You are on page 1of 23

Kung Di Mo Na Kaya

Ni Rustom M. Gaton
Maikling Kuwento
Sa unang pagkakataon, nakita kong maayos ang kuwarto ko.
Nakatupi ang kumot, tama at walang yukot ang bedsheet, nakapuwesto
ang mga unan. Wala na ring laman ang laundry bin, at wala ring nagkalat
na damit sa itaas at ilalim ng kama.

Maging study table ko sa gilid ay nailigpit ding maigi. Nakasalansan


ang mga papel, at nakasilid lahat sa garapon ang mga bolpen at lapis.
Ang nakatuping papel sa gitna ng mesa ay maayos rin ang
pagkapatong.

Maayos na sana lahat kung wala lang ang malamig kong katawan na
nakabitay sa ceiling fan at ang nakatumbang monobloc chair sa ilalim.
Dapat talaga masaya ako ngayon eh kasi sa
wakas ay naayos ko na lahat. Naiwan ko na lahat
ng pagod ko. Hinihintay ko na lang ang liwanag
na kukuha sa akin.

Ang tagal. Parang dinudurog ang puso ko sa


paghihintay. Sino ang mag-aakala na maaari ko
rin palang kaawaan ang sarili kong kalagayan?

Tinitigan ko ang nakabitay kong katawan na


ngayon ay wala nang kabuhay-buhay. Ang
putla na nito. Kulay kahel na rin ang mga labi
nito. Gayunpaman, mukha lang mahimbing na
natutulog ang bangkay. Tila ba wala itong
dinadalang anumang pasanin sa buhay.
Napansin ko ang mga daliri ng katawan. B-bakit
kusang gumagalaw ang mga ito? nausal ko sa aking
isip, at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang
makitang unti-unting nabubuo ang isang ngiti sa mga
labi ng katawan. Dahan-dahan ding bumuklat ang mga
mata.

Napaatras ako sa aking nakikita.

Bakit nabubuhay ang aking bangkay?

Umangat ang mga kamay ng katawan at


hinawakan ang taling nakapulupot sa leeg nito,
pilit itong kinakalas. Maya-maya pa’y nakawala
sa tali ang katawan at nahulog sa sahig.

Bumangon ang katawan. Halatang labis itong


nanghihina at paminsan-minsan pang umuubo.
Halos isang oras din akong naghintay bago nagising muli
ang katawan. Iniangat nito ang ulo mula sa mesa at
pinahiran ang mga natuyong luha. Pagkatapos dinampot
nito ang nakatuping papel, na naglalaman ng isinulat
kong pamamaalam.

Hawak ng dalawang kamay, binasa nito ang nakasulat.


“Hindi ko pala kayang gawin ito,” sabi nito maya-maya.

Kumunot ang noo ko. Ngunit nandito ako. Nandito pa ako sa


labas ng katawan ko.
Pinunit nito ang papel at itinapon sa basurahan.
Tumungo ito sa aparador at kinuha ang paborito kong
kulay abong jacket. Isinuot rin nito ang bunny slippers
ko na pink bago tuluyang lumabas ng silid.

Naiwan sa loob ng kuwarto na naguguluhan.

“Sabi ko na eh, susuko ka rin,” narinig kong may


nagsabi sa likuran ko. “Mahirap talagang kontrolin
ang babaeng iyon. Masyadong matigas ang ulo.”

Kaboses ko ang nagsasalita.

Lumingon ako, at sa sobrang gulat ko, napaatras ako


sa aking kinatatayuan. Isang babae ang nakatayo sa
harap ko. Mata-sa-matang tumitingin ito sa akin.

Kilalang-kilala ko ang mukha niya. “B-bakit


kamukha kita?” nausal ko na lamang.

“Gaya mo, minsan din akong nasa loob ng babaeng


iyon,” sagot nito. “Gaya mo, nasawi rin ako.” Inangat
nito ang isang kamay, at nakita kong may hiwa ito
sa pulso.
“Hindi pa tayo kinukuha ng liwanag dahil hihintayin
pa natin ang kamatayan niya.” Isa na namang pamilyar
na boses ang nagsalita. “Hindi pa niya oras.”

Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses, at nakakita


ako ng isa na namang babaeng kamukha ko. May butas
na gawa ng bala sa noo nito. Sa likuran nito, nakatayo
ang marami pang babaeng kamukha ko.

Marami na kaming sumuko?


Bagyo
Ni Gwyneth Joy Prado
Isang bagyo na naman ang
namataan sa loob ng Philippine
Area of
Responsibility. Inaasahan na
tatama ang bagyo sa ating bansa
sa darating na Biyernes,
Setyembre 14, 2018. Maging
handa at alisto tayong lahat.

“Ale, heto po ang bayad ko para sa biskwit,” ang sabi ko sa nagtitinda, sabay
abot sa kaniya ng sampung pisong barya mula sa bulsa ng luma kong paldang
pang-eskwela.

“Ineng, kulang ka ng dalawang piso,” sabi ng Ale.

“Babalikan ko na lang ho mamaya,” tugon ko.

“Sige.”

Tumalikod ako at sinimulang kainin ang binili kong biskwit. May paparating
na namang bagyo. Mag e-evacuate na naman kami ni Tatay neto. Binilisan ko
ang lakad upang sabihin sa kaniya ang narinig kong balita.
“May bagong bagyo. Sana malakas para masuspende na naman ang klase natin.
Ha-ha-ha!”

“Oo nga. Nakakatamad mag-aral. Sana nga wala tayong pasok.”

Dinig ko ang pag-uusap ng dalawang dalagang nakasalubong ko sa daan. Imbes


na magalit, ipinagwalang-bahala ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang aking
paglalakad hanggang marating ang munti at tagpi-tagping barong-barong na
tinitirhan namin.

Binuksan ko ang pinto.


Sa lakas, muntik ko pa itong
masira. Agad akong humalik
sa pisngi ni Tatay. Ibinahagi
ko sa kaniya ang masamang
balita na aking narinig kanina.
Nag-impake na rin ako
kaagad upang maging handa
sa parating na sakuna.

Binasag ko ang alkansiyang kawayan


na limang buwan ko ring pinag-
ipunan. Binilang ko ang laman at
umabot ito ng P583. Bumalik ako sa
tindahan. Binayaran ko ang kulang
ko kanina at bumili ng mga pagkain.

Kinabukasan, pumasok pa rin ako


ng paaralan kahit basang-basa ang
sapatos ko. Umulan kasi ng
nakaraang gabi, at may butas pa ang
bubong namin. Bawat sulok ng
paaralan, bukambibig ang
paparating na bagyo.
“Umulan nang malakas kagabi. Sana hindi na lang tumigil
nang sa gayo’y wala tayong pasok.”

“Sana bumaha hanggang bewang para masuspende ang


klase.”

“Sana umabot ng isang linggo ang bagyo para isang


linggo ring walang pasok.”

Kahit punong-puno na ako, ipinagwalang bahala ko na


lang ang ulit ang mga naririnig ko. Hindi kasi nila
naiintindihan ang kalagayan ng isang tulad ko.
Bumuhos na naman ang malakas na ulan, at heto na
naman ako, tinatakpan ang mga butas ng aming bubong.
Dahil sa lakas ng ulan, umidlip lang ako sandali. Malamig
kasi at napakasarap matulog. ’Yon nga lang, maingay
dahil sa mga kulog at patak ng ulan sa yero.

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng


aming barong-barong. Bumaba ako ng kama at nagulat
dahil lagpas beywang na pala ang tubig sa loob ng aming
bahay. Napasigaw ako sa gulat. Agad ko namang hinablot
ang aking bag at tumungo sa pinto ng aming barong-
barong.

Pupunta na sana ako sa evacuation center nang


maalala ko si Tatay. Kinuha ko ang kaniyang litrato sa
itaas ng aking kabinet. Niyapos ko ito at hinalikan.
“Hinding-hindi na ulit kita bibitawan sa mga
ganitong sakuna, Tay,” bulong ko sa litrato, at sabay
naming sinuong ang malakas na hampas ng ulan, ihip ng
hangin, at lagpas beywang na baha sa gitna ng gabi.
Bihag
Ni Norsalim S. Haron

You might also like