You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO

Pang-araw-araw Paaralan Kaila Elementary School Baitang Isa


na Tala sa Pagtuturo Guro Mary Jane R. Garcia Antas Gumamela
Petsa / Oras October 26, 2020 Markahan Ikalawang Markahan
BAITANG 1 – EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)
LUNES / DAY 1
- Napahahayag ang kahalagahan na ang paghingi ng tawad sa magulang ay
I. LAYUNIN
tanda ng pagmamahal at paggalang.
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa
PANGNILALAMA ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may
N paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami
B. PAMANTAYAN SA Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa
PAGGANAP sa lahat ng pagkakataon.
C. MGA
KASANAYAN SA Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
PAGKATUTO EsP1P- IIa-b – 1
(MELCS)
Mahal ko ang Aking Pamilya
II. NILALAMAN Paksang Aralin: Pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa magulang
pamamagitan ng paghingi ng apatawaran kung nagkakamali.
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa MELCs p.62
Gabay ng Guro BOW p. 171
2. Mga pahina sa ESP- learner’s material 53-64
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teksbuk
4. Karagdagang https://lrmds.deped.gov.ph/detail/12940
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Code.
B. Listahan ng mga Tsart, larawan, popwerpoint presentation
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAA
N
Magpakita ng larawan ng isang bata na pinagasabihan ng magulang.

Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:


 Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
 Sa inyong palagay, bakit kaya pinagsabihan ang bata sa larawan?
A. Panimula  Naranasan na din ba ninyo ang mapagsabihan ng inyong magulang?
(Introduction)  Ano ang inyong ginawa kaya kayo ay napagalitan ng nyong
magulang?

Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang kaaanasan.


Ipanuod sa mga mag-aaral ang video tungkol sa “Ang Batang si Monica”
https://youtu.be/RAfmRJYTgYA

Talakayin ang kuwento:


 Ano ang pamagat ng kuwentong ating napanuod?
 Sino ang bata sa kuwento?
 Ano ang mga gawain ni Monica sa kanilang tahanan?
 Ano ang iniutos ng mga magulang ni Monica sa kanya bago sila umalis
papuntang trabaho?
 Ginawa ba ni Monica ang pinag-uutos ng kanyang magulang?
 Ano ang ginawa ng bunsong kapatid ni Monica?
 Nagalit ba siya s akanyang unsong kapatid? Bakit?
 Inamin ba ni Monica ang kanyang nagawang pagkakamali sa kanyang
magulang?
B. Pagpapaunlad  Ano ang ginawa ni Monica ng siya ay pagsabihan ng kanyang mga
(Development) magulang?
 Tama ba ang ginawa ni Monica? Bakit?
 Dapat ba ninyo tularan si Monica? Bakit?
 Ano ang dapaat ninyong gawin kung naakakagawa ng pagkakamali sa
inyong mga magulang?
 Kung ikaw ay nakagawa ng pagkakamali, dapat ba itong ulit ulitin?
 Paano ninyo maipapakita ang pagmamahal at paggalang sa inyong mga
magulang?

TANDAAN:
Ang paghingi ng kapatawaran sa tuwing nakakagawa ng mali ay tanda
ng pagmamahal at paggalang sa iyong mga magulang. Tanggapin ng
buong puso kung ikaw ay napagsasabihan nila, ito ay para din sa iyong
kabutihan.

Gawain 1
Alin sa sumusunod na salita o pangkat ng mga salita nagpapakita ng
paghingi ng paumanhin? Gumuhit ng bituin sa inyong kwaderno at isulat
sa loob nito ang napili mong mga salita

Bahala! Patawad.
C. Pakikipagpalihan Sorry Buti nga sa iyo.
(Engagement) Hindi ko sinasadya Excuse me.
Patawarin mo ako. Wala akong pakialam!
Di ko kasalanan yun! Hindi ko na po uulitin

Gawain 2
Gamit ang colored paper/bondpaper, gumawa ng isang card ng paumanhin
para sa iyong mga magulang. Gamitin ang husay mo sa pagiging malikhain.

Panuto: Bilugan ang numero ng pangungusap na nagpapakita ng tamang


paghingi ng tawad sa magulang at ekisan naman ang mali.

