You are on page 1of 4

Nawaglit ng ngiti sa Pahinga ni Toto.

ni Jeffrey M. Bautista

Isang umaga , isang panahon panibagong papel na susulatan ng bagong


kwento. Gigising para kumain at naligo sapagkat kailangan kong pumasok.
Nagaabang sa kung ano ang posibleng kahinatnan ng aking paglalakbay. Lunes
santo, dumating na muli ang isang linggo tatak ng paghihirap ng Panginoong
Hesukristo, mga araw na lubusang nagpatunay sa kung paano ako bilang tao na
minahal ng Diyos. "Oonga pala kailangan kong magbasa." katagang umulinig at
nanggulat sa aking isip sapagkat ito nga pla ang araw para sa aming pagsusulit.
Dagliang binuklat ang pirasong papel na naglalaman ng lahat ng inpormasyong
kailangan para ako ay makapasa. "Itago na ang lahat ng bagay na nasa ibabaw ng
inyong mesa." utos mula sa mga tagabantay. Agad na naglaro sa isip ko ang
madaming tanong tulad ng "paano kaya ang klase ng exam ng mga ito."
Ganunpaman ay mas pinili ko nlng na ipikit ang aking mga mata at humingi ng
talino sa maykapal. Natapos na, natapos na ang pagsusulit at sa aking palagay ay
maipapasa ko. Ganun nga naging makatotohanan ang lahat ang dating kaba na
aking nararamdaman ay napalitan ng saya at galak.

Ito ang unang araw ko, uuwe na ako, subalit teka hindi ito ang unang
beses pamula ngayong araw, may nakita na muli ako. Magkasintahang sa aking
paniniwala ay salungat, sapagkat kanina habang naglalakad ako ay nakasalubong
ko ang isang magnobyo at nobya na kung saan ay mas may edad ang babae kaysa
lalaki, hindi pa roon naging huli sapagkat noong sakay ako ng pampaseherong jeep
ay ganun pa ring klase ng magkarelasyon ang nakasalamuha ko. Hindi ko masisisi
ang aking sarili kung magiging palaisipan para sa akin ang ganoong sitwasyon
dapat ba akong magtaka o dapat ba akong humanga?? gumuhit ng kusa sa aking
labi ang isang totoong ngiti na nagpapahiwatig na humahanga na pla ako.

Kringgggg..... Kringggggg.. Kringgggggg... "Hay umaga na agad papasok na nmn."


Walang naging iba sa aking kaugaliang pamamaraan tuwing umaga. Heto na nasa
paaralan na ako, agang-aga oh kwentahan agad, dahil Asl namin ngayon. Ito ay
karaniwan mahaba man ang proseso sa kwentahan subalit masaya kapag
ginagawa.. Pagkatpos nito ay susubukan nmn ako ng nalalaman ko sa pggamit mg
wikang ingles. Martes santo, ikalawang araw at gnung kabilis ang pagkakataon dahil
marami na kaagad ang naganap. Isang sitwasyon ang natapos noong bandang
hapon na nagpaalala sa akin kung ano ang meron ngayong araw sapagkat pinanood
kami ng aming guro patungkol kay Hesus. Isang kwentong may kakaibang balankas.
Sa aking pag-uwe hindi yun naging dahilan para ako ay magpahinga kundi
nagsagawa akong ng mga hakbanging gagawin para sa gagawin ng aming pangkat
para bukas.

Miyerkules Santo, wala kaming pasok subalit sa halip na kami ay manatili sa


aming tahanan sampu ng aking pangkat, ngayong araw kami ay magsasagawa ng
praktis para sa aming pinaghahandaang presentasyon. Nagplano ang aming
pangkat na sa Sto. Nino lipa city kami patungo na kung saan ay lugar o tirahan ng
isa sa aming kamiyembro. Hindi ko lubos maisip na itong araw na ito ay
mapapalitan ng isang gawaing naging lihis sa gawain ng karamihan. Habang ang
ilan sa mga kasama ko ay nakatayo sa isang espayo sa gilid ng kalsada isang grupo
ng kababaihan ang masayang nagkukuwentuhan at isang tinig mula sa kanila ang
naulinigan ko "Magsasaya muna tayo bago tayo magmidterm." Bagay na
nagpamulat at nagpaalala sa kin na "oonga pla midterm na sunod na linggo." at
yung isa pa ay ang kaisipang "buti pa sila pagala-gala lamang". Ito ang buhay
nakakapagpalabo ng paniniwala ganunman sasandalan ko nlng ang kagustuhan ng
Panginoon na maganap sa akin. Mula sa pagpapapraktis, pagod ako hanggang
makarating ng aking tahanan gustuhin ko man ang magpahinga subalit hindi
maaari kailangan ko pa ang mag-aral para sa midterm. Alam kong ngayong gabi ay
senyales na ako maglupupuyat na muli dahil masasayang ang oras kung itutulog ko
ng maaga.

