You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
MONTES, TRACY LIANNE MARIE P. PANITIKANG FILIPINO
BA History 2-3 AGOSTO 20, 2022

GAWAIN 1

1. May mga pahayag bang pasalita o kaya’y mga naisulat na akda na nagkaroon ng
malaking impluwensya sa iyong paniniwala, pananampalataya o kaya naman ay
kung paano ka kumikilos o nabubuhay sa ngayon batay sa mga prinsipyong
pinaniniwalaan mo na iyong sinusunod? Isulat ang iyong kwento.

Sa pagkaraan ng mga taon, marami ako nasaksihan ng mga kasabihan o mga pahayag
mula sa mga libro na nababasa ko o mga kasabihan na nagmula sa prominenteng tao. Lahat ng
mga kasabihan/linya ay akin isinasabuhay sa kasalukuyan habang ako ay lumalaban sa kabila ng
mga pagsubok na dumaraan sa aking buhay. Mula sa mga nababasa kong mga aklat, mayroong
tatlong linya o pahayag na aking pinaghahawakan kung saan nagkaroon ito ng malaking
impluwensiya sa aking paniniwala o kung paano ako kumikilos batay sa mga prinsipyong
sinusunod o pinaniniwalaan ko at gayundin sa pag-abot ng aking mga pangarap:

Una, isa sa mga pahayag na aking pinanghahawakan ay ang pahayag na “The wise
admits when they are wrong, but a foolish man always try to justify himself.” Ang ibig
ipaliwanag ng pahayag na ito ay ang mga edukadong tao ay marunong tumanggap ng kanilang
pagkakamali at inaamin sa sarili nila na sila ay nagkakamali dahil alam nilang hindi nila alam
lahat. Samanatalang may mga taong pilit na ipinangangalandakan na sila ay tama kahit na sila ay
mali. Nang mabasa ko ang pahayag na ito, napaisip ako na mayroong mga sitwasyon kung saan
pinipilit ko na ako ay tama kahit ako ay nasa posisyon ng kamalian. Doon ko napagtanto na
niloloko ko, hindi lamang ang mga tao sa paligid ko, kundi pati na rin ang sarili ko sa
pangyayaring ipinipilit ko ang sa tingin ko’y tama ngunit mali.

Sumunod naman ay ang pahayag na “We must instill in our minds that as we thread our
past towards to success, there would always be twists and turns. Yet, we should find the
courage to keep moving forward.” Darating at darating tayo sa punto ng ating buhay kung saan
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
makakatamasa tayo ng paghihirap patungo sa destinasyon ng tagumpay. Ngunit upang tayo ay
umabot sa destinasyong iyon, kailangan nating tandaan na dapat humanap tayo ng motibasyon o
bagay na panghahawakan para tayo ay makapagpatuloy sa paglalakbay. Bilang isang estudyante
at panganay na anak, marami akong pagsubok na aking dinanas at patuloy pa ring haharapin para
makarating ako sa finish line. Palagi ko itong isinasaisip at isinasapuso na kahit anumang
mangyari, hindi ko makakalimutan na kasabay sa pagsasakripisyo natin ang makahanap ng
inspirasyon mula sa mga magulang at sa mga taong malapit sa akin tungkol sa pag-abot ng
tagumpay. Mahirap man ang pinagdadaanan natin dahil sa mga nangyayari ngayon,
kinakailangan nating bumangon at magpursige upang maabot ang aking mga pangarap sa buhay.

