You are on page 1of 33

Question 1

Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Panuto: Basahin ang mga teksto at sagutin ang mga tanong sa bawat bilang.

Para sa tanong blg. 1-6

Paglalakbay
ni Patrick Espinas
Beep beep beep! Naririnig ko na naman ang ingay mula sa mga tunog ng sasakyan. Isa na
namang paalala na magsisimula na naman ang araw ko bilang isang mag-aaral sa
kolehiyo. Ngayong is na akong College Senior, isa na namang araw para sumabak sa isang
digmaang hindi ko batid kung may hangganan pa ba. Ang layo kasi ng eskuwelahan ko e.
Pero ayos lang, para naman ito sa pangarap ko.
 
“Umuulan na naman.”, bulong ko sa sarili. Batid ko kasing pahirapan na naman ang pagpila
sa LRT at ang pagsakay sa dyip.
Pagdating ko sa istasyon, tinig ng mga guwardiya ang aking naririnig na ginagawa ang
lahat mapaayos lamang ang sitwasyon sa istasyon ng tren. “Kaunting kooperasyon naman!
Huwag kayong magtulakan”, pasigaw na sabi ng guwardiya.

May mga taong minsan din ay ang aga pa e parang galit na galit pa. “Aray!”, bigla akong
nagulat noong narinig ko iyan. Naapakan ata ng isang lalaki ‘yong isang katabi niya.
Makalipas ang mahabang mga minuto ng pagpila ay nakasakay rin naman ako ng tren sa
wakas.

“Pakiabot po ang bayad”, “Pakiabot po”, nakailang bigkas ako at hindi ako naririnig ng mga
katabi ko dahil sa aking paos na boses. Buti na lang napansin ako at iniabot ng katabi ko.
“Estudyante?”, “Opo”, ang sagot ko. Nagulat ako ng sa may bandang Manila City Hall ay
nakasabay ko ang aking guro. “Magandang umaga po, Sir”, bungad ko sa kaniya. Bumati
rin naman siya pabalik.

Sa paglalakad ko sa eskuwela, nakasalubong ko ang ilan sa mga mag-aaral sa unang taon.


Paano ko nalamang nasa unang taon sila, hindi pa kasi sila nakauniporme. Ganoon naman
sa pamantasan namin. May lumapit sa akin at nagtanong. “Maaari po bang magtanong?
“Kuya alam mo po ba saan ang gym? Doon kasi ang klase naming ngayon.” Agad ko
namang itinuro ang direksiyon sa kaniya. 1 “Pumunta ka sa gawing kanan pagkatapos ay
dumiretso ka lang. Makikita mo ang mga karatula at direksiyon doon”.

Normal lang naman ang naging buong araw ko sa pamantasan. Ngunit aaminin kong
nakapapagod bumiyahe nang malayo. Pero sanay na naman ako.

Marami akong napagtanto, totoong paglalakbay ko ay minsa’y nakapapagod. Ngunit batid


kong ito ay kaunting pagtitiis lamang kompara sa aking maaaning tagumpay balang araw.

Tanong: Nasa anong taon ang mag-aaral na nakausap ng naglalahad?


Select one:
a. Unang Baitang
b. Unang Taon 
c. Ikalawang Baitang

d. Ikaapat na Taon
Feedback

The correct answer is: Unang Taon

Question 2
Correct
Mark 1.00 out of 1.00
Flag question

Question text

Saan nakasabay ng persona ang kaniyang propesor?


Select one:
a. traysikel
b. tren
c. dyip 

d. bus
Feedback

The correct answer is: dyip

Question 3
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang sinasakyan ng persona papasok ng paaralan?


Select one:
a. bus
b. dyip at tren
c. LRT at dyip 

d. dyip
Feedback

The correct answer is: LRT at dyip

Question 4
Correct
Mark 1.00 out of 1.00
Flag question

Question text

Nasa anong antas sa pag-aaral ang persona?


Select one:
a. Unang Taon
b. Ikalawang Taon
c. Ikatlong Taon

d. Ikaapat na Taon 
Feedback

The correct answer is: Ikaapat na Taon

Question 5
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Paano nalaman ng persona na nasa unang taon ang mga mag-aaaral na nakita niya?
Select one:
a. hindi pamilyar sa lugar
b. hindi nakauniporme 
c. bagong mukha

d. parang naliligaw sila


Feedback

The correct answer is: hindi nakauniporme

Question 6
Correct
Mark 1.00 out of 1.00
Flag question

Question text

Ano ang damdamin ang namamayani sa persona?


Select one:
a. kasiyahan
b. kalungkutan
c. pagkasabik

d. neutral 
Feedback

The correct answer is: neutral

Question 7
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Para sa blg. 7-12.

