You are on page 1of 15

8

  
    
  
  

Kagawaran ng Edukasyon– Sangay na Palawan


Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Contextualized Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura, Ph. D

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Fe Caridad A. Suhod, Melanie N. Parangue, Mary Ann P.
Mendova, Irene L. Payaoan, Ramon T. Rey
Editor: Irene May B. Ceralbo, Richlene O. Dabandan
Tagasuri: Florita T. Balberan
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Rosalyn C. Gadiano
Allyn G. Gonda, Ph. D
Clemencia G. Paduga
Rutheda M. Bacosa
Wennie L. Lorzano
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education: MIMAROPA- Sangay na Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iii
Edukasyon sa
Pagpapakatao 8 Pasasalamat sa Ginawang
Ikatlong Markahan
Unang Linggo
Kabutihan ng Kapwa
Ikalawang Linggo

MELC: EsP 8 PB III-a 9.1


Natutukoy ang mga biyayang natanggap mula sa kabutihang
loob ng
kapwa at ang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.

EsP 8 PB IIIa-9.2
Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng
pasasalamat o kawalan nito.

EsP 8 PB-IIIb-9.3
Napatutunayang ang pagigging mapasalamat ay ang
pagkilala na
ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng
iyong
pagkatao ay mula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay mula sa
Diyos.

EsP 8 PB-IIIb-9.4
Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pasasalamat

1
Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapasalamat?


A. Si Ana na laging humihingi ng baon sa kuya niya.
B. Sa kabila ng kahirapang dinadanas ni Bert ay araw-araw siyang
nagpapasalamat sa Panginoon sa paggabay sa buong pamilya niya.
C. Si Mel ay nag-aaral ng mabuti para makapagtapos at maabot niya
ang kanyang mga pangarap sa buhay.
D. Sa kabila ng kanyang kapansanan ni Joy, siya ay handang tumulong
sa kanyang kaklase sa pagsagot ng takdang –aralin.

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi mapagpasalamat?


A. Pagpapasalamat sa Panginoon sa mga biyayang ibinigay sa iyo sa
araw - araw na pangangailangan.
B. Pagpapahalaga sa mga magaganda at mabubuting karanasan sa
nakalipas na panahon.
C. Pagsabi ng salamat nang hindi bukal sa loob.
D. Pagbibigay ng sulat-pasasalamat sa mga taong nakagawa ng
kabutihan sa iyo.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng pagpapasalamat?


A. Ang pagpapasalamat ay isang kilos ng tao na nangangailangan ng
pagpapatuloy na gawa upang maging likas sa kanya ang katangian
mapagsalamat sa lahat ng oras.
B. Ang pagpapasalamat ay likas sa ating kultura bilang Pilipino, sa iba’t
ibang panig ng ating bansa ay samu’t samong pagdiriwang ng
pasasalamat ang ipinagdidiriwang upang pasalamatan ang biyayang
binigay ng May Likha.
C. Ang pagpapasalamat ay ating ginagawa kahit sa munting bagay sa
ating buhay, sa pagmulat ng atingmga mata sa umaga tayo ay
nagpapasalamat sa panibagong buhay na ibinigay Niya.
D. Ang pagpapasamalat ay isang paniniwala o pag-iisip ng isang tao na
ito ay karapatan na dapat makamtan.

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan ng pagpapasalamat?


A. Si Weng na gumawa ng isang liham pasasalamat sa mga Frontliners sa
kabila ng banta ng pandemya ay patuloy ng nagbibigay ng serbisyo
sa pamamayang Pilipino.
B. Si Anna na walang ginawa kung hindi batikusin ang mga hakbang ng
pamahalaan gamit ang Facebook.
C. Pagsabi ng pasasalamat ni Jane ngunit hindi bukal sa loob.
D. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapuwa kahit alam mong ginagawa
niya ang dahil sa utos ng trabaho.

