You are on page 1of 13

Katayuan ng Kababaihan at Transgender sa

Iba’t Ibang Bansa at Rehiyon sa Daigdig Batay


Sa Global Gender Gap Report
Ang hindi pantay ng pagtrato sa mga indibidwal batay sa kasarian at gender ay malalim ang
pagkakaugat bilang problema sa karamihan sa mga lipunan at bansa sa daigdig. Simula 1980’s
nagging bahagi na ng akademya bilang interdisiplinaryon pag-aaral ang gender studies at subdisiplina
sa larangan ng sosyolihiya bilang Sociology of Gender. Naging bahagi na rin ng pangangalap ng datos at
pagbabantay ng mga sangay ng United Nations ng pangalap ng datos at pagbabantay ng mga sangay ng
United Nations gaya ng United Nations Development Programme (UNDP) sa pamamagitan ng Human
Development Index (HDI), Millenium Development Goals (MDG) at Sustainable Development Goals
(SDGs) ang ukol sa pag-unlag ng mga bansa sa pagsusulong ng gender equality.
Ang gender gap ay tumutukoy sa anumang malaking agwat ng di pagkapantay (disparity) sa
kondisyon o posisyon ng babae at lalaki sa lipunan.
Sa 2016, napanatili ng Pilipinas ang pampito nitong puwesto noong 2015 sa 144 bansa sa overall global index
sa pagtanggal ng gender gap sa pagitan ng babae at lalaki sa aspekto o erya ng kalusugan, edukasyon, ekonomiya, at
pampolitika.

