You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1


Ikalawang Markahan
Unang Linggo

Petsa: Nobyemre 7-8, 2022


Araw: Lunes at Martes

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa
tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng
nakararami

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapit ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


Nasasagot ang mga tanong mula sa kuwentong napakinggan
Natutukoy ang mga gawaing nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang (Unpacked
Competencies from MELC)

II. Nilalaman
Paksa: Magulang ko, Mahal ko at igagalang ko

Sanggunian: MELC ESP Q2, PIVOT BOW R4 Curriculum Guide 2016


Kagamitang Panturo: Powerpoint, Modyul

III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Awit : ESP na!
ESP na! ESP na!
la la la la la la
ESP na!

2. Pagganyak:
Ikaw ba ay isang mabuting bata? Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng pagiging
mabuting bata?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Babasahin ng guro ang kwentong “Kaarawan ni Amie” sa Modyul pahina 9-10.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

2. Pagtatakalay:
Ano ang pamagat ng kuwentong napakinggan?
Sino ang may kaarawan?
Ano-ano ang napansin ng mga bisita ni Amie sa pamilya nina Amie?
Paano naipakita nina Amie ang pagmamahal at paggalang nila sa kanilang mga magulang at lolo at
lola?
Dapat bang gayanin sina Amie? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain
1. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 – Sabihin Mo!
Sabihin sa klase kung ano ano mga ginawa nina Amie na nagpakita ng pamamahal at
paggalang nito sa kanilang magulang.

Pangkat 2 – Isadula Mo!


Isadula ang mga gawaing nagpapakita ng pamamahal at paggalang nina Amie sa kanilang
magulang mula sa kwentong napakinggan.

Pangkat 3 – Iguhit Mo!


Gumuhit ng isang pangyayari sa kwento na nagpapakita ng pamamahal at paggalang nina
Amie sa kanilang magulang mula sa kwentong napakinggan.

Day 2

2. Paglalapat:
A. Kulayan ang puso ng pula kung ito ay may paggalang at pagmamahal. Dilaw naman kung mali.
1. “Opo, inay. Masusunod po!”
2. “Itay, pakiabot po ang kanin.”
3. “Ayaw ko nga. Alis diyan!”
4. “Salamat po.”
5. “Napakabagal mo naman. Dalian mo!”

3. Paglalahat:
Ano ano ang mga paraan upang maipakita natin ang pagmamahal at paggalang natin sa ating mga
magulang?

Tandaan: Sipiin ito sa iyong kuwaderno


Ang paggalang at pagmamahal sa magulang ay maituturing na kagandahang–asal.
Ang pagmamano, paghalik sa nakatatanda bílang pagbati, pakikinig habang may nagsasalita, pagsagot ng
“po” at “opo”, at paggamit ng salitang “pakiusap” at “salamat” ay mga halimbawa ng pagbibigay galang.

IV. Pagtataya:
Lagyan ng tsek (✓) ang mga kilos o salitang may paggalang at pagmamahal. Lagyan naman ng ekis (X)

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

kung walang paggalang at pagmamahal mula sa nakasaad sa kuwentong binasa. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
_____1. Agad na sinusunod ng magkakapatid ang iniuutos ng kanilang magulang.
_____2. “Inay, maaari ko na po bang hipan ang kandila ng aking keyk?”
_____3. “Salamat po, inay at itay. Masayang-masaya po ako sa araw na ito.

V. Takda:
Gumuhit ng 3 paraan kung paano mo naipakikita ang pagmamahal at paggalang mo sa iyong mga magulang.

1. A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.________


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation.______
A. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na nakakaunawa sa
aralin______
B. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation_______

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1


Ikalawang Markahan
Unang Linggo

Petsa: Nobyemre 9, 2022


Araw: Miyerkules

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa
tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng
nakararami

B. Pamantayan sa Pagganap

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapit ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


Napipili ang mga gawaing nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang (Unpacked
competency from MELC)

II. Nilalaman
Paksa: Magulang ko, Mahal ko at igagalang ko

Sanggunian: MELC ESP Q2, PIVOT BOW R4 Curriculum Guide 2016


Kagamitang Panturo: Powerpoint, Modyul

III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Awit : ESP na! ESP na! la la la la la la ESP na!

2. Balik-aral:
Tungkol saan ang kuwentong ating tinalakay noong nakaraang araw?
Ano ano ang mga paraan na nagpapakita ng pagmamahal at pagmamahal sa magulang?

2. Pagganyak:
Tingnan ang larawan. Ano ang masasabi mo dito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Babasahin ng guro ang kwentong tula:

2. Pagtatakalay:

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

Ano ang pamagat ng tulang napakinggan?


Sino daw ang tumutulong sa atin sa lahat ng ating pangangailangan?
Mahal nyo din ba ang inyong magulang?
Bilang ganti, ano ang dapat nating gawin sa ating mga magulang?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat:
Kulayan ang mga larawang nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang.

