You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
DIVISION OF CAVITE PROVINCE
BULIHAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
FILIPINO 9
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

I. Panuto: Tukuyin ang pangyayari sa tunay na buhay na may kaugnay sa mga naganap sa
binasang parabula.
1. Lucas 10:31-34 Di naglaon dumaan ang isang saserdoteng Judio at nakita ang lalaki. Hindi
niya tinulungan ang lalaki. Isa pang lalaking Judio na nagtatrabaho sa templo ang naparaan.
Nakita niya ang sugatang lalaki pero hindi rin niya tinulungan ang lalaki at sa kabilang panig
ng kalsada dumaan. Pagkatapos ay dumaan ang isang lalaking Samaritano. Hindi
magkasundo ang mga Judio at Samaritano. Pero nang makita ng Samaritano ang lalaki,
naawa siya rito. Ginamot niya ang mga sugat ng lalaki at dinamitan ito. Alin sa mga
sumusunod na pangyayari sa kasalukuyan ang magpapatunay na ang parabula ay maaaring
mangyari sa tunay na buhay?
A. Pagsasagawa ng vlog ng isang Angkas Driver upang isiwalat ang panloloko ng isang
babae sa kanyang nobyo
B. Pagtanggap at pagkaling ng Pilipinas sa mga refugees na apektado ng digmaan sa
Ukraine
C. Pagtulong ng Silang sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal sa Batangas
D. Pag-aalala ng maraming tao sa kalusugan ng mga sikat na artista katulad ni Ariana
Grande
2. Lucas 15: 4-6 May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan niya
ang siyamnapu’t siyam at hinanap ang nawalang isa. Nang makita ang nawawalang tupa ay
masaya niya itong pinasan saka umuwi. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa
kasalukuyan ang magpapatunay na ang parabula ay maaaring mangyari sa tunay na buhay?
A. Pagkakaroon ng mga rehabilitation center sa bansa upang gamutin at alagaan ang mga
nalulong sa droga at iba pang masamang gawain
B. Paghahanap sa lalaking pumatay sa college student ng DLSU-Dasma upang makamit ng
pamilya ang katarungan
C. Pagsasagawa ng mga guro ng home visitation sa mga mag-aaral upang mahikayat muli
silang pumasok at ipagpatuloy ang pag-aaral
D. Paghahanap ng mga tao sa president sa tuwing may sakuna upang humingi ng
accountability

II. Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga matatalinhagang pahayag batay sa pagkakagamit
sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
3. “Mahirap ibaon sa hukay ang mga pangaral ng mga magulang.” Kung ikaw ang anak na
pinangaralan ng magulang ng mga mabubuting bagay, ano marahil ang ginawa mo sa mga
pangaral na ito.
A. Pinakinggan mo nang maigi ang pangaral ng iyong magulang.
B. Ikaw ay naghukay at binaon ng malalim ang pangaral ng magulang
C. Pinakinggan at hindi mo kinalimutan ang mga pangaral ng magulang.
D. Binalot mo ito sa isang sisidlan upang dalhin sa paaralan at isinabuhay.
4. “Kailangan muna nating magtipid, mataas ang presyo ng mga bilihin. Mahina rin ang kita sa
pagbabyahe ng traysikel. Tila ba isang kahig, isang tuka ang buhay natin ngayon,” sabi ni

Barangay Bulihan, Silang, Cavite


(046) 890-0133
depedcavite.bulihannhs301180@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
DIVISION OF CAVITE PROVINCE
BULIHAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
aling Inday sa kanyang anak na si Rene. Kung ikaw si Rene, ano ang ibig ipakahulugan ng
iyong ina?
A. Titipirin ko ang aking baon at ibibigay ko ito ulit sa aking nanay.
B. Hindi muna ako kakain ng tanghalian at hapunan para makatipid si nanay.
C. Dahil pang-umaga ang pasok ko, magtatrabaho ako sa palengke sa hapon.
D. Oorder ako ng bagong damit sa Shopee, para hindi halata na nagigipit ako.