2
5. Ang mga sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan
maliban sa isa. Alin sa mga pahayag ang tinutukoy?
A. Pagpapasalamat sa May Likha sa panibagong araw.
B. Pagpapasalamat sa mga pagkaing inihain ng magulang.
C. Paghinto sa pag-aaral upang tumulong sa magulang sa gawain sa
bukid kahit na may pangtustos sila sa pag-aaral.
D. Pagtulong sa magulang sa simpleng gawaing bahay.

Ating Alamin at Tuklasin

PASASALAMAT SA KABUTIHANG-LOOB NG KAPUWA

Mula pagkabata mo ay tinuruan ka ng iyong mga magulang ang pagsasabi


ng “salamat” sa mga taong nakagawa sa iyo ng kabutihan. Halimbawa, sinabihan
ka “ang ganda-ganda naman ng batang ito” o di kaya “ang galing-galing mong
sumasayaw”, agad kang sasabihan ng nanay na “Magpasalamat ka, Anak”.
Napakasarap sa pakiramdam ng taong makarining ng salitang “salamat” lalo na
kung ito ay mula sa puso ng nagpapasalamat.

Ayon sa Modyul ng Edukasyon sa Pagpapakato 8, Ang pagpapasalamat ay


gawi ng isang taong mapagpasalamat, ang pagiging handa sa pagpapamalas ang
pagpapahalaga sa taong gumagawa sa kaniya ng kabutihang-loob. Ito rin ay ang
pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam tungo sa taong gumawa ng
kabutihan. Ang pagpapasalamat sa salitang Ingles ay “gratitude” na nagmula sa
salitang Latin na gratus (nakalulugod), gratia (pagtatangi o kabutihan) at gratis
(libre o walang bayad). Ang pagpapasalamat ay isang kilos o gawi na kailangan ng
patuloy sa pagsasagawa hanggang ito ay maging birtud. At kung ito ay maging
isang birtud, magiging madali para sa iyo ang magkaroon ng pusong
mapagpasalamat.

Sa kultura ng mga Pilipino, mayroon kani-kaniyang pamamaraan ng


pagpapasalamat sa mga pagpapalang natatanggap ng komunidad. Sa mga
Muslim, mayroong silang Kanduli, ang Kanduli ay isang handaan ng pasasalamat.
Kung, saan ito ay paraan nila ng magpapasalamat sa mga kabutihang natatanggap
ng tao. Sa mga Kristiyano naman ay ang pagdiriwang ng iba’t ibang
pagpapasalamat kabilang na ang pagpapasalamat sa masaganang ani ng mga
magsasaka tulad ng Harvest Festival tuwing Feast of Christ the King, Palayan
Festival ng Narra para sa masaganang ani ng Palay, Kaniogan Festival ng Brooke’s
Point para sa masaganang ani ng Niyog, Ito ang iba’t ibang paraan ng mga
mamamayan upang magpasalamat sa masaganang ani ng kanilang mga produkto.
Likas na sa mga tao ang anong paraan nila maipapakita ang pagpapasalamat sa
mga biyayang natatanggap.

3
Ang taong mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang
pusong marunong magpahalaga sa mga biyayang natatanggap mula sa kapuwa.
Isang bahagi ng pagpapasalamat ay ang pagpapakumbaba dahil kinikilala mo na
hindi lahat ng mga magagandang nangyayari sa buhay mo ay dahil lamang sa
sarili mong kakayahan o pagsisikap. Mahalaga na marunong kang
magpakumbaba at kilalanin ang tulong ng ibang tao sa iyong tagumpay sa buhay.

Ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang sa taong


pinagkakautangan ng loob, maaaring ituon ang pasasalamat sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng mabuti sa ibang tao.

MGA ILANG PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PASASALAMAT

1. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat.


