You are on page 1of 10

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

CAGAYAN STATE UNIVERSITY


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

MASUSING BANGHAY- ARALIN


SA
FILIPINO 9

SANAYSAY

Inihanda ni:

ANA MARIE G. TAGAYUN


Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

HAZEL G. SORIANO
Gurong Tagapagsanay
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 9


I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nasusuri ang ideya batay sa sanaysay na napakinggan
B. Nakagagawa ng sariling opinyon batay sa elemento at uri ng sanaysay
C. Nakasusulat at napahahalagahanang sanaysay tungo sa mabisang ugnayan sa kapwa

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Sanaysay
B. Sanggunian: https://www.slideshare.net/jazzygen/sanaysay-ppt
https://www.slideshare.net/AndreaJuliahYamson/sanaysay-69804832

C. Kagamitan: laptop (Powerpoint presentation)

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
PANIMULANG GAWAIN

PANALANGIN

Bago magsimula ang ating talakayan sa araw


na ito hingiin muna natin ang presensya ng
ating Poong Maykapal.

Amen.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

A. PAGGANYAK
“Sa araw na ito ay may
bago tayong paksa ngunit bago magsimula
ay magkakaroon muna tayo ng isang
Pampagising ng katawang lupa.May mga
papel ako na inihanda na may nakasulat
numero at ang mga ito ay may katumbas sa
alpabetong Filipino na kung saan ang A ay 1
hanggang Z na kung saan ito ay 26. Nakuha
ba?”

Opo Ma’am!

19, 1, 14, 1, 25, 19, 1, 25


”SANAYSAY”

16, 15, 18, 13, 1, 12

”PORMAL”

19, 9, 13, 21, 12, 1


”SIMULA”

“Magaling, palakpakan ninyo ang inyong mga


sarili”

B.PAGLALAHAD NG ARALIN

“Batay sa ginawa natin kanina, ano ang


iyong mahihinuha na magiging paksa natin
ngayon?”
“Ang magiging paksa natin ngayon ay
tungkol sa “Sanaysay”
“Ang inyong mga sinagot kanina ay may
kaugnayan sa ating aralin sa umagang ito. ”

“Sa umagang ito ay tatalakayin natin ang


tungkol sa Sanaysay. Ngunit bago ang lahat,
may ideya ba kayo kung ano ang kahulgan ng
sanaysay?
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

C. PAGTALAKAY
Ngayon, magtatawag ako ng mga mag-aaral
na sasagot sa mga katanungan na aking
inihanda o maaari rin gamitin ang raise hand
button kung nais ninyong sumagot.
Opo Ma’am.
1. Batay sa ating pinanood, ano ang ibig
sabihin ng alibughang anak?
Ito ay isang anak na walang pakundangan sa
paglustay ng salapi o anumang yaman.
2. Ano ang katangiang taglay ng ama sa
akdang binasa?
Isang mapagmahal, mabait at mapatawad na
ama.
3. Saan nagtungo ang bunsong anak
pagkatapos ito pamanahan ng kanyang
ama? Ano ang ibinunga ng kanyang
desisyon pagkatapos makuha ang
pamana? Nagpunta siya sa malayong lugar at doon niya
inilustay sa mga walang kabuluhang bagay
ang kanyang mga nakuhang pamana sa halip
na pagyamanin pa ito.

4. Ano ang ibinunga ng kaniyang


pagtatakwil sa magulang.?
Isang matinding kabiguan ma’am.

5. Kung ikaw ang nasa katayuan ng ama,


ganoon din kaya ang iyong gagawin?
Ipaliwanag.
Oo. Sa aking sariling pananaw ay dapat
unawin at tanggapin pa rin ng magulang ang
anak ano man ang kamalian nitong nagawa sa
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

buhay at pagsabihan ito ng walang kasawaan


at may pagmamahal.

(INDIBIDWAL NA GAWAIN)

Panuto: Gamit ang mga tulong na


EMOJI. Ilahad ang iyong naramdaman
sa ipinakita ng alibughang anak sa
kanyang pamilya.

Nalungkot ako dahil…

Napusuan ko ang mga nangyayari


sapagkat…

Masaya ako dahil…

Naawa ako dahil …


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

II. Sumulat ng sarili mong karanasan sa


buhay na may pagkakatulad sa mga
kaganapan sa parabula.

Hal.
Kaganapan sa Parabula: Nilustay ng anak
ang kaniyang minana sa hindi wastong
pamumuhay.

Kaparehas na pangyayari: Binigyan ako ni


papa ng pera para pambili ko ng bago kong
kagamitan sa eskwelahan ngunit ginamit ko
ang pera para bumili ng bagong damit para
makasunod sa uso.

D. PAGLALAHAT

Makatarungan ba ang ginawa ng amang


pagtanggap sa kaniyang anak na muling Oo. Sa aking sariling pananaw ay dapat
nagbalik? Ipaliwanag. unawin at tanggapin pa rin ng magulang ang
anak ano man ang kamalian nitong nagawa sa
buhay at pagsabihan ito ng walang kasawaan
at may pagmamahal.

E. PAGPAPAHALAGA

Bilang isang mag – aaral sa ika – siyam na


baitang, paano mo maipapakita ang
pagmamahal mo sa iyong ama?

Susundin ko po ang kanyang mga utos at


maging responsible sa mga gawaing bahay.

Mahusay!

IV. PAGTATAYA
Panuto: Unawain at sagutin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot.
Ilagay sa sagutang papel.
1. Ilan ang anak sa parabula?
A. isa C. tatlo
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

B. dalawa D. apat

2. Sino ang anak na binansagang “alibugha”?


A. bunso C. pangatlo
B. pangalawa D. panganay

3. Ano ang ginawa ng anak sa nakuhang mana mula sa ama?


A. Nilustay C. Pinuhunan
B. Pinamigay D. Dineposito

4. Ano ang naging buhay ng alibughang anak sa panahon ng taggutom?


A. Nasiraan siya ng bait.
B. Nagkaroon siya ng sakit.
C. Siya ay naglimos at naglakbay sa ibang bayan.
D. Pinapunta siya sa bukid upang mag-alaga ng baboy.

5. Ano ang napagdesisyunan ng bunsong anak nang makaranas siya ng hirap?


A. Mangutang C. Bumalik sa ama
B. Magnegosyo D. Magpakalayo-layo

6. Ano ang reaksiyon ng ama nang makita ang anak pagkatapos ng mahabang panahon?
A. Nagulat at umiyak
B. Nagalit at nadismaya
C. Nahabag ngunit natuwa
D. Nalungkot ngunit nasurpresa

7. Ano ang reaksiyon ng panganay na anak sa pagbabalik ng kapatid?


A. Natuwa
B. Nagalit
C. Nagulat
D. Ninerbiyos

8. Sa anong aklat sa bibliya matatagpuan ang parabula?


A. Exodo C. Genesis
B. Lukas D. Levitico

9. Ano ang ipinahihiwatig ng mga katagang “namatay na ang kapatid mo, ngunit muling
nabuhay; Nawala ngunit muling nasumpungan.”?
A. Nagtago at lumitaw
B. Nagpautang at naningil
C. Nawala ngunit natagpuan
D. Nadisgasya ngunit nakaligtas

10. Ito ay kwentong hango sa bibliya na naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral
A. Alamat C. Parabula
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

B. Pabula D. Maikling Kwento

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Saliksikin at basahin ang “Ang Talinghaga sa May-ari ng Ubusan” (Mateo 20:1-16). At
gawin ang Gawain 4 sa inyong modyul pahina 12. Ilagay ito sa sagutang papel.

You might also like