You are on page 1of 4

ISYU TUNGKOL SA KASARIAN

Isa sa mga isyung kinakaharap ng lipunan at kasarian sa pilipinas ay ang hanggang ngayon
hindi masulusyonan na traffic na patuloy tinatrabaho ng gobyerno at patuloy hinahanapan ng
solusyon, laban kontra sa droga ng pulis at gobyerno sa tulong ng mamamayan at iba pang
pang-ekonomiya at industriya.Isa rin sa isyu ng kasarian sa pilipinas ay ang negatibo at
mababang pagtingin ng mga indibidwal sa pagkakaiba ng kasarian ng iba dahil sa paghusga ng
walang basehan ngunit pinapalawak ng grupo at organisasyon ng lgbt ang karapatan at
kaalaman upang matanggap sila at patuloy na masulusyonan ang problemang ito sa pilipinas.

GENDER ROLES SA IBA’T IBANG LIPUNAN SA MUNDO

Mayroong isang pagkakapareho ang mga gender roles sa iba't-ibang lipunan sa mundo, sa
Africa man o sa Kanlurang Asya. Ano iyon?
Ang mga lalaki ang nangunguna sa pamilya at lipunan. Nagpapasakop naman ang mga
kababaihan. Mapapansin lamang natin na sa ilang bansa na may mas malawak na kalayaan ang
mga babae dahil na din sa modernisasyon, ay nagkakaroon na din sila ng mga pagkilala sa iba't-
ibang larangan. May mga babae na nagkakaroon na ng posisyon na nakatataas kaysa sa mga
lalaki sa isang pamahalaan o sa pribadong mga organisasyon. Ito ay relatibong pamumuno ng
mga babae. Nangangahulugan na siya ay kumikilos ayon sa iniatang na obligasyon sa kaniya ng
lipunan. Nguint sa loob ng tahanan, nananatiling ang isang marunong na kababaihan ay
nagpapasakop sa pangunguna nag kaniyang asawang lalaki.

PAGSISIKAP UPANG LABANAN ANG HINDI PAGKAKAPANTAY-PANTAY

Ang pagkakapantay-pantay ay ang pagkilala at pagtanggap ng kung ano ang nararapat sa isa
ayon sa ikabubuti.Halimbawa, ang gender equality ba ay nangangahulugan na ang lalaki at
babae ay pantay sa ganap na diwa? Ang simbolo ng lalaki ay ang pagiging ulo ng babae at ang
babae ay isang kapupunan ng lalaki. Hindi nangangahulugang ang babae ay isang alipin anupat
siya ay isang dagdag na bahagi lamang sa pamilya o sa lipunan. Ang kapupunan ay
nagpapahiwatig ng ideya na kabahagi. Ang lakas ng babae upang mabuo ang kakayahan ng
isang lalaki. Kaya hanggat ginagampanan ng lalaki ang pagiging ulo at ang pagiging
mapagpasakop ng babae sa lalaki, nagbubunga ito ng mahusay na team.

PAGKAKAPANTAY NG MGA KASARIAN

Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (kilala rin bilang gender equity, gender
egalitarianism, o sekswal na pagkakapantay-pantay) ay ang layunin ng pagkakapantay-pantay
ng mga kasarian o ng mga seks,[1] na nagmumula sa paniniwala sa kawalan ng katarungan na
may iba't ibang anyo ng hindi pagkakapantay-pantay sa kasarian. Ang kilusang naglalayon ng
pagkakapantay-pantay ng kasarian, lalo na sa mga Kanluraning bansa, ay nagsimula sa mga
kilusang suffragette noong huling ika-19 siglo. Nagresulta ito ng pagbabago na may kinalaman
sa karapatan ng mga kababaihan sa pagmamay-ari pagkatapos ikasal. (Tingnan ang halimbawa,
Married Women's Property Act 1882.) Noong 1960s, nabuo ang isang mas pangkalahatang
kilusan para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian batay sa peminismo at sa pagkakaroon ng
kalayaan para sa kababaihan. Gayunman, ang aktwal na mga pagbabago sa mga pananaw ay
patuloy na tumutok sa mga partikular na mga isyu.
LESBIAN

