You are on page 1of 11

Department of Education

Region III
Division of City of San Fernando
SAN JOSE PANLUMACAN INTEGRATED SCHOOL
City of San Fernando (P)

DETAILED LESSON PLAN


ARALING PANLIPUNAN Grade 10

STUDENT’S TEACHING November 2 – 13, 2020


NAME: DATES/WEEK (Week 3 & Week 4)
TEACHER’S QUARTER 2nd
NAME

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):


Ang mga mag-aaral ay pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga
lokal at pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad
ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang
kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):


Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pangekonomiyang
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies


MELC No. 7 - Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment (AP10IPE-If-14)

MELC No. 8 - Natataya ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng


ekonomiya ng bansa (AP10IPE-Ig-15)

MELC No. 9 - Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang suliranin ng unemployment (AP10IPE-
Ig-16)

D. Layunin (Objectives):
1) Naipapaliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t-ibang suliranin sa paggawa dulot ng
globalisasyon.
2) Natataya ang implikasyon ng iba’t-ibang suliranin sa paggawa sa pamumuhay at sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.
3) Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang iba’t-ibang suliranin sa paggawa.

I NILALAMAN (Content): Mga Isyu sa Paggawa

II. Kagamitang Panturo (Learning Resources)


A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): pp. 177-191 (Draft)
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs):pp. 154-187 (Draft)
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references): Kayamanan (Rex Bookstore) pp. 98-103,
PEAC Learning Module pp. 1-254
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
Iba pang pinagkuhanang sources:
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf
https://www.slideshare.net/kazekage15/kawalan-ng-trabaho-unemployment-58133597
https://www.slideshare.net/nwied/module-2-isyu-sa-paggawa

B. Iba pang Kagamitang Panturo: panulat, sagutang papel/kwaderno, selpon/laptop/desktop

III. PAMAMARAAN (Procedures):

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):


Gawain 1: Subukin Mo!
Tignan ang larawan at bigyan mo ito ng sariling
interpretasyon. Sagutin ang mga tanong.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Saan sila pupunta?

Page 1 of 11
____________________________________________
2. Bakit kinakailangan nilang umalis?
____________________________________________

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Ang pagkakasali ng Pilipinas sa proseso ng globalisasyon ay matatahak sa pamamagitan ng


ating mahabang kasaysayan ng pananakop. Mula noong kolonisasyon ng mga Espanyol, ang
local na pagpoprodyus ay naaayon sa pangangailangan ng Espanya sa pandaigdigang
pangangalakal. Ito ay lumala noong panahon ng Amerikano at Hapon, at maging sa
kasalukuyan.

Ang papel na ginagampanan ng Pilipinas sa Globalisasyon ay bilang pinagkukunan ng mga


likas na yaman, taga-konsumo ng sobrang podukto at kapital, at taga suplay ng murang lakas
paggawa.

Dahil sa mahalagang papel na ito, nagkakaroon ng mga Isyu sa Paggawa dulot ng


Globalisasyon. Ito ay may mga dahilan, implikasyon sa pamumuhay at ekonomiya ng bansa at
ating magiging mungkahi upang malutas ang iba’t-ibang suliranin sa paggawa. Ang kaalaman
ukol sa pangunahing konsepto ng Globalisasyon ay makatutulong nang malaki sa
pagsasaalang alang mga mga mungkahi upang malutas ang suliranin sa paggawa..

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Gawain 2: Mga Gabay na Tanong:
1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa lakas paggawa? Sa unemployed?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga uri ng unemployment?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Panno malulutas ng pamahalaan ang suliranin ng unemployment?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Bakit mahalagang linangin ang kasanayan ng lakas paggawa ng bansa?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Paano naapektuhan ang isang mamamayan dahil sa mga suliranin sa paggawa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6. Sino ang may responsibilidad upang matugunan ang mga suliraning ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

7. Paano mababawasan ang sinasabi nating mga suliranin sa paggawa?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Sa paksang tatalakayin sa modyul na ito, ang mga konseptong may kaugnayan sa iba’t
ibang isyu sa paggawa buhat sa globalisasyon. Halina’t tuklasin mo!

