You are on page 1of 235

P r o l o u g e

"Nia! Yung salawal mo nakakalat sa pintuan, Tanggalin mo nga yon!"

Ang Ina ko nanaman, dada ng dada, tinatawag ako sa baba kasi hindi ko pa tapos yung
laban yung you know ko na sinampay ko lang sa harapan ng screendoor para matuyo.
Pasensyahan nalang dahil lahat ata ng ginagawa ko minamadali ko dahil mawawalan na
ako ng oras, kailangan ko pang kumpletuhin ang aking ginagawang obra maestra -
hindi pa 'to perpekto, kulang kulang pa sa drama. Kailangan kong i-focus ang pag-
iisip ko dito, kungdi mapapahiya lang ako bukas sa school. First day pa naman
bukas, palagay ko sa first day ng class namin bukas sa pagiging 4th Year HS may
"introduce yourselves." Kaya ito ako, gumagawa ako ng aking SPEECH. Isang one time
speech. Para saakin speech ang tawag dito kahit mukhang kakaiba at magka-tunog ang
lahat.

"Bespren? Ano ba yang ginagawa mo? Legend...of the..."

"ANAK NG--!!" Tinago ko agad yung papel na pinagsusulatan ko dahil may taong
sumingit, nangangambang manganib, kailangang wala munang makakita bago ito matapos.
Ano bang ginagawa ni Ian dito? Suppose to be nag-iisa lang ako dito sa kwarto na
'to at ako lang dapat ang mag-isa dito. "Hoy! Kung nililigawan mo ako, ASA KA PA."
galit ko sakanya.

"Putek, ikaw liligawan ko? Isang damukal ko ng sinasabi sayo na hindi kita
nililigawan? Alam mo naman kung sino ang labs ko diba?" Malay ko ba kung sino ang
labs niya. Ang pagkakaalam ko sa tagal naming magkasama nitong lalake na 'to AKO
lang ang babaeng naging kaibigan niya - ay meron pala, pero nasa ibang bansa na
siya at hindi dito nakatira matagal na. Wala rin naman siyang mga
pinagpapantasyahan.

Langya, bakit ko ba iniisip yun? BACK TO WORK!

"Paano ka ba nakapasok dito aber? Umakyet ka ba sa bintana ko?" Tinutok ko yung


ballpen sa ilong niya. "Nakawala ka nanaman sa kural! Sabi ko wag mo muna akong
istorbohin eh."

"Tumpak, paano mo nalaman? Para ba akong si Romeo? Pwedeng pwede na ba ako


sakanya?"

"Tsss. Pwede ka ng maging akyet bahay kamo." Bumalik na ako sa study table ko,
tinuloy ang pagtatapos sa aking obra. Hindi talaga ako tinitigilan nitong lalake na
'to, grabe ang pang-usisang ginagawa niya. Tumabi pa saakin at sinubukang umipit sa
balikat ko para makita niya yung sinusulat ko. "Bespren naman wag mo ngang gawin
yun nakikiliti ako!"

"So, ano bang ginagawa mo diyan ah? Excited ka na ba sa school tom? Bukas na yon!
Ako excited, ikaw?"

"MUWAHAHAHAHA." >:] Tumayo ako at nag-unat ng mabuti. Buti nga sa asang manliligaw
kong 'to, nadapa sa likod ko. Naamoy ko na ang tamis ng aking tagumpay, palapit na
ng palapit, halos nandiyan na, malapit ko ng mahawakan, maamoy, makita at ....
MATIKMAN.

"Tataob kayo sa aking entrada, malalaglag ang panga niyo saaking pagpasok.
Determado na akong makita siya, determenado na akong harapin siya. Ito na tayo Ian,
tumungtong na tayo sa pinaka-huling level ng pagiging high school natin, malakas
ang pakiramdam kong magiging kaklase ko siya ngayong taon. Nakikita ko ang ilaw,
alam kong nandoon lang siya - nahanap ko na SIYA."
Nanlaki ang ilong ni Ian sa gulat. "W-Wag m-mong sabihin na --- ?" Tumingin ako kay
Ian na nangingisay na sa pagkagimbal.

"It's time to meet him. For my grand entrance, I'll recite ... THE LEGEND OF THE
BLUE COOKIE!" Hinugot ko ang papel na pinagsusulatan ko, tinaas sa ere at dinama
ang pagka-panalo.

"Ni-Nia, paano kung may maling mangyari? Paan kung hindi niya yan pinansin? O kaya
hindi niya ikatuwa yang ginawa mo para sakanya? Eh paano nalang kung AYAW KA
NIYA!?"

"Malawak ang pag-asa kong magiging tama ang lahat, walang mangyayaring masama sa
paghahanap ko sakanya, kung may mali mang mangyari, wala na akong magagawa kungdi
ang maniwalang magiging okey ang lahat. Kung wala parin hanggang lumipas ang araw,
siguro ako na mismo ang gagawa ng paraan kung paano mahuhulong ang Principe'ng yon
sa kamay ko!"

Magtatagumpay kaya akong hanapin ang aking tanging minamahal? Wala ng tanong
tanong, hindi ko na dapat isipin dahil nakikita ko na ang aming magandang bukas.
Blue Cookie, I'll be waiting for you! ^-^

Episode #1
~ remember the first day

♪♪♪ sun is up, i've got so many things to do...


but it's alright (it's ok) i have to taste it
it's gonna be a good day (be a good day) ♪♪♪

chorus:

♪♪♪ wake up (wake up) it's a beautiful morning...


get up (get up) cheer the sunshine near ya...
wake up (wake up) it's just beautiful...
one good day coming up!!!!!!!! ♪♪♪

SOSYAL DIBA? Meron pa akong theme song para sa araw na 'to, kababangon ko palang sa
bed ko eh rinig na rinig ko na agad yung Sunshine song ni Bamboo. Pero take note,
hindi ako nagkakape! Kasi sumasakit yung tiyan ko pag umiinom ako ng kape, parang
nagkakaron ng mga bulate tapos na-iinvade yung tiyan ko...

Anyways! Tuloy parin ang kanta ni Bamboo, feeling ko nag-iisa lang ako sa mundo at
lumalangoy sa kanta niya. Feel ko ang kanta niya, parang nagbibigay kasi ng positve
effect saakin.

"Hoy Nia! Yung baon mo dito kunin mo! At wala ka bang balak kumain ng almusal? Baka
mahilo ka pa niyan, mainit sa labas at hindi ka pa haahtid ng tatay mo sa school,
mag-di-dyip ka lang....huy. Huy... HUY!"

Parang may ungaw akong naririnig, lumingon ako sa likod ko...si Mama pala, nakaupo
sa dining chair, nakasalamin at may hawak hawak na dyaryo, mukhang kakagising lang
niya at nagkakape.

Ngumiti ako kay Mama dahil mukha siyang pipi na nag-sasalita sa harapan ko. Grabe,
nakakatawa. ;X

"Hoy! Ho--hoy! HOY!!"

"BYE MA! WISH ME GOOD LUCK! ILY ALWAYS! YEEE~!" :D at lumayas na ako.
Dito pala ako nakatira sa 70 Baco St. Sta Mesa Quezon City. Nakatira ako sa isang
bahay na divided into 3, isa sa una, kung saan nakatira ang aking pinsan na si
Gale. Kasama ang kanyang kuya at ang kanyang natitirang daddy. Wala si Gale dito sa
Pinas, nasa Canada siya at nag-migrate na kasama ang kanyang kuya Mike. Kaya si
Tito Lucas nalang ang nakatira sa sa pang-unang pinto. Ang gitna naman, isang empty
door. Which means, pinapaupahan namin yung pang-gitnang pinto sa eksaktong halaga
ng isang apartment. At ang pangtlo naman, ayon ang mundo ko. :]

Sa pangatlong pintuan ako nakatira kasama ang mama ko. Kaming nalang ang nandito sa
mundo. May pagka-exage, alam ko. Pero ayan ang pag-describe tungkol sa bagay na
'to. Si Papa, iniwan na kami. Iniwan, as in nag-divorse. Iniwan kaming dalawa
kasama ang kambal ko. Sabi daw ni mama, may kambal daw ako. OO. KAMBAL. Ako nga
mismo nagulat doon. Ayon sumama daw yung 'kambal' ko kay Papa, at sa ngayon, hindi
na namin alam kung nasan na sila.

Okey naman kami ni Mama mag-kasama sa bahay, nabubuhay naman kami kahit papano, may
trabaho siya sa call center, ako naman kasalukuyang papasok na sa 4th year
highschool, isang tao nalang pala, graduate na ako. ;]

50/50 ako sa buhay ko, wala namang labis, merong kulang. Hmmm. Basta yung kulang na
yon, malalaman niyo din!

"Ito po bayad! PARA!" sa dami ng iniisip ko nakalimutan ko na palang nandito na ako


saaking school. =X Yey! It's so refresing! Dahil finally!! Nandito na rin ako sa
'The School We Love!' wala na iba kungdi ang....

"SAINT!"

"MARY'S!"

"COLLEGE!"

"QUEZON!"

"CI--" :o

"BEEEEEESSSSPREEEEEENNN!!!" XD *sabay hug*

"Anak ng butete IAN! Ano ka ba! Wag mo nga akong yakapin, ang aga aga eh!"

Bute-te talagang tong Ian na 'to. Grrr. Nga pala, si Ian Gonzales, ang pag-
pronounce ko sa name niya ay: AH-YAN. Parang...AYAN! Hindi E-YAN. Siya ang aking
kababata, bestpren for life daw kami. Syempre, hindi naman mawawala saatin ang
tipong kaibigan na ginto, ang mga kababata natin! Mahal ko nga 'tong si Ian eh,
uber sa close kasi kami. Tsaka feeling ko, kapatid ko talaga siya, hindi boypren
ah! ASA. XD

"Na-miss kita bespren, parang kelan lang hindi tayo nagkita...." ::)

Ayan nanaman, hinawakan na naman niya yung kamay ko sabay sandal saaking shoulders.
"Ano ba you!? Baka pagkamalan tayong mag-juwa! Nakaka-shy!" ::)

"Kilig ka naman diyan." ^-^

Tumawa nalang kaming dalawa sabay punta sa may quadrangle. WHOA! Ang daming tao as
in! Punong puno ng mga estudyante, habang kami ni Ian eh napanganga nalang sa dami,
kaya nagmadali na kaming pumunta sa isang malapit na billboard para makita at
malaman kung anong mga sections namin! WEEEEEEEE!!~~
Nia Garcia...Nia Gracia...Nia Garcia...Nia Garcia....Nasan na yung pangalan ko!?
Bakit hindi ko mahanap? "TABI NGA!" Ginamit ko na ang buong kapangyarihan ko para
mataboy silang lahat at para lang makita ang pangalan kong--

"Shiet..."

Napatingin ako kay Ian. "Ha? Ano yon? Bakit? Why? What? Where? When?"

"Nia..hindi tayo magkakaklase..."

"WHAT?!" Hinugot ko agad yung papel na hawak niya nagmadaling tinignan ang listahan
ng mga magkakaklase sa 4-Matiyaga.

At....WALA YUNG PANGALAN KO. NOOOO!! Mapapalayo na ba ako sa bespren for life ko
this year? Mapapalayo? Hindi ko yun kaya...

"IAAAAAANNN!!" :'(

"NIAAAAAAAA!!" :'(

***********************

♪♪♪ Bayang magiliw


Perlas ng silanganan....♪♪♪

Flag ceremony...nakapila na kami dito sa linya...nandito ako sa pinakahuli ng pila


ng 4-Mapagmalasakit. Hindi naman ako mapagmalasakit sa kapwa ko pero bakit ako
naririto!?

♪♪♪ Alab ng puso sa dibdib mo'y buhay


Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting....♪♪♪

Tinitignan ko pa lang yung mga kaklase ko...alam kong mga hindi ko 'to lahat
close....

♪♪♪ Sa manlulupig, di ka pasisiil


Sa dagat at bundok na simoy
At sa langit mong bughaw....♪♪♪

Wala akong kaibigan dito. Mukhang malalandi pa ang lahat...tapos yung mga lalake
mukhang mga manyak. Lalo na 'tong katabi ko...YUCK! :[

♪♪♪ May dilag ng watawat mo'y


Tagumpay na nagnininging ....♪♪♪

Sino ba kasing nag-isip ng mga section na 'to at bakit dito ako nilagay?

♪♪♪ Ang bituin at araw niyan


Kailan pa ma'y di magdidilim
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta ....♪♪♪

Tinatanaw ko si Ian doon sa kabilang linya ng 4-Matiyaga. Nakita kong nakasimangot


siya saakin....infairness, bakit umuulan ng gwapo at mga mababait sa section
niya...? :[

♪♪♪ Buhay ay langit sa piling mo


Aming ligaya nang pag may mang-aapi ....♪♪♪
Paano ko ba siya mahahanap dito? Mukhang malabo, wala siya dito... hindi ko siya
mahahanap dito! Nakakahiya...mukhang hindi ko matutuloy ang talumpati tungkol sa
sarili ko! :[

♪♪♪Ang mamatay ng dahil sa iyo!♪♪♪

"MAMATAY NA AKO!!" TT____TT

"Uhm...miss, okey ka lang ba? Tapos na yung national anthem, ibaba mo na yung kamay
mo...panatang makabayan na."

OHGAWSH. Nakakahiya naman! Nakakahiya! Nia! Ang ta--

HOLIII. Who's this? Ang...ang ang....CUTIEEEE NIYA! ♥___♥v

Episode #2
~ when she met her Prince
(CLICK THIS FOR THE CHAPTER POSTER)

Nawala ako sa sarili, napatulala, at parang masusuka na sa event na 'to. Mixed


Feelings kung baga. "Okey class! 4th Year Mapagmalasakit, let's go up to our
classroom!" Nawawala na yung mga tao sa quadrangle, isa isang nawawala, ang section
pa naman ang huling aakyet. Kahit pinapaakyet na kami ng teacher ko...hindi ko
parin siya pinapansin, paano naman? Sino pa ba ang papansinin ko? ♥___♥

"Miss kung nahihilo ka, dadalhin kita sa clinic kung gusto mo?"

Yeeee. Kinausap pa niya ako. BONNGA! =X

"Uhm...ah...uhhm...a..anong...anong na...na...na.."

"Huh?"

"Name mo.....?" Buti nalang hindi pa ako kumakain. Saka-sakaling masusuka pa ako
dito nakakahiya sa pogi na 'to! Muwahahaha! ♥___♥

Ay...bakit naman ganon? Hindi ako sinagot? Umalis ba naman sa harapan ko at nag-
walkout? SUPLADO? "Wait lang! Teka! Wait classmate!" tumakbo ako para habulin siya.
"Sinabi ko bang umalis ka? Diba hindi? Tinatanong kita eh! Sagutin mo ako." ::)

"Bakit? Sino ka ba?"

"Syempre, this year, magkaklase na tayo, so kailangan kang magpakilala saakin.


Pronto! =P Kasi alam mo naman, mahirap pag mag-kaklase tayo tapos hindi kita
kilala.Mamaya eh, totoy yung maipangalan ko sayo. Bago ka ba dito? Kasi hindi kita
nakita last year, transfer ka ba dito o bago ka la---"

"PRINCE." *sabay walk-out*

ANO!? PRINCE!? Siya na ba yon? Oo! Siya na yata yon! "TEKA LAAAANGGG!" tinakbo ko
na ang makakaya ko para mahuli ko ulit siya, hinawakan ko pa talaga yung blouse
niya. "Ikaw yon? Ikaw? Ikaw si....PRINCE CHARMING?" ::)

Grabe siya makatingin saakin infairness parang kakagatin na ako! Pero okey lang, at
least tumititig siya saakin ng ganon, parang matutunaw na ako dito, parang kisses!
Melting mode. =X Maybe siya na talaga...maybe he's my BLUE COOKIE! ♥___♥

"Prince pangalan ko hindi PRINCE CHARMING, bingi."

Ayieeee!!! HE'S DEFINITELY MY PRINCE CHARMING BLUE COOKIE FROM NOW ON!

***********************

I'm excited! Hawak hawak ko na ang guide to my blue cookie speech. He's here!
Kaklase ko. Tama lang pala ang section ko, thank GOD!

After some minute, pagkatapos mag-take ng attendance, tumayo na si Sir Torres, ang
aming pinakabagong adviser for this year na last year Chemistry teacher ko. Ang
payat niya parin! Haha! Wala na akong pakeelam sakanya ngayon, kinakabahan
ako...nakikita ko si Prince sa gilid ko mga 3 seats away. ♥___♥

Kinakabahan ako, lalo na sa mga tao dito sa paligid ko, hindi ko sila
close...natatakot ako....

Makakaya ko kaya 'to?

Tumayo na si Sir Torres...so siguro...introduce yourselves na, YAHOOO! :D

"Okey class, let's discuss our new rules for this new school year."

It's over. =__=; Does this mean wala ng presentation in front of the class? Hindi
pwede 'to...nandyan si Prince...kailangan maparamdam ko sakanya na noon ko pa siya
hinahanap...papalagpasin ko pa ba 'ito?

"SIR. I'M RUNNING FOR THE CLASS PRESIDENT!" Tanga. =X

"Class president? Hindi pa natin i-di-discuss yung class officers natin, Ms.
Garcia, please sit down."

"Ha-huh? Uhm, sir, wala ba tayong welcome presentation sa class? Introduce


yourselves?"

"Introduce yourselves? Ano ka kindergarten?" ;D

Tumawa na silang lahat, pinagtawanan nila ako. =[ Nilakasan ko nalang ang loob ko
at pumunta na ako sa harapan. AJA-AJA FIGHTING!

"Ms. Garcia, ano bang ginagawa mo?" bulong ni sir.

"Sandali lang 'to sir promise...." Yeee. Si Prince tinititigan na ako...mas lalong
nanginig yung tuhod ko. Huminga ako ng malalim at napatingin sa pintuan.
Nakita ko si Ian. Anong ginagawa niya dito? Titignan ba niya ako? Ngumiti saakin si
Ian then nag-lip sync siya saakin na "Go Nia!" Haha, bespren talaga. ;]

"Hi guys, I'm Nia Garcia, 16 years old. Siguro hindi niyo naman ako kilala dahil
most of you, hindi ko naging classmate for the past 3 years of Highschool dito sa
Meris. May pangarap akong gusto kung matupad. At siguro bago mag-simula ang year na
ito, malaman niya kung gaano ko siya kamahal at gaano ako ka-sincere sakanya. I'm a
lonely girl, simula nung nabuhay ako, hanggang crush lang ang limitation ko pag
dating sa pag-ibig, hindi ko alam kung paano umibig, hindi ko alam kung ano ang
mararamdaman ng isang babaeng nagmamahal. Masaya ba? Malungkot ba? Punong puno ba
ng kulay...? Hanggang hindi ko na kaya, pinangako ko sa sarili ko na bago ako
mawala sa mundo, matututo ako kung paano umibig."

Hinugot ko yung papel, tumingin sakanilang lahat at binasa ang ginawa ko kahapon.

"This is dedicated to him, sana magustuhan mo." :)

Sana maski isa man dito sa loob ng classroom ng 4-Mapagmalasakit, may maka-
appreciate nitong maliit na handog ko.

The Legend of the Blue Cookie

If there's one face I want to see,


so handsome, so true,
one smile that makes a difference,
to everything I do.

If there's one touch I long to feel,


one voice I long to hear,
whenever I am pleased,
or just needing someone near.

If there's one joy, one love,


from which I never want to part,
it's you, my very special love,
my world, my life, my heart.

If there's one thing you want say to me,


I'll hear it, even if I'm still a rookie,
be in love with you is all I need,
my legendary Blue Cookie.

Oh. Yes. Nasabi ko na rin sakanya yung na-fe-feel ko. :D I know this is very
awkard, sana maintindihan nila na masyado na akong desperadong magmahal, this way,
sa pagiging writer ko, maiipahiwatig ko lang ang nararamdaman ko sa taong mamahalin
ko....at nahanap ko na siya.

Wala ng iba kungdi si....

PRINCE. ;] Nararamdaman ko na mukhang siya yung magmamahal saakin, siya ang taong
magpapakilala saakin kung ano talaga ang L.O.V.E. Masyado akong inocente tungkol
dito.

"MUWAHAHAHAHAHA!!! HAHAHAHAHAHA!!!! AHAHAHAHAHAHHAA!!" ;D ;D :D ;D

Sa masamang palad, nagtawanan silang lahat, na-cornyhan sa speech ko. Hindi nila
alam na importante 'to saakin. :[

"PUWAHAHAHAHAHAH!! HAHAHAHAHAHA!!!! AHAHAHAHAHAHHAA!!" ;D ;D :D ;D


Feeling ko iiyak na ako, pati si sir naiiyak na sa kakatawa. :[ Sige, batuhin niyo
na ako ng kamatis...

"BRAVO, BRAVO." *clap clap clap*

Tumigil lahat sila sa kakatawa, si-sino 'to? Bigla nalang akong pinalakpakan?

"Hahaha..a-ano ka ba Russell, anong Bravo doon?" sabi nung katabi niya. "Tignan mo
naman 'tong babae na 'to, napaka-desperada!" ;D

Hindi nalang ako papasok bukas...nung tinignan ko Prince sa table niya, WALA SIYA
DOON. Ibig sabihin ba umalis siya nung binabasa ko 'to? :[ Back out na siguro ako,
na-cornyhan naman sila eh. :[ "So-sorry guys...uhm. Hindi naman totoo yon! Uhhmm..
aah...sinabi ko lang yon para matuwa kayo, first day naman eh, we need to be happy
in love! HAHAHA!"

"Mr. Russell Sanchez, please sit down, you too Ms. Garcia, back to your sit.
Presentation is over." ;D

Absent nalang ako bukas muna....

"Nia, you have guts, I adore you." :]

ANO KAMO!? :o

Episode #3
~ hello cookie love! <3~
(CLICK THIS FOR THE CHAPTER BANNER)

"Bessy, lumabas ka na diyan, ma-la-late na tayo, 7:00 am na, baka ma-traffic pa


tayo diyan sa Espaňya, alam mo naman doon traffic lagi pag mag-se-seven na
eh...lumabas ka na diyan."

Drama time: Nandito ako sa loob ng kwarto ko, hindi pa nakabihis for school,
nakahiga sa higaan, nakatalukbong sa loob ng kumot, ayaw pang bumangon! Ayaw pang
magising sa umagang 'to kahit gising na!

"ARAY KO PO!" :'( In case, nanaginip lang ako kahapon, making sure na nightmare
lang yung nangyari saakin nung first day.

"NIAAAAAAAAAAAAA!!"

ANAK NG--! To the rescue naman 'tong si bespren, paano niya nabuksan yung naka-lock
na pintuan kong yon? Double lock pa naman eh. ;D Grabe, hilarious yung mukha niya
nung pumasok siya dito, parang namatay na ako or something eh!

"Anong nangyari sayo?"

Back to emote moments. Umupo siya sa tabi ng higaan ko, habang ako ay nakahiga
parin.

"Bespren...ayoko ng pumasok..pakisabi nalang kay Sir Torres na..na....namatay na


ako, may SARS ako! At lupasay na ako, hindi makalakad!"

Hinawakan ako ni Ian sa balikat at tinitigan ng mabuti. Ano ba yan, mukha naman
kaming maghahalikan. @___@ "Ano pa ang gamit ng isang bespren kung nandito ako?
Napa-believe mo ako sa ginawa mo kahapon, kitang kita kita na nag-shi-shine habang
ginagawa mo yung speech mo. Tandaan mo. Ako si Ian. Ian na nandito lagi sa tabi mo,
Ian na laging nandito para sumuporta sayo, Ian na mag-po-protect sayo!"

"BALIW!" kinuha ko agad yung pillow sa gilid ko at hinampas ko siya sa pagmumukha


niya. XD "BASTA! Absent ako ngayon, kaya ikaw nalang ang pumasok." :P

Kinumutan ko ulit yung sarili ko. "HINDI PWEDENG WALA KA SA SCHOOL! C'MON LET'S
GOOO!"

"IAAAAAAAAAAAANNN!!" Butete'ng lalake, hinatak ba naman ako para makabangon sa


higaan ko? Ugh, no choice na ata ako eh.

***********************

Wala kaming flag ceremony ngayon, buti nalang. Tuwing Mon. Wed. and Friday lang ang
scheadule namin. Hindi kami na-traffic nor na-late. Mali kasi yung orasan ni Ian,
masyadong advance, kaya may 5 minutes pa kami before the bell.

"Pumasok ka na."

"Hmf! Ayoko. Ay...Ian...tignan mo yon oh! NAKAHUBO! ANG SEXY!"

"SAAN!?"

Pagkakataon ko ng tumakas! TAKB--!

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!" Uh...ow..tatakbo na sana ako pabalik, kaso may humarang sa


harapan ko, ayan tuloy, nadapa ako, napa-upo sa sahig habang tintignan siyang
nakatayo sa harapan ko. Embarrassing moment.

Good morning Nia, here's your PRINCE. ♥___♥

"Jusme! Nia! Okey ka lang ba?!" Tumakbo na naman si Ian papunta saakin, at
tinulungan akong makatayo. Nakakahiya, nandito parin si Prince, nakatingin lang
saamin.

"Sa susunod nga tignan mo yung dinadaanan mo, nakaharang ka sa daan."

At umalis na siya. =X

"Kupal yun ah, sino ba yon? Di mo naman kasalanan, tapos tignan mo naman makasalita
sayo." mukhang na-badtrip pa Ian sakanya.

Gawd. Ang gwapo talaga ni Prince...umaakyet na naman ako sa clouds...CLOUD 9


talaga. ::) "Easy ka lang bespren. Siya na yon...nais kong makilala mo. Ang aking
BLUE COOKIE." tinanaw ko si Prince habang naglalakad palayo. Yeeee. Grabe, pogi
niya talaga.

"Siya na ba yon? Sa tingin mo ba worth it yung lalake na yon para maging blue
cookie mo? Tsss. Bad trip, isang tingin ko palang sa lalake na yon eh ang sarap ng
suntukin. Sige, pupunta na ako sa classroom ko baka ma-late pa ako, malapit ng mag-
bell, hintay nalang kita mamayang uwian."

Mukhang meron yata yung mga lalakeng 'yon para maging hot tempered ngayon araw na
'to. ;D

***********************

*KRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIINGG~!* Nag-bell na rin sa wakas.


"Nandito na rin yung desperada...hahaha."

"Kaya nga eh..ano ba yan, parang nasira agad ang araw ko..."

"Wag niyo nalang pansinin, yan na naman kayo oh, desperada na nga eh, mamaya umiyak
pa yon."

Tatlong babae, pinag-tsi-tsismisan nila ako nung pumasok na ako sa loob ng


classroom. :-[ Halos completo na ang tao. Nakita ko din si Prince, nakaupo sa
pinakadulo, nag-iisa at nakikinig ng MP3 or iPod niya, habang nakatingin sa labas
ng bintana. Bakit ba ganito siya ka-lonely? Wala ba siyang kaibigan para maging
mag-isa? Ayiiiee. Hindi ko talaga mapigilan at ngumit, grabe kasi, nakaka-in love
siya. ♥___♥

Umupo na ako sa upuan sa pinakaharap, sa may gilid. Napaka-lonely ko talaga, dahil


walang tumatabi saakin. Hmf, sige na nga, accept ko naman na magiging loner ako for
the whole year sa loob ng classroom na 'to. :[

After an hour, nag-umpisa na rin ang klase, wala naman kaming ginawa sa mga
subjects namin, kasi puro introductions lang naman yung mga di-niscuss namin.
Recess time, iniintay ko si Ian sa labas, pero hindi dumating. Nakakainis yun ah,
sabi niya sasabay daw siya saakin mag-lunch?! Until mag-lunch na, lonely girl parin
ako. :[

Lahat ng mga kaklase ko masaya, lahat sila nag-eenjoy sa mga friends nila, lahat
sila may kinakausap at may taong mapapag-kwentuhan. Ako wala. Siguro natakot lang
silang lahat saakin. Takot silang makipagkaibigan saakin kaya ganon.

Ayoko na munang mag-lunch, dito nalang ako sa loob ng classroom, at magpapaka-


gutom. Wala namang pumapansin saakin, ang boring ng buhay ko dito sa loob ng
Mapagmalasakit. Kaya naisip ko nalang magsulat.

Nilabas ko yung diary ko. Ang diary ko ang ultimate na friendships ko oras na
lonely ako or oras na sad ako, mas magandang magsulat din kung masaya ako. But
mostly, pag nag-iisa ako at may dinadamdam tungkol sa isang bagay, dito ko
sinusulat lahat.

"Hello Cookie Love! How are you?" ::) Ang cute ng name ng diary ko noh?

This diary is not that ordinary. Dahil hindi ko sinusulat dito ang actual na
nangyayari saakin in a day or so, sinusulat ko dito ang mga dreams ko. Syempre, ang
mga dreams ko kay Blue Cookie ko. :]

Ako lang ang nakakahawak ng diary kong ito, ni si bestfriend Ian, hindi niya alam
ang tungkol dito. Yee. Magsusulat na nga ako. ::)

June 3, 2007
Dear Hello Cookie Love, <3~

Ayaw ko pang pumasok kaninang umaga dahil baka pagkaguluhan ako sa school, lalo na
baka pagkaguluhan ako ni Prince. Yung speech ko kahapon, yun na ata yung pinaka-
bonggang speech na nagawa ko sa buhay ko.

Nag-applause silang lahat saakin, natuwa sa tapang kong mag-recite in front of the
whole class. Naging okey naman ang 2nd day morning ko dito at na-meet ko na rin
yung mga bagong friends ko dito sa Mapagmalasakit, mababait naman silang lahat.

Nginitian ako ni Prince kaninang umaga, naka-bunggo ko nga siya actually, siya pa
talaga ang nag-sorry saakin, siya din ang tumulong saakin para tumayo ako sa
pagkalaglag ko. Sabi niya saakin, dadalhin daw niya ako sa clinic kung gusto ko.

2nd day palang 'to kitang kita ko na sweet na siya saakin! >___< Sana bukas din!
Ano na naman kayang mangyayari? Excited na naman ako!

xoxo,
Nia. ♥♥

Ganyan ako magsulat ng diary. Ang opposite na gusto kong mangyari, sinusulat ko.
Hindi naman masama mangarap diba? ;D

"Na-copy mo ba yung notes sa board about sa requirements natin sa Physics?"

:o OMG! KEEP THIS DIARY A SECRET! Napatingin ako sa taong lumapit saakin. Epp. =X
Eto ba yung pumalakpak saakin kahapon?

Nginitian ko siya habang dahan dahan kong tinatago yung Hello Cookie Love ko. "Uhm,
HUH? Anong sa-sabi mo?"

"Sabi ko, nakopya mo ba yung notes of requirements natin kanina sa Physics? Kasi
hindi ko na-copy kanina eh, late na akong dumating."

Umupo siya sa tabi ko at nginitian pa ako. "Ah...OO. "

"That's great, can I copy it?"

"Uhm, hindi ka ba natatakot saakin?"

"Bakit naman ako matatakot sayo?"

"Sigurado ka? Mukha ba akong mumu para sayo?" curious ako, bakit niya kinakausap
yung loner ng 4-Mapagmalasakit kasi?

"You're funny Nia. I'm Russell Sanchez by the way, nice to meet you. Nakita na kita
last year, pero ngayon lang kita nakilala."

Ngiti siya ng ngiti saakin, ang weird. ??? Kala ko pa naman loner na ako dito ng
dumating 'tong Russel Crow kong kaklase. Pinahiram ko na yung notes ko sakanya at
kinopya na nga yon.

"Thanks, ang ganda ng handwriting mo pala. Sige, tuloy mo na yung pagsulat mo sa


diary mo."

HALA! PAANO NIYA NALAMAN!? :o

***********************

Aisssh. Hindi ko na nga dadalhin yung diary ko! GRR! Baka nakita na ni Russell yung
mga pinagsusulat ko. =X Uwian na pala...naglalakad na ako paalis sa gate ng school.

"Bespren!"

Nga pala, nakalimutan ko, si Ian pala. "Hoy, bakit hindi mo ako inintay nung recess
ha!?"

"Sorry Nia, kasi may urgent call akong natanggap directly from my cell. Alam mo
ba!"

"Hindi ko alam."
"Si GALE! Uuwi na ng Pinas!"

"WHAT THE HELL!? Talaga!? Bakit ganon? Ako yung pinsan niya tapos hindi niya sinabi
saakin na uuwi na sila ni Kuya Mike. Yehey! Tara na nga bespren, uwi na tayo,
marami pa tayong preparations na gagawin." ;D

Uuwi na yung pinaka-close kong insan, nakaka-excite! As in, one thing for sure, at
excited na excite na 'tong si Ian sa pag-uwi niya rin. Baka magpa-make over pa nga
'to, magpa-spa or whatsoever. XD

Nandito kami ni Ian sa may hintayan ng dyip, at syempre, nag-hihintay ng dyip,


tagal ng dyip anak ng pating! Ang baho baho dito punong puno pa ng polusyon.
Polusyon ng hangin at mga tao. Hay, siguro gusto ko munang pumunta sa SM para
magpalamig at bumili na rin ng mga gifts para sa mga balikbayan.

"Bespren! Alam mo, may naisip ako, what about, bumili tayo ng welcome gift para
kayla Gale at Kuya Mike? Alam kong--" :o :-X

Pag lingon ko kay Ian, nakita ko si Russell, papunta din dito sa kakatayuan ko,
kasama si...PRINCE! :o

So hindi pala talaga loner si Prince? Ako lang pala? Kaibigan niya pala si Russell?

"Ian! Let's go there! Let's go to SM, NOW!!"

"Hey Nia!" :]

Uh..owww. Masasama ba ang event na 'to sa Hello Cookie Love ko?! x___x

Episode #4
~ palambutin ang puso niya! ♥♥

Destination: SM. Escorts: The 3 Musketeers. Ian, Russell & Prince.

Wala naman akong alam na pupunta din pala sila sa SM North Edsa, sumabay na rin
sila sa dyip na sinasakyan namin, kaya ito ako, katabi ko si Ian, si Russell nasa
harapan ko, si Prince nasa gilid. Feeling ko mag-co-collapse ako dito sa lalong
madaling panahon.

ANG GWAPO NI PRINCE KAPAG SUMASAKAY NG DYIP! o___o

"Anong tinitingin tingin mo diyan?"

"H-Huh!? Wala, si...si Russell yung tintignan ko! HAHAHA!" Halata ba ako? @__@v

"Bakit? Anong meron saakin?" :) Mr. Smiley, ang taong mahilig ngumiti saakin, di
yata 'to marunong sumimangot.

"W-Wala! May nakita lang ako sa labas." naman oh, parang nauutal ako. Tumingin
nalang ako kay Ian, thank God, nawala yung kaba ko. "Ian...ayoko ng pumuntang SM,
baba na tayo, ayoko na dito." bulong ko sakanya.

"Sayang yung pamasahe, punta parin tayo, kailagan kong bumili ng regalo kay Gale."

Geh na nga, for the sake of that gifts, sasama na ako sa SM. :'[

***********************
Wala yata kaming balak maghiwalay ni Ian, baka pagkamalan kami ng dalawang 'to na
mag-on, mahirap na, basta, ayokong makipag-usap sakanila, over sa hiya pa ako, wala
na akong mukhang maihaharap pa. Kaya kapit muna ako kay Bessy, SHY AKO EH. ::)

"Ako nga pala si Ian, galing ako sa 4-Matiyaga."

Naglalakad kami kung saan, sina Ian at Russell ang nasa gitna, katabi ko si Ian
syempre, si Prince nasa kabilang dulo. Sinusubukan ko paring tanawin siya, layo
niya!

"Cream ka pala? Wow, alam mo ba, pangarap kong mapunta sa Cream section? Nakakainis
nga eh, kahit anong gawin ko di ko magawa."

"What's your average? Pwede ko bang malaman?" ;D

"Bago mo malaman ang average ko, magpapakilala muna ako sayo pare. Russell here."
kinamayan ni Russell si Ian.

"Ayan, kilala na natin ang isa't-isa, so anong average mo pala?"

"Secreto ko lang ang grade ko eh, pero sige na nga, sasabihin ko na. Cream ka pala,
siguro pwede kang makatulong saakin. Last year, I've got an average of 89.5. Sabit
lang ako kaya hindi pinalad sa cream."

Mukhang close na agad sina Bespren at si Russell. One thing I learned today: Nerdie
pala si Russell, di ko alam yun, yung type niya kasi parang si Prince, I mean yung
itsura niya, mukang gangster, gwapo din naman, may mukha. Pero si Prince parin ako!

Nag-merienda muna kami sa Chow King, bumili kami ng halo halo, ang init kasi. Usap
parin ng usap sina Russell at Ian, para silang talking machine. Sa pag-uusap nila
sa isa't-isa, hindi na nila napapansin ang OP sa linya, kaming dalawang tahimik.

"Nia, kala you've got a nice friend here, buti nalang nag-sama tayong apat ngayon."

"K-Kaya nga eh! Hahaha. Buti nalang nga eh noh! Para tayong F4! Apat eh. Puwahaha!"
mukhang baliw ako pag nagsasalita na naman! Tigilan ang pag-uutal na 'to!

Natawa naman sila Ian at Russell, sumabay na din ang baliw, pero si Prince tahimik
parin.

"Prince, Nia, Ian, sandali lang ha, I'm just gonna go to the washroom. Sino sasama
saakin? Ikaw Prince?"

Umiling lang si Prince.

"Washroom ka? Sama na rin ako sayo pare. Nia, diyan ka muna sandali lang 'to."

Biglang nangiwan ba daw? Naiwan nga kaming dalawa dito.

AS IN, dito sa lamesa ng Chow King. Yan tuloy! Feeling ko nag-da-date kami! Haha.
Amp, ano ba 'tong mga pinag-iisip ko, dapat maging normal lang ako pag kaharap
siya.

Be normal...be normal...

"Hello Prince! Musta?! Ang sarap ng halo halo noh?! MASARAP YUNG UBE!" napalakas
ata boses ko.

Pinunasan lang niya yung bibig niya ng tissue. Pipi ba 'to? Kilig na talaga ako,
solo ko siya ngayon for the first time!

"Ahh...a-anong--anong masarap? Yung ube o yung leche plan!?" tangang tanong.

"Pangalan mo?"

Hindi pala niya alam ang pangalan ko? Ulyanin. "Nia Garcia! Ako yung..." tatanungin
ko ba siya kung nakita niya akong nag-recite nung first day? Nakita ba niya ako
doon sa harapan? Ang pagkakaalam ko nakita niya ako, kaso naman...wag nalang nga.

"So Prince, kwento mo naman life mo. Share mo saakin."

"Kaibigan ba kita para kwento ko sayo yung buhay ko?"

Bakit ba siya ganito!? Ang hirap kausapin! GRR. Nakakabanas, siguro kailangan kong
gumawa ng paraan para maging magkaibigan kami. Sabi naman niya eh.

"Ako nalang ang magbabayad ng mga kinain mo!"

"May pera ako, ako na."

Bakit ba parang may malaking dingding na nakaharang saaming dalawa? Ang hirap
niyang intindihin, ako na nga ang nanglilgaw sakanya! Ako na yung babae. Pipilitin
ko parin kahit anong mangyari! :D Sumubo ako ng halo halo. Then--umubo ako ng
malas! Kungyari nabilaukan! HAHAHA. Kungyari lang 'to, tignan natin reaction niya.

*COUGH COUGH* "Na--na--nabilaukan--nabi--" *COUGH COUGH*

.................

.................

GRRR-- Bakit ba wala siyang reaction!? Bato ba 'tong kasama ko? "Nabilaukan kaya
ako! Hindi mo ba ako tatanungin kung okey ba ako o hinde?" Yeee. Kungyari lang
galit pero deep inside kinikilig na ako. Galit parin ako!

"Hindi."

Bakit ganon? Nagkamali ba ako ng akala na hindi siya si Blue Cookie ko? Opposite na
opposite siya eh. Confused tuloy ako. But I'm not giving up! Alam kong siya yon.

I guess my bago akong task, palambutin ang puso niya! >:D

Okey, how do I do that?

"Punasan mo yang gilid ng ILONG mo, may ube'ng tumalsik."

SHIET. Kaka-shy!

***********************

Next day morning sunshine.

"Mama, gusto ko ng baon, gusto ko masarap ha! As in yung best na maluluto mo."
umaga na naman, maaga akong nagising, sabay punta sa kusina.

"Bacon and Egg. Yun lang ang best na maluluto ko anak."

"Ma' naman eh! Hay nako, basta, cook me a delicious dish. Gusto ko ng magbaon."
"Kala ko ba nag-di-diet ka? Tsaka diba ayaw mong magbaon dahil mabigat pang dalhin?
Tapos ngayon nagpapaluto ka. Nasarapan ka na ba sa luto ko? Magaling na ba ako
magluto?"

"Ehhh basta! Please Please Please?" Nanay ko laging ganyan, parang news reporter
ang daming tanong.

"Yamo anak, I'll cook you something...extra...special." aba aba! Kumekerengkeng si


nanay.

I'm ready for school after 30 minutes. Ang bilis magluto ni Mama. Hindi naman ako
magtataka dahil magaling magluto Mama ko.

***********************

Na-late kami ni Ian sa school, nag-traffic sa Espanya, nakakainis, baka mahuli ako
sa first period! English pa naman yon, si Madam Carbonel, ang strikto/cute na
matabang teacher namin sa English. Tumakbo na ako papunta sa classroom, nung nakita
ko--! Bakit may nakaupo sa upuan ko? May nag-iba ba ng seating plan?

"Nia Garcia, you're late. Please find your NEW sit." sabi ko na nga ba. Saan ba
yung new sit ko dito? =[

Hindi ko naman mahanap yung seating plan sheet na ginawa nila. Walang nagsasabi
saakin...naglakad ako sa gitna nila..hinahanap ang bagong upuan ko. Yung ibang
babaeng kaklase ko, walang katabi, nung dumaan ako sa gilid ng upuan nila, nilagay
nila yung bag nila sa vacant seat na katabi nila, making sure na hindi ako
makakaupo sa tabi nila.

Nasa dulo na ako napunta kung saan nakaupo si Prince.

Vacant yung katabing seat niya. Di kaya dito ang new seat ko!? :o

"Pssst. Nia, dito ka sa tabi ko. Dito ka nilagay ni Sir. Torres."

Parang may naririnig na naman akong ugong sa tabi ko, parang may bumulong saakin
eh..wala na akong marinig ngayon, nakita ko na si Prince. ♥.♥ Vacant yung seat na
katabi niya...wala na akong iniintindi kungdi yung vacant seat niya na doon ako
mauupo...waaa. ♥.♥

"Huy Nia, katabi kita, dito ka."

Ugong... ♥.♥

"Di ka diyan."

Ugong nanaman... ♥.♥

"Nia Garcia! Your sit is over here!!"

.... ♥.♥ Malapit na akong umupo sa tabi niya! It's a major succe--!

"Excuse me, I'm sitting here."

Sino 'tong singit?

"Ms. Garcia, will you please sit down next to Russell? And you new student, please
sit beside Prince."
EH!? NO WAY!

"Mapagmalasakit, please welcome, the principal's daughter, who will be your new
classmate for the whole year. Ms. Anna Nina Castro."

"Hi Guys." 8)

New girl in this division who stole my seat!? THIS IS WAR!

***********************

"Dahan dahan lang baka mabilaukan!"

Lunch na, kumakain kami ni Ian sa may Rotonda, sa gilid ng isang Assumption
Building ng Grade 6's.

"May baon ka naman ah, kala ko sayo yan, eh bakit pinabili mo pa ako sa canteen ng
pagkain?"

"Pwede bang tumahimik ka nalang? Bad trip ako eh!" sabay subo ng kanin na pagalit.

"Sinong nangaway sayo? Aawayin ko."

Nalulungkot ako, hindi pala kami magka-seatmate ni Prince, nalulumbay ako, wala
namang kwenta 'tong niluto ni Mama...

"Bespren, alam mo...alam mo.." *sniff sniff* "Sinabihan ko pa si Mama na magluto ng


Bento, alam mo yon? BENTO. Japanese cuisine, meron 'tong lamang rice, fish, meat,
and cooked vegetables as a side dish. Special 'to..para lang kay Blue Cookie, dapat
ngayon oras na 'to...bibigay ko sakanya itong Bento..gusto ko siya kumain nito.
Kasi alam mo, tuwing lunch, nakikita ko lang siya sa upuan niya, minsan nga hindi
yun kumakain, kaya napag-planuhan kong gumawa para sakanya, tignan mo...naunahan na
ako nung...sino ba yung nakakabanas na babae na sumingit saakin!? Huhuhu."

"(Sigh) Anong gagawin mo ngayon?"

"Sayang naman 'tong Bento kung walang kakain. Di ko alam..."

Tinignan ko nalang yung bento na hawak hawak ko. Ang ganda pa naman ng lalagyan,
ang sarap ng amoy. Masakit man isipin pero this is useless. :[

"Bespren, si Prince ba yon?"

"WHERE?!"

Nakita ko si Prince kalalabas lang ng canteen. May dala siyang tubig, mukhang
kakabili lang niya. Nag-iisa siya, wala si Russell. Ito na ba ang pangalawang
pagkakataon ko? ♥.♥

"Stay there Ian. May pupuntahan lang ako. Babalik ako A.S.A.P."

Lalakasan ko na ang loob ko, I'll invite him to join our lunch. ^-^

Episode #5
~ petrified puzzled Nia

LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB.


Wag kayong magkamali ng binabasa niyo, ayan ang tunong ng puso ko habang lumalapit
sa Prince kong kay gwapo. Nakatayo lang siya doon, nag-iisa habang umiinom ng H20.
With my sparkling eyes, patient mind, and excited lips...ready na akong i-invite
siya sa aming lunch ni Ian. ♥.♥

"P--Pr--Pri--P--in..ce..."

Ang pag-uutal ko ay constant nanaman! "P--Pwe...pwe...pwe... Hindi ko na mapigilan!


Tinakpan ko yung bibig ko! =X "PINAGLUTO KITA NG PAGKAIN SAMA KA SAAKIN MAG-LUNCH!"

Ay ganon biglang lumabas? :o Eppp--~ Ba..bakit ganito siya makatingin saakin?


Natatakot ako...para na akong kakainin ng buhay. Palapit siya ng palapit saakin ako
naman dahan dahang tumalikod, nakakatakot siya...para siyang ahas na mangtutuklaw!

"Anong kailangan mo?"

"P..pinagluto kita!" bigla kong pinikit yung mga mata ko sa sobrang hiya sabay
pakita ko sakanya ng lunch na niluto ko.

Bigla ko nalang naramadaman na unti unti niyang kinukuha yung lunch tupperwear na
nasa kamay ko...di kaya kukunin na niya!? OMGGIEE..tatanggapin na niya yung
specialize Bento ko?!

Sa isang saglit....

"Sige ba."

"Ta-talaga!?" Hindi maari 'to! Bumait na ba siya saakin? Lumambot na ba ang puso
niya saakin?

"Oo naman, bakit ko naman tatangihan yung luto mo Nia? Siguro, yan na ata ang
pinakamasarap na luto na matitikman ko sa buong mundo." :)

First time niyang nag-smile saakin, para na akong namatay dahil nararamdaman ko na
yung kaluluwa ko umaakyet na sa langit. Lalong lalo naman nung INAKBAYAN niya ako
nung papunta na kami kay Ian, grabe...parang you know? Parang...KAMI NA EH!

Napanganga lang si Bestfriend, napanganga na parang wala ng bukas. Kitang kita niya
na naka-akbay saakin si Prince. Sabay pa kaming umupo sa tabi ni Ian. Bahala si
bespren, hindi namin pinansin, syempre kailangan namin ng oras ni Prince mag-labing
labing dito sa Rotonda, baka kasi mag-bell na, hindi matuloy ang subuan namin ng
sushi.

"Say aaaahhh!" ~

"AHHHHHHHHH!" *open's mouth.*

"Masarap ba Prince Charming ko?"

"Ang sarap!"

"Yeeeeeiii, sobra ba talaga as in masarap?" ::)

"OO. Lalo na yung meat, talagang malambot, perfect pa ang lasa Nia."

"Di nga? Weeee..?"

"Kulit mo, isa pang tanong mo...KI-KISS NA KITA." ^-^


Aba'y dahan dahan ba namng lumalapit na saakin? Naman oh, hindi pa ako nagtatanong
may kiss na agad. Gosh, nakaka-shy naman ata sa crowd ang gagawin namin.

Sige Prince...kiss...

Sige lang Prince Charming ko, kiss me....

KISS ME MY BLUE COOKIE....KISS ME BLUE COOKIE...KISS ME MY PRINCE... :-*

****************

"Nia, Nia....NIA GARCIA!"

A-ano ba yun? Bigla ba naman akong inalog!? Hindi pa tapos yung PANAGINIP ko
eh..hindi pa tapos, mag-hahalikan pa kami ni Prince sa huli! "Wag mo nga akong
istor---bohin." *sabay punas ng laway*

Uh..oww, syiet, nakatulog pala ako sa class ni Sir Torres! Patay na akooooo! :o

"Anong pinagsasabi mo diyan na 'Kiss me my blue cookie? Kiss me my Prince?"

Nagtawanan na yung buong klase nanaman, lumingon ako kay Russell, nagtaka lang siya
saakin. Lumingon ako kay Prince, hindi siya tumitingin saakin at may sinusulat sa
notebook niya na malay ko kung ano.

Syiet, ang spotlight na naman ay nakatapat saakin. "Wa-wala yon sir Torres! Kasi
ano..uhm...kailangan kong i-memorize yung linya ko for drama class! HAHAHA!" :D

"Go in front please."

PATAY. Tumayo na ako papunta sa harapan, sa harapan ng klase, sa likod ng


blackboard.

"S-Sir, anong gagawin ko dito? Ah...mag-pe-perform ba ako? HAHA."

Dinadaan ko na nga sa joke yung tanong ko, pero seryoso parin si Sir sa pagtingin
saakin.

"Define the Quantum mechanics. Please write down the formula and the definition on
the board."

BYE NIA, you're doomed. Nag-iintay lahat sila saakin, hindi ko alam ang sagot dito
DUH! Tumalikod ako, nakaharap sa green blackboard, hawak hawak ang chalk, at
nakatunganga dito, walang masagot.

"Sir, can I answer it instead?"

"Why Prince? Si Nia dapat ang sasagot hindi ikaw."

"Can I?"

"(Sigh) Sige na, you can."

MY SAVIOR! Gawd. Totoo ito, hindi na 'to panaginip...::) Tumayo si Prince at


pumunta sa harapan, tinignan ako pagkatapos. Ano ba 'to? Kakainlab naman.

"Umupo ka na."

Okey, I'm melting right now!


***********************

Mabilis mag-uwian, si Ian, absent ngayon dahil may mahalagang gagawin sa bahay
namin, tinulungan niya si mama sa preparation na magaganap ngayong gabi. Gusto ko
na sanang umuwi, kaso ayaw ko parin. Hinahanap ko si Prince, I wanna thank him
dahil si-nave niya ako kanina sa Physics Class, I owe him one.

Umiinom ako ng coke in can dito sa tabi ng tindahan ni Manong ng makita ko si


Prince naglalakad mag-isa, hinabol ko syempre.

"PRINCE!"

Tumigil siya at tumingin saakin. Ayan na ako pogiiii! "S-Salamat nga pala kanina,
hindi ko talaga masagutan yung pinapasagot saakin ni Sir, buti nalang nandiyan ka.
Thank you."

Hindi nanaman siya sumasagot. Haii. x__x Parang nakikipag-usap nanaman ako sa isang
pader.

"Sinabi niya eh." *sabay alis*

"Teka! S-Sinong nagsabi?"

Tumigil na rin si Prince sa kakalakad, ng bigla nalang may nag-park ng isang


magarang kotse na color black na ang tatak pa ay Ford sa harapan naming dalawa.
Nagulat ako, ito ba ang sundo ni Prince?!

Slowly, bumaba na yung bintana sa may harapan, at biglang dumungaw si...

"Hop in you two."

RUSSELL?!

***********************

Gandang kotse. O.o May driver pa kaya mas bongga. Ang yaman pala ni Russell,
malamang, sakanya ito, I mean, siguro sa tatay niya. Bakit naman siya magkakaron ng
kotse? Kung kotse man niya ito, bakit hindi siya ang nag-mamaneho? Pinasakay niya
kami ni Prince dito kasi siya na daw ang mag-susundo saamin sa mga bahay namin.

"This is my car from now on. Binigay na saakin 'to ni Daddy." sabi ko nga.

"Sayo 'to? WHOA. Pwede bang akin nalang?"

"Sure." ;D

Sosyal, siguro kung magkakaron ako ng isang kotse na ganito, siguro pag lola na
ako. XD

"Nia, sa susunod, mag-pay attention ka kay Sir Torres, wag kang mag-da-day
dream." ;D

Ano ba yan pati ba dito papag-usapan pa yung nangyari saakin kanina, pati yung
driver ni Russell mukhang nakiki-tsismis na rin, nakakahiya, lalo na kay Prince na
katabi ko ngayon, well, hindi naman katabi na katabi talaga, usually diba ang upuan
sa likod ay pang-tatlong tao? Magkahiwalay parin kami. As usual, nakadungaw parin
siya sa bintana.
"Dapat ako ang sasagot kanina, dapat ako tutulong sayo sa pagsagot Nia, pero si
Prince ang inutusan ko para gumawa noon."

ANO? So hindi pala talaga ako sinagip ni Prince sa totoo. Kungdi si Russell. Ito
pala yung gustong sabihin ni Prince kanina saakin. ;[

"Ikaw? Ah...thank you Russell."

Magpapasalamat nalang ako kahit ayaw kong magpasalamat. Dapat ang salamat na yon
talaga ay para kay Prince. Tinignan ko nalang si Prince sa tabi ko.

Nasa kalye na kami ng Baco in some minute. Hindi na pumasok yung kotse sa loob ng
kalye, kasi mag-iiba ang daan nila papunta sa bahay nila pag pumasok pa sila Baco.

"You can call me Russ kung gusto mo. Bye Nia, see you tomorrow."

"Bye."

Nag-wave bye bye na rin ako sakanya. Dapat mag-ba-bye na rin ako kay Prince, pero
as usual naman, hindi nanaman namamansin. Pagkatapos non umalis na sila...

Ng naisip ko...nandon si Prince eh, NANDON PA SIYA. Hindi pa dina-drop off sa bahay
niya...kung hindi pa ako nauna, siguro...siguro! Makikita ko kung saan siya
nakatira! Magandang idea!

"TAXI!" tumawag agad ako ng taxi at mabuti nandiyan na agad sa harapan ko. "Manong!
Please follow that black Ford car!" >:D

"Okey Ma'am!"

Kung pwede lang mag-cheer kay manong driver kanina ko pa ginawa, para kasi kaming
mga pulis na may hinahabol na criminal. Criminal na gwapo!

***********************

Spell my name please. S. T. A. L. K. E. R. Haha. Tamang tama sa pangalan ko ano?


Tama, isa po akong stalker ngayon. Mabilis na nahabol ni manong ang kotse ni
Russell papunta kung saan. Ang pinagtataka ko lang eh kung bakit...

Wala silang ibang route kungdi isa lang? I mean, bakit hindi lumabas si Prince sa
loob ng kotse? Ibig bang sabihin non pupunta muna siya sa bahay ni Russell para
makapag-chill sa bahay nila?

Wala akong alam. Nandito na ako, at nag-sneak in sa loob ng bahay ni Russell. Alam
kong bahay ni Russell ito kasi nakita ko yung surname nila sa may gate. Sosyal.
Laki ng bahay, OO. MANSION sa laki. Buti nalang hindi ako nasaraduhan at nakapasok
parin ako dito.

Para akong spy na hinahanap ang entrance. Nakita ko na kasi sina Russell at Prince
na sabay lumabas sa kotse at pumasok sa loob ng mansyon.

Konting sneak in nalang, nakapunta na ako sa may malaking bintana ng mansion.


Nakikita ko yung magarang na living room. Nakita ko na rin na pumasok na sila sa
loob.

Nakatayo lang sila Russell at Prince sa loob ng living room, magkaharap silang
dalawa, parang nag-uusap.

Ng nakita ko nalang bigla...


Parang sumisigaw si Russell sa harapan ni Prince, para ba siyang pinapagalitan. Si
Prince naman, nakatingin lang sa ibaba habang si Russell galit parin. Galit na
galit yung itsura...

Bakit ganito? Nagkagalit ba silang dalawa? Bakit hindi gumaganti si Prince at


hinahayaan lang niyang pagbabatok batukan siya ni Russell?

"W-What the? Ba--bakit?"

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko rin maintindihan. Muntik ng


suntukin ni Russell si Prince, pero napigilan niya, kinuha niya yung bag ni Prince
at pinagtatapon ang mga laman nito sa harapan niya. Pagkatapos umalis na siya ng
pagalit.

Wala parin akong maintindihan...

Gusto ko siyang tulungan...gusto kong tulungan si Prince...

Nakita ko nalang pinupulot niya ng tahimik yung mga tinapon ni Russell na mga gamit
niya...naiiyak na ako. Naramdaman ko nalang yung luha ko tumutulo na....

***********************

Di ko na matiis yung mga nakita ko at umalis na agad ako doon. Umuwi na ako sa
bahay.

"BAKIT KA LATE!?" sumalubong agad si Ian saakin.

"Wala, projects..." wala ako sa mood, aakyet na ako sa room para matulog.

"Bakit parang wala ka sa mood? Bespren! Special day ngayon noh! Nasa airport na si
Tita, tsaka si Tito Lucas, uuwi na si Gale ngayon na!" ;D

"Ian, ikaw muna diyan, tawagin mo nalang ako sa taas pag nandiyan na sila."

I don't feel like celebrating. Dapat may little party kami ngayon dahil ngayon na
ang dating nila Gale at Kuya Mike. Malungkot ako ngayon kaya ayoko muna.

Mag-isa lang ako sa kwarto ko, binuksan ang ilaw agad nag-hop in sa higaan ko at
inalala ang mga nangyari kanina.

ANG SAMA PALA NI RUSSELL. Ayoko na sakanya, bakit niya ginaganon si Prince?
Naguguluhan parin ako...

*Ring Ring Ring Ring Ring*

Yung cellphone ko nag-ring. Hinugot ko agad yung bag ko, ng makita ko--

"EH?!" Paano nalaman ni Russell yung number ko?!

"Nia!! Nandito na sila! Baba ka na dali!!"

*Ring Ring Ring Ring Ring*

Hala! Nandiyan na yung mga pinsan ko, nandiyan na rin yung mga pinabili ko.
Pero...ano ba yan!

Sasagutin ko ba 'tong cellphone ko?! NATATAKOT AKONG SAGUTIN. :'(


Episode #6
~ ang butas sa palda!

*Ring Ring Ring Ring Ring*

Kanina pa tawag ng tawag si Russell, mga 10 minutes na ang nakalipas, pero hindi ko
parin sinasagot. Natakot ako, basta, hindi ko nalang sasagutin. Tumigil na naman sa
kaka-ring for the following minutes.

Nagkakagulo na yung living room, naririnig ko yung usapan nila Ian, ni Mama, ni
Tito Lucas, Kuya Mike at si Gale. Ang dadaldal nila, sa sobrang daldal, ang ingay
ay napunta na sa loob ng kwarto ko. Bumaba na ako para makita sila, excited na rin
ako dahil makikita ko na yung closest pinsan ko ever in my whole entire liiifee!

Pagbaba ko, sabog nga yung itsura ng living room. Mga limang balikbayan box ang
naharang kung saan saan, tapos may mga maleta pang malalaki. Muntik na nga akong
hindi makababa sa dami!

"OOOMYYYGEEE!! GAAAALEEEEEEEEE!!"

Nakita kong nakikipag-usap si Gale kay Ian nung bumaba ako. Bakit wala si kuya
Mike? Sila Mama at Tito Lucas? Ayyy. Baka nasa labas or kusina at nag-uusap. Basta
ang main concentration ko parin ay na ki Gale! At last! Nandito na rin siya!

"OMG! IS THAT YOU NIA GARCIA? MY COUSIN? MY LOVELY COUSIN!?"

"Oh yeash that's me my dearest." ::)

"I MISSED YOU!" ;D sabay pa kami, sabay din kaming nag-hug to each other.

"Oy oy oy! Bakit hindi ako kasama sa hugging part? Dapat kasama ako."

"Wag ka na butete!"

Si Gale Garcia. Ang aking, uhm, paano ko ba sasabihin? Siya lang naman ang aking
only closest pinsan. Si Kuya Mike, of course, pinsan ko rin. Kaso hindi naman kami
close as in na parang magkapatid na. Unlike Gale, siya yung tinuturing kong
kapatid. As in little sister.

One age lang ang difference namin. So matatanda na pala kami ni Ian para sakanya.
Ang turing parin namin sakanya ay parang ka-age namin. Never niya akong tinawag na
ate. Okey naman ako doon, ayoko kasing tawagin niya akong ate, parang feeling ko
ang tanda tanda ko na.

"My God naman! Paano ko ba uumpisahan ang pag-interview ko sainyong dalawa? Sino
bang uunahin ko? Si Ian o ikaw Nia?"

"Interview?"

"Of course! Kailangan kong tanungin kung anong balita na sainyo. Uyyy. Nia, may
boyfriend ka na ba?"

"Ba-Bakit ako!?"

"AKO! Wala pang boy--este, GIRLfriend!" sipisip ang butete.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko Ian so better shut your mouth up." ;D
"Ang sama naman nito! Nawala ka lang ng ilang years tapos gaganituhin mo na ako..."

"Awww. Ano yang paawa effect mo ah!?"

"Hindi naman ako nagpapaawa effect noh. Basta masama ka na, galit na ako sayo!"

"Galit pala ah. Fine. Wala kang chocolate saakin." :P

"Hmff! Meron namang tsokolate diyan sa tindahan ni Aling Nena, choknut pa." =P

"Yung chocolate ko naman MAS sosyal sa choknut mo." =P

Haaaay nako. Nandito nanaman si Gale, ibig sabihin, may kaaway nanaman si Ian.
Ganyan yang dalawa eh, everytime na magkasama lagi nalang nag-aaway. Away-fishy.
Bakit Fishy? Kasi may napapansin ako everytime na nag-aaway yang dalawa, para bang
nagpapakipot pa sila isa't-isa, para bang naglalambingan sila. ::)

May hindi pa pala ako nasasabi. Si Gale ang natatanging MAHAL ni Ian. :] Hindi alam
ni Gale na may gusto si bespren sakanya, saakin lang sinasabi ni Ian ang kanyang
top secret. Pareho ng ibang lalake, torpe din si Ian. Nagustuhan niya si Gale
simula nung grade 6 pa kami, simula nung pinakilala ko sa bestfriend ko ang closest
pinsan ko. Matagal na nga yon, hanggang ngayon wala paring kaalam alam si Gale.

Sabi saakin ni Ian nung minsan, buti nalang daw nakilala niya daw ako. Kasi ako ang
gumagawa ng mga love letter niya. Bobo yang si bespren gumawa kaya ayan tuloy, ako
ang gumagawa. ;D Marami na ring love letters ang natanggap ni Gale galing kay Ian.
Syempre, hindi naman nilagay ni bespren na galing sakanya yung mga love letters,
pinapamukha niyang GALING DAW sa kaibigan niya yon.

Haha. Gulo ng storya nila. Basta! Nandito na rin si Gale, ibig sabihin, may makaka-
chikahan na akong muli!

"Nia! Is that you?!"

"Kuya Mike!"

Naks! Si kuya Mike ang wafu wafu parin. Actually crush ko siya kaso hindi ko lang
sinasabi. ;D After ng aming little reunion and little kainan ng mga imported
chocolates, nag-uunpack parin sila ng mga balikbayan box. Ako, nandito lang sa
gilid ng hagdan at nakaupong mag-isa.

Hawak hawak ko parin ang cellphone ko. Kasi may binabantayan ako. Habang sila ay
nagpapakasaya sa mga pasalubong, ako na-mo-moblema, inaalala ko parin kasi ang
nakita ko kanina. :|

*Ring Ring Ring Ring Ring*

Nag-ring nanaman. At alam kong si Russell nanaman ang tumatawag. "AAAAAHHHHHHHHHH!"


:o NATAKOT NA TALAGA AKO! Kaya bigla kong binato yung cellphone ko sa sahig!

"Oh Nia? Anong nangyari sayo?"

"Okey ka lang ba bespren?"

"Huy, bakit mo binato yung cell mo?"

"Thanks for the concern guys! Matutulog na ako!"

Di kaya ini-istalk na ako nung biolenteng Russell na yon? Paano ba ako papasok
bukas sa school niyan? I'm scareeeeeed!

***********************

Flag ceremony ng Friday morning

Tama...tama lang itong disguise ko. Dapat maging steady lang ako sa linya ng
Magpamalasakit, dapat walang makakaalam, at walang makakapansin na ako si Nia
Garcia!

"Psssht! Ano ka ba, bakit may maskara ka diyan? Mukha kang may topak eh."

Buti nalang hindi pa nagsisimula, kaya yung ibang mga students pwede pang gumala sa
ibang mga sections para makipag-chikahan.

"Wag kang maingay Gale, disguise ko 'to."

"Disguise? At bakit ka naman nag-di-disguise? Para kanino?"

Hindi ko na nasagot si Gale dahil mag-uumpisa na yung flag ceremony. Tama nga si
Gale, may suot suot akong maskara ngayon. At ang maskara na yon, ay maskara ni Vic
Zhou sa F4. Nabili ko 'to matagal na, nung naging uso yung F4 binili ko ito kay
manong sa labas, yung nagbebenta ng mga abubot.

Sa paraan na ito, hindi ako makikilala ni Russell.

"Pag hindi mo tinanggal yan isusumbong kita kay Sir Torres."

Eppp~ Paano ako nakilala ni Prince Charming ko!? Nagulat naman ako, katabi ko pala
siya sa linya. ::) Nakakainis, gusto ko talagang tanggalin ito, kasi sabi niya
tanggalin ko, so aalisin ko! Dahan dahan kong tinanggal yung maskara ni Vic Zhou,
at tinignan ko siya sabay ngiti.

"Prince! Good Morn--"

Napatigil akong magsalita dahil naka-shades pala siya. Bakit niya kailangan mag-
shades? Wala namang araw ngayon.

***********************

Absent si Russell ngayong Friday. Di ko alam kung bakit, buti nalang. Pinagmamasdan
ko kasi yung upuan sa tabi ko, in case pag bigla siyang dumating, nandito naman ang
maskara ko at ready ko ng suotin agad para matakpan ang mukha ko.

T.G.I.F. Thank God It's Friday na sa wakas. Tuwing fridays kasi nag-lalaquartiya
kami nila bespren, nandito na si Gale take note, tatlo na kami, mas masaya!

Nagmadali na akong pumunta sa locker ko sa labas para ibalik ang mga libro ko. Kaso
may nakaharang sa locker ko. Mga limang babae. At yung mga babae na yon, syempre
kaklase ko, sila yung limang babae na ubod sa landi. Sa totoo lang, sila yung mga
'feeling' na babae. Yung mga...sluts. Ano bang gagawin ko? Parang nahihiya akong
mag-excuse sakanila.

"Oh Gosh. I'm super happy talaga na bumalik na ako dito sa Meris. I missed all of
you here."

"Buti nalang nga bumalik ka na. Hindi namin alam ang gagawin namin ng wala ka,
hindi kami complete eh."

"She's right, apat nalang kami, talagang kulang ka. Kulang ang leader namin."

Leader? Hindi kaya itong babae na umagaw ng upuan ko ay leader ng group na 'to?

"What are you looking at?"

Patay na. "W-Wala, kasi...ahh...nakaharang kayo sa locker ko, ex..excuse me?"

Hindi sila sumagot saakin, instead, tinawanan lang nila ako ng malakas. Pagkatapos
hindi na nila ako pinansin. Nakatayo lang ako dito at hawak hawak ko yung libro ko,
at naghihintay na umalis sila sa harapan ng locker ko. Hindi naman ako makasigaw
para pagalitan sila, wala akong lakas para gawin yon. :[

"Nakaharang kayo sa locker ko, alis."

Tumigil sila sa conversation nila nung nakita nila si Prince. Ako rin napatigil at
napatingin sa Prince Charming kong....err. Naka-shades parin siya.

"Hi Prince." papansin naman itong babaeng 'to sa blue cookie ko. Ugh, ang landi
talaga! >:(

Sumabay na akong magbalik ng mga libro, mga 3 lockers away lang ang locker ko kay
Prince, kaya habang binabalik ko yung libro ko, tinitignan ko siya.

Kaso biglang humarang si malandi sa view ko. "I guess you already know my name
right? I'm Anna Castro."

"Oo, kilala kita. Katabi kita sa upuan diba?"

"Magkatabi nga tayo kaso ang tahimik mo naman. Ano palang name mo ulit?"

"Prince."

"Wow, you've got a hella nice name. By the way, pauwi ka na ba rin?"

Hmmf. Bahala na nga kayo diyan, sige, maglandian kayo! Ang sakit naman nitong
nakikita ko! >:( :( Umalis na ako agad, di ko ma-take. Basta, aalis na ako ngayon
din!

"Pauwi na ako. Nia, sandali lang."

Paalis na sana ako kaso biglang tumigil yung paa ko. AUTOMATIC!

"Sabay na ako sayo."

OMGGYGEEE! HEAVEN?!

***********************

May kasalanan ako ngayon, iniwan ko sina Gale at Ian sa kabilang gate, dahil sa
ibang gate kami lumabas ni Prince. Naka-off na rin yung cell ko, bawal sila mag-
interupt sa moment ko noh! Yeee. Ano bang nakain nito at bakit niya ako sinabayan
umuwi? ::)

Promise ang awkward ng feeling! Para bang kahapon lang galit ko 'to tapos biglang
bumait.
"Nakita mo?"

"Nakitang ano?"

"Nakita mo. Sinundan mo kami kahapon."

PAANO NIYA NALAMAN!? BUKING NA AKO! "H-Hindi ah! W-Wala akong nakita!"

Tumigil siya sa harapan ko, at ako rin napatigil at nanghina na rin ng unti unti
niyang binaba yung shades niya at pinakita niya saakin ang left black eye niya.

"Walang makakaalam kung anong nangyari saamin ni Russell, tandaan mo."

Parang maiiyak nanaman ako! Naalala ko kasi yung sinapit niya. Yan nanaman, wala
nanaman akong maintindihan. :'( "A-Ano bang nangyari sayo?"

"Wala." *sabay walk-out*

"S-sandali lang Prince!" tumigil siyang maglakad sa sigaw ko, hinabol ko siya
pagkatapos. "Hindi naman pwedeng 'wala' ang nangyari sayo. Ano ba? Bakit ka ba niya
sinaktan ng ganon?"

Naging malungkot yung mukha niya, at napaupo siya sa sidewalk. Ngayon ko lang
nakita si Prince na malungkot na ganito. Yan tuloy ako nalulungkot na rin. :(

Wala nanaman siyang masabi saakin, as usual, ang tahimik na tipong Prince parin ang
kaharap ko ngayon, pero ibang Prince, ang Prince na mabait. Naramdaman ko kasi na
parang aping-api siya. Siguro may kailangan akong gawin para sumaya siya kahit
konti.

Hinugot ko yung bag ko, sabay labas ko ng maskara ni Vic Zhou. Pagkatapos, kinuha
ko yung shades niya.

"Oy! Anong ginagawa mo!?" sinuot ko sakanya yung shades niya.

At ako naman, sinuot ko yung maskara ni Vic Zhou. "Ayan, pareho na tayong may takip
sa mukha. Siguro masasabi mo na saakin ang problema mo kung bakit ka malungkot?"

"Bakit ko sasabihin yung problema ko sayo eh hindi naman kita kaibigan."

"Magkaibigan na tayo, pareho na tayong may takip eh. We're even."

"Tsss. Talaga bang hindi mo ako tinatantanan?"

"Not even a single bit." ::)

"Sino ka ba para sabihan ko ng mga secreto ko? Kaya kita sinamahan para ma-klaro
diyan sa utak mo na walang makakaalam ng nakita mo saamin ni Russell. Wag ka nalang
maingay at isara mo yang bibig mo tungkol doon."

Hmp! Bigla ba namang sumungit, sabay tayo at walk-out nanaman sa harapan ko?

Bakit niya ako sinasabihan ng ganon? Gaano ba ka-top secret ang nakita ko
sakanilang dalawa ni Russell? Wala akong kaalam alam talaga, DAPAT kong malaman sa
lalong madaling panahon!

Napaka-moody talaga! 2nd round ng paghahabol ko sakanya! GRRRRR--~ "PRINCE SANDALI


LANG!!!"
Hindi ako titigil ng hindi ko nalalaman kung ano ang problema niya!

Sa pagiging lampa ko, kina-reer ko na ata ang pag-acrobat at ako'y nadapa sa likod
niya."ARAY KO POOOOOOOOO!!!"

"Nia!"

Buti nalang binalikan ako susme! Nung pagtayo ko...nabutas yung palda ko! :o

Ito na pala ang kabayaran sa pagiging makulit ko. Para malaman ko lang kung anong
problema niya...kailangang mabutas pa ang palda ko!

EMBARASSING MOMENT AGEEEENN! =X

Episode #7
~ pwede ba kitang maging girlfriend?

*Beep Beep Beep Beeeeeeeeeeep!~*

Mga dyip nagkakagulo na! Mga kotse at mga tricycle. Kasalanan ito ni Prince, grrr--
ay hindi! Kasalanan ito ng palda ko.

Or?? AKO? Umupo ulit ako sa kalsada para hindi mahalata yung butas!

"Tumayo ka nga diyan! Sa lahat lahat ba naman ng pwedeng malaglagan sa harap ka pa


ng kalsada. Magpapakamatay ka ba?!"

"Hindi ko naman kasalanan yun eh! Ikaw ang may kasalanan! Alis ka ng alis diyan!
Tapos madadapa lang ako dito hindi mo pa ako matulungan..." ='(

Hindi siya sumagot. So he doesn't care ba talaga sa situation ko? I'll go dramatic!

"ARAAAAAAAYYY!~ Ang sakit ng tuhod ko....huhuhuhu! Pa-parang nahihilo pa ako...ang


sakit ng buong katawan ko." *sabay higa sa kalsada*

OH YES, NIA. PAAWA FACTOR KA PA. ::)

*Beep Beep Beep Beeeeeeeeeeep!~*

"Umalis ka nga diyan miss nakaharang ka sa kalsada!"

GGRRR~! Mga hadlang saaking paawang tagumpay! Hindi maari 'to, dapat maawa saakin
si Prince. Tsaka ano ka hilo? Hindi ako tatayo dito hanggang hindi ako tinutulungan
ni Prince. >=] Tsaka isa pa, may malaking butas ako sa likod ng palda ko noh.
Kahiyayan!

"Halika na nga."

OMGEEE. Nanaginip ba ako? First love moment!

Tinulungan akong makatayo ni Prince. Grabiiiiieeee. Para na akong matutunaw sa


kakiligan ngayon, nanghihina yung mga tuhod ko nung unti unti niya akong
tinatayo...tapos...parang may mga kumikintab na mga stars sa background.

ayyyyieeee.

Ang bango ng hair niya kasi nag-flow sa face ko, syempre naamoy ko. Amoy head and
shoulders! Tapos...tapos!! Habang naglalakad kami paalis ng kalsada...naamoy ko
yung blouse niya...amoy AXE! Yung energy.

O.M.G. Pramis. Mamaya baka nahimatay na ako dito. ♥___♥

Naawa saakin ata si Blue Cookie ko kaya sinamahan niya akong umuwi ngayon.

Sweet ano? Para talagang kami na, parang mag-on na kami, parang mang-lovebirds,
parang mag-chuba chups chups. Ay ano ba yang pinagiisip mo Nia! Parang wala ng
bukas!

"P-Prince...kamsamnida (thank you in korean) .." aba'y feeling Korean! Para ba


kaming nasa Koreanovela. ::)

"Sa susunod nga wag kang mag-da-drama ng ganon sa harapan ko. Kung nasaktan ka
talaga, ipakita mong nasaktan ka. Hindi yung parang napipilitan pa yung pagmumukha
mo." *sabay alis*

Hmmmff! Sungit talaga! But, baka nakakalimutan mo na Nia, may first moment kayo
ngayon! YIKEEE.~!

"Bye bye bye bye bye my charming Prince. Mwah mwah mwah!" with flying kiss pa yan,
para kompleto. ::)

***********************

HINDI AKO MASYADONG NAKATULOG KAHAPON. Nakatunganga lang ako sa bubong namin sa
kakaalala nung mga moments na yon.

Maaga akong nagising, siguro mga 5 hours lang ang tulog ko. Tumawag kasi si Ian,
magkikita kami ngayon, mag-lalaquartiya kami ngayong Saturday. Pagkatapos kong mag-
bihis, kumain, at mag-ready, pumunta muna ako sa may salamin ko, ang aking beauty
paradise. Nagsuklay suklay, nagpaganda, at tinignan ang aking Hello Cookie Love~

May bago kasi akong sinusulat eh. ^-^

"Nia! Nandito na sina Ian at Gale!"

Aiish. May susulat na sana ako sa bago kong plano ngayon. Pero mamaya na nga lang!

Bumaba na ako sa stairs, nagpaalam kay mama at pinuntahan na aking precious friend
and insan. Sabay sabay kaming nag-commute ngayon papunta kung saan. Ano ba yan,
sermon pala ang abot ko ngayon kay bespren, ang aga aga, nasa dyip pa lang kami
sermon na ng sermon.

"Saan ka ba nagpunta kahapon? Iniwan mo lang kami ni Gale na naghihintay sa may


panay, kala ko ba pupunta tayo sa SM."

"Kaya nga Nia, saan ka ba napdpad?"

"Diba Gale tinawagan kita? Uy bespren, diba nag-text ako sayo? Hindi niyo ba
natanggap?"

"HINDE."

Patay. Bakit hindi na-send? "Hala! Wala na ata akong load!"

"Tsk tsk tsk. Wag ka ngang magloko bespren, baka kung saan saan ka na pumupunta
diyan na hindi mo lang sinasabi saamin diyan."
"Kaya nga."

"Hindi mo ba alam na nag-alala pa kami sayo? Kala ko na-kidnapp ka na oh ano."

"Hay nako! Sorry na okey? Mag-lalaquartiya naman tayo ngayon eh! Saan niyo gusto?
Megamoll tayo!"

At nag-mega mall nga kami! Yay! Daming tao, as always naman tuwing Saturday crowded
ang mga malls sa buong QC, Saturday eh. Puro students mostly. Naglalakad na kaming
tatlo sabay sabay. Ako umiinom ng slurpee. Si Ian kumakain ng tender juicy hot dog
sandwich, si Gale kumakain ng ice cream.

"Oh ayan ah! Naglalaquartiya na tayo, masaya na kayo?"

"Hindi." :P "Hanggang hindi mo sinasabi kung saan ka nanggaling kahapon."

"Pati ba dito papagdiinan niyo pa yon?! WALA! Pumunta lang ako sa National Book
Store para bumili ng folder." ::)

"National daw...."

"Hindi ako naniniwala Nia, late ka na umuwi kahapon sabi ni tita! Tapos nakita pa
daw niya na may parang tinatago ka pa sa likod ng palda mo."

"Eeeeeh...ano eh!"

BUKING! Ano ba tong mga 'to, parang mga imbestigador. Sa food court ko na
pinaliwanag sakanila ang lahat. Nakakainis naman, suppose to be a secret pa 'to,
dapat sasabihin ko pag may nangyaring 2nd round.

"ANO!? HAHAHAHAHHA!" sabi ko na nga ba papagtawanan lang ako nitong si Gale.

Si Ian naman walang reaction at parang galit nanaman sa kwenento ko sakanila.

"Pero infairness, ang sweet niya!" ;D

"Sinabi mo pa Gale. At sa nangyaring yon, may mga alam na ako tungkol sakanya.
Well, hindi naman marami, pero basta, secret ko nalang yon."

"Ay ang damot. Kwento mo na kasi eh."

"It's much better to not tell the story. Wala namang kabuluhan yan."

"Bakit naman bespren? Yan ka nanaman! Basta tungkol sakanya galit ka lagi."

"Paano naman ako hindi magagalit, ang laki laki ng ulo nung lalakeng yon."

"Hoy! Wag mong gaganyanin si Prince ah. Di mo siya kilala."

Hindi ko maintindihan tong si Ian, suppose to be dapat happy siya saakin dahil
nahanap ko na si Blue Cookie ko, tapos ganito lang ang pinapakita niya saakin,
laging galit at laging ANTI-PRINCE. Hmp! >:[

Biglang nag-ring nalang yung cellphone ko pagkatapos. Tinignan ko naman at may nag-
text:

Nia, nakikita kita kung nasan ka ngayon. Look back. =)

from: 091645321989
091645321989?! Eh si..si...RUSSELL 'to ah!

"Sinong nag-text?"

Di kaya iniistalk nanaman niya ako? Yikes, ayoko nung biolenteng tao na yon. Dahan
dahan akong lumingon sa likod ko. :o Nandon nga siya. Nakatayo sa gilid ng poster
ng ice skating range at kumaway pa! I'm scareeeed!

"Guys! Uwi na tayo! Na-aano ako!" tumayo ako agad at biglang hatak ko sa dalawa.

"HOY! ANONG?~"

Dapat aalis na sana kami, kaso nung papasakay na ako sa dyip, bigla nalang may
kotseng humarang saamin. I mean sa harapan namin. Papatayin ba kami nito?! Lumabas
na yung driver, wow~ ang yaman ng driver na 'to naka-uniform pa.

"Hi Ma'am! Ako po ang driver ng pamilya Sanchez at pinapasakay ka po ng aming boss
dito sa kotse niya."

Nagsitinginan nalang kami nila Ian at Gale, nagtataka kung anong pinagsasabi niya.
Nanalo ba ako sa lotto at akin na 'tong puting kotse na 'to?! :o ???

"Sige na Nia see you nalang sa bahay!"

ANAK NG KABAYO! Bigla nalang akong hinatak ni Gale papunta sa harapan ng kotse.

***********************

At nandito na rin ako sa loob ng kotse. Takot na takot at hindi makasalita. Hindi
ko alam kung saan papunta ang kotse na 'to. Baka tuluyan na akong ki-kidnapin ni
Russell. :'[

Sabi ko na nga ba, alam kong sa mansyon ni Russell papunta 'to, binaba ako nung
driver niya sa may entrance door, at pinapasok ako. WHOA. Mansyon talaga as in
promise, di ko ma-describe. Napatulala ako sa laki.

"Ma'am, umupo po kayo diyan at hintayin niyo po si sir."

Umupo nga ako at nag-hintay sa sir niya. After some minutes, lumabas na rin ang
nakakatakot. :o Umupo siya sa tabi ko sabay ngiti.

"Parang ang tagal nating hindi nagkita ah."

"Ah..ahh..oo nga eh." kinakabahan na ako sa mga kilos niya...

"Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko sayo? Naging busy ka ba?"

"OO EH! Dami ko kasing ginagawa, tapos eh..ahh. Ayon." ;D

Ano bang ginagawa ko dito? Anong kailangan niya saakin?

"Alam mo Nia, natuwa ako sayo nung first day of school eh. Nabigla ako sa entrance
mo, ikaw lang ang tanging babae na nakita ko na ang lakas lakas ng loob."

So anong gusto niyang sabihin?

"Nagustuhan na kita nung first day of school palang." :)


ANO DAW!? :o Pakikurot nga yung pisngi ko baka nanaginip lang ako!

"Ako kasi pag dating sa mga babae, straight to the point ako at hindi ko na
pinapatagal."

Speechless ako, as in, di ko alam...wala akong alam! W.A.L.A! Okey, di ko alam ang
gagawin ko.

Nanlalamig yung mga kamay ko sa kaba.

"Sir, ito na po yung juice niyong dalawa."

PRINCE!?

ANONG GINAGAWA NIYA DITO!?

Bakit tiga-serve siya? At bakit 'sir' ang tawag niya kay Russell?! NAGUGULUHAN
TALAGA AKO! :o

Ng pagtingin ko kay Russell, may nilabas siya sa gilid niya, isang boquet of
flowers sabay sabi...

"Pwede ba kitang maging girlfriend?"

Episode #8
~ amo, huli ang pusa!
(CLICK THIS FOR THE EPISODE SCENE)

Freezing point of negative 100 ang nararamdaman kong lamig ng kamay ko habang
nakaupo ako dito sa magarang upuan ng mansyon. Katabi si Russell na may hawak hawak
na bulaklak, na kailangan kong kunin, at ang nakatayong Prince na naging serbadero.

"Ako na ang nagtatanong mismo sayo, I want you to be my girlfriend Miss Nia
Garcia."

Nahihilo na ako, hindi ko magalaw yung buong katawan ko. Ayaw kong kunin yung
bulaklak na binigay niya saakin. Ayaw kong sagutin ang tinatanong niya. Ayoko.
Lalong lalo na nandito pa si Prince Charming ko sa harapan ko.

Ilang minutong tininginan....

Ilang minutong tininginan....

Ilang minutong tininginan....

Wala pa ring nagsasalita saamin. Dapat ako nga dapat ang sasagot.

".....ahh...eeehh...ahhh..eee..." Nanginginig yung buong katawan ko. Nanlalamig na


parang magkakaron na ng snow dito sa loob ng bahay!

"HALA YUNG MAMA KO TUMAWAG UUWI NA AKO!" :o

Ang gagang babae na tumakbo paalis sa harapan ni Russell. Tumakbo ako paalis ng
bahay, tumakbo ng tumakbo palabas. Kahit nagulat sila sa action kong parang natakot
sa tanong niya, tumakbo parin ako. Wala na akong pakeelam, kahit...

"N-NIA! SANDALI LANG!" Kahit sigawan man ako ni Russell, hindi na ako babalik
sakanya promise!
Sa wakas! Nakalabas na rin ako. "Breath in....breath out...HINGA...BUGA!"

Teka, may naiwan ata ako... OO!~ Meron nga! Naiwan ko yung bag ko sa loob! DAKILANG
TANGA KA NIA! Nandon yung Hello Cookie Love ko!

***********************

"Oo mama, uuwi rin ako, nandito lang ako sa school, may kukunin lang ako."
Sinusubukan kong hinaan yung boses ko, 6 pm na. Kanina pa ako naghihintay dito sa
labas ng gate sa bahay ni Russell. Hindi ako umalis dito simula kanina pang
tanghali. Iniintay ko kasing may lumabas o kaya may pumasok para makapasok ulit
ako. Kasi may nag-lock eh. Nakakainis.

"Sabi daw ni Gale nakipag-date ka daw? Hoy anak! Hindi kita pinalaki para makipag-
date ng ganitong ka-late na! Umuwi ka na nga dito kungdi patay ka saakin!"

Bakit ba ang malas malas ko ngayong araw na 'to?! :'( Kailangan kong kunin sa loob
yung Hello Cookie Love ko, hindi ko naman pwedeng iwan yung greatest secret ko
doon. Baka mabasa pa nila. Tapos kailangan ko pang umuwi ng maaga. Ano ba 'yan!

Binaba na ni Mama yung cellphone. Ako na rin binaba ko nung nakita ko yung isang
guard na naglalakad na palabas ng gate. Na-alert ako, kaya pumunta agad ako sa
gilid at nag-sneak in na parang akyet bahay. Buti nalang sanay ako sa mga ganito.
Kaya nakapasok agad ako ng wala sa oras sa loob.

Kailangan kong maging maingat. Baka nandito pa si Russell. Or maybe...baka nasa


living room pa si Prince, baka makita nila ako. =X

Ayos. Mukhang wala ng tao sa living room. Chi-neck ko na yung pintuan kung naka-
lock o hindi. Papalapit na ng papalapit yung kamay ko sa door knob ng bigla nalang
bumukas yung pinto! TAGO~!

"(Sigh) I can't stand that child anymore. Lagi nalang niyang minamaliit si Prince.
Prince can never have that bad treatment from me."

S-Sino 'to? Dalawang babaeng mukhang donya ang itsura. Di kaya isa dito yung mommy
ni Russell? Sino yung isa? Sino silang dalawa?

"Hayaan mo nalang muna yang anak mo Minerva, nag-se-selos lang yan. Ikaw naman
kasi, kung maka-trato ka kay Prince, parang tinuturing mo na siyang totoong anak."

