You are on page 1of 12

LEARNING MODULE

ARALING PANLIPUNAN 9
(W1)

NAME: __________________________ SCORE: _______


SECTION: ________________________ DATE: _________

1
ARALIN 1: INTRODUKSYON SA EKONOMIKS

Saklaw ng Aralin

Ang araling ito ay naglalaman ng mga sumusunod na paksa:

Aralin Pamagat Matutuhan mo ang…


Blg.
Nailalapat ang kahulugan ng
1.1 Intro- Ekonomiks sa pang-
duksyon araw-araw na pamumu-
sa hay bilang isang mag-
Ekonom aaral, kasapi ng pamilya
iks at lipunan
Natataya ang kahalagahan
ng Ekonomiks sa pang-
araw-araw na pamumu-
hay ng bawat pamilya at
ng lipunan

Panimula at mga Pokus na Tanong

Natanong mo na ba minsan sa iyong sarili bakit palaging kulang ang mga


bagay na gusto mo?

Sa pang-araw- araw na gawain ng tao, humaharap siya sa iba’t ibang suliran-


ing may kinalaman sa pagtugon ng mga pangangailangan –para sa sarili, para
sa pamilya, at para sa kapwa. Sa simpleng pananaw mula umaga hanggang
gabi, kakailanganin ang pagpapasiya kung ano ang kakainin; kung ano ang
isusuot na damit; kung magkano ang dapat na itutuos na badyet kung gaano
ang baon sa araw-araw na pagpasok sa paaralan.

Ang lahat ng ito’y umiikot sa pagtugon ng mga nagtutunggaling panga-


ngailangan at kagustuhan ng tao. Ang mga sitwasyong nabanggit ay mga bata-
yang kaisipang pang-ekonomiya na bagama’t hindi batid ng isang estudyante
ay kaniya nang isinasabuhay.

2
Sa araling ito, ating tutuklasin ang kasaysayan, mga konsepto, pangunahing
kaisipan at pamamaraan sa Ekonomiks. Sa ating pag-aaral, isaisip at tandaan
na ating hahanapin ang mga sagot sa tanong: Paano magiging produktibo ang
pamumuhay ng tao? Sikapin mo ring sagutinn ang mga sumusunod na tanong:

Paano nakakatulong ang kaalaman sa Ekonomiks sa pang araw-araw na pa-


mumuhay? Paano malulutas ang mga suliranin ng kakapusan?

Concept Map ng Aralin

Ito ang simpleng concept map ng mga paksang tatalakayin sa araling ito.

Gawain 1: OVER SLEPT

Suriin ang larawan at bigyan ito ng sariling interpretasyon.

3
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ipinapakita sa larawan


_______________________________________________________________.

2. Nalagay ka na ba sa sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa anong uri ng


sitwasyon? Ipaliwa-
nag.____________________________________________________________.

3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasy-


on at kailangan mong pumili? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________.

Gawain 2: Pagsagot ng Map of Conceptual Change

Sagutin ang Anticipation-Reaction Guide ng dalawang beses. Una, bago ang


aralin at gawin ulit pagkatapos ng aralin. Isulat ang S kung sang-ayon sa paha-
yag. Isulat ang DS kung di-sang ayon sa pahayag.

Sagot Bago ang Mga Hinuha at Pahayag Tungkol sa Ekonomiks Sagot Pagkatapos
Aralin
ng Aralin
Ang araling ito ay para sa mga tamang gulang lamang
Ito ay isang agham

Sakop lamang nito ang mga suliraning pangkabuhayan

Ito ay bunga ng iba’t ibang kaisipan ng mga dalubhasang


iskolar
May kaugnayan ito sa iba pang -agham panlipunan

May kaugnayan ito sa pagiging produktibo

Mahalaga ang Ekonomiks sa isang mag-aaral

Kailangan ng matalinong desisyon sa pang- araw-araw


na suliranin.
Magkapareha ang kakapusan at kakulangan

Isang maliit na problema ang kakapusan

May kalutasan ang kakapusan


4
Paglaganap ng Kaisipang Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung


paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa sali-
tang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos
na pamamahala na ang ibig sabihin ay “pamamahala ng sambahayan”

Ang ekonomista (economist) ay isang tao na nag-aaral ukol sa pagpili at


pagdedesisyon ng mga tao at lipunan at ang epekto nito sa buong ekonomiya.

