung mga happenings? Ang sarap niya i-hulog sa building
o paliguan sa dagat ng basura. Ugh!!! >.<

"Wag ka nga magkunwari. Pinagpalit mo ako kay Josh, remember? Anyway, past is past.
Let's forget those. Pwede naman tayong maging friends diba?" He smirked.

"Tsh. Ayoko makipagkaibigan sa mga..."

He kissed meee. Puuuuuu!

*sampal*

Sinasabi ko na nga ba hindi siya seryoso kay Katy. Ugh. Kung kinaya niya akong
halikan, yung ibang mga babae pa kaya? Nakakainis. Nakakaasar. Nakakagigil.

"Psh. Actually, ayoko din makipagkaibigan sayo pero please lang, pag nandiyan naman
sila Katy, act like nothing happened. Act like we're friends. Masyado kang obvious
e. Halatang apektado. Nagseselos ka ba? No need to an-"

*sampal*

Iniripan ko siya. Sorry pero hindi ako iiyak dahil lang sa mga pinagsasabi niya sa
akin ngayon. I'm not going to cry and hindi ako nasasaktan. Hindi! Wala lang naman
siya sa akin so hindi ko siya kailangan dibdibin.
"Excuse me? Wag kang masyadong makapal. Hindi kasi ako plastic katulad mo. Di ko
feel ang aura mo kaya I'd better keep my mouth shut rather than talking to a good
for nothing guy like you. Playing with girls? Oh, such a gentleman."

"Sobrang nag-iba ka na. Sobrang iba."

Yeah thanks to you.

"Thanks."

Kring kring.

I answered my phone. Hindi ko alam kung sino yung tumatawag pero baka important so
sasagutin ko na.

"Hello?" I said.

"Hi Rylie."

"Uh, who's this?"

"Guess who?"

"Madami akong ginagawa. Wala akong time para makipaglaro."

"Sungit naman nito. This is Josh. I'm back!"

"Oh my gosh Josh! Kailan ka pa nandito?" Remember? Naging close kami simula nung
nagpretend siyang boyfriend ko para lumayo na si ANO.
Tumingin si ANO sa akin tapos nag grin.

"Kakadating ko lang. Ikaw una kong tinawagan and guess what?" OMG DUMATING NA SIYA!
HE'S NOW IN THE PHILIPPINES! YAY TIMING!!! T___T

"What?" I asked.

"I'm staying here for good." HE'S STAYING HERE FOR GOOD, YAY! Seryoso, masaya ako.
Masaya ako na dumating siya and FYI, platonic relationship 'to. Walang nangangamoy
isda. Just friendship! Walang benefits.

"Really? Ang dami kong ikikwento sayo. I miss you! Sige, bye! Shall talk to you
later," Then I smiled. Grabe, nakakamiss din pala yung lalaki na yun kahit papano.
Don't get me wrong, I don't like him. Like as in like talaga ha. Friends lang kami.
Good friends.

Tumingin ako kay *badword* tapos nakatingin lang siya sa akin. Parang may kuryente
sa pagitan naming dalawa. Sobrang sama ng atmosphere.

Nakakabwist lang kasi bigla siyang nag grin...

UGH >.<

"Hoy ikaw, kung sasaktan mo lang si Katy katulad ng ginawa mo sa lahat ng naging
babae mo. Wag mo ng subukan. She doesn't deserve it. She's innocent and she
believes in love that lasts forever. So ngayon pa lang, layuan mo na siya hangga't
di pa huli ang lahat."

"Akala ko ba you don't talk to strangers? Ano ba pakielam mo kung seseryohin ko


siya o hindi? Mind your own business, stranger. I know she's your close friend but
dude, you're not my girlfriend nor my friend. You're just a stranger. Wala kang
karapatan sabihin kung ano ang gagawin ko or hindi ko dapat gawin." Nag grin ulit
siya.

Dapat sasampalin ko ulit siya pero pinigilan niya by holding my wrist.

Tinadyakan ko yung center of his body. Alam niyo na yun...


"Ugh. Sht." Napatalon siya habang hawak yung alam niyo na

"You deserve it. Oh no, hindi pala. Kulang pa yan sayo."

Umalis na ako.

I went to the comfort room.

Hindi ko mapigilan e.

Hindi ko mapigilan yung luha ko.

Bakit ang sakit? Hindi naman ako dapat nasasaktan ng ganito kasi diba nga nakamove
on na ko sa kanya? Lahat ng love napunta sa galit. Pero bakit ganito? His words, so
harsh. So sharp. Mas matalim pa sa espada.

Sabagay, harsh din yung mga sinabi ko pero wala siyang karapatan na sabihin ako ng
ganun kasi first of all, siya ang may kasalanan.
Nakakainis lang kasi until now, di pa din niya alam kung ano ang problema ko
sakanya. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya sa akin kung bakit naging ganun
ako sakanya at kung bakit naging ganun kami bigla.

Wala man lang effort? Kahit konti ba, wala talaga siyang na-feel sa akin? Bakit
dati naman parang totoo? Yun nga e, PARANG lang. They love saying things na hindi
naman totoo para lang makuha gusto nila.

Pero alam naman niya siguro, diba? Alam naman niya sigurong pinagpustahan lang niya
ako diba? Na ang naging relasyon namin ay gawa lang sa pustahan at lokohan?
Sigurado ako, nagmamalinis lang siya. Ang galing talaga umarte. Napaniwala niya
kong mahal niya ko dahil sa mga efforts na binibigay niya.

Nag effort lang pala siya para sa isang pustahan.

Bakit ba bumabalik lahat ng sakit?

ANG TAGAL TAGAL NA! 2ND YEAR COLLEGE NA KO! 4TH YEAR PA NOONG NANGYARI YUN. STOP NA
PLEASE. STOP NA!!!

Kring Kring.

Tumatawag si Katy so I answered my phone...

"Rylie, may sasabihin ka daw sa akin sabi ni Dylan?"

"Ha?" >.<

EPAL TALAGA SI DYLAN KAHIT KAILAN -____-

Dapat di ko na talaga sinabi e >.<


"Sa monday na lang. By the way, nauna na pala ako. I need to go home. Pasabi na
lang din kay Dylan. Thank you! Bye, enjoy kayo and take care!"

"Umiiyak ka ba?" Tanong ni Katy.

"H-hindi ah. Sinipon lang ako. Kaya nga kailangan ko na talaga umalis e," I
laughed. Noice excuse Noice tologooo.

Lumabas na ako ng cubicle at nagsalamin. I fixed myself.

Inhale. Exhale.

Umuwi ako ng bahay at dumiretso sa kwarto. Sobrang tamlay ko! You know why...

I texted Josh...

"Where are you?"

Tapos nagreply siya ng, "Nasa puso mo."

Magrereply na sana ako nung bigla siyang tumawag...

"I FREAKIN' HATE YOU!" Sinigawan ko siya.

Sino ba magaakala na ang sobrang crush ko dati na muntik na akong lokohin na


pinagtanggol ako sa girlfriend niya ay ang pinakaclose at pinakatinatrust ko ngayon
na guy. Alam naman niya kasing ayoko na magkalovelife e and isa pa, pumayag siyang
mag pretend na boyfriend ko noon kahit alam kong mahirap for him. Siya lang
nakakaalam ng talagang mga nangyayari sa akin. I owe him big time!

"What do you need, madame?" He asked while laughing.


"Let's talk."

"Naguusap na tayo ngayon diba?"

"Ano baaa!"

"Sige sige, ano ba yun? Sungit mo tolooogo. Huhuhu! Ganyan ka ba mag welcome back?
Wow thanks, I feel the love!"

"Ehhh. Kasi naman, I'm stressed!"

"Ano ba kasi?"

"Si ANO kasi nakita ko."

"Oh, so? You still love him?"

"Hindi. Lahat na lang kayo yun yung tinatanong."

"Sinong kami?"

"Di mo kilala e. Anyway, nililigawan niya yung friend ko."

"Eh di masaya."

"Ano ba!"

"Oh bakit? Nasasad ka ba? Mahal mo pa no?"

Biglang sumikip yung puso ko sa tanong niya >.< Si Josh talaga, nakakainis.
Masyadong diretso magtanong or magsalita. Kainis talaga e. Wala ng paligoy ligoy pa
T_T

"Mandiri ka naman sa balat ng ahas. Malamang hindi! Ano ba matagal na akong


nakamove on sa kanya kaso bumabalik yung sakit pag nakikita ko siya. Lalo na
kanina, ang dami niyang masasakit na sinabi. Pero madami din naman akong masasakit
na sinabi sakanya plus tinadyakan ko pa yung center niya. Pero kasi, concern lang
ako sa friend ko. Baka gawin niya yung ginawa niya sa akin..."

"So, gusto mong ilayo friend mo sakanya?"

"Ewan. She's like the old me. Sobrang naniniwala sa lahat ng sinasabi ng mga guys.
Yung magpapromise na hindi ka nila iiwan kahit ano mangyari pero ang totoo, wala
pang nangyayari, iiwan ka na nila," I sighed and continued...

"Yung hindi sila magsasawa pero nakakita lang ng mas maganda sayo, pagpapalit ka
na. Yung mga nagsasabi ng I can't live without you pero nung nawala ka, buhay pa
din sila. Sana namatay na lang sila diba? Ugh."

"Sobrang bitter mo. Hindi naman lahat ng lalaki ganyan. Look at me,"

Ang kapal!!!

"Pag tiningnan kita, mas lalo lang akong maniniwala na wala ng matinong lalaki!
Walang wala ng matinong lalaki sa panahon ngayon," I joked.

Dumapa ako sa kama ko...

"Hoy nagbago na ko no! Nakita mo ba akong may ibang girls? Wala naman diba?"

"Pero aminin mo, natetempt ka pag may magandang girls."

"H-h-hin-Hanggang tingin lang naman ako no. Pero yung heart ko, tumitibok para lang
sa isang girl at hindi ko sasabihin kung sino yun. Hahahaha!"

"I don't care din naman no. So, ano na gagawin ko?"
"So you don't care about me? Huh? Ouch ha!"

"Josh, hindi bagay!!!"

He laughed, "Wag ka na lang makielam or if you want, tell her the truth bago pa
niya sa iba malaman. Before pa mahuli ang lahat."

"Hay. Kailangan ko muna ng madaming alak para masabi sa kanya yun. Wala na bang
ibang way?" Tanong ko.

"I don't know. Sobrang liit ng mundo mo. Yung mundo ko kasi, ang laki!"

"Magkaiba ba mundo natin? Sabagay. Nasa earth ako, nasa jupiter ka."

"Hoy sobra ka naman -___-"

Natawa ako, "Joke lang ano ba. Bakit mo pala nasabi na malaki yung mundo mo at
maliit yung akin? Labo e,"

"Kasi hanggang ngayon, di ko pa din nakikita yung taong magmamahal sa akin."

"Ako din naman ah. Parehas lang malaki ang mundo natin. Lumiliit lang pag nandiyan
si ANO."

"Umiiba pala yung size ng earth no? Ang labo na natin e. Sige, see you soon! Namiss
kita kausap Rylie. Sobra!"

"Namiss din kita. Bye!"

Binaba ko na yung phone. Gumaan yung pakiramdam ko nung nakausap ko siya. Buti na
lang sakto yung pagdating niya. Nag rest na ko. I need sleep!
Kailangan ko ng energy para bukas...

Bukas?!

SANA DI KO NA SIYA MAKITA BUKAS!!! T___T

It's monday! Iniisip ko pa din kung paano ko sasabihin kay Katy >.<

Diba nasabi ko na sa inyo na vice president ako sa isang org? Yung org na yun is
for marketing. Yeah, marketing student ako. Kung dati takot ako magsalita in
public. Ngayon, takot pa din. Hahahaha! Labo >.< Ewan, di ko talaga maalis pero mas
okay naman ngayon. Ngayon kasi, mas nakakaharap na ko sa madaming tao. Kasama din
pala ako sa malate, writing org siya plus last but not the least, kasama ako sa
DSG, sa singing naman 'to.

Ang active ko no -_-

Di naman kasi ako magaling kumanta. Magaling lang ako makinig sa mga kanta >.<

Pero ewan, di naman ako masasali dito if hindi maganda boses ko

So bago pa humangin ng tuluyan, pumasok na ako ng room.

"Ryliiee!" Tumakbo siya papunta sa akin.

"Hi Katy," I waved my hind.

"Ano na sasabihin mo? May sasabihin din ako e."

"Mamaya ko na lang sasabihin yung sa akin. Masyadong mahaba e." Actually,


kinakabahan lang talaga ako. Haha!
"Sige, mauna ka na muna."

"Dati ko pa 'tong alam. Sinabi sa akin ni Justin," Sinabi na ni ANO? Swear? How?

"Alin?"

"Mag-"

Kaso biglang dumating yung prof namin. BITIN!

"Sige mamaya na lang." Ano kaya yun?

Minutes has passed at may pumasok na lalaki.

Just what the afdkslhfjsgsfjksfdfl?!?!?!?!?!?!

ANO GINAGAWA NG LALAKI NA YAN DITO?!

Tumingin ako kay Katy na parang nagtataka.

"Yun yung gusto mong sabihin sa akin?!" I asked and she just nodded.

"Ry, sorry. Alam kong ayaw mo siya for me. Yeah, sinabi na sa akin ni Dylan na ayaw
mo sa kanya pero alam mo naman na gusto ko siya diba? Plus, don't worry, ready ako
masaktan. And mukha naman siya mabait diba? By the way, matagal na niyang plan mag
shift dito sa school and course natin but not because of me ha. Because of his
parents."

Bakit ba siya nageexplain? Grrr.

Nag sigh lang ako. Wth?! -_________-


May magagawa pa ba ko? Nandiyan na yan e. BV!

Natapos ang class and lumabas ako ng room. Nagdire diretso ako sa DSG office para
ayusin yung papers ng mga mag-o-adution. Ngayon kasi yung recruitment week ng mga
minor organizations like chorale, dance chuchu, etc.

Lumabas na ko kasama yung ibang ka-org ko tapos pumunta na kami sa WS little


theater. Syempre nasa harapan ako. Yes, I'm one of the judges.

"Baaaaaby baaaaaby baaaaby, when you touch me like this and when you hold me like
that. It was gone with the wind but it's all coming back to me. When you see me
like this and when I see you like that. Then we see what we want to see all coming
back to me. The flesh and the fantasies all coming back to me. I can barely recall
but it's all coming back to me nooow."

"We'll post na lang sa wall namin on facebook or sa bulletin board near WS hall way
yung list ng mga nakapasok. Check there na lang thanks."

"Thank you po."

Konti lang yung nago-audition sa DSG kasi mga weirdos daw. Nakakainis lang sobra
sila mag criticize and mag drisciminate. Excuse me? Ipapakita ko sakanila na mali
sila.

"No more au-"

"Wait, me!"

May humabol na isang lalaki.

"Oh sht ang gwapo. Ipasok na natin yan." Sabi ng isang ka-org ko, si Cheska.

"Just what the eff are you doing here?!"

"Why? Bawal po ako mag audition?"


"Wait nga, magkakilala kayo?"

Nagtinginan kami. "Of course not." Sabay naming sinabi tapos tumingin ulit
sakanila.

"Oooh. Bitter." Narinig kong sinabi ng isa.

"Naah, di nga kami magkakilala. Kasi naman, wala siya dito sa papers ng mago-
audition. Nasa rules yun diba? Plus, he's so late."

"B-b-but he's so gwapo."

"No he's not. Nabubulag ka na ba cheska?"

"Hay nako, baka ikaw yung nabubulag boss Rylie." Sabi ng isa kaya naman pag tingin
ko sa lalaking nasa stage, naka-smirk ang loko. Nakakaasar!

What the hell?! Pinagtutulungan nila ko.

"Di siya pwede mag audition."

"But pleeeaaase?"

"Ugh. Fine!" Puuuuu!!!

Pumunta na siya sa stage at kinuha yung mic. Nakakainis!

"Now that it's all said and done,


I can't believe you were the one
To build me up and tear me down,
Like an old abandoned house.
What you said when you left
Just left me cold and out of breath.
I fell too far, was in way too deep.
Guess I let you get the best of me.

Well, I never saw it coming.


I should've started running
A long, long time ago.
And I never thought I'd doubt you,
I'm better off without you
More than you, more than you know.
I'm slowly getting closure.
I guess it's really over.
I'm finally getting better.
And now I'm picking up the pieces.
I'm spending all of these years
Putting my heart back together.
'Cause the day I thought I'd never get through,
I got over you."

Ewan ko pero para akong binabato ng malalaking bato at swords sa kanta niya. Grr.

Tumayo yung mga kasama ko at pumalakpak. Standing ovation pa ang arrive ni koya. BV
lang e. So may choice pa ba ko? Sigurado naman akong pagtutulungan ako ng mga babae
sa likod at tabi ko. Yung mga lalaki at bakla naman, nakatayo din. BV e. Wala na ba
akong kakampi? -_________-

Pero si Kent, yung isang kaoorg ko, no comment. Ang mysterious talaga ng tao na 'to
kahit kailan. Well, I don't mind.

"Grabe, kaboses niya si Christian Bautista."

"Tapos ang gwapo pa."

"Baka siya ng yung pag-asa natin paangatin yung org natin and madaming sumali. Diba
diba diba?"

"Oo nga tama ka."

OO NA OO NA OO NA! SIYA NA! BV LECHE!

"Ryliiieee, dali naaa. Tanggapin mo na siya."


"We'll post na lang sa wall namin on facebook or sa bulletin board near WS hall way
yung list ng mga nakapasok. Check there na lang thanks. Sige na guys, mauuna na ko.
Kayo na lang mag dismiss or pag may gusto pa mag audition, game lang. Kayo na
bahala. Bye."

Bago pa ako tuluyang makaalis, may narinig ako...

"Sorry ha, bitter lang talaga yan sa mga guys. Ang pretty, brainy, and strong pa
naman niya. Sayang lang. Daming nag try na manligaw pero walang nakalusot ni isa e.
Single pa din until now!"

WTH?! BAKIT NILA SINABI NA SINGLE AKO?! AKALA NGA NI BAD WORD KAMI NI JOSH DIBA?!
UGH.

Lumabas na ako ng door.

Bakit ba kasi nila pinapakielaman love life ko? Ugh. Sa ayoko nga diba? Ayoko na.
Ayoko na magmahal. Ayoko na masaktan. Sawang sawa na ko sa panloloko ng mga lalaki
diyan sa tabi tabi. And to think na ka-org ko na yung lalaking lumoko sa akin?! BV.
Nakakaasar talaga! Sana lang hindi mapansin ni badword yung sinabi ng ka-org ko.

Saan ba ako pwedeng pumunta?

Ah. Pumunta ako sa garden at umupo sa bench para makapagisip-isip. Kailangan kong
malaman kung paano ko sasabihin kay Katy na si Tyler ay si Justin.

"Hoy." Si badword.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumayo ako.

"Sinusundan mo ba ko?" I asked him.

"Totoo ba?" He asked, too.


Totoo ba ang alin?
####################################
CHAPTER FOUR
####################################

"Totoo ba?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Wala kang pinayagang manligaw?"

"So?" I raised my left eyebrow.

"And single ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hoy ikaw, ano ba problema mo? Wala kang karapatan tanungin sa akin yung mga yan
kasi we're nothing but strangers. I don't know you. You don't know me. We're not
friends because we don't like each other. We hate each other! We're strangers! Ugh"
I kicked his leg.

He grasped both of my arms.

"10 things!" ???

"What are you saying?!" I asked.

"First, hindi hoy ang pangalan ko. Second, don't act like nothing happened between
the two of us. Halikan pa kita diyan e. Third, bakit galit na galit ka sa akin
dati, and I think until now, at naisipan mo pang gamitin si Josh para lang
mapaniwala ako or kami," Tinatry ko umalis pero ang higpit talaga ng hawak niya.

"Let me go," Nanghihina na ko. Ang higpit ng hawak niya! Buti na lang walang
masyadong tao sa garden kasi class hours pa.

"Sagutin mo muna yung tanong ko."

"Because I hate you! Nagsawa ako sayo so ginawa ko lahat para lumayo ka sa akin.
Now let me goooo!" Okay fine, I lied. Never ako nag sawa sa kanya. Kainis nga e!

"Talaga lang ha?" He's sarcastic. Eh anong pake ko?

"Ugh!" Nakakafrustrate na!!!

"Fourth, wag kang masyadong obvious na bitter ka sa akin pwede? Fifth, gumanda ka
nga, tumalino at tumapang pero it doesn't mean na hindi na ikaw yung dating Rylie.
I know you too well. You act like you're strong pero deep inside, you're weak as
hell." Nag grin siya.

"Sixth, I respect you pero wag mo kong pilitin na maging rude. Seventh, move on!
Eight, can you please act like we're friends in front of them. I know kaplastikan
pero it's the only way para hindi sila magduda sa past natin or kung gusto mo naman
ipagkalat, sige maging bitter ka lang forever. Ninth, what's wrong with you? What's
your problem with me?"

"What's wrong with you? Para kang leech, sobra makakapit! Get a life! Let me go!"

"Last but not the last, I have a life. New life. New lifestyle. New heart. New
GIRL. I know she's not going to break my heart like you did. I loved you but you
wasted it. I'm not dumb, don't act like you didn't love me at all. Wanna know why?
Kasi hindi ka naman magkakaganyan kung hindi mo ko minahal. Think twice."
He let me go.

Susuntukin ko sana siya pero hinawakan niya yung wrist ko.

Tiningnan ko siya ng masama...

"See? You're still you. You're still the old Jamilah Rylie... What's your last name
again?" He laughed pero halata mong fake dahil sa galit niya. Yung totoo? Inaagawan
ba niya ko ng role? Sino ba ang bitter? Ako o siya? O BOTH?

"I'm not. Ugh. I hate you!"

"Thanks! Don't worry, di ko naman siya lolokohin e. I'll do my best."

Do his best para hindi siya lokohin? So it means may possibility na lolokohin nga
niya si Katy. This is BULL...ahisjafhfhadjl...DOG!

"WHAT DID YOU SAY?!" I shouted.

"Gagawin ko lahat para lang hindi siya masaktan. I'll do my best to be the best guy
for her. I won't hurt her. I'll just love her like there's no tomorrow. Yun naman
ang gusto mo diba? I'll stay away from you and I'll stay with her. Don't worry,
susundin ko yung tips mo dati," He said seriously at naglakad na palayo.

Yun pala ang ibig niyang sabihin sa he'll do his best. Yun nga ba ang gusto ko? Oo
naman. Yun naman talaga ang gusto ko diba? Sumaya si Katy at hindi siya lokohin ni
Justin. Pero anong tips pinagsasabi niya? Ano ba pinagsasabi ng lalaki na yun? I
hate him! I should hate him! I ran as fast I can and went to comfort room. Pumasok
ako sa cubicle at umiyak.

Medyo naging literal na comfort room na nga ang CR para sa akin e. Kasi dito lang
ako pwede umiyak. Dito ko lang nalalabas lahat lahat lahat. This is my comfort zone
already.

Lumabas na ako...

"Oh. Rylie, what happened to you?" Tanong ni Katy.

Maybe hindi ko na kailangan sabihin sakanya yung about sa amin ni Justin. Sabi
naman niya hindi niya sasaktan si Katy diba? Nagwoworry pa din ako sympre pero mas
okay kung wag na lang ako makielam. I'll just leave them alone and do whatever they
want to do. I don't care anymore. I shouldn't care. If that's what makes Katy
happy, then GO!

"Hi Katy. Wala! Naisprayan ko na lang ng perfume yung eyes ko."

"What happened? Ang tanga naman ng perfume," She laughed at her own jokes. Ganyaaan
yaaaan, "Joke lang. Ano, okay ka na ba?" Tumango ako.

See how cute she is. She doesn't deserve to get hurt.

"Good good. Ano nga pala sasabihin mo?" She asked.

"Gusto ko lang malaman mo na don't mind me. Okay na ako kay Justin. Yeah, hindi ko
pa din siya gusto pero I don't care anymore kung sagutin mo siya or hindi. Basta
kung saan ka masaya, doon ako. I'll support you. K. Ang drama, hindi bagay." I
laughed pero nakatingin lang sa akin si Katy.
"What?" I asked kasi nakatitig lang siya sa akin na parang iiyak na. Halaaa! :o

"You know what? I love you. Pero wait, bakit nga pala ayaw mo sakanya? Okay naman
siya ah?" Akala mo lang yun.

"Maybe ayoko lang ng aura niya or ang pangit ng 1st meeting namin. Napahiya kasi
ako nun diba? Anyway, I love you too. Sige na puntahan mo na siya."

Bakit may part na sumakit. Baka chest pain lang no? Huu, excuses. Ano ba, nababaliw
na siguro ako. Hay, where's my normal life? Wheeere? Hay sayang lang yung
pagpepretend namin ni Josh. Sayang lahat ng efforts namin

"No, sasama ka sa amin. Don't worry, kasama si Dylan. Hindi ka maa-out of place."

"But-" Tiningnan niya ako ng parang nagmamakaawa. Puppy face!

"Okay fine!"

*Robinson's Place*

"Hindi nga yan." -Dylan

"Ang kulit mo ever. Yaan nga kasi yun." -Katy

"Magkaiba! Tingnan mo! Magkamukha lang pero hindi nga yan yun!" -Dylan

"Per-"

Kanina pa nagaaway si Dylan and Katy habang kami ni Tyler I mean Justin, tahimik
lang. Kung anu ano pinagaawayan nila. Ang kulit kulit parang mga bata lang.

"Babe..." Hinila ni Justin sa braso si Katy...

Tumingin siya ng malalim kay Katy.

Parang familiar yung tingin na yan e...

*FLASHBACK*

"Kung gusto mapakilig yung babaeng mahal mo, unang gawin mo, tumingin ng malalim sa
mga mata niya." With hand movements pa yah ah. Napatingin naman ako sakanya at
napakalalim ng tingin niya sa akin. Malagkit na ugghhh. Pag ako di nakatiis,
magagawa ko ang di dapat.

"Uhmm..." Umiwas ako ng tingin sakanya. "Tapos ngumiti ka sakanya." Sabay tingin sa
taas dahil iniimagine ko yung ngiti niya. "Yung ngiting pampalaglag... Ah basta.
Yung ngiting hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya."

"Ganito ba?" Tumingin ako sakanya and oh no. Mas masaklap 'to sa iniimagine at
ineexpect ko. Oh Lord. Killmenow! Hahaha! Napalunok ako. Kinalikot ko yung bag ko
at kinuha yung camera. Sabay picture sakanya.

"Gotcha! Pogi mo talaga!" Nakangiti pa din siya pero close yung mouth. Alam mo yung
parang kinikilig na pinipigilan tumawa. Napayuko siya. Tapos tumingin na naman siya
sa akin ng malalim at ngumiti na naman ng nakakapangakit. Pag yan ginawa niya sa
ibang babae, makakapatay ako.

JOKE LANG PO. HAHAHA!

*End of flashback*

Nakita kong nag blush si Katy. Nakatingin pa din si Justin sakanya tapos biglang
ngumiti. Nabadtrip ako pero hindi ko alam kung bakit. Ayoko ng alamin pa. Basta BV
ako. Ugh. Ang tagal na simula nung nangyari yun. Dapat di ko na yun naaalala ngayon
e.

"Ang cute mo. Wag ka na makipag-away. Let's watch a movie na lang. Gusto niyo bang
sumama?" Badword asked.

"Huh? Wag na lang. Ayaw namin makaistorbo," I smiled. Bigla kong sinabi. Hindi ko
alam kung naghahallucinate ako pero did I just see him grin? Ugh. He was half
smiling. He looked like an evil, for me.

Kidding aside, lalo akong nabadtrip. Sa tingin niya, parang sinasabi niyang, ANG-
PLASTIK-NAMAN-NITO! Excuse me? Siya kaya nagsabi na I should him treat him like
we're friends when we're in front of other people kahit KAPLASTIKAN pa yun. Buti
nga sinusunod ko siya e. Ughhh.

"Tama tama, wag na." Nag agree naman si Dylan.

"Ano ba guys, sama na kayo! Mas masaya. The more the merrier. Ano ba!"

Okay, wala na kaming choice. Spoiled si Katy sa amin ni Dylan e. Hay nako! Habang
nanonood kami ng movie...

"Giniginaw ka ba?" Badword asked.

"H-h-hindi. O-o-okay lang," Why is Katy stuttering?

Hinubad ni Justin yung jacket niya at nilagay sa shoulders ni Katy.

"T-thank you," Nag blush ulit si Katy.

"Anytime," Then he kissed her forehead. Just... GREAT!

GANDA NG VIEW WOOOOO!!!

*FLASHBACK*

"T-t-tapos pag nakita mong nilalamig siya, ilagay mo yung jacket mo sa shoulders
niya! Ay nakooo!" Buti na lang hindi ako nilalamig ngayon. Kinikilig kasi ako e.

"Tapos hawakan mo din yung kamay niya ng biglaan or yakapin mo siya. Kiss her on
her forehead kasi doon niya mafifeel na iniingtan mo talaga siya and special siya
sayo. K? Tandaan mo yan ah. Wag mong ilagay sa tenga mo. Ilagay mo sa utak mo."

Hinawakan niya yung kamay ko...


"Hoy hoy! Binibigyan lang kita ng techniques."

"Sabi mo gawin ko 'to sa taong mahal ko."

"Ah basta tandaan mo yan at ilagay sa utak mo para pag may iba ka na hindi ka na
poor manligaw..."

"Hindi ko na pwedeng malagay sa utak ko dahil nakatatak na siya sa puso ko.


Hahahaha! Hopeless Romantic ka nga talaga!" Iniiba niya usapan.

"Oh yes. I'm in love with love."

"And you're in love with me." Speechless.

*END OF THE FLASHBACK*

Natuwa naman ako kasi biglang may nagtext sa akin...

Ay. Nagtext si Katy...

Sender: Katy Ramirez

Message: Rylie, I feel so special. He kissed me on my forehead tapos binigay pa


niya sa akin yung jacket niya. Plus, magkaholding hands kami ngayon. Weee! :">

Nireplyan ko lang siya ng "That's good, i'm happy for you."

Ito ba yung sinasabi niyang tips ko? Kung akala niya maiinis or mapagseselos niya
ako, no way! Oo inaamin ko, sobrang ginawa ko lahat para layuan niya ako noong 4th
yr. Ginawa din niya lahat para mabalik ako sa kanya pero lagi ko siyang
pinagtatabuyan. Hindi naman mababaw yung dahilan ko diba? Mababaw ba? Hindi naman
diba? Mas masakit yung ginawa niya sa akin. Plus, hindi na kasi talaga ako
naniniwalang minahal or mahal niya ako.

Nagpaalam ako kay Dylan. Sabi ko kailangan ko ng umalis e pero sasamahan daw niya
ako. Pumayag naman ako since nakakahiya naman sakanya. Iniwan ko na nga,
tatanggihan ko pa.

"Mahal mo pa nga..." Dylan said out of nowhere habang naglalakad kami palabas ng
Rob.

"Sino? Aso ko?"

"Suuus."

"Kung si Justin yung sinasabi mo, hindi. Hindi na talaga. Anyway, I don't care
about him anymore. Wag ka na din makielam. Let them! Kung saan masaya si Katy, doon
ako."

"Sana ako na lang si Katy."


"Bakit?"

"Over protective, sobrang love and sobrang sweet mo sa kanya I want to be loved by
you. Para kasing ang sarap mo magmahal e," I punched his omg, biceps. Grr, ang
tigas!

"Abnormal. Hahaha! Alam mo namang ayaw ko diba?" He nodded.

"Sige, dito na lang. Thanks, Dylan." I smiled timidly.

"By the way, kamusta na yung party na inoorganize mo?" Tanong niya.

"Okay naman. I think it's going to be fun. Punta ka kung gusto mo."

"Yes pupunta ako. Same school lang naman tayo no. Magkaibang course nga lang and
building. Pupunta ako para sayo, baka mamaya lasing ka na tapos..."

"Naaaah. Di na ako umiinom," Yes, I stopped drinking na since yung na-hospital ako.
Sobrang napagalala ko kaya sila mama and papa noon.

"Di na?" Ang daming tanong ni Dylan, seryoso! Bagay na bagay sila ni Katy.

"Allergic ako pero pasaway kasi ako dati kaya err alam mo na. But now, ayoko na
uminom."

"Ooooh. Good for you. Kailan pala yung party?"

"Next next next week pa naman."

"Layo pa pala."

"Yeah, don't worry magsesend naman kami ng invitations sa facebook pati we're going
to promote and sell tickets sa campus, social networks, and others."

Nakalimutan kong sabihin na dahil marketing yung course ko, may subject kami na
magoorganize ng party. Sabi nga ng higher batch sa amin, may isang month daw puro
party lang sila. Grabe no. Di magsawa sa party. At dahil 2nd yr college na ako, I
should move on sa past ko. Nakamove on na ko sa love I think? Dapat pati sa hatred
and bitterness din.

Starting today, I'm going to act normal in front of him.

Pero before that, kailangan ko muna maghanap ng guy for me. Hindi naman ako 'to e.
Hindi ako bitter! Siguro nakaapekto na din yung mga sinabi ni Justin sa akin
kanina. I shouldn't care and I don't have to care about him and our past plus I
have to face reality. Hindi naman forever matatakasan ko 'to. Hindi naman forever,
hindi kami magkikita. Pero ewan, hindi pa rin siguro mababalik yung tiwala ko sa
mga guys. Ughh. It's his fault but I shouldn't blame him kasi ako yung tanga dahil
minahal ko siya kahit hindi naman dapat.

Babae nga talaga ako, magulo magisip pero aminin mga boys, walang lalaki kung
walang babae! \m/ Hahahaha! We're superiooooor!!!
KAYA MAY NAISIP NA KO!!!

Hindi pwede si Josh kasi masyado na kong madaming utang sakanya.

Hindi pwede si Dylan kasi ayoko naman siyang paasahin.

How 'bout other guys?

Blind date, maybe? Watcha think?


####################################
CHAPTER FIVE
####################################

"WHAAAAT?!" O_______O

"I want to go on a blind date," I said seriously.

"WHAAAAAAAAT?!"

"I. WANT. TO. GO. ON. A. BLIND. DATE!!!" Sinigaw ko ng malakas sa ear ni Josh. Kasi
naman eh, kanina pa paulit ulit. Kainis! Hiyang hiya na nga ako eh. To think na
nasa Starbucks Trinoma kami ngayon at nagtitinginan na yung mga tao sa amin.

"Nabingi na ata ako," Tinakpan niya yung tenga niya.

"ANO BA JOSH!!!" Sabay alis ko ng kamay niya sa ears niya. Kainis kasi!!!

"Dafuq?!" He gave me his weird and nagtataka look, "Rylie, is that you? Nasaniban
ka na ba bad spirit? Tara sa albularyo," Tumayo siya at hinawakan wrist ko. Leche,
dadalin nga ata talaga ako sa albularyo. Lecheng Josh!!!
"Ehh. Ano ba Josh! Pagbigyan mo na ko. Hanapan mo na ako pleeaase?" Nag puppy face
ako. Hahaha! Tae, hindi na ako sanay ng ganito. Nasa harap ko na nga pala si Josh,
nakatayo. Ako naman nakaupo at nakatingala sa kanya.

"Ayoko nga! Kung gusto mo, ako na lang?" Sinapak ko nga! "Aray naman Rylie!" Buti
nga amp. Sabi ko kasi, blind date. BLIND DATE. I-reto daw ba yung sarili. Ang lakas
talaga ng sapak nito. Yun ba effect ng papunta niya sa States? Hay dami kong
sinabi!!!

"Hay nako hindi tayo pwede kasi we're good friends." Sabi ko then I crossed my
arms with my chest. I'm the boss here!

"Ayoko," Hahaha! Tatay lang?

"Joooooooosh. Pleeeaaaase? Iiyak ako!!!"

"H-h-hoy." Nanggigilid na luha ko.

"Oy wag kang umiyak. Para ka namang bata e. Blind date lang iiyak ka na. Akala ko
ba nagbago ka na? Hay nakooo," I'm good at acting you know? Hahaha! Magaling akong
magiyak-iyakan with matching tears. Sayang di ako sumali sa theater club. Masyado
na kasi akong active e. Pag sumali pa ko doon, baka di na kayanin ng powers ko.

"FINE! SIGE NA! HAHANAPAN NA KITA OKAY?!" Bumalik na siya sa upuan niya pero
halata mong bad mood pa din.

"Yay! Thank you thank you! Sabi na nga ba di mo ko matitiis e."

"Para saan ba kasi yung blind date na yun?" Tinaasan niya ko ng kilay which made me
remember ANO. Aside kasi from sagutan, puro taasan lang naman kasi ng kilay ginawa
namin ni bad word kahapon no!

"Naghahanap kasi ako ng guy..."

"WTH?! Hopeless romantic ka pa din pala," Ouch!

"Not really. Naisip ko lang na kung makakahanap ako ng lalaki na mamahalin ko at


mamahalin din ako, hindi na ko magiging bitter. Gets?"

"What happened, Rylie? Really? Hindi ka naman magkakaganyan kung walang nangyari
e,"

Kaya kinwento ko sakanya lahat ng nangyari and yung mga natatandaan kong sinabi sa
akin ni Justin kahapon. Inaamin ko, masakit pero hindi dapat ako magpaapekto. Basta
from now on, hindi na talaga ko magpapaobvious masyado. Gagawin ko yung blind date
hindi para sakanya kung hindi para sa sarili ko.

"Dahil lang nalaman niya na single ka pa din and di naging tayo, makikipag blind
date ka na? Dahil lang sa mga sinasabi niya sayo, handa ka na ulit magbago? Ano ba
Ry, wake up! Natutulog ka na naman e. You have to change for yourself. You have to
change to be a better person and not because of his sharp words."

"Hey, I'm doing this for myself. Okay?"

"Really huh?" Hindi talaga siya naniniwala!

Ubos na yung Strawberries and cream frap ko! Nakakastress kausap si Josh sa totoo
lang. Lahat na lang ng sinasabi ko, pinagdududahan!!!
"Yes, I swear," I sighed.

"Okay I trust you," Napansin niya sigurong wala na ako sa mood.

Kring. Kring.

"May tumatawag..." Sabi ko.

"Eh di sagutin mo," Sabi niya na parang ang tanga ko, ba't kailangan ko pang
sabihin. Bakit di ko na lang sagutin? Grrr. I glared at him.

Kinuha ko na yung phone ko sa bulsa tapos nakita ko yung name ni Katy.

Nakatingin lang ako kay Josh...

"Sagutin mo na. Baka importante yan," Sabi niya without looking at me. Nakatingin
lang siya sa glass window. Parang ang layo ng iniisip. Tsk!

Sinagot ko na yung phone...

"Hello? Rylie?"

"Yes..." Sabi ko na halatang walang gana.

"Ano kasi, hmm. May gagawin ka ba sa Friday to Sunday?"

"Well, kailangan kong mag review for PARTCOR. Kailangan ko din asikasuhin yung
inoorgnize kong party, mag prepare for the upcoming event sa guild, at gumawa ng
sobrang daming papers for my floating subjects so yeah, wala naman siguro akong
gagawin, Katy?" I said sarcastically.

"Grabe ka naman..." Oh no alam ko na 'to.

"What do you need from me ba? Stop beating around the bush and just get staight to
the point,"

"Taray," Rinig kong bulong ni Josh kaya sinipa ko yung paa niya at inirapan.

"Ano kasi, nagkayayaan kami ni Justin kahapon sa sinehan tapos ano, beach."

"Huh? Pakilinaw please!" Sabi ko then Josh mimicked me. Kainis!

"Eeeeeh? Kasi ganito yun..."

"Ano?"

"Uh, punta tayo sa Pangasinan sa Friday please? Hanggang Sunday? Sige na pleeaase?
Ipagpapaalam kita. Sige naaa Rylie. Gusto ko na talaga pumunta sa beach."

"Ano naman gagawin natin doon?"

"Gagawin? Magcocomputer tayo sa beach. Pupunta tayo sa beach para mag computer."

"Kaaaaaty."

"Ehhh? Ano pa nga ba? Magsiswimming. Sige na Rylie. You're my only hope "

In the end, napapayag din niya ako. Wag na kayong magtanong pero mahaba habang
usapan yung nangyari eh. Uminit nga yung tenga pati phone ko! Tss konseyahin daw ba
kasi ako. Nasstress na daw kasi siya and ako lang yung pass para payagan siya ng
parents niya. Tingnan mo nga naman, ginamit pa ko para makipagdate sa ex ko.

EX?! Hindi naman naging kami!!!

"Oh? Ano nangyari sayo? Bakit parang pinagkaitan ka ng mundo?" Tumawa siya ng
sobrang lakas. Ako naman, nakapalumbaba pa din. Kainis 'to

"Paano mo alam?" Napangiwi ako.

"Of course! I know you so well already. Now tell me," He's staring at me.

"Kasi I miss having a complete family. I miss Aisha, my bestfriend. Kasama si


Justin sa DSG which is my guild and most of all, inaya ako ni Katy sa Pangasinan
tapos kasama si Ty-Justin at Dylan. It's been a horrible week. I'm tired of over
thinking already," I said. Oo, kasama si Dylan para naman daw di awkward at para di
daw ako magmukhang third wheel. Gosh!

"Sabi na nga ba ang dami ko ng kaagaw," Bulong na naman niya na di ko na naman


narinig.

"Hoy kanina ka pa ha. Di ko talaga maintindihan mga sinasabi mo. Saan ka ba talaga
galing? Sa states o sa Pluto? Magsabi ka nga ng totoo! BV!"

"Nanggaling ako sa puso mo," Tumawa siya ng malakas, "JOKE!" Hindi naman maipinta
yung mukha ko. Ang corny kasi e!

"Isa na lang, sasapakin na kita!"

"Joke lang. Ito naman oh. Kakadating ko lang tapos sobrang brutal mo na! Ang
boring kaya ng buhay ko. Wala akong mapuntahan dito. Buti nga nandiyan ka e."

TING!!! I have an idea!

"JOSH! JOSH! JOSH!" I said excitingly.

"Oh? Bakit?" Nanlaki yung mata niya. Nagulat yata siya sa akin? Hahahaha!

"Kasi ano..." Naglalakad na nga pala kami at naghahanap ng mapupuntahan. Excuse me


no, sumasakit na pwet ko doon sa Starbucks kakaupo.

"Ano?" Tanong niya tapos tumawa ako. Shet! Hindi ko masabi!

"ANO NGA?!" Nagulat ako tae naman 'to.

"A-ano kasi."

"ANO BAAAA?! ISA NA LANG, HAHALIKAN NA KITA?!"

"Hoy wag kang ganyan. Baaaad," Natatawa pa din ako.

"Okay," Nagtatampo na siya niyan? Hahaha! Sensitive much naman nitong si Josh.

"Sorry naaaa! Ganito kasi, isasama ko yung makakablind date ko sa beach ha? Pati
ikaw, isasama ko. Pwede ba yun? Ha? Pwede pwede? Sige na Jooooosh. I can't go
alone,"

"Abaaa! Nakakadami ka na ha."


"Eeeeh? Sorry na. Please naman oh," I held his arm tapos nag beautiful eyes ako.

"Heh! Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo."

"Eh di wag! Di naman kita pinipilit e."

Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan kamay ko

"FINE! KUNG HINDI KA LANG TALAGA MALAKAS SA AKIN!" Nag walk out siya. Hahaha!
Natawa lang ako. Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at bumalik sa akin...

"Oh, ba't ka bumalik? May nagwowalk out ba na bumabalik?" Tanong ko.

"Sino ba may sabing magwowalk out ako?" Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at
hinatak.

"Oy, saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Ihahatid na kita sa bahay niyo kasi madami pa akong gagawin. Ihahanap pa kita ng
ka-blind date mo remember? Psssh." I hugged him.

"Aaaaa! Thank you Josh! Thank you thank you! Thank you very much!" Inalis naman
niya yung pagkakahug ko sa kanya. Ang labo niyo, thank you hug lang naman yun!

"Wag mo na uulitin yun."

"Alin?" Napakunoot noo ko kasi nawiweirdohan ako sa kanya. Tinuro turo naman niya
yung forehead ko at sinabing, "Basta tumahimik ka na lang, pwede?"

LABO MO JOSH!!!
####################################
CHAPTER SIX BLIND DATE DAY!
####################################

"OMG RYLIE, YOU'RE TOO PRETTY, I HATE YOU!!!"

"Tagal na, ngayon mo lang napansin?" I grinned.

"Ang yabaaang. Hahaha! Mamaya na blind date mo no?" I just smiled at Katy and
nodded. Kasi e. Nakakahiya tuloy, sinabi pa niya ng bulgaran. Napaghahalataan tuloy
ako. Tumingin ako kay Justin tapos nag grin lang siya. Nyenye. I don't care! Basta
nag-ayos talaga ko para sa blind date mamaya kasi baka hindi ako magustuhan ng
makakadate ko.

Although OA lang talaga si Katy kasi eyeliner, mascara, and lip & cheek tint lang
naman nilagay ko eh lagi naman akong nakalip & cheek tint. Eyeliner and mascara
lang nadagdag.

Pumasok na kami sa loob ng klase at umupo. Nasa gita naming dalawa ni Katy si
Justin. Ewan ko kung ano trip ni Katy at hindi tumabi sa akin. Pwede naman kasi
sanang siya sa gitna diba? Tss if I know, gusto lang niya magustuhan ko si Justin
for her.

Dumating na yung prof namin tapos nag discuss na. Math math math! Never ko talagang
nagustuhan ang math subject kahit na section 1 ako dati. Hirap na hirap ako T_T

"Pahiram ng ballpen. Ubos na ink e," Sabi ng lecheng katabi ko. Pinahiram ko naman
sa kanya yung ballpen at bumalik na sa pagsasagot ng seatwork namin.

"Pahiram ng correction pen," Sabi na naman niya. Ughhh. Pinahiram ko na lang sa


kanya ulit tapos binalik na naman niya. Seconds has passed...

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pa-"

"Sayo na yung correction pen ko. Wag mo ng ibibalik," Binigay ko na sakanya yung
correction tape. Kasi naman, hirap na hirap na ko magsolve dito tapos siya hiram ng
hiram. Alam niyo bang mauubos na yung correction pen ko kakahiram ni Justin? BV.
Meron naman sanang correction pen and ballpen si Katy no!

"Pahiram ng pencil."

Nag inhale exhale ko. Binigay ko na sakanya yung ballpen, pencil, eraser, at buong
pencil case ko. Nagulat na lang siya pero ilang seconds lang, nakita ko siyang
ngumiti. Ughhh. Ewan ko na lang pag nag kulang pa siya.

Binalik na niya sa akin yung pencil case ko.

"Thanks," Wow, marunong mag thank you!

Ughhhhh. Ano ba gusto ng lalaki na 'to?! Annoying!

"Wag na, sayo na yan." Ayan ha. Sinusunod ko na yung 10 rules niya. We'll act as
friends in front of other people. Tama ba? Yun nga ba? E basta, wala na kong pake
sa kanya. WALA NA!

Bumulong siya sa akin, "Wag ka na ulit magmemake-up. Hindi bagay."

"Hell I care about your opinion. Shoo!" Bumalik na ako sa pagsasagot. Hindi ako
magpapaapekto sa mga pinagsasabi niya. Basta maganda ako kahit na anong mangyari.
Hahaha ganyan nga Rylie! Magbuhat ng sariling bangko!

"Mali yan. Isolate mo yung x." Tinry kong sunding yung sinabi niya. Shet! I hate
Math! Siguro pag labas ko, manghihina na naman ako.

1 minute has passed pero nakatitig pa din ako sa papel ko...

"Paano?" I asked pero mahina lang. Nahihiya kasi ako!

"Kunin mo yung arccosine ng parehas na sides." Kinuha niya ballpen ko tapos siya
nagsolve ng number 9. Di ko talaga magets e!!!

"The cosine function is not a one-to-one function kaya restrict the domain. The
cosine function is one-to-one on the interval. Pag narestrict mo yung domain ng
cosine function to that interval, pwede mo ng kunin yung arccosine ng parehas na
sides ng each equation."

O_____________________________O

Tuluy tuloy lang siya sa pag eexplain. Hindi ko magets kasi ewan, walang pumapasok
sa brain cells ko. Leeeeeeshe! Hanggang ngayon ang weak ko pa din sa MATH!

"Yan na yung final answer," Sabi niya after niyang i-box yung sagot.

"Gee thanks," I feel bad. I really hate Math!

After ilang minutes or hours, hay salamat natapos na din yung trigo. Ayooooko
naaaaaa! Lumipat na kami sa next class namin. Oo, classmate ko na naman siya and
annoying kasi katabi ko na naman siya.

Wala namang problema doon pero nakakainis! Nananadya ba 'to?! Binubully ako e. Pag
may pupuri sa akin, babanatan ako ng hindi maganda or lalaitin. Sipain ko kaya 'to
o kaya naman ipamassacre ko. Mas okay yata yun e!

Break time na and may meeting sa DSG. Remember the singing guild? Ngayon kasi
iwewelcome yung mga nakapasok. BV talaga! Makikita ko na naman pagmumukha niya.

"Rylie, ang gwapo talaga niyaaaa," Sabi ni Cheska.

"Sayo na."

"Ano baaa!"

"Joke lang naman kasi," I laughed pero si Cheska, ngiting ngiti pa din na nakatitig
kay Justin. Nakaupo kasi kami sa harap ng mga new members. Ang ingay nila I swear.
Kahit ang konti ng sumali sa guild namin, ang ingay ingay pa din!

"P-pero hindi ka ba nagagwapuhan sa kanya?"

"Sobrang nagagwapuhan." O________________O

"Ha?" Tanong ko ulit kunwari di ko sinabi yung sinabi ko.

"Uy crush mo siya no?" Siniko niya ko at tumingin ng nakakaloko.

"Hindi ah. Sino ba sinasabi mo? Si Kent kasi sinasabi ko," Remember yung mysterious
na lalaking sinasabi ko na walang reaction noong kumanta si Justin?

Oh well. Nevermind. Haha!


"Ayaw," Sabi ko.

"Ano ba, dali na."

"Ayaw ngaaaa. Kinakabahan ako."

"Maganda ka na ano ba!"

"Hindi nga e. Hindi! Kinakabahan ako. Paano pag di niya ko magustuhan?"

"Hoy! Bumabalik ka na ba sa dating Rylie?"

"H-h-ha? Hay nako. Sabi ko nga tara na sa loob diba?"

Hay. Kasi ano e. Nandito na kami sa restaurant kung saan ako makikipagdate. Sht.
Ano ba ang nangyari at naisipan ko makipag ganito. Nagiging weird na ko lately...

"Rylie, may 10 guys ka na makakadate ha. Don't worry lahat sila may itsura. Pipili
ba naman ako ng walang itsura. Anyway, text yes if gusto mo tapos pag ayaw mo, text
no."

"Ehhh? Kailangan ba yun?"

"Oo naman. Ako na bahala! Sige na pasok ka na sa loob. Goodluck sayo ha." Then
kiniss niya ako sa forehead ko. Ehhhh? O_O

"Dito lang ako sa car," Sabi niya.

"Okay na ba itsura ko?"

"Kahit hindi ka mag make up, maganda ka na. Basta be yourself!"

I nodded.

"Thank you." Nag inhale exhale ako tapos pumasok na sa loob.

Woah ang gwapoooooooo.

"Hi. Goodevening, I'm Rylie." Nakipagshake hands ako.

"Good evening din. I'm Jason. So yeah, I'm an athlete. Magaling ako sa lahat
mapaacademics or not. Magaling din ako sa chicks pero gusto ko na magbago at
tumino. Kaya nga ako nakikipagblind date ngayon e. You're beautiful. Hindi kita
lolokohin promise."

Promises are meant to broken. Halata naman na nangloloko 'to e. Ang yabang
nakakainis! Ang sarap ibato! Sayang lang kagwapuhan niya.
"T-talaga? I'm Rylie and I'm me."

"Weird huh? Oh I like weird girls."

"Excuse me?" Inirapan ko siya. Anong weird pinagsasabi niya.

"Jasooooooooooon! Anong ginagawa mo dito? Haaaaaa? Patay ka sa nanay mo!" Sabi


noong babae. Sinong weird ngayon!

"Hi miss. Ako po si Emily, childhood friend ni Jason. Sorry sa abala ha. Pero kasi,
basta. Lahat po ng mga pinagsasabi niya, hindi totoo."

"Ano ba Emily! Pakielamera ka talaga! Girlfriend ba kita? Hindi naman diba? Ugh."
Sabi ni Jason.

I texted "NO" na kay Josh.

"Hey Honey. Ano ginagawa mo dito?" JOSH? O_O

Inakbayan niya ako.

"Tara na, madami ka pang kailangan ipaliwanag." Ehhhh? O_O

Umalis na kami sa resto. Tapos biglang tumawa si Josh.

"Hoy anong nakakatawa?!"

"IKAW! Pablind date blind date pa kasi e."

"Heh! Nasaan na yung pangalawa?"

Hay nako. So yun tinawagan na niya yung pangalawa. Pumasok na ako sa loob...

"Hello!"

"Miss, may kamukha ka."

"S-s-sino?"

"Next girlfriend ko."

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Mukhang funny siya ha.

Kaso habang tumatagal, hindi na ko natatawa tapos paulit ulit na lang mga jokes
niya.

I texted "NO" na ulit kay Josh kasi sobrang corny na >.<

Someone hugged me from my back.

"Baaaaabe? Akala ko ba ako lang?" SI JOSH NA NAMAN!

Pinandilatan niya ko ng mata na parang sinasabi, maki-ride ka!

"Ah-ano. Baaaaabe! SOOOOORRY! Ahuhuhuhu! Hindi na mauulit. Let's go?" Tumingin ako
sa lalaki na nakausap ko, "Ahuhuhu! Sorry ha, may asawa na ko nakalimutan kong
sabihin."

Lumabas na kami ng resto. Tawa kami ng tawa. Hahahahahahaha! Naging joke time ang
blind date na ito seryoso!

"SINO BA KASI NAGSABI NA CLOWN ANG KUNIN MO?!" Sigaw ko kay Josh. Seryoso na ulit
ako. Napapagod din naman ako no!

"Sooooorry naman kasi. Malay ko ba!"

Sunud sunod na yung blind date pero wala pa din si Mr. Right. Yung isa wala kaming
mapagusapan. Naispeechless yata sa beauty ko? Hohohoho! Yung isa naman puro math
ang lumalabas sa bibig. AYAW KO NGA NG MATH DIBA?! Yung isa naman, lasing. Bv.
Ginawa pa kong keeper. Yung isa, sobrang sungit. Yung isa, may asawa na. Yung isa,
ughhhh. BASTA! WALA AKONG TYPE!!! Lahat may problemaaaaa!!!

Pang eight na 'to. Napapagod na koooo! Not funny anymore T__T

"Hello. Goodevening." Nakipagshake hands ako then he kissed my hand. Wow,


gentleman! Sana ito na please, sana ito na.

"Good evening miss beautiful. Can I fck you?"

"Fck you!" Tumayo ako tapos kinuha ko yung tubig at binuhos ito sa kanya. Tumayo
naman siya at hinawakan yung kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Sht, I'm wet!

"Bitawan mo ako," Naalala ko bigla yung ginawa ni Justin, yung 10 things scene
namin recently. Yun nga lang, noong si Justin, mabilis heartbeat ko dahil sa kaba,
hatred, at kung anu ano pa pero noong ito, nandidiri ako!

"I said let go of me, you ass!" I pushed him hard and kicked his center of
attraction. Adrenaline rush! Tumakbo ako ng mabilis papunta sa labas.

Pinuntahan ko si Josh sa car niya.

Nanggigigil ako sa takot, sa galit! Napapagod na ko, "Uy Rylie, okay ka lang ba?
Ano ginawa niya sayo?" Tears rolled down my cheeks. Peste!

"J-josh," Kinwento ko kay Josh yung ginawa noong lalaki. Sabi niya susugurin niya
kaya pinigilan ko siya. Ayaw naman niya magpapapigil.

"WAG NA KASI!" Kaya ko naman sarili ko no!

Papasok na sana kami sa loob ng resto pero nakita namin na bugbog sarado na yung
lalaki at nakasandal na siya sa wall...

"HOY IKAW!" Itinayo niya yung nakaupong lalaki at hinawakan sa collar.

"Tama na! Sorry na miss. Hindi na mauulit. Ang ganda mo kasi e. Tama na!"

Lumapit ako sa kanya, "Sino gumawa sayo nito?" Tanong ko.

"H-hindi ko kilala pero s-sabi niya, b-boyfriend mo daw," Boyfriend?!?!?!

Hindi ko na tinanong yung itsura kasi basta, ayoko malaman.

"Josh tara na," I said.

Pang nine naaa! Please sana umayos na! Inayos ko muna sarili ko bago ako pumasok sa
loob. Naglakad na ako papunta sa side ng lalaki at...
"Hello, good..." Tumingala siya sa akin, "KENT?!" Goodness!!! Anong ginagawa niya
dito? Malamang Rylie, nakikipag-blind date! Pero... SIYA? Ang mysterious na si
Kent, nakikipag-blind date?! I can't believe this.

He looked away, "I gotta go." Kinuha niya yung coat niya at tumayo.

"Wait-" Hinawakan ko braso niya.

"Piece of advice, Rylie. Alamin mo muna yung side ng isang tao bago ka gumawa ng
bagay na ikakasakit niyong dalawa," Inalis niya kamay ko sa braso niya and left me
hanging.

Hindi ko siya ma-gets!


####################################
CHAPTER SIX POINT FIVE
####################################

10th date: I texted "no" na ulit kay Josh.

Naluha na lang ako dahil sa hindi ko alam na dahilan. Nakakainis! Ewan ko pero
biglang bumaba na naman self-confidence ko. Pangit ba ko? Ang daming nagsasabi na
maganda ako pero bakit parang wala naman akong mahanap?

Gosh Rylie! Naiiyak ka kasi wala kang mahanap na lalaki? Really? Ughh! This is sht.
Ganito na ba ako kadesperada magkaroon ng lovelife o gusto ko lang talaga mapalitan
si Justin? Ayoko na! Pwede bang alisin na lang talaga puso ko?

Hay ewan. Ayoko na magkapuso.

Pumasok si Josh...

"J-J-Josh?" Nanlaki yung mata ko kasi bigla siyang gumwapo? Hahaha! Nakabihis kasi
siya, as in formal talaga. Nahiya naman ako bigla sa suot ko. Helloooo?! Haggard na
haggard na ko tapos siya may time pa para mag retouch. Nadaig ako. Bongga siya!

"Wait, papakagat lang ako sa aso."

Hindi kasi ako makapaniwala e. Feeling ko nananaginip ako. Ang gwapo kasi e. Ba't
ba kasi siya nakaayos? Naaalala ko tuloy yung mga times na crush na crush ko siya,
geez! Ang fresh niyaaaa. Ako nga, natanggal na eyeliner ko eh. Buti waterproof kaya
hindi umitim luha ko. Sht. Nahihiya talaga ako. I look so haggard and stressed
T___T

Nakasmile lang siya sa akin...

"Huy, ano meron?" Sabi ko.

Medyo kinakabahan ako... Oh no! Ayoko mag expect!

Lalo akong umiyak, "UWAAAAAAA!"

"Ano ba Rylie, baka akalain nila pinapaiyak kita," Lumapit siya akin at lumuhod
para magkatapat mukha namin, "bakit ka ba kasi umiiyak?"

Umupo siya sa tapat ko tapos biglang may nag violin sa harap namin. Shockness! Di
pa din ako humihinto sa kakaiyak.

"Josh, ako pa din si Rylie. Ako pa din yung dating Rylie. I'm still weak. Ang baba
pa din ng tingin ko sa sarili ko..." Yumuko ako.

"Shh. Ano ka ba. Wag mo ngang sabihin yan."

"Alam mo ba kung bakit ang bitter bitter ko?" Nakatingin lang siya akin na parang
naaawa. Ayoko siyang maawa pero kailangan kong ilabas 'to...

"Naiinggit ako sa mga nakikita ko. Naiinggit ako sa mga mag partners na sobrang
tagal na pero sweet pa din, naiinggit ako sa dalawang matandang nakita ko sa jeep
kahapon, naiinggit ako sa mga napapanood ko sa TV. Para kasing ang labong mangyari
sakin nun e. Feeling ko walang seseryoso sa akin. Ewan, sobrang loser ko na."

"Kuya, sige po pwede na po kayo umalis. Salamat ho," Sinabi niya sa mga tumutugtog.
Nag bow lang yung mga tumugtog, nag thank you, at umalis na.

"Let's go, Rylie?" Tanong niya.

"Where to?"

"Basta!" Nag sigh siya at inalalayan ako tumayo kahit kaya ko naman.

"Wait, yung bayad mo." Sabi ko.

"Wag na," Sabi niya na parang ready na ready na siyang umalis.

"Ha? Ano ka ba Josh. Wag ka nam-"

"Nabayaran ko na, okay na? Happy? Tara na!"

"Wait kasi, saan ba tayo pupunta?" Pangungulit ko sa kanya.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" Nag pout lang ako tapos nag okay kahit umiiyak pa
din ako.

Sumakay na kami sa kotse niya pero walang nagsasalita kahit isa sa amin. Oh gosh,
this is so awkward. After ilang minutes, nagulat ako noong ipasok niya yung kotse
sa parking lot ng isang condominium at huminto.

"O-o-oy Josh! Ba't nandito tayo?" Tanong ko.

Nasa loob na kami ng condo. Hindi sa room ah!

"Trust me," He said.

Hindi na nga pala ako umiiyak pero namumugto pa din yung eyes ko and sabog pa din
voice ko. Namamaga din ilong ko. Hay nakita ko nga sa salamin eh, pulang pula.
Define Rylie!

Sumakay na kami sa elevator. Nasabi ko na ba sa inyo na medyo may trauma ako sa


elevator? Hay basta. Magkkwento ako soon but not now. Nawweirdohan kasi ako dito
kay Josh eh.

Bumaba na kami at laking gulat ko sa nakita ko.

"A-a-ang ganda."

Nasa rooftop kami. Ang daming lights! BTW, takot ako sa heights kaya nga hindi ako
masyadong pumunta sa harang pero kahit nandito ako, nakikita ko yung mga ilaw ng
houses. Ang tahimik din! Ang taas kasi ng condo ni Josh e.
"I know. Sige na, sigaw na."

"H-h-ha?"

"Sumigaw ka na. Dali, promise effective!"

"Josh?"

"Dali na! Ano ka ba Rylie, parang hindi mo yan napapanood sa TV ah. Noong una medyo
hindi ako naniniwala na if you let it all out, mawawala lahat ng sakit. Uh yes,
hindi totoo na mawawala lahat ng sakit pero at least, malelessen yung pain."

"Sure ka? Baka magalit sila sa akin."

"Hindi yan! Naka-lock yung door oh."

"O-okay." Inhale. Exhale.

"HOY KAYONG MGA LALAKI! BAKIT BA KAYO GANYAN?!"

"Sigaw pa," He said.

"*inhale exhale* BAKIT BA ANG KONTI KONTI KONTI KOOOOONTI NA LANG NG MGA MATITINONG
LALAKI?! HAAA?! YUNG TATAY KO NAMBABAE, YUNG ALMOST LOVER KO PINAGPUSTAHAN LANG
AKO! BAKIT BA HINDI KAYO MAKUNTENTO SA ISAAAAA?! BAKIT BA KAILANGAN NIYO PA MANAKIT
AT MANLOKOOOOOO?! BAKIIIIIIT?! NAIINIS NA KOOOOOOO!"

Huminga ako ng sobrang malalim at nag chuckle. Since gabi na, umupo na lang ako sa
plastic chair. May isa kasing plastic chair na naligaw dito e. Grabe, naiiyak na
naman ako. Tumingin ako sa sky para di niya mapansin na naiiyak na naman ako.

"Hay nako, ang drama ko talaga!!!" Tumawa ako. Nakatingin pa din ako sa sky...

"Pwede ka na sa theater club. Galing mo, Rylie!" He clapped his hands. Tumawa lang
ako, "I know that already!" Tumawa kaming dalawa tapos ilang seconds lang, tahimik
na naman kami.

"Alam ko naman na may mga matitino pa diyan eh. Ang labo at ang drama ko to the
point na naiinis na ko sa sarili ko. Maybe ngayon lang kasi ako nag drama ng ganito
kaya todo todo. Sorry ah, nadamay ka pa sa lahat ng kautuan ko," I chuckled.

"Hindi naman ako desperate magkaroon ng guy. Sa totoo lang, ayoko na. Pagod na kasi
ako. At inaamin ko din na ...."

"Mahal mo pa siya. Yeah Rylie, alam ko na yan matagal na," Napatingin lang ako then
I gave him a weak smile. I shrugged my shoulders.

"Kahit hindi mo naman sabihin..." Tumingin lang ako kay Josh na parang nagtataka.

"Sorry Rylie. Sorry..." Nakayuko siya. Hindi ba dapat ako ang mag sorry? Ako nga
dapat kasi ang tagal niya kong tiniis e. Ang tagal niyang hinintay mawala feelings
ko pero wala eh. Nandito pa din. Hindi nabawasan, mukhang mas lumala pa nga noong
nakita ko siya. Parang lahat ng nasurpress kong feelings, lumala.

"Ba't ka nagsosorry Josh? Wala ka namang kasalanan."

"Malalaman mo din, Rylie. Hayaan ko na lang na siya ang mag explain sayo ng lahat."
What? Anong pinagsasabi nitong lalaking 'to?

"Ha? Sinong siya?" Tanong ko.

"Siya," Tumingin siya sa bakal na door papuntang exit, "Hoy ikaw, lumabas ka na
diyan. Buking na kita kanina pa!" Lumabas yung lalaki. Tama iniisip niyo, siya nga!
Siya ang bumugbog sa lalaki kanina, sure ako. Siya lang naman ang naiisip kong may
gawa nun.

"Josh, bakit nandito si T-ty-Justin?" Josh kissed my forehead then he walked away.
Ni-lock din niya yung door. WTF?! Agad akong tumakbo papuntang door pero wala na,
closed na...

"Sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet! Jooooooooooooosh! BUKSAN MO 'TO! Ughhh, I'll kill you I


swear! Hindi kita papansinin for weeks, promise! Okay fine, for days. ANO BA
JOSH!!!" Sinipa sipa ko na din yung pinto pero wala pa din. Ano pa ba magagawa ko?
Hayyy. No chance na 'to. Umupo na lang ako sa upuan malayo kay ano. Lumapit naman
siya sa akin...

Crap, damn, bull! Kung kanina pa siya nakamasid, ibig sabihin, narinig niya lahat
ng sinabi ko? Narinig niya yung sinigaw ko! Alam na niya kung bakit bitter ako sa
kanya!

"Sino nagsabi sayo ng about sa dare namin ni Aish?"

"Ang kapal din naman pala ng mukha mo no?"

"Can you just let me explain?" Lumuhod siya sa harap ko para makapag-usap kami ng
maayos.

"Para saan pa?" Tanong ko. FYI, hindi ako nakatingin sa kanya.

"Narinig ko lahat ng sinabi mo kanina. I've been following you since Josh picked
you up at school earlier," He said na parang wala lang kaya napatingin ako...

"You stalker!" Ang sarap niyang sakalin! Naiimagine ko nga na sinasakal ko siya
ngayon e. Seryoso, no joke!

"I'm a stalker, fine! But I forgot to respond to you earlier... I love you too,
Rylie and I'm sorry but believe it or not, mali talaga pagkakaintindi mo sa mga
nangyayari,"

Tumawa ako ng malakas na malakas pero halatang fake kainis! "So sa tingin mo
maniniwala ako? Epal ka ba? Hindi na ako tanga no!" Hindi ko na kasi talaga alam
sasabihin ko. Nahihiya ako. Alam na niyang mahal ko pa din siya hanggang ngayon.
Alam na niya...

WALA NA KONG PRIDE

"Rylie, please. Nakipagdare lang naman si Aish sa akin kasi she wanted me for you.
Sobrang gusto niya na maging tayo kasi ang akala niya, you deserve me. But she was
wrong... Rylie, sorry. I didn't mean to hurt you," You're hurting me na nga e, you
a-hole!

Pero sarap sana marinig yung mga sinasabi niya kung totoo no? Ang sarap maniwala at
ewan ko pero parang naniniwala ako sakanya. Oh sht, wag! Sabi nila Kris and Tim sa
akin, wag dapat gullible.

Oo nga pala, sila yung nameet ko sa states. Ewan ko, wala kasi ako mapagkwentuhan
kaya sa kanya ko nabuhos lahat. Kinwento niya ako sa girlfriend niya na si Kris
tapos naging close kaming tatlo. Sobrang binigyan nila ko ng advice. Nakakainggit
sila actually. Sobrang <3 Nakakainggit na nakakabitter.

Basta sabi nila, alalahanin ko daw yung mga masasama and masasakit na ginawa or
sinabi niya.

"Oo. Gusto ko nga si Janilyn! Maganda, matalino, at mabait. Si Rylie? Careless,


Clumsy, Ulyanin, at mahina masyado. Ayoko sa ugali at kilos niya. Gustung gusto ako
ni Aisha para sakanya kaya pinilit niya ako makipagdare sakanya...

"Bakit mo ko pinagsabihan ng kung anu ano? Ha? Bakit sabi mo gusto mo si Janilyn
tapos sabi mo careless, clumsy, and sobrang weak ko. Alam ko naman yun eh. Alam ko!
Kaya nga sobrang nasaktan ako to the point na nafrustrate ako baguhin sarili ko.
Oo, insecure ako at mahina self-confidence pero umasa ako na may magmamahal sa akin
dahil ako 'to, ako si Rylie. Umasa ako na may lalaki pa diyan na matino, at umasa
ako na ikaw yun. Thanks ha. Dahil sayo, narealize ko na mali perception ko.
Narealize ko na di dapat ako nagpapakatanga at nagpapakabulag sa love kasi yun lang
sisira sakin! Nawala bestfriend ko ng dahil sayo!"

Hindi siya nagsasalita...

"Sayo din mismo nanggaling na gusto mo si Janilyn diba?"

"Pero napilitan lang ako sabihin yun..."

"Really?" I rolled my eyes.

Wala ng nagsasalita sa amin...

Ewan ko.

Ayoko na.

Pagod na ko.

"Tigilan na natin 'to kasi parehas na lang tayong naglolokohan."

"Kahit ngayon lang, maniwala ka sa sasabihin ko-" Tinakpan ko yung tenga ko gamit
kamay ko then he ran his fingers through his hair. Halatang naffrustrate...

"Please, ayoko na makinig sayo. Ayoko na! Toungue !n@ naman Ty---Justin!" Tinanggal
ko na yung kamay ko sa tenga ko.

"Napanood ko, narinig ko lahat lahat! Alam kong pinagpustahan niyo lang ako at
umpisa pa lang, ayaw mo na sa akin kasi nga slow ako, masyadong mabait, mahina,
makulit, at kung anu ano. Alam mo, tanggap ko pa yun e." We looked at each other
intently. Nag halu-halong emotions pero nangingibabaw yung pain sa mata niya.

Tyler, bakit ba ang galing mong umarte? Bakit ba napapaniwala mo ako palagi?

"I didn't- I was forced to- Rylie... I... I really-"

"But I called you one night and I was drunk. Ewan, yun lang naaalala ko. Pag gising
ko, nasa hospital na ko pero wala ka sa tabi ko dahil ibang babae binabantayan mo.
Si Alexa pa ha? Si Alexa pa na ginawa lahat para sirain ako."
"You were there?" Gulat at hindi makapaniwalang tanong niya.

"Alam mo ba yung na-feel ko that time? Na-feel ko na pinlano niyo lang lahat na
lokohin ako. Oh well, meron pa. Balita ko, everday ka daw nagpapalit ng girls ah?
Cool. So sabihin mo sa akin ngayon, paano ako magtitiwala sayo?"

"Sorry Rylie. Sorry."

That's it.

*JOSH'S POINT OF VIEW*

Nagpunta agad ako sa bar at uminom at uminom at uminom. May mga lumalapit na babae
pero wala akong pake sa kanila.

"TANGINA BACK OFF!"

Planado talaga yung blind date kanina e. Sinadya ko na fail yung mga ka-date niya
pero maniwala man kayo't sa hindi, hindi ko talaga alam na babastusin siya ng isa
sa mga lalaki doon. Ginawa ko lang naman fail yung mga ka-date niya para sure na
ako ang last na makakadate niya.

Planado na ang lahat pero noong nakita kong umiiyak siya nang dahil sa mga
katangahan ko, naisip kong mas mabuti kung maguusap sila at malaman niya yung
totoong nangyari.

At maniwala din kayo't sa hindi, hindi ko alam na nakasunod sa amin si Tyler.


Nalaman ko lang nung binugbog niya yung lalaking bumastos kay Rylie. Kaya pala
noong sinundo ko pa lang si Rylie sa school, parang may sumununod na samin.

Alam kong mahal pa ni Justin si Rylie dahil napanood ko yung buong video. Mahal na
mahal niya si Rylie to the point na sinira niya yung buhay niya para sakanya.

Alam ko naguguluhan na kayo sa mga nangyayari...

Sobrang hirap ipaliwanag.

Ang alam ko lang...

I'm one of the reasons why the girl I love is hurting right now.
####################################
CHAPTER SEVEN
####################################

SHORT NOTE: Sabi ko next week ako maguupdate pero dahil may time pa naman ako para
gumawa ng school works, ito na! Yayyy! Hahahaha! Ang drama ng last update kaya
ngayon, light na lang. Hahaha, labo ko! Kflybye! Ano ba 'tong pinagsasabi kooooo!
=)))

"Rylie, bakit mukha kang matamlay?" Katy asked.


"Wala wala." Hayy, namumugto kasi mata ko kagabi. Ewan ko, dapat kasi ang mga
lalaki hindi iniiyakan. Hindi talaga! Alam ko naman kasing hindi umiikot ang mundo
natin sakanila. Pero kasi, ang sakit. 2 years na nakakaraan, dapat nakamove on na
ko diba? Pero bakit ganito? Dahil kaya wala kaming closure?

Oo nga pala, napagusapan namin ni Justin na magaact kami as normal pero hindi
friends. Magiging friends lang kami pag nag heal na yung wounds at pag hindi na
namin mahal ang isa't isa. Para na din kay Katy. Pati ayaw na rin namin ng gulo.
Pero inaamin ko, di ko pa siya napapatawad, masakit pa din kasi. Fresh na fresh,
woo! Alam naman niya yun eh kaya magpapakaplastik muna kami.

Nakauwi nga pala kami ng maaga kasi may nagbukas na guard sa amin kagabi. Nataon
kasing may naiwan sa rooftop yung guard. Haha! Buti na lang, di ko na din kaya yung
awkward moment na yun eh

Uwian na...

"Rylie ha, una na ko. Gagayak pa ko para bukas e."

"Katy, pwede bang wag na lang ako sumama?"

"Wala ng back out back out Rylieeee."

"Okay fine -____-"

"Sige, gayak ka na din. Bye! Rest ka na!"

"Pupunta pa ko sa DSG meeting eh. Urgent."

"Sige sige. Bye!" Nag beso na kami.

Nagpunta na ako sa DSG. Alam niyo ba yung feeling na pagod na pagod ka na kahit
wala ka naman ginagawa. Lakad lakad lang. Ewan, siguro dahil lang sa sadness. Pero
bakit naman ako masasad? Nakakalakad pa naman ako, nakakakain din wala nga lang
gana, and may kaibigan naman ako. Iisipin ko na lang na madami pang mas malala ang
pinagdadaanan kesa saakin.

"OMGGG! Rylie, you're here!" Sabi ng isang member sa akin.

"Why? Why?" Nagtataka pero matamlay kong tanong. Hayayay.

"We have good newsssss!" Sabi ni Cheska.

"Haaaa? Anooo?" Matamlay pa din.

"Magsasama yung drama and singing guild para sa isang musical play. And guess
what?! Baka dito sila pumili ng leading role. Hahaha! Aminin, gusto mo yooon!"

Noong sinabi niya yun, nag twinkle twinkle mga eyes ko.

"Weeeh? Talagaaaa? Haha! Woaaah, guys! Congratulatioooons." Nag group hug kami at
sa di inaasahan na pangyayari, katabi ko si Justin. Wow lang >.<

"Sure na si Justin yung lalaki na bida!" Sabi ng isang babaeng member din ng DSG.

Nag agree naman silang lahat. Sorry pero hanggang Stupid love by Andrew E lang ang
kaya kong kantahin and ang daming mas maganda sa akin so imposible na ako yung
girl. Sure ako doon! Plus, organizer lang talent ko no. Plus plus, sumali ako sa
guild na 'to hindi para kumanta.

"Sana ako na lang yung girl." nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ng isang
member. Halatang fan girl kasi. Hahahaha! Tawang tawa tuloy lahat.

Masaya kaming lahat kasi for once, may chance na sumikat yung guild namin. Hindi na
weird yung tingin nila sa DSG. Helloooo, ang gaganda kaya ng boses nila pero walang
pumapansin. Weird daw tapos nerds. Hayy, stereotyping.

"Wait, kailan daw yung play?"


"Medyo matagal pa for the preparations. Kailangan daw kasi bongga kasi labanan 'to
ng top 10 schools sa bansa. Mga malalaking tao yung magjjudge." Sabi nung isang
bakla. Hahaha! Oo, madaming bakla sa guild namin kaya nga masaya e at konti lang
ang sumasaling lalaki.

Nakita ko si Kent na umalis ng room.

"Saan siya magppunta?" Sabi ko sa members.

"Ewan ko. Weird talaga nun. Gwapings pa naman!" Sabi ng isang bakla. Hahahahaha!
Sht natatawa ko. Kaya hindi ko maiwanan ang DSG eh. Love na love ko sila and
napapasaya nila ko

"Rylie Rylie, sino sa tingin mo yung mapipili sa atin?"

"Hindi ko pa alam kasi magagaling naman kayong lahat."

"Naks naman. Kaya love na love ka namin e." Natawa ulit ko tapos napatingin ako kay
Justin and napatingin din siya sa akin. Parehas kaming nagulat.

"Alam mo, masakit man sabihin, pero bagay kayo." Sabi na naman ng baklang member ng
DSG. Madami yatang nakakita sa amin kaya nag agree sila.

"Tigilan mo ko. Mas bagay kayo." Nag blush naman yung bakla kaya nagtawanan lahat
at ininis na siya. Poker face naman si Justin. Uh-oh.

"Rylie, parinig naman ng boses mo oh. Sige naaa!"

"Oo ngaaaa."

"Tigilan niyo kooooo."

"Sige na ngayon lang kami magrerequest oh."


"Okay fine!"

"Nang... Nang.. Nang mainlove ako sayo akala ko pagibig mo ay tunay pero di rin
nagtagal lumabas din ang tunay na kulay. Ang iyong kilay mapagmataas at laging
namimintas pero hindi iyong pera ang iyong winawagtas..."

"Ryliieeee namaaaan." Sabi nila. Hahahaha!

"Pero yun lang kaya kong kantahin."

"Meron pa." Nagtinginan lahat kay Justin kasi bigla siyang nagsalita. Please please
sana hindi niya naaalala. Sht sana!

"Ano?" tanong nila.

"Spongebob Squarepants."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Nagtawanan sila.

Sumama tingin ko sakanya. Ughhh. Baka nakakalimutan niyang hindi ko pa siya


napapatawad. Wag nga siyang FC! Ughhh. Hindi ko akalain na maalala niya yun! I mean
yung narinig niya ako kumakanta sa banyo ng Stupid love and Spongebob
Squarepants!!!

Tapos na ang meeting namin at ang saya saya ko na. Hayy I love them talaga.

Kaso bigla akong kinabahan para bukas...

Tinawagan ko si Josh.

"Hello R-r-rylie?" Sagot ni Josh sa phone.


"Hoy baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa akin. Kaya gumayak ka na ngayon
at sasama ka sa Pangasinan bukas! Alam ko din na tambay ka pa dahil di ka pa
pumapasok kasi galing ka sa states kaya wag na wag mong sasabihin na busy ka. Wag
kang tatanggi kung ayaw mong puntahan kita diyan at i-murder. Bye. GAYAK KA NA!
Magsama ka na din pala ng kaibigan kahit ilan pa yan, thanks!"

"Ry-"

Binaba ko na yung phone.

Help me Josh :|

Kinabukasan:

"OOOOOH OHOHOHOHOH. AND I WAS LIKE BABY BABY BABY OOOOOH."

Hay nako. Kanina pa kanta ng kanta si Katy. Nilagyan ko na nga ng cotton yung ears
ko pero naririnig ko pa din. Nahihilo na din ako. Hay nakoooo.

Tawa lang ng tawa si Justin. Mukhang enjoy na enjoy naman sila kaya hindi ko na
binabawal si Katy. As long as masaya si Katy, masaya na din ako. I love her to
death. Haha! Hindi ko naman din masisisi si Katy kung sobrang excited niya e.
Favorite niya kasi magpunta sa beach.

Oo nga pala. Madami kami sa van. Sila Ariza and Christian na hindi naghihiwalay,
sila Brylle and Lynne na FRIENDS 'daw' plus di na din 'daw' sila pwede kasi may
girlfriend na 'daw' si Brylle, si Justin na nagddrive, si Katy na nasa harapan ng
van katabi ng driver, si Josh na sobrang tahimik ngayon (Hahahahahaha katabi ko din
siya), Si Dylan na maingay and katabi ko din at ako na tahimik din, parang si
Josh :| =))

Hayy. Inaantok na ko...


*TYLER*

Kanta pa din ng kanta si Katy sa van habang nagddrive ako. Katabi ko kasi siya.
Ewan ko pero natatawa ko. Kasi hahahaha, naglagay ng bulak si Rylie sa tenga niya
tapos parang iritang irita. Ang nakapagtataka lang, kung naiirita siya dapat sinabi
na niya diba... Mahal na mahal talaga niya si Katy. Sana ako din...

Mahalin ko din sana si Katy.

Akala niyo ah! Hahaha!

Ilang minuto lang, tumingin ako sa salamin at nakita ko si Rylie na natutulog.


Aaminin ko, gumanda talaga siya. Wala din akong karapatan magalit sa kanya kahit
hindi niya inalam kung ano ba ang totoong nangyari kasi kasalanan ko din naman.
Hindi dapat ako sumuko. Pero sa totoo lang, never ako nagalit sa kanya.

Noong gabing yun, gusto ko sabihin lahat lahat pero galit na galit siya. Ayoko na
magsalita kasi alam kong hindi siya maniniwala. Naaawa ako kasi kinimkim niya yun
ng matagal na panahon. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.

Para sakanya naman talaga lahat ng ginawa at nagawa ko dati. Yung video, nasabi ko
lang yun kasi napilitan akong sabihin yun. Madami akong sinabi. Sinabi kong mahal
na mahal ko siya pero may nag putol ng video. Hindi ko alam kung sino, hindi ko
alam kung bakit. Ayokong sabihin na si Alexa yung may gawa kasi yun yung time na
nagtangka siyang magpakamatay. Pero sino?

Oo. Nagtangka magpakamatay si Alexa. Binantayan ko siya sa hospital pero hindi ko


alam na nandoon din pala si Rylie. Hindi ko alam. Ako din naman ang may kasalanan
kung bakit gusto niya magpakamatay eh. Mahal ko kasi si Rylie.

Kaya din naman ako nambabae at naging patapon noon...

Dahil din sakanya.

Buong akala ko talaga pinagpalit niya ako kay Josh. Maghihiwalay na rin naman kami
noon diba? Pero umasa ako na babalikan niya ko. Alam ko naman na mahal niya ko pero
bakit ba ako naniwala sa mga nakita ko?!
Hindi ko alam na ganun pala yung nangyari kay Rylie.

Hindi ko alam.

Pinilit ko naman talaga na alamin lahat kaso lagi niya akong pinagtatabuyan. Ayaw
niya sabihin kung bakit. Hinalikan pa niya yung lalaking kinamumuhian at
pinagseselosan ko dahil muntik na siya nitong maloko.

NAIINIS AKO SA SARILI KO.

TOTOO PALA NA PAG MATALINO KA, TANGA KA SA PAG-IBIG.

ANG TANGA KO SA PAG-IBIG.

*RYLIE*

After ng matagal na biyahe, nakarating na din kami sa wakas. Hayy, okay na din
siguro 'to para makapagpahinga naman kami and makapagisip-isip. Sobrang nakakapagod
na din kasi yung araw araw na lang, may ginagawa ka sa school dahil sa acads and
orgs.

"Hay ang saraaaaaap, ang lamiiiiiiig. Diba Rylie? Tabi tayo mamaya sa kama este ng
room ha?" Sabi ni Dylan.

Nagtawanan yung iba.

"Dylan, ano ka baaaa. Umayos ka pwede?!" Biglang sinabi ni Katy.

"Nagjojoke lang naman ehhhh." Biglang binatukan ni Katy si Dylan.


"Araaaay! Kung si Rylie nga hindi ako ginaganyan, sumosobra ka na haaa? Ano gustooo
mo? Dibdiban na lang oh?"

"Che!" Katy rolled her eyes.

-_____________________-"

Ang kuliiiiiit.

Nagpunta na kami sa beach house na tutuluyan namin. May 4 rooms dito. Yung two
rooms, may 3 beds. Yung dalawa naman, 2 lang. Magkasama sina Justin, Josh, and
Dylan tapos katabi ng room nila is yung sa amin ni Katy na tatlo din yung beds. Sa
kabilang side naman, si Brylle and Christian tapos katabi nila yung room ni Ariza
and Lynne.

Kumpleto naman yung gamit dito. May dining and living room tapos may CR and aircon
din every room. Paglabas mo naman, may kubo na may videoke.

Lumabas muna ako para magpahangin tapos nakita ko doon si Ariza, Lynne, Christian,
and Brylle.

"Hi, Rylie! Long time no see," Biglang sinabi ni Lynne.

"Busy eh," Tumawa ako. "Kamusta bagong boylet?"

Lynne glared at me na parang sinasabing wag akong maingay dahil malalaman nilang
lahat na playgirl na siya. LOL! Diba nga siya na lang nakakausap ko sa kanilang
lahat? Although madalang na lang din kasi hassle and busy talaga pag college.

Tumawa na lang ako at tumingin kay Brylle na nakayuko, "Hi, Brylle. Kamusta?" I
smiled. Mukhang nagulat naman siya sa akin.

"A-ah, ito ayos lang. Kamusta?" Tanong niya. Ang awkward naming lahat, I know.
Hahahaha! Kaya nga mukhang di na kinaya ni Ariza yung awkwardness at nagsalita na.
"Rylie, ang tagal natin hindi nagkita. Miss ka na namin!!!"

"Ano, okay na ba kayo ni Aish?" Dagdag na tanong naman ni Christian.

"Shhhhh. Ano ka ba babe." Aww, ang sweet pa din ni Ariza and Christian. Hindi ko
akalaing sila pa yung magtatagal. Hahahaha! Totoo pala na konti lang ang nagtatagal
na highschool sweethearts. Tingnan mo, sa aming lahat, silang dalawa yung matibay.
Survival of the fittest, sabi nga nila.

Back to Earth, sa totoo lang miss na miss na miss na miss na miss ko na si Aish.
Miss na miss na miss na miss ko na best friend ko. Soooobra! Gusto ko siyang
kausapin pero nahihiya ako. Oo, hindi na ako galit sa kanya. Ano ba, hindi ko naman
kayang tiisin bestfriend ko na para ko na ding kapatid. Nabulag lang talaga ako sa
galit. Naiinis ako sa sarili ko. Sorry siya ng sorry pero di ko siya kinakausap.
Nakakainis ako diba?

Ngayon ko lang narealize na sobrang nasaktan ko siya. Ayaw lang naman niya ako
masaktan kaya niya ginagawa yun. Akala niya hindi ako sasaktan ng pinsan niya.

Nasabi na din kasi ni Tyler na gusto lang talaga ni Aish si Tyler para sa akin.
Walang money or anything. Ang hindi ko lang naman kasi matanggap is yung fact na
minahal ako ni Tyler dahil sa dare or ewan ko kung minahal niya ba talaga ako. Ang
hirap na kasi maniwala eh. Lalo na nung sinabi niya yung mga negative
characteristics ko sa video. I felt so low. Yung taong mahal ko pa ang nagsabi nun
at sa likod ko pa.

Dapat sinabi na lang niya harap harapan diba?!

"Sorry" Sabi ni Christian habang nagsisisi kung bakit niya tinanong yun.

"Hahaha! Ano ba kayo, okay lang. Okay na ako kay Aish pero di pa din kami naguusap.
Gusto ko siyang kausapin pero nahihiya ako and hindi ko na din alam kung paano ko
siya iccontact since wala naman akong nakakausap sa inyo. Sorry guys. Miss na miss
ko na din kayo."

Oo nga pala sinabi na ni Josh sa kanila na wag ipahalata kay Katy na close kami
kasi alam niyo naaaa. Alam ni Katy na highschool friends ni Tyler sila Ariza. Since
sabi namin kay Katy na hindi kami magkakilala, imposible naman na hindi ko kilala
yung blablabla basta gets niyo na yun.
Hahahahaha!