Wala Akong Natanggap


ni Patrick Espinas

Malapit na ang araw ng aming pagtatapos sa elementarya. Ngayon ay ang aming retreat.
Masayang masaya ang lahat dahil magkakasama na naman kaming magkakaklase.
“Magandang umaga!”, bati ng aming magiging tour guide patungo sa retreat house.
“Kumusta kayo?”, patuloy niya. “Maya-maya ay aalis na tayo”.

Wala pa ‘yong bespren ko kaya nagbasa na lang muna ako ng aking paboritong aklat. Sa
gitna ng aking pagbabasa ay biglang may tumawag sa akin. “Hoy!”, nagulat ako nang may
biglang tumulak sa akin at nabitawan ang aking libro. Sa wakas narito na ang aking
bespren, tanong niya bigla, “Puwede bang pakilipat ang ilang gamit mo upang magkasya
ang mga gamit ko?” Alas siyete na. Bumiyahe na kami patungong retreat house at talagang
nagagalak ang lahat sa aming mga naging usapan.

Pagdating sa retreat house ay naging seryoso na ang lahat dahil sa mga bagay na ginawa
at natutuhan namin. Muli naming sinariwa ang mga alalaala sa ilang taon naming sa
elementarya. Mas nailapit kami sa pananampalataya sa Diyos. Ngunit sa lahat ng mga
gawaing ipinagawa sa amin ay nagmarka sa akin ang huling gawain naming para sa retreat
na ito.

“Masaya ba kayo?” tanong ni Brother Neil, ang namamahala at punong abala sa aming
retreat. “Opo!”, ang sigaw namin. Bigla niya kaming pinagtipon sa gitnang bahagi ng
santwaryo at pinagtabi-tabi ng mga kaklase at ka-batch ko. Iniabot ni Bro. Neil ang tig-
iisang papel sa bawat isa. Iba-iba ang kulay nito, may makulay na papel, may simpleng
puting papel at iba pa. Lahat ay nakatanggap maliban sa akin. “Basahin ninyo ang liham na
iyan. Iyan ay liham mula sa inyong mga magulang. Sinabihan namin silang sulatan kayo ng
liham.” Nag-iiyakan ang mga kaklase at ka-batch ko, maliban sa aking nananahimik
lamang. Nilabas ko na lang ang papel na nakatago sa aking bulsa at nagpanggap na may
natanggap akong liham. Nagulat ako nang sinabi ni Bro. Neil na isa-isa kaming tatayo
upang ibahagi ang aming naramdaman ukol sa liham na aming natanggap. Isa-isa nang
tumayo ang lahat at patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ng bawat isa.

Nang ako na ang tinawag ni Bro. Neil, naglakas-loob akong tumayo. Huminga ako nang
malalim. “Wala akong natanggap.”, ang wika ko. Tila natigilan ang lahat sa binanggit ko.
“Wala akong natanggap na liham. Nalungkot ako dahil baka hindi ako naalala ng mga
magulang ko. Marami ang kahulugan ng salitang wala. Halimbawa, minsan tinatanong tayo
kung ano ang problema natin, ang sagot natin ay wala. Wala akong natanggap, marahil ito
rin ay makahulugan. Wala akong liham na natanggap mula sa mga magulang ko, kaya
napapaisip ako kung bakit wala akong natanggap. Marahil ay may malalalim silang dahilan.
Sa una ay nalungkot ako, ngunit muli kong naalala ang pag-ibig sa akin ng nanay at tatay
ko. Siguro, hindi sapat ang isang liham para ilahad nila sa akin ang mga nais nilang sabihin.
At saka, kilala ko naman ang nanay at tatay ko, hindi sila mahilig sa mga ganiyan. Marahil
kung susulat sila, ito lang ang sasabihin nila. ‘Mahal na mahal ka namin, anak. Kaya mo
‘yan!’ Lagi kong naririnig ang salitang wala sa mga magulang ko. ‘Ma, may maipambabayad
na ba tayo para sa camping?’, ‘Wala’, ‘Pa, bayaran na namin ng pam-fieldtrip, may pera na
po ba tayo?’, ‘Wala pa anak’. Makahulugan ang salitang wala para sa akin. Ngunit hindi ibig
sabihin na wala, ay nangangahulugan na ito ng negatibo. Wala kami minsang makain
ngunit alam kong ginagawa nina Nanay at Tatay ang lahat para sa amin. Wala pa akong
pam-fieldtrip kasi batid kong maraming ginagastos sina Tatay sa bahay. Kung kaya,
nauunawaan ko kung bakit wala akong natanggap na liham. Baka kaysa ipambili na lamang
nina Nanay at Tatay ng magandang papel at ipambayad sa paghahatid ng liham nila sa
akin, ay baka gagamitin na lamang nila ito sa pangangailangan nila. At saka, masaya na
ako dahil kasama ako sa retreat na ito. Dahil nang minsang tinanong ko sina nanay kung
may maipambabayad ba kami para sa gawaing ito, sumagot sila ng ‘Wala pa, ngunit
gagawan namin ng paraan’. Kaya ang masasabi ko lang, kung wala ka mang matatanggap
sa ano mang sitwasyon, pakaisipin muna natin, baka may mas malalim na dahilan.” Iyan
ang ibinahagi ko sa mga kaklase at ka-batch ko at tila ako ay nagulat din sa mga nasambit
ko. Pagkatapos kong magsalita ay nagpalakpakan ang lahat at pumatak ang mga luha ko.
Tanong:
Nasa anong baitang sa pag-aaral ang persona?
Select one:
a. Ikalawang Antas
b. Ikaapat na Antas
c. Ikalimang Baitang

