You are on page 1of 7

I.

Paksang Aralin: Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta


II. Mga Layunin: Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakatutukoy ng tauhan batay sa pahayag
B. Nakapagbabahagi ng sariling ideya tungkol sa paksa; at
C. Nakaguguhit ng sariling pangarap.

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo


A. Sanggunian
Marasigan, E.V, & Rosario, M.G. (2015). Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.
B. Cartolina, Printed materials
IV. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Pagganyak
Ipikit ang inyong mga mata
Mag-isip ng paboritong numero
Kulayan ito ng paborito ninyong kulay.
Isipin ang paborito ninyong kurso o trabaho.
Pero hindi sang-ayon ang mga magulang mo.
Gusto nilang marinig ang iyong paliwanag kung
bakit iyan ang dapat mong kunin na kurso.
Nakapaghanda ka ng paliwanag at nakumbinsi
mo sila. Araw na ng pagtatapos o graduation.
Habang nasa entablado ka, Nasilayan mo ang
ngiti ng inyong mga magulang sapagkat
nagtagumpay ka. Ano ang gusto mong sabihin
nila sa iyo?
Isa, dalawa, tatlo... buksan ang inyong mata
Gunevier, ano ang naisip mo na sasabihin ng
iyong mga magulang sa iyo?
Congrats anak, proud na proud ako sa iyo.
Magaling! Alam mo ba ang dahilan kung
bakit sumang-ayon sila sa kagustuhan mo?
Opo
Okay, ano sa tingin mo ang dahilan?
Dahil ipinaliwanag ko sa kanila nang mabuti at
nakumbinsi ko sila
Tumpak! Dahil HANDA ka, at NAKUMBINSI
mo sila sa iyong kagustuhan.

B. Paglalahad
Ang ilang tauhan sa kabanatang ating
tatalakayin ngayon ay handa sa kanilang
planong pagtayo ng paaralan. Ito ay
pinamagatang "Sa Ilalim ng Kubyerta"

Bago tayo magpatuloy, atin munang kilalanin


ang mga salitang magkasingkahulugan.
Apyan-opyo
Bokasyon-hilig;tungkulin
Ipikurero-maluho o mapili sa pagkain
Karibal-kaagaw
Matipuno-guwapo
Nahihibang-nawawala sa sarili
Piho-sigurado
Singaw-apoy
Trangkilidad-kapayapaan
Tukayo-kapareha ng pangalan