Tungkol ba 'to sa totoong pagkatao ni Prince? Hala. Kailangan kong makinig ng


mabuti. =X

"Wag mong sabihin yan Lhea. OO, tama ka, hindi ko nga totoong anak si Prince, pero
inampon ko parin siya, inaruga at pinalaki na parang sariling anak ko rin. Masasabi
ko paring anak ko siya. To be fair lang kasi, lagi kong nakikita yang anak kong si
Russell na inaapi niya lagi si Prince ng patago saakin. Para niyang ginagawang
alalay o ano. Pag nasa harapan ko, maayos naman ang lahat, mukhang nagkakasundo
naman sila. Pero oras na tumalikod na ako, doon na nag-uumpisa. Siguro kailangan ko
ng pangaralan yang si Russell habang maaga pa..."

"Sino ba ang mas matimbang sayo? Ang sariling anak mo o yang inampon mo? Mag-isip
ka nga, kung hindi talaga magkasundo yang dalawa. Siguro yung isa, dapat palayasin
mo na. At siguro, alam mo na kung SINO ang papalayasin mo dito."

Minerva pala ang pangalan ng mommy ni Russell. Ano? Ampon lang pala si Prince? Edi
mag-step brother sila Russell? Now I know. Now I know kaya pala dito nakatira si
Prince. Mali pala ang akala kong alalay ni Russell si Prince. 'Ginagawa' lang
palang alalay ni Russell si Blue Cookie ko. :-\ Ang sama pala ng ugali ni Russell,
ayoko na talaga sakanya. At kawawa naman si Prince dito sa pamamahay niya...balak
pa siyang palayasin nitong walang pusong babae na kausap ng nanay ni Russell. Buti
pa nga yung mommy ni Russell na-a-appreciate si Prince kahit papano. Ang bait bait
pala ng mommy ni Russell.

"(Sigh) mamaya nalang nga natin pag-usapan ito, may pupuntahan pa tayo, baka ma-
late pa tayo sa pupuntahan natin. Kailangan pa nating matapos ang arrangements para
sa birthday ni Russell."

"Birthday ni Russell? Kelan?" bulong at pagtaka ko.

Umalis na silang dalawa pagkatapos noon. Napatulala parin ako habang tumitingin
sakanilang dalawa na sumakay na sa isang kotse habang umaalis na sa loob ng
mansyon. Hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko...natahimik ako ng wala sa
oras.

Bago yan, may mahalaga akong mission dito at dapat hindi ko makalimutan yon!
Parating na ako Hello Cookie Love ko!

Sneak in nanaman ang eksena. LIVING ROOM CLEAR. Pati yung pintuan, salamat naman at
binuksan ng mommy ni Russell at iniwang nakabukas. Yes! All the way to success,
nakapasok na ako sa loob. Walang katao-tao sa Living room. Di kaya umalis na rin
yung mga tao dito?

"HELLO COOKIE LOVE. I'M COMING~!"

Gumapang ako na parang meow meow kitty cat para lang makuha ang aking Hello Cookie
Love. Gumana naman ang tactic ko.

Malapit na ako sakanya...ayan na, nakikita ko na yung bag ko, nasa gilid ng upuan.
YES! Uuwi na tayo Hello Cookie Lo--

"Anong ginagawa mo dito?"

BUKING ANG PUSA! :o At nabuking pa ni...ni!

"H-huh!? Hahahaha! H-Hi P-Prince!" Tumawa nalang ako ng malakas habang nakaupo dito
sa sahig nila.

"Umalis ka na dito diba? Bakit ka pa nandito? Tumakbo ka na paalis kanina. UMALIS


KA NA."

"K-Kasi...may...may...ano eh...may--"

"May ano? Umalis ka dito bago ka pa makita ng mga Sanchez."

"T-TEKA LANG!" Naman oh! Hinatak ako patayo ni Prince, at kinaladkad na parang
isang sakong bigas paalis ng mansyon hanggang pinakalabas.

MISSION FAILED.

"Wag ka ng bumalik pa." *bangs the gate."

"PRIIIINCEEE!" Huhuhu. Iniwan na niya ako dito sa labas. Paano ko ba kukunin yung
Hello Cookie Love ko? Patay na patay na talaga ako.

Tsaka bakit ba ganyan nanaman si Prince saakin? Ang sama sama! Siya na nga ang
kinaawan ko ngayon tapos ang sama sama parin niya saakin. But..but...I STILL LOVE
HIM! Mas na-inlab na ako sakanya ngayon nalaman ko na ang totoong buhay na
sinasapit niya. BUT! Ang sama parin niya...BUT!

I'M DOOMED. :(

***********************

Nakalipas ng isang araw, Monday morning.

Nagtatago ako ngayon sa aking kwarto. Ganyan talaga ako pag may mabigat na
problema. Lagi nalang akong nagtatago sa kwarto ko at nagpapakagutom. Naka-indian
seat ako ngayon sa higaan ko at nag-me-meditate.

Nag-me-meditate para next time, yung misyon ko na makuha ang Hello Cookie Love ko
ay magtagumpay na. Nung sunday kasi, kahapon, sinubukan kong kuhanin yung diary ko.
Pero nahuli nanaman ako ni labs ko at pinalayas nanaman ako. Biro niyo he accused
me na akyet bahay daw ako?! #&#@*~^% yan! Kukunin ko lang naman yung bag ko doon
ayaw pa...

Ayokong pumasok ngayon. I'm completely sure na nabasa na nila yung laman nun.
Lalong lalo na si Prince. My secrets are revealed! :o

*knock knock knock knock*

"Si Nia ay namatay na...." sabay meditate ulit.

"Nia?" Si Gale sumilip sa pintuan at dahan dahan ng pumasok sa kwarto ko.


"Insan...sorry na ah. Ako pa ang nagtulak sayong pumunta doon sa magarang na kotse
na yon. Yan tuloy..may problema ka nanaman."

Kailangan kong mag-concentrate at hindi makinig sa mga tao.

Sumilip na rin si bespren at pumasok na rin. Nakatayo na silang dalawa na magkatabi


sa likod ng pintuan ko. "Tumayo ka na diyan kung ayaw mong hatakin kita ulit
patayo."

"FINE! You two win! Ayokong pumasok ngayon! MAY PROBLEMA AKO EH! MALAKI! KASING
LAKI NG MADISON SQUARE GARDEN!"

***********************

"Anong malaki doon? Bag lang naman yon."

Nandito na kami sa school, nandito sa labas. Kaka-explain ko lang sakanila ang


problema ko. Ang problema kong naiwan ko yung bag ko sa bahay nila Russell. At yun
lang ang sinabi ko sakanila. Nasabi ko na rin sakanila na si Prince ang may
kasalanan. Ayoko namang sabihin dahil prino-protect ko si Prince sa usapan at ayoko
siyang isama. Pero sa kulit nila, lumabas parin.

"Hindi lang bag yon. May mahalaga akong bagay na nandoon."

Hindi ko naman pwedeng masabi na nandon yung diary ko. Wala naman silang alam na
meron akong diary. Tsaka secret ko rin yon.

"Kaya ka ba na-late umuwi nung Saturday dahil nandoon ka sa bahay ni Russell para
kunin yon?"
"OO, late na nga yang umuwi Ian eh."

Sumama na yung tingin saakin ni Ian. "Bakit hindi mo sinabi saakin para ako na ang
gumawa ng maayos? Para hindi ka na nag-sne-sneak in na parang magnanakaw doon. Yan
tuloy ginaganon ka nalang basta basta ng kupal na Prince na yon. Nakakainis ka
naman bespren."

"So-sorry na.." :(

"Gale! Good Morning. Oh Hi guys. Pwede ko munang mahiram si Gale?"

"Guys, sandali lang, aalis muna ako. Kayo muna mag-usap diyan."

Umalis na si Gale kasama yung kaibigan niyang babae. So kami nalang ang naiwan ni
Ian dito.

"Nia, sa susunod sasabihin mo nga saakin kung anong pinaggagagawa mo para naman may
alam ako kahit papano."

He's starting to nag me again. Di ko alam kung bakit nagiging ganito na si bespen
saakin ngayon. Wala naman akong kasalanan sakanya ah!

***********************

Matapos ang flag ceremony, matapos ang 1st, 2nd and 3rd subject, hindi kami
nagpapansinan ni Russell malamang si Prince din. Katabi ko nga si Russell kaso
hindi ko talaga siya pinapansin. Ginagamit ko yung iPod ko to keep me busy. Tingin
lang siya ng tingin saakin at ako naman ay sobrang irritated na.

"Sir Torres, sige na please. Ibahin niyo po ang seating arrangement ko. Basta,
ayoko katabi si...si... Russell. Please."

Pumunta muna ako sa faculty room para kausapin ang adviser namin.

"At bakit mo naman ayaw katabi si Mr. Sanchez? May problema ba?"

OO! MAY PROBLEMA! At ang problema na yon ay...GUSTO NIYA AKONG LIGAWAN! Hindi ko
naman ma-spill kay Sir Torres yon. :-X

"Sir, please. I'm begging you. Please. Kahit sa harapan niyo nalang po niyo ako
ilagay please!"

"Doon na kita nilagay, at wala ng vacant seats na pwede mong maupuan sa harapan ng
classroom, Ms. Garcia. Hala sige na, kakain pa ako ng recess ko at nagugutom na
ako."

"Kahit ano po ang gagawin ko basta alisin niyo lang po ako doon!"

"Bakit ba--"

"Oh sir, don't be selfish. Sundin niyo na kasi yung sinasabi ni Nia." 8)

May epal na sumingit sa usapan namin. At ang epal na yon ay yung malandi na si Anna
Nina Castro.

"M-Miss Anna, a-anong ginagawa mo dito?" Pati pa ba si Sir Torres ay nabibighani sa


kagandahan niya? Wow, iba pala ang level nitong babaeng 'to.
"I'm gonna submit my assignment kasi sa Chemistry so I've decided to drop by dito
sa faculty room para ibigay po sayo. Here."

"Excellent. Ikaw palang ang pangalawang estudyanteng nag-submit saakin assignment


na 'to. Thanks Ms. Castro." Di kaya in-love 'tong si Sir Torres sakanya? Yikes! :o

"So back to Nia." tumingin ulit saakin si Anna sabay ngiti. "She's a very kind girl
sa class natin Sir. Why don't you listen sa request niya? Not a big deal naman kung
ililipat niyo siya sa harapan diba? Make your student happy."

Whoa. Bakit ang bait nito saakin? She's suppose to be a bully!

Ng dahil kay Anna. Nakinig na saakin si Sir! Yes! Lilipat na niya ako sa harapan!
"Anna-!" Papaalis na rin kami sa loob ng faculty room. Siya ang mas naunang
naglakad kaya hinabol ko.

"Thank you nga pala doon sa ginawa mo saakin ah."

"No Biggie." ::)

Yun lang ang sinabi niya saakin after nun nag-bell na.

Tapos na rin ang recess at eto ako, uupo na ako sa bago kong upuan sa harap! Ang
subject after recess is Math. Kaya ito ako, handang handa na ako for Math at
makaka-concentrate na rin ako sa hatest subject ko without interuptions.

"Hahahahahaha.!"

"Huuy...shhh. Wag kang tumawa diyan.."

"Di ko mapigilan eh! Hahahhaah!"

Ang weirdo naman ng mga malalanding babae sa likod, pinagtatawanan ba nila ako?
Hmp. Haayaan mo na. Basta ako, dito na ako uupo.

Nung pag-upo ko...

*BLAG!* "ARAAAAAAAAYYYY!!" :o

Nasira yung upuan ko, at nalaglag ako sa sahig ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! PUWAHAHAHAHA!! NYAHAHAHAHAHA!" Imbis na may tumulong saakin,


pinagtawanan pa nila ako.

"NIA!"

Mabuti naman may tumulong saakin. Tumalong saakin si Russell! At binuhat pa ako
papunta sa clinic! :o

***********************

Next destination: SMCQC's Clinic.

"Sino ba ang may sabing doon ka umupo? Eh sira na yung upuan na yun eh." Nakaupo
ako dito sa clinic habang ginagamot ni Russell yung sugat ko sa tuhod ko.

"S-Sabi kasi ni Sir Torres doon na yung bago kong upuan eh!" :'(
Sino ba ang may sala kung bakit ako nalaglag doon? Di kaya...di kaya yung Anna na
yon!? Siya ang nagtulak saakin na umupo sa sira upuan na yun eh!

Lecheng babae. >:(

"Teka, bakit doon ka nakaupo ngayon? Diba katabi na kita sa upuan?"

TEKA RIN! BAKIT KO KINAUSAP 'TONG LALAKE NA 'TO!? Yan tuloy nawalan na ako ng
sasabihin! =X

"I'm so sorry nga pala nung Saturday. Alam kong nabigla ka lang saakin. Nabigla ka
sa tanong ko. I'm not forcing you. Nasasayo naman ang sagot. Wag kang matakot
saakin, Nia. At hindi naman ako nangangagat. Sorry If I'm too fast."

Ayan nga ang problema mo. Ang bilis mo!

"Suprise!" may nilabas si Russell sa pocket niya. "Little rose for the scared
girl." :) MAGIC? May nilabas siyang isang maliit na rose at binigay niya ito
saakin.

Bakit ang sweet niya? OH HINDI! HINDI 'TO PWEDE!

***********************

Uwian na rin...at ito ako naglalakad sa may panay para makauwi na. Nag-iisa at
nalulumbay habang tinignan yung rose na binigay saakin ni Russell kanina. Sa
sobrang bait saakin ni Russell, siya na ang mismong kumausap kay Sir Torres tungkol
doon sa accident ko sa upuan.

Napatulala nanaman ako sa mga ginagawa niya saakin...

"Hindi ako maaring matulala ng ganito dahil hindi naman si Prince ang nagbigay
saakin nito!"

"Anong binigay ko?"

OH-OWWW. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at nakita ko rin si Blue Cookie ko.
OMGIEE.

"HAHAHAHAHAHAHA!! Hi Prince!" Hanggang "Hi" nalang ba ako sakanya?

Tumingin siya saaking ng malalim sabay hatak sa uniform ko sa likod. GGRRR. Ginawa
ba naman akong pusa na parang hinuli ng amo!? Bwichit hindi naman ako makapalag,
nakinig nalang ako sakanya. Binubully nanaman ako nito! GGRRRRR-- Binutas na niya
yung isa kong palda...pasalamat siya may isa pa akong palda!

"Isa pang makita kita na nag-aakyet bahay sa bahay ng pamilya Sanchez, matitigok ka
na talaga saakin."

"May...may nakalimutan lang naman ako doon Prince eh! Gusto ko lang naman kuhanin
yung.."

"Ito?" SHIET! Nasakanya yung shoulder bag kong pink!

"Ayan yon! Akin na! Tha--"

Nilayo niya saakin yung bag nung kukunin ko na sa kamay niya. Grrr~ pasaway pa
itong lalake na 'to eh. ::)

"Akin na please?" tinanong ko na siyang ng maayos.

Hinatak nanaman niya yung uniform ko sa likod ko. "Ngayon alam mo na ang secreto
ko, hindi na kita tatantanan Nia. Ako na ang amo mo at susundin mo na ang mga
pinapagawa ko sayo."

MEOOOOWW. Ayan ang narinig ko sa background ko! WHAT!? Alaga na niya ako ngayon?
Tamang tama, ako nga yung pusa niya. MEOOOOWWIEEEE. = ^.^ =

"Ano ka hilo? Eh ano naman kung alam ko yung secreto mo?" :P

"Hindi ko bibigay 'tong bag mo kung hindi mo susundin ang pinapagawa ko sayo."

Tumingin siya ulit saakin ng seryoso.

"Samahan mo ako bukas, may pupuntahan tayo."

Yun lang pala, ang dali dali namang gawin yung pinapagawa niya saakin, SUS. Kay
sisiw ever. ::)

Episode #9
~ pasalamat ka, i love you! <3
(CLICK THIS FOR THE EPISODE POSTER)

Osige na nga! Aaminin ko na hindi ako nakatulog kahapon. Si Prince kasi eh, keep
bothering my thoughts about doon sa sinabi niya saakin kahapon. ::) Nagpapasama
siya saan? I don't know. Pero ang pagkakaalam ko ngayon na kami pupunta kung saan!
After school. After school. Afiter school. After school. *in lab mode Nia*

"Lalamig na kaya yung sandwich mo. Hindi mo ba kakainin yan? Ako nalang kakain
niyan."

Lunch time na, kasama ko si Gale as usual dito sa canteen. Ayoko namang mag-stay sa
classroom. Hell doon! Bukod sa hell, may mga tao din akong iniiwasan at
kinikiligan. Baka hindi ko pa ma-carry yung situation doon. ::)

"Huy Nia! Ano ka ba! Kanina ka pa nakatunganga diyan."

"Sorry naman Gale noh. Kasi naman I'm super kilig eh, you know." ::)

"Kelan ka ba titigil sa kaka-role eyes mo diyan? Tigilan mo na nga yan. Mamaya pag
dumating na si Ian at nakita ka pa non na hindi pa kumakain, at isip ka parin ng
isip diyan sa Prince Charming mo malalagot ka doon."

"Hmf. Si Ian nanaman."

"Hay nako insan, opo. Si Ian. Yung kababata mo. Yung in love sayo." ;D

"IN LOVE KA DIYAN!?"

Bakit parang nababaliktad na ang sitwasyon?

"Excuse me! For your information, BESTFRIEND ko lang po si Ian at hanggang doon
lang ang aming relationship PERIOD no erase."

"Alam mo insan, in fairness, may itsura yang bestfriend mo. Gentleman.


Maaalalahanin, over protected sayo. Lagi ko namang pansin yan eh. Biro mo, lagi ka
pa niyang sinasamahan pumunta dito tuwing umaga? Nia...wala ka bang napapansin
sakanya? Para kasing boyfriend type na yung asal niya sayo."

Naasar na ako in fairness rin ah! Hindi ko naman masabi na si Ian ang in love
sakanya at hindi saakin! Confirm ko na naman na si Gale ang gusto ni Ian. AT HINDI
AKO TAKE NOTE! Pssh, sasabihin ko na nga para habang maaga pa hindi ma-
misunderstood itong insan ko.

Tsaka kilala niyo naman kung sino ang ONE & ONLY ko. ::)

"Gale! Tumingin ka sa mga mata ko!" hinatak ko siya sabay tingin ko ng malalim sa
mga mata niya. Napatigil siya sa kakanguya ng Nova dahil natakot siya sa mata ko.
"Sa totoo lang...mali yang mga sinasabi mo...dapat malaman mo na habang maaga pa
na..."

"WHAT'S THE LUNCH FOR TODAY!?"

Singit naman ito oh!

"Hi ladies. ^-^ Sorry kung na-late ako. Kasi nagkaron pa kami ng meeting sa student
council. Inaayos na kasi ang mga clubs ng school for this year. Excited na nga
ako!"

Wrong timing ang butete.

"Pweh!" tumayo ako. "Bahala na nga kay diyan, aakyet na ako sa classroom, baka ma-
late pa ako for class."

Umalis na ako at iniwan silang dalawa. Geh, bahala kayo mag-date diyan. Siguro
kailangan maiwan 'tong dalawang 'to para magka-developan! ^-^

"Anong nangyari doon?"

"Malay ko."

***********************

Ewan ko ba kung bakit ang saya saya ko ngayon! Kahit tumutunog yung tiyan ko dahil
wala akong kinain for lunch, basta ang saya saya ko parin promise. Lumulutang ako
sa LALA LAND habang paakyet na ako sa 3rd floor classroom namin sa St. Joseph
building.

"Lalalalalalalala!~" nye! mukha akong hibang.

"Guess who's here."

"Awww. Our desperate classmate."

Dumilim na ang paligid dahil nadaanan ko yung spot ng mga PUGS. PALENGKE ULOL GIRLS
SOCIETY. Ayan ang pinangalan ko sa grupo ng mga malalandi sa 2-Mapagmalasakit. Mga
lima silang babae na mukhang mga aso. At ang pang-lima na yon, ay ang kanilang
leader. Wala ng iba kungdi ang walang hiyang Anna.

"Girls, don't be mean to her."

Hinarangan kasi ako ng isang pugs na babae kaya hindi na ako kumilos pa.

"Nia, I'm so sorry pala sa nangyari sayo doon sa upuan yesterday. Siguro ang sakit
sakit nun noh?"

Malamang, masakit! Napatingin ako sa tuhod ko, naalala ko yung sugat na natamo ko
doon sa pagkahulog ko sa upuan. Naalala ko rin kung sino ang may kagagawan ng lahat
ng ito. Naaasar na talaga ako, gusto ko ng sabunutan tong Anna na 'to kaso hindi ko
naman magawa!

"....oo, masakit." :-[

Oo, malakas ang loob ko. Pero pag dating sa mga babaeng 'to, hindi ako makapalag.

"Next time, be aware sa mga ginagawa at gagawin mo. Because baka may mangyaring
masama sayo. Better look out sa mga actions mo kung ayaw mong mangyari ang nangyari
sayo kahapon." nag-smirk siya saakin. "Come on girls." at umalis na siya kasama
yung ibang aso.

Sabi ko na nga ba! Siya ang may kagagawan non. >:(

Bakit ba niya inaaway? Wala naman akong ginawa sakanya para magalit siya saakin ng
ganon. Wala naman talaga. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang laki laki ng
galit niya saakin. Dahil dito, na-realize ko na siya na yung magiging worst enemy
ko this year.

Siya na nga yon at wala ng iba.

***********************

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinng~!*

Nawalan na ako ng mood simula kanina pa after lunch. Padabog kong binabalik yung
mga libro ko sa locker ko. Iilan nalang ang tao sa corridor dahil nag-alisan na
sila. Uwian na kasi. Buti nalang umalis na rin yung lecheng Anna na yon.

"Ehem ehem."

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" :o Anak ng kabayo naman! Nakakagulat naman


'tong lalakeng 'to!

"Pwede bang takpan mo yang bunganga mo? Nakakabingi ka!"

AYIIIIIIIEE NAMAN! Si Prince charming ko na pala itong biglang mumung sumulpot sa


gilid ng locker ko. Sweet ah, inintay pa niya ako dito. ::) Nagmadali na akong
ibalik yung mga libro ko! Chuper excited na kasi ako! Cute niya ngayon as usual.
Mas lalong nagiging gwapo pag nandito siya sa gilid ko at tinititigan lang ako,
naghihintay para saakin. ayyiiee.

Sinara ko na yung locker ko sabaya talikod at pakipot sakanya. ::)

"...sorry Prince kung pinaghintay pa kita...you know kasi...mabagal talaga akong


magbalik ng mga books. Talagang inaayos ko pa yang locker ko. Para maging organize
and neat. Mas lalong---"

CHUGI!? Useless naman 'tong pakipot ko dahil nakita kong naglalakad na siya paalis.
>=(

"HOY!"

"Tigilan mo na yang kalandian mo at sundan mo ako."


Malandi ba yon? Nag-eexplain lang yung tao. ::) "Sure." Sinundan ko na nga si
Prince Charming ko.

(IMAGINATION OCCURS NOW)

Kilig na kilig talaga ako kasi baka kung saan niya ako dalhin. Super kilig to the
maximun level of existance!

Baka dalhin niya ako sa music room...alam niyo yon, yung tutugtog siya saaking ng
isang piano piece to confess his love to me? Sana 'Only Hope' yung tugtugin niya
for me.

Or sa gym! Sa gym! May mga players doon, or mga cheerleaders, may malaking banner
silang ginawa stated: "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND" tapos kungyari ma-su-suprise ako
dahil nag-cheer sila saaming dalawa.

O kaya...sa auditorium! May hinanda siyang isang date table sa stage para saaming
dalawa. At doon kami mag-ro-romantic date. Doon din niya aaminin kung gaano niya
ako kamahal!

Hamak na panaginip ko lang yung mga yon. ISANG HAMAK NA PANAGINIP. Alam niyo kung
saan niya ako dinala at ano yung gagawin namin dito!?

"Ayan...mamili ka ng floor wax at basahan diyan, ikaw na ang magbayad."

Narinig niyo yon!? Nandito lang naman kami sa malapit ng 7ELEVEN sa school namin at
namimili ng mga pang-linis. Panglinis katulad ng floor wax at basahan! Idagdag niyo
nalang ang mga cleaners na pang-linis sa blackboard at ang spray na may lamang
dishwashing liquid pang-linis ng mga bintana!

"Ito? Okey na ba 'tong diswashing liquid Prince?" =__=;

"Mamili ka ng mas mabango."

Ang arte naman nito! Babalik kami ulit sa school at mag-lilinis ng classroom!

***********************

Ginawa ba naman akong katulong slash janitor?! Kala ko pa naman mag-da-date kami,
nagpaganda pa naman ako to the max kaninang umaga, at sinakripisyo ko pa sina Ian
at Gale na sinabi ko na may project ako kaya mahuhuli akong umuwi ngayong araw.
Pati si Mama, baka magalit nanaman dahil late nanaman akong umuwi.
"Salamat Prince sa pagtulong mo saakin, makakauwi na rin ako ng maaga."

"Okey lang yon Manong. Kami na po ang bahala dito. Sige ho, makakaalis na kayo."

Sino ba 'tong kausap niya? Yung janitor ng school? Bakit niya tinulungan? Tsss.
Trabaho naman ng janitor ang maglinis, ano pa yung sweldo niya kung hindi naman
siya maglilinis?

"Anong tinitingin tingin mo diyan? Maglinis ka pa. Hindi pa makintab yung bintana."

Ako ang babae tapos ako pa ang inasign niyang mag-linis ng mga naglalakihang
bintana. Kalalakeng tao! Hindi ko na napigilan kaya binato ko yung basahan sa sahig
at nagdabog akong naglakad papunta sakanya sa may blackboard habang nililinis niya
yon.

"Dapat nasa bahay na ako ngayon eh." >:(

First time kong magalit sakanya ah. Wag kayong mag-alala, pakipot factor lang ito.
Ang cute nga eh, kaming dalawa lang ang nandito. Tapos naglilinis pa kami, how
sweet diba? Yeeeee.

"Sumama ka na saakin, wala ka ng magagawa."

"Bakit ba tayo naglilinis dito? Eh may janitor naman!?" >:( deep inside: ::)

Tumigil siya sa kakalinis ng blackboard. "Pwede ba? Wag ka nalang magtanong at


ituloy mo nalang yang paglilinis ng bintana? Pag hindi mo natapos ng maaga yan,
hindi ko ibibigay yung bag mo."

Oo nga pala. Ginagawa ko 'to para sa Hello Cookie Love ko! Kakainis, kailangan pa
niya akong parusan ng ganito. Bumalik na ako sa pwesto ko at tinuloy na ang pag
linis ko ng bintana habang tumitingin tingin sa nakatalikod na Blue Cookie ko.

Hmmm. Yummy Blue Cookie habang nakatalikod at naglilinis ng blackboard!

Talagang kitang kita ko sakanya ang galing niyang maglinis ng kung ano ano. Siguro
gumagana naman ang pagiging alalay niya kay Russell kaya natuto siyang maglinis ng
ganito ka-galing.

At least my skill siya sa paglilinis! Ayan tuloy na-iimagine ko na magiging siyang


nice daddy in the near future. GOSH. ::)

"Ayiiee, you're so crunchy~!" ^-^

Bigla siyang tumingin at naramdaman ko yung SPARK sa tingin niya saakin!

Uh-oow. Dahan dahan siyang naglakad papunta saakin...dahan dahan habang nakatingin
siya saaking ng malalim. Hala...HALA! Baka may masamang binabalak 'to!

"W-wag kang lalapit! Isa pang hakbang mo saakin sisigaw ako ng saklolo!" ginawa
kong baril yung spray na may lamang Joy dishwashing liquid at tinutok ko sa mukha
niya.

"May silbi ka pala kahit papano."

Silbi saan!?

"Isa pa! Isa pa!" may kasabay ng basahan yung spray na baril!
"Alam mo kung bakit ko pinuwi yung janitor ng maaga? Alam mo ba kung bakit ako
nagpasama sayo?"

Sabi ko na nga ba may masamang balak 'to saakin eh! GOD NAMAN! ::) Why pa dito sa
school ground mangyayari ang aming first LOVE scene! OH PRINCE! Ang corny pa ng
piniling destination, dito pa sa classroom na madalim. Actually dumidilim na ang
paligid. Nararamdaman ko na! Nararamdaman ko na! Kaya napa-smooch ako ng wala sa
oras sa harapan niya!

Kiss me this time Prince, KISS ME THIS TIME!

:-*

:-*

"Part-time job ko 'to." ANO? Napadilat ako sa gulat. "Dahil alam mo naman ang
tungkol saakin, sasabihin ko na rin sayo ang ginagawa ko minsan minsan after
school. Ito ang ginagawa ko."

"Ja-Janitor ka?" Hindi ko alam na may part time siya, ito pa. "Bakit ito pa yung
napili mong trabaho? Tsaka...bakit ka nag-ta-trabaho? Sa yaman ng pamilya Sanchez,
hindi ba nila binibigay yung mga pangangailangan mo kaya ka nag-tra-trabaho para
makaipon?"

Nabanas siya sa mga tanong ko kaya bumalik siya sa pwesto niya para maglinis.

"It's non of your business."

"Gusto ko lang naman malaman ang totoo Prince.."

"Wag mo na akong kausapin at ituloy mo na yang paglinis mo ng bintana. Para parehas


na tayong matapos at makauwi ng maaga. At para mabigay ko na sayo yung bag mo, para
matapos na."

Bakit ba napaka-moody niya? Hay. Tinuloy ko nalang yung pag-linis ko ng bintana.


Hindi ko talaga maiwasang tumingin sakanya doon sa may blackboard. Nakakaawa ang
sitwasyon ng buhay niya. Parang naiiyak nanaman ako tuwing naalala ko.

But I'll be positive this time, hindi naman dapat ako maging ganito lagi, walang
ginagawa para sakanya. Kahit anong pagawa niya saakin, okey lang. Basta para lang
sakanya.

Kahit palinis pa niya yung buong school saakin, gagawin ko! For my Prince, sisiw
lang yan, I can endure all the pain. I'll support him until the end! Promise ko yon
sa sarili ko.

Pasalamat ka, I Love you! ::)

Episode #10
~ a tough first time jelly moments.

Hindi ko maalis yung mga mata ko dito sa pink shoulder bag na binalik saakin ni
Prince kanina. Nandito ako sa Living room namin at kanina ko pa ito tinititigan.
Nag-aalala nanaman kasi ako sa sinabi niya saakin, hindi nanaman siya maalis sa
isip ko.
Pati kinabukasan, doon mismo sa kinauupuan ko, sa desk ko, tingin parin ako ng
tingin sa bag kong ayaw kong buksan. Hindi lang si Prince ang inaalala ko. Kungdi
ang Hello Cookie Love ko rin, baka kasi...kinakabahan ako! Baka mag bukas ko dito
wala na yung diary ko at inarbor na ni Prince kung saan sumakit na yung tiyan niya
sa katatawa. Dahil sa kakababasa niya nung mga laman non! :o

"Nia, huy."

Hindi ako maka-focus sa lesson ngayon!

"Psst." kanina pa bulong ng bulong si Russell sa tabi ko, may inabot pa siya
saaking papel na may nakasulat:

Pwede ba kitang makausap mamayang lunch?

Napatingin ako sakanya sabay ngiti. In the middle of thinking mode na nga ako tapos
may love note pang pinapasa itong si Russell! Jusmiyo! Nag-reply ako sakanya, tapos
sinulat ko sa papel: "HINDI KO ALAM." with some smiley and sweat drop on it.

The nag-reply nanaman siya saakin:

Uuwi ka ba ng maaga ngayon? Tara, uwi tayo ng maaga.

Bakit naman niya ako pinapauwi ng maaga?

Nakulitan na ako kaya yung susunod na-ni-reply ko sakanya: "ANG KULIT MO! Mamaya
makita pa tayo ni sir eh, tumahimik ka nalang, tatadyakan ko yang pwetan mo eh." at
dahil sa note na yon, natawa nalang siya ng malakas.

"Mr. Sanchez, what's happening back there?" patay! nahuli tuloy kami ni Sir Ace,
yung teacher namin sa Math.

"There's nothing wrong here Sir Ace, continue the lesson please."

Bakit pag si Russell ang nag-eexplain sa mga teacher naniniwala sila na wala namang
siyang kasalanan? Tsss. Porket president lang siya ng class, tsss! Yan tuloy, ako
pa ang nahiya, si Prince kasi napatingin saamin. SAAMIN NI RUSSELL. Pati na rin
yung katabi niya, si Anna, napatingin na rin saakin. Ang sama pa ng tingin ni
Prince saakin. Bakit kaya? ::)

"Ang kulit mo kasi eh." bulong ko kay Russell, natawa na rin ako nung pagtingin ko
sakanya. Nakakatawa kasi yung mukha niya. ;D

Ngumiti nalang siya saakin at may sinulat nanaman sa papel:

Inis ka na ba saakin? Sorry ulit, hindi ko na uulitin. But I might do it again, I


like the way you smile at me girl.

Humarurot in fairness! Instant boylet talaga si Russell, may pa-'girl' 'girl' pa


eh. Kilig ah, PERO! Hindi sweet! Yuck! I don't want to absorb what he said to me!
PRINCE PRINCE PRINCE. I LAB YOU PARIN!

***********************

Dumating na ang lunch time. Ayos, di ko alam kung saan pumunta si Russell pero
umalis na siya before lunch. Di ko alam kung saan siya pumunta, umuwi na ata. Nag-
paalam na siya saakin kanina tapos sabi niya 'see you tomorrow' how weird. Tomorrow
eh weekend bukas, ano kaya yon? Weird. ???
Nandito parin ako sa classroom. Nasa desk ko parin at hawak hawak yung pink na bag
na binalik saakin ni Prince. Medyo walang tao dito sa classroom, meron din namang
tao, kaso mga lima lang, at hindi naman sila importante sa buhay ko.

Unti-unti ko ng binuksan yung bag na pink. Hinga muna ako ng malalim, sabay bukas.

"OMG!!" :o

BAKIT WALA YUNG HELLO COOKIE LOVE KO DITO!? Wala nga! Nung pagbukas, ibang notebook
yung nakalagay dito. Hinugot ko yung notebook.

Teka...notebook ba 'to ni Prince?! Lumingon ako sa desk niya sa right side. Na-
ispotan ko yung upuan niya, yung buong upuan niya. Yung mga libro at notebook niya
sa ibaba ng desk niya. Baka may chance, may chance na nandoon yung diary ko!

Inarbor niya talaga yung Hello Cookie Love ko. Langya! >:(

Sneaky girl on the loose again. Nag-sneak ako papunta sa desk niya, lingon sa left,
lingon sa right ang eksena, hanggang makapunta sa desk niya. Wala siya dito buti
nalang at magiging maayos ang pag hagilap ko ng Hello Cookie Love ko!

"Nasan na ba yon?"

Kinakalikot ko na isa isa yung mga libro niya sa baba ng desk, isa isa, inalis ko
dito at pinatong ko muna sa sahig. Pati yung sa table niya kinalikot ko. May naka-
pile up kasi na mga libro baka nakaipit dito oh ano...

"What are you doing there?!"

Nabigla ako kay Anna! Shiet. Busted.

"Kinakalikot mo ba yung gamit namin ni Prince here?"

Excuse me! At bakit ko naman kakalikutin yung gamit mong maansa? Kay Prince lang
yung kinakalikot ko noh! >:(

"H-Hindi...kasi, nabato ko lang yung takip ng ballpen ko dito sa paligid niyo.


Hindi hanap ko mahanap!"

Tumingin siya ng masama saakin. "Pakeelamerong Desperada."

Hindi ko na mapigilan ang damdamin kong nag-aapoy na sa galit! Tumayo agad ako
sabay tingin ko sakanya ng masama. "How dare you speak to me like that?!"

GO NIA. Pagkakataon ko ng gumanti sa mga kawalang hiyaan na ginawa niya saakin.


Unclear naman ang reason niya kung bakit niya ako binubully. Hindi ko na hahayaang
minamaliit lang niya ako ng ganito. Round 1 fight na ba?

"Oh really?" nag-smirk lang siya saakin at mukhang hindi na-apektuhan sa sinabi ko
sakanya. Patay na talaga ako, wala na akong ibang back-up mean lines na masama
sakanya. Mahina ako sa mga awayan na ganito.

Please someone save me~!

"Anong nangyayari dito?"

GAWD. Nandito na ang saviour ko. ::)


"Look Prince oh! Kinakalikot niya yung gamit natin for an unknown reason.
Nakakabahala na siya."

PURO KALANDIAN! Bakit tuwing kausap niya si Prince ang landi landi niya? GGGRRR.
Lecheng Anna yan. Wag mong sabihin--? Hindi! Hindi pwede yung iniisip ko. =X

"Bakit ka nangangalikot sa mga gamit namin Nia ha?"

My savior--? Mali pala ang akala kong saviour ko siya dahil si Anna pa ang sinalo
niya this time. "Prince! Wala yung--yung--" Hindi ko matanong sakanya kung nasaan
na yung Hello Cookie Love. Lalong lalo dito sa harapan pa ng malandi.

"Wag ka ngang makielam sa mga gamit namin. Magnanakaw ka ba para gawin yon? Ayusin
mo nga yan! Ginulo mo!"

"Tsaka Prince..inaaway niya pa ako."

Napatingin si Prince kay Anna at chi-neck pa niya kung okey ba si Anna o hindi.
"Okey ka lang ba Anna?"

Fine. Magkampihan kayo diyan. :(

Naiiyak nanaman ako. Pero this time, parang mas mabigat pa ang reason kung bakit
ako naiiyak. Hindi kaya?--AYOKO! Ayokong isipin yan. Ang sakit eh. Lalong lalo na
pag first time kang tinalikuran ng mahal mo tapos kinampihan pa niya yung bruhilda
na yon.

Nag-se-selos na ata ako. Hindi lang ata. Nag-se-selos talaga ako. DUH. Ang sakit
pala pag first time mangyari 'to. :( NO! Hindi ako nag-se-selos! Bakit naman ako
mag-se-selos? Ka-ano ano ba ni Prince si Anna? Wala namang namamagitan sakanilang
dalawa noh. Dakilang tanga talaga ako.

But this is hard! A tough first time jelly moments. T_____T

***********************

Hindi ko pa nakukuha yung Hello Cookie Love tapos feeling ko magkaka-sakit pa ako.
Sinubukan ko kasing hintayin si Prince after school, at kausapin siya ng malapitan
tungkol sa diary kong ninakaw niya. Hawak hawak ko na yung notebook niya. Hindi
kaya na-misplace lang niya yung notebook niya sa diary ko? Pero paano mangyayari
yon? Di ko alam.

"Bespren!" Si Gale pala nauna na, kasi may lakad sila ng kaibigan niya. Kaya si Ian
lang muna ang kasama ko pag-uwi. "Tara uwi na tayo."

"Wait lang, may hinhintay lang ako."

Nandito na kami sa labasan ng school. At hinihintay kong lumabas si Prince, pero


wala pa, ang tagal naman niya.

"Sino bang hinihintay natin dito? Wala na si Gale, umuwi na."

"Alam ko. Basta, may hinihintay ako." ayoko namang sabihin sakanya kung sino ang
hinihintay ko, baka kung ano ano nanaman ang sasabihin niya.

After 2 minutes sa kakahintay, dumating na rin siya. At yung taong hinihintay ko,
may kasama pala. Si Prince, kasama niya si Anna. Mukhang masaya sila nung nakita ko
na palabas na sila. First time kong nakita na ngumiti si Prince. Mukhang masayang
masaya siya kasama si Anna. Ano ba 'tong mga nasa isip ko? Hindi maari 'to. Wala
ngang namamagitan sakanila eh! Bakit ba ang lungkot ko nanaman?! Nia, wag mong
isipin yan!

"Look what we've got here."

Napatulala lang ako, napatingin ako kay Prince, sa ibang direction siya nakatingin.

"Wala ba kayong balak umalis sa harapan namin? We're going out na, Umalis kayo
diyan." hindi na napigilan ni Anna ang pang-harang na ginawa namin ni Ian sa
harapan nilang dalawa. Kaya binunggo niya kami para makaalis. Pati si Prince,
binunggo niya rin si bespren sa balikat.

Speechless ako. Ang hina mo naman Nia...

"PRINCE!" hala, bakit niya tinawag ni Prince? Anong kailangan niya sakanya?
Napatigil sila Prince sa likuran namin. Si Ian naman pumunta sa harapan ni Prince.
Tinignan pa siya hanggang ulo't paa. "Sumusobra ka na ata pare."

Tinitigan siya ni Prince ng masama. Ano ba yan...magkakaron pa ba ng away dito!?


"Sino ka ba?"

Ang sama na ng tingin niya kay Ian, pati si rin si Ian, ang sama na rin ng tingin.
"Sandali lang!" ayoko namang magkaron ng away dito. Humarang ako sakanilang dalawa.
"Ian..tama na...!"

"Sa susunod nga wag kayong humarang harang sa daanan ng hindi kayo nabubunggo ng
kung sino sino." at umalis na silang dalawa ni Anna.

Iba nanaman ang attitude niya. :-\ Kahapon okey naman kami, tapos ngayon iba
nanaman. I guess I have to deal with it simula ngayon. Ganito lang talaga si
Prince. Kailangan kong alalahanin yon.

"Wag mo na ngang kausapin yon bespren. Tara na nga!" bad trip na si Ian. Bigla niya
akong hinatak paalis.

"Bespren nasasaktan ako!" aray ko naman diba? Malungkot na nga yung araw ko, pati
si bespren pa sasaktan pa ako. "BESPREN NAMAN!" Binitawan na niya ako."Bakit ka ba
galit na galit diyan?!"

Nagbuntong hininga si bespren sabay hugot niya sa backpack niya, may nilabas siyang
envelope. "Ayan." inabot niya saakin yun.

"Ano yan?" pagtaka ko.

"Basta buksan mo nalang."

Binuksan ko naman yung envelope. At nagulat ako sa laman nito. "An invitation to
Russell's 18th birthday?" Invitation card? Birthday ni Russell sa Saturday? Bukas?
"Hindi ako imbitado dito. Bakit mo pinapakita saakin? Nang-iinggit ka ba Ian dahil
hindi ako inimbita ni Russell sa birthday niya?"

Totoo naman, hindi naman niya ako binigyan ng invitation card. Ang sakit ah! Lahat
na ng katawan ko masakit! Physically, Intellectually, & Emotionally! Si Russell na
manliligaw ko nakalimutan pa ako? Ano bang nangyayari sa mundo Lord?!

"Sira. Syempre inimbita ka rin nun sa birthday niya."

"Wala naman siyang binigay saakin noh."


"Basta, wag tayo pupunta sa birthday niya Nia. Kahit inimbita tayo, wag tayong
pupunta."

"Bakit naman hindi?"

"Bakit ba ang kulit mo? Basta hindi tayo pupunta doon. PRONTO!?"

"Dahil ba kay Prince?"

Lumapit siya saakin sabay tingin saaking ng malalim. "TAMA. Dahil sakanya. Tsaka
dahil sa mga kaklase mo rin. Nag-aalala lang ako sayo Nia, baka mapahiya ka lang
doon. Hindi ko matitiis na ginanon ka lang nila. Naaasar ako. Ano? Klaro na ba
sayo?"

What the hell? Is this my bespren?

"Naks naman Ian! Nag-da-drama ka pala!" ;D

"Seryoso ako dito, wag kang tumawa diyan. Basta Nia, wag na wag kang pupunta doon
kungdi malalagot ka saakin. Tandaan mo yan." bigla niyang hinatak yung kamay ko.
"Let's go home."

Sino ba 'tong tao na 'to? Mukhang hindi na siya yung bespren ko! @__@

***********************

"Hoy Nia, wag kang magpuyat diyan. Matulog ka na."

Nasa bahay na ako. Nasa living room at nanonood ng TV. Actually hindi ako nanonood,
kanina pa ako nakatunganga sa harapan ng TV at na-mo-moblema. Si Prince ang
problema ko. Inalala ko yung nangyari saamin kanina sa pagitan ni Anna.

Hindi ko maalis sa isip ko yung ayaw kong isipin na wala naman silang connecton sa
isa't-isa. Wala naman talaga eh! Tapos si Ian pa, si bespren na parang hindi ko na
bespren. Hay Lord! Bakit biglang gumulo buhay ko?!

"OO na mama, ako na ang magpapatay nitong TV. Matulog na po kayo. Weekend naman
bukas. Walang pasok."

Pumunta si mama sa may gilid ng TV at may kinuha sa gilid ng component namin.


"Matulog ka ng maaga. May pupuntahan ka pa bukas. Tsaka mag-ma-make over ka pa
anak. Kailangang magkaron ka ng mahabang beauty sleep bukas Excited na akong i-make
over kita!"

"Ano bang pinagsasabi mo diyan mama?" Ang weird ha. ???

Biglang may nilabas siyang white envelope. "Pupunta ka pa sa birthday party ng


manliligaw mo!"

"What the!? Bakit ikaw rin meron niyan?" :o Tsaka paano niya nalaman na nanliligaw
saakin si Russell?

"Ikaw kasi late ka nanaman umuwi kanina. May pumunta ditong isang napaka-gwapong
lalake, Russell Sanchez ang pangalan niya. Iniimbita ka sa birthday niya bukas.
Nako naman anak noh? Ang sweet sweet naman ng lalakeng yon! Biro mo? Pinuntahan ka
pa niya dito, sabi niya, hihintayin ka niya hanggang makauwi ka, pero sa tagal mo,
nauna na siya. Kaya pinabigay niya saakin 'tong invitation para sayo. V.I.P ka
talaga anak!"

Kaya pala maagang umuwi si Russell tsaka gusto na niya akong pauuwin ng maaga
kanina! Hindi kaya umuwi siya ng maaga para i-arrange yung party niya bukas?
Pagkatapos nun dumaan na muna siya dito sa bahay para ibigay yung invitation card?
Wow. V.I.P pa talaga ako. Bakit pa-secreto pa niyang binigay yung invitation
saakin? Hindi nalang kanina...

"Anak hindi pa tapos! May pumunta pa dito!"

"Hindi pa?"

Wag mong sabihin si Prince pumunta rin dito sa bahay? OH I HOPE!

"May pumuntang designer dito, tapos pinabigay 'tong damit oh. Care of Russell parin
ito! Ang sweet niya talaga anak!" may kinuha si mama isang malaking white box sa
gilid at binukan yon.

Nagulat ako, ang ganda ng pink dress!

"Anong gagawin ko diyan?"

"This is your outfit para bukas anak."

Buo pa talaga ang package! May invitation na nga, may dress pa!

Shiet. Pupunta ba ako sa birthday ni Russell? Baka mahuli pa ako ni Ian, patay na
ako. Hindi, wala na akong pakeelam kay bespren! Pupunta ako! Sayang naman 'tong
dress ko, tsaka isa pa. Alam kong nandon si Prince.

Pagkakataon na niyang makita ang ka-cutan ng ko with this outfit! Wala na rin akong
pakeelam diyan kay Russell. Salamat nalang sakanya dahil binigyan niya ako ng pink
dress, wala kasi akong magandang masusuot. Harhar. At syempre, wala na rin akong
pakeelam sa Anna na yan tsaka sa mga PUGS bukas, kahit alam kong kasama sila sa
party.

Babawi ako ulit kay Prince. Babawiin ko yung attensyon niya bukas! Tsaka may utang
siya saakin noh. Yung Hello Cookie Love ko!

Kailangan ko talagang pumunta sa party bukas. Sorry bespren! :-\

Episode #11 - June 30th: I'm owned. SAY HUWATT?! (Pt.1)


« Reply #336 on: February 09, 2008, 02:54:32 pm »
Reply with quoteQuote
Hi Guys! My Apologies kung ngayon lang ako nag-update. Dalawang parts ang
Episode#11, pinapaalala ko lang. And! About sa poster, pasensya na mga mare, ang
pangit ng pagkagawa ko diyan. Suppose to be lalagyan ko ng ibang color combinations
yan, pero wag nalang. Para makita niyo yung totong colors ng mga suot nila. :]

Oh well, Im gonna shut my mouth up na. Enjoy! ;D

Episode #11
~ june 30th: I'm owned. SAY HUWATT?!
(CLICK THIS FOR THE EPISODE POSTER)

Hindi na ako nag sayang ng oras, gumising ako ng maaga ng 5:00 ng madaling araw.
Naghanap na ako ng magandang i-pair up sa magandang pink dress na pinadala saakin
ni Russell. But of course, susuotin ko 'to sa party. Baka magalit pa yon, kawawa
naman. *roll eyes*

As you can see, pinili kong mag-head band ngayon, white lace headband with matching
pearl white necklace na binigay saakin ni Mama. Pati si Mama naki-epal na rin sa
make-over ko. Kasi yung buhok ko, original color niyan ay black.

Talagang kinulayan pa niya ng brown streaks para mas maganda daw. Buti nalang mga 7
tapos na ang beautification mode ko. Parang pupunta naman akong prom para lang
dito. Kamusta naman yon? XD

"Wow...napakaganda naman ng anak ko!"

"Ma' naman, wag ka namang magloko okey?" ::)

"Aish, sa tingin mo ba nagloloko ako? NEBER anak, NEBER." hinalikan ako ni mama sa
cheeks. "Napakaganda mo talaga anak, manang mana ka saakin. Hala sige larga na,
baka mahuli ka pa, baka magalit si Russell mo."

Wala pa namang akong sinasabi eh! Walang improvement! GRRR--- Last beso beso nalang
ang ginawa ni mama saakin bago ako tuluyang umalis.

Niloko ko si mama, sabi ko, 8:00 yung party, sabi ko sakanya, iniba ni Russell yung
time. Naniwala naman. XD Ginawa ko kasi yon para mapuntahan ko yung magiging
Chaperone ko.

*knock knock knock knock*

"(Yawn)" *sabay bukas ng pintuan ng kabitbahay* "Ni-Nia? What the hell are you
wearing?!"

"Shhhhhhhhhhhh!!"

Tinakpan ko agad yung bibig niya sabay hatak papunta sa loob ng bahay niya,
kinaladkad at nauwi kaming nakaupo dito sa gilid ng pintuan at nagtatago na parang
mga pusa.

"Saan ka pupunta? Alam kong hindi tayo mag-gi-gimmick, NEVER kitang nakitang mag-
suot ng ganyang ka-gandang dress. Saan mo nakuha yan? Teka..ayieee. May date ba
kayo ni Ian?" ::)

"Sira!" binatukan ko para magising. "Nandito ba yung buteteng yon?" *lingon sa


left, lingon sa right*

"Wala, si papa lang nandito, si kuya may pinuntahan." ;D

Napatingin kaming dalawa sa sofa kung saan nandoon si Tito Lucas at mahimbing na
natutulog. Tamang tama, tulog siya. Maarbor ko rin si Gale ng walang problema. >=]
"Insan, meron ka bang parang ganitong dress na medyo formal?"

"Oo, bakit?"

Ngumiti nalang ako sakanya. ^-^

***********************

Madali ko lang nahiram si Gale, at heto na kami, kumuha na ako ng taxi papunta sa
bahay nila Russell. Almost 11:45 na, 12 noon kasi ang start ng party hanggang mag-
gabi. Buti nalang wala si Ian sa paligid ng bahay namin, malayang malaya tuloy
kaming pumunta sa birthday ni Russ.

"Kasi naman insan eh, mamaya magalit si daddy nito, hindi ako nagpaalam."

"Okey lang yan mare, basta ako na ang bahal mag-explain kay Tito Lucas." sabay tawa
ko. "Buti nalang may damit ka pang ganyan."

"Of course naman Nia noh. Ganito naman ako mag-damit. Ang kinatataka ko lang sayo,
IKAW ang taong hindi masyadong girly mag-suot ng mga damit. Eh bakit napag-isipan
mong isuot yan? Yikeee. May pinopormahan ka ba?"

"Secret ko nalang yon." ::)

"Sigurado ka bang pwede ako doon? Baka ma-OP lang ako doon insan."

"Wag kang mag-alala, nandito naman ako. Hindi kita iiwan."

Excited na akong makapunta sa party, syempre, may halong kaba rin. Kasi wala akong
kaalam alam sa mga mangyayari saakin doon. Hindi kasi ako 'Party-Girl' Ako yung
tipong babae na laging nasa bahay. Kung baga, parang first time kong pumunta sa
isang party ng isang mayaman. At pinapawisan na yung kamay ko sa kaba!

"Nandito na po tayo ma'am."

Pagtapos naming magbayad, at pagkatapos kaming sabihan ni manong driver ng


goodluck, napatunganga kami sa dami ng tao na nakumpulan sa labas at loob ng gate
ng mansyon ng pamilya Sanchez. Yung iba, mga servers at yung iba, mga mayayamang
guest. WHAT A PARTY MEN. Napatingin kami ni Gale sa isa't-isa, kasi parang hindi
kami nababagay makihalibilo doon.

"Papasok ba tayo o hindi?"

"Tara."

At nag-umpisa na rin ang kalbaryo namin. Tahimik kaming pumasok sa loob, yun bang
parang typical katulong lang ang pag-pasok naming dalawa doon kasi feel namin
talaga out of place na kami dito. Tapos na ang pag-aalala ko sa suot ko dahil
tamang tama lang ang outfit namin.

Ang outfit theme kasi: 50 formal, 50 casual. Para bang formal yet so casual yung
mga damit ng mga tao ngayon dito. And it's a good idea dahil kakaiba ang itsura ng
party na 'to at parang pang-bagets talaga. Garden-Party pa talaga ah, sosyal.
Yeeeeee! Excited na tuloy ako. Excited na makita si Prince. Ano kayang suot niya?
Curious ako. ::)

Pero hindi pa diyan natapos ang pag-aalala ko dahil nung pag-pasok namin, parang
tumigil ang oras. Tumigil ang ihip ng hangin dahil lahat ng mga mata ng mga bisita
sa birthday ni Russell at nakatitig saakin.

NAKATITIG NA PARANG KAKAININ NA AKO NG BUHAY!

Bakit? Meron ba akong dumi sa mukha? O_____O Wala naman ah, wala din namang mali sa
suot ko dahil okey naman, wala namang butas oh ano. Pati si Gale nagtataka na rin
dahil lahat ng mga bisita nakatingin saamin.

Nakita ko na rin yung ibang mga kaklase ko, yung iba napatigil pa sa kakakain nila
sa buffet tsaka doon sa cocktail table. Di naman kami late ah, kakarating lang
namin....

Ano ba 'tong spotlight? Hindi ako tantanan! :-[

"Hello Hija."

May humarang saakin. Teka...parang kilala ko 'to ah! Eto yung nanay ni Russell.
Pinigilan niya kaming maglakad ni Gale.

"So you're the lucky girl. Come on, let's go inside."

"I-Insan!"

"G-Gale!"

Ayun na ang huling pagkikita namin ni Gale nung minutong yon. Hinatak ako ng nanay
ni Russell papunta sa loob ng mansyon. Nagulat din yung mga tao sa labas ng garden.

Saan ako dadalhin nito?! Tsaka ano kamo? LUCKY GIRL!? :o

***********************

Nakaupo na ako dito sa isang kwarto. Di ko alam kung anong kwarto 'to pero
nakakatakot. Para kasing akong kinidnapp! ='( HELP ME LORD! NASAN NA BA AKO!?

"I never knew na napakaganda mo pala Hija. You're so beautiful. Mas maganda ka pa
pala sa pagka-describe ni Russell saakin." ;D

Pagka-describe? "Uhm...mawalang gana na po..pero...kilala niyo ako?"

"Of course naman Hija kilala kita."

"P-Pero..paano?" di kaya nakita niya ako dito nung nag-sne-sneak in ako para kunin
yung Hello Cookie Love ko dito?!

"Mauna na muna ako. Russell's coming here. Just wait for him, Ms. Nia Garcia." :)

Seriously! Paano niya ako nakilala!? Pati yung surname ko talaga alam niya...di
kaya...OMG. =X Umalis na rin siya at naiwan na ako dito. Grabe, hindi ko na 'to ma-
take. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumilip sa bintana para tignan si Gale. Shiet,
wala na siya doon. Nakakahiya naman kay Gale iniwan iwan ko siya! Promise ko kasi
sakanya na hindi ko siya iiwan. SORRY GALE!

Gusto ko na talaga umalis dito, feeling ko kasi there's something wrong. HMF!
Nagmadali akong pumunta sa may pintuan para makaalis na dito sa kwarto na 'to, or
whatsover this room called.

May big piano kasi dito sa room na katabi ng malaking pintuan. Hahanapin ko nalang
yung diary ko tapos aalis na ako dito ng maaga! Ayoko ng mag-stay dito sa mansyon,
nag-iiba na ang ihip ng hangin at hindi na ako makahinga! :o

"Saan ka pupunta?

OH MY TALONG!!

Change of heart! Ayoko ng umalis. Grabe, nakita ko na siya. ♥.♥ Nananaginip ba ako?
NOOO! Hindi ako nanaginip! Si P..P...Pr..Prince, naka- PINK POLO! Anak ng kamatis
at ampalaya! Hindi ko siya ma-take, grabeng pogi niya as in na parang mahihimatay
na ako sa kinatatayuan ko. NGAYON! ♥.♥

"Hmmm. Bagay pala sayo yang kulay na yan."

Talagang bagay, pareho tayong naka- PINK noh. ::)

"COMPLEMENT ACCEPTED!"

"I mean yung sandals mo."

Ay berat berat? Yung sandals ko pang color white yung napag-tripan eh nandito naman
itong pink cute dress ko? Yiikeee. Para kaming mag-couple talaga sa outfits namin.
Kinikilig na ako, namumula na yung mukha ko, tapos nang-iinit na yung katawan ko!
♥.♥

ERASE THE IMAGINATIONS! Ayoko munang ma-inlab ng dahil sa outfit lang namin na nag-
match, ang dapat problemahin ko eh yung Hello Cookie Love of mine!

"HOY! Ninakaw mo ba yung Hello Cookie Love ko!?"

"Ano kamo?"

"Yung diary ko! Nasa bag ko po yon, yung bag kong pink, pagtingin ko wala doon yung
diary ko! Instead, yung notebook mo naiwan doon! Nakakainis ka ha, nangangailam ng
gamit!" >:(

"Tsss. Look who's talking." natawa lang siya sa sinabi ko. "Hindi ako pakeelamero
katulad mo." pagkatapos non sabay walk-out na niya, at pumunta siya sa may pintuan
para makalabas na.

Tsss. Naalala ko tuloy yung nangyari nung friday, hindi naman ako ang pakeelameron
kungdi siya!

"Maganda pala yang napili kong damit sayo. See you at the party." *sabay walk out*

WTF? Siya ang nagbigay saakin ng damit na 'to? Kala ko--bakit sabi ni mama care of
Russell 'tong dress ko? HUH? Wala akong naiintindihan! Pero ang naiintindihan ko
lang eh siya ang pumuli nitong damit na suot ko, GAWD. Di kaya siya ang pumili para
mag-match kami ngayon? ♥.♥

"P-Prince...I lab you..." :-* Ki-kiss ko na sana siya kaso bigla nalang sinara yung
pintuan kaya yung pintuan yung nahalikan ko.

HMFF! Nakakainis naman oh, laging nag-iinterupt yung mga kissing imaginations ko
pag kaharap ko si Prince. Yan tuloy hindi ako maka-focus sa totoong misyon ko dito.
::)

Pero kakakilig ah...siya pala talaga ang nagbigay saakin ng dress na 'to...wag mong
sabihin na nagkakagusto na rin si Prince saakin. Yikeee naman. Gawd. I'm feelin'
this party right know!

Sa sobrang happy ko eh napatalon-talon ako dito sa loob ng kwarto na parang hibang.


"Yahew! Yaheww!! Kiligan na ito diyos ko inday!" :D

Sa isang saglit--bigla nalang bumukas yung pinto.

"Nia?"

NAKAKAHIYA! Tinigil ko na yung kakatalon ko dahil si Russell na yung pumasok.


Shiet. Bakit ba napatulala din ako sakanya? Ang pogi din niya ngayon, naka-tuxedo
na black tapos sa loob naka-black and white stripes shirt siya.

Wow~ ♥.♥ NO! ERASE THAT HEART! Mas gwapo parin si Prince.

"H-Hi." ;D

"What are you doing here? Bakit tumatalon talon ka diyan?"

"Huh? Wala 'to, nag-wa-warm up lang ako Russell!" Kadakilang tanga itech.

Lumapit na saakin si Russell, tapos tinignan ako ng maagi, sabay hawak sa dalawang
braso ko habang nakatingin siya saakin. Diyos ko, ano bang gagawin nito? Para niya
akong hahalikan. HELP ME LORD!

"YOU'RE SO STUNNING." ;)

Parang kisses! Melt in your mouth ang feeling. Pero hindi sa mouth, kungdi sa
heart! NO! Bakit ba napapalambot niya minsan yung puso ko pag nagsasabi siya ng
sweet things saakin?

Pambihirang isip, hindi ko susundan 'tong isip ko na nagsasabi na si Russell


sobrang sweet na siya na siguro yung BLUE COOKIE ko at hindi si Prince. :(

"Thank you."

"Oh bakit parang malungkot ka?" he held my hands tapos may nilagay siyang white
bracelet, which is matching din sa suot ko. Okey, bigla nalang lumabas yung
bracelet sa kamay niya na parang magic nanaman. "That's my token of appreciation
dahil nandito ka for my birthday."

"...sa..salamat Russell. Happy 18th birthday pala sayo. Sorry, wala akong regalo
sayo, huli na kasi eh, hindi mo agad binigay yung invitation saakin."

"That's okey, masaya naman ako, masaya dahil nandito ka sa party ko. Ikaw na ang
regalo ko ngayong birthday ko. Thank you Nia."

Pagkatapos nun, hinalikan niya ako sa cheeks. WTF?! :o

OH FRIGGIN' NO! HE STOLE MY FIRST KISS! :'(

"Now come on, I'm gonna Introduce you to them." He held my hands then umalis na
kami sa loob ng kwarto.

Ang saya niya ngayon, parang nag-shi-shine si Russell. Hindi lang naman dahil
birthday niya, pero siguro dahil saakin din. Naglalakad kami papunta sa labas ng
garden, lahat nakatingin saamin, yung mga tao sa loob, pati na rin yung mga
katulong at kung sino sino pa. Parang kami yung 'STAR' sa party na 'to at hindi
lang ang birthday boy. Sabwat rin ako dito.

Hanggang paglabad namin hawak hawak niya yung kamay ko. Hindi naman ako maka-
tanggi, kanina ko pa gustong tanggalin yung kamay niya sa kamay ko. Hindi ko na
maramdaman yung kamay ko at nanlalamig na, hindi katulad kanina na nang-iinit,
ngayon, nararamdaman ko nanaman ang freezing point of negative 100 sa buong katawan
ko.

Nakita ko si Prince. Nakita ko si Anna nung lumabas na kami. Nag-uusap sila. :


( Nakita ko na rin yung mga malalanding kaibigan niya finally. Napatitig lang ako
dito. Dito sa kinatatayuan ko dahil dinala ako ni Russell sa gitna, lahat na sila
nakatingin saamin. Nakita ko rin si Gale. Buti nalang nakita ko siyang okey naman
ang itsura at mukhang hindi naman galit saakin.

Nanghihina na ako....nakatingin lang ako kay Prince. At kay Prince lang na nakatayo
doon sa tabi ng poste malapit sa isang puno. Kay Prince lang ako titingin para
hindi ako kabahan...kay Prince lang...

"Sorry to keep you waiting guys. Salamat sainyong lahat sa pagpunta dito sa 18th
birthday ko. Thank you very much for coming." nakaharap na lahat ng mga tao saamin.
Pati yung mga mayayamang kapag-anak ni Russell nakatingin na rin.

"Ito na rin ang tamang oras para pakilala ko siya sainyo. And she's the lucky girl
I finally found."

I HAVE A BAD FEELING ABOUT THIS. :-\

"This is Ms. Nia Garcia....MY GIRLFRIEND."

Hindi ko makakalimutan 'tong araw na 'to, nakita kong nag-walk out nanaman si
Prince, kitang kita ko. Pero nung nag-walk out siya, sinundan naman siya ni Anna at
bumuntot sakanya. Wala akong kaalam alam na sinagot ko na pala siya.

June 30th: I'm owned. SAY HUWATT?! :o

Episode #11 (Continuation)


~ june 30th: I'm owned. SAY HUWATT?!
(THE SAME POSTER FROM EPISODE 11)

Spell my name please. R U S S E L L ' S G I R L F R I E N D.

Leche namang haba ng pangalan ko, pero wala na ata akong magagawa, di ko alam na
kami na. May sinabi ba siya?

MAY SINABI BA AKO? WALA NAMAN DIBA?! Siya ang nagsabi!

Puro flash ng camera, inumpisahan na ng mga photographers sa lugar na kumuha ng


pictures saaming dalawa ni Russell na nandito parin at naktayo sa harapan nilang
lahat. Hinawakan ni Russell yung balakang ko habang ngumingiti siya sa harapan ng
camera at pinakita niya ang kanyang masayang mukha.

"Russell, nasisilaw na ako." bulong ko sakanya. :-[

Hindi niya ako narinig, parang wala siyang katabi at busy siya sa kaka-ngiti sa
camera at sa kakakausap ng mga kamag-anak at kaibigan niya. Hinawakan niya yung
kamay ko at sabay kaming pumunta sa mga tao. Lahat ng mga tao nagulat, lahat ng mga
tao may ngiti sa mga mukha nila. Pero hindi din natin maiiwasan yung mga kaklase ko
na magulat.

"Kelan pa kayo?"

"Paano naging kayo?"

"Wow Nia, hindi namin akalain."

"Russell, napakaganda naman niya."

Ayan ang mga sinabi ng mga taong nakausap namin ni Russell habang magkasama kami
nung mag-gagabing yon. Naging busy kami sa kakakilala sa mga tao, naging busy sila
sa "girlfriend" ni Russell na ngayon lang nila nakita.

Napatulala ako nung kasama ko siya, hindi ako makasalita, hindi ko rin ma-bati yung
mga mayayamang kamag-anak niya. Wala na akong ginawa kundi ngitian sila.

"Russell, mag-wa-washroom muna ako."

Busy parin si Russell sa kausap niya. Yung uncle niya yung huling nakita ko bago
ako tuluyang umalis sa tabi niya. Umalis nga ako sa tabi ni Russell dahil hindi ko
na rin makayanan.

Tumakbo ako sa loob, naramdaman kong ang bilis ng tibok ng puso ko! Napa-upo ako sa
pintuan ng washroom habang hinihingal. Ni-lock ko pa yung pintuan para walang
makapasok at ako lang. Nanaginip ba ako o hindi?

"NAMAN EEEHHH!!"

Binatok batukan ko sarili ko, tinanggal ko na rin yung headband ko sa ulo,


pagkatapos, yung necklace, ang panghuli kong tinggal, yung bracelet na binigay
saakin ni Russell...ng naiyak na rin ako.

Naalala ko kasi si Prince, nakita niya lahat 'to....nakita niya...gumulo na talaga


buhay ko... :'(

*knock knock knock knock*

SHIET. Nag-da-drama pa ako dito tapos biglang may kumatok! Napatayo ako sa gulat at
humarap sa pintuan ng CR. "M-May t..tao dito!~" :'( ayokong buksan. Baka si Russell
yan natatakot na ako!

"Nia! Nia! Buksan mo 'to dali!"

"GALE!?" Di na ako nagsayang ng oras at pinapasok ko agad yung insan ko sabay sara
ulit ng pintuan. "GALEEEE!! GALEEEEEE..." :'( napalakas yung iyak ko buti nalang
nandito na yung taong maasahan ko, niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak.

"Ano ka ba, ano bang pakulo 'to?!"

"Malay ko insan...wala akong alam.."

Tinanggal niya ako sa kakayakap sabay titig sa mga mata ko. "Kelan ka pa nagkaron
ng boyfriend? Nia naman, hindi mo sinabi saakin. Nakakaasar ka ha, ito lang pala
ang pinunta ko dito, para makita kang maging sikat. Para maiwan ako sa mga taong
hindi ko kilala. Tinatanong kita kanina kung bakit tayo nandito, hindi mo naman
sinabi, sabi mo lang birthday ng class president niyo, tapos ayun pala...nakakainis
ka ha."

"Shhh. Wag kang maingay Gale. Sorry na, hindi ko naman talaga alam na mangyayari
'to eh. Mare...wala akong kaalam alam na kami na ni Russell, hindi ko naman sinabi
eh...wala naman akong ki-nomfirm sakanya, wala ako naaalala, THIS IS ALL LIES!
Gale! Tulungan mo ako!" :'(

"Huh? Wala akong maintindihan?"

"Basta...mahabang storya..."

"(Sigh) Papatawarin muna kita ngayon insan, naniniwala naman ako sayo. Kilala kita
mare, pag ganyan yung itsura mo, may problema ka talaga. Kaya wala na tayong ibang
solusyon, kungdi, ang umalis dito."
"A-Alis?"

"Tumakas tayo dali." bigla niyang hinatak yung kamay palabas.

"S-Sandali lang Galeee!" :o

***********************

Ayoko namang umalis! Hindi ko pa nakikita si Prince! Balak ko siyang kausapin, at


explain sakanya na hindi naman totoo yung mga nakita niya nung hapon na yon. Wala
na akong nagawa, si Gale kasi mukhang nagalit na rin kaya hinatak na niya ako
palabas ng mansyon. Hingal na hingal na kaming dalawa, ayoko na muna tumakbo!

"Gale! Tama na!"

"Oh bakit ka tumitigil diyan?"

"A-Ayoko naaaaa!! Waaaaaaaaaaa!!!" Leche naman oh! Naiiyak nanaman ako!

"Kung mamaya ka nalang kaya umiyak? Umalis na tayo dito, mamaya makita ka ng
Russell na yun eh."

"B-Bakit ganun? Oo, nagkaron na nga ako ng boyfriend ng hindi ko alam, Oo rin,
napaka-swerte ko dahil siya ang pumilit saakin. Diba dapat tatawa ako at magsasaya?
Magdidiwang dahil nahanap ko na siya? Eh pero bakit umiiyak ako ng ganito?!"

"Malay ko..."

Totoo naman, dapat talaga masaya ako, dahil ito na Nia, nahanap mo na yung
magmamahal sayo. Nahanap mo na yung Blue Cookie mo...nahanap mo na si Russell. Pero
ayokong isipin si Russell, dahil si Prince parin ang laging nasa puso ko!

"Oh...you're here pala Nia." 8)

Napatigil ang usapan namin ni Gale at napatingin kami sa left side namin. Nandito
si Anna, nag-iisa. Teka, diba kasama niya si Prince? Wala si Prince...nasan na
siya? Buti nalang hindi niya kasama!

"Who are you?"

Hindi niya pinansin si Gale at dinaan lang niya ng naglalakad siya papunta saakin.
"I didn't know that you're Russell's girlfriend pala." nginitian niya ako. "I just
want to congratulate you MY FRIEND." pinakita niya kamay niya at pormang makikipag-
shake hands saakin. "FRIEND?"

Is she asking me to be her FRIEND? Ang plastik ng kalandian nito! "Nasan na si


Prince?" >:(

Hindi ko na mapigilan yung pagmumukha niya. Umiinit na yung ulo ko! "At bakit mo
naman tinatanong kung nasan na siya? Ano ba ang relasyon mo sakanya?"

"Masama ba ang magtanong?"

"Nia, tama na yan, tara na." mukhang magkakaron na ng away dito, hinawakan ni Gale
yung braso ko, pilit na hinahatak paalis sa eksena.

"I feel bad for our class president. Bakit ba sa lahat lahat ng mga babae sa mundo
ikaw pa ang napili niya? I mean look at you, you're so Hideous, Frantic and
Juvenile. Hindi ka nababagay para maging girlfriend niya. But who knows? Russell
liked you pala. It's a deep shame actually. It's okey for me naman, at least diba
nahanap mo na yung Blue Cookie mo, right?"

Biglang may nilabas siya at pinakita niya saakin.

"HELLO COOKIE LOVE KO YAN AH!"

WHAT THE HELL!? Siya pala ang nagnakaw ng diary ko!? Paano niya nakuha yon!?

"Luckly, I found you Nia here. May ibabalik lang naman me sayo. I just found it
dito sa loob ng pink bag na nasa loob ng bag ni Prince, I thought kasi that pink
bag is for me, I thought kasi na para saakin yung pink bag na yon at gift saakin ni
Prince or something, but ayun pala it was yours."

SUSUNTUKIN KO NA TALAGA 'TO!

"Here, I had fun reading it." ;D Kinuha ko agad yung bag ko at yung Hello Cookie
Love ko habang nakatingin sakanya ng masama. "Iba na talaga ang antas ng ka-
desperada mo Nia. Sa tingin mo ba makukuha mo si Prince sa kakasulat mo ng mga
pangarap mo? Tsk tsk. I feel sorry for you."

PUMUTOK NA ANG BUTCHI KO! LUMALABAS NA LAHAT NG INIT SA KATAWAN KO!

SASABUNUTAN KO NA YANG ANNA NA YAN!

"Walang hiya ka!"

"Nia!"
"P-Prince!?" Si Prince nga. Galit na galit yung itsura niya. At ako naman agad
akong tumalikod sakanya! Kasi naman...kakagaling ko lang sa iyak, yung make-up ko
sira na. Tapos yung buhok ko pa ang gulo gulo na, namumula na rin ako, namumula sa
kahiyaan.

"Bakit ka nandito sa labas Nia?"

Hindi ako makasagot sakanya. Napahawak ako kay Gale ng maiigi. Ayoko munang
magsalita, baka pag nagsalita ko maiiyak nanaman ako. :'(

"Ikaw ba si Prince? Kung ikaw nga, sabihin mo diyan sa Russell na yan na paalis na
kami."

"Bakit ka aalis na Nia? Wala pa namang sinasabi ni Russell na umalis ka. Bumalik ka
nga doon."

Gusto ko siyang harapin...pero hindi muna maari.

"Why don't we leave her muna Prince? Baka gusto lang niyang umuwi ng maaga ngayon,
at napagod lang siya sa party today. Alam mo kasi Prince, hindi naman siya sanay sa
mga klaseng party na ganito."

So pati yun nalaman na niya? NALAMAN NA NI ANNA yung mga secreto ko, wala na ako.
Wasak na buhay ko. Siguro nasabi na rin niya kay Prince lahat ng mga secreto ko
tungkol sakanya...meron na siyang kapangyarihan saakin. Mas mataas na talaga ang
status ni Anna saakin, pwedeng pwede na niyang spill lahat ng mga secreto ko.

"GALE TARA NA!!"

Hinatak ko si Gale paalis at tumakbo na kami paalis. Hindi ko na rin napigilan yung
sarili ko na tumingin kay Prince sa huling pagkakataon sa gabing yon.

Nakita ko nalang na umalis na rin si Prince kasama si Anna. Nakita ko yung kaliwang
kamay ni Anna na nasa sa braso ni Prince, nakakapit na parang ayaw siyang
pakawalan.

Ayaw siyang pakawalan... :'(

***********************

Umuwi na rin kami sa bahay. Hindi ako nagpakita kay Mama...dahil baka tanungin pa
ako nun kung anong nangyari...nandito muna ako sa kwarto ni Gale dahil kinuento ko
lahat sakanya yung nangyari. Nakaupo kami sa higaan niya, singhot ng singhot sa
tissue.

"Nakakainis na Russell yan ah!"

"Di ko na alam ang gagawin ko...ayoko ng pumasok!" *singot singhot*

"Sandali lang naman, ayaw mong pumasok? Hindi pwede yan, alam mo, mas maganda
siguro kung kausapin mo muna si Russell, tanungin mo siyang kung bakit niya nagawa
sayo yon, tsaka mag-sorry ka na rin dahil iniwanan mo yung party."

"Bakit naman ako mag-so-sorry? Natatakot ako sakanya! Ayoko sakanya!"

"Eh kanino ka mag-so-sorry? Kay Prince?"

"PRRRRIIIINNNCEEEEE KOO!! WAAAAAAAAAHH!"


Pinaalala nanaman niya si Prince, I'll go dramatic if I hear his name!

"(Sigh) Bakit ka ba pilit ng pilit sa Prince na yon kung ayaw ka naman niya? Nia,
open your mind naman, si Russell ang may gusto sayo at hindi si Prince!"

"Kanino ka ba kumakampi insan!?" >:(

"SAYO!" ;D

"Tssss. Kanina lang galit ka kay Russell tapos ngayon inaaway mo pa si Prince. Hmf.
Basta...wala na talaga ako sa mood ngayon...alam ko...alam ko na yung taeng Anna na
yon may gusto kay Prince, tapos nabasa pa niya yung diary ko!"

"Diary?"

Kailangan ko ng makakausap ngayon, mahihingan ng advice...sasabihin ko na nga kay


insan ang tungkol sa Hello Cookie Love ko. Hindi ko naman natupad sa sarili ko na
walang makakakita at makakalam nito, nakita na din naman ni Anna, wala ng kwenta
'to.

"Cookie Love ko..." nilabas ko yung Hello Cookie love sa pink bag ko sabay abot ko
kay Gale.

Sa una nagtaka pa si Gale, pero nung binuksan na niya yun, nabigla nalang siya sa
mga nakasulat. "A-Ano 'to?! Nangyari ba talaga sainyo ni Prince yung mga nakasulat
dito!?"

"HINDI!" :'(

"Kasinugalingan lang yung mga nandito? Ayun ba ang ibig sabihin nun?"

"P-Parang ganun na nga...p-pero! May reason naman ako kaya sinusulat ko yan, para
mabigyan ako ng konting inspiration para makuha ang puso ni Prince...para makuha
ang puso ng Blue Cookie ko...ginagawa ko lang naman yan para doon...dahil alam kong
isang araw...maiintindihan din ni Prince yung mga nararamdaman ko para
sakanya...yun lang naman eh..yun lang...tapos ngayon sasabihin nalang ni Russell na
girlfriend niya ako kahit hindi naman totoo..."

Naiyak nanaman ako. Naawa nalang saakin si Gale at binigyan ako ng tissue na
masisinghot habang hinihimas niya yung likod ko.

"Kaya pala."

ANAK NG!? Anong ginagawa ni butete dito!? Dahan dahang bumukas yung pintuan, tapos
dahan dahan ding pumasok si Ian, napatayo kami ni Gale, lalo na ako. Patay na ako
sakanya. Buking na kami, nakita na niya nakabihis kami pang-alis.

"BESPREN! SORRY! SORRY! Hindi kasalanan ni Gale na sumama saakin sa birthday ni


Russell! Ako ang may kasalanan...ako. Sorry Ian, sana patawarin mo ako..." ='(

Lumapit na siya saakin, habang ang babaeng kawawa umiiyak parin. Umiiyak na parang
batang maliit.

"Okey lang bestfriend. Shhhh...okey lang...don't worry."

Niyakap ako ni Ian, naiyak pa ako lalo sa ginawa niya, niyakap ko rin siya ng
mahigpit. :'(
Episode #12
~ kayakap ko na pala siya! S.H.I.E.T. [size=14pt]♥__♥[/font][/size]

Naging okey naman ang pakiramdam ko nung nagising ako nung Monday morning. Isang
araw lang ang tinagal bago ako maka-recover diyan sa hindi ko ma-take na party na
yan. With the help of my BFF Ian, and my insan Gale, hindi na ako ma-drama ulit sa
buhay. Psssh, naisip ko rin yon, bakit ba ang drama drama ko, yun lang naman yung
nangyari, hindi pa naman nag-end of the world!

"GOOD MORNIIIING~!"

"BESPREEEEENNN!" si Ian talaga, nakaupo na dito sa lamesa agad. Umalis na si mama


ng maaga kaya nandito lang kaming dalawa. "Anong gusto mong breakfast? Papagluto
kita." :)

"Aba aba! Nasan na yung niluto ni mama?" di kaya kinain na niya?!

"Uhhm...unfortunately...kinain ko na. Haha! Pero, wag mo nalang pansinin yon,


papagluto na nga kita eh. Tara!"

Hinatak ako ni Ian papunta sa kitchen. At ito na nga kami, sinuot niya yung apron
ni Mama, ako naman sinuot ko yung apron ko.

"May balak ka bang pumasok? Mag-co-cooking session ba tayo? May pasok pa kaya! May
balak ka atang mag-pa late." ;D

"Sandali lang naman ako magluto, tsaka alam ko naman yung favorite mo. Lulutuin ko
favorite mo bespren!"

"Kala ko ba ako ang magsasabi ng gusto kong kainin tapos ikaw naman yung nag-
decide, ang labo mo!" binatukan ko si bespren para maalog yung utak nitong mokong
na 'to. XD "Achuz, sige nga, ano yung favorite ko?"

"BACON AND EGG FOR BREAKFAST! Sa kawawang rason, ito lang ang best dish ko sa
pagluluto, pero, susubukan ko parin para lang sayo." ;)

"Kawawa ka naman Ian, yan lang ang kaya mong lutuin."

"Wag ka ngang istorbo Nia, umupo ka nga doon sa dining table at hintayin mo yung
bacon and egg mo." ;D

"Bahala ka na nga diyan, pweh!"

Inalis ko yung apron ko at umalis na rin ako sa kitchen. Pero bago ako tuluyang
umalis, pinagmasdan ko muna si Ian magluto doon. Mukhang determined siya sa
niluluto niya para saakin, ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. At first time ko
rin siyang nakita na ang tiyaga tiyaga niya sa ginagawa niya, ginagawa niya lahat
'to, para lang saakin. I know naapektuhan din siya sa nangyari, masyado ng maraming
nagawa saakin si Bespren, nandiyan siya lagi sa tabi ko. He's starting to change,
parang hindi na siya yung bespren na kakulitan ko noon. Haay. :(

Nung papunta na ako sa dining room para hintayin ang bacon and egg ko, nabigla
nalang ako dahil nakita ko si Gale patakbong pumunta saakin.

"Oh Gale, Bakit?"

"Nia, I'm so..sorry, ang kulit niya kasi eh, sobrang kulit! Kahit anong gawin ko,
napaka-kulit talaga niya..kaya pinapasok ko na, sorry talaga, hindi ko siya
maaway."
"T-teka, sinong makulit? Tsaka sino yang pinapasok mo?" ???

Nag-aalala parin yung mukha ni Gale habang nakatingin siya saakin, para bang
magagalit ako pag nakita ko yung taong pinapasok niya. "Sino ba yon?"

"Good Morning Nia."

Talagang magagalit ako! :o A-Anong ginagawa niyan dito!? Napatulala nalang ako.
"How are you?" lumapit saakin si Russell habang may hawak hawak siyang boquet of
flower. "Hindi na kita nahanap after my speech, I'm just worried, baka kung napano
ka na Nia. Here, this is for you." Inabot niya saakin yung bulaklak.

Hindi ako masyadong makatingin sakanya, dahil hindi ko parin makalimutan yung
masamang ginagawa niya saakin. "Sorry Russell pero hindi ko matatanggap yan." Hindi
ko na talaga siya matiis, kailangan kong gawin 'to...

Napatingin nalang siya sa bulaklak at parang nalungkot. Nalungkot na rin ako, para
namang ni-reject ko na siya. Bakit ba naaawa ako sakanya!? Eh siya nga yung nag-
gulo sa buhay ko!

"Can we talk privately Nia? I want to talk to you."

"Papasok na kami, look at the time."

"You can hop on in my car. Papunta na rin ako sa school. Please Nia, I want to talk
to you."

Napatingin ako kay Gale. Hindi ko alam ang gagawin ko, pati na rin si Gale, pero in
a few minutes, nag-OO nalang si Gale at pinakawalan na niya ako. Nakita ko si
bestfriend bago ako umalis. I'm so sorry Ian, hindi ko nakain yung niluto mo
saakin. :(

***********************

Walang driver si Russell ngayon, instead, siya na ang nag-drive sa sarili niyang
kotse. Wala din si Prince dito. Expected ko na nandito si Prince kasi pareho namang
silang pumupunta sa school. Nag-aalala lang ako kay Prince, baka nag-commute lang
siya at hindi siya pinasakay ni Russell dito. Ang sama talaga.

"I know the reason why nag-walk out ka nanaman nung party." nakatingin lang si
Russell sa daan at busy sa kaka-drive. "Like you did when I asked you to be my
girlfriend."

Medyo natawa pa siya doon. "Anong rason yung alam mo?" parang ang strong naman ng
response ko sakanya, nahihiya akong awayin siya. :-[

"You just can't take that situation. Natatandaan ko yung first time I saw you in
front of our classroom, reciting that poem you did. Naalala ko lang kung gaano ka
ka-sincre, masyado ka lang natatakot kasi nag-uumpisa na yung gusto mong mangyari.
I guess you're just adjusting to reality Nia."

"A-Ano? Wala akong naintindihan."

"And that's the main problem, you just can't understand what's happening around
you." Bakit ba siya ganito makasalita saakin? Parang kilalang kilala niya ako.
"This is how things go. I'm a boy, you're a girl."
Bago pa niya sinabi yon, tumigil na yung kotse dahil nandito na kami sa school.
"Diba sinabi mo na wala ka pang alam tungkol sa pag-ibig? Well, this is just the
beggining, I'm just testing you how to react in a certain situation."

A-Ano!? "So Testing lang pala ang ginawa mo saakin?! I-ibig sabihin...wa-wala ka
talagang gusto saakin!?"

YES! Testing lang pala lahat yon! Ibig sabihin ba nito I'm free from him na!?

"You Fool." ;D natawa siya ng malakas.

"H-huh? Ba-Bakit?"

"Of course I still like you! Yung ginawa ko nung party, testing lang ko lang sayo
yun. Inalarma ko lang yung isip mo, para bang, ano kaya ang magiging reaction mo
pag tayo na, that's why."

Naman oh...kala ko pa naman... :-[ "Nakakainis yung ginawa mo, wala namang akong
sinasabi, nakakasar ka."

"Don't be mad Nia, para sakanila, tayo na, pero para saatin, hindi naman talaga,
I'm still courting you. I just want to know what is your reaction, and the reaction
of my family and friends. I'm so sorry If I'm doing this to you. I know I'm a fool
also, pero sana patawarin mo na ako, please?" sabay abot niya ng bulaklak saakin.

Ngumiti nanaman siya. Hindi ko masyadong maintindihan yung dapat niyang sabihin
saakin. Pero nag-sorry siya. Papatawarin ko ba? ---- kinuha ko naman yung flowers,
siguro, sa ginawa ko, pinatawad ko na rin siya. :-\

***********************

Nag-skip ako sa class, hindi ako pumasok ngayon, nag-stay lang ako sa 7Eleven for
the whole day. Sinabi ko rin kay Russell yon bago siya pumasok sa school. Kasi
naman, di ko alam! Down nanaman ako kahit inexplain na saakin ni Russell yung gusto
niyang sabihin saakin at kahit nagkaayos na kami.

Miss ko na si Prince. Ito yata ang reason kung bakit ako down ngayon. Hindi ko pa
siya kasi nakikita eh! Para ba siyang drugs. :'(

Nag-ring yung cell ko, si Ian tumatawag, si Gale din, ayoko munang sagustin, inoff
ko muna yung phone ko. Uwian na kasi, baka hinahanap na ako nung mga yon. Kaya nag-
text nalang ako sakanila na late nanaman akong uuwi.

Monday ngayon, baka saka-sakaling makita ko si Prince sakanyang part time job sa
mga classroom. Lumabas na ako sa 7Eleven. Konti nalang yung mga tao at nag-aalisan
na lahat ng mga students, so ako naman pumunta ako agad sa loob ng meris. Mabait
naman yung guard at pinapasok ako sa loob, kasi sabi ko may naiwan akong libro,
kailangan kong kunin.

NAKAKATAKOT! :o Ako lang mag-isang naglalakad dito sa quadrangle tapos yung langit
ang kulimlim pa, parang uulan.

Haish, hayaan ang katatakutan at alalahanin si Prince! Agad akong pumunta sa 3rd
floor sa classroom namin. Nyeeee. Nakakatakot talaga yung itsura, sumilip ako sa
classroom namin at---

NAKITA KO SI PRINCE! :o Naglilinis ng classroom. Prince? T_____T Gusto kitang


makausap, gusto kong marinig boses mo. Aissh. Tatayo na lang ba ako dito?
"Anong ginagawa mo dito?"

WAAAA! Meron ba siyang mata sa likod? Paano niya ako nakita eh naglilinis siya ng
blackboard? "Ah...ahh...h....hi Prince." hindi na nakayanan ng puso ko at nagpakita
na ako sakanya.

