You are on page 1of 10

DAILY LESSON LOG

LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL


Grade 1- ____________
WEEK 1-November 7, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
(Day 1)
ALAMIN

I.Layunin
1. Naipapakita ang pagmamahal at paggalang sa magulang at iba pang kasapi ng pamilya.
2. Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- Nagmamano o humahalik bilang pagbati


-
Pamantayang sa Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng
pagkilos at pagsasalita ng may paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami

A. Pamantayan sa Pagganap:

Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon.

B. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


Isulat ang code ng bawat kasanayan

EsP1P- IIa-b – 1
Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
II.Nilalaman
Pagpapakita ng Pagmamahal at Paggalang sa Pamilya
Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, EsP, pp. 67
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 6-17
3. Mga pahina sa Teksbuk:
Wastong Pag-uugali sa tamang Panahon, pp. 20
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code

B. Iba pang kagamitang Panturo

III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga natutuhan ninyo sa paaralan?
2. Pagganyak
Paano ninyo binabati ang inyong magulang kung dumarating kayo sa bahay?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
“Mano po, Itay, mano po, Inay,” pagbati ni Mae pagdating niya galing sa paaralan.
“Kaawaan ka ng Diyos. Magpapakabait ka sana,” halos sabay na wika ng kanyang ama at ina.
Pagkaumaga bago siya pumasok sa paaralan ay humahalik naman siya sa kanila habang nagpapaalam.

2. Pagtalakay:
Ano ang ginagawa ni Mae pagdating niya mula sa paaralan?
Ano ang sagot sa kanya ng kanyang mga magulang?
Bago siya umalis ng bahay, ano naman ang ginagawa niya?
Mabuti ba ang kaugaliang ginagawa ni Mae?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa iyong magulang?
Tandaan:
Ang pagmamano o paghalik ay magalang na paraan ng pagbati na dapat nating ugaliin.
4. Paglalapat
Ipakita sa klase ang iba pang paraan ng pagbati sa magulang/nakatatanda.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
A. Dumalaw kayo sa lolo at lola mo sa probinsiya. Sabik na sabik sila na makita kayo. Paano mo sila babatiin upang ipakita na
nasasabik din kayo sa kanila.
B. Nasa handaan kayo. Nakita mo doon ang tita mo. Ano ang gagawin mo?

V. Kasunduan:
Isaulo ang tula.

Humanda sa pagtula sa harap ng klase bukas.


Mga magulang ay batiin.
Sa umaga pagkagising.
Ang pagpapaalam
At paghalik sa kamay

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na


____ang nakakuha ng
___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
DAILY LESSON LOG
LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 8, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
(Day 2)
ISAISIP

I.Layunin
1. Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.
2. Nagsasabi/humihingi ng pahintulot kung aalis ng bahay.
Pamantayang sa Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng
pagkilos at pagsasalita ng may paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami

C. Pamantayan sa Pagganap:

Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon.

D. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


Isulat ang code ng bawat kasanayan

EsP1P- IIa-b – 1
Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
II.Nilalaman
Pagpapakita ng Pagmamahal at Paggalang sa Pamilya
Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, EsP, pp. 67
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 6-17
3. Mga pahina sa Teksbuk:
Wastong Pag-uugali sa tamang Panahon, pp. 20
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code

B. Iba pang kagamitang Panturo

III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ninyo babatiin ang inyong magulang/nakatatanda?
2. Pagganyak
Nagpapaalam ka ba kung may nais kang puntahan? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
“Kring, Kriiing,” ang narinig sa telepono. “Hello, magandang umaga . Sino ito?
Ah, ikaw pala. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?” sagot ni Mark.
“May kaunting salu-salo sa bahay mamayang hapon pagkatapos ng klase. Inaanyayahan kita,” wika ni Ian. “Salamat sa
paanyaya mo.
Hayaan mo’t magpapaalam ako sa inay at itay ko.
Nagpaalam nga si Mark sa kanyang itay at inay. “Mag-iingat ka lamang, Anak. Ihahatid kita at susunduin,” wika ng
kanyang itay.