d. Ikaanim na Baitang 
Feedback

The correct answer is: Ikaanim na Baitang

Question 8
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang natanggap ng persona?


Select one:
a. liham
b. wala 
c. bulaklak

d. regalo
Feedback

The correct answer is: wala

Question 9
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text
Ano ang nais ipahiwatig ng teksto?
Select one:
a. Unawain ang ating mga magulang kung minsan wala silang naibigay 
b. Minsan sa buhay, wala ka talagang matatanggap
c. Matutong magbigay at tumanggap

d. Mahalin at pahalagahan ang mga kamag-aral


Feedback

The correct answer is: Unawain ang ating mga magulang kung minsan wala silang naibigay

Question 10
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Nasa anong panauhan ang teksto?


Select one:
a. Una 
b. Ikalawa
c. Ikatlo

d. Omnisyente
Feedback

The correct answer is: Una

Question 11
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text
Ano ang kabuoang paksa/tema ng teksto?
Select one:
a. Pag-unawa sa magulang
b. Pagmamahal at pagpapahalaga sa magulang
c. Ang maraming kahulugan ng salitang ‘wala’

d. d. Ang pagiging maunawain ng isang anak sa kaniyang magulang 


Feedback

The correct answer is: Ang maraming kahulugan ng salitang ‘wala’

Question 12
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang damdamin ng persona?


Select one:
a. kasiyahan
b. kalungkutan
c. neutral

d. magkahalong kasiyahan at kalungkutan 


Feedback

The correct answer is: magkahalong kasiyahan at kalungkutan

Question 13
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text
Luha 
ni Rufino Alejandro

Walang unang pagsisi,ito'y laging huli Daloy, aking luha...daloy aking luha, sa gabing
malalim sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso-
yaring abang pusong luray sa hilahil nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan may biling gayari si Ama't si Ina
bago sumahukay, "bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay, ang ikaw’y
mabuyo sa gawang masama’y dapat mong iwasan." nang ako’y lumaki, ang pahat kong isip
ay biglang nagpakpak ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; sa maalong dagat
ng mundo'y mag-isang lumayag, iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking
tinanggap malayang tumungga sa sarong may lason na kaligayahan na nitong huli na'y
nakilalang alak na nanatay. ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa kasalunga't isang
"Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan! kaya naman ngayon,sa katandaan ko’y
walang nalabi kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi; tumangis sa labi ng
sariling hukay ng pagkaduhagi’t iluha ang aking palad na nasapit ng napakaapi! daloy,
aking luha...dumaloy ka ngayon at iyong hugasan ang pusong nabaybay sa pakikibaka sa
dagat ng buhay; ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan, nang yaring hirap ko't
suson-susong sakit ay gumaan-gaan

Tanong:
Ano ang kabuoang paksa/tema ng teksto?
Select one:
a. Paghihinagpis
b. Pagsisisi ng anak sa hindi pagsunod sa magulang 
c. Pagsisisi sa huli

d. Kasawian sa buhay
Feedback

The correct answer is: Pagsisisi ng anak sa hindi pagsunod sa magulang

Question 14
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang damdamin ng persona?


Select one:
a. Paghihinagpis
b. Pagkalungkot
c. Neutral

d. May pagsisisi 
Feedback

The correct answer is: Paghihinagpis

Question 15
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang kahulugan ng saknong 5?


Select one:
a. Sumusuko ang persona sa kaniyang buhay
b. Ipinakita ang pagluha dala ng pagsisisi ng persona sa sarili sa kapighating tinanggap 
c. Ipinapakita ng persona ang pagsisisi sa hindi pagsunod sa magulang

d. Inihahayag ng persona ang kasawian sa kaniyang buhay


Feedback

The correct answer is: Ipinakita ang pagluha dala ng pagsisisi ng persona sa sarili sa
kapighating tinanggap

Question 16
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang kahulugan ng salitang pahat na makikita sa unang taludtod ng saknong 3?