Maari itong gawin sa paraan ng repleksiyon sa bawat araw. Bawat araw,
sa iyong pagmulat at bago sa pagtulog ay maari mong pagnilayan ang mga taong
nakagawa ng mabuti at mapagpasalamatan.
2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan o
higit na nangangailangan ng iyong pasasalamat.
Maari kahit simpleng sulat ngunit nagpaparamdam ng malalim ng
pasasalamat. Halimbawa sa iyong kaibigan, pagtext ng pasasalamat, pagpost sa
facebook ng pasasalamat.
3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.
Mahalaga na maipadama mo sa kanila ang lubos na pasasalamat sa
pamamagitan ng simpleng yakap o tapik sa balikat. Halimbawa, ang pagyakap
sa magulang sa pasusuporta sa iyong mga aralin araw-araw.
4. Magpasalamat sa bawat araw.
Sa bawat araw ng iyong pag gising, mahalagang alisin sa isipan ang mga
negatibong kaisipan sa halip ay isaisip ang kagandahan at layunin ng buhay.
5.Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong
pakiramdam.
Sa iyong mga naririnig o nababasang mga quotations ay nakakatulong sa
pagbabago sa iyong papanaw at nagpapagaan sa iyong pakiramdam.
6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit.
Kung taglay mo ang birtud ng pasasalamat, nagagawa mong maging ang
mga simpleng gawain na ikatutuwa ng iyong kapuwa. Katulad ng simpleng
pagbuhat ng mabigat na dala ng iyong kapitbahay, pagpapanatili ng kalinisan sa
iyong bakuran.
7. Magbigay ng munti o simpleng regalo.
Ang simpleng regalo ngunit nagpapakita ng pag-alaala sa taong gumawa
sa iyo ng kabutihan na tunay nagbibigay ng kasiyahan.

May mga pangyayari sa iyong buhay na nakakaranas kang gawan ng


kabutihan ng iyong kapwa. Maraming pamamaraan ng pagpapakita ng
pasasalamat sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa iyo lalo na sa oras ng
pangangailangan.

Kung ang pasasalamat ay isang espesyal na birtud dahil nagagampanan mo


ang iyong moral na obligasyon, ang kawalan ng pasasalamat (ingratitude) naman
ay isang masamang ugali na nakapagpapababa sa pagkatao. Mayroon itong
tatlong antas:

1. Ang hindi pagbalik ng kabutihang-loob sa kapuwa sa abot ng makakaya.


2. Ang pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapuwa
3. Ang hindi pagkilala o pagkamalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapuwa.
4
Ang pagkalimot ay nagpapakita ng patunay ng hindi pagpapahalaga sa
taong nagsakripisyo upang sa simpleng paraan na inialay niya ay maging maganda
ang iyong buhay.

Ang kabaligtaran ng mapagpasalamat ay masasalamin sa entitlement


mentality. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao
ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin. Iniisp niya na kailangang
ibigay ang kanyang karapatan kahit walang katumbas na tungkulin o gampanin.
Isang halimbawa nito ay ang hindi pagpapapasalamat ng mga anak sa kanilang
mga magulang sa kabila ng sakripisyo nila para mabigyan ang mga anak ng
magandang kinabukasan. Kinakatuwiran nila sa sila naman ay mga anak na
nararapat ng edukasyon. Mahalagang maunawaan ng mga anak na may
karapatan silang makapag-aral ngunit kailangan nilang mag-aral ng mabuti bilang
pasasalamat o pagtanaw na utang-na-loob nila sa kanilang magulang.

Hinango mula sa: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral pg. 239-245

Tayo’y Magsanay

GAWAIN 1: TUMULA TAYO!

Panuto: Basahin ang tula ng Pasasalamat at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

PASASALAMAT
ni: Melanie N. Parangue

I
Pag-ibig mo oh Diyos hindi nagmamaliw
Sa bawat araw, kami iniingatan mo
Binibigyan ng biyaya at mga pagpapala
Kaya naman lahat ng bagay sayo’y ipinagkakatiwala

II
Hindi binibigo sa lahat ng samo
Maging sa pag-aaral kami ay ginagabayan mo
Nilikhang matalino at sa kapwa’y may respeto
‘Pagkat ang puso mo oh Diyos walang sinisino

III
Maraming bagay pa ang dapat sayo’y ipasalamat
Maging ang salitang ito ay di pa sapat
Ngunit alam naming ginagawa mo ang nararapat
Upang kami’y mamuhay ng masaya at tapat.