2. Pagtalakay:
Sino ang tumawag sa telepono?
Ano ang pakay ng tumawag?
Ano raw ang mayroon kina Ian?
Ano ang nagging sagot ni Mark?
Ano ang masasabi mo sa ugali ng dalawang bata?
Ikaw, nagpapaalam ka ba sa tatay at nanay mo bago ka umalis ng bahay?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa iyong magulang?
Tandaan:
Magsabi/humingi ng pahintulot kung aalis ng bahay.
4. Paglalapat
Pangkatang Pagsasadula ng Dayalogo.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Kinukumbida o inaanyayahan ka ng kaklase mo sa kanyang kaarawan. May gawain ka pa sa bahay.
Paano ka magsasabi o hihingi ng pahintulot kung aalis ka ng bahay?

V. Kasunduan:
Isulat ang iyong sagot.
Pinababalik ka ng iyong guro sa paaralan upang tumulong sa paglilinis ng silid-aralan. Paano ka magpapaalam sa iyong
magulang?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na


____ang nakakuha ng
___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
DAILY LESSON LOG
LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 9, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
(Day 3)
IISAGAWA
I.Layunin
1.Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.
2.Gumagamit ng magagalang na pananalita tulad ng “po” at “Opo”

Pamantayang sa Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng
pagkilos at pagsasalita ng may paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami

E. Pamantayan sa Pagganap:

Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon.

F. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


Isulat ang code ng bawat kasanayan

EsP1P- IIa-b – 1
Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
II.Nilalaman
Pagpapakita ng Pagmamahal at Paggalang sa Pamilya
Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, EsP, pp. 67
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 6-17
3. Mga pahina sa Teksbuk:
Wastong Pag-uugali sa tamang Panahon, pp. 20
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code

B. Iba pang kagamitang Panturo

III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo ipakikita ang paggalang sa panauhin na dumadalaw sa inyong silid-aralan?
2. Pagganyak
Paano ka makipag-usap sa matanda sa iyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Isang umaga, nagpunta si Aling Cely sa bahay nina Liza.
“Tuloy po kayo, Aling Cely, “ paanyayang wika ni Liza. “Salamat, Liza. Nariyan ba ang nanay mo?” tanong ni Aling
Cely.
“Opo, naroroon po sa kusina at nagluluto.
Sandali lamang po at tatawagin ko,” ang sabi ni Liza.
“Inay! Inay! May bisita po kayo. Narito po si Aling Cely,” ang sabi ni Liza.
2. Pagtalakay:
Sino ang pinatuloy ni Liza?
Sino ang kailangan niya?
Ano ang ginawa ni Liza?
Anu-anong magagalang na salita ang ginamit ni Liza?
Gayon ka rin ba kapag nakikipag-usap?
Ano ang iyong nadarama?
Ano kaya ang madarama ng iyong kausap?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa nakatatanda sa iyo?
Tandaan:
Gumamit ng magagalang na pananalita tulad ng po at opo bilang paggalang.
4. Paglalapat
Pagbigkas sa Tula.
Ang Po at Opo
Ang bilin sa akin ng ama’t ina ko
Maging magalangin mamumupo ako.
Kapag kinakausap ng matandang tao
Sa lahat ng lugar sa lahat ng dako.

Pag ang kausap ko’y matanda sa akin,


Na dapat igalang at dapat pupuin
Natutuwa ako na bigkas-bigkasin
Ang po at Opo ng buong paggiliw.

IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “ Kumain ka na ba Kevin,” ang tanong ng lolo.
a. hindi pa bakit? b. Opo c. oo, kakain ko lang
2. Sa iyo ba ang payong na ito, Jilliane?
a. Akin yan. b. Oo nga c. Opo, akin yan
3. May kapatid ka ba, Ben?
a. wala b. Meron po. c Bakit mo tinatanong?
4. Ikaw ba ang nagtapon ng basura?
a. Opo b. Hindi c. Ako nga, bakit?
5. Tapos na ba kayong kumopya sa pisara? Tanong ng guro.
a. Hindi pa, Ma’am b. Oo, tapos na c. Opo, Ma’am.
V. Kasunduan:
Isaulo ang tula na “Po at Opo”

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na


____ang nakakuha ng
___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
DAILY LESSON LOG
LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 10, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
(Day 4)
ISAPUSO
I.Layunin
1.Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.
2.Sumasagot nang katamtamang ang boses

Pamantayang sa Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng
pagkilos at pagsasalita ng may paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami

G. Pamantayan sa Pagganap:

Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon.

H. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


Isulat ang code ng bawat kasanayan

EsP1P- IIa-b – 1
Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
II.Nilalaman
Pagpapakita ng Pagmamahal at Paggalang sa Pamilya
Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, EsP, pp. 67
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 6-17
3. Mga pahina sa Teksbuk:
Wastong Pag-uugali sa tamang Panahon, pp. 20
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code

B. Iba pang kagamitang Panturo

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anong magagalang na pananalita ang ginagamit sa pakikipag-usap sa nakatatanda?
2. Pagganyak
Paano kang sumasagot kung may tumatawag sa iyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Nasa kasarapan ang pakikipaglaro ni Jay sa kanyang mga kaibigan. Maya-maya’y…
Jay! Jay! Nasaan ka? Kailangan kita rito,”Tumakbo siyang pauwi. Nakita niya ang kanyang inang abalang-abala.
Sinabi niya,
“Pasensiya na po, Inay, tutulungan ko na po kayo, “ magalang na sabi ni Jay.
2. Pagtalakay:
Ano ang ginagawa ni Jay nang tawagin ng nanay niya?
Bakit siya tinatawag ng nanay?
Ano ang ginawa ni Jay?
Tama ba ang ginawa ni Jay? Bakit?

3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa iyong magulang? Paano ka sasagot sa tawag?
Tandaan:
Sumagot sa katamtamang boses.
4. Paglalapat
Magkunwaring tinatawag sa laruan ang bawat mag-aaral.
Paano kayo sasagot?

IV. Pagtataya:
Kung ikaw si Jay, paano mo ssagutin ang iyong ina? Isagawa
.
V. Kasunduan:
Isaulo ang tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na


____ang nakakuha ng
___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

DAILY LESSON LOG


LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 10, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
(Day 4)
ISABUHAY AT SUBUKIN
I.Layunin
1.Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.
2.Sumasagot nang katamtamang ang boses

Pamantayang sa Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng
pagkilos at pagsasalita ng may paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami

I. Pamantayan sa Pagganap:

Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon.

J. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


Isulat ang code ng bawat kasanayan

EsP1P- IIa-b – 1
Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
II.Nilalaman
Pagpapakita ng Pagmamahal at Paggalang sa Pamilya
Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, EsP, pp. 67
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 6-17
3. Mga pahina sa Teksbuk:
Wastong Pag-uugali sa tamang Panahon, pp. 20
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code

B. Iba pang kagamitang Panturo

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ninyo babatiin ang inyong magulang/nakatatanda?
2. Pagganyak
Nagpapaalam ka ba kung may nais kang puntahan? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
“Kring, Kriiing,” ang narinig sa telepono. “Hello, magandang umaga . Sino ito?
Ah, ikaw pala. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?” sagot ni Mark.
“May kaunting salu-salo sa bahay mamayang hapon pagkatapos ng klase. Inaanyayahan kita,” wika ni Ian. “Salamat sa
paanyaya mo.
Hayaan mo’t magpapaalam ako sa inay at itay ko.
Nagpaalam nga si Mark sa kanyang itay at inay. “Mag-iingat ka lamang, Anak. Ihahatid kita at susunduin,” wika ng
kanyang itay.

2. Pagtalakay:
Sino ang tumawag sa telepono?
Ano ang pakay ng tumawag?
Ano raw ang mayroon kina Ian?
Ano ang nagging sagot ni Mark?
Ano ang masasabi mo sa ugali ng dalawang bata?
Ikaw, nagpapaalam ka ba sa tatay at nanay mo bago ka umalis ng bahay?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa iyong magulang?
Tandaan:
Magsabi/humingi ng pahintulot kung aalis ng bahay.
4. Paglalapat
Pangkatang Pagsasadula ng Dayalogo.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Kinukumbida o inaanyayahan ka ng kaklase mo sa kanyang kaarawan. May gawain ka pa sa bahay.
Paano ka magsasabi o hihingi ng pahintulot kung aalis ka ng bahay?

V. Kasunduan:
Isulat ang iyong sagot.
Pinababalik ka ng iyong guro sa paaralan upang tumulong sa paglilinis ng silid-aralan. Paano ka magpapaalam sa iyong
magulang?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na


____ang nakakuha ng
___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

You might also like