"Kung ano mang pakay mo dito, gawin mo na at umalis ka na." ang sungit nanaman. :|

"W-wala naman akong pakay..ang pakay ko lang eh..." ANG MAKITA KA? OH HINDE! Ayoko
namang sabihin yon sakanya, parang ang corny. "G-gusto kitang tulungan Prince!"

Tumakbo ako papunta sakanya sa may blackboard ---pero nung pagpunta ko sakanya
bigla siyang humarap saakin at tinutok niya yung basahan sa mukha ko! "Hindi ko na
kailangan tulong mo dito. Ako na ang gagawa."

"Eh g-gusto ko lang naman tumulong, bakit masama bang tulungan ka?!" kinuha ko yung
basahan sa kamay niya sabay linis ko ng blackboard. PUWAHAHAHA! Ano ka ba Nia,
mukha kang tanga. XD

"Bakit ba ang kulit mo?" >:(

"Matanong nga kita Prince for the last time, bakit ka ba nag-tra-trabaho dito?
Siguro gusto mong umalis kila Russell noh? Gusto mong makapag-ipon ng pera para
makapag-isa ka na. Am I right?" ::)

"Hanggang kelan ko ba sasabihin sayo na it's none of your business? Wala kang
pakeelam sa mga ginagawa ko, ni sa personal na bagay tungkol saakin. Kaya pwede
bang itigil mo na yang kakatanong mo? Nakakaasar ka na eh." hinugot niya ulit yung
basahan sa kamay ko ng pagalit.

Nakakaasar na. Hanggang kelan ba ako magtitiis sa mga "None of your business"
niya?! Sawang sawa na ako! "PRINCE! Sabihin mo nga saakin kung sino ka ba talaga!
Tsaka kung ano talaga yung background at kwento mo! I want a direct answer from
you." >:(

"Gusto mong malaman?" tumingin siya saakin ng maiigi. "Tanungin mo yang Russell
mo."

Natahimik ako bigla sa sinabi niya. Naalala ko lahat nung nangyari sa party...
"Bakit ka natahimik diyan? Tanungin mo nga yung Russell mo para malaman mo kung
sino talaga ako."

Hindi parin sapat na yung mga narinig ko sa labas tungkol sakanya eh totoo, I want
to know the truth about him. Gusto kong malaman ang storya niya. Sana malaman ko sa
lalong madaling panahon...ngayong...meron na siyang Anna na umaaligid aligid
sakanya. Hindi parin ako magpapatalo sa Anna na yon. Tandaan niya yan.

"Sa totoo lang...hindi naman kami talaga ni Russell eh, niloko lang niya yung
speech na ginawa niya nung Saturday, kasinungalingan lang yon..."

Gusto kong malaman niya ang totoo. :-[

"Di mo ba alam na may naliligaw na mga kaluluwa dito sa classroom na 'to?"

WTH is he saying? Iniiba ba niya yung usapan?

"Gusto mong malaman kung bakit ako nag-tra-trabaho dito diba? Dahil si manong,
hindi na niya maharap yung mga bagay dito sa loob ng classroom natin pag sumapit
ang gabi."

"W-Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Nangloloko ka lang!" Napaka-random naman ni


Prince. ???

"Diyan sa likod mo, meron akong nakikitang white lady."

"ANAK NG--! Prince naman eh! Wag ka ngang ganyan!" Leche naman oh, natakot ako kaya
agad akong umalis sa kinatatayuan ko. T________T Pag alis ko naman, biglang
naramdaman kong lumakas yung hangin na nanggaling sa likod ko, sa may bintana.

Mas lalong kumulimlim yung langit kahit hapon palang. Mukhang uulan pa...geeee.
Nakakatakot.

"Si Mary Cherry Chua, nakikita ko sa classroom na 'to."

"A-ANO!?" :o :'( Si Mary Cherry Chua, yung babaeng ni-rape 'daw' dito sa school
namin, siya yung top white lady na nagpaparamdam daw dito sa buong school.

"Gusto mong malaman kung bakit ako nag-ta-trabaho dito diba? Nagmamagandang loob
lang ako kay manong Janitor kasi nakakaramdam siya at hindi na niya makayanan."
unti unti siyang lumalapit saakin habang tinitignan yung mga mata ko, parang
nanakot! "Ako nalang ang pumalit sakanya dahil at least ako, wala akong takot sa
mga multo'ng kagaya ng nasa likod mo."

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH~! AYOKO NAAAA!" :o KUMULOG AT NAG-UMPISA NG UMULAN! WAAA!!


T_____________T

Ang huli ko nalang nalaman, pagbukas ko ng mga mata ko....

Kayakap ko na pala siya! :o


S.H.I.E.T. ♥__♥

Episode #13
~ i don't know who you are, but I'm with you.
LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB.

&& This is my heart beating a million times already. Heaven na kanina pa, umiikot
na yung buong camera saamin at sinasaksihan na ng mga mambabasa ang aming matamis
na yakapan sa gitna ng kadiliman. Lord? Please, sana lumabas talaga si Mary Cherry
Chua so that I can be in his arms forever.

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHH~!"

Mali pala ang akala ko. Isang minuto lang ang tinagal ng aming yakapan, pero sa
imahinasyon ko, poreber na sana yun. :'(

First real hug ko pa naman yon sa Blue Cookie ko, naudlot pa. Binato niya ako na
parang sako, naglupasay na ako dito sa sahig.

"A-Ang sa-sakit na-naman..."

Napatulala siya saakin, ayan nanaman parang kakainin nanaman ako sa tingin niya!
Hindi kaya nagalit siya? Hindi eh, mukha siyang na-shock. Oo, ganun yung mukha
niya, na-shock siya. Tapos..tapos, bigla na akong iniwan dito at nag-walk out
nanaman!

"Prince! S-sandali lang naman!" tumayo na ako, ayoko namang maiwan dito sa
classroom, pagktapos ng kwento niya, ayoko na. Suko na ako.

Takot na takot na ako!"PRIIIIIINNNCEEEEE!!" takbo parin ako ng takbo, kahit


bumababa na siya sa 2nd floor, 1st floor ng biglang----!

Tumigil siya sabay hugot saakin at dinala ako kung saan! A-anong balak niya
saakin!? =X

"Shhh...wag kang maingay...."

"H-Huh? A-Ako? Wag..wag maingay?" TAMA! May gagawin siya saaking hindi kaaya-aya
ngayong gabi na 'to. :o Naman, jusko, bakit pa dito sa 1st floor ng mga 3rd year
magaganap ang aming kauna-unahang kababalaghan ni ----

"Meron tayong kasunod."

"KASUNOD?! S-Sino? Wag mong sabihin na si Mary Cherry--!?"

"Lintek, sabi kong wag kang maingay." bigla niyang tinakpan yung bibig ko na parang
holdaper. Napa-gwapong holdaper naman nito oh Lord! :'( I'm actually Petrified na!
Kumulog nanaman ng malakas yung langit, tapos bigla akong may narinig na foot steps
na pababa na sa hagdan. Syiet. Natatakot na talaga ako!

"Dali. Umalis na tayo." bigla niya akong hinatak nanaman paalis ng 1st floor.

Sabay kaming tumakbo paalis ng buong school, tumakbo na...hawak hawak niya yung
kamay kong mahigpit. Umuulan ng malakas sa labas, wala kaming payong, no choice,
pareho kaming basang sisiw dahil sa labas kami ng quadrangle tumakbo. Wala paring
tigil si Prince sa kakatakbo hanggang mapadpad na kami sa hintayan ng dyip at doon
na muna kami tumigil.

"S-Sino ba...ba yon?..." Hingal na hingal na tanong ko sakanya.

Di nanaman siya sumagot. "HOY! Kinakausap kita. Sino ba yong iniiwasan natin na
yon? Yun ba yung mumu?!"
"TANGA! Sa tingin mo ba yun yung multo na nakikita ko? Wala namang foot steps yung
mga multo, kaluluwa lang lahat sila." Ay oo nga naman noh? ???

"Umuwi ka na. Uuwi na ako." tumawag siya ng dyip, at esakto lang tumigil yung dyip
na tinawag niya.

Nakakainis naman 'to, bigla ba naman akong iniwanan? Tsss. Sumunod na rin ako
sakanya. "Bayad po."......."Bayad din po.."

"Anong ginagawa mo dito?!" :o

"Hindi ako aalis dito hanggang di mo sinasabi saakin kung sino yung tinakbuhan
natin. Si Manong Janitor ata yun noh? Aish, sabi ko na ba siya yon. Teka? Bakit
natin siya tinatakbuhan? Diba alam niyang nag-tra-trabaho ka dun?"

Wala ring saysay kung medyo hinabaan ko yung tinanong ko sakanya dahil as usual,
hindi nanaman siya sumagot saakin. Patigasan ba ang labanan? BAHALA SIYA. If he
keeps on doing this to me, ang mag-walk out ng mag-walk out, at kung snob parin
siya ng snob saakin, hindi ko parin siya titigilan hanggang mag-sawa siya saakin.

Hindi na siya sumagot hanggang sa dulo ng bahay nila Russell. Ito pala ang
destinasyon niya, ang umuwi. Sinundan ko parin siya hanggang dito.

Naglakad siya papunta sa gate. Sumilip sa gilid gilid, mukhang wala kasing tao sa
loob. Nakapatay lahat ng ilaw sa loob ng mansyon, ang tahimik. Kinalikot niya yung
lock, kaso sa masamang palad, naka-lock pala yung gate.

"Anong nangyari? Sinong nag-lock?"

Hindi niya parin ako pinansin, pilit na niyang binubuksan yung gate....dahan
dahan...dahan dahan ng bigla nalang lumakas ang pagbubukas niya. Malakas na parang
ginigiba na niya.

"P-Prince tama na!" Bigla nalang siyang nagalit, tumakbo ako para pigilan siya sa
ginagawa niya.

"UMALIS KA NGA!"

Kaso tinaboy nanaman niya ako, tinulak paalis sa tabi niya nung hinahatak ko yung
braso niya. Napaupo nanaman ako dito sa sahig na basa. Pagkatapos mas lalong
lumakas na ang ulan...

Ano nanaman yung problema niya? Di ko talaga siya ma-gets. Pero kahit ganun, kahit
inaapi niya ako ng ganito, tumayo parin ako nung nakita ko siya na umupo siya na
nakakalumbaba sa tabi ng gate. Dahan dahan akong lumapit sakanya kahit ang gusgusin
na yung itsura ko. Malungkot si Prince, di ko alam kung bakit.

"O-Okey ka lang ba?..."

No response.

"Huy Prince..."

Wala parin.

"Sagutin mo ako please?":-\

"IWANAN MO NA AKO!"
"Hindi ako aalis dito, hindi kita iiwan dito hanggang hindi ka nakakapasok sa
loob."

Hindi na siya sumagot, ng makita ko nalang na umiiyak na pala siya. BAKIT SIYA
UMIYAK?

May kasalanan ba ako sakanya? Baka naman--baka niyakap ko siya kaya siya umiyak? O
kaya baka dahil doon sa kasunod naming hindi ko alam.

"Sorry na Prince."

He look so wasted. :-\ Hindi ko parin matiis, lumapit pa ako ng maiigi sakanya, pi-
nat ko siya sa ulo, kahit ako na ang dakilang loka loka, nag-iisip kung bakit siya
umiiyak, wala parin akong pakeelam. "Okey lang Prince, wag kang umiyak diyan...."
okey fine, ako rin naiiyak na. =(

Ayoko na siyang makita ng ganito. Nilakasan ko yung loob ko para itayo siya,
hinatak ko siya paalis. "SUMAMA KA SAAKIN!"

"!!!!?!?!?!"

***********************

Naka-lock naman yung gate ng mansyon, ang lakas ng ulan, sobrang lumakas, kahit
basang basa na ako, at kahit medyo wala na ako sa mood, basta madala lang si Prince
dito sa malamit na MOTEL.

"A-Anong ginagawa natin dito!?"

"Tumahimik ka nalang pwede?" >:(

Wala naman akong masamang intensyon sakanya. Gusto ko siyang matulog dito muna sa
motel na 'to. Ayoko namang iwanan siya dun nag-iisa sa labas ng gate, basang basa.
Baka kung ano pang mangyari sakanya mahirap na. Ito nalang ang best idea ko. Bawal
ko naman siyang iuwi sa bahay, baka kung ano pa ang isipin ni mama.

"Hoy mga bata, bawal pang mag-motel!" hala, hinarangan kami ng guard.

"Manong? Patuluyin mo na kami sa loob, ang lakas ng ulan oh? Pagod na kaming
dalawa, gusto na naming matulog!"

"Sa murang edad niyo gagawa na kayo ng masamang bagay? Nasan na yung mga magulang
niyo?"

"Magkapatid kami."

SOSYAL. Biglang nag-salita. :o

Bakit siya biglang sumagot ng ganito? Gusto ba niyang matuloy kami sa loob? Baka
naman iba na ang iniisip ni Prince!

"Ah..OO! Magkapatid nga kami manong! Kasi kakagaling lang namin sa school, gumawa
kami ng project, pauwi na sana kami kaso na stranded kami sa baha at hindi na kami
makauwi."

Yun nalang din sagot ko. Ayokong masira plano ko.


"Kakaumpisa palang ng ulan ah, bakit ang bilis naman bumaha?"

"Alam mo manong, ang dami mong tanong, papasukin mo lang kami eh! Aish. sa inis ko,
hinatak ko na agad si Prince papunta sa loob. Wala na akong pakeelam kung
pinagtitigan na kami ng mga tao --- basta magkaron lang ng shelter si Prince
ngayong gabi gagawin ko na ang imposible.

Nakakuha na rin kami ng kwarto. Hindi na umiiyak si Prince. Nung pagpasok namin sa
loob, agad siyang humiga sa higaan. At ako naman nanatiling nakatayo dito sa gilid
niya.

"Hindi ka ba lalamigin niyan? Basa yung suot mo."

As usual.

"Gusto mo ba ng hot chocolate? Kung gusto mo bibili nalang ako."

"Anong gagawin mo kung lahat ng mga tao ayaw sayo?"

Iniba nanaman niya ang usapan, mukhang seryoso siya sa tanong niya.

"D-Di ko alam, hindi ko nalang sila papansinin...." sinagot ko parin siya kahit
nagtataka parin ako na gusto ko siyang tanungin kung bakit napaka-lungkot nanaman
niya. :(

"Na kahit nakuha mo na ang lahat, pakiramdam mo na hindi ka parin masaya?"

Hindi na ako makasagot ngayon, wala naman akong kaalam alam sa sinasabi niya.
"Prince naman, kung meron kang problema, sabihin mo naman saakin para hindi ako
nagtataka."

Tinakluban nalang niya yung sarili niya at hindi na sumagot. Okey fine. Hindi ko na
siya iistorbohin sa ngayon. Kung gusto niyang mapag-sarili, bahala na muna siya.
Hindi ko na siya pipilitin. Matulog nalang siya kung gusto niya...

Tinignan ko muna siya sandali, pagkatapos kinuha ko yung cellphone ko sa loob ng


bag ko. Lumayo ako ng konti at may tinawagan.

"Hello?"

"Gale?" :(

"Insan?! Nasan ka na?"

"Favor naman oh.."

Pinapunta ko si Gale dito para magdala ng extra clothes at mga pagkain. Hindi naman
daw siya naabala dahil wala naman siyang ginagawa. Na-explain ko na rin kung bakit
ako nandito, medyo nagalit pa nga siya. :| Siya na rin daw ang bahala na mag-
explain kay mama kung nasan at kung anong ginagawa ko dito sa hotel. Hindi na siya
nagsayang ng oras at pumunta na siya agad dito.

Inintay ko siya sa labas ng pintuan ng room #13

"Insan!" niyakap niya ako kahit basang basa na ako.

"Salamat at nandito ka na Gale, buti nalang may insan akong katulad mo. Dala mo na
ba lahat ng mga binilin ko sayo?"
"Bakit kasi pinapahirapan mo sarili mo diyan kay Prince?"

Natahimik muna ako ng sandali. "Wala na akong magagawa mare, mahal ko siya." :(

"Mahal o nagpapaka-tanga ka lang? (Sigh) You're risking your life to that boy.
Hindi mo naman talaga kilala yang taong yan, tapos gagawin mo parin 'to? Pasalamat
ka insan nag-ok naman si Tita, sabi ko kasi nag-overnight ka sa girlfriends mo para
sa isang project."

"Sorry Gale, I appreciate naman yung ginawa mo saakin. Kahit isang gabi lang, basta
masamahan ko lang siya dito, gusto ko talagang malaman yung problema niya eh..." :(

"(Sigh) Kung hindi lang kita mahal mare." inabot niya yung paper bag na may lamang
mga damit at kung ano ano pa. "Lika nga dito." niyakap nanaman niya ako.

"Hay nako insan...tandaan mo, IKAW ang lahat ng gumagawa nito. Pero sana isipin mo
rin sarili mo, hindi lang siya nalang lagi ang iniisip mo."

"Wag kang mag-alala Gale, hindi ko naman pinapabayaan."

Hindi ko pwedeng iwanan walang laman yung puso ko. This way, considered na rin sa
isip ko na hindi ko pinapabayaan sarili ko.

"Sige, pasok ka na doon." ngumiti saakin si Gale. "At gawin mo na ang dapat gawin.
Wag kang mag-alala, ako na ang bahala kay butete. In case na mag-tanong siya
tungkol sayo okey?" ;)

"Thanks Gale!" T_______T

Last hug para kay insan bago siya umalis. Pumasok na ako agad sa loob.

Tulog na tulog na si Prince, mahimbing yung tulog niya na parang hindi siya
nakatulog ng ilang araw. Kahit basang basa parin yung buong suot niya, tulog na
tulog parin. Inalis ko yung sapatos niyang basang basa, pati na rin yung medyas
niya. Pagkatapos kinuha ko yung upuan at umupo na ako sa gilid ng higaan sa tabi
niya.

Pinagmasdan ko yung mukha niya, ang kinis ng balat....ang tangos ng ilong, ang pula
ng lips, ang ganda ng mga mata. Isang tingin ko palang, masasabi ko na talagang
ampon lang siya ng pamilya Sanchez.

Ng makita ko yung kamay niya, kinuha ko pagkatapos, punong puno ng sugat. :( Hindi
lang yon, nilalabasan na din siya ng ugat....

Naramdaman ko yung lungkot niya sa tahimik ng lugar at sa tingin ko sa mukha niya.


Para bang out of the limit na siya sa buhay niya at hindi na niya makaya.

Gusto ko lang siyang tignan buong gabi.

Sana sa pagtingin sa isang tao malalaman mo na kung ano yung nagpapahirap sa taong
yon. Sana ako ang mabiyayaan ng kapangyarihan tumingin. Kaso malas ako, hindi
namang mangyayari yon...

Napatingin ako sa bintana, humangin kasi yung kurtina, nakabukas kasi ng konti kaya
pumasok yung hangin. Ang lamig ng simoy ng hangin. Gustong gusto ko ng umuwi...sana
may pumunta dito at kuhanin ako dito sa loob ng kwarto. Ngunit hindi ko naman
pwedeng gawin yon eh. Everything's a mess right now. At sobrang nalilito na rin
ako.
Kinumutan ko ng maiigi si Prince.

Oo, tama nga si Gale. Hindi ko nga siya kilala, wala akong kaalam alam sa buhay ni
Prince, at kung sino siya talaga.

"I don't know who you are, but I'm with you." :-[

Episode#14 - My Mysterious Bespren Ian


« Reply #489 on: February 25, 2008, 07:34:35 am »
Reply with quoteQuote

Episode #14
~ my mysterious bespren Ian.

Uminit na ang paligid nung naramdaman ko na sumisikat nap ala yung araw diretso sa
mga mata ko. Umaga na pala. Dahan dahan kong binuksan yung mga mata ko sabay yawn
ng mahaba. Tatayo na sana ako para gisingin si Prince.

"Oh? Nasan na yon?!"

Wala na siya sa higaan nung pag mulat ko ng mga mata ko.

"Prince?! Prince nasan ka na?!"

Tumakbo ako papunta sa CR, baka sakasakaling nandon siya. Pero wala parin, hindi
naka-lock yung pintuan doon tapos wala ring tao. Nag-alala na ako, di ko alam kung
nasan na siya ngayon. :-/ Kinuha ko yung gamit ko yung mga gamit na naiwan ko sa
motel at tumakbo na ako papunta sa baba.

Buti nalang nung pagkababa ko, eksaktong nakita ko si manong body guard na
nagpapasok saamin ditto kahapon.

"M-Manong, nakita niyo ba si Prince? Yung-yung kapatid ko?" Nakakainis naman, hindi
man lamang ako ginising, umalis na siya agad.

"Yung kay-gwapong kapatid mo ba? Ay iha, kakaalis lang niya, kanina lang, bago ka
bumaba."

"Sigurado ka manong? Osige! Mauna na ako! Bye manong!" Baka maabutan ko pa siya!
Tumakbo na ako paalis sa loob ng lobby motel.

Ang taas ng araw~nung lumabas ako parang bigla nalang akong nahilo bigla. Bigla
kasing uminit yung panahon, nakakainis, ang lagkit ng pakiramdam ko. Hindi ko
nalang pinansin yon at tumakbo na ako para mahanap si Prince.

"Prince! Prince nasan ka na?!" Mukha na akong si Sisa...every step I take, unti
unti na akong nahihilo.

Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Parang magkakasakit ata ako eh. =X Hayaan mo
na! Basta mahanap ko lang si Prince okey na ako.

Ng makita ko na siya. Pasakay na siya ng jeep, hawak hawak niya yung polo niya.
"Sandali lang Princeeee!"

Tumakbo na ako, kahit alam kong huli na ako para mahabol siya dahil nakasakay na
siya sa loob. Aish, naman oh, so kailangan ko pa siyang habulin?
"Sandali lang manoong! Sasakay po ako sa jeep niyo~!"

Tumatakbo ako as long as the jeep na umaandar na paalis. Tae naman mukha akong
hibang sa ginagawa ko, naghahabol ng jeep. :o

Walang dangal na driver, hindi man lang ako hintay. Nakaalis na yung jeep at hindi
ko na nahabol si Prince. Tumigil na ako sa kakatakbo dahil feeling ko nasusuka na
ako. Yun para bang nahihina na yung mga tuhod ko. Argh, I feel dizzy....~

"Prince...Prince....Prince..."

Iniwan lang niya ako dito, wala talaga siyang pakeelam saakin. :(

*Beep Beep Beep!* "HOY IHA! UMALIS KA NGA DIYAN KUNG AYAW MONG MAMATAY!"

OO aalis na po ako. Mas gugustuhin ko nalang wag umalis dito sa gitna ng daan para
mabangga na ako to death.

Hinintay ko yung susunod na Jeep papunta sa Sta.Mesa para makauwi na ako. Nahihilo
na talaga ako, gusto kong humiga sa higaan para matulog magdamag. Ginawa ko lang sa
jeep ang tumunganga. Wala ako sa mood ngayon.

*Knock Knock Knock Knock*

Nandito na ako sa bahay buti nalang hindi traffic at nakauwi na ako agad.

*Knock Knock Knock Knock*

Aish, bakit parang walang tao dito? Ay oo nga pala, ang tanga ko naman. Baka
pumasok si mama ngayon. Wala naman akong susi para mabuksan yung pintuan.

Ayoko munang pumasok ngayon, di ko feel. Umupo nalang ako dito sa gilid ng pintuan
namin at naghintay ng taong may magbubukas ng pintuan. Ang lamig ah...ang weird
naman, ang taas taas ng araw tapos ang lamig lamig. :o

"H-higaan....gusto ko ng higaan..." Gusto ko na talagang mahiga sa higaan....

Inaantok na ako. Parang kulang yung tulog ko kahapon, bigla nalang akong
inaantok....

"BESPREN!?"

H-Hala, sino yung tumawag saakin? Oh..si butete pala. "H-Hi Butete~" tumakbo siya
papunta saakin sabay luhod sa harapan ko. Hinawakan ako sa balikat at tinignan ako
na parang nag-alala.

"Saan ka ba nagpunta? Alalang alala ako sayo! Tumatawag naman ako sayo kaso naman
yung cellphone mo naka-off. Naman bespren, sabi ko sayo sabihin mo muna saakin kung
saan ka pupunta diba? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Tignan mo nangyari sayo. BAKIT
PARANG NAMUMUTLA KA?! MAY SINAT KA!"

Sabi ko na nga ba...hindi siya nag-aalala saakin diba? Slight lang? ...Ayun na ang
huling naalala ko bago ko nasara yung mga mata ko sa harapan niya...

***********************

Malamig....nararamdaman ko nanaman yung lamig sa katawan ko. Nangihihina din yung


feeling ko, naghihina na ayoko ng bumangon sa higaan. But I feel so much better
than before dahil mas relaxed na ako ngayon.

"Nia? Gising ka na ba?" Pagbukas ko ng mga mata ko, si mama agad yung sumalubong
saakin. "Anak! Nagising ka na rin!" Pagkatapos niyakap niya ako.

"Ma naman, para naman akong mamatay na." XD Ang OA kasi eh. "Araaaay!! B-Bakit mo
ako binatukan ma?! Kitang may sakit ako eh." :'(

"Kung saan saan ka pumupunta! Tignan mo yung nangyari sayo, nagkasakit ka tuloy!
Kala ko na-kidnapp ka na!"

"Ma? Hindi ba sayo i-nexplain ni Gale kung saan ako pumunta kahapon? Diba pumunta
ako sa kaibigan kong babae para gawin namin yung project ko?"

"Che~! Hindi ako naniniwala sa mga sinabi ng pinsan mo. Bakit ka naman nagkasakit
para lang diyan sa project mo? Siguro nagpa-ulan ka kahapon noh? Aish, GROUNDED
KA!"

"A-Ano!? Pero Ma!"

"Walang pero pero!"

Lumabas siya pagkatapos niyang makipag-away saakin. I'm feeling better na nga
ngayon tapos sabay na-grounded pa ako. Plano ko kasing pumunta sa school kahit
sobrang late na. Gusto ko kasing makita si Prince at kung ano ng lagay niya. Wala
naman akong magagawa buong araw dito sa loob ng kwarto ko. Kasi pag grounded ako,
ang patakaran, dapat nandito lang ako sa loob ng kwarto ko for the whole day.

GREAT. Magmumuni-muni nalang ba ako dito buong maghapon?

*Knock Knock Knock Knock* "Bespren?"

Si Ian, sumilip sa pintuan sabay pasok sa loob. Nako. Baka ito rin mag-sermon at
tuloy niya yung sermon niya saakin kanina. Agad kong tinakpan ng blanket yung
pagmumukha ko para kungyari natutulog ako. Nararamdam ko na umupo siya sa tabi ko,
umupo lang siya. Sana wag siyang mag-sermon saakin Lord. =X

"Sinabi saakin ni Gale yung totoo. Nag-overnight ka kasama si Prince diba?"

SHIET. Mas malala pa pala 'to sa sermon. :o Nia, wag kang magpapakahalatang gising
ka!

"Hindi mo ba titigilan yung lalakeng yon? Kung ano ano ng nangyayri sayo, wala ka
paring pakeelam. Sana nakinig ka nalang kay Gale. Dapat iniwan mo na yung lalakeng
yon. Ang lakas naman ng loob mo para samahan siya buong gabi. Ano bang nangyayari
sayo Nia? Wala ka na bang pakeelam sa mga taong nag-aalala sayo?"

Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganyan. Nasasaktan ko ba siya? It sounded


like na parang sobrang affected siya sa nangyari.

"Pinaglalaruan ka lang nila. Sina Russell, si Prince. Wala kang alam kung ano
talaga ang mga plano nila sayo. Bakit hindi mo nalang sila layuan? Ikaw naman ang
tanga, nakiki-join ka pa."

Nalulungkot ako. Di ko alam kung bakit. :(

"Inisip ko na na minsan sana hindi nalang kita naging bestfriend."


WHAT?

Okey fine, bakit siya nag-dra-drama ng ganito saakin? "IAN! ANO KA BA!? Wala kang
alam sa mga pinagsasabi mo~!" umupo ako agad. Nung pagtingin ko sakanya, mukha
galit na galit yung itsura niya.

"Ano masaya ka na? Dahil hindi ko alam yung pinagsasabi ko? Masaya ka na nanghuhula
ako sa kalagayan mo?"

"Bakit ganyan ka na saakin bespren? Parang nag-iiba ka na eh!"

"Simula ngayon, di na kita bespren. Paalam Nia."

"A-ANO!? No way!"

No way talaga! Pag umalis pa siya, wala na akong bespren. Siya lang talaga kasi ang
natatanging kaibigan ko tapos mawawala pa! Tumayo siya paalis ng kwarto ko. "Ian!
Don't dare!" tumayo ako sabat takbo ko para pigilan siya. Hinatak ko yung braso
niya.

"Kupal ka ah! Wag mo..mo nga ako iwan bespren! Wag please, sa-sabihin ko na sayo
lahat! Just please! Don't leave me?"

Niyakap ko si bespren. Di ko alam kung ano ang nagtulak saakin para yakapin siya.
Naawa na ako kay bespren kasi...

***********************

Gumabi na. Isang gabing kasama ko si bespren dito sa loob ng kwarto. Kinuento ko na
kasi lahat sakanya ang dapat i-kwento. Pati yung tungkol sa Hello Cookie Love ko,
kinuento ko na rin sakanya. Di ko na mapigilan. Ayoko ng mag-away kami. Ayoko ng
mawalan ako ng nag-iisang bespren.

"A-Ano? Clear na ba sayo?"

"Hindi mo pa sinasabi saakin kung bakit napaka-adik mo kay Prince."

"Nasabi ko na sayo yun ah! Diba siya nga yung Blue Cookie ko?! Kulit ah...so
bespren, apology accepted na ba? Bati na ba tayo ulit?" :D

"May sinabi na ba ako sayo? Wala pa diba?"

"Wag ka ngang ganyan Ian! Ang taray mo hindi bagay sayo!"

"Tsss. Pasalamat ka makulit ako. Kung hindi pa ako nag-drama sayo hindi ka mag-o-
open up saakin." Parang ang saya na ni bespren ah. Oh yes! Hindi na siya galit.

"Matanong nga kita bespren, napapansin ko na simula nating makilala sila Russell,
sila Prince...bakit naging ganyan ka na?...MAY GUSTO KA SAAKIN NOH?!" ::)

SAPOL. Isang sagot isang tanong 'to. "WTF? SAYO? AKO? MAY GUSTO?"

"Ay duh! Masyado ka kasing caring saakin noh! Kaya sagutin mo na ako bespren,
nagkakagusto ka na ba saakin? Ikaw huh...tama na yan..." ::)

"Gusto mong malaman talaga ang totoo? WALA AKONG GUSTO SAYO. Normal lang talaga ang
maging ganito akong sobrang caring sayo dahil bespren kita. Alam mo naman na gusto
kong magkaron ng isang kapatid na babae diba? Ayon ang turing ko sayo, pakiramdam
ko na isa kitang little sister."

"Achuz! Little sister daw, tadyakan kaya kita diyan."

"Kahit bugbugin mo pa ako ng isang milyong beses, talagang wala."

"Hay nako! Buti nalang hindi ka sagabal sa love life ko. Puwahahaha!"

"Sagabal parin...."

"Ano kamo?" ???

"WALA! Ay oo nga pala bespren, may mga homeworks ka ba na hindi pa nagagawa? Gusto
mong gawin ko para sayo? Wala akong magawa dito, ayoko namang tumunganga dito buong
gabi, gusto kong may gawin ako."

"Di ka ba uuwi? Tsaka ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko? Umuwi ka na sa bahay
mo!"

"Binabantayan nga kita! Duh, may sinat ka? KULIT." sabay pisil niya sa cheeks ko.
"Ano? Any assignments? Para bukas pag pasok mo, it's all DONE."

"Alam mo, ang weird mo talaga!"

"Ohh...tignan mo oh!" Pumunta siya bintana sabay turo sa buwan. "Bilog ang buwan,
talagang weirdo ako pag bilog ang buwan diba?" ;D

"Gawin mo na nga yung assignment ko, nandon sa computer. English essay. Type mo
nalang sa MS WORD. At ako naman, matutulog na ako para makapag-pahinga."

"Masusunod po ma'am!"

Napaka-weirdong butete. Kinumutan ko yung sarili ko at sinubukan kong makatulog.


Pero hindi ako makatulog dahil nakikita ko si Ian na nag-co-computer sa computer
ko. Ilang oras ko na rin siyang tinignan, mukhang hirap na hirap siya sa ginagawa
niyang essay. Mahirap nga yung question, ni si Russell nga hindi pa niya napapasa
yung essay na yon. Formal kasi na parang gagawa kami ng thesis paper. Tinignan ko
yung oras nung nag-umpisa siyang gumawa doon. 9 o'clock siya nag-simula, tapos
hanggang ngayon, 10:45 na, hindi parin siya tapos.

Napaka-mysterioso ni bespren. Ginagawa niya lahat 'to para lang saakin. Kung wala
naman siyang gusto saakin, bakit siya nagpapakahirap ngayon sa essay ko? Nagtaka
ako sakanya dahil ngiti siya ng ngiti sa harapan ng monitor. Todo ngiti sa
tinitignan niya, para pa ngang natatawa.

Sinubukan kong tanawin kung anong tinitignan niya, ayun pala, yung picture naming
dalawa.

Wala talagang gusto ah? ::)

Episode #15
~ my poor Prince.

School agad on the next day. As usual, sabay sabay kami nila Gale at Ian pumunta sa
school. Unbelievable, isang araw lang akong nawala ang dami ko ng na-miss, lahat
nagkaron ng assignment! Tapos na nga yung ginawa saakin ni bespren for English,
pero may sumunod pa pagkatapos nun. Si Sir Torres nagbigay pa ng project na due
next week. Ano ba yan!
"Nia, nahanap mo na ba yung magiging partner mo?"

"Sir? By partner ba 'to? Kala ko individual lang?" mas maganda pag individual lang,
para maturuan ako ni Ian at siya nalang ang gumawa!

"Ay duh? Nakasulat naman diyan na by partner yang project na yan. Baka gusto mo
pang i-explain ko sayo kung anong ibig sabihin ng by partner?" pagkatapos tinawanan
lang ako nung mga kaklase ko. :|

"Eh kasi...gusto ko po, ako nalang ang gagawa...mag-isa. Pwede ba yon?"

"It's gonna be unfair sa mga kaklase mo kung ikaw lang ang gagawa, sabi ko by
partner, BY PARTNER. Tapos." tumalikod na si Sir Torres pagkatapos tinuloy na niya
lesson niya. "Okey class! can you give me the equation for this?"

Meron ata si Sir Torres ngayon. Paano ba ako hahanap ng partner eh wala naman akong
kaibigan dito sa classroom. Hinahanap ko nga si Russell sa totoo lang, kaso wala
siya ngayon. Wala akong katabi. Ni si Prince din, WALA. Nasan na kaya sila? :-X

"Pssstttt." uupo na sana ako pabalik, kaso sinitsitan ako ni Anna. Ang lecheng
babae na nakita ko nanaman.

Nag-lipsync siya saakin na "lika dito dali" tapos may hawak siyang papel. Ang tanga
ko talaga, talagang nagpaloko pa ako sakanya, pinuntahan ko siya pagtapos kinuha ko
yung papel na hawak niya. Susunod umupo na ako sa upuan ko.

Naka-fold yung papel so binuksan ko. Yung nakasulat doon ay:

Do you want me to be your partner? I can switch partners if you want to. =)

LOKA LOKA. Ayun lang ang masasabi ko. WTF? Siya inaaya akong maging partner? Ano
siya hilo? No way nalang noh. Nababanas nanaman ako. Grrrr. Hindi ko nalang siya
pinansin tapos crinumple ko nalang yung papel niyang mabaho.

"Sir! I have to tell you something!" tinaas niya yung kamay niya. Baliw na babae,
mukhang may plano nanaman.

"Can I be Nia's partner?" 8)

WTF?!

"Why? Diba may partner ka na? Why are you asking me this Ms. Castro?"

"Anna? Diba partner mo na si---?" so sino partner niya?

"Please sir? I want to be her partner. Can you please switch her to me?"

"S-SIR!" Hindi ko na napigilan, tumayo na ako para matigil na yung kahibangan niya.
"S-sir...uhm..ahh..." wala akong masabi. Gusto kong sabihin na ayaw ko siyang
maging partner pero hindi ko masabi. :|

"What?"

"I think gusto niya akong maka-partner, right Nia?"

"Just to end this conversation because its just wasting our time, Nia and Anna.
Partner na kayong dalawa." Sa sobrang pipi ko, ito ang nangyari saakin. :-\
***********************

Salamat naman at uwian na. Pero hindi ko parin nakikita si Prince. :|


"Bespreeeeen~!" "Insaaaaann!"

"Huy."

"Oh bakit parang ang lungkot mo nanaman?" siguro kilala niyo naman kung sino ang
nagsira sa araw ko?

"Alam ko na! Punta nalang tayo sa National!"

"Anong gagawin natin don?" Parang di ko feel mag-laquartiya ngayon. "Mga mare at
pare, may projects ako at isang damukal na HW's! Kailangan ko munang tapusin yun.
Di ako makaka-gimmick kasama niyo."

"Tinutulungan nga kita diba?"

"Yung isa, by partner! And guess what kung sino yung pakner ko!? Yung bruhilda!"

"WHAT!? Paano nangyari yon?"

"Kaya mga troops, kayo na muna pumunta sa national bookstore kung gusto niyo, may
pupuntahan lang ako..." Nangiwan nanaman ako. Iniwan ko nanaman sila Ian at Gale
magkasama. Sila nalang ang mag-date diyan, basta ako may pupuntahan ako.

Pupuntahan? Automatic yung paa ko, sumakay ako ng jeep papunta sa Project
6...TEKA?! Bakit project 6 yung sinakyan ko? Eh papunta 'to sa bahay nila Russell
eh!

Ganyan ka-automatic yung paa ko pag nalulumbay ako at gusto ko ng makita ang Blue
Cookie ko. Parang may sakit na ako sa sobrang pagka-miss sakanya. Na gusto ko na
siyang matikman muli! ::)

"Para!"

Nandito na ako sa mansyon ng mga Sanchez. Welcome back.

Hapon na ng 4:30, mataas ang araw, nakatunganga lang ako sa malaking gate ng
mansyon. Nandito kaya sila Russell at Prince?

"Oo, sabi daw baka bukas daw siya aalis dito. Kawawa naman yun."

"Kawawa nga, eh saan siya tutuloy pag umalis siya dito sa mansyon?"

May dalawang bodyguards na papunta sa gate, sabay nilang binubuksan. Agad naman
akong nagtago sa gilid para hindi ako makita. Sinong papaalisin bukas? ??? Sumilip
ako, may kotseng lumabas. KOTSE NI RUSSELL. Nakita ko, si Russell nag-di-drive,
kasama yung nanay niya. Saan sila papunta?

Bago nilang i-plano na isara na yung gate, nagmadali akong pumasok. Wala si Prince
sa loob ng kotse, baka nasa loob siya ng mansyon! KAILANGAN KO SIYANG MAKITA!

"Miss, sino ka?"

Nahuli naman ako. :o "Uhm, H-Hi! A-Ano, kilala mo ba ako? A-Ako yung--!"

Nakakatakot si Mr. Bodyguard. Ke-macho macho, hawak hawak niya yung braso ko ng
mahigpit habang tinitignan niya ako ng maiigi.
"Ohh...Ikaw ba yung gerlpren ni ser?"

"Tumpak--Ako nga yon! Buti naman naalala mo pa ako! Ako yun! Hehe! Osige,
pinapapunta kasi ako dito ni BOYPREN. Byeee!" tumakbo na ako papasok sa loob para
hindi ako mahalata na nang-aakyet bahay na ako.

Hindi nakasara yung pintuan kaya nakapasok na ako sa loob. Ang tahimik, walang
katao-tao. Yikes naman. Wala ba silang katulong ngayon at nag-day off? ???

Kailangan ko ata ng search team para ma-bagyo ang buong mansyon para mahanap ko si
Prince. XD Malas ko, ako lang mag-isa, so I'm freeeee~!

Tumakbo ako papunta sa engrandeng stairs, umakyet ako at yun muna ang binagyo ko.
LAKI NAMAN. O____O

Di ko alam kung saan muna ako pupunta dito at anong unang pintuan ang bubuksan ko.
1st door, 2nd door, 3rd door, 4th door, 5th door, 6th door, mga walang kwenta!
Lahat binagyo ko, ang gaganda nga ng mga laman, from bedrooms, to library lahat
nandito na sa 2nd floor.

Hanggang sa dulo, natigil ako sa kaka-bukas ko ng mga pintuan nila. May nakita ako
iisang pintuan sa pinakadulo.

Nilapitan ko, hinawakan ko yung door knob, ang lamig. Pagkatapos, unti-unti kong
binuksan.

Isang kwartong napaka-simple lang, ito na ata yung pinaka-simpleng room na nakita
ko sa buong mansyon, walang TV, walang component, walang mga electronics, walang
computer. Ang natatangi lang laman nitong kwarto na 'to ay isang kabinet, isang
study table na parang sira na, at isang higaan. Yun lang.

Nung pagpasok ko sa loob, naramdaman ko yung sobrang tahimik at lamig ng lugar. Ang
hirap huminga dito, para kasing masyadong nakakulob.

"Kay Prince 'to?!"

GAWD. Sabi ko na nga ba. May nakita kasi akong pair ng sapatos niya. Ito yung
rubber shoes niya eh.

MAKAALIS NA NGA DITO! Mamaya mahanap pa niya akong dito na---basta, aalis na muna
ako! Aalis na sana ako, kaso pag bukas ko ng pintuan-- SHIET.

Si Prince~! :o May hawak hawak siyang maraming damit, tumalikod agad ako, sana
hindi niya ako mahalata. Natatakpan kasi ng mga damit niya yung pagmumikha niya eh.

"Sino ka?"

Jusko. Sana hindi niya ako mahalata father!

"N I A?"

MAYGULAY.

"H-Hi P-Prince..." :-[ nag-wave ako sakanya. "Its not what..what you think!..Ka-
Kasi, hinahanap ko---"

"Wala dito si Russell."


Umalis siya sa harapan ko at pumunta na sakanyang higaan, nilapag niya yung mga
damit niya doon na naka-hanger pa, at inumpisahan niyang mag-tupi.

I'm glad I saw him. <3

Okey naman yung itsura niya, mukhang hindi na siya katulad ng dati. Teka, baka may
sakit siya!

"Anong nararamdaman mo!?" tumakbo ako para makaupo sa tabi niya. "ARAY-OUCH!!" kaso
naman hinarangan niya ako kaya nalaglag ako dito sa sahig! :o

"Pasalamat ka carpeted yung sahig kungdi nagkabukol na yang pwet mo."

"Langya ka, bakit mo ba ako nilaglag dito!?"

"PUSA. Wag ka ng pumunta dito ulit."

Infairness, inaaway nanaman niya ako. ^-^ Tumayo ako ng mahinahon na parang si
Miriam Quiambao at balik pose sa harapan niya na parang Miss Universe.

"Prince, kamusta ka naman?" ::) "Okey ka na ba ngayon? Hindi ka na galit sa mundo


or something? Hindi ka man lang nag-ba-bye saakin doon sa motel, kala ko--"

"Anong bang kailangan mo saakin? Sabihin mo na dahil busy ako."

Leche Bureche.

"Bakit ka ba nagtutupi diyan? Mga damit ba yan ni Russell para tupiin mo?"

"Sa tingin mo ba damit ng boyfriend mo 'tong mga 'to?."

"DI KO NGA SIYA BOYPREN!"

Hindi na siya sumagot. Nakakainis naman, kinakausap na nga siya ng matino tapos
gaganituhin nanaman ako. Tsss. "Ano yon?" pumunta ako sa may study table at may
hinugot akong folder.

"HOY! WAG KA NGANG MAGULO DIYAN!"

Magaling ako, hindi niya ako nahuli. Nabuksan ko yung folder at madali kong nabasa
yung papel na nasa loob.

"Implementation Deal?" A-Ano 'to?

Dahan dahan siyang lumapit saakin, himala, di niya hinugot sa kamay ko yung folder.
"Masaya ka na ba dahil alam mo na na papaalisin na ako bukas dito sa mansyon?"

"ANO? Anong sabi mo?"

"Hindi ko na kailangan ulitin ulit sayo."

Bumalik siya sa higaan niya at nagtupi ulit ng mga damit niya. This time, may
nilabas siyang isang malaking black bag at isa isa niyang nilagay yung mga dami
niya sa loob.

"Kung hindi lang nangyari 'to kila mommy at daddy, siguro titira parin ako dito
hanggang ngayon. Kung sana hindi lang sila nakinig sa tatay ni Russell na pumunta
sa US at mag-trabaho, siguro buhay pa sila ngayon. Nawala na sila, 6 years old
palang ako noon, co-worker ng tatay ko yung tatay ni Russell, kasama yung nanay ko,
sabay silang tatlo na pumunta sa US para sa overseas work. Kala ko uuwi pa sila,
ayun pala hindi na nila ako binalikan. Naiwan na ako dito sa mga Sanchez, sila
nalang ang mga taong pwedeng kumupkop saakin, naaawa saakin yung nanay ni Russell,
kaya isang araw pinirmahan niya yang papel na yan. Ngayong maipapasa na sa pangalan
ni Russell ang mga kayamanan ng tatay niya, may karapatan siyang paalisin ako
dito."

Hindi ako makapaniwala na sinabi niya lahat 'to saakin. Nanaginip ba ako? :-\

"Kaya ako nag-tratrabaho sa pagiging part-time Janitor sa school, nag-iipon ako ng


pera para ako nalang mismo ang makaalis dito ng hindi nila ako pinipilit. At para
handa na rin akong mabuhay mag-isa. Kung hindi lang nalaman ni Russell na nag-tra-
trabaho ako sa Meris--siguro nakapag-ipon na ako ng marami. Pero kinuha niya lahat
yon...kinuha niya...wala ng natira saakin."

"Wag mong sabihin----? Si Russell ba yung tinatakbuhan natin non? Na kala ko yung
multo? Siya ba yung tinatakbuhan natin doon? Tsaka..anong kinuha? Yung mga perang
naipon mo?"

"Wala na akong magagawa, huli na ako.."

"Huli saan?"

Biglang may narinig akong footsteps na parating na dito sa loob ng kwarto. :o


"P*ta! Magtago ka dali~!"

Na-alert na ako! "Saan ako magtatago!?"

"Doon dali~!"

Hinatak niya ako papunta sa malaking brown cabinet. WALANG LAMAN yung kabinet kasi
nilabas na niya lahat. Tsaka malaki naman yun kaya nagkasya ako. Nandito na ako sa
loob ng mabangong amoy Axe na kabinet ni Prince, nagtatago, nagtatago kay--kay
Russell?

"Tapos ka na bang mag-impake?"

"Hindi pa. Malapit na."

"Naayos ko na yung papeles. Ikaw ang nagsabi na ayaw mong tumuloy sa guest house
kaya pina-cancel ko na yung contrata. Sigurado ka bang ayaw mo doon?"

"Sa salita mo palang na-me-meke ka na. Kayang kaya kong mabuhay ng mag-isa. Wala ka
ng problema, maiiwan mo na ako."

"Kung ganon." ngumiti si Russell sakanya sarcastically. "Maiwan na kita." pero bago
isara niya isara yung pintuan, may sinabi muna siya. "Di ko pala alam, madali kang
matalo sa laro'ng 'to. You're such a loser." sabay alis.

WTF? Ano bang problema ni Russell? >:(

May hindi pa ba akong nalalaman tungkol sakanilang dalawa bukod sa kinuento saakin
ni Prince? Haish, ang mas mahalaga, si Prince ngayon.

Wala na ako pakeelam diyan sa kupal na Russell na yan. Nakikita ko lahat yon, may
butas kasi itong kabinet kaya nakaka-silip ako ng konti. Malungkot nanaman yung
mukha ni Prince, sayang lang lahat ng pinag-hirapan niya sa trabaho niya, kinuha
lang pala ni Russell lahat nung inipon niya. Bakit naman niya ginawa yon? Aalis na
nga lang si Prince dito nanakawan pa siya.
Bankrupt na nga si Prince, wala pa siyang masisilungan. Ano kayang pwedeng
maitulong ko sakanya? :-\

Episode #16
~ LOVE na ba talaga 'tong nararamdaman ko!?

Di nanaman ako nakatulog kahapon sa kakaalala kung saan natulog si Prince.


Pagkatapos ko kasing magtago sa loob ng kanyang mabangong kabinet, pinalayas na
niya ako at tinapon sa labas ng mansyon na parang isa nanamang sako. Ayan tuloy,
grabe nanaman ang pag-aalala ko sakanya! :'(

"Prince? Ikaw ba yan?"

Loka loka talaga ako! Nandito kasi ako sa gilid ng mga CR ng mga lalake at
hinihintay si Prince lumabas ng CR. Kasi parang nakita ko pumasok siya dito.

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinngg~!*

Kanina ko pa kasi siya sinusundan. Gusto kong tanungin kung saan siya nagpalipas ng
gabi kahapon. Tapos na pala ang lunch time. Kaso di pa lumalabas sa loob ng CR si
Prince, ano bang ginagawa niya? Kanina pa siya ditto eh.

"Puwahaha! H-Hi~!"

Pasimple pa akong kungyaring tumatambay dito sa gilid, kungyari walang ginagawa at


nagmumuni -- pero tinitignan na ako ng mga lalakeng naglalabasan at nagpapasukan
kasi mukha akong baliw dito sa kinatatayuan ko.

WALA PARING LUMALABAS. Nasan na ba si Prince? Hindi ko nanaman makaya! Automatic


nanamang naglakad yung mga paa ko --- PAPUNTA SA LOOB NG BOY'S WASHROOM!

"Huwag Nia! Huwag!"

Sinigawan ako ng consensya ko na wag pumasok, pero pumasok parin ako!

Ewwwness. Ano bang ginagawa ko dito sa loob ng CR ng mga lalake?! Ngayon lang ako
nakapasok ditto sa loob. Infairness, ang LINIS ah! Parang mas malinis pa sa CR ng
mga babae.

"Prince? Nandito ka ba? Prince!?" Langya, ang ingay ko naman, dapat tahimik lang
akong naghahanap sakanya.

Naglakad ako ng dahan dahan papunta sa mga cubicles, sinubukan kong tanawin kung
may mga paa - isa isa, hanggang natigil ako sa search operation ko dahil may nakita
na akong isang puting sapatos sa gitnang cubicle.

HINDI AKO MAMBOBOSO AH! But I know in my heart na si Prince ang laman nitong
cubicle na 'to, ito yung white sneakers niya!

Hindi siya naglalabas ng galit niya o ano, mukha ngang wala siyang ginagawa sa loob
dahil di nakababa yung pants niya. Ang tahimik pa niya.

"Prince? Ikaw ba yan?"

Walang sumasagot. Nagtaka na ako, ano bang ginagawa niya dito? Ilang sigundo sa
pagtataka ko, bigla nalang may narining akong naghilik.

Di kaya natutulog siya sa loob!?


Nag-panic nanaman ako, tumayo ako sabay pasok ko sa isa sa mga cubicle na katabi ng
cubicle kung nasan si Prince.

EWWWW!! But this cubicle has !@#$ on the kubeta! EEWWNESS OF PAIN! Ang bahooo men!
Tinakpan ko nalang yung ilong ko. Pagkatapos sinara ko yung inidoro sabay flash ko!
"Whew! Ang bantut!!" :o

Tumapak ako sa may indiro at tinanaw ko si --- "PRINCE! IKAW NGA! Anong ginagawa mo
diyan?!"

Ay DUH! Natutulog siya! Bakit siya natutulog dito? Naman oh, ayoko siyang malagyan
ng baho dito. Pag nagtagal pa siya dito, babaho pa siya.

"HUY! Gumising ka nga!" Sinigawan ko na, pero wa-epek. Ano kayang pwedeng gawin
dito sa lalakeng 'to?

Alam ko na! Kinuha ko yung rolyo ng tissue paper dito pagkatapos -"ARAAAY KO PO!"
Binato ko sa ulo niya. >:D

"N-Nia? A-Anong ginagawa mo dito?"

Oh-oww! Mukhang nagalit pa yung itsura niya -- TAKBOOO! Walang kwenta, tumakbo nga
ako kaso nahuli naman ako, kakalabas ko lang sa loob ng katabing cubicle,
naharangan na niya ako. Ang bilis ah.

"Istorbo ka. Lalake ka ba para pumasok dito?"

"Tapos na yung lunch, kanina pa, naka-30 minutes ka na dito, kala ko nga nagka-LBM
ka." Siya pa galit, ako na nga yung concern.

"Sa dami ba ng pwedeng tulugan, dito ka pa natulog? Iba ka rin eh." sabay tawa ko
ng malakas. ;D :D

"Tsss. Puyat lang ako kahapon, pake mo." Lumakad siya papunta sa lababo at naghugas
ng kamay.

Napatitig nanaman ako sakanya, kasi naman eh, as usual, napapatitig ng automatic.
"Anong tinitingin mo diyan?"

"Saan ka natulog kahapon?"

"Kung saan."

"Saan yung kung saan?" ???

"Sa tabi tabi."

ARGH. Alam kong wala nanaman 'tong isasagot saakin. WALA NGA! Wala siyang sinagot
sabay walk out nanaman. Umalis na kaming dalawa dito sa loob ng CR at sabay na
kaming pumunta sa classroom.

"Pumunta ka ba sa motel ulit at dun ka nagpalipas ng gabi?"

"Bakit ba ang kulit mo? Hindi ako natulog!"

"Anong di natulog? Kaya ka ba natutulog sa CR kasi hindi ka nakatulog?"

"Tsk tsk. Yung utak mo Nia, utak UOD. Makaalis na nga dito..."
Napatigil akong maglakad habang siya tuluyang naglalakad paalis. "Ako? Utak Uod?
Baka ikaw utak IPIS!" HMMFF! Infairness, first time kong naasar sa mga paratang
niya saakin. Hindi ko 'to na-carry kaya parang nagalit ako sakanya this time.

"UTAK IPIS KA! HMP!" :P

***********************

"And why are two you late? Kala ko nag-skip na kayo ng class" Jusmiyo, na-trouble
pa ako dito. Nasa harapan kami ng klase ngayon, at pinapagalitan ni Ms. Padua, yung
HRE teacher namin. Issue? Late kasi kaming bumalik ni Prince.

Ngayon, kailangan kong gumawa ng smarteng excuse.

"Ms, kasi eh, sa totoo lang--"

"Sinamahan lang ako ni Nia."

HUWAT!? Ano ba naman 'tong pinagsasabi ni Prince? Shy over na ako ah, nagulat yung
mga kaklase namin at talagang napatigil sila sa ginagawa nilang on-class
assignment. ::)

"Magkarelasyon ba kayo?" OVER NA TALAGA AH! Tama ba naman 'tong scene na 'to? Okey
lang magkaron ng misunderstanding dito sa klase, at least yung misunderstanding na
yon, BONGGA!

"Kasi, Ms. Padua, kami ni Pr--" ::)

"Nawala siya sa loob ng CR ng mga lalake, kala niya nasa CR siya ng mga babae,
hinatid ko lang pabalik, ang bulag eh."

"PUWAHAHAHAHAHAHA~ NYAHAHA!! HAHAHAHAHA!!"

MY GAWD! PINAHIYA AKO NG LOKO!

"Oh ganun ba? Sa susunod nga tignan mo yung sign." sabay tawa ng teacher ko.

"Nice one Nia." =P

Pa-epal ni Anna sabay tawa rin. GRRRR- You'll pay for this one Prince. Nakakabanas
ka na talaga! Bumalik na kami sa kinauupuan namin.

"Prince is a liar." bulong saakin ni Russell sa tabi ko. "Never akong maniniwala sa
mga pinaggagawa niyang lalakeng yan. I don't believe what he said in front of the
class. If there's any reason you want me to know, doon ako maniniwala sayo."

Buti pa si Russell, alam niya yung totoo. Siya lang kasi yung hindi tumawa sa lahat
ng mga kaklase ko.

"Thank you." :-[ Nag-iisang lalakeng naniniwala saakin. Haay.

***********************

Uwian na rin, ang pinaka-ayokong time ng araw ngayon. Kasi naman, hindi nanaman ako
makakasabay kila Bespren at Gale makauwi ng maaga. Kungdi, sasama ako sa isa kong
bruhang partner na si Anna. Physics project partner ko siya remember? Nagbabalik
ako ng libro sa loob ng locker ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

"Are you ready Nia?" Gusto kong sabunutan 'to kanina pa. Inaaya niya akong kasing
pumunta sa National Bookstore, bibili kami ng materials.

"Uhm, yup."

Maglalakad na sana kami, kaso may dalawa pang taong sumulpot. :o

"Tara."

ANO!? Si Russell tsaka si --- "Prince?!"

"Unfortunately, these two boys are going with us. Another switch on by partners,
and this time, Prince would be my partner. And you Nia, your partner will be our
class President. Last switching of partners na 'to, kasi Russell requested that
ikaw nalang daw ang maging partner niya kasi he was gone that time. Si Prince
naman, walang partner, so I've decided to be his partner nalang para mas maayos. Is
it clear? Now come on, let's go to National."

HINDI MAARI 'TO! Mas gugustuhin ko nalang sana si Anna tae yung partner para hindi
niya magng partner si Blue Cookie. =(

***********************

Jeep scene: Ayoko ng maalala. Grabeng makadikit tong linta kay Prince ko. >:
( Kungyari parang natatakot pa siyang sumakay ng jeep, kasi nakaupo siya malapit sa
labasan, para bang pinapamukha niya kay Prince na baka malaglag siya doon? Kaya
nakakapit siya kay Prince ng maiigi.

EH KUNG SIYA KAYA ILAGLAG KO DUN!? PARA MAGKATOTOO?!

^%$%%@#!!

National scene: Naghahanap na kami ng mga materials for our Physics project. Yung
iba, easy materials lang namang hinanap namin katulad ng mga duotang folders,
manila paper, and other related writing materials. Yung mahirap naman, kailangan pa
naming bumili ng mga wood or something na-- yung matalinong partner ko nalang ang
naghanap.

Habang nag-bro-browse kami ng mga bibilhin, hindi ko maiwasang tumingin kila Prince
at Anna. Kasi eh! NAMAN EH! Ang sweet nila. :-X Kasi naman todo pansin niya kay
Anna, tapos kinakausap pa niya ng matino. Yung mga ginagawa niya kay Anna, opposite
sa ginagawa niya saakin. Opo. NAG-SE-SELOS NANAMAN AKO. T_____________T

"Nia, gusto mo ba 'to?"

May naririnig nanaman akong ugong, pero hindi ko nalang pinapansin yun dahil
nakatitig lang ako sakanilang dalawa.

"Psssst. Huy. Ito ba okey? Ito nalang yung color, red."

UGONG.

"Ayan ka nanaman. Hindi mo nanaman ako pinapansin."

"H-Ha---?" Nagsalita pala si Russell? ???


"Galit ka ba saakin?"

Tumititig saakin si Russell. Nahiya naman ako sakanya sabay tingin ko sa ibang
direction. "Bakit mo tinatanong? Mukha ba akong galit sayo?" OO, galit ako sakanya,
paano naman sa mga ginawa niya kay Prince. Pa-plastic nalang ako.

"It seems you're mad at me. Meron bang problema?"

Hindi ko naman pwedeng i-spill sakanya na nalaman ko na lahat ng mga pinag-gagawa


niya kay Prince. It is much better to keep my mouth shut about this.

"Wala namang problema Russell." :) Fake smile ko yan.

"That's great. Kala ko naman galit ka saakin dahil ang tagal mo na akong iniiwasan.
Simula nung huling nag-usap tayo sa loob ng kotse ko."

Naalala ko yung sinabi niya yung nasa loob kami ng kotse. Yan tuloy, hindi nanaman
ako mapakali sa tabi niya.

"Wag mo nalang ako pansinin, I'm having a bad day kasi."

"Bakit bad day? Ng dahil ba dun sa pinahiya ka ni Prince?"

"H-Hindi yun, basta."

"Hindi ko naman hahayaan na magkaron ng ng whole bad day. Lika." Ngumiti siya
saakin sabay hatak niya sa kamay ko. :o Hinawakan nanaman niya ako at eto kami,
nag-ho-holding hands ni Russell habang namimili.

"Guys! Wait for us!"

Nagkaron pa ako ng instant papa ngayon at si Russell nanaman yun. Lagi naman niyang
sinasagip yung buhay ko. Mas malala pa ata yung ginawa nami ni Russell dahil kami
naka-holding hands, ang init ng kamay niya at hindi ko naman maalis yung kamay kong
nanlalamig. Habang sina Prince at Anna naman, ayun parin, nilalanggam parin as
usual, si Anna nakakapit ng maiigi kay Prince. Nagkakaron pa kami ng eye to eye ni
Prince nung namimili kami.

SNOB kami pareho sa isa't-isa at naka-focus lang ang mga mata namin dapat sa
sariling mga patner.

Sinusubukan kong ngumiti kay Russell, at ito namang si Prince, pansin kong
nginingitian niya din si Anna everytime na may ginagawa saakin si Russell na sweet.
Teka, nag-se-selosan ba kami!? :o

Sa tingin ko nagkamali kami ng partner. NAGKAMALI!

Langya --- dapat saakin si Prince, dapat siya partner ko! T____T

Okey Nia, kaya ko mo 'to, nagkapalit lang naman kami ng partner sa Physics Project
na yan. At never kaming magkakapalit ng minamahal! I mean, wala namang gusto si
Russell kay Anna and vice versa.... but never ever talaga kami magkakapalit!

Kahit ba pinahiya ako ni Prince kanina sa harapan ng buong klase. Di ko na talaga


mapigilan, kahit pinapahiya niya ako ng ganun ka-grabe, malambot parin ang puso ko
sakanya. Siguro walang araw na magagalit talaga ako sakanya. Ni si Russell nga wala
akong maibigay na isang katiting na pag-aalala, puro kay Prince lang lahat
napupunta.
Ito na ba yung sinasabi nila? LOVE na ba talaga 'tong nararamdaman ko!? Sorry
naman, hindi ko talaga alam ang feeling ng talagang maghamahal ka ng todo todo sa
isang tao noh.

LANGYA KA ANNA! LUBAYAN MO SI PRINCE KO!

Talking about loyalty? Marami ako niyan. ^-^

Episode #17
~ revelation, hugs & kisses!

Nasa National Bookstore paring kaming apat. Pagkatapos naming mamili ng dapat
bilhin, inaya kami ni Anna na kumain ng merienda sa isang restaurant sa labas ng
Crossings. (Grocery Store katabi ng National)

"What do you guys want?" 8)

Ang feeling ng bruhilda, bukod sa inaya niya kami, siya na daw ang bahala sa
pambayad. In short, lilibre niya kaming lahat. What a feeling noh? Ang pagkakalam
ko hindi naman mayaman 'to, nag-mamayabang lang!

"I can go for anything. But wait, are you sure na ikaw na ang bahala? Nakakahiya
naman sayo, may dala naman ako."

"I'm sure. This is my treat Russel."

"Sigurado ka ha? Wag kang mag-sisi diyan kung nasobrahan yung dapat bayaran." ;D

Naglalabanan ba sila sa kayabangan kung sino ang mas mayaman? Nakita ko na parang
naiilang si Prince, so am I!

"Di mo na kailangang gawin 'to Anna. Ako nalang ang bibili ng sarili ko." naglakad
siya papunta sa counter ng isang resturant, pagkatapos bumuntot na si Anna sakanya.
Alam kong nabanas si Prince kasi parang nagpaparinig pa 'tong si Russell. =X

"How about you Nia? Anong gusto mo? Di ka pa nagsalita diyan ah."

"Ayokong kumain!" >:(

Pumutok na yung butchi ko. Alam ko yung gagawin ni Prince, para lang hindi siya
mapahiya sa harapan naming lahat dahil wala siyang pambayad, i-ri-risk niya yung
natitira niyang pera para ipakita na kaya pa niyang gumastos kahit sobrang
bankcrupt na siya! Isa lang ang ginawa ko!

"HOOOYY NIAA~~!!"

"WHAT THE?!"

Hinatak kong paalis si Prince at tinakas ko siya bago man siya makagastos! Tinakbo
ko si Prince kung saan na hindi kami mahahanap nina Russell at Anna. Sa isang sulok
ng National Bookstore Children Book Section ko siya tinago.

"Ano bang problema mo!?"

"Ikaw ang dapat kong matanong kung anong problema mo! Bakit mo ba binuwis yung
buhay mo kanina?! Alam mo namang wala ka ng pera tapos gagastos ka parin, diba
nagtitipid ka? Para bang ipakita kay Russell na kaya mo pang gumastos ng ganun? You
are really out of your mind!"
"Sawang sawa na ako sayo Nia, lagi mo akong pinagsasabihin na kala mo nanay kita o
ano You keep on interrupting my life --- wala kang kwenta." *sabay alis*

Nasaktan ako sa sinabi niya na napatulala lang ako sa gitna ng ere sa kaiisip kung
may mali ba akong nagawa sakanya.

"Nia! Huy! Ano bang ginawa mo? Nasan na si Prince?!"

Nakita na din ako nila Russell at Anna, kahit tanong sila ng tanong kung anong
nangyari at kung nasan si Prince, wala parin akong masakot. Wala akong masagot
dahil parang maiiyak na ako --- maiiyak sa sinabi ni Prince saakin na wala akong
kwenta. I know I'm such a low life, pero hindi ko parin maiiwasan na masaktan diba?

***********************

Nagsusulat ako ngayon sa Hello Cookie Love ko sa loob ng kwarto ko. As usual,
sinusulat ko parin yung mga nangyayari saamin ni Prince -- nangyayaring
kabaliktaran. Susulat ko yung nangyari saaming eye contact moments kanina, kaso
napatigil akong magsulat at napaisip ako kung susulat ko pa ba ito o hindi nalang?
Wala namang kwenta. :-\

Tanga talaga ako, sumulat parin ako.

Nasaan na kaya si Prince ngayon? Alam kong hindi siya umuwi kila Russell, at alam
ko ring wala siyang bahay na masisilungan, nasan na kaya siya? Bakit ba ako alalang
alala sakanya!? Suppose to be galit ako sakanya dahil nasaktan ko! Bakit ganun? =X

Kinabukasan agad, lunch time kasama sina Ian at Gale.

"Nakapili na ba kayo ng clubs? Friday ngayon, ngayon na yung registration sa mga


clubs!"

"Dance club parin ako. Gusto mo bang sumama ka saakin Ian?"

"Sus, alam mo namang parehong kaliwa paa ko. Bakit ba lagi ka nalang dance club ng
dance club? Bakit hindi ka umaket ng isang ranko at sumama ka sa cheerleaders
club." ;D

"As if namang meron!"

"Eh kung meron sasali ka?"

"Never akong sasali sa mga cheerleaders na yan, mga malalamndi kaya doon, di ako
kabilang dun. Kaya hanggang dance club lang ako."

"Ako sasali dun."

"ANO!? Ikaw Nia? Bespren ko sasali dun? Pereho lang kaya tayong kaliwang paa!" ;D

"Nakoooo. Insan! Ano bang nangyayari sayo? Diba ayaw mo din doon? Tsaka --galit mo
rin yung mga taong malalandi, nandun yung PUGS, nandon yung Anna na yon for sure,
uhm, tama nga si Ian, diba pareho ring kaliwa paa mo?"

"Huh? Ano bang sinabi ko?" ???

"Sinabi? Nia okey ka lang ba? Kasi parang tulala ka lang diyan buong lunch time."
"Sorry naman, marami akong iniisip."

"Tulad ng?"

Tulad ni Prince. Absent nanaman siya ngayon at syempre nag-aalala ako kasi baka
kung napano siya. "Guys, pwede favor? Wag niyo na akong hintayin mamayang uwian,
may pupuntahan ako."

"Nanaman?"

"Diba sabi mo saamin sasama na ngayon umuwi? Nakailang araw ka ng hindi sumasabay
saamin, saan ka ba nakikisamang umuwi?"

"Paumanhin, pero marami akong dapat asikasuhin. Kung sabihin ko man sainyo kung
ano, baka magalit pa kayo saakin."

"Bakit naman? Hindi naman ah. Ano bang problema mo?"

"Wag mong sabihin---? Si Prince nanaman ba yan?"

Napatingin ako kay bespren kinakabahan ako kasi baka magalit siya dahil si Prince
nanaman ang bukang bibig ko.

"Ano bang nangyari sakanya?"

"HINDI KA GALIT?!"

"Hindi."

"Huwaw Ian! Nakakain ka ata ng lason! Kala ko ba nagagalit ka pag si Prince ang
pinag-uusapan natin? Diba sabi mo ang rule kung magkakasama tayong tatlo NO PRINCE
in our conversation?"

"I'll be true this time. Ayoko ng magtago tayo ng mga secreto sa pag-kakaibigan
nating tatlo. TOTOO talaga yung sinabi ko sayo na feeling litlle sister kita, Nia
kaya masyado akong overprotective sayo right? Don't be mistaken, dahil hindi talaga
kita gusto. Wala akong gusto sayo beyond bestfriend dahil iba ang gusto ko. Alam mo
naman yun Nia diba? Ako ang mismong nasabi sayo? Dahil iba ang gusto ko, at ang
taong yun...nandito."

"Sino yung gusto mo?"

"IKAW." :-[

"AYIKEEE~! OMG! Di ko na 'to ma-carry! Parang masyado pa atang maaga na mag-confess


ka bespren ha!" ::)

"A-Ako?"

"Uulin ko na ulit sa huling pagkakataon. wala akong gusto sayo Nia, IKAW GALE ANG
GUSTO KO. Matagal ko ng tinatago 'to. Plano ko talagang ipakita sayo na masyado
kaming close ni Nia close nga kami in a way na mag-bespren kami, plano kong pag-
selosan ka. Pero palpak naman yung plano ko, kaya sasabihin ko na ng maaga para
hindi na ako mawala sa piling mo."

OMG si bespren. Talaga bang nag-confess na siya this time!? At sa harapan pa talaga
ni Gale ha, ::) grabe! Kinikilig na ako! Naniniwala na ako na walang gusto talaga
si bespren saakin, at alam ko na naman yun noon pa. Nagkaka-misunderstanding lang
naman kami, kaya siguro ganun. Tsaka alam ko ring pagod na si Ian, kaya tinapos na
niya.

"W-Wala akong masabi..."

"Sorry ngayon ko lang sinabi Gale. Iniintay ko kasi ang tamang oras. Siguro ito na
ang tamang oras dahil nagkakagulo na tayo dito."

"Okey lang yun Ian dahil....AKO RIN MAY GUSTO AKO SAYO."

"WHAT THE?!" :o

"T-TALAGA!?"

"Kaya ako bumalik dito sa Pinas, at kaya ko pinilit si kuya na tumira na dito at
mag-aral for my 4th year, para makasama ka. Alam ko namang wala ka talagang gusto
kay Nia dahil I trusted her, talagang magkaibigan lang kayo. Kaya ako ganito, kaya
ko tinutukso ikaw Ian kay Nia dahil para pag-selosin ka rin."

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Ano sa tingin mo?"

"So pareho pala kayong may gusto sa isa't-isa?!" ;D

"Parang ganun na nga..."

"Parang...ganun na nga din Nia..."

OKEY? Bigla ba naman silang nagtinginan sa isa't-isa at iniwan ako dito nagtataka
dito sa gitna? Grabe silang makatingin sa isa't-isa, ng namalayan ko nalang na
parang gusto na nilang maghalikan dahil unti-unti ng nagtatagpo ang kanilang mga
labi!

OH SHIET. Hindi muna dito!

"ITIGIL ANG KASAL!" >:D

Muwahaha! Hinarang ko yung kamay ko at yung kamay ko yung mga nahalikan nila!

"Ano ka ba bepsren! Sagabal ka!"

"Oo nga! Tamang tama na sana!"

"At bakit naman gagawin niyo na yon?! Di pa OFFICIAL noh. Kaya di muna pwede. Wala
namang nagsabi na sinagot niyo na yung isa't-isa. Hmff. But for now, wala pa namang
answers, HUGS muna ang pwede, hindi kisses! NAIINTINDIHAN NIYO BA?" ^-^

"Nag-se-selos ka bespren noh?"

"NO WAY OKEY?! Prinoprotektohan ko lang insan ko Ian, tsaka isa pa..."

"Wala namang mangyayaring masama saakin!"

"....naiingit ako. NAIINGIT AKO SAINYO!"

"Kaya nga ni-reveal ko na ang katotohan para hindi ka na malungkot diyan Nia, at
para mailagay mo na yung puso mo sa dapat ikalalagyan. Kay Prince." ;)

"Bespren? Totoo ba yan? Di ka na galit kay Prince?"


"Galit pa naman ako kay Prince dahil sa pinaggagagawa niya sayo, pero kahit ganun,
di parin kita pipigilan kasi kung saan ka masaya, susuportahan kita."

"Ako rin insan nandito para sayo. Nandito kaming DALAWA para sayo."

"Bespren? Gale? MARAMING MARAMING SALAMAT!" :'(

Na-touch ako dahil kahit dalawa lang yung inaasang kong mga kaibigan sa mundo,
talagang may silbi sila para saakin.

Salamat naman at sinabi na ni Ian ang totoo, at natapos na rin ang problema ko
sakanilang dalawa. Mas masaya talaga pag wala kaming tinatagong secreto sa isa't-
isa. Nakahinga na rin ako ng mabuti, hindi ko na kukulitin si Ian dahil meron na
siyang mahal...at si Gale yung taong yon.

NAKAKAINGIT TALAGA.

***********************

First date nila Ian at Gale after school, kaya iniwan ko muna yung dalawang mag-
lovebirds. Naintindihan naman nila ako at iniwan din naman nila ako.

"Gusto mo ng tulong?" Babalik ko na yung isang katerbang libro at notebooks ko sa


locker kaso humarang sa harapan ko si Russell.

"Sure." A tinulungan ako ni Russell magbalik ng mga libro ko.

"Di mo na pala kailangang gawin yung part mo sa project natin sa Physics dahil
nagawa ko na lahat."

"Huh? Tapos mo na? Eh kahapon lang tayo nag-umpisa ha!"

"It's quite easy though. Madali lang naman talaga, tsaka nagtipid lang ako ng
oras."

"Now I know na talagang ikaw ang class president natin, matalino ka rin eh. No
doubt." ;D

"Salamat. The reason why na tinapos ko na agad para hindi ka mahirapan, tsaka, it's
Friday today, bukas may pupuntahan tayo."

"Pupuntahan?"

May DATE kami bukas. At ayun ang pupuntahan namin. Kung saan, basta may DATE daw
kami, ayun ang sinabi niya saakin. :o Sa una, sabi ko sakanya marami akong gagawin,
pero natalo ako sa usapanan kaya pumayag na rin ako. Ayokong makipag-date sakanya!
Alam kong nilalagawan niya ako pero ayoko talaga sakanya!

Another problema.

"Nasan na si Prince?"

Sa wakas at umalis na rin si Russell. Naghintay talaga ako dito sa hallway sa


harapan ng classroom namin para kay Prince, ayun pala iba ang makikita ko.

"Manong?"
"Iha?"

Si Manong Janitor nagbalik na? "Kelan ka pa ho bumalik?"

"Ay iha kahapon lang, si Prince kasi pinaalis na sa trabaho. Nahuli kasi ni Russell
kaya pinatigil na niya. Yun lang ang narinig ko."

"ANO?" WTF? Pati ba 'to ipapatigil ni Russell? >:( "Manong! Alam niyo ba kung nasan
si Prince ngayon?!"

"Ang alam ko...sinabi niya saakin, maghahanap nalang daw siya ng ibang trabaho,
tsaka, kung nasan siya ngayon, di ko alam. Pero iha, sana mahanap mo yung batang
yon, naawa na ako sa itsura niya, para kasing magkakasakit. Tsaka mukhang
naghihirap siya, walang matutulugan yung batang yon ngayong gabi, ayun ang hinala
ko."

"SALAMAT MANONG AT GOODBYE NA MUNA~!"

Kailangan kong mahanap si Prince bago lumubog ang araw!

As usual, tumakbo nanaman ako, pero this time, kakaiba yung takbo ko, parang si
Lydia De Vega sa pagtakbo. Hanggang makalabas na ako sa Mother Ignacia Gate sa
likod dahil dito ko muna chi-neck si Prince. Kung iniiwasan niya ako, siguro dito
ang destinasyon niya.

"PRINCE?!"

Sabi ko na nga ba at dito ko siya matatagpuan! Nakaupo siya sa harapan ng isang


tindahan at naka-school bus style na parang natutulog, awww. Di kaya pagod na si
Prince ko? :( Halatang pagod na pagod na siya talaga, alam ko ring exhausted na
siya...

THIS IS IT. I FINALLY HAD IT!

Na-inspire ako kila Ian at Gale kanina, nabuksan yung mind ko na dapat talaga mag-
open up na ako para matapos na ang mga problema at para makahinga na talaga ako ng
mabuti.

Sa tagal tagal kong tinago kung paano ko siya ka-mahal...sasabihin ko na sakanya.


Ang tatag ko talaga kahit sinabihan niya akong walang kwenta. =X

I will reveal my LOVE to him!

Pagkatapos kong sabihin sakanya kung gaano ko siya kamahal, doon ko na sasabihin
sakanya na pwedeng pwede siyang makituloy sa bahay ko at doon na muna siya tumira.

Sana magawa ko na, para in the end of the revelation...

......may kasama pang HUGS && KISSES. ^-^

Episode #18
~ nanalo ako ng isang milyong Prince!

"Prince? Huy, Prince. Prince.." Ano bang apilyedo niya? "Aysus. PRINCE!" Opps,
napalakas ata boses ko.

Napalakas nga kaso wa-epek dahil hindi parin nagigising dito sa harapan ko. Ano
bang problema nito eh sobrang ingay na ng paligid hindi pa magising, mukhang sira.
I know pagod siya and all that, pero pag ako yung nasa puwesto niya, magiging aware
din ako sa ingay sa paligid ko.

"Iha?"

Nagsalita yung tindera at mukhang tinatawag ako. "Ako po ba?"

Umalis sa loob ng sari sari store yung matandang tindera sabay lakad papunta
saamin.

"Oo ikaw, sino pa ba ang iha dito? BTW. Nakita ko na yang lalakeng yan mula kahapon
ng gabi, mga alas dose ng madaling araw. Sasara ko na sana 'tong tindahan ko, kaso
bigla siyang tumambay dito sa harapan. May dala dala siyang tatlong bote. Tatlong
bote ng beer."

WTF?!

"Naglalasing siya?" :o

"Parang ganun na nga. Di ko naman siya masabihan kahapon dahil mukhang wala siya sa
sarili, kaya hinayaan ko nalang siya diyan muna. E ang problema, pag gising ko,
nandiyan parin siya, pinaalis ko na siya kaninang umaga, di naman sumagot, mukhang
malakas ang tama nitong estudyanteng 'to."

"Nako manang, baka ho masakit na katawan niyan sa hang-over!"

"Teka lang iha, ikaw ba ang gerlpren nitong lalakeng 'to? Ano ba kasing ginawa mo
sakanya, ayan tuloy nalasing."

IN FAIRNESS! At least mabait talaga 'tong si manang at napagkamalan pa akong GF ni


Prince, wow, sarap ng feeling. ^-^ "Mahabang storya manang, kasi malamit ko na
siyang i-busted kaya siguro nag-lasing, pero manang, nag-iba na ang isip ko at
babalikan ko na siya, so manang, please help me naman oh, I'll bring him at my
home."

"O sya O sya, tatawagin ko lang yung asawa ko, ipapahatid ko nalang kayo sakanya,
may tricycle kami, naawa na ako sa batang yan, basta i-uwi mo na yan."

"Salamat manang!"

Uuwi ko na talaga si Prince ngayon. Pagkatapos naming makipag-usap kay manang na


sobrang bait, hinatid nga kami ni manong na sobrang kind din saamin. Nung nakasakay
na kami ni Prince sa loob ng tricycle, para hindi mahalata ni Manong na nagloloko
lang ako, sinandal ko si Prince sa balikat ko habang natutulog siya.

Sana ganito nalang kami forever. :-[

***********************

4 pm nasa bahay na kami, salamat kay manong dahil magaling siyang tricycle driver.
Sinalubong ako ni Ian at Gale sa gate kasi tinawagan ko sila bago kami makapunta sa
bahay, at ito na 'tong dalawang 'to, takang taka sa pinagkakagawa ko.

"Baka magalit yung mommy mo bespren, patay ka kay tita. Ayan? Papatulugin mo dito?"

"Oo nga insan, baka ma-grounded ka pa dahil nag-uwi ka ng lalake dito."

Sabay sabay pa kaming nagtinginan kay Prince kung saan nakahiga siya sa sofa namin
dito sa living room, di namin alam ang gagawin namin at wala kaming ka-ide-idea
kung paano namin sasabihin kay mama 'to.

"Basta ako na ang bahala. Ako naman ang nag-uwi sakanya dito, ako naman ang in-
charge. Basta ang maitutulong niyo nalang dalawa, pwedeng pakikuha ng bimpo tsaka
extra clothes sakanya? Kasi mukhang masakit yung katawan niya dahil sa hang-over,
baka magkasakit pa siya."

"(Sigh) Ako na ang kukuha ng bimpo at tubig." sabay alis ni Gale sa harapan namin
at naglakad siya papunta sa kusina.

"Thanks Gale."

"Siguraduhin mo lang Nia na hindi yan magkakalat dito. Kukuha ako ng extrang dami
para sakanya. Ako na ang bahala." paalis na sana si bespren kaso hinawakan ko yung
braso niya para tumigil siya.

"Salamat sa pag-accept mo kay Prince." SABAY HUG ko kay bespren.

"Just for my one and only bespren." :)

Pagkatapos ng mga moments namin bespren, naiwan nanaman ako mag-isa dito sa living
room. Lumuhod ako para makita ko ng maiigi si Prince sa may sofa. Sa nakikita ko,
mukhang okey naman yung itsura niya, mukhang hindi nga naglasing, sobrang lang
matulog. Hehe. Napatawa ako sandali dahil alam kong nasa SAFE place na siya ngayon.

Hinawakan ko yung kamay niya sabay ngiti ko.

"Nia?" Nandiyan na pala si Gale na may dalang timba ng tubig at bimpo.

"Nakita ko yun ah." ::)

"Ay sorry, haha." Binigay saakin ni Gale yung basang bimpo sabay pahid ko sa mukha
ni Prince ng dahan dahan.

"Okey lang insan noh. At least diba nandito na siya? Solong solo mo na siya, ito na
ang pagkakataon mo. Papatirahin mo na siya dito, wag ka nalang mag-alala sa sagot
niya, siguro kasi hindi yan papayag. Alam mo naman yung ugali niya diba?"

"Alam ko ring yun din ang mangyayari. Alam kong hindi siya papayag. Napaka-
predictable kasi 'tong si Prince eh. Pero pipilitin ko parin, ayoko naman siyang
gumala sa labas, mamaya kung anong nangyari sakanya."

"Hay nako. All this time, lagi ka nalang ganyan Nia, di ka ba nagsasawa sakanya?
Sorry to tell that mare...pero curious ako. Kasi kung ako nasa lagay mo, kungyari
mang ganyan yung ugali ni Ian, iiwan ko nalang yun."

"I WILL NEVER LEAVE HIM."

Yung ngiti ni Gale hanggang sa tenga. "Naks naman, ayan ang LOVE!" ;D

Pareho kaming natawa ng malakas sa sinabi niya. Ang corny kasi! Pareho kaming na-
cornyhan. CORY naman talaga eh.

Ng biglang --

"Hala, mukhang nagigising na siya." :-X Bulong ni Gale saakin.

"Ikaw kasi.." Bulong ko rin na parang natatawa-tawa pa.


At unti unti na ngang binubuksan ni Prince yung mga mata niya. PAREHO kaming
nabigla ni Gale kaya napalaki yung mga namin habang nakatitig sakanya. Bumangon na
si Prince sa sofa at umupo siya habang nakasandal.

"Na-nasan na ako?" Mukhang mayhang-over pa siya.

"Prince? Nakikilala mo ba ako?" ???

Tumingin saakin ng maiigi si Prince. "P-Pusa?"

"Pusa?" pagtaka ni Gale.

"Prince, si Nia Garcia 'to!" sabi ko agad kay Prince. "Sorry, nahanap kasi kita sa
isang tindahan sa harapan ng Mother Ignacia gate, mukhang wala kang matutuluyan,
tsaka...ano, dito ka nalang muna magpalipas ng gabi."

PATAY. Mukhang papatayin na niya ako sa tingin niya saakin. Biglang nawala yung
hang-over sa mukha niya at ito na, normal na Prince ang kaharap ko ngayon.

"Hindi ko kailangan ng kahit anong tulong galing sayo."

Kinuha ni Prince yung bag niyang itim sabay suot niya ng hat niya. Pagkatapos
naglakad na siya paalis.

Di na kami nakasalita ni Gale kasi tama nga yung prediction namin na aalis siya.

"SAAN KA PUPUNTA?"

Pero humarang si Ian sa may pintuan. "Umalis ka nga sa harapan ko."

"Sa tingin mo ba papaalisin kita dito?"

Sa tingin ko palang sakanilang dalawa mukhang magkakasalpukan pa 'tong mga 'to.

"Hindi ka ba aalis?"

Mukhang galit na galit na si Prince. Si Ian seryoso parin sa pagtingin sakanya.

"Magpasalamat ka na may mga taong tumutulong sayo, alam na naming lahat ang
nangyari sayo. Alam ko na yon, alam na ni Gale yon, at alam na ni Nia yon. Pero
kung pipilitin mo paring yang matigas na ugali mo saamin, MAAWA KA NAMAN SA SARILI
MO. Para mo na ring tinatalikuran yung pag-asa na binigay sayo, kahit konti lang,
pinipilit mo paring malagay sa isang madalim na ilaw. Mga hambog lang yung mga
tumatalikod, ipakita mo naman sa sarili mo na hindi ka katulad ng mga taong yon."

Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Ian dahil sinabi na niya ang dapat sabihin para
kay Prince. Kinakabahan na rin ako dahil baka mag-resback si Prince kay Ian, no one
knows kung anong gagawin niya. :-\

Sa isang sigundong mainit na tinginan nila Ian at Prince...nabigla kaming lahat


dahil tinggal ni Prince yung subrero niya, naglakad ng taimtim papunta sa sofa at
umupo siya doon ng tahimik.

NANALO SI IAN DITO. I'm so glad sa tulong niya, napangiti ako kay Ian, napanigit
kami ni Gale, nag-lip sync lang si bespren saakin ng, "No Problem"

Pagkatapos nun, iniwan nila Ian at Gale kami ni Prince para makapag-usap ng
taimtim. Umupo nalang ako sa tabi ni Prince.
"Sana naintindihan mo kung ano yung gusting sabihin ni Ian. Yung sinabi niyang yun,
dapat yun din ang sasabihin ko sayo kaso di ko naman masabi kasi---"

"Tama siya." Napatingin ako kay Prince. "Isa nga akong HANGAL. Simula nung nawala
yung mga magulang ko hindi na ako tumingin sa araw. Ganito nalang ako lagi. Wala
akong pakeelam kung anong mangyari saakin. Oo, naging self-centered ako, nagi akong
TANGA. Alam mo kung bakit? DAHIL WALA NAMANG NAGMAMAHAL SAAKIN. Wala namang
pakeelam saakin yung mga tao, wala ako. Isa lang akong tapunan."

HINDI. Ako, nagmamahal sayo. :-[ Ano ba yan, di ko mabuka yung bibig ko at hindi ko
masabi sakanya 'tong nararamdaman ko.

"Okey lang yan Prince..." Tumingin saakin si Prince, at tumingin din ako sakanya,
pagkatapos, unti unti na naming nararamdaman yung puso naming dalawa na sabay na
tumitibok na parang - parang feeling ko maghahalikan na kami. NAGHALIKAN NGA KAMI.
Di namin mapigilan kaya namin nagawa ang hindi inaasang bagay...

"HUY!"

"H-HA!?"

ANO BA NAMAN YUNG MGA IMAGINATIONS KO! AISH.

Kala ko pa naman totoo na yung nangyari after ng pag-uusap naming, naghalikan daw
kami. JUSKO DAY! ::)

"Anak!?" HOLY! Nandiyan na pala si Inay! Napatayo ako at tumakbo ako papunta
sakanya.

