You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Learning Area Filipino 6


Learning Delivery Modality Modular Learning

Paaralan Banaba South Baitang Grade 6


Lesson Elementary School
Exemplar Guro Jenn Mariz A. Blanco Learning Area Filipino
Petsa Agosto 27-28, 2020 Quarter Una
Oras Bilang ng Araw 2 araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng
Pangnilalaman teksto at napalalawak ang talasalitaan.

B. Pamantayan sa Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga bagong salita mula


Pagganap sa mga binasa; naisasadula ang mga maaaring mangyari sa
nabasang teksto.

C. Mga Kasanayan sa Nasasagot ang tanong na bakit at paano.


Pagkatuto
D. Pinakamahalagang Nasasagot ang tanong na bakit at paano. F6PB-If-3.2.1
Kasanayan sa
Pagkatuto
E. Pagpapaganang
Kasanayan

II. NILALAMAN Pagsagot sa Tanong na Bakit at Paano ukol sa


Nabasa/Napakinggang Kwento

III.
A. Sanggunian
a. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kwento (mula sa www.pinoyedition.com)
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

A. Introduction UNANG ARAW


(Panimula)`
What I need to know?

Ang mga mag-aaral ay babasahin at uunawaing mabuti ang


layunin ng aralin.

Babasahin ng mga-aaral ang:

Pagkatapos ng dalawang-araw na pagkatuto, ako ay


inaasahang masasagot ang tanong na bakit at paano ukol sa
kwentong nabasa/napakinggan ko.

What’s new?

Ang mga mag-aaral ay susubukang bigkasin nang wasto ang


mga salitang matatagpuan sa babasahing kwento.

BIGKASIN MO

Bigkasin ang mga sumusunod na salita.


1. Mag-aaral
2. Kumustahan
3. Nanlimot
4. Bulaklak
5. Isinasagawa
6. Pagpatak
7. Kapaki-pakinabang

Gamitin ang mga ito sa makabuluhang pangungusap.

Ang mga mag-aaral ay babasahing ang kwentong


pinamagtaang Pasukan na Naman at sasagutan ang mga
katanungang nakapaloob dito.

BASAHIN MO

Basahing mabuti ang maikling kwento at sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

Pasukan na naman!
Jenn Mariz A. Blanco

Buwan ng Hunyo at simula na naman ng pasukan.


Maagang pumasok ang mga mag-aaral sa ika-anim na
baitang. Maagang kumustuhan at kwentuhan ang naganap sa
pagitan ng mga mag-aaral na ngayon lamang ulit nagkita-kita
pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon.

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Ngunit pagkatapos nito, mabilis kumuha ng mga


kapagamitang panlinis ang mga mag-aaral ng VI-Fortitude.
May nagwalis ng loob ng silid-aralan, may nagpunas ng
bintana, may nagpakintab ng sahig, may nanlimot ng mga
tuyong dahon sa labas at mayroon din namang nagdilig ng
mga tanim na bulaklak at gulay. Kitang kita ang galak ng
bawat isa habang isinasagawa ang mga nasabing gawain.
Pagkaraan ng ilan pang minuto, narinig ng lahat ang isang
malakas na tunog na hudyat upang pumila na sapagkat
magkakaroon ng flag ceremony. Masiglang inawit ng lahat ang
Lupang Hinirang at binigkas ang Panatang Makabayan at
Panunumpa. Taimtim rin na nagdasal ang bawat isa. Bukod
rito, ang lahat ay nakinig sa pananalita ng punong guro ng
paaralan, Gng. Fe Fallurin.
Matapos ito, ang lahat ay bumalik na sa mga silid-aralan
upang simulan na ang klase. Sabik na sabik na matuto ang
mga bata mula sa kanilang mga guro.
Maghapong talakayan ang naganap at pagpatak ng alas-
kwatro ng hapon, ang lahat ay nakauwi na sa kanya-kanyang
tahanan.
Isang kapaki-pakinabang na araw ang natapos.

Mga Katanungan:
1. Sino ang maagang dumating noong unang araw ng
pasukan?
2. Ano-ano ang mga ginawa ng mga mag-aaral?
3. Bakit kaya pinamagatang Pasukan na Naman ang
akda?
4. Bakit sinabing kapaki-pakinabang ang araw na iyon?
5. Paano gagawing kapaki-pakinabang ang bawat araw ng
pagpasok sa paaralan?

B. Development What I know?


(Pagpapaunlad)
Ang mga mag-aaral ay babalikan ang kanilang dating
kaalaman tungkol sa kung kalian dapat gamitin ang tanong na
bakit at paano.

