You are on page 1of 16

Magandang umaga Pilipinas!

Magandang umaga Rizal!


Narito tayo ngayon, live sa Teresa
Elementary School upang
masaksihan ang kaganapan sa
Ronda Eskwela at malaman ang
kanilang paghahanda sa darating
na pasukan.
Kung makikita ninyo sa aking
likuran, ON GOING pa rin ang
Ronda Eskwela dito sa Teresa, na
kung saan ang ilan sa mga guro ay
naikakabit na ang mga tarpaulins
sa bawat barangay at sitio dito sa
Teresa at naipapamahagi na rin
ang mga flyers sa kinauukulan.
Sa pamumuno ng Public Schools
District Supervisor, Mr. Ramon T.
Patay at mga kasamang punong guro
at mga guro ay buong puso na
naihanda ang mga kagamitan tulad
ng mga modules o ang mga Learning
Resources Kits na gagamitin ng mga
estudyante sa darating na pasukan.
At sa kabilang dako, live nating
makakausap ngayong umaga ang
punongguro ng Elementarya ng
Teresa, Ma’am Evangeline Ramos
upang mas malinawan pa tayo sa
kanilang mga plano ngayong
darating na pasukan.
Magandang umaga po Ma’am
Evangeline!
Napakaganda ng inyong mga
mithiin para sa ating mga mag-
aaral.
• Ano po ang mga paghahanda ng
inyong paaralan ngayong darating
na pasukan?
• Paano po makasisiguro na ang
mga modules na ito ay safe iuwi sa
bahay at hindi nagtataglay ng
anumang virus?
• Ano po ang frequently asked
questions sa ating ronda ngayon?
Maraming Salamat po sa inyo
Ma’am Evangeline Ramos.
Sa kabilang dako naman ay may mga guro
akong kasama ngayon mula sa Teresa
Elementary School.
Magandang umaga Ma’am Ma. Mafey
Dadivas and Sir Rodrigo Clarito.
Ano-ano ang mga learning modalities na
offer ng inyong paaralan para sa mga mag-
aaral at ano ang mga kaparaanan na inyong
naihanda bilang mga guro? Maraming
Salamat po Ma’am Mafey and Sir Rodrigo.
Kung hindi ninyo maitatanong,
Izra and Ays, na ang Teresa ay
kasama sa adhikain at
adbokasiya ng Blue Rizal
Barangayan Bawat Bata
Bumabasa o ang BRB4.
Isa sa kanilang pinagtutuunan
ng pansin ngayong darating na
pasukan ay ang mabigyan ng
tulong ang mga learners at
risks o ang mga batang mas
nangangailangan ng tulong lalo
na sa pagbabasa.
Kung kaya’t sa tulong ng Local
Government Units, ang kanilang
butihing Mayor, Hon. Raul S. Palino at
Mr. Ramon T. Patay, PSDS of Teresa
District ay nangalap ng mga magiging
REMEDIAL TEACHERS na nai assign
sa mga eskwelahan simula sa
elementarya hanggang sekundarya.
Ang labing-limang Remedial
Teachers na ito ay mga Licensed
Teachers, at nakatapos ng
Education Courses, na sa ngayon
ay hindi pa regular na nagtuturo
sa anumang pampublikong
eskwelahan.
Sila ay isa sa mga
gagabay sa pag-aaral
lalo na sa pagpapabasa
ng mga bata ngayong
new normal.
Sa ngayon ay patuloy pa rin
ang pag anyaya sa mga
nagnanais na maging Remedial
teachers para mas mapalawak
pa ang kanilang adhikain na
balang araw ay wala ng batang
Teresaños na hindi makabasa.
Sa puntong ito, makakapanayam natin
live ang isa sa mga Remedial teachers
dito sa bayan ng Teresa si Ms. Andrea
Catangay.
Magandang umaga Ma’am Andrea.
Nakakatuwa na sa kabila ng pandemya
na ito ay may mga tao pa rin na
nagnanais na makatulong sa iba.
• Ano ang nag udyok sa’yo na
tumugon sa adhikain at adbokasiya
ng DepEd Rizal na BRB4?
• Ano ang posibleng pamamaraan
na inyong gagawin para sa mga
learners at risk?
Maraming Salamat po!
Alam natin na ang New Normal na
ito ay nagbukas sa ating mga isip
na malakas na sandata ang
pagtutulungan at pagkakaisa.
Muli, mula sa Teresa ang bayan ng
Adobe, Marmol at Apog, ako si
Krizia Mae D. Pineda
Back to you, Izra and Ays.

You might also like