You are on page 1of 10

DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC

Mac Arthur Highway, Poblacion (Sto. Rosario), Capas, 2315 Tarlac, Philippines
Tel No. (045) 491-7579/ Telefax (045) 925-0519
E-mail: domct_2315@yahoo.com

HONORATA

GROUP 2 FIL
BSA 2B

Ervince S. Villafaña
Instructor
Mga Tauhan:
•Honorata
•Clarita
•Hurado
•Boss/Manager
•Guro
•Mag-aaral
Unang Eksena (Sa paaralan)

Tagapagsalaysay: Sa pagod na dinamdam ng isang babae sa maghapong pagtatrabaho ay isang


malalalim na panaginip ang kanyang napanaginipan.

Saynete po!
Melodrama po ang sagot!
Parsa po!
Komedya po titser! (boses ng mga estudyante na nagsabay-sabay sa pag sagot sa tanong ng
kanilang Guro)
Guro: Tama! Ang komedya ay may layong magpatawa, ngunit may problema paring nilulutas sa
kwento, ang Parsa naman, ay may layong magpatawa, ngunit di tulad sa komedya, wala itong
tunggaliang nilulutas. Naiintindihan niyo ba ang ating aralin ngayon mga bata? (malambing na
pagbigkas)
Mga bata: Opo! (sabay-sabay na pagsagot)
Guro: Kung gayon, ang inyong takdang aralin sa araw na ito ay alamin ang pinagkaiba ng
melodrama at trahedeya. Tayo’y manalangin na at nang tayo ay makauwi na.
Mga bata: Paalam po titser Sara! (nasasabik na sagot)

Tagapagsalaysay: Ang mga katanungang ito ay buhat sa gabi gabing panaginip ni Honorata,
isang babaeng ulilang mag-isang nagtataguyod ng kanyang buhay sa pamamagitan ng
pagtatrabaho sa isang kariderya. Ito ay magmula nang pumanaw ang kanyang amang nag-iisa
niyang katuwang sa pagdadala ng hirap ng buhay.

KRIINGG! KRINGGG! KRINGGG! (malakas na tunog ng alarma)

Ikalawang Eksena (Sa bahay)

KRIINGG! KRINGGG! KRINGGG! (malakas na tunog ng isang alarm clock)

Honorata: Hindi, hindi! Hindi ka pwedeng ma-late ngayon ata (pinapakalma ang sarili)

Honorata: Asan na yung apron, yung medyas, at hairnet ko!! (pa-singsong niyang sabi)

Paikot-ikot siya sa kaniyang kwarto dahil hindi niya alam kung saan hahanapin ang mga gamit
at kung ano ang uunahing gawin dahil sampung minuto nalang ay late na siya. Nagkalat ang
mga gamit at magkaibang pares ng medyas ang kaniyang nahanap kaya naman buntong hininga
na lamang niya itong sinuot. Pero kahit late na ay may isang bagay siyang hindi dapat
makalimutan- ang maglagay ng pulang lipstick.

Honorata: tatanggapin ni boss na hindi pareho ang medyas ko pero yari nanaman ako kung
malelate ako ngayon. Hay nako ang hirap kumita ng pera! (Napabuntong hininga)

Sabay labas ng bahay. Magsasara ang kurtina, tutunog ang tricycle na bumabyahe, tutunog din
ang isang waltz music habang nagsasalita ang tagapagsalaysay.
Tagapagsalaysay: Hindi na alam ni honorata ang mararamdaman niya dahil pangatlong beses na
niya itong mahuhuli sa trabaho sa karinderya, kaya naman umaasa siyang nakangiti pa rin ang
mukha ng kanilang boss sa pagdating niya. Wala nga lang sa kamay niya ang pag-asang iyon.

