You are on page 1of 13

GABAY ARALIN

AP 10_KWARTER 3

Talaan ng Nilalaman

Ikatlong Markahan

Isyu sa Karapatang Pantao at Lipunan

Aralin 1 – Isyung may Kaugnayan sa Kasarian:


Kasarian, Sex, at Gender Roles .............................................................. 2

Aralin 2 – Isyung May Kaugnayan sa Kasarian: Diskriminasyon


ayon sa Kasarian.................................................................................... 4

Aralin 3 – Tugon ng Pamahalaan at Mamamayan Patungkol sa


Karahasan at Diskriminasyon................................................................ 8

Aralin 4 – Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian .................................................. 11

Glosaryo............................................................................................. 13

Sanggunian ........................................................................................ 13

1|Pahina
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
ARALIN 1: ISYUNG MAY KAUGNAYAN SA KASARIAN:
KASARIAN AT SEX, AT GENDER ROLES
Linggo 1-2

MGA LAYUNIN
 Natatalakay ang uri ng kasarian, uri ng sex, at gender roles sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig

PAGTATALAKAY
KASARIAN, SEX, AT GENDER ROLES
Ang kasarian ay tumutukoy sa pansarili, panlipunan, at pangkulturang
perspektibo ng mga tao sa kanilang seksuwal na preperensiya. Samantalang ang sex
naman ay tumutukoy sa isang biyolohokal na katangian na taglay ng isang tao simula
ng siya ay ipinanganak. Sa madaling salita, ang sex ay kung ano ang meron na tayo
noong tayo ay isinilang base sa genitalia, samantalang ang gender ay ang personal na
preperensiya o pananaw ng isang tao at ang gawi ng lipunan na nakapalibot sa kaniya.

Iba’t ibang Uri ng Kasarian

Isa sa mga batayan ng gender o kasarian ay ang gender identity na mayroon sa


lipunan—pagiging masculine o feminine. Inaasahan na sila ay susunod sa mga
katangian o gawain na inaasahan sa kanila ng lipunan.

Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng kasarian na hindi bumabatay sa


konsepto ng gender identity na itinakda ng lipunan.

1. Cisgender – Ito ay kapag ang tao ay sang-ayon sa sex na mayroon siya


simula sa pagkapanganak.

2. Transgender – Ito ay kapag ang tao ay hindi sang-ayon sa sex na mayroon


siya simula sa pagkapanganak.

3. Transexual – Ito ay kapag sumailalim ang isang tao sa gender


reassignment surgery (GRS) upang mapalitan ang sex organs na mayroon siya.

4. Binary – Ito ay kapag sumusunod ang isang tao sa parehas na konsepto ng


femininity at masculinity na itinakda ng lipunan.

5. Non-binary – Ito ay kapag ang isang tao ay walang tiyak na femininity o


masculinity. Siya ay komportable sa kaniyang sarili nang hindi kailangang
sumunod sa mga itinakda ng lipunan patungkol sa femininity at masculinity.

6. Bigender – Ito ay kapag ang isang tao ay gumaganap sa gender identity ng


parehong lalaki at babae.

7. Agender – Ito ay kapag ang isang tao ay hindi tinuturing ang kaniyang sarili
na bahagi ng kahit na anong kasarian.

Iba’t Ibang Uri ng Seksuwalidad o Sex

Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng seksuwalidad. 1. Heterosexual – Ito ay


ang atraksiyon ng isang tao sa kaniyang kabaligtarang gender, tinatawag din itong
straight. 2. Homosexual – Ito ay ang atraksiyon ng isang tao sa kapwa niyang kasapi
ng iisang gender. Ito ay higit na kilala sa tawag na gay. 3. Lesbian – Ito ay ang tawag

2|Pahina
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
sa babaeng may atraksiyon sa kapwa niya babae. 4. Bisexual – Ito ay ang tawag sa
atraksiyon sa parehas na babae o lalaki. 5. Pansexual – Ito ay ang tawag sa atraksiyon
sa lahat ng kasarian. 6 Asexual – Ito ay ang tawag sa isang taong walang
nararamdaman na atraksiyon sa kahit na anong kasarian.

Gender Roles sa Pilipinas

Ang gender roles ay tumutukoy sa mga nakasanayan at inaasahang pag-uugali, mga


gawi, at tungkulin ng isang tao na itinakda ng lipunang kinabibilangan niya, ayon sa
kaniyang kasarian (babae o lalaki). Sa Pilipinas, inaasahan na ang mga kalalakihan ang
magtataguyod ng kanilang pamilya at mamumuno sa lipunan. Inaasahan na sila ang
magtatrabaho para matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.
Kalakip nito, inaasahan na ang mga lalaki ay mas malakas at matapang sa lahat ng
aspekto, lalo na sa emosyonal at pisikal. Dapat ay brusko, matipuno, at matapang ang
isang lalaking Pilipino.

