You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite

Lesson Exemplar in FILIPINO 2 Using the IDEA Instructional Process

LESSON School Alapan 1 Elementary School Grade Level Ikatlong Baitang


EXEMPL Name of Teacher Claudine M. Madula Learning Area MTB
AR
Teaching Date and Time Quarter Unang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
The learner demonstrates the ability to formulate ideas following
the conventional format/patterns of written language.

B. Pamantayan sa Pagganap The learner uses expanding knowledge and skills to write clear
coherent sentences, paragraphs, short stories, letters, and poems
from a variety of stimulus
materials.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Writes poems, riddles, chants, and raps. (MELC 2)
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN Tula, Bugtong, Awit o Rap


III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro PIVOT BOW R4QUBE IN ALL LEARNING AREAS IN KEY
STAGES 1-4 Pahina 32
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral MTB-MLE 3 Quarter 1, PIVOT 4A Learner’s Materials pahina
9-11
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng (4) Maghugas Ng Kamay "COVID-19 SONG" - Blanktape
Learning Resource (Lyrics) - YouTube
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga powerpoint, larawan,video, show me board
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Kamustahan at pagpapakilala sa isa’t-isa:
- Ang guro ang unang magpapakilala, susunod naman ang
mga mag-aaral.
- Magkakaroon ng kamustahan sa bawat isa.

Mga Pagpapaalala:
- Ipaalala ng guro sa mga bata ang mga
panuntunan sa online learning, gaya ng pag-
iwas sa pagbubukas ng mikropono kung hindi
kailangang magsalita at iba pa.

Panuto: Ayusin ang mga nakagulong letra base sa mga


nakalahad na larawan. Baybayin ito ng pabigkas.

1.
atugb

gubat

2.
hybaa

bahay

3.
kaomn

manok

4.
hakoy

kahoy

5.
aytta

tatay

Lesson Objectives:
Ang batang hindi wasto ang pagbaybay sa isang salita ay maaring
hindi makapagbabasa at makapagsusulat ng tama. Kaya naman
napaka halagang pag-aralan ang pagbaybay sa mga salita. Ito ay
magagamit sa inyong pang araw-araw na pamumuhay.

B. Development (Pagpapaunlad) Paunang Pagtataya (Pre-Assessment)

Panuto: Isulat ang tamang baybay ng mga sumusunod na


salita.
Hal. tasa - /ti-ey-es-ey/

1. covid - 4. biyahe
2. pandemya- 5. ECQ-
3. Gng. Yabo -

Pagganyak (Pagbabasa ng Tula)


Ang guro ay maglalahad ng isang tula. Babasahin niya ito
sa buong klase. Pagkatapos na Mabasa ng guro ay pipili
siya ng isang mag-aaral na muling magbabasa ng tula.

Paghahawan ng Balakid:

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na


salita.

1. musmos- batang paslit na wala pang


muwang sa mundo
Hal. Sanggol o kayo Grade 3
2. pandemya- pagkalat ng isang nakakahawang sakit
Hal. Covid-19

3. maghikahos – maghirap/mahirapan

4. birtuwal– isang pag-uusap na malayo sa isa’t isa at


ginagamitan ito ng teknolohiya

5. salat – kakaunti, hindi sapat o kulang na kulang

Paalala: habang binabasa ay isulat sa show me board


ang mga nakasalungguhit na salita.

Batang Musmos
ni: Maam Clod

Ako ay isang batang musmos


Na sa pag-aaral ay nais makatapos
Hindi hadlang itong pandemyang di matapos-tapos
Tuloy ang pagkatuto kahit pa ako’y maghikahos

Hindi man personal na makita ang kaklase


Ang mahalaga lahat ay nakikinig sa klase
Sa paraang birtuwal man ito ginaganap
Ang makabuluhang pagkatuto naman ay ganap

Para sa isang batang musmos na nangangarap


Balewala ang lahat kahit gaano kahirap
Idaan man sa birtuwal ang lahat
Ang mahalaga sa kaalaman ako ay hindi salat

Mga katanungan;

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Sino kaya ang itinuturingna musmos sa tula ?
3. Nahihirapan ka ba sa ating sitwasyon ngayon? Bakit?
4. Nais mo bang matapos na ang pandemya upang maibalik
na sa datiang klase? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Paglalahad ng Konsepto
Sabay-sabay nating bigkasin ang mga sumusunod na
salitang hango sa tulang binasa. At baybayin ang mga ito.