1. Nabasag ni Sam ang paboritong plato ng kanyang nanay. Inamin niya ito at
D. Paglalapat
agad na humingi ng tawad sa kanyang nanay.
(Assimilation)
2. Ang paghingi ng tawad sa tuwing nagkakamali ay pagpapakita ng
pagmamahal sa magulang.
3. Nagdabog si Lito ng siya ay pagsabihan ng kanyang tatay.
4. Ulit ulitin ang nagawang pagkakamali.
5. buong pusong humingi ng kapatawaran sa tuwing nakagagawa ng mali.
V. PAGNINILAY
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO

Pang-araw-araw Paaralan Kaila Elementary School Baitang Isa


na Tala sa Pagtuturo Guro Mary Jane R. Garcia Antas Gumamela
Petsa / Oras Octoer 27, 2020 Markahan Ikalawang Markahan
BAITANG 1 – EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)
MARTES / DAY 2
- Naipaliliwanag na ang pagsasabi ng totoo sa lahat ng pagakataon ay tanda
I. LAYUNIN
ng pagmamahal at paggalang sa magulang
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa
PANGNILALAMA ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may
N paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami
B. PAMANTAYAN SA Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa
PAGGANAP sa lahat ng pagkakataon.
C. MGA
KASANAYAN SA Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
PAGKATUTO EsP1P- IIa-b – 1
(MELCS)
Mahal ko ang Aking Pamilya
II. NILALAMAN Paksang Aralin: Pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa magulang
pamamagitan ng pagsasabi ng totoo sa lahat ng pagakataon
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa MELCs p.62
Gabay ng Guro BOW p. 171
2. Mga pahina sa ESP- learner’s material 53-64
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teksbuk
4. Karagdagang https://lrmds.deped.gov.ph/detail/12940
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Code.
B. Listahan ng mga Tsart, larawan, popwerpoint presentation
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAA
N
A. Panimula Ipaawit sa mga bata ang “Sampung mga Daliri”
(Introduction) https://youtu.be/ulKGlSzElks
Sampung mga daliri kamay at paa
dalawang mata dalawang tainga
ilong na maganda...
Maliliit na ngipin masarap kumain
dilang maliit nagsasabi
huwag kang magsinungaling!

 Anong mga bahagi ng katawan ang nabanggit sa awitin?


 Ano ang gamit ng iyong ngipin?
 Ano ang gamit ng iyong dila?
 Naranasan mo na bang magsinungaling? Bakit?
 Tama ba ang pagsisinungaling? Bakit?

Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot.


Magkaroon ng isang Talk show. Magpapanuod ang guro ng video at sasagutin
ng mga mag-aaral ang bawat tanong na makikita din sa videong panunuorin.
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga tanong na tulad ng isang talk show or
interview.
(Magpapakita muna ng halimbawa ang guro ng isang talk show upang
magkaroon ng idea ang mga mag-aaral tungkol sa activity.)
https://youtu.be/eh0UvDTEU5M

Pagkatapos ng activity itanong ang mga sumusunod:


 Ano ano ang magandang dulot ng pagsasabi ng totoo sa magulang?
 Ano ano ang hindi magandang dulot ng pagsisinungaling sa
B. Pagpapaunlad
magulang?
(Development)
 Bakit mahalaga ang pagsasabi ng totoo sa iyong magulang?
 Dapat ba na palagi magsabi ng totoo sa iyong magulang?
 Paano mo maipapakita ang pagmamahal at paggalang sa iyong mga
magulang?

TANDAAN:
Magsabi ng katotohanan sa iyong magulang sa lahat ng pagkakataon. Ito
ay paraan ng pagpapakita ng iyong pagmamahal at paggalang sa kanila.
Ang pagsasabi ng totoo ay makakatulong din sa atin na umiwas sa
kapahamakan.

Gawain 1
Ngayong alam mo na kung anong kahalagahan ng ng pagsasabi ng totoo, may
pagkakataon ba na hindi ka nagsabi ng totoo sa iyong magulang? Ano ang
gagawin mo upang maituwid ito? Iguhit ang iyong sagot sa loob ng puso.

C. Pakikipagpalihan
(Engagement)

Gawain 2
Gumawa ng usapan tungkol sa sitwasyon.
“Nabasag mo ang biniling plorera ng iyong Ate.
Ano ang sasabihin mo sa kanya?”

Isulat ang T sa patalang, kung tama ang sinasaad ng pangungusap at H, ung


ito ay mali.