C. Talakayan
a. Pagbibigay ng tanong pagganyak
Ano ba ang gusto ninyong malaman sa
kabanatang tatalakayin ngayon?
Bakit "sa ilalim ng kubyerta" ang pamagat?
Okay. Sasagutin natin iyan mayamaya.
b. Pag-uulat
Ngayon ay bibigyan ko kayo ng tig-iisang
talata mula sa kabanata 2. Basahing mabuti at
ipaliwanag ang ibig sabihin nito. Pagkatapos ay
ilahad ang inyong reaksyon.
1.
Sa ilalim ng kubyerta. Ang ilang mga
manlakakbay ay nakaupo sa mga bangko o
maliit na silyang kahoy. Dito rin nakalagay ang
mga maleta, baul, basket at tampipi. Mga
dalawang hakbang marahil ang layo ng mga
upuan sa makina. Naghahalo ang singaw ng
mga tao at mabahong amoy ng langis...
napakaingay ng makina at walang tigil ang
pagsitsit ng singaw, salpok ng alon, at silbato ng
bapor. Sa isang sulok, nangakahilerang parang
mga patay ang mga Intsik na mangangalakal.
Nangatutulog ang iba at ang iba nama'y
nangagpipilit makatulog. Nangahihilo sila kaya
maputla. Panay ang tulo ng laway habang
pawisan. Iilan lamang sa mga kabinataan ang
mapagkikilalang mga mag-aaral.
2.
"Ang apyan ay salot sa makabagong panahon,"
ang sabi ni Kapitan Basilio na may pang-uuyam
at pagkamuhing gaya ng senador na Romano.
"Ginagamit ito ng mga tao noong araw, pero
walang nagpakalabis ng paghitit nito. Tandaan
ninyo, mga binata, ang apyan ay mananatiling
medisina lamang habang ang pag-aaral ng
klasiko ay popular. Kung hindi kayo naniniwala
sa akin, sabihin ninyo kung sino ang higit na
humitit ng apyan? Sino? Ang mga Intsik na hindi
marunong kahit isang salitang Latin! A! Kung
napag-aralan lanang ni Kapitan Tiago si Cicero!"
3.
"Balikan natin ang balak na pagtatag ng
akademya para sa pagtuturo ng wikang Kastila,"
tuloy ni Kapitan Basilio. "Tinitiyak ko sa inyo na
iyon ay hindi maisasagawa!"
"Hindi po totoo iyan" sagot ni Isagani "ang
katunayan po ay hinihintay na lang namin ang
pahintulot sa isa sa mga araw na ito. Si Padre
Irene na maaaring makita ninyo sa itaas ang
nangako sa amin. Binigyan pa nga namin siya ng
dalawang kabayong kastanyo. Siya'y
makikipagkita sa Kapitan Heneral." ...
K.B:"Kahit makakuha kayo ng pahintulot, saan
kayo kukuha ng pondo?"
"Mayroon po kami, ginoo. Ang bawat isang
mag-aaral ay mag-aambag ng sikapat!"
"Sino ang mga magiging propesor?"
"Mayroon na rin po kami. Ang kalahati ay mga
Pilipino at ang kalahati ay mga Kastilang mula
sa Espanya!"
"At ang gusali?"
"Ang mariwasa pong si Makaraig ay nag-alok ng
isa sa kanyang mga bahay."
Tinanggap ni Kapitan Basilio ang kanyang
pagkatalo sa usapin. Talagang naihanda na ng
mga kabinataang ito ang lahat ng kailangan.
"Kung sabagay, hindi masama ang panukalang
iyan sa kabuuan kung ang mga kabataan natin
ay hindi matuto ng latin, hayaan natin silang
matuto man lang ng kastila."
4.
"Kumusta ang buhay sa inyong lalawigan?"
Tanong ni Simoun na humarap kay Basilio. ...
"Halina, mga binata. Uminom tayo ng serbesa
para sa ikasusulong ng inyong lalawigan."
Nagpasalamat ang mga binata at nagsabing
hindi sila umiinom ng serbesa. "Masama iyan," (Nagbahagi ang mga mag-aaral)
sagot ni Simoun. "Ang serbesa ay mabuti sa
katawan. Narinig ko kay Padre Camorra na ang
kawalang-sigla sa bayang ito ay ang pag-inom
ng sobrang tubig ng mga mamamayan." Si
Isagani na halos kasintaas ng mag-aalahas ay
bumuntong-hininga at naghandang magsalita
ngunit siniko siya ni Basilio na nagsabing "Kung
ganoon, pakisabi po kay Padre Camorra na
kung uniinom siya ng tubig sa halip ng serbesa
o alak, siguro ay higit tayong mapapabuti at
mababawasan ang sobrang alinlangan."
"Pakisabi rin po sa kanya," dagdag ni Isagani na
hindi pinapansin ang paniniko ng kaibigan, "na
ang tubig ay matamis inumin pero nilulunod
nito ang alak at serbesa, nakapapatay ng apoy
ang tubig na kapag pinainit ay nagiging singaw
at kapag galit ay nagiging baha na minsang
nagwasak sa sangkatauhan at gumimbal sa
buong daigdig."
5.
Ang kanyang [Padre Florentino] talambuhay ay
maikli lamang. Ipinanganak siya sa nakaririwasa
at kinikilalang pamilya sa Maynila. Hindi niya
kailanman nararamdaman ang pagnanasa na
maging pari. Siya ay may pang-akit at may
magandang pagkakataon para gumawa ng
pangalan sa daigdig. Subalit pinilit siyang
pumasok sa seminaryo ng kanyang ina upang
makatupad sa kanyang pangako, matapos ang
maraming pagtatalo at di pagkakaunawaan.
Ang kanyang ina ay matalik na kaibigan ng
arsobispo at naniniwalang ang kanyang
ginagawa ay kalooban ng Diyos. Ang batang
Florentino ay tumanggi at nakiusap pero
walang nangyari. Naging pari siya sa edad na
dalawampu't lima. Ang una niyang misa ay
mabunying ipinagdiwang sa pamamagitan ng
tatlong araw na pagsasaya. Ang kanyang ina ay
maligayang namatay, iniwan ang lahat ng
kayamanan sa kanya.
c.Pagsagot ng tanong pagganyak
Ano nga ulit ang tanong kanina?
Bakit "sa ilalim ng kubyerta" ang pamagat?
May ideya ba kayo kung bakit iyan ang
naging pamagat? Lavinia?
Kasi po nakatuon sila sa mga pangyayari at
usapin sa ilalim ng kubyerta. Mga taong hindi
mayaman ang nakasakay roon
May punto ka rin! Ano pa?
Sa ilalim ng kubyerta pumaroon si Simoun na
siyang pangunahing tauhan
Magaling!
Natunghayan ninyo ang kalagayan ng mga
tao sa itaas ng bapor at ngayon naman, sa ilalim
ng bapor. Ano kaya ang gustong iparating ni
Rizal sa pagkakahati ng mamamayan sa bapor?