Sa kabilang panig, ang mga kababaihan ay ang inaasahang tutulong sa pinuno


ng pamilya sa pamamahala sa tahanan habang siya ay nagtatrabaho. Kasama rito ang
pangangasiwa sa mga gastusin sa bahay, paggawa ng mga gawaing bahay, pag-
aalaga sa mga anak at apo, at pagtuturo sa mga bata ng mga pangunahing kakayahan
gaya ng pagbasa, pagsulat, pagbilang, at mga tamang pag-uugali. Sila ay inaasahang
mas emosyonal kaysa sa mga kalalakihan. Hindi rin pinagtatrabaho ng mabigat ang
mga kababaihan dahil sa paniniwalang hindi nila kayang makipagsabayan sa mga
kalalakihan.

Bagamat nakikita pa rin ang mga ganitong sitwasyon sa Pilipinas, nakikita na sa


pagbabago ng panahon at paniniwala ay sumasabay rin ang pagbabago ng gender
roles sa bansa. Kumpara sa ibang bansa sa Asya, masasabi na maraming kababaihan
ang nakagagawa na ng mga tungkuling nakasanayang para sa mga kalalakihan, ganito
rin para sa mga kalalakihang nakagagawa na ng mga tungkulin na nakasanayang para
sa mga kababaihan. Ang mga kababaihan ay nakatatamasa ng parehas na mga
karapatan sa mga kalalakihan, lalo na sa larangan ng ekonomiya, edukasyon, negosyo,
at politika.

Gender Roles sa Ibang Panig ng Daigdig

Sa bansang Ethiopia sa Aprika, nakakapag-aral at nagkakaroon ng mga


posisyon sa mga opisina ang mga kababaihan. Ngunit sa mga liblib na lugar, buhay pa
rin ang malinaw na hati sa gender roles. Inaasahan pa rin na ang mga lalaki ang
maghahanapbuhay para sa kanilang pamilya, at ang mga kababaihan ang magsisilbing
tagapangalaga ng tahanan at ng mga anak. Ito ay dahil pa rin sa tradisyon at relihiyon
ng karamihan ng mga tao rito.

Sa Rwanda naman na nasa Aprika pa rin, itinakda ng panibagong amyenda sa


kanilang konstitusyon ang pagsisiguro ng 30% ng mga puwesto sa parlamento ay para
sa mga kababaihan. Sa ngayon, 60% ng mga nakaupo sa kanilang parlamento ay mga
kababaihan. Sila ay ang may pinakamataas na bilang ng mga kababaihan sa
kasalukuyang parlamentaryo, hindi lamang sa Aprika, kung ‘di pati na rin sa buong
mundo.

Ang mga kababaihan sa Afghanistan ay nagtatagal sa pag-aaral sa loob


lamang ng walong taon, na kung ikukumpara sa 12.7 taon ng edukasyon sa mga
kalalakihan ay mas mababa, hindi lamang sa kanilang bansa, kung ‘di pati na rin sa

3|Pahina
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
buong mundo. Makikita sa mga bilang na ito na ang mga kababaihan ay mas kakaunti
ang kaalaman kumpara sa mga kalalakihan. Noong sila ay nasa ilalim ng pamamahala
ng Taliban, ang mga kababaihan ay nasa miserableng kondisyon dahil sa kawalan ng
kanilang mga karapatan. Sa ngayon, isinusulong ng bansa ang mga pagbabago
matapos mawala sa kapangyarihan ang Taliban. Ilang taon na ang nakalipas ay hindi
pa rin naalis ang marka ng pamamahala ng Taliban sa bansang ito.

Sa karatig-bansang India, ang mga kababaihang nasa mga bayan at lalawigan


ay may mas kakaunting kalayaan at mas maraming pagbabawal kumpara sa mga
kababaihan sa mga mauunlad na lungsod. Dahil ito sa kanilang kultura na ang mga
babae na nabibilang sa matataas na antas ng lipunan sa rural ay may mas kakaunting
kalayaan dahil sa pagnanais nilang mapanatili ang kanilang inosente at purong imahe.
Sa mga urban na pamayanan, mas mataas ang antas ng kalayaan ng mga Kristiyanong
babae kaysa sa mga Hindu at Muslim na kababaihan. Ito ay dahil naman sa aspektong
pangrelihiyon.

Sa bansang Ecuador, mas pinapahalagahan sa mga kababaihan ang


pagkakaroon ng edukasyon. Ang bansa ay may Gender Development Index na 0.978,
na masasabing mataas na bilang para sa kanilang bansa. Mas matagal na oras sa pag-
aaral ang ginugugol ng mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan. Kung ang isang
batang babae ay nagsimulang mag-aral noong siya ay limang taong gulang,
inaasahang magtatapos siya sa kolehiyo o unibersidad sa edad na 20, kumpara sa mga
lalaki na inaasahang magtatapos sa kolehiyo o unibersidad sa edad na 19.

Sa Inglatera, halos pantay ang mga kalalakihan at kababaihan, hindi lamang


sa gender roles, kung ‘di pati na rin sa kanilang mga karapatang tinatamasa bilang
mga mamamayan. Inaasahan na ang mga kababaihan ay magtatagal ng isang taon sa
pag-aaral kaysa sa mga kalalakihan. Ngayon ay marami nang babae ang nagtatrabaho,
at karamihan sa kanila ay may matataas na posisyon, mas mataas pa sa mga
kalalakihan sa kanilang mga kompanya.