Global Gender Gap Report ng Philippines Noong 2016


Ayon sa pagsusuri ng World Economic Forum sa mga datos ng Global Gender Gap index ng 2016, kinakailangan
ang 170 taon o hanggang 2196 upang maisara ang economic gender gap o maabot ang pagkakapantay na ekonomiko
(economic parity) sa buong daigdig, kung pagbabatayan ang nangyaring pagbagal ng pag-unlag ng ekonomiya ng mga
bansa sa nakalipas na taon. Kung hindi magiging mabilis ang pagkilos ng mga bansa sa isyu ng gender inequality, ang
daigdig ay nahaharap sa malalang suliranin ng maling paggamit ng talento (misuse of talent), na maaring magpabagal sa
paglago ng ekonomiya at humahadlang sa mga bansa na magkaroon ng oportunidad na umunlad.
Itinuturong sanhi na mabagal na pagsara ng economic gender gap ng buong daigdig ang paglaki ng imbalance
sa suweldo kung saan ang average na kinikita ng mga babae ay kalahati lamang sa lalaki sa kabila ng mas mahabang oras
ng pagtratrabaho ng mga babae. Maging sa mauunlad na bansa, ang karamihan sa mga “highest paying jobs” ay
inookyupahan ng mga lalaki, kung saan 77% lamang ng kinikita ng mga lalaki ang natatanggap ng mga babae sa
parehong trabaho. Sa United States, tinatayang walumpung sentismo (.80 cents) lamang ang natatanggap na kita ng
babae sa bawat dolyar na kinikita ng lalaki sa magkatulad na trabaho at posisyon. Tintayang aabutin pa ng 45 taon bago
maisara sa mauunlad na bansa ang earning/income gap sa pagitan ng babae at lalaki.
Sa taong 2016, nagkaroon ng pagbagsak sa labor force participation ng mga babae na nasa average lamang na
54% kompara sa 81% para sa mga lalaki. Sa kasalukuyan, napakalaki pa rin ng job/occupational disparity na kung saan
dinodominahan ng mga lalaki ang mga trabaho at propsesyon na may kaugnayan sa military, pulisya, at seguridad, batas,
agrikultura, information technology, engineering, siyensiya, teknolohiya, matematika, at arkitektura. Sa karamihan sa mga
bansa sa daigdig, ipinagbabawal pa rin ang pagtanggap ng mga gay at iba pang transgender sa militar at kung nasa loob
na ng organisasyong military ay ipinagbabawal na maihayag ang kanyang gender expression at maging maipaalam ang
kanyang tunay na gender identity.
Noong 2016, nanatiling mababa ang bilang ng mga babaeng nasa senior na position, kung saan tanging apat na
bansa sa daigdig ang may magkapantay na bilang ng mga lalaki at babaeng mambabatas (legislators), senior officials, at
managers.
Sa Pilipinas, sa apat na aspekto ng Global Gender Gap Report ng 2016, sa antas rin ng political empowerment
may pinakamababang score ang Pilipinas. Batay sa kasarian, sa 17th Congress , tanging 6 sa 24 na senador ang babae, na
kapareho rin lamang ang bilang sa 16th Congress. Sa mga kasapi ng House of Representatives, 87 lamang ang mga babae
sa kabuoang bilang na 297. Batay sa gender ratio, tinatayang 7 sa 10 mambabatas sa 17th Congress ay lalaki.
Batay sa datos ng Global Gender Gap Report ng WEF mula 2006 hanggang 2017, walo sa sampung bansang
nasa pinakamababang ranggo ay mga “Muslim-majority nations”. Sa karamihan sa mga bansang ito at sa iba pang mga
bansang Muslim sa daigdig, malaking papel ang ginagampanan ng “Sharia Law” sa pamamahala sa mga personal na
aspekto ng pamumuhay na may kaugnayan sa pamilya, kasal, diborsiyo, pagmamana, at maging sa mga kaasalan at
pagkilos ng mga babae sa loob at labas ng tahanan gaya ng pananamit gaya ng pagsusuot ng burqa. Kabilang sa mga
discrimination at gender inequality sa kababaihan ang pagbabawal ng mailipat ng babae ang kanyang pinagyamanan sa
kanyang anak maliban sa Israel, Iran, Tunisia, at ilang bahagi ng parts sa Egypt, hindi pagturing sa “spousal o marital rape”
bilang krimen o illegal, hindi maaring maidiborisyo ng babae ang kanyang asawa subalit napakadali para sa mga lalaki, at
awtomatikong pagbibigay ng custody rights sa lalaki sa diborsiyo ng mga-asawa gaya ng sa Bahrain. Samantala, sa ilang
bansa gaya ng Lebanon at Egypt at maging sa Israel na dinanteng relihiyon ay Judais, pinapayagan ng batas na
makapagsimula ng diborsiyo ang babae, lubha naming napakahirap ng proseso at masyadong mabigat ang kapalit na
pasanin sa mga babae para makuha ang pagpayag na lalaki.
Sa maraming bansang Muslim sa daigdig, malaking suliranin ang limitasyon sa paglalakbay o mobility ng mga
babae. Sa Saudi Arabia, ang mga babae ay pinagbabawalan na magmaneho ng sasakyan at maging ang pagsakay ng
bisiklet at sila’y maaring ipagmaneho ng kanilang tatay, asawa, at malalapit na kamag-anak na lalaki sapagkat
pinagbabawalan di ang mga lalaking ipagmaneho ang mga babaeng hindi nila malapit na kamag-anak. Samantalang sa
Iraq, Libya, Jordan, Morocco, Oman, at Yemen, ang mga babaeng may-asawa ay kailangan ang nakasulat na pahintulot ng
kanilang asawa para makapaglakbay sa ibang bansa, at sila maaaring pigilan sa paliparan ng maykapangyarihan kung
wala silang maipakitang pahintulot.
Sa ilang bansa sa daigdig, limitado pa rin ang karapatan sa pagmamayari ng lupain ng babae gaya ng umiiral sa
North Sudan, Tanzania, at Lesotho kung saan tanging lalaki lamang ang mgay Karapatan sa pagmamay-ari ayon sa batas.
Sa Afghanistan at Pakistan, bagama’t kinikilala ng batas ang Karapatan ng kababaihan sa edukasyon, nanatili pa rin sa
lipunan ang konserbatibong paniniwala ng relihiyong Islam na ipinipilit na ipatupad ng Islamic Fundamentalist Group na
Taliban, na ang babae ay limitado lamang ang gampanin sa pag-aaruga ng mga anak at gawaing pantahanan.
Sa kasaysayan mula noon hanggang sa kasalukuyan, mas Malala ang nararanasang gender discrimination ng
mga transgender o LGBT kaysa sa mga babae. Sa katunayan, tanging noon lamang 2011 sa kauna-unahang pagkakataon
nagpatibay ng resolusyon ang United Nations ng pagkilala sa LGBT rights. Kung ikokompara sa kababaihan, noon pang
1979 pinagtibay ng United Nations General Assembly ang isang pandaigdig kasunduan at hindi resolusyon na itinuturing
na International Bill of Rights for Women, ang Convention on the Elimination of all Forms of Descrimination Against Women
(CEDAW). Ang napakalalim ng homophobic attitudes kasabay ang kawalan ng sapat na proteksiyong legal laban sa
diskriminasyon batay sa sexual orientation at gender identity, ang naglalantad sa mga LGBT ng diskriminasyon sa
karapatang pantao. Nakaranas ang mga LGBT ng diskriminasyon sa trabaho o paggawa, paaralan, at ospital, at maliong
pagtrato at pagtatakwil ng sariling pamilya.
Thanks For Listening!
BUT WAITTT THERES
MORE!

You might also like