5
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang mensaheng nais iparating ng tula?


2. Ayon sa tula, ano-ano ang mga dapat nating ipagpasalamat sa Diyos?

3. Bakit kailangan nating magpasalamat sa ating kapwa kung may ginawa


silang kabutihan sa atin?

GAWAIN 2: SURI-TEXT
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Basahin ang iba’t ibang sitwasyon at
tukuyin ang biyayang natanggap. Pagkatapos ay isulat ang paraan ng pagpapakita
ng pasasalamat. Gawing gabay ang halimbawa sa unang bilang.

1.
Sitwasyon Binigyan ka ng sapatos ng isang pastor na
nagbigay ng pagkaing pang-ispiritwal sa
inyong paaralan dahil nakita ka niyang walang
suot na sapatos pang-aral.
Biyayang natanggap Binigyan ng sapatos pang-aral.
Paraan ng papasalamat Bibigyan ko siya ng isang liham ng
pasasalamat at gagawan ko rin siya ng
kabutihan sa ibang pagkakataon.

2.
Sitwasyon Araw ng iyong kaarawan ay sumalubong sayo
ang isang panibagong araw sa iyong paggising,
nakalanghap ka ng sariwang hangin at
maaliwalas na umaga.
Biyayang natanggap
Paraan ng
pagpapasalamat

3.
Sitwasyon Dahil sa pandemya, modular ang ginagamit sa
pag-aaral sa bahay kaya tinulungan ka ng iyong
nakatatandang kapatid sa pagsagot sa iyong
module sa Edukasyon sa Pagpapakatao.
Biyayang natanggap
Paraan ng papasalamat

4.
Sitwasyon Nalaman mong ipinagpaliban ni Titser ang
kanyang recess upang ibigay sa iyo ang pera
pambili ng ulam mo sa tanghalian upang hindi
mo kailangan umuwi sa inyo dahil sa layo ng
inyong bahay na naging dahilan ng iyong
pagliban tuwing hapon.
Biyayang natanggap
Paraan ng papasalamat

6
5.
Sitwasyon Nabasa mo sa isang Facebook post ang pagbigay
ng tulong ng isang pulis sa isang padyak drayber
sa gitna ng pandemya.
Biyayang natanggap
Paraan ng
papasalamat

Pagsusuri ng mga sagot sa Gawain.

1. Nahirapan ka ba sa pagsagot? Bakit?


2. Ano ang pagpapasalamat ayon sa iyong pagsusuri?
3. Ano-ano ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat?
4. Bakit mahalaga ang magpasalamat?
5. Ano ang nagagawa nito sa atin at sa ating kapuwa?
Hinango mula sa: Edukasyon sa Pagpapakatao Gr 8 Modyul para sa Mag-aaral pg. 232-233

Ang pagsasabi ng pasasalamat ay


maraming benepisyong nagagawa sa tao.
Nararapat lamang na ito ay isabuhay para
na rin sa pamamagitan ng magandang
pakikipag-ugnayan sa kapwa.

7
Ating Pagyamanin
GAWAIN 3:
Panuto: Sumulat ng pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa sa
pamamagitan ng sumusunod na gawain. Pumili lamang ng isa.

I. Tula
II. Liriko ng Awit
III. Dayalogo
IV. Iskrip ng Dula-Dulaan

Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor


20 Napakahusay ng pagkakasulat at naaayon sa paksa

18 Mahusay ang pagkakasulat at naaayon sa paksa

15 Nakasulat ngunit may ilang bahaging nalalayo sa paksa

13 Nangangailangan ng pag-unlad

10 Nakapagsulat ngunit hindi natapos

GAWAIN 4: NASA ISIP MO, ISULAT MO!

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa iyong sagutang papel hinggil sa mga paraan ng


pagpapakita ng pasasalamat.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________

8
Ang Aking Natutuhan

GAWAIN 5: LAGUMIN MO!

Panuto: Dugtungan ang pahayag sa bawat kahon upang maipahayag ang iyong
natutuhan, natuklasan at paano magagamit ang iyong natutuhan sa aralin na ito.