Ang isang lesbiana, lesbiyana o tibo (Ingles: lesbian) ay isang babaeng homoseksuwal.
Nangangahulugan ito na ang isang babae ay sekswal na naaakit sa kapwa mga babae at hindi sa
kalalakihan.[1] Kung minsan ang isang lesbiana ay tinatawag din bilang tomboy, tibo, babaeng
bakla, at binalaki.[2]Maaari ding gamitin ang terminong lesbiyana kapag tinutukoy ang
sekswal na pagkakakilanlan o pagkilos, na walang kinalaman sa oryentasyong pang-sexual.
Maaari din itong gamitin bilang pang-uri na mag-uugnay ng mga salita sa homosexualidad sa
kababaihan o atraksyon sa pagitan ng magkaparehong kasarian.Upang kilalanin ang
pagkakaiba sa mga kababaihang may komon na oryentasyong pang-sexual, ang konsepto ng
“lesbiyana” ay isang ideyang produkto ng ika-dalawampung siglo. Sa takbo ng kasaysayan,
hindi naranasan ng mga kababaihan ang kalayaang magtaguyod ng relasyoing homosexual
katulad ng kalalakihan. Ngunit hindi rin natanggap ng mga kababaihan ang kasing-rahas na
kaparusahan na natanggap ng mga homosexual na lalaki sa ilang mga lipunan.Sa halip, ang
mga lesbiyanang relasyon ay madalas na naituturing na hindi nakapipinsala, at hindi
maikukumpara sa mga heterosexual na relasyon, maliban na lamang kung ang mga nasa
relasyon ay nagtangkang kamtin ang mga pribelehiyong kadalasan ay tinatamasa ng mga
kalalakihan. Dahil dito, kaunting bahagi lamang ng kasaysayan ang naitala upang
makapagbigay ng wastong paglalarawan ng pagpapahayag ng homosekswalidad sa mga
kababaihan.Ipinahihiwatig ng paglalarawan ng mga lesbyana sa midya na ang lipunan ay sabay
na naiintriga at nababahala sa mga kababaihang hinahamon ang pangbabaeng mga tungkulin,
at namamangha at namumuhi sa mga babaeng may romantikong relasyon sa iba pang mga
babae.

TRANSGENDER

Ang transekswalismo ay isang medikal na diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay may
pagkakakilanlang kasarian(gender identity o kasariang sikolohiyal) na kabaliktaran ng
kanilang pisikal na kasarian. Ang isang lalaking transekwal ay nakakaramdam sa kanyang
pagkatao na siya ay isang babae at ang isang babaeng transekwal ay nakakaramdam sa kanyang
pagkatao na siya ay isang lalake. Marami sa mga transekswal na babae, bago magpapalit ng
kanilang kasarian, ay tumuturing sa kanilang mga sarili na "mga babaeng nakakulong sa
katawan ng lalaki". Ang isang medikal na dayagnosis ay maaaring gawin kung ang isang tao ay
nakakaranas ng pagiging balisa na resulta ng isang pagnanais na maging isang miyembro ng
kabilang kasarian, o kung ang isang tao ay nakakaranas ng panghihina o kahirapan bilang isang
resulta ng pagkakakilanlan kanilang kasarian.

ASEXUALITY

Ang aseksuwalidad o walang seksuwalidad ay ang kawalan ng seksuwal na atraksiyon


kaninoman o mababa o kaya naman ay walang interes sa mga kilos seksuwal.[1][2][3] Maaari
rin sabihin na ito ay kawalan ng oryentasyong seksuwal, o isa sa apat na uri nito, kasama ng
heteroseksuwalidad, homoseksuwalidad, at biseksuwalidad.[4][5][6] Ayon sa isang pag-aaral
noong 2004, isang porsyento ng populasyong Briton ang nagsabi ng pag-iral ng
asekswalidad.Ang asekswalidad ay naiiba sa pag-iwas mula sa mga gawaing sekswal at sa pag-
iiwas mula sa kasal o iba pang mga katulad na relasyon, kadalasan ay may dahilang personal o
pangrelihiyon.Ilang taong asekswal ang patuloy na sumasali mga sekswal na gawain kahit na
kulang sila sa kagustuhang makipagtalik o sa sekswal na pagkahumaling, dahil sa
nagkakaibang mga katuwiran tulad ng kagustuhang mapasaya ang mga karelasyon o ang
kagustuhang magkaroon ng mga anak.
PANSEXUALITY

