You are on page 1of 9

Benguet State University

College of Teacher Education


DEPARTMENT OF TEACHER ELEMENTARY EDUCATION
Trinidad, Benguet

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-PAGBASA


Ikalimang Baitang
I. LAYUNIN
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga pamilyar at di-pamilyar na salita
A. Pamantayang Pangnilalaman

Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono,
B. Pamantayan sa Pagganap/Tatas
antala at ekspresyon
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasasabi ang mensahe, paksa at tema na nais ipabatid sa kuwentong kathang hal:maikling kuwento F2PP-Ia-c-12

 Naintintihan ng maayos ang maikling kuwento na nabasa o napakingan


D. Mga Tiyak na Layunin  Naibibigay ang paksa at tema ng maikling kuwento
 Naibibgay ang mga pamilyar at di pamilyar na salita at situasyon sa nabasa na maikling kuwento
II. NILALAMAN
Masasabi ng mga mag-aaral ang mensahe ,paksa o tema na nais ipabatid ng maikling kuwento.
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro Filipino Curriculum Guide Pahina 22 ng 190

2. Mga pahina sa mga kagamitang mag-aaral


Santos, R. J. R. C. (2020). Wow Filipino: Integratibong Aklat sa Wika at Pagbasa (Grade 2). VIBAL Group Inc. .
3. Mga pahina sa teksbook
Raflores, E. V. (2019). BINHI Wika at Pagbasa para sa Elementarya grade 2 . JO-ES Publishing House, Inc .
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Asuncion, R. (2020, October 6). Filipino 2 Week 3 Nasasabi Ang Mensahe, Paksa O Tema na Nais ipabatid SA patalastas. YouTube.
Resource
https://www.youtube.com/watch?v=UsxLIi4JivY

YouTube. (2020, June 26). Filipino 2 || modyul 3 ||nasasabi Ang Mensahe, Paksa O Tema na Nais ipabatid SA Napakinggang Kuwento.
YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=Sr3XKgvJhvI

YouTube. (2021, September 20). Filipino 2 Week 3 Quarter 1-pagbibigay ng Mensahe. YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=LHdhWZMryn8

YouTube. (2020b, October 21). Nasasabi Ang Mensahe, Paksa na Nais ipabatid SA Patalastas O Tekstong Hango sa tunay na Pangyayari.
YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=v6cqLK_XPvk

DepEd Tambayan. (2021, October 30). Grade 2 Filipino modyul: Pagsasabi ng Mensaheng Nais ipabatid • deped tambayan.
https://depedtambayan.net/pagsasabi-ng-mensaheng-nais-ipabatid/

Maikling Kwento (set 2) free download - ready to print. DepEd Click. (2020, May 25). https://www.deped-click.com/2020/05/maikling-
kwento-set-2-free-download.html
B. Iba pang kagamitang panturo

IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

BAGO ANG ARALIN


A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng A1. Balik-Aral:
bagong aralin Mekaniks: Ang mga mag-aaral ay mabibigyan ng emoji na
nagpapakita ng masaya at malungkot na mukha. Kanilang
itataas ang masayang emoji kapag sa tingin nila ay tama ang
pangungusap at malungkot naman kapag mali.
Panuto: Itaas ang :) kapag tama at :( kapag mali ang
pahayag.
1.
2.
3.
4.
5.

A2. Pagbabaybay
Mekaniks: ang guro ay magpapa
Panuto:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Hating-gabi 1. Tuwing hating gabi ay lumalabas ang .
2. Naluoy 2. Ang mga dahon ng halaman nang
3. Dampang prinsesa ay naluoy dahil sa init ng panahon.
4. Balabal 3. Ang mangkukulam ay nakatira sa
dampang sa gitna ng kagubatan.
5. Karwahe
4. Ang suot ng binata na balabal ay
mahiwaga.
5. Ang prinsesa ay sumakay sa karwahe.
A3. Pag-alis ng sagabal
Unlocking of difficulties

Mekaniks: ang guro ay maglalagay ng isang work sheet na


naglalaman ng mga litrato at salita. Baabasahin ng guro ang
ibig sabihin ng salita at iaayon ng mga mag-aaral ang lsalita
sa litrato.

Panuto: Makinig ng maigi sa depinasyon ng salita at iugnay


ito sa tamang litrato.

SA PANAHON NG ARALIN
B. Pagtatatag ng layunin para sa aralin B1. Pagganyak
Mekanik: Ang buong klase ay tatayo at bobou ng isang pila at
maglalagay ang guro ng mga letra sa harapan, kung saan tatayo
ang mga mag-aaral kung iyon ang kanilang sagot pagkatapos
magsabi ng isang situasyon at mga opsiyon ang guro.

