You are on page 1of 2

Erica S.

Rayos Setyembre 31, 2019


12-GAS, Argon Gng. Regina B. Rosales

Ako si Erica S. Rayos bilang matagumpay na Guro


sa Larangan ng Agham ng Pilipinas
(Replektibong Sanaysay)

“You make me feel funny when you come around yeah that’s what i
found out”, pinindot ko ang off button sa alarm clock oras na pala para
gumising at gumayak. Alas 4:30 ng umaga na nang ako’y bumangon mula
sa higaan. Mag-iinit muna ng tubig para pantimpla sa kape. Pagkatapos ko
magkape ay igagayak ko na ang gamit ng aking anak at nang matapos na
ang lahat na dapat igayak, matingkad na araw ang bubungad sa akin
paglabas ko ng pintuan ng aming bahay. Panibagong araw para pumasok sa
paaralan, suot ko ang uniporme na talaga namang maipagmamalaki.
Nakalabas na ako nang kanto agad namang may humudyat na traysikel
upang ako’y isakay.
Nandito na ako sa paaralan habang ako ay naglalakad may
nakasalubong akong mag-aaral at agad naman niya akong binati “Good
morning po ma’am” Oo ako ay isang guro Mrs. Erica R. Madrigal, 25 taong
gulang makikilala mo rin ako sa nakasabit sa aking leeg na gumegewang
habang ako’y naglalakad. Tama na muna ang pagpapakilala, agad ko rin
naman siyang binati “Good Morning” dahil alam ko ang pakiramdam ng hindi
napapansin kase naalala ko noon bumati ako sa mga guro na aking
nakasalubong pero hindi ako pinapansin pero yung iba lang naman. Tuloy
pa rin ang aking paglalakad papunta sa aming departamento ng agham
upang doon magpapalipas ng oras para sa takdang oras ng pagtuturo.
7:00 ng umaga simula na ng aking klase sa isang pangkat pagpasok
ko sa silid-aralan ay galak sa puso ang aking nararamdaman dahil ito
nanaman ang araw na ako’y magtuturo at magbibigay ng mga kaalaman. Sa
pagtuturo sinisigurado ko na kanilang maiintindihan ang bawat binubutaktak
ko sa unahan sa pamamagitan ng aking katamtamang boses na rinig
hanggang sa hulihan dahil masarap sa pakiramdam na lahat ng aking
sinasabi ay kanilang mauunawaan. Nakakatuwang isipin na ako ang nasa
unahan at sa akin ang atensyon ng mga mag-aaral. Pumasok bigla sa aking
isipan na parang praktisado na pala ako mula pa noong kabataan dahil noon
kasama ko ang aking mga kababata sa aming lugar na kung saan kami ay
nagtititser- titseran. Syempre! Ako ang titser noon, tuwang- tuwa ako sa
mga itinuturo ko sa kanila na mga napag- aralan ko sa paaralan. Bigla na
lamang akong napangiti habang nagtuturo dala sa aking isipan na ang mga
kunwa- kunwarian lamang noon ay totoo na ngayon.
Natapos ang buong maghapon na masayang pagtuturo, alas 5:00 ng
hapon oras na para umuwi. Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko kaagad ang
aking asawa na si Handrex G. Madrigal na kagagaling din lamang sa trabaho
na isang guro din at ang aming anak na may ngiti sa mga mata, siya nga
pala si Artemis Shane R. Madrigal, 8 taong gulang na siya. Alam kong
magtataka kayo sapagkat ang edad ko na dalawampu’t lima bawasan ng
walo ay labingpitong taong gulang hindi ba? Sa edad na iyan ay ang anak ko
ang aking naging pagsubok dahil sa pagdadalang tao ko sa kanya noon ay
napatigil ako sa pag-aaral. Siya ang pagsubok na hindi nagpabagsak sa akin
kundi nagpatatag sa akin upang bumangon sa pagkakadapa dahil hindi
pagsubok ang magpapasuko sa atin ito ay dapat nating gawing daan na
tatapak-tapakan lamang upang patuloy sa paghakbang patungo sa inaasam
na pangarap. Ika nga sa kanta “mga pagsubok lamang yan, wag mong itigil
ang laban.” Sa pagsubok na ito nabuo ang aking mga katangian na
magagamit sa pagiging guro ngayon. Kaya ko nang maging ikalawang ina sa
aking mga mag-aaral at ang pagiging matatag ko dahil maraming
nakaakibat na pagsubok sa isang guro na kinakailangan ng katatagan.
Alas 8:00 na ng gabi kaming pamilya ay nakahiga na at matutulog na
para sa muling bukas. Ito ako bilang guro ng Pilipinas.

You might also like