You are on page 1of 18

Paano ako naligtas?......

Ako si Kenneth Lupian Villanueva Binigyan ng Diyos ng Pagkakataon upang maligtas sa kapahamakan . Narito ang aking patotoo bilang Mananampalataya sa tunay na Diyos nasi Jesu Cristo na Ating tagapagligtas noong buwan ng hunyo taong 2007 miyerkules ganap na 3:00 ng hapon oh 4:00 ng hapon tatlo kaming magkakaibigan pauwi na kami nung oras nayun Galing sa skwelahan at naisipan namin na pumunta sa aming bahay sa blk 64. At habang kamiy naglalakad papunta sa aming bahay alintana ko ang walang kabuluhang Buhay puro kalayawan lang ng Sanlibutan at sa ilang saglit may nakita kaming isang Lalaki nakabarong,kagalang-galang,may Dala siyang biblia at akoy nagtataka? Bigla nya kaming

hinarang sa daan at ang sinabi niya ay sir magandang hapon sa inyo pwede po ba kahit saglit lang may ibabahagi lamang ako mga limang minuto lang po saglit lang po tayo alam ko busy po kayo pero mahalaga to na dapat nyo malaman at sabi namin at ng aking kasama nasi Abraham at si Jeffrey sige po ok langat kamiy pinaupo nya saglit at sa pagkakataong yun nasa prosesso ako ng kaligtasan tinanong nya kami ang sabi ng taong ito pag dumating po sa inyo ang kamatayan tiyak nyo napo ba nasa langit kayo pupunta 100% at kamiy sumagot hindi po eh at hanggang sa lininaw nya sa amin na ang daan ng kaligtasan ay ang Pananampalataya hindi ang relihiyon o tamang gawa upang maligtas. At kamiy dumako na sa panalanging pagtanggap at ngayon po mananalangin po tayo sundan nyo lang po ako sa mga sasabihin

ko wag po kayo mahihiya sundin nyo lang po ako para sa Panginoonat habang kamiy nanalangin kami ay tawa ng tawa hanggang sa matapos ang panalangin at sa aming pag dilat ng mata at kanyang sinabi at ngayon tinanggap nyo na si Jesus sa puso nyo Anak nya nakayosa mga pagkakataon nayun hindi ko na matandaan kung pano kami naghiwa-hiwalay ng mga kaibigan ko ang naaalala ko pagkatapos kaming bahagiaan ng taong iyon ay akoy pumunta na sa aming bahay upang magpahinga. At akoy nagulat sa sinabi ng taong to sakin bigla nya akong inim bitahan sa simbahan sabi nya invite kita sa church namin sabi ko ah. Sir. Magpapaalam po muna ako? San po bay un? dyan lang sa taas malapit lang sigina bihis kana sa mga pagkakataon nayun naisipan kung pumunta sa aking ina habang naghuhugas sya sa lababo

sabi ko sa kanya ma! May nag imbita sakin binigyan panga ako ng babasahin oh. Ano ma samba ako sabi ng aking ina naku baka kulto yan. Tuwing naalala ko ang mga sinabi ng aking ina sa mga oras nayun natatawa nalang ako.. at hindi nagtagal pumayag narin ang aking ina o sige kung malapit lang pumunta ka sabi ko sa nagimbita sakin sige po ok napo ah. Sir pwede po ba magshort nalang ako.. ang sabi nya hmm kung meron ka pantalon masmaganda at akoy nagmadali at nag bihis(puting t-shirt at itim na pantalon) at ang una kung punta sa MARANATHA BIBLE BAPTIST CHURCH AY PRAYER MEETING sa paglalakad kasama ko yung nagimbita sakin kung ano ano ang binibigay ng Diablo sa aking kaisipan pero hindi sya nagtagumpay!! At sa pagpunta ko dun nasaksihan ko na nagkakantahan sila nanana