Panuto: Piliin ang angkop na mensaheng nais ipabatid sa


sumusunod na sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Nais niyo ng nakababatang kapatid mo na pumunta sa bahay ng


kaibigan niyo. Nang maalala mo na sabi ng nanay niyo na “ kapag
gusto niyo na pumunta makipaglaro sa ating kapitbahay ay
magpaalam muna kayo sakin”. Ano ang ibig sabihin nito?
A . Huwag magpaalam
B. Pumunta ng mag-isa at iwan ang kapatid
C. Magpaalam sa magulang bago umalis C

2. Pumasok kayo ng Kaibigan mo sa library ngunit pagpasok sa


pinto ay nabasa mo ang: "Bawal magingay dito." Ibigay ang ibig
sabihin ng nabasa.
A. Magingay sa loob
B. Manahimik at huwag maginay
C. Hindi na papasok

B2. Pagganyak na Tanong


Related to the story
Mekaniks:
Sa ating babasahin na kuwento, bakit nawawala ang prinsesa
tuwing hating gabi?
1. Umupo ng maayos
B3. Pagbibigay ng Pamantayan sa Pagbasa 2. Hawakan nang maayos ang kopya gamit ang dalawang kamay
Ano ang mga pamantayan para sa tahimik na pagbasa? 3. Magbasa gamit ang iyong mga mata at huwag igalaw ang iyong mga labi.
4. Alamin ang mahirap na salita.
5. Unawain ang iyong binasa.
6. Kunin ang diwa ng kuwento.
B4. Pagbasa ng kuwento
Reading proper story
Ang Nawawalang Prinsesa
Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang
makapagsabi kung saan siya pumupunta. Nagpabalita
na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan
tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng
kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa
prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang
magbabantay, pupugutan siya ng ulo.

Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi


lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa
napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay
nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala
ang prinsesa sa hating-gabi.

Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may


isang dampang tinitirhan ng isang matandang
mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng
binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang
tulungan nito. Ngayon naman, ang binata ang humihingi
sa kanya ng tulong. “Maganda pong talaga ang prinsesa
kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya.”
Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag
kanyang isinampay sa mga balikat niya ay hindi siya
makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at
pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam.

Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng


prinsesa at handang magbantay. Biglang nabuksan ang
pinto at tumambad sa kanyang paningin ang
napakagandang binibini. May iniabot sa kanyang isang
basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa ay
kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy
agad ang mga dahon ng halaman. Nagkunwaring
natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin.

Nang maramdaman niyang lumabas sa silid ang


prinsesa, isinoot niya ang mahikang balabal at sinundan
niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na
palabas sa palasyo.Sumakay sa isang naghihintay na
karwahe ang prinsesa. ‘Di nito alam ay kasama ang
binata dahil hindi niya nakikita ito. Nagtuloy sa isang
malayong gubat ang karwahe.

Sa gitna ng mga kahuyan huminto ito at bumaba ang


prinsesa. Nakipag-sayaw siya sa mga gitanong
nagkakaipon doon at nagsasaya. Sa likod ng isang
puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at
naglagay ng maskara. Nilapitan niya ang prinsesa at
sila’y nagsayaw.

Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang mapagod ang


dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng
sapatos.Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis
na ang karwahe at sila’y bumalik sa palasyo.

“Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa


hating-gabi?” tanong ng hari nang humarap sa kanya
ang binata kinaumagahan.“Opo, Mahal na Hari!
Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-
gabi. Ito po ang katunayan. Itong halos warak nang
sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan
matapos na makasayaw siya.” Ipinatawag ng hari ang
prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang
nagpakita ng katunayan.

Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging


asawa ang binata, ngunit nang ilagay nito ang maskara,
nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang
nagdaang gabi. Tumugtog ang banda at masuyong
niyaya ng binata na magsayaw sila ng prinsesa na
masaya namang yumakap sa kanya.

Aral: Maging masunurin sa magulang at iwasang gumawa ng mga


bagay na ikalulungkot o ikagagalit nila. Huwag aalis ng bahay ng hindi
nagpapaalam o walang nakakaalam kung saan ka pupunta. Marami
nang napahamak sa ganitong gawain. Kilalanin muna ang isang tao
bago ito husgahan. Ang mabilis na paghatol sa iba ay maaring
magdulot ng sakit sa kalooban nila.

C Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin C1. Pagsusuri ng pag-unawa

Mekaniks: Ang bawat kahon sa monopoly-style board ay


naglalaman ng mga tanong. Ang mga mag-aaral ay hahatiin
sa apat na grupo, at bawat isa ay magpapagulong ng die.
Ang pangkat na nakakuha ng pinakamataas na bilang sa die
ang magiging unang manlalaro. Ang unang grupo ay
gugulong, at ang bilang na kanilang makukuha ay tutukuyin
kung gaano karaming mga galaw ang kanilang gagawin sa
pisara. Babasahin ng guro ang tanong, at pipili sila kung sino
ang unang sasagot, ngunit kailangang tumugon ang bawat
miyembro ng pangkat. Maaaring gamitin ng susunod na
grupo ang pagkakataong tumugon kung hindi ito magawa ng
napiling indibidwal. Ang unang makakarating sa finish line
ang siyang panalo, at magpapatuloy ang laro hanggang sa
maabot ng lahat ang finish line. Ang mga tanong na natitira ay
ibibigay sa mga hindi sumagot at maaari silang pumili.
C2. Paglalahad

