You are on page 1of 2

BAKIT NGA BA BIGLANG BUMAIT SI NANAY?

Sa Panulat ni Prof. DARREN M. TAN (Tagapagturo)


URS-Binangonan Campus

Pauwi na ako noon galing eskwelahan. Medyo madilim na at umuulan. Sa 'di kalayua'y
tanaw ko na ang pinto ng aming bahay. Dahan-dahan ako sa paglapit. Binuksan ko ang pinto
at bumungad sa akin ang....

Anak: Aray! Nanay ko po! Masakit! Pasensya na po kung ngayon lang po ako nakauwi.

Nanay: At bakit ginabi ka na naman ng uwi ha? Aber!

Anak: Eh nanay kasi po…

Nanay: Ayan ka na naman. Anong dahilan na naman ang nabuo mo habang pauwi ka ha?

Anak: Hindi naman po nay Kasi nga po…

Nanay: At ano? Magsisinungaling ka para maniwala ako sa dahilan mo? Naku! Papunta ka pa, Pabalik na
ako! Ayus ayusin mo lang at baka sa susunod na pag-uwi mo bundat ka na.

Grabe talaga si nanay noon. Oo ganun ang nanay ko. Gaya din ng iba mabunganga,
eksaherada at dirediretso ang pagsasalita kapag nagagalit. Magtatanong pero hindi ka naman
makasingit upang makapagpaliwanag. Hay ewan ko ba. Natatawa na nga lang ako pero minsan
masakit na talaga sa tenga at damdamin ang mga sinasabi niya sa akin. Pagkatapos ng gabing
iyon, kinabukasan naman ay tuloy pa rin ang buhay estudyante ko.

Guro: Miss, please stand up and answer this problem.

Anak/estudyante: Okay po Mam. The problem says that if the owner has a capital beginning of
P350.000.00 and P50,000.00 additional investment P140 000.00 withdrawal and a net loss of P90.000.00
What would be his Capital ending?

Guro: Yes. And what would be the answer?

Anak/estudyante: Capital beginning plus additional investment less withdrawal and net loss. The answer
should be P210 000 00 po Mam.

Guro: Very well answer miss. You may now take your sit.

Masaya ako noon kasi nalusutan ko si Mam. Pero sa pag-uwi ko hindi naman ako
nakalampas kay nanay. Kinabukasan nakasalubong ko ang kaklase ko.
Kamag-aaral: Oh, anong pagmumukha yan? Hindi maipinta.

Anak/estudyante. Si nanay kasi pinagalitan na naman ako kagabi. Nag-aaral naman akong mabuti. Hindi
naman ako nagloloko.

Kamag-aaral: Ah kaya, Drama! Gamitin mo 'yan sa laban mo mamaya

Sa araw ding iyon ay naganap ang paligsahang sinalihan ko. Isa nga sa
pinagkakakaabalahan ko noon ay ang paligsali ko sa...

"This is the voice of a young juvenile today. Bothered and bewildered. Scorned and mis-undestood. Yes,
I am a juvenile delinguent. But am I to be blame? Am I to be treated an outcast in this world? In your
cruel society? Is it my fault to be a juvenile delinguent? Of course not. I do not believe it is my fault. I
never plan to be like this!"

Sumali nga ako sa declamation contest. Ginabi na rin ako ng uwi noon kaya inihanda
ko na ang aking mga tenga dahil malamang pagagalitan na naman ako ni nanay.

Anak: Nanay?

Nanay: Bakit ganyan ang mukha mo? Pumarito ka nga. Kumusta ang eskwela?

Anak: Nay ayos naman po. Hindi po ba kayo galit?

Nanay: Bakit naman ako magagalit anak? Halika nga dito. Payakap si nanay.

Hindi talaga ako makatulog nang gabing iyon. Iniisip ko talaga kung bakit. Paano nag-iba ang ihip ng
hangin? Ang inaasahan kong sigaw, kurot at pagbabato ng pinggan ay napalitan ng pagiging mahinahon
at paglalambing. Kaya naman ay nagtungo ako sa kwarto ni nanay Mahimbing na ang tulog niya noon.
Ngunit may nakaagaw ng atensyon sa aking mga mata. Ang tila liham at maliit na kahon sa gawing ulunan
niya. May pangalan ko at ng eskwelahan. Napangiti akong bigla. Nasagot na ang katanungan ko.
Natanggap na pala ni nanay ang report card ko pati ang medalya na bunga ng aking pagwawagi sa
nilahukan kong paligsahan. Marahil… kaya ganun si nanay sa pagsalubong sa akin kasi alam na niyang hindi
ako nagbubulakbol at nagpapabaya sa aking pag-aaral. Ang mga oras ay inilalaan ko sa pag-aaral at
sumasali sa mga patimpalak na alam niyang makatutulong makapagpapahubog sa aking kakayahan.

PAGKUKWENTO
(Literary Contest, URS Morong Campus, September 15, 2015)
Gaeryl Anne A. Cabingon- BSA 2-1
Kalahok

2nd Place

You might also like