You are on page 1of 2

Lazada at Tulay

“ Carlo” Matinis na tawag sa akin ni aling Bebang. “Dumating na daw ang Lazada ko utoy, nasa may tulay
sa may Lima, makikikuha naman are ang sampung piso na bayad ko sa iyo,” ang tila musika na narinig ko
sa kanya. Dali dali kong inabot ang kanyang upa at pambayad sa Lazada at sagitsit ng pumunta sa may
tulay ng Wawa. Ako nga pala si Carlo, mag – aaral sa Paaralang Elementary ng Wawa, at tuwing walang
pasok o kapag tapos na ang klase ay andito ako sa may tambayan para mag abang ng may mga order sa
Lazada na tamad maglakad at kumuha. Malayo din kasi ang pick up point nila dito sa aming lugar, hindi
sila nadiretso sa mga bahay bahay dahil masikip sa mga eskinita dito. Pero salamat na din dahil
nagkakaroon ng sideline ang mga bata na tulad ko. Kami ang kumukuha ng order nila kapalit ng
sampung piso. Minsan marami silang sabay sabay na nagpapakuha sa akin, laking tuwa ko kung ganun
kasi isang puntahan palang sa may tulay, tiba tiba na agad ako nun. Mura pa nga iyon kung tutuusin
dahil liliban pa kami ng tulay para lang ito ay marating.

Sa araw ng Sabado at Linggo ay nakakaipon ako ng pambaon sa paaralan para sa susunod na araw. Ang
tanging hiling ko lamang sa aking mga ka Barangay ngayong 2024, more budol pa sana sa Lazada ng
marami pa rin kaming kita.

Dr. Leoncia B. Espina, Wagi bilang Outstanding Elementary School Principal ng Distrito 4

Tinanghal bilang Most Outsatnding Principal ng Distrito 4 ang punong guro ng Paaralang Elementary ng
Wawa na si Dr. Leoncia B. Espina sa ginanap na Gawad Tanglaw Award noong _________________ sa
Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas. Nilahukan ito ng mga paaralan na bumubuo sa Distrito 4
katulad ng Paaralang Elementarya ng Sta. Clara, Malitam. Wawa, at Ambulong, gayundin ng mga
paaralang pang Sekondarya tulad ng MALNAHIS, BCHIS at BANAHIS.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Dr. Espina sa kanyang mga guro at mag – aaral na naging
malaking ambag sa pagkakatanghal niya bilang Most Outstanding Elementary Principal. Aniya “ Hindi ko
makakamtam ang gantimplang ito kung hindi sa tulong at suporta ng aking mga guro at mag – aaral.
Para sa ating lahat ang tropeong ito”

Si Dr, Leoncia B. Espina ay nakatanggap ng tropeo at sertipiko ng pagkilala. At siya din ang lumahok para
sa pang dibisyong lebel.
12:15 Habit inilunsad

Kaalinsabay ng pagbubukas ng klase noong Agosto 22, 2023, inilunsad ang 12:15 habit, proyektong
pampaaralan na binuo ng Punong Guro na si Dr. leoncia B. espina upang makaagapay ng mga guro sa
pagpapatuto sa mga aaral. Kalakip ng programang ito ang ibat ibang pamamaraan sa ibat ibang araw
katulad ng; Lunes – pag sulat, martes pagbasa, Miyerkules pagbabaybay, Huwebes at Biyernes para
naman sa araling matematika.Layunin ng programang ito na mabawasan ang bilang ng mga mag aaral
na nasa Frustration level sa Pag babasa at non numerates naman sa Matematika. Ang mga guro sa iat
ibang baiting ay magbibigay ng mga pag sasanay na naangkop sa lebel ng kanilang mga mag – aaral.

Ayon sa mga guro, Malaki ang naitulong nito para mapatuto ang mga mag aaral sa larangan ng pagsulat
at pagbasa, gayundin ay naiiwasan nito ag pagkalat ng mga mag aaral sa oras na ito dahil sila ay nasa
loob na ng kani kanilang silid aralan

Ang 12; 15 Habit ay isa ring proyekto na nagpatanghal sa punong guro bilang Outstanding Elementary
School Principal ng Distrito 4.

You might also like