Natutuhan ko sa Natuklasan ko na Magagamit ko


modyul na ito ay_______ _______________________ ito sa
_______________________ _______________________ ____________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
__________________________ _______________________ _______________________
__________________________ __________________________ _______________________
__________________________ __________________________ _______________________
__________________________ __________________________ _______________________
__________________________ _________________________ _______________________
_______________________

B. Paglalahad ng Pasasalamat

Panuto: Dugtungan ang pangungusap sa ibaba upang maipahayag ang iyong


pasasalamat sa mga taong nagpakita sa iyo ng kabutihan.

Pinasasalamatan ko si_______________________________________na
aking________________________dahil____________________________________________
_______________________________________ at bilang ganti siya ay aking
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

9
Ating Tayahin
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Alin ang tanda ng taong may pasasalamat?


A. Si Ana ay laging nagpapakita ng kabaitan kahit inaaway na siya ng
kanyang kaibigan.
B. Si Ben ay buong pusong nagpasalamat sa mga bagay na ibinibigay sa
kanya ng kanyang nanay.
C. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nagrereklamo si Ann kahit pagod
na pagod na siya.
D. Laging nagpapasalamat si Luke sa mga taong tumutulong sa kanya
kahit hindi bukal sa kanyang kalooban.

_____2. Bakit kailangan magpasalamat lagi sa taong nagbibigay o


nagpapakita ng kabutihan sa iyo?
A. Dahil tanda ito ng kabutihan ng puso at pagiging masunurin.
B. Dahil sa tanda ito ng malasakit sa kapwa
C. Sapagkat nakapagdudulot ito ng kasiyahan sa kapwa
D. Sapagkat tanda ito ng maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

_____3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga paraan ng pagpapakita


ng pasasalamat?
A. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat.
B. Magpasalamat sa bawat araw
C. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.
D. Pagmamano at paghalik sa mga magulang.

_____4. “Ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa magandang ginawa nila


sa iyo.” Anong paraan ng pagpapakita ng pasasalamat ang tinutukoy
nito?
A. Magpasalamat sa bawat araw
B. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat
C. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.
D. Wala sa nabanggit

_____5. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?


A. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha
ang sapat na serbisyo.
B. Ang hindi pagbibigay na pasasalamat ng mga anak sa kanilang
magulang.
C. Ang pagiging abusado sa kapuwa sa paghingi ng tulong.
D. Ang kawalan ng utang-na-loob sa taong tumutulong.

10
11
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
1. Matutong magpasalamat sa Diyos sa lahat
Subukin ng biyayang natatanggap. (Tanggapin
Natin
ang iba pang sagot na may kaugnayan sa
1. B
tanong)
2. C
3. D 2. Ang pag-iingat nya sa atin,pagbibigay ng
4. A biyaya,paggabay sa pag-aaral,pagiging
5. C matalino at iba pa. (Tanggapin ang iba
pang sagot na may kaugnayan sa tanong)
3. Dahil ito’y tanda ng mabuting
pakikipagkapwa. (Tanggapin lahat ng
sagot na may kaugnayan sa tanong.)
Gawain 2
Malaya ang guro sa pagwawasto ng sagot ng
mag-aaral.
Ating Pagyamanin
Gawain 3
Ating Tayahin
Iwawasto ng guro
Gawain 6
ang sagot ng mag- Aking Natutuhan
aaral sa 1. B
pamamagitan ng Gawain 5
2. D
rubrik. Malaya ang guro
sa pagwawasto sa 3. D
Gawain 4
sagot ng mag-
4. C
Malaya ang guro aaral.
sa pagwawasto sa 5. B
sagot ng mag-
aaral.
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 – LM (Ikatlong Bahagi), 228-245
DepEd, 2014

Gabay sa Kurikulum – Edukasyon sa Pagpapakatao (MELC Edition)


Deped 2020

Royalty Free Vector Images. Vector, 2021


https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/smiling-business-
woman-presenting-vector-4900298

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone no. (048) 434-0099

12

You might also like