"Ay Rylie, may surprise pala kami sayo." Sabi ni Lynne.

"H-h-ha? S-sa akin?" O_O

"Yeeeeees." Sabay sabay nilang sinabi.

"ANO NAMAN YUN?" Kinabahan tuloy ako!

"SURPRISE NGA, DIBA?!" Sabay sabay nilang sinabi.

DI PA DIN SILA NAGBABAGO! -____- HAHAHAHA!


####################################
CHAPTER EIGHT
####################################

Mag-isa ako ngayon sa isang lugar kung saan ako dinala nila Lynne, Ariza,
Christian, and Brylle. Ang galing, ano naman kaya yung surprise na yun? Kinakabahan
ako eh. Sht naman, sana wag si Justin T. Okay sana kung si Justin Timberlake eh.
Pero paano kung si Justin Tyler? Wag na lang.Di ko alam gagawin ko pag nagkataon.

Weeeeeh, corny mo Rylie. Di ka pa din nagbabago! Pakamatay ka na -___-

Nagsulat sulat ako sa buhangin. Hayy, nakakatakot dito. Gabi na kasi tapos ako na
lang yung tao. Leshe naman! May mga nakikita ako pero puro lovers naman. Nyikes,
creepy!

"Guys, ba't ba tayo nandito? Seryoso, tinatakot niyo ko." Narinig kong sabi ng nasa
likod ko. Parang kilala ko yung boses na yun?

Ayoko lumingon. Ayoko lumingon. Ayoko lumingon.

Lumingon na ako tapos napahinto siya nung nakita niya ko. Sabi ko na nga ba eh.
Sabi ko na nga ba siya yun. Hindi ako nagkakamali
"Sige una na kami, kayang kaya niyo na bumalik papunta sa resort." Sabi ni Ariza
tapos tumakbo na sila habang nagtatawanan. Hay, nakakaloka!

"R-R-Rylie?" Tumayo ako.

"Aiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiish!" Sigaw ko sabay takbo papunta sakanya


at niyakap siya ng sobra sobra sobrang higpit. I missed my bestfriend.

"I missed you Aish! Sorry! Sorry talagaaaa, as in! Wala akong kwentang kaibigan..."
Nakahug pa din ako sa kanya. Sorry lang ako ng sorry habang umiiyak. Sobrang namiss
ko siya. Hindi siya nagsasalita. Pagtingin ko sakanya, sobrang humahagulgol na din
pala siya. Natatawa ako na naiiyak. I missed this girl so much! She's like a sister
to me kahit may di kami pinagkaunawaan.

"Rylie *sob* sorry! Uwaaaaaaaaa!"

"Wala kang dapat ipagsorry Rylie. Ako dapat! Ako dapat! Sobrang gusto ko siya sayo
to the point na nagawa kong makipagdare sakanya. Alam ko kasing mamahalin ka agad
nun e. Ang dali mo kayang magustuhan. Akala ko hindi ka niya sasaktan. Soorry!"

"Madaling mahalin? Sus, wala ngang sumeryoso sa akin kahit pinsan mo eh. Wala kang
dapat ipagsorry, alam ko naman na hindi mo gustong masaktan ako. Inaalala mo lang
ako. Pero ako, nabulag sa galit kaya ayun. Sorry talagaaaaaaa Aiiiiish. Namiss kita
sobra! Nahihiya ako sa'yo."

"Ulul, alam mo bang madaming nakakagusto sayo? Malamang hindi mo alam kasi una,
mataas standards mo. Hindi man sa itsura pero sa sweetness and ugali. Pangalawa,
natatakot sila na mabasted mo sila. Hahahahaha! Sobrang hopeless romantic kasi.
Lastly, manhid ka."

Uh, bakit ngayon ko lang 'to nalamaaaan? Pinagloloko yata ako ni Aish :|

"Epal ka ba?" tapos tumawa kami.

"Totoo kasi. Trust me! Sympre sinasabi nila sa akin pero sabi kasi nila wag ko
sasabihin so hindi ko sinasabi. Hahahaha! Kaya pansinin mo, ang daming nagvovote
sayo everytime na lalaban ka sa kung saan."
"Ah basta! Namiss kita! Soooooobra! Kamusta ka na pala? Wala na kong balita sayo."

"Ako din kaya! Ayun, single mom. Haha!"

"Hayy, Aish. Sino ba kasi yung lalaking nangiwan sayo?"

"Si Drei. Kaya siya nakipagbreak sa akin kasi he knew I was pregnant."

"B-b-but"

"I got drunk Rylie then yun nga." Tumawa siya na naiiyak.

"Sinamantala niya yung pangyayari. Nagalit ako sakanya ng sobra! Yun yung time na
nagkalabuan na kami. Sobra! Then I told him I was pregnant..."

I hugged her.

"Then he left me."

"Sorry Aish. Why didn't you tell me?"

"Kasi masaya na kayo. Hindi din ako nagparamdam, nagtext or something kasi grounded
ako. Hahahaha! Nung pumunta ka sa bahay, sasabihin ko na sana. Kaso galit na galit
ka. Anyway, kalimutan mo na yun. Haha! He's a boy pala and his name is Ryan.
Sinunod ko pangalan niya sayo."

"Sorry talaga wala ako sa tabi mo. Hindi ko tuloy nakita si Baby Ryan."

"Ano ba, kasama ko siya. Haha! Tara na nga puntahan na natin sila."

"OMGGG! Di nga?! Hahaha! Wait Aish, may favor ako. Please?"


"Sure."

"I have a friend and hindi niya alam na matagal na kaming magkakilala ng pinsan mo.
Nililigawan siya ng pinsan mo ngayon. Please wag mong sasabihin na magpinsan kayo.
I know sobrang hirap mag act na hindi magkakakilala."

"Ano ba, we're not close anymore simula nung sinaktan ka niya. Hayy, di pa din ako
makapaniwalang kaya niyang gawin yun. Gusto ko siyang kausapin para malaman yung
point of view niya pero bahala na."

Bumalik na kami sa beach house ni Aish and pinakilala ko siya sakanilang lahat
including Justin. Hayyyy. Sorry Katy, for your own good din naman yung ginagawa
namin. Nakita ko na pala si Ryan, sobrang cute niya.

Nakakagulat lang kasi kilala niya ko. Sabi ni Aish, lagi niya kasi nakikita picture
namin tapos ikkwento niya kay Ryan. Ang cute cute talaga! Chubby chubby tapos ang
puti puti. Ang pula pa ng cheeks. Okay, ako na! Hahaha!

Sana tuluy tuloy na 'to!

(Kinabukasan... 3 o'clock in the morning)

Hello Pangasinan! Ang saya saya ko kasi close na close na ulit kami ni Aisha.
Parang walang nangyari. Napagusapan naman namin na wag maguusap masyado tungkol sa
past kasi baka madulas kami kay Katy. Speaking of, naging close naman agad sila
since same room lang naman kami. Pinagtabi tabi pa nga namin yung beds e. Hahaha!

Kung tatanungin niyo ako kung masaya ako ngayon, ang sagot ko is OO NAMAN.

Pero kasi, bakit parang may kulang pa din?

Siguro namimiss ko lang yung family ko.


Siguro namimiss ko lang yung dating buhay ko.

3am na ng madaling araw and ako pa lang yung gising. Ako naman kasi yung
pinakamaagang natulog kanina e.

Pumunta ako sa tabi ng dagat. Kumuha ako ng stick tapos umupo ako doon. Nagsulat na
naman ako ng kung anu ano. Noong natapos na ko magsulat, humiga na ako sa sand at
tiningnan na lang yung moon.

Wala lang, nakatitig lang ako sa moon. Wala akong iniisip. Ewan kooo, ganito ako
pag morning e, naiiwan utak ko sa kama. Hahahaha! Hayy, lakas ng hangin. Medyo
malakas din yung alon pero di naman ako inaabot ng tubig.

Nahihilo ako kaya pumikit muna ako sandali...

*JUSTIN*

Magtthree am na, hindi pa din ako natutulog. Nakaupo lang ako sa chair malapit sa
beach house, hawak ko yung guitar. Ang dami kong naiisip simula kanina pa. Gusto
kong malaman ni Rylie yung totoo. Gustung gusto! Pero hindi naman siya maniniwala
sa akin e. Pati para saan pa? She's moving on. Ang daming lalaking naghahabol
sakanya. She doesn't deserve me.

But...

I miss her.

Ngayon kasi, nakikita ko nga siya. Pero hanggang doon lang. Hindi ko nga siya
makausap ng matino e. Oo, inaamin ko minsan nakakafrustrate pero may magagawa pa ba
ko? I want her to be happy that's why I'm letting her go.

Speaking of, nakita ko siyang naglalakad malapit sa lugar kung nasaan ako kaya
nagtago ako. Teka nga, ba't ako nagtago? Nakalimutan kong hindi naman niya ako
mapapansin. Tulog pa nga yung isipan niya for sure. Lumilipad yung utak niya
ngayon. Pustahan, pagising niyan wala yan maaalala kahit ano.

Nakita ko siyang pumikit...


Hinintay ko muna mag 5 minutes bago ko siya lapitan.

Umupo ako sa tabi niya. I touched her face pero gentle lang.

"Hindi ka pa din nagbabago. Oo, nag mature ka pero ikaw pa din yung Rylie na
nakilala ko. Ikaw pa din yung Rylie na minahal ko." Langya ang corny. Natawa ako sa
sarili ko kasi mukha lang akong tanga. Hahaha! Ewan ko, ito lang ang paraan para
makapag explain kahit di niya ko naririnig.

"Masaya ako kasi kaya mo ng protektahan sarili mo sa mga pwedeng manakit sayo, sa
akin. Gusto kong sabihin na cinut nila yung video na napanood mo pero alam ko naman
na hindi ka maniniwala. Baka sabihin mo lang, sobrang pathetic ng explanation ko.
Baka sabihin mo pa, nagawa ko pang mag sinungaling. Baka lalo ka pang lumayo sa
akin."

Humangin ng malakas kaya naharangan ng buhok niya yung mukha niya.

Natawa ko kasi sobrang sarap ng tulog niya. Hahahaha! Mahanginan lang talaga siya
kahit konti, makakatulog na agad siya.

Inayos ko na yung buhok niya.

"Ayoko saktan si Katy pero hangga't nakikita kita, mukhang masasaktan ko lang siya.
Gusto na kitang kalimutan para wala na tayong problema pero ang hirap. Mahal pa din
kita Jamilah pero gusto ko lang malaman mo na wala akong pinagsisisihan sa mga
sinabi at ginawa ko."

Nagsimula ako mag strum ng guitar.

"Lately I'm not who I used to be


Someone's come and taken me
Where I don't wanna go
If I knew exactly what i have to do
In order to be there for you
When you are feeling low

And all the things we ever wanted


Were once yours and mine
Now, I know we can revive it
All the love we left
Everytime I kiss I feel your lips
and everytime I cry I see your smile and
Everytime I close my eyes I realise that
Everytime I hold your hands in mine
The sweetest thing my heart could ever find
And I have never felt this way
Since the day I gave your love away

Save me, I've fallen from my


destiny
You and I were meant to be
I've thrown it all away
Now you're gone
It's time for me to carry on
But baby I just can't go on
Without you by my side

And all the things we ever wanted


Were once yours and mine
Now, I know we can revive it
All the love we left

Everytime I kiss I feel your lips


and everytime I cry I see your smile and
Everytime I close my eyes I realise that
Everytime I hold your hand in mine
The sweetest thing my heart could ever find
And I have never felt this way
Since the day I gave your love away

We can survive it
All the pain we feel inside
You relied on me and now I've let you down
Now, I promise you forever
I will be the best I can
Now, I know we can revive it
All the love we left

Everytime I kiss I feel your lips


and everytime I cry I see your smile and
Everytime I close my eyes I realise that
Everytime I hold your hand in mine
The sweetest thing my heart could ever find
And I have never felt this way
Since the day I gave your love away

Everytime I kiss I feel your lips


and everytime I cry I see your smile and
Everytime I close my eyes I realise that
Everytime I hold your hand in mine
The sweetest thing my heart could ever find
And I have never felt this way
Since the day I gave your love away."

Nakita ko siyang lumuha.


"Diba ito naman yung gusto mo? Yung kakantahan ka... Hopeless romantic ka diba?"

Tumawa ako saka ko pinunsan yung luha niya at hinalikan yung mata niya.

"Sorry for making you cry. I love you."

I kissed her forehead.

Bubuhatin ko na sana kaso bigla kong makita yung nakasulat sa sand.

Nakita kong papunta dito si Josh kaya binura ko agad yung nakasulat sa sand. Halata
naman na may gusto siya kay Rylie at mukha namang nagkakagusto na din si Rylie
sakanya. Ayoko din naman saktan si Katy kaya...

"Pre, buhatin mo na siya sa kwarto nila ah. Una na ko, inaantok na din ako e." Sabi
ko kay Josh at umalis na.

*RYLIE*

"Pre, buhatin mo na siya sa kwarto nila ah. Una na ko, inaantok na din ako e."

May nagsalita... FAMILIAR?

"T-t-teka-" Boses ni Josh yun ah?

"Nakita ko lang siya diyan e. Akala ko kung sino, siya lang pala. Nakatulog yata!
Sige, kita na lang mamaya. Bye."

Dumilat ako at nakita ko si Justin na tumatakbo palayo.

"Josh? Ano nangyari? Ba't ako nandito?" Tanong ko.


"H-h-ha?"

Ba't wala akong maalala?

Ang naaalala ko lang, yung panaginip ko...

Kinantahan daw ako ni Justin tapos nagspeech siya, blablabla. Ewan!

Parang totoo pero imposible.

####################################
CHAPTER NINE
####################################

Gumising na kami ng sobrang aga at kumain. Iniisip ko pa din yung nangyari sa akin
kanina. Nyay! Ako na yata ang pinakaweirdo at pinakamalilimuting tao sa planetang
mars. Naloloka na ko T____T

"Rylie, ano ba kasi nangyari kaninang maga? Bakit kayo magkasama ni Josh? Kayo
haa!" Biglang sinabi ni Katy habang kumakain kami.

"H-h-ha? Ehh."

"Totoo ba yun Rylie?" Tanong ni Dylan.

"Oo pero hindi ko din alam kung ano nangyari..."

Hindi ko naman kasi talaga maalala. T___T

"Hay nako, di ka pa din nagbabago. Guys, alam niyo ba pag pagod, may sakit, puyat,
or lasing si Rylie, nakakalimutan niya yung ginawa or ginagawa niya." Sabi ni Aish.

"Oooooh. Nagsasalita din siya habang natutulog e." Katy added.


"Shhhhhhh." Grabe, ilaglag niyo ko! Mga kaibigan ko kayo e. Diba? Ganyan ang
kaibigan, nanlalaglag -___- Daig pa aborsyonista!

"Sumasagot pa nga yan kahit tulog e. Hahahaha!" Nagtawanan sila.

"Anong trip niyo? -__-"

"Ang cute mo talaga Ryliebabes, bagay na bagay tayo!" Sabi ni Dylan kaya binatukan
siya ni Katy, "Tumigil ka nga Dylan!" Hahaha! Ayan na naman silang dalawa.

"Justin, kain ka oh." Sabi ni Katy. Napatingin sa akin si Justin habang


sinasandukan siya ni Katy ng pagkain. Sht naman! Ano problema nito? Napatingin din
tuloy sa akin si Katy.

"Justin, may problema ba?" Tanong ni Katy sa kanya. OMG, alam na kaya niya? Wag
naman sana. Please lang, sana wag.

"Wala naman. Thank you!" He kissed Katy's forehead. PDA! Nagulat ako at napatingin
kay Josh na nakatingin din sa akin. Whuuuuut?!

Ngumiti lang siya sa akin, "Rylie, kumain ka ng mabuti. Tignan mo, sobrang pale mo
na. Okay ka lang ba?" Sabi ni Josh. Ang sweet talaga ng lalaking 'to.

"Okay lang ako. Thank you." I smiled tapos tiningnan ko silang lahat excluding
Justin. Hindi ko siya pwedeng tingnan. Mapanganib!

Sobrang tahimik lahat. Anong klaseng awkwardness 'to? <///3

"Guys, volleyball tayo mamaya!" Christian broke the silence.

"Boating muna hanggang maaga pa." Suggest ng girlfriend niyang si Ariza.

"Itong lovers na 'to! Pag umpugin ko kayo e." Natawa kaming lahat sa sinabi ni
Lynne. Hahahaha! Bitter lang ang peg 'te?

"Inggit ka lang eh." Biglang sinabi ni Brylle na ikinagulat naming lahat. Hahaha!
Inirapan lang siya ni Lynne, "Whatever" Hahahaha! Ewan ko pero natatawa ako.

Nagpunta na kami sa hundred islands. Pinuntahan namin yung may cave apos magddive
ka sa mataas na cliff sa loob nun. Gusto ko nga kaso lang, nahihilo ako pati takot
nga ako sa heights diba?

"Rylie, sige na sabay tayo!" Pinipilit ako ni Dylan na mag dive kasama siya.

"Ayoko talaga Dylan. Ikaw na lang." Matamlay kong sabi.

"Sige na pleeaase?"

"Wag mong pilitin kung ayaw niya." Biglang sinabi ni Justin. Hindi ko siya
tiningnan. Hindi din ako nag react. Nag picture picture na lang ako gamit yung SLR
na nakasabit sa leeg ko. Ang pinagtataka ko, kami lang ni Justin yung hindi nag
dive. Ayoko ng itanong sakanya kung bakit di siya nag dive kasi di naman kami
close. Tse, wag na kayong mag react diyan.

Nag dive na si Dylan tapos sakto, napicture-an ko!

"Wow! Ang ganda ng shot ko, tingnan mo!" Pinakita ko kay Justin yung shot ko! Pwede
na ko maging photographer. Hahaha!

"Ha?" Mukhang na-shock siya sa ginawa ko. Ano ka ba naman, Rylie! Di naman kayo
close, diba? Anong pinagagawa mo?!

"Ahhh. Ehhh." Sabi ko naman. SHT. AWKWARD!

"Hayy." We both sighed.

"Nasaan na ba sila?" Tanong ko.


"Ah, baka nakabalik na sa boat. Tara, balik na din tayo."

At since bako bako yung daan at mataas din yung bababaan, inalalayan niya ko...

"Thanks, kaya ko na 'to."

Hindi ko na kinuha yung kamay niya kasi ano. Baka.. Alam niyo naman yun e! Pero
hindi ko ba naman maintindihan yung tadhana pero muntik na akong madulas. Buti na
lang alert siya at nahawakan niya dalawang kamay ko.

"Kaya pala ah..." Bulong niya pero narinig ko yun! Baka iniisip niya, di pa din ako
nagbabago! Na clumsy pa din ako. Shet, hindi maaari!!!

Halatang nagulat silang lahat nung magkasama kami ni Justin. Hay nako naman, bakit
ba kasi hindi siya nagdive? Kaya ko naman bumalik mag-isa... yata? Pero siguro kung
wala siya kanina, baka kasama ko na yung mga isda ngayon na nagsiswimming. Muntik
na ko mahulog eh!!!

Anyway, hindi na lang sila nagsalita at sumakay na kami sa boat. Syempre, pag
nagsalita sila, babanatan ko sila isa isa. Kainis!

Dinala kami ni manong driver ng bangka sa pbb house tapos nag picture picture kami.
Mukha kaming ewan. Dinala din niya kami sa part kung saan mababaw lang yung tubig
so nag swimming kami. Hahaha! Tuwang tuwa nga si Ryan e.

"Baby Ryan, awooo! Nandiyan na kooo!" Sabi ni Justin tapos umarte siya na parang
shark.

"Chark! Chark! Chark!" Pumunta sa akin si Ryan kasi di niya yata makita mommy niya.
"Maaaami!" Binuhat ko siya. Haha! Naiiyak siya na natatawa.

"Ayan naaaa yung shark, waaaa!" Sigaw ko kasi takot din ako sa ganito. Ayoko yung
feeling ng hinahabol. Haha! Kaya tumatakbo din ako habang hinahabol kami ni Justin.
Wait, parang may mali. Ughhh, hindi tama e. Hindi talaga!!
Pumunta ako kay Katy.

"Kaaaaty, heeelp!" Tinulungan naman ako ni Katy tapos yun, sila na yung
naghahabulan. Napapagod na din kasi ako tsaka may mali talaga eh. Nagpahinga na
lang ako. Siguro ang itim itim ko na -__-

After ilang hours, sumakay na kami sa boat. Nakakatuwa nga si Manong driver e, kung
anu ano pinagkkwento.

"Manong, saan po yung next?" Ang kulit talaga ni Dylan. Haha! Tuwang tuwa nga
sakanya si Aisha habang pikon na pikon naman si Katy. Hahaha!

"Sa puso mo." Nagulat kami sa sinagot ni Katy.

"Hindi kita tinatanong!" Ayan na naman sila -___-

"Ang kulit kulit mo kasi, sana di ka na namin sinamaaa!" Joke lang yan ni Katy.
Hahahaha! Tuwang tuwa talaga si Aish sakanila pati nga si baby ryan e. Hahaha!

"Babe, chill." Sabi ni Justin. Uhhhhhh....

Dinala na kami ni manong sa malaking malaking kubo. Ang daming tao dito! Kumain na
kami at nahiga muna ako. Sobrang nahihilo na talaga ko. Pagkatapos nilang mag lunch
dahil nga wala din akong gana, dinala kami ni manong sa may white sand. Nag
volleyball na kami...

*JUSTIN TYLER*

Nagvvolleyball kami ngayon pero kanina ko pa napapansin na matamlay si Rylie.


Actually, kahapon pa. Pakiramdam ko hindi lang dahil sa pagod and stressed kaya
matamlay siya. Feeling ko may sakit siya, ayaw lang niya sabihin at ipakita. Teka
nga, bakit ba siya ang iniisip ko? Bawal 'to pucha!

"Ryliiiiiiiieeeeeeeeee." Sumigaw si Aish and Katy kaya napatingin kaming lahat sa


side nila.
Nahimatay si Rylie.

Tumakbo ako para buhatin siya...

"Ano nangyari?!" Tanong ko.

"Tumama yung bola sa dibdib niya tapos nahimatay siya..." Sabi ni Katy. Medyo
nanginginig yung boses niya.

Hinawakan ko yung forehead ni Rylie." Mataas lagnat niya. Feeling ko nabinat siya.
Sinasabi ko na nga ba! Alam na nga niyang may sakit siya, naglalaro pa. Dadalin ko
na siya sa..." Napahinto ako nung nakitingin na silang lahat sa akin na parang
gulat na gulat.

Lumapit sa akin si Josh, "Pre, ako na. Mas mabuti kung alagaan mo si Katy or bumili
kayo ng gamot ni Aisha. Ako na maghahatid sakanya." Binuhat niya si Rylie at
umalis.

"Sama ko sayo!" Sigaw ni Dylan kay Josh at umalis na sila.

Tounge!n@! Ilang beses ko bang sasabihin sa sarili ko na wag akong magaalala


sakanya. Ilang beses ko pa bang uulit ulitin sa sarili ko na hindi ko siya pwedeng
mahalin ULIT. Ano bang mahirap intindihin sa pangungusap na yon?!

Lumapit si Aisha sa akin, "Justin, pwede ba tayong mag-usap?" Tumingin naman ako
kay Katy.

"Katy, laro muna tayo ng volleyball." Inaya siya nila Ariza at nag okay naman siya.
Halata sa mukha niya na nagaalala pa din siya kay Rylie.

"Sige. Ano yun?" Tanong ko.

"Doon na lang tayo mag-usap."


Nagpunta kami sa upuan malayo sakanila.

"Now, talk." Panimula niya.

"Ano sasabihin ko?"

Alam ko naman ibig sabihin ni Aish. Pinaeexplain niya sa akin kung ano ang
nangyari. Gusto niya malaman yung side ko. Siguro, pati siya, nahihirapan at
naguguluhan na din.

"Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Naiinis ako sa sarili ko! Ayaw
kitang sisihin kasi alam kong ako ang may kasalanan ng lahat lahat. Dapat di ko na
siya pinagpanggap na girlfriend mo kung di ko naman siya kayang protektahan. Pero
ang hindi ko lang maintindihan, bakit sobrang galit ni Rylie? I know her. Kahit di
niya sabihin, nakikita ko sa mata niya niya yung bitterness."

"Kilala ko din siya at nakikita ko lahat ng nakikita mo." Sabi ko. Napayuko na lang
ako.

"Mahal mo pa no?" Nakatingin lang ako sa kanya.

"Kung mahal mo siya, bakit sobrang nasasaktan siya ngayon?"

"You don't understand Aish."

"Kaya nga ipaintindi mo sa akin. G@gO ka ba?!"

"Gusto mo ba talaga malaman? Pag sinabi ko ba lahat lahat, maniniwala ka?"

"Pinagkatiwala ko puso ng bestfriend ko sayo pero you ruined her heart and you
ruined my trust."

"Can you just let me explain?"


"Kaya nga we're here diba? Para ipa-explain sayo kung ano yung nangyari?! 2 years
na pero tangina, wala akong kaalam alam!"

"Nasa park kami nun ni Rylie. Nag CR lang ako tapos pagbalik ko, wala na siya. Josh
called me that night, Aisha. Sabi niya nagpakamatay daw si Alexa dahil sakin.
Sobrang nakonsensya ako kaya pinuntahan ko siya sa hospital. At that time, tumawag
si Rylie sa akin ng lasing. Gusto ko siyang puntahan pero pinigilan ako ni Josh..."

"Oh tapos?"

"Di ko alam na nahospital din siya noon at yun nga, nakita niya akong binabantayan
si Alexa."

"Eh bakit nga siya galit na galit sayo?" Nafafrustrate na siya.

"Kasi napanood niya yung video."

"Anong video nga?!"

"Kausap ko nun si Alexa para tigilan na niya si Rylie. Pag daw sinabi ko na gusto
ko si Janilyn, titigil na daw siya kaya sinabi ko na gusto ko siya kasi maganda,
matalino, at mabait. Sinabi ko lahat ng bad traits ni Rylie. Sabi ko din sobrang
mahina siya at ayoko sa ugali at kilos niya. Nasabi ko din na napagpustahan natin
siya..."

"TOUNGE-INA! NASABI MO YUN SA BESTFRIEND KO?! G@GO KA PALA E!" Sinuntok ako ni
Aish.

"Aisha! Pwede patapusin mo muna ako?"

"UGHHHH." She crossed her arms on her chest.

"Cinut nila yung video. Hindi ko alam kung sino pero hindi si Alexa yun. Sinabi ko
sa video na mahal ko siya. Alam kong sobrang bakla pero maniwala ka man o hindi,
sinabi ko na mahal ko si Rylie at tinuruan niya ko kung pano magmahal?"

"Alam na ba ni Rylie 'to?"

"Naaaah."

"Bakit?"

"Hindi ko pinaalam sakanya kasi alam kong hindi siya maniniwala. Lalo lang siyang
magagalit sa akin. Lalo lang niya akong pagsasabihan ng sinungaling. Isa pa,
recently ko lang din nalaman kung bakit galit na galit siya sa akin..."

"Bakit recently lang?! Hindi mo ba inalam dati?!"

"Inalam pero..."

"Kulang ka sa effort. Yun lang yun! You gave up so fast! Sa tingin mo, ganun ba si
Rylie? Siya ba yung tipong hindi makikinig sayo? Haa?"

"Dahil akala ko, di na niya ako mahal. Hindi ganun si Rylie pero sobrang galit siya
kaya hindi siya maniniwala. Aish, iba ang nagagawa ng galit."

"PURO KA NAMAN AKALA. NAIINIS AKO SAYO! Manhid ka ba? Alam mong mahal na mahal ka
ni Rylie."

"I saw her kissing Josh."

"Tanga ka ba?! Malamang palabas lang niya yun..."

"Diba nga, lahat ng matatalino, tanga pagdating sa pag-ibig?" Tumawa ako.

"SIRA ULO KA JUSTIN! SIRA ULO! Conceited jerk!" Binatukan niya ako.
"Ang tanga tanga ko! Alam mo bang nambabae at lagi lang akong nasa bar noon?
Nakikipag-away din ako. Lahat lahat na ng katarant@duh@n ginawa ko na. Hindi
mahirap paniwalaan nabibigay siya kay Josh dahil nagkagusto si Rylie noon sakanya."

"Ehhh ikaw nga ang mahal niya. Di mo ba naramdaman?!"

"Kasalanan ko na, oo na! Pero di ako nagsisisi na nagrebelde ako."

"Lul, bakit naman?!"

"Kasi kung hindi ako nagrebelde, hindi ako ililipat ng parents ko sa school ni
Rylie. Hindi ko din marrealize na wala na pala akong buhay. Hindi ko na nga
masyadong nakakasama si Janine at Jenine e. Napabayaan ko na sila..."

"Hahahaha! grabe."

"Bakit ka tumatawa diyan?!"

"Kasi ngaaa, puro si Rylie yung dahilan ng nangyayari sayo. Di mo ba napapansin?


Kay Rylie umiikot mundo mo? Imbis na si Rylie yung ganyan, ikaw yung nagkakaganyan.
Parehas lang kayong nasasaktan. At ngayon, you're stuck not with Rylie but with
Katy. Tatlong tao niloloko mo. Una, si Katy, pangalawa, si Rylie at pangatlo sarili
mo."

"Sorry Aish."

"Why?"

"Nagalit siya sayo..."

"Wag kang mag sorry, wala kang kasalanan. Ako nga dapat mag sorry. Ako ang may
kasalanan. Sorry Justin. Nasaktan kayong dalawa dahil sakin."
Umiling ako, "Wala kang dapat ipagsorry. BTW, ayos na ba tayo?"

"Kailan ba tayo hindi naging ayos? Cousins forever tayo diba?"

"Hahahaha! Corny mo pa din!" Sabi ko.

"Ano na plano mo ngayon?"

"Hindi ko alam Aish. Hindi ko alam."


####################################
CHAPTER TEN
####################################

Ang sakit ng ulo koooo! Ano ba nangyayari sa akin? Wait nga, bakit ako nandito?
Tumingin ako sa gilid ko tapos nakita ko si Dylan sa kabilang kama, natutulog.
Tumingin ako sa orasan, 5 PM na! Ano ba kasi nangyari? Paano ako napunta dito? Wag
mong sabihing nagteleport ako?! Nyenye, Rylie. Nyenye! Hahaha!

Lumabas muna ako at naglakad lakad. Sorry, ganito talaga ko pag may sakit. Haha!
Hyper masyado. Pero after ko maging hyper, it's either mahihimatay or manghihina
ako ng sobra. Teka, nahimatay kaya ako? Oo sht, nahimatay nga ako!!!

Naghanap na ko ng mga cute shells. Nasabi ko na ba sa inyo na nagccollect ako ng


shells dati? Wala, ang cute kasi. Haha! Inuuwi ko yung shells na yun tapos
nilalagay ko sa planner at scrap book. Hayy. Nakakamiss maging bata. Nakakamiss
yung times na wala akong iniisip kundi laruan at candy.

Umupo muna ako sandali kasi pagod na ako. Nakita ko yung sunset, ang gandaaa! Sa
gilid ko naman, may nakita akong mag asawa kasama yung mga anak nila. Ang cute kasi
twins yung anak nila. Naalala ko tuloy sila Janine at Jenine, yung kapatid ni
Justin. Nakakamiss sila. Nakakamiss magkaroon ng kumpletong pamilya. Nakakamiss
noong magkakasama pa kami. Kay mama kasi ako nagsstay palagi tapos si achi naman,
kay papa.

Ang hirap isipin na hindi na mababalik yung dati. Oo, umaasa pa din ako hanggang
ngayon na magkakabalikan pa sila pero siguro nga mas okay na din 'to kesa yung
magkasama nga sila pero away naman sila away dahil sa walang kwenta babae na ang
habol lang ay pera. Pati mas okay na din 'to para mahanap nila yung sarili nila.

Pero, nakakamiss talaga.


"Rylie, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala. Ano bang ginagawa mo diyan?
Baka mabinat ka." Tumawa ako.

"Bakit ka tumatawa? Seryoso ako." Nag pout siya.

"Josh, tingnan mo oh. Ang ganda!" Tinuro ko yung sunset.

"OO NGA, ANG GANDA!" Pagtingin ko sakanya, nakatingin siya sakin. I poked him pero
tumawa lang siya.

"Tara na nga sa loob, mabibinat ka. Inumin mo muna 'tong gamot mo. Ikaw talaga!
Lagi mo na lang ako pinagaalala. Pag malungkot ka, nagaalala ako. Pag nahihimatay
ka, nagaalala ako. Pag natutulog ka kung saan saan, nagaalala ako. Ang hirap mong
iwan, lagi na lang ako nagaalala." Nagulat yata siya sinabi niya kaya yumuko siya.
Nakasmile lang ako.

"Masaya naman ako ah." Tumawa ako.

"Pero hindi genuine. Hindi totoo. Hindi mo man pinapakita, kitang kita ko naman sa
mga mata mo." Kilala na nga talaga niya ko.

"Thank you sa concern and sorry kung lagi kita pinagaalala. Love na love mo talaga
ako no?"

"Love naman kasi talaga kita..."

"As a friend." Tuloy ko. Alam ko naman na kung ano yung nararamdaman ni Josh sakin.
Hindi ako feeler pero hindi rin ako manhid. TBH, di pa ko ready. Hindi dahil sa
hindi ko gusto si Josh. Actually, gusto ko siya pero hindi pa ko ready at hindi
sapat yun para maging kami. Hindi rin dahil sa mahal ko pa si Justin pero dahil
gusto ko mahanap sarili ko.

"Tara na balik na tayo." Sabi ni Josh.

"Wait lang, mga 6 PM. Ang ganda ng sunset e."


Magiging ready lang siguro ako pag nahanap ko na sarili ko. Akala ko dati, nahanap
ko na e. Pero bumalik si Justin tas yun nga, hindi pa pala. Hindi ko alam kung ano
gusto ko. Hindi ko alam kung sino ba talaga si Rylie.

Pero kasi, yung mga ganitong problema. Hindi naman sa tinakasan ko ha, pero masyado
kasing mababaw para problemahin ko pa. Ang dami daming tao diyan na mas malaki yung
problema pero hindi big deal sakanila. Ito pa kaya? Ayoko na din ng drama. Loka
loka na nga ako lalo pa akong naloloka -____-

Sumandal ako sa shoulder ni Josh at napahinga siya ng malalim.

*JUSTIN TYLER*

Magssix na nung dumating kami sa beach house. Nakakapagod pala maging driver lalo
na pag maingay yung mga kasama mo. Hindi nauubusan ng energy.

Lumabas muna ako para magpahangin kaso nawala antok ko at nadagdagan pagod ko sa
nakita ko. May nakita akong babae na nakasandal sa isang lalaki habang nanonood ng
sunset. Sila Josh at Rylie. Wow, ang sweet -__-

Pumasok na ako sa loob kasi nakakawalang gana lumabas...

Nagulat na lang ako noong sumigaw si Aish, "INOM TAYO, SINO GAME?" Kumindat sakin
si Aish. Teka, paano niya nalaman na...???

"Gameeee!" Sumigaw si Christian.

"Oo, tapos videoke tayo." 1st time yata nagkasundo sila Christian at Ariza
pagdating sa inuman. Kung may pinagaawayan kasi yung dalawang yan, yun yung mga
bisyo ni Ariza. Oo, si Ariza talaga.

"Wait Aish, paano si Ryan?" Tanong ni Katy.


"Tulog na siya. Don't worry, pag sobrang pagod siya at nakatulog, bukas na siya
magigising kahit anong ingay gawin mo. So ano, game?"

Umagree na lahat at nagpunta na kaming lahat sa kubo. Nagsimula na sila mag videoke
at ako naman nagsimula na uminom. Tahimik lang ako kanina pa. Bukod sa nakakatamad
magsalita at pagod ako, wala din naman akong sasabihin. Sayang lang sa laway.

"Teka, nasaan sila Josh at Rylie?" Tanong ni Katy.

"Oo nga, nasaan sila?" Sabay na tanong ni Lynne and Brylle.

*inom inom inom inom*

Napansin kong nakatingin sa akin si Aisha pero sa orasan lang ako tumitingin! 6:10
na wala pa din sila. *inom inom inom* 6:15 na wala pa din. Tounguuueeeeina, baka
kung ano mangyari sakanila?! *inom* 6:30 na! Tangina! Ano bang ginagawa nila?!
*insertwildimaginationhere*

Aaaaaaaaaah puta! Tumayo na ko.

Nakita ko si Rylie at Josh na papunta sa bahay kaya tinutukso sila ngayon.

Umupo ulit ako. *inom*

"Guys, punta na kayo dito! Kayo naman ang kumanta!" Aya ni Ariza. Lumapit na silang
dalawa sa kubo. Ang tahimik lang nila.

*inom* Nakita kong tumingin si Rylie sa side ko pero di ko siya tinitingnan.


Napansin lang ng peripheral vision ko kaya sa mga tao diyan, walang titigan na
naganap.

*inoom inom inoooom*

"Justin, kanina ka pa inom ng inom. Lasing ka na!" sabi ni Katy habang kinukuha
yung bote ng beer.

"Hindi pa ko lasing." Seryosong sabi ko. Hindi na ako kasi ako madaling malasing.

"Wag ka maglasing." Sabi ulit niya sabay pout.

"Babe, don't worry. Hindi ako madaling malasing." Seryoso ulit yung pagkakasabi ko.

Nalipat na lang yung pansin nang nagsalita si Aisha, "Uhh, Rylie kanta ka!"

"H-h-ha? Ayoko mag-isa..."

"Sino ba yung mga mahihilig kumanta dito? Nabanggit sa akin ni Katy, magaling ka
daw kumanta Justin e." Sabi ni Aisha. Oo nga pala, di alam ni Katy na magpinsan
kami ni Aisha. Nakakaguilty pero ano pa nga bang magagawa namin eh nandito na 'to.

"Rylie at Justin? Kanta kayooo!" Sabi ni Aisha. WHAT?!

"Pag hindi kayo kumanta, may sasabihin ako!" Sabi ni Aisha sabay lagay ng dalawang
kamay niya sa bewang niya. Nanakot pa 'to eh hindi naman niya sasabihin yung
sinasabi niyang sasabihin niya. Ano bang pinagsasabi ko, takte.

*JAMILAH RYLIE*

"Pag hindi kayo kumanta, may sasabihin ako!" Kinuha ko na yung mic. Since dalawa
naman yung mic, hawak hawak ni Justin yung isa. Kanina ko pa napapansin na inom
siya ng inom. Pinapatigil na nga siya ni Katy. Ano kaya problema ng lalaki na 'to?

Ang pinagtataka ko lang, imbis na malasing siya at mag-iskandalo. Seryoso yung


mukha niya, namumula, at mukhang mature. Bakit parang lalo siyang gumwapo? O_O
Sinampal ko yung sarili ko using my imagination. Whoaaa, this can't be happening!

Sila na yung namili ng kakantahin namin tapos nagpalakpakan sila.


"Woooo, go Rylie!" Nag cheer sila Lynne. Medyo lasing na sila e.

Nakatahimik lang si Josh at nagsimula na din uminom. Si Dylan din, nakatahimik


lang. Hayy, dapat kasi talaga di ko na sinabi sa kanya yung about sa past namin ni
Justin.

Unang kumanta si Justin. Hindi kasi ako makakanta, ewan ko kung bakit.

JUSTIN:

Darlin' I can't explain


Where did we lose our way
Girl it's drivin' me insane"

Letse! Sino bang nag compose ng kantang 'to?

SINO NAG INSERT NITO SA VIDEOKE?!

AT BAKIT ANG GANDA NG BOSES NIYA?! Natameme ako! T___T

ME:

And I know I just need one more chance


To prove my love to you
If you come back to me
I'll guarantee
That I'll never let you go

JUSTIN AND I:

Can we go back to the days our love was strong


Can you tell me how a perfect love goes wrong
Can somebody tell me how to get things back
The way they used to be
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee

Tengeneeee! Bakit ba ganito yung kanta?! Hindi tama! Hindi talaga! Nananadya yata
sila e. Nakakalokoooo! Nakakainis! Hindi nakakatuwa!
ME:

So many nights I dreamt


Holding my pillow tight
I know that I don't need to be alone"

Kinanta ko yung line na yan. Badtrip na ko, seryoso! Nakatitig pa sa akin ng


malagkit si Justin. Ano? Lasing na ba siya? Nakakainis ah. Inalis ko tuloy yung
tingin sa kanya at finocus yung tingin ko sa videoke kahit na kabisado ko naman
yung kanta. Duuuh, favorite ko ang boyzone.

JUSTIN:

When I open up my eyes


To face reality
Every moment without you
It seems like eternity
I'm begging you, begging you come back to me.

Nakatingin lang sa akin si Justin habang kumakanta siya. Seryoso siya tapos feel na
feel niya yung kanta. Ang taas din ng boses niya pero buong buo. Christian Bautista
na Christian Bautista talaga.

JUSTIN AND I:

Can we go back to the days our love was strong


Can you tell me how a perfect love goes wrong
Can somebody tell me how to get things back
The way they used to be
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee

JUSTIN:

I'm gonna swallow my pride


Say I'm sorry
Stop pointing fingers the blame is on me
I want a new life
And I want it with you
If you feel the same
Don't ever let it go
You gotta believe in the spirit of love
It'll heal all things
It won't hurt any more
No I don't believe our love's terminal
I'm down on my knees begging you please
Come home
Yung totoo?! Wag kang luluha, Rylie. Wag kang luluha! KANTA LANG YAN! Na-set up
lang kayo ni Aisha kaya kinakanta niya yan sayo. Wag kang feeling! Di ka niya
mahal. Never ka niya minahal. Di ka na ba natuto? Umayos ka, Rylie. Umayos ka!!!

JUSTIN:

Can we go back to the days our love was strong


Can you tell me how a perfect love goes wrong
Can somebody tell me how to get things back
The way they used to be
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee"

HINDI NA AKO NAKAKANTA! Gusto kong umiyak. Siguro pag kumanta pa ko, manginginig na
ko. Maoobvious ako at worse, iiyak ako. Hindi pwede! Nakatingin lang kami sa isa't
isa. Habang ako, tinatry ko ibuka yung bibig ko para kumanta pero hindi talaga
kinaya ng isip...

at puso ko.

Pinandilatan ako ni Tyler. Parang sinasabi niya, ako naman yung kumanta.

ME: Can we go back to the days our love was strong"

JUSTIN: Wanna build a new life"

ME: Can you tell me how a perfect love goes wrong?

JUSTIN: Just you and me, Gonna make you my wife"

ME: Raise a family

JUSTIN AND I:
Can somebody tell me how to get things back
The way they use to be?
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee"

Nagpalakpakan sila. Yung iba nakatahimik lang. Malamang gets nilaaaaa! Pwede bang
wag silang pahalata masyado? Kainis eh. Pinakatuwang tuwa eh si Katy at si Aisha.
Abnormal talaga sila. Kung alam lang talaga ni Katy... Kung alam lang niya.

Hindi siya matutuwa ng ganyan ngayon.

"Guys, mauuna na ko. Nahihilo na ko e."

"Samahan na kita Rylie." Sabay sila Josh at Dylan.

"Ano ba, mag enjoy na lang kayo."

Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Nahihilo na naman ako. Gusto kong matulog pero
hindi ako matulog. Napansin ko na lang, kusa ng tumutulo luha ko.

Tumingin ako sa orasan... 7 PM pa lang.

Gusto ko ng tanggalin yung ulo ko! Utang na loob!

Nagising ako ng 10 PM. Medyo di na masakit ulo ko pero ang bigat ng katawan ko.
Naramdaman ko na parang may nakayakap sa akin. Pag dilat ko...
"Ay butiki."

Nahulog ako sa kama sa gulat ko. Lumuhod ako sa sahig tapos inalog alog ko siya ng
mahina.

"Huy." Bulong ko sakanya.

"Huy huy huy! Justin! Gumising ka! Hindi mo 'to kwarto!" Inalog alog ko ulit siya.

Pero alam niyo kung ano ginawa ng walang hiya?

Hinawakan lang naman niya kamay ko... ng mahigpit.


####################################
CHAPTER ELEVEN
####################################

"Huy huy huy! Justin! Gumising ka! Hindi mo 'to kwarto!"

Lumuhod ako sa kama tapos humarap ako sakanya...

"Juuuuustin!" Mahina lang yung sigaw ko kasi baka kung ano isipin nila. Kahit sino
naman kasi, pag nakakita ng isang lalaki't babae sa isang kwarto tapos magkatabi sa
kama, iba iisipin.

Inalog alog ko siya tapos humiga siya sa lap ko. Bwisit 'to. Hindi porket gwap-
uhh, nevermind. Naiinis pa din ako sakanya! Ughhh. Naalala ko na naman yung video
na nakita ko. Naalala ko na naman nung naospital ako at nakita ko siyang
binabantayan si Alexa. Naalala ko na naman nung magkasama sila ni Janilyn at hindi
siya naniwala na ako si TJ.

Ang isip bata ko pero...

Bumalik lahat ng sakit.

Ano pa nga ba magagawa ko?


"Kung ayaw mo umalis, ako ang aalis!"

Aalisin ko sana ulo niya sa lap ko para lumipat na lang sa- hindi naman pwede sa
kabilang kwarto kasi baka magtaka sila kung bakit nasa kwarto ako nila Justin at
Josh. Hayy, kung pwede lang sa labas matulog. Anyway, aalis na sana pero ikinagulat
ko yung ginawa niya kaya para akong naparalyze for 5 minutes... ANG OA! Yinakap
lang naman niya ako.

*sampal*

Oo, nasampal ko siya. Bakit ba, dinidepensahan ko lang naman sarili ko ah. Self-
defense lang naman 'to. Nagising siya sa ginawa ko at parang nagtataka kung sino
yung sumampal sakanya.

Nagulat yata siya at lumuhod din. So bale, magkatapat kami ngayon at magkaparehas
kami ng posisyon.

Tiningnan niya ako ng masama.

Dapat ba akong matakot? Naaaah. Nagaral yata ako ng taekwando. Excuse me?!

Nakaluhod pa din ako. Tiningnan ko na lang din siya ng masama. Oh pleeaase. Ano
'to, pasamaan ng titig?

"Kung binabalak mong makipagtitigan, aalis na lang ako. Sheesh. Ayoko aksayahin
yung oras ko sa taong katulad mo. Pathetic jerk." Sorry, hindi ko din alam kung
bakit at paano ko nasabi yun. Kusa na lang lumabas sa bibig ko.

Ewan ko. Minsan talaga, may mga bagay tayong nasasabi na hindi naman natin
sinasadya at hindi naman talaga yun yung gusto nating sabihin.

Sobrang sakit lang siguro ng ulo ko tapos nagising pa ko dahil sa kanya. Baka
sakanya ko lang nabuhos lahat lahat. Okay naman kasi kami kanina e. Hay ewan!
Bahala siya, kasalanan naman niya e. And who cares kung magalit siya sa akin?! Ang
kapal ng mukha niyaaa.

Nag smirk lang siya kaya lalo akong nabwisit.


I rolled my eyes.

Aalis na sana ako pero bigla siyang nagsalita...

"Dito ka lang..." Huh? "Please...Jmailah" Hinwakan niyo kamay ko. Sht, Jamilah?
Really? Forbidden name ko yan simula ng lokohin niya ko.

Me: *taas kilay*

Ano problema ng alien na 'to? Uminom lang, nagkaganito na? Una, pumasok siya sa
kwarto namin ni Katy. Pangalawa, tumabi siya sakin. Pangatlo, yinakap niya ko.
Pangapat, humiga siya sa lap ko. Panglima, tinawag niya akong Jamilah. Panganim,
tiningnan niya ako ng masama. Pangpito, pagkatapos ko siyang pagsabihan ng masama,
nagawa pa niya magsmirk. Pangwalo, hinawakan niya kamay ko. Pangsiyam, sinasabihan
niya ako na wag umalis.

Pangsampu, tumulo luha niya.

Nasaktan yata siya sa sinabi ko...

"T-T-Tyler? Bakit ka umiiyak?"

Did I just call him Tyler? Pusaaa. Please wag kang umiyak!!!

"Lasing ka na nga..."

"Ang galing mo." He smiled.

"H-h-ha? Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba!"

"Ang galing mong manakit." Kung makapagsalita siya parang ang simple simple at ang
babaw babaw ng mga pinagsasabi niya. Ughhh.
"Bakit hindi mo pagsabihan yung sarili mo niyan."

"Kailan ba kita sinaktan?!"

"W-w-wala. Pwede ba, ayoko ng drama!"

"Ang pinagtataka ko lang, kahit na ang sama sama mo sa akin, kahit na di mo inalam
yung totoo, mahal pa din kita..." Ano bang sinasabi niya? "I wanted to turn my love
for you to hatred... I tried kaya nag rebelde ako noon."

Hindi ako nakapagsalita. Tumayo ako sa kama...

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

Sinipa ko siya sa hita niya pero mahina lang.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Sinisipa ko pa din siya. Para akong bata, I know.
Pero nakakainis siya! Sa sobrang nakakainis, di ko namamalayan tumutulo na luha ko.
BV!

"Ano ba, nagiging brutal ka na."

"Buti nga yan lang yung inaabot mo. Dapat nga higit pa diyan! Oo, hindi mo nga ako
sinaktan physically pero... Nevermind. Nasaan na ba sila Katy? Lasing ka na. Ayoko
makipagusap sa isang sinungaling at manloloko."

Bumaba na ako sa kama.

"Alam mo, mas masakit pa yung mga pinagsasabi mo eh. Sipain at suntukin mo na nga
lang ako." Sabi niya sabay tawa.

Bumaba din siya sa kama at lumapit sa mukha ko kaya napaatras naman ako.
"Alam mo..."

"J-j-justin-"

"Are you scared? Huh?" Umurong na naman siya kaya napaatras ako.

"Alam mo sobrang weird mo, nakakaasar na! Hindi ka naman ganyan dati. Ay oo nga
pala, hindi kita kilala dati pa. Wala akong alam sayo expect for the fact na NILOKO
mo ako." Tumawa ako. "Isa pa, bakit naman ako matatakot sayo?! Dapat ba kitang
katakutan?! Dapat ba akong matakot?! Oh nooo, I'm scared." Sarcastic kong sinabi.

Mukhang inis na inis na siya.

Tumawa siya.

Okay fine, I'm kinda scared.

"Alam mo kung sino yung weird sa atin, ikaw. Naiinis ako sayo pero hindi ko
magawang magalit." Parehas lang pala tayo ehhh-wait nga! Parang may mali sa mga
sinasabi niya. Ako dapat nagsasabi niyan ngayon e.

"ANO?! BAKIT KA NAMAN MAIINIS SA AKIN?!" Sigaw ko.

"Kasi sinasaktan mo 'to." Tinuro niya puso niya.

Ako pa?! Ako pa ang nananakit sakanya?!

KAPAL NG PEYSSS.

"Pero dahil nga mahal kita, handa akong tiisin yung mgapangaabuso mo sa akin."
Ngumiti siya. He's tipsy! He's druuuunk!!!

Namumula na ba ako? Oh please, not now. Pakiramdam ko ang init init kahit ang lakas
lakas naman ng aircon. Kanina lang lamig na lamig ako ah.

"Anong abuso?! Ang kapal moooo!" Atras ulit ng isang step.

"Physically, verbally, and emotionally." Sabi niya tapos nag forward ulit siya kaya
atras ulit ako.

"Ughhh, ikaw pa may ganang magsabi niyan ha?" Nakakunoot na noo ko.

Sobrang awkward na namin pati ng posisyon namin. Sa sobrang kaaatras ko kasi,


nacorner na niya ako. Yung dalawang kamay niya, nasa wall na, gitna ng ulo ko. At
yung mukha ko, masyadong malapit sa mukha niya. Gusto kong yumuko pero pag yumuko
ako, magdidikit lips namin.

"Gusto kong sabihin lahat lahat sayo..." Ang gwapo niya. Ang gwapo gwapo niya,
nakakainis. Lalo pa siyang gumagwapo. Bad trip!!!

"Ano pa bang dapat mo sabihin? Wala na!"

"Kasi never mo ako pinagexplain..." Yumuko siya. Amoy alak!

"Ano pa bang dapat iexplain? Ha? No need Justin Tyler Dela Cruz." I rolled my eyes.

"Nagbago ka na nga..."

"Thanks!"

"Wait let me finish my sentence. Nagbago ka nga pero ikaw pa din yung Rylie na
kilala ko. You're still weak. You're still a coward. Hopeless romantic ka pa din at
ulyanin. Clumsy ka pa din. Sakitin ka pa din."

Sobrang kumukulo na yung dugo ko. Inis na inis na ko!


"SHUT UP!"

"You shut up! Never mo ako pinagexplain, never mo ako pinaniwalaan..."

"Pinaniwalaan mo ba ako nung pinagtapat ko sayong ako si TJ?! Hindi naman diba?! At
isa pa, ano naman pakialam ko. Hindi ko na din kailangan marinig explanation mo
kasi hindi rin naman ako maniniwala. Enough is enough."

Naalala niyo ba yung time na mas pinaniwalaan niya si Janilyn kesa sa akin? Sinabi
kasi niyang siya yung childhood friend ni Justin noon eh itong Justin na 'to,
naniwala naman. Tss.

"Pwede ba, kahit ngayon lang, pakinggan mo ako..." Sabi niya.

"Pag pinakinggan kita, papaalisin mo ako ngayon."

"Okay."

"At titigilan mo na ako. Wag mo din sasaktan si Katy! Ayoko mangyari sakanya yung
nangyari sa akin. Hopeless romantic din siya tulad ko dati kaya pag sinakta-"

"Hanggang ngayon naman..."

"SHUT UP!"

"Okay okay. Promise na titgilan kita... kung yun ang gusto mo. Pero hindi ako
magppromise na hindi ko siya masasaktan."

"At bakit naman?"

"Sino bang tao ang hindi nasasaktan pag nasa isang relationship. Kahit nga kayo ng
parents mo nagaawa, kahit nga tay-"

"Pinky?" Hindi ko na pinatapos yung sinabi niya. Hellooooo?!


"So gay..." Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay kaya nag pinky promise na kami.

Aaminin ko natatawa ako na naiinis. Hahahahaha! Siya lang kasi ang lalaking
nakipagpinky promise sa akin. Hahahahaha! Yung iba kasi, sasabihin ang bakla tapos
hindi ako papansinin kasi ayaw nga nila gawin yun. Well, except for Josh. Nakikipag
pinky yun sa akin e.

"Go. Don't expect me to believe you."

"Just let me explain."

"Okay." I rolled my eyes. Umupo kami sa bed.

Nagsalita siya ng nagsalita. Wala naman akong naintindihan kasi kumakanta ako sa
isip ko kasi naririnig ko sila na kumakanta sa labas. Ayoko rin naman siyang
pakinggan. Baka masaktan lang ako lalo...

Pero may mga sinabi siyang nag caught ng pandinig ko...

HINDI AKO MAKACONCENTRATE SA KINAKANTA KO!

"Paniwalaan mo man ako o hindi, wala na din naman akong pakialam kasi titigilan na
din naman kita dahil yun yung gusto mo. Gusto ko lang sabihin sayo lahat lahat kasi
baka sakaling maniwala ka pero mukhang hindi ka naman nakikinig. Kilala kita, I
know you too well. May isa pa nga palang hindi nagbago..."

Ang dami niyang sinasabi! Lalalala. As if I care...

"Mahal pa din kita."

Okay fine, pinipigilan ko yung luha ko. Papalabas na eh.


Napatingin ako sakanya...

Seryoso pa din yung mukha niya.

Ngumiti siya.

Ito ba yung nakikita sa mga movies? Hindi pwede. Hindi kami pwede magkiss.
Masasaktan ko si Katy pati... Hindi talaga pwede! Masasaktan lang ako lalo. Pero
bakit ba parang gusto kong paniwalaan yung sinabi niya...

Papalapit na yung mukha niya sa akin kaya napapikit na lang ako...

"May tumawag sayo." Sabi niya.

Napadilat ako. Oo nga, si achi. Ano kaya meron?

"Lalabas na ko. Don't worry, titigilan na kita. Alam ko naman na kahit anong
sabihin ko, di ka maniniwala. Alam ko din naman na hindi ka nakinig kanina sa
explanation ko. Okay lang yun, at least nasabi ko kung ano gusto kong sabihin..."

Parang gusto kong ibaon yung sarili ko sa lupa dahil sa mga sumunod na narinig
ko...

"Oo nga pala, hindi mo 'to kwarto. Pero para wala ng away at HINDI KA NA MASAKTAN
PA NG DAHIL SA AKIN, ako na lang lalabas."

Napatingin ako sa paligid ko. SHT! Ang tanga tanga ko. Tama nga siya, hindi pa din
ako nagbabago. NOOOOOOO! Para saan pa yung mga tinuro sa akin nila Tim noong nasa
states ako diba? Confidence Rylie, confidence! Maganda ka, matalino ka.

Binato ko siya ng unan...

"LAYAS!"
ANG LABO NIYA! UGHHH. HE'S GETTING INTO MY NERVES, SRSLY.

Kanina lang ang bait niya tapos sumama na naman tapos bumait tapos sumama tapos
bumait tapos ayan na naman siya! HOT AND COLD LANG ANG PEG?! Seryoso, anong klaseng
alien ba siya at saang planeta siya nakatira?! Why bother Rylie, worthless lang
kung inalam mo kung saan siya galing at anong klaseng alien siya kasi hindi pa rin
magbabago yung fact na napamahal ka sa isang alien at yung alien na yun, never kang
minahal.

Sinagot ko na yung tawag...

"Achi? Ba't ka napatawag?"

"BAKIT ANG TAGAL MO SUMAGOT?!" Makasigaw naman 'to!

"Uy bakit ka umiiyak?!"

"Rylie, si papa. Bumalik ka dito, ngayon din!"

"Pero gabi na, ano ba nangyari?!"

"Nandito ako sa ospital. Si papa kasi, may masamang nangyari sakanya. Umuwi ka na
ngayon din. Magpahatid ka sa driver niyo..."

"SA DRIVER NAMIN?! NO WAAAAY!"

Driver=Justin Tyler

"RYLIE!" Sigaw niya.

"Okay, magccommute na lang ako."

"Engot ka ba? Magccommute ka?! Nasa probinsya ka, sa tingin mo makakahanap ka ng


sasakyan eh ang layo nga ng terminal diyan e? Isa pa, not sure kung may bus pati
gabing gabi na, magisip ka nga. Atsaka isa pa, delikado."

"OKAY FINE. WAIT FOR ME. NASAAN BA KAYO?!"

"Nasa hospital nga diba?!"

"Konti lang ba ang hospital sa Pilipinas?! Ha?! Sino ngayon ang engot sating
dalawa?" Ganyan lang talaga kami ni achi. Nagkukulitan kami madalas pero mahal na
mahal ko yan. Hayy ewan ko. Kahit may delubyo o end of the world na yata, nagagawa
pa namin gumanito.

Sinabi na niya sa akin kung saang hospital at kung anong room...

"Okay, hintayin mo ko diyan."

Hindi ko na alam kung ano mangyayari pagkatapos nito.

Kailangan kong bumalik ng Manila but... HOW?

Oh please, I need you Lord.

Magsisimba na talaga ko everyday =_____=


####################################
CHAPTER TWELVE
####################################

Breeeeeeathe in. Breeeeeeeathe out.

Lasing na silang lahat except sa magpinsan at sa mga couples. Si Josh, lasing na


lasing na. Nakadukdok na nga siya sa table ng kubo e. Si Dylan naman, kumakanta pa
din si videoke. Ano ba, lasing ba 'to o ganyan lang siya talaga? Sila Lynne at
Brylle, hindi ko alam kung nasaan. Nasaan na ba yung dalawang yun?! Akala ko ba
magkaaway sila? Hmmm. Sila Ariza at Christian, nawawala din.

"I still don't know how to drive, Rylie. I'm so sorry," Nakayukong sabi ni Aish,
"At kahit na marunong ako, wala ding mag-aalaga sa mga mokong na 'to." Tinuro niya
yung mga lasing.
"Nasaan ba sila Lynne at Brylle?" Tanong ko.

"Nalasing si Lynne kaya yun, no choice yung isa. Hindi naman pwedeng si Christian
yung mag-alaga kay Lynne kasi alam naman nating lahat na selosa si Ariza, diba?"

I sighed, "Hindi ko na alam gagawin ko. Kailangan kong puntahan si Papa, nasa
hospital siya. Isa pa, miss ko na din siya."

Yup! Na-kwento ko na sa kanya yung mga namiss niya noong di kami nagpapansinan.
Alam na niyang hiwalay parents ko. Syempre naman, sinummarize ko lang kasi 2 years
din yun no! Madaming nangyari! Kinwento ko din sila Tim sa kanya. Ang laki nga daw
ng pinagbago ko eh pero nakikita pa din daw niya yung dating Rylie sa akin.

"Rylie... Bakit kasi hindi na lang siya?" Tinuro niya si Justin na nakatalikod sa
amin at nakaupo sa may buhanginan habang may hawak na stick. Nakatingin lang siya
sa dagat, parang ang lalim ng iniisip. I kinda feel bad... KINDA.

"Aisha, alam mo naman na hindi pwede diba?" Isa pa, paano na lang yung pride ko?
Napahiya na nga ako kanina e. Baka lalo lang ako mapahiya.

"Tatay mo o pride mo? Mamili ka!"

"Tatay... FINE! Kainis ka talaga." Tumawa lang siya at dahan dahan akong nag-lakad
papunta sa pwesto ni Justin. Kinalabit ko siya kaya napantingin siya sa likod
niya...

Pagkakita niya sa akin, parang automatic na napataas kilay niya.

"Alam kong galit ka sa akin pero I need you..."

"You need me?" Tumawa siya. Sarcastic na tawa, "How ironic." UGHHH!

"Justin, please naman. My dad's in the hospital right now. I don't know how to
drive, pati si Aisha. Yung iba, lasing na. Yung iba naman, nagdedate. Help me."
YUNG PRIDE KO!!!
Nag-isip siya ng konti bago sabihin na, "Let's go then." Hindi na ako nagsalita at
naglakad na kami pabalik ng bahay para kunin yung mga gamit ko kasi hindi na ako
makakabalik bukas. Siya naman, kinuha lang niya yung hoodie at susi niya. Siya nga
pala yung driver kaya kailangan pa niyang bumalik dito pagkahatid niya sa akin sa
Manila. Ako yung napapagod e.

"Justin, Rylie, mag-ingat kayo. Masyado ng madilim sa daan." Sabi ni Aisha


pagkalabas namin.

"Of course. Bye Aisha, hang out soon!" Kiniss ko siya sa cheeks at hinug ko siya ng
mahigpit. "I missed you. I really missed you,"

"I missed you more, Rylie."

"Una na kami. Paki-ingatan si Katy," Sabi ni Justin at pumunta na kami sa kotse.

Binuksan ko yung pintuan sa likod... Uupo sana akong backseat pero pinigilan ako ni
Justin.

"Ano ako? Driver mo? Sa harap ka umupo," Pagkasabi ni Justin nun, binuksan niya
yung pinto sa harap at pumunta sa isang side para umupo sa driver's seat. Nag sigh
na lang ako. Narinig kong may tumawa. Hala, sino yun?

Natakot ako kaya agad agad kong sinara yung pinto at sumakay sa harapan.

Sino ba yung tumawa na yun?

"Ba't parang takot na takot ka? Wag kang mag-alala, hindi kita aanuhin." Pinaandar
na niya yung sasakyan, "Seatbelt." Sinuot ko na yung seatbelt. Arte talaga nito.

After 2 hours, walang nagsasalita sa amin. Medyo lang? Like, saan yung hospital?
Yun lang ata eh. Shet, ang awkward talaga. Di ko kinakaya! >.<

"HIHIHIHI!" May tumawa na naman. Anak ng pating, ayoko na!!!


"SINO YUN?!" Sabay naming tinanong ni Justin. Sht! Hininto ni Justin yung sasakyan
sa may gilid at saktong nag ring yung phone ko kaya "AY BUTIKI!" Ayoko na!!!
Natatakot na ko!

Nagulat na lang ako kasi tawang tawa siya sa reaction ko. Okay fine, obvious na
takot na takot na ako. Bwisit, sino ba yung tumatawa na yun?! Ayoko sagutin yung
tawag kasi hello, 3AM na! Hindi din naka-insert yung number ng tumatawag. Tae na
yan, naiiyak na ko.

"Why don't you answer it?" Tanong niya. Pinipigilan niyang ngumiti!

"Eh di ikaw sumagot!" Sigaw ko sabay abot ng phone ko sa kanya.

"Why would I answer it? It's not my phone. Mamaya manliligaw mo pa yan e," Namula
ako sa sinabi niya. Paano ba naman kasi, wrong timing!

"Umayos ka nga!" Sabi ko at tumigil na mag ring phone ko.

Ilang seconds lang, phone naman niya yung nagriring.

"AYOKO NA DITO, BALIK NA TAYO!" Sigaw ko kaya tawang tawa na naman siya. Ano bang
nakakatawa? Porkit matapang siya at duwag ako, ganito na? Bwisit lang?

"You answer it." Sabi naman niya sabay abot ng phone niya sa akin.

"AYOKO NGA! BAKA MAMAYA ISA PA YAN SA MGA BABAE MO!"

"And so? Are you jealous?" He smirked.

"Kapal mo. Ayusin mo nga, sagutin mo na! Ang dilim ng daan oh, creepy!!!"

"Okay okay, chill." Sabi niya sabay sagot ng phone. Oh Lord.


"Yes?.... What?! NO!.... Seriously?.... Wala, ewan ko... Sht baka siya nga..."
Tumingon siya sa likod ng sasakyan anak ng kalabaw, "Yes, I'm sure... He's
here...Oo nga, oo nga..."

TANGINA, SINO YUNG NANDITO EH KAMING DALAWA LANG NAMAN YUNG TAO SA LOOB NG VAN?!
OMG LANG!!! T________T

"Wag kang paranoid... Yes, I'll take care of him, don't worry." Sabi ulit niya saka
niya binaba yung phone. Kinakabahan na ako.

"Sino yun? Bakit daw?" Tanong ko.

"Si Aisha, hinahanap si Ryan." Sabi niya at na-gets ko naman agad. SIYA YUNG BATANG
TUMATAWA KANINA PA, HAYOP NA YAN!

"Alam mo ba Rylie, may multo sa likod ng sasakyan..." Sabi ni Justin.

"WAAAAAAAAA!" Sabay kami ni Ryan na napasigaw. Tae, natakot din ako! Si Ryan naman,
agad pumunta sa harap. Binuhat ko naman siya kaya nakakandong na siya ngayon sa lap
ko. Nakahug siya ngayon sa akin.

Nag smile lang si Justin at pinipigilan pa din niya yung tawa niya.

Ang saya saya siguro niyang natatakot ako.

Okay naman kami e, okay lang talaga hanggang sa naging awkward ang lahat nang
tinanong kami ni Ryan:

"Auntie Ry, you love Tito Justin?"

O_O####################################
CHAPTER THIRTEEN
####################################

"Auntie Ry, you love Tito Justin?"


Infairness naman sa tanong ni Ryan, nawindang talaga ako. Eh kung ibalik ko kaya
siya sa likod?! Hahahaha joke. Di ko kaya. Masyado siyang cute para i-bully kahit
na binubully niya ako. Huhu! Lalo niya lang pinaawkward situation namin e.

"Ah uhmmm eh-" Sasagot na sana ako pero buti na lang nag salita si Justin.

"Rylie, gusto mong kumain muna? Baka nagugutom na din si Ryan e, kanina pa siya
diyan." Sabi niya since malapit na rin naman kami sa stop over.

"Ah tama! Oo, let's eat."

"EAT, AUNTIE RY? YAY!!!" Tumatalon talon si Ryan sa lap ko eh ang chubby chubby
niya kayaaa. OMG lang yung batang 'to. Kung hindi lang talaga siya cute. Haha!

"Thank you," I mouthed kay Justin.

Tumango lang siya at lumiko na sa kaliwa para sa stopover.

Sht ang gwapo, tangnuuh.

Hindi ko alam kung paano kami nakarating ng Manila ng hindi nagpapatayan. Joke
lang, medyo bati naman ata kami. Hahaha! Anyway, buti na lang nandiyan si Baby
Ryan, aliw na aliw tuloy ako. Kaso lalo lang umawkward dahil tatlong beses kaming
napagkamalang tatay at nanay ni Ryan sa stopover. Puuuuu!

Nang nakarating kami sa hospital, pinuntahan ko agad si Papa. Si Justin naman at si


Ryan, nasa labas ng room, nakaupo sa waiting area. Nakakandong si Ryan kay Justin,
mukha nga silang mag tatay kasi mag kamukha sila. Sabi ko pumasok sila pero sabi ni
Justin, okay na sila doon ni Ryan. Nasabik ata sa pamangkin. Haha!

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Achi.


"He's okay now compared to his situation earlier," She smiled while holding Papa's
hands.

I kissed Papa's cheeks, "Thank God," I said na parang nabunutan ng madaming tinik.

"Pero he's still unconscious. Hintayin na lang natin siya magising. Ninakaw kasi ng
babae niya yung ibang mga pera niya at umalis kaya yan, inatake."

"Tsk, di lang pala lalaki ang manloloko no?" Binatukan niya ko.

"Kaya pala nandiyan si Tyler sa labas no?" Tumawa siya. Pang-inis talaga e. Haha!
Tyler pa din pala tawag ni Achi kay Justin kasi nasanay siyang yun yung tawag ko sa
kanya. Well, madami ng nagbago. Things have changed...

"He's there kasi you told me na magpadrive sa driver namin eh siya driver namin,
epal. Isa pa, don't call him T." I rolled my eyes at natawa siya sa reaction ko.
Magaling, magaling!

"Eh bakit may kasamang bata? Anak niyo?" Tanong ni Achi kaya nabatukan ko.

"Sira! Anak ni Aisha yun, si baby Ryan! Ughhhh, sarap mong sabunutan."

"Oh, okay." Ngumiti siya pero may meaning yung ngiti na yun. Grrrr, alam ko nasa
isip niya ngayon. Feeling niya siguro, kami na ulit. Sorry pero no waaaay! Never
again!!! Though di naman naging kami dati. Mehehe! Eh bakit may again? OMG,
nababaliw na ko. -_-

Ilang sandali lang, lumabas na ako sa room kasi una, nilalamig ako. Pangalawa,
kakamustahin ko lang naman si Ryan kasi baka you know, alam niyo naman kung sino
yung nagbabantay diba? Delikado na, baka mapahamak si Ryan.

Nagulat na lang ako kasi tulog na silang dalawa. O___O

"Huy, baka matinaw." Bulong sa akin ni Achi na may dalang hot chocolate. Hindi ko
namalayan na ang tagal ko na palang nakatitig kay Justin na natutulog. Ang gwapo pa
din niya. Actually, lalo siyang gumwapo. Kahit anong deny ko sa sarili ko, gwapo
nga talaga siya. Maputi, pinkish lips, matangos ilong, at gwapo. Basta gwapo siya.
Hindi naman masamang magkacrush sa ex dahil gwapo siya talaga diba? Hehehehehe.

"Tse!" Sabi ko kay Achi at pumasok na ulit sa loob.

Pumasok din siya at nagsalita agad, "Huy, manners naman. Hindi mo man lang ba
papapasukin? Halatang pagod yung tao oh. Sabihin na nating niloko ka niya pero
Rylie, alam mo naman na walang word na revenge sa family natin diba? Hindi naman
dahil masyado tayong mabait pero mas lalo lang lalala ang sitwasy-"

"OO NA, PAPASUKIN NA! KAINIS 'TO!" Dumila siya kaya iniripan ko ulit siya at
lumabas na. Bad trip talaga yun!

Dahan dahan akong pumunta kay Justin at kinalabit siya ng mahinahon pero di siya
nagigising. My goodness, pagod na pagod nga. Dati kasi konting kembot lang, gising
na siya. Ewww, kembot?! Hahahaha! Ewwww, ano bang iniisip ko. Kbye!

Bumulong ako sa kanya, "Justin..."

Kumunot yung noo niya, "J-Jamilah, don't leave..."

WTF?! Nananaginip siya? At pinapanaginipan niya ko? Hindi kaya... seryoso talaga
siya sa akin? Baka naman after niyang magkamali, narealize niyang mahal niya pala
ako. ANO BANG PINAGIISIP KO?! Diyos ko mahabagin, ituro mo sa akin ang tamang
direksyon.

At dahil ayaw niya magising, inalog ko na kaya nagulat siya.

"Bakit?!" Sigaw niya.

Himala, hindi nagising si Baby Ryan sa sigaw niya. Ay, oo nga pala. Mahirap pala
siyang gisingin. Muahahaha! Manang mana sa nanay e. Naalala ko dati lagi kong
ginigising si Aisha para pumasok sa school. Early bird kasi ako para makita ang
crush ko. Mwehehe, alam na! Pero just like what I said, things have changed. May
anak na nga siya ngayon oh.
"Shhh, ingay nito. Doon na kayo matulog sa loob," Pilit ko sa kanya.

"Wag na. Uuwi na lang kami ni Ryan," Sabi niya, nakatingala pa din sa akin eh since
galing kami sa beach, nakasleeveless ako with swim suit sa loob. My goodness,
nahuli ko siyang nakatingin sa cleavage ko.

"Anong tinitingin tingin mo?" Nag straight body ako.

"In fairness..." HOY MAY CLEAVAGE NA KO NO!

"ANO?!"

"In fairness, concern ka sa akin. Anong pinagiisip mo diyan? Tsk tsk." Tumayo na
siya at umiling iling habang buhat buhat si baby Ryan. Grrrr.

Hinabol ko siya at hinarangan siya, "Hoy Justin, matulog na kayo sa loob. Malambot
and mahaba naman yung sofa doon e," Sabi ko.

"Say please..."

"Please?"

"Madali naman akong kausap e." Ngumiti siya na di kita yung ngipin. Ngiting
nangloloko lang. Bwisit lang! Bwisit siya!

Tumalikod na siya at pumasok sa loob ng room. Pinahiga ko lang siya sa sofa. Si


Ryan, nakapatong sa chest niya. Haha! Mother and son lang ang peg. LOLOLOL! Si Mama
Justin. Muahahaha!

Moving on... Nilagyan ko silang dalawa ng kumot hanggang sa tuluyan na siyang


nakatulog.

"Buti naman at nagkamanners din," Bulong ni Achi na nakaupo sa tabi ni Papa pero
rinig na rinig ko. Alam kong sinadya yun iparinig sa akin para inisin ako kaya di
ko siya pinansin.
Bumukas yung pinto at nagulat ako kasi si Mama... nandito.

"What happened?" She asked. Nang nakita niya si Papa, tumulo yung luha niya. OMG!
Sobrang nagugulat ako sa mga happenings.

Inexplain ni Achi sa kanya yung nangyari at tumahan na din siya. Nagulat pa nga
siya dahil nandoon si Justin. Hindi ko sinabi sa kanya yung nangyari sa amin. Ang
alam lang niya, nagkasawaan kami. Haha!

Pag gising ni Justin, hapon na. Babalikan pa nga pala niya sila Katy kaya nagmadali
siyang tumayo at nagmamadaling umalis. Gising na din si Ryan pero since kakagising
lang din niya, may topak pa yan.

"Wag ka ng umalis," Sabi ko dahil nagguilty ako. Ako ang dahilan kung bakit napagod
siya.

"I need to fetch-"

"I'm sure they'll understand. I'll take responsibilty if ever na mainis sila
although I'm sure naman talaga na maiintindihan nila. Papasundo ko na lang sila sa
driver. Nasaan yung susi?" Tanong ko. Nakatulala lang siya. After 6 or 7 seconds
siguro saka niya binigay sa akin yung susi.

After ko ibigay sa driver yung susi, bumalik na ako sa kwarto. Kumain kami nila
Achi, Justin, at Ryan ng sabay sabay pero si mama, wala daw gana. Tss, if I know...

"Ry, una na kami ni Ryan."

"Nooooooo, Tito. Nooo! I wanna stay here pa muna with my fake momma and poppa."
Whuuuuuuuuut?! Paulit nga?! Nabingi ata ako doon. Fake momma at poppa? OMGGG! Saan
ba natutunan ng bata na yan yung mga pinagsasabi niya ah. Grrrr.

Natawa naman sila Achi at Mama pero kami ni Justin, halatang gulat.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" Kumakanta si Achi habang kumakain pero
mahina lang although rinig talaga sa buong room kasi ang tahimik namin.

Justin and I: Excuse me, lalabas lang ako. *sabay tayo*

Sabay kaming nagkatinginan habang sila Achi at Mama, nagkatinginan lang tapos
ngiting ngiti. Umupo ulit kami ni Justin ng sabay...

Me: Joke, di pala.

Justin: Dito na lang pala ko.

Justin and I: *clears throat sabay kain*


####################################
CHAPTER FOURTEEN
####################################

"Ry, nagka-problem sa venue."

"Ate Rylie, pwede pa bang sumali sa singing guild? Yung friend ko kasi, kailangan
niya talaga ng org ngayon. Pwede po ba? He's good, I swear."

"Guuuuys, nagawa niyo na ba yung paper? Hindi ko alam kung paano sisimulan! :'("

"Huhuhuhu! Nakapag-review ka na, Ry?"

and last but not the least...

"Uy Rylie, what happened? Okay ka lang ba? How's Tito?" -Katy

Hindi naman ako nagsisisi na sumama ako sa Pangasinan kasi kung hindi ako sumama
doon, hindi kami magkikita ulit ni Aisha. Pero kasi, natambakan ako ng mga
ginagawa!!! Yung party na inoorganize ko, yung play, mga paper works, projects,
etc!!! Pwede bang chill muna? Mahina ang kalaban, geez!
"Hahatid na kita," Sabi ni Justin nang nakita niyang stressed na stressed na ko.

"Malapit lang yung bahay namin dito. Kaya ko mag tricycle," I rolled my eyes at
lumabas na ng room pero sinundan ako ni Justin. Nandoon pa din sila mama at achi
habang si Ryan naman, nakatulog na naman. Sobrang busog at likot kasi!

Babalik din naman ako sa hospital e. Kukunin ko lang laptop ko and other stuff na
kailangan ko para bukas. Ughhh ayoko na talaga! Wala na naman 'tong tulugan eh wala
pa akong tulog simula noong umalis kami ng Pangasinan.

FYI, hindi pa ako masyadong magaling pero syempre ayoko na magpahalata.

"Shet, wag mo kong sundan!"

"Gabi na!!! Tingnan mo naman yung suot mo," Sabay turo sa damit ko at tingin sa
cleavage ko tangsht, "Mare-rape ka niyan kaya kung ako sa'yo, hahatid na kita."
Manyak!

Hindi ba niya nakikita? Ayoko siya pag drive-in kasi alam kong pagod na pagod siya
sa byahe. Hindi masayang mag drive pag sobrang layo ng pupuntahan mo at traffic pa!

"Tss ewan ko sayo," I rolled my eyes, again. Naglakad ako palabas ng hospital pero
sinusundan lang niya ako. Sobrang seryoso ng face niya, err. Umiiling iling din
siya minsan!

Gwapo. Ughhh!!!

"Ihahatid na kita sabi," Malapit na kasi kami sa paradahan ng tricycles.

"Ayoko nga sabi, ang kulit? Kung gusto mo, sumama ka pero wag na wag mo akong
pipilitin sumakay sa kotse mo!" Siguro iniisip niyo, ang sungit sungit ko? Eh bakit
ba!!! Stressed kaya ako! Grrr, sarap mangagat!

"Kuya, sa ***** lang po. Tuturo ko na lang po," Tumango yung tricycle driver at
sumakay na din ako.
"Sht, bakit ka sumakay?!" Hinampas ko si Justin. Tinaasan niya lang ako ng kilay,
"Sabi mo sumama ako kung gusto ko?"

Ughhhhhhhhhh! "Alis! WAIT LANG KUYA, WAG MO MUNANG PAPAANDARIN!" Tinulak ko siya
pero hinawakan lang niya yung dalawang braso ko habang seryoso pa din mukha niya.
Siya pa galit?! "Umalis ka nga dito," Nanghihina na ko kaya tumigil na ko
kakatulak. Nakahawak pa din siya sa dalawang braso ko.

"Gusto mo ba ma-rape ng ibang tao o gusto mong rape-in kita pag di mo ko pinasakay
dito?"

Anong klaseng choices yun? Para niyang sinabing sasakay ako dito o sasakay ako
dito? Tss. Bahala nga siya sa buhay niya.

"Ewan ko sayo. Ewan ko sayo! Bahala ka nga diyan," Inalis ko yung pagkakahawak niya
sa braso ko at sumandal sa gilid ng tricycle. Naramdam ko siyang ngumisi, "Good."

Pagkatpos niyang sabihin yun, hinubad niya hoodie niya...

"ANONG GINAGAWA MO?!"

Inabot niya sa akin hoodie niya, "Suotin mo kung ayaw mong ako ang mag suot sayo
niyan," Tiningnan na naman niya cleavage ko sandali, tumingin sa daan, at umiling
iling. Seryoso pa din itsura niya. Anong problema ng lalaking 'to?

Pagkadating namin...

"ANO KUYA?! 100 pesos eh ang lapit lang po nun?" Sigaw ko sa tricycle driver.

"Eh 100 talaga ma'am e,"

"Seryoso ka ba, kuya? Ano 'to, ginto?!"


"Oh sige na nga sige na nga. Magkano ba gusto mo?"

"Fifty-"

"Lugi naman yun, ma'am."

"Anong lugi?! Hin-" Tinakpan ni Justin yung bibig ko. Nag bigay siya ng 100 pesos
sa tricycle at hinila ako papuntang gate.

"Ughhhh bakit mo ko hinila?! Ba't 100 pesos?! Eh di sana nag taxi na lang ako!!!"

He sighed, "Shut up. Ikaw ba nag bayad? Hindi naman, diba?"

"Kahit na-" Natigilan ako kasi nilapit niya face niya sa face ko.

"Salita pa," Naamoy ko hininga niya. Amoy candy!!!

Napalunok ako, "P-p-pahinging candy?"

Dumukot siya sa bulsa niya, binuksan ang candy, at sinubo niya sa bibig ko.

"Yan? Okay na?" I nodded pero lunok pa din ako ng lunok.

Wala na, ubos na laway ko!

Pumasok kami sa loob nang di nagsasalita at kinuha na mga gamit ko including my


laptop. Shocks, iniisip ko pa lang mga gagawin ko nasstress na ko!

"Ako na," Sabi ni Tyler. He's talking about my things, ang dami ko kasing dala.

"Kaya ko na. I don't need your help," Sabi ko kahit na hirap na hirap na ko. Ang
bigat kasi talagaaa! Nag dala din kasi ako ng damit na pang one week just in case.

"Bakit ba kasi parang dinala niyo na ata buong bahay niyo?"

"Tse, la kang pake." Sabi ko. Nagulat na lang ulit ako kasi kinuha niya mga dala
kong gamit na parang wala lang. Ang hina ko naman, ata? Seriously! Umirap na lang
ako sa kawalan at inunahan siya sa paglalakad.

My gosh, walang dumadaang tricycle dito.

"Wala na ba kong imamalas pa?!" Sabi ko sa kawalan. Recently, puro si kawalan na


lang kinakausap ko. Siya na lang kasi ang may kwentang kausap e.

"Patience," He said.

Tiningnan ko siya ng masama, "Patience? Ang dami ko kayang gagawin!!!"

"Fine. Sabi mo naman malapit lang hospital dito diba?"

"Oh tapos?"

"Let's walk?"

WALK?! Malapit lang pag nag tricycle pero pag nag lakad, hindi!!! Ang daming
tatawidan, ang daming pasikot sikot. Isa pa, ang dami niyang dala. Di nga siya
magddrive pero maglalakad naman habang buhat buhat yung malaking bag ko pati na din
yung bag pack. Ano bang problema niya?! Lakas ng loob niya, huh?

"3 minutes pa! Pag walang dumaan na kahit anong sasakyan, maglalakad tayo," I said
at tumingin ng mabuti sa daan. Ughhhhh! "Err ibaba mo nga muna yung mga dala mo."
Sabi ko nang di tumitingin sa kanya. Bakit ba, nahihiya ako!

"3 minutes na. Ano, maglalakad na ba tayo?" Tanong niya.


Shooocks, kaiyak!!!
####################################
CHAPTER FIFTEEN
####################################

(A/N: Hindi naman siya SPG. Hindi naman ata. Hahaha! Uhmm pambawi lang sa mga nag
tiyaga mag-basa nito? Haha! Thanks, guys! Love ko kayoooo!!! Promise, tatry ko mas
bilisan pa ang updates! Try lang ha? Salamat!)

Nag-lakad nga kami pero pagkadating ng hi-way, sumakay na kami ng tricycle. Kainis
nga kasi ang liit ng tricycle na nasakyan namin at ang dami pa naming dala kaya
sobrang sikip! Kulang na nga lang magkabaliktad na mukha namin e. Amoy na amoy ko
yung hininga niya pati na din yung hoodie niya suot suot ko. Ang bangooo!

I bit my lip, "Ughhh, ang traffic naman ata?"

"What do you expect? Rush hour na," Sabi niya na parang ang tanga tanga ko. Tinulak
ko shoulder niya gamit shoulder ko, "Heh!" I rolled my eyes pero natawa lang siya.

"Move ka nga, ang sikip!!!" Sabi ko.

His forehead furrowed, "Nag-iisip ka ba? Pag umasog ako, mahuhulog na ko."

"Kainis," Bulong ko pero narinig niya.

Nagkatinginan kaming dalawa, intense! Intense na bad trip ha, hindi yung intense na
intimate. Excuuuse me?!

"Ano bang problema mo?" We asked in unison.

"Ikaw," Sabay na namin kami.

"Nakakainis ka kasi," Sabi ko.

"Ano na naman bang problema mo sakin?" Tanong niya, halatang naffrustrate na siya.
Eh bakit ba, naffrustrate na din ako!

"Malaki!!!"

"Kung may choice lang ako na hindi ka samahan, ginawa ko na. Pero wala e. Wala
akong choice kasi nag-aalala ako. Gabi na, paano kung may mangyaring masama sayo?!"

"Bakit ba kasi concern ka?! Ano ba kita?" Rylie, sobrang impulsive moooo! Ito
nangyayari pag bad trip ako e. Kahit ayokong sabihin, nasasabi ko. I didn't mean to
say those things, I swear! Hinatid niya na nga ako, sumama na nga siya sa akin,
siya na nga nagdala ng gamit ko, at siya na 'tong nag-aalala at concern sa akin
pero sinabihan ko pa siya ng masakit.

Ughhh tanga tanga mo, Rylie.

Pinanliitan niya ako ng mata...

"Sorry," I said. Yumuko ako.

Naramdaman ko siyang nag sigh pagkatapos ay nilagay niya yung index finger at thumb
niya sa chin ko at tinaas ito. Pantay na ngayon mukha naming dalawa. Ang lapit din
dahil maliit talaga yung tricycle at masikip, sobra!

"Ang labo mo," Sabi niya, "Makikipag-away ka tapos magsosorry ka." Natawa siya,
omggg. Ganda ng teeth niya talaga. Puti puti!

Huminga ako ng malalim, "Ah eh paano ba?" Wala akong masabi!!!

Pinagpapawisan kaming dalawa. Ang traffic kasi!!! Amoy na amoy ko pabango at


hininga niya. Oh noooo tukso, layuan mo ako!

Ngumisi siya at pinunasan yung ilong ko na pinagpapawisan gamit yung kamay niya,
"Kung naiinitan ka, pwede mo ng hubarin yung hoodie."

Ayoko, ayoko hubarin!!!


Umiling iling ako, "Err wag na lang."

"Ikaw bahala," He said tapos tumingin na naman sa daan.

Seryoso, malandi na kung malandi, pero kagabi pa niya ako binibitin!!! Hahalikan ba
niya ako o hindi?! Ughhh ano bang pinagiisip ko? Kasi naman yung pride ko...

"Justin..."

Tumingin siya sa akin na parang nagtatanong kung bakit.

"Kasi..." Ang lapit talaga ng mukha namin.

Sasabihin ko ba? Sasabihin ko bang halikan niya ko? JOKE! Eh bakit ko siya tinawag
kung hindi yun ang sasabihin ko? OMG! What's happening to me?

"Nandito na ho tayo," Sabi ng tricycle driver.

"Kasi ano... pwede ka ng bumaba nandito na tayo," Sabi ko at nagulat siya dahil
tinulak ko siya kaya napalabas siya ng tricycle ng di oras. Haha! Kainis kasi!!!

Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi napigilan ako o masusuntok ko si kuya tricycle
driver dahil nabitin ako. Anyway, dapat na din mag thank you kasi I was saved by
the bell. Hindi ko din alam sasabihin ko pag nagkataon aside from halikan niya ako.
>.<

"Kung ayaw mo akong katabi, pwede mo naman sabihin agad. Pwede ako sumakay sa likod
o pwede naman akong bumaba agad. Di mo ako kailangan itulak," Sabi niya.

"Err hindi naman sa ganun pero..." Pag lumapit ka pa sa akin, hindi na kita
matitiis at hahalikan na kita. Gets mo ba yun?!
"Pero?"

