You are on page 1of 1

REAKSYONG PAPEL

I-Witness: "Iskul Ko, No. 1!," a documentary by Sandra Aguinaldo


Itong dokumentaryong ay tungkol sa isang paaralan na naging numero uno
sa National Achievement Test sa buong pilipinas noong taong 2005-2006,
Ang Sindangan Elementary School ang pangalan ng paaralan.
Bago tumilaok ang manok, gumigising na ang mga estudyante upang
maligo at maghanda sa pagpasok sa paaralan. Nilalakad nila ang maputik
at makitid na daan para lang makapasok sa eskwela, mahigit isang oras
silang naglalakbay. Pagdating nila sa paaralan ay nag fa-flag ceremony at
nag-exercise para may lakas ang kanilang katawan at utak upang handang
matuto. Masaya ang mga mag-aaral sa kanilang klase kasama ang
kanilang guro dahil may mga larong pinapagawa at masayang natututo ng
mga bagong leksyon. Sila ay nakikinig ng maayos sa tinuturo ng guro,
mabait, rumerespeto sa kanilang mga kamag-aaral, at nagsusumikap mag-
aral para lang makapagtapos. Pagkatapos ng eskwela, ang mga
estudyante ay nag uuwian na sa kanilang bahay pero malayo ang kanilang
tahanan. Ang ginagawa nila para makauwi ay walang iba kundi lakadin ang
mataas na daan, sabay-sabay silang na uwi at sanay na. Pagdating sa
bahay sila agad ay naggagawa ng kanilang asignatura. Pagkatapos, sila ay
tumatambay sa lawa at naglalaro.
Sa dokumenteryong ito ay napagtanto ko na ako ay isang maswerte na
mag-aaral. Hindi ko na kailangan maghirap para lang makapunta sa
paaralan, at hindi ko na din kailangang maghanap ng paraan para
mabuhay at makakain dahil may magulang ako na may trabaho na
maayos. Napanood ko din sa dokumentaryong ito ang tunay na hangarin
ng isang estudyante o mag-aaral na makapagtapos ng pag-aaral para
makamit ang kanilang pangarap at mabigyan ng magandang buhay ang
kanilang pamilya. Ang mga batang ito ay mahihirap lamang ngunit nagawa
parin sila ng paraan upang maging masaya. Sila ay nagtitiis sa kanilang
paghihirap at dinadaan na lang nila ito sa pag-aaral. Ang mga batang ito ay
dapat tularan upang ang ating bayan ay umunlad. Nagbigay ito sa akin ng
motibasyon para abutin ang pangarap ko.

You might also like