Select one:
a. walang muwang
b. salat
c. mulat 

d. batang pag-iisip
Feedback

The correct answer is: walang muwang

Question 17
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Bago pumanaw ang mga magulang ng persona, ano ang payo nila?
Select one:
a. Magsikap at magtapos ng pag-aaral
b. Ayos lamang ang lumuha
c. Nasa huli ang pagsisisi

d. Mag-ingat sa landas ng buhay 


Feedback

The correct answer is: Mag-ingat sa landas ng buhay

Question 18
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ayon sa tulang binasa, ano ang wasto sa mga pahayag?


Select one:
a. Hinahayaan ng persona ang pagdaloy ng kaniyang luha upang maibsan ang
kapighatian 
b. Pinipigil ng persona ang pagluha
c. Isinisisi ng persona sa iba ang pagdadalamhati

d. Nagdusa ang persona nang mawala ang kaniyang mga magulang


Feedback

The correct answer is: Hinahayaan ng persona ang pagdaloy ng kaniyang luha upang
maibsan ang kapighatian

Question 19
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Para sa blg. 19-20

Tulang Likha ni Teresa Montemayor

Magdamag ko munang ibinabad Ang abuhing mantel na may manaka-nakang Mantsa ng


kare-kare, Saka ko kinusot. Naroon ang paggapang ng mantsa sa kabuuan ng mantel. Inulit
ko ang pagbabad, Ang pagkukusot. Inulit ko pa ito nang makatlo, Nang makaapat nab eses
Subalit huli na ang lahat. Pinatigas at pinakapal na Ng mantsa ang mantel.

Tanong:
Ano ang angkop na pamagat ng tulang binasa?
Select one:
a. Mantsa 
b. Ang Paglalaba
c. Huli na ang Lahat

d. Ang Proseso ng Pag-aalis ng Mantsa


Feedback

The correct answer is: Mantsa

Question 20
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang pangunahing diwang ipinahihiwatig ng tula?


Select one:
a. Nasa huli ang pagsisisi
b. May mga mantsang hindi basta-basta nawawala 
c. Agapan ang mga bagay o pangyayari bago pa mahuli ang lahat

d. Hindi lahat ng mantsa ay kayang linisin


Feedback

The correct answer is: Agapan ang mga bagay o pangyayari bago pa mahuli ang lahat

Question 21
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text
Para sa blg. 21-23. Ano ang paksa ng usapan?

Select one:
a. Kayabangan 
b. Kayamanan
c. Ang mga mayayaman tulad ni Donald Trump at Paris Hilton

d. Mas mabuting magpakumbaba


Feedback

The correct answer is: Kayabangan

Question 22
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang senyales ng kayabangan ayon sa isang tauhan?


Select one:
a. Pagkukuwento ng patungkol sa ari-arian
b. Kapag katulad ka na ng mga kilalang personalidad
c. Kapag ginamit mo ang ikatlong panauhan sa pagtawag sa sarili 

d. Pagsasabi ng kasinungalingan
Feedback
The correct answer is: Kapag ginamit mo ang ikatlong panauhan sa pagtawag sa sarili

Question 23
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang layunin ng komiks na binasa?


Select one:
a. Magpatawa
b. Magpasaring
c. Magbigay-aral

d. Manlibak 
Feedback

The correct answer is: Magpatawa

Question 24
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text
Para sa bilang 24-30.

Tanong:
Ayon sa pinakahuling datos ng Larga Filipinas Travel and Tours, anong araw na ang may
pinakamaraming biyahero?
Select one:
a. Lunes
b. Martes 
c. Miyerkoles

d. Huwebes
Feedback

The correct answer is: Martes

Question 25
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ilan na ang kabuoang pasahero mula Lunes hanggang Sabado?


Select one:
a. 34
b. 44 
c. 46
d. 48
Feedback

The correct answer is: 46

Question 26
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Anong tour package ang may pinakamaraming biyahe sa isang linggo?


Select one:
a. Manila – Cebu 3D 2N 
b. Clark – Davao 5D 4N
c. Clark – Iloilo 4D 3N

d. Manila – Legazpi 3D 2N
Feedback

The correct answer is: Manila – Cebu 3D 2N

Question 27
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ilan ang kabuong slot sa bawat linggo?


Select one:
a. 46
b. 48
c. 90 
d. 105
Feedback

The correct answer is: 90

Question 28
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ilan ang kabuong slot na natitira para sa biyaheng Manila-Cebu?


Select one:
a. 21
b. 22
c. 25 

d. 29
Feedback

The correct answer is: 21

Question 29
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ilan na ang pasahero ng Manila-Legazpi Tour?