"Pero kasi, hindi pa tayo nagbabayad sa tricycle driver. Naghihintay na siya.


Hehehe!" Ang labo ko, seryoso. Sobrang incoherrent ko, kakaiyak! Napapahiya ako
nito e.

Tumingin si Justin sa tricycle driver at nag bigay na ng 100 pesos. Pagkatapos


umalis ng tricycle, humarap siya sa akin at tiningnan ng mabuti.

"B-b-bakit, J-justin?" Hala patay na! Nautal na ko! >.<

"Ano ba nangyayari sa'yo?" Tanong niya sabay hawak sa forehead at leeg ko.
Napalunok na naman ako sht. Lalo ako nanginit nito e. Naka-hoodie pa man din ako!

"You're still sick. You have to rest,"

Umiling iling naman ako, "Ano ka! Hindi pwede! Halos lahat ng gagawin ko, bukas na
deadline! Ang dami ko pang gagawin, I can't rest. I can't afford to fail," Sabi ko,
naiiyak na ko dahil hindi ko din alam. Nakakafrustrate na kasi yung nangyayari sa
akin.

"I'll help you," He said.

"HA? AYOKO!" Sigaw ko pero he just shrugged his shoulders and left me hanging here!
Ughhhh. Naloloka na akooooo!!! Bumabalik ako sa dating Rylie, hindi pwede.

Breeeathe in. Breeeathe out.

Pagkapasok namin sa loob ng room, wala na si Achi, pinagpahinga na ni mama kasi


simula noong na-hospital si Papa, siya na yung nagbabantay. Nag half bath naman ako
at sinuot yung boxer shorts ko and yung hoodie ni Justin. Binond ko din yung hair
ko at sinuot black glasses ko. FYI, may grado 'to!

Di na ako nag damit sa loob since makapal naman 'to. Hahaha! Ang kapal ng mukha
kong angkinin yung hoodie niya pero wala na siyang magagawa kasi nakalimutan kong
mag dala ng jacket at isa pa, type ko din yung hoodie na 'to. Mwaha!
Nagulat kaming dalawa ni Justin pag labas ko ng CR...

Ako dahil wala na si mama at dahil na din sa reaction niya.

Siya naman dahil hindi ko alam. Ba't siya nagulat?

"Where's mom?" I asked.

"Umuwi lang para kumuha ng gamit. Tawagan na lang daw siya pag nagising na dad
niyo," He said at napansin ko din na lumunok siya. Anong meron?!

Nakatingin siya sa legs ko, "Anong tinitingin tingin mo diyan?"

"Yung shorts mo... kulang sa tela," Sabi niya kaya lumapit ako sa kanya sa sofa at
sinipa siya, "Tseee! Ano bang pake mo? Umalis ka na kasi dito." Mas comfortable ako
sa boxer shorts kasi masyadong mainit sa Pilipinas at mas comfortable. Para nga
lang akong walang suot na shorts kasi ang laki ng hoodie niya.

"Hindi pwede. Sinong magbabantay sa'yo? Sa inyo?"

"Kaya ko sarili ko," I rolled my eyes.

"Tssss," Sabi niya kaya sinipa ko ulit siya pero naharangan ng paa niya yung paa ko
kaya nahulog ako sa kanya. Ang lapit na naman ng mukha namin. Ito na namaaaaan!!!
Nakahawak yung dalawang kamay niya sa waist ko.

Natawa siya ng mahina, "Hindi mo ba napapansin, Rylie?"

"A-a-ang a-a-alin?" Waa, nautal na naman ako.

"Wala," Inalalayan niya ako tumayo. Hay buti na lang tulog pa din si Ryan.
Wait, nasaan si Ryan?!

"Nasaan si Ryan?"

"Sinama ng mom mo," Sabi niya na parang wala lang. Okay fine!

Tumango na lang ako at kinuha yung laptop, charger ng laptop, at yung mga gamit na
kailangan ko para sa walang tulugan na gagawin ko. I moved the mini-table din at
nilagay sa harap ng sofa pagkatapos ay umupo (indian seat) ako sa sofa, tabi ni
Justin.

Nag concentrate na ako sa gagawin ko pero kahit ano atang gawin ko, walang
pumapasok sa brain cells ko. Ang hiraaap!!! Naiiyak na ko. Di ako makapag-isip ng
maayos. Siguro dahil may lagnat ako at wala pa akong tulog? Siguro dahil kay
Justin?

Say whuuuuuuuut?

Bakit nadamay na naman si Justin? >.<

Hindi ko nalamayan na nakatulog ako. Nagising ako ng 3 AM na at nakitang nagttype


si Justin sa laptop ko. Sht, ang sakit ng ulo ko. Inaantok pa din ako pero
kailangan kong gawin yung mga kailangan kong gawin. Ano daw?

Umupo ako ng maayos at ngayon ko lang na-realize na sa lap pala ako ni Justin
nakahiga kanina. Ngayon ko lang din na-realize na kinumutan niya ako. Malamang siya
ang nag kumot sa akin, sino pa ba?

Grrr... Akala ko panaginip lang lahat... totoo pala talaga. >.<

"Nagising na si Papa?" Tanong ko.


Seryoso lang siyang tumango.

Ano bang ginagawa niya sa laptop at seryosong seryoso siya?

"Anong oras?"

"Kanina pa pero sabi niya wag kitang gisingin. Just... just sleep Ry. He's okay
now, you don't have to worry anymore," Sabi niya habang nagttype pa din at seryoso
sa ginagawa niya. Naka-patay na din pala yung ilaw so siya na lang ang nakikita ko
dahil sa ilaw ng laptop sa mukha niya.

"Si mama? Pumunta ba dito?"

Tumango siya, "Kanina pero sabi din niya, wag ka ng gisingin. Nalaman nilang may
sakit ka. Pinainom ka din namin ng gamot pero I bet kung naaalala mo."

Eh di siya na! Siya na ang tama. Wala akong maalala! >.<

"How you feeling?" He asked. Sa wakas, tumingin din siya sa akin pero seryoso lang
siya. Hindi pa ba siya natutulog? Hindi ba siya napapagod?

"Okay naman ako e," Sabi ko pero mukhang di siya naniwala sa akin at hinawakan na
naman forehead at leeg ko. Geez! Di ba ko kapani-paniwala?

Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit?"

"Magaling ka na nga but you still have to rest kung ayaw mo mabinat na naman," Sabi
niya.

"Naiinis ka ba?" Tanong ko. Mukha kasi siyang pissed.

"Yes. Di ka pa din nagbabago. Di mo pa din alam kung paano alagaan sarili mo. Stop
torturing yourself, Rylie. Sleep," Sabi niya at bumalik na naman sa pagttype.
"Ano ba yung tinatype mo diyan? Oh shtttt! Kailangan ko palang tapusin papers ko!"
Kinuha ko yung laptop sa kanya pero sobrang na-shock ako kasi malapit ng matapos
yung paper ko sa philosophy class. Mas nagulat ako kasi mas maganda pa yung paper
sa gagawin ko!!!

Tiningnan ko yung documents, tapos na lahat ng papers ko! OMGGGGG! Tiningnan ko


naman book ko sa Trigo, nakaipit doon yung yellow pad at wala! Nasagutan na lahat.
Sht di ko kinakaya 'to. Siya gumawa lahat ng gagawin ko!

Kulang na lang, siya mag asikaso ng party at play ah!

Nakatulala pa din ako kaya di ko napansin na kinuha ulit ni Justin yung laptop ko
at nag type ulit, "Malapit na 'tong matapos. Matulog ka na lang diyan."

Naiiyak ako...

"A-ako na diyan," Sabi ko pero mahina lang.

He shook his head, "Drink water and sleep."

Ilang seconds din akong nakatingin lang sa kanya. Mukhang napansin din niya ata
kaya tumingin siya sa akin, "Anong proble-Wait! Are you crying?" Nag soft yung
features ng mukha niya when he saw me.

Umiling ako pero pinunasan niya luha ko.

"Nakakainis ka," Sabi ko habang nakayuko. Mukha niya lang nakikita ko at feeling
ko, mukha ko lang din nakikita niya. Naiilawan kaming dalawa ng laptop ko.

"Hey, stop crying!" Naffrustrate na naman siya.

Umiiyak pa din ako. Ewan ko kung dahil madaling araw lang o nahihilo pa din ako
kaya ang sensitive ko pero naiiyak ako.
"Jamilah, will you... stop crying?" Tiningnan ko siya at halata sa mukha niyang
nag-aalala siya. Ang gwapo niya lalo na pag sa kanya lang nakatutok yung ilaw.

Tumango ako pero naiiyak pa din ako. Pinipigilan kong di umiyak pero tumutulo pa
din luha ko.

Ang sakit, bakit???

"Tyler?" I called him.

Halatang nagulat siya at naguguluhan at the same time.

"Sht," He said and threw my pair of glasses on the floor.

He kissed me but when I was about to kissed back, he stopped.

"Sorry sht, sorry. I told you I would stop but-" Hindi ko na siya pinatapos.

I put my arms around his neck and kissed him. Truth to be told, I missed him. I
missed him too much. Pwede kahit ngayong madaling araw lang? Pwede ba yun?

"Rylie..." He said while kissing me but I didn't listen, I didn't stop. "I love
you," Sinabi niya kaya mas hinigpitan ko yakap sa kanya. Wala na akong pakielam
muna sa consequences. Mamaya ko na yun iisipin pero ngayon, damn! I missed him!

Nakahiga na kaming dalawa, he's above me pero nakatungkod yung dalawang kamay niya
sa sofa para hindi ako madaganan. I can feel his chest on my chest, though.

He kissed my neck, "I missed you." Paulit ulit niyang sinasabi pati yung 'I love
you'. Ang sarap pakinggan. Ngayon ko lang ulit na-feel na totoo yung mga sinasabi
niya after two effin years. Ramdam na ramdam ko yung mga sinasabi niya.

Sana talaga totoo. He bit my ear and continued kissing my lips. He bit my lips and
I growled pero mahina lang. Duuuh, natutulog lang si Papa no!

He stopped. Tiningnan niya ako eye to eye. Nag pout naman ako at tiningnan siya ng
masama. Ughhh, why did he stop?! Nakahiga pa din ako sa sofa at nasa taas ko pa din
siya.

"What?" I asked, blushing.

"Your face is red," He said while laughing and kissed my forehead.

"Err how did you know?" Ang dilim kaya!

"I just know. I can feel it," He said and kissed my nose.

"How?" I bit my lower lip, nahihiya na ako!

"Because I missed you..." He kissed my left cheek. "And..." He kissed my right


cheek.

"And?" Tanong ko. Ang lakas ng heartbeat ko, craaaap!!!

"And I love you." He kissed my right cheek and my neck. "I can feel it because I
loved you, I love you, and I still love you."

Now he's kissing my lips, again, torridly.

I kissed him back while smiling.

Seryoso, kinilig ako doon!

Natigil lang yung halikan namin kasi bigla kong naramdaman yung ANO niya sa tummy
ko.
"Trivia," He suddenly said.

"Err ano?" Naaawkward ako.

"The moment I saw you wearing my hoodie plus your pair of boxer shorts, I was
already turned on," He kissed me again pero smack lang at umayos na ng upo. Ang
bango niya talaga!!!

Umayos na din ako ng upo.

Justin and I: *clears throat*

Kinuha ni Justin yung laptop at saktong bumukas yung ilaw...

Nagkatinginan kami at sht, ang daming butterflies sa tummy ko! Kinakabahan ako ng
bonggang bongga! Feeling ko may nakahuli sa amin.

Nang bumukas na yung pinto...

"What did we just do?" We asked, again, in unison and in a super mahina voice.

Coud this get any more awkward? :-\


####################################
CHAPTER SIXTEEN
####################################

Si Mama! Si Mama ang nag-bukas ng pinto habang nakangisi. Bad trip! Feeling ko alam
na alam niya yung ginawa namin pero di niya lang sinasabi. Ganoon ba kami ka-halata
o sadyang guilty lang ako dahil sa expression ko?

Napalunok ako...

Naiisip ko pa din yung intense na pangyayari kanina. Kahit noong okay pa kami ni
Justin, never pa kami nagkaroon ng ganoong klaseng halikan. Never pa naging ganoon
katagal at ganoon ka-intense. Halos maubos yung labi ko!!! Feeling ko nga namamaga
na labi ko e.

"Ang pula niyo parehas lalo ka na Jamilah," Natawa si Mama. "What happened?"

"Huh? Mapula naman talaga ako ah?" Sabi ko kay Mama pero sht, mukhang di siya
naniwala. Kinakabahan ako woo!!!

"Okay," She said while laughing.

"Ma, nasaan pala si Ryan?" Tanong ko.

"Sinundo na ni Aisha sa bahay. Nakakamiss yung batang yun. Ang ganda niyang ina,"
Ngumiti siya. Alam ni mama yung nangyari kay Aisha. Alam naming lahat. Syempre
naman love ko yun kahit na anong mangyari at kahit anong gawin niya.

That's what I love about my family: They never judged.

"Maganda naman talaga si Aisha, ma."

"I'm happy that you're okay already. Nakakamiss kakulitan niyong dalawa e," She
said sincerely.

"Me too, mom. I'm happy that we're okay already and yes, I missed her... too much,"
Sabi ko at nagising na din si Papa. Teka, okay na ba sila mama at papa? Nakita ko
kasing hinalikan ni mama si papa at tinanong kung okay lang siya. What's happening,
madlang people?

Tumingin ako kay Justin na saktong nahuli kong nag yawn.

"Antok na antok ka na ba?" I asked.

"Hindi naman," He said while saving the document.


"Wait, paano mga papers mo? Nagawa mo na?" I asked.

"You know me, Rylie. I don't cram," Sagot niya meaning oo, nagawa na niya yung mga
kailangan niyang gawin. Kaya siguro ang bilis niya natapos kasi alam na niya mga
gagawin niya pero still, ang hirap nun! In fact, mas mahirap pa yun kasi kailangan
niya mag-isip ng panibago para di mag mukhang plagiarize papers namin eh classmates
pa naman kami sa halos lahat ng subjects namin. Geez!

"O-okay, good. Umuwi ka na nga!" Sabi ko pero biglang nagsalita si Papa...

"Kayong dalawa, kayo na ba ulit?" Sabay kaming umiling ni Justin. Feel ko nga
mababali na leeg naming dalawa kakailing.

"Oh, hinay hinay lang sa pag iling," Sabi ni mama kaya nag tawanan sila ni Papa.

"Ma, Pa, hindi naman naging kami," Sabi ko.

"Tss pero kung mag halikan kanina..." Bulong niya na ikinalaki ng mata namin ni
Justin.

"HUH?" We both reacted. Shiz!

"Wala, sabi ko mag pahinga na kayong dalawa at may pasok pa kayo bukas. Salamat,"
Sagot naman ni Papa. Sheeeeeet, hiyang hiya na ko!!!

"Oo nga, umuwi na kayo mga anak," Sabi ni mama. MGA ANAK? Really, mama? Nakita ko
tuloy na nagpipigil ng ngiti si Justin. Shoooooocks, kakahiya talaga.

"Oo nga, mabuti pa ngang umuwi na kami," Tama ba yung sinabi ko? KAMI? Kami yung
uuwi? Oh God!!! Kinuha ko yung ibang gamit ko na kailangan para sa school bukas at
mabilis na lumabas ng room. Narinig ko naman sila na nagtatawanan.

Pinagpawisan ako doon ah?


Pinaypayan ko sarili ko habang umiiling, "Grabeeee!"

Narinig kong bumukas at sumara yung pinto.

"Oh? Ba't ka sumunod?" Tanong ko kay Justin.

"Sabi mo umuwi na tayo, diba?" Tanong din niya. Ang weird talaga pag nagpuplural
kaming dalawa. Tayo, kami, us, we, at kung anu ano pang plural. Weird.

"Ona, sige na. Grrrr," Sarap mangagat.

"Tantrums, again, Rylie?" He laughed.

"Ano bang pake mo kasi?" Tiningnan ko siya ng masama.

"May pakielam ako," Lumapit na naman siya sa face ko. "Baka gusto mong ipaalala
ko-" Tinakpan ko yung bibig niya.

"Aaaaaaaaaaah tara na," Sabi ko sabay takip ng tenga at takbo papuntang parking
lot. Oo, magpapahatid na ako kasi madaling araw na at natatakot ako sa labas. Mas
natatakot ako sa multo kesa sa tao, sorry.

Narinig ko siyang tumawa, "Para ka pa ding bata!" Nag echo yung sinabi niya sa
hallway ng hospital at sinundan ako sa pag takbo ko. Malaki naman legs niya kaya
kahit naglalakad siya, maaabutan niya ako.

Nang nasa parking lot na kami, inakbayan niya ako at kinindatan...

"Anong problema ng mata mo?" Sabi ko at inalis yung kamay niya sa shoulders ko.
"Wag kang didikit sa akin, may virus ako!"

"Too late, Rylie. Kung kailan nahalikan na kita ULIT saka ko pa iisipin yung virus
mo? Wrong," He grinned. Ano na naman binabalak niya?
I covered my mouth using both hands.

"SHET KA!!!" Sabi ko habang naka-cover pa din kamay ko sa bibig ko.

Inalis niya yung kamay ko sa bibig ko at lumapit sa akin. Sobrang lapit!!! Mga 1
inch, seryosoooo!!! Konting move ko lang, maghahalikan na naman kami tapos di ko na
naman mapipigilan sarili ko tapos may makakakita na naman sa amin tapos mahihiya na
naman ako tapos lolokohin na naman niya ako.

"Ene gegewen me?" Tanong ko. Hindi ako pwedeng ngumuso!!!

Pumikit ako pero narinig ko siyang tumawa. When I opened my eyes, tumatawa pa din
siya. Sobrang lapit pa din ng mukha niya sa mukha ko, FYI! Lakas ng loob niya. Pero
dapat lang talaga kasi ang bango ng hininga niya at ang perfect ng teeth niya.
Shiz!

'Ah ganon ha!' I thought.

I kissed him pero smack lang kaya natigilan siya. As in sobrang natigilan siya kaya
ako naman ang may chance tumawa. Mwahahahaha!

"Oh? Natigilan ka diyan? Hahahaha! Tara na," Sabi ko at naglakad na papuntang


sasakyan. Di naman ako nalito kasi ang konti na ng mga sasakyan dito sa parking
lot. Nakarating kami sa bahay ng safe and sound pero siya, kailangan pa niyang
umuwi sa malayo niyang tahanan. Buti na lang mahaba tulog niya kanina.

"Dito na ko o baka gusto mong i-hatid pa kita sa loob?" Tanong niya. Gusto ko na
ayaw ko. Gusto kasi wala akong kasama sa loob, isang maid lang na mukhang natutulog
na din. Buti may dala akong susi! Ayaw ko naman kasi baka magtuluy-tuloy na yung
nangyari kanina although I bet kung mangyari yun! Duuuuuh, manang pa din ako at
wholesome kahit papaano!

Ayoko lang kasi i-give up agad bandera ko lalo na't di pa naman kami okay.

Oo, di pa kami okay pero sabi nga nila, there's always an exemption to the rule at
ngayong madaling araw ang exemption na yun. BTW, nandito pa din kami sa loob ng
kotse niya.
"Goodbye, Tyler. Alam kong alam mo ang ibig sabihin ng goodbye na yun, diba?" I
sighed. Goodbye means hanggang dito na lang dahil mamaya, bukas, at sa susunod pang
bukas, balik na naman kami sa pagiging enemies o strangers. Pwede din namang
friends.

Pero never magiging lovers.

Tumango siya at ngumiti. Malungkot na ngiti, "Of course. But seriously Rylie, take
care of yourself." He really looks like he's worried.

I nodded, "Yes, boss!" Nag salute ako kaya natawa siya.

"It's nice to see you again, Jamilah." Natigilan ako sa sinabi niya. Ngayong
madaling araw, na-realize kong bumalik ako sa dating Rylie. Haaaay ewan pero
instead na malungkot ako, natuwa pa ako. Butiki talaga!

"Hi and bye, Tyler?" Sabi ko, not so sure kung tama bang sinabi ko yun. Wala kasi
akong masabi so yan na lang. Nakakamiss din naman siyang tawagin na Tyler. Mas
maganda kasi talaga yung Tyler e. Ako lang ba o ako lang talaga ang may gusto ng
Tyler? Mwahaha!

Natawa siya, "Bababa ka ba o hindi?"

"Uhmmm good night?" Sabi ko pero wala pa din akong balak bumaba. Ang sira ulo ko
talaga! "Wait lang Tyler. Since kanina pa ko bitch, paninindigan ko na. Ngayong
madaling araw lang naman e," Sabi ko na nahihiya sa mga pinagsasabi ko.

"Huh?" Saktong pagkakasabi niya yun, pumikit ako at nag lakas loob na halikan siya.
Sorry na, hindi ko talaga napigilan sarili ko e. Bahala na mamaya basta ang alam
ko, gusto ko 'to ngayon. Kung pagsisisihan ko man 'to, bahala na. Huhuhu!

Matagal bago siya nag respond sa kiss ko. Siguro dahil masyado siyang nagulat?
Anyway, nag respond pa din siya. Haha! Since malaki yung van at mabilis lang
makapunta sa likod, napunta kaming dalawa sa likod ng di tumitigil. Hindi ko alam
kung paano nangyari pero nasa likod na kami at nakahiga sa sahig. Ako naman ang
nasa taas niya ngayon!
"Bakit ang galing mo na?" Tanong niya kaya inuntog ko ulo ko sa ulo niya at napa-
aray siya.

"Malay ko! Ba't sa akin mo tinatanong?" Sabi ko. He kissed my lips, again. I felt
his hands under my hoodie. Wag kayong green! Nakahawak lang siya sa waist ko. Pag
nakarating yung kamay niya sa itaas, sasapakin ko na siya... or not?

"Malay ko ba kung sinu-sino na ang-" I bit his nose. Bad trip e!!! Tumawa siya pero
yung kamay niya nasa ilalim pa din ng hoodie at nasa waist ko pa din. Nararamdaman
ko ngang minamassage niya pero shet, nakikiliti ako. Hindi ko lang pinapahalata.

"Hindi ko alam kung paano mo nasabing ang galing ko na eh ngayon lang naman ulit
ako nakahalik," Sabi ko at iniripan siya.

"By the way, hindi mo ba aalisin kamay mo diyan?" Tanong ko dinikit lang niya face
niya sa face ko, ngumisi, at hinalikan ulit ako. Yung kamay niya, nasa likod ko na
pero under the hoodie pa din. Buti talaga di niya hinawakan yung harap or else, di
ko na alam gagawin ko. Hindi ko alam kung sasapakin ko siya o pakikiusapan na
ituloy.

WTF?! Ang green ko na, hindi pwede!!! Hindi ako 'toooo!

"Tangina Rylie," Sabi niya when I felt his ANO. Kanina pa nga yan eh, di ko lang
pinapansin para di awkward. Ughhhh nababaliw na ko!

"Ilang babae na ba ang nagdaan si lips mo, ha? Grrr," Change topic lang para di
awkward. Haha!

He growled, "Bakit, selos ka?" Hindi ko na nasagot tanong niya dahil hinalikan niya
ulit ako. Magang maga na lips ko mamaya, I swear. He kissed my neck again. Yung
isang kamay niya, nasa bewang ko. Yung isa naman, nasa isang hita ko. Sht.

I kissed his neck and bit it playfully.

Tumawa siya at tinaas face ko, forcing me to look at him.

So I looked at him...
"I love you," He said.

Ngumiti lang ako. Di ko pa kayang sabihin ulit yun e. Although yun ang nararamdaman
ko, hindi ko pa kayang sabihin. Sorry pero hindi ko talaga kaya.

"Thank you," Sabi ko and started kissing him again. I put my arms under his shirt.
Nahahawakan ko na abs niya. Yung kamay naman niya, nasa legs ko na, pataas ng
pataas. Pero feeling ko naman alam niyang ayaw ko kaya hanggang legs, tiyan, arms,
at likod lang siya.

Pagkatapos ng matagal tagal na alam niyo na, bumaba na kami parehas ng van. Dala ko
na mga gamit ko. Hindi na siya talaga pwedeng pumasok sa bahay forever.

"Paano ba yan, 5 AM na? Malapit na mag 8 AM, malapit na tayong pumasok." Sabi ko
na natatawa. Parang ayoko pa kasi pag dating ng 8 AM, balik na naman kami sa dati.

"Jamilah..."

"Yep?"

"Everything I said earlier?" Kasinungalingan ba, Tyler?

"A-ano?" I asked.

"It was all true," He said.

"Weh?" Tanong ko saka tumawa.

He pinched my nose and kissed it.

"Err wala kasi akong masabi. Hahaha! Thank you na lang? Thank you sa pag hatid mo
sa akin, sa pag-alaga kay Ryan at sa akin, sa concern na pinakita mo, sa mga school
works na ginawa mo kahit pagod na pagod ka na, at- at d-dito," Tumingkad ako and
wrapped my arms around his neck.

He was the one who kissed me, "Dito?" Tanong niya talking about the kiss.

Tumango ako habang nakayakap pa din sa kanya.

"Why are you crying, again?" Tanong niya while wiping my tears. He's worried!

"You know why I'm crying," I buried my face on his chest. He wrapped his arms
around me and tapped my back.

"Wait for me, Rylie. I'll fix everything. I'll bring your trust back...."

"No," I said, my face still buried on his chest.

"I will, no matter what. I will get what is mine, dammit," He said.

Pagkatapos ng madrama at ma-cheesy naming pagtatagpo, nag goodbye na talaga kami sa


isa't isa. Hindi ako pumayag na gawin niya yung mga sinabi niya kaya nag talo pa
kami bago siya umalis. Haha! I also told him to take care at wag matulog while
driving. Tinawanan niya lang ako at sinabing, "Malamang!" Tsssss!!!

Pumasok na ako sa loob ng bahay at agad nakatulog. Pag gising ko, wait joke! Pag
bangon ko, nilagay ko sa USB ko yung mga files na ginawa ni Justin. Hindi ako
nakatulog at all dahil sa pag-iisip sa mga nangyari at sa mga mangyayari. Nagkulang
pa nga ng oras ang pagmumuni-muni ko pero kailangan ko na talaga bumangon.

Tiningnan ko sarili ko sa salamin. Mas pink ngayon lips ko at may Panda eyes ako
ngayon. Naligo ako kahit alam kong bawal at nag ready na. Nasasabaw na ako!!!

Pag dating ko ng school, I saw Katy...

Naguilty ako bigla lalo na when she smiled at me.


"Hi, Rylie!" She hugged me.

I smiled, "Hello."

"What happened to you? Are you okay? How's Tito?"

"He's now okay. Sorry, Katy..."

"Why are you apologizing? I was the one who should be saying that," She hugged me.

"What? Why?" I asked, naguguluhan ako.

"Rylie, we should talk," She said.

What's up? :o
####################################
CHAPTER SEVENTEEN
####################################

"Si Justin. Si Tyler. Iisa lang sila, diba?" Nakahawak lang si Katy sa kamay ko.

I nodded habang nakayuko pero hinawakan niya face ko at tinaas, "Rylie... Please
don't! Ako dapat ang mag-sorry."

"I don't get it," I'm confused.

"Rylie..." She smiled. "Hopeless romantic ako... Hindi ako tanga. Higit sa lahat,
di din ako manhid. Una pa lang, alam ko na and I'm really really really sorry.
Dylan told me everything, una pa lang. I forced him to tell the truth so please
don't get mad at him."

"But-"
"I understand, Rylie. Trust me, I understand. Kasalanan ko din, I'm really sorry.
May choice naman ako hindi ma-fall sa kanya pero tumuluy-tuloy pa din ako.Ang
tapang ko e, alam ko naman na wala akong chance," Tumawa siya. Alam ko yung nafi-
feel niya ngayon, seryoso. Ang totoo, naiiyak na siya pero dinadaan na lang niya sa
tawa.

I hugged her, "Sorry, Katy."

"Ang kulit mo, Ry. Isa pa, natatakot din ako na pag nalaman mong alam ko, lumayo ka
sa akin gaya ng pag layo mo kila Aisha dati. I don't want that to happen. Ikaw kaya
college bestfriend ko!" Aha, naiiyak na siya at naiiyak na din ako!

"Ang sama ko pala talaga. Sobrang selfish ko," Ang sama ko kasi pati mga kaibigan
ko, nilayuan ko. Seryoso, ang sama at selfish ko. Hindi naman ganun dapat e. Hindi
ko na alam kung paano ako makakabawi sa kanilang lahat. Ang sama sama ko.

"Ano ka ba Ry!!! Wag ka ngang umiyak," Sinabi niya habang umiiyak na din siya.

"Ikaw kaya diyan!" Tumawa ako pero tumutulo lang luha ko.

"Seriously, Ry? Alam kong mahal niyo pa din isa't isa. Alam mo bang pumunta si
Justin sa bahay kanina?" Na-shock akooooooo!

"WHY?"

"He talked to me. Alam ko na lahat."

Tinaas ko kilay ko, "What did he say?"

She shook her head, "Madami e. He apologized to me and I believe him. Rylie, when
you two broke up, galit na galit siya sa mundo. He was sooo mad that he did even
the most ridiculous things. Napabayaan niya lahat! Di ko naman 'to dapat sinasabi
sayo pero minahal ka niya at mahal ka pa din niya Rylie."
"Pero ikaw... NILOKO KA NIYA!"

Umiling siya, "HE DID NOT. Sabi niya, seryoso talaga siya. Seryoso siya na gusto na
niya mag move on. Rebound na kung rebound pero at least diba? He tried to be
serious with me hindi katulad ng mga niloko niyang babae. Don't get me wrong, di ka
niya niloko."

Naguguluhan akoooooo!!!

"Ano ba sinabi niya sayooo? Paano ka niya napaniwala?"

"Kung nakikinig ka lang sana, you will understand. Kung nakinig ka lang sana at
hindi ka nagbingi-bingihan, you would understand."

"Let's not talk about this anymore. Ayoko na, Katy..." Ang sikip ng puso ko pag si
Justin pinaguusapan. Ayoko naaaa.

"Mahal mo pa kasi siya kaya ka ganyan. Sige na nga, tara na sa room," Hinawakan
niya kamay ko. "Don't worry, Rylie. Hindi naman acute yung nararamdaman ko sa
kanya. Parang crush lang. Kaya siguro hindi masyadong masakit?"

"KATYYYYYYY!!!"

"Eh sa hindi nga masyadong masakit e. Hahahaha! Kung icocompare ko yung nafifeel mo
sa nafifeel ko, wala pa ako sa kalingkingan mo! Plus the fact na alam ko na umpisa
pa lang na siya ang dahilan kung bakit ka naging bi-"

"KAAAAAAAAAAAAATYYYYY!!!" Tinakpan ko ears ko. Ughh naaawkward ako!

"Hahahahaha hindi na hindi na..." Sabi niya na halos umupo na sa floor kakatawa,
"Basta happy ako na friends pa din tayo. Yun lang naman gusto ko e. TARA NA!"
Hinatak na niya ako papunta sa room. Masaya ako na okay kami ni Katy.

Pag balik namin sa room, wala pa din si Justin. Natapos na ang buong period, wala
pa din. Natapos na buong araw, pero wala. Di pumasok si Justin. Anong problema ng
lalaking yun? Wait! 5 siya umalis ng bahay tapos pinuntahan pa niya si Katy. Ang
layo pa ng inuwian niya.
ANG TANONG: Umuwi na ba siya? Nakauwi ba siya?

Err, ayaw ko siyang tawagan kasi magmumukha akong naghahabol pero tinawagan ko pa
din. Di nga lang siya sumasagot. Ano bang problema niya? Nakaka-10 missed calls na
ko pero wala talaga. Sht, baka kung ano na nangyari doon?!

'Yan pala ayaw tumawag ah!' Sabi ko sa isip ko! Bakit ko na naman cinocontradict
sarili ko? Maganda ako. Maganda ako. Maganda ako. Huhuhu!

"Huy!" May nag poke sa magkabilang tagiliran ko.

"Ay butiki!" OMG, ba't bumalik expression ko?! Ayokoooo nito.

"Nasaan? Hahahaha!"

"Baliw ka, Katy. Bakit ba?" Tanong ko.

"Taray nito! If I know, nag-aalala ka lang diyan. Kanina ka pa may tinatawagan


diyan e!" Sabi niya. Kanina pa siya nakatingin sa akin?

Nakaupo kasi ako ngayon sa stone bench malapit sa building namin.

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko.

"Ah-huh! Hay nako Rylie. Puntahan mo na kasi sa bahay."

"Sino ba?" Tanong ko kahit kilala ko kung sino tinutukoy niya.

"Tsss aalis na nga ako. Kailangan ko ng umalis kasi may date pa ako," Tumawa siya.
Nakakaloka! Hindi ko alam kung maniniwala ako e.
"WHAT?! Sinooooo?!" Tanong ko pero dumila lang siya.

"Bye, Rylie. Love you," She kissed my cheeks at umalis na. Shizness. Nasaan ba kasi
si Justin? Kung nasa masama man siyang kalagayan ngayon, hindi ko maiiwasan i-blame
sarili ko. SERYOSO! Ang landi landi ko kasi, inumaga tuloy siya.

Nakauwi na kaya siya? Sana naman nakauwi na siya.

Di pa yun naliligo... pero mabango naman siya kahit di siya maligo.

Anyare ba sa pag-iisip ko? Ito ba epekto ng mga pangyayari sa buhay ko? Hahaha!
Yoko naaa!!! Nababaliw na talaga ako...

Bzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzt.

Muntik ko ng maibato yung phone ko sa sobrang panic ko.

Sana siya yung tumatawag...

Bzzzzzzzzzzzzzt...

Pagkakita ko kung sino tumatawag, nanlambot ako...

"Hello?"

"Ate Rylie! Bakit wala ka pa dito? Ikaw na lang hinihintay," Sabi ng isang member
sa singing guild. May magau-audition nga pala ngayon. Haaaay bakit ko ba yun
kinalimutan? Tumawag nga pala siya kagabi para pakiusapan ako na payagan kong mag
audition friend niya sa amin. Syempre, pumayag ako kasi ang konti namin sa org
namin. Isa pa, magaling daw talaga. Sino ba ako? Isa lang naman akong hamak na
presidente ng guild na 'to. JOKE! T__T

Imbis na mag madali, nag-lakad ako ng dahan dahan papunta sa room kung saan magau-
audition yung kaibigan niya. Pag dating ko, lima lang naman yung tao. Yung vice
president, yung stage manager namin, secretary, yung isang member sa singing guild
na nakiusap sa akin, at syempre, yung magau-audition.

Dahan dahan ako umupo sa harap.

"Ry, okay ka lang?" Tanong ng secretary at inabot yung application form ng lalaki.

Tumango lang ako.

"Sure ka?" Tanong niya ulit.

"Yes."

Pinapunta na namin sa harap yung magau-audition. Parang familiar 'to? Inadd ata ako
nito sa facebook or finollow ako sa twitter? Ah ewan! Nakatingin lang siya sa akin
at nakangisi. Poker face lang ako kasi wala naman akong pake sa kanya.

Lagot talaga si Justin! Saan ba niya dinala phone niya? Itapon na nga lang niya
kung hindi naman niya gagamitin. Bad ass kasi. Bad trip!

Tiningnan ako application form niya...

SHOCKS! Bakit ang liit ng mundo?

"Lawrence Fiasco?" Tanong ko sa kanya.

"Yes! Friends tayo sa facebook, di mo ba naaalala?" Sabi niya na parang proud. I


really hate his guts. Sana naman nag bago na siya. Sana di na niya ako i-bully.
Nakakaiyak siya!

"Teka teka, magkakilala po kayo?" Sabi ng member na nakiusap na pag-auditionin si


Lawrence. Ughhhh. Kinakabahan ako!
Tumango lang kaming dalawa.

"Naalala kita," Ikaw yung nambully sa akin noong elementary ako. Kaya nga kami
naging friends ni Justin dahil sayo e. Kasi pinagtanggol niya ako sa mga pambubully
mo!!! Pero elementary pa yun e! College na kami. Siguro naman nag bago na siya.

"You've change a lot," Sabi niya. "In a good way, by the way."

See? He's not that bad after all.

"Thanks," I smiled at sinabihan na siyang mag start. Natapos na ang audition pero
hindi pa din nagpaparamdam si Justin. Oo, magaling si Lawrence Fiasco pero habang
kumakanta siya, isang tao lang naaalala ko. Si Justin! Ano ba nangyayari doon?
Nagwoworry na talaga ako. Puntahan ko kaya sa apartment? Eeeeh nakakahiya!!!

Pero sabi ng konsensya ko, puntahan ko daw kaya pinuntahan ko na. Pag punta ko
naman, wala! Walang tao sa apartment kahit isa. <//////3

Pinuntahan ko na sa bahay. Oo, as in sa bahay talaga nila. Kinakabahan ako! Baka


hindi na ako kilala nila Janine and Jenine. Baka galit sila sa akin o baka naman di
na nila ako naaalala. Kinakabahan akooooo!!!

Pinapasok ako ni kuya guard sa loob ng gate at kumatok sa bahay nila. Di ko


kilalang mukha ang nag bukas. Bagong maid ata? O baka naman luma na pero ngayon ko
lang nakita kasi ang tagal kong di nag pakita. 2 years din yun no! Nandiyan pa kaya
sila manang?

"Sino po sila?"

"Si Rylie po. Kaibigan ni Justin,"

"Ah, wala po siya dito e. Tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo lang po siya umuuwi
dito para dalawin yung kambal."

"Ah ganun po ba? Sige, thank you na lang po," Lalo akong nanghina. Saan ba
nagpupunta si Justin? Nakakainis na ah. Pag nahanap ko siya at ligtas siya,
magpapasalamat ako sa Diyos pero di ko siya papansinin. PROMISE yan!
Aalis na sana ako nang may tumawag sa akin, "ATE RYLIE!!!"

Lumingon ako, "Janine?" O_____O

"Ate Rylieeeeeeeeeeeeeeeee?"

"Jenine?" OMGGGG! Naaalala nila ako!!!

Hinug nila akong dalawa ng mahigpit. Lumaki sila pero ang cuuuute pa din nila! :3

"Naaalala niyo pa din ako?" I asked.

Sasagot pa lang sana sila nang biglang may nag salita sa likod ko...

"What are you doing here?" Natigilan ako. Alam kong alam niyo kung sino yun!!!

Pag harap ko...

Hindi ako nag salita at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"What?" He asked.

ANONG WHAT PINAGSASABI NIYA?! GUSTO BA NIYANG MABUGBOG NGAYON DIN SA HARAPAN NG MGA
KAPATID NIYA?! UGHHHHH! SARAP KALBUHIN!!!
####################################
CHAPTER EIGHTEEN
####################################

"What?"
I wanted to hug him kasi he's safe pero I wanted to punch him as well dahil buhay
naman pala siya pero never niyang sinagot tawag ko. Nag thank you muna ako kay God
syempre at saka siya tinalikudan ulit. Diba sabi ko, di ko siya papansinin pag
nagpakita siya ng ligtas sa akin!

"Janine and Jenine, na-miss ko kayoooo! Thank you kasi naalala niyo pa din ako and
sorry kasi hindi ko kayo nabisita kahit once lang. Sorry!!!"

"Okay lang po yun ate Rylie. Kasalanan naman po ni Kuya Justin," What? Sinabi ni
Justin sa kanila na siya ang may kasalanan?

Nag nod naman si Jenine sa sinabi ng kapatid, "Nagalit nga kami sa kanya dati e!
Buko kasi sa iniwan ka niya, napabayaan din niya kami."

Lumingon ako kay Justin pero nakatingin lang siya sa kabilang side...

"Sorry talaga. Hayaan niyo, babawi ako. Promiseee!!!" I raised my right hand.

"Talaga po?" Sabay silang dalawa at tumango naman ako.

"Pero ngayon, kailangan ko na munang umalis. Sobrang nagmamadali kasi ako. Sorry
twins! Na-miss ko kayooo," Sabi ko sabay hug ulit sa kanila. Nagpaalam na sila sa
akin at nagmadaling umalis ng bahay. Ayoko na dito. Ayoko na makita si Justin!!!

Saan ba kasi siya nagpupunta? Nangchichix na naman ba siya? Kung ganon, sana sinabi
niya sa akin. Mas okay pa yun kesa sa mga iniisip ko. Mga iniisip ko? Nagddrive
siya sa isang deserted place tapos nakatulog siya at nabangga sa puno ng buko o
kaya naman, pagkatapos niya pumunta kila Katy, masyado siyang na-guilty sa mga
ginawa niya sa aming dalawa at naglaslas siya o uminom ng asido. Tss, uso pa naman
ang suicide nowadays.

Seryoso ako, hindi ako nagbibiro!!! Naiisip ko talaga yan!

"Rylie..." Hinabol ako ni Justin. Nasa labas na kami ng gate. Konting takbo lang
para makarating sa paradahan ng tricycle. Konting takbo na lang, Rylie. Wag mo
siyang papansinin!!!
Pero dahil nga malaki legs niya, kahit tumakbo at maglakad siya, mahahabol at
mahahabol niya ako kaya nga nahabol niya ako ngayon. Huh labo ko! Hahaha! Hinawakan
niya arm ko pero inalis ko ito at tumingin ng masama sa kanya.

"What did I do, again?" He asked na nanlalambot. Wala pa siyang tulog!!!

Umiling ako at nag lakad na.

"Rylie!" He brushed his hands through his hair.

Tiningnan ko ulit siya ng masama. Hindi ako pwedeng mag salita!!!

"Okay... Sorry. Sorry na pero bakit? Anong ginawa ko? Tell me, please..."
Naffrustrate na talaga siya sa akin. Pansinin ko na nga! Pero ngayon lang!!!

"Oo nga naman. Ano bang ginawa mo? That's the point. Wala kang ginawa!" Lumapit ako
sa kanya at sinipa siya ng bonggang bongga. Instead of mag react sa pagkasipa ko,
binigyan lang niya ako ng confused look.

"Nasaan phone mo?" I asked.

"Apartment... Tumawag ka?" Tanong niya na lalo kong ikinabadtrip!

"Wala ka sa apartment!" Sinapak ko siya pero tumawa lang siya. ABNORMAL!!!

"Naiwan ko yung phone kaninang maga... WAIT! Pumunta ka sa apartment? So that's why
you're here... Nag-aalala ka?" Dami niyang tanoooong!

"Hindi ako nag-aalala sayo. Konsensya... Right! Pag may nangyaring masama sayo,
makokonsensya ako!" I punched him pero nakangiti lang siya.

"Nag-aalala ka. I knew it! You called me, you went to our apartment, you even went
to our house. Nag-aalala ka talaga," He hugged me pero umalis ako agad.
"Tss, kunwari pa eh gusto mo din naman," Sabi niya habang tumatawa. Fine! Gusto ko
pero hindi naman lahat ng gusto ko kailangan kong gawin e. Naiinis ako sa kanya
kaya kahit gusto ko siyang yakapin, hindi pwede kasi alam kong anytime, bibigay na
naman ako. Eh diba sabi ko walang pansinan? PRIDE, RYLIE. PRIDE!!!

"Saan ka ba kasi nagpupunta?! Bakit gulo gulo ng buhok mo? Bakit ang pink ng lips
mo?!" Inamoy amoy ko siya, "Oh tingnan mo! Bakit amoy babae ka?!" Sabi ko,
"NANGCHIX ka no?! Hindi naman sa may pake ako pero..." Nakantingin lang siya sa
akin pero halata mong nagpipigil siya ng ngiti.

"Hayooop ka," Sabi ko. "Nangchix ka nga!!! Okay lang naman na mangchix ka pero
dapat sinabi mo na lang sa akin agad kesa isipin kong nabangga ka sa kotse o
nagpakamatay ka na..." At doon na nga siya tumawa ng tumawa. Bad trip! Seryoso ako
dito.

"Hey! Why are you laughing? Seryoso ako dito," Nakakaiyak!!!

"Wait lang, Rylie. Inisip mo talaga... na magpapakamatay ako?!" Tumawa siya at nag
seryoso ulit, "Pero alam mo dati... Noong akala kong pinagpalit mo ako... muntik
na." Nagulat ako. Say what?! Muntik na talaga siyang magpakamatay?! Weeeeeh?

"Pero naisip ko... Paano na lang yung kambal? Paano ka na? Pero wala e, naging
patapon pa din ako kaya napabayaan ko din sila... kayo," Hindi siya nakatingin sa
akin habang sinasabi niya yan. Bakit hindi siya makatingin sa akin? Nahihiya ba
siya?

Tumingin siya sa akin at nagulat ako kasi namumula na mata niya. Umiiyak siya!!!
"Pero isa lang pinagsisisihan ko sa mga nangyari."

"Yung v-video?" Tanong ko pero umiling siya.

"Hinding hindi ko yun pagsisisihan, Rylie," What? Bakit? "Dapat nag tiwala ako
sayo. Yun lang. Yun lang ang pinagsisisihan ko kasi kung nag tiwala lang ako sayo,
hindi ako magiging patapon. Never akong aalis sa tabi mo kahit na ilang beses mo
man akong pagtabuyan at kahit ilang beses ka pang mahalikan sa harap ko... Hinding
hindi kita titigilan... kung nag tiwala lang ako."

Sht sht sht.


I don't know what to feel right now.

"Pero seryoso..." He chuckled, "Gusto mo ba iexplain ko sayo isa isa?" Natawa na


talaga siya. Bipolar talaga 'to. O baka naman puyat lang talaga? Sabaw e. Hahaha!
Pero mas gwapo siya ngayon. Nakakaiyak talaga! Kissable ng lips oh... yummy!

Yuck naman, Rylie!!! Hahaha!

"I have unruly hair dahil hindi pa ako natutulog, hindi pa ako nagsusuklay... at
dahil na din sa ginawa mo sa akin kaning maga," Lumapit siya sa tenga ko and
whispered, "Wild girl." KINALIBUTAN AKO SERYOSO!!!

Sinuntok ko siya pero lalo lang siyang natawa.

"Pink lips ko? Aside from natural ng ganyan yan... Dahil na din sa ginawa mo
kaninang-" Tinakpan ko yung bibig niya.

"Tama na tama naaaa!!!" Tinakpan ko ears ko but he grasped my hands while laughing.

"Amoy babae ako? Your smell's still-"

"LALALALALALALALALA! AWOOOO!" Sigaw ko kaya nag end up na naman siyang tumatawa


habang nakahawak pa din ng mahigpit sa dalawang kamay ko. Geeeez!!! "You made my
day, Jamilah, as usual."

"ANONG DAY?! 6 PM NA! NIGHT NA WALANG HIYA KA!!! PINAGOD MO AKO. BAKIT BA KASI
HINDI KA PUMASOK? HA? ANG DAMI NATING ASSIGNMENTS AND PAPERS NA DI MO NA-PASS!" At
ngayon ko lang naalala na wala nga din pala akong tulog. Parehas kaming may Panda
eyes pero yung sa kanya, di halata.

Ang unfair ng buhay minsan! >.<

"Chill, will you?"


"Magsabi ka nga ng totoo! Did you really do your school works?" I asked calmly.

"Hahatid na kita. Gabi na," He said. Sabi na nga ba hindi niya ginawa school works
niya. Geez, I should've knoooown!

"Ayoko. Wag mo akong ihahatid. Seryoso ako, Justin. Don't," I said, nanghihina pa
din ako. Nagguilty ako na naiinis. Ughhh!

"Ihahatid na kita. Seryoso din ako," Sabi niya naman. Grrr.

Mag-aaway na naman kamiiiii!!!

"Wala ka pang tulog," -Ako

"Eh ikaw, meron ba?" -Justin

"M-M-MERON!!!" -Ako

"Tsss... Ilang beses ko bang sasabihin sayo na you're a bad liar?" Nakakainis!
"Ihahatid na kita sa ayaw mo't sa gusto." Binuhat niya ako pabaliktad kaya
nagwawala na naman ako.

"UGHHHH AYOKOOOOO!!!" Na-feel ko siyang ngumingisi! Bumalik kami sa loob ng gate


nila tapos ibinalibag sa shotgun seat ng car at sinuutan ng seatbelt sabay halik sa
ilong ko. Amoy candy na naman siya. Hindi ba siya nawawalan ng candy?

Hinalungkat ko yung lalagyan niya ng mga gamit sa kotse niya para mag hanap ng
candy. Car na talaga gamit namin, maliit na kotse. Haha! Ang sabaw sabaw ko. Habang
naghahalungkat, may nakita akong supot ng candy pero sa ilalim ng supot ng candy,
may nakita akong pictures ko!

Matutuwa na sana ako kung hindi lang wacky at natutulog e.

"Bwisit ka!" Sabi ko at pinagpapalo yung pictures sa kanya pagkasakay niya sa


drivers seat.

"Teka, ano na naman problema mo?" Cinross niya yung arms niya pang shield sa
pamamalo ko. Haha! Nakakaloka, "Rylie, tigil nga. Para ka na namang bata!" Ouch! Oo
nga. Bumabalik na naman ako sa dati. Err.

Umayos ako ng upo.

"Bakit may g-ganito ka?" Tanong ko habang pinakapakita yung pictures.

Nagulat siya, "Akin na nga yan," Sabay kuha ng pictures sa akin.

"Tss, matulog ka na lang. Gigisingin na lang kita pag dating sa bahay niyo," Sabi
niya nang hindi tumitingin sa akin. Inistart na niya yung engine ng kotse at tulad
nga ng sinabi niya, natulog ako.

Nagising ako, magmamadaling-araw na at nasa kwarto na ako. Hindi ko alam kung paano
nakarating dito at hindi ko alam kung sino bumuhat sa akin. Grrrr. Di na lang ako
matutulog at gagawin ko na lang papers ko. Sht nakalimutan kong pumunta sa
hospital. Buti na lang okay na si Papa. Si Mama naman, nakabantay pa din kay Papa.
Sila na kaya ulit?

Pag pasok ko sa school kinabukasan, si Katy naman ang absent at si Justin ang
present. Hindi ko siya pinapansin. Gusto ko pa din siyang sakalin! Buti na lang
busy ako ngayon at madaming meetings. Kaso sa isang organization ko...

Kasama ko na siya! Oo, may meeting ngayon sa singing guild para i-welcome si
Lawrence Fiasco, yung nag audition kahapon. Dahil nga ayoko pansinin si Justin,
pinansin ko na si Lawrence na pagkakita pa lang sa akin sa room, kinukulit na ako.

"Rylie, naalala mo pa ba dati? Lagi tayong magkaklase? Sayang nga at lumipat ka ng


school," Sabi niya. Sa isip isip ko naman, kung hindi ako lumipat ng school,
iinisin pa din niya ako. Pero kung hindi din ako lumipat ng school, siguro super
friends pa din kami ni JT, short for Justin Tyler.

Nasabi ko naman sa inyo na hindi kami magkaklase ni Justin dati, diba? Sa


playground lang kami laging nagkikita at naglalaro habang hinihintay si mommy. Siya
naman, hinihintay niya driver nila since laging nasa ibang bansa parents niya.
Loner siya habang ako naman, laging nabubully. Kaya nga nag end up na kaming dalawa
ang laging magkakampi. Ako si TJ, yung crush niyang artista na si Trisha Jayne.
Mwehehe!

Oh diba? Unforgettable ang childhood ko dahil sa kanya.

"Wala na ako masyadong maalala e pero naalala kita. You were always bullying me,"
Natawa ako tapos nag pout siya.

"Sorry na. Bata pa naman tayo nun. Teka teka, nakakausap mo pa ba yung lalaking
lagi kong nakakaaway?" Tumawa siya. In fairness, long-term memory!

"Actually, nasa likod mo siya ngayon," Tinuro ko si Justin na nasa likod ni


Lawrence. Mukha siyang bad trip. Anong problema?

"Oh? Wow," Sabi niya at pinuntahan si Justin na malalim ang iniisip at nakaupo sa
arm chair. "Hi, pare. Lawrence Fiasco, remember me?" Sabi ni Lawrence sabay abot ng
kamay niya.

Tiningnan ako ni Justin tapos tumingin naman kay Lawrence at umalis lang sa room,
ignoring Lawrence's handshake, ignoring everyone even me. Natahimik tuloy lahat.
Geez!

Shocks! Anong problema nun?


####################################
CHAPTER NINETEEN
####################################

After he walked out, hindi ko siya sinundan. Bakit ko naman siya susundan? Tsss!
Naiinis pa din ako sa kanya, okay? Hindi siya sumagot sa mga tawag ko, wala siya
buong araw kahapon, tapos pag kahatid niya sa akin kagabi, di man lang niya ako
ginising. Ughh! Paano kung hindi ako nagising? Eh di hindi ko nagawa mga kailangan
kong i-pass ngayon?

Hindi man lang nagpaalam kagabi...

WTF AM I THINKING?!
"What?" I asked.

Nakatingin kasi silang lahat sa akin!

"Hala ka, Rylie!" Sabi ng VP namin.

"What did you do, Ate Ry?" Sabi naman ng isang member.

"I didn't do anything," I said. Wala naman talaga akong ginagawa!

"Hay nako, sundan mo na! Kanina pa badtrip yun e. Ikaw naman ang president kaya
sundan mo na. We are your responsibilities," Sabi na naman ng VP.

"Pero bakit ko naman siya susundaaaaan?" Nakakafrustrate sila ah!

"Rylie, sundan mo na. Nagseselos ata," Sabi ni Lawrence pero pabulong lang. I
growled and walked out of the room. I followed Justin at sakto, pasakay na siya ng
elevator.

"WAIT!!!" Sigaw ko sabay takbo at pigil sa door ng elev. Hindi nag react si Justin
noong pumasok ako at sinara na yung pinto. Bwisit!

"Ba't ka nag walk out?" Tanong ko.

He just shrugged his shoulders. Baliktad ata? Dapat ako ang di pumapansin e!
Anyare? Ba't biglang ako yung sumusuyooo?

Nakababa na kami ng elev ng hindi nagsasalita. Puro buntong hininga lang nagawa
namin. Sinundan ko siya ng sinundan hanggang sa makarating kami sa likod ng isang
bulok na building sa school. Katakot!!!

"Bat nandito tayo?" Tanong ko.


Ginulo niya yung buhok niya, "Who is he? Kaya ba hindi mo ako pinapansin dahil sa
kanya?"

"WHAT?!?!?!?!" Gulat na gulat kong tanong.

Imbis na mainis, natawa ako!!!

"Hahahahahahahaha pucha, seryoso ka bang nagseselos ka?! Hahahahahahaha! Kakaiyak


ka. Hahahahahaha! Di kita kinakaya," Haaay sakit sa tiyan. Hahahaha!

Tumigil ako sa pag tawa pero halatang inis pa din siya. Hala?

"Hay nako. Hindi mo ba kilala yun? Si Lawrence yun!!!"

"Sino si Lawrence? Ex mo?" Tanong niya kaya sinapak ko siya.

"Gags, hindi! Si Lawrence Fiasco... Siya yung nambubully sa akin noong elementary.
Gumwapo siya, no?" I smiled.

"Ang pangit pa din..." Sabi niya at iniwan ako. OMGGG! Nakakatakot kaya dito, bakit
niya ako iiwan? Sinundan ko siya sa paglalakad at nakarating na kami sa parking
lot. Sakto, papahatid ako sa hospital!!!

Pumasok ako sa loob ng car, "Hatid mo ako sa hospital. Thanks!"

"Doon ka na nga... sa Lawrence mo," Sabi niya sabay start ng engine.

WTF?! Hahaha! "Ba't ba inis na inis ka kay Lawrence?"

"Dati binubully ka niya pero ngayon... Ako na ang kontrabida sa inyong dalawa,"
Sabi niya na ikina-inis ko. Hindi na ako natutuwa. Sobra na siya!!! Para siyang
bataaaa.
Nakakababa siya ng pride. Huhuhuhuhu! Nakakastreeeeeess! Hindi pa man kami okay na
okay, nag-aaway na naman kami. Teka, nasaan ba kasi si Katy? Don't tell me, kaya di
siya pumasok kasi nakipag-date na naman siya? O_______O

"Kanis ka! Kung ayaw mo akong ihatid, eh di wag. Kay Lawrence o kaya naman kay Josh
na lang. Pwede naman si Dy-" Naputol sasabihin ko dahil pinaandar niya yung kotse.

"Sasamahan na kita," Tssss. Parang bata!!! Tumatandang paurong yung lalaking 'to.
Bad trip! Hahaha! Take note: Sasamahan, hindi lang ihahatid. EL OW EL!

Speaking of Josh and Dylan, ano na kaya nangyari sa kanilang dalawa? Si Aisha kasi,
nakatext ko pa kanina. Magdidinner nga kami mamaya kasama sila mama e. Hihihi! Si
Lynne and Brylle naman, malay ko. Hohoho! Si Ariesa at Christian, malamang sila pa
din. Duuuh!

Nakarating kami ng hospital at nakita sila mama, papa, at achi. Nakita na naman
nila si Justin, as usual, at ininis na naman kaming dalawa. Grr, mga pasaway! Inaya
pa nila mag dinner si Justin e. Mas okay na daw yun para may mag hatid kay Aisha.
EXCUSES!!!

BTW, okay na ata sila mama at papa? Feeling ko? Hahaha! Ang sweet kasi nila e.
Bakit ganooon?! Ang dali naman mag patawad ni mama. Dito na kasi sa bahay matutulog
si Papa and Achi para daw may mag-alaga kay Papa. Si Achi kasi, busy na din sa
trabaho niya.

Natapos na kaming mag dinner kasama sila Justin at Aisha. Happy family na sana with
my sister from another mother kung wala lang yung pinsan niyang abnormal. Hayy.
Pagkauwi nila, ginawa ko ang dapat kong gawin, at natulog na...

AY DI PALA KASI HINDI AKO MAKATULOG...

Kaya kinabukasan, halatang puyat na naman ako!!!

Pumasok na si Katy na masayang masaya. Hindi ko alam pero sobrang ayos na nila ni
Justin or baka naman kasi never naman kasi sila nag-away. Mas close nga sila
ngayon, no kidding. Walang awkwardness and bitterness! Hindi naman sa nagseselos
ako ah pero grr, hindi talaga ako nagseselos. Pero...

"You look prettier today," Sabi ni Justin kay Katy.


"Thanks, Tyler. JOKE! Thank you, Justin!!! Wag kang ganyan ah..." Sabay tawa ni
Katy. OMGGGG! Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Inaayos ko kasi yung
checklist ko para sa inoorganize kong party. Next week na kasi yun! Yung audition
naman para sa roles ng play, bukas na kaya todo practice yung org. Wala akong
kwentang president kasi ako dapat nageencourage sa kanila at nagttrain e pero
nasaan ako? Haha! Ayoko kasi doon kasi pipilitin nila akong kumantaaaaaaa na
naman!!!

BTW, asa pa kayong sasali ako!!!

Diba nga sabi ni Justin, Spongebob squarepants at Stupid Love lang kaya kong
kantahin? Kainis! Si Katy pinupuri niya pero ako, lagi niyang nilalait. Halika-
Sapakin ko kaya?!

"Uy Rylie, ang busy mo na naman..." Sabi ni Katy saka umakbay sa akin. Nag fake
laugh lang ako saka bumalik sa ginagawa ko.

Err yung venue nga pala!!! Nagkaproblem kasi sa budgeting eh yung venue yung
naapektuhan. Grr kailangan ko pakiusapan yung may-ari. Although mukhang imposible
dahil madaming nagpapareserve sa kanila. Sino ba naman ako, diba? Anyway, daanin na
lang sa chams. Huhu!

Natapos ang mga klase ko at pinuntahan ko agad yung may-ari ng venue na pag
gaganapan ng party. Noong pinakiusapan ko siya, nagulat siya sa akin. Anyare?

"Sorry but I don't get you. Why are you asking me to lower the price when your
organization already paid last Monday?"

BEST PART...

"Full payment."

O________________O

"WHAT? H-h-how d-did t-that h-happen?" Diyos ko, nautal na naman ako.
"A guy went here. He said he's from your organization."

Isang tao lang ang pumasok sa isipan ko na gagawa ng nun!!!

Bzzzzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzt.

Josh calling...

SI JOSH KAYA?!

####################################
CHAPTER TWENTY
####################################

Tinawagan ako ni Josh pero noong tinanong ko sa kanya kung siya ang nag-bayad,
hindi daw. Magkikita nga pala kami mamaya. Dinner lang daw kasi na-miss niya daw
ako. Kasama din pala si Aisha kahit di niya alam na kasama siya. Ah basta! Isasama
ko siya.

Grr. Si Justin kaya yung nag bayad? Pero bakit naman niya gagawin yun? Paano naman
niya nalaman na may problema akong ganun? Narinig kaya niya sa hospital? Pero hindi
eh! Bago kasi ako umalis doon, sabi ng may-ari ng venue, may kasamang babae. So
kung si Justin nga yun at may kasamang babae... Ano naman pake ko???

I called Justin pero hindi na naman niya sinasagot yung phone niya. Bahala nga siya
sa buhay niya! Siya na nga 'tong tinatawagan, siya pa may ganang di sumagot ng
cellphone. Ano bang nangyayari sa buhay ko?! Puro Justin nasasabi ko... Eww! :3

Nag taxi na ako pabalik ng school kasi baka lang naman kailangan ako ng singing
guild. Baka lang naman. Pag balik ko, nag sigawan sila. Kinulit na naman ako ni
Lawrence at pinakanta na nila ako kaya umalis na din ako doon. Wala din naman kasi
si Justin.
"Ay butiki," Nabangga ako sa isang matigas na pader... Malamang, may malambot bang
pader? OMG!!! Nababaliw na akoooooooo~~~~~

LECHENG BUTIKI EXPRESSION. BA'T BUMALIK?! ANG TAGAL KONG SINABI SA SARILI KO NA WAG
BABANGGITIN YUNG BUTIKI PAG NAGUGULAT E.

"Thinking of me?" Tanong ng pader.

Craaaaap!

Pag tingin ko sa taas, nanliit ako. Hahaha! Joke. Pag tingin ko sa taas, si Justin
pala yun!

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Galit ka na naman?" Tanong niya at hinawakan ako sa magkabilang arms ko.

"Bat naman ako magagalit eh hindi ka lang naman sumasagot ng phone mo? Tss, joker
ka talaga!" Nag fake laugh ako at umalis na. Tumawa siya at yinakap ako.

"OH MY GOD KA!" Tinulak ko siya kasi ang daming nakatingin!!! Hellooooo, nasa
campus kami! Madami pang taoooooo!!! Madaaaaaaaaaaaami!!!

Tumawa na naman siya pero hindi siya natinag. Nakayakap pa din siya sa akin, "Ms.
Butiki ka pa din pala. Tsk, ang payat mo pa din." Tinanggal niya pagkakayap niya at
yung mga kamay niya nasa magkabilang braso ko na naman.

Dinikit niya bibig niya sa isang tenga ko, "Isa lang naman ang tumaba sayo."

BASTOOOOOS!

Minassage yung dalawang braso ko kaya kinilabutan ako!!!


O________________O

"Ang taba ng braso mo oh. Feeling mo naman..." Tinadyakan ko siya saka siya tumawa
ng tumawa. Bad trip! Aalis na sana ako pero...

"OH. EM. GEE."

Hinila ko si Justin at pinayuko. Nag tago kami sa halamanan...

"Bakit mo ko hinila dito? Wild ka na naman?" Tanong ni Justin kaya tinakpan ko


bibig niya. Bwisit. Nakakainissssss!!!

"Tingnan mo kasi," Sumilip ako kila Katy at Dylan na magkaholding hands. HHWW pa
ha, sosyaaal. Well, alam ko naman na malaki chance nilang magkatuluyan PERO DIYOS
KONG MAHABAGIN, AGAD AGAD TALAGA?! MY GOODNESS!!!

"Oh? Ano naman?"

"Ba't sila magkaholding hands?" Tanong ko kahit obvious naman.

"Bakit mo muna ako hinalikan?"

O_____________O

I AM SHOCKED!!!

Napasigaw ako, "PERV!!!"

"Perv? Ako? Ako ba nanghalik? Ako ba humatak sayo sa likod ng kotse at-" Tinakpan
ko bibig niya.
"OH MY GOSH KA I HATE YOU!"

Inalis niya kamay ko, hinawakan, at hinalikan...

"Sorry na. Ang cute mo kasi," Sabay tawa at pinch sa cheeks ko.

"Awww," Kahit di masakit. Nagulat lang ako. "Ewww. Dirty your hands, mister."

"Arte."

"Tss. Hoy, magsabi ka nga ng totoo. Bakit di ka sumasagot sa mga tawag ko? Did you
block me? Where's your freakin' phone? Can you please throw it away? Were you the
one who paid for the venue? If yes, how and why did ya effin' do that? And if yes,
who was with you?"

Justin: /:)

"Bakit nakataas kilay mo? Bakit ka nakangiti? Bakit ang weird mo?"

Justin: *chuckles*

"Why are you chuckling?"

"Hey, chill. Nagiinit ka na naman," Sabi niya kaya sinapok ko siya.

"ANOOOONG NAG-IINIT?!?!??!?!?!"

"Ano bang iniisip mo? Green," Sabi niya. Eh ano ba dapat isipin ko? "Sabi ko, high-
blood ka na naman. Kung anu ano iniisip. Tsk tsk," Umiling iling siya.

"I didn't block you, okay? Ba't naman kita ibblock eh ikaw ang kauna unahan sa
contacts at speed dial ko. I wasn't able to answer kasi wrong timing ka palagi
tumawag-"
"BAKIT?! NANGCHICHIX KA?" SHT. I'M ACTING LIKE A JEALOUS GIRLFRIEND!!!" P-p-pe-pero
okay lang naman. Hehe!" Ngumiti na naman siya.

"I was with the treasurer of your course's organization. I was the one who talked
to the owner para babaan yung price but I wasn't the one who paid for it."

"Ahhhhh thanks," Mahina lang pagkakasabi ko.

He held my face at nilapit face niya sa face ko...

"OMG, guys. What are you doing?!"

Pag tingala naman, nakita namin kung sino nagsalita at parehas kaming napatayo.

"Kayo naaaa?" Tanong ni Katy.

"Ry, kayo na?" Tanong din ni Dylan. Geez!

Umiling ako. Muntik na nga mabali leeg ko...

"WEH?" Sabay sila.

"HINDI NGA!!! Kayo? Kayo na?" Tanong ko pero umiling lang sila ng sabay.

"WEH?" Tanong ko kaya tumawa si Justin. Binatukan niya ko pero mahina lang, "Wag ka
ng magtanong," He said. Tsssss. Palibhasa, KJ!

"Pero seryoso, kayo na no?" Tanong ko ulit.

"Hindi nga," Sabay ulit sila. "Tara na nga, Dylan. Bye, guys!" Sabi ni Katy at
hinatak si Dylan. Nakita kong tumawa silang dalawa. Hahahaha! Kunwari pa eh.

"Pakipot nilang dalawa no? Parang ikaw." He laughed, again.

Ba't ba ang saya saya niya?

"Dinner?"

I shook my head, "Kasama ko si Josh, sorry... and si Aisha."

"Okay," Sabi niya at umalis na. Nye???

Dumating na ang dinner at napilit ko si Aisha na sumama. Pinuntahan ko pa nga siya


sa bahay nila at nakita ko sila Tito at Tita pati na si Baby Ryan.

Na-miss ko silaaaaa!!!

Sabay kaming pumunta ni Aisha sa Trinoma pero sobrang gulat ko lang kasi dumadating
si Justin. Anong ginagawa niya ditoooo?

Nag-lakad lakad siya hanggang sa nagulat siya...

"Uy, nandito din kayo?" Gulat niyang tanong.

"Ay wala. Sinusundan mo ba kami?!"

"Tsss ako? Susundan kita? Bakit naman kita susundan?"

Ang sarap din niyang sapakin talaga e!

"Eh di gooo! UMALIS KA NA," I rolled my eyes at him kaya natawa si Aisha.
"Sino bang may sabi na sasama ako sa inyo?"

"Hindi pa din kayo nagbabago. Pag untugin ko kaya kayo, no?" Tawa siya ng tawa. Oh
my goooooosh! Hindi ko kinakaya ang mag pinsan na 'to. Teka nga...

"Ikaw nag-sabi, no?" Bulong ko.

"Sorry, Ry. Labs naman kita, K lang yan. Hihi!" Kinilig pa ang bruha!

I bit her.

"OUCH NAMAN, RYLIE. SI JUSTIN NA LANG KAGATIN MO!!!"

"Tss. Wild girl talaga," Sabi ni Justin kaya nag duda lalo si Aisha. Geeeez!

"Rylie, saan mo siya kinagat?"

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!

"Ewan ko sa iyong dalawa!!! Mauuna na ko sa Gerry's."

Nag-lakad ako papuntang Gerry's Grill kung saan kami nag-usap na magkita ni Josh at
iniwan sila Justin at Aisha. Grr, narinig ko pa silang tumawa bago ako umalis.

Bahala sila!!!

Nag punta na ako sa Gerry's at nag hintay...

Nakita ko si Josh na nag wave...


kasama si Kent.

Saka ko lang naalala na si Kent ay yung kaibigan ni Josh noong highschool na hindi
ko kilala. Siya yung laging kasama ni Josh. Kasama din siya sa barkada ng lalaki na
lumoko sa akin pero never niya akong kinausap. Never nga ba? Ewan, nakalimutan ko
na talaga seryoso.

Pero bakit noong blind date...

"Piece of advice, Rylie. Alamin mo muna yung side ng isang tao bago ka gumawa ng
bagay na ikakasakit niyong dalawa."

Ano bang alam ni Kent sa mga nangyayari?!


####################################
CHAPTER TWENTY-ONE
####################################

Tahimik kaming kumakain. Ewan ko pero ang awkward ng lahat! Di alam ni Josh na
kasama si Justin at di ko din alam na kasama niya si Kent. Akala niya si Aisha lang
kaya siguro nagsama din siya. Well, di ko din naman alam na kasama si Justin!
Hahaha! Saling pusa lang naman kasi siya. Grr.

"Rylie..." Sabay nagsalita sila Justin at Josh kaya napatingin ako pati sila Aisha
at Kent na gulat ang mukha. Haha! Anyare?

Parehas pala silang J? Hala!

"Anong problema niyong dalawa?" I raised my kilay. Wow, conyo! Ano ba yan, dami
kong napapansin ngayon. Siguro dahil wala akong masabi. Hahaha, anong connect?! Ang
sabaw sabaw ko, di ko na kayaaaa.

"Go ahead/Mauna ka na," Sabay na naman nilang sinabi, kay Justin yung English. Ang
kulit pero hindi nakakatuwa!

"Okay, mauuna na ko," SABAY NA NAMAN SILA!!!


"Teka, Jack em poy na lang kaya kayo?" Suggest ni Aisha. Nagulat lahat kasi natawa
si Kent na hindi ko pa nakikita tumawa kahit kailan! Hahaha!

Natigil siya noong napansin niyang siya lang yung tumatawa, "*clears throat* CR
lang ako." Sabi niya at umalis na. Natawa naman kami ni Aisha. Haha!

"Tumatawa pala yon? Hahahaha!" Sabi ni Aisha. "Wait lang, Rylie. Ang sakit ng puson
ko. CR lang din ako." Pero hindi pa man ako nakakasagot, kinindatan na niya ako at
umalis na.

BAKIT NIYA AKO INIWAN SA DALAWANG 'TO?!

Tumingin ako sa kanilang dalawa at saktong nakita kong tumango si Justin kay
Josh...

"Rylie, may gagawin ka bukas?" Straight-forward na tanong ni Josh.

"Madami," Pagkasabi na pagkasabi ko nun, nakita kong ngumiti si Justin kaya


inirapan ko siya. Tsss, madami naman talaga akong gagawin bukas.

"Sige, sa party na lang ako-"

"PUPUNTA KA TALAGA SA PARTY?" Nagulat ako!!!

"Malamang. I'll support you," He winked. Nakita ko naman si Justin na poker face
pero ang sama ng tingin. Hala, problema nito?

"Pupunta din ako," Epal ni Justin.

"Hay ewan ko sa inyo. Bahala kayo kung pupunta kayo o hindi kasi wala naman akong
pake. Organizer ako doon, FYI! Kaya di ko din kayo maasikaso. Tse!"

"Sino ba kasing may sabing asikasuhin mo kami?" Masungit na tanong ni Justin.


"'Tol, easy ka lang," He tapped Justin's shoulder. Mukhang nairita si Justin kaya
inalis niya yung kamay ni Josh sa balikat niya. Waaaaaa, natetense ako.

"Pupunta ako sa party para bantayan ka. Hindi para maasikaso mo," Sabi ni Justin
sabay tayo.

Tumingin siya kay Josh, "And the next time you do that, baka makalimutan ko ng
kaibigan ka niya." Sabi niya kay Josh at umalis. Creeeeepy!

Tinutukoy siguro ni Justin yung pag tap ni Josh sa shoulder niya. Nakakalalaki nga
pala yun para sa mga lalaki. Tssss. Pride nga naman.

Teka pala, bigla akong na-pressure sa partyyyyy.

"Wait lang ah, CR lang din ako," Sabi ko at iniwan si Josh mag-isa doon. Sorry pero
pagkatapos ng nangyari, hindi ko na alam kung kaya ko pa harapin yung awkwardess na
yun.

"Oh my gosh," Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. In fairness, hindi butiki nasabi
ko. Hahahaha! Improving, Rylie. Tama yaaaan!

Lumingon ako. Si Kent pala yung kumalabit sa akin!!!

"H-hi?" I greeted. Tumango lang siya.

Nung paalis na siya, hinawakan ko siya sa braso.

"Wait lang, Kent!"

Inalis niya yung kamay ko sa braso niya at humarap sa akin, "Bakit?"

"P-pwede ba akong mag tanong?" Nahihiya at natatakot talaga ako sa kanya!


"What?"

"Anong alam mo sa mga nangyayari o sa mga nangyari?"

"It's none of your business," Sabi niya.

"Really? None of my business? Alam kong may alam ka. Kaibigan mo si Josh kaya may
alam ka!!! Sa blind date, si Josh ba nakiusap sayo na makipagblind date sa akin?"

Hindi siya makatingin sa akin. Wala siyang kibo.

"Kent, pinlano ba ni Josh..." Nanlaki yung mata niya. Sht, may alam nga siya! "Yung
blind date?" Ewan ko kung imagination ko lang yun pero napahinga siya malalim,
parang nabunutan ng tinik.

"Yes, he planned it. Siya dapat ang 10th date mo," Ngumisi siya. Grr!

"So... Kaya siya nakaayos nun kasi dapat magcoconfess siya?"

He shrugged his shoulders at umalis na. Nakakaguilty naman!!! Alam ko naman na


magcoconfess siya nun kaya nga nag drama ako para di matuloy pero still... Bakit?
Instead of confessing, pinalabas niya lang si Justin kahit wala naman atang balak
magpakita ni Justin noong mga panahon na yun? Pero bakit? Bakit niya pinakita si
Justin sa akin kahit alam niyang sinaktan ako ni Justin ng todo todo?

The next day...

"HI, RYLIE!" Masiglang bati ni Lawrence. Ngayon kasi yung audition sa mga roles so
nandito halos lahat ng members and officers ng singing guild sa little theatre.
Pati na din pala yung dancers, nandito para mag audition. Kailangan din nilang mag
act. Ako naman, tambay lang sa audience. Papanoodin ko lang sila at susuportahan.
Wala si Kent!!! Nasaan yun?!

Wala din si Justin. Grr inaamin kong asset siya ng singing guild kaya hindi siya
pwedeng mawala! BV naman oh. Pero hindi ko siya tatawagan. Ano siya! Madami namang
magagaling na lalaki sa amin pero puro gays. Huhuhu! Ilan lang yung straight. Pwede
na siguro si Lawrence? May itsura naman siya at magaling din siya kumanta.

"Ate Rylie, nasaan na si Kuya Justin?" Tanong ng isang member.

"Ha? Di ko alam e."

Ilang minutes lang...

"Ry, where's my princeeee?"

"Sinong prince?"

"Eh di si Justin! Ito namaaan, kunwari pang clueless! Ginalit mo na naman ba?"
Aba't nasisi pa ko. Ipatapon ko kaya 'to sa Dapitan? Ano?

"Yun naman pala e. Prince mo si Justin so bakit ako ang tinatanong mo? It's not
like I'm his princess," I rolled my eyes.

"Hmppp, ang sungit!" Umalis na siya. Imbyernuuuuh!!!

Pagkatapos magtanong ng member na yun, may nagtanong na naman tapos may nagtanong
na naman hanggang sa halos lahat sila, tinatanong na kung nasaan si Justin. Okay
lang sana kung sabay sabay silang nagtatanong para isa lang sagot pero hindi!!! Isa
isa silang nagtatanoooong! Mukha bang alam ko kung nasaan si Prince Justin nila?
Bwisit!!!

Yung mga straight na lalaki including Lawrence na nga lang di nagtatanong sa akin
kung nasaan yung hayop na Justin na yun e!

"Rylie..." Si Lawrence!!!
"Ano?" Mainit na ulo kooo, ughhh. Buti na lang at nandiyan si Lawrence. Sa wakas at
may nag-iba na din ng topic.

"Ba't wala si Justin?"

HINDI KO NA KAYA!

"UGHHHH!" I stood up. "BAKIT BA AKO TINATANONG NIYO KUNG NASAAN SI JUSTIN?! BAKIT
HINDI SIYA ANG TANUNGIN NIYO O KAYA YUNG MGA BABAENG INAANGKIN SIYA?! MUKHA BA
AKONG LOST AND FOUND NG NAWAWALANG PRINSIPE NILA?! FYI, KAHIT SIYA ANG
PINAKAGWAPONG PRINSIPE, HINDI KO SIYA ITATAGO!"

Aalis na sana ako pero hinawakan ako sa braso ni Lawrence...

"Hey, sorry na. Gusto ko makapasok pero lahat sila, sinasabing sure ball kung
nandito si Justin. Narinig ko din na kailangan na kailangan ng guild ng publicity
kaya naisip ko na kung sure na magaling ang mga makakapasok sa play lalo na yung
lead role, masaya lahat. Malaking opportunity 'to para sa guild..." Ang dami niyang
sinabi pero may point. Huhu!

"But don't worry, if ever na hindi siya pumunta. Gagalingan ko na lang talaga," He
smiled. Aww, nag-iba na nga talaga siya.

"Err, thank you!" Yun na lang nasabi ko at umalis sa loob.

I called him...

"Yes, ma'am?"

FIRST TIME NIYANG SUMAGOT SA UNANG RING PA LANG!!!

"YES MA'AM YES MA'AM KA DIYAN. WHERE THE HELL ARE YOU?!"
"Anong problema mo? Kahapon, ang init ng ulo mo. Kagabi, ang init pa din. Ngayon,
ang init na naman. Seryoso, Init na init ka na ba?"

"PUCHA TYLER JUSTIN DELA CRUZ UMAYOS KA! Seryoso ako, ginagawa nilang akong lost
and found moooo!!!"

"Why are you looking for me?"

"Bingi ka baaa? Sabi ko, SILA ANG NAGHAHANAP SAYO. Hindi AKO! Pumunta ka na nga
dito," Hayy pa-hard to get pa kasi. Nasaan ba siya?

"Tss hindi mo naman pala ako hinahanap. Ba't pa ko pupunta?" Para na naman siyang
bataaaaaaa!!! Tumatanda talaga siyang paurong.

"Ano ba Justin, seryoso ako. Magsisimula na yung audition," Nakakaiyak siya!!!

"Seryoso din ako, Rylie..."

"UGHHH SINADYA MO BANG HINDI PUMUNTA PARA TAWAGAN KITA?!" Kaya ba ang bilis niyang
sumagot ng phone niya?!

"Paano pag sinabi kong oo? May magagawa ka ba?" Nafifeel kong ngumingisi na siya.
Nakakainis! Bastos na bata!

"ANO BA JUSTIN!!! NASAAN KA BA?"

"Bakit, Rylie? Pupuntahan mo ba ko?"

"E-ewan ko. Nasaan ka muna?" Naffrustrate na kooooo!!!

"Nasa puso mo," Seryoso pagkakasabi niya. OH MY GOSH! Kinikilabutan ako!!!


"Justin, I'm dead serious," Nanghihina na ko.

"Fine. Turn around,"

Nanghihina na ako kaya dahan dahan akong tumalikod...

O_____________________O

HINALIKAN NA NAMAN NIYA AKOOOOOOOOOOOOO!!!!

"Surprise," Sabi niya sabay tawa.

"Manyaaaak ka," Tumatawa pa din siya.

Natigilan ako kasi may dala siyang bulaklak...

"Saan lamay? Sino namatay?" Tanong ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi mo ba alam kung gaano kahirap bumili ng bulaklak to think na hindi naman
Valentine's day?!" Aba't so kailangan talaga pinapamukha?! Ughhh.

"Kung nahirapan ka, sana di ka na lang bumili. Tss."

"Diba dati naman gusto mo ng binibigyan ka ng bulaklak?" Tanong niya, mukhang


disappointed.

I smirked, "Justin, madami ng nag-bago."

Sumeryoso mukha niya... Galit na siya niyan?

"Oo nga pala," He said. "Nakalalimutan kong pag-ibig ko na lang sayo ang hindi
nagbabago," He smirked, binigay sa akin yung bouqet, at umalis na.

Ano bang gagawin ko sa lalaking yon?!

"JUSTIN! PUMASOK KA SA LOOB!!!" Sigaw ko pero hindi man lang siya humarap sa akin.
Naglalakad pa din siya! Nakalagay yung isang kamay niya sa bulsa niya. Yung isa
naman niyang kamay, winave niya.

FINE! Kaya naman namin mabuhay ng wala siya!

ANONG AKALA NIYA, IMPORTANTE SIYA?!

Pwes...

Tama siya. -____-

PERO IT DOESN'T MEAN NA HINDI NA KAMI MAKAKAPASOK, BAD TRIP!!!

Pumasok na ako sa little theater...

"Anyare? Sino namatay?" Tanong sa akin ng isang member.

"Hala Ate Ry, what happened to your face? May patay ba? Bakit may hawak kang
pampatay ng bulaklak? Hala ate, condoleeence!" Yinakap ako ng isa pang member.

"OMG! Sino namatay, Rylie? Condolence!" Yinakap na naman ako ng isa.

"Yung puso ko..."

"Huh?" Sabay sabay nilang tanong.


"Yung puso ko ang namatay," Sabi ko kaya naweirdohan sila.

Uupo na sana ako nang...

"NEXT! Jamilah Rylie Hao."

TANGINA, SINO NAG-LAGAY NG PANGALAN KO DOON?!

Sinamaan ko sila ng tingin, "SINO?!"

Umiling iling sila, "Ate Ry, hindi kami!!!"

"SINO?!"

"Hindi ko po alam," Sabi noong isa na tiningnan ko.

"Ang mabuti pa, Rylie, mag audition ka na. President ka, diba? Be responsible.
Gusto mo bang sabihin nila na kung yung president nga, hindi makapagperform. Paano
pa yung members? Sige na, Rylie. Go na," Sabi ng VP.

Tinulak nila ako hanggang sa makarating ako ng stage.

"Humanda kayo sa akin pagkatapos ko, I fckin' swear!" Sabi ko nang nakarating na
ako sa stage. Bad tripppp!!!

May hawak pa akong bulaklak... na pampatay!!!

BAKIT BA KASI SA DINAMI DAMI NG BULAKLAK, PAMPATAY PA YUNG NAPILI NIYA?!


####################################
CHAPTER TWENTY-TWO
####################################

Inalipusta nila ako. Pagkatapos nila akong pakantahin, pinaarte nila ako. Alam kong
magaling akong umarte pero tangsht, di ko pinangarap umarte sa harap ng madaming
tao. Ang makasaklap pa, dala dala ko pa din ang mga puting rosas.

MUKHA AKONG TANGA!!!

Pagbaba ko sa stage, agad kong nakita si Justin na lumabas sa little theater kaya
hinabol ko siya. Sinasabi ko na nga ba may kinalaman siya dito!!!

"JUSTIN TYLER!!!" Nanggigigil ako. Tumigil naman siya at nag patuloy pa din sa
paglalakad. Ano bang problema niyaaa?

Hinabol ko siya, "HOY!" Pumunta ako sa harapan niya at tinulak dibdib niya. Hindi
nga lang siya natinag. Ughhh. Napansin kong galit din siya.

"Why did you join? Akala ko ba ayaw mo?!" Galit siya.

"H-hindi ikaw?" O____________O

"Ang alin?" Ang sungit namaaan.

"Hindi ikaw ang nag lista sa akin? Eh sino?"

Bzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzt.

"Hello?"

"Rylieee, kamusta audition?" SI JOSH!!!

"Hoy Josh, anong ginawa mo?! Paano?"

"Don't worry, I asked Kent to list you down. Naisip ko lang na talented ka naman
kaya bakit hindi mo gamitin yung talents mo sa tama, diba? Yung iba nga-"
KAYA PALA WALA SI KENT, CRAAAAAAAP!!!

"UGHHH IT'S NOT THAT. My point is-"

"Your point is, may stage fright ka! Kaya nga tinatanong ko kung okay yung audition
mo, diba?" Tumawa siya. Walang hiya!!!

"I don't knoooow. Hindi ko alam pinagagawa ko sa stage kanina sa sobrang kaba! May
dala pa akong pampatay na bulaklak, leche! Wag mo nga akong kausapin!" Narinig ko
pa siyang tumawa bago niya ibaba yung phone.

Nakatitig pa din si Justin... masama ang tingin.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tangina, Rylie!"

"Anong ginawa ko sa'yo?!"

"Kaya nga hindi ako sumali kasi akala ko hindi ka sasali?! Paano kung may holding
hands, yakapan, at k-ki-kissing-"

"TUMIGIL KA NGA! As if naman matatanggap ako doon," I rolled my eyes at him. "At
ano bang pake mo kung makipagholding hands, yakapan, at halikan ako sa iba?!" What
did I just saaaay? Nakooooo, ito na naman po impulsiveness ko, nakakaiyak!!!

"Gusto ko ako lang..." Sabi niya at umalis na.

He looks so hopeless. Parang gusto ko siyang yakapin?

>.<
Huhuhuhu, hindi pwede.

PRIDE, RYLIE! PRIDE!

Hawak hawak ko pa din pala yung bulaklak, "Hoy Justin!!!" Hindi pa din siya
tumitigil kaya nag pagod na naman ako at tumakbo papunta sa harap niya. Hinarang ko
siya ng bonggang bongga with matching taas dalawang braso para di siya makatakas.

"Ano?"

"B-bakit pampatay na bulaklak yung binigay mo sa akin?!"

"....."

"Alam mo bang cinocondolence ako ng mga tao doon?!"

"And so?"

"ANONG SO?! BAKIT NGA?! Hindi ka ba dumadalaw sa patay, ha? Hindi mo ba nakikitang
meydo ganito yung bulaklak nila? Pinapatay mo ba ko?"

"Of course, not!"

"Why ngaaa?"

He shrugged his shoulders. Nakooo, PMS na 'to.

"Tapos ka na ba?" Tanong niya.

Ang sakit naman sa puso nito bad trip.


"H-hindi ko alam."

"Okay, mauuna na ko," At nag-lakad na nga siya ng tuluyan palayo sa akin.

So kaya hindi siya sumali kasi akala niya hindi ako sasali? Grr. Umalis na ako sa
school at gumawa na ng mga kailangan gawin. Ilang days na lang, party na. Kailangan
ko pumunta sa venue para i-check kung ano pa yung mga pwedeng idagdag.

Pauwi na ako sa bahay from the venue nang may tumawag...

Bzzzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzzzt.

"Hello?" Nanghihina ako.

"RYLIEEEEEE! Date tayo later!!!" Si Lynne pala yung tumatawag.

"Date? Bakit?"

"Hay nako, sabaw ka na naman. Basta! Sa house daw nila Ariza," Mukhang excited na
excited siya habang ako dito, lutang na lutang na.

"Okay."

"Pupunta ka ha?" Ang kulit lang?!

"Oo na ngaaaa! Ang kulit ah," Sabi ko.

"Hay nako ang sungit mo na talaga. Sige na, byeee! Laters," Laters? Gaya gaya
talaga kay Christian Grey sa 50 shades. BTW, hindi ko pa siya tapos. Pinilit lang
ako ni Katy na basahin yun kahit na ayoko. Pero maganda naman pala kahit porn?

Huhuhuhu kaya siguro nabeberde utak ko dahil sa 50 shades?!


Anywaaaaay, she giggled bago niya patayin phone niya. Okay fine! Sila na masasaya.
Nagkabalikan na kaya sila ni Brylle? Paano naman yung mga boyfriends niya? Hmmm.
Medyo nacucurious na ako sa lovelife ni Lynne ah?

I texted Aisha.

Me: Pupunta ka later?

Aisha: Yerp, ikaw?

Me: Yerp.

Aisha: Oks.

End of the convo. Yun lang talaga yun. Hahahaha!

Oh shockssss! Ngayon ko lang naisip. House nila Ariza? Sweeaar ba? Eh doon din kasi
house or apartmen nila Dylan and Justin... OH MY GOSH!!!