Ikatlong Eksena (Sa karinderya)

Magbubukas ang kurtina

Manang isang order pa nga po ng kanin at ulam!! (sambit ng babae na tila gutom na gutom)
Dalawa pong tubig. Kanina pa kami naghihintay!! (sambit ng babae sa kabilang lamesa)
Isa nga pong menudo at sa bahay nalang ako kakain! (buntong hininga ng babae dahil wala na
itong maupuan)
Matutulala siya sa dami ng customers ng kanilang karinderyang ngayon ay halos hindi ma-
handle ng mga katrabaho niya dahil wala siyang dapat sana’y nakaduty na mag-assist sa orders
ng mga customers. Kaya naman, si clarita ang sumalo ng trabaho na sana ay naka-assign
bilang tagaluto. Ang iba’y nainip na at nagsialis dahil mahuhuli sa mga klase at trabaho.
Sinenyasan ni clarita si honor na tumulong na sa trabaho kaya dali-dali nang ibinaba ni
honorata ang kanyang bag at tumulong na. Pinalitan niya na si clarita sa pag-aassist sa orders
ng customers. Unti-unti nang humupa ang nakapilang customers at nabigyan na nila ng mga
pagkain ang mga customers.

Magsasara ang kurtina.

Tagapagsalaysay: Kahit na huli na sa trabaho ay ginawa ni Honorata ang buo niyang magagawa
upang makabawi at makatulong sa trabaho kahit siya ay nahuli. Hinain nito ang mga iilang pang
mga order sa mga customer at pinunasan na rin ang mga lamesang pinagkainan.
Magbubukas ang kurtina. Tapos na ang trabaho sa customers at ngayon ay tulalang naghihiwa
ng mga gulay si honorata at naghuhugas naman ng pinggan si clarita.

Clarita: Ano ba kasing nangyayari sa’yo ata at sunod-sunod kang nalelate sa trabaho nitong mga
nagdaang araw. (pabulong niyang sabi)

Lalong matutulala si honorata at iniisip ang alaalang nakita niyang nag-aaway ang kanyang
mga magulang.

(Intercut: scene ng pag-aaway ng nanay at tatay sa kalahating side ng tanghalan)


Nanay: Alam mo, paeng kung dati pa nakinig ka na sakin hindi sana nagkaganto ang buhay
natin! Araw-araw hindi mo alam kung saan ka kukuha panggastos, gabi-gabi tayong
namomroblema sa ilulutong bukas kinabukasan! Hindi ka ba nagsasawa? O kuntento ka nang
hanggang dito lang ang buhay natin? Sino ba kasing nagsabi sa’yong may pera sa musika at nag
pauto ka naman! Anong napala nyang pagtugtog mo, guminhawa ba buhay natin? Hindi ba’t
hindi? At ngayon may panahon kapa sa bisyo mo? Gayong naghihikahos kami ritong pamilya
mo?

Tatapikin ng nanay ang kasisindi lang na sigarilyo ng tatay

Tatay: Ano ka ba naman Roselia, pinabibigat mo naman lalo ang buhay natin eh, tanggal na nga
sa trabaho bubunganga ka pa (malumanay na sagot sabay pulot sa sigarilyo)

Tatapakan ng asawa ang sigarilyo at papatayin ang liyab nito

Nanay: Gagaan lang ang buhay natin kung simula pa lang ay ginamit mo sana yang kokote mo,
Sinong asawa ba naman ang hindi magsasawa sa kakarampot mong kita araw-araw! Wala!
Magaling ka lang magsalita! Hindi na ko magtataka kung pati yang anak mo gagaya sa’yong
nagpakataas ng pangarap kesa maging praktikal! Bahala kayo sa buhay ninyo!

Magwawalk out ang nanay. Ang tatay naman ay maiiwang nakaupo saka walang tigil na mag
uuubo.

Magsasara ang kurtina sa kalahating bahagi.

Clarita: Honorata?

Kanina pa pala nakatulala si honorata at kinakausap siya ng kaibigan.

