You are on page 1of 7

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Batangas
ROSARIO EAST DISTRICT
MACALAMCAM ELEMENTARY SCHOOL
Macalamcam A, Rosario, Batangas

GRADE 1 to 12 Petsa Enero 9-13, 2023 Baitang/ Antas 4


DAILY LESSON LOG Oras 7:30 – 8:00 Asignatura EsP
(Pang-araw-araw na Guro MYREEN M. EGAR Markahan Ikalawa
Tala ng Pagtuturo)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa na hindi naghihintay ng anumang kapalit ang paggawa ng
mabuti.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapwa.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa pamamagitan ng paggamit ng pasilidad ng paaralan nang
Isulat ang code ng bawat kasanayan may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa (EsP4P-IIf-i-21)
a. Natutukoy ang paggalang sa paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalaga sa
kapakanan ng kapwa
. b. Naipakikita ang paggalang sa paggamit ng palikuran, silid-aklatan at palaruan.
II. NILALAMAN Ingatan Natin, Pasilidad na Gagamitin
III. KAGAMITANG PANTURO PIVOT BOW 4AQUBE, MELC
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo powerpoint


IV. PAMAMARAAN
LUNES
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Balik-Aral:
pagsisimula ng bagong aralin Gumuhit ng masayang mukha kung ang pangungusap ay nagsasaad ng paggalang sa taong
nagpapaliwanag at malungkot na mukha naman kung hindi.
1. Nagtataas ako ng kamay kung nais kong magtanong habang nagtuturo ang aking guro.
2. Narinig ni Jomar na nagkukuwento ang kanyang nakababatang kapatid ng mga ginawa nito sa
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
ROSARIO EAST DISTRICT
MACALAMCAM ELEMENTARY SCHOOL
Macalamcam A, Rosario, Batangas

paaralan kaya sinabayan niya ito sa pagsasalita upang mas mapansin sya ng kanilang magulang.
3. Hinintay ni Trina na matapos magsalita ang kanyang mommy bago siya sumagot sa mga sinasabi
nito.
4. Inutusan si Diane ng kanyang kuya na bumili. Tumakbo na siya agad sa tindahan kahit hindi pa ito
tapos magsalita.
5. Nagkukuwento ang lola mo ngunit hindi mo naabutan ang simula.Pagkaupo mo nagtanong ka
kaagad kung ano ang simula ng kuwento kahit nagsasalita pa ang lola mo.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Sabihin:
Kaakibat ng pagkakaroon ng mga pasilidad na siyang nakakatulong sa atin sa pag- unlad ay ang
responsibilidad na ito ay ingatan. Tungkulin natin na ito ay alagaan sa pamamagitan ng
pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan nito. Ito rin ay magsisilbing paraan upang maipakita mo ang
paggalang sa karapatan ng iyong kapwa na siyang gumagamit din ng mga pasilidad sa araw-araw.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Mahalaga ang may maayos at malinis na pasilidad sa paaralan. Isang hamon sa bawat isa ang
bagong aralin pagpapanatili ng kaayusan nito. Paano mo ba ginagamit ang mga pasilidad ng inyong paaralan?
Isinasaalang-alang mo ba ang iyong kapwa sa gagamit din sa mga ito?
Basahin at unawain ang kuwento. “ Katotohanang Sumasalamin”
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
paglalahad ng bagong kasanayan #1 1. Paano namulat sina Banjo at ang kaniyang mga kabigan sa maayos na paggamit ng mga
pasilidad?
2.Kung ikaw si Banjo, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pakikiisa sa paglilinis ng silid-aralan?
Bakit?
3. Paano mo maipapakita ang maayos na paggamit ng mga pasilidad sa inyong paaralan?
4. Bakit mahalaga na maging maayos sa paggamit ng mga pasilidad?
5. Sa paanong paraan mo mahihikayat ang ibang mag-aaral na maging maayos sa paggamit ng
pasilidad ng iyong paaralan?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ang tunay na paggalang sa kapuwa ay naipakikita rin sa pamamagitan ng pag-iingat ng mga gamit
paglalahad ng bagong kasanayan #2 at pasilidad ng paaralan. Bagama’t ang bawat mag-aaral ay may karapatan sa pagkakaroon ng
maayos at kaaya-ayang pasilidad ng paaralan, ang mga ito ay nararapat rin na ingatan at gamitin sa
wastong paraan. Ang paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan ng
kapuwa ay nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng iba. Ang pagsaalang-alang sa iba pang taong
gagamit ng bawat pasilidad ay nakatutulong upang mapanatiling maayos at malinis ang kapaligiran.