Page 2 of 11
tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng

J
Employment Pillar trabhao, Malaya at pantay na oportunidad
sa paggawa, at maayos na workplace para
sa mga manggagawa

O Worker’s Rights Pillar


2014
naglalayong palakasin at siguruhin ang
paglikha ng mga batas para sa paggawa at
matapat2012
na pagpapatupad2012-2014
ng mga Change

B
CATEGORY Increase/
No. % Karapatan
No. ng mga manggagawa
Decrease Percent (%)
%
Distribution
Distribution
Total Non-Regular Employment 1,335,673 100.0 1,148,565 100.0 187,108 16.3

S
hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan at
Contractual/Project-Based Workers Social Protection
672,279 50.3 mga sangkot sa paggawa
600,764 52.3 na71,515
lumikha ng mga11.9
Probationary Workers 318,705 Pillar 23.9 mekanismo
260,260 para
22.7 sa 58,445
proteksyon ng
22.5
Casual Workers 207,895 15.6 202,472 17.6 5,423 na pasahod
manggagawa, katanggap-tanggap 2.7
Seasonal Workers 102,070 7.6 56,059
at opportunidada 4.9 46,011 82.1
Apprentices/Learners 34,722 2.6 29,009 2.5 5,713 19.7

palakasin ang lagging bukas na pagpupulong


sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa,
Social Dialogue Pillar at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng
mga collective bargaining unit

Lakas Paggawa – mga taong may edad 15 pataas. Ayon sa Labor Force Survey
noong Abril 2015, ang populasyon ng may edad 15 pataas ay 64.8 milyon. May
sapat nang lakas, kasanayan, at maturity upang makilahok sa mga gawaing
pamproduksiyon ng bansa. Hindi kabilang sa lakas paggawa: mga nag-aaral,
institutionalized persons at discouraged workers.

Labor Force Participation Rate: 62.9% (Oktubre 2015)


Labor Force: 40.3 milyon (hindi kasama ang Leyte)
Binubuo ng mga employed at unemployed

Employed – taong kasalukuyang nagtatrabaho o naghahanapbuhay sa isang


gawain o negosyo.

TABLE 1 - Total Employment in Establishments with 20 or More Workers by Type of


Worker, Philippines: 2012 and 2014

2012-2014
Type of Worker 2014 2012 Percent
Change
(%)
Total Employment 4,471,785 3,769,259 18.6

Working owners/
unpaid workers 35,080 30,487 15.1
Managers/executives 232,547 208,099 11.7
Supervisors 330,404 288,286 14.6
Rank and file workers 3,873,754 3,242,387 19.5
- Regular 2,538,081 2,093,822 21.2
- Non-Regular 1,335,673 1,148,565 16.3
Note: Details may not add up to totals due to rounding.
Sources of data: Philippine Statistics Authority, 2011/2012 ISLE and 2013/2014 ISLE.

Unemployed – bahagi ng lakas paggawa na walang trabaho ngunit naghahanap


ng mapapasukang trabaho.

TABLE 2 – Non-Regular Employment in Establishments with 20 or More Workers by


Category, Philippines: 2012 and 2014

Note: Details may not add up to totals due to rounding.


Page 3 of 11
Sources: Philippine Statistics Authority, 2011/2012 ISLE and 2013/2014 ISLE.

Unepmloyement – ito ay sitwasyon kung saan ang mga manggagawa ay walang


mapasukang trabaho kahit sila ay sapat na ang kakayahan at pinag-aralan.

Mga Uri ng Unemployment:

FRICTIONAL UNEMPLOYMENT
- ito ay nagaganap kapag ang
indibidwal ay lumilipat sa ibang
trabaho mula sa dating trabaho.

CYCLICAL UNEMPLOYMENT
- Ito ay nagaganap kapag may krisis sa
ekonomiya

SEASONAL UNEMPLOYMENT
- nagaganap ang pagkawala ng
trabaho bunga ng pagbabago ng
panahon at okasyon.

STRUCTIONAL UNEMPLOYMENT
- nagaganap ito kapag ang manggagawa ay
nawalan ng trabaho bunga ng pagliit ng
industriya sanhi ng makabagong teknolohiya at
pagbabago sa panlasa ng konyumer.