Honorata: Haynaku.. ewan ko ba palagi akong hindi agad nakakatulog kahit hatinggabi na at
pagdating naman nang alas kwatro ayun! Tulog mantika at nananaginip pa rin…. Hindi ko nga
namalayang maling oras pala yung naiset ko sa alarma kakamadali.
Alam mo, hindi pa talaga ako tuluyang nakakamove on sa pagkawala ng tatay ko. At saka
nakakapanibago talaga na sarili mo dapat ang bumuhay sa’yo sa gan’tong edad no? (nakatulala
niyang sabi habang naghihiwa ng sitaw) Gabi-gabi akong nananaginip at paggising ko, palaging
may mga tanong na hindi ko masagot.

Clarita: Ayos lang yan ata. Alam mo, kaya rin tayo nagtrabaho para maglibang ng sarili at
pansamantalang makalimutan ang mga problema. Kung gabi-gabi tayong magtatanong aba’y
bakit pa tayo namasukan sa karinderya?

Clarita: Siya nga pala, ikaw ba’y tumutugtog pa rin ng biyolin paminsan-minsan? (Pag-iiba nito
ng usapan)

Honorata: Ang totoo nyan clarita ay hindi ko pa nahahawakan ang biyolin ko buhat nang
mamatay si tatay. At saka, matagal na ring sira iyon kaya naman nakalimutan ko na kung paano
ba hawakan at tugtuging muli ang bagay na ‘yon. (Walang gana niyang sagot)

Clarita: Dapat sana’y sinabi mo sa ‘kin. Pwedeng-pwede ko namang ipahiram ang biyolin ko at
nang madagdagan ang libangan mo. Nga lamang, ang pangarap nating makapasok sa orkestrang
bayan, mukhang matatagalan pa tayo honor sapagkat hati na ang oras natin sa mga lumolobong
responsibilidad.

Mapapangiti nang bahagya si honorata nang marinig muli ang pangarap nilang dalawa ng
kaniyang kaibigan na makapasok sa tinitingalang orkestrang bayan.

Honorata: At kung may pagkakataon na, dapat ay magkasama pa rin tayong aabot nito ah?
(Nakangiti niyang sabi)

Amo: Honorata (Walang emosyong sabi)

Mapapalingon sa kabilang banda si honorata sa boss nilang hindi na maipinta ang emosyon
habang maiiwang naghuhugas ng pinggan sa kabilang banda si clarita. Lalapit si ata at limang
segundong nakayuko’t walang umiimik ni isa.

Amo: Ano na namang nangyari saiyo at nahuli ka na naman sa trabaho? Aba’y pangatlong beses
na iyan. (diin nitong sabi)

Honorata: Pasensya na po at-

Amo: Sa susunod na mahuhuli ka sa trabaho ay pinapayo kong huwag ka nang tumuloy dahil
tanggal ka na sa mga oras na iyon. (Walang emosyon niyang sabi)

Tanging tango ang naisagot ni honorata.


Amo: Ikaw na ang inaatasan kong mamili ng sangkap sa palengke sa mas maagang oras
magmula bukas. Maari kanang bumalik saiyong trabaho.

Amo: Magsibalik na ang lahat sa trabaho at maraming manananghalian sa atin mamaya.

Umalis ang boss nila habang naiwang nakayuko si honorata sa limang segundo. Maya-maya’y
binalikan na rin niya ang hinihiwa niyang sitaw.

Magsasara ang kurtina.

Tagapagsalaysay: Tila nabunutan ng tinik si honorata nang mapag-alamang hindi pa siya tanggal
sa trabaho. Kaya sa araw ng bukas, ay desidido na siyang ayusin ang disiplinang magsisimula sa
kanyang sarili. Unti-unti na rin niyang napagtatantong hindi siya nagtatrabaho nang walang
dahilan. Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ito ngunit isang bagay lang ang tiyak- may
malalim siyang pinaghuhugutan. Pagkatapos ng nakakapagod na maghapong pagtatrabaho ay sa
wakas, nakauwi si honorata sa kaniyang tinutuluyan. Pagod man ang buong parte ng kaniyang
katawan, ay masaya pa rin siya at may dahilan ang bawat paggising kinabukasan. Inaantok na
ang buo niyang katawan ngunit tila maraming bagay ang kailangan niyang sariwain sa gabing
ito.