Sa iba’t-ibang kaisipan ng mga ekonomista, masasabi na hindi madaling


bigyan ng kahulugan ang ekonomiks. Mula sa kahulugan ng ekonomiks, naba-
tid natin na ang bawat tao ay gumagawa ng paraan upang makabahagi sa lim-
itadong yaman ng bansa. Ito ay ipinapakikta sa pagpili at pagdedesisyon nng
tao sa buhay, gayundin sa pagsasagawa ng mga gawain ng tao araw-araw sa
lipunan at bansa upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

May tinatawag na economic goods kung saan ang lahat ng bagay ay may hala-
ga o presyo tulad ng pagkain, damit at bahay. Bago makamit ang mga ito,
kailangan ng tao ng salapi. Bunga ng walang katapusang pangangailangan ng
tao kaya nagkakaroon ng kakapusan sa economic goods.

Ang free goods naman ay mga bagay na nakakamit ng tao nang walang bayad
tulad ng init ng araw at hangin. Lahat ng tao ay nakikinabang sa mga bagay na
ito.kaya, mahalaga ang bawat kilos at galaw ng tao sa ekonomiks dahil ito ang
magtatakda ng gawaing pangkabuhayan ng bansa.

5
Kaugnayan ng Ekonomiks at ibang Asignatura

Ekonomiks at Agham Pampolitika

Ang pag-aaral ng mga balangkas o estruktura ng pamaha-


laan, mga tungkulin, responsibilidad at mga batas na itina-
kda ng pamahalaan ay mahalaga sapagkat ang lahat ng tao
ay may epekto at impluwensiya sa ating pamumuhay at kabuhayan ng bansa.

Ekonomiks at Kasaysayan

Ang kasaysayan ay ang mga nagawang pagpupunyagi na ginawa ng tao sa iba’t


ibang panahon. Ang ekonomiks at kasaysayan
ay magkaugnay sapagkat ang gagawing desisy-
on ngayon sa pamumuhay ay ibabatay sa
nangyari sa nakaraan.

Ekonomiks at Sosyolohiya

Ang sosyolohiya ay pag-aaral ng pinagmulan at estruktura ng ating lipunan.


Ang mga kilos ng tao bunga ng mga batas, gawi, paniniwa-
la at kultura na umiiral sa lipunan na nakaaapekto sa uri
ng hanapbuhay at gawain ng tao.

Ekonomiks at Etika

Ang etika (ethics) ay may kinalaman sa moralidad at pag-


gawa ng tama o mali sa buhay. Ang kaalaman sa mga tama
at maling ginawa ng tao, disiplina at wastong moralidad ng
tao ay mahalgang elemento na kailangang taglayin ng
bawat mamamayan upang maging kabalikat ng pamaha-
laan sa pagsasagawa ng mga wastong hakbang upang ma-
paunlad ang ekonomiya.

Ekonomiks at Heograpiya

Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang


pisikal ng bansa, ang klima, pinagkukunang-yaman, at iba
pang aspketong pisikal ng mga tao. Ang ekonomiks at
Heograpiya ay magkaugnay sapagkat anumang pangyayari ang maganap sa
kapaligiran ay nakaaapekto sa pamumuhay ng tao.

6
Ekonomiks at Natural Sciences

Ang pag-unawa sa mga kaganapan sa ating kapa-


ligiran ay sakop ng iba’t ibang sangay ng pag-aaral
ng natural sciences. Ang pagbabago sa kapaligiran o
kalikasan ay nakaaapekto sa kabuhayan ng mga
mamamayan at sa bansa.

Ekonomiks at Biyolohiya

Ang biyolohiya ay pag-aaral sa mga bagay na


may buhay tulad ng tao, halaman, hayop at
iba pa. inaalam sa biyolohiya kung paano
magiging malusog ang tao, halaman at hayop
upang maging kapakipakinabang sa lipunan at ekonomiya.

Ekonomiks at Kemistri

Ang kemistri ay may kinalaman sa pag-aaral ng iba’t ibang


kemikal na kailangansa paglikha ng isang bagay. Sa pag-
tatakda ng presyo ng mga produkto ay isinasaalang-alang ang
mga gastusin tulad halimbawa ng mga kemikal bilang pataba
at pamatay peste, kaya rito makikita ang ugnayan ng kemistri
at ekonomiks.

Ekonomiks at Pisika

Ang pisika ay ukol sa pag-aaral ng mga bagay at enerhiya.


Ang anumang teknolohiya na ginagamit upang paunlarin
ang enerhiya ay binibigyang-pansin ng agham ng pisika.
Ang pagbabago at pagpapaunlad sa mga bagay at enerhi-
ya ay nakaaapekto sa paggawa at supply ng mga produk-
to na kailangan ng tao.

Ekonomiks at Matematika

Saklaw ng pag-aaral ng mtematika ang ukol sa numero,


tsart, graph, at pagbuo ng mga mathematical formula o
equations. Sa tulong nito ay madaling maunawaan ang
ekonomikong kaganapan tulad ng pagtaas ng presyo,
paglaki ng produksiyon, pagbaba ng kita at iba pa.