“Gustuhin mo mang ipagpatuloy pa, hindi ka na kailangan.”

Unemployment Rate – ay tumutukoy sa bahagdan ng mga taong ganap na


walang trabaho sa kabuuan ng lakas paggawa. 5.7& noong Oktubre 2015,
pinakamababa sa kasaysayan ng Pilipinas.Katumbas ng 2.3 milyong Pilipino.

“The real labor problem in the Philippins is not the unemployed. It is the 20
percent… who are underemployed because these people cannot afford to be
without work” – Karl Kendrick Chua (World Bank Philippines Senior
Economist)

Underemployed – sila ang mga manggagawa na kulang saw along oras ang oras
ng pagtatrabaho. Kasama rin sa underemployed ang overqualified workers.

Iba pang Suliranin:

Page 4 of 11
1. Contractualization – pagkuha ng kompanya ng mga short term na
mangagawa (kadalasan ay 5 buwan)

2. Informal workers - "independent, self-employed, small-scale producers


and distributors of goods and services." ayon sa International Labor
Organization (ILO)

Mga Sanhi ng Unemployment


Mabilis na Paglaki ng Populasyon
Labis na suplay ng laksa-paggawa
Hindi pagbibigay ng wastong sahod, kaunting benepisyo at hindi maayos na
kondisyon ng pinagtatrabahuan
Katamaran ng mga tao na magtrabaho
Pananalasa ng mga kalamidad sa bansa
Masalimuot na paraan para makapagtatag ng negosyo

Mga Epekto ng Kawalan ng Trabaho sa Pamumuhay ng mga Mamamayan


Tumitinding Kahirapan
Naapektuhan ang mental health o kalusugan ng pag-iisip ng mga tao
Nagpupunta sa ibang bansa ang mga mangagawa
Dumadami ang mga dayuhan at dambuhalang local na negosyante kaya’t nalulugu
ang napakaraming maliit na negosyo
mabagal ang pag-unlad ng bansa dahil mahina ang ekonomiya

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Mga Solusyon sa Paglutas ng Kawalan ng Trabaho

INWARD LOOKING POLICY


- Kailangang linangin ang local na
pinagkukunan ng mga materyales sa
paglikha ng mga produkto ng mga
industriya upang ang pagtatrabaho ng mga
mangagawa ay hindi maantala.

PAGHIKAYAT NG MGA IMBESTOR


- Ang pamumuhunan ay mahalaga
upang palawakin ang pagtatayo ng mga
Negosyo, industriya at pagawaan na
magbibigay ng trabaho sa ating
maraming mangagagawa.

PAGDARAGDAG NG GASTOS NG
PAMAHALAAN SA PROYEKTO

Page 5 of 11
- Ang pagsasagawa ng mga proyektong imprastraktura ay magbubukas ng pinto sa mga
mangagawa na may mapasukang trabaho.

LABOR EXPORT
- Ang pagbubukas ng pinto para
makapagtrabaho ang ating mangagawa sa
ibang bansa ay

Binabati kita! Matagumpay mong natutunan ang mga nilalaman ng ating paksa sa
Aralin na ito.

F. Paglinang sa Kabihasnan (Gawin Mo/ Pagyamanin)


Gawain 3: K-K-P-G TSART!

Itala mo sa unang bahagi na “K” ang mga kasalukuyang kinakaharap na isyu sa paggawa
na iyong nakita sa aralin, sa ikalawang bahagi naman na “K,” ilagay kung paano ito
nakaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Sa bahagi ng
“P” naman ay ilahad ang mga programa ng pamahalaan para bigyan solusyon ang mga
isyung ito. Sa panghuling hanay na “G” naman ay magbigay ka ng iyong mungkahing
solusyon sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa.

