You are on page 1of 23

Usapin ukol sa gender

and sexuality
Ang sekswalidad at kasarian ay mga
pangunahing batayan upang lubusang
maunawaan ang gawi ng isang
indibidwal.
Ano nga ba ba
sekswalidad at
kasarian?
Sekswalidad
(sexuality)
 Ang sekswalidad ay tumutukoy sa biyolohikal na
katangiang nagtatakda ng pagkakaiba ng lalaki sa babae.
 Ang primaryang katangiang pangsekswalidad ay
kinabibilangan ng bahagi ng pisikal na katawan ng tao
na ginagamit para sa reproduksyon habang ang
sekondaryang pangsekswalidad ay tumutukoy naman sa
pisikal na pagkakaiba ng lalaki at babae na hindi
tuwirang nauugnay sa reproduksyon
Kasarian
(gender)
Ang gender o kasarian ay nakabatay sa personalidad at
gawi ng isang indibidwal. Nagkakaibaiba ang kasarian
mulansa isang grupong panlipunan kumpara sa iba.
Ang kasarian ay tuwirang tumutukoy sa 'masculinity' at
'femininity' ng isang indibidwal ang batayn ng katangian
sa kasarian ay sosyal at biyolohikal. Kinapapalooban ito
ng anumang gawi at ugaling itinuturing ng isang grupo na
naaayon sa mga kalalakihan at kababaihan.
Pagtukoy sa Pagkakaiba
Batay sa Kasarian
Ang kaisipang ang mga kababaihan at
kalalakihan ay ganap na magkaiba sa bawat
isa ay naka-ugat na sa ating pang-araw-araw
na pananaw at pamumuhay. Ang terminong
'opposite sex' ay lumilikha ng kaisipang ganap
na magkaiba ang lalaki at babae na kung ano
ang katangian ng mga kalalakihan ay
kabaligtaran naman ng mga kababaihan at
kung ano ang katangian ng kababaihan ay
kabaligtaran naman ng mga kalalakihan.
Dahil sa mga itinatakdang pagkakaiba ng mga
kalalakihan at kababaihan, isang malaking hamon ang
pagkamit ng lipunan ng ganap na kalagayan ng gender
equality o ang ganap na pagkapantay-pantay ng
kasarian sa karapatan at tungkulin sa lahat ng usapin at
aspekto ng pamunmuhay sa lipunan.
Ayon sa mga sociologists, ang pagkakaiba sa gawi ng
mga kalalakihan at kababaihan ay resulta lamang ng
mga panlipunang salik partikular na ang sosyalisasyon
at itinakdang kontrol ng lipunan.
1. Batay sa mga talang antropolohikal, isinasaad na may higit na
pagkakapantay ang sekswalidad sa nakaraan kumpara sa
kasalukuyan. Sa mga sinaunang lipunan, parehong nangangaso
ang lalaki at babae, gumagawa ng kagamitan, at nangangalap
ngpagkain.
2. Ang uri ng trabahong ginagawa ng lalaki at babae sa bawat
lipunan ay nakabatay sa mga pamantayang itinakda ng lipunan at
hindi nang biyolohikal na salik. Iilan lamang ang nakakaalis sa
ganitong kaayusan at halos ay nagtatrabaho batay sa itinakdang
limitasyon ng lipunan. Ang pagkakahati ng kasarian sa mga
trabaho ay itinuturing na pumapabor sa interes ng mga kalalakihan
na karaniwang nakabatay sa tinakdang impormasyon ng kaugalian
at mga umiiral na pormal na batas.
3. Ang biyolohiya ay dahilan ng ilang mga gawi ng
lipunan ngunit ito ay limitado lamang sa mga
usaping may kinalaman sa reproduksyon at
pagkakaiba sa estruktura ng pisikal na katawan
4. Ang karahasan sa mga kababaihan ay may
mataas na bahagdan sa iba't ibang panig ng mundo.
Isa itong indikasyon na ang agresyon na
karaniwang iniuugnay bilang biyolohikal na kilos
ng isang lalaki, sa halip ay isang panlipunang salik.
Sa pangkalahatan, ang mga salik paniipuan
tulad ng sosyalisasyon, diskriminasyon
batay sa kasarian at iba pang anyo ng
kontrol ng lipunan ay lumilikha ng
pagkakaiba sa gawing pangkasarian.
Ang gender equality sa isang
pandaigdigang perspektibo
Mga ekspertong naniniwala na sa mga lipunang nakabatay ang
kabuhayan sa pangangaso at pangangalap, pantay ang
katayuang panlipuan ng mga kababaihan at kalalakihan
gayundin sa mga lipunang agrikultural na mababa ang kaso ng
diskriminasyon batay sa kasarian. Gayunpaman,kung
pagbabatayan ang mga makabagong istadistika ukol sa antas ng
partisipasyon ng mga kababaihan sa politika, mahihinuha na
walang lipunan sa mundo na may kalagayan na ang sektor ng
mga kababaihan ang mayoryang pangkat na kumokontrol sa
pagbuo ng mga desisyon sa lipunan. Nangangahulugan lamang
ito na ang mundo ay nabubuhay sa lipunang
kontrolado ng mga kalalakihan.
Ang kultura ng
lipunang patriarchal
 Ang pangunahing nagtatakda ng hangganan at limitasyon na
karaniwang hindipantay ang kalagayan. Ang usaping ng
oportunidad, pagmamay-ari, kapangyarihan, at impluwensiya
at itinatakda batay sa kasarian Ang isang patriyarkal na
lipunan ay binubuo ng isang istraktura ng kapangyarihan na
pinamunuan ng lalaki sa buong organisadong lipunan at sa
mga indibidwal na relasyon.