Pero naka-yes na ako and kailangan kong makabawi sa kanila. Ang sama sama kong
kaibigan kaya kung ididitch ko sila, baka mas masama pa ako sa sobrang samang
kaibigan.

I called Aisha at sinabing sabay na kaming pumunta. Malayo kasi bahay ko so sa


kanila na lang ako tatambay. Nagulat siya noong nakita niya yung bouquet na
pampatay kaya kinwento ko sa kanya lahat lahaaaat. AS IN LAHAT TALAGA!!!

Medyo nag dalawang-isip ako kung ikkwento ko pa sa kanya LAHAT kasi pinsan niya si
Justin pero kahit yun man lang, pambawi ko na sa mga nagawa ko sa kanya.
Naintindihan naman niya at understood ng hindi niya pwedeng sabihin mga sinabi ko.

Nagtext nga pala sila Lynne na sleepover na lang daw, walang tulugan! Kaya naman
agad akong tumawag kila mama't papa pati kay achi para magpaalam. Pinagalitan ako
nila mama at papa kasi bakit daw hindi ako nagpaalam sa personal? Bakit daw ngayon
ko lang sinabi? Sabi ko na lang, biglaan at nag sorry ako ng bonggang bongga kaya
pumayag na din sila dahil sa charms ko. Mwahahaha, kapal.

Hindi ko na nga pala kailangan manghiram ng damit kasi nakatago pa din yung mga
damit ko dito sa bahay nila Aisha since, 2nd house ko na 'to dati.

"Oh my gosh, Ry!!!" Tumili si Aisha habang may kinukuha sa bouquet. Huh?!

"B-bakit?" Nagulat ako sa kanya, swear!

"MAY LOVE LETTER BWISIT KA ANG HABA NG BUHOK MO!"

"Whuuuut? Ano yan? Sulat bago ako mamatay?" Binatukan niya ako habang tumatawa pa
din siya. Hmm. Kinuha ko na lang yung sulat.

"Sira ulo ka pa din!" Sabi niya tapos tinignan ko na yung sulat.

Ito yung nakalagay...

Yellow means jealousy...

Red means 'I love you' but it's too mainstream...

But white means purity like my love for you.

IMBENTO SI JUSTIN!!!

Pinaopen ko kay Aisha yung wifi kaya hiniram ko IPad niya at nag search. Ito nakita
ko sa www.roseforlove.com. Yuuuck ang cheesy!!!

"The meaning of shimmering white roses is not very hard to decipher if you go by
their appearance. The color white has always been synonymous with purity and
virtue. And so, sincerity, purity, and chastity are some of the obvious meanings of
a white rose. When you need to convince that your affections are straight from the
heart and are as pure as virgin snow, use a white rose. But there are more hidden
meanings in a white rose than meets the eye.

White has ever been a symbol of innocence, of a world unspoiled and untarnished.
The meaning of a bunch of glowing white roses is innocence and spiritual love. The
white rose glorifies a love that is unaware of the temptations of the flesh and
resides only in the soul. As opposed to the red rose that speaks of passionate
promises, the meaning of a white rose is in its simplicity and pristine purity.

Sometimes called "the flower of light", one of the meanings of white roses is
everlasting love - love stronger than death, an eternal love, undying and all
sustaining. White rose speaks of a love that is sustained more by loyalty,
reverence and humility than by red-blooded passion. So, in its capacity to worship
someone till death, the meaning of a white rose is unchanging loyalty that endures
beyond all else."

NGANGA!!! Totoo nga...

If I know, di pa din siya nagbabago! Nagsesearch pa din siya sa internet.


Mwahahaha! Nakuha niya ang matalinong info na yun sa internet. Ang galing talaga ng
internet. Kailangan ko mag thank you sa kanya. Mwahaha!

Kilig na kilig naman si Aisha at pinaghahampas ako kaya binato ko siya ng maliit na
unan sa sofa nila at binago ko yung usapan.

"Nasaan nga pala si Baby Ryan?" I asked.

"Ninakaw sa akin nila mama e. Nilibot," Tumawa siya.

"Hindi ka sumama?"

"Naaaah, I'm tired. Galing din ako sa school, remember?"

Oo nga pala, pumapasok na si Aisha. Haha!

"Sabagay."

Madami kaming napag-usapan ni Aisha. Sa sobrang dami, hindi na namin namalayan yung
oras! 7 PM na pala! Nag madali kaming kumilos at dumaan sa 7 eleven para bumili ng
food and softdrinks. May food naman sa kanila pero sabi nila, magdala pa kami.
Pagpunta namin sa apartment or house nila, sinalubong agad kami nila Lynne, Brylle,
Christian, and Ariza. Sabi ni Ariza sa akin, nasa taas daw yung housemates nila.
Well, except kay Dylan na hindi pa dumadating.

"Kung hinahanap mo si Justin, nasa taas din siya." Bulong sa akin ni Ariza kaya
inirapan ko siya! Pumasok na kami sa loob ng entertainment room at kumpletoooo sila
ng mga gamit, as in!!! May rock band, wii, ps3, xbox, DVD... OMG! Flat screen TV
gamit nila and madami silang CDs for movies and games, huh.

Madami nga palang beanbags and may isang sofa din na pwedeng gawing kama kaya
ginawa naming kama yung sofa para sa mga gusto humiga katulad nila Ariza at
Christian na ewan ko ba kung gusto talaga humiga o gusto lang mag solo sa likod. -
__-

"So guys, ano na gagawin natin?!" Lynne said. Hyper na hyper!!!

"I suggest na habang kumakain tayo, manood tayo ng horror movie." Nag agree naman
silang lahat sa sinabi ni Brylle na nakaupo sa beanbag.

Oh my goodness!

Nagkatinginan kami ni Aisha, "Takot ka pa din ba?" Tanong niya. Umiling lang ako
kahit ang totoo, namumutla na ako.

"W-wait lang, CR lang ako," Sabi ko kahit di ko alam kung saan yung CR.

Sa tabi ng room na 'to, may isa pang room...

Bubuksan ko na sana pero...

"Rylie!" Napatalon ako, "Anong ginagawa mo dito?"

Si Dylan.

"Hi, Dylan!"
"What are you doing? Diba sabi ko naman sayo, that room is prohibited?"

"Ay sorry, nakalimutan ko sorry. Saan ba yung CR?"

"Doon lang. Sasamahan na kita."

"O-okay." Sagot ko. Ba't ang seryoso ata ni Dylan ngayon? Kakatakot!!!

"Ako na," May nagsalita sa likod.

Sabay kaming napatingin ni Dylan sa nagsalita...

Si Justin.

"Ako na ang sasama sa kanya," Sabi ulit ni Justin at hinatak ako papunta sa taas.

Wala bang CR sa baba? O___O


####################################
fere
####################################

####################################
CHAPTER TWENTY-THREE
####################################

"Justin, ano baaaa!" Tawag ko. Huhu, ano ba!!!

Ihing ihi na ako, promise!!!

"Don't call me Justin," Hinihila pa din niya ako.


"Huuuh? Diba ayaw mo naman ng Tyler?" Tumawa ako pero naiihi na talaga ako! Hindi
na siya nag salita. Woot! Hahaha, naalala kong ako lang pala ang pwedeng tumawag sa
kanya ng Tyler dati.

EL OW EL.

Kikiligin na ba ako? O___O

Nakarating na kami sa kwarto niya na nasa pinakadulo. Mwahaha! Pinaka na nga, dulo
pa? LOL! Apat kasi ang kwarto dito and dulo yung sa kanya. Nasabi ko na ito dati
pero sinabi ko ulit kasi baka di niyo na naaalala. Paulit ulit ako, sorry. DULO
kasi! Malayo sa kabihasnan.

Okay, hindi ako nag-iisip ng kakaiba, okay?!

Ni-lock niya yung room. Whoaa, ang lamig sa kwarto niya. Siguro kanina pa siya
dito? Tsk, sayang kuryente. Ang gulo din kasi ng bed sheet. Haha! At naka-sando
siya ngayon, wag ka!!! Yung totoo, balat kalabaw ba siya?

"K-kailan pa naging CR kwarto mo?" Tanong ko.

"Josh, Lawrence, Dylan, and other boys out there..."

"Huh?" O__________O

"Alam kong madaming nagkakagusto sayo dati pero ngayon, bakit parang... mas lalong
dumadami?" Umiling iling siya tapos binrush niya yung hair niya using her hands.

"Kasalanan ko bang maganda ako dati at mas lalo akong gumaganda ngayon?" Sabi ko na
nakahawak sa puson ko. IHING IHI NA AKO!!!

He smirked, "Nag-bago ka na nga talaga..."

Tumingin siya sa isang side na parang malungkot...


"Yerp!!!" I am proud.

Pero tumingin siya sa akin ng malalim at nag-lakad ng dahan dahan...

"B-b-ba-bakit?" Nagsstutter na ko halaaaa. Delikado 'to!!!

Umatras ako pero naglalakad pa din siya. Alam ko 'to!!! Nakita ko na 'to sa mga
pelikula, nabasa ko na 'to sa mga love stories, napanood ko na 'to!!! Naexperience
ko na 'to noong nasa Pangasinan kami. Huhuhu! Weakness kooo...

He hugged me.

Napa "huh" na lang ako. Hahahaha!

Yinakap pa niya ako ng mas mahigpit, "Pwede bang bumalik ka na lang sa dati? I know
I'm selfish pero pwede bang bumalik ka na lang sa dati?"

"Uy, ano bang pinagsasabi mo diyan? Yung pantog ko," SASABOG NA!

"Pwede bang bumalik si Rylie na lagi kong pinprotektahan? Yung kahit sobrang
hopeless romantic, at least naniniwala pa din siyang may magmamahal sa kanya kahit
na ilang beses na siyang naloko..."

"J-Justin-"

"Si Rylie na Tyler ang tawag sa akin dahil gusto niya lang. Yung pag nalasing,
imba!" Natawa siya. "Yung kahit sa simpleng bagay lang, tatawa at iiyak na. Hindi
niya alam na madaming nagkakagusto sa kanya kaya solong solo ko pagmamahal niya..."

"Uy..."

"Hindi niya alam na maganda siya kaya lagi kong pinaparamdam sa kanya na maganda
siya. Well, she was and she is. She will always be beautiful. She was too soft at
kahit na careless, clumsy, at makakalimutin siya, minahal ko siya. I loved her
imperfections,"

Ouch.

Past tense?

"...and I still love her even if she has changed a lot."

Wait, umatras yung ihi ko!!!

"Tyler..." Umalis ako sa yakap niya. "Madami na kasing nag-bago."

Tiningnan ko siya pero malungkot pa din yung mukha niya...

"Siguro kailangan pa natin ng time. It's easy to forgive but it's hard to forget,"
I scratched my neck pero mahina lang, "Yung 'I love you'? Ang sarap sabihin e,
kaloka!" I laughed. "Pero ayoko, ayoko pa. Ayoko na muna."

He smiled pero slight lang, "I understand."

Hindi ko kasi alam kung kaya ko pang mag tiwala.

"Nakalimutan kong wala na nga pala akong karapatan. Nakalimutan kong mas madami ng
nanliligaw sayo..." Hinampas ko siya.

"Epal ka ba, ha? Mukha bang may pinapayagan ako? At isa pa... h-h-hindi ako
nanghahalik ng kung sinu sino bad trip kaaa!!!" Hindi tuloy ako makatingin sa
kanya.

Tumawa siya, "Damn, I love you.'


"Huh?" Kunwari wala akong narinig.

Nakatingin lang siya sa akin. Nakayuko siya kasi ang tangkad niya. Hahaha! Halos
six footer kasi siya. Siguro nasa 5'10 or 5'11? Eh ako ba? 5'3?

"You're teasing me," Nanliit mata niya.

"Huh?" I'm teasing him?! Is he freakin' serious?!

"Isa pang huh mo..."

Natatawa ako kasi feeling ko naiinis na siya, "Huh?"

Lumapit siya sa lalo sa akin. His face is really close to mine...

He wrapped his arms around my waist...

"Isa pa, Rylie... Isa na lang."

"A-" Hinalikan niya ako kaya napapakit ako.

Automatic ba talaga na napapapikit pag hinahalikan niya ako?

'Ayoko' kasi yung sasabihin ko, hindi 'huh'!!! Pero dahil 'ayoko' yung dapat
sasabihin ko pero 'A' lang nasabi ko, he took advantage of it and slid his tongue
into my mouth. Grr, I accidentally gave him entrance to my mouth.

I kissed him back and felt him smile. I wrapped my arms around his neck then I felt
his lips moved to my neck. I moaned and pulled his hair. Omgsh! Iba pala feeling
pag nakatayo. Nanlalambot akooooo. Yung legs ko, nanghihina~

"J-justin-" ANG HIRAP MAG SALITA!!!


He pressed his forehead to mine, his eyes closed.

When he opened them, he looked at me intently...

"I love you."

Slowly, he brushed his lips against mine in a soft, chaste kiss.

Hinawi niya yung bangs ko, at hinalikan ako sa noo.

"Mag CR ka na," He said.

Napatango na lang ako. "What a tease," Bulong ko habang naglalakad papuntang CR.
Naihi na naman tuloy ako. Ano ba yan! Pati ba naman ihi ko, kaya niyang paglaruan?
Geez! He's really impossible.

Pagkatapos kong mag CR, sabay na kaming bumaba nang walang nagsasalita. Nagtanguan
lang kami. Awkward!

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto...

May tumili galing sa TV kaya napatili ako at napahawak ng mahigpit na mahigpit sa


braso ni Tyler. Nagtilian din silang lahat dahil siguro sa pagbukas ng pinto at sa
pag tili ko.

Oh my gaaaaaaaaaaaaaas.

"Yan pala hindi takot ah," Sabi ni Aisha kaya nagtawanan sila. Grr!

"Grabe ka Rylie, sayo ako natakot e." Tumawa si Lynne.


Geez! Tulala pa din ako. Nagulat talaga akooooo.

Nakapatay pa man din yung ilaw.

"Okay ka lang?" Justin asked. Tumango lang ako at nagpunta sa isang beanbag. Kinuha
naman ni Justin yung isang beanbag at tumabi sa akin. Thankful ako kasi tumabi
siya. Sorry pero takot pa din talaga ako sa mga ganito.

Shutter nga pala pinapanood namin. Napanood ko na 'to pero matagal na kaya medyo
nakalimutan ko na din yung mga scenes.

Noong nasa kalagitnaan na, kukuha sana si Justin ng pagkain pero hinawakan ko yung
kamay niya, "Please?"

Tumango lang siya at hinawakan na din ng mahigpit yung kamay ko. Tuwing may
nakakatakot na scene, aalisin ko yung kamay ko sa kamay niya at tatakpan tenga ko.
Hahaha! Kaya ang ginawa niya, inakbayan niya ako at sinandal ako sa dibdib niya.
Every nakakatakot scene, haharap ako sa dibdib niya.

Libre amoy din 'to. Ang bango e! :3

Noong patapos na yung movie, umalis na ako sa pagkakasandal sa kanya. Mahirap na!
Hahahaha! When the movie ended, hindi ako gumagalaw sa pwesto ko. Sht, patay. It's
either mapapanaginipan ko 'to mamayang gabi or hindi ako makakatulog.

"Rylie, okay ka lang ba?" Tanong ni Ariza sabay patong ng ulo sa balikat ni
Christian. Tssss. Eh di sila na. Hahaha!

"Ha?"

Nagtawanan sila, "Okay ka lang daw ba?" Bulong ni Justin sa tenga ko. Wooo! Lecheng
Justin yan, ang galing manukso. Hindi kinakaya ng powers ko!

"A-ah a-ako? OKAY NA OKAY!"


Nagtawanan lang ulit sila. BULLIES!

"OMGGGG!" Biglang tumili si Lynne habang tinuturo yung neck ko. Napahawak tuloy
ako!

"Bakit?" I asked, gulat na gulat din. Nagulat din yung mga tao sa kanya.

"Nababaliw ka na naman, Lynne?" Sabi sa kanya ni Brylle sabay tawa. Eheeeem!

"Noooo! Look at Rylie's neck..."

Nakatakip pa din kamay ko sa leeg ko.

Ano ba meron? O___O

"Huh? Ano meron?" Tanong ko.

"May red something... parang... parang... hickey?"

O_______________________O

"HA?" Sabay kaming nag react ni Justin!

OH MY GOD, BAKIT NAG REACT SI JUSTIN? Tangina, maoobvious kami masyado!

Nagkatanginan kami Justin tapos umiwas ulit. Nag ehem ehem ulit sila. Oh my
goodness. What is happening?!

"Ohhhh," Sabi nila ng sabay sabay pero yung faces nila, nagdududa at may hinala na.
Niloloko nila kami, bad trip!
"H-hoy hoy! What are you thinking? Hindi 'to hickey, no!"

I glared at Justin na nag smirk. Bwisit! Sinasadya niya ata talaga 'to e!

"Talaga? Patingin nga kami oh?" Sabi ni Aisha na natatawa tawa na din. Humanda ka
sa akin, Aisha! Huhuhuhu!

"AYOKO NGA! Kagat lang 'to ng lamok na kinamot ko..."

"Tss, Rylie. You haven't changed at all. Transparent, pakipot at defensive ka pa


din," Sabi naman ni Ariza at umiling iling pero nakangisi. Pinabayaan ko na lang.

"Hayy ewan ko sa inyo. CR lang ako."

"Magc-CR ka ulit?" Sabay sabay nilang tanong.

"Bakit ba?! Binabalisawsaw ako e. Maka-react kayo!" Nakahawak pa din ako sa neck ko
at lumabas na. Kung tatanungin niyo kung nasaan si Dylan, he's upstairs. Pagod daw
siya e. Ewan ko ba kung ano nangyari doon sa lalaking yun. Hmm, dahil kaya
titingnan ko dapat yung prohibited room? Tingnan ko kaya ulit? Kidding!!! Masamang
mag invade ng privacy.

Hinanap ko yung CR sa baba at ang galing ko kasi nakita ako agad. Ano ba yaaaan.
Nandito lang pala e. Hinalungkat ko yung cabinet doon at naghanap ng pangtakip.
Good thing nakahanap ako ng patch sa first aid kit nila. Mwahaha!

Pagbalik ko, sabay sabay silang tumingin sa leeg ko. Nakangisi lang ako, "Ano
tinitingin tingin niyo diyan? Sabi naman sa inyo, diba? Kinagat ng lamok, kinamot
ko, at nagkasugat. Parang never kayo kinagat ng lamok ah?"

"Daming sinabi."

"Defensive."

"Uyyy, guilty."

Sunud-sunod nilang sinabi at nagtawanan lang sila. Mga bwisit! Nakita ko si Justin
na nagpipigil ng tawa at nakatingin sa IPhone niya. Anong problema ng batang 'to?
Kinikilig lang? Kanino naman? Sa ka-text niya? Tsssss. Playboy talaga, nakakainis.
Hindi naman siya dating ganyan. Dapat lang talaga na hindi ko siya paniwalaan
kanina. Grr!

I rolled my eyes at them, "Whatever, guys."

Hindi nag-tagal, nag-laro na sila ng wii. Gagayahin nila yung dance steps tapos
pataasan sila ng score. Haha! Sila lang yung naglalaro kasi kumakain ako ng pizza.
Excuse me, hindi pa kaya ako kumakain ng dinner! BTW, kasama ko si Justin. Mahiya
naman ako kung papaalisin ko siya, diba? Siya na nga 'tong nagmalasakit sa akin
kanina. SIYA LANG! Hahahaha!

Oo nga pala, kanina pa ako tawa ng tawa. Naglaban kasi si Ariza at Christian.
Nakakatawa kasi pambabae yung kanta nila pero mas makembot pa si Christian kay
Ariza. Si Lynne naman at Brylle, laughtrip din kasi parehas silang nahihiya.
Hahahahaha! In the end, nanalo si Lynne.

"Ack-" Nabulunan ako. This is what I get from laughing so hard.

Hinimas himas ni Justin yung likod ko at nag-abot ng water...

"H-heh! A-ack-" I rolled my eyes pero kinuha ko na din.

"What's your problem again?" He asked, shaking his head.

"Nothing," Pagkasabi na pagkasabi ko nun, nag vibrate na naman yung IPhone niya.

"Sagutin mo na, may tumatawag ata sayo," I rolled my eyes again.

Nanliit mata niya, "Are you jealous?"

"Of course, not. Ano ba kita? I will never get jealous. Naiinis lang ako kasi
kanina ka pa kinikilig habang nagtetext. Ang landi mo kasi."
"WHAT?" Nanlaki mata niya. "You are jealous, Rylie."

"Huh? Feeler mo ever."

"Tama nga sila. Pakipot ka pa din."

"I'm not. Wag kang feeling diyan," Nakakainis ah! Hindi nga sabi ako nagseselos,
bad trip!

"If you're not jealous..."

"What?"

"...then kiss me," Bulong niya malapit na malapit sa akin.

Kinilabutan ako, seryoso!

Napatingin ako sa kanila na pakiramdam ko eh kanina pa kami pinapanood dito.

TV lang kami? TV?!


####################################
CHAPTER TWENTY-FOUR
####################################

Mooooonday na! Another normal day. Alam niyo naman ng ang normal day ko eh busy
day, diba? Sana alam niyo kasi stress na stress na ko sa buhay ko. Hayy konting
push pa! Konti na lang, party party na. Wooo! Hindi din nakakatawa masyadong
madaming ginagawa.

"OMG RYLIE!!!" Hinug ako ni Katy pagkakita na pagkakita sa akin.

"Why?"
Dumikit siya sa tenga ko at bumulong, "Kami na ni Dylan. Shhhhh!"

"WHAT?!" O_______________O

Tumango tango siya habang kinikilig pa. Kaloka!

"Mag kwento ka nga, Katy. Bakit parang... ang bilis?"

"Eh kasi... Fine! Since dati na naming alam yung sa inyo ni Justin, sobrang naging
tight kami. Kahit ang sama niya sa akin and vice versa, pag malungkot kami, kami
din magcocomfort sa isa't isa. Lumala lang naman noong nasa Pangasinan tayo..."

"What happened in Pangasinan?" I asked.

"Depressed kami parehas, lasing din kami parehas..."

"OMG BUNTIS-" Tinakpan niya yung bibig ko at nag panic kasi ang dami ng taong
nakatingin sa amin.

"OMG KA ANG INGAY MO! Halika nga," Habang hinihila niya ako papuntang CR, nagulat
ako kasi ang daming taong nagcocongrats sa akin. Nagtthank you na lang ako kahit di
ko alam kung bakit. Anyare?

Nakarating na kami sa CR, "Lasing kami parehas pero naaalala namin yung nangyari.
Kung yung iba, may mangyayari. Kami... hindi. Nag-laro lang kami sa may sand
hanggang sa naging sober kami tapos biglang... wala. Naging awkward na lahat kasi
hindi kami sanay na ganun kami. Ganun pala feeling nun?" Kinikilig talaga
siyaaaaa!!!

"Tapos? Ano na nangyari?"

Bumulong siya, "Nag kiss kami." Tumili pa ang bruha. Ang sakit ng tenga ko ah!!!

Bago pa kami pumasok sa room, "RYLIE!" Cheska hugged me, VP ng singing guild.
"Congrats! Ikaw ang lead. You really deserve to be our president," Sabi ni Cheska.

"Ha?" Ano daw?

"Ano ka ba, nakapasok ka! Kayong dalawa ni Justin yung lead role."

"WHAAAT?" Si Justin? Nag audition siya?!

"Yup! Medyo madami din naman tayong nakapasok," She laughed.

But still...

"B-bakit s-siya? And when did he audition?" I asked. Ughh!

"Hmm. Almost an hour after mo umalis." Kaya pala! Kaya pala! Kaya pala!

*FLASHBACK*

"Tangina, Rylie!"

"Anong ginawa ko sa'yo?!"

"Kaya nga hindi ako sumali kasi akala ko hindi ka sasali?! Paano kung may holding
hands, yakapan, at k-ki-kissing-"

"TUMIGIL KA NGA! As if naman matatanggap ako doon," I rolled my eyes at him. "At
ano bang pake mo kung makipagholding hands, yakapan, at halikan ako sa iba?!" What
did I just saaaay? Nakooooo, ito na naman po impulsiveness ko, nakakaiyak!!!

"Gusto ko ako lang..." Sabi niya at umalis na.


*END OF THE FLASHBACK*

So pagkaalis pala niya, bumalik ulit siya para mag audition?

Pinauna ko na si Katy sa loob ng room at mabilis na nag-lakad papuntang


announcement board. Yung totoo? Sobrang laki pa ng pangalan naming dalawa ni
Justin. Congratulations naman daw sa amin. PERO BAKIT? Why did he audition?

"Baka matunaw," May nag salita malapit sa tenga at leeg ko. Kanina pa kasi ako
nakatitig sa paper kung saan nakasulat name namin. Kinilabutan ako sa lamig at
bango ng hininga niya. Amoy candy na naman. Grr! Napasinghap tuloy ako. Sht sht
sht, hindi ko siya pwede makita ngayon.

Ang awkward talaga ng nangyari last week sa sleepover...

*FLASHBACK*

"If you're not jealous..."

"What?"

"...then kiss me," Bulong niya malapit na malapit sa akin.

Napakunot yung noo ko at inuntog yung ulo ko sa ulo niya.

"Kiss mo mukha mo," Bulong ko.

Nakatingin pa din silang lahat at nakangiti tapos biglang kumanta ng...

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~"

Sabay sabay silang lahat at nagsitawanan. OH MY GOD!


Nakita kong nag smirk si Justin pero inirapan ko na lang siya.

Nagulat na lang ako kasi biglang may nag alis ng patch sa leeg ko at tumakbo.
OMGGGGG! Si Brylle yun, bwisit bwisit bwisit! Automatic na natakip yung kamay ko sa
leeg ko. Hinahabol ko siya habang nakatakip pa din yung kamay ko.

"I'll kill you!!!" Sigaw ko habang hinahabol siya.

Hinarangan naman ako ni Justin, "Tama na yan...

Nagseselos ako."

Nagtilian na naman sila. Puuuuuuu!!!

"Damn you, tumigil ka nga! Stop fooling around," I pushed him pero tumawa lang siya
at sinamantala yung pagkatulak ko sa kanya. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko
kaya napatili na naman sila habang kinakanta yung muling ibalik tangina.

"Pakipot pa kasi, Rylie!" Sigaw ni Lynne na natatawa tawa.

"KUNWARI PA EH HALATA NAMANG CHIKININI," Sigaw ni Brylle pagkatapos ay humaglpak sa


kakatawa. Bad trip!

"Ginawa pang excuse yung lamok. Nakakaawa naman yung lamok. Tsk tsk," Umiling iling
si Aisha.

"OMG GUYS, ANONG PROBLEMA NIYO?" Sigaw ko sa kanilang lahat pero pinagtawanan lang
ako.
Tulala lang sila. Nun ko lang napansin na nakalimutan kong takpan yung leeg ko!!!

*END OF THE FLASHBACK*

Tumingin ako kay Justin at tinaasan ko siya ng kilay, "Why didn't you tell me na
nag audition ka pala?" I crossed my arms with my chest.

"Bakit? Girlfriend na ba kita?" Nakangiti lang siya ng nakakaloko. Nanliit yung


mata niya na parang kinikilatis akong mabuti.

"H-hindi! I don't want to be your partner. Paano kung may kissing scene, holding
hands, yakapan-"

"Exactly why I auditioned." MANYAK!

"Para machansingan mo ko?" Tiningnan ko siya ng masama tapos tumawa siya.

"Arte," Bulong niya. "Pagkatapos kitang lagyan ng hickey, ngayon ka pa magiinarte?"


OMG LANG! I can't believe he said that. Please tell me I'm just imagining things.

Huminga ako ng malalim, "Ewan ko sayo." Saka ako tumalikod.

"Fine fine. I auditioned because I don't want anyone to kiss nor touch you..."

"EH BAKIT IKAW?" Humarap ako sa kanya.

"Of course there's always an exemption to the rule...

I'm the exemption," He winked while smiling.


Ang ganda talaga ng ngipin niya!!!

"Ang landi landi mo talagaaaaaaa!" Hinampas hampas ko siya. "EH DI INAMIN MO DIN NA
GUSTO MO LANG AKONG CHANSINGAN. Manyaaaaaaak! Di ka naman ganyan dati," Hinahampas
ko pa din niya. Tumatawa lang siya.

"You never fail to make me laugh... effortlessly." Natigilan ako.

"Huh?"

"Naalala mo nung HS? Nag walk out ka kasi I find you funny na akala mo, tingin ko
sayo... clown? Epic ka talaga," Tumatawa pa din siya kaya hinampas ko siya lalo
pero natatawa na din ako. Pinipigilan ko lang...

"Smile, Rylie. Smile. You're a lot prettier when you smile."

TANGINA! Nakalunok ba 'to ng isang milyong candy ngayong araw?

Anyareeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee?!

"Ano ba nangyayari sayo? Ha?"

"Hindi mo pa ba alam?" He asked.

"Nililigawan na kita."

ANO DAAAAAAAAAAAAW?

"What?" :o

"I'm courting you, again. Just like the old times..."


"WHAT THE FUCK?! AT KAILAN KITA PINAYAGAN? HA? BAKIT DI KO ALAM?"

"Nung oras na sinabi ko sayong 'I'll get your trust back, I'll get what's mine',
nililigawan na kita. Hindi mo alam kasi manhid ka. Hindi ko din kailangan magpaalam
sayo..."

"A-at bakit naman? Ang kapal moo-"

"Bakit? Nagpaalam ka ba nung hinalikan mo ko?"

O______________O
####################################
CHAPTER TWENTY-FIVE
####################################

Dumating ang saturday at busy ang lahat lalo na ako dahil ako ang nagoorganize ng
party. Madaming tumatawag at nagtetext sa akin, nagtatanong kung anong oras yung
party at kung ano ang kailangan suotin.

Nandoon naman yung details sa events on facebook pero may mga makukulit kasi talaga
na hindi marunong mag basa at pay attention. Haha! Syempre sabi ko yung normal na
pangparty lang. May shirts, sandos, and blouses kasi na ibebenta sa labas ng place
and papasulatan nila shirts nila using pentel pen.

Dylan: Rylie, hindi kami makakapunta ni Katy. Overnight kami with her hs friends.
Sorry, Rylie! Babawi kami promise.

Justin: Where are you?

Josh: San ka?

Aisha: Can't come. Love you, Ry! You know naman, may Ryan ako. :(

Ariza: WRU? We're almost there na. I'm with Lynne, Brylle, and Christian. Aish
can't come e. She has to take care of Baby Ryan. You know naman, single mother. :">
Lawrence: Otw na kami, boss.

BAKIT BA ANG DAMING NAGTETEXT SA AKIN? Alam kong mahal nila ako pero hindi ba
pwedeng chill lang sa pagtetext? Medj madami kasi akong ginagawa. MEDYO lang naman.
EVENT ORGANIZER KASI ANG ROLE KO NGAYON.

Nag end up tuloy na wala akong nireplyan. Haha! Sorry, stressed lang.

BTW, these past few days, lagi kong nakikita sila Josh at Justin. May time nga,
sabay na sabay silang nag text. Hindi ko na nga sila sinasagot sa tawag and texts
nila pero nakikita pa din nila ako. Grrrr! Kaya may time din na pinagtataguan ko na
sila pero nahahanap pa din nila ako. Buti nga hindi sila nagsasabay pumunta sa
bahay. Alam mo yung pinipilit ko na nga silang tarayan pero wala, mas lalong
lumalapit.

And yes, magkaaway sila pero bahala na sila. Hindi naman ako kasama sa away nila.
Wala din naman akong pinapansin sa kanila. Papansinin ko man, yung normal lang na
convo. And yung mga stuff na binibigay nila? Di ko tinatanggap. Tatanggapin ko man,
ibibigay ko din sa iba.

Si Aisha naman, tuwang tuwa sa mga pangyayari. Ang haba daw ng hair ko kasi si
Lawrence, feeling niya may gusto sa akin. Eh feeling lang naman niya yun! Sa
kadaldalan niya, nalaman or narinig nila Josh at Justin kaya they told me to stay
away from him. Pag nga may club meeting or practice, di ako hinihawalayan ni
Justin.

FLASHBACK:

"Cr lang," Sabi ni Justin.

"Ba't ka nagpapaalam? I don't even care," I rolled my eyes at him pero nagulat na
lang ako kasi bigla niya akong hinalikan sa cheeks. Luuuh. "What the?!"

"You're my future partner. Of course you should know every little detail about me.
I want you to know na ikaw pa din... Ikaw lang. Kahit kailan, hindi naging siya o
sila. Ikaw lang."
Napalunok ako.

"MAG CR KA NA! ANG DAMI MONG SINASABI!!!" He chuckled. Grrr!!!

Pag balik niya sa CR...

"JAMILAH"

Napatingin kaming dalawa ni Lawrence sa kanya. Naka-frown siya habang tinitingnan


kaming dalawa na nakaupo.

"Ah, boss. Alis na ko," Lawrence smiled at umalis na without looking at Justin. I
smiled back, sympre. Ang bait sa akin ng tao para tarayan ko.

Lumapit si Justin na nakasimangot pa din. WHAT THE?! Parang bata!

Umupo siya sa kung saan nakaupo si Lawrence kanina, "I told you to avoid him."

"And why should I obey you?"

"Hindi makaintindi 'tong babaeng 'to," Bulong niya sa sarili niya kahit narinig ko
tapos tumingin sa akin, "Why is he calling you boss? Tangina, gusto kitang
kalbuhin."

O_______________________________O

"Ano bang problema mo?!"

"Ikaw. Parang lahat na lang nagkakagusto sayo."

HALOS PAREHAS SILA NG SINASABI NI JOSH. TSS.


"Parehas kayo ng sinasabi ni Josh. Sorry na, ang ganda ko kasi." I rolled my eyes.

"Josh na naman."

Nag walk out siya tapos tumabi ulit sa akin si Lawrence. Pero pag tabi na pag tabi
ni Lawrence, lumapit na ulit siya at hinila ako.

PARANG BATA!!!

*END OF THE FLASHBACK*

Nanliligaw daw si Justin kahit di ko pinayagan. Si Josh naman, hindi daw siya
nanliligaw. Ganito naman talaga siya dati pa. Over protective and generous! Pero
bakit parang iba nafifeel ko ngayon? Sinabi nga ni Kent sa akin na pinapabantayan
ako ni Josh e. BAKIT?!

OKAY! Tama na kwento. Balik tayo sa present tense...

8:00 PM na. Madami ng dumating at kasama na din doon sila Justin at Josh. Haaaay,
hindi ba sila nagsasawa sa pagmumukha ko? Ako kasi, nagsasawa na. Joke! Lolokohin
ko na naman sarili ko e.

Kahit na tinataboy ko siya, gusto ko siya laging kasama. Although alam kong di na
pwede. Kahit na maging kami kasi, wala na yung trust e. Hindi ko maialis sa isipan
ko na pinagpupustahan lang naman ako ng mga lalaki o sa una lang naman silang sweet
pero magsasawa din sa huli at iiwan ako. Magsasawa din siya sa akin if ever na di
na nga niya ako lolokohin tapos sooner or later, magchichixx na siya.

Kaya ngayon palang, kailangan kong i-pakita sa kanya na ayoko. Na pantay lang sila
ni Josh. Na kaibigan lang talaga kami. Kahit ang totoo, mahal ko pa din siya.

"Oh sht," Nasabi ko noong nakita kong papalapit na si Josh at Justin sa akin. Sabay
silang naglalakad papunta sa akin. Grrrrr, nakaupo kasi ako ngayon. Nagpapahinga
lang ng konti kasi pagod na pagod na ko.
"Rylie," Sabay nilang sinabi.

Tinaasan ko sila ng dalawang kilay. Tinatamad kasi ako mag salita. Hahaha!

"Sige, mauna ka na," Himala, nag give way si Justin.

"Ano ba yun?" Tiningnan ko si Josh na medyo nagbblush pa?

"Sulatan mo shirt ko dali," Sabi niya na parang excited tapos tumalikod.

Sinulatan ko naman yung shirt niya at nagkwentuhan muna ng konti tapos luming- I
mean napalingon ako kung nasaan si Justin. Nagulat ako kasi nakatingin siya sa akin
habang umiinom. Yung tingin na ayaw niya akong maalis sa paningin niya. Yung tingin
na binabantayan ako. Dinaig pa matanglawin. Huhuhuhu, katakot. MUKHANG KANINA PA
'TO NAKATINGIN!

I furrowed my forehead tapos umiling siya. Tinaasan ko ng kilay tapos nilakihan


naman niya ako ng mata. Niliitan ko naman yung mata yung parang nanlilisik tapos
siya naman..

NAG SMIRK LANG. OMG ANG GWAPO!!! T____T

Rylie, nooo. Chill lang.

"Rylie..." SI JOSH SHOCKS NAKALIMUTAN KO.

"Sorry," I said tapos yumuko.

Tumango lang siya, "I know how you feel. Alam ko din na pinipigilan mo lang sarili
mo dahil sa mga nangyari," He smiled and kissed my forehead. Tiningnan ko siya ng
masama pero tumawa lang siya.

"Good luck with your party. Nandito lang ako para bantayan ka, ang sexy mo pa naman
ngayon," He pat my head. Hinampas ko siya tapos tumawa na naman siya at umalis na.
Suot ko lang naman, black bandage skirt tapos yung sando ng party namin. May black
tube naman sa loob tapos nakatuck in yung sando ko sa bandage skirt. Achi curled my
hair din pala using her new curling iron tapos light make-up. Napagtripan na naman
ako ng fashionista kong kapatid.

Tiningnan ko si Justin. Hindi na siya nakatingin sa akin pero inom lang siya ng
inom. Nakita kaya niya yung ginawa ni Josh? Sheeeet. Bakit parang ayaw kong makita
niya eh hindi naman kami? Haaaaaaaay Rylie. Haaaaaaaaaay. Umayos ka!!! Focus on the
party.

Nag tuluy tuloy na ang party. Dumating na din yung mga varisty players sa
volleyball and basketball team ng school. Ang saya ko kasi nakikita kong okay naman
so far ang party at nageenjoy yung mga tao. Yun naman kasi talaga ang importante:
Mag enjoy yung mga tao.

"Uy, Rylie. Congrats!!!" Sabi ni Ariza sa akin sabay hug.

"OMG, oo nga. Ang daming tao," Sabi naman ni Lynne at hinug din ako.

"Thank you, guys. Thank you din sa pag punta."

"Rylie, alam mo naman na we're so proud of you, diba? Grabe! Sobrang nag mature ka
na," Sabi na naman ni Ariza, "Nag bago ka na nga pero we still love you. Kahit na
lagi tayong nag-aaway noong highschool." Tumawa siya. At ngayon pa siya nag
reminisce, huh?

"Akala ko ba hindi pa ako nag babago?" Sinabi ko ng pabiro. Eh kasi diba, noong
sleepover? Siya yung nag sabi na I'm still the old Rylie.

"When it comes to him, hindi pa. Hindi pa talaga," She smiled.

"Uy kayo, wag niyo na ngang istorbohin si Ry. Madami pa yang gagawin." Sabi ni
Christian habang pinapalupot braso niya sa waist ni Ariza.

Umagree naman si Brylle kay Christian na mukhang di pinapansin si Lynne. Hahahaha!


Nakalimutan kong play girl na nga pala si Lynne. Nandito nga din yung ex niyang
muntik na niyang mahalin. Sino na nga yun? Si Julius?
LOL! Anyway, nag sulat muna ako sa mga shirts nila tapos sinulatan din nila shirt
ko tapos nagpaalam sila sa akin. Ieenjoy muna nila yung party.

Nag simula na ang contests like "express yourself photo" and "Canvass of
expression". May mga nagfafashion din, of course.

After that, drinking games naman.

Nashock ako kasi sumali sila Josh at Justin. Magkatabi pa sila ha!!!

Ang title ng game is: RHYME

Kailangan mong sabayan yung rythm ng music sa pag-inom. Kung gaano kabagal yung
music, ganoon din dapat kabagal yung pag-inom ng The Bar.

SHT. Mukhang di narinig ni Justin at Josh yung instructions kasi The Climb yung
kanta pero ang bilis nila. WTF?! Nakakailang-shots na sila. Nagchicheer yung mga
tao. Pagtingin ko, kila Josh at Justin sila nakatingin. Bakit ganito? Gusto kong
patigilin yung laban!!!

"Heyy, stop the game," Sabi ko.

"Can't. Nasa rules yun. Di na natin kasalanan kung hindi nila naintindihan or
narinig yung instructions. Another thing, tingnan mo oh. Nageenjoy yung mga tao."

Tumingin ako sa mga tao, nageenjoy nga sila.

Napa-sigh na lang ako. Ngayon ko lang na-realize na kanina pa pala umiinom si


Justin. Kahit gaano pa kataas yung alcohol tolerance niya, for sure malalasing
siya.

"Hi, Jamilah. *hiiik*" Yinakap ako ni Justin, "Did I win?"


Yes, tapos na ang game. Ito na nga ba ang sinasabi ko!!!

OMGGGG! Ang daming tao na nakatingin. Nag tilian pa sila kaya mas madamig tao ang
napatingin. Pati yung mga music club members like Lawrence, etc. Pati sila Ariza!
Yinakap ko na din siya para di siya matumba. Ang bigat niyaaaaaa.

"You didn't follow the instructions. Paano ka mananalo?"

"I feel like I'm the winner," Naramdaman ko siyang ngumisi. Lalo pa niyang
hinigpitan yakap niya sa akin. Hindi na ako makahinga!!!

"Justin..."

"Pre, mooooove." Tinulak ni Josh si Justin pero nakayakap pa din sa akin si Justin.

Oh-kay?

Umalis si Justin sa hug pero yung isang kamay niya, nasa waist ko pa din. Yung isa
naman, nasa back neck ko.

"I love you, pretty girl," Sabi ni Justin at hinalikan ako. Eh magrereact palang
ako. I shouldn't have opened my mouth!!! Matalino siya kahit lasing. He bit my
lower lip. Oh no, oh no. Hindi ako makaalis. Pag umalis ako, baka dumugo lips ko.

He's nibbling my lips!!! T_____T

"Sabi ko na nga ba sila e!" Narinig ko sa isang side.

NOOOOOO HUHUHUHU
####################################
CHAPTER TWENTY-SIX
####################################

Lasing parehas sila Justin at Josh. Nakakainis talaga! Hiyang hiya ako pagkatapos
ng ginawang scene ni Justin. Ang tagal kaya non! Tapos lahat ng tao, cinocongrats
at iniintriga ako. Ba't di ko daw sinabi ek ek butsikik. Bwisit! Everytime na
sinasabi ko naman na hindi kami, walang naniniwala. Ang intense daw kasi ng
nangyari tapos bagay daw kami. Tengene, ayoko naaa.
Ako ang nag-alaga sa kanila hanggang sa matapos ang party. Wala naman kasing
problema sa party, sa katunayan nga, super successful! And sila (org mates) na din
nag sabi na ako na mag-alaga sa dalawa since bestfriend ko yung isa at boyfriend ko
naman yung isa. ANG KULIT!!! HINDI KO NGA SABI BOYFRIEND YUN EH!!!
Pero paano ko iuuwi sila Justin at Josh? Di ko alam kung nasaan bahay ni Josh. Si
Justin naman, madaling araw na baka kung ano pa mangyaring masama. Hindi ko naman
sila pwedeng iuwi sa bahay. Dalawang lalaki yan, baka patayin ako nila mama at
papa. Eh forever loyal pa naman sila kay Justin. Ayaw nila kay Josh! Kung alam lang
nila... -_-
Kinusap ko si Brylle, hindi daw pwede. Si Lynne naman, papatayin din siya ng
parents niya. Si Ariza, medyo lasing na. Anong problema nito? Hmm. Si Christian na
lang talaga!
"Christian, please?"
"Sige since magkakasama naman talaga kami nila Justin sa iisang bahay. Pero Rylie,
kailangan mong sumama. Hindi ko sila kayang dalawa. Ariza's my priority," Sabi niya
na sobrang natouch ako. Kaya wala akong choice kung hindi sumama sa bahay nila.
"I'll go in first!" Sigaw ni Justin kay Josh na nagtutulukan papasok ng pinto ng
bahay.
"ME FIRST!!!" Sigaw ni Josh sabay tulak kay Justin.
"Ay butiki," Nasabi ko nang muntik ng matumba si Justin sa pagkakatulak ni Josh.
Buti na lang, nasa likod niya ako. Yung hands ko, nakawrap sa waist niya. Ang
bangoooo nakakainis! Grrr.
Inalis ni Justin hands ko sa waist niya tapos humarap sa akin kahit na patumba
tumba na siya. Hahahaha! Nakakatawa, first time ko nakitang nalasing silang dalawa.
"What?" Tanong ko sa kanya.
Kinuha niya kamay ko tapos niliitan niya mata niya, "Thank you, J-jamilah." At
hinalikan niya na naman ako ng madiin pero sandali lang.
OH CRAAAAAAAAAAAAAP!
"Heeeey, stop kissing her you d!ck!" Sabi ni Josh na kinagulat ko.
"So what if I kiss her? What's it to you? Huh?" Sagot naman ni Justin na tumitinga
tingala pa na parang naghahamon ng away.
"'Tol, go fix yours-"
"UMAYOS NGA KAYOOOO!!!" Sigaw ko at nauna ng pumasok sa loob. Iiwan ko na sana sila
nang...
"Ikaw kasi e." -Josh
"Nagalit tuloy!" -Justin
"Kasalan mo 'to, pre!" -Josh
"Ako pa ngayon?" -Justin
Dahan dahan akong humarap sa kanilang dalawa...
"ANO BA! GUSTO NIYO BA AKONG PAHIRAPAN?"
Sabay silang umiling iling. Madaming iling!
Nakarating na kami sa taas tapos bagsak agad silang dalawa sa kama. Hahahahahaha!
BTW, kwarto nga pala 'to ni Justin. Pwahaha! Ang sarap nilang picture-an! Pero
dahil mabait ako, hindi ko yun gagawin. Bad yun. Hahahahaha! Vivideohan ko na lang
sila. LOOOOOOL!
Oh sht, paano nga pala ako uuwi? Ayoko istorbohin si Christian. Baka nga tulog na
sila ni Ariza, e. Hahahaha! Pero grr. Tinawagan ko na ng madaming beses si kuya
driver pero wala e. Tulog na din siguro. Huhuhu, paano naaa.
Isip isip din pag may time, Rylie!
AHA!!! Buti na lang may sleepover ngayon si Dylan!
TO DYLAN:
Dylan! Patulog ako sa room mo, please? Lasing kasi yung dalawa. IDK kung paano uuwi
:(
FROM DYLAN:
Sure! :>
TO DYLAN:
THANK YOU!
FROM DYLAN:
NP! ;)
Syempre I texted Katy din na doon ako matutulog sa room ni Dylan kahit na magkasama
naman sila. Okay lang din naman sa kanya pero parang na-feel kong ayaw niya. Sht,
sorry Katy.
Madaling araw palang. Mga 5 AM nang may naramdaman akong kakaiba. Sht sht sht, may
katabi ako. Pag lingon ko...
"Morning," Amoy toothpaste! Tengene! Nakapikit pa din siya at seryoso yung face
niya. Gising na siya? Agad agad? And bakit siya nandito sa room ko? I mean ni
Dylan?
Ughhh inaantok pa koooo.
BAKIT BA ANG BILIS KO MAGISING? T___T
"Justin, why are you here?" Bulong ko kasi baka may makarinig sa kabilang rooms.
"I want to be next to you... always," Nakapikit pa din siya.
"Justin-"
"Ang bango mo talaga..." Inamoy niya yung leeg ko. Tanginuuuuh!!!
Ang bilis na naman ng heartbeat ko shoot! Daig ko pa tumakbo. Napahinga ako ng
sobrang lalim... "Uy, anong ginagawa-" Napalunok ako.
Dinilat niya yung mata niya tapos iba yung nakita ko... Love? Lust?
I DON'T KNOW!
He smirked, "I won't kiss your lips unless pumayag ka, Rylie. I respect you," He
kissed my forehead. Lips naman daw e. Wala naman siyang sinabing hindi niya
hahalikan forehead ko. Hmm, ano ba problema nito? Di pa ako nakakatulog ng maayos.
I sighed, "Di ka na lasing?" Umupo ako sa bed. Buti na lang bago ako matulog,
ginamit ko toothbrush sa CR. Hindi pa naman nagagamit kasi nakaplastic pa kaya kung
kanino man yun, sorry. Papalitan ko na lang.
Pumikit siya, "Naaah."
"Lasing ka ba talaga kanina?" I asked.
He shrugged, "I don't know. Maybe?"
"But you remember everything?"
"Of course. I wasn't that drunk, anyway."
LECHE BAKIT ANO, BAKIT OMGGG? BAKIT MAS LALO SIYANG GUMWAPO? TO THINK NA DALAWANG
LAMPS LANG ANG NAKA-OPEN. SABAGAY, NAKAKAGANDA AT NAKAKAGWAPO TALAGA ANG YELLOW
LIGHT. MEHEHEHE!
Pero naalala niya lahat...
Grr! Mamaya ko na nga sila papagalitan!!!
Humiga na lang ako kasi inaantok na ko. Hindi naman ito yung first na magkatabi
kami sa bed. Buti na lang talaga walang nangyayaring magic!
Nakapikit siya tapos nakaharap sa akin. Tulog na kaya 'to? I furrowed my forehead
tapos lumapit pa ako lalo sa mukha niya para makitang mabuti features niya although
memorize ko na. Maganda lips niya...
DAMMIT!
Hinalikan ko na pero smack lang.
Dumilat naman siya tapos ngumiti, "Can I now?"
I kissed him and he laughed. OMG! He's laughing while we're kissing.
"I love you," He said in between of our kisses.
I'm now under him pero hindi naman mabigat.
Nararamdaman ko na naman yung kamay niya sa ilalim ng shirt ko pero nasa waist ko
lang, minamassage massage niya. Nilagay ko na din yung kamay ko under his shirt.
Sht, may pandesal! Nakikiliti na talaga ako kaya medyo tumatawa na din ako. Shet!
Tumatawa kaming dalawa while making out!!!
His lips moved to my neck and whispered "I love you" then he came back to my lips.
Okay fine, he's exploring my mouth. He nibbled my tongue and gave him entrance.
Nagulat ako hinubad niya yung shirt niya.
He smirked, "Gusto mo makita, diba?"
"H-how did you know? Ay. Uhmm. HINDI KAYA KAPAL NITO!" Tumawa siya. YAN TULOY,
RYLIE. HUHUHU! LALAKI NA NAMAN ULO NIYAN. MAGMUMUKHA KA NA NAMANG MANYAK!
He's still laughing. Natigilan siya noong dahan dahan kong inalis yung sando ko.
Napalunok siya. Hahahahahaha! Guys, wag kayong green-minded masyado. Naka-tube ako,
chill lang! Although kita yung belly button ko, di naman expose lahat. LOL!
NOW IT'S MY TURN TO LAUGH. HAHAHAHA!
Hindi ko alam kung paano niya nagawa pero pagkatapos niya akong halikan, I'm now
above him tapos umupo siya. Nakakandong na ako ngayon sa lap niya. Nararamdaman ko
yung... Oh no! He wrapped his arms around my waist, ang higpit! Saka siya lumapit
dahan dahan sa mukha ko. Syempre, natigil tawa ko. Huhuhu, hanggang sa momol ba
naman, gantihan kami?
He smirked and kissed me, sobrang diin! I wrapped my arms around his neck. Our
bodies are too close. Too close that it's already hard to breathe.
Humiga siya at hinila ako pababa at hinubad yung skirt ko. Buti may mini-shorts
ako. Huhu! Pakonti na ng pakonti suot ko. Pleeaaase, sana mapigilan ko pa.
His other hand is now on my thigh, pataas ng pataas. He's still kissing my lips, my
ear, my neck. Nang nakarating na sa dibdib ko yung kamay niya, he pushed me gently.
Oh God, what have I done?
"Sorry..." He looked away.
"Oh damn," Tinakpan ko mukha ko kaya natawa siya. BV!
Kinuha niya yung shirt niya. Akala ko isusuot niya pero lumapit siya sa akin at sa
akin niya sinuot kaya nag mukha akong naka-dress.
"This is bad," I laughed habang nakatingala sa kanya. Nagulat siya sa expression
ko. He thought I would get mad. Why would I? Ako naman ang nauna. I'm not that
shallow! Sabi na nga ba, sa huli, sarili ko ang makakalaban ko.
I smiled at him...
Now he's confused...
Then his expression has changed again. Nag soften yung features ng mukha niya and
then he sighed heavily, "I know, Rylie. This is bad, really bad." He smirked when
he realized that I was the one who started it. He realized that I liked and wanted
him. Yeah, this is bad... Bad for me!
I'm still sitting on Dylan's bed. Damn, kung hindi niya ako tinulak baka di ko na
talaga napigilan. Lumapit siya sa akin at hinalikan forehead ko.
"Sorry to disturb you. Sleep now, beautiful. I love you," He kissed my forehead
again.
Natawa na lang ako kasi nilagyan niya ng madaming unan yung gitna namin.
Hahahahahaha!
Magkaharap kaming dalawa ngayon habang nakahiga...
"Bakit kasi di ka na lang sa room mo?"
"Ayoko ng may katabi, Rylie. You know that. Lalo na kung yung katabi ko, kaagaw ko
sayo," Hinampas ko siya.
"Heh! Tigil nga," I rolled my eyes at him at humarap sa ceiling.
"Wait, bakit mo pala nilagyan ng unan? Hmmmm, kanino ka walang tiwala? Sa akin o sa
sarili mo?" Tiningnan ko siya na parang nagdududa at tumawa.
"Both?" He chuckled.
"HOY! Grabe kaaaa!!!" Napaupo ako dahil sa sinabi niya. Both? Sa tingin niya,
haharrassin ko siya? This is absurd! Ako pa baaa? Tssss. Okay fine, muntik na
kanina. Pero he liked it. Hindi ko na kailangan mang-rape 'cause he'll give in din
naman. Pero dahil tuwid pa ang utak ko at nag-aaral pa ako, NO WAY. Hindi pwede!!!
Kahit di na ako hopeless romantic, naniniwala pa din ako sa sex after marriage. But
it doesn't mean na against ako doon kasi ang dami kong kaibigan na... alam niyo na.
Tama nga sila, pag dating ng college, wild na ang mga tao.
Well, it depends. Haha! Pero you'll get to meet different kinds of people.
"Bakit? Totoo naman ah?"
Hinampas ko ulit siya, "MATULOG KA NGA!" Tumawa siya.
"Nakikita mo yung mga unan na yan? Di yan pwede maalis ah! Di yan pwede mawala,"
Sabi ko pero tumawa ulit siya at inalis yung isang unan. Nilagay niya sa isang side
tapos yinakap niya ako ng mahigpit na ikinagulat ko naman. He buried his face into
my neck.
I can feel his breath.
I can hear his heart beat.
BAKIT ANG BILIS?
He smirked kaya nakiliti ako, "Sleep, sunshine. I won't hurt nor harm you."
NAKOOOOOOOO! MEDYO SHOCKING.
Hindi ako makatulog dahil sa position namin ngayon. Ang higpit talaga!
Nagulat na lang ako kasi biglang...
"Aching to see the sun again,
Aching to see your eyes, To see how they shine
They make this world a better place"
Bigla siyang kumanta. Lalo pa niyang hinigpitan yakap niya sa akin. Mabagal lang
ang pagkakakanta niya compared to the original song. Parang mas gusto ko pa nga
yung version niya. Mahilig kasi ako sa acoustic. Haha!
"Aching to see you smile again,
Aching to hear you laugh and say I'm not dreamin'
When you caress my hair, your touch so warm and gentle baby
Then I can see true happiness at last..."
His face's still buried into my neck. Medyo nakikiliti ako. Naiiyak din ako. Bakit?
Bakit naman ako maiiyak? Ang ganda ng lyrics! Naalala ko tuloy noong kinantahan
niya ako sa bar noong highschool. Yun yung time na tinanong niya ako kung pwede
niya akong ligawan. Sht sht sht, hindi ako pwedeng umiyak!
"If you would be my girlfriend,
Then I would be in heaven
Then I could do anything, I'd stand on my
head and sing if you were my girl,"
Naramdaman ko siyang ngumiti.
"If you would be my girlfriend,
Then I would be in heaven
Then I could do anything, I'd stand on my head
and sing if you were my girl
you were my girl..."
Ang ganda ng lyrics. Parang gusto ko ng maniwala sa kanya. Minahal ba niya talaga
ako? O minahal niya lang ang bagong Rylie? O baka noong nawala ako sa kanya, saka
lang niya narealize na mahal niya ako? O baka naman hindi totoo na pinagpustahan
nila ako ng bestfriend ko? Imposible! Napanood ko yung video...
What if cinut lang yung video katulad ng mga napapanood ko sa movies?
Ughhh, stop dreaming, Rylie. Stop!
Reality reality reality...
Walang fairytales, walang happy ending.
Lahat posibleng mangyari.
Pag gising ko, sobrang nahihilo ako kahit di naman ako uminom kagabi. Tulog pa si
Justin, of course. Obviously, tulog pa din si Josh. LOL! Di ko na lang sila
papagalitan. Instead, papakkita ko na lang sa kanila yung video nila na mag katabi
sila. Mwahahaha!
Tumayo ako para sana humanap ng gamot dahil for sure, masakit ulo ng dalawa.
Masakit din ulo ko kaya hahanap din ako ng gamot para sa sarili ko. Tumingin ako sa
drawers. Sorry, Dylan. Kailangan lang talaga.
"Damn," I whispered.
May nakita akong paper tapos may drawing.
Familiar yung drawing...
SHT SHT SHT.
AKO 'TO AH?
####################################
CHAPTER TWENTY-SEVEN
####################################

"Rylie?" Tawag ni Justin kaya finold ko agad yung paper at tinago sa likod ko.
Geez! Bakit may drawing ng mukha ko? Bakit nakatago sa drawer ni Dylan? But most of
all, bakit ako dinrawing ni Dylan? He liked me, I know. LIKED! Pero si Katy na
ngayon.
Baka naman nakalimutan lang niya itapon? Hayy, sana nga.

"A-ano?" Sagot ko. I'm still wearing his shirt.

Teka! Noong unang punta ko dito, may paper na nakita si Katy. Ito kaya yun? Kaya ba
feeling ko ayaw ni Katy na dito ako matulog kasi makikita ko 'to? Pero may Katy na
si Dylan!

"Okay ka lang?" Tanong ni Justin.

Tumango ako at lumapit siya sa akin, "Are you sure?"

Tumango ako, "Nahihilo lang ng konti." Well, half true naman yung sinabi ko. Medyo
nahihilo naman talaga ako.

"Okay, kukuha lang ako ng gamot at shirt. Stay there."

"Okay," Yan lang sinabi ko. Mukhang na-weirdan siya sa akin kasi hindi ako nagalit
sa kanya. Wag siyang mag-alala, mamaya. Humanda sila sa akin ni Josh. Ipapakita ko
sa kanila yung video na magkatabi silang natutulog. :>

Sinuot ko na ulit yung skirt ko tapos dumating na siya dala yung gamot at shirt.

"How's Josh?" I asked.

He frowned, "Tulog pa." Nilagay niya sa drawer yung baso at binato ng mahina yung
damit at gamot sa kama. "Drink your med and take a shower. Alam kong mahina ka
uminom ng tubig kaya pag di mo yan inubos..." He smirked at umiling.

Sumimangot ako sa kanya, "Badass talaga." Sabi ko sa sarili ko na mukhang narinig


naman niya kasi tumawa siya habang binubuksan yung pinto.

Tumingin siya sa akin, nakahawak pa din siya sa door knob habang papalabas na siya
ng room ni Dylan...

"Thanks for last night, Ry. Bilisan mo na, I'll drive you home after," Sinabi niya
bago siya umalis at sinara yung pinto.

I sighed at tiningnan ulit yung drawing. Akong ako talaga, e. Tsk! Tinago ko yung
paper sa bag ko. Tatanungin ko talaga sya. Nakakacurious lang kasi hindi naman kami
close ni Dylan dati. Sabi sa akin ni Katy dati, matagal na siyang may gusto sa
akin. Nakilala ko siya noong nanood ako ng competition ng swimming dahil pinilit
ako ni Katy na manood kami. Eh siya? Paano niya kaya ako nakilala?

I need to talk to him...

Sht, yung prohibited room!

Tapos na akong maligo at mag bihis. Si Justin, ewan ko kung nasaan. Bababa muna
ako. Sorry, Dylan. Kailangan ko lang talagang i-check.

"Miss!" May tumawag sa akin habang pababa ako ng stairs. Hinead to foot niya ako...

Basa pa hair ko, suot ko shirt ni Justin tapos yung bandage skirt ko, nagmukhang
maiksi dahil malaki shirt ni Justin. In fact, mukha akong walang suot na skirt.

"Why?" I asked, pero mukhang mataray. Ang bastos lang kasi, kailangan talaga head
to foot? Halata kasing manyak 'tong isang 'to.

"Nothing," He smirked. Fck, he's creepy! Bumaba siya ng konting steps hanggang sa
magka-step na kami. Tengene! Huhuhuhuhu!

"Jammy, by the way," Inabot niya yung kamay niya.

Tiningnan ko lang yung kamay niya, "Okay." Sabi ko at tuluyan ng bumaba ng hagdan.

"Nice ass, Rylie!" Okaaay, how did he know my name?


Ah okay. Pinakilala nga pala sila ni Dylan sa akin. Siya yung ano... Siya yung
playboy na may kahalikang babae noong pumasok kami sa room nila. Naaalala ko pa,
yung katabi niya, nag-aaral! Namali pa nga siya ng babaeng binanggit, e.
Hahahahaha!

"Jerk," I rolled my eyes. Umiling siya, nag smirk ulit, at umakyat na ulit sa taas.
Anong problema nun? Bakit may kasama silang may sayad? Grr.

Nag lakad na ako ng dahan dahan.

Papasok na sana ako sa prohibited room nang...

"RYLIE!" Tinawag ako ni Justin.

Sinara ko agad yung pinto, "BAKIT?!" Napasigaw tuloy ako -____-

"Galit ka?!"

"Di ah! Sino ba unang sumigaw? Bakit ba?!"

Pinuntahan niya ako, "What are you doing there?"

"W-wala. Naccurious lang ako. Sabi kasi ni Dylan, bawal ko 'tong buksan. Anyway,
sorry. Alam kong mali pero curious lang talaga ako. Hayy nevermind na nga lang..."

"Bawal daw talagang buksan?" Tanong ni Justin.

"B-b-bakit? Nakapasok ka na?"

"H-ha? H-hindi ah. Hindi pa naman. Bakit mo natanong?" OH MY GOSH, HE IS STUTTERING


AND HE'S BEING DEFENSIVE. Ibig ba sabihin nito, he's lying again? Ano ba kasi yung
nasa loob ng room? Ayoko magfeeling pero kung may connection man sa akin yung nasa
loob ng room, ibig ba sabihin nito alam ni Justin dati pa na may gusto sa akin si
Dylan? And imposibleng hindi pa niya napupuntahan 'to kasi kung ako ngang bisita
lang, muntik na. Si Justin pa kaya?

Hayy ayoko na...

I sighed, "Wala. Wala! Nasaan nga pala si Josh? Tulog pa din?" I asked to change
the topic. Malalaman ko din yun pero as of now, chill muna Rylie. I'll text Dylan
later.

He frowned again, "Ano yan?" Tanong ko at tinuro yung mukha niya.

"Anong ano yan?" Lalo siyang sumimangot.

"Anong mukha yan?"

"Anong anong mukha yan?"

"Pwede ba!!!" Naffrustrate na ko. Hahahahaha!

"Tss wala, tara na nga."

Nanliit mata ko, "Nagseselos ka ba?"

"Tangina?! Bakit... Ngayon mo lang narealize?!"

I furrowed my forehead, "Sagutin mo na lang tanong ko pls. May kailangan kasi akong
sabihin sa inyo."

"Oo na oo na, Josh ka ng Josh. Tss, sige na. Tatawagin ko na Josh mo!"

"Tigil ka ngaaaaa!!!"
"Tsk tsk tsk," Umiling iling siya at umakyat na sa taas.

"Wait for us sa living room."

"Opo! Dalian niyo ha!" Sabi ko habang umaakyat na siya sa taas. Huehuehue!

Pumunta na ako sa living room at tinuloy na yung kagabi ko pang binabalak. Naghanap
ako ng connector tapos cinnonect ko sa TV yung phone ko at pinlay paulit ulit yung
video nila na magkatabi. Pwahahahahaha!

Pagbaba nila, nagulat sila kasi tawang tawa ako habang nakaupo sa sofa. Si Josh,
halatang bagong gising. Nagkukuskos pa ng eyes niya. Hahahahaha! Pero lalong akong
natawa kasi noong napansin nila yung tinatawanan ko, sabay silang tumakbo papunta
sa tv at nag agawan patayin ito. Pwahahahaha! Eh di lalo nilang hindi mapatay kasi
nagaagawan sila. GULO!

Noong napatay na nila, sabay silang pumunta sa harapan ko. Nakaupo pa din ako sa
sofa habang sila, nakatayo lang. Ang sama ng tingin nila sa akin.

"RYLIE?!?!?!?" PULANG PULA SILA OMGSH!!!

"Ba-ba-bakhet hahahahahahaha! Di ko na kaya pls. Pwahahaha!"

Nakasimangot lang sila sa aking dalawa na parang bata. Noong mga 5 minutes na ang
nakalipas, kumalma na ako at huminto na sa pagtawa pero hingal na hingal naman ako.
Tapos everytime na tinatry ko mag salita, tatawa lang ako. Hahahaha, yoko na.

"OH ANO, MAGLALASING PA KAYO? HAHAHAHAHAHA!" Tawa ulit. Juice ko, kailan ba hihinto
'to?! Hahahahahaha! Kaso biglang nahinto yung pag tawa ko noong nagtinginan silang
dalawa na parang may masamang balak at biglang nagbilang...

"One..." Oh no, anong binabalak nila?

"Two..." Fck ano yan?! Huhuhuhu!


"THREE!!!!" Sabay sila at kiniliti ako kaya napahiga ako sa sofa.

"AAAAAAAH HAHAHAHHAHAHA HELP STOP NA HUHUHUHU UYYYY HAHAHAHAHA! Maawa kayo plssssss
huhuhuhu!"

"Uy ano yan, threesome?!" Sabi ng nasa taas, si Jammy.

"GAGO/SIRA ULO/P*TA" Sabay sabay naming sinabing tatlo.

"Wow chill guys, nagbibiro lang naman ako. Aakyat na ulit ako sa taas. Enjoy!"
Kumindat siya at umakyat na ulit sa taas.

"Tangina?!" Sabay sabay naming sinabi. -____-

"Ba't ba ang bastos nun?" Tanong ni Josh.

"Ewan ko diyan, tigang masyado." Sagot naman ni Justin.

"Halata naman eh," Sabi ko naman.

"Binastos ka ba niya, Rylie?" Tanong ni Justin.

"Huuuuuh? Hindi ah! Papabastos ba ko?"

"Hindi... Pero..."

"Oh hindi naman pala eh, tara na!"

After that, hinatid ako ni Justin sa bahay. Si Josh naman, naiwan doon kasi hindi
pa siya naliligo. Hahaha! In fair, ngayon ko lang nakitang magkasundo si Justin at
Josh. Simula kasi diba noong first time nilang magkausap, war na sila? Naalala niyo
ba yun? Lels. Yun yung pinagpustahan ako ni Josh and ng friends niya tapos Justin
kissed me.

"Justin, okay na si mama and papa."

"Oh? Eh di good."

"Sobrang love ni mama si papa eh. Wala eh."

Tumingin ako sa kanya habang siya, nakatingin lang ng diretso. Nandito na pala kami
sa tapat house, "Maybe because forgiving isn't that bad and second chance?
Sometimes, it's worth it."

Croo. Croo.

ANONG SASABIHIN KO?!

"Ah, ganun ba? Hehehehe. Sige pasok na ko. Bye and thanks for the ride."

"Anytime," He smiled.

Inalis ko na seatbelt ko at mabilis na tumakbo papuntang bahay. WOOOO! Hindi ako


nakahinga. Forgiving isn't that bad? Tama! I already forgave him naman, diba? Diba
diba? Pero yung second chance, paano yun naging worth it? Para sa iba siguro, oo.
Pero para sa situation namin? Kaya naman pero how about trust? Wala na yun. Ang
hirap naman kung lagi kaming mag-aaway dahil lang wala akong tiwala sa kanya diba?
I love him, fine! But, trust? No, I don't trust him anymore.

After a couple of minutes, naalala ko bigla yung drawing. Nadala ko nga pala, yes!
I-text ko nga si Dylan...

To Dylan:

We need to talk.
From Dylan:

Why?

To Dylan:

Basta please. We need to talk!

From Dylan:

When and where?

To Dylan:

Tom, 3 PM! Starbucks, Trinoma.

From Dylan:

Ok.

Kinabukasan...

2:30 PM pa lang nasa SB na ako. Oo, excited ako. Kidding. Hahahaha! Wala na din
kasi akong magawa sa bahay. Dala dala ko din pala yung paper na may drawing mukha
ko...

3:13 PM nang nakarating si Dylan. Ubos ko na din ang strawberry frap ko kaya bumili
naman ako ng chocolate chip cream. Hahaha! Sorry na, nagtatapon ako ng pera eh.
Joke lang.

"Dylan..."

"Ano ba yun Ry?" Tanong niya.

"Eh kasi... Did you draw this?" I asked.


He nodded, "Tiningnan mo ba drawer ko?"

Kinakabahan ako, "Yes. Sorry Dylan. I was just looking for some meds tapos bigla ko
'tong nakita. Anyway, hindi talaga yun yung question ko. Ang question ko is, may
connection ba yung prohibited room sa akin? Sorry, sobrang curious ko lang."

Tumawa siya, "Sobrang cute mo kahit kailan."

"Dylan naman! Nasaan pala si Katy?"

"House niya."

"Is she mad at me?"

Lalo siyang natawa, "Bakit naman siya magagalit sayo? Rylie naman. Hindi siya ganun
kababaw. Mahal na mahal ka ni Katy no. Magagalit muna siya sa akin, bago siya
magalit sayo."

"Ah, so okay siya? Hindi siya galit na natulog ako sa room?"

"Why would she get mad just because you slept in my room. She's just worried, and
now, wala. Nakita mo na yung dahilan kung bakit siya worried, but I already
explained it to her."

"What did you say?"

"Na dati pa yun at nakalimutan ko lang. Sobrang tagal na nun eh."

"Kailan pa?"

"Bago mo ako nakilala," Natawa siya. "Nacucurious ka kung paano kita nakilala no?
Curious ka kung bakit bawal mo o ng kahit na sino makita yung room sa baba?
Naccurious ka kung ano ba talaga nangyari? Curious ka, Rylie. Pero bakit ayaw mo
siyang hayaan magpaliwanag?"
"Huh? Dylan, di ko gets..."

"Si Justin. Bakit hindi mo siya hayaang magpaliwanag sayo?"

"Kasi wala naman dapat ipa-"

"No, Rylie. Takot ka eh, takot kang malaman yung totoo. Ano nga ba talaga nangyari
dati? Totoo nga ba yung video or set-up lang? Kung set-up lang, sino kaya ang may
gawa nun? Gusto mong malaman kung minahal ka ba talaga ni Justin o niloko ka lang
niya para sa dare nila ng pinsan niya or narealize lang niyang mahal ka niya
pagkatapos ka niyang lokohin?"

"Dylan-"

"Natatakot kang malaman na hindi ka niya minahal and at the same time, natatakot
kang sabihin niyang minahal ka niya talaga kasi hindi mo alam kung totoo yun o
nagsisinungaling siya."

"Ang laboooooo pls. Explain?"

"What I mean is, natatakot kang magpaliwanag siya dahil baka sabihin niya na
totoong hindi ka niya talaga minahal, pero natatakot ka din na mag sinungaling
siyang mahal ka niya. Gets mo na ba? Kaso paano mawawala yung curiosity mo kung
ayaw mo din naman malaman yung side niya? You're scared to take the risk and get
hurt. You know why? Because you're still the old Rylie."

"So anong gusto mong gawin ko, Dylan?" Kahit alam ko naman na.

"There's only one solution... Talk to him and let him explain. Ask him questions
that are bugging you for the past two years. Tanungin mo sa kanya yung mga tinanong
mo sa akin kanina, pati yung prohibited room. Kung nabuksan na ba niya? Kung ano ba
talaga? Alam niya lahat, Rylie. Pero mas pinili niya na lang manahimik kasi yun ang
gusto mo. Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Of course, not."

Naiiyak ako. Ano ba dapat sabihin ko?


"Sinasabi mo bang ako ang may kasalanan?"

"NO! Sinasabi ko lang na face your fears kasi kung hindi, walang mangyayari.
Nagbago ka nga, pero yung past mo naman, hinahabol habol ka pa din. Rylie..."

"Fine! I'll talk to him about this, but not today. Siguro bukas?" Fudge! Kailangan
ko ata ng listahan. Sobrang dami kong tanong. Actually, ang sinagot lang niya na
tanong ko eh yung siya yung nag drawing nun, pero the rest? WALA! Lalo lang niyang
nadagdagan yung mga questions ko.

Pero tama siya, tatanungin ko si Justin at makikinig ako ng mabuting mabuti sa


kanya. Pagkatapos nun, saka ko na lang issolve yung natitira pang pieces sa puzzle
ng buhay ko. PUZZLE talaga? Hahaha! Eh sa mukhang puzzle eh. Kahit hindi ako
mukhang detective, kaya ko 'to!!!

"Good. Nagtataka ka ba kung bakit ko alam? Itanong mo na din sa kanya."

OO NGA, BAKIT ANG DAMI NIYANG ALAM?! HUHUHUHU!


####################################
CHAPTER TWENTY-EIGHT
####################################

WHAT TO DO? WHAT TO DO? WHAT TO DO?

I know what to do naman, pero tangina... Huhuhuhuhu! Kasi naman diba dapat nakamove
on na ako? Eh bakit parang tama si Dylan? Pinipilit kong lumayo pero pilit din
akong hinahabol ng aking nakaraan. LOOOL! Ano daw?

BA'T BA KASI ANG DAMAL NI DYLAN? KAKAINIS!!!

Anyway, nandito ako sa room ko at paikot ikot lang sa kama. Wala lang, ako kasi
yung tao (tao???) na mas nakakapag-isip pag umiikot ikot, whatever. LOL! Ang
paranoid ko kasi. 10 PM na nga pala ng gabi. Pwahahaha! 11 PM ko na gagawin school
works ko since expert naman ako mag cram. Cramming is my hobby eh.

I called Justin, "H-hello?" Ba't ba ako nagsstutter?


"Bakit?" Ay, ang cold ni kuya?

"Can we talk?"

"Nag-uusap na tayo ngayon, diba?" PILOSOPO!

"Tangina?!" Hindi ba niya alam kung gaano kahirap gagawin ko? Sa gagawin kong 'to,
parang binibigyan ko na siya ng chance para ibalik yung trust ko sa kanya...

Natawa siya, "Tss, lutong mo na mag mura."

"Lakompake! Let's talk. I'm dead serious!"

"Hmm okay... Where? When? Now na? Ano?" Bastos talaga 'to! <///3

"BUKAS NAMAN! GRABE KA NAMAN, CLINGY!"

"Anong grabe? Sino bang tumawag?" Natawa ulit siya, "Bakit ka ba tumawag?"

"Eh kasi basta bukas! Kita tayong coffee bean. Okay? Ha? Okay ba?"

"Kulit. Haha! Oo na. Coffee bean 8 AM."

"EIGHT?! ARE YOU FCKIN' KIDDING ME?"

He laughed, "Do I look like I'm kidding? I miss you, Ry. I miss you so much," I
flustered. Bakit bigla siyang gumaganito? Nakakainis. Hindi nakakatuwa! Kinikilig
ako. BASTOS!

"Well FYI, I don't. I don't miss you. No, never! Oh sige na nga, 8 na tayo mag
kita. BYE!" I heard him laugh before I turned off my phone. Oo, pinatay ko phone ko
for 5 minutes tapos binuksan ko ulit kasi may group project nga pala kami. I opened
my FB na din.
Well, you see. Simula noong gumraduate ako ng high school, hindi na ako masyadong
nagoopen ng social networks unless kailangan like group projects and anything
related sa acads. Suddenly, someone PM-ed me only to find out it's Josh.

Him: Hey

Me: Whyyy

Him: Sorry about last night. I think I drank too much.

Me: I think???

Him:

Fine. I drank too much.

Sorry, Ry.

Hey, can I ask something?

Me: G!

Him: May something na ba sa inyo ulit?

Me: Ha?

Him: You know who :>

Me:

Tbh, I don't know? I'm confused.

Ayoko pa, ayoko na.

But there's a big BUT.


Him: Ah I knew it

Me:

U mad bro? :o

Him:

Why would I?

Anyway di mo naman yan mapipigilan

I understand Ry

Me: Thanks Josh >:(<

Him: ;)

*END OF CONVERSATION*

Why do I suddenly feel awkward? Err. Parang there's something fishy with our convo.
I know Josh likes me and he knows what Justin did to me, pero bakit parang okay
lang sa kanya na magka-something kami ni J number one? Not that nagfifeeling ako,
pero may point naman ako diba? Grr. Patagal ng patagal, pagulo ng pagulo.

Kringggggggg. Kringggggg.

Woke up at 5:30 AM kahit 8 pa naman kami magkikita. Sorry na, mabagal kasi ako
kumilos. Haha! Hindi ako excited ah. Hindi talaga! Hindi din ako sarcasticccc.
Huhuhuhu bakit mukha akong sarcastic? Kakainis.

7 AM akong natapos mag ready. Katulad ng sinabi ko noong una, lip and cheek tint
lang naman gamit ko and powder. Improvement na 'to kasi noong highschool, wala
talaga kahit powder. Haha! Pag nagpapowder kasi ako, nagmumukhang foundation hindi
ko alam kung bakit.
Bzzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzt.

I answered my phone, "Hello?"

"I'm on my way to your house."

"WHAT?!" Grabe, sinong excited ulit?

"Why? Kakagising mo lang ba? I'll wait for you na lang outside."

"A-ah h-hindi naman pero ah... Oo! Kakagising ko lang! Hindi pa nga ako nakakaready
eh." Okay, I'm a bad liar. Hahaha!

"Sige sige," Binaba na niya yung phone.

"Wow! Yan pala hindi pa nakakapagready," Pagtalikod ko, si achi, nakaupo sa bed ko.
Uulitin ko, achi means elder sister. Anyway, paano siya nakapasok sa room ko?! Ay,
hindi pala ako naglalock. Eh kasi naman no, paano pag may multo na pumasok sa
kwarto ko, eh di hindi agad ako makakalabas? -____-

"ACHI? What are you doing here?"

"Duuuuh sister, I was going to invite you sana mag party later kaso mukhang may
date ka na, ehem!" Humiga siya sa bed ko pero yung paa niya nasa floor pa din.

"It's not a date," Umupo ako sa beanbag.

"Yeah right. Hindi nga date pero naka-dress ka and mukhang nagpaganda ka pa."

"Masama bang mag dreeeeeeeeeess?"

"No naman, unusual lang kasi yeah, naging okay nga yung porma mo after you
graduated high school, but hindi ka naman nagddress no. Conservative ka pa din
kahit papaano."

"Graaaaaaaabe, conservative naman yung suot ko," Tiningnan niya yung dress ko tapos
binaba ko yung yung laylayan kasi tumataas.

"Tss oo na, wag masyadong defensive ha?" Umupo siya tapos tumayo, "Alis na nga ako.
Enjoy your date sister," Nag wink siya at umalis na. Grr! Hindi ko tuloy naibato
yung maliit na unan sa kanya. Bad trip naman eh!

Pagbaba ko, nandoon na si Justin sa living room, nakaupo sa sofa at


nakikipagkwentuhan sa kapatid ko. Napansin ata nilang bumababa ako kaya nag
tinginan sila sa akin tapos tumingin si Achi sa kanya tapos sa akin ulit tapos sa
kanya ulit saka siya tumawa.

Baliwwww!!!

I glared at her lang. Grr! Ito kasing si Justin, iba yung tingin. Alam mo yung ah
basta nakakainis. Hindi ko maipaliwanag pero alam niyo yung parang nakangiti lang
siya tapos... Mukha siyang... in love? Err. I don't know.

Fast forward ko na para masaya ha!

Pinark na ni Justin yung car niya in fron of Coffee Bean.

Tawang tawa lang siya sa kotse kasi yung itsura ko daw, parang pinagkaitan ng
langit at lupa. PAANO NAMAN KASI, NILOKO LOKO LANG KAMI NI ACHI SA BAHAY! Siya
naman, nakikiride lang. Sabi kasi ni Achi, kami na daw ulit. etc. Hindi daw siya
naniniwalang walang something tapos sabi na nga daw niya, si Justin yung ka-date ko
kaya nagpaganda ako ng bonggang bongga. Sabi naman ni Justin, matagal na akong
maganda.

KILL ME NOW!!!!!

So yun nga, I opened the door na tapos bumaba. Sinara ko ng medyo malakas para
manahimik siya. Pagpasok naming dalawa sa coffee bean, pinipigil niyang tumawa pero
naririnig ko pa din. Siniko ko na!
Pero natigil yung tawa niya kaya napatingin ako sa babaeng tumayo. Oh fck! Tulala
din ako. Fck. Ba't parang bigla akong natakot na ewan? Ughh. Pagkatayo ng babae,
mukhang nabigla din siya noong nakita niya kami.

Dahan dahan siyang lumapit sa amin na parang kinakabahan...

"R-rylie, i-is that you?" Ba't bigla siyang nag stutter?

Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero biglang ganito yung nasabi ko, "Obvious
ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh. Ang ganda mo na lalo," She hugged me pero stiff lang ako. Hindi ako gumagalaw
or anything. Hindi ako makahinga. Nag flash back sa akin lahat! My highschool
wasn't as hell as what people think, but she was one of the reasons why sometimes,
everytime I remember some of my highschool days, I feel bad about myself. Parang
naaawa ako na nagsisisi na nagagalit sa sarili ko kasi hindi man lang ako lumaban.
Sobrang weakling ko.

Pero yung taong inapi api ako, yinayakap na ako ngayon...

Bakit?

Umalis siya sa pagkakahug niya, mukha siyan masaya na malungkot, "How are you? Kayo
pa din? Aww Rylie, you are such a lucky girl."

Lucky girl? Siya ang nakarinig na pinagpustahan nila ako. She heard Justin say bad
things about me tapos lucky girl? Yung totoo? Kasama siya sa mga nanira sa akin, sa
amin. Pero bakit niya sinasabing lucky ako na kasama ko ngayon si Justin?

Tumingin siya kay Justin tapos parang mas lalo siyang kinabahan, "H-hi Justin. It's
been a long time." Ano? Silang dalawa, magkakampi ba sila? Hanggang ngayon ba,
niloloko nila akong dalawa?

Tumango lang si Justin at dumiresto na sa counter. Wala siyang reaction! Sobrang


poker face lang siya. Ano meron?
"Alexa..."

"Uhmm hindi naman ako manggugulo. Nagulat nga ako kasi nandito din pala kayo.
Sorry!"

"Hindi naman kami eh," Sabi ko. "Hindi na simula noong... err... nevermind. Past is
past. Kung gusto mo, sayong sayo na siya." Nabigla ulit siya sa sinabi ko. Narinig
ko pang binanggit niya yung pangalan ko bago ako lumabas ng coffee bean.

Pumara ako ng taxi. Ayoko makipag-usap kay Justin, ayoko na muna. Bukas na lang, sa
isang bukas, or kaya next week. Wag ngayon. Ang dami kong naiisip, baka hindi ko
lang siya paniwalaan. Natatakot ako na baka totoo nga yung sinasabi niya at baka
hindi ko lang siya paniwalaan. Natatakot ako na baka paniwalaan ko siya pero puro
kasinungalingan lang pala lalabas sa bibig niya. Hindi pwede.

I need to think more...

I called Dylan...

"Rylie?"

"Dylan..."

"Fck, are you crying?"

"Ano bang alam mo? Sabihin mo na nga!"

"Sorry Rylie, but I can't... Wala ako sa position para..."

"Dylan, look! As of now, ikaw lang ang pinaniniwalaan ko. Sila Josh, Justin, at iba
pa, parang niloloko na lang nila ako eh. I don't wanna conclude, pero yun yung
nafifeel ko. Parang may alam sila na hindi nila sinasabi sa akin. Dylan, wag mo
namang sabihing pati ikaw..."

"Of course, not, Rylie! Ano bang nangyari?"


"Basta ikkwento ko na lang next time, pero ngayon... Dylan, ano bang alam mo?"

"Rylie..."

Okay, I quit. Binaba ko na yung phone ko.

I called Aisha, but she's not answering. Baka busy pa. Hayyyy life. Tinatawagan ako
ni Justin pero di ko sinasagot. I turned off my phone.

Saan ba pwedeng mag punta?

Ohhh. Si Kent! May alam din siya, diba? Kaibigan siya ni Josh eh, pero hindi ko
naman alam number niya. Sobrang mysterious kaya nun! Isa pa, he won't spill things.
Feeling ko lang ah? Since highschool kasi, sila ang close ni Josh. Nahiwalay sila
sa group ng mga lalaking lumoko sa akin. Well, come to think of it, si Kent lang
pala ang hindi kasama sa pustahan.

Bumaba na ako ng taxi. Nagpababa ako sa pinakamalapit na mall. Pagkadating ko,


nagpunta akong starbucks. Sorry na, wala talaga akong maisip na puntahan pati ang
chill kaya dito. At least dito, makakapag-isip ako ng maayos. Truth to be told,
hindi naman ako sobrang sad. Natatakot at naguguluhan lang.

Dumukdok ako sa table...

Oh sht, nakatulog ako! I opened my phone, 3:34 PM na!

Sakto namang tumawag si Aisha sa akin...

"Thank God, sumagot ka din!!! Kanina ka pa namin cinocontact eh. Sorry pala I
wasn't answering kanina. I was taking care of Ryan." Kami??? Sinong sila?
"Aish, I need you," I sighed.

She sighed as well, "Where are you ba?"

"Starbucks, Trinoma. Naguguluhan ako, Aish. Alam kong matagal na and dapat past is
past na, but it keeps haunting me. Parang kahit sino, kahit saan, may alam sa
nangyari." Napapagod na kasi ako pati narealize ko, ako na lang ang walang alam.
Sila Josh, Kent, Justin, and Dylan, mukhang ang dami nilang alam. Pati nga si Katy
eh.

"Ry, alam mo kung ano yung problema sayo? You don't listen. Kung ano yung nakita
mo, yun na yung nangyari. Hindi mo ba pwedeng alamin muna kung ano yung buong
kwento? Ang naririnig mo lang kasi, yung sarili mo. Ang nakikita mo lang, yung mga
ginawa niyang mali."

"Kasalanan ko ba, Aisha? Sa sinasabi kasi ng mga tao, feeling ko ako yung may
kasalanan." Pare parehas kasi sila ng sinasabi. Feeling ko tuloy, sobrang sama ko
na kasi hindi ako nakikinig.

"That's not what I'm implying, Rylie. Ang sinasabi ko lang, masyado kang natatakot,
pero Ry, paano mo malalaman yung totoong nangyari kung ayaw mong alamin lahat ng
detalye? I love you Rylie, that's why I'm saying this." I sighed again.

May point naman kasi si Aisha. I'm a scaredy cat. Like kanina, nandoon na eh.
Maririnig ko na sana, pero tumakbo na naman ako. Why? Kasi natatakot akong malaman
yung totoo. Natatakot akong mag explain siya kasi baka puro kasinungalingan lang
naman sasabihin niya.

Gusto kong malaman yung nangyari, pero natatakot ako.

Bakit ganito?

"Thanks, Aish. See you soon and love you. Bye," Binaba ko na yung phone.

Dumukdok ulit ako sa table ng sbucks...


I really need to talk to him.

Bzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzt.

Someone messaged me...

Umupo ako ng maayos at tiningnan kung sino. Si Justin and si Aisha!!!

Inuna ko muna si Aisha syempre!

From: Aisha Dela Cruz

Justin's otw to sbucks and he's near na. Sorry Ry! Pagkasabi mo kasi kung nasaan
ka, tumakbo agad siya palabas. Love you too.

PS: Ryan's looking for his uncle Justin's lover. How did he know about this? Kayo
ha. Wag kayong PDA in front of Ryan. Pag nag-asawa 'to ng maaga, papatayin ko kayo.
No joke. :| :)) >:*<

To: Aisha Dela Cruz

Hate you!!! LOL.

From: Justin Dela Cruz

Don't you dare move.

To: Justin Dela Cruz

Stalker

From: Justin Dela Cruz

That I am.

To: Justin Dela Cruz

Eff y-
Hindi ko natuloy yung text ko kasi may yumakap sa may neck ko at hinalikan ako ng
madiin sa cheeks. Amoy pa lang, alam ko na kung sino. Ang PDA, sht sht sht! Inalis
ko yung kamay niya at tumayo tapos hinarap siya.

