You are on page 1of 8

SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION

SENIOR HIGH SCHOOL

Magkakaibang pamumuhay na nararanasan ng lalaki at babae

Aguila, Jerome Rusell


Calisay, Prynce Kehn-g
Concepcion, Ghenarsie
David, Karen Kate
Magtoto, Natalie
Maniacup, Diana Mae
Pineda, Kenji
Pompac, Nhoa
Timbol. Sharmell

May 2023
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
RASYUNAL

Isa sa mga nababahala na isyu ay ang hindi


pagkakapantay-pantay ng kasarian. Ito ay nangyayari noon
pa man sa kasaysayan at hanggang ngayon. Ang kahihinatnan
ng hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian ay maraming
salik at isa na rito ang kapaligiran ng isang indibidwal.
Nagsisimula ito sa kung anong kinalakihang paniniwala ng
isang indibidwal dahil sa itinuturo sa kaniya ng mga
nakapaligid sa kaniya. Tradisyon ng ating mga ninuno o mga
matatanda ay ang babae ay para lamang sa gawaing bahay,
habang ang lalaki naman ay ang magtatrabaho. Nililimitahan
ng mga tao ang kakayahan ng mga babae at hindi sila
binibigyan ng sapat na edukasyon. Sa papel na ito ay
ipapakita namin ang mga halimbawa ng hindi pantay-pantay
na trato base sa kasarian ng tao. Pagdating sa trabaho,
mas mataas ang oportunidad ng mga lalaki sapagkat maraming
kalalakihan ang minamaliit ang kakayahan ng mga
kababaihan. Ang mga kababaihan ay may karapatang mag
desisyon para sa kanilang sarili. Hindi ito pataasan ng
antas ng bawat kasarian, kung hindi ang pagkapantay-pantay
sa lahat, ano man ang kasarian. Ang hindi pagkakapantay-
pantay ay maaari rin ihalintulad sa relihiyon, kagaya na
lamang sa muslim. Ang lalaki ay pwedeng mag-asawa nang
marami, hindi gaya sa babae na isa lang ang pwedeng maging
asawa. Isa rin sa mga salik ng hindi pantay-pantay ay ang
sa pag-aayos. Hindi natin maitatanggi na napakamaraming
mapanghusga ngayon. Kapag ang lalaki ay natutong mag-ayos
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
sa kaniyang sarili, siya ay tatawaging bakla. Maraming
nagsasabi na ang mga pampaganda ay dapat sa babae lamang.
Isa pa sa salik ay ang sa mga sulatin. Kapag ang isang
kwento ay maraming lalaki, ito ay gusto ng nakararami.
Kapag ang isang magasin ay patungkol sa babae, ito ay mas
pinag-iinterasan. Sa papel na ito, amin mumulatin ang
bawat isa nang sa gayon ay matapos sa diskriminasyon sa
bawat kasarian at magkaroon nang maayos, magandang
ugnayan, at maging pantay-pantay.

Ayon kay Gamboa (2018), mas marami ang oportunidad ng


mga lalaki pagdating sa trabaho lalo na sa pisikal na
trabaho dahil sa kanilang angking lakas at dahil dito kaya
mababa ang oportunidad ng mga babae. Marami sa atin ang
nakakaisip na mas lamang ang lalaki kaysa sa babae.

Kapag Sea Man at naging bakla— kailangan mong mag


panggap. Anong meron va sa’yo publiko? Masyado kang
delikado. Kahis sa pag papakasal, hindi ‘rin aprobado.
Ganiyan na ba ang kinakatayuan natin ngayon? Masyadong
abusado. Dumadating sa ounto na ang kagustuhan ay
tinututulan. Kapag nagcross-dressed ang mga bakla,
maraming dada at lait sa lipunan. Mga kolorete sa mukha,
kung ano-ano masasabi bigla (Contributor, P, 2018).

Pinoprotektahan ng diskriminasyon batay sa relihiyon


ang mga taong kabilang sa tradisyonal at organisadong
relihiyon, gayundin ang mga sumusunod sa kanilang
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
pananampalataya (U.S. Equal Employment Opportunity
Commission, n.d).

Ang isang palatandaan ng hindi pagkakapantay-pantay


ng kasarian sa mga aklat-aralin ay kapag ang isang
kasarian ay mas kitang-kita o mas madalas na lumilitaw
kaysa sa kabaligtaran nito. Halimbawa, kapag mas marami
ang mga pagpipilian sa pagbabasa na isinulat ng mga
lalaking may-akda, mas maraming mga lalaking
karakter/kalahok sa mga kuwento o teksto, at ang mga
babasahin ay nakatuon sa lalaki, o pinangungunahan ng mga
paksa/interes ng lalaki/lalaki, o tungkol lamang sa kanila
at sa kanilang karanasan, ang implicit na mensahe ay “ang
mga nagawa ng kababaihan ay hindi sapat na mahalaga upang
maisama.” (Flores et.al, 2022).