Huwebes santo, "aaaaaay , arayyyyy sakit ng katawan ko". Ngayong araw


nga pla ay wala akong pasok at wala rin akong pupuntahan. Sa di kalayuan ay
napansin ko agad ang kapal na aralin na kailangan kong gugulin ngayong araw.
Pagkatapos kong kumain agad akong umupo at nagbasa. Hindi ko lubos
mapaniwalaang ang oras ay nauubos na subalit kaunti pa lamang ang aking
nalalaman, wala pa sa kalagitnaan na dapat kong magugol na aralin. Nakakatawa
sapagkat sa mga oras na ito ay dapat na puno na ako ng kaalaman tila naging
baliktad ang lahat dahil ang aking mga mata ay kusang sumuko ay tuluyang
nagsara at muling namulat ng hapon na. Muli akong nagbuhos na atensyon sa
pagbabasa na halos lahat ng estratihiya upang maalalako ng mabilis ang mga
terminolihiya ay nagawa ko na. Dumating ang gabi at muli walang pinagiba ang
naging gawain ko simula ng magising ako at makatulog.

Biyernes santo, pagkamatay ni Hesus. Batay sa paniniwala ng matatanda


bawal ngayon ang masugatan kaya naman lubos akong nagiingat dahil sa
pangambang hindi na maghilom ang sugat kung sakaling magkakasugat ako. Isang
muling panahon, isa muling pag-asa at isa muling pagkasasa para ako ay magbasa,
sa maghapong ito ay nakatakda ang oras para lang sa pagaaral upang ng sa ganun
ay makapaglibang ako bukas. Hinayaan kong ang oras ay pumitik papalayo yung
mistulang nasa pelikula dagliang nagtatapos ang oras.

Natapos agad ang maghapon ko, subalit naging mailap para sa akin ang
pag-asang matatapos ko at mauunawaan ko ng madali ang mga aralin ko. Hindi ko
kinaya nakakalumbay dahil nauubos ang maghapon kong nasa loob lang akong
kwarto ko. Walang ibang kasama kundi ang mga papel.

Sabado de Gloria ika nga, ito ang panibagong panahon ko sana naman
ngayong araw ay matapos ko ang aralin upang bukas makapaglibang. Isang
magandang hangin ang yumakap sa akin binitbit ako sa bilis ng isang pangyayari
bakit nakakabasa nko ng may pagunawa at mahalimuyak na amoy na ngayong
araw ay matatapos ko ang aralin. Hindi naging mahirap ang lahat ang totoo nga nito
nakatulog pa ako noong sumapit ang tanghali. Ayos na ang lahat nauunawaan ko na
ang mga aralin kaya nmn bumagsak ang katawan ko noong gabi ng may galak at
pumikit ang mga mata ko na malaya kayat ganun na lamang noong nagising ako sa
panibagong araw.

Linggo o pasko ng pagkabuhay, muling nabuhay si Jesus, kaya't buong


galak akong nagbihis para sumimba kasama ang aking magulang. Habang nasa
simbahan ako nilubos ko na ang panalangin na sana ay makapasa ako sa darating
na unang panahunang pagsusulit. Natapos ang misa umuwe ako subalit hindi para
mag-aral kundi para sunduin ang babaeng makakasama ko ngayong araw. Masaya
ako na lumabas ng aming pituan sinakyan ang motorsiklo ko upang sunduin ang
babae. Kasabay ng oras at sa pagsapit nito upang magkasama kaming dalawa ay
naging mabilis ang lahat dahil yung kaninang ako lang magisa ngayon ay may
kasama na. Masaya naming tinapos ang buong araw na sa pareho naming isipan ay
nakalaan ang araw na ito para tayo ay magpahinga. Napakasaya natapos ang
maghapon na punong saya, hindi yung magmukmok ka magisa ay mayat maya ang
buklat sa papel mong binabasa. Hanggang sa nabalot mg kadiliman ang paligid at
sa palagay ko ito naman ang oras para ako ay magpahinga.

Tinuldukan ko ang isang linggo iyon ng may ngiti sa aking mga labi.
Naramdaman kong tila ang panahong iyon ay nangangamuhan sa akin sapagkat
naging lingid sa akin ang masilayan ang pagsilip at pamamaalam ng araw.
Ganunpaman, marami akong natutunan, unang-una sa pagaaral ay dapat ay
maging maalam ako sa pagmamanipula ng mga oras upang ng sa ganun ay
matapos ko agad ang isang gawain, ikalawa ang pagpapahalaga sa kung anong
meron sa araw na iyon, ata ikatlo ay ang magkaroon ng panahon para sa kaligayan
ng sarili sa parehong maganda at mahirap na paraan. Ito ang kwento ng isang
linggo ko, hindi ko man nalasap ng may kagalakan ang bakasyong iyon subalit
natitiyak kong may dahilan ang panginoon kaya ginawa nyang yaon.

You might also like