You are on page 1of 4

SI MATSING

AT SI
KUNEHO

Ipinasa nina:
Siplat, Joanna
Sawac, Halley Anika

Ipinasa kay:
Maam Marijoy Gupaal
Sa ilalim ng malaking puno, may nakatirang dalawang
magkapatid na matsing na ang pangalan ay Matt at
Mark. Isang araw ay nagpaalam muna si Matt kay Mark
na siya muna ay aalis upang maghanap ng kanilang pagkain.

“Mark” tawag ni Matt sa kapatid.

“Bakit Matt?” sagot naman ni Mark.

“Aalis muna ako’t maghahanap ng ating makakain, huwag kang mag-alala


kukuhanan kita ng paborito mong gulay. Hindi lang iisa kundi marami upang
may makain ka pagdating ng bagyo!” masayang saad ni Matt kay Mark.

“Sige!,” magiliw na sagot ni Mark. “Wag kang magtatagal ah?”

“Oo, sandali lang ako. Ay! Bantayan mo ang mga saging ah upang may
makain din ako at hindi mawalan ng pakain pagdating ng bagyo!” pahabol ni
Matt.

“Oo, oo, alis ka na’t baka ikaw ay matagalan at maabutan ng bagyo!” sagot
naman ni Mark sa kapatid. Pagkatapos nilang magpaalam sa isa’t isa ay
naglakbay na si Matt upang maghanap ng kanilang makakain ni Mark.
Habang naglalakbay si Matt ay naisipan muna ni Mark na maglinis ng
kanilang tirahan habang hinihintay ang kapatid.

Pagkatapos niyang maglinis ay umupo muna siya at nagpahinga, ngunit dahil


sa pagod ay siya’y nakatulog. Ilang saglit pa ay may isang gutom na Matsing
ang napadaan sa bahay nina Matt at Mark. Nang tumingin siya sa bahay ng
magkapatid, nakakita siya ng Puno ng Saging na may maraming bunga. Tila
nagliwanag ang kaniyang paligid ng makakita siya ng pagkain.

“Sa wakas! Nakakita na din ako ng pagkain!” masayang saad nito. Inakyat
niya ang puno ng saging at nagsimulang kumain ng saging. Kumain siya ng
kumain hanggang sa kunti nalamang ang natitirang saging. “Hay! Salamat!
Busog na ako!,mamaya babalik uli ako dito.” saad ng Matsing at umalis na.

Sa kabilang dako naman ay nakahanap na ng mga pagkain si Matt at pabalik


na siya sa kanilang tirahan.

“Naku! kailangan ko nang bilisan at baka gutom na si Mark. Parating na din


ata ang bagyo.” nagmamadaling sabi ni Matt. Nang malapit na siya sa
kanilang tirahan ay nakita niya ang Puno ng Saging na kokonti na lamang na
bunga ang nandoon. Dali- dali niyang hinanap si Mark at ng makita niya itong
nakatulog ay ginising niya ito.

“Mark! Mark!” pasigaw na saad ni Matt.


Agad namang nagising si Mark sa sigaw ng kaniyang kapatid. “Ay Matt! Nakauwi ka na
pala, bakit ka sumisigaw? Nagtatakang tanong ni Mark kat Matt.

“BAKIT MO KINAIN IYONG SAGING?! DIBA’T SABI KO SAYO, BANTAYAN MO ANG MGA
SAGING PARA MAY MAKAIN TAYO PAGDATING NG BAGYO?!” galit na saad ni Matt sa
kanyang kapatid. Sa hindi inaasahan ay dumating ulit ang matsing na kumain kanina ng
saging at nagulat siya sa kaniyang narinig. Nakokonsensya siya dahil si Mark ang
napagbntangang kumain ng saging.

“Ano?!,” gulat na sabi ni Mark at ng lumabas siya at tinignan ang Puno ng Saging ay nakita
niyang unti na nga lamang ang mga saging na nandoon. “ Hindi! Hindi ako ang kumain
niyan! Nakatulog lang ako dahil napagod ako kakalinis kanina!” paliwanag ni Mark sa
kaniyang kapatid.

“Ha! At nagsisinungaling ka pa?! Alis! Umalis ka na dito! Ayaw kitang makita! Ayoko ng
kapatid na magnanakaw!” galit na saad ni Matt sa kapatid na hindi man lang nito
pinaniwalaan ang paliwanag ng kaniyang kapatid. Gusto pa sanang magalit ni Mark at
magpaliwanag ngunit kinimkim niya na lamang ito at sinunod ang gusto ng kaniyang
kapatid.

“Sige! Kung iyan ang gusto mo!” pasigaw na sabi ni Mark kay Matt. Padabog siyang umalis
sa kanilang bahay. Nakita ng Matsing si Mark na galit na lumayas sa bahay ng magkapatid.

Naku! Kawawa naman siya, siya pa ang napabintangang kumuha ng saging” malungkot na
saad ng Matsing. Naisipan niyang siya nalang ang magpaliwanag kay Matt upang
malaman nito ang totoong nangyari. Pinuntahan ng Matsing si Matt na nakaupo lamang
sa kanyang silid.

“Magandang Hapon po” bati niya kay Matt.

“Sino ka at ano angginagawa mo rito?” takang tanong ni Matt sa Matsing.

“Nandito ako para magpaliwanag sa nangyari kanina” nakayukong saad ng Matsing kay
Matt.

“Magpaliwanag? Ibig sabihin, ikaw ang kumain ng bunga ng aming Puno ng Saging?”
tanong ni Matt sa Matsing.

“Oo, ako nga at hindi ang iyong kapatid,” amin ng matsing at nagulat naman si Matt sa
kaniyang sagot. “Patawad. Gutom na gutom kasi ako kanina kaya hindi ako
nagdalawang-isip na kunin ang bunga ng inyong Puno ng Saging.” paliwanag ng Matsing.
Napabuntong-hininga na lamang si Matt at pinatawad ang Matsing. Pagkatapos umalis ng
Matsing ay walang nagawa si Matt kundi maupo at makonsensya dahil hindi niya
pinaniwalaan ang kaniyang sariling kapatid na sai Mark.

You might also like