You are on page 1of 1

CORONADO, Gleniece Angeline L.

De CASTRO, Zyrene Miles


De JESUS, Allen Fey
Ang mga Guro ng Malining

Ipinapakita ng episode na ito ang pagiging dakila ng mga guro. Ang pagsakripisyo nila
upang marating at maturuan lang nila ang mga bata. Ano ang handa mong gawin para sa
sinumpaang propesyon?

Kilala ang pagiging guro bilang isa sa pinakadakilang propesyon sa mundo. At lalo itong
pinatunayan ng tatlong guro ng Malining Elementary School sa Quezon na dalawang araw na
naglalakbay, tumatawid ng mga ilog at umaakyat ng bundok para marating ang pinakamalayong
eskwelahan ng probinsya at maturuan ang mga batang nais na makapag-aral.

Araw-araw na pagsubok para sa mga guro sa General Nakar, Quezon ang pagpunta


sa Malining Elementary School na siyang pinakamalayong eskuwelahan sa bayan. Para
makapagturo, kailangan nilang umakyat ng bundok at tumawid sa ilog bitbit ang sako-sako ng
mga gamit pang-eskwela. Buwan buwan nila itong ginagawa papuntang eskuwelahan. Hindi
lamang isa o dalawang oras ang nilalakad nila upang makapunta lamang sa eskwelahan kundi
dalawang araw bago sila makadating sa eskwelahan. Ang dinadaanan nila bago sila makatungo
dito ay matarik, maputik at madilim na daan. At lalong mas mahirap kapag naulan dahil umaabot
hanggang hita ang ilog na dinadaan ng mga guro. Anim na ilog ang tatawirin bago makarating sa
kanilang matutulugan.

Kahit gaano man kahirap ang pinagdaan bago nila ito matunton mas importante parin sa
kanila ang tungkulin. Mahigit kalahati ng sweldo nila ay napupunta lamang sa pambili ng suplies
at isa o dalawang libo naman ang bayad nila sa kanilang kargador. Nahihirapan din sila dahil
naiiwan nila ang kanilang anak. Mahirap mapahiwalay sa mahal mo sa buhay ngunit kailangan
parin nila itong gawin. Kailangan nilang mag sakripisyo para lang sa araw araw na gastusin kahit
gaano kalayo ang kanilang nilalakbay. Nakakapagod para sa kanila pero mas iniisip nila yung
positivity na may good things na mangyayari para sa mga batang tinuturuan nila. Gaano man
kalayo ang nilakbay nila mas inisip pa din nila na mas kailangan sila ng bata upang matuto.
Kitang kita naman sa mga bata na tuwang tuwa sila dahil sila ay merong mga guro na dakila at
handang magsakripisyo upang makapagturo lamang at matuto sila kahit na sobrang layo ng lugar
may mga lakas ng loob ang mga guro na kagaya nila na bisitahin sila. Ang mga guro ng Sitio
Malingin, isang malayong lugar kung saan buhay pa ang tunay na kahalagahan ng Bayanihan.

You might also like