ALAM MO BA?

Isulat ang BAKIT o PAANO upang mabuo ang mga


katanungan.

1. _________ ang tamang paraan ng pagsasaing?


2. _________ kaya nakararanas ang bansa ng pag-ulan?
3. _________ magpalipad ng saranggola?
4. _________ kaya madilim kapag gabi?
5. _________ paborito mo ang lechon?

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

6. _________ mo ginawa ang bagay na iyon?


7. _________ mo mapapatunayan ng iyong sinasabi?
8. _________ likas sa mga Pilipino ang pagiging
maasikaso sa mga bisita?
9. _________ mo naging hilig ang pagbabasa ng aklat?
10. _________ na ang pamilya nila kung mawawalan siya
ng trabaho?

PUNAN MO AKO

Punan ng angkop na impormasyon ang kahon.

Sumasagot ang tanong na PAANO sa ________________


_______________________________________________
_______________________________________________
Sumasagot ang tanong na BAKIT sa _________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Ang mga mag-aaral ay papag-aralan ang sumusunod.

ISIPIN MO

 Ang mga tanong na nagsisimula sa Bkait at Paano ay


nagangailangan ng mas malalimang pag-unawa upang
makasagot ng maayos at tama.

(Maaaring balikan ang mga naging katanungan sa


kwentong binasa na)
Ano ang mapapansin sa mga katanungan?
Malalalim ba ang sagot mo sa tanong na bakit at
paano?
Nagbigay ka ba ng katwiran o dahilan?

 Karaniwan ding nangangailangan ng paliwanag ang


ganitong uri ng tanong kaya’t mas inaasahang mahaba
ang kasagutan.

What’s In?

Ang mga mag-aaral ay sasagutan ang mga katanungang


nakapaloob sa kwentong babasahin.

ORAS NA PARA BUMASA


(Gawain 1)

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Basahin at unawaing mabuti ang kwento. Sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas

Si Proserpina ay isang dalagang magandang-maganda.


Katulong siya ng kanyang inang si Demiter sa pangangalaga
sa mga halaman sa lupa. Kung minsan ang mag-ina ay
namimitas ng mga bulaklak na basa pa ng hamog kung
bukang-liwayway. Kung minsan naman ay nakikipagsayaw si
Proserpina sa kanyang mga kapwa dalaga sa gitna ng parang.
Masaya ang buhay ng mag-ina.
Nang mga panahong yaon ay malungkot si Pluto. Nag-iisa
siya sa kanyang kaharian sa ilalim ng lupa. Ibig niyang
magkaroon ng reyna. Marami nang dalaga ang kanyang
pinaghandugan ng mga mahal at magagandang hiyas, ngunit
isa man ay walang mahikayat na tumira sa kanyang kaharian.
Isang araw ay nagtungo si Pluto sa ibabaw ng lupa. Nakalulan
siya sa kanyang gintong karosa na hinihila ng mga kabayong
walang kamatayan. Mabilis ang takbo ng mga kabayo.
Nagkataong nasa parang noon sina Proserpina at ang
kanyang mga kaibigan. Nakita siya ni Pluto.
Siya ang gagawin kong reyna ng aking kaharian,” ang
bulong ng hari.
Pinatakbo ni Pluto ang kanyang mga kabayo at inagaw ang
dalagang namimitas ng mga bulaklak. Humingi ng tulong si
Proserpina. Tumawag siya sa kanyang amang si Seus, ngunit
hindi siya narinig nito.
Walang nakarinig sa kanyang kasisigaw maliban sa isang
mahiwagang diyosang ang pangalan ay Hekate. Gayunman ay
sumigaw rin nang sumigaw si Proserpina. Ang alingawngaw
ng kanyang sigaw ay ikinalat ng hangin sa mga burol at
kagubatan hanggang sa narinig ni Demiter na noo’y nasa
malayong pook.
Dali-daling nagbalik sa Sisilya si Demiter. Una niyang
tinungo ang kanilang tahanan upang tingnan si Proserpina.
Wala roon ang dalaga. Naghanap si Demiter. Siyam na araw
niyang hinanap ang nawawalang anak. May dala siyang
dalawang sulo na itinatanglaw sa lahat ng sulok ng lupa,
ngunit di niya matagpuan ang dalaga. Dahil sa laki ng kanyang
kalungkutan ay hindi siya tumikim ng anumang pagkain ni
inumin.
Dumating sa kanya si Hekate nang ikasampung araw.
Ibinalita sa kanyang narinig niya ang mga sigaw ni Proserpina
ngunit hindi niya nakita kung sino ang umagaw.
Hindi naasikaso ni Demiter ang kanyang gawain sa ibabaw
ng lupa. Namatay ang mga halaman at nagkagutom ang mga
tao. Habang lumalakad ang mga araw ay lalo silang
nagkakagutom. Lumapit sila kay Demiter at hiniling ditong
patubuin na ang mga halaman sa lupa.