 May kaugnayan ang kapangyarihan sa pribilehiyo. Sa isang
sistema kung saan ang mga tao ay may higit na
kapangyarihan kaysa sa mga kababaihan, ang mga tao ay may
ilang antas ng pribilehiyo na hindi karapat-dapat sa mga
babae.
Antas ng gender
discrimination sa mundo
Isa sa mga pangunahing usapin kaugnay ng gender equality ay ang
oportunidad ng mga kababaihan na makakuha ng edukasyon na
kapantay ng mga kalalakihan. Tinatayang usang bilyong katao sa
buong mundo ang hindi nakakabasa at 66 na porsyento dito ay
kababaihan. Ayon sa mga datos batay sa ulat ng United Nations ang
mga bansang Niger, Burkina Faso, Guinea-Bissau, Pakistan, at
Afghanistan ay ang mga bansang may pinakamataas na illiteracy
dahil mas higit nitong pinahahalagahan ang mgakalalakihan kaysa sa
mga kababaihan. Dahil dito ay hindi parin ganap ang pagtamasa ng
maraming kababaihan sa partisipasyon sa pag buo ng mga
pambansang desisyon sa iba't ibang bahagi ng mundo.
ANG KATAYUAN NG PILIPINAS
UKOL SA PANDAIGDIGANG
USAPIN NG GENDER EQUALITY
 Noong 2014, nananatiling pinakamataas ang
antas ng Pilipinas sa usapin ukol sa gender
equality sa rehiyong Asya-Pasipiko kahit pa
bumaba ang antas nito mula ikalima noong
2013 ay naging ika-siyam noong 2014 mula sa
142 na bansang kasama sa pag-aaral na
isinagawa ng World Economic Forum (WEF) sa
kanilang Global Gender Gap 2014 Report.
 Ang Antas ng Gender Equality sa Pilipinas
Kumpara sa Ibang Bansa
 Bilang isa sa sampung pangunahing bansa na may mataas na antas ng
gender equality,Kasama ng Pilipinas sa antas na ito ang mga 'high-income
Nordic countries tulad ng Finland, Norway, Sweden, at Demark. Hindi rin
inaasahang makapasok sa unang Sampung bansa ang "low-income
countries tulad ng Nicaragua at Rwanda. Noong 2013, ikalima ang
Pilipinas sa index na ito sa parehong pag-aaral na isinagawa ng World
Economic Forum na nag-aaral sa agwat sa pagitan ng mga kababaihan at
kalalakihan batay sa apat na pangunahing pamantayan: health and
survival; educational attainment; economic participation; at political
empowerment. Batay sa Global Gender Gap 2014 report, napanatili ng
Pilipinas ang pangunguna nito sa dalawang pamantayan- ang edukasyon
at kalusugan ngunit nasa ika-24 na puwesto sa larangan ng economic
participation. Sa ilalim ng pamantayang political empowerment, nasa ika-
labingpitong puwesto ang Pilipinas.
 Ang Global Gender Gap Index ay naglalayong pag-aralan
kung naisasagawa ng mga bansa ang pantay na distribusyon
ng kanilang mga resources at mga oportunidad sa pagitan ng
mga kababaihan at kalalakihan nang walang kaugnayan sa
kanilang pangkalahatang lebel ng kita ngunit sa
pamamagitan ng pagsukat sa antas ng gender equality batay
sa apat na nabanggit na pamantayan.
 Ayon sa WEF, ang mga Nordic nations ay nananatiling 'most
gender-equal societies sa mundo. Ang apat na nangunang
bansa ay lceland , Finland, Norway, at Sweden ay sinamahan
ng Denmark na nasa ika-walong puwesto noong 2013 ngunit
umakyat sa ika-limang puwesto noong 2014.
 Malaki ang naging pagbabago sa ibang
mga bansa. Ang Nicaragua ay umakyat sa
ika-anim na puwesto, na sinundan ng
Rwanda, Ireland , Pilipinas, at Belgium.
Mula sa ika-23 na puwesto noong 2013,
naging ika-20 na ang Estados Unidos
matapos nitong paliitin ang agwat ng kita at
maparami ang bilang ng mga kababaihan sa
parliyamentaryo at sa ministerial level nito.
Ang Apat na Pamantayan
ng Gender Equality
 Ayon pa sa WEF, sa siyam na taon nitong pagsusukat ng
global gender gap, maliit lamang ang naging
pandaigdigang positibong pagbabago ng pagkapantay-
pantay na pabor sa mga kababaihan pagdating sa
oportunidad at kondisyon sa trabaho.
 Sa kasalukuyan, ang gender equality para sa economic
participation and opportunity ay nasa 60% na mula sa
56% nang magsimula ang pag-aaral ng WEF noong
2006. Batay sa ganitong kalagayan at paggalaw ng mga
numero, inaasahang gugugol pa ng 81 taon ang mundo
bago nito makamit ang ganap na pagkapantay-pantay ng
kasarian.
 Ang educational attainment ang sumunod na may
positibong pagbabago mula sa apat na
pamantayan. Nasa 94% na ang pagkakapantay-
pantay sa larangang ito at may 25 na bansa na ang
ganap na nakamit ang pagkapantay-pantay ukol sa
usapin ng oportunidad para sa edukasyon.
Maituturing na malawak pa rin ang antas ng agwat
ng mga kababaihan at kalalakihan sa pamantayang
political empowerment sapagkat ang gender
equality sa index na ito ay nasa 21% lamang.
Thank
You

You might also like