ARALIN 2: ISYUNG MAY KAUGNAYAN SA KASARIAN:


DISKRIMINASYON AYON SA KASARIAN
Linggo 3-4

MGA LAYUNIN
 Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT (lesbian, gay,
bisexual, transgender)
PAGTATALAKAY
DISKRIMINASYON AYON SA KASARIAN
Sexism o ang pagkiling ng isang tao sa isang kasarian ang isa sa mga
pinakatinututulan ng mga nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian. Ang
pagkiling sa isang kasarian, sa babae man o sa lalaki, ay maaaring magdulot ng
diskriminasyon. Madalas din itong humantong sa mga hindi kanais-nais na kaganapan
tulad ng hindi pagkilala sa mga karapatan, pagbibigay ng mas mabibigat na mga
gawain, pang-aalipin, pangungutya, pananamantala, panggagahasa, at maaari rin na
humantong sa pagpatay.
Ang hindi pantay na pagtingin sa isang kasarian ay isang kahinaan. Ang taong
itinuturing ang ibang kasarian na mas mababa kaysa sa kaniya ay mayroong makitid
na pag-iisip. Limitado lang ang kaniyang pananaw kaya’t ganoon na lamang ang

4|Pahina
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
kaniyang pakikitungo sa iba. Sa mga ganitong uri ng pag-iisip umuusbong ang hindi
pantay na pamantayan o double standards.
Makikita sa ibang mga palabas sa telebisyon na ang mga babae ay kadalasang
nang-aakit ng mga lalaking kanilang nagugustuhan. Kapag pinilit ng isang babae ang
lalaking kaniyang gusto na makipagtalik sa kaniya, kahit hindi ito gusto ng lalaki, ay
hahayaan lamang ang babae sa gawaing ito dahil may paniniwala na hindi nagagahasa
ang mga kalalakihan. Minamaliit ng ilang kalalakihan ang kakayahan ng mga
kababaihan na makipagsabayan sa mga larangan kung saan matagal nang
namamayagpag ang mga kalalakihan, gaya ng arkitektura, inhinyeriya, information
technology, at iba pa. Ang mga ito ay ilang halimbawa lamang ng double standard sa
lipunan.

Uri ng Diskriminasyon na Dinaranas ng Kalalakihan at Kababaihan


Ang mga sumusunod ay ang mga diskriminasyon na dinaranas ng kalalakihan at
kababaihan.
a. Pisikal na pang-aabuso
May mga taong nagiging biktima ng pisikal na pang-aabuso, lalo na ang
mga kababaihan sa kamay ng kanilang mga amo, asawa, kamag-anak, at iba
pa. May mga pagkakataong nagiging biktima rin ng pisikal na pang-aabuso ang
mga kalalakihan.

b. Seksuwal na pang-aabuso
Kadalasan na nagiging biktima ng panggagahasa ang mga kababaihan,
ngunit may mga kaso rin ng mga kalalakihang nagiging biktima ng
panghahalay. Sa kasamaang palad, kakaunti ang mga kalalakihang
nagrereklamo tungkol dito dahil sa pananaw ng karamihan, hindi maaaring
mahalay o magahasa ang isang lalaki.

c. Pananamantala
May mga babaeng sa pagnanais na kumita para sa kanilang mga
pamilya ay tumatanggap ng mga trabahong may napakababang sweldo, o
nagtutulak sa kanilang gumawa ng hindi maganda, gaya ng pagbebenta ng
ilegal na gamot o ng kanilang puri para may maipakain sa kanilang pamilya.

d. Diskriminasyon sa trabaho
May mga kompanyang hindi naglalagay ng mga kababaihan sa
matataas na posisyon, dahil naniniwala silang mahina ang mga ito at walang
kakayahang mamuno.

e. Diskriminasyon sa lipunan
May mga bansa katulad ng mga nasa Gitnang Silangan na hindi
pinahihintulutan ang mga kababaihan na bumoto, mag-aral, o kahit man lang
magmaneho ng kanilang mga sariling sasakyan. Noong 2018 ay ipinasa ng
Saudi Arabia ang batas na pumapayag sa pagmamaneho ng sasakyan ng mga
kababaihan. Bago nito ay kailangan munang humingi ng permiso ng isang
babae sa nakatataas na lalaki sa sambahayan upang makapagmaneho sila.

Feminism Ang Feminism o Peminismo ay ang tawag sa pandaigdigang kilusan ng


mga kababaihan upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Dahil ang mga
kababaihan ang pinaka-apektado ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga kasarian,
sila ang nangunguna sa pagsusulong ng pagbabago. Malawak at iba-iba ang mga
nais nilang makamtan. Marami sa kanila ang ipinaglalaban ang kanilang mga
karapatang politikal, ang makaboto, maiboto, at makalahok sa lahat ng mga
gawain na may kinalaman sa pamamahala. Ang iba naman ay ipinaglalaban ang
karapatang pumili ng magiging asawa, kapareho man ng kasarian o hindi. Mayroon

5|Pahina
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
ding mga peminista ang isinusulong ang pantay na pagkilala bilang bahagi ng
lipunan sa pamamagitan ng pagkakapantay-pantay ng kita sa trabaho, mga
benepisyo, at pagkawala ng pang-aalipusta. Nariyan din ang nagtataguyod ng
pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa larangan ng lenggwahe, pagtingin, at
pag-iisip.