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
3. Sino ang nawawala gabi-gabi sa kuwento?
4. Ano ang ginawa ng hari para malam kung bakit nawawala
ang prinsesa gabi-gabi?
5. Ano ang ibigay ng hari sa makakapagsabi kung bakit
nawawala ang prinsesa sa gabi-gabi? Ano ang mangyayari
sa mga nabigo?
6. Marami ba ang nagtanka na makipagsapalaran?bakit?
7. May nakapagsabi ba kung bakit nawawala ang prinsesa
tuwing gabi?
8. Sino ang nakatira sa kalagitnaan ng gubat?
9. Sino ang dumalaw sa mangkukulam?
10. Ano ang madalas gawin ng binata sa matandang
mangkukulam?
11. Ano ang hingi ng binata sa matangdang mgakukulam?
12. Bakit humihingi ng tulong ang binata sa matandag
mangkukulam? Tinulungan ba siya ng mangkukulam?
13. Kapag may tumolong sa inyo at humihingi siya ng
tulong? Bakit?
14. Ano ang ibinigay ng matanda sa binata?
15. Ano ang mangyayari kapag sinampay ng binata ang
balabal sa kanyang balikat?
16. Ano ang ibinilin ng matanda sa binata?
17. Nang bumukas ang pinto sino ang lumabas dito?
18. Ano ang inabot ng prinsesa sa binata?
19. Ano ang nagyari ng itapon ng binata ang inumin?
20. Ano ang ginawa ng binata ng makita ang nangyari sa
halam?
21. Sinundan ba ng binata ang prinsesa? Paano niya
sinundan ang prinsesa?
22. Saan dumaan ang prinsesa para makalabas sa palasyo?
23. Saan sumakay ang prinsesa? Nalaman niya ba na
kasama niya ang binata na sumakay sa karwahe?
24. Saan bumaba ang prinsesa? Ano ang ginawa niya dito?
25. Saan nagtago ang binata?
26. Ano ang ginawa ng binata upang maisayaw ang
prinsesa?
27. Ano ang halos mabutas dahil sa kakasayaw ng prinsesa?
28. Nasabi ba ng binata ang rason kung bakit nawawala ang
prinsesa tuwing gabi? Paano?
29. May katunayan ba na ipinakita ang binata? Anong
katunayan ito?
30. Paano nakilalang prinsesa ang binata?
31. Nagustuhan niyo ba ang kuwento? Bakit?
32. Sino ang paborito niyong karakter sa kuwento? Bakit?
33. Anong parte ng kuwento ang inyong nagustuhan? Bakit?
34. Ano ang pinaka problema sa kuwento at paano ito
naresolba?
35. Ano ang aral na mapupulot sa kuwento?
C2. Paglalahad

Mekanik: Ang guro ay maglalagay ng mga letra sa harapan


at magtatanong sa buong klase at base sa kulay ng damit sila
ang sasagot sa tanong.

PAKSA O TEMA

1. Mula sa kuwentong ating nabasa? Sino-sino ang mga


pangunahing tauhan?
2. Ano ang pinakaproblema sa kuwentong ating nabasa?
3. Paano ito naresolba ng binata?
4. Kapag ang inyong nanay ay sinabi na magpaalam muna
bago ka umalis sa bahay na makipaglaro ano ang gagawin
mo?

TEMA AT MENSAHE

1. Mula sa kuwento ng nawawalang prinsesa, ano ang


mensahe o aral na inyong napulot?
2. Sa mga aral na napulot niyo sa kuwento. Alin doon ang
ginagawa niyo?

D. Pagtalakay ng bagong
CONCEPT MAPS
Konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Activity based
(Discussing new concept and
practicing new skills #1) EXPOLER BASED ON THE DISSCUSION CAN BE OTHER
(EXPLORE) ACTIVITIES

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at pagalalahad ng


bagong kasanayan #2 REPORTING
(Discussing new concept and Activity based
practicing new skills #2) EXPLAIN THEIR OUTPUT FROM THE PREVIOUS ACTIVITY
(EXPLAIN) ORAL ASSEMENT THE ACTIVITY
PROCESS THE DISCUSSION 1
F. Paglinang sa kabihasaan (tungo sa formative Activity
assessment) PAIR ACTIVITY

Kapag ikaw ay nagbabasa ng aklat. Iniisip mo ba kung ito iba ang


naging desisyon ng karekter doon sa kuwento ano kaya ang
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay mangyayari. Naiisip mo rin ba kung ano ang nais ipabatid na aral o
(Finding practical/application mesha ng nabasa mo? Bakit?
of concepts and skills in daily living)
Kung gayon mahalaga ba na alam natin kung ano ang mensahe o Opo, kase mahalaga po ito para mas maintindihan ko ang kuwento.
tema at paksa binabasa?
Sa ating mga ginawang akitibidad ano ang mga hinahanap
natin sa kuwento?
H. Paglalahat ng aralin
(Making generalizations
and abstractions about the Ano ang paksa?
lesson)
(ELABORATE) Ano ang mensahe at tema?

I. Pagtataya ng aralin
(Evaluating Learning)
(EVALUATE)

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at


remediation.
(Additional activities for application or remediation)
(EXTEND)

You might also like