D. Paglalapat _____1. Nagsasabi ng totoo kahit na ikaw ay mapagagalitan.


(Assimilation) _____2. Kumukuha ng pera sa pitaka ni nanay kahit na walang paalam.
_____3. Ilalagay sa basurahan ang nabasag na baso upang hindi makita ng
iyong nanay.
_____4. Magpaalam ng tama kung saan pupunta.
_____5. Ang pagsasabi ng totoo ay pagpapakita ng pagmamahal sa magulang.
V. PAGNINILAY
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO

Pang-araw-araw Paaralan Kaila Elementary School Baitang Isa


na Tala sa Pagtuturo Guro Mary Jane R. Garcia Antas Gumamela
Petsa / Oras Octoer 28, 2020 Markahan Ikalawang Markahan
BAITANG 1 – EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)
MIYERULES / DAY 3
- Nagagamit ang mga magagalang na pananalita bilang paraan ng
I. LAYUNIN
pagmamahal at paggalang sa magulang
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa
PANGNILALAMA ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may
N paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami
B. PAMANTAYAN SA Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa
PAGGANAP sa lahat ng pagkakataon.
C. MGA
KASANAYAN SA Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
PAGKATUTO EsP1P- IIa-b – 1
(MELCS)
Mahal ko ang Aking Pamilya
II. NILALAMAN Paksang Aralin: Pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa magulang
pamamagitan ng paggamit ng magagalang na pananalita.
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa MELCs p.62
Gabay ng Guro BOW p. 171
2. Mga pahina sa ESP- learner’s material 53-64
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teksbuk
4. Karagdagang https://lrmds.deped.gov.ph/detail/12940
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Code.
B. Listahan ng mga Tsart, larawan, popwerpoint presentation
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAA
N
A. Panimula Ipaawit sa mga mag-aaral ang “Po at Opo Song”
(Introduction)
https://youtu.be/hNtWrMqzkEo

Itanong sa mga mag-aaral:


 Tungkol saan ang awitin?
 Tuwing kelan gumagamit ng po at opo?
 Ginagamit din ba ninyo ang mga salitang po at opo?
 Bakit ang isang batang katulad mo ay kailangang magsabi ng po at
opo?
 Anu pang mga magagalang na pananalita bukod sa po at opo ang alam
mo?
 Ginagamit mo ba ang mga magagalang na pananalita kapag
kinakausap mo ang iyong mga magulang?
Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Magpakita ng diyalogo sa mga mag-aaral, tungin sila kung ano ang tamang
sasabihin o sisasagot nila sa bawat sitwasyon sa diyalogo.

B. Pagpapaunlad Itanong sa mga mag-aaral:


(Development)  Tuwing kausap mo ang iyong mga magulang gumagamit ka ba ng
magagalang na pananalita? Bakit?
 Ano anong mga magagalang na pananalita ang ginagamit mo sa
pakikipagusap sa iyong mga magulang?
Ipanuod sa mga mag-aaral ang video ng ibat ibang magagalang na pananalita
https://youtu.be/NxcWAzg43ZY?t=72
 Bakit kailangangang gumamit ng mgagalang na pananalita sa tuwing
kausap mo ang iyong mga magulang?
 Paano momaipapakita ang pagmamahal at paggalng sa iyong mga
magulang?
TANDAAN:
Ang paggamit ng magagalang na pananalita sa tuwing kausap ang iyong
mga magulang ay pagpapadama ng paggalang at pagmamahal sa kanila.
Gawain 1
Iguhit ang iyong mukha sa loob ng bilog. Isulat naman sa mga kahon ang mga
agagalang na pananalitang iyong gagamitin sa pakikipag usap mo sa iyong
mga magulang.

C. Pakikipagpalihan
(Engagement)

Panuto: Itiman ang  kung ang pahayag ay gumagamit ng magagalang na


pananalita. Itiman ang  kung hindi.
  1. Binabati ni Kris ng magandang umaga ang kanyang mga
magulang tuwing umaga.
  2. Hindi gumagamit ng po at opo si Abi sa pakikipagusap sa
D. Paglalapat kanyang nanay.
(Assimilation)
  3. Binigyan ng regalo si Gina ng kanyang tatay ngunit hindi siya
nagpasalamat.
  4. “Pakiabot naman po iyong tinapay,” wika ni Sara sa kanyang
nanay
  5. Gustong matuto magluto ni Eba kaya sinabi niya sa kanyang
tatay, “Maaari nyo po ba akong turuang magluto?”
V. PAGNINILAY
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO

Pang-araw-araw Paaralan Kaila Elementary School Baitang Isa


na Tala sa Pagtuturo Guro Mary Jane R. Garcia Antas Gumamela
Petsa / Oras Octoer 29, 2020 Markahan Ikalawang Markahan
BAITANG 1 – EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)
HUWEBES / DAY 4
I. LAYUNIN - Nalalaman ang mga paraan upang ipakita ang pagmamahal sa sariling ina.
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa
PANGNILALAMA ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may
N paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami
B. PAMANTAYAN SA Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa
PAGGANAP sa lahat ng pagkakataon.
C. MGA
KASANAYAN SA Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
PAGKATUTO EsP1P- IIa-b – 1
(MELCS)
Mahal ko ang Aking Pamilya
II. NILALAMAN Paksang Aralin: Pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa magulang
A. Pagpapahalaga at pagmamahal sa aking Ina
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa MELCs p.62
Gabay ng Guro BOW p. 171
2. Mga pahina sa ESP- learner’s material 53-64
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teksbuk
4. Karagdagang https://lrmds.deped.gov.ph/detail/12940
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Code.
B. Listahan ng mga Tsart, larawan, popwerpoint presentation
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAA
N
Magpakita ng mga larawan ng Mother’s Day (Maaring ipakita din ng guro
ang larawan niya at kanyang ina.)

Itanong sa mga mag-aaral:


 Anong okasyon ang ipinapakita sa larawan?
 Nakikiisa din ba kayo sa paggunita ng Mother’s Day?
A. Panimula
 Kailan ginugunita ang Mother’s Day?
(Introduction)
 Ano ano ang mga ginagawa ninyong paghahanda tuwing Mother’s
Day?

Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang karanasan.

B. Pagpapaunlad Iprinig sa mga mag-aaral ang awiting “Iingatan Ka – by Carol Banawa”


https://youtu.be/A2ZqoT4Y3Y4

itanong sa mga mag-aaral:


 Tungkol saan ang awitin?
 Nakakasama ba ninyo ang inyong mga nanay sa inyong tahanan?
 Nakakasama man o hindi, dapat bang ipadama mo ang pagmamahal at
pagpapahalaga sa iyong ina? Bakit?
 Kung kasama mo ang iyong nanay sa loob ng tahanan, paano mo
maipapakita ang iyong pagmamahal sa kanya?
 Kung hindi mo kasama ang iyong nanay sa loob ng tahanan, paano mo
(Development) maipapakita ang iyong pagmamahal sa kanya?
 Tuwing Mother’s Day lamang ba dapat ipakita ang pagmamahal at
pagpapahalaga sa iyong ina? Bakit?

Magpakita ng ibat ibang paraan kung paano maipapakita ang pagmamahal at


pagpapahalaga sa mga Ina ng tahanan.
TANDAAN:
Mahalin at pahalagahan ang iyong ina, nakakasama man o malayo man
siya ay huwag kalimutang iparamdam sa kanya na siya ay mahalaga at
mahal mo.
.
Gumawa ng Thank you Card para sa iyong nanay.
1. Lagyan ng water color o ibang pangkulay ang iyong kamay,
pagkatapos ay bakatin ito sa isang malinis na papel.
2. Gumawa ng bakat ng iyong kamay ayon sa dami na iyong nais. Ito
ang magsisilbing talulot ng iyong bulaklak.
3. Gupitin ang kamay na nakabakat sa malinis na papel. Idikit ito sa
colored pape.
4. Gumupit ng kulay berdeng colored paper na
magsisilbing tangkay ng iyong bulaklak.
C. Pakikipagpalihan 5. Lagyan ng water color o ibang pangkulay ang
(Engagement) iyong paa, pagkatapos ay bakatin ito sa isang
malinis na papel. Gupitin ito at ilagay sa
ibabang parte ng iyong bulaklak. Ito naman
ang magsisilbing vase/plorera ng mga
bulaklak na gawa sa iyong kamay.
6. Sa loob ng vase (paa), isulat aang liham ng
pasasalamat mo sa iyong nanay.
7. Sa bawat daliri ng kamay (bulaklak), isulat
naman ang mga paraan upang maipadama mo
sa iyong ina ang iyong pagmamahal.
8. Ibigay ang card sa iyong ina.
Lagyan ng tsek / ang pangungusap na nagpapakita ng pagmamahal sa isang
ina, ekis X naman kung hindi.
____1. Sinusunod ni Toni ang utos ng kanyang ina ng may kasiyahan.
____2. Iyak ng iyak si Dan dahil hindi siya ibinili ng laruan ng kanyang ina.
D. Paglalapat
____3. Ipinaghahanda ng makakain ni Ben ang kanyang nanay pag-uwi nito
(Assimilation)
galing sa trabaho.
____4. Ginagawa ni Nika ang mga gawaing bahay kahit hindi siya utusan ng
kanyang nanay.
____5. Kumukuha ng pera sa pitaka ng kanyang ina si Lana ng walang
paalam.
V. PAGNINILAY
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO

Pang-araw-araw Paaralan Kaila Elementary School Baitang Isa


na Tala sa Pagtuturo Guro Mary Jane R. Garcia Antas Gumamela
Petsa / Oras Octoer 30, 2020 Markahan Ikalawang Markahan
BAITANG 1 – EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)
BIYERNES / DAY 5
I. LAYUNIN - Nalalaman ang mga paraan upang ipakita ang pagmamahal sa sariling ama.
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa
PANGNILALAMA ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may
N paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami
B. PAMANTAYAN SA Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa
PAGGANAP sa lahat ng pagkakataon.
C. MGA
KASANAYAN SA Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
PAGKATUTO EsP1P- IIa-b – 1
(MELCS)
Mahal ko ang Aking Pamilya
II. NILALAMAN Paksang Aralin: Pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa magulang
E. Pagpapahalaga at pagmamahal sa aking Ina
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
5. Mga pahina sa MELCs p.62
Gabay ng Guro BOW p. 171
6. Mga pahina sa ESP- learner’s material 53-64
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
7. Mga pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teksbuk
8. Karagdagang https://lrmds.deped.gov.ph/detail/12940
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Code.
B. Listahan ng mga Tsart, larawan, popwerpoint presentation
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAA
N
Magpakita ng mga larawan ng Father’s Day (Maaring ipakita din ng guro ang
larawan niya at kanyang ama.)

Itanong sa mga mag-aaral:


 Anong okasyon ang ipinapakita sa larawan?
 Nakikiisa din ba kayo sa paggunita ng Father’s Day?
A. Panimula
 Kailan ginugunita ang Father’s Day?
(Introduction)
 Ano ano ang mga ginagawa ninyong paghahanda tuwing Father’s
Day?

Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang karanasan.

B. Pagpapaunlad Iprinig sa mga mag-aaral ang awiting “AWIT PARA KAY AMA”
https://youtu.be/qHdreJ6XUkc

itanong sa mga mag-aaral:


 Tungkol saan ang awitin?
 Nakakasama ba ninyo ang inyong mga tatay sa inyong tahanan?
 Nakakasama man o hindi, dapat bang ipadama mo ang pagmamahal at
pagpapahalaga sa iyong ina? Bakit?
 Ano-ano ang ginagawa ng iyong tatay para sa iyo?
 Kung kasama mo ang iyong tatay sa loob ng tahanan, paano mo
maipapakita ang iyong pagmamahal sa kanya?
(Development)  Kung hindi mo kasama ang iyong tatay sa loob ng tahanan, paano mo
maipapakita ang iyong pagmamahal sa kanya?
 Tuwing Father’s Day lamang ba dapat ipakita ang pagmamahal at
pagpapahalaga sa iyong ina? Bakit?

Magpakita ng ibat ibang paraan kung paano maipapakita ang pagmamahal at


pagpapahalaga sa mga Ama ng tahanan.
TANDAAN:
Mahalin at pahalagahan ang iyong ama, nakakasama man o malayo man
siya ay huwag kalimutang iparamdam sa kanya na siya ay mahalaga at
mahal mo.
.
Gumawa ng Dad’s Fries para sa iyong ama:
1. Gamit ang isang pulang colored
paper, gumupit ng hugis parisukat. Ito
ang magsisilbing lagayan ng mga
fries.
2. Idikit ang dalawang gilid at ibabang
parte nito sa karton o illustration
board. Siguraduhing hindi nakadikit
ang itaas na parte dahil dito ilalagay
ang fries.\
C. Pakikipagpalihan 3. Isulat sa lagayan ang iyong liham
(Engagement) pasasalamat sa iyong ama at ang
kanyang panagalan.
4. Kumuha naman ng dilaw na colored
paper, gupitin ito ng parihaba. Ito ang
magsisilbing fries.
5. Isulat sa bawat fries na iyong ginawa
ang mga paraan kung paano mo
maipadadama ang pagmamahal sa
iyong tatay.
6. Ibigay ang iyong gawa sa iyong tatay.

Iguhit ang puso , kung ang pangungusap na nagpapakita ng pagmamahal


sa isang ama, at bituin naman kung hindi.

____1. Tinutulungan ni Dan ang kanyang tatay magkumpuni ng sirang mga


D. Paglalapat gamit.
(Assimilation) ____2. Inaayos at nilagagay ni Lito sa tamang laagayan ang gamit ng kanyang
ama
____3. Nagdadabog si Nika sa tuwing inuutusan siya ng kanyang tatay.
____4. Ginagawa lamang ni Mat ang gawaing bahay kung may ibibigay na
kapalit ang kanyang tatay.
____5. Nag-aaral ng mabuti si Lina upang masiyahan ang kanyang tatay sa
matataas niyang marka.
V. PAGNINILAY

You might also like