K K P G
(kinakaharap na (Kasalukuyang (Programa) (Gagawin Ko)
Isyu) Kalagayan)

Gawain 4: ULAT M-P-S


Page 6 of 11
Kompletuhin mo ang impormasyon na hinihingi sa kasunod na diagram tungkol sa
kampanya para sa isang marangal na trabaho. Itala mo sa “M” ang uri ng manggagawa
sa iba’t ibang sector ng paggawa na humaharap sa iba’t ibang suliranin sa paggawa at itala
sa kasunod na kahon ang kanilang isyung kinakaharap. Sa “P” naman itala ang pillar o haligi
para sa isang disente at marangal na paggawa na kung saan hindi nabibigyan ng pansin
at itala sa kasunod na kahon ang nagpapatunay dito. Samantalang, sa “S” naman itala mo
ang iyong suhestiyon upang matugunan ang suliranin sa paggawa na iyong itinala sa
unang bahagi ng diagram at itala mo sa kasunod ang isang maikling pamamaraan sa
pagpapatupad ng iyong suhestiyon.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin)

Gawain 4: Liham Pasasalamat!


Sumulat ng isang simpleng liham para sa iyong mga magulang, kapatid o tagapag-alaga
na naglalahad ng iyong pagpapasalamat at pagpapahalaga sa kanilang mga ginagawa
para matugunan ang inyong mga pangangailangan.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Gawain 5: Pakikilahok!

Kung ikaw ay isang mambabatas, anong batas ang iyong ipapanukala na makatutulong
upang maibsan ang suliranin ng kawalan ng trabaho ng bansa? Ibigay ang pangalan ng
batas at mga probisyong nakapaloob dito.

Halimbawa:
Batas: Republic Act 11058 o Occupational Safety and Health Standards Act ang
pagtataguyod sa kaligtasan ng mga manggagawa sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Ito ay pinag-uutos ng batas bilang responsibildad ng employer na tiyakin na may
pangunahing tungkulin na panatilihin ang kaligtasan ng lahat ng nagtatrabaho, may
karapatan din ang manggagawa na i-report ang ano mang mamataan na "work hazard" sa
trabaho, at tumanggi sa trabaho kapag may makitang matinding panganib dito. Dapat
ding may protective gear ang mga trabahador lalo na kung mapanganib sa kaniyang kaligtasan
o kalusugan ang ipinapagawa. Dapat ding may safety device at signs sa loob ng
pagtatrabahuan. Meron din dapat aniyang Occupational Safety and Health Committee
ang kompanya, kung saan mamumuno ang employer o kahit sinong kinatawan nito. Multa at
pagkakakulong ang maaaring harapin ng mga namumuno sa kompanya kung
mapatunayang may paglabag ito sa safety standards na itinatakda ng batas.

Batas: __________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Page 7 of 11
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Sa yugtong ito natapos mo na ang ikalawa at huling bahagi ng paksang Suliranin sa


Paggawa at ang mga gawain na nakapaloob dito.

Sa pagtatapos ng ating aralin, narito ang mga dapat mong tandaan.

H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/Pagyamanin at Isaisip)

Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan
dulot ng globalisasyon. Mas magiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na
tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Kaakibat ng
mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan ng bawat pamahalaan
sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga isyu sa lipunan na napag-
iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus patuloy pang lumalala lalo na sa
mga usapin sa paggawa.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/ Isagawa)

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito na
handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.

I. Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap kung ito ay TAMA o Mali.


Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Lakas Paggawa ay mga taong may edad 16 pataas.

______2. Baba ang ekonomiya ng isang bansa kung hindi bibigyang pansin ang iba’t
ibang suliranin sa paggawa.

______3. Isa sa mga nakikitang solusyon upang matugunan ang mga suliranin sa
paggawa ay ang one child policy tulad ng sa China.

______4. Hindi naapektuhan ng globalisasyon ang suliranin ng mga manggagawa at mga


negosyante sa daigdig.

______5. Ang underemployed rate ang tumutukoy sa bahagdan ng mga taong ganap na
walang trabaho sa kabuuan ng lakas paggawa.

II. Tignan ang mga larawan at tukuyin kung anong uri ng unemployment tinutukoy.

1. ______________________

Page 8 of 11
2. _______________________

3. ________________________

4. ________________________

5. _________________________

J. Karagdagang Gawain at Remediation

MARAMI ang tao; MALAKI ang pangangailangan; KAUNTI ang nagkakatrabaho.