III. Panuto: Basahin at suriin ang nakasalungguhit na bahagi mula sa elehiyang may
pamagat na Elehiya Para Kay Ram, at tukuyin ang mga elemento na angkop dito.
ELEHIYA PARA KAY RAM
Patrocinio V. Villafuerte
Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
(5) Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na
Nang matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
(6) Silang may tangang kahon ng kendi't sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
(7) Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
5. Anong elemento ng elehiya ang ipinakikita ng taludtod na may Bilang 4?
A. Pahiwatig, dahil nagpapakita ito ng suliraning dapat lutasin ng tauhan.
B. Pahiwatig, dahil ipinakita nito ang isang kultura o tradisyong Pilipino.
C. Simbolo, dahil inihahayag nito ang kahirapan ng tauhan.
D. Pahiwatig, dahil ipinababatid nito ang posibleng suliraning naranasan ng tauhan.
6. Anong elemento ng elehiya ang ipinakikita ng taludtod na may Bilang 5?
A. Tauhan, dahil ipinakikilala ang mga tauhan at bahagyang inilarawan ang tagpuan.
B. Tagpuan, dahil inilarawan ang lugar kung saan naganap ang pangyayari.
C. Tauhan, dahil isa-isang inihayag ang katangian ng bawat tauhan.
D. Tagpuan, dahil masinsing inilantad ang suliraning panlipunan.
7. Anong elemento ng elehiya ang ipinakikita ng taludtod na may Bilang 6?
A. Kaugalian, dahil ipinakita ang matinding pagkilala na may Diyos na nakababatid ng
lahat.
B. Kaugalian, dahil ipinamalas ang pananampalataya sa Diyos ng mga Pilipino.
C. Tradisyon, dahil inilarawan ang kultura ng Kristyanismo.
D. Tradisyon, dahil ipinakita ang matinding pagkilala sa Diyos.

IV. Panuto: Gamitin ang angkop na mga pang-ugnay upang mabuo ang kuwento.

Barangay Bulihan, Silang, Cavite


(046) 890-0133
depedcavite.bulihannhs301180@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
DIVISION OF CAVITE PROVINCE
BULIHAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Nagising ka nang maaga para pumasok sa paaralan. Inutusan ka ng nanay mo na magsaing.
Ngunit padabog kang nagsabi, “Nagmamadali ako, Ma!”
Dali-dali kang lumabas sa inyong tahanan pagkatapos mong maghanda. Pagdating sa
paaralan, nalaman mo na magkakaroon kayo ng camping. Isa sa pinakatampok na paligsahan ay
ang pagsasaing. Dahil ikaw ang itinalagang lider, ikaw ang naging kinatawan ng pangkat.
Dahil sa madalas na pagtanggi sa iyong mga magulang sa pagsasaing ay hindi mo alam ang
tamang proseso. Kaya pag-uwi, agad kang nagpaturo sa iyong ina.
________, ihanda ang malinis na kaldero o rice cooker. ________, hugasan ang bigas at lagyan
ng tubig na naaayon sa dami ng bigas. ________, isalang na ang kaldero o rice cooker at hintaying
kumulo. ________, hinaan ang apoy kapag kumulo na at hintaying main-in. ________, kung wala nang
tubig ay maaari na itong ihain sa hapagkainan.
Kinabukasan, handa ka na para sa paligsahan sa inyong camping. Sinunod mo ang bilin at
prosesong itinuro ng iyong ina.
8. Ano-ano ang mga angkop na pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang kwento?
A. Una, Pangalawa, Sumunod, Pagkatapos, Sa huli
B. Una, Sumunod, Pangalawa, Pagkatapos, Sa huli
C. Una, Pagkatapos, Sa huli, Sumunod, Pangalawa
D. Una, Panglawa, Sumunod, Sa huli, Pagkatapos
Basahin ang kuwentong awit ng “Isang Linggong Pag-ibig” ni KZ Tandingan. Muling ilahad ang
awit gamit ang mga angkop na pang-ugnay upang mailahad nang tama ang pagkakasunod-
sunod ng pangyayari.
Lunes, nang tayo’y magkakilala.
Martes, nang tayo’y muling magkita.
Miyerkules, nagtapat ka ng iyong pag-ibig
Huwebes, Ay inibig din kita
Biyernes, Ay puno ng pagmamahalan, mga puso natin ay sadyang nag-aawitan
Sabado, Tayo’y biglang nagkatampuhan
Linggo, Giliw ako’y iyong iniwan.
9. Ano-ano ang mga angkop na pang-ugnay upang mailahad nang tama ang pagkakasunod-
sunod ng pangyayari mula sa awitin?
A. Noong una, tayo’y nagkakilala. Pagkatapos, tayo’y muling nagkita. Pagkatapos, inibig din
kita.
B. Sa dulo, nagtapat ka ng iyong pag-ibig. Katapus-tapusan, tayo’y biglang
nagkatampuhan. Sumunod, giliw ako’y iyong iniwan na lamang.
C. Dati, ay puna ng pagmamahalan, mga puso natin ay sadyang nag-aawitan. Simula nun,
tayo’y biglang nagkatampuhan. Mula noon, giliw ako’y iyong iniwan.
D. Sa simula, ay puna ng pagmamahalan, mga puso natin ay sadyang nag-aawitan.
Hanggang sa tayo’y biglang nagkatampuhan. Pagkatapos ng lahat, giliw ako’y iyong
iniwan lamang.

