You are on page 1of 3

Mula QNHS Naging QBCNHS: Paglalakbay Tungo sa Pagbabago

“Lunggati: Isang maligayang paglalakbay patungo sa dakilang adhikain.”

Ang Quezon Bukidnon Comprehensive National High School na dating Quezon National

High School ay isa na ngayon sa mga tanyag na paaralan sa buong probinsya ng Bukidnon. Ito

ay hindi lamang dahil sa isa na itong Comprehensive High School kung hindi, pati na rin sa mga

nakamit ng mga mag-aaral at mga guro sa paaralang ito.

Kapag naririnig pa lang ang pangalan ng paaralan, naikakabit agad ito sa ideyang ang

mga kabilang dito ay talaga namang may angking galing at mga natatanging katangian.

Hindi naman maitatanggi ang angking galing at talino ng mga mag-aaral na naipapakita

nila sa iba’t ibang mga patimpalak. Bakas sa mga mag-aaral ng paaralang ito ang pagpupursige

na makamit ang tagumpay sa bawat paligsahan na kanilang sinasalihan. Puspusan ang kanilang

mga paghahanda upang maipakita ang kanilang pagiging palaban sa mga larangang ito.

Makikita rin ang pagiging determinado ng mga guro na maibahagi ang kanilang mga

kaalaman upang mas maging malawak ang kaisipan ng mga mag-aaral na kanilang tinuturuan.

Nagsisikap sila upang masigurado na masusungkit ng mga mag-aaral ang tuktok na isa sa

makapagbibigay ng karangalan sa paaralan.

Nakatutulong din ang pagkakaroon nito ng iba’t-ibang strands na nakapokus sa larangan

kung saan magaling ang isang mag-aaral. Mayroong STEM na tinututukan ang galing ng mga

mag-aaral sa agham, teknolohiya, at sipnayan. HUMSS na nakapokus sa pakikipaghalubilo ng

bawat isa, at ABM na tinatalakay ang mundo ng pagnenegosyo. Mayroon ding SPS na hinahasa

ang galing ng mga atleta, at SPA naman sa paghahasa ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

larangan ng sining.
Ang mga nabanggit ay iilan lamang sa mga nakakabighaning katangian ng paaralang

Quezon Bukidnon Comprehensive National High School ngunit, sapat na ang mga ito upang

mapatunayang ito ay isa sa mga paaralang nag-aalok ng pinakamabuting kalidad ng pag-aaral.

Dito ay masasabi nating ang naging pagbabago sa pangalan nito ay sinabayan ng

pagbabago tungo sa dakilang adhikain ng buong paaralan.

Ginoong Philip: Pinunong Tunay

Mahusay. Magaling. Mabait. Ito ay iilan lamang sa kaniyang mga natatanging katangian.

Nagsimula sa pagiging isang simpleng guro, ngayon ay patuloy ang pag-akyat tungo sa

rurok ng tagumpay. Ang kaniyang paglalakbay ay unti-unti ngunit paniguradong sa byahe ng

kaniyang buhay, marami ang kaniyang natutunan na maaari niyang maibahagi sa karamihan.

Noon ay isa lamang siya sa mga mahuhusay na guro sa asignaturang Ingles sa paaralang

dating tinatawag na Quezon National High School, ngunit sa kasalukuyan ay isa na siyang

punong-guro sa nabanggit na paaralan kasabay ng pagpapalit ng pangalan nito sa Quezon

Bukidnon Comprehensive National High School.

Marami ang humahanga sa paraan ng kaniyang pamumuno sa naturang paaralan.

Makikita naman sa mga karangalang natatanggap ng paaralang ito na talagang maayos ang

sistema ng pagpapatakbo dito.

Siya ay talagang mahusay sa akademikong aspeto, gayundin sa aspeto ng buhay.

Hinahangaan siya ng karamihan sapagkat ang paraan ng pagtanaw niya sa mga bagay-bagay ay

nakapagbibigay ng inspirasyon at motibasyon sa mga taong nakapaligid sa kaniya.


“Maraming bagay ang naituro ni Sir Philip sa amin, hindi lamang sa larangan ng pag-

aaral kung hindi pati na rin sa mga aral ng buhay,” ito ay ayon sa isa sa kaniyang mga naging

mag-aaral.

Ang kaniyang mga natatanging katangian ang nagdala sa kaniya tungo sa tagumpay na

kaniyang tinatamasa. Ang mga ito rin ang naging tulay upang siya ay maging isang pinunong

nagpapaunlad ng katauhan ng kaniyang mga nasasakupan. Kaya naman, sa ilalim ng kaniyang

pamumuno, masisiguro ang maayos na takbo ng ng bawat saklaw sa kaniyang serbisyo.

Ginoong Philip Florenosos, isang pinunong tunay!

You might also like