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Naging matigas ang puso ni Demiter dahil sa kalungkutan.


Sinabi niya sa mga tao na hangga’t hindi niya nakikita ang
kanyang anak ay hindi niya maasikaso ang mga gawain niya
sa lupa.
Naghanap siya nang naghanap. Nang wala na siyang pag-
asa ay lumapit siya kay Seus. Hiniling niya sa diyos ng mga
diyos na ibalik sa kanya si Proserpina.
“Kung siya’y ibabalik sa akin ay muling magkakaroon ng
masaganang ani sa lupa,” ang sabi ni Demiter kay Seus.
Naawa sa kanya si Seus. Ipinangako sa kanyang ibabalik sa
piling niya si Proserpina kung ang dalaga’y hindi kumain ng
anuman samantalang siya’y nasa kaharian ni Pluto.
Natuwa si Demiter. Nagtungo siya sa ilalim ng lupa.
Natagpuan niya si Proserpina sa palasyo ni Pluto. Nagyakap
ang mag-ina. Ibig na ibig na ng dalagang masilayan ang
ibabaw ng lupa na sinisikatan ng araw.
Ngunit siya pala’y kumain ng araw na yaon ng anim na buto ng
granada. Dahil sa pagkakain niyang yaon ay minarapat ni
Plutong mamalagi sa kanyang piling si Proserpina sa loob ng
anim na buwan, at sa piling naman ni Demiter sa nalalabing
anim na buwan bawat taon.
Kung si Proserpina’y nasa piling ng kanyang ina ay tagsibol
at tag-araw sa ibabaw ng lupa. Kung siya’y nasa kaharian ni
Pluto ay taglagas at taglamig sa ibabaw ng lupa.

1. Paano napapunta si Proserpina sa kaharian ni


Pluto?
2. Bakit gustong muling makapiling ni Demiter ang
anak?
3. Paano muling nakapiling ni Proserpina ang ina?
4. Bakit may tagsibol at taglagas?

What is it?

Ang mga mag-aaral ay sasagutan ang mga katanungang


nakapaloob sa kwentong babasahin.

ORAS NA PARA BUMASA


(Gawain 2)

Basahin at unawaing mabuti ang kwento. Sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

Ang Araw at ang Hangin


Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin?
Madalas daw ay nag-aaway itong dalawang ito noong araw
dahil sa nagpapalakasan nga.
Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”


Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang,
tingnan natin. Hayun, may lalaking dumarating. Kung sino sa
ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya
ang kikilalaning mas malakas.”
“Payag ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo,” malakas
na sagot ng hangin.
“Ako ang uuna,” dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging
pangalawa sa anumang labanan.
Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa
umpisa ay tila nagustuhan ng tao ang hihip ng hangin kaya
naging masigla at bumilis ang lakad nito.
Nilakasan ng hangin ang pag-ihip. Isinara ng tao ang lahat
ng butones hanggang sa may leeg ng kanyang polo. Inubos
ng hangin ang buong lakas sa pag-ihip. Lalo namang
pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake ang damit dahil tila
giniginaw na siya.
Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa pag-ihip
niya ay talagang hindi niya makuhang mapaalis ang damit ng
lalaki.
“Sige,” sigaw niya sa araw, “tingnan naman natin ang
galing mo. Marahil, hindi mo rin naman mapapahubad ang
taong iyon.”
Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit
ito. Tumulo ang pawis ng lalaki.
Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya at ang
lalake ay nagkalas ng mga ilang butones sa baro.
Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na
nakatiis ang tao at tinanggal nang lahat ang mga butones ng
polo at hinubad ito.
Panalo ang araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang
hangin.

1. Bakit madalas nagaaway ang hangin at araw?


2. Bakit mas malakas si araw kaysa kay hangin?

C. Engagement IKALAWANG ARAW


(Pakikipagpalihan)
What’s more?

Ang mga mag-aaral ay sasagutan ang mga katanungang


nakapaloob sa kwentong babasahin.