"Mama..Mama! Wag kang magalit! Kasi -- ito po si Prince! Kaklase ko po siya sa


school, magkakalase kami."

Pumasok na sa loob si Mama sabay tingin niya kay Prince from head to foot. "Sino ba
'tong lalakeng 'to? Manliligaw mo ba 'to? Kala ko meron ka ng Russel diyan?"

SHOOT. Nakakahiya ka Prince, alam kong maasar si Prince kung narinig niya yung
pangalan ni Russell. =X

"Ma~! Hindi naman sa ganun pero --" Tumayo si Prince sabay tingin niya kay mama ng
bigla nalang siyang --!?

NAG-BOW? ??? "Magandang hapon po sainyo, ako po si Prince, manliligaw po ng anak


niyo."

ANAK NG MGA IPIS, KALABAW AT TALONG!

Paki tadyakan ng ako! Baka nag-iimagine nanaman ako!

"Bakit ba umuulan ng mga manliligaw 'tong anak kong si Nia? E noon naman wala
namang nagkakagusto dito at wala namang lalakeng dinadala yan dito? Aysusmaryosep.
Osige na, makakaakyet ka na sa kwarto ni Nia, doon ka muna matulog ngayon gabi. At
ako naman ay matutulog na, pagod na ako. Sige, goodnight nalang sainyong dalawa."

WTF? Okey, bakit ganito makasalita si Mama? LASING BA SIYA?! Parang pinapabigay na
niya ako ah. Napatingin ako sa bintana, ng makita ko sila Ian at Gale na
pinipigilan nilang tumawa ng malakas.

SABI KO NA NGA BA EH!


Sila ang may kagagawan nito, GINAYUMA NILA MAMA KO!

"O ano na? Nasan na yung kwarto mo?"

Namumula na ako sa kaba at kilig, totoo ba yung sinabi ni Prince? "A-Ano?"

Di ako makasalita. :-X

"Ihatid mo na ako sa kwarto mo, gusto ko ng matulog...."

Unti unti akong nilapitan ni Prince, nilapitan na parang in seductive style na


parang...SANA WAG NAMAN MANGYARI YUNG INIISIP KO! Mukha niya akong hahalikan at re-
rapin!

"Sundan mo lang ako hahatid na kita sa kwarto mo!"

Jusko, kinabahan ako sa mga kilos niya holy crap, tumakbo ako papunta sa second
floor at pinakita na sakanya kung saan siya matutulog muna pansamantala. At sa
kwarto ko nga muna siya matutulog. Gawd. Di nga ako nanaginip at totoo na 'to.

"Ito na ba kwarto mo?"

"T-Totoo ba yung sinabi mo na..na..na nililigawan mo ako?"

"Tsss. Sino bang taong magkakainteres na ligawan ka? WALA. Excuse ko lang yun para
hindi magtaka yung mama mo kung sino yung inuwi mong lalake ngayon gabi. Haha.
Kakaiba nanay mo, iniwan ka saakin na parang ganun ganun lang." sabay tawa niya ng
malakas sa harapan ko.

"H-HMP! Bahala ka nga diyan!"

Nakakainis ha! Ampness na lalake, pasalamat talaga siya na may matutulugan siya
ngayon at sa --

"T-Teka! Kwarto ko yan ah! Ako ang matutulog diyan! Huy!"

"Goodnight!" :P Sabay sara niya ng pintuan.

"TAE KA PRINCE!" Pinagkakaisahan ata ako ng mga tao ngayon, ano bang ginawa ko!?
Suppose to be may reward ako after helping him find a place tapos ito lang ang
kapalit? Saan ako matutulog ngayon? Naman oh!

"JACKPOT!"

Pero ang ganda ah, naka-jackpot ako, nauwi ko siya dito sa bahay ko at dito siya
matutulog ngayon. Hindi lang ata ngayon, poreber na siyang titira dito.

Para tuloy akong nanalo ako ng isang milyong Prince. >:D

Episode #19
~ existence, a sole word that means a lot.

Sobrang swerte ko dahil hindi sumakit yung balakang ko dahil sa sofa sa living room
ako natulog. Syempre naman EARLY BIRD na ako ngayon!

Ngunit bago muna ako mang-stalk sa 2nd floor sa loob ng kwarto ko, dapat wala muna
akong morning glory, para fresh akong humarap sakanya this morning!
Excited na ako makita siya, ano kayang gagawin naming ngayong Saturday? ::)

"Ina! Ano yang niluluto mo for breakfast?" Pag gising ko kasi narinig ko na may
nagluluto sa kusina, pagkatapos kong gawin ang dapat gawin tuwing umaga, nagpunta
na ako sa kusina.

"Fried rice lang 'to anak tsaka yung chicken na ulam natin kagabi."

"Ulam kagabi? Wala ba tayong bagong dish ngayon? Baka kasi hindi magustuhan ni
Prince, gusto ko sana na kumain siya ng isang masarap na dish ngayong umagang 'to."

Sana naman maintindihan ni Mama yung ibig sabihin na meron na siyang bagong
papakaing tao dito. Para i-welcome si Prince sa bahay namin, dapat kumain siya ng
first ever dish dito sa bahay namin, of course naman dapat MASARAP AT FRESH yun!

"Huh? Sinong Prince?"

"A-Ano kamo Ma?" ???

"Sabi ko sinong Prince yung sinasabi mo? Nakoww anak, baka nanaginip ka lang. Sino
ba yung papakainin natin dito? Eh tayo lang naman ang dalawa ang kakain."

H-Hindi kaya talagang lasing lang si Mama kahapon kaya hindi niya nakita si Prince
na nakita niya pero she acted na parang hindi niya nakita? CONFUSING!

"Mama? Di mo ba alam na may natulog na isang lalake dito sa bahay natin? Nandon
siya natulog sa loob ng kwarto ko."

"ANO!?"

BAKIT NAMAN NGAYON GULAT NA GULAT SIYA!?

Tama! Wala lang sa sarili si Mama kahapon, pagod na pagod siya galing sa trabaho
kaya nag-halucinate siya na hindi niya alam na natulog si Prince dito! "OY MAMA!
ANONG GAGAWIN MO DIYAN?!" :o

"PAPATAYIN KO YUNG RAPIST! WALANG HIYANG LALAKE! NI-RAPE YUNG ANAK KO!"

"Ma~! Wag mong gawin yan! Ibaba mo yang KUTSILYO!" Masama ang hinala kong papatayin
niya si Prince. Holy sh*t! Ang bilis tumakbo ni Mama at pumunta siya sa 2nd floor
at todo habol naman ako para maagapan ang pagpatay!

Sa masamang palad nauna si Mama sa itaas. "SINO KANG DEMONYO KA!?"

"AHHHHHHHHHHHHHH~!"

Nanahimik si Prince na mahimbing na natutulog sa higaan ko ng bigla siyang inatake


ni mama, bumangon agad si Prince sabay takip niya sa buong katawan niya ng kumot.

MI GAWD! Nakahubad ba siya habang natutulog!? O___O

"Mama tama na yan!!" Hinatak ko agad yung braso ni Mama pilit at kong nilalayo kay
Prince.

"Dapat sa mga katulad mo pinapatay, wala kang dangal! Kaw bata ka, anong ginawa mo
sa anak ko!? Pagbabayaran mo yung ginawa mo sakanya!"

Nanlaki nalang yung mga mata ni Prince kay Mama.


"Wala naman siyang ginawang masama saakin Mama! Wag mo siyang sigawan! Wala siyang
masamang balak saakin! Natulog lang naman siya diyan at hindi ako tumabi sakanya!
Pero Ma, manliligaw ko pa yang lalakeng yan!"

Di ko alam pero yung mga sinabi ko natahimik si Mama at dahan dahan siyang tumingin
saakin, ng bigla nalang siyang, "Waaaaaaaaahhh!!" UMIYAK.

"Bakit ba kung sino sino ang dinadala mong lalake dito Nia? Ano nalang sasabihin ng
ama mo? Na pinalaki kita na maging bulakbol na katulad nito? Siguro tama nga ang
tatay mo, di ako marunong magpalaki ng bata."

Mahirap na, kailangan ng malaking explanasyon kung bakit nandito si Prince at kung
bakit siya makikitira dito. Kailangan namin makausap si Mama head to head,
napatingin nalang ako kay Prince.

***********************

Singhot parin ng singhot si mama sa tissue niya, habang kami ni Prince magkatabi sa
sofa at nakaharap kaming pareho sakanya. Feeling ko tuloy seryoso na "KAMI" na ni
Prince tapos may final judgement pang kaming makakaharap, ang final blessings ng
mama ko saaming relantionship. Hahay~ ::)

In mind parin na loko lang 'to ni Prince na kungyari manliligaw ko siya kuno. Sana
gumana yung plano niya. Siya naman ang nag-isip eh.

"Anong pangalan mo?"

"Prince po."

"Saan ka nakatira?"

"Project 6 po."

"Magkaklase kayo diba?"

"Pareho po kaming nasa 4th year mapagmalasakit."

"Nasan na yung mga magulang mo? Meron ka pa ba?"

Naiirita na si Prince, sa mukha palang na pinapakita niya kay Mama parang pinipilit
nalang niyang sumagot.

"W-Wala na po sila."

"Kelan mo pa nililigawan si Nia?"

Napatingin ako agad kay Prince dahil kinakabahan na ako sa sasagutin niya. Napaisip
siya ng maiigi. Nakahanda na ako kung hindi siya makaisip kung kelan pa niya ako
niligawan. Gawd. HEAVEEEEEN. ::)

"Oh ano?"

Patay, 'to lang hindi pa niya masagot.

"Kahapon lang po."

KAHAPON LANG? Ano bang klaseng sagot yan? Nako, patay na talaga ako dahil malaki
ang imahinasyon ni mama, baka iba ang isipin niya. =X "Mama! A-actually, ang gusto
niya sabihin ni Prince ano--!"

"Kahapon lang? Tapos di ka pa nagpapakilala saakin may gana ka ng akyeten yung


kwarto ng anak ko at doon ka pa natulog? Ano ka ba? Wala kang dangal! UMALIS KA NGA
DITO SA PAMAMAHAY KO BAGO KITA KALADKARIN SA LABAS! Mas gugustuhin ko nalang si
Russell ang manligaw sa anak ko!"

"Wag--!!"

Nakakainis naman, hindi namin na-explain ang totoong nangyari, ang init agad ng ulo
ni Mama, ako lang kasi ang natatanging anak niya, tapos babae pa ako. Kaya di na
ako magtataka na masyado siyang overprotected.

At pinalayas niya si Prince, kaso hinabol ko parin hanggang labas. :-\

"Prince sorry na!" Paalis na siya ng Baco St.

"Sana pala hindi mo nalang ako tinulungan."

"Hindi ko naman alam na magiging ganon si mama sayo. Kala ko okey na."

"Ang OA ng nanay mo."

"Huy! Tama na yan, bumalik na tayo doon sa loob, ako na ang mag-e-explain, mag-sta-
straight to the point na ako." Bigla siyang tumigil, eksakto lang kaming napatigil
sa hintayan ng dyip.

Tinignan niya ako ng maiigi. "Matanong nga kita. Bakit ganito ka ba saakin? Lagi mo
nalang akong tinutulungan, lagi mo nalang akong pinagtatanggol, lagi ka nalang
nandiyan kung nasan ako. BAKIT MO BA GINAGAWA SAAKIN 'TO?"

Natahimik ako ng sandali. "Eh..kasi ano...." :-[ Ako ang isang babaeng TORPE.

"Ayun naman pala eh, ayaw ako ng nanay mo, mas gusto niya pala si Russell. Siguro
naman naiintindihan mo na diba? Kailangan mo ng mabuhay ng mapayapa ng wala ako,
napapainsin ko kasi yung buhay mo umiikot lang saakin, para kang ISANG TANGA na
nakakalimutan mo na yung buhay mo at nakikisawsaw ka sa buhay ng may buhay. Isa
lang ang pwedeng mong gawin para maayos na tayong lahat, ANG LUBAYAN AKO."

Tagos sa puso ko yung sinabi niya saakin. Ito na ata yung pinakamasakit na sinabi
saakin ni Prince. Para bang kung makasalita siya alam na niya lahat. Lahat ng
nararamdaman ko para sakanya, Ang kapal ng mukha niya, siya na nga yung
pinagmamagandang loob na tulungan.

Iniwan niya akong nakatulala sa gilid ng daan. Kala ko naman nagbago na siya
kahapon, ayun pala hindi, wala paring epekto yung sermon ni Ian, bumalik nanaman
siya sa dati.

NAKAKAINIS SIYA.

***********************

Wala sila Gale ngayon at may pinuntahan kasama yung ibang mga kaibigan niya, habang
si Ian, busy dahil may project daw. Tatawagan ko dapat si Ian para ikwento sakanya
lahat ng nangyari. Pati si Mama galit na saakin at nang-iisnob nung sinabi ko na
aalis ako at may pupuntahan.

Tumawag si Russell saakin at ni-remind na ako na papunta na siya para sunduin ako.
"Hey there, nice to see you." (:

Ang gara talaga ni Russell at pinagbuksan pa ako ng pinto. "You too..." sabay pasok
ko sa loob ng kotse gumara na kami.

"You look so dull, may problema ba?"

"W-Wala naman." :) I managed to smile at least, para naman hindi siya magtaka, baka
kung ano pang tanungin nito.

"Alam mo, di ako sanay sa mga taong nakaburangot, in my view, naiinis ako sa mga
taong ganun, I like seeing other people's smile. Especially yours."

Ngumiti saakin si Russell, at yung ngiti na yon, Aaminin ko na napatitig ako, ang
sweet kasi ng sinabi niya. :-[

"Haha. Ah..Thanks." Sabay ngiti ko ulit at tawa ng konti.

And he smiled back. "Ayan, I feel that you're the normal Nia again, alam kong
magugustuhan mo kung saan tayo mag-da-date, it's our first date right?"

FIRST DATE na sana si Prince ang kasama ko. Tss. Bahala na yung Prince na yon,
inaway niya ako eh. "Saan ba tayo pupunta?"

"You'll see." Mas lalong binilisan ni Russell ang pagkatakbo ng kotse.

After a few minutes, dinala ako ni Russell sa isang hindi inaasang lugar. Hindi sa
resturant, hindi sa mall, hindi sa park, hindi sa bahay niya, kungdi sa...

"BASKETBALL COURT!?"

Nakakababa na kaming dalawa at napatulala ako dahil dinala niya ako dito. Kaming
dalawa lang ang tao dito at solong solo namin ang buong court. Sobrang laki kasi.
"Anong gagawin natin dito?"

Napangiti saakin si Russell, sabay tanggal niya ng hoodie niya tapos lumabas ang
kanyang red jersey. Whoa, basketbolista siya?

"I welcome you to my passion." ;)

MAGIC!

Bigla nalang may lumabas na bola sa kamay niya tapos tumakbo siya papunta sa court
at nagpakitang gilas siya sa harapan ko.

NATULALA AKO SA GALING NIYA.

Nakailang slamdunk at rebounds ang ginawa niya, ang smooth ng pagkatakbo niya pati
na rin ang pag bounce niya ng bola, yung legs at mga papa niya makikita kong sanay
na sanay na siyang mag-basketball. Hindi siya nawawalan ng energy, alive na alive,
pati yung posture niya straight body na straight body talaga. Forget about being
that geek guy sa loob ng Mapagmalasakit. Napanganga ako at napatulala talaga kay
Russell Sanchez.

He's purely astonishing.

"Grabe ka naman! Paano mo nagawa yon?!"


Pagkatapos niyang magpakitang gilas and all that, naglatag siya ng isang picnic
cloth dito sa sahig at ginawa naming parke ang basketball court. Dito namin nilatag
sa baba ng Basketball Backboard habang kumakain kami ng mga chips and sides.

"Di ko alam, everytime I hold this ball, bigla nalang ako nag-iiba na parang alam
ko na ang gagawin ko."

"Ano yon? Automatic? Siguro may gusto yung bola sayo noh? Hahaha!" ;D

"Baka." ;D

Nagtawanan nalang kami na parang mga wala sa sarili.

"Buti nalang sumama ka saakin Nia, gusto ko kasing makilala mo pa ako ng lubos kung
sino ako." Napatingin siya saakin. "Alam ko namang expected mo na pumunta tayo sa
resturant or sa mall, pero ang naisip ko, mas maganda nalang na dito sa basketball
court, para maiba. At para maka-introduce ako sayo ng tama, kahit sa pamamagitan
lang nito."

"Okey lang naman kung dito, hindi naman ako nagalit o ano, actually nagulat nga
ako, kala ko kung saan mo na ako dinala." ;D

"Gusto lang kitang supresahin." Ngiti nanaman niya ng bigla nalang siyang nagpakita
ng magic niya, may binigay siyang isang stem ng rose.

"Bago ko makalimutan."

NANLALAMIG YUNG KAMAY KO SA SOBRANG KILIG.

Ano ba naman yan, bakit ba napaka-honeybee ni Russell at parang nilalapitan siya


lahat ng mga langgam? Haaayy. May naalala tuloy ako, alam niyo naman kung sino ang
naalala ko.

Nalungkot nalang ako. "Sorry." :-\

"Sorry?"

Gusto ko na talagang sabihin na wala naman akong gusto sakanya, pero may bumubulong
saakin na wag kong sabihin, baka masaktan ko lang siya, sa lahat ba naman ng ginawa
niya saakin ito lang ang ibabayad ko? .

Napatingin si Russell sa bulaklak at parang nalungkot na rin. "I feel like


everytime na kasama kita, di mo ako nakikita. Para akong isang taong invisible para
sayo."

Sabi ko na nga ba masasaktan siya eh.

"H-Hindi naman sa ganun Russell pero--"

"But that's okey, but a least nakakasama kita masaya na ako." Kinuha niya yung coke
sabay inom niya.

"Do you know about EXISTENCE?"

Umilang nalang ako. "Isang word na napakasimple, pero maraming ibig sabihin.
Katulad nalang saating dalawa. Kagaya nga ng sinabi ko, nandito naman ako pero di
mo ako nakikita, nandito nga ako, nag-uusap tayo, pero parang bali wala naman 'tong
usapan natin dahil pagkatapos ng araw na 'to, mawawala din naman ang lahat.
Maglalaho."
"Ibig sabihin ba na parang wala ring kwenta ang lahat kung tinuturing mong ang
isang bagay ay hindi naman totoo?"

"You've got it."

Isang word na pwedeng i-describe sa katayuan ng dalawang lalake sa buhay ko. Si


Russell at si Prince.

Si Russell DI KO SIYA lubos na makita, wala akong nararamdaman sakanya at


hinahayaan ko nalang yon, habang si Prince naman, baliktad dahil ako naman ang
invicible para sakanya. Parang umikot lang yon, pero bumalik naman saakin dahil
wala naman gusto saakin si Prince, siya nga ang mahal ko pero wala naman. Tapos
ginagawa ko rin pala kay Russell yon.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang taong HINDI TOTOO.

"Well, di naman kita pinapatamaan Nia, I'm just saying what I want to say."

"Okey lang Russell."

Naging masyadong mean naman ata ako sakanya, siguro ang gusto talaga niyang sabihin
na pansinin ko naman siya at bigyan ko rin siya ng konting halaga.

KAHIT KONTI LANG.

"RUSSELL SANCHEZ! Turuan mo ako kung paano mag free throw!"

"H-ha? Sigurado ka? Kaya mo bang abutin yung basketball?"

"Nyahaha! Buhatin mo nalang ako kung di ko na-shoot!" ;D

"You sure ha? Fine, let's go!"

Hinatak niya ako papunta sa court at tumakbo kami papunta doon. Pinatayo niya ako
sa center line, which is ang layo doon sa basket! Pinahawak niya saakin yung bola
habang nakaharap ako sa mataas ng basketball. Nalula ako, ang laki kasi, tapos ang
liit ko, parang di kami bagay. Haha!

"Focus your hand most especially your eyes to the basket, lalong lalo na yung bola
and your perspective. It's better to jump in a good way, pang palakas ng force."

"Huh? Anong sabi mo?"

"Hay nako, JUST DO IT!" ;D

Tumabi muna si Russell sa gilid ko at ako naman ay nag-breath in breath out na para
ma-shoot ko na ang dakilang bola. Hindi ko naman talaga na-gets yung sinabi niyang
advice kung paano nalang itong gagawin ko, bahala na.

Ang naitindihin ko lang eh yung JUMP, edi tatalon nalang ako


in...ONE...TWO...THREEEE~!

"AHHHHHHHHHHHHHH~!!"

"NIA!"

Sa masamang palad, naka-untie pala yung sneakers ko at naapakan ko pa yung right


foot ko ng dahil sa tali nun. Sa pangit kasi ng pagtalon ko, ayan tuloy! Nalaglag
ako sa sahig! NAKAKAHIYA! T_____________T

"ARE YOU OKEY?!" :o

Pumunta agad si Russell saakin, at chineck ako. "Muwahaha! Okey lang ako, ayaw pala
saakin ng bola mo!"

"Nakinig ka ba sa sinabi ko?" Bigla nalang natawa ng malakas si Russell.

"Oo naman! Sabi mo jump edi nag- jump ako!"

"Hindi ko naman sinabing jump in a BAD WAY, I said GOOD WAY." ;D Tawang tawa si
Russell, susmarya naman oh. Kainis!

TEKA LANG... bakit nakahiga pa ako dito?

Nakahiga pa ako dito sa sahig, tapos nasa gilid si Russell at tinitignan ako ng
seryoso...seryoso na parang. GAWD WAG NAMAN SANA! Pormang maghahalikan na kasi
kami. =X Tulala kaming pareho, bakit ba nanglalamig nanaman ako? Kung paano kasi
siya makatingin saakin Diyos ko po!

Na-realize ko na na mahalaga rin pala siya sa buhay ko.

Can I give him a chance?

Episode #20
~ overheard confession - now I'm dead!
(Closing scene at the end of the episode)

Monday ng umaga: ito na ata ang araw ng tinambakan kami ng maraming assignments and
practical projects. Yung iba nga hindi pa tapos sa Physics Project na binigay
saamin ni Sir Torres, tapos tatambakan nanaman kami from 4 different subjects.

"4th year na kayong lahat, it's better to give you works para makapag-prepare or
ma-gain niyo pa ang experience ng pagiging college. Alam niyo namang dito sa
Mary's, ang 4th year, parang ginagawa naming ka-level ng college yan. And speaking
of college, dapat alam niyo na ang kukunin niyo para sa next year, mas pangit ang
mag-cra-cramming."

Ayan ang problema ko, dahil ni ako mismo, hindi pa ako nakakapili kung anong
kukunin ko sa college! Sabi ni Mama bahala daw ako, sabi naman ni Bespren, mag-nu-
nursing siya. Naisip ko ring mag-nurse kaso nagtataka lang ako, bakit ba lahat ng
mga tao nag-nu-nurse ngayon?!

Hay nako, dapat hindi muna yun yung iniisip ko. Ang dapat ang isipin ko, ang
makapasa sa upcoming Math test ko para sa Tuesday, paano naman nakakuha ako ng
20/50 sa last test.

"Ohhmmaygaliie." :( Ayokong tignan yung test paper ko sa Math na nasa kamay ko


ngayon.

Sa mga nangyayari saamin nila Prince, Russell o kung sino man ang gumugulo sa buhay
lovelife ko, na-apektuhan tuloy ang grades ko. Siguro kailangan kong i-minimize ang
pag-iisip ko sakanila, lalong lalo na kay Prince. Hay, Math class na Math class
napapatingin ako sakanya sa gilid. Seryoso siyang kumukopya ng mga notes sa board
and also the seatworks. Habang ako naman seryoso sa pag-tingin sakanya. -- Saan
kaya siya natulog nung weekend? Haiish.

"Psst, Nia. Are you copying the notes?"


Nabigla ako kay Russel sa right side ko kaya napatingin ako agad sakanya. "Ah..Oo,
kaso konti palang eh."

Paano naman kasi kung saan saan lumilipad ang isip at mga mata ko. Talagang di ako
makaka-concentrate.

"Here, I'm done." Inabot saakin ni Russell yun notebook niya.

"Better do the copying secretly, lalong lalo na sa mga answers."

"Seryoso ka?" Bulong ko kay Russell then nag-nod nalang siya.

Salamat naman at pinapakopya niya ako! Actually, nung simula ko siyang nakatabi
dito sa upuan, lagi niya akong tinutulungan.

Para siyang si Bespren minsan, kaya natatawa nalang ako pero pinipigilan ko. At
least may katulong na ako o diba? ;D

Habang kinukopya ko hiddenly yung mga notes and answers ni Russell, napatingin
nanaman ako sa kabilang dayo. Napatigil akong magsulat dahil si Anna na tae mukhang
nilalandi nanaman si Prince ko. Nagtatanong lang kasi si Prince tapos 'tong si Anna
todo support pa na kung tabihan siya mukha nanamang linta.

Napahigpit tuloy yung paghawak ko sa ballpen nung nakita ko. >:(

BAKIT BA AKO NAGAGALIT? Actually asar nga ako dahil di ko parin makalimutan yung
sinabi niya saakin nung Saturday eh.

Argh, ang hirap dito sa classroom na 'to, ang dami kong pwedeng patayin at GUSTONG
PATAYIN!

Ang una kong papatayin yang Anna na malandi na yan, susunod si PRI-- PRI-- So
ngayon di ko nanaman masabi na papatayin ko si Prince? What's wrong with me!?

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnngg~!*

Salamat naman at lunch na, siguro gutom lang ako! >:(

***********************

I will sacrifice myself na hindi kumain ngayong lunch at pupunta akong library para
makapag-research at makapag-review ng mga past lessons ko. Makikipag-meet din ako
kila Gale at Bespren ngayong lunch.

"Nia!" Napatigil akong pumasok sa loob ng library nung tinawag ako ni Russell.

"O anong ginagawa mo dito?"

"I was thinking if gusto mong sumabay mag-lunch saakin ngayon kasama ng mga friends
ko. And of course, I will treat you."

Napatingin ako sa likod niya at nakita ko nga yung mga kaibigan niya at ngumiti
nalang sila saakin.

"Nako Russ, di kasi ako pwede, may gagawin kasi ako sa library. Pwedeng bukas
nalang? I'm kinda busy talaga."
Nginitian nalang niya ako. Buti nalang ngumiti dahil alam kong papayagan niya ako.

"It's okey, but tomorrow sama ka saamin ah, promise?"

"Promise." :)

Ngumiti nanaman siya bago umalis. Ng makakita ako ng hindi kaaya-aya. Si Prince na
papunta na sa library, nanglaki yung mga mata ko sabay tago ko sa pinakamalapit na
taguan.

"Shoooo..." Buti nalang di niya kami naabutan ni Russel na nag-uusap. =X

"Prince~! Wait a sec!"

Holy Sh*t, hinabol pa siya ng linta na yon, nag-usap sila in front of the entrance
tapos sabay na silang pumasok sa loob. So ngayon inuhan pa nila ako?

That's my private place to be alone! Langya!

Wala na akong nagawa. Nag-ingat akong pumasok sa loob at hinanap ko agad sila
Bespren at Gale, ang weird, di ko nakita sila Prince at Anna sa loob, nasan na kaya
yon?

Pati nga sila Ian at Gale, nahirapan pa akong paghahanapin yung dalawang yon, nung
nahanap ko, pumunta pala sila sa pinatagong corner at...

NAGLALANDIAN! o_______o Si Ian may hawak pang choknut tapos sinusubuan niya si
Gale, habang si Gale naman pakipot pang sumusubo, pagkatapos may hawak namang
DingDong si Gale, sinusubuan din niya si Ian.

"HOY HOY HOY! ITIGIL ANG KASAL~!" Buti nalang nandito na ako para tigilin ang
halikan nila, kasi pagkatapos ng subuan at ngitian at landian mukhang mauuwi na sa
halikan!

"B-BESPREN! ANG AGA MO NAMAN!" :D

"K-KAYA NGA! ANO KA BA!" :D

"Kayo talaga, wala talaga kayong magawa sa buhay niyo noh? Tara na nga!"

Hinatak ko sila at sabay sabay na kaming pumunta sa isang lamesa malapit sa Science
corner.

"Sabi ko hintayin niyo ako dito sa lamesa, hindi sa madalim na gilid." >=(

"Kumakain lang naman kami Insan ng lunch." ;D

"Kumakain ng lunch? Lunch ba ang tawag sa Choknut at DingDong?"

"Bakit bespren, selos ka noh?"

"Selos? Like NEVER! Kasi naman noh, kung mag-gaganun lang kayo, wag sito sa public
library, para kasing -- di bagay, prinoprotektuhan ko lang si Gale from you Ian!
Mamaya pag nalaman na 'to ni Kuya Mike eh.." Hindi pa kasi alam ni Kuya Mike (Kuya
ni Gale remember?) na sila na. Si kuya Mike kasi masyadong strict na kuya.

Oo, SILA NA. Halata naman, simula nung nag-confess 'tong si Ian kay Gale, alam ko
na official na. Kahit deny pa ako ng deny, kahit hindi nila sinabi na sila na,
automatic na yon.
"Sasabihin ko na naman kay kuya Mike sa lalong madaling panahon. Tsaka nag-iingat
naman kami ni Ian, pag nasa bahay ko 'to, ang pag-trato ko parin sakanya parang
kaibagan lang. Alam mo naman yun Nia diba?"

"Naghahanap lang kami ng sapat na oras para saibihn sa kuya niya, pero di muna
ngayon."

Tinignan ko sila ng maiigi. "Hay nako, basta mag-ingat nalang kayo okey?" At
pagkatapos nag-nod nalang sila.

"Nga pala, bakit mo ba kami pinapunta dito ni Gale? Nagugutom na ako bespren eh."

"Wala lang, samahan niyo lang ako. Hehehe! Kasi ayokong maging loner dito mga
prenships, gusto kong may kasama ako habang nag-re-review. Para hindi ako
pagkamalang nerd."

"Alam mo Nia, sa bahay nalang tayo mag-review at gumawa ng mga HW's dahil pwede
naman nating gawin yan doon. Imbis na nagpapalipas ka ng gutom diyan. Dinadamay mo
pa kami ni Gale, hindi pa kami kumakain ng lunch, tignan mo kung anong oras na oh,
20 minutes nalang before the bell."

"Ehh basta, samahan niyo ako." >:D

"Insan? Alam mo naman na hindi pwede akong malipasan ng gutom dahil meron akong
ulcer."

"ANO?! IKAW? May ulcer? Nako!" Biglang tumayo si Ian, nagulat ako sa pagtayo niya,
kasi mukha siyang hibang. "Nia, I'm so sorry, kailangang kumain ni Gale my labs ko,
kungdi baka magkasakit siya, di maari yon, kaya diyan ka muna, may makakasama ka
naman kahit papano eh. Malapit lapit lang siya dito sa section na 'to..." ^-^

"Sige Bye~!" Hinatak ni Ian si Gale paalis.

"Huy! S-sandali lang!"

"Bye Nia!"

GREAT.

Nang-iwan nga sila, mga kaibigan kong hindi maasahan! Pinatunayan lang nila yun na
hindi sila maaasahan. >:(

So naiwan nga ako dito, hmf. Ayoko kasing maging loner, I feel uneasy, ganyan
talaga ako, kailangan ko ng company, ayokong maiwan, di ako comportable.

Lalong lalo na pag may nakikita akong ibang tao na may kasama tapos ako wala.
Hinugot ko nalang yung notebook ni Russell kasi di pa ako tapos mangopya.

"The shape of a freely suspended liquid drop is kept spherical (with radius R) by
the surface tension g...ayan ang nakasulat dito sa libro. Di ko alam kung tama."

"Maybe nasa maling chapter yung sinerch mo."

Talagang pinagtatagpo kami ng tadhana. :-X

Kalalabas lang nila Prince at Anna sa Science Corner dahil kumuha sila ng libro sa
Physics, at balak pa nilang umupo dito sa lamesa ko. Tinakpan ko nalang yung mukha
ko ng notebook ni Russell at di na nagsalita pa. Kaya pala ako iniwan, dahil alam
na ni Ian na nandito si Prince~

"Tama yung sagot, yun yung answer sa question B di ako nagkakamali."

"Well, you've said, I believe in you naman. Oh you're so great Prince."

"Salamat."

"Buti nalang naging partner kita at hindi yung walang utak na Nia na yon, kasi as
you know, siya dapat ang partner ko diba? Oh my God, ako nga ang nag-check ng test
paper niya sa Math, alam mo kung anong nakuha niyang score? 20 over 50. What a
shame right?"

Walang hiyang babae talaga, inaangkin na nga niya si Prince ko, sinisiraan pa ako.
>:(

"Ako rin naman bumaksak sa Math, ano naman kung bumaksak ka? At least makakahagilap
ako ng determination sa next quiz na galingan ko pa."

"Well, kahit na, she's so bobo parin diba?"

"Ayoko ng mga usapang ganito. Tapusin nalang natin 'tong project natin sa Physics
para matapos na tayo."

TAMA BA ANG NARIRINIG KO?

Pinagtatanggol ba ako ni Prince? Sigurado ba yun? May bumulong sa damdamin ko na


gusto ko ng magpakita. Wala kasing nasagot si Anna sakanya, parang nabara yung
pang-insulto niya.

Ano bang ginagawa ko dito at bakit ko tinatakpan yung mukha ko!? NO! Dapat takpan
ko lang muna. Kailangan ko munang harapin yang Anna the Banana Monkey na yan at
sabihin na layuan na niya yung one and only Prince ko.

Na-move ako sa nalaman ko ngayon. :-[

***********************

Pinaghandaan ko ang araw 'to para makaharap ang aking malanding karibal. Next day
on 9:00 am sharp, full of energy ako para makipagbakbakan kay Anna. Recess time,
walang masyadong tao sa hallway ng biglang dumaan yung mga malalanding babae with
their leader Anna.

"Excuse me, pwede ba kitang makausap Anna?"

"Ohh..who's this? The desperate girl?"

"Yeah siya nga, what do you want from us huh?"

"I want your leader."

Nagtawanan silang at biglang lumabas na si Anna sa gitna nila. "And what do you
want from me, hopeless?" Tinignan ko siya ng masama.

Sumama nga siya saakin at nandito kami sa loob ng abandoned classroom sa 4th floor.
Ang room na 'to ang pinakadulong classroom sa buong St. Joseph Building, at walang
pumunta dito except nalang sa mga mag-aaway at mga mag-haharapan na katulad naming
dalawa.
"I guess its a long time no talk Nia, how are you?"

"Hindi ako nandito para makipag-chitchat sayo. Nandito ako sa isang bagay."

"You're talking like seriously, I'm sorry to say but I'm not into that kind of
conversation, I prefer a friendly one." Ngumiti siya saakin sarcastically then nag-
cross arms.

"Would you please don't interfere Prince's life?" Nasabi ko na ang dapat sabahin,
kinakabahan na ako ngayon.

"And who are you to say that? You're not just talking to a ordinary girl here,
you're talking to a Principal's daughter, I can get what I want."

"Pakeelam ko ba kung Principal's daughter ka? Kung gusto mong tigilan na kita, isa
lang ang gusto kong gawin mo, ANG LAYUAN SI PRINCE. Dahil akin siya, gusto ko siya,
MAHAL NA MAHAL KO SIYA. Mahal ko siya na nababaliw na ako araw araw pag hindi ko
siya nakikita. Mahal na mahal ko siya na kung ano ano na ang nagagawa kong
kalokohan para lang sakanya."

And that felt great.

"OMG! That is SOOOO unpromising." Tinawanan nalang niya ako ng malakas. "You're too
late, kasi may nangyayari na saamin ni Prince na alam kong ikakasaya ng lahat. So
please Ms. Nia Garcia, don't say that futile craps in front of me? Kasi I have no
time for your blah blah blah's."

Anong sinasabi niya sa nangyayari? Baka nag-ma-make lang 'to para mas lalo akong
maasar.

Bigla nalang siyang naglakad paalis pero pinigilan ko. "Kung hindi mo magawa ang
simpleng habilin ko, magalang akong makipag-away sayo hanggang ma-suspend o ma-
expelled ako dito sa Mary's. Para kay Prince, gagawin ko yon, tandaan mo."

"I can't wait for that day to come." Binitawan ko na yung braso niya sabay alis
niya sa classroom.

Tanga ba ako at bakit sinabi ko sakanya 'to? Di ko sinisisi yung sarili ko na


sabihin 'to sakanya, at any rate nasubukan kong gawin 'to dahil gusto ko talagang
lubayan niya si Prince kahit alam ko naman mission failed ko.

*Sigh* Ang hirap talagang kalabanin yung babaeng yon, talagang gagawin ko kay
Prince ang lahat talaga, kahit ma-suspend?

Nako..patay na talaga ako, bakit ko nasabi yon?

Naglalakad na ako paalis ng classroom at nag-iisip kung ano pa ang pwede kong
magawa para pigilan si Anna pero wala na akong ---

"Mahal? MAHAL NA MAHAL?"

Ng napatigil nalang ako bigla ng may narinig akong boses. :o Isang boses ng lalake,
at mukhang namumukaan ko yung boses na yon.

Dahan dahan akong lumilingon para makita kung sino yung walang hiyang tsismoso na
naki-tsismis sa usapan namin ni Anna, ng pag lingon ko...
"PRINCE?!" :o

"Ngayon alam ko na kung bakit ka laging nasa tabi ko. Ayun pala ang sagot."

HOLY KALABAW NG INA! Di ko alam na narinig pala niya lahat yon, di ko alam, napaka-
tsismo nito!? Bakit niya kami sinundan!? Bakit!? Bakit siya nakiki-tsismis!? IM NOW
DONE! "AHHHHHHHHHHHHHHHH~!!!"

Tumakbo ako na parang takot na bata sakanya, tumakbo hanggang makapunta kung saan,
sa may quadrangle, nakakahiya, ngayon alam na niya, ano nalang ang gagawin ko!?

Di ko nga masabi sakanya tapos ito naman ang mangyayari, kung sasabihin ko sakanya,
dapat face to face at di muna ngayon, NAPA-AGA ATA! Mas binilisan ang ko ang
pagtakbo ko dahil hinahabol parin ako ni Prince! NOOOO~!

Nagtago agad ako dito sa likod ng malaking green wall na nakalagay dito sa gitna ng
quadrangle. Please lang, sana wala si Prince at hindi niya ako nahabol! Parang
feeling ko nawala na siya sa likod ko dahil wala na eh, di ko siya marinig sa likod
ko, siguro nga nawala na siya. =X

Jusmiyo! Sana hindi niya ako nahabol! :'(

Episode #21
~ I guess today is just the beginning.

NASA PANGANIB PARIN ANG BUHAY KO. Nung nalaman ko na nasa likod ko pala si Prince
at sinabi niya ang pinakanakakatakot na bagay sa bung mundo na nalaman na niya ang
mga nararamdaman ko para sakanya...

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" sabay takbo ko ulit na parang si Sisa.

Like SISA POREBER.

Bahala na muna siya sa buhay niya at di ko muna siya makakaharap sa mga oras na
ito!

Tuloy parin ang takbo, takbo ng takbo nalang ng biglang --- "Nia~!" Nakabunggo ko
si Russell kasama yung dalawang kaibigan niya.

"Russ! Nako! Dali! Doon tayo!"

Sa sobrang takot at panic ko dahil baka sinusundan nanaman ako ni Prince, hinatak
ko si Russell papunta sa loob ng Rotanda Canteen, pinaupo ko siya sa pinaka-dulo at
pinakasulok, syempre kasama na rin yung dalawang kaibigan niya. Siguro hindi na ako
mahahanap ni Prince dito dahil ang alam ko hindi naman siya nagpupunta dito.

"Hahaha! Hanep palang 'tong GF mo pare, ang wild."

"Kaya nga, parang kala namin ang hinhin mo, sa ginawa mo palang dun kanina parang
tinalunan mo na kami." ;D

Wild? Aba, sino ba 'tong mga 'to? Di ko sila kilala, di namin sila kaklase, hindi
sila Mapagmalasakit ah. Mukha naman silang matatalino at may mga normal na isip.

"Oh yeah, Nia, I'd like you to meet Jason and David. They're from the cream
section."

"Uhm, Hello! Siguro kilala niyo naman ako, I'm Nia Garcia." Sabay breath in breath
out tapos sandal ko agad sa upuan, nilabas ang panyo ko, nagpunas ng pawis, then
uminom ng tubig ng tuloy tuloy, sabay hingal, breath in breath out.

"Can I ask what the hell happened to you?" ???

Nakalimutan ko pala na habang busy ako sa kakapahinga dito sa upuan napatunganga


silang tatlo saakin. "W-Wala! Kasi nag-pa-practice ako para sa next P.E, nag-jo-
jogging ako every starting recess, that's why hingal na hingal ako. Nyahahaha!"
Sana maniwala naman sila saakin, nag-tinginan nalang sila sa isa't-isa.

"Ahm..by the way, Russell told us na magaling ka daw mag-sulat ng stories? Are you
a writer?"

"A-Ako? Writer? Hahaha! Nako, wag kayong magloko, hindi ako writer, desperada lang
ako tungkol sa mga ganun." ;D

"It would be great Nia if you join the writers guild club. Ano bang club na ni-
register mo? Saan ka ba sumali? Kasi baka pwede pang mag-palit."

"Actually di pa ako nakaka-decide..kahit nag-start na ng late ang clubs, at matagal


na ang process, di pa ako nakakapili." Totoo nga, gusto ko kasing sumama kay Ian,
kaso siya naman HTML Web Design yung club niya, ayoko naman doon. Si Gale naman
Dance Club, mas ayoko doon. Kaya ito ako nag-titiis, siguro di nalang ako sasali sa
mga clubs this year."Bakit ano bang clubs niyo?"

"David and I are in the writer's guild."

"And I'm in the varsity." Sabi ko na nga ba yun yung sasalihan niya. "Nag-aalala
lang kasi ako Nia, tama nga ang hinala ko na hindi ka pa nakakapili. Suggestion ko
lang na sa Writer's guild ka nalang sumali with this two close friends of mine.
Gusto ko sanang sumali doon para makasama ko kayo, but hindi ko naman hahayaan yung
basketball."

Bakit naman niya ako pinipilit makisama sakanila? Oo nga writer nga ako, well, di
naman 'ganun' na writer, I write stories as my hobby. Di ko naman kinaka-reer.
"Osige, iisipin ko pa."

"That's great. O, kain na pala tayo, malapit ng mag-time." At nag-umpisa na nga


kaming kumain. Di naman ako makakain ngayon, nawalan ako ng gana. Bad! Kailangan ko
ng energy mamaya makikita ko nanaman siya.

"Oo nga pala, nandito na rin tayo, may kwe-kwento lang kami tungkol kay Russell.
It's been bugging us for days, may tanong lang kami sayo." Napatigil akong kumain
sabay harap ko kay Russ.

"Wag kang maniwala sa mga loko loko na 'to Nia! Hahaha."

"Ano yon?"

"Alam namin kasi ang tactic nitong kompare namin kung paano manligaw, mahilig yan
mag-show off sa mga babaeng gusto niya, like making MAGIC. Nako Nia, wag kang
magpapa-kuha ng attention sa mga magics niya. Isa lang ang tanong namin sayo, di ka
ba na-co-cornyhan everytime Russell do it to you?"

Natawa nalang ng konti si Russell. Oo nga naman, pansin ko rin yun na mahilig
siyang mag-perform sa harap ko. "CHARISMA!" Sabay tawa ko ng malakas. "Sanay na ako
sa ugali ni Russell, ganun naman siya talaga siguro. Bakit naman ako ma-co-
cornyhan? I like the way he use his charismatic charm actually."

"Whew! Charismatic Charm eh?" ;D

"Pare, naka-jackpot ka nga. Haha!"

Nagtawanan na sila, so ako na rin nakitawa. Ano ba naman 'tong mga pinagsasabi ko?
Nakikisabay nalang ako sa bangka nila para hindi naman mapahiya si Russell. Ngumiti
siya saakin ng malalim habang tawanan ng tawanan parin sina Jason and David.

Siguro ramdam na rin niya ako. Naramdaman na rin niya yung presense ko para
sakanya, so far nag-uumpisa na ang existence.

***********************

Natiis ko ang hindi tumingin sakanya hanggang uwian, yung folder ko ang katuwang ko
sa pagtakip ng mukha ko, para maiwasan si Prince buong maghapon. Umuwi agad ako sa
bahay. Si Gale ang kasama ko at kanina pa ako kinukulit nito na may surprise daw
saakin si bespren.

"Ang tagal naman tumawag ni honeybunch..."

"Honeybunch? Nako tigilan mo nga ako Gale, di ako maka-concentrate sa homework ko


okey?"

"Excited na kasi ako Nia, I'm sure masisiyahan ka sa suprise namin for you." Tumabi
saakin si Gale sa upuan sabay ngiti saakin. "Baka mahimatay ka pa nga diyan at
hindi mo na magawa yang HW mo." ^-^
Tumingin ako sakanya ng masama. "Ano nanaman yang plano niyo ah? Baka pumalpak
nanaman katulad nung nangyari dati, kala ko naman alam na ni Mama na natulog si
Prince dito, diba mission niyo yun ni Ian na kausapin si Mama ng mabuti? Hindi niyo
naman nagawa. Hmmf."

"Hay nako insan kalimutan mo na yon. I'm sure ngayon wala ng sagal. Dahil alam kong
wala ng magiging problema."

"Ano ba kasi yon?"

*Dzzzzzz...Dzzzzz...Dzzzzzz* Nag-vibrate yung cellphone ni Gale sabay sagot niya.


"O ano na?" tingin ko nalang sakanya sa pagtataka. "TALAGA!? Nako! Salamat sa
diyos! Osige pupunta na kami diyan, okey. Osige good work honeybunch!" sabay baba
niya.

"Salamat sa diyos?"

"Mangapitbahay tayo~!" Hinatak ako ni Gale patayo. "Diyos ko po saan mo ako


dadalhin!?"

Out of control na out of control 'tong si Gale kung makahawak saakin, parang
babaliin na niya yung kamay ko sa sobrang hatak. Lumabas kami ng Gate, pagkatapos
tumawid ng kakapurangot sa #72 Baco St. Ang apartment building na nasa harapan
namin, habang kami ay black gate, ang #72 naman ay color green ang gate. Nakatayo
lang kami dito.

"Anong klaseng suprise 'to? Wag mong sabihin pinapunta mo ako dito para makabayad
na ako sa utang ko kay Aling Petring? Gale naman alam mo namang tinataguan ko yung
matandang yun eh."

"Wala ka ng tataguan ngayon dahil umalis na si Aling Petring." ^-^

Nagtaka nanaman ako. Tumawa si Gale na parang mangkukulam, di ko alam kung bakit.
Habang ako nakanganga sa gilid niya, at siya naman at mukhang sira ulo na tawa ng
tawa, bumukas na yung gate.

"HALOO! WELCOME LADIES." ^-^

"BESPREN!? Anong topak ang meron ka at bakit nandito? Kakatawag mo lang saakin na
nasa bahay ka na ah? Hindi dito yung bahay mo!"

"Hay nako Honeybunch napaka-smarte mo talaga. Tara na nga Nia at pumasok na tayo sa
loob, tara Ian, let's welcome Nia into your NEWEST HOME."

"Newest home?!"

Newest home nga. Di naman sabi saakin ni Ian na bumukod na pala siya sa Parents
niya. Pinasok agad namin ang bagong apartment niya, dito na pala siya nakatira
ngayon, 2 bedroom apartment, malaki na, maganda yung kusina, maganda naman lahat,
oridaryo at re-newed apartment. Napaaga naman ata ang pag lipat at pagiging
independent niya.

Pagpasok na pagpasok namin agad ni Gale, mukha kaming mga loka loka na nag-libot at
nangalikot ng mga gamit niya. Haha. "Maganda ang napili mong apartment Ian, malaki
ang sala!"

"Di mo naman sinabi saakin na umalis ka na sa bahay niyo. Wag mong sabihin naglayas
ka bespren?! Sasapukin kita eh!"
"Oh no bespren, hindi ako naglayas. Matagal na naming napag-usapan nila Mama at
Papa na maging independent na ako. Ngayong malapit na akong mag-college,
sinusuportahan pa naman ako nila tsaka bibisitahin naman nila ako dito. At isa pa,
nasa US nanaman sila, may business trip nanaman. Imbis na malumbay ako sa bahay
naming kalaki laki tapos wala namang tao, lumipat na ako."

"So talagang independent ka na ngayon bespren ah? Good for you, I'm so happy for
you ngayon natupad na ang pangarap mo." ::) Sabay hug ko kay bespren.

"Asus! Nag-drama ba naman sa isang special event?"

Inalis ako ni Ian sa kakayakap ko sakanya. "Oo nga pala! Nia! What do you think of
the location? Maganda ba?"

Tinignan ako nilang dalawa ng malalim habang nakangiti abot tenga. Anong problema
ng mga 'to? "Okey lang, masaya dahil kapitbahay ko na rin si bespren, bakit?"

Lumayo si Ian sabay tawa ng malakas pagkatapos sumandal siya sa isang pintuan.
"Matagal ko na ring pinag-isipan 'to. Bali naka-one week akong nag-plano para dito.
Nia, hindi lang ako ang titira dito. May kasama ako."

Kasama? "Huh?"

May narinig akong footsteps na mukhang palabas na sa loob ng isang kwarto. Tumabi
muna sina Ian at Gale sa gilid ko habang ako naman ay nakatingin sa gitna ng
pintuan na yon. In five, four, three, two, one - BUMAKAS NA YUNG PINTO.

"Saan ba ilalagay tong--"

"IKAW!?" :o

***********************

Ako naman ang nag walk-out, hindi naman walk-out sa dahilang galit ako dahil may
roomate pala si Ian, SI PRINCE ANG ROOMATE NIYA! At di ako nagkakamali sa mga
nakita ko! Nag-walk out ako dahil naalala ko yung nangyari kanina sa school! Ackk!

"Nia, bumalik ka nga doon! Huy! Bakit ka ba nag-wa-walk out? Diba yun naman ang
gusto mo? Ang malapit sakanya? Eh bakit ngayon parang nilalayuan mo naman siya? May
problema ba?"

Buti nalang si Ian lang ang humabol saakin. Hinatak ko papunta sa isang sulok kung
saan ay tago. "Sshhh. Ayoko lang siyang makita dahil alam na niya. Nalaman niya
na--ayun."

"Na?"

"Na may gusto ako sakanya."

"Ay sus! Lumang tugtugin na yan eh! First episode palang may gusto ka na
sakanya!" ;D :D

"Eh hindi yon! Nakakainis ka bespren ah! Hindi mo ako maintindihan! Hay nako."
Sumimangot ako sabay cross arm. "Pero....MY GAWD! Thank you bery much bespren dahil
ginawa mo 'to saakin. Diyan na pala KAYO nakatira. Teka, paano mo ba siya na-
convince? Siguro ginayuma mo noh?"

"Mukhang natauhan na yang si Prince, napilit ko, kinausap ko ng maiigi na dito


nalang siya makitira saakin kasi wala namang siyang matitiran sa ngayon diba?
Siguro nung nalaman na niya na may gusto ka sakanya bumait na. Kilig ka naman
diyan?"

"H-Hindi noh!" ::)

"Alam mo? Mukhang tayong timang dito. Basta harapin mo na siya, wag ka ng matakot,
kung hindi mo parin ma-take yang nararamdaman mo at nahihiya ka paring kausapin
siya, pretend to be na walang nangyari. Ayun nalang ata ang best na magagawa mo.
Tara na, balik na tayo."

Ayun nga ang plano kong gawin, ang gumawa ng mga excuses at mag-pretend na walang
nangyari kanina. Naglakad na kami ni Ian papasok sa loob ulit kasi hanggang sa
labas kami ng gate nakaabot.

"Nasan na yon? Kakausapin ko."

"S-Sandali lang baka--!"

Lumabas si Prince kasama si Gale. Nakaharap na namin sila. :-X "Ian, pwede ko bang
makausap yung kaibigan mo?"

"Nga pala Gale, tulungan mo pa akong mag-tupi ng mga damit ko!"

"O-Oo nga, tara!"

Iniwan nga nila ako. Mukhang good mood si Prince ngayon. Umupo kami dito sa labas
sa isang bench kaharap ng gate. Walang nag-sasalita, parehong tahimik. Wala ring
eye contact kanina kahit gustong gusto ko na siyang matitigan at mahalikan. ::)

"Sana hindi mo ipagkalat sa buong mundo na kapitbahay mo ako. Lalong lalo na kay
Russell. Kung nalaman niya yun, baka kung ano pang gawin nun."

"O-Okey."

"Sorry kung dito ako nakitira sa bahay ng kaibigan mo, wala na akong mahanap na
apartment."

"Alam mo Prince, okey naman yun eh! Wag ka ng mag-sorry, mag-sana, at payo diyan,
okey na okey na nga para saakin na nandito ka. Malapit sa...malapit sa bahay ko!
Hahaha!"

Shietas, muntik ko ng masabi 'Malapit sa Puso ko' Shoooo..buti nalang. Ang awkward
namang ng feeling ko, wala kasing umiimik saamin tapos nakatunganga lang kami dito.
Dapat makagawa ako ng paraan kung paano umalis dito, baka kasi mapag-usapan pa
namin ang nangyari kanina, baka nga yun yung papag-usapan namin, ayoko!

"Uhmm. Prince! Alam mo, siguro it's much better kung papasok na tayo sa loob, kasi
nilalangaw na tayo dito eh! Ang baho, amoy tae ng aso! Hahaha!" :D Naman,
napakagandang excuse.

"Sandali lang."

Nung pagkatayo ko, hinawakan niya yung kamay ko para mapigilan ako. o_____o
Pagkatapos naglakad siya sa harapan ko. Tinitigan ng malalim. Tinitigan ng malalim.
Tinitigan ng malalim. Tinitigan ng malalim.

MAY SPARKLES nung tinitigan niya ako, may mga stars, kumikintab, haaay. ::)
"Pwede mo ba akong i-tour bukas dito sa lugar niyo after school? Gusto ko lang
malaman kung anong klaseng lugar dito."

"S-S-Sure!" :D

"Osige, bukas. Siguro nga kailangan na nating pumasok, ang baho eh, ikaw ba yun?
Amoy tae."

Ay ang kapal! "Ano ka!? Di ako yun noh! Yung isang renter dito may aso siya dito.
Hay nako, oo nga pala Prince, bago ka pumasok sa loob! May sasabihin muna ako sayo.
Bago ang lahat."

"??"

"Sana naman next time maintindihan ko na yang attitude mo. Napaka-moody mo kasi.
Minsan galit, minsan normal. Ano ba talaga? Sana naman ayusin mo yang attitude mo.
Lalong lalo na saamin. Tandaan mo na ngayon nakatira ka na dito, at tinulungan ka
pa namin."

"Tssss."

Sabay walk out. Pero humarang parin ako sa harapan niya.

"Hoy hindi pa ako tapos! Promise mo nga saakin na hindi ka na magiging ganyan, ang
suplado mo eh, meron ka ba lagi?"

"Isang araw maiintindihan mo kung bakit ako ganito. At isang araw rin magbabago
ako. Di ko ma-pro-promise yun."

"Isang araw magbabago ka ha? Di kita pipilitin. Pero try you're best. OK?"

"OK."

Gumaan na yung feeling ko dahil nakakausap ko na siya ng normal. "Ngiti ka naman


diyan Prince oh!"

"Bakit ako ngingiti?"

"Basta ngumiti ka!"

"Ayoko nga." Lumapit ako sakanya sabay pisil/hatak ko sa cheeks niya para ngumiti
siya. Hekhek! "Aray ko naman! Wag mo nga akong saktan! Baliw ka ba!?" mukhang
nagalit. Nag-walk out nanaman eh.

"Walk out Prince ka talaga ano?!" Sigaw ko sakanya habang papunta siya sa loob ng
apartment.

"Ang baho mo amoy tae ka! Maligo ka nga!"

"Baka ikaw yun!" Nung pagkasigaw ko nun, tumigil siya sa paglalakad sabay harap
niya saakin mula sa malayo.

"Nia, Salamat."

"Ano kamo?"

"Wala! Sabi ko pumasok ka na! Baka kagatin ka pa ng lamok diyan!"

Tinawanan ko nalang yung sinabi niya. Nagpasalamat siya saakin. :)


Narinig ko yun kahit sobrang hina na ng boses niya at kahit malayo siya saakin.
Natawa na parang baliw kasi mukhang okey na kami lahat. Wala na akong pro-
problemahin kung saan natutulog si Prince dahil alam kong safe na siya dito sa #72
Baco. Okey na din sina Ian at Prince. Mukhang nagkakasundo na sila.

Ang bilis ng pangyayari, parang di nga ako makapaniwala sa araw na 'to. It's a
miracle na maayos ang lahat. Well, di naman LAHAT. Hindi nga namin napag-usapan ni
Prince yung narinig niya sa usapan namin ni Anna, kung ayaw naman niyang pag-
usapan, edi wag nalang. Mas maganda nalang siguro kung i-close muna yon.

May araw din na maliliwanagan kaming dalawa tungkol doon, hindi muna ngayon.
Mukhang bumait na talaga si Prince, sana bukas rin, sana habang buhay.

Dahil nag-uumpisa palang kami ngayon. Siguro nga, nag-uumpisa palang ang kwento. (:

Episode #22
~ the prince investigation project
(CLICK THIS FOR THE EPISODE POSTER) *

"Manang Rosario, Manong Topacio, ito po si Prince!" ::)

"Ikinagagalak kitang makilala iho."

"Salamat po manong...ah..sorry, ano po ulit yung pangalan niyo?"

"Topacio Ignancio iho. Topacio Ignacio."

"Jusme, ang baho ng pangalan."

"Ano kamo?" ???

"PUWAHAHAHA! Wala po yun Manang Rosario, Manong Topacio, ang sabi ho lang ni Prince
eh magpapaalam na kami at pupunta pa kami doon sa kabilang dayo. O-osige po!
Babay~!" *sabay hatak kay Prince paalis*

Tinupad ko naman ang pangako ko kay Prince na i-tour siya dito sa buong Baco. Hindi
pa nga kami nakakalamang sa pag-tour at nandito parin kami sa apartment nila,
kanina pa nang-iinsulto si Prince sa mga magiging kabitbahay niya. Katulad nalang
ng mga pinakamatatandang renters na sina Manong Topacio at Rosario Ignacio.

"A-Ano ka ba? Wag kang ganyan sa mga elders, have some respect. Nakakainis ka ha."

"Sorry naman, ang baho naman talaga ng pangalan nung matandang amoy lupa na yon
eh."

"Ang sama mo naman, tatampalin kita pag di ka tumigil diyan! Pasalamat ka medyo
wala ng panrinig yung mga matatandang yon, kugndi -- grrr."

Tinignan ko ng masama si Prince sabay cross arms ko. "Dahil sa ginawa mo, postpone
ang tour. PERIOD, NO ERASE." :P

Bahala siya, nakakahiya naman kung iinsultuhin lang niya yung mga kapitbahay namin.

"Wala naman ganyanan. Ikaw ang nag sabi-sabi na umuwi ako ng maaga, o ayan, umiwi
ako. Dapat nga mag-ta-trabaho ako ngayon sa school, inuna ko lang 'to. Ang labo mo
naman. Tss, kung ayaw mo edi WAG."
"HOY. HOY. HOY? Saan ka pupunta aber?"

Hinawakan ko yung braso niya para mapigilan.

"Uuwi na sa bahay at magpapaturo ng assignment kay Ian."

"DI PA TAPOS YUNG TOUR NATIN!" :D

"W-What the?! Bitawan mo nga ako Nia~!"

Sabay hatak ko nanaman sakanya papunta kung saan. Grabe na 'to. Ano yun
papalampasin ko nalang siya ng ganon ganon? Alam niyo namang hindi ko magagawa yon
diba? Nagpakipot lang ako that time. Hihihihi.

At nag-tour nga kami. Binagyo namin ang buong kalye ng Baco. Inuna ko muna siyang
ipakilala kila Kuya Mike at Tito Lucas. Di naman sila nagtaka kung sino si Prince
kasi one time, nakita na nila siya. Well, ayun ang sabi nilang dalawa. Ang susunod
na binagyo namin ay ang computeran (computer shop) na naka-locate lang sa
pinakaharap ng Baco.

Yung ibang mga bata doon talagang napatigil sa kaka-computer nila nung nakita si
Prince. May bading pa ata doon na tumalon sa kina-uupuan niya. Hahaha! XD
Pagkatapos nun yung tindahan naman na katabi ng computeran, ang tinadahan ni aling
Nena. Nagulat nga si Aling Nena kasi kala niya kung kaano ano ko si Prince.
Napagkalan niyang BOYPREN ko.

Oh yeash! Ang saya sayo ko na sana, kaso si Prince todo deny naman. Hmmff. Pinisil
nalang ni Aling Nena yung mga pisngi ni Prince na-chubby daw. Sabi niya pareho daw
kaming chubby cheeks, chubby ba talaga? Di naman ah. ::)

Inabot kami hanggang 7 o'clock ng gabi sa buong Baco. At ang huling destinasyon
nalang namin ay ang apartment nila. Nakaupo ako dito sa sofa habang siya naman ay
nasa kabilang upuan, nagpapahinga.

"Nakakatawa naman yun bading na yon, di ko ma-imagine. Muntik na akong kidnappin,


nakakatakot doon sa lugar na yon, di nalang ako pupunta doon."

"To naman, paano naman hindi magiging nakakatakot yun eh nakakita ng --- ng katulad
mo! Hay..ano Prince? Maganda ba yung buong Baco?" Tumayo ako at tumayo ako sa
harapan niya.

"Ngayong kilala mo na lahat ang mga kapitbahay mo dito, anong masasabi mo? Hah?
Ano? Okey ba? Mas okey na talaga ang tumira dito kesa kayla Russell?" (:

Biglang natahimik si Prince at mukhang nag-isip.

"Ahh..oo naman." sabay tingin niya sa ibang direction.

"YEY!" :D Talon ko naman sa saya! "Pwede ba akong magtanong Prince?" May naalala
lang ako, natahimik kasi siya.

"Ano yon?"

"Ano nga pala yung narinig ko noon tungkol doon sa Implementation Deal na sinasabi
ni mo? Kasi..diba naalala mo na nagtago ako doon sa loob ng kabinet sa kwarto mo?
Syempre, narinig ko lang lahat ng mga pinag-uusapan niyo. Narinig ko pati yung
contrata sa guest house. Dapat ba doon ka titira? Sa guest house?"

Tumayo si Prince at iniwasan ako. Pati yung tanong ko siguro mukhang iniiwasan din
niya. Kinuha niya yung bag niya sabay kuha niya ng notebook sa loob nito.

"Tama ka. At yung guest house na dapat titiraan ko nasa probinsya yon. Sa Bulacan.
Mansyon yung bahay na yon. Sa tingin mo ba pupunta ako doon at titira kahit ganun
ka-lake yun? Nilalayo niya talaga ako dito sa Maynila. Tinataboy niya ako, noon ko
palang alam yon."

Humarap si Prince saakin. "Ito ako ngayon, nagtatago sakanya. Kaya kailangan lang
natin ng konting ingat. Pag nalaman ni Russell na nandito ako at kapitbahay mo ako,
tatabuyin nanaman ako non. Lalong lalo na pag nalaman niyang aaaligid aligid ako sa
girlfriend niya."

Siguro kailangan ng maliwanagan si Prince na fake naman talaga na kami ni Russell.

"Di naman talaga kami ni Russell, Prince eh. Basta, hindi totoo yon. Siguro
may..may plano siya kung bakit niya ako ina-nounce sainyong lahat na GF niya ako.
Sabi niya kasi test lang daw yon saakin. Pero...nanliligaw parin siya saakin,
tsaka. May gusto siya saakin Prince, anong magagawa ko doon?"

Great. Bakit ko sinasabi 'to sakanya? Para akong humihingi ng advice na dapat hindi
sakanya manggagaling.

"Nyahaha! Wala yun! Kalimutan mo nalang yung mga pinagsasabi ko sayo!" ;D :D

"Ano bang nagustuhan mo kay Russell?" Kailangan ba talaga niyang tanungin saakin
yon?

"Ahhhh--" Di ko masabi na wala akong gusto kay Russell kasi na-gui-guilty nanaman
ako everytime na tinitira ko si Russell pag kaharap ko si Prince.

"Dapat nga ako ang magtatanong kung anong nagustuhan mo sa Anna na yon." >:( Okey!
Bigla nalang lumabas yung tanong na yon accidentaly. =X

"Bawal mag-pasa ng tanong." Umupo si Prince sa sofa at tinignan niya yung lama ng
notebook niya. Sumunod naman ako sakanya at ito nanaman ako, isang pulis na
nakatayo sa harapan niya.

"Di nga. Bakit noon hindi ko naman nakikita na kausap mo yang Anna na yon? Biglaan
nalang na parang naging close kayo? Close na parang ---parang...basta close!"

Napatigil siyang magusulat. "Wala ka ng pakeelam doon. Tandaan mo Nia, simula


ngayong malapit na ang bahay ko at bahay mo saakin, di naman ibig sabihin non na
pwede mo ng pakeelaman yung personal na buhay ko. Pag dating sa mga ganito, di ka
pwedeng magtanong. Naiintindihan mo ba?"

"Kala ko ba magbabago ka na?"

"Sinabi ko bang ngayon magbabago na ako?"

Nagkaron kami ng isang masamang titigan. Titigan na parang magkakaron ng isang


mainit na sagupaan. Then pagkatapos tumayo siya at naglakad sa harapan ko.
Binitawan niya yung notebook at ballpen niya. Dahan dahan siyang naglalakad sa
harapan ko.

Lakad na parang mag-se-seduce ng isang tao. ♥___♥ Tumigil siya sa pinaka-harapan


ko.

Eye-to-Eye, nagtitignan kami. Hindi ba pwedeng lips to lips nalang?!


"Ano kaya ang pwede kong gawin sayo? Pwedeng gawin?"

"P-Pwede a-ano?" ♥___♥ Natakot ako at dahan dahan akong umiiwas sakanya.

Alam ko kasi this time na talagang may balak na siyang gawin saakin! Take note na
kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng apartment! OMYGEEE.

"Pwedeng gawin para maisara na yang bunganga mo? Siguro...kailangan mo lang


isang...HALIK galing saakin."

HUWAAAAAAATT?!

Sabi ko na nga ba eh! Ito na ang moment! Pinagsasampal ko ang sarili ko ant
pinagkukurot ko ang mga braso ko para ma-check kung panaginip lang ba o hindi.
HINDI 'TO PANAGINIP!

Ang aking pers kiss galing saaking Blue Cookie! Pumikit na agad si Prince at dahan
dahan niyang nilapit ang mga labi niya sa labi ko ng....

"AHHHHHHHHHHHH!! MOMMY KOOOO!"

Bigla akong tumakbo palayo sakanya sa takot. At di na ako nag-dalawang isip na


umalis na dito sa loob ng apartment nila, ayoko na dito! AYOKO NA PLEASE!

"Sus. Takot palang mahalikan ang loko." ;D

***********************

Di ko naman makain yung pinabaon saakin ni Mama'ng porkchop nung kinabukasan ng


lunch. Nakatunganga lang ako dito sa harapan ng canteen table habang sina Ian at
Gale chika ng chika at lamon ng lamon. Syempre naman inaalala ko parin kung bakit
ako gustong halikan ni Prince kahapon! Pero nakain ko na rin sa wakas after
drinking some chocolate milk, solve na ako.

"Ang nakakatawa pa dito, ang tagal niyang mag-CR! Isang oras ata siyang naglalabas
ng hinanakit niya." :D

"Ewww! Ang baboy mo naman honeybunch! Kitang kumakain dito!"

"Ay sorry. Baka magalit 'tong isa dito. Tanong ng tanong tungkol kay Prince!"

"Sige lang, mag-kwento ka pa bespren. Paki-sabi na rin kung anong ginagamit niyang
sabon, ginagamit niyang shampoo, conditioner, deodorant, facial cleanser at
tootpaste. Pati na rin kung anong oras siya gumigising tuwing umaga, anong oras
siya natutulog? Natutulog ba siya tuwing hapon? By any chance nagpupuyat ba siya
tuwing weekends? Anong past time niya? At anong favorite niyang inumin? Coke? Tea?
Sprite? Iced Tea? Tubig? Pati yung email add niya sa Ym at Friendster, kung meron
man."

"T-Teka lang, huminahon ka nga muna!"

Napatingin ako sakanila at natigil yung sinusulat ko sa Hello Cookie Love ko.

"Nakuha mo ba lahat ng gusto kong malaman?"

"Alam mo, ang weirdo mo Nia, bakit mo ba gustong malaman lahat yun kay Prince? Baka
pati yung tatak ng brip niya gusto mo ring malaman!" ;D
"TAMA! YUNG TATAK NG BRIP NIYA!" Sabay sulat ko ulit sa diary ko.

"Sabihin mo nga saamin kung anong point ng mga tanong mo bespren? Naguguluhan na
ako sayo eh."

Tinanggal ko yung salamin ko pagkatapos may nilabas akong isang malaking white
notebook.

"Ayan, para sainyo yang dalawa. Basahin niyo." Sabay sandal ko sa upuan at tawa na
parang: "MUWAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Demonyo. >:D

"The Prince Investigation Project?!"

"Napuno na ako sa Prince na yan at hanggang ngayon, hindi pa siya talagang nag-o-
open up saakin. Meron diyang at least 101 questions about him. At kayong dalawa,
lalong lalo ka na bespren, tutulungan niyo akong masagutan ang 101 questions na yan
in no time. GUSTO KONG MALAMAN LAHAT! Basta lahat ng tungkol kay Prince gusto kong
malaman. Alam ko namang madadalian ka sa pag-sagot niyang bespren diba? Tanungin mo
nalang siya para mas lalo tayong madalian." ^-^

"Nyak. No way bespren! Baka akalain nung taong yon pinapakeelaman ko buhay niya."

"Aysus. Ayon nga ang problema ko sakanya, ayaw siyang pakeelamanan. Sorry siya,
gusto ko eh! Ayan nalang ang tamang way para magawa ko yun. At least diba in safe
way yung ginagawa ko?"

"Haaayy. Sige na. Sama na ako dito sa Imbestigasyon na 'to. Hoy honeybunch, wag
mong sabihin na hindi ka makikisali dito? Importante ka noh, ikaw ang roomate nun."

Napatingin ako kay Ian at nag-baby face na mukhang iiyak, para kasing ayaw niya
yung proyekto na 'to eh!

"(Sigh) Okey fine."

"YEY!"

***********************

Iniwan ko muna kay Ian yung notebook ng project namin at siya muna ang shareholder
nun pansamantala. Sabay sabay na kaming umuwi nina Ian at Gale. Nawala kasi si
Prince, mukhang umuwi agad. Naunang umuwi si Prince dahil nakita ko siya na nakaupo
sa labas ng garahe sa bench na inupuan namin noon. At nagbabasa ng libro. Wow, di
ko alam na nagbabasa pala siya ah!

"Achuuu. Sige na Nia, puntahan mo muna yang Prince charming mo."

"Kakain muna ako ng merienda kila kuya Mike."

"Ciao Prends."

Umuwi na si Gale, habang kami ni Ian nagpalit ng bahay. Lumapit na ako kay Prince
at naki-epal sa concentration niya.

"Pumasok ka ba kanina? Di kita nakita nung lunch ah. Wala ka rin sa classroom nung
5th-4th period."

"Huh?" OMGG. Nag-sasalamin pala siya!? Di ko alam yun ah! "Nag-skip ako ng klase,
tinatamad kasi ako eh."

Tumayo siya pagkatapos naglakad papunta sa loob ng apartment nila. Sumunod naman
ako hanggang sa loob, nung pagpasok ko..WHOA! ANG KALAT!

"Bumagyo ba dito!? Ilan ang signal?!" Nakita ko pang nakalat yung mga maduduming
damit niya sa coffee table.

"Siguro mga 5?" Kumuha siya ng tubig sa ref sabay upo sa computer table ni Ian.

"Bakit noon, nung nakita ko yung kwarto mo kila Russell, ang linis linis, tapos
ngayon ganito? Ang kalat!"

"Parte na 'to ng pagbabago ko. Alam mo kasi, malinis akong tao, ngayon, makalat na
ako."

"Namimilosopo ka ba? Di ko naman sinabing magbago ka ng --- magbago ka ng ganito!


Sabi ko yung attitude mo lang. Yun lang ang gusto kong ibahin sayo."

Uminom nalang siya ng tubig. "So ano palang nangyari sa English kanina?"

"Wala!" Umupo na rin ako sa sofa at nilabas ko yung Hello Cookie Love ko, kasi may
nilista akong isang mahalagang bagay na ngayon ay nagbago: MAKALAT SI PRINCE.
Tamang tama, ayun ang Question #55. May sagot na agad!

"Ano yan?" Lumapit siya saakin.

"SECRET!" :P

"Parang natatandaan ko kung ano yan ah. Yan ba yung..."

"Notebook ko 'to sa English, may assignment at bahala ka na sa buhay mo, di ko


bibigay sayo kung ano yon, SKIPPER."

"Kasalanan ko ba, eh hindi ko feel pumasok kanina. Akin na nga yang notebook mo,
patingin ng assignment natin." Umupo siya sa tabi ko.

"BAWAL!"

Iniwas ko sakanya yung Hello Cookie Love, patay na ako. Baka makita nanaman niya
kung anong meron dito. Oh well, okey lang, wala naman akong pakeelam. Ay hindi!
Kailangan kong ma-iwas talaga 'to sakanya. "W-Wala lang 'to!"

"Patingin nga eh. Kulit mo ah." Pilit na inaabot naman niya.

"Bawaaal!!" Tinaas ko para hindi niya maabot!

"Isa."

"Dalawa! Tatlo! Nyahaha!"

"Hindi ako nakikipaglaro sayo, akin na kasi! HINDOT!"

Tamang tama, ito ang Question #45.

Ang tanong kung PAKEELAMERO BA SIYA O HINDI. It turns out na pakeelamero pala siya.
Haha. Ito lang pala ang dapat gawin, ang kulitin siya ng kulitin para unti-unti
niyang ilabas ang totoong sarili niya saakin. Ayaw mo palang pakeelamanan yung
buhay mo ah? Harhar. Ngayon meron na akong Proyekto, malalalaman ko parin lahat
yun.

Konti palang ang nasasagutan sa Imbestigasyon, yeah, keep them coming!

Episode #23
~ his tragic past

Back to school as usual. English time, 4th period - 2nd to the last subject before
dismissal. May pinapagawa kasing sitwork si Madam Carbonel kaya tahimik kaming
lahat, habang si Prince naman, kinakausap si Madam sa harapan on her desk. I can't
seem to know what they're talking about, pero mukhang pinapagalitan siya.

AYAN KASI! Skip ng skip! Hay nako, mapagalitan nga mamaya yan. >:(

In a few minutes, tapos na rin siyang kausapin ni Madam, kaya bumalik na siya ng
tahimik sa upuan niya. Mukhang badtrip si Prince, tinignan ko siya doon ng bigla ba
namang nag-belat saakin!?

ABA ANG KAPAL NG FES!

Mukha ako pa ang sinisisi niya dahil hindi ko siya pinakopya nung assignment
kahapon. Nag-belat din ako sakanya, kapal talaga ng fes eh, di ko na ma-take! ::)

"Russ. Ano bang sagot dito sa number 2?"

"What number 2? Oh, the short essay ba? Here."

Hindi ko nalang siya pinansin pagkatapos nun. Nangingit ako sakanya dahil may
tumutulong saakin sa seatwork ko, siya wala. Tinitignan niya ako habang
nagpapatulong ako kay Russel na parang galit na yung mukha o ano, basta. worried na
worried siya dahil mukhang di niya kakayanin yung mga na-miss niyang homeworks
kahapon.

Who cares? Stare forever as he wants!

After school, pumunta agad ako sa locker para ibalik na yung mga libro ko. Naabutan
ko si Prince na binabalik din niya yung libro niya. Naglakad na ako papunta doon at
dinedma lang ang presence niya.

"Hmmmm. Ano kayang i-uuwi ko ngayon? Yung Math ko, tapos na. Yung P.E ko, tapos na
rin, may test sa Physics bukas pero nakapag-review na ako so hindi ko na kailangang
i-uwi yung libro ko. Lalo naman sa English tapos na ako dahil sa tulong ni Russell
saakin kanina, in conclusion, tapos na ako sa lahat!"

Gumagana ata yung pang-iinggit na pinaparinig ko sakanya, ang sama nanaman ng


tingin eh. "Anong tinitingin tingin mo diyan?" :P

"Bakit tumitingin ba ako?" galit niya.

"Ay duh!" Sabay roll eyes ko sakanya.

"Hay nako, manonood nalang ako ng Hana Kimi mamaya pag uwi sa bahay, wala na akong
gagawin! Ayiee! Sige, bye Prince! See you nalang!" :P Nag-final belat ako sakanya
sabay ngiti ko ng malaki, pagkatapos umalis na ako.

Bakit nagiging ganito na ako ngayon? Parang nagiging masama na ako sakanya? Ang
sarap niya kasing inisin! Ang cute niyang pagmasdan pag nagagalit, parang gargoyle
yung mukha niya! Habang talon ako ng talon sa saya nung paalis ko, bigla nalang may
humarang sa dinadaanan ko. o___o Ayan tuloy napatigil ako.
"Are you free?"

Free nga ako, pero gusto ko ng umuwi, ayoko ng gumala. "Ehh-- Russ...sorry,
kailangan ko na kasing umuwi." Nasa likod pa namin si Prince, tinanaw ko yung
locker na kungyari yon ang tinignan ko. Nakita kong nabadtrip nanaman si Prince
dahil nandiyan nanaman si Russell, tinuloy nalang niya ang pagbalik ng libro niya
sa locker.

"I'm just inviting you. I want you to meet my dad, kaka-uwi lang niya kasi niya
from the states, I just mentioned you to him. Gusto ka niyang makilala."

Dad? Di ko alam na may tatay pala siya.

"Ngayon na?" Paano ba yan? Plano ko pa namang tumambay sa apartment nila bespren at
ni Prince ngayon, tapos mauudlot pa.

"O-Osige." Pinagbigyan ko nalang, isang araw lang naman.

Gusto ko pa sanang tanawin si Prince sa likuran ko kaso hinawakan na ni Russell


yung kamay ko paalis.

"Sandali lang." Napatigil kaming dalawa sa kakalakad kay Prince.

Di kaya pipigilan niya akong sumama kay Russell? Di ko alam kung nagkausap pa sila
simula nung umalis si Prince sa bahay nila. Nagkakailangan kasi yung mga tingin
nila sa isa't-isa. "Gusto ko lang makita si Tito. Pwede bang sumama sainyo?"

At bakit naman niya gustong makita yung tatay ni Russell? "Pwede. Pero sandali
lang. Tara na Nia."

Ang hirap namang maipit sa pagitan nila, lalong lalo na pag hindi mo alam ang
pinag-uusapan nila.

***********************

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse ni Russell, ni isa sakanila parang


nahihirapan magsalita. Hindi lang parang, ayaw talaga nilang magpansinan! Ako rin
naman, tinitignan ko palang si Russell sa tabi ko habang nag-da-drive siya, pati
siya wala na din sa mood. Si Prince na nakaupo sa likod, nakita ko through the
front mirror. Kanina pa iniiwasan ang tignan ang harapan. Nakadungaw lang siya sa
bintana magdamag.

"Ah...w-wala bang music diyan Russell? Magpatugtog ka naman para hindi ta- ako
mabugnot!"

Ang hyper ko naman at ako na mismo ang nag-switch ng radio niya! May tumugtog nga,
kaso naman ang senti: "Music For Love" ni Mario ang tumugtog!

Holy sh** naman, nakaka-relate kaming tatlo sa kantang 'to, nakakailang! Sabay
pindot ko nanaman, ang tumugtog naman eh chorus ng: "Againt's all Odds" ni Mariah
Carey ft. Westlife. Ano ba namang problema ng mga kanta ngayon at lahat nag-se-
senti?!

"Oh bakit mo pinatay?"

"Eh-Eh, ang ingay, nakakabingi." :D ;D


Like seriously, ayokong magpatugtog ng mga senti songs pag magkasama kami, lalo na
kaming tatlo. Parang napupunta ako sa isang drama theatre at napapa-drama/senti na
rin ako. Sino bang hindi? Mga lalake mo pang nag-aaway sa pag-ibig ang kasama mo!

"Here we are."

"Nandiyan na?" Tumingin ako sa labas habang nag-uumpisa ng mag-park si Russell.


Hindi 'to yung bahay nila as I expected. Kala ko naman sa mansyon kami pupunta,
ayun pala sa isang magarang resturant.

Bumaba na nga kami at pumasok na sa loob. Konti lang ang tao, puro mayayaman pa
talaga, yung ibang lalakeng matatanda naka-tuxedo pa talaga. Airconditioned pa yung
lugar, and -- WOW! Buffet pala! Ang bongga, edi eat all you can dito? Tamang tama,
di pa ako nag-me-merienda! :D

"Nia, just hold to me, ako na ang bahala sa pagpapakilala ko sayo sa dad ko okey?"
Bumulong niya saakin habang naglalakad kami papunta sa lamesa ng tatay niya.

"Bakit?"

"Basta, ako na bahala. I know you and him will do great."

Mukhang alam ko na ang gustong sabihin saakin nito. Mag-sisinungaling nanaman siya
as usual na girlfriend niya ako. Alam ko na naman na kalat na sa buong pamilya na
may GF na siya. Bakit kaya sa lahat ng mga magaganda at mga eleganteng babae sa
buong mundo ako pa napili niya na ipakilala sa tatay niya? Sa buong pamilya niya?

Napatingin ako kay Prince sa likod namin. Wala nalang siyang imik at kung saan saan
tumitingin.

"Sandali lang." Tumigil muna kami at humarap si Russell kay Prince. "Bago kami
tuluyang pumunta kay Daddy, makakaalis ka muna at mauuna kami. Di naman pwedeng
magsabay ang usapan nating dalawa."

"Walang problema."

Umalis na nga si Prince. Errrr -- gusto kong batukan si Russell, pinapalayas nalang
niya si Prince. Pwede namang magsabay ang usapan ah. Yan tuloy iniwan na ako ni
Prince, nakita kong umupo siya sa isang lamesa sa pinakamalayo.

"Are you ready?"

Konting lakad at nandon na kami. Naka-sideview na nakaupo sa upuan yung tatay ni


Russell, may binabasa ata doon sa lamesa habang umiinom ng kape.

"Hey Dad." Nakakagulat yung tatay ni Russell! Hindi nakakagulat ng basta basta,
nagulat talaga ako, kala ko isang gurang na u-ugod ugod, yun pala eh --

ALANGHIYA! ANG GWAPO GWAPO! :o

"Son!" Tumayo yung wafu niyang tatay sabay hug sakanya. "Sorry we're a bit late
dad, caught in the traffic kasi." Napatulala nalang dito, kasi parang ang bata bata
pa ng tatay niya, parang model. Di lang yun, ang puti puti, 6 footer, wow~ tangkad.
Tapos sexy! ANG MACHO! "That's okey Russ. --- Oh hi there there young lady."

Hala, kinausap ako? *glomps*

"H-Hi." Ang shylable ko ah, parang di na ako makahinga dito eh.


"Sigurado akong ikaw ang babae na laging kinukwento ni Russell saakin right, Ms.
Nia Garcia?"

"Opo, ako po yun. Haha!" Medyo nagulat pa yung day niya kasi ang hyper ko na naman.
Ganito ako pag oras na hiyaan, laging ang hyper.

"Have a sit, have a sit."

Simula nung umupo ako, doon na ako natahimik. Syempre naman ayokong maging isang
bad impression sa tatay niyang sobrang sexy at sosyal. Natawa lang ako ng konti sa
characteristics ni Mr. Sanchez dahil ngiti din ng ngiti katulad ni Russell., kanina
pa ako ine-examine sabay ngiti. Manang mana talaga eh noh? Di kaya may gusto din
saakin 'to? JOKEEEE.;D

"I never knew that my boy will pick a cute girl like you. Kasi alam mo ba yang si
Russell, noong bata pa siya, ang hilig yan magka-crush sa mga walang itsurang
babae. Ang mostly pa, yung mga matatanda pa yung mga kinahihiligan niya. How weird
eh?"

"Ganun po ba? Hahaha!" ;D

"Di naman sa ganun noh, nagkataon lang na yung mga mas matatanda saakin mas maganda
sa mga ka-age ko. Nagkataon lang."

"Oh sure anak."

Mukhang may secreto pa silang mag-ama ah. Ngitian ng ngitian to the max eh. XD

"My name is Henry Sanchez nga pala iha. So Nia, would you like to introduce
yourself to me in a few words? Gustong gusto kasi kitang makilala more than the
stories I've heard. Because another fact that you didn't know that maybe, na spill
na ng Mom ni Russell, ikaw ang unang naging girlfriend ng anak ko. Well, sort of.
Kasi dati nakikita naming may mga kasama ng babae 'tong si Russ, pero ikaw palang
ang unang babae na pinakilala niya saamin. And I know what that's mean to my son.
That you are very exceptional to him." :)

Nakakagulanta nanaman 'to.

Sigurado siya? Napatingin ako kay Russell, ngumiti siya ng malambot sa harapan ko.
Oo na. Ang special ko talaga. Naniniwala na naman ako sa mga sinabi ni Mr. Sanchez
dahil yan na yan din ang nabanggit ng asawa niya saakin.

"Uhm, Yeah. Ako nga po si Nia, I'm 18 years old, still living with my mom. Wala na
po yung Dad ko, naghiwalay na sila since I was a kid. Rumour nga daw na may
kakambal ako, pero di ko pa sure yon. Lagi naman kasing sinasabi ng Mom ko yun.
Hmm. Kaklase ko po si Russell, and we're doing great in class."

"Really? Classmate mo 'tong anak ko?"

"Opo." :)

"I didn't know that. Bakit di mo nabanggit saakin anak?" Sabay tingin at ngiti niya
kay Russell.

"Suprise ko nalang yun dad." ;D

"Kaya pala madali mo lang siyang nasuyo dahil magkaklase pala kayo. That's life.
Siguro kaya kayo pinagtagpo at pinag-join as classmates dahil may rason. I'm glad
to meet you Nia. I'm sure you'll be happy sa piling ng anak ko. I assure you."
"Same here. I'm glad to meet you po. And thanks."

Nginitian ni Mr. Sanchez si Russell sabay tap niya sa balikat niya. "Im also glad
at you son dahil may nahanap ka na ring katuwang sa buhay mo. Para pagkatapos ng
college, may makakasama ka na sa pagtakbo ng business natin."

Katuwang sa buhay? Business? Ano nanaman yun? "Yeah, I know that, thanks dad."
Kinuha ko yung basong tubig at iinom na ako ng may sinabi pa si Mr. Sanchez.

"Nia. Kung saka-sakili man tumagal kayo ng anak ko. But of course tatagal kayo --
gusto ko lang malaman mo na bago kayo ikasal, may plano na ako sainyong dalawa."

"KASAL?!" :o

WTF. Nabuga ko lang naman yung tubig na nasa bibig ko.

"Nia, are you okey?!" sabay tap ni Russ sa likod ko.

"W-wala lang po yun! Wala lang yun Russ. Ang asim kasi ng tubig nila dito! Yun
lang! Haha!"

Naman oh, bakit napunta sa usapan yung KASAL? Di ko pa nga sinasagot yang si
Russell kasal agad?!

"I'm sorry to tell you about that wedding. In the future naman yun and expected ko
namang mangyari. It's better to say it as early as possible. Don't worry miss Nia
Garcia, di naman kita pinipilit na ikasal sa anak ko. I have a strong feeling na
ikaw ang magiging future Mrs. Russell Sanchez. Kung nagkatotoo man ang prediction
ko, you'll get the half of my wealth. Papamana ko sainyong dalawa ang kayamanan ko.
Pero Nia, mas marami kang makukuha kesa kay Russell. Promise ko kasi yon sa
magiging wife ng aking natatanging anak."

HALF OF MR. SANCHEZ'S WEALTH?!

Parang na-sobrahan naman ata yun. Isang tingin ko palang sa tatay ni Russell parang
presidente na ng Pinas. Half pa kaya? Magkakano naman ang matatanggap kong pamana
pag pinakasalan ko si Russell in the future?

NAKAKA-INTRIGA.