At ang panghuling pahayag mula kay Mark Twain na isang tanyag na manunulat “Keep
away from people who try to belittle your ambitions. Small people always to that, but the really
great you can make feel that you, too, can become great.” Hindi natin maiiwasan na may mga
taong gagawa at gagawa pa rin ng paraan upang manipulahin ka at sirain nila ang mga pangarap
mo sa buhay. Mahirap man makibagay o makihalubilo sa mga tao na hindi natin alam ay may
masamang balak sa iyo. Mainam pa rin na makisama at mapaligiran ng mga taong
makakapagpatibay sa inyong relasyon at suportado sa kung ano man ang ginagawa mo tungo sa
magandang kinabukasan kahit magkaiba man ang inyong karanasan sa buhay. Sa loob ng
dalawangpu’t-isa na pag-iral sa mundo, hindi ko kinakailangan ng maraming kaibigan para
lumigaya at magkaroon ng bonding sa kanila, kuntento ako sa tatlo hanggang limang kaibigan na
kahit hindi madalang nag-uusap dahil maraming silang pinagkakaabalahan, nananatiling buo ang
aming pagsasama bilang magkakaibigan. Nakakatuwa rin na sila ang sumusuporta sa akin sa
lahat ng bagay. Kaya naman, sila ay isa sa mga taong naging inspirasyon ko sa pag-abot ng aking
pangarap.

Malaki man ang hamon na ibinigay sa akin, nananatiling buhay ang mga pahayag na ito
na makakapagpabago sa aking paniniwala o pagtingin sa buhay. Dahil sa mga pahayag na
nabanggit, nagkaroon ako ng lakas na loob na ipagpatuloy ang aking paglalakbay patungo sa
magandang kinabukasan.
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
2. Mayroon bang kuwento na maaaring naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno,
kalahi na hindi pa nailathala na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga
kamag-anak o kaya’y kakilala. Ikuwento ito dito bilang bahagi ng Yaman ng
Panitikang Pilipino. (Lagyan ng Pamagat)

Ang Muling Pagkabuhay ng Lupang Sakahan

Sa isang maiinit at tuyong sakahan sa Barrio Castellano, mayroong isang mag-anak na


hirap na hirap ang kanilang pamumuhay. Ang kanyang ama ay hirap sa kanyang pang-araw-araw
na trabaho. Napakalaking pagsubok ang kanilang dinanas dahil hanggang ngayon ay hindi
naging sapat ang kanilang kinikita dahil sa panahon ng tagtuyot kaya ang kanilang pananim na
palay, mga prutas, at gulay at ang mga hayop sa sakahan ay agad na namamatay. Ang nais nilang
kahilingan na sa paglipas ng mga araw ay ang magkaroon ng masaganang ani sa pamamagitan
ng pag-ulan upang hindi sila maghirap at magutom pa. Ang tanging ginagawa lamang nila ay
tinitipid ang kanilang pagkain upang mayroon silang kakainin mamaya.

Isang araw, dumaan ang isang matandang babae na nagmula pa sa kabilang barrio upang
magpahinga sa ilalim ng puno ng Molave galing sa mahabang paglalakad. Agad namang nakita
ng isang anak na lalaki at lumabas ng bahay upang kausapin ang matanda. Tinanong ng anak
kung bakit siya narito. Sagot naman ng matanda ay narito siya sa ilalim ng puno ng Molave
malapit sa kanilang tahanan upang magpahinga. Kasabay nito ang paghahanap ng kanyang
makakain dahil sa sobrang pagod mula sa kanyang mahabang paglalakad ay nakaramdam ng
pagkagutom. Nagtanong ang matanda kung mayroon ba silang pagkain na kahit kaunti lamang
para lang mapawi ang kanyang gutom. Sa kanyang pagtatanong sa bata ay parang
nagmamakaawa pa ito. Malumanay ang pagsagot ng bata na kakaunti lamang ang pagkain para
sa kanyang pamilya. Dagdag pa niya na dahil sa tagtuyot ay hindi sila makapagtanim ng palay,
mais, at iba pang gulay at prutas at mawawalan pa sila ng kita. Kung mayroon mang sobra ay
ibibigay niya kaagad sa matanda.