Ang hindi pagkakapantay-pantay ay kinabibilangan ng


kakulangan ng mga trabahong may mataas na suweldo sa mga
malalayong lugar, pati na rin ang limitadong mga opsyon sa
paggawa ng desisyon (Reyes et.al, 2017).

Ang kabaligtaran ng kasarian ay maaari ding dumanas


ng ganitong uri ng diskriminasyon; hindi lang ito
nararanasan o limitado sa mga kababaihan (Foster, 2021).

Ayon kay Eugenio (2020), may mga pagkakataon at lugar


kung saan ang mga babae ay hindi pinahintulutang mag-
enroll sa ilang mga kurso dahil sila ay itinuturing na
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
angkop lamang para sa mga lalaki. Halimbawa, sa ilang mga
bansa, ang mga lalaki lamang ang maaaring magsanay ng
abogasya at inhinyero (ang mga babae ay maaari lamang
magsanay ng nursing). Ito ay may diskriminasyon laban sa
kababaihan at lumalabag sa pagkakapantay-pantay ng
prinsipyo ng kasarian.

SULIRANIN

1. Ano ang mga epekto ng mas mataas na oportunidad sa


mga lalaki pagdating sa trabaho?
2. Ano-ano ang mga magkakaibang pagtrato sa mga babae
at lalaki?
3. Paano malalampasan ang hindi pagkapantay-pantay na
pagtrato sa mga kasarian?

LAYUNIN

 Ang layunin ng konseptong papel na ito ay maghatid ng


kaalaman at bigyang pansin ang isyung hindi
pagkapantay-pantay na pakikitungo, karanasan, at
epekto sa indibidwal at lipunan batay sa kanilang
kasarian.
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
 Layunin namin mabigyang linaw kung ano ang
kahihinatnan ng hindi pantay-pantay na trato base sa
kanilang kasarian.
 Nais namin mabigyang patunay kung gaano kahalaga ang
pagkakapantay-pantay na kasarian at diskriminasyon
upang mabigyang kamalayan ang bawat isa kung ano ang
magandang maidudulot nito.

RESULTA O KONKLYUSYON

Ang konseptong papel na ito ay nagpapakita na dapat


pagtuunan ng pansin ang hindi pagkakapantay-pantay.
Mahalagang malaman ng bawat isa ang kahalagahan ng
pagkakapantay-pantay. Sa bawat yugto ng buhay, matatagpuan
natin ang mga patunay ng pagkakaiba sa pagitan ng mga
kalalakihan at kababaihan, at kung paano ito nakakaapekto
sa kanilang mga papel at oportunidad. Sa pahinang ito ay
aming ilalahad na dapat respetuhin at tanggapin natin ang
bawat isa ano man ang kasarian. Huwag itrato ang isang tao
base sa kanilang kasarian sapagkat lahat tayo ay may
karapatan na tratuhin ng wasto at naaayon. Malalampasan
ang hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian sa pamamagitan
ng edukasyon, paghimok ng pagbabago, paglikha ng pantay na
kultura, pagtataguyod ng mga patakaran sa trabaho,
responsableng pamumuno, pagtuturo at pagsasanay, pagsusuri
ng data, aktibong pakikilahok, at patuloy na pagtataguyod
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
para sa isang mas pantay na lipunan.Sa kabanatang ito
makikita ang resulta ng hindi pagkakapantay-pantay.

Ang mga kababaihan ay madalas na nahihirapan sa


pagkakaroon ng trabaho, ito ay dahil mas binibigyang pabor
ng karamihan ang kalalakihan. Marami sa trabaho na hindi
patas ang sahod na binibigay batay sa kung ano ang
kanilang kasarian. Ito ay nagreresulta sa hindi pantay na
pagkilala sa kakayahan nila at pagmamaliit sa kanila.

Ang mga empleyado ay hindi dapat humarap sa anumang


uri ng diskriminasyon dahil sila ay lalaki o babae, o
sumasailalim sa pagbabago ng kasarian. Ang sumusunod ay
mga katotohanan tungkol sa hindi pagkakapantay-pantay ng
kasarian sa lugar ng trabaho (BrightHR, 2022).

•23% ng mga kababaihan sa trabaho ay nahaharap sa


sekswal na panliligalig.
•8% lamang sa kanila ang nag-ulat nito. •43% ng mga
ina ang nahaharap sa diskriminasyon sa maternity.
•52% ng mga kababaihan ang nahaharap sa mga isyu sa
kalusugan ng isip sa trabaho, kumpara sa
•42% ng mga lalaki.

Ang mga kalalakihan ay madalas na napapaboran at


nabibigyan ng mas maraming pagkakataon sa mataas na antas
ng edukasyon at larangan ng pag-aaral. Ang ganitong
sitwasyon ay nagpapakita ng patuloy na pagkakaroon ng
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
gender bias at diskriminasyon sa sistema ng edukasyon
(Global Partnership for Education, 2023).

MGA SANGGUNIAN

You might also like