Tsaka bakit kailangan pa sa future asawa ni Russell ipapana? Di nalang sa


girlfriend 'kuno' niya ngayon ipamana? Para naman hindi na maghihintay yung babaeng
yon na manahin yung mga kayamang yun.

NYAHAHAHAHA! JOKE!

*Riiiiiiiiiiiing...riiiiiiiiiing...riiiiiiiiiing~!*

Nag-ring yung cellphone ni Mr. Sanchez at sinagot naman niya ito. "Hello? Yes. Yes,
Nandito ako ngayon sa isang resturant at kausap ko ang anak ko with his special
someone. Oh..ganun ba? Okey. Okey I will. See you at 8 pm sharp, I'll be there. Got
it, bye." sabay baba.

"I'm so sorry guys. But I have to go. I have a meeting to attend to." Tumayo na si
Mr. Sanchez kaya napatayo na kami ni Russell.

"That's okey dad. I'll see you at home."


"Sige po, nice to meet you ulit and see you next time."

"Think of it Nia. I mean yung sinabi ko sayo, it would be wasted if ever hindi
nagkatotoo ang hula ko, because it's my rule and I'm going to do it I guarantee
you. Osige, mauna na ako. Bye kids."

Napatulala nalang ako nung paalis na si Mr. Sanchez. Sa isang saglit, napaupo ulit
ako sa upuan sabay laklak ko ng isang basong tubig. Di ko namalayan na naubos ko
pala lahat nung laman!

"Sabi ko na nga ba sasabihin niya yon. Sorry Nia kung masyadong advance ang dad ko.
Ganon talaga yon. He didn't force you or anything."

"Okey lang. At least nakikita na niya yung mangyayari sa kinabukasan mo. Nabigla
lang talaga dahil ako ang inaasan niyang manahin yung kayamanan niya."

"Mukha ka namang ka-asa asa Nia."

Sinubukang hawakan ni Russell yung kamay ko at dahan dahan kong tinggal ito sa
lamesa. Ayoko munang maging ganito si Russell dahil nakakailang.

Ang lakas naman kasi ng feeling nila na ako yung magiging future Mrs. Russell
Sanchez. Hindi man lang nila ako tanungin kung may gusto akong iba o ano. I think
they're rushing things up and I don't like that. Not a single bit. Sino na namang
may gusto doon kung pinipilit ka sa isang taong hindi mo naman gusto?

"Look at the time, almost 7:30 na, kailangan ko ng umalis, baka hinahanap na ako ng
mommy ko sa. Geh Russ, see you tom." Iniwan ko yung mukha ni Russell at tumayo na
ako paalis. Mukhang nag-alala si Russell saakin dahil bad trip na ako ng konti.

Naglalakad na ako palabas ng resturant ng may naalala ako. SI PRINCE! :o Kasama


pala namin siya kanina, nasan na yon? Nagmadali akong hanapin siya - at nahanap ko
nga siya.

Nakita ko si Prince sa pintuan at may kausap. Kausap niya si Mr. Sanchez. Oo nga
pala naalala ko na gustong makausap ni Prince yung tatay ni Russell. Nung
tinitignan ko sila habang nag-uusap, feeling ko may sinasabing importante yung dad
ni Russ sakanya.

Si Prince naman parang malunkot. Sobrang lungkot na napasabi siya ng "Sorry." Ayun
lang ang nabasa ko from his lips. Ano nanaman kaya ang relation nilang dalawa?
Close na sila sa isa't-isa? Sa isang saglit, biglang nag-walk out si Mr. Sanchez sa
harapan ni Prince. Wala na sa mood si Prince nung umalis na siya. Binato pa nga
niya sa sahig yung menu galing sa resturant's table sa sobrang asar. Bad trip din
siya at mukhang malungkot na maiiyak.

BAKIT PARANG NAIIYAK NANAMAN SIYA? :-\

Episode #23 (Continuation)


(poster at the end of the episode)

Umuwi agad ako nung gabing yon. Di ko na sinabayan sa pag-uwi si Prince. Alam kong
bad trip siya so I'll give him some air. Dinner time sa bahay namin ni Mama, at
nandito si Gale ngayon. Kumakain kaming tatlo ng niluto ni Mama na sinigang.

"Ano anak di ka ba kakain? Wag mo ng painitin yang niluto ko sayo. May GABI yan,
yung favorite mo!"

"Wala ako sa mood kumain mama, sayo nalang yung mga gabi."
"Salamat naman at wala sa mood kumain tong si Nia, para akin nalang yung mga gabi."
;D

"Eh sayang naman 'to, mga sampo yung nilagay ko dahil alam kong GABI lang yung
kinakain nitong pinsan mong maarte pagdating sa sinigang."

"Ano kayo? Akin parin yung mga gabing ya noh!" Hingot ko yung bowl ko sabay kuha ko
lahat ng mga GABI sa loob ng kaldero. Wala akong tinira at lahat pinapak ko na para
akong isang pulubi na ngayon lang nakakain.

Napanganga saakin yung dalawa. "Anak..dahan dahan lang!"

"May problema ka nanaman noh?"

"W-wala!" sabay lamon ko ulit. And yes. Ganito ako pag depressed, kain ng kain ng
masasarap na ulam! COMFORT FOOD IS THE BEST!

*Bzzzzzz...bzzzzzz...bzzzzzz~!* Natigil ako sa kakasubo ko ng isang katutak na gabi


dahil nag-vibrate yung cellphone ko. Tinignan ko naman at ang nag-text ay si Ian my
bespren:

[Nasan ka na ba ha? Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Puntahan mo ako, gusto kitang
makausap. Dalian mo kungdi patay ka saakin]

"Kwarto? Gustong makausap?! Baliw ba 'to? Bakit di nalang si Gale papuntahin niya
at di ako?" Automatic akong napatayo para pumunta na saaking bespren kapitbahay.

"Oh anak? Saan ka pupunta?"

"Akin nalang yung GABI mo Nia!" :D

"I'll be back!"

Ano nanaman ba ang kailangan ni bespren ngayon at kailangan pa niya akong makausap?
*Knock Knock Knock* Kumakatok na ako kanina pa dito sa apartment nila at mukhang
walang sumasagot. Konting katok ng malakas at bumukas nalang yung pinto.

"Naman oh! In the middle of my GABI dinner ako tapos tatawagin mo lang ako dito.
Ano bang kailangan mo ah bespren?"

"Ikaw anong kailangan mo dito at bakit nag-wawala ka diyan?"

"Huh? Kala ko nag-text ka saakin?"

"Text? Bakit naman ako mag-te-text sayo? Tsaka kakagaling ko lang sa banyo,
katatapos ko lang maligo. Tignan mo bespren! Amuyin mo yung bagong Axe Infinity na
binili ko ang bango!" :D *sabay taas ng kili-kili at pinaamoy 'to kay Nia*

Wala akong maintindihan. Sabi niya nasa kwarto siya tapos naging banyo? Eh sinong
nag-text? DI KAYA SI ---?!

"Alis nga diyan butete!"

Teka, SANDALI! Imposbile namang mag-text siya saakin dahil wala naman siyang
cellphone diba? Acck. Di kaya si Ian ang nag-text saakin at nanloloko lang yung
buteteng yon para makapunta lang ako dito? Tsaka, wala naman sa kwarto yung
kakausapin ko, wala naman sa taas si Ian ngayon.
Ohh. Alam ko na. ^-^

*BANG~!* Oppsiedodles! Napalakas ata yung pagbukas ko ng pintuan sa kwarto ni


Prince. Nung pagkita ko kasi nabigla siya at napa-turn around sa higaan kung saan
siya nakahiga.

"Ikaw ba yung nag-text?!"

"Alam mo, ang kupad mo."

"Sabi ko na nga ba ikaw yung nag-text!" :D "Teka, may cellphone ka na? Paano ka
nagkaron?"

"Inarbor ko muna 'tong cell ng kaibigan mo." Pinakita niya yung cellphone ni Ian.

"Lanyga 'to!"

Pinuntahan ko agad siya para makuha ko yung cellphone ni one and only bespren ko.
"Bakit mo kinukuha 'to? Di ka man lang nagpaalam kay bespren para hiramin 'to, alam
mo nalang wala ng load yun eh! MASAMA KA."

"Oh ganun ba? Sorry. Oh ito na po." Inabot niya yung cellphone hugot ko naman agad
ng pagalit.

"Ano namang kailangan mo saakin at bakit mo ako pinapapunta dito sa lungga mo?" Hay
nako, siya pala ang nag-text. How cute! Pinapapunta pa niya ako dito para kausapin
ako ah, sa kwarto pa niya? Grabe parang in private na talaga ang level na gusto
niya.

MAGTATAPAT NA KAYA SIYA SAAKIN!? :o

"Yung unan ko nawawala, nakita mo ba?"

"HUH?! Pinapunta punta mo ako dito para hanapin yung unan mo saakin? Naman oh,
kumakain pa ako ng dinner doon. At alam mo ba kung anong dinner ko? My all time
favorite GABI!"

"Nahihilo kasi ako."

"Nahihilo ka? Tingin nga!" Umupo ako agad sa tabi niya sabay check sa ulo niya kung
may sinat ba siya o wala. Hmmm.

"Wala naman ah! Pinagloloko mo ba ako!?"

Bigla nalang akong hinatak ni Prince pahiga sa higaan!

Di ako nanaginip o ano, pero HINATAK NIYA TALAGA AKO. Ito naman ako napahiga dito
at ginawa niya akong...UNAN?! Yung tiyan ko hinigaan niya. O_____O

"A-Ano bang ginagawa mo? Huy!" :-[

"Wala akong unan."

"Ang dami dami kaya dun sa baba, s-sa may living room!" Nangiinit na ako. Basta, di
ko maintindihan pero ang init talaga ng pakiramdam ko na para na akong
magkakasakit!

Totally shy mode ako ngayon mga kababayan. Please soak me up! ::)
"Pinatay ko yung kapatid ni Russell."

"ANO KAMO -- ?"

Ano nanaman 'to?

"Ako ang may kasalan kung bakit wala na yung kapatid ni Russell. Si Ralph, ang
panganay ni Tito Henry at Tita Ivy, ang kuya ni Russell, ang kuya ko. Nawasak ang
pagsasamahan ko sa pamilya Sanchez nung nangyari ang karumadal dumal na gabing yon.
Lalong lalo na kay Russell. Mahal na mahal niya yung kuya niya. Si kuya Ralph yung
pinakamabait, pinakamagarang, at pinakamapagmahal sa lahat ng mga Sanchez. Di buo
ang pamilya pag wala siya, siya ang tiga bigay ng buhay.."

Nakatingin lang si Prince sa bubong na parang naiiyak na...habang ako nakatingin


lang sakanya.

"Hanggang ngayon. Sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari. Tatlong taon kaming
nalumbay sa piling niya. Kung pwede ko lang ibalik ang oras ibabalik ko pero hindi
eh... dapat AKO nalang ang kinuha... 3 years ago, pagkatapos niyang mag-graduate sa
college, nagkaron kami ng after party. Masaya naman kaming lahat noon, isang
ordinaryong araw...di naming alam na yun na pala ang huling araw na makikita namin
siya. Ako ang nagtulak sakanya na sumama saakin at gumala kami kung saan. Pinasakay
ko siya sa kotse ko. Ako ang driver at siya ang pasahero sa gilid ko. Ang bilis ng
pangyayari at ang huli ko nalang nakita na nakataob na kami at duguan...naligtas
ako nung gabing yon....dahil nakita ko yung braso niya naka-harang sa harapan
ko....sinubukan kong hawakan yung braso niya kahit sobrang sakit na ng katawan ko
at pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay...pinilit ko parin kahit duguan na
ako...pinilit ko parin...."

Alam ko na kung bakit galit na galit sakanya si Russell at kaya galit din Mr.
Sanchez sakanya kanina dahil hanggang ngayon hindi parin nila matanggap ang
pagkawala ni Ralph. Alam ko na rin kung bakit gustong makausap ni Prince yung tatay
ni Russell para siguro makahingi ulit ng isa pang tawad ngayon nagbalik na siya
ulit dito sa Pilipinas.

Di na napigilan ni Prince kaya naiyak na siya ng tuluyan pagktapos niyang i-kwento


lahat yun saakin. Umupo na ako habang yung ulo niya nandito malapit sa tiyan ko.
Sinusubukan ko siyang patahanin, sinusubukan ko siyang alalayan sa simpleng pag
himas ko sa ulo at buhok niya. Ako rin naiyak na ng dahil sa nakakalungkot na
kalagayan niya...pareho na kaming lumuluha dito...

"I'm so sorry Prince...di mo naman kasalan yun..walang may


kasalanan...ssshh...tahan na..."

Niyakap ko yung ulo niya, at siya naman niyakap niya yung braso ko.

Episode #24 - Ang pagiging broken hearted.


« Reply #835 on: April 26, 2008, 01:22:47 pm »
Reply with quoteQuote
UPDATE ULIT MGA KABABAYAN!

Kuya Ken & Ten - Thanks sa paghabol niyo, yay sainyong dalawa. =]

Episode #24
~ ang pagiging broken hearted.
MASARAP MAGMUNIMUNI.

Lalo na pag P.E time dito sa GYM. Sa dahilang hindi naman ako kasali sa mga
activities nila katulad ng Badminton, Volleyball, Table Tennis at kung ano ano pa,
mas maganda nalang na umupo ako dito mag-isa sa sulok habang nag-da-day dream.
Actually, matagal ko ng ginagawa 'to.

Di naman ako nila sinasali sa mga grupo nila eh. Alam ko namang ako ang mananalo sa
Ms. Lonely Girl Year 2008-2009 dahil wala naman akong kaibigan sa balat ng 4-
Mapagmalasakit. May kumakausap naman saakin na ibang kaklase kong mga babae bukod
kay Russell. Pero di naman kami ganun ka-close.

Kaya saakin parin mapupunta ang Korona.

"Oh talaga? Hahaha! Kahapon kaya ang weirdo niya.."

"Di naman noh, at least natuto siyang magsayaw ng ganun!"

"Nakita mo ba yung itsura niya? Parang banggang, wala sa sarili."

Busy na busy yung mga kaklase kong babae sa pinag-uusapan nila ah.

Ano kaya ang feeling ng may makaka-chika ka kang isang babae? I mean, yung parang
bestfriend mong babae na i-sha-share mo yung mga thoughts and words mo sakanya? Di
ko kasi na-experience yung mga ganun. Nandiyan naman si Gale ah. Pinsan ko siya,
iba pa rin ang pakiramdam ko pag sakanya ako nag-sha-share ng mga secrets -
kabilang naman siya sa Family Relatives ko kaya ang feeling ko kapatid ko siya.
Nandiyan naman din si Ian, pero lalake naman yun.

Kelan kaya ako magkakaron ng isang babaeng kaibigan na maituturi kong bestfriend?
Simula nung umapak ako ng High school, di ko naman naranasan na magkaron ng babaeng
bestfriend. Si Ian lang kasi ang FOREVER kong bestfriend eh.

"Hey, can you pass that ball?"

Natigil ako sa pagmumuni muni ko at napatingin ako sa kaliwang paanan ko. Nakita ko
ang isang Volleyball ball na gumulong malapit sa paanan ko. Kinuha ko naman, tumayo
at inabot sa may ari ng bola na si --

"Thank you my dear." ;) Na si Anna.

"Walang problema." Umupo ulit ako sa sahig at tumingin sa langit.

"You know what Nia, kanina ko pa kasi napapansin na wala ka namang ginagawa diyan
at di ka pa nagpaparticipate sa free time natin. Gusto mo bang makisali sa group
namin? Mamaya makita ka ni Ms. Reyes diyan na walang ginawa. Babaan ka pa nun ng
mark, mahirap na."

Sa totoo lang, sayang 'tong malandi na 'to. Kung totohanin sana niya na gusto niya
akong makisali sa group niya, at kung totohanin sana niya na may concern siya
saakin, siguro naging kaibigan ko na 'to noon pa. Pero hindi eh, siya ang Ms.
Plastik Girl Year 2008-2009!

"Wala naman si Ms. Reyes ngayon. Pwede mo na akong maiwan."

"Oh, don't be too selfish. Kailangan ko ng isa pang ka-team mate. Wala namang
kwenta yung ibang kaklase natin you know. Gusto kitang maging ka-team. Kahit
sandali lang. Ano? C'mon."
May nakain ata 'to kaya nagbabait baitan nanaman kungayari.

"Let's not waste time!"

"HOOOOYY!" WALANG HIYA! HINATAK AKO PAPUNTA KUNG SAAN! "Bitawan mo nga ako!"

Sus. Dinala niya ako dito mismo sa volleyball court. Sa may net katabi niya.
Pinatayo niya ako at pinagsilbi niya akong ka-team mate. Habang yung dalawang
kaibigan naman niya yung kalaban. Di ako maka-back out dahil yung substitute
teacher na pumalit kay Ms. Reyes nakatingin saamin. Baka i-report niya ang activity
na 'to kaya stay muna ako for a close second.

"I'm ready to spike, ready na ba kayo diyan?!"

"I'm ready!"

At doon na nag-umpisa ang labanan. Labanan ba 'to o pasikatan? Ni isang tira sa


bola di ko magawa ng dahil kay Anna! Alam niyo ba kung anong ginagawa niya? Lahat
sinasalo niya, ni isang tira hindi siya nagbibigay saakin. Pa-cute pa sa lahat ng
audience. Smile ng smile - wave ng wave ng "hi" "hello" "thank you" at kung ano ano
pang kahibangan!

Habang ako naman ay isang dakilang tuod dito na wala namang kwenta. Mukha naman
akong tanga dito, pinapanood na ako ni Russell at Prince kasama ang buong
Mapagmalasakit. Bakit di ako kumikilos? Dapat magpasikat din ako! SUS! Sinama pa
niya ako. Alam ko namang papahiyain niya ako. Ano kayang pwedeng gawin sa bruhilda
na 'to?

Sa isang saglit, nakita ko yung bola na papunta na saamin. Tumakbo ako ng mabilis
na kungyari sasaluhin ko, pero sa totoo lang, humarang ako sa harapan ni Anna at
intentionally kong binunggo yung braso at ang paa niya para siya ay tuluyang ng:
"AAAAAAAHHHHHHHHH!!"

Madapa.

"ANNA!"

Buti nga! Puwahaha! :D Lahat ng mga tao nagulat. FOUL BA ITO? OO, Foul 'to. Bahala
sila kung i-eliminate nila ako dito sa game. Magalang akong aalis dito! Tawang tawa
ako behind their backs. Tawang tawa ng parang demonyo. Ang sarap palang gawin
sakanya 'to, magawa nga sa susunod! :D

"ANNA!"

Natigil ako sa katatawa dahil lumapit si Prince sa nadapang Anna. Bakit hindi siya
lumapit saakin para i-check ba ako kung okey ako o hindi? Muntik na rin kaya akong
mahulog doon sa ginawa ko, tapos wala lang siyang pakeelam saakin?

"Prince! It hurts!"

"Prince, dalhin natin siya sa clinic! Na-sprain ata yung left na paa niya."

"Tara."

Nakita ng dalawang mata ko kung paano tinulungan ni Prince si Anna sa pagkadapa


niya. Nakita ko rin na mukhang alalang alala si Prince sa ginawa ko sakanya. Dinala
nga nila si Anna sa clinic kasama yung isang kaibigan.

MALI BA YUNG GINAWA KO? :(


"Nia!" tumakbo papunta saakin si Russell. "Okey ka lang ba?" Buti pa si Russell may
pakeelam sa hindi na-aksidente.

"Okey na okey....sandali lang, pupunta lang ako sa washroom..." sabay simangot at


walk out ko sa gilid niya.

***********************

Kanina pa ako nakatunganga dito sa harapan ng bubong ng kwarto ko. Wala na kasi
akong maisulat dito sa Hello Cookie Love ko. Nagka-mental block ako ngayon! Psssh,
ang buhay nga naman ng mga taong maraming iniisip.

Nasan na kaya si Prince?! 6 o'clock na ng hapon at di pa siya umuuwi. Ka-che-check


ko lang kay Ian at Gale, wala sila ngayon baka nag-date nanaman yung dalawang yon.
Wala nanaman akong makakausap. Ka-che-check ko rin ng apartment ni Prince pero wala
siya doon! Di kaya kasama parin niya si Anna hanggang ngayon!?

"NO WAY!"

Dapat pala di ko na tinisod yon, kasalanan ko parin. T______T

Nagmadali akong lumabas ng gate at tinignan si Prince kung nandiyan na. Baka kasi
kabababa lang niya sa jeep o ano. Medyo malamig ang simoy ng hangin ngayon kaya
medyo giniginaw ako. Makulimlim rin ang langit, baka pa nga uulan. Wag naman sana
diyos ko! Di pa nakakauwi si Prince. Di pa naman yon nagdadala ng payong.

"Oh Hi Nia!"

"H-Hi po~" Ako pa naman ang taong ayaw maghintay. Ayan tuloy nakakahiya sa mga
kapitbahay. Nilalamok na ako dito sa kakahintay!

Kumulog na. Sabi ko na nga ba uulan. Tumakbo ulit ako pabalik sa bahay sabay kinuha
ko ang bagong payong ni Mama. Buti nalang tulong si Mama kungdi di niya 'to
papahiramin saakin kasi bago. Lumabas ako agad, at biglang bumuhos na ang ulan!
Pinayungan ko sarili ko, at nung pagtingin ko ulit sa kapitbahay, nakita ko na rin
si Prince na nagpapabasa sa ulan.

"Hoy Prince bakit ngayon ka lang?!"

Lusob na ako sakanya at sinubukang payungan, di ko naman siya nasilungan dahil


tuloy tuloy siyang pumasok sa apartment.

"Di pa ba umuuwi si Ian?" sabi niya habang tinanggal niya yung sapatos niya. "Gutom
na kasi ako."

Sinunandan ko siya kahit saan man siya pumunta. "H-HUY ANONG GINAGAWA MO?"
Naghuhubad ba naman dito sa harapan ko!? Isa isa niya kasing tinatanggal yung
uniform niyang basa-basa.

"Edi nagbibihis."

"Nagbibihis sa harapan ko?! Doon ka nga sa banyo!"

Tumalikod na ako agad sakanya, kasi naman noh! Ayokong makita ang kanyang precious
gorgeous pandesals sa katawan. I'M SHY! ::)

"Wala naman si Ian dito, ikaw nalang ang magluto ng hapunan. Ipagluto mo ako ng
kahit ano."

Ginawa ba naman akong tigapagluto? GINAWA KO NGA. :p Alam niyo naman na I can't
resist this Blue Cookie of mine. Natandaan ko yung promise ko sakanya na gagawin ko
ang lahat para lang sakanya. Kahit man di ako ganun kagaling magluto, sinubukan ko
paring ipagluto siya ng pinakamasarap na hapunan sa buong bansa!

"NOODLES?!"

"Di lang yan ordinaryong noodes, noodles ko yan." ^-^

"So ang balak mo, ito ang papakainin mo saakin na parang gagawin kong ulam tapos
magsasabay ako nga kanin ganun?"

"Nagtatanon ka pa, kumain ka na kaya!" Sumama na yung tingin niya sabay lamon na.

Awww. Ang cute cute cute naman niyang tignan habang kinakain niya yung noodles ko
na ginawa ko para sakanya. Napatitig tuloy ako at na-imagine ko na isang pamilya
lang kami...ako ang NANAY na tiga pag-luto sakanya ng mga pagkain tuwing uuwi na
siya galing sa trabaho, at siya naman ang TATAY na kakain ng mga noodles ko! ::)

"Muntik ng mapilayan si Anna."

Nasira lahat ng mga imagination ko nung narinig ko yung pangalan.

"Malala yung pagkabagsak niya sa sahig. Kaya dinala na siya sa hospital kanina.
Masakit na masakit daw kaya ayun, sinamahan ko siya." Di kaya nag-iinarte lang yung
Anna na yon para makasama lang niya si Prince?

"Eh ano naman?" Galit ko. "Nakooo..di mo lang alam kung ilang beses na ako pinahiya
nun at kung ilang beses na ako pinagloloko. Wala akong pakeelam sakanya."

"Totoo pala yung ginawa mo sakanya kanina? Tinisod mo ba siya o accidente lang yung
nangyari?"

"Bakit mo naman natanong? Tsaka bakit nag-aalala ka, eh simpleng tisod lang naman
yon, di yon accidente."

"Sagutin mo nga ako!" Nagulat ako sa pagsigaw niya sa mukha ko. Sobrang affected
naman siya sa nangyari parang yun lang. Ano ba yang si Anna sakanya ha? WALA!

"NILILIGAWAN KO SI ANNA." Nanghina ako sa sinabi niya.

"Ni-nililigawan?" :'( Di ko alam kung bakit maluha luha na ko dito sa kinauupuan


ko...malinaw naman yung pagkarinig ko na -- dapat di nalang niya sinabi saakin kung
masasaktan lang ako ng ganito...sabi ko na nga ba may nangyayari sa pagitan nilang
dalawa. Naalala ko yung huling usapan namin ni Anna na may sinabi niya tungkol sa
relasyon nila ni Prince na may nangyari na sakanilang dalawa na ikakasaya naming
lahat...ito pala yun...ikakasaya?....

"Kaya may karapatan akong malaman kung sinadya mo ba yung ginawa mo sakanya
kanina."

"Kelan pa?"

"Sino ba ang nagtatanong dito? Ako diba?"

Huminga ako ng malim at pinipilit kong hindi umiyak sa harapan niya. Ayoko namang
makita niya ako na ngumawa dito, ayoko!
"Oo, sinadya ko yon...sinadya ko dahil para makaganti ako sa mga karumaldumal na
bagay na ginawa niya saakin! Alam kong wala kang naiintindihan sa mga sinasabi ko
kasi maka-Anna ka na!"

Di ko napigilan yung mga luha ko at tuluyan na 'tong lumabas, sabay walk out ko sa
harapan niya.

"Nia~! Nia!"

Alam ko naming di niya ako nakitang naiyak dahil wala naman siyang pakeelam saakin.
Sus, bakit pa ako umiiyak ng ganito? Ang tanga ko talaga! Ang tanga ko! Dapat di ko
na ako nagpakabait masyado diyan sa Prince na yan!

Naka-tatlong araw akong nag-absent sa school sa sobrang depressed. Nagtaka yung


mama ko baka daw may sakit ako, syempre wala naman. Pati din sina Ian at Gale, kala
din nila. Di ko muna sinabi na may malaki akong problema: Ang pagiging broken
hearted. Ito pala ang pakiramdam non. Para kang may sakit. Nagugutom ka na parang
di naman. Gusto mong matulog pero di ka naman makatulog. Gusto mong hindi umiyak
pero naiiyak ka. Ang tangi ko lang ginawa nung buong tatlong araw ng pag-absent ko
ay kumain ng kumain hanggang lumubo na ako....

Sinubukan kong silipin si Prince kung anong ginagawa niya sa school. Kaya nung
isang araw nung absent ako, nakita ko sila ni Anna na magkasama. Mukhang okey na
yung kalagayan ni Anna simula nung accidente. Mukhang totoo nga talaga yung sinabi
ni Prince saakin...bakit ba kung kelan naman unti-unti na kaming magkakaayos
mangyayari pa 'to? Sana talaga hindi nalang niya sinabi saakin, ang laki ng damage
na naiwan saakin eh...NO! Hindi parin ako mag-gi-give up! :'(

Ayan din ang isa ko pang promise sa sarili ko. Sinulat ko pa nga yun sa Hello
Cookie Love ko na kahit anong mangyari, gagawin at gagawin ko parin ang lahat para
mapasaakin si Prince. Bago ang lahat, kailangan ko munang malaman kung bakit o
paano nagkagusto si Prince kay Anna ng biglaan.

"Hello? Russell? P-pwede ba tayong magkita?" :(

Kasalanan mo 'to Prince, ikaw ang may kasalanan kung bakit ako tumatawag kay
Russell ngayon.

Episode #25
~ Nia, ang munting Princesa.
(poster at the end of the episode)

Monday afternoon lunch time at the cafeteria, with my 2 sweetest friend eveeeer.
"ANO!? B-Binili mo si Gale ng diamond na singsing para sa engagement niyong
dalawa?! HUWAAAT!?"

SUSKODAY! Kaya pala laging nawawala 'tong dalawang 'to sa harapan ko dahil napag-
isipan na nilang magpakasal. At heto na, haharapin nalang nila akong engaged na!

"Shhhh~!" awat ni Gale. "Wag ka ngang maingay insan! Secret palang natin 'toh no.
Ikaw palang ang nakakaalam. Gusto lang namin ma-hingi ni Ian ang blessings mo."

Biglang inabot ni Ian yung kamay ko sabay hawak niya ng madiin habang nagmamakaawa
na parang isang gutom na aso. "Bespren! Ikaw ang pinakamahalagang tao sa aming
dalawa. Umaprove ka lang dito at sasaya na kami ng todo todo. Please bespren?
Please?" ::)

Hindi ba mukhang kalokohan agad 'tong nangyayari sakanilang dalawa? Di pa nga sila
nakaka-two months tapos papasok na sila agad sa kasal.

"MGA BUWANG!" Tumayo ako sabay hugot ng research paper ko at inikot para mapalo ko
yung kanilang dalawang hibang na mga utak.

"Araaaay~!"

"Hah. Yan ang nababagay sainyo. Di niyo ba naiisip kung anong gagawin niyo kung
magpapakasal kayo ng maaga? Isipin niyo nalang ang magiging reaction ng mga
magulang niyo. Si Tito Lucas, lalo na si Kuya Mike. Di pa nga niya alam na kayo na,
tapos ganito nalang ang mangyayari? Paano kung nagkaron na kayo ng anak? Sino ang
magpapakain doon eh 'tong si Ian wala pang trabaho? Ikaw rin Gale wala ka pang
trabaho. Mas mabuti munang magtapos kayo ng pag-aaral at makahanap ng magandang
trabaho para sa kinabukasan. Hindi pa sapat. Di pa pwede! Walang kasal kasal na
mangyayari!" Halos di ako huminga sa mga sinabi ko. Umupo ako sabay laklak ng isang
basong tubig. Naubos ko nanaman lahat yun ng isang tagayan lang!

Bigla natahimik silang dalawa na para silang mga anak ko na pinagalitan ng matindi.
"Di naman namin minamadali. Plano namin 'to pagkatapos namin ng college. Plano
namin ni Gale na pumunta sa Canada para magkaron ng pamilya."

"Oo nga insan. Kasasabi lang ni Kuya Mike na babalik na kami sa Canada after ng
college ko. Habang maaga, susubukan kong sabihin agad kay Papa at Kuya tungkol
saamin ni Ian. Pagkatapos, isasama ko saakin si Ian papunta doon. Ayoko namang iwan
siya ulit dito mag-isa. Gusto ko siyang sumama saakin."

"So iiwanan niyo nalang ako? Ganun?" Sila nalang nga ang natitingi kong kausap,
kasangga, at kakulitan sa buong buhay ko tapos iiwan nalang nila ako ng ganun.

"B-bespren...di naman ganun yon."

"I-insan...wag kang mag-alala, pagkatapos pa naman yun ng college. Marami pa tayong


oras, marami pa tayong --"

"Hindi eh. Plano niyo nalang ako iwanan mag-isa. Di niyo ba alam na naging
makasarili na kayo ngayon saakin? Parang hindi ako kasama sa plano niyo. Diba
parang ang selfish naman nun masyado? Inisip niyo ba kung anong mangyayari saakin
pag wala kayong dalawa? Doon. Mabububulok ako sa kangkunan."

Tumayo ako, hinugot ko yung bag ko sabay walkout.

Madalas ata akong mag-walkout ngayon. Una kay Prince, ngayon naging sina Ian at
Gale na. Bakit ba naging ganito yung panahon ngayon?! Tumakbo ako papunta sa girls
washroom dahil di ko napigilan yung luha ko.

Alam ko namang after college pa yung plano na yun. Pero ayoko namang iwan nila ako
dito na nag-iisa. Paano nalang kung nawala na talaga si Prince saakin at sumama na
kay Anna? Sino na makakasama ko ngayon?

"Grabe, he's like a living puppet. Kung anong gusto ko, susundin niya."

Napatigil ako sa kakasinghot dahil may narinig akong nag-tsi-tsismisan sa labas.


Nakaupo kasi ako dito sa loob ng cubicle. Hinawakan ko yung bibig ko para wala ng
ingay na lumabas sa kakaiya ko.

"Alam mo, it's good na nakakuha ka ng instant boyfriend. Walang kahirap hirap yun
ah. Ang galing mo naman mag-isip, Anna."

Sabi ko na nga ba si Anna yung isang babaeng nag-salita. Mukhang dalawa lang sila
sa labas. Nakikinig parin ako ng mabuti sa usapan nila.

"He needs the money so BADLY dear, halos napaluhod na nga siya saakin eh. Oh well,
di ko alam kung anong gagawin niya doon sa perang yon. But what matter's the most,
nasakin na siya. I like him like really. But I can feel naman na wala siyang gusto
talaga saakin. I can manage it, this way; I can own him until magustuhan niya ako.
Ganun lang kadali yun."

"Hay nako Anna, you're so talino talaga. Dapat ikaw nalang ang maging valevictorian
natin this year eh."

"HOW I WISH." :P

Tinama ko yung paglabas ko sa loob ng cubicle oras ng lumabas sila. Sinundan ko


silang lumabas ng patago at nakita ko na tuwang tuwa si Anna habang kausap yung
kaibigan niya.

Naguguluhan parin ako kung ano yung pinag-usapan nila. May malaking kutob ako ng
ang pinapagusapan nila ay si -- si Prince. HINDI! Bakit naman ako nag-iisip nga
ganun? Di naman ata! Ito ang resulta ng pag walk out at pag-ignore ko sakanya nung
isang araw.

"Si Prince nalang lagi ang iniisip ko, Prince ng Prince. LAGI NAMAN EH~!" >:(

"Ako? Bakit?"

SUSMARYA NANDITO NA PALA 'TO SA TABI KO!

"Anong ginagawa mo dito ah? Tinawag ba kita? Sinundan mo ba ako? Pweh." Nag-umpisa
na akong maglakad papunta sa classroom ng 2-Mapagmalasaki, patapos na kasi ang
lunch.

Ang CR malapit sa GYM kasi ako pumunta, kaya malayo layo pa ang paglakad ko papunta
sa classroom. At ito parin ang dakilang lalake, sinundan parin ako, sinusundan kung
saan ako magpunta!

"Pwede bang tigilan mo na ako?!"

"Paano kita titigilan eh nakabukas zipper mo?"

HUWA--?! Shietas naman! NAKABUKAS!? Di kaya nakita niya kung anong kulay ng ano
ko?! Mambobosong manyak! Tinignan ko agad yung zi ---

"One point!" ;D

WALA PALA AKONG ZIPPER. Naka-uniform ako at palda pala yung suot ko. Langya.

"Ha Ha Ha. Nakakatawa!" Sabay tawa ko sarcastically.

"Pwede mo ba akong samahan mamaya after school sa SM? Bibili na kasi ako ng
cellphone. Naawa na kasi ako diyan sa bespren mo. Noon pa niya hinahanap yung cell
niya saakin nag-kukungyari lang akong hindi ko alam kung nasan. Pero sa totoo lang
ginagamit ko."

At saan naman niya nakuha yung pera pangbili ng cellphone? Tsss. "Ang pakeelamero
mo. Balik mo na nga kay Ian yung cellphone niya! Tsaka asa ka pa! Di ako sasama
sayo dahil galit ako sayo! Bleh!"

Lumapit sila saaking ng dahandahan sabay bulong sa tenga ko. "Ano bang gusto mong
gawin ko para sumama ka lang saakin? Di ko babalik yun hanggang di mo ako sasamahan
mamaya."

At umalis na siya.

Ang kupal talaga netong si Prince oh. Magnanakaw, pinatulan pa yung cellphone ni
Ian. Ang sama eh! >:( Hay nako. Bakit ganun? Kahit parang galit na galit na ako
sakanya, feel ko parin na may na-iinlab parin ako sakanya kahit papano?

Gusto ko talagang sumama sakanya after school. Pero di ko magagawa yun eh.

After 15 mins nag-bell na at nag-umpisa na rin ang 3rd period. Sus .Habang nag-le-
lecture yung teacher namin, imbis na sa blackboard ako nakatingin, kina Prince at
Anna nanaman nakatutok yung mga mata ko. As usual nilalanggam nanaman. HMF. Bakit
ko pa sinasaktan yung sarili ko? Ang tagal naming mag-uwian, ang uwian lang naman
ang magpapasaya saakin eh. 4th Period naman pagkatapos. Nag-re-review kami ng maigi
dito dahil may test kami sa History. Puro memorization 'to at dito, ako magaling.
Basta wag lang Math kungdi dudugo utak ko. Binaba ko nalang yung notebook ko at
tumingala sa harapan ng blackboard.

"Nia, pwedeng pahingi ng ¼ sheet?"

Kinalabit ako ng katabi ko at humingi na sila ng papel.

"Nia, ako rin.".... "Ako rin.".... "Penge isa.".... "Ako rin dito, lima kami sa
likod."

Langyang buhay ginawa ba daw akong National Bookstore?!

"Hey, wag kang mamigay. Alam mo namang pinagbabawal yan dito diba?"

"Hayaan mo nalang yang mga yan. Kawawa naman."

Pero sa ginawa kong pagbigay sakanila ng papel, feeling ko na na kaklase nila ako.
Ngayon lang kasi ako nila pinansin, pinansin nila ako sa paghingi nila ng papel.
It's not a bad thing diba?

"Okey class, prepare your ¼ sheet of pad paper and we will now start the quiz."
Proud yung mga kaklase ko sa tulong na ginawa ko sa pagbigay ko sakanila ng papel.
At halos lahat sila may papel na di katulad ng ---

"At sino naman ang magandang kaluluwa na namigay ng papel sainyo?" PATAY. Baka
masabit ako dito. Paano nalaman ni Ms. Reyes na nabigay ako ng papel sakanila? "Eh
kani-kanina lang wala kayong papel sa lamesa niyo ah. Sinong namigay?"

Natahimik ang buong klase at ni isa walang nagsalita.

"Kung sinong namigay will get a mark of 0 in this test."

Betlog na ako. T______T Ang lupet naman kasi masyado nito. Kasalanan ko parin diba
kasi di ako sumunod sa batas, kaya ipinagbabawal na mag-share ng papel sa mga
kaklase kasi dapat maging responsible sila sa pagdadala at di mag-depend sa ibang
kaklase.

Sige na nga...aaminin ko na..."A--"

"AKO."

Tatayo na sana ako at aamin kaso biglang sumagip si Prince.


"Ako ang nagbigay ng papel sakanila."

***********************

Paano niya nagawa yun? Paano niyang nakita ako nagbigay ng mga papel sa mga ugok na
yon? Di kaya tinitignan niya ako nung oras na yon? Di ko siya nakitang tumingin
saakin, ang galing naman niya. ???

Nandito ako ngayon sa Mother Ignacia Gate at hinihintay ang pagdating ni Russell.
Ay, ayun na pala siya. Nakita ko siyang kausap yung mga kaibigan niya at
nagpapaalam lang siya. May lakad kasi kami ngayon at ako ang nag-aya sakanya
kahapon. Ayun kasi ang tinawag ko sakanya nung gabi pagkatapos naming mag-away ni
Prince. Sabi niya di nalang kami mag-co-commute papunta kung saan, gagamitin daw
niya yung kotse niya. Buti nalang may kotse siya dahil pagod na yung paa ko.

"For the whole day parang ang tamlay mo Nia, what's the matter?"

"Pagod lang ako. Pagod sa bagay bagay." Pagod kay Ian, kay Gale, kay Prince, at sa
papel issue na muntik na akong masabit.

"Sabi ko na nga sayo kanina na wag mo ng bigyan yung mga yun, Nia. Ayan tuloy.
(Sigh) Buti nalang sinagip ka nung -- sinagip ka ni Prince."

Napatingin ako sakanya. Parang seryoso nanaman siya sa nangyari kanina. Alam ko
namang affected na rin siya sa ginawa ni Prince saaakin na pagsagip kanina. Alam
kong nag-seselos siya. Ni isa saamin walang kaalam alam kung bakit niya ginawa yon.

"Bakit mo pala akong gustong makausap ngayon?"

Tinawagan ko si Russ kahapon dahil..."Wala lang, gusto lang kitang makita." Gusto
ko nga siyang makita, pakiramdam ko kasi kahapon wala na akong matatakbuhan. "Wala
naman akong mahalagang sasabihin sayo o ano, basta, gusto lang kitang makita."

"Ano bang nangyari sayo at parang may problema ka? Pwede mo namang sabihin saakin
Nia."

Ayokong sabihin ang issue ko tungkol kay Prince.

"Russell, punta tayo sa parke!" Iniba ko agad ang usapan.

Pinatunog kong masaya ako at hindi na gloomy. Ayoko namang magsira yung oras namin
kung kami rin ay mag-aaway. Kung ganun man ang nangyari, siguro kaaway ko na silang
lahat!

"Parke? Gabi na Nia, MADILIM DOON. Baka kung ao pang meron doon. Ah! Alam ko na.
Manood nalang tayo ng cine." ;)

"O-osige, ikaw ang bahala."

Cine? Eh baka sa SM kami pumunta. =X Naalala ko pala na pupunta doon si Prince,


baka tinuloy niya parin ang pagbili niya ng cellphone kahit wala ako -- patay na
kung nakita ako nun, kasama ko pa si Russell.

Todo imbestiga ako nung naglalakad kami papunta sa loob ng cinehan. All clear at
wala akong nakitang bakas ng aking Principe. Jusme. Nung nasa cine naman kami, ang
daming mga tao, halos lahat pa eh mga mag-syota. Kaliwat-kanan may ginagawang mga
kababalaghan. Naman!
MADILIM DIN DITO!

"Nia, okey ka lang ba?"

Halos di ko makita yung mukha ni Russell. To the point na nag-umpisa na yung movie
at nagkaron ng konti ang paligid, nagkatitigan kami dahil ang lapit na pala ng
mukha namin sa isa't-isa! :o Nailang kami pareho sabay iwas namin ng tinginan.

"Ok-okey lang ako." sabay subo ng popcorn! O______O Muntikan na yon, parang na-te-
temptate tuloy akong halikan 'tong gwapo na 'to. :P

(After the movie)

Napag-isipan namin na kumain ng merienda na parang pag-dinner na rin dito sa


Sbarro.

Halos maiyak iyak ako sa pinanood naming movie na 'CHARMED' (note from the author:
yung charmed na yan ay isang movie na hindi existed, existed lang sa mundo nila
nia.) Di ko alam kung bakit ako naiiyak - alam ko namang pang-bata yun noh. Pang-
batang fairytale. PERO NAIYAK PARIN AKO!

"Oh ito pa, tissue."

"Ok-okey lang ako." T_____T sabay singhot ko ng malakas sa tissue.

"Dapat yung movie na yun Happy ang ending, happy naman ah, eh bakit iyak ka ng iyak
diyan?" ;D

"W-Wag mo nga akong tawanan!" Naiyak ako dahil na-touch lang ako doon sa kwento.
Hay ewan. "E-Eh kasi naman! Yung lalake doon, gagawin niya ang lahat para doon sa
babae. Kahit ano, grabeng dedicated nung lalake sa babae. Basta, na-touch lang ako
masyado, lalong lalo na yung ginawa nung lalake sa huli? Alam mo yon? Yung dinalan
niya yung babae ng bulaklak habang suot suot niya yung damit na mukhang Principe?
Yung pinakita pa nga niya sa buong school yung ginawa niya doon para doon sa babae.
Haha! Sorry Russell ah, ang low ko. Kasi wala lang! Alam mo yun?" ;D

Okey po, nababaliw na ako.

"Bakit? Naiinggit ka ba sakanila?" Medyo natatawa rin si Russell, so ako na rin.

"Parang ganun na nga."

"Nia, pwede ba kitang matanong? Anong favorite color mo?"

"Bakit?"

"Basta."

"Orange. All time fave color ko yun, bakit nga?"

"Alam mo, wala ka naman dapat ipagselos diyan sa movie na yan. Malay mo diba, may
isang lalake na may bigay sayo ng bulaklak at gawin pa niya yung katulad ng ginawa
ng lalake na yon. Diba?" ;)

"Oo! Sa panaginip! Gusto ko kasing maramdaman na isa akong Princesa. I guess lahat
naman ng mga babae gustong maramdaman yun diba? Hehe. Pero pangarap ko lang talaga
yun!"
"No, I gues not."

Napatingin si Russell saakin ng maigi. "Oh, kain na!"

"Alam mo, ang weird mo!" Weird nga nito, paano naman parang may iniisip na tawang
tawa siya. Bahal na nga 'to...

Tawang tawa nanaman ako. Naiisip ko kasi si Prince yun tsaka ako. Kaya na-touch
lang ako masyado sa movie.Nainggit kasi bakit ganun sila ka-sweet at hindi kami
ganun ni Prince? Psh, kung sana lang yung ugali nung lalake ay kaugali ni Prince.
Siguro kung ganun man eh ma-fe-feel ko na isa na niya akong Princesa. Matching na
sana, Prince ang pangalan ni Prince. Edi magiging Princess nalang ako! ANG GULO!

Eh basta, wish ko lang gawin saakin ni Prince yon - pero asa naman ako. Sobrang
asa...:(

***********************

On the next day...

Buti nalang wala si Prince kahapon sa mall at di naming siya nakasalubong o nakita.
Shooo. Napaaga ata ang pagpunta ko dito sa school dahil iniiwasan ko yung tatlong
tao na makasabay ko. Unti unti ng napupuno ang buong klase at quadrangle ng mga
estudyanteng papasok. Wala lang flag ceremony ngayon. Kahit Friday, kinansela
(cancel) ng VP dahil merong morning ceremony yung mga kindergarten, tsaka may
activity din sila ngayong umaga.

"OMGGG!! TIGNAN NIYO YUNG NASA LABAS!"

Anak ng kalabaw, baka may sunog!

Yung mga kaklase ko kasi pumunta sa gilid ng bintana ng corridor na kaharap ng


classroom, parang nagkakagulo at naghihiyawan pa yung mga babae! PARANG MAY SUNOG
NGA! O kaya baka may nag-rarambulan doon, malay ko kung ano!

"Excuse me! Alis diyan!" Syempre naman ako rin makiki-osyo-syo sa sunog na yun!
Haha! Di maari na hindi ako makasali noh, gusting gusto ko kasing makita ng
nasusunog na ----

"HOMAAAYGAWDDD! ANG SWEET NIYA!"

"GRABE NA 'TO! HOLEEE!"

"MAHIHIMATAY NA AKO TO DEATH!"

May nakita akong isang lalakeng nagngangalang Mr. Russell Sanchez na nakatayo sa
harapan ng building at nakatungon sa bintana. Nakatingin, nakangiti at may hawak
hawak ng isang bulaklak na color Orange habang suot suot niya ang isang parang
pang-Principe'ng damit. Nakakatitig siya sa isang babae, sa isang babae na minsan
nangarap na maging isang Princesa.

At ang babae yun ay ako. :-[

Episode #26
~ He's like an orange rose.

Ilang minuto lang ang tinagal ng mga sigawan ng mga ibang kaklase ko at ang ibang
mga ka-schoolmates ko sa isang movie na pinapanood na nila ngayon, ang 'CHARMED'
unrated version starring: Nia Garcia as Princess Yenna, Russell Sanchez as Prince
James & Prince as the dakilang ka-love triangle slash servant!

HIYAWAN, TINILIAN, KILIGAN ang nangyayari ngayon sa campus ng St. Mary's College sa
tapat ng St. Joseph's building. Halos lumindol na sa kakasigaw nila dahil sa
sobrang pa-kilig ni Russell saakin. OO NAMAN. Aaminin kong kinikilig ako pero nag-
aalala ng konti dahil imbis na magsaya ako at pumunta sa baba para komprontahin si
Russ sa ka-sweetan na ginawa niya saakin, di ko magawa.

Nakita ng dalawang mga mata ko na NAKITA NI PRINCE lahat ng mga ginawa saakin ni
Russell. Kahit man nasa pinakagilid siya at pinipilit parin niyang magtago, nakita
ko parin siya. Anong itsura niya? Di ko ma-determine kung nagagalit ba siya o
naasar. Paano ba I-describe ang mukhang nababanas?

"Hey Nia, ang swerte mo kay Russ ah."

"Nia! Kamusta naman ang pinaka-sweet mong boypren?!"

"How I wish na yung boyfriend ko ginawa din saakin yun. Alam kong corny pero di mo
maitatanggi na sweet din diba?"

Ng dahil sa ginawa ni Russell, bigla ba naman akong dinumog ng mga kaklase kong mga
babae at pinag-chi-chika ako to the max. Malapit ng mag-time at mag-bell at ito
ako, pinapaligiran ng mga kaklase kong gustong maki-"IN" sa babaeng naging --
SIKAT? :o

Hala, advantage din 'to ah, parang unti unti na nila akong pinapansin! NAMAN! WRONG
TIMING! Kapapasok palang ni Prince sa classroom at umupo na siya sa upuan niyang
mag-isa sa gilid, mukhang pula ang nakikita kong aura niya dahil mukhang galit.

"Nia."

Dumating na si Russell sabay abot saakin ng orange na bulaklak.

"Tignan mo, nagkatotoo yung wish mo na sana may gumawa sayo nito, sabi ko kaso eh,
ayaw mo pang maniwala."

"Tha-thank you so much Russell.."

Moments muna namin ni Russ 'to, nandito si Prince at HAHAHA! Titignan ko muna
reaction niya, aba, biglang nagbasa ng libro doon sa sulok? Grabe naman ang pagka-
loner ng ginagawa nito. Pwede naman siyang makipag-usap sa mga ibang kaklase naming
ah, bakit parang pinipilit niyang maging busy ngayon? Dapat tignan niya 'tong mga
nangyayari 'to!

"KIIISSSSSSS!! KISSSS NAMAN DIYAN!"

Sabi ko na nga ba na ihihiyaw ng mga kaklase ko yang sentence na yan. Ganyan naman
ditto sa Mapagmalasakit. Basta yung mga "couple" ganyan ang request nila. Itong si
Russell naman mukhang on na on sa dare ng mga kaklase kong nawawala na sa tamang
pag-iisip.

Mukhang gagawin niya, mukhang handing handa na siyang makipaghalikan saakin. Huling
tingin ko nalang kay Prince, nagulat ako dahil ang multitasking na ginagawa niya eh
sobra sobra! Nagbabasa ng libro habang may sinusulat sa notebook tapos may
tinatanaw sa labas habang may kinakalikot sa loob ng bag niya!

Paano niya nagagawa yun? Kakagulat!

Di kaya ginagawa niya 'to para ma-destruct siya at para di niya makita yung mga
kababalaghan na nangyayari dtto sa loob ng classroom ngayon?!

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingg~!*

"Okey class! Sit down. The class has started!"

***********************

Gusto ko lang naman maramdaman ni Prince na MERONG totoong nanliligaw saakin. Kung
iniisip niya na wala at talagang loner ako, nagkakamali siya. Ganyan naman ang pag-
trato niya saakin diba? Yung tipo bang lagi akong iniiwan at lagi akong binabali-
wala lang? Parang tina-trato niya akong isang nilalang na wala sa mundo, para akong
alien kung baga. Doon siya nagkakamali.

Lunch na at nakapila ako ng mag-isa dito sa cafeteria para bumili ng pagkain. Di


kasi nakapag-luto si mama ng baon ko kaya bibili nalang ako. And besides, hindi
naman laging meron akong may dalang baon, at least dalawang araw bumibili ako. Kasi
naman may mga nang-iinvade sa mga luto ni mama lagi.

Si Ian. Siya lagi ang umuubos lagi ng mga baon ko pag malapit na sa kalahati pag di
na ako makahinga, tinatanong niya lagi saakin kung pwede ko ba daw pakain yun
sakanya.

Napatigil ako sa pag-subo ko ng lugaw. Na-mi-miss ko tuloy si Ian ngayon, na-mi-


miss ko rin si Gale. Mag-isa lang kasi ako na nakaupo ditosa lamesa ng caf, loner
nanaman habang inaalala kung nasan na sina Gale at ang aking bespren.

Kahit isang araw lang ang walang communication naming tatlo, mairap parin. Para
bang pag di ako kumain ng pagkain ng isang araw, kini-crave mo na yung mga
masasarap na pag-kain na yon, parang ganun sila saakin.

Bakit ko ba kasi sila inaway. Ang tanga ko naman kasi eh..

"Is this seat taken?"

Napatigil ako sa kakatulala at nakita ko sa harapan ko si Russell na may hawak na


tray na may lamang mga pagkain.

"Oh, hey. Nope, pwedeng pwede kang umupo!"

At umupo nga siya. Nagtaka lang ako kasi di niya kasama yung dalawang kaibigan niya
ngayon. O baka naman siya mismo ang umalis sa grupo nila para lang makasama ako
ngayong lunch?

"Bakit ka nag-iisang mag-lunch? Nasan na yung dalawang lagging kasama mo?"

"Ah, wala - may pinuntahan sila!" sabay tawa ko at tingin ko sa ibang direction
pagkatapos sumubo. "Eh ikaw? Bakit wala kang kasama? Nasan na yung dalawang
kaibigan mo din?"

"Actually dapat may meeting akong pupuntahan ngayon, suppose to be dapat


nagmamadali akong kumain dahil 15 minutes before time kailangan ko ng pumunta doon.
Gusto lang kitang samahan lalo na nag-iisa ka dito. I don't want to see you so
lonely. " :)

Di parin niya ako tinatantanan sa ka-sweetan niya.

"Thanks nga pala kanina Russell. Tama ka, natupad nga yung pangarap kong yun, ng
dahil sayo. Maraming salamat. Nakakahiya naman sayo, baka nahirapan ka pang hanapin
yung bulaklak na yon para saakin."

Napangiti ako sakanya, siya rin napangiti saakin. Nag-ngingitian kami ngayon at
feeling ko aakyet na yung MALAMIG na something sa mukha ko. Kinikilig ba ako? Oo,
kinikilig ako. Pero bakit tuwing si Russell ang kaharap ko eh nilalamig ako? Kilig
ba dapat ang tawag doon? Diba dapat nang-iinit ka pag ganun?

"Baka hindi na tayo makapag-usap mamaya. Nia, gusto kitang imbitahin sa bahay ko,
bukas ng hapon, after school. Wala lang, tambay lang tayo sa bahay ko. Gusto mo ba?
Wala mama ko bukas kaya solong solo natin yung bahay. Gusto mo panoorin natin ulit
yung Charmed? Ano? " :)

Aba, mukhang balak na talaga akong solohin ni Mr. Sanchesz ah. Nanlalamig na talaga
ako! Charmed parin ang iniisip!

"Oo ba! Basta magdala ka lang ng maraming popcorn ah, okey?" XD

"Kahit isang damukal pang popcorn ang hihingin mo, ayos lang saakin." Tumingin si
Russell sa wrist watch niya. "I'll just call or text you Nia. Talk to you later."
Hinugot niya yung tray niyang may pagkain parin. Ni hindi niya ginalaw yung mga
pagkain na nakalagay doon, sinayang niya yung oras para lang makausap ako, imbis na
kumain nalang siya eh iba ang inatupag niya.

Ang sweet talaga.

Aba, may automatic smile agad ako sa bibig ko! Bakit? Nakita ko kasi si PRINCE. Di
ko alam kung bumibili ba siya o nakiki-osyo-osyo nanaman saakin, pati pa ba dito
gagawin parin niya yung mga ka-hibangan niya?

Ma-testing nga. >=] Tumayo ako sa kinauupuan ko sabay pagpag ko sa palda ko.
Naglakad ako papunta malapit sa tindahan, malapit kay Prince. Deadma effect ako na
may pintang pagkayabang ang mukha ng tinabihan ko siya sa mahabang pila.

"Hmmmm. Ano kayang magandang bilin? Chocolate medium or Mango medium? Or large?"
Aba, pa-deadma effect din 'tong Prince ko.

"Ano kayang magugustuhan ni Russel doon? " ::)

"Bakit ka ba nakapila dito? Doon ka sa likod ng pila, singit ka."

Narinig lang na binanggit ko yung pangalan ni Russ nag-react na! "Pag hindi ka
umalis sa tabi ko susumbong kita sa guard."

"Kinakausap ba kita? For your information, di kita kinakausap at kinakausap ko lang


sarili ko. Bleh! Bahala ka na nga diyan, inggit ka lang kasi eh, ako bibili ng
Chocolate medium para kay Russell, eh ikaw? Siguro bibili ka lang ng mineral water
diyan ano? Para kanino naman yung mineral na yun? Kay Anna siguro?"

"Kung aawayin mo lang ako, better leave me alone."

"Bakit parang galit ka? Galit ka ba saakin? Ay...wawa naman ang Prince ko, nagalit
saakin? Bakit kaya? Siguro sa ginawa ni Russell saakin kanina ano? Ay, di kaya nag-
se-selos na yung IBA diyan?"

Galit na talaga si Prince saakin! Haha! "Hay nako, makaalis na nga dito, baka mag-
be-bell na! Bleh!" :P

"H-Huy Nia! Alanghiya babae 'to, bumalik ka nga dito!"


Tumakbo na ako paalis habang tumatalon na parang batang maliit sabay belat ulit sa
INGGETERO.

Aba'y pagdating ko sa bahay nung makauwi ako mukhang inggetero din ang pinapamukha
ni Prince saakin. Nasa labas ako ng garahe after school kasi pinapaarawan ko yung
orange rose na binigay saakin ni Russel. Inamoy ko pa nga ng paulit-ulit at
inexperimentuhan ko kung totoo ba 'to o hindi, kasi meron bang ORANGE ROSE? Red
dapat ang rose diba?

"Mabango naman, bakit parang FAKE?"

No, di 'to peke! Bakit naman siya magbibigay ng fake sa totoo lang? Mayaman naman
si Russell ay makakabili naman siya ng mga ganitong weird na bulaklak para saakin
right?

"Kahit anong gawin mo, hindi yang mabubuhay ng ilang linggo. Baka nga bukas patay
na yan."

Lumingon ako sa kaliwa sabay tingala ko sa itaas ko. Nakita ko si Prince na


nakatayo sa gilid ko. For the fact na naka-upo kasi ako sa sahig na parang
"tumatae." style ang pagkakapo, nasilaw ako sa araw at hindi ko masyadong nakita
yung mukha niya.

"Kung aawayin mo lang ako, better leave me alone." Gaya gaya ba? Nang-aasar lang
naman. :P

"Balita ko na nag-away kayo ni Ian?" Napatingin ako agad sakanya.

"Pano mo nalaman?"

"Halata naman eh. Napansin ko lang siya kahapon na parang problemado. Parang di
mapakali at hindi niya alam ang gagawin niya. Magpapaturo sana ako sakanya kaso
wala sa mood. Iniisip ko na ikaw ang may kasalanan."

Napatayo ako sabay burangot ko sa pagmumukha ni Prince habang hawak hawak ko yung
orange rose SABAY TUTOK KO SA ILONG NILA! >:(

"Hindi ako. Sila! Di naman ako ang may kasalanan nun. Sila ang nag-plano plano diya
tapos akin mo i-be-blame yung nangyari? Unfair naman siguro na iwan nalang nila ako
ng ganito lalong lalo na kung may topak ka, sino nalang ang makakasama ko sa future
kung wala silang dalawa? Eh kung mawala ka pa kasabay nila, sino nalang? Sabihin mo
nga saakin."

HOLY PWET. =X

Na-slip nanaman ang mga sentences ko! Sa totoo lang sa tinatagal tagal ng panahon
ni ko pa talaga nasasabi na mahal na mahal ko siya or may gusto talaga ako sakanya,
basta kailangan di niya muna malaman 'to lalo na sa sitwasyon namin ngayon!

Tinititigan niya ako ng masama sabay lapit niya ng mukha niya ng dahan dahan sa
mukha ko. "Alam mo may napapansin na talaga ako sayo eh, di kaya...ikaw, Nia, may
gusto saakin?"

Biglang uminit ang paligid, feeling ko sasabog na yung BULKANG MAYON! Lahat ng INIT
at kaba umakyet sa mukha ko. "Namumula ka, may lagnat ka ba?"

Dahan dahang hinawakan ni Prince yung noo ko, nung oras na yon bumalik ang eksena
kung saan ko siya unang nakilala. Napahawak ako ng mahigpit sa stem orange rose
dahil narinig ko grabe na talaga ang pagtibok ng dibdib ko, ilang minuto nalang
sasabog na talaga ang BULKANG MAYON!

"Araaaay~!"

Sa sobrang higpit ng pagkahawak ko, nasugatan pa ata ako sa isang matulis na


nahawakan ko sa stem ng orange rose. Dumugo yung hinliliit ko!

"Patingin nga! Ikaw kasi eh!" Hinugot niya yung kaliwang kamay ko sabay tingin at
examine niya dito sa kawawang hinliliit ko na may sugat. "Dapat kasi yang mga
ganyang tipong bulaklak TINATAPON kung nagpapasugat lang ng mga tao."

Dumaan ang hangin, dumaan ang mga anghel dahil imbis na pumutok ang bulkan, lumipad
na ako papuntang langit. Nawala yung sakit sa hinliliit ko dahil sa mga tingin lang
niya at sa moment naming dito sa garahe. Oo na ang corny ko na, pero talagang
ganun!

"W-Wala! Wala akong gusto sayo!"

OH HINDEEEEE! Bakit ko sinasabi 'to sakanya! Ang sakit, tagos sa puso ko!

Aalis na sana ako kaso hinawakan niya yung braso ko para matigil ang pag-wa-walk
out ko sakanya. "Yung narinig ko dati na pinapag-usapan niyo ni Anna. Na kahit ano
ang gagawin mo para lang saakin. Hindi ako nagkakamali dahil sinabi mo lahat yon
sakanya. Sinabi mo na mahal na mahal mo ako. Tama ba?"

Ang init! Sobrang init. :o Napapikit nalang ako sabay hawak ko sa orange rose ng
sobrang higpit nanaman. Shiet, ang sakit nanaman at mukhang nasugatan nanaman ako.
Di ko na pinansin yon, basta ang makaalis lang dito ay ang tangi kong dapat gawin.

"Bawal ng tumakbo ulit. Sabihin mo na saakin ang dapat sabihin."

Hindi ko bubuksan ang bibig ko hanggang di ako makaalis dito sa kinakatayuan ko.
"Kung tama ang sinasabi ko, bibitawan mo yang rosas na hawak mo."

Bakit ba niya ginagawa 'to? Ng dahil ba sa ginawa ni Russell kanina at nakita na


niya na talagang seryoso na siya saakin? Hindi ko parin mabitawan yung orange rose,
kahit sobrang sakit na ng kamay ko di ko parin kayang mabitawan. Ayoko.

"Di ko bibitawan 'to pag hindi mo saakin sinasabi kung ano talaga ang nangyayari
sainyo ni Anna." Naramdaman ko na parang lumuwag yung pagkapit niya sa braso ko, at
pinakawalan na niya ako.

"Pinapa-sweldo ako ni Anna. Pinapa-sweldo para ako ay mapasakanya."

Nanghina yung tuhod ko sa sinabi niya. Tama pala ang hinala ko sa narinig ko sa
loob ng washroom, si Prince nga ang pinapag-usapan nila.

"All this time na magkasama kayo LOKO lang pala yon? Wala ka talagang gusto
sakanya?" Natawa ako ng malakas.

"Bakit ngayon mo lang sinabi 'to ah? BAKIT NGAYON LANG!? Kung kelan malala na! Sa
dinami-dami ba naman ng mga pwedeng pasukan na trabaho diyan ka pa sa Anna na yan
nag-papa-sweldo! Ayos ka rin ah, ano ka hostess?! Humanap ka naman ng magarang na
trabaho, hindi mo lang alam kung ano ang dinulot nitong gulo na inumpisahan mo! Ang
tagal tagal na nito tapos ngayon mo lang ibubulgar saakin, wala na, nandito na yung
sakit eh!"

Muntik na akong mapaiyak, salamat naman at napigilan ko. Bakit naman ako iiyak
ngayon sa sobrang galit ko? Galit na galit ako sobra.

"Nakikita mo 'to?"

Pinakita ko yung orange rose sakanya. Gusto kong makita niya ang kulay nito, kahit
nagdudulot man 'to ng sugat, ang tingkad parin ng kulay at masaya parin tignan.
Parang si Russell.

"Didiligan ko 'to at aalagaan ko hanggang sa katapusan ng buhay niya." at doon na


ako umalis.

Episode #27
~ ang pagtatapat sa loob ng kadiliman.

Ang tindi ng ulan ngayong Sabado ng umaga. 6 o'clock akong nagising ng biglaan.
Hindi kasi ako mapakali tignan yung cellphone ko, kanina ko pa tinititigan dahil
iniintay kong tumawag o mag-text si Russell. Natawa tuloy ako sa nangyayari saakin
ngayon. Dati naman di ko naman iniintay na tumawag siya, ngayon parang unti-unti na
akong nag-iiba.

Tumayo ako galing sa kakahiga ko saaking medium sized pink bed at naglakad ako
papunta sa study table kung saan nakalapag ng malayang malaya ang Hello Cookie Love
at ang puting notebook na may titolong 'The Prince Investigation Project.' Dapat
kahapon magususulat ulit ako dito, kaso nawala nanaman ako ng gana.

Updated na updated na yung diary ko. Halos lahat ng mga nangyayari saamin ni Prince
nitong nakaraang buwan, nakasulat na. Yung magaganda mas lalo ko pang pinapaganda,
yung mga pangit, ginagawa kong magaganda - ayan parin ang ginagawa ko. Tungkol
naman sa 101 questions na iniimbistiga ko, 50 na yung mga nasasagutan ko. Kalahati
nalang matatapos na.

Hawak hawak ko yung ballpen ko habang nakatingin ako sa mga notebook na 'to,
nagbuntong hininga at sinubukan kong mag-sulat. Susulat ko na sana yung nangyari
kahapon saamin ni Prince, kaso parang may bumubulong saakin na wag ko ng ituloy
yung pagsusulat ko dito.

"Ano ka ba KAMAY magsulat ka nga!"

Feeling ko talaga may nag-co-control sa kamay ko at ayaw ako pasulatin!

"KAPE! KAILANGAN KO NG KAPE!" Tamang tama. "Kopiko!" hinugot ko yung candy na nasa
tabi ng pencil case at kinain ko agad yun. Nag-umpisa ulit akong tumitigid sa diary
ko habang hawak hawak ko yung ballpen.

Ay lintek na buhay wala parin akong masulat!

Ng biglang nag-vibrate yung cellphone ko. Nabigla ako kasi baka si Russell na yun!
Nagkakamali pala ako, si GALE ang nag-text at nag-Hi-Hi lang saakin. Kailangan ko
bang replayan siya? Di na ako nagdalawang isip pa at ni-replayan ko si Gale sa
dahilang gusto ko na siyang makausap.

Tulog na tulog parin si Mama nung bumaba ako sa sala, nag-ingat akong makalabas sa
pintuan papuntang garahe para makipagkita kay Gale. Ang kulimlim ng langit at
mukhang uulan ng malakas. Pati nung nakita ko si Gale na nakasandal sa harapan ng
screendoor nila ay katulad din ng langit ang mukha niya. Nagdadalawang isip pa nga
ako kung lalapitan ko ba siya o ano.

"Insan.." Napatingin siya saakin, malungkot at mukhang nalilito.


"N-Nia~!" Nagulat siya saakin na tila di niya ako narinig at nakitang naglakad sa
harapan niya. "P-pwede ba kitang yakapin?"

"Yakapin? Huh? Bak--" Di pa ako tapos magsalita niyakap nga niya ako.

"Nia, I'm so sorry sa mga nagawa ko sayo. Alam kong naging selfish ako and
everything, pero sana wag ka ng magalit saakin, ang bilis naman ng pangyayari ng
bigla tayong nag-away tapos di ka na namamansin diyan tapos--" inalis ko siya sa
kakayap.

"Wag ka ngang magsalita muna diyan insan dahil ako naman ang may kasalan ng lahat
eh. AKO ang nag-overreact sa sinabi niyo ni Ian. Kaya ako ang selfish hindi ikaw.
Di ko iniisip ang sitwasyon niyo kungdi iniisip ko lang talaga ang sarili ko. Dapat
ako mag-sorry."

"Sigurado kang hindi ka na galit saakin? Eh kasi kung galit ka pa...Nia~!"

Niyakap nanaman niya ako. Syempre gulat na gulat ako kasi at first place, di ko
alam kung bakit niya ako niyayap ng ganito. Parang di siya mapakali. "HUY! Wag ka
ng mag-drama diyan Gale ano ka ba? Ano bang ginagawa mo ah?"

"Na-consensya ako sa naging away natin. Kung itutuloy pa namin yung mga plano namin
baka ikaw naman ang mawala. Masaya nga kami, pero ikaw naman ang hindi." Parang
napapaluha na siya habang sinasabi niyo ito. "Kahapon ng gabi napag-desisyonan ko
na na siguro kakailanganin muna namin ni Ian ng space sa isa't-isa. "

"ANO?!" Tinanggal ko ulit siya sa kakayakap at tinignan ko siya sakanyang mga mata
na gulat na gulat. "W-wag mong sabihin---"

Nag-nod ng malakas si Gale. "Makikipag-break na ako sa bestfriend mo!" sinabayan pa


niya ulit ng yakap.

"Nababaliw ka na ba? Halika nga at mag-usap tayo!" Sa huling pagkakataon, inalis ko


siya ulit sa yakap niya sabay hatak sakanya papunta sa isang bench ng garahe at
pinaupo ko siya doon sa tabi ko.

Galit ako. Siguro ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito siya ngayon, bakit
SILA nagkakaganito. Nag-aalala at nalilito, pareho na kami ng nararamdaman. Humarap
ako kay Gale ng seryoso.

"AYOKO. Ayoko nga! Wag mo naman seryosohin yung gagawin mo Gale, kung kelan naman
ako makikipagbati sainyo may nangyari pang ayaw ko. Sino at bakit mo naisip yun?
Wag mong sabihin si butete ang nag-isip nun kungdi SUNTOK ang aabutin niya saakin!"

"Hindi!" Nagpakita na yung mga luha ni Gale sabay punas niya dito. "Ako ang nag-
isip nito, wala siyang kinalaman dito, basta ang ginagawa ko lang ngayon ay
iniiwasan siya. Ilang araw ko na rin siyang iniiwasan simula nung nag-away tayo.
Kahit man ganun, iniisip parin kita insan. Kasi ikaw ang mas mahalaga!"

"Loka loka!"

Binatukan ko siya para magising na siya sa katotohahan. "Nasan na si Ian ngayon?


Siguro nagdudusa na yun noh! Wag ka ngang ganyan, sige ka hindi ako makikipagbati
sainyo hanggang di kayo nagbabati. Naman oh, bakit ba ganito?!" napatayo ako at
nag-lecture sa harapan niya. Yung bibig ko parang gusto ng maglabas ng mga
hinanakit. "Ayun na ata ang pinakatangang gagawin mo Gale, ng dahil saakin ibubuwis
mo pa yung pagmamahal mo sa bestfriend ko. Hindi mo na kailangan ako intindihin
dahil alam ko naman kahit HINDI natuloy yung plano niyo magiging LONELY parin ako.
Siguro hanggang mamatay na akong ganito. LONELY!"
"Sabi ka naman ng sabi ng lonely diyan eh nandiyan naman si Prince. Nagkakaayos na
naman kayo ah, just be patient Nia at mapapasayo din siya sa lalong madaling
panahon." Napatingin ako agad sakanya. Nung narinig ko yung pangalan na yun di ko
naiwasang magalit at malungkot. "Kung nagkatuluyan kayo ni Prince ako naman ang
tutulala sa harapan niyo. Ako naman ang magiging lonely."

"Di mangyayari yun." :-\

"Huh?" curious na pagkatingin ni Gale saakin.

Nagbuntong hiningan ako sabay upo sa tabi niya. "Oo, nagkakaayos na nga kami. Kaso
mukhang di parin magbabago dahil lagi naman siyang nagagalit saakin. Alam na nga
niyang may gusto ako sakanya pero di parin niya ako maintindihan. Para bang ayaw
niyang pag-usapan yung tungkol saamin, binabalewala lang niya. Kahapon tinanong
niya saakin kung ano daw ang totoo, di ko siya sinagot. Alam ko, ang gulo na
nangyayari."

"So hindi mo pa nasasabi sakanya directly? "

Umilang nalang ako. "Nia, diba sabi ko sayo one time wag mo ng pansinin kung anong
mangyayari? Kung ganon, edi ganun! Sabihin mo na kasi para matigil na yung problema
mo." hinawakan niya yung kamay ko sabay tingin saakin. "Sabihin mo na habang di pa
nahuhuli ang lahat."

Biglang tumahik at parang pareho na kaming naiiyak. Ako naiiyak dahil na-touch ako
sa sinabi niya, mas lalong nakaka-encourage. Siya naiiyak dahil hindi ko alam.
Basta naiiyak na kami. Mga babae nga naman ang e-emotional. Siguro di 'natin'
mapipigilan yon.

"OO! SASABIHIN KO NA SAKANYA!" Apektado kami sa makulimlim na langit at sabay


kaming nagyakapan. At doon ko na naramdaman na biglang umambon.

"Teka, teka lang. Anong sasabihin mo na sakanya?"

"Yung alam mo na."

"Sabing ayoko eh! Tara na nga pasok na tayo sa loob at mag-re-ready pa ako! Umuulan
na!" hinatak ko siya papunta sa loob ng bahay namin.

"M-mag-ready saan!?" ???

***********************

"Osige, osige, so mga 11:45 nandito ka na? Madali ka namang makakapunta dito kasi
naka-kotse ka diba? Oh okey, haha. Oo. Yup. Basta doon ka mag-park malapit sa sari-
sari store. Doon kita iintayin. Okey, see you later. Bye Russell." Katatawag palang
ni Russell at papunta na daw siya dito in no time. At ako naman ay nag-re-ready na
saaking kwarto para sa susuotin.

"Gale, anong mas maganda dito? Yung blue or yellow?" Nakaupo si Gale sa higaan ko
at busy sa kakapindot sa cellphone niya. "So sino yang ka-text mo at di mo
sinasagot yung tanong ko?"

"Yung bestfriend mo." nagbuntong hininga si Gale sabay bato niya ng cellphone niya
sa may unan ko. "Basta ayoko siyang pansinin!"

"Baliw!" >:( hinugot ko yung yellow shirt ko na may printed 'Hamburger' at kinuha
yung cellphone niya. "Kung di mo sasagutin 'to ako ang sasagot. Gale naman wag mo
na kasing pahirapan sarili mo. Tapos na yung awayan natin. Makipag-bati ka na kay
butete."

"Eh paano na yung plano? Basta ayoko."

"Diba nga sabi ko ituloy niyo nalang? Okey na saakin yun." kinuha ko yung brush ko
at nagsuklay ako.

"At sino naman ang nagsabi sayo na iwasan mo si Prince at sasama ka pa diyan
Russell?"

"Psss, di ko naman iniiwasan si Prince. Sasama lang ako kay Russell ngayon, pupunta
kami sa bahay niya. Mag-chi-chill, yun lang." ::)

"YUN LANG? Para kay Prince di yun lang ang ma-re-react niya. Baka ka nga magalit
yun eh! Wag ka ngang pumunta doon."

"Ano ka? Nakakahiya naman kay Russell." tumayo ako at kinuha ko yung pantalon ko.

"Hala ka Nia, di mo lang alam na unti unti ka ng nagbabago. Kala ko ba loyal ka kay
Prince?" ???

"Loyal nga ako. Syempre minsan di mo rin mapigilan na di maging loyal. Tapos sa
sinabi pa niyang binabayaran siya nung bruhang Anna na yon para maging boyfriend
niya, talagang magagalit ako doon. Sino bang hindi?"

"Binayaran?"

"Long story short, binabayaran ni Anna si Prince para mapasakanya siya. How great
diba?" kinuha ko yung bag ko at inaayos ko na yung mga dadalin ko. "Basta ang gulo.
Di ko nga alam ang gagawin ko Gale. Parang na-hihibang na rin ako katulad mo. Oo,
gusto ko parin si Prince na parang nag-aayaw na ako! Ganun nararamdaman ko eh!
Siguro kailangan ko na talagang masabi sakanya, di na ako makapaghintay. Oo!
Sasabihin ko na sakanya!" all set up na pala ako. "Sige Gale wish me luck!"

"Wait lang! Kala ko ba kay Prince ka pupunta eh bakit paalis ka papunta kay
Russell? Ang gulo mo nga!" ;D

Magulo nga ako. Tawang tawa nalang ako sa sinabi ni Gale saakin. Suppose to be nasa
kapitbahay ako at nagtatapat kay Prince tungkol sa pagmamahal ko sakanya, nandito
ako ngayon at nakatayo sa gilid ng kalsada at naghihintay kay Russell. Ang lakas ng
ulan sobra. Sabi nga ni mama saakin na wag na daw akong tumuloy dahil mukhang
babagyo pa. Pero ako ang mismong nag-refuse sa utos niya.

"Dali, dali! Baka mabasa ka!"

Ang gentleman talaga. Lumabas pa siya sa loob ng kotse niya at pinagbuksan ako ng
pintuan. Wa-epek naman yung pag-payong niya sa sarili niya dahil nababasa rin siya
- saakin kasi nakatutok.

Madali kaming nakapunta sa bahay niya kahit traffic man sa daan. Ang bilis kasing
mag-drive nitong si Russell at parang gusto gusto na talaga niya akong i-uwi. At
doon naman ako tawa ng tawa sakanya nung nasa daan palang kami. Kasalukuyang nasa
harapan na kami ng entrance door ng mansion at binubuksan niya ito.

"Pangalawang beses mo palang pumunta dito diba? Noon di ka pa nakakalibot ng


mabuti. Ngayon pwedeng pwede na." nabuksan na niya pintuan at bigla ko nalang
naramdaman na hinawak na pala niya kamay ko.
"Tara."

Isang tour ang ginawa ni Russell sa buong mansion. Ang sala, guess room, garden at
ang simpleng kwarto ni Prince palang ang nakita ko dito. Way beyond that pala ang
makikita ko pag nilibot mo ang ilang kilometro nito. Nagulat ako dahil sa sobrang
laki. May ganito palang kalaki na bahay sa Pilipinas? Wow. Ngayon ko lang nalaman
yun ah! Ang huling bagsak naming ay sa entertainment room kung saan nandon ang
kanilang magarang na Plastma TV.

"NAMAN! Magkakano naman ang bili niyo sa TV na 'to?" Tumakbo ako sabay haplos sa
shiny big TV. As usual manghang mangha ako. Ngayon lang kasi ako nakakita nito
eh. :D

"I don't really know. Basta nandiyan nalang yan."

"Bigla nalang nandito? Ang galing naman nun, sana may ganun din kaming TV yung
biglaan nalang nandiyan. Sana gawin na rin nilang plastma." Natawa si Russell ng
malakas. "Oh anong nakakatawa doon?"

"You're really funny." ;D "So what do you want to watch? Meron kaming lahat dito.
Action to drama. Mamili ka nalang." nakatayo sa tabi ng isang cabinet na malaki si
Russell at ang laman nun ay todo DVD.

"WOW. Lahat ba yan original?"

"I don't know."

"I don't know nanaman?" sabay tawa ko. "Ako rin eh napapa-I don't know sayo. Wag
nalang tayo munang manood." umupo ulit ako sa sofa. Naiilang ako ngayon dahil bukod
sa kami lang dalawa ang nandito sa mansion, manonood pa kami ng movie. Ayoko namang
dumilim nanaman yung ilaw, baka kung ano pang mangyari. =X

Tumabi saakin si Russell at may pinakita. "Here, I just bought 'Charmed' diba yan
ang sabi mo? Ang panoorin natin ulit yan?"

"Grabe ka ah! Talagang binili mo yan?!" kinuha ko sa kamay niya at tinignan. "Ito
nga yon. Salamat Russell!" Ngumiti ako na parang bata na binigyan ng isang
lollipop.

"So anong gusto mong gawin?"

"Nandito na rin tayo Russell. May sasabihin ka ba saakin?" Ang awkward diba? Gusto
ko na kasing malaman ang masasabi niya kay Prince, o kaya saaming dalawa pwede na.
Naghahabol ako ng seryosong usapan ngayon. "Related ba kayo ni Prince?" Kahit alam
kong ALAM ko na na-related sila, tatanungin at tatanungin ko parin sakanya.

Natahimik siya, alam kong nagulat rin siya sa tanong ko at hindi niya pinahalata.
"What are you saying? Prince? Nia, what do you mean?"

"Narinig mo naman yung tanong ko diba Russ? Related ba kayo?"

2nd question is enough. Sana sagutin niya ako.

Episode #27 - Ang pagtatapat sa loob ng kadiliman. (continuation)


« Reply #952 on: May 18, 2008, 02:14:54 pm »
Reply with quoteQuote
Episode #27 (Continuation)

"NO."

Kitang kita naman sa dalawang mata ko na dati nung first time akong pumunta dito
nakita niya na nakita ko si Prince dito ah. NAG-SERVE pa nga siya sa harapan naming
dalawa. Tapos i-de-deny pa niya na hindi sila related?

"You saw him one time in here right? He's just my FRIEND that's all. But not now.
Mahabang kwento."

"Hindi lang one time Russ, TWO times already. I saw him nung birthday mo. Russ?
Nagsisinungaling ka ba saakin? Ano bang meron sa pagitan niyo ni Prince? Hindi ako
naniniwalang magkainigan lang kayo. Naalala mo ba na tinawag ka niyang 'sir' sa
harapan ko noon?" Gusto ko ng malaman kung ano ang masasabi niya tungkol sa awayan
nila.

"Im saying the truth." Pasigaw niyang sinabi yun. "(Sigh) Look, bakit mo ba
tinatanong 'to? We're suppose to be chillin' here right? Don't change the
atmosphere, let's do what we're suppose to be doing."

Siya nga ang nag-iiba ng atmosphere at iniiba niya yung usapan para di naming
mapag-usapan yung tinanong ko.

"Wait lang, mag-CCR lang ako." Tumayo ako sa harapan niya at umalis muna sa loob ng
kwarto.

Napasandal ako sa pintuan sa labas sabay buntong hininga ko nanaman. Bakit ba


parang ako nalang lagi ang nag-uumpisa ng away? Tapos kay Russell naman ngayon?
Lahat na ata inaaway ko.

"Nia, maging mabait ka!"

Si Prince kasi Kasalanan niya 'to. Kung makakaaway ko siya, makakaaway ko rin iba.

ANG TINDI NG CHAIN REACTION.

"PRINCE?!"

I swear! Parang bigla ko siyang nakita. Minumulto ba ako?! :o

Multo? Eh hindi pa naman patay yung taong yun ah, bakit ako mumultuhin nun? Ilang
minuto may narining akong kumuskos at footsteps ng isang taong naglalakad.

Nakakatakot naman, naudlot tuloy ang venue ko papuntang CR kasi feeling ko may
multo dito sa mansion. Babalik na sana ako sa loob ulit kay Russell kaso na-curious
ako at sinundan ko yung tunog kung saan yun. Ang tindi ko sa pandinig at
pinakinggan ko yun hanggang sa pinakataas. Nakapunta ako ng second floor - kung
saan nandon ang kwarto ni Prince. Doon ko talagang naririnig yung ingay eh.

Nyak. May mumu pala doon?! Wag na nga! Natatakot ako eh!

"Anong ginagawa mo dito?"

"P-Prince?!"

Aalis na sana ako dito sa tabi ng kwarto ng pintuan niya kaso bilang nag-appear
siya harapan ko. "I-Ikaw ang dapat tanungin ko kung anong ginawa mo dito? HOY!
Sinusundan mo ba ako!? Ano? Sinabi ba ni Gale sayo kung nasan ako ngayon? Nako...si
Gale talaga!"

"Walang sinasabi si Gale saakin. Nandito ako para may kuhaning mahalaga."
Nilagpasan niya ako at pumasok na siya sa loob ng kwarto niya.

Sinundan ko naman siya sabay sara at lock ko ng pintuan.

"Di mo ba alam na nandito si Russell? Bakit ngayon mo lang kukuhanin yung kukuhanin
mo at hindi dati nung wala siya. Teka, sinusundan mo talaga ako eh!"

"Sige mangarap ka lang diyan." Nakakabanas talaga 'to! Hindi pa tumitingin saakin
dahil busy na busy pa siya doon sa hinahanap niyang kung ano man yun! "Got 'ya."

Naki-osyo-osyo ako sa hinahanap niya. "Ano ba yan?"

"SECRET.." :P

"Eh kung gawin ko kayang hindi secret ang pagpunta mo dito?" Susumbong ko na talaga
siya kay Russell bahala siya. "Well goodbye and goodluck!" aalis na sana ako
kaso...

"A-ANONG~!" Hinatak niya ako papunta malapit sa malaking cabinet niya.

"Kailangan natin magtago, may naririning akong parating~!" bulong niya.

"BUWANG KA BA? Wala naman akong naririnig eh!"

"Ang kulit mo rin noh?"

Nanalo siya at sinunod ko naman ang hiling niyang magtago kami sa loob ng cabinet
niya. Damulag ang cabinet at himalang nagkasya kami. May isang natitirang damit sa
loob at ayun ang nagsisilbing harang saaming dalawa kung saan magkaharap kami
ngayon. Madalim, OO. Ni mukha niya di ko masyadong makita yung mga mata lang niya
at konti nung bibig. Yun lang. Siguro same way din siya. Great. We're trapped.

"Wow. So saan na yung parating mo?"

"Hindi ako bingi at may narinig talaga ako." Sumilip siya sa labas.

"Maghihintay ba tayo dito hanggang bukas? Baka hinihintay na ako ni Russell doon,
bahala ka nga nga diyan. Sinasayang mo lang oras ko dito." Bubuksan ko na sana yung
pinto kaso pinigilan niya ako.

"LEAVE ME OR DIE." Aba, paganito, ganito nalang siya ah!

"Ako lang naman ang aalis di ka naman kasama. Kung gusto mo mag-stay ka dito
hanggang ako naman ay nag-de-destruct kay Russell doon sa baba, ako na bahala
sakanya para ikaw naman ang makaalis dito okey?"

"BAWAL." Aish, ang tigas ng ulo. "Dito ka lang bawal umalis. Pag umalis ka PATAY ka
saakin tandaan mo yan."

"Tsss. Weirdo!"

"Shhh~! Wag ka ngang maingay. Kitang nag-co-cover up tayo dito tapos ang lakas
lakas pa ng boses mo diyan. Gusto mo bang mahuli tayo nun?"

"Oo, gusto ko."


"Ikaw ang weirdo eh. Ano ba kasing ginawa mo dito sa mansion kasama yung lalakeng
yun? Nagpaalam ka ba sa nanay mo? Mukhang hindi eh, ikaw ang susumbong ko.
Pagkatapos natin magtago dito uwi na tayo."

"UWI NA TAYO? So ngayon pinapauwi mo na ako? Hindi ako pwedeng umuwi, may gagawin
pa kami ni Russell."

"Ano? Makikipaglandian maghapon?"

"Bakit ka ba ganyan makasalita sakanya at saakin?" Buti nalang di ko masyadong


nakikita yung mukha niya. Di ko nakikita yung kakapalan.

"Tungkol kahapon." Halos bumulong na siya. "Hindi ko naman sinasadya na magalit


sayo, o sa bulaklak na yon. Allergic lang ako sa mga bulaklak kaya gusto kong
ipatapon na yun sayo."

"Allergic?" natawa ako. "Allergic sa bulaklak o allergic kay Russell? Prince naman
I-clear mo naman yun oh!" ;D

"Allergic sa bulaklak. Narinig mo naman ako diba? Tss. Wag ka na ngang magsalita
diyan baka marinig pa tayo sa labas."

"Hindi ako titigil sa kakasalita hanggang hindi pa ako tapos sa sasabiihn ko sayo.
Prince, may sasabihin ako sayo, kailangan kang makinig saakin." Huminga ako ng
malalim at inalala ang sinabi ko kay Gale kanina na. Sasabihin ko na ba sakanya
ngayong kami nalang talaga ang nandito at mukhang wala ng hahadlang pa? "Nung
tinanong mo kahapon at nung narinig mo. Tumakbo ako noon para layuan ka kasi
natakot ako sayo...." isang malaki at mahabang breath in breath out ang ginawa ko.

"Natakot akong malaman mo na may gusto ako sayo."