Ang Panseksuwalidad (tinatawag din na omniseksuwalidad) [1] ay isang kilalang termino na


tumutukoy sa pakiramdam na ang isa ay mayroon nang potensiyal para sa sekswal na
atraksiyon, sekswal na pagnanais, o romantikong pag-ibig, patungo sa mga tao ng lahat ng mga
pagkakakilanlan ng kasarian at biyolohikal na kasarian.[2][3] Ang ilang umamin na mga taong
panseksuwal - napupukaw ng kapwa kasarian, lalaki man o babae[4] - ay tinuturing ang
kanilang sarili bilang "bulag sa kasarian"—na ang kasarian at seks ay hindi gaanong mahalaga o
hindi kaugnay sa pagtukoy kung naaakit sila sa iba sa seksuwal na paraan.[5] Ayon sa Oxford
English Dictionary, ang pansexuality ay lumalagos sa lahat ng mga uri ng seksuwalidad; na
hindi nakahangga o napipigilan sa pagpiling seksuwal na may kaugnayan sa kasarian o
gawain." [6] Maari ding maging ibig sabihin ng panseksuwalidad ang pagiging naaakit sa tao
dahil sa kaniyang personalidad, sa halip na sa kanilang pisikal na anyo o kasarian.Ang
konsepto ng panseksuwalidad ay sadyang tumatanggi sa ideya na may dalawa lamang
nakasarian,[7] bilang tanggap ng mga panseksual ang pagkakaroon ng relasyon sa mga taong
hindi istrikto o mahigpit sa pagkilala bilang lalake o babae lamang.[8]

HETEROSEXUALITY

Ang Heteroseksuwalidad (pinagsamang mga salitang hetero at seksuwalidad, na may literal na


kahulugang "tuwid [o tama] ang seksuwalidad") ay ang katayuan ng pagkaakit na romantiko o
seksuwal, o kaya ugaling pangpagtatalik sa pagitan ng dalawang mga kasapi ng magkaibang
kasarian o organong pangkasarian. Bilang isang oryentasyong seksuwal, ang
heterseksuwalidad ay tumutukoy sa "isang nagtatagal na padron ng o katayuan na makaranas
ng pagkabighaning seksuwal, pangdamdamin, pangkatawan, o pangromansa sa mga tao ng
kataliwas o kabaligtad na kasarian"; tumutukoy din ito sa "isang pagkadama ng personal at
panlipunang pagkakakilanlan ng isang tao, mga asal ng pagpapadama ng mga ito, at kasapian
sa isang pamayanan ng iba pang mga tao na gayon din ang pananaw o damdamin".[1][2] Ang
kataga ay pangkaraniwang nilalapat sa mga nilalang na tao, subalit matutunghayan din sa lahat
ng mga mamalya.

MGA BATAS TUNGKOL SA DISKRIMINASYON SA GENDER EQUALITY

 Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women or CEDAW


(United Nations, 1979)
 Danish Act of Succession referendum, 2009
 Equal Pay Act of 1963 (United States)
 Equality Act 2006 (UK)
 Equality Act 2010 (UK)
 European charter for equality of women and men in local life
 Gender Equality Duty in Scotland
 Gender Equity Education Act (Taiwan)
 Lilly Ledbetter Fair Pay Act (United States, 2009)
 List of gender equality lawsuits
 Paycheck Fairness Act (in the US)
 Title IX of the Education Amendments of 1972 (United States)
 Uniform civil code (India)
 Women's Petition to the National Assembly (France, 1789)
NATURAL RIGHTS

Natural rights are rights that believe it is important for all humans and animals to have out of
natural law. These rights are often viewed as inalienable, meaning they can almost never be
taken away. The concept of what are natural rights has varied throughout history.The idea first
came up in ancient times but was discussed most famously by English philosopher John Locke
in the sixteen hundreds. Locke said that the most important natural rights are "Life, Liberty,
and Property". In the United States Declaration of Independence, the natural rights mentioned
are "Life, Liberty, and the Pursuit of Happiness". The idea was also found in the Declaration of
the Rights of Man. It is viewed by Locke, Jefferson, and others that the purpose of government
is to protect peoples' natural rights through a social contract (an implicit agreement among the
members of a society to cooperate for social benefits). There have been many times in history
that natural rights have been breached by both governments and singular people.

STATUTORY RIGHTS

Ang mga ligal na karapatan ng isang indibidwal, na ipinagkaloob sa kanya ng lokal at


pambansang awtoridad na namamahala.

Sa pangkalahatan ito ay inilaan para sa pangangalaga ng mga mamamayan.

Karaniwan silang ipinatutupad ng lokal na pagpapatupad ng batas, at ang kanilang paglabag ay


karaniwang parusahan ng ligal na pag-uusig at parusa.

Halimbawa:

 Pagbabayad at Mga Pakinabang (Employment)


 Employment Insurance.

You might also like