Select one:
a. 5
b. 6
c. 7
d. 8 
Feedback

The correct answer is: 8

Question 30
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ayon sa pinakahuling datos ng Larga Filipinas Travel and Tours, anong araw na ang may
pinakamaraming biyahero?
Select one:
a. Miyerkoles
b. Huwebes
c. Biyernes

d. Sabado 
Feedback

The correct answer is: Huwebes

Question 31
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Para sa blg. 31-35.

Ang Palaka sa Mababaw na Balon

Narinig mo na ba ang tungkol sa palaka na naninirahan sa mababaw na balon? “Ang saya


ko!”, ang wika niya sa pagong na naninirahan sa Silangang Dagat. “Sa tuwing lumalabas
ako, lumulundag ako sa bunganga ng balon. Sa tuwing umuuwi ako, nagpapahinga ako sa
mga butas sa sirang dinding ng balon. Tuwing lumulukso ako sa tubig, umaabot ito sa aking
kilikili at dumarampi sa aking pisngi. Sa tuwing lumalakad ako sa putikan, nababalutan nito
ang aking mga paa. Pinagmamasdan ko ang mga kumikislot na bulati, talangka at butete,
walang sino man sa kanila ang maihahambing sa akin. Idagdag mo pa na ako ang
panginoon ng labanang ito at ipinagmamalaki ko ito. Ganap na ang aking kasiyahan! Ginoo,
bakit hindi ka lumapit ang tingnan ang aking lugar?” Bago pa man maitaas ng pagong mula
sa Silangang Dagat ang kaniyang kaliwang paa sa balon, ang kanyang kanang tuhod ay
napatigil. Ito ay nag-atubili at umurong. Inilahad niya sa palaka ang tungkol sa Silangang
Dagat. Kahit na ang distansyang may libong Li(kalahating kilometro) ay hindi
makapagbibigay sa iyo ng kuru-kuro kung gaano kalapad ang dagat; kahit na ang taas na
may libong ren(dalawa at sangkatlong metro) ay hindi makapagbibigay sa iyo ng kuru-kuro
kung gaano ito kalalim. Sa panahon ni Haring Yu ng Dinastiyang Xia, may baha nang siyam
na taon sa loob ng sampung taon, subalit ang tubig sa dagat ay hindi man lang tumaas. Sa
panahon ni Haring Tang ng Dinastiyang Shang ay nagkaroon ng pitong taong tagtuyot sa
loob ng walong taon, subalit ang tubig sa dagat ay hindi nabawasan. Ang dagat ay hindi
nagbago sa paglipas ng panahon at ang lebel nito ay hindi tumaas o bumaba batay sa dami
ng patak ng ulan na bumuhos. Ang pinakadakilang kaligayahan ay manirahan sa Silangang
Dagat.” Matapos marinig ang sinabi ng pagong, nabigla ang palaka nang malaman ang
kanyang kawalan ng halaga at siya ay nabahala.

Tanong: Anong uri ng akda ang binasang teksto?


Select one:
a. Dagli
b. Maikling Kuwento
c. Pabula 

d. Parabula
Feedback

The correct answer is: Pabula

Question 32
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Saang bansa nagmula ang akdang binasa?


Select one:
a. Tsina 
b. Hapon
c. Vietnam

d. Cambodia
Feedback

The correct answer is: Tsina

Question 33
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ilang taon ang bahay sa panahon ni Haring Yu?


Select one:
a. 8
b. 9
c. 10 

d. 11
Feedback

The correct answer is: 9

Question 34
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang naramdaman ng palaka matapos marinig ang kuwento ng pagong?


Select one:
a. pagkabahala 
b. pagkabigla
c. pag-aalala

d. panghihinayang
Feedback

The correct answer is: pagkabahala

Question 35
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang tono ng persona sa binasang teksto?


Select one:
a. masaya 
b. nasasabik
c. neutral

d. galit
Feedback

The correct answer is: neutral

Question 36
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Para sa blg. 36-42