langin at hanggang sa kinamayan nila ako sabi nila anong pangalan mo? Kenneth po. At akoy Masaya sa pagkakataong yun. At kinalingguhan inimbita nya ako para sa Sunday worship service akoy nagsimba hanggang sa hindi ko namalayan tumatagal napala ako sa MARANATHA. at hindi nagtagal inimbitahan ako ng nag imvite sakin nakung tawagin nila ay SOULWINNING at sinabi panga nya nun invite kita tuwing sabado sa soulwining total wala kanamang ginagawa pag sabado maganda ibigay munalang sa Diyos.sabi ko sige ok lang po hanggang sa nasanay na ang aking mga magulang na palagi akong nagagawi sa MARANATHA at hanggang sa papunta punta nalang ako ng naka short sa church minsan lunes martes basta maisipan ko lang punta ako!.

Hanggang sa dumating ang oras na nagkakamali ako. Natatandaan ko kasi noon habang nagsosoulwinning kami nagawi kami sa barangay ng 64 doon kami nagsoulwinning at habang kamiy naglalakad kasama ko yata nun si novelero,alegando saka yung nagimbita sakin tapos nagawi ako sa puro lumot sa gilid ng dinadaanan naming at akoy biglang nadulas at habang nakabarong ako may dalang biblia akoy napamura at aking sinabi ay tanging ina!!! at agad namang nagulat yung nagimbita sakin sabi nya pst.!!! Wagka magmura pangit yun nakabarong kapanaman at ang sabi ko sorry hindi ko sadya.. ok lang yun basta wag muna uulitin pangit kasi yun eh hanggang sa bumalik kami sa simbahan ng puro lumot ang aking pantaloon!! Para manang haliaan.

Pagpunta sa namin MARANATHA nagbihis agad ako. Sa pag tagal ko sa Gawain unti inti ko nakikita ang kahalagahan ng makabuluhang buhay sa Diyos at akoy nagtagal na ng hustosa pagtagal ko nauuwaan ko ang salita ng Diyos at kahalagahan nito at hindi ko alintana ang aking sakit sa puso na kahit anong oras pwede akong mamatay dahil dito. pero alam kong Diyos ang nagbibigay ng buhay kaya wala akong kakayahang husgahan na akoy malapit ng mamatay(purihin ang Diyos na ngagawa ko ito) sa biyaya lang ng Diyos at nadarama ko ang init ko sa Gawain ng Diyos pero hindi ngatagal nag backslide ako tumagal ito ng 4weeks yata o isang buwan. At ito ang dahilan:

Gabi kasi yun prayer meeting din kumakain sila at nagkataon na sakto lang ang budjet sa pagkain. At sinabi nung nagimbita sakin neth pasensya na sakto lang talaga tong pagkain ehagad akong nagtampo nagpadali sa emosyon hanggang hindi ako nagsimba dahil sa inis ko na wala sa lugar!! Hindi ako nagsimba nagmatigas ako!! At napansin nung nag imbita sakin na wala ako nung linggo?at agad nya akong pinuntahan sa bahay naming para bisitahin ako. At sinasabi ko sa aking ina upang turuaan sya ng kasinungalingan ma sabihin mo wala ako!!! At sabi naman ng kapatid kung babae hahaha nagtatago at ang reaksyon naman ng aking ina bakit kaba nagtatago? sabi ko eh! Ayaw ko tinatamad ako!! Para akong tinutugis dahil pag nakita ko yung nagiimbita sakin agad akong gagapang na parang sanggol at magtatago..