"Hoyyyyy, wag ka ngang PDA." I poked his stomach many times. Tigas!

Seryoso yung mukha niya, "Why did you walk out ealier? I was worried."

"You did? Sorry."

He held my hands, "Ry, please listen to me. For the nth time, let me explain."

"Okay Justin, let's talk."


####################################
CHAPTER TWENTY-NINE
####################################

"What really happened, Justin? I'll listen to you na. Just don't expect me to
believe everything." Nandito kami ngayon sa sofa ng starbucks. Magkatabi kami, pero
hindi magkadikit. Haha! Syempre no, we need space. Nuxx!

He nodded with a serious face, "Expected ko naman na hindi ka talaga maniniwala sa


lahat, but at least..." He shrugged.

"Okay, game," Huminga ako ng malalim. Woo! Nakakastress <///3

"Paano ko ba sisimulan?" Natawa siya, "Sa daming beses ko ng ineexplain sayo 'to,
di ko na alam kung paano ko sisimulan."

I pouted. Oo na. Kasalanan ko naaa. Pachixx kasi ako eh bakit ba. Tss! Hahahaha! EH
SA NATATAKOT EH!

"Naalala mo ba noong nag-usap tayo sa rooftop ng condo ni Josh after mo


makipagblind date?" Tulu tuloy niyang sinabi.
Hinampas ko siya, "KAILANGAN PA BA-" Tinakpan niya bibig ko.

"Shhhhh. Ingay mo pa din," Sabi niya.

Tinanggal na niya yung kamay niya at huminga ako ng malalalim, "Kailangan pa bang
ipaalala yun?" I said, more like whispered.

Natawa na naman siya, "Nevermind. So naaalala mo nga. Hmm, it was the time I found
out kung bakit ka nagkakaganyan."

"Nagkakaganito?"

"Yup, sobrang bitter mo at sobrang hater kita."

"Kasi naman... Why did you say that? I mean, I know know naman na clumsy ako, na
careless ako, ulyanin, ganun. Pero bakit mo pa yun kailangan sabihin? Okay lang
naman na sabihin mo sa akin, pero bakit sa ibang tao pa? Ang lumalabas kasi, you
said those things because you didn't like me. Na you just courted me, because of a
dare. Na napilitan ka lang."

Huminga siya ng malalim. Nagsisimula na naman mag flashback yung video, fudge.
Control yourself, Rylie. Control. You need to listen to him, remember?

"Ry, sino nagpakita sayo ng video?"

"W-why do you want to know?"

"Kahit kailan ba, hindi mo ba tinanong muna kung bakit ako may video? Kung sino nag
video? Kung may katuloy ba yun? Kung bakit ko sinabi yun? Bakit ko nga ba sasabihin
na clumsy ka sa ibang tao? Para siraan ka? FYI, alam ng lahat na clumsy ka, hindi
ko na yun kailangan sabihin. Rylie, ganoon ba kababaw tingin mo sa akin? I mean,
gets kong madaming lumoko sayo, pero ni minsan ba, pinaniwalaan mo ako?"

"Oo, dati. Pinaniwalaan kita... dati. Pero after ng video... parang lahat ng sinabi
mo, ng ginawa mo, parang lahat yun, dahil lang sa pustahan. You had no choice but
to court me. Gets?" I bit my lower lip at naisip ko yung mga ginawa niya sa akin
dati na hindi ko na masyadong maalala.

Kinantahan niya ako sa bar, nag mukha siyang alalay, lagi niyang pinapataas self-
confidence ko. Sapat na ba yun para sabihin na may gusto sayo ang isang tao? Oo nga
naman, mageeffort ba siya ng ganun kung hindi niya talaga ako gusto?

Pero... bakit nga niya yun sinabi?

"Hindi kita ma-gets," Umiling iling siya tapos tumawa ng sarcastic. "Kahit kailan
ata hindi kita magegets. Gagawin ko ba lahat ng ginawa ko sayo kung hindi yun
totoo? Kung dare lang yun?"

Ouch. Masakit yun!

Pero control, Rylie. CONTROL!!!

"Hindi ko alam?"

Huminga siya ng malalim, ramdam ko frustration niya! Umiling siya, "No, Rylie.
Kahit kailan, never ako nag effort sa babae. Sayo lang! Pero yung efforts na yun,
binalewala mo lang. Nawala ng dahil lang sa isang pangyayari na lumaki ng lumaki.
Puro misunderstandings, nakakapagod."

"Justin, gusto ko lang malaman kung bakit mo sinabi yung mga yun."

"Maniwala ka man o hindi, madami akong sinabi. Sinabi kong hindi kita gusto dahil
mahal kita. Gets mo ba? Hindi ko alam kung sino yung kumuha ng video o nag cut nun,
pero yung video na yun. Hindi yun totoo! Oo, sinabi kong clumsy ka, careless ka,
ulyanin ka. Totoo naman diba? Pero kung hindi ka ganun, malamang, hindi ikaw yung
nagustuhan at minahal ko."

"H-hindi ko geeeets. Sino naman magccut nun?"

"Sino nga ba?" He asked sarcastically.


"Si A-alexa?"

He shrugged his shoulders, "Rylie, one of the things that I've learned from the
past? Don't conclude unless you know the whole story."

Natamaan na naman akoooooooo! Ge.

"Pero bakit ka nandoon sa hospital? Why were you with Alexa?"

"Naaalala mo ba noong pumunta tayong EK? Sabi ko magc-cr lang ako diba? Pero pag
balik ko, wala ka na, then your Josh called me. He said Alexa attempted suicide
because of me. Your Josh forced me to stay there kasi tama nga naman siya, mas
kailangan niya ako. Pero Ry, hindi ko alam na nandoon ka din sa hospital. Kung alam
ko lang, sana ikaw yung pinuntahan ko!"

"Shhhhhhhhhh," Nilagay ko index finger ko sa mouth ko. Lumalakas na kasi yung boses
niya, nasa starbucks kaya kami!

Pero fck?! Si Josh?! Magkakilala si Alexa at Josh?! At siya yung tumawag kay
Justin? Bakit? I need to talk to Josh. I need to talk to him!

"S-si Josh ba talaga?" After ng nangyari, si Josh pinakapinagkakatiwalaan ko! Si


Josh lang!!! Pero bakit I feel betrayed?

He nodded, "After that, nagulat na lang ako, galit ka na, hindi mo na ako
kinakausap, iniiwasan mo ko, ewan. Ilang beses kitang tinry kausapin, pero lagi mo
akong tinataboy. Akala ko nag sawa ka na o may iba ka na o kaya naman iniiwasan mo
ako kasi diba maghihiwalay na dapat tayo noon, pero fck, umasa ako. Nakakabaliw
mag-isip!

Rylie, nag kulang ba ako? Never mo ba talaga na-feel na mahal kita? Recently ko nga
lang nalaman yung dahilan kung bakit ka nagkakaganyan, diba? Kasi never mong sinabi
na dahil pala sa isang lecheng video at dahil lang nakita mo ako sa ospital with
Alexa. Kung hindi ko pa narinig yung sinigaw mo sa rooftop ng condo ni Josh, hindi
ko pa malalaman."

"B-bakit kasi hindi mo inalam?"

"Pinilit kong alamin Rylie, pero tangina. Nakita ko kayong naghahalikan ni Josh,
yung lalaking pinaka-ayoko pa. Sana iba na lang diba? I felt so low. Akala ko kayo
na, yun naman yung pinalabas mo diba? Recently ko lang nalaman na hindi naman pala
naging kayo. You did that para layuan kita, gets ko yun. Pero dahil sa nangyari,
akala ko pinagpalit mo na ako. Pagkatapos nun, napabayaan ko pati sila Janine at
Jenine. Naging lasinggero ako, basagulero, lahat!

Yung sinasabi mong nakikipaghalikan sa kung sinu sino? Totoo yun, pero tuwing
hinahalikan ko sila? Ikaw naiisip ko. Ikaw lang tangina. Kaya nga ako nilipat ng
school para tumino ako. Gusto ko na din naman lumipat that time dahil ang dami ko
ng kaaway, ang dami kasing nagseselos. Nilalandi ako ng mga girlfriends nila, pero
pumapatol naman ako. Ayokong dumating sa time na sobrang daming umaaway sa akin,
pati yung kambal, madamay.

Rylie, akala mo ba ikaw lang yung nag bago? Hindi. Mas ako! Kung ikaw for the
better, ako, kabaliktaran. Hindi obvious? Kasi katulad mo, bumabalik ako sa dating
Justin.. sa dating Tyler, tuwing kasama kita... Hindi ko nga alam kung nagsisisi
ako kasi kung hindi ko ginawa yung mga yun, hindi kita makakausap ulit. Hindi ako
lilipat ng school. Martyr na kung martyr... pero baka kasi ganito lang siguro kita
ka-mahal?"

"K-kasalanan ko ba?" Nanggigilid na luha ko. Bakit ngayon lang ako nakinig? Ang
dami kong hindi alam. Bakit? Kasi ni minsan, hindi ako nakinig! Ang tanga tanga
tanga ko.

"Yun nga eh. Never kitang sinisi, never akong nagalit sayo."

"Pero bakit? Ang tanga ko? Ang gaga ko? Bakit ayaw mo magalit? Bulag ako, bingi
ako... Lahat lahat na! Bakit?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan pisngi ko.

"Uulitin ko... Ganito kita ka-mahal," He smiled sadly and kissed my forehead.
Naramdaman ko na lang basta na may basa sa mukha ko.

Umiiyak siya fck <////////////3

(AUTHOR'S NOTE: Baka puro flashbacks sa chapter 30. Hmm, what happened 2 years ago?
LOL! And guys, sorry kung mabagal mag update. Unang una, di po ako robot. Huhuhuhu!
Puro majors ako ngayon, I need to graduate first. Aral aral din pag may time. Kayo
din, wag puro wattpad. Hehehehehehehe! JOKE LANG PEACE! Mwa! Thanks all!

And sa mga nagtatanong ng facebook account ko:

https://www.facebook.com/tastingstrawberries

Thank you thank you. Hahahahaha!)####################################


CHAPTER THIRTY
####################################

Bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzzzzzzt.

KANINA PA SIYA TUMATAWAG! Nakakainis naman eh. Ano bang gagawin ko? Grr. Ayoko
sagutin. After kasi namin mag-usap kahapon, hinatid na niya ako sa bahay. Hindi
kami nagsasalita. Magsasalita man kami, one to six words lang. See? Nabibilang
talaga. Nabilang ko nga eh. Hayyy. Ba't ba ang awkward kasi?

Nakaka-15 missed calls na siya. Shets! Kung cinut nga yung video, I need to know
kung sino nag cut nun. Kung hindi si Alexa, sino?! Si Josh? Bakit naman si Josh? Si
Selena kaya, kasali din? Pero diba she was just concerned? I'll never know. Sino
nag bigay ng video kay Alexa? I need to investigate!!!

Bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzzzzzzt.

Ayan na naman siyaaa!!! Kaiyak 'to pls.

Grr, I need to think hard. Ano ba kasi nangyari?

*FLASHBACK*

"Rylie, please take note of this..." Hinawakan ni Selena dalawang kamay ko, "Kahit
anong sabihin ko or ipakita ko sayo, dahil lang nagguilty ako. Nasaktan kita dati.
Kami pa ni Josh noong pinagpustahan ka nila, alam kong alam mo yun. Pero..." Yumuko
siya.

Remember Selena? Siya yung ex ni Josh. Si Josh yung crush ko dati.

"Pero? Ano yun Selena?" Naaawa ako sa kanya. Mukha nga siyang nagguilty, pero okay
naman na yun eh. Tapos na yun! Ang importante, masaya na ako kasi may Tyler na ako.
Huehue!

Ayyy, speaking of, iniwan ko siya! Dapat pag balik niya galing CR, sasabihin ko sa
kanya na wag na kami mag hiwalay eh. Pwede naman akong mag develop ng nandiyan
siya, diba? Hehehe! "Teka Selena, si Tyler pala nasa loob pa. Baka hinahanap na ako
nun."

"Sht, " Bulong niya sa sarili niya, "Uhmm. Umalis na siya, Rylie."

"H-ha? Anong i-ibig mong s-sabihin?" Napatulala ako. Ano dawww?

"He left you for Alexa. May friend kasi si Alexa, tapos she told me na papunta na
si Justin kay Alexa ngayon."

"P-pero bakit?" Bakit niya 'to sinasabi sa akin? Akala ko ba nagguilty na siya?
Bakit niya parang sinisiraan si Tyler?

"Kasi niloloko ka lang niya, Rylie. He doesn't like you. He even said many bad
things about you! Lampa ka daw at basta, sht. Sorry, Rylie. You're too kind kasi,
pero I think you need to know this, para hindi ka na mas masaktan pa. Wala din
siyang pinagkaiba kila Josh, kasi pinagpustahan ka lang din niya. Pinagpustahan ka
niya at ng best friend mo, Ry."

Kahit hindi ako naniniwala, bakit sumakit pa din puso ko? Imposible! Hindi ako
sasabihan ni Tyler ng masasamang bagay behind my back. Imposible! Hindi ako
pagpupustahan ni Tyler at ni Aisha. Hindi. Hindi yun pwede

"Sorry Selena. I don't believe you and I won't," I just smiled at her.

"You should believe me, Rylie. He really likes Janilyn. He's just using you!"

"Please stop Selena. I love him. I trust him," Gusto ko ng takpan tenga ko. Bakit
ba niya 'to sinasabi sa akin? Mahal ako ni Tyler, diba? Mahal ako ni Aisha. Mahal
ko din sila kaya I trust them. Hindi nila gagawin sa akin yung sinasabi ni Selena.

"But he doesn't love you. Let me show you something." May kinuha siya sa bag niya
and nilabas ito. Ah, phone pala niya. May pinress siya doon at pinakita sa akin...

Si Tyler at Alexa! Bakit sila magkasama? Whoa.


"Oo. Gusto ko nga si Janilyn! Maganda, matalino, at mabait. Si Rylie? Careless,
Clumsy, Ulyanin, at mahina masyado. Ayoko sa ugali at kilos niya. Gustung gusto ako
ni Aisha para sakanya kaya pinilit niya ako makipagdare sakanya..." Nag smirk si
Alexa.

Si Justin ba talaga yan?

"Wait wait wait, Selena!" She paused it for a while.

"B-bakit?"

"Inedit lang ba yan? Hindi yan totoo, diba? Ikaw ha. Selena ah! Sino nag bigay sayo
nito? I'm sure, joke lang 'to. Joke lang 'to, diba?" Naiiyak na ko.

"Sorry Rylie... Sorry," She looks sad. Oh sht.

"Play mo na ulit," I said.

"S-sure ka?" I nodded.

"Kinikwento siya ni Aisha sa akin before pa kami mag meet. Masyado siyang soft.
Madaling maawa, sobrang bait. Inis na inis ako sakanya dahil hindi man lang siya
lumaban. Kaya naman pala naaabuso kasi hindi siya lumalaban. Lumipat ako ng school,
hanggang sa nakilala ko na siya. Noong 1st day of class sa school namin, hindi ko
pa alam na siya si Rylie. Badtrip ako nun at mas lalo pa akong nabadtrip dahil
sakanya."

FVCK!

Ang sikip ng dibdib ko. Bakit naman sasabihin ni Tyler 'to? I need to talk to him
ASAP! I need to know the whole story. I love him! Nafifeel ko naman na he loves me
eh. He loves me, right? Pero... Bakit niya sinabi yun?

Hinatid ako ni Selena sa bahay. Tulala ako. Kanina pa niya ako kinakausap, pero
hindi ako sumasagot. Bago ako pumasok, nag sorry siya and she hugged me. Sabi ko sa
kanya, hindi niya kailangan mag sorry. Nag thank you din ako sa kanya.
Ayoko na maging masyadong mabait. Ayoko na...

Kaya pag pasok ko ng bahay, lumabas agad ako. Since malayo yung mga bars dito,
gumawa ako ng paraan. Nag lakad ako papuntang high-way at nag taxi.

"Ano pinakamatapang niyo dito?" Tanong ko sa bartender. Sorry na po, di naman kasi
ako marunong uminom. Huhuhuhu! Hanggang dito ba naman sa bar, wala pa din akong
alam.

Nagulat ata yung bartender...

"Mukha ka pang minor."

"Papapasukin ba ako dito kung minor ako?" Pero ang totoo niyan, tumakas lang ako.
Busy kasi yung mga guards eh.

After kong sabihin yun, binigay na niya sa akin yung inumin, hanggang sa hindi ko
na mabilang kung ilan nainom ko.

Pinress ko ng madiin no. 1 sa phone ko. Speed dial. Hehehe! Oh tingnan niyo
ngaaaaa, no. 1 pa siya sa speed dial ko. Huhuhuhu!

"Hello?" Uy, si Tyler. Sumagot siyaaaaaa!!! Hawak niya phone niya, pero hindi man
lang niya ako tinawagan. Hindi nga niya ako minahal. Huhuhuhu!

"Hoy ikaw! Yoko yoko ka! G@gO! Wag na wag kaaa ng magpapakicha sha akin!!!
BASHTARD! TSEEEEEEH! DI CHAYO BATI! PWEEEE!" Sinigawan ko siya hanggang sa mabingi
siya. Bastoooooos!!!

Binaba ko yung phone. Bahala siyaaaaaa!!!

"Miss, okay ka lang?" Tanong ng babaeng katabi ko. Kanina pa niya ako tinitingnan,
may gusto ata sa akin 'to. Joke. Hehehe. Ang lungkot ko na nga, nagjojoke pa din
ako. Kailan kaya ako magbabago? Kakaiyak naman.
"H-hindi ako-"

akdjkdjfhdfkjghslfjdslfjsljfsadajl!!!!

Ang sakit ng ulo ko. Nasaan na ba ko? Naparami ata ako ng inom kagabi eh
nakalimutan kong allergic nga pala ako sa alak. Ugh.

Nahimatay ba ako o hindi ko lang talaga naalala mga nangyari?

Sht. Nasa hospital ako. Walang tao! Wala si mama at si papa. Alam kaya nila? Shet,
deads ako pag nalaman nila. Wait, panaginip lang ba yung kagabi?

Kinurot ko sarili ko.

Fck, hindi. Naiiyak na naman ako. Ba't ba kasi ang iyakin ko eh!!! Kaya walang
nagkakagusto sa akin. Kaya... ayoko na. Magmamadre na lang ako.

Bumangon ako at naglakad palabas.

Habang naglalakad ako... someone caught my attention.

That someone is... Tyler.

Tyler beside Alexa. Sht, set up lang ba talaga lahat ng 'to? Totoo nga yung sinabi
ni Selena. Totoo yung pinakita niya. Magkakampi silang lahat.

Pero si Aisha? Ba't pati si Aisha?

Kailangan ko siyang kausapin!


Hinintay ko dumating sila mama at papa. Syempre, pinagalitan nila ako. Hindi na
lang ako nagsasalita. Tinanong nila ako, pero hindi ako nagsasalita. Hanggang sa
nakarating kami ng bahay, hindi pa din ako nagsasalita. Nagpahinga muna ako sa
kwarto ko, pero hindi ako makatulog. Ang sakit pa din.

Sa kakaiyak, nakatulog ako. Pag gising ko, pinuntahan ko agad si Aisha sa bahay
nila. Nalaman kong buntis siya. Iyak siya ng iyak sa akin. Next time na lang daw
niya ikkwento. Oh Aisha. Ano bang nangyayari? Pagkatapos namin mag-usap about her
pregnancy, it's my turn naman to ask.

"Aisha... Totoo ba?" Kailangan sa kanya manggaling. Maniniwala ako sa kanya, best
friend ko siya eh. Diba? Kahit anong proof ang ipakita nila sa akin, kay Aisha pa
din ako maniniwala.

"Ang alin?" Tanong niya.

"Pinagpustahan niyo lang ba ako? Dare lang ba ang panliligaw ni Justin sa akin?"

"R-Ry, hindi," See? Hindi daw. Hindi totoo, "P-pero d-dati..."

"Sht. Aisha? Totoo nga?" Pinipigilan ko luha ko.

"Wait lang, Ry. Mali iniisip mo..."

"Totoo nga na pinagpustahan niyo ako?"

"O-oo, pero Ry, iba kasi iniisip mo. Hindi lang d-da-" I didn't let her explain. I
love Aisha! Alam kong mahilig siya sa mga dares, pero hindi ko kaya muna ngayon.
Ang lumalabas kasi, niligawan lang talaga ako ni Tyler para sa dare nila ni Aisha.
Mahal ko si Aisha, pero hindi ko muna siya kayang kausapin. I don't want to blame
her and I don't blame her.

Umuwi ako sa bahay at umiyak ng umiyak. Ano, Rylie. Iiiyak mo na lang ba lahat ng
'to? Ha? Ano? Hanggang ngayon ba, mahina ka pa din?

Pasukan na, tapos na ang weekend. Late akong pumasok this time. Syempre no, pag
maaga akong pumasok, makikita ko SIYA. Ang aga kaya niya pumasok lagi. Natatakot
ako... Natatakot akong makita siya. Natatakot akong kausapin siya.

Pag pasok ko, ang daming naninibago kasi late ako. Namamaga din mata ko. Nakita ko
si ano, pero hindi ko pinansin. Tuluy tuloy lang ako at tumabi kay Lynne, kahit
katabi niya pa si Brylle. Buti pa sila, ang tagal na nila. Aabot kaya sila hanggang
forever? Btw, hindi na papasok si Aish. Ewan, yun sabi sa akin ni Lynne eh.

Snacks time! Buti na lang may meeting sa music club. Kahit papaano, napasaya nila
ako. Pero pagkatapos ng meeting, ito na naman. Ayoko naman i-text si Lynne kasi
kailangan nila ng quality time ni Brylle. Third wheel lang ako, if ever.
Magbibitter lang ako, if ever. Oh fck, bitter? Ayoko maging bitter, pero paano?

Pumunta ako sa place, kung saan konti lang ang tao. Umupo ako sa bench ng garden at
doon ako umiyak ng umiyak. Lahat ba ng ginawa ni Justin for me, kasinungalingan
lang? Dare lang ba talaga? Ayoko maniwala, pero yun ang totoo.

Natigil ako sa pag iyak noong may nag abot ng panyo sa akin, pero lalo akong umiyak
kasi naalala ko si Tyler. First week ng school, binigay niya sa akin yung panyo
niya.

"J-Josh?"

"Tama na iyak, papangit ka niyan. Oh punasan mo uhog mo..." Inabot niya sa akin
yung panyo, pero imbis na matawa, naiyak pa ako lalo.

"P-pwede ba kita yakapin?" Tanong ko sa kanya. I really need a bear hug right now.

Nagulat siya sa tanong ko, pero pumayag din naman siya afterwards. Hindi siya nag
tanong ng kahit ano o nag salita man lang. Tinatap lang niya yung back ko while
we're hugging. May mga nakakita pa nga eh, nasabihan pa ako ng malandi.

Section 3 si Josh. Hinatid niya ako sa room ko at umalis na...

"Ano yun?" Tanong ni Lynne.

"Anong ano yun?"


"Ba't siya kasama mo? Ba't hindi si Justin?"

"Huh? Sino si Justin?" Sagot ko. Oh fck, bitter na nga ata talaga ako.

Nanlaki mata niya, "Tangina Ry? Ampalaya ang peg? Agad agad? Eh parang noong isang
araw or isang isang araw ata magkasama pa kayong dalawa. Sabi nga ng ate mo, nag
punta kayong EK na dalawa. Tssss, anyare ba? Hindi ka naman magkakaganyan kung wala
eh."

I sighed, "Rosemund, pwede bang wag na muna natin pag-usapan? I'm tired."

"Okay fine, sabi mo eh. Lamonaman na labs kita. Basta ha, nandito lang ako," She
winked and kissed my cheeks, kahit may teacher na.

"Ba't ako walang kiss?" Tanong ni Brylle na naka-pout pa, natawa naman ako.

"Cheee!" Siniko ni Lynne si Brylle, "Tigil ka diyan pls."

Tumawa lang si Brylle, "Joke lang kasi. Alam mo naman na kahit walang kiss, nandito
pa din ako." Sabi niya. Kinilig naman si Lynne. Ako? Ay ewan. No comment! Pero
mukha namang hindi lolokohin ni Brylle si Lynne, diba? Hayyy, sana lang wag.

Natapos na ang class at may humawak sa akin...

"Rylie, anong problema?"

Hindi ako makatingin sa kanya, "Wala."

"Wala? Talaga?" He asked sarcastically, "Bakit parang umiiwas ka?"

Ewan ko, ask yourself, "Hindi ko lang alam." Pagkasabi ko nun, nag lakad na ako
paalis.
"Ang labo mo," Narinig kong sinabi niya. Ako pa malabo? Talaga?

Sumunod ang mga araw, ganoon at ganoon lang lagi nangyayari. Binalik ko na nga pala
sa kanya lahat ng binigay niya sa akin. LAHAT talaga! No more, no less. Anyway, sa
class, magkatabi kami ni Lynne. Sa snacks and lunch, magkasama kami ni Josh. Lagi
din akong late.

Pag uwian naman, lagi akong kinakausap ni Justin. Lagi akong tumatakas, pero lagi
naman niya akong nahahanap. Minsan nga, I cut my last class at umuwi na. Pero ang
gago niya kasi pumunta siya sa bahay. Oo, pumupunta siya sa bahay. Ineentertain
naman siya nila mama, papa, at achi. Bahala nga sila, wala naman kasi silang alam
eh.

"Ry, ano ba kasi nangyari? Sawa ka na ba sa akin? May iba ka na ba? Si Josh ba?"

"Paano pag sinabi kong oo, may magagawa ka ba?" Mukha siyang nasaktan, pero fck.
Nasaktan din ako sa sinabi ko. Gusto ko mag sorry, pero naalala ko yung video.
Tuwing naaalala ko yung video, parang gusto ko siyang sabunutan, sampalin, ay ewan.
Pero nevermind! I'm Rylie, and I can and will do better than that. Nuxx, tumataas
self-esteem.

"Nice," Sabi niya at tumayo na sa sofa. "Rylie, hindi ako naniniwala. Mahal mo ako,
diba? Alam kong dapat lumayo na ako, para you can grow up, para maging independent
ka, pero Ry... Bakit ganito?"

"Wala nga. Umalis ka na nga, Justin."

"Justin? Wow."

I turned my back on him, sighed, and went to my room. Dumapa ako sa kama and buried
my face onto my pillow. Kawawa naman si Mr. Pillow, lagi na lang nababasa dahil sa
akin.

Sumali nga pala ako ng beauty pageant. Wala akong choice! Kasi diba noong first
week of school, nag botohon kung sino muse. Bale dalawa muse and escort namin. Nag
toss coin pa nga kami. Yung isa, pang mr. and ms. Intrams. Yung isa, ms. campus.
Napunta ako sa mr. and ms. campus while si J naman, napunta sa mr. intrams. Escort
ko nga pala yung isa sa mga exes ko. Ex nga ba? Nevermind.
"Hi, Rylie. You look good," Sabi niya.

"Thanks," I said, at rumampa na. Kanina pa talaga ako kinakabahan. Haaaay. Bakit ba
kasi may stage fright ako eh. Buti na lang nandiyan sila mama, achi, Lynne, Brylle,
and Josh. Nandiyan din yung mga iba ko pang classmates. Actually, nanonood din si
err you know who. Kaya nga mas lalo akong kinakabahan. Di ako pwede mag fail!

Pero kita mo nga naman, first runner up ako. Hindi ako ang miss campus, pero first
runner up ako. Fck, ang saya ko. Haha! Kasi naman, makarampa pa nga lang sa stage
ng hindi nadudulas, achievement na!!!

"Congrats, Ry!" Ang daming nagccongrats sa akin.

"Nadaya ata tayo eh. Dapat ikaw ang miss campus!" Sabi ni Josh noong natapos na.
Kita mo 'to, section 3 siya, dapat suportahan niya pambato ng section niya. Hindi
ako!

"Ayos ka nga!!!" Tumawa naman kami.

May tumawag sa akin, unknown number, pero sinagot ko na, "Congrats, mas lalo kang
gumaganda." Binaba ko na phone ko. Simula nun, nag palit na ako ng number.

Normal school days na. Tapos na ang foundation day! Ang dami pa din
nagccongratulate sa akin. Lagi ko pa ding kasama sila Lynne, Brylle, at Josh.
Kinwento ko na nga pala kay Josh lahat ng nangyari. Isang araw nga, lumapit na
naman sa akin si you know who. Nagkataon naman na nandoon si Josh kaya I had no
choice but to kiss him. Since then, nag pretend kami na kaming dalawa na. Kahit ang
daming nagsasabi na malandi ako, wala akong pake. I need to stay away from him!

After that incident, hindi na lumapit sa akin si ano. Masakit, pero kailangan
tanggapin. Yun naman talaga ang dapat diba? Niloko niya ako, ayoko ng magpaloko
ulit. Ayoko na mag tiwala. Ang dami nga palang nagsasabi sa akin na ang dami na
niyang girls. Good for him! Tapos na niya akong lokohin, ibang babae naman.

Btw, sila Christian at Ariza naman kasama niya. One time nga nagkasalubong kami,
pero sila Christian, Ariza, Brylle, at Lynne lang ang nag-usap usap. Kaming dalawa,
AWKWARD.
Graduation naaaaaaaa! Wala na din sila Lynne at Brylle. Actually, nasampal ko nga
si Brylle. Oo, nasampal ko siya. Ako kasi nakahuli sa kanya. I borrowed his phone
kasi tapos tangina, ang landi niya. May girlfriend na pala siya! Sasagutin na sana
ni Lynne si Brylle eh. Napapansin kasi ni Lynne na nagiging cold na sa kanya si
Brylle. Akala niya nagsasawa na, noon pala, may iba na.

Sabi pa nga ni Brylle sa akin, "Sasabihin ko naman kay Lynne eh, pero wala.
Naunahan mo ako. Maniwala ka't sa hindi, minahal ko siya. Pero fck, tao din ako.
Napapagod din ako. I can't handle too many rejections."

"Kaya humanap ka ng iba?"

"Ry... Hayaan mong ako na lang mag sabi kay Lynne please."

Hindi nag tagal, sinabi nga niya kay Lynne. Itong si Lynne naman, sarili niya
sinisisi. Sabi ko sa kanya, wag niyang sisihin sarili niya kasi alam naman ni
Brylle from the start na hindi pa siya ready. Kung hindi niya kayang mag hintay,
neknek niya. Hindi siya kawalan.

Syempre ako 'tong advice ng advice, pero sarili ko, hindi ko magawang bigyan ng
advice. Wala eh, hirap kalimutan. Buti na lang talaga, nandiyan si Josh. Platonic
naman kami, walang malice. Just friends!!! Sa ibang bansa na nga pala siya mag-
aaral. Ako naman, sa Philippines pero magvavacation ako this summer sa states. Gift
nila mama sa akin yun since salutatorian ako.

Summer naaaaa! Summer na, pero siya pa din ang naalala ko. Nasa states na nga ako,
si Tyler pa din? Ang sakit sa ulo ah. Iiyakan ko pa din ba siya? Dapat mag enjoy
ako diba? I'm with my sister. Tawa dapat, hindi iyak!!!

"Ry, ayaw mo ba talaga lumabas muna? Tara shopping!" Sabi ni Achi.

Huhuhuhu di nga ako mahilig mag shopping eh, "Ikaw na lang muna, achi. Jet lag,"
Sabi ko at natulog muna. Pag gising ko, hapon pa lang kaya lumabas muna ako para
magpahangin. Binasa ko na naman mga text messages namin ni Tyler. Tanginaaaa! Ba't
ba nakasave pa din 'to sa save messages ko? Kailangan ko na 'to idelete.
Kasinungalingan lang naman 'to eh.

PERO HINDI KO MAGAWA!!!


Habang nagcoconcentrate ako sa pagdedelete ng mga texts ni ano... Biglang may
kumausap sa akin.

"Need help?" He looks like Chinese, but nalaman kong Vietnamese/Filipino pala siya.
Fluent siya sa French and English. Medyo marunong siya mag mandarin and okay siya
mag Filipino, casual lang. Though baluktot dila niya. Sila ng girlfriend niya
naging close ko buong summer.

Tinulungan nila ako mag move on. Pati taste ko sa pananamit, iniba nila. Wag daw
masyadong mabait. Naging close din sila ni Achi. LOL! Pero hindi pa din alam ni
Achi kung ano talaga nangyari sa amin ni bad word. I told them not to tell her
about what really happened to us.

Btw, bad word tawag ko kasi sabi nila, as much as possible, wag kong iisipin yung
past. Para lang patay yan eh, pag hindi mo nakikita, nakakausap, o nakakasama,
sooner or later, sa ayaw mo't sa gusto, makakamove on ka. Dami nilang alam no?

"Bye guyssss!" Nasa airport na kami, mangiyak ngiyak kami. Kasi naman, almost
everyday, sila kasama ko. Madalas nga, nagsleepover sila sa amin or kami ni achi sa
kanila.

"Take care, Ry. Just remember everything we've taught you. Also, don't you dare
forget us, or else we'll go to the Philippines, find you, and kick your ass."
Tumawa ako at nag hug kami.

Nakaalis na kami ni Achi. Tawang tawa kami kasi naalala namin yung mga pinagagawa
namin doon, pero noong huli, naiiyak na kami. Ganito lang talaga kami ni Achi,
parang abnormal. Haha! Kaya nga most of the time, kami lang nagkakaintindihan.
Though ayoko pa din sabihin sa kanya yung nangyari, kasi for sure, magkakaroon ng
world war 10 sa bahay nila ANO.

Pag-uwi namin, nagulat na lang kami kasi may umiiyak sa room nila mama.

"Oh fck," Sabay kami ni achi, then we ran as fact as we could papunta sa room nila
mama. Sht, si mama, umiiyak.

"Ma, ano nangyari? Nasaan si Papa?" Tanong ni Achi.


"Mama, tell us what happened. We'll listen."

She's still crying, "I'm sorry..."

"Ma, ba't ka ba nagsosorry diyan? Ano nangyari? Nasaan si Papa?" Tanong ni achi.
Parehas kaming nagpapanic na.

"Wala na..."

"HUH?" Tanong naming dalawa ni Achi.

"Wala na kami ng Papa niyo."

"Mama, isang summer lang kaming nawala... Paanong nangyari..." Tanong ko na


naguguluhan. Nalaman na lang namin na may babae pala si papa. Kaya pala napapansin
namin ni achi na napapadalas away nilang dalawa dati. Kaya pala!

I texted Lynne agad, pero hindi nag reply. Tinawagan ko din, pero busy. Fudge,
where is that brat? Hindi nga kami masyadong nagsskype noong nasa ibang bansa kami
ni Achi. Anyway, nag-usap muna kami ni Achi. Syempre, we're trying so hard not to
look affected para kay mama. We're not little girls anymore. Our mom needs us now
more than ever.

Tumawag sa akin si Lynne ng lasing! Fudge, ano bang ginagawa niya sa buhay niya? I
asked her kung nasaan siya, sinabi naman niya sa akin kaya I immediately rode a cab
and pumunta sa kanya.

"Lynne, ano bang nangyayari sayo?" I asked her noong nasakay ko na siya sa taxi.

"Yung mga lalaki na yan, pare-parehas lang sila, pero parang I'm like them na din,"
Sabi niya habang nakasandal ulo niya sa may window ng taxi at nakapikit. "Ry, love
mo pa din ba ako?"

"Of course. What are you saying ba? What do you mean you're like them?"
"Love mo pa din ba ako kahit na ang play girl ko na?"

"Lynne, ano ka ba. Kahit sino ka pa, kahit ano ka pa, love pa din kita. Ikaw na nga
lang nakakausap ko, itatakwil pa kita?"

"I love you, too, Ry." At natulog na siya. Bakit ganun?! Ang ayos niya malasing?!

FIRST DAY OF COLLEGE!!!!!!

Mag-isa lang ako, at wala akong kakilala. Malamang!!! May mga nakikita akong
schoolmates sa school, pero nagssmile lang ako sa kanila. Ayoko maging friendly.
Mahirap na!

"Hi, miss!" May babaeng lumapit sa akin, "May nakaupo ba dito?" Tanong niya.

I shook my head.

"Ohhh, paupo ako ah. Classmates tayo? Marketing ka din? Kung classmates tayo at
marketing ka din, ibig sabihin blockmates tayo?"

Gusto kong sabihing 'obvious ba?' pero may naalalala ako...

*FLASHBACK*

Anong section kaya ako? Pagtingin ko sa list, section I pa din ako.

Hay. Kailan kaya ako magiging section III para naman classmate ko si Josh.

"Miss, ano ba! Excuse me sabi eh. Bingi ka ba?" Natulala ako.

"Ha?" Ang gwapo niya.

"Sabi ko EXCUSE ME! Kanina pa ko nageexcuse. Bingi ka ba?" Di bale ng masungit


siya, okay lang. Magiging kami din balang araw. Wala namang imposible sa mundong
ito. Libreng mangarap.

NABABALIW NA TALAGA AKO

"ANO KA BA?!"
"Ay butiki!" Nagulat ako. Pag nagugulat ako yaan ang nasasabi ko. Ewan. Hindi
mapigilan ee.

"Sorry po. Sorry talaga!" Sabi ko sakanya. Ako nga pala ang babaeng mukhang thank
you at sorry. Ewan ko, nasanay na kasi ako.

"Tabi nga diyan, di ko makita yung listahan eh. Nakaharang ka." Mukhang badtrip ah?
Dahil sakin kaya?

"Section I ka din? 4th yr ka din?" Tanong ko sakanya.

"Paki mo. Malay ko, di ko pa nakikita diba? ALIS!" Ang sungit naman oh. Meron
siguro to? Masama na pala magtanong at maging friendly ngayon T____T

*END OF THE FLASHBACK*

"Yeah, we're blockmates," Sabi ko.

"Ohhh okay. Kinakabahaaaan ako, sana okay yung prof."

I smiled, "Sana nga."

Since then, lagi na kaming mag kasama ni Katy. Lagi kong naalala sa kanya yung
dating ako kaya siguro magaan loob ko sa kanya. Sumali nga pala ako ng malate
(writing org), DSG (singing guild), and tinry ko din maging officer sa degree
program ko which is Marketing.

"Ry, nood tayong swimming compe! Kasama kasi doon friend ko. Tara ha? Nood tayo!"

"Ano pa nga ba magagawa ko?" Sabi ko.

Natawa siya, "Yay! Nood tayo later ha?"

Pagkatapos ng swimming compe, may pinakilala siya sa akin.

"Hi, miss. I'm Dylan," Sabi niya habang yung inaabot kamay niya sa akin. Hindi pa
siya nagbibihis!!!

"Hi," Nag wave lang ako. Hindi ako nakipagshake hands.


Natawa na naman si Katy, "Buti nga."

Dumila si Dylan kay Katy, "Ewan ko sayo." Tapos bumulong siya kay Katy kahit rinig
ko naman, "Thank you."

Simula noong nag college ako, ang daming nagpapalakad kay Katy sa akin. Lagi ko
ngang sinasabi kay Katy na wag masyadong friendly kasi yung iba, user lang talaga o
kaya social climber. Maganda si Katy. Hopeless romantic din.

2nd yr na kami at naassign akong vice president ng org namin. Naging active din ako
sa DSG at Malate. Nilibang ko sarili ko hanggang sa makalimutan ko siya.

Pag-uwi ko sa bahay...

Tiningnan ko spare phone ko or old phone ko...

Nandito pa din pictures at text messages namin.

Bakit kasi ang hirap i-delete eh!!!

*END OF THE FLASHBACK*

Bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzzzzzzt.

Dahil sa nangyari, nag excel ako sa madaming bagay. Nabawasan din stage fright ko,
hindi na ako masyadong friendly, kaya ko ng mag-isa, hindi na ako masyadong
mabait...

Pero ngayong dumating siya...

Bumabalik na naman ako sa dati.


I need to know first kung sino nag cut ng video. I need to see the video first!
Kahit na in my heart, naniniwala ako sa kanya. Kailangan ko pa din malaman lahat!
Alam kong past is past, pero mahal ko pa din siya.

Paano kung cinut nga yung video? Eh di nasaktan ko siya. Nasira ko siya! Fck, pag
napatunayan ko na totoo lahat ng sinabi ni Tyler, I would blame myself. Humanda din
sa akin lahat ng may kinalaman sa video.

Makikita nila kung sino ang bagong Jamilah Rylie Hao.


####################################
CHAPTER THIRTY ONE
####################################

CHAPTER THIRTY ONE

"Aisha, hindi ko na kasi alam gagawin ko. Tawag siya ng tawag!" Sabi ko, hindi
mapakali. I wanted to answer his calls, but hindi ko alam sasabihin ko.

"Bakit kasi hindi mo sagutin?"

"Aish, ano ka ba. 2 years! Kung ma-prove kong cinut nga yung video, 2 years akong
naging bitter para sa wala! Gets mo ba yun? Nakakahiya diba?" Nag face palm ako
pero alam niyo kung ano ginawa niya sa akin?

BINATUKAN AKO NG MALAKAS!

"Aisha naman eh. Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko habang hawak hawak yung batok ko.

She sighed, "RYLIE KASI! ANO BA! Akala ko ba nag bago ka na? Nakakainis ka naman
kasi. Noong una, natatakot ka. Ngayong alam mo na, nahihiya ka naman. ANO BA!"

"Sorry naaa pero kasi you know me... Ughh. Nakakainis. Simula noong dumating siya,
bumabalik na naman ako sa dating Rylie... Duwag at lahat lahat na!"

Binatukan niya ulit ako! "Aishaaaa!"


"Rylieeee! Kulang pa yan. Ikaw na may sabi. 2 years! 2 years mo siyang nilayuan.
Bakit ngayon, kahit alam mo na yung totoo and kahit you still love him, iniiwasan
mo siya? Tell me! Nahihiya isn't a valid reason at all."

"Fine, naaawkward din ako. Aisha, alam kong magaling ka dito kaya do something!
Plssss!"

"AYOKO RYLIE. AYOKO! Nakakatrauma yung mga dare dare na yan. Kayo na nga kasi
tinutulungan, kayo pa magagalit. Bastos lang?"

"Sorry na kasi pero bago mo muna ako tulungan kay Tyler... Pwede tulungan mo muna
ako mag hanap ng proof? Tulungan mo ako hanapin kung sino yung nag edit ng video if
ever totoo man na in-edit nga yung vide-" BINATUKAN NA NAMAN NIYA AKO.

"RYLIE, trust me this time. I know my cousin, he wouldn't do everything he did for
you just because of a dare. Hanapin mo yung buong video, ano nga ba yung sinabi
niya? And yes, I'll help you. But Rylie, maniwala ka man o hindi, after mo siyang
iwasan, wala na akong balita sa kanya. Siguro dahil na din busy ako. You know, I'm
a single mom. Single and young."

After namin mag-usap ni Aisha sa bahay niya, nakipaglaro muna ako kay baby Ryan. He
likes me so much! Ang ayoko lang, tinatawag niya akong wife ng uncle Justin niya.
Bastos lang. Huhuhuhuhu! Ang bata bata pa, wuma-wife na.

Umuwi na ako sa bahay at walang tao except for ate Inday, new maid.

"Ate, si mama?" Tanong ko pagkaupo ko ng sofa habang siya, nagwawalis. Ang sipag
naman!

"Ay, kasama po ata papa niyo eh."

SEE? PARANG WALANG NANGYARI! BAKIT GANUN SILA? >:o

"Eh si achi po?" Tanong ko ulit. "Ay, wala din po eh, umalis din. Pero may sumundo
ata sa kanyang lalaki kanina? Boypren ata?"
Sabi ko ngaaaa. Eh di sila na lahat ang may date!

Mag-aaral na lang nga ako and makakabisado ng scipt for our play. Magpapractice na
din ako kumanta. Nakakahiya naman sa kanila eh. Huhu!

MONDAY

5:00 AM.

BEEP BEEP!!!

Ano ba yan, ang aga aga, ang daming sasakyan sa labas! Inaantok pa ko eh. Grr,
matutulog na lang ulit ako.

"Tenenenen tenenenen tenenenenen

Tenenenen tenenenen tenenenenen"

Ughhhhhhh, seryoso ba 'to? 5:30 AM na? Agad agad? I checked my phone, 5:30 na nga.
Kailangan ko ng maligo kasi malayo pa yung school ko. I can't afford to be late.
Alam niyo na, time conscious pa din ako. Kailangan maaga, nasa school na ko. Plus,
hindi talaga ako pwedeng ma-late kasi trigo yung first class ko. Ang hina ko pa
naman sa Math.

Bumangon ako at nag stretch. Ginagawa ko 'to every morning. Malay niyo, tumangkad
ako. Hahahaha! Hindi ko kasi 'to ginagawa noong highschool. Noong highschool kasi,
pag gising ko, titingin ako sa salamin at kakausapin ko sarili ko. Ngayon, stretch
muna saka ako magsasalamin. LOL!

After stretching, humarap na ako sa malaking salamin. Huhuhu, medyo malaki na


eyebags ko. Stressed kasi eh.

"Pangit mo na, Rylie! Ay joke, hindi. Hindi pwede. Maganda ka. You're pretty!!!
SELF-CONFIDENCE, RYLIE! Pag bumaba tingin mo sa sarili mo, bababa din tingin ng
ibang tao sayo. Alam mo na! Just because he's back, doesn't mean babalik ka ulit sa
old self mo. No no no. Di ka na pwede apak apakan. Kaya Rylie, ang ganda ganda moo-
WAIT OH FCK!!!"
BAKIT NAKIKITA KO SI JUSTIN SA SALAMIN?!

Tumalikod ako sa salamin at humarap sa kanya. Nakangisi pa siya ha? Oh geez,


nakakahiya! Nahuli na naman niya ako. Huhuhu!

He's sitting on my beanbag, btw. Bad ass!

"KANINA KA PA DIYAN?"

He shrugged his shoulders pero yung itsura niya, nagpipigil ng tawa. Nakalobo pa
yung face niya. I know he's handsome, but he doesn't need to make pamukha sa akin
na he is really handsome. Okay fine, he's really handsome. Life is just so unfair!

Pinuntahan ko siya at sinipa sipa kaso yung beanbag nasisipa ko kasi umiiwas siya.
He's laughing pero hindi naman malakas. Syempre pag nag ingay siya maririnig nila
mama. Pag narinig nila mama, kahit gusto nila si Justin for me, deads pa din ako.

FYI, naka-boxer shorts lang ako and sando. Ang galing galing talaga!

"Ano nga kasi ginagawa mo dito, Tyler?" I asked. OMG! I just called him Tyler!!! Oh
no, "I mean, Justin. Oo, Justin. Justin pala." Ano bang nangyayari sa dila ko? -__-

"Tinawag mo akong Tyler?" Tanong niya while smiling. Parang bata!

"No, nagkamali lang," I said. I was about to turn my back on him, but he held my
hand and pulled me down kaya napaupo ako sa lap niya. I'm sitting on his lap while
he's hugging me behind my back! Inaamoy amoy pa niya yung likod ko.

"Does it mean..."

"No," Natigilan siya sa sinabi ko. Aalisin niya sana yung pagkakahug niya sa akin
pero I didn't let him so I held his hand while he's hugging me.
"Ano ba talaga, Rylie? Naguguluhan na ako. Alam mo, you'd be the death of me. Kung
hindi depression dahil nilalayuan mo ako, sobrang saya kasi nilalapitan mo ko. Alam
mo yun? Mababaliw na ako kakaisip sayo. Dati, you were so predictable pero kahit
ganun, iniisip pa din kita. Pero ngayon... Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung
anong dapat kong gawin," Sabi niya habang nakapatong yung mukha niya sa back ko.

"Nakapagdecide na ako..."

"And?"

"Maghahanap ako ng proof. Hahanapin ko yung video, hahanapin ko kung sino nag cut.
Pag nahanap ko and na-prove ko na wala kang kasalanan, Justin Tyler, ako mismo
manliligaw sayo. Promise yan!"

Bigla kong na-feel yung arms niya, sobrang higpit!

"Uy, okay ka lang?" I asked. Don't tell me, he's crying again?

Umalis ako sa pagkakahug and umupo sa harap niya...

Hindi pa ako nagttoothbrush, kakahiya! Pero okay lang, hindi naman mabaho hininga
ko. Hehehehe! Nagttoothbrush and listerine kaya ako before matulog. LOL!

"Rylie," He caressed my face. "Jamilah..."

"Uy, ano? Okay ka lang?" Hindi niya kasi matuloy sasabihin niya eh. Parang he's so
confused na ewan. Basta, hindi ko alam!

He nodded with a smile, "2 years... Fck my 2 years. Ayoko ng balikan yung nangyari
pagkatapos mong mawala, ayoko na. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon,
seryoso." Nanggigilid yung luha niya. "Rylie, hindi ako nagmamadali. I'm willing to
wait. Pag nahanap mo na lahat ng kailangan mong mahanap, I'm just here. I will
always be here."

"Wag ka kasing magsalita ng tapos. Tyler, I'm sorry pero hindi na ako naniniwala sa
ganyan. Hindi natin alam kung ano ang posibleng mangyari-"
"NO! Rylie, ilang taon kitang sinubukang kalimutan pero hindi ko magawa. Hindi ko
nagawa! Isipin mo, hindi na kita nakikita nun pero ikaw pa din... Ikaw lang! Ngayon
pa ba ako susuko? Seryoso ka, Rylie? Mahal na mahal kita at kahit masakit na, mahal
pa din kita."

"Pero Justin..."

"Rylie, I don't care kung maniwala ka man or hindi basta promise me, babalik ka.
Kahit gaano katagal Rylie, basta ipangako mo, babalik ka sa akin."

I sighed, "I promise."

Nagulat na lang ako kasi tinaas niya yung pinky finger niya. He doesn't usually do
this! Alam kong ayaw niya ng pinky pero nakikipag pinky pa din siya dahil gusto ko.
Pero ngayon, siya yung nag offer. Oh fudge. Why is he doing this to me?

"Pinky swear?" I asked and he nodded. Seryoso siya habang nagnonod. He is freakin'
serious!!! At dahil seryoso siya, nakipag pinky na din ako sa kanya.

"Pinky swear, Jamilah," After niyang makipagpinky, hinatak niya yung arm ko, and
kissed my lips. Napahawak ako sa dibdib niya, ehem. Siya naman, nakahawak sa
dalawang arms ko. Okay, sobrang bango niya bakit ganito? >:o

Madiin, mabagal, at matagal yung kiss. Hinayaan ko na lang kasi na-feel ko yung
sakit na nafifeel niya. Yung sakit at saya na ginawa ko sa kanya. Never kong
inakala na magkakaroon ako ng effect sa kanya, pero tingnan mo ngayon...

"I love you, Jamilah," He kissed my forehead. "Maligo ka na kasi baka hindi ko
mapigilan sarili ko... PLS." Sabi niya sabay tingin naming dalawa sa cleavage ko.
OMG! Nakasando nga lang pala ako and boxer shorts. Huhuhuhu!

"OH FAKKK!" Sigaw ko ng medyo malakas, tumayo na, at tumakbo papunta sa CR.
Sumandal ako sa pinto. Nakakahiyaaaaaaaa. Nafifeel kong pinagtatawanan niya ako
ngayon. Ayoko naaa! Nakakahiya ka talaga, Rylie. Wag kasi masyadong kiligin!

Pagkatapos kong maligo, ang laki ko palang tanga kasi nasa labas nga pala yung
dresser ko. Yeheeeeeey! Towel lang ang meron ako. Wala pa akong kahit ano... Oo,
kahit anoooo!!!

Binuksan ko ng konti yung pinto, "Justin?"

Hindi niya ako pinapansin! Nakapikit lang siya at nakahiga sa beanbag KO.

"Huy, Justin!" Hindi pa din niya ako pinapansin.

"Tyler?"

Dumilat siya at tumingin sa akin. "Hmm?" Tyler pala ang gusto! "Ry? Anong binabalak
mo?" He asked with a shock face. Batuhin ko kaya 'to?! Anong iniisip niya ngayon?!
FYI guys, nakasilip lang ako. Collar bone ko lang ang kita!

"Umayos ka nga!!! Kasi naman, umalis ka muna sa kwarto ko."

"Joke ba yan? Eh di nalaman ng parents mo na nandito ako? Hindi mo ba alam kung


gaano kahirap mag akyat bahay sa inyo?"

"Paano ka nga ba nakaakyat?"

"Same old same old. I used your balcony. Haha! Sabi ko na nga ba hindi ka pa din
naglalock ng pinto. Tsk."

"Pero may bumusina ba kanina or ikaw yun? Or nananaginip lang ako?"

"No, you weren't dreaming. It was me. Bumusina ako pero wala naman nakarinig, pati
nasa akin pa din yung susi ng mini gate niyo kaya nakapasok ako. Okay na? Ano bang
kailangan mo?"

"Err, kailangan ko kasing mag bihis pero yung damit ko..."

"I knew it. Nakalimutan mong kumuha ng damit no?"


I nodded, "Oo, kaya ano... Paano ba? Hindi ka naman pwede lumabas?"

He smirked, "Tss. Ngayon ka pa nahiya? Talaga? Ano bang problema eh nakita ko nama
na-" Hindi ko na siya pinatapos.

"OKAY! Tama na tama na! Tumalikod ka na lang! Lalabas na ako." Good boy. Tumalikod
siya, pero kinakabahan ako kaya binilisan ko maghanap ng damit. Faaaaakkk,
nahuhulog hulog yung towel. Ano ba isusuot ko? Nevermind, kahit ano na lang.

After ko mag bihis, nakangisi siya.

"Wtf is your problem?" Sabi ko habang nagsusuklay. Nakaupo ako habang siya, sarap
na sarap pa din sa paghiga sa beanbag KO.

"Wala, hindi na ako sanay ng di ka nakaayos. Para kang si Rylie na walang pakielam
sa sarili niya or kung ano itsura niya," Natawa siya kaya sinamaan ko siya ng
tingin.

"Heh!"

"Pero kahit naman dati, kahit di ka pa nag-aayos, madami ng nagkakagusto sayo eh."

"Tigil nga!" Nagsusuklay pa din ako. Ba't ba ang daming sabit ng buhok ko? -_-

"Tss noong highschool, madaming nagkakagusto sayo, di mo lang alam. They were
scared to court you."

Tinigil ko pagsusuklay ko at tiningnan siya, "What? At bakit naman sila matatakot?


Ang sabihin mo, walang nagkakagusto sa akin noong highschool kasi sobrang hopeless
romantic ko. Hindi din ako nagaayos, wala akong pake sa sarili ko. Ngayon, kahit
ulyanin pa din ako at lampa, I can manage myself already. Kaya ko ng ipagtanggol
sarili ko."

"I know. Oo nga, kaya mo ng ipagtanggol sarili mo, pero that's not the point. Ang
sinasabi ko kasi, kahit noong highschool pa lang tayo, madami ng nagkakagusto sayo.
Di mo alam kasi bukod sa nagiimagine ka ng prince charming mo, ang baba ng tingin
mo sa sarili mo. Pero seryoso Rylie, madaming nagkakagusto sayo. Yun nga lang,
gusto ka nila kasi matalino, maganda, mabait, at talented ka. Ako kasi mahal kita
kahit ano ka pa."

Binato ko sa kanya yung unan sa tabi ko, "BASTOS KA!!!" Kinikilig ako.

"Bakit?" Tanong niya na parang wala lang. IMBA!

"Wag mo nga akong daanin sa bola."

"Nagsasabi kasi ako ng totoo. Bakit naman kita bobolahin? Eh di lalong lumaki ulo
mo? Isa pa, hindi ako marunong mambola. Nagsasabi lang ako ng totoo. Madaming
nagkakagusto sayo. Gusto mo isa isahin ko pa? Si Christian, Josh..."

"Kwento mo na lang sa pagong, ayoko ng makinig sayo. TARA NA NGA! Nakakainis ka eh,
alam mo yun? Ang daldal daldal mo. Ngayon ka lang ba ulit nakapagsalita?"

"No, Rylie. Pero ngayon lang ulit kita nakausap ng ganito. Na-miss lang kita ng
sobra."

And with that, lumabas na ako ng room. Paglabas ko ng room, huminga ako ng malalim.
Grabeeee, hindi ako nakahinga doon ah. Ang dami niyang sinasabi pero lahat ng
sinabi niya, tagos hanggang buto.

Tyler naman eh, yan ka na naman eh. Ayoko na kasing masaktan, please?
####################################
CHAPTER THIRTY TWO
####################################

Nakadating kami ng school ng safe. Buti naman! Btw, tinanong niya pala ako kung
bakit hindi ako sumasagot sa mga calls and texts niya. Sabi ko lang, tinatamad ako.
Kahit yung totoo, nahihiya lang talaga ako or should I say, naaawkward.

Actually, until now, nahihiya pa din ako. Hindi ko pa napapatunayan pero nahihiya
na ako. Paano kung napatunayan ko na at napanood ko pa yung video? Baka ako na
mismo mag hukay sa lupa at mag libing sa sarili ko. Huhu, papalamon na talaga ako
sa lupa. LITERAL!
"Rylieeeeeeeeeee!" She hugged me. Maaga nga din pala siyang pumasok, btw. Bakit ba?
Friends kami eh. Walang basagan ng trip!

"Hi, Katy! Missed me?" I smiled.

"Sooobra! Hindi na kita nakikita recently eh," She pouted and looked at Justin.
"Hoy, Justin! Pahiram naman si Rylie kahit minsan! Naging kayo lang, ang selfish
m-" I covered her mouth using my hand. Daldal eh! Buti na lang konti palang yung
tao.

"KATY, WAG KANG MAINGAY!" Sigaw ko, pero si Justin, tumatawa lang. Okay, ang cute
ng tawa niya! Ngayon ka lang ulit siya nakita na gumanyan. Ang genuine ng tawa
niya. >:o

Nagulat naman si Katy, "Bakit? Kayo na? Whoaaaa!"

"HINDI PA KASI!" Sht mali ako. MALING MALI!

"Hindi PA? Whoaaaaaa!" She covered her mouth, gulat na gulat.

"I mean, hindi. HINDI! No no no. Ang kulit mo, Katy. Isa pa ha! Isa pa," Pero ang
cute niya, aminin. Kaso after ng classes at siya pa din kasama ko, nauubos talaga
energy ko kahit siya lang nagsasalita. Nakakapanghina kasi!

"Joke lang kasi, Ry. Hehehe! Pero seryoso, date tayo after class. Okay ba yun?
Double date? And this time, magkapalit tayo ng date! Akin si Dylan and sayong sayo
si Justin," She looks excited. Tsk tsk tsk. Wala ba 'tong gagawin? Monday na Monday
eh.

"Sorry, K. We have practice after class eh. Alam mo na, pinaghahandaan namin yung
play. Pag nanalo kami dito, hindi lang namin marerepresent yung school pero sisikat
na din yung singing guild. Hindi na nila sasabihin na loser yung org namin."

She sighed, "I understand, Ry. Sobrang busy mo kasi. Oh sige, sa weekend na lang.
Labyu!" At umupo na nga siya. Pag gumanyan siya, ibig sabihin, wala na akong
choice. Sobrang spoiled kasi sa akin ng babaeng 'to, tskkk.
Tawang tawa naman si Justin at bumulong pa, "Paano ba yan, see you on Saturday?"

Siniko ko siya, "Heh!" Umupo na din ako.

Pagkaupo ko, si Katy naman bumulong sa akin, "Rylie, live in na kayong dalawa?
Bakit kayo sabay pumasok? Kayo haaa!"

"Heh!" I said. Tawa siya ng tawa, nakakainis! -__-

Pagkatapos ng trigo, ang saya saya ni Katy noong nalaman niyang free cut next class
namin. May sakit daw kasi yung prof. Pero wag kayo, may 5-page essay kami na
kailangan isulat. Hayy. Sana nag class na lang kami.

Nagpaalam muna sa akin si Katy kasi pupuntahan daw niya boyfriend niya. Akala ko ba
ako ang walang time sa kanya? Grr. Btw, hindi ko pala nasabi sa inyo, ang blooming
niya ngayon. Haha! Sobrang happy niya siguro.

"Paano ba yan, magkasama na naman tayo," Sabi ng lalaki sa gilid ko.

"Eh kung sampalin kaya kita?"

"Sige nga?"

"Joke lang," I said tapos iniwan na siya.

Pag labas namin ng room, nakita ko agad si Kent na nakasandal sa wall, labas ng
room namin. Yung itsura niya, halatang ieexpect niya na makita ako. Pero nagulat
siya noong nakita niya na nasa likod ko si Justin. Kakausapin ko na sana pero
tinalikuran naman ako at mabilis na nag lakad. Bakit siya ganyan? -__-

I sighed, "Ano kayang problema nun sa akin?"

"What do you mean? Si Kent ba sinasabi mo?"


"Sino pa ba?"

He shrugged his shoulders, "Ewan ko. Bakit? Ano bang ginawa?"

"Ewan, pero since highschool, sobrang aloof na niya sa akin. Pansin mo ba? Lagi
niya akong iniiwasan and kung kakausapin man niya ako, sobrang konti. Does he hate
me that much?" Wala lang. Wala naman kasi akong naaalala na may ginawa ako sa
kanyang masama. Oh wait! Feeling ko talaga may alam siya sa mga nangyayari eh. Siya
kaya kausapin ko instead of Josh?

"Wag mo na lang pansinin. I know you hate it when someone gets mad at you, but
Jamilah, madaming tao diyan na mas kailangan mong pagtuunan ng pansin. Yung taong
kahit hindi mo pinapansin, hinahabol ka pa din ehem ehem," May pa-ehem ehem pang
nalalaman eh. Hahaha, kainis!

"So what are you implying, then? Diretsuhin mo na nga lang."

"Ang sinasabi ko lang naman Rylie," Inakbyan niya ako. "Ang sinasabi ko lang
naman..."

"ANO?" Inalis ko yung kamay niya sa shoulder ko.

"Wala," He sighed. "Ang sasabihin ko lang naman kasi, mahal kita. Mahal na mahal...
kung alam mo lang," Pagkatapos nun, tiningnan niya ako ng malalim at iniwan ako.
Bad trip! Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis eh. Huhuhu!

Habang tinitingnan ko yung likod niya, napatulala na lang ako. Iba pa din klase
yung charms niya. Tingnan mo, kahit hindi siya nagsasalita, kahit hindi siya
ngumingiti, yung mga babae, nakatingin sa kanya at parang kinikilig. Ewan ko pero
naiinis ako. Dati naman, proud ako. Pero ngayon, ughhhh. Bakit sila ganyan?! -___-

Habang naglalakad ako...

"OMG! Girlfriend niya ba yun? Bakit niya iniwan? In fairness, maganda."


"Ano ka ba, sikat yung babae na yan lalo na sa mga lalaking engineering students.
Hindi ko alam kung sila na pero grabe, gwapo talaga niya. Siguro nag transfer siya
para sa girl."

Hindi ko na lang pinansin. Bahala sila!!!

Hayyy, saan ko kaya pwede makita si Alexa or Selena? I need to talk to them. Si
Josh kasi, grr. Siya pinakamadaling i-contact, pero siya pinakahirap akong
kausapin. Natatakot ako na baka may kinalaman siya sa video. Paano kung meron nga?
Ayokong mag-away kami.

"Uyyy boss!" Biglang may nag hug sa akin.

"Uyy, bakit?" Nagulat ako. LOL! Si Cheska pala, VP ng DSG.

"Kasi boss Rylie, may practice mamaya. Excited na akooo! Bagay kasi kayo talaga ni
Justin! Gwapo siya, maganda ka. Sana magkatuluyan kayo!" Tiningnan ko siya ng
masama, "JOKE LANG HEHEHE! Bitter talaga nito oh. BYE!" We hugged again and nag bye
na din ako sa kanya.

Speaking of, nasaan na ba si Justin? Ba't biglang nawala?

Bzzzzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzzzt.

"Hi, Ry! What's up?" Si Aisha!!!

"Why did you call?" I asked

"Wow naman! Gandang hello!!! Kamusta naman? Hihihi!" Parang kinikilig 'tong babaeng
'to. Ano meron? Alam niya kaya?

"May alam ka ba na hindi mo sinasabi sa akin?"

"May alam ako na alam mo na hindi mo sinabi sa akin. Hmmm. Soooo, pinuntahan ka
pala ni Justin kaninang 5 am sa bahay niyo. Kayo ha?"

"ANONG KAMI? Hindi ko nga alam na pupunta siya eh. It wasn't planned, ok?"

"I knoooow. Namomroblema kasi sayo yung tao. Actually, ako talaga nag suggest na
puntahan ka niya. Hehehe! Alam ko kasing pagtataguan at pagtataguan mo lang siya.
At least sa bahay niyo, sa ilalim ka lang ng kama mo pwede mag tago."

"ANO BANG PINAGSASABI MO, AISHA?" Sumigaw ako pero hindi naman malakas. Pabulong na
sigaw lang.

"If I know, kinikilig ka lang. Pakipot ka pa kasi. Don't worry, Rylie. There will
be more surprises to come. Byeeee, mwa!" Binaba na niya yung phone.

There will be more surprises to come? -___-

DISMISSAL NA! Hindi ko pa nakikita si Justin until now. Si Katy naman, syempre
blockmate ko yun kaya classmate ko siya sa lahat. Si Justin naman kasi, transferee.
Parehas man kami ng degree program, magkaiba naman kami ng courses (subjects) na
kinukuha. Mas advance ako, syempre! Isa pa, never pa naman ako bumagsak. In fact,
DL ako last term. LOL!

Pumunta na ako sa little theater kung saan kami magppractice. Madami dami naman
palang nakapasok na music club aside from sa amin ni Justin. Sila Cheska, Lawrence,
Natasha, atpb. The rest, puro drama guild na. Hmm, nasaan na kaya yung directors?

BTW, yung directors namin are Dr. Ramirez and Dr. Evasco. Professors sila sa school
namin, pero sobrang bongga nila. Si Dr. Evasco, queen of poetry in the Philippines
while si Dr. Ramirez, nakalimutan ko na pero basta, may title din siya. Musical
director din siya. Professionals silang dalawa, as in nagdidirect talaga sila ng
mga stage plays.

Anyway, pinapaalala ko lang na musical play ang gagawin namin. Maglalaban ang top
10 schools sa Philippines. Ngayon nga pala malalaman kung kailan kami magpeperform.
Woo shet, kinakabahan ako. Ba't ba kasi ako yung lead role? -__-
Teka, wala pa talaga si Justin. Lumabas nga muna ako...

Pag labas ko, nandoon na naman si Kent, nakasandal sa wall. Baka ito na yung tamang
time para kausapin ko siya.

"Uhmm Kent?" Sabi ko, pero parang ineexpect ulit niya na makikita niya ako.
Inaabangan ba niya ako? Hayyy bakit ba kasi ang mysterious niya eh.

"Rylie, you deserve to know the truth," He said habang inaabot yung dalawang maliit
na cards.

"W-what do you mean?" Kinuha ko yung dalawang maliit na cards. Para silang calling
cards, "Ano 'to Kent?" I asked.

"Contact them. I know you badly want to know the truth. Ikaw ng bahala," He said
while his hands are inside his pockets. After niyang sabihin yun, he already walked
away.

Pero nagulat ako kasi tumalikod siya at, "Sorry nga pala." Sabi niya at tuluyan ng
umalis.

Tiningnan ko... CALLING CARDS NGA! >:o

Pero... Ughhhhhhhh nagugutom na ko. Hindi pa pala ako kumakain since morning! Hindi
pa ako nagbbreakfast and lunch. Anong oras na ba? Magsisix na!

Dumating na si Justin ng nakangisi. WTF?!

"Hinihintay mo ba ko?" Sabi niya na parang wala lang.

"Asa pa. Tara na sa loob."


"Hinihintay nga," He whispered, kaya humarap ako sa kanya.

"ANONG SABI MO?"

"Wala," Nakangiti lang siya. "Sabi ko namiss kita."

Huhuhuhuhu yan na naman siya pls.

"Naks naman!" May nagsalita sa likod ko. Si Lawrence pala, kasama si Cheska. Hmm,
napapansin ko lagi na silang magkasamang dalawa ha? Ehem ehem.

"Sabi na nga ba bagay kayo boss eh," Sabi naman ni Cheska. She calls me boss kahit
mas boss siya sa akin. She's the VP of DSG. Eh ako? Stage manager lang naman. Haha!
Though halos lahat naman ng tao sa Marketing org and DSG, tinatawag akong boss.
LOL, ewan ko din kung bakit.

"Oo nga Ry, bagay kayo," Sabi ni Kent. Si Justin naman, poker face! Pero tingnan
niyo, mamaya lang, lolokohin na niya ako. My gas! Hahahaha!

Pumasok na kami sa loob at dumating na din yung directors. Compared sa members ng


drama guild na nandito, mas madami sila than us. Anyway, una, nagpakilala yung mga
directors. Pangalawa, nagpakilala kami. Pangatlo, sabi ng mga directors, sa
December yung play namin, bago mag end ng term. OMG! Sabay pa sa finals namin? -__-
Pang apat, konting workshop. Panglima, binigay yung sched and nag bigay din sila ng
advice.

Last but not the least...

"Jamilah..."

Sino pa nga ba ang tumatawag sa akin ng ganyan bukod sa parents ko?

"Bakit, TYLER?" I asked sarcastically,

He smiled, "I need you to come with me."


"HUUUH?" ANONG MERON NA NAMAN?

"Please?" He's still smiling.

Seryoso, ano bang meron talaga? LOL!


####################################
CHAPTER THIRTY THREE
####################################

CHAPTER THIRTY THREE

"Nasisiraan ka na ba ng bait, Justin? Seryoso? Gabi na! Papagalitan ako nila mama,"
I said, konti na lang naman yung mga tao pero may mga tao pa din. Huhu, labo.

"No, Ry. Pumayag na nga parents and sister mo na sumama ka sa akin ngayon, ikaw na
lang hinihintay ko"

"WHAT?! P-paano?" -________-

"Basta, diskarte ko na yun. Don't spoil the fun."

"Anong fun fun pinagsasabi mo diyan? Saan ba kasi tayo pupunta?" I asked, pero
mukhang naffrustrate na siya.

He sighed, "Then I have no choice." Pagkasabi niya nun, binuhat niya ako. Bridal
carry pa kaya nagtilian mga tao na nakakita sa amin including Chesk. NAKAKAHIYA!

"Justiiiiiiiiiiiiiiiiiin!" I shouted. Ngayon lang pala niya ulit ako nabuhat after
9182349642 years. Hahaha! Highschool pa yung last eh, I forgot na. Hmm.

"Shut up," He said, pero malikot pa din ako. Nakakahiya kaya!

Pagdating namin sa car niya, nakacross lang yung arms ko with my chest. Bahala
siya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" I asked.

He looked at me, "Ang ingay mo." At tumingin na ulit sa dinadaan niya. Define
bastos!

I sighed heavily, "FINE."

Wait lang, wait! Bakit papunta ata 'to sa bahay namin?

Tatanungin ko sana siya pero nakita ko siyang nagtetext. Nakangiti pa ha! "HOY!
Don't text while driving, ayoko pa mamatay."

Lalo siyang ngumiti, "Selos." He said that ng hindi nakatingin sa akin. UGHHHH!
Bahala nga siya sa buhay niyaaaaaaaa. After ilang minutes, hininto na niya yung
car.

"Let's go?"

"Wait lang, bahay namin 'to ah?"

"Oo nga, tara na. Baba na," He smiled.

ANO BA YAN! Akala ko ba may pupuntahan kami? Eh di sana hindi na pala ako
nagpabuhat kanina. May pa I need you to come with me pa siyang nalalaman eh
ihahatid lang pala niya ako sa bahay. Hayy bastos talaga. Hindi naman sa umaasa ako
ah? Pero... NVM. Hahahahaha!

Pag pasok namin sa bahay, wala na namang tao. (Oo, NAMIN talaga! I didn't ask him
to go inside. Siya yung nag tuluy tuloy! Mas nauna pa nga siya pumasok sa akin
pagkaopen na pagkaopen ni ate Inday ng gate. Naka-smile tuloy si ate)

"Ate, nasaan sila mama?" Tanong ko.


"Ah nasa-"

"Shhhh," Sabi ni Justin at hinawakan yung kamay ko. Nag lakad kami papuntang dining
room. Bad trip. Para akong aso na dinadala dala niya lang kung kailan niya gusto.
UGH!

Pag dating ng dining room...

"WHAT THE?!" Parang naka-glue yung paa ko sa floor. Ano 'to? Birthday ko ba? Ang
daming pagkain tapos nandito sila mama, papa, and achi Nagtatawanan sila pero
natigil noong dumating ako.

"Hi, Tyler!" Bati ni Achi. Oo, nakiki-Tyler kasi siya, remember? Haha!

"Uhmm ano po 'to?" Tanong ko sa kanila.

Sabay sabay naman silang nag shrug. Sabi ni mama, "Umupo ka na, Jamilah."

Justin whispered, "Upo na tayo, Jamilah." Nakangiti lang siya. Huhuhu! Naguguluhan
kasi ako, ano ba!

Umupo na lang ako kahit naguguluhan ng sobra.

"Ano 'to, Justin?" Tanong ko sa kanya.

"RYLIE!!! Don't ask na nga. Be thankful na lang kay Tyler no! Magkatext nga kami
earlier, ang kulit kulit mo daw. Ayaw mo pa sumama! Tss. Magpapaalam lang naman
kasi siya sa amin kung pwede siya manligaw ulit," Achi grinned. So kanina, noong
nagtetext siya, si Achi yung katext niya?

"WHAT???"

"Yes, Rylie. In fact, siya yung nag luto ng lahat ng 'to. Diba favorite mo 'tong
lahat? Tss. Kaya ikaw, shut up ka na lang diyan." Tingnan mo 'to, kung
makapagsalita, parang mas kapatid pa si Justin kaysa sa akin.

"Kaya ba nawala ka kanina sa school?" Tanong ko kay Justin.

"Yeah."

Habang kumakain, iniinterview nila mama kami ni Justin. Ano daw ba nangyari? NO
COMMENT. Bakit daw kami nag break? EH HINDI NGA NAGING KAMI EH. Kailan pa daw ba
nanliligaw si Justin? Ang sagot naman ni Justin, matagal tagal na. After the
hospital incident, mga 1 month or 2 weeks ago. ASA! Hindi ko siya pinayagan
manligaw eh!!!

At ang pamatay na tanonggggg...

"Why are you gonna court our daughter again? Tumigil ka na dati, diba? Bakit ka
bumabalik ngayon?"

"First of all, ma'am and sir. I've never stopped loving your daughter, believe it
or not. I wanna take her back, because I want to prove how much I love her. Mahirap
paniwalaan, pero yun po yung totoo. Kahit hindi niya ako pabalikin, babalik at
babalik pa din ako. 2 years... I tried to move on. To be honest, I've had few
flings, pero during and after 2 years? Siya pa din. Like what I said to her, ngayon
pa ba ako susuko?" He paused and slightly shook his head, "Not a chance."

OKAAAAAAAAAAAAAY!

Nakakainis! Tuwang tuwa sa kanya sila mama at papa. Lalo na si Achi! Kinamusta pa
nga ni mama and papa yung mom and dad ni Justin. Si Achi naman, kinamusta sila
Janine at Jenine. Nagulat nga ako eh. Kaaway niya kasi si Janine, diba? Haha!

Kakauwi lang pala from states nila tito and tita. Si Janine naman and Jenine, nasa
bahay. Top 1 and top 2 pala yung dalawa, sobrang talino. I'm so proouuud! Si
Janine, after manalo sa art contest, tinuluy tuloy na niya mag paint. Haha!
Puntahan ko nga sila bukas.

After namin kumain, nagpaalam na si Justin. Nag bye na din kami. Habang nag-
gugoodbye ako, binatukan ako ni Achi.
"Ouch. What was that fooor?" I asked, habang hawak hawak batok ko. BAKIT BA LAHAT
NG TAO, BINABATUKAN AKO? BAD TRIP AH! -__-

"Hoy, hinatid ka niya, he cooked dinner for us, and talked to our parents para
ligawan ka. Konti na lang yung mga lalaking ganyan."

"Tapoooos?"

"Hayy so insensitive. He did those things tapos ihahatid mo lang siya sa labas, di
mo pa magawa?! KAPATID BA TALAGA KITA?"

Mama, papa, Justin, and Ate Inday laughed. Bakit sila ganyan? Huhu!

"Ang daming sinabi! Yun lang pala. Oo na po, hahatid ko na po siya sa labas. Tara
na nga, TYLER!" I said tapos nag lakad na papunta sa labas.

Noong nasa labas na kami, "Justin..."

"Sorry..."

"HUH?"

"Sorry kasi diba sabi mo, wag muna?"

"No, hindi naman yun sasabihin ko. Gusto ko kasing mag thank you... Alam mo bang
ngayon lang ulit kaming lahat nag sabay kumain?" Naka-smile lang ako. Sa sobrang
smile ko, naiiyak na ko. Na-miss ko 'to. Na-miss ko magkaroon ng complete family.

He kissed my forehead while wiping my tears and hugged me, "I know."

"Lahat kasi, sobrang busy na. Laging wala sa bahay. Sila mama at papa naman, ngayon
lang nagkaayos. To be honest, inis na inis pa din ako kay Papa. Pero dad ko siya
eh. Mahal ko siya, mahal siya ni mama."
"Jamilah..." Umalis siya sa hug at tiningnan ako.

I wiped my tears, "Sorry, ang drama."

"No, it's okay. Mas okay nga 'to. At least nalabas mo na, diba? Rylie, you're still
Rylie. Kahit gaano kasakit, ayaw mong malaman ng tao nafifeel mo. Ayaw mong maging
pabigat. Pero Rylie, I'm here. I'm always here para pakinggan ka. Mahal na mahal
kita."

Gusto ko din sabihin na mahal ko siya, pero wag muna ngayon please? Diba nga sabi
ko, pag nahanap ko na yung proof, kahit ako pa mismo manligaw sa kanya? Pero pag
nahanap ko yung proof, lalo akong mahihiya. Ang dami niyang ginawa para sa akin
tapos ako, iniwan ko lang siya?

Hayy. Gusto ko na din batukan sarili ko. Ang sarap ko i-untog sa pader.
####################################
CHAPTER THIRTY FOUR
####################################

CHAPTER THIRTY FOUR

"Ate Ry, na-miss ka talaga namiiiiiiiiin!" Sabi ni Janine.

"Oo nga po ate," Sabi naman ni Jenine.

Oo, nandito ako sa bahay nila Janine at Jenine. And yes, nandito din mommy ni
Justin. And yes, nandito din si Justin. Pumunta ako dito after ng class. Nandito
lang naman talaga ako for Janine and Jenine kasi I promised them na babalik ako
pero hindi ako nakabalik agad. Buti nga hindi sila nagagalit sa akin. BTW, dinalan
ko din sila ng Mcdo para masaya.

After namin mag bonding na tatlo, tinawag naman ako nila Tita.

"Anak, halika may papakita ako sayo," Nakangiti siya noong sinabi niya yun sa akin.
Kamukha niya si Justin pero mas kamukha ni Justin yung dad niya. Yung kambal naman,
mas kamukha si Tita.
"Ano po yun, tita?" I smiled din and umupo sa sofa, tabi ni Tita.

May hawak hawak siyang malaking photo album, nilipat sa 3rd page, at pinakita sa
akin. Nagulat ako kasi buong page, pictures namin ni Justin noong bata pa kami.
Grabeeee! Ang pangit ko talaga noong bata ako. Si Justin naman, super taba!

Natawa kaming dalawa ni Tita Carmina, "Tingnan mo ija, bata pa lang kayo ni Justin
sobrang close niyo na. Akala ko nga never kayo magkakahiwalay."

"Kailangan ko po kasi talagang lumipat ng ibang school that time due to a family
problem. Ayoko din po talagang lumipat sana pero wala naman po akong magagawa," I
smiled sadly.

"Naiintindihan ko anak," She held my hands and smiled. "Alam mo bang naging close
din kami ng parents mo dahil sa inyong dalawa? Pero after mong lumipat ng school,
wala na din kaming balita sa kanila. Kaya kung malungkot si Justin, syempre
malungkot din kami." Tumawa siya ng konti. Ang hinhin ni Tita pero ang kulit.
Cutie! Hahaha!

"Pero wala pa din tatalo sa lungkot ng anak ko na yun. May oras, ayaw niyang
kumain. Pag tinanong naman namin kung bakit, ang sasabihin lang niya, gusto ka
niyang kasamang kumain. May ilang beses pa, habang natutulog siya, bigla na lang
siyang umiiyak. Gigisingin namin siya tapos puro TJ ang lalabas sa bibig niya. Lagi
ka niyang hinahanap. Ikaw lang ang kaibigan niya eh, kayong dalawa lang ang mag
kasama. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya ganun. Buti nga mabait na bata si
Christian. Lagi siyang nandiyan kahit di siya kinakausap ni Justin."

Wala akong masabi. Bakit ganito? Bata pa naman kami nun eh pero ang sakit. Ang
sakit malaman na nagkakaganoon siya ng dahil sa akin.

"Kaso last last year and last year, nakikita ko naman yung Justin na yun. Dahil sa
kanya, lagi kaming umuuwi from States. Akala namin, siya ang magaalaga sa mga
kapatid niya, pero kabaliktaran pa ang nangyari. Ayaw niyang kumain pero pag
tinanong siya kung bakit, wala siyang sasabihin. Palagi siyang nasa labas. Minsan
pa nga, uuwi siya with bruises and wounds. Pag tinanong naman namin kung saan
galing yun, iiling lang siya at didiresto ng kwarto. Lumala ng lumala hanggang sa
halos araw araw, naglalasing siya. Hindi na nga namin kinaya ng Tito Jimmy mo kaya
we got mad and transferred him sa ibang school. Hindi nag tagal, naging okay na
siya. Pero alam mo ba-"

"MA!" Sigaw ni Justin, nasa stairs siya. Nag lakad siya papunta sa amin. Hindi ko
siya kayang tingnan, "Ano na naman kinikwento mo kay Rylie?"

"Hehehe wala. Tingnan mo yung pictures niyo ng bata pa kayo oh," Inabot ni Tita
yung photo album kay Justin. Kinuha naman 'to ni Justin.

"Bakit ngayon ko lang 'to nakita?" Tanong ni Justin.

"Aba, hindi ko alam sa'yo. Basta matagal na yan diyan."

After namin mag-usap usap, kumain na kami. Dapat uuwi na ako kaso si Tita, ayaw
papigil. Hintayin daw namin si Tito Jimmy galing work. LOL! Ihahatid naman daw ako
ni Justin. Si Justin naman, pumapalakpak yung tenga. Tssss.

Pagkahatid niya sa akin sa bahay, he texted me agad. Nag thank you siya kaya nag
welcome ako. Hahahahaha! Ang abnormal ko talaga.

Bzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzzt.

"JAMILAH RYLIE HAOOOOOOO, OMGGGGGGGG!"

"Bakit, Aisha?!"

"Wala lang. Kasi ano. KINIKILIG AKO! OMG! I heard, nanliligaw ulit si Justin ah?"
She squealed. Sobrang hyper naman niya. Nasaan kaya si Baby Ryan?

"Wala eh, no choice."

"Sus, gusto mo naman eh. Pakipot ka pa din until now, nakakainis!" Tumawa siya.
Ako, hindi natatawa. Bastos talaga! Mag pinsan nga silang dalawa ni Justin! -___-

"Tara, date tayong tatlo bukas!" Bakit ba ang daming nagaaya sa aming dalawa? Una,
si Katy. Pangalawa, si Aisha. Bakit ba? More than one is many! Hahaha! Sana gets
niyo yung joke ko. Huhuhuhu!
"Hindi pwede eh, may practice kami everyday para sa school play. Plus, madaming
pinapagawa mga profs. VP din ako ng Marketing org, remember? Madami talagang
ginawa. Ikaw, hindi ka ba college student? Ba't parang ang chill mo? Ha?"

"Hoy, Rylie. Grabe ka naman! Busy din ako no. I have Ryan na, remember? Madami din
pinapagawa profs namin pero chill lang talaga ako. Bakit ba, talino ko kaya!"

"Ikaw na talaga," I laughed. "Uhmm ganito na lang. Punta ka dito sa bahay on


Sunday, papatabain ka namin. Dali! Sama mo si Ryan."

"Hindi pwede, Ry. Family day din namin. Haha! Si mama, papa, ako, and Ryan. Next
week na nga lang! BYE!" Hindi pa ako nakaka-bye pero binaba na niya yung phone.
Aww, sobrang happy ako for Aish. Dati kasi, tambay siya sa bahay namin kasi wala
lagi yung parents niya. Pero simula noong dumating si Ryan, sobrang madalang na
lang pumunta parents niya sa States. Lagi silang nagfafamily bonding.

Ever since kasi, gusto talaga ng parents ni Aisha ng lalaki kaso hindi na sila
binigyan ni Lord ng isa pang anak. Mayaman kasi sila Aisha and madami silang
business, kung saan saan, kaya lagi silang nasa states. Kaya si Aisha, kami nila
Achi, mama, and papa ang naging family niya habang nasa ibang bansa parents niya.

Kiniwento nga din pala sa akin ni Aisha na noong buntis siya, nandoon lang yung
parents niya for her. Noong nabuntis siya, doon lang niya na-feel na super love
siya ng parents niya.

OKAY, TAMA NA! Mag-aaral na ako at matutulog. Gute natch!

Sumunod ang mga araw pero ang pasaway ni Justin. Ginagawa na naman niya sa akin
yung mga ginawa niya sa akin noong highschool. Pero mas malala ata ngayon? Everyday
niya ako hinahatid sundo tapos laging may flowers pag pasok ko sa car. Pag may file
case din akong dala and madami akong bitbit, kukunin niya.

"KAYA KO NA KASI! Magaan lang naman eh," Sabi ko.

"Please? Hanggang sa labas lang," Sabi naman niya kaya binigay ko na.
"Oh ayan na nga, grabe ka talaga!" Nag lakad na kami. As usual, madaming
tumitingin. Siguro kasi hindi bagay sa kanya magbitbit. Feeling siguro ng iba,
inaalila ko siya. Hay nakooo!

Noong Saturday, nag date nga kaming apat. Bumaliktad nga yung situation kasi kung
dati, sila Katy and Dylan yung away ng away. Ngayon naman, kaming dalawa ni Justin.

"Uy Ry, wag mo naman masyadong awayin si Justin. Kawawa naman eh," Sabi ni Katy.
Akala ko ba kakampi ko siya? Huhu!

"Oo na nga, I'll try."

"Sabi mo yan ah?" Siniko pa niya ako. Nag fake smile naman ako at tumango na lang.
Wala na ba talaga akong kakampi? Me na lang against the world?

Hmm, nasaan kaya si Josh? Siya for sure yung kakampi ko eh. Bakit kaya hindi na
siya nagpaparamdam? Ayoko pa siya kausapin kasi natatakot ako pero namimiss ko na
ang guy bestfriend ko.

I-text ko kaya?

Speaking of, nag text siya.

Josh: Ry, let's talk?

"Sino ka-text mo?" Justin asked.

"Uhmm wala."

Yup, hindi ko nireplyan si Josh. Gusto ko siyang kausapin pero ayoko!!! Ang labo
ba? Sorry na. Ang hirap kasi eh, you know.

MONDAY NA ULIT!
"Rylie, someone's looking for you outside," Sabi ng blockmate ko. Hindi ko na
tinanong kung sino, lumabas na lang ako. Sino naman maghahanap sa akin eh si Katy
and Justin, classmates ko. Si Aisha naman, busy yun. Si Josh kaya?

Pag labas ko...

"U-uy Kent, bakit?" I asked.

"Have you contacted them yet?"

"Hindi pa eh."

"Rylie, this would be my last time saying this: Contact them. Gusto mo malaman yung
totoo, diba? Contact them," Sabi niya at umalis na.

Hayyyy Kent, why so mysterious?

A/N: UULITIN KO, HINDI PO AKO ROBOT. HUHUHUHUHU! Pero nag update na ako para wala
ng magtatanong. Haha! Dahil nag update na po ako ngayon, baka I won't update na sa
weekend. Thank you! :3
####################################
CHAPTER THIRTY FIVE
####################################

CHAPTER THIRTY FIVE

Saan ko na nga ba nilagay yung calling cards? Geez! Sobrang makakalimutin ko pa


din. Ughhh! Anyway, naglalakad ako ngayon sa labas ng school habang hinahanap ko sa
bag ko yung calling cards na binigay ni Kent.

Hinahanap niyo na naman si Justin no? Wala! Hindi ko din alam kung nasaan.

"Aww sht butiki," Nagulat ako! Ayan kasi Rylie eh, hindi tumitingin sa dinadaanan.
Nalaglag ko tuloy bag ko. Pinulot ko yung ibang gamit ko pa na nalaglag at pinasok
sa loob ng bag ko.
Pag tingala ko, nakatingin lang sa akin yung babae, "Excuse me? Are you Jamilah
Hao?"

Inayos ko yung bag ko at tumayo na. Nilagay ko na din sa shoulder ko...

"Yes, why?" I asked. "Sorry nga pala kasi hindi ako tumitingin sa-"

Sinampal niya ako!

