You are on page 1of 3

1st scene

“mataas sana ang marking nakuha ko” paulit ulit na di mapakaling bulong ko sa aking sarili habang
hinihintay ko ang resulta ng aking pagsusulit. Ito’y aking binuksan, at sa hindi mkapaniwalng marka na
king makita, walang kahit na isang bahid na emosyon ang makikita sa aking mukha.

2nd scene

Unang tapak sa bahay ay kita ko ang aking inang nahihirapang gumagawa ng mga gawain sa bahay. Sa
segundong iyon ay pumasok sa aking isipan ang lahat ng sakripisyong ginawa ng aking amgulang upang
ako’y mabigyan ng magandang edukasyon at opurtunidad. Doon ay unti-unting bumuhos ang naipong
pighati sa aking kalooban at nailabas ko ang aking mga kinikimkim na karamdman. Napansin ako ng
aking ina ngunit bago pa nito masimulang magtanong ay sinabi ko ang mga katagang “ ma ang baba ng
nakuha kong marka sa pagsusulit naming, ginawa ko namn lahat ng palagi kong ginagawa. Nag-aral ako
ng mabuti, naghanda ko at nagreview ng maayos upang maganda ang resultang makuha ko. Paano kung
hindi na ako ang manguna sa aming klase! Ma, ginawa ko talaga lahat. Nagreview ako, hindi ako
nagselpon, kinabisado ko lahat, tsinek ko lath ng mali, maa! Ginawa ko talaga yon, maniwala kayo sa
akin. Kung mababa ang marka ko, hindi nyo na ba ako magugustuhan? Mas pagbubutihin ko sa susunod,
kahit hindi na ako matulog. Maaa! Hhuhuhuhuhuh” patuloy na hayag ko habang hinhila ko ang aking
buok sa harap ng aking ina na hindi alam ang gagawin

3rd scene

Hininto ng aking ina ang pagsasalita ko sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko at pagtingin sa mga
mata ko habang punong puno ng pag aalala ang kanyang mga mata, at sabi niya “ hindi mahalaga kung
mababa ang nakuha mo sa pagsusulit niyo, at hindi mahalaga kung hindi na ikaw ang manguna. Isang
pagsusulit lang naman yan, marami pang susunod mas paghusayan mo na lang sa susunod. Kung hindi
ikaw ang manguna, kailanagan mong tandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang palaging
nangunguna. Hindi ka naman pinipilit n alaging nasa taas, kung hindi mon a kaya o pagod ka na, okay
lang na magpahinga. Okay lang na kalimutan mo ang mga responsibilidad mo ng isang araw upang
bigyan naman ng isang araw ang sarili mong maging masaya at malaya, at sa susunod n araw balik ka ulit
at oras na naman upang maging responsible ka. Bata ka pa anak, ang raming mga abgay na dapat mong
gawin para sa iyong sarili bukod sa pag aaral. Anak ka naming kahit anong estado nasan ka, matalino ka
man o hindi, nasa taas Kaman o nasa baba. Palagi kaming nasa tabi mong nakaantabay at sumusuporta
sa iyo. Hindi isang marka ng pagsusulit ang makakatibag ng pagmamahal at tiwala namin sa kakayahan
mo. Matalino ka kahit anong sabihin ng iba, enjoyin mo lang ang pag-aaral, hindi mahalaga kung nasa
taas ka o hindi, basta gawin mo ang makakaya at gusto mo at mararating mo ng tuluyan ang ninanais mo
sa huli.

4th scene

“ hah uh hah uh hah” hingal na hingal na napaupo si deppo sa kanyang kama matapos makaranas ng
hindi magandang panaginip. Tumingin sa deppo sa salamin, kitang kita ang itsura nitong sobrang pagod,
Malaki ang eyeabags, gulo ang buhok, at puno ng pawis ang mukha. Pagngiwi ang iginawad nito ng
makita ang kanyang kalagayan sa salamin, hinapo nito ang buhok at pinunusan ang pawis at sabay sabi
sa sarili ang mg akatagang “ maganda ka deppo, gusto ka ng lahat, walang makakatalo sa iyo, ikaw pa rin
ang pinakagusto ng lahat dail maganda ang ugali mo. Kailangan mo lang ulit gawin yung ginawa mo
kahapon, ngumiti ng malapad at magsabi ng mga jokes. Iiwan ka nila kapag hindi mo iyon ginawa kaya
dpat maging perpekto ka deppo. Hooohhh, balik na naman tayo sa masayahing deppo, tama na ang
drama” patuloy na saad nito sa harap na salaman habang pinipilit ang mukhang ngumiti habang ang luha
nito’y patuloy ang pagtulo kahit ilang beses niyang punasan.

5th scene

Pagpasok ni xy sa opisina ng kanilang counselor ay nginitian niya ito at tinawagang umupo sa upuan
kaharap nito. Doon umupo si xy at naghayag ng kaniyang saloobin at obserbasyon tungkol kay deppo sa
kanilang counselor “

You might also like