7
MAIKLING PAGSUSULIT:

Kaalaman sa terminolohiya: tukuyin kung anong terminolohiya na nasa loob


ng kahon sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A. isulat ang titik lamang

Konsepto ng Kakapusan

Ang kakapusan ay isang katotohanan na naglilimita sa pagtugon sa ating pan-


gangailangan sa buhay. Ito ang nagtutulak sa tao na gumawa ng matalinong
pagpili at pagdedesisyon ukol sa mga bagay-bagay na nais makamit.

Ang kakapusan ay isang kondisyon kung saan ang mga pinagkukunang yaman
ay limitado upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Ito ang pangunahing suliranin sa ekonomiks, sapagkat likas
sa tao na magkaroon ng napakarami at tila walang katapusan pangan-
gailangan at kagustuhan sa buhay. Kaya, ang bawat tao ay nagdedesisyon
kung matatamo ang katugunan sa kanyang pangangailangan. Mahalaga na
ang bawat tao at bansa ay matutong magbigay-priyoridad sa mga bagay na
kailangang matugunan.
8
Ang kakapusan at kakulangan ay magkaiba. Ang kakapusan ay lagging umiiral
sa ekonomiya, samantalang ang kakulangan ay pansamantala lamang,
maaring sa maikli o mahabang panahon. Ito ay nagaganap kapag ang mga
prodyuser ay hindi makapagsupply ng mga produkto ayon sa kasalukuyang
pangangailangan ng pamilihan. Isang halimbawa ay ang artipisyal na kakulan-
gan ng bigas na nagaganap kapag itinatago ng mga negosyante ang produkto
upang hintayin ang pagtaas ng presyo o tinatawag na hoarding.

Ang kakulangan ay pansamantala lamang na ibinubunga ng mga maling


gawain ng tao. Kapag naisaayos na ang mga supply, nawawala na ang kakulan-
gan. Ibig sabihin, mas madaling bigyan ng solusyon ang kakulangan kaysa ka-
kapusan.

9
1. Sa ngayon ay natutuhan mo ang ekonomiks bilang isang agham kaya nau-
unawaan mo ang mahahalagang gampanin ng bawat isa upang mapaunlad
ang ating ekonomiya. Kung ikaw ay papipiliin, sino ang may pinakamalaking
kontribusiyon sa pag-unlad ng ekonomiya at bakit?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ano ang papel na gusto mong gampanan sa pagpapaunlad ng ekonomiya?


Pumili ng isa at pangatwiranan ang sagot.

A. Produsyer

B. Ekonomista

C. Mamimili

D. Opisyal ng Pamahalaan

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Paano nagkakaroon ng kakapusan ang bansa? Bakit lahat ng tao ay


apektado ng kakapusan?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

10
11
Mga Sanggunian:
 Consuelo M. Imperial, et.al, “Kayamanan Ekonomiks” mga pahina 7
hanggang 16.
 Maria Carmelita B. Samson, et.al, “Siglo Ekonomiks” mga pahina 4
hanggang 19
 https://peac.org.ph/learning-module-repository/
 https://www.google.com/search
q=political+science+clipart&tbmED0NX4T4CNWgmAWG1qe4Bw&bih
=625&biw=1349&safe=active&hl=en&hl=en#imgrc=bqXF2P5qLEx4W
M
 https://www.google.com/search?
q=history+and+ecomics+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjl24PK_Mv
qAhURAaYKHYgAAuEQ2-
cCegQIA-
BAA&oq=history+and+ecomics+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCM
QJzoECAAQQzoCCAA6BggAEAcQHjoICAAQCBAHEB46BggAEAgQHlDjo
wFY2skBYLrMAWgAcAB4AIAB4gGIAfcJkgEFOC4zLjGYAQCgAQGqAQtn
d3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=mj0NX-
WmJ5GCmAWIgYi-
IDg&bih=625&biw=1349&safe=active&hl=en&hl=en#imgrc=lM00Xyn-
sOg4hM
 https://www.google.com/search?
q=mathematics+and+economics+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjW
rvSV_cvqAhVxyIsBHc1iACEQ2-
cCegQIA-
BAA&oq=mathematics+and+economics+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQA
zoECCMQJzoCCAA6BAgAEEM6BggAEAcQHjoICAAQCBAHEB46BggAEA
gQHlCiNljfX2CUY2gAcAB4AIAB6wGIAdELkgEGMTEuMi4xmAEAoAEBq
gELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=OT4NX5auL_GQr7wPzcWBiAI
&bih=625&biw=1349&safe=active&hl=en&hl=en#imgrc=DjkxCrKu8dp
9RM

Inihanda ni:

ARBY JOY B. REGALA


Guro sa Araling Panlipunan

12

You might also like