You are on page 1of 2

Araw na naman ng pasukan.

Ang dating tahimik na hallway ay muling nagkaroon ng buhay dahil sa mga


ingay na nanggagaling sa mga estudyante. Kwentuhan dito, tawanan diyan, ang iba pa nga ay kumakanta
pa. Ang saya nila panoorin, pero ang hindi alam ng lahat ay may tinatago silang malaking sikreto.

CROWD
Sa murang edad pa lamang ay naipamulat na sa akin ang reyalidad ng lipunan. Lumaki ako sa mahirap na
pamilya, walang ina, subalit nariyan naman ang aking ama na kayang gawin ang lahat para sa ikabubuti
kjo. Bagama’t isa lamang siyang security guard sa isang pribadong paaralan ay nagawan niya pa rin ng
paraan na makapag- aral ako. Napakasaya ko ng nalaman ko ang balitang mabibigyan ako ng
pagkakataon na makapag-aral at sa isang pribadong paaralan pa. Alam ko na ito na ang simula ng
pagkamit ko sa aking mga pangarap. Subalit nagkamali ako. Nang dahil sa KANILA, nasira ang lahat.
Nawala ang lahat sa akin. MGA DEMONYO!

SG
(insert sound effect ng nagsusulat) Sa kabilang dako naman, may isang tao ang tila himdi masaya sa
muling pagbabalik pasukan sa kadahilangang naaalala niya ang kaniyang nag-iisang anak. “Hay, pasukan
na naman. Dagsa na naman ang mga estudyante mamaya. Anak, naaalala na naman kita, tignan mo,
pasukan na ulit, ang bilis talaga ng panahon. Diba isa ito sa mga paborito mong araw, ang hilig mo
talaga mag-aral anak.” Lintaya niya sa kaniyang isip kasabay ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

DEDZ
“Labas tayo, tara sama ka” nilalapitan na naman nila ako, ano naman ba kailangan nila? “ Ha? B-bakit?’
“ huwag nang maraming tanong, tara na. KJ naman nito” saan ba kasi nila ako dadalhin? Natatakot ako,
baka kung ano naman gawin nila sa akin. Sawa na ako sa ganito araw araw na lang. “ Halika, tayo ka
diyan.” “Anong meron? Bakit niyo ako pinapatayo sa gitna ng kalsada? Baka masagasaan pa ako
diyan. Nag-iisip ba kayo?” “Dami namang satsat” pagkasabi niya noon ay sabay tulak niya sa akin
papunta sa kalsada at nangyari ang kinatatakutan ko. Bigla akong nanlumo at nanigas sa kinatatayuan ko
at di ko na nagawang makaalis pa ng biglang may rumagasang sasakyan papunta sa direksyon ko.
“AAAHHHHH!!!!” (screeeechhhh). Panginoon, dito na po ba matatapos ang buhay ko, paano na po ang
papa ko.

ALONE
Ang sasama niyo talaga. Bakit niyo ba ito ginagawa saakin? Wala naman akong ginawang masama sa
inyo. Simula ng tumuntong ako sa paaralan na ito imbis na makapag-aral ako ng payapa lagi niyo na lang
ginugulo. Lagi niyo akong minamaliit, sinaksaktan, pati pamilya ko dinadamay niyo. Nagmakaawa ako,
nakiusap ako, ginawa ko lahat para tigilan niyo na ako pero anong nangyari? Humantong pa rin sa ganito
ang lahat. Pati ang mga guro walang magawa kasi ano, kesyo mayayaman kayo ay binabayaran niyo na
lang ang katahinikan nila. Lahat na lang ng bagay dinadaan niyo sa pera. Kasalanan ba ang maging
mahirap? Hindi ko din naman ito ginusto eh.

SG+ARI
“Pa, sorry, sorry sa lahat. Alam kong mahirap maging mag-isa pero Pa, kayanin mo ha? Huwag kang
mag-alala, nasa mabuting kamay naman na ako. Atsaka lagi lang ako nandito, nakabantay sayo.
Mahal kita Papa, maraming salamat sa lahat. Paalam.”

You might also like