2. Paglalahat:
Ano ano ang mga paraan upang maipakita natin ang pagmamahal at paggalang natin sa ating mga
magulang?

Tandaan:
Ang pagiging magalang at mapagmahal ay kinagigiliwan ng nakararami. Naipakikita ito sa pamamagitan ng
salita, kilos o gawa

IV. Pagtataya:
Piliin ang mga gawaing nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang. Lagyan ito ng / tsek
kung tama at ekis X kung hindi.

_____ 1. pagdadabog kapag inuutusan


_____ 2. pagbibingi-bingihan kapag pinagsasabihan
_____ 3. pagmamano
_____ 4. paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap
_____ 5. pagkukwento ng masasayang karanasan
_____ 6. pagyakap at paghalik
_____ 7. pag-aalaga sa nakababatang kapatid
_____ 8. pagbati sa kanilang mga espesyal na araw
_____ 9. pakikipag-away sa kapatid
_____ 10. pag-aaral nang Mabuti

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.________


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
Address: Bolbok Road, Batangas City
Telephone Numberremediation.______
:( 043) 402 2500
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na nakakaunawa sa
Email: 109599@deped.gov.ph
aralin______
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

2.

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1


Ikalawang Markahan
Unang Linggo

Petsa: Nobyemre 10, 2022


Araw: Huwebes

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa
tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng
nakararami

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapit ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang EsP1P-IIa-b - 1

II. Nilalaman
Paksa: Magulang ko, Mahal ko at igagalang ko

Sanggunian: MELC ESP Q2, PIVOT BOW R4 Curriculum Guide 2016


Kagamitang Panturo: Powerpoint, Modyul

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1.. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng puso.
Ano ang nasa larawan?
Ano ang sinisimbolo ng hugis na ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
“I love you nay, I love you Tay”
(tingnan ang aklat sa EsP p. 66-67)

2. Pagtalakay:
Bakit si Ruth ang napiling bigyan ng parangal?
Kung ikaw si Ruth, ano ang mararamdaman mo na ikaw ay napiling modelong bata?
Gusto mo bang maging katulad ni Ruth? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Ipasadula ang kwento sa mga mag-aaral.

2. Paglalahat:
Ano ang iyong magagawa upang maipakita ang iyong pagmamahal at paggalang sa iyong magulang?

IV. Pagtataya:
Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pagmamahal at paggalang sa
magulang at malungkot na mukha kung hindi.
_____ 1. Mahinahon at magalang na nakikipag-usap sa magulang.
_____ 2. Nag-aaral nang mabuti upang maipakita na mahal at pinahahalagahan ang pagod sa pagtatrabaho ng
mga magulang.
_____ 3. Yumayakap at humahalik sa mga magulang.
_____ 4. Nagpapasalamant sa mga magulang.
_____ 5. Sumisimangot at hindi nagsasalita kapag hindi naibigay ng mga magulang ang gusto.

3. A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.________


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation.______
E. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na nakakaunawa sa
aralin______
F. Bilang
Address: Bolbok Road, Batangasng
Citymga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation_______
Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1


Ikalawang Markahan
Unang Linggo

Petsa: Nobyemre 11, 2022


Araw: Biyernes

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa
tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng
nakararami

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapit ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


Nasasabi ang mga gawaing nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang (unpacked
competency from MELC)

II. Nilalaman
Paksa: Magulang ko, Mahal ko at igagalang ko

Sanggunian: MELC ESP Q2, PIVOT BOW R4 Curriculum Guide 2016


Kagamitang Panturo: Powerpoint, Modyul

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang pamagat ng kwentong pinag-aralan kahapon?
Sino ang pinarangalang bata?
Bakit siya naparangalan?

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Magkakaroon ng pangkatang Gawain.
Bumuo ng apat na pangkat

Mga Gawain:
Pangkat 1- Piliin mula sa mga paper strips ang mga Gawain na nagpapakita ng pamamahal sa mga
magulang at idikit ito malaking papel.
Pangkat 2-3 Paggawa ng maikling diyalogo
P2- Gusto mong magpaalam sa iyong mga magulang na lalabas ka ng bahay upang makipaglaro sa
iyong mga kaibigan ngunit may mahalagang pinag-uusapan ang iyong nanay at tatay.
P3 – Nasa mall ka kasama ang iyong ina. May nagustuhan siyang damit para sayo at ipinasukat nia
ito sayo. Ngunit gusto mo sanang sabihin na hindi mo gusto ang kulay nito.
Pangkat 4 – Gumuhit sa manila paper ng isang bagay na gusto mong ibigay sa iyong mga magulang
upang maipakita ang iyong pagmamahal at paggalang sa kanila.

2. Pagtalakay:
Ibabahagi ng bawat pangkat ang ginawa nila sa buong klase.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang naramdaman mo sa ginawang pangkatan?
Paano mo pa maipapakita ang paggalang mo sa iyong mga magulang?

IV. Pagtataya:
Sabihin sa klase ang mga gawain na nagpapakita ng pamamahal sa ating mga magulang. (Ang bawat
isa ay sasagot.)

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.________


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation.______
G. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na nakakaunawa sa
aralin______
H. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation_______

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph

You might also like