Professional Documents
Culture Documents
Pangangailangan at Kagustuhan - Banghay Aralin
Pangangailangan at Kagustuhan - Banghay Aralin
Banghay Aralin
Asignatura: Araling Panlipunan Baitang: 9
Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan Code/s: AP9MKE-Ia-3
AP9MKE-Ic-7
AP9MKE-Id-8
AP9MKE-Id-9
AP9MKE-Ie-10
AP9MKE-Ie-11
Petsa: Agosto 31 – Setyembre 3, 2021
I. Mga Layunin
A. Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay.
AP9MKE-Ia-3
B. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs)
bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon. AP9MKE-Ic-7
C. Naipakikita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa
suliranin ng kakapusan. AP9MKE-Id-8
D. Nasusuri ang hirarkiya ng pangangailangan. AP9MKE-Id-9
E. Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan
batay sa mga hirarkiya ng pangangailangan. AP9MKE-Ie-10
F. Nasusuri ang mga salik na nakakaimpluwensiyasa pangangailangan at
kagustuhan. AP9MKE-Ie-11
II. Paksa
Pangangailangan at Kagustuhan
III. Kagamitang Panturo
Batayang-aklat: Francisco, V. J. (2017). Ekonomiks 9 Araling Panlipunan.
Quezon City: The Library Publishing House, Inc. Pahina 24-44.
Powerpoint Presentation.
Zoom.
Schoology.
Video.
IV. Pamamaraan
Lunes (Asynchronous)
o Holiday
Martes (Synchronous)
o Panonood ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021
Miyerkules (Synchronous)
o Pagganyak: Paglalahad ng kung paano nila ginagastos ang isang libong
piso.
o Pagtalakay sa Pangangailangan at Kagustuhan
Huwebes (Asynchronous)
o Bumuo ng sariling piramide ng pangangailangan. Ilagay rito ang iyong
sariling pamantayan sa pagpili ng iyong mga pangangailangan at
kagustuhan batay sa Hirarkiya ni Maslow na ating tinalakay. Ilagay ito sa
isang buong papel. Pagkatapos ay kunan ng larawan at ipasa sa Schoology.
V. Pagtataya
Bumuo ng sariling hirarkiya ng pangangailangan.
(Note: Discover, Discuss, Deepen, and Demonstrate are applied in this Lesson Preparation.)