Pangkat LGBT

Sa kasalukuyan, isinusulong ng mga pangkat ng lesbian, gay, bisexual,


transgenders (LGBT) ang pagkakapantay-pantay, hindi lamang ng mga babae at
lalaki, kung ‘di pati na rin ng mga may sariling pagkakakilanlan. Karamihan sa mga
miyembro ng LGBT ay nahaharap sa diskriminasyon dahil sa kanilang napiling
sariling pagkakakilanlan o kasarian. Isinusulong ngayon sa Pilipinas ang Sexual
Orientation, Gender Identity and Expression Equality Bill o SOGIE Equality Bill.

Uri ng Diskriminasyon sa Pangkat LGBT

Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng diskriminasyong dinaranas ng mga


miyembro ng pangkat LGBT.

a. Pisikal na pang-aabuso Kadalasang biktima nito ay ang mga lalaking kabataan


na binubugbog ng kanilang mga kamag-anak, kapitbahay, o ng mga taong galit sa
mga bakla dahil sa paniniwalang lampa at malamya ang mga ito.

b. Seksuwal na pang-aabuso Sa ilang bansa at maging sa ilang lugar sa


Pilipinas, ay may mga tala pa rin ng corrective rape. Ito ay isang uri ng
panggagahasa na ang layunin ay maitama ang kasarian ng biktima. Halimbawa nito
ay ang panghahalay sa mga kababaihang lumantad bilang lesbian na may
pahintulot ng kanilang kamag-anak upang maimulat ang mga ito sa mga
pinaniniwalaan nilang tamang kasarian.

c. Diskriminasyon sa pamayanan Madalas na hindi pinapakinggan ang mga


miyembro ng LGBT sa kanilang pamayanan dahil ang tingin sa kanila ay mga
mangmang at walang magagawang tama sa lipunan.

d. Diskriminasyon sa trabaho May mga paaralan at kompanya na hindi


tumatanggap ng mga aplikanteng miyembro ng LGBT dahil sa kanilang relihiyon at
kultura. May mga kompanya rin na bagamat tumatanggap ng mga empleyadong
miyembro ng LGBT, hindi naman sila hinahayaang makakuha ng matataas na
posisyon sa kompanya. Kadalasan ay ibibigay ito sa mga katrabaho nilang
heterosexuals.

e. Diskriminasyon sa simbahan May mga bansang kagaya ng Iran, Saudi Arabia,


Republika ng Congo, at maging sa Rusya, na hindi nagkakasal sa mga
magkasintahang mula sa parehas na kasarian. May mga simbahan din na hindi
nagpapapasok sa mga miyembro ng LGBT sa kanilang mga sambahan.

f. Diskriminasyon sa lipunan Hanggang ngayon ay maraming bansa ang hindi


sumusuporta sa pagsasamang sibil ng mga magkasintahang miyembro ng LGBT.
May mga bansang naghahatol ng parusa sa mga miyembro ng LGBT, gaya ng mga
bansa sa Gitnang Silangan, Aprika, at maging sa Rusya at Hilagang Korea.

6|Pahina
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
Kaso ng Diskriminasyon sa Pilipinas

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kaso ng diskriminasyon batay sa kasarian sa


Pilipinas.

a. Jennifer Laude Slay Trials

Pinatay ng Amerikanong si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ang


transgender na si Jennifer Laude noong 2014 bilang isang akto ng pagkasuklam sa
mga transgender. Nakulong si Pemberton noong 2015, at nakalaya noong ika-13 ng
Setyembre, 2020 matapos siyang bigyan ng presidential pardon ni Pangulong Rodrigo
Duterte.

b. Philippine Airlines Flight Attendants Scandal

Isang grupo ng mga flight attendant ng Philippine Airlines ang nagsampa ng


kaso laban sa kanilang kompanya dahil sa mga alegasyong sapilitang pagreretiro ng
mga kababaihan nang mas maaga kaysa sa mga kalalakihan. Sapilitan silang
pinagreretiro sa edad na 55 habang ang mga kalalakihan naman ay maaaring
magretiro sa edad na 60. Nanalo sila sa kasong ito noong 2015 nang pumanig ang
korte sa mga kababaihan.

c. Red-tagging

Inakusahan ni Heneral Antonio Parlade ang mga sikat na artistang sina Liza
Soberano, Angel Locsin, at Miss Universe 2018 Catriona Gray na mga miyembro ng
New People’s Army dahil sa kanilang pagiging mga aktibong kritiko ng pamahalaan.
Idiniin ng heneral si Liza Soberano dahil sa pagdalo nito sa isang aktibidad ng grupong
Gabriela Youth, isang organisasyong nagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan
sa Pilipinas. Pinabulaanan naman ito ng mga artista, at nagsabing ipinaglalaban
lamang nila ang kanilang mga karapatan bilang mga babae. Humingi ng tawad ang
heneral sa mga ito matapos na makakuha ng pambabatikos.