V. Panuto: Piliin ang angkop na paliwanag o paraan sa pinagmulan ng mga salita.


10. Ang tuwirang hiram ay isang paraan ng etimolohiya na ang mga salitang banyaga ay
inaangkop ang bigkas at ispeling sa ortograpiyang Filipino. Kagaya ng barco-barko, silla-
silya, repollo-repolyo at marami pang iba. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
3

Barangay Bulihan, Silang, Cavite


(046) 890-0133
depedcavite.bulihannhs301180@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
DIVISION OF CAVITE PROVINCE
BULIHAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
salitang hiram na naging bahagi na ng wikang Filipino ngunit nasa anyo ng tuwirang
hiram?
A. Spaghetti, isang masarap na luto ng pasta mula sa Italya na pinakilala ng mga
Amerikano sa mga Pilipino.
B. Regalo, mula sa mga kastila na kahalintulad sa salita ng mga French “Regal” na ang ibig
sabihin ay magbigay ng saya.
C. Talasalitaan, dahil ito ay nagmula sa salitang tala, na ang ibig sabihin ay ilista at
salitaan na nangangahulan ng salita.
D. Turista, ito ay nangangahulugan ng pamamasyal, paggagala o paglalamyerda na ang ibig
sabihin ay pakalat kalat sa kung saang lansangan.
11. Ang salitang hikaw ay nanggaling sa mga salitang Intsik na hee ibig sabihin ay tainga at
kaw naman na kawit. Samakatuwid ang hikaw ay isang bagay na nakakawit sa tainga ng
isang babae o lalake. Ano ang pinagmulang simulain ng salitang hikaw?
A. Simbolismo ng tunog, dahil ito ay kumakatawan ng tunog ng mga ginto.
B. Pagsasama ng salita, dahil sa hee at kaw na bumuo ng salitang hikaw.
C. Pagsasama ng salita at ganap na hiram, dahil dalawang salita ang pinagsama upang
mabuo ang salitang “hikaw” wala namang nagbago sa salitang salin.
D. Pagsasama ng salita at tuwirang hiram, dahil dalawang salita ang pinagsama upang
mabuo ang salitang “hikaw” at hiram na salita lamang mula sa mga Intsik.
12. Isang paraan din ng pagbuo ng salita ang pagtatambal ng mga salita o pagsasama-sama ng
salita. Ito ay isang proseso ng pagbubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng pagsama-
sama ng dalawa o higit pang salita. Halimbawa, likas-yaman na nagpapahiwatig ng mga
yamang natural o likas sa isang lugar o bansa. Alin sa mga sumusunod na grupo ng salita
ang nagpapakita ng pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng panibagong salita?
A. Familia, silya, portfolio, spaghetti
B. Tapsilog, sagitsit, kalabog, kalembang
C. kolokoy, FB, amakabogera, atiklaham
D. Longsilog, bahaykubo, kapitbahay, balatkayo