'WHAT THE FU- What was the for?" What the?! Anong problema ng babaeng 'to? Ni hindi
ko nga siya kilala. Seryoso, ngayon ko lang siya nakita sa buong buhay ko! Maganda
siya, though. Hot din! Mataas yung heels niya, naka-dress siya na maiksi, and
makapal yung make-up pero she's pretty. Red lipstick pa nga eh.

Tiningnan niya ako ng mataray, "You're a slut."

"What did I ever do to you?" I asked, medyo nakatingala. Ang liit ko kasi!

"You broke Justin's heart because of another guy and now, you're flirting with him
again? Excuse me, miss, but he's not your pet. You're such a lucky girl, you know
that? Ang daming nagkakagusto sa kanya. I even broke up with my boyfriend kasi
akala ko kami na, rebound lang pala. Nakakainis ka! I really hate you," Sinampal
niya ulit ako. She's crying again. Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis.

"Miss, stop slapping me. Makukuha mo ba siya kung sasampalin mo ako? I don't know
you, and I bet, you don't even know me. You don't know anything! I have to go,
bye," Nag lakad ako pero hinawakan niya yung braso ko.

"Wait, hindi pa tayo tapos."

"Ano pa? Ano pa ba sasabihin mo?" Inalis ko yung braso ko sa pagkakahawak niya.

"Madaming nagkakagusto sa kanya, pero madami ring may galit sa kanya. Kaya ako
nandito hindi lang para sampalin ka, but also to warn you. Sa school namin, I mean,
sa school niya dati, he was one of the top playboys. Oo nga tahimik siya pero pag
nilandi siya, lalandiin din niya kahit may boyfriend na yung nilalandi niya. He was
one of the jerks! So kung may umaway man sa kanya, wag ka ng magulat. Just... Just
take care of him," She said at umalis na.

Tanginaaa, ano bang ginawa ko kay Justin? Totoo nga yung sinabi niya, totoo nga
yung sinabi ng mommy niya. What did I do to him? Paano pag may nangyaring masama sa
kanya?

I called Justin...

"Napatawag ka? Miss me?" Ang yabang talaga!

"Where are you?" Tanong ko.

"Nasa puso mo."

"JUSTIN, I'M SERIOUS!"

"Wala, may ginagawa lang. Sige na, bye! Will call you later, okay? I love you,"
Sabi niya at binaba na yung phone.

Justin, may tinatago ka ba sa akin? May nangaaway pa ba sayo? Nangchichix ka pa din


ba? Pinaglalaruan mo pa din ba sila? May iba ka na bang mahal? Na-trauma ka ba sa
akin? Hindi ko na alam gagawin o iisipin ko. Paano kung nililigawan lang niya ako
kasi gusto niyang mag higanti? Pero paano kung may problema siya, ayaw niya lang
sabihin? Ughhh, nakakabobo mag-isip.

Ang problema kasi, I'm always over thinking. Tama sila eh! Lagi akong nagcoconclude
kahit hindi ko pa naman napapatunayan.

Ughhh. I need to find the calling cards na...

Ah, alam ko na! Nilabas ko yung notebook ko at chineck yung mga pages. OMG! Sabi ko
na nga ba nilagay ko yun dito eh.
Tiningnan ko yung calling cards...

Alexa

0916-***-****

Selena

0927-***-****

Nag inhale exhale ako. Grabe, bakit ako kinakabahan?

I called Selena first...

"Yes? Who's this?" After 2 years, narinig ko na naman boses ni Selena. Bumalik na
naman sa akin lahat lahat. Pero this time? Hindi na ako masyadong nasasaktan.
Siguro dahil may tiwala na ako kay Justin? Siguro dahil alam kong minahal at mahal
niya ako? Siguro dahil alam kong cinut lang yung video?

Prooooof, where are youuuuu? Magpakita ka na please! Magpakita ka na para isasaksak


ko na sa pagmumukha ng mga lumoko sa amin yung video. Para this time, ako naman ang
magtatanggol sa kanya. Para maging kami na...

Para hindi na din ako ma-paranoid...

"Selena, this is Rylie. We need to talk," Kung si Selena yung nag cut ng video,
bakit naman niya yun gagawin?

"Ohh Rylie, long time no talk. Sure, where and when?"

"Uhmm, basta I'll text you na lang. Are you available tomorrow?"

"Sorry Ry, I'll be pretty busy tomorrow. What do you want to talk about ba? And how
are you na pala?" She said, parang may something with her voice. Para siyang...
concern? Pero bakit naman?
"How about now?" I asked. Hindi ko na kayang patagalin pa 'to.

"Hindi naman ako busy now, pero I have to be in class na in a while. Mga 1 hour and
30 minutes pa ata? I'm alone naman ngayon eh."

"Okay," I sighed. "Selena, do you remember the video you've shown me 2 years ago?"
Imposibleng hindi niya maalala yun!

Pumasok ako sa Mcdo near school at umupo...

"Yes. Ano meron, Rylie? Bakit mo 'to binabalik?"

"Kasi... Basta! Sino kumuha ng video? Sino nag bigay sayo nun?" I asked her
directly.

"Nakalimutan ko na kasi yung pangalan Rylie..."

"Please Selena, alalahin mo! Please?"

"Hindi ko talaga maalala pangalan niya, Rylie. As much as I want to remember, hindi
ko na talaga maalala. Sorry, Rylie."

"Err okay. Pero may naaalala ka bang Alexa?" I asked.

"Ah oo!!! I know her kaso by name lang. Siya yung nag attempt mag suicide, diba?"

BULL! Bakit hindi ko naisip yun?! She attempted suicide!!! Bakit naman siya
magaattempt ng suicide kung okay sila ni Justin, diba?

AYOKO NA MAG-ISIP! Pero investigator ako, diba? Ginusto ko 'to! Ano bang nangyayari
kasi?! Nababaliw na ako. Ang dami kong tanong at sa sobrang daming tanong, feeling
ko pag kinausap ko na yung tatanungin ko, wala na akong matatanong. HUH???
Tawagan ko na lang nga si Alexa. Ay, joke lang. Wait pala muna! May tumatawag pa...

Bzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzzt.

Justin Dela Cruz Calling...

"Oh?" Sagot ko, halatang stressed.

"Oh, ano nangyari sayo? Where are you?" He sounds concerned.

"Walaaaa! NASAAN KA BA?" Fakkk, bakit ang init ng ulo ko? Sabi ko Katy itatry kong
wag na siyang awayin eh. Pero wag kayo! Everytime na nag-aaway kami, may binibigay
siyang something. Oo na, kinikilig na ako. Huhuhuhuhu!

"Pabalik na ng school. Ikaw, nasaan?"

"Mcdo, bakit?"

"Pupuntahan kita, wait lang. Lapit na ko. I love you, Jamilah," He hang up the
phone. Hindi man lang ako nakapagsalita. Noice! Sabagay, wala din akong sasabihin.

After 5 minutes, dumating si Justin. Tengene!!! Bakit ganyan yung entrance niya?
Grand entrance eh mcdo lang naman! Naka-serious face siya tapos parang may
hinahanap. Hindi ba niya napapansin yung mga babaeng nakatingin sa kanya na parang
kinikilig?

Noong nakita na niya ako, para siyang natuwa at medyo tumakbo papunta sa akin.
Medyo pawis pa tapos ang bango bango bango bango bangooooo!!!

"Nandiyan ka lang pala, di mo man lang ako tinawag?" He said.

"Wala lang. Hehehe!" Nakita niya kasi ako na mukhang kanina pa nakatingin sa kanya.
Haha! Sorry na, na-carried away eh.
Teka, parang may tinatago siya sa likod niya. Hmm?

"Ano yan?" Tanong ko. "May tinatago ka no?" I gave him my suspicious look.

He slightly smiled at binigay sa akin yung paper bag.

"Uhmm, ano 'to?" I asked curiously.

"Just open it, Rylie," Seryosong sabi niya.

Binuksan ko yung paper bag tapos pag tingin ko...

SPEECHLESS! Puro favorite food ko yung nandito. Lahat strawberries!!! Huhuhuhuhu!


Tapos may letter din pala. Mabangong paper pa yung gamit. OMG! First time may
gumawa sa akin nito. Sorry pero hindi pa din nagbabago pagmamahal ko sa
strawberries kahit anong mangyari.

"P-para saan 'to?" Tanong ko.

"I'm not Justin Tyler Dela Cruz for nothing, Ry. Sorry I kept you waiting. Alam ko
naman na na-miss mo ako agad," He said so tingingnan ko siya ng masama. "JOKE!" He
added kaya nag pout ako. Gusto kong tumawa. Haha!

"Thank you, Justin. I appreciate this," I smiled shyly.

Siya din, he smiled shyly, "Anything for you, Ry. I love you, please always
remember that," He said. Speechless na naman ako!!! "Kumain ka na ba?" Umupo siya.

"H-ha? Ah ano, o-oo!" Sagot ko. The truth is, hindi pa talaga. Busy ako mag hanap
ng ebidensya para sa kanya. I love him, pero hindi ko muna sasabihin sa kanya. Not
now. Not unless kaya ko ng patunayan katulad ng ginagawa niya sa akin.

It's not the materials he's giving eh, but the thought of him, giving and doing
these things to make me happy. To think na, yeah, he's Justin Tyler Dela Cruz, the
most perfect imperfect guy I've ever met. His efforts and patience? Hands down eh!
Aminado naman kasi akong sira talaga ulo ko. Pasaway din minsan at madalas, hindi
nakikinig pero siya? Kaya niyang tiisin yun. Kaya nga wala pa mang proof, nagguilty
na ko. Sorry Justin, sorry talaga. Promise, babawi ako soon! Promise yan, mamatay
man!

"Ilang beses ko na bang sinasabi na you're a bad liar? Hindi ka pa nagbbreakfast at


lunch no?" Sabi na naman niya. Deads ako!

"H-ha?"

He sighed, "I knew it. Jamilah, ang payat payat mo na. Kumain ka nga! Wait, oorder
lang ako ng food natin. Diyan ka lang." Tumayo siya at pumila na.

Pag balik niya, ang dami niyang dalang pagkain!

"ANO KA BA! DALAWA LANG TAYO PERO YUNG PAGKAIN NA INORDER MO, PANG LIMA?" Sabi ko,
gulat na gulat sa inorder niya. Paano ba naman kasi, tatlong large fries, dalawang
6 pcs nuggets with rice, dalawang large burger, and dalawang large coke. Nag order
din siya ng strawberry sundae. Baka naman lusaw na yung icecream, hindi pa din ubos
yung pagkain ko? :o

"Pwede po bang pakihinaan yung boses natin? Medyo madami po kasing nakatingin,"
Sabi niya na gulat pa din sa pag sigaw ko. Kasi naman, ang dami. Haha!

"Ang dami naman kasi," Bulong ko.

"Ano ka ba, konti pa nga yan. Naalala mo noong fourth year? Nag tae ka sa sobrang-"

"SHHHHHHHHHH! Kain na tayo," Sabi ko, pabulong pa din. Ingay kasi! Kailangan pa ba
sabihin yun? LOL!

He smiled, "Good."

Don't worry, Justin, malapit na. Mamaya na mamaya din, itetext ko na si Alexa.
Hinding hindi ako matatakot sa kanya at sa iba pang babae. Sana kasi naging pangit
ka na lang eh!
####################################
CHAPTER THIRTY SIX
####################################

A/N: Ni hao! Thank you po sa mga nagmemessage sa akin here on watty and even on
facebook and twitter. Thanks din sa mga nagcocomment and nagpopost sa wall ko, dito
man or sa iba pang social networks. I appreciate all of you guys, I swear!!! Sorry
kasi hindi ko narereplyan yung iba. Pag may time naman po ako, nagrereply po ako.
Sorryyyy.

Pagkahatid na pagkahatid sa akin ni Justin sa bahay, sobrang drained ko. Madami


kaya talagang kaaway si Justin sa ibang school? Hindi pa din ako makapaniwala.
Noong highschool kasi, lalaban man siya, pero with class.

Napapatigil niya yung mga nangaaway sa kanya using his smart mouth, not his fists.
Pero anong nangyari? Bakit sabi ni Tita Carmina, everytime na uuwi siya ng bahay,
minsan may bruises and wounds siya? Bakit sabi ng babae sa akin kanina, ang dami
niyang kaaway?

I sighed and texted Selena.

To: 0916*******

Alexa, we need to talk, whether you like it or not. -Rylie

Dumapa ako sa bed ko. Nakaboxer shorts, hoodie, and naka-bun ulit ako. Sorry na,
ang comfortable kasi ng ganito. LOL! Bakit ba ako napunta sa night outfit ko? Ang
abnormal ko talaga! Anyway, hindi pa din nagrereply si Alexa.

While waiting, biglang pumasok si Achi sa room ko.

"Uso talagang talaga kumatok?"

She laughed, "Uso kasi mag lock minsan." Naglakad siya at umupo papunta sa beanbag
ko. LOL! Wala kasi siyang beanbag sa room niya. Haha!

"Hindi nga pwede, alam mo naman kung bakit diba?"


"Yeah, may multo or whatever. Anyway, this isn't the reason why I'm here," She
paused. "I'm here para mag confess, since our sister code stated that we shouldn't
have any secrets."

"Daming alam please," I laughed. "Ano ba yun, achi? May boyfriend ka na nooo?"

"Yeah."

Bzzzzzzt. Bzzzzzt.

Nag viabrate phone ko. Kahit gusto kong tingnan, hindi pwede kasi nagkikwento si
Achi.

"I knew it! Kasi one time, umalis ka tapos sabi ni manang, may sumundo sayong guy.
Sino yan? Kilala ko ba yan?" I asked.

She shook her haid, "Naaah. He's my office mate."

"Bakit ayaw mo ipakilala kila mama? Matanda ka naman na eh."

"You don't get it Rylie, do you? Our parents are expecting so much. Gusto nila,
mayaman o kaya Chinese. Si TYLER, hindi man siya Chinese, mayaman naman sobra. Eh
si Robin ba? He's handsome, mabait, and hard working."

"So sa tingin mo, hindi tatanggapin nila mama yung boyfriend mo?"

"No naman, pero yung expections kasi nila, diba? Gusto nila ng mayaman o kaya naman
Chinese. Si Robin, di naman yun mayaman, pero alam kong yayaman siya. Sobrang
talino kaya nun, ang sipag pa! Kaso, may isa pang problema..."

"Ano na naman?" Nakapatong yung baba ko sa dalawang arms ko.

"Hindi siya katulad ng boyfriend mo na malakas ang loob."


"Correction, hindi ko siya boyfriend and... wait, malakas ba loob nun?"

"Sus, ganun na din yun! Doon na din punta niyo eh. Hatid sundo everyday? Really?"
She chuckled, "Rylie, alam mo minsan hindi lang kita gustong batukan, gusto din
kitang ingudngod sa lupa. Di ka pa din nagbabago, bulag ka pa din! Ry, konti na
lang ngayon yung mga lalaking pupuntahan sa bahay family mo para magpaalam
manligaw.

He even cooked us for dinner. Alam mo kung paano naging malakas loob niya? Kasi
kahit na alam niyang alam namin na nag hiwalay kayo, he still begged us for a
second chance. Akala mo ba pumayag agad kami? No! Sabi namin, depende sayo kung
tatanggapin mo siya. Ilang beses mo ba siya tinaboy? Hindi ko na mabilang, Rylie."

I sighed. Wala akong masabi. Oo na, kasalanan ko na naman.

"Alam ko naman na naappreciate mo efforts niya eh pero Ry, ang tanga mo kung hindi
ka pa din naniniwala na mahal ka niya."

"Maka-tanga ka naman diyan!"

"At hindi din ako tanga, imposibleng nagkasawaan kayo ni Tyler noong highschool.
Sister code, diba? Ngayong medyo okay na kayo, tell me. Why did you two part ways?"

"Achi..."

"Jamilah..."

Nag sigh ulit ako at kiniwento ko na lahat lahat. From the video to me being bitter
about it. Kung bakit kami nag away ni Aisha hanggang sa nag bati kami. Kiniwento ko
na din yung mga nangyayari ngayon. Kiniwento ko halos lahat except yung nangyari sa
amin sa hospital, van, at noong nalasing sila ni Josh. Hehehe!

"Grabe ka! Bakit ngayon ko lang 'to nalaman? I hate you! Rylie, alamin mo kung sino
nag cut ng video. Nakakainis ka talaga! Kapatid kita, hindi naman sa sinisisi kita
kasi hindi mo naman alam, pero the hell?! Playboy pwede pa! Pero ang maging rebelde
dahil iniwan mo siya. SERYOSO, RYLIE? Sobrang tino niya tapos naging gago siya
dahil sayo! Ang tanga tanga tanga mo na talaga kung hindi mo pa nakikitang mahal ka
niya."
"Oo na! Kaya nga katext ko si Alexa ngayon. Makikipagusap na ako, pero dumating ka.
Tingnan mo, late na! Baka tulog na 'to!"

Napatayo siya, "KATEXT MO? OMG! Patingin!!!" Nag lakad siya papunta sa akin tapos
biglang nag vibrate na naman phone ko. Kinuha naman ni achi tapos tiningnan.

"'Good night, Jamilah. I love you.' NUXX NAMAN, RY! Pwedeng mag I love you too?"
She asked, laughing. Baliw talaga! Nakakahiya nakita niya. Huhu!

"NOOOOOO! Balik mo nga sa akin yan," Kinukuha ko pero tinataas niya. Bad trip.

Hawak hawak pa din niya phone ko, "Uy sabi ni Alexa, sure daw. Kailan ka daw
available? Kailangan niyo daw talaga mag-usap!"

"Oo nga, kaya nga akin na yan," Sabi ko kaya binigay naman niya.

"Yan na, sige na good night. Good luck sister!" She kissed my cheeks at umalis na
sa room ko. Nireplyan ko naman si Alexa na bukas kami mag meet pero hindi daw pwede
kasi may imimeet siya tomorrow. Buti gising pa siya! Anyway, sa isang araw na lang
daw.

Kinabukasan...

Hindi ako sinundo ni Justin, pero ayos lang. Hehehe! Pero yung eyes ko! Para akong
panda. Hindi kasi ako makatulog kagabi eh. Pagkadating ko sa school, wala pa din si
Justin. Si Katy naman, kinukulit ako.

"LQ ba kayo ng boypren mo? Ha?"

"Hindi ko siya boyfriend!"

"Weeeeeh?" She laughed. Good morning, Katy!!!


Buong araw wala si Justin sa school, pero nag text naman siya na hindi siya
makakapasok because he's sick. Nasa apartment lang siya. Ay sorry, hindi pala
apartment, bahay talaga. Eh basta ganun na din yun!

"Tingnan mo, may sakit boyfriend mo. Gusto ata ng kiss-pirin at yakapsu-"

"Kaaaaaaaaaaaaaty!"

She laughed, "Oo na! Pero seryoso, visit him later, okay? Kawawa naman."

I nodded, "I will, Katy."

Pagkadismiss na pagkadismiss ng last class ko, bumili ako ng food at nag punta na
sa apartment este bahay nila. Nanibago ako kasi may naka-park na car. Sports car na
pambabae, color red. Fudge, bigla akong kinabahan.

Pag pasok ko, walang tao. Sa isang door, may naririnig akong nagmomoan. Kinabahan
ako lalo! Pero nawala yung kaba ko kasi hindi galing sa dulo yung moan. For sure,
si Jammy na naman yun at ibang babae. Hay salamat!

Anyway, nag lakad pa ako hanggang sa dulo. Bubuksan ko na sana yung room ni Justin,
pero...

"Sorry Justin... Sorry talaga!" Familiar yung boses. Paano ko nga naman
makakalimutan yung boses na yun? I don't know what to react.

"Please get out, Alexa. Let's talk some other time."

Hindi ako makahinga! Let's talk some other time? Meaning, naguusap talaga sila?

"No, Justin. Gusto kong bumawi. Nangyayari sayo 'to dahil sa akin, dahil sa
kagagawan ko. All I wanted was you. I was so selfish! Gusto kong bumawi, but I
don't know how. I'm sorry, Justin. I'm so sorry..." I heard her sob. "Sorry sa
video, sorry sa lahat. Alam kong walang magagawa sorry ko pero-" Hindi siya
pinatapos ni Justin.
Nangyayari kay Justin ang alin? Ano nangyayari kay Justin? Siya nga ang nag cut ng
video? Siya ba? Fck this.

"Alexa, I'm tired. Get out," Nanggigigil ako. I clenched my fists and heard the
door knob open. Hinulog ko yung pagkain na binili ko for Justin.

Pagkalabas ni Alexa ng room, I slapped her. I slapped her really very hard.

"R-R-Rylie?" Nakahawak siya sa face niya. Hindi ka pwedeng maawa, Rylie. Remember
the things she did? Hindi pwede, Rylie. Not now, please.

I slapped her again pero sa kabilang face naman. She slapped me more than once,
tinapunan ng juice sa mall, tinapunan ng tubig sa CR, pinunit diary ko, ninakaw iba
pang gamit ko, at sinira niya kami ni Justin.

"THAT! That was for my important belongings that you ruined, destroyed, wrecked,
and stole and the other one was for Justin. This one would be for my-" Sasampalin
ko na sana siya pero may pumigil sa kamay ko.

"Rylie, tama na," Si Justin.

Nag buntong hininga ako at binaba yung kamay ko. Nanghihina ako. Gusto ko na lang
umiyak ng umiyak.

He hugged me, "Rylie, I'm sorry. Sorry. Sana hindi ka mag-isip ng kung anu ano.
Wala lang 'to." Anong ginawa ko kay Justin? Akala niya, iniisip ko na naman na
nambababae siya. Natrauma na siya sa akin.

Naramdaman kong umalis si Alexa. Ako naman, ayaw tumigil ng luha ko.

I pushed him pero mahina lang and looked at him, "Anong nangyari sayo? Who made
those?" May mga pasa siya at sugat. Sa part ng mukha, jaw lang niya yung may sugat
pero the rest sa braso na at iba pa. Ewan ko na lang siya tiyan niya.

"Hindi ka galit? Wait, why are you here? Nagiging clingy ka na ba?" He chuckled.
Umiyak ako lalo, "B-bwisit *sob* ka! *sob* B-bakit *sob* h-hindi mo agad *sob*-"
Hindi ko natapos sinasabi ko. He hugged me again. "Sorry, Jamilah. Sorry. Sobrang
mahal kita," Lalo pa niyang hinigpitan yakap niya. Feeling ko nga ngayon, sobrang
sakit na ng mga sugat niya eh.

After ng nangyari, pinagpahinga ko na siya at nag hanap ng pagkain sa baba. Hindi


ako marunong mag luto, pero kakayanin ko. Tinext ko si Aisha and Katy kung paano
mag luto ng lugaw. Tinuruan naman nila ako. Bait bait! Conference call pa nga
kaming tatlo eh.

Pagkatapos kong mag luto, winiwish ko na sana hindi fail 'to. Huhu! Madali lang
naman pala mag luto ng lugaw, tamad lang talaga ako. LOL! Kumuha na din ako ng
basin and towel. Now it's my turn to take care of him.

Pagpasok ko ng room niya, he's sleeping already. Pinunasan ko siya using a wet
towel. Grabe, medyo madami talaga siyang sugat at pasa. Pati stomach niya,
pinunasan ko. FYI, kahit nakita ko na siyang walang shirt, hindi ako tumingin.
Pwahaha! I'm just a girl you know, baka ma-tempt lang ako. OKAY, I'M SUPER KIDDING!

After ko siyang punasan, I kissed his forehead bago ko ilagay yung towel sa
forehead niya.

"I love you, too, Tyler. I love you so much, Patrick. 14344, JT.

I kissed his lips as my tears fell on his face.


####################################
CHAPTER THIRTY SEVEN
####################################

I texted Aisha, Katy, Lynne, and Ariza. Inaya ko sila lumabas. Pumayag naman sila
except si Lynne kasi she's grounded. Si Aisha kasi, tulog na daw si Ryan and katabi
ng lolo't lola niya ngayon. Ayaw pakawalan!

Si Katy naman, pinagpaalam ko. May tiwala kasi sa akin si Tita na hindi ko
papabayaan si Katy. BTW, legal na silang dalawa ni Dylan. Lakas niya eh! Everyday,
may pagkain siyang dinadala sa house nila Katy. Si Ariza naman, duuuuh, kahit hindi
na yun magpaalam. Hahaha, seryoso.

Nagpaalam din pala ako kay mama at papa. Noong una, hindi ako pinayagan pero noong
sinabi kong ngayon lang kami magbobonding nila Aisha and Katy, pinayagan naman ako.
Ipapahatid na lang daw ako sa bahay nila Aisha tapos bahala na sila sa akin. Yup,
overnight ako!!!

Pagkadating ko kila Aisha, nandoon na din si Ariza kaya lumabas na kami ng house.
Marunong na nga palang mag drive si Aisha kaya gamit namin yung car ng parents
niya. Nagpaalam naman siya na ako kasama niya so okay lang. Hehe! Sinundo namin si
Katy after at nag pakita sa parents niya tapos pumunta na kami sa bagong bar na
sinuggest ni Ariza.

Pag dating namin sa bar, as usual, madaming tao. Sanay ako sa parties dahil sa
degree program ko, pero hindi ako umiinom. Nasabi ko na ba sa inyo na yung huling
inom ko, 2 years ago pa? Noong time na nageemote ako at na-hospital pa ako dahil
uminom ako ng madami.

Bakit ko nga ba 'to naisipan?

Wala lang. Ayoko ko na kasi mag-isip. Masyado ng madaming nangyayari eh, sobrang
nakakastress na din.

*AISHA'S POINT OF VIEW*

"Table for four," I said.

"Yes, ma'am," Sabi ng waiter at tinuro kung saan yung table namin. Napunta kami sa
pinakagilid na couch.

"I won't drink ah," Sabi ko at nag agree naman sila sa akin kasi ako magdadrive. Oo
nga pala, I'm the only single mom here. Kasalanan mo 'to Drei eh. Minahal kita ng
sobra sobra pero ginago mo din ako ng sobra sobra. Pero thank you na din dahil kung
hindi dahil sayo, wala si Ryan kaya nevermind. Basta promise, pag laki ni Ryan,
hindi siya magiging katulad mo.

As if naman naririnig ako ni Drei. LOL!

"Uy Rylie, dahan dahan lang!!!" Pagkabigay kasi na pagkabigay ng tower, nag lagay
agad siya sa shot glass at ininom. Hindi man lang nakipag-cheers. BTW, magkatabi
ako at Ariza tapos si Katy at Rylie. Katapat ko si Rylie at katapat naman ni Ariza
si Katy. Kanina pa nga nagtatalo yung dalawa na yan. Madaldal kasi si Katy, eh ayaw
ni Ariza ng maingay. Haha!
"Sabik na sabik lang sa alak, girl?" Sabi naman ni Katy sa kanya na nakatulala kaya
natawa ako. Tama si Rylie, parang si Katy yung dating Rylie. Well, until now naman,
ganun pa din sa Ry pero ngayon kasi, kaya na niya sarili niya. Kahit wala siyang
kasama, kaya na niyang ipagtanggol sarili niya.

"Hayaan mo na Katy, nandito naman tayo for her," Sabi naman ni Ariza so Katy and I
agreed with her. Kahit mataray naman si Ariza, I know she loves Rylie. Pakipot lang
kasi!

Alam kong madaming problema si Ry. Kahit matigas ulo niyan at madalas, bulag at
bingi, nasasaktan yan. Hindi ko alam kung saan kasi okay naman na sila ni Justin,
pero alam kong nasasaktan siya.

Kinuha ko yung kamay ni Rylie, "Hey, may problema ba?" I asked.

She shook her head, parang bata, at bigla siyang lumuha. Naiiyak din ako tanginaaa!
"Ry, we're always here, okay?" Katy hugged her. Naiiyak na din si Katy.

"I'm worried..." She sobbed tapos uminom ulit then nag lagay ulit siya sa shot
glass. Grabe 'tong si Ry, parang walang allergy sa alak!

"Worried? Kanino?" Katy asked, halatang concerned.

"Duuh, obvious ba?" Sagot ni Ariza kay Katy. "Shhhh, tama na nga. Ry, bakit? Bakit
ka nagwoworry?"

"Kahapon, may lumapit na babae sa akin. Maganda, matangkad, at sexy. Parang


model..." Sabi niya, "Sinampal niya ako."

"ANO? SINO? BAKIT DAW?!" Gulat na gulat si Katy. Sa sobrang gulat, hindi
maipaliwanag expression niya. Galit? Concern? Mahal na mahal niya talaga si Rylie.

Uminom ulit si Ry, "She called me a slut. Wala lang naman sa akin yun eh... Wala
lang talaga, promise!" Tinaas niya right hand niya. "Medyo nag selos lang ako ng
konti kasi may past sila ni Justin... May past sila to think na ang ganda, sexy, at
tangkad niya. Akala ko mataas na self-confidence ko, pero noong nakita ko siya...
WOW!" Nilagay niya yung baba niya sa isang kamay niyang nakapatong sa table and
pouted. Ang cute cute ni Rylie!!!

"She also told me na madaming kaaway si Justin from their old school. He was a jerk
daw. Wala naman akong pake kung naging jerk siya, kasi NAGING nga eh. Ibig sabihin,
PAST na! Good boy na ulit siya! Pero yung madaming kaaway? No. I care. I care about
him..."

Hindi ko alam sasabihin ko...

"Tapos kanina, I went to their house and Alexa was there..."

"WHAT?" Nagulat si Ariza. "Wala ako kanina! Sayang, sinabunutan ko sana!"

"I slapped her twice. Sasampalin ko na sana siya for the third time pero pinigilan
ako ni Justin. Pinigilan niya ako! Sayanggg, kasi yung pangatlong sampal na yun,
para sana sa sarili ko yun eh. Para sana sa mga ginawa niya sa akin..." Tuluy tuloy
lang yung luha niya at pag inom niya.

Hinayaan na lang namin kasi alam kong pag hindi siya nakainom, hindi niya 'to
malalabas.

"Pero wala eh! Hindi ko natuloy. Noong dumating kasi si Justin, my hands got weak.
Ganun ko ba siya kamahal? Kahit araw araw ko siya nakikita, nanghihina pa din ako
pag hinahawakan niya ako? Mas mahal ko nga ata siya ngayon eh kasi dati, parang
masyado kaming bata. Malalandi lang talaga kami. Sobrang immature eh, lalong lalo
na ako," She chuckled pero umiiyak pa din. Katy wiped her tears habang ako, hawak
hawak ko pa din kamay niya. Si Ariza, hindi na nagsasalita.

"Sobrang nagulat nga lang ako... Kasi noong nakita ko siya... Ughhh, nevermind. Ang
tanga tanga ko. I don't deserve him. Naging gago siya dahil sa akin pero ako,
tumino ng dahil sa kanya? Ang unfair naman. Ang unfair unfair nun for him... Diba?"

Anong ibig sabihin ni Rylie? "Ry, bakit ka nagulat kanina?"

"May wounds... may wounds and bruises... siya," She sobbed. "May mga nananakit sa
kanya. Ayokong dumating sa point na lumala yun. Kasalanan ko. This is all my
fault..."
"Ry, hindi mo naman kasalanan. Kasalanan ng sitwasyon. Hindi ka nakinig, okay fine.
Pero nasaktan ka eh, natatakot ka na pag nakinig ka, maniniwala ka ulit. Pag
naniwala ka ulit, makukuha ka na naman niya tapos masasaktan ka na naman. Ganun
yun, diba? Don't blame yourself sa lahat ng nangyayari," Sabi ko, pero mukhang
hindi na naman siya nakikinig.

Uminom na naman siya, pero this time, hindi na siya nag salita. She rested her head
on her arms na nakapatong sa lamesa.

"Uy Ry, wag kang gumanyan, malalasing ka!" Sabi ni Katy, habang pinipilit pauupuin
si Rylie ng maayos. Alam ko na kung ano kailangan kong gawin.

To: Justin Dela Cruz

Message: Hoy Justin! Pumunta ka dito sa *insertplacehere*! Malalasing na si Ry.


Baka mamaya maya lang, mag wild na 'to. Oo nga pala, may kailangan ka pang sabihin
sa akin.

From: Justin Dela Cruz

Message: Omw.

Rylie hugged Katy, mga 10 minutes, "Uy Rylie..." Hindi siya pinapansin ni Ry. OMG!
Ito na nga ba sinasabi ko.

Hindi nag tagal, dumating na si Justin. Tama si Ry, may mga sugat at pasa siya.
Hindi naman malala at hindi rin masyadong halata pero kahit na!!!

Nag excuse ako kay Ariza at pinuntahan si Justin dahil parang hindi niya kami
makita, "HOY JUSTIN!" Tinulak ko siya ng mahina.

"Aisha, nasaan si Rylie?! Allergic siya sa alak, anong ginawa niyo?!"

"SIRA ULO KA PALA EH! ANO BA! KAMI LANG NI RYLIE ANG PWEDENG SUMUNTOK SAYO NO!
KAMING DALAWA LANG!!! Anong pinagagawa mo sa buhay mo? Ha?" Tinulak tulak ko siya,
naiiyak na ko. GUSTO KO SIYANG SUNTUKIN KASI NAGPAPASUNTOK SIYA SA IBA!
"Tama na Aish, masakit-"

"Masakit?! Talaga? Eh yung mga tao sa paligid mo, hindi mo nasasaktan? Justin, gago
ka! Nag-aalala si Rylie sa'yo. nag-aalala lahat ng tao sayo!"

"Wait, ano bang sinasabi mo?" Nagulat siya.

"Yan, yan, puro sugat ka at pasa! Sino may gawa niyan? HA?"

"Ano ka ba Aish," He laughed.

"At nakuha mo pang tumawa? Nakakainis ka!"

He laughed again, "Aisha naman! Parehas kayo ng bestfriend mo eh, conclude ng


conclude. Kaya ba siya naglalasing ngayon kasi akala niya sinuntok ako?" He sighed
at umiling iling, "Imba talaga kayo. Conclude ng conclude, hindi marunong mag
tanong."

"EH BAKIT NGA KASI MAY PASA AT SUGAT KA???"

"Si daddy, binigyan ako ng motor. I was testing it, medyo malayo na ako, tapos
biglang lumakas yung ulan. Since hindi pa ako masyadong marunong, medyo wala na
akong makita, at madulas yung dinadaanan ko, nahulog ako kaya ayun, nagkasakit ako
at nagkapasa at sugat. Buti naka-helmet ako at sa grass ako nahulog kaya hindi
masyadong malala. Magpapacheck up ako tomorrow, though," Sabi niya ng tuluy tuloy.
Okay, he's not lying.

"TANGINA NI RYLIE!" Yun na lang nasabi ko. Nakakahiya mga pinagsasabi ko. Huhu! Si
Rylie kasi, conclude ng conclude!

"Speaking of, where is she?" He asked.

"Nandoon, lasing na!" Tinuro ko si Rylie na nasa gilid na dulo. Sinundan ko naman
si Justin agad agad. Leche talaga. Nakakahiya! Pero thankful naman ako kasi hindi
tama yung conclusion ni Rylie. Well?! Si Justin pa, mag salita pa lang yan, takot
na mga kaaway niya. Masyado kasing matalino!
"Jamilah, ano 'to?" Sabi ni Justin. Umalis si Katy sa upuan niya at pinaupo si
Justin sa tabi ni Rylie. Kaya ayun, magkakatabi kaming tatlo nila Ariza at Katy. Si
Katy sa gitna.

Tiningnan mabuti ni Rylie si Justin, "ANG GWAPOOOOO!" Gulat na gulat si Rylie.


Tangina, parang first time niyang nakita si Justin sa buong buhay niya. Yung mga
awa namin kanina, napalitan ng tawa. As in tawang tawa talaga kami ngayon.

Nilagay ni Rylie yung dalawang kamay niya sa face ni Justin, "CHYLER? CHYLER KO?"
Putanginabells, bakit ako kinikilig?!

"IKAW NGA, CHYLER KO!" Nagulat na lang kami kasi hinalikan ni Rylie si Justin ng
madiin pero sandali lang.

Katy ---> =^__^=

Ariza ---> -____-

Me ---> o____O

Seeing your bestfriend and cousin kissing each other again was...

NO COMMENT!

"Jamilah, ano na naman 'to? Allergic ka sa-" She kissed him again.

"Charap charap! Hehehehehe! Isa pa nga!" Hahalikan na sana ulit ni Rylie si Justin
pero sinukuhan niya si Justin.

"Nice!" Yan na lang nasabi ni Justin. Hahahahaha, ayoko na. Mamamatay na kami sa
kakatawa, seryoso. Hahahaha!

"Buti nga sayo!!!" I laughed. Pwahahahaha!

"Chorry, Chyler. Labyu!!!" Nag fake smile si Rylie habang naka-close yung eyes.
Parang bata! Hahahahahahaha!

"Alak pa, Rylie!!!" Tawang tawa si Katy.

Si Ariza din tawang tawa, "Yan kasi eh, ginusto mo yan."

"Labyu soooo much, Chyler! Super duper! 14344!!!"

RYLIE, PATAY KA BUKAS! PATAY NA PATAY. HAHAHAHAHAHA!


####################################
CHAPTER THIRTY EIGHT
####################################

A/N: I dedicate this chapter to her kasi super natouch ako sa message niya. Huhu,
okay. BTW, ang dami pong nagpapadedic kaya sorry po sa mga nasabihan kong
idededicate ko sila. Hindi ko na po alam kung sinu sino kayooo, soooorry! :(

6:00 AM

"Rylie, okay lang yaaan. Labas na kasi," Sabi ni Katy pero alam kong hindi okay.
Naghihintay nga pala si Justin sa labas. Nandito kami ngayong lahat sa bahay ni
Aisha, nag overnight kami.

"Oo nga, Rylie. O-o-okay lang- HAHAHAHAHA!" Tumawa ng tumawa si Aisha. Hindi siya
nagsstutter, natatawa siya. Bad trip 'to!

"Ry, to be honest, nakakahiya ka. Pero okay lang yan, mahal ka pa din ni Justin,"
Sabi naman ni Ariza. Buti pa 'tong si Ariza, kahit ang pangit ng pagkakasabi niya
na nakakahiya ako, pinapagaan loob ko. EH SI AISHA? Simula pag gising ko, niloloko
na ako!!!

Nakapalibot nga pala silang tatlo sila sa akin habang ako, nasa kama, "Ayoko ngaaa,
ang kulit niyo baaa? Ughhh..." Binalot ko ulit sarili ko sa kumot. Bahala sila,
matutulog muna ako! Madami pa akong spots eh. Allergic nga kasi ako sa alak, diba?!
Uminom kasi ako at nagpakalasing para sa wala. Grrr.

"So hindi ka na papasok?" Tanong ni Aisha. May pasok pa kasi ako ngayon eh. Tuesday
pa lang kaya! Pero dahil sa spots ko, nevermind. Ngayon lang naman ako aabsent.
Sobrang good student ko kaya! I don't cut my classes kahit tamad na tamad ako...
NGAYON LANG!

Tinanggal ko yung kumot sa ulo ko and shook my head, "Obvious ba?" PInakita ko yung
mga spots ko.

"Hindi naman halata eh! Anyway..." Aisha sighed, "Fine. Hindi na rin ako papasok.
Katy, Ariza, pumasok na kayo. Walang kasama si Rylie eh-"

"NO! Aisha naman eh. Pumasok na kayong tatlo, okay lang ako. Hindi naman ako
mamamatay dito mag-isa," I smiled tapos bigla na lang may pumasok sa kwarto kaya
binalot ko ulit sarili ko sa kumot.

Oh God, paano ko ba siya titingnan? Ayoko siya makita. NOT NOW! Not after kong
maalala mga pinagagawa ko kagabi. Oo, naalala ko. Hindi naman kasi ako SOBRANG
lasing to the point na mamamatay na ako dahil allergic nga ako sa alak. Excuse me,
ayoko pa mamatay. Pero ngayon, para gusto ko na. HIYANG HIYA AKO!!!

"Ako na lang magbabantay sa kanya, pumasok na kayo," Sabi ni Justin.

"Okay!" Mabilis na sagot nilang tatlo. Nafifeel kong nakangisi sila, bad trip!

"Ikaw na bahala diyan Justin ah! Bye," Sabi ni Katy tapos nag bye na silang lahat.
Pati sa akin, nag bye sila pero hindi ko sila pinansin. Narinig kong sumara yung
pinto. OH. EM. GEE.

Magtutulug-tulugan na lang ako. Ge!

"Wag ka ng mag tago. Ngayon ka pa ba mahihiya?" Nararamdaman kong papalapit na siya


sa akin. Yung tibok ng puso, times ten!!! Craaaaaap.

"Ry?" Pumikit ako at nagtulug-tulugan na. Anytime, pwede niyang alisin yung kumot
ko.

"Jamilah..." Nasa tabi ko na siya, alam ko!!! He slowly removed my blanket.


Tumagilid naman ako at yinakap yung unan ko. Yung mukha niya, nafeel kong lumapit
sa mukha ko. Pakshet na malagket!

"You're a bad liar even if you're asleep," He kissed my forehead. "Wag ka ng


mahiya, mukha kang timang eh. Tingnan mo nga mata mo, gumagalaw galaw..."

Tingnan mo 'to! Alam na nga niyang nahihiya ako, lalo pa akong pinapahiya!

"Do you remember o kininwento sayo nila Aisha yung nangyari sayo? Either ways, alam
kong alam mo na. Don't worry, okay lang yun," Hindi ako nagsosorry sa kanya, FYI!
"Sinukahan mo lang naman ako, okay lang talaga." Ramdam na ramdam ko yung sarcasm
habang sinasabi niya yun. Hindi na ako sanay mapahiya, tengene nemen!

"Ayaw mo talaga ah?"

Pagkasabi niya nun, naramdaman ko na lang na dinikit niya yung lips niya sa lips ko
kaya napaupo ako, "MANYAK!!!!" Sigaw ko. Yung mukha niya, ang epic! Gulat na gulat.
As in ganito talaga yung mukha niya --> O____O

Pero di nag tagal, naging ganito---> -__________-

"Akala mo naman first time nahalikan sa lips. You want me to make you remember what
you did to me last night? Hu-"

I covered my ears and sang, "LA LA LA LA LA! WALA. AKONG. NARIRINIG!"

Medyo natawa siya then he smirked, "Sinong manyak ulit?" Para siyang nagpipigil ng
tawa.

"Heh! Oo na, oo na! Bad trip. Ughhhhhh!" Nag tago ulit ako sa blanket ko. "Alis ka
na, Justin! Kaya ko naman mag-isa."

"What makes you think na iiwan kita dito? No way, Rylie. No way!"
Eeeeeeeeeeh, nahihiya kasi ako, "Kaya ko naman po mag-isa."

"Fine! Ganito na lang, sasabihin ko na lang sa parents mo na uminom ka kaya hindi


ka pumasok ngayon at-"

Inalis ko yung kumot ko at hindi siya pinatapos, "OO NA, OO NA! MAG STAY KA NA
DITO. WAG KANG AALIS SA TABI KO, WAG KA NG PUMASOK SA SCHOOL, WAG KANG LALAYAS, WAG
KANG MAWAWALA SA PANINGIN KO. HAAAAPPY???"

He smiled and tapped my head, "That's more like it. Good girl."

ASO? ASO LANG?

"Ge!" Yan na lang sinabi ko at bumalik na sa pagkakahiga.

Bzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzt.

From: Josh

Message: Ry, we really need to talk.

Kinabahan ako. Bakit parang gusto ko siyang kausapin na ayoko? Ilang beses ko na
'tong iniisip. Sabi ko gusto ko malaman lahat ng katotohanan, pero hindi ko
magawang kausapin si Josh kahit alam kong may alam siya sa nangyayari. Paano pag
may kinalaman siya? Natatakot ako. Importante siya sa akin. Syempre, never siyang
umalis sa tabi ko eh. Kahit nasa states siya at nasa Philippines ako, lagi kaming
nagcocommunicate.

He's my guy bestfriend, no more no less. Pero ngayon, para siyang umiiwas. Para
siyang guilty. Ayoko na mag assume kaya hindi ako magagalit sa kanya. I won't get
mad at him unless malaman kong may kinalaman nga siya. Josh, sana wala. Sana hindi.

"Sino na naman yan? Isa na naman ba yan sa mga manliligaw mo?" He shook his head,
"Gusto na kitang kalbuhin." He said out of the blue. This guy's impossible. REALLY!

"WTF?! At bakit mo naman ako kakalbuhin?"


"Para wala ng magkagusto sayo. Common sense?"

"NAKAKAINIS, BAKIT ANG HARD MO? Aalagaan mo ba talaga ako o bibwisitin lang para
may magawa ka?"

He shrugged his shoulders, "I don't know."

Sinamaan ko siya ng tingin...

"Kidding," He faked a smile. Bad trip, bakit pag siya yung nagffake smile, cute?
Bakit pag ako, fake na fake talaga? Hindi cute at all. Nakakata-cute. NYE? LOL!
"Syempre, I'm here to take care of you but I'm also here to tease you. Until now
kasi, ang pikon mo pa din. Ang sarap mo pa din inisin. Ang cute mo pa din."

Hindi na ako nag salita at natulog na lang. Shocks! Hindi pala ako makatulog.

Buong araw kaming magkasama ni Justin. As usual, siya yung nag luto ng food. Wala
kasing tao sa bahay bukod sa isang katulong. Wala kasi yung parents ni Aisha and si
Ryan. Umalis kanina pang 4:30 AM kasi pupunta silang Batangas. Gusto sanang sumama
ni Aisha, pero hindi pwede kasi may pasok siya. Kawawa naman. Hahaha, joke! Okay
lang naman na wala si Aisha kasi nandoon naman yung bagong nanny ni Ryan.

"WALA NA BA?" I asked ng malakas para marinig niya at pinakita ko sa kanya yung
arms ko. Wala, tinatanong ko lang kung may mga spots pa ko.

He shook his head, "Wala na. Sige na, mag drawing ka lang diyan."

At tinuloy ko na ulit yung pagddrawing ko. ANG BORING! Lahat na ata, nagawa ko na!
Nanood ng TV, nag laro ng cards mag-isa dahil ayaw mag-laro ni Justin, mag-aral,
magbasa ng book tapos nakatulog ako, tapos ngayon, drawing naman! AYOS! Tapos siya,
nasa sofa lang, naglalaptop kanina pa and naka-earphones. Nevermind. Di naman ako
nagseselos kahit kanina pa siya ngiting ngiti. Hindi naman talaga.
"Sino ba yung kachat mo kanina pa?" Tanong ko ulit.

...............

"Uhmm... Excuse me?" Sabi ko, pero hindi pa din niya ako naririnig.

Tumayo na ako at hinintay siyang tumingin. Pagkatingin niya sa akin, nagulat siya
at sinarado agad yung laptop pati inalis din niya earphones niya sa ears niya.

"Ano tinatago mo? Ha?" Pinanliitan ko siya ng mata. Ha!

He slowly shook his head and gave me his innocent look, "Wala."

"Sige nga, patingin nga!!!" Kukunin ko na sana yung laptop pero tinago niya sa
likod niya at saka sinandalan. Pag yan nasira, ewan ko na lang!

"Fine. Wag mong ipakita, yan tayo eh," Sabi ko at humiga na ulit sa bed.

He sighed, "Oo na oo na, ipapakita ko na-"

"HINDI. Wag na!!!" Tumalikod ako sa kanya.

"Eh di wag-"

Umupo ako sabay tingin sa kanya, "JOKE LANG! Pakita na? PLEASEEEEEE?"

"Kiss muna?"

I raised my brow, "ANG LANDI!"


He laughed, "Joke lang, ito na nga." Tinanggal na niya USB niya sa laptop at
lumapit sa akin dala yung laptop niya. Noice!!! Nakaupo pa din ako sa bed ni Aisha
at nilagay niya yung laptop sa harap ko then cinlick niya yung play button.

Pagkaplay na pagkaplay ng video...

O_____________O

Nakita ko yung sarili ko... kagabi!!! Mga walang hiya, vinideo-han nila ako!!!

"Rylie, do you love Tyler?" Nakatutok sa akin yung video camera pero alam na alam
kong si Aisha yung nag tanong nun. Nakasandal ako kay Justin na nakasando na lang.
Bakit hindi ko 'to maalala? -__-

Tumingin ako ng masama sa video, "YOU FREAK!!! WHO ARE YOU TO CALL MY CHYLER,
CHYLER??? AKO LANG PWEDE TUMAWAG SHAKANYA NA CHYLER NO, PWE!!!" Tapos tumingin ako
kay Justin, "DIBA CHYLERRRR? HEHEHEHE!"

Narinig ko silang tumawa. Narinig ko naman na nag salita si Katy, "Nuxx naman
Justin, pumapalakpak tenga!!!"

Si Justin naman, poker face! Siguro kasi nasukahan ko siya?

"Justin, smile naman diyan!" Narinig ko si Ariza, pero si Justin, poker face pa
din.

"Wag niyo ngang videohan. Lasing na nga yung tao!" Sabi ni Justin, mukhang mad
siya. Mad siya kasi lasing ako o mad siya kasi vinivideohan nila ako? O both?

"Ang KJ naman nito. Para sayo din naman 'to eh!" Sabi na naman ni Ariza. Bakit sila
ganyan? Huhuhu! Nakakahiyaaaaaaaaa. Hiyang hiya na ako. Oh lupa, nagmamakaawa ako,
lamunin mo na ako. Pangalawang beses na akong nagmamakaawa na lamunin mo ako, pero
ngayon, seryoso na talagaaaaaa!!! HUHUHUHUHU!

"Hehehehehehe labyu Chyler ko! Labyu labyu!!!"


I paused the video...

"TANGINAAAAA-" Tinakpan ni Justin bibig ko.

"Wag ka ngang maingay. Rinig ka sa kapit-bahay eh!" Sabi niya at inalis na yung
kamay niya sa bibig ko. Phew!

"Tengene, lakompake! Bakit niyo ako vinideohaaaaa-" Tinakpan niya ulit bibig ko.

"Bakit ka muna nag lasing?" He asked.

Uh-oh...

"Eh kasi... Eh kasi... Yan oh..." Tinuro ko sugat niya.

He laughed, "Gusto mo bang pumunta sa bahay ngayon? Ask my dad kung ayaw mo pa din
maniwala na hindi ako nabugbog."

"Nakakainis ka talaga! May babae kasing lumapit sa akin..."

"Oo, madaming may galit sa akin, pero sa tingin mo ba, hindi ko sila kaya?"

Matagal kaming nagtitigan kaya ang ginawa ko, kahit nakakahiya, pinlay ko na lang
ulit yung video. Huhuhuhuhu! Sige Rylie, ipahiya mo pa sarili mo!!!

T___________T

Sakto naman na natapos yung video, dumating si Aisha kasama naman si Lynne! Hindi
na siya grounded, OMG!!! Lynne hugged me. Niloko niya ako kasi nabalitaan niya yung
mga nangyari kagabi. Hindi pa din daw ako nagbabago pag nalalasing. Ugghhh.
"Justin! Dedelete ko ah!" Syempre, nagpapaalam ako. Hindi naman akin yung laptop.
LOL!

"No worries, may copy naman ako sa USB," Pinakita niya yung USB niya.

I sighed, "Seriously?"

Nagtawanan sila Aisha at Lynne, "AYAN KASI! HAHAHAHAHA!"

"WOW! WHAT A FRIEND!!!"

"Hoy Rylie, pakihinaan naman yung boses oh?" Sabi ni Aisha.

Justin shook his head, "Kanina pa yan ganyan." He smirked.

Fine! Pagtulungan niyo pa ako. Diyan kayo masaya eh!

Ilang oras lang, hinatid na ako ni Justin sa bahay. Nakakapagtaka lang kasi hindi
niya ako pinapansin at ang cold na niya. Anyare? PMS? Meron? Nadaig pa babae sa
pagkamoody ah!

"Ano nangyari?" I asked.

"Wala ka bang nakalimutan?" Nasa car pa din niya kami, pero nasa tapat na kami ng
house.

Chineck ko gamit ko. OMG! Cellphone ko...

"Phone ko?"

He nodded and gave my phone back to me. Nag thank you naman ako sa kanya at umalis
na sa car. Papasok na sana ako sa gate when he opened his window and called me,
"Ry..."
Lumingon ako sa kanya, "Bakit?"

"I accidentally read Josh's message, sorry."

"WHAT???" Chineck ko phone ko. ANONG MESSAGE?

He nodded, "But I accidentally deleted it as well, sorry."

"WHAT???" O__________O

"Miss ka na daw niya."

"BINASA MOOOOOOO TALAGAAAAAAAAAA?"

Bakit pa napapalakas boses ko ngayong araw? Ito ba epekto sa akin ng alak???

He nodded again, "I know he's you friend. Alam ko din na may feelings siya sayo.
Hindi naman kita papapiliin, Rylie. I know you hate choosing, but I just want you
to know that yellow's my new favorite color."

With that, he left me without even closing his window.

*FLASHBACK*

Favorite color?" Tanong ni Tyler.

"Red."

"Why?" Kailangan pa bang itanong kung bakit?


"Kailangan pa bang itanong yan?"

"Nope. Gusto ko lang. Sabihin mo na, dali!"

Para siyang bata. Natatawa tuloy ako...

"Kasi red symbolizes love."

"Really?" Sabi niya in a sarcastic voice.

"Bakit?"

"For me, yellow symbolizes love," At kailan pa naging yellow ang heart?

"Bakit?" Tanong ko. Malay mo, may pinaghuhugutan siya.

"Kasi yellow symbolizes jealousy." Talaga?

"So?"

"Kapag nagseselos ka, ibig sabihin mahal mo yung isang tao. Well, depende naman sa
tao. Pananaw ko lang naman yun. Nevermind na lang."

*END OF THE FLASHBACK*

Yellow's his new favorite color? Ibig sabihin, nagseselos siya? KAY JOSH?

Kikiligin ba ako o maiinis? Huhuhu!


####################################
CHAPTER THIRTY NINE
####################################
A/N: MALAPIT NA MATAPOOOOOOOOS, YAY!!!

Sobrang bilis ng panahon. December 1 na! Papalapit na ng papalapit yung play at


sobrang kinakabahaaaaan talaga ako!!! When I say sobra, SOBRA talaga!

"I love you," Someone whispered habang nagaanswer ako ng seatwork namin sa math.
Tengene nemen eh, di ako makapagconcentrate. Ang hina ko pa naman dito!

I looked at him and smiled, "I love... myself, too. Thank you!" I faked a smile and
he pouted. Wow ah, lakas maka-pout. Hahaha!

"Justiiiin, nagcoconcentrate akoooo. Kailangan kong matutong mag solve ng problems


alone, okay? Hindi naman lagi, nandiyan ka para turuan ako," Yung mga sinasabi ko,
parang sinabi ko na dati. Kaso in this case, sa math na! "Sa exams naman, hindi mo
ako pwede turuan. Hindi ko alam kung anong use nito when I work, but please..."

"Oo na, dami pang sinabi. I just told you I love you. Was that really bad?" He
shook his head and gave me a piece of yellow paper.

"Ano 'to?" I asked.

"Just read," Utos niya kaya binasa ko naman. Wow nuxx! Binigyan niya ako ng guide
para mas madaling maanswer yung pinapagawa sa amin. Palibhasa, tapos na kasi siya.
Kainis! Kaso sa dulo, may nakasulat...

I love you.

"Pakshet!" I said then I heard him laugh.

Ilang weeks na din simula noong malasing ako at nag confess ako ng nafifeel ko kay
Justin. Haha! Wag kayong excited, hindi pa kami. LOL! Sa sobrang busy ko kasi dahil
sa acads and extra curricular activities, parang wala na akong time para mag hanap
ng evidence. Anyway, Josh texted me once so I replied once as well, pero after
that, wala na.
Ang sabi lang niya sa text... 'Sorry.' So I asked kung bakit siya nagsosorry pero
sadly, hindi na siya nag reply. Truth to be told, I miss him already. Well, of
course, as a friend. He's my bestfriend, remember? He is or he was? Ughhh. I hate
past tense. I hate it when someone important to me just fades away. But then again,
that's life. This is life.

Moving on, kung ano yung kinakonti ng text ni Josh. Yun naman ang kinadami ng text
ni Alexa. Almost everyday siya nagtetext sa akin pero pare-parehas lang naman yung
laman. It's either magsosorry siya or gusto niyang makipag-usap. Ughh. Kung
papayagan ko naman siyang makipag-usap, what would she say? Sorry na naman?

Bzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzt.

Speaking of... Nag text na naman siya.

From: Alexa

Message: Rylie, we really need to talk. PLEASE!

Pero kung hindi ko naman siya kakausapin, may mangyayari ba? Ang mabuti pa,
kausapin ko na lang siya at tanungin kung nasaan yung complete video. Grr! Foine,
I'll text her na!

In fairness naman, mabilis siya mag reply. Yerp, magkikita na kami!

"Huy!" Tinulak ako ni Katy kaya tiningnan ko siya ng masama. Break time na kasi
namin. Si Justin kasi pag break namin, naliligaw. Haha! Kidding.

"Makatingin ka naman diyan, Ry! Para kang papatay. What are you thinking ba?"
Tinulak tulak niya shoulder ko gamit shoulder niya. Ang hyper niya forever!!!

"Wala naman," I smiled. "Ay Katy, I have to go muna pala somewhere. Makipagdate ka
muna sa boyfriend mo, okay?"

"Ganyan ka naman eh, nangiiwan." ANG DRAMA PLEASE. Hahahaha! "Joke lang. Sige na
bye, labyu!" Nag beso beso na kami then lumabas na ng campus. Pumara ako ng taxi at
pumunta sa Starbucks near Alexa's school. Tamang tama, nagcocollect ako ng stickers
nila para sa planner. Pero now is not the time para isipin ko yun!

Pumasok ako sa SB and saw her there with her friend. I forgot her name eh pero
kasama siya sa group ni Alexa.

Control, Rylie. Control pls.

"What are you gonna say?" Tanong ko agad pagkaupo ko. Wala ng greet greet pa.

"Ry, please let me ex-"

"Don't call me Ry, Alexa. We're not even friends."

"Can't you just let her talk?" Sabi ng kaibigan niya. Ugh, why is she even here?

"Jessa, please," She said then she looked at me and sighed, "Fine, Rylie. I'm here
say something. That night, when you saw me with Justin in the hospital, I really
attempted suicide. I just found out recently that you two broke up 2 years ag-"

"There was no 'us' in the first place, you know that. Akala ko ba stalker kita?" I
remembered sa CR noong 4th yr hs. Alam niya lahat ng importanteng gamit ko. Alam
niya kung paano ako sisirain. Alam niya kung paano kami sisirain.

She won, anyway.

"Not anymore. Not after he talked to me, Rylie. You know what? After kong malaman
yung nangyari kay Justin during those two years you guys weren't together, sising
sisi ako. I shouldn't have let him go! Don't get me wrong, I have a boyfriend now.
But please know that Justin will always be special to me. He's my first love..."

"So? I still don't get it. Ito lang ba gusto mong sabihin? Kasi kung ito lang,
you're just wasting my time."

I saw Jessa rolled her eyes, "She deserved it." She whispered, but Alexa held her
arm to control her.
"No, Rylie. Hindi mo talaga magegets kasi hindi mo naman alam kung ano mga sinabi
niya. He loved you so much that I attempted suicide because I was so jealous! I had
been dreaming about him, pero ikaw?" She shook his head, "Patay na patay siya sayo
kahit wala kang effort. Lagi na lang siya yung naghahabol eh. Ikaw ba? Truth to be
told, I still don't think you deserve him..."

"So deserving ka na niyan?" I raised a brow at her. I'm getting pissed.

"Alam kong wala akong right mainis kasi kasalanan ko pero hindi ko mapigilan!
Didn't you trust him enough? Dahil lang sa isang video, Rylie. ISANG VIDEO! Ni
hindi mo nga siya pinagexplain, diba? I thought I was the most pathetic person in
this situation. Akala ko lang yun kasi you're more pathetic that I am..."

She is still Alexa. Nakatingin lang ako sa kanya, poker face...

She shook her head, "Rylie, this is all my fau-"

"No, it isn't!" Jessa shouted.

"JESSA! Umalis ka na nga lang," Sabi ni Alexa at umalis naman si Jessa. Tss, may
alalay pa din siya. Siya pa din talaga si Alexa.

"Anyway, Rylie... Alam kong kasalanan ko at ang kapal ng mukha ko para sermonan ka
pero you have to know that he loved and still loves you. You are one lucky bitch.
Kahit anong gawin mo sa kanya, kahit mukha na siyang tuta kakahabol sayo, he's
still there. You're just too blind and naive to see it, pero I'm telling the truth.
Hindi ko 'to sinasabi dahil lang nagguilty ako, but trust me Rylie, just this once,
he loves you more than anything. He wouldn't exchange you for anyone... except for
his family, of course. Ang tanga tanga mo na talaga pag pinakawalan mo pa..."

I don't know what to say...

I'm still mad at her, but she has a point.

"So where's the video now?" I asked, still expressionless.


"After I was hospitalized, I deleted, removed, and avoid everything na related kay
Justin. Kaya wala akong balita sayo, or sa inyo. Kaya akala ko kayo pa din noong
nakita ko kayo sa coffee bean. Sorry Rylie, pero wala na yung video."

After namin mag-usap ni Alexa, umuwi na ako. Bakit kahit alam ko na, parang hindi
pa din ako kuntento? Ang dami ko pang tanong, hindi kay Alexa pero kay Josh, Dylan,
Kent, at kung sinu sino pa. Actually, pati kay Justin, pero ano naman tatanong ko
sa kanya? I believe him, okay. Pero I have to know din the whole truth.

"Hi?" I greeted Josh through phone.

"Ry..."

"Josh, I'm ready. Let's talk."

"Tomorrow night?"

"Sure. Bye," This is too awkward.

"Bye, Rylie. I miss you," I hang up the phone and so did he.

Josh, ano bang nangyari? I'm still praying na mababaw lang yung ginawa niya. Pero
hindi eh, he was avoiding me. Hindi na siya yung clingy guy best friend ko na kahit
kakain siya, tatawagan ako para pag trip-an or sabihin ng walang kwentang bagay
para mapasaya ako.

Hindi na ako uulit...

I'll let him explain first bago ako mag conclude. Kailan ko muna malaman lahat
before concluding. Baka magalit na naman kasi ako tapos wala naman pala talagang
ginawa.

KINABUKASAN...
Sobrang pagooood na naman dahil sa practice kaya noong break na, humiga na ako sa
stage. Hayy sarap matulog...

"Drink this," May naglagay ng mini silver thermos sa gilid ko kaya napadilat ako.
Boses pa lang, ulam- I mean alam na!!!

"Ano yan?" I asked.

"Thermos, obvious ba?" Medyo pilosopo lang, guys? -__-

I faked a smile na parang nangiinis, "Yeah right. Ang tanga tanga ko, thermos nga
naman yan." Humarap ako sa gilid at pumikit ulit.

He kissed my forehead so my eyes automatically opened.

"Salabat yan. Drink that whether you like it or not," Umalis na siya. Demanding pa!

Pagkaalis ni Justin, dumating naman si Lawrence at Cheska at ininis ako. Nakita daw
nila yung pagkiss ni Justin sa forehead ko.

"Woooo, di pa daw sila pero nagkikiss na!" Sabi ni Cheska.

"Ibig sabihin, tayo na?" Sabi ni Lawrence na sobrang kinagulat ko.

"OMG! Nag kiss na kayooo?"

"OMG!" Nagulat si Cheska, "May kailangan pa pala akong gawin sa likod. Bye, guys.
See you later," Sabi niya kaya alam na. Hahahahaha! Sobrang nagtawanan kami ni
Lawrence pag-alis niya at nag kwentuhan. Aksidente lang pala yung kiss nila kasi
nagpapractice silang dalawa. Since couple silang dalawa sa play, may scene doon na
malapit yung mukha nila sa isa't isa pero bastos daw yung mga ibang theater club
members kasi tinulak silang dalawa kaya nag dikit lips nila.

Pag lingon ko sa may gilid, natigil yung tawa ko.


He was looking at me with narrowed eyes na parang he's suspecting or observing...

"Patay," Sabi ni Lawrence. "Ge, Ry. Una na ko," Medyo tumawa siya at umalis na.

After ng practice namin, as usual, gabi na naman at hinatid na naman ako ni Justin
pauwi pero ayaw daw niya bumaba ng car.

"Jamilah..." He said.

"Yep? Ayaw mo talaga bumaba?"

He shook his head, "No need. I have to say something..."

"Ano na naman?" Kinakabahan ako.

"I love you..."

"Anddddd?"

"And sorry, but I quit."

I stopped for a second, "What?"

HE. DID. NOT. JUST. SAY. THAT.


####################################
CHAPTER FORTY
####################################

A/N: Hi, guys! Shienelle (peachygirl012) made a facebook page for Hopeless Romantic
and Hopeless Romantic 2: Bitter to keep you guys updated. Feel free to post or ask
there, btw! Ciaooo! Super konting chapters na lang before the epilogue! =))

https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP
or click the external link! =))

CHAPTER FORTY

He quit...

He quit...

He quit...

Nakatulala ako ngayon at iniisip yung mga nangyari kagabi. He quit. Pero bakit
hindi ako naiiyak? Maybe because umaasa pa ako? Maybe because even if nag quit
siya, he still said he loves me. Meaning, may chance ako. What if ako yung manligaw
sa kanya? Sasagutin niya ba ko? Hindi na ba siya magqquit?

I sighed. Nakaupo lang ako sa bench, indian sit, yung chin ko nasa hand ko tapos
yung elbow ko naman, nakapatong sa hita ko.

"Uy! Kanina ka pa diyan hinga ng hinga ah. Are you okay?" Sabi ni Katy habang
nakahawak siya sa shoulder ko.

"Okay lang," I sighed again. Hmmm...

"Uy si Justin oh! Saan pupunta yun?" Syempre, napalingon agad ako. I saw justin,
papalabas ata ng campus. May class pa siya ah? May practice pa kami!

"Wait lang Katy ah. Una ka na sa classroom. BRB!" I kissed her cheeks and followed
Justin. Syempre dahan dahan lang para hindi niya ako makita. Nag lakad siya and
sumakay ng taxi so pumara din ako ng taxi.

"Kuya, pasundan yung taxi sa unahan natin please please please? Importante lang
po."
"Sige po, pakidagdagan na lang ho yung bayad mamaya."

"Opo opo, dalian niyo na po please!"

With that, naabutan namin si Justin. Bumaba ako ng taxi 20 seconds after niyang
bumaba ng taxi. Oo, tinagalan ko na talaga. Plus yung seconds pa na nadagdag noong
nag bayad ako. Ang kulit kasi ni kuya. Ang lapit lang naman pero 30 pesos
pinapadagdag sa akin. Grrr.

Bumaba na ako pero fck, I lost him!

Hinanap ko siya hinanap sa park hanggang sa nakita ko siya sa swing. Sa isang swing
naman na katabi niya, nakaupo doon yung isang babae. Nakatalikod silang dalawa.
Ughhh! Alexa. That girl is Alexa, I'm super duper sure!

"She's so mad at me, but seriously, I don't care. I am sorry for what happened,
Justin. Hindi naman ako nagmamalinis, pero if I were in her shoes, I wouldn't leave
you."

Hindi ko alam kung maiinis ako o maiinis pero naiinis ako!

"But the problem is, she's Rylie and you're not her. Napapagod na ako pero tuwing
iniisip kong lalayo ako sa kanya, mas napapagod ako."

"But you already told her you quit..."

"I did because I have to."

He has to???

"Why don't you just tell her that the reason why you want to stay away from her is
because-"

Hindi natapos ni Alexa sasabihin niya kasi nag salita agad si Justin.
Because whaaaat? Oh God!

"Alexa... Don't change the topic. Hindi ako naniniwalang ikaw nag cut ng video."

"Ako nga. Ako lang..." I smell something. Hmmm.

"Will you please stop lying?" Mukhang frustrated na si Justin.

"Fine... Don't tell Rylie, okay?" She sighed, "It was Jessa who cut the video,"
Jessa as in alalay niya? Yung epal ng epal habang naguusap kaming dalawa? Why would
she do that?

"What?"

"She did that because she wanted revenge. She was the one who took the video and
also the one who edited it. I told her to throw it away but right after she saw how
broken I was, she gave it to someone... pero edited version na yung binigay niya.
She did that for me so please, ayoko siyang madamay dito."

Si Jessa...

I need to find her, but how?!

I left them and went back to school. Pinuntahan ko na si Kent...

"Kent!" Pagod na pagod ako kakahanap sa kanya. Hindi na nga ako pumasok sa next
class ko eh. Buti na lang alam ng DSG yung sched ng mga members.

"What?" He asked, naistorbo ko kasi.

"Do you know Jessa? If so, alam mo ba number niya o kaya kung saan siya nakatira?
Or kung nasaan siya ngayon?"
Tiningnan lang niya ako...

"Kent, please? Alam kong may alam ka sa mga nangyayari."

He shook his head, "Wala akong alam. Just go..."

"Kent, sige na please. Kahit sabihin mo na lang sa akin kung anong alam mo. Kahit
yun na lang... Please?"

"Wala nga akong alam, diba?! Umalis ka na!" Tinulak niya ko. Mahuhulog na sana ako
sa floor if not for the guy na nasa likod ko. Napasandal ako sa kanya tapos hawak
hawak niya braso ko.

Pag tingin ko, "Dylan?"

Inayos ni Dylan yung tayo ko. Ang sama ng tingin niya kay Kent. Nakita ko naman si
Katy na papunta sa akin...

"Uy, Ry. Okay ka lang?" She asked.

I nodded. Okay lang ako basta ibigay niya sa akin yung number ni Jessa or ikwento
lang niya yung alam niya. Mababaliw na ko, damn!

"Excuse me lang pre, pero babae yan. Umayos ka naman," Sabi ni Dylan.

Nilagay lang niya yung both hands niya sa pocket, he shrugged his shoulders, and
walked away. WTF?! Ang tagal ko siyang hinanap tapos lalayo lang siya? NO WAY!

Kaya ang ginawa ko, hinabol ko siya kahit pinigilan na ako ng dalawa.

"Guys, trust me just this once. Please? Let me talk to him. Hindi ako papayag na
saktan niya ako, okay?" I smiled weakly and ran again towards him.
"KENT!" Hinarangan ko siya.

"Get out of my way."

He sighed, "Mag-uusap naman kayo mamaya, diba?"

Fck, mag-uusap kami ni Josh mamaya. I almost forgot!

"Bakit?" Tanong ko.

"Use your stupid brain, Rylie," Tinulak niya ng mahina yung gilid ng noo ko. "Paano
ko nga ba nalaman ng lahat ng 'to? I don't ever care about you, pero nadamay ako.
Ano, paano nga ba?"

"S-si J-josh?"

"Ang tanga mo, yun lang," Sabi na naman ni Kent. Ouch ah!

"Kent, thank you ah, pero sinong tanga ulit? Kung wala ka palang pake at kung ayaw
mo pala madamay, bakit noong blind date pati ibang araw, may mga sinasabi ka sa
akin? Why didn't you just mind your own business at wag na lang akong kausapin?
Bakit mo pa binigay sa akin yung calling cards?"

"Napag-utusan lang ako."

I shook my head, "Napag-utusan?" I smirked. "Sorry to say this, pero bakit ka


sumusunod? Are required to obey him? Tatay mo ba siya?"

"Nag-iisip ka din naman pala. Fine, I love him! I love Josh." He clenched his
fists, parang nagpipigil ng iyak. "I love him kaya kahit mukha na akong tuta
kakasunod sa kanya, okay lang."
"W-what?"

"First year high school... I was bullied," Parang hirap na hirap siyang sabihin. "I
was getting bullied by some jerks who think they're cool. They called me names.
Mama's boy, fag, gay, little ducky gay princess..."

".........."

"They even pulled pranks on me until Josh fought for me then we became friends.
Nasama ako sa barkada niyang gago. Bet, you didn't know I was getting bullied. You
didn't even know me until I joined DSG. You were no average, Rylie. You were the
miss popular girl in campus but you didn't know that. Kaya ang daming naiinggit
sayo. Kaya ka din pinagpupustahan ng mga tao. You were their trophy girlfriend..."

"I- I didn't know..."

"Yeah, of course, you didn't know. You were almost perfect kung hindi ka lang tanga
at manhid. Matalino ka nga sa acads, pero ang tanga mo naman when it comes to real
world. Masyado kang mabait, nakakainis! Kaya nga nag quit si Josh sa barkada nila.
Syempre, nag quit din ako. Kaya lang naman ako sumasama sa kanila dahil nandoon si
Josh. I hate them..."

"B-bakit nag quit si Josh?"

"Dahil sayo. He broke up with his girlfriend and stayed away from his friends
because of you. Sobrang na-guilty siya eh. Besides, narealize niyang wala silang
kwenta. Totoo naman eh, wala talaga silang kwenta. I was happy that time kasi
kaming dalawa yung laging magkasama. Sa akin niya kinikwento lahat kaya wag kang
mag taka kung madami akong alam. Yung blind date? Hindi naman ako pupunta doon kung
hindi niya ako pinakiusapan. Yung calling cards? Siya ang nagpapabigay nun.
Nasasaktan siya dahil sayo pero wala akong magawa..."

Kent's mad at me. That's why he's mad at me. Fck!

"K-kent... Sorry. I'm so sorry..."

He shook his head, "You don't have to apologize. Just shut up and everything's
going to be fine."
I nodded.

"Talk to Josh. He's not yet ready but he said he has to be."

I still... can't believe it. Nakatulala lang ako sa kanya.

He's... He's...

"What?"

"P-pero-" I pointed at him.

"Hindi ka makapaniwala? I'm gay, Rylie. Bakla, homosexual, effeminate, bading, or


whatever. Hindi ka nagkakamali. You heard it right. Kaya kung ayaw mong makatikim,
siguraduhin mong walang makakaalam dahil oras na kumalat 'to, ikaw ang sisisihin ko
dahil ikaw lang naman pinagsabihan ko."

"Ako lang nakakaalam?" I pointed at myself.

"Tanga ka talaga."

I hugged him tightly...

"What the fck?" He said, gulat na gulat.

"Thank you and sorry, Kent! Thanks for telling me this."

"Hey, don't touch me... Move..." Para siyang nandidiri pero wala akong pake!

"Don't worry, walang makakaalam. Your secrets are safe with me."
He pushed me, "Baka kung anong isipin nila, umayos ka."

I laughed then he turned his back on me and started walking.

"Thank you."

He whispered but I heard that. OMG OMG OMG!

Pag talikod ko, I saw Justin...

"Hi!" I greeted him.

He nodded lang and walked away from me. Oh-kay...

"Justin!" Kinalabit ko siya.

"What?"

"I- I- I lo-" Kaya ko 'to!

"You what?"

"I... Can... C-can- Ughh, sorry."

He chuckled.

"Nevermind. Bye!"

I walked away from him. Tinext nga pala kami ng director na wala na kaming practice
ngayon kasi may meeting siya. Buti naman! Kaya pala okay lang kay Justin na mag
tagal sa labas. Grr! Lumabas na agad ako ng school at sumakay ng taxi.
Bzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzt.

Josh calling...

I accepted the call.

"Rylie?"

"I'm on my way."

GO RYLIE!!!
####################################
CHAPTER FORTY ONE
####################################

A/N: https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP

7 PM, nakarating ako kila Josh. Nasa living room nila kami at nakaupo sa sofa.
Walang tao sa bahay nila, siya lang. Wala naman silang katulong kasi hindi na
kailangan. May merienda na hinanda si Josh pero hindi ko siya makain kain dahil sa
kaba.

"Now tell me..." I said kaya nag simula na siyang mag kwento.

*FLASHBACK*

"Josh, I need your help!" Si Selena. Matagal na kaming break, pero hindi pa din
niya ako tinitigilan. Oo, minahal ko siya pero minahal nga eh, past tense!
Nagsisisi nga ako kung bakit ko pa siya pinatulan eh ang alam lang nila,
magmaganda, umarte, mainggit, at kung anu ano pa. Ako naman si gago, sunud sunuran.

"Selena, ano na naman ba? Ayoko na sabi eh," Isasarado ko na sana yung pinto ng
bahay namin pero pinigilan niya. "Gusto mong bumawi kay Rylie, diba?"

Huminga ako ng malalim at pinapasok na siya sa loob.


"Ano ba yun? Siguraduhin mong maayos yan."

"Oo nga! Ganito kasi, may babae na kumausap sa akin kanina tapos sinend niya 'to sa
phone ko. Nagulat ako kasi may number din niya ako. Nakalimutan ko na pangalan eh,
pero basta, watch it na lang!"

Pinanood ko yung video. Nagulat ako kasi si Justin yun, may kasamang babae. Sinabi
niyang hindi niya mahal si Rylie. Tangina! Ang lakas mag salita ng gago na 'to na
gago kami eh pare parehas lang naman pala kaming gago.

"Anong balak mo?" Tanong ko kay Selena.

"Ikaw nga ang tatanungin ko eh. Anong balak mo?" Binalik niya sa akin yung tanong.
Pagkatapos ng ilang minuto, may tumawag kay Selena. Pagkababa niya ng phone, sabi
niya, naglaslas daw yung kaibigan ng babae na kumausap sa kanya kanina dahil kay
Justin. Nasa hospital siya ngayon. Fuck Justin. Fuck him!

"Nasa EK daw sila Rylie at Justin," Sabi ni Selena.

Tumayo ako pero nakatingin lang siya sa akin. Kinuha ko yung susi at jacket ko.

"Ano pang hinihintay mo? Tara na!" Sabi ko sa kanya dahil hanggang ngayon, nakaupo
pa din siya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Malamang, sa EK! Ikaw kumausap kay Rylie, ipakita mo sa kanya yung video. Ako
kakausap kay Justin at papapuntahin ko doon sa nagpakamatay na babae."

"Alexa pangalan niya..."

"Alexa." Inulit ko saka kami umalis.


Gabing gabi nang makarating kami. Tinawagan ko si Justin at pinuntahan kung nasaan
siya. Sinabi ko sa kanyang puntahan niya si Alexa. Totoo naman eh, kailangan siya
ni Alexa. Pinuntahan naman niya siya.

Nakita ko si Justin na sinagot yung phone niya. Baka si Rylie... Napanood na kaya
niya?

"Hello?" Sagot niya.

Hindi ko narinig yung sinabi ng kausap niya pero halatang nagpapanic siya. Aalisin
na sana siya pero pinigilan ko siya...

"Bro, stay. Kahit ngayon lang."

And he stayed.

Pasukan na. Na-late ako pero okay lang kasi sanay naman na yung mga tao sa akin na
ganito ako. Ang nakakapanibago lang, nakita ko si Rylie na naglalakad sa corridor.
Late din siya. One of the early birds kaya yung babaeng yun. Nakakapanibago talaga!

Since section 1 siya at section 3 ako, lumiko na ako kasi wala naman sa direction
niya classroom ko. Mukha siyang malungkot. Teka, umiyak ba siya? Kung magkaklase
lang sana kami, sana nacomfort ko siya. Taena, ang bakla! Hahahaha!

Snacks na!

"Kent, nakita mo ba si Rylie?" Tanong ko sa kanya. Si Kent lang naman kaya kong
pagkatiwalaan sa barkada eh.

"Garden," Sabi niya at umalis na. Anong problema nun?

Tumakbo na ako pero noong malapit na ako sa garden, nag lakad na ako para hindi
halata na nagmamadali ako. Nakita ko siyang umiiyak, fuck. Bakit parang nasasaktan
din ako? Ayos, Josh. AYOS! Hindi mo siya gusto at hindi ka niya gusto. Nagguilty ka
lang.
Nang makalapit na ako sa kanya, tumingala siya, "J-josh?" Anong problema ng dila ng
babaeng 'to? Mukha ba kong multo?

"Tama na iyak, papangit ka niyan. Oh punasan mo uhog mo.." Inabot ko sa kanya yung
panyo pero lalo siyang umiyak. Tangina! Hindi ko na alam gagawin ko. Natetempt
akong hawakan siya, yakapin, o kahit ano. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng grabe
kung umiyak. Kahit si Selena, hindi ko pa nakikita.

"P-pwede ba kita yakapin?" Tanong niya na ikinagulat ko naman. Kanina ko pa nga


gustong gawin yun eh. Sana pala di ko na lang sinabi kay Selena na ipakita sa kanya
yung video. Pero hindi eh! Lalo siyang lolokohin ng gagong yun!

Noong sumunod na araw, lagi na kaming mag kasama ni Rylie. Hinahabol habol siya ni
Justin pero ayaw niya pansinin. Papansinin man niya, tatarayan naman. Minsan tuloy,
napapaisip ako kung totoo ba yung video na napanood ko. Hindi naman mageeffort ang
isang lalaki kung hindi niya mahal yung babae. Ako nga, minahal ko si Selena pero
hindi ko man lang ineffortan. Sorry ang gago ko pero nagsasabi lang ako ng totoo.

Kinwento sa akin ni Rylie yung nangyari sa kanila kahit alam ko naman. I pretended
that I didn't know, though. Malamang! By the way, mas lalo kaming naging close. Ako
kasama niya noong lumaban siya ng pageant ng school namin.

"Nadaya ata tayo eh. Dapat ikaw ang miss campus!" Sabi ko sa kanya dahil totoo
naman. Ang ganda niya masyado! Kulang lang ng self-confidence at height. Hahaha!

"Ayos ka nga!!!" Sabi ni Rylie tapos tumawa kami.

Balik normal school days na naman. Magkausap kami ni Rylie pero bigla niya akong
hinalikan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Mahal ko na ata 'tong babaeng 'to. Mahal
na din kaya niya ako? Teka, ang bilis naman! Pagkatapos niya akong halikan,
nadisappoint ako kasi nakita ko si Justin. Ibig sabihin, hinalikan lang niya ako
dahil nandiyan si Justin.

Sige lang, Rylie. Okay lang.

After that incident happened, nag kunwari kaming kami na. Pumayag naman ako kahit
na hinihiling ko na sana totoo yun.
Malapit na nga pala yung graduation. Gusto ni mama, mag-aral ako sa states. Syempre
hindi ako pumayag kasi hindi ko na makikita si Rylie.

Kringggg. Kringgg.

"Hello?" Sagot ko.

"Hi, I need to talk to you." Babae yung nagsasalita. Ibababa ko na sana kasi hindi
ko siya kilala pero sabi niya, kailangan talaga. About daw kay Rylie.

Nag kita kami somewhere at may pinanood siya sa akin galing sa phone niya. Jessa
nga pala pangalan niya. Siya si Jessa na kaibigan ni Alexa, yung nagpakamatay na
babae pero hindi namatay kasi nadala agad sa hospital.

"Cinut lang yung video na napanood namin?!"

Hindi ko alam kung magagalit ako sa kanya pero kung hindi nangyari yun, hindi naman
kami magiging close ni Rylie. Hindi ko siya mamahalin ng ganito.

She nodded, "Tinulungan mo ako ng sobra kaya I think, you deserve to the know the
truth. I cut the video. I cut it because of Alexa. Alam ko, tingin ng madami,
alalay niya ako. Wala akong pake!"

"Hindi pa din tama yung ginawa mo!"

"Sorry. Please, wag kang maingay. Please Josh..."

"Take responsibility." I was about to walk when she grasped my arm.

"I'm scared. Natatakot ako sa mga mangyayari. Pag nalaman ni Alexa yung ginawa ko,
magagalit siya sa akin ng sobra. Pinatapon na niya kasi yung video sa akin pero
ako, I still cut it and gave it to Selena. Sorry. Please keep this for now...
Promise pag ready na ko, ako magsasabi sa mga tao."
Wala akong nagawa at pumayag ako sa gusto niya. Sinaktan ko na naman si Rylie. Fuck
my life!

I called my mom.

"Hi, Joshyy."

"Mom, I'm ready to study there."

*END OF THE FLASHBACK*

Pagkatapos niyang i-kwento sa akin yung mga nangyari, hindi ako makapagsalita.

Tumulo na lang luha ko...

Naalala ko noong tinawagan ko si Alexa para itanong kung sino yung nag bigay ng
video sa kanya...

*FLASHBACK*

"Nakalimutan ko na kasi yung pangalan Rylie..."

"Please Selena, alalahin mo! Please?"

"Hindi ko talaga maalala pangalan niya, Rylie. As much as I want to remember, hindi
ko na talaga maalala. Sorry, Rylie."

"Err okay. Pero may naaalala ka bang Alexa?" I asked.

"Ah oo!!! I know her kaso by name lang. Siya yung nag attempt mag suicide, diba?"
*END OF THE FLASHBACK*

Hindi si Alexa yung nag cut at nag bigay ng video. Pinatapon na niya yun pero si
Jessa, siya yung gumawa nun para kay Alexa.

"She deserved it."

Yan! Yan yung narinig at naaalala kong sinabi ni Jessa habang magkausap kami ni
Alexa sa Starbucks.

"Sorry, Rylie."

Binuksan ni Josh yung TV at nagulat ako sa nakita ko. All this time, na sakanya
lang yung video? Fck, nanginginig ako ngayon. Tangina lang.

"Justin!" Hinug siya ni Alexa.

"Alexa, please?" Umalis si Justin sa hug ni Alexa.

"What?! I love you!"

"I love Rylie. Ang immature mo, alam mo yun?! Kung sakaling maging tayo, hindi ka
rin magiging masaya dahil hindi ikaw ang mahal ko. Lalong hindi rin ako magiging
masaya Alexa! Mahal na mahal ko si Rylie. Ano bang kailangan kong gawin para layuan
mo siya?! Para tigilan mo na kami?!"

"Simple lang," She smirked.

"Ano?"

"Sabihin mong ayaw mo sakanya. Sabihin mong gusto mo si Janilyn?"

Bullsht! I hate you, Alexa. I hate myself. Wala akong pinagkaiba kay Alexa. Parehas
kaming selfish. Inisiip ko lang lagi, yung sarili ko. I fcking hate myself.

"Pag sinabi ko ba yan, titigilan mo na kami?"

"Maybe?" Nakikita ko yung evil eyes ni Alexa. Parang may masamang balak...

"Oo. Gusto ko nga si Janilyn! Maganda, matalino, at mabait. Si Rylie? Careless,


Clumsy, Ulyanin, at mahina masyado. Ayoko sa ugali at kilos niya. Gustung gusto ako
ni Aisha para sakanya kaya pinilit niya ako makipagdare sakanya..." Alexa smirked
again. Ughh.

"Kinikwento siya ni Aisha sa akin before pa kami mag meet. Masyado siyang soft.
Madaling maawa, sobrang bait."

Napanood ko na naman yung part na 'to pero this time, mapapanood ko na yung iba...
Yung iba pa. Gusto kong i-fast forward!

"Inis na inis ako sakanya dahil hindi man lang siya lumaban. Kaya naman pala
naaabuso kasi hindi siya lumalaban. Lumipat ako ng school Hanggang sa nakilala ko
na siya nung 1st day of class sa school namin, hindi ko pa alam na siya si Rylie.
Badtrip ako nun at mas lalo pa akong nabadtrip dahil sakanya."

Oo, naaalala ko nun. Dahil sa pagddaydream ko, hindi ko siya narinig. Pag harap ko
sa kanya, nagulat ako kasi ang gwapo. Ang sungit nga niya nun eh pero ako, hindi ko
siya tinigilan. Kilig na kilig ako sa kanya. Shet! Nakakahiya ako.

"Naiinis ako sakanya pero hindi ko magawang magalit. Sobrang bait kasi. Lalo na
nung pinagpustahan siya ng mga lalaki na yun, l@ngya! Di man lang siya lumaban o
gumanti. Kaya ang ginawa ko..."

Naaalala ko din 'to. Narinig ko sila Josh at mga ex-es ko na pinaguusapan ako at
sobrang lala ng mga sinasabi about sa akin. Masyado daw akong hopeless romantic at
kung anu ano pa. Hiyang hiya ako sa mga sinabi nila. Feeling ko ang liit liit ko
kaya buti na lang hinatak ako ni Justin palayo doon. Hindi ko na kayang marinig pa
mga sasabihin nila eh.

Naalala ko din, sinermonan ako ni Justin. Bakit daw hindi ako lumaban. Naalala ko
din, doon niya ako unang hinalikan.
"Pinagtanggol ka niya Alexa dahil hindi niya alam ang totoo. Hindi niya alam na
break na tayo at ayoko sayo. Hindi niya ako kilala... NOON. Nakita ko kayong
papalapit pati na rin yung mga lalaking ginawa siyang laruan. That was why i kissed
her. Gusto kong malaman nila na may nagmamahal kay Rylie. Babae siya and her heart
is very fragile. She is fragile."

Tumulo yung luha ni Alexa. Tumulo din luha ko. Hindi ko mapigilan! Bakit siya
ganyan? Bakit ngayon ko lang 'to napanood?

"Rylie is very lucky."

Kaya pala pilit na sinasabi ni Alexa na ang swerte ko kasi totoo nga, swerte talaga
ako. Swerte ako kay Justin pero sinira ko lang siya. Sinira ko siya dahil sa video
na cinut lang ng kung sino.