Mga Kaso ng Diskriminasyon sa Iba’t ibang Bansa

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kaso ng diskriminasyon batay sa kasarian


sa iba’t ibang bansa sa daigdig.

a. Nike Laban sa mga Babaeng Empleyado


Noong 2018, nagsampa ng kasong diskriminasyon sa korte ng Estados Unidos
ang mga babaeng empleyado ng sikat na tatak ng damit at sapatos na Nike
dahil sa mababang pasahod nito kumpara sa mga lalaking empleyado ng
kompanya. Nangako ang kompanya na aayusin nila ito ngunit hindi ito tumupad
sa mga pangako nila. Nasa korte pa rin ang kasong ito hanggang ngayon.

b. Orlando Nightclub Shooting


Noong 2016, pumasok si Omar Mateen sa isang gay nightclub sa Orlando,
Florida at pinagbabaril ang mga taong nasa loob nito. 49 na tao ang namatay
at 53 ang nasugatan. Napatay rin si Mateen makalipas ang insidente. Ito ay isa
sa pinakamalaking pag-atake sa mga miyembro ng LGBT sa Estados Unidos sa
kasaysayan ng bansa.

c. Corrective Rape sa Timog Aprika


Ang karaniwang biktima nito ay ang mga lesbian na ginagahasa ng mga
kalalakihan sa paniniwalang dapat maitama ang kanilang mga napiling

7|Pahina
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
kasarian. Nagdudulot ito ng takot sa mga tao na maging malaya sa kanilang
kasarian, dahil mailalagay nila ang buhay nila sa peligro.

d. Stonewall Riots
Ito ay ang serye ng mga kilos-protesta noong 1969 na ipinaglalaban ang mga
karapatang pantao ng mga miyembro ng LGBT sa Estados Unidos. Pinamunuan
ito ni Marsha P. Johnson, isang aktibista na miyembro ng LGBT. ito ang siyang
nagdulot sa mga pagbabago sa pagtrato ng pamahalaan sa mga pangkat LGBT
sa Estados Unidos.

ARALIN 3: TUGON NG PAMAHALAAN AT MAMAMAYAN PATUNGKOL SA


KARAHASAN AT DISKRIMINASYON
Linggo 5-6

MGA LAYUNIN
 Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas sa mga
isyu ng karahasan at diskriminasyon

PAGTATALAKAY
Tugon ng Pamahalaan Tungkol sa Karahasan at Diskriminasyon Laban sa
mga Kababaihan

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay gumawa ng hakbang upang matugunan ang


mga isyu ng karahasan at di pantay na karapatan sa bansa.

Ipinanukala ng Kinatawan ng Cebu na si Filemon Sotto noong 1907 sa


Pambansang Asambleya ang kauna-unahang batas upang mabigyang karapatan ang
mga kababaihan sa pagboto. Ipinasa ni Pangulong Manuel L. Quezon ang nasabing
batas noong Setyembre 17, 1937. Ito ang nagbibigay sa mga kababaihan ng karapatan
upang makaboto. Ang Pilipinas ay naging isa sa mga kauna-unahang bansang Asyano
na nagbigay ng karapatan sa mga kababaihan sa pagboto.

Ayon sa Konstitusyon, sa Artikulo II, Seksyon 14, ang Estado ay “kinikilala ang
tungkuling ginagampanan ng mga kababaihan sa pagtatayo ng bansa at pagsisiguro
ng pangkalahatang pagkakapantay-pantay sa batas ng mga lalaki at babae.”

Nahalal si Corazon Aquino noong 1986 bilang ang kauna-unahang babaeng


pangulo ng Pilipinas. Sinundan ito ni Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamabababang porsiyento ng gender


gap o di pagkakapantay-pantay ng karapatan at estado ng mga babae at lalaki sa
lipunan sa Asya. Maraming mga batas ang ipinasa ng mga mambabatas, senador, at
maging ng mga pangulo upang mapangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan sa
Pilipinas.
Ang mga sumusunod ay ang mga batas na pumuprotekta sa karapatan ng mga
kababihan sa Pilipinas.

• RA 9262 – Anti-Violence Against Women and Their Children Act


• RA 8353 – Anti-Rape Law
• RA 8505 – Rape-Victim Assistance and Protection Act
• RA 7877 – Anti-Sexual Harassment Law

8|Pahina
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
• RA 9208 – Anti-Trafficking of Persons Act of 2003
• RA 10354 – Responsible Parenthood and Reproductive Act of 2012
• RA 9710 – Magna Carta of Women of 2009

Binuo rin ng pamahalaan ang Philippine Commission on Women upang


matalakay at masolusyunan ang iba’t ibang mga isyu ng mga kababaihan sa lipunan,
at mapangalagaan ang mga kababaihan laban sa karahasan at diskriminasyon.