Kabaong. Kailangan ng ihanda ang kabaong ko dahil ito na, nasabi ko na sakanya ang
dapat sabihin na dapat NOON pa niya nalaman at naintindihan. Noong first day of
school pa lamang nung una ko siyang nakilala. Ngayong nasabi ko na, ano na kaya ang
mangyari? Sasaya ba siya? Magugulat ba siya? Magtataka ba siya? Magagalit ba siya?
Ano na? Iniintay ko pa rin siyang sumagot.

"KALOKOHAN."

Sa tagal niyang sumagot yun lang?

"Para sayo kalokohan. Para saakin hindi. Kaya napapansin mo namang HIBANG ako sayo
diba? Ito na, ngayong alam mo na may gusto ako sayo, ano ng gagawin mo? Magalit ka
kung magalit pero intindihin mo rin ang nararamdaman ko sayo at seryosohin mo 'to,
there's no backing up. "

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na nahuhugot ko sa mga sinasabi ko
sakanya. Hello?! Siya si PRINCE. Si Prince na noon nahihiya ako, si Prince na noon
nagpapakabata pa ako. Si PRINCE na noon speechless pa ako. Ngayon kung ano na ang
iniisip ko yun na ang nalalabas ng bunganga ko.

Sa kadiliman ko lang pala masasabi sakanya ang lahat ng di ko masyadong nakikita


yung mukha niya. Siguro doon ko nakuha ang lakas, sa dilim.

Nagtitigan kami at ni isa saamin di na nakapagsalita. Iniintay ko siyang magsabi pa


ng sasabihin, siguro siya rin ganun ang iniintay. Sa paghihintay namin ng sabay
doon na kami tumahimik. Tahimik kaming napatingin sa labas ng sabay dahil may
narinig kaming parang may nagbubukas ng pintuan.
Nagsitingingan kami sa isa't-isa agad. Di naman pwedeng magsalita kasi maririnig
kami. Nabisto na ata ang kwarto nito ni Russell. Alam na niyang may tao. Tapos
bigla pang nag-ring yung cellphone ko at tumunog ng malakas dahil sa tawag niya. =X

Nag-lip sync ako kay Prince na umalis na siya para di siya makita! Eh anak ng
teteng yun din ang sinasabi niya saakin na mauna na daw akong umalis.

Huli na nung nakapasok na si Russell sa loob ng kwarto. Napapikit nalang ako sa


takot na baka madatnat niya kami dito sa loob ni Prince na nagtatago.

ANG HIRAP NG FORMATION! Umupo ng maayos si Prince at pinilit niyang tignan parin si
Russell sa labas na parang galit. Naririnig ko na parang binubuksan na si Russell
yung cabinet. Naka-lock yun at pinipilit niyang buksan! Ito na ang kinatatakot ko!
Nakapikit nalang ako at iniwasang hindi makita ang susunod na mangyayari.

Ang susunod na mangyayari na pagbukas ni Russell ng cabinet!

"NIA?.....PRINCE?"

BISTADO! :o

Episode #28
~ his childhood reminiscences.

Hindi ko alam kung gusto kong umalis, tumakbo o bigla nalang mag-wala paalis dito
sa loob ng kabinet kung saan nanlalaki ang mga mata ni Russell kung bakit kami
nandito magkasama sa loob ng dilim. Dapat talaga iniwan ko na 'tong si Prince dito
dahil dakilang katangahan nga naman ang magtago sa loob ng kabinet.

Obvious naman ang taguan spot na 'to at meron namang ibang lugar na pwedeng pwede
kaming magtago, at safe pa.

So ano nalang ang gusto ni Prince na mangyari?

"Nandito ako para hanapin ang mga litrato ko. Nahanap ko na kala ko tinago mo."
Sinabi niya ito habang dahan dahan siyang umaalis sa loob. Tila hindi nakinig si
Russell sa sinabi niya dahil alam kong nagtataka parin siya kung bakit kami
nagtatago sa loob.

Ako rin sumabay na sakanya. Ayoko namang maiwan dito sa loob at kailangan ko rin
siguro ng malaking explanasyon kung bakit ako nagtatago kasama siya.

Tumawa nalang ako ng malakas, sobrang lakas na para na akong nahihibang. Ito ata
ang reaction ko pag masyado na akong nagpapanic at in trouble, lalo na pag ganito
ang sitwasyon, sitwasyong IPIT. "Ah .. ano ... actually, may hinahanap din ako,
yung ja-jacket ko! Oo! Yun yung hinahanap ko! Sa-sandali lang ah!" ;D

Sa sobrang kaba ko, di ko na namalayan na hinahanap ko na pala yung dapat hanapin


na sinasabi ko sakanila. Natulala sa pagtataka yung dalawa dahil si dakilang tanga
ay halughog ng halughog sa lahat ng parte ng kwarto para mahanap ang non-existing
jacket.

"I swear~! Nandito lang yun kanina." ;D

Sabay tawa nanaman. Gustong gusto ko na talagang makaalis dito sa loob ng kwarto,
hindi lang ata dito sa loob ng kwarto, kungdi sa loob ng mansyon. Halos di na
gumalaw sa pwesto sina Russell at Prince at ang tingin ni Prince ay para pang
naghahanap ng away.
"Tara na, umalis na tayo." Nakaluhod ako dito nung hinugot ni Prince yung braso ko
patayo.

"Te-teka lang .. " Napatingin ako kay Russell. Ayoko namang iwan siya ng biglaan na
parang kinidnapp nalang ako ni Prince palayo sakanya. At first place, dapat kami ni
Russell ang magkasama ngayon at hindi ang tanga na nagpasimula na mag-tago kami sa
loob ng kabinet.

"Sabi kong tara na!"

"Prince bitawan mo nga ako!"

Ang higpit ng hawak ni Prince sa braso ko. Ako at si Russell na dapat nagtanggol
saakin ay wala ring nagawa. Biglaan nalang lumabas ang init ng ulo ni Prince sa
pangyayari na parang naging siya nanaman ang hari ng mundo na siya dapat ang
masusunod kungdi paparusahan niya kami saaming sala.

"Hoy Prince~! HOY!" >:( Nasa kalsada na kami ng mansyon, at 'tong si Prince lakad
ng lakad na parang ma-la-late pumunta kung saan. "Tumigil ka nga! Huminahon ka lang
ang sakit na ng paa ko!" Kahit ano namang sabihin ko eh hindi parin tumitigil.

"Saan ka ba pupunta?!" Kailangan kong sumigaw dahil sa layo niya, baka hindi niya
ako marinig. At kailangan ko rin sumigaw sa dahilang galit ako. "Hindi naman diyan
ang papunta sa jeepney stop! Wrong way ka! Sira ka ba?!"

Tumigil siya sabay harap saakin. Galit na galit yung itsura niya, sobrang galit.
Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Lumapit siya saakin.

"Pwede bang tumahimik ka nalang? Sundan mo nalang ako kung saan ako pupunta."

"Kasasabi ko lang na hindi po diyan ang way papunta sa jeep --" Nabigla nalang ako
sa pag hawak niya ng kamay ko sabay hatak saakin papunta kung saan.

"Hoy Prince! Ano ka ba!"

"Sino ba kasing nagsabi na pumunta ka diyan sa mansyon na yan Nia huh? Wag ka ngang
pupunta diyan. Wag kang pupunta hanggang wala akong permiso. Dapat sasabihin mo
muna saakin para hindi tayo nagkakaganito!"

"Sa-sabahin?!" Hingal na hingal na ako, para kaming naghahabol ng kung ano na hindi
naman kailangan. "Sira ka rin noh? As if naman makikinig ka saakin!"

This time, napalakas na yung boses ko. Ni ako muntik ng mahulog ang eardrum.

Natigil nanaman siya at humarap siya saakin. Galit na galit siya, hindi yung
klaseng galit kanina mas malala pa doon na na-iimagine ko na umuusok yung ilong
niya na parang red bull. Nag-make a fist siya, nakita ko yung kamay niya sa ibaba.
Halos suntukin na niya ako.

"Simula ngayon, makikinig ka na talaga saakin. Simula ngayon, mas susundin mo na


yung mga sinasabi ko sayo. Kung hindi mo sinunod, aalis na ako sa apartment ni Ian.
Nakuha mo ba?"

Dahil ba sa bulaklak ni Russell kung bakit nagkakaganito siya? O dahil ba sa hindi


ko sinabi talaga kung saan ako pumunta kung bakit nagkakaganito siya?

Mukhang hindi eh, siguro sa dahilang sinabi ko na sakanya yung totoong nararamdaman
ko kaya gusto niyang ngayon siya na ang may authoridad saakin.
Alam na alam ko ang tawag sa parte na 'to, nag-se-selos na siya!

"HAHAHAHAHA!" Yung tawa ko sobrang lakas na parang wala ng bukas. "Aba. Aba, aba."
Inikutan ko si Prince at tinignan siya from head to toe.

"In fairness, nakakatulong talaga si Russell, yung rosas at yung pagtago naming sa
loob ng cabinet sa mga nangyayari satin ngayon, hindi kaya .. yung ibang tao diyan
unti unti ng nahuhulog sa piling ko? Well, maybe, totoo nga. Ayan na ang mga
senyales eh." isang tawa pa ng mahinhin.

"Hindi kaya may gusto ka na rin saakin?" Bulong ko sa tenga niya. ^-^

Gulat at galit ang pinakita niya saakin. Mukhang di siya makalakad sa kinatatayuan
niya at nanigas siya sa sinabi ko.

Sus, bakit naman niya ginagawa 'to, ano siya ... GUILTY?

"Eh kasi naman .. hindi pa umamin yung iba diyan!" Hinugot ko yung hawak niya.
Isang photoalbum ata ito, basta hinugot ko at nilayo ko sa mga kamay niya.

"Akin na nga yan, sabi kong akin na eh." Mukhang pinipilit niyang hindi sumigaw at
magalit, pero halata parin sakanya.

"Kasasabi ko lang na ako na dapat ang masusunod, akin na yan." Ang pormal ng hiling
niya at bumalik na ata siya sa 'normal' state.

"Hindi ko bibigay sayo 'to hanggang di mo sinasabi na mahal mo rin ako! Bleh! Nye
nye nye nye nye! Kailangan mo muna akong ... habulin!" :D

At sa oras na yon, tumakbo ako ng mabilis paalis, sineryoso ko na talaga ang


paghabol niya saakin.

"Papatayin na talaga kita Nia!"

"Habol Habol Prince! Kill me if you can!" ::)

***********************

Para akong nagkahika sa ginawa kong paglayo kay Prince, and it's a success dahil
ang bilis ko talagang tumakbo, ginamit ko lahat ng mga kapangyarihan ko na asarin
siya. Imbis na ang same way pa-uwi galing sa mansion ni Russell ang kinuha ko, sa
short cut ako dumaan na ni isang tao, walang nakakita saakin. Isa akong shadow na
napadaan lang sa iskinita na yon.

"Ha, ha, ha, ha. Kawawang Prince, na-nasan na kaya yon." Nagtago ako sa gilid ng
black gate namin. Nag-inggat parin baka kasi nalaman ni Prince yung secret eskinita
na tinakbuhan ko.

"Nia?" Ng makita ako ni Bespren na bigla nalang pumasok sa loob ng gate.

"Bu-butete?! Dalian mo pumasok!" :o Hinatak ko siya papunta sa loob sa tabi ko at


sinara ko agad yung gate. "Diba meron ka ring susi sa gate na 'to? Dala mo ba? Kasi
baka bingay mo kay Prince just in case, mahirap na lalo na ngayon --"

Natigil ako. Hindi dahil sa kaba ko na makita ako ni Prince dito, kungdi dahil
kausap ko si Ian na dapat hindi ko kinakausap ngayon.
"Ah .. uhm, sorry." Sabay kamot ko ng ulo. "Sorry Ian, hinatak hatak pa kita dito,
sige na, makakabalik ka na doon." Tinapik ko yung balikat niya, isang indikasyon na
talagang pinapaalis ko na siya sa tabi ko.

"Nandito na rin tayo, di muna ako aalis." Umupo rin siya sa sahig tulad ko. Nahiya
ako bigla at pinakita ko na ang totoong reaction pag nakita ko siya: Malungkot.
"Nia, mula sa puso ko, sana -- "

Napatingin agad ako sakanyang napaka-kesong sentence. "Kung mag-sor-sorry ka na,


tatanggapin ko na ang sorry mo. Dapat ako ang mag-sorry dahil ako yung namali sa
lugar."

Hindi ko na pinatapos yung sentence niya kasi baka matawa ako ng malakas. "Bespren
naman! Bakit ba ang corny mo? May mula sa puso, mula sa puso ka pang nalalaman
diyan." Ayan na, di ko na napigilan sabay tawa ko na ng malakas sa harap ng mukha
niya.

"Sira ka talaga, hindi mo ba alam na yung sentence na sasabihin ko sayo eh pinag-


isipan ko ng .. ng ISANG LINGGO? "

"The hell? Di naman ako ganun kagalit sayo ah." Tumawa ulit ako. "As if naman sobra
nalang ang naging away natin at kailangan mo pang gumawa ng tula diyan."

Natigil ako sa katatawa dahil imbis na matuwa na si Bespren dahil ganito lang kami
kadaling nag-bait at nag-usap, ito pa siya at pinapakita ang galit na mukha niya.
"Sus. Sige na nga bespren, complete your sentence." ::)

Ngumiti siya sabay sabi "Nia, mula sa puso ko, hanggang mamatay ako, tandaan at
intindihin mo ako na nandito ang puso mo na nakatatak sa puso ko. Sana patawarin mo
ako at mag-bati na tayo .. my one only bestfriend." Pinipigilan kong di tumawa sa
sobrang cheesy ng sinabi niya saakin! XD Ang sama ko naman pag tinawanan ko lang
siya. Yung ngiti ko na nakita niya at halos patawa na rin.

"I LAB YOU BESPREN!" :'( Niyakap niya ako hanggang di na ako makahinga.

"Wag ka ngang OA diyan Ian! Haha! Parehong pareho talaga kay ni Gale." Hindi
tumagal ang friendship hug na ginawa ko sakanya sa dahilang may isang katiti-ting
akong naalala.

"Uhm, bespren." Tinignan ko siya sakanyang mga halos maluhang-luhang mata. "Kung
ano man ang nangyari sainyo ni Gale, sana wag kang bumitaw. Ang sabi ko nga
sakanya, magiging okey na ako pag natuloy ang pagpunta niyo sa Canada. Approbado ko
na yon at wala ng hahadlang sainyo. Mas gugustuhin ko naman isipin ang kasiyahan
niyo kesa saakin."

"Tama naman yung sinabi mo saamin. Paano ka nalang kung mawala kami? Diba promise
ko sayo na sabay tayong papasok sa college?" Yung grade school palang kami ni Ian,
pangako na nga naming sa isa't-isa na sabay nga kaming mag-co-college. Kahit saan
mang college yun, basta magkasama kami okey na.

"Kaya ko naman mag-isa eh, hindi na ako bata." ;D Natawa nanaman ako. "Tsaka bakit
ba natin pinapag-usapan ito? Ang tagal tagal pang mangyayari ang plano niyo?"

"Nag-sinungaling ako. Sabi nga naming na after college right? Pero sa totoo lang,
mas maaga pa ang gusto naming umalis. At yun ang .. after high school. Pagkatapos
nitong school year."

Halos manghina na yung mga tuhod ko. Nakakahinga na nga ako mabuti for the fact na
matagal pa yung plano nila. Ayun pala, mas lalong napaaga.

"Tinatakbo mo na yung mga papeles ko sa lalong madaling panahon. Inisip ko na rin


na siguro mas maganda doon na ako mag-college dahil hindi ko na naman masusustento
ang sarili ko mag-college dito. At ang plano na yun ay kasama parin si Gale. Kaso
lang .. mukhang nagkakalabuan na kami ngayon. Ilang araw na niya akong hindi
sinasagot. Mukhang nagalit siya saakin dahil siya ang may gusto na after college,
tapos pilit ko namang sinasabing doon nalang kami mag-college. Hay, ang gulo."

"Kahit anong gawin niya, ayos lang saakin." Ngumiti ako sakanya. "Gusto mo kahit
mismo ngayon umalis na kayo eh? Okey lang talaga saakin, seryoso."

"Bespren, anong --"

"Ganun naman ang sabi ng tadhana diba? Then may it be." Tumayo ako para mapigilan
ko na yung mga luha ko na dapat ngayon tumtulo na.

"Wag mo akong alalahanin bespren, KAYA KO 'TO! KAYA NATING LAHAT 'TO!" Tumayo na
rin si Ian ng dahan dahan sabay ngiti niya saakin.

"Nia Garcia, you're the best." :)

Touching moments na sana, DAPAT yayakapin ko na si bespren, kaso nung pagkita ko sa


harapan ng gate, nakita ko yung dalawang mga mata ni Prince na nakasilip sa taas ng
black gate. Mas malala pa sa kulay pula ang mga mata niya.

Mas may lalala pa ba sa kulay pula? Kung ano mang kulay yon, yun ang kulay ng mga
mata ni Prince ngayon! Sumigaw ako ng malakas sabay tago ko sa likod ni Bespren.

"Ian! Bespren! Tulong~!" :o

Hindi pala na-lock ni Ian yung gate mula nung pumasok siya, kaya nakapasok na ang
demonito. "Tumabi ka muna Ian pansamantala at kailangan kong makuha yang babae sa
likod mo."

"Wag~! Ian oh! Inaaway niya ako!" Mas lalo akong nagtago sa likod ni Ian na parang
isang maliit na batang natatakot humarap sa dentista.

"Teka, ano bang nangyayari dito?"

"Ninakawan niya ako ng bagay, ayon oh, yung hawak niya." Tumingin si Ian sa hawak
ko.

"At ninakawan naman niya ako ng sagot!" Sabay belat ko.

"Hindi ba sabi ko sayo hindi ko bibigay sayo 'to kung hindi mo pa nasasagot yung
tanong ko sayo? Simple lang naman ang tanong ko sayo, either YES or NO lang ang
sasagutin mo!"

"Tsss..nanguna ka pa diyan, ako naman ang unang nagbilin sayo na ako na dapat ang
susundan mo simula ngayon. Baliw ka."

"Baliw?" Umalis ako sa likod ni bespren at hinarap si Prince amano-amano.


"Nagsalita ang hindi. Ikaw ang nag-isip isip diyan na magtago tayo sa loob ng
cabinet, sabi mo may naririnig kang may papunta na doon sa loob ng kwarto, OO! May
papunta nga, kaso ang baliw mo dahil hinayaan mo lang tayo makaupo doon. Hindi mo
lang naisip na marami pa tayong oras magtago sa ibang lugar. Ayan tuloy nabuking
tayo. Ikaw ang hibang eh."
"Naisip mo pala na umalis doon. Bakit hindi mo ginawa ng maaga at nakinig ka naman
saakin?"

"Kasi nakikinig ako sayo! P-pilit mo akong pinapa-stay doon, edi nag-stay ako
doon!" >:(

"Ang labo mo rin noh? Akala ko ba ayaw mong sumunod sa mga utos ko rin sayo?"

Ni ako nalalabuan na rin sa away naming wala namang mapapadparan. Natulala si Ian
sa gitna naming dalawa - jaw dropped.

"Kung akala mo sinundan kita papunta sa mansyon, nagkakamali ka. May gusto lang
akong kuhanin doon na akala ko tinapon na ni Russell, at ang bagay na yon ay
mahalaga saakin. Kung hindi mo ibibigay saakin, parang nawala na rin yung isang
parte ng buhay ko. Bahala ka na, sayo nalang yan kung gusto mo."

Dahan dahan siyang umalis, kumati tuloy ang mga kamay ko na tignan ang laman nito.

"Anong sinasabi niyang cabinet tsaka anong sinasabi niyang --?"

***********************

Hanggang ngayon nakatulala parin ako sa isang medium sized 'ala' notebook na hawak
ko ngayon. Maniwala man kayo o sa hindi, kanina ko pa 'to tinititigan. Ayoko namang
buksan dahil parang natakot ako kung anong laman nito, kasi naman yung pagkasabi ni
Prince na mahalaga daw sakanya 'to.

"Hanggang kelan mo ba titignan yan? Baka matunaw na yan ah. Ako na nga ako
magbubukas!"

"WAG!" Hinugot at niyakap ko agad yung mahalagang bagay na yon. "Off limits! Kay
Prince 'to kaya ako lang ang may karapatang hawakan 'to. Ituloy mo nalang yung
mamon mo diyan, ubusin mo na rin yung juice mo. Ikaw nalang din mag-ubos ng
merienda ko."

"O mga bata, ito na yung isang mamon at juice pa. Hala sige Ian, kain ka pa, marami
pa doong mamon." ::)

"Salamat 'Ma, pero hindi na ako nagugutom, sayo nalang yung mamon." Sabi ko habang
tinititigan ko yung bagay na yun.

"Eh tita, kanina po ba yang isang mamon at juice na yan? Tapos na kayong kumain
diba ho ba?"

"Nako, para sa pamangkin ko yan iho."

"Pamangkin?"

"Nia, Tita! Nandito na--" Tamang tama lang ang merienda at complete na rin ang
barkada. "Nandito na rin ako ..."

Sinadya kong isama si Gale dito para makasabay niya si Ian maka-merienda. Ang
misyon ko ay mapagtagpo sila at makapag-usap muli. Sinabi ko na kasi kay Mama kung
ano ng namamagitan sakanila, todo supporta naman siya. Sabi nga ni mama, buti
nalang hindi si Ian ang may gusto saakin. Hinala niya kasi noon na si Ian ang
umaakyet ng ligaw, natawa nalang ako. Wala namang nakakaalam na ganito pala ang
dudulot ng The Nia-Ian-Gale story.
Episode #28 (Continuation)
(series of not edited pictures below, watch out for the links)

No one knows kung ano ang nangyari sa usapan nila Ian at Gale nung hapon. Sabi ni
mama hindi na daw siya naki-epal dahil mukhang mapapasama pa siya sa away nilang
dalawa. Hanggang gabi wala rin akong masabi at speechless ako. Hindi lang dahil sa
hook up na ginawa ko kanina, kungdi isa na rin sa rason ang 'mahalang bagay' ni
Prince kung saan hawak hawak ko ngayon.

Dahan dahan kong binuksan ang nilalaman at sa wakas di na rin ako nakapagpigil.
Akalain nga namang magugulat ka sa laman, mali pala yung iniisip ko na may
nakasulat ba doon o ano. Ayun pala, ang bagay na hawak hawak ko mula kanina ay
isang photo album.

Isang photo album na naglalaman ng mga baby pictures ni Prince.

Childhood Picture #1: Ang litratong napatigil, natuwa, at na-cutan ako sa itsura
niya. White top plus a white pajamas, tapos samahan mo pa ng isang maliit na
sapatos na color red. Out of style na nga, mukhang masikip pa yung pajamas. Cute.

Childhood Picture #2: Isang gulat na picture ni Prince. Hindi ko alam kung anong
kinagulat niya dito eh. Super Cute.

Childhood Picture #3: Same outfit from 'the gulat picture' with a burger king cap
difference. Super Duper Cute.

Childhood Picture #4: Dito medyo malaki-laki na siya. Siguro mga 4 years old na
siya dito. Red cap with a yellow jumper. Ako lang ba o kamukha niya talaga ang
kulay ng McDo dito?

Childhood Picture #5 & Childhood Picture #6: Same environment and outifit. Dito
talagang malaki na siya kompara ng ibang mga pictures. Nakakatuwa lang tignan ang
parteng 'to dahil ang ngiti ni Prince ay kung saan saan.

Childhood Picture #7: Ang pinakahuling litrato sa loob ng photo album. Hindi ako
nagkakamali pero kasama niya ang mommy niya dito.

Marami pang space na walang laman. 7 pages lang ang na-filled up sa buong album na
'to. Sa konti ng mga litratong yon, nakita ko kung gaano ka-saya at kung gaano
kalungkot ang kabataan ni Prince sa pagtingin palang sa mga ito. Ngayon
naintindihan ko na kung bakit pala mahalaga sakanya itong nag-iisang album na 'to
para sakanya. Dahil ito nalang ang natitirang ala-ala niya tungkol sa masayang
nakaraan at pati na rin sakanyang naiwang nanay. Pinipigilan ko nalang umiyak sa
sobrang lungkot habang tinitignan ko 'tong mga masasayang childhood pictures niya.

"Bakit ko naman kukunin 'to? Wala akong karapatang kuhanin ang isang munting
kayamanan mo."

Nakatayo ako sa gilid ng kama ni Prince kung saan natutulog na siya ng mahimbing.
Nag-break in ako ng walang permiso dahil gusting gusto ko ng ibigay sakanya ito.

Natawa ko ng mahinhin. "Ang cute mo talaga noon, not to mention." ;D

Dahan dahan kong nilapag yung photo album sa lamp table. "Dapat pag may mga
kayamanan ka, hindi lang pinapamigay kung kani-kanino lang... dapat tinatago yon at
pino-protektuhan. Hindi 'to saakin, dapat ibalik ko na sayo. Ikaw ang nanalo sa
away, natalo ako .. kaya ko namang maghintay ng sagot eh .. basta, ibabalik ko
nalang 'to sayo. Sorry ... sige na, happy sleep Prince ko ..."
Tip Toes akong naglalakad paalis sa loob ng kwarto to make sure wala siyang marinig
na ingay. Hahawakan ko na sana yung door knob para makaalis na, kaso ...

"Binigay ko na sayo ang album, take it. Inaasahan ko namang aalagaan at pro-
protektahan mo yan para saakin ..."

Hindi na ako nakagalaw at nanigas na ako malapit sa pintuan.

"Lalo na ngayon wala na akong inaasahan kungdi ikaw."

At doon na muntik yumanig ang mundo ko sa sinabi niya.

Mahabang mensahe ng manunulat:

ANAK NG KAMOTE AT YEMA! SA WAKAS MAY UPDATE NA RIN AKO!

Isang milyong paumanhin sa dahilang sobrang higpit ng schead ko at ngayon lang ako
naka-update. Sorry for that. Ayan ah, tinadtad ko nanaman ang update.

Si Prince ba yung bata o ano?

Kayo ang tumingin, tignan niyo ng mabuti at kayo ang magsabi saakin. ^-^

If ever may tanong kayo about all that childhood pics ni Prince (which is posted
above) don't hesitate to ask me. Wag niyo lang tanungin kung saan ko nakuha yan
dahil that is my secretong malupit. *evel laugh* Salamat mga BC readers at sana
bumalik kayo ulit! Sa mga silent readers, wag ng maging silent kungdi kukulamin ko
kayo isa isa. Joooooke.

Boo me for I have sinned. (:

Episode #29 - His Rebellious Past.


« Reply #1042 on: June 05, 2008, 09:26:16 am »
Reply with quoteQuote

Episode #29
~ his rebellious past

"Lalo na ngayon wala na akong inaasahan kungdi ikaw."

Inaasahan? Tama ba yung narinig ko na nanggaling sa bunganga niyang kay lambot, kay
kinis? Nanlaki yung mga mata ko sa paligid ng dilim. Pilit na iniintindi ng mabuti
-- pinapasok sa utak at sa puso na totoo yung sinasabi niya. Gising na gising pa
naman ako kahit 12:00 na ng madaling araw. Hindi ako nanaginip. Sigurado ako.

"W-what did you say?" Lumapit ako sakaya ng paunti-unti. Nakaupo siya sakanyang
malambot na kama at nakatingin parin saakin. "Wala ka ng inaasahan kungdi ....
AKO?"

Gulat. Yun lang naman ang naramadaman ko sa mga oras na 'to. Sino bang hindi
magugulat kung ang isang bato ay naging isang malambot na unan? Teka, masyado naman
ata akong nanghihinala na MAHAL NA AKO NI PRINCE. Pero hindi pa eh .. isang
sentence palang naman ang sinabi niya. Kung mahal nga niya ako, dapat may gawin
siya saakin pagkatapos niyang aminin- pero wala eh. Nandito lang siya at nakatitig
sa harapan ko, wala siyang ginawang "next move to kiss me." ika nga. Diba ayun
naman ang dapat mangyari?
"Magsalita ka." Umupo ako ng dahan dahan sa dulo ng higaan niya sabay dahan dahang
umaakyet sakanya.

"A-anong ginagawa mo?" takot niya.

"Ang sabi ko, magsalita ka pa." tuloy tuloy parin ang paggapang ng mga kamay ko
papunta sakanya. "Hindi pa sapat ang sinabi mo. Hindi pa klaro yun saakin~~"

"B-bakit ka gumagapang diyan?" kaba niya. :-X

Mas lalong dumilim ang paligid. Kumulog ang langit at pumatak na ang ulan. Ang mga
mata ni Prince ay naging owla na sa laki, pilit nilalagay ang sarili niya sa tamang
lugar. Habang ako ay seksing-seksi na gumagapang parin papunta sakanya ... papunta
sa kung saang parte ni Prince na gusto kong mahawakan....

"AYIEEE PRINCE AH! TAMA NA YAN!" tumawa ako ng makulit na halos nang-aasar na,
nakahinga siya ng mabuti dahil sa wakas tumigil na rin ako sa pagtakot ko sakanya.

"Sira ulo!"

"Di nga Prince? Totoo nga yung sinabi mo? " ganadong tanong ko sakanya. "Akin
nalang 'tong photo album na 'to? Bakit feeling ko hindi ka seryoso sa sinabi mo?
Diba parang sinabi mo na rin na you care about me? Edi parang ... parang kinompara
mo na rin akong isang mahalagang bagay sa buhay mo? Huy Prince! Magsalita ka nga
diyan! Sabihin mo na. Sabihin mo na na mahal mo ako! Na gusto mo ako! Totoo naman
diba? Please?" ::)

Nakakunot noo siya sa mga tanong kong mukhang mahirap sagutin. Bigla ba naman akong
tinalikuran sabay higa niya ulit sa higaan. Kinumutan ang sarili at nagtago.

"Matulog ka na, inaantok na 'ko."

Lumapit ako ng maiigi para makuha ko ang dulo ng blanket sabay bukas ko doon para
makita ko yung mukha niya. "Ano ba! Wag mo nga akong tulugan!"

"Wag ka ngang mang-istorbo. Kitang matutulog na yung tao." Hinugot niya ulit yung
blanket para matakpan niya ulit ang sarili niya. Pero pinigilan ko parin.

"Sige ka! Di ako aalis dito sa tabi mo hanggang di mo sinasabi na lab mo 'ko!"

Hindi ba masyadong cheesy yung sinabi ko? ::) Cheesy nga. Yung mukha ni Prince
biglang nangdiri na parang galit. Ang bilis ko naman ata .. shiet naman. Nakakahiya
naman 'tong ginagawa ko, pilit na tinatanong yun, malay mo, hindi naman talaga.
Baka mainis lang ako sa sasagutin niya. Lagi naman.

"Sorry." Lumayo ako ng ilang pulgada mula sakanya sabay simangot ko. "Gusto ko lang
naman malaman. Oo o Hinde, Yes or No. Maybe or I'm not sure. Kahit isa sa mga doon
wala kang masabi?"

Umupo siya ng dahan dahan ulit sa higaan at nakasandal siya ngayon sa pader.

"Pwede ko bang sagutin ay NA? Not applicable?"

"BANGAG!" >:( Binato ko yung unan sa pagmumukha niya. "'To naman, isang tanong
hindi masagot. Ang engeng mo naman."

"Yung photo album, sayo nalang talaga yan. Itago mo, wag mong papakita sa iba
lalong lalo na kay Russell. O kaya sa pamilya Sanchez."
"Bakit naman?" pagtaka ko. "Teka, teka, iniiba mo ba yung usapan?!"

"Dati muntik ng itapon o sunugin yan ni Russell. Tuwing makikita niya yan di niya
mapigilang magalit. Hindi niya mapigilang magalit saakin. Syempre, asar nga siya
saakin dahil nga sa pagkawala ni kuya Ralph. Nararamdaman ko na galit siya saakin
dahil sa isang rason na di ko alam."

"At ano naman yung rason na yon?"

"Hindi ko nga alam, pero may na-kwento saakin si Mr. Sanchez dati na may kinalaman
din yun sa kabataan niya."

Pareho na kaming nakatitig sa photo album, ano nanaman kaya ang sinasabi nito
saakin na galit si Russell kay Prince ng dahil sa ... sus. Ang gulo! Baka nga nag-
ma-make stories lang 'to si Prince para maiba na talaga ang usapan! Pipigilan ko
nga yun mangyari. Ito na eh, malapit na sana, kaso binibitin niya nanaman ako.

"Ano?! Yes or No?!" >:(

"Huh?" Sus, pasimpleng hindi alam ang nangyayari. >:( Hay nako, ayoko na. Ang hirap
hirap naman paaminin nitong lalakeng 'to. Kailangang magalit ka muna at magsawa
para sabihin niya ang totoo.

"Hmmmp! Bahala ka na nga diyan, chupe~!" Tumayo ang ng pagalit. Tapos bigla niya
akong sinundan. Tumayo rin siya.

"O saan ka pupunta?" tumingin siya sa ibang direction sabay kamot ng ulo niya.
"Hahatid kita sa bahay niyo."

"Hahatid? Eh diyan lang sa tapat yung bahay ko! Tsaka marunong naman akong
mangarate in case na may mang-aapi saakin ... kaya --- SIGE NA NGA PRINCE!"

Bigla kong hinugot yung braso niya at hinatak paalis ng kwarto niya. In fairness
talaga parang lasing si Prince ngayon ay nagi-ging sweetness overload siya ngayong
gabi ah. ::) Mukhang tulog na si butete dahil ang tahimik na ng apartment, kami
nalang gising. Hanggang nakaabot na kami mismo sa gate sa labas - doon na siya
tumigil sa kalalakad.

"Goodnight."

"Bakit hanggang dito lang? Samahanan mo akong tumawid."

"Lola ka ba para gawin ko pa yun? Mga lola lang ang mga tinutulungang tumawid!
Hindi ikaw. Sige na, pumasok ka na sa loob ng bahay niyo." tumalikod siya para
makabalik na.

"PRINCE!" nagbuntong hininga siya sabay harap saakin.

"May utang ka parin saakin. Hindi mo pa nasasabi kong lab mo ba ako o hindi. Pipi
ka talaga kahit kalian pagdating sa mga seryosong usapan. Kaya meron akong naisip
na solusyon sa mga magiging sagot mo. Kung may nagawa akong nagpasaya sayo at
nakita kitang NGUMITI, ibig sabihin nun mahal mo nga ako." magsasalita na sana siya
kaso nauna parin ako. "Tandaan mo yan Prince ah. Asahan mo ako, hindi ka na
kailangang ma-trap diyan sa totoong nararamdaman mo, ngayong madali ko ng
malalaman. Osige Prince, goodnight na rin sayo. And again, you can trust me.
Goodnight ulit!"

Tumakbo na ako papunta sa gate namin at tumigil sa gitna ng daan para magsabi ng
isang sentence pa.

"I LOVE YOU!" :) sabi ko sabay tawa ko ng "Hihihihihihi~"

Nang-iinit na ako kaya tumakbo na ako paalis, huli ko ng nalaman na nanlaki pala
yung mga mata niya sa sinabi ko dahil nung pumasok na ako sa loob ng gate, sumilip
ako sa labas para makita siya. Natulala ang loko. Ahihihihihihihi! ::)

***********************

Medyo makulimlim sa labas nung pag gising ko kinabukasan. Nagpunta sa simbahan si


mama for the fact that Sunday ngayon. Hindi ako sumama dahil sinabi kong marami
akong gagawin. Mid term na kasi sa school at ito, tambak nanaman ang mga homeworks
at projects ko. Napagpilian ko na gumawa ng mga gawaing pang-eskwela sa living
room. Yung isang ilaw kasi sa kwarto ko pundido na, hindi naman ako pwedeng kumapa
sa dilim.

Muntik ko ng hindi mapansin na nag-ring pala yung cellphone ko. Hinugot ito agad sa
gilid ko dahil may nag-text pala saakin.

Pwede ba tayong magkita mamayang lunch? I need to talk to you Nia.

from: Russell

091645321989. Ito nga ang cellphone number ni Russell. Naalala ko lang na iniwanan
ko lang si Russell ng hindi nagpapaalam sakanya. Alam kong matindi ang pag-aalala
niya saakin ngayong si Prince pa ang humatak saakin palayo sakanya. Tumayo agad ako
sa sahig para makapbihis. Hindi na ako nagdalawang isip kung hindi ako pupunta para
makapagkita sakanya, gusto ko. Kailangang kong mag-sorry sa katanghan na ginawa ni
Prince kahapon.

"Hay nako, nakakainis naman yan oh. Sabi ko gumising ng maaga eh." patungo na sana
ako sa black gate para makalabas na, kaso nakita si Gale na nakatayo sa gilid ng
screendoor nila at abalang abala sakanyang cellphone.

"Galietot!" :P

"Nia my byutipul insan! Goodmorning~!" sabi niya in joyful way sabay hug saakin.
Alam ko na agad na maganda ang mood niya ngayong umaga. At mukhang tama na ata ang
hinala ko na mukhang nagkaayos na sila ni butete.

"Oh-owww~ bakit kaya masaya yung iba diyan?"

"Masayang masaya ako dahil nagkaayos na kami ng bestfriend mo!" Sabi ko na nga ba
eh. Yung ngiti niya abot tenga.

"Achuz! Tignan mo rin, sus. Kung hindi ko pa ginawa yun siguro mas lala pa ang away
niyo, ako lang pala ang susi sa pag-re-reunite niyo ulit. Hay, wag na nga kayong
mag-away, ako lang ang ma-pe-perwisyo eh."

"Kaya nga iniisip ko pag wala ka away lang kami ng away." sabay tawa rin niya. "Ay
teka, saan ka pupunta? Tamang tama! Gusto kong lumabas kasama ka ngayon! Girl walk
and talk tayo ngayon, tara~! "

"Ay Gale sandali lang naman ---!" :o

Akala ko naman kung saan na niya ako dadalhin. Mabuti naman ang venue na gusto
niyang puntahan ay malapit na rin sa pupuntahan ko, kaya pinasama ko na siya. Sa SM
Manila kami pumunta ngayon. Kami lang dalawa, tinanong ko sakanya kung bakit hindi
kasama si butete - nagalit nanaman daw siya kasi late nanamang gumising. Kaya ito,
nauna na kaming pumunta dito para masolo namin ang umaga sa pag Girl walk and talk.
Hindi naman kami nagtagal sa shopping galore naming dahil hindi ko makakalimutan
ang pakay ko ngayong araw na 'to.

"What?! Makikipagkita ka kay Russell ngayon? Paano ako?"

"Oo nga Gale. Dapat talaga may pupuntahan ako ngayon, eh sumingit ka naman. Sorry
Gale ah, pero kailangan ko siyang makausap." Nandito kami sa pintuan ng resutaurant
kung saan nasa loob na si Russell at naghihintay para saakin.

"Kayo parin ba nun?"

"Basta Gale, promise ko sayo na sasabihin ko lahat ng mga nangyari saakin between
Russell and Prince. Kailangan ko talaga siyang makausap."

"Osige na nga. Lunch na rin, hahanapin ko muna si Ian kasi nag-text siya saakin
kanina na pupunta siya dito. Text nalang kita pag nahanap ko na siya. Kita kits
nalang ah. Goodluck nalang diyan sa manloloko na yan! Haha." ngumiti saakin si Gale
at inawanan na rin niya ako sa wakas.

Mamahalin ang restaurant na 'to, hindi sa fastfood chain ang pinili ni Russell na
destinasyon kung saan kami pwedeng magkausap - sa sobrang sosyal ng lugar, mukhang
bihira lang ang mga teenagers na nakikita ko dine at puro matatandang mayaman na
mukhang nag-me-meeting ang mga pumunta sa lunggang 'to.

"Hi Russell." :) Hindi niya ata ako napansin, laking gulat niya na nandito na pala
ako.

"Nia." tumayo agad siya at hinatak ang upuan sa harapan niya para makaupo ako.

"Thank you." umupo naman ako.

Parang hindi siya mapakali sa mga kinikilos niya. Nung pag-upo na pag-upo ko agad,
kinuha niya yung isang basong tubig sabay laklak niya doon. Naubos nga niya ng
isang diretsahan lang.

"First off, dapat pipigilan ko yang si Prince sa pagkuha niya sayo kahapon. It's
very unfair and rude to that seriously, but I was too shocked from what I've seen."
May isang waiter na naglagay ng tubig sa lamesa ko. Hinugot ko naman yun agad at
inumon ko rin, naubos ng kalahati. Kailangan kong uminom ng tubig dahil sa
seryosong usapan na 'to.

"Alam kong may gusto ka kay Prince," tumingin siya ng seryoso saakin. "Dati ko pa
yun alam, first day palang. Nakita ko na yung tula na ni-recite mo nung first day
of classes ay para kay Prince. Nakita kita, nakita kita na kung makatingin ka kay
Prince eh papaano nalang. Nagbubulaglugan lang ako na alam ko ang lahat dahil
ayokong magmukhang nag-se-selos at nagmumukhang kaawa awa."

"I'm so sorry Russ. Sorry dahil totoo yung sinasabi mo." Ito ba dapat sabihin? Ang
totoo? O dapat kailangan kong magsinungaling sa dahilang mapapasama pa ang usapan?

"Kung napansin mo noon na kasama ko si Prince nung 2nd day of class at noon nung
pumunta ikaw sa bahay ko. Hindi ako nagkakamali kitang kita mo siyang nag-serve
noon. True, kasama ko nga siya for the fact that he is my brother and True, ginawa
ko siyang alalay for the fact that I hate him so much."

Nakikita ko yung galit ni Russell sakanyang mga mata, halos hindi na ako makaimik
at makakurap sa mga pinagsisiwalat niya.

"Kinamumuhian ko siya. Pinatay niya yung kapatid ko. Pinatay niya." nag-form a fist
siya sa lamesa, hindi niya pinakita yung mukha niya saakin sa sobrang pagka-kutya.

"Ralphael Rae Sanchez ang pangalan ng pinakamahal at pinakamahalang tao sa buhay


ko. Frankly, I like him more than my Parents. Daddy is so domineering to me - gusto
niyang ako ang magmana ng companya namin at magpatakbo. Panganay nga si kuya Ralp
pero hindi na siya pwedeng magmana dahil meron din siyang sariling kompanyang
inaasikaso. Pati si Mommy, pilit nilang nilulugar ako sa ayaw kong lugar. Wala
naman akong magawa dahil hindi ko naman kayang magalit sa harapan nilang dalawa,
oras na ginawa ko yun, malalagot ako. Kaya nandiyan si Kuya Ralp saakin para
sumoporta. Siya lang yung taong nakakaintindi ng nararamdaman ko. Nakakainis sila
Mommy at Daddy, sobrang nakakainis." tumawa siya ng mahinhin pagkatapos.

"Nakakatawa nga, minsan binalak niyang kuhanin ako sa London noon para makalayo na
ako sa Parents ko, kasi doon siya nakatira kasama yung mapapang-asawa niya, gusto
niya akong mag-aral doon dati, gusto niyang doon ko nalang tapusin yung high school
ko." bumalik ulit ang galit sa mukha niya.

"Gustuhin ko man makasama siya, ayaw ng Parents ko - kungdi si Prince pa ang gusto
nilang papuntahin kasama si kuya Ralph dahil wala naman siyang aasikasuhing bagay,
siya nalang ang pinili. Malapit na silang umalis noon papuntang London para mag-
migrate - pagkatapos ng college graduation dapat ni Kuya Ralp ang schedule ng pag-
alis .. gusto ko siyang batiin dati ng isang congratulations, pero sa dami ng tao I
have no chance to talk to him. Instead, sumingit pa si Prince at dinala pa niya
yung Kuya ko kung saan ..."

Sa dami ng sinabi niya parang hindi ko na nakuha yung iba pero taimtim parin akong
nakikinig.

"At doon ko na huling nakita si Kuya. Si Prince ang dahilan sa aksidenteng yon
dahil siya ang tangang nag-drive ng kotse ..." mas lalong dumiin ang kamao niya sa
lamesa, mas lalong humigpit na gusto na niyang suntukin ito. "Gusto kong maghirap
si Prince sa kamay ko -- gusto ko siyang patayin - siya ang may kasalanan ng lahat.
Gusto kong maranasan niya yung paghihirap ko ngayon."

"Russ, I'm sorry." :-\

Mas matindi pala ang nararamdaman niya kesa kay Prince. Ngayong nasabi na niya
saakin ang side niya, naguguluhan ako kung kanino ba dapat ako kumampi. Kumampi ata
ang pinakamaling word na naisip ko dahil pareho lang silang nagluksa sa pagkawala
ni Ralph. Si Prince halos hindi niya matanggap yung nangyari at nag-sisisi siya.
Pilit niyang inaayos ang lahat. Habang ito namang si Russell, gusto pa ata niyang
guluhin ang sitwasyon at awayin si Prince ng tuluyan ...

Hindi ko naman ata magagawa yun na gaganun lang niya si Prince. Kailangang may
gawin ako para matapos na 'tong awayan nila. Matagal na rin ang pangyayari,
kailangan lang nilang buksan ang susunod na kabanta sa buhay nila dahil naiwan
nalang sila dito. Buong buhay nalang nila parang na-trap na sila dito.

Tatayo na sana ako para alalayan si Russell sa kalagayan niya. kaso nung pagtayo ko
nakita ko sa labas si Gale, kasama na pala niya si Ian at mukhang hinahanap na nila
ako kung nasan na ako. Hindi lang yon, kasama rin nila si ....

Prince?

"Nia? Huy! Nia!" Patay. Nahanap na ako ni Ian pagkatapos nagmadali siyang pumasok
sa loob para mapuntahan ako. Tumalikod ako agad sabay upo ko, nakaharap na ako kay
Russell kung saan siya naman ay gulat na gulat sa nakikita niyang nandito rin pala
si Prince. Napatingin saakin si Russell na parang naghihintay siya saakin kung
anong gagawin ko.

"Maybe I should go?" Pagkatayo niya, napatayo na rin ako.

Napaharap na ako sa harapan at ng nakita susunod ay magkaharap na pala sila Russell


at Prince. Ako naman ang babae sa gitna. Napatingin ako ng kaliwat kanan. Hindi ko
na talaga alam ang gagawin ko ngayon.

"No Russell, wag kang umalis."

Hindi napigilan ni Prince na magulat sa bilin ko.

Episode #30 - Is that a smile for me?!


« Reply #1070 on: June 18, 2008, 01:19:36 am »
Reply with quoteQuote

Episode #30
~ is that a smile for me?!
(Closing scene at the end of the episode)

Himila lang ata kung mangyayaring pumayag si Prince na umupo at kumain ng hapunan
kasama ako at ang kanyang "kapatid" na si Russell. Pinilit ko parin si Prince na
umupo sa tabi ko, gusto kong makapag-usap sila ni Russell ng masinsinan. Kahit
ngayon lang, kahit ilang segundo lang. Kahit "Hi" lang masaya na ako, basta maging
aware lang silang dalawa na merong parin silang pag-asang magbati.

"Ay~ uhm, Nia! May pupuntahan pala kami nila Prince! Diba Ian?!" nagpapanic na
pagkasabi ni Gale sabay siko niya agad kay Ian.

"Oo nga pala!" hinatak ni Ian yung braso ni Prince, pati na rin si Gale nakihatak
na rin - hinatak nila paalis si Prince ng sabay. "Tatawagan ka nalang namin Nia, o
ikaw nalang ang tumawag saamin pag tapos ka na diyan. May pupuntahan pa kasi kami,
sinamahan lang namin si Prince dito sa SM. Kaya sige! See you!"

Napanganga ako. Kung kelan ko naman feel enthusiastic na pagtagpuin at pag-reunite


'tong magkapatid na 'to eh doon naman nila ki-kiddnapin si Prince. Nakita ko rin
yung mukha ni Prince bago sila tuluyang umalis, yung mukhang "ayaw niyang umalis"
ang nakita ko - malakas ata ang feeling ko na gusto niya akong kiddnapin din, kaso
nauhan lang siya nila insan at bespren. Ano nanaman kaya ang iniip nung dalawang
ugok na yon?

"Sorry sa interruption Russ, tuloy na natin yung lunch natin."

Nagmadali akong bumalik sa kinauupuan ko, nahuling bumalik si Russell sa lamesa


nung napadaan lang yung waiter sa gilid ng lamesa namin. Tinawag ko kaagad yung
waiter para mag-order.

"Pwede bang mag-order ng isang dessert? Ube ice cream, yun nalang oder ko." hinugot
ko yung isang basong tubig sa harapan ko sabay laklak lahat sa laman nun. "Tsaka
padagdagan na rin 'tong tubig please. Salamat."

"Coming miss." That time, nakabalik na si Russell at nakita niya kung gaano ako ka-
panic. Nagpa-panic ako hindi dahil naki-epal si Prince dito, nagpa-panic ako dahil
kinakabahan ako sa masasabi nanaman ni Russell.
"You can leave me now if you want to."

Napatingin ako sakanya. Nakita ko sa mukha niya na parang nanghihinayang pa siya sa


sinabi niya.

"Bakit naman kita iiwanan? Ikaw ang kasama ko ngayong araw na 'to, at hindi yung
iba."

"Aalis na rin ako mamaya maya. Nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin sayo. Ayoko
lang kitang ma-confuse sa nangyayari - sana maintindihan mo rin ang side ko tungkol
sa sitwasyon namin ni Prince. Kahit ano atang mangyari, magiging kagalit ko parin
yung taong yon. Wala na talaga kaming pag-asa dahil matagal ko na siyang hindi
tinanggap."

"Meron pa namang oras na magkabati kayong dalawa Russell. Nandiyan pa naman ikaw,
nandiyan pa naman si Prince kaya --"

"I'm so sorry dahil hindi na talaga magbabago ang pagtingin ko sakanya But always
remember that, Nia...." dahan dahan niyang hinawakan yung kamay ko na nakapatong sa
lamesa. Tinignan niya ako diresto saaking mga mata. "Kahit alam ko man ang
pinakamasaklap, tandaan mo na hinding hindi parin magbabago ang pagtingin ko sayo
Nia. I wanna be with you, and that's what I'm going to do. Another battle has
begun. And this time, I'm going to win this."

Iniwanan ako ni Russell sa sobrang pagtataka at pag-alala, naglalakad ako ng


mabagal papunta kung saan sa halo halo ng mga inaalala ko, paano ko yun ma-so-
solusyionan at mapapalipas - ayun ang mahirap isipin. Lalo na ngayon nagsalita na
rin Russell tungkol sakanyang palagay. Mukhang magbubuhat pa ako ng isa pang pasan
sa sinabi niyang "labanan."

"Insan!"

Lumingon ako sa gilid kung saan makikita na ang maliit na food court ng SM Manila.
Nadatnan ko pala sila Gale, Ian, at si Prince na nakaupo doon. Imbis sa tumawag
saakin ang tignan ko, sa iba pa dumapo yung mga mata ko - nagka-eye to eye bakbakan
pa kami ni Prince.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko habang lumalapit ako sa lamesa nila. "Kala ko
sasamahan niyo yung isa diyan?" tumingin ako ng masama kay Prince sabay snob.

"Oo nga, may pupuntahan kami kaso si Prince eh iniintay ka dito, ayaw ngang umalis
dito sa food court. Hindi daw siya aalis ng hindi ka niya naki--"

"Ano ka? Sinong nagsabi sayo? Halika na nga bago ako mabulok dito." tumayo sa inis
si Prince at naglakad paalis. Tumayo na rin sila Ian at Gale sabay palibot saakin
left to right.

"Hala ka bespren, ang init yata ng ulo niyang si Prince."

"Eh bakit niyo kasi siya dinala dito? Nakita niya tuloy!" galit ko. >:(

"Hala Nia! Wag kang magalit, sumabay lang naman siya kay Ian pumunta dito, actually
dapat talaga si Ian lang pupunta dito mag-isa. Naki-hop in nalang si Prince kasi
may gagawin rin siya dito eh."

"Oo nga." Napatingin ako sakanila left to right.

"Ano bang pakay niya dito sa SM?"


"Naghahanap ng trabaho si Prince!"

"Trabaho---?" ???

"Yep, kaya halikana, let's support him!"

Sa kulit nitong dalawang kiti-kiti na 'to, napasama tuloy ako sa "job hunting" ni
Prince sa SM. Biglaan naman ang paghanap ni Prince ng trabaho ulit. Baka
nakakalimutan ko na na wala na siyang trabaho, bukod doon sa pagiging janitor niya,
wala na talaga. Back to Zero ngayon siya. Sa buong hunting, wala akong naitulong
dahil sina Gale at Ian lang ang tumulong magbigay ng mga copied resume niya. At ako
naman ang babaeng nakatunganga lang buong maghapon. Pati pag uwi ganun din, wala
rin. Parang na-shock of the century naman ako sa asal ko.

Kagagaling ko lang sa loob ng washroom dahil nag-shower ako. Gusto ko kasi fresh
ako bago matulog ngayong gabi, para ang mga masasamang espiritu ay umalis sa
katawan para meron akong rest in peace ngayong gabi. Magbibihis na sana ako kasi
biglang nag-ring yung cellphone ko sa study table. Syempre tinignan ko - may nag
miss call pala.

Pagkatapos, tinuloy ko nanaman yung pagbihis ko ng may nag-miss call ulit. Naman
yan oh, para naman akong gina-grudge, nakakatakot! Hindi ko pa alam kung sino yon
dahil hindi naka-register yung number niya sa phonebook ko. 09197865431 pa yung
number, di talaga naka-register. In other words, wala akong kaalam alam kung sino
yung nilalang na gumagawa saakin nito.

Hindi ko nalang pinansin after an hour dahil tumigil din siya sa kaka-miss call.
Matutulog na sana ako kaso may narinig naman akong parang sumisigaw sa baba. Boses
ni mama yung naririnig ko. Sobra nalang ang pag-alala ko kaya bumaba ako agad sa
para makita kung ano na ang nangyayari. Muntik ng malaglag yung panga ko sa nakita
ko.

"Anak! Anong gusto mong gawin sa lalakeng 'to!? Kuhanin mo nga yung baston doon sa
kusina para mapalo ko!"

SHAKS! Si mama may hawak hawak na sinturon at ready na ready ng hampasin si Prince
nun sa lalong madaling panahon!

"G-Gusto ko lang po makausap yung anak niyo!" :o

"Ma! Ibaba niyo nga yan!" pinigilan ko si Mama, at buti nalang napigilan ko nga.
"Ano bang ginagawa mo dito Prince? Anong oras na?! 9 na ng gabi, anong pakay mo
dito? At Mama! Bakit mo ba siya papaluin ng sinturon? Hindi mo ba siya kilala?!" si
Mama talaga ulyanin!

"Kukuhanin ko lang sana yung sampay sa labas anak ng makita ko 'tong magnanakaw na
'to! Ewan ko ba, nakatingin pa 'tong lalake na 'to na nakatingin sa bintana mo
anak! Parang may masamang binabalak sayo eh!"

"Hay nako Ma! Matulog ka na nga!" hinatak ko si Mama pabalik sa loob ng bahay,
kinausap at humingi ng permiso na makausap si Prince kahit sandali lang. Kahit
galit na galit si Mama, pinayagan niya parin ako. Ang weird naman, nag-iba nanaman
ang paningin niya kay Prince. Noon eh gustong gusto pa niya akong makasama siya.

"Why why why Prince?" dahan dahan kong sinasara yung screendoor sa likod ko. "Kaw
ah, ano yung sinasabi ni Mama diyan na pasilip silip ka pa sa window ko?" ::)

"Tinitignan ko pa kung tulog ka na. Kasi ---"


Holy tr4tdftgfdgdfg fgd .. first time 'to ah. "Prince ah, yan ka nanaman, wag mong
sabihin -- ?"

"Kasi nakita ko yung orange na tanim mo naputol yung sangkay."

"ANO!?" laking gulat ko sa sinabi niya. Tumakbo agad ako sa little taniman sa
pinaka-dulo. Mangiyak ngiyak akong makita na yung bulaklak na binigay saakin ni
Russell ay naputol ang sangkay. Nahulog sa tabi ang orange rose at yung stem niya
hindi na kompleto.

"OMG! SINONG MAY GAWA NITONG KARUMALDUMAL NA BAGAY!?" pinulot ko isa isa yung mga
scattered pieces ng bulaklak - in terror ako habang ginagawa ko yon.

"Magpapahangin sana ako ng nakita ko yan. Umulan kasi kanina."

"T-Teka?! Baka ikaw ang gumawa nito Prince! Sagutin mo nga ako!" napatingin ako
sakanya ng masama.

"Bakit mo ako sinisisi diyan? Ni makita nga yan di ko magawa. Mahawakan pa kaya?"

"Hindi naman ganun kalakas yung ulan kanina. Nilagyan ko pa nga 'to ng takip para
hindi manganinan, inalagaan ko 'to ng sobra, araw araw dinidiligan ko 'to,
naglalagay pa nga ako ng extra fertilizer at lupa para lumusog, okey naman siya
nung nakaraang araw. B-Bakit---?"

Napamahal na ako sa bulaklak na 'to, bukod sa cute and favorite color ko pa ang
kulay, precious din siya kasi pinaghirapan ni Russell na kunin 'to para saakin.
Naiyak ako ng parang maliit na bata sa sahig.

"Hay nako Nia, tumayo ka na nga diyan." hinatak ako patayo ni Prince.

"Mamamatay na ako! Waaaaaaaaaah!"

"Hindi ikaw ang mamamatay, kungdi yang bulaklak na yan. Hindi naman tatagal ang
buhay niyan eh. Kahit maghirap ka pang diligan yan, mamatay din yan dahil hindi
naman naka-connect sa lupa yan, putol din naman yung root dahil pinitas lang. Kahit
ano pang gawin mong mag-iingat at pag-bubuhay, mamatay, maglalaho."

"Ano naman ang gusto mong sabihin diyan? Na masaya ka na dahil patay na 'tong
bulaklak na binigay saakin ni Russell? Ganun?"

"Sobrang layo sa meaning ng sinabi ko." tumingin siya sa malayo. "Basta malalaman
mo rin pagtagal kung anong sinasabi ko.."

Tumingin nalang ako sakanya ng masama. "Heh! Basta ang weird mo!" Tinalikuran ko si
Prince at mag-wa-walkout na sana ako sa sobrang depressed sa pagkamatay ni orange
flower, kaso napatigil ako dahil may narinig akong nag-beep. Yung cellphone ko pala
yon, at may nag-text:

Condolence.

from: 09197865431

Dahan dahan akong napatingin kay Prince sa likod ko kung saan nakatayo siya doon ng
mahinahon at busy sa kakatingin sakanyang cellphone. CELLPHONE?! Malinaw na malinaw
sa paningin ko na brand new cellphone yung hawak niya. "P-Prince?! May cellphone ka
na!?"

Sa gulat ako napatakbo ako sakanya. Napatigil din sa kaka-osyo-syo sakanyang ..


WTF. Nokia NC17 yung cellphone niya, mas mahal at high tech pa sa cellphone ko! :o

"Buti naman gumagana pa 'to."

"09197865431!?"

Nalala ko lang na yung mysteriosong numero na yan ang numerong kanina pa tumatawag
saakin. "Ikaw ba yung nag-mi-miss call saakin? Sira ka rin Prince eh, tinakot mo
ako doon!"

"Chi-neck ko lang kung gumagana nga 'tong cellphone kong second hand. Gumagana
pala, ayos."

"Kung tatawag ka ng ganun, sabihin mo naman kung sino ka, para naman hindi ako
nagtataka ng ganun. Tsaka saan mo ba yan nabili? Kala ko naghahanap ka ng trabaho
diyan tapos bili ka lang ng bili ng cellphone na mahal. Sige na, wawalisin ko pa
'tong bulaklak dito -at tatapon ko na sa basurahan."

"Hindi, ako na." kusang kinuha ni Prince yung walis tingting at dustpan sa gilid.
"Ako na dito, matulog ka na bago pa ako bugbugin ng nanay mo. Bukas may pasok pa
ako, samahan mo akong pumunta doon. Hindi ko kasi alam kung saan yun."

"Kala ko naghahanap ka ng trabaho? Tapos meron ka pa? Sipag mo naman!"

"Basta, matulog ka na nga Nia, bukas nalang."

***********************

Natanggap pala si Prince sa isa pang trabaho na hindi ko alam kung ano. At doon pa
nga sa SM job hunting niya - in short naghahanap pa siya ng isa pa. Kinabukansan ng
Sunday morning, sinamahan ko naman siya. Nagpaturo lang pala ng daan si Prince.
Laquatera kasi akong babae kaya alam ko ang pasikot sikot ng Metro Manila.
Nakalimutan na daw ni Prince yung ibang mga daan kaya nagpasama siya saakin para
ako na mismo ang magturo ng way papunta doon sa pupuntahan niya.

"Bakit kailangan mo pang pumunta doon eh mag-a-apply ka naman sa SM ng isa pang


trabaho? Isa isa lang naman Prince, wag kang adik mag-trabaho diyan. Meron ka
namang matutuluyan ngayon." hingal na pagkasabi ko habang naglalakad kami pa-akyet
sa LRT.

"Kailangan ko lang ng pera dahil mag-re-resign na ako sa isa."

"Resign sa isa? Ano yun meron ka pang pangatlo?" gulat ko. "Ano ka ba Prince, hinay
hinay lang!"

"Tanga! Doon sa trabaho ko kay Anna." sabay tingin niya sa ibang direction.

Isa lang naman ang trabaho niya kay Anna na pinagtapat niya saakin. Ang bayaran na
ginagawa niya para maging sila. Lumiwanag ang paligid sa dahilang napangiti ako ng
sobrang liwanag sa saya na tatapusin na niya ang issue niya sa malanding yon.

Di kaya nakatok na talaga ang kanyang puso sa katotohanan?!

"Thank you my Prince!" napakapit ako sakanya sa saya.

"Huy! Ano bang ginagawa mo?! Nakakahiya!" tinggal niya agad yung braso niya sa
pagkapit ko.
"Ang arte mo naman, isang kapit lang naman yun ayaw mo pa? Pakipot ka pa eh! Thank
you for letting Anna go. Thank you thank you thank you. Hindi mo lang alam kung
gaano mo ako pinasaya sa ginawa mo. At last, may mabuti ka na ring ginawa para
mapasaya ako."

Tumigil kami sa kakalakad sa isang busy na crowd. Nasa gitna kaming dalawa at
magkaharap. Nakangiti ako sakanya, habang siya naman ay parang natatawa tawa pero
pilit niya itong hindi pinapakita.

"Ano na? Nasan na yung susunod na way?"

"LRT!" ;) Hinawakan ko agad yung kamay niya para mahatak ko siya papasok sa LRT.
Lalabas ko na sana yung dalawang ticket na natititra sa bag ko. Hindi ako prepared
na mag-te-tren kami ngayon, buti nalang may extra fair ako, at alam ko dalawa pa
yon, sakto lang saaming dalawa.

"Ano bang hinahanap mo diyan?"

"Bakit nawawala yung isang ticket?!" hinalughog ko na ng masama yung bag ko wala
parin doon. "Isa lang yung ticket!" napaharap ako agad sakanya.

"Hala paano na yan?"

"Sa tingin ko dito na kita iiwan." hinugot ko yung kamay niya pagkatapos binigay ko
sakanya yung nag-iisang ticket. Ng makita ko na parang bumibilis na yung lakad ng
mga tao papunta sa loob para makasay na sa parating na tren. Malapit ng dumating
yon, sure ako."Bumababa ka sa pinakadulo, sa 5th Avenue, pagkatapos sundan mo lang
yung mga tao palabas ng 32nd street, pagkalabas mo, tawagan mo nalang ako at tuturo
ko nalang yung way papunta doon sa bagong trabaho mo. Madali na naman dahil malapit
na malapit na doon yon." nagmamadali na ako sa mga sinasabi ko sakanya.

"Osige Prince! Kaya mo yan!" Inayos ko pa yung buhok niya ng konti kasi may
nakalaylay at nagulo ng konti, tinignan ko rin yung shirt niya kung ayos.
"Fighting~!" at pinakita ko na ang bright smile ko sakanya. ^______^

Tinulak ko siya papunta sa loob dahil mukhang ayaw pa niyang gumalaw ng wala ako.
Mukhang natatakot pang mag-commute mag-isa, baka nga natatakot siya pa siya eh.
Hahahahaha! Grabeng makatakbo yung mga tao para lang makasakay at hindi maiwan ng
LRT. Buti nalang si Prince nakapasok na doon sa loob kaya hindi na siya mahihirapan
makisiksik sa nangyayaring marathon.

Tinanaw ko siya ng maiigi nung pasakay na siya sa loob ng tren, buti nalang umupo
siya malapit sa binatana kaya kitang kita ko parin siya mula sa kinatatayuan ko.
Kitang kita ko kung gaano kaliwanag yung ngiti niya habang tinitignan niya yung
ticket na binigay ko para lang sakanya. Ang ngiti na yon ang pinaka-una at pinaka-
tunay na ngiti na ginawa ng Blue Cookie ko.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung kokonting luha ko habang pinagmamasdan


siyang paalis sa pag-aalala ko sa isang mahalagang bagay na sinabi ko sakanya:

"Kung may nagawa akong nagpasaya sayo at nakita kitang NGUMITI, ibig sabihin nun
mahal mo nga ako."

Episode #31
~ nagpapaka-adik lang naman sayo!
(CLICK THIS FOR THE EPISODE SCENE) *

Ilang araw na ang nakalipas ng matanggap si Prince sakanyang pangatlong trabaho.


PANGATLO, kung iisipin niyo naman marami rami na yan sa iisang tao. Pilitin ko man
siya na iwanan na niya yung iba, ayaw dahil sobrang mapilit parin ang lalake. Kung
ano man ang dahilan ng maramihang kayod na yan ay wala akong ka-alam alam. Ang
natatanging ginawa ko lang ay sumuporta sakanya araw araw.

Kailangan kong bumangon ng 5:00 ng umaga para maligo at magbihis na ng uniform,


pero hindi pa ako pupunta sa school nun dahil sasamahan ko pa si Prince sa tatlong
oras na trabaho niya bilang "newspaper boy." Sa isang subdivision siya nagbibigay -
kahit isa lang yun eh grabe namang lake, kaya pag tapos niya medyo plastado na
siya.

Syempre nandito naman ako para sumoporta, nagdadadala ako ng tubig o kaya kung ano
anong pagkain na masarap para may makain siya pagkatapos niya ng una niyang
trabaho.

Minsan nga nanghiram pa ako ng extrang t'shirt kay butete in case pawisan ng sobra
si Prince meron akong pamalit. Natawa nalang ako nung pinagalitan ako ni Prince
dahil nagpakamalan kaming "lovers" ni manong bodyguard sa subdivision dahil masyado
ko daw siyang bini-baby. ;D

7 o'clock naman ang pasukan kaya baon na Prince ang uniform niya, wala na kaming
oras bumalik dahil ang traffic na tuwing umaga sa may Dapitan. 7-3 ang pasukan,
then after, may trabaho nanaman siya - this time, hindi ko na siya sinasamahan
dahil ayaw niya. Nakakainis nga dahil curious ako kung ano yun eh. Baka nagbebenta
siya ng laman o ano! Kung ganun man eh hinding hindi ako makakapayag! Malaki naman
ang trust ko sakanya kaya hindi na ako masyadong nangungulit pa.

At ang panghuli, ang kanyang weekend work bilang isang pizza delivery boy sa Pizza
Hut. Kala ko naman kung gaano ka-gara yung trabaho niya sa 5th Avenue, ayun pala eh
isa lang pala siyang dakilang Pizza Delivery boy - Pizza, Pizza box, helmet, shades
at motorsiklo ... swak na trabaho!

"WOOOOW. Prince ang dami mo ng pera ah! Parang hindi pa kayang mag-kasya diyan sa
bagong wallet na binili mo ah."

"Are you sure okey na yang flat wallet mo para sa mga pera mo? Kung gusto mo eh
ilagay mo nalang half of the money mo sa wallet ko -- ?"

"Ha? Eh ano Ian .. " Naman si butete may balak pang masama~!

"Tadyakan kaya kita diyan butete! Wag mo ngang holdapin si Prince, ngayon lang nga
nagkaron ng pera yung tao eh .."

"Hindi ko naman siya hino-hold up. I'm just here for safe money keeping!" ;D

"Safe money keeping ka diyan, dagukan kita gusto mo?"

"Oh~ tama na, tama na. Wag na kayong mag-away, ang aga aga sapulan kagad kayo.
Don't worry mamayang lunch lilibre ko kayo."

"TALAGA!?"

"Thank you, Prince!"

"Lilibre? Prince kala ko ayaw mong gumastos?"

Binigayan niya ako ng isang mahabang "make-face." Obvisouly indicating na wag na


akong umepal sa sinabi niya. Alam kong marami na siyang pera. Na-doble nga ng isa
pang thousand sa sobrang pagkayod niya, ni ako mismo nagulat sa madaling pag-ahon,
masaya ako para kay Prince dahil hindi naman nawala ang pinaghirapan niya. Na-doble
pa nga sa swerte.

Sumunod naman ako sa utos ni Prince. Ayoko muna siyang bigyan ng problema, dahil di
niyo ba alam na good girl na ako ngayon? ::)

***********************

Ang 4th year talaga ang pinakamahirap na level sa Highschool dahil DUH. Ito na ang
level kung saan kami pwedeng matalo at manalo papunta sa aming kinaasam asam na
tagumpay. Binilang na namin ang araw, at medyo malapit lapit na rin ang katapusan
ng school year. Mabilis ang takbo, parang kahapon lang nakilala ko si Prince sa
isang sitwasyon sa lapag ng SMC's Quadrangle.

Ilang school events na rin ang nangyari na hindi naman ganon ka-importante saakin
dahil ako nga ang babaeng "KJ" na hindi sumama sa KAHIT ANONG school activities.
Mabuti nga si Russell active na active siya sa kahit anong pangyayari. Bukod sa
president siya ng basketball club, at kasama siya sa student council, siya pa ang
inaasaan ng SMCQC's basketball team dahil siya ang isa sa mga magagaling na
players.

Isa pang katatawanan dahil kung i-ko-kompara mo kami ni Prince sa level ni Russell,
wala kaming mapapakitang school contribution, wala kaming binatbat sakanya. Which
is eventually, parehong pareho kaming KJ na walang kamalay malay kung ano na ang
nangyayari sa school grounds.

BAGAY NA BAGAY ANO?

"Meron pa bang mga permission forms na gusto niyong ipasa saakin before I begin the
class? Reminder lang na last day na ngayon dahil bukas na tayo aalis."

"Sir Torres, ito po." Tumayo agad ako para maibigay na ang dalawang permission
forms na hawak ko.

"This is from you and ... Prince?"

Napatigil lahat sila sa mga ginagawa nila at napatingin saakin pagkatapos papunta
naamn sa kinauupuan ni Prince. Isa lang naman ang itsura ng mukha nila patungo
saamin, ang reaction ng gulat dahil ito ang pang-unang permission form na ipapasa
naming kay sir Torres.

Ang last submission ng form ng aming nalalapit na 4TH YEAR FIELD TRIP.

"Uhm, thank you."

Hanggang sa pag-upo ko, hindi pa rin ako tinatantanan ng mga maiinit na mata.
Sayang naman yun, kasama sa tuition fee yung binayad namin doon, kaya nararapat
lang kaming sumama. Kasama pa sina Ian sa field trip, siya ang pumilit saakin na
sumama ako.

Nag-OO naman ako. Hindi naman kami lang dalawang lang ni butete ang kasama kaya
binuntot ko na rin si Prince. Ilang araw ko na ring pinipilit si Prince na sumama,
kahit ayaw niya talaga, na-pilit ko parin. Ako na mismo ang naglakad ng persmission
form niya, pinapapirmahan ko na rin kasi kay Mama.

"It is good to know that you're coming tomorrow Nia."

Masayang masaya naman si Russell sa decision ko, kaso ako hindi dahil nag-aalala
parin ako hanggang ngayon ... sino kaya ang magiging partner ko sa loob ng bus?
Sino ang makakatabi ko?

Hindi naman pwede ako lang mag-isa sa dalawang upuan na yon, kailangan kong mag-
hanap ng magiging ka-partner kung di mag-re-rebelde yung mga kaklase ko dahil sakop
ko ang dalawang upuan.

LUNCH TIME.

"BUTETE! PLEASE LANG! SABIHIN MO ULIT SA ADVICER MO!"

"Hindi talaga pwede my bespren. Kahit ilang milyon ko ng sabihin na makisabay ako
sa class at sa bus niyo para bukas dahil kawawa ka naman wala kang makakatabi at
makakausap, hindi parin pwede. Sabi ni Mrs. Padilla, rules are rules, talagang
class by class ang alis."

"Ayoko ng ngang kumain!" sumimangot ako ng sobra para maipakita kay butete na
nagtatampo ako sakanya ng sobra sobra. "Ikaw nalang nga ang bespren ko hindi mo pa
magagawa yung request ko." T_____T

"Nia I'm sorry. Hindi ko talaga mapilit si Madam eh, ang stricto nun." sumingot na
rin si butete.

"Eh bakit hindi nalang si PRINCE? Ano ka ba, ang bulag mo naman Nia eh, nandiyan
naman si Prince. Ask him to sit with you and be his partner. Yiheeee..ako kinikilig
sainyo eh!"

"A-ANO?!" muntik na akong mabilaukan sa ininom kong tubig.

"Guys guys! Here is the food!"

Tapos na ring bumili ng free lunch sina Gale at Prince. Free dahil care of Prince
lahat yung mga yon, in short, wala kaming katiting na ginastos dahil ni-libre kami
ni Prince ngayong lunch. HIMALA ang nangyayari sa ngayon dahil ngayon lang 'to
ginawa ni Prince. Bukod sa pag-libreng ginawa niya, first time rin niyang sumama
saaming tatlo para mag-lunch.

"WAAAW. Parang napadami ata ang bili niyo?"

"Wag kayong mag-alala, binigyan kami ng discount ni manang kaya naka 40 PHP lang
ako sa lahat na yan."

"Na-gwapuhan ata kay Prince kaya nag-bigay ng discount. Diba Prince?" :D

"Ay ganun? Sana pala ako rin sumama sainyo para doble ang ka-gwapuhan.
Dyahahahaha." ;D

"Sus nangarap ka pa diyan honeybunch." XD

"Hahahaha. Mamaya na nga yan, kumain na tayo."

Inayos na nila yung lamesa para makakain na rin kami. Hindi ako makatingin at
makasalita ngayon dahil tadtad ang isip ko kung aayain ko ba si Prince para tumabi
saakin para bukas, kalahat ng puso ko na dapat ko lang siya makatabi. Kalahati
naman ang nag-sasabing hindi dahil ALAM ko naman ang isasagot niyan, ayaw niya
akong makatabi. Nararamdaman ko na naman na yun ang isasagot niya. No strings
attachted, kilala ko ang lalakeng 'to.

"Oh Nia, kain ka na."


Napatingin ako sakanya sabay tawa ng malaskas at hugot agad ng kutsara
automatically.

"AH! OO! KAIN NA!" pati sila butete at Gale napatingin sa reaction kong kagulat
gulat.

Ilang segundo rin ang tinagal at naging normal din ang takbo. "Nakakainggit talaga
kayo, magkakasama kayo bukas sa field trip, at ako naman ang na-left out dito. Baka
ma-miss ko lang kayo, lalo ka na Ian."

"Honeybunch, wag kang mag-alala, dadalhan naman kita ng isang damukal na pasalubong
eh." ;D

"Oo nga Gale!" singit ko. "Ako rin iuuwi kita ng mga pasalubong, gusto mo isang
milyon pa eh."

"Count me in."

"Nako, nag-alala pa kayo. Wag nalang noh, kahit isa isa lang galing sainyo okey na
yon. Baka naman mapuno yung kwarto ko sa mga pasalubong niyo. Haha..hay nako, bakit
pa kasi ako 3rd year eh, dapat 4th year na ako katulad niyo. Oh well. Goodluck
nalang sainyo. Alam kong mag-eenjoy kayo para bukas. Ay wait, sino nga pala katabi
mo Nia sa upuan? May nahanap ka na?"

Napatingin sila lahat saakin sabay bilaukan ko nanaman. "Oh Nia okey ka lang?"

"OO! May nahanap na ako~!" :D

"Talaga? Sino?"

Kailangan kong mag-isip ng isang NON-EXSISTING CLASSMATE FRIEND na ipapamukha ko na


siya ang katabi ko. Alam naman nila na loner ako at wala akong babaeng kaibigan sa
Mapagmalasakit. Gagana kaya ang tactic ko?

Ano kayang pwedeng ipangalan kay imaginary friend?

April? Ten Ten? Rei? Kimiko? Daphne? Abby? Jema? Roma? Bianca? Jakii? Leslie? Jan?
Tina? Cindy? Charm?

ANO KAYANG PWEDE?! :-X

"Prince, pwede ba daw katabi mo si Nia sa upuan bukas?"

DOOMED. Gusto ko sanang tadyakan na 'tong si butete kaso naman bigla akong lumiit
ng paunti-unti sa kahiyayan.

"S. U. R. E."

Paki-spell nga batuti ang SURE. Mali yan diba? :o

***********************

Nakakain ata si Prince ng Racumin kaya na-spell niya ang pinakamahirap na word sa
buong mundo. Dangerously, ano na kayang nangyayari sa kalooblooban ni Prince kung
bakit siya nagiging mabait na ganito para saakin?

Di kaya ... HOLY FDSFSDTWERTSD :o ...Hindi naman siya maaring IN LAB na saakin? OO!
IN LAB na nga siya saakin, edi lumalakas na rin ang heartbeat niya para saakin?
Totoo nga, totoo nga ang iniisip ko. Kung ganun man, kailangan may gawin nanaman
akong hindi kaaya aya para mahulog na talaga siya saakin, mapasaakin na siya ng
tuluyan.

TAMA! KAILANGAN KONG PUNTAHAN SI PRINCE! sabay takbo paalis sa locker.

"Nia."

"R-Russ~!"

Pauwi na rin si Russ, kaya sumabay na rin ako sakanya papunta sa labas ng gate.

"Gusto ko sanang magpasama sayo ngayon, bibili kasi ako ng ibang mga gamit ko para
sa field trip bukas."

Kailangan kong I-cancel ang offer niya dahil kami rin ni Prince may plano kaming
mag-last minute shopping ng mga pagkain. Nakakahiya naman dahil mukhang hinintay pa
ako ni Russ hanggang mag-uwian tapos aawayan ko lang siya.

"Eh kasi --- " =X

Trap na ako, sige na nga .. sasama na ako --

"Nia."

To the rescue naman! "Ang tagal mo naman, hinihintay kita doon sa Panay kanina pa
eh, ano ka ba?" Patay. Trapped nanaman ako sakanilang dalawa. "Tara na nga."
hinatak niya ako paalis.

"B-bye Russ~!"

Ang lakas ng pagkahatak ni Prince sa kamay ko, in fact namula na nga sobrang higpit
ng pagka-grab niya sa braso ko. Para akong animal na bawal pakawalan. Hanggang
makapunta kami sa Crossings grocery store ang higpit parin ng hawak niya. Sa totoo
lang kahit masakit okey lang, at least ang sweet naming tignan O DIBA? ::)

"Sinong nagsabi na kausapin mo yung taong yon? Kasasabi ko lang sayo na lumayo layo
ka na doon sa lalakeng yon kungdi malalagot ka saakin."

"Pake mo ba? Gusto niya akong kausapin eh, wala ka ng magagawa doon." Pakipot style
'to para kay Prince, Sabi ko na nga ba eh. LAB NA LAB NA NIYA AKO PRAMIS. "Hay nako
Prince, wag mo na ngang pansinin yung mga maliliit na bagay tulad nun. Tara na't
gawin na natin ang dapat gawin!" AKO naman ang kumapit sakanya ng mahigpit! :D

"Oy aray ko ang sakit naman! Wag ka ngang gumanyan saakin!" sabay alis niya ng
kamay ko sa braso niya.

"Bakit ba? Gusto ko ganito tayo habang namimili ng mga pagkain eh. Alam mo yun para
sweet tayo habang naglalakad? Para makita ng lahat. Dali Prince .. let's go
shopping!" kapit ko ulit.

"Hindi ka ba titigil?"

Dumating ang kamatayan at naging seryoso ang pagmumukha niya.

"Isa pang kapit mo iiwanan na talaga kita dito."

Sabi ko na nga ba ngayon ang PERIOD ni Prince eh.

"JOKE JOKE JOKE~! Oo na po master Prince, hindi na po ako kakapit sayo, hindi na
ako mangungulit okey? I'll be a good girl. Okey? Wag ka ng magalit." ;D

"Good."

"Another walk out nanaman?!" ::)

Tatakbo na sana kami ng malayang malaya, kaso may isa pang lumabas na epal sa
paligid. Isang nilalang na kala ko nawala na at hindi na e-epal saamin ni Prince.
Na kinalimutan na namin matagal na. Dahil isang pangyayari lang siya na dapat
kalimutan at hindi na alalahanin pa. Pang-gulo lang siya ng lahat.

"Fancy seeing both of you here."

"A-Anna..anong ginawa mo dito?"

Tumingin ako ng masama kay Anna, ayoko kong masira ang araw namin ni Prince kaya
kumapit nanaman sakanya. In this point in time, hindi na ako pinigilan ni Prince
pa.

"My kada and I are doing some last minute shopping for tomorrow. I guess yun din
ang ginagawa niyo right?"

"Ano pa ba?" pagalit na sinabi ko.

"Sabi ko na nga ba." ngumiti siya. "I guess I'll go now, I'm about to pay all of
these food. See you nalang bukas, especially you, Prince, see you tomorrow, be
early so that we can occupy the back seats. Bye."

Para bang may hindi ako alam sa mga nangyayari sa paligid ko?

"'So that we can occupy the back seats'? So anong ibig sabihin nun Prince?"

"Wag mo ng pansinin yun, may topak lang yon."

Tinignan namin si Anna ng sabay habang nagbabayad siya ng mga pinamili niya sa may
cashier kasama yung mga kabarkada niya. Para kasing may dapat akong malaman sa
sinabi ni Anna, para kasing hindi pa yon ang buong explanasyon, kulang pa ...
kulang pa na sabihin niya na si Prince ang makakatabi niya sa upuan bukas.

"Tara na nga, nagsasayang tayo ng oras dito."

Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano ano dahil si Prince naman ang mismong nagsabi
na siya ang makakatabi ko. Dapat ang selos na 'to ay matanggal na sa pagitan namin
ni Anna. Dahil matindi na nga tiwala ko para kay Prince, alam kong hindi niya
gagawin yon, alam kong nasaakin na ang loob niya, hinding hindi niya gagawin yon.

I KNOW THAT.

Ang natatangi kong gustong gawin ngayon ay magpakasarap, maaliw, maligayahan, at


maging linta sa tabi ni Prince, yun lang ang iniisip ko.

ISANG BISYO 'TO NA DAPAT HINDI PALAGPASIN.

"Hoy lalake hintayin mo nga ako!" takbo at kapit ko ulit kay Prince sa pinakahuli.

Episode #32
~ nakakabagot, nakakainip, nakakawalang gana.
(watch out, two scenes at the end of the episode)
Mas nauna pa akong magising kesa sa alarm clock ko, kala ko naman magiging hobby ko
na magising ng maaga dahil karaniwan, late ako laging nagigising para sa school.
Apektado na ang "excitement" part sa sarili ko at automatic na akong nagigising
kasabay ng pag-ahon ng haring araw. (wow, lalim nun ah) Binulabog ko na rin ang
kapitbahay, nagalit pa nga ang dalawang lalakeng kasama ko sa dahilang mali naman
daw ang oras ko, advance daw masyado. Kaya ito, pare-pareho kaming nakatunganga sa
labas ng Panay gate.

"Ayaw niyo yun, pang-una tayo sa pila?!" :D Ubeeer excited na ako pramis.

"Wow Nia, alas singko palang na umaga, hilo ka ba? Ni yung guard nga wala pa dito,
anong gagawin natin dito, tatambay hanggang mag-7?" Asar ni butete.

"Mas maganda na kung early, kesa naman late nanaman diba? ... diba Prince?" sabay
pa kaming tumingin sa kay Prince kung saan sabay din naming nakitang natutulog at
humihilik pa habang nakaupo sa tabi ko. Yakap yakap pa niya yung backpack niya.
"HOY PRINCE!"

"H-HA?! SINONG KAAWAY?!" :o Mukhang buang na pagkagulat niya.

"Wag ka ngang matulog diyan, mamaya hindi kita mapansin na nandiyan ka pala tapos
mauna pa kaming pumunta sa loob."

Comedy pa ang hirit nitong si Prince eh, parang walang narinig sa sinabi ko, pa-
pikit pikit pang nalalaman 'to. Tawang tawa nalang kami ni Ian habang pinagmamasdan
siya. Feeling ko kaya ganito 'to dahil hindi rin nakatulog maiigi kahapon, excited
din sa field trip.

"Ehem ehem, may nilalanggam dito, ehem ehem." ::)

Hindi ko natapos ang pang-asar na tawa ko dahil sa sobrang antok ni Prince eh dahan
dahan niyang napatong yung ulo niya sa kaliwang balikat ko. Nakakailang sa una,
pero napangiti nalang ako sa itsura niyang sobrang antok, dahan dahan kong hinimas
yung ulo niya, naamoy ko pa kung gaano ka-bango yung buhok niyang amoy Head and
Shoulders, yun bang may minty feeling na parang fresh ang amoy?

Na-iimagine ko na na ganito siguro ang magiging itsura namin mamaya sa loob ng bus
habang magkatabi, sa buong tagal ng trip, magiging ganito lang kami. Hindi lang ata
ganyan, baka nga mag-subuan pa kami ng mga pagkain, magtawanan, magkwentuhan,
magtititigan ALL DAY LONG. Mas lalo lang akong pinapawisan sa init ng dinadala
nitong si Prince sa balikat ko.

"AHHHHHHHHHHH! NANAY KO PO!!" :o

Sa sobrang kilig napatayo ako sabay takbo paalis mula sakanilang dalawa, isang
takbo na parang wala ng bukas.

"Oh ...?! Nia saan ka pupunta?!" *sabay sunod kay Nia*

"Y-YUNG KAAWAY NASAN NA?!" *nagising sa gulat si Prince*

***********************

"Okey guys, let's check the attendance first before we go."

Banas na ako dahil wala rin palang sayasay ang pagpunta namin ng maaga dito sa
school, pinapila rin pala kami by section papunta sa bus ng pa-alphabetical order
dahil mag-che-check nga ng attendance. Unti-unti ng rumarami ang mga 4th years dito
sa St. Joseph's lobby, mukhang walang maiiwan at completo kaming lahat. Ngunit doon
ako nagkakamali dahil wala parin akong nakikitang bakas ng aking worst enemy.

"Si Anna, nasan na si Anna?" ???

"Aba malay ko." pati si Prince nagtaka sa tanong ko. Bakit ko ba kasi hinahanap
yun? Hindi ko dapat inaalala yun diba? Curious lang ako masyado dahil alam kong
hindi yun magpapa-late sa ganitong mga okasyon.

"Nia, pupunta lang ako sa harap doon ako naka-puwesto."

"Osige Prince, basta pag ikaw ang nauna save mo ako ng upuan ah, sa gitna tayong
dalawa umupo okay?" :) Excited na ako~! Tumingin muna pansamantala si Prince saakin
at tinignan ako ng mabuti.

"Ahh .. Nia, kasi --"

"Hoy tama na yang daldalan, mamaya na. Pila na bago mahuli ang lahat~!"

Hindi natuloy sabihin ni Prince kung ano ang nasa isip niya dahil bukod sa sumigaw
na si Mr. Torres, pinapila na rin kami ni Madam Carbonell para magkaayos ayos na.

Nagtataka parin ako kung bakit mukhang worried si Prince saakin, dahil ba
magkakahiwalay kami this very last valuable minute?

Mabilis ang oras at isa isa na rin kaming pinapasok sa bus by section, nakita ko
nga si butete na nag-"Hi" saakin sa kabilang dulo habang masaya siyang kausap yung
mga nagdadamihang kaibigan niya sa cream section. Nakita ko rin si Russell, kung
saan nasa gitna siya ng pila kasama rin yung barkada niya. Masaya lahat ng kaklase
ko, lalo na ako ng nakita ko kasi si Prince na malapit na siya sumakay ng bus,
tinanaw ko siya para ngitian, at nagawa ko naman yun ng walang ka-hirap hirap.