Ang mga polisiya ng ating lakas-paggawa ay patuloy na gumugulo dahil sa napakaraming


malubhang suliranin na ating kinahaharap ngayon. Ang ating mga polisiya ay sumusunod lamang sa
mga polisiya ng mga mauunlad na mga bansa. Ang mga polisiyang iyon ay sadyang ginawa para sa
merkado ng mga bansang mga pagkukulang sa lakas-paggawa o ang bilang ng mga walang trabaho
ay hindi tinuturing na suliranin.

Ang mga trabahong nalikha dahil sa kasalukuyang ekonomiya ay hindi sapat kung kaya't
kailangang lumikha ng mga panibago. Ang mga trabahong iyon ay nangangahulugang maayos at
napapanatili ang magandang kalidad ng patrabahuhan ng ekonomiya.

Ngunit ang mga polisiya ay nangngailangang mapalitan at maisaayos. Ang mga ito'y kailangang
sumasaalang-alang sa kawanihan at hindi pumapabor sa mga taong nagtatrabaho. Ang mga ganitong
mga polisiya ay napatunayan ng nakatulong na mapataas ang antas ng produktubidad ng ating lakas-
paggawa.

ANG SULIRANIN SA KAWALAN NG TRABAHO (UNEMPLOYMENT) AT NG NAGTATRABAHO


NG DI PART-TIME (UNDEREMPLOYMENT)

Noong taong 2002, mayroon tayong 33.6 milyong manggagawa sa pangkabuuang lakas-paggawa
mula sa kabuuang 80.1 na populasyon. Sa bilang na ito, 3.4% (10.2% ng lakas-paggawa) ay walang
trabaho. Sa bilang na ito, 15.3% ay (o 4.8 milyong manggagawa) iniisip na sila'y kabilang sa mga
underemployed o di nagagamit ang kanilang buong kapasidad sa paggawa. Isa pang suliranin ay ang
ating lakas- paggawa ay masyadong sumasandal sa mga kabataan. Ang mga iyon, noong 2002, ay

Page 9 of 11
wala pang gulang na 15 (lahat ng lalampas sa gulang na ito ay itinuturing ng kabilang sa lakas-
paggawa). Mayroong 29.3 milyong kabataang nasa 15 taong gulang pababa. Ibig sabihin, ang mga
dapat mapabilang sa lakas-paggawa sa susunod na 14 taon ay naipanganak na ng maaga.

Ipagpalagay natin na ang partisipasyon ng ating populasyon na nasa hustong gulang na ay nasa
65%, samakatuwid ang bahagdang ito'y nadargdagan ng 18 milyon sa bawat 14 na taon kung kaya't
nangangailangang magdagdag ng karagdagang 1.5 na trabaho.

ISANG ESTADISTIKA:

Matatandaan na sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo 2001, ipinangako ni
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakaroon ng disente at produktibong trabaho para sa sa
bawat manggagawang Pilipino. Sa pamamagitan umano ito ng "pagpaparami ng trabaho,
pagpapanatili ng empleyo, pagpapahusay ng trabaho, at pagpapadali ng empleyo."

Tatlong taong nakalipas, sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address na talumpati noong
nakaraang linggo, Hulyo 26, binanggit muli ng pangulo ang tungkol sa empleyo. Ngunit kasabay ng
umano'y paglikha ng isang milyong trabaho taon- taon, inanunsyo rin ng pangulo na magkakaroon ng
serye ng tanggalan sa hanay ng mga kawani sa pamahalaan. Batay na rin sa mga naulat na pahayag
ni Budget Secretary Emilia Boncodin at Civil Service Commission chair Carina David, aabot sa 50,000
ang bilang ng mga kawaning nakatakdang tanggalin sa trabaho sa lalong madaling panahon.

Hindi pa man nakakalikha ng trabaho, marami na ang tinanggalan ng trabaho at nagdagdag sa


mataas nang unemployment rate.

Sa kasalukuyan 4.989 na milyong Pilipino ang walang trabaho. Batay na rin sa pinakahuling ulat
ng National Statistics Office, tumalon ang unemployment rate sa 13.7% nitong Abril kumpara sa
12.2% noong Abril 2003. Noong Enero lamang, 3.9 na milyon ang walang trabaho. Sa loob ng ilang
buwan lang, umakyat ito sa halos 5 milyon.

