MGA SALIK SA PAGLAGANAP NG SEKSIMO Ang Tradisyon, edukasyon, uri ng trabaho, at pulitika ay ilan lamang sa mga salik na nagighing sanhi ng paglaganap ng seksismo. Alamin ntain kung paano. TRADISYON Sa mga lipunan na ang uri ng pamumuhay ay nakasentro sa iisang uri ng kasarian (patriyarka man o matriyarka), nagkakaroon ng diskriminasyon para sa kaibang kasarian. EDUKASYON Ang edukasyon ay mahalaga kahit ano man ang gender mo at kailangan ito para maunawaan ang kasarian sa lipunan. Ang mababanag antas sa edukasyon ay hadlang sa kaunlaran pati na rin sa kabuhayan ng sino man. Dahil dito, kabilang ang edukasyon sa mga problema ng kaunlarang pantao(human development) at di nahihiwalay ang kasarian sa kaunlaran. Katulad sa lalaki, madaming lumalabas sa paaralan at nagtrtrabaho ng maaga para sa kanilang pamilya. Kaya mas madaming babae ang nasa paaralan kasya sa lalaki. URI NG TRABAHO Naipapahayag din ang diskriminasyon sa uri ng trabaho. Dahilang biyolohikal ang nakikitang sanhi sa mababang pagtingin sa ibang kasarian. PULITIKA Dahil sa pag-uuri ng mga tao sa lipunan, nawawalan ng kapangyarihang magpasiya ang ilang sektor dito. Mahalaga ang pagtataguyod ng mga batas para sa pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae sa lipunan. Ngunit, dahil sa pulitika na dulot din ng mga kaisipang panlipunan tungo sa kasarian, naususpil ito. ANG MGA BAHAGING GINAGAMPANAN NG IBA- IBANG KASARIANNG LIPUNAN Kahit may mga diskriminasyon sa kasarian, meron parin silang tungkulin sa panlipunan. Narito ang mga larangan o tungkuling panlipunan na ginagampanan ng dalawang kasarian sa loob at labas ng Pilipinas sa kontemporaryong panahon. TRABAHO Malaki ang benepisyo para sa mga nagtrtrabaho na bagong panganak. Binibigyan sila ng maternity leave para makapagpahinga sila at maalagaan ang kanilang anak. Hinihikayat ang mga kompanya sa pribado at pampublikong sector sa buong bansa na magbukas ng mga trabaho para sa lahat ng lalaki at gender. Kahit ano man ang kanilang antas, katayuan sa kalusugan, pangkabuhayan, etnisidad, wika, hilig at iba pa. EDUKASYON Sa larangan ng edukasyon, rumami na ang mga babaeng guro na nasa paaralan at nakikita bilang mahalagang puwersa sa magandang edukasyon. Lumaki na ang bilang ng mga kababaihan na nakikilahok sa larangan ng edukasyon, kumpara noong panahon ng kolonyalismo na kung saan nagingibabaw ang bilang ng mga lalaki na guro. Rumami na din ang mga paaralang co-ed na tumatanggap ng parehong babae at lalaki kumpara sa dati. Nakakatulong ito sa pag-unawa ng dalawang kasarian tungkol sa isa't isa. PAMILYA Malaki ang responsibilidad ng parehong babae at lalaki sa pagbuo, pagpapaunlad, at paglaki ng isang pamilya. Hindi nag-iisang tungkulin lamang sa kababaihan ang pagpapalaki sa mga anak at gawaing bahay, gayundin ang paghahanapbuhay para sa mga kalalakihan. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng maraming bansa, ang penomeno ng mga working parent ay patuloy na nagiging kalakaran sa maraming lipunan. PAMAHALAAN responsibilidad nang pamahalaan ng isang bansa. Kasama narito ang pagpayag sa mga kababaihan na makilahok sa pagtakbo sa pulitiko at pagboto nila. RELIHIYON Magkatuwang ang mga lalaki at babae sa pagtaguyod ng relihiyon at malaki ang tungkulin nila sa pagbubukas ng mga pagkakataon para sa pagsamba ng Diyos. dahil sa patuloy na pagbabago sa pagtingin para sa mga babaeng namumuno sa mga organisasyong panrelihiyon. THANK YOU FOR LISTENING!