"Yung sinabi ko kanina na careless siya? Oo, totoo yun. Makahawak lang siya ng
importanteng bagay, its either mawawala, matatapunan, makakalimutan niya kung saan
nakalagay o masisira. One time nga pinahawak ko sakanya yung phone ko. Sabi ko
sakanya wag niyang ibabagsak. Hindi nga nabagsak, natapunan naman. Pero alam mo ba?
Nagsorry siya sa akin at ngumiti. Tapos pag uwi ko sa bahay. Nakita ko yung
cellphone niya sa bag ko. Pinalit niya yung cellphone niya sa cellphone ko na
nabasa niya. Nakita ko yung notebook ko na may sulat na 'Sorry, ang clumsy ko."

"What's your point?"

"Love is sacrifice. Kung mahal mo talaga ako, magiging masaya ka para sa akin."
Napayuko si Alexa.

Aminado naman akong careless ako. Alam ko naman. Pero yung sinabi ni Justin...
Sobrang... What the fuck.

"Clumsy siya. Sobra! Tumawid nga kami nun sa highway. Nadapa siya gitna ng daan
dahil may maliit na bato na nakaharang. Inabot ko yung kamay ko pero hindi niya
tinanggap. Nag sorry siya sa driver na muntik ng bumangga sakanya. Nag sorry siya
sa akin dahil hindi siya nagiingat."

"What's your point this time?"


"If you love me, kaya mong lunukin yung pride or ego mo. Kahit hindi mo kasalanan,
magsosorry ka dahil ayaw mong magaway kayo." Tumutulo na naman luha ni Alexa.

Dahil sa mga sinasabi niya, yung weaknesses ko, napapalitan ng positive. Instead na
maging negative, nagiging positive lahat.

"Napakaulyanin niya. Namisplace niya yung necklace na binigay ko sakanya. Hindi ako
nagalit sakanya dahil alam ko naman na hindi niya sinasadya. Alam mo yung ginawa
niya, hindi siya tumigil sa paghahanap kahit na nagkasakit na siya. Nahanap niya
yung necklace."

"Saan nakalagay?"

"Sa bulsa ng uniform niya. Buti na lang mabait yung katulong nila at sinoli yung
necklace."

"Tapos?"

Kinwento niya kung ano yung next na nangyari.

"Again, what's your point?"

"Imbis na magsorry siya dahil nawala niya yung necklace, nagsorry siya dahil
pinagalala niya ko. Kakahanap kasi ng necklace na binigay ko, nagkasakit siya. If
you love me, hindi mo iisipin yung sarili mo. Iisipin mo kung ano o sino ang
nakakapagpasaya sa mahal mo."

"So, you mean.."

"Tama yung iniisip mo. Never niyang inisip sarili niya, kaaway niya o hindi, mahal
niya o hindi, kakakilala lang niya o matagal na niyang kakilala. Lagi na lang niya
iniisip kung ano ang mararamdaman at makakabuti sa ibang tao kahit sobrang
nasasaktan na siya. Ibibigay niya lahat kahit wala ng matira sakanya. Kahit na
pinunit mo yung diary niya at binasa siya sa CR, never niyang sinabi sa akin dahil
ayaw niya akong mag alala at ayaw niyang masaktan kita. Ayaw niya akong magalit
sayo."
Umiyak si Alexa. Yung tears niya, genuine. First time kong makita si Alexa na hindi
fake. Na seryoso. Na umiiyak ng ganito.

Josh tapped my back pero inalis ko yung kamay niya sa likod ko. Sorry, Josh. Not
now. Alam kong you did that para kay Jessa pero... fck. Not now.

"Paano mo alam?"

"Sabi ni Aisha sa akin ayaw daw pasabi ni Rylie. Pinapasundan mo daw kami. Sinabi
yun ni Aisha dahil yun daw kasi ang sa tingin niyang tama, kahit magalit pa sakanya
si Rylie. Masyado ng nasasaktan si Rylie. Pupuntahan ko na sana siya kaso tinext
naman ako ni Janilyn. Sinabi niya na siya yung nawawala kong childhood friend. Yung
matagal kong hinintay. Pinuntahan ako ni Rylie sa bahay nila Janilyn. Sinabi niya
na siya si TJ. Hindi ko alam kung sino yung paniniwalaan ko nun pero pinili ko si
Janilyn. Inisip kong baka yun na din yung way para layuan niya ako at tigilan mo
siya. Kaso hindi. Lalo ko lang siyang nasaktan."

"Pero sabi mo hindi mo siya gusto diba?"

"Hindi nga. Pati ikaw ang may sabi na sabihin kong hindi ko siya gusto. I don't
like her. I don't love her. I'm crazily in love with her. I can sacrifice my
happiness just for her even though she's my happiness. Kaya kung ayaw mo pa din
kaming tigilan, gagawin ko ang lahat ng gusto mo, tigilan mo lang siya."

"I sacrificed everything for you Justin."

"No, you sacrificed everything just to get me. You sacrificed everything just to
get your happiness."

"Was I selfish?"

"Yes."

"But I love you more than everything."

"How can you love me when you can't even love yourself. And no. You love me in a
wrong way. Love is not what you think, Alexa. Love is not all about you."

"Then what is love?"

"Love is Jamilah Rylie Hao. I'm in love with her but I don't know why. I'm in love
with her and I don't know how much I love her. I'm in love with her that I can't
even define the word love anymore because I don't want to question my love for her.
I thought love is blind? But I can see her clearly and I know what i'm doing. I
thought love is selfish? But I can give everything for her. I thought love is
unfair? How come I love her fairly? I thought I can define and measure it. I was
wrong. And Jamilah? Jamilah is not smart but she taught me how to love."

Damn. Damn. Damn.

Sobrang cheesy pero... fck. Bakit ang sweet?

"You're so cheesy." She's crying while laughing.

"Hindi ko kinakahiya si Jamilah. I don't care kung cheesy ako. I don't care kung
ano man sabihin niyo. I just wanna prove to all of you especially to her that I'm
in love with her."

"What do you want me to do?"

"I want you to stay away from us." Yumuko si Justin, "Kahit na lumuhod ako sa
harapan mo ngayon."

No, Justin. Wag kang lumuhod please... Wag.

"No, you don't have to kneel down, Justin. Hindi pa nag sisink in sakin lahat ng
sinabi mo but medyo natauhan na ko. Wala nga yata talaga akong laban," Alexa
sighed, "If that's what you want, Justin. I'll sacrifice my happiness just to make
you happy."

Huminga ako ng malalim. Kinabahan ako. Akala ko luluhod siya. Buti na lang
pinigilan siya ni Alexa. Kung hindi, ayoko na talaga. Hindi ko na kakayanin.
"Thanks for telling me this and I'm sorry but I just want to let you know that I
love you. I still love you, Justin."

She hugged Justin at doon na natapos yung video.

Nanginginig pa din ako and I'm still crying.

Isa lang ang naiisip kong gawin ngayon...

"Rylie..."

"J-josh, n-not now please."

Pagkatapos kong sabihin yun, umalis na ako at tumakbo. Malayo sa high-way yung
bahay nila Josh kaya walang masyadong sasakyan.

"Rylie!"

Si Justin! Bakit siya nandito?

"Rylie, tabi!" Tumakbo siya at tinulak ako.

Nabunggo siya. Pagkatapos niyang mabunggo, pinatakbo ng nakabangga ng sobrang bilis


yung sasakyan. Oh fck.

No no no. Please tell me hindi totoo 'to. Please tell me I'm dreaming...

Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Tyler... Wait lang wag kang pipikit. Wag kang pipikit ah. Please? Manghihingi ako
ng tulong. Don't close your eyes, baby."
"I love you," Hinaplos niya yung kamay niya sa mukha ko. Mabagal at mahina yung
pagakakasabi niya nun. He tried to smile then he closed his eyes.

"Tyler... please... Wag mo kaming iwan."

Nakita ko si Josh na lumabas ng bahay nila at tumakbo papunta sa akin. Wala na


akong masyadong makita sa sobrang kakaiyak.

"Josh dalian mo please..."

Nasa likod kaming dalawa ni Justin ng sasakyan ni Josh.

"Please don't leave me... I'm sorry... H-hindi ko alam... S-sorry I didn't... I
didn't trust you enough... Sorry, Tyler... I love you..."
####################################
CHAPTER FORTY TWO
####################################

FACEBOOK PAGE--> https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP or click the external


link.

The doctor said he's in coma. Ang daming tao. Nandito yung parents ni Tyler pati
sila Janine and Jenine. Nandito din sila Aisha, Christian, Ariza, Dylan, Katy,
Lynne, Brylle, and Josh. It's been 9 hours pero di pa din siya nagigising.

Naaalala ko, pag dating ng parents ni Tyler kanina, akala ko sasampalin ako ni Tita
pero nagulat ako kasi bigla niya akong yinakap ng mahigpit at umiyak ng umiyak.
Sorry ako ng sorry sa kanya. Alam kong hindi sapat ang sorry but it was all I could
ever say. Kiniwento ko kasi yung mga nangyari kaya alam nilang dahil sa akin,
nabunggo siya.

Yes, I'm blaming myself. It was all my fault.

"Rylie, magpahinga ka muna. Wala ka pang tulog," Sabi ni Dylan. Nandito kami ngayon
sa labas ng room ni Tyler. Nasa loob pa kasi yung parents niya and the twins. Ayaw
naming istorbohin. Actually, pinapapasok nga kami pero sabi namin, kailangan nila
ng time together.
I shook my head, "Hindi din naman ako makakatulog. Thanks na lang Dylan." Hindi ako
makangiti kahit gustuhin ko man.

"Ry, you have to rest. Ni hindi ka pa nga kumakain eh. Pinapatay mo ba sarili mo?"
Sabi naman ni Christian. Hindi naman nila ako kailangan intindihin. Buhay pa ako,
wala akong sugat, at makakakain din naman ako pagkatapos lahat ng nangyayari.

"Guys, ano ba. Okay lang ako."

"Okay? Talaga? Rylie, sa itsura mo ngayon. Lahat ng tao na makakita sayo, iisiping
hindi ka okay. Look at yourself. May blood pa yung shirt mo," Sabi naman ni Ariza.

Alam kong nag-aalala lang sila pero ayoko talaga.

"I'm oka- Alexa?" Sabi ko noong nakita ko siyang paparating. She looks worried and
sad. I don't know. Ayoko na mag-isip!

"That bitch," Aisha murmured. She stood up at nag lakad papunta kay Alexa. "This is
all your fault. Kasalanan mo 'tong lahat, you should die." She slapped Alexa.

Hindi ako nagsasalita. Naalala ko yung video. Hindi ko alam kung maaawa ako o
maiinis. Hindi ko na alam. Wala na akong alam!

"Rylie, can we talk?"

"No!" Katy shouted. "Hindi pwede. No, Alexa. You can't talk to her."

"Rylie?" Alexa looked at me and I nodded. Yup, mag-uusap kami.

I looked at them and mouthed, "It's okay."

Nag decide kami ni Alexa na sa cafeteria na lang ng hospital kami mag-usap. Wala
naman masyadong tao kasi maaga pa.

"Ry, I have something to say."

Hindi ako nagsasalita.

"Listen to me."

I nodded again pero isang beses lang.

"I know you're blaming yourself right now..."

"Alexa, if you're here to comfort me, wag na lang. I don't need that sht right
now-"

"Naaalala mo ba noong nasa room niya ko and you slapped me? Pinuntahan ko siya nun
because I was worried. Since nacurious ako kung ano nangyari and kung bakit galit
na galit ka sa akin, nag tanong tanong ako. I even went to his former
university..."

Nakatingin lang ako sa kanya, not saying anything.

"Madaming galit sa kanya and isa doon, member ng frat. Yeah Rylie, kaya siya may
mga sugat that time hindi dahil sa motor. A group of guys hurt him pero masyadong
matalino si Justin eh. May sinabi ata siya sa mga lalaki para tigilan siya. Kaya
siguro konti lang yung sugat at pasa niya..."

Nakakapanghina talaga...

"Pero recently, nandiyan na naman sila. Sabi nila, hindi pa sila tapos gumanti.
Nalaman nilang may nililigawan siya at ikaw yun. They threatened him. Kung hindi
babalik yung babae noong lalaki na yun sa kanya, ikaw ang sasaktan nila."

"Sana ako na lang, diba? Sana ako na lang..." Hindi ko mapigilan yung luha ko!
Tangina naman eh. Tangina!
She shook her head, "Sabi niya nag quit na siya diba? He told you that to protect
you kaya kahit sinabi niya sayong magqquit siya, sinusundan ka pa din niya. Hindi
mo lang alam... Kaya inis na inis ako sa'yo... inggit na inggit..."

"S-so yung bumangga sa kanya... yung..."

"Yeah it was them..."

Fck this. Totoo yung sinabi ng babae sa akin! Totoong madaming kaaway si Justin!
Bakit ba noong sinabi niya sa akin na ingatan ko si Justin, hindi ko masyadong
pinaniwalaan. I disregard it. Kasalanan ko na naman. Kasalanan ko talaga lahat.

Pag balik ko sa room, hinayaan ako nila tita na kausapin ko si Justin. Nakiusap na
din kasi ako na ako na muna magbabantay. Hindi pa din kasi sila kumakain. Buti nga
at hindi nila alam na hindi pa din ako kumakain.

Dahan dahan akong lumapit kay Justin at umupo sa tabi niya. I held his hand and
smiled. Nababaliw na nga siguro ako.

"Tyler... Mas bagay pa din pala ang Tyler sa'yo no? Mas bagay pala pag masungit ka
pero sweet at the same time. Biruin mo, nakakamiss pala yung pagiging sarcastic mo
sa mga katangahan ko?" I laughed and looked at his hand. I didn't notice I was
crying already until a tear fell on his hand. Pinunasan ko yun and continued
speaking.

"Ang ganda pa din ng kamay mo kahit may sugat ka, nakakainggit. Sana... sana ako na
lang nasa posisyon mo ngayon eh. Sana ako na lang..." Hindi ko mapigilan luha ko
ayokong umiyak. Kahit hindi niya ako nakikita, ayokong umiyak sa harapan niya. Pero
pag pinigilan ko pa kasi, feeling ko sasabog na ako.

"Sana hindi mo na lang ako tinulak. Diba sabi ko naman, hindi na ako hopeless
romantic? Hindi ko kailangan ng knight in shining armor... Ikaw kasi... Ikaw yung
kailangan ko... Ikaw lang..."

I hugged him pero dahan dahan lang and hindi din madiin kahit gusto ko siyang
yakapin ng mahigpit, "Tyler, wake up, please? Gumising ka na. Masyado ka ng matagal
na nakahiga diyan eh. Hindi ka ba nangangawit?"
I kissed his forehead and hugged him again, "Tyler, naaalala mo ba noong first day
of school ng fourth year? Galit na galit ka sa akin nun tapos secret lang natin 'to
ah, pero crush na crush kita. Sana hindi na lang ako nag-bago... Siguro kung ako
yung dating Rylie, I would still listen. I would forgive you... Tapos malalaman ko
agad yung totoo... malalaman ko agad na cut lang yung video...

Pero sa sobrang dami na sigurong nanakit sa akin, hindi ko na kinaya... Hindi ko na


kaya pang makinig... Natatakot na ako masaktan... Sorry, Tyler. Sobrang sorry... T-
tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi... Sobrang ironic din kasi kung sino pa yung
totoong nag-mahal sa akin, yun pa yung pinakawalan ko. Kung hindi kita pinakawalan,
hindi naman mangyayari sa'yo 'to, diba?"

Walang tigil luha ko. Sumasakit na dibdib ko...

Umupo ulit ako ng maayos and poked him gently, "Uyyy, Tyler naman eh... Gumising ka
na oh? Paano na lang pag... pag wala ka... paano na sila Janine at Jenine? Paano na
sila Tito at Tita? Paano na si Aisha? Yung friends mo? Ang selfish ko... pero paano
na ako? Tayo? Liligawan pa kita, diba? Mahal na mahal ka nila, Justin... Mahal na
mahal kita..."

I kissed his hand...

"Nakita ko na yung video... May proof na ko..." I paused for a second and
continued. "Noong una, ayaw kitang sagutin hangga't di ko nakikita yung video...
Alam mo kung bakit? Kasi gusto ko isampal sa mga taong sumira sa atin lahat lahat.
Gusto kong gumanti... But then I realized, ako pala ang sumira sa ating dalawa...
Ako lang..." I sobbed. Tinitigan ko siya, ang gwapo niya. Parang hindi makatao! Ang
sarap ingudngod ng sarili ko sa ilalim ng lupa. Ang laki kong tanga. Yung mga
efforts niya... Bakit ba hindi ko yun nakita?

"Sorry, Justin. Sobrang sorry... Gigising ka naman, diba? Umaasa ako, gigising
ka... Pag gumising ka... promise ko sa'yo... ako naman ang tutulak sayo para hindi
ka mabaril, masagasaan, masaksak... Ako naman ang pupunta sa bahay niyo... Ako
naman ang manliligaw sa magulang mo... Ako naman ang manliligaw sayo..."

Hindi na talaga ako makahinga...

"I love you, Tyler... Mahal na mahal na mahal kita...

...14344, remember?"
After saying that, everything suddenly went black.
####################################
CHAPTER FORTY THREE
####################################

A/N: FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP

"Tyler?"

I saw him... He's smiling at me... Hindi ko alam kung nasaan kami, pero grabe, nasa
Heaven na ba ko? Everything's white. Kahit siya, nakaputi. Ako lang ata yung hindi
kasi suot ko pa din yung damit ko noong nangyari yung aksidente. Hanggang ngayon,
may dugo pa din ni Tyler...

Tumakbo ako at yayakapin ko sana siya pero nag bago yung expression ng mukha niya
at lumayo ng konti sa akin, "Tyler, may problema ba?"

"Jamilah... Hindi pwede..."

"What do you mean 'hindi pwede'? Tyler, miss na miss na kita... Sobrang miss na
kita..."

"Miss na miss na din kita. Mahal na mahal kita... Gusto na kitang hawakan, yakapin,
halikan... Pero hindi pwede."

"B-bakit naman, T-Tyler? Kung kailan magkasama na tayo, kung kailan okay na tayo,
hindi na naman tayo pwede? Bakit na naman?" Hahawakan ko sana siya pero lumayo na
naman siya.

"Jamilah... from now on, I want you to move on, and start smiling. Old Rylie man
or new Rylie, you're still Rylie... I still love you..."

Pagkasabi niya nun, hindi ko na siya nakita. Sigaw ako ng sigaw pero he's gone.
Takbo ako ng takbo para hanapin siya pero walang nangyayari sa akin.

Napapagod na ako...
"Rylie! Ano ba, gumising ka na oh! Please?" Narinig ko boses ni Achi then I
realized it was just a bad dream. Buti na lang tangina. BUTI NA LANG! Kahit naka-
aircon, pinagpapawisan ako. Hingal na hingal ako tapos basa na din dahil sa pawis
at luha.

"Tinakot mo ako, gago ka!" Sabi niya.

"Si Tyler?" Siya lang talaga nasa isip ko ngayon.

"Ayun, buhay pa. Eh ikaw? Nasaan ka na, Rylie? Seryoso, pinapatay mo ba sarili mo?"

"I- I- of course not..."

"Kung hindi mo talaga pinapatay sarili mo, kumain ka, maligo, at kung anu ano pa.
Hangga't di pa maayos utak mo, hindi ka pwedeng pumunta sa hospital. Maliwanag?"

Gusto kong tumanggi, pero tumango na lang ako. Hindi din naman ako mananalo.

Bago ako umuwi ng bahay, bumisita muna ako kay Tyler. Pinayagan naman ako nila mama
kaya okay lang. Pag uwi ko, dumapa ako sa kama and buried myself in my pillow. Ang
sikip ng dibdib ko. Naaalala ko na naman yung panaginip ko kanina, sana hindi
magkatotoo.

Umupo ako at chineck yung drawer ko. Nandito pa yung old phone ko...

Pumunta ako sa pictures at tiningnan pictures niya. Bakit ganun? Ibang iba yung
smile niya dati sa smile niya recently? Dati, sobrang genuine. Ngayon, parang may
halong sakit? Ako ba may gawa nun? Ughhhh. Ang bobo mo, Rylie! Tanga tanga mooo.
Gaga ka!!!

Naligo na ako at kumain. Nakapag-isip isip na din ako. Tama si Achi! Kailangan kong
ayusin sarili ko. All this time, naging strong si Tyler para sa akin. It's my turn
para ako naman ang maging strong for him. He needs me now more than ever. Kung
papabayaan ko sarili ko, sobrang selfish ko na. I need to take care of him, pero in
order to take care of him, I need to fix myself and be strong for him.
Pag labas ko ng bahay, nakita ko si Dylan...

"Uy Dylan," I smiled weakly.

He smiled sadly, "Hindi ko alam kung magiging okay ka or baka mas lalo ka lang
malungkot sa ipapakita ko, pero I think you need to know the truth..."

Truth? May lie na naman ba?

"What do you mean?" I asked.

"I'll show you the secret room." Oh fck! Ipapakita na niya sa akin yung secret room
niya. Gusto kong malaman na ayoko. Kinakabahan kasi ako pero walang mangyayari kung
kakabahan ako. Besides, I'm so damn curious.

Nag commute lang kami ni Dylan papuntang apartment nila, pero mga 30 minutes bago
kami makarating. Pumunta agad kami sa door ng secret room...

"Ready?" Tanong ni Dylan, hawak hawak yung door knob.

I nodded.

When he opened it, hindi ako masyadong nagulat na may pictures ako doon kasi
expected ko na yun. Maliit lang yung room compared to their rooms. Para siyang
bodega pero yung sobrang ayos na bodega. Hindi ko alam kung matatakot ako o
matutuwa o ano...

Sa dalawang gilid na walls kasi, may sketches ng mukha ko. As in nakadrawing talaga
sa walls yung mga mukha ko. May nakaside view na seryoso, may nakaharap na
tumatawa, may malungkot, may nakapout, and iba pa. Sa gitnang wall naman, may mga
pictures ko. Katulad ng sinabi ko, hindi na ako masyadong nagulat pero kasi, yung
mga pictures na 'to...

Since 4th year highschool pa...


Yung iba, kasama ko family ko, yung iba with friends and org mates, and yung iba,
kasama ko si Tyler.

"Dylan? Kilala mo ba ako noong highschool pa?"

He shook his head, "Naah."

"S-saan mo napulot 'to?"

He laughed, "Pulot talaga, Rylie? Sorry to say, pero hindi ako ang nakapulot
niyan."

"Si T-Tyler?"

"Sino pa ba?" Sabi niya with his sarcastic voice. "Rylie, since highschool, barkada
na kami ni Justin. We were bandmates. Siya vocalist namin pero noong lumipat siya,
lead guitarist and vocalist na ko kaso di din nag tagal yung banda kasi simula
noong nawala siya, konti na lang yung nanonood sa amin."

"S-so kasama k-ka sa- So nakita na kita dati?" Kasi naalala ko, noong natapunan ako
ng juice, yung band mates ni Tyler kasama ako. Nakasama din namin sila ni
Christian. Kasama siya doon? Bakit hindi ko maalala?

"Hindi. Busy ako that time since ako na nga naghahandle ng band kasi wala eh,
palaos na kami. I was still trying na buuin yun pero wala na talaga," Sobrang
lungkot ni Dylan. I feel sorry for him and his bandmates." "Nakwento lang ni Justin
sa amin noong uminom kami at namroblema siya sayo. Nagulat nga kami kasi yun yung
unang beses na nag aya siya uminom."

*FLASHBACK*

(CHAPTER 35)
"Torpe." Sabi ni Christian sabay shot. Nandito kami sa condo ni Christian kasama
sila Terence, Adrian, Richard, Jecko, Jonas, at Justin. Nag aya uminom si Justin
eh. First time nga niya mamroblema dahil sa babae. First time din niyang mag yaya
uminom. Langya, lakas ng tama eh. Haha!

"Sino ba kasi yung babaeng yan? Ano bang gayuma pinainom niya sayo?" Tanong ko.
Lagi na kasi akong wala kasi noong nawala si Justin, naging busy na ako sa band
namin. Bukod sa pagiging lead guitarist, lead vocalist na din ako. Tsk. Kung yung
iba 'to, masaya sila. Pero ako, hindi talaga. Ayoko ng hassle na buhay eh.

"Hindi na kailangan ng gayuma, tsong." Sabi na naman ni Christian sabay shot. Teka,
depress din ba 'to? Nakakailang shot na eh.

"Taena pre, tipsy ka na. Langya. Yan kasi! Maiinlove kayo pero kayo ang nananakit
sa sarili niyo. Ikaw Christian, bakit ba di ka pa sumusuko kay Ariza? At ikaw
Justin, magseselos ka pero-"

"Hindi ako nagseselos." Pinutol ni Justin sinabi ni Adrian.

"Hindi? Wag mo nga akong lokohin. Tayo tayo na nga lang, maglolokohan pa tayo? Lul
mo! Patapusin mo muna ko pwede? Hindi pa tapos speech ko eh." Kinuha ni Adrian yung
shot glass at nilagyan ng liquor.

"Ano ba yun?" Sabi ni Justin.

"Magseselos ka pero wala ka namang ginagawa. Ang bagal mo! Ang torpe mo! Pre, alam
kong mas perfect ako sayo pero-" Hindi na naman niya natuloy yung sinasabi ni
Adrian dahil binatukan siya ni Richard.

"Kupal! Top 1 ka ba? Scholar ka ba? Sobrang hearthrob mo ba? Talented ka ba?
Athletic ka ba? Wag ka ngang mag feeling diyan, Adrian. Taena!" Tumawa silang lahat
sa sinabi ni Richard. Seryoso, walang halong kabaklaan, pero si Justin na ang
pinakaperpektong tao na nakita ko. Nakakainggit man pero kailangan tanggapin. Gwapo
din naman ako, ayos na yun.

"Pwede bang patapusin niyo muna ako?!" Sabi ni Adrian. "Yun nga. Justin, pre. Wala
kang dapat ika-torpe. Oo nga't pwede kang magselos pero ang tanong, may karapatan
ka bang magalit? Wala naman diba dahil hindi kayo. Dahil hindi ka pa gumagawa ng
move. Gumagawa ka man, di mo naman sinasabi. Mukhang siya pa naman yung babaeng
mahina pumick-up."
Biro lang pala. Hindi siya perpekto. Kung ano ikinagwapo at talented niya, yun yung
ikinatorpe niya. Gaano ba ka-ganda yung babae na yun? Sobrang ganda ba? Ba't patay
na patay siya?

*END OF THE FLASHBACK*

"Paano mo ako nakilala?" I asked Dylan.

"Nakikita kita dati na lagi mong kasama si Katy. Sabi ko sa kanya, ipakilala niya
ako sayo kaya she invited you to watch the swimming competition with her. Sorry,
Ry. Hindi ko alam..."

"Hindi mo alam ang alin?"

"Hindi ko alam na ikaw yung ex ni Justin. Nalaman ko lang noong pumasok ako dito.
Sabi ko nga nun, masyado na bang maliit ang mundo? Minsan na nga lang ako
magkagusto, doon pa sa patay na patay yung kaibigan ko. Kaya noong pumasok kayo ni
Katy sa kwarto ko, nakita niya yung papel na may drawing ng mukha mo. Noong natulog
ka din sa kwarto ko, nakita mo din. Hindi ako nag drawing nun dahil hindi naman ako
magaling mag drawing..."

"So... s-si Tyler ang nag drawing nun?"

He nodded, "Oo. Cinonfront ko nga siya about sa secret room. Akala ko magagalit
siya kasi pumasok ako. Sinabi na lang niya na wag kong sabihin sayo o sa kahit
kanino. Kaya hindi rin kita pinapapasok. Alam kong pasaway ako pero... Sa ganitong
sitwasyon, sa tingin ko, kailangan mong malaman kung gaano ka niya ka-mahal."

I breathe heavily, "Alam ko naman... P-pero matagal mo ng alam..." Hindi ko alam


kung ano irereact ko.

"Yung first time niyong pumunta ni Katy dito, alam ko na nun. Noong una, itutuloy
ko pa sana pero narealize kong wag na noong nakita ko kung gaano ka nasasaktan sa
ginawa niya. Ibig sabihin nun, mahal mo pa siya," He paused for a while and
continued. "Rylie, alam mo kung bakit hindi ka nagboboyfriend during those years na
hindi kayo mag kasama? Dahil sa kanya. Siguro nga naiinis ka sa kanya noon o galit
ka sa kanya, pero mahal mo pa siya eh. Pustahan, kahit sinoli mo na yung mga
binigay niya, may natira pa din sa gamit mo na nakakapagpaalala sa kanya."
Yung old cellphone ko... nandoon pa pictures niya. Damn! Ang daming alam ni Dylan!

"Paano mo nalaman na sinoli ko yung mga binigay niya?"

"Ry, tingnan mong mabuti yung kwarto. Sige, iwan na muna kita. Oo nga pala,
nakalimutan kong sabihin. Oo, nagustuhan kita. Pero dati ko pang mahal si Katy.
Don't tell her..."

Hindi ko alam pero kinilig ako. Haha! I smiled, "Thanks, Dylan."

He smiled back and went out of the room.

Tulad ng sinabi niya, tiningnan ko pa yung room. May malaking drawer akong nakita
at tiningnan ko yun. Nandoon yung mga binigay ko sa kanya dati pati yung mga
binigay niya sa akin na sinoli ko. Nagguilty ako... Sobra!

Now playing: If I Cry a Thousand Tears

( A/N: If you wanna listen to it, just please click the video on the right side.)

Una kong nakita ko yung dalawang keychains. Yung isa, nakasabit pa sa dati niyang
phone. Nagulat ako kasi medyo full charge pa. Ibig sabihin, kakacharge niya lang?
Anyway, yung keychain na yun yung ginawa ko kasabay ng phone niya. Natapunan ko
kasi yung phone niya dati kaya pinagawa ko tapos naisipan ko lang gawan ng
keychain. Hindi naman pambakla yung keychain, pang unisex.

*FLASHBACK*

"Tyler, gawa na phone mo!" Sumigaw ako sa hallway habang nakatalikod si Tyler kaya
nagtinginan yung mga tao sa akin. Nagulat naman ako kasi imbis na ikahiya niya ako,
humarap siya sa akin at ngumiti. Tumakbo ako papunta sakanya at binigay yung phone
niya with matching keychain na ginawa ko.

"Ano 'to?" Tinuro niya yung keychain habang hawak hawak phone niya.
"Ayaw mo? Akin na nga!" Kinuha ko naman phone niya para kunin yung keychain pero
hindi niya ito binalik sakin. Inakbayan niya lang ako habang nilalaro niya yung
keychain sa isang kamay niya. Tiningnan ko naman siya, aba ngiting ngiti ang loko.

*END OF THE FLASHBACK*

Yung isang keychain naman, yun yung ginawa niya para sa akin. Yun yung time na
sobrang busy ko sa acads tapos nag tampo siya kaya nilagay niya yung phone ko na
may keychain sa table ng library. Sabi niya, kausapin ko na lang siya pag may time
na ako sa kanya. Sobrang kinilig talaga ako nun pero nag taka at the same time kasi
akala ko, sinoli niya yung keychain na ginawa ko. Pa-selos selos pa ako kay Janilyn
nun eh tinulungan lang naman pala niya si Tyler.

*FLASHBACK*

"Wait lang Tyler, galit ka ba sakin?" Tanong ko.

"Mukha ba akong galit? At kung galit man ako, ano naman yung dahilan?"

"Uhmm ano kasi eh. Bakit mo sinoli sakin 'to?" Tinaas ko yung phone ko na may
nakasabit na keychain. Tiningnan ko siya at nagulat ako kasi bigla siyang ngumiti.
Nababaliw na siya? Labo talaga ni Tyler.

"I made that." Huh? Di ko gets! Ako kaya gumawa nito!

Nalinawagan naman ako nung tinaas niya phone niya...

"Parehas?" Tanong ko tapos ngumiti na naman siya.

"Yeah. I know it's gay pero naisip ko lang na for sure, magiging masaya ka pag
binigyan kita nito. Well, I was very happy when you gave this to me," Tinuro niya
yung keychain na ginawa ko na nakasabit sa phone niya. Wala pang gumagawa nun
sakin. Siya pa lang. "Kaya nagpaturo ako kay Janilyn gumawa ng ganito since sabi
niya dati, mahilig siya gumawa nun. Siya rin nagbigay ng materials. He also told me
that you're beautiful." All this time, nagpapatulong lang si Tyler gumawa ng
keychain kay Janilyn? Waaa!
Sa sobrang touched ko...

I hugged him, "Thank you Tyler! Thank you talaga!" I'm still hugging him. Ayoko na
siya pakawalan dahil bukod sa mabango siya, touched talaga ko sa ginawa niya. Kahit
amoy ewan na ko dahil sobrang naging busy yung araw ko, wala akong pakielam.

Nagulat na lang ako kasi he put his hands around my waist habang nakayakap ako sa
neck niya. Grabe! Ang lakas ng tibok ng puso ko kaya bago pa niya mahalata na
sobrang lakas ng heartbeat ko, umalis na ako sa pagkakahug namin. Waaa, nakakahiya
ako.

*END OF THE FLASHBACK*

Doon pa lang sa keychains na yun... Doon pa lang, effort na. Hindi yun gagawin ng
lalaki kung wala siyang feelings sa isang babae. Tangina mo, Rylie. Tangina mo
talaga! Iyak na ako ng iyak. Sising sisi ako. Ang selfish ko, sobra! Hindi ko
mapapromise, pero ayoko na. After nito, hindi na ako iiyak. Hindi na ako yung
iyakin na Rylie. Gagawin ko lahat para kay Tyler, para sumaya siya.

Tiningnan ko yung laman ng phone niya, yung pictures niya, puro ako. Yung messages
namin, hindi niya dinedelete. Naiimagine kong tinitingnan niya 'to. Wait lang...
Yung pangalan ko sa phone niya, AA Rylie! Tiningnan ko yung contacts ko. Ako na
lang yung nag-iisang may AA sa gilid ng pangalan. Dati kasi, tinanong ko kung bakit
may AA sa gilid ng names ng ibang tao sa contacts niya. Sabi niya, yun yung mga
taong importante sa kanya. Para daw madaling i-contact. Wala doon yung pangalan ko.
Oo, nalungkot ako pero hindi ko na lang sinabi. Wala lang naman yun eh. Pero di ko
alam na napansin niya.

Nandito din yung painting ko na Patrick. Naalala ko kasi siya that time. Since ang
hirap niya i-paint, I painted Patrick na lang instead. Kaya Patrick kasi naalala ko
sa kanya si Patrick doon sa spongebob. Napapasaya niya kasi ako kahit di niya alam.
Yun nga lang, matalino si Tyler. I remember pa nga, pinalitan ko ng Patrick Dela
Cruz name niya sa contacts ko tapos sinabi ko pa sa mga kapatid niya na Patrick
tawag ko ko kay Tyler.

*FLASHBACK*

"Crush na crush mo talaga ko no?" Ngumiti siya. Sht! Nakita niya si Patrick, yung
painting ko! OMG! Nakakahiya! Baka sabihin niya obsessed na ko sakanya.
"Jamilah, akin na lang. Thank you." He smiled pero bago pa man ako makasagot,
kinuha na niya. Oh-kay. Haha!

*END OF THE FLASHBACK*

Natawa ako noong naalala ko. Ang kulit lang kasi hindi pa ako sumasagot, kinuha na
niya. Ano yun? Para no choice ako? Smarty pants talaga. LOL! Mukha akong tanga kasi
iyak tawa ako. Pero kung yung iba, iiyak tapos tatawa. Ako, magkasabay. Nababaliw
na talaga ko. Ughhh.

Naalala ko din yung yung day na naging monkey guy siya at monkey girl ako. Ang
corny naming dalawa, pero kilig na kilig ako that time. Ang babaw ko talaga dati

*FLASHBACK*

"Tara, laro na tayo. Ano bang laro alam mo?" Dumiretso na kami sa kama ko. Parehas
kaming naka-indian seat tapos magkatapat.

"Ungguy ungguyan."

"Yun lang?!" Tumango ako. Sorry, ungguy ungguyan lang talaga alam ko.

He sighed. "Fine." He smiled again.

Shinuffle na niya yung cards at nag simula ng maglaro. After blank hours, naglalaro
pa din kami ng ungguy ungguyan. Imbis na mabored kami, lalo pa kaming naeexcite.
Hindi na kami natapos kasi walang gustong magpatalo. Walang gusto maging unggoy...

"Okay, last game!" Sabi ni Tyler.

"Okay!" Sabi ko na halatang excited.

Ilang sandali lang, OMG! Panalo si Tyler! T_________T


"Unggoy ka, Jamilah. Monkey girl." Pangiinsulto niya. Tiningnan ko siya ng
masama...

"Oh, wag pikon. Laro lang 'to."

"Ikaw naman kasi eh! Amp. Bwisit!"

"Unggoy ka naman talaga."

"Bakit ba?! Mukha ba talaga akong unggoy?!" Ang pangit ko ba talaga? Bakit biglang
ang sama na naman niya sakin?! Ngumiti siya...

"You know the song, 'unggoy ka ba kasi kasi, nakasabit ka sa puso ko, naman
kasi'???" Kinantahan niya ko. OMG! Kahit di maganda boses niya, nalusaw ako.

Oo na, unggoy ako! Unggoy nga ako!

"Unggoy mo na ko Tyler ha! I'm your monkey girl!" Hinawakan ko kamay niya. Tumawa
siya. Ako naman, ngiting ngiti pa din.

"Yes, you're my monkey. Am I your monkey?" Tiningnan na naman niya ko ng malalim


habang nakangiti. Oh shockers.

"OO NAMAN! Hindi lang monkey! Ikaw pa yung bangin, pustiso, picture, salbabida,
apoy, at kung anu ano pa." Ginulo niya yung buhok ko.

"Same here. Maligo ka na nga, ang baho mo na!" Tumawa siya.

*END OF THE FLASHBACK*

Nakakainis lang kasi akala ko talaga hindi maganda boses niya. Haha, kaya napahiya
ako noong kumanta siya sa bar. Tangina kasi, ang ganda ng boses. Christian Bautista
talaga!
*FLASHBACK*

Pumunta kami ni Aisha sa bar. Inaya niya kasi ako at sympre pumayag ako dahil
nadedepress na naman ako. Isa pa, alam kong malungkot si bestfriend Aisha. Grabe,
ang daming tao pero nagtataka lang ako, bakit hindi yata sila wild ngayon? Walang
nagsasayaw tapos lahat, nakaupo lang.

"Ready ka na ba?" Aisha asked. Naguluhan naman ako.

"Huh?" Biglang may tumugtog na music.

Bright cold silver moon


Tonight alone in my room
You were here just yesterday
Slight turn of the head
Eyes down when you said
I guess I need my life to change
Seems like something's just aren't the same
What could I say?

Wow ang ganda ng kanta at boses! Sinong singer naman yung kumakanta? Ang ganda ng
boses! Kaboses ni Christian Bautista! Wait! Baka naman si Christian Bautista
talaga. Eh bakit walang ilaw? Silhouette lang nakikita ko.

Bigla naman bumukas yung ilaw. Mukhang nagulat din yung kumakanta...

I heard Aisha laugh kaya tiningnan ko ng weird look si Aisha.

Teka... Parang kilala ko yun ah?

I need a little more luck than a little bit


Cuz every time I get stuck the words won't fit
And every time that I try I get tongue tied
I'll need a little good luck to get me by

O______________________________________O

I need a little more help than a little bit


Like the perfect one word no one's heard yet
Cuz every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by this time

I stiffened. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maalis yung tingin ko sa lalaking


kumakanta sa stage. Lalo akong hindi makagalaw nung ngumiti siya at nag wink. Sakin
ba siya nag wink? Did he wink at me or baka nagaassume lang ako. Baka nandito si
Janilyn. Tumingin ako sa likod ko, ako lang naman nandito and si Aisha. Baka si
Aisha!!! Pero hindi eh, ang sama ng tingin niya kay Aisha.

I stare up at the stars


I wonder just where you are
You feel a million miles away
(I wonder just where you are)
Was it something I said?
Or something I never did?
Or was I always in the way?
(Was it something I did?)
Could someone tell me what to say to just make you stay?

I need a little more luck than a little bit


Cuz every time I get stuck the words won't fit
And every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by

I need a little more help than a little bit


Like the perfect one word no one's heard yet
Cuz every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by this time

I know it feels like the end


Don't want to be here again
And we could help each other off the ground so we never fall down again
What it takes I don't care
We're gonna make it I swear
And we could help each other off the ground so we never fall down again
Again

I need a little more luck than a little bit


Cuz every time I get stuck the words won't fit
But every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by

I need a little more help than a little bit


Like the perfect one word no one's heard yet
Cuz every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by this time

I know it feels like the end


Don't want to be here again
And we could help each other off the ground so we never fall down again

What it takes I don't care


We're gonna make it I swear
And we could help each other off the ground so we never fall down again
I need a little more luck than a little bit
Cuz every time I get stuck the words won't fit
But every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by

I need a little more help than a little bit


Like the perfect one word no one's heard yet
Cuz every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by this time

I know it feels like the end


Don't want to be here again
And we could help each other off the ground so we never fall down again

What it takes I don't care


We're gonna make it I swear
And we could help each other off the ground so we never fall down again.

Si Tyler ba talaga yun?! Hindi naman siya magaling kumanta ah? Pinagloloko ba niya
ko?! Baka naman lip sync lang!

"Hindi yan lip sync. Maganda talaga boses niyan. Vocalist siya sa band nila e.
Nadisband lang sila nung lumipat si Tyler sa school natin. Kasama niya yung mga
gunggong na sinasabi mong nakausap mo sa mall noong binuhusan ka nila Alexa ng
juice. Ngayon lang ulit sila tumugtog after nilang mag perform sa grad ball ng
seniors last school year." Aisha grinned. Wow! Sobrang proud naman niya sa pinsan
niya. Sabagay, kahit sino naman mapproud kay Tyler.

Nagpalakpakan yung mga tao. Umalis na yung mga kasamahan ni Tyler sa stage. Yung
mga kasamahan ni Tyler, sila nga yung mga lalaking nakahanap sakin sa mall noon.

"Good evening everyone especially to Mrs. Dela Cruz. Ay Ms. Hao pala. Ms. Jamilah
Rylie Hao." He smirked. Oh myy. He looks so handsome and hot. *drools*

Tumawa yung mga tao. I flustered.

"Ilang beses ko ng gusto sabihin sa'yo na gusto kita pero hindi ko masabi. Ewan ko.
Bigla na lang ako mamemental block o kaya naman ewan. Nak ng! Alam ko ang bakla
pero hindi eh. Remember last time? Noong sinabi ko sayo na akala ng team mates ko,
girlfriend kita tapos nalungkot ako? Nalungkot ako dahil ayoko ng akala lang. I
want you to be my girlfriend." Nashock ako! Hindi ko alam sasabihin ko. Gusto kong
umiyak. Pinagplanuhan ba 'to nila Aisha? Ha? Amp. Sasakalin ko talaga si Aisha
mamaya. Nagtilian yung mga tao...
"SAGUTIN NA YAN! SAGUTIN NA YAN!"

"Teka, ayaw kong sagutin mo ako. Pahirapan mo muna ako pwede? Gusto ko kasi, ikaw
ang boss ngayon. Ikaw ang masusunod. Ikaw ang magiging masaya. I want you to be my
girlfriend. But I want to court you first."

Kaya pala sabi niya kanina, hindi kami kasi gusto niya ako ligawan. Ganun ba yun?

"Aaaaaaw."

"Gusto kong matutunan mong mahalin ang sarili mo bago ang ibang tao, pwede ba yun,
Ms. Hao?"

"Yiieeee..."

"Do you know why I love calling you Jamilah?"

Huh? Bakit nga ba?

"In Arabian, the name Jamilah, means beautiful and it suits you. First time ko
kumanta para sa isang babae and I'm very happy because it's you. Sorry. Hindi ako
marunong mangligaw pero pagaaralan ko. I want to make you happy so please,
Jamilah... let me."

"OO NA YAN! OO NA YAN! WOOOO!" I saw him smile. Oh myy. I'm melting!

"I love you, may isang tao na akong sinabihan niyan pero sobrang bata pa kami nun.
Ang dami kong first time sa'yo, alam mo yun?"

Naiiyak na ko

"By the way, hindi ko naman talaga pinuntahan si Janilyn kanina. Ikaw lang ang
mahal ko, hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino kaya please, wag ka ng magselos
kasi ikaw lang. Ikaw lang talaga, Jamilah. Wala ng iba."
"Aaaaaaw."

"I won't promise you forever but I promise to love you each day, as long as we're
together. Kung hindi man tayo magkasama, mamahalin pa din kita. Pero c'mon, hindi
naman natin alam kung tayo talaga diba? Pero sana, tayo nga. If its meant to be, it
will be. Kaya nga cherish every moment dahil who knows? Baka end of the world na
bukas."

End of the world? End of the world na ba bukas? Sasagutin ko na pala si Tyler, now
na kung end of the world na bukas! O_____O

"Alam ko namang pagong ka. Hindi mo gets. Ang sinasabi ko lang naman, hindi natin
alam ang mangyayari bukas. Malay mo bukas, wala na pala ako o kaya naman may
nangyaring masama o kaya naman kailangan na natin maghiwalay. Diba? Kaya habang may
oras pa, gusto ko, ikaw ang kasama ko." Omooo! Tuluyan ng tumulo luha ko >.<

Pumunta ako sa stage. Ewan. Kusang naglakad yung paa ko. Kinuha ko yung mic.

"Mister Dela cruz. I love you, alam kong alam mo yan. Hindi ako manhid. Hindi lang
ako sure, kung ako ba talaga? I won't promise you forever too kasi oo nga naman,
wala nga naman salitang forever. Malay mo bukas, wala na pala tayong pagmamahal sa
isa't isa."

"Aww."

"Ops! Hindi pa kasi ako tapos. Sinasabi ko lang na, wala ako sa isang fairytale
kung saan ako si sleeping beauty na maghihintay ng prince charming. Wala ako sa
isang pelikula kung saan nagkakatuluyan ang bida at natatalo ang kontrabida. I was
a hopeless romantic. Until dumating yung araw na 'to. Oh well, I'm still a hopeless
romantic but mas realistic na. Hehe!"

Tiningnan ko siya.

"Narealize ko na I must face reality. Hindi lahat ng gusto natin, masusunod. Hindi
lahat ng ayaw natin, mawawala. Na dapat matutunan kong mahalin at pagtanggol sarili
ko dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon, may magtatanggol sa akin. You're not
perfect and so do I. I just want to be with you. I love you, Tyler."
I hugged him then he hugged me back.

They all clapped their hands.

"Diba ako naman talaga dapat ang magsusurprise? Bakit biglang bumaliktad?" He said
habang tumatawa kaming dalawa.

"Don't worry, kung nasurprise ka, mas nasurpise ako."

"I'm happy that you're happy, Jamilah. I'll do everything just to make you happy."
He kissed my forehead.

"Same here. Pero may kasalanan ka sa akin."

"Ha? Ano? "

"Hindi mo sinasabing magaling ka pala kumanta? Akala ko pa naman si Christian


Bautista na yung kumakanta. Tss..." I rolled my eyes while pouting.

"Ah. So gusto mo si Christian Bautista ang kumanta?" He pouted. Ang cute ni Tyler!

"Mas gusto kita." Sabi ko sabay yakap sakanya ng sobrang higpit!!! \(^____^)/

"Mas mahal kita." He murmured. I blushed while smiling.

*END OF THE FLASHBACK*

Sorry, I lied to myself noong sinabi kong hindi ko na halos maalala yung nangyari
dati kasi I remember every single thing! I loved him that much. I still love him.
Tama si Dylan. Kaya hindi pa ako nagboboyfriend kasi may mahal pa kong iba at si
Tyler yun. Si Tyler lang...

Next naman na tiningnan ko is yung box... Hindi ko 'to maalala! Yung box, may
nakasulat sa taas.

"I miss you every single day..."

I opened the box and saw the bracelet... Sht sht sht. Ito yung bracelet na
pinacustomize niya. Kaya hindi kami nagkikita kasi busy siya mag-isip ng gift ko.
Akala ko sa mga movies ko lang napapanood yun, pero nangyari sa akin.

Tyler, mahal na mahal kita... Sorry na talaga.

*FLASHBACK*

"Oh. Ba't ganyan itsura mo, Jamilah?" Oh myy. He called me Jamilah, again. Nakoooo!
Ano na naman ba 'to? Sineseduce na naman niya ko!!! "Bakit parang kinakabahan ka?
Tayong dalawa na-"

"Aaaaaaaaaaaaaah! Shoo! Shoo! Justin Tyler Dela Cruz! Are you seducing me?!" Mukha
namang nanlaki yung mata niya. Oh Lord. Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

"Am I, Jamilah Rylie Hao? I don't think so but..." Papalapit na naman siya ng
papalapit sakin, pastep backward lang din ako ng pastep backward.

"But???" I asked.

"But... Come here!" Hinila niya ko. Nakapikit lang ako pero nagulat ako ng bonggang
bongga noong may sinuot siya sa wrist ko. Sht! Ang ganda! Bracelet siya tapos may
nakalagay na monkey, omg pati si patrick. Tapos letter T symbolizes for Tyler
siguro tapos tapos tapos heart. Shocks! May 14344 din pero maliit lang! May iba
pang nakasabit eh pero ughhh. Ang gandaaaaa! Silver pa! Magkano naman kaya 'to? -
__________-

"A-ano 'to?" Tanong ko.

"Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nagkita."


"Ito ba?! Itapon na! Ito pala ang dahilan kung bakit-" Binatukan niya ko.

"ANO KA BA?! Customized yan no!" Halata naman ee.

I hugged him very very very tight!

"Oh. May bukas pa, Rylie."

"I love you I love you I love you!" I feel his smile on my head.

He kissed my hair...

"Thank you, Tyler! Thank you! Sorry and-" Hindi na natapos dahil hinalikan niya
ko... sa lips pero sadali lang.

"Shhh. Quiet! Ang ingay mo eh." Sabi niya habang tumatawa. Maluha luha na ko dito
dahil sa tuwa. OMG! Hindi pala maluha luha, lumuluha na ko. Pinunasan niya yung
luha ko tapos kiniss niya both eyes and both cheeks ko.

"Tama na iyak. Pumapangit ka lalo niyan e." Tinulak ko naman forehead niya.

"Siraaaaaaa! Pero Tyler, thank you!"

"Thank you lang?"

I kissed his lips softly, slowly, and passionately. Oh well, he kissed me back and
I can feel that he's still smiling. What a day!

*END OF THE FLASHBACK*

Sumunod na nakita ko, yung sling bag na binigay niya sa akin. Naalala ko noong
nilait lait niya talaga yung bag ko tapos bibigyan niya pala ako ng bag kaya ganun.
Though pangit naman na kasi yung bag ko. Ang tamad ko kasi bumili ng bago.
*FLASHBACK*

"Teka, dallin mo yung box at bag. Sayo na yan. Wag ka ng magtanong. Basta dalin mo
na lang, okay?" Tumango ako at kinuha ko na yung box at bag niya. Ang dami kong
dala dahil na din sa gifts ng kambal at yung pabaon ng parents ni Tyler.

Speaking of gifts, alam niyo ba kung ano niregalo sa akin ng music club? Sobrang
saya ko kasi binigay nila sa akin yung original copy ng performance nila. Sobrang
gagaling! I'm sooo proud kahit di naman ako kumakanta. Hehe!

"Thank you!" I kissed his cheeks at bumaba na. Gusto ko sanang itanong kung ano
laman ng box at bag kaso wag na daw ako magtanong so yan na lang. Achuchu,
nakachansing pa ko! Woohoo! Kasoooo, lagot ako sa nanay at tatay ko >,<

WAIT NGA! HINDI KO TALAGA MAPIGILAN HINDI MAG TANONG!

Pumunta ako sa side niya at kinatok yung window kaya naman binaba niya ito. Gwapo
naman ng view! Hehehehe!

"WAIT TYLER, ANO BA GAGAWIN KO SA BOX NA 'TO? Baka mamaya may ipis 'to o daga o
kaya naman BUTIKI! Tyler ah..." Tinaas niya kilay niya.

"Sa tingin mo ba, kaya kong gawin sayo yun?" Oo nga naman!!!

"Ehhh, eh ano naman gagawin ko sa bag?" I faked a smile. Baka kasi magalit eh.
Kinakabahan ako kasi ang dami kong tanong.

"Diba ang dami mong absences? Nandiyan na lahat ng homeworks pati ibang lectures.
May seatworks na din. Don't worry, may sagot na yan." O_______O

"May binigay na si Aisha sa akin ah?"

"Kumpleto ba?" Tanong niya na parang ako na ang pinakatangang nilalang sa mundo
pero syempre, OA lang ako. Hehehe!

"Hindi... Hindi ko alam." Tinulak niya noo ko gamit index finger niya kaya napa-
pout ako, "Yun naman pala eh. Sige na, pumasok ka na."

"T-talaga? Papasok na ko?" Bakit ba ayoko pa pumasok?

Natawa siya, "Lutang ka ba? Pumasok ka na. Gusto mo bang mapagalitan?"

Nanlaki mata ko sa sinabi niya, "SHT OO NGA NO?! KAINIS KA BAKIT NGAYON MO LANG
SINABI SAKIN? SIGE NA TYLER, BYE!" Sabay halik sa lips at tumakbo na kahit madami
akong dala. Muahahaha! Naka-score ako!

*END OF THE FLASHBACK*

Sumunod kong nakita yung mga pictures ko. Pinadevelop pa niya talaga ha? Grabe,
sobrang effort niya kahit hindi ko naman nakikita. Next ko naman na nakita at last
na din, yung pencil case ko na may lamang penic, ballpen, correction pen, at lahat
lahat na. Sobrang natawa ako na ewan kasi pati ba naman 'to? Seryoso ba siya? Ughh,
Tyler! Bakit ka ganyan? Parang ang lalim niyang tao at parang hard yung personality
niya, but the truth is, he's soft. Too soft.
*FLASHBACK*

"Pahiram ng ballpen. Ubos na ink e," Sabi ng lecheng katabi ko. Pinahiram ko naman
sa kanya yung ballpen at bumalik na sa pagsasagot ng seatwork namin."Pahiram ng
correction pen," Sabi na naman niya. Ughhh. Pinahiram ko na lang sa kanya ulit
tapos binalik na naman niya. Seconds has passed...

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pa-"

"Sayo na yung correction pen ko. Wag mo ng ibibalik," Binigay ko na sakanya yung
correction tape. Kasi naman, hirap na hirap na ko magsolve dito tapos siya hiram ng
hiram. Alam niyo bang mauubos na yung correction pen ko kakahiram ni Justin? BV.
Meron naman sanang correction pen and ballpen si Katy no!

"Pahiram ng pencil."

Nag inhale exhale ko. Binigay ko na sakanya yung ballpen, pencil, eraser, at buong
pencil case ko. Nagulat na lang siya pero ilang seconds lang, nakita ko siyang
ngumiti. Ughhh. Ewan ko na lang pag nag kulang pa siya.

Binalik na niya sa akin yung pencil case ko.

"Thanks," Wow, marunong mag thank you!

Ughhhhh. Ano ba gusto ng lalaki na 'to?! Annoying!

"Wag na, sayo na yan." Ayan ha. Sinusunod ko na yung 10 rules niya. We'll act as
friends in front of other people. Tama ba? Yun nga ba? E basta, wala na kong pake
sa kanya. WALA NA!
Bumulong siya sa akin, "Wag ka na ulit magmemake-up. Hindi bagay."

*END OF THE FLASHBACK*

Ito yung mga panahon na sinabi namin na we would act normal for Katy kahit inis pa
din ako sa kanya. Nainis kasi ako sa mga sinabi niya kaya I tried blind dating.
Sobrang pathetic ko ba? I really blame myself. I don't want other people to pity me
kaya from now on, pag labas ko ng pintong 'to, titino ako. I won't act like
nothing's happening but I will do my best to be strong for him. Pero bago ako
lumabas dito, I'll cry until malabas ko 'tong lahat. Pagsisisi, happiness,
nostalgia...

Hinawakan ko yung picture naming dalawa noong 4th yr pa kami...

"I love you. Gigising ka, diba?"

I kissed the picture. After kong huminto sa pag-iyak, nirefresh ko muna sarili ko.
Dapat makita ni Dylan at nilang lahat na okay ako. Dala ko din pala picture naming
dalawa. Nakakiss pa ako sa cheeks niya sa picture namin.

Pag labas ko ng pinto, I smiled and went to Dylan. Nagulat siya kasi nakangiti ako.

"Uy..." Sabi na naman niya.

I smiled, "Tara na, Dylan?"

"S-saan?"

"Saan pa ba? Kay Tyler!" I'm still smiling.

"O-okay," Sabi niya at umalis na kami papuntang hospital.


####################################
CHAPTER FORTY FOUR
####################################

Bzzzzzzzt. Bzzzzzzt.
"Rylie, emergency! Pumunta ka dito sa hospital... si Tyler!" Aisha called. Sobrang
nagpapanic siya. Bakit? Ano meron? Pero papunta naman na talaga kami sa hospital.
Actually, malapit na nga kami. Normally, nakakatulog ako pag nasa biyahe. Pero
ngayon...

Fakkk. Di ko kaya!

"Aisha, ano nangyari?" I asked, trying to be calm.

"BASTA!"

Nakarating kami ni Dylan sa hospital. Sobrang tumatakbo na ako...

"Rylie teka, baka madapa ka-"

Shet! Nadapa nga ako... Bwisit na floor! Kung hindi lang ako nagmamadali... Ughhh!
Ang dulas kasi ng tiles eh. Kainis! Tutulungan na sana ako ni Dylan tumayo pero
inunahan ko siya at tumakbo ulit.

"Ry!" Aisha and Lynne hugged me.

I pushed them away gently, "Bakit?" Yung tibok ng puso ko, wagas!

"Good news or bad news?" Sabi ni Ariza tapos tiningnan siya ni Aisha ng masama.
Umiiling iling pa si Lynne. Bakit? Ayaw ba nilang sabihin sa akin yung bad news?

"What? Magsisinungaling pa ba kayo sa kanya?" Sabi ni Ariza ng mahina.

Aisha sighed, "Fine." She paused for a while. "Gising na si Justin..."

OMG! Thank goodness!!!


"AND? How about the bad news?" Dahil sa narinig ko, parang wala ng bad news.

"H-hindi ka niya maalala... Ikaw lang... Sorry, Rylie. Ganun ka lang siguro ka-
importante sa kanya... Medyo kasi kanina pa siya gising kaya ang dami niyang
tanong. Nabanggit ka namin... tapos... ayun. Sorry talaga."

And with that, parang binagsakan ako ng langit at lupa. Wala akong masabi. Sabi ko
hindi na ako iiyak, diba? Kakareminisce ko lang ng memories naming dalawa, mawawala
agad?

Pero hindi! Hindi ako papayag.

"I need to see him!"

"Ry-" Pinigilan nila ako pero pumasok pa din ako sa room. Nandoon yung family ni
Tyler kaya nag greet ako at nag sorry sa pagiistorbo. Sabi naman nila, okay lang.

Gising na si Tyler pero nakatingin lang siya sa akin...

"Who are you?" He asked me.

"I-I-I'm Jamilah Rylie Hao, your... friend?"

"Rylie?" Nag-isip siya then he continued speaking. "Ah! Ikaw yung sinasabi nila na
pinagtanggol ako... kaya ako napunta dito? Kung kaya kong gawin yun, ganun kita
kamahal?"

"M-maybe?"

He nodded lang at nag-isip na naman ng matagal...

He suddenly brushed his hands through his hair. He looks so frustrated, "Fck, I
still can't remember... You look familiar, though."
"A-ah, ganun ba? Sige, alis na ko."

"Wait lang, Jamilah!"

OMG! He called me Jamilah.

I stared at him suspiciously, "Hindi mo ba talaga ako naalala?"

"H-hindi," Hindi siya tumitingin sa akin! Tapos yung parents niya and yung twins,
nagtatawanan.

"Maiwan muna namin kayo," Sabi ni Tita tapos lumabas na sila.

"Tyler?" I asked him.

Tumingin siya sa akin, "Ha? Hindi nga kita kilala. Sino ka nga ulit?"

Lumapit ako sa kanya, "Di mo talaga ako kilala?" Hindi pwedeng hindi niya ako
kilala. Ilang beses ko siyang nakitang hindi tumitingin sa akin. Nagstutter pa siya
kanina. Ano na namang pakulo 'to?!

He sighed, "Fine. Kilala kita. Kilalang kilala... Mahal na mahal..."

"Wala kang amnesia?" I asked.

He shook his head so I punched him, pero mahina lang kasi alam mo na!

He chuckled, "Ano ka ba. Ikaw pa ba makakalimutan ko?"

"Hindi pwede," I said, then he pinched my cheeks.


"Wala ba kong hug man lang?" Sabi niya kaya I hugged him.

"Ouch, wag masyadong mahigpit."

Tumawa ako, "Yan! Yan ang bagay sayo! Pagkatapos niyo akong lokohin. Tinakot niyo
ako!"

"I'm glad we're okay already... Hindi naman pala ganun kasama mabunggo ng
sasakyan," He laughed. "Mas masama pa din kung ikaw yun."

"Ano ka ba! Pero... wait. Tyler, may mga tanong ako."

Tumango lang siya.

"Question no. 1, ilang babae ang niloko mo? Question no. 2, bakit mo tinago lahat
ng gamit na sinoli ko? Pati yung mga gamit na binigay ko? Question no. 3, sino yung
mga walang hiyang bumunggo sayo? Question no. 4, bakit ka nag pretend na hindi mo
ako naalala? And lastly, question no. 5, p-pwe-pwede ba ako manligaw?"

Nabulunan si Tyler kahit wala siyang kinakain o iniinom.

"Okay ka lang?" I asked him.

"Ikaw ang tatanungin ko, okay ka lang?" He said sarcastically. Grr!

"Oo naman, bakit naman hindi? Please Tyler, let me. Please? Hayaan mo akong bumawi
sayo..."

"Pag-iisipan ko," Wow, choosy pa! Pero naiintindihan ko naman. Haha!

"Wait, paano yung mga iba ko pang tanong?"


"Saka na yun."

Sinakal ko siya ng mahina, "Bwisit ka talaga."

"Ganyan ka ba manligaw? Gusto mo ma-basted agad?"

Tiningnan ko siya ng masama at tumawa siya kaya hindi ko napigilan yung tawa ko.

"Sorry, Tyler. I love-" Hindi natuloy sasabihin ko dahil...

"GUYS! GUYS! Nahuli na yung bumangga kay Justin!" Si Aisha.

Tumayo ako, "Sino?"

"Hindi mo kilala, of course. He's in jail now. Sila Alexa at Josh yung nakahuli.
They're not that bad after all."

Si Josh... I need to talk to him!

Hinanap ko sila Josh at Alexa pero nasa police station sila ngayon. Kinikwento pa
nila kung ano yung nangyari. Kasama nga din daw yung girl na kumausap sa akin. Yung
sinampal ako kasi slut daw ako. Hayy. I couldn't hate her kasi kasalanan ko talaga.

"Wait, paano pala yung play?" I asked.

He nodded, "The doctor told me to rest kaya hindi rin ako makakapagpractice. I
guess, hindi na din ako makakaperform. Ayoko naman talaga doon eh. Napilitan lang
ako kasi nandoon ka."

"And I'll be your nanny for weeks kaya sorry na lang dahil sa ayaw mo't sa gusto,
hindi na din ako magpapractice nor magpeperform. May back-up naman tayo, diba?" I
smiled.
He nodded, "Pero hindi mo naman..."

"No, Tyler. Ayoko din naman eh. Pinilit lang ako sumali doon."

"Yes, boss," Then he kissed me kaya nagulat ako. Sa LIPS kasi yun. Alam ko naman na
hindi ko first time pero kasi...

"Uhmmm guys? Nandito pa kami?" Sabi ni Lynne. Nagtawanan naman lahat. Nandito nga
pala sa loob sila Aisha, Lynne, Katy, Ariza, Dylan, Brylle, and Christian.

"Ibig sabihin ba niyan, Tyler, sinasagot mo na ko?"

"Yiiiiieeeeeeeee," Nangiinis na naman sila. Haha! Sanay na ko, okay.

"Landi mo na, Rylie!" Sabi naman ni Ariza. Sanay na sanay na din ako sa kanya. Pero
hindi ko pa rin matanggap na kasama siya sa mga nanloko sa akin na may amnesia si
Tyler. Grabe, magaling pala 'tong umarte? Akala ko honest lang siya lagi eh.
Hahaha!

"Hindi ko pa nga sinasagot kung pwede ka manligaw tapos tayo na?"

"Ouch, Rylie. Ano feeling ng mabasted?" Sabi ni Brylle kaya tumingin naman si Lynne
sa kanya. Silang dalawa, may mga kanya kanyang love life na. Yup, hindi na sila
pwedeng magkatuluyan. Pero malay naman natin, diba? Someday? After 48 years?
Kidding!

"Ang sakit pala!" Nilagay ko yung isang kamay ko sa dibdib ko at nag kunwaring
nasasaktan tapos nagtawanan na naman sila.

Haaay, sana ganito na lang lagi. It feels good to be back!

Tyler? Tyler will always be my home. He will always be that special someone who
made me believe in fairytales and made me hate it as well. Kung tatanungin niyo ako
ngayon kung hopeless romantic ako o bitter? Either and neither ang sagot ko.
Either kasi gusto ko pa din maniwala sa mga stories kung saan pwede magkatuluyan
ang babae at lalaki na hindi naman magka-level. Naniniwala din akong madami pa
diyang matitinong lalaki. But at the same time, naniniwala akong may mga taong
sasaktan at sasaktan ka kahit anong manyari.

Pero hahayaan ko ba silang maging hindrance sa mga pangarap ko?

NO WAY! Kasi may mga tao talagang sisira't sisira sayo, sa buhay mo, o sa lovelife
mo, pero hindi mo dapat hayaan na hilahin ka nila pababa. Instead, prove to them na
hindi mo sila kailangan. Smile and prove them wrong, sabi nga nila.

Neither naman kasi ngayon, I'm now realistic. I know that fairytales are just my
dreams and being bitter doesn't mean that I'll be better.

Pero narealize ko na kahit gaano ka pa ka-bitter...

May lalaki o babae pa ding magpapaniwala sayo na true love does exist.

(A/N: Hindi pa 'to tapos! Hahahahaha! Mga 2 chapters pa. Hihihihi! Thanks, guys.)

FB PAGE----> https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP
####################################
CHAPTER FORTY FIVE
####################################

Almost 2 weeks na simula noong nakalabas ng hospital si Tyler. Hindi muna siya
pinapasok sa school kasi hindi pa naghiheal yung wounds niya and isa pa, he needs
to rest. Ako naman, maaga akong pumapasok sa school, as usual, and maaga din akong
umaalis sa school para i-visit si Tyler sa bahay nila.

Yup, pinapayagan ako nila mama since alam nilang ipapahatid naman ako ng mommy ni
Tyler sa bahay namin. Isa pa, alam naman nila mama na dahil sa akin, kaya
naaksidente si Tyler. Instead kasi ako yung mabangga, he pushed me away para hindi
ako maaksidente. Hindi ko na din sinabi kila mama at papa na sinadya yung
aksidente. Alam ni achi, though. Nevermind, ayoko na ulit maalala yung nangyari
that night. Nakakatrauma!

I shook my head. Forget it, Rylie.


Anyway, almost 2 weeks na din since dinadalan ko siya ng favorites niya. Favorite
food, favorite books, favorite songs, favorite people... Lahat na lang! Pero
mukhang di naman niya naappreciate. Sabagay, hindi pa siya pumapayag na ligawan ko
siya pero nagpupumilit lang ako.

Noong dinalan ko kasi siya ng favorite food niya...

*FLASHBACK*

"Ano 'to?" He asked, habang nakaupo sa harap ng dining table.

"Uhmm, pagkain? Hehehe!" Inamoy amoy niya. Shet, sana magustuhan niya!

"Ikaw nag luto?" His face was really shocked and epic at the same time. Haha!

I smiled while nodding my head.

"Di nga?"

"Bakit ba ayaw mo maniwala?! Gusto mo masapa- I mean, nevermind. Ughh, kung wala ka
lang talagang sugat eh," I rolled my eyes at him then I saw him smile using my
peripheral vision. Pag tingin ko sa kanya, tiningnan niya yung mga pagkain na nasa
harap niya pero yung face niya, mukhang di naniniwala.

"Hoy Mr. Justin Tyler Dela Cruz, pinagpuyatan ko pag-aralan recipe niyan tapos di
ka maniniwala? Hindi mo ba alam na nagpatulong pa ako kay manang-"

"Si manang gumawa nito no?" He asked.

"HINDI NGA!" Tumulong lang si manang ng konting konting konti. Guide lang! GUIDE.
Pero ako nag chop chop and everything.

Nanggigigil na ko. Nag sign ako na sasapakin ko siya...


"Chill," He said tapos tinuro balikat niyang may sugat. Eh kung tadyakan ko kaya
sugat niya? Joke lang... Ayaw kasi maniwala eh. Huhuhu! Luto ko nga yun eh.

"Tyler, listen. Ako nag luto niyan. Ilang beses ko inulit yan kasi fail tapos-
Ughh. Parang awa mo na, kumain ka na lang!"

At kumain nga siya. After niyang ubusin lahat lahat ng niluto KO...

"Hindi masarap."

Grrrrrrrrrrrrr... Tiningnan ko siya ng masamang masama.

"Joke lang," He said, trying to hide his smile.

*END OF THE FLASHBACK*

Tapos noong dinalan ko naman siya ng Allegiant na book...

*FLASHBACK*

"Tyler! Diba gusto mo mabasa yung third book ng Divergent?"

He nodded, "Why?"

"May dala ako. Ito oh..." Inabot ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin.

"Thanks?"

"Payag ka na bang manligaw ako?" Sobrang excited ko habang sinasabi ko yun.


"Nope."

NGA NGA!

*END OF THE FLASHBACK*

Ano kayang problema nun? Hmp. Kinausap ko nga si Aisha tungkol doon eh. Sabi niya,
baka nagpapahard to get lang daw. Tinitingnan daw kung madali akong susuko. Neknek
niya! Never akong susuko. NEVER!

Plus, may time naman na mabait siya eh. Like one time, I stole his iPod and
downloaded his favorite songs and my favorite songs as well. Nawala kasi lahat ng
kanta kaya ako na lang nag download since tinatamad siya and wala siyang time.

WALANG TIME? Ako kaya yung wala ng time. Buti na lang nababalance ko (except social
life). Kahit kasi nasa bahay nila ako, most of the time, doon ko na ginagawa school
works ko kasama si Tyler. Yup, tulungan kaming dalawa. Ako nga pala nagpapass ng
school works niya and kumakausap sa professors namin. Bawal pa kasi siya pumasok.

Oo nga pala, ito na yung nangyari noong dinala ko iPod niya na may mga songs na
favorite ko at favorite niya. Syempre, yung mga favorite songs ko din nilagay ko
para mahihiram ko.

*FLASHBACK*

"Tyler oh," Inabot ko iPod niya sa kanya habang nasa kama siya, nagbabasa ng
Allegiant.

"Oh..." Yan lang nasabi niya.

"Nag download ako ng songs. Check mo," I said, habang naglalaptop. May importante
kasing kailangan gawin para sa marketing org ko.

Using my peripheral vision again, I saw him put the book on his bedside table and
nilagay na yung earphones sa ears niya. Naglalaptop pa din ako pero hindi na ako
makaconcentrate kasi nakatingin lang siya sa akin all the time. Oh damn...
I looked at him, "Ano meron?"

He smiled and shook his head, "The songs are good, but they're better if I listen
them with you. Sit here," Tinap tap niya yung bed sa tabi niya. Pinapaupo niya ako
sa tabi niya? Sa kama niya?

"H-ha?"

Tiningnan niya ako na parang sinasabi na ang feeling ko dahil wala siyang gagawin
sa akin. Hahaha! "Okay, nandiyan na."

Tumabi ako sa kanya tapos nilagay yung ka-pair ng earphones sa left ear ko. Yung
ka-pair naman, nilagay niya sa right ear niya. Pagkakabit, inakbayan niya ako at
humiga naman ako sa chest niya while hugging his abs-este tummy. Hehe! Ang bilis
and lakas ng tibok ng puso niya. Parang yung puso ko lang ngayon...

Oh dammit. Ang corny ko na naman...

"See? This feels better," After saying that, he kissed my forehead.

*END OF THE FLASHBACK*

See? Okay naman siya paminsan minsan. Hahaha!

Bzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzt.

AA Tyler

Calling...

Define clingy?

"Hello?" Sagot ko. Nasa taxi na kasi ako papunta sa bahay nila.
"Hi. Wala ako sa bahay. Just go home, okay? Take care," Sabi niya kaya muntik ko ng
mabato yung phone ko. Asa! Nakakailang phone na ko. Please lang, ayoko ng mawala o
masira pa 'to. Haha!

"O-okay," I said. Sinabi ko na din sa taxi na ihinto na lang ako sa pinakamalapit


na LRT station.

Bzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzt.

Aisha Dela Cruz

Calling...

"Aish? Bakit?" I asked.

"Saan ka?"

"LRT! Yung pinsan mo, hindi sinabi agad na wala siya sa baha- Teka, saan pupunta
yun? Hindi ko natanong. May mga sugat pa siya. OMG! Baka balikan siya ng mga-"
Napatigil ako kasi nakatingin na sa akin yung mga tao sa LRT.

"RYLIE, KALMA!"

"Sorry..."

She sighed, "Teka, nasaan nga ba yun?"

"Hindi ko nga alam. Di niya sinabi! Anyway, diyan na lang ako pupunta, pwede? Ayoko
pa umuwi."

"Sure. Kaya nga kita tinawagan para papuntahin dito sa bahay. Miss na miss ka na ni
Ryan!"

Pagdating ko sa bahay nila Aisha, miss na miss nga ako ni Ryan kasi sobrang yinakap
niya ako. Hahaha!
"Uy Ry, may nagpapabigay..."

O____________________O

FB PAGE--> https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP
####################################
EPILOGUE
####################################

FB GROUP: https://www.facebook.com/groups/191153611091984/ or click the external


link

FB PAGE: https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP

EPILOGUE

Aisha gave me a white rose and a beautiful rolled paper with a ribbon around it. It
looks like an invitation or something. Sa white rose pa lang, alam ko na kung sino
yung nagpapabigay. I remember when Tyler gave me a white rose and I thought
niloloko lang niya ako dahil mukhang pampatay. Noon pala, may meaning.

This time kaya? Ano yung meaning niya ng white rose? Bakit kailangan ng ganito?

I'm really nervous. I looked at Aisha and she was staring at me blankly. Is she
seriously giving me a poker face? I'm really nervous!

"A-Aisha?"

"Open it, Rylie. Hindi ka naman mamamatay pag binuksan mo yan," She laughed. Okay,
nawala nerbyos ko sa tawa niya, promise. Baka pakulo na naman 'to ng mag pinsan.
Haha!

I slowly untied the ribbon and then un-

"Ano ba yan, Rylie. Bilis bilisan mo naman. Madami pa tayong pupun- Oh sht!
Nevermind. Basta bilisan mo na, ha?"

Fine! I unrolled the paper and read it. Medyo nanginginig nginig pa nga kamay ko.
Maganda man o pangit yung nakasulat, ewan ko, pero kinakabahan ako!!!

They said love takes time...


But is it really worth it?
They said it's worth the wait...
Is it when you know you'll just get hurt in the end?

People hurt and break hearts...


unintentionally and sometimes, intentionally.
But without heart breaks...
Will you ever learn?

Question no. 1: Ilang babae ang niloko mo?

Answer: You really wanna know the truth? Wala, Rylie. I know i had been a jerk but
I never gave them anything. They flirted, I flirted back, no sex, no cheesy words,
no emotional attachment, and no strings attached, end of the story. I warned them,
they didn't listen, so they ended up breaking their own hearts. I told them I would
never ever love them because I only love one girl and that's you, Jamilah. I love
you and only you, from the start and hopefully, until the end.

DEFINE SPEECHLESS.

"Earth to Rylie, earth to Rylie! Hello?" Sabi ni Aisha kaya I'm back to reality.

"WTF, Aisha?! Nasaan siya ngayon? Valentine's day ba? Baka hindi ko alam, birthday
ko na pala? Teka, baka Christmas or New Year?" I shook my head, "Hindi pala pwede!
Dapat birthday ni Jesus ang Christmas, hindi ko naman birthday. So ano 'to?
Bakiiiit?"

She laughed, "Hoy! Kiligin ka naman. Hindi ko yan binasa pero alam kong nakakakilig
yan."

Nakakakilig nga. Huhuhu! Yung poem, ako nag sulat nun. Kaso bakit kulang? Mahaba
yun eh. And paano napunta sa kanya yun? Tapos he answered one of my questions pa sa
hospital. Naaalala niya pa yun? It's been 2 weeks since I asked him that. Hmmm...

Matagal na kaya niyang sinulat 'to?


"Oo na, Aisha. So nasaan nga kasi siya?"

"Fine, ihahatid na kita. Okay fine," Aisha said while raising her hands. Kinuha
niya yung susi ng kotse ata niya tapos binuhat si Ryan.

"You wanna come with us, baby?" Tanong ni Aisha kay Ryan.

"Yes, mommy! Yes yes yes!" OMG, ang cute cute ni Ryan!

Sumakay na kami sa kotse. Si Aisha yung nag drive tapos ako naman sa shotgun seat.
Ryan's sitting on my lap.

"Aisha, saan ba tayo pupunta?"

"Basta kasi!"

"Auntie Ry, we're going to Auntie Lynne's ho-" Hindi natapos ni Ryan sasabihin niya
dahil kay Aisha pero alam ko na kung saan kami pupunta. Bakit naman nandoon si
Tyler kila Lynne? I still have no idea. Curiosity's killing me!

"Ryaaan? What did mommy tell you?"

"Don't listen and talk while elders are talking?" He pouted.

"And why?"

"'Cause it's bad?"

I sighed. Fine, hindi na ako magtatanong. Kawawa si baby Ryan kay mommy Aisha niya
eh. Hahaha! Though alam ko na kung saan. And yeah, nandito na nga kami kila Lynne.
Pumasok na kami sa loob kasama si Ryan. Bago nga kami pumasok, sinabihan siya ni
Aisha na wag magsasalita eh. Kawawa talaga si Ryan. Haha!
Pag pasok namin, nasa kubo sila Lynne and Brylle kasama yung isang lalaki at isang
babae na hindi ko kilala. Nasa kubo sila ng garden nila Lynne pero noong pagkakita
nila sa amin, tumayo sila at pinuntahan kami.

After namin mag beso beso and hug sa isa't isa...

"Sooo?" I asked, looking at the two strangers beside them.

"Ah Rylie! He's Julius," Lynne introduced him and the Julius guy said 'hi'. Well,
he looks nice. Bagay sila ni Lynne. Teka, sila na ba?

"Kayo na?" Tanong ni Aisha.

"Nanliligaw pa lang," Sabi naman niya.

It's Brylle's turn naman to introduce...

"She's Elle, my girlfriend. Elle, this is Rylie, Aisha, and Ryan, Aisha's baby,"
Sabi niya habang tinuturo kami isa isa. Nag 'hi' din si Elle sa amin. She looks
nice as well. Weird lang kasi kamukha niya si Lynne. Lynne's prettier, though.
Hahaha! Bias ba? Medj. LOL!

After ng konting chitchat sa kubo, bigla akong binigyan ni Lynne ng rolled paper
and white rose ulit. Yung parang binigay sa akin ni Aisha kanina? Hmm...

I untied the ribbon and unrolled the paper.

Love is complicated, they say.


But really, isn't it you who complicates everything?
You're waiting, hurting, and breaking..
All people do?

Why blame love?


Is it because you're tired of it...
or is it because it's easier to blame love...
than to hate the one you love?
Question no. 2: Bakit mo tinago lahat ng gamit na sinoli at binigay ko?

Answer: I kept those things and I still keep them because they remind me of you.
I'm scared because I might forget you, no, it's not possible. Scratch that. I'm
scared to lose even just one memory of you. If I threw them away, I would have been
more hurt. But if you ask me to throw them away, I would... as long as I have you.

Sht sht sht, tinago niya yun kasi ayaw niyang makalimutan kahit isang memory lang.
Samantalang ako, sobrang effort ko para makalimutan ko siya. I was the asshole, not
him. Pero bakit parang mas bitter ako? He confronted Alexa and almost lost his
pride because of me by kneeling in front of her. Ughhh.

"Saan na yung next stop?" Tanong ko kaya nganga sila. Hahaha! Hinihintay kasi ata
nila reaction ko. LOL!

Sumakay na kami sa car at nag drive na si Aisha. Ryan's already sleeping at the
backseat. Nakarating na kami sa apartment or fine, bahay nila Tyler, Christian,
Ariza, etc. Nandito na kaya siya?

Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob. Aisha told me to go in lang by myself


because Ryan's sleeping already. Walang magbabantay.

I knocked on the door and Christian opened it. Pag pasok namin, nasa sofa sila ng
living room. Yup, SILA. Aside from Christian, nandito din sila Ariza (MALAMANG),
Katy, and Dylan. Pinaupo muna nila ako, binigyan ng juice, at dinaldal.

"Nasaan na yung letter?" Tanong ko. Ang kapal ng mukha ko pero kasi naman, pagod na
ako. Isa pa, I want to see Tyler na!!!

"Anong letter?" Tanong ni Ariza na nakataas pa yung kilay. Shet, wala talaga siyang
pinagbago. Jusko day! Sarap i-shave ng kilay eh. Hahaha!

"Wag ka ng magmaang-maangan. Alam kong may letter! Ako nag-sulat ng poem. Mahaba pa
yun! Pati nandito ako para ibigay mo sa akin yung letter. SURE AKO, GUYS!"

Nagtawanan silang lahat, "Rylie, excited ka na makita si Justin no?" Sabi ni Katy.
"Atat na yan. Christian, ibigay mo na," Sabi naman ni Dylan.

"Hoy, Dylan. Baka gusto mong may sabihin ako kay Katy?" Sabi ko kaya natihimik
siya. Mangiinis pa siya ha. He can't handle me!

"Ano yun?" Tanong ni Katy kay Dylan.

"Ughh Christian ibigay mo na nga. Ang ingay talaga ng dalawa. Kanina pa yan!" Sabi
naman ni Ariza. Naiimagine ko na yung face niya kanina. Ayaw kasi ni Ariza ng
maingay kaya siguro, inis na inis na siya kila Dylan at Katy. Pero ganyan lang
naman yan eh. Deep inside, natutuwa siya. Hahaha! I know her very well na.

Tumawa si Christian, "Oo na. Rylie oh."

White rose ulit at paper kaya inuntie ko ulit yung ribbon at binuksan.

People who are bitter about it?


Sometimes, they're the hopeless romantic ones.
They tend to act like they hate love when in fact...
They're just envious.

They envy those people who love each other.


Especially those people who grow old together.
They also have knight in shining armors and ideal men...
Who will change their beliefs about forever.

Question no. 3: Sino yung mga walang hiyang bumunggo sayo?

Answer: Don't mention this again in the future. This is the first and last time
I'll answer this. I told you I had been a jerk. Yes, Rylie. I fought a lot before
and unfortunately, one of the people whom I had a fight with was obsessed with his
girlfriend and was also a member of a fraternity as well. You're smart, you know
what happened next. Truth to be told? I'm thankful because nothing happened to you
at hindi din ako namatay. Also, if not for the incident, baka hindi din tayo ganito
ngayon. Thank you for saying you love me, Ry. Don't deny, I heard you.

EH DI NARINIG LANG NIYA YUNG 'I LOVE YOU' KO. EH ANO?

TOTOO NAMAN!
K. HUHUHUHU!

Kaso may narealize ako. For the past 2 weeks, hindi pa niya sinasabing mahal niya
din ako. Bakit ganun? Kasi nanliligaw pa lang ako so bawal niyang sabihin yun?
Conservative si koya? Hindi ako naniniwalang conservative siya!!!

Bago ako umalis, may binulong muna ako kay Katy pero I made sure na rinig nila yung
bulong ko, "Katy, alam mo bang matagal ka ng mahal ni Dylan? Bye!" I'm so sure I
saw Dylan and Katy flustered. Haha!

Nag bye na ako kila Christian at umalis na kasi malapit na po mag gabi, pagod na
ako, pagod na driver ko (Aisha) pati yung baby niya (Ryan), at gusto ko na makita
si Tyler! Gusto ko na siyang sapakin for doing this. Walang hiya, nakakadrain ng
energy. Mixed emotions!

Don't get me wrong, hindi ako sad and naappreciate ko effort niya na gawin 'to,
promise! PERO LALO AKONG NAGGUILTY FOR BREAKING NOT ONLY HIS HEART BUT ALSO HIS
LIFE. He wasted his face, brains, and talents for 2 years just because I brutally
pushed him away.

Pag-upo ko sa kotse, Aisha winked and smiled as she starts the engine of her car.
Siguro idea na naman niya 'to?

"Idea mo 'to no?" Niliitan ko siya ng mata kahit wala naman akong mata. Hindi ko
siya tumitingin sa akin, though. Nagddrive lang siya.

She shook her head, "Trust me this time, Rylie. I even had no idea he would do this
eh. Basta pinuntahan lang niya ako kanina at inutusan akong maging messenger at
driver mo. It's Saturday pa naman today, dapat rest day ko eh. Kaya after nito
Jamilah Rylie Hao, you should treat me to spa. Tsk."

I laughed, "Excuse me? In the first place, I didn't ask you to be my messenger and
driver. Kung wala kang idea, mas lalo akong walang idea. Isa pa, quits lang tayo
kasi may pasok ako kanina. Parehas tayong pagod no!"

"Sabagay. Fine! Kay Justin ka nga lang kasi para hindi ka napapagod agad," She
glimpsed and winked at me.
"Don't tell me, nagpalibre ka sa kanya?" I asked her suspiciously.

"Excuse me, Rylie? He was the one who told me he would do anything I like. His
family's richer than mine, anyway."

"Tss parehas lang kayong rich eh. Mas kuripot ka lang sa kanya!" We both laughed.
Pag tingin ko sa road, tangina bakit nandito kami?

"Aisha?" I breathe heavily. Bakit nandito kami kila Josh? I closed my eyes.
Naaalala ko noong nabangga si Tyler. Kitang kita ko yun! I didn't know what to do
that time. Nag inhale exhale ulit ako. Na-trauma ata ako. Fck naman!

"Rylie, bumaba ka na."

And yes, bumaba ako. I'm small, but I'm not a little child anymore. I have to face
my fears, instead of running away from them. Sometimes, running away from your
problems work, but most of the time, they don't. It would only make you look like a
chicken, scared of so many things.

Cowardness isn't a solution. Even if I'm a girl, I should man up and be brave not
only to protect myself, but also to protect those people who love me constantly and
unconditionally. Is it just me or am I talking non-sense already? Ito ata nagagawa
ng kaba at nerbyos. I'm over thinking. Haha!

I sighed and pressed the door bell. When he opened the door, I greeted him. He
greeted me and just gave me a weak smile. He told me to go inside so I did what
I've been told to do. Pagpasok ko, I saw Alexa and Jessa. Inuulit ko, si Jessa yung
alalay ni Alexa. She was the one who cut the video.

"Josh? What are they doing here?" I asked.

"Rylie, I'm sorry," He bowed his head and looked at me. "Hindi mo naman ako
kailangan patawarin. I know it's too late already, but I just want to apologize for
hiding the truth. You trusted me and I broke your trust. I knew I should have been
contented with what we had and yet, I was still expecting you'd love me back. You
know what I feel for you, right? But you still didn't push me away because I was
the only one you trusted. And now? I deserve to be pushed away. Don't worry, Rylie.
From now on, you'd no longer see me." He smiled.
"Bakit? Saan ka pupunta?"

"I'm going to America, for good."

"How about Kent- Oh sht!" Pinalo palo ko yung bibig ko. Ang daldal mo talaga,
Rylie!

He laughed, "Alam mo na pala. I know he's gay, don't worry. Pero hindi niya alam na
alam ko. Gaydar, Rylie."

"A-anong gaydar?"

"Gay radar. I guess nasabi na niya sayo. Hindi ko sinabi sa kanya at wala akong
balak sabihin. Mas okay kung friends, diba? Kaya please lang wag mong sasabihin."

I nodded, "Okay? Pero bakit nandito sila?" Tinuro ko sila gamit yung bibig ko.

"Hindi mo kailangan mag parinig. Nandito kami kasi sinabihan kami ni-" Hindi
natapos ni Jessa sasabihin niya kasi siniko siya ni Alexa.

"We're here to apologize," Sabi ni Alexa. Wow. I didn't expect that from her. "Ry,
I was so mad at you so I cut the video and-"

"Don't lie," Sabi ni Jessa kay Alexa then she looked at me. "Hi, Rylie! You wanna
know the truth? Alexa is my sister. I know what you're thinking. Mukha akong alalay
niya? Sure! But-"

"What did you just say?" Alexa asked.