Ngunit naisipang gumawa nang paraan ang bata upang makakuha ng kaunting pagkain na
ibibigay sa matanda. Pa-simpleng pumasok sa loob ng kubo at kumuha ng tatlong maliliit na
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
kamatis, isang piraso ng saging at isang basong tubig. Dahil ang kanyang ama ay mahimbing na
natutulog sa kanyang kwarto at ang kanyang ina naman at umalis upang pumunta ng bayan, hindi
siya agad mahuhuli. Pagkalabas ng bahay ay inabot lamang ang mga ito sa matanda. Agad
namang nagpasalamat ang matanda dahil sa kabutihan na kanyang ipinakita. Nag-aalala ang bata
na baka mapagalitan siya ng kanyang magulang dahil hindi sila makakakain nang maayos dulot
ng matinding tagtuyot na nakakaapekto sa kanilang pamumuhay.

Ibinahagi naman ng matanda na may isang birheng nagngangalang “Divina Pastora” sa


Lungsod ng Gapan na dinarayo ng maraming tao bilang pasasalamat sa masaganang ani at
nagbibigay ng magandang kapalaran kanilang pamumuhay. Pinaniniwalaan na ang pagsamba sa
nasabing birhen ay nakatutulong upang maibalik ang masaganang agrikultura ng bayang ito.
Napaisip ang bata kung ang pamilya ang pupunta sa lumang simbahan upang magdasal sa imahe
at sa panginoong maykapal ay matutupad ang kanilang kahilingan na ibalik sa dating anyo ang
sakahan.

Inabot ng hapon ang kanilang pag-uusap at lubos na nagpasalamat ang batang lalaki sa
matanda dahil payo nito ay matutupad na ang kanilang matagal na hinihiling. Agad nang umalis
ang matanda mula sa pagkakaupo nito sa ilalim ng puno ng Molave. Pumasok naman ang bata sa
loob ng kanilang tahanan. Pagkagising ng kanyang ama, sinabi ng kanyang anak na sila ay
magsisimba sa araw ng Linggo upang humiling sa birhen. Pumayag naman ang kanyang ama
pupunta sila sa lumang simbahan upang magsimba at magpasalamat sa Inang Birhen na si Divina
Pastora.

Linggo ng hapon pagkatapos magpahinga galing bukid ay gumayak na ang mag-anak at


umalis ng bahay upang magsimba sa bayan. Pagkatapos magsimba ay pumunta naman sa
pasyalan upang sulitin ang natitirang oras bago umuwi. Naging masaya at nananatiling matatag
ang kanilang pagsasama sa kabila ng malaking pagsubok na dinanas nila. Kung hindi dahil sa
kabutihan na ipinakita ng anak ay hindi na nila alam kung paanong lagpasan ang kanilang
pagsubok.
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
Lumipas ang mga araw at dumating na ang panahon ng tag-ulan. Umulan nang malakas
ang buong barrio ng Castellano. Tuwang-tuwa ang mga taga roon na magkakaroon na ng buhay
ang kanilang mga pananim. Ibig sabihin nito ay natupad ng mag-anak ang kanilang matagal na
kahilingan matapos ang mahabang buwan na paghihirap dulot ng matinding tagtuyot,
Nagpasalamat sa diyos ang mag-anak at makakapagsimula na sila ng bagong buhay.

 Ang probinsya ng Nueva Ecija ay may mayamang sakahan, may magagandang


tanawin at makasaysayang pook na matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi nito.
Kaunting kaalaman lang na ang Lungsod ng Gapan ay kilala sa produksyon ng
tsinelas dahil sa ganda at tibay na pagkakagawa nito. Ngunit sa paglipas ng
maraming taon ay kakaunti lamang ang gumagawa ng produktong ito. Dagdag
nito, mayroong isang imahe na naging debosyon ng mga Novo Ecijano na
matatagpuan sa isang pinakamatanda at pinakamalaking simbahan na idineklara
bilang Pambansang Dambana. Ito ay si “La Virgen Divina Pastora” na dinarayo
upang magsimba at magpasalamat sa masaganang ani.