Ikaapat na eksena (Sa kwarto ni honorata)

Magbubukas ang kurtina at makikita ang kwarto ni honorata. Bagsak ang hitsura ni honorata at
halatang pagod na papasok sa kaniyang kwarto. Dahan-dahan nitong ibababa ang kaniyang
bag sa kama, at mapapaupo nalang sa pagod. Limang segundo rin siyang tutulala at pagkatapos
ay ililibot ang kaniyang paningin sa maliit niyang kwarto. Tutunog ang sana’y maghintay ang
walang hanggan sa oras na mahagip ng mata ni honorata ang sirang biyoling ipinamana ng
kaniyang tatay. Tatayo siya at kukunin ito, sabay dahan-dahang pupunasan ang namumuong
alikabok at saka ibabalik nang maayos sa lalagyan. Tatayo siya nang diretso sa gitna ng
kaniyang kwarto habang nakatingin nang seryoso sa harapang pader. Ipipikit niya ang
kaniyang mata at saka aktong tutugtog ng biyolin kahit na wala siyang hawak na biyolin, saka
siya tutugtog.

Dahan-dahang magsasara ang kurtina habang tumutugtog pa rin si honorata. Magsasalita ang
tagapagsalaysay kasabay ng sipra ng biyolin ni honorata.

Ikalimang Eksena (Sa palengke)


Magbubukas muli ang kurtina sa oras na makalahati na ng tagapagsalaysay ang kaniyang
sasabihin. Sa pagbukas ng kurtina ay makikita ang sitwasyon sa palengke habang masayang
namimili si honorata ng mga sangkap.

Tagapagsalaysay: Kumbinsido na siya sa pagkakataong ito, alam na ni honorata kung bakit siya
lumalaban sa buhay, mag-isa man siya’t pumanaw na ang amang nagturo sa kanyang mag
biyolin, at iniwan siya ng kanilang ina noong siya ay bata pa, alam niyang nabuhay siya para
umabot ng mga pangarap, pangarap na binuo niya sa kaniyang sarili noong bata pa siya na
siyang napagtantong pangarap pa rin niya hanggang ngayon. Ang pangarap ding iyon ang siyang
parehong minimithi nila ng kaibigan niyang si clarita- ang makatugtog sa entablado ng kanilang
tinitingalang orkestrang bayan.

Honorata: Ale, magkano ho itong isang tali ng sili?


Lapit na mga suki! Kakatayin ko na ang baboy!
Dalawang kilo po!
Pabili po ng limang kilong bigas! (maingay na pamimili ng mga nasa palengke)
Honorata: Ale, magkano ho itong isang tali ng sili? (pag-uulit nitong tanong)
Ale: Ay naku! Pasensya ka na iha at ako’y natuwa ng masyado sa nabasa ko dahil maisasali ko
ang aking anak sa magaganap na audition sa orkestrang bayan! (masaya nitong sabi)
Honorata: Hh..o? Au..di.tion? (gulat at pautal nitong sagot)

Habang pumipili si ata ng mga gulay ay mapapansin niyang maraming tao ang nagbubulungan
at may hawak na papel na babasahin. Hindi niya maiwasang magtaka. Mga tindera, mamimili,
at iba’t ibang uri ng mga tao ang nag-uusap sa kanilang binabasang papel ngayon. Ilang saglit
ay may lalapit na dalawang taong pormal ang kasuotan kay honorata sabay abot ng isang
brochure. Napansin niyang kapareho ito ng binabasa ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Inilagay na muna niya sa basket ang kabibili lang na gulay at nagsimulang buksan at basahin
ang laman ng brochure.
Nang mabuksan at mabasa ay tumambad sa kaniya ang kabuuang impormasyon ukol sa
magaganap na awdisyon ng kinikilalang orkestrang bayan, at ipinaaalam na ang audition ay
bukas para sa lahat. Nakalagay rin ang araw, oras, lugar, at mga uri ng manunugtog na
pwedeng makilahok sa awdisyon. Nakasulat din na tanging sampung katao lang ang
maswerteng makapapasok sa nasabing orkestrang bayan.