Hindi kaya ang saya na nanggagaling saamin ay dahil sa pagkawala ni Anna ngayon?

"Excuse me - excuse me!"

Ako ang 2nd to last student sa pila ng Mapagmalasakit, at ako ang hindi napalad na
nakabunggo pa ni Anna na tumatakbo na late. Mabilis ang takbo niya at nakahabol pa
siya sumakay sa loob ng bus, lima na lang kaming natitira at sa wakas, ready ng
umalis.

Maingay ang mga kaklase ko nung naghahanap na ako ng mauupuan sa loob ng


airconditioned bus. Ang hy-hyper na parang ngayon lang makakalabas ng school.
Ganito pala ang itsura nila, parang nasa loob ako ng jungle, mukha silang mga
animal na nakawala sa kural kaya medyo natakot ako sa mga inaasal nila. Oh well,
hindi ko na dapat pansinin yun dahil kailangan ko ng mahanap si Prince.

Tahimik akong naghahanap sakanya, kahit sinabi ko sakanya na umupo sa gitna at


maghanap ng upuan doon, hinanap ko parin siya mula sa pinaka-harap, kaso wala naman
siya doon. Syempre hinanap ko naman siya sa gitna. Nag-aalala rin ako kasi hindi ko
siya mahanap from left to right. Ng matanaw ko ang pinakamaingay na likod.

Ang likod kung saan nakaupo ang pinakamayayabang at pinakamamaliking ulo ng


Mapagmalasakit - ang royal seats kung saan nakaupo doon ay sina Anna, ang mga
kaibigan niya, at si ....

PRINCE.

"Hoy uupo ka ba?" hirit ng kaklase ko.


Natulala ako sa nakita ko, hindi ko magalaw yung paa ko dahil totoo yung nakikita
ko na doon nakaupo si Prince sa pinakalikod kasama si Anna, KATABI si Anna.
Napatingin ako sakanya, napatingin din si Prince saakin, hindi ko masabi kung anong
reaction ni Prince pero iniiwasan niyang hindi tumingin saakin.

"Hoy Garcia dito ka sa tabi umupo." hirit pa ng kaklase ko. Uminit na ang makina at
nag-umpisa na kaming umalis.

"Ahh .. O...Oo." :-[ Wala na akong choice kungdi umupo dito sa PINAKAHARAPAN ng bus
kung saan nasa harapan ko na yung adviser ko at ang aming chaperon.

Inayos ko na yung mga gamit ko para maka-upo na dahil ako nalang ang huling tao na
nakatayo. Pinili kong umupo malapit sa bintana, para in case, pag nakita ko yung
bus ni butete, makikita ko siya para makapag-"Hi" ulit ako sakanya kahit papano.
Malaki ang upuan, pang-dalawahan 'tong upuan at solong solo ko. Kahit malaki, hindi
ko nilagay yung mga gamit ko sa isang upuan at siniksik ko parin yun sa paanan ko.

Dahil para 'to kay Prince, if ever tumayo siya sa likuran at hanapin niya ako, wala
siyang problema dahil may naka-reserve na upuan sakanya dito .. dito sa tabi ko.

***********************

Isang oras ng pagtunganga ang tangi kong pwedeng gawin sa buong byahe. Halos lahat
ng mga chips na baon ko na pinamili naming ni Prince nginatngat ko na. Ang weird
nga dahil pati yung mentos tsaka yung chips ahoy napagsabay kong kainin.

Buong byahe, ngatngat lang ako ng ngatngat, BUONG ISANG ORAS NA BYAHE, nakatunganga
lang ako sa labas ng bintana habang lumalamon ng mga tsi-tsiria, at kasabay pa noon
ang never ending na pag-iyak ko kasabay ng lahat.

Hindi naman ako bingi at rinig na rinig ko yung pagpayag ni Prince na makatabi
ako .. rinig na rinig ko yun.

"P- Pr .... Prince papatayin kita ... papatayin ...." :'( sabay subo ng clover
chips.

Buti napipigilan kong maiyak ng malakas kungdi rinig na ako ng buong klase, lalo na
si Sir Torres na nakaupo pa sa harapan ko, nakakahiya. Kaya as long as possible,
nag-iisip ako ng masasayang bagay para makalimutan na wala akong katabi ngayon.

"Ms. Garcia, gusto mo ba ng Ding Dong?" inofferan pa ako ni Mr. Torres ng Ding
Dong. Nabigla siya saakin dahil huli ko ng pinunasan yung luha ko. "Oh Nia? Why are
you--? Umiiyak ka ba?"

"H-Hindi po sir! Napuwing lang ako! Hehehehe." :D "Sige po pa- Ding Dong ka naman
diyan!" hinugot ko yung isang pack ng Ding Dong sabay lamon ko ng sobra sobra,
kahit nasusuka na ako lumalamon parin ako.

"DYAHAHAHAHAHA~ Sarap." :D Na-weirduhan si Sir Torres saakin kaya hindi na ako


inabala pa.

"Ms. Garcia, gusto mo ba ng starburst?"

Oh kala ko masyado na akong weirdo para bigyan ni Sir Torres ng ---

"Russell?!" o____o
Nakatayo si Russell sa likuran ko. ALL THIS TIME NASA LIKOD KO PALA SIYA? ALL THIS
TIME?! Hindi siya yung taong nakaupo sa malapit sa bintana kaya madali siyang
napatayo para makaupo sa tabi ko. Nagmadali kong pinunasan yung luha ko. "Ka-
Kamusta?" sabay ngiti ko sakanya. Nginitian rin niya ako sabay abot niya ng panyo.

"From now on, I'll be your seatmate. Again." :)

Natawa ako. "Pati ba dito magiging seatmate mo pa rin ako?"

"What's wrong with that? Nag-sneak out lang ako dito sa tabi mo, tignan mo si Sean
sa likod, tulog na." Sumilip ako sa likod at tulog nga yung kaibigan niya.
"Sasamahan muna kita dito hanggang makapunta tayo doon. Sasamahan kita hanggang
magdamag, kung ayan ang gusto mong mangyari. Dahil ako ayun ang gusto kong
mangyari." inabot niya ulit yung panyo.

Ngumiti ako kay Russell habang dahan dahan kong kinuha yung panyo niya sabay punas
ko ng mga natitirang basa sa mata ko.

Tinupad naman ni Russell ang gusto niyang mangyari. Ilang oras pa bago kami
makapunta sa destination, siya lang ang nag-cheer up saakin. Sinabayan niya akong
kumain ng todo todo, kahit suka na kami go parin. Nagkaron pa kami ng labanan na
paunahan na makita na tao na naka-color red, kung sino talo, palo sa kamay ang
punishment. Buti nalang ako laging nanalo! Kahit matalino 'tong si Russell sa Math,
at least ako wais maghanap ng nakapulang tao. ;D

Nagkaron ang buong klase ng stop over sa Petron gas station malapit lapit sa lugar
ng trip. Halos lahat ng klase bumaba sa loob ng bus para mag-washroom o kaya't
bumili ng mga snacks. Sinubukan kong tanawin kung bumaba nga si Prince, kaso pilit
na iniiba ni Russell ang focus ko dahil kami lang dalawa ang hindi bumaba para mag-
break. Pina-stay pa ako ni Russell sa loob ng bus para siguro hindi ko makita si
Prince na kasama si Anna.

***********************

Ilang minuto pa ang tinagal, and finally, were here.

"Dito na namin kayo iiwan ni Ms. Reyes, take note that in the evening, 7:00 sharp -
kailangan niyong bumalik dito sa pwesto natin para sabay sabay na tayong makapag-
book up sa hotel. Bawal yung mga late, bawal yung mga humahabol. Kung wala kayo,
hindi na namin kayo hahanapin. Matatanda na kayo, I'm sure alam niyo yung mga
responsibilities niyo. Okay tama na ang saita ko, hala sige mag-enjoy na kayo at
magpakasayo dito sa ... ENCHANTED KINGDOM!"

Naghiyawan yung mga kaklase ko habang ako nakatunganga lang dito sa gilid ng water
falls ng Enchanted Kingdom. Ito palang ang EK na sinasabi ni Gale, sabi niya malaki
daw 'to at maganda. Tama nga siya, sobrang ganda, para akong nasa isang paradise na
hindi ko ma-describe. Ngayon ko lang naisip na meron palang lugar na ganitong
kaganda sa loob ng Pilipinas.

"MY ONE AND ONLY BESPREN!"

Sinalubong ako ni Ian na isang malaking hug.

"How's the bus trip how's the bus trip?" ::)

Ito na, hindi ko na napigilan yung luha ko. Naiyak ako ng sobrang lakas.

"IAN PWEDE BANG UMUWI NA TAYO?"


"B-Bakit?"

Parang mga baliw talaga yung mga kaklase ko dahil lahat sila ang bilis nawala at
nag-enjoy na sa mga rides ng EK. Para talaga silang nakawala sa kural dahil pati
yung carousel na nasa pinakaharap ng Enchanted ay pinag-tripan nilang sakyan. Lalo
na yung mga lalakse, nag-iisip bata lahat sila doon sa kabayong umaandar na yon.

"A-ANO!? Nasan na yun ah? Masuntok nga." >:(

"Teka lang butete! Hayaan mo nalang siyang mag-enjoy sa sarili niya kasama yung
Anna na yon. Basta wala na akong pakeelam simula ngayon."

"Ni hindi mo man lang pinigilan o kaya kinuha siya kay Anna? Ano ka ba naman? Ang
hina mo naman, nasan na yung NIA na nakilala kong malakas ang loob? Nasan na?"

"Hihintayin ko si Prince, pupuntahan niya ako." Umupo ako sa may pinakamalapit na


bench sa tabi ng carousel.

"Dito lang ako hanggang mahanap niya ako. Hindi ako aalis dito hanggang bukas.
Hanggang mag-gabi. Alam kong hahanapin niya ako."

"(Sigh) Nia."

Lumuhod siya sa harapan ko habang nakatingin saakin. "Hahayaan mo lang bang sirain
ni Anna 'tong pagkakataon na 'to? Malay mo hindi ka naman niya hanapin. Alam mo
naman yang si Prince diba? Kilala mo siya."

Hindi ako sumagot naka-simangot lang ako dito.

"Ian tara na pare!" tawag ng isang ka-barkada niya.

"Oo nandiyan na!" sagot niya.

"Kahit man kasama siya ni Anna hindi na ibig sabihin nun na siya na yung makakasama
niya buong maghapon. Hay, mukhang hindi talaga kita mapipigilan dito, ayaw mo bang
sumama saamin?" Umiling ako. "I guess that's a no." tumayo siya. "Tatawagan nalang
kita Nia, alam kong magiging maayos ang lahat, nasasayo ang decision."

Umalis na rin si butete habang ako nag-iisip parin kung anong gagawin ko dito.
Paano ba ako mag-e-enjoy kung mag-isa lang ako? Sige, ako nalang mag-isa ang mag-e-
enjoy dito sa EK. Ako naman ang dakilang loner diba?

"There you are! Kala ko naman kung nasan ka na napadpad." tawa ni Russell sabay upo
sa tabi ko. "Unang sakyan natin yung roller coaster, kung okey lang sayo? I know
how frightened you are with heights. Wanna bet? Kung sino satin ang unang nag-back
up, ayun ang talo. Ano? Game?"

Dahan dahan akong napatingin kay Russell ng bigla ko nalang namalayan na bakit ba
na-sobrahan ang pagka-kill joy ko ngayong araw na 'to? Ang ganda ganda nitong EK,
ngayon lang ako nakaapak sa ganitong kagandang lugar. Hindi ko naman pwedeng
hayaang lumipas ang araw ng hindi makapagsaya.

"Hah. Tignan natin kung sino unang masusuka."

Kung nag-e-enjoy si Anna sa piling ni Prince, WELL, si Nia naman ay mag-e-enjoy sa


piling ni Russell. :P
Episode #32 (Continuation)
(once more, two scenes at the end)

Si Russell din pala kung umasta parang hayop dahil nonstop din ang pagsakay niya sa
mga rides, so ako rin napasabay sakanya. Sa masang palad ni isa saamin walang
nasuka dahil pareho pala kaming tigasin pagdating sa mga ganito. Ang
pinakanakakatawang ride lang na muntik ng masuka si Russell eh yung HOT AIR BALLON.
Doon siya tumumba at nahilo na ng tuluyan.

Nag-break muna kami sa loob ng isang restaurant para bumili ng maiinom.

"So where's my 50 PHP Mr. Sanchez?" >:D

"MADAYAAAA KAAAAA. Pumikit ka kaya halos sa lahat ng sinakyan natin. I saw you!
Parang nasusuka ka na rin noon eh, ako hindi ko pinikit sa lahat, kaya it's not
fair."

"Ganun? Eh wala ka namang sinabi na hindi pwedeng pumikit diba? WALA! WALA!"

Nagbuntong hininga siya sabay tawa naming dalawa. "O ayan na nga." inabot niya
saakin yung 50 Pesos. "Hahaha. Thank you Russ, may pambili na rin ako ng maraming
maraming C2 green tea." :D

"No keep that, ako na ang bahala sa gastusin. Marami akong dalang extra money
ngayon. Lahat yun para sa araw na 'to, para tuluyan nating ma-enjoy tong EK." (:

Napatigil akong uminom dahil siguro kung si Prince ang kasama ko ngayon, tatanga
lang ako sa mainit kong tubig dahil pareho kaming walang mabibili.

"Thank you Russell sa pagsama saakin ngayon."

"I had fun."

"Ako rin."

"Sa tingin mo ba kung gagawin natin 'to araw araw makakalimutan mo na yung mga
inaalala mo? Kasi pag OO, handa akong mag-drive papunta dito sa Laguna para ma-
enjoy natin ang EK anytime you want."

"Nagloloko ka ba? Sira! Wag na, sayang lang gas mo."

"Nope. Im serious. Just to ... just to make you happy, I'll do anything."
napatingin ako sakanya ng seryoso. "Kahit sakyan natin ang lahat ng rides sa mundo
game ako. Hangga't makalimutan mo na yung mga nagpapa-simangot sayo ... It will be
fine ..."

Naramdaman ko kung gaano ka solemn si Russell saakin. Ito nanaman, parang bumabalik
nanaman sa first day ang nangyayayari, yung araw nung tinanong niya ako para maging
girlfriend niya. Ang tagal na nun, SOBRANG TAGAL NA. Kahit man minadali niy, hindi
naman talaga totoo, naghihintay parin siya para sumagot ako.

"Tignan natin kung masasakyan mo ulit yung roller coaster!" tumayo ako sabay hatak
sakanya palabas ng restaurant.

Ayoko munang maging seryoso sakanya dahil pag naging seryoso ako at pag nasabi ko
na talaga ang totoong nararamdam ko sakanya, alam kong magbibigay lang ako sakanya
ng sakit sa ulo.

Tadhana nga naman, paglabas namin nakasalubong namin si Anna. Kinabahan ako kasi
kala ko kasama niya si Prince, guminhawa yung pakiramdam ko nung nakita kong nag-
iisa siya. Siguro si Russell din ganun ang naramdaman.

"Oh Hi."

"Hi."

Wala sa systema kong mag-greet saakanya kahit dalawang letter lang ang sasabihin.

"So ..... having fun already? Both of you?" ang bright ng pagkatanong niya, pati
yung mukha niya, halatang masayang masaya.

"Of course, we are. How about you?"

"DEFINITELY."

At doon mismo sa oras na yon dumating na si Prince na may dala dalang dalawang
bubble tea. Napatingin kami sakanya, napatingin ako sakanya .. si Russell tumingin
sa ibang direction para maiwan siya, ako hindi. Pinakita ko kay Prince kung gaano
ako kaasar ngayong araw na 'to.

" ... Anna, ito na yung sayo."

"Thank you so much Prince." :) pagkatapos niyang kunin yung bubble tea, dahan dahan
niyang kinuha yung kamay ni Prince para maka-holding hands niya. Doon ko na hindi
nakayang tumingin. "Sige mauna na kami. Marami pa kaming gagawin. Actually nasa
kalahati pa kami ng aming pag-e-enjoy, right Prince?"

"We're gonna go too." natigil na talaga ang ihip ng hangin ng bigla akong inakbayan
ni Russell. "Marami rami pa kaming oras mag-enjoy dahil dito palang kami mag-
sisimula. Come on, Nia."

Naghiwalay hiwalay lang kami ng ganun na parang walang nangyari.

Tinuloy parin namin ni Russell ang "pag-enjoy" sa EK. Nakailangan break din kami at
ang pang huling break namin ay ang pinakamahirap. Bakit? Ginagawa kong tanga si
Russell na kungyari masaya ako at natatawa ako sa ginagawa niyang sayaw sa harapan
ko. Bigla ba namang sumayaw sa harap ko para matawa daw ako. Hindi naman talaga ako
natatawa dahil naka-sentro ang mga mata ko kay Prince.

Nakikita ko kasi silang dalawa ni Anna malapit lang saamin - nasa harapan namin.
Malapit na malapit lang. Parang ganun na ganun din ang sitwasyon namin katulad
nila. Kaso si Anna daldal lang ng daldal sa harapan niya, kaso si Prince naman
hindi nakikinig kasi kung saan nakatingin.

Kung ano man ang iniisip ko, siguro iniisip din ni Prince yun. DAPAT HINDI NANGYARI
'TO. Dapat kaming dalawa yung magkasama, DAPAT HINDI KAMI NAGKAHIWALAY. Kasalanan
din ni Prince 'to, siya ang unang tumalikod saakin, ngayon tignan mo kung anong
nangyari?

Ito na ata ang pinaka-nakakabagot, nakakainip, nakakawalang ganang fieldtrip sa


buong buhay namin.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, siguro hindi na ako sumama pa.

Episode #33
~ a pledge keep my secret
(closing scene at the end of the episode)
Grabehan ata ang maleta na dinala ko. Kahit 1 day overnight lang itatagal namin
dito sa Enchanted Kingdom, parang dinala ko na ang buong laman ng closet ko. Sa
tulong ng Gatorade, ang aking bespren, at si Mr. Sanchez, nadala namin ang tatlong
maleta sa kwarto ko dito sa isang five star hotel malapit sa EK.

"Yun lang ba lahat ng mga maleto mo?" :)

"Oo yun lang lahat yun."

Natawa ako dahil dapat ako sasagot sa tanong ni Russell saakin kaso sumingit
nanaman si butete. "Tama si Ian, yan lang lahat yun." Binaba ko yung isang maletang
hawak ko at humarap na ako kay Russell. "Thank you nga pala ulit Russ. Talagang
nag-enjoy ako ngayon gabi."

"Walang problema, you're always welcome."

Nagsi-ngitian kaming dalawa sa isa't-isa leaving the bespren in the middle.

"O - osige na Russell! Salamat nalang sa pagtulong saamin magbuhat ng mga maleta!"
hinatak ni Ian si Russell paalis. Habang hinahatak naman niya ako papunta sa loob
ng kwarto.

"B-Bye! G-Goodnight!" :o

Nakapasok naman kami ng maayos ng biglang sinaraduhan nalang ng pinto ni Ian si


Russell. Hindi man lang siya nakapag-proper "bye-bye" saakin.

"Ano ka ba butete! Kinakausap ko pa yung tao."

"So ngayon si Russell nanaman kasama mo? Dapat sumama ka nalang saamin kesa doon ka
nanaman sa lalakeng yun sumama. O kaya dapat hinanap mo nalang si Prince, nagsayang
ka pa ng oras." naglakad pa ng papasok ng kwarto si Ian.

Si Ian ang nagsilbing katulong ko ng pag-u-unpack ng mga kailangan ko ngayong gabi.


Wala na akong nagawa kungdi umupo habang ginagawa yung mga yon. Habang nag-u-unpack
siya, tinignan ko ang buong kwarto na tutulugan ko. One word: NAKAKATAKOT. Bigla
akong tinaasan ng buhok. Maayos naman ang kwarto, kaso parang ang luma luma na.

"D-Dito ka nalang kaya matulog Ian? Kasi ano eh ... alam mo namang mag-isa lang ako
dito, wala naman akong ka-roomate. Kaya ... please butete? Samahan mo ako?" :'(

Napatigil siya sa ginagawa niya. "Eh paano ba yan doon ako matutulog kila James,
hindi ko naman pwedeng iwan sila doon. Alam mo naman ang rules na sinabi kanina
diba? CLASS BY CLASS." sumimangot ako. "Kung tawagan ko kaya si Prince para dito
nalang siya?" sabay hugot niya ng cellphone niya.

"WAAAAAAAAAAAAAG!" Tumayo ako agad para makuha ko yung cellphone niya. Sa masamang
palad, matangkad si butete kaya hindi ko nakuha.

"Face the consequence. Ikaw ang gumawa ng decision right? Kung hinanap mo si Prince
at tinangay mo siya kay Anna, edi siguro magkasama kayo dito sa kwarto mo ngayon."
naglakad siya papunta sa pintuan, isang pormang parang lalabas na siya sa loob ng
kwarto. "Now you have to deal with it. Ano? One lesson learned? Goodnight Nia,
tapos ko na palang ayusin yung mga gamit mo. I'll call you again okay? HAPPY
NIGHT!" ::)

Iniwanan nga niya akong nag-iisa dito sa loob ng THE CREEPIEST ROOM I've ever seen!
WTF. Langhiyang butete! Pa-one lesson, one lesson learned pa siyang nalalaman,
hindi ba niya ako inaalala na baka kung anong mangyari saakin dito sa kwarto na
'to? BAKA MA-MULTO PA AKO! O kaya ... wag naman sana, baka bukas pag punta nila sa
kwarto ko, NA-EXORCIST NA AKO! o____o

"Tabi-tabi po ... " :-X

Slowly and attentively, ginawa ko na isa isa ang dapat gawin bago matulog. Nag-
tootbrush ako habang nakabukas yung shower para maingay. Ayoko kasi ng sobrang
tahimik habang naglilinis ng ngipin. Baka mamaya biglang may lumabas sa likuran ko.
Pati sa pag-shower, nakabukas yung shower curtain habang naliligo ako, this time
na-iimagine ko na baka may humawak sa leeg ko, yung itim na kamay na galing sa
lupa. HOLY !@#$. Ano ba naman 'tong mga iniisip ko?!

Humiga ako ng tahimik sa higaan kong sobrang laki habang iniisip ang sinabi saakin
kanina ni Ian. Tama nga siya. Tama lahat ng mga sinabi niya saakin. GUILTY AKO
NGAYON. Bakit ko lang kasi pinakawalan si Prince ng ganun? Ano ba ang nangyayari
saakin? Takot ba ako kay Anna? Hindi ko alam, parang ang hina ko ngayon.

Hawak hawak ko ang cellphone ko habang tinitignan ang number ni Prince. Tatawagan
ko kaya siya? Ang laki nalang ng pag-aalala ko sakanya, saan kaya siya natulog
ngayon at sinong ka-roomate niya? Wala rin namang kaibigan si Prince sa
Mapagmalasakit. Kung meron man, siguro si Ian rin yon.

"Miss na kita Prince." T____T

Parang isang araw lang hindi ko na makayang hindi siya makita. Hay nako matutulog
na nga ako! Sinara ko yung cellphone ko, pinatay ko kasi malapit ng mag-low batt.
Wala pa naman akong dinalang charger ngayon. Nag-dadalawang isip ako kung tatawagan
ko si Prince o hindi. Kaso wag na, GALIT AKO SAKANYA pansamantala at ayoko muna
siyang makausap.

Mas gugustuhin ko pang magsulat sa Hello Cookie Love ko, sinubukan ko ngang isulat
ang lahat ng nangyari saamin ni Prince kanina. Mas dinagdagan ko lang ang
nangayari, at syempre, iniba ko in a positive way na kungyari nakasama ko siya.
Ilang buwan na akong nagsusulat dito sa diary ko at masaya kong masasabi na malapit
ng maubos ang mga pages. Iilan nalang ang natitira - mga 10 pages pa. 10 pages pa
ng mga POSITIVE EVENTS tungkol saamin ni Prince ang kailangang kong isulat.
Literally, positive means NEGATIVE EVENTS ... mga kailangan kong harapin pa, kung
sana lang hindi ko na niloloko sarili ko sa mga pinagsusulat ko dito .. kung sana
lang maging maganda na talaga ang mga nangyayari saamin ni Prince.

Ngunit wala paring nangyayari.

Nakabukas lahat ng ilaw nung natulog ako para hindi ako kabahan at matakot. Pero
kahit anong gawin ko, may lalabas at lalabas rin pala dahil nung pagpikit ko, may
naramdaman ako at may narinig akong kaluskos sa loob ng kwarto. Hindi ko na
nabuksan yung mga mata ko dahil sa sobrang takot. Ayokong makita kung sino o ANO
man yun. Baka mahimatay pa ako. Ang tangi ko lang nagawa ay magtago ng mabuti sa
loob ng blanket at pumikit.

Pinilit kong hindi makita yung multo hanggang makatulog na ako.

NAMAN BUTETE BAKIT MO KASI AKO INIIWAN DITO EH! :'(

***********************

Hanggang matapos ang field trip at hanggang makabalik kami sa school, dineadma ko
lang lahat ng gusto kong hindi pansinin. Ang mga hindi included lang ay si Russell
at si Ian. Kahit galit ako kay Ian dahil iniwanan niya akong takot na takot kagabi,
pinansin ko parin siya - inasar lang niya ako dahil sa mga katatakutan ko. Umuwi
agad kaming dalawa ni Ian sabay pauwi ng bahay, nagpaalam kay Russell, at hindi na
pinansin si Prince.

"OMG OMG! NANDITO NA RIN KAYO!"

Sinalubong kami Gale at tinulungan na ring magbuhat saaming mga maleta nung
kabababa palang namin sa taxi kung saan nag-park na muna yun sa tapat ng gate
namin.

"Honeybunch, I miss youuuuu." sinalubong naman ni Ian ng isang mahabang halik si


Gale. Napatunganga nalang ako sa ginagawa nila sabay tingin sa manong driver.

"Manong, thank you po, ito na po bayad."

"Salamat iha." umalis na rin yung taxi sa tapat habang kami nakatayo parin sa
harapan ng black gate.

"Gale Gale Gale ~ may pasalubong ako sayo!"

"Sabi ko na nga ba hindi mo makakalimutan eh!" inabot ni Ian yung mga pasalubong
niya kay Gale. "Wow Buko Pie, my faveeee. Salamat Ian! O ikaw Nia? Alam kong may
pasalubong ka rin saakin, diba promise mo? Pati si Prince din right? T-Teka, nasan
na pala si Prince?"

Nagsitinginan kami ni Ian, dapat sasabihin na namin kung nasan siya - nawawala siya
at hindi namin alam kung saan naroroon kaso napatingin kami ng saglit sa daan.
Nakita namin si Prince na naglalakad mag-isa pauwi ng bahay habang dala dala ang
isang backpack niya at isang maliit na maleta. Dahan dahan lang siyang naglalakad
papunta sa gate ng makita niya kami. Hindi ko ma-isip kung ano ang iniisip niya, sa
mukha palang niya na parang ang gulo gulo ng iniisip na samahan mo pa ng lungkot.

"M-Mauna na ako sa loob."

Isa isa kong binitbit yung mga maleta ko papasok. Ayokong tignan ako ni Prince kaya
nagmadali na akong pumasok sa loob na iniwang nagtataka si Gale.

Malungkot kong inaalis sa maleta ang lahat ng ginamit ko for the field trip sa loob
ng kwarto ko ng biglang pumasok si Gale ng unti unti sa loob. Sa una hindi ko pa
siya napansin pero ngumiti nalang ako sakanya para hindi mahalata na malungkot ako.

"Oh, Gale. Ito nga pala yung mga pasulubong mo." inabot ko sakanya ang isang
plastic ng pasalubong. "Hinay hinay lang sa pagkain niyan ah, may tatlong espasol
pala akong nabili sayo, diba adik ka din dun?" ;D

"I'm so sorry kung naging malungkot ang field trip mo insan ... "

Sa una napatigil akong gumawa sa sinabi niya, pero tinuloy ko parin.

"Actually hindi naman talaga naging pasakit yung field trip eh, nakasama ko naman
si Russ kaya okay lang. Hindi mo na kailangang mag-alala ni Ian, kung sinabi man
niya sayo yung nangyari."

"So nagsasama parin kayo ni Russell hanggang ngayon?"

"Oo naman, bakit?"

"Kala ko galit mo yun dahil doon sa 'ligaw' part na ginawa niya sayo dati? Diba nga
sakit niya yung masyadong mabilis? Eventhough nagtapat ka na kay Prince na mahal mo
siya and everthing .. bakit pinipili mo paring makisama kay Russell? Edi ba
magiging panggulo lang siya? Bakit hindi mo nalang sabihin ang totoong nararamdaman
mo?"

"Mahirap maghanap ng tamang oras para sabihin sakanya. Tsaka isa pa, bakit ko naman
iiwanan si Russell basta basta kung siya naman laging sumasagip sa buhay ko kung
laging may ginagawang kalokohan si Prince? Importante rin siya saakin Gale, kung
wala siya siguro mawawala yung konting kasiyahan ko ... kahit konti lang at least
nakakatulong siya saakin."

Hindi ako makapaniwala na nasabi ko kay Gale yon. Parang tunog ko unti unti ko na
talagang nagugustuhan si Russell. Nagugustuhan? Tama ang salitang naisip ko, OO.
Aaminin kong unti unti ko ng nagugustuhan si Russell. Eh ano naman? Wala namang
masama dun hindi ba?

"Ahhm. Sorry Gale, tutuloy ko na yung pagliligpit ko ng mga gamit ko."

Natahimik si Gale at hindi na nakaimik sa sinabi ko. "Tulungan nalang kita mag-
ayos." at tinulungan nga niya ako.

Ni ako natahimik sa conversation naming sobrang seryoso. Buti nalang tinigil na ni


Gale at hndi na nagsalita pa kungdi baka kung ano ano pa ang masabi ko. Sa totoo
lang hindi naman mabigat yung naging problema ko kay Prince ngayon, kailangan ko
lang siyang kausapin kung bakit hindi niya tinupad yung S.U.R.E niya saakin.

"N-NASAN NA YUNG---?"

Natigil kami sa kakaayos dahil may isang MAHALAGANG GAMIT akong nawawala.

"Yung?"

Biglaan ang naging kaba at kilabot ko, isabay mo pa ng pagiging praning sa


kakahanap sa pinakamahalagang bagay na sana hindi ko nawala. Hinalughog ko ng
masama lahat ng mga nandito.

"Nia ano ba yang hinahanap mo!?" gulat ni Gale.

"Y-YUNG HE-HELLO COOKIE LOVE KO NAWAWALA!"

Naiiyak na ako sa kakahanap sa lahat ng mga maleta ko, kaso wala parang bakas ni
Hello Kitty. "A-Alam kong pagkatapos na pagkatapos kong magsulat kahapon nilagay ko
pa yun sa loob ng shoulder bag ko! Tandang tanda ko pa yun! Nandito lang yun
kahapon eh!"

Nag-hysterical na ako, pati si Gale na-pra-praning na rin.

"Teka, nandito lang yun sa loob ng mga bags mo."

Tinulungan na ako ni Gale maghanap, sa masamang palad, wala parin talaga. Napaupo
ako sa higaan ko sabay iyak ko ng malakas na parang batang nawalan ng laruan.

"Patayin mo na ako Gale! Hindi na nga sumama si Prince saakin kahapon, nawala pa
yung diary kong pino-protektahan ko ng sobrang tagal na ... magpapakamatay na
talaga ako~!"

Tamang tama, may nakita akong gunting sa study table, kinuha ko agad yon kaso
nahugot agad yun ni Gale.
"Huy Nia ano ka ba?! Wag kang mag-alala, mahahanap din natin yun ..." niyakap ako
ni Gale sabay himas ng likod ko, tuloy parin ang iyak hanggang natahan na rin niya
ako sa wakas.

***********************

Malungkot na malungkot akong bumangon kinabukasan dahil hanggang ngayon NAWAWALA


PARIN ANG HELLO COOKIE LOVE KO. Parang nawalan na rin ako ng kalahati ng buhay ko,
depressed na depressed ako habang naglalakad ako mag-isa papunta ng school.
Depressed na hindi ako makatingin ng diretso sa nilalakaran ko dahil ang buong
tingin ko lang ay nasa sahig. Gusto ko muna kasing mapag-isa kaya hinayaan muna ako
nila Gale at Ian.

Ang alam ko dinouble check ko pa nga yung bag at yung nakakatakot na kwarto ko kung
may naiwan ako .. kaso wala, clear na clear. Hindi kaya naiwan ko kung saan? NAIWAN
KO ATA SA LAGUNA? O sa BUS? O kaya baka nahulog sa kanal habang naglalakad ako
pauwi?

"LORD KUHANIN NIYO NA AKO!" :'(

"Tignan mo nga yang dinadaanan mo."

May tao akong nakabunggo.

"ANO BANG PROBLEMA MO?! WAG .. KA .."

Ang laki ng tingin saakin ni Prince, nanglaki yung mga mata ko ng makita ko siya -
napatalikod ako agad, slowly, naglakad palayo.

"Nagpapa-late ka ba sa school? Ang bagal mo kayang maglakad."

Ang bilis naman niyang maglakad! =X Sumulpot agad sa gilid ko na parang mushroom.
Hindi ko siya pinansin, tinuloy ko parin lakad ko.

Ng mairita na ako dahil tuloy tuloy parin ang buntot niya saakin - tumakbo ako ng
kabilis bilis ng hindi ko namalayan na may "something" pala akong naapakan!

"NIAAAAAAAAA!"

"HOLY RDRFSDFSDFSDF ~!" at ako'y nadapa na parang isang byuti queen sa harapan ni
Prince. T_____T

Nauwi ang dakilang dapa ko sa loob ng SMQC's clinic, magalang na dinala ako ni
Prince papunta sa loob ng school ng pa-piki-piki. Hindi naman ako pwedeng mag-
paiwan doon dahil mukhang malala ang pagkadapa ko at na-strain pa yung tuhod ko -
kasama pa ng sugat. Kahit gusto kong mag-paiwan dahil ayokong makita si Prince,
sumunod parin ako.

"Lay down ka muna diyan for a few minutes bago mawala ang sakit."

Pinahiga ako ng nurse sa isang maliit na higaan pagkatapos umalis na siya sa tabi
ko. Sinubukan kong umupo, tinignan ko kung gaano kalala yung sugat. Shet ang laki
pala, parang binugbog at sinugatan ng ilang beses. :o

"Tae naman oh, bakit ba ang malas ng buhay ko ngayon!?"


"Kung humihiga ka muna kaya at sundin yung sinabi nung nurse?"

Nakatayo na pala si Prince sa may pintuan habang tinitignan akong naghihirap dito.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi kita kailangan dito. Umalis ka na." Hindi ko nanaman
siya pinansin at tinignan ko ulit yung sagat ko. Narinig kong dahan dahan siyang
naglakad palapit saakin, pagkatapos umupo siya sa harapan ng higaan ko.

"I'M REALLY SORRY. Hindi ko naman sinadya na sumama kay Anna. Kailangan ko lang
sundin yung pinaka-huling utos niya saakin, kahapon na talaga nagtapos ang contrata
ko sakanya. Late na niyang sinabi, dapat sasabihin ko sayo kaso baka magalit ka.
It's officially over."

"Bakit ba kailangan mo pa ng last resort sa babaeng yon? Dahil ba sa pera? Prince


naman, ang takaw mo naman sa pera. Pera nalang laging iniisip mo. Ako ba iniisip
mo?" hindi siya makasagot.

"Gusto kitang puntahan kahapon sa kwarto mo to check if you're okey. Hindi mo ni-
lock yung pinto mo kaya nakapasok ako, ng makita ko 'to ... "

Imbis na sumagot siya sa tanong ko, mukhang iibahin pa niya ang usapan. Hinugot
niya yung backpack niya at may kinalikot siya sa loob.

Kala ko mahihimatay na ako nung oras na pinakita niya saakin na nasakanya pala yung
diary ko. Yung Hello Cookie Love ~ NASAKANYA PALA. At siya pa yung inakala kong
multo na dumaan sa kwarto ko kapaon. Hindi ako nakaimik sa sobrang gulat.

"Sinabi lahat saakin ni Anna ang tungkol dito. At ... nabasa ko na rin lahat ng mga
laman niyan."

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano. Kakaiba ang pakiramdam pag natatalo ka
sakanila. Nasa kanila ang weakness ko, na kay Prince. Siya ang PINAKA-UNANG TAO na
nakabasa ng mga pinagsusulat ko TUNGKOL SAKANYA.

Ano nalang ang mahaharap kong pagmumukha mukha? Wala!

"Akin na nga yan~!" hinugot ko sa kamay niya at doon na ako nagsimulang umiyak.
Wala akong masasabi sakanya sa sobrang HIYA. Ayokong magsalita pero kailangan. "Mga
pakeelamero kayong lahat ... pakeelaman niyo na ang lahat saakin. Tanggap ko naman
na sobrang desperada ko eh. Oo na, desperada ako sayo, Prince. Ano? Masaya ka na na
may babaeng tulad ko na sobra nalang ang pagkabaliw sayo?"

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan Nia." mukhang galit rin siya saakin. "Wala namang
mali sa mga sinulat mo, kung ano man yung mga pangyayaring naka-sulat diyan, siguro
itatago nalang natin yun."

A-Ano? Wag mong sabihin tanggap niya yung mga nakasulat dito? Nagsimula ng tumulo
yung mga luha ko sa harapan niya.

"Pangako kong walang nilalang na makakaalam tungkol diyan sa diary mo ... kungdi
tayo lang dalawa."

Unti unti ng lumalakas yung iyak ko dahil sa sinabi niya. Totoo nga, kahit man
natalo ako, nandiyan naman si Prince para sagipin ako. Bigla akong nanghina sa
sobrang saya. Nag-iba na ang aura at ngayon gusto ko na siyang pasalamatan.

"P-Pri-ince ..." ngumiti ako sakanya. "T-Thank y-you ..."

Nanginginig na yung boses ko sa sobrang iyak, hiningal ako bigla na parang


magkakaron ako ng hika. Hindi ko mapigilan yung iyak ko, tuloy tuloy parin ang
tulo. Para akong isang maliit na bata nanaman sa harapan niya. This time, hindi na
ako nahihiya sa ginagawa ko. Gusto kong makita ni Prince kung gaano ako kasaya sa
sinabi niya.

Sa magandang pagkakataon, binigyan niya ako ng isang mainit na yakap para tumahan
na ang babaeng iyakin.

Episode #34
~ isang malaking panloloko

Umagang umaga ng Sunday ang ingay ingay na sa loob ng bahay. Himalang nag-alarm
yung alarm clock kong kala ko sira na na, kaso wa-epek din yung dahil ginising ako
ng mga naririnig kong ingay sa baba, sa may living room. Mukhang lasenggera akong
bumaba ng makita ko ang pinaka-shocking-est scene sa buhay ko.

"Mama? Ian? Gale? PRINCE?! A-anong ginagawa niyo diyan?"

Ang aga aga nakita ko silang apat na nakasuot ng kanilang mga individual aprons
habang may hawak hawak na kungdi isang sandok, mga pagkain o apparatus sa
pagluluto. Hindi ako nagkakamali pero nag-co-cooking session ata sila?! WTH.

"My lovely daughter! Come on, join us!" aba may pa-english english pang nalalaman
'to. Warm welcome ni mama kakaiba, pati sina Prince nakasibay sa warm welcome at
hinatak nila ako by force na sumama sakanila.

Ayoko sanang sumama sa magulo at madumi nilang cooking session dahil sayang lang
oras ko doon, hindi ko kasi interes ang magluto. Ang alam ko lang lutuin eh mga
fried, kasasabi ko lang dati nun kay Ian. Parang na-OP naman ako sa mga 'to. Si
Gale kahit hindi nagluluto yun eager siyang matuto. Habang yung naiwang tatlo ay
adik palang magluto. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na pati si Prince
marunong din pala.

After an hour of cooking madness, natapos rin kami.

"Anak naman hindi mo lang sinabi saakin na medyo magaling palang magturo 'tong
boypren mo! Kailangan ko pang pilitin sumama saakin maghanda ng almusal eh."

Hanggang ngayon ba naman eh pinagkakamalan parin kaming mag-syota ni Prince ng


nanay ko? KILIG TO THE BONES NAMAN ANG BRUHA. "Prince hindi mo kaya sinabi saakin!"
natawa ako sabay tapik sakanya sa balikat.

"Hindi naman talaga ako mahilig magluto. Ayoko lang na may ibang nagluluto ng
kakainin ko. Gusto ko ako mismo ang gumagawa."

"Hahaha! Okey lang yan pare, ako rin medyo ganun." ang aarte naman pala nitong mga
'to eh.

"Eh bakit noon Ian pinagluto kita kinain mo naman? Sabi mo masarap pero mukhang
hindi naman talaga, nagsinungaling ka ba saakin?"

"Oy hindi ah. Masarap naman talaga honeybunch eh."

Bago pa mag-away 'tong dalawang mag-syota na 'to, naki-epal na ako sakanila.


"Prince~! Patikim nga yung niluto mo!" kinuha ko yung plato ng omellete na niluto
niya sabat tikim ko doon. "WOW! ANG SARAP NAMAN PALA PRINCE EH." ;D "Oh tikman mo
naman yung niluto ko Prince!" kinuha ko yung kutsara sabay subo ko sakanya ng fried
bacon with egg na niluto ko.

"Masarap." ;D
"Say ahhhhhhh Ian~!"

"AHHHHHHHH~" sabay kain at nguya ni butete. "Grabe yang niluto mo Gale! I love you
talaga!"

Nag-subuan na kaming mga mag-lo-lovers, grabe ang feeling ng umaga ko. Bukod sa
masarap na nga yung pagkain na pinagluluto namin, masarap pa yung mga subuan na
nangyayari sa harap ng hapagkainan. Nagkaron ng change of turns kami nila Gale sa
mga lalake. Pagkatapos ni Gale kay Ian, si Ian naman ang sumubo sakanya. Ganun na
ganun din ang nangyari saamin ni Prince kahit medyo nagkaka-shy shy pa kami.

Aching~ SANA GANITO NALANG UMAGA KO ARAW ARAW!

"MGA BATA KAYO TIGILAN NIYO NA NGA YAN NAIINGGIT AKO EH!" :o

***********************

Random day ngayon at wala kaming magawa sa bahay. Pagkatapos kumain ng lunch, nag-
hang out lang kaming apat sa apartment nila Prince at Ian. Si Mama umalis at
nakipag-hang out naman sa mga ka-kumare niya. May aircon yung apartment nila Ian
kaya ang sarap sarap manood ng movie sa living room na malamig. Ang mga lalake
hindi trip manood ng movie kaya nag Ran Online ka-adiktan nalang sila sa loob ng
kwarto ni Ian. Habang busy kami sa kakanood ng "Norton Hear's a Who" nag-vibrate
bigla yung cellphone ko at may nag-text.

"Saan ka pupunta?"

Nagmadali akong tumayo sa tabi ni Gale. "Pwedeng favor, insan? Pag hinanap ako ni
Prince dahil sa biglang pagkawala ko, sabihin mo tinawag ako ni Mama para sumama
sakanya sa palengke para tulungan siyang magbibit ng mga minamili niya. Osige Gale,
in a hurry ako. Pakisabi nalang ah! Thanks!" naglakad na ako palabas sa screendoor.

"Eh p-pero --- ?"

Kailangan kong magmadali bago kumatok si Russell sa black gate namin. Hindi siya
pwedeng magtagal sa paghatid niya saakin sa loob ng Baco street dahil baka makita
pa niya si Prince o ano. Kinakabahan lang ako kaya hinintay ko siya sa pinakadulo
ng kalsada.

"Hi Russ!"

"O Nia, ang bilis mo naman?"

Nagmadali akong sumakay sa loob ng kotse niya at pinaalis ko rin kami agad sa gilid
ng Baco. Nababanas nga ako sa sarili ko, bakit ako sumama kay Russell ngayon,
inaalala ko si Prince baka kung ano ano nanaman ang iisipin niya sa pagkawala ko.
Sana ma-explain ni Gale ng maayos yung binilin ko sakanya.

Consensya ang nag-dulot saakin na sumama kay Russell dahil dati kinuha ako ni
Prince sakanya, (episode #31) nararapat lang na balikan ko siya dahil sa unfair act
na pinakita ni Prince.

"Hindi ko talaga planong abalahin ka ngayon, pero I promised dad to bring you here.
I don't really know but he wants too see you." naglalakad kami papasok sa loob ng
kanilang mansyon.

"Anong kailangan niya saakin?"


Eksakto lang ang tigil namin sa harapan ng pintuan ng masyon ng bigla nalang
bumukas yon. Nagulat ako dahil nakasalubong ko ang parents ni Russell. Yung nanay
niya, at yung tatay niyang mukhang modelo sa gwapo.

"Iha? Is that you? Hey, long time no see."

"Come on Ma' hahatid na kita papunta sa work. Uhm Nia, hatid ko muna si Mommy ha,
mauna na kayo ni Dad pumasok sa loob. Hintayin niyo nalang ako mamaya. I'll be
back. Okey, see you."

Umalis na rin sina Russell kasama yung nanay niya.

"Come on, let's go inside."

Napatingin ako kay Russell indicating na ayoko pang pumasok kasama yung gwapo
niyang tatay. Ayokong umalis si Russell, gusto ko siyang makasama habang kausap ko
yung daddy niya. Nakakahiya naman kay Mr. Sanchez kung bigla kung sundan si
Russell, napilitan tuloy ako pumasok. Wala paring pagbabago sa mansion, ang tangi
ko lang nakitang pagbabago ay ang atmosphere ng buong lugar. Parang ang lungkot,
ang gloomy, nawala yung saya.

"Nako, salamat Mr. Sanchez, nag-abala pa kayo." binigyan niya ako ng juice at
konting snacks habang nakaupo ako dito sa may living room.

"No need to thank me. Marami kaming supply ng pagkain dito kaya wag kang mag-
alala."

"Ay ganun po ba?" ;D natawa ako ng konti sabay inom ko ng juice. Muntik na akong
mabilaukan sa tingin ng tatay niya saakin, pakiramdam ko pa ngang namula yung
cheeks ko. Langya! Tatay 'to ni Russell dapat hindi ako kiligin. =X

"Gusto kitang makita ngayon dahil gusto kong magkaron tayo ng a little chat bago
ako umalis bukas. Babalik na kasi ako sa States bukas, and eventually this is will
be my last day here. Gusto kitang makausap personally about my son."

Nag-iba ang aura at naging seryoso si Mr. Sanchez sa dapat niyang sabihin.

"Kilala mo ba si Prince?"

"Ahh ... opo. K-Kaklase po namin siya ni Russell, bakit po?" naiilang na pagkasabi
ko. ???

"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo last time about the half of my wealth?" nag-nod
ako. "Not to hurt you or anything, but the boys played my GAME well." hindi na ako
makaimik sa nakakatakang sinasabi niya. "Did you know that I adopted Prince despite
the fact that his Parents are dead? Isang mahabang storya. He IS my step son and he
is the step brother of Russell. Nagkagalit kami ni Prince dahil sa pagkamatay ng
aking panganay na si Ralph. But before that, nung okey pa kaming dalawa, nagbilin
ako kina Russell at Prince ng isang COMPETITION."

Now this is getting deeper.

"Simple lang, kung sino ang UNANG magkaron ng GIRLFRIEND, sakanya ko ibibigay ang
kalahati ng kayamanan ko. Syempre, parte na rin ang pagmana ko sa magiging
girlfriend nila. And that's you my dear. I'm just curious. TOTOO ba ang relasyon
niyo ng anak ko o nanloloko lang kayo saakin?"

Nanlamig yung mga kamay ko at halos hindi ako makasalita sa sinabi niya. "Kung sino
ang UNANG magkaron ng GIRLFRIEND?" -- lahat ng mga pieces from the past bumabalik
sa isip ko sa phrase na yan.

Noong June 30th sa birthday ni Russell nag-sinungaling siya sa buong madla na


girlfriend niya ako. Wala akong kaalam alam kung bakit siya nagmamadali ng ganun,
hindi pa naman niya ako nakikilala ng lubos sa totoo lang. At ang bayaran na
ginagawa ni Anna para kay Prince para sa peke nilang relasyon. Si Anna ang nanguna
sa kontrata, pero buong loob namang tinanggap ni Prince ang alok niya.

Kung papagdikitin natin ang lahat, makikita ko ang BAKAS ng kompetisyon na


nangyayari sa pagitan nila tungkol sa kayamanan na yon.

"H-hindi ko po alam yung sinasabi niyo ... ahh ... k-kailangan ko na pong umalis,
baka hinahanap na ako ng Mama ko sa bahay."

Tumayo ako agad sa harapan ni Mr. Sanchez at sinubukan kong magmadali paalis sa
loob ng mansion. Kaso sa eksaktong pag-alis ko, nandiyan na pala si Russell.

"Nia ..."

Mukhang alam na ni Russell ang napag-usapan naming at handa na siyang sabihin ang
kanyang nalalaman at nararamdaman tungkol dito.

"H-Hindi naman totoo yun, Nia, please ..."

Kasama pala ako sa nabiktima. Kasama ako sa competition. Kalahati na nagsasabi na


kailangan kong magalit kay Prince dahil kasabwat rin siya dito kahit papano. At ang
pinakamalaking lamang ng galit ko ay napunta kay Russell. All this time, LARO lang
pala ang lahat ng nangyayari sa pagitan naming dalawa.

Hindi ko na pinansin si Russell at nagmadali na akong umalis.

Umuwi akong mangiyak-ngiyak at ma-drama. Hindi nanaman ako tumitingin sa dinadaanan


ko at tuloy tuloy parin akong maglakad. Ang sakit pala ng pakiramdam ng PINAGLARUAN
ka lang. Pinaglaruan ka ng taong kala mo ma-aasahan mo na.

"P-Prince s-sandali lang! Wag kang umalis!"

"Wag mo nga akong pigilan. Baka kung saan nanaman pumunta yun eh. Malilintikan na
talaga yun saakin eh."

Isang maliit na kaguluhan ang naabutan ko sa may gate ng #32 Baco. Si Prince
nagiging hysterical habang si Gale pinipigilan siyang makaalis sa gate.

"N-NIA!" o____o

Hindi ko pinansin si Gale at si Prince ang una kong tinignan. Galit na galit
nanaman ang tingin ko sakanya, siya naman taking taka kung bakit ganun yung
expression ko. Pero hindi dapat sakanya ako magalit dahil HINDI NAMAN NIYA AKO
PINAGLURAN DIBA? Si Russell ang suspect, sakanya dapat ako magalit.

"P-PRINCE ~!" :'(

Ayan nanaman si dakilang iyakin, napayakap nanaman ako kay Prince ng di oras.

***********************

Kinuha ako ni Prince ng tubig na maiinom at nag-stay muna kaming dalawa dito sa
apartment ko para magkausap ng personal. Hinihika mode nanaman ako at hindi ko
nanaman mapigilan yung iyak ko, sus.

"Tahan na nga yan. O ito pa tubig, inom ka pa." hinahawakan ni Prince yung baso ng
tubig habang pinapainom niya ako. Kasabay din ng pag-himas niya sa likod ko.
"Kasasabi ko lang diba sayo na mag-paalam ka muna saakin bago ka pumunta kung saan?
Naman Nia eh, simple lang naman ang bilin ko sayo hindi mo pa masunod sunod."

"Pwede ba Prince wag na muna tayong mag-away? Wag muna ngayon .. please ..."

"Saan ka ba kasi pumunta?" mahinahon na tanong niya.

"Pag sinabi ko ba sayo magagalit ka?"

"Nope. Bakit naman ako magagalit?"

"S-Sa mansion nila Russell."

"A-ANO!? NIA! ANG-- !"

"SABI MO HINDI KA MAGAGALIT? WAAAAH!" naiyak ako ng malakas sabay buga ko ng sipon
sa tissue paper.

Lumaklak si Prince ng natitirang tubig sa baso na pinaimon niya saakin at sinubukan


niyang kainin yung galit niya. "What the heck did you do there?" I trust Prince,
huminahon na naman siya, pwede kong sabihin ang gusto kong sabihin.

"Bukas na ang alis ng step dad mo Prince. Bago ang lahat, parang ang sama ko dahil
hindi ako nagpaalam sakanya nung nag-walk out ako sa harapan niya. H-Hindi ko na
mapigilan na umalis doon ng malaman ko yung totoo sa pagitan niyo ni Russell
tungkol doon sa kayamanan ni Mr. Sanchez."

Halos hindi rin makapaniwala si Prince sa sinabi ko. "At naniwala ka naman sa mga
pinagsasabi nun?"

"Umiiyak na ako kanina pa, syempre naman naniwala ako."

"Kasinungalingan yun saakin, kay Russell totoo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"That was 2 years ago, man. Lumang tugtugin na yun saakin, wala na akong pakeelam
sa mga bilin saakin ni Mr. Sanchez, dahil matagal ko ng inayawan yun. Sobrang tagal
na. Hindi na ako kasama sa laro to make it clear. Hindi naman ako ganun ka-luho."

"Hindi ganun ka-luho? Eh bakit nakikipagkita ka pa rin sa kay Anna kung hindi ka na
kasama sa laro!?"

Nataasan ko yung boses ko .. at hindi na siya nakasagot.

"Sabi ko naman sayo na OUT na ako doon. Pero yang si Russell iniisip parin niya yun
hanggang ngayon kaya ka niya ..."

"Kaya ka niya -- ?"

"K-Kaya ka niya nililigawan. E-Eh basta! Sabi ko naman sayo wag ka na doon. Ayaw mo
namang makinig saakin, sobrang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan."

Mukhang nahirapan si Prince sa pagkasabi ng mga hinanakit niya. Tumingin ako


sakanya ng seryoso, inuusisa yung mukha niya ng maiigi.

"Nag-se-selos ka ba Prince?"

"A-AKO? NA-NAG-SE-SELOS? Mangarap ka!"

Naiyak ako ng malakas sa sinabi at kinilos niya. Nagdabog kasing tumayo sa gilid
ko, muntik na akong masaktan sa pagiging wild niya. Fragile pa naman ang feeling ko
ngayon dahil sa explanasyong binigay saakin ni Mr. Sanchez.

"WAAAAAA! SUSUMBONG KITA KAY IAN! SUSUMBONG KITA!"

"Tama na nga yang iyak mo, kakabingi na eh." umupo ulit siya sa tabi sabay himas
niya sa likod ko. "For the last time, talagang last na talaga 'tong sasabihin ko
sayo. Wag na wag ka ng makipagkita pa kay Russell. GOT THAT?"

Nakatakip yung bibig ko at walang lumalabas para sagutin ko siya ng isang simpleng
"OO."

Nag-o-overreact nanaman ba ako sa nangyari? Kanina ... ayaw akong paalisin ni


Russell, siguro hindi naman talaga sinadya yun. Teka! Ano ba naman 'tong inisiip
ko? Ako na nga biktima tapos inaalala ko pa ang taong salarin.

Bakit Russell? Bakit mo nagawa saakin 'to?

"O-OO Prince, I promise." :-[

Episode #35 - More lonelier than ever.


« Reply #1160 on: July 19, 2008, 02:26:04 pm »
Reply with quoteQuote

Episode #35
~ more lonelier than ever
(poster at the end of the episode)

Para akong isang animal na ayaw pakawalan ni Prince. Monday na Monday ng umaga
kataka-taka yung kilos niya. Kasama namin siya nila Gale at Ian mag-commute papunta
sa school at parang "on-the-look" siya palagi sa mga tao na lalapit saakin. Kagaya
nalang nung flag ceremony, pumunta siya sa harapan ko at binantayan niya ako.
Nakakapagtaka pero kilig naman!

"Ako uupo diyan sa tabi mo? Okey ka lang? Eh diyan yung upuan ni Anna diba? Bakit
ako uupo diyan? No way!"

"Ako na ang bahala mag-explain kay Sir Torres, basta umupo ka lang dito sa tabi ko.
Wag kang makulit."

Natalo ako sa usapan at sinunod ko naman siya. Isa isa ng napupuno ang mga upuan sa
loob ng classroom, isa isa ng dumadating yung mga kaklase ko. Nauna kong nakita na
dumating yung mga kaibigan ni Russell. Kinabahan ako dahil akala ko na kasama nila
si Russell ayun pala bumuntot na si Anna.

Tumingin siya sa direction ko kung saan ako nakaupo sa kinauupuan niya originally.
Mas lalo akong kinabahan. Buti nalang nandito si Prince sa tabi ko, kinalabit ko na
siya ng maaga bago ako awayin ni Anna.

"What on EARTH are you doing on my seat you missy?"


Nakiki-osyo-syo na yung mga kaklase ko magaganap na away naming tatlo. "Pinaupo ko
siya tabi ko. For the mean time, this is her seat from now on. May angal?" SPARKLES
ALL AROUND. Ang major cool ni Prince pag pinapagtanggol niya ako. Ayan nanaman ako,
nahuhulog nanaman sa piling niya.

Napanganga si Anna kasama ng mga konting kaklase ko sa inaasal ni Prince, ni ako


mismo napanganga. Handa siyang makipag-away sa Principal's daughter para paupuin
lang ako dito sa tabi niya. Hindi napilan ni Anna na mag-walk out nalang sa sinabi
niya. Bakit ganun? Feeling ko parang natatakot siya kay Prince? Isang sabihan lang
sakanya sunod agad siya, nasan na yung walang hiyang Anna na nakilala ko?

Natuloy ang for the mean time seatmate ko sa tabi ni Prince dahil pinayagan naman
ako ni Sir Torres umupo sa tabi niya. Wala nanaman si Russell nung nag-umpisa ang
klase, tingin ako ng tingin sa pinto if ever papasok siya o hindi. Kaso wala parin
hanggang mag second period. Ayun pa naman ang taong on time lagi.

Pinigilan ko ang sarili kong hindi isipin si Russell at nagawa ko naman yun. Katabi
ko si Prince at siya naman ang inisip ko. Bakit ba ako isip ng isip kay Russell
kung nandito naman ang Blue Cookie ko?

"Wag mo akong titignan."

HULI! Grabe na kasi ang pagtitig at pag-day dream ko sakanya, pati yung ni-le-
lecture ni Ms. Padua wala na akong maintindihan. Ang mukha lang ni Prince ang
pinapag-aralan ko, ang structure ng kanyang ilong, ang singkit ng kanyang mga
mata ... ito ang masarap pag-aralan.

"Thank you Prince sa pagtatanggol mo saakin kay Anna ha .." bulong ko sakanya.

Galit parin si Anna at umupo siya sa pinaharapan ng klase. Kitang kita ko ang SELOS
sakanyang mukha, nakailang tingin siya saamin ni Prince, pretending na hindi ko
siya nakitang tumitingin saamin. Oras na tumingin siya saakin isa lang ang ginagawa
ko: ANG MAGING SWEET SA KATABI KO. Oras ko na 'to para maipakita sakanya kung sino
talaga ang tamang babae para kay Prince.

And she bought that act. Ano ang feeling nun? ANG SAYA.

***********************

Recess time nagsama sama nanaman kaming apat nila Ian. Ang ganda ng araw ko,
maganda rin ang araw ni Ian pati ni Gale. Ewan ko nalang kay Prince, pero feeling
ko maganda rin sakanya dahil nakuha rin niyang ngumiti sa mga jokes ni Ian na ako
mismo hindi natawa sa mga yon.

"Guyssss. We have to tell you something important!"

Huling subo ang ginawa ni Ian bago siya nagsalita. "Yesterday, nakasalubong ko sina
Kuya Mike at Tito Lucas galing sa trabaho. Sa una nahihiya pa ako at natatakot
sakanya. Kung hindi pa ako pinilit ni Gale na kausapin siya tungkol sa relationship
namin, hindi pa siya papayag."

"Huh? So anong ibig sabihin nun?"

"WE'RE NOW OFFICIALLY BLESSED!"

Nabilaukan ako sa pancit na kinakain ko.


"Wow, congrats." :)

"Thank you pare, at isa pang good news. Bukod sa blessed na kaming dalawa ni Gale
dahil sa pagpayag rin nila, nakatanggap na rin ako ng sulat galing sa US embassy.
By next week, matatanggap ko na daw ang visa ko."

"Haha. Hala, congrats ulit. Mukhang magiging okey na ang takbo ng relasyon niyong
dalawa. Masaya ako para sainyo."

"Thank you so much Prince!" out of place nanaman ang feeling ko at hindi maka-imik
sa MALUNGKOT nilang balita.

"I-I'm happy din for the both of you. Really." :) kahit man pinakita ko sakanila
yung pinakamasayang mukha ko napansin din ni Ian kung gaano kalungkot. Sumubo ako
para maiba ang tingin niya.

"Nia ... kung pwede lang sana hindi kami matuloy .. pero kailangan parin bespren.
Alam kong malungkot ka, pero wala kaming magagawa, theres no backing up here."

"No, hindi ako malungkot. Masaya talaga ako para sainyong dalawa ... hindi nga.
Sino bang hindi sasayo doon? Makakapunta na rin kayo sa States ng sabay, makakapag-
aral kayo ng magkasama ... gaganda pa ang buhay niyo."

"Insan, kung iniisip mong iiwanan namin dito na walang kasama, nagkakamali ka.
Nandiyan naman si Prince oh, siya ang makakasama at makakasabay mo pag nawala na
kami, hindi ka naman niya iiwan diba? Right Prince?" namula ako bigla, ano bang
klaseng tanong yan at bakit nang-iinit nanaman ako sa isasagot niya?

Sabay nalang kaming naubo ni Prince, hindi na nakasagot at tinuloy nalang ang
pagkain.

Bakit ba kasi kailangan pang ilabas ang tanong ni Gale na kung hindi ako iiwanan ni
Prince? Isang mahirap at awkward na tanong pa naman yun saamin. Lalo sa lalake!
Ayan tuloy parang hindi ko na matitigan si Prince sa tabi ko nung pagkatapos ang
recess. Lahat parang ang awkward at parang hindi ako mapakali. Kaya nung lunch,
tumakbo ako papunta sa CR para maghilamos ng mukha.

Nung pagkalabas ko muntik ko ng mahulog yung hawak hawak kong tissue paper dahil
ginulanta ako ni RUSSELL. Nakasandal siya sa gilid ng pintuan ng CR ng mga babae,
at mukhang hinihintay ako. Hindi ko siya nakita nung pagpunta ko dito, ang weird
kung paano niya ako nasundan.

"Nia~ just wait a minute."

Hindi ko siya pinansin dahil galit parin ako sakanya. Iniwasan ko siya.

"Hey, I want to talk to you." hinawakan niya yung braso ko.

"Diba absent ka? Pumunta ka ba dito ngayon para lang saakin? Para makausap ako?
Tama na yan Russell. Alam na alam ko na yang pag-pa-pa-"gentleman effect" mo eh. So
please leave me alone?"

"Let me explain." :-\

"Ano pa ba ang e-explain mo kung na-explain na ng tatay mong maluho sa pera ang
lahat? Wow naman, porket bang ganun ako ka-desperada papaglaruan mo na ako? Kaya
siguro nag-kungyari kang gusto mo yung tula ko na ne-recite ko sa nung first ano?
Galing nun ah, nakahanap ka agad ng isang babaeng lolokohin - sobrang saya mo
siguro ng mga oras na yon. Kaya pwede ba Russell, layuan mo na ako bago pa makita
ni Prince na kinakausap mo ako, baka kung ano pang gawin nun sayo."

Hanggang diyan lang ata ang mga hinanakit na masasabi ko kay Russell.

Wala na akong ibang masabi pa, hindi niya ako pinigilan nung umalis ako sa harapan
niya.

Sa totoo lang ang sarap sabihin yung mga yon sakanya. Para akong isang ibon na
nakalaya sa loob ng kural. Isang ibon na malaya ng lumilipad ngayon, malayang
malaya ng makakalipad papunta sakanyang amo na si - PRINCE.

Isang magandang pangyayari rin 'to diba? Kahit masakit mang pinagluruan ka lang,
mas mabuti naman yun para matapos na rin ang problema ko kay Russell.

"AM I REALLY FREE?"

Napatigil akong maglakad papunta sa classroom dahil may naisip akong demonitang
bagay. Ngumiti ako sa saya, kung malaya na nga ako kay Russell, ano pa ang ginagawa
ko dito at bakit sene-seryoso ko pa siya hanggang ngayon?

HINDI TOTOO. WALA NAMAN TALAGANG GUSTO SAAKIN SI RUSSELL. Isa lang ang ibig sabihin
niyan.

"P-PRINCE~! NAKITA KO SI RUSSELL DOON SA LABAS, KINAUSAP NIYA AKO~! AYAW NIYA AKONG
TIGILAN!"

Ang magkungyaring malungkot, api, depressed sa harapan ni Prince. Alam ko naman ang
gagawin niya eh, edi co-comfort niya ako all day long. Try that, MASARAP YUN. ::)

"Nasa labas yung lokong loko na yon? Eh hindi naman siya pumasok diba?"

"P-Pinuntahan niya ako dito, may-e-explain daw siya saakin --- basta ayoko siyang
makausap at makita pero pilit parin siya ng pilit saakin, nakakaasar na Prince eh,
sobrang nakakaasar." KUNGYARING naiiyak ako, sumandal ako sa balikat niya at
nagmukhang inapi.

"O ito tissue. Wag ka ng umiyak diyan, nakakahiya sa mga tao." sabi ko na nga ba i-
co-comfort niya ako eh. Ganda talaga ng plano ko oh. Napapatingin nanaman yung mga
malalanding babae lalong lalo na si Anna saamin. Sorry naman, may nilalanggam lang
naman dito. ::)

***********************

Dahil sa mga good news na natanggap nila Ian at Gale, napag-planuhan nilang gumala
sa SM after school. Sana sasama ako sakanila para magpalamig at maki-jive kaso
hindi ko magagawa yun dahil ang tagal ni Prince, sabi niya may pupuntahan daw siya
sa Faculty room, may kakausapin daw siyang teacher, so eto ako, kailangan ko siyang
hintayin.

"Sigurado ka ah, eh kung maghintay nalang kaya kami din dito para mahintay na rin
natin si Prince? Sabay na rin siya saatin?"

"Ay wag na, baka matagalan pa yun, una na kayo. Hihintayin ko nalang siya dito."

"Okey. Kung ayan ang gusto mo."

"Sige, enjoy nalang kayo ah!"


"Bye Nia!" ... "Kita-kits sa bahay!"

Pinagmasdan ko sila palayo ng palayo mula saakin. Na-iimagine ko sarili ko ng wala


sila, ang tahimik ng lugar, wala si Ian, ang natatangi kong bestfriend, wala si
Gale, ang natatangi kong pinakamamahal na insan sa buong mundo ... mawawala nalang
bigla, parang hinugot ang isang parte ng buhay ko. Hindi ako makahinga, nasasaktan
ako. Ganun ang haka ko. Pero may isang anghel na nagbigay ilaw sa lahat, wala ng
iba kungdi si Prince, siya ang humawak ng kamay ko papunta sa liwanag.

Aish ano ba 'tong pinag-iisip ko! May liwanag pa akong nalalaman eh hindi pa naman
ako mamatay. ;D Anyways, back to Prince. Natawa ako sa mga pinag-iisip ko at
pinuntahan ko nalang siya sa Faculty room.

Natagil yung saya na nararamdaman ko dahil naka-lock at walang tao sa loob ng


Faculty room nung pagpunta ko doon. Napaisip ako na, OO nga naman? Minsan hindi
nagtatagal ang mga teachers sa Faculty room dahil kasabay rin nila umuwi ang mga
estudyante. Nangilabot ako bigla dahil naalala ko nanaman yung Mary Cherry Chua,
ang bilis dumilim tapos mag-isa nanaman ako dito sa St. Joseph's lobby.

NASAN NA SI PRINCE? T____T

Kailangan ko siyang mahanap, tumakbo ako sa abot ng aking makakaya, mas lalong
tumitibok yung puso ko, baka kasi na-multo siya ni Mary Cherry tapos kinidnapp
pagkatapos! Susmarya naman yang mga pinag-iisip ko~!

Paglabas ko ng building may naabutan pa naman akong mga estyudante, siguro sila
yung may mga remedial after school. Salamat naman at hindi ako nag-iisa. Mas lalo
akong naganahan hanapin siya. Hindi naman siya pwedeng sumama kila Gale at Ian? At
syempre naman hindi niya ako iniwang mag-isa, right?

Kaso huli na ako ng mapadpad ako sa likod ng gymnasium.

Nabitawan ko yung bag ko ng makita ko si Prince na kasama si ... ANNA.

Kung kakausapin niya si Anna, bakit sa TAGONG lugar pa ang napagpilian nila? Bakit
hindi niya sinabi saakin na makikipag-usap lang siya sandali sakanya? Kung siguro
ganun ang ginawa ni Prince hindi ako magagalit. Ang problema eh hindi naman niya
sinabi saakin at OBVIOUS namang tinago nanaman niya ito saakin. Konting explanation
lang naman ang pwede niya sabihin at magiging masaya na ako doon ...

Hindi eh ... ito nanaman ang typical Prince, bumabalik nanaman, tinatago niya
saakin ang totoo.

Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila pero seryoso si Anna sa mga
sinasabi niya kay Prince -- NAKITA KO SIYANG UMIYAK. Parang nagmamakaawa siya kay
Prince. Gusto kong lumapit, gusto kong magpakita, sa hina ko hindi ko magawa. Ang
tignan lang sila hanggang matapos ang usapan ang ginawa ko. Kahit man masakit
silang pagmasdan ...

Ng hindi ko nalang namalayan na nag-umpisa na palang tumulo nanaman ang mga luha ko
ng makita kong hinawakan ni Anna yung kamay ni Prince, niyakap at sinubukang
HALIKAN.

Ayoko na silang panoorin, tumakbo nanaman ako ng sobraaaaaang layo, nadapa ako,
yung sugat ko dati bumukas nanaman at nasugatan ulit. Langhiyang lampa ko, ganito
nalang ako lagi, iyak ng iyak. May magagawa ba pag iyak nalang ako ng iyak? WALA.
Siguro kailangan kong maging matatag. Lalo na sa mga nangyayari ngayon.

Tumayo ako ng dahan dahan at naglakad paalis ng St. Mary's College. Kagaya ng dati
hindi ko nanaman tinitignan yung dinadaanan ko at tuloy tuloy parin ako. Iiwanan ko
nalang ba si Prince doon o ano? Nagdadalawang isip ako. Nandito na ako sa may gate
at isang hakbang nalang makakalabas na 'ko.

"Huy Miss okey ka lang ba?"

Nagtaka si manong guard saakin dahil naupo ako sa isang gilid na may maliit na
bench para mag-drama. Sina Ian at Gale, mawawala na saakin. Si Russell nawala na.
Si Prince unti-unti pang mawawala? Nawawalan na rin ako ng TIWALA ni isa kina
Prince o kaya kay Russell. Ano nalang matitira saakin kungdi ang sarili ko?

Nararamdaman ko na talaga ang pag-iisa.

Episode #36
~ i can gaze at you ... forever
(CLICK THIS FOR THE EPISODE SCENE) *

"ANAK. HOY ANAK! Bumangon ka na diyan at may pasok ka pa~! Maria Nia Castillo
Garcia!"

NAMAN SI MAMA EH! Kitang namamayapa pa ako galing sa pagtulog ang aga pa sa manok,
inaalog niya ako dito sa pagkakahiga ko saaking wide comfy ORANGE bed. "... Ma, I'm
not feeling well today, I feel dizzy ... pa-parang nasusuka ako." diyos ko sana
maniwala siya sa acting kong halatang palyado.

"Dizzy dizzy ka pa diyan, wag mo nga akong lokohin at tumayo ka na diyan bago pa
kita pahuli sa pulis!"

"MA~! NOOOOOOOOOOOOOOOOO!" kulit talaga ng budhi ng nanay ko, hinatak niya ako
paalis sa higaan pagkatapos niyang pinalo yung pwetan ko. T___T

Sa totoo naman ayoko talagang pumasok ngayon. WALA NA AKONG GANA. Bukod sa nakita
ko na yung mga grades kong ang bababa, yung mga problema ko pa sa mga tao tao ang
iintindihin ko. Mula kahapon ng gabi nakaya kong hindi kausapin si Prince, kahit
man tawag siya ng tawag o text siya ng text saakin wala akong pakeelam. Kay Russell
din ganun ang sitwasyon ko, actually wala na yung number niya sa cell ko at binura
ko na, pero tawag parin siya ng tawag. Inalis ko nalang yung battery ng cellphone
ko para hindi na siya tumunog pa.

Maaga kong tinawagan si Ian para ipaalam sakanya mauuna na akong pumunta sa school.
Alam ko namang makakasabay niya si Prince papunta sa Meris, ayoko muna siyang
makita kaya mamarapatin ko nalang mag-isa.

Dalawa lang kaming tao sa loob ng classroom ng Mapagmalasakit. Sinumpa sarili ko


dahil pumunta ako dito ng maaga, ayan tuloy, naabutan ko si Anna. Nakita kong
nakaupo siya sa isang upuan malapit sa bintana at nakadungaw sa labas. Problemado,
nalulumbay, at nanggagalit ang itsura niya. Hindi ko nalang siya pinansin at dahan
dahan din akong umupo sa dating upuan ko. Ngayong pareho na kami ng tingin, hindi
namin maiwasan tumingin sa bawat sarili.

"Sobrang nakakatawa how things changes in a matter of time. Kala ko naman hindi
tatagal saakin si Prince, ayun pala mali pala ang iniisip ko." humarap siya saakin
at napaharap na rin ako sakanya. "Hindi mo ba alam kung gaano ako ka-broken
hearted, Nia? I'm also as same as you, but in a way na hindi ako ganun ka-frantic
tulad mo. I also admire Prince, LIKE YOU."

Sumama na yung tingin niya saakin.

"Marami ng dumaan na lalake sa buhay ko, but Prince is an extraordinary person


eventhough he is cold and all that, meron din naman siyang soft spot na nagustuhan
ko sakanya." natawa siya ng konti. "I want him to be mine that's why I decided to
lure him with money. Oh gosh, doon lang pala siya bibigay."

"Wag mo nga siyang insultuhin ng ganun." hindi na ako nakapagpigil pa.

"Why Nia? Is that because YOU LOVE HIM?"

"Kung nasabi ko na dati, hindi ko na kailangang ulitin pa."

"He is so weak. Hanggang ngayon pwedeng pwede ko pa siyang controlin, kahit man
nung field trip ang last day ng contrata, BUMALIK PARIN SIYA SAAKIN. Did you know
that we are STILL TOGETHER? This time our relationship is now TRUE."

Wala akong maintindihan sa sinasabi niya, ALAM KO na namemeke nanaman 'tong tao na
'to saakin. Never akong naniwala sa mga pinagsasabi niya lalong lalo na na alam ko
na kung ano ang nangyayari sa likod ng camera.

Pero ngayon parang nagbabago na isip ko. Kasasabi lang saakin ni Prince na matagal
na niyang inayawan ang LARO sa pagitan nila ni Russell, pero bakit pinipili niya
parin samahan si Anna kung ganun?

Hindi kaya nahuhulog na rin siya para kay Anna?

"So you're walking away just like that in front of my face?"

Bago pa maging malalim at malala ang mga sasabihin niya saakin, tumayo na ako para
maka-iwas sakanya. Tumakbo ako sa pinakababang lobby para makahinga ng mabuti.
Nasasakal nanaman ang pakiramdam ko, lalo na sa sinabi ni Anna saaking TOTOO na daw
ang nangyayari sakanila ni Prince.

"Nia~!"

Nakalimuntan kong may pasok pala at nag-sisipasukan na ang mga estudyante. Isa na
si Gale sa unang nakakita saakin.

"Buti nalang nahanap kita! Kasi kulit saakin ng kulit si Prince, hinahanap ka niya
saakin sabi ko naman --- hey, are you okey?"

"Ahh! Oo Gale, okey lang ako. May nakausap lang kasi akong teacher ngayong umaga
kaya maaga akong pumunta dito."

"Yeah, I know that. Actualy -- "

"Nia!"

Nakita na pala ako ni Ian. Ang pupuntahan ko dapat ay ang gate pauwi, dahil masama
na talaga ang pakiramdam ko. Ngayon alam ko ng hindi na ako makakaalis pa dahil
nandiyan na din si Prince kasama niya.

"At saang lupalop ka nanaman nag-sususuot?" pag tinitignan ko lang si Prince mas
lalo lang akong nahihilo. Nakakapagtataka naman kung bakit ako biglang nagkasakit
ngayon. Marahil kailangan ko lang hindi makita ang mga taong nagbibigay saakin ng
problema.

"Hoy saan ka pupunta!?"

Walang imik na naglakad ako palayo sakanilang tatlo. Mukha pa akong nababangag.
"Ano ba yang asal mo?" pinigilan ako ni Prince at hinawakan niya yung braso ko.

"Kailangan ko lang magpahinga, bitawan mo ako Prince." unti unti ng umaakyet ang
presyon ng dugo ko papunta sa ulo ko. Dinabugan ko siya para maalis niya yung kamay
niya sa braso ko. Hindi niya ako napigilang umalis.

***********************

Wala akong ka-malay malay kung saan ako papunta noong umalis ako sa loob ng school.
Para akong pusang gumagala gala lang dito sa labas ng Meris. Sa una napag-
decisionan kong mag-stop by muna sa isang malapit na pharmacy para bumili ng
maiinom na gamot, susunod sa 7eleven na malapit sa school namin dito sa Panay.

Tumambay muna ako sa airconditioned 7eleven store para ma-preskohan ako at para
makahinga na rin ng mabuti.

Ang misyon ko dito ay mapalayo muna ang isip ko kay Prince, kaso imbis na lumayo,
lalo ko lang siyang naalala. Nalala ko tuloy nung pumunta kami dito sa 7eleven para
bumili ng floor wax, dishawashing liquid at kung ano ano pang gamit pang-Janitor.
(Episode #9)

Natawa ako bigla na muntik ko ng matalsikan ng tubig yung katabi kong babaeng
kumakain ng sandwich. Grabe lang talaga phobia ko sa lalakeng yon.

Uubusin ko na sana ang kalahati ng laman ng mineral water ko kaso may nagpatigil
saakin para ubusin yun. PAGKAKATAON nga naman, nakita kong pumasok si Russell sa
loob. Nanlaki yung mga mata ko sabay takip ko sa pagmumukha ko. Bakit ba sa dami ng
lugar dito pa niyang napiling kumain ng recess?!

"Nia?" kahit man takip na takip na yung mukha ko nakilala parin niya ako.

Hindi naman ako makatakbo. Ayun ang gusto kong gawin. Diba dapat "free-the-mind"
moment ang gagawin ko dito sa 7eleven ngayon? Lunggan ko 'to, dapat ako lang mag-
isa dito. Nag-stuck yung pwet ko at hindi ako makaalis, tapos na rin kumain yung
katabi kong babae at pumalit sa upuan si Russell.

"Why are you skipping classes?" hindi ako sumagot, tinuloy ko lang yung pag-inom
ko. "Hindi makakatulong pag iniiwasan mo lang ako ng ganito. Mas lalo lang tatagal
pag hindi tayo nakapag-usap ng masinsinan."

Hindi lang naman siya ang nagpapatagal sa lahat. Si Prince din kasama doon.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa." dinabugan ko rin siya katulad sa pag-alis ko
sa harapan ni Prince kanina.

"Minahal talaga kita."

Napatigil akong maglakad, dahan dahan akong tumalikod para makita ang kanyang
matapat na mukha.

"Some GAME allright. Natatakot akong ma-dissapoint saakin si daddy kaya pumayag
ako. Gusto kong makita niya na eager akong makipaglaban kay Prince, hindi naman ako
pwedeng magpatalo sakanya - isang malaking kahihiyan lang ang mabibigay ko sa
sarili ko." ...... "Ng makita kita, aaminin kong doon na nag-umpisa ang labanan.
Habang tumatagal ang panahon, namamalayan ko na pala ang sarili ko na unti-unti ng
nahuhulog sayo. Nagkamali ako, mahal na pala talaga kita."
Bakit nakikita ang PAGKAKAPAREHO sa kalagayan namin nila Anna, Prince, Russell at
ako? Parang lahat kami nag-umpisa sa WALA na mag-tatapos sa MERON. Mas lalo lang
lumalakas ang pakiramdam ko na baka unti-unti na ring nahuhulog si Prince kay Anna.
:-/

Blanko nanaman isip ko kay Russell.

"I guess I will leave you on your thoughts then."

Dahil wala naman akong masagot sakanya, napag-pasyahan niyang umalis nalang.
"Russell sandali lang!" hinabol ko siya sa labas ng 7eleven.

At tumigil naman siya. "Kung saka-sakaling maniwala ako sa sinabi mo, at magkabati
na tayo ulit, handa ka bang harapin ang katotohan?"

Alam kong ang komplikado ng sinabi ko sakanya, hinintay ko parin siyang sumagot.

"Kahit ano man yan, I'm ready."

***********************

Ngayong mas lalo ng nagiging magulo ang mga pangyayari, kailangan kong ma-klaro ang
dapat ng i-klaro sa lalong madaling panahon. Out of the blue, naniwala na ako sa
sinabi ni Russell, kita ko naman kung gaano siya ka-seryoso - hindi na kailangan ng
mahabang explanation, nagkagusto talaga siya saakin.

"Bespren? Anong ginawa mo dito?"

"K-Kala ko ba umuwi ka na?"

Bumalik ako sa school nung lunctime, nagmadali akong hanapin kung nasan sina Gale
at Ian para madali kong mahanap kung nasan naroroon si Prince. Sabi ko na nga ba
kasama nila si Prince eh, babalik na sana siya sa lamesa para kumain, hawak hawak
niya yung tray niya na may lamang pagkain.

"O ano na?"

Pagkatapos na pagkatapos niyang ilapag yung tray niya ... "S-San mo ako dadalhin!?"
hinatak ko agad siya palabas ng canteen.

Wala ng ibang lugar pa, nakatayo kami sa gitna ng quadrangle. Hanggang dito ko lang
siya kayang mahila dahil habang palayo kami ng palayo sa kakalakad, mas lalo lang
lumalakas yung palag niya.

"Alam mo nagiging weirdo ka na eh. Sobra. Kung ano ano nalang ang pinapakita mong
pag-uugali saakin, ano bang problema mo?"

"Bakit mo ako iniwan kahapon? Kala ko ba magsasabay tayong umuwi, kala ko pupunta
ka sa faculty room. Kung hindi pa kita nahanap na gilid ng gymnasium kasama yang si
Anna MO."

"Totoo namang pupunta ako dapat sa faculty room kahapon kaso sarado na. At si Anna
ang nagpilit saakin para kausapin ko siya. May konting sasabihin lang naman siya
saakin. Nakakaawa na yung tao kung lalayuan ko nalang ng bigla."

"Kung tapos na yung bayaran na nangyayari sainyong dalawa, bakit mo parin siya
kinakausap? Dahil ba gusto mo na rin siya?"
Nabara ko ata si Prince at hindi siya makasagot saakin ng diretso.

"Kasasabi ko lang na nakakawa yung tao eh."

"Eh bakit saakin Prince hindi ka ba naaawa?" tumahimik siya ng sandali.

"Bakit mo ba iniiba yung usapan?"

"MAHAL MO BA TALAGA AKO?"

Nagdadasal na ako sa diyos na sana sagutin niya yung tanong ko. Kailangan kong
gawin 'to para maliwanagan ako. Simple lang naman ang gusto kong mangyari. Hindi
ako bulag at dalawang tao ang naglalaban sa puso ko ngayon.

DALAWA NGA BA? O IISA LANG? Umamin na si Russell, ngayon si Prince naman ang
kailangang umamin saakin. Kung yung isa wala talagang nararamdaman saakin, edi
wala. Dapat may maiwan na talunan. Tuloy parin ang hiling ko sa diyos na SANA hindi
si Prince ang taong magpapatalo.

Pinagmasdan ko si Prince ng maiigi simula nung tinanong ko sakanya yun. Iniintay ko


paring siyang sumagot kahit naka-ilang minuto na kaming nagtititigan sa isa't-isa.
Pareho kaming tahimik, pareho kaming naghihintayan.

"...... Prince?"

"NIA, HOLD ON" Ayan ang sabi ko sa sarili ko, "MAY SASABIHIN DIN SI PRINCE SAYO,
MAGHINTAY KA LANG." Kaya kong tumingin sakanya magpasawalanghanggan para hintayin
ang kanyang nakakasabik na "OO."

Muntik ng gumunaw yung mundo dahil pagkatapos pa ng ilang minuto, hindi siya
nakasagot at iniwan lang niya ako dito sa gitna ng quadrangle ... nag-iisa. :-\

Episode #37
~ prince, i HATE you!
(CLICK THIS FOR THE MAD EPISODE POSTER) *

Annoyed, irritated, fuming, MAD! Ang daming salita na pwedeng ilarawan sa palagay
ko sa kasalukuyan. Gumising akong nagdadabog, nagligo at nag-tootbrush ako ng may
topak. Kala ko nga hindi ako nag-shampoo ng buhok ko sa sobrang galit, ayun pala
nakapag-shampoo na pala ako, bigla kong nakakalimutan yung mga ginawa ko a few
minutes ago - para akong meron ngayon na wala naman talaga. Wala rin ako sa sarili
nung kumakain ako ng almusal, pati nung papunta na kami sa school nila Ian at Gale.

"Iiwanan nalang natin siya doon sa loob? Natutulog pa yun eh, baka pag hindi natin
ginising magalit pa yon."

"BASTA. Gusto ko tayong TATLO lang ni Gale ang mag-commute papunta sa school tuwing
umaga. Gusto ko ring tayong TATLO lang ni Gale ang umuwi ng sabay sabay dito sa
Baco."

"Galit ka ba kay Prince?"

"ANO SA TINGIN MO?"

Kinatok ko ng sobrang aga si Ian sa kabila para magising na siya ng maaga at


MAIWANAN namin si Prince na natutulog doon. Madalas kasi si Ian ang alarm clock ni
Prince tuwing umaga. Ngayon, magdusa siya dahil mawawalan na rin siya ng alarm
clock.
"Where's Prince? Hindi ba siya sasabay satin?" pinuntahan na namin si Gale para
sunduin na rin siya.

"Dalian niyo nga diyan, punta na tayong school bago ko pa makita yung pagmumukha
nun eh." naglakad na ako ng palayo.

Speechless yung dalawa kahit alam nilang may nangyayaring away. Halata namang
mainit ang ulo ko kaya hindi nalang nila dinagdagan na konti pang init sa
pamamagitan ng pag-iwan saakin at sa isip ko ng mapayapa.

Buong oras ng pag-co-commute naming tatlo papunta sa school, iniwan lang nila akong
nag-iisip at nag-mumuni muni. Hindi ako nagalit sa ginawa nila, sa katunayan,
nasayahan pa nga ako dahil alam kong naiintindihan nila ako.

Hindi muna ako umakyet papunta sa classroom ng Mapagmalasakit dahil baka nandoon
nanaman si Anna. Kaya umupo muna ako mag-isa dito sa east side coast ng Meris - sa
loob ng malaking gazebo like structure, ang Marian Centro.

Makulimlim at mas lalong kumulimlim ang kalangitan. Sa laki ng Marian Centro, at sa


nag-iisang itsura ko dito sa loob, nagmumukha akong isang pusa'ng iniwan ng kanyang
masamang amo. O kaya ang pinakamagandang i-describe saakin ay ang paglayas ng PUSA
sakanyang AMO - tugmang tugma lang sa pagkaka-iwan ko kay Prince kaninang umaga.

"Pwede ba ako dito?"

Sabi ko na nga ba na sinundan ako ni Ian. Siya pa, ang taong hindi mapakali tuwing
may problema ako.

"Butete ... pwedeng pwede."

Medyo nawala na ang init ng ulo ko. Hindi kaya dahil sa lamig yun? May nakita akong
manipis na hoody na hawak hawak ni Ian. Nung tumbi siya saakin, pinatong niya yun
sa balikat ko para mainitan naman ako.

"Thank you ..."

"Sa dami ng lugar pwedeng mag-wonder around dito pa ang napili mo? Pwede naman sa
canteen dahil bukas na doon, pwede naman sa looby ng St. Joseph, pwede namang doon
sa classroom niyo."

"Ito na ang pinaka-secretong lugar na pwedeng puntahan ko. Ayoko munang magpakita
sa lahat. Lalong lalo na kay Prince. Alam kong hahanapin niya ako sa mga lugar na
lagi kong tinatambayan, dito muna ako. I guess this is the safest place."

