Professional Documents
Culture Documents
Pilipino (4P's) - Natulungan Po NG Programang Ito Ang Aking Pamilya
Pilipino (4P's) - Natulungan Po NG Programang Ito Ang Aking Pamilya
Nakatira sa
Pinagsabugan St. Longos, Malabon City. Ang aking asawa na si Jayson
Fernandez Dela Rosa, 36 taong gulang, nagkaron po kami ng 6 na anak.
Sobrang hirap po ng buhay namin noon, dahil sa sunod-sunod ang
aming anak at sabay-sabay din silang pumapasok sa paaralan.
Ang aking mga anak ay masisipag mag-aral kaya kahit hirap ang
aming pamumuhay pinipilit naming maitaguyod sila ng maayos at
mapagtapos ng pag-aaral. Sobrang nagpapasalamat ang aming pamilya
dahil kami po ay napasama sa Programang Pantawid Pamilyang
Pilipino (4P’s). Natulungan po ng programang ito ang aking pamilya,
dati sobrang hirap kami sa pagpapabaon at pagbubudget ng mga
pangangailangan nila sa edukasyon. Napaglalaanan ko na rin sila ng
vitamins at gatas na kailangan nila.