VI. Panuto: Suriin ang mga tunggalian sa kuwento batay sa napakinggang pag-uusap ng
mga tauhan.
13. “Lumaban ka kung lalaban. Isa kang duwag!” at sinipa nito si Danilo. “Ako ba talaga ay
hinahamon ninyo?” Dahil sa sakit ng pagkakasipa naisip ni Danilo na ipagtanggol ang sarili.
Nagpambuno sila ng batang sumipa sa kanya. Anong tunggalian ang makikita batay sa pag-
uusap ng mga tauhan sa bahagi ng kuwento?
A. Tao sa tao, dahil sila ay nagkaroon ng pisikal na tunggalian at tunggalian ng ideya
B. Tao sa tao, dahil ipinakita ang tunggalian ng dalawang tauhan
C. Tao sa sarili, dahil nagdalawang-isip si Danilo na gantihan ang kausap
D. Tao sa sarili, dahil nagkaroon ng sagutan ang dalawang tauhan
14. Nang siya ay mahimasmasan napagtanto ni Danilo ang maling nagawa at nakiusap siya,
“Ako’y aalis na. Hinihintay ako ng aking ina. Ayaw niyang ako’y gabihin sa pag-uwi!” Anong
tunggalian ang makikita sa kanyang pahayag?
A. Tao sa sarili, dahil nagpakita ito ng tunggalian ng tauhan dahil sa pag-alala sa bilin ng ina.
B. Tao sa sarili, dahil nagdalawang-isip siyang umuwi dahil sa bilin ng kanyang ina.

Barangay Bulihan, Silang, Cavite


(046) 890-0133
depedcavite.bulihannhs301180@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
DIVISION OF CAVITE PROVINCE
BULIHAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
C. Tao sa tao, dahil naglahad ito ng pakikipag-tunggali ni Danilo sa kagustuhan ng kanyang
ina.
D. Tao sa tao, dahil sa pag-alala ni Danilo sa bilin ng kanyang ina na umuwi nang maaga.

VII. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan batay
sa kanilang mga dayalogo.
15. Napagtanto ni Rajah Makusog na mahal ng kanyang anak na si Daragang Magayon si
Panganoron. Humanga ito sa pagmamahalan ng dalawa. “Binabasbasan ko ang inyong
pagmamahalan. Pinapayagan kong ikasal ang aking anak sa iyo, Panganoron,” sambit
nito. Anong karakter ang ipinakita ni Rajah Makusog sa kanyang sinambit?
A. Pagiging maunawain sa mga desisyon ng anak dahil nag-iisa niya itong dalaga
B. Pagsuporta sa kagustuhan ng anak kahit na salungat ito sa dapat niyang gawin bilang
isang hari
C. Pagpapahalaga sa kagustuhan ng kanyang anak sa pagbibigay dito ng kalayaan na
pumili ng mapapangasawa
D. Pagiging mapagpakumbaba sa anak na babae dahil sa ginawa niyang kasalanan
16. Isang araw, nang pumunta sa bundok si Rajah Makusog upang mangaso, hinarangan siya
ni Pagtuga at dinala sa kanila upang gawing bihag. “Palalayain kita kung ibibigay mo sa
akin si Magayon para maging asawa ko,” sabi ni Pagtuga kay Rajah Makusog. “Ang
kasagutan ay wala sa akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo malalaman ang sagot”,
sabi ni Rajah Makusog. Mula sa ginawa at sinabi ni Pagtuga, anong karakter ang kanyang
ipinakikita?
A. Maunawain sa kagustuhan at desisyon ni Daragang Magayon na hindi siya pakakasalan
B. Mapagmahal kaya handa niyang ipaglaban ang kanyang pagmamahal para kay Magayon
C. May kasakiman dahil hindi niya matanggap na hindi siya ang iniibig ni Magayon
D. Mapagmataas dahil ang inuutusan niya ay isang rajah at ama ng kanyang iniibig

VIII. Panuto: Tukuyin ang mga kulturang Asyano na ipinakikita sa mababasang mga bahagi
ng epiko.
17. At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang Diyos dahil ginamit niya ang
aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng
panaginip.” Anong natatanging kulturang Asyano ang masasalamin mula sa pangyayari?
A. Pagkilala sa Diyos, dahil ang mga Asyano ay kilalang sumasampalataya sa dakilang
Diyos.
B. Pagluluksa, sapagkat ang mga Asyano ay nagdadalamhati tuwing may kabiguan.
C. Paniniwala sa kahulugan ng panaginip, dahil ang mga Asyano ay likas na mapaniwalain
sa mga hula.
D. Pagiging matatag, dahil ang mga Asyano ay kilalang may katatagan sa pagharap sa
problema.
18. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog. May
nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang
kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak.