 May iba pang kwento tungkol sa paanong nagsimula ang debosyon ng isang
Imahe na matatagpuan sa Lungsod ng Gapan. Sinasabi na ang kwento ito ay
nagmula sa mga ninuno na ipinasa mula sa iba’t-ibang henerasyon.
Pinaniniwalaan ng mga matatanda na ang imahe ng Divina Pastora ay
natagpuan ng mga magsasaka sa ilalim ng puno ng Callos malapit sa isang
bayan. Kaya ang imaheng iyon ay nagsilbi bilang sentro ng debosyon sa Lungsod
ng Gapan hanggang sa kasalukuyan.
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila

3. Ano ang kahalagahan para sa iyo ang panitikan?

Alam natin na ang panitikan ay kayang magpahayag ng saloobin, mga karanasan, maging
ang mga kultura at tradisyon ng mga katutubo mula sa iba’t-ibang panig ng bansa sa
pamamagitan ng pagsulat ng akda o kaya naman ay pasalita na ipinapahayag. Ngunit anu-ano
nga ba ang kahalagahan ng panitikan sa akin bilang isang mag-aaral ng kasaysayan at maging
isang Pilipino?

Maraming kahalagahan ng panitikan na dapat malaman upang magkaroon ng malawak na


pag-unawa sa paniniwala at tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino:

Unang-una, ang panitikan ay repleksyon sa kultura at kinagisnan ng mga Pilipino.


Mahalaga sa atin ang panitikan dahil sa pamamagitan nito ay binubuo natin ang pambansang
pagkakakilanlan at mas mapayaman pa ang wika at kultura nito tungo sa magandang pag-unlad
ng ating bansa. Kung hindi natin ipagmalaki ang sariling panitikan, maaaring mawalan ito ng
saysay sa kulturang Pilipino at hahayaang maimpluwensiyahan ng ibang kultura dulot ng
modernisasyon.

Pangalawa, ang panitikan ay nagsisilbing hugpungan na magiging gabay sa pagsulat ng


mga akda tungkol sa mga pangyayaring naganap sa ating kasaysayan. Batay sa aking natutunan
mula sa unang aralin sa asignaturang ito, ang panitikan ay tinatawag na “babaeng kapatid ng
kasaysayan” dahil sila ang nag-aayos, nag-oorganisa, at may kakayahang makagawa ng isang
makulay na pagsasalaysay ng samu’t-saring istorya base sa mga tunay na pangyayari sa kanilang
panahon.

At panghuli, masasalamin din ang panitikan sa buhay at karanasan ng mga Pilipino sa


nakaraan gaya ng paraan ng kanilang pamumuhay at maging ang mga kalakasan at kahinaan nito
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
sa kanilang kaisipan, personalidad, at pananaw. Dahil sa kanilang masining na pagsasalaysay at
paglalahad ng kani-kanilang kuwento, pasulat man o pasalin dila, mahahasa ang kanilang
kaisipan, nakakapukaw ito ng atensyon at makakapagbukas ng kamalayan sa mga mambabasa na
kung saan maaari pang mai-ugnay ang panitikan sa reyalidad ng lipunan na umiiral hanggang sa
kasalukuyan, at mapapatibay ang representasyon sa wika, kultura, at identidad ng kanilang
katutubo.

Sa kabuuan, malaki ang naging ambag ang panitikan sa kulturang Pilipino. Nananatiling
buhay hanggang ngayon ang akdang binabasa natin dahil repleksyon ito sa kung anong kulturang
meron ang mga Pilipino na nanggaling pa sa ating mga ninuno. Gamit ang kanilang malikhain na
pag-iisip, patuloy pa ring maibabahagi ang kanilang mga obra gaya ng alamat, tula, mga nobela,
at iba pa. Dahil dito, malalaman natin bilang mga mambabasa kung ano ang gusto nilang
iparating ukol sa kultura at karanasan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

You might also like