Tutugtog ang bituing walang ningning instrumental at makikita sa kanyang mukha ang labis na
kasiyahan dahil sa impormasyong nasagap. Hindi niya alintana na marami ang makikilahok sa
awdisyon at tanging sampu lang ang makapapasok. At kung kanina ay maingat niya pang
pinipili ang mga gulay, walang ano-ano’t dinampot na niya kung ano ang kaniyang madampot
upang mapuno na ang basket at makabalik na sa karinderya.

Magsasara ang kurtina

Tagapagsalaysay: Matapos ang dalawang buwang pangungulila, ay bukas nang muli ang mga
pangarap para sa kanila ng kaibigan niya. Kaya naman, hindi na siya makapag pigil na ibalita sa
kaibigan ang tungkol sa awdisyong magaganap dahil isa lang ang tinitiyak niya- gagawin niya
ang buo niyang makakaya, maabot lang ang limitadong puwesto sa orkestrang bayan.

Ikaanim na eksena (Sa karinderya)


Magbubukas ang kurtina. Ibinaba ni honorata ang basket na may lamang gulay sa mesa kung
saan naghihiwa ng mga sitaw si clarita saka nakangiting iniabot ang balita.

Clarita: Buti naman at masaya ka ngayon ata? Ang inaasahan ko’y lalo kang malulugmok dahil
nadagdagan ang trabaho mo. (Magaan nitong tanong)

Honorata: Clarita, kung malalaman mo lang ang dahilan ng aking mga ngiti. (May pananabik
niyang sabi)

Honorata: (ibinigay ang brosyur na ibinigay sakaniya kanina sa palengke)

Honorata: Dalawang linggo mula ngayon ay bubuksan na ang awdisyon ng pinapangarap nating
orkestrang bayan! Clarita, posible nang muli ang mga pangarap natin. (Pati ang kamay niya ay
kumukumpas at nagpapaliwanag)

Magugulat si clarita sa nalaman at matitigil sa paghihiwa ng gulay

Clarita: Totoo ba? (gulat na tanong niya)

Tumango-tango naman si honorata bilang pagsang-ayon habang si clarita naman ay


matutulala. Si honorata naman ay mapaglalaruan ang ilang mga gulay na nabili niya dahil sa
tuwa.

Clarita: Kung gano’n nga’y naniniwala akong kakampi natin ang kapalaran!
Honorata: Oo naman! Kumbinsido akong ito na ‘yon. At saka, kampante ako sa gagawin natin
kahit na sa sobrang dami ng siguradong sasali at sampu lang eh kaya natin yan! Basta’t
magkasama tayo (Sabay ngiti)

Ngumiti pabalik si clarita

Clarita: Eh siya nga pala ata, naalala mo yung sinabi ko sa’yong ipapahiram kita ng biyolin?
Pagkatapos na pagkatapos ng trabaho natin hintayin mo ako’t kukunin ko sa bahay namin at i-
uwi mo na muna para makapag ensayo tayo nang pareho.

Honorata: Ha? Pa’no tayo makakapagensayo nang pareho kung wala kang biyolin at ako lang
ang meron? Hindi pwede at hayaan mo na (Pagpipilit ni ata)
Honorata: Alam mo namang sanay ako mag ensayo kahit na walang gamit na biyolin hindi ba?
(Sabay hagikgik)

Clarita: Hindi ko pa pala nasasabi sa’yo na binilhan ako ng tatay ng bagong biyolin nung aking
nagdaang kaarawan. Kaya ipapahiram ko na muna sa iyo para pareho tayong may panahon mag
ensayo. (Sabi niya nang nakangiti)
Honorata: Salamat clarita at nandyan ka. (Napangiti nang dahan-dahan)

Niyakap ni honorata ang kaibigan. Magsasara ang kurtina.