"I'm your sister, okay? Sa lahat ng alalay mo, sino lang ba yung nag stay sa tabi
mo? Me. Kahit ang sama ng ugali mo, tiniis kita! Naging stalker mo ako ng ibang
tao, naging alalay mo ako, sunud-sunuran, at kung anu ano pa. Have you ever asked
why? Because I'm your fckin sister! Your dad's a jerk. He impregnated my mother and
then left her so my mother ended up killing herself. I was so mad at you, Rylie. I
was so mad kasi ayoko ng maulit yung dati. Ayokong maulit yung nangyari sa mom ko.
For me, Alexa's my only family. Her father supported me financially. Other than
that, wala na. Walang wala na..."

"THEN WHY DIDN'T YOU TELL ME EARLIER?" Alexa shouted.

"Because-" Hindi natapos ni Jessa sasabihin niya because Josh cut her off.

"Guys, solve your issues outside."

They both sighed. Ngayon ko lang narealize na medyo magkamukha pala sila. I feel
bad for Jessa. I understand her. She just did it because she loves her sister.
Kasalanan ko lang talaga kasi naniwala ako sa ibang tao imbis na kay Tyler. Kahit
na nafifeel kong mahal niya ako, I believed other people kasi sobrang insecure ko.

Feeling ko, walang magmamahal sa akin ng matino after akong lokohin at pagpustahan
ng mga lalaki noong highschool. Kasi hindi ako naniniwalang worth it ako. Hindi ako
naniniwalang maganda ako o enough ako sa kahit kanino. Oo, sinasabi kong naniniwala
ako, pero hindi pala. Kasi insecure ako. I was so insecure and now, I want to hate
myself but I won't kasi baka may masaktan na naman ako. Baka masaktan ko na naman
siya.

"Ry, I know you're tired kaya ito na..." Nilabas niya yung paper and white rose
saka niya inabot sa akin. I opened it naman agad.

But do you know why they act like they hate love?
Because they're too tired of expecting.
They act like they're bitter...
Because they're already scared of hurting.

Pain makes people strong.


It can lead to a trauma or a phobia...
But it's still us who will decide,
if we want the pain to ruin us or make us.

Life isn't harsh and love isn't hard.


Revenge isn't the sweetest thing. It is futile.
Instead of blaming and crying,
Why not smile and just live life like you're dying?

Question no. 4: Bakit ka nag pretend na hindi mo ako naalala?


Answer: It was just a prank. Blame Aisha.
After reading, gusto kong matawa. Sa lahat ng letters, ito pinakamaiksi ang sagot
at pinakawalang kwenta. Hahahaha! Pero tapos na yung poem na ginawa ko ah? Ang alam
ko, wala ng next. So ano yung next? Pupuntahan na ba namin si Tyler?

"Ry..."

"Yes?" I asked Josh.

Inabot niya sa akin yung CD, "You should keep this."

I smiled habang kinukuha ko yung CD, "Thank you." Nilagay pala niya sa CD yung
video ni Tyler.

Bago ako umalis, nag smile ako kay Alexa and Jessa then I hugged Josh, "Don't
worry, we're still friends. No more, no less. Talk to you soon! Also, you should
talk to Kent. Bye, Josh!"

Lumabas na ako and went inside the car. I looked at Aisha and she was staring at me
na parang tinatanong kung ano yung nangyari sa loob.

"Ikaw na naman pala may pakulo ng fake amnesia ni Tyler! Hindi ka pa din nagbabago.
Tsk!" I shook my head. "Sige na, mag drive ka na!"

She laughed and didn't say a word. Nag drive lang siya ng nag drive...

"Rylie, nandito na tayo!" Nagising ako pero shet, wala akong makita. Gabi na ba?
Bakit sobrang dilim naman? Brownout? I touched my eyes, but then I didn't feel
them. Then I realized my eyes were covered. Grr, Aisha!

"Wag mong tatanggalin. Blind fold yan. Napag-utusan lang ako."


Okaaaay, makikiride na lang ako. Fine!

"Si Ryan?" I asked.

"I'm here, auntie Ry!" Sabi niya then I heard Aisha hush. Hmm. Pinaiwan sa akin ni
Aisha lahat ng gamit ko sa kotse. As in lahat! Pati pagkain sa pocket ko, tinanggal
niya. Shet! Hindi ako mabubuhay ng walang pagkain sa pocket o bag ko. Hahaha!

Bumaba na kami. Hawak hawak ako ni Aisha and I'm guessing, hawak hawak naman ni
Aisha si Ryan. Hirap ng ginagawa niya ah. After a medyo long walk, pinaupo ako ni
Aisha sa upuan. I called her pero she's not answering. Kinabahan ako! She left me
already. Nararamdaman ko.

Then someone started strumming the guitar...

"Back when I was a child, before life removed all the innocence
My father would lift me high and dance with my mother and me and then
Spin me around 'til I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved."

That voice. Teka, bakit Dance with My Father yung kanta?

I removed the blind fold and saw...

my father.

WHAT?!

Hindi ako pwedeng magkamali. Boses yun ni Tyler! I tried searching, but he's not
here. Where is he? Nasa Enchanted Kingdom kami and nakaupo ako ngayon sa bench. Oh
God. Ayoko na pumunta dito please. Twing pumupunta na lang ako sa EK, may
nangyayaring masama e.

"Can I have a dance with my daughter?" Papa asked while giving his hand to me so I
took his hand and stood up then we danced. Sht. First time namin mag sayaw ni Papa.
Hindi ako nag debut o kahit ano kasi ayoko talaga pero...

How did they know that this is my dream?

"Papa? Ano nangyayari?" I asked.

He shook his head, "Sorry, anak. I know I've been a bad father-"

I shook my head, "Papa!" Ano bang drama 'to? :(

"If I could get another chance, another walk, another dance with him
I'd play a song that would never, ever end
How I'd love, love, love
To dance with my father again."

He smiled, "Akala mo ba hindi ko alam na galit ka pa din sa akin?" He held my face.


"Anak kita, diba? Alam ko lahat. Alam kong galit ka sa akin dahil pinatulan ko pati
secretary ko. I have no excuse, anak. Alam ko din na kahit kailan, hindi na yun
mabubura. If only I could turn back time, I would. I wouldn't have broken you and
your mother's heart," Papa's crying.

"Papa naman eh..." He wiped my tears.

"When I and my mother would disagree


To get my way, I would run from her to him
He'd make me laugh just to comfort me
Then finally make me do just what my mama said
Later that night when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he would be gone from me."

"Shhhh. Wag ka ngang umiyak. Sige ka, baka hindi ka na magustuhan ng manliligaw
mo," He laughed. "Sorry, anak. Mali ako. Gusto kong bumawi pero hindi ko alam kung
paano. Mahal na mahal ko kayo ng kapatid at mama mo kaya kahit na hindi ko na
kayang ibalik ang nakaraan, gagawin ko lahat para patunyan sa inyo na kayo ang
pamilya ko. Kayo lang."

I hugged Papa tightly, "Thank you for coming back, Papa! Thank you kasi binalikan
mo kami. Akala ko hindi na tayo makukompleto ulit. Akala ko talaga..." I'm sobbing
like a little child again and he's just constantly wiping my tears. Tumingin ako sa
paligid ko, ang daming tao! Hindi ko sila kilala. Grabe, ang agaw atensyon namin.
Huhu!

"If I could steal one final glance, one final step, one final dance with him
I'd play a song that would never, ever end
'Cause I'd love, love, love
To dance with my father again."

"Love you, anak."

"Love you *sobs* too *sobs* Papa!"

"Sige na, maiwan na muna kita. At oo nga pala..." He went nearer and whispered,
"Boto ako sa kanya." Jusko day! Kahit hindi na niya ibulong yun, alam na alam ko na
yun matagal na! Umalis na si Papa at dahil sa sobrang daming tao na nakapaikot sa
akin, hindi ko na siya nahabol kasi nakaharang sila. Nahihiya na ako, ang daming
tao. SERYOSO!

Napahinto lang ako kasi may nag strum na naman ng guitar...

(NOW PLAYING: When You Say Nothing at All by Ronan Keating. Kindly click the
youtube video on the right side.)

"It's amazing how you


Can speak right to my heart."

Pag talikod ko...

Biglang nawala yung hiya ko dahil nakita ko na SA WAKAS si Tyler. Si Tyler na may
microphone na nakadikit sa face niya. Nuxx, pinaghandaan!

"Without saying a word


You can light up the dark."

He smiled at me and gave me the white rose and rolled paper. He held my hand then
hinila niya ako papunta sa gitna habang kumakanta. Nilagay niya yung dalawang kamay
ko sa shoulders niya at nilagay naman niya yung dalawang kamay niya sa waist ko
tapos nagsimula na kaming mag sayaw. Wala yung bandage niya! Baka kung ano mangyari
sa kanya. No!

"Try as I may, I could never explain


What I hear when you don't say a thing."

"Tyler, ano 'to? Ano meron? Hindi pa ako handang magpakasal," I whispered kaya
natawa siya ng konti. He just winked and continued singing...

"The smile on your face


Lets me know that you need me.
There's a truth in your eyes
Saying you'll never leave me.
The touch of your hand says you'll catch me whenever I fall.
You say it best when you say nothing at all."

He hugged me really really really tight...

I heard murmurs and whispers. Meron din mga nanunukso na parang kinikilig na ewan.
Tangina, ang bango. Kinikilig din ako!

"All day long I can hear


People talking out loud .
But when you hold me near
You drown out the crowd
Try as they may, they can never define
What's been said between your heart and mine."

Namiss ko 'to pero...

"Tyler, paano yung pilay mo?"

He hugged me more tightly. Ouch ha. Haha!

"The smile on your face


Lets me know that you need me.
There's a truth in your eyes
Saying you'll never leave me.
The touch of your hand says you'll catch me whenever I fall.
You say it best when you say nothing at all.
'Cause you say it best when you say nothing at all."

He kissed my forehead pero naka-hug pa din siya.

"I love you, Jamilah."

Nag 'awwww' yung mga tao. Okay. Wala na akong masabi kung hindi, "Tyler..." Kaiyak!

"Should I read that for you?" Tinuro niya yung paper na hawak ko na binigay niya.
Siguro alam niyang masyado na akong nanghihina dahil sa mga pinagagawa niya, diba?

Binigay ko sa kanya yung paper then he opened and read it...

"If we were Romeo and Juliet,


I would still choose you.
If we weren't meant to be,
I would still pursue you.

Rylie, I love you.


At least I know it's true.
My feelings are genuine and so are you.
Three words, eight letters, I know it's cliche.
But believe it or not,
these words didn't exist until I found you.

I don't believe in forever...


And I guess you don't believe in it, too.
But I want us to grow old together...
I wish it would come true."

Kaya pala natapos agad yung poem ko kasi he made his own poem.

"I'm not really good at writing poems so bear with me. Well, at least I tried,
right?"

I hugged him, "Thank you. P-pero wait, you haven't answered my last question yet."

"What's your question again?" He asked. Grabe, naalala niya yung 1-4 questions ko
na hindi ko na maalala pero di niya maalala yung question na lagi kong tinatanong?
SERYOSO BA SIYA?

I furrowed my forehead, "Di ako naniniwalang di mo naaalala."

"Fine," He said tapos binasa ulit niya yung paper. "Question no. 5: Pwede ba ako
manligaw? Answer: Of course, not-"

"WHAT? Basted na naman ako?" I asked. Eh para pala saan lahat ng 'to? -__-

"Let me finish first, okay?" He requested so I nodded. Binaba na niya yung paper
and he sighed.

"Of course I wouldn't let you court me. Rylie, kahit ano pang ginawa mo o gawin mo,
hinding hindi ko hahayaan na ikaw ang manligaw. That would make me look like... a
gay and most importantly, lalaki ako, mahal kita, kaya ako dapat ang manliligaw. At
anong ligaw ligaw? Nandito ako hindi para tanungin ka kung pwede manligaw. I'm here
to ask if you want to be my girlfriend."

"HA?"

"Uulitin ko pa ba? I love you, Rylie. Kahit clumsy ka pa, ulyanin, burara, at kung
anu ano pa. Kahit in love ka pa sa mga fairytales o ayaw mo na sa mga lalaki. Kahit
mas madami ng nagkakagusto sayo ngayon. Kahit na hindi ka naniniwalang maganda ka o
kahit gandang ganda ka pa sa sarili mo. Kahit na hindi mo kayang ipagtanggol sarili
mo o kahit kayang kaya mo na mag-isa, mahal pa din kita. You're still the only
person who could call me Tyler, Patrick or Sungit and I wouldn't even complain.
You're still my monkey, butiki, and my Jamilah Rylie Hao. Kaya-."

I kissed him.

"I love you more, Tyler, and yes, I would love to be your girlfriend."
Yaaaaaay, tapos na! Hahahahaha! Sorry for the long wait. Na-delete po kasi yung
original epilogue so I had to repeat this. Anyway, thank you for supporting
Hopeless Romantic 1 & 2. Thank you very much! I love you, guys, kahit halos puro
'bitin' yung comments na nababasa ko and for sure, may magcocomment na naman na
'bitin dito'. Hahahaha! I'll try to write a special chapter, though.

Btw, I'll be posting two stories tomorrow.

1. Talo Bingi

2. Not a Fairy Tale--> Anak nila Tyler at Rylie

For more information:

Join the FB GROUP: https://www.facebook.com/groups/191153611091984/ or click the


external link

Like the FB PAGE: https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP

Bye, guys!!! <3


####################################
SPECIAL CHAPTER
####################################

After 3 years...

Graduate na kami! Kung kailan? Last year pa! Ang bilis ng panahon, diba? Parang
kailan lang, ang dami dami namin pinagdadaanan ni Tyler. Well, until now pa din
naman, pero less conflicts. Siguro kasi, kilalang kilala na namin isa't isa at
madami na rin kaming natutunan from our past experiences.

Kung tatanungin niyo naman kung nag-aaway pa kami. Ang sagot ko ay, MALAMANG!
Abnormal kami kung hindi kami nag-aaway. Though abnormal naman talaga kami... o ako
lang? Yun nga lang, sobrang babaw ng mga reasons. Ang init kasi ng ulo niya lagi,
hindi ko naman alam kung bakit. Alam niyo kung anong klase siyang boyfriend?!

He's a moody one!!! May times na ang sweet sweet niya, may times na parang galit
siya sa mundo. Ang bipolar lang, diba?! Sanay na nga ako eh. Haha! Pero kahit
ganoon, mas lalo pa akong naiinlove sa kanya kasi ang cute cute niya! Alam mo yung
antok na antok ka at puyat dahil sa trabaho tapos biglang pupunta sa bahay o kaya
naman tatawag sa phone at sasabihing wala lang siya magawa?! Wag daw ako mag assume
kasi hindi niya ako miss.

Pero pag ibababa na yung phone o aalis na siya, ito naman sinasabi niya...

"Pwede ka bang ibulsa na lang para lagi kitang kasama?"

Bzzzzzt. Bzzzzt.

AA Achi

calling...

Yerp, I imitated Tyler. Mas mabilis kasi macontact pag may 'AA' sa unahan ng mga
importanteng tao sa buhay ko. Hahahaha! Back to reality, tumatawag pala si Achi.

"Ry! Gusto ko ng balot!" Sabi niya, nagpaparinig na naman. Uutusan na naman niya
ako! Tumanda man kami ng tatlong taon, pero kami ng kapatid ko, walang pinagbago.
Hayy.

"At saan naman ako kukuha ng balot ng 6:30 AM?! Nasaan ba si kuya Anton? Bakit
hindi ka sa kanya magpabili?" Sabi ko ng mahinahon. Di ko siya pwedeng sigawan kasi
baka mamaya, mag emote na naman siya.

"Naghahanap na siya ng aso ngayon..."

"YUCK?! Pati ba naman aso, achi?" Sabi ko.

"Gusto ko lang naman ng aso. Hindi ko naman kakainin," I could feel she's pouting.

"Okay okay, hahanap ako ng balot. Dadaan ako sa bahay niyo bago pumunta ng work."

"Ikaw Ry ha? Porkit may boyfriend at work ka na, hindi mo na ako pinupuntahan,"
Iiyak na ata siya, hala! Patay ako.
"Teka, achi. Wag ka naman umiyak. Si baby..." Grabe, sobrang nagiging emotional
talaga siya lately eh. Kung ganyan pala mag buntis, hindi na lang ako
magpapabuntis. Sorry, Tyler. Mag ampon na lang tayo. Joke lang. Hahaha!

"Ikaw kasi eh..." Sabi ni achi.

"Pupuntahan nga kita wait lang. Pupunta na nga ako sa market para maghanap ng balot
mo oh? Sige na bye na para magkita na tayo." Sabi ko at binaba na. Ang clingy ng
mga tao ngayon, no? Pati si Aisha ang clingy eh. Haha!

Alam niyo ba, pumunta sa bahay namin yung boyfriend ni Achi last last year? Sa
wakas, nagkaroon na si kuya Anton ng lakas ng loob para humarap sa parents namin!
Kaya yung ate ko, kilig na kilig kasi hindi niya alam na pupunta boyfriend niya.

As expected, sobrang kinakabahan sila pero ang di namin ineexpect ay noong sinabi
ni Kuya Anton 'to sa parents namin...

"Hindi man po ako Chinese o sobrang yaman, pero sisiguraduhin kong ligtas ang anak
niyo sa akin. I'll treat her like a queen. Gagawin ko ang lahat para buhayin siya
at ang magiging pamilya namin. I love her and I will always love her kahit ano pang
mangyari. Ma'am, Sir... May tanong lang po ako...

Can I marry your daughter?"

Hulaan niyo kung ano sagot ni Papa at Mama? Nevermind. Flashback na lang ulit.

"Pag pumayag siya."

Nakakagulat, diba? Sabagay, gusto na nila ng apo. And yes, kasal na sila ngayon.
Buntis nga si achi, diba? So happy! Magkakapamangkin na ako, gusto ko pa naman sa
mga bata.

Pagkabili ko ng balot (nakakastress kasi closed pa lahat at tinanong ko lang kung


saan yung bahay ng nagtitinda ng balot so pinuntahan ko pa), binisita ko na si
achi, nagdaldalan, at umalis na rin papuntang work. Ayaw pa nga ako paalisin pero
sabi ko, hindi na ako college student na pag ginusto ko mag cut, magkacut na lang.
Ibang iba talaga ang working life. Sobrang iba!
Pagpasok ko ng building, may nag text...

From: Ariza Domingo

Message: Wag kang malelate mamaya!!!

To: Ariza Domingo

Message: Try ko

From: Ariza Domingo

Message: Bitch.

Si Ariza, oo, masungit pa din. Haha! Anyway, engaged na sila ni Christian. Ang saya
saya lang kasi sila yung laging nagaaway at muntik ng mag-hiwalay dati pero sila
lang yung highschool sweethearts na nagtagal ng sobra at ikakasal na! Hindi ko nga
alam kung paano natatagalan ni Christian si Ariza. Kidding!

May pupuntahan nga pala kami mamaya. Ang saya, diba? Kahit nagwowork na kaming
lahat, we still find time para magkita kaming lahat. Kahit may kanya kanya na
kaming buhay, hindi pwedeng kahit sa isang buwan, hindi kami magkasama kahit
sandali lang.

BTW, magwa-one year na kami na nagwowork ni Tyler. Ako, sa isang company. Si Tyler
naman, siya na yung nagmamanage ng company nila. Ang alam ko nga dapat president
siya pero tinanggihan niya kasi he wanted to start from a not-so-high position.

At oo nga pala, ako lang ang nakaalam, pero nasstress talaga ako sa work ko, not
only sa work loads pero hindi kasi ako masaya. I can't seem to find why kasi okay
rin naman office mates ko. In fact, nagkaroon ako ng baklang kaibigan na dating
pinagselosan ni Tyler, nakakaloka! BAKIT?! Hahaha! Speaking of Tyler, ngayong
month, hindi kami masyadong nag-uusap. Alam kong busy siya kaya okay lang. Busy din
naman ako. Hindi ko nga sure kung pupunta siya mamaya.

"Uy Joji, alis na ako, may pupuntahan pa ako eh," Sabi ko kay bakla. Half day lang
ako ngayon since sa Laguna pa yung lakad namin. Kailangan ngayon pa lang, umalis na
ako kasi ang layo ng Laguna sa Manila. To think na, medyo north pa ako galing ha.
"Ha? Agad agad?! Okay fine whatever, chupi na."

Umalis na ako at pinuntahan si Aisha. Si Aisha, siya din ang nagaasikaso ng company
nila pero hindi pa siya president kasi tinitrain pa lang siya ng mom and dad niya.
Actually, hindi talaga mom and dad niya yung nagttrain sa kanya. Hahahahaha! You'll
know later.

"Hi, Ryan," Sabi ko pagkaupo ko sa backseat ng sasakyan ng manliligaw ni Aisha.


Kumandong naman agad si Ryan sa akin at kumiss.

"Tita Rylie!"

"Hi, boyfriend ni Aisha!" I smiled at Aisha's manliligaw. Hahaha, uso pa pala ang
ligawan. Well, natrauma na kasi 'tong si Aisha pagkatapos siyang lasingin,
buntisin, at iwanan ni Drei. Aisha doesn't hate Drei kasi dahil sa kanya, nagkaroon
siya ng Ryan. Pero one thing's for sure, ayaw na niya siya makita. She's
traumatized nga.

"Hi, Ry," Sabi ni Hans, siya ang driver namin for today.

"Anong hi?! Boyfriend na kita?" Puno ng sarcasm habang sinasabi ni Aisha yun.
Tumawa na lang si Hans. Nasa shotgun seat nga pala si Aisha katabi yung manliligaw
niya. Haha! Gusto naman talaga niya 'tong si Hans. Si Hans nga pala yung vice
president ng company nila Aish at ang nagttrain sa kanya at the same time para i-
manage yung company.

He's 5 years older than Aisha and yes, obviously, alam ni Hans na may anak siya. In
fact, daddy ang tawag sa kanya ni Ryan kaya yung isa, nagwawala kasi hindi pa nga
niya boyfriend pero mag asawa na agad tingin ni Ryan sa kanilang dalawa. Si Hans at
Ryan naman, tinatawanan na lang si Aisha. Nakakatawa naman kasi talaga si Aisha.
Hahaha!

"Uy Ry, how's work? Mukhang stressed ka, ha?" Sabi ni Aisha ng mahina. Natutulog na
kasi si Ryan na nakahiga sa lap ko. Oh well, she knows me too well.

"Aisha, shh ka lang, ha? Pero baka mag resign na ko."

She nodded, "Ano na gagawin mo?"


"I might take science courses and continue medical education."

"I knew it!" Sumigaw siya ng pabulong, "Gusto mo talaga mag doctor and bagay naman
sa'yo. You like kids. Pedia?"

I nodded kahit hindi niya nakikita, "Yup, baka sa Ateneo na lang ako kumuha ng
science courses and kung papasa, doon ko na rin iccontinue yung medical education."

She sighed, "I understand. Pero... paano na yan? Mawawalan ka na lalo ng time for
us. Mawawalan ka na ng time for Tyler." Tumingin siya sa akin kahit nasa harap
siya.

"I don't know, Aish. I really don't know," Yumuko ako. Naisip ko na yun. Nag
research kasi ako tapos yung mga nagmemed daw, wala na daw talaga silang time. Puro
acads related. Kahit sa pagkain at pagtulog, libro katabi nila.

But... I really want to be a doctor.

Bzzzt. Bzzzt.

AA Tyler Dela Cruz

Nagguilty ako, hindi pa niya alam. Hindi pa niya alam na gusto ko mag doctor.
Ngayon pa nga lang, wala na kaming masyadong time. Paano pa pag nag doctor na ako?
Seriously, kahit may tiwala ako kay Tyler, natatakot ako.

"H-hello?" OMG, I'm trembling.

"Okay ka lang, Ry?" He asked.

"Oo naman."

"Liar. Where are you?" Nakakainis. He got me again. I've decided, sasabihin ko
mamaya sa kanya after our get-together. Ughh. Bakit ba sobrang kinakabahan ako?!
"I'm with Aisha, Ryan, and Hans na. Ikaw, saan ka?"

"On the way. See you, Jamilah. I love you."

"Ha? Mag concentrate ka nga sa pagddrive mo diyan. I miss you, Tyler. Bye." Binaba
ko na yung phone pero tumawag na naman siya ulit. Ang kulit! Paano pag naaksidente
siya, diba? Hindi pwede. Ayoko na maulit yung nangyari 3 years ago.

"Why did you call again, Tyler? Mag drive ka nga diyan!"

"Bakit mo binaba yung phone?"

"Uhmm, para hindi ka maaksidente?"

"I'm using my bluetooth headset, you don't need to worry." Ohhh. Yun yung binigay
ko sa kanya para kahit nagddrive siya pwede siyang sumagot ng tawag. Pero hindi ko
naman kasi yun binigay para makipaglandian sa akin. Haha!

"Pero-"

"Kahit naman nagddrive ako, ikaw pa din iniisip ko. Hindi din naman ako
makakaconcentrate."

"Bye, Tyler!" Binaba ko na ulit yung phone. Bakit kinikilig pa din ako? Huhuhu! For
sure, nakangiti yun or baka tinatawanan na ako ngayon. Aaaaah, hindi pa din siya
nagbabago!

Nagising ako pero wala na akong katabi. Wala na sila Aisha, Ryan, at Hans. They
left me here! Bumaba na ako ng kotse at nakita sila Lynne at Julius na magkasama sa
may gate.
"Ang landi niyo pa din!" Sabi ko sa kanila. Yup, sila pa din until now pati sila
Brylle at Elle. Ang werid nga eh kasi minsan, nagdodouble date sila. Hahaha! Hindi
kaya sila naaawkward? First love nila Brylle at Lynne ang isa't isa. Siguro kung
hindi ginago ni Brylle si Lynne o kaya hindi siya napagod si Brylle mag hintay,
sila pa din until now. Pero hindi eh, ganito lang kasi talaga. Minsan talaga, may
mga taong meant to be as friends lang. Kahit gaano nila minahal ang isa't isa dati,
kung hindi sila para sa isa't isa, wag ng ipilit kasi minsan, pag lalo mong
pinipilit, lalo lang gumugulo.

"Nandiyan ka na pala, Rylie!" Sigaw ni Lynne sabay takbo at hug sa akin.

"Ako walang hug?" Sabi ni Julius.

"Wag kayong maglandian sa harap ko please. Nasaan na sila?" Tanong ko.

"Nasa loob. Ikaw na nga lang hinihintay at si Justin eh. Pagod ka daw sabi ni Aisha
kaya hindi ka na namin ginising. Pasok na tayo?"

I nodded, "Sinu-sino ba tayo?"

"Present naman lahat. Ikaw na nga lang hinihintay, diba?!"

"Sorry na, galit ka?" We laughed. High blood eh.

Binuksan na ng guard yung gate tapos pag pasok ko, nandoon lahat sila garden. ANONG
MERON?!

"Sabi sa'yo Rylie, kumpleto eh! Sige na, uupo na kami sa table namin," She winked
at umalis na. Hindi ako makaalis sa pwesto ko.

Sa malaking garden, madaming tables. Bawat table, nandoon lahat ng kakilala ko.
Ibang officemates, ibang classmates noong highschool at college, ibang ka-org ko sa
music at science club noong highschool, ibang ka-org ko sa drama guild at marketing
org noong college, family members ng buong barkada including family ko at family ni
Tyler. Nandito din iba naming relatives.
PUSO, RYLIE. PUSO!

Nasa gitnang dulo ako ngayon. Nakangiti at nakatingin silang lahat sa akin. Ako
naman, tulala pa din. I tried to smile but I'm trembling! Namatay lahat ng ilaw at
bumukas yung malaking screen sa harap namin.

(Music on the right side-->)

Your better than the best.


I'm lucky just to linger in your light.
Cooler than the flip side of the pillow that's right.
Completely unaware.
Nothing can compare to where you send me
Let me know that it's okay. Yeah it's okay.
And the moments where my good times start to fade.

"Its been 6 years..."

Oh, fudge! Nakakahiyaaaaaaaa! Puro pictures ko simula highschool. Sobrang nene ko


pa! Nandoon yung pictures ko na nakaside view, nakasimangot, nakapout, nakatalikod,
pati noong kinantahan niya ako sa bar (magkahug kami sa picture) at sumali ako sa
Mr. and Ms. Campus. Nakakahiya talaga. Huhuhu! Pati noong highschool graduation,
yung 2 years na hindi kami nagkikita (Saan niya napulot yung mga pictures ko noong
2 years na hindi kami nagkikita?!).

You make me smile like the sun,


Fall out of bed,
Sing like a bird,
Dizzy in my head,
spin like a record crazy on a Sunday night.
You make me dance like a fool,
forget how to breathe,
shine like a gold,
buzz like a bee.
Just the though of you can drive me wild.
Oh, you make me smile.

"We've been through a lot..."

Nandoon naman yung mga pictures ko after two years na hindi kami magkita. Sa party
na inorganize ko, sa practice namin para sa play, sa university habang nagsasagot
ako ng work sheets, pati pictures ko na kasama yung mga friends namin. Pati yung
graduation pictures namin na magkakasama, may mga jump shots pa nga.
Nakakaiyak mag remenisce!!! Ang dami na nga namin pinagdaanan...

Even when you're gone,


somehow you come along.
Just like a flower pokin' through the sidewalk crack.
And just like that,
you steal away the rain,
and just like that.

And yes, love was, is still, and will always be Jamilah Rylie Hao...

"Love is Jamilah Rylie Hao. I'm in love with her but I don't know why. I'm in love
with her and I don't know how much I love her. I'm in love with her that I can't
even define the word love anymore because I don't want to question my love for her.
I thought love is blind? But I can see her clearly and I know what i'm doing. I
thought love is selfish? But I can give everything for her. I thought love is
unfair? How come I love her fairly? I thought I can define and measure it. I was
wrong. And Jamilah? Jamilah is not smart but she taught me how to love."

OMG! Ang totoy pa ni Tyler! Ang tagal ko ng hindi napapanood yan. Looking back, ang
dami na nga namin pinagdaanan, good man o bad. Si Aisha, hindi siya okay with her
parents dati, nabuntis, iniwan ng boyfriend at bestfriend, naging single mother,
naging okay sila ng parents niya, nagbati kami, hindi na bumalik si Drei, pero
nagkaroon ng bagong lalaki na handang panindigan yung anak niya kahit hindi siya
ang tatay.

Sila Brylle at Lynne, nagligawan ng matagal, hindi naging sila pero nagkahiwalay
dahil ginagani ni Brylle si Lynne kaya 'tong si Lynne, naging play girl. Nagkita
ulit sila pero hindi na naging sila although nag stay sila as friends, at nagkaroon
ng kanya kanyang love life.

Sila Ariza at Christian, sila ang pinakamagulo noong highschool. Si Ariza,


nagkagusto kay Tyler pero si Tyler, ayaw sa kanya. Si Christian naman, ginagawa
lahat for Ariza. Nag hintay, nasaktan, pero never napagod. May time na muntik na
siyang sumuko pero nag sorry si Ariza. Masungit yung isa at yung isa naman,
masyadong mabait. Yung pagkukulang ng isa, napupunan ng isa. Kaya nga engaged na
sila, diba?

Sila Katy at Dylan naman, ang newbies sa barkada. Si Dylan pala, barkada ni Tyler
noong highschool na nagkagusto sa akin pero matagal na palang mahal si Katy. Si
Katy naman, hopeless romantic na nagkagusto kay Tyler pero noong nagkagulo na,
silang dalawa ni Dylan ang nag damayan. Kaya nga silang dalawa din ang
nagkatuluyan.

Sila Selena na ex ni Josh, si Janilyn na akala ng lahat may gusto kay Tyler pero si
Josh pala ang gusto, at si Kent na matagal ng mahal si Josh. Si Josh naman na
naging crush ko ng matagal, kasama sa mga pumusta sa akin para kay Selena at
nagsisi din naman sa huli. Bumawi siya, naging bestfriends kami, at naging friends
na lang ulit. Speaking of Josh, we're still friends and he's still my guy
bestfriend. Sa ibang bansa na siya nakatira pero umuuwi naman siya minsan dito. At
ngayon, nandito siya kasama yung amerikanang girlfriend niya.

And last but not the least, ang magkapatid na sila Alexa at Jessa. May boyfriend na
si Alexa at si Jessa naman, hindi ko alam. Hindi naman kami friends. Basta ang alam
ko lang, based sa kwento ni Alexa noong nag thank you siya akin, sinama na niya si
Jessa sa bahay nila at nagalit siya sa dad niya. Ang alam ko ngayon, nagpaparty
yung dad niya para ipakilala si Jessa na 2nd daughter niya. Ang saya, diba?

Yung mga bagay na akala ko sa movies lang nangyayari, nangyayari pala sa totoong
buhay. Sinong may sabing sa movies at stories lang mayroong tunay na lalaki? Oo,
madaming nanloloko at madaming naloloko. Pero it doesn't mean na lahat ng lalaki,
pare-pareho.

Sa buhay, hindi naman nawawalan ng gulo. Tulad nga ng sabi ko sa sinulat kong tula,
"People hurt and break hearts unintentionally and sometimes, intentionally. But
without heart breaks, will you ever learn?"

Without heart breaks, paano tayo matututo? Kung hindi natin kayang harapin lahat ng
mga taong dadaan at dumadaan sa buhay natin tapos nagrereklamo tayo na lahat ng
lalaki ay manloloko, wala tayong karapatan kasi hindi naman natin naging boyfriend
lahat ng lalaki. At sa mga lalaki, wag niyong irreason out na naloko kayo kaya kayo
nanloloko kasi hindi niyo din naman naging girlfriend lahat ng babae.

You make me smile like the sun,


Fall out of bed,
Sing like a bird,
Dizzy in my head,
spin like a record crazy on a Sunday night.
You make me dance like a fool,
forget how to breathe,
shine like a gold,
buzz like a bee.
Just the though of you can drive me wild.
Oh, you make me smile.

May nakasulat na naman...


"3 years ago, I asked you to be my girlfriend and you said yes..."

Ngayon naman, pinlay yung video 3 years ago, when Tyler sang and asked if I wanted
to be his girl. Nasama din doon yung hinalikan ko siya at sinabing, "I love you
more, Tyler, and yes, I would love to be your girlfriend." Nakakahiya!!! Nandito
family and relatives ko tapos nakita nila na ako ang humalik kay Tyler. Leche
talaga. Huhuhu!

Yup, magtithree years na kami! It's February 14, Valentine's day, pero parang
birthday ko na naman. Another surprise from him. Kailan kaya siya mauubusan ng
surprises? Maliit man o malaki yan, I appreciate everything he has done for me.
Proooomise!

"But anniversaries and monthsaries are just numbers, right? It's been almost three
years when you said yes, but it feels like we're together since forever."

Don't know how I lived without you.


Cause everytime that I get around you
I see the best of me inside your eyes.
You make me smile

You make me dance like a fool,


forget how to breathe,
shine like gold,
buzz like a bee,
just the thought of you can drive me wild.

Ngayon naman, yung mga pictures after ko siya sagutin hanggang present. Nandoon
yung nag Boracay kami with friends, Palawan, Hongkong, Tagaytay, Cebu, at
Australia. Meron pa ngang video na nag superman ride ako sa Baguio. Takot ako sa
heights pero kasi diba, nag promise ako sa sarili ko na haharapin ko na yung fears
ko.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH MAMAMATAAAAAAAAAAAY NAAAAAAAA KOOOOOOOOOOOO. AYOKO


NAAAAAAAAAAAAAA! I HATE YOU, TYLEEEEEEEEEEEEER!" Yung expression ng mukha ko, epic!
Magalaw din yung video kasi tumatawa si Tyler. Yerp, naririnig yung tawa niya.
Nakakainis kasi pati yung tawa niya, ang pogi. Nuxx. Hahaha!

Nagtawanan yung mga tao na nanonood tapos nagtinginan sa akin. I covered my face
with my hands. Leche naman Tyler, pati ba naman 'to?! Pulang pula na siguro akooo.
Oh dammit.
"You make me smile like the sun,
Fall out of bed,
Sing like a bird,
Dizzy in my head,
spin like a record crazy on a Sunday night.
You make me dance like a fool,
forget how to breathe,
shine like a gold,
buzz like a bee.
Just the though of you can drive me wild.
Oh, you make me smile.
(Oh, you make me smile)
Oh you make me smile.
(Oh, you make me smile)
Oh, you make me smile."

At yung last na video yung video naming dalawa na nakaupo sa grass sa garden ng UP.
Sobrang wala kasi akong magawa kaya pinilit ko siya na mag video kaming dalawa.

"I love you Justin Tyler Dela Cruz aka Tyler aka Justin pag magkaaway tayo-"

"Kailangan pa ba yun isama?" Sabi ni Tyler.

"Oo, lahat nga ng tawagan, diba? Nakakainis ka, sinira mo! Ang ganda na ng kuha nun
eh!"

He laughed, "Okay, start again."

I sighed, "Okay okay. I love you, Justin Tyler Dela Cruz aka Tyler aka Justin aka
Patrick na bestfriend ni Spongebob aka monkey guy aka Mr. Pogi aka Mr. Sungit aka
Ty aka-"

"Aka ano?"

"Aka, uhmm, ano... uhmm baby? Yuck talaga! Bye na nga. Ikaw naman..."

"Okay," He smiled and looked at the camera, "14344, Jamilah Rylie Hao- Dela Cruz."
He kissed my cheeks at pinatay ko na yung video. NAHIYA KASI AKO, SORRY!
Sumara yung ilaw sa screen at tumutok lahat ng ilaw kay Tyler na nasa harap ko na
pala!!! So yung mga ilaw pala, nakatutok na sa amin.

"Jamilah, this would be my first time saying this...

I want to be a lawyer."

WHAT?!

"T-Tyler, may sasabihin din ako. G-gusto ko din mag doctor."

Nashock siya then he smiled sadly, "Kung doctor ka at lawyer ako, mas meant to be
tayo, diba? Pero for now, I want to break up with you."

"H-ha? But we don't have to break up naman, diba? G-gagawa ako ng way-"

He smiled. "Shh. Let's break up. I don't want to be your boyfriend anymore,
Jamilah." He knelt down, "Please... be my wife." Sabay labas ng silver ring. Oh
fck!

Nag cheer yung mga tao. OMG! Hindi ko alam sasabihin ko.

"P-pero pag nag-aral na tayo, ikaw as a lawyer at ako naman, as a doctor, mawawalan
tayo ng time for each other. Is it okay with you?"

"Paano tayo mawawalan ng time sa isa't isa kung magkasama tayo sa bahay?"

"P-pero mag-aaral lang tayo tapos pagod tayo everday..."

"Then I'll help you, Jamilah. We'll help each other. You'll be my strength at pag
ikaw naman ang pagod, I'll be your strength. 'll cook for you, I'll massage you,
and even if I don't know how to make jokes or pick-up lines, I'll still do my best
to cheer you up."

"P-paano ka? Ang burara ko pa din tapos-"

"For the past 6 years, I'm used to you being clumsy, careless, and forgetful. And
for the past 6 years, I guess, you're used to me being grumpy and moody. These
imperfections make this relationship perfect. Kung hindi ka clumsy, hindi ka si
Rylie."

"S-sure ka?"

"I'll be fine," Chill niyang sinabi. "Just answer me. Kung ayaw mo, I'll accept it.
Pag um-oo ka, much better." Sabagay, nakakapagod nga naman kasi lumuhod ng matagal
sa dami kong tanong.

"Tumayo ka nga diyan," Sabi ko at inalalayan siya tumayo. "Tyler, hindi talaga ako
sure sa gagawin natin pero ikaw, mukhang sure na sure na kaya ikaw na bahala please
uhmm ano I promise to cooperate kaya of course, Tyler. I'll be your wife kasi ang
tanga ko pag nag 'no' ako kaya sige na, isuot mo na yan. Pag nagbago pa isip ko,
hindi ko na alam gagawin ko kaya-"

He kissed me, "Lalo kang dumaldal. Thank you, Mrs. Dela Cruz" He kissed my forehead
at sinuot na yung ring.

"Hindi pa, excited ka naman."

Lumapit kami sa mga tao at nag thank you. Niloloko pa din nila ako doon sa superman
ride. Kalimutan na nila please!!!

"Mama, papa, achi, alam niyo?" I asked them.

Tumango naman silang tatlo, "Tagal na." Sabay sabay nilang sinabi. So matagal na
pala pero hindi lang nila sinasabi. WOW!

"Kaya ba hindi mo ako masyadong kinakausap ngayong month?" Tanong ko kay Tyler.
He nodded, "Sorry."

"Nuxx, engaged na bestfriend at pinsan ko!" Sabi ni Aisha.

"Thank you, Aisha," I hugged her. "Thank you kasi every surprise ni Tyler, nandiyan
ka." I laughed.

"Ah, ganon? Ang user niyo talaga!"

"Don't worry, every surprise ni Hans, nandoon din ako," I winked tapos nag blush
siya. Nakakatawa talaga face niya pag minimention ko si Hans, epic. Hahaha!

"Aalis na ko. Magsayaw na kayo ni Justin. Bye!" Sabi niya at umalis na nga. Hinila
ko si Tyler papunta sa table nila Aisha.

"Engaged ka na, Rylie! Hindi ako makapaniwala," Katy said.

"Ano, sabay na ba yung kasal para makatipid?" Sabi ni Christian.

"Ayoko ng kasabay," Sabi ni Ariza kaya tumawa kaming lahat.

"Katy, tayo na ba yung next?" Tanong ni Dylan kaya nag blush ng sobra sobra si
Katy.

"Hoy, Justin! Ingatan mo si Rylie ah. Everytime na madadapa siya, lagi mong
sasaluhin. Alam mo namang lampa yan," Sabi ni Lynne kaya tiningnan ko siya ng
masama. Tumawa na naman silang lahat including Tyler.

"Ba't ka tumatawa?"

He's still laughing, "Wala. Tara na."


"Saan?" Tanong ko.

"Saan mo ba gusto?" He looked suspiciously. Anong iniisip niya?!

"Tyler ah! Grabe ka. Hindi pa man-"

"Ikaw talaga. Hindi ka pa din nagbabago, green-minded ka pa din. Let's dance,


they're waiting. Mamaya mo na isipin yung honeymoon."

"HOY, HINDI KO KASI INIISIP-"

He kissed me, "Let's dance."

Nagpahatak na lang ako sa kanya at sumayaw na kami.

"Ilan gusto mo?" Tanong niya.

"Ilan guso kong alin?"

"Ilan gusto mong anak?" He smiled na nanloloko kaya hinampas ko siya tapos tumawa
naman siya. Kanina pa niya ako pinapahiya. Huhuhu!

But I've realized he's right because our imperfections really make our relationship
perfect. Without these, maybe, our relationship would be less happier. Without
fights, our relationship would be really boring. I love Tyler at kahit moody siya,
masungit, sarcastic, at masyadong matalino, tanggap ko siya dahil kung hindi rin
siya masungit, hindi siya si Tyler KO.

And yes, we're finally engaged!


(A/N: TAPOS NA TALAGA. WALA NA PONG MAGREREQUEST NG BOOK 3, PLEASE? HUHUHUHU! And
pag may nagsabi na naman ng bitin, hindi ko na alam. Hahahahaha! Just read the
story of their son. Here's the link:

Not a Fairy Tale--> http://www.wattpad.com/35554296-not-a-fairy-tale-prologue or


click the external link.

or read my other story, Talo Bingi! Here's the link again:

Talo Bingi--> http://www.wattpad.com/35313673-talo-bingi

WARNING: SLOW UPDATES HAHAHAHA

Anyway, for more information, updates, questions, and announcements, like this
page:

http://www.facebook.com/HopelessRomanticWP

or join this group:

http://www.facebook.com/groups/191153611091984/

CIAO! <3

Also, thank you for supporting my stories! Happy 4M and 2M, guys. I love you, all!

####################################
SPECIAL CHAPTER AND ANNOUNCEMENT
####################################

####################################
SPECIAL CHAPTER 2
####################################

TRUST, FAITHFULNESS, AND HONESTY


It's been a year since I gave birth, but I still feel insecure. Sabi nila, hindi
naman ako mukhang nanganak dahil ang payat ko pa rin at mas gumanda daw ako dahil
nag-mature mukha ko, pero shocks, ang gaganda at tatalino kasi ng mga kaibigan ni
Tyler na naglo-law din.

I've met them! Masyado silang mature, straight-forward, at matalino lalo na si


Poala Sanchez, ang bestfriend ni Tyler sa law school na masungit. Hindi nila alam
na may anak kami dahil hindi naman sila nag-tatanong. We never told them because we
decided that we would live a normal life. Kaya nga akala ng iba, boyfriend ko pa
lang siya.

"JUSTIN TYLER DELA CRUZ!" I shouted, we were both inside the car and he was
driving.

"What? Why are you shouting again?" He's still grumpy, though. Sana talaga hindi
manahin ng anak niya pagiging masungit niya. Biruin niyo, noong buntis ako, parehas
kaming masungit. Minsan, sobrang bait niya at minsan, pag hindi na niya kaya,
makikita ko na lang siya na nanggigigil. But he was really caring, he still is.

"Magoovernight ka ba talaga bukas?" I sighed.

"Ayaw mo ba?" He asked, looking at me intently while holding my left hand with his
right hand. Yung left hand lang niya ginagamit madalas sa pagddrive dahil lagi
siyang nakahawak sa kamay ko. Sinong clingy ulit? Nakakainis lang dahil kinikilig
pa rin ako. Ugh, Tyler.

"Ehem, you're driving. Focus," Sabi ko, pero hinawakan ko pa rin ng mahigpit yung
kamay niya na mas malambot pa sa kamay ko. Unfair, right?

Tinanong niya ako kung ayaw ko, pero dahil sa tingin niya, wala akong nagawa.
Pumayag ako na mag-overnight siya kahit wala akong tiwala sa mga kaibigan niyang
lalaki. Nagllaw sila, pero ang gagago nila. Well, yung 'iba' lang naman. Yung 'iba'
kasi, ginagawang stress-reliever ang pambababae. Okay lang naman uminom. Oh sige,
okay na din mag smoke, pero geez. Kahit sila na lang, please. Wag nilang i-damay si
Tyler.

Three days after his overnight, nalaman kong nilasing nila si Tyler tapos dinala
nila siya sa isang place na may malaking aquarium na ang laman ay puro magagandang
babae. P20,000 nga yung napunta sa kanya. I was really mad, though. May tiwala ako
sa kanya, pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Hindi naman ako magagalit sa kanya.
"Tyler! Bakit hindi mo sinabing pinilit ka nila mangchicks? Kailangan ko pa ba 'yun
malaman sa ibang tao? Why didn't you tell me? Akala ko ba no secrets? Akala ko ba
magiging honest na tayo sa isa't isa? Ano, may nangyari ba sa inyo ng babae kaya
hindi mo sinabi sa akin? 20,000 PESOS, REALLY?! Nandito naman ako. Sawa ka na ba?!"
I pushed him.

"Tell me when you're done talking," Sabi niya kaya nag-salita pa rin ako ng nag-
salita.

"P20,000 pesos, Justin! I am priceless."

Bigla siyang tumawa, "Alam mo hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis."

Seryoso mukha ko at naiinis ako. Mas lalo akong nainis dahil nagawa pa niyang
tumawa, "AND?! BAKIT HINDI MO SINABI?!"

"Para saan? Para mag-selos ka ng ganyan?"

"Hindi ako mag-seselos kung sinabi mo sa akin. Hindi ako mag-seselos ng GANITO kung
alam ko yung nangyari at sinabi mo sa akin na walang nangyari sa inyo ng babae.
Grabe, kulang pa ba ako? Teka, bakit ka ba nagovernight? To escape from me? Kasi
simula noong dumating si Tyrone, naging nagger na ko? Dahil ba mataba na ako? Dahil
ba pangit ako? Was it because I'm still immature?"

I continued ranting and nagging until I got tired. When I was pregnant, I was
really sensitive. After getting pregnant, I got numb. Hindi ako madaling umiyak,
pero wtf. Naging selosa ako eh hindi naman ako ganito dati. Ito ba epekto ng
magkaroon ng asawang gwapo? Take note, naka-salamin na siya dahil malabo na mata
niya pero lalo lang siyang gumwapo. Ayoko na!

"Are you done?" He asked, and I didn't answer. He kissed me softly, pero mabilis
lang. Napapikit ako, pero dumilat din agad. Huminga ako nang malalim. "Jamilah, I'm
really mad right now, but I'm choosing to be calm. You've been through a lot
especially when you gave birth to Tyrone and I wasn't there 'cause I was working
for my parents' company. I'm really, really sorry."

Nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso.


Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at nilagay yun sa shoulders niya tapos
hinawakan niya yung waist ko at niyakap ako, "You're my wife, the mother of our
son, my family. You're my everything. Hindi ko sinabi sa'yo dahil alam kong mag-
aalala at mapaparanoid ka, pero fck. I didn't think twice and went out of the room
without touching the girl."

"Bakit hindi mo hinawakan?"

"Because I'm faithful to you and I only want you. Aanhin ko ang babaeng worth of
20,000 kung may asawa naman akong priceless? Ikaw lang ang asawa ko and I will only
make love to you."

He kissed me again, "I'm sorry, okay? I'm sorry for not being honest. Next time, if
something like that happens again, I will tell you as soon as possible."

I nodded, "Sorry." I hugged him. "Nag-alala lang talaga ako."

"I love you, Mrs. Dela Cruz."

"I love you, too, Mr. Dela Cruz."

Trust, faithfulness, and honesty. Many relationships and marriages are destroyed by
lack of trust. Dati, hindi ako naniwala sa kanya. I didn't trust him enough kaya
nagkasira-sira kami, pero ngayon, I fully and whole-heartedly trust him. Alam kong
hindi niya ako iiwan at kahit anong mangyayari, mamahalin niya pa rin ako.

Kaya siguro nagiging unfaithful yung iba dahil nagsasawa na sila sa mga duda ng
asawa nila. Siguro kaya nambababae o nanlalalaki yung iba kasi kahit wala naman
silang ginagawa, pinagbibintangan sila. Still, it's still not a valid reason to
commit infidelity. Nangako sila sa simbahan at kailangan nila 'yun tuparin not only
because they have to, but because they love their partner unconditionally.

Women and even men need assurance, though. Kahit alam nilang mahal mo sila, gusto
pa rin nilang marinig araw-araw, gabi-gabi, oras-oras na sila lang ang mahal mo. I
know he loves me, but I still want to hear it from him. I know he wouldn't betray
me, but I still wanted to know what happened, because I wanted him to be honest
with me. Honesty is very important in marriage. Kahit ano pang sabihin niya, basta
alam kong honest siya, may tiwala ako sa kanya.
MATURITY, RESPECT, AND LIMITATIONS

Tyler and I are at the right age to get married, but I know, we're still not that
mature or better yet, I'm still not that mature. Sabi nga nila, marami pa kaming
kakaining bigas. Marami pa kaming matututunan hindi lang tungkol sa isa't isa, pero
pati na rin sa pagaasawa.

Nakakatawa nga kasi one time, nakita ko sa study table niya yung books about
marriage and how to fight fair with your spouse. Hindi lang pala books related to
law binabasa niya. Nakakatouch dahil nageeffort talaga siyang maayos kami kahit
maayos naman kami.

Binuksan ko yung door ng play room aka soon-to-be room ni Tyrone, "Babe, pahiram
ah." I was holding the book about marriage while he was playing with Tyrone and
reading one of his law books. I wanted to take a picture of them because they
looked so adorable, but Tyler, of course, wouldn't let me. He's grumpy. Puro stolen
shots tuloy 'tong nasa phone ko. Hayy.

I was studying as well, but I lost my highlighter so I checked his table. Mas
kumpleto siya sa akin kaya sure akong meron siyang highlighter. I was looking for
it until I found his books about marriage. Nagbabasa rin naman ako ng stuff about
marriage pero through google. I love google kahit madaming sites na hindi credible.

"Pinakielamanan mo na naman ba gamit ko?" Tanong niya.

"Sungit mo. Ibabalik ko na," Sabi ko. "Sorry po, hindi ako nagpaalam." Narinig ko
pa siyang bumuntong hininga bago ko isara yung pinto. Binalik ko sa ayos yung libro
niya at pumunta sa kwarto naming dalawa. Ginamit ko na lang pen ko panghighlight.

Sobrang abnormal ko pag sinabi kong hindi kami nag-aaway. We fight over little
things, mind you. Fortunately, wala pang grabeng away. Pag malapit na kasing
gumrabe, kahit kasalanan ko, siya na yung magsosorry.

May mga times na nag-aaway kami dahil sa channel ng TV kahit dalawa naman TV sa
bahay. May mga times na ang damot ko o ang damot niya, pero as much as possible, we
want to be selfless. Kaya nga may dibs kami. Kung sino ang nag-bukas ng TV, siya
ang masusunod.

Oo nga pala, nakokonsensya talaga siya noong nanganak ako and Aisha was the one who
was there for me, not him. Nasa labas ng room parents at friends namin that time,
pero siya, wala. Kaya noong dumating siya sa hospital room, umiyak ako ng sobra.

*FLASHBACK*

"I ALMOST DIED," I cried, hagulgol talaga.

He hugged me, "I'm sorry. I'm really sorry. You did a good job, Mommy Ry." He
kissed me.

"Tapos ang pangit pangit ko na," I was still crying.

"Even if you're the ugliest girl in the world, it wouldn't change the fact that
you're my wife."

"Ugliest?" Lalo akong umiyak. Ayoko na!

"No no no. Ikaw ang pinakamagandang babae para sa akin."

"Sinasabi mo lang yan dahil mahirap manganak kaya wala kang choice na sabihin na
maganda ako kahit ang totoo, ako yung pinakapangit na babae sa balat ng lupa."

*END OF THE FLASHBACK*

Pero siguro, ang pinakamalala na naming away ay yung sinubukan siyang


impluwensiyahan ng mga kaibigan niya mambabae. May feeling ako na mamaya lang, mag-
aaway na ulit kami.

"Are you mad?" Tyler asked as he opened the door. Nakakalat yung mga books, pens,
at notebooks ko sa kama.

Piece of advice: If you want to study in med school, you must want it really,
really bad. If you're not hard-working and if you don't want it enough, you're
gonna be dead. It's my murderer and ironically, it's also one of my happiness. No
matter how hard it was to memorize and analyze a lot of things, I would always find
a way to make it interesting kahit intense na yung pagkaboring at pagkahirap!

"Why would I get mad?" I asked without looking at him.

"Alam mo naman na ayokong pinapakielaman mga gamit ko, diba?" He said calmly and
sighed. Tumabi siya sa akin, inalis glasses niya at nilagay sa kama, at yinakap ako
sa bewang.

"Sinong nagbabantay kay Tyrone?" Tanong ko, suot ko rin salamin ko. Malabo na
parehas mata namin kaya sabay rin kaming nagpagawa ng glasses.

"I asked her nanny to take care of him. He's already sleeping," He said, still
hugging me. He was kissing my neck so I pushed him slightly.

"Let's talk," He said and sat in front of me.

He held my hand, "Sorry kung nainis ako dahil ginalaw mo gamit ko. Ilang beses na
natin 'to pinagtatalunan, pero ewan. Hindi lang siguro ako sanay, pero masasanay
din ako. Isa pa..."

"Nahihiya ka dahil nagbabasa ka ng books about marriage?" I asked.

Hindi siya nag-salita, pero he was blushing. He slowly nodded, "Yeah. Rylie, I want
this marriage to work out and I know it will work out, but we need to be mature.
I'm doing my best to be mature."

"You are mature," Sabi ko. "Sorry kung pinakielamanan ko gamit mo. Next time,
magpapaalam na ako. Alam ko naman na kahit na magkasama tayo, there are still
limitations. I still have limitations. Kaya nga never kong titingnan phone mo,
diba? Unless na lang kung nangchichix ka talaga."

"Jamilah..."

Tumawa ako, "Oo na, hindi ka na mangchichix. Sorry." I kissed him and the next
thing I knew, nasa likod ko na mga kamay niya, nasa leeg na niya mga kamay ko, at
nasa baba na ng floor mga gamit ko.
Nakahiga na ako sa kama and he was above me, "W-Wait wait wait. Ayoko muna mabuntis
ulit. Isa pa, kailangan muna natin mag-tapos!"

He chuckled, "Hindi naman kita bubuntisin. Trust me." He kissed my forehead and
then kissed my lips again. "Mahal na mahal kita."

We're not kids anymore. We are married and we already have our Tyrone James Dela
Cruz. Being mature, knowing their limitations, and understanding them aren't only
choices we make to maintain our relationship with our partner, but they're
requirements we must make if we want to live together with them for the rest of our
lives.

Being mature means realizing that the world does not revolve around us. All of us
have immature moments, but those who are immature think that they're the center of
this world. Tyler and I already have a son. We already have each other and we're
not going to break-up just because of stupid, simple, and sometimes or most of the
time, shallow little fights.

ADJUSTMENT

Bago kami nag-pakasal ni Tyler, akala ko alam ko na lahat tungkol sa kanya, pero
mali pala. Everyday, may nalalaman akong bago about him. Siya rin naman, sobrang
dami ring nalalaman tungkol sa akin. Yung iba naman, kahit alam namin na ganoon
kami, iba pa rin pag mag-kasama na kami sa bahay. Ibang iba!

Alam ko naman na masungit siya, pero naiinis pa rin ako pag hindi niya ako
pinapansin. Pag may ginagawa kasi siya, all eyes and ears lang siya sa bagay na
'yun. Nakakainis lang dahil pag may ginagawa ako, pinapansin ko siya, pero pag may
ginagawa siya, bawal ko siyang istorbohin.

Inis na inis naman siya sa akin pag makalat ako at nagiging burara ako. Alam naman
niyang ulyanin ako at burara, pero hindi pa rin siya sanay.

"Why do you love putting your bra under your pillow?" He asked one time, shaking
his head. Siya na rin ang nag-lagay ng bra ko sa labahan. Hindi kasi ako sanay na
hindi nagbabra kaya pag gabi tapos biglang sumakit, aalisin ko tapos itatago ko sa
ilalim ng unan ko.

"Sorry!" Sabi ko habang nagpapatuyo ng buhok. "Bad habit."


He just sighed.

Isang beses naman, "Rylie?! Saan mo nilagay yung necktie ko?" Tanong niya. Nag-ayos
kasi ako ng mga gamit, pero shocks, nakalimutan ko kung saan ko nilagay.

"Wala ba sa cabinet mo?"

"Tatanungin ko ba sa'yo kung nasa cabinet ko?" Tanong niya. Hinanap ko yung
necktie. Mga 30 minutes kaming naghahanapan tapos nasa cabinet ko lang pala.

"Sorry!" I apologized again. "Ulyanin asawa mo."

He sighed again.

The following week, hindi na ata siya nakatiis. Siya na ang nag-linis ng kwarto
namin dahil ang kalat daw. Hindi kasi namin pinapasok yung maid sa kwarto namin
dahil maraming private belongings. Anyway, habang nag-lilinis siya, iling siya nang
iling.

Hindi ko siya natulungan dahil may hindi ako ma-gets sa inaaral ko kaya I needed to
study. Hindi nga lang ako nakaconcentrate kasi nakikita ko siyang naglilinis kaya I
went to our study room. Gabi na 'yun. After an hour, pinuntahan niya ako.

"Rylie, ang kalat mo. Kung saan-saan mo nilalagay mga gamit, ang dami mong
nakakalimutan, lagi kang may nawawala. Ah, oo nga pala. Si Rylie ka nga pala," He
shook his head.

"Mababali na leeg mo kakailing mo, alam mo 'yun?" Naiinis na rin ako. Hindi ko
naman siya pinilit mag-linis at ilang beses ko na ba siyang na-warningan na burara
ako, makalat, at ulyanin. 9 years na nga kaming magkakilala tapos 2 years na rin
kaming mag-asawa pero hindi pa rin siya sanay. Paulit ulit na lang!

"Ang kalat mo sa gamit mo," Sabi niya.


"Not now, Tyler. May hindi ako ma-gets dito at kailangan ko na siyang i-pass
tomorrow morning so please... Not now. Mamaya na lang pag gets ko na 'to. I'm not a
genius like you. Matalino ako dahil masipag ako, pero matalino ka dahil pinanganak
ka nang matalino."

"It's just that..."

"It's just that you're clean and I'm dirty. Yun lang 'yun. Daig ko pa lalaki sa
pagiging burara and whatever. Kahit anong try ko maging organize, hindi ko kaya.
Kung nasstress ka na sa akin, wag mo muna ako kausapin!"

He sighed again, his eyes closed, and went out.

Madaling araw na, pero hindi pa rin ako tapos. Na-gets at natapos ko na yung isa,
pero may isa pa akong kailangan gawin. Antok na antok na ako tapos may times pa na
lumilipad utak ko at napupunta kay Tyler. Geez! I was about to stand up when
someone knocked...

"What?" Tanong ko pag bukas niya ng pinto, he was holding a mug. Sinara niya yung
pinto kaya umupo ulit ako tapos nilagay niya sa table yung mug.

"Thanks."

He hugged me from behind, "I love you."

I answered with a low voice, "Love you."

"Still mad?" He asked.

Hindi ko siya pinansin at mas hinigpitan niya yakap niya. Hindi kami nag-sasalita.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako maka-concentrate lalo sa inaaral ko.

"Just talk to me when you're done. I'll wait for you," Sabi niya at umalis na. 5 AM
na nang matapos ko lahat ng mga kailangan gawin. Naka-ilang cups of coffee na rin
ako. Inayos ko na mga gamit ko at pumunta sa kwarto namin ni Tyler pero wala siya
doon.
Where is he? Chineck ko rin yung crib ni Tyrone. Where's my baby?! Chineck ko yung
playroom tapos nakita ko silang magkatabing natutulog. Nakahiga sila sa letter
floor mats, parehas pa sila ng position. Nakahiga si Tyrone sa arm ni Tyler.
Magkamukhang magkamukha talaga sila.

Nilapitan ko sila at kiniss sila sa lips. I kissed Tyler twice para magising siya.
Usually, mabilis siyang magising, pero mukhang napuyat ata siya kakahintay sa akin.
I felt guilty lalo na noong nakita ko siyang dumilat at ngumiti ng dahan-dahan.

"You done studying?" He whispered para hindi magising si Tyrone.

I nodded.

"Let's go up?" Tanong niya, hindi pa rin siya gumagalaw.

I shook my head, "Let's sleep here. Mag-usap na lang tayo bukas, okay?" I kissed
his forehead. Humiga din ako sa floor mat, katabi ni Tyrone, but I was also hugging
Tyler.

6:30 AM. 1 hour and 30 minutes lang tulog ko. Umiyak kasi nang umiyak si Tyrone
kaya binaba na namin siya at nilagay sa special chair niya. Yung nanny na niya
nagpakain sa kanya dahil malelate na rin kami ni Tyrone sa class namin. We kissed
him before going to school.

Noong nasa car na kami ni Tyler, nag-usap na kami. Nag-sorry lang kami sa isa't
isa. Sa sobrang stressed siguro namin, kahit sa maliliit na bagay, nag-aaway na
kami. Hindi ko naman masisisi si Tyler kung magalit siya dahil ang kalat ko tapos
ang linis niya sa kahit anong bagay. Pero wala eh, ganito ako.

"I love you, Ry. Kahit ang kalat mo sa gamit."

"I love you, Ty. Kahit masyado kang malinis," We both laughed. Parehas pala kaming
puyat pero wala eh, sanay na kami.

Actually, alarm clock na nga namin si Tyrone. Maaga kasi siyang nagigising. Oo nga
pala, nakakalakad na siya. He could eat with his fingers. Minsan, pag dinadamitan
siya, he was already helping. Tuwing binabasahan ko siya ng storybook, siya na rin
yung nagtturn ng page. He's an intelligent kid.

Adjusting is really hard. Biglang ang daming obligations and responsibilities.


Biglang mababago yung buhay na nakasanayan na. Kaya nga sabi nila, kung hindi ka
ready mag-pakasal, kung hindi ka prepared mag-bago, kung ayaw mo maging mature. For
short, kung hindi ka pa handa, wag muna. Dahil ang pagaasawa, hindi yan parang
kanin na pag napaso ka, iluluwa mo na lang basta.

SACRIFICES, SELFLESSNESS, AND COMMITMENT

As a wife, mother, and student, I had to lose, stop, and lessen a lot of things
especially sleep, relaxing activities, time for friends, money, and patience. Tyler
and I never thought of them as sacrifices, though. We're doing everything for
Tyrone and we're happy with it. I love Tyler and Tyrone so much and I'm willing to
do everything for them.

Lumalabas pa rin naman kami nila Aisha at pag hindi sila busy, bibisita sila sa
amin. Ikakasal na sila ni Hans next year at ako ang maid-of-honor.

Isang araw, sobrang pagod kami ni Tyler pero may pasok pa kami kinabukasan. Pag
dating namin sa bahay, nagulat kami dahil puro sulat na yung mga appliances at pati
na rin yung wall. Napapikit kaming dalawa.

"Sa'yo nag-mana anak mo," Sabi ni Tyler tapos binuhat niya si Tyrone. I kissed his
cheek.

"Wow, nag-salita!" Sabi ko. Nakatingin pa nga siya noong hinalikan ko si Tyrone.
Parang nawala lahat ng inis niya sa mga ginawa ni Tyrone noong hinalikan ko rin
siya sa cheek. Parang bata! Ang cute nga dahil tuwang tuwa si Tyrone.

Kahit gaano kakulit si Tyrone, he gave us extra happiness. Seeing him smile makes
us smile. Seeing him cry makes us worry.

Noong nagkasakit nga siya, sobrang nagpanic kami kaya dinala agad namin siya agad
sa hospital tapos tinawagan ko na lahat ng pwedeng tawagan. Normal lang naman daw
pala 'yun dahil tinutubuan siya ng ngipin, pero wtf?! Nasa hospital lahat ng tao.
Nandoon parents namin ni Tyler pati sila Aisha, Hans, Ryan, Ariza, Christian,
Lynne, at Brylle. Tawa lang kami nang tawa pagkatapos 'nun. Ang paranoid daw namin!
Sobrang kulit ni Tyrone. Buti na lang, malakas siyang bata at hindi sakitin. Kaya
nga noong nagka-lagnat siya, nag-alala talaga kami ng sobra. According to Tyrone,
mas okay na yung makulit kaysa naman hindi nag-sasalita. Ano naman kung pagod kami
lagi o puyat? Ano naman kung wala kaming time para sa sarili namin? We're a family
and Tyrone's happiness is our happiness.

TIME AND COMMUNICATION & CONNECTION

Dumating sa time na sa sobrang dami naming ginagawa, wala na kaming time para sa
sarili namin at pati na rin sa isa't isa. Sabi namin dati, we would take care of
each other pero ang nangyari, we took care of ourselves.

May time kami para kay Tyrone, pero sa aming dalawa, wala. May ilang months din
kasi na hapon hanggang gabi pasok ko. Siya naman, morning hanggang hapon tapos
minsan, hanggang gabi din dahil ginawa siyang assistant ng prof niya. Oo nga pala,
ginawa rin assistant si Paola. No, hindi ako maiinsecure. Asawa ko si Tyler and he
would never betray me.

"Susunduin mo ba ako mamaya?" Tanong ko. Kausap ko siya sa phone w/ my bluetooth


headset. Nagddrive ako ngayon papuntang school. Magkaparehas nga kami ng school,
pero hindi naman kami nagkikita.

"Sorry, Hon. I can't," Sabi niya. "My prof needs me."

"Okay, I understand," I said then hang up the phone. Magkaparehas nga kami ng
bahay, pero hindi na kami halos nagkikita. Magkikita man kami, pero parehas na
kaming pagod.

Habang nasa loob ako ng room at nakikinig mabuti sa prof namin, bigla akong
kinausap ni Steven. I have few close friends here in med school and Steven is one
of them. 25 years old na siya at siya na rin ang nagpapaaral sa sarili niya.

"Susunduin ka ni Justin mamaya?" Tanong niya. Magkakila sila dahil minsan,


nagrereview ako kasama sila Steven, Joddie, Micah, at Renelyn.

"Naaah."

Pag-labas namin ng room, drained na drained na ko. Ang dami ko pang hawak na libro!
Bakit ko ba kasi iniwan yung bagpack ko sa kotse. Ugh!
"Tulungan na kita," Sabi ni Steven. Hindi ako pumayag, pero nagpumilit siya kaya
binigay ko na.

Noong nakarating na kami sa parking lot, Tyler was walking to his car with Paola.
Wtf?! Magkatabi pa pala sasakyan naming dalawa. Bakit hindi ko napansin?! Mukhang
hindi naman niya ako napansin agad kaya deadma na lang ako at dumiretso na sa
sasakyan.

"Thanks, Steven," Nginitian ko siyang habang kinukuha books ko from him. Ang hinhin
ko na dahil sa pagod at pati na rin sa nakita ko.

"No problem, Ry. Nandiyan na pala si Justin eh. Akala ko ba hindi ka niya hahatid?"

"Hindi nga," Sabi ko. "Wait, paano ka pala uuwi? South ka din, diba?"

He nodded, "Yeah, commute lang. Coding car ko eh."

"Sumabay ka na," Nilagay na yung books likod ng kotse. Wala siyang time para i-
hatid ako, pero mukhang i-hahatid niya si Paola? Wow. Kahit magkatabi sasakyan
namin at nandoon na rin siya, hindi ko siya pinansin. Naiinis ako.

I was about to enter the car, but Tyler held my arm, "Why are you avoiding me?"

"Shouldn't I be the one asking that question? Let's talk when we get home. I'm
tired. Steven, sumakay ka na," Inalis ko yung kamay niya sa arm ko at pumasok sa
loob ng kotse. Pumasok rin naman si Steven pero tinanong pa niya si Tyler kung okay
lang. Hindi nag-salita si Tyler. It means no, but Steven still entered the car.

Buong time kaming hindi nag-uusap ni Steven sa car.

"Okay na ko dito, Ry. Thank you," Sabi niya kaya ginilid ko yung kotse. Bago siya
bumaba, may sinabi pa siya sa akin. "You're jealous, aren't you?"
I sighed, "Medj."

He laughed, "Sabi mo eh. Sige na, ingat ka. Nasa likod naman natin siya ngayon."
Sobrang spaced out ko ba para hindi ko mapansin na nasa likod lang namin yung kotse
niya?

Sinara na ni Steven yung pinto at nag-simula na ulit ako mag drive. After 10
minutes, nasa bahay na ako. Binigay ko yung susi sa driver namin para siya na yung
mag-park ng car dahil kailangan ko ng pumasok sa loob at mag-tago. Pinaba ko na rin
mga libro ko sa likod. Sobrang pagod ko, ayoko muna ng away. Pumunta ako sa
playroom ni Tyrone at binantayan siya. He was sleeping.

"Ako na mag-babantay, manang. Mag-pahinga na po kayo," Sabi ko sa nanny ni Tyrone.

"Sigurado ka po ma'am?"

I smiled and nodded, "Oo naman po."

I kissed my son's forehead gently. Sobrang cute niya talaga at yung balat niya,
parang bulak sa puti at lambot. Yung cheeks niya naman, mapula-pula. Manang mana
kay Tyler, pero yung mata ata, nama niya sa akin. Ang liit kasi. Sana lang yung
height, di niya mamana sa akin.

My phone vibrated and of course, it was my husband.

AA Tyler Dela Cruz: Talk to me. Akala ko ba pag may misundestanding tayo, pag-
uusapan natin ng maayos? Why are you avoiding me?

Me: Not now. Tired.

AA Tyler Dela Cruz: Please?

ME: Where are you ba?


AA Tyler Dela Cruz: Room

I sighed. Tinawag ko ulit nanny ni Tyrone sa baba para bantayan siya. Nag sorry din
ako sa kanya dahil ang hassle ko tapos umakyat na ako at pinuntahan si Tyler.
Pagkaopen na pagkaopen ko ng door, hinalikan na niya agad ako.

"Tyler," I said in between of our kiss. He was already kissing my neck. "Ty."

"I love you," He whispered.

"Ty, I'm tired," I said, nag-stop na agad siya tapos yinakap ako. "I respect you."
He kissed my forehead. He loves kissing my forehead.

Umupo kaming dalawa sa kama at nag-explain kami parehas. Maaga daw natapos yung
pinagawa ng prof niya sa kanila ni Paola. Tinanong ko pa nga kung may gusto si
Paola sa kanya. Hindi naman ako nagulat noong sinabi niyang nag-confess si Paola sa
kanya kaya daw sinabi na niyang may anak kami. Nagguilty ako. Sana pala sinabi ko
na rin sa med friends ko na may anak ako.

"How about you and Steven?" He asked.

"We're just friends, duh. Sinabay ko siya kasi South rin naman siya."

"You weren't trying to make me jealous?"

"Slight?"

He chuckled. He removed his glasses and removed mine, as well. Nakangiti lang siya
kaya kumunot noo ko, "Ang ganda ng asawa ko."

Hinampas ko siya, "Ewan ko sa'yo. Losyang na ang ako eh."

He kissed my forehead and nose, "Sinong may sabi?" He hugged me. "I missed you.
Alam mo bang pinagseselosan ko lahat ng mga kasama mo sa med school?"
"I missed you, too, Ty," I kissed him. "I-sama natin si Tyrone tomorrow sa school
gusto mo? I want my med friends to meet him already. Let's date din on Sunday with
Tyrone."

"My parents want to see him on Sunday," Sabi niya.

"Oh? Oh no. For sure, hindi na naman nila ibibigay sa atin si Tyrone," Sabi ko.

"Let's just date on Sunday," Bigla niyang sinabi. "I don't take no for an answer."

Noong Saturday na, gulat na gulat law friends ni Tyler at med friends ko dahil
nalaman at nakita na nilang may anak na kami. Cute na cute nga sila at pag
nagkaanak daw ulit kami, nagvolunteer na silang maging ninang at ninong.

Nag-sorry nga pala si Paola sa akin dahil nagkagusto siya sa asawa ko. Hindi ko na
lang sinagot. Ano naman sasabihin ko? Na okay lang siyang magkagusto kay Tyler?
Uhmm, no. Hindi pwede.

Since half day lang yung pasok ng university noong Saturday dahil may event yung
mga professors, we invited our friends to eat early dinner kasama yung mga bata.
Nagpareserve na ako sa isang restaurant for blank people. Hindi pa naman daw sure
ng iba kung makakapunta sila dahil ang aga ko daw masyadong nag-invite. Wow, full
of sarcasm!

Nakarating naman silang lahat kaso yung 5 PM, naging 6:30 PM. 7:00 PM nga lang
noong ma-kumpleto na kaming lahat. Dumating sila Hans at Aisha with Ryan, Ariza at
Christian with Chrizzia, Kami ni Tyler with Tyrone, Lynne at Julius, Elle at
Brylle, Katy at Dylan, Josh, Alexa, Jessa, at Kent.

Syempre kasama rin nanny nila. Ang gugulo nila Ryan, Tyrone, at Chrizzia. Si
Chrizzia nga, sobrang bata pa, pero yakap ng yakap kay Ryan. Cute cute! Si Ryan
naman, sobrang bait. Inaalagaan niya sila Tyrone at Chrizzia.

"Ry, tumaba ka!" Paulit ulit nilang sinasabi. "Buntis ka ba ulit?"

"NO WAY," I answered immediately.


Tumawa si Aisha, "Wala, they use protection." Tinakpan ko bibig niya. Wtf?!
Kailangan ba niyang sabihin 'yun?!

Tyler whispered, "Kailangan mo pa bang sabihin kay Aisha pati sex life natin?"

I closed my eyes, "Sorry."

"Kung hindi lang kita mahal..." Umiling iling siya. "Wait, are you pregnant? Ah,
no. Imposible nga pala. Meron ka ngayon."

CHANGE TOPIC!

"Teka nga, bakit ba tinatanong niyo kung buntis ako? Hindi ba pwedeng stressed ako
kaya matakaw ako? Grabe kayo. Sila Elle at Lynne kaya diyan yung preggy. Sila
pansinin niyo."

Parehas na buntis sila Elle at Lynne. Uh, destiny or what? Kidding. Elle is a kind
and sweet girl kaya gusto ko siya para kay Brylle. Si Julius naman, sobrang maalaga
kay Lynne. Halos sabay pa nga silang nagpakasal last year. Ay ewan, hindi ko alam
sa kanila.

"Bagay naman sa'yo weight mo, Rylie," Sabi ni Elle. "Ako nga mukha ng baboy."

"Hindi ka nag-iisa, Elle," Lynne pouted.

Tumawa ako nang tumawa, "Mag-tiis tiis ka lang kayo, Brylle at Julius. Umpisa pa
lang yan ng pagiging sensitive nila."

"Buti alam mo," Sabi ni Tyler sa akin. Aba, may hinanakit!

"Ikaw kaya mabuntis at manganak!" I told him at nag-smirk naman siya. Pinagtawanan
lang nila kami.
"Ay, Josh, kamusta na pala si Janilyn?" Tanong ko. Break na sila ng Amerikanang
girlfriend niya at three months na rin niyang niiligawan si Janilyn. Naaalala niyo
ba siya? Siya yung akala kong may gusto kay Tyler dati, pero si Josh pala talaga
ang gusto. Teacher na nga pala si Josh ngayon. Sir Gwapo pa nga tawag sa kanya ng
mga students niya.

"Di pa rin kami," He answered. "Gumaganti ata." Nakalimutan ko pala sabihin sa


inyo. Noong 4th yr highschool kami, nag confess si Janilyn kay Josh pero binasted
siya ni Josh. Sobrang gago lang, diba? Kaya pala bigla na lang lumayo si Janilyn sa
mga tao.

"Buti nga! Bakit daw hindi siya pumunta?" Tanong ko.

"Inaasikaso niya boutique niya," He explained. Fashion designer na nga pala si


Janilyn ngayon at stylist rin ng mga sikat na artista. Noong birthday nga ni Josh
last month, ang regalo sa kanya ni Janilyn, video greetings from Angel Locsin, Anne
Curtis, Georgina Wilson, at Christine Reyes.

Nag chikahan at tawanan lang naman kami buong time. Diba nga sabi ko, ikakasal na
sila Hans at Aisha? Ililegally adopt na rin ni Hans si Ryan. He's really
responsible unlike Drei, ex ni Aisha na pagkatapos buntisin si Aisha noong nalasing
siya, iniwan na lang siya at di na bumalik kahit kailan.

Sila Katy at Dylan daw, wala pang balak magpakasal. Dylan's family's rich, but he
wants to earn for their future. Ayaw niyang umasa na lang lagi sa parents niya.
They're the cutest couple! Matanda na sila, pero hindi pa rin sila nagbabago. Si
Dylan pa rin ang pinakamakulit sa barkada at si Katy naman ang pinakamadaldal.

Alam na rin ng lahat yung tungkol kay Kent and he already has a boyfriend na gwapo
rin. Niloloko ko nga siya na kaya nauubos gwapo sa Earth dahil sa kanila. Ubos
genes! Sila Alexa at Jessa naman, hindi ko pa rin sila ganoon ka-vibes, pero we're
okay. Namatay nga pala dad nila at nalaman nilang may isa pa silang kapatid.

The next day, maaga kaming nagising ni Tyler dahil ulit kay Tyrone. Si Tyler
nagluto ng food ni Tyrone habang nilalaro-laro ko siya. Iiyak kasi siya pag hindi
mo nilaro since gutom na siya. Pinag-leave muna namin ng isang araw nanny niya
dahil stressed na siya sa sobrang likot ng alaga niya plus wala naman si Tyrone
buong araw sa bahay. I took a picture of Tyrone habang kumakain siya mag-isa. For
sure, matutuwa lolo't lola nila pag pinakita ko 'to sa kanila.

After namin mag-ready lahat, sumakay na kami sa car and we were off to go.
Binaba na namin si Tyrone sa grandparents niya at nakipagkwentuhan din. Tuwang tuwa
sila kay Tyrone dahil ang likot. Kaya na niyang mag 'dada' at 'momma'. Hinug din
ako nila Janine at Jenine. Teenagers na sila. Unlike others, hindi sila madalas
nag-aaway. They're bestfriends.

"Ate Ry, may crush na ko sa school," Jenine whispered. Ayaw niyang malaman ng
parents niya dahil baka daw magalit.

"Oh? Ano? Gwapo ba?" I asked.

"Hindi naman gwapo," Janine whispered. "Lolokohin ka lang 'nun, Jen."

"Crush lang, lolokohin na? Ikaw talaga, Jen. Simula noong binasted ka ni Quen,
feeling mo lahat ng lalaki lolokohin ka. Tingnan mo nga si Kuya oh, ang bait kay
Ate Ry. Ang cute cute pa ni Tyrone."

"Kahit na."

Mataray pa rin si Janine, pero mabait naman yan. Protective lang din siya sa
kapatid niya. Parang si Aisha sa akin dati.

Umalis na kami ni Tyler, pero shocks, hindi pala kami nag-plano.

"Ty, where are we going?" Tanong ko habang nagddrive siya.

He shrugged, "I really don't know. You wanna go to the beach?"

I smiled, "Really? Of course! Pero wala akong bathing suit."

Alam naman pala ni Tyler kung saan kami pupunta dahil ang dami niyang dala. Kaya
pala ang dami niyang nilalagay sa kotse kanina. Akala ko kasi gamit ni Tyrone.
Whatever, he never fails to surprise me. I kissed him.

"Thank you for this, Patrick."


"Please..." He wrapped his arms around my waist. "Ang tanda mo na, Patrick pa din?"

"Wow. Mukha naman akong 19 or 20 years old no."

"Sino may sabi?" Tinaas niya kilay niya. Ang sama nito!

"Sabi ng med friends ko. Mukha daw akong walang asawa't anak dahil mukha rin akong
20 years old. Kung wala ka nga, iisipin nila, teenage and single mom ako."

Tawang tawa siya sa kinwento ko, "Seriously? Ang sabihin mo, kung hindi nila alam
na 24 years old ka na at may anak, popormahan ka nila."

"Tyler?!"

"Just stating facts, Rylie," He kissed my head and held my hand. "Let's go."

Nag rent kami ng cottage at inayos na mga gamit namin. Pag-labas namin, may nakita
kaming couple na may dalang cute na batang babae.

"Tangina naman, bumalik ka na nga sa nanay at tatay mo!!!" Sabi ng babae. Umiiyak
na yung bata. Napatigil naman ako.

"I don't wanna go back, Zaida. May anak na tayo kaya kahit anong gawin nila, wala
silang magagawa. Alisin man nila ako ng mana, I don't give a damn dahil mahal kita
at mahal ko rin si Zeah. May naipon naman ako e at may kaibigan ako na tutulong sa
akin mag-hanap ng trabaho."

"Sa tingin mo makakahanap ka? Eh kayang kaya ng mga magulang mo paikutin yung mga
companies!"

Tumingin sa akin si Tyler, "Makikichismis ka ba o magsswimming?"


"Teka wait," Sabi ko with my hand. Wala naman siyang nagawa at nakinood na lang
din. Binaba ng babae yung bata dahil ayaw tumigil kakaiyak. Agad naman tumigil yung
bata sa pag-iyak at nag-lakad. Hinarangan ko yung bata at binuhat.

"Hi, baby girl," Sabi ko.

"Mi... Ma... mi. Ma-mi," She said.

"So your name's Zeah, huh? Such a cute girl. Ibibigay na kita sa mommy at daddy mo
kasi baka mag-alala sila, okay?" I kissed her cheek. Gusto ko din ng baby girl.
Huhuhu.

"Ry, sabihin mo lang kung gusto mo ng babae. Gagawa tayo ng paraan," Sabi ni Tyler
kaya medyo sinipa ko siya. Tumawa naman siya at binuhat si Zeah. Nilaro laro lang
namin siya ng konti dahil sobrang cute ng bata. Ang chubby chubby pa!

Pumunta kami sa couple na nag-aaway tapos binigay namin si Zeah. They apologized
and thanked us for looking after their daughter tapos umalis na rin kami. I want to
help them, pero baka sabihin nila, pakielamera ako. Well, totoo naman.

Noong sunset na, nag-lagay kami ng blanket ni Tyler sa sand.

"Do you remember our first date?" He asked.

"Oo naman," I answered. "Hindi ko 'yun makakalimutan. It was the worst date ever!"
Yun yung time na pinuntahan niya si Alexa tapos pinuntahan naman ako ni Selena. Ang
labo at gulo ng nangyari sa amin after that, pero mas sumaya naman kami.

"No, it wasn't," May kinuha siya sa pocket niya at pinakita sa akin. Picture namin
sa photobooth in Enchanted Kingdom.

"Geez, we looked so happy," Sabi ko. "And sad at the same time dahil maghihiwalay
na rin tayo. Ang drama ko pala." Tumawa ako.

"Hanggang ngayon naman," Sabi niya. "You were so hopeless romantic back then.
Feeling mo ikaw yung bida sa isang movie tapos biglang may dadating na prince
charming o knight in shining armor. Feeling mo, lahat ng nangyayari sa'yo, pwede
ipalabas sa teleserye."

"Grabe ka, ang sama mo," I laughed. "Pero totoo 'yun tapos akala ko talaga, niloko
mo ko kaya naging bitter ako. Sht, sobrang nakakahiya. Tapos ikaw naman,
nagpakagago dahil sa akin. Sht, ang ganda ko pala talaga. Biruin mo, si JUSTIN
TYLER DELA CRUZ, hinahabol ang isang tulad ko." Tawa kami nang tawa tapos
kinikiliti pa niya ako kaya lalo akong natatawa.

He hugged me, "And then we found out that you were TJ and I was JT, but it didn't
matter to me anymore. Because even of you weren't TJ, even if you weren't the
hopeless romantic Rylie or the bitter Rylie as long as you're Jamilah Rylie Hao-
Dela Cruz, ikaw lang mamahalin ko. Yung babaeng makalat sa gamit, clumsy,
makakalimutin, at burara. Yung babaeng pinapakielaman lahat kahit hindi niya gamit
o hindi niya kilala. Yung babaeng gusto akong ligawan dati at yung babaeng mahal na
mahal na mahal ako."

"Confident ka talagang mahal na mahal na mahal kita?"

He smiled, "Oo? Dahil mahal na mahal na mahal din kita. Kahit mag-asawa na tayo, I
still want to know more about you... and I want to grow old you."

My tears were already falling, "Nakakainis ka." I hugged him back.

He laughed, "See? Kung ganyan ka naman kiligin, hinding hindi ako magsasawang
pakiligin ka. I love you, Mrs. Dela Cruz."

I sobbed, wiped my tears, and looked at him, "I love you more, Mr. Dela Cruz."
Yinakap niya yung waist ko at inikot kaya napunta ako sa taas niya. Ang gulu-gulo
na ng blanket. Naka-sun dress nga pala ako at siya naman, naka-board shorts at
topless. Bakit ba lalo siyang nagkaka-abs?

"Uhmm..." Hindi ako makatingin sa kanya. Walang tao dito dahil nasa kabila yung
maraming tao, pero still. Geez!

Hinawakan niya yung mukha ko at pinilit ako na tumingin sa kanya. "Thanks for being
my wife," He smiled and kissed me so I kissed him back.

Marriage demands a lot of things including trust, faithfulness, and honesty, but it
is indeed a beautiful thing. It requires you to be mature, emotionally stable, and
selfless. Kailangang parehas mag-adjust hindi lang sa isa't isa, pero pati na rin
sa pamilya ng asawa. Both should be willing to share and build a life. Both needs
communication and connection.

That's why before getting married, people gave me really good pieces of advice.
They said that before getting married, we have to be financially stable and we
should know each other's good and especially bad qualities. Alam naman namin yung
bad qualities namin. Hot-tempered si Tyler, moody, grumpy, at kung anu ano pa. Ako
naman, hindi lang careless, clumsy, at ulyanin, pero makalat din sa gamit. We have
our bad habits, yes, but we accept our flaws.

Aaminin ko, I'm not mature enough. Kaya nga minsan, iniisip ko kung tama bang nag-
pakasal ako. Sobrang bata pa namin at ang dami pa namin gusto gawin. We were only
22 when we got married, 23 when I gave birth to Tyrone, and now we're 24. Pero
never kong pinagsisihan at pagsisisihan na pinakasalan ko siya.

At kung aayain niya ulit ako mag-pakasal, I'd still say yes over and over again.

-----------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------

Hello! Thank you for reading. Last na 'yung special chapter na 'to, please. Wala
na, ubos na brain cells ko. Hahahahaha! May iba pa naman akong stories like Not a
Fairy Tale at Talo Bingi. Hehehe. If you have questions, don't hesitate to ask
below. Oo nga pala, Hopeless Romantic book 1 will be published soon. Hindi ko pa
pwedeng sabihin kung ano yung publisher, okay? Okay. Happy 6.5 M for HR and 4M for
HR2. <3

For more updates and information and for those who are asking for my accounts, just
follow, add, or like the following:

Strawberry008's Stories FB Page --> www.facebook.com/strawberry008

Hopeless Romantic FB Page --> www.facebook.com/HopelessRomanticWP

Strawberry Babies FB Group --> www.facebook.com/groups/191153611091984/

FB account --> Chicha Lim-Aldea

Twitter account --> @chichalim

Ask.fm --> chichalim

Instagram --> @chichalim

You might also like