You are on page 1of 3

Pinagong

Semana Santa, isang linggo na napakahalaga para sa mga taong tulad ko na Kristyano.
Panahon ito ng pag-aayuno, panahon ng pagdadasal ng mataimtim, panahon ng
pagsasakripisyo, ng pagbabago, ng pagsisisi, ng pag wawasto sa mga nagawang
pagkakamali, at ang pinaka importante sa lahat, ang panahon para sa Diyos. Sa
katotohanan, naging iba ang epekto saakin ng lumipas na mahal na araw, naging
makahulugan ito para saakin sa pamamamaraan na hindi aakalin ng iba. Bago pa man
mag simula ang semana sana pinag handaan ko na ito. Sinabi ko sa aking sarili na sa
buong mahal na araw ay di ako kakain ng kahit ano at ang tanging tatanggapin lang ng
aking katawan ay tubig na maiinom. Sinabi ko na rin sa nanay ko na hindi na ako
sasama sa kanila papuntang Bicol sapagkat nakita ko ang banal na linggo bilang isang
oportunidad, na kung saan makakapag tinda ako ng aking paninda dahil pauwi ang mga
tao ngayon sa kani-kanilang probinsya, naalala ko na uuwi ang aking mga kaiban na
nag-aaral sa Maynila ay uuwi rin at matagal na nilang gusting matikman ang aking
paninda. Kaya kahit alam kong masaya sa Bicol, alam kong may kasama ako dun, mas
pinili ko nalang magpaiwan dito sa aming bahay. Unang araw ng Abril, bandang alas
onse ng gabi, napatingin ako sa orasan at sinabi ko sa sarili kong isipan na nalalapit na
ang unang araw ng semana santa. Nakakasabik ngunit may halong kaba sapagkat
unang beses ko itong gagawin, hindi ko alam kung kakayanin ba ng aking katawan,
natatakot ako na baka kung anong mangyari sa akin. Dumating pa nga sa punto na
sinabi ko sa aking matalik na kaibagan ang mga bagay na gagawin kung ako man ay
mamatay, hanggang sa papatugtugin kanta habang pumaparada ang aking puting
kabaong. Sinimulan ko na nga ang aking unang araw ng pag-aayuno, medyo hindi na
bago sa akin dahil matagal na akong nag gaganto dahil nais ko ngang mabawasan ang
aking timbang. Ikatlong araw ng semana santa nag laro ako ng basketbol at ng
matapos pinuntahan ko ang aking kababata sapagkat kaarawan nya. Kahit hinang hina
na ako, nangingimi ang aking mga kamay, tuloy parin ako sa aking mga ginagawa
sapagkat sabi ko sa sarili ko na ginusto ko ito, para naman ito sa Diyos. Ipinagdiwang
naming ang kanyang kaarawan at naroon ako nasa harap ko ang tukso, habang
sinasakal nila ang bote ng paborito kong serbesa, ako’y nag titiis sa isang litrong tubig
na maya’t maya kong iniinom, kahit ganon masaya naman at naintindihan nila ako sa
aking ginagawa. Lumalim ang gabi hanggang sa inabot na ng umaga, hindi ko din sila
masisisi sapagkat espesyal rin naman yung araw na yoon at noon nalang ulit kami
nagkasamasama. Ilang araw pa ang lumipas, ramdam na ramdam ko na unti-unting
nauubos ang aking lakas, mga araw na nasa bahay lang ako, mga araw na nag-iisip ng
mga bagay na tungkol sa sarili ko. Dumating ang Biyernes, tumunog ang aking
selepono, at ng aking buklatin may mensahe na nagtatanong kung nasaan ako, isa
nanamang matalik na kaibigan ang nag-aakit ng inom, sabi ko naman na pupunta ako
pero hindi ako iinom. Napa oo siguro ako sapagkat, wala rin naman akong ibang
gagawin sa buong araw ko. Lumipas ang dalwa o talong oras na kwentuhan agad na rin
akong umuwi, sabi ko babalik ako pero ngunit hindi na ako bumalik, naisip ko nalang na
okay lang naman maging mag-isa. Sabado huling araw ng aking pag-aayuno, dito ko
masasabi na ang dami dami kong napagtanto, sobrang dami. Natutunan ko ang
desiplina sa sarili, nangyari ito sa pamamagitan ng aking isipan, na pilit kong sinasabi
sa utak ko na “wag, masama yan para sayo, masama yan sayo dahil sa kalagayan mo
ngayon”. Baduy man kung inyong pakikinggan, pero masasabi ko na pinatalas ko ang
aking isipan upang matanggihan ang tukso na nariyan lang sa aking paligid. Natutunan
ko din ang pagiging hindi nakadepende sa ibang tao ang aking gagawin, iisipin, at
emosyon, sapagkat sa mga lumipas na araw nayan, kahit may mga tao parin akong
nakakasalamuha, nagiging masaya ako dahil kasama ko sila, pero sa likod ng mga
tawanan na naganap ay darating at darating padin ako sa punto na uuwi ng bahay mag-
isa, mauupo mag-isa, mahihiga mag-isa, mag-iisip, malulungkot, mamomroblema,
lahat. Lahat pedeng mangyari ng mag-isa. Yun ang katotohanan, na kailangan nating
tanggapin. Hindi lagi tayong may kasama. May mga bagay tayo na sarili lang natin ang
ating kailangan. Dapat matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa, tumawa ng
walang pake sa iba, mag-isip ng walang salik na iba kundi sarili ko, dahil ako ang may
kontrol sa aking isipan. Hindi ako kumain ng pitong araw, ako lahat yon, ako ang nag
desisyon non. Pero sa likod ng mga paghihirap ng mag-isa, masasabi ko na ang sarap,
bukod sa sarili mo lang lahat ng tagumpay, masasabi mo nalang habang nakangiti na
“kaya ko pala yon? Grabe na ako”. Pinaka huling araw ng semana santa, ang
pagkabuhay ni Hesus. Tandang tanda ko pa ang lasa ng sarap sa aking mga dila, ang
unang kinain ko matapos ang pitong araw ng sakripisyo. Napasabi nalang ako sa sarili
ko na ito ang “Ultimate satisfaction” nung kagatin ko ang Pinagong.

You might also like