Ipinaparating po rito na sa lipunan, mayroon


talagang mayaman at mahirap. Ang mayaman
ay may maginhawang lugar subalit ang
Tama! Pinapakita rito na may agwat ang mahihirap ay masikip.
mayayaman at mahihirap.
Bakit kaya siguradong-sigurado si Kapitan
Basilio na hindi magtatagumpay ang paaralang
itatayo nila?

Marahil ay dahil po sa mga nakataas na hindi


Maaari. Maaari ring dahil hindi kakayanin o sang-ayon sa kanila
walang tiwala ang ibang tao sa kanila.
Paano naghanda ang kanilang magkaibigan
sa pagtayo ng paaralan?

Nakipag-usap na sila para sa bayarin, sa mga


Mahusay! Marami na silang kinausap at guro, at sa bahay na gagawing paaralan.
talagang pinakita nila na pursigido sila sa
pagtatayo ng paaralan.
Kung kayo ay may magandang adhikain
subalit mayroong balakid, ano ang gagawin mo
para malagpasan ito?

Mahusay! Ano pa? Maging matatag po at manalig sa Panginoon.

Alisin po ang sagabal. Kausapin po at


magpaliwanag kung bakit kailangan mong
gawin ang isang bagay lalo na kung para ito sa
Magaling! Ayon nga sa Philippians 4:13, I can ikabubuti ng lahat.
do all things through Christ who strengthens
me.
Napag-usapan nila ang tungkol sa serbesa o
alak. Sa tingin ninyo, anong edad maaaring
uninom ang isang tao?

Tama pero dapat dahan-dahan lang din. Kapag nasa wastong gulang na po.
Kayo ba, nasubukan na ninyong uminom ng
alak?

Naku, ayon nga sa kanta ni Gloc9, "kabilin- Opo


bilinan ng lola
Wag nang uminom ng serbesa
Ito'y hindi inuming pambata
Mag softdrinks ka na lang muna"

May katanungan pa ba?

Paglilinaw? Wala po

Talaga bang naintindihan? Wala po

D. Paglalahat Opo.
Samakatwid, ano ang naging pokus ng
usapan nina Simoun, Basilio at Isagani?

Tungkol po sa tubig na nakapapatay ng apoy,


Okay. Ano ba ang diwa ng tula ni Isagani na at marami pa itong nagagawa.
binigkas ni Basilio

Ang pagtutulungan ng tubig at apoy o Pilipino


ay Kastila ay mabuti para sa makina. Ang
"pangarap" ang naging tugon ni Simoun. Pilipino ay tubig at ang Kastila ang apoy
Bakit kaya?

Kasi wala po ang makina at malabong may pag-


Napakahusay! asa na magkasundo ang Kastila at Pilipino
E. Pagpapahalaga
"Ang mga matatanda ay lagi nang nakaiisip
ng hadlang sa lahat ng mga bagay. Kahit na
anong mungkahi sa kanila ang nakikita nila ay
ang mga hadlang at hindi ang kabutihan. Ibig
nilang ang lahat ng mga bagay ay maging
mabilog at makinis na tulad ng bato ng bilyar" Opo. Noon po gusto ko po na magkaroon ng
Naranasan mo rin ba ang ganitong pangyayari kasintahan subalit ayaw nila dahil
sa kasalukuyang panahon? Paano? makasasagabal lang daw po sa pag-aaral.

Magaling. Dapat kasi inspirasyon at hindi


distraksyon ang relasyon.

F. Pagpapalawak
Ngayon, sa loob ng limang minuto, kayong
magkakapangkat ay gagawa ng slogan. Ang una
at ikalawang pangkat ay tungkol sa pag-inom ng
alak, ang ikatlo hanggang ikalima ay tungkol sa
wika.
Pamantayan:
Kaugnayan - 30%
Kaangkupan-40%
Nilalaman-40%
Kabuuan - 100%
20 pts.

V. Pagtataya
Tukuyin ang mga tauhan batay sa pahayag
Panuto: isulat ang pangalan ng tauhan na nagpahayag ng kaisipan sa bawat bilang. Ipahayag ang inyong
reaksyon sa kanyang tinuran.
Simoun Isagani Basilio Kapitan Basilio
1. Tinitiyak ko saiyo na inyonna hindi maisasagawa ang pagtatag ng akademya para sa pagtuturonng wikang
Kastila
Reaksyon:
2. Kung ang kabataan natin ay hindi matututo ng Latin, ay hayaan nating matuto ng Kastila.
Reaksyon:
3. Ang katunayan po ay hinihintay na namin ang pahintulot sa isa sa mga araw na ito.
Reaksyon:
4. Kumusta ang buhay ninyo sa lalawigan? Balita ko'y napakahirap daw ng mga tao roon. Halos ang pagkukura
roon ay nasa kamay ng mga Paring Indio.
Reaksyon:
5. Aywan ko ba. Napag-iinit ako ng taong iyon. Kinatatakutan ko siya.
Reaksyon:

You might also like