Dama ko ang hiya sa oras nayun kahiya hiyahanggang sa bisitahin nila ako ng bisitahin pero nagtatago naman ako edi wala rin!!! At dumating sa sitwasyon na tuwing dadaan ako sa tapat ng church nakayuko sa kahihiyan yuyuko para hindi Makita tatakbo kung saan saan paralang hindi Makita.. at noong isang hapon kauuwi ko lang galing ng eskwelahan pag babako ng jeep sa tapat ng church nakita ko sila pastor nagaayos ng VOLTRON sabi ko ay patay pagbaba ko tiniganan nila ako pinalapit ako sabi nila sakin bat hindi kana nagsisimba balita ko nagtampo kadaw hm! sa mga oras nayun nabiro panga ako ni pastor na susuntukin akos sa tiyan na nakaamba pero biro lang yun sabi nya samba ka sa linggo ha hihintayin kita ha at ipinahiwatig ko ang sagot ko kay pastor sa

pamamagitan ng pagtungo ng ulo at agad akong umalis pagkatapos nila akong kausapin. At noong kinalingguhan hindi ako pumunta nagmatigas ako dahil nahihiya ako! Kahiya hiya!!!!!!!!!!!!! Hanggang sa laluna akong naging masama. nakasama ko pa yung dalawang backslider nasi Jeffrey baba. At si aldrine at unti unti akong pinapabagsak ng Diablo pahinain dalin sa kasamaan dalin sa walang kabuluhang bagay! At ang masaklap dun napasali pako sa (tribes) nakalimutan ko na kung ano pangalan nun pero talagang grabe!! Tuwing gabi pupunta ako sa kanila at nakikita ko ang kasamaang ginagawa nila mga kabastusan saka mga bisyo kulang nalang makisali ako sa kanila Pagnagawi ka sa sky way may mapapansin ka na mga jeep na nakaparada malapit sa bahay

ni manalo. At sa isa mga jeep doon dunkami mahilig tumambay gabi gabi! Punta punta lang ako dun puyat lang ng puyat!! Walang kabuluhan!!! At ito ang ginawa sakin Diablo na Manahan sa usok ng sigarilyo makalamang gawi sa paningin at pangangalunya isa talaga ito sa ginawa sakin ng Diablo na turuaan ang aking puso na maging manhid sa salita ng Diyos dumating panga na ngagawi ako sa kubo ni kapatid na si roque na isa ring nanglalamig sa pananampalatya punta ako dun tulog kain lang. ok lang sakanya yun at tapos dumating din sa oras na inimbitahan nya ako sa Iglesia ni Judas o Iglesia ni Manalo punta ako sama ako dun kasi motibo ko maraming magaganda naglongsleve panga ako nun naka tockout mukang tanga! Kasama ko si roque,robin at yung iba hindi ko na matandaan eh

Tapos nung umuwi na kami. sa kubo edi natulog ulit ako sa bahay ni roque tapos may kumatok sa pinto ng gabing yun sabi nya kuya bray nandyan po ba si Kenneth at akoy lumabas kinausap nya ako mga 7:00 ng gabi yata yun. Sabi nya neth balita ko nagsimba ka raw sa iglesia. Hindi mo ba alam pag pumuta ka dun tinatakwil muna si jesus bilang Diyos at akoy nakatungo lang. sa mga oras nayun at sinabi nya rin saka yan kay brayan baka nga hindi paligtas yan eh! Alam mong nang hihina kaya lumayo kana dyan pag dumikit ka sa nanglalamig tandaan mo manglalamigkarin tulungan mo sarili mo neth. Sa linggo ha samba ha.! At talagang nagkaroon pa sya talaga ng tyaga sa akin (salamat kapatid) sa mga pagkakataon nayun hindi hinayaan ng Diyos na akoy maligaw o mamatay ng walang kabuluhan

nalaman ko ng husto na dapat panindigan ang buhay ko sa Panginoon isabuhay ito sundin ito at talagang nagbigay ito sakin ng aral at turo sa aking buhay at pagkatapos nun sumama ulit akong mag soulwinning mga natatandaan ko sa mga lugar na pinupuntahan namin noon citrus,64,lawang pare,quarry,towerville at marami akong kasama..at marami rin akong kasama nun. Mga kasabayan ko. Pero bumigay silaat salamat ng husto sa Diyos pinahalagahan nya ako at nagpatuloy parin ako sa mga pagkakataon na akoy backslider. Nakikita ko ang Diyos hindi ko pinapansin Mahal nya ako pero akoy manhid. Inaalala nya ako pero hindi ko sya inaalala