1. musmos 4. maghikahos
2. pandemya 5. birtuwal
3. salat

Pagbaybay - ay ang pagsusulat ng salita o mga salita sa


pamamagitan ng lahat ngkinakailangan na letra sa tama
nitong pagkakasunod-sunod. Ito ay isa sa mga napaka-
importantengbahagi ng isang wika.

Pagbigkas na Pagbaybay – ang pagbigkas na pabaybay ay


dapat paletra at hindi papantig

Halimbawa:
aso- /ey-es-o/
kotse - / key-o-ti-es-e/
ulan- /yu-el-ey-en/
Karl - /kapital key-ey-ar-el/
Bb. Madula - /kapital bi-bi-kapital na em-ey-
di-yu-el-ey/
GCQ- /kapital gi-kapital si-kapital kyu/

- Balikan ang limang salita na galling sa binasang tula.


Baybayin ito sa paraang pagbigkas na pagbaybay.

- Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga karagdagan


pang mga salita at kanila itong babaybayin sa paraang
pagbigkas na pagbaybay. Gamitin ang show me board.

C. Engagement (Pagpapalihan) Pangkatang Gawain

Papangkatin ng guro sa apat (4) ang mga mag-aaral at


bibigyan ito ng kanya-kanyang mga gawain.

Unang Pangkat
Panuto: Bigkasin sa buong klase ang mga sumusunod na salita
mat baybayin ang mga ito.

1. G. Maliksi 4. lapis
2. kalesa 5. papel
3. upuan
Ikalawang Pangkat
Panuto: Isulat ang salitang mabubuo sa mga sumusunod na
pagbabaybay.

1. /em-ey-ti-ey/
2. /es-yu-key-el-ey-way/
3. /gi-ey-em-o-ti/
4./pi-yu-en-o/
5. /pi-ey-ey/

Ikatlong Pangkat
Panuto: Baybayin ang mga sumusunod na salita sa paraang
pagbigkas na pagbaybay.

1. Alapan –
2. kamatis –
3. cabinet –
4. Imus –
5. baso -

Ikaapat na Pangkat
Panuto: Pagtapatin ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

___1. nakakahawang sakit a. /bi-ey-gi-way-o/


___2. pinaglalagyan ng b. /vi-ay-ar-yu-es/
pagkain
c. /bi-ey-key-yu-en-ey/
___3. nakadudulot ng
Lagnat d. /pi-el-ey-ti-o/

___4. nakapipinsala ng e. /yu-el-ey-en/


kapaligiran

___5. kailangan ng tao upang


hindi mahawaan ng “virus”

D. Assimilation (Paglalapat) Dagdag na Gawain:

Panuto: Baybayin sa paraang pagbigkas na pagbaybay ang iyong


unang pangalan. Gawin ito sa kwaderno.

-Pagkatapos sumagot ay tatawag ang guro ng dalawang mag-


aaral na magbabaybay ng kanilang unang pangalan sa buong
klase.

Paglalahat:
Ano ang pagbaybay?
Ano ang pagbigkas na pagbaybay?
Mahalaga ba ang tamang pagbabaybay?Bakit?

Pagtataya:
Panuto: Isulat ang tamang baybay ng mga sumusunod na
salita.

1. covid - 4. biyahe
2. pandemya- 5. ECQ-
3. Gng. Yabo -

Takdang Aralin:

Panuto: Baybayin ang buong pangalan ng iyong ina. Gawin ito


sa kwaderno.

V. PAGNINILAY  Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal, o portfolio


ng kanilang nararamdaman o realisasyon gaamit ang mga
sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na __________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

You might also like