Tugon ng Pamahalaan sa Karahasan at Diskriminasyon Laban sa mga


Miyembro ng LGBT
Bagamat hindi ilegal ang pagiging miyembro ng LGBT sa Pilipinas, kulang pa rin
sa pangangalaga at proteksyong binibigay ng pamahalaan ang mga ito. Sa kabilang
banda, patuloy na sinusubukan ng pamahalaan na matugunan ang isyung may
kinalaman sa mga miyembro nito. Ayon sa Magna Carta for Public Social Workers,
pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga social workers na miyembro ng LGBT.
Nakasaad ito sa Seksyon 17 ng nasabing batas. Pinoprotektahan din ng Magna Carta
of Women ang mga kababaihang miyembro ng LGBT.
Sa kasalukuyan ay patuloy na isinusulong na maisabatas ang Anti-Discrimination
Bill o SOGIE Equality Bill. Ito ay ang kaisa-isang panukala na tumatalakay at
umaaksyon sa diskriminasyon laban sa mga miyembro ng LGBT. Nakapasa ito sa
Kongreso ngunit hindi pa rin pinayagang makapasa ng Senado.
Ang mga sumusunod ay ang mga lalawigan sa Pilipinas na nagpasa ng mga
batas laban sa diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT.

• Lalawigan ng Albay
• Lalawigan ng Agusan del Norte
• Lalawigan ng Batangas
• Lalawigan ng Cavite
• Lalawigan ng Isla ng Dinagat
• Lalawigan ng Ilocos Sur
• Lalawigan ng Iloilo

Ang mga sumusunod ay ang mga lungsod at bayan na nagpasa rin ng mga
katulad na batas.

• Lungsod ng Angeles • Lungsod ng Malabon


• Lungsod ng Antipolo • Lungsod ng Mandaluyong
• Lungsod ng Bacolod • Lungsod ng Mandaue
• Lungsod ng Baguio • Lungsod ng Marikina
• Lungsod ng Batangas • Bayan ng Orani sa Bataan
• Lungsod ng Butuan • Bayan ng Poro sa Cebu
• Lungsod ng Candon • Lungsod ng Puerto Princesa
• Lungsod ng Cebu • Lungsod ng Quezon
• Lungsod ng Davao • Lungsod ng San Juan
• Lungsod ng General Santos • Lungsod ng Taguig
• Lungsod ng Ilagan • Lungsod ng Vigan
• Lungsod ng Iloilo

Ipinasa ni Alkalde Isko Moreno ng Maynila ang Ordinansa 8695 o ang Manila
LGBTQI Protection Ordinance of 2020. Ito ay ang batas na nagbabawal sa
diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT sa Lungsod ng Maynila.

Tugon ng mga Mamamayan Tungkol sa Diskriminasyon at Karahasan


Laban sa mga Kababaihan Maluwag ang pagtanggap ng lipunan sa mga
kababaihan lalo na sa larangan ng edukasyon. Ang literacy rate ng mga kababaihan

9|Pahina
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
noong 2019 ay umabot sa 98.9% habang 97% naman ang sa mga kalalakihan. Sa
kabila nito ay nananatili pa rin ang suliranin sa karahasan sa mga kababaihan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority noong 2013, isa sa limang babae na may
edad 15-49 ang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso simula noong sila ay 15 taong
gulang. 25% ng mga kababaihang may asawa at nasa edad 15-49 ang nakaranas ng
emosyonal, pisikal, o seksuwal na pang-aabuso mula sa kanilang asawa. Apat na
porsiyento ng mga babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pang-aabuso habang
sila ay nagbubuntis. 30% lamang sa mga nakaranas ng pang-aabuso ang humingi ng
tulong sa awtoridad tungkol dito.
Pinapangalagaan sa pamahalaan ang kalusugan ng kababaihan at ng mga
batang hindi pa isinisilang bilang parte ng pamilya. Hinikayat ng pamahalaan ang mga
kababaihan na makilahok sa politika, alinsunod sa Beijing Declaration noong 1995 sa
United Nations’ Fourth World Conference on Women.
Maraming mga kababaihan ang ipinapakitang malakas at maabilidad sa mga
pelikula at telebisyon, hindi tulad noong mga nakaraang panahon kung saan palaging
nasa peligro ang babae at kailangan pang iligtas ng mga lalaki. Makikita ang ibang
mga artistang babae na may mga papel sa pelikula at telebisyon bilang mga sundalo,
negosyante, pulis, doktor, mambabatas, at maging mga lider ng pamahalaan.

Tugon ng mga Mamamayan Tungkol sa Diskriminasyon at Karahasan sa mga


Miyembro ng Pangkat LGBT
Nananatiling taboo topic o hindi pinag-uusapan sa publiko ang usapin tungkol sa
LGBT, sa kabila ng kanilang representasyon sa pelikula, telebisyon, at iba pang mga
larangan sa bansa. Ito ay kahit isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya kung saan
tanggap ang LGBT. Ito ay ayon sa datos ng Pew Research Center na pinamagatang,
“The Global Divide on Homosexuality.” 73% ng mga Pilipino ang nagsasabing dapat
tanggapin ng lipunan ang homoseksuwalidad.
Taong 2016 nang ihalal si Geraldine Roman bilang kongresista. Siya ang kauna-
unahang transgender na mambabatas sa Mababang Kapulungan at isa rin sa mga
nagsulong ng SOGIE Equality Bill noong 2018. Sina Aiza Seguerra at Arnell Ignacio
naman ang mga kauna-unahang miyembro ng LGBT na naitalaga bilang mga opisyal
ng pamahalaan. Si Seguerra ay ang pinuno ng National Youth Commission,
samantalang si Ignacio naman ay ang pangalawang pinuno ng Philippine Amusement
and Gaming Corporation (PAGCOR). Itinalaga naman ni Pangulong Duterte ang
transgender at aktibista na si Dindi Tan bilang direktor ng Department of Agrarian
Reform.