Malaki ang kontribusyon ng malinis na kapaligiran sa pagkakaroon ng malusog na katawan at isipan


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
ROSARIO EAST DISTRICT
MACALAMCAM ELEMENTARY SCHOOL
Macalamcam A, Rosario, Batangas

ng mga mamamayan. Dahil dito, ang pakikiisa ng bawat isa sa lahat ng programang ipinapatupad ay
kailangan upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran.
MARTES
F. Paglinang sa Kabihasnan Basahin ang tula sa ibaba.
(Tungo sa Formative Assessment)
Pasilidad namin handang Ingatan
ni Maribel R. Carullo
Doon po sa aming paaralan
Kami’y masasaya at nag-aawitan.
Mabubuting aralin
Sa amin ito’y inihahain.
Kaya’t amin itong iniingatan
Sa paglilinis ay nagtutulungan.
Palikuran ay binubuhusan
Kalat ay hindi iniiwanan.
Maging sa silid-aklatan
Libro’y laging isinasalansan.
Sa kantina nama’y
Kalinisan ang ipinaiiral.
Kaya’t tayo na sa aming paaralan
Magsaya’t mag-awitan.
Kagamitan ay ingatan
Nang kapwa ay maigalang.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng  tsek
sa kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Tungkol saan ang tulang iyong nabasa?

Kababaang loob.
Pagiging matapat
Pag-iingat sa mga pasilidad.
Matulungin sa kapwa.

2. Ano ang dapat gawin sa mga pasilidad na ating ginagamit?


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
ROSARIO EAST DISTRICT
MACALAMCAM ELEMENTARY SCHOOL
Macalamcam A, Rosario, Batangas

Dapat itong ingatan.


Hayaan itong makalat.
Ipagwalang bahala.
Ito ay sirain.
3. Paano mo mapapanatiling malinis ang inyong palikuran?
Huwag ipagamit sa kahit kanino.
Buhusan ng tubig at huwag iwanan ang kalat.
Piliin ang mga taong gagamit nito.
Hayaan na lamang ito.
4. Ano ang dapat gawin sa mga libro pagkatapos mo itong gamitin?
Itapon ito.
Sunugin ang mga pahina.
Punitin ang mga pahina ng mga nabasa na.
Ibalik at isalansan ng maayos
5. Bakit kailangang ingatan ang mga kagamitan sa paaralan?
Upang matuwa ang guro.
Upang maipakita ang paggalang sa kapwa.
Upang mapanatili ang kaayusan nito.
Lahat ng nabanggit.
MIYERKULES
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Ikahon ang pangungusap na nagsasaad ng wastong gawi sa paggamit ng palikuran at palaruan at
araw na buhay bilugan naman ang diwastong gawi.
1. Binubuhusan ni Jun ang inidoro bago at matapos niya itong gamitin
2. Nakita mo si Romeo na nakatayo sa paglalaro sa “swing” ng palaruan kahit na nakasulat sa
alituntunin na bawal tumayo kapag naglalaro rito.
3. Inayos ni Pia ang mga laruan sa loob ng palaruan dahil nakita niya itong magulo at nakakalat.
4. Iniwan ni Allan na nakabukas ang gripo sa palikuran dahil nagmamadali na siyang umalis.
5. Hindi na tumuloy sa paglalaro sa slide si Lanz dahil maputik ang kanyang sapatos.
HUWEBES
H. Paglalahat ng Aralin Tandaan:
Ang pakikipagkapwa-tao ay isang pakikipamuhay at pakikisalamuha sa iba’t ibang tao na
sinasamahan ng respeto at pagmamahal. Ang mga pagpapahalagang ito ay nakabatay sa kung
paano kumilos at gumalaw ang isang tao para sa kaniyang sarili lalo’t higit sa kaniyang kapwa.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
ROSARIO EAST DISTRICT
MACALAMCAM ELEMENTARY SCHOOL
Macalamcam A, Rosario, Batangas