Marami talaga akong gawi noon na hindi kaaya aya sa Diyos at sa pagtagal nakikita ko ang kahalagahan ng pananampalataya para sa Diyos. Sa pagtagal lumalim na ng husto ang aking Pgmamahal sa Diyos. matatag na pundasyo sa paninindigan. Kapatid sinasabi ko sayo magpakatatag ka mawawasak na ang mundo aayaw ka pa ba ? idilat mo ang iyong mga mata! Katulad ko naligtas dahil sa Diyos sa simpleng pamamaraan. Kaya ikaw magsoulwinning ka! At maging masipag! Sabi ni Jesus surely I come quickly malapit na magpagamit kasa gawain hayaan mo ang Diyos ang mag may ari sa buhay mo hindi IKAW!!!! Mahiya ka sa Diyos! Kailangan mong magamit sa pamamahagi ng ebangehelyo ng ating Panginoong Jesu Cristo para sa kanyang mga itinada upang maligtas sa kapahamakan.

Kapatid alam mo pag hindi ka nagta thites at offering ,Graet commission. Para kang nakatabi sa bangin na kahit anong oras pwede kang bumagsak dahil wala kang pundasyon! Hindi madali ang buhay ng isang Kristiyano kung tutuusin napakahirap pero ang lahat ng itoy may KABULUHAN katulad ko namay sakit sa puso at itoy malala. Ikaw pa kaya! Na walang sakit! Mahiyaka! Tamad! Hinahayag sayo ng Diyos ang katotohanan pinapansin mo ba? O labas sa kabila? Wala ng oras tulungan mo sarili mo!!!! Simula desyembre.2.2010 nagbukas ako ng panibagong pinto sa buhay ko para sa Diyos at para panindigan ko itong pangakong ito!at

sapagkakataong ito isa ito sa magbibigay sakin ng mas mabilis na pagunlad sa Panginoon at hindi ako matatakot dahil kasama ko ang Diyos hanggang sa huli kung hininga kung talagang mananahan ako sa kanya. Kasama ko ang Diyos sa pagtahak kung ito. Nasayo ang Diyos nasayo ang liwanag gamitin mo yan upang maraming maligtas na kaluluwa. Kagaya ko gusto kung maligtas ang mga mhal ko sa buhay. Talagang isa rin ito sa nagpapatibay saking pananampalatya. Saka nga yung kamatayan ko gusto kung gamitin ito ng Diyos upang yung mga mahal ko sa buhay ay maligtas. Gusto ko pang umunlad! Piliin mo ang salita ng Diyos buhay!

Salita ng Diyos! Piliin mo ang sanlibutan Kamatayan. Mga kalayawan,panonood ng t.v pagbili ng para sa kaunlaran lang ng sarili. Pakikipagusap ng cacarnalan sa cellphone.! Na walang pundasyon sa Pananampalataya! Mahilig sa walang kabuluhan! Makiayon ka sa sanlibutan pinipili mo ang KAMATAYAN!!! Sa mundong ito. Ang pinakamahalaga ang salita ng Diyos the word of God is the foundation of the world hindi mahalaga ang kalayawan mga cellphone,laptop,psp, magkaroon ng sasakyan. Minsan tayo ay napapaikot ng mga kagamitang ito! Hindi mo alintana. Kontrolado ka na pala nito. Sa

madaling sabi ang DIABLOay nakakayang lokohin pati ang kristiyano pati ang kristiyano naloloko! Dahil sa kasamaan. Kailangan ka ng Diyos magpakatatag ka!!! Kung tutuusin mahirap. Yung mga bible character nga nakaya ikaw pa kaya na tao kaya mo yan hindi kanaman unggoy eh tao ka kaya mo yan kapatid!!! Mgpatuloy kalang!!! Sa Panginoon.

Bro.Kenneth

You might also like