ARALIN 4: PAGTANGGAP AT PAGGALANG SA KASARIAN


Linggo 7-8

MGA LAYUNIN
 Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
lipunan

10 | P a h i n a
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
PAGTATALAKAY
HAKBANG TUNGO SA PAGTANGGAP AT PAGGALANG

Sa pag-usbong ng teknolohiya at mga paglagong kultural, sikolohikal, politikal,


at iba pa, sumasabay rin dito ang pagbabago ng gender roles sa pagitan ng mga lalaki
at babae. Unti-unting nakikilala at nakikita ang mga miyembro ng LGBT, na noon ay
nakatago sa takot ng pang-aapi at karahasan sa kamay ng mga tao sa paligid nila. Ang
Stonewall Riots noong 1969 ay ang ugat ng pagbabago sa pagtingin sa mga miyembro
ng LGBT sa Estados Unidos, na nagsilbing mitsa rin ng pagbabago sa ilang mga bansa
sa daigdig.

Ang Pilipinas ay nananatiling ligtas para sa mga kababaihan at mga miyembro


ng seksuwal na minorya, ngunit hindi rin masasabi na lubos ang pagtanggap sa
seksuwal na minorya sa pangkalahatan.

Ang pagkakaroon ng LGBT ay hindi na bago sa Pilipinas. Ang kanilang karapatan


ay kinikilala at pinahahalagahan sa bansa, ngunit hindi lahat ng Pilipino ay lubos silang
tinatanggap bilang kasapi ng lipunan. Nakakapamuhay nang maayos ang mga
miyembro ng LGBT sa bansa, ngunit hindi sila lubusang tanggap ng lipunan dahil na
rin sa mga pagkakaiba ng kultura at ang malawakang impluwensiya ng relihiyon sa
bansa.

Mga Batas at Ahensiya ng Pamahalaan na may Kinalaman sa Isyu ng


Kasarian

Sa buong mundo, nariyan ang United Nations Entity for Gender Equality and the
Empowerment of Women (UN Women). Ito ay isang organisasyon na nasa ilalim ng
United Nations na nagbabalangkas at nagtataguyod ng mga gawaing may layuning
bawasan ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, at pagbibigay-
kapangyarihan sa mga kababaihan sa maraming lipunan sa daigdig.

Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng UN Women.

a. Layunin nitong mahimok ang mga kababaihan na mamuno at makiisa sa mga


gawaing pampolitika.

b. Layunin nitong magkaroon ng kapangyarihang pangkabuhayan at pang-


ekonomiya ang mga kababaihan.

c. Layunin nitong wakasan ang karahasan sa mga kababaihan at mga bata.

d. Layunin nitong makatulong sa mga nangangailangan.

e. Layunin nitong mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lahat ng bansa.

f. Layunin nitong makatulong sa pagsugpo ng mga sakit tulad ng Human


Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).

Ang Philippine Commission on Women ay ang ahensiyang pampamahalaan na


nagsusulong sa mga karapatan ng mga kababaihan sa Pilipinas. Nabuo ang ahensiyang
ito mula sa National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW) noong ipasa
ang Batas Pambansa bilang 9710 o ang Magna Carta of Women.

Ang ASEAN SOGIE Caucus ay ang organisasyong binuo ng Association of Southeast


Asian Nations (ASEAN) upang mapangalagaan ang mga miyembro ng LGBT sa mga

11 | P a h i n a
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
bansang kasapi ng ASEAN. Kaanib nito ang grupong Rainbow Rights. Inirerepresenta
nito ang Pilipinas sa taunang mga kapulungan ng organisasyon. Sila rin ay aktibo
bilang respetadong grupo na kumakatawan sa mga miyembro ng LGBT.

Mga Pribadong Organisasyon para sa mga Miyembro ng LGBT

Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pribadong organisasyon para sa mga
miyembro ng LGBT.

1. OutRight Action International – Ito ay isang kilalang organisasyon sa iba’t


ibang bansa sa daigdig na nangangalaga sa mga karapatan ng mga
miyembro ng LGBT sa buong mundo.

2. Gay and Lesbian Alliance Against Defamation (GLAAD) – Nangunguna


ang organisasyong ito sa pakikipaglaban sa maling representasyon ng LGBT
sa midya, telebisyon, pelikula, at entertainment sa Amerika.

3. The Trevor Project – Ito ay isang grupo na naglalayong maiwasan ang


pagpapakamatay sa mga miyembro ng LGBT, hindi lamang sa Amerika, kung
hindi maging sa ibang mga bansa rin.

4. UP Babaylan – Ang grupong ito ay binubuo ng mga miyembro ng LGBT sa


Unibersidad ng Pilipinas. Kilala sila sa kanilang mga pakikipaglaban para sa
pantay-pantay na karapatan sa lahat ng miyembro ng seksuwal na
minoridad sa bansa.

