Professional Documents
Culture Documents
Kasanayang Pagkatuto:
Ang bawat tao ay may karapatang tukuyin ang kanyang sariling identidad ng
kasarian at ipahayag ang kanyang kasarian. Ang diskriminasyon ay nangyayari kapag
ang isang tao ay trinato nang masama o pinagkaitan ng isang serbisyo o benepisyo
dahil sa kanyang identidad ng kasarian o pagpapahayag nito. Ito ay anumang pag-
uuri, ekslusyon, o restriksyon batay sa kasarian na nagiging sanhi ng hindi pagkilala
at paggalang sa mga karapatan o kalayaan. Halimbawa, ang mga taong transgender
ay dapat kilalanin at tratuhin bilang kasarian na kanyang pinili at nais na ipahayag.
• Mga Salik na Nagiging Dahilan ng Pagkakaroon ng Diskriminasyon
sa Kasarian
1. Relihiyon at Kultura
Maraming mga kultura ang naglalagay sa mga babae sa ilalim ng mga lalaki.
Maging ang mga banal na kasulatan ng maraming relihiyon ay nagpapahiwatig ng
higit na katayuan ng kalalakihan.
Halimbawa:
a. Ang ama ang dapat manuno sa pamilya at ang ina ay dapat sumunod
sa kanya
b. Noon walang karapatan ang mga babae na bumoto at kumandidato
sa halalanAng tradisyunal na paniniwala sa maraming kultura na
sinang-ayuanan ng Banal na Aklat na dalawala lamang ang tanggap
na kararian – lalaki at babae.
c. Ang ganitong paniniwala ay nagbubunga ng diskriminasyon sa mga
taong lilihis sa kategoryang babae at lalak
2. Pisikal na kaanyuan
Ang mga babae ay karaniwang nakikita bilang maliliit at mas
mahihina. Kung ang pagiging brusko ay tanggap na katangian ng mga lalaki,
ang mga babae naman ay inaasahan na magiging mahinhin. Ang ganitong konsepto
ay sinasabing nagbubunga rin ng diskriminasyonsa mga taong lilihis sa kataegoryang
babae at lalaki.
3. Trabaho
Ang trabaho ay nagsisilbing salik ng diskriminasyon sapagkat may mag uri
ng propesyon na parang nilikha lamang sa “mas malakas” na kasarian – lalaki. May
mga hanapbuhay halimbawang nangangailangan ng pisikal na lakas ng kalalakihan
kaya’t madalas na ang mga ganitong uri ng trabaho ay hindi ibinibigay sa mga babae
o sa mga kabilang sa iba pang gender. Sa maraming bansa, ang pagiging inhenyero at
abugado ay nakalaan lamang sa mga lalaki. Ang ganitong sitwasyon ay itinuturing na
2
4. Edukasyon
Sa nakaraang panahon, may mga kursong pinaniniwalaang dapat kuhanin ng
lalaki lamang o kaya ay ng mga babae lamang. Nabanggit na ang abogasya at pag-
iinhenyero ay dating para lamang sa mga lalaki. Ang nursing naman ay dating inaalok
lamang sa mga kababaihan. Ang ganitong patakaran ay lalong nagpaigting sa
paniniwalang ang mga gender ay hindi magkakapantay.
Pamprosesong Tanong
2. Anu-ano kaya ang mga hakbang na dapat gawin upang mawakasan ang
ganitong uri diskriminasyon?
• Karahasan sa Kalalakihan
Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang mga kababaihan ang
biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na
domestic violence, maging ang mga kalalakihan din ay biktima. Ayon pa sa ulat
ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi medaling makita o
kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri; emosyonal,
seksual, pisikal at banta ng pang- aabuso. Tandaan din na ito ay maaaring
maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon.
• Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan
•
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng
pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan.
Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang
kultura at lipunan sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa
China na naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan
EDUKASYON NG KABABAIHAN
Pilipinas Pakistan
1. Kalayaang makapag-aral
2. Violence Against Women- Ayon sa United Nations, ang karahasan sa
kababaihan ay anumang karahasang naaugat sa kasarian na humahantong
sa pisikal, sekswal at pagpapahirap sa kababaihan.
6
a. Pambubogbog/Pananakit
b. Panggagahasa
c. Incest at iba pang sekswal na pan-aabuso
i. Sexual Harassment
ii. Sexual Exploitation
iii. Sex Trafficking at prostitusyon
3. Oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medical, pabahay at maging sa
edukasyon
4. Pagpatay
5. Domestic Violence o karahasan sa loob ng tahanan- ang kababaihan, sa
Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pan-aalipusta, hindi
makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan.
Narito ang mga larawan na may kinalaman sa isyung pangkasarian. Suriin ang
mga ito at ipahayag ang inyong mga saloobin sa bawat larawan.
1 2
3 4
7
Pamprosesong Tanong
Sanggunian:
https://www.hrw.org/sites/default/files/report_pdf/philippines0617tagalog_summ
andrecs.pdf
https://www2.gov.bc.ca/assets/gov/law-crime-and-justice/human-rights/human-
rights-protection/filipino-gender-id.pdf
_____________________________________________________________________
Mga Tagasulat: CRISTINA J. SOCNOBEN
MAYROSE ENDRIGA
Tagasuri:
1. MARILYN ORONGAN
MT-I, Butuan City Comprehensive High School
South-1 Araling Panlipunan Coordinator
2. CLEO C. CONCHA
SST- III
Butuan City Comprehensive High School