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

ORAS NA PARA BUMASA


(Gawain 3)

Basahin at unawaing mabuti ang kwento. Sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

Araw, Buwan, at Kuliglig

Noong unang mga panahon, laganap pa sa kapaligiran ang


mga punong siyang maaaring panirahan ng mga kuliglig.
Kakaunti pa ang tao sa mundo, masagana ang kabukiran.
Isang araw, ang Buwan at ang Araw ay naglalakbay sa
alapaap. Masaya ang mag-asawang ito. Gwapo ang Araw at
maganda ang Buwan. May anak silang lalaki. Mahal na mahal
nila ang anak nilang ito. Masaya silang namumuhay na mag-
anak.
Ang kasayahan nilang mag-anak ay ginulo ng isang alitan.
Nagsimula lamang iyon sa isang munting pagtatalo, hanggang
sa magpalitan na sila ng mabibigat na mga salita. Nagalit si
Buwan. Inihampas ang walis sa pisngi ni Araw. Umalis si Araw
dahil sa malaking galit sa asawa.
Isang araw, habang pinaliliguan ni Buwan ang kanilang
anak biglang dumating si Araw. Isinaboy niya sa mukha ni
Buwan ang dalang mainit na tubig. Napasigaw si Buwan.
Nasira ang magandang mukha nito. Dahil sa kabiglaan ni
Buwan sa nangyari sa kanya, nabitiwan niya ang kanyang
anak at nahulog ito sa lupa.
Sinasabing ang anak na ito ang naging kuliglig. Umiiyak ito
tuwing lumulubog na ang araw sa kanluran. Nais niyang
makita ang kanyang mga magulang na matagal nang nawalay
sa kanya. Dahil naman sa pagkakagalit ng mag-asawa hindi
na sila nagsamang muli. Kung araw lamang makikita si Araw,
kung gabi naman makikita si Buwan.

1. Bakit umalis si Araw?


2. Paano nasira ang magandang mukha ni Buwan?
3. Bakit nabitawan ni Buwan nag anak habang
pinapaliguan?
4. Bakit umiiyak si Kuliglig tuwing lumulubog ang araw?

What I can do?

Ang mga mag-aaral ay sasagutan ang mga katanungang


nakapaloob sa kwentong babasahin.

ORAS NA PARA BUMASA


(Gawain 4)

asahin at unawaing mabuti ang kwento. Sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-


kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang
Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang
Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat
na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya
mahal ako ng mga bata.”
“Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga
dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga
sanga.”
“Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y
marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.”
“Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga
dahon at mabunga,” wika ni Niyog.
“Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala
pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-
kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.”
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila
ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga
punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang
paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga
bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng
mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob
na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na
hangin ang nakatayo at di nasalanta.

1. Paano nagpaligsahan ang mga punong kahoy?


2. Bakit nagtawanan ang mga punongkahoy?
3. Bakit nagalit si Hangin?
4. Paano ipinakita ni Hnagin ang kanyang galit sa mga
punongkahoy?

What other enrichment activities can I engage in?


(Additional Activities)

Ang mga mag-aaral ay sasagutan ang mga katanungang


nakapaloob sa kwentong babasahin.

ORAS NA PARA BUMASA


(Gawain 5)

Basahin at unawaing mabuti ang kwento. Sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

Ang Kalabasa at ang Duhat

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at


duhat. Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga
ito.
Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat
ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa
ay nakahanda na itong mamunga.
“Sabik na sabik na akong mamunga,” wika ni Duhat.
Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas.
Gumapang lang ito nang gumapang, hanggang sa ito’y
nakatakda nang mamunga.
Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga
ang ipagkakaloob niya sa dalawang ito.
Matamang nag-isip si Bathala.
“Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na
malaki rin ang kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay
gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo,
nararapat lamang na ang mga bunga nito’y maliliit lamang.”
Wika ni Bathala.
Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki
ng banga. Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat
nababali ang mga sanga nito dahil sa bigat ng bunga. Si
Kalabasa nama’y hindi bagay dahil maliit ang bunga. Di
pansinin ang mga bunga nito lalo’t natatakpan sa malalapad
na dahon.
Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya
nasiyahan.
Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga
ito. At napatunayan niyang tama ang kanyang ginawa,
sapagkat ang kalabasa, mahinog man ito’y hindi malalaglag
dahil ang puno ay gumagapang lamang. Samantalang ang
duhat, malaglag man ay magaan, hindi masisira at ginawa
naman niyang kulay berde ang kalabasa sa dahilang ito’y
malayo sa araw. At kulay itim naman ang duhat. Pagkat ito’y
malapit sa araw.
At sa kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.