"Kahit saan ka man pumunta, mahahanap at mahahanap ka rin taong may gusto sayo,
kaya no use din."

"GUSTO?" tingin ko sakanya. "Wala ata sa dictionary ni Prince yan." ...... "Ian ...
sa tingin mo ba lumapagpak ako sa pagkuha sa loob ni Prince? Sa tingin ko talaga
lumpagpak ako. TIMANG AKO. Pulpol at !@#$. Ayoko ng kumapit pa sa patalim, dahil
kung tutuloy ko parin 'to, wala ring saysay at sa huli ako lang ang magdudusa.
GALIT AKO SAKANYA, SOBRA. Minaliit niya ako, hindi niya ako iniisip kahit sandali
lang. I HATE HIM FOR THAT ..."

This time, I mean it.

"DESPERATE? It's a WRONG WORD to describe you Nia."

... "You're an OPTIMISTIC person. Hindi mo pa nga kilala yung magiging Blue Cookie
mo, gumawa ka na agad ng ode para sakanya, hoping that one-day, makilala mo rin
siya. And there you are, nakita mo si Prince - counting the days hindi ka
bumibitaw, STILL HOPING that he would love you back. Sa tingin mo ba dito ka na
titigil sa mga dalangin mo?" ... "Don't ever give up if you still want to try.
Don't ever settle for an answer if you still want to know. Don't ever say you don't
love him if you can't let him go."

Every word, natatamaan ako sa mga sinasabi saakin ni Ian.

"Mahal ko talaga si Prince, tama ka Ian, hanggang ngayon din naman ... I just don't
love the way he treated me. Lahat na ginawa ko, kahit ano pa yun, alam kong hinding
hindi niya ako magugustuhan."

"Well at least you've tried right? Nabago mo na naman si Prince ng KAHIT KONTI.
That's a triumph." ... "Siguro ito na ang pinaka-mabigat na pagsubok mo kay Prince.
Sino ang makakatulong sayo? ANG SARILI MO. This time, mas buksan mo pa ang pinto ng
mga pag-aasam mo. Hindi naman mananakaw sayo yun diba?"

Kahit man ang lalim ng sinabi saakin ni Ian at muntik na akong ma-nosebleed,
napangiti rin niya ako kahit papano.

"Thank you butete." binigyan ko siya ng yakap. "Siguro kung hindi ko nagustuhan si
Prince at hindi mo nagustuhan si Gale, siguro ikaw nalang ang mamahalin ko." natawa
ako.

"Siguro!" ;D

"But I still hate Prince."

"As I said before, nasasaiyo ang decision. Just think of it Nia." tinanggal niya
ako sa kakayakap at tinignan niya ako ng seryoso. "Okey lang kung galit mo siya,
pero wag mong papatagalin hanggang masaktan ka na. Alam kong mahal mo parin si
Prince, Nia. Kahit ganito nalang ang galit mo sakanya."

"Bespren, si Madam Auring ka ba?!"

"Siguro ulit?" ;D "Hay nako Nia, BE POSITVE!" kinurot niya yung ilong ko
pagkatapos.

Nakuha niya yung eksaktong emosyon ko. MAHAL KO PARIN SI PRINCE KAHIT GALIT NA
GALIT AKO SAKANYA. Meron bang ganung feeling?! T_____T

***********************

Para akong isang GHOST dito sa pinakalikuran ng classroom kung saan umupo ako sa
isang vacant seat. Extrang upuan 'tong inuupuan ko, at ni isa, walang umuupo dito.
Dahil bukod sa bulok na, minumulto pa daw 'to.

"Ms. Nia Garcia? Okey ka pa ba diyan? ..."

Hindi ko pinapakita yung mukha ko sakanilang lahat. Sa buong oras ng pagtuturo ni


Mr. Torres, nakatakip lang yung makapal na libro ng Chemistry sa pagmumukha ko.
Kungyari nagbabasa ako na hindi naman talaga. Kinakabahan ako na baka makita nila
Prince at Russell yung mukha ko.

Nagpapaka-weirdo ako ngayon.


Kataka-taka nung nag-ring na yung bell para sa lunch, halos lahat ng kaklase ko
nagsi-alisan sa loob ng classroom. Akala siguro nila nasasapian na ako dito. THAT'S
A GOOD SIGN.

Baka si Prince umalis na rin. Hindi naman ako nasasapian eh. Alam niyo kung anong
ginagawa ko? May iniisip akong solusyon kung paano ko makakalimutan si Prince. In
fact, naisip ko na yon kahapon pa, hindi ko lang alam kung itutuloy ko pa o hindi.

"Baliw ka ba?"

Singit 'tong lalake na 'to sa mga demonitang plano ko. Tumayo ako agad paalis sa
harapan niya.

"SAAN KA PUPUNTA?!"

Langhiya yan oh. Bahala siya, oras na nakita ko pa yung mukha niya baka mag-iba pa
isip ko! Tumakbo nga ako ng kalayo layo, tumunog na yung tiyan ko sa sobrang gutom
pero hindi ko parin pinansin yun.

Pumunta ulit ako sa TOP SECRET location ko, wala ng iba kungdi sa Marian Centro.
May mga tao na rin dito na kumakain ng lunch. Buti na rin yon para hindi ako halata
dito na may demonitang ginagawa. Nilapag ko ang Hello Cookie Love ko sa gilid ng
mga upuan at lumuhod ako sa harapan nito para magawa ko na rin ang dapat gawin.

Binuksan ko ng dahan dahan ang diary ko para hindi magkanda hulugan ang mga
PICTURES NI RUSSELL. Meron akong ANIM na litrato ni Russell, mysteriously taken
from him. At meron akong nag-iisang litrato ni Prince, forcibly taken from him.

Inaayos ko isa isa ang mga pics ni Russell para makagawa na ako ng collage niya
dito sa loob ng diary ko. Pangako ko na MAS rarami ang mga pics ni Russell na
ilalagay ko dito, at mas gwapo kesa kay Prince. Ginagawa ko 'to sa isang rason:
PARA MAKALIMUTAN SI PRINCE.

Malapit - lapit na akong matapos sa parte ni Russell. Ngayon, parte naman ni Prince
ang ididikit ko. Natatawa ako nung unti-unti ko ng dinidikit yung litrato ni Prince
dahil excited na ako sa gagawin ko sa pagmumukha niya.

All done na, kaso may last resort pa akong gagawin para maging PERFECT ang aking
obra maestrang collage. Kinuha ko yung red and black sign pen ko sa loob ng bulsa
ko, pagkatapos, BINABOY KO YUNG MUKHA NI PRINCE.

Binaboy ko yung gwapong litrato niya, nilagyan ko siya ng sungay - tamang tama lang
ito dahil sa sungit at sa sama niya! Kinapalan ko yung kilay niya dahil sa kapal ng
mukha niya! Other extended doddle na ginawa ko: Nilagyan ko siya ng maraming
pimples, nilagayan ko ng nerdy glasses, meron din siyang buhok at kulangot sa
ilong, at maliit na bigote para magmukha siyang loshang na basurero!

"DYAHAHAHA. BAGAY SAYO PRINCE. I ... HATE ... YOU!" :P

Kung i-co-compare ko naman kung sino ang mas cute, EDI SI RUSSELL NA! Nagtagumpay
akong papangitin si Prince, ang pangit niya - ang baho ng itsura at hindi ko na ma-
take. Tawang tawa nalang ako.

Malas mo Prince, ginagawa ko 'to sa mukha mo. Alam mo kung anong rason? It's
because I HATE YOU!

"At ano yang KALOKOHAN na ginagawa mo?"


WTF. :o

Bigla akong nanginig dahil bistado na ako. Tama nga si Ian, kahit ano mang gawin
kong pagtatago mula kay Prince, mahahanap at mahahanap din niya ako. Mahahanap din
ako ng may gusto saakin. TEKA? MAY GUSTO?! NO! THAT'S A LIE! Wala namang gusto
saakin 'tong lalake na 'to eh!

"Akin na nga yan."

Hindi ako makatingin sa likod ko, hindi ko siya matignan. Ayoko! Hindi kaya na-
guilty ako sa pagwasak ng kanyang napaka-gwapong mukha? NO AGAIN! Hindi ako guilty.
Masaya nga ako sa ginawa ko, ang panget niya, makakalimutan ko rin siya!

P-Pero mukhang hindi umapekto yung mga pics ni Russell, hindi ko alam. Parang wala
akong SPARK na naramadaman nung tinitignan ko yung mga yun. :-X Paano naman?
Nandito nanaman 'tong taong 'to na nakatayo sa likod ko? Paano ko kaya
makakalimutan kung kanina pa niya ako inaabala?!

"LEAVE ME ALONE!" >:(

"H-HOY~!"

Mabilis kong hinugot lahat ng mga kagamitan ko sabay takbo ko nanaman palayo kay
Prince. Sa una kala ko nawala ko nanaman siya, kaso nung pagdating ko sa St.
Joseph's Building, habang naglalakad ako ng taimtim, nakita nanaman niya ako. Edi
sabay takbo ko nanaman! Yari na ako ngayon dahil nakasunod na siya saakin.

"AHHHHH~! IAN! TULONG!"

Ang higpit ng pagkahawak ko sa Hello Cookie Love baka kasi malaglag ko. Nakakainis
na Prince! Hindi ako tigilan! Kung saan saan kami nakapunta, kung saan saan kami
naghahabulan! Yung sapatos ko pa nga natanggal, buti nalang nakuha ko ulit!

"RUSSELL TULOOOOONG! AHHHHHHH! SI PRINCE HINAHABOL AKO!" :o

Kanina pa ako hingi ng hingi ng saklolo! Wala namang dumadating! O___O

Halos lahat ng facilities sa SMCQC natakbuhan na namin. Sa Marian Hall, papunta sa


Grade School playground, ng makapunta na kami sa Quadrangle, pagkatapos sa labas ng
Gymnasium! Nagtago pa naman ako sa isang poste doon sa Assumption Corridor, kaso sa
masamang palad nakita parin niya ako!

"AHHHHHH! MONSTER!"

TAKBO ULIT pauwi sa St. Joseph's Building kung saan kami medyo tumigil na sa
kakatakbo.

Pagod na ako, pagod na rin siya. Sabay kaming humihinga ng malalim. Ang sama ng
tingin niya saakin, MAS masama naman ang tingin ko sakanya. Napaupo ako sa hagdan
ng St. Joseph habang siya nasa harapan ko at nag-aapoy ang galit.

"Tigas talaga ng ulo mo."

Hindi ako sumagot, hingal na hingal parin kaming dalawa.

"Kailangan pa ba kitang habulin ng ganito? Ano bang problema mo Nia ah? Bakit mo ba
ako nilalayuan? Bakit niyo ako iniwan kaninang umaga?"

Ang dami kong gustong sabihin sakanya, kaso hindi ako makasalita dahil GALIT NGA
AKO SAKANYA! Tatayo na sana ako para tumakbo ulit. Sa bilis at kisig niya, madali
siyang tumakbo papunta saakin at mabilis rin niyang nahigot ang Hello Cookie Love
ko. Hindi ko nakita kung paano niya nakuha saakin yung diary ko, isang kurap,
nasakanya na.

"B-Balik mo nga yan!" >:(

Binuksan niya yung diary ko ng pagalit. Tamang tama lang ang pagbukas niya dito
dahil nag-turn agad ang pahina ng collage na ginawa ko. Natakot at kinabahan ako
bigla. Alam ko ang magiging reaction niya at pinakita naman niya ito.
Nagngingitngit siya sa sobrang galit.

"San mo ba daldalhin yan?! AKIN NA NGA!"

Bigla nalang siyang naglakad palayo, hindi na siya tumakbo at nilayo niya ang Hello
Cookie Love ko. Pumunta siya sa gilid ng Quadrangle, pinakita saakin kung paano
niya pinunit ang isang pahina ng aking collage obra maestra. Nanglaki ang mga mata
ko sa ginawa niya. Bukod sa pagpunit ng page na yon paalis sa diary ko, inapak-
apakan pa niya ito ng matindi.

Yung dugo umabot na hanggang sa mukha ko, tumaas ang presyon at uminit na talaga
ang ulo ko sakanya. Wala siyang karapatan na sirain ang ginawa ko! Langya! Naiiyak
na ako!

"WALA KANG MODO! BAKIT MO GINAWA YON?!"

Naghihisterya na ako sa harapan niya, hindi ko na mapigilan ang galit ko. Hinugot
ko sakanya ang diary, pati ang page na pinunit niya. Ng makita ko na sira na yung
mga pics ni Russell, mas lalo lang uminit ang ulo ko na parang isa na akong bulkang
sasabog na mamaya maya lang.

"BAKIT BA GALIT GALIT KA DITO?! MGA LITRATO LANG NAMAN 'TO NI RUSSELL AH! SINIRA MO
GAWA KO! HINDI MO BA ALAM NA PINAGHIRAPAN KO 'TO?!" >:(

Natulala lang siya habang tinitignan niya akong galit na galit at umiiyak.

"Siguro Prince, kailangan mo lang akong iwanang mag-isa ... WAG KA NG MAGPAKITA
SAAKIN! AYOKO NA KITANG MAKITA! NAG-SISISI AKO BAKIT PA KITA NAKILALA! LAYUAN MO NA
NGA AKO!"

Sumakit yung dibdib ko sa halo halo ng galit at pakiramdam ko. First time kong nag-
walk out sa harapan niya, at first time ko ring nasabi na layuan na niya ako.
Naiyak din ako ng sobra nung paakyet na ako papunta sa girl's washroom dahil bigla
akong nag-sisisi kung bakit ko siya sinigawan ng ganun. :'(

Nalilito na ako kung mali ba yung nagawa ko. Naglalaban sa isip ko kung AKO ba ang
may kasalanan, o SIYA ba. Sa tingin ko, pareho kaming may kasalanan. Kami rin ang
may sala ng lahat ... sinubukan kong tahanin ang sarili ko, bakit ba ako iyak ng
iyak sa taong hindi naman ako inayakan? Ian is so right again ... masasaktan lang
ako dito sa ginagawa kong pang-aaway sakanya ...

THIS IS IT. Sawa na 'ko ... Prince ... I hate you for not letting me have you. I'm
so sorry, I still love you, but ... maybe I should let you go ...

Episode #38
~ i'll be waiting for you ...
(memo on the near-bottom of the update)

Halos maka-isang oras na akong nakatayo dito sa harapan ng malaking green gate sa
tapat ng black gate ng bahay namin. 8:00 na ng hating gabi at kanina pa nababahala
at kanina pa nangagamba kung ano na ang kalagayan ni Prince.

Yung mga paa ko nakadikit sa saig na parang inaspalto, ayaw gumalaw - pero may
bumubulong saakin na kailangan ko siyang puntahanan at kausapin. Dalawang araw mula
nangyari ang ayawan sa pagitan namin nila Prince, hindi ko na makayang maisip na
ako rin pala ang may sala kung bakit ko siya hindi kinakausap ngayon. Dapat pala
hindi ko nalang ginawa yung collage, NAG-SISISI AKO.

Sa huli, pinuntahan ko rin ang apartment niya. Tahimik na yung mga ibang tao sa mga
katabing pinto, yung iba siguro tulog na. Ang tanging ilaw sa buong building na
nakabukas ay nanggagaling sa pintuan ng apartment ng dalawang imporanteng lalake sa
buhay ko. Nag-ingat akong maglakad papunta sa pinto para sumilip, para walang
makarinig na papasok ako sa loob, kaso hindi ko rin natuloy ang pagpasok ko dahil
narinig ko ang galit na boses ni Ian.

"Ano yun mawawala ka nalang na parang bula? Ang sama mo naman pare."

Konting lakad pa at nakita ko rin silang dalawa. Si Ian, nakatayo sa gilid, si


Prince naman naglalakad kung saan saan, inaayos ang mga gamit niya papasok sa loob
ng maleta.

"You can't do this Prince. Leaving her just like that, mag-paalam ka naman
sakanya."

"Anong gusto mong gawin ko? Ayoko ng masigawan pa ako ng babaeng yon, mas maganda
kung aalis ako ng tahimik ng hindi niya ako makikita, walang bakas. Eksakto lang
ang pag-aalis ko dahil nakahanap na rin ako ng bahay na malilipatan. Ito naman
gusto niya eh, ang lubayan siya."

"Hindi mo alam kung ano ang mararamdaman ni Nia pag iniwan mo nalang siya basta
basta? Isipin mo nung naiwan ka ng mga magulang mo dito sa mundo, ganun ang SAKIT
na mararamdaman ni Nia oras na bigla ka nalang mawala diyan. Tsss. Prince, you're
useless." galit na pagkasabi at pag-aalis niya.

Naiwang nag-iisa si Prince sa living room. Napaupo siya sa sofa, nag-iisip ng


malalim, nakatunganga kung saan. Wala akong makitang bakas ng pag-aalala sa mukha
niya. Alam ko namang hindi naman niya ako aalahanin, wala naman talaga siyang
pakeelam saakin, hindi niya ata iniisip kung ano nalang ang mangyayari saakin pag
iniwan niya ako ...

Kaya siguro ang dami niyang trabahong pinasukan, balak niyang umalis dito para
mahiwalay na siya saamin nila Ian. Napasandal ako sa gilid ng bintana ... nanghina
ng maisip ko na IIWAN NA AKO NI PRINCE. Tapos ganun pa? Ganung klaseng pag-iwan ng
hindi nag-papaalam?

Ako talaga ang may kasalanan ...

Babalik nalang ako sa bahay namin at kakalimutan kong narinig ko ang usapan nila.
Baka nanaginip lang ako, inaantok na ako. Sana makatulog ako ng maiigi, para pag
gising ko bukas, okey na ang lahat.

***********************

Walang pasok ngayon, ang saya saya ko na sana dahil makakapag-pahinga na rin ako ng
mahaba haba this whole Saturday. Doon ako nagkamali - nag-text saakin si Russell,
nangangamusta. Bigla kong naisip na may aasikasuhin pa pala akong isang tao. Isang
pabigat pa si Russell, ito na yata ang tamang oras para sabihin sakanya ang dapat
sinabi ko pa sakanya noon pa man. KASALANAN KO RIN, huli na ako. Alam kong
masasaktan ko rin siya ...

"My name is Nia Garcia."

Makikipagkita ako ngayong umaga kay Russell sa isang pang-mayaman na restaurant.


Kailangan pa akong pumunta sa reception para hanapin ang pangalan ko kung nasa
listahan, at doon na ako papapuntahin sa aking upuan.

"Nia Garcia?" tinignan ng babae yung pangalan ko. "Reserved for Mr. Sanchez table
right?" nag-nod ako. "Please follow me ma'am."

Papunta palang sa lamesa nanglalamig na yung kamay ko sa kaba. Sana nauna akong
dumating dito para makapag-isip pa ako ng isang makatwirang rason kung bakit napag-
decisionan ko na sabihin sakanya ang totoo.

"Hey, you came." :)

Ito na ata ang pinakahuling ngiti na gagawin niya para saakin, pagkatapos ng usapan
na 'to, punong puno na ng pagsimangot ang mukha niya. Tumayo siya para hatakin ang
upuan para makaupo ako, ito na rin siguro ang pang-huling gentleman act niya
saakin. Nilaklak ko lahat ng tubig na nasa lamesa pagkatapos.

"Dapat pala hinatid nalang kita doon sa bahay niyo."

"No need. Maganda naman ang panahon, masarap mag-commute." nilaklak ko ulit yung
natitirang tubi sa baso ko.

"A-Are you okey?"

"Yep. I'm fine!" sabay ngiti ko na peka. "So ... anong ginagawa natin dito?"
tangang tanong, gusto kong batukan sarili ko. Hindi ako makapag-umpisa ng usapan.

"Nag-iwan ng message ang daddy ko para sayo. Nag-so-sorry daw siya dahil sa mga
pinagsasabi niya last time. Hindi daw niya sinasadya na masaktan ka, sorry daw sa
pagiging malupit."

"Okey lang, I understand. Nagpapasalamat ako sakanya dahil sinabi niya totoo.
Siguro kung hindi niya nasabi saakin, mukha parin akong tangang babae dito sa
harapan mo."

"I'm so sorry, for the second time."

"Kalimutan nalang natin yun Russell, kinakausap na kita ngayon. Ayos na ang lahat.
Wala ng awayan pa. Ang mas mabuti pa, mag-saya nalang tayo sa mga oras na magkasama
tayo. Katulad ngayon."

Palapit na ng palapit ang importanteng sasabihin ko sakanya.

"Pinapunta kita dito hindi para mag-sorry sayo, Nia."

Unti unti akong nawalan ng gana dahil hinawakan niya yung kamay ko kung saan
nakapatong ito sa lamesa.

"Can you be with me? I really like you Nia, I'm serious. I really want you to be my
girlfriend. Ayoko na kitang makitang nasasaktan kay Prince, kahit wala ako sa
eksena alam kong maraming nangyayaring masama sainyo ni Prince. Kitang kita ko
naman sa mga mata mo tuwing nagkikita tayo. Hindi ko mapigilan sarili ko, gustong
gusto kong suntukin si Prince sa mga ginagawa niya sayo. Pag nasaakin ka wala na
akong ipapangako kungdi ang pasayahin ka. Ms. Nia Garcia ... will you accept my
LAST and TRUTHFUL question?"

Inunahan niya ako. Plano ko sanang sabihin muna sakanya ang totoo bago siya umamin
pa saakin. Now this is getting harder, dahan dahan kong inalis ang aking kamay sa
malamig na pagkakahawak niya.

"Russ ... wag kang malungkot dahil matatapos na tayo, just be glad that I was once
yours. Deep down, I'm awfully sorry, hindi ko nasabi sayo na noon pa man na ... na
si Prince talaga ang mahal at TANGING mahal ko."

Nagulat ako dahil hindi siya nagmumukhang galit na galit. Tragical look ang
pinakita niya saakin, sino bang hindi malalagay sa trahedya kung sasabihin sayo na
hindi ka mahal ng isang tao na minahal mo kahit papano?

"I guess that's all it. Russell, ito na ang katotohan na gusto kong sabihin sayo
noon pa, hindi ko lang masabi dahil ayaw kitang saktan ... I know, the truth hurts.
Please understand me."

Hindi niya lubos na maisip na ito ang maisasagot ko sakanya.

"I ... I completely understand you ... I guess ... I'm the loser."

Nalungkot ako para kay Russell, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit para makapag-
pasalamat sa lahat ng ginawa niya para saakin. Doon na nagtapos ang usapan naming
dalawa.

Malungkot ko siyang iniwan sa lamesa mag-isa, mas lalo rin akong nalungkot. May
nadamay pa akong tao, may nasaktan ako. Ang tanga ko talaga, sobrang tanga. Isang
hiling ko lang para kay Russell ay makahanap siya ng isang babaeng magpapasaya
sakanya.

Kung hindi ko lang nahanap si Prince, siguro siya na ang naging Blue Cookie ko. :-[

***********************

There's no point of going home. Naisip ko nga na lumayas nalang ako sa bahay namin
at hindi na magpakita sakanilang lahat ... lalong lalo na kay Prince. Tama rin
siya, wala ng iyakan at lungkutan na magaganap kapag pareho kaming umalis ng
tahimik.

Sa halip na mapalayo ako sa apartment ni Prince doon naman kusang pumupunta yung
mga paa ko. Paa ko ba yung nagsasabing kausapin si Prince ngayong hapon for the
LAST TIME before he go? O PUSO ko lang yun?

"... ano bang ginagawa ko dito?! Naman Nia eh, ang tanga mo! Tanga! Tanga!" mukha
na akong tanga dito na binabatukan yung sarili ko.

Nakatayo nanaman ako sa harapan ng green gate, nag-dadalawang isip kung papasok ba
ako ulit o hindi.

"Nia! Nia!"

Natigil ang self hypnotism ko sa sarili ko dahil sa lakas ng sigaw ni Gale. Sindak
na sindak siyang tumatakbo papunta saakin.

"I need to talk to you, URGENT!"


Hinatak niya ako papunta sa loob ng apartment nila, walang tao, tahimik ang lugar.
Nagtataka ako kung bakit niya ako kailangang i-isolate sa lugar niya. Wala akong
imik kahit panicky siya, wala akong buhay at hindi ako interesado kung bakit ganun
ang inaasal niya.

"Now this is a safer place to talk to you." pinaupo niya ako sa sofa katabi niya.

"Bakit Gale? Meron bang sunog? Nasan na? Wala naman akong naamoy ah. Teka, baka may
lindol? Bakit hindi gumagalaw yung mga gamit? O baka merong barilan? Bakit walang
taong sugatan?" bored na pagkasabi ko sakanya.

"Loka loka! Walang sunog, walang lindol, walang barilan!" hinatak niya ako para
makaharap ako sakanya ng mabuti. "I'm here to tell you something important. Hindi
tungkol saamin ni Ian, kungdi tungkol kay Prince."

"Ah, okey." inaantok na sabi ko.

"Kabilin bilinan lang ni Ian saakin na wag ko 'tong sabihin sayo. Buti nalang wala
si Ian at hinahanap ka nga ngayon kung saan, pinagbabawalan niya akong makipagkita
sayo dahil baka hindi ko lang mapigilan yung bibig ko. Hindi ko talaga mapipigilan.
Kailangan ko 'tong sabihin sayo Insan."

"Ano yun?"

Bagot na bagot na talaga ako, sa sobrang pagka-bore sa suspense-sasabihin-niya para


saakin, napa-hikab ako, hindi ko napigilan at nag-uumpisa na akong antukin.

"Nia ... don't be sad ah, wag kang magugulat ... Nia ... si Prince, aalis na bukas.
Nakahanap na siya ng matitiran, hindi namin alam kung saan yun pero nakahanap na
daw siya. Pasensya na insan, ginawa na namin ang lahat, hindi na siya mapipigilan
pa. Ang tanging pag-asa nalang ay ikaw."

Lumang tugtugin. Hindi ko na kailangang magulanta pa sa sinabi niya.

"Hoy, bakit wala kang ka-react-reaction diyan? Hello? Aalis na si Prince bukas,
nakita ko na yung mga maleta niya na naka-empake kanina. Iiwan ka -- "

"Ano namang kinalaman ko dun?"

"So magkukungyari ka lang diyan na hindi ka apektado? Nia, please open your eyes!
Ito na, isang kamay nalang bibitaw na siya sayo!" napatayo ako sa harapan niya,
galit at nanggigigil.

"Kung hindi niyo mapipigilan, lalo naman ako noh! Makikinig kaya siya sa isang
tapunan na tulad ko?!"

Napatayo na rin si Gale. "Wala namang masamang sumubok diba?" lumapit siya saakin
ng konti at sinubukan niya akong patahanin ng makita niya na nag-tu-tubig na yung
mga mata ko. "Insan, meron pang oras. Either mapipigilan mo siya, o magpapaalam ka
ng maayos sakanya, anong gusto mong mangyari sa dalawang yon? Answer me."

Hindi ako nakasagot, napatingin ako sa labas ng bintana, kumukulimlim na ang


langit.

"May plano na akong magpaalam sakanya, tutuloy ko ang plano ko. Gagawin ko yun,
wala ng makakapagpigil saakin."

"W-What do you mean?" pagtaka ni Gale. "Magpapaalam ka sakanya? NOW? Ngayon na ang
tamang oras Nia. Pumunta ka na doon habang wala siyang ginagawa."

Napatingin ako ng luhaan kay Gale sa likuran ko.

"Hindi ngayon Gale. Hindi ngayon ang tamang oras."

"Eh Kelan pa?"

***********************

From 6' o clock to 12 o'clock ng hating gabi akong naghintay bago dumilim ang buong
paligid. Kailangan munang gumabi at kailangang tulog na lahat ng tao bago ang
lahat. Halos bumagsak na ako sa antok nung mag-e-eleven palang, pero pinilit ko
paring mag-sneak out papunta sa apartment nila Ian. Wala ng tao sa living room,
tama lang ang plano kong tulog na yung dalawa.

Tahimik kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Prince sabay pasok ko ng dahan dahan
para wala akong ingay na magawa. Alam kong tulog na siya dahil sa tamik ng lugar.
Napag-pasyahan kong wag munang tumingin sa natutulog na Prince para hindi magbago
ang misyon na dapat kong gawin dito sa kwarto niya ngayon. Humanap ako ng isang
lamesa, kaso ang tanging lamesa lang na nahanap ko ang kanyang maliit na coffee
table sa harapan ng kanyang higaan. Lumuhod ako sa harapan nun at nag-simula lang
gumawa.

Pinatong ko ang mga gamit na dala dala ko. Ang Hello Cookie Love, isang gunting,
isang glue, at isang ballpen. Katulad rin ito ng dinala ko sa Marian Centro ng
ginawa ko yung collage. In fact, PAREHONG PAREHO lang ang gagawin kong collage
ngayon, kaso ang pinagkakaiba lang, dalawang litrato lang ang hawak ko - ang
magandang litrato ni Anna, at ang pangit na litrato ko.

Isa pang pagkakaiba sa gagawin ko ay hahaluan ko ito ng isang note para kay Prince,
hindi lang puro litrato. Inumpisahan ko ng mag-gupit. Inuna ko yung litrato ni
Anna. Kinuha ko 'tong litrato sa Friendster niya, kala ko hindi ako makakahanap.
Buti meron akong ganang tignan yung litrato niya ngayon. Pagkatapos kong gupitin
dahil sa laki ang picture ni Anna, ako naman ang susunod. Hindi na kailangang
gupitin yung saakin dahil maliit na. Ang tanging gagawin ko lang eh ang MAS babuyin
ang mukha ko sa litrato.

Oo, binababoy ko yung mukha ko katulad ng pangbababoy na ginawa ko sa mukha ni


Prince. Mas ba-boy nga lang yung saakin dahil talagang drinowingan ko pa yung mukha
ko ng kung ano ano para magpa-panget pa saakin. Ginawa ko yun nung Friday after
school sa loob ng CR, pagkatapos naming mag-away ni Prince - lumabas ako sabay
picture ko sa sarili ko sa huli. Idagdag mo pa ang dumi ng buong itsura ko. Mas
malala talaga sa ginawa ko kay Prince, sa tingin ko karapdapat lang 'to.

Hindi ko masikmura yung mukha ko pagkatapos kong ginawa ang isang karumaldumal na
bagay sa sarili ko. After a few minutes, natapos din ako sa kakadikit ng mga
litrato, at ngayon naman, ang kailangan kong gawin ay isulat ang mailking message
para kay Prince. Ang hina ko talaga at hindi ko napigilang umiyak ng konti habang
sinusulat ko ang huling memo ko para sakanya.

(CLICK THIS FOR THE MEMO)

Tumayo ako ng dahan dahan paalis sa coffee table para hindi ulit ako makagawa ng
kahit anong ingay. Pinuntahan ko si Prince sa gilid ng higaan katabi ng table lamp,
lumuhod at mahinay kong tinignan ang Hello Cookie Love na hawak ko na nakapatong na
sa higaan niya.
Binuksan ko sa last page para tignan kung maayos ang pagkakagawa. Maayos naman at
walang mali, pagkatapos nun, binuksan ko naman yung first page at hinugot ang isang
pahinang pinunit ni Prince. Ang page kung saan nandoon ang litrato niya at ni
Russell - yung collage na ginawa ko.

Hiniwalay ko yung sa diary, pinatong ko muna yung collage page sa gilid. Then hinay
hinay ko namang pinasok ang Hello Cookie Love ko sa loob ng unan niya. Simula
ngayon, siya na ang bagong may-ari ng diary ko, pinapaubaya ko na sakanya ito for
good memories.

Tapos na rin ako sa unang parte ng aking misyon, ngayon naman, ang pangalawa at
pinaka-huli kong gagawin - ang kausapin si Prince sakanyang pagtulog.

Kinumutan ko muna siya ng maiigi, pinagmasdan ang kanyang napaka-gwapong mukha,


saka hawak ko ulit sa collage page.

"PRINCE ..." sabay tingin ko sakanyang mapayapang mukha. "Kung naririnig mo ako ...
ito si Nia Garcia, ang makulit na Nia na nakilala mo nung first day of school. Ang
babaeng may gusto sayo sa kauna-unahan palang ..." nag-uumpisa ng manginig yung
boses ko sa dahilang malapit na akong maiyak. "Sinunod lang kita, ayokong umimit
ang ulo mo kaya napag-isipan kong sabihin sayo ang lahat ng hindi mo ako nakikita
at hindi mo ako naririnig."

Napahigpit ang hawak ko sa halos masirang collage.

"Alam ko na naman noon na habang tumatagal lahat ng mga senyales ay hindi totoo. I
was stupid, isang tangang babae na nahulog agad sayo. Ngayon mukha na akong uto-uto
... nagkamali pala ako ng paghahanap sa Blue Cookie ko ... nagsisisi ako Prince,
hindi pala ikaw yung hinahanap ko ... pero bakit ganun? Nasaktan at umiyak ako ng
sobra? Pinakawalan ko na rin si Russell para lang sayo, para hindi na magalit,
ginawa ko yun kahit masakit mang iwan siya. Nakakalito, bakit ako natatakot mawala
ka kahit hindi ka naman talaga saakin?..."

Kinuha ko yung kamay niya, hinawakan at hinaplos ito.

"I love you, you know. Actually, a lot. You'll just never know.."

Hindi ko na napigilan yung mga luha ko, naiyak na ako habang tinitignan at
hinahawakan yung kamay niya.

"... nangangako akong hindi na kita iistorbohin pa."

Pinakawalan yung kamay niya, kinuha ang collage at pinunit yun sa ilang piraso. Mas
lalong humigpit ang hawak ko sa punit punit na collage.

"Umaasa parin ako na sana balang araw maiintindihan mo ang nararamadaman ko ...
Prince, hindi ako nagmamadali para sa araw na yon ... alam mo kung bakit ....?
Dahil nandito lang ako at MAGHIHINTAY SAYO ..."

Ito na ang katapusan ng misyon ko, at dito na ako magpapaalam kay Prince. NO
GOODBYES AS HE SAID, pati sa memo hindi ako nag-paalam sakanya dahil malaki ang
tiwala kong magkikita pa kami.

Nasa pintuan na ako, isang hakbang ko nalang talagang iiwan ko na siya, iiwan na
niya ako. Kailangan ko siyang pakawalan katulad ng ginawa ko kay Russell. Kapag
bumalik siya saakin, siya na nga ang TOTOONG Blue Cookie na hinahap ko, kung hindi,
nagkakamali parin ako ... He'll come back to me, I KNOW that.

"...... Blue Cookie, I'll be waiting for you ..."


At doon na ako humakbang paalis.

Episode #39
~ two hearts wrapped in arms
(2 bonus scenes resting on the update!)

Isang tingin ko palang sa given figure halos magkanda-hilo hilo na ako sa mga
measurements na naka-indicate dito sa last page ng test ko sa Physics. Going smooth
ako from first page to the middle - habang palayo ng palayo, doon na humihirap ang
mga tanong. Ang sakit ng ulo ko, binaba ko muna yung pencil sandali para maka-relax
naman ako kasama ang aking utak.

One week till the end of the school year, Monday to Wednesday ang examination week.
Which is, Tuesday ngayon at sinasagutan na namin ang aming nosebleed Physics paper.
Sa Sunday na aming big day dahil Graduation na. Wala akong inaalala sa mga grades
ko dahil sabi ni Sir Torres hindi naman ako bumabagsak at average looking pa ang
grade ko - safe pa sa palakol.

Isang oras nalang ang palugid bago mag 12:00, ang katapusan ng oras ng pagsasagot
namin dito sa test. Isang tanong nalang ang kailangan kong sagutan, ang closing
question kung saan ako tumigil sa sobrang hirap. Isang minuto na akong nakatunganga
sa harapan ng test paper, umabot na ng dalawa papunta lima. Bigla akong nawala sa
pag-iisip ng makita ko ang isang bakanteng upuan sa tabi ni Anna - ang upuan ni
Prince.

3 heartbreaking weeks ang tinagal, 3 heartbreaking weeks akong naghintay, 3


heartbreaking weeks akong nawala sa tabi niya, 3 heartbreaking weeks siyang NAWALA.
Hiwalay kung hiwalay, ang huling pagkikita ko sakanya ay doon sa kwarto nung
natutulog siya. Ang huling pagkikita niya saakin ay nung nag-away kami tungkol doon
sa collage na ginawa ko. NASAN NA KAYA SIYA? Ang laki na ng pag-aalala ko, hindi ba
niya tinuloy ang 4th year dito sa SMCQC at tuluyan na siyang nag-drop ng school?
Saan na kaya siya nakatira ngayon? Sino na kaya ang mga kaibigan at kasa-kasama
niya sa ngayon? Alam kong maikli lang ang tatlong linggo pero saakin mahaba na rin
yon.

"Nia Garcia, please look at your own work please."

Naudlot ang pagtitig ko ng mahaba sa taong nasa harapan ko - si Russell. Tumingin


siya ng patago saakin sabay ngiti, ngumiti din ako sakanya.

"Nia!" sa sobrang kakulitan ni Sir Torres, na-alarma na ako sabay tingin ko ulit sa
papel ko. Minadali ko na ang last question, sa banas ko dahil wala na akong kaalam
alam doon sa tanong at dahil wala na rin ako sa tamang pag-iisip, nilagay ko nalang
doon sa last question ay isang malaking: ^_________^v

"Sir Torres I'm done!" tumayo ako ng masaya sabay abot ko sakanya ng test paper.
Napatingin lahat ng kaklase ko saakin.

"Already? Ang bilis naman!" ???

Ako lang ang tanging nilalang na UNANG nakatapos ng pinakamahirap na examination sa


buong mundo. Ni ang pinakamatalinong si Russell hindi pa nga tapos, ako pa, ang
taong wala ng inisip kungdi ang kanyang one and only BLUE COOKIE. Nag-paalam, at
nagmadali na akong umalis sa loob ng classroom - tumakbo ako hanggang makalabas na
ako sa St. Joseph's Building. Ko-konti lang ang taong tumatambay sa labas, siguro
yung iba hindi pa tapos sa mga exams nila.

Tumigil ako sa entrance ng building, tumingin ng malayo sabay hawak sa dibdib ko.
ANG LAKAS NG KUTOB KO NA NANDITO SI PRINCE. Nandito ang Blue Cookie ko at
pinagmamasdan lang ako.

"P-Prince?" :(

Ang hina ng boses ko, halos bumulong ako sa pagtawag sa pangalan niya. "P-PRINCE?!"
para akong isang loka loka, bigla nalang akong tumakbo at pinaghahanap siya sa
buong lugar.

"P-PRINCE! NASAN KA NA!?" :-\ I swear, parang nandito lang siya, parang kakikita ko
lang sakanya ... smiling at me, I JUST FELT HIM. Malala na talaga ang Blue Cookie
disease ko, for the whole freaking 3 weeks ganito ako, akala ko nalang bumalik na
siya, lagi nalang ... ayun pala wala na talaga.

"Going somewhere?" mabilis akong napatalikod sa gulat ni Russell.

"R-Russ!" still surprised. "Anong ginagawa mo dito? Tapos ka na sa exam? Wow, ang
bilis mo rin ah. Anong sinabi ni Sir Torres?" halata namang iniiba ko agad ang
usapan, kitang kita ni Russell ang kabaliwan ko sa paghahanap sa nawawalang Prince
- ayokong pagkamalan niya akong baliw.

"Actually I'm the second one who finished it. Pagkatapos na pagkatapos mong
natapos, sumabay lang ako kasunod mo. Hinanap nga kita eh, kaso bigla ka namang
nawala." sa iba kasi ako dumaan, mukhang hindi niya ako nakita sa kabaliwan ko,
ligtas pang hindi masiwalat. "By the way, gusto lang kitang makita bago ako umuwi,
just to remind you about tomorrow... sige Nia, una na ako. Ingats nalang."

Kumaway kaming pareho sa isa't-isa para magpa-aalam.

For 3 weeks I can see the changes through Russell. Naging mas confident siya
ngayon, kahit man napag-decisionan kong hiwalayan siya, hindi naman niya pinakita
saakin ang lungkot, pag-protesta, at galit. Walang bahid ang nangyari at sa
katotohanang sinabi ko sakanya he is just back to this "Normal Russell" manner, at
natutuwa naman ako doon dahil mukhang hindi siya nagdusa saakin.

So about tomorrow --- ? Hindi kami mag-da-date, baliw siguro ako pag inisip ko yon.
Sasamahan ko lang si Russell dahil may papakilala daw siyang special someone. Of
course not his dad, not his mom, not a friend. Nakakagulat lang dahil isa siyang
BABAE, and she's out of the ordinary, as Russell told me. :) Kung sino siya is
still a big mystery, hindi na ako makapaghintay na magbukas.

Approximately 2:00 na akong nakauwi sa bahay, dapat 12:00 nakauwi na ako. Kung
hindi lang sa aking sobrang pag-aalala sa taong wala na, nakauwi na ako ng maaga.
Nararamdaman ko nanaman kasi si Prince nung pauwi na ako, parang binabantayan niya
ako. PARA NAMAN SIYANG NAMATAY sa paningin ko, basta, malakas lang ang pakiramdaman
kong nandito lang siya sa tabi tabi.

"Oh, tapos na ba ang pag-eempake?!"

Binisita ko muna ang apartment nila Gale, ginulat ko ang mga taong abala sa pag-
eempake ng mga gamit nila.

"At bakit ngayon ka lang?" hindi pa ako masyadong nakakapasok sa loob sinalubong na
ako ni Ian sa may pintuan. "Suppose to be nandito ka na ng 12 diba?"

"Bespren, wag ka ng magalit diyan. Nandito na ako oh. Oh tara, tulong na ako
sainyo!" :P

2 days before graduation ang big day naman nila Gale, Ian at Kuya Mike dahil masaya
na silang lilipad papuntang Canada. Si Ian na ata ang pinaka-swerteng lalake sa
mundo dahil bukod sa mabilis niyang natanggap ang visa niya, makakasama pa niya si
Gale sa abroad ng walang ka-proble-problema. Ang tanging bagay na ginawa ko lang
for the whole afternoon ay tulungan silang mag-empake ng gamit nila.

Nalulungkot ako kahit masayang impression ang pinapakita ko. Sino bang hindi
malulungkot? Tama ang hinala ko - maiiwan akong MAG-ISA. Okey lang yon, tanggap ko
na na wala na si Prince, pero hindi ko parin tanggap na mawawala saakin sina Ian at
Gale.

Kailangan kong harapin ang mangyayari, at wala na akong magagawa doon. Keep smiling
lang para hindi mahalata ang aking mapanglaw na mukha!

***********************

Kinabukasan agad, English ang huling examination namin. Wala namang naging
problema, ang tanging crisis na nakaharap ko lang ang PANGMUMULTO ni Prince sa
isipan ko. Lagi naman akong ganito, it keeps bugging my mind! Nanlalaki nalang yung
mga mata ko, para na akong nabuang. Mali ata ang desisyon kong paghintay sakanya
dahil ang mismong utak ko parang sasabog na. Binigyan na nga ako ni Sir Torres ng
malakas na batok kaso tuloy parin ang aking Blue Cookie disease hanggang mag- 12:00
ng hapon.

"Finally. You're here!"

Ang tagal kong naghintay kay Russell, umuwi pa kasi kami at nagpalit ng damit para
sa lakad namin ngayong hapon. Gamit ang kotse niya, sabay na kaming pumunta sa Mall
of Asia.

"Russ, curious lang ako, sino ba ang BABAENG papakilala mo saakin? Excited na ako,
dahil alam kong maganda ang mabait siya." sabay ngiti sakanya. "Alam mo may
nahuhulaan na ako tungkol sa babaeng yan eh, mukhang special na special sa sayo."

"Oh really?" ngiti din niya.

"Yep! I know WHO exactly she is. Siguro Russ ... girlfriend mo siya noh?!" sabay
tawa ko ng malakas. Natawa rin si Russell sa sinabi ko, napatigil naman akong
tumawa dahil parang hindi ko nakuha yung mukha niya, parang mali sa sinabi ko.
Maling mali na parang nangloloko lang siya. "S-Saan tayo pupunta? Russell, sagutin
mo nga ako."

Nag-iba ang daan at hindi na kami papunta sa MOA, nasa isang open spaced park na
kami napadpad, hindi ko na kinulit sa tanong si Russell dahil masama na pakiramdam
ko - BAKA KI-KIDNAPPIN NA AKO NI RUSSELL! o____o;

Nag-iisip ako ng plano kung paano ako makakaalis sa loob ng kotse niya. Nag-park na
rin ang kotse sa tabi, tumingin saakin si Russell ng seryoso, ng bigla siyang unti-
unting lumalapit saakin. "NOOOOOOO RU ---- !" napapikit ako sa takot.

"You silly girl." tinanggal pala niya yung seatbealt ko, napadilat ulit ako. "Can
you do me a gigantic favor? Pumunta ka naman sa gitna ng daan para saakin oh? Over
there." tinuro niya ang daan. Wala namang mga kotse na dumadaan dito dahil nasa
park na nga kami.

"B-Bakit?" kinakabahan na tanong ko.

"Just please?"
Natakot na ako sa mga inaasal niya, isang salita sinunod ko siya sa gusto niya.
Tumaas pa nga yung balahibo ko, ano bang plano ni Russell saakin?! "Russ ang weirdo
mo! Papasagasa mo ba ako dito sa gitna ng daan!?" sigaw ko sa layo namin sa isa't-
isa. Hindi niya ako pinansin, may hinatak siyang boquet of flowers sa likuran niya
at nilagay niya yon sa upuan kung saan nakaupo ako kanina. Tumingin siya saakin.

"In fact I have a date with a girl named KATHLEEN today!" ;) sigaw rin niya.

"Naisip ko bakit kita sasama sa date ko kung meron naman tayong sari-sariling
lakad? I just wanna thank you for everything you've done for me. Umpisa palang 'to
para saakin. Hinding hindi kita makakalimutan Nia. Talagang nagustuhan kita, pero
wala na akong magagawa, HE'S DEFINITELY YOURS."

Now this is getting weirder. Ang tingin ni Russell ay napunta sa ibang direction,
napatingin siya sa kanyang left side mirror at may pinagmasdan sa pamamagitan nun.

(click this for the car prospect)

Sinundan ko ang perspective ng side mirror, tumingin ako sa harapan ko, nanlambot,
hindi na nakagalaw at naka-kurap pa. Hindi ako bulag ... may nakita akong isang
magarang puting kotseng naka-parke sa gilid, may tao sa loob, isang lalakeng naka-
puting tux, nakatitig saakin ng maiigi, ayaw pakawalan ang tingin ko.

"...... P-Prince?" sabi ng nanginginig na boses ko.

HINDI MAARI 'TO. NILOKO AKO NI RUSSELL! Galit na galit ako, bakit niya ako dinala
sa lalakeng 'to?!

"R-RUSSELL ANO --- !?"

Pag lingon ko sa gilid bigla nalang siyang nawala na parang bula! Iniwan niya ako
dito ng hindi man lang nagpapaalam! Mag-tha-thank you sana ako dahil pinagtagpo
niya kami ni Prince! OH HINDE! Nanaginip lang ako!

Tumalikod ako sabay batok ko sa sarili ko. "NIA! HINDI PWEDE 'TO! NANANAGINIP KA
LANG! OO! Si Sir Torres ang may kasalanan! Dahil sa mga nosebleed questions niya sa
Physics kaya ako nahihibang na! Tama Nia Garcia, malala na talaga ang sakit mo,
SOBRAAAA! Kailangan mo ng magpagamot kay Doctor Quack Quack!"

"Grabe, baliw ka parin katulad ng dati."

ANG INIT BIGLA NG PALIGID.

May sinat ata ako, hinawakan ko yung noo ko ... WALA NAMAN! Teka, baka naman
nakukulam na ako ngayon? Sino kaya ang mumu'ng mainit sa likod ko?! o____o May God
help me ~!

"AHHHHHHHHHHH! MULTO! MINUMULTO AKO!" para saaking magandang buhay, tumakbo ako ng
mabilis paalis sa creature. Kasabay ng mabilis na takbo ko, mabilis rin ang tibok
ng puso ko - para na nga akong magkakaron ng HEART ATTACK! Shocking yung takbo
moment, wala na akong matakbuhan - ang ikli lang pala ng kalsada! Russell talaga!
Kung saan saan ako dinadala! Wala ring nangyari, nakuha parin ako ng mumu!

"Bitawan mo nga ako!"

Muntik na akong mahimatay ng makita ko ulit ang Principe ko, full presence, eye to
eye. Pinagmasdan ko siya from head to toe. Ang ganda ng suot niya, suot pang-
mayaman - parang hindi na siyang yung poor Prince na dati kong nakita. Looks like
naligo siya ng pera, hindi na naghihirap ang itsura niya, positive na positive ang
approach. Nawalan ako imik.

"Musta na?"

Ilang minutong pagtitig wala parin akong masabi. Iniisip ko pa kasi kung nanaginip
ba ako o ano.

"Araaaaay ~ !" walang epekto ang kurot na ginawa ko sa sarili ko, hindi nga ako
nanaginip.

"I think ... " biglang may nilabas si Prince galing sa likuran niya, para bang nag-
MAGIC siya for the first time, nakita kong may hawak hawak siyang isang maliit na
notebook na color blue, cute at ang character sa harapan ay si ... HELLO KITTY?!
"... this is yours." wala parin akong salita ng biglang binuksan niya ang Hello
Cookie Love sa pinaka-huling page, pinakita, tinaas sabay punit dito.

"H-HOY! BAKIT MO PINUNIT YUNG LAST PAGE?!" Pinunit nga niya, pagkatapos binato niya
kung saan, tinapon nalang bigla. T_____T

"Hindi naman totoo yung mga pinagsusulat mo doon, at naiirita ako sa pagmumukha ni
Anna. Pati sa pagmumukha mong binaboy mo na dapat hindi mo na ginawa dahil ako
naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Bakit ba nagpapakabait ka ng ganyan saakin
na halos masaktan ka na?"

Nahiya ako, tumingin ako sa ibang direction para hindi ko makita yung mukha niya.

"Siguro, masaya ka na ngayon dahil binalikan na kita." tumingin siya saakin ng


seryoso, habang ako kung saan saan parin tumitingin. "Nia, tapos na ang paghihintay
mo ..."

GISING SIYA NUNG NAGPAALAM AKO SAKANYA. Halata naman, narinig pala niya lahat ng
mga pinagsasabi kong matinding confession. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi
niyang tapos na ang paghihintay ko - isa lang ang ibig sabihin nito: MAHAL NIYA AKO
KAYA NANDITO SIYA NGAYON SA HARAPAN KO.

"... P-Prince ... " napatingin ako sakanya, nakangiti siya sa harapan ko, ngayon
lang siya ngumiti, at proud na proud kong sasabihin ang ngiti niya ay para lang
saakin. "Wala rin palang mali kung nagustuhan kita, Prince, may gusto ka na talaga
saakin?" sabik na tanong ko sakanya.

Napalitan ng simangot ang ngiti niya, pinapawisan ako sa kaba baka kung ano ang
sagutin niya. "Prince? Oo o Hinde?" tumingin siya sa ibang direction. Kinakabahan
na talaga ako dahil hindi niya talaga maamin saakin. Kailangan may gawin akong
paraan. "Just nod to tell me answer!" sa grabeng excited ko napasigaw ako sa
harapan niya.

Walang kahirap hirap, my wish is FINALLY granted, tumango siya ng tatlong beses ng
pa-tingin tingin saakin ng estilong nahihiya.

"Yieee! Prince tama na yaaaaan!" >_____< BALIW NA KUNG BALIW. Tumakbo ako bigla
paalis sakanya imbis na niyakap o hinalikan ko siya pagkatapos. Baliw na baliw na
talaga ako.

"HOY SAAN KA PUPUNTA!?"

Saan ba ako papunta?! Bigla ko siyang nilayasan dahil alam ko na rin ang totoo,
totoong gusto at mahal nga niya ako! Mas lalo akong kinilabutan, kinabahan at
muntik ng mangisay sa katotohanan!

Si Prince ba talaga yung nakausap ko?!

Episode #27 (Continuation)


(one more scene at the end)

Namumula na ako, umuwi akong PULA sa kakakurot at sa sobrang in lab. Out of the
ordinary ang pakiramdam, para kang magla-landing sa moon! Kabado parin ako, hindi
ko alam ang gagawin ko, ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito ngayon sa
apartment nila Gale eh!

"I-Insan?!" nalaglag ni Gale yung hawak niyang ice cream sa gulat. Paano naman kasi
nakita nalang niya ako dito sa gilid ng sofa nila, nakaupo at parang na-paralyze.
"Okey ka lang ba?!" lumapit siya saakin at overacting na chineck ang pulso ko.
"Langya naman 'to oh!" sabay batok.

"Aray ko naman!"

Umupo siya sa tabi ko. "Ano nanaman yang drama mo? Kala ko naman eh napano ka na.
Tignan mo, nalaglag ko pa yung ice cream ko sa eksena mo. Aish." hindi ako sumagot
sabay tingin ko ng malalim sakanyang mga mata.

"Si Prince, si Prince binalikan ako!" hysterical mode.

"HUWAAAAAAT?!" na-itsa niya yung hawak niyang tissue. "OMG. Ano daw sabi ano daw?!
Alam ko, binalikan ka niya kasi he cares for you right? Naks naman Nia, sabi ko na
nga ba babalikan ka din niya eh --! " walang imik nanaman ako, may bumabagabag kasi
sa isip ko.

"Gale, nag-wo-worry lang ako, kasi baka hindi naman totoo ang rason niya kung bakit
niya ako binalikan, nag-dadalawang isip pa ako kung nagsasabi ba siya ng totoo o
hindi, natanong ko na nga siya, nag-OO naman siya, pero ... kinakabahan parin ako
ngayong nandito na siya. Tinakbuhan ko siya bigla. Walang akong ka-ide-idea kung
bakit ko ginawa yon, ang banggag ko Gale, SOBRA." :-\

"Nia..? Bakit ka pa nababahala diyan? Buti nga bumalik siya sayo, mas mabuti naman
yun kesa sa hindi. And you still TRUST him right?"

"Oo."

"Then why do you have to wait AGAIN? Papalagpasin mo ba ang pagkakataon na nandito
na siya ng hindi mo siya pinapansin at tinatakbuhan mo lang diyan? This time, ibang
chapter na 'to, this is the falling action of you and your Blue Cookie's fairy
tale. BETTER GO AND FACE HIM!"
Na-puwersa ako ni Gale para puntahan ulit si Prince. Sa magandang palad, nasa labas
lang pala siya ng gate namin - nakaabot ang pag-takbo ko palayo sakanya hanggang
mag-gabi na. Naka-parke ang kotse niya sa gilid at nakupo siya sa bumper,
NAGHIHINTAY PARA SAAKIN. Sumilip-silip lang kami ni Gale, naiinip na yung itsura ni
Prince, kanina pa tingin ng tingin kung may lalabas ba sa black gate. Bumulong
nalang saakin si Gale ng "GO" at lumabas na ako.

"H-Hi Prince!" hibang na pag-greet ko. :D

"Waaaaah! Saan mo ako dadalhin?!" hinatak niya ako papunta sa loob ng kotse. Siya
na mismo ang naglagay ng seat belt para saakin, pinainit niya ang makina pagkatapos
umalis na kami.

Wala akong kamalay malay kung saan kami papunta, basta drive lang siya ng drive ng
kotse niya. Ang bilis niyang mag-drive, nahilo pa nga ako kasi parang sumasakay ako
ng roller coaster eh!

"Hinay hinay lang naman! Saan mo ba ako dadalhin?!"

"Ki-Kidnappin kita, bakit?"

"A-ANO?!" pakungyaring shocking moment of my entire life pa ako. "SUSUMBONG KITA SA


PULIS! BABA MO NGA AKO!"

WTF. THIS RIDE IS GETTING SO GOOD! :D

Wala namang dalang scatchtape si Prince na pang takip sa bibig ko, o kaya tali para
itali ako loob ng kotse niya. Ibang klaseng pag-ki-kiddnapp ang ginawa niya,
naglakad lakad lang kami sa isang kalsadang mala-Park na ang dating, konti lang ang
tao ... mga vendors lang madalang na tumatambay, akala ko nga luneta park!

"Psst. Prince ko,"

Ang tahimik niya habang naglalakad kami. "Bakit bigla kang tumahimik diyan?" sabay
ngiti at lingon ko sakanya. Kinikilig ako, sobra kasing lapit namin sa isa't-isa. I
can feel his smooth skin; I can feel his whole left arm! Ang init init niya ~ na-
iinlab nanaman ako, kaya ito, ang aking mahinang kamay, dahan dahang kumapit sa
braso niya.

Kinagat ko ang labi ko dahil hindi niya ito tingangal, hinayaan lang niya akong
gawin ang gusto ko.

"Kala ko tuluyan mo na akong iiwan." bulong ko sakanya. "Alam mo ba halos ma-baliw


na ako nung wala ka? Saan ka ba kasi napadpad bukod sa paglipat mo ng bahay? At
bakit bigla kang nagkaron ng kotse? Bakit for 3 weeks hindi ka pumasok sa school?"

"Nag-advance examination ako, kinausap ko si Sir Torres dahil sa paglilipat ko,


gusto ko kasing ayusin ang bagong condo ko, at - sinadya kong tumagal para
masubukan ko ang sarili ko kung hanggang kelan kita hindi matitiis." nangilabot ako
sa kilig. "Tama nga, hindi kita natiis. For 3 weeks binabangungot ako ng dahil
sayo."

"BINABANGUNGOT?!" >:(

Kilig na sana kaso may pa-epal pang salita 'tong si Prince eh. Hindi parin siya
nagbabago. Wow. Typical Prince parin talaga, nakukumsumido na ako paunti-unti ...!

"Buti nga ako nababaliw na! Ibig sabihin nun miss na miss na kita! Gusto na kitang
makita agad, parang mauuwi na ako sa mental! Kung hindi lang ng dahil kay Russell
siguro hindi na kita makikita! Tapos sayo bangungot lang ang na-experience mo nung
wala ako? Ano ba naman yan Prince? Kala ko ---- "

Hindi inaasang madali niya akong hinatak agad para yakapin ako. Konting gulat lang
ang reaction ko sa ginawa niya. Kahit nag-uumpisa na ang drama hindi ako naiiyak.
Hindi ko ramdam ang umiyak. Nagtaka lang ako.

"Pwede bang ganito muna tayo pansamantala?"

Ang higpit ng yakap niya, wala siyang balak paalisin ako sa pwesto.

"Binangungot ako dahil na-mi-miss din kita. Okey na ba yun sayo?"

"Sus ... kungyari ka pa diyan eh."

"Katulad mo rin ako, walang kaalam alam sa mga ganito. Basta ako, gagawin ko nalang
yung mga sinulat mo sa diary mo, yung mga magagandang bagay doon tutuparin ko, at
balak kong gawin yun lahat - kahit anong mangyari. Ano? Pwede na ba yun? I will try
my best Nia, hindi naman masamang sumubok diba? Ganyan ka namang tao. hindi
nawawalan ng pag-asa. Gusto kong maging katulad mo, susubukan ko kahit mahirap ...
"

Dati na talaga ganito si Prince, isa ng taong malamig pa freezer kung umasal. Pero
kahit man ganun, meron naman siyang determinasyong mas mag-improve pa. Tanggap ko
naman na hindi pa siya ganito ka perfect. At syempre, naiintindihan ko naman siya
dahil doon.

"I'm so sorry sa lahat ng nagawa ko sayo dati, gusto mo bang matagal pa ang pag-
yakap na gagawin ko sayo? Ito lang kasi ang paraan para mapatawad mo ako."

"Can we stay like this until TOMORROW?"

Buang nanaman ang iniisip ko dahil alam kong hindi naman mangyayari yun. Pero malay
mo, mangyari? Hindi naman masamang mangarap. Pinatawad ko na siya noon pa. Hindi na
niya kailangang humingi pa ng patawad.

Lumapit pa ako ng maiigi para mas lalo akong mapadikit sa buong katawan niya.

Mas lalo ko ring hinigpitan ang pagyakap; kumapit pa ako ng maiigi sa balakang niya
sa pamamagitan ng dalawang kamay ko - but of course, hindi ko rin nakalimutang
ngumiti. :)

Episode #40 (Final Part)


~ a poem of welcome
(2 most important scenes below!)

For Ian, Gale & Kuya Mike's special day, nag plano kaming dalawa ni Prince na mag-
ditch paalis ng school para iwanan ang aming practice sa aming Graduation day this
upcoming Sunday. Wednesday ng umaga ngayon, pumasok nga kami ni Prince sa school
kaso sa umaga lang - pasimple pa kaming pumila sa pinaka-likod ng sabay. Hindi
nakatingin si Sir Torres sa likuran at pamuni muni pa siya tumingin sa harapan
habang papasok na ang Mapagmalasakit papasok sa loob, agarang nag-hawakan kami ni
Prince ng kamay sabay takbo namin paalis sa crowded auditorium.

Nakita ko si Russell na napatingin sa pag-alis namin dalawa, imbis na isumbong niya


kami kay Sir, tinawanan lang niya kami at hindi na pinansin pa. Sobrang laki ang
pasasalamat ko kay Russell sa lahat ng ginawa niya, lalong lalo ng pinatagpo niya
kami ni Prince, for a little reward, binigyan ko siya ng isang "hidden flying kiss"
bago kami tuluyang nawala. Buti nalang hindi nakita ni Prince kungdi patay na
talaga ako. ::)

Magkahawak kamay kaming tawang tawa ng pauwi na kami ni Prince sa Baco. Tawang tawa
sa innocent look ni Sir Torres, walang kaalam alam na naglaho nalang kami na parang
bula sa likod ng linya. Hindi ko mapigilan tawa ko, ni si Prince. Para kaming
nakakain ng isang sakong chocolate ngayon araw na 'to.

"Hindi! Parang ganito yung mukha ni Sir Torres oh," tumingala sa ere si Prince na
may kasama pang bukas ng bibig. "Para bang nilalangaw! HAHAHAHA!"

"Wala naman akong nakitang binuksan niya yung bibig niya ah. Nope! Ganito itsura
niya," pinamukha ko si Prince na parang akong kawawang batang na-rape. "Tae, ganun!
Parang pinagtakluban ng panahon yung pagmumukha niya."

"Tss. Whatever." sabay pingot sa ilong ko. "Araaaaay!" pinalo ko siya sa balikat
niya.

"Haha, tara na nga, dalian natin." hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko at
sabay na kaming pumasok sa loob ng black gate.

Mamayang gabi ang despidida party nila Ian, accepted naman na wala na sila sa
school dahil kinabukasan na ang alis nila. So lucky, hindi na nila na-experience
ang nakakatamad at nakaka-bore na graduation practice! Nakuha na kasi nila ang
kanilang mga diploma, wala na silang dapat alalahain pa sa paglalakad sa stage, pag
abot ng dimploma, at pag-ngiti sa harapan ng camera.

"Wth, bakit nandito na ang mag-lovers?!"

"Wooow. Sabi ko na nga ba nag-skip eh."

Nakasalubong agad namin sila sa screendoor, hindi nag-aayos ng kanilang final


boxing, hindi nag-hahanda ng kakainin namin mamaya, KUNGDI NAGLALANDIAN SA GILID NG
SCREENDOOR!

"Hindi niyo ba alam na banned na dito ang landian!?" galit ko ko sakanilang dalawa
ng bigla akong tumingin ng masama kay Ian.

"Butete! Wag mo ngang mahawak hawakan si Galietot ko." hinatak ko si Gale papasok
sa loob, kahit reklamo ng reklamo, hinatak ko parin. "Babush na, magluluto pa kami
ng pagkain para mamaya. Bleh!" sabay alis.

"Tsk. Girls."

"Oy pare, hindi mo pa ba nilalandi yang si Nia? Landiin mo na para bumigay din,
laging kill joy saamin ni Gale yan eh. Lagi nalang. Kaya minsan tinatakbuhan namin
yan."

Kala nila tuluyang nawala na ako ah. "HOY! NARINIG KO YUN AH!" nag-transform ang
mukha ko into color pink ng makita ko si Prince, natawa si Ian at nilapit pa niya
si Prince saakin.

"Kiss mo muna si Prince bago luto!" ::) nanlaki yung mga mata ko dahil lapit na
lapit na si Prince saakin, namumula na rin sa init. KISS? Oo, nagkakasundo na kami
ni Prince, Oo, pagmamalaki kong akin na siya.

KAMI NA at halata naman, another chapter has come. Hindi pa namin nagagawa ni
Prince ang mga karaniwang ginagawa ng mga couples, meron naman kaming nagawa, kaso
hug at holding hands lang ang kaya namin. "Oh, saan ka pupunta?!"
What a huge disgrace!

Tumakbo nanaman ako palayo sakanya. Bakit ba lagi akong ganito, takot na takot kay
Prince? Eto na nga, malayang malaya na kaming dalawa. Tapos na ang drama, tapos na
ang problema, pero pag napupunta sa seryoso ang usapan hindi ko magawa. What a
shame, shame on me! Hi-Hindi pa siguro ako handang maging boyfriend si Prince?

Ano ba naman 'tong mga pinag-iisip ko, bakit ako hindi handa? HANDA NA AKO NOON PA.
Kabado lang ako sa mga mangyayari. Pag nag-kiss kami ni Prince ... hindi kaya
takbuhan niya ako? Or much worse ... baka ako ang tumakbo! WTF. Sana hindi mangyari
yun, gusto ko pa namang matikman kung gaano siya kasarap!

"Insan, okey ka lang ba? Parang ang pale looking mo eh, may sakit ka ba?" sa kusina
kami nila Gale napag-decisionang magluto, lahat na kasi ng ingredients nandoon na.
May kulang pa kaya wala sina Mama at Tito Lucas ngayon, namimili pa kasi sila sa
palengke.

"Nia, if you're not feeling well, okey lang, kami na bahala ni Gale dito mag-
prepare." kapapasok lang ni Kuya Mike sa loob ng kusina at may nilapag lang siya sa
lamesa.

"O-Okey na okey lang ako guys! No need to worry!"

"If you said so." ngumiti si Kuya Mike sabay alis na sa loob ng kusina. Habang
hindi pa tumitingin si Gale saakin, patago kong pinunasan yung pawis ko sa
pamamagitan ng binasa kong bimpo.

Shacks. Para na nga akong magkakasakit. Kung ano ano kasi ang mga pinag-iisip ko
eh!

"I know something is bothering you. Tell me."

"W-Wala Gale, tuloy nalang natin ang pagluluto." hinalo ko ang halo ng pagkain na
halos magka-lusaglusag na.

"Nia." pinigilan niya yung kamay ko. "Si Prince nanaman noh? Ano nanamang problema
ngayon?"

Ang kulit talaga ni Insan, lahat nalang gustong malaman. Sabagay, kailangan ko ring
I-share ang nararamdaman ko, kesa namang hanggang mamaya maging tense looking
nalang ako. Hindi aalis ang kaba ko hanggang hindi 'to lumalabas sa systema ko.

"Wag kang matatawa sa tanong ko Gale ah, uhm ... tama ka. About kay Prince ko, kasi
as you know. Nasa ibang point na kami, isang apak nalang sa at nandoon na kami sa
serious stage. Alam mo yon? Kasi I'm just wondering, at nababahala na talaga
ako ... ano bang feeling ng first kiss?"

Biglang humalakhak ng malakas si Gale, ng makita niya akong sumingot ng kaawa awa,
ng dahil doon tumigil na siya.

"Sorry Nia!" pinipigilan pa niya yung tawa niya. "Wala ka namang dapat ikabahala
dun eh, bigla nalang yun mangyayari. Isang pitik, malalaman mo nalang na nagawa
niyo ng dalawa. And of course, anong feeling? Well for me, IT'S KINDA WET."

"WET?!" :o ninenerbiyos na pagkagulat ko. "N-Nako, Gale, pwede bang tuloy nalang
natin 'tong niluluto natin? Kasi baka masunog!"

"Sira, hindi pa ako tapos!" tinaas ni Gale yung sandok sabay tingin niya sa taas na
parang nag-iimagine. "Nung hinalikan ko si Ian for the first time, kakaiba syempre
ang naramdaman ko, parang natikman ko yung kaluluwa niya. I can taste his beautiful
soul."

Nakatunganga lang kami sa bubong at nag-iimagine.

"T-Talaga?" nganga ko pa. "So pag hinalikan ako ni Prince matitikman ko rin ang
kaluluwa niya?" ang cheesy naman, bigla akong nagtaka. "Para namang kinakain ko na
siya pag ganun! Para akong dementor sucking his soul! Ewwww. Katakot."

"Baliw ka talaga kahit kalian." ;D "Syempre lahat tayo iba iba ang mararamdaman pag
nahalikan mo na ang taong mahal mo. Kahit tanungin mo pa Mama mo eh, alam kong iba
rin ang naramdaman niya. Basta, no need to worry Nia, alam kong magiging successful
ang first kiss niyong dalawa ni Prince. You have to wait for the right time,
lalabas din ang totoong pakiramdam mo pag nagawa niyo na yun."

Tuloy parin ang pagtunganga ko kay Gale habang siya naman ay tinutuloy na niya ang
pagluto niya. Grabe, Idol ko talaga si Gale pati na rin si Ian. Ang dami daming
alam tungkol dito. Habang kami ni Prince para kaming mga ignoranteng bata, walang
kaalam alam. Sana maging okey, I'll take Gale's advice as usual.

Lumipas ang oras at mag-7-7 na ng gabi. Dumating na rin sila Tito Lucas at Mama na
may dala dala pang mga pagkain. Kami nila Gale at Mama ay in charge sa pagluluto.
Habang sina Ian, Prince at Kuya Mike in-charge sa pag-aayos ng bahay at sa pag
entertain ng mga kaibigan at bisita. Naiwan lang si Tito Lucas na nagluluto ng
barbeque sa labas.

"Oy iha gusto mo ba ng barbeque?" malapit ng matapos ang pagluluto nila mama sa
loob kaya nandito ako sa labas tiga paypay ng barbeque ni Tito Lucas.

"Ay hindi na Tito, okey lang ako."

Kaliligo ko lang at pawis na pawis na kagad ako. Nagpapadagdag init pa 'tong


barbeque stand sa tabi ko, nangangamoy BBQ na nga ako actually. Muntik ko na ngang
amuyin kung kili kili ko, hindi ko naman magawa dahil ang daming bisita, kahiya.
Sows.

"Nia!" lumapit saakin bigla si Prince, hindi ko alam kung saan siya nanggaling,
tumabi siya saakin. "Nakilala mo ba yang si Chard? Yung kaibigan ni Ian na magaling
mag-guitara? Grabe, ang galing niya, nag-ja-jamming kami doon. Hinahanap kita, kala
ko kung nasan ka na." sasagot na sana ako kaso --

"Bakit amoy toyo ka?" ;D

"Sige lang Prince, tawa ka lang."

"Tara nga." hinawakan niya yung kamay ko.

"Tito Lucas!" lumingon si Tito kay Prince. "Pahiram lang sandali si Nia ah.
Matatapos ka naman sa BBQ, kaya pwede ka ng mag-isa gumawa. Pwede ba tito?"

"Hala sige, wag lang masyadong kapit sa pamangkin ko Prince ah!"

Ang sweet talaga ni Prince at sinagip niya ako sa Barbequhan. Imbis na pumunta na
kami patungo sa flock of friends nila Ian at Gale, sinamahan niya muna ako sa
apartment ko dahil mag-sho-shower muna ako sandali. Hanggang matapos na akong
maligo, naghintay lang siya sa labas ng pintuan ng kwarto ko, nagbibihis kasi ako.

"Malapit ka na bang matapos?" naiinip na tanong niya.


"5 minutes!"

"Tagal pa kaya nun. Dalian mo nga, baka nag-ma-make up ka pa diyan, hindi mo na


kailanganan. Cute ka na. Oo na."

Susuotin ko na sana yung palda ko kaso natulala at napatigil ako sa sinabi niya.

"BALIW!" sigaw ko ng malakas para marinig niya.

Narinig ko siyang natawa ng konti. "Nia. Hindi mo ba sasabihin sakanila na ... lalo
na sa Mama mo na ... yun nga. Na, alam mo na. "

"Anong yun?" binuksan ko ng konti yung pintuan at sumilip ako sakanya. "Hindi ko pa
alam." humarap saakin si Prince.

"Na tayo na."

UMINIT NANAMAN ANG PALIGID. Pagkatapos na pagkatapos ng sinabi niya, sinara ko agad
yung pintuan sa harapan ng pagmumukha niya. "So what's the problem now? Akala ko ba
--- Nia?"

Napasandal ako sa likod ng pintuan, napapikit dahil parang magkakaron nanaman ako
ng HEART ATTACK!

"Buksan mo nga 'to." ginalaw na niya yung doorknob, ni-lock ko kasi. "Gusto mo ba
ako o ano? Kung gusto mo ako papasukin mo ako."

Why o why bakit ko ginagawa 'to kay Prince? TINATABOY KO BA SIYA NGAYON?! Kung
kelan naman ayan na, doon naman ako mag-ba-back up. WTF. What's happening to me?!

Napaharap ako sa pinto, pinakinggan kung nandoon pa siya. "(Sigh) Let me know of
you're ready." paalis na footsteps ang narinig ko.

Sa totoo lang hindi ko nakuha yung sinabi niyang "Let me know if you're ready"
saakin. Kung ang ibig ba niyang sabihin kung ready na ba ako sa pag-aayos ko dito,
o ready na ba akong umpisahan ang relationship namin.

Bumaliktad na ang sitwasyon, si Prince naman ang naghihintay para saakin.

***********************

Sa tinagal tagal ng party kahapon, wala na akong ibang inisip kungdi si Prince.
Hindi naman siya nagalit saakin or whatsoever, actually mas naging sweet nga siya
kahapon saakin, nagpapaka-Gentleman na siya paunti-unti, nakikita ko na ang
improvements niya. Nababanas ako sa sarili ko, ako naman ang umuurong. Anways,
magandang natapos ang party kahapon, masaya kaming lahat - walang iyakan. Yun ang
mahalaga sa lahat.

Last day na ng grad practice namin, as usual boring nanaman, mas lalo namang boring
dahil pina-stay kaming dalawa ni Sir Torres bago mag-uwian sa classroom. DETENTION
ang abot namin dahil sa ginawa naming skipping kahapon, mabait naman si Sir Torres
dahil bignigyan lang kami ng 30 minutes cleaning time ng classroom, pagkatapos nun
pwede na kaming umalis.

"Nia! Ako na ang maglilinis dito!"

Siya ang in-charge sa front division, habang ako dito sa likod. Pinagmasdan ko muna
siya habang naglilinis siya, LAST DAY na pala namin dito sa loob ng classroom ng
Mapagmalasakit, may isang bagay tuloy akong naalala --- yung naglilinis kami ni
Prince dito dati, ang trabaho niyang pagiging Janitor. Natawa nalang ako.

"Bakit ka tumatawa diyan?"

Ang bilis ng panahon, parang kelan lang ko siyang nakilala. Tinitigan ko siya ulit.

"Tama na yang pag-ti-titig mo, maglinis ka na para makauwi na tayo ng maaga, wag
mong kalimutan na ngayon na alis nila Ian."

Langya parang may third eye 'to ah, nakita niya yung ginagawa ko kahit nakatalikod
siya saakin!

"Pasensya na," nag-umpisa na akong magwalis. "Masyado lang akong masaya dahil
kasama kita ngayon. Lalo na't aalis na sina Ian. Totoo nga yung sinabi nila, ikaw
lang ang makakasama ko banding huli." holy muffin! Parang nagiging senti mode
nanaman ako, naisip ko lang kasi yung sinabi niya kahapon, medyo iniba ko lang yung
subject para di niya maalala.

"Masaya ka na talaga?"

Pag talikod ko bigla nalang siyang nasa harapan ko. "Para kang nag-aaparisyon! Wag
mo ngang gawin yon!" ayan nanaman ang lalakeng 'to, inagaw niya yung kamay ko sabay
hatak niya saakin paalis sa loob ng classroom. "Oh Prince yan ka nanaman! Ano naman
ngayon?!"

Hinatak niya ako papunta sa quadrangle. Huminto kami sa pinaka-gitna nito. Natural,
magtataka ako kung bakit niya ako dinala dito.

"Pakiramdam ko hindi ka pa masaya, parang may kulang pa?"

"What are you doing? Nakakahiya sa mga tao." lumingon lingon ako sa paligid, merong
pang mga tao sa campus. Either naglalakad lakad o kaya may tumatambay lang after
school kasi last day na nga 'to ng classroom hours namin.

"If you really want to make me yours and vice versa, dapat may gawin tayo. Hindi
lang laging ganito nalang, walang ginagawa, papatay patay."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sa tingin ko hindi pa sapat na sabihin mo saakin ang totoo, at sabihin ko sayo ang
totoo, parang wala namang nangyari saating dalawa, hindi mo pa nabubuksan ang isang
parte mo saakin Nia." lumapit siya ng konti saakin, ng konti, ng konti hanggang
sobrang lapit na niya sa harapan ko! "Halikan mo ako."

HOLY KAMOTE!

"Pag hinalikan mo ako, ayun ang marka na tanggap mo na ako, at handa ka na rin para
sa susunod na kabanata. Now, KISS ME."

Dahan dahan siyang pumikit sa harapan ko.

Ito na ang KINAKATAKUTAN KO! Ang first kiss ko kay Prince! "Are you crazy!? Kiss
your face!" Yeah, I know, pakipot pa ang bruha. Lang magawa, yun ang lumabas sa
bibig ko. Shet. May nag-co-control saakin, sabi ng isip ko wag ko siyang halikan!
SHAME! Mag-wa-walk out na sana ako kaso ...

" ...... I KNOW YOU WANT TO."


Katukso-tukso!

Sa totoo lang kanina pa sumabog yung bulkan ko sa mga weirdong inaasal niya.
Bumaliktad talaga, siya na ang namimilit ngayon. Suskopo anong nangyari?!

LANGYA ANG SARAP SARAP NA NIYANG HALIKAN SA HARAPAN KO. Nakapikit parin siyang
naghihintay saakin.

Di ko namalayan na dahan dahan na pala akong lumalapit sakanya, kusang gumalaw yung
mga paa ko. I just feel easy right now, no strings attached.

Tumingin tingin ako ulit sa paligid pagkatapos kagat ko sa labi ko, in case
nanaginip lang ulit ako. Hindi eh, totoo na 'to. Umiikot ngayon sa isip ko ang
advice ni Gale saakin ... yung WET at yung kaluluwa part.

Kinilig ako bigla - sa tingin ko, handa na ako.

Gumaan yung pakiramdam ko, mukhang gustong gusto na ni Prince. SUS! Mas gustong
gusto ko na rin noh!

Pumikit ako, nag-smooch at dahan dahang lumapit patungo sa kalangitan ... and
finally he kissed me, and my mouth wrote a poem of welcome to his lips. :)

E p i l o u g e

After 2 months ...

Ito na ata ang pinakamasaya, pinakamasagana, at pinakamaligayang summer vacation sa


buong buhay ko. Alam kong lahat ng mga sinabi ko katumabas lang yung ng isang
salita: HAPPY.

Hindi ko rin naiwasang maging malungkot dahil wala na sina Ian at Gale, natatandaan
ko pa nga nung nasa Airport kami hindi namin mapigilan yung mga iyak namin. Kakaiba
dahil nung papunta palang kami sa Airport, walang iyakan, tawanan pa nga kami all
day long, hindi rin pala napigilan.

Maganda ang naging daloy ng lahat ng after a few weeks ng wala sina Ian at Gale.
Lalong lalo na sa relasyon nila Mama at Prince. Naging adik nga si Mama kay Prince,
tuwang tuwa sakanya. Pati na rin si Tito Lucas, minsan nga para siyang ginagawang
clown. Ubeeeeeeer sa kulit nga nitong si Prince, parang nawala sa kural - mas
kakaiba na talaga siya kesa sa dating "freezer Prince" na nakilala ko.

And what about Anna and Russell?

First of, wala na akong balita kay Anna. Actually may rumor ako na nakita ko sa
Friendster niya. May nakita kasi akong isang picture niya kasama itong isang poging
lalakeng muntik ko ng maging crush. Parakiramdam ko tuloy parin ang panglalake
niya, desperada rin pala ang taong yun talaga.

Second of all, si Russell, naging mabuting magkaibigan kami. Seriously, sa tinagal


tagal ng panahon, HINDI PARIN SIYA PINAPANSIN NI PRINCE. Nakakainis nga eh, may
topak talaga yung mga utak nilang dalawa. At kahit anong gawin ko, hindi ko sila
mapapagbati. Happy ending na nga kami ni Prince, tapos sila hindi - meron pala
talagang hindi happy ending ... pero malay mo magkabati parin sila? No one knows.

Tungkol naman sa "Kathleen" ni Russell, one time nakita ko sila na magkasama sa


Mall, maganda yung babae, matangkad, at mukhang matalino for the fact na meron
siyang suot suot na black frame eye glasses. Tugmang tugma lang kay Russell dahil
pareho silang matalino at may pormal na itsura. Belib na belib talaga ako sa
"BILIS" ni Russ!

At ngayon naman, ang pinaka-importante sa lahat, ano na ang nangyari saamin ni


Prince?

Kasasabi ko lang na MASAYA ako, yun lang ang masasabi ko sa haba ng panahon na
kasama ko siya. Patay na ang dating Prince, at kakaibang Prince na ang kasama ko
ngayon.

Meron naman din siyang araw na bumabalik parin ang kanyang pagka "freezer" pero
madalang nalang yun, bumabalik lang pag nag-se-selos siya. Katawa nga, okey lang
dahil na-mi-miss ko na rin ang dating Prince na tiniis ko ng matagal.

"HAPPY BIRTHDAY." :)

"Thank you, Cookie!"

18th birthday ko ngayon, maniwala ka man sa hindi, hindi ako nag-debut. Mas
pipiliin ko nalang na maging simple ang celebration na kasama lang si Prince. Tsaka
hindi naman complete ang barkada - parang nawalanan ako ng gana. Nagkaron lang kami
ng simpleng salo salo nila Mama, Prince at ni Tito Lucas kaninang lunch sa isang
private restaurant. Pagkatapos kami namang dalawa ni Prince ang magkasama ngayong
pagabi na sa loob ng kotse niya.

"Ano 'to?" excited na pagkatanong ko sakanya.

"Basta, buksan mo nalang. Bakit ko naman sasabihin sayo? Surprise ko nga sayo yan
eh. Basta buksan mo nalang."

Hindi na ako nakapagpigil pa, agarang kong binuksan. Nasindak ako sa regalo niya
saakin. "B-Bagong diary?"

Blue Cinammonroll medium sized diary ang regalo niya saakin, halos kasing laki lang
ng Hello Cookie Love.

"Gusto kong magsulat ka ulit. Ngayon, hindi ka na nagsisinungaling sa sarili mo


dahil totoo na ang isusulat mo diyan." ngumiti siya saakin sabay hawak niya sa
kamay ko.

"Thank you so much." out of the blue, parang na-teary eyes ako habang tumitingin
sakanya. "Haha, ano ba yan. And now!" hindi ako tumingin sakanya, tapos may hinugot
ako sa bag ko.

"Second to the last na 'to so be ready!" binuksan ko yung Hello Cookie Love malapit
sa last page.

"Wag mong sabihin ---?"

"Alam kong nabasa mo na 'to! YEP. We will go to Enchanted Kingdom today!"

"Yun lang pala eh, edi sure. Tara!" uumpisahan na sana niya yung kotse kaso hinugot
ko yung susi niya.

"Opsie-dopsie. Hindi po tayo mag-ko-kotse ngayon. You know the rule, Cookie."

"Eh ... Nia?! Kailangan pa ba nating maghirap sumakay sa BUS papunta doon?! Ang
layo layo, QC TO LAGUNA? Baliw ka ba? Ang init init ngayon, nakakatamad maglakad,
baka nga mapagod ka pa. Ayokong makita kang pagod, kaya wag na. Tsaka ayoko, mamaya
ma-hold up pa tayo o ano. Please? Gamitin nalang natin 'to? Pretty please?"

"Tatadyakan kita Prince, sige ka. Tara na nga!" binuksan ko yung side door at
tumakbo ako paalis.

"Nia sandali lang!"

Konti nalang ang matutupad na ang lahat ng nakasulat dito sa Hello Cookie Love ko.
Sinadya ng tadahana na sa birthday ko pa matatapat ang Enchanted Kingdom sight na
gagawin namin. Nagpaalam muna kami ni Mama at nagmadaling nag-empake dahil mag-o-
overnight kami ulit sa hotel doon - hindi na katulad ng dati dahil mag-iisang
kwarto nalang kami ngayon.

"Ito na ang upuan niyo, ang cute niyo namang pong magkapatid!" pasakay at paupo
palang kami sa loob passenger bus at ini-escort pa kami ni manong.

"Nagkakamali po kayo manong, hindi po kami magkatapid. Siya po ang Blue Cookie ko!"
napatingin ako kay Prince. "Diba Prince? Diba Prince?" excited na tanong ko sakanya
habang sinisiko ko siya.

"Blue --- ano kamo?"

"Haha, she's my girlfriend manong."

"Ay ganun ba? Kung gayun man ay ang cute parin niyong dalawa." ;D

Ang kulit ni manong parang "kulit machine." Si manong na ang kumuha sa bayad namin,
siya rin pala ang driver nitong bus. Kaya feel na feel naming dalawa ni Prince na
safe kami sa kamay niya. Natatakot kasi 'tong si Prince mag-commute.

"Ano natatakot ka pa?" bulong ko sakanya.

"Oo naman."

Bago kami umandar, tinignan muna ni Prince ang Hello Cookie Love ko, hindi sinadya
na may isang papel na muntik ng malaglag, nahulog ang naka-tuping piraso ng papel
diretso sa palad niya. Nakatingin kasi ako sa bintana sa labas kaya hindi ko nakita
na nabasa niya na pala yun.

"The Legend of the Blue Cookie."

Ang tula na inalay ako sakanya nung first day ay ngayon nasa harapan na niya. Hindi
ko hinugot sakanya yon. Gusto kong makita niya. Binasa niya ng tahimik, medyo
nahiya ako, naalala ko tuloy ang dati kong anino.

"This is for me right?" nag-nod ako. "I like it." yung ngiti ko abot tenga sa
sinabi niya. Magsasalita na sana kaso sumingit nanaman siya. "But, may isa akong
hindi nagustuhan. Nagtataka ako bakit BLUE COOKIE ang tawag mo saakin? Ano bang
ibig sabihin nun?"

"Why Blue Cookie?" ......... "Blue symbolism associates blue with freedom, strength
and new beginnings. Ang mas importante sa lahat, it is also a sign of OPTIMISM. At
tungkol naman sa Cookie, connoting affection address ko yun para sayo -- para
siyang dear, honey or sweetheart in an informal term."

"Now I like it. Ang creative." ;D

"Psh. Alam kong na-cornyhan ka lang saakin."


"Bakit naman ako ma-co-cornyhan? Sino bang makakaisip ng ganun sa buong mundo? IKAW
LANG. That's why you're so special."

Namula nanaman ako, langya. Araw araw nalang ganito ako! In a few minutes, umandar
na rin ang bus.

"Ngayon, nasan na Hello Cookie Love ko? Basahin mo ang nakasulat diyan!"

"Uhm teka ... pagkatapos naming mag-usap ni Prince tungkol sa Ding Dong, nilabas ko
yung camera ko at nag-picturan kami. Nagkaron pa kaming dalawa ng isang pictorial
sa loob ng bus." Ackk. Sinulat ko pala na nag-usap pa kami tungkol sa Ding Dong?
Now that's weird! "So ..."

"Picture Picure tayo Blue Cookie! Gusto ko iba ibang faces bawat shots ah!"

"Sandali lang, anong klaseng mukha at pose?"

"Kahit ano!"

Handang handa na yung camera ko at inumpisahan na namin ang pictorial. Wala akong
kaalam alam kung nakailang shots kami, tuloy tuloy lang kasi ako sa pag-click sa
camera, walang tigil - kahit may umuulit hindi ko na pinansin. Punong puno ng sigla
ang bawat pindot.

Ito ang nakikita ko sa darating na panahon, kami na masayang magkasama sa dahilang


nagkatotoo nga ang isang alamat na inumpasahan ko sa pamamagitan ng pagsulat lang
sa isang maliit na papel.

T H E E N D.
^_^<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>74#######################################################
###</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like