Nagising ako sa katok sa pinto ng aking kwarto kasunod na narinig ko ang sigaw ni mama “Day gising na may klase ka pa”. Agad akong bumangon at minulat ang magaganda kung mga mata at charan! napakaliwanag na ng sikat ng araw . Dali-dali akong nag ligpit ng aking kumot at unan saka lumabas para gawin ang aking mga morning rituals.Naglalakad na ako ng madaanan ko ang bahay ng aking kaibigan at kaklase na si Mariel. “Mars tara na!” sigaw ko sa kanya.Si Mariel Barros ay isa sa maituturing kong childhood bestfriend. Mula grade 2 ay magkaklase na kami, mula sa pagpasok hanggang uwian ay magkasama kami. And we treat each other na parang magkapatid.Kapag walang klase sa bahay nila ako tumatambay o di’ kaya ay siya ang nasa bahay. Malayo layo din bago kami makarating sa eskwelahan kaya napakaraming topic ang aming napag uusapan sa daan. Tuwing umaga pagdating sa classroom agad kung nililibot ang aking mga mata, looking for someone?! ang nagpapabuo ng araw ko mula grade 2.Ladies and gentlemen ang hinahangaan an ko sa klase please welcome Jv Chrice Palomo. “Aray ko po!” sigaw ko nang may biglang bumatok sa ulo ko. “Kanina pa kita kinakausap. Tumitingin ka nga hindi ka naman sumasagot kala mo kung nakakita na ng anghel” tugon niya. “Ah eh,anu ba yun?” tanong ko.”Wala!” yun nalang nasabi niya at umalis na. Eeeey! ang cute niya talaga promise” sabi ko sa isip ko.Si Jv ay kaagaw ko sa rank 2 sa aming klase. At dumating na ang araw ng graduation. Napakasaya ko dahil kabilang na naman ako sa mga honor students. Nang tawagin na ang aking pangalan “Ailyn Grace Yamit with honors” clap!clap!clap! habang ako’y paakyat ng stage habang hinihintay ko si mama naalala ko ang isang napakahalagang tao sa buhay ko, si papa. Feeling ko tutulo na ang luha ko. Hinihiling ko na sana nandito lang si papa para sila mismo ang sasabit ng medalya ko. Nakakainggit na yung ibang bata kasama ang kanilang pamilya , kompleto at masaya. Hindi tulad namin nina Mariel at Jv na may ama nga pero malayo naman. “Congrats Ailyn” bati ng isa naming guro. “Salamat po m’am” nakangiti na sagot ko. Naaalala ko nong bata pa ako,lagi kaming namamasyal ni papa nagsisimba,nanunuod ng mga parade at kung anu-anu.Lahat ng gusto ko ay binibigay niya. Kaya’t napakahirap nang napalayu si papa sa amin.Maging sa pagtulog siya ang kasama ko. Let us say daddy’s girl at spoiled ako pagdating kay papa. May times na awang-awa na si mama sakin,sabi niya isang gabi . “Day tahan na uuwi din si papa mo.”Grabe ang iyak ko inaatake ako ng hika dahil sa sobra kung emosyon sa pagkalayo ni papa.Sa mura kung edad naranasan kung makaramdam nang galit subalit natutu din naman akong magpatawad at umunawa . Nang akoý highschool na,itinuon ko nalang ang aking atensyon sa pag aaral at pagsali sa mga competisyon sa aming council. Maraming mga masasayang karanasan ang nangyari sa aking pagiging buhay estudyante kasama ang mga bago kung mga pamilya sa loob ng klase kasama doon sina Kristel at Jay Ann ang mga nakilala kung bagong bestfriend sa loob ng apat na taon . Sama-sama naming linampasan ang mga pagsubok na dumaan sa aming buhay estudyante lalo na kung may mga gawain na parang napakahirap. “Pssst! paturo naman oh”. “Sige anung number? Number 1-10 hehe”. “Ayy grabe! Oh siya sige.Kunin mo nalang sa bag ko.” “Salamat!” “ Oyy si Ma’am andiyan na!!! biglang sigaw ng isa.””SAAN???” joke lang”biro ng iba. Halos atakehin ang iba sa sobrang takot. Mga normal na scenario sa loob ng klase. Recess time naming, habang nakaupo kami sa bench ng gaden nagtanong si Jay Ann “Mga besh anung kurso niyo? Ako teacher”sagot ni Kristel. Gusto ko sanang mag engineer kaso mahina ako sa math,” tugon ko. “Hmm, ako gusto ko maging accountant”, singit ni Jay Ann. “Pwede”dagdag ni Kristel. Panu kung tatlo nalang tayo ?? Di’pwede kailangan na related sa science”.Nagtapos ako sa junior highschool na with honors pa rin. Enrollment na at grade eleven na kami. Napagdesisyonan ko na mag enrol sa ABM. Pag uwi ko sa bahay nagtanong ang kuya ko “Day nakaenroll ka na?”Oo , ABM yung kinuha ko kasi mababa yung average ko sa result ng NCAE. Anu kumuha ka ng entrance bukas sa STEM ,pwede ka pang magenroll sabi ni madam. Nang sumunod na araw, kumuha ako ng exam at unexpected nakapasa ako. Pagkatapos ay officially STEM student na ako. Naging mahirap para sa akin noong una na mag adjust. Pero ng tumagal eh? Nakasurvive din naman. Sa tuwing Card Day ay may natatanggap parin akong award and I’m very thankful kay God. Ngayon grade 12 na ako at pilit na kinakaya ang mga pagsubok bilang graduating student. Hindi na masiyadong mahirap dahil may mga taong nagpapatatag at nagpapalakas na ng aking loob. Ang mga mahal ko sa buhay. And my story ends here.