1. Bakit mabilis lumaki ang tanim na duhat at kalabasa?


2. Bakit hindi tama na namunga ng malaki si duhat at
maliit naman kay kalabasa?
3. Bakit napagpasyahan ni Bathala na gawing malaki ang
bunga ni Kalabasa at maliit naman ang sa duhat?

D. Assimilation What I have learned?


(Paglalapat)
Ang mga mag-aaral ay magtatala ng paraan kung paanong
mabilis at maayos na masasagutan ang mga tanong sa
kwentong binasa/napakinggan.

ISULAT MO

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Magtala ng tatlong paraan kung paano masasagutan ng wasto


ang mga katanungan ayon sa binasa o napakinggan.

Masasagot ko ang mga katanungan sa kwentong


binasa o napakinggan sa pamamagitan ng/kung:

1. ___________________________________

2. ___________________________________

3. ___________________________________

What I can do? (Assessment)

Ang mga mag-aaral ay muling magbabasa ng kwento at


magsasagot ng mga tanong na nakapaloob dito.

SAGUTAN MO

Bakit Itim ang Kulay ng Uwak?

Noong unang panahon, pinarusahan ng Bathala ang


mundo. Ginunaw Niya ito sa pamamagitan ng napakalaking
baha. Walang nalabing buhay maliban kay Noah at sa mga
kasama niya sa malaking arko. Ang arkong ito ang ipinagawa
ng Bathala bago pa man maganap ang pagbaha.
Kasama ni Noah sa kanyang arko ang dalawang ibon, ang
uwak at ang kalapati. Ang mga ibong ito ay parehong kulay
puti. Kapwa rin sila may magandang tinig.
Nang humupa ang baha, inutusan ni Noah ang uwak.
“Lumabas ka ng arko at alamin kung maaari na tayong
bumaba sa lupa.”
Agad na tumalima ang uwak sa utos ni Noah. Labis siyang
nagimbal sa nakita niya. Nagkalat ang mga bangkay ng tao at
mga hayop. Bumaba siya sa isang patay na kabayo. Dahil
marahil sa pagod ay nagutom ang uwak. Kumagat siya sa
katawan ng patay na kabayo at sa iba pang patay na hayop.
Nainip si Noah sa tagal ng uwak. Inutusan niya ang kalapati.
“Humayo ka sa labas ng arko upang tupdin ang dalawang utos
ko sa iyo. Una, tingnan mo kung ano na ang nangyari sa uwak
at ikalawa, alamin mo rin kung maaari na tayong bumaba sa
lupa.”
At umalis na ang kalapati. Tulad ng uwak, nalungkot siya
sa mga nakahambalang nabangkay sa lupa. Napag-alaman
din niyang ligtas nang bumaba sa lupa. Pabalik na sana siya
sa arko nang may mapansin siyang gumagalaw sa ibaba.

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Lumapit siya ng kaunti. Kitang-kita niya ang uwak na patuloy


parin sa pagkagat sa mga bangkay ng hayop.
Dali-daling nagbalik ang kalapati sa arko. Ibinalita niya kay
Noah ang nasaksihan. Natuwa si Noah sa katapatan ng
kalapati subalit nagalit siya sa inasal ng uwak.
Ang sabi ni Noah: “Dahil sa iyong katapatan, kalapati, ikaw
ay magiging simholo ng kalinisan, katapatan at kapayapaan at
ang uwak naman ay magiging kulay itim. Papangit ang
kanyang tinig at kaiinisan siya ng mga tao at ibang hayop. Ang
kanyang tinig ay mapapaos.”
Magmula nga noon ang uwak ay naginging itim. Pumangit
siya, ang kanyang tinig ay naging paos. At ang tanging
salitang lumalabas sa kanyang bibig ay “Uwak, uwak, uwak.”

1. Paano pinarusahan ni Bathala ang mundo?


2. Bakit kumagat si uwak sa katawan ng patay na kabayo
at iba pang hayop?
3. Bakit dali-daling nagbalik si Kalapati sa arko?
4. Bakit nagalit si Noah sa inasal ng kalapati?
5. Paano ipinakita ni Noah ang galit niya kay Uwak?

V. Pagninilay Ang mga mag-aaral ay magninilay at bubuuin ang pahayag.

Naunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na______________________________________.

Inihanda ni:
JENN MARIZ A. BLANCO
Guro I

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System

You might also like