Tagapagsalaysay: Kumbinsido na ang lahat sa pagkakataong ito, alam na ni Honorata, kung bakit
siya lumalaban sa buhay, mag-isa man siya’t pumanaw na ang amang nagturo sa kanyang mag
biyolin, at iniwan siya ng kanilang ina noong siya ay bata pa, alam niyang nabuhay siya para
umabot ng mga pangarap, pangarap na binuo niya sa kaniyang sarili noong bata pa siya, na siya
niyang napagtantong pangarap niya pa rin hanggang ngayon. Naipakita nilang hindi hadlang ang
kakulangan ng pera, gamit, at panahon para sumubok na abutin ito. At ngayong nandito na
puntong ito, paano kaya nila ito paghahandaan?

Ikapitong eksena (Sa kwarto)

intercut: honor sa left side, clarita sa right side


Magbubukas ang kalahating kurtina sa kanan at lilitaw si claritang nakahawak ng biyolin at
nagsasanay.

Magsasara ito at magbubukas naman ang kaliwang bahagi ng kurtina kung saan si honorata rin
ay nagsasanay.

Magsasara ang kaliwa at magbubukas muli ang kanan. Makikitang napapapikit si clarita sa
pagdama ng tugtugin niya.

Magsasara ang kanan at magbubukas muli ang kaliwa. Pursigido rin si honorata sa kaniyang
pagtugtog.

Magsasara ang kaliwa at magbubukas muli ang kanan. Makikitang napainom muna ng tubig si
clarita habang hawak pa rin ang biyolin sa kaliwang kamay.

Hindi na magsasara ang kaliwa at magbubukas na nang buo kung saan makikitang panandalian
siyang napapunas ng pawis.

Magsasara nang buo ang kurtina.


Magbubukas ang kurtina at makikitang pareho silang nakaupo sa magkabilang sulok ng kani-
kanilang kwarto habang tumutugtog pa rin ng biyolin. Sabay silang maghihikab at dahil sa
antok ay unti-unti silang mapapasunggab sa sahig at makakatulog.
Magsasara ang kurtina.

Tagapagsalaysay: Inabutan na sila ng antok sa pag pupursiging maging handa sa audition


kinabukasan. Sa tagal ng panahong pinaghintay sila ng kapalaran, bukas ang natatanging araw at
pagdidikta kung karapat dapat silang makapasok sa minimithing pangarap. Si clarita, na ibinuhos
ang lahat ng kanyang magagawa para maging handa kinabukasan, at si honoratang buong pusong
ipinaglaban ang pangarap para sa ama, sa kaibigan, at sarili sa kabila ng pagpigil sa kanya ng
paghihirap. Ngayon na ang nakatakdang araw, susubukan na nilang ipihit ang kani-kanilang
kapalaran gamit ang kanilang biyolin.

Ikawalong Eksena (Sa teatro)


Magbubukas ang kurtina.

Tatambad sa eksena ang teatro kung saan maraming mga manunugtog din ang nandoon na mag
a-awdisyon. Mayroon ding tatlong hurado sa gilid ng tanghalan. Magkatabing nakaupo sina
honor at clarita.

Maestro: Maligayang pagdating sa orkestrang bayan na tinitingala ng marami. Ikinalulugod


kong kayo ay kabahagi ng isa nanamang makasaysayang awdisyon. Sobrang dami ninyo sa
pagkakataong ito kumpara sa nakaraang taon. Ngunit alam kong alam na ninyong sampu lang
ang mapalad na makapapasok kaya naman alam ko ring lubos kayong nagsanay at naghanda para
sa araw na ito. Kaya naman, hindi na natin patatagalin pa. Goodluck sa inyong lahat at
umpisahan na natin ang paligsahan.

Nagpalakpakan ang mga tao. Tumingin si clarita at honorata sa isa’t isa at akmang tumayo
para makapaghanda na, kasama ng iba pang mga manunugtog.