Ang Larawan 
Si Lolo Rey ay isang beterano. Marami siyang masasaklap na karanasan sa giyera. Para sa
kaniya, ang pagpapatayan ng mga tao ay isang kamalian sa mundo. Naluluha si Lolo Rey
tuwing naaalala niya ang nagdaang digmaan. Marami ang mga taong naapektuhan. Marami
ang nawalan ng tahanan at kabuhayan. Maraming mga bata ang naulila, nawalan ng
kapatid at magulang. May kahon ng souvenirs o memorabilia si Lolo Rey. Nakatago rito ang
kaniyang mga medalya, mga sulat at mga larawan. Tuwing binubuksan niya ang kahon,
napapangiti siya at agad-agad na hinahagkan ang isang larawang niluma na ng panahon.
Bubuntong-hininga at sasambitin ang “Salamat po, o Diyos.” Minsan, napansin ito ng
kaniyang apong si RJ. “Lolo, bakit po kayo umiiyak? Sino-sino po itong mga nasa larawan?”
tanong ni RJ. “Mga kaibigan ko, Apo. Mga matalik kong kaibigan. Matagal kaming
nagkasama-sama pagkatapos ng digmaan. Halos magkakapatid na ang aming turingan,”
tugon ni Lolo Rey. “Lolo, sabi ninyo kayo ito? Ito pong maliit ang mata, sino po siya?”
pangungulit ni RJ. “Si Chiwa iyan, Tsino. Magkababata kami at magka-eskuwela mula
elementarya hanggang high school. Pero sa Tsinan a siya naninirahan ngayon. Gayunman,
umuuwi siya rito taon-taon para sa kaniyang negosyo,” paliwanag ng lolo. “Ito naman, Lolo.
Amerikano, di ba? Sino siya?” usisa ni RJ na nakadama ng kasiyahan sa kabaitan ng
kaniyang Lolo. “Ah . . . si Major Goodman iyan. Piloto iyan, Apo. Nakilala ko siya nang
tulungan namin. Nagparakayda siya dahil pinabagsak ng mga Hapones ang kaniyang
eroplano,” sagot ni Lolo. “Ay . . . kawawa naman. Buti na lang hindi siya namatay.
Matapang po ba siya Lolo?” ani RJ na kakamot-kamot pa ng ulo. “Matapang na matapang,
Apo. Sa Amerika na siya naninirahan ngayon.” “Itong maputlang lalaki, Lolo. Singkit siya.
Tsino rin ba siya na tulad ni Chiwa?” nagtatakang tanong ng bata. “Si Captain Okeito ‘yan.
Isang opisyal na Hapones,” tugon ni Lolo Rey. “Hapones?” nabigla at parang ninerbiyos si
RJ. “Hapones, Lolo? Bakit ninyo siya kasama rito? Bakit hindi ninyo siya pinatay? Salbahe
sila! Pinabagsak nila ang eroplano ng kaibigan mong Amerikano!” Dito isinalaysay ni Lolo
Rey kay RJ kung paano nila naging kaibigan si Captain Okeito. Tapos na ang giyera noon
dahil sumuko na ang bansang Hapon. Minsan, malapit sa isang isla, namimingwit ng isda
ang magkakaibigang Lolo Rey, Major Goodman at Chiwa. May napansin silang isang
yungib at nagkatuwaan silang pasukin ito. Halos sa may bukana pa lamang, mayroon na
silang napansin na isang lalaking payat, mahaba ang buhok at balbas. Maruming-marumi
ang katawan pero nakauniporme ng sundalong Hapones. Nakahandusay at walang malay-
tao. Dahan-dahan at maingat na lumapit ang tatlo. Halos hindi sila humihinga upang hindi
mabulabog at magising ang inaakala nilang natutulog na sundalo. Bigla nila itong dinakma
ngunit hindi naman ito nakalaban. Inaapoy ito ng lagnat at lambot na lambot ang katawan.
Iniuwi nila ang sundalo. Ginamot at pinakain. Inalagaan hanggang sa ito ay lumakas. Isa
pala itong Japanese straggler – isang sundalong nahiwalay sa mga tumatakas na mga
kasama. Nagtago siya sa yungib at hindi alam na sumuko na ang bansang Hapon at tapos
na ang digmaan. Iyan ang magandang simula ng pagkakaibigan ng apat na hindi
magkakalahi – isang Pilipino, isang Tsino, isang Amerikano at isang Hapones. “Lolo, kay
ganda pala ng kuwento ninyong magkakaibigan. Saka mahirap paniwalaan na ang
magkakaway ay magiging magkakaibigan. Sana ganiyan ang lahat ng tao sa mundo,”
paghanga ni RJ. “RJ, apo ko, tuwing nakikita ko ang larawang ito, hindi ko mapigil na hindi
magpasalamat sa Diyos. Magkakaiba nga kami ng lahi pero napakaganda ng
pagsasamahan. Dahil dito, lalong napalalim ang aking paniniwala na mahal ng Diyos ang
lahat ng tao. Bawat isa ay nilalang Niya na may isip, damdamin, kakayahan at
kapakinabangan. Ang larawang ito, Apo, ay nagpapatunay na sa harap ng Diyos, ang lahat
ay pantay-pantay.” At tinapik ni Lolo Rey ang balikat ni RJ. Nadama lalo ng bata ang
pagmamahal ng kaniyang lolo. - Reynaldo A. Julian

Tanong: Sino si Lolo Rey?


Select one:
a. Isang beteranong sundalo 
b. Matandang naluluha dahil sa kaniyang kahon
c. Isang balo

d. Dating pulis
Feedback

The correct answer is: Matandang naluluha dahil sa kaniyang kahon

Question 37
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang mensahe na nais iparating ng teksto?