Barangay Bulihan, Silang, Cavite


(046) 890-0133
depedcavite.bulihannhs301180@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
DIVISION OF CAVITE PROVINCE
BULIHAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Pinangalanan nila ang sanggol na Bidasari. Anong kulturang Asyano ang nahayag mula sa
pangyayari sa epikong Bidasari?
A. Pagiging malituhin sa mga pangyayari sa paligid dahil sabay-sabay ang kaganapan.
B. Pagkakaroon nang mabuting loob na pagtulong lalo’t higit sa sanggol, sapagkat likas sa
mga Asyano ang mabuting pakikitungo.
C. Pagiging masintahin sa mga sanggol ng mga Asyano dahil sa natural na pagtatangi sa
mga bata.
D. Pagtanggap nang ganap sa bata sa kabila ng hindi kilala ang kaniyang pinagmulan.

IX. Panuto: Tukuyin ang katangian ng mga bayani mula sa Kanlurang Asya batay sa mga
sumusunod na pangyayaring kanilang kinabibilangan.
19. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at
gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.
Batay sa pangyayari, anong katangian ni Gilgamesh na itinuturing na bayani sa epiko?
A. Mapagmahal na kaibigan, dahil sa pagkilala sa kaibigan hanggang kabilang buhay.
B. Mapag-aalalang kaibigan, dahil sa pag-alala sa kabila ng pagkawala ng kaibigan.
C. Mapagmalasakit na kabigan, dahil pinagmalasakitan ang kamatayan ng kaibigan.
D. Emosyunal na kaibigan, dahil sa matinding pag-ibig sa kaibigan.
20. Nakipaglaban sina Agyu sa mga Moro at halos naubos ang mga kaaway. Pagkatapos ng
tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan. Hanggang narating nila ang bayang
Tigyandang at dito sila sinalakay. Lumaban ang mga tauhan ni Agyu sa pampangin ng look
ng Linayagon. Nang sila’y naubusan ng tauhan, ang batang anak ni Agyu na si Tanagyaw ay
nagprisintang sasagupa sa mga kaaway. Napatay niyang lahat ang kalaban nang ikaapat na
araw. Narating ni Tanagyaw ang bayang Bablayon. Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang
malaman niyang lulusubin sila ng mga kaaway o mananakop. Nanlaban at napatay ni
Tanagyaw ang mga mananakop. Dahil dito ay ipinakasal ng datu ang kanyang anak kay
Tanagyaw. Mula sa epikong Agyu, anong katangian ang mababanaag sa bayani?
A. Makapangyarihan, sapagkat sa pamamagitan ng kanyang anting ay napatay niya ang
mga kalaban.
B. Malakas, sapagkat sa tikas at kalakasang taglay ay naubos niya ang mga kalaban.
C. Mapanibugho, sapagkat nang dahil sa inggit ay kinalaban niya ang ibang mananakop.
D. May puso sa kanyang kasama, sapagkat dahil sa pagmamahal sa kanyang mga tauhan
ay ipinaglaban niya ang pagkawala ng mga ito.

Inihanda nina:

NIEZEL M. BUSO EFLEDA M. CASTILLO RIA MAE A. GARCIA MARITESS GENEBLAZO-REYES


Guro I, Filipino Guro II, Filipino Guro II, Filipino Guro III, Filipino

Binigyang-pansin nina:

MEHITABEL CANALEJA-PETILLA ANGELINA R. VARGAS


Dalub Guro I, Filipino Ulong Guro IV, Filipino

Barangay Bulihan, Silang, Cavite


(046) 890-0133
depedcavite.bulihannhs301180@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
DIVISION OF CAVITE PROVINCE
BULIHAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Pinagtibay ni:

DR. CRISTINA M. AUSTRIA


Punongguro IV

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


SUSI SA PAGWAWASTO

A B C D
1 0 3 2 1
2 2 0 3 1
3 2 0 3 1
4 2 1 3 0
5 2 1 0 3
6 3 1 2 0
7 3 2 0 1
8 3 2 0 1
9 2 0 1 3
10 1 3 0 2
11 0 1 3 2
12 0 2 1 3
13 3 2 0 1
14 3 2 0 1
15 1 2 3 0
16 0 1 3 2
17 3 0 2 1
18 0 3 2 1
19 3 2 1 0
20 1 2 0 3

Barangay Bulihan, Silang, Cavite


(046) 890-0133
depedcavite.bulihannhs301180@deped.gov.ph

You might also like