Ang masaklap, hindi pa dito nagtatapos ang kuwento. Hindi kasama sa komputasyon ng NSO ang
431,872 na Pilipinong hindi nakakuha ng trabaho sa Pilipinas kaya't nakipag-sapalaran bilang mga
OFW sa ibang bansa. Sa kabilang banda, binibilang ng NSO ang milyon-milyong Pilipino na
kontraktwal ang kontrata, at karaniwang limang buwan lang kada taon na may maasahang
trabaho. Kung sa ulat ng gobyerno ay may limangmilyong Pilipinong walang trabaho, dapat na i-
multiply ang bilang na ito ng tatlo hanggang apat na beses dahil ito ang bilang ng mga apektadong
pamilya. Idagdag pa ang 6 na milyong may trabaho ngunit di sapat ang kinikita kaya't naghahanap pa
ng "karagdagang trabaho" (i.e. underemployed), lalabas na may 16-19 milyon ang Pilipinong walang
mahanap na trabaho sa loob ng bansa sa kasalukuyan o halos 40% ng potential labor force.

Mismong ang Employers Confederation of the Philippines o ECOP na ang nagsabi na ang
ekonomya ng Pilipinas ay "employment distressed" nitong huling apat na taon. Patuloy na
nangaganib ang kabuhayan ng 31.52 milyong may trabaho. Patuloy na sinasalanta ang kanilang
job security ng kontraktwalisasyon, kaswalisasyon, pagbawas ng benepisyo, tanggalan at
mababang pasahod.

Samantala, ang bilang ng nalilikhang trabaho sa bansa taon-taon ay aabot lang ng 1 milyon. Ibig
sabihin, kahit ipagpalagay nating hindi na dadami ang bilang ng naghahanap ng trabaho, aabot pa
sa 20 taon bago mabigyan ng trabaho ang kasalukuyang bilang ng mga Pilipinong walang
trabaho. Kaso nadaragdagan pa ng 800,000 ang labor force kada taon dahil, sa biro-biro, masipag
umano gumawa ng bata ang Pilipino.

Tapos, doon sa 1 milyong trabahong nalikha sa nakaraang tatlong taon, , mahigit kalahati ay
"own-account" worker at unpaid family worker. Halimbawa ng mga"own- account worker" ay vendor,
labandera, pedicab driver, atbp. Unpaid family worker naman yung mga nagbabantay sa sari-sari
store ng pamilya o magsisilbi sa turo- turo ng nanay na di pinapasahod. Samantala, 34 na libo lang
ang inilaki ng empleyo sa industriya na syang dapat lumalaki kung umuunlad o nag-iindustriyalisa ang
ating ekonomya; at lumiit pa nga ng 8 libo ang empleyo sa manupaktura.

Hango mula sa :
http://4dagohoyonline.tripod.com/dagohoystudentsnotebook/suliraninsapaggawa.html

Ating tiyakin ang iyong galling sa pag-unawa ng mga artikulo gamit ang Rule- Based Summarizing ay
sumulat ng sariling pagbubuod “Write Your Own Summary” ayon sa sumusunod na alituntunin.

Summary Rule #1 Gamitin ang Single Strike Out upang kunin ang materyal na hindi mahalaga sa
iyong pag-unawa.

Page 10 of 11
Summary Rule # 2 Gamitan ng Double Strike Out upang kunin ang impormasyon na inulit

Summary Rule# 3 Palitan ang listahan ng mga bagay ng isang salita na nag describe ng mga bagay
sa lista. Kulayan ito ng pula.

Summary Rule #4 Hanapin ang topic sentence at palitan ang kulay nito ng berde. Kapag hindi nakita,
gumawa at palitan ng kulay berde.

Mula sa nabuong Rule-Based Summary, punan ang Network Tree. Isulat sa loob ng kahon ang
implikasyon o epekto ng iba’t-ibang suliranin sa paggawa.

Mga Suliranin sa
Paggawa:

Unemployment Underemployment

Epekto

Mahusay! Binabati Kita! Natapos mo ang mga gawain para sa linggong ito

LAGDA NG MAGULANG
____________________________
PANGALAN

Page 11 of 11

You might also like