Mga Hakbang na Maaaring Gawin upang Maitaguyod ang Pagkakapantay-


pantay

Ang pagababago sa lipunan ay nagsisimula sa bawat indibidwal. Ang kaalaman


sa mga konsepto at isyu ay isang paraan upang makamit ang ang pagkakapantay-
pantay at maiwasan ang diskriminasyon sa lipunan. Ang mga sumusunod ay ang ilan
sa mga hakbang na maaaring gawin upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng
mga kasarian.

1. Magbasa, magsaliksik, at magtanong.


Kung hindi alam ang mga terminolohiya o ang kasaysayan at kultura ng
mga tao, maaaring magbasa tungkol sa mga ito. Maraming mga libro at mga
website sa internet ang makakapagpaliwanag ng mga dapat malaman tungkol
sa isyu. Kapag may kaalaman ang isang tao sa kanilang pinagmulan o
pinanggagalingan ng isang konsepto at suliranin ay maaari na niyang
maintindihan at maunawaan ang mga ito.

2. Huwag matakot makialam.

Karamihan sa mga taong walang alam sa karapatan ng mga kababaihan


at mga seksuwal na minorya ay natatakot na makisalamuha sa mga biktima ng
pang-aabuso o mga miyembro ng komunidad. Ito ay dahil sa takot na
madamay sa gulo ng pamilya o ng lipunang kanilang ginagalawan. Takot ang
nagiging dahilan kung bakit walang masyadong nakikipagtulungan sa kanila.
Dapat maunawan ng bawat isa na walang dapat ikatakot sa pakikihalubilo at
pakikipag-usap sa kanila.

3. Magkaroon ng bukas na pag-iisip.

12 | P a h i n a
GABAY ARALIN
AP 10_KWARTER 3
Kasabay ng pag-unlad ng kabihasnan ay ang malawakang pagtanggap
sa mga kababaihan, mga miyembro ng LGBT, mga may kapansanan, at iba pa.
Tinatanggap na sila ng maraming miyembro ng lipunan sa kung ano sila. Alisin
ang mga stereotypes o mga maling pag-aakala sa mga taong ito. Lahat ng tao
ay nilalang ng Panginoon na pantay-pantay sa kaniyang mata. Tandaan na
ang Diyos ay pag-ibig, at kung nais ng isang tao na mamuhay nang naaayon
sa Kaniyang paraan, Kailangan niyang matutong magmahal at maging
makatao, hindi lamang sa mga taong gusto niya, kung ‘ di sa lahat.

GLOSARYO

gender – Ito ay ang personal na pagpili ng isang tao ng kaniyang papel na gagampanan sa lipunan,
babae man o lalaki.

LGBT – Ito ay nangangahulugang lesbian, gay, bisexual, transgender. Ito ay tumutukoy sa pangkat
ng mga tao na nababase sa seksuwalidad at kasarian ang pagkakakilanlan at hindi sa
tradisyonal sa babae o lalaki lamang.

literacy rate – Ito ay ang porsiyento ng mga taong edukado o may antas ng edukasyon sa isang
bansa.

sex – Ito ay tumutukoy sa isang biyolohikal na katangian na taglay ng isang tao simula ng siya ay
ipinanganak.

sexism – Ito ay ang pagkiling ng isang tao papunta sa isang kasarian, babae man o lalaki.

SOGIE – Ito ay nangangahulugang sexual orientation, gender identity and expression.

SANGGUNIAN

Aguilar, Analyn B., Victor P. Estrella, and Patrick John F. Mansujeto. Alab 10: Kontemporaryong Isyu. Quezon
City: The Inteligente Publishing, Inc., 2017.

Aralipunan Writers. 2020. “Ano ang Pinagkaiba ng Sex at Gender?” Accessed November 2, 2020.
https://aralipunan.com/sex-at-gender/ A

SEAN SOGIE Caucus. 2020. “ASEAN SOGIE Caucus.” Accessed November 5, 2020.
https://aseansogiecaucus.org/about/organizations

Behnke, Cammie. 2019. “Redefining Gender Roles in Rwanda.” Accessed November 3, 2020.
https://pulitzercenter.org/projects/redefining-gender-roles-rwanda

Behnke, Cammie. 2019. “Women in Rwanda Redefine Gender Roles through Agribusiness.” Accessed November
3, 2020. https://pulitzercenter.org/reporting/ women-rwanda-redefine-gender-roles-through

Diversity Best Practices. 2011. “LGBTQ Organizations You Need to Know.” Accessed November 5, 2020.
https://www.diversitybestpractices.com/news-articles/22-lgbtorganizations-you-need-know

ESRI. 2015. “Gender Roles Around the World.” Accessed November 2, 2020.
https://www.arcgis.com/apps/MapJournal/index. html?appid=ed1166ccb05a4d84a7bda92f17c02322

Fernandez Campbell, Alexia. 2018. “Why the gender discrimination lawsuit against Nike is so significant.”
Accessed November 3, 2020. https://www.vox. com/2018/8/15/17683484/nike-women-gender-pay-
discrimination-lawsuit

13 | P a h i n a

You might also like