Magsasara ang kurtina ngunit maririnig ang mga tinugtog ng iba’t ibang manunugtog.

Magbubukas ang kurtina. Nangangahulugang nakatapos na ang lahat sa pagtugtog.


Nagpalakpakan muli ang mga tao.

Tumahimik na ang lahat at naglakad na ang punong hurado sa gitna ng tanghalan habang may
hawak na sobreng papel, naglalaman ng mga pangalan ng kasali sa top 10.

Hurado: Salamat sa lahat ng nakilahok sa ating awdisyon, kitang-kita namin ang kagalingan ng
lahat sa pagtugtog at dahil diyan ay binabati namin kayo!

Nagpalakpakan ang mga tao.

Hurado: Gaya ng sinabi namin kanina, sampu lang ang makapapasok kaya naman hindi na natin
patatagalin at babanggitin na namin ang pangalan nila.

Honorata: Nandito na tayo clarita! Nasasabik na kong basahin nila ang mga pangalan natin!

Clarita: Ako rin ata- hindi na ako makapaghintay!


Naghawak ang kamay nila at saka nakangiting ibinaling muli ang tingin sa tagapagsalita

Hurado: Ang makakakuha ng unang puwesto ay si… Consolacion maligayang bati sa’yo!

Nagpalakpakan ang mga tao kasama sina clarita at honorata.

Hurado: Ang sumunod ay si…. Leonardo Congratulations!

Nagpalakpakan ang mga tao.


Hurado: Ang ikatlo, Diosdado! Maligayang bati!

Nagpalakpakan ang mga tao.

Dahan dahang magsasara ang kurtina habang binabanggit ang mga pangalan ng kasali sa top
10 at habang nagpapalakpakan ang mga tao.

Hurado: Conchita! Leonor! Sergio!

Nagpalakpakan ang mga tao at magbubukas muli ang kurtina.

Hurado: Ikaw ang ika pito, Apolinario! Maligayang bati!

Nagpalakpakan ang mga tao. Ang palakpak ni clarita ay nananatiling masigla habang si
honorata naman ay pumapalakpak na animo’y kinakabahan.

Clarita: Ayos ka lang honorata? Ano kaba, ‘wag kang kabahan sigurado namang pasok tayo
diyan dahil ang ganda ng pagtugtog natin kanina eh.

Honorata: Hindi ko lang maiwasang kabahan dahil sa tatlong puwesto na lamang ang natitira,
clarita. (Napangiti)

Tinapik ni clarita sa likod si honorata.

Hurado: Maligayang bati sa’yo dahil ikaw ang pang walo… Anastacio!!

Nagpalakpakan ang mga tao. Lalo pang tinaniman si honorata ng kaba at si clarita naman ay
medyo naghahati na rin ang emosyon.

Clarita: Huwag kang mag-alala honor, siguradong atin ang huling dalawang pwesto kaya ‘wag
ka nang kabahan.

Hinawakan ni clarita ang kamay ni honorata nang mahigpit at saka hinintay ang ika siyam na
tatawagin.

Hurado: Opisyal ka nang miyembro ng ating orkestrang bayan… Pricilla!!

Nagpalakpakan ang mga tao. Si honorata at clarita naman ay animong binagsakan ng langit at
lupa. Dalawang bagay na lang ang palaisipan sa kanila. Isa ang malalagasan ng pangarap at
ang masaklap ay posibleng silang dalawa.

Natagalan ang pagbanggit sa ikasampung puwesto’t nagbubulungan ang tatlong hurado.


maya maya ay babalik sa gitna ang huradong tagabanggit ng pangalan.

Hurado: Paumanhin sa inyong lahat, nagkaroon lamang ng kaunting pagtatalo sa aming mga
hurado sa kung sino ang makakakuha ng ikahuling pwesto dahil sa dikit ang kanilang scores.
Nandito ba si honorata?

Gulat at dahan-dahang napataas ng kamay si honorata kahit nanginginig

Hurado: At sino si clarita?

