You are on page 1of 23

Alam nating lahat na ang kalahati ng populasyon ng

Pilipinas ay binubuo ng mga babae. Dahil dito, hindi


maikakaila na malaki at makahulugan ang papel nila
sa paghubog at pagpapaunlad ng bansa. Sa
pamilyang Pilipino, mahalaga ang ginagampanan
nila bilang ina, asawa, kapatid, anak at lola. Ngunit
higit pa dito ay may kakayahan silang maiaalay sa
pagbabago at ikabubuti ng lipunan na kanilang
ginagalawan at ng buong bansa.
Sayang na madalas, may naiiba at di pantay o mas
mababang pagtingin sa pagkatao, talino, lakas ng
loob, at lakas sa paggawa ng kababaihan kumpara sa
kalalakihan. Dahil dito, ang kasarian ay nagiging
hadlang sa malayang paglahok ng isang babae sa
larangan ng lipunan sa labas ng tahanan Ang
diskriminasyon laban sa kababaihan ay nangyayari
sa maraming sitwasyon at sa maraming paraan.
ANO NGA BA ANG MAGNA CARTA FOR
WOMEN?
• HULYO 8, 2008
• ALISIN ANG LAHAT NG URI NG DISKRIMINASYON LABAN SA KABABAIHAN
AT SA HALIP AY ITAGUYOD ANG PAGKAPANTAY-PANTAY NG MGA BABAE AT
LALAKI SA LAHAT NG BAGAY
• CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS OF DISCRIMINATION
AGAINST WOMEN O CEDAW.
SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?
LAHAT NG BABAENG PILIPINO
- ANUMAN ANG EDAD, PINAG-ARALAN, TRABAHO O HANAPBUHAY, PROPESYON,
RELIHIYON, URI O PINAGMULAN (“ETHNICITY”)
MGA MEKANISMO SA
PAGPAPATUPAD NG
MAGNA CARTA OF WOMEN
1. PROTEKSYON LABAN SA PANG-AABUSO
AT KARAHASAN

•BAWAT BABAE AY MAY KARAPATANG


MAGING LIGTAS SA LAHAT NG URI AT ANYO
NG PANG-AABUSO AT KARAHASAN
Responsibilidad ng Pamahalaan na sugpuin
ang pang-aabuso at karahasan na dinaranas
ng maraming babae, gumawa ng mga
hakbang upang maiwasan ang lahat ng ito, at
tulungan ang mga biktima tungo sa kanilang
paggaling (ng katawan at ng kalooban) at sa
pagkakamit ng hustisya.
2. KALIGTASAN SA PANAHON NG
KALAMIDAD, KRISIS, ATBP.
•BAWAT BABAE AY DAPAT UNAHIN SA
PAGBIBIGAY NG PROTEKSYON AT
KALIGTASAN SA PANAHON NG SAKUNA
AT KALAMIDAD TULAD NG PAGBAHA,
LINDOL, SUNOG AT IBA PANG KRISIS.
Responsibilidad ng Pamahalaan at
ng mga ahensya at yunit nito na
iligtas ang mga babae sa panahon
ng krisis at bigyan ng agarang
tulong at serbisyong medikal,
sikolohikal at pinansyal.
3. PANTAY NA REPRESENTASYON AT
PARTISIPASYON SA PULITIKA AT
PAMAMAHALA
•BAWAT BABAE AY MAY
KARAPATANG BUMOTO,
TUMAKBO SA ELEKSYON, AT
MANUNGKULAN SA ANUMANG
PWESTO SA PAMAHALAAN.
Responsibilidad ng Pamahalaan na tiyaking ang
kababaihan ay may pantay na pagkakataon na
kumatawan at makibahagi sa makabuluhang
pagpapasya ukol sa mga pambansang usapin, at
sa paghubog, pagsasakatuparan at ebalwasyon
ng mga batas, patakaran, programa at polisiya
ng Pamahalaan.
4. PANTAY NA PAGTURING NG BATAS
•BAWAT BABAE AY MAY
KARAPATANG PROTEKSYUNAN
LABAN SA LAHAT NG
DISKRIMINASYON SA ILALIM
NG BATAS.
Tungkulin din ng Pamahalaan na
lumikha ng mga batas na
gagarantiya sa tunay na kapakanan
ng kababaihan.
5. PANTAY NA PAGKAKATAONG
MAGKAMIT NG EDUKASYON
•KARAPATAN NG BAWAT
BABAE ANG MAKAPAG-ARAL
AT MATAMO ANG MGA
BIYAYA NG EDUKASYON.
Responsibilidad ng Pamahalaan na
alisin ang lahat ng balakid sa malayang
pag-angkin ng kababaihan sa
edukasyon o anumang humahadlang
na makamit nila ang galing at husay sa
anumang larangan.
6. MABIGYAN NG
KOMPREHENSIBONG SERBISYONG
PANGKALUSUGAN MAGPASYA UKOL SA BILANG AT PAG-
• KARAPATAN DIN NG BABAE NA

AAGWAT NG MGA ANAK, NA MAGKAROON


NG PANTAY NA RESPONSIBILIDAD ANG
KALALAKIHAN SA PAG-AALAGA AT
PAGPAPALAKI NG ANAK, AT ANG
PANGANGALAGA SA KANYANG
KAPAKANAN AT KALUSUGAN.
Responsibilidad ng Pamahalaan sa lokal at
pambansang antas na siguruhing nakatatanggap
ang lahat ng babae ng komprehensibong
serbisyong pangkalusugan.

-maternal health care


-family planning methods
7. PANTAY NA KARAPATAN SA MGA USAPIN
NG PAG-AASAWA AT PAGPAPAMILYA
•GAGAWA NG NAUUKOL NA
HAKBANG ANG PAMAHALAAN
UPANG MAALIS ANG
DISKRIMINASYON SA
KABABAIHAN
-pumasok at lumabas sa kasal o relasyong
sibil na ayon sa Family Code na walang
pagkiling sa personal na paniniwala at
relihiyon
-malaya at buong-loob na pumili ng
mapapangasawa at magpakasal
-Magkasamang pagdedesisyon

You might also like