Maaaring maipakita ang paggalang sa iba sa pamamagitan ng kilos at gawa. Nakakaapekto ang
mga ginagawa natin sa mga taong nakapaligid sa atin, gayundin naman tayo ay naaapektuhan nila
sapagkat tayo ay magkakaugnay. Mahalagang bigyan ng paggalang ang kahit na sinong tao
sapagkat ang lahat ay karapat-dapat dito.

Sagutan:
Gamit ang “Secret Spelling Code” buksan ang iba pang pagpapahalaga na hatid ng ating aralin.

Sagutin:
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
ROSARIO EAST DISTRICT
MACALAMCAM ELEMENTARY SCHOOL
Macalamcam A, Rosario, Batangas

1.Ano ang nabuo mong kaisipan? ________________________


2.Ano ang mararamdaman mo kung isang araw sinabihan ka ng mag-aaral na sinundan mo sa
paggamit ng palikuran na hindi niya ito binuhusan dahil nakita ka niya na iniwan mong marumi ito
matapos gamitin? __________________________________________.
3.Uulitin mo pa ba ng ginawa mo?______________________________. 4.Bakit?
_______________________________________________________.
BIYERNES
I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sa patlang bago ang bilang kung tama ang
pamamaraan ng pag-iiingat ng mga pasilidad. Isulat naman ang kung hindi tama ang pamamaraan
ng pag-ingat ng mga pasilidad Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_______1. Matapos ang klase ni Mia agad siyang lumabas ng silid-aralan at iniwan ang baunan na
kaniyang pinagkainan.
_______2. Masinop na ibinalik ni Gina ang mga librong kaniyang ginamit sa silid-aklatan.
_______3. Mabilis na umalis si Gabriel at ang kaniyang mga kamag-aral matapos maubos ang
lugaw na nabili sa kantina at hinayaan na lamang doon ang mga kasangkapang kanilang ginamit.
_______4. Maagang pumasok si Jeremy sa silid-aralan upang matiyak niya na nakaayos ang lahat
ng gamit sa loob nito.
_______5. Ginagamit ni Athena ang palikuran sa kanilang silid-aralan ng maayos sapagkat
naniniwala siya na ito ang paraan ng paggalang sa kaniyang mga kamag-aral.
_______6. Marahang binubuklat ni Anjo ang mga pahina ng libro sa tuwing siya ay magbabasa sa
silid-aklatan.
_______7. Hinahayaan ni Berto ang kaniyang mga kaibigan na magtapon ng mga basura at mamitas
ng mga halamang nakatanim sa kanilang palaruan.
_______8. Maayos na pumipila ang klase ni Ginang Santos papunta ng kantina.
_______9. Hinahayaan na lamang ni Karen ang mga naiiwanang basura sa loob ng kanilang silid-
aralan sa tuwing araw na hindi siya ang nakatalagang maglinis.
______10. Tumutulong si Kian sa mga programa ng SPG Officers sapagkat alam niya na may
kapalit itong marka.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang- Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
aralin at remediation 1. Nakita mo ang kaklase mo na nagtapon ng balat ng kendi sa may palaruan.
2. Galing si Martha sa palikuran iniwanan niya na nakabukas ang gripo.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
ROSARIO EAST DISTRICT
MACALAMCAM ELEMENTARY SCHOOL
Macalamcam A, Rosario, Batangas

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like