Tumingin si honorata sa kaibigang napataas na rin ng kamay

Hurado: Kayong ay nagkaroon ng pantay na puntos ngunit isa lamang ang maaaring makapasok.
Muli kayong tutugtog upang patunayan kung sino sa inyo ang karapat dapat.
Nagkatinginan ang magkaibigan at hindi maintindihan kung anong emosyon ang mamumutawi
sa kanila. Unang tumayo si clarita upang tumugtog.

Honorata: Ibigay mo ang buo mong makakaya clarita, kayang-kaya mo yan!

Clarita: Kahit na ano pa ang maging resulta nito ay masaya pa rin akong isa sa atin ang
makapapasok, honorata!

Magsasara ang kurtina. Magbubukas ang kurtina at magpapalakpakan ang mga tao habang
akmang magbo-bow si clarita. Si honorata naman ang tutugtog. Tumungtong na siya sa
entablado at kumorteng tutugtog ng biyolin habang nakapikit ang mata.

Tutugtugin niya ang bituing walang ningning. Pagkatapos niya ang magbo-bow rin siya
Nagpalakpakan ang mga tao.

Hurado: Mga kaibigan, kumpleto na. Kaya naman, ang ikasampung pwesto ay mapupunta sa
iyo… Honorata! Maligayang bati!

Tutugtog ang bituing walang ningning. Una niyang hinanap ang kaibigang si clarita at saka
niyakap ito. Maluha-luha si honorata habang labis na kagalakan ang nakapinta sa mukha ni
clarita.

Honorata: Paumanhin clarita (habang humahagulgol)

Clarita: Ano ka ba honor, hindi inihihingi ng tawad ang pagkapanalo, at saka masaya akong ikaw
ang nakapasok dahil mas karapat-dapat ka kaysa sakin.

Honorata: Salamat nang sobra clarita, nang dahil sa biyolin mo kaya ako makapapasok sa
pangarap ko, at kung hindi dahil sa’yo, baka nilamon na ako ng madilim kong nakaraan.

Clarita: Walang anuman iyon honor, ang mahalaga sa akin ay masaya ang kaibigan ko. At siya
ng apala, huwag mo nang isauli iyang biyolin, sa’yo na at regalo ko na sa iyo yan.

Nagkalas na sa pagkayakap ang magkaibigan at tinawag na si honorata sa entablado para


tumugtog sa unang pagkakataon bilang opisyal na miyembro ng orkestrang bayan. nag bow
muna siya bago tumugtog muli sa mga tao. Habang tumutugtog si honorata ng bituing walang
ningning ay magooverlap ang mga salitang binabanggit niya sa isip.

Honorata: Ako si honorata, ulila sa ina, at ulila sa ama, nagawa kong maipaglaban ang mga
pangarap ko sa kabila ng samu’t saring kabiguan at paghihinagpis, hindi ito pagmamataas, ito ay
labis na kagalakan. Naisakatuparan ko na ang kahapong sinimulan ko nang nabubuhay pa ang
tatay ko. Kung nandito lang siya ay sigurado akong isa siya sa mga walang sawang
pumapalakpak ngayon. Para sa kaibigan kong si clarita, kung wala ka sa tabi ko, baka hindi ko
na namalayang nilamon na ako ng kalungkutan. Salamat sa regalo mong biyolin, iingatan ko ito.
Salamat sa inyong lahat, itatago ko sa aking puso ang bawat palakpak at paghiyaw na narinig ko
sainyo, sinisiguro kong lalo ko pang gagalingan sa paglikha ng makabagbag damdaming musika.
At bilang pang huli, salamat at alam ko na ang kaibahan ng melodrama sa trahedya, Ang
trahedya ay maaaring magsimula nang masaya ngunit karumal-dumal na wakas ang
kahahantungan. Ngunit melodrama pala ang buhay ko. Sinimulang may hinagpis, magwawakas
nang payapa.

Wakas.

You might also like