Select one:
a. Masama ang naidudulot ng giyera
b. Kahit may digmaan, makakahanap ka pa rin ng kaibigan
c. Kahit na magkakaiba ang lahi, maaari pa ring magkaroon ng pagkakaisa at
pagkakaibigan 

d. Hindi lahat ng taga-ibang bay


an ay maituturing na kaaway
Feedback

The correct answer is: Kahit na magkakaiba ang lahi, maaari pa ring magkaroon ng
pagkakaisa at pagkakaibigan

Question 38
Correct
Mark 1.00 out of 1.00
Flag question

Question text

Sino ang Japanese Straggler na naging kaibigan ni Lolo Rey?


Select one:
a. Chiwa
b. Captain Okeito 
c. Major Goodman

d. Private Goodman
Feedback

The correct answer is: Captain Okeito

Question 39
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang paksa ng kuwento?


Select one:
a. Digmaan
b. Pagkakaibigan 
c. Pamilya

d. Pagsisikap
Feedback

The correct answer is: Pagkakaibigan

Question 40
Correct
Mark 1.00 out of 1.00
Flag question

Question text

Sino ang piloto sa apat na magkakaibigan?


Select one:
a. Chiwa
b. Okeito
c. Goodman 

d. Rey
Feedback

The correct answer is: Goodman

Question 41
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang nangyari noon kay Major Goodman?


Select one:
a. Natagpuan sa kuweba
b. Tinamaan ng bala at ginamot nina Lolo Rey
c. Bumangga ang traktora

d. Pinabagsak ang kaniyang eroplano 


Feedback

The correct answer is: Pinabagsak ang kaniyang eroplano

Question 42
Correct
Mark 1.00 out of 1.00
Flag question

Question text

Bakit nasabi ni Lolo Rey na mahal ng Diyos ang tao?


Select one:
a. Dahil binigyan siya ng mga kaibigan
b. Iniligtas ng Diyos ang magkakaibigan
c. Nilalang ng Diyos ang tao na pantay-pantay

d. Nilalang ng Diyos ang tao na may isip, damdamin, kakayahan at kapakinabangan 


Feedback

The correct answer is: Nilalang ng Diyos ang tao na may isip, damdamin, kakayahan at
kapakinabangan

Question 43
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Para sa blg. 43-50

Tanglaw 

 “Anak, malalim na ang gabi. Tigilan mo na ‘yan! Baka maubos ang gas ng gasera. Wala
tayong ipampaparikit ng kalan bukas,” ang narinig ni Ariel habang siya ay gumagawa ng
takdang-aralin. “Opo, Inay. Ililigpit ko na po ang mga gamit ko at papatayin ko na rin ang
gasera.” Kahit gusto pang magsunog ng kilay ni Ariel ay sinunod niya ang ina. Hindi siya
nagtaingang-kawali dahil alam niya ang hirap ng buhay. Ang kanilang gaserang may gas ay
gawa sa bote ng isang inumin at kapirasong tela mula sa kamiseta. Ang liwanag nito ay
tanglaw ni Ariel sa kaniyang mga aralin. Bata pa lamang si Ariel ay mahilig na siyang
magbasa. Masipag siyang mag-aral sa gabi dahil may mga nakatokang gawain sa kaniya
sa pagputok pa lamang ng araw at sa dapithapon. Sa kaniyang murang edad ay sumasalok
siya ng tubig. Nangangahoy rin si Ariel. Umulan man o umaraw ay nagpapastol siya ng mga
alagang hayop. “Hay, Salamat at natapos din ako sa aking mga gawain. Sana ay mas
mapagtuonan kong mabuti ang aking pag-aaral kahit marami akong ginagawa.” Positibo
ang isip ni Ariel pero minsan ay natatanong din niya ang sarili kapag naguguluhan. “Bakit
sila ay nakapaglalaro? Ang sasaya nila! Bakit parang nakatali ako sa mga gawain ko sa
bahay at hindi ako makapaglibang?” Nagkukusa si Ariel na alisin sa isip ang ilang bagay na
nagpapakirot ng kaniyang puso. “Gusto kong makatulong sa aking pamilya. Nais ko ring
makatapos. Gusto kong maging isang mahusay na inhinyero. Bahay na matibay ang
ipagagawa ko. Gusto kong magkaroon ng ilaw na tatanglaw sa buong bahay. Gusto ko ring
makapunta sa iba’t ibang lugar gaya ng mga nababasa ko. Makakapaglaro din ako
‘pag . . .” ang naputol na pag-iisip ni Ariel sa paglalakad papunta ng paaralan. “Sakay na!”
wika ng isang kaibigang lulan ng isang kalesa na tila naaawa sa kaniya. Nahihiya man si
Ariel sa kaklase at ama nito ay sumakay rin siya upang hindi mahuli sa klase. Malaki ang
tulong ng gaserang tanglaw sa kaniyang pag-aaral tuwing gabi. Naipapasa niya ang mga
takdang-araling kailangan kinabukasan. Nakalalahok din siyang mabuti sa mga talakayan
sa lahat ng aralin. Hindi mapapansin sa klase ang kaniyang pagod sa gawain sa bahay at
sa paglalakad. “Napakahusay mo, Ariel!” ang kaniyang narinig sa guro at sa mga kaklase.
Lihim naman itong ikinatataba ng puso ni Ariel. Nasa Ikaanim na Baitang na si Ariel nang
magkakoryente sa kanilang baryo. Para siyang bulag na biglang nakakita ng liwanag!
Pagkatapos ng mahabang panahon ng tila pangangapa sa dilim ay nakaranas siyang
magsindi ng ilaw sa pamamagitan ng switch. Naranasan niyang gumawa ng homework
nang hindi magkakaroon ng agiw sa ilong mula sa usok ng gasera. Higit niyang napataas
ang kaniyang marka nang magkaroon ng koryente sa kanilang baryo. Nakamit ni Ariel ang
pinakamataas na marka sa lahat ng mag-aaral sa Ikaanim na Baitang nang matapos ang
taon. Nang umuwi siyang dala ang katibayan ay itinabi niya ito sa dating gaserang
tumatanglaw sa kaniyang pag-aaral. Alam niyang nakatulong nang malaki ang tanglaw na
ito sa kaniyang pag-abot ng mga bituin. Ang edukasyon ang magsisilbing permanenting
tanglaw ng kaniyang buhay.

Tanong: Bakit Tanglaw ang naging pamagat ng teksto?


Select one:
a. Dahil si Ariel ay nagsilbing ilaw sa kaniyang mga kamag-aral
b. Dahil sa pagsisikap ni Ariel kahit na gasera lamang ang gamit niya sa pag-aaral 
c. Dahil nagsilbing ilaw si Ariel sa kabataan

d. Dahil nagsilbing inspirasyon si Ariel sa kaniyang mga kapatid


Feedback

The correct answer is: Dahil sa pagsisikap ni Ariel kahit na gasera lamang ang gamit niya
sa pag-aaral

Question 44
Correct
Mark 1.00 out of 1.00
Flag question

Question text

Ano ang mensahe ng teksto?


Select one:
a. Hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng mga pangarap 
b. Kayang makapag-aral kahit walang kuryente
c. Magsilbing tanglaw para sa kabataan

d. Matutupad din ang mga pangarap balang araw


Feedback

The correct answer is: Hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng mga pangarap

Question 45
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang nagpapakirot sa puso ni Ariel?


Select one:
a. Wala silang kuryente
b. Nahihirapan siyang makapag-aral dahil sa gasera lamang ang gamit nila bilang ilaw
c. Hindi siya nakapaglalaro at nakapagsasaya at nakapako lamang sa gawaing bahay 

d. Nais niyang maglaro ngunit hindi niya magawa


Feedback

The correct answer is: Hindi siya nakapaglalaro at nakapagsasaya at nakapako lamang sa
gawaing bahay

Question 46
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Nang magkakoryente sa lugar nina Ariel, ano ang kinahinatnan nito?


Select one:
a. Nadalian na siyang mag-aral 
b. Nakapagtapos na siya ng pag-aaral
c. Mas tumaas ang kaniyang mga marka

d. Mas naging madali ang gawain sa bahay


Feedback

The correct answer is: Mas tumaas ang kaniyang mga marka

Question 47
Incorrect
Mark 0.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Ano ang hilig ni Ariel?


Select one:
a. Magbasa
b. Mag-aral 
c. Maglaro ng turumpo

d. Gumuhit
Feedback

The correct answer is: Magbasa

Question 48
Correct
Mark 1.00 out of 1.00
Flag question

Question text

Ano ang pangarap ni Ariel?


Select one:
a. Maging guro
b. Maging inhinyero 
c. Maging isang dalubguro

d. Maging siyentipiko
Feedback

The correct answer is: Maging inhinyero

Question 49
Correct
Mark 1.00 out of 1.00

Flag question

Question text

Pang-ilan si Ariel sa kanilang klase sa kaniyang pagtatapos ng Elementarya?


Select one:
a. Unang karangalan 
b. Unang karangalang banggit
c. Ikalawang karangalan

d. Ikalawang karangalang banggit


Feedback

The correct answer is: Unang karangalan

Question 50
Correct
Mark 1.00 out of 1.00
Flag question

Question text

Ano ang kabuoang tema/paksa ng teksto?


Select one:
a. edukasyon
b. pagsisikap 
c. tagumpay